You are on page 1of 23

Buhay Mo’t Buhay Ko

“Kalayaan”
May Tula at Awit ang Daloy ng Buhay
“Ang Dahon at ang Tao”
Week 3.5 Lesson: Filipino
MGA LAYUNIN:
 Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong
ng pangunahing kaisipan at mga
pantulong na kaisipan
 Naisusulat ang isang talatang
naghihinuha ng ilang pangyayari sa
teksto
 Nasusuri ang mga pahiwatig na salita na
ginamit sa paghihinuha ng mga
pangyayari
 Nasusuri ang mga pahiwatig na salita na
ginamit sa paghihinuha ng mga
pangyayari ayon sa proposisyong inilahad
Alam mo ba…

Ang sanaysay – ay isang sulating


gawain na kung saan ito’y kadalasang
naglalaman ng mga pananaw, kuro-
kuro, o opinyon ng isang awtor o
akda. Maipapahayag ng may akda
ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa.
Ito rin ay isang uri ng pakikipag
komunikasyon na ang ukol nito ay
maipabatid ang inyong saloobin sa
isang paksa o isyu.
Dalawang Uri ng
Sanaysay
 Pormal – Ang sanaysay na palana
na tinatawag din na impersonal ay
naghahatid ng mahahalagang
kaisipan o kaalaman sa
makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng mga materyales
tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling
paksang tinatalakay.
- Tinuturing din na maanyo sapagkat
pinag-aaralan ng maingat ang
piniling pananalita kaya mabigat
basahin. Pampanitikan din ito dahil
makahulugan, matalinhaga, at
matayutay ang mga pangungusap.
- Mapitagan ang tono dahil bukod sa
ikatlong panauhan ang pananaw ay
obhektibo o di kumikiling sa
damdamin ng may-akda. Ang tono
nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at
walang halong pagbibiro.
- Isang uri ng pormal na sanaysay ay
ang editoryal ng isang pahayagan.
Isa itong sanaysay na may opinyon
tungkol sa mga maiinit na mga
balita. Bagama’t may opinyon, ito ay
hindi ginagamitan ng unang
panauhan sa paglalahad.
 Di-pormal – ang sanaysay na di-
palana na tinatawag din na
personal o palagayan ay mapang-
aliw, nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa
mga paksang karaniwan, pang
araw-araw at personal.
- Idinidiin dito ang mga bagay-bagay,
mga karanasan, at mga isyung bukod
sa nakabakas ang personalidad ng
may-akda ay maaaring makiramay o
maging sangkot ang mambabasa sa
kanyang pananalita at parang
nakikipag-usap lamang ang may-
akda sa isang kaibigan, kaya magaan
at madaling maintindihan.
- Personal din ang tawag sa uring ito
dahil palakaibigan ang tono nito
dahil ang pangunahing gamit ay
unang panauhan. Subhektibo ito
sapagkat pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda ang
pananaw.
Mga Bahagi

1) Simula/Panimula – Ito ang


pinakamahalaga na bahagi dahil
dito ang inaasahan kung
ipagpapatuloy ng mambabasa sa
kanyang binabasang sulatin.
Dapat makuha ng akda ang
atensyon at damdamin ng
mambabasa.
Mga Bahagi

2) Gitna/Katawan – Dito naman sa


bahaging ito mambabasa ang mga
mahalagang puntos o ideya ukol
sa paksang pinili at sinulat ng
may-akda. Dito rin natin
malalaman ang buong puntos
dahil ipinaliwanag ng maayos at
mabuti ang paksang pinag-
uusapan o binibigyang pansin.
Mga Bahagi

3) Wakas – Sa bahaging ito isinasara


ng akda ang paksang nagaganap
sa gitna o katawan ng isinulat
niya. Dito rin naghahamon ang
akda sa mga isip ng mga
mambabasa na maisakatuparan
ang mga isyung tinatalakay niya.
Mga Babasahin:

Panitikan (Sanaysay)
 Kalayaan, pahina 83-84
 Ang Dahon at ang Tao, pahina 92-
93
 Paghandaan ang mga sumusunod
na tanong sa akdang babasahin,
buksan ang aklat sa pahina 85
“Talakayin Natin” at pahina 93
“Talakayin Natin”.
Gabay na Tanong
(Kalayaan)
1) Ayon sa may-akda, ano ang
kaibahan ng kalayaan at malaya?
Magbigay ng sariling
pakahulugan.
2) Bakit niya sinabing
pinakamahalagang biyayang
ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang
kalayaan? Ano ang sinangkap niya
sa atin upang magkaroon tayo ng
ganap na kalayaan?
Gabay na Tanong
(Kalayaan)
3) Kailan natin sinasabing may
hangganan ang kalayaan?
Magbigay ng mga halimbawa
nito.
4) Ano ang kaibahan ng kalayaan ng
hayop sa tao? Ipaliwanag sa
pamamagitan ng halimbawa nito.
Gabay na Tanong
(Kalayaan)
5) Ano ang kaibahan ng Karapatan
sa kasalanan? Ano ang maaaring
maging bunga ng bawat taong
pinahahalagahan ang kanyang
karapatan at sa taong hindi ito
pinahahalagahan?
6) Ano ang tinatawag na human
rights? Ilahad kung nasusunod ito
sa ating bansa. Sino ang nag-
aalaga ng ating mga karapatang-
pantao?
Gabay na Tanong (Ang
Dahon at ang Tao)
1) May pagkakatulad marahil ang
katangian ng dahon at ng tao.
2) Kung hindi magtutulungan ang
mga tao baka dumating ang araw
ng ating pagkakawatak-watak.
3) Marami tayong bungang-isip na
sa palagay ko ay hindi
makatutulong sa ating pag-unlad.
Gabay na Tanong (Ang
Dahon at ang Tao)
4) Maraming mga Pilipino ang
maaaring bawian ng buhay dahil
sa pagtatanggol sa bayan.
5) Susulong ang ating ekonomiya
kung lahat ay makikiisa sa mga
proyekto ng bagong
administrasyon.
Wika at Gramatika

Paggamit ng pahayag sa
paghihinuha ng mga pangyayari,
ph. 87
https://www.youtube.com/watch?v=
btdBtBNoJt0

 Paggamit ng mga pang-ugnay sa


pagbubuo ng proposisyon, ph. 96
https://www.youtube.com/watch?v=
fafM1CXLp0k
Pagnilaynilayan

Paano magiging malaya ang mga


likas na yaman sa mga masasamang
nilalang katulad ng mga taong
mapang-abuso sa kalikasan?
Mga Gawain

 Linangin Natin
 Gawain 3, Pahina 88-89 – Sumulat ng
mga pahayag na naghihinuha sa
maaaring mangyari batay sa
sumusunod na mga sitwasyon.
 Gawain 1, Pahina 96-97 – Tukuyin ang
mga pangungusap sa kabilang pahina
ay nagsasaad ng prosposisyong
katunayan o proposisyong patakaran.
Isulat sa linya ang sagot.

You might also like