You are on page 1of 3

Polong Asul

Linggo, araw na aking pinakapaborito dahil


makakasama ko ang aking matalik na kaibigan. Plano kong
ipasyal siya sa parke. Upang langhapin ang sariwang hangin na
kinakailangan niya. Agad kong inabot ang aking kulay asul na
polo na plinantya kagabi ng maayos. Ito’y kanyang hiling sa akin
na suotin ito kapag kasama siya. Ako’y bumaba sa hagdan at
agad natanaw ang aking ina na hinahanda ang hapag. Dali-dali
akong umupo sa silya at tinuon ang buong pansin sa adobong
luto ni mama. Nakangising aso si mama dahil pansin niya ang
ayos ko. “Anak, aba’y seryoso ka ata sa kaibigan mo.” Umiling
na lamang ako sa makwela kong ina. Nang natapos sa kainan
agad akong pumara ng jeep sa may eskinita, mahaba habang
biyahe at nagpalunod ako sa imahe nang napakagandang ngiti
ni Joni na nagmarka sa aking isipan.
Mga tawa niya na musika sa aking pandinig at balat
niyang porselana na kahit kalian hindi pa nadadapuan ng dumi,
mga mata niya na nagsasalamin sa kalawakan at mga labi
niyang kulay rosas na mas nagpakintab sa kanyang mukha.
Libo-libong paru-paro ang dumadapo sa aking tiyan kapag
kaharap ko siya. At ang isip ko’y parang sirang plaka kapag
siya’y nagsasalita na. Ganyan ko maiisasabuhay ang
nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit ito’y pilit kong
hinaharangan dahil kaibigan ko siya.
Libo libong boltaheng pagkagalak ang bumabalot sa
aking sistema nang ako’y nakaapak na sa labas nang bahay nila.
Ako’y kakatok na sana ngunit rinig ko ang sigaw niya sa
ikalawang palapag. Pagkataranta ang bumalot sa akin ngayon at
humupa ang galak na nanalaytay. Walang alinlangan kong
binuksan ang pinto at tanaw ang ina niya ngayon na umiiyak sa
kondisyon ng anak. Sigaw ng sakit at hapdi sa katawan ang
tumutusok ngayon sa katawan ni Joni. Suot niya ang kahel na
chemo hat na ibinigay ko sa kanyang kaarawan tatlong buwan
ang lumipas. Agad ko siyang kinarga sa aking bisig at dali daling
dinala sa ospital.
Kasama ang kanyang magulang na naghihintay sa
hamba ng pintuan ng kanyang kwarto. Lumabas ang doctor at
sinabing oras nalang ang hihintayin namin dahil malala na ang
kondiyson na bumabalot sa kanyang sistema. Pagkuyom ng
aking mga kamao dahil gusto kong bawiin ng doctor ang sinabi
niya. Pinagbalaan na ako noon na sa anumang panahon man ay
iiwanan niya ang mundong ibabaw ngunit hindi ako naniniwala
dahil malakas si Joni. Pinangako niya sa akin na hindi siya
susuko. Lumabas ang kanyang ama’t ina at sinabing ako’y
tinatawag ngayon nang kanilang pinakamamahal na si Joni.
Tanaw ang babaeng pinakamamahal ko, na tinatanaw
rin ang kalangitan sa bintana. Umupo ako sa gilid at tanaw ulit
ang mukha niya. Galit ako sa kanya ngayon dahil kaya niyang
ngumiti na ako’y wasak na wasak na ang damdamin. “Gusot na
ang asul mong polo.” Basag katahimikan niya, kahit hindi ko na
masyadong maiintaidahan. Hindi ako sumagot at ramdam ko na
pagbabara sa aking lalamunan “Salamat sa lahat ng ligaya na
bigay mo sa akin Abel. Hindi kita malilimutan hanggang sa
kabilang mundo.” Habang ito’y kanyang sinasabi inaabot ko ang
kanyang kamay. Mga luha na pilit kong tinatago sa kanya ngunit
ito’y kanyang nasilayan at pinadausdos niya ang likod ng
kanyang kamay sa aking pisngi upang saluhin ang mga luhang
umaagos. Ramdam ko na ang panghihina niya at hinay-hinay na
pumipikit ang kanyang mga mata hanggang ang kamay niya ay
kumakawala ngayon sa akin. “Joni aking kaibigan, alam kong
huli na ngunit kahit sa huling pagpikit mo masabi kong mahal na
mahal kita at ikaw lang ang babaeng tinitibok ng aking puso.”
Hagulgol ko at agad pinatakan ng mababaw na halik ang
kanyang noo.

You might also like