You are on page 1of 3

Sa lungsod ng Baguio, may dalawang tao ang nag-iibigan mula nang

sila’y nasa sekondarya pa lamang na nagngangalang Ben at Jen. Si Ben


at Jen ay magkapit-bahay, ang unang pag-ibig ng bawat isa at
magkasintahan ng labing-tatlong taon.Isang araw ay sinupresa ni Ben si
Jen ng isang ‘wedding proposal’ at agad namang pumayag si Jen.
Pagkatapos ng pangyayari ay piniling maglakad papauwi ng dalawa
habang pauwi ay nagpausapan nila ang plano sa kanilang magiging kasal.
Sinabi ni Jen na nais niya lamang ang isang ‘intimate’ na kasal at bigyan
pansin nalang ang kanilang magiging ‘prenup’. Agad naman natalakay nila
Ben at Jen ang plano ni Ben na manirahan sila sa New York pagkatapos
ng kanilang kasal ngunit nais muna ni Jen na kumuha ng bar exam sa
pagiging abugado dahil gusto niya tapusin ang kursong napili ngunit
patawang inaayawan ito ni Ben dahil lilipat naman din sila sa New York at
iba ang mga batas sa nasabing lungsod sa Amerika. Habang malapit na
sila Ben at Jen sa bahay ni Jen ay nakwento ni Ben na naghahanap na
ang kanyang ina ng pwesto sa New York para sa kanilang itatayong
coffee shop na pwede nilang gawin o di kaya maghanap nalang ng ibang
trabaho pero nag-aalala si Jen na kapag sumama siya kay Ben ay wala
ng mag-aalaga sa kaniyang ama. Narinig ito ng ama ni Jen agad na
sinabing kaya niya pa ang kaniyang sarili at nais nitong magkaroon na ng
sariling pamilya ang anak na babae. Pagkatapos ng usapan ay pinauwi na
ng ama ni Jen si Ben, kinabukasan ay pumunta si Ben sa bahay nila Jen
upang bigyan ng regalo ang kasintahan at ang regalo na iyon ay isang trip
papuntang Iceland. Binigyan siya ni Ben ng isang box na may lamang na
maliit na libro na may pamagat na Iceland agad naman pinaunlakan ito ni
Jen at sinabi alam niya na ang lahat sa Iceland ngunit sinabi ni Ben na
hindi lamang iyong libro ang kaniyang regalo kundi silang dalawa ay
pupunta sa Iceland. Labis na natuwa si Jen ng malaman iyon dahil sobra
ang kanyang pagkahumaling sa bansa. Isang araw bago pumunta sila
Ben sa Iceland ay napagdesisyunan na ni Jen na kumuha ng US Visa
ngunit pinili niyang sabihin na lamang ito kay Ben sa huling araw nila sa
Iceland. Pagdating nila sa Iceland ay nag arkila sila ng sasakyan na
magagamit upang makapaglibot sila sa buong Iceland. Ang unang lugar
na pinuntahan nila ay ang Hverageroi o mas kilala sa tawag na “The
Blossoming Town”. Sa unang araw palang ay kakikitaan na si Jen ng hilig
sa pagkuha ng mga litrato at pumunta sila sa isang tomato farm upang
kumain na rin ng isang tomato soup dahil gutom na silang dalawa. Sa
unang gabi nila Jen ay ninais niyang makita ang Aurora Borealis, sinabi
niya ito kay Ben at nung nakita ito ni Ben, ginising niya si Jen ngunit ang
dalaga ay ayaw magising dahil pagod pa sa kanilang biyahe. Sa mga
susunod na araw ay maraming ‘tourist spots’ ang pinuntahan ng
magkasintahan, sinabi ni Jen na sundin nalang ang ring road ngunit agad
naman niya itong pinabulaanan kinabukasan dahil may mas gusto siyang
lugar na mapuntahan katulad ng Seljalandsfoss na agad naman nilang
pinuntahan. Sa pangalawang araw nila sa Iceland ay kakikitaan si Jen ng
paiba-iba ng isip, gusto sana nilang pumunta sa isang lugar upang mag
‘whale watching’ ngunit dahil sa matagal na biyahe ay umayaw nalang si
Jen kaya sa Seljavallalaug nalang sila pumunta ang oldest pool ng
Iceland. Habang nasa pool si Jen nagpasalamat siya kay Ben ay sinabing
siya ng magdesisyon sa lugar na pupuntahan nila bukas, ito ang Volcanic
Crater at pumayag naman si Jen ngunit nung araw na pupunta sila sa
Volcanic Crater ay walang gana si Jen na sumama kay Ben dahil daw
masaket ang ulo nito pero sa huli ay sumama parin ang dalaga ng di
maluwag sa kalooban. Habang nasa crater sila ay napaaway si Jen sa
isang turista dahil sinabihan niyang panget ang lugar at di sulit ang
malayong lakarin kaya naging sanhi ito ng unang away nina Ben at Jen sa
Iceland ngunit agad naman nagkapatawaran. Nag-usap ng maayos ang
dalawa ngunit nang nagbiro si Ben tungkol sa mga plano ni Jen na hindi
niya sinunod dahil sa personal na kagustuhan ng dalaga sa mga
pupuntahang lugar ay agad na nagalit si Jen at sa di inaasahan ay
nabunggo nito ang sasakyang nirentahan. Tinawagan ni Ben ang
emergency hotline para makuha sila sa lugar pati na rin ang sirang
sasakyan, binayaran ni Ben ang sira ng sasakyan ngunit wala na silang
pagkakataon upang makarenta na ibang sasakyan kaya sa siyudad
nalang sila ng Iceland namasyal. Noong nasa siyudad pa sila ay hindi
parin matigil ang pagtatalo ng dalawa habang si Ben ay mas hinahabaan
ang pasensya sa kabiyak ngunit unti-unti na siyang nalilito at nagagalit sa
mga aksyon ni Jen. Naging sanhi ito ng pagkainit ng ulo ni Ben sa kabiyak
at nung pauwi na sila ay nawawala ang pasaporte ng dalaga, agad nila
itong hinanap ngunit nung nasa paliparan na sila ay naiwanan sila ng
eroplano. Habang naghihintay sa flight nila ay nagkaroon ng masinsinang
pag-uusap ang dalawa, sinabi ni Ben na ang kilala niyang Jen ay may
pake sa kapwa niya at hindi pabago-bago ang isip na kabaliktaran sa mga
inasta ni Jen sa kanilang paglalakbay sa Iceland. Sinabi ni Jen na
maghiwalay na sila sa isip-isip na hindi papayag si Ben ngunit laking gulat
niya ng pumayag ang binata. Hiniwalayan niya ang dalaga sa paborito
nitong lugar ang Iceland at sa kanyang paboritong oras ng araw,
pagpalubog na ang araw (sunset). Pagkalipas ng ilang taon ay ikakasal na
si Ben ngunit sa ibang babae, umuwi siya ng Pilipinas at nabalitaang may
saket si Jen. Binisita niya ang dating kasintahan at laking pagsisisi kung
baket hindi binalikan ang dalaga gayong may saket ito. Nalaman ni Ben
na ang dahilan ng pagbabagong ugali ni Jen at laging pagsaket ng ulo
noong sila’y nasa Iceland pa ay dahil may brain tumor ito, Astrocytoma
benign. Nagpaopera ang dalaga ngunit sinabi ng doctor na hindi na
makaka-survive ang dalaga sa pangalawang operasyon. Pinili ng binata
na makasama si Jen at dahil pinayagan naman rin siya ng kanyang
mapapangasawa sapagkat alam niya kung gaano kaimportante si Jen kay
Ben. Nagkasama si Ben at Jen, inalagaan niya ang dalaga at pinilit ni Ben
na harapin ang pinaka-kinakatakutan ni Jen ang kumanta sa publiko. Sa
huling mga araw ni Jen ay nagsaya siya kasama ang unang mahal na si
Ben, habang sila ay magkatabing pinapanood ang ‘sunset’ sinabi ni Jen
ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Ben. Naging emosyonal ang
dalawa habang magkasama sa piling ng isa’t-isa at sa araw na rin na iyon
ay pumanaw ang dalaga habang nakasandal sa balikat nang kanyang
pinakamamahal na si Ben.

You might also like