You are on page 1of 3

Bill by Zona Gayle

Si Bill ay tatlumpong taong gulang at si Minna naman ay apat na taong gulang ng


namatay ang kanyang asawa. Si Bill ay may tindahan ng mga kagamitang
pangkarpintero sa kanilang bakuran kaya naman silang dalawa na lamang ni Minna ang
may ari nito. Araw araw habang siya ay nagtatrabaho ay naglalaro naman si Minna sa
kanilang bakuran at kapag kailangan niyang umalis ng ilang oras ay ang kapitbahay
nilang babae ang nagbabantay kay Minna. Mayroong kaunting kaalaman sa pagluluto si
Bill katulad ng kape, bacon, pritong patatas at flapjacks. Nagagamit rin niya ang
saging, sardinas at biskwit. Isang araw nang nabanggit ng kapitbahay nilang babae na
hindi maganda sa kalusugan ng bata ang pinapakain niya ay nagpaturo si Bill na
magluto ng oatmeals at mga gulay at kahit na palagi siyang napapaso kapag nagluluto
nito ay ginagawa niya pa rin ito araw araw. Nililinis niya ang bawat sulok ng bahay at
nililinisan lahat ng gamit at minsan na siyang nagreklamo sa sobrang dumi ng bintana
na hindi na siya makakita ng maayos. Siya rin ang naglaba at nagtahi ng mga damit at
manika ni Minna. Nagdala rin siya ng pusa para may kasama si Minna sa bahay.
Tuwing gabi ay naririnig niya si Minna na nagdadasal habang nakaluhod sa sahig ,
magkadikit ang mga palad at nagdadasal ng mabilis. Kapag nalilimutan naman niyang
magdasal ay ginigising niya ito o kaya ay pinapaalalahanan kinabukasan. Si Bill rin ay
nagdarasal na kapag siya ay nakagawa ng mali ay maisip niya na gumawa ng tama
alang alang kay Minna. Tuwing linggo ay sinasama niya si Minna sa simbahan at
habang siya ay nakikinig ay binabantayan niya rin si Minna at binibigyan ito ng kendi
kapag mangungulit. Isang araw ay hindi siya nagtrabaho at sinamahan si Minna sa
Sunday school picnic. Naisip niya na kung buhay ang kanyang asawa ay ganito rin ang
gagawin nito. Nang si Minna ay malaki na para pumasok sa paaralan ay dinadala siya
ni Bill tuwing umaga o kaya hapon. Isang araw ay nagpunta siya sa paaralan suot ang
magandang damit at kinausap ang titser na kung buhay ang kanyang asawa ay ganito
rin ang kanyang gagawin. Subalit hindi na muli bumalik si Bill sa paaralan.

Si Minna ay anim na taong gulang ng si Bill ay nagkasakit. Isang hapon ng mayo


ay nagtungo siya sa doctor. Pagkauwi niya ay pumunta siya sa kanyang tindahan at
umupo. Hindi na siya gagaling at mayroon na lamang siyang anim na buwan para
mabuhay.

Nang gabing matutulog na si Minna at hahalik na sa kanyang papa ay gumawa


ng dahilan si Bill at sinabing hindi na niya dapat siya halikan. Hinawakan niya ito sa
kamay at habang nakatingin sa mga mata ay sinabi niya na si Minna ay isang dalaga na
at hindi na niya gusto na hinahalikan siya ng papa niya. Nainis at malungkot na umalis
si Minna. Sumunod na araw ay nagpunta muli si Bill sa ibang doctor upang
makasigurado sa kanyang sakit at kinumpirma ng doctor ang kanyang karamdaman.
Sinubukan niyang gumawa ng paraan sa kanilang sitwasyon. Mayroon siyang
kapatid sa Nebraska subalit ito ay matanda na. ang kanyang asawa naman ay may
kapatid na lalaki sa siyudad subalit ito ay taong puro salita. Iniisip niya si Minna dahil ito
ay may mga bagay na tanging siya lang ang nakakaintindi at ang nais niya ay may
taong makakaintindi sa kanya at nabibilang na lamang ang mga buwan niya.

Sinabi ng kapitbahay niyang babae na huwag niyang ibibigay si Minna doon at


doon ay alam na ni Bill na nasa kanya ang desisyon kung ano ang mangyayari kay
Minna.

Buong gabi niyang pinagisipan ang kanyang desisyon at kanyang napgpasyahan


na gumawa ng anunsyo sa dyaryo na nagsasabi na ang isang lalaking may nabibilang
na buwan na lamang para mabuhay ay nagnanais ng taong may mabuting puso na
kupkupin ang kanyang anak na babae na anim na taon, may asul na mga mata at kulot
na buhok.

Sumunod na araw ay may dumating na magarang kotse sa bahay nila Bill na


siyang inaasahan niya. Gayon na rin ang kanilang mga kasuotan. Kasama nila ay ang
isang batang babae na umiiyak at tinatanong kung si Minna ba ang kanyang
nakababatang kapatid. Sumagot ang ina ng bata at sinabing sumunod lamang sa
kanila dahil kung hindi ay iiwanan siya at ang dadalhin ay si Minna

Tinignan ni Bill ang babae at mukhang hindi nagustuhan ang ugali at sinabi ditto
na may ibang plano na siya para kay Minna at hindi na matutuloy ang pagkupkop sa
kanya. Dali daling umalis ang asul na kotse. Nang marinig ng kapitbahay ang usapan
ay nakapagsalita siya ng hindi maganda at sinabi na wala siyang karapatan kahit na
siya ay may sakit na ibenta ang kanyang anak. Hanggang sa maraming sasakyan ang
dumating subalit lahat ng ito ay bigong umalis.

Isang araw may mag asawang napadaan sa tindahan ni Bill at sila ay nagluluksa
sa kanilang anak na babae. Ang babae ay nagdadalamhati samantala ang lalaki naman
na mapagaruga ay isang karpintero. Sa kabila ng kawalan ng pag asa ni Bill ay nasabi
niya sa mag asawa na sila ang taong hinihintay niya. Nang tanungin nila kung kalian
nila maaaring makuha ang bata ay sumagot si Bill ng isang araw pa.

Ginugol ni Bill ang kanyang araw sa tindahan samantala si Minna naman ay


naglalaro sa bakuran. Nagluto siya ng kanilang hapunan at habang kumakain si Minna
ay pinapanuod niya ito. Nang inihiga niya na ito sa kama ay tumayo si Minna at sinabi
na sa gabing ito ay isa siyang bata at nanghihingi ng halik sa kanyang papa subalit
iniling ni Bill ang kanyang ulo at sinabi sa kanya na isa na siyang dalaga.

Nang dumating na ang mag asawa kinaumagahan ay nakahanda na si Minna,


nakaligo na siya at natahi na rin ang kanyang damit at manika. Tuwang tuwa na sinabi
ni Bill na ngayon lang ulit magkakaroon ng bisita si Minna. Tumakbo si Minna kay Bill
subalit pinaalalahan ni Bill si Minna na isa na siyang dalaga.

Nakatayo si Bill habang pinapanuod ang magasawa kasama si Minna. May dala
silang asul na payong sakali man na maging mahirap ang pagkuha kay Minna. Tuwang
tuwa si Minna sa pagtingin sa asul na payong na hindi na niya nagawang lumingon at
magpaalam.

You might also like