You are on page 1of 8

ANG MGA PANG-UGNAY AT MGA

PAHAYAG NA GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY NG SARILING
PANANAW
Pang-angkop
Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan.
 Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang
salita ay nagtatapos katinig maliban sa n. ( Hal. Natapos
na ang takdang aralin. Natapon na ang basura.)
 Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita.
Inihihiwalay ito. Naggigitnaan ito ng salita at ng
panuring.
Hal. Mapagmahal na tao
Pang-angkop
 Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa
titik n. Tinatanggal o kinakaltas ang n. at
ikinakabit ang -ng.
Hal. Huwarang mamamayan
 Ang pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang
unang salita ay nagtatapos sa mga patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.
Hal. Mabuting nilalang
Pang-ukol
• Ito ay kataga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan
sa iba pang mga salita sa pangungusap narito ang mga
kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.
sa ng
Kay / kina Alinsunod sa / kay
Laban sa / kay Ayon sa / kay
Hinggil sa / kay Ukol sa / kay
Para sa / kay Tungkol sa / kay
Pangatnig
Tawag sa mga kataga salitang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala o sugnay narito ang iba’t-ibang uri ng
pangatnig.
kung alin Sa halip Kung ano Siya rin Kung saan

Kung gayon datapwat subalit bagkus samantala

habang maliban bagaman kung Sa bagay

kundi kapag sakali sana pagkat

sapagkat kasi Kung kaya palibhasa dahil

sanhi ng anupa samakatwid Sa madaling


salita
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling
Pananaw
 kung ako ang tatatanungin nakikita ko…
 sa ganang akn…
 para sakin…
 palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong…
 anupa’t ang pananaw ko sa bagay na iyan ay…
 alinsunod sa… naniniwala ako
 lubos ang aking paniniwala sa…
 sabagay na iyan masasabi kong…

You might also like