You are on page 1of 2

ANG MAGKAIBIGAN

Sa isang maliit na Nayon naninirahan magkababatang sina Ana at Bea. Noon paman ay matalik na
silang magkaibigan, pagkatapos ng pasok ay sa bakuran sila nila Bea nagkikita upang maglaro. Makikita
sa bakuran nila Bea ang mga laruang kanilang ginagamit sa paglalaro. Walang araw na hindi sila nagkikita
o naglalaro dahil nakasanayan na nila itong gawin sa pang-araw-araw.

Sa kabilang dako ay may nagmamasid sa kanilang isang batang nagtatago sa may kahoy ng
bakuran nila Bea, ito ay si Beth. Walang nakikipaglaro sa kanya dahil siya ay mahirap lang, hindi rin siya
nabibilhan ng kanyang mga magulang ng laruan dahil tama lang ang kanilang pera para sa kanilang
pagkain at sa kanyang pag-aaral. Naiingit siya sa magkaibigang sina Ana at Bea dahil sa makikita sa mga
mukha nito ang kasiyahan at pagkaaliw sa paglalaro, kung kaya’t nag isip ito ng isang masamang plano.

Isang araw habang naghihintay si Bea sa kanilang bakuran kay Ana ay nakaidlip siya. Nagising siya
sa boses ni Ana na sumusigaw. Mukha itong naiiyak kaya’t nagtaka siya at nagtanong kung ano ang
nangyari. Itinuro ni Ana ang kinalalagyan ng kanyang mga paboritong laruan. Nagtaka naman si Bea kung
bakit nasira ang ayos ng mga laruan nito at may mga laruang nasira rin. Wala silang ibang maisip kung
sino ang may kagagawan sa nangyari sa mga laruan ni Ana at hindi rin naman lubos maisip ni Ana na si
Bea ang may kagagawan ng pagkasira nito dahil matagal na silang magkaibigan at magkalaro, hindi ito
magagawa ni Bea sa kanya. Kung kaya’y inayos nalang nila ang mga nasirang laruan at ang pagkakaayos
nito. Nang sumunod na araw pagdating nila sa bakuran ay ang mga laruan naman ni Bea ang magulo at
may nasira ring mga laruan. Umiyak si Bea dahil nasira ang isa sa pinakapaborito niyang laruan, ngunit
wala silang magawa kung kaya’y inayos nalang nila itong muli. Pumasok sila sa loob ng bahay at nag isip
kung sino ang may kagagawan sa mga nangyari sa kanilang mga laruan.

Dumaan ang ilang araw na may mga nawawala o nasisira sa kanilang laruan. May pagkakataong
umakyat si Beth sa bakuran nila Bea at kinuha ang isang laruan ni Ana. Ang hindi alam ni Beth ay
nagmamasid lang sila Ana at Bea sa kanya, nang papalabas na sana si Beth daladala ang laruan ni Ana ay
hinarangan siya ng dalawang magkaibigan. Sa laking gulat niya ay nabitawan niya ang dala nitong laruan.
Tinanong ng magkaibigan si Beth kung siya ang maykagagawan sa mga nangyayari sa kanilang laruan. Sa
umpisa ay parang nag-aalanganin pang sumagot ni Beth pero sa huli ay umamin rin ito. Ipinaliwanag niya
kung bakit niya ito nagawa at humingi ng tawad sa magkaibigan. Naunawaan naman siya ng dalawa at
pinatawad. Napagdesisyonan rin ng dalawang magkaibigan na isali sa kanilang laro at gawing kaibigan si
Beth. Masaya si Beth sa ipinakitang asal ng dalawang magkaibigan sa kanya, kahit may nagawa siyang
hindi tama ay pinatawad siya ng mga ito at ginawang kaibigan. Naging mas malapit pa ang kanyang loob
sa magkaibigan at masaya silang naglalaro sa bakuran pagkatapos ng kanilang pasok sa paaralan.

You might also like