You are on page 1of 2

Gabi ni Abi

Isinulat Ni: Jocelyn B. Barrientos


Sa isang malayong nayon, may isang batang lalaking nagngangalang Abi na nakatira sa
paanan ng bundok kasama ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid. Maaga silang naulila
sapagkat namatay ang kanilang mga magulang sa hindi malamang sakit. Si Abi ang tumatayo
bilang mga magulang ng kaniyang mga kapatid. Siya ang naghahanap-buhay upang matustusan
ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. Sa murang edad ni Abi ay nasubukan na
niyang manghuli ng isda, mangaso, at gayun din ang pagtatanim at pagtitinda ng gabi.
Tuwing madaling-araw, iniiwan niya ang kanyang mga kapatid sa kapit-bahay upang
doon magsimulang kumayod. Maaga pa lang, ay nilalakad na niya ang limang kilometrong layo
patungo sa may bayan upang maglako ng pananim niyang gabi. Kapag nakabenta na siya ay
agad itong bumibili ng bigas kay Aling Puring.
Isang araw, nagkasakit si Abi, hindi niya kayang bumangon dahil sa mataas na lagnat at
nangangatog na mga tuhod. Hindi nakapagtinda si Abi sa araw na iyon, suguradong gugutumin
ang kaniyang mga kapatid dahil wala silang mailulutong pagkain. Labis ang lungkot ni Abi dahil
wala siyang magawa. Biglang may kumatok sa pintuan at pinagbuksan ito kaniyang mga kapatid
at nagulat siya nang makita si Aling Puring na may dala-dalang supot ng bigas at isang karton
nga mga pagkain.
“Magandang araw Abi, kumusta ka?”, tanong ni Aling Puring sabay pasok at abot sa
mga dala-dala ng matanda. “May sakit po ako at hindi ko kayang magtinda ngayon. Salamat po
sa pagbisita ninyo pati na rin sa mga binigay ninyo sa amin.”, sagot ni Abi sa mahinang tining.
Labis na naawa ang matanda sa magkakapatid kung kayat napagdesisyunan niya na kupkupin
na lang ang tatlo. Noong una ay ayaw pa niyang tanggapin ang alok ng matanda dahilan sa
maiiwan niya ang mga pananim niyang gabi, ngunit sinabihan siya ni Aling Puring na maaari pa
rin naman siyang makapagtanim ng gabi sa may bakuran nila at puwede pa rin siyang
makapagtinda. Dahil sa sinabi ng matanda ay pumayag din si Abi. Tumira nga sila sa bahay ni
Aling Puring at tumutulong sa pagtitinda. Pinag-aral sila ng matanda sa isang pampublikong
paaralan sa may bayan. Labis ang pasasalamat ni Abi sa pagtulong at pagkupkop sa kanila ng
matanda. Naisip niya na kung hindi dahil sapagtitinda niya ng gabi ay hindi niya makikilala si
Aling Puring na siyang nagsilbing kanilang pangalawang ina.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.


1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
a. Abi
b. Aling Puring
c. Mga kapatid ni Abi
d. Abi, Aling Puring, at mga kapatid
2. Saan naganap ang kuwento?
a. Sa may bayan
b. Sa malayong nayon
c. Sa siyudad ng Maynila
d. Sa paanan ng isang malaking bundok

3. Ano ang ginagawa ni Abi upang matustusan ang pangangailangan ng nila ng kaniyang
mga kapatid?
a. Siya ay nagmamaneho ng trak
b. Siya ay namamasukan sa bayan
c. Siya ay nagtitinda ng iba’t ibang uri ng isda
d. Siya ay nagtitinda ng pananim niyang gabi

4. Ano ang naging suliranin ni Abi?


a. Nawawala ang mga kapatid ni Abi.
b. Nasira ng baha ang mga pananim niyang gabi
c. Nagkasakit at hindi makapagtinda ng gabi sa may bayan.
d. Nakatulog si Abi habang nagpapahinga at hindi niya namalayan ang pagkahulog niya
sa bangin.

5. Paano nasolusyonan ang kinahaharap na suliranin ni Abi?


a. Kinupkop sila ni Aling Puring
b. Namasukan si Abi sa isang malaking kumpanya.
c. Namasukan si Abi sa isang pastolan ng mga hayop.
d. Sila ay namalimos sa siyudad ng Laoag.

You might also like