You are on page 1of 2

Si Juan Tamad ay kilalang tauhan sa mga kwentong bayan.

Siya ay inilalarawan bilang isang batang may


angking katamran at kahinaan ng isip. Narito ang buod sa mga kwento ni Juan Tamad.

Sa isang nayong ay may mag - inang simpleng naninirahan sa isang kubo. Ang ina ay abala sa mga
gawaing bahay. Samantalang ang anak nito na si Juan ay walang ibang alam gawin kung hindi ang
matulog. Si Juan ay isang batang napakakupad at saksakan ng tamad. Kaya sya ay binansagan ng
kanyang ina ng "Juan Tamad."

Isang araw, si Juan ay nagnais kumain ng bunga ng bayabas, ngunit sa halip na pitasin nya ito ay pinili
nyang humiga sa tapat at hintaying bumagsak ang bunga ng bayabas. Nakita ng isang dalaga ang
kanyang ginagawa at sa paglapit ay pinitas nya ang bunga ng bayabas. Sya ay si Maria - kilala bilang si
Mariang Masipag. Sinabihan nya si Juan na mali na maging tamad. Nang magmulat ng mata si Juan, agad
syang humanga sa ganda ni Mariang Masipag.

Kinabukasan ay umakyat ng ligaw si Juan kay Mariang Masipag. Agad naman syang kinapanayam ng ina
nito. Tinanong si Juan kung bakit sya nakilalang si "Juan Tamad." Ibinahagi ni Juan ang mga kadahilanan
kung bakit sya tinawag na Juan Tamad.

Unang dahilan: Noong sya ay pinagtinda ng kanyang ina ng puto. Dahil sa sobrang init ng araw at
kapaguran ay pinili nyang mamahinga kaysa magtinda. Habang nagpapahinga ay kinakain ni Juan ang
paninda para malaman kung ito ay talagang masarap. Maya - maya pa ay nakita nya ang dalawang
gutom na palaka. Naawa siya sa mga ito kaya pinakain nya ang lahat ng tinda nyang puto. binitbit nya
ang mga palaka sa kanyang pag - uwi sa pag-aakalang hindi sya mapapagalitan ng kanyang ina. Nagalit
ang kanyang ina sa ginawa ng anak at pinagbabato sya ng mga kagamitang pambahay.

Ikalawang dahilan: Noong naapektuhan ng pagkalat ng galis at garapata ang kanilang nayon. Hindi
makayang lumabas ng kanyang ina ng bahay dahil sa sobrang pangangati kaya inutusan nya si Juan na
magbenta ng palayok sa palengke. Sa di inaasahang pangyayari at dala ng kaantukan ay nahagip si Juan
ng nagbibisikletang si Mariang Masipag. Humingi ng paumanhin si Maria dahil nabasag ang palayok na
bitbit ni Juan. Ginawan ni Juan ng paraan ang nabasag na palayok, dinikdik nya ito ng pinong-pino at
ibinalot sa dahon. Ibinenta nya ito sa palengke bilang pulbos na panggamot sa pulgas. Binili ito ng mga
tao, ngunit nang malamang hindi iyon totoong gamot ay nagalit ang mga tao at dinumog si Juan.

Umuwi si Juan na taglay ang maraming sugat. Hinanap ng ina ang napagbentahan sa palayok. Kaya
nagsinungaling na naman si Juan. Nagalit lalo ang kanyang ina at bilang parusa ay pinaluhod si Juan sa
asin upang magtanda. Pagkatapos nito ay inutusan ng ina si Juan na bumili ng asin upang may magamit
sa pagluluto.
Sa daan pauwi, natanaw ni Juan ang ilog. Nagdalawang-isip syang maligo dahil baka manakaw ang dala
nyang asin. Ngunit naisip nyang ilubog ang asin na malapit sa dalmpasig

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/345832#readmore

You might also like