You are on page 1of 2

Ang Buhay ng isang Domestic Helper

May isang pamilyang isang kahig isang tukang namumuhay sa bukirin ng Cotabato. Ito ay ang pamilyang
Lopez, at ang ating bida ay si Jane. Siya ay isang mabait, matulungin, at masipag na ilaw ng tahanan at sa
kaniyang kapilas ng buhay na si Alberto na isang anak-pawis.Habang nagtatrabaho si Alberto sa kanilang
palayan ay binisita ni Jane ang kanyang asawa at pinagdalhan siya nito ng pagkain. Habang sila ay
kumakain dumating ang ate ni Jane na si Bella na sumisigaw ,“Tulong!Jane yung anak ninyo may sakit!”,
habang dala-dala niya ang panganay na anak nila Jane na may sakit. Humingi siya ng tulong kay Alberto
na ito’y dalhin sa hospital para mapagamot.Dahil sa hirap ng buhay napilitan ang mag-asawang sina Jane
at Alberto na ibenta ang kanilang lupain para mapagamot ang kanilang panganay na anak. Naibenta na
nila ang kanilang lupain pero hindi sila nawalan ng pag-asa na balang araw ay mababawi pa nila ang
kanilang lupain sa Cotabato. Lumipas ang isang taon ay nabawi rin nila ang kanilang lupain kinabukasan
ay may dumating na malakas na bagyo at nasira ang kanilang mga pinaghirapang tanim, sumigaw si
Alberto kay Jane na “Tama na!,wala na tayong magagawa diyan Jane.”pero pinipilit parin niya na kuhain
ang tanim kahit ito’y patay na,at sinabi pa ni Jane habang umiiyak ,“Ito ay puwede pa,dahil ito ay
masasayang lamang.”.Dahil sa magkakasunod na hamon, napilitan si Jane na tanggapin ang oportunidad
na magtrabaho sa HongKong bilang isang domestic helper.

At sa Pilipinas naman ay nakahanap din ng trabaho si Alberto bilang isang drayber ng isang truck.
Habang siya ay bumabyahe ay hindi niya na malayan na meron pala siyang makakasalubong na isang van
na mabilis ang takbo, at ito ay napunta sa isang aksidente. Nabalitaan ito ni Bella at isinabi ito kay Jane
ng malungkot, “Jane,may masama akong balita sa iyo”sabi ni Bella, “Ano yun ate?”tanong ni Jane, “Wag
kang mabibigla ngunit nasa hospital ang iyong asawa dahil naaksidente ang kanyang truck sa isang
van”wika ni Bella. Hindi pinayagan si Jane ng kanyang amo na makauwi sa Pinas,tiniis niya ang lahat ng
lungkot at pinagpatuloy ang kanyang hanap-buhay sa HongKong. At ng natapos ang kanyang contrata sa
HongKong ay sa Kuwait na naman siya nanilbihan sa iba’t ibang amo. Walong taon niyang hindi
nakapiling ang kaniyang mga anak at buwan-buwan siyang nagpapadala ng pera sa pamilya, kapalit ang
kanyang buhis-buhay na nagpapaalipin sa iba’t ibang bansa.Lumipas ang isang buwan ay nakauwi na siya
sa Pilipinas at naghanap-buhay muna bilang isang tindira sa palengke upang makapiling niya ang
kanyang pamilya.Nung siya ay nagtitinda ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si Nene at silay nag-
uusap tungkol sa kung kailan si Jane babalik sa HongKong, "Hindi muna ako babalik sa abroad, kasi para
matulongan at mabantayan ko ang aking asawa at mga anak."sinabi ni Jane kay Nene.Makalipas ang
ilang araw ay pinaalis siya doon sa kanyang tindahan dahil kulang ang binabyad niyang buwis nito.Nung
pagkauwi niya sa bahay nila ay sinabi niya lahat ang pangyayari kay Alberto, pinakalma ni Alberto si Jane
at sinabi niya na "Hayaan mo na yun, wala na tayong magagawa." ngunit inayaw ni Jane ang sinabi ni
Alberto sa kanya, "Anong walang magagawa?puro ka lang walang magagawa yun lang palagi ang
binabanggit ng bunganga mo?!" pagalit na sagot ni Jane sa kanya. Sila ay nag-aaway dahil wala ng
trabaho at naaawa din sila dahil sa kanilang mga anak na wala na halos makain.Lumipas ang ilang sandali
ay napag-desisyonan na ni Jane na bumalik sa HongKong para meron silang makain at makitang
pera,kinabukasan ay nagpaalam na siya sa mga bata na siya ay aalis na naman papunta sa ibang bansa
upang magtrabaho pero umiiyak ang kanyang mga anak dahil aalis na naman ang kanilang Mama,
kinausap muna niya ang kaniyang mga anak, "Ito'y para sainyo mga anak,huwag na kayo umiyak.".

Kinabukasan, siya ay nanilbihan sa HongKong bilang isang domestic helper ,may nakasama siyang isang
kasambahay at kapareha sila ng bahay na papasokan,pagkadating nang pagkadating nila sa bahay ay
pinakakilala nila ang kanilang sarili at kinalala nila ang mga anak ng amo.Gumigising sila ng maaga para
magluto ng agahan para sa mga bata at ang kaniyang kasama na si Linda ay tagalinis ng bahay.Sa simula
ay okay lang ang pagsasama ng kanyang amo sa kanila ngunit ito'y nagbago nung silang tatlo ng
kaniyang lalaking amo at si Linda ay naiwan sa bahay.Habang sila ay nagtatrabaho nag-uusap sila ni
Linda,"Linda,may masama akong pakiramdam dito sa lalaking ito."sabi ni Jane,"Ano yung masamang
nararamdaman mo Jane diyan sa lalaking iyan?"tanong ni Linda na may halong pagtataka, "Basta,
parang mayroon siyang gagawin na masama sa atin."patakot na sabi ni Jane,"Bahala ka nga diyan Jane
basta maglilinis na lang dito"sabi ni Linda.Tinawagan ng amo ang kaibigan niya para ito'y pumunta sa
bahay at para pagsamantalahan ang dalawa nitong kasambahay, lumipas ang ilang sandali ay inabuso at
pinagsamatalahan sila ng kanyang amo at ng kaibigan.Kinabukasan ay umiiyak sila habang nagtatrabaho
at napansin ito ng babae nilang amo tinanong sila "What happened to you?Why are you crying?"tanong
ng kanilang amo, hindi sila halos makasalita kasi sila'y takot na takot sa kanilang lalaking amo,"We're
fine, we just miss our family there in the Philippines"-Jane,"Yeah,we're fine madam"-Linda.Pagkagabi
nung mahimbing na natutulog ang kanilang amo ay naplanohan nilang tumakas sa bahay na
iyon,isinumbong nila ito sa awtoridad na sila ay na abuso at pinagsamatalahan at sinampahan nila ng
kaso ang lalaking amo at pinaproseso pa ng gobyerno ng HongKong at mga papelis nina Jane at Linda.

May nakilala silang isang pinay na makakatulong sa kanila kung saan sila titira,at tinulongan din sila kung
saan puwede magtrabaho para mayroon silang makakain at ang sinabi ay mangalakal ng basura para
mayroon silang mapagkikitaan.Nung gabing iyon ay nagsimula na silang mangalakal ng basura ngunit
nahuli sila ng pulis dahil ito'y pinagbabawal sa HongKong ang pagpupulot ng basura kaya tumakbo sila
ng mabilis para sila ay makatakas,pikit-mata itong pinagpatuloy nina Jane at Linda upang hindi sila
mamatay sa gutom at kahit paano ay may maipapadala parin sila na pera para sa pamilya nila sa
Pilipinas.Makalipas ang ilang araw ay nabalitaan nila na kansilado ang kaso kasi kulang ang ebedinsya na
binigay sa mga pulis kaya matatagalan sila ng pag-uwi sa Pinas pero sinabihan naman siya na "After 2
months you can now go home to the Philippines".Kaya nagsusumikap silang dalawa at naghintay ng
dalawang buwan para sila ay makauwi na.Lumipas ang isang buwan ay nagpagawa na sila ng bagong visa
para sila'y makauwi,paglabas nila sa pagawaan ng visa ay may nakita silang naka envelope at kanila itong
pinulot at nakita nila na may lamang pera sa loob ,"Tingnan mo Jane,merong lamang pera."sabi ni Linda
kang Jane, "Isauli natin yan sa may-ari."sabi ni Jane,"Bakit naman?eh napulot mo nayan"-Linda, "Paano
naman ang pangaral ko sa mga anak ko?kung ako mismo hindi susunod."-Jane,"Eh ikaw bahala"-Linda.
Tinawagan ni Jane ang numerong nakalagay sa envelop kaya naisuli na nila ang pera sa may-ari.

Nalaman ng Embahada ng Pilipinas ang ginawa na kabutihan nina Jane at Linda sa pagsasauli ng
malaking halaga ng pera kaya napadali ang kanilang pag-uwi sa Pinas.Nung nakauwi na siya sa Pilipinas
ay napagplanohan niyang magpatayo ng isang negosyo upang kumita ng pera at para makapiling ang
kaniyang pamilya. Lumipas ang sampung taon ay lumago ang kanyang negosyo at siya ay naging
Milyonarya.

THE END.

You might also like