You are on page 1of 39

Ama Namin

Ama namin, sumasalangit Ka.


Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
AMEN
Tekstong
Impormatibo
Simulan Natin!
Panuto:
Gusto mong bumili ng aklat kasama ang
iyong kaibigan sa bookstore ngunit sapat
lang sa isang babasahin ang pera mo. Alin
sa sumusunod ang bibilhin mo? Isulat ang
numero sa iyong papel.
Simulan Natin
1.Aklat na di piksyon tungkol sa pang-
araw-araw na paksa sa buhay tulad ng
pakikiangkop sa iba o kung paano
makapag-move on sa anumang problema
(tinatawag din itong self-help books)
Simulan Natin!
2.Aklat tungkol sa hayop, halaman, at iba
pang nabubuhay sa mundo

3.Aklat tungkol sa natatangi at kagila-gilalas


na mga tunay na pangyayari tulad ng Guinnes
Book of World Records o iba pang katulad na
aklat
Simulan Natin
4.Aklat tungkol sa paborito mong isports
5.Aklat tungkol sa pagbuo ng paborito mong
craft o libangan
6.Bagong nobelang nasa New York Times
Bestseller
Simulan Natin
7.Isang magasin
8.Kalipunan ng maiikling kuwento mula sa
paborito mong manunulat
9.Paperback edition ng isang nobelang una
mong nabasa sa WattPad
Simulan Natin
10.Talambuhay o memoir ng isa sa
mga hinahangaan mong tao

11.Iba pang uri ng aklat


Mga tanong:
1. Bakit ang aklat o babasahing ito ang
napili mo?
2. Ano ang naibibigay o naidudulot sa iyo
ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o
babasahin?
Alam Niyo Ba?
Sa pag-aaral ni Duke (2000), ang dahilan
kung bakit hindi gaanong nakapagbabasa
ng tekstong impormatibo ang mga mag-
aaral ay dahil limitado ang ganitong uri ng
babasahin sa kanilang paligid.
Alam Niyo Ba?
Sa pag-aaral ni Mohr (2006) napatunayang
kung mabibigyan ng pagkakataong makapalili
ng aklat ang mga mag-aaral sa unang baitang,
mas pipiliin nila ang aklat na di piksiyon kaysa
piksiyon.
Humigit-kumulang 85% sa mga mag-aaral ang
pumili ng aklat na di piksiyon.
Layunin ng pag-aaral na ito ngayon ay:
Natutukoy ang kahulugan at katangian
ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t
ibang uri ng tekstong binasa (F11PT –
IIIa – 88)
Pangkatang Gawain (4 na grupo):
Hating Kapatid!
Panuto: Hahatiin ang klase sa apat na
pangkat.
Pangkat 1: Ibibigay ang kahulugan ng tekstong
impormatibo.
Pangkat 2: Magbibigay ng
halimbawa ng tekstong impormatibo.
Pangkat 3: Magbibigay ng hindi halimbawa ng
tekstong impormatibo.
Pangkat 4: Maglalahad kung saan maaaring
magamit ang kaalaman sa pang-araw-araw na
buhay sa tekstong impormatibo.
Ano ang Tekstong
Impormatibo?
•Di piksyon.
•Nagbibigay impormasyon o
nagpapaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling sa paksa.
Ano ang Tekstong
Impormatibo?
Hindi nakabase sa sariling opinyon
kundi sa katotohanan at mga datos,
walang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Ano ang Tekstong
Impormatibo?
•Nakikita sa pahayagan o balita, magasin,
teksbok, sa mga pangkalahatang
sanggunian; encyclopedia, at iba’t ibang
web site sa Internet.
Ano ang Tekstong
Impormatibo?
•Laging may nadadagdag na bagong
kaalaman o napagyayaman ang dating
kaalaman ng taong nagbabasa nito.
Elemento (Indibidwal na Gawain)
Panuto: Alamin kung sa anong mga elemento nabibilang ang
sumusunod:
Elemento ng
Tauhan Tekstong Naratibo Engkanto
Tagpuan Dwende
Paksa o Tema Periodic Table of
Kapre
Elements
Mga Kinakatakutang
Elemento
H1
He2
O8
Elemento ng
Tekstong
Impormatibo
1. Layunin ng may-akda
2. Pangunahing ideya
3. Pantulong na kaisipan
4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang
magtatampok sa mga bagay na binigyang-diin
1.Layunin ng may-akda.
Maaaring ang layunin ay mapalawak pa ang
kaalaman ukol sa isang paksa.
Ang layunin ay kaugnay lagi ng pagbibigay o
paglalahad ng impormasyon.
2. Pangunahing Ideya
Dagliang inilalahad sa mambabasa sa
pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa
bawat bahagi (organizational markers) upang
agad makita at malaman ng mambabasa.
Pamagat sa
bawat bahagi
3. Pantulong na Kaisipan
Makatutulong mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais
ng manunulat na maitanim o maiwan sa
mambabasa.
Halimbawa:
Naririto ang mga bagay na dapat tandaan kapag magbi-
biyahe sa labas ng bansa. Una, mahalagang magsaliksik ka
tungkol sa bansang pupuntahan mo. Alamin mo ang kanilang
mga batas, mga ipinagbabawal, kaugalian, gayundin ang mga
bagay na hindi katanggap-tanggap sa kanilang relihiyon.
Pangalawa, alamin mo ang klima o panahon sa panahon ng
iyong pagbisita upang makapaghanda ka ng angkop na
kasuotan…
4. Mga estilo sa pagsulat,
kagamitan/sangguniang
magtatampok sa mga bagay na
binibigyang-diin.
Mga Estilo
1. Paggamit ng mga nakalarawang
representasyon.

dayagram tsart

guhit

Larawan
2018

talahanayan
2014

2010

time line
Mga Estilo
2. Pagbibigay-diin sa
mahahalagang salita sa teksto.
Ang estilo tulad ng pagsulat ng nakadiin,
nakahilis, nakasalungguhit, o nilalagyan ng
“panipi” upang madaling makita o mapansin
ang salitang binibigyang-diin.
Kagamitan/Sanggunian:
3. Pagsulat ng mga talasanggunian.
Inilalagay ang mga aklat, kagamitan, at
iba pang sangguniang ginamit upang
magbigay-diin sa katotohanang naging
basehan sa mga impormasyong taglay
nito.
Halimbawa:
“Choosing a Topic.” Accessed January 21, 2016.
http://www.cgu.edu/pages/891.asp

Almario, Virgilo. Madalas Itanong Hinggil sa


Wikang Pambansa. Manila: Komisyon ng Wikang
Filipino, 2014
Pagsulat sa Dyornal
•Dyornal blg. 2. Bakit mahalaga ang
pagbabasa at pagsulat ng mga tekstong
impormatibo?
Pag-usapan Natin
1. Ano ang tekstong impormatibo?
2. Alin-alin sa mga bagay na nalalaman mo sa kasalukuyan ang
masasabi mong nagmula sa mga nabasa mong tekstong
impormatibo?
3. Ano-ano ang mga elemento ng tekstong impormatibo?
4. Bakit kailanagng ilahad ang talasangguniang ginamit sa
tekstong impormatibo?
5. Kung sakaling magsusulat ka ng isang tekstong impormatibo,
tungkol saan ang isusulat mo?
Pagsusulit Bilang 2
A. Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga
salitang ginamit sa teksto at nakasulat nang madiin sa
bawat bilang.
1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksiyon:
talambuhay, balita, artikulo sa magasin. Batay sa
mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o
katangian ang maibibigay mo para sa di piksiyon?
2. Ang sumusunod naman ay mga
babasahing piksiyon: maikling kuwento,
tula, nobela. Batay sa mga halimbawang
ito, anong pagpapakahulugan o
katangian ang maibibigay mo para sa
mga babasahing piksiyon?
3. Ang salitang impormatibo ay
nagmula sa salitang Ingles na
inform. Batay sa pinagmulan ng
salita, anong kahulugan ang
maibibigay mo para sa tekstong
impormatibo?
4. Ang ilan sa mga elemento ng tekstong
impormatibo ay ang layunin ng may-
akda, pangunahing ideya, pantulong na
kaisipan, estilo sa pagsulat, at kagamitan
o sanggunian. Ano ang ibig tukuyin ng
pahayag na pangunahing ideya?
5. Kailangan ng mga pantulong na
kaisipan upang mabuo ang
pangunahing ideya. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pantulong na
kaisipan?
Takdang-Aralin
Magbasa o magsaliksik ng
mga uri ng tekstong
impormatibo.

You might also like