You are on page 1of 1

Iyak ng Isang Ama

Ni Chrisia Icea A. Book

Aray ko! Ang sakit ng tuhod ko, hagulhol ng isang bata Hak..hak ang sakit
talaga, ang hinaing ng bata na si Jade nong nadapa siya sa kalsada habang papauwi
sa kanilang bahay galing sa kanilang paaralan. Jade umiiyak ka na naman ba? Tumayo
ka diyan! Sigaw ng kanyang ama, Kalalaki mong tao umiiyak ka, itong tandaan mo Jade,
ayoko nang makita ka na umiiyak, dapat ang lalaki: malakas, matapang at lalong lalo na
ang lalaki ay hindi umiiyak, sabi ng kanyang ama sabay buhat sa kanyang upang
makauwi na.
Noong nakauwi na sila nakita ng ina ni Jade ang kanyang sugat at agad-agad
itong lumapit kay Jade at ginamot ang sugat nito. Nak, masakit ba kawawa ka naman
anak ko, hindi kinayani Jade ang sakit ng sugat niya nong ginagamot ito ng kanyang
ina. Aray ko nay, hinaing ni Jade sa kanyang ina, dahil sa sakit napaluha si Jade at ito
namay nakita ng kanyang ama, Jade! Anong sabi ko sayo! Di ba sinabi kong wag na
wag kang iiyak! Galit na sinabi ng kanyang ama, patawad po tay, sabi ni Jade. Dapat
isaksak mo sa kukuti mo na hindi ka iiyak, ano na lang ang sasabihin ng lolo mo pagnakita
ka niya na umiiyak? Dapat matigas ka Jade kasi lalaki ka! Sabi ng kanyang ama sa
kanya.
Dahil doon sinabi ni Jade sa kanyang sariling hindi na siya iiyak kahit
kalian.Lumipas ang ilang buwan, buntis noon ang kanyang ina at kapanganakan na niya
ngayong buwan na ito, ngunit ang kanyang pagbubuntis ay masilan. Isang gabi nagising
si Jade sa kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa kanyang narinig na sigaw ng kanyang
inang nanganganak na, hindi muna siya lumabas dahil natatakot siya. Nagtataka siya
nong hindi na niya narinig ang pagsigaw ng kanyang inang nanganganak. Baka
napanganak na ni ina ang kapatid ko. Dali-daling lumabas si Jade upang makita niya
ang kanyang kapatid, ngunit laking gulat niya nang nakita niya ang isang taong patuloy
ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nito, hindi niya aakalaing ang taong iyon ay ang
tao ring nagsabi sa kanya na wag siyang iiyak, nilaptan niya ito. Itay bakit ka po umiiyak,
sabi ninyo po wag tayong iiyak. Sabi ni Jade.
Tumingin ang kanyang ama sa kanya at hindi niya inaasahang masasabi ng
kanyang ama Anak ko akoy patawarin mo sapagkat akoy nagkamali, hindi lahat ng
panahon makakaya nating mga lalaki ang sakit, sakit na mawalan ka ng isang taong
minahal mo. Minsan pala anak ay dapat tayo umiyak upang mailabas natin ang sakit,
sabi ng kanyang amang patuloy pa rin sa paghagulhol. Sa nakita ni Jade at narinig
pinigilan nito ang kanyang mga matang lumuha ngunit nong sumagi sa kanyang isipan
na wala na ang kanyang ina, siyay napatingin sa kanyang ama akay-akay ang kanyang
bagong silang na kapatid na babae habang pumapatak ang luha ng kanyang ama, siya
namay napaiyak, napaiyak habang minamasdan ang iyak ng kanyang ama.

You might also like