You are on page 1of 2

Noong araw sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na

naninirahan sa tabi ng kakahuyan.

Ang ina na si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi


siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na
lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.

Ang anak na si Juan ay isang mabuti at masunuring anak.


Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang ina tungkol sa
pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi
siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng
kanilang bahay.

Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at


si Juan naman ay naging isang makisig na binata.

Si Aling Rosa ay nanatili na lamang sa bahay at palaging


nagpapahinga, samantalang si Juan ay siyang naghahanap ng
kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling
Rosa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal.

Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa


gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si Helena.

Si Helena ay lubhang kaaki-akit kung kaya’t agad umibig dito


si Juan. Tuwing umaga kapang nangunguha ng
bungangkahoy si juan ay nagkikita sila ni Helena sa gubat.
Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa dalaga.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin sya sinasagot ni
helena

Maniniwala lamang si Helena kay Juan kung dadalhin ni juan


ang puso ng kanyang ina na nasa kanyang palad,bukas ng
hapon.

Hindi makapaniwala si Juan sa sinabi ni Helena.Pagkatapos ng


kanilang kasunduan ay umuwi na si juan.Ngayong araw ay
gagawin na ni juan ang inuotos ni helena.Nang dumating si
Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na
mag-orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang
bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Juan.
Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot
ni Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod.
Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at si juan ay umiyak at
pinagsisishan ang lahat.

Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan.


Siya ay naging isang maliit na hayop na may buntot. Si Juan
ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.

You might also like