Professional Documents
Culture Documents
I. LAYUNIN:
a. Nalalaman at natutukoy ang iba’t-ibang salik ng migrasyon ng mga mamamayan sa iba’t-
ibang lugar sa bansa at maging sa ibang mga bansa.
b. Nabibigyang kahalagahan ang mga salik ng migrasyon gaya ng pandarayuhan sa ibang lugar
sa bansa at panginngibang bansa.
c. Nakapagsasagawa ng iba’t-ibang presentasyon sa paksang tinalakay.
b. Pagganyak:
Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral patungkol sa kani-kanyang karanasan sa
paglipat ng tahanan o bahay at maging sa mga magulang/kapatid/pinsan na nagtatrabaho sa
ibang bansa at nakatira sa ibang bansa. Sa pamamagitan nito ay ibabahagi ng mga mag-aaral
sa klase ang karanasan na naibahagi sa kanila ng kani-kanyang mga mahal sa buhay na
nagtatrabaho o nakatira na sa ibang lugar sa bansa at maging sa ibang bansa.
Anu-ano ang inyong mga sariling karanasan noong kayo ay lumipat ng tahanan o bahay
gaya na lamang nang malipat kayo sa malalayong lugar sa bansa? May dahilan ba kung bakit
lumilipat ng lugar ang isang mamamayan?
c. Paglalahad:
Sa pamamagitan ng mga mag-aaral na naatasan ng guro na gumawa ng pagtalakay ng
paksang pag-aaralan na “migrasyon” sa pamamaraang reporting o pag-uulat nito sa harap ng
kanilang mga kamag-aral.
d. Paglalahat:
Pagbibigay linaw ng guro sa paksang tinalakay ng mga mag-aaral sa klase.
IV. PAGTATAYA:
Kumuha ng isang buong papel at sumulat ng isang sanaysay patungkol sa naging
kahalagahan ng mga natutunan niyo ngayong araw natapos na pagtalakay ng aralin.