You are on page 1of 2

Berroya, Jenard D.

Oktubre 16, 2019


BSCE-201911989 Ginang Santos
RETORIKA-H063

Sa Bahay Ampunan

Ito ay kwento ng isang batang paslit na naulila ng kanyang mga magulang. Lumaki si Benjie na
hindi nakita ang kanyang ama. Tahimik at mag isa lang kung maglatp si benjie. Sa pangungulila,
maraming naisip si Benjoe kung nasaan ang kanyang ama at kung ano ang ginagawa nito
hanggang sa pinili nyang ituring na isa itong “superhero”. Mahilig magpalipad ng saranggola si
Benjie at parati niyang iginuguhit ang kanyang ama asa kanyang saranggola bilang isang
superhero. Sa hindi inaasang pangyayari ay pumanaw ang kanyang ina. Dahil walang alam na
kamag-anak si Benjie, idinala siya ng pulis sa isang bahay ampunan. Dahil sa pagiging mahiyain,
tahimik lang si benjie at tila ba hindi alam ang gagawin nang pumasok ito sa bahay ampunan.

Sa bahay ampunan, may ilang bata ang inabutan ni Benjie. Habang naghahapunan, nilapitan ni
Kaloy, batang matagal na sa bahay ampunan, si Benjie at tinanong niya kung bakit napunta sa
bahay ampunan si Benjie. Hindi umimik si Benjie kaya tila nainis si Kaloy. Isang umaga,
nagising si Benjie sa ingay ng mga naglalarong bata sa labas. Bigla siyang nagulat at dali-daling
tumakbo palabas dahil nakita nya na pinaglalaruan nila Kaloy and laruang kariton ni Benjie.
Dahil sa sobrang pagkainis, sinumbong ni Benjie si Kaloy sa punong tagapamahala ng bahay
ampunan. Matapos ang pag-uusap, nilapitan ni Kaloy si Bejie. Muli siyang tinanong ni Kaloy si
Benjie, ngunit ngayon, mas nagging mahinahon si Kaloy. Maya maya pa ay nagsimula na rng
ikwento ni Benjie ang lahat. Simula noon ay nagging magkaibigan na sila. Isang araw, nagulat
ang lahat ng bata sa ampunan nang biglang may bagong batang dumating. Siya si Trixie. Nang
Makita ni Benjie si Trixie, bumilis ang tibok ng kanyang puso. Si Trixie ay masiyahing bata at
lagi siyang nkaikipaglaro sa mga bata sa ampunan. Tila ba mas masaya siya sa bahay ampunan
kaysa sa bahay kanyang tiyahin.

Sa pamamalagi ni Sasha sa bahay ampunan, naging malapit sa isa’t isa sina Benjie at Sasha. Sa
pagiging malapit, hindi maiwasan ni Benjie na magkaroon ng paghanga kay Sasha. Ngunit isang
araw, dumating ang tiyahin ni Sasha upang kunin ito. Ayaw sumama ni Sasha sa kanyang tiyahin
kaya naman huningi siya ng tulong kay Benjie at Kaloy, plinano nilang tumakas sa pamamagitan
ng pagsama sa kaibigang pulis ni Benjie. Itinago nila si Sasha sa likod ng sasakyan ng pulis ng
hindi nito nalalaman. Pagdating sa bahay ng pulis, nagulat ito at nakita nya sa naroon si Sasha.
Bago pa man sila pagalitan ng pulis, agad nang nagpaliwanag si Benjie at Sasha sa ginagwa
nilang plano. Ngunit kinagabihan, laking gulat nila nang makita nila sa harap ng bahay ng pulis
ang tiyahin ni Sasha. Galit nag alit ito dahil sa ginawang pagtakas nito sa bahay ampunan. Dahil
ito ang tumatayong magulang ni Sasha, walang nagawa si Benjie at ang pulis upang hindi
makuha si Sasha. Bumuhos ang iyak ni Benjie at ni Sasha nang papaalis na ito kasama ang
kanyang tiyahin. Buong gabing umiiyak si Benjie dahil baka hindi na niya makita si Sasha.

Kinabukasan, bumalik na sa bahay ampunan si Benjie. Naging malungkot din ang bahay
ampunan sapagkat nalaman nilang kinuha na si Sasha ng kayang tiyahin at posibleng hindi na ito
bumalik. Lumipas ang ilang lingo, bumalik sa dati ang saya ng bahay ampunan kahit wala pa rin
si Sasha. Naging mas malapit na rin ang loob ng isa’t isa sa loob ng bahay ampunan. Sa kanilang
pagdiriwang ng pasko, masaya ang lahat at sabik na sabik na ang mga bata sa pagbukas ng mga
regalo. Pagkatapos kumain, patuloy sa kasiyahan ang mga bata. May mga sumasayaw at
kumakanta. Sa kalagitnaan ng kasiyahan, dumating ang kaibigang pulis ni Benjie. Kinausap nito
si Benjie at inihayag na nais niyang ampunin si Benjie. Naging masaya ang bata nang marinign
nito ang magandang balita. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman, narinig din pala ito ni Kaloy.
Agad naming nagtungo si Benjie sa silid kung nasaan si Kaloy. Naabutan nitong galit na galit si
Kaloy sapagkat, iiwan na sila ni Benjie pagkatapos silang iwan ni Sasha. Ngunit, dahil sa
kabutihang loob ni Kaloy, natanggap nya na rin na mas makakabuti ang pagsama ni Benjie sa
pulis upang may maituring na itong bagong pamilya. Natapos ang gabi na may halong lungkot at
saya sa puso ni Benjie. Ngunit alam niyang hindi nya kayang kalimutan ang mga naging
kaibigan niya sa loob ng bahay ampunan.

Kinabukasan, araw ng pag-alis ni Benjie, nagpaalam na sya sa kanyang mga kaibigan at guro sa
loob ng bahay ampunan.ngunit bago siya tuluyang umalis, biglang dumating si Sasha upang
magpaalam rin kay Benjie. Pangako si Benjie na bibisita siya nang madalas sa bahay ampunan
upang mangamusta.

You might also like