You are on page 1of 2

ANG MUNTING BABOY

Isang araw sa Bondoc Pinensula may munting baboy na pagala


gala na naghahanap ng makakain dahil siya ay gutom na, ngunit wala
siyang makitang pagkain. Wala na siyang mga magulang dahil siya ay
umalis sa kanyang tahanan o kulungan. Bata palang ang munting baboy
kaya lagi siyang nagugutom. Nalulungkot ang munting baboy dahil siya
ay nag iisa. Tuwing gabi ang munting baboy ay umiiyak, naaalala niya
ang kanyang mga kapatid at magulang. Masaya siya noon dahil kasama
niya ang pamilya niya.

Isang araw naisipan ulit ng munting baboy na gumala upang


makahanap ng makakain. Nakakita siya ng asong kumakain ng masarap
na pagkain, ang asong ito ay madamot at masungit. Nalungkot ang
munting baboy dahil wala siyang makain.

Umalis na siya dito at Mga ilang saglit lang ay nag pahinga muna
ang munting baboy. May dumaan na isang Babae nag ngangalang
Binibining Juana ng Makita niya ang baboy nilagpasan lang niya ito. Mga
ilang saglit lang may dumaan na ulit, isang matandang lalaki na nag
ngangalang Tatay Benjamin. Tinigilan niya ito saglit at sinipa lang ito
palayo sa kanya. Ang munting baboy ay pagod na pagod na sa pag
hihintay kung meron pa sa kanyang tutulong o wala. Maya maya palang
pagkatapos sabihin ng munting baboy ito sa kanyang sarili may dumaan
na ulit, isang batang babae naawa ito sa munting baboy kaya isinama
niya ito sa kanilang tahanan.

Pagkarating nila sa bahay agad niyang binigyan ito ng makakain


Pagkatapos nito ay inalagan nila maria at kanyang pamilya ang munting
baboy hanggang sa lumaki ito. Masayang masaya ang baboy dahil lagi na
siyang nakakakain ng masarap na pagkain. Ngunit minsan ay naaalala
parin ng munting baboy ang kanyang mga magulang at kapatid. Naiisip
niya kung masaya ba sila o hindi dahil ang kanilang dating taga pag alaga
ay mataray at masungit. Masaya siya ngayon sa taga pag alaga niya
ngayon ngunit gusto niyang umalis dito upang Makita muli ang kanyang
mga magulang at kapatid.
Gabi na nung umalis ang baboy sa kanyang taga pag alaga. Naglakbay
ang baboy upang Makita niya ang kanyang mga magulang at kapatid.
Dumating na ang haring araw ngunit hindi parin siya nakakarating sa
kanyang dating taga pag alaga. Nagugutom na naman ang munting baboy
nag hanap hanap siya sa lugar kung meron bang makakain dun. Nakakita
siya ng tira tirang pagkain at pagkakita niya dito ay sabay kain siya dito
kahit hindi niya alam kung kaninong pagkain ito. Pagkatapos kumain ng
munting baboy ay nag patuloy na ulit siyang maglakbay. Mga ilang oras
pa lang ay nakarating na siya sa kanyang mga kapatid. Tinanong ng
munting baboy sa kanyang mga kapatid kung na saan na ang mga
magulang nila, aniya ng kanyang batang kapatid ay “Kuya patay na sila
Ina at ama” paiyak na sabi ng bunsong kapatid ni munting baboy.
Nalungkot din ang ibang kapatid ni munting baboy. Pagkatapos nito ay
Nag pakatatag ang munting baboy upang ang kanyang mga kapatid ang
maging malakas.

Ito ang kwento ng munting baboy.

You might also like