You are on page 1of 1

Kathleen Dianne B.

Soliven

Si Juan At Ang Kanyang Alaga

Si Juan ay may alagang aso. Ang tawag nya rito ay bantay. Si bantay ay isang tapat at mapagmahal
na aso. Kaya naman mahal na mahal din siya ng kanyang amo. Simula noong bata pa si Juan ay nasa tabi
na niya ang kanyang alaga. Lagi niya itong pinapaliguan, binibigyan ng masasarap na pagkain, at tinatabi
sa pagtulog. Madalas nya din itong pinapasyal. “Habol, Bantay!” sigaw niya habang nakikipag unahan siya
sa pagtakbo sa alaga. Isang araw nagreklamo ang kanilang kapitbahay dahil sa tahol na kanilang naririnig
sinabi nito na “Kung hindi nyo kayang patahimikin iyang aso niyo ay ipapa-barangay namin kayo!”. Natakot
naman ang mga magulang ni Juan kaya naisipan nila itong ipa-alaga sa kanilang kamag anak ng
pansamantala.Lubos naman na nalungkot si Juan dahil mapapalayo sa kanya ang pinakamamahal niyang
alaga at ganun din ang lungkot na naramdaman ni bantay. Hinatid na nila si Bantay sa kanilang kamag-
anak at tuluyan ng nag paalam si Juan “Paalam na muna kaibigan, huwag kang mag alala at babalikan kita”
sabi nito sa kanyang alaga. Lumipas ang ilang araw dinalaw ni Juan si Bantay ngunit nabalitaan niya na
nawawala daw ito. Agad niya itong hinanap ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito natagpuan.
Sobrang nalungkot at napaiyak ang binata sa nangyari pero hindi ito sumuko na balang araw ay muli silang
magkikita ng kanyang alaga. Dumaan ang maraming taon, si Juan ay isa ng ganap ng beterinaryo. Habang
naglalakad may nakita siyang nagkukumpulang mga tao agad niya itong pinuntahan at nagulat siya ng
makita ang isang aso na nakahandusay sa kalsada. Dinala niya ito sa kanyang kilinika upang gamutin nang
bigla niyang napansin na ang aso na kanyang ginagamot ay ang kanyang alaga na matagal ng nawawala.
Laking gulat at tuwa ang kanyang naramdaman na muli na silang magkakasama ni bantay.

You might also like