You are on page 1of 2

Sa isang munting tahanan ay mayroong isang masayang pamilya ang naninirahan, si Bella ang

nag iisang anak nila Nanay Belle at Tatay Andrei. Simpleng pamumuhay ang mayroon sila sa araw araw,
si Tatay Andrei ay namamasada ng jeep habang si Nanay Belle naman ay isang maybahay.

Si Bella ay isang masiyahing bata at talagang hilig niya ang mag alaga ng mga hayop, sa kanilang
bahay ay mayroon silang alagang aso na ang pangalan ay Whitey at isang pusa na ang panagalan ay
Gray. Isang hapon ay nag paalam si Bella sa kaniyang nanay upang maglaro sa kanilang bakuran “Nanay
Belle, pwede po ba kaming maglaro nila whitey at gray sa ating bakuran?” tanong niya, mula sa kanilang
kusina ay sumagot si Nanay Belle “sige Bella, basta ay mag iingat ka at iwasan na madumihan ang damit
mo at kakaligo mo lamang” pagkarinig ni Bella sa sagot ng kaniyang Nanay Belle ay dali dali na siyang
nagtungo sa kanilang bakuran at masayang nakipaghabulan sa kaniyang mga alaga na sila whitey at gray.

Ng mapagod sa paglalaro si Bella ay nagpahinga muna siya sa kanilang duyan, at habang


nakaupo si Bella ay naisip niyang biruin ang kaniyang nanay. “Nanay! Nanay!” malakas na sigaw ni Bella,
“nawawala po si Whitey kanina ko pa po siya hindi makita, baka po kung saan na siya nagpunta” nag
aalala at mahabang turan ni Bella. Nagmamadali namang lumabas si Nanay Belle sa kanilang kusina na
abala sa paghahanda ng kanilang meryenda at halos magkanda dapa dapa sa pagmamadali upang
mapuntahan agad si Belle sa kanilang bakuran. Pagdating ni nanay Belle sa kanilang bakuran ay nakita
niya na tatawa tawa si Bella habang buhat buhat si Whitey. Ng hapon din na iyon ay pinagsabihan ni
Nanay Belle si Bella “anak, huwag mo na uulitin ang ganong klase ng mga biro sapagkat masama ang
ganon kahit na joke joke lang iyon para sa iyo” pangangaral ni Nanay Belle sa kaniyang anak, “pasensya
na po nanay” paghingi ng paumanhin ni Bella. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay niyaya na din siya ng
kaniyang nanay na pumasok sa loob ng kanilang bahay upang mag meryenda.

Kinabukasan ay araw ng linggo at napag pasiyahan ng kanilang Tatay Andrei na hindi muna
mamasada ng jeep upang makapagbonding silang buong pamilya, kaya naman napagkasunduan nila na
pumunta sa isang park upang mag picnic at makapaglaro na din si Bella.

Ng makarating sila sa park ay napakarami din na mga pamilya ang naroroon at mga batang
naghahabulan kaya naman sabik na sabik na si Bella na makipaglaro sa mga ito, kasama din nila ulit ang
kanilang alagang aso na si Whitey at alagang pusa na si Gray. Si Whitey ay naiwan sa kanilang picnic
blanket habang si Gray lang ang isinama ni Bella papuntang slide. Nakipaglaro ng tagu taguan, taya
tayaan at piko si Bella sa mga batang naroroon, maya maya ay dali daling tumakbo si Bella palapit sa
kaniyang tatay Andrei. “Tatay, tatay, si gray po nawawala. Binitawan ko lang po siya saglit dahil
pinagpagan ko po ang suot kong damit” mahabang paliwanag ni Bella.

Kaya naman sinimulan na nilang hanapin si Gray sa park at nagtanong tanong na din sila sa ibang
tao kung may nakita silang pusa na ang kulay ay gray. Maya maya ay lumapit si Bella sa kaniyang tatay
buhat buhat na si Gray “tatay, nandito na po si Gray, ang totoo po niyan ay iniwan ko lang po siya sa
ilalim ng slide at nais ko lang po kayo biruin” matapos marinig ni Tatay Andrei ang sinabing iyon ni Bella
ay nagsalita ito “anak, ayos lang na magbiro tayo paminsan minsan ngunit ang ganiyang mga klaseng
biro ay hindi maganda dahil nakaka abala pa tayo sa ibang tao, sana ay huwag ng maulit ang ganiyan
Bella” mahabang sabi ni Tatay Andrei kay Bella. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay muli na silang
nagtungo sa kung saan naroon ang kanilang picnic blanket kasama si Whitey at ang kaniyang Nanay
Belle.
Bago sumapit ang gabi ay nag desisyon na din silang umuwi. Kinabukasan ay napakasama ng
panahon, malakas ang ulan at hangin sa labas ng kanilang bahay, kaya naman si Tatay Andrei ay hindi
ulit namasada ng jeep at nanatili na lamang sa kanilang bahay. Habang si Bella ay nasa kaniyang kuwarto
ay napansin niyang wala si Whitey sa higaan nito kaya naman dali dali siyang lumabas ng kuwarto at
nagtungo sa kaniyang nanay at tatay upang itanong kung nasaan na ng aba si whitey. “Nanay, tatay, pag
gising ko po ay wala si Whitey sa kaniyang higaan baka po kung saan siya nag punta napakasama pa
naman po ng panahon ngayon” nag aalalang sambit ni Bella sa kaniyang mga magulang. “Anak, hindi
magandang biro yan baka naman mamaya pagpasok ko sa iyong kwarto ay nandoon lamang si Whitey
ha” sagot ng kaniyang Nanay Belle. Sumagot din ang kaniyang tatay Andrei “baka naman itinatago mo
lamang siya Bella upang biruin kami ng iyong nanay”.

Tila nalugmok si Bella sa narinig niyang mga sagot ng kaniyang magulang dahil tila ayaw
maniwala sa kaniyang sinasabi. Bumalik si Bella sa kaniyang kwarto at doon umiyak. Sumapit ang gabi at
doon lamang napagtanto nila Nanay Belle at Tatay Andrei na tunay nga na nawawala si Whitey, mabuti
na lamang at tumila na ang ulan kaya naman sinimulan na ni Tatay Andrei na hanapin si Whitey at laking
pasasalamat nila ng nakita nila ito sa bakuran ng kanilang kapitbahay. Nakalabas pala si Whitey noong
umaga na naiwan ni Tatay Andrei na nakabukas ang pinto dahil pinagmamasdan niya ang malakas na
pagbuhos ng ulan. Simula noon ay hindi na inulit pa ni Bella ang magbiro tungkol sa nawawalang bagay o
hayop sa kaniyang mga magulang dahil natutunan niya na walang mabuting idudulot ito.

Ang aral sa kwentong ito ay dapat lagi tayong magsasabi ng totoo upang hindi tayo matulad kay
Bella na hindi na pinaniwalaan agad ng kaniyang mga magulang dahil mahilig siyang magbiro tungkol sa
mga bagay na hindi naman totoong nangyayari.

You might also like