You are on page 1of 5

Alamat ng Juan Tamad

Si Juan ay isang bata na alam


lang gawin ay matulog. Siya ay makupad o ayaw kumilos
sa mga ni
nanais niyang gawin.Kaya binansagan siya ng kanyang
ina na "Juan Tamad".
Isang araw gusto ni Juan Tamad na kumain ng isang
bayabas , ngunit sa sobrang tamad niya ay ayaw
niyang mapagod sa pagpitas nito.At napansin niya na may
mga bayabas na nahuhulog sa puno nito.
Nagpasiya lamang siya na humiga sa ilalim ng puno
na katapat ng bunga na bayabas.Ayon kay Juan
ay hihintayin na lamang niya itong mahulog sa kaniyang
bibig.
Nakita siya ng isang babae na ang ngalan ay Maria
Masipag ito ay maganda at napakamasipag na babae na
puro alam ay gawin ang mga gawaing bahay.Sinabihan
nya si Juan na wala siyang mapapala kung di nya iyon
pipitasin. Si Juan ay nagandahan siya kay Maria at agad
niya itong sinunod. Napalapit siya dito pero ang mama ni
Maria ay ayaw siya nito. Dapat muna daw ay magbago si
Juan upang tanggapin sya ng mama ni Maria.
Si Juan ay nagbabago na at nagulat ang kanyang mga
magulang na siya ay talagang masipag na ngayon. Na
dating Juan ay ang alam lang ay matulog kumain, pero
ngayon ay gumgawa na sya ng mga gawaing bahay. At
sinagot na siya ni Maria.

Pagkalipas ng ilang taon si Juan Tamad ay binansagan na


"Juan Tama".
Si Juan at ang Alimango
Si Juan ay isang batang may katamaran at may kahinaan ang pag-iisip.
Gayunpaman, siya ang nag-iisang kasama ng kanyang ina kung kaya't siya
lamang ang nauutusan nito.

Minsan ay inutusan ni Aling Maria ang anak.

"Juan, ipagbili mo sa palengke ang mga nagawa nating palayok.


Kailangang maging pera ito."

"Opo," magalang na sagot ni Juan.

"Bumili ka na rin ng alimango para ulam natin sa tanghalian."

"Opo. Sige, Inay, aalis na po ako," sabi ni Juan.

"Mag-iingat ka. Huwag mong kalilimutan ang bilin ko. Umuwi ka agad, ha.
Huwag kang pupunta kung saan-saan," ang bilin ng ina.

"Susundin ko pong lahat ang utos ninyo, Inay," wika ni Juan.

Sa palengke, madaling naipagbili ni Juan ang mga palayok.

"Naku, mabuti na lang at mabilis naubos ang mga palayok," wika ni Juan
sa sarili.

Hindi nag-aksaya ng oras si Juan. Bumili agad siya ng isang taling


alimango. Bitbit ang mga alimango, masayang umuwi si Juan. Pasipul-sipol
pa siya.

Sa daan ay nasalubong ni Juan ang isang matandang lalaki.

"Naku, iho, maaari mo ba akong samahan sa pinakamalapit na senter?


Ako lamang ay naliligaw at ang aking apo ay doon nakadestino," sabi ng
matanda.
"Aba, opo!" walang atubiling sagot ni Juan.

"Pero, teka... Pano kaya ang mga alimangong ito?" bulong niya sa sarili.
"Tiyak na hinihintay na ito ni Nanay para lutuin sa aming tanghalian." Saglit
na nag-isip si Juan.

"Ah! Alam ko na! Sandali lang po, Lolo."

Binuksan ni Juan ang supot na hawak at kinausap ang mga alimango.

"O, kayo, ha, hinihintay na kayo ni Nanay. Mayroon lamang akong


sasamahan. May mga paa naman kayo kaya mauna na kayo sa akin sa
bahay. Sundan lamang ninyo ang landas na ito. Pagdating sa dulo ay
kumaliwa kayo. Makikita ninyo ang aming hagdan. Akyatin ninyo. Matutuwa
si Nanay kapag nakita kayo."

At pinawalan ni Juan ang mga alimango saka sinamahan ang matanda.

Alas dos na ng hapon nang makabalik si Juan sa bahay.

"Juan, bakit ngayon ka lang, ha? Nasaan ang alimango?" ang magkasunod
na tanong ni Aling Maria.

"Bakit, Inay, wala pa po ba? Kanina ko pa po pinauwi, ah! Pinawalan ko


sila at ang sabi ko sa kanila ay mauna na silang umuwi. May tinulungan
lamang akong matandang naligaw. Sinamahan ko po siya sa senter sa
bayan. Maliwanag naman po ang ibinigay kong direksyon sa kanila,"
pangangatwiran ni Juan.

Nagagalit man ay napakamot na lamang ng ulo ang ina.

Labis naman ang pagtataka ni Juan kung bakit hindi pa nakararating ang
mga alimango sa kanilang bahay

You might also like