naninirahang batang babaeng nagngangalang Luna. Masaya siyang naninirahan kasama ang kanyang pamilya sa kanilang tanahan. Sila ay may mabuting kalooban. Si Luna ay nag-iisang anak ng mag-asawang Ula at An kaya naman napalaki nila ito ng may takot sa Diyos at may mabutin kalooban. Isang araw ay nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa magkapamilya. Habang naglalakbay ang ama ni Luna na si Ula na umuwi sa kanilang bahay ay aksidenteng nabangga ang sinasakyan sa isang malaking puno, hanggang sa namatay ito. Buhat ng pangyayaring iyon ay nagulat at nalungkot ang lahat ng taga-baryo. Halos araw-araw ay bumalot ang katahimikan sa naturang baryo. Nang tumatagal hindi na nakayanan ni Ann ang kanyang nararamdamang depresyon. Makalipas ang ilang buwan ay tuluyan na siyang nagkaroon ng sakit. Masaya naming pinaglilingkuran ni Luna ang kanyang ina habang pinagpapatuloy ang pagtulong sa mga taong mahihirap. Nang dahil sa murang edad hindi alam ni Luna kung ano ba ang dapat niyang gawin. Di nagtagal ay nawalan siya ng pag-asa at tiwala sa Diyos. Araw-araw na siyang umiiyak at nagwawala sa kanyang silid. Nakalimutan niya nang tumulong, pati na rin ang sariling ina ay napabayaan na hanggang sa dumating sa araw na namatay ito dahil nga sa kanyang pagpapabaya. buhat ng pagkamatay ng kanyang ina ay nakalimutan na niyang alagaan ang kanyang sarili kaya’t siya’y nagkasakit at unti-unting namatay. Madalas na bumubuhos ang tubig mula sa kalangitan simula noong araw na iyon kaya hindi na kailanman nagkaroon ng tagtuyo sa kanilang nayon. Mula noon hanggang ngayon ay tinawag nang mga tao ang tubig na nagmumula sa kalangitan na “ULAN” na nanggaling sa pinaghalong pangalan ng mag-asawang Ula at An.