You are on page 1of 4

Noong unang panahon sa isang malayong kagubatan sa kalagitnaan ng gabi ay isinilang ang isang

ibon, Ito ay kulay itim na mayroong nakakabulabog na tinig. Ang ibon ay pinangalanang biboy
( HAHAHA).

Makalipas ang mga taon si biboy ay lumaking mabait at mapgkalingang ibon, Isang araw habang siya ay
naglalakbay sa himpapawid ay may nakita siyang pagkain, Madali niyang kinuha ang pagkain at
nagmadali lumipad pauwi upang ibigay sakanyang mga magulang ang nakita niyang pagkain. Ngunit
pagkadating niya sa kanilang tahanan,ay wala ang kaniyang ina’t ama ang paligid ay tahimik at tila na
balot ng takot. “Ina, Ama nandito na po ako. Ina, Ama” Sigaw ni Biboy. “nasan kaya sila, ngayon lamang
sila umalis ng walang paalam” bulong niya sa sarili. Maya maya pa ay dumating si agila, ang matalik na
kaibigan ng kanyang amang uwak, “Biboy” Tawag ni ginoong agila. “kayo po pala iyan, ano po ang inyong
sadya” tanong naman ni Biboy.” “Naparito lamang ako sapagkat may ibabalita ako tungkol saiyong mga
magulang” saad ni Agila. “ alam nyo po ba kung saan sila naparoon?, kanina ko pa po sila hinahanap.”
Nag- aalalang tanong ni Biboy. “Yun na nga Biboy” Nakakalungkot mang sabihin ngunit kaninang umaga
ay mayroong mga lalaki na namamana ng ibon at sa kasamaang palad nahuli nila ang iyong mga
magulang, marahil ay wala na sila Biboy” Maluha luhang balita ni Agila. Nawindang ang isipin ni Biboy. “
Ina, Ama………” sigaw nito. Nadurog ang kanyang puso pag katapos marinig ang mga tinuran ni ginoong
Agila. Hindi siya nawalan ng pag-asa na buhay pa ang kaniyang mga magulang, umaga’t gabi ay
hinahanap niya ang kaniyang mga magulang sa kung saan saan. Isang umaga habang siya nag hahanap
siya’y nakaramdam ng pagkahilo, walang ano- ano ay lumagpak siya sa lupa at nawalan ng ulirat.
Natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa isang malambot na higaan at pinapalibutan ng napakaraming
hayop. “gising na siya” sigaw ng isang kuneho. “ n-nasaan ako? Nagugulahang tanong ni Biboy. “ Kaibigan
narito ka sa aming munting pamayanan, nawalan ka ng ulirat kanina at lumagpak dito saamin” sagot ni
kalabaw. Nagkaroon ng bali ang kaniyang kaliwang pakpak. “kaibigan dumito kanalang muna, sapagkat
batid kong hindi mo pa kayang lumipad” sabat naman ni palaka. “ siya nga pala ako si palaka,ako naman
si kalabaw, ako si lamok, ako naman si kuneho, ako si alitaptap, ako naman ang matsing at sila naman
sina paru-paro, salagubang,bibe at kalapati pakilala ng mga hayop na nakatira doon. Napag pasiyahan
niyang mamalagi nalang muna dito habang nagpapagaling siya. Ang mga hayop sa lugar na ito ay
mababait, ang lahat ay nag mamahalan at nag tutulungan. Nawiwili na si Biboy sa kaniyang pamamalagi
doon. Ngunit makalipas ang isang lingo ay nakarating sakanila ang balita na mayroon daw paparating n
amalakas na bagyo. Ang lahat ng hayop na ninirahan doon ay nawindang sa balitang ito, kanya kanya sila
ng ginagawa para sa paghahanda. Nag sagawa sila ng pagpupulong upang mapaghandaan ng lahat ang
paparating na bagyo .Kailan daw tatama ang paparating na bagyo?tanong ni kalabaw. Walang nabanggit
ngunit malapit na daw itong maganap. Sagot naman ng kuneho. Kung gayon ay dapat na tayong
maghanda, lalong higit ng mga pagkain nasisiguro kong kasunod nito ay malawakang tagutom. Ani
naman ni Biboy . Nagpatuloy ang kanilang pag pupulong at maya maya pa’y napag pasiyahan nilang itigil
na ito sapagkat gumagabi na at kailangan pa nilang magpahinga.

Kinabukasan ay maaga pa lamang ay gising na ang lahat maliban kay kuneho. “Magandang
umaga kaibigang uwak” bati ni palaka. “Magandang umaga din naman sayo kaibigan, ano ang iyong
ginagawa?” tanong ni Biboy. “ Ah wala ito, gumagawa lamang ako ng lagayan ng aking pagkain” sagot
naman ni palaka. “magadang ideya nga iyan kaibigan , upang hindi Mabasa ang iyong mga pagkain, siya
mauna na muna ako saiyo’’ paalam ni Biboy .Habang siya ay naglalakad lakad ay si lamok naman ang
kaniyang nakasalubong at tila mainit ang ulo nito. “ oh, kaibigan ayos ka lang ba? Tila hindi maipinta ang
iyong mukha.” Tanong ni Biboy. “ wala ito, nayayamot lamang ako sapagkat inunahan ako ni palakang
kunin ang mga pagkain dapat ay saakin” nayayamot na sagot nito. “ sinukan mo na bang kausapin si
palaka tungkol diyan?, hayaan mo tutulungan kitang maghanap ng pagkain, bibisitahin ko lamang ang iba
pa nating kaibigan. “sige salamat, kung gayon aasahan ko yan.” Saad naman ni Lamok. “sige mauna na
muna ako at babalik din ako mayamaya” sagot naman ni BIboy. Sakanyang pag lalakad ang kaniya naming
Nakita ay sina paru-paro, salagubang at alitaptap. “ Aking mga kaibigan ano ang inyong ginagawa?”
tanong ni biboy sa mga ito. “Ikaw pala yan Biboy, gumagawa kami ng ilawan upang sa padating na bagyo
ay hindi Mabalot ng dilim ang aming mga tirahan” sagot naman salagubang. “Magandang ideya nga iyan,
may maari ba akong maitulong sainyo?” tanong ni Biboy. “ Talaga tutulungan mo kami? “ sagot naman ni
paru-paro. “naku, lubos naming ikakatuwa iyan, Biboy maari mo ba kamig tulungan buhati ang patpat na
iyon upang makagawa pa kami ng mas madaming ilawan, masyado itong mabigat para sa mga maliliit
nanilalang na tulad naming.” Sagot naman ni Alitaptap. Agad naman kinuha ni Biboy ang mga patpat at
binigay sa kaniyang mga kaibigan. “Maraming salamat biboy” sabay sabay nilang wika. “wala yun, sige
maiwan ko muna kayo” paalam ni Biboy. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakita niya sina
kalapati, bibe at kalabaw. Si kalapati at bibe ay abalang kumukuha ng mga pagkain samantalang si
kalabaw ay tila may hinahanap. “ kaibigang kalabaw, saan ka patungo?, tila ikaw ay may hinahanap…”
tanong ni Biboy. “oo kaibigan hinahanap ko si kuneho, nangako sya saakin na tutulungan nya akong mag
ani ng mga gulay na aming tinanim nung nakaraang buwan, ngunit ngayon ay di ko siya matagpuan,
Nakita mo ba siya ?” tanong naman ni Kalabaw.

“si kuneho, nag lilibot ako simula kanina pa ngunit hindi ko siya Nakita, sakaniyang bahay, baka naroon
siya.” Saad naman ni Biboy. “ oo nga, bakit hindi ko agad naisip yuon, siya mauna na ako hahanapin ko pa
si kuneho” sagot naman ni kalabaw. Napagpasiyahan na niyang bumalik upang matulungan na din si
lamok.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na muli siya sa kinaroroonan ni lamok. “ kaibigan
andito naako, gaya ng pangako tutulungan kita.” Saad ni Biboy. Tinulungan ni Biboy si lamok na mamitas
ng mga punong kahoy na maari nilang makain, Makalipas ang ilang oras na pangongolekta ng pagkain ay
nakaramdam na sila ng pagod kaya naman napagpasiyahan na muna niyang umuwi. “ oh, paano kaibigan
sa aking palagay ay sapat na ang mga pagkain na iyan, mauna na muna ako at maging ako rin ay mag
hahanda pa.” paalam ni Biboy. “ nakuu, maraming salamat sayo kaibigan” sagot naman ni lamok.

Umuwi na muna si Biboy sa kaniyang tirahan nag handa ng mga pagkain at pinatibay ang suporta ng
kaniyang tirahan. Maya maya pa ay nakaramdam siya ng pagkaantok. “ hindi naman siguro masama
kung ako’y maidlip muna” bulong ni Biboy sa sarili. Makalipas ang ilang oras ay may narinig siyang
malakas na sigawan, lumabas siya upang silipin kung ano ito. Pag kalabas niya ay napansin niyang
madilim na ang langit kaya nagmadali siya. “ Kasalanan mo ito alitaptap kung hindi dahil saiyo hindi
masusunog lahat ng inimpok nating pagkain” galit nasigaw ni kalabaw. “ Aba aba bakit ako ang inyong
sinisisi kung hindi sana naging pabaya yang si kuneho at tumulog ng tumulog edi sana hindi ito
mangyayari” galit naming sagot ni kuneho. “ Ngayon ako naman ang masama hindi bat si palaka ang ang
may kasalanan bakit natumba ang mga ilawan na iyan” sabat naman ni kuneho. “ Kung hindi ako kinagat
ni lamok ay hindi sana tayo aabot sa ganito” giit naman ni palaka. Naguguluhan na si Biboy sa nangyayari
kaya naman pumagitna siya sa mga ito. “ Teka, teka ano bang kaguluhan ito? Bakit ba kayo nag sisihan?”
tanong Biboy sa mga ito. “ Hindi mo ba nakikita, lahat ng pagkaing ating pinag hirapan ay natupok na ng
apoy “ sagot ni bibe. “ Kumalma muna kayong lahat, maayos pa natin ito” saad ni Biboy. “ Kumalma baka
nga kasalanan mo lahat ng ito e, simula nung dumating ka dito nag kanda malas malas na ang mga buhay
namin” sigaw ni matsing. “ oo nga, ikaw ang salot dito” sigaw nilang lahat. “ oo nga natatandaan ko pa
ang sabi ng aking ina, ang mga uwak daw ay simbolo ng kamalasan, kamatayan at kasamaan.” Dagdag
naman ni paru-paro. “ kung gayon nga ikaw ang dapat umalis dito” sigaw ng mga hayop na doon. Walang
nagawa si Biboy kundi lumipad palayo, samantalang ang mga hayop dito ay nag sasakitan, si lamok ay
kinain ni palaka, tila isang malaking gera ang nagaganap. “ Waggggg” sigaw ni Biboy. “ Biboy gising,
kaibigan anong nangyayari saiyo” sabi ng kalapati. Nagising si Biboy at napagtanto niya na ito ay isa
lamang bangungot. “ kay samang panaginip” saad ni Biboy. Isinalaysay ni Biboy kay kalapati kung ano ang
kanyang napanaginipan. “ tunay ngang isang trahedya ang iyong napanaginipan, ngunit wag kang mag
alala kailanman ay hindi iyan mangyayari, halika tawagin natin ang iba pa nating mga kasama upang
makapag usap tayong lahat” saad ni kalapati. Tinawag nila ang kanilang mga kasama at nagtipon tipon sa
bahay ni Biboy. Ikinwento ni Biboy ang kaniyang panaginip sa mga ito. “ Naku kaibigan huwag kang mag
alala kailan man ay hindi ito mangyayari” saad ni paru-paro. “ Tama ka diyan, sa katunayan dahil saiyo
mas nag kaisa kami, kaya naman lubos kaming nag papasalamat saiyo dahil saiyong mga tulong saamin”
sabi naman ni kalabaw. “ huwag mo ding iisipin na malas ka dito, palaging bukas ang aming lugar para
saiyo kaibigan.” Dagdag naming palaka. Niyakap ni Biboy ang kaniyang mga kaibigan at nag
pasalamat.Nag paalam muna sila at nag hand ana para sa paparating na bagyo. Makalipas ang ilang
araw ang bagyo ay humupa, lahat sila ay nag tulong tulong upang malinis ang kanilang lugar. Nag paalam
na si Biboy sa kaniyang mga kaibigan. “ Mga kaibigan ako’y lubos na nagpapasalamat dahil ako’y inyong
tinanggap dito, nagkaroon muli ako ng bagong pamilya, ngunit ako ay mag papaalam na ipagpapatuloy
ko na ang paghahanap sa aking mga magulang.” Malungkot na paalam ni Biboy. Nagkatinginan silang
lahat at kinukubli ang kanilang mga ngitin. “ Huwag ka ng mag-abala pa kaibigan” sabi ni Kuneho. “n-
ngunit, hindi ko kayo maintindihan….” Naguguluhang saad ni Biboy. Maya maya pa ay lumubas ang
kanyang ina’t ama. Masaya niya itong sinalubong. “ Ina, Ama anong nangyari sainyo?” tanong ni Biboy. “
Anak kami ay kinuha ng mga mangangahoy at kinulong sa isang hawla” sagot ng kaniyang ina. “ Ngunit
kami ay natagpuan at iniligtas ng iyong mga kaibigan” dagdag pa ng kaniyang ina. “ maraming salamat
mga kaibigan kung hindi dahil sainyo ay hindi magiging buong muli ang aming pamilya.” Naluluhang sabi
ni Biboy

- The end -

You might also like