You are on page 1of 5

Kahirapan

Padabog na nilagay ni Yoyong ang biniling bigas, sibuyas, mais at kamote sa kanilang
lames ana malipat nang mitumba. Lumikha iyon ng ingay. Makkita rin ang mga nag
tatakbuhang itim na mga langgam at maliliit na ipis na tila ba nabulabog sa kanilang
ginagawa.

Padabog syang pumunta sa kusina at kinuha ang kalderong nangingitim na sa kapal ng


uling nito. Kinuha nya ang supot ng bigas at ang kalahati ay nilagay nya sa kaldero.
Habang shinhugasan nya ang bigas ay napapailing nalang sya sa sobrang inis.

“Pambihirang buhay to. Alam nyo naming uuwi ako tapos wala akong madatnang
pagkain. Pagod ako kaka trabaho sa bukid tapos ako pa bibili ng pagkain ko? Ako pa
mag luluto? Pambira talaga”

Naisallang nya na ang kadero at inayos ang mga kahoy para maka pag simulang
paapuyin ang mga ito gamit ang plastic na bote ng Zonrox.

Nakatingin lang sa kanya ang kanyang dalawang anak na si boyet at teyob akas rin sa
mukha ang gutom.

Pangingisda ang kinabubuhay ng pamilya ni yoyong gamit ang maliit na bangka na


minana nya pa sa kanyang yumaong ama. Habang ang kanyang asawa ay
nagtatrabaho sa karatig bayan bilang mananahi. Noong una ay maayos ang kanilang
pag sasama at hindi nila hinahayaan na magutuman ang kanilang mga anak. Araw
araw siyang inaasikaso ng kanyang asawang si Bebet mula sa kanyang pag alis at
hanggang sap ag dating. Ngunit nag bago ang lahat ng dinapuan ito karamdaman sa
kanyang kaliwang binti dahilan upang tumigil ito sap ag tatrabaho. Hindi nila matukoy
ang karamdaman dahil wala silang sapat na pera para ipatingin ito sa doctor. Kung
kaya ay umaasa nalang sila sa albulryo. Lumipas ang panahon pero parang wala paring
nang yayari at hindi parin ito gumagaling. Hindi na nakakapangisda ng madalas si
yoyong upang alaga ito. Kalaunan ay tumigil na sa pag aaral ang kanyang panganay na
anak na si boyet na nasa ika anim na baiting. Sila ang nag alaga sa kanilang ina at
bumalik sa pangingisda si Yoyong. Noong una ay maayos pa ang takbo ng kanilang
buhay pero dumating ang panahon na naging mainitin ang ulo ng yoyong. Sa araw nga
din iyon ay dumating sya ng walang pag kain.

“bantayan mo to!” pasigaw na wika ni yoyong sabay hagis sa maruming basahan na


ginamit nyang pamunas sa mukha ng kanyang asawa na ngayon ay hindi na
makalakad. Hindi narin ito makapag salita at tumabingi na ang mukha nito.

“opo itay” marahang wika ni boyet ata agad na tumungo sa kusina at baka mabaling pa
ang galit ng kanyang itay sa kanya.

“wala kang kwentang asawa” pabulong na wika ni yoyong habang sinipa ang kahoy na
higaan ni bebet.

Ngunit kahit pabulong lang na sinambit iyon ni yoyong, narinig parin ito ni Bebet.
Makikita sa kanyang mata ang namumuong luha na agad ding dumaloy sa kanyang
pisngi. Marahan nyang tinaas ang kaliwang kamay upang punasan ngunit naramdaman
nya ang malamig na kamya na dumampi sa kanyang pisngi upang punasan ang
kanyang luha.

“Mahal na mahal kita mama. mag aaral ako ng Mabuti para maging doctor ako.
Gagamutin ko ang iyong sakit. Makakalakad ka na ulit at pwede na ulit tayong mag
habulan gaya ng madalas nating ginagawa noon.wala akong ibang hiling kung hindi
gumaling ka mama” Mahabang wika ni teyob habang marahang hinahaplos ang buhok
ng kanyang ina.

Napangiti ng marahan sa inasal ng kanyang butihing anak kasabay ng pag patak muli
ng kanyang luha.

Kinagabihan ay sabay sabay kumain ang pamilya habang nanatiling naka higa si aling
bebet at sinusubuan maya may ni boyet.

Kinaumagahan ay agad na bumangon si Yoyong at naghanda para sa muling


pakikipagsapalaran sa karagatan. Isinukbit nya ang lambat at agad na pumunta sa
kanyang maliit na bangka.
Nang makuntento sya sa kanyang kinaroroonan, dahan dahan nyang binaba ang
lambat at nag sagwan palibot ito. Matapos nynang posisyon ang lambat ay ginamit nya
ang kanyang sgawan upang maglikha ng ingay at bulabugin ang mga isda upang
lumangoy sa kanyang lambat.

Matapos ang ilang oras ay puno na ang pulang balde ng mga nang hihingalong mga
isda at napag desiyunan nyang pumunta na sa bayan upang itinda ito.

Pagkatapos ng mahigit tatlumpung minutong pag sagwan ay nakarating din siya sa at


agagd binuhat ang pulang balde nap uno ng mga isda papunta kay Mang Sho na
bumubuli ng kanyang mga isda.

“ikaw maaga ngayon. Ikaw madami nahuli?” salubong sa kanya ni Mang Sho habang
tinitignan ang laman ng kanyang balde. Isa itong matandang tsino. At kung paano ito
napunta sa bayan ay hindi na roon interesado si yoyong. Nakilala niya lang ito noong
nakaraang taon na para bang sumulpot nalang ito roon.ayon sa kanyang narinig, si
Mang Sho mula sa mayamang pamilya pero nag bago ang lahat ng mamatay ang mga
magulang nito sa panahon ng imperyalismo. Maayos ang pag bili nito sa mga isda sa
matass na presyo. Mula noon ay sa kanya niya na lagi binebenta ang mga nahuling
isda.

“Naka tsamba lang Mang Sho” wika ni yoyong habang nililipat ang mga isa sa kulay
abong planggana upang kiluhin.

“Sana araw-araw ganyan. Kamusta iyong asawa at anak?” tanong nito habang
tinitignan ang mga numerong mabilis na nag papali palit sa kilohan. Kilala nito ang
kanyang pamilya dahil noong dinapuan ng sakit si aling Bebet ay isa ito sa nag pahiram
sa kanya ng pera.

“ganun pa rin ho” ayaw nang pahabain ni yoyong ang usapan tungkol sa kanyang
pamilya.

“ito limang daan, ikaw madami nakuha” wika nito habang inaabot ang lagayan ng pera
katabi ng mga karton ng facemask at faceshield na sa tingin nya ay binebenta din nito.
Inabot nito sa kanya ang limang daan.
Agad din naman inabot ni yoyong ang pera at alam nyang sakto lang ang limang daan
para sa mga isdang nahuli nya.

Pabalik n asana siya sa kanyang bangka ng may nnarinig syang sigawan at hiywan ng
mga bata.

“engot”

“mukang garapata”

“panget”

“walang nanay”

Wika nang mga bata habang nag tatawanann at tinuturo ang batang babae na naka
upo sa gilid.

Sasawayin nya n asana ang mga bata ng lumapit ang babaeng naka saklay at
sinagawan ang mga ito.

“hoy umalis nan ga kayo dito.” Wika nito habang papalapit

“ahh ayan na si lolay may saklay” wika ng matavang lalaki at agad na tinawanan ng
kanyang mga kasamahan.

Paika ika itong lumapit sa mga bata habang inaabahan ng saklay.

“ahhh lumpo, habulin mo ako babaeng lumpo” wika ng isang batang madungis at agad
din naman silang nag takbuhan. Lumapit ulit ang babaeng may saklay sa batang babae
at tinanong kung ayos lang ba ito.

Naalala ni yoyong ang kanyang asawa, si boyet at teyob at naisipang bilhan ang mga
ito ng pasalubong bago umuwi. Pumunta sa sa panaderya at bumuli ng tinapay na
madalas nilang bilhin ng kanyang asawa kasama ang kanyang mga anak.

Pabalik sa kanyang bangka ay napansin nya ang mga bat ana nang aasar kanina sa
batang babae. Naka tumpok ito sa harap ng isang malaking asul na gate at agad na
nagsitakbuhan. Muntik pa syang mabangga ng mga ito. Nag patuloy sya sap ag lalakad
ng biglang bumukas ang malaking gate at umabas ang isang babae.
“ikaw ba yung pumindot ng doorbell?” ani nito habang naka pamewang.

Tinignan lang siya ni Yoyong at nag patuloy sa pag lalakad.

“Ikaw ba yung mag aayos ng Wi-fi?” pasigaw na tanong nito ngunit hindi na siya nag
abala na lumingo pa.

Nang makarating sya sa bangka ay binalot nya ng kanyang damit ang tinapay na dala
upang hindi Mabasa. Nang makarating siya sa kanilang isla ay agad siyang pumunta sa
kanilang bahay. Nagtataka siya kung bakit maraming tao ang gusto sumilip sa kanilang
bahay. Pinilit nynang maka pasok sa kabila ng siksikan. Nang maka pasok siya sa loob
ay Nakita nya ang kanyang asawa nan aka higa sa higaan nito katabi si boyet at teyob
na umiiiyak. Wala na ang kanyang asawa.

Bigas sibuyas mais kamote//////////

Hiling/////////////////

Ipis//////////

Facemask at faceshield///

Wifi

Bayan ////////////////

doorbell

Imperyalismo //////////

Habulin moa ko babaeng lumpo///////////

Garapata///////////

You might also like