You are on page 1of 2

Sa tabing Ilog ay umiiyak ang isang batang Oso siya ay si Jiho.

Pinagalitan siya ng kaniyang Ina dahil


sinaktan niya daw ang kaniyang kakambal na si Jiyo. Hindi niya naman talaga sinaktan si Jiyo, sa katunayan
ay naglalaro lang siya ng putol na sanga ng puno nang mamataan niya si Jiyo malapit sa kaniya. Sinubukan
ni Jiyo na agawin ang sanga ngunit hindi ito ibinigay ni Jiho, dahil dito ay nag-agawan ang kambal.
Kalaunan ay natumba si Jiyo at nagtamo ng malalim na sugat gawa ng matulis na bahagi ng sanga. Malakas
na umiyak si Jiyo na nagkuha ng atensiyon ng kanilang Ina.

Nataranta ang Ina ng kambal "Ano ang nangyari sa iyo Jiyo?!!" Tanong ng kanilang Ina. "Ina tinulak po ako
ni Jiho noong hihiramin ko sana ang kaniyang pinaglalaruang sanga!" Humihikbing saad ni Jiyo. Nagalit ang
Ina at pinagalitan si Jiho nang hindi manlang tinanong kung totoong ba ang sinabi ni Jiyo.

Umiiyak na umalis si Jiho at pumunta sa malaking puno malapit sa tabing Ilog. Ito ang paborito niyang
lugar kapag siya ay nalulungkot at pinagagalitan ng kaniyang Ina. Hindi ito ang unang beses na
napagbintangan siya ng mga bagay na hindi naman siya ang gumawa. At dahil iyon sa kaniyang kakambal,
hindi niya mawari kung ano ang ikinaiinis ng kaniyang kambal sa kaniya. Mabait naman ito sa lahat pwera
lang sa kaniya. Pinagmumukha siya nitong masama sa lahat kaya wala siyang kaibigan na masasandalan
kapag nalulungkot siya. Ayaw rin ng kaniyang Ina sa kaniya kaya labis ang kaniyang pagkalumbay na tila
nawawalan na siya ng gana para mabuhay. "Sana ay mahalin na ako ni Ina" Wala sa sarili niyang bulong sa
kawalan.

Makalipas ang halos dalawang oras na pagmumukmok ay bigla nalang gumalaw ang puno na sinasandalan
niya. Nag taka siya dahil patay na ang puno na ito at hindi rin naman mahangin. Hindi niya ito pinansin
hanggang sa may magsalita sa kaniyang likuran "Jiho..." Hindi niya ito pinansin sa pag aakalang guniguni
niya lang iyon. "Jiho, gusto mo bang mahalin ka ng iyong Ina?" Nagulat si Jiho dahil may nagsalita sa
likuran niya, paglingon niya ay nakita niya ang puno na sinasandalan niya na may mukha na para bang
matandang lalaki. Natakot si Jiho at akmang tatakbo ng magsalita muli ang puno "Inuulit ko Jiho, gusto mo
bang mahalin ka ng iyong Ina?" Saad ng puno na may garalgal at malalim na boses. "Oo, ngunit
imposibleng mangyari iyon" malungkot na saad ni Jiho. "Paano mo naman nasabi iyon Jiho?" Tanong na
naman ng puno. "Dahil sa akin ay namatay ang aming Ama" mapait na saad ni Jiyo. "Posible kang mahalin
ng iyong Ina. Kaya kong tuparin ang iyong kahilingan" saad ng puno "Ngunit paano mo magagawa iyon?"
Nagtatakang tanong ni Jiho. "Kakayahan kong tupadin ang hiling ng kahit sino kung gugustuhin ko. Subalit
sa bawat hiling ay may kapalit" sagot naman ng puno. "Ano ang magiging kapalit kapag humiling ako na
mahalin ako ng aking Ina?" Tanong ulit ni Jiho. "Ang buhay ng iyong kakambal. Tutuparin ko ang iyong
kahilingan kapalit ang buhay ni Jiyo." Nakakalokong saad ng puno. Bago pa makapag salita si Jiho ay muling
nagsalita ang puno " Bibigyan kita ng isang araw para mag desisyon"

Umuwi na si Jiyo at bumabagabag pa rin sa kaniyang isipan ang kapalit na hinihingi ng puno. Nakita ni Jiho
si Jiyo na masayang nakikipag-usap sa kanilang Ina. Parang May tumusok sa puso ni Jiho nang hindi
manlang siya tinanong ng kanilang Ina kung saan siya galing.

Makalipas ang isang araw ay masakit man ay buo na ang kaniyang desisyon at hinding hindi niya iyon
pagsisisihan at tatanggapin ng buong puso ang mangyayari.

Pumunta na siya sa tabing ilog at ginising ang puno. "Puno, buo na ang aking desisyon at hindi ko iyon
pagsisisihan" parang naiiyak na saad ni Jiho. "Ano ang iyong desisyon kung gayon?" Tanong naman ng
puno. "Hindi ko ibibigay and kambal ko sa iyo at hindi ko rin hihilingin na mahalin na ako ng aking Ina"
sagot ni Jiho. Natawa ang puno at tinanong ito "Kung gayon ay bakit iyon ang iyong desisyon?". "Nawalay
ang aking Ama ng dahil sa akin, ngayon ay hindi ko hahayaan na pati ang kapatid ko ay mawawalay sa
akin." Mahabang pahayag ni Jiho. "Magaling! Magaling! Tama ang iyong desisyon. Huwag mong hahayaan
na maging masama ka, na darating sa punto na gugustuhin mong mawala ang iyong kakambal."
Natutuwang saad ng puno. "Dahil diyan ay may regalo ako sa iyo, umuwi kana dahil nandoon ang aking
regalo para sa iyo.
Umuwi na nga si Jiho at sinalubong siya ng kaniyang Ina ng yakap "Saan ka galing? Ilang oras kang nawala"
nag-aalalang tanong ng kaniyang Ina. Tila may humaplos sa puso ni Jiho at nangilid na ang kaniyang luha.
Nataranta naman ang kaniyang Ina at tiningnan ang kaniyang katawan sa pag-aakalang nasasaktan si Jiho.
Labis ang tuwa ni Jiho at naalala niya ang regalo sa kaniya ng puno. Muli siya roong bumalik ngunit wala na
siyang makitang puno. Kahit mga bakas ng mga ugat nito ay wala na.

Hanggang lumaki ay hindi niya kinalimutan ang puno. Labis ang kaniyang pasasalamat sa puno at hindi
manlang niya natanong kung ano ang pangalan niya. Nagkamabutihan na rin sila ni Jiyo at nagseselos lang
sa kaniya si Jiyo kaya niya nagawa ang mga iyon.

Mula noon ay masaya at maayos na ang pamumuhay ni Jiho.

You might also like