You are on page 1of 4

Mga Halimbawa ng Pagsusulit sa Panitikan

LAWAK KASANAYAN/KAALAMANG URI NG PAGSUSULIT


TATAYAIN

1.Impormasyong Pampanitikan 1. Kaalaman hinggil sa mga 1. Obhektibo


(Literacy Information) sumusunod:
1.1 buhay ng may-akda 1.1 pagsusulit na may
1.2 kalikasan at kapaligiran pagpipiliin
1.3 panahon ng pagkakasulat 1.2 pagpuno sa patlang
ng akda

2. Pag-unawa sa teksto
2.1 Literal
2.2 Pagpapakahulugan 2. Obhektibo
2. Pagpapakahulugan/Pag- 2.3 Mapanuri
unawang pampanitikan 2.4 Integratibo o
paglalangkap

3. Paggamit ng mga tala


3. Pagtugon salitaang pampanitikan
kaugnay ng mga
sumusunod:
3.1 pagbuo ng mga 3. Sanaysay
ideya/kaisipan -pasalita
3.2 pagpapakahulugan ng -pasulat
mga binasa
3.3 Pagsusuri ng akda

KLASIPIKASYON NG MGA KASANAYAN SA PAGBASA/PANITIKAN

A. LITERAL
-Nakatuon sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa babasahin ang mga
kasanayang kaugnay ditoy maaaring payak (1-3) o di kayay masalimuot (4-6).

1. Pagtiyak sa detalye
2. Pagtukoy sa mga paksang diwa
3. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari
4. Alusyon sa mga salita, tao, lugar o pangyayari
5. Pagbabalangkas-(ginagamit ang tuwirang pahayag o paraphrased statements)
B. PAGPAPAKAHULUGAN/INTERPRETASYON

1. Natutukoy ang mga kaisipan ng akda na di-tuwirang inilahad


2. Nahuhulaan ang susunod na pangyayari; nakapagbibigay ng hipotesis,
3. Nabibigyang kahulugan ang kilos, gawi at salita ng mga tauhan
4. Nahuhulaan ang kalalabasan ng pangyayari
5. Nabibigyan-kahulugan ang mga tayutay at mga simbolo
6. Natutukoy ang mga impresyong kaugnay ng pandamdamin, tono, o himig ng mag-akda
7. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

C. MAPANURI/KRITIKAL NA PAGPAPAHALAGA

1. Nasusuri ang pagkamakatotohanan o di-makatotohanang mga pangyayari sa akda


2. Nasusuri kung katotohanan o opinion ang inilahad sa akda
3. Nasusuri ang kasangkapan ng mga kaisipan o pangyayari
4. Napapahalagahan ang antas ng pagtanggap ng mga ideya, kaisipang inilahad sa akda.

D. INTEGRATIBO(PAGLALANGKAP) MALIKHAING PAGBASA


Kasangkot ditto ang personal na pananaw, saloobin at pagpapahalaga(valuing) sa
liwanag ng sariling karanasan sa pagbasa.

II. Talasalitaan

A. Ayon sa pagkakagamit ng akda


B. Ayon sa ibat ibang antas ng pagpapakahulugan
C. Kasingkahulugan at kabaliktaran
D. Konotasyon
E. Denotasyon

III. PAGPAPAHALAGANG ESTETIKO(AESTHETIC APPROACH)


1. Pagtugong emosyunal sa nilalaman
-paglalahad ng damdamin hinggil sa kawilihan, pagiging masigla, pagkabagot,
pagkainis atbp.

2. Pagpapalagay ng sarili sa mga tauhan at mga pangyayari sa akda

-tatayain ditto kung paanong ang isang mambabasa ay nagging sensitibo sa mga kilos
at gawaing tauhan at pangyayari sa akda.
3. Imahen

-naipapahayag ng mag-aaral ang kanyang damdamin kaugnay ng mga masining na kaparaanang


ginagamit ng may akda upang Makita, maamoy at malasahan ang mga pahayag/kaisipang inilahad sa
akda.

MGA HALIMBAWANG AYTEM NG PAGSUSULIT SA PANITIKAN

A. KASANAYAN: Natutukoy ang damdaming namamayani sa mga sumusunod na pahayag.


Panuto: Isulat ang titik ng salitang angkop sa paglalarawan ng damdaming masasalamin sa
bawat pahayag.
A. Pagkatakot
B. Panganib
C. Pagkatuwa
D. Paninimdiman
___1.Bakit hatinggabi nay hindi pa sila dumarating.
___2. E, alam po ninyo, talagang hindi kop o magagawa, baka

B. KASANAYAN: Pagbibigay kahulugan sa mga matalinghagang pahayag.


Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin at isulat ang titik na angkop na
pagpapakahulugan sa bawat bilang.

1. Mababanaag mo na ang kanyang mga paningin ay may ulap na kung itingin.


A. Magulong pag-iisip
B. Malabong alaala
C. Malabong mata

C.KASANAYAN: Natutukoy ang mga talinghaga(tayutay) na nakapaloob sa babasahin

Panuto: Basahin ang mga taludturang hango sa mga kontemporaryong awitin. Piliin at
tukuyin ang titik ng tayutay na nakapaloob dito.

1. Huwag, huwag mo akong ibibitin


Baka ako kalawangin,
Parang pakong binasat iniwan sa hangin
A. Simili
B. Metaphor
C. Hiperbole
D. Personipikasyon

D.Panuto: Basahin ang tula. Piliin sa mga pagpipiliang sagot ang titik ng sa
palagay moy tamang sagot sa tanong.

Maynila
Bienvenido Ramos
sa pagkakaluhod, ang isang bangketa

1. Ano ang ipinapahiwatig ng salitang bangketa sa unang taludturan?

A. Hirap at problema
B. Tindero at tinder
C. Dumi at basura
D. Masilip at madilim

You might also like