You are on page 1of 14

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T-IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestre - Ikatlong Kwarter
Ikalawa - Ikatlong Linggo

Development and Quality Assurance Team


Developer: Marie Jade M. Sebuala and Rosemarie V. Durango
Evaluator: Carlos Tian Chow C. Correos
Learning Area Supervisor: Carlos Tian Chow C. Correos

Illustration Credits:
Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Graphics: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
gamit ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong
binasa.
(F11PS-IIIb-91, F11PU-IIIb-89)

Layunin:
Pagkatapos ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

A. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang


tesktong binasa.
B. Nakasusulat ng mga halimbawa ng katangian at kalikasan ng
iba’t ibang tesktong binasa.
C. Napapahalagahan ang mga katangian at kalikasan ng mga
tekstong tinutukoy sa paksa.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Alamin…

MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN

TEKSTONG DESKRIPTIBO

KAHULUGAN
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga
impresyon at kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng
pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at panlasa, itinatala ng
sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang
nararanasan.
LAYUNIN
Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng
isang bagay, pangyayari o kaya naman ay makapagbigay ng isang
konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o pangyayari.

TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-


piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t
ibang paksa.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay
hindi nakabatay sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga
datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o
pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol
sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik o
pag-aaral ukol dito.

Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga


pahayagan o balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga
pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba’t
ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong impormasyon,
bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong
impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin nitong magbigay ng
mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-
agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang
paksa o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang
sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo

Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng
tekstong impormatibo: mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa,
maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa
buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay.

Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng
tekstong impormatibo ang pangunahing ideya sa mga mambabasa
sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o
tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na
makita at malaman ng mga mambabasa ang pangunahing ideya
ng babasahin.

Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong
na kaisipan o mga detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng
mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.

TEKSTONG NARATIBO
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng
mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar
at panahon o sa isang tagpuan na may maayos na pagkasunod-
sunod mula sa simula hanggang katapusan.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Mga Layunin ng Tekstong Naratibo:
1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o
nakapagbibigay-aliw at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.

Mga Halimbawa:
1. Maikling kuwento
2. Nobela
3. Kuwentong-bayan
4. Mitolohiya
5. Alamat
6. Tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng
kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction.

Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo

1. Tauhan - ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo


ang pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito.

Paraan Sa Pagpapakilala Ng Tauhan

a. Expository - ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o


maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at
b. Dramatiko - kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kaniyang
pagkilos o pagpapahayag

Karaniwang Tauhan

a. Pangunahing Tauhan – bida; umiikot ang mga pangayayari sa


kuwento simula hanggang sa katapusan
b. Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan
c. Katunggaling Tauhan – kontrabida; siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan
d. Ang May-akda - sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.

2. Tagpuan at Panahon - tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan


naganap ng mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon
(oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran
nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng
pagdiriwang, takot, romantikong paligid, matinding pagod,
kalungkutan at iba pa.

3. Banghay - maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari


sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang
taglay ng akda.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
4. Paksa o Tema - sentral na ideya kung saan umiikot ang mga
pangyayari sa tekstong naratibo.

TEKSTONG PROSIDYURAL
Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye o mga
hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang mga
inaasahan. May pagkakataon sa ating buhay na nais nating
matutunan kung paano gagawin ang isang bagay, halimbawa-ang
wastong pagluluto ng adobong manok. Datapuwa’t may mga iba’t
ibang babasahin na maaari nating mapagkukunan ng impormasyon.
Ang mahalaga ay nauunawaan ang tekstong binasa lalong-lalo na
ang mga salitang ginamit sa teksto.
Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksiyon upang
ligtas, mabilis, matagumpay, at maayos na maisakatuparan ang mga
gawain.
Halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng Tekstong Prosidyural
a. manwal sa paggamit ng kasangkapan o mekanismo
b. resipi
c. gabay sa paggawa ng mga proyekto
d. mga eksperimentong siyentipiko
e. mekaniks ng laro
f. mga alintuntunin sa kalsada
Uri Kahulugan Deskripsyon
Paraan ng Pagluluto Nagbibigay ng panuto sa Recipe ng adobong Manok
(Recipes) mga mambabasa kung
paano magluto. Sa paraan Hal. Igisa ang bawang
ng pagluluto, kailangan ay hanggang sa magkulay
malinawang pagkakagawa kape at saka ihalo ang
ng mga manok.
pangungusap at maaring
ito ay magpakita rin ng
mga larawan.
Panuto Nagsisilbing gabay sa mga Pagsagot sa isang lagumang
mambabasa kung paano pasulit.
isagawa o likhain ang isang
bagay. Hal.Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
Panuntunan Nagbibigay sa mga Panuntunan sa paglalaro ng
sa mga Laro manlalarong gabay na Speak Takraw
dapat nilang sundin.
Hal.Bawal hawakan ang
bola. Paa, ulo, balikat,
dibdib, tuhod, hita at binti
lamang ang maaaring
gamitin.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Mga Eksperimento Sa mga eksperimento, Karaniwang ginagawa
tumutuklas tayo ng mga sa Agham na asignatura.
bagay na hindi pa natin
alam. Karaniwang Hal. Paggawa ng “Egg
nagsasagawa ng Lamp”
eksperimento sa siyensya
kaya naman kailangang
maisulat ito sa madaling
naiintindihang lennguwahe
para matiyak ang
kaligtasan ng
magsasagawa ng gawain.
Pagbibigay Mahalagang magbigay Pagtuturo ng direksyon
ng Direksyon tayo ng malinaw na ng isang lugar.
direksyon para makarating
sa nais na Hal.Ang bahay nila
destinasyong tatahakin. Ana ay malapit lamang
sa palengke.

TEKSTONG PERSUWEYSIB
Kahulugan
Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.
Mga Layunin
1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang
makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilalahad
3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng
damdamin o simpatiya ng mambabasa
Mga Katangian
1. May subhetibong tono
2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas,
propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang
samahan o networking

Elemento Ng Panghihikayat Ayon Kay Aristotle


1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/
Tagapagsalita Ang salitang ethos ay salitang Griyego na
nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa
salitang “Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin
ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
ng nakikinig. Ang elementong ethos ang magpapasiya kung
kapani-paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang
tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat. Madaling
mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay
kilalang may pag-uugali, maayos kausap, may mabuting
kalooban, at maganda ang hangarin.

Halimbawa:
Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin
ang isang isla sa Pilipinas.

2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng


manunulat/ Tagapagsalita. Ang salitang Griyego na logos ay
tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan din itong
panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito
sa pagiging lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang
sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na
ito ay totoo. Sa ating lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa
lohika at pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang
mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at
pasaklaw (Inductive).

Halimbawa:
Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon
dahil ang sabon na iyon ay makakaputi.

3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig


Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa
emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May
kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil
mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga
ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang
impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa
pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang pinakamabisang
motibasyon upang kumilos ang isang tao.

Halimbawa:
Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso
tulad ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang
mahikayat silang pumanig sa manunulat.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Mga Propaganda Devices
Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto
ang isang kandidato ay isang bagay na dapat ay masusing
pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang mga patalastas sa
telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin ay kinakailangang
makapukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga eksperto
sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginamit na
propaganda device. Ating alamain kung ano-ano ito:

- Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi


magandang puna o taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang
ginagamit ito sa mundo ng politika.

Halimbawa:
Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
- Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at
nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong
tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.
Halimbawa:
Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas
magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.

- Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad


upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.

Halimbawa:

Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand

- Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay


tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.

Halimbawa:

Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa


ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita
ng ebidensiya.

Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya


ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng
sambayanan ang kanyang kapartido.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
- Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o
komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay
pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto,
produkto, o serbisyo.

Halimbawa:

Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng


magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at
galing rin sila sa hirap.

- Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng


magagandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian.

Halimbawa:

Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa


pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng
sakit sa bato at UTI.

- Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat


na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat
dahil ang lahat ay sumali na.

Halimbawa:

Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

GAWAIN 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga sipi sa ibaba. Tukuyin kung anong uri ng
teksto ang bawat bilang batay sa katangian at kalikasang ipinapahayag sa
sipi. Isulat ang salita o grupo ng mga salita sa sagutang papel.
1. Sa mga bulubundukin ng Timog Cotabato ay naninirahan ang isang
pangkat- etnikong kung tawagin ay T’boli. Mapayapa sila at di
mapaghinala sa mga dayuhan. Sila ay may sariling kalinangan at
paraan ng pamumuhay. Mapalamuti at makulay ang kanilang
kasuotan. Ang hikaw, kuwintas, at makulay na make-up ay pahiyas
ng kanilang katauhan. Sa lahat ng mga tribu sa Pilipinas, ang T’boli ay
maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa kasuotan at
hiyas at katawan.

2. Araw-araw ka bang tinutuksong naligo sa uling? Nais mo bang


pumuti ang iyong balat ngunit hindi gumastos ng malaki? Narito na
ang solusyon ng inyong problema - ang calasoap.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
3. PANUTO SA PAGSASAING NG KANIN: magtakal ng isa hanggang
dalawang basong bigas at ilagay sa rice cooker 2- banlawan ang
bigas tatlo hanggang apat na beses 3- maglagay ng malinis na tubig
na kasukat ng bigas 4- bago ilagay sa pagsasaingan, punasan ang
ilalim 5- isaksak ang rice cooker at takpan.

4. Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo


niyang mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga
anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa
kainggit inggit niyang katawan at taas. Halimbawa #2 Ang
kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa
nag-iinit na noo ni Danding. (Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G.
Reyes).

5. Si Malakas at Si Ganda

6. “Covid Updates sa buwan ng Marso”

7. Kulang po ang aking panahon ngayon upang ilahad ang


kabuoan ng aking mga mithiin at adhikain. Sa mga susunod na
araw, ihahain ko po ang isang komprehensibong programa na
nakasentro sa simpleng prinsipyo at paniniwala: walang
maiiwang Pilipino at walang maiiwang lugar sa Pilipinas. Sabay-
sabay tayong aangat at sama-sama tayong uunlad!

8. Mga paraan sa Pagluluto ng sinigang na baboy.

9. Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko.

10. Paksa: Dapat ba o di dapat ipatupad ng Programang K-12 bilang


sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
GAWAIN 2
Panuto: Sa nabanggit ng mga uri ng teksto, magbigay ng tig - isang
halimbawa nito. Isulat sa kahon ang inyong mga kasagutan.

TEKSTONG DESKRIPTIB/HALIMBAWA
1.

TEKSTONG NARATIB/ HALIMBAWA


1.

TEKSTONG PROSIDYURAL/ HALIMBAWA


1.

TEKSTONG PERSUWEYSIB/ HALIMBAWA


1.

TEKSTONG ARGUMENTATIB/ HALIMBAWA


1.

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Bakit mahalagang matutunan ang mga katangian at kalikasan ng
iba’t ibang akademekong sulatin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Pagsusulit

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat ang ideyang
nakapaloob na ginamit sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Ano ang kahalagahan ng tekstong impormatibo sa pang-araw araw


nating pamumuhay.?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano nakakatulong ang tesktong prosidyural sa mga pamamaraan o


mga hakbang sa pagbuo ng isang Gawain.?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Gamit ang tekstong Persuweysib paano mapukaw ang damdamin ng


mambabasa o tagapakinig na iyong nais ilahad?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Gaano kahalaga ang ating mga pandama upang maipayag sa mga


mambabasa ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang
nararanasan sa buhay.?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. BAkit mahalaga ang tesktong naratibo sa mga pangyaring naganap


sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan.?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Susi Ng Pagwawasto

GAWAIN 1

1. Tekstong Deskriptibo
2. Tekstong Persuweysib
3. Tekstong Prosidyural
4. Tekstong Deskriptibo
5. Tekstong Naratibo
6. Tekstong Impormatibo
7. Tekstong Persuweysib
8. Tekstong Prosidyural
9. Tekstong Naratibo
10. Tekstong Argumentatibo

Gawain 2

✓ Maaring magkakaiba ang sagot sa paliwanag

Pagsusulit

✓ Maaring magkakaiba ang sagot sa paliwanag

MGA SANGGUNIAN

MGA AKLAT

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat. Manila: Komisyon ng Wikang


Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline. Quezon City: Great Book Publishing, 2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya


Publishing House, 2011.

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.,
2016.

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa ‘Pananaliksik.


Manila: REX Bookstore,

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

INTERNET

https://philnews.ph/2020/02/25/halimbawa-ng-tektstong-impormatibo-mga-
halimbawa-ntio/ /

https://www.slideshare.net/JoevellAlbano/tekstong-naratibo-86164066

https://www.slideshare.net/marlonorienza/tekstong-deskriptibo

www.elcomblus.com/ang-tekstong-deskriptibo

https://brainly.ph/question/494107

https://www.slideshare.net/maricelpanganiban/tekstong-persweysiv-o-
nanghihikayat

https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830

https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyong_Kaala
man

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.

You might also like