You are on page 1of 1

Ang Pato ni Lola

Isang araw naglalaro is Juan at Maria sa kanilang bakuran. habang naninirador si Juan
ng ibon hindi sinasadya na tinamaan niya ang pinakamamahal na pato ni Lola.
Nakita ito ni Maria habang takot na takot naman si Juan. “Naku! lagot ka Juan tiyak na
magagalit si Lola sa pagkakatirador mo sa kanyang pato”. “ Pero hwag kang mag-alala Juan
akong bahala sayo hindikita isusumbong sa Lola”…
Makalipas ang iang oras habang kumakain sina Maria at juan kasama ang kanilang Lola ,
masaya silang nakukwentuhan sa harapan ng hapagpagkain, pagkatapos kumain ni Lola umalis
na ito at ang bilin , “Maria, hugasan ang mga pinagkainan ha”. “Opo! sagut ni Maria”, Maya-
maya lamang, “Juan narinig mo b a ang utos ni Lola?”, “Ate naman hindi ba ikaw ang inutusan
ni Lola?”. “Tandaan mo Ang Pato ni Lola” , sagot ni Maria..
Simula noon lahat na ng utos ni Lola kay Maria ay ipinapasa nya kay Juan upang hindi
niya ito isumbong kay Lola sa nagawa niyang kasalanan. Nagging sunod sunoran naman ang
kaawa-awang si Juan.
Isang araw habang wala sa bahay si maria naguusap si Lola at si Juan,” Juan Nakita mo
ba ang pinakamamahal kong Pato?”. Dito na nakakuha ng pagkakataon na umamin si Juan sa
kanyang Lola. “ Lola,” natatakot na sabi ni Juan,” noong isang araw po kasi habang naninirador
ako sa bakuran hindi po sinasadya na na natirador ko ang iyong pato kaya po namatay sya,
patawarin nyo po ako Lola hindi ko po sinasadya ang nangyari”, Natuwa naman ang Lola sa
nagging pasya ni Juan.. “Alam mo Juan dahil sa ginawa mo hindi ko magawang magalit sa iyo
sapagkat inamin mo ang tutoong nangyari at iyan ang tama, sige na kalimutan mo nay an at
maglaro ka na uli”…
Kinahapunan, habang naglalaro uli si Maria at Juan.. “Maria Anong oras na? mag saing
kana”..”Opo! sagot ni Maria sa Lola”, “Juan narinig mob a yong utos ng Lola?” Hindi kumikibo si
Juan hang ito ay patuloy na naglalaro. “Juan! narinig mob a ang utos ni Lola magsaing ka na
daw”, “Hindi ba ikaw ang inuutusan ate Maria”. “sige isusumbong kita sa lola “ ang pananakot
na tugon ni Maria. Nakangiting at buong tapang sinabi ni Juan na “sige magsumbong ka ,
Inamin ko na ang nagawa kong kasalanan kay Lola at Pinatawad nya na ako sa nangyari, kaya
ikaw na ang gumawa ng mg autos sayo ni Lola”, mula noon hindi na pinasa kay Juan ang mg
utos sa kanya.
Kaya dapat nating tandan, aminin agad natin ang mga pakakamali na ating nagawa
upang hindi ito ang maging dahilan para lalo tayong mahirapan dahil sa itinagong kasalanan.

Avelino B. Coballes IV

You might also like