You are on page 1of 6

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t-ibang Teksto sa
Pananaliksik
Ikatlong Kwarter
Ikaapat – Ikalimang Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Marie Jade M. Sebuala


Rosemarie V. Durango

Evaluator: Carlos Tian Chow C. Correos


Learning Area Supervisor: Carlos Tian Chow C. Correos
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Kasanayang pampagkatuto:
Nagagamit ang “cohesive devices” sa pagsulat ng sariling
halimbawang tesksto.
(F11WG-IIIc-90)

Layunin:
Pagkatapos ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:i

A. Natutukoy ang “cohesive devices” o kohesyong gramatikal sa


pangungusap.
B. Nakakasulat ng mga sariling halimbawa ng “cohesive devices” o
kohesyong gramatikal sa pangungusap.
C. Napapahalagahan ang kohesyong gramatikal sa pamamagitan
ng pagpapaliawanag sa nauunawaan sa natalakay.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Alamin…

KOHESYONG GRAMATIKAL (COHESIVE DEVICES)

Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita,


parirala at sugnay. Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit
na ginagamit sa isang texto o pahayag.

Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip


tulad ng siya, niya, kanila, at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang
humalili sa pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.

Ito rin ay mga salita or parirala na ginagamit sa pagpapahayag at


pagsusulat para magbigay kalinawan sa ibig ipahiwatig na kaalaman at
damdamin. Nagsisilbi rin itong pandugtong sa mga sugnay at parirala para mabuo
ang ideya. Ang mga halimbawang at saka, marahil, samantala, at bilang
karagdagan ay kabilang din sa tinatawag na pangatnig.

Mga Halimbawa ng “cohesive devices”:

Panghalili sa mga nga pangalan ng tao :

Siya Sila Tayo

Kanila Kaniya

Panghalili sa mga nga pangalan ng lugar:

Dito Diyan Doon

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
1
DALAWANG URI NG “COHESIVE DEVICES”

1. Anapora o sulyap na pagbalik - panghalip na ginagamit sa hulihan bilang


pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap o talata.

Halimbawa:
a. Sa paglalakad ni Ana sa bukirin, nabatid niya na siya na ay naliligaw.

2. Katapora o sulyap na pasulong- tawag sa mga panghalip na ginagamit sa


unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng
pangungusap o talata.

Halimbawa:
Dito ang lugar kung saan ako nagmula, ang bayan ng San Miguel.

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga salitang tumutukoy sa kohesyong gramatikal
na ginagamit sa mga pangungusap. Sabihin kung ito ay Anapora o Katapora. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil
sila’y totoong nagagandahan dito.

2. Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos


Palmas Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.

3. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga
turista’y totoong nagagandahan dito.

4. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos


Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya
itong pasyalan.

5. Si Mar Roxas ay nagsulong ng batas upang bumaba ang presyo ng gamot.


Nais niyang matulungan ang mga mahihirap.

6. Doon ay malamig mamasyal. Sa Baguio ay maraming magagandang


pasyalan.

7. Hindi lamang bilang isang kaibigan ang nararamdaman ni Juan kay Maria
kundi mas higit pa. Matagal na niyang nararamdaman ito at gusto na
niyang umamin.

8. Isa sa mga panlipunang sakit ng mga Pilipino ay pagkakaroon ng kaisipang


kolonyal kung kaya tayo ay nawawalan ng pagpapahalaga sa ating lahi.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
2
9. Sa pagtaas ng mga bilihin ngayon mas lalong tayong naghihirap dahil sa
pandemyangb lumaganap ditto sa ating bansa.

10. Doon sa bansang India ang Covid -19 ay mabilis na lumaganap kung kaya
sila ay agad na umasiyonat nagging alerto sa mga patakaran sa kanilang
gobyerno.

Gawain 2
Panuto: Batay sa natalakay bumuo ng sariling halimbawa ng mga mga
pangungusap gamit ang mga uri ng “cohesive devices”
o kohesyong gramatikal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

URI NG COHESIVE DEVICES O PANGUNGUSAP


KOHESYONG GRAMATIKAL
1
2
ANAPORA
3
4
5
1
2
KATAPORA
3
4
5

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang “cohesive devices”
o kohesyong gramatikal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Gaano kahalaga ang kohesyong gramatikal bilang panghalili sa


pangngalan ng tao , lugar mga pangyayari sa isang pangungusap.

2. Bakit sinasabing ang kohesyong gramatikal ay ginagamit sa


pagpapahayag at pagsusulat para magbigay kalinawan sa ibig
ipahiwatig na kaalaman at damdamin. Sa anong paraan?

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
3
Pagsusulit

Panuto: Mula sa paksang ibinigay, gumawa ng sariling teksto gamit ang mga
cohesive devices sa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.

Paksa:
1. Ang agarang pagbabakuna upang masugpo ang paglago ng COVID-19
Pandemic

Mga cohesive devices na gagamitin:

1. Marahil
2. Samantala
3. At saka
4. Bilang Karagdagan
5. Hindi lamang
6. Bukod sa
7. Dahil sa
8. Kapag
9. Dahil dito
10. Para sa

Susi ng Pagwawasto

GAWAIN 1
1. Sila’y
2. Kanya
3. nilang
4. siya
5. niyang
6. doon
7. niyang
8. tayo
9. tayong
10. sila

Gawain 2
Maaring magkakaiba ang sagot sa paliwanag

Gawain 3
Maaring magkakaiba ang sagot sa paliwanag

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
4
MGA SANGGUNIAN

MGA AKLAT

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat. Manila: Komisyon ng Wikang


Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline. Quezon City: Great Book Publishing, 2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya


Publishing House, 2011.

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.,
2016.

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa ‘Pananaliksik.


Manila: REX Bookstore,

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Internet:

https://www.sunstar.com.ph/article/404657

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/

https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830

https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyong_Kaalaman

https://www.senore.com/Anu-ano-ang-cohesive-device-sa-pilipino-q122213

brainly.ph/question/621128

brainly.ph/question/693804

brainly.ph/question/479012

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
5

You might also like