You are on page 1of 489

[BME 1] : BAD MEETS EVIL (Completed)

by witcheverwriter

I am known as the bad princess. And then I met him, the evil sweetheart. I met him
for a reason. I liked him for a reason. I loved him for a reason. And the only
reason? Love. [Helen of Troy]

=================

PROLOGUE

NO COMPILATION. NO SOFT COPY. NO PLUGGINGS

------------------------------

BAD MEETS EVIL

© 2012 Witcheverwriter

All Rights Reserved

------------------------------

PROLOGUE

HIGH SCHOOL LIFE.


Sabi nila masaya raw ang high school life.

Dito, marami ka raw matututunang bagay.

Good and bad things.

Pero ang sigurado, masaya.

Sa high school life mo rin daw mararanasan kung paano magka-crush at ma-
inlove.

Pero dito mo rin daw mararanasan ang masaktan nang dahil sa batang pag-
ibig.

Saya at lungkot.

They are part of growing up.

And as we grow up, they’ll be memories.

Memories na masarap balik-balikan.....

The Bad Princess – isang bully na walang pakialam sa mga lalaki at hindi pa
nararanasang ma-inlove. Matatapos na lang ba ang high school life niya na puro
pambu-bully lang ang memories niya?

The Evil Sweetheart – isang heartthrob na good boy turned playboy after his first
love broke his heart. Makahanap kaya siya ng katapat nya?

What if magtagpo ang mga landas nila?

Will they share the same happy and sad memories?

Will they find love in each other?

Will their high school life be exciting and memorable?


Find out.......... when Bad Meets Evil.

— — —

=================

1. Girlfriend.

1. GIRLFRIEND.

“BAKLALALAAAAAAA!” pakantang tawag ni Yanna sa gayfriend niyang si Ej.

Nakita niya agad ang kaibigan sa guardhouse ng school nila. Tinext niya kasi ang
mga kaibigan niya na papasok na siya ngayong hapon kaya nagpahintay siya.

First week of school year ba naman kasi, absent siya. Pa’no na-dengue siya, tuloy
isang linggo siyang wala. Buti na lang, ayos na siya ngayon. Dapat talaga papasok
na siya kaninang umaga, e. Kaya lang, tinanghali siya ng gising. Medyo tamad
talaga, aminado naman po siya.

“Uy, baklaaaaa! Namiss kita, kaloka! Mwa! Mwa!” As usual, nagbeso silang dalawa ni
Ej.

Si Ethan John Mendiola ay isa sa mga bestfriends niya. Kahit na bakla, mahal na
mahal naman ng barkada.

“O, nasaan sila? Bakit ikaw lang?” tanong niya kay Ej. Naglakad na sila papunta sa
quadrangle-slash-court habang magkalink ang tig-isang braso nila. Talagang sa gitna
pa sila nagdaan, ‘no? Bakit ba. Papansin sila, e.

“Boo! Hello, Yannabeeeb!” Bigla na lang sumulpot sa kung saan si Bea at ang mga
matatalik niyang kaibigan.

“Yanyan, namiss ka namin!” nakangiting nanulak pa si Julia.

“Ayiie! Galing na ang bad princess namin,” masayang sabi rin ni Yen. “Binukulan mo
ba ‘yung lamok na kumagat sa’yo?” dagdag biro pa nito.

Sina Beatrice Baltazar, Julianna dela Cruz, at Marienne Joy Torres, na bigla na
lang nagsulputan sa likod nila ni Ej out of nowhere, ang mga ito ang mga best-
girlfriends niya. Syempre, belong si Ej dahil feeling girl naman ‘yon.

“Peste ‘yun. Hindi nga, e. ‘Di ko mahanap, walang nametag,” ganting biro niya kay
Yen.

Bigla namang nagngiwian ang mga kaibigan niya. “Acheche???” Tsaka naman biglang
sabay-sabay nagtawanan. “Hahaha! Corny mo talaga, beh! Hahaha!”

“Oo na.” Iningusan niya na lang nga. Corny nga naman kasi alam niya.

“Corny kasi talaga! Haha!” natatawang ulit pa ni Bea.

“Oo na nga, e.” Kulet, ha.

Baby ang tawag ng mga kaibigan niya sa kanya. Inaartehan lang ng kung anu-ano
kagaya ng; bebs, bebe, bey, bii. Bukod kasi sa siya ang pinakabata sa kanilang
magkakaibigan, bine-baby siya ng mga ito dahil isa siyang NBSB. Ano’ng magagawa
niya? E, sa wala siyang magustuhang lalaki. Tsaka, ang bata niya pa kaya! Boypren
boypren... Sus.

“Hoy, Yannabebs! Mahal kita at namiss kita, pero ‘wag mo ngang inaagaw sa’kin Papa
Ej ko! Hmp!” Bigla na lang hinatak ni Kiray si Ej mula sa kanya na ikinatawa niya.

Si Krystal Perez o Kiray sa kanila. Mawawala ba naman si Kiray sa mga bestfriends


niya? Si Kiray ang pinakamaliit sa kanila. Cute na cute nga siya rito lalo na’t
head over heels sa kaibigan nilang bakla—kay Ej.
“Yuck! Ano buh, Kiray! Kadiri mo!” Layo agad si Ej kay Kiray sabay pagpag sa
brasong hinawakan ni Kiray.

Natawa na lang sila. Lagi namang ganyan ‘yang dalawang ‘yan. Mas maarte pa kasi si
Ej kaysa kay Kiray. Bakla, e.

“Tara na nga kayo! Ano ba’ng section ko ulit?” tanong niya. Nakalimutan niya na
kasi dahil may pagkatamad nga kasi talaga siya sa pag-aaral.

“Trust tayo, Yan,” sagot ni Julia.

“Yep, yep. Classmates tayong tatlo,” dagdag pa ni Bea.

“Talaga? Ayos!”

“Tapos kami, IV-Love. Kaya nga... love, love, love!” ginaya pa ni Ej tono ni Kris
Aquino. Loko talaga.

Trust siya, si Bea at Julia. Tapos Love si Ej, Kiray at Yen. Ayos, ha. Na-divide
lang pala silang anim sa dalawang section. Mabuti naman dahil mahirap kung may
isang nahiwalay. Baka mapalayo ang loob sa kanila at makahanap ng bagong kaibigan

“O, tara na. Akyat na tayo,” aya ni Yen sa kanila.

Naglakad na silang pare-pareho sa gitna ng quadrangle. All eyes sa kanila. They


didn’t care dahil simula noong 3rd year na naging magkakaklase sila na umpisa
silang nagkasama-sama, marami na talagang mga mata ang nakamatyag sa kanila. In
short, sikat sila. Sa ganda ba naman ng mga kaibigan niya, agaw pansin talaga.

BAM!

“AAAH!!!” Bigla na lang siyang napasigaw nang isang matigas na bagay ang tumama sa
likod ng ulo niya. Parang nakalog ang utak niya sa lakas ng impact ng tumama sa
kanya. Mahilo-hilo pa siya.

Galit na nilingon niya ang mga lalaking nagba-basketball na sigurado siyang


pinanggalingan ng bolang tumama sa ulo niya.

Tuwing tanghali kasi pagkatapos mag-lunch, madalas na talaga ang may naglalarong
mga kalalakihan sa quadrangle dahil half court nga ‘yon.

Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang mga lalaki. Sila Jake, Neil, Diego,
at ang iba pang mga kalaro nito. Kilala niya ang tatlo higit sa iba. Pa’no,
lovelife lang naman ‘yang mga ‘yan ng mga kaibigan niyang kinikilig na ang mga pwet
ngayon.

“Yanyan, relax lang,” bulong sa kanya ni Yen.

“Wow. Relax? Gusto mo’ng i-try kung ga’no kasakit, ‘te? Tae, ang sakit kaya!”
reklamo niya kay Yen. “Sino ba’ng sira-ulo nagbato no’n, ha!” baling niya ulit sa
mga lalaki.

“Chill, Yanna. Hindi naman sinasadya ni TJ, e,” sabi ni Neil sa kanya.

Si Neil Kenneth na ka-M.U ang kaibigang si Yen. Hindi niya nga maintindihan, e. May
pa-M.U-M.U pang nalalaman. Manong magboyfriend-girlfriend na lang. Gano’n din naman
‘yon, e. Daming arte. Pero ano nga ba’ng alam niya sa pagbo-boyfriend. Wala naman.

May isang lalaki ang lumapit sa kanila na may hawak na bola. Ito siguro ang
tinutukoy ni Neil na TJ ang pangalan na nakatama sa kanya ng bola at siyang pumulot
din noon. New face, kaya hindi niya namumukhaan. Malamang transferee o ‘di kaya
naman, ibang year level.

Hah, pero wala siyang pakialam! Nabu-bwisit siya dahil tinamaan ang ulo niya!
Really, nasaktan siya.

Binalingan niya ang lalaking tila walang pakialam sa nangyayari. “Hoy, ikaw. Sa
susunod, linaw-linawan mo ‘yang mga mata mo’t mag-ing—“

“Yanna?” Naputol ang sinasabi niya nang pag-angat ng tingin ng lalaki sa kanya,
tinawag agad nito ang pangalan niya. “Yanna!” At bigla na lang nanlaki ang mga mata
niya nang bigla-bigla ay yakapin siya ng lalaking hindi naman niya kilala.

Shet! Manyak! sigaw ng isip niya.

“Yanna... Ikaw nga,” usal ng lalaki habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Hindi niya maintindihan. Obvious na kilala siya nito, pero.... Paano’ng hindi niya
man lang maalalang nagkita na sila nito?

Tinry niyang itulak ang lalaki pero matigas ang loko.

“Omg! She’s hugging the Evil Sweetheart!” “Bagay ba sila? The Bad Princess and the
Evil Sweetheart?” “NO! A big NO! Kami kaya ni TJ ang bagay!” “Duh, kilabutan ka
‘te! Mas bagay kami!”— Ilan lang ang mga iyon sa mga naririnig niyang bulung-
bulungan ng mga babaeng nakakasaksi at malapit sa kanila.

At tama ba ang narinig niya? Evil Sweetheart?


Pwe! I bet he’s a playboy, she thought.

At nako... Narinig na naman niya ang bansag sa kanya. Bakit ba ang hilig magbigay
ng bansag ng mga kabatch niya? Siya, bad princess, tapos ito namang lalaki na ‘to?
Come to think of it. Parang mga bata, e. Palibhasa pasimuno sa bansag sa kanya mga
kaibigan niya.

This time, malakas na tinulak niya na ang lalaki at asar na tinignan ito. “Hoy!
Tsansing ka, ha! Sino ka ba?!” bulyaw niya rito.

“Hindi mo ‘ko kilala?” Parang hindi pa makapaniwalang balik tanong nito. “Weh?”

“Aba’t...!” Iniinis ata siya ng sira-ulong ‘to, e. “Ay, oo, kilala kita! Oo, tama,
kilala nga kita. SINO KA NGA, DI BA?!” Naiinis na siya. Tanghaling tapat,
pinapainit ang ulo niya.

“Nagka-amnesia ka ba?” balik na naman nito sa kanya.

“Naka-drugs ka ba?”

“Bakit nagbago ka na?”

“Gusto mo bang masaktan ng as in ngayon na?”

Bully alert, mga kaibigan. Bwiset. Naaasar na kasi talaga siya. Babatukan niya na
talaga ‘tong lalaking ‘to, kaunti na lang. Akala ba nito hindi niya tototohanin?
Kung anu-ano pinagsasasabing hindi naman niya maintindihan. Naka-shabu ata si kuya,
e.

“Wait, dude. Kilala mo si Yanna?” singit ni Jake.

“Oo nga, TJ. Close ba kayo?” dagdag pa ni Diego.

“Oo,” diretsong sagot naman ni TJ.

Paano? ang kanina pang tanong sa isip niya.

“Ows? Sige nga! Ano’ng apelyido ni Yanyan?” hamon ni Kiray dito.

Tignan lang niya kung masagot nito ‘yon. Ngayon lang sila nagkita, d’yata namang
malaman nito?
“Santana,” kampanteng sagot nito.

What the—

Lahat sila, nagulat. Lalo naman siya! Paano’ng alam nito ang apelyido niya?

“O, sige. Ilang taon na siya?” Si Julia naman ang humamon ngayon.

“Sixteen.”

Shit, she cursed. Tama na naman!

Sixteen na nga siya at tama rin, Helen Arianna Santana ang buong pangalan niya.

“Kailan ang birthday niya?” Bea followed.

“October 2.”

Pati birthday niya!

“..........”

Napatingin siyang bigla sa barkada niya. Ano? Suko na ang mga ‘to? Wala nang
sumunod na nagtanong, e.

“Bey, kilala ka nga,” bulong ni Yen sa kanya.

“Gurlalu, baka nga nagka-amnesia you,” bulong din ni Ej sa kanya.

What? Naka-drugs ba sila? Amnesia-amnesia!

Pero... paano nalaman ng lalaking nagngangalang TJ ang whatabouts niya? Was he


her... stalker?

Right! her mind immediately agreed. Malamang na stalker niya nga ‘to. But that
doesn’t make any sense. Ang gwapong stalker naman nito. Sabagay, sa panahon ngayon
mapanlinlang na talaga ang itsura. Pero isa pa pala, sa campus lang nila siya
kilala. Sa campus lang nila siya sikat dahil sa pagiging mataray niya.

“Teka, teka nga! Sino ka ba talaga? Ha?” asar na tanong niya sa lalaki.
The guy leaned forward and leveled his face to hers. Shit. Biglang bumilis ang
tibok ng puso niya. Pero hindi siya kumilos, ni hindi siya umurong kahit
naintimidate siya sa lapit ng mukha nito. Gagong ‘to. Akala ba nito uurungan niya
‘to?

“Are you kidding me? Hindi mo talaga ako nakikilala?” Pakiramdam niya ba, may kung
ano’ng kakaiba sa tonong ginamit nito.

What the hell is happening? Nadidistract siya. Ang mga mata nito na pagkaraang
kilatisin ang mukha niya’y matagal na tinitigan siya sa mga mata. Those brown
eyes...

Sinampal—No. Hindi naman sa sinampal. Basta isinakto niya ang palad sa kaliwang
pisngi nito para ilayo ang mukha nito sa kanya.

Sira-ulo. Ano’ng karapatan nitong lituhin siya?

“Okay ka rin, ‘no? Unli ka? Magtatanong ba ‘ko kung kilala kita?”

Dumiretso ng tayo ang lalaki. Pero bigla na lang nag-lean forward ulit kagaya ng
kanina.

Holy Mary, Mother of God. The hell is wrong with her heartbeat?! Lalo kasing
bumilis ang tibok ng puso niya sa biglaang ginawa nito! At ikipinanlaki ng mga mata
niya ang ibinulong nito sa tenga niya.

Hindi siya makapagsalita. Seryoso. Natameme siya bigla.

Ano’ng.... Naguguluhan talaga siya.

He looked at her eyes again. And did her heart just skipped a beat when the guy in
front of her... smirked?

What the hell? Pino-provoke ba siya nito? E, pinagloloko ata siya nito, e!

“Look! Ang lapit nila!” “Oo nga! Shocks, lagot siya kay Lexi niyan!” “Huh! Sana
nga! May pa-man-hater man-hater pang nalalaman ‘yang si Yanna! Kita nyo, malandi
naman pala!” — Ang matatabil na dila ng mga usisera ang nagpabalik sa kanya sa
realidad. Nagpinting ang mga tenga niya sa sinabi ng mga ito.

Hah... Siya? Malandi? The f-ck?

Asar na saglit na binalingan niya ang mga usiserang palaka at sa isip ay niratrat
ng mura. Pagsasabunutan niya pa mga sira-ulong ‘yon, e! Hindi ba nakita ng mga ito
na ang pangit na lalaking ‘to ang lumapit sa kanya?!

Asar na binalingan niya ulit ang lalakiShe looked at him in disbelief. Hindi talaga
kapani-paniwala ang ibinulong nito sa kanya.

Malapad na nginitian siya nito at sa inis niya ay kinindatan pa siya.

Automatic na napairap siya kasabay ng pag-ismid.

Sinasabi na nga ba... He was just hitting on her! The nerve!

Bigla niya na lang itong sinipa ng malakas sa kaliwang binti at marahas na tinulak
sa dibdib.

“Ow!” Natural lang na umaray ang loko. Combo kaya’y ginawa niya. Huh.

Hindi na niya nilingon maski ang mga kaibigan niya at agad na kumaripas ng takbo
patungo sa building nila.

Hindi niya lang kasi maintindihan. Sigurado siyang hindi niya kilala ito. Pero
bakit kilala siya nito? Bakit... bakit....

No! Hindi naman ‘yun totoo. Imposible! Pero bakit niya nasabi ‘yun? Nagka-amnesia
nga ba ako? Duh?? Pero bakit ganun?

Samu’t saring tanong ang pumasok sa isip niya. At nahinto lang iyon nang mag-echo
sa isip niya ang ibinulong ni TJ sa kanya.

‘Girlfriend kaya kita.’

— — —

=================

2. Salamat.
2. SALAMAT.

“YANNA, ano ka ba naman! Ang tulin mong tumakbo!” Hingal na reklamo ni Julia nang
abutan siya ng mga ito.

“True! What did Teej say buh at nagkaganyan ka?” Hingal ding tanong ni Ej.

Lahat sila, hingal. E, bakit ba naman kasi siya hinabol? Pare-pareho tuloy silang
hingal ngayon.

“He-he. Sorry naman,” she just said with matching v-sign pa. Hindi niya rin kasi
alam kung bakit siya tumakbo, e. Weird. “Tara! Sa’n ba room natin?” tanong niya
kina Bea at Julia sa pag-aakalang mada-divert sa iba ang atensyon ng mga kaibigan
niya.

“Oy, tumatakas! Uso pong magkwento, madam! Madaya!” Bea pouted. Ang reyna ng pout.
Cute na cute talaga siya sa pag-pout nito. Sarap hilahin ng nguso.

Priiiiiiiiing!

Shoot! Save by the bell!

“O, pa’no? Mamaya na lang. Nag-bell na po, mga kapatid,” nakangiting sabi niya pero
pare-parehong pinaningkitan lang siya ng mga mata. Tsk. “Promise. Later.” Wala, e.
Lulusot pa ba siya?

Mas naunang nadaanan nila ang room nila Yen, Kiray at Ej kaya naman pumasok na agad
ang mga ito. Ang sumunod na room naman ay ang room na nilang tatlo nila Bea’t
Julia.

Pagpasok nila sa room, binate agad siya ng mga kaklase nila. Kahit naman kasi isa
siyang bully, friendly naman kung minsan. Minsan lang. As in minsan. At hindi niya
alam kung gaano kadalas ang minsan.

“Sa’n pwesto ko? May arrangement na ba?” tanong niya sa dalawa.

“Oo. Doon ka, o.” Tinuro ni Bea ang isang vacant seat sa tabi ng isang seat na may
bag lang na nakalagay. “Sa tabi ni Jake. Hmp! Swerte mo, beh. Kainis!” Nagpout na
naman po ang lola n’yo.

So, classmate pala nila si Jake at katabi niya pa? Patay na. E, crush na crush ni
Bea si Jake, e. Kaya nga haba ng nguso na naman.

Sa left row ang pwesto ng seat niya. Divided into left and right and back row lang
kasi ang arrangement nila. Sa tabi siya ni Jake at pangalawa sa huli ang row nila.
Si Jake lang ang katabi niya. Sa kanan siya nito pero may dalawa pa silang ka-row
sa left ni Jake. Wala na siyang katabi sa kanan dahil blangko na iyon, space para
sa teachers for discussions para makapag-ikot. Ganito ang lahat ng arrangement ng
rooms sa school nila—Assumpta Academy.

Wala pa si Jake dahil nasa baba pa nga ito at kasama ng mga kaibigan. Naupo na siya
nang pumasok na ang subject teacher nila.

“Uy, mamaya, ha!” Pahabol pa nina Bea’t Julia sa kanya bago pumunta ang dalawa sa
sariling mga pwesto.

Gara. Siya naman ngayon ang nainggit sa pwesto ng dalawa. Magkatapat lang ang row
nila pero sa kanan ang mga ito. Isang lalaki lang ang pagitan nina Bea’t Julia.
Naiingit tuloy siya. Wala siyang makaka-kwentuhan. Daya! She unconsciously pouted.

Binati na nila si Ms. Domingo. Computer teacher nila ito noong 3rd year. Ito rin ba
ang computer teacher nila ngayong taon? At computer din ba ang subject nila ngayon?
Hindi niya alam dahil wala pa siyang schedule at mamaya pa lang siya kokopya kay
Julia. Sadyang tamad na nilalang talaga.

“Okay, class. May sakit si Mrs. Alfonso kaya wala kayong teacher ngayon”, pahayag
ni Ms. Domingo.

“YEEEEEESSS!” sabay sabay na hiyawan ng mga classmates niya.

“But... May iniwan siyang activity sa inyo.”

“UUUUUUHHHHH,” sabay sabay ding nagtamlayan ang mga loko-lokong classmates niya.

Natawa siya. Oo nga’t hindi siya kasali sa chorus ng mga kaklase niya pero pare-
pareho lang sila ng nararamdaman.

“Kayo talaga.” Iiling-iling na nangiti na lang si Ms. Domingo. Nasa edad bente tres
pa lang kasi ito kaya maraming close na estudyante. Close nga sila n’yang si Ma’am,
e.

“Sino ang president n’yo?” tanong ni Ms. Domingo.


“Si Noynoy po,” mahinang sabi niya.

Nagtawanan ang mga kaklase niya dahil dinig pala ang sinabi niya.

Nagkunot-noo lang siya. Tinatawa-tawa ng mga ‘to? Si Noynoy naman talaga, ha?

“Naks, Yanna. Gagung-gagu, ha. Haha,” mahinang sabi ng kaklase niyang si Derick na
nasa likuran niya. Talagang hininaan nito para hindi marinig ni Ms. Domingo ang
pagmumura. Syempre. Sino’ng estudyante ba naman ang ipaparinig sa guro ang
pagmumura? Lalo pa’t catholic school sila?

Hindi naman sa masasamang estudyante sila. Ewan, pero para kasi sa iba sa kanila,
ekspresyon na lang ang pagmumura. Walang samaan ng loob, pwera kung pagalit ang
pagkakabigkas. Pero kadalasan, biruan lang para sa kanila. It’s just that.... they
find it cool. Really. Typical teens.

Saglit na nilingon niya si Derick. “Lul,” mahinang sabi niya rin. Sino naman kasi
‘to para murahin siya ng kahit pabiro? Close ba sila? Agad na binalik niya na lang
sa harap ang tingin.

“Wow, Yanna. Active ka na naman pala. Welcome back!” nakangiting sabi ni Ms.
Domingo.

Hanga na talaga siya sa kasikatan niya. Pati hindi nila teacher, alam na isang
linggong absent siya. Bakit ba kasi ‘yung pagkanormal niya, bully sa mata ng madla?
Nginitian niya na lang si Ms. Domingo dahil tinatamad siyang magsalita.

“Okay. Sino ulit ang class president n’yo?” ulit ni Ms. Domingo. This time, precise
na. Nadala ata sa sagot niya.

“Wala pa po, Ma’am. Bukas pa lang po kami mag-e-elect,” sagot ng kaklase nilang
nasa unahan.

“Ah, gano’n ba? Hmm... Sige, Julia, ikaw muna ang pagbibilinan ko. Halika rito.” As
expected. Ma-appeal kasi sa mga teachers si Julia. Matalino kasi, matangkad,
maganda, at ito rin ang class president nila noong 3rd year.

Tok-tok-tok!

Napatingin silang lahat sa pintuan. All eyes sa mga bagong dating. Si Neil ang
kumatok habang nasa likuran naman nito sila Jake at Diego..... at........ TJ?

What the... Bakit naman..... classmate?! Though she suddenly felt annoyed and at
the same time, nervous, she acted cool and looked away from the newcomers.
“Good afternoon, Ma’am. Sorry, we’re late.” Si Neil din ang bumati at nanghingi ng
paumanhin. Sumunod naman na bumati ang tatlo.

“Sure, come in.” Pinapasok na ni Ms. Domingo ang mga ito. Pero ilang hakbang pa
lang ang nagagawa ng mga ito nang muling nagsalita si Ma’am. “Wait... May
transferee kayo? Who’s he?” tukoy ni Ms. Domingo kay TJ.

“Si TJ po, Ma’am,” sagot ni Jake.

“TJ?” ulit ni Ms. Domingo.

“Troy Jefferson po,” pakilala ni TJ.

“Troy Jefferson?” ulit na naman ni Ms. Domingo.

Si Ma’am naman, pauli-ulit. Repeat after them kaya? She mentally shook her head.

“Salamat po,” sabi ni TJ.

“Salamat?” ulit na naman ni Ms. Domingo. “Para saan?”

Pero this time, naintriga rin siya. Para saan naman ang pasasalamat ni TJ? Out of
the blue, e.

“Para sa senado raw po,” singit ni Derick.

“HA HA HA HA!” Agad na nagtawanan naman ng pagkalakas-lakas ang mga kaklase niya na
ikinalito niya.

What? Ano’ng nakakatawa?

Tinignan niya si TJ who was wearing his poker face habang ang lahat naman ng
kaklase niya ay kung hindi nakatawa, nakangiti naman. Si TJ at silang dalawa lang
ni Ms. Domingo ang naiba ng reaksyon.

“Ma’am... apelyido niya po iyon,” natatawang pagbibigay alam ni Diego.

“Ah—ahhh...” Agad na napatango naman si Ms. Domingo.

Pero biglang nagulantang ang lahat nang bumulalas siya ng tawa. “Phhp—! Ha ha ha
ha!”
Lahat napakunot-noo sa kanya. Bakit ba. E, sa natawa siya, e. Na-late lang siya ng
tawa sa mga kaklase niya pero nakakatawa naman kasi talaga para sa kanya. Hindi ang
apelyido ni TJ kundi ang panloloko ni Derick at pagiging clueless niya. Natatawa
talaga siya. Sira ulo kasi si Derick! Para sa senado raw! Hahaha! Nag-peace sign na
lang siya sa lahat kahit na hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi niya.

KUNG makatawa! inis na reklamo ni TJ sa isip niya. Sinamaan niya ng tingin si


Yanna. Ano’ng nakakatawa sa apelyido niya? Cool nga, e.

He is Troy Jefferson Salamat. A 17 year old playboy. Dating sa Cebu nakatira pero
lumipat dito sa Quezon dahil sa family business.

Naupo na siya sa likurang upuan ng kaklaseng si Kent. Sa pwesto niya.

Si Yanna... Akala niya kapangalan lang. Usap-usapan kasi ito sa buong senior level
noong nagdaang linggo dahil na-dengue nga raw. Ano namang malay niya na si Yanna na
ex niya pala ‘yon? Transferee lang siya kaya hindi niya alam.

Kanina, bigla niya na lang ‘tong nayakap. Isang pagkakamali.

Pero bakit gano’n? Parang hindi siya nito kilala. Kahit nang ibulong niya rito na
girlfriend niya ito, gulat na gulat pa ang naging reaksyon nito.

Bakit? Girlfriend niya pa rin naman kasi talaga si Yanna kung tutuusin, e. But a
simple logic broke them. It’s when she left him without even a notice.

Isa na naman siguro ito sa pakulo ni Yanna at umaarte lang na hindi siya kilala.
Akala ba nito limot na niya ang ginawa nito sa kanya?

Simula noong iwan siya nito noong 2nd year pa lang sila at pagmukhaing tanga?
Wala... Nagloko na siya. Ni hindi man lang nagpaalam kasi at basta bigla na lang
nawala. Siya namang si tanga, hintay nanng hintay sa wala. Though it may sound gay,
nasaktan talaga siya nang sobra. First love, e. Sineryoso niya talaga. First love
niya, bigla na lang iniwan siya’t nawala nang parang bula. Ngayon namang nagtagpong
muli ang mga landas nila, nagbago na ang dating Yanna na kilala’t minahal niya.

Ang laki ng pinagbago nito. Dati tahimik at mahinhin si Yanna, e. Pero ngayon,
akala mo may sideline sa palengke ang lakas ng boses nito. Boyish pa.
Napailing siya sa pinagbago ng dating girlfriend. Kunsabagay, siya rin naman.
Dating good boy, ngayon playboy na.

Ah, basta. Sobrang nasaktan siya at hinding hindi niya makakalimutan ang ginawa ni
Yanna sa kanya. Pabor para sa kanya ang muling pagkikita nila.

Gaganti siya.

“HI, Yan,” bati ni Jake kay Yanna nang maupo na ito sa tabi niya.

“Yo,” bale-walang tugon ni Yanna.

Hindi kasi talaga siya close sa mga boys kaya tipid lang ang pakikipag-usap niya sa
mga ito. Ngayon pa lang sila naging magkaklase ni Jake pero dati na siyang binabati
nito tuwing magkakasalubong sila. Mabait daw, kaya nga ata lalong naloloka si Bea
rito.

Naramdaman niyang nakatingin si Bea sa kanya mula sa katapat na row. Pagbaling


niya, tama nga ang hinala niya. Nakanguso na naman! Natawa agad siya. Selos na
naman, e. Akala mo aagawin niya nang aagawin si Jake.

Pero agad ding nawala ang ngiti niya nang mabaling sa likod ng row nila Bea ang
tingin niya.

Si TJ, nakatingin sa kanya. And an evil smile curved on his lips.

Inirapan niya nga. Ang hangin kasi. Pinipilit pang kilala niya, e, sa hindi nga
talaga. Humahaba ang ngusong tinuon niya na lang ang pansin sa gawain.

Nag-iwan lang ng activity si Ms. Domingo sa kanila. English pala ang subject nila
kay Mrs. Alfonso. Pero lalo siyang tinamad magsagot kaya kokopya na lang siya kay
Julia mamaya.

Naramdaman niyang kinalabit siya ni Jake. “Uy, Yanna. Pakopya nga, o.”

Astig ng mga kaklase niya, ha? Feeling close sa kanya.


“O, ayan. Ibahin mong konti, ha? Para hindi halatang kumopya ka sa’kin.” Binigay
niya kay Jake ang workbook niya tsaka siya yumuko sa armchair niya. Matutulog na
lang siya.

Pak!

“ARAY!!” Bigla na lang siyang napasigaw at napahimas sa likod ng ulo niya. Aba
naman! Pukpukin daw ba siya ng libro sa ulo! Pero mahina lang naman, OA lang talaga
siya.

“Wala ka namang sagot, e,” sabi sa kanya ng pumukpok sa kanyang si Jake.

“He he he.” Hindi makatotohanang nginitian niya si Jake.

“Niloloko mo naman ako, e,” nakangiting sabi pa nito.

“E, LOKO KA NAMAN TALAGA, E! Ba’t mo ‘ko binatukan? Close ba tayo? Kanina, tinamaan
ako ng bola ng ungas na ‘yon!!” Sabay turo niya sa pwesto ni TJ pero na kay Jake pa
rin ang tingin. “Tapos ngayon naman, binatukan mo ‘ko? Aba naman, ang gandang
welcome sa’kin niyan, ha!” Tuloy tuloy lang na bulyaw niya kay Jake.

Si Jake naman na nagulat ata sa biglaang pagtaas ng boses niya, napatulala sa


kanya. “Yanna... bipolar ka ba? Split personality kaya? Ngingiti tapos biglang
magagalit? Epekto ng dengue?” sunod-sunod ding tanong ni Jake sa kanya.

“Yes? No. Yes. No?” She rolled her eyes. Ratratin ba naman siya ng mga walang
kwentang tanong.

“Haha. Ang cute mo talaga.” Natatawang kinurot pa siya ni Jake sa pisngi.

She shoved his hand then stood up. “Oo na, matagal na. Akin na nga ‘yang workbook
ko.” Hinablot niya mula kay Jake ang libro niya. Tatabihan niya na lang ang mga
kaibigan niya. Ayaw niya talagang lalaki ang kausap. Agaw pansin kasi, ang tulin
niyang mabadtrip. Nasa kanila tuloy ang atensyon ng lahat. Kahit ba madalas naman
talaga siyang pagtinginan ‘pag kasama niya ang barkada niya, iba pa rin ‘pag lalaki
ang kasama niya habang pinagtitinginan siya. ‘Di siya komportable.

“Hoy. Alis!” Taboy niya sa kaklaseng si Kent na siyang nakapwesto sa pagitan nina
Julia at Bea. Takot panigurado ‘to. Natatandaan niyang binu-bully lang din ‘to ng
iba, e. Dating classmate niya rin kasi.

“H-huh? Ahh... ehh...” Aba’t nag-isip pa ang loko.

“I, o, u? Layas!”
Edi, lumayas ang loko. Siya na ang naupo sa pwesto nito. Ano kung masama ang tingin
ng marami sa kanya? Bahala sila.

“Ang bully mo talaga, Yanyan,” natatawang sabi ni Julia sa kanya. Si Julia sa right
side niya, si Bea naman sa left.

“Sinabi mo pa! First day pa lang ‘yan, ha! Pero ayos, nilayuan mo naman si Jake ko.
Hihi.” Makilig-kilig pa ‘tong si Bea. Sus. Natawa’t napailing na lang siya.

“Iyo na Jake mo, ‘no,” biro niya rito.

“E, ikaw ang crush, e.” Bea pouted, for the nth time.

“Ow? E, kayo lang naman mahal ko, e,” banat niya sa kaibigan. Pampakilig kuno lang.
Pero totoo naman... Kuntento na siya sa mga kaibigan niya.

“Haru... Bumabanat pa! Last mo na ‘yan, ha?” Natatawang sabi ni Julia na tinawanan
na lang din nilang dalawa ni Bea.

“Dali, dali na! Nakakatamad mag-isip! Sagot kayo, pakopya ak—OW!” Napangiwi na
naman siya nang may tumama na namang kung ano sa likod ng ulo niya. Ano ba namang
meron sa ulo niya’t mukhang trip na trip ng mga tao ngayon ang ulo niya?! ‘Pag siya
talaga nagkaamnesia! OA na.

Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang bumatok sa kanya.

Si TJ.

“OA mo. Hina-hina, e... Tumahimik ka nga, ang ingay-ingay mo,” naiiritang sabi nito
sa kanya.

Gulpihin niya kaya ‘to? Kanina lang kung makayakap sa kanya pagkatapos ngayon naman
kung tarayan siya?

“Gago! Wala kang pakialam kung OA ako at wala ka ring pakialam kung maingay ako!
Ewan ko sa’yo! Pangeeet!” Iningusan niya ‘to sabay balik ng tingin sa harapan.
Bwisit na bwisit talaga siya sa Tj na ‘yon! Bwiset, e. Bwiset!

Ang mga kaklase naman nila, inasahan na niyang sa kanila nakatingin.

“H’wag nyo nga akong tignan! ‘Pag ako natunaw, idedemanda kayo ni Julia!” Sinipa
niya pa ang upuan ng nasa harapan niya. Hindi naman kasi pwedeng sipain niya isa-
isa ang lahat ng upuan ng mga kaklase niya, di ba? Kaya malas na lang ng nasa
unahan niya.
Bwiset—ang tamang depinisyon sa unang araw niya sa eskwela. May ibu-bwisit pa ba?

— — —

=================

3. Babe.

3. BABE.

LATE na naman si Yanna. As in late. Patapos na ang flag ceremony nang dumating
siya. Sa haba ba naman ng pila ng mga latecomers, siya pa ang huli.

Natapos ang flag ceremony at nagtuloy na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga
classrooms. Siya naman, ayun at hinihintay ang paglapit ni Mrs. Gamoso—ang terror
discipline coordinator sa school nila. Ito kasi ang nagbibigay ng slip sa mga
latecomers.

“Ms. Santana... Naku, naku! Ang reyna ng kalate-an. 1st year pa lang ganyan ka na.
Kailan ka kaya magbabago? Tsk-tsk,” iiling-iling na sabi nito habang sinusulat ang
pangalan niya at ang oras nang pagdating niya sa slip. She tssed at her mind. Na
para namang isa-isang inoorasan kasi nito ang pagdating ng mga estudyante sa
paaralan nila. Kalokohan din, e.

Bago papasukin ang mga latecomers sa kani-kanilang mga room, pinagpulot muna sila
ng kalat ni Mrs. Gamoso. And after more than 15 minutes, pinaakyat na sila nito sa
mga classrooms nila.

Pagpasok niya sa room nila..... “TEEEN! TEN-TEN! TEN-TEN-TEN-TEN, TEN-TEN. HEY!”


Sabay palakpakang may bilang—ang mosikong sumalubong sa kanya.
Siya naman..... Bow sa left. Bow sa right. Bow sa gitna. Diretso sa upuan.
Tunganga.

Seriously? Hanggang 4th year ba naman may tentenenen siya kapag late? Paniguradong
mga classmates niya rin noong 3rd year ang may pakana no’n. Nu’ng 3rd year naman
kasi nag-umpisa ang chant na ‘yon para sa kanya dahil sa dalas niyang late sa
pagpasok, e. Si Derick ang nanguna n’yan, sure siya. Loko ‘yon, e.

Wala pa si Mrs. Sta. Ana—ang adviser nila. Pero five minutes later, dumating na rin
ito na may dalang malaking box.

“Good morning, class!” Mrs. Sta. Ana greeted.

“Good morning, Ma’am!” they greeted back.

“Nandito na si Yanna. May absent pa ba sa inyo?” Nagkita na kasi sila kahapon ni


Mrs. Sta. Ana kaya alam nitong pumapasok na siya.

“Wala po,” sagot ng mga kaklase niya.

“Good! So, we will start our class election now. May mga prepared papers na ‘ko
rito. Isulat n’yo na lang kung sino ang mga gusto n’yong iboto, okay?”

“Yes, Ma’am!”

Naibigay na ni Mrs. Sta. Ana sa kanila ang mga papel pero sa totoo lang hindi niya
alam kung sino ang iboboto niya kaya maboto-boto na lang ang ginawa niya. She wrote
her best friend Julia’s name for President and Diego’s for Vice. Wala lang.
Pinagpapartner niya lang ‘yung dalawa dahil may gusto naman talaga sa isa’t isa ang
mga ito. And then Jake and Bea as for the Escort and Muse. Ang iba, bahala na.

Matapos ipasa ng lahat, tinally na sa blackboard ang mga votes. Lahat ng kaklase
niya nagbibilang maliban sa kanya. Wala kasi siyang pakialam at isa pa, i-a-
announce din naman, bakit pa siya magpapakahirap?

“Wow. Let’s congratulate Julia! Our Class President!” Mrs. Sta. Ana announced and
so they applauded.

Dahil si Julia ang nanalo for President, the rest of the categories, si Julia na
ang nag-tally. Diego won as the Vice President as she wished. A playful smile
curved on her lips. Lalong magkakamabutihan ang dalawang ‘yon. Mga ayaw pa kasing
umamin. Parang si Neil at Yen lang, e.

Kaya lang, nanalo si Bea as Secretary and Jake as Treasurer. Sayang. ‘Yung dalawa
pa naman ang bet niya para sa Muse and Escort for Mr. and Mrs. Intrams dahil sure
siyang kakabugin ng mga ito ang mga makakalaban. Sayang talaga.

Moving on, Neil won as their PRO. Hindi na nakakapagtaka, sanay kasing makisama sa
ibang tao si Neil. Sina Derick at Ysah naman ang nanalo bilang Sgt. at Arms nila.

“Yanna! Yanna, tumayo ka, tinatawag ka ni Ma’am!” malakas na tawag ni Julia ang
pumukaw sa naglalakbay niyang isip.

Umabot na kasi sa Korea—este sa kpop ang tinakbo ng isip niya.

“Sorry, ha? Pwedeng mag-sorry?” She lazily stood up.

Pero ang nakapagtataka, nakatayo si TJ sa harapan. At hindi lang iyon. Parang


kapeng walang asukal ang timpla ng mukha nito. Mapait.

Pero hindi niya pinansin iyon at bumaling na sa guro. “Ma’am, bakit po?”

“Nasaan ba ang isip mo, Yanna?” tanong nito.

“Nandito po ata?” Turo niya sa ulo niya.

Nagngisihan naman ang mga kaklase niya. Ano ba’ng nakakatawa? Nakakatawa na pala
ang mga tamang sagot ngayon?

“Batang ‘to... What I mean is, hindi ka nakikinig sa akin. Sa amin...”

“Sorry po,” hinging paumanhin niya. See. Mabait naman kaya siya.

“O, hala, sige. Ikaw ang Muse at si TJ ang Escort. Galingan n’yo sa Intrams, ha?
Aasahan namin ang panalo ng section natin. Right, class?” nakangiting pahayag ni
Mrs. Sta. Ana.

What?! Nanlaki ang mga mata niya. Siya at si TJ?! Hell to the no!

“Ma’am, hindi po ba pwedeng iba na lang ang Muse?”

“No,” nakangiting sagot nito.

“Pero Ma’am—“

“No, and that’s final,” nakangiting pagtatapos ni Ma’am Sta. Ana at nilagpasan na
siya. Parang nakakaloko ang tingin niya sa ngiti ni Ma’am na ‘yon, ha.

She sighed. Wala na siyang nagawa kundi ang mapabusangot. Nakita niya rin na masama
ang mukha ni TJ nang bumalik sa pwesto. Parang badtrip na hindi mawarian.

Hah! Siguro hindi rin nito gusto ang naging resulta. Lalo naman siya, ‘no!

Tinignan niya ang votes sa Muse and Escort na nasa blackboard at ganoon na lang ang
pagsasalubong ng mga kilay niya nang makita ang resulta. Lahat pala ng kaklase
niya, siya at si TJ ang ibinoto! As in lahat maliban sa palagay niya’y boto nilang
dalawa ni TJ na parehong sina Bea at Jake. Pero lahat sila talaga ang ibinoto!

What the hell, you all—?! Damn! Damn! Damn!

Asar na napapikit na lang siya.

Mukhang napagkaisahan ata sila ng lahat nang dahil sa nangyari


kahapon.......................

TUG-tug-tug-tug!

Nagtagis ang mga bagang niya nang naramdaman niya ang pag-uga dahil sa may sumisipa
sa inuupuan niya. At paglingon niya sa kung sino ang gumagawa, magtataka pa ba
siya? May iba pa bang maglalakas-loob bukod kay TJ?

Kalakas makapoot ng transferee’ng ‘to, ah.

May naka-plug na earphones sa magkabilang tenga nito at nakadikwatro pa ng upo


habang sinisipa-sipa ang upuan niya. Nakapikit pa na para bang nag-eenjoy lang sa
naririnig na tugtog.

Ang walang’ya! Kanina lang, binatukan siya, ngayon naman, niyuyugyog siya?

“Psst! Panget! Baliw! Yabang!” mahinang mahinang tawag niya kay TJ. Tinetest niya
kung maririnig ba siya o hindi.

“Uy, Yanyan, baka marinig ka n’yan,” mahinang sabi ni Bea sa kanya.

“Oo nga, beh. Pero titigan mo. Ang gwapo, di ba?” Julia giggled.

Gwapo, my ass! “Tss.”. Wala siyang pakialam sa sinabi ng mga ito. Hanggang ngayon
sinisipa pa rin ni TJ ang silya niya at iyon ang kinaiinis niya.

Pok!

Yeah-bah! Sapol sa noo ni TJ ang ballpen na binato niya rito.

“The f-ck?” Dumilat ito at awtomatikong sa kanya agad nakatingin ng masama habang
hinihimas-himas ang tinamaang noo.

Sumipol na lang siya na parang hindi siya ang bumato kahit obvious na obvious
naman. Medyo gago. Ang lapad pa ng ngiti niya.

Dahil nakaganti na siya, aayos na sana siya ng upo nang magsalita si TJ. “Ano ba
naman, Yanna? ‘Wag ka nang magpapansin sa’kin, pwede? Matagal na tayong break kaya
‘wag mo na ‘kong habul-habulin pa.”

Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. What did he just say?

“Yan, naging kayo? Kailan?” gulat na tanong ni Julia.

“Beh, akala ko ba, NBSB ka?” ganoon din si Bea.

At puro... “Naging sila?” “Talaga?” “Totoo kaya?” ang naging bulung-bulungan ng mga
kaklase niya.

Talagang hinahamon ata siya ng bagong saltang TJ na ‘to, e. “Hoy! Hindi naging tayo
at never na magiging tayo, ‘no! Taas ng pangarap mo, dude!”

Bakit ba trip na trip siya ng lalaking ‘to? Nakakabanas, seryoso.

“Pasensya na, Yanna, narinig pa tuloy nila. Pero kasi... ‘wag mo nang ipagpilitan
ang sarili mo sa’kin. Masasaktan ka lang.”

Agad na tumaas ang kilay niya. Gusto niyang matawa. “’Yung totoo? Shenglot ka ba?
Naka-katol? Rugby boy kaya?” Parang adik lang kasi. Binu-bwisit talaga siya.

“Yanna, please... Tigilan mo na ‘ko.” He sounded sincere but not to her. Seeing how
evil his smile was? Boy, he could win an award! Mapapamura na ata siya sa banas
niya. ‘Cause seriously... like asdfghkl, she can’t understand why he’s saying such
weird things.

Tumayo na lang siya mula sa upuan tsaka dinuro si TJ. “Hoy. Pwede, tantanan ako sa
ganyan? Sasamain ka, makita mo.” Sinipa niya pa ang upuan papunta rito.
“Hoy, Carlo. Paki-abot nga ng ballpen ko,” mataray na sabi niya sa kaklase na agad
namang inabot sa kanya ang ballpen niya. Bumalik na siya sa talagang pwesto niya at
tinarayan na naman si Kent. “Hoy, Kent! Balik du’n!”

She clenched her teeth as she sat down on her seat. Sinasabi na nga ba’t may ibu-
bwisit pa ang unang araw niya sa eskwela, e.

— — —

RECESS na at naglabasan na ang mga estudyante sa kani-kanilang classrooms. Sila


namang tatlo nila Bea’t Julia, pababa na dahil mukhang mas nauna ang labasan ng IV-
Love kaysa sa kanila. Nauna na yata sina Ej, Kiray, at Yen sa tambayan nila sa
steps ng T.H.E room. Doon kasi ang lugar nila. Wala nang ibang tumatambay doon
kapag nandoon na sila. Pa’no’ng magkakaro’n ng iba? E, pinapalayas niya. Papunta na
silang tatlo ro’n ngayon.

“Hi, baby!” Narinig at nakita niya ang pagtawag at pagkapit ni Alexis sa braso ni
TJ nang madaan sila sa room ng IV-Love. Si Alexis Pingol—Lexi, ang kasalukuyang
girlfriend ni TJ.

“Yuck. Baby daw... E, ang laki-laking damulag,” mahinang bulong niya kay Julia’t
Bea. Hindi naman sa nagpaparinig siya. Nag-react lang siya. Come on, this is a free
country.

“Hay, nako, baby. Alam mo naman ang mga insecure d’yan. Pinagpipilitan ang sarili
sa taong ayaw naman sa kanila. Haay...”

She lazily rolled her eyes. For sure, kalat na ang nangyari sa kanila ni TJ
kahapon.

Okay. Pinaparinggan siya na obvious naman. As if naman na maaapektuhan siya. Wala


siyang balak counter-in ang sinabi ni Lexi dahil ayaw niyang pag-aksayahan ‘to ng
oras pero bigla na lang huminto ang mga kaibigan niya sa paglalakad.

“Hoy, tumahimik ka nga! Sapatusin kita, gusto mo?” banta ni Bea kay Lexi.

“E, kung pagulungin kita?” Julia.


As expected. Kung siya, wala siyang pakialam. Pero iba ang mga kaibigan niya. Hindi
pwedeng hindi mangialam kung siya na ang pinag-uusapan. Ayaw na ayaw kasi ng mga
ito na nasisiraan siya sa iba.

“Tss. Mga babae talaga,” mahinang sabi ng tila naiiritang si TJ.

“Ang mean nila, babe. Nakita mo, hindi ko naman sila inaano, di ba?” Parang
nagpapaawang sabi ni Lexi kay TJ na sobrang nasagwaan siya.

Really? Acting like a kid in front of your boyfriend? If she was a boy, that was a
major turn off. She rolled her eyes in disgust but then his eyes caught hers.

“’Wag mo na lang pansinin,” sabi ni TJ kay Lexi pero nasa kanya ang tingin. ‘Yung
tingin na.... hindi niya maintindihan.

“E, nagpapapansin siya, e. Pinagbibigyan lang.” Hindi niya alam pero biglang
lumabas na lang ‘yon sa bibig niya.

Nagsusukatan sila ng tingin ni TJ. Parang may kung ano kasi sa titig nito na nagpo-
provoke sa kanya para patulan pareho ang mga ‘to.

“Inggit ka lang!” pagmamayabang ni Lexi.

And that was the call for her to face her.

“Umasa ka lang.” Unlike Lexi, she was calm. Mataray siya. Akala ba nito magpapatalo
siya?

“Ang arte mo naman?” Lexi.

“Landi mo naman?” her brow raised a bit. Sige lang. Barahan ba? Game siya.

Si Bea at Julia naman, nagtatawanan sa tabi niya. Pa’no, parang tinatamad lang
siyang kausapin si Lexi habang parang bulkang sasabog naman ‘to. Parang sira lang,
e.

“Gusto mo ba ng away?” hamon nito sa kanya.

“Mas gusto ko ang Moo,” bale-walang sagot niya. Recess kasi. Alam naman ng lahat na
adik siya sa Moo—‘yung chocolate drink? ‘Yun kasi lagi niyang binibili tuwing
recess. Parang bata nga raw siya, e. Hindi na nasawa. At seryoso, gusto niya na
talagang uminom ng Moo.

“Edi, bumili ka ng Moo mo!” asar na sabi ni Lexi.


“Talaga. Nagpapabili ba ‘ko sa’yo?”

“Hindi nga!”

“See? O, ba’t ‘di ka pa matulog?”

“E, ba’t ‘di ka magtumbling?” balik nito.

“’Di ko kaya?” sagot niya.

“E, ba’t ‘di ka na lang din matulog?”

“’Di pa antok?”

“Tama na nga ‘yan. Sumasakit ulo ko sa inyo,” biglang sabat ni TJ sa naiirita pa


ring tono’t itsura.

“Oo nga, babe. Sumasakit din ulo ko sa kanya. Ugh.” May toyo rin ‘tong dyowa ni Tj
na ‘to, ‘no? Pantanga, e. May pamasa-masahe pa sa sentidong nalalaman.

Napaismid na lang siya. Palusot pa, e. Akala ata ng Lexi na ‘to, e, mababara siya
nito. Hah.

“Alam n’yo kasi, ang ulo parang tiyan lang ‘yan, e. Sumasakit ‘pag walang laman.”
May ngiting nakakalokong sabi niya sa dalawa, pagkaraa’y nakataas ang isang kilay
at malapad na nginitian si Lexi. Agad naman ang pagtagis ng mga bagang nito.

“O, ayan, para ka lang inodoro. Barado. Arte mo po kasi.” Inis pa ni Julia.

“Let’s go, girls. Hay, nako... Stress!” Bea said, flipping her hand through the
air.

Kampanteng napangiti siya. Sila pa aartehan ni Lexi?.

Pero bago sila tuluyang makalayo, narinig niya nang magsalita ulit si TJ. Or should
she say... pinaringgan talaga siya nito?

“Don’t mind her, babe... Ikaw naman ang mahal ko.”

And she was just like... What the f-ck, I’m outta here.
— — —

=================

4. Babala.

4. BABALA.

GUSTONG mainis ni TJ sa sarili niya and at the same time, matawa. Mainis dahil
hindi niya maintindihan kung bakit si Yanna ang nasa isip at tinititigan niya
habang sinasabi ang mga katagang ‘yon, matawa naman dahil hindi niya alam kung saan
nanggaling ang mga kabaduyang ‘yon. Kadiri, amputa. Sobrang nabaduyan siya sa
sarili niya at kung paano’ng lumabas ang mga iyon sa bibig niya, hindi niya alam.

Pero hindi ‘yun, e. Matagal na niyang nakalimutan si Yanna pero bakit ngayong
nagkita na ulit sila, parang mas nagustuhan niya pa ‘to? Parang bago ang
nararamdaman niya, e. Hindi katulad nu’ng dati.

Gusto? What the hell is wrong with him? Ang tagal niya bago makalimot pero
ngayon....?

‘Wag ngang tanga, Troy, sermon niya sa sarili.


“YANYAN, baka naman ex mo talaga si TJ kaya gano’n na lang makapagparinig sa’yo?”
tanong ni Julia kay Yanna.

Syempre, malamang na nahalata rin nito’t ni Bea na sadyang parinig ang sinabi ni TJ
kanina.

Nasa tambayan na nila sila ngayon—sa steps ng T.H.E room. Kadarating lang nila at
nadatnan nila sila Kiray, Ej, at Yen doon.

“Bakit mo naman nasabi, Jules?” tanong ni Yen. Naupo siya sa ibabang step mula kay
Yen.

“E, kasi, ganito ‘yun. Kanina......” At ikinwento na nga ni Julia’t Bea ang
kaninang nangyari.

“WHAT?! Gags, baka nga ex mo talaga! Kilalang kilala ka kaya. Kaila ka pa ‘te!”
reaksyon agad ni Kiray.

“Nye? Adik. Hindi ko nga rin alam kung bakit pinagpipilitan niyang naging
girlfriend niya ‘ko, e. As in, hello? Hindi naman ako nagka-amnesia or whatever. I
admit, kaunti lang talaga ang naaalala ko noong Grade 6 pababa ako.” Paano, kapag
walang kwenta, hindi niya na tinatandaan. Ewan, pero gano’n talaga siya. Hanggang
sa tuluyang kakaunti na lang talaga ang naaalala niya noong bata siya. “Pero hindi
naman siguro ako magbo-boyfriend ng gano’ng kaaga, di ba? Promise. Ngayon ko pa
lang siya nakilala.”

“Loka, kahapon pa,” bara ni Ej sa kanya.

“Gagu,” birong ganti niya.

“Haha. Kasi naman, ‘te!”

“Pero sa tingin n’yo? Bakit kaya?” tanong ni Yen.

“Who knows?” kibit-balikat niyang sagot.

“Pero alam mo, beh? Nako! Muntik ko nang sabunutan ‘yang Lexi na ‘yan kanina.
Pinagkakalat ba naman na malandi ka? Kesyo papansin ka raw kay TJ at inaagaw mo sa
kanya? Naku lang talaga!” gigil na pagbibigay alam ni Kiray. Classmate nga kasi
nu’ng tatlo si Lexi.

“True, beh! Kaunti na lang talaga, pagagapangin ko na sa lusak ‘yung bruhilditang


chever na ‘yun! Grrr! RAWR!” gigil ding sabi ni Ej pero kwela, with matching hand
gestures pa.
“Buti na lang talaga at nando’n ako para pigilan sila,” iiling-iling na sabi naman
ni Yen.

Si Kiray at Ej ang pinakagame sa kanilang makipag-away. Mas malala sa kanila nila


Julia’t Bea, handa talaga ang mga itong makipag-away kahit pisikalan. Habang si Yen
naman, natitirang good girl sa kanila, hindi palaaway. Peacemaker pa nga.

“Guys... Kiray, Ej... para walang gulo, h’wag n’yo nang pansinin si Lexi. Wala
naman akong pakialam kahit ipagkalat niya pang pokpok ako, e. Basta ba alam n’yong
hindi totoo ‘yun at naniniwala kayo sa’kin. Okay na ‘yun, ‘no.”

“E, gaga ka talaga. Okay lang na masira ang image mo sa iba? Kilala ka namin kaya
dapat lang na ipagtanggol ka namin po, ‘no!” Inirapan pa siya ni Julia.

Napangiti siya. “Kayo lang naman ang mahalagang maniwala sa’kin. Kayo lang naman
ang pinakikisamahan ko. Wala akong pakialam sa iniisip ng iba, ‘no,” seryosong
sagot niya. “Tama na nga ‘yan! Tara na kayo, bili muna tayo. Gusto ko na ng Moo,”
aya niya na sa mga ‘to. Alam niya kasing hahaba lang ang topic about sa image niya.
E, wala naman talaga siyang pakialam doon.

After all classes, club naman. Club day kasi nila tuwing Tuesday, at kahapon,
nakapili na sila ng club na gusto nilang pasukan. Silang magbabarakada, bakasyon pa
lang napagkasunduan na nila na sa VB Sports Club—pinag-merge na volleyball and
basketball club—ang sasalihan nila. Isa kasi ‘yon sa dahilan kung bakit nagkasama-
sama silang madalas at halos wala nang hiwalayan noong 3rd year sila. Pare-pareho
kasi silang mahilig magvolleyball. And luckily, tanggap silang lahat.

“Good afternoon, Sir Ocampo!” kinikilig na bati agad ni Ej kay Mr. Ocampo—ang club
moderator ng VB Sports Club na obviously, moderator nila. Sa St. Augustine
Building, second floor ang room para sa club nila.

“Good afternoon,” nakangiting bati naman ni Sir Ocampo kay Ej. “Okay. Kumpleto na
ba kayo? Pirma na kayo rito.”

Isa-isa silang pumirma sa attendance.

“O, nasaan sila Diego, Neil Kenneth, Alexis, Jake, at Troy?” tanong ni Sir Ocampo
habang sinusuri ang attendance. Kilala na nito si TJ dahil P.E teacher nila ‘to at
nagmeet na sila kahapon.

And so hanggang dito pa rin pala, magkakasama sila ng bagong salta? Well, she knew
Neil, Diego and Jake were also in the club last year and so was Lexi. But TJ?
Jusmiyo.
“Good afternoon, Sir!” Bigla na lang narinig nila ang chorus nila Lexi, Jake, Neil,
at Diego mula sa pintuan. Mukha namang hindi bumuka ang bibig ni TJ kaya sure
siyang ‘yung tatlo lang ang nagsalita.

“O, andyan na pala kayo. Pasok na nang makapag-umpisa na tayo,” sabi ni Sir Ocampo.
Naupo na ang lima sa harapang pwesto nila.

“So... sino ang magiging President natin?” tanong ni Sir Ocampo.

“Hindi ba nila kilala si Noynoy?” bulong niya kay Bea.

Natatawang sinaway lang siya nito at nag-focus kay Sir Ocampo.

“Oo, ‘no, Yan? Teacher pa man din,” bulong naman ni Derick na nasa likuran niya na
naman. Hanggang dito ba naman? Paa’no, kasali rin ang mokong sa basketball varsity.

Saglit na nagpaalam muna si Sir Ocampo dahil in-excuse ng isang teacher. Nilingon
niya na si Derick.

“Kausap mo?” pagtataray niya rito.

“Lolo mo.”

Aba, nambabara?

“E, gago.”

“Sshh! Tumahimik nga kayo.” Nilingon sila ng nasa harapang si Lexi. Katabi nito si
TJ dahil obviously, glued girlfriend.

“Ano na naman? Inggit ka? Tara, barahan tayo,” aya niya kay Lexi. Kairita, e. Hindi
naman kinakausap, biglang sasabat.

“Mag-isa ka!” mataray na sabi ni Lexi sa kanya.

“Talaga. Bakit, dalawa ka ba?”

“TSE!” Iningusan siya ni Lexi.

“BASAG!” malakas na sabi ni Kiray at nagtawanan hindi lang ang barkada niya, pati
na rin ang mga clubmates nila dahil dinig ng mga ito ang sagutan nila ni Lexi.
“Tse! Mga bwisit!” Lexi.

“Ikaw mukhang singit.”

“Tse!”

Tse nang tse. Tsenelasin niya ‘tong babaeng ‘to, e. Arte arte.

Inirapan pa siya tsaka naiinis na lumingon sa harapan. Tsaka kumapit na naman sa


braso ni TJ na prenteng-prenteng nakaupo lang.

Napailing na lang siya. What a clingy girl. At nagtataka lang siya kay TJ, e.
Binabasag niya na nga ang girlfriend nito sa harap ng marami pero wala pa ring
pakialam? How great was his love naman pala.

“TJ , baby kooo.” Maarte ang pagkakabikas na pinarinig pa talaga ni Lexi sa lahat
ang paglalambing kay TJ.

“Iyong iyooo,” panggagaya niya rito kaya napatingin uliy ng masama si Lexi sa
kanya.

Panggago kasi. Nakakaumay kaya.

“Ay, ‘tii! Kung ako sa’yo, tatahimik na lang ako. Hihi,” natatawang sabi ni Ej kay
Lexi.

“Sorry, you’ll never be me,” mataray na sabi naman ni Lexi kay Ej.

“Sorry too, three, four-ever and ever, I never wanted to be you. Hihi,” natatawa pa
ring sabi ni Ej. Natawa rin tuloy siya. Ayos ding mang-inis si Ej, e.

“Epal mo!” naiinis na sabi ni Lexi kay Ej.

“Bangasan kita dyan, e,” sabat naman ni Kiray. Si Ej ba naman ang involve.

“Hmp!”

Natawa na lang sila. Nakakatakot naman kasi talaga si Kiray kahit na maliit. Parang
bigla ka na lang sasakmalin kapag binwisit mo. Si Kiray pa ba aartehan niyang Lexi
na ‘yan.
“Babe...” sinandal ni Lexi ang ulo niya sa balikat ni TJ.

“’Wag mo na nga silang pansinin, Lexi. Nagpapapansin lang naman sa’kin ‘yung isa
dyan, e.”

Her mouth formed an ooh as her brow raised up. Kamusta naman daw ang kayabangan ng
Salamat na ‘to? Kapal mukha ni kuya.

“Papansin ka pala, bakla, e,” sabi niya kay Ej.

“Ay, sorry naman, Papa Tee. Crush kasi kita, ih. Hihi,” sumakay naman sa sinabi
niya si Ej. “yan sila, e. Walang laglagan.

“Bakit ba ang init ng dugo n’yo sa isa’t isa?” tanong bigla ng katabi ni TJ na si
Neil at pinaglipat-lipat pa sa kanila ni TJ ang tingin.

“Oo nga,” sang-ayon naman ni Jake at Diego.

“Kasi ‘di malamig?”

“Yanna naman, kailan kaya aayos sagot mo?” Neil.

“’Pag hindi na kayo kausap ko?” Bigla na lang siyang tumayo. Lalabas na lang siya.
Hindi talaga niya gustong nakikipag-usap sa mga lalaki.

“Oy, sa’n punta?” awat ni Julia sa kanya nang akmang aalis na siya.

“Ditch. Sama kayo?” tanong niya sa barkada.

“Ako na lang isama mo, Yanna,” sabat ni Derick. Talagang na-e-epalan na siya sa
lalaking ‘to, ha.

“Ikaw? Sapatos ka muna.”

“Mukha ba ‘kong naka-tsinelas?” tinuro pa nito ang suot-suot na sapatos.

“Aahhh.... Akala ko kamias.”

“Korni mo, beh. Haha,” natatawang sabi ni Yen sa kanya.

Kung anu-ano na lang kasi sinasabi niya kaysa mabara siya. Style ba.
“Yanna, papagalitan ka ni Sir,” sabi ni Bea.

“Hindi ‘yan. Malakas ako kay Sir Ocs, ‘no. Nag-planax yata ako!” Tawa naman agad
barkada niya. “Saglit lang. Babalik din naman, nauuhaw lang.” ‘Yun lang at umalis
na siya. Gusto niya na ulit ng Moo. Pandagdag uhaw pero namiss niya talaga agad, e.

Nagtagal siya sa ibaba. 40 minutes lang ang club hour nila pero 30 minutes ang
pinalipas niya sa ibaba. Gano’n kasaglit ang saglit niya. Patapusin daw ba ang club
hour. Pasaway.

“CR lang ako”, paalam ni TJ kay Lexi at sa mga kaibigan niya.

Pero ang totoo, dahilan niya lang ang pagpunta ng CR. Gusto niya kasing balaan si
Yanna at ngayon ang tamang oras para ro’n dahil hindi nito kasama ang mga kaibigan.

“Tao ka, ‘tol. Tao,” pambabara ni Neil sa kanya.

“Tres ang katol,” balik niya.

“Tss! Alis na nga!” taboy nito sa kanya

“Dalian mo babe, ha?” sabi naman ni Lexi.

“Para namang tatae ako,” iritadong sabi niya. Pa’no kanina pa siya naiinis sa
girlfriend niya. At isa pa, hindi niya talaga alam kung kailan naging sila.

Pangalawang araw niya pa lang sa paaralan, kalat na agad sa buong paaralan na mag-
on na sila ni Lexi. Sinakyan niya na lang at ngayon nga, e, asal mag-syota na sila.
Teka, si Lexi lang pala.

Pumunta siya sa canteen pero wala naman doon si Yanna. Baka magkasalisi pa sila
kaya napagdesisyunan niyang hintayin na lang ito sa itaas sa may hagdanan.
PAGHAKBANG ni Yanna sa huling baitang ng hagdanan, bigla na lang may sumaklit sa
braso niya at humila sa kanya. Muntik na siyang matumba dahil sa nagulat siya,
dahilan ng pagkawala ng balanse niya, pero may sumalo sa bewang niya at pinigilan
siya mula sa pagkakatumba. Ang kaso, impit na napasigaw siya nang bigla naman
siyang isinandal sa pader at mariing hawakan sa magkabilang balikat. Nasaktan siya,
sa totoo lang.

“TJ??” Nagulat pa siya nang makita kung sino ang nasa harapan niya.

“Ay, hindi. Si Jake ako. Si Jake”.

“Weh?” Gago ‘to, ah. Tinaasan niya na lang ng kilay.

“Tss.”

“Bitawan mo nga ako!” bulyaw niya rito. Mahigpit pa rin kasi ang pagkakahawak nito
sa mga balikat niya at nasasaktan talaga siya, seryoso.

Pero bigla na lang sumeryosong lalo ang mukha ni TJ. Palagi namang seryoso ang
mukha nito pero hindi niya alam na may iseseryoso pa pala ‘yon. Nahigit niya ang
paghinga niya nang bigla na lang ilapit nito ang mukha sa mukha niya. Malapit
talaga.

“T-TJ, ano ba?” Bukod sa nasasaktan siya, naiilang pa siya. Tang-ina, eto na naman
ang bilis ng tibok ng puso niya, ha.

Pero parang walang narinig, matiim na tinitigan siya ni TJ at seryoso ang boses na
gamit na nagsalita. “Binabalaan kita, Yanna. H’wag na h’wag mo nang kalabanin si
Lexi... kung ayaw mong masaktan.”

Tsaka lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya at tuluyan nang umalis. Naiwan siyang
tulala, hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa narinig.

‘Binabalaan kita’—Okay, binalaan siya ng gago.

‘H’wag na h’wag mo nang kalabanin si Lexi’—Samantalang si Lexi ang nauna?

‘Kung ayaw mong masaktan’—Gago talaga.

Nagpaulit-ulit na nag-echo sa isip niya ang huling sinabi nito.


What the hell? Sasaktan niya ‘ko? E, baka bading?

Hindi niya alam kung may ikukunot pa ba ang noo niya. Hindi siya makapaniwala.
Transferee lang si TJ. Ibig sabihin, one week pa lang na mag-on ito at si Lexi pero
ganoon na nito kamahal ang girlfriend para pagbantaan siya? Whoa there.
Pinagtatanggol niya lang naman ang sarili niya at kasalanan niya ba kung bakit
laging barado si Lexi? Kung bakit lagi itong pahiya?

Hah. What a couple!

Badtrip na bumalik na siya sa club room nila.

“Bading, akala ko umuwi ka na,” bungad agad ni Ej sa kanya.

“Balak ko na sana ‘yan, kaso naiwan ko bag ko.” Kung dala niya lang talaga bag
niya, umuwi na talaga siya.

“Wala, bes. May biglaang meeting si Sir Ocs kaya tutunganga lang tayo,” pagbibigay
alam ni Julia. E, ano? Malapit na namang mag-bell.

“Ah, gano’n?” walang kasigla-siglang sabi niya. Tinamaan na siya ng kasungitan.


Lalo pa’t ang tingin niya, e, nasa dalawa sa harapan niya. Kay Lexi na
nakikipaglambingan na naman sa boyfriend nitong isa’t kalahating gago.

“Babe, date tayo sa Sat, ha? Nuod tayo movie,” paglalambing ni Lexi kay TJ.

Hindi niya alam kung bakit lalo siyang nabadtrip at bigla na lang niyang sinipa ang
upuan ni Lexi.

“Ano ba?!” bulyaw ni Lexi sa kanya.

“H’wag nga kayo ritong maglabingan! Nakakasukayok, pwede?” ganting bulyaw niya.
Kapag ganitong badtrip siya, magkakasubukan na.

“Naiinggit ka lang, e!”

“Umaasa ka naman, ‘te!”

“You know what? I hate you!”

“Same to you, pakyu.” Wala siyang pakialam kung nagmumura siya at pinagtitinginan
na sila.
Asar na tumayo si Lexi at hinarap siya. “Ano ba talagang gusto mo, ha?!”

“Moo. Paulit-ulit? Ulyanin?”

“Hephep! Tama na ‘yan,” awat ni Jake sa kanila.

“Siya kasi, e!” Tinuro pa siya ni Lexi.

“Maganda,” taas noong sabi niya.

Priiiiing!

Pagka-bell na pagka-bell, labas agad siya. Alam niya namang susundan siya ng
barkada at sumunod nga ang mga ito. Hanggang sa lumabas na sila ng paaralan at
nagtuloy sa malapit na playground. Mag-a-alas singko na pero tatambay muna sila sa
playground. Magpapawala na rin siya ng init ng ulo niya. Badtrip talaga, e. Bwiset.

Samantala...

“Hello?.... Oo, Drea. Sa playground, for sure.... Basta kayo nang bahala, ha?
Nakakainis na siya, grabe.... Okay, sige.... Aasahan ko ‘yan.... Okay.... Yeah,
bye.” Ini-end na ni Lexi ang tawag.

Hah. Humanda ka ngayon Yanna. Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga labi ni
Lexi. Pero ang hindi niya alam, may isang tao ang nagkukubli at kanina pa lihim na
nakikinig sa kanya.

MAG-a-alas sais na nang magkaayaang umuwi ang barkada. Mag-isang naglalakad na siya
papunta sa paradahan ng tricycle. Siya lang kasi ang naiiba ng way ng uwi sa mga
kaibigan niya.

“Yanna...”

Napahinto siya nang bigla na lang may humarang sa dinaraanan niya.


“Long time no see, ha,” dagdag pa nito tsaka ngumiti ng parang pangdemonyo.

Andrea? Teka. Ano namang kailangan nito sa kanya?

Si Andrea. Dating nag-aaral sa paaralan nila pero nakick-out ito dahil sumali sa
isang fraternity. May kasama ‘tong apat na babae pero ang tingin niya, tibo ang
dalawa sa mga ‘yon. At tila clue ang pare-parehong tattoo ng mga ito sa kanang
kamay para mabuo sa isip niya na magkaka-frat ang mga ito.

“Oy, Drea. Ikaw pala.” She remained calm pero sa loob-loob niya, kinakabahan na
siya. Kinukutuban na kasi siya ng masama. Bukod sa hindi sila close ni Drea,
nakakatakot ang mga itsura ng mga kasama nito.

Mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Drea. “Tara sa memo? Isang sampal ko,
limang sampal mo. Isang suntok ko, limang suntok mo. Ano? Game?”

Shit, she cursed. Sinasabi na nga ba, e. Pero bakit? May atraso ba siya rito? Bakit
nag-aaya ito sa memorial kung saan madalas maganap ang mga away?

“Para saan naman, Drea?” Kahit na kinakabahan, pinilit niya pa ring tapangan ang
pagsasalita. She’s a bully, yes. Pero hindi siya basagulera. Magaling lang siya sa
palitan ng mga salita.

“Wala naman. Balita ko lang iritado si Lexi sa’yo,” kibit-balikat na sagot ni Drea.

Shet. Kaibigan nga pala nito si Lexi!

“Sus. Nagsasayang ka lang ng oras.” Kailangan niya pa ring magtapang-tapangan. Ayaw


niyang nagmumukhang kawawa sa iba.

Naglakad siya para sana lagpasan si Drea pero bigla na lang siya nitong hinarangan.

“Natatakot ka ba?” mapanuksong tanong nito.

Oo, promise, natatakot na ‘ko, ang sagot ng isip niya pero hinding hindi niya
isasatining ang mga salitang iyon.

“Bakit naman ako matatakot? Wala lang ako sa mood,” kunwari bale-walang sagot niya.
Bilib na talaga siya sa sarili niya. Nagagawa niya pang maging cool kahit na maiihi
na siya sa kaba.

“’Yun, o. Hindi naman pala, e. Tara na,” mas lalo siyang kinabahan nang hawakan
nito ang braso niya at akmang hilahin siya. Pero bigla na lang siyang nagulat nang
biglang may umakbay sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi ‘yun ‘yung akbay na akbay lang, e. Nasa likod niya
ang lalaki at nakayap ang braso nito sa mga balikat niya. ‘Yung para bang
poprotektahan siya kahit na ano’ng mangyari at hinding hindi siya papakawalan?

“Pakibitawan lang ang girlfriend ko, o. Kung ayaw n’yong manghiram ng mukha sa
aso.”

That voice...

“TJ...”

Si TJ! Shit, Salamat! Salamat at dumating ka!

Pero, the hell? Kung hindi lang siya kinakabahan, sarkastikong natawa na siya.
Hiram ng mukha sa aso? E, mais.

— — —

=================

5. Malandi.

5. MALANDI.

NILINGON din siya ni TJ. Seryosong seryoso ang mukha nito. Mas natakot pa nga ata
siya rito kaysa kila Drea, e. Bigla na lang tuloy siyang nagbawi ng tingin. At
pagbaling niya kay Drea, napakunot-noo siya nang makitang tulala na ‘to.
Parang nahihipnotsimong binitiwan siya ni Drea. Natulala lang ‘to pati na rin ang
dalawa pang kasamahan nito. Nakita na lang niyang napakamot ng ulo ang dalawang
tibo.

Promise, gusto niyang matawa. Pa’no? Alam niya kung bakit nagkaganoon si Drea.
Nawawala kasi tapang nito kapag nakakakita ng gwapo.

Gusto niya talagang matawa. Posible pala talaga ‘yon? Wow. Gwapo ba si TJ? Sus.
Parang hindi naman.

“’Wag na ‘wag n’yo siyang gagalawin. Tandaan n’yo ‘yan,” banta ni TJ sa mga ito
bago siya sinama palakad. Hindi niya na nagawang lingunin pa sila Drea dahil sa
tuling maglakad ni TJ. Hindi niya rin magawang magprotesta dahil sa.... hindi niya
rin alam.

“Sakay,” utos nito sa kanya nang nasa tapat na sila ng isang tricycle. Sumakay siya
pero sumakay din si TJ. “Kuya, sa Bakewell Village po,” sabi ni TJ sa tricycle
driver.

Nagtaka siya. Pa’no’ng pati kung saan siya nakatira, alam nito? Hindi kaya stalker
niya talaga ‘tong lalaking ‘to?

Tahimik lang sila sa loob ng tricycle. Awkward, wala man lang umiimik.

“Hoy. Bakit ka ba sumakay din dito?” Siya na ang bumasag ng katahimikan nila dahil
mukhang walang balak magpaliwanag si TJ.

“Walang anuman, ha?” sarkastikong sabi naman nito.

“A-ah... oo.” Bigla siyang nahiya. Oo nga, ‘di man lang siya nag-thank you.

Pero bigla na lang siyang nilingon ni TJ. “’Di ba binalaan na kita? Bakit ginawa mo
pa rin? Pagpasok na pagpasok mo kanina sa room, inasar mo agad si Lexi. O, ano ka
ngayon? Kung hindi pa ako dumating, malamang pinagtutulungan ka ng mga ‘yon
ngayon,” tuloy-tuloy na sabi nito.

Bigla na lang pumasok sa isip niya ang banta nito kanina. At doon niya lang
naintindihan ang ibig sabihin nito. Ibig sabihin, ang muntik nang mangyaring away
sa pagitan nila ni Drea ang tinutukoy nito sa sinabing kung ayaw niyang masaktan.
At totoo ngang si Lexi ang may pakana no’n? What a loser. Hindi siya nito malabanan
sa salitaan kaya ipapabugbog na lang siya, gano’n?

Seryoso, nakikipagbugbugan talaga sila Drea. Matatakot ba siya kung alam niyang
wala naman talagang ibubuga ‘yung mga ‘yon? Hindi, e. Kaya nga kicked out sa school
nila si Drea. Napanuod niya kaya ang video ng away nito noong 3rd year pa lang sila
sa isang 4th year student.
“Bakit hindi mo kasi pinaliwanag kanina? Akala ko naman sasaktan mo ‘ko kapag hindi
ko tinigilan si Lexi,” sisi niya pa kay TJ. At talagang nanisi pa siya, ‘no?

“Tanga ka ba? Tingin mo kaya kong saktan ka?”

Napa-awang ang mga labi niya. “H-huh?” May ibang ibig sabihin ba ang sinabi nito?

“Ang ibig kong sabihin.... hindi ako sanay manakit ng babae. Kaya.... Hindi ko
kayang manakit ng babae.... physically,”,paputol-putol na paliwanag ni TJ.

Her mouth formed an ooh. Physically, maybe. But emotionally, maybe yes.

“Teka nga... Pa’no mo pala nalamang kinausap ni Lexi si Drea?” nagtatakang tanong
niya.

“Nakita ko lang sa text kanina sa cellphone niya,” simpleng sagot nito.

“Oohhh...” Oo nga pala, boyfriend. Napabuntong hininga na lang siya. “S—salamat...”

Biglang napalingon si TJ sa kanya. “Ano’ng sabi mo?”

“H-huh? S-sabi ko ang pangit ng apelyido mo! O-oo, iyon. Salamat? Baduy!” she
stammered.

“Hoo.” Umiling na lang si TJ habang may ngiti ang sumilay sa mga labi,

She pouted. That was embarrassing, really—for a mortal enemy. Narinig naman kasi,
nagtanong pa.

Pumara na siya nang makarating na sila sa village nila. Hindi na niya pinapasok pa
ang tricycle dahil nakasanayan niya na ang naglalakad papasok sa village nila dahil
hindi naman kalayuan ang bahay nila.

“O, bakit hindi ka na sumakay? Stalker ka talaga? Umuwi ka na nga!” pagtataboy niya
kay TJ nang paalisin na nito ang tricycle nang hindi ito kasama.

“Feeling mo naman,” bale-walang sabi nito at nilagpasan na siya. Tuloy-tuloy ‘tong


pumasok sa village nila. Don’t tell her sa village din nila nakatira si TJ?

Kasunod siya nito habang naglalakad, at tama nga ang hinala niya!
“Hoy! Kayo ba ‘yung bagong lipat d’yan?” tawag niya kay TJ nang akmang bubuksan na
nito ang gate ng bahay.

“Hindi. Itong bag ko lang ata?”

“Wow. Masaya?” Naniningkit ang mga matang balik niya.

“Ha?” takang tanong ni TJ.

“Hotdog.”

“E, cheesedog.”

Aba’t talagang ayaw paawat ng mokong? “Tae mo.”

“Bilog-bilog.”

“Yuck! Kadiri ‘to!”

“Ako pa’ng naging kadiri? Ano ba’ng sinabi ko? E, ikaw ‘tong may sabi ng tae dyan.
Tss.” Tsaka tuloy-tuloy na pumasok na sa bahay ang walang’ya.

“Tsshhh.. Pangeeeet!” pahabol na sigaw niya. Napahiya siya du’n, ha. Buti na lang
walang audience.

Humahaba ang ngusong pumasok na rin siya sa loob ng bahay nila. Wala pa ang mommy
niya at ang kasamabahay nilang si Ate Lulu lang ang naabutan niya. Tuloy-tuloy na
umakyat na lang siya sa kwarto niya.

Naman! Hanggang sa bahay ba naman.... Pader lang ang pagitan nila, e. School, room,
club.... at pati ngayon, sa bahay? Ugh! Bakit hindi niya alam na ang pamilya ni TJ
ang bagong lipat na kapit-bahay nila? So stupid of her.

BAKIT ang sunga sunga ni Yanna? Hindi alam na kami ang bagong lipat dito? Isang
linggo na kami rito, jusko naman po, hindi makapaniwalang naisip ni TJ.
Kunsabagay, hindi naman sila nagkikita sa loob ng village. Ngayon lang. Pa’no naman
kasi late laging pumasok si Yanna tapos ‘pag uwian naman hindi rin sila
nagkakasabay.

Bumuntong hiningang ibinagsak niya sa kama ang katawan at pumikit. Hindi siya
makapaniwala. Napakalaki na talaga ng pinagbago ni Yanna. Dati, hindi man lang ‘yon
makatingin ng diretso sa kanya. Pero ngayon, lahat binabara. Katulad na lang
kanina, parang wala lang at kayang kaya nito ang paghahamon nu’ng Drea na ‘yun.

Narinig niya kasi ang pakikipag-usap ni Lexi kay Drea kaya nga binalaan niya si
Yanna, pero tigas ng ulo, hindi pa rin nakinig. Buti na lang talaga’t sinundan
niya... Kargo de konsensya ko pa ‘pag nagkataon, iiling-iling na naisip niya.
Natawa pa siya. Kargo de konsensya? Sa’n ko napulot ‘yun? Napangiti na lang siya.

Kahit na nga ba hindi niya na dapat pakialaman si Yanna, hindi pa rin kaya ng
konsensya niya. ‘Ba naman, kinakailang naging boyfriend siya.

Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang mali kung bakit iniwan siya ni Yanna noon
at ngayon naman, e, kinakaila. Mas lalo tuloy niyang gustong gantihan si Yanna.

“HELLO?” sinagot ni Lexi ang tawag ng kaibigang si Andrea.

“Sorry, Lexi. Hindi namin nagawa,” pagbibigay-alam agad ng kaibigan.

“What?! Why?!” hindi makapaniwalang bulalas niya.

“Kasi, ano..... dumating ‘yung...... boyfriend niya. Ang gwapo!” At kinilig pa!

Biglang nangunot ang noo niya. Ano’ng pinagsasasabi ni Drea? E, alam niyang wala
namang boyfriend si Yanna.

“Walang boyfriend si Yanna, Drea, alam mo ‘yan. Never pa siyang nagka-boyfriend!”

“Sira ka ba? Ano’ng malay ko sa buhay buhay n’yo? Updated ba ‘ko? Malay ko kung
meron na!” ganting bulyaw nito sa kabilang linya.

Alam niya naman ‘yon, dahil 3rd year pa lang, kicked out na si Drea.
“Pero wala siyang boyfriend!” pilit niya. Dahil kung meron, malamang na kalat na
‘yon sa buong year level nila.

“E, meron nga, e!”

“Shit, Drea. Sinabi nang wala!”

“Shit ka rin, Lexi. Sinabi nang meron, e! Gwapo nga! Gwapo!” and she heard another
giggle from the line.

“Shet talaga, Drea. Ang landi mo, basta gwapo! Manang mana sa’kin!”

“Tigas ng mukha nito! Haha! Pabayaan mo na ‘yung si Yanna, friend. May boyfriend
naman na pala, hindi mo na kaagaw sa boyfriend mo ‘yun.”

She gritted her teeth. “Sige na nga! Hmp! Thank you na lang. Bye!” She ended the
call.

Pero pagkatapos na pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Drea, nakatanggap na agad


siya ng text. Gano’n na lang ang tuwa niya nang mabasa kung sino ang sender ng
text.

Oh, my baby TJ! Kilig! Kulang na lang mag-happy dance pa siya.

[Lexi, agahan mo bukas. Kita tayo sa harap ng comp lab. 6:30.]

Sobrang kinilig siya nang mabasa ang message galing kay TJ. Pinapaagahan nito ang
pasok niya para lang magkita sila? Kung kanina, inis na inis siya sa balita ni
Drea, nawala na ‘yon isang text lang ni TJ.

She hurriedly replied.

[Kay, babe!]
KINABUKASAN...

“No, TJ! Isang linggo pa lang tayo! No way!”

Kanina pa nakukuli ang tenga ni TJ sa paulit-ulit na sinasabi ni Lexi. Playboy siya


tapos aasa si Lexi na magtatagal sila ng mahigit isang linggo? Naawa lang naman
talaga siya kaya sila nagtagal ng isang linggo, e.

‘Yun ang dahilan kung bakit pinapunta niya ng maaga si Lexi sa harap ng computer
laboratory. Ang makipag-break kahit hindi naman talaga official na naging sila.

“Lexi, hindi naman talaga naging tayo, di ba? You just assumed. Pinagkalat mo pa.
Now, I want out.”

Natameme bigla si Lexi sa sinabi niya. “B-bakit, TJ? May bago ka na ba?”

Joke ba ‘yon? “Ano ba namang tanong ‘yan, Lexi? Alam mo namang nakikipag-date rin
ako sa iba habang feeling mo tayo, di ba?” Kaunti na lang, maiirita na talaga siya.

“Y-yes..... But that’s because you’re not serious with them!”

“At sa tingin mo seryoso ako sa’yo?” Hihirit pa sana ulit si Lexi pero inunahan
niya na dahil ayaw niya nang magtagal pa ang usapan. “Ipagkalat mo na lang din na
ikaw ang nakipag-break at hindi ako. Gumawa ka na lang ng istroya. Malaki ka na,
kaya mo na ‘yan. Tapos na tayo.” Iyon lang at iniwan na ni TJ si Lexi.

Bahala nang mag-isip ‘yung si Lexi. Du’n naman magaling ‘yun, e.

“HELEN Arianna Santanaaaa!” Nagulat si Yanna nang pagdating nila sa tambayan nila,
sabay sabay na sinigaw nila Ej at Kiray ang pangalan niya. Maliban kay Yen na
iiling-iling lang habang seryoso ang tingin sa kanya.
“What? Kinakabahan ako sa mga mukha n’yo, ha. May problema ba?” tanong niya.

Sila Bea at Julia kasi, kanina pa siya hindi pinapansin sa classroom pa lang. Para
siyang kumakausap sa hangin. Ni hindi siya kinakausap. Parang mga galit na hindi
niya maintindihan. Mabuti nga ngayon at pumayag ‘yung dalawa kahit na sumabay lang
siya papunta sa tambayan, e. Pero ang dadatnan niya pala, mga mukhang galit din sa
kanya.

Hindi niya alam kung ano’ng nagawa niya. Bakit ang tataray ng mga kaibigan niya sa
kanya ngayon?

“Guys, may nagawa ba ‘kong mali? Galit ba kayo?” nag-aalalang tanong niya.

Pero hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya. Sa halip, lantarang nagbilang si
Bea. “One, two, three....”

“Helen Arianna Santana! Galit kami sa’yo! Malandi ka!”

— — —

=================

6. Yen?

6. YEN?

“A-ANO? Ako? Malandi? Whoa... Parang hindi yata tamang husgahan n’yo ‘ko ng ganyan?
Kaibigan ko kayo.” Pilit ang ngiti’t hindi makapaniwalang sabi ni Yanna. Sobrang
nagulat siya sa sinabi ng mga kaibigan niya.

Malandi? Kailan pa siya naging malandi? Kilala siya ng mga ‘to higit kanino!

“Ni hindi mo man lang kami in-inform!” sabi ni Kiray.

“Bading, nakakatampo ka na!” Ej.

“Ganyan ka na pala, Yanyan, ha?” iiling-iling na sabi pa ni Yen.

“Oo nga...” magkasabay na sabi naman nila Julia’t Bea.

Nagtagis ang mga bagang niya. Mukhang hindi na tama ‘to. “Ano ba’ng ginawa ko? Wala
akong natatandaang naging kasalanan ko sa inyo, ha. Kung nagtatampo kayo, mas
parang nagtatampo na ata ako sa inyo.” Hindi niya na napigilang mapataas ang boses
sa huling sinabi.

Hindi niya kasi maintindihan kung bakit nagkakagano’n ang mga kaibigan niya.
Tatalikuran niya na sana ang mga ‘to nang bigla namang mga nagharangan sa daraanan
niya.

“Hala, beh. Sorry! Joke lang naman ‘yung malandi ka part, e. Pati ‘yung galit kami
sa’yo? Pa-suspense lang ‘yun naman! ‘Wag nang magalit, beh,” tuloy-tuloy na sabi ni
Bea sa kanya. Akala yata uubra pagpapa-cute sa kanya, e.

Kanina pa siya badtrip and at the same time nag-aalala dahil sa hindi siya
kinakausap ni Bea at Julia simula pa lang kaninang umaga. Tapos ngayon, sasabihan
siyang malandi tapos joke lang? Alam naman ng mga ‘to na isa ang barkada sa
weakness niya pero ano ‘to?

“Joke? Ahh.... Joke lang pala, e. Ha ha ha. Uy, sa’ng part ng joke n’yo ‘ko tatawa?
Dali, tatawa pa ‘ko! Promise. Ha ha!” Well, define sarcastic.

“Yanni naman, sorry na nga, e. Nagdrama lang kami para naman may suspense. Ikaw
naman kasi, masyado kang malihim sa’min, e.” Bigla na lang kumapit sa braso niya si
Kiray.

God... Ano ba’ng nagawa niya talaga?

“Okay...” She calmed down. “Ano ba kasing pinagsasasabi n’yo? Uso mag-explain.”

“You know naman na bali-balita na sa year levelu natin na tsugi na ang TJ-Lexi
loveteam, di ba? Well, we know why.” Pinaningkitan pa siya ng mga mata ni Ej.
Oo, naririnig niya nga sa usapan ng mga classmates niya kanina na break na nga raw
si TJ at Lexi. Kesyo nagkasawaan na parehas o ano. Pero hindi niya naman inintindi
‘yon, e. Ano namang pakialam niya?

“O, e, ano ngayon?” tanong niya kay Ej.

“M—“

“Mm... Alam kong Miyerkules. Umayos, baka masapak. Wala munang barahan, mainit ulo
ko.” Inunahan niya na ang tangkang pambabara ni Ej sa kanya.

“Ahihi.” Tinawanan siya ni Ej pero nagpatuloy din agad sa sinasabi. “Kasi, bii...
knowing namin na may third party party people sa kanilang break-up.”

“So? Tae, ano namang pakialam ko d’yan? Ang tinatanong ko, e, kung bakit galit kayo
sa’kin. Hindi ang break-up nila ang gusto kong i-kwento n’yo sa’kin!” Naiirita na
talaga siya, ha. Ano naman ba kasi’ng konek ni TJ at Lexi sa tanong niya?

“Gags, hindi nga kami galit sa’yo. Joke nga lang, e. Tampo siguro, oo,” sabi ni
Kiray.

“Oo nga, Kry, di ba? Hindi kayo galit, nagtatampo lang. E, ang kanina ko pa ngang
tanong.... Bakit? Bakit? Bakit?” Jusko, henge pong energy.

Pero imbis na magpaliwanag, nagkatinginan at mga nakokolokong nagngitian lang ang


mga kaibigan niya.

Really... What is going on?

“Ehem, ehem.” Tumayo si Ej at hinatak din siya patayo. Bigla na lang siyang
inakbayan at nagsalita gamit ang pinalaking boses. “Pakibitawan lang ang girlfriend
ko, o. Kung ayaw n’yong manghiram ng mukha sa aso.”

Bigla na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa narinig niya.

She knew those lines! Shit! Paano’ng.... Paano’ng nalaman ‘yon ng mga kaibigan
niya?

“Ayiiiiiieeeeeeeee!” sabay sabay na tukso ng barkada sa kanya. “Kumekerengkeng ang


baby namin!” Sinundot-sundot pa siya ni Julia sa bewang.

“What? Wait. Hindi ‘yun totoo! Tsaka, pa’no n’yo nalaman ‘yun? May iba pa bang may
alam no’n?” Lord, please, sana wala na.
Ayaw niyang ma-link ang pangalan niya kay TJ, ‘no! Kaya pala binabanggit ng mga
kaibigan niya kanina pa ang break-up ni TJ at Lexi, e. Ang akala ng mga ‘to, siya
ang third party!

“Don’tchu worry, beybeh. Safe ang secret n’yo sa’min. Hihi,” makilig-kilig na sabi
ni Bea sa kanya. “Ikaw, ha... Kung hindi pa kami nagutom ni Kry at nagkaayaang
bumili ng burger..... Nakuuu! Bumi-biep, sini-secret! Pero kilig pa rin ako. Hmm!”
Talagang hindi maalis ang ngiting kilig ni Bea.

“Guys, hindi nga kasi totoo ‘yun!” Crap. Mukhang mahihirapan siyang paniwalain
‘tong mga ‘to, ha. Pa’no naman, inuunahan ng kilig!

“Hay nako, beh. Hindi mo na kami ini-inform. Nakakatampo talaga,” nagtatampong sabi
ni Yen.

“Naman, o. Pa’no ko ba ‘to i-e-explain? Bale gan’to... Uhh... Nakita n’yo si Drea,
di ba? At dahil ‘yun kay Lexi. Sakto namang dumating si T—“

“Dumating si TJ your boyfriend na to the rescue ang peg at pinagbantaan sila Drea.
Opo, alam na namin ‘yun, ‘no! Kaya nga kami kinikilig, di ba?” putol ni Julia sa
sinasabi niya.

See? Pa’no siya makakapag-explain kung ganitong ayaw naman siyang patapusin?
Napabuntong hininga na lang siya. Pahirapan ‘to.

“Dali, beh! Magkwento na! Kahapon lang sila TJ at Lexi pa, pero kahapon din kayo na
pala. Kailan pa? Ano ‘yun, pumayag kang i-two-time ka? Kwento na, para ‘di na kami
magtampo, o. Dali na kasi!” naaatat na sabi ni Julia sa kanya. Lumapit pa sa kanya
at pinagsusundot na naman siya sa bewang.

“Ay, tae—Mmha!” Shit, malakas talaga kiliti niya sa bewang!

Lumayo siya kay Julia at bumaba ng hagdanan. Naiwan sa itaas ang mga kaibigan niya
habang nasa ibaba na siya at nakatingala sa mga ‘to.

“Hep! D’yan lang kayo. Mag-e-explain ako. Okay?” awat niya nang akmang
magsisibabaan din ang mga ‘to.

“Okaaaay!” sabay sabay na sagot naman ng mga lokaret. Nakahilera sa itaas habang
naghihintay ng paliwanag niya.

“Okay. Kasi nga ganito ‘yun.... Si Lexi, napuno ko yata kaya pinaabangan ako kila
Drea. Alam ‘yun ni TJ dahil nabasa niya sa mga messages ni Lexi. E, saktong nakita
niya ‘ko nu’ng hina-harass na ‘ko ni Drea...” Napahinto siya sa pagpapaliwanag
dahil mukhang naiinip na ang mga kaibigan niya sa sinasabi niya.
“Move on, bading, try mo. Alam na nga namin ‘yan. Natural lang na to the rescue ang
papabel mo dahil girlfriend ka, ‘no. The question is.... When-dell Ramos?”

“Phhp—” Nagpigil na lang siya ng tawa. Sira-ulo talaga si Ej, daming alam.

Honestly, hindi niya na alam kung pa’no pa magpapaliwanag. Pa’no nga ba? E, nauuna
ang kilig at patawa! When-dell Ramos.... Kaloka!

Samantala..........

Habang nagkakabiruan ang barkada, hindi nila alam na may lihim na nakikinig pala sa
usapan nila. Papunta sana ito sa locker area para kumuha ng notebooks for the next
subjects nang marinig nito ang pag-uusap nila.

NAKUMBINSI na ni Yanna ang mga kaibigan niya na hindi totoong sila ni TJ. Pahirapan
muna. Kinalingan niya pa ng maraming enerhiya para lang mapaniwala ang mga ‘to.

Malapit nang dumilim at pauwi na siya galing sa playground nang magtext si Yen sa
kanya. Wow. Si Yen? Ano kaya’ng problema?

Minsan lang kasi kung magtext si Yen. Kung importante lang.

[Yan, balik ka sa skul. Samahan mo ko sa music room naiwan ko workbook ko. May hw
kasi kami dun e. Ikaw pinakamalapit kaya samahan mo na ko. Pls. Punta ka.]

Anak ng tokwa. Bakit naman siya pa? Takot siya sa Music Room, e. May multo raw kasi
doon at naniniwala siya dahil marami na’ng nakakita.
[Di ba pwedeng bukas na lang? Dilim na o.]

She replied. Seconds lang ang lumipas at naka-reply na agad si Yen.

[Cge na. Nandito na ko. Saglit lang. Pls?]

Ano pa nga ba’ng magagawa niya, e, malakas ang barkada sa kanya. Natural, babalik
siya.

[Sige. Wait lang.]

“Kuya, pabalik po sa school,” sabi niya sa tricycle driver. Sayang. Malapit na siya
sa village nila, e.

Pagdating niya sa school, dumiretso agad siya sa Music Room pero hindi siya pumasok
sa loob. Natatakot siya, e.

Nasaan ba si Yen? Hinanap-hanap na niya sa paligid si Yen pero wala, e. Nasaan na


‘yun? Padilim na talaga, o. Baka naman kaya nasa loob na si Yen? E, bakit naman
nagpasama pa sa kanya pala?

Takot na takot na siya pero baka abutin siya ng bukas kung tutunganga lang siya.
Tinatagan niya na lang ang sarili niya.

Hoo! Kaya ko ‘to! Mumu lang! Bully kaya ‘to. Bully-hin ko pa ‘yun, e! pagpapalakas
niya sa loob niya.

Hinawakan niya ang doorknob pero hindi niya pinihit. Hindi naman kasi ‘yon
nakasara. Sira kasi ‘yon at madikit kapag nasara kaya hindi talaga sinasara.
Mahirap na kasing ibukas kapag naisara na. Kaya nga may nakalagay na Don’t Close,
e.
Dahan-dahan niyang binukas ang pinto. Bukas ang ilaw sa loob, baka nga nandoon si
Yen. Humakbang siya at binitawan na ang doorknob.

“Yen??” tawag niya. Pero walang sumagot.

Two parts ang Music Room. Ang kabila, lagayan ng instruments para sa bands and lyre
and drum. Hindi kaya nandoon sa kabila si Yen?

“Yen! Andyan ka ba sa kabila??!” sigaw niya. Hindi na siya umalis sa may pintuan.
Shet, natatakot kaya.

Pero wala pa ring sumasagot.

Isang tawag na lang. ‘Pag wala talagang sumagot, aalis na siya. Adik ‘yung si Yen,
ha.

“Yen! Yu-hoo! Yen—AAH!!!”

BLAG!

— — —

=================

7. That boy is back.


7. THAT BOY IS BACK.

HINIRAM ni Lexi ang cellphone ni Yen sa bag nito. Yes. Sa bag ni Yen. Hindi niya
ninakaw. Hiniram niya lang at ibabalik din naman. Alam niya kasing hindi naman
madalas gamitin ni Yen ang cellphone at lagi lang nasa bag. Marami ang may alam
noon. Tamang tama namang kaibigan nito si Yanna.

Dumating na si Yanna. Nagkukubli siya sa malalaking halaman para hindi siya makita
nito. Tawang tawa na siya dahil panay lang ang tawag nito kay Yen.

Nakahanap na siya ng pagkakataon. Tamang tama, nakatalikod ito at hindi na


nakahawak sa pintuan. Maingat siyang lumapit para hindi maramdaman ni Yanna ang
presensiya niya. At paglapit niya...... Boog!

“AAH!” napasigaw na lang si Yanna nang biglang itulak niya ito. Napaupo pa nga ito
sa sahig sa lakas ng pagkakatulak niya, e. Pero bago siya lingunin nito, agad agad
na hinila niyang pasara ang pinto.

Damn! she cursed in her head. Muntik na siyang makita ni Yanna! Buti na lang at
pati ang pinto ay nakisama sa kanya. Naisara niya agad kahit na mabigat at mahirap
isara ng todo.

Hah! Buti nga sa’yo, Yanna. Makakita ka sana ng multo. Isang mapaglarong ngiti ang
sumilay sa kanyang mga labi.
Mahirap nang maibukas ang pinto. Iyong itulak nga mula sa labas ay mahirap, paano
pa kaya ang hilahin sa loob? Ang end game? Doon na matutulog si Yanna. At magugutom
iyong tiyak dahil wala namang pagkain. Worse, kung maihi’t ma-jebs pa ‘to. E, wala
namang CR sa loob. Mwa-ha! Evil much, she is? Well, hell yeah. Mali kasi ng
kinalaban si Yanna.

Ganti-ganti lang. Masyado bang hindi kapani-paniwala? Nananampal nga siya na ruler
ang gamit, e.

Wala na naman kasi talaga siyang balak na pag-aksayahan pa ng oras si Yanna. Pero
nang marinig niya ang pinag-uusapan ng barkada nito kanina, na-bwisit siyang lalo.
Pinaglaruan siya ni TJ at Yanna! Mag-on na pala ang mga ito kaya nakipag-break sa
kanya si TJ! At si Yanna rin pala ang tinutukoy ni Drea kahapon!

Damn... Damn! Kung pwede niya lang ipagkalat na easy girl si Yanna dahil pumapayag
ito na i-two-time, ginawa na niya sana! Pero hindi pwede dahil madadamay siya.
Kaaawaan siya. And that’s something she won’t ever let happen. Atleast ngayon,
nakaganti na siya.

“HOY! Sino’ng nagsara ng pinto?! Ibukas mo ‘to, hoooy!!! Babangasan


talaga kita kapag nakalabas ako rito!!!” Kahit ano’ng sigaw ang gawin ni Yanna,
wala pa ring nangyayari. “Crap... Yen!!! Yen, ikaw ba ‘yan?! H’wag mo ‘kong i-joke,
Yen, kahit lab kita, babangasan talaga kita!!!” banta niya pa pero wala talagang
nangyari. Sasakitan na ata siya ng lalamunan kakasigaw!

“Ibukas n’yo ‘to, ano ba!!! Yen, ikaw ba ‘yan? Promise, hindi ako natutuwa!!! Shit,
Yen!!!!” Kung naka-ilang beses na sigaw na siya pero hindi pa rin bumubukas ang
pinto. Ano ba’ng ginawa niya kay Yen para pagtrip-an siya ng ganito? May galit ba
sa kanya si Yen? Humanda talaga ang kaibigan niya kapag nakalabas siya!

“Hoooooy!!! Wala bang tao dyan?!!! Taooooooo!!!!!” Pero wa-epek talaga. Shiiit!

Ipinagpatuloy niya pa rin ang pagsigaw dahil natatakot siyang baka iba naman ang
marinig niya kapag tumahimik siya. “Taooooo!!!! May tao ba dyan??!!!”

“Miss?”

Bigla na lang siyang kinilabutan nang may bumulong sa tenga niya. Ito na nga ba ang
sinasabi niya!

Napapikit siya ng mariin. Hindi niya alam ang gagawin niya. Kinikilabutan siya at
nanginginig na siya sa takot.

Lord, please, h’wag po.... Napadasal na lang siya.

“Miss?”

Tinakpan niya ang parehong tenga niya nang umulit ang pagbulong na iyon. Maiihi na
yata siya sa takot!
“La la la la la! Wala akong naririnig! La la!” Kumanta siya para malibang ang
sarili. Pero bigla namang...... may kumalabit sa kanya.

“La la la la la!”

Pero may kumalabit ulit sa kanya.

“Aaaaahhhh!! Mommmyyyyyy!!!!!”

Hindi niya na kaya. Maiiyak na siya sa takot. Kung bakit ba naman kasi ipinanganak
siyang duwakang, e. Maiiyak na siya pero noon naman nawala ang pagkalabit sa kanya.
Natigil na siya sa pagsigaw, pero may luha na ang namuo sa mga mata niya. Tahimik
na ang paligid.

Wala na. Okay na, Yanna. Imagination mo lang ‘yun. Relax, pagpapakalma niya sa
sarili. Tinanggal niya ang mga kamay niya sa magkabilang tenga niya at dumilat.

“Boo!”

“AAHHH!!! MOMMY! MOMMY!!! MOMMY, MAY MUMU! AAHHH!!!!” Napapikit siya kasabay ng
pagsigaw at pinagdadamba ang nasa harapan niya. Tuluyan na siyang napaiyak sa
takot.

“Aw! Haha! T-teka, teka! Masakit! Ow! Haha! Teka!”


Bigla ay natigilan siya. Teka nga talaga. Kung multo ang kaharap niya... bakit
nahahampas niya?

Kahit natatakot, dumilat siya.

“Haha! Ang cute mo namang matakot, Tan-tan! Awooo! Haha!”

Her mouth dropped open. Did the guy infront of her just say..... Tan-tan??

“H’wag mong sabihing nakalimutan mo na ‘ko?” nakangiting sabi ng lalaki.

Pwede ba namang makalimutan niya ito? “Tin-tin??”

“Naks. Akala ko nakalimutan mo na ‘ko. Kamusta, Tana?” nakangiting tanong nito.

Napagtagis niya ang mga bagang niya sa pagpipigil pero wala, bigla na lang siyang
naiyak. Matapos niyang matakot ng ganoon, isang hindi inaasahan naman ang bubulaga
sa kanya? Damn... Iyak na siya ng iyak.

Ayoko! Bakit siya nandito? Ayoko, galit ako sa kanya! sigaw ng isip niya.
“Tan... bakit ka umiiyak? Uy, sorry na, o”, suyo nito sa kanya.

Tinignan niya ito ng masama. “Hindi Tan-tan ang pangalan ko. Ako si Yanna. Tsaka,
para saan ba ‘yang sorry mo? Sa pananakot mo sa’kin kanina, o sa pag-iwan mo sa’kin
noon?” Tinalikuran niya ang lalaki at pumunta sa isang sulok. Isinubsob niya ang
mukha niya sa mga tuhod niya. Pero naramdaman niya nang tabihan siya nito.

“Haay....” buntong-hininga nito. “Tana... alam mo bang namiss kita ng sobra?”

Pero hindi siya sumagot.

Bakit? Bakit ka pa bumalik? Iniwan mo ako kaya bakit ka pa bumalik? Ito ang dahilan
kung bakit ayaw niya sa mga lalaki. Iniwan kasi siya nito. Pero bakit ngayon...
bumalik pa ito?

SEVEN years ago..........

“Wala! Dinuduga tayo, Jimmy, o! Maduga!”

“Cha kaya ‘yung sa’kin, chub ‘yung inyo! Ako naman talaga ang panalo, e!”

“Madaya ka naman pala, e! Lampa ka na nga, madaya ka pa. Sa’kin kaya ‘yung cha!
Madaya, ibalik mo ‘yung text ko!”

Narinig niya ang nagtatalong mga lalaki sa likod ng classroom nila. Nang silipin
niya kung sino ang mga iyon, sila Jimmy, Daj, at Kristoffer pala. Binu-bully na
naman nina Jimmy at Daj si Kristoffer. Makikipaglaro, pero ibu-bully lang din
naman. Napa-tsk siya sa isip niya.

“Ibalik mo sabi, e! Gusto mo bang masaktan?” Hinawakan ni Jimmy sa kwelyo si


Kristoffer. Napangiwi siya. Malaking tao si Jimmy kumpara sa payatot namang si
Kristoffer

“Hindi naman ako nandadaya, e!” pagtatanggol ni Kristoffer sa sarili pero bigla na
lang itong umiyak. Lalo siyang napangiwi. Iyakin talaga si Kristoffer kahit kailan.

“Hoy, Jimmy! Bitawan mo nga siya!” Lumabas siya sa pinagtataguan niya at binulyawan
agad si Jimmy. Kahit na si Jimmy pa ang pinakamalaki sa mga classmate nila, hindi
siya natatakot dito. Imbis, ito ang takot sa kanya. Bali-balitang may gusto raw
kasi ito sa kanya at halata niya rin naman. Sabi nga ng mga kaklase niya, ligaw
siya nito. Pero hindi niya ito gusto. Masyado itong mayabang at napakabata pa nila
para isipin ang ligaw-ligaw na iyon.

“Yanna...” nagulat pa si Jimmy nang makita siya.

“Bitaw sinabi, e!” muling sigaw niya pagkaraa’y hinila si Kristoffer mula rito at
humarang sa harap nito. Para siyang batang superhero na pino-protektahan ang batang
naaapi.

“H’wag na h’wag n’yo na siyang paiiyakin! Kundi, ipapatikim ko sa inyo ang kaio-ken
ni Son Goku! Hmp!” Tinalikuran niya ang mga ito at hinila si Kristoffer palayo sa
dalawa. Pero agad niya ring binitawan ito nang makarating sila sa room nila.
Nagtuloy agad siya sa upuan niya.

UMIIYAK siya. Lihim na umiiyak siya sa likod ng classroom nila. Kasi...


inaway na naman siya ng mga kalaro niya. Iniinggit pa siya na wala siyang papa.
Sinasabi pa na marami daw kasing lalaki ang mommy niya kaya iniwan sila ng papa
niya.

‘Hindi naman ‘yun totoo, e. Ang sama nila!’ sigaw ng isip niya. Wala siyang nagawa
kundi ang umiyak na lang sa isang tabi.

“Tan-tan?”

Narinig niyang may nagsalita habang nakayuko siya at umiiyak. Nag-angat siya ng
tingin at nagulat pa siya nang makitang katabi niya na pala ang nagsalita.

“Ano’ng Tan-tan?” nagtatakang tanong niya. Suminghot-singhot pa siya.

“H-hehe. W-wala lang.... Kasi, di ba, Santana ang apelyido mo? Cute kasi,
panlalaki ang Tan-tan. Pa’no ang tapang-tapang mo. Kaya ikaw si Tana. Bagay sa’yo
‘yun! Kaya h’wag ka nang umiyak... Ikaw ang pinakamatapang na babae, di ba?”

Napaisip siya sa sinabi nito. ‘Tan-tan? Ako raw si Tan-tan?’


“Edi, ikaw si Tin-tin?” tanong niya na ikinataka nito. “Kasi, di ba, Austin ang
apelyido mo? E, di ba, iyakin ka, tapos pambabae ‘yun? Kaya ikaw si Tin-tin!
Hahaha! Tin-tin? Phhp!” Bigla na lang siyang natawa sa naisip niya.

“Sumaya ka dahil du’n? Dahil sa Tin-tin?” Nag-pout si Kristoffer. “Tss... sige na


nga! Hehe. Sige, ako na si Tin-tin! Kaya ‘pag malungkot ka, isipin mo na lang lagi
ako, ha? Si Tin-tin mo....”

“Tin-tin ko?” pinupunasan ang mga luhang tanong niya.

“Oo. Ikaw lang kasi ang tumawag sa’kin no’n, e. Kahit na parang.... parang....
bakla. Pero tumawa ka naman, di ba? H-hehe...”

Napatulala siya kay Kristoffer. Ibig sabihin, okay lang na magmukha itong bakla
basta lang masaya siya?

“Sabi mo ‘yan, ha? Okay! Simula ngayon, ako na si Tan-tan mo at ikaw naman si Tin-
tin ko. Ako ang magtatanggol sa’yo sa mga mang-aaway sa’yo”, masayang sabi niya sa
bagong kaibigan.

“Ako naman ang magpapatahan sa’yo kapag umiiyak ka”, nakangiting dagdag naman nito.
“Heto, o. Para sa’yo...” inabot nito sa kanya ang kanina pang hawak na Moo.

“Sa’kin ‘to?”

“Oo, bigay ko sa’yo. Favorite ko ‘yan! Try mo, masarap”, nakangiting sabi nito.

Tinry niya at masarap nga. Ang mommy niya kasi, ayaw siyang painumin ng mga ganoon.
Mahilig kasi siya sa chocolates kaya h’wag na raw pati sa inumin, masisira ang
ngipin niya.

“Hindi kita iiwan... Ako na lagi ang magpapatahan sa’yo.”

Napatingin siya kay Kristoffer. “Promise?”

“Promise.”

Simula noon, naging mag-bestfriend na sila. Lagi na silang bumibili ng Moo tuwing
recess dahil nahawa na siya nito at nahiligan niya na rin iyon. Hindi niya na lang
ipinapaalam sa mommy niya.

Naging baliktad na rin. Kapag may kaaway siya, ito na lagi ang nagtatanggol sa
kanya. Hindi niya alam kung paano’ng bigla na lang itong tumapang. Pati sila Jimmy,
nilalabanan na nito. Lahat.... Lahat ng umaaway sa kanila. Hindi na nga kailangan
ang katapangan niya dahil nandyan na lagi si Kristoffer para ipagtanggol sila. Kaya
lang..... iyakin pa rin talaga ang kaibigan.

GRADE 6..........

“Akala ko ba hindi mo ako iiwan? H’wag mo ‘kong iwan, Tin! Magagalit ako sa’yo
kapag iniwan mo ako”, umiiyak na sabi niya kay Kristoffer. Ngayon na kasi ang
flight nito papuntang America pero hindi man lang ipinaalam sa kanya. Pagkatapos
ngayon, gugulatin na lang siya na ngayon na pala mismo ang alis nito.

“Sorry na, Tan... Wala naman akong magagawa, e. Sila papa ang may gusto nito. Bata
lang ako, wala akong magagawa”, nakikita niyang nangingilid na ang mga luhang sabi
ng kaibigan.

“Pero nag-promise ka, di ba? Di ba?? Pa’no na ako? Ikaw lang ang bestfriend ko, e.
Pa’no na ako, Tin? H’wag mo ‘kong iwan, please?”

Pero napayuko lang si Kristoffer. “Tan... sorry....”

Lalo siyang naiyak sa sinabi nito at ganun din ito. Napayuko na lang din siya.

“Madaya ka pala talaga, e... Sabi mo hindi mo ako iiwan. Madaya ka. Nag-promise ka
pa. Madya ka, Tin....” tulo ng tulo ang mga luhang sabi niya rito.

“Babalik naman ako, e. Babalik ako, Tan. Babalik ako para sa’yo”, bigla na lang
siyang niyakap nito pero agad niyang itinulak ito palayo.

“Hindi na ako maniniwala sa promise mo! I hate you, Tin! I hate you!” walang sabi-
sabing tumakbo siya palayo. Umiiyak.

‘Andaya mo, Tin! Sabi mo hindi mo ako iiwan! Nag-promise ka pa!’

“Babalik ako, Tan! Babalikan kita!” ang huling salitang narinig niya sa kaibigan.

——
LALO siyang naiyak nang maalala ang mga panahong magkasama pa sila nito
hanggang sa iwan siya nito.

“Namiss kita ng sobra... Di ba, may promise ako sa’yo?” pukaw nito sa atensyon
niya.

“Wala akong maalala”, hindi interesadong sagot niya.

Kanina, ikinu-kwento ng barkada sa kanya na may bagong transferee nga raw sa


section ng Hope. Pero wala naman siyang pakialam kaya hindi niya pinagtuunan ng
pansin. Ano’ng malay niya na ang dating bestfriend niya pala iyon? Isa pa, hindi
naman kasi sila nagkita kanina.

Kristoffer.... Bakit hindi niya naisip ‘yun?

Tumayo siya at nilayuan ito. Parang eng-eng lang. Nakulong nga sila, saan niya
naman iisiping lumayo?

“Kung ganoon, ipapaalala ko sa’yo...”

Nagitla na lang siya nang sundan pala siya nito at iharap siya rito. Nagkatitigan
sila ng matagal. Matagal nga ba? O feeling niya’y huminto lang ang oras?

“I promised you na babalik ako. Heto na ‘ko ngayon. Tinupad ko ang pangako
ko....” Unti-unti na lang bumababa ang mukha nito sa kanya. Hindi niya
maintindihan kung bakit tila hindi niya maigalaw ang katawan niya. She knew what’ll
happen next but she can’t think straight. Hanggang sa malapit na malapit na ang
mukha nito sa kanya. Malapit na parang mahahalik—
BAAM!

***

=================

8. Ex-bff meets feeling Ex-bf.

8. EX-BFF MEETS FEELING EX-BF.

NAPAPIKIT na lang bigla si Yanna nang bigla na lang din siyang yakapin ni
Kristoffer.

“Aww,” ungol nito.

Nang dumilat siya, nakita niyang hinihimas na nito ang nasaktang likod ng ulo.

“S-sorry....? I-ikaw kasi, e. Sobrang... s-sobrang lapit mo.”

Nalaglagan kasi si Kristoffer ng mga kahon. Muntik na kasi siyang halikan nito kaya
napaurong siya. Nakalimutan niyang patong-patong na walang lamang kahon ang nasa
likuran niya. Dapat kasi, sa kanya talaga ang bagsak. Kaso, hinarangan nito. Mabuti
na lang at walang laman kaya magaan lang.

“Okay lang, ‘no. ‘Di naman masakit,” paniniguro nito sa kanya. “Tsaka, akala mo ba
talaga hahalikan kita? Haha. Loko lang naman ‘yun! Bakit naman kita hahalikan? ‘De,
tinadyakan mo ‘ko? Cute mo talaga, Tana.” He even pinched her nose.
Nakahinga siya ng maluwag. Biro lang naman pala.

“Sinubukan ko lang alamin kung may boyfriend ka”.

He murmured something she didn’t clearly hear.

She decided not to ask. Baka wala kasi talagang balak iparinig sa kanya kaya
hininaan lang nito.

Nagkatitigan ulit sila pero nagbawi agad siya ng tingin. Awkward... Sa tagal ba
naman nitong nawala? Kahit ba super close sila noon, iba na ngayon. Isa pa... galit
pa rin siya.

Pumunta na lang siya sa isang sulok kung nasaan ang mga instrumento sa banda.
Kailan kaya may darating na ibang tao? Guard kaya? Paniguradong nagsiuwian na kasi
sa ganitong oras ang mga janitor, pero hindi pa ba maglilibot ang guard?

Kinuha niya ang cellphone niya. Letch, walang signal! Nilaru-laro niya na lang ang
gitarang nasa tabi niya.

“Hey, Tan... Bakit pala hindi ka pa umuuwi?” tanong ni Kristoffer sa kanya.

“Tingin mo, pa’no ‘ko makakauwi? E, nakulong nga tayo rito.” Obvious ba?

“Oh? Ahh... kaya ka pala sumisigaw kanina?” Nilapitan nito ang pintuan at
sinubukang buksan iyon pero bale-wala lang.

“Tss... Ikaw nga din d’yan, lakas ng loob mong mag-isa rito. May multo kaya rito,
akala mong hindi ka iyakin,” bubulong-bulong na sabi niya.

“Ano namang alam ko na may multo rito? Tsaka... ‘ba naman, Tana... ‘Di na ‘ko
iyakin, ‘no.” Still, she rolled her eyes. “Tsaka, may pina-practice ako. E, ikaw?
Ba’t ka napadpad dito?”

Na-curious siya kung ano naman ang pina-practice nito at inabot na ng gabi pero
isinantabi niya na lang ‘yon.

“Wala,” tipid niyang sagot. Naiinis pa rin talaga siya kapag naaalala niyang iniwan
siya nito. He was just like her dad. They left her. Only difference was, Kristoffer
came back.

“Matatakutin ka pa naman...” Lumapit ito sa kanya. “Gusto mo na ba’ng umuwi?”


“Gustong gusto”, bulong niya na panigurado namang narinig nito.

“May alam akong paraan.”

Bigla siyang napatingin dito. “T-talaga? Ano?”

“Pero pwede ba’ng patawarin mo muna ‘ko?”

Napalunok siya pagkaraa’y agad na nagbawing muli ng tingin. Makakalabas lang siya
kapag pinatawad niya ‘to? Magandang negosasyon ‘yon, ha? Pwes, manigas ‘to. Gano’n
ba kadali ‘yon? E, baka gago.

“Pwede ba’ng ikaw pa rin ang Tan-tan ko?”

Tan-tan.... Ang batang pakinggan. Ang korni. Pero nakakatawa kasi namiss niya ‘yun.
Namiss niya talaga.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Oo, gusto niya ring bumalik sila sa
dati. Pero kasi, hindi naman ganoon kadali iyon. Nasaktan kasi siya.

“Promise, babawi ako. Ako na ulit ang poprotekta’t magpapatahan sa’yo.”

Napaismid siya. “Inexpect mo ba na same old Yanna pa rin ang babalikan mo? Thank
you na lang, Tin, pero malaki na ‘ko. Kaya ko na ang sarili ko.”

“Give me a chance. Please. Babawi ako. I promise.”

Tumayo siya’t hinarap si Kristoffer.

“Promise na naman? Narinig ko na ‘yan, e. Pinaiyak na ‘ko ng promise na ‘yan.”


Hindi niya alam kung bakit, pero bigla na lang tumulo ang luha niya. At pagtulo
noon, agad na niyakap siya ni Kristoffer. Pero bakit hindi siya pumalag?

“Hindi na... Hindi na kita paiiyakin. Last na ‘to.”

Pero ilang saglit pa, nararamdaman niyang.... tumatawa na si Kristoffer. Aba.


Pinagtatawanan siya nito?!

Tinulak niya ‘to pero mas lalo lang humigpit ang yakap nito sa kanya.

“Ano ba?! Wala namang nakakatawa, ha!” Sira-ulo pala ‘to, e!


“Wala naman talagang nakakatawa. Natuwa lang po ako. Tinawag mo kasi ulit akong Tin
kanina.”

Nanlaki ang mga mata niya. Tinawag niya ba ‘tong Tin??

“See? Hindi mo man aminin, alam kong namiss mo rin ako.” Ngumiti pa ‘to ng
mapanukso. “Uuuy...”

“Asa.” Inirapan niya na lang ‘to kunwari para hindi nito makita ang pagpipigil niya
ng ngiti.

Totoo naman. Namiss niya talaga si Kristoffer. Siguro kaunting panahon lang,
mapapatawad niya na rin agad ‘to. Mga two hours? Joke! natatawang naisip niya.

Pero kasi, noong iwan siya nito, ang lame ng reason niya para magalit dito. Ngayon.
Ang babaw ng reason para manatiling galit siya. Alam niya naman kasing walang
magagawa ang isang bata sa kagustuhan ng mga magulang.

“Hindi na kita iiwan. Okay?” Lalo pang humigpit ang yakap nito sa kanya.

“Okay, Tin. C-cant... breathe...”

Bigla atang natauhan at umalis na rin sa pagkakayakap sa kanya si Kristoffer.

“Oops. Hehe. Sorry naman, namiss lang,” kakamut-kamot sa ulong sabi nito. Nang
mapansin nito ang mga luha sa mata niya, akmang pupunasan nito iyon nang bigla na
lang....

BAM! BAM! BAM!

Sunod-sunod na kalabog sa pinto ang narinig nila. May tao na’ng dumating para
sagipin sila! Dali-daling lumapit siya sa may pinto.

“Yanna!!! Yanna, nandyan ka ba?!! Yanna, sumagot ka!!!”

Nahigit niya ang hininga nang makilala ang boses na ‘yon. “TJ???”

“Shit... Manong, lakasan pa natin, nasa loob nga siya!” narinig niyang sabi ni TJ
mula sa labas.

BAM!

Nakikita niyang nasisira na ang doorknob ng pinto.


“Tana, dito ka... Baka biglang masira, matatamaan ka.” Hinila siya ni Kristoffer
palayo sa pinto.

BAM!

Nasira ang pinto at nakalas ang doorknob dito. Noon din humihingal na pumasok si
TJ sa loob. “Yanna, okay ka—“Pero bigla na lang nawala ang atensyon ni TJ sa kanya.
“Ikaw??!”

MAGING si Kristoffer ay nagulat nang makilala kung sino ang pumasok sa loob.

“Ikaw??!” hindi makapaniwalang bulalas ni TJ.

Damn right, it’s me.

Oo. Nagkakilala na sila kanina.........

MATAMANG pinapanuod niya sa hindi kalayuan si Yanna at ang barkada nito kasama ang
ilang lalaki. May lalaking nilalapit kay Yanna at tinutukso pero halata namang
parehong ayaw ng mga ‘to.

“Uy, p’re... Kilala mo?” May isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagtanong.

“Ah... oo,” sagot niya.

Si Yanna kasi ang tinutukoy nito. Nasa corridor sila at nasa multi-purpose hall
naman ang mga ito pero kahit malayo, kita pa rin nila ang grupo nito.

Gustong gusto na niyang lapitan si Yanna pero natatakot siyang baka galit pa rin
ito sa kanya. Kaya nga kapag magkakasalubong sila, lumilihis at nagtatago agad
siya.
“Talaga? Ako nga pala si Erwin, p’re,” pakilala nito sa kanya.

“Kristoffer,” pakilala niya rin.

“E, iyong..... Ayun, o,” nginuso nito ang lalaking nilalapit kay Yanna. “’Yung
nilalapit kay Yanna? Kilala mo?”

“Hindi, e. Sino ba ‘yun?” curious na tanong niya. Boyfriend ba ‘yun ni Yanna at may
tampuhan lang kaya ganoon na lang ang reaksyon sa isa’t isa?

“Si TJ ‘yun. Alam mo ba’ng mag-ex daw ‘yang mga ‘yan pero hindi alam ni Yanna?
Haha! Patawa lang, e. Ang gulo ng dalawang ‘yan... Mula nang magkita, hindi na
nagkasundo. Laging nag-aaway, parang mga aso’t pusa.”

Lalo siyang na-curious. Nagka-boyfriend si Yanna ng hindi nito alam? Parang bago
ata ‘yun, ha? Weird, he thought.

— —

“TJ...” tawag niya kay TJ nang madaan ang grupo nito sa kanya. Sadyang hinintay
niya talaga sa labasan si TJ. Huminto naman ito pati na rin ang mga kaibigan nito.

“O?” bale-walang sagot nito. Ayos ‘to, ha. Akala mong kilala siya kung maka-o.

“Totoo bang naging kayo ni Ta—Yanna?” tanong niya.

“Ano namang pakialam mo?”

Naningkit ang mga mata niya sa sagot nito. Nagka-boyfriend ng ganito kayabang si
Yanna? His jaw hardened.

“Layuan mo siya,” mariing sabi niya.

Nagsukatan sila ng tingin ni TJ habang nagmamasid naman ang mga kaibigan nito sa
kanila.

“E, kung ayaw ko?” hamon ni TJ.

“Basta, layuan mo siya.” Iyon lang at tuloy-tuloy na siyang umalis sa harapan ng


mga ‘to. Pumasok ulit siya sa loob ng campus para mag-practice sa naisip niya.
——

ITLOG na ‘yan, ano’ng ginagawa niyan dito?! inis na tanong ni TJ sa sarili niya.

Kanina pa siya badtrip dahil sa sinabi ng lalaking ‘to pagkatapos ito pa ang
daratnan niyang kasama ni Yanna sa loob ng music room?

Layuan ko raw si Yanna? ‘Nak ng pu. E, sino ba ‘yang gagong ‘yan?! Tapos natalo—
Shit! Napamura na lang siya sa isip niya. Sunod-sunod na kabadtripan ang dumadagsa
sa kanya. Ang eepal!

“Hoy, Yanna, halika na nga! Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Hinatak niya si
Yanna mula sa lalaking nakaakbay dito.

“Teka... Ako na ang maghahatid sa’yo, Tan.” Pinigil ng lalaki sa kabilang braso si
Yanna.

Tan? Tan ang tawag nito kay Yanna?

“Magkakilala kayo??” Malakas pa rin ang boses niya kaya para tuloy galit ang tono
niya.

“Kailangan galit? Obvious ba? Aakbayan ba ‘ko kung hindi?” sagot ni Yanna na
sadyang nilakasan din ang boses.

Galit ba siya? Hindi naman, e. Badtrip lang... Pero dahil sa pagsigaw ni Yanna, mas
lalong nainis siya.

“Tara na kasi! Gabi na, o!” sigaw niya rito.

“SAGLIT! Teka lang naman kasi, di ba? Alam ko namang gabi na dahil hindi naman
ganyang kadilim sa umaga, di ba? Pwede ba kasing bitawan n’yo muna akong pareho?
Paano kaya ako makakauwi, di ba?!” Kung malakas ang boses niya, mas malakas naman
ata ang tila may sideline sa palengkeng babaeng ‘to. Makukulili ata siya sa tinis
ng boses nito, e.

Ipiniksi ni Yanna ang parehong mga kamay kaya binitawan nilang pareho ng lalaki ang
mga braso nito.
“Bakit ba kayo mga nagsisigawan d’yan? Okay na ba? Magsiuwi na kayo’t gabi na.”
Mula sa labas ay nagsalita ang guard.

“Opo, manong, uuwi na kami. Salamat din po,” sagot niya kay Manong.

“O, sige, mauuna na ako.”

“Tara na, Yanna.” Hinatak niya ulit sa braso si Yanna.

“Tana...”

Pusang gala! Bakit ba ang epal ng putangnang itlog na ‘to?!

Banas na banas na talaga siya. Pigilan na naman daw ba sa kabilang braso si Yanna!

“Ano ba, Yanna?! Tara na sabi!”

“Takte naman, TJ! Babangasan na kita dyan, e! Bakit ba ang init ng ulo mo?! Saglit
lang, pwede?!” Nagpumiglas si Yanna sa hawak niya kaya naman nabitawan niya ‘to.

Puta. Kanina pa saglit ng saglit, e! Bwisit na araw talaga ‘to!

“Ahh.... Tin, sa kanya na lang ako sasabay. Magkapit-bahay lang kasi kami,” sabi ni
Yanna du’n sa lalaki. “Ano... uhm... masaya rin ako kasi..... bumalik ka na,”
parang nahihiya pang pagpapatuloy nito.

Ano ba namang tawagan ‘yun? Isang Tan, isang Tin? Kabaduyan!

Si Yanna naman, kung makasigaw sa kanya, wagas! Pero pagdating sa lalaking ‘yon,
umaarangkada ang bait! At ano raw? Bumalik? Ibig sabihin, matagal na ngang
magkakilala ‘tong dalawa ‘to.

“Masaya rin ako kasi kahit papa’no, hindi ka na galit sa’kin... Sige, kita na lang
ulit tayo bukas. May hinanda ako para sa’yo... Sana magustuhan mo.” Nilapitan ng
lalaki si Yanna at maski si Yanna, maski siya, bakit pati siya, nagulat nang
hinalikan ng punyeta sa noo si Yanna.

Gago ‘to, ha.

“Putakteng kadramahan ‘yan, o. Tapusin na, pwede?” naiinip na sabi niya. Hindi niya
alam kung bakit mas lalo siyang nababadtrip.
“Eto na nga po, o. Putakteng kainitan ng ulo naman din kasi ‘yan, e. Sobrang atat!”
sigaw ni Yanna sa kanya. “Sige, Tin, una na ‘ko. Ingat.” Tapos balik anghel na
naman pagdating sa lalaking ‘yon! Pero nang binalingan ulit siya..... “Tara ka na
ngang kupal ka!”

Anak ng magaling... Sino’ng hindi mababanas?

— — —

=================

9. Wow is going on.

9. WOW IS GOING ON.

SA wakas ay nakapag-recess na rin sina Yanna, Bea at Julia. Pa’no, late na naman
silang pinalabas ni Mrs. Joni.

“Yannabeb, ba’t ganyan ang mukha mo? ‘Di ata maipinta, ha?” puna sa kanya ni Kiray
pagdating nila sa tambayan. Nauna na naman ang mga ito dahil maagang magpalabas si
Mrs. Perez.

“Pintor ka, ‘te?” wala sa mood na balik niya.

“Sinabi kong ako magpipinta?”

“Sinabi ko rin ba’ng ikaw magpipinta? Nagtanong lang ako, di ba?” Edi, sige, siya
na masungit.
“Hay, nako. Kanina pa ganyan ‘yan, guys,” sabi ni Julia.

“Oo... Hindi namin makausap nang matino,” dagdag pa ni Bea.

“Why, bading? Whut’s your problem?” tanong ni Ej.

“Beh, may problema ka ba?” Sunod na nagtanong si Yen.

Umismid siya. “Problema? Naku, wala, ‘no. Problema raw... Marienne talaga.”
Sarkastikong ngumiti-ngiti pa siya. “Ano ba naman ‘yung i-text mo ‘ko kagabi para
bumalik dito sa school tapos biglang ikukulong mo lang naman pala ‘ko sa Music
Room, di ba? Walang problema, ‘no. Saya saya nga, e. Ha ha.” Sarkastikong tumawa pa
siya.

Pero natulala lang sa kanya ang mga kaibigan niya’t pagkaraa’y mga nagkatinginan.

“What? Nakulong ka sa Music Room?” Unang nagreact si Kiray.

“Tsaka... tinext kita? Ano ka ba. Hindi ko pa nga ginagalaw ang cellphone ko simula
kahapon, e,” nalilitong pagbibigay-alam naman ni Yen.

Bigla siyang natigilan. Hindi si Yen ang nag-text sa kanya? Kung hindi... sino?

“Ikaw ‘yun, Yen. Sure akong ikaw ‘yun. Eto pa nga, o...” Inilabas niya sa bulsa ang
cellphone niya at ipinakita sa barkada ang laman ng inbox niya. “O, di ba? Ikaw
‘yan. Number mo ‘yan, e.”

“Pero, beh, hindi talaga ako ang nagtext sa’yo nito. Tsaka... Music Room? Yan, wala
kaming subject na Music kahapon kaya pa’nong maiiwan ko ro’n ang book ko? E, nasa
locker kaya mga books ko. Tsaka, hello? Tingin mo naman ikaw ang yayayain kong
magpunta sa Music Room nang gabi? Sobrang duwakang mo na ‘yan. Di ba, guys?”

Agad na nagtanguan naman ang barkada sa sinabi ni Yen sa kanya.

“K-kung gano’n... Sino ‘yang nagtext na ‘yan? Baka naman niloloko mo lang ako, Yen.
‘Wag mong sabihing multo ‘yan?” Dahil kung hindi nga si Yen.... Sino?

“Beh, bakit naman kita lolokohin? Teka... hindi mo ba siya nakita—kung sino man
siya—kahapon pagdating mo?” tanong ni Yen.

Napaisip siya. Nakita? Nakita niya nga ba? ‘Yung tumulak sa kanya kagabi....

“Oo, kaso, saglit lang. Mga one second? Babae... naka-uniform pa nga. Kaso kasi,
biglang nasara ‘yung pinto kaya hindi ko nakilala kung sino. Tsaka, nakatalikod...
Akala ko tuloy talaga, ikaw,” paliwanag niya.

“Omg, that was freakin’ creepy, beh,” Bea said.

“Sinabi mo pa.”

“Wait... Tara, balik tayo sa itaas. Titignan ko kung nando’n ang phone ko. Baka
kasi may kumuha na hindi ko alam,” suhestiyon ni Yen.

“Oo nga! Sino ba’ng kaklase namin ang may galit sa’yo at pwedeng gumawa sa’yo no’n,
di ba? Nage-gets n’yo ba ‘ko, guys?” Kiray.

“Korek, madam! Si Lexi lang naman, right?” Bea.

“That bitch talaga!” Julia.

“Lezzgo!” Ej.

Agad agad silang bumalik sa building nila. Pero pagdating nila sa itaas, nakita
nila ang isang kumpol ng mga estudyante na nakaharang sa corridor.

“Bakit sila nagku-kumpulan? May ano?” tanong ni Julia.

“Baka may meeting,” hindi intereasdong sabi niya. “Dali, Yen. Kunin mo na phone
mo,” baling niya kay Yen.

“Wait lang, ati, maki-usi muna tayo. Dali-dali!” makilig-kilig na yaya ni Ej.
Napailing na lang siya nang magpuntahan nga ang mga kaibigan niya sa kumpol. Siya
lang ang hindi talaga interesado. “Tara, dali, sumama ka rin!” Pero wala na siyang
nagawa nang hatakin siya ni Ej papunta sa kumpol.

Napaikot na lang ang mga mata niya. “Ano ba kasi’ng meron d’ya—“

Naputol ang tanong niya nang makita kung ano, or rather... sino, ang
pinagpupulungan ng mga estudyante.

“T-tin...” mahinang naiusal niya.

“Beh, kilala mo?” “Ikaw si Tan-tan niya?”

Hindi niya na alam kung sino sa mga kaibigan niya ang mga nagtanong. Biglang
nablangko na lang ang utak niya.
“Kanina pa ‘yan d’yan, ha.” “Oo nga, e. Sino ba ‘yung Tan-tan?” “Baka ako ‘yan,
nakalimutan ko lang? Omg. Haha!”

Pumapasok sa tenga niya ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante pero agad ding
lumalabas ang mga ‘yon sa kabila.

Seriously... hindi niya alam ang gagawin niya. Gulong-gulo ang isip niya. Nakaupo
si Kristoffer sa isang armchair na may nakalagay na cardboard habang may hawak na
gitara.

[Tan... sorry na. Now, I’m back. Sana ‘yung dating tayo rin.] ang nakasulat sa
cardboard.

What the hell, sobrang nakakahiya ‘to! Napakagat-labi na lang siya sa sobrang hiya.

Nagkatitigan sila ni Kristoffer at nginitian siya nito.

“Tan... para sa’yo ‘to.” Tsaka ito nagsimulang maggitara’t kumanta.

“Just for a moment, can we escape. Just for a moment, we’ll find a common place...”

Pagkaraan ng dalawang linya, nagsalita si Kristoffer. “Gusto kitang makasama kahit


saglit lang. Namiss kasi talaga kita nang sobra.”

Hindi na niya alam ang gagawin o irereact niya. Napapalunok na lang siya. May kanta
na, may speech pa. Pwedeng magmura? Shet po kasi.

“Girl it ain’t easy to stay away from you, baby. I just gotta say, girl...”
—“Hindi mo alam kung ga’no ako nasaktan noong umalis ako. Oo, mga bata pa tayo
noon, pero tao ako, e. Nasasaktan din.”

Gusto niyang matawa. He was still the same Kristoffer she knew. He was just so....
romantic and childish and..... Damn, pero kahit gano’n maiiyak na ata siya, e.

“Just for a moment, this is our song. This is a moment, where you and I belong...”

—Ito ‘yung pinractice ko hanggang abutin ako ng gabi. Di ba, madalas kitang
kantahan dati? Gusto ko lang ulit na kantahan ka.”

Napakagat-labi siya para pigilin ang mga luhang gustong mamuo sa mga mata niya.
Ayaw niya kasing may ibang makakita ng pag-iyak niya kahit na mababaw lang ang luha
niya.

Pero napapangiti siya, sa totoo lang. So, ito pala ‘yung pinraktis nito kahapon?
Talagang naghanda pa? Nagpractice pa talaga. Kahit hindi niya alam ang kinakanta
nito, namiss niya talaga ang boses ng dating bestfriend niya.

“Girl, I’ve been waiting, I know you’re waiting, no need to say it. So close your
eyes, girl, just for a moment...”

Katulad ng lyrics na kinanta ni Kristoffer, pumikit siya.

“Tana... Hindi na kita iiwan.”

Hindi na kita iiwan...

Umulit sa isip niya ang sinabing ‘yon ni Kristoffer. Napangiti na lang siya. Ang
sarap pakinggan.

Hindi na niya naintindi ang mga bulung-bulungan at tuksuhan ng mga nakapalibot sa


kanya. Ang tanging sinabi lang ni Kristoffer ang pumapasok sa isip niya.

Pero nang magmulat siya ng mga mata’t mag-angat ng paningin, hindi si Kristoffer
ang nakita niya. Isang lalaki, hindi kalayuan sa likod ni Kristoffer, ang umagaw ng
pansin niya at lalong nakapagpagulo ng isip niya.

Si TJ..........

PAGBABANG pagbaba nila ni TJ ng tricycle, agad na hinila na naman siya nito pasunod
dito. Kanina pa siya hinihila ng mokong na ‘to, ha. Ang tulin-tuling maglakad,
nakakaladkad na kaya siya!

“Ano ba, TJ, nasasaktan ako!” Nagpumiglas na siya sa hawak nito sa palapulsuhan
niya dahil nasasaktan na siya sa higpit ng pagkakahawak nito. “TJ, ano ba?!
Nasasaktan sinabi ak—“

“Nasaktan din ako sa nakita ko kanina!!”

Awtomatikong napahinto siya sa biglaang paghinto at sa lakas ng sigaw ni TJ.


Nalilitong tinignan niya ‘to. “A-ano?”

Ano raw ‘yung sinabi ni TJ? Nasktan?

“Aaminin ko, Yanna. Magkasama kayong dalawa ng lalaking ‘yun sa loob ng Music Room
at isipin na kayong dalawa lang doon tapos dadatnan kong nakaakbay siya sa’yo?
Sobrang nag-init ang ulo ko, alam mo ba ‘yon? Sige, aaminin ko... OO, nagseselos
ako.”

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya kahit ba gusto niyang mapa-‘weh?’.
Tama ba ang narinig niya? Si TJ? Nagseselos?

“Ano ba’ng sinasabi mo?” hindi naniniwalang tanong niya.

“Yanna, gusto kita,” walang pakundangan at titig na titig sa mga mata niyang
pahayag ni TJ.

Sa isang iglap, galit at seryoso ito. Pero sa isang iglap din, seryoso’t malumanay
na. Kaya hindi niya alam kung maniniwala ba siya. Para kasing.... may mali, e.

Okay. Alam niya na ang isasagot niya.

“Weh?”

“’Yan... ‘Yan ‘yun, e... Weh... Nagpapakakorni ako para lang talaga marinig ‘yang
nakakapoot mong weh na ‘yan, e. Pwede ba kasing maniwala na lang, di ba?”
Gusto niyang matawa sa tono’t itsura ni TJ. Naiinis na ‘to pero halatang
pinagtitimpian na lang siya. Seryoso, may lahing joker ata ‘tong lalaking ‘to, e.
Dalas niyang matawa ngayon. Kaya nga alam niyang pinagtitripan lang siya nito
ngayon.

“Hoy, TJ. ‘Wag mo na nga akong pagtripan d’yan. ‘Wag mo ‘kong idamay sa mga babae
mo. Hindi mo ako madadala sa mga pambobola mo, ‘no.” She smirked. Akala ba nito
maniniwala siya?

“Ha...nak ng....” mahinang bulong sabay buntong-hininga ni TJ. Pagkaraa’y tumingin


ulit sa kanya. “Yanna, alam kong nabibilisan ka. Pero sana, maniwala ka...”

Aba’t... Ayaw paawat? ‘Yan ba mukhang seryoso? Kulang na lang batukan siya, e.

“Hoy, Salamat... sasaksakin na kita ng ballpen na nasa loob ng bag ko kapag hindi
mo pa ‘ko tinigilan. Bitawan mo nga ako! Uuwi na ‘ko!” bulyaw niya rito tsaka siya
nagpumiglas. Pero matigas talaga si TJ at hindi pa rin siya binitawan. Gano’n na
lang ang panlalaki ng mga mata niya nang bumaba ang kamay nito mula sa braso niya
at hinawakan ang kamay niya.

“T-TJ!”

Pero hindi siya pinansin nito at kahit anong pagpupumiglas niya, natangay lang siya
nito na maglakad. Ang lagay tuloy, e, para silang magsyota na magkaholding hands sa
kabila ng matinding pagtatalo.

“TJ, bitaw nga!”

Pero kahit anong pilit niyang pagbawi sa kamay niya, wala pa ring silbi. Hinahampas
niya na nga si TJ pero wala talaga. Hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay
niya, hindi pa rin bumibitaw si TJ sa kanya. Hiyang hiya na siya. Baka kung sino pa
ang makakita sa kanila, natural iba ang iisipin!

“Bitaw na! Papasok na ‘ko, o!”

Napaatras na lang siya nang bigla na lang humarap si TJ sa kanya. Titig na titig sa
kanyang nagsalita si TJ.

“Simula ngayon, nililigawan na kita. Sa ayaw at sa gusto mo... suitor mo na ‘ko.”


Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Kuha mo?”

Gusto niya sanang sabihing ‘Ulol mo’, pero nahigit niya na lang ang hininga niya
nang biglang humigpit ang hawak ni TJ sa kamay niya.
‘Yung totoo... Nagugulat siya sa mga pinagsasasabi’t ikinikilos nito. Ano ba’ng
nangyayari sa lalaking ‘to?

At mas lalo siyang hindi nakapagsalita nang bitawan ni TJ ang kamay niya pero
ikinulong naman sa parehong palad ang mukha niya.

WHAT THE!!

Pero bigla na lang nagsalubong ang mga kilay niya nang pagpagan nito ang noo niya.

Another WHAT THE!! Pagpag sa noo?!

Magrereact na sana siya nang bigla na lang...... hinalikan ni TJ ang noo niya.

“Kainis, naunahan ako ng itlog na ‘yon.” Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
Natulala na lang ata siya. “O, h’wag ka nang malungkot. Binura ko na... pinalitan
ko pa. Bait ko, di ba?”

Pero hindi niya pinansin ang panunukso ni TJ. Hindi talaga siya makapagsalita sa
gulat at lito sa mga kinikilos nito. ‘Di kaya may sapi si TJ?

“Huy... natulala ka na d’yan!” Natatawang pinukaw nito ang atensyon niya.

Napakurap-kurap na lang siya. Ano ba talaga ang nangyayari??

“Sige na, pasok na sa loob,” masuyong sabi ni TJ.

Wow, now he’s being a gentleman? W-wow.

And then, she just felt him patting her head. “Basta simula ngayon..... maghihintay
akong maging tayo. Ha?”

WOW.

——

HINDI niya mabasa kung ano ang ipinapahiwatig ng tingin ni TJ ngayon sa kanya.
Titig na titig lang ‘to sa kanya at sa hindi malamang dahilan, hindi niya rin
mabawi ang tingin niya.
Malamang na nakita nito ang event na ginawa ni Kristoffer para sa kanya. At sa
sinabi nito kagabi... Posible ba’ng..... nagseselos—

Priiiiiiiiiing!

Kasabay ng bell ay ang pagbawi rin ni TJ ng tingin sa kanya.

Really, what in the world is happening with...... me?

— — —

=================

10. Announcement.

10. ANNOUNCEMENT.

AFTERNOON classes, tapos na ang first subject nila. Hinihintay na lang nila si Mrs.
Cahanding—ang sunod nilang subject teacher. Late talaga itong madalas. Malayo kasi
ang building ng klaseng tinuturuan nito bago sila. Mabagal pang maglakad kaya mas
lalong natatagalan.

Naiinip na siya. Wala siyang magawa kaya nakatunganga lang siya. Naaalala niya na
lang tuloy ang mga nangyari kagabi at kanina. Hindi naman sa nag-a-assume siya pero
parang gano’n na nga. Obvious na kasi ngayon sa kanya ang mga nangyari. Pero siguro
naman, trip lang siya ni TJ.
“Yan... magkakilala pala kayo ni Kristoffer? ‘Yung transferee sa Hope?” pukaw ni
Jake sa atensyon niya.

“Oo nga, Yanna. Ikaw pala ‘yung Tan-tan nu’n?” Pati si Derick, naki-usisa rin.

Bumaling siya kay Jake. “Naku, hindi. Trip lang ata niya na kantahan ako kanina?”
Tapos bumaling naman siya kay Derick. “Hindi rin ata? Baka wrong umber?” Tsaka niya
inirapan ang pareho. Ang obvious naman kasi ng mga tanong, tinatanong pa.

“Weh? Ohhh-kay... Haha. Pero alam mo? Baduy n’yo.” Tinaasan niya ng isang kilay si
Derick sa sinabi nito. “De, joke lang. Haha. Pero totoo.”

Aba, sira-ulo ‘to, ha. “Hoy, Direk. Pinaglololoko mo ba ‘ko?”

“Hindi naman, boss! Haha. Pero baduy talaga nu’ng prend mo na’yun, e,” natatawang
ulit pa nito.

Inakmaan niya nga. “Sapakin kaya kita? Hindi baduy si Tin-tin, kapal ng mukha mo!”

“Tin-tin??” Bigla na lang may sumulpot na asungot.

Si TJ na nagsalita kasama sila Neil at Diego.

Kanya-kanyang pwesto agad ang mga ito. Si TJ umupong sandal sa armrest ni Jake na
katabi niya kaya ang lagay, e, magkaharapan sila, pero medyo nakatayo si TJ. Habang
si Neil at Diego naman, si Derick ang tinabihan.

“Narinig na nga, inulit pa,” bubulong-bulong na sabi niya.

“Narinig ko pa rin ‘yun, uy.” Kinalabit pa siya ni TJ.

“Wow, congrats, ha? Hindi ka bingi,” naiiritang inirapan niya na lang. Wala ata
siya sa mood makipagbiruan. Puro lalaki ba naman ang kaharap niya ngayon, e.

“Sungit naman nito,” sabi ni TJ sa kanya.

“PMS, pwede? Shoo!” taboy niya rito. Totoo. Inaatake na naman talaga siya ng PMS.

“Tss... Pasalamat ka, nililigawan kita.”

Aba’t... “Gano’n, TJ? May gano’n? ‘Yung totoo? Para kanino ka bumabangon?”
“Uyy, rhyme! Haha!” natatawang sabi ni Neil sa kanya.

Inirapan niya na lang ang mga ito. Bwisit na mga ‘to! Sinabi nang PMS nga siya, e.
Inirapan niya ulit si TJ.

Parang sinasabi nitong utang na loob niya pa na nililigawan siya nito. E, ni hindi
naman talaga siya pumayag! But on the other hand... hindi rin naman kasi siya
humindi.

Whatever! If I know, trip niya lang ako. Wait...

Biglang may napansin siya. Hindi nag-react ang mga kaibigan ni TJ sa sinabi ni
TJ... Ibig sabihin, alam ng mga ito ang panliligaw ni TJ sa kanya? Kung sabagay nga
naman... Kung may girls talk, meron din ang boys. Pero maski si Derick, alam?
Sabagay, madalas silang magdota, sagot agad ng isip niya.

“Tch. Du’n nga kayo. Layuan n’yo ‘ko,” taboy niya ulit sa mga ‘to.

“E, bakit muna Tan-tan ang tawag niya sa’yo? Ha? Huy. Huy,” pangungulit ni TJ sa
kanya habang ngingiti-ngiting pinapanuod lang sila ng barkada nito. Hindi naman
paawat ‘tong bwiset na ‘to. Naiinis na talaga siya, ha. “Huy, bakit nga?”

“E, BAKA KASI HINDI YAN-YAN?! Pwede ba, Neil? Ilayo mo nga sa’kin ‘tong kaibigan
mo’t baka masapak ko lang.” Bwisit na bwisit na talaga siya.

Pero imbis na pansinin siya ni Neil, tinawanan lang siya nito. Nakita niya na lang
sa gilid ng mga mata niya na tumayo si Derick.

“Attention! Guys, guys, guys! Attention, please? May announcement po si TJ! Tingin
dito kung pwede lang. O, kung pwede lang, o!” Pumapalakpak pang tawag ni Derick sa
atensyon ng mga kaklase nila.

Ayos ‘yun, ha. May future sa ‘Ah, mani mani, balot, penoy, binatog, tahoooo!’ Haha!
Natatawang naisip niya si Derick na sumisigaw nga ng gano’n.

“Sabi mo? I-a-announce ka d’yan? The what?” nalilitong tanong naman ni TJ kay
Derick.

“The what? Baka kaya the you? The she? The me? The them? The everyone?? Tengene,
‘tol! Panira ka po ng moment, e.” Si Neil ang natatawa’t naiiling na sumagot kay
TJ. Na parang alam din nito ang ginagawa ni Derick.

“Hay, nako! Ginoo kang Salamat ka... Saglit lang mga prens, ha. May pagka-engot
pala ang ating bida,” tukoy ni Derick kay TJ tsaka nito hinila si TJ. Nagsitayuan
sila Jake at nagkulumpungan na ang limang magkakaibigan sa gitna.

“’Tol, crush ko ‘yan, e.” Narinig niyang sabi ni Jake.

“Ito naman! Crush lang pala, lilipas din ‘yan!” Sabi naman ni Neil.

Galing talagang magpayo ng mokong na ‘to, naiiling na naisip niya.

“Tsaka, pare, ano ba? Walang pag-asa ang torpe sa taong madiskarte... Di ba, ‘no,
TJ?” Derick.

“Nadali mo, betlog!” sagot naman ni TJ at nakarinig pa siya ng nag-apir na mga


palad.

“Basta ,‘tol, suportado ka!” sabi ni Diego at isang apir na naman ang narinig niya.

Ang quiet quiet nila, grabe, naiiling ulit na naisip niya.

Mukha lang naman kasing nakapulong at may sikretong pinag-uusapan ang mga ito, e.
Mukha lang, pero rinig naman ng lahat. She tssed in her head. Hindi niya na lang
pinansin ang kalokohan ng mga ‘to.

Pero sa tagal ni Mrs. Cahanding, mukhang hindi na siya makakapaghintay. Kailangan


niya nang lumabas, baka abutan pa siya. Tumayo siya at maglalakad na sana palabas
ng classroom nang biglang akbayan siya ni Derick.

“O, Yanna, sa’n punta?”

She glared at him. “Kung sa’n wala ka.” Pagkaraa’y tinanggal niya ang braso nito sa
balikat niya. Maglalakad na sana ulit siya nang bigla na namang may umakbay sa
kanya. Si TJ naman ngayon.

“Ano ba?!” angil niya rito habang inaalis ang hindi naman mapaalis na braso nito sa
balikat niya.

“Ito naman! Napakasungit mo sa’kin, ha!”

“Asungot ka kasi sa’kin!”

“Kakaiba talaga ‘yang lambingan n’yo, ‘no? Kahit bato kinikilig, e. Haha!” komento
ni Neil na sinamaan niya lang ng tingin.

“Mamaya na ‘yang lambingan n’yo, TJ, o. Baka biglang dumating si Ma’am Ding,
maunsyame pa ‘yan,” sabi ni Derick kay TJ. “Chard, look-out nga, o. Antabay, baka
dumating si Ma’am,” utos naman nito sa kaklaseng si Richard.

Noon naman umalis si TJ sa tabi niya at pumunta sa harapan. Tumuntong pa ito sa


platform tsaka nagsimula.

“Ehem, ehem...”

“Daming kaartehan, ‘tol! Babae lang? Ubos na oras, pakidalian lang, o!” sabat na
naman ni Derick na mukhang inip na inip na.

“Lang’ya... Ikaw na kaya rito?! Ba’t ba ang dami mong line ngayon? Kami kaya bida
rito!” sabi ni TJ kay Derick.

“Haha! Pasensya naman, ‘tol. Karas ata ako ni bebe Mushoo ngayon, e,” pataas-taas
pa ang mga kilay na sabi ni Derick.

“Sino si Mushoo, pare?” Narinig niyang bulong ni Jake kay Derick.

“Ah... ‘yung crush ko,” ngingiti-ngiting sagot ni Derick.

“Jake, ‘di mo kilala si Mushoo bebe? Crush ni Derick ‘yun, e. Pero ako crush nu’n.
Haha.” Neil.

“Maganda ba, p’re? Pakilala mo ‘ko.” Diego.

“Ay, palaka!”

Napalingon siyang bigla sa bigla ring napasigaw.

“Anyare? Okay ka lang, Jules?” tanong ni Bea sa napasigaw na si Julia.

“Oo... Nahulog lang si ballpy,” sagot naman ni Julia kay Bea.

Sobrang matawa-tawa siya sa isip niya. Si Julia, ume-eksena! Hahaha! Selos agad, e!

“Ikaw din, hindi mo kilala? Nako, ‘di pwede. Bebe ko ‘yun, e.” Napukaw na naman
nila Derick ang atensyon niya.

“Hoy. That’s my bebe, boy!” Neil.

“Ewan ko sa inyo! Inyo na nga ‘yang bebe n’yo, may Juju naman ako,” sabi ni Diego
na parang namula pa sa huling sinabi.

“Juju? Sino’ng juju? Parang anjuju naman nu’n,” natatawang sabi ni Jake.

“Obvious ba, pre? Edi, si Ju—phhp!” Bago pa man matapos ni Neil ang sasabihin,
natakpan na ni Diego ang bibig nito.

Pero obvious naman sa kanya kung sino ang tinutukoy ni Diego. Nilingon niya ang
kinaroroonan nina Bea’t Julia, and shoot! Julia’s blushing red! Baka may kinikilig!

“O, mga itlog. Makikinig na lang ba kami sa kwentuhan n’yo? May i-a-announce ata
ako? Pero kung gusto n’yo, makikinig muna kami sa inyo. Ano? Bili muna ‘ko ng
popcorn?” agaw ni TJ sa atensyon nila Derick.

Oo nga pala, may i-a-announce nga raw pala ang loko. Maski siya, nakalimutan niya
na rin, e. Daldal kasi nila Derick.

“Dee, paakyat na si Ma’am!” sigaw ng kaklase nilang si Richard.

“Dali, p’re!” sigaw naman ni Derick kay TJ.

Napailing siya. Tutal, malapit nang dumating si Mrs. Cahanding, hihintayin niya na
lang para makapagpaalam siyang mag-CR.

“Okay... IV-Trust ng Assumpta Academy! Simula ngayon... Teka, mali... Kagabi pa


pala. Simula kagabi.... ‘Yung babaeng ‘yun na titig na titig ngayon sa future
boyfriend niya...”

Napakunot ang noo niya nang ituro siya ni TJ. What the hell? E, titig na titig siya
ngayon kay TJ!

“Yes, Helen Arianna Santana ho ang pangalan niya. At siya..... ay nililigawan ko


na.”

Gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata niya.

“Subukan lang ng iba d’yan na karibalin ako, masisilayan n’yo ang maskels kong
lulumpo sa inyo. Iyon lang mga kababayan. Bow.” At talagang nag-bow pa ang mokong.

Lahat silang magkakaklase maliban sa barkada ni TJ, gulat na gulat. Ang iba naman,
mga namangha. Jusme, ano pa siya! Hindi siya makapagsalita’t natulala lang talaga
siya.

Feeling niya tuloy, siya si Geum Jan Di na lantarang binakuran ni Gu Jun Pyo sa
iba. Like... seriously? He’s crazy!

MATAPOS i-announce ni TJ ang kailangan niyang i-announce, tinignan niya ang


reaksyon ni Yanna. Matawa-tawa pa siya nang makitang tulala ito. Para inulit lang
naman niya ang ginawa niya kagabi, ha? Nagulat pa rin?

Iba talaga ‘pag gwapo, mayabang na ngumiti siya sa naisip niya.

Nilapitan niya si Yanna. “Huy... kinilig ka?” ngingiti-ngiting tukso niya. Hindi
niya kasi malaman kung kinikilig ba ‘to o gulat lang, e. Pero dahil gwapo siya,
malakas ang kumpyansa niyang kinilig ‘to, syempre.

“O-oo... Naiihi na kasi ako,” parang wala sa sariling sagot ni Yanna tsaka matuling
tumakbo palabas ng classroom nila.

Napakunot-noo na lang siya sa biglaang pag-alis nito. Padating na nga raw si Mrs.
Cahanding, e... Baka naman kaya naiihi talaga? Haha! Kwela! natawa na lang siya.

“Hoy, TJ. Baka naman trip mo lang si bebe Yanna, ha?” Hindi niya namalayan na
nakalapit na pala si Julia at ang nagtanong na si Bea sa kanya.

“Ako? Bakit ko naman siya pagtitripan?”

“Ewan ko rin! Nakuu! I-try mo lang... Luluhod ka sa mga tala,” banta pa ni Bea.

“’Wag ka ngang ganyan, bes. Malay mo, seryoso talaga,” parang pagtatanggol naman ni
Julia sa kanya.

“Aba, dapat lang! Binroadcast niya pa na nililigawan niya na si bebe Yanna, ‘no.
Kung si Kristoffer nga kanina, hindi binroadcast, e—“

“BEA!!!” Nakita niyang pinanlakihan ng mga mata ni Julia si Bea.

“O-oops...? He-he.” Alanganing napangiti pagkaraa’y napakagat-labi na lang si Bea.

Pero hindi na nakaligtas sa kanya ang sinabi nito.


“So... nililigawan na rin pala ni Kristoffer si Yanna.....” hindi patanong kundi
pahayag niya.

Nasapo ni Julia ang noo niya. “Patay ka Bea kay Yanyan,” iiling-iling na sabi nito.

“Ah, stupid! Sabi niya nga pala, quiet lang... Hala, ang daldal ko!” pinagtatapik
pa ni Bea ang sariling bibig.

“Ayos, p’re, ha? Mukhang maganda ‘to... May karibal ka pala.” Bigla na lang siyang
inakbayan ni Derick.

Pakyu ka, Derick, mura niya rito sa isip niya.

“May the best man win.” Tinapik naman siya ni Diego sa braso.

Kusang nagtagis ang mga bagang niya. May karibal pala siya. At kababata pa ni
Yanna.

Shit.

— — —

=================

11. Team Tin-Tan VS. Team TroYan.


11. TEAM TIN-TAN VS. TEAM TROYAN.

TWO guys in one day? No... Two guys in less than two hours??! Sheet... Hindi alam
ni Yanna kung trip lang ba siya ng dalawang ‘yon o ano, e.

Kasi naman... Ngayon lang may naglakas-loob na manligaw sa kanya, dalawa pa.

Hindi pa rin siya umaalis sa CR. Kanina kasi, tumakbo siya kahit alam niyang
parating na si Mrs. Cahanding. E, sa naiihi na siya, e. Alangan namang pigilan niya
pa? Sa baba siya nagCR dahil mas malapit para sa kanya ‘yon kaysa sa CR sa itaas.

Napagdesisyunan na niyang lumabas nu’ng okay na siya kaya naman paakyat na sana
siya nang may biglang tumawag sa kanya.... “Tana!”

Natural, alam niya kung sino ang tumawag sa kanya na ‘yon.

“T-tin.... bakit nasa labas ka pa?” medyo ilang na tanong niya nang makalapit si
Kristoffer sa kanya.

“Ah... bumili kasi ako ng makakain. Naiinip ako sa klase, e. Hehe,” sabay kamot pa
sa ulong sabi ni Kristoffer. “Gusto mo?” alok nito ng Magic Chips na cheese flavor
sa kanya. Tinanggap niya naman dahil gutom din siya. Sabay na rin silang umakyat sa
itaas.

Pagdating niya sa classroom, hindi naman siya pinagalitan ni Mrs. Cahanding.


Syempre, hindi naman kasalanan na naiihi siya. Sinukbit niya ang bag niya sa
armchair ng nasa harapan niya at doon inilagay ang Magic Chips na bigay ni
Kristoffer na itinago niya sa bulsa niya.

“Huy, Yanna... Bawal ‘yan, ha?” sita ng nasa likuran niyang si Derick sa kanya na
sinamahan pa ng kalabit nu’ng pasimpleng sumusubo na siya. Muntik tuloy mahulog ang
isusubo niyang chip.

“Oo nga, lagot ka...” sulsol pa ni Jake na katabi niya.

“Bastusan naman, o. If I know... Hihingi ba kayo o hihingi? O, ayan, alam ko namang


naglalaway na kayo d’yan,” inabot niya sa dalawa ang Magic Chips. Asa naman siyang
alam ng mga ‘to ang bawal. E, ang tulin ngang inabot ng bigay niya.

“Ba’t hindi Cornbits?” pabirong angal pa ni Jake.

“Wow, demanding.”
“De, joke lang,” natatawang sabi ni Jake.

“Ayos ka talaga, Yanna, ‘no? Haha. Minsan tuloy nagsisisi ako, e...” makahulugang
sabi ni Derick na ikinakunot ng noo niya.

“Ano’ng sisi-sisi naman pinagsasasabi mo d’yan?”

“Wala... Haha. Hoo. Kunwari pang nagCR, bibili lang pala,” hindi niya namalayang
pagliliko ni Derick sa usapan.

“Hoy, nagCR po talaga ‘ko,” sabi niya. Walang kamalay-malay na nailiko na ni Derick
ang kyuryosidad niya.

HABANG nagsusulat ng notes si Mrs. Cahanding sa blackboard, pasimpleng nakipagpalit


ng upuan si Bea kay Kent kaya magkatabi na ito at si Julia ngayon.

“Jules, tingin mo? Magagalit kaya si Yanyan kapag nalaman niyang alam na nila na
nanliligaw din si Kris sa kanya?” tanong ni Bea kay Julia.

Natawa siya sa sobrang pag-aalala ni Bea. Ang loka naman kasi ng kaibigan niya, e.
Daldal!

“Ewan ko. Depende sa mood? Hindi magtatagal, malalaman din naman kasi ng lahat ‘yun
sa kilos nila, di ba?” mahinang sagot niya kay Bea. Baka kasi marinig sila ng
teacher nila.

“Sabagay...” sang-ayon ni Bea. “Okay na nga ‘yun! Hehe... Grabe, kainggit si


Yanyan!”

“True! Kainggit talaga,” sang-ayon niya. “Pero happy ako para kay Yanyan. Akalain
mo? NBSB tapos ngayong 4th year pala ang simula ng lovelife niya? At ‘wag ka...
dalawa pa! Sino kayang pipiliin niya?” kakamut-kamot sa babang sabi niya.

“I know, right. Hihi. Pero, Jules, kanino ka mas boto? Kay Kristoffer o kay TJ?”
kinikilig na tanong ni Bea sa kanya.

“Ako? Kay TJ!” makilig-kilig ding sagot niya. Mas gusto niya kasi ang bad boy type
kagaya ni TJ at mga kaibigan nito. “Ikaw?”balik tanong niya kay Bea.

“Ako? Kay..... Kris!” sagot ni Bea at napatango na lang siya. “Kasi, di ba?
Nakakakilig nga ‘yung kay TJ kasi in-announce niya pa sa buong klase. Pero si
Kristoffer, sa buong barkada siya nagpaalam. E, alam naman nating sobrang
importante natin para kay Yanyan, di ba? Feeling ko tuloy mas boto ako sa Tin-Tan
loveteam. Wii! Kinikilig akooo. Hihi. Oops...”

Natawa siya nang medyo napapalakas na ang boses ni Bea dahil sa kilig. Maski naman
siya, kinikilig din. Pa’no, nakakakilig naman kasi talaga ‘yung kay
Kristoffer..........

“GUYS, punta muna tayo sa tambayan. Maaga pa naman, e,” aya sa kanila ni Yanna.

“Ano namang gagawin natin du’n? Sa cords na lang tayo tumambay,” sabi naman ni
Kiray.

“E, kasi... Samahan n’yo nga ako, guys. Nando’n si Tin, e. May sasabihin daw,” sabi
ni Yanna.

“Nye? Beh, baka naman makaistorbo lang kami sa inyo? You know...” singit na niya.
Naisip niya kasi na baka ang gusto ni Kristoffer, masolo si Yanna.

“Hindi, ‘no. Sabi niya nga, dapat daw na isama ko kayo, e,” depensa agad ni Yanna.

Pagkarinig na pagkarinig sa sinabi ni Yanna, nanguna agad si Ej. “True that, bey?
C’mon, vamonos, sisterettes! Gora us kay fafa Kris! Hihi!”

Kaya naman nagsunuran na rin sila.

— —

“UHH.... pinapunta ko kayo rito kasi gusto ko sanang magpaalam sa inyo. Gusto ko
kasing—“

“Bakit, Tin? Ano? Aalis ka na naman?” putol ni Yanna sa sinasabi ni Kristoffer.


“’Yun ba ang dahilan kung bakit mo kami pinapunta rito? Sabi mo hindi mo na ‘ko
iiwan, ha? Ano ba ‘yan, lokohan ba?! May pakanta-kanta ka pang nalalaman d’yan!
Putcha... D’yan na nga kayo!!”

Bigla siyang nag-alala dahil sumigaw na si Yanna. Siguradong badtrip na ang


bestfriend niya. Tumalikod na si Yanna at akmang aalis na nang pigilan ito ni
Kristoffer sa braso.
“Ano ba?! Nakakainis ka na, Tin, ha! Sobra na!” sigaw na naman ni Yanna.

Silang magkakaibigan, nagkakatinginan na lang. Awkward ang posisyon nila ngayon.


Alam kasi nila ang nangyari kay Yanna at Kristoffer noon. Alam nila na nasaktan
nang sobra si Yanna nu’ng umalis si Kristoffer. Tapos ngayon, iiwan ulit nito ang
kaibigan nila? Agad agad? E, isang araw pa nga lang ang lumilipas. Syempre,
naiintindihan nila ang kaibigan nila. Masakit ‘yon para kay Yanna.

Pero imbis na sagutin ni Kristoffer si Yanna, ngumiti lang ito. Para tuloy gusto
niyang sugurin si Kristoffer ngayon din mismo. Ngumiti pa, e, nasasaktan na nga si
Yanna!

“Walang nakakatawa, Kristoffer Austin!” sigaw ulit ni Yanna.

Napangiwi siya. Patay na. Buong pangalan na ang binanggit. For sure, badtrip na
talaga si Yanna.

Bigla namang sumeryoso si Kristoffer. “Tana, ano ka ba? Hindi pa naman kasi ako
tapos, e. Relax, okay?”

Hindi naman sumagot si Yanna pero hindi rin umalis. Pinagkrus lang ang parehong
braso sa tapat ng dibdib at halatang inis na inis ang itsura.

“Ganito kasi...” humarap si Kristoffer sa kanilang magkakaibigan. “Magpapaalam ako


sa inyo... Gusto kong sa inyo muna magpaalam kasi alam kong mahalaga kayo kay Tan
at importante sa kanya ang opinyon n’yo. So... gusto ko sanang—no... I mean...
Liligawan ko si Yanna.” Pagkasabi no’n, namula agad si Kristoffer habang sila
naman, mga nagulat. Pero nagpatuloy pa rin si Kristoffer. “Nasabi ko na kanina.
Bumalik ako para sa kanya. Kaya sana, suportahan n’yo ako.”

Silang magkakaibigan, pasimpleng mga nagbubungguan na dahil sa kilig. Kanina,


kinantahan nito si Yanna. Ngayon naman, nagpaalam sa kanila. “Omg, ang sweet,”
kinikilig na bulungan nilang magkakaibigan. Pero nang matingin sila kay Yanna,
halatang gulat na gulat lang ‘to.

“Yan, you okay?” marahang niyugyog ni Yen si Yanna.

“Yes...” tila wala sa sariling tugon naman ni Yanna.

“Uhh, Tana? Nililigawan na kita, di ba?” tanong naman ni Kristoffer.

“Yes...” tila wala pa rin sa sariling tugon ng kaibigan.

“Talaga??? YES!!!” napasuntok pa sa hangin si Kristoffer sa sobrang tuwa. “Thank


you, Tan! Promise, hindi kita sasaktan. I’ll be the best boyfriend for you.
Promise....” bigla na lang niyakap ni Kristoffer si Yanna.

Medyo natawa siya. Over naman ata? Ligaw pa lang, hindi pa naman mag-on, the best
boyfriend na agad? Natawa na lang siya. Medyo advance.

Si Yanna naman, tulala pa rin hanggang ngayon. Hindi nagrereact, e. Nu’ng bitawan
ni Kristoffer, noon lang ata natauhan.

“Okay ka lang, Yanyan?” nag-aalalang tanong ni Bea.

Napakurap-kurap si Yanna. “H-huh? O-oo naman... Wait... Ano’ng sabi mo?”

Aruy. Napakagat-labi siya. Since siya naman ang katabi ni Yanna, siya na ang
bumulong dito. “Gaga, nililigawan ka na ni Kristoffer. Nagyes ka na kaya. Jusme,
lutang?”

“H-huhh??” hindi makapaniwalang bulalas ni Yanna.

“Tan, tara na! Akyat na tayo,” nakangiting aya ni Kristoffer kay Yanna.

At bago pa man makasagot si Yanna, inunahan na nila ito. Nagmamadaling


nagkaintindihan silang magkakaibigan na mauna na kaysa sa dalawa. Kinikilig na
nauuna silang maglakad habang nasa likuran naman nila sina Yanna’t Kristoffer.

——

“Luuh... ‘Di ko na alam kung kanino ako boto!” sabi niya kay Bea.

“Sa Tin-Tan na lang tayo! Hihi. Mas kilig du’n, di ba?” kinikilig na sabi naman
nito sa kanya.

“Gano’n, Bea? Tss... Ilalakad pa naman sana kita kay Jake,” bigla na lang may
nagsalita mula sa likuran nila. Oo nga pala, muntik niya nang makalimutan! Nasa
likuran nga lang pala nila si TJ!

“H-huh?” Bea was caught off-guard. Pasimpleng tumagilid sila ni Bea para tignan si
TJ. “K-kanina mo pa kami naririnig?”

“Malamang. May tenga kaya ako,” TJ.


Napangiti siya. Mala-Yanna lang talaga ang datingan ni TJ, e. Kaso mga times 10.
Bagay na bagay talaga para sa kanya ang dalawang ‘yon.

“Alam mo, mayabang ka kasi kaya mas gusto ko si Kris kaysa sa’yo, e. Try mo kayang
maging sweet kay Yanyan para naman kiligin din kami sa inyo katulad ng kilig namin
sa kanila ni Kristoffer, ‘no? Try mo,” mataray na sabi ni Bea kay TJ.

“Hayaan mo na. Mas gwapo naman ako,” bale-walang sagot naman ni TJ sa haba ng
sinabi ni Bea.

Omg,nakakakilig! See? Malakas talaga ang appeal ng bad boy sa kanya. Mas boto na
talaga siya kay TJ para kay Yanna.

“Bahala ka nga! Hindi kita tutulungan kay Yanyan! Si Kris na lang! Hmp!” iningusan
ni Bea si TJ.

“Ma’am, bakit po ang ingay sa banda do’n!” Bigla na lang pasigaw na nagsumbong si
Yanna at tinuro sila. “Pakisaway nga po, o! Nakakasakit ng ulo.”

Hala! Laglagan! Palibhasa, malakas sa teachers! Bad bad, bebe! Pareho silang
napakagat-labi ni Bea.

“Bea, Julia and TJ, kanina ko pa nga rin kayo naririnig. Be quiet, please?”
mahinahong suway ni Mrs. Cahanding sa kanila.

“Yes, Ma’am... Sorry po”, hinging paumanhin niya. Siya pa naman ang class
president. Naku! Tinignan niya si Yanna at ang lapad pa ng ngiti sa kanila’t naka-
v-sign pa! Natawa na lang siya. Basta talaga matripan ni Yanna, kahit silang
kaibigan nito, idadamay. Walang pwera-pwera. Kaya nga nahawa sila, e.

“Ma’am, siya rin po maingay, di ba? Sumigaw pa. Pakisaway nga po, o,” ganting
sumbong bigla ni TJ. Lalo siyang napapangiti. Ang tino namang manligaw pala ni TJ
sa kaibigan nila. Gantihan ang alam. Haha!

“Hindi naman ako sumigaw, Ma’am, di ba? Nilakasan ko lang po para marinig n’yo, di
ba po?” ngingiti-ngiti namang depensa ni Yanna. Halatang ayaw magpatalo.

Gaaahd. Sobrang kinikilig na po siya. Nagpapapansin ba ang dalawang ‘yon sa isa’t


isa o ano? Really, sobrang cute nila!

“Pero Ma’am, ngumangata po sila kanina pa. Di ba po, hindi pa naman recess?” At
talagang ayaw ding magpatalo ni TJ!

Pero nagulat siya. Nakita pa ni TJ ‘yun? Mas lalo tuloy siyang kinilig. Gusto nga
talaga ni TJ si Yanna! Lahat nakikita, e. Sinusundan ng tingin? Yiiie! makilig-
kilig siya sa isip niya.
“Hoy, babae. Bakit ka naman ngumangata, e, oras ng klase ngayon?” baling ni Mrs.
Cahanding kay Yanna.

“Gutom po, e,” nakangiti pa ring sagot ni Yanna. “Gusto n’yo po, ma’am?” at inalok
pa ang teacher nila!

“Ano ba ‘yang nginangata mo?” tanong naman ni Mrs. Cahanding.

“Joke lang, Ma’am. Ubos na po, e. Sulat ka na lang po ulit d’yan. Meheh,” ngingiti-
ngiting sagot ni Yanna sa teacher nila at saglit na binalingan si TJ para lang
belatan.

Omg! Bakit ang cute nila?

“Hay, naku kang bata ka. O, siya, sige, be quiet na lang. ‘Wag na kayong ano d’yan.
Mamaya magkatuluyan pa kayo, e,” birong tukso ng teacher nila kay Yanna’t TJ.

“E, Ma’am, hindi po ata joke time ngayon? Pakituloy na lang po ang pagsusulat n’yo
d’yan, o,” pabiro pa ring sabi ni Yanna sa teacher nila.

“Sabi ko nga po, magsusulat na... Naku, ikaw Yanna ka, ha,” pabirong sinenyasan pa
ng kurot ni Mrs. Cahanding si Yanna.

“Hahaha!” natawa na lang si Yanna.

Ikaw na, bebe. Ikaw na ang masaya! nangingiting napailing na lang siya.

“UY, ano na? May suggestions na kayo?” tanong ni Julia sa mga co-officers niya.

May meeting kasi silang mga class officers pagkatapos ng klase nila. About sa
projects para sa section nila. Pero si Yanna, ayun at iniwanan na sila. Hindi nila
alam ni Bea kung saan nagpunta. Pa’no, muse lang naman daw ‘to at walang
maitutulong. E, alam niya namang tinatamad lang ‘yung babaeng ‘yun. ‘Yun pa.

“Ikaw na lang mag-isip, Jules. Kaya mo na ‘yan, magaling ka naman, e,” biro ni Bea
sa kanya. Isa pang tamad talaga ang kaibigan niyang ‘to.
“’Wag namang ganu’n. Officers tayo kaya dapat tulungan,” saad namang bigla ni Jake.

“H-huh? Oo naman, ‘no... J-joke lang naman ‘yun,” napayuko’t napangusong sabi na
lang ni Bea.

“Teka nga pala... Nasa’n si Yanna mo?” tanong naman ng Sgt. at Arms nilang si
Derick kay TJ. Absent si Ysah, kaya si Derick lang ang kasama nila.

“Malay ko. Bodyguard ba?” balewalang sagot ni TJ.

Napakunot-noo siya sa sagot ni TJ. Siguro, nag-away na naman ito at si Yanna.


What’s new?

“Ahh... Okay lang na mauna na kayo, guys. Kami na lang ni President ko ang mag-
iisip para sa inyo,” biglang pahayag ni Diego.

Sheeet. Omg, Jeje, bakit ka ba ganyan??? sigaw ng isip niya. Jeje ang tawag niya
kay Diego dahil sabi nito siya raw si Juju, ito naman si Jeje—from the first
syllables of their names. Ang korni nila, alam niya, pero ano’ng magagawa niya?
Kinikilig pa rin siya! At ano raw? President ko? Gah, sobrang pula na ata niya!
Talagang tinabihan pa siya!

“’Yon! O, sige, ‘tol, sabi mo, e,” galak na sang-ayon ni Neil. “Tsaka ‘yung
ano..... alam mo na ‘yun, ha?” makahulugang dagdag pa nito. Pagkaraa’y nagsitayuan
ang lahat maliban sa kanila nina Diego at Bea.

“Hoy, Bea... ‘Wag mo ‘kong iwan dito,” sabi niya kay Bea.

“Okay,” kibit-balikat na tugon naman nito.

Phew! Alam niya kasing iiwan lang sila ng boys para makapagsolo sila ni Diego, e.
At least, kasama niya pa rin si Be—

“Tara na, Bea! Date daw kayo ni Jake! Ayiiie!” bigla na lang hinila patayo nila
Neil at Derick si Bea. “’Yun, o!”

“Huy, ‘wag!” awat niya sa dalawa.

“H-huh?? W—wait!” Pero wala nang nagawa ang balak na protesta ni Bea nang hilahin
na ito ng dalawa palabas.

Hala. Ano na’ng gagawin niya? Silang dalawa na lang ni Diego ang magkasama ngayon!
“Ahh... Julia... May mga bagay sana akong gustong itanong sa’yo,” pagsisimula ni
Diego na hindi niya alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya.

“A-ano ‘yun?” nauutal na tanong niya. Magkatitigan lang naman kasi po sila. Sobrang
nahihiya na talaga siya. Namumula pa siya!

“Pwede ba’ng........”

NAUNA nang umuwi si Yanna kaysa sa mga kaibigan niya. Ayaw niya kasing makasabay
ang mga lalaking nagpapagulo sa tahimik niyang buhay.

Sina Kristoffer at TJ.

Syempre! Tago-tago. Hiya-hiya, e! Haha.

Papunta na siya sa paradahan ng tricycle nang bigla na lang... “Yanna...” May


humawak sa braso niya kaya napatigil siya sa paglalakad.

Gano’n na lang ang pagtataka niya nang lingunin kung sino ito.

“Lexi?”

— — —

=================

12. With the suitors.


12. WITH THE SUITORS.

“O, bakit?” tanong ni Yanna kay Lexi. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya
ngayon?

“Ano... uhh.... G-gusto ko lang sanang m-mag-sorry about du’n kay Drea... S-
sorry... Tanggap ko na rin na wala na kami ni TJ. Sorry talaga. Sorry, please?”
hinging tawad nito na nagpa-puppy eyes pa sa harap niya.

Ano naman kaya ang nakain nito at biglang nagkaro’n ng halo?

“Kay,” kibit-balikat na sagot niya. Mukha naman kasing sincere si Lexi, at kahit na
hindi, wala naman siyang pakialam.

“Really? Omg, thank you, Yanna! Pati du’n sa nangyari kagabi... Thank you talaga,”
nagulat pa siya nang bigla na lang siyang yakapin ni Lexi pero saglit lang naman.
“Thank you talaga,” huling sabi nito tsaka tuloy-tuloy na umalis na.

Problema nu’n? kunot-noong napaisip siya. Nangyari kagabi? Tss..........

LUMABAS siya at nagtungo sa malapit na convenience store. Bwisit na TJ kasi ‘yun.


Kung anu-ano’ng pinagsasasabi. Nagutom tuloy siya. Ayaw niya naman ng stock nila sa
bahay kaya nag-abala pa siyang lumabas.

“Kuya, ano ba! Padaanin n’yo kasi ako! Uuwi na ‘ko!” isang pamilyar na boses ang
narinig niya.

“Shaglit lang naman, e. Tara na kashe.” Sa pagkakataong ‘yon, boses ng lasing na


lalaki naman ang narinig niya.

“Yuck, kuya! Bitawan mo ‘ko! Ew naman, e!”

Sinundan niya ang pinanggagalingan ng mga boses at hindi na siya nagulat nang
makita kung sino ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses ng babae. Si Lexi. Na kahit
mukhang mapapahamak na, sagana pa rin sa kaartihan.
“Shucks! Ang baho mo, kuya! Layo ka sa’kin! Oh, my God!” nakita niya pa nang
magtatara na parang langgam si Lexi nang hawakan ito sa braso ng lasing na lalaking
medyo matanda na.

“Shushal ka, ‘no? Iinom lang tay-hik-tayo... Shaglit lang naman, hindi naman kita
aanu-hik-aanuhin, e,” ge-gewang-gewang na pahayag ng matanda.

“Yuckk! Omg, kuya, you’re so gross! Huu, Mommy!” ngawa ni Lexi.

‘Yung feeling na mas naaawa pa siya sa matanda kaysa kay Lexi? Grabe, na-experience
ng kawawang matanda ang mapang-lait na mga salita ni Lexi. Napailing tuloy siya.
Kawawa naman si manong. Medyo pamilyar sa kanya ang mukha ni manong, e.

Hanggang sa nakita niyang hinihila-hila na ni manong si Lexi papunta sa iskinita at


wala namang magawa si Lexi dahil mukhang mas malakas ang matanda kaysa rito kahit
na ba lasing nga ito. At alam niyang dala na rin ng kaartihan kaya hindi
makapanlaban si Lexi. Pa’no naman kasi, sagana sa kaartehan. Kung siya ‘yon,
malamang na nakatakbo na siya kanina pa.

“Waaa! Heeelp!”

Tsk. Ano’ng gagawin niya?

Naghanap siya ng pwedeng weapon sa paligid at swerte namang nakakita siya ng bato.
Ang malas lang, hindi naman siya gano’ng kasama para saktan ang lasing na matanda,
‘no. Takot kaya siya sa dugo.

Madilim ang iskintang pagdadalahan ng matanda kay Lexi kaya naman nataranta siya.
She knew what would happen next and she had no choice. Nilapitan niya ang mga ito
at bahala na.

“Aahhh!!!” Pak! Pak! Pak!Pinaghahampas niya ng tsinelas niya ang matanda at napaupo
ito nang mapalakas ata ang palo niya at dala na rin marahil sa kalasingan. “Hala,
manong, sorry... Lashing ka kasi, e,” naaawang sabi niya pa sa matanda pagkaraa’y
dali-daling hinila si Lexi at tumakbo. Hanggang sa makarating sila sa mataong
lugar.

“Yanna...” hingal na sabi ni Lexi nang makarating sila sa pila ng tricycle.

“Sakay na. Umuwi ka na,” iginiya niya pa ito papasok ng tricycle. “Kokei,
pakihatid”, sabi niya sa driver ng tricycle na kakilala niya.

“Hey, bitch! Hindi ako magte-thank you sa’yo, kasi kung may ibang tao ang nakakita,
for sure tutulungan din nila ako. Hmp,” dumungaw pa si Lexi mula sa loob ng
tricycle para lang talaga sabihin ‘yon.
“Or worse, napagtulungan ka pa. Tinapa ka, walang anuman, ha?” inismiran niya na
lang si Lexi. “Ilayas mo na nga ‘to, Kokei,” baling niya sa driver pagkaraa’y
ibinalik din agad kay Lexi ang pansin. “Ibalik kita d’yan kay manong, e. Shupi!”
Tumalikod siya at naglakad na palayo.

——

Napailing na lang siya nang maalala ang nangyari kagabi. Pagkatapos, ngayon...
Hindi raw magte-thank you, pero kung maka-thank you ngayon-ngayon lang wagas? Hah.
Kalokohan.

LUMIPAS ang isang linggo, lagi niyang pinagtataguan sina Kristoffer at TJ tuwing
uwian na. Nahihiya at na-aw-awkwardan kasi siya.

Pero ngayon, nagpapahintay si Julia’t Bea sa kanya kaya naman nasa school pa rin
siya hanggang ngayon.

“Tan...” nagulat pa siya nang paglabas nila ng room, nandoon at naghihintay pala si
Kristoffer sa kanya. Kasama ang mga kaibigan nilang sina Yen, Ej, at Kiray. “Hatid
kita pauwi?” alok ni Kristoffer sa kanya.

“Hoy, Yanna... Sabay na tayong umuwi.” Automatic na tumaas sa isang sulok ang itaas
niyang labi nang marinig ang boses na ‘yon mula sa likuran niya.

Ooh, like a boss, she thought, a bit annoyed.

Ito na nga ba ang dahilan niya sa isang linggong pagtatago niya, e. Itong ito ang
naisip niyang mangyayari. Ang magkasabay sina Kristoffer at TJ.

“Yiiie, bebe! Haba ng hair! You already!” kinikilig na pahayag ni Kiray.

“Tse, Kry. Try mong mag-rejoice,” hindi interesadong sabi niya.

“Truelalu ba ‘yun, ‘tii? Omg, Imma try! Hihi!” Napaikot na lang ang mga mata niya
nang sumingit si Ej.
Bumaling siya kay Kristoffer. “Uhh.... ano kasi Tin, e... May lakad kasi kami ng
barkada. Siguro, next time na lang,” palusot niya. Kung magkaibigan lang sila
katulad ng dati, automatic na papayag siya. Pero kasi, iba na ang score sa kanila
ngayon, e. May ligaw factor na.

“Oha. Narinig mo ‘yun, p’re? Ikaw lang ang sinabihan, di ba? Tsupi tsupi rin. Heh,”
mayabang na sabat ni TJ. Talaga namang nuknukan ng yabang!

“Pwede ba? Bingi ka? Walang tenga? Lakad nga ng barkda, di ba? Barkada ba kita?
Epal!” bulyaw niya kay TJ.

Lagi na lang nitong pinapakulo ang dugo niya. Ito na ata ang may pinaka-unique na
paraan ng panliligaw.

“O, kita n’yo? Yabang, love na love ako! I love you too na nga, o.” Aba’t
talagang... Inakbayan pa siya nito pero pabalang na inalis niya rin agad iyon.

“Tse, bwiset!” bulyaw niya ulit kay TJ at tuloy-tuloy na naglakad na palayo sa mga
‘to. Panigurado naman kasing susundan siya ng barkada.

Bwisit talaga si TJ sa buhay niya, e. Lagi na lang gano’n tuwing nagagalit siya.
Kesyo, ‘the more you hate, the more you love daw’. E, kamusta naman ‘yung lagi na
lang siyang nakaangil sa kayabangan nito? Ugh, all she could do was roll her eyes.

Nakarating na sila sa Food Hauz kung saan sila madalas kumain ng barkada bago
umuwi.

“Bakit ba nandito rin kayo? Isang batalyon po ang drama natin, alam n’yo ba ‘yon?”
naiiritang baling niya sa mga bagong kasama nila. Sila Kristoffer, TJ, Neil,
Derick, Jake, at Diego.

“Hihi. Hayaan mo na sila, bii. Fafas, take your seat.”

Inirapan niya na lang ang masayang masayang kinikilig na si Ej.

“Oo nga, beh. Hayaan mo nalang sila,” sulsol pa ni Kiray pagkaraang sikuhin si Ej

“Tss!” iritadong naupo na lang siya. Pa’no, mga kinikilig kaya gustong hayaan niya
na lang.
“Mano’ng aminin na lang na kinikilig sa’kin, o,” mahinang sabi ni TJ na narinig
naman nilang lahat.

“Mukha mo,” inis na sabi niya.

“Gwapo,” mayabang naman na tugon nito.

Hah. “Natawa ‘ko.”

“Gwapo,” hihimas-himas pa sa babang ulit nito na parang hindi narinig ang pambabara
niya. Putcha, ang yabang talaga!

“Haha! ‘Wag na kasing mainis, beh! Babanatan ka nga raw ng suitors mo kaya sila
nandito, e,” sabi naman ni Julia.

“Naks, babanatan.... Brutal,” walang pakialam na sabi niya.

“Nye? Ibig niyang sabihin, paliligayahin ka nila ngayon,” paliwanag naman ni Bea.

“Wow.... Laswa.”

“Yanna! Haha! Ang green, o!” natatawang sabi ni Derick. Inirapan niya na lang ‘to
dahil wala talaga siya sa mood dahil kay TJ.

Matapos nilang maka-order, pinatayo ng mga kaibigan niya at kaibigan ni TJ sina


Kristoffer at TJ. Hindi niya maintindihan kung bakit kanya-kanyang cheer ang mga
kaibigan niya sa dalawa. Ang malala, si Yen at Bea lang ang sumusuporta kay
Kristoffer. 50-50 raw kasi si Julia, Kiray at Ej. Habang kay TJ na ang lahat ng
boys. Though, in good terms naman si Kristoffer sa mga boys, si TJ pa rin talaga
ang manok ng mga loko.

“Kaya mo ‘yan, Kris! Go lang,” nakangiting cheer ni Bea kay Kristoffer.

“Kayang kaya, p’re,” sabi naman ni Jake kay TJ pero nakita niya pa nang sulyapan
nito ng kakaiba si Bea. At ang lalong kakaiba.... nu’ng ingusan ni Bea si Jake.

Whoah there. What’s with those two? takang naisip niya. Well, it was just that...
that was new.

“Okay... game! Simulan na!” announce ni Neil.

“Goralu, fafalus!” cheer ni Ej.


Sina Kristoffer at TJ naman, matamang nagtitigan na para bang may kuryenteng
dumadaloy sa pagitan ng kani-kanilang mga mata. And the next thing happened....

What the hell.

— — —

=================

13. Play.

13. PLAY.

EXCITED na pinanuod ni Julia ang ginagawa nina TJ at Kristoffer. Sino kaya ang
mananalo? Sana umepekto naman ang plano nila. Kahit na ba disappointed siya sa
pinag-usapan nila ni Diego nu’ng nakaraan. Jusme, akala niya naman kung
ano....................

“Pwede ba’ng......”

Dugdug. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Pwede ba’ng???


“.........tulungan mo kaming ilakad si TJ kay Yanna?”

Basag. Speechless, or rather, disappointed... She just let out a sigh. “A-ahh... H-
hehe... S-sige! P-pa’no?” pilit ang ngiting tanong niya kay Diego.

“’Yun!” masayang sabi ni Diego. “Ano lang... tutal bestfriend ka niya, ano sa
tingin mo ‘yung mga bagay na gusto niya? ‘Yung kikiligin siya?”

Napaisip siya. Makakapagpakilig kay Yanna? E, ang dalang dalang nilang makitang
kiligin ang kaibigang ‘yon. Kung anu-ano na lang tuloy ang sinabi niya.

Kaya nga heto sila ngayon...

“Ano ba’ng kalokohan kasi ‘yang ginagawa nila?!” naiiritang bulalas ni Yanna.

“Baka nagja-jackstone kaya? Obvious ba’ng nagja—“

“Oo, Derick, alam kong Jack-En-Poy ang ginagawa nila,” putol ni Yanna sa sinasabi
ni Derick. “Bobo ba ‘ko? Nipis utak? Isang maling sagot, tatamaan ka,” banta pa ni
Yanna.

Natawa tuloy sila. Hindi talaga uubra ang kahit na sino sa kaibigan nila. Or maybe,
someone was the only exception.

“Jack-en-poy! Hale-halehoy! Sino’ng matalo, ikaw unggoy!” kanta ni TJ. E, nanalo


ang loko. “Sabi ko sa’yo, unggoy ka, e! ‘Nak ng... Pa’no ka nakawala?” nang-iinis
na sabi pa ni TJ kay Kristoffer.

“Tss! Kumanta pa kasi, e! Panira...” kakamot-kamot na lang sa ulong sabi ng


natalong si Kristoffer. Papel kasi ang pinantira nito, gunting naman si TJ.

“Ano ba kasi’ng kalokohan ‘yan? Tantanan, pwede?” inis na sabat ni Yanna. Wala man
lang atang pakialam kahit na pinagtitinginan na ito ng mga katabing tables nila.

“You’re so kj, ati! Hayaan mo na sila,” sabi ni Ej kay Yanna.

“Hayaan? E, kung nagbugbugan pa ‘yang mga ‘yan, baka hinayaan ko lang talaga, e,”
asar na sagot pa rin ni Yanna.

“Beh, hayaan mo na lang,” pagpapahinahon naman ni Yen kay Yanna na hindi


makapaniwalang nagbuga na lang ng hangin.
“O, ikaw ang nanalo, TJ. Ikaw ang mauna,” sabi ni Julia kay TJ.

“Okay. Ahh... Yanna?” Pero irap agad ang natanggap nito mula kay Yanna. “Sana, ID
na lang kita,” nagpatuloy pa rin si TJ.

“Kkkkk!” Kung si Yanna, tinaasan lang ng kilay si TJ, hindi naman sila magkamayaw
na magkakaibigan sa kilig dahil kahit alam na nila ang kasunod sa banat na ‘yon,
benta pa rin basta kay TJ galing!

“Bakit daw!” si Neil na ang nagtanong, pa’no hindi man lang umimik si Yanna.

“Para kapag nawala ka, alam nilang..... AKIN KA,” mayabang na pahayag ni TJ kay
Yanna na sinamahan pa ng kindat.

“Kyaaaaa!!! Omg, ano ba ‘yan!” kilig na kilig silang magbabarkada.

“Kilabutan ka, ‘tol! Haha!” kantyaw naman ni Neil kay TJ.

“E, itlog!” balik ni TJ kay Neil tsaka naman bumaling kay Yanna. “Uy, kinilig? Pogi
ko talaga,” hihimas-himas pa sa babang pahayag nito.

“Spell ASA? Mukha ba ‘kong kinilig?” inismiran pa ni Yanna si TJ.

Kapag nakikita ni Julia na gano’n ‘yung dalawa, bakit kinikilig siya? In all
fairness, boto talaga siya kay TJ para sa kaibigan niya.

“Tss. Kj!” Lalo pa siyang natawa nang gantihan ni TJ si Yanna bago muling humarap
kay Kristoffer. Sabi na nga ba’t tama siya, e. May uubrang katapat din si Yanna.

Nagjack-en-poy na naman sina TJ at Kristoffer at nanalo na naman si TJ.

“Pato ka ba?” tanong ni TJ kay Yanna pero syempre... irap lang ulit ang sinagot ni
Yanna.

“Bakit daw ulit! Hihi,” si Kiray naman ang sumalo ngayon.

“Kasi, ikaw ang..... BEBE KO.” At kagaya kanina, kumindat na naman si TJ.

Haha! Pigil na pigil talaga ni Julia ang tawa niya dahil si kilig!

“Tss. Korni,” walang kalatoy-latoy na sabi naman ni Yanna.


“I volunteer! Hihi! Kyaaa! Me is so kilig! Me na lang fafa Teej! Ako na lang ang
pato mo! Hihihi!” kilig na kilig na sabi ni Ej.

“Tch! Tahimik! SaPATOsin kita dyan, e!”

Hala. Mukhang naiirita na rin si TJ! Pa’no, ang ganda naman kasi ng mga nakukuha
nitong reaksyon mula kay Yanna. Tsk-tsk. She felt sad on TJ’s part.

Another round of jack-en-poy, si Kristoffer naman ang nanalo.

“Your turn, Kris! Galingan mo!” cheer ni Bea kay Kristoffer.

“Salamat,” nginitian pa ni Kristoffer si Bea.

“Tawag mo ‘ko?”

Natawa silang lahat maliban kay Yanna nang sumabat si TJ. Hindi na lang ito
pinansin ni Kristoffer.

“Hmp! Kris, go na,” another cheer from Bea.

“Dalian na lang, pare, o,” tila wala rin sa mood na sabat ni Jake. Nagtama na naman
ang tingin nito at ni Bea pero iningusan lang ulit ni Bea si Jake. Now, now, what
was with people’s mood? Bakit ang daming badtrip ngayon?

“Uhh... Tan?” baling ni Kristoffer kay Yanna.

“H-huh?” nahihiyang tugon naman ni Yanna.

Daya! Kay Kris may sagot, kay TJ wala! Unfair!

“Alam mo, ang pag-ibig ko sa’yo parang kinopyang assignment,” nahihiyang


pagpapatuloy ni Kristoffer.

“H-huh?” nahihiya pa ring sagot ni Yanna.

“Kasi..... ang hirap i-explain,” pagkaraa’y napayuko pa dala ng hiya si Kristoffer.

Hindi makatingin si Yanna kay Kristoffer at halata p na namumula’t nahihiya. Ibang-


iba sa reaksyon nito kay TJ.
Syempre, hindi pa rin nila naiwasang kiligin lalo pa’t nakikita nilang namumulang
pareho sina Kristoffer at Yanna. Pero mas kinilig pa rin talaga si Julia kay TJ, e.

Bigla namang tumayo si TJ. Padabog.

“O, p’re, suko agad?” pigil ni Derick kay TJ.

“Naaawa lang ako sa mga mata ko. Kayo, hindi ba kayo naaawa sa mga mata n’yo? Sakit
kaya sa mata.”

Kuntentong napangiti siya nang marinig ang sinabi ni TJ. She thought he’ll easily
give up. But right then, she was wrong. Hindi na talaga mababago, Team TroYan na
talaga siya!

“Aalis lang ako... hindi sumusuko,” makahulugang pahayag ni TJ tsaka ito tumalikod
para sana umalis nang biglang.....

BOOG!

BUTI na lang, magaling magtago ng emosyon si Yanna. Sa totoo lang kasi, kanina pa
siya kinikilig—No. She meant, kanina pa siya natutuwa sa mga banat ni TJ sa kanya.
Ayaw niya lang ipakita kay TJ dahil for sure, lalaki na naman ang ulo ng lalaking
‘yon. Nuknukan na nga ng yabang, baka umapaw na.

Kaso, nu’ng bumanat naman si Kristoffer, hindi niya naitago ang hiya niya. Si
Kristoffer kasi ‘yun, e. Hindi naman siya asar kay Kristoffer at talagang nailang
siya nang may banggitin ‘tong pag-ibig. Kasi, di ba.

Kaya lang, nagalit naman ata si TJ. Umalis tuloy. Kaso may nakabungguan. Babae.

Napaupo ang babae samanatalang nakatayo pa rin si TJ.

“Aww,” Yanna heard the girl on the ground groaned. “The hell?! Hindi ka ba marunong
tumingin sa dinada—TJ?” Napahinto ang babae nang makita si TJ. And as she looked at
the girl, she found her beautiful.

“Ching?” Kagaya ng babae, hindi rin makapaniwalang bulalas ni TJ.


Bigla na lang tumayo ang babae at bigla bigla na lang din nitong niyakap si TJ na
ikinabigla niya. Pero hindi niya pinahalata. Ano’ng ibig sabihin no’n?

“Oh my god, TJ! Hinahanap talaga kita! Gosh, I missed you!” Sobrang higpit ng yakap
ng babae kay TJ. Parang naglalambitin na nga sa mga balikat ni TJ, e.

Sino ‘yung babae na ‘yun? Ex ni TJ?

“P’re, baka ipakilala mo pa kami nakakahiya naman,” sabat ni Derick na katabi si


Neil nang maghiwalay si TJ at ang babae. Si Derick at Neil naman, parehong na-
excite.

“Si Ching,” tipid na pakilala naman ni TJ dito.

“You’re so forever mean, TJ!” nakabusangot na sabi ng babae kay TJ pagkaraa’y


binalingan sila. “Oh, hi, I’m Joicelle! Joice can do! I’m his girl—“

“C’mon, Ching,” naputol ang pagpapakilala ng babae nang bigla na lang hawakan ni TJ
ang kamay nito at hilahin paalis ng lugar.

Now, what was that? They were all left confused.

“Anak ng habulin ‘yang si TJ talaga, o. May tinatago palang chick!” Derick.

“Chick agad? Malay mo, pinsan?” pagtatanggol naman ni Jake kay TJ.

“E, tingin n’yo? Ano ba’ng huling sinabi nu’ng babae? Di ba, ‘girl’?” Neil.

“Girlfriend?” Diego asking for confirmation.

“Nadali mo, boy!” Derick.

“Oo nga, ‘no!” sang-ayon naman ni Kiray.

“Kaya na nga ba mas boto ako kay Kris, e,” Bea said.

“Tss,” bigla na lang tumayo si Jake pagkarinig kay Bea tsaka umalis.

Kanina pa nagtataka si Yanna sa dalawang ‘yon. May problema ata talaga’t nase-sense
niyang mainit ang dugo ng dalawang ‘yon sa isa’t isa.
“Guys, una na rin kami,” paalam ni Neil sa kanila. Sinundan na nila Neil, Diego, at
Derick si Jake.

“Tsk-tsk...” iiling-iling si Yen nang balingan siya nito.

“Bebii, d’you want me to order Yakult? Okay ka pa ba tiyan?” nag-aalala pero


kwelang tanong naman ni Ej sa kanya.

“Nge? Loka, bakit naman ako hindi magiging okay?” natatawang balik tanong niya.

Pero sa loob-loob niya... Girlfriend? Ano ‘to? Lokohan? May girlfriend tapos
nanliligaw? Bullsh-t.

— — —

=================

14. Taken.

14. TAKEN.

PAUWI nang naglalakad si Yanna sa village nila.

Hindi niya pa rin talaga makalimutan ‘yung kanina. Pa’no’ng may girlfriend pala si
TJ, gano’n na lang ang lakas ng loob kung ligawan siya? Ang ganda ganda ng
girlfriend, hindi pa nakuntento? At siya pa ang napagtripan nitong paglaruan? Hah.
‘Yan ang hirap sa mga lalaki, e. Hindi kuntento sa isa. Ano siya? Panakip-butas?

“Yanna?”
Walang kalatoy-latoy na nag-angat siya ng tingin sa tumawag sa kanya.

‘Yung babae kanina, kasama si TJ.

Bakit hindi niya napansing nasa harapan niya na pala ang mga ito? Palibhasa, kanina
pa siya latang latang naglalakad, e. Ano ba’ng nangyayari sa kanya?

“Oh... the girl earlier. Kilala mo ‘ko?” tanong niya sa babae. Joice or Ching?
Whatever.

“You mean you were with TJ’s friends earlier? Aw, I didn’t notice,” though the girl
was smiling at her after giving her an apologetic look, she sounded bitch to her
ears. “Anyway...”

Napataas ang isang kilay niya nang isang iglap ay seryoso na ang itsura nito.
Ngiting-ngiti tapos biglang seseryoso? Adik siguro ‘to.

“....I’m TJ’s girlfriend,” proud na pahayag ng babae.

Hindi na siya nagulat dahil kanina pa naman nito nasabi I’yon, hindi lang kumpleto.
Pero simpleng logic lang, makukuha naman agad. Tinignan niya si TJ na kanina pa
tahimik pero wala siyang makapang ekspresyon sa mukha nito. Sa ibang direksyon din
ito nakatingin habang magkasalubong lang ang mga kilay.

“Galit nga pala ako sa’yo for what you did to him years ago. Actually, hindi ako
nandito lang pansamantala, kundi pansamantagal. Kung nagawa mong muntik nang sirain
ang buhay niya noon... pwes, hinding hindi mo na siya masasaktan ulit dahil hindi
ko na ‘yon mapapayagan ngayon.”

Hindi niya alam kung nakakunot ba ang noo niya o nakataas ang isang kilay niya
habang nakatitig sa babaeng kumakausap sa kanya. “Alam n’yo, para kayong bangag na
nakahithit ng shabu. Okay lang ba kayo? Kasi, sa totoo lang, pinagpipilitan n’yong
kilala n’yo ako at naging girlfriend niya pa ‘ko, when in fact, ngayon ko lang kayo
nakilala.”

Ano ba kasi ang pinagsasasabi nito? Sinaktan? Kailan niya ba sinaktan si TJ? At
muntik pang masira ang buhay? What in the world.... nagka-amnesia ba siya??

“Whatever you say... H’wag na nating pag-usapan dahil ayaw na ayaw ni TJ na pinag-
uusapan pa ang nakaraan,” ngumiti naman ito sa huling sinabi. “We’ll go ahead! I-
de-date niya pa raw ako, e. Bye!” the girl even waved goodbye.

Edi, mag-date kayo! The hell I care.


“KITA mo ‘yan? Kaya na nga ba ayaw ko sa kanya para sa’yo, e. Kita mo, may
girlfriend pala pero kung makapag-pacute sa’yo? At ikaw! H’wag mo ‘kong artehan,
ha? Nabu-bwisit ako sa inyong dalawa!” dinuro-duro at inis na bulyaw ni Bea kay
Joice tapos kay TJ.

Sobrang affected si Bea para sa kaibigan niyang si Yanna. Pinaglalaruan lang pala
kasi ito ni TJ! Nanliligaw, pero may girlfriend pala. At ang malala, sinundan ng
girlfriend at ngayon sa paaralan na rin nila mag-aaral! Buti na lang talaga at may
Kristoffer pa si Yanna.

Si Yanna na mukhang hindi affected at mukhang mas affected pa siya, prenteng


prenteng nakaupo lang sa pwesto nito’t hihikab-hikab pa.

“Bea, wala ako sa mood makipagtalo sa’yo,” sabi ni TJ sa kanya.

“Ah, gano’n? Pakyu, TJ! I’m warning you. ‘Wag na ‘wag ka nang makalapit kay Yanna.,
kundi..... nakuuu!”

“Ano? Ano’ng gagawin mo sa boyfriend ko? Pwede ba? Just get over it. I won’t allow
your stupid friend to hurt him, again.”

Natuon ang pansin ni Bea kay Joice dahil sa huling mga sinabi nito.

Hurt TJ? Again? “Ano’ng sinasabi mo?” nalilitong tanong niya.

“Hindi mo alam, di ba? Wala kayong alam, di ba? So, pabayaan n’yo na lang kami
dahil ayaw na naming pag-usapan pa ‘yun. Lalong lalo na si TJ.”

Nalilito siya. Ano’ng ibig sabihin ng mga salita ni Joice? Si Yanna? May hindi ba
sila alam?

Nilingon niya si Yanna pero nakatingin lang ‘to sa labas.

Really... what is going on?


Lunch time na at hinihintay na nila Bea sila Ej, Kiray, at Yen sa labas ng room ng
mga ito. Mas nauna kasi ang labasan nila ngayon kaysa sa Love.

“Yannabeeey! Ano? Keri pa, ‘te?” salubong agad ni Ej kay Yanna nang makalabas ‘to.

“Hmp! Bet ko pa naman siya for you. Kay Tin-tin mo na nga lang ako,” sabi naman ni
Kiray.

“Beh, okay lang ‘yan,” sabi ni Yen kay Yanna.

Pero may biglang lumapit sa kanila. Si Lexi. “Uhh... Yanna....”

Ano namang problema nito? Aawayin na naman si Yanna?

“O?” tipid na tugon ni Yanna rito.

“Ano, kasi... syempre, nabalitaan ko ‘yung nangyari... Okay ka lang? Mas masakit
siguro ‘yung nararamdaman mo ngayon kaysa sa naramdaman ko nu’ng makipag-break si
TJ sa’kin.”

Natawa naman si Yanna sa sinabi ni Lexi. “Kaloka kayo. Ano ba’ng pinagsasasabi
n’yo? Para naman akong namatayan! Haha. Wala lang sa’kin ‘yun, ‘no. Bakit naman ako
masasaktan?” natatawang sabi ni Yanna.

At mukha namang totoo sa nakikita ni Bea. Mukha naman talagang hindi affected ang
kaibigan nila. Buti na lang talaga.

Nginitian ni Lexi si Yanna. “Uhh... F-friends...?” nahihiya pang tanong ni Lexi.

“Sure, why not, coconut, poknat,” kibit-balikat na tugon ni Yanna. “Sa’kin okay
lang, e. Ewan ko sa kanila,” tukoy ni Yanna sa kanila.

“Okay lang sa’kin,” siya na ang unang sumang-ayon.

“Sa’min din!” nakangiting sang-ayon din ni Julia. “Tara, sabay ka sa’ming mag-
lunch!” aya pa nito kay Lexi.

Sa totoo lang kasi, mabait naman si Lexi kahit na bitchy. Parang si Yanna nila...
mabait pero bully. Oo, medyo magulo ‘yun. Mabait na bully.

Kasama na nila si Lexi nang magtungo sila sa canteen.


“Oy, ano’ng oorderin natin? Ikaw, Lexi?” tanong ni Julia kay Lexi nang nasa loob na
sila ng canteen. Medyo matao na rin.

“Chicken curry,” nakangiting sagot naman ni Lexi.

“Ikaw, Beabey, what’s yours?” kumapit pa sa braso niyang tanong ni Ej sa kanya.

“Uhh... beefsteak na lang, baks. Ikaw, Yannabey? Hotsilog na naman?” tanong niya sa
nasa likuran niyang si Yanna habang sa menu nakatingin. Hilig kasing orderin ni
Yanna ang hotsilog tuwing lunch. ‘Di ata nasawa basta nasa menu.

“Yanyan?” ulit niya nang hindi sumagot si Yanna. Pero hindi pa rin ito sumagot kaya
naman nilingon niya na ito. “Huy, Yanya—“ napahinto siya nang walang Yanna ang
nakita niya sa likuran niya. Nilingon-lingon niya ang paligid pero hindi niya rin
nakita si Yanna. “Luuh. Guys, nasa’n si bebe?”

“Huh?” sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan niya.

“Yanni?” nilingon-lingon din ni Kiray ang paligid.

“Omg! Nasaan ka, Elisa??” kunwaring natakot pa si Ej.

“Ih, gaga! Arianna, hindi Elisa! Haha,” natatawang sabi ni Lexi with matching
hampas factor pa.

“Sorry naman d’yan, bading. Na-curious lang. Nawawala rin si Elisa, debuh?” Ej.

“Loka, nagpakita na si Elisa sa tv,” singit naman ni Yen.

Ayan. Alam niyang nagkakautuan na.

“Ay, nakita na? Edi, si Yanna na! Si Yanna na ang bagong Elisa! Kever! Haha!” Ej.

“Uy, seryoso muna, guys. Nasaan nga si Yanna? Normally, laging nagpapaalam ‘yun
kung saan siya pupunta, di ba?” nag-aalalang sabi ni Julia.

“Oh, my golly golly gulaloo! Nawawala si Yannabey!” Ej.

“H’wag ngang paranoid, guys. Campus ‘to, bakit naman mawawala ‘yun? Paniguradong
nand’yan lang ‘yun, ‘no,” sabi niya sa mga kaibigan.
Pero, kahit siya din talaga, nag-aalala. Nasaan nga ba kasi si Yanna?

KANINA, habang naglalakad sila papuntang canteen, dinukot ni Yanna sa bulsa niya
ang cellphone niya kaya medyo nahuli siya ng paglalakad. Naramdaman niya kasing
nag-vibrate, e.

Nang bigla na lang siyang mapasinghap nang isang kamay ang tumakip sa bibig niya at
isa pang kamay ang yumakap sa bewang niya pagkaraa’y binuhat siya palayo sa
barkada.

What the!

Pinilit niyang manlaban kaya lang malakas talaga ang kumi-kidnap sa kanya. Ang mga
nakakasaksi naman, ni hindi man lang nag-abalang tulungan siya! Mga ngingisi-ngisi
pa!

Hindi na siya napansin ng barkada dahil sa maingay na nga ang ibang estudyante,
matulin pang maglakad ang mga ito.

Sinubukan niya pa ring magpumiglas pero wala talaga. Nang bigla na lang may pumasok
sa isip niya. Dali-daling kinagat niya ang kamay ng may hawak sa kanya.

“Aah!” Nabitawan siya ng may hawak sa kanya dahil sa ginawa niyang pagkagat sa
kamay nito. “Aray, ha! Napaka-amazona talaga nito!” reklamo nito.

Galit na nilingon niya ang lalaki. “The eff! Balak mo ba ‘kong kidnapin? Ano na
namang pumasok sa utak mo’t ginawa mo ‘yon? Baliw ka na ba? Ha, Salamat?!”

— — —

=================
15. Oh, no.

15. OH, NO.

“I’LL text bebe na lang, okay? Guys naman nasa campus tayo, hello? Hindi ‘yun
mawawala,” ulit ni Bea sa kaninang sinabi niya.

“Ay, oo nga, ‘no? Sige, you text her na, chibugan naaa!”

Walang’yang bakla talaga ‘to, natatawang nailing na lang siya. Kumain na nga sila.
Siguro naman, maya-maya lang, susulpot na rin si Yanna, hano?

Naramdaman niyang may mga naupo sa likod na table nila.

“Hi, guys,” narinig niya ang boses ni Neil.

Ugh. Biglang nawalan agad siya ng gana. Syempre, kung nand’yan si Neil, nand’yan
ang barkada.

“Uy, fafas! Join us here na lang! Come, come, come! Hihi!” aya ni Ej sa mga ito.

“’Wag na lang, Ej. Baka may magpapansin d’yan, e. Dito na lang kami,” narinig
niyang sabi ni Jake.

“Ay?” tila mga nalitong nagtinginan sa kanya ang barkada.

One, two, three.

Binagsak niya ang kutsarang hawak niya. Tama ba ang narinig niya? Ang kapal ng
mukha. Nagsisimula nang uminit ang ulo niya. Pasensyahan, pero hindi siya
pasensyosang babae. “Wow, ang hangin! Hoo!” naiiritang parinig niya.

“Alam mo, ‘te? Kung nandito si Yannabey, pinayuhan ka na no’n na mag-jacket,” Ej.

“Korak! Haha!” tawanang sang-ayon din ng barkada.

Binigyan niya ng warning look ang mga ito na ang ibig sabihin, wala siya sa mood
makipagbiruan. Agad namang naintindihan ng mga ito ‘yon at automatic na naghintuan
sa pagtawa.

“Nawalan na ‘ko ng gana. Hanapin ko na lang si Yanyan,” tumayo siya.

Pero nagulat pa siya nang biglang may pumigil sa braso niya. Si Jake. Tumayo pa
talaga para lang awatin siya. “Kumain ka. Baka ako pa ang sisihin mo ‘pag nagutom
ka.”

Sarkastikong napangiti siya pagkaraa’y kinagat ang ibabang labi. Ang kapal talaga
ng mukha nito. No wonder, magkaibigan nga ito’t si TJ. Napakakapal ng mga mukha!

Imbis na sagutin si Jake, sinipa niya ng malakas ang binti nito.

“Aah!” napahawak ito sa binting tinamaan niya pagkaraa’y galit na tinignan siya.

“Why, Jake? Hindi naman kita gusto at never din kitang magugustuhan. Hindi pa ba
malinaw ‘yon?” she mentally praised her act. “Pwes, tandaan mo ‘yan ngayon,”
inismiran niya si Jake at tuloy-tuloy nang lumabas ng canteen.

Siguro nga marami ang nakarinig sa sinabi niya kay Jake. Pero wala siyang pakialam.
Marami naman kasi ang may alam na gusto niya ito. Maski si Jake, alam mismo ‘yon.
Pero mali naman ang mga ito, e.

Hindi niya gusto si Jake. Wala siyang gusto rito... dahil mahal niya ito. For 3
years.... she was in love with Jake.

At kung bakit siya nagkakaganito ngayon ay hindi dahil sa nagsawa na siya. Natauhan
lang siya....................

——

“Bakit ba natin iniwan sila Julia’t Diego du’n? May pina-plano kayo, ‘no?” tanong
niya kila Neil nang makababa na sila ng building nila.

“E, pagbigyan mo na silang makapagsolo. Mag-uusap lang naman, e,” sagot ni Neil.
“Kayo rin magsolo—este, mag-usap! Haha! Una na kami! Paalam!” bigla na lang itong
kumaripas ng takbo, ganun din sina TJ at Derick.

“Tss. Mga loko talaga,” iiling-iling na sabi ni Jake tsaka matuling naglakad.

She pouted. “Uy, Jake, hintay naman!” habol niya rito. Hindi naman ito sumagot at
nagpatuloy lang sa paglalakad. Kyaaa! Sabay silang maglakad! Kinikilig po siya!

“’Wag mong sabihing kinikilig ka? Ngingiti-ngiti ka pa d’yan,” puna ni Jake sa


kanya. She was caught off guard.

“H-huh? Ah, e... hindi naman masama, di ba?” tila pag-amin na ring tugon niya.

“Wala naman akong gusto sa’yo. Alam mo ‘yun, di ba?”

Bigla na lang siyang natigilan sa sinabi nito. Bakit ang daling lumabas sa bibig ni
Jake ang mga salitang ‘yon? Mabait si Jake, alam niya... alam ng lahat... Pero
bakit pagdating sa kanya, hindi niya makita ‘yon? May nagawa ba siyang masama?
Bakit lagi na lang itong masungit sa kanya? Medyo nasasaktan kasi siya.

“B-bakit?” ang tanging lumabas sa bibig niya.

“Alam mo naman ‘yun, e. Para ka kasing bata. Isip bata... Ang ayaw ko kasi sa
lahat, e, ‘yung babae ang nagpa-pacute sa lalaki,” walang atubiling sabi nito.

“In short... ayaw mo talaga sa’kin.” She doesn’t need to ask nor confirm it
anymore. It was just so freaking obvious. He just described her. “Sino ba naman
kasi’ng nagsabing gusto kita?” Umismid siya. “Alam mo ‘yung nakakatawa? ‘Yung
ngayon ‘yun, e. ‘Yung ang sungit sungit mo sa’kin kasi akala mo gusto kita?
Patolaaaa! Crush lang kita, pinalala n’yo naman. Hahaha!” Idinaan niya na lang sa
tawa ang sakit na nararamdaman niya.

Pero... masakit talaga, e.

“Buti naman pala kung gano’n. Konsensya ko pa kasi ‘pag na-depress ka. ‘Yun naman
pala, e. Sige, dyan ka na,” sabi nito sa naiinis na tono tsaka naglakad palayo.

Grabe. Ang kapal. Ang yabang. Bakit sa gano’ng lalaki pa siya na-fall?

Nu’ng malayo na si Jake, tinawag niya ito. “Jaaake!!!”

He stopped in his tracks. Good.

“Promise, hinding hindi kita magugustuhan. Tandaan mo ‘yan!” sigaw niya.


Pero dahil wala talagang pakialam si Jake sa kanya, nagtuloy-tuloy lang ito sa
paglalakad.

And when he was gone, her tears perfectly mocked her.

Hinding hindi kita magugustuhan, Jake. Dahil noon pa man, mahal na kita.

——

Simula noon, lagi na silang magkabangayan ni Jake. Second TroYan na nga raw sila,
e. Pero kahit na gano’n, mahal niya pa rin talaga si Jake. Parang tanga, e.
Sinasaktan na nga siya, mahal niya pa rin.

“MAKA-REACT naman! Kalma! Kung kidnapper talaga ‘ko, swerte mo’t ang gwapo ko!
Tss.... aso!” ganting bulyaw ni TJ habang hinihimas-himas ang mga daliring kinagat
ni Yanna.

“Aso?? Baka gusto mo’ng kagatin ulit kita d’yan?” banta ni Yanna kay TJ.

Nasa tapat sila ng CR ng boys at hindi niya alam kung bakit dito pa sila napadpad.
Pinagtitinginan lang naman sila ng mga kalalabas lang mula roon.

“Kita mo? Asong aso, panay kagat ang alam! Tss.”

“Ewan ko sa’yo! Pwede namang lapitan mo na lang ako, ha! Bakit may pakidnap-kidn—“
naputol ang pagbulyaw niya kay TJ nang bigla-bigla na lang siyang hilahin nito
papasok mismo sa loob ng CR ng mga boys.

What the! Baliw na ba ‘to?! Ano ba’ng tumatakbo sa utak nito’t sa loob ng CR pa
talaga siya pinasok? Sira na ata ang ulo nito, e!

Napigil ang tangkang pagpiglas niya kay TJ nang pagpasok nila sa loob, may dalawang
lalaki ang nagulat sa pagpasok niya pero hindi nag-abalang ihinto ang mga
pinagkakaabalahan. Automatic na nanlaki ang mga mata niya pero natakpan agad ‘yon
ni TJ.

“Bawal manilip, uy,” bulong nito sa tenga niya.


Swear to heaven, she felt a shiver ran down her spine. And for an unknown reason,
she chose to remain still.

Nasa likod sila ng pinto, at hindi niya alam kung ano ang dahilan at nandoon sila
ngayon. Nagtatago ba sila, o ano? Kung nasa normal na pag-iisip siya, malamang na
nakatanggap na ng flying kick si TJ where it hurts the most kanina pa. Pero wala...
walang matino ang pumapasok sa isip niya ngayon.

“Hala, TJ, ano ‘yan?” tukso ng isang lalaki.

“Ssh! Tahimik!” angil ni TJ sa nagsalita.

“TJ....! TJ, where the hell are you?! Argh! Sa’n ba nagpunta ‘yung lalaking ‘yun?”
boses ng babae mula sa labas ang narinig niya. At hindi siya pwedeng magkamali.
Boses ‘yon ni Joice.

Ito ba ang dahilan kung bakit sila nandirito’t nagtatago ngayon?

Hindi pa rin siya makagalaw. Hindi niya rin alam kung ano’ng iisipin niya.

Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong-hininga si TJ bago nagsalita. “Wala na.”

Pero nang dahil sa tumama sa mukha niya ang mainit na hininga nito, mas lalong
bumilis ang tibok ng puso niya. Shit, ano’ng nangyayari sa’kin?

“Ohoy... Nakakamatay ‘yan. Uso huminga,” bulong ni TJ sa kanya na marahil ay


naramdaman ang pagpigil niya ng hininga.

Kinikilabutan na talaga siya sa estrangherong pakiramdam na bumabalot sa kanya. “P-


pwede’ng.... l-lumabas na tayo?” nauutal na sabi niya.

Hindi siya komportable sa pwesto nila. Nakasandal siya sa pader habang nakayakap
ang isang braso nito sa bewang niya. Ang isang kamay nama’y nakatakip sa mga mata
niya. At kanina niya pa nararamdaman ang paghinga nito. At sa totoo lang... hindi
niya talaga alam kung ano ang nararamdaman niya. Bago... bago ang pakiramdam na
‘yon. Hindi niya ma-explain. Basta ang alam niya.... mabilis na mabilis ang tibok
ng puso niya... Normal pa ba siya?

“Lalabas na tayo. Yumuko ka, ha? Sa baba lang ang tingin.”

Tinanguan niya lang si TJ. Iniyuko nito ang ulo niya gamit ang isang kamay
pagkaraa’y tinanggal na ang isa pang nakatakip sa mga mata niya. Hinawakan nito ang
kamay niya at inalalayan siyang maglakad palabas. Hindi niya alam kung bakit hindi
siya pumalag sa paghawak nito sa kamay niya.
Paglabas nila... bigla na lang huminto si TJ dahilan ng paghinto rin niya. Dahil sa
nakayuko siya, hindi niya alam kung bakit biglang napahinto si TJ. Pero pag-angat
niya ng ulo niya... alam na.

“TJ?! Bakit kayo magkasama?!” “Tana? A-ano’ng....”

— — —

=================

16. Strange.

16. STRANGE.

“TJ? Bakit kayo magkasama?!”

“Tan... A-ano’ng....”

Magkasabay na nagsalita ang mga nasa harapan nina Yanna’t TJ. Sina Joice at
Kristoffer.

“What? Sumagot kayo! Bakit kayo magkasama!” naiinip na sigaw ni Joice.

Bigla namang natuhan si Yanna at bigla ay inalis niya ang pagkakahawak ni TJ sa


kamay niya.

“Kailangan talagang sumigaw? Nakakapagod ‘yan, ‘te. Gusto mo, kuha kita ng mic?”
may pang-iinis sa tonong sabi niya kay Joice. Bakit kasi kailangan pang sumigaw?
Para agaw atensyon, gano’n? Pwes, ayan at nasa kanila na nga ang atensyon ng ibang
estudyante ngayon.

“Di ba ang sabi ko sa’yo, ‘wag na ‘wag ka nang lalapit sa kanya? TJ, ano ba naman!
Gusto mo bang masaktan na naman? My god, TJ!” muling bulalas ni Joice na parang
hindi siya narinig na nagsalita. Nice.

Ano ba talaga’ng pinagsasasabi ni Joice? Hindi niya talaga maintindihan.

“Tsk... Malas.” Nilingon niya si TJ at nakita niyang nakapikit ito’t iiling-iling


na napahimas-himas na lang sa noo.

“Tan...” Napatingin si Yanna kay Kristoffer nang tawagin siya nito. “Ano ‘to? Bakit
kayo magkasama? Bakit.... sa loob ng CR ng boys?”

Napakagat-labi siya. Ba’t naman kasi kailangang mahuli sila nang ganito? Ni
Kristoffer at Joice pa? Jusko. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit parang
feeling niya nagtaksil ang drama nila ni TJ.

“A-ano kasi....” hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Ano ba’ng isasagot niya?
Maniniwala ba si Kristoffer kung sasabihin niyang kinidnap siya ni TJ?

“Kasi malamang, sinundan niya si TJ hanggang CR. Malamang, kinukulit-kulit niya na


naman si TJ para kunwari, mahal niya pa rin si TJ. Siguro kasi, gusto niya ulit na
may mapaglaruan,” Joice cut in with obvious bitchiness in her words.

Clueless she was, she turned to TJ. “TJ, ano ba kasi ‘to? Pati ‘yung mga
pinagsasasabi niya? Hindi ko maintindihan.”

Tumingin si TJ sa kanya pero hindi naman nagsalita. Naghintay siya sa sagot nito
pero hanggang sa dumating na rin si Bea, hindi pa rin ito tumugon.

“Yanyan!” patakbong lumapit si Bea sa kanya, pagkaraa’y nagpalipat-lipat ang tingin


kina TJ, Joice at Kristoffer. “What happened? Bakit kayo magkakasamang apat? Tsaka
bakit bigla-bigla ka na lang nawala? Kanina mo pa ba sila kasama?”

“Ah, e... pwedeng from the top, Bea?” biro niya kay Bea.

“Ay, gaga!” natatawang tinapik pa siya nito sa braso. “Anyway, subway.... Anyare?”
curious na tanong nito.

“Let’s go, TJ.” Napalingon sila kay Joice na kumapit na sa braso ni TJ at hinila na
si TJ paalis. Wala namang ginawa si TJ kundi ang iiling-iling na lang na sumunod.

Pero pagtapat ni TJ sa kanya, may pahabol pa ‘to na ibinulong, sapat para siya lang
ang makarinig. “I’ll text you.”

Akala niya lang ba, o saglit na napigil niya talaga ang hininga niya? Oh, well, it
doesn’t matter. Itetext daw siya? Paano? Alam ba nito ang number niya?
Kunsabagay... Ano nga naman ang ginagawa ng mga kaibigan at kaklase niyang may alam
ng number niya, di ba?

“Tana....” agaw ulit ni Kristoffer sa pansin niya.

“Uhh.... ano....” pero hindi niya pa rin talaga alam kung ano ang sasabihin niya.

“Care to explain?” Bea butted in.

She sighed. “Tara... habang naglalakad,” aya niya sa dalawa. Napagdesisyunan niyang
i-kwento na ang tunay na nangyari para at least, hindi mag-isip ng kung ano si
Kristoffer tungkol sa kanila ni TJ. Sumabay na rin itong maglunch sa kanila. At
syempre, kinwento na rin ni Bea sa barkada ang kinwento niya.

Sa mga remaining subject nila sa hapon... Grabe. Kulang na lang hatakin niya ang
oras para lang makauwi na siya. Feeling niya kasi... matutunaw na siya.

Feel na feel niya ang mga titig ni TJ habang naglelesson sila. At kapag sisiguruhin
niya kung nakatingin nga ito... titig na titig pala! As in, hindi man lang
nagbabawi kahit nakatingin na siya. Pati nga ang girlfriend nitong si Joice na
katabi nito sa upuan, inis na inis din. Pa’no namang hindi? E, kung siya man si
Joice, talagang maiinis siya. Katabi ang girlfriend pero sa iba titig na titig?
Napakaplayboy talaga!

PATULOG na siya kinagabihan nang maramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone niya
sa ilalim ng unan niya. Baka isa sa barkada ang agad na pumasok sa isip niya.
Katext niya kasi kanina ang mga kaibigan niya maliban kay Yen.

Pero napakunot-noo siya nang unknown number na nga ang sender, nakakaloko pa ang
laman ng message.
[Bukas mo pinto mo sa veranda. Dali]

Sino naman ‘to? Ako ba’y hilo? kunot-noong napatingin siya sa cellphone niya. Bakit
niya bubuksan ang pinto niya? Mamaya, magnanakaw pala, e. Pero matawa-tawa naman
siya sa sarili niya. Magnanakaw na nakikipagtextmate muna? Bakit, malay niya,
bagong modus pala.

[Sino ka?] reply niya.

Seconds lang ang lumipas at nakareply na agad ito. At ang walang’ya... Trip ata
siya, e!

[Ako budoy! *insert waving smiley*]

Sira-ulo. Inuuto yata siya, e! Pero natawa siya ro’n. Haha, budoy raw. Natatawa’t
nailing na nahiga na lang ulit siya. Pagsasayangan niya pa ng oras, e, halata
namang nambubwisit lang.

Ipinailalim niya na ulit sa unan niya ang cellphone niya at nagtaklob na ng unan sa
mukha niya. Papiki-pikit na siya nang maramdaman niya na naman ang pagvibrate nito.

Tsk! Naman, e... Inaantok-antok na binasa niya ang text.

[Eto naman. Di agad nag-reply? Si TJ ‘to, ‘yung gwapo. Papasok ako, bukas mo pinto]

Bigla na lang siyang napabalikwas ng bangon. Biglang nagising ang diwa niya. Oo nga
pala! Itetext nga raw pala siya nito! Nataranta siya. Ano ba’ng gagawin niya?
Ibubukas niya ba o hin—
Bago pa magtalo ang tig-kalahating parte ng isip niya, tumunog bigla ang cellphone
niya. This time, tumatawag na si TJ.

“H-hello?”

“Ibukas na, o. Pakidalian, baka mahuli ako ni Ching.”

Mayabang na nga, bossy pa! “Pakialam ko? Ayoko nga.” Ewan niya ba, pero nu’ng
banggitin nito si Joice, nainis na naman siya. At isiping nasa iisang bahay lang
ang mga ito?

T-teka... B-bakit ako naiinis? Waaa, eraaaase!

“Dali na kasi. May sasabihin lang ako sa’yo. Please?”

Aba. Sanay magplease ang kumag?

“Tse!” pagbabale-wala niya pa rin at agad na ini-end ang tawag.

Patawa ba ‘to? Pa’no namang mapupunta ‘to sa veranda niya? Alangan namang talunin
nito ang mula sa veranda nito papunta sa kanya? Hindi nga malayo, pero nakakatakot
pa rin ‘yon, ‘no. Sino’ng sira-ulo naman ang tatalunin ‘yon? Tss... Bahala siya.
Matulog pa siya.

Pahiga na ulit sana siya nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng veranda niya.

What the....? ‘Wag nitong sabihing.... Shit!

Dali-dali siyang tumayo at ibinukas ang pinto. Gulat na gulat siya nang bumungad
ang ngiting-ngiting mukha ni TJ sa kanya.

“Hirap tiisin ng gwapo, ‘no?” tataas-taas pa ang kilay na sabi nito.

Hah. “Sira ka ba?! Isang maling talon mo lang, pwede kang mahulog!” Sira-ulo! Pa’no
kung nahulog ‘to? “Gusto mo na bang mamatay?! Pa’no kung nadulas ka?! Hindi ka ba
nag-iisip? Kung gusto mong mamatay, pwede namang—“

Bigla na lang siyang natigil sa pagsesermon niya nang biglang yakapin siya ni TJ.
“Kahit OA ka, akalain mong namiss kita?”

Napakurap-kurap siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Pero alam niyang
pinagtitripan lang siya ni TJ kaya agad na tinulak niya ‘to. “A-ano ba’ng
pinagsasasabi mo d’yan? Tsaka... ano ba, gabing gabing na, ha?”

“Sshhh!” ginesture pa ni TJ ang daliri na tumahimik daw siya. “”Wag ngang maingay.
Baka akalain nirerape ka na.”

Biglang nanlaki ang mga mata niya. “Bastos!” mahinang pasigaw na sabi niya tsaka
tinalikuran si TJ.

“Huy, may sasabihin nga ako,” pigil nito sa braso niya kaya napabalik siya.

“Dalian kasi.”

“Hindi talaga kami ni Ching.”

Napakunot agad ang noo niya. “Lul mo. Ano pala? Engaged? Nakatira sa iisang bahay,
live-in partner, gano’n?” Neknek lang nito. Sino’ng maniniwala sa sinabi nito? Hah.

“Totoo kasi. Hindi talaga kami. May mga bagay lang na hindi mo pwedeng malaman sa
ngayon.”

Nagtatakang tinignan niya si TJ. Mga bagay na hindi niya pwedeng malaman sa ngayon?
“Bukas? Pwede bukas, malaman ko na?”

“E, kung seryoso muna kasi’t ‘wag munang pilosopo, ano po?”

“E, kung hindi pala kasi kayo... ano nga? Bakit sa iisang bahay pa kayo nakatira
ngayon? Baka naman mag-asawa na kayo? Nagpakasal sa ibang bansa? Arranged marriage
kaya?” kung anu-ano’ng dahilan ang naiisip niya.

“E, bakit paranoid?”

Natigilan siyang bigla sa tila nanunuksong tanong ni TJ. Lalo pa nu’ng kurutin nito
ang pisngi niya.

“Text text na lang tayo, ha? Basta, hindi talaga kami. ‘Wag nang paranoid, di ba?
Ikaw lang naman, e,” inilapit pa nito ang ulo niya tsaka bigla-bigla na lang
hinalikan ang noo niya. Nagulat siya kaya biglang itinulak niya si TJ at hindi
makapaniwalang tumingin siya rito. What was that for? “Goodnight,” lalo siyang
hindi makapaniwala nang kindatan pa siya nito. What the...

Tumalikod na si TJ at lumabas habang siya, naiwang tulala. Nagulat pa siya nang


hindi pa pala nakakabalik sa sariling veranda, dumungaw si TJ sa pinto niya. “Hoy,
sige na. Binibigyan na kita ng permisong mapanaginipan ako. ‘Wag lang abuso, ha?”
Agad na nanlaki na naman ang mga mata niya. “Goodnight, Arianna!” tsaka ngingiti-
ngiting umalis na talaga si TJ.
Sa sobrang gulat at hindi lubos na makapaniwala sa kayabangan ng lalaking ‘yon,
sinara niya agad ang pinto ng veranda niya.

Kung ilang beses na napakurap-kurap pa siya. Inilapat niya ang palad sa tapat ng
puso niya at sobrang hindi siya makapaniwala sa bilis ng tibok nito. Kalma, puso.
Kalma.

Ano ‘to? Ano ‘tong weird na pakiramdam na lagi niyang nararamdaman sa tuwing gano’n
ang pakikitungo ni TJ sa kanya? Na ang malala pa, kay TJ niya lang talaga
nararamdaman.

Shit. What the hell is happening to me?

— — —

=================

17. Bea.

17. BEA.

“HOY, TJ. Bakit ba kanina ka pa ngingiti-ngiti d’yan, ha? Ganda ata ng gising mo
ngayon?” puna ni Joice kay TJ habang kumakain sila ng agahan kasama ang mga
magulang ni TJ.

“Oo nga naman, anak. Bakit parang ang saya mo yata ngayon?” maintriga ring tanong
ng mama ni TJ sa kanya.

“Wala, Ma,” hindi pa rin maitago ang ngiting sagot ni TJ.


“Uhh, Joice, iha... Tumawag na ba ang Mommy mo? Hindi ko pa kasi siya nakausap ulit
kahapon. Pumayag na bang dito ka muna tumira?” tanong naman ng papa niya kay Joice.

“Syempre naman, Tito, napapayag ko na si Mommy na dito muna ako titira. Pumayag na
rin kasi si daddy. At least, magkasama na kami ni TJ, di ba po?” natutuwang sagot
naman ni Joice.

TJ patted Joice’s head. Sweet talaga nito sa kanya.

“Talagang nagiging possessive ka na kay TJ, ha?” biro pa ng mama niya kay Joice.

“Hehe. Syempre naman po, Tita!”

Ginulo-gulo niya ang buhok ni Joice. Gustong gusto niya kasi kung pa’no ‘to maging
possessive sa kanya. Mahal na mahal talaga siya nito at syempre, gano’n din siya
rito.

“Ma, Pa... una na kami ni Ching,” paalam niya sa mga magulang tsaka siya tumayo.
“Hoy, Ching, tayo na d’yan. Kaya ka tumataba, e.”

“Hoy...!”

Tatawa-tawang tinakbuhan ni TJ si Joice. Ayaw kasi nitong tinutuksong mataba, lalo


niya tuloy iniinis.

“TJ, ang sama mo!” habol nito sa kanya. Tumigil siya nang makarating siya sa gate
kaya naabutan siya nito. “Akala mo, ha! Hmp! Kainis ‘to!” hinampas pa siya nito sa
braso.

“Aray naman. Haha. Joke lang, e,” inilagan niya ang sunod na hampas nito.

Tumigil naman si Joice, humaba nga lang ang nguso. “Love mo pa rin naman ako kahit
mataba ako, di ba? Di ba, di ba?”

Natatawa na lang siya sa kakulitan at pagka-isip bata nito. “Opo, Ms. Kulit. I love
you kaya po nang sobra,” ginulo-gulo niya na lang ulit ang buhok nito. Gustong
gusto kasi talaga nito kapag sinasabi niyang mahal na mahal niya ‘to. Sweet talaga,
e.

“He-he,” bumungisngis pa si Joice. “Hoy!” Napakunot-noo siya nu’ng akala niyang


siya ang hinoy ni Joice pero lagpas sa kanya ang tingin nito. Sa likuran niya...
“Narinig mo, di ba? Love ako, sobra pa! Bleeh! Mwa-ha-ha!”
Napatingin agad siya sa likuran niya.

Ow, shit, he cursed. Si Yanna!

MAAGANG nagising si Yanna kahit ba napuyat siya. Isang himala. Maaga kasi siyang
makakapasok ngayon.

Paglabas niya ng bahay, nakita niya sina TJ at Joice na naghahabulan. Mukhang ang
saya-sayang nag-iinisan ng mga ‘to. Nagkatinginan pa nga sila ni Joice, e.

“Love mo pa rin naman ako kahit mataba ako, di ba? Di ba, di ba?”

Hindi niya maintindihan kung bakit nacurious siya sa isasagot ni TJ sa sinabing


iyon ni Joice. At lalong hindi niya maintindihan ang nangyayari sa sinagot ni TJ.
“Opo, Ms. Kulit. I love you kaya po nang sobra.”

Sobrang nalilito na talaga siya. Hindi niya na alam kung ano ang iisipin niya kay
TJ. Nang bigla naman siyang tawagin ni Joice. “Hoy! Narinig mo, di ba? Love ako,
sobra pa! Bleeh! Mwa-ha-ha!”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Napatingin siya kay TJ. Halatang nagulat pa
ito nang makita siya.

“Let’s go, TJ,” kumapit pa si Joice sa braso ni TJ habang ang lapad ng


pagkakangiti.

Si TJ naman, hindi maalis ang tingin sa kanya habang hinihila ni Joice papasok sa
loob ng kotse. Hanggang sa paandarin na ng driver ang kotse at tuluyan nang
nakaalis ang mga ito.

Siya naman, nalilitong napabuntong-hininga na lang. Ano ‘yon? Gano’n pala? Two-
timer talaga si TJ? Samantalang hindi siya halos makatulog sa kakaisip sa mga
pinagsasabi nito kagabi? Gago pala ‘yun, e. Letche... Bwiset, bwiset, bwiset!

Pagdating niya sa classroom nila, nakita agad ng mga mata niya ang couple at
nakapalibot pa sa mga ito ang barkada ni TJ maliban kay Jake na sa palagay niya’y
wala pa. Hindi niya na lang pinansin ang mga ito. Ayaw niyang maagang masira ang
araw niya. Oh, wait. Sira na nga pala, kanina pa. Ayaw niya na lang madagdagan pa.

Nakita niya naman si Julia na parang gulat na gulat pang makita siya.

“Hoy, babae. Tutunawin ako?” ngingiti-ngiting biro niya.

“Kaloka! Ang aga mo naman kasi, beh!” natutuwang lumapit si Julia sa kanya. Natawa
na lang siya. Sinasabi na nga ba’t isang himala ang pagiging maaga niya.

“Julieeeeeee! Juuuules! Juju ni Diego! Juliannaaaaaa!” isang bakla ang sumigaw mula
sa pintuan nila. Boses pa lang, alam na.

Natatawang nilingon nila ang hingal na hingal na si Ej.

“Umaygad! Yanyan isda you?! Jusmiyo, diosdado, isa po itong milagro!” nakatingalang
nagsign of the cross pa si Ej.

“Huy, gagu,” natawa tuloy siya. “Ano’ng emote ‘yan, ‘te? May pahingal-hingal effect
ka pa d’yan,” biro niya kay Ej.

“Hihi... Ay! Si Bea pala mga atiiii! Si Beabey!”

Jusmiyo, makasigaw.

“Bakit? E, wala pa, hindi pa dumarating si Bea, bading,” pagbibigay alam ni Julia.

“I know dahil nasa ibaba siya! Sumama kayo sa akin, dali! C’mon, vamonos! Let’s
goo!” lumapit pa si Ej sa kanilang dalawa ni Julia at parehong hinila sila.
Nalilito man, sumunod na lang sila ni Julia.

“Ano ba kasi’ng meron kay Bea? Ha?” takang tanong ni Julia. “May away—Wait. ‘Wag
mo’ng sabihing may away nga?”

“Uhh...”

“Ano, bakla? May away nga??” napabulalas na si Julia.

“Ay, kaloka po, madam! Sabi mo ‘wag kong sabihin? Kaloka... hibang konti?”

Ibig sabihin may away nga? Hindi na niya pinansin sina Ej at Julia. Kumaripas na
siya ng takbo.
“’Te!” tawag ni Ej sa kanya. “Sa’n punta, ‘te?”

Shit. Napahinto siya. Saan nga ba siya pupunta? Nilingon niya ang dalawa. “Nasa’n
ba sila??” pasigaw na tanong niya.

Itinuro ni Ej ang kabilang direksyon. “Old gate, ‘te. Excited kasi! Haha!”

Tumakbo na siya papuntang old gate, gano’n din sina Ej at Julia.

Pero pagdating nila.... “Bading ka... Nasa’n ang away? Gusto mo na bang maging
lalaki, ha?” nanggigigil na tanong niya kay Ej. Pa’no, wala naman talagang away! Si
Bea lang ‘yon na may kasamang lalaking.... taga-kabilang school.

“Ah, e... kanina kasi.... Si Papa Jake kasi kanina, bakla! Nasaan na ‘yung si Papa
Jakey?” lumingon-lingon pa si Ej sa paligid.

“Ayun, o,” turo ni Julia sa pinanggalingan nila. Nang lingunin nila, si Jake nga,
papuntang building nila.

“Kanina kasi ang itim ng aura ni Papa Jakey tsaka nu’ng lalaki na ‘yun,” turo ni Ej
sa kausap ni Bea. “Alam n’yo ba na... APAT. Apat ang boyfie ni Beabey ngayon, mga
bading!”

“Ano?!” parehong hindi makapaniwalang bulalas nila ni Julia. Nagulantang siya sa


sinabi ni Ej. Si Bea, player na ngayon?

“You’re kidding, Ej. No way. Hindi ganu’n si Bea!” bulyaw niya kay Ej.

“Yanyan, relax,” awat ni Julia sa kanya.

“Sira-ulo kasi ‘tong si Ej. Hindi ganu’n si Bea, ‘no. No way,” iiling-iling na
pagtatanggol niya kay Bea.

“Yes way, Yanyan. Yes way,” seryosong pahayag ni Ej. Seryosong seryoso itong bigla
tapos bigla na lang ding.... “Yes way, mga ati! Yes way! Hihi! Ang wawafu ng
fafabels ni Beabey! I’m sooo inggit! Omg, omg! Hihih—“

Pak!

“Aray, ‘te...” reklamo ni Ej sa kanya. Binatukan niya, e. Luka-luka talaga.

“Ano’ng nangyayari kay Bea? Bakit nagkakaganyan siya?” tanong ni Julia na


nakatingin sa kinaroroonan ng kaibigan nilang si Bea. “Hindi man lang natin alam na
may boyfriend pala siya. Apat pa.”

Napabuntong-hininga na lang siya habang nakatingin din sa direksyon ni Bea.


“Ewan... pero, feeling ko, may kinalaman kay Jake.”

Those two were really weird these past few days. Something happened. She could bet
on that.

— — —

=================

18. Headaches.

18. HEADACHES.

NAALIMPUNGATAN si Yanna sa matagal na pagtunog ng cellphone niya sa ilalim ng unan


niya. May kumakatok din sa pinto niya sa veranda. Malamang, parehong si TJ ang
salarin.

Asar na sinagot niya ang tawag pero hindi nagsalita.

“Nagising kita, ‘no? Haha.”

Aba’t tinawanan pa siya ng sira-ulo! “Thank you, ha?” sarkastikong sabi niya.

“Yep, that’s my surname!”

Talaga nga naman ang advantage ng apelyido ng loko. “Buset.”


“Sorry na. Haha. Labas ka.”

Like a boss talaga. “’Yoko.”

“Sige na... Labas ikaw, Budoy antay.”

“Budoy?” Na naman? Idol talaga ng loko si Budoy?

“Opo. Ako Budoy, ikaw abnoy.”

“Olol.”

“Haha. Labas na kasi!”

“Ayaw. Antok ako, ‘wag kulit Budoy.” Edi, sakyan ang trip ni TJ.

“*Yun, o... ‘Di bagay!”

“Tse.” Sabi niya nga, hindi bagay, e. Bakit ba kasi ginaya niya pa? Napagtawanan
tuloy siya.

“Haha. Labas na kasi! May ibibigay ako sa’yo,” pangungulit ni TJ.

Napakamot sa matang tumayo siya. Naghihikab na binuksan niya ang pinto. Pagdilat ng
mga mata niya, nakatakip ang isang daliri ni TJ sa ilong nito.

Sinamaan niya ng tingin si TJ. Akmang isasara niya na ulit ang pinto pero napigilan
siya nito.

“Biro lang, e... O,” inabutan siya nito ng isang balot na Happy. ‘Yung mani na
kulay brown?

Nagtatakang tinignan niya si TJ. “Ano’ng gagawin ko d’yan?”

“Hmm... Maipapayo kong itago ito sa mahiwagang baul. Tapos titigan mo ‘pag trip mo,
ha?”

Sinamaan niya nga ulit ng tingin. Pero bigla namang pinukpok ni TJ sa noo niya ang
Happy na hawak pa rin nito.
“Malamang kakainin. Pagkain, di ba? Sige, inumin mo.”

Lalong naningkit ang mga mata niya. Anak ng pilosopo... Pinipilosopo siya? “Lumayas
ka na nga!”

“O, ito naman! Gusto mo ikaw lang nambabara, ‘no? Sorry na, babe.”

“Babe?!”

“Ahe,” umarteng kunwari nadulas, napahawak sa bibig effect pa ang loko. “Na-
advance?”

Pero hindi nakatakas sa kanya ang pigil na ngiti nito. Sumulok ang itaas na labi
niya. “Ewan ko sa’yo.”

“Haha. Biro lang kasi. Eto na, o,” abot ulit nito sa Happy.

Tinanggap niya na lang. Pero pagkuha niya, bigla na lang siya nitong hinila. ‘Yun
pala para sumalampak lang sila sa sahig sa veranda niya. Wala naman kasi kahit na
ano’ng bagay sa veranda niya.

“Bakit ba gabing gabi na, nang-iistorbo ka pa?” tanong niya habang kinukusot-kusot
niya ang mga mata niya. Nasa kanang hita niya ang Happy na bigay nito.

“Gusto kong mag-explain.”

“Explain?” napalingon siya rito.

“Oo. Paliwanag sa tagalog.”

Agad na sumulok na naman ang itaas na labi niya. “E, kung sinasaksak ko sa bibig mo
‘tong Happy na ‘to?”

“Relax.”

“Tss!” inirapan niya na lang. Baradong barado siya, e.

Pero pinagpatuloy na ni TJ ang sinasabi. “Tungkol du’n sa kaninang umaga... ‘Yung


nakita’t narinig mo... Ano kasi....”

“Para kang sira. Oo, nakita’t narinig ko. Ano namang masama? E, magsyota kayo,”
sabi niya.
“Hindi mo kasi naiintindihan.”

“Pinapaintindi mo ba?”

Natameme si TJ. Wala naman kasing dapat intindihin. Malinaw na mahal nito at ni
Joice ang isa’t isa.

Nagbuntong-hininga siya. “Kung tina-try mong magtwo-time... Nako, TJ. Maawa ka kay
Joice. Mahal na mahal ka nu’ng tao pero niloloko mo lang?” Kahit ba bitch si Joice
pagdating sa kanya, naiintindihan niya. Girlfriend, e. Natural lang na magselos.

Napalingon si TJ sa kanya. “Narinig ko ‘yon.”

“Ang alin?” takang tanong niya.

“Two-time.”

Siya naman ang natigilan ngayon.

“’Yun ‘yun, o! Naaaks. Sinasagot mo na ‘ko? Tayo na ba, babe?”

Dapak! Bakit niya ba nasabi iyon? “T-tange! S-sabi ko... kung tina-try mo lang!
‘Wag ka nga! P-para sa’n ba ‘tong Happy na ‘to?” pag-iiba niya sa topic.

Luckily, pinalusot siya ni TJ. “Ah, iyan? Wala lang. ‘Pag nakikita kasi kita, Happy
na ‘ko.”

“WEH?” As if namang maniniwala siya. E, mas masaya nga ‘o tuwing si Joice ang
kasama, e. Lagi niya ‘tong nakikitang nakatawa kapag kasama ang barkada’t si Joice.
Sino’ng niloko nito?

“Edi, joke na lang! Tss! ‘De ‘wag kang maniwala... Mahilig kasi ako d’yan. Isang
karangalan para sa’yo na ikaw lang ang binigyan ko n’yan.”

Siningkitan niya nga ulit ng mga mata. Happy lang, karangalan na?

“Shinare ko lang naman. Masama na ba ‘yon?”

“Tss...” napayuko na lang siya. “Sabi ko nga hindi po, e.” Medyo naguilty naman daw
siya. “Surname,” mahinang sabi niya.

“Ano ‘yon?”
“Basta surname,” hindi pa rin tumitingin kay TJ na sagot niya.

“Ano ba’ng sinasabi mo?”

“Surname nga, di ba? SA-LA-MAT. I-i-spell ko pa ba? S, a, l, a, m, a, t. O, ano?


Masaya ka na ba? Happy ka na? Kasing happy ng Happy na ‘to?”

Nakita niyang nagpipigil ng tawa si TJ. Tumayo na tuloy siya at pumasok sa kwaro
niya. Kainis! Pinipilit pa, e, naintindihan naman! Pero bago niya isara ang pinto,
may sinabi muna siya kay TJ. “Hoy, panget, matulog ka na. ‘Wag kang eengot-engot sa
pagtalon, kung hindi—“

“Kung hindi, ano? ‘Pag nalaglag ako, ano’ng gagawin mo?” may himig ng panunuksong
tanong ni TJ habang tumatayo.

Ano nga ba? “Ano..... p-pagtatawanan kita! Hah! Kung ayaw na ayaw mong
pinagtatawanan ka, subukan mong malaglag, pagtatawanan talaga kita,” banta niya.

Nakita niya nang ngumiti si TJ. Pero ngiting.... malungkot. “Hindi ko lang
maintindihan, e... Simpleng salamat, hindi mo masabi ng diretso. Tapos ngayon...
simpleng ‘ingat ka’ lang naman, di ba?”

Natigilan siya sa seryosong sinabi ni TJ. Bakit nga ba hindi niya na lang
diretsuhin? Siguro kasi... nahihiya siya? Yeah, maybe. Tuloy parang may kung ano’ng
kumurot sa puso niya habang nakatingin sa malungkot na ngiti ni TJ.

“Sensya na sa abala... Matulog ka na ulit, ha? Bukas, ‘pag gising mo...... gising
ka na.”

Akala niya talaga mapapa-isip na naman siya nang husto sa huling sasabihin ni TJ,
e. Pero hanggang sa tumalon ito pabalik sa sariling veranda at hindi na siya
nilingong pumasok sa kwarto, nagpigil lang siya ng tawa.

Sira-ulo. Syempre nga naman, gising ako ‘pag nagising. Adik talaga nu’n! Hahaha!

Hanggang sa isara niya ang pinto, ngiting-ngiti pa rin siya sa kalokohan ni TJ.
THE next day...

“Bebe, una na ‘ko sa’yo, ha? Hinihintay na nila ‘ko,” nginuso ni Julia ang
direksyon ng nasa labas na sila Yen.

“Huh? E, kung sinasama n’yo kaya ako? Bakit mauuna pa kayo?” nagtatakang tanong
naman niya. Kailan pa siya hindi kasali sa lakad ng barkada?

“E, kasi... ‘Yun, o,” may nginuso na naman si Julia. Paglingon niya, si Kristoffer
pala, kumaway pa sa kanya.

“Baboo!” tsaka umalis si Julia at pinuntahan na ang apat na nasa labas. Apat, dahil
nga nadagdag na si Lexi.

“Mmkay,” sabi na lang niya sa sarili niya. Okay lang naman na kay Kristoffer na
muna siya sumabay. Libre pa. Gumana naman po ang pagkakuripot niya.

Lumabas na siya at pinuntahan si Kristoffer. “Sabay tayong magrecess?” bungad agad


ni Kristofer sa kanya.

“Sure!” nakangiting sabi niya.

“Moo?”

“Moo! Forevs! Libre mo? Thank you!” natatawang hinatak niya agad si Kristoffer
palakad. Hindi na talaga siya nahiyang magpalibre kay Kristoffer, e. Pa’no, ganito
naman din sila dati. Basta Moo, si Kristoffer ang taya.

Bumili sila ng Moo sa canteen. Isa kay Kristoffer, dalawa sa kanya. Ang tamang
definition ng buraot? Siya.

Nagkukwentuhan at nagkakatawanan sila ni Kristoffer habang naglalakad pabalik ng


building nila. Iba talaga ang saya niya kapag si Kristoffer ang kasama.

“Ayiieee! The Moo Monsters! Haha. Uy, bagaaay!” tukso agad ni Kiray sa kanila ni
Kristoffer nang makarating sila sa tapat ng room nila.

Sila naman ni Kristoffer, nangingiti na lang. Ewan niya ba. Hindi niya na
binibigyan ng malisya kapag si Kristoffer ang tinutukso sa kanya. Namiss niya kasi
talaga ‘to bilang bestfriend, e.

“Hoy, babae. Nagparaya pa man din ako, hindi naman pala kayo? Kainis ‘to,” nagpout
pa si Lexi.
Natawa siya. Parang wala si Kristoffer sa harap nila, ha. “Sira. Ano ba’ng sinasabi
mo d’yan? Sige, ayun, makipag-agawan ka sa girlfriend,” pabirong sagot niya kay
Lexi.

“Naman ‘to!” at nagpout na naman! Parang si Bea—

“Guys, nagtext na sa inyo si Bea? Bakit kaya absent ‘yun?” pag-iiba niya sa usapan
nang maalala niya si Bea. Normally kasi, nagtetext ito ‘yun ‘pag aabsent. Pero
ngayon, sila na nga ‘tong nagtetext, wala pang reply. Hindi niya tuloy mapigilang
mag-alala.

“Naku, bading, kanina pa rin namin ‘yan pinag-uusapan. Hindi rin nagrereply sa’min
ang madam. Ampness,” pagbibigay-alam ni Ej sa kanya.

Hindi na pwede ‘to. Nilabas na niya ang cellphone niya at tinawagan si Tita Felly—
ang mommy ni Bea.

“Hello, Tita? Si Bea po?” tanong agad niya kay Tita Felly nang sagutin nito ang
tawag niya.

“Anong si Bea? Pumasok siya, ha? Nakabihis na siya kanina bago ako umalis. Mukha
namang walang sakit kaya I’m sure na pumasok siya. Bakit, Yanna? Wala ba d’yan ang
anak ko?” nag-alalang tanong ni Tita Felly.

“A-ah... Opo, pumasok po. M-medyo nagkatampuhan po kasi kami. Narinig ko kanina,
sabi niya, uuwi na lang daw po siya. E, hindi ko pa po nakikita hanggang ngayon
kaya akala ko po umuwi talaga. P-pero baka po nagpapalamig lang sa clinic! Ganun
naman po si Bea, di ba? ‘Pag naiinis nagpapalamig? He he,” palusot niya kay Tita
Felly. Ang barkada, maging si Kristoffer, nagtataka ang mga tinging binigay sa
kanya.

“Ah... Akala ko naman wala d’yan. O, sige, Yanna, ha? Nasa work kasi ako.”

“Okay po. Bye po...”

Litong-litong tinapos na niya ang tawag. Ano’ng nangyayari kay Bea? Kanina kasi,
tumawag na rin siya sa bahay nito at ang sabi ng maid, pumasok nga raw si Bea. Now,
what was going on?

“Tana... okay ka lang?” tanong ni Kristoffer sa kanya.

“No...” Hindi siya okay. Kinakabahan siya.

“Bebe, ano ba’ng nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Yen sa kanya.


“I don’t know... Hindi ko alam,” iiling-iling na sagot niya.

Hindi niya talaga alam. Kaya nga kinakabahan siya. Wala kasi siyang alam.

Napatingin siya kay Julia at nagkaintindihan sila sa tingin lang. Sa tagal ng


pinagsamahan nilang tatlo nila Bea, kabisado na nila ang isa’t isa. Kaya sigurado
silang may iba nang nangyayari kay Bea.

Naramdaman niya na lang na inakbayan na siya ni Kristoffer at marahang tinapik-


tapik ang balikat niya na para bang naiintindihan nito ang pag-aalala’t takot niya.
She sighed.

BOOG!

Bigla na lang silang napalingon sa loob ng classroom nila nang makarinig sila ng
malakas na kalabog. At pagkita nila, sina TJ at Joice pala... parang nag-aaway.
Nagsisigawan kasi ang mga ito. At may isang upuan na nakatumba. Palagay niya, ‘yun
ang kaninang kumalabog.

Natural, lumapit si Julia. Class President, e. “Hey, tumigil nga kayong dalawa! Ano
ba’ng nangyayari sa inyo? Kung mag-aaway kayo, hindi ba pwedeng light lang?”

“Tigilan mo na kasi! Ayoko na nga, e!” bulyaw ni TJ kay Joice na parang hindi
narinig ang sinabi ni Julia.

“TJ, ‘wag na kasi...” pakiusap naman ni Joice.

Napakunot-noo siya. Kapag may LQ, kailangang may audience?

Bigla na lang hinila ni TJ si Joice papunta sa kinaroroonan nila. “Sabihin mo na sa


kanila.”

Nagtatakang nagkatinginan sila ni Kristoffer at ng barkada. Sa kanila? Ano’ng


sasabihin sa kanila?

“TJ naman kasi, e....” parang may pinipilit na kung ano si Joice kay TJ.

“Aw... Ano’ng drama ‘yan?” sarkastikong sabat niya sa dalawa. Pinagtitinginan na


kasi ng lahat, no ba namang pinag-aawayan ng mga ito’t broadcast kung broadcast pa
ang gusto? Nagtataka lang siya, e. Bakit sa harap nilang magkakabarkada? Bakit sa
harap niya?

“Sige na, Ching. Ayoko na talaga,” halatang nagtitimpi na lang si TJ.


“TJ, ‘wag na kasi. Naman, e!” ulit ni Joice.

“Ching...” pagtitimpi pa rin ni TJ.

“Naman kasi, TJ... Ayoko lang naman kasi na saktan ka ulit niya, e. TJ, please?
‘Wag na kasi—“

“JOICELLE CHING!” galit na sigaw ni TJ sa buong pangalan ni Joice kaya napahinto


sila. Maski sila, nagulat sa biglaang pagsigaw ni TJ.

Si Joice, nakita niyang parang maiiyak na. “’Wag na kasi...”

“JOICE!”

“OO NA!” Joice yelled back to TJ, paused for a second and before she walked out,
she looked at TJ with her gritted teeth. “Kuya!”

— — —

=================

19. Explanations.

19. EXPLANATIONS.

JOICE walked out and went to the Greenfield after shouting that one word in front
of everyone.

Inis na inis siya sa kuya niya. Yes. Kay TJ.


Gusto niya lang naman ‘tong protektahan laban kay Yanna. Ayaw niya na kasing
masaktan ulit ang kuya niya nang dahil na naman sa babaeng ‘yon.

Minsan na kasing nagulo ang buhay ng kuya niya dahil kay Yanna. Bigla na lang ‘tong
nawala na hindi man lang nagpapaalam sa kuya niya. Ang kuya niya namang may
pagkatanga, patay na patay kay Yanna. Ayun! Nu’ng iwan ni Yanna, laging
nababarkada, umiinom, nagka-cut ng klase at hindi pa makausap nang matino. Sobrang
awang-awa siya sa kuya niya noon. Maski siya kasi, hindi nito pinapansin nu’ng mga
panahon na ‘yon.

Imagine? Nang dahil lang sa isang babae, pati siya, binale-wala’t natiis ng kuya
niya. To think na minsan lang silang magkita dahil magkaiba sila ng tirahan.

Buti na nga lang, isang araw, nagbalik ulit ‘to sa normal. Ang kaso... naging
playboy naman. Madalas dahilan ng break-up ng mga couple. Puro pambababae na lang
ang alam.

Actually, napasyal lang naman talaga siya kila TJ, e. Namiss niya kasi ang kuya
niya at gusto niyang makasama muna ‘to bago bumalik ulit sa America. In fact,
papunta na talaga siya sa America in one week. Pero pinilit niya ang mommy’t daddy
niya na dumito muna siya’t makikitira na lang kila TJ. Na dito muna niya
ipagpapatuloy ang high school kahit one year lang tapos high school ulit siya sa
America. Pero ang totoo, dahil lang talaga noong nakita niya si Yanna kaya siya
nagpumilit magstay rito.

“Joice...” napalingon si Joice sa tumawag sa kanya. Ang dalawang kaibigan pala ni


Yanna.

“What?” angil niya sa mga ito.

“Hangtaray!” said the small one. She just rolled her eyes.

“Uhh... pwede bang magtanong?” said the beautiful one.

“Oh, guess what? You just did,” she sarcastically said.

“”Wag ngang bitch, pwede? Lalo na sa’kin, ‘te. May itatanong lang kami sa’yo,” sabi
nu’ng maliit. Hindi niya na lang pinansin ang mga ‘to at sa iba tinuon ang tingin.

“Ako nga pala si Yen, at siya naman si Kiray,” pakilala nu’ng maganda.

And so?

“Pwede bang malaman namin kung ano’ng ibig sabihin ng sinabi mo kanina? Magpinsan
ba kayo or magkapatid ni TJ? Naguguluhan kasi kami,” dagdag pa nito.
“I’m his sister. Half sister... Now, happy?” she said in a not so polite tone.

“Ahh... So, kung gano’n pala... bakit ka nagpanggap na girlfriend ni TJ?” tanong ng
nagngangalang Kiray.

Bakit ba ang usisera ng mga ‘to? Nagpanggap siya dahil matagal niya nang gawaing
magpanggap na girlfriend ng kuya niya sa iba. Mapili kasi siya sa gusto niyang
maging girlfriend ng kuya niya. Ayaw niya nang magkagano’n na naman ang kuya niya
katulad ng nangyari dahil kay Yanna. “Gusto n’yo talagang malaman? Simple lang.
Because of that stupid friend of yours.”

“Ano ba talaga’ng nagawa ni Yanna at gano’n na lang ang galit n’yo sa kanya? Ganyan
din kasi si TJ nu’ng umpisa, e,” mahinahong tanong pa rin ni Yen.

“Oo nga pala, hindi n’yo rin alam. At sinabi rin sa’kin ni TJ na parang wala raw
maalala si Yanna dahil todo tanggi. For all I know, she’s just pretending ‘cause
she’s a good one,” she smirked.

Alam niyang magaling magpretend si Yanna. Napaniwala nga nito na mahal nito ang
kuya niya, e. Pero iiwan lang din pala.

“Hoy. Mag-iingat ka nga sa pananalita mo. Hindi ganyan si Yanyan,” Kiray said back.

“Really? Hah. Sige nga? Tell me. Naaksidente ba siya para magka-amnesia?” hamon
niya sa mga ‘to. ‘Yun lang naman kasi ang tanging dahilan kung totoong wala ngang
naaalala si Yanna.

Nagkatinginan ang dalawa. “Aksidente? Uhh... sa pagkaka-alala ko...” Biglang


napapitik si Kiray. “Oo! Noong second year tayo! Yen, naaalala mo?”

What? ‘Wag sabihin ng mga ‘to na naaksidente nga talaga si Yanna?

“Car accident!” sabay na sabi ng dalawa.

Hah. Kaya naman pala. “That explains everything,” she said and then she left.

Naaksidente noong second year. Second year... kung kailan naloko si TJ nang mawala
‘to. Kaya naman pala biglang nawala at hindi na binalikan ang kapatid niya.
Aksidente...
“ANO namang explain-explain everything ang pinagsasabi nu’n?” nagtatakang tanong ni
Kiray kay Yen.

“Who knows?” hindi rin maintindihang sagot ni Yen.

“Ibig sabihin, nagka-amnesia si Yanyan nang dahil sa aksidenteng ‘yon? E, ni gasgas


nga, hindi naman nagasgasan ‘yun, di ba? Driver lang naman nila ang nasugatan
do’n,” nalilitong napaisip si Kiray.

“I know, right? Gulo naman ng buhay nila. Pero Kry, di ba may mga taong nakakalimot
sa nakaraan nila nang kahit wala namang aksidenteng nangyayari? Basta pinilit
nilang kalimutan, makakalimutan talaga nila. May ganu’n, di ba?” tanong ni Yen kay
Kiray.

“Ewan ko rin, e. Alam ko may ganu’n. Pero parang hindi naman kapani-paniwala.”

“’Sabagay. Hayaan na nga natin sila. Naloloka ako sa kanila.” Yen.

“Haha. Tama!” sang-ayon ni Kiray at nag-apir pa sila ni Yen.

HINDI pa rin maintindihan ni Yanna ang nangyari kanina. Magkapatid ba o magpinsan


sina TJ at Joice? Kasi kung magkapatid, hindi ba dapat na may iisa ang mga itong
magulang? Pero bakit tito at tita ang tawag ni Joice sa mga magulang ni TJ? Narinig
niya kasi minsan ‘yon, e. Ang gulo lang talaga. Hindi niya naman na naitanong dahil
nagbell na. Nalate nga rin si Joice, e.

“Yanna... Ano’ng balita kay Bea?” pukaw ni Jake sa pansin niya.

Nakasandal siya sa railings ng corridor nila. Hinihintay niya si Julia dahil


cleaners ang grupo nito. Hindi pa naman labasan ang section nila Yen kaya siya pa
lang mag-isa.

Oo nga pala. Saan niya ba hahagilapin si Bea?

“Hoy, Jake. Tapatin mo nga ako. May nangyari ba sa inyo ni Bea na hindi maganda? I
mean... nag-away ba kayo?” tanong niya kay Jake. Feeling niya kasi talaga, may
kinalaman si Jake kung bakit nagkakagano’n si Bea.

Huminga muna ito ng pagkalalim-lalim bago siya sinagot. “Oo... Nagkasagutan kami.”

Napatango siya. Sabi na nga ba. “Hindi ko na itatanong kung bakit,” sa mga ito na
lang ‘yon, ayaw niyang mangialam. Kapag may nanghingi na lang ng tulong tsaka na
lang siya makikialam. “Pero may balak ka bang makipag-ayos?” tanong niya kay Jake.

“Oo? Ewan... Basta, gusto ko nang bawiin ‘yung mga sinabi ko sa kanya. Alam ko
kasing nang dahil sa mga ‘yon, nasaktan ko siya. Tsaka, feeling ko.... gusto ko na
ata siya?” parang hindi siguradong sabi nito.

“Feeling ko rin, Jake. Tanga ka lang talaga. Kada may malapit lang na lalaki kay
Bea? Pansin ko ‘yun, e. Tanga ka lang talaga,” hindi siya nahiyang diretsuhin si
Jake. Sa iyon ang nararamdaman niya, e.

“Yabang... Nagsalita ang hindi. Prangka mo, ha,” nangingiti nang sabi ni Jake.
Awkward lang para sa kanya. “Basta, kapag may balita, text mo na lang ako, ha?”
dagdag pa nito.

“Sige, sige...” tinanguan niya ‘to pagkaraa’y nagpaalam na ‘to sa kanya.

“Tana!” napalingon naman siya sa tumawag sa kanyang si Kristoffer. Labasan na rin


pala ng section nito. Lumapit ito sa kanya. “Bakit mag-isa ka?”

“Kasi hindi dalawa?”

“Weh? Patawa!”

Parehong nagkatawanan na lang sila.

“Tan... gusto mong makarinig ng joke?” tanong ni Kristoffer sa kanya, out of the
blue.

“Hmm, sige,” tumango siya.

Nginitian muna siya ni Kristoffer bago magsalita. “Joke.”

Agad na nanulok ang itaas na labi niya sa sinabi nito. “Ah, gano’n, nagpapatawa?
Haha. Korni mo, Tin, umayos ka nga. Lokong ‘to. Haha.” Nagkatawanan na naman sila
ni Kristoffer. Ang babaw talaga ng kaligayahan niya kapag ito ang kasama. Loko, e.
KINAGABIHAN, hinintay niya na talaga na tumawag at kumatok si TJ. Ewan, nasasanay
na ata siya.

Tumunog na ang cellphone niya at tumatawag na nga si TJ pero hindi niya na ‘yon
sinagot. Sa halip, binuksan niya na ang pinto ng veranda niya.

“E, yabang? Hinihintay na talaga ‘ko?” tuksong bungad agad ni TJ sa kanya.

“Hoy, asa! Hindi pa lang kasi ako makatulog, ‘no. Tsaka, ang aga-aga pa, 8 pa lang
kaya,” naupo na lang siya sa karaniwang pwesto nila. Tumabi naman si TJ sa kanya.

Five minutes na tahimik lang sila. Uuwakin na nga ata sila, e. Pero sa wakas,
nagsalita rin ang kumag. “Yanna... Wala ka bang itatanong sa’kin?”

“Itatanong? Question sa english? Wala naman. Bakit? May gusto ka bang ipaalam
sa’kin?” Pero sa totoo lang, gusto niya nang itanong kung ano talaga nito si Joice.

“Tss... wala raw. Hindi mo gustong malaman kung ano ko talaga si Ching?”

Shoot. “Ahh... ano mo ba siya?” kunwaring hindi interesadong tanong niya.

“Kapatid,” tipid na sagot nito.

“Pa’no?” Kapatid? E, bakit tito’t tita ang tawag ni Joice sa mga magulang ni TJ?

“Ano lang... simula noong ipanganak kami, magkapatid na kami.”

That moment when his answers were indeed correct, yet you felt derided.

“Sira-ulo. Ayusin ang sagot kung ayaw matadyakan,” banta niya. Ngayon, alam na niya
ang feeling kapag sumasagot siya nang tama pero may halong kapilosopohan.

“Sweet naman. E, kung gawin nating kiss ‘yan?”

“E, ‘yung ulol?”


“Tss. ‘Wag ka ngang nagmumura. Kababaeng tao mo, kung makapagmura ka parang hobby
mo na lang.”

Kaya nga siya Bad Princess ng school nila, di ba? Kahit ba bwisit na bwisit siya sa
bansag sa kanya na ‘yon. Parang tanga, e.

“Kamusta naman ‘yung pagmumura mo? E, kalalaki mong tao,” balik niya. Totoo naman.
Mas pa sa kanyang magmura si TJ, ‘no. Porque ba lalaki, pwede nang magmura, pero
‘pag babae bawal? Ano’ng kalokohan ‘yon?

“Lalaki ako, natural lang sa’min ‘yun. E, ikaw, lalaki ka ba? Tibo ka ata, e.”

See? Ano’ng klaseng dahilan ‘yon? When in fact, mapababae o mapalalaki, hindi dapat
nagmumura. Well, screw that. There was so much more to life than to be a boring
persona.

“Halikan kita?”

“O, tara?”

Pak!

Hinampas niya nga. “Sira-ulo ka! Pinoprovoke mo lang ata ako, e.”

“’Yun nga, e! Nandu’n na, binasag mo pa. Pambihira... Buset!”

“Loko-loko ka pala, e!” Pak! Pak! Pak!

“Aray! O, tama na, OA na! Haha! Biro lang kasi! Try lang naman, e.”

Tinigilan niya na ang paghampas. “Kapal ng mukha nito. Ano ba? Sasabihin mo ba
‘yung about sa inyo ni Joice o sasabihin?”

“The latter,” sagot ni TJ. Napakapatawa talaga. Inirapan niya na lang.

“Eto na nga, o. Magpapaliwanag na...”

“Then, go.”

“Magkapatid kami sa ina,” pag-uumpisa nito.

Napakunot ang noong tinignan niya ulit si TJ. Kung sa ina, bakit tita ang tawag ni
Joice sa mama ni TJ—kay Tita Mina?

“Stepmom ko lang si Mama. Ang totoong nanay ko—namin ni Ching, si Mommy Alessandra
na nasa America na kasama ang daddy ni Ching.”

Ooohh.... Napatangu-tango siya. So, stepmother lang pala ni TJ ang mama nito.
“Ganu’n pala... Pero bakit sa inyo nakatira ngayon si Joice? Pumayag ang mommy
n’yo? Ang daddy niya?” curious na tanong niya.

Naisip niya kasi, common na sa mag-asawang naghiwalay ang hindi magkasundo.

“Oo, pumayag si Mommy. Gusto kasi ni Ching na makasama ako kahit hanggang
graduation lang. Tsaka, para sakto rin ang pag-aaral ni Ching du’n, medyo bata kasi
edad niya kumpara sa mga kaklase niya.”

Napatango na lang ulit siya. “Pero bakit kayo nagpapanggap na magsyota? Kasi...
parang tanga lang. Bakit kailangan n’yo pang—“ naputol ang tanong niya nang tumunog
ang cellphone niya.

Si Jake, tumatawag.

“O, Jake?” napalingon pa si TJ sa kanya pero kinibitan niya lang ‘to ng mga
balikat.

“Yanna... dito sa Miba! Nandito si Bea. Pumunta ka, lasing na lasing siya.”

“Ano?! MIBA?! Lasing na lasing? Shit... Wait, pupunta na ‘ko.” Pumasok agad siya sa
loob ng kwarto niya pagkatapos nilang mag-usap ni Jake. Kumuha lang siya ng perang
pamasahe.

“Huy, sa’n ka pupunta? Gabi na, ha?” hindi niya namalayan na sinundan pala siya ni
TJ sa loob.

“Alam kong gabi na, TJ. Pero aalis talaga ako dahil aalis ako. Lasing si Bea!” iyon
lang at agad agad na siyang lumabas ng kwarto niya. Iniwan niya na ro’n si TJ dahil
sa pagmamadali niya.

Shit. Bakit naglasing si Bea? Isang beses pa lang nalasing si Bea. Noong pumanaw
lang ang daddy nito. Pero bakit ngayon? Damn, Jake! I wanna kill you for this!

Naglakad na siya palabas ng village nila nu’ng wala siyang makitang tricycle.
Hoping na sana, hindi pa dumating at hindi niya makasalubong ang mommy niya.

Beep-beep!
Lumingon siya sa sasakyang bumusina. Si TJ pala, nakasilip sa backseat. “Sakay na,
sasamahan na kita,” aya nito sa kanya.

Hindi niya alam, pero bigla na lang siyang natouch sa ginawang ‘yon ni TJ. At dahil
sa sobrang pag-aalala kay Bea, hindi na siya nag-inarte pa. Pumasok agad siya sa
sasakyan.

“Thank you,” sabi niya agad kay TJ pagpasok na pagpasok niya.

“To the rescue,” nginitian pa siya ni TJ tsaka nito binalingan ang driver. “Kuya
Teng, sa Miba tayo. May susunduin lang kami.”

Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang siya na ang magpaandar sa sasakyan kahit
hindi niya alam kung pa’no. Bea, ano ba kasi’ng nangyayari sa’yo?

Nagulat na lang siya nang biglang hinawakan ni TJ ang nanlalamig niyang kamay.
“Relax...” he said and then he smiled.

His smile... made her calm down.

— — —

=================

20. Something weird.

20. SOMETHING WEIRD.


PUMUNTA si Jake sa Miba—isang maliit at sikretong bar kung saan nakakalusot ang mga
underage. Nababatdrip siya. Gusto niya ng alak.

Hindi niya kasi maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya. Kapag nand’yan si
Bea, naiirita siya. Pero kapag wala naman, hinahanap niya. Ang gulo niya. Siguro
nga... Siguro nga gusto niya na talaga si Bea.

Bumuntong-hiningang pumasok siya sa bar. Pero pagpasok na pagpasok niya, isang


babae agad ang nakaagaw ng pansin niya. Isang babae na nakikipagsayaw sa mga
kalalakihan at tila lasing na lasing na. At pagharap nito, agad ang pagtagis ng mga
bagang niya. Si Bea. Puta, ang gaslaw ng galaw!

He immediately stormed where Bea was and pulled her away from the enjoying f-ckers.

“Ano ba sa tingin mo’ng ginagawa mo, ha, Bea?! Nasisiraan ka na ba?!” bulyaw agad
niya kay Bea nang paupuin niya ito sa isang sofa.

Pero pinangunutan muna siya ni Bea ng noo na tila kinikilala pa kung sino siya.
“Jake? Jekmylabsss?” she giggled. “Ikaw pala ‘yan! Meheh. Misshh mo ‘ko, ‘no!
Meheheh,” pagkaraa’y napahiga ito sa sofa.

Naupo siya sa tabi nito at pinaupo ito sa pag-aalalang lalo itong mahihilo kung
hihiga ng gano’n. “Ano ba’ng nangyayari sa’yo? Ano ba’ng pinaggagagawa mo?” Dahil
ba sa akin kaya ka nagkakaganito?

“I hate you, Jake... I hate you,” she murmured, and that answered it.

Talaga palang dinibdib nito ang mga masasakit na sinabi niya. Talaga palang
siya....

Puro ‘I hate you’ lang ang sinasambit ni Bea. Pero napalingon siya rito nang mag-
iba ‘yon bigla.

“I love you...” she mumbled.

“A-anong... anong sabi mo?” Tama ba ang narinig niya?

Pero bakit pa nga ba siya nagtanong, e, wala nga sa sarili si Bea? He shook his
head. He better call Yanna.
NATAGPUAN nina Yanna’t TJ sina Jake at Bea sa isang table sa Miba.

Sa malayo pa lang, tanaw na niya ang kakulitan ni Bea at ang aburidong itsura naman
ni Jake. Nilapitan agad nila ang mga ito.

“Bea, tara na, uuwi na tayo,” inalalayan niya si Bea patayo nang makalapit siya
rito.

“Yanyanbeeeb? Ikaw pala! Hi-hik! Alam mo ba? Crush ka ni Jek!”

Jek? Haha. Sino si Jek?

“Sabi ko na nga ba! Dapat naging kagaya kita! Kasi.. ikaw gusto ni Jek, e,” patuloy
ni Bea.

“Ehem,” napalingon naman siya sa nasa likuran niyang si TJ. Natawa siya. Selos na
agad? Hanep ng tingin kay Jake, e. Natatawang siniko niya na lang si TJ at ibinalik
na kay Bea ang pansin. “Bea, uuwi na tayo, okay?”

“Huhuuu! Bakit kasi ganu’n? Cute naman ako, di ba? Huuu,” umiiyak na sabi nito pero
wala namang luha. Adik. Maya-maya, tumatawa na naman. Isang halimbawa ni Sisa.
Natawang napailing na lang siya.

Niyakap niya si Bea. Mahirap kayang ma-in love kahit hindi niya pa nararanasan.
Syempre, naririnig niya sa iba. Kaya nga parang ayaw niya, e. Kasi hindi pwedeng
walang sakit na mararamdaman. Katulad na lang ngayon ni Bea. Naaawa tuloy siya sa
kaibigan.

“Bea, be strong, okay?” she hugged her tight while tapping her on the shoulder.

“Yes, Mommy, I will...” tumango-tango naman si Bea’t suminghut-singhot pa.

Nanulok ang itaas na labi niya nang marinig niyang tumawa si TJ sa likuran niya.
Siniko niya nga ulit. ‘Nak ng magaling. Nanay na siya ngayon? Sabunutan niya si Bea
pagtino, e. Pero si Jake, napansin niyang walang kibo.

“Alam ko na. Jake, sa inyo muna makikitulog si Bea,” pahayag niya.

Gulat na napalingon si Jake sa kanya. Kung pwede lang sa kanila, bakit hindi? Ang
kaso, magkaibigan din ang mga nanay nila ni Bea kaya yari kapag sa kanila niya
inuwi si Bea.
“O, bakit? Ikaw naman ang dahilan kung bakit ‘to lasing, ha?” inunahan niya na ang
akmang reklamo ni Jake.

Napabuntong-hininga na lang si Jake. “Ge... Tutal, ako naman ang may kasalanan,”
tsaka ‘to tuloy-tuloy na umalis.

“Mokong na ‘yon... ‘Di man lang tumulong, e, siya naman talaga ang dahilan,”
reklamo niya habang inaayos si Bea.

“Hayaan mo na, nahihirapan din ‘yun,” sabi ni TJ sa kanya. Napabusangot na lang


siya. “Tara na nga... tulungan na kita d’yan,” alok nito tsaka inayos si Bea’t
pinasan.

“Waaa! Batman, is that youuu? Lezzfly na, koya!” bigla na lang naglikot si Bea na
parang lilipad kaya muntik nang ma-out of balance si TJ.

“’Nak ng...! Bea, ‘wag maharot, ihuhulog kita!” banta pa ni TJ sa lasing na si Bea.

Natawa na lang siya. “Batman, is that you? Haha!”

“Hoy. ‘Wag ka ngang tumawa d’yan. Kita mong ang bigat-bigat nito, makatawa ka
naman,” reklamo ni TJ sa kanya.

“O, tapos po? ‘Pag tumigil ako sa pagtawa, gagaan si Bea?”

Tinaasan lang siya ni TJ ng kilay dahil sa sinabi niya.

“Haha! Tara na nga po, koya!” tatawa-tawang aya niya na lang.

“Hep!” pigil nito sa kanya. “Tumabi ka lang sa’kin, engot,” kinuha pa nito ang
isang kamay niya at hinawakan ‘yon.

Siya, engot? “Hoy—“

“Sino ba’ng nagsabing lumabas ka nang nakasando’t shorts lang?”

Bigla siyang napatingin sa suot niya. Nahiya tuloy siya. Oo nga. Nakarating siya ng
bar ng nakagano’n lang.

“Oha? Binibigyan mo ‘ko ng damoves, ‘no?” Hindi niya alam pero imbis na kontrahin
niya ang sinabi ni TJ, feeling niya, namumula na siya. “Basta tumabi ka lang
sa’kin. May mga chumecheck-out sa’yo, o. Baka mapaaway ako,” seryosong sabi ni TJ.
Lumingon siya sa paligid at napalunok siya nang may makita nga siyang mga lalaking
nakatingin sa kanya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang mapahawak na lang din nang
mahigpit sa kamay ni TJ hanggang sa makalabas sila ng bar.

Pagdating nila sa bahay nila Jake, nagpatimpla agad si Jake ng kape sa kasambahay
nito. Habang si Bea naman, dinala ni TJ sa isang guest room.

Bigla-bigla na lang bumalikwas ng bangon si Bea. “Mommy, mommy, mom—“ pero biglang
nakatulog ulit.

Grabe, parang tanga lang, e. Natatawa na lang tuloy siya. Hanggang sa dumating ang
kape—ang yaya pala na may dalang kape, gising na naman ang makulit na si Bea.

“Bea, inumin mo muna ‘to, o,” tinapat niya sa bibig ni Bea ang tasa. Humigop naman
si Bea pero kaunti lang, bigla agad tinabig ang tasa kaya naman natapon sa kama ang
kape. Buti na lang nakaiwas siya.

“So hot! Eww!”

“Hot lang, na-eww na? Tampalin kita d’yan, e. Umayos ka nga,” inayos niya ulit si
Bea sa higaan. Sayang ang bedsheet, puting puti pa naman.

“E, kasi mahal ko siya, e...”

Napalingon siya sa mukha ni Bea. Kung anu-ano naman ang pinagsasasabi ng babaeng
‘to. Bigla tuloy may pumasok na kalokohan sa isip niya. Nilingon niya si Jake na
nakatayo lang katabi si TJ at pinapanood sila ni Bea.

“Sino ba’ng mahal mo, Bea?” ngingiti-ngiti tanong niya kay Bea.

“Secret, no clue! Baka malaman mo pang si Jake ‘yun! Hmp!”

Mapang-inis na nilingon niya si Jake. Nagkatawanan pa sila ni TJ nang makitang


namula si Jake.

“Bakit mo mahal si Jake? E, hindi ka naman niya mahal, di ba?”

“E, sino ka ba, ha! Hindi naman kita kilala, tanong tanong tanong ka pa!”

“Oha, binilangan ka,” natatawang singit ni TJ.


“Sira-ulo,” natatawang balik niya kay TJ pagkaraa’y binalingan ulit si Bea. “Bea,
mahal mo talaga si Jake?”

“Kulit-kulit mo, ha! Ano ba’ng pakialam mo kung mahal ko siya? Siya nga walang
pakialam, e!” nakita niya pa ang sakit sa mga mata ni Bea bago ito nahiga’t
tinalikuran sila.

Nilingon niya ulit si Jake. “Boom,” she teased. Dumiretso na siya ng tayo.

“Hoy. Alam mo na kapag naglasing ako,” biglang singit na naman ni TJ tapos


inakbayan pa siya.

Kapag naglasing ‘to? Natameme siya. Ang alam niya, si Jake ang iniinis niya, ha!

“Tse! T-teka nga, magpapaalam na ako kay mommy na dito ako matutulog,” akmang
tatanggalin niya na ang braso ni TJ sa balikat niya pero biglang tinulak-tulak na
siya nito palabas ng kwarto.

“Ge, p’re. Ikaw na’ng bahala kay Bea. Iuuwi ko na ‘tong syota—este, kapit-bahay
ko,” nag-salute pa si TJ kay Jake habang tinutulak-tulak pa rin siya.

Syota?! “H-hoy! A-ano kamo? Tsaka, ano ka ba? Bakit natin sila iiwanan dito?”
reklamo niya kay TJ.

“Hayaan mo na silang makapag-usap,” sabi ni TJ sa kanya.

“Usap? Nakita mo ba kung ga’no katino kong nakausap si Bea?”

“Wow, wala nang bukas?”

“TJ naman, e! Kahit ba! Lalaki’t babae sila—“

“At kaibigan natin si Jake. Tingin mo gagawin niya ‘yang iniisip mo?”

Natameme na naman siya. Ano nga ba’ng iniisip niya? “E, pero... pa’no kung hanapin
siya ng mommy niya?”

“Kaya nga tatawagan mo ang mommy niya, di ba? Tatawagan mo rin naman kahit dito ka
matutulog. Pero pagbigyan mo nang makapag-usap ‘yung dalawa.”

Napaisip siya. Wala naman sigurong gagawing masama si Jake kay Bea, di ba? Oo
nga... Alam niya namang mabait si Jake.
Hanggang sa makababa sila, inakbayan na naman siya ni TJ. Akmang bubulyawan niya na
sana pero nang lingunin niya si TJ at makitang nakangiti, hindi niya maintindihan
kung bakit natigilan na lang siya. Nagbawi na lang siya ng tingin at hindi na
nakapagreklamo pa.

Weird. Something’s weird. The feeling was..... really weird.

— — —

=================

21. Weirdo.

21. WEIRDO.

“YANNA!” tawag kay Yanna ni TJ pagkalabas niya sa gate ng bahay nila. Kasama nito
si Joice at pasakay na ang mga ito sa kotse. “Sabay ka na sa’min,” aya pa ni TJ.

Siya, sasabay? Seryoso? E, kung nakakamatay nga ang tingin ni Joice, malamang
pinaglalamayan na siya ngayon, e.

She gave him an awkward smile. “Thank you na lang,” pagkasabi, tinalikuran niya na
ang mga ito at naglakad na paalis. Ang kotse kasi nila, mommy niya ang gumagamit.
Mas maaga ang pasok niya kumpara sa mommy niya kaya lang ayaw niya nang hinahatid
pa nito. Pwede naman kasi siyang mamasahe na lang.
“Sige, Ching, una ka na,” narinig niyang sabi ni TJ kay Joice. Tumulin tuloy bigla
ang paglalakad niya.

“Fine!” halatang may inis sa pagpayag ni Joice.

Talagang sasabayan siya ni TJ? Hindi na naman nga siya nakatulog kagabi sa kakaisip
sa mga kilos at salita nito, tapos sasabayan pa siya ngayon? Anak ng pancit luglog
naman po, o! Gusto ko na pong matulog mamayang gabi nang maayos!

“Huy!”

“Ay, bading,” napapitlag siya nang hindi niya namamalayang nakalapit na pala si TJ
sa kanya.

“Bading ‘tong mukhang ‘to? Gwapo gwapo,” pagmamayabang na naman ni TJ.

“Tse! Nanggugulat pa kasi, e. Tsaka, malay ko ba kung isa ka ro’n sa mga gwapong
tagilid pala. ‘Yung 50-50? Ayiie! Haha. Isa ka ro’n, ‘no? Uuuy—“

“Halikan kita d’yan, e.”

Natameme tuloy siya.

“Ehe? Namumula?” pang-aasar naman nitong TJ na ‘to.

“Tse! Dyan ka na nga!” binilisan niya ang paglalakad pero syempre, sinundan siya ni
TJ. Namula ba siya? Hindi naman, e! Natigilan lang siya, pero hindi namula! Hindi
talaga!

“Ito naman! ‘Di ko pagkakakalat!” pang-aasar pa ring habol nito.

“Tse! Buset!” Bwiset talaga! Nakaasar na naman ang mokong.

“YANYAN!!! Omigosh, omigosh! You wouldn’t believe it! Omg, I think it’s the end of
the world! As in, omigo—“

Pak!

“Aray naman, ha!”


“Good morning to you, too, Lex,” nakangiting bati niya kay Lexi.

“Ikaw, ha! Kinaibigan lang kita, binabatuk-batukan mo na ‘ko! Hmp!”

Pa’no’ng hindi niya babatukan? E, ang hyper na hindi niya maintindihan. Omigosh
nang omigosh. Goshgoshin niya mukha nito, e.

“Arte po. Sige, alis ka na sa barkada,” biro niya.

“Joke lang naman, friend!” natatawang kumapit pa si Lexi sa braso niya. See? Close
na sila.

“Ano ba’ng problema? Omigosh ka nang omigosh d’yan,” tanong niya.

“E, kasi naman... Iyon ooh,” sinundan niya ang inginusong direksyon ni Lexi.

Sina Bea at Jake pala ang tinutukoy nito. Mga nagkakatawanan at mukhang lovers in
the morning lang ang peg. Hindi na siya nagulat. Atat ba namang magkwento si Bea sa
kanya kaninang madaling araw pa lang. Masaya nga siya’t nagkaayos na ang mga ito,
e. Sa wakas.

Pero ang ikinagulat niya, hindi sina Bea at Jake. Kundi ang hindi kalayuan sa mga
itong sina Joice at Kristoffer.

“Ano’ng nangyayari ro’n?” tanong niya kay Lexi patukoy kina Kristoffer at Joice.
Mukha kasing nagtatalo ang dalawa.

“Malay ko sa kanila,” sagot naman ni Lexi.

“O, kamusta? Having fun?” dinaanan sila ni TJ. Kakaakyat lang kasi nito at nauna
siya. May kinausap pa kasi ata.

“Hoyoyoy! ‘Lika lang dito, saglit,” hinila niya si TJ sa kwelyo bago pa sila
malapampasan nito.

“’Nak ng! Mahal na mahal mo talaga ‘ko, ‘no?” sarkastikong sabi ni TJ sa kanya.

“Hehe... Sorry,” ngingiti-ngiting sabi niya na lang.


“TAPOS ngayon, ngingiti-ngiti ka? Bipolar ka talaga, ‘no?” nahimigan ni Lexi ang
inis sa tonong gamit ni TJ.

Si Yanna naman, nakita niyang bahagyang nakasingkit lang ang mga mata kay TJ at
blangko lang ang itsura.

“Ngayon naman, ganyan ang itsura mo? Weirdo mo,” dagdag pa ni TJ. Pero si Yanna,
nanatiling walang reaksyon at nakasingkit lang ang mga mata kay TJ. “Ano! Jusko
‘yang itsurang ‘yan!”

“E, sira-ulo ka pala, e! Kaninang naglalakad tayo, kung makalandi ka sa’kin, wagas!
Ngayon naman, daig mo pa babaeng may dalaw! Sino kaya’ng mas bipolar sa’tin ngayon?
Ha? Ha? Ha?!” nagulat pa si Lexi nang bigla na lang nagsisigaw si Yanna.

“E, sino ba’ng nanghihila sa kwelyo?! Pwede namang tawagin na lang, kailangan
talaga manghila?! Ikaw kaya hilahin ko?!” ganting bulyaw ni TJ kay Yanna.

“Biro lang naman, e. Bakit mo sineseryoso?!” ganti ni Yanna.

“E, nasakal ako, tatawa pa ‘ko?! Buset!” TJ.

“OA mo naman! Buset ka rin!” Yanna.

And she was like.... kroo kroo. Awkward. Like, seriously? Lexi here, guys!

“Anyare d’yan, ‘te?” bigla na lang may sumulpot na pandak sa likuran niya kaya
nawala ang atensyon niya kina TJ at Yanna. Si Kiray pala.

“Ewan ko, baks. Gulo nila, LQ ata. Tapos, tignan mo ‘yun,” turo niya sa apat na
tinuro niya rin kanina kay Yanna.

Nagulat lang talaga siya. Si Jake at Bea na madalas magbangayan, ngayon,


nagsusweet-sweet-an na? At sina Kristoffer at Joice naman na hindi naman talaga
magkakilala, ngayon, nagbabangayan? Sino’ng hindi maku-curious do’n?

“Anyanyare?” hindi rin makapaniwalang tanong ni Kiray.

“O, di ba? Hay, nako. Tara nga, Kiray, mag-ice cream tayo,” aya niya na lang kay
Kiray.
“Oy, icecream? Tara nga, sama ‘ko! Kailangan ko ng malamig, bwiset!” bigla na lang
silang ginulantang ni Yanna.

“Lumulon ka ng ref, buset!” at bigla na lang ding umalis si TJ.

“Hindi ko hinihingi ang opinion mo! Mas buset ka!!!” pahabol pa ni Yanna kahit
nakalayo na si TJ.

Nagkatinginan si Lexi at Kiray. Ibang klase talagang magbangayan ang dalawang ‘yon.
She was just all wow every time.

“Tara nga! Ice cream!” kumapit pa si Yanna sa tig-isang braso nila ni Kiray.

“Ice cream talaga agad? Umaga ngayon, mga bading!” hindi makapaniwalang sabi ni
Kiray.

“Wow, kailangang isigaw? Mamaya nga, tanghali na, e. Sisigaw mo pa rin, ‘te?”
pambabara naman ni Yanna.

“Hangsunget!” Kiray.

“Haha. Tara, ice cream!” bigla namang tumawa si Yanna at hinatak na sila palakad.

Habang bumababa sila ng hagdan, nagkatinginan pa si Lexi at Kiray. “Weirdo,” Lexi


mouthed to Kiray. Really, really, a weirdo.

Pagbaba nila, bigla na lang huminto si Yanna sa paglalakad.

“Hello po, mga ate,” isang babae na hindi nila kilala ang bumungad sa kanila.
“Pwede pong magtanong?” the lady asked.

Pareho silang napalingon ni Krystal kay Yanna. Kapag kasi ganyang may nagtatanong
ng obvious, expected na nila na babarahin ni Yanna ‘yon kahit hindi pa nito kilala.
Katulad ngayon, inasahan niya nang sasagutin ni Yanna ng ‘you just did’ ang babaeng
nasa harapan nila. Pero bakit parang gulat na gulat ata si Yanna? Kilala ba ni
Yanna ang babaeng ‘to?

“Tin-tin...” ang tanging nasambit ni Yanna.

— — —
=================

22. Who?

22. WHO?

NATULALA si Yanna sa nakita niyang nasa harapan niya.

Siya ‘yun... ‘Yung babae sa picture.... siya.

Hindi siya pwedeng magkamali. Ang babaeng ‘yon ang na ipinakitang picture ni
Kristoffer sa kanya. Ano’ng ginagawa nito rito? Ilalayo ba nito si Kristoffer sa
kanya?

“Ate?” ulit ng babae habang sa kanya nakatingin.

“Ay, oo, nasa itaas siya. Gusto mo, samahan ka namin sa kanya?” si Kiray na ang
sumagot.

“Talaga? Uy, salamat, mga ate,” nakangiting pasasalamat naman ng babae.

“Kung gusto mong samahan ka namin, h’wag mo na kaming tawaging ate. Seriously, mas
mukha kang matanda sa’min,” sabat niya.

“Yanyan!” suway pareho ni Lexi at Kiray sa kanya.

“What?” angil niya sa mga kaibigan. Umiiral na naman ang katarayan niya. Ano ba
kasi’ng ginagawa nito rito?
“S-sorry...” sambit ng babae.

Inikot niya na lang ang mga mata niya at naglakad na pabalik sa itaas. Sumunod
naman ang mga ito sa kanya.

PAPUNTA na si Kristoffer sa room nila nang pagliko niya sa pasilyo... Blag!

“Aw!” napaupo sa sahig ang nakabungguan niya. Hindi ata nakabalanse nang makabunggo
niya.

“Ay, aso?”

Nanlilisik ang mga matang nilingon siya ng babae. “Huh. You think that was funny?”

“O, Joice, ikaw pala. Hindi naman ako nagjojoke. Tara, tumayo ka na, masaya ba
d’yan?” inalalayan niyang tumayo si Joice pero pumiksi lang ito.

“Alam mo? Ang aga-aga, dinadagdagan mo ang init ng ulo ko,” inis na sabi nito sa
kanya.

“O, talaga? At least hindi ako ang dahilan ng pag-init n’yan, nadagdag lang. Di
ba?” ngingiti-ngiting sagot niya.

“Nakakabwisit ka! No wonder magkaibigan nga talaga kayo ni Yanna. Pareho kayong
nakakainis!”

“Si Tan-tan? Teka lang naman d’yan. ‘Wag mo namang dinadamay si Tana. Magdahan-
dahan lang sa pagsasalita, o,” banta niya kay Joice.

“Tan-tan? Is that an endearment or what? Oh, I don’t care, that’s just stupid.”

“And what’s so stupid about that? Look, I’m sorry for what happened. ‘Wag na lang
magsalita ng masama kay Yanna. Kuha?” may diing sabi niya rito.

“Ooohh.... So, galit ka na? Hah. Ano ba’ng meron d’yan sa Yanna na ‘yan at ganyan
na lang kayo kung pahalagahan siya, ha?”
“She’s just simply special.”

Yeah, indeed, she’s just simply special, sang-ayon ng isip niya. Pero teka! Sino’ng
kutong-lupa ang nagsalitang ‘yon?

“Ayan! Ayan na naman sa special na ‘yan! Lintik na special ‘yan, d’yan ka nasaktan
TJ, e!”

Kunot-noong tinignan niya si Joice. Ano ba’ng problema nito’t ganoon na lang ang
galit kay Yanna?

“O, mamaya n’yo na ‘ko pag-usapan, ha?” Napalingon silang tatlo sa nagsalita. Si
Yanna. “Tin... may naghahanap sa’yo.”

Nagtaka siya. Sino namang maghahanap sa kanya?

Maya-maya’y papalapit na sa kanila sina Kiray at Yen, at.... “Trish?” gulat na


bulalas niya.

“Kris!” masayang bati ni Trisha nang makita siya.

Ano’ng ginagawa nito rito? Bakit nandito ‘to?

“Trish... ano’ng ginagawa mo rito?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Ano ka ba? Syempre kung nasaan ka, nando’n din ako. Right, fiancé?”

Napatingin siya bigla kay Yanna na noon din ay nakatingin sa kanya pero agad na
nagbawi ng tingin.

Alam niyang nagulat ang mga nakarinig sa sinabi ni Trisha. Pero totoo. Fiancée...
No. Not yet. Pero ‘yun din ang bagsak, e. Pinipilit na kasi siya ng daddy niya sa
kasunduang ‘yon. Funny, right? High school pa lang, may fiancée na siya. Pero iyon
ang gusto ng mga magulang nila. And so does Tricia.

“Fiancé? Alam mo ba ‘to, Yanyan?” narinig niyang tanong ni Kiray kay Yanna.

Alam ni Yanna. Alam nito dahil pinaalam niya. Ayaw niya kasing maglihim dito. Alam
niyang sa huli, malalaman at malalaman din ni Yanna ‘yon.

Ang nakakasaksi namang si TJ, hindi mapigilang magselos sa nakikitang reaksyon ni


Yanna na tila nasasaktan sa nangyayari.
“Kris, hubby, hindi mo ba ‘ko ipapakilala sa kanila?” malambing na tanong ni Trisha
sa kanya na kumapit pa sa braso niya.

Hindi niya mapigilang tignan si Yanna. Nahihirapan siya sa sitwasyon nila. Alam
niyang hindi magtatagal, kailangan na naman niyang umalis. Pero mababago pa ‘yon.
Sa desisyon ni Yanna... pwedeng mabago ‘yon.

Bigla na lang umalis si Yanna at nagtuloy nang pumasok sa classroom nito. Sinundan
naman ito nina Kiray at Yen, maging sina Joice at TJ, umalis na rin.

“Hubby naman, bakit hindi mo ‘ko pinakilala sa kanila? Kainis ka,” nagtatampong
sabi ni Trisha sa kanya.

Tinanggal niya ang kapit nito sa braso niya. She was so childish. Hubby? Sa harap
ng ibang tao? “Trish, pwedeng mamaya na lang pag-uwi ko? Nasa school tayo, e.
Magbebell na rin,” sabi niya rito.

Trisha pouted. “Okay... Basta, nasa inyo lang ako, ha? Tito gave me a spare key of
your house, e. Hintayin na lang kita sa inyo, okay? Bye!” pagkaraa’y hinalikan pa
siya nito sa pisngi at nagtuloy nang umalis. Hinatid niya na lang ‘to ng tanaw.

ORAS na ng uwian, maagang pinalabas sila Yanna. Pumunta siya sa tapat ng room nila
Kristoffer at sadyang hinintay si Kristoffer.

“Tin!” tawag niya kay Kristoffer nang maglabasan na rin ang mga ito.

“Tan!” nakangiting lumapit si Kristoffer sa kanya. “Hinintay mo talaga ‘ko?”

“Hm-mm,” nakangiting tumango siya. “May pupuntahan ka ba? Tara, pasyal tayo?” aya
niya kay Kristoffer.

“Ah, e...” parang nag-iisip pang sambit ni Kristoffer nang bigla namang may dumaan
sa mismong gitna nilang dalawa.

“Dadaan ang gwapo,” at nagtuloy nga talagang dumaan si TJ sa gitna mismo nila.
Seryoso? ‘Yung totoo? Ang laki laki ng daan! To think na gilid na gilid pa sila ni
Kristoffer, tapos.... “Bwiset talaga ‘yon,” sabi niya. Kaninang umaga pa sila
nagkakabansan ni TJ, e.

“Uy, Tin, ano? Pasyal tayo?” baling niya ulit kay Kristoffer at piniling ‘wag na
lang pansinin ang nagpapansing si TJ.

“Ano kasi Tana, e.... Uhh.... Kailangan ko’ng umuwi nang maaga. Kasi...”

“’Yung fiancée mo? Tss, edi, umalis ka na nga! Sabi na nga ba’t walang kwenta
talaga ‘yang mga pangakong ‘yan. Alis na!”

Hindi alam ni Kristoffer kung ipag-aalala niya ba o ikakatuwa ang reaksyon ni


Yanna. Para kasing nagseselos kay Trisha, e. Akmang aalis na si Yanna nang pigilan
siya ni Kristoffer.

“Tan, nagseselos ka ba?” may himig ng panunuksong tanong nito sa kanya.

“Bakit naman ako magseselos? Tayo ba? Hindi naman, di ba? E, kayo? Fiancée mo siya,
di ba?”

Biglang naging seryoso ang mukha ni Kristoffer sa sinabing ‘yon ni Yanna. Napaisip
siya. Oo nga pala, hindi nga pala tayo.

“Yanna...”

Napatinging bigla si Yanna sa mukha ni Kristoffer. Bigla rin siyang kinabahan.


Minsan lang magseryoso si Kristoffer. ‘Yung tipong babanggitin nito ang totoong
pangalan niya at hindi niya mababasa ang ekspresyon nito sa mukha.

“Alam mong aalis ako, di ba? At alam mong mababago mo pa ‘yun, di ba? Isang araw...
Isang araw bago ako umalis, gusto kong malaman kung sino sa amin ni TJ ang pipiliin
mo. Promise... piliin mo lang ako, hindi kita iiwan. Pero kung si TJ ang piliin
mo.... tatanggapin ko.”

“T-tin....” hindi niya alam kung ano ang gusto niyang sabihin kay Kristoffer.
Nagulat siya sa sinabi nito. Kailangan niya talagang mamili?

Pero biglang ngumiti si Kristoffer. “Matagal pa naman ‘yun, e. Sisiguraduhin kong


ako ang pipiliin mo. Pero kung hindi man... masaya pa rin akong pinaglaban kita.”

Natulala siya sa mga pinagsasabi ni Kristoffer. Naguguluhan ang isip niya sa mga
sinabi nito. Hindi niya malaman kung ano’ng sasabihin niya.

“O, pa’no? Mag-uusap lang kami ni Trisha. ‘Wag nang magselos, ha?” Kristoffer
patted her head, then left her the next.

Naiwan siyang malalim na napaisip. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya... at
kung sino ang pipiliin niya.

Sa loob ng isang buwan? No. Sa loob ng tatlong linggo na lang.

Sa loob ng tatlong linggo.... sino ang pipiliin niya?

Si Kristoffer o si TJ?

— — —

=================

23. They call it jealousy.

23. THEY CALL IT JEALOUSY.

TUMUNOG ang cellphone ni Yanna at agad-agad niyang sinagot ang tawag. Kanina niya
pa hinihintay ang tawag ni Kristoffer. Linggo kasi, nagkayayaan silang magsimba.

“Hello, Tin? Sa’n ka na?” excited na bungad niya rito.

“Tss..” ang tanging sagot ng nasa kabilang linya.


Teka, hindi si Tin ‘to, agad na pumasok sa isip niya. Tinignan niya ang screen ng
cellphone niya at tama nga. Si TJ pala.

“O, TJ... I-ikaw pala,” medyo bumaba na ang boses niya. Nawala ang excitement dahil
akala niya naman kasi kanina si Kristoffer ‘yon.

“Tss... Disappointed?” nahimigan niya na naman ang irita sa boses ni TJ.

Hindi niya talaga maintindihan kung ano’ng meron sa kanila. Madalas silang
magkabangayan pero madalas ding nagkakatuwaan. “Hindi, ‘no. Ba’t ka napatawag?”

“Miss mo ‘ko, e.”

“Weh?” Heto na naman po ang kumag sa kayabangan niya.

“’De, joke. Miss kita.”

E, bakit bigla niya na lang nahigit ang hininga niya?

“H-hoy—“

“Mahal kita.”

Napalunok siya. Alam niya namang pinagtitripan lang siya ni TJ, e. ‘Yung out of the
blue na mga salitang ‘yon? Alam niyang pinagtitripan lang siya ni TJ. Pero bakit
natameme pa rin siya?

“Totoo pala ‘yung sabi nila, ‘no? Mahal kita... Hindi naman tanong, pero masakit
‘pag walang sagot. Haha. Tinry ko lang. Better luck next time.”

Hindi niya alam kung bakit nag-a-abnormal na naman ang tibok ng puso niya.
Bumibilis na naman, e. Mabilis na mabilis.

“Busy ka?” Doon lang siya natauhan nang ibahin ni TJ ang pinag-uusapan.

“A-ano...”

“Magsisimba?”

“O-oo.” Alam kasi nitong tuwing linggo talaga, nagsisimba siya. Kahit ba maraming
bad words ang lumalabas sa bibig niya, nagsisimba talaga siya, ‘no.
“Sino’ng kasama mo?” tanong ni TJ.

Pati kasama niya kailangang alamin? “Itay, ikaw ba ‘yan?”

“Ah, si Kristoffer. Ge, ingat. Panget mo.”

‘Yun lang at tinapos na nito ang tawag.

Hah. Hindi niya talaga alam kung maniniwala ba siya o ano sa lalaking ‘yon, e.
Mahal daw siya, pero ang pangit niya? ‘Yun ba ang tinatawag nilang love is blind?
Hindi naman ako pangit! Bwisit talaga ‘yun!

Asar na tinignan niya ulit ang phone niya nang may magtext naman.

[Tana, labas na!]

Napalitan ng ngiti ang inis sa mukha niya. Si Kristoffer pala! Lumabas agad siya ng
bahay at sinalubong si Kristoffer.

“Uy, gwapo,” bungad niya agad dito.

“Tawag mo ‘ko?”

Bigla na lang siyang napatingin sa itaas. Sa veranda ni TJ, ayun... ang kumag.
Inirapan niya nga.

“’De, Tin, ikaw talaga ‘yung gwapo,” baling niya ulit kay Kristoffer.

“Nako, nagkalokohan na po.”

Raratyadahan niya na dapat ng bulyaw si TJ sa kasasabat nito pero buti na lang at


nagsalita agad si Kristoffer. “Syempre, ganda ng date ko, e.”

Bigla tuloy siyang nahiya sa sinabi nito kaya napangiti na lang siya.

“Galing mang-uto, ha? P’re, pa’no ‘yan? Turuan mo ‘ko n’yan. Turu-turuan mo ‘ko
n’yan.”
“Hoy! Ikaw TJ—“

“Tan, let’s go?” Napigilan na naman ni Kristoffer ang akmang pagbulyaw niya ulit
kay TJ. Inis na inirapan niya na lang si TJ. Napaka-epal talaga kahit kailan!

“Tara na nga.”

Naglakad na sila ni Kristoffer palabas ng gate. Pero bago pa sila makalabas nang
tuluyan, tinawag ni TJ si Kristoffer. “Hoy, Kris!”

Pareho nilang nilingon ni Kristoffer si TJ. Ano na namang kailangan nito?

“Ingatan mo lang ‘yang babaeng ‘yan, ha. Engot ‘yan, e...”

Nakagat niya ang ibabang labi niya at automatic ang pagsama ng tingin niya kay TJ.

“.....tsaka pakakasalan ko pa ‘yan.”

Pero bigla na naman siyang natameme sa banat nito. ‘Yung tibok ng puso niya...

Iniwas niya agad ang tingin kay TJ at ibinalik kay Kristoffer.

Nakita niya pa nang ngumiti si Kristoffer kay TJ. “Sabi mo, e,” nakangiting sabi ni
Kristoffer tsaka siya nito inakbayan at inakay na palakad.

‘INGATAN mo.’—‘Sabi mo, e.’

‘Pakakasalan ko pa ‘yan.’—‘Sabi mo, e.’

Hindi siya makapagfocus sa misa. Nag-eecho lang sa isip niya ang mga pinagsasabi
kanina nina TJ at Kristoffer. Kahit ano’ng isip ang gawin niya, ibang meaning ang
pumapasok sa utak niya.

Na ibig bang sabihin ni Kristoffer sa sinagot nito, payag ito sa sinabi ni TJ? O
talagang iingatan lang siya? O dahil pinapaubaya na siya ni Kristoffer kay TJ?
Ang gulo! Hindi siya makapag-isip nang maayos.

“Huy...” marahang sinagi ni Kristoffer ang braso niya.

“H-huh?”

“Ama namin na,” nakangiting sabi nito at bigla na lang kinuha ang kamay niya.
Nahihiyang napangiti na lang siya. E, bakit kinikilig siya?

“Puto pao?” tanong ni Kristoffer sa kanya nang makalabas na sila ng simbahan. Tapos
na kasi ang misa.

“With lugaw!” nakangiting tugon niya. Nagpunta na sila sa madalas nilang kainan ng
barkada—sa Food Hauz. Actually, madalas na nilang kasamang kumain si Kristoffer
pati si TJ at ang barkada nito.

Nagkukwentuhan at nagkakatawanan lang sila ni Kristoffer habang kumakain hanggang


sa may biglang tumawag na lang sa kanila. “Uy, Kris! Yanna!”

Napalingon sila sa tumawag na ‘yon. Si Derick. Kasama si Neil, isang kaklase nilang
si Jason, at si TJ.

“Sa’n kayo galing?” tanong ni Jason sa kanila.

“Simba,” tipid na sagot niya.

“Kayo?” balik-tanong naman ni Kristoffer sa mga ‘to.

“Dota,” proud pang sagot ni TJ.

“Woot! Simba na nga tayo, mga ‘tol! Haha. Nakakahiya naman, inuna pa natin ang
dota,” natatawang sabi ni Neil.

Napaismid na lang siya. Heh. Mga lalaking ‘to.

Maya-maya pa, nakita niya sa gilid ng mga mata niya na iritadong inalis ni TJ ang
braso ni Derick na nakaakbay dito tsaka walang sabi-sabing umalis na lang bigla.

Ano’ng problema nu’n? Di na ata naubusan, ha? takang naisip niya.


“Oy, sa’n punta ‘yun?” tanong ni Neil kay Derick.

“Magsisimba raw. Haha! Tara,” tatawa-tawang sagot naman ni Derick.

“Loko! Haha. Tara nga, sundan natin!” aya ni Neil kay Derick at Jason.

“Una na kami,” paalam pa ni Jason sa kanila.

Magsisimba? Nagkibit-balikat na lang siya. Kunsabagay, may misa pa ulit ng gabi.


Hapon kasi sila nagsimba, e.

“’TOL, ‘wag mong sabihing nagseselos ka? Alam ko ‘yang mga ganyang tinginan, e,”
biglang umakbay si Derick kay TJ.

“Tss... Asa,” may inis na sagot ni TJ kay Derick.

Mahina namang tumawa si Derick. “Buti naman. Akala ko nagkakalimutan na,” bulong pa
nito tsaka tumawa na naman.

Pakyu, Derick. Hindi ko lang muntik makalimutan, nakalimutan ko na talaga.

Inis na tinabig niya ang braso ni Derick na nasa balikat niya at walang paalam na
basta na lang umalis. Tang-ina mo, Derick. Wala kang alam.

— — —

=================

24. Pusong lito.


24. PUSONG LITO.

“YAN, cleaners kayo, di ba? Hintayin ka na lang namin sa labas, ha?” sabi ni Julia
kay Yanna.

“Hurry up, giddy up, girl,” dagdag pa ni Bea.

Tinanguan niya na lang ang dalawa at nagsimula nang mag-ayos ng mga armchairs.
Hindi naman kasi talaga siya naglilinis, kunwari lang na tumutulong. Wala,
ginagalaw-galaw niya lang ang mga silya para kunwari inaayos niya. E, minsan,
sinasaliwa niya pa ‘pag natripan niya.

Naramdaman niyang nagba-vibrate ang cellphone niya. Matagal, kaya alam niyang tawag
‘yon. Kapag kasi nasa school, sine-set niya lang sa vibrate ang settings ng phone
niya.

Nang tignan niya kung sino ang tumatawag, unregistered number ang bumungad sa
kanya.

“Hello?” alanganing sinagot niya ang tawag.

“Uhm... Yanna?” said a girl’s voice.

“Sino ‘to?”

“Trisha.”

“Ohh...” Pa’no naman kaya nito nalaman ang number niya? At bakit naman ‘to
napatawag sa kanya?

“Uhh... Can we talk?”


“So, sign language ang tawag dito?”

“Err... I’m being nice here.”

“I’m never nice, dear.” Edi, siya na ang bitch. Narinig niya na lang ang
pagbuntong-hininga ni Trisha sa kabilang linya.

“It’s about Kris.. Can we meet?”

What about Tin? At dahil na-curious siya, pumayag na siya.

“Great! Kita tayo sa mall. I’m here na. I’ll wait for you na lang.”

“Kay,” she lazily agreed and then ended the call. Hindi niya gusto ang arte sa
pagsasalita nito. Sweet pakinggan para sa iba, pero hindi para sa kanya.

“Oy, si Yanna, o! Tatakas ka, Yan? Duga!” malakas na sabi ng classmate niyang si
Althea nang kunin niya ang bag niya at lalabas na ng room nila. Napatingin tuloy
ang mga kagrupo nila sa kanya.

Kuntodong taas ng kilay ang ibinigay niya sa mga ito. The ‘subukan-n’yong-
magsumbong’ look.

“Sige, Yanna, kaya na namin ‘to, ‘no. He he,” tatawa-tawang bawi agad ni Althea sa
kaninang sinabi. Nagtawanan ang mga kagrupo nila at siya naman, umismid na lang at
nagtuloy nang lumabas.

Naabutan niya ang barkada sa corridor malapit sa hagdanan. And when she said
‘barkada’, kasama na roon ang boys. Close na kasi sila. Kami? O, edi, sige, sila na
lang.

“Yan, sa’n punta?” tanong ni Lexi sa kanya na katabi si Derick with matching
holding hands pa. Couple na kasi ang dalawang ‘yon. Hindi niya alam kung paano,
pero basta, couple na ang mga ito.

“LBM. Una na ‘ko, huli na kayo. Baboo!” tuloy-tuloy niyang nilagpasan ang mga ito.

Hindi niya alam kung nagtawanan ang mga ito dahil kinagat ang palusot niya o ano,
pero hindi niya na lang pinansin. Narinig niya pa ngang tinawag siya ni Kristoffer,
e. Pero hindi niya rin pinansin. Sorry, Tin...
Sa Greenwich nakipagkita si Trisha sa kanya. Pagdating niya, may nakaserve nang
dalawang lasagna at carbonara and two iced teas. Sakto. Gutom na siya.

Naupo siya sa katapat na seat ni Trisha at lame na nginitian ito samantalang ang
tamis ng ngiti nito na para bang close sila.

“So, ano’ng tungkol kay Tin?” siya na ang naunang nagtanong.

“Who?”

“Ugh... Kristoffer.”

“Ahh... oo nga pala. Tin... Hmm... And you are his Tan, right?”

“Yeah... his,” ipinagdiinan niya talaga ang huli. Alam niyang naikukwento kasi siya
ni Kristoffer kay Trisha.

Tumango-tango na lang ulit si Trisha.

“Sa’kin ba ‘to?” tukoy niya sa mga pagkain. Pakapalan ba? E, sa gutom siya’t bigla
‘tong nag-aya, e.

“Yeah, yeah,” tugon agad nito.

At dahil sa kanya nga talaga, sinimulan niya na ang lasagna. Nakakalahati na nga
siya pero hindi pa rin nagsasalita ulit si Trisha. Pinapanuod lang siya nito.
Bahala nga ito. May sariling pagkain naman, ayaw kaninin. Mabusog sana sa pagtingin
sa kanya.

Susubo na ulit sana siya nang bigla na lang itong nagsalita. “Kristoffer.... let
him go.”

Napahinto siyang bigla. Ibinagsak niya ang tinidor na hawak at dumiretso ng upo.
“Uso?” pagtataray niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya.

“Look... I’m being nice, okay? Can’t you? You’re... creepy, you know?” parang
natatakot na sabi nito.

Mahinahon nga naman kasi ito’t may pasmile-smile pa, samantalang siya.... Bigla
niya ngang nginitian nang pagkatamis-tamis. Creepy raw ang itsura niya kanina, e.

“Err... Creepy pa rin.”


She glared at her. E, ano pala’ng gusto nitong gawin niya?

“Okay... ‘Yung sinabi mong i-let go ko si Tin... Bakit?” pagbabalik niya na lang sa
mismong punto.

“Kasi, I’m his fiancée?”

Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa isinagot nito. Kung nambabara ba ito o iyon
talaga ang rason.

“But not yet his wife,” kibit-balikat na sabi niya.

“Alam mo ba? Ang mom niya, nasa hospital pa rin ‘til now. While his dad naman,
galit sa kanya.”

Nagsalubong agad ang mga kilay niya sa sinabi ni Trisha.

Hospital? Ang mom ni Kristoffer, nasa ospital? At ang dad nito, galit? Bakit hindi
nabanggit ni Kristoffer sa kanya ‘yon?

“Of course, you don’t. Kung mismong si Kris nga, hindi alam, e,” and then she gave
her a faint smile.

Lalo siyang nalito. Kung totoo nga, bakit hindi alam ni Kristoffer ang nangyayari
sa sariling pamilya? “Pwede bang linawin mo ang mga sinasabi mo?”

Trisha sighed a deep one. “You see... Tumakas lang si Kris pabalik dito sa
Pilipinas. D’you know why?”

“’Cause he missed me so much...” Oo. Iyon talaga ang dahilan ni Kristoffer. Siya.

“Exactly.... Pero hindi niya alam na inatake sa puso si Tita Jane nang dahil sa
ginawa niya.”

Nanlaki ang mga mata niya.

“Muntik na siyang itakwil ni Tito Greg dahil sa nangyari. Siguro nga pulubi na
ngayon si Kris dahil sa galit ng dad niya, e. Pero dahil sa kagustuhan ni Tita
Jane, napilit niya si Tito Greg na hayaan na lang si Kris.”

Patuloy lang si Trisha sa pagpapaliwanag habang siya, hindi lubos na maisip na


ganoon na pala ang nangyayari sa pamilya ni Kristoffer dahil sa ginawa ng kababata.
“Ngayon, pinipilit na siya nila Tito na bumalik. Pero hindi pa rin nila sinasabi
ang kalagayan ni Tita. Ewan ko nga ba kung bakit ayaw ipaalam ni Tita, e. Sigurado
namang kapag nalaman ni Kris ‘yun, hindi na siya kailangang piliting umuwi. Pero
ngayon, kailangan na talaga niyang umuwi. Nalulugi na ang kompanya nila.”

“A-ano?” Nalulugi ang kompanya ng pamilya ni Kristoffer?

“You heard me right. Nalulugi na ang kompanya nila. At si Kris lang ang solusyon
doon.”

Lalong hindi siya makapaniwala. “Ano nama’ng alam ni Tin d’yan? Paano’ng siya ang
solusyon? Ang bata niya pa, ha!”

“Yanna... three years from now, he’ll be 20. Their company needs him.”

Hindi talaga siya makapaniwala. “Pero hindi pa siya handa! Ano’ng alam niya sa
pagpapatakbo ng isang kompanya? Tsaka... nand’yan naman si Tito Greg, ha?”

“He’ll learn. And about Tito Greg... Well, kahit siya, wala na ring magawa. Si Kris
na lang talaga ang makakapagsave sa company nila.”

“P-paano?” Litung-lito na siya. Dito na ba papasok ang pagiging engaged ng mga ito?

“He just needs to promise one thing.”

“And that is...”

“To marry me.”

Boom. Sabi niya na nga ba.

Ang sabi ni Kristoffer sa kanya, hindi pa naman daw talagang engage ang mga ito.
Hindi naman daw kasi pumapayag si Kristoffer sa kagustuhang iyon ng dad nito. Na si
Trisha lang ang tumatawag dito ng fiancé.

Ngayon... ang pagpapakasal lang ba kay Trisha ang tanging solusyon?

“I know what you’re thinking... Pwedeng tulungan ng parents ko ang company nila.
Only, sa kondisyong gusto ko. And that is for Kris to marry me. I know, bata pa
kami. Kaya nga may tinatawag na long engagement, di ba? He just needs to promise
that one thing and when the right time comes... tunu-nun! Wedding bells!”

Nahiya naman daw siya bigla sa akala mo anime na reaksyon nito sa huling sinabi.
“So, you are saying....” putol niya na sa pagde-daydream nito.

“Yeah, I want you to let him go. ‘Wag mo siyang piliin.”

Napakunot bigla ang noo niya. ‘Wag piliin? Paano’ng nalaman nito ang tungkol sa
pagpili niya? Sinabi ba ni Kristoffer?

“Yes. Nabanggit niya sa akin na kapag hindi mo lang siya pinili tsaka lang siya
aalis. Why would you think I’m here only to meet you, right? Though I have no idea
with that choosing between what or who... whatever. Basta, ‘wag mo na lang siyang
piliin.”

“Pa’no kung si Tin ang piliin ko?” She knew she was being selfish with that
question, but...

“Kung gano’n, wala na akong magagawa. Really, I’m here to help. Kapag pinigilan mo
siya, babagsak ang kompanya nila with Tita on her current state. It is really up to
you, Yanna. Hanggang dito na lang ang magagawa ko.”

Doon pa lang sa mga sinabi ni Trisha. Isang sagot lang ang nabuo sa isip niya.
Konsensyahin ba naman siya ng talaga namang kakonse-konsensya....

Alam niya kung ano ang dapat na piliin niya. Pero.... handa ba siya?

“Hey, kailangan ko nang umuwi. Baka hanapin na ako ni Kris, e. By the way, you
don’t need to think about it that much. You just need to let him go because that’s
the best for all. But yeah, it is all up to you, anyway... Bye, Yanna,” tumayo na
si Trisha at iniwan siya.

Naiwan siyang tulala’t malalim na napapaisip. Ayaw niyang iwan ulit siya ni
Kristoffer, pero ayaw niya ring bumagsak ang kompanya ng pamilya nito. Sino ba
nama’ng matino ang gugustuhin ‘yon para sa isang kaibigan? Pero.... ayaw niya ring
magpakasal si Kristoffer kay Trisha.

She sighed. Ano’ng gagawin ko?

NASA veranda siya at nagpapaantok. Nakaupo lang siya sa sahig at nakasandal sa


pader habang nakayuko. Iniisip niyang mabuti kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Syempre, kung nasa matinong pag-iisip siya, natural lang na hahayaan niyang umalis
si Kristoffer. Sino naman kasing engot ang magiging selfish sa gano’ng kalagayan ng
mom at kompanya nito, di ba? Pero dahil sa abnormal nga ata siya, hindi siya
makapagdecide nang maayos.

“Boo!”

Napapitlag siya nang biglang may tumalon sa harapan niya. She looked up and glared
at TJ. “Gok.”

“Acheche?”

Lalo niyang sinamaan ng tingin si TJ.

“Haha. Pangit mo naman? Ngumiti ka na nga, nandito na ‘ko, o.”

At dahil nasa harap niya ang loko, hindi niya alam kung bakit bigla na namang
bumilis ang tibok ng puso niya. Pero isinantabi niya ‘yon. Dahil sa nakaupo si TJ
sa harap niya mismo, hinawakan niya ang baba nito. “Obvious? Hindi naman picture
‘yang pagmumukhang ‘yan, di ba?”

“Weh? Si Ka Bara!” siningkitan siya ni TJ ng mga mata. “Pero akala mo picture, ‘no?
Mali ka ro’n. Gwapo lang talaga ang pagmumukhang hawak mo.”

Asar na tinanggal niya bigla ang hawak sa baba nito. Lalo niyang sinamaan ng tingin
si TJ. Talagang ang kayabangan nga naman, e.

“Haha. Seryoso kasi ‘yun! Pati, seryoso, ang pangit mo. Ngumiti ka nga! Sinabi nang
nandito na ‘ko, e. Ngiti na! Smiiiiile,” hinawakan pa nito ang magkabilang side ng
labi niya at pilit na finoform ng ngiti.

Tinapik niya ang mga kamay nito. “Tse! Baliw! Ano nama’ng kinalaman ng pagngiti ko
sa pag-exist mo, aber?”

“Ano’ng kinalaman? Hmm....” lumipat muna ‘to atnaupo sa tabi niya. “Kasi miss mo
‘ko kapag wala ako kaya malungkot ka. Aminin.”

“Hoy!—Hahaha,” natawa tuloy siya. Talagang may aminin sa huli? Hindi na nga
patanong, may aminin pa sa huli? Ibang klase talaga. “Kapal, ha. Asa ka. Ewan ko
nga sa’yo,” nagpipigil ng ngiting iningusan niya na lang ang loko.

“’Yan ang sinasabi ko. Kanina lang, daig mo pa ang bida sa Pasan Ko Ang Daigdig,
pero ngayong kasama mo na ‘ko, tinalo mo na sa lapad ng ngiti si McDo. E, ‘yung
namiss mo nga talaga ‘ko? Tara, pamisa tayo?”
Sobrang nagpipigil na siya ng tawa sa mga pinagsasabi ni TJ. “Sira-ulo! Tigilan mo
nga ako!” pero hindi niya na napigilan ang matawa. Tatawa-tawang binatukan niya pa
si TJ. Aba naman. Na-segue na nga ang Pasan Ko Ang Daigdig, naplug pa si McDo? At
talagang magpapamisa pa kapag namiss niya? Haha. Sira-ulo talaga.

“Oha! Kita mo? Kita mo ‘yang ngiti mo! Exclusive lang ‘pag kaharap ako!”

“Tse! Kapal ng mukha!” nagpipigil ng ngiting iningusan niya na lang ito at sumandal
na ulit sa pader.

Ngingiti-ngiting ginaya naman siya ni TJ pagkaraa’y bumulong sa tenga niya. “Saya


mo na, ‘no?”

Asar na bubulyawan niya na sana ulit si TJ, pero paglingon niya, sobrang lapit pala
ng mukha nito sa kanya.

Her heartbeat.... Her abnormal heartbeat....

— — —

=================

25. Pusong bigo.

25. PUSONG BIGO.


SA tambayan.....

“OMG! Really? As in? Kailangan mo na talagang mamili? Aalis si Kris? Waa! Ang hirap
namang mamili ng ila-lovelife mo, beh!” exage na reaksyon ni Bea matapos niyang
ikwento ang kailangan niyang pagpili, kung papayagan niya bang umalis si Kristoffer
o hindi. Or rather... kung si Kristoffer o si TJ.

Hindi niya na lang sinabi ang tungkol sa problemang kinakaharap ng pamilya ni


Kristoffer dahil alam niyang papayuhan agad siya ng mga ito na hayaan nang umalis
si Kristoffer. Unfair fight.

“Kaya nga ba ayaw kong magkalovelife, e,” mahinang sabi niya.

“Swerte mo nga, bebe, ‘no! First time magkalovelife, pinag-aagawan pa,” sabi naman
ni Julia sa kanya.

“Oo nga, girl!” sang-ayon ni Kiray pagkaraa’y binalingan si Ej. “Samantalang ako...
ako na nga ang sumusuyo, pahirapan pa!”

Napangiti siya. Ayaw pa kasing bumigay ni Ej, e.

“Hoy, Kryng-kryng! You shupi-shupi, ha! I don’t like you tingining to me!” binulas
pa ni Ej si Kiray pero lalo namang dumikit nang dumikit si Kiray kay Ej kaya ayun,
nag-duo na naman ang dalawa.

“Baliw-baliwan ka na naman, Ethan,” natatawang sabi ni Yen kay Ej tapos binalingan


siya. “Beh, ano? Sino’ng pipiliin mo?” tanong ni Yen sa kanya.

“Syempre, dapat kung sino ang mahal niya,” singit ni Lexi.

“Dapat talaga,” dagdag pa ni Bea.

“E, sino ba’ng mahal mo, beh?” tanong ulit ni Yen.

E, sino nga ba’ng mahal niya? Hindi niya rin alam, e. Nagkibit-balikat na lang
siya. “Kayo, guys? Sino sa tingin n’yo ang mahal ko?” Alam niyang ang eng-eng niya
sa pagtatanong ng gano’n dahil, syempre, puso ba ng mga ito ang puso niya para
malaman ng mga ‘to? Kung nababasa nga lang ang puso, e.

“Ako, kay TJ! TROYAN! TROYAN! TROYAN!”

Natawa naman daw siya sa biglang cheer ni Lexi.

“Okay ka lang, Lexi? Grabehan, kailangang isigaw?” Bigla ba namang sumigaw at may
kasama pang taas ng dalawang kamay, e.

“Hihi!” Kilig na kilig naman!

“Baklang ‘to! Kung makaaway ka dati kay bebe, daig pa niya ang kerida ni Puppy Tee!
Tapos ngayon, kung maka-TroYan ka, daig mo pa ang head admin ng fanpage nila?” Ej.

Lalo tuloy siyang natawa. Totoo. May fanpage sa facebook ang TroYan. Nakakatawa
kaya. Alam niya namang si Ej, o kung hindi man, paniguradong isa sa mga kaibigan
niya ang head admin ng fanpage na ‘yon, e. At baka nga ang mga ito lang ang admins
do’n. Babaliw kaya ng mga kaibigan niya.

“S-syempre! Gaga, binigay ko na nga si TJ sa kanya, tapos parang wala lang? S-


syempre, dapat si TJ na, ‘no.”

Sa kanya lang ba, o talagang nauutal si Lexi? Bakit naman kailangang mautal?

“Ah, basta! Tin-Tan ako! Tin-Tan for the win!” bigla namang pahayag ni Bea kaya
nawala na ang atensyon niya kay Lexi. “Pero kung si TJ ang piliin mo... okay na
rin. Sabi niya nga gwapo siya, sang-ayon naman ako sa kanya. Hihi!”

Nanulok agad ang itaas na labi ni Yanna. “Balimbing.”

“Hindi ako balimbing, ‘no. Supportive lang talaga ‘ko sa’yo. Haha!” Bea.

“Oo nga, beh. Kahit sino pa’ng piliin mo, susuportahan ka namin,” sabi ni Yen sa
kanya. “Payong kaibigan lang, ha? Piliin mo kung kanino active sa karerahan ang
dugdug ng puso mo.”

Maski si Yen natawa sa sariling payo sa kanya, e. Loko. Ano ba naman kasing payo
‘yun? Karerahan ng dugdug ng puso? Badoodels! Haha. Napailing na lang siya. Tapos
napaisip....

In other words, kung kanino bumibilis ang tibok ng puso niya?

Edi......
KASALUKUYANG nagdodota si TJ kasama ang barkada niya nang bigla na lang manggulat
si Derick. “Uy, uy, uy! Nagtext si Lexi my lab so sweet!”

“Replyan mo, betlog, walang interesado sa’yo,” sabi niya kay Derick habang hindi pa
rin maawat sa dota.

“E, betlog ka rin! Sabi mo ‘yan, ha? Ang sabi lang naman, e, nasa tamabayan na raw
sila ngayon at sasabihin na ni Yanna sa kanila kung sino ang pipiliin niya sa inyo
ni Kris.”

Doon siya biglang napabaling kay Derick.

“Namo, ibalik mo sa dota ‘yang tingin mo!”

E, wala, e. Naistorbo na siya, e.

“Lantod naman, ‘tol. Babae lang? Tara, ano’ng sabi ni nii mo?” friendly for a cause
na nilapitan niya si Derick, pinagkaartehan niya pa talaga pagkakasabi sa tawagan
nito at ni Lexi. Nii, short for honey raw. Ke lalantod, sarap upakan, e. Pero dahil
kay Lexi kaya laging updated sila.

“Nasabi ko na, uulitin ko pa?” Derick.

“Ina mo, ’yun lang pala, nag-inarte ka pa? Tara na nga!” tumayo na siya.

Makalipas kasi ang lagpas dalawang linggo, bukas na sasabihin ni Yanna kung sino sa
kanila ni Kristoffer ang pinili nito. Pero ngayon na pala ipapaalam sa barkada
nito? Buti na lang talaga may Lexi si Derick, e.

“O, tara, tara! Nang makita ko na ang aking irog,” sabi naman ni Neil na tumayo na
rin.

“Tara, miss ko na rin si Bea,” Jake.

‘Yan! ‘Yan ang tunay na mga lalaki. Nang dahil sa babae, hindi lang kaya, iiwan
talaga ang dota. Magkakaibigan nga sila.

“E, ano pa’ng ginagawa natin dito?” Derick.

“Nag-uusap ata,” sabat niya.

“Kaya bagay na bagay ka kay Yanna, e. Haha,” sabi ni Neil.


“Damhin mo ang aking apelyido, kaibigan. Lumalakas ang fighting spirit ko nang
dahil sa sinabi mo,” naghand-shake pa sila ni Neil.

“Kalokohan ‘nampotek! Tara na!” aya na ni Derick sa kanila.

Nagpunta na nga sila sa school. May mga nag-aayos sa school nila para sa Foundation
Day. One week kasi ang itatagal ng FD nila. Nandoon na nga sila Diego at Julia
kanina pa, e. Pati nga ata si Yen. Masisipag kasi talaga ‘yung mga ‘yun. Tapos
sumunod na rin ang barkada ni Yanna para tumulong. Sila lang talagang tatlo nila
Neil at Derick ang mga dakilang tamad. Hinatak lang nila si Jake, e. Impluwensiyang
tunay.

“DALI, sabihin na! Beh, pa-excite much!” narinig nilang sabi ni Kiray.

Kasalukuyang hindi sila magkanda-ugaga sa pagpwesto para marinig nang malinaw ang
usapan ng mga ito. Nagtatago lang sila sa likod ng pader na hindi naman kalayuan.
Kasama na rin nila si Diego ngayon.

“Huy.” Napalingon sila sa bagong dating. Si Kristoffer pala. “Ano’ng ginagawa n’yo
—“

Tinakpan agad ni Neil ang bibig ni Kristoffer tsaka hinila papunta sa pwesto nila
kaya naputol ang sinasabi nito.

“’Wag kang maingay. Mamimili na si Yanna sa inyong dalawa,” pabulong na sabi ni


Neil kay Kristoffer.

Tinanggal ni Kristoffer ang kamay ni Neil sa bibig nito. “Pwe! E, di ba, bukas pa
‘yon?”

“Oo nga. Kaso ngayon niya na sasabihin sa barkada niya,” si Diego ang sumagot.

“Makinig ka rin, tara!” aya ni Derick.

Tara raw, e, nandito na nga. Bobo.

“Ssshh!” saway naman bigla ni Jake sa mga kupal.

Naks. Parang mas excited pa si Jake sa kanya, ha?

Nakinig na ulit sila sa usapan ng mga babae sa hagdanan sa itaas.


“Ano.... Nalito lang pala ‘ko. Pero ngayon, sure na ‘ko,” boses ni Yanna ang
naririnig nila.

“Ano nga, beh? Pabitin ka naman, e!” boses naman ni Bea.

“Dali na, gurl! Hurry up, pastorrr!” boses ng bakla—ni Ej pala.

“Ganito kasi... Uhh...”

Sang-ayon nga siya sa reklamo ng mga kaibigan ni Yanna. Masyadong pa-suspense, ‘nak
ng.... Halikan niya kaya para makapagdecide agad?

“Yanna, enjoy na enjoy sa suspense! Dali na kasi!” reklamo na rin ni Lexi.

“Ganda talaga ng boses ng Lexi my lab so sweet ko,” Derick.

“Manahimik,” saway niya dahil katabi niya lang ang loko.

Ewan, pero kinakabahan siya. Siya kasi ang pipiliin, e. Pero nakakanerbyos din
pala.

“Si...”

Lalo siyang kinabahan nang magsalita ulit si Yanna.

Ayan na... Pipiliin na siya.

“Si Tin.... mahal ko siya.”

Basag.

Tilian ng mga babae ang sunod na narinig niya, habang sila ng barkada, napadiretso
na ng tayo.

Wala. Natulala lang siya. Napatingin siya kay Kristoffer... at selos ang agad na
naramdaman niya. Alangan namang kiligin siya para sa putangina, e, talo nga siya.

Shit. Talo? Puta... Talo... Talo ako.

“P’re,” pinigilan siya ni Derick sa balikat nang akmang aalis na siya.


Shit lang talaga, Derick. Shit lang. “Sino’ng nagpauso ng think positive na ‘yon?
Dalhin n’yo nga sa harap ko’t pepektusan ko! Tangina, ‘wag n’yo ‘kong subukang
sundan, ha,” banta niya sa mga ito pagkaraa’y tuloy tuloy na umalis na.

Ang sakit na naman pala. Akala niya kasi, siya na. Akala niya, sa mga kilos nila,
mas siya. Akala niya...... Oo nga, akala niya lang nga.

Kagaya kasi ng dati.... Tangina, ang sakit na naman. Sobra.

— — —

=================

26. Medyo nakakagago.

26. MEDYO NAKAKAGAGO.

NAPATAKIP ng tenga si Yanna nu’ng bigla bigla na lang magtilian ang mga kaibigan
niya. Nagtatalunan at nagsisisgawan pa na para bang nanalo siya sa isang contest.

“Kyaaa! Tin-Tan for the win! Woo!” tili ni Bea.

Napagtitinginan tuloy sila ng ibang estudyanteng nagdadaan. Natatawang napailing na


lang siya. Hindi pa nga siya tapos sa sasabihin niya, e.

“Omigosh, Yannibii! Masosolo ko na si Puppy Tee!” deklara ni Ej.

Batukan ko ‘tong baklang ‘to, e. Natawa na lang tuloy siya.


“Hala! Nii!”

Napalingon silang lahat kay Lexi. May bigla kasi ‘tong tinuro sa ibabang hagdanan
sa gilid ng pader. At doon, nakita nilang ngingiti-ngiti’t kakamot-kamot sa ulong
lumabas si Derick.

“Nii, you’re here na!” pero biglang natigilan si Lexi. “Tin-ti—I mean... Kris? Omg,
bakit ka nand’yan? Pati... pati kayong mga bruho kayo!”

Nagulat na lang si Yannaa nang sunod-sunod na maglabasan din ang barkada kasunod ni
Derick.

Phew! nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang wala naman pala ro’n si TJ.
Napatingin siya kay Kristoffer na paakyat ng hagdanan papunta sa kanya.
Nagkangitian silang dalawa. Yes. Mahal niya talaga ang lalaking ‘to.

Inakbayan siya ni Kristoffer paglapit na paglapit nito kaya ayun, nagkatuksuhan na.
Si Julia at Lexi nga hindi makapaniwala, e. Ang akala kasi nu’ng dalawa, may gusto
na rin daw siya kay TJ. Pero ang mga loka, mga kinikilig din naman sa kanila ni
Kristoffer ngayon!

Sa kasagsagan ng tilian at tuksuhan ng mga kaibigan nila, naramdaman niya na lang


ang paglapit ng mukha ni Kristoffer sa may tenga niya. “Hala ka... Narinig ni TJ.”

Nanlaki bigla ang mga mata niya.

Kung narinig ni TJ... ibig sabihin, nandito ito kanina? Pero bakit wala na ngayon?
Bigla namang parang gusto niyang batukan ang sarili niya. Syempre nga naman, di ba?
Kung ilang beses na sinabi sa kanya ni TJ na mahal siya at syempre, umasa ‘yun na
ito ang pipiliin niya, pero pagkatapos marinig na si Kristoffer ang mahal niya,
alangan namang maki-celebrate ito sa kanila? Natural, aalis agad ‘yon.

Nilingon niya na lang si Kristoffer at ngingiti-ngiting nagsalita. “Hamo siya...


Malaki na siya.”

KASALUKUYANG nasa bahay nila TJ si Derick at kinukulit-kulit si TJ ngayon.

“Basta sumama ka na lang!” hinila-hila niya pa si TJ. Ngayon na kasi ang alis ni
Kristoffer.

Hindi niya nga rin alam kung bakit pa aalis si Kristoffer samantalang ito ang
pinili ni Yanna. Hindi kasi sikreto sa kanilang mga boys na kapag si Kristoffer ang
pinili ni Yanna, hindi na ito aalis ng bansa. Noong nakaraang araw nila narinig ang
desisyon ni Yanna na si Kristoffer nga, pero lahat sila nagulat na lang nang
biglang magtext kagabi si Yanna sa kanilang lahat, pwera kay TJ sa pagkakaalam
niya. Tinext sila ni Yanna na ihatid nga raw nila si Kristoffer sa airport ngayon.
Baka ata mawala, e.

Basta nagkaisa na lang silang magbabarkada na ‘wag pumasok ng umaga para ihatid si
Kristoffer. Tutal, Foundation Day naman. Hindi niya nga alam na hindi rin pumasok
si TJ ngayon, e. Ano’ng malay nila, e, hindi naman nagrereply sa text nila? Broken-
hearted kasi ang loko. Mabuti na lang at nagtext si Joice sa kanila na nagagalit
nga raw ang adviser nilang si Mrs. Sta. Ana sa kanila dahil absent ang buong grupo
nila, kaya nalaman nilang hindi rin pumasok si TJ.

Si Kristoffer naman, ito pa ang nakiusap sa kanya na sunduin si TJ. Hindi niya
talaga maintindihan, e. Gugulo ng mga ‘yon.

“Umalis ka ngang, betlog ka. Pompyangin kita d’yan, e,” iritadong taboy ni TJ sa
kanya.

“Yabang! ‘De, ikaw na duguan ang puso! Buhusan ko ng asido ‘yan, makita mo,” asar
niya pa. Syempre, kaibigan siya, e. Kailangan damayan niya. “’Tol, importante kasi!
‘Wag ka ngang magpaka-zombie d’yan!” pinuwersa niya na si TJ patayo at itinulak-
tulak na. Kulang na nga lang buhatin niya papasok sa kotse, e.

“’Nak ng... ano ba, Derick!”

“Tungnuh, umbagan kita, umayos ka!” ganting bulyaw niya. Pabirong binatukan niya pa
si TJ.

“Anak ng...!”

“Tita, hiramin ko lang po itong anak n’yo! Pagbalik po nito, tao na ‘to,” ngiting
paalam niya sa mama ni TJ na natatawa na lang din sa nakitang ayos nila.

“Sa’n ba kasi tayo pupunta? Peste, babanatan kitang itlog ka, e,” reklamo agad ni
TJ nu’ng nasa loob na sila ng sasakyan.

Natatawang naiinis siya kay TJ, sa totoo lang. Galit na galit sa kanya, e.
Kasalanan ba niyang na-in love ‘to? E, hindi na nga siya tutol dito’t kay Yanna, e.

“Sa garden ni Mang Prokopyo, p’re. Manghihingi tayo ng halamang pwede mong kainin.
‘Yung naninira? Nauubusan ka na ata, e,” pang-aasar na sagot niya kay TJ.
“E, gago,” halatang asar na sambit nito pagkaraa’y sa labas itinuon ang pansin.

Napailing na lang siya. Nabroken-hearted lang, tinadtad na siya ng mura.

HINAYAAN na lang ni TJ na hilahin at isama siya ni Derick sa kung saan man ang
pupuntahan nito. Nasa airport sila ngayon at feeling niya, hindi niya alam kung
bakit. Malay ko sa gagong ‘to. Hambalusin ko pa ‘to, e.

“Guys, delivery po. ‘Wag n’yong kausapin, may regla ‘yan nu’ng Sabado pa.”

Sinamaan niya ng tingin si Derick nu’ng itulak ulit siya nito. At pag-angat niya ng
tingin sa harap niya... nandoon din pala ang buong barkada. Pero ang nakaagaw ng
pansin niya, si Kristoffer.... at si Yanna na.... mugto ang mga mata.

Shit.

“Buti nga, umabot pa kayo, e. Flight ko na.”

Nalilitong napatingin siya kay Kristoffer. Bakit may dala ‘tong luggage? Flight?
At... umiiyak si Yanna! Puta pala. Tuloy ang alis niya?!

Naikuyom niya ang mga palad niya. Gustong gusto niyang sugurin si Kristoffer sa mga
oras na ‘yon. E, gago pala siya, e! Matapos siyang piliin ni Yanna, paiiyakin lang
niya? Tang-ina!

“O, pa’no ba ‘yan, guys? Aalis na ‘ko...”

Tiim-bagang na tinignan niya si Kristoffer.

“Alagaan n’yo ‘tong batang ‘to, ha?” ginulo-gulo pa nito ang buhok ng katabing si
Yanna. Si Yanna naman, gustong gusto niya nang bulyawan. Nakuha pa’ng ngumiti, e,
halatang pilit naman!

At si Kristoffer... Hindi pa nakuntento ang gago. Naglakad pa palapit sa kanya.


Pigil na pigil siyang ‘wag ‘tong suntukin, sa totoo lang. Kung makangiti ba naman,
halatang nang-iinis pa! Kung hindi lang talaga sila nasa mataong lugar, binigwasan
niya na ‘to kanina pa.
Paglapit nito sa kanya, tinapik nito ang balikat niya pagkaraa’y may ibinulong sa
kanya, sapat para siya lang ang makarinig. “Alagaan mo ‘yang mahal ko. Ingatan mo,
‘wag mong paiiyakin. Dahil ‘pag nangyari ‘yon... siguradong babalik ako at aagawin
ko siya sa’yo.”

Kahit inis na inis, nalito pa rin siya sa pinagsasabi ni Kristoffer. Bugtong ba


‘yon? Palaisipan kaya? Ano’ng gusto nitong iparating? Na dahil aalis na ‘to,
ipinapaubaya na si Yanna sa kanya? Tapos pagbalik nito, kukunin na? E, ano pala si
Yanna? Laruan? At, ano pala siya? Reserba? Tang-ina niya.

Tiim-bagang at salubong ang kilay na tinignan niya si Kristoffer. May hindi tama,
e.

NAKAALIS na si Kristoffer pero hinintay muna nilang magtake-off ang eroplanong


sinasakyan nito bago sila umalis.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan ang kaninang pinagsasabi ni


Kristoffer sa kanya. At sa tuwing magtatama ang tingin nila ni Yanna, para ‘tong
naiilang at bigla na lang magbabawi ng tingin.

Sadyang nagpahuli siya ng paglalakad habang papunta sila sa parking lot. Wala
siyang kinakausap sa mga kasama niya.

“Guys!”

Napaangat ang ulo niya nang marinig na nagsalita si Yanna. Medyo malayo ang mga ‘to
sa kanya dahi sinadya niya nga. Ang iingay kasi at hindi siya makapag-isip nang
maayos.

Napahinto siya nang maghintuan din ang mga kaibigan niya. Pare-pareho lang silang
nakatingin kay Yanna. Bale siya, sa likod ni Yanna nakatingin.

Pero imbis na magsalita, tumalikod si Yanna sa barkada at humarap sa direksyon


niya. Napakunot na lang ang noo niya nang magsimula itong maglakad papunta sa
kanya.

Nakabusangot na naglakad papunta sa kanya si Yanna habang nasa likod ang dalawang
kamay.

Wala siyang kaide-ideya sa gustong gawin ni Yanna. Huminto pa talaga ‘to sa mismong
harap niya. At dahil mas matangkad siya rito, medyo tiningala pa siya nito.
“Alam mo..... ang pangit mo.”

Bahagyang napataas agad ang isang kilay niya. Nagsalita ang maganda. Kitang mugtong
mugto nga mga mata! Tangna kasi si Kris, e.

Lalo namang natawa si Yanna nang nagtiim-bagang lang siya. Ano ba talaga’ng
problema ng babaeng ‘to?

“Ngayon ko lang sasabihin ‘to kaya makinig kang mabuti, ha?” Humakbang ulit si
Yanna para mas lalong mapalapit sa kanya. Napalunok siya. Sobrang lapit na nito sa
kanya. And then the most beautiful lie happened right in front of him when she
smiled and tiptoed..... “I love you.”

— — —

=================

27. Happy.

27. HAPPY.

SIX days ago....................

“Happy...” nakaramdam si Yanna ng pagsundot sa bewang niya kaya napaigtad siya,


pero hindi pa rin siya tuminag. “Uy, happy...”

Nakayuko kasi siya sa armchair niya dahil inaantok siya. May biglaang faculty
meeting ang Music teacher nila kaya wala siyang magawa.

“H’wag kang maharot, inaantok ako,” saway niya kay TJ.

Oo, happy ang tawag ni TJ sa kanya. Nahilig na rin kasi siya sa mani na ‘yon. Ang
adik ba naman kasi ni TJ. Ang kuripot. Iyon lang tuloy ang kinukukot nila madalas.

Sa totoo lang, nakokornihan siya sa tawagan nila na ‘yon. Pero ewan ba niya, nahawa
na lang siya bigla. Isang araw, happy na rin ang tawag niya kay TJ. Pero hindi niya
t’o tinatawag na happy sa harap ni Kristoffer. Baka kasi kung ano ang isipin nu’n.
Pero sa totoo lang din, magulo pa rin sila ni TJ hanggang ngayon. Madalas, ang init
ng ulo nila sa isa’t isa. Minsan naman, para silang magbestfriend na hindi
maintindihan. Basta kapag mabait si TJ sa kanya, mabait talaga. Syempre, siya naman
si abusado. Ayun, umpisa na naman ng bangayan nila.

“Happy... May panget na humahanap sa’yo, magtago ka,” sinundot ulit ni TJ ang
bewang niya. Kinukulit na naman siya, e. Nakipagpalit pa talaga kay Jake ng pwesto.

“Tsk. Hayaan mo nga siya,” hindi interesadong sabi niya. Inaantok nga kasi talaga
siya.

“Okay, sabi mo, e,” sabi ni TJ. “Hoy! Panget! Layas daw!” biglang sigaw naman nito.

“Bebe, ang sama mo. Si Tin mo ‘yun, tinataboy mo?”

Napaangat agad ang ulo niya nang marinig ang sinabi ni Julia. Si Kristoffer pala!

“Tin! Wait!” tawag niya kay Kristoffer nang makita ‘to sa labas ng room nila at
paalis na.

Pero pinigilan siya ni TJ sa pala-pulsuhan niya. “Sabi mo hayaan mo na siya? Hamo


siya na!” tinaas-taasan pa siya ng kilay ng loko. ‘Yan na naman po ang style nito
ng pagpapa-cute. Pero mamaya na ang pagpapa-cute nito. Pinuntahan pa talaga siya ni
Kristoffer, e. Gigil na kinurot at hinila niya na lang ang magkabilang pisngi ni
TJ. Natawa pa siya bago umalis. Ang cute kasi, nag-‘aw’ pa. Haha. Ba’t ang gwapo
nu’n?

Nilabas niya na si Kristoffer at gusto lang pala nito na makahuntahan siya. Wala
nga kasi ang mga teachers nila kaya gagala-gala na naman ang mga pasaway. Alam niya
namang namiss lang siya ng bestfriend niyang isa pang gwapo.

Sa corridor sa tapat ng room nila sila naupo ni Kristoffer at doon sila


nagkwentuhan. Nang makita sila ng barkada, nagsunuran agad ang mga ito. Hindi lang
ang barkada, pati na rin ang ibang mga kaklase nila. Ang lakas talaga niyang
makaimpluwensiya.

Nagkwentuhan lang sila ni Kristoffer at nagkabiruan. Lagi namang gano’n. Walang


bago.

“Happy! Catch!”
Napalingon siya kay TJ na nakatayo hindi kalayuan sa kanila pagkaraa’y hinagisan
siya ng Happy na hawak nito. Nagbilihan pala sa canteen ang mga loko. Ang daming
hawak na Corn Bits ni Derick, samantalang prenteng prenteng nakasukbit naman sa
batok ni TJ ang hilera ng paborito nitong Happy. Natawa agad siya, e. Kitang kita
ang kakuriputan ni TJ pero dalang dala ng mukha ang kakuriputan! Buti na lang
talaga gwapo ‘yung lalaking ‘yun. Okay lang na kuripot basta gwapo, ano po? Haha.

“Happy tawag niya sa’yo?” biglang tanong ni Kristoffer sa kanya. Oo nga pala!
Tinawag siya ni TJ na happy sa harap nito!

“Ah, e.... O-oo. Baliw ‘yun, e,” naiilang na sagot niya. Si Kristoffer naman,
napatangu-tango na lang.

——

TWO days later...................

Nag-beep ang cellphone ni Yanna. Nagtext pala si TJ.

[Oy! Miss you :)]

‘Wag kang ngumiti, Yanna. ‘Wag kang kiligin. Damn, pero hindi niya mapigilan!

[Otot. Itulog mo pa yan] reply niya.

Natatawa siya, seryoso. Para talagang abnoy si TJ. Kani-kanina lang, nakatambay
sila sa veranda niya. Wala pa atang limang minutong nakauwi ito, miss na agad siya?
Lakas ng trip.

[Ayaw. Di pa antok]
[Antok na ko]

Inaantok na kasi talaga siya, nakahiga na nga siya sa kama niya, e. Gabing gabi na
kaya.

Nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya.

Incoming call

Happy

Baliw talaga. Tumatawag naman ngayon? Ano ba’ng pinakain niya rito’t miss na miss
siya? Ginayuma niya ba ‘to?

“Ow?” sinagot niya ang tawag nito.

“Kantahan kita?”

“Weh? Talaga? Sigi sigi!” bigla naman daw siyang na-excite at napaupo pa sa kama.

“Joke lang.”

Agad na nanulok ang itaas niyang labi. “E, lokohan naman pala.”

Nadisappoint talaga siya. Na-excite siya, e. Hindi niya pa kasi ‘to naririnig na
kumanta tapos biglang mag-aalok tapos biglang joke lang pala?

“O, tampo pa. Haha. Kiss ko muna?”

“Tse! Bahala ka nga, inaantok na ‘ko! Hmp!” pinagbabaan niya na si TJ. Bahala nga
ito. Matutulog na lang siya. Pero tumunog na naman ang cellphone niya. Tumatawag na
naman ang loko. Pasalamat ‘to, hindi niya ‘to matiis. Pero this time, sinungitan
niya na si TJ. Paarteng kaunti. “Ano?”

“Yabang, huma-higblood! Eto na nga po, kakanta na, o.”


O, di ba? Hindi rin siya matiis! Ngiting tagumpay agad siya, e. “Good. Galingan
lang, ha?”

“Oo na! Eton a, ha. Ahem....”

Umahem pa ang loko! Ngingiti-ngiting nakinig na lang siya. Kumanta si TJ at....


walanjo, pero nagpipigil na lang siya nang tawa! Napatakip pa siya ng bibig niya.
Oo... hanggang matapos itong kumanta, napipigil lang talaga siya nang tawa niya.

“Walanjo, TJ! Benta! Hahahaha!” hindi na niya napigilang matawa nang matapos ito.
Pa’no? Twinkle twinkle little star ba naman ang kantahin! Tapos, ang seryoso pa ng
pagkakakanta. Mabagal na parang pampatulog ta’s basta... tawang tawa siya, e. Haha!

“Hoy. Tinatawa-tawa mo d’yan? ‘Wag ka ngang tumawa. May meaning kaya sa’kin ‘yung
kanta na ‘yun,” awat nito sa kanya dahil tawa talaga siya nang tawa.

“Haha! ‘Yung twinkle twinkle, may meaning sa’yo? Baliw ka talaga!” lalo pa siyang
natawa. Ano nama’ng meaning ng pambatang kanta na ‘yun para sa isang playboy na
Troy ang pangalan? Tawang tawa talaga siya, e.

“Ewan ko sa’yo. Nag-effort ako, tatawanan lang pala. Tss.”

Bigla siyang natigilan sa pagtawa. Hala... Nagalit?

“Ito naman. Biro lang!”

“Ewan.”

Patay. Tumipid na ang sagutan!

“Uy? Galit na?”

Pero hindi na sumagot si TJ.

“Ehe? Uy, happy... Ito naman...”

Pero wala pa rin talagang sagot si TJ.

“Happy.... Gara naman nito.”

“Happy...”
“Uy...”

Pero bigla na lang.... “Panget mo lang! Haha!”

Napanguso siya. “Hindi ka na galit?”

“Hindi. Haha. Ako si happy mo, e.”

May ihahaba pa ba ang nguso niya? “’Lang’ya ka, nagdrama ka lang pala. Malandi!”

At tinawanan na naman siya ng loko. Baliw talaga! Natawa na lang din tuloy siya.

Matagal na nagkulitan sila hanggang sa hindi niya namamalayang nakatulog na pala


siya. Naalimpungatan pa siya sa tunog ng cellphone niya. Doon lang nag-sink in sa
utak niya na natulugan niya pala si TJ. Pero antok na antok na talaga siya. Hindi
na kayang dumilat pa ng mga mata niya at hindi na rin kaya ng isip niya.

“’Py... sorry, antok na talaga ‘ko. G’night, happy...” At hindi na nga kinaya ng
powers niya.

Kinabukasan, nang tignan niya ang cellphone niya, 22 messages ang bumulaga sa
kanya. ‘Yung iba, gm. ‘Yung isa, kay TJ na ang laman, e, ‘Kantulog, gumising ka
na’. Natawa agad siya. Natulugan niya nga pala ‘to kagabi.

Pero nataranta siya nang makitang si Kristoffer pala ang nanadtad sa kanya. At ang
malala, kagabi pa pala ang mga messages mula rito! Hala. E, kausap niya kasi si TJ
kagabi, e.

Ang huling text ni Kristoffer, nag-aaya itong mamasyal sila. Syempre, reply agad
siya ng ‘Yes, yes, yo!’

At ayun nga, namasyal sila. Nagmall, nanuod ng movie, at ngayon, nasa isang fast
food restaurant sila.
“TAN, aalis na ‘ko...” pahayag ni Kristoffer at muntik nang maibuga ni Yanna sa
kanya ang laman ng bibig nito.

“W-what? B-bakit...?” gulat na tanong ni Yanna.

Kristoffer sighed. “Kasi.... happy ka na,” he stressed the word ‘happy’ and gave
her a faint smile.

Tila pinaghalong lito’t gulat ang naging reaksyon ni Yanna. “T-tin... ano ba’ng
pinagsasasabi mo?”

Syempre, hindi nito alam. Hindi nito alam na siya ang tumawag kagabi. Hindi nito
alam na siya ang inakala nitong si TJ kagabi.

Kaya pala hindi ito nagrereply sa mga text niya. Kausap pala si TJ. Inaamin niya,
nagseselos siya. Pero sa tuwing nakikita niyang nag-aasaran o kahit ba
nagbabangayan ang mga ito.... Iba, e... Iba ang saya ni Yanna kapag si TJ ang
kasama kumpara sa kanya.

“I can leave now. Ngayong alam ko na na masaya ka kahit wala ako, pwede na akong
umalis nang hindi labag sa loob ko,” pahayag niya.

“P-pero.... bakit ba kasi?” tila naguguluhan pa ring tanong nito.

Pinakatitigan niya si Yanna. Iba na ang reaksyon nito kumpara noong mga nakakaraan.
Kung noon nagagalit ito kapag nagbibiro siyang aalis na siya, ngayon tinatanong na
lang nito kung ano ang dahilan. Guess she was now willing to let him go. She was
just too stupid to realize that she loved TJ more that she loved him.

“Trisha.... She told me my family’s situation.” Totoo. Alam na niya ang lahat. At
hindi niya mapigilang sisihin ang sarili niya. Napaka-selfish niya pa lang tao.

“Y-you knew?” gulat na tanong ni Yanna sa kanya. He nodded in reply and she let go
a deep sigh. “Siguro nga... Siguro nga, dapat ka nang bumalik, Tin. Sobrang
magiging selfish ako kung pipigilan pa kita. Pamilya mo ‘yun, e. Si Tita ‘yun...
Kailangan ka nila. Ni Tito... ng kompanya n’yo,” nakayukong sabi ni Yanna.

Napabuntong-hininga siya. Tumayo siya at naupo sa katabing upuan nito. Inakbayan at


marahang pinisil niya ang ilong nito. “’Wag ka ngang ganyan. Bestfriend mo pa rin
naman ako, e. Aalis ako pero magco-contact-an pa naman tayo, di ba? Para saan pa’t
may internet? Ikaw talaga,” ginulo-gulo niya pa ang buhok nito.

Ngumiti naman si Yanna. Malungkot nga lang.

Again, he sighed. “Iiwan na kita, ha? Iiwan na kita kay happy mo,” pinili niya na
lang na tuksuhin ito kaysa naman makita niya ‘tong malungkot.

“A-ano ba’ng pinagsasasabi mo d’yan?” yumuko pa ‘to pero hindi na nakatakas sa


kanya ang pagblush nito. Yes, she blushed. See? His best friend was in love.

“You love TJ, you fool,” tukso niya.

“H-hoy! Fool?! Ikaw, ha!” pinaghahampas na siya nito sa braso.

“See? Nagreact ka sa fool pero sa ‘you love TJ’, hindi? You’re too obvious, Tana,”
pang-iinis pa niya.

Napahinto si Yanna sa sinabi niya na para bang noon lang narealize ang sinabi niya.
Pagkatapos... namula na naman. ‘Yun lang. Ang sakit lang talaga.

“Tin.... Sorry...” nakayukong sambit nito.

Kahit pilit, ngumiti siya. “Ano ka ba? Hindi mo naman ginusto ‘yun, e... Di ba?
Noon pa tayo magkakilala... Mas close tayo... Pero kahit sa akin mo gustuhing
mahulog, sa kanya pa rin ang bagsak ng puso mo.”

Yanna looked up at him. “E, bakit ang drama?” she pouted.

Ginulo niya na lang ang buhok nito. “Sira!” tatawa-tawang inakbayan niya si Yanna.
Pinakatitigan niya ang mukha ng babaeng mahal na mahal niya. “Mahal mo pa rin naman
ako, di ba?”

She smiled at him. That smile... “Syempre! Best friend kita, e.”

‘Yun lang...

——

“I love you,” Yanna smiled at TJ.

Blangko.... Nablangko saglit ang utak ni TJ nang dahil sa narinig niya. Narinig
niya ang tilian at kiligan ng mga babaeng kaibigan ni Yanna pero saglit na parang
huminto ang paligid niya.

‘Yung pakiramdam na imbis na magtatalon siya sa tuwa dahil sa wakas mahal na siya
ni Yanna, mas nasaktan pa siya dahil feeling niya isa siyang malaking joke sa lahat
ngayon. ‘Yung pakiramdam na kahit nasasaktan siya, hindi niya pa rin napigilang
makaramdam ng tuwa nang marinig ang mga salitang ‘yon mula kay Yanna sa unang
pagkakataon. Pero putangina....

Walang makakapang ekspresyon sa mukha na tinignan niya si Yanna. Hindi nagtagal,


nagtagis ang mga bagang niya’t naikuyom niya ang mga palad niya.

Nakita niya pang parang natakot si Yanna sa reaksyong ginawa niya. Nakakatakot ba
siya? Mas naikuyom niya pa ang mga palad niya.

“Hindi naman ako panakip-butas, Yanna. Tangina lang, o... Wala namang gaguhan.”

Halatang nagulat si Yanna sa sinabi niya. Ano ba’ng dapat na maramdaman niya sa
sinabi nito? Dapat ba siyang matuwa dahil sa wakas, sinabi na nito sa kanya ang
lintik na tatlong salitang iyon? E, ‘nak ng putcha, naman!Porque wala na si
Kristoffer, siya na ang ipapalit nito? Ano ba talaga siya? Dakilang reserba?
Putangina lang talaga.

Pero saglit lang ang pagkakagulat ni Yanna. Bumuntong-hininga ito pagkaraa’y


katiting na ngumiti at nagkibit-balikat na lang. Tinalikuran siya at naglakad na
palayo.

Hindi makapaniwalang nagbuga siya ng hangin dahil sa inis. Mas lalong tumindi ang
galit niya. Puta. Ano ‘yon? Trip lang?!

Parang gusto niyang manakit ng tao sa mga oras na ‘yon. Papalapit sila Derick sa
kanya at ayaw niyang makasakit dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili lalo pa’t
si Derick ‘yon. Pinili niyang umalis na lang at nagcommute pauwi.

Sana kasi hinayaan na lang siya ni Yanna na magmove on, e. Kaso, eto na naman. Para
na naman siyang tanga. Sana kasi hinayaan na lang siya! Hindi ‘yung nagagago na
naman siya.

Hindi ‘yung ginagawa akong tangang reserba sa pag-alis ng taong mahal niya.
Putangina lang kasi, e.

— — —

=================
28. Helen of Troy.

28. HELEN OF TROY.

“YOU’RE so bad, beh!” sabi ni Kiray kay Yanna.

Nasa tambayan sila ngayon, pumasok kasi sila kinatanghalian.

“Kung ako man si Tee, masasaktan din ako, ‘no,” nanghihinayang na nagbuntong-
hininga si Lexi.

“Ano ba kasi ‘yun, beh? Bakit uma-I love you ka, e, si Kris ang pinili mo? ‘Yan
tuloy, nagalit si Puppy Tee. Bakit kasi?” tanong ni Julia sa kanya.

“Hoy, bading, nakiki-Puppy Tee ka, ha,” sabi naman ni Ej kay Julia.

“Sorry naman d’yan, baks,” natatawang sabi na lang ni Julia.

Napailing na lang siya. Talagang nakuha pang magbiruan sa harap niya, e.

Itong mga kaibigan niya na ‘to... Kanina natandaan niyang kinilig ang mga ito sa
sinabi niya, e. Ngayon naman, heto’t ginigisa siya.

“Bakit nga kasi, beh?” ulit ni Kiray sa tanong ni Julia.

“Kasi mahal ko?” ‘yun lang ang nasagot niya.

“Told you,” narinig niyang sambit ni Yen.

“Bebe naman! Ang gulo-gulo mo! E, bakit si Kris ang pinili mo? Two-timer ka?” hindi
makapaniwalang bulalas ni Bea.
“Ano ba naman? Sorry naman, ha! Kayo kasi, e! Kung maka-react naman kasi kayo nu’ng
sabihin kong mahal ko si Tin! E, as best friend lang ‘yun, e. Kaso inunahan n’yo ng
tili! Si TJ talaga ang pinili ko. Alam na ‘yun ni Tin bago ko pa man kayo tipunin!
O, e, hanggang du’n lang ang nasabi ko’t narinig ni TJ... Ano’ng gagawin ko? ‘Yung
engot naman na ‘yun, hindi man lang ako kinausap o kaya tinext o kaya... ‘nak ng
teteng naman, o! Kasalanan ko na, edi, patayin n’yo na ‘ko!” Napasigaw na siya.
Kanina pa kasi siya nakukulili sa mga kaibigan niya. E, kapag ganitong nasaktan
siya, gusto niya, tahimik lang ang paligid niya lalo na siya.

Ano ba’ng gagawin niya? E, sa gusto niya lang naman ng susupense! Gusto niya kasing
i-surprise si TJ. Ano’ng malay niya na ganito pala ang kalalabasan?

“Mahal ko na siya... Noong una, ayaw ko pang aminin sa sarili ko. Pero kasi....
guys, mahal ko na, e.” Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon sa mga oras na
‘yon. Inis, galit, irita, sakit. Gusto niya rin naman na talagang sabihin kay TJ
ang totoo, e. Kaso ni hindi man lang siya nito tinext sa nakalipas na halos
dalawang araw. Ano’ng gagawin niya? E, hindi talaga siya sanay na siya ang unang
nag-a-approach lalo na sa lalaki. Pa’no niya maipapaalam?

“So, you mean.... si Puppy Tee talaga? As in?” tila hindi pa rin makapaniwalang
tanong ni Kiray sa kanya.

“Kiray, kutos? Mahal na nga, di ba? Joke time ba?” asar na napahimas pa siya sa noo
niya. “Naman kasi, e... Kilala n’yo ‘ko, di ba? Hindi siya naniwala. Nawalan na ako
ng lakas ng loob. Wala na. Ayoko na....” maiiyak na yata siya. Napayuko siya sa
tuhod niya at doon, tumulo na nga ang luha niya

Iyon ang isa mga kahinaan niya. Ang hindi paniwalaan ng taong gusto niyang maniwala
sa kanya. Sobrang nada-down siya lalo na’t totoo ang sinabi niya pero hindi siya
pinaniwalaan.

Hindi naniwala si TJ sa sinabi niya. Kay TJ niya pa lang sinabi ang tatlong
salitang ‘yon nang hindi as friend or best friend lang ang meaning, kaso, hindi
naniwala si TJ. Hindi niya na alam. “Ayoko na...” ingit niya. Umiiyak na siya.

“Ayawan na? Gano’n na lang? Edi, ayawan na!”

Nahigit niya ang paghinga niya nang marinig ang boses na ‘yon. At pag-angat ng ulo
niya.... “T—TJ....”

Si TJ, nasa harapan niya! Pero parang nalaglag ang puso niya nang bigla na lang
itong tumalikod at umalis.

B-bakit... bakit siya umalis? Ano’ng gagawin niya? Hahabulin niya ba si TJ? Pero
wala na. Ang sabi nito... ayawan na.

Bigla na lang siyang napahagulgol. Bakit ganito? Hindi naman ganito ang gusto
niyang mangyari, e. Bakit nagkaganito? Ano’ng nangyari? Wala siyang magawa kundi
ang umiyak... humikbi... “Tanga-tanga naman, mahal nga kita, e,” humahagulgol na
sambit niya. “Mahal nga kita, ano ba....”

“Y-yanyan....” niyakap siya ni Bea. Wala ring magawa ang mga kaibigan niya kundi
ang makisimpatya sa kanya.

Lalo siyang napahagulgol. Inis na inis siya sa sarili niya. Bakit ganito? Why did
she feel so weak? She looked so weak in front of her friends. Hindi siya ganito.
Matapang siya. Bully siya. She’s Yanna... the campus’ Bad Princess. Now, why was
she crying?

“Ano?! ‘Nak ng.... Hindi man lang humabol? Hindi man lang sumunod?”

Nagulat na lang siya nang biglang may humila sa kanya patayo.

Pigil ang hiningang natulala siya sa nasa harapan niya. Totoo ba ‘to? Pinupunasan
ni TJ ang mga luha niya!

“B-bumalik ka....”

“Engot. Hindi naman ako umalis.”

Hindi niya alam kung bakit, pero bigla na lang siyang napahagulgol ulit sa sinabi
nito. Sa pinaghalo-halong emosyon, nayakap niyang bigla si TJ na maski siya, hindi
niya inaasahang gagawin niya.

“Para kang sira. Ba’t ka ba umiiyak?” ginantihan siya ni TJ ng yakap. Pero sa


ginawa nito, lalo pa siyang napaiyak.

God... Ano ba ‘tong nararamdaman niya? Bakit ang lakas ng epekto ni TJ sa kanya?

“Exit, mga bakla. Moment nila, tayo nang um-exit,” narinig niyang sabi ni Julia.
Doon siya natigil sa pag-iyak at awtomatikong napalayo kay TJ.

“Ang drama... Koreanovela kaya?” hindi nakatakas sa pandinig niya ang mahinang
sinabi ni Lexi.

“Hihi. Goralu na tayow, nandito na si Papa Jun Pyow,” kinikilig na sabi naman ni
Ej.

Hindi niya alam ang gagawin niya. Ni hindi niya nga alam kung sa’n siya titingin,
e. Grabe. Nakakahiya. Niyakap niya si TJ sa harap ng barkada niya! Hindi siya
makapagsalita. Basta na lang umalis ang mga kaibigan niya at iniwanan silang dalawa
ni TJ. Hindi siya makatingin kay TJ. Bakit ba kasi siya biglang napayakap dito?
Umiyak pa siya! Hindi. Hagulgol pala!

“A-a.... ano kasi...” nakayukong uutal-utal na sambit niya, “Sorry....” Nahihiyang


pinunsan niya ang mga natirang luha sa mukha niya.

“Nasabi mo na ‘yan, e,” sabi ni TJ sa kanya. Pero hindi niya pa rin ‘to matignan.
Hindi niya maiangat ang tingin niya. Nakayuko lang siya. Pero bigla na lang
ikinulong ni TJ sa parehong mga palad ang mukha niya at iniangat para tumingin siya
sa mga mata nito. Nahuli nito ang tingin niya at hindi niya alam kung bakit hindi
na niya mabawi ‘yon. “Yanna, I love you.”

Napayuko na lang siya bigla.

“Haha! Yabang sa pula!”

Namula na nga, e. Tawanan daw ba siya? “Kainis naman ‘to! Alis ka na nga!”
sisinghut-singhot na pinaghahampas niya pa si TJ.

“Ah, gano’n? O, e, sige, adios!” sumaludo pa ito at tumalikod na nga.

Hala. Aalis nga talaga? “H-huy...” hinila niya ang laylayan ng damit ni TJ.

“Wow. Sweet naman. Wala bang mas?” tukoy nito sa paghila niya ng damit nito.

Napabitiw na lang siya at napayuko. Ano ba’ng alam niya sa pagiging sweet? Bahala
na nga! “I love you, too,” mabilis na sambit niya habang nakayuko siya.

“Uso po’ng tumingin sa gwapo.” Talaga nga naman sa demand. Agad na inangat niya ang
ulo niya at tinignan si TJ. Uulitin niya na dapat ang sinabi niya pero nagsalita
ulit si TJ. “Pero may bayad....” Napakunot ang noo niya. “Ang puso mo.” Napakurap-
kurap siya kaya natawa si TJ. “Keso ko?”

Pipigilan pa sana niya ang ngumiti kaso hindi niya na kinaya. “Sobra po. I love
you, too.” Yes, she managed to say those three words, again. And she will, again,
and again.

He grinned. “Buti na lang pala pumunta ‘ko rito kahit hindi ko alam ang dadatnan
ko.”

Oo nga pala, naalala niya. “Bakit ka nga pala nandito? Tsaka.... akala ko ba, hindi
ka pumasok?” nagtatakang tanong niya.

“Ano... uhh... secret! Bleeh,” binelatan pa siya!


Ngingiti-ngiting napabusangot na lang siya. Nang bigla na namang kulungin ng mga
palad ni TJ ang mukha niya.

“Hoy, happy. Namiss kita.” Hindi niya mapigilang mapangiti. “Tutal, mahal kita, mo
‘ko. ‘Wag ka nang magpakipot at pwede na bang..... tayo?” puno ng kumpyansang
tanong nito.

“Abusado!”

“Tss!” biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito.

“But I can tolerate, so yes,” ngiting-ngiting pahayag niya.

“Si pa-suspense! Yakapin mo nga ako!” Hindi niya alam kung bakit kinikilig talaga
siya sa mga gano’ng salitaan ni TJ. Syempre, pinagbigyan niya na ang loko’t niyakap
na ‘to. “Kaya mahal kita, e. I love you, ha? Forever.”

Nagulat siya. From the mouth of a guy? Of a playboy? Of Troy? Forever?

“Pa’no ka nakakasigurado? Malay mo, sa college, may makilala kang mas maganda, mas
sexy, mas kaysa sa’kin?” tanong niya.

“Kapag nakilala ko siya? Edi..... magkakilala na kami. Ano naman? Mahal ko ba siya?
E, mahal kita. Bigtime pa.”

Nakagat niya ang ibabang labi niya. Sige na. May mas kikiligin pa ba kaysa sa
kanya? “Pilosopong gwapo,” naka-pout na sabi niya.

“At your service, misis!”

Misis?! Pabirong sinamaan niya nga ng tingin.

“E, este... miss?” ngingiti-ngiting pagtatama nito. Sira-ulo talaga.

Hinawakan ni TJ ang mga kamay niya. “Hoy—“

May sasabihin sana si TJ pero biglang may tanong ang pumasok sa isip niya kaya
inunahan niya na. “Tingin mo magtatagal tayo?”

“Pambihira... ’Ba namang tanong ‘yan. Kaka-on pa lang natin, o,” reklamo nito.

“Sagutin na lang, di ba?”


“Bakit naman hindi?” balik-tanong nito.

“Kasi.... puppy love lang ‘to?”

“Sino’ng itlog ang nagsabi? Pepektusan ko.”

Napasimangot siya. “Sila... Sabi nila, highschool love is just a puppy love.”

“Tss... Sabihin mo sa kanila, oo, puppy love lang ang highschool love, pero
pinapasabi ko kamo, gagawin natin ‘tong true love. Sabihin mo lang matatakot na
‘yung mga ‘yun. Sabi kamo ng batas.”

“Sira-ulo,” natatawang sabi niya na lang kay TJ. Pero napaisip siya. Kaya ba nila?
Magagawa ba nila?

“O, ano? Pakiss na!”

“H—“ hihirit pa lang sana siya sa sinabi nito pero bigla na lang nasa labi na niya
ang mga labi nito.

Ito ba ang kanina pang gusto nitong gawin?

Unti-unting pumikit ang mga mata niya. Ang lambot ng mga labi ni TJ.

So, ganito pala ang pakiramdam?

Everything around her didn’t matter that moment. His hands holding her face... His
lips on hers... Him being with her... His mere presence.... Everything around her
didn’t matter aside from him. And for the first time in her life, she was kissed,
by the handsome devil she truly loved.

Her first kiss. With her first boyfriend. Her first love. Her first true love.

“Kahit ano’ng mangyari, akin ka lang, Helen Arianna Santana. Tandaan mo ‘yan,”
deklara ni TJ matapos nitong pakawalan ang mga labi niya.

Napangiti siya at proud na tinignan ang lalaking nasa harapan niya. “Sa’kin ka lang
din, Troy Jefferson Salamat.”

Nagtawanan sila. Para silang mga sira. Na-in love lang, mga kumorni na. Pag-ibig
nga naman...
“Aren’t we cute? Sa mythology class natin. Di ba? The beautiful one... Helen of
Troy?”

Napatitig siya bigla kay TJ. “Oo nga, ‘no? Yabang, naisip pa ‘yon?” manghang-
manghang sabi niya.

Oo nga! Saktong sakto ang mga pangalan nila.

Pero natawa siya. Hume-Helen of Troy sila, e, si Paris ang kapartner ni Helen do’n!
Pero hayaan na nga. Own version nila, bakit ba.

“Cute kaya. Parang anak ng meant to be lang,” natawa na naman siya sa sinabi nito.
“Tara na nga! Magyayabang pa ‘ko na tayo na,” pahayag nito. Natawa na naman siya.
Patawa talaga ang loko. Magyayabang pa raw. E, ano kaya’ng bago?

HININTAY ni TJ sa labas ng CR ng girls si Yanna—ang girlfriend niya. Siya na ang


proud.

Mugto kasi ang mga mata ni Yanna kaya naghilamos muna. Mabuti na lang talaga at
gumana ang kamartiran niya. Nagdesisyon talaga siyang pumasok at puntahan ‘to kahit
ba sobrang nasaktan siya sa ginawa nito. Gusto niyang magpakatanga’t magpakamartir
at sabihing ‘kahit panakip-butas lang, okay na’. Gago, di ba? Kasi mahal niya.

Pero nang marinig niya ang lahat ng sinabi nito kanina? Kulang na lang tumalon
siya. Sobra talaga siyang natuwa. Inis at tuwa, e. Hindi na pala kailangan ang
kamartiran niya. Mahal din pala siya. And he could proudly say.... “I will always
love that girl... Rest assured.”

PAGLABAS ni Yanna mula sa CR, nakita niya si TJ na nakasandal sa gilid ng pader


habang nakapamulsa ang parehong mga kamay.

A smile immediately formed her lips. E, bakit ang gwapo ng boyfriend niya?
Kinikilig tuloy siya.

“Psst!” sinitsitan niya si TJ at napalingon naman ito sa kanya.

“Okay ka na?” nag-aalalang lumapit ito sa kanya.

“Hm-mm,” pagsisiguro niya.

“Sorry, napaiyak pa kita.”

“Sama mo kasi, e,” kunwaring sisi niya. E, wala naman talaga ‘tong kasalanan kung
tutuusin.

“Malay ko bang masamang maging gwapo. Sorry na kasi.”

Napaikot na lang ang mga mata niya. Guess she just needed to tolerate his
boastfulness.

Naglakad sila na magkahawak ang mga kamay. Hiyang-hiya siya dahil pinagtitinginan
sila ng lahat pero ang katabi niya.... aba, proud na proud! Ngingiti-ngiting
hinayaan niya na lang. Magyayabang nga raw kasi, di ba? Kaya keri lang.

Helen of Troy.... Bakit hindi na maalis sa isip niya ‘yon? Talagang tugmang-tugma
sa kanila, e. Cute kaya. But on the other hand, napaisip siya.

Hindi ba’t.... Helen is the reason for the fall of Troy?

— — —

=================

29. Happy and crazy.


29. HAPPY AND CRAZY.

MAGKA-holding hands na naglalakad sina Yanna at TJ pauwi. Ayaw na kasing bitawan ni


TJ ang kamay niya. Para bang makakawala siya nang makakawala kapag binitawan, e.
Jusme, ang kilig niya lang kanina pa.

Gabi na nga sila nakauwi, e. Nag-celebrate kasi ang mga boys dahil sa sila na nga
ni TJ. Syempre, naki-party rin ang girls. Tawang tawa nga siya, e. May celebration
agad. Pero ‘yun pa bang mga ‘yon? Gusto lang naman talagang magsi-inom ng mga
lokong ‘yon. Typical teenagers.

“Bakit ang dilim?” nagtatakang tanong niya nang makitang walang kahit anumang ilaw
ang mga bahay nila. Well, kila TJ, madalas namang gano’n dahil madalas umalis ang
mama nito. Pero ang sa kanila? Bigla siyang kinabahan. Hindi naman nagpapatay ng
ilaw si Ate Lulu—ang kasambahay nila kapag gabi na, e. Obvious naman kasi na
matatakutin siya sa dilim. Pero bakit ngayon?

Napahigpit bigla ang hawak niya kay TJ. Bigla siyang kinabahan. Di ba, kahit may
mga guard ang village, may nakakapasok pa ring mga magnanakaw? Hindi kaya... may
nakapasok na magnanakaw sa bahay nila tapos..... Aaah! Ayoko nang isipin!

Noon naman bumulong si TJ sa kanya. “Nandito lang ako.”

Hindi niya alam kung bakit pero nabawasan ang takot niya sa sinabi nito. At oo,
alam niyang hindi siya pababayaan ni TJ.

“Tawagan mo muna kaya ang mommy mo,” suhestiyon ni TJ.

Kaya naman kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang mommy niya, pero....
“Walang sumasagot...”

Mas lalo siyang kinabahan. Ganitong oras, alam niyang nakauwi na ang mommy niya.
Kung mag-o-overtime naman ito sa trabaho, siguradong itetext siya. Pero wala siyang
natanggap na kahit ano mang text galing sa mommy niya.

“Tara, samahan kita sa loob,” hinawakan ulit ni TJ ang kamay niya at binukas na
nito ang gate nila.

“Wait...” pigil niya kay TJ. Natatakot kasi talaga siya. Hindi lang sa mga multo,
pati na rin sa mga masasamang tao. “Puntahan na lang muna natin ang mama mo,”
suhestiyon niya. “K-kasi... b-baka mamaya—“
“Wala si mama. Obvious ba na patay din ang lahat ng ilaw sa’min? Ano si mama? Emo?
Nagtext sila sa’kin kanina na may pupuntahan daw sila ni Ching,” putol nito sa
sinasabi niya.

Alam niya. Pero natatakot kasi talaga siya. “E, p-pero—“

“Hindi naman kita pababayaan, ano ka ba?” putol nito sa akmang protesta niya.

Kinakabahang napabuntong-hininga na lang siya. “Hindi ka naman si batman, e,”


simangot niya.

“Malamang. I’m your man, e.”

Tignan mo ‘tong loko na ‘to.Nakuha pang bumanat, maiihi na nga siya sa


kaba.Sinimangutan niya na lang ang banat nito.

“Tara na! Kakargahin pa ba kita?” At mas lalo siyang napasimangot. “’De, joke lang,
mahal. Tara na kasi po,” hinigpitan pa nitong lalo ang hawak sa kamay niya tsaka
siya hinila papasok.

Hindi niya alam kung bakit napasunod na lang siya. Feeling niya safe siya. Seryoso.
Dahil lang si TJ ang kasama niya. Pero kahit gano’n, takot talaga siya sa dilim, e.
Lalo pa’t isang katapat na poste ng ilaw at ang mga cellphone lang nila ang
nagsisilbing liwanag nila ni TJ.

Pinihit ni TJ ang pinto ng bahay nila at gano’n na lang ang takot niya nang hindi
man lang naka-lock ang pinto nila. Lalo siyang kinabahan. Para siyang tanga na
pinakikiramdaman ang paligid kung bigla na lang bang may susulpot na chaka doll o
white lady sa kung saan.

“’Py, h’wag mo ‘kong tsansingan, ha?” sabi ni TJ sa kanya.

“TJ naman, e,” reklamo niya. E, pa’no? Dikit na dikit kasi siya rito dahil nga sa
takot na takot siya. Ipang-inis ba naman sa kanya?

Natatawang inakay na lang siya ni TJ papasok sa loob pero nanatili lang sila sa may
gilid ng pinto. Kinapa-kapa niya ang switch ng ilaw at nang magliwanag......

Pop! Plok! Pung!

“SURPRISE!!!”

“Aaaaah!!!” napaupo siyang bigla sa gulat sa lakas ng narinig na mga putukan at


sigawan. At nang maka-recover, hindi makapaniwalang napanganga lang siya nang
makita kung sino ang mga nasa harapan nila. E, kung hindi lang ang mga ito ang nasa
harap nila ngayon, malamang na malutong na mura ang inabot ng mga ‘to sa kanya!

Sinamaan niya ng tingin ang mommy niya. “Told you, mare, aawayin ako niyang baby
ko,” sabi ng mommy niya sa mama ni TJ. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib, sa
totoo lang.

Oo. Ang mga ito lang naman ang sumigaw ng bonggang-bonggang surprise na ‘yon
kanina. Ang Mommy Angelica niya, mama ni TJ na si Tita Romina at..... si Joice?

“Ma, ano ‘to?” tanong ni TJ kay Tita Mina pagkaraan siyang alalayang tumayo.

“Ah, ito? Ito, mga confetti poppers. Tapos ito, ice cream. Ito naman, cake. Tapos,
ito, kandila. Tapos...... wala na!” nakangiting ipinagtuturo ng mama ni TJ ang
lahat ng mga hawak ng mga ito.

Natawa tuloy siya. May pinagmanahan din naman pala si TJ, e. Ay, stepmom nga lang
pala. Pero kahit na. Baka nahawahan pala ‘to ni TJ ng kapilosopohan, o kaya...
baliktad. Cute na cute siya sa tinis ng boses ng mama ni TJ, e. Lalo pa’t ang
ganda’t ang puti.

“E, t-teka, teka po. Bakit may ganyan? Sino’ng may birthday?” nagtatakong tanong
niya sa mga ito nang maisip niya kung para saan ang pa-party effect ng mga ito.

Ang mommy niya ang sumagot sa kanya na binelatan pa muna siya. “Bleeh! Tinext kaya
ako ni Bea! Boyfriend mo na pala si TJ, hindi ka man lang nagsasabi! Hmp!”

Aba’t, ang taray talaga ng nanay niya! “Haha! Panget mo po, Gelay!” biro niya sa
mommy niya. Parati naman silang ganyan dahil super close sila. Maaga kasi siyang
nabuo kaya ayan, para lang silang magbarkada. “Pero, kasi naman, Mame... Ngayon pa
nga lang ako nakauwi, alangan namang masabi ko agad sa’yo, di ba?”

“Charotera. Nahiya naman daw ang cellphone mo sa sinabi mo! Hmp!”

Phhp! Ano’ng say ng iba sa nanay niya?

“Excited naman kasi!” pabirong sabi niya. “O, now, you know? Happy?”

“Tawag mo ‘ko?” kinalabit siya ng katabi.

“E, loko. Sapak po?” biro niya, nginisihan lang siya ni TJ.

“Eherm!”
Napalingon siya sa nag-pekeng ubo na ‘yon. “O, Joice? Napasyal?” Pa’no, hindi naman
sila in good terms ng kapatid ni TJ na ‘to.

“Ohoy. Kapatid ko ‘yan,” sabi ni TJ sa kanya.

“Inangkin ko?”

“Kuya, o! I-break mo na nga ‘yan! Inaaway ako!” ngumuso pang sumbong ni Joice kay
TJ.

“Huy, ito naman! Kaka-on lang, break agad? Ice cream, o? Tara, dali, kain tayo ang
dami nating binili! Hihi!” singit ng mommy niya’t nakipag-utuan na kay Joice.

Nagpuntahan ang mga ito sa kusina nila at sumunod na lang sila ni TJ.

“Buti pa si Tita, mabait! Hmp!” binelatan pa siya ni Joice bago sumubo ng ice
cream.

Agad na nanulok ang itaas na labi niya. Naloko na. Mapapagtulungan pa ata siya.

“Huy, mga anak! Congratulations!” nakangiting sabi ni Tita Mina sa kanila gamit ang
matinis na boses. “Kasal muna bago sakal, okay? I mean.... no babies allowed!”

Nagkatinginan at nagkahiyaang nagkatawanan na lang sila ni TJ. Babies talaga, hindi


baby? Naloloka siya sa paalalang ‘yon ng mama ni TJ. Syempre naman, ‘no. Ang bata
pa kaya nila.

Nagkainan na sila ng mga inihanda ng mga nanay nila at ni Joice. Ang sweet nga, e.
Ang cute lang nilang tignan.

“Nasa’n nga pala si Ate Lulu, Mame?” tanong niya sa mommy niya nang hindi niya
makita ni anino ng kasambahay nila.

“Hay, nako. Ayun, nakipagtanan kay Dodong na driver ng katapat na bahay natin!”

“Ano?!” biglang nanlaki ang mga mata niya. Si Ate Lulu, nakipagtanan? Uso ba talaga
‘yon?

“Kidding, kidding!” pinagtawanan pa ng mommy niya ang naging reaksyon niya. “Umuwi
lang, may sakit daw ang nanay. Wala namang driver ‘yang katapat-bahay natin, kaloka
ka! Kung maka-react? Eksaherada!”

Napasulok na lang ulit ang itaas na labi niya. “Bakit ba sunod sa uso ang nanay ko?
Kinakabog ako, e,” iiling-iling na nagbuntong hininga na lang siya.
“Si Mama din ganyan. Kita mo, mas magiging close ‘yang mga ‘yan. Cute lang, e,”
tatawa-tawang sabi ni TJ sa kanya.

Oo nga, baliw-baliwan lang ang mga nanay nila. Naisip niya tuloy, ang saya siguro
ng pamilya nila kung sila talaga ni TJ hanggang huli, ‘no?

“E, Ma... Si Papa, nasaan?” biglang tanong ni TJ kay Tita Mina.

“Nandito lang. Hindi naman siya umaalis dito, e. Steady lang siya,” tinapik-tapik
pa ni Tita Mina ang tapat ng puso at parang nakakalokong tumangu-tango pa.

“Kkkk—“ pigil na pigil ang tawa niya sa facial expression ng mama ni TJ.

“Kabaduyan! Alis na nga kami!” bigla na lang siyang hinila ni TJ patayo at naglakad
sila palabas ng bahay.

Paglabas nila ng bahay, hindi na niya napigilan ang pagbulalas ng tawa. “Haha! Ang
saya nila, balik tayo ro’n! Ang cute cute kaya ng mama mo,” tatawa-tawang sabi niya
kay TJ nang mapag-isa sila sa swing ng garden sa harap ng bahay nila. May swing
kasi sila sa harap-bahay, harapan ito, kasya hanggang anim na tao.

Naupo si TJ sa katapat niya. “Baliw nga ‘yung mga ‘yun. Mahirap na, baka mahawa ka
pa.”

E, bakit pala parang nabaliktad sila? Kanina lang ito ang naku-cute-an sa mga nanay
nila, e. Ngayon, siya na?

“Sama! Haha. Du’n na kasi tayo! Saya saya ro’n, e. Malay mo, bumait na si Joice
sa’kin, o? Di ba, di ba? Tara na!” tumayo siya at hinila si TJ sa braso. Kaso ayaw
naman nitong magpahila.

“Kiss muna,” sabay ngumuso pa si TJ.

“Troy!!” bigla niyang binitawan ang braso nito at naitakip bigla ang kamay sa bibig
niya. Naalala niya ang nangyari kanina sa steps ng T.H.E room.

“O, bakit? Gusto ko lang naman ng kiss, ha? Nakakamiss kaya ‘yung kanina,”
ngingiti-ngiting sabi pa ni TJ na halatang nang-aasar. Pinapaalala pa talaga, e!
Bakit ba hindi big deal sa mga lalaki ang halik?

“TJ naman, e!”

“Tita Mina, Tita Geli! Nagkiss daw sila kanina, narinig kooo!!! Magki-kiss ulit
sila, nood tayooo!!!”

Bigla na lang nanlaki ang mga mata niya nang makita’t marinig ang sumigaw na ‘yon.
“Joice!!!” Bakit nandito si Joiceto?!

“Nasa’n? Nasa’n? Tapos na? Ulit! Ulitin!” bigla na lang lumalabas ng bahay ang mama
ni TJ.

“Picture! Picture-an mo, dali! Ay! Nasa’kin pala ang cam!” pati ang mommy niya!
Natatarantang naglabasan ang mga nanay nila!

“Mommyyyyy!” hiyang hiyang sigaw niya. Ano ba ‘to! Normal ba ang mga ‘to? Lalong
lumala ang mommy niya nang masama sa mama ni TJ! At pati si Joice, nakikisali!

Bigla na lang siyang inakbayan ni TJ. “Ows, Tita? Pwede?”

At pati ba naman si TJ? Jusko po!

“Gooo! Wait! Lalagyan ko lang ‘to ng flash, ha? Saguli! Saguli!” natatarantang
kinatikot pa ng mommy niya ang camerang hawak.

“TJ!!!” inalis niya ang braso nito sa balikat niya. “Mommy naman, e!!!” baling niya
sa mommy niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Napapagtulungan na nga talaga siya!

“Bleeh!” binelatan pa siya ng mommy niya nang mukhang naayos na nito ang camera.
“Game na, dali!”

“Uy, dali! Dali! Hihi!” makilig-kilig ding sabi ng mama ni TJ.

“Kiss! Kiss! Kiss!” sabay sabay na nagpalakpakan sa tyempo ang mga ito.

“Pa’no ba ‘yan? Kiss daw, o?” mapanuksong bulong ni TJ sa kanya.

Bigla siyang kinilabutan. Gaah, hindi niya na kaya! Baka maihi na siya! “Aaah! Mga
baliw!!! Ayoko na sa inyo, mga baliw kayo!!!” hiyang hiyang sigaw niya pagkaraa’y
binalingan si TJ. “Pati ikaw! Pasalamat ka, mahal kita, pero baliw ka! Argh!” Sa
sobrang hiya, nilayasan niya ang mga ito at nagtatatakbong umakyat at tinungo ang
sariling kwarto.

Narinig niya pa nang malakas na magtawanan ang mga ito.

Nakakainis talaga! Ang baliw-baliw nila! Kainis, kainis, kainis! Kainis na.....
kakilig. Argh!
— — —

=================

30. Sweet changes.

30. SWEET CHANGES.

AUGUST 24, official na naging mag-on sina Yanna at TJ. At magdadalawang linggo na
ang lumipas simula noon.

Wala namang masyadong pagbabago. Mas naging extra sweet lang sila. Hindi niya nga
kinakaya ang ka-sweet-an ni TJ, e. Pero... nasobrahan naman ang loko sa sungit.
Pero ibang pagkasungit. Imbis kasi na ‘yung masungit na sinusungitan ang ibang tao,
hindi... kundi ipinagsusungit siya sa ibang tao.

Approachable at friendly pa rin si TJ. Syempre, lalo sa mga boys. Siya lang talaga.
Siya lang ang ipinagsusungit nito.

“Hoy. Sino ‘yang katext mo?”

Nagulat siya nang biglang marinig ang boses ni TJ sa likod niya. Naitago tuloy
niyang bigla ang cellphone sa likod niya. “Kailangan manggulat?” balik-tanong niya.

Pero imbis na sagutin siya nito, bigla na lang nitong kinuha ang cellphone mula sa
likod niya. “TIN? Tss!” naningkit na lang bigla ang mga mata nito pagkaraa’y
pabalang na inilapag sa desk niya ang cellphone niya.

Wala naman talaga siyang ka-text, e. Ang meron, ka-chat. At si Kristoffer nga ‘yon.
Madalas niya rin kasing ka-chat sa facebook ang best friend niya. Kamustahan,
huntahan... Mga ganu’n lang. Pero kung noon ngang hindi pa sila ni TJ, lantaran na
ang pagkaseloso nito, ngayon pa kayang sila na? E, katumbas ata ng isang batalyong
seloso ang pagkaseloso ng boyfriend niya, e.

“O, selos ka na naman niyan?”

“Ewan ko sa’yo.”

Hala? Bigla na lang siyang tinalikuran at bumalik sa sariling pwesto. ‘Yan na nga
ba ang sinasabi niya, e. Daig pa ata ng normal na kasungitan nito dala ng kaselosan
ang kasungitan niya tuwing may dalaw siya.

Sinundan niya si TJ sa pwesto nito. Wala pa ang mga classmates nila dahi recess pa.
Pati ang barkada, iniwanan nila sa tambayan. Pa’no, nag-aya agad si TJ na umakyat
sila. Twenty minutes pa bago mag-bell pero nasa room na agad sila. Lima lang silang
magkakaklaseng nasa loob ng room nila ngayon.

“Uupo ako,” pagbibigay alam niya kay Abby na katabi ni TJ.

“So?” mataray pero pabirong balik nito.

“So? Gusto mong sowloksokin ko ‘yang mukha mo? Privacy, pwede?” pagtataray niya.
Biruin man siya ng pataray, siya naman ang talagang mataray.

Alangan naman kasing pumwesto siya sa kabilang side ni TJ? Edi, narinig nito ang
ka-sweet-an nila ng boyfriend niya? Mahirap na, ‘no... Baka mainggit pa.

“Ito naman! Joke lang, e. O, upo na,” tumayo na si Abby at pinaupo na siya sa
pwesto nito. Aalis din pala, inartehan pa siya. Inismiran niya nga bago siya maupo.

Si TJ naman, nakapikit habang sapo-sapo ng palad ang noo. Ano ba’ng drama ngayon ng
boyfriend niya?

Kinalabit niya si TJ. “Huy. Sungit...”

Pero hindi naman siya pinansin. “Happy... TJ... Salamat... Troy... Huuuy.”

Pero wala pa rin. Ang sungit lang. “Troy kooo...” niyugyog-yugyog niya na pero wala
talaga. Naiinis na rin siya, ha. Ang sungit sungit lang talaga nito kapag naisipang
magsungit, e.
Tumayo na siya sa harapan nito at nameywang. “Kainis! Bahala ka nga! Napakasungit!”
tinalikuran niya na ito at aalis na sana nang bigla na lang nitong hawakan ang
palapulsuhan niya’t hinila siyang bigla.

Hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.
Nakakandong lang naman kaya siya kay TJ ngayon! Nakapulupot ang isang braso nito sa
bewang niya habang nakasandal naman ang noo nito sa likod niya. Sino’ng hindi
bibilisan ng tibok ng puso sa ginawa nito?

“T-troy... ano ka ba?” pigil-hiningang sabi niya.

Hindi niya na talaga alam ang gagawin niya. Ewan ba niya, pero may kung ano kay TJ
na hindi nakakapagpapalag sa kanya.

“Haruuu! PDA naman d’yan!” kantyaw ng kaklase nilang si Benok. Hindi niya magawang
lumingon sa likuran dahil naroon ito at nahihiya siya talaga.

Naramdaman niya na lang na nawala ang pagkakasandal ng noo ni TJ sa likod niya.


Feeling niya alam niya na kung bakit.

“Wala kaming nakikita. Tara, Mel, canteen!” biglang pahayag at aya ni Benok sa
kaklase nilang si Jomel. At nakita niya ngang naglabasan na ang mga ito.

Sigurado siya. Nakatanggap ng evil glare ang dalawang ‘yon kaya mga nag-alisan.
Ayan tuloy, sila na lang ni TJ ang natira sa loob ng classroom.

Tapos naramdaman na naman niya ang ulo ni TJ sa likod niya.

“Troy....” tawag niya ulit dito. Ang awkward lang kaya ng pwesto nila. “Huy... Uso
kayang magsalita.”

Ang nakakainis lang kasi talaga, lagi na lang gano’n kapag nagseselos o nagagalit
si TJ. Gustong kasama siya, pero hindi naman siya kakausapin. Basta lang ganyang
magkatabi sila, pero hindi talaga siya iimikin. Para lang talagang sira, e. Galit
na nga, gusto pa rin nasa tabi lang siya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya sa
ka-weirdo-han ng utak nito o kikiligin, e.

“Huy naman kasi. Ang sungit naman, o. Best friend ko si Tin. Alam mo naman ‘yun, e.
Tsaka, di ba, ikaw lang naman? ‘Wag ka nang magselos d’yan. Ha? Huy....”

Narinig niyang nagbuntong-hininga si TJ. “Hindi naman ako masungit. Masakit lang
ang ulo ko. Sorry na, baby ko.”

Bigla na lang ata siyang namula. Ano’ng sabi nito? B-baby? At kailan pa nila naging
tawagan ang baby?

“Sira! Baby ka d’yan... Masakit ulo mo? Gusto mo pabunot natin?” pumihit pa siya
para mapaharap dito pero pinigilan agad siya nito.

“Tsk, harot... Baby kita sa gusto at sa gusto mo. Tsaka, ‘wag ka ngang malikot.
Gan’to muna tayo.”

Nagpigil siya ng tawa. Hoo! Kunwari pa! Sa boses pa lang halatang nahihiya na, e!
Kunwaring nagla-like a boss pa, pero halata niya naman ang hiya sa boses. Siguro
nga namumula na rin ang mukha nito kaya ayaw siyang paharapin, e. Natatawa na lang
tuloy siya.

“Pero, may sakit ka ba? Dalhin kita sa clinic?” sinalat-salat niya pa ang braso
nitong nakapulupot sa beywang niya. Hindi naman masyadong mainit, pero mas mainit
kumpara sa kanya. Ibig sabihin, meron nga. “Loko ka, may sakit ka pala. Tara,
samahan kita sa clinic,” aya niya.

“Ayoko nga ro’n. Papatulugin lang ako ro’n. Pababalikin ka rito tapos hindi kita
makakasama. Dito na lang ako para mababantayan kita. Akin ka lang, e,” hinigpitan
pa nitong lalo ang yakap sa bewang niya.

Define possessive? Si Troy ko po, ehem.

Ayaw talaga nito na hindi siya kasama. Gusto nito nababantayan siya. Gusto nito
angkinin siya. E, bakit ang possessive? E, kay TJ lang naman talaga siya.

Dati, asiwang-asiwa siya kapag nakakakita siya ng mga magkasintahang ang sweet
sweet sa isa’t isa. Hindi sa naiinggit siya. Hindi niya lang talaga maintindihan
kung bakit kailangang maging sweet sa harap ng ibang tao, gayong pwede namang kapag
napagsolo na lang ang mga ito. Pero ngayon, naiintinidihan niya na at kinakabog pa
nila.

‘Yung ibang mga lalaki kasi, patorpe-torpe’t nahihiyang ipakita sa lahat ang
relasyon. Pero si TJ? Ipinagmamalaki’t ipinagyayabang sa lahat na siya ang kasama
habang ang iba, nganga.

Na para bang talo pa niya ang original na Helen of Troy sa ganda kung ipagmayabang
siya ni TJ sa lahat. Ano pa nga ba’ng hihilingin niya kung may Troy siya na mahal
niya at mahal na mahal siya?

Kinuha niya ang mga kamay ni TJ at ipinag-intertwine iyon sa mga kamay niya.
Holding hands na sila habang nakayakap ito sa bewang niya. Naramdaman niya pa nga
ang mahinang pagtawa nito, e. Napangiti na lang siya dahil sa kilig.

Ganito si TJ, ganito sila. Madalas na masungit ‘to sa kanya pero happy lagi ang
ending. Sana palagi na lang silang ganito; happy, pero walang ending.
“Nag-take ka na ba ng medicine?” tanong niya.

“Nagte-take na.”

Napakunot-noo siya. “Nasa’n?”

“Eto. Yakap ko. Ikaw. Engot.”

At kailangan talagang may engot sa huli? Hayaan na nga lang niya. Kinikilig po kasi
siya. Haha. “Baliw. Ikukuha kita, gusto mo?”

“’Wag na,” naramdaman niya pa ang pag-iling ng ulo nito. “Ikaw lang sapat na.”

Hindi niya na alam ang gagawin sa sobrang kilig dahil sa mga lumalabas na salita sa
bibig ni TJ. Nasabi niya na ba? TJ is an epitome of a very sweet boyfriend.

Dala ng kilig, sobrang ngiting-ngiti na siya pero pinipigilan pa niya. Ngayon lang
niya naranasan ang ma-in love at ang saya pala.

Hanggang sa maubos ang oras, ganoon lang sila. Kahit ba may mga nagdadatingan nang
mga kaklase nila, hindi pa rin siya umaalis sa kandungan ni TJ. Wala, syempre,
proud din siya. Proud sa PDA? Haha, hayaang na lang, ‘no! Kahit ba tinutukso-tukso
sila, keri lang. Isang glare niya lang naman, magpapatay-malisya agad ang mga
kaklase nila. O, di ba? Pwede na silang taguriang The Baddest Couple sa campus
nila. Natawa tuloy siya. Oo nga. Isang Bad Princess, isang Evil Sweetheart. Kapag
nagsama, Baddest Couple ang kalalabasan.

“YANNABE—Oops....” napalingon siya sa malakas na tawag pero biglang hintong si Bea,


kasama sina Julia at Joice. Kasama na rin kasi sa barkada nila si Joice. Mabait na
nga ito sa kanila, e. In fairness.

“I love you,” mahinang bulong ni TJ na nagpalito sa kanya. Bigla-bigla na lang?


Pero nagulat na lang siyang bigla nang bitawan nito ang mga kamay niya at bigla na
lang siyang itinulak patayo. “Du’n ka nga. Taba ng baby fats mo, mag-diet ka.”

Whoa... ano raw?!

Maiinis na dapat siya sa biglaang pagtulak ni TJ sa kanya pero nang maintindihan


niya ang sinabi nito, lalo pa nang makita ang pamumula nito kahit na yumuko’t
kunwaring nagsungit pa? Naiinis siya, sa totoo lang. Hindi niya kasi alam kung
paano pipigilin ang ngiti sa mga labi niya. Haha, buset na boyfriend ‘to! Ginawa
pang dahilan ang baby fats ko!

Ngingiti-ngiting binalingan niya na lang sila Bea.


“Nahiya naman daw ang mga langgam sa inyo! Kayo na! It’s you two already!” tukso
agad ni Bea sa kanya na pinagsusundot pa siya sa bewang niya. Layo naman agad siya.
Hindi siya titigilan ni Bea, e.

“Pambihirang Troy! Alam mo, ATE Yanna? Sa’yo ko lang talaga nakitang ganyang umarte
‘yang kuya ko. Ibang iba, e!” ngingiti-ngiting pahayag ni Joice.

Eto na naman po ang loka. Ate na naman ang tawag sa kanya!

“Sshh! ‘Wag kayong maingay, may sakit si Troy,” saway niya sa mga ito. Naalala niya
kasing baka mas lalong sumakit ang ulo ni TJ sa ingay ng mga ito.

“May sakit? Si kuya???” tila hindi makapaniwalang ulit ni Joice sa sinabi niya.
“Whoa! Kita n’yo? Whoa! Grabe lang! Kahit may sakit kaya ‘yan, hindi ‘yan
nagpapahalata! Matigas ‘yan, e. Ayaw ng inaalala ng iba. Gagaling na lang ‘yan na
hindi mo nalalamang nagkasakit pala. Tanong mo pa kay Tita Mina. Whoa lang, kuya!
Lumelevel-up ka talaga, ha!” nilapitan pa ni Joice ang kapatid at pabirong tinulak-
tulak.

Nagpipigil na naman siya ng ngiti dahil sa sinabi ni Joice. Lalo pa nang tignan
niya si TJ. Nagpipigil ba naman ng ngiti na binubulas-bulas si Joice. Sobrang
namumula pa! Seryoso, cute na cute siya sa boyfriend niya. Aw, wrong. Gwapo pala!

Nagbabago si TJ nang dahil sa kanya? E, ‘yung feeling na... inspirasyon ka ng isang


tao para magbago?

— — —

=================

31. Life of the party.


31. LIFE OF THE PARTY.

MATULING lumipas ang mga araw, at syempre, going strong ang samahan nila ni TJ.
They celebrated their first monthsary together kahit walang bonggahang regaluhan.
Pero, ngayon......

From: CUTIEPATOOTIE

[SEXYPATOOTIE KOOO! HAPPY BIRTHDAY! LOVE YOU!]

[Miss mo na ko? Alam ko. Gwapo e ;)]

[Galit ka? O, e anong bago? :P]

[Tootie tootie tootie tootie tootie tootie sexypatootie ng buhay kooo! Sexy mo!]

Argh, puro text!

Birthday na birthday niya pero hindi man lang pumasok?! Ano ba namang boyfriend
‘yon? Nakaka...... ARGH!!!

At kamusta naman daw ang nag-e-evolve nilang tawagan? Naalibadbaran na kasi si TJ


sa happy kaya naging patootie na. Si TJ din ang nag-suggest. Sweetheart daw kasi
ang ibig sabihin noon. At kung bakit cutiepatootie at sexypatootie ang naging
tawagan nila? Ang over daw kasi ni TJ sa ka-cute-an, at ang over naman daw sa sexy
ng baby fats niya. Baby fats talaga! Samantalang cute na cute ang loko sa sariling
mukha! Kayabangan talaga. Lang’yang syota. Pogi niya kasi, e, bwiset siya.
[K.] tipid na reply niya.

Hah! Manigas siya! Kainis! Puro text lang, halatang nang-iinis pa. Hindi man lang
mag-sorry na hindi pumasok o kaya sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit hindi
pumasok. Wala namang sakit pero absent! Birthday ko pa naman.... Napabusangot na
lang siya.

“Okay lang ‘yan, Yanna. Malay mo may surprise pala sa’yo kaya hindi pumasok. Think
positive naman, ‘no,” sabi ni Julia sa kanya.

Nasa loob sila ng room nila kasama ang buong barkada, except nga kay TJ. Lunch hour
pa naman kasi kaya tambay muna sila.

“Oo nga, bebe. Baka may surprise lang ‘yun,” dagdag pa ni Yen.

“Boss, nawala lang ang Troy, bume-bebe ka na naman, ha?” puna ni Neil sa girlfriend
na si Yen.

“’Yun nga, e. Wala kasi! Haha,” natatawang sabi naman ni Diego.

Pa’no, ayaw na ni TJ na tinatawag siyang bebe o ng kahit ano pang endearment na


tawag ng barkada niya sa kanya. Bawal na siyang baby-hin ngayon. Nakakadiri raw.
Pero pag ito pwedeng-pwede. Masungit nga kasi, di ba? Ito lang daw ang may
karapatang mam-baby sa kanya. Napaka.

“Walang surprise ‘yun. Nakahilata lang kanina bago ako umalis, e. ‘Di ko nga alam
kung ano’ng trip nu’n,” pagbibigay-alam ni Joice.

Napabuntong-hininga na lang siya. Ayan. Sa kapatid na nanggaling.

Kanina niya pa rin pinipilit sa sarili niya na baka may surprise nga si TJ sa
kanya. Pero hindi naman kasi mahilig sa materialistic surprises ang boyfriend
niyang ‘yun. Kagaya noong first monthsary nila. Magkasama lang sila, pero walang
kahit na anong regalo. Hindi kasi talaga mahilig si TJ sa mga gano’n. Ang mahilig
ito, hindi sa regalo kundi sa mga pasabog.

Pasabog... katulad noong gabing ideklara nito na gusto siya nito at na nililigawan
na siya, samantalang para siyang may malaking kasalanang nagawa dati kung
makatingin ito ng masama sa kanya. That. At pagkatapos, ibinroadcast pa sa buong
section nila. Sa ganoon ito mahilig. Hindi sa mga materialistic surprises.
Noong tanungin niya naman kung bakit hindi ito mahilig magregalo, though hindi
naman siya nadi-disappoint or what, na-curious lang talaga siya. At ang sagot ba
naman sa kanya, e; ‘Bakit? ‘Pag bibigyan ba kita, madadala mo ba ang mga ‘yon sa
langit?’

O, di ba? Napasang-ayon naman siya ro’n. See how her boyfriend’s mind works?
Sobrang may point, e. Sira-ulo nga lang.

“Sexypatootie ni TJ! I love you raw sabi ng cutiepatootie mo!”

Napalingon silang bigla sa sumigaw na kaklaseng si Monica.

“Sabi mo?” kunot-noong tanong niya.

“Tuh-ray! Haha! Nag-text si TJ, mahal ka raw niya. ‘Yung lang. Kbye,” nag-flip hair
effect pa si Monica bago lumabas ng room nila.

“Sabi nu’n?” iritang bulong niya. Pumasok lang para sabihin ‘yon?

“Bakla, bingi ba? Pa-ulit-ulit lang ang peg?” Ej.

“Lul,” napabuntong-hininga na lang siya. Wala siya sa mood makipag-asaran. Birthday


na birthday niya, badtrip siya.

Bigla na lang silang napatingin sa mga nagpasukan nilang mga classmates.

“Yanna, nag-text si TJ. Sexy mo raw, pa-kiss!” Brad.

“Nag-text din sa’yo? Sa’kin din,” Alvin.

“Sa’kin din, e. Akala ko, ako ang kikiss! ‘Nak ng gago... Gm pala ampota! Haha!”
Cesar.

Iyon lang tapos nag-alisan na rin agad ang mga ito.

Edi, sa kanila na nag-text! Ako na ang hindi nireply-an! Bwiset!

Kahit ba isang letra’t isang tuldok lang ang reply niya, expect niya na magre-reply
pa rin si TJ para kulitin siya, ‘no. Para lambingin dahil obvious na badtrip na
siya. Pero wala!

“Yanna! ‘Wag ka na raw magalit sa patootie mo!”


Bigla siyang napatingin sa labas ng bintana. Si Lovely, napadaan lang.

“Yanna! Gwapo raw si TJ, alam niya!”

“Yanna! Sexy mo raw, sagad, pa-kiss!”

What the hell?

Nakukulili na talaga siya sa dami ng nagtatawagan sa pangalan niya. Kung hindi lang
talaga siya badtrip, kilig-pwet na siya kanina pa. Pero ‘nak ng jueteng.... badtrip
siya, e!

“Yanna—!”

“ANO?!” hindi na niya napigilan ang sariling tarayan ang sumunod na tumawag na si
Arwin.

“Wala, nainggit lang. Hehe,” sabay alis agad.

“Sshhht....” Napairap na lang siya

“Haha! Kagaguhan ng syota mo, Yanna! Hindi papasok, tapos pa-gm-gm na lang?
Tarages! Hahaha!” tatawa-tawang pahayag ni Derick.

“Ang sweet nga, e! Gusto ko ng ganu’n!” ngumuso pang sabi ni Lexi.

“E, Nii naman... Mas sweet naman ako ro’n, di ba?” kinindatan pa ni Derick si Lexi.

Napairap na lang ulit siya. Talagang sa harap niya dapat maging sweet? Sa harap
niyang badtrip? Hiya naman daw siya!

Hanggang sa mag-uwian na... Hindi na masyadong mainit ang ulo niya pero tinatamad
na siya.

“Yanna, nomo? Beerday mo ngayon, pa-nomo ka! Happy na, beerday pa! Haha!”
kinantahang kantyaw na naman ni Derick sa kanya. Nakalabas na sila ng campus
ngayon. Kanina pa nga siya kinakantyawan ng barkada na manlibre nga raw siya ng
inom dahil birthday niya. Umiinom naman kasi talaga siya pero ngayon kaunti na lang
dahil si TJ—
“Ohoy. Anong nomo? Bawal. Time’s up na kayo, mga baho.”

Speaking of the devil...

Agad na nanulok ang itaas na labi niya nang lumapit si TJ sa kanya at inakbayan
siya. Bakit kasi kailangang naka-shades? E, ang gwapo ho, medyo nababawasan ang
pagkainis niya. Pero syempre, kunwari asar pa siya kaya inirapan niya si TJ.

Pero ang totoo, nagback-out na ata ang lahat ng inis niya. Ang gwapo kasi talaga at
‘yun pa lang solve na! Hindi niya nga pinalis ang braso nito sa balikat niya, e.
Kalandi. Kunwari lang talagang inirapan niya ang loko. Haha.

“E, baho! Ngayon ka lang nagpakita, pinagbabawalan mo na agad si Yanna?” Neil.

“Porma ng baho. Shume-shades, parang uso! Haha!” Jake.

“Itong betlog na ‘to! Hindi ka pumasok tapos nomo lang.... KJ ka naman!” Derick.

“Si TJ ako. T-J. Sino si KJ? Gwapo ba ‘yon?” pambabara agad ni TJ kay Derick.

“Ay, Puppy Tee, ikaw ang pinakagwafu! Fromise! Hihi!” sabat naman ng maarteng
baklang si Ej. Saksakan nga naman kasi ng gwapo.

“Oh, well... Kilala mo naman ang papa mo, e,” mayabang na nagkibit-balikat pang
sabi ni TJ kay Ej.

Sige... Pakapalan ng boyfriend, o. Sino’ng lalaban?

“Kyaaa! Omg, omg!” bigla na lang naghampasan dahil sa kilig ang mga babaeng barkada
nila.

“Wait! Ano ba kasi’ng drama mo at hindi ka pumasok? Kanina pa kaya nagtatampo ‘yang
girlfriend mo,” kompronta ni Bea kay TJ na inginuso siya sa huling sinabi.

Naramdaman niyang tinignan siya ni TJ kaya napatingin din siya rito. E, ang kaso,
nagbawi agad siya. Ang gwapo kasi talaga, naiilang pa rin siya. At alam niyang sa
likod ng shades nito ay ang nakakatunaw na titig nito.

Kunwari, mataray ulit, umirap ulit siya.

“Ahe? Nahiya. Haha,” kinurot pa siya ni TJ sa pisngi.

“Ano ba,” inaalis-alis niya ang kamay nito na kurot nang kurot sa pisngi niya.
Balik nang balik, e. Wala talagang takas kapag nahihiya siya. Huling huli talaga
nito kapag nahihiya siya, e. At gustong gusto talaga nito kapag nahihiya siya.
Abnormal talaga.

“Pader po kami. Pader... ‘Wag n’yo po kaming intindihin at hindi kami nakatingin
dahil baka kami langgamin,” parang robot na agaw ni Derick sa atensyon nila ni TJ.
Natawa naman siya sa rhyme ng loko.

“Oy, pader, ikaw pala. Nasa’n si mader?” pambabara agad ni TJ kay Derick na
ikinatawa nila. “Inggit ka lang, e, baho mo! Una na nga kami! Solohin ko na ‘to.
Adios!” At dahil nakaakbay si TJ sa kanya, naglakad ito’t natangay siya.

“Hoy, baho!” tawag ni Neil kay TJ kaya napalingon ulit sila sa mga ito.

Ang baho lang talaga ng tawagan ng mga lalaking ‘to. At ang boyfriend niya pa ang
pasimuno!

“Birthday ni Yanna, wala man lang party?” tanong ni Neil.

“Hindi ba kayo nag-party kanina?” balik-tanong ni TJ.

“Loko ba? School kaya. Party sa school?” sagot ni Kiray.

“Bawal sa room?”

Boom, Kiray. Haha.

“Hmp!” iningusan na lang ni Kiray si TJ.

“E, kapoot lang, p’re, o! Birthday ni Yanna, hindi man lang i-ce-celebrate? Gara
lang no’n!” reklamo ni Diego.

“E, ‘wag kang mapoot, itlog! Hindi pa naman debut, tsaka na kayo mag-inarte.
Pinahiram ko na nga sa inyo kanina, pati ba naman ngayon?” TJ.

“Ayon! Kaya pala hindi pumasok, e, para masolo si Yanna ngayon! Ibang utakan ka
talaga, ‘no? Umalis ka na nga! Silaw ako sa shades mo!”

Haha! natawa agad siya nang itaboy na ni Derick si TJ.

“Hoo... Silaw ka sa gwapo! Hiya ka pa, e,” TJ.

“Taena, layas na! Ang kapal ng mukha, abot hanggang dito, o!” Derick.
“Weh?” nag-straight face si TJ. “Kbye.”

Haha. Mga sira-ulo talaga lalo na ‘tong boyfriend niya. Natatawang naglakad na lang
siya na akbay-akbay ni TJ. Nagpahabol pa ng sigawan ng pagbati ang mga kaibigan
nila sa kanya. Siya naman, nag-wave back na lang. Mamaya niya na lang ite-text ang
mga ito.

Ang abno kasi ni TJ, e. Bakit kasi ganu’n? Ang gwapo na ang sungit pagdating sa
kanya pero ang sweet. Lalo tuloy siyang na-i-inlove, e.

Sumakay sila sa jeep kahit hindi niya alam kung saan sila pupunta. May surprise
kaya si TJ sa kanya? Pero feeling niya naman wala. Tsaka, okay na sa kanya na
kasama si TJ.

Kung kanina naiinis siya, ngayon naman kilig na kilig na! Ang sweet ba naman kasi
para sa kanya ng reason ni TJ sa hindi pagpasok nito kanina, e. Para lang pala
bigyan ng oras ang barkada sa kanya pero ngayon, sosolohin siya. Kkkkk... kilig na
kilig po siyang tunay.

“’Te, ang cute ni kuya!” “Gwapo, hindi cute.” “Kkkk! Nakakakilig!”

Naagaw ng mga babaeng katapat at nasa harapan nila ang pansin niya. Mga babaeng
taga-kabilang school na sa palagay niya ay freshmen o sopohomores pa lang. Sila at
ang mga ito pa lang kasi ang sakay ng jeep.

“Tanggalin mo nga ‘yang shades mo,” bulong niya kay TJ. Pa’no, ‘yung mga babae,
parang maiihi na ang mga itsura kung kiligin. Kung mga makabulong, ang lakas.
Makangiti, wagas.

Tinanggal naman ni TJ ang suot na shades pero pagkaraa’y lumapit nang todo sa
kanya. “Sure ka, ha? Bahala ka, lalo silang ma-i-in love,” at kumindat pa!

“Kkkk! Ang yabang, pero ang gwapo pa rin!” “Hihihi! Kunin n’yo number baka wala
pang girlfriend!”
E, ano pala ‘ko rito?! Tutuktukan niya ang mga batang ‘yon, e.

Naramdaman niya namang biglang umakbay si TJ sa kanya. Tinignan niya ito at ang
bruho! Halatang enjoy na enjoy na naiinis siya!

“E, girlfriend niya ata ‘yan, e.” “Gaga, baka ate lang!” “Oo nga! O kaya pala, best
friend! Hindi naman maputi, e!”

“EXCUSE ME?! KAPAG PUMUTI AKO, MAS LALONG LUGI KAYO!” pero syempre, sa isip niya
lang sinigaw ‘yon. Nakakaimbyerna lang talaga. Kaya minsan, ayaw niya na may
boyfriend na gwapo, e. Pero joke lang kung si TJ naman. Haha.

“Sa’yo lang naman ang gwapong ‘to,” bigla namang bulong ni TJ sa kanya at nang
lingunin niya, kumindat na naman! Tignan mo ‘tong yabang na ‘to, sarap tuktukan, e.
Pero bigla na lang ding bumaba ang kamay nito mula sa balikat niya at pumulupot sa
beywang niya. Mas lalo siyang hinapit ni TJ papalapit.

Biglang parang may kumikiliti sa loob ng tiyan niya.

“Kuyang pogi! G-girlfriend mo?” lakas loob na tanong ng isang babae sa tila hindi
talaga siguradong tono.

E, kung kutusan niya na kaya ang batang ‘yon? Aba, hindi pa ba obvious?!

“Tss. Hindi, ‘no.”

ANSAVEEH?! Ikaila ba ako?! E, kung konyatan niya kaya si TJ ngayon mismo?!

“Yiie! Talaga, kuya?” halatang nagalak ang isa pa dahil sa sinagot ni TJ.

“Hehe... Joke.”

Sabay sabay natigilan ang tatlo. “H-huh? Ano ba talaga, kuya?” litong tanong ng
isa.

“Ito ba?” tukoy ni TJ sa kanya. “Tss... Wala lang ‘yan, ‘no... Siya lang naman ang
mahal ko, minamahal ko at mamahalin ko.” Mula sa seryosong sagot, bigla na lang
kinindatan ni TJ ang mga ito.
Bigla na lang siyang napayuko sa pagpipigil ng kilig at ngiti, samantalang ang mga
babae; “Aww. Girlfriend nga...” “Sayang! Ang gwapo talaga...” “Ang sweet, sana ako
na lang...”

Edi, siya na ang kinikilig! Haha. Kamusta naman daw ang mga bulungan nitong wagas?
Tukneneng, parang wala siya sa harapan ng mga ito, e. Kung hindi lang talaga
mukhang mga batang di hamak sa kanila, baka kanina niya pa niratrat ng
kasarkastikuhan ang mga ito. At isa pa... hindi naman na kailangan. Pinagyayabang
naman kasi siya palagi ni TJ.

Binigyan niya na lang ng ‘o-e-ano-kayo-ngayon’ look ang mga ito. Mga nagngusuan na
lang tuloy pero lantarang tingin pa rin talaga ang ginawa kay TJ Hindi man lang mga
nagpasimple, e. Nako lang.

NAKARATING sila sa isang lugar na tahimik. Bukid ang natatanaw nila sa harapan
habang nasa ilalim sila ng isang malaki at matandang puno. Ang ganda ng view sa
totoo lang. Nakaka-relax...

Pero hindi niya alam kung paanong nalaman ni TJ ang lugar na ito. May pinasukan pa
nga silang iskinita, e. At paglabas, ito na ang makikita. Pero bakit hindi niya
alam ang lugar na ito?

“Patoots... Nasa’n tayo?”

“Earth.”

Talaga nga naman... “Umayos ka, itatapon kita.”

Aba, simula nang maging sila, palagi na lang siyang binabara. Ang alam niya talaga,
siya ang mahilig mambara, e. Pero pagdating kay TJ, nalalaos siya.

“Hehe. Pangit mo, mag-smile ka nga,” saka nito pilit na ifino-form ng smile ang
labi niya gamit ang mga hintuturo. “O, ayan, mukha ka ng clown. Haha! Mag-smile na
kasi! Alam ko namang malungkot ka kanina kasi wala ako. Kasama mo na ‘ko, o. ‘Wag
nang bumusangot d’yan. Smiiiiile,” sunod-sunod na itinaas-taas pa nito ang mga
kilay habang ang lapad ng pagkakangiti. Halatang nang-iinis, e.

“Tse!” Pinaghahampas niya nga! Ang kapal lang kahit totoo, e. Haha.
“Aray! ‘Wag nga! Kiss kita d’yan, e.”

Napahinto agad siya.

“Uyy, nag-blush? Haha. ‘De, joke lang. Mamaya na, maaga pa.”

“Argh! Lumayo ka nga sa’kin!” tinulak-tulak niya si TJ. Ang yabang lang, sagad po!

“Kilig naman, nahiya pa.”

“Duh!” umirap siya. Kahit totoo naman ang sinabi nito. “Teka nga... Ano ba’ng
gagawin natin dito kasi? Malapit na kayang gumabi.”

“Alam ko. Gabi naman talaga pagkatapos ng hapon, di ba? Nagbago na ba?”

E, define masamang tingin?

“Haha! Maiinis na ‘yan, o.” Natuwa pa talaga. “Joke lang, e. Haha. Ito naman! ‘Lika
nga rito,” inakbayan siyang bigla ni TJ at mas inilapit nang husto. Hinawakan pa
nito ang kamay niya. Tuloy, nakasandal ang likod niya kay TJ habang magka-holding
hands sila.

Hindi siya pumalag. Bakit, e, kanina niya pa kaya hinihintay ang moment nila.
Mawalan-walan na nga siya ng pag-asa hanggang mag-uwian, mag-iinarte pa ba siya
ngayon? E, natural lang naman ang kayabangan ng boyfriend niya at sanay na siya,
‘no.

“Happy birthday, baby ko,” biglang bulong ni TJ sa tenga niya.

Nahihiyang ngumiti siya. Simpleng happy birthday lang nito, sapat na para maging
masaya ang birthday niya.

“Sorry na kung hindi kita pinasama sa barkada, ha? Gusto ko lang naman na masolo
ka. Sorry rin kung wala akong gift ngayong birthday mo, ha? Promise, kanina ko pa
pinag-iisipan pero hindi ko talaga alam kung ano’ng magugustuhan mo kaya sumuko na
lang ako. Pero bilang kapalit, ibibigay ko na lang sa’yo ang puso ko.”

“Phhp,” nagpigil siya ng tawa. How could this guy be sweet and corny at the same
time? He was making her fall for him even more.

“Baduy po. Pero pwede na,” biro niya. Parang biglang inaantok siya sa yakap ni TJ.
Idagdag na rin kasi ang hangin at katahimikan ng lugar. At the very moment, she
felt safe with him holding her tight.
“Baduy raw talaga kapag nagmamahal. Pasensya naman, mahal na mahal lang kita.”

“Edi, baduy na rin ako! Hmp!” Nahiya naman daw kasi siya, e.

Natawa si TJ kaya natawa na lang din siya. Matagal na gano’n ang pwesto nila. Sabay
nilang hinihintay ang paglubog ng araw.

Ang sarap pala ng feeling ng ganito... Kasama mo ang mahal mo sa tahimik at


magandang lugar habang yakap yakap ka niya sa mga bisig niya.

Butterflies.... ‘Yun pala ang pakiramdam ng parang may isang daang paru-paro ang
nagsasayaw sa tiyan niya.

“Arianna...”

“Hmm?”

“Thank you.”

“Huh? For what?”

“For being alive. For having you here. For being mine. And for loving me. Ang gay
mang sabihin, pero feeling ko parang ako ang may birthday,” mahinang tumawa si TJ.

Kinikilig na naman ang boyfriend niya. Sino ba naman kasi’ng hindi?

Umayos siya ng upo at humarap kay TJ. “Alam mo? Ganyan daw talaga kapag pogi, e....
bading. Haha!”

“Ah, gano’n?” Bigla na lang siyang pinagkikiliti ni TJ sa tagiliran!

Malakas ang kiliti niya roon at alam nito ‘yon kaya wala ‘tong tigil sa pagkiliti
sa kanya. “Aack! Tama na! Hahaha! Tama na kasi, Troy! Haha!”

“Bading pala, ha? Bading pala? Ano ka ngayon? Hah!”

“Tama na kasi! Joke lang naman, e! Haha! Joke nga lang! Tama na, Troy!”

“K,” bigla naman ngang tumigil.

“Napaka. Haha. Para nagjo-joke lang, e. Tsk-tsk. Sa ganyan talaga napaghahalata ang
mga guilty,” pasimpleng asar niya pa.
“Weh,” sumeryoso na naman ang mukha!

“Ang arte... Maihi ka d’yan.”

“Tss! Ay, teka pala...” parang biglang may naalala si TJ. “May regalo pala ‘ko
sa’yo. Saglit...” may kinuha ito mula sa bulsa.

E, ang akala niya ba wala itong regalo? Gulo lang.

“Tunun!” sabay labas ng isang ballpen na pinagmalaki pa talaga.

May pa-tunun-tunun pa...“O, e, ano nama’ng gagawin ko d’yan?”

“Baka ipambubura?”

Bakit pa nga ba kasi siya nagtanong, di ba?

Pok!

“Aww! Bakit mo naman ako pinukpok niyan?!” asar na reklamo niya. Ipukpok ba naman
sa noo niya ang ballpen na hawak!

“E, ngumunguso ka kasi, baka muntik na kitang mahalikan.”

Bigla naman niyang natakpan ang bibig niya. Napanguso pala siya? At ano raw ulit
ang sinabi nito? Baka muntik? Medyo magulo ‘yun, ha.

“Patootie talaga! Haha. ‘Lika na nga rito,” inabot ni TJ ang kamay niya at humarap
sila sa malaking puno.

Sumunod na lang siya rito.

Hmm.... Parang nahuhulaan niya na ang gagawin nito.

At tama nga siya. Nagsimula na itong mag-ukit sa puno gamit ang ballpen na
ipinagmalaki pa kanina. And after a few minutes... siya naman ang nag-ukit.

Sa bandang ibaba ng matandang puno, nandoon ang inukit ni TJ na malaking puso, at


ang inukit niyang; Helen of Troy.
“Tapos na!” nakangiting pahayag niya nang matapos siya sa huling letra.

“Wait. May kulang...”

“H-huh?”

Pero bigla na lang kinuha ni TJ ang ballpen sa kanya. Tinignan niya kung ano ang
inukit nito at kuntentong napangiti siya nang mabasa iyon.

Sa loob ng malaking puso, nakaukit doon ang mga katagang:

Helen of Troy

Forever

— — —

=================

32. Mr. Possessive.

32. MR. POSSESSIVE.

“YESSS! Intrams! Sporst fest, beybeh! One week freedom! Yahooooo! One to sawang
galaan na naman ‘to! Hahahey!” galak na galak na pahayag ni Neil.

Ang saya lang talaga nila. One week kasi ang Intrams nila ngayon na karaniwan ay
three days lang. Pero mas lalo siyang sumaya nang i-announce na wala na ang pa-
contest na Mr. & Mrs. Intrams ngayon. Hindi na niya inintindi ang dahilan dahil
hindi naman mahalaga para sa kanya. Bukod sa ayaw niya ang rumarampa, makakalaban
niya rin kasi si Lexi na muse ng IV-Love ‘pag nagkataon. Syempre, mape-pressure
siya sa mga classmates niya para manalo, pero si Lexi, alam niyang gusto nitong
manalo. Kaya mas mainam nang wala na lang.

“Tara, baho! Ditch. Date na lang tayo,” aya ni Derick kay Neil.

“Urur! Tangna, ‘wag naman sa harap ng syota ko’t syota mo!” Bigla na lang lumapit
si Neil kay Derick at saka umarte na parang bakla at pasadyang bumulong. “Iiiih
naman ‘to! Baka mabuking tayo, ano buuuh!”

Pak! Binatukan ni Derick si Neil. “Ulol! Kako, date tayo! Ide-date ko syota ko, i-
date mo ang iyo! Lul! Napakaingay! Kaya tayo nabubuking, sira-ulo!”

Matawa-tawa siya. Ang loloko lang talaga ng mga lalaking ‘to.

“Yuck! Nii!” Bigla silang napatingin kay Lexi. “Bakla ka? As in.... b-beki?” tila
seryosong hindi ito makapaniwala.

Mas lalo naman tuloy siyang natawa. Ang toyo lang kasi ni Lexi. Hindi niya alam
kung sinasakyan ang kalokohan ng boyfriend o sadyang engot lang talaga, e. Haha.

“Ang slow nam—este, joke lang ‘yun, Nii. Nagbibiruan lang kami, ikaw naman,”
masuyong nilapitan ni Derick si Lexi at ayun, naglambingan na nga ang mga ito.

Naloloka naman siya. Sinabi na nga ba’t slow lang, e. Hahaha.

“HARU! E, kamusta naman daw ‘yung dalawa d’yan na hindi ata alam ang ibig sabihin
ng salitang SPACE? Hmm?” ma-intrigang parinig ni Kiray sa kanila ni TJ.

Sabay-sabay tuloy na nagtinginan ang mga kaibigan nila sa kanila.

“Eto, enjoy lang. Kayo d’yan, inggit lang,” sagot naman ng nasa likod niya.

Edi, kami na! Haha! Magka-holding hands lang naman kasi sila habang nasa likod niya
si TJ, so parang naka-backhug ito sa kanya kahit hindi.

“Ibang level talaga, ‘no? Bakit kami hindi nagkaganyan? Ibang iba talaga kayo.
Kayong kayo na!” makilig-kilig pang sabi ni Bea.
Pero halata niya ang inggit sa sinabi nito. Pa’no, hindi naman kasi showy si Jake.
Mahiyain kasi ng kaunti. Samantalang ito namang si TJ, kahit sino’ng kaharap, basta
sinumpong, magiging sweet na lang bigla. E, syempre, siya naman, kikiligin. Luuuuh!
Haha!

“Grabe ka, Yanna. Ganyan ka pala magka-boyfriend. Ikaw na ume-evolve! Patootie,


patootie! Haha!” tukso naman ni Julia sa kanya.

“Pokemon, ‘te? Sira!” Medyo napayuko pa siya dala ng kaunting hiya. “Maarte kasi
‘to, nadadala lang ako,” hindi pigil ang ngiting sabi niya.

“Weh? Nahiya pa. Pogi kasi,” sabat namang bigla ni TJ.

E, ano naman ang konek no’n?

“O, e, tara na, mga baho, uwian na!” komento ni Neil na naglakad nga talaga paalis.

Ang loko lang talaga ni Neil, e. Pero, ang kapal naman kasi talaga ng boyfriend
niya. Haha!

“Mga chusaaaa! Nandito na akong inyong dyoasaaaa!”

Napalingon silang lahat sa humahangos na bakla. Si Ej, kasama si Joice. Napabalik


din tuloy si Neil na for sure naman, e, babalik talaga’t nag-inarte lang. Pero saan
nga ba nagsuot ang dalawang ‘to?

“Hinga, mga bakla. Hinga,” sabi niya sa dalawa. Aba naman, hingal na hingal.

“Tubig. Hengeng tubig,” hingal na sabi ni Ej.

“Du’n, o,” inginuso ni TJ na nasa likuran niya pa rin ang canteen na tanaw nila
mula sa MPH. “Du’n. Takbo ka ro’n, marami ro’n.”

“Haha! Grabe naman! Ang sama mo, kuya! Hingal na hingal, patatakbuhin mo na naman?”
natatawang sabi ni Joice sa kapatid pagkaraa’y binalingan si Ej. “’Wag ka na kasing
maarte d’yan, baks!”

“Tss. Pwede naman kasing maglakad,” bulong ng nasa likuran niya na sa palagay
niya’y siya lang ang nakarinig kaya siya lang ang natawa.

“Nakakainis kayo, iniwanan n’yo ‘ko! Hmp!” nagtatampong sabi ng bagong dating na si
Kiray kina Ej at Joice.
“Uy, sorry, Kry! Kasi naman ‘tong si bakla nanghihila bigla, e,” Joice.

“E, kasi naman, ‘pag nagsolo tayong three, hahalayin na naman ako niyang baklang
‘yan! Nakaka-stress ng byoti!” Ej.

Natawa agad siya sa sinabi ni Ej. Napakaarte pong tunay. Pa’no, ‘yung tatlo talaga
ang madalas na magkakasama dahil ang mga ito lang ang walang partners.

“O, sige na. Bakit kayo humihingal?” tanong niya sa mga ito.

“E, kasi, tum—“

“Alam kong tumakbo kayo, ayusin mo ‘yang sagot mo, bading,” inunahan niya na si Ej
sa sasabihin nito.

“Haha! Oo na! Kayo na ni Puppy Tee ko ang King and Queen ng barahan! Kalokaaa! Ikaw
na ngang magsabi Joiciemenezzz. ‘Di ko na keribelzzz.” Pagod na naupo si Ej sa
bleacher. Bangag na nga ata si Ej. Napagod ang byoti.

“Gan’to kasi ‘yun.....” Lahat sila tumingin kay Joice. “May battle of the bands sa
Sunday!” galak na pahayag nito

Lahat sila; no comment, no reaction.

Si Joice naman, biglang nanulok ang itaas na labi.

“So?” Siya na ang unang nag-react. Ano naman kasi kung may battle of the bands sa
Sunday?

“So?? Nakalimutan mo na bang gusto niyang patootie mo na magkabanda?”

“H-huh?” Napalingon siyang bigla kay TJ pero nag-iwas lang ‘to ng tingin. Gusto ni
TJ? Bakit hindi naman nito nabanggit sa kanya?

“Like, seriously?! ‘Ay, oo nga pala, wala kang naaalala.’ ”

Pero hindi niya narinig nang maigi ang ibinulong nito. “Ano ‘yon, Joice?”

“H-huh? Wala.... Ang sabi ko, gusto talagang magbanda ni Troy.”

Napakunot-noo siya. Iyon ba talaga ang sinabi ni Joice? Parang hindi naman, e.
Oh, well.... Ni hindi niya pa nga nakitang humawak ng gitara, drums, or piano si
TJ. Minsa niya pa lang din ‘tong narinig na kumanta.

“Eyy... Joke ‘yan, ‘no? Pa’no namang magbabanda ‘to, e, ang mga kantahan nito
twinkle twiphhp—!”

“PATOOTIE, ANG SEXY MO, SAGAD!”

Natawa siya nang takpan ni TJ ang bibig niya bago pa man niya masabi ng buo ang
twinkle twinkle.

“Ugh... Sa inyo ko na lang sasabihin, busy pa sila.” Inirapan sila ni Joice tsaka
sila tinalikuran at hinarap ang barkada nila. “Okay, ganito ‘yun..............”

Napasimangot tuloy siya. Ang sama. Hindi sila sinali.

Pero dahil malapit lang sila sa mga ito, syempre, naririnig din nila, ‘no. Sila pa
ba?

Magsasalihan talaga ang mga ito sa contest na ‘yun. Bubuo raw ang boys ng isang
banda. Si Neil ang vocalist dahil totoo namang maganda ang boses ni Neil. Si Jake
at TJ, parehong guitarist at second main vocals. Napa-weh na lang siya sa posisyon
ni TJ, e. Haha. Si Diego, piano. Si Derick naman, responsible sa drums. Okay naman
pala ang mga ito dahil may mga instruments din sa bahay. Hilig naman pala ng mga
loko ang pagtugtog, kung bakit ngayon lang naisipang magbanda.

At ang nakakatampo talaga.... si TJ! May gitara pala, ni hindi man lang siya
tinutugtugan!

“Tsaka ,eto pa.... Sorry, guys, pero hindi tayo makakagala. Ugh! Pupunta rito bukas
ang basketball team ng kabilang school. Lalabanan nila kayo. Ikaw. Ikaw. Ikaw.
Ikaw. At ikaw, koya.” Isa-isang tinuro ni Joice ang boys except Ej.“Kailangan
n’yong practice-in ang team n’yo, NGAYON! AS IN NGAYON NA MISMO! Ay hindi,
pagkatapos ko na palang mag-speech. Hehe. Para manalo ang school natin! Aba! Balita
ko pa naman mayayabang daw ‘yung mga ‘yun. Ano nga’ng pangalan ng team nila? Mary
Jane? Ugh lang talaga.”

Natawa naman daw siya sa speech ni Joice. May patanong-tanong pa, sasagutin din
naman pala ang sariling tanong. May toyo rin, e.

Pero, ano raw? Makakalaban ng mga ito ang Mary Jane ng kabilang school? E, parang
ang aadik daw ng mga ‘yun, e. Kaya nga Mary Jane kasi Mari-Juana. Pangalan pa lang,
ang adik na. Well, hindi niya pa naman nakikita ang mga ito dahil hindi naman siya
interesado. Pero, basta, maaangas daw ang mga ‘yun. Maduduga pang magsipaglaro.

“Good luck, guys! Kaya n’yo ‘yun! Lampasuhin!” Julia cheered.


“Go, go, go! Itaguyod ang Shooting Monstars! Monstars, for the win!” and so did
Bea.

“Tss. Para ‘yun lang?” sabi ni TJ na tinanggal ang hawak sa isang kamay niya at
naupo sa bleacher, pero hawak pa rin ang isang kamay niya.

Para namang tatakas siya nang tatakas. Hindi na bumitiw.

“Oo nga. ‘Yun lang, e. Yakang yaka namin ‘yun! Wala ba kayong tiwala sa’min?”
segunda naman ni Neil sa sinabi ni TJ.

“Wala,” sabay sabay na nag-ilingan sila Bea, Julia, Lexi, Kry, Yen, at Joice. All
girls, except her. Edi, siya na ang hindi ka-join!

“Ako, mga fafa! Tiwala ako sa inyu!” biglang tumayo at hands-up pang sabat ni Ej.

“Buti pa si Ej...” tinap ni Jake ang balikat ni Ej.

“Enuberrr! Fafa Jakey naman, ih! I’m so kilig! Hihihihi!” Ej.

“Hoy, bading, akin ‘yan! Echusero!” Hinatak agad ni Bea si Jake mula kay Ej. Si
Jake naman natawa na lang.

“KEBER! Ang ganda ko talagang dyosa! Lahat kayo nate-threaten sa aking byoti? Hihi!
Me likey!”

Parang lahat naman sila, iisa ang reaksyon na nagsasabing; Sige, Ej. Ikaw na
nagalak! Haha. Baklang bakla naman kasi!

Matapos nilang mapag-usapan ang pagsali ng boys sa BOTB, nagkwentuhan na lang sila.
Tutal naman, wala na silang ibang magagawa. Kaysa magtitigan, magku-kwentuhan na
lang sila.

“Pst. Sexy. Upo ka nga,” kinalabit ni TJ ang kamay niya na kanina pang hawak nito.

Sinunod niya naman ito at naupo nga siya sa tabi nito. Bale, nagku-kwentuhan pala
ang barkada, habang sila ni TJ, nagsosolo. Hehe.

“Bakit?” tanong niya kay TJ habang pinaglalaruan nito ang kamay niya nang makaupo
na siya.

Tumingin si TJ sa kanya. “Anong bakit? Syempre, nakatayo ka kanina. Papaupuin ba


kita kung nakaupo ka na?”
Siningkitan niya agad ng mga mata ang loko.

“Ayan na naman sa tingin na ‘yan! Masaya ba ‘pag nakaganyan? Pa’no ba ‘yan?” Ginaya
nito ang tingin niya. “Tss. Boring!” reklamo agad nito matapos siyang gayahin.

“Ewan! Du’n ka na nga! Practice-in mo team n’yo! Layo ka na sa’kin!” taboy niya kay
TJ. Ang adik! Pati tingin niya pinapansin, e, mas madalas pa ngang ganoon itong
tumingin kaysa sa kanya.

“Bakit ako? Ako ba captain? Layo naman ng itsura ko kay Akagi. Sendo ‘to, uy. Du’n
mo sabihin sa pinsan,” nginuso nito si Derick.

Si Dee? “Haha! Walanjo ka, Troy! Pogi naman kaya si Derick! Sira-ulo! Hahaha!”

“Ohoy... Bakit naririnig ko pangalan ko d’yan?” biglang sabat ni Derick.

“Eto kasing si TJ! Pinsan tsaka kamukha mo raw si Akagi kaya ikaw ang captain!
Hahaha!”

“Potek! Gwapo kong ‘to? Tangina mo, Salamat!” pabirong sabi ni Derick kay TJ.

“Tangina mo, too. Walang anuman, dude,” nagsalute pang sabi ni TJ.

Tawa lang siya nang tawa, e. Lakas maka-advantage ng apelyido ni TJ! Haha. Loko-
loko talaga, e.

“Ulul! Haha. ‘Lika na nga kayo! Tara na’t humayo! Tayo nang magsipag-ensayo!”
Derick.

Bakit ba ang hilig ng mga ‘to sa rhyme ngayon? Uso ba ‘yon?

Nagpaalam na ang mga boys sa girlfriends nila. Pero itong si TJ, hindi pa rin
tumatayo sa tabi niya.

“Huy. ‘Di ka pa susunod sa kanila?” takang tanong niya.

“Kiss muna. Pampagana,” sabay nag-wink pa!

Namula tuloy siya. “Lande! Sumunod ka na ro’n!”

Hindi naman sa nag-iinarte siya o ano. Pero, hello? Nasa MPH kaya sila at hindi
lang sila ang tao. Okay lang ba ‘to?

“Tss! Kiss lang, e!” Tumayo bigla si TJ.

Ayan na. Magtatampo na naman. Pero hayaan na nga, madali lang naman ‘yung amuhi—

Tsup!

Bago niya pa nalaman ang gagawin ni TJ, nakayuko na ito at nahalikan na siya. Sa
cheek lang naman, pero....

“Gotcha,” at nag-wink na naman ang loko.

Lalo tuloy siyang namula. Kainis. Ang gwapo lang ng boyfriend niya kapag kumikindat
ng gano’n sa kanya.

Mayabang na ngingiti-ngiting umalis si TJ at sumunod na sa mga boys habang siya


naman, naiwang namumula.

PAUWI na si Yanna—mag-isa. May practice pa kasi sila TJ kaya pinauna na siya’t baka
gabihin daw ang mga ito. E, sa totoo lang, uwing uwi na rin siya.

Bhhb.

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya at kinuha niya iyon mula sa bulsa
niya. Nang makita niya kung sino ang nagtext, napangiti agad siya. Kalalabas na
kalalabas niya pa lang ng campus, nagtext na agad? Edi, si TJ na! Kilig naman siya.

[CUTIPATOOTIE

Sexy! Ingat. Wag tanga wala ako sa tabi mo. Ingat a. Papakasalan pa kita. Sexy
mo.]
E, bakit kahit nang-aasar na, kinikilig pa rin siya?

“Aww!” bigla siyang napaatras nang isang bulto ng katawan ang bumangga sa kanya.
Syeteng pute. Kaka-text lang ni TJ na mag-ingat siya, heto’t nasaktan na agad siya?

“Aso ba?”

Napaangat ang tingin niya sa lalaking nakabungguan niya. Agad na nag-init ang ulo
niya at pinaningkitan niya ito ng mga mata. Ang kapal lang din ng mukha, e. Ito na
nga ang nakabangga, hindi man lang nag-sorry? Bangasan niya kaya?

“Patawa? Uso ba? Leche, ang engot. Tabi nga!” hinawi niya ito at nilagpasan.

Kainis! Bakit kasi ang daming lalaking mayabang ngayon? Ayaw niya sa mga mayayabang
—pwera kay TJ, syempre. Oo. Mayabang kasi talaga ‘yun, superb. Pero love niya ‘yun,
sagad.

*Sexy. Tumatawag ang gwapo. Sagutin mo. Sexypatootie. Naghihin—*

Hehe. Ang cute lang ng ringtone niya, e. Boses ba naman ng boyfriend niya?

Si TJ kasi, ang baliw! Ang haba pa ng nirecord nito pero dahil sa mainiping tunay
ang loko, kailangan niya nang sagutin agad.

“Yo?”

“Nakauwi ka na?”

“Wow naman! Sorry naman kasi ‘di ko dala ugatpak ko. Ikaw, baka dala mo ‘yung iyo,
baka pwedeng ihatid mo muna ‘ko?”

“Si Arianna ka, hindi si Alwina. Tss. Para kang si Anne.”

“Sino namang Anne ‘yan??”

“Annebisyosa. Haha!”
Kapoot-pootang puso ng saging nga naman, oo. Kapag tina-try niyang barahin si TJ,
lagi na lang itong may pang-counter-attack. E, define bwiset? Siya—

“Miss!”

—Siya ‘yun. Ito ‘yun, e. Itong lalaki na bumunggo sa kanya kanina at ngayon, e,
papalapit na sa kanya. Ano ba’ng iniiri naman nitong cute—este, bwiset na ‘to?

“O?” kunot-noong tanong niya.

“May naiwan ka.”

“H-huh? Nasa’n? Ano?” nagtatakang tanong niya.

“Eto, o.... ‘Yung puso ko.” Ngumiti pa ‘to ng pa-cute na ngiti.

Tinaasan niya lang ‘to ng kilay.

“Joke lang. O, panyo mo,” biglang abot ng panyo sa kanya, tapos umalis din agad.

“Tss. Baliw,” umismid na lang siya.

Kung si TJ pa ang bumanat ng ganoon, baka sakaling—Shit! Si Troy nga pala!

Tinignan niya agad ang cellphone niya at.... Call Ended? Hala! Kaka-end lang?!

Bhhb.

[CUTIEPATOOTIE

Nyeta. Umuwi ka na ngayon na]

Patay na. Malamang na narinig nito ang usapan nila ng lalaki kanina. Patay na
talaga! Seloso pa naman ng sobra pa sa sobra si TJ.

Nakagat niya na lang ang ibabang labi niya.


— — —

=================

33. The evil's precious secret.

33. THE EVIL’S PRECIOUS SECRET.

“BAKA magalit si Dee? Ikaw lang ata ang wala ro’n, e,” katwiran niya kay TJ.

“Hamo siya, malaki na siya,” walang pakialam na sagot nito tsaka siya inakbayan at
naglakad na sila paalis.

Ang totoo kasi, siya palang talaga dapat ang uuwi dahil may matindihang practice na
naman ang Shooting Monstars. Hindi kasi natuloy ang laro kanina dahil na-move ang
schedule bukas. E, ang kaso, ang mokong niyang boyfriend masyadong seloso, gustong
manigurado kaya sasabayan siyang umuwi. Baka raw kasi patanga-tanga na naman siya’t
may makabungguan na naman siyang lalaki. Edi, may ibang lalaki na namang kakausap
sa kanya? Nako. Napakaseloso lang talaga.

Mabuti na nga lang kagabi, nu’ng lumundag na naman ito sa veranda niya na lagi
naman na nitong ginagawa, nakinig ito sa paliwanag niya na hindi naman talaga niya
kilala ang lalaking ‘yon kahapon. Aba naman. Galit na galit talaga kahapon, e.
Parang may usok na lalabas sa butas ng ilong.

“Bahala ka. ‘Pag kayo natalo bukas, patay ka kay Dee.”

“Kaya namin ‘yun, ano ka ba? Sinabi ko naman sa’yong sasaniban ako ni Sendo bukas,
e. Makikita mo,” pagmamayabang pa nito.

Sapukin niya na kaya ‘tong lalaking ‘to? Pwede namang idolohin na lang si Sendo
pero feel na feel talaga nito ang pagiging Sendo. Kung may contest nga lang ng
payabangan , e, si TJ na talaga ang panalo!

“Abno,” iiling-iling na bulong niya na lang.

Ang akala niya talaga, uuwi na sila. Pero heto ngayon at nakaupo sila katabi ng
kanilang infinitree.

Inangkin? Oo. Wala namang aangal, e. Ang totoo kasi, madalas na sila rito. It was
their special place. Infinitree nga ang ipinangalan nila sa puno, e. And hey, they
made a promise na bibilhin nila sa future ang lupang ito kung saan nakatayo ang
infinitree nila. Ano’ng say naman daw ng plano nila sa future? Ah, basta! Si TJ
lang ang gusto niyang makasama sa future.

“Ungnhh....” Nag-inat si TJ pero ang bagsak ng braso, sa balikat niya.

“Haaah... Kaantok...” Humikab naman siya pero ang bagsak ng ulo, sa balikat ni TJ.

Pareho silang natawa sa mga pinaggagawa nila. Ang lakas lang nilang magkahiyaan!
Pwede namang kusa na lang silang mag-akbayan pero ewan ba nila kung bakit madalas
silang magkahiyaan kapag sila na lang dalawa.

“Baby...” marahang tawag ni TJ pagkaraan.

Naalala niya tuloy kung ga’no siya kainis sa tawag na ‘yon noong ginamit ni TJ ‘yon
kay Lexi. Pero ngayon, kinikilig na siya sa tuwing tinatawag siya nito ng gano’n.

“Hmm?”

“Ggusto mong.... tugtugan kita?”

Napaangat bigla ang ulo niya at humarap kay TJ. Na-excite siya bigla.

“Talaga?” puno ng pananabik na tanong niya.

May dala kasi itong gitara pero hindi naman nito ginalaw kahit kanina sa school
nila. Wala. Parang props lang. Nagtataka nga siya, e.

Parang nagulat naman si TJ sa naging reaksyon niya, pero biglang.... “De, joke
lang.”

Bwiset lang. Na-excite na siya, e. “Kurot, gusto mo?”


“Ikaw lang gusto ko.”

Naningkit lang ang mga mata niya pero ramdam niyang nag-iinit na ang mga pisngi
niya.

“Sige na nga, baka mapatay pa ‘ko niyang tingin mo.”

Napaka talaga. Tutugtog din pala, gusto pang naiinis-hiya muna siya.

Inilabas na nito ang gitara mula sa case. Bigla na naman siyang na-excite. First
time kayang tutugtugan siya ni TJ.

Bago magsimula, kung nakailang ehem muna ata si TJ. Ang cute lang talaga ng loko
kapag nahihiya, e. Lalo talagang nakaka-in love.... O sa kanya lang ‘yon dahil
kahit ano’ng gawin nito, na-i-in love pa rin siya?

Hindi makatingin ng deretso si TJ sa kanya bago mag-umpisa. Pero nang magseryoso’t


nag-umpisa na ito, sa mga mata niya lang ang titig nito.

There's no combination of words I could put on the back of a postcard

No song that I could sing, but I can try for your heart

Our dreams, and they are made out of real things

Like a, shoebox of photographs with sepia-toned lovin'

Love is the answer, at least for most of the questions in my heart

Like “Why are we here?” and “Where do we go?”

And “How come we're so hard?”

It's not always easy and sometimes life can be deceiving

I'll tell you one thing it's always better when we're together.....
Hindi niya ma-explain... ‘Yung titig na titig si TJ sa kanya habang kinakanta ‘yon?
Ewan... Basta... Ang saya. Ang sarap sa pakiramdam.

‘Yung titig at ngiti nito na may kasamang hiya? Tapos siya naman, payuko-yuko na
lang sa sobrang ilang sa mga titig ni TJ.

But if all of these dreams

Might find their way into my day to day scene

I'd be under the impression, I was somewhere in between

With only two, just me and you, not so many things we got to do

Or places we got to be, we'll sit beneath the mango tree....

Napangiti siya nang marinig ang last line. It was like the song was meant for them.

“Ah! Ayoko na!” Parang batang bigla na lang nagtago si TJ sa gitara pagkatapos
nitong kumanta.

“Sira. Syempre, tapos na! Baliw!” natatawang sabi niya. Ang cute lang talaga, e.
Hiya hiya pa raw, e, tinapos naman talaga ang buong kanta. Labo.

“Kinilig ka, ‘no?” At oras naman para siya ang inisin nito?

“Hmm... Slight,” kibit-balikat na sagot niya pero ang totoo, syempre naman, ‘no!
Haha. Pakipot-pakipot din.

“Hoo... Pakipot! Buti pa ‘ko kinilig sa sarili ko.”

“Oo na, kinilig na! Aarte pa? ‘Wag na! Haha.”

“Tss! Pakipot lagi. Amp.”


“’Wag ka ngang mag-amp. Parang bakla lang, e. Haha!” Totoo naman kasi. Parang
bading.

“Ah, gano’n? Bakla na naman? Bakla na naman, ha?”

Huli na ang pagkataranta niya. Naitabi na nito ang gitara at naabot na siya tsaka
siya pinagkikiliti.

“AAAH! HAHAHA! TJ, tama na! Hahaha! Tama na!”

At bigla naman ngang tumigil. Masunuring loko lang talaga, e!

“Ewan ko sa’yo. Gwapo ko naman para maging bakla. ‘Lika nga rito...” Bigla na lang
siyang hinigit ni TJ. Nakaupo sila habang naka-backhug si TJ sa kanya.

Hindi niya talaga ma-explain kung ano sila, e. One moment, they were teasing each
other, and then the next... pwede na silang langgamin. E, bakit sobrang sweet?

Pero ang sarap lang talaga ng ganitong feeling, e. ‘Yung yakap ka ng mahal mo sa
espesyal na lugar n’yo habang niyayapos kayo ng sariwang hangin...

“You used to hate it when I sing,” she heard him murmur. Na parang may halong saya,
hurt, disappointment at relief ang pagkakasabi ni TJ.

Heto na naman sila. Binanggit na naman nito ang “past” daw nila. Pero sa tuwing
tina-try niya ‘tong kausapin about sa so called past nila, lagi na lang siya nitong
inaawat. Magagalit o ‘di kaya’y tatahimik lang bigla. Ni ayaw nga nitong pag-usapan
pero madalas namang banggitin.

“Troy... hindi ba pwedeng pag-usapin natin ‘yon?” tanong niya na hindi ito
nililingon.

“Oo... hindi pwede.” Ibubuka niya na sana ang bibig niya para magsalita pero inawat
agad siya ni TJ. “Sshhh... Tamo, o. Sarap ng hangin.”

See? Niliko na naman ang topic.

“Pero kasi—“

“Tsk. Past is past na nga. Hindi na importante sa’kin ang past. Ikaw lang ang
mahalaga. Kulit ng baby,” ginulo-gulo pa nito ang buhok niya.
“Hindi mo ‘ko baby! Hmp!” Aalis na dapat siya sa pagkakayakap nito pero mas lalo
lang humigpit ang yakap nito sa kanya.

“Sorry... Won’t mention anything from the past, again. Hindi ko lang mapigilang i-
compare— Basta, mas mahal kita ngayon. Iba, e. Ibang iba. Mahal na mahal kita.
Hindi ko na kayang mawala ka. Tsaka, baby kita, sorry ka na lang. Tamo nga, o?”
Pinoke-poke pa nito ang gilid ng tiyan niya. “Baby fats? Yak.” Ayana na, nang-asar
na!

“Hoy! Kainis naman ‘to! Sana nagdrama ka na lang! Hindi naman kaya mataba! Hindi
‘yan taba. Laman ‘yan! Required magkalaman ang tao!” Tinry niya ulit ang kumawala
sa yakap nito pero mas lalo lang talagang humigpit.

Lagi na lang. One second he was serious, and then the next he was a total dork.

Ewan niya nga ba sa lalaking ‘to. Buti na lang at gwapo.

“Haha. Joke lang naman kasi! Hmmm...!” nanggigil na mas lalong humigpit ang yakap
ni TJ sa kanya. Pero sakto lang naman, nakakahinga pa siya. Haha.

“Ah!”

Nagulat siya sa biglang pagsigaw ni TJ kaya napaharap siya rito. “Hala, bakit?”
nag-aalalang tanong niya.

“Payat mo, natusok ako. Bones? Yak.”

Naningkit tuloy ang mga mata niya. “Tiiiiijaaaaay!”

“HAHAHA!”

Bakit ba kasi ang galing at hilig nitong mang-inis pagdating sa kanya? Buti pa
noong hindi pa sila. Hinahayaan lang nitong siya ang mambara rito kahit na
pasimpleng binabara rin siya nito. E, kaysa naman ngayon, lagi na lang siya ang
barado!

At syempre, nailiko na naman siya nito sa dapat na topic nila. Lagi na lang. Ang
galing lang magmanipula ng usapan.

Napailing na lang siya sa isip niya. Whatever. Past is past.


THE next day..........

“Uy, anak. Anyare? Bakit tulala?” Nagulat si Joice sa biglaang pagsulpot ni Tita
Mina sa harap niya.

“Hindi naman po. May iniisip lang,” nakangiting sagot niya rito.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang mahabang wooden bench sa front porch ng bahay.
Hindi kasi siya pumasok. Wala. Tinatamad lang. Mamayang hapon pa naman kasi ang
laban ng kuya niya kaya after lunch na lang siya papasok.

Magaan talaga ang loob niya kina Tita Mina at Tito Renzel. Hindi niya man kasi
kadugo ang mga ito at tanging ang Kuya Troy niya lang ang nag-uugnay sa kanila,
welcome na welcome pa rin siya sa mga ito. Parang ngayon.... both were treating her
like she was their real daughter and that was just so sweet.

Naupo si Tita Mina sa tabi niya. Nakakatawa pa dahil sabay silang napabuntong-
hininga pagkaraan.

“Anak, matanong nga kita... Si kuya mo... Bakit ang possessive mo pagdating sa
kanya?”

Hindi niya inaasahan ang tanong na ‘yon.

“B-bakit n’yo po naitanong?”

“Hmm... Wala naman,” kibit-balikat nitong sagot. “Naisip ko lang.... Dahil ba


nagmahal siya dati pero nasaktan lang siya? And for the record, ng babaeng ngayon
ay mas minamahal pa niya?”

That struck her. She didn’t see that coming. Pero saglit lang, nakabawi rin agad
siya. She gave Tita Mina a forced smile.

Of course. That’s the reason. “Tingin mo, Tita? In love kaya talaga si kuya kay
Yanna? Hanggang ngayon?”

“Oo naman. Obvious naman, di ba? Tinamaan talaga ang loko, e,” deretsong sagot ni
Tita Mina.

She chuckled. Ang cute talaga nitong magsalita. Pero bakit feeling niya, ang
seryoso nila ngayon?
“Tsaka, alam mo? Nagbago na talaga si Yanna, ‘no? Dati, kapag kinu-kwento siya ni
kuya mo sa’kin, sobrang tahimik lang daw tsaka palangisi. Pero ngayon, malakas pa
ang boses sa’yo! Ang cute cute niya!” Humagikgik pa talaga si Tita Mina. Natawa
tuloy siya.

“True that, Tita! Haha. Nagbabago pala ang tao kapag naaksidente.”

“What? Naaksidente si Yanna?” gulat na tanong ni Tita Mina sa kanya.

Tumangu-tango siya. “Opo. Sabi ng friends niya naaksidente raw siya. Kaya siguro
hindi niya maalala si kuya,” nagkibit-balikat siya pagkaraan.

“Ah, talaga? Kaya pala... Hindi ko naman kasi nakakahuntahan si Tita Gelay mo about
sa past. You know, she’s busy with her work. At nagkakasama-sama lang tayo kapag
may bonding with the couple, di ba? Pero, ‘di bale, I’ll have a chat with Geli some
other time. Tama! Hmm....” Tita Mina said as if talking more to herself. “E, pero
ang sabi sa’kin ni kuya mo, nagkukunwari lang daw si Yanna na hindi siya kilala.
Inis pa nga si kuya mo no’ng sinabi sa’kin ‘yun, e. Bitter-bitter-an ang peg.”

“Ampalaya lang, ‘no, Tita? Haha. Pero, ako rin po, akala ko she was on some drama,
but she’s not. She was very clueless because she can’t remember the past.”

“Hmm... E, alam na ni kuya mo na wala talagang maalala si Yanna?”

“Yes po,” she nodded.

“Oooh... Bagay talaga sila, ‘no? Hihi. Ang cute cute talaga nila!” Again, Tita Mina
giggled.

Mas cute talaga si Tita Mina para sa kanya. Haha.

“Ay, nga pala, anak... Hindi naman siguro rume-revenge effect si kuya mo, ‘no?”

Uh-oh.

“P-po? H—hindi naman po siguro. He-he... Hindi po ‘yun!” Shit, she just stammered.
Bakit ba kasi naitanong ni Tita Mina ‘yon?

“Naku, para namang malabo nga, ‘no? In love na in love si kuya mo, e. Parang kami
lang ni Ren. Looooove na love namin ang isa’t isa! Hihi!” kinikilig na pahayag ni
Tita Mina pagkaraa’y tumayo na ito. “Uy, magluluto lang ako ng lunch natin, ha?
‘Wag ka nang magmuni-muni riyan at pumasok ka mamaya. Para naman hindi lang kami ni
kuya mo ang inleeeev!” kinikilig pa ring dagdag nito.
Ibig sabihin kasi, maghanap na rin daw siya ng boyfriend.

“Bata pa ‘ko, Tita! Tsaka na! Haha!”

“Aruuu! O, siya... Gora na me!” kumaway-kaway pa si Tita Mina sa kanya bago


tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Ang cute lang talaga, e. No wonder, in love si Tito Ren dito.

She let out a deep sigh. ‘Yung sinabi kasi ni Tita Mina kanina... Naalala niya na
naman ang araw na inamin niya kila Yanna na kuya niya lang talaga si TJ.
Kinagabihan kasi noon................

“Kuya! Tigilan mo na kasi si Yanna! Nakakainis naman! Bakit ba patay na patay ka sa


kanya?!” Sinundan niya si TJ hanggang sa loob ng kwarto nito.

Nakakainis lang kasi. Sinigawan pa siya nito sa harap ng maraming tao nang dahil
lang sa Yanna na ‘yon! Tuloy, napaamin siyang kapatid siya nito at hindi
girlfriend.

“Ching, pwede ba? ‘Wag mong painitin ang ulo ko,” nagtitimping sagot ni TJ sa kanya
pagkaraa’y naupo ito sa kama.

“Kasi naman, e! Sinaktan ka na niya dati! ‘Wag mong sabihing okay lang na saktan ka
ulit niya? Kuya naman!” sumbat niya.

“Ikaw na rin ang nagsabi kanina, di ba? Wala siyang maalala kaya hindi niya alam na
nasaktan niya ako dati,” kalmado pero halatang nagpipigil na sagot ni TJ sa kanya.
Nasabi niya na kasi rito ang nalaman niya mula sa dalawang kaibigan ni Yanna.

“Correction, Troy.... SINAKTAN, hindi NASAKTAN! God, she can do it over again!
What’s the matter with you?!”

Hindi niya malaman kung ano ang pumasok sa utak ng kuya niya’t sinaktan na nga
ito’t lahat, heto na naman ito sa panliligaw kay Yanna! Bakit ba ganito ang kapatid
niya?

Hindi siya sinagot ni TJ. Sa halip, nagbuntong-hininga lang ito. Seconds later,
tsaka lang ‘to nagsalita.

“Listen, Ching.... Hindi ko na talaga siya gustong balikan. Hinding hindi na....
But, shit,” TJ cursed under his breath.
She couldn’t explain her bother’s expression at the moment. It was like mixed
emotions of hatred and pain.

“Natalo ako sa pustahan namin ni Dee. Okay? Ngayon, para maging sila ni Lexi,
kailangan kong gawin ang gusto niya. Stupid Lexi’s little revenge for Yanna,”
sinabi ‘yon ni TJ na puno ng disgusto sa mukha. “And guess what? I must make Yanna
fall for me and then, boom... I’ll break her heart in a snap. Satisfied? My
punishment is to punish her.”

——

Break Yanna’s heart in a snap... Funny, wasn’t it?

Pumayag siyang i-pursue ng kuya niya si Yanna at nag-party pa sila nila Tita Mina
at Tita Geli noong naging mag-on na ang kuya niya at si Yanna. Ang nakakatawa pa...
Yanna was, until now, very clueless.

Ang sabi nga ni Lexi sa kanya, hindi raw nagtaka man lang si Yanna noong biglang
nakipagkaibigan si Lexi kay Yanna. And same with her case. Hindi rin nagtaka si
Yanna na hindi na siya tumutol sa relasyon nito sa kuya niya. For goodness’ sake,
she even congratulated them!

Pero ngayon kasi, iba na, e. Sila ni Lexi, pati ni Derick... Hindi na nila
nababanggit sa isa’t isa ang about sa bet at punishment na ‘yon ng kuya niya.

Honestly, masaya na siya sa estado ng relasyon ng kuya niya at ni Yanna. She


wouldn’t even wish for the two to break up. Nakuha na kasi ni Yanna ang loob niya.
Nila ni Lexi... Masyadong inosente si Yanna para lang saktan ng kuya niya.

Imagine? Natalo lang ang kuya niya sa dota.

DOTA, for crying out loud! Dota lang! Pero ang kapalit, saktan ang puso ni Yanna.

Kung tutuusin nga, naisip nilang tatlo nila Lexi at Derick na pwedeng pwede namang
tanggihan ng kuya niya ang parusa na ‘yon or pwede ‘tong mag-quit anytime, pero
ipinagpatuloy pa rin talaga ‘yon ng kuya niya.

And for somewhat reason, they were still wondering. When, or rather.... would Troy
still break Yanna’s heart?

— — —
=================

34. Who's mad at whom? [Part 1]

34. WHO’S MAD AT WHOM?

“YAN, nasa’n asawa mo?” tanong ni Julia.

“Wala sa’kin. Bakit? Miss mo?” birong sagot niya.

“Ay, gaga! Haha,” natatawang pabirong hinampas na lang siya ni Julia sa braso.

Syempre, malamang na sumama na si TJ sa practice ng team nito. Malapit na kasing


mag-umpisa ang laro at hinihintay na lang ang Mary Jane team. Sila naman, nasa
canteen ngayon.

“Wiiiii! Excited na me sa gamey latur! Hihi! Kailangan ko ng


superpowerultramegaphone para i-cheer ang aking mga boyfiiizzz! Ahihihi!” Ej.

“Gaga, hindi na kailangan. Nakalunok ka na, matagal na. Hahaha,” Lexi.

“Hey, guys! Miss me?”

Napalingon silang lahat sa bagong dating. Si Joice.

“Bakla ka! Bakit ka absent kanina?” salubong agad ni Kiray kay Joice.

“Baka kasi hindi siya present kanina,” bulong niya.

Pok!
“Aw!” reklamo niya. Binatukan lang naman siya ni Kiray!

“Tama naman si bebe, bakla. Haha.” Buti pa si Bea, pinagtatanggol siya.

O, hindi ba’t mahirap talagang alisin ang nakasanayan? Balik sa pambe-baby na naman
ang tawag ng mga kaibigan niya sa kanya porque wala lang si TJ.

“O, mga dilag. Isuot natin para terno tayong lahat. Nakita ko kanina sa labas may
nagdaang ganyan kaya ayan, bumili ako. Dali, dali! Ang cute, suot natin! Hihi!” May
nilapag si Joice sa table nila na headbands with different colors.

“Tss...” nailing na lang siya. Nag-aagawan pa kasi sa mga gustong kulay, e. Sorry
naman, pero hindi siya ganoong ka-girly.

Naramdaman niya na lang na biglang may naglagay sa ulo niya ng isa.

“Whoa! Beh, ang cute mo! Di ba, you like baby blue? Oh, you so cute! Hihihi!”
humagikgik pa si Bea.

“E, ayoko naman nito. Kayo na lang—“ Tatanggalin na dapat niya ang headband pero
pinigilan siya ni Joice.

“Don’t you dare....” banata nitong pinanlakihan pa siya ng mga mata.

“Fine!” she just rolled her eyes. Kj niya nga naman kung nakasuot ang barkada ng
ganoon habang siya lang ang hindi, di ba?

Geez. Bunny head? Ugh.

“KYAAA! NANDITO NA SILAAA! BOOOO!!!”

Napatingin silang lahat sa isang babaeng sumigaw. Okay lang ba ‘yung babae na ‘yon?
Papansin much? Ang dami-daming tao, kung makasigaw? Edi, si ateng na!

Nasa loob na kasi sila ng gym dahil malapit nang mag-umpisa ang laro.

“Aaaack! Ohemgee, Jollibee! SO YUMMY!!” Sino’ng bakla naman ba ang sisigaw ng


gano’n? Syempre, si Ej lang. May iba pa bang bakla sa kwentong ‘to? Basta talaga
gwapo, o.

Napatingin silang lahat sa gate ng gym. Grupo ng mga nakapula. Ang Mary Jane.

Pero hindi iyon ang nakapagpatigil sa kanya, e. Kundi ang isang lalaking matamang
nakatitig sa kanya habang naglalakad papasok.

Nakakatunaw—she meant... kung nakakatunaw lang ang titig nito, liquid na siya
ngayon.

Pamilyar ang mukha, e... Nakita niya na ‘to. Saan nga ba?

Aah! bigla na lang may pumasok sa isip niya. ‘Yung... ‘yung naiwanan niya ang puso
niya! Duh. Ibig niyang sabihin, ‘yung nakabungguan niya at nagbalik ng panyo niya.
‘Yung pinagselosan nang matindi ni TJ! Kamote... Kasali pala ‘yun sa kalabang team?

“Boo!”

“Ay, palakang bebot!”

“Ano?! Palakang bebot? Hahaha!”

“Tiiiiijaaaaay!!!” Napanguso tuloy agad siya. “Bakit nanggugulat kasi!”

“Syempre, para ka ma-shock. Hahaha. Palakang bebot daw. Uso? Kuneho! Hahaha!”

Argh! Ayan na, tinukso na siya! Kasi naman ‘tong kuneho sa ulo niya, e! Tatanggalin
niya na sana kaso bigla na lang siyang pinigilan ni TJ.

“’Wag! Cute kaya! Rebbit!” At humagalpak na naman ng tawa ang sira-ulo.

Napa-pout na lang siya. Gayahin ba naman ang tunog ng palaka kaso ‘Rebbit! Rebbit!’
daw? Grabe. Bakit ang tulin ng utak nito sa pang-aasar? Porque may kuneho siya sa
ulo niya at palakang bebot ang nasabi niya kanina?

“Baliw baliw,” lalo pa siyang napasibangot. Ang baliw lang kasi talaga. Bigla na
lang susulpot tapos manghihipan sa tenga. Tapos ngayon, nang-iinis naman. Baliw
talaga.

Napadako na lang bigla ang tingin niya sa team ng bagong dating.

Nakatingin pa rin sa kanya ang lalaking nakabungguan niya noong nakaraang araw at
hindi lang ito, dalawa pa sa mga kamyembro nito ang nakatingin din sa kanya. Parang
pinag-uusapan siya..... o si TJ? Ewan, pero sa kanila kasi nakatingin, e.

“Warm-up! Ten minutes before the game!” May nag-aanounce sa committee.

“Patoots...” agaw ni TJ ng pansin niya.

“Oh? Ang.... cute mo” Shit, nakakahiya! Hindi niya napigilang masabi ang laman ng
isip niya! Pa’no, ang cute naman kasi talaga! Ay, hindi pala. Correction, gwapo.

“Syempre. Cheer mo ‘ko, ha? Labyu. Sexy mo.” Kinurot pa nito ang pisngi niya at
parang labag pa sa loob nito na umalis na.

Sinundan niya na lang ng tingin si TJ. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung
gano’n ka-sweet ang boyfriend?

Nagwarm-up ang mga ito pero si TJ, sa kanya lagi ang tingin bago mag-shoot o kaya,
basta matrip-an nitong tumingin, titingin na lang bigla sa kanya.

Aww lang talaga. Sobrang sweet, gwapo, at hot ng boyfriend niya. Ba’t ganu’n? Hindi
tuloy mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya habang sinusundan ng tingin ang bawat
kilos nito.

Nagpahinga na si TJ at naupo sa bench ng team nito pagkaraa’y nagkalikot sa bag.

“Ehem, ehem...”

Natuon bigla ang pansin niya—nilang lahat sa nagsalita sa mic.

Isa sa member ng Mary Jane.

“Ehem ulit. May pinapasabi lang kasi ang captain namin. Ahh... May crush daw siya.
Blue bunny ang clue.”

Bhhb.

Naramdaman niyang nagvibrate ang hawak niyang cellphone na nakatago sa bag niya na
nakapatong sa lap niya. Ka-chat niya kasi si Kristoffer kanina. Kasi nga, intrams,
hindi naman magco-confiscate ang mga teachers.

Si TJ ang nagtext.

Huh? Kaya ba nagkalikot ito sa bag? Para lang magtext?


[CUTIEPATOOTIE

Sexy sexy. Labyu]

Ayun. Blush agad.

Bwiset. Pakilig nang sobra! Ano ba naman kasi, ang galing lang magpakilig!
Effective, e. Sa sobrang kilig niya, hindi niya mapigilang mapangiti na parang
tanga kaya kinagat niya na lang ang ibabang labi niya.

“Bakla! Kinikilig ka? Gaga, nakatingin si TJ! Simangot naman ng konti!” Boses ni
Kiray ang umistorbo sa kilig moment niya.

“H-huh?” litong tanong niya. Bakit niya naman kailangang sumimangot?

Nginuso ni Kiray ang lugar kung nasaan ang committee kaya napasunod siya ng tingin.
Pero ang weird lang dahil parang lahat ng atensyon ng mga tao, nasa kanya.

“Hi raw, blue bunny! Ang cute mo raw sabi ni captain!” Kinawayan pa siya ng member
ng Mary Jane na nagsalita sa mic.

Blue bunny? Siya? Kinawayan siya? Siya ba?

Wait... ‘Yung kanina..... ‘May crush daw siya. Blue bunny ang clue.’

Whoa, shit, mother f! Bigla niyang tinanggal ang bunny headband sa ulo niya.

“Ayiiie! Haba ng buhok, bebe! Hahaha,” Bea.

“Nako. Sama ng tingin ng dyowaers mo, ‘te,” Julia.

Shiiiit. Na-misinterpret siya ng lahat! Kinilig siya sa text, hindi sa


announcement! Ano ba naman!

Tumingin siya sa pwesto ni TJ at ang sama..... ang sama ng tingin ni TJ, pero hindi
sa kanya. Doon kay laglag puso, mamaya basag nguso! Joke, syempre. Pero ang sama
kasi talaga ng tingin ni TJ habang ang lalaki namang nakabungguan niya, pangisi-
ngisi pa!

Pero, teka... Alam niya ‘yang mga ganyang strategy, e. Nakita ng mga ito na
magkasama sila ni TJ kanina, di ba? ‘Yung parang pinag-uusapan pa nga sila? Tama!
Strategy ang announcement para ma-distract si TJ sa paglalaro! Mga walang’ya.
Knowing TJ, madi-distract talaga ang sagad-sagaran kung magselos na boyfriend
niyang ‘yon!

Eeeeeengk!

Tumunog na ang buzzer. Start na ng game.

Kasama sa first five sila Derick, Neil, Mark, Justin, at TJ.

Tsk, Patootie. ‘Wag kang padala sa announcement, please....

Luckily, ahead ng 4 points ang team nila hanggang sa mag-change court na. Kaya
lang... ang pangit ng laro ni TJ. Hindi kamukha noong practice pa lang ng mga ito
na mala-Sendo nga kung maglaro. Distracted talaga.

Crap! Crap! Crap! Bakit kasi si TJ pa ang napag-trip-an! ‘Yung sobrang seloso pa,
e! Kainis!

Dumako ang tingin niya sa bench ng team nila TJ. And, ting! May naisip na naman
siya! Tama!

Nagmamadaling bumaba siya ng bleacher at tuloy-tuloy na lumabas ng gym. Tinawag pa


siya ng barkada pero sinabi niyang saglit lang siya.

Nagtuloy siya sa canteen at bumili ng bottled water. Nakita niya kasing wala nang
laman ang jag ng team nila TJ.

Syempre, si TJ lang ang binilhan niya. Bakit? Boyfriend niya ba silang lahat? Aba,
mabigat sa bulsa kahit tubig lang, ‘no.

Bumalik siya na may ngiti na sa mga labi niya habang iniikot-ikot ang takip ng
bottled water na binili niya.

Naalala niya na naman ang text ni TJ kanina. Sweet lang talaga nu’n. Grabe.
Gumagawa pa talaga ng paraan makapag-‘labyu’ lang sa kanya, e. Sobrang pakilig—

“Hi. Thanks.”

Bigla na lang siyang napatigil sa paglalakad at nawala ang kung ano mang masayang
ekspresyon sa mukha niya.

THE F-CK?

Lumapit sa kanya ‘yung nakabungguan niyang lalaki na laglag puso! Putres! Siya na
kaya ang bumasag sa nguso nito, ngayon na mismo?!

Umariba ang bulungan ng mga tao. Leche lang. Sino ba namang hindi magugulat sa
ginawa ng walang hiyang lalaking ‘yon?! Bigla na lang lumapit sa kanya pagkatapos
kinuha ang bote ng tubig na hawak niya tsaka akala mong nahihiyang umalis!

Mother father! Ang saya pa ng mukha niya, e! Kinikilig na naman kasi siya sa text
ni TJ kanina! Tinamaan ng lintik lang! ‘Yung feeling na parang may umuusok sa tenga
niya sa sobrang galit?! At hindi lang siya. Nang lingunin niya si TJ... pati ito.
Syempre.

At sa kabilang gate.... he walked out.

=================

34. Who's mad at whom? [Part 2]

“HUY. Troy. Pansinin mo naman ako....” ang kanina pa niya paulit-ulit na sinasabi
kay TJ.

Tapos na ang game. At kahit hindi na nakapaglaro si TJ sa sumunod na quarters,


nanalo pa rin ang team nito. Syempre. Magaling talaga ang team ng school nila, e.

Binalita lang ni Bea sa kanya na nanalo nga sila. Hindi kasi nila rinig mula sa
room nila dahil malayo ito sa gym.

Muntik na talaga siyang makasapak kanina. Kaso mas pinili niyang sundan si TJ.
Alangan namang sayangin niya ang oras niya sa mokong na panget na epal na ‘yon? E,
iyon na lang naman ang huling beses na makikita niya ‘yon. Try lang ulit nitong
magpakita, baka mabangasan niya na. Kaimbyerna, e.

Napabuntong-hininga siya. Hindi na kasi iyon ang issue ngayon. Si TJ, ayaw siyang
pansinin!

Sa room nila ito nagtuloy dahil walang tao. Ang sama lang ng mukha. Ang pait. Sarap
budburan ng asukal.

Hindi naman siya ganito, e. Hindi siya namimilit. Pero para kay TJ, nangungulit
siya. Siguro ‘yun ang nabago nito sa kanya? Kasi mahal niya. At hindi niya gustong
ganito sila. Pero ano? Ni ‘hmm?’ o kaya ‘oh?’ man lang, wala. Nakaka-badtrip na, sa
totoo lang. Kung tutuusin, wala naman talaga siyang kasalanan, e. Wala siyang
ginagawang masama.

Nakakainis. Maiiyak na ata siya.

Kaya para hindi siya sumabog sa harap ni TJ, iniwan niya muna ‘tong mag-isa.

OH, ano’ng aking lagay? Hindi mapalagay, napapakantang isip ni Joice, pero sa totoo
lang, kinakabahan siya.

Hindi kasi maalis sa isip niya ang napag-usapan nila ni Tita Mina kanina. Tapos
nag-away pa ang kuya niya’t si Yanna. Ang gara. Kinakabahan siya. Baka mamaya,
maisipang gawin ng kuya niya ang last part ng parusa.... No way! Naiisip niya pa
lang, nalulungkot na siya.

After ng game, naghiwa-hiwalay sila ng barkada. Magkakasama syempre ang mga couples
habang silang tatlo nila Ej at Kiray—as always—ang magkakasama.

Sila na kaya ang bagong Charlie’s Angels! May crush kasi sila at Charlie ang
pangalan. Pogi! Alam na!

Uy, si Lex! Biglang nahagip ng paningin niya si Lexi. Tumayo agad siya nang makita
niya itong pumasok sa loob ng CR ng girls.

“Baks, d’yan lang kayo, ha? Babalik ako agad,” paalam niya kina Ej at Kiray at
agad-agad na siyang lumabas sa canteen. Lumalamon kasi sila.
“Lex!” tawag niya kay Lexi nang makapasok siya sa CR.

Sakto. Walang ibang tao.

“O, bading? Bakit?” Natigil sa pag-aayos ng buhok si Lexi nang dumating siya.

“Huy, ano... May itatanong lang ako.” Tinignan niya muna ang limang cubicle at
saktong-sakto dahil nakaawang ang mga pinto, sure siya na walang ibang tao maliban
sa kanila.

“Ano ‘yon?”

“Ano.... nakakausap pa ba kayo ni kuya about sa punishment niya kay Yanna?” tanong
niya.

“Ah, iyon ba? ‘Yung ibe-break niya si Yanna? I don’t know, e. It’s up to him naman.
Kung maisipan niya,” kibit-balikat nitong sagot.

“Gaga. Hindi ka ba kinakabahan? Nag-away sila. Baka bigla na lang gawin ni kuya ang
part na break-up. Hindi ako papayag!” Sumimangot pa siya.

“Ako rin! Ang bait pa naman ni bebe!” Napasimangot din si Lexi. “E, pero kasi,
hindi naman natin alam ang iniisip ng kuya mo. Malay natin, di ba? Kung in love ba
talaga siya or it’s just an act. Pero ano sa tingin mo?”

“Sa tingin ko? Sa tingin ko naman, in love si kuya kay Yanna, e. Tsk... Kung
nababasa ko lang sana ang isip ni kuya...”

“Tsk. Thanks to my stupid jealousy, nabuo ang loveteam nila. Haha,” nakuha pang
tumawa ni Lexi.

“Ikaw kasi, e! Napaka mo! Kung hindi mo sana inutusan si Dee na paibigin ni kuya si
Yanna, edi sana, nabuo ng normal ang relasyon nila.”

“Ano ka ba! Kung hindi ako nakita ni Dee noong ikulong ko sa Music Room si Yanna,
hindi uutusan ni Dee si kuya mo na i-save si Yanna, ‘no. Hindi sila magkaka-
develop-an. Para kaya silang aso’t pusa!”

“Hello? May aso’t pusa na kayang nagkatuluyan!” Iningusan niya pa si Lexi.

Si Lexi kasi ang nagkulong kay Yanna sa Music Room. Naikwento nito sa kanya ‘yon
dahil wala pa siya sa school noong mangyari raw iyon.
“Ah, basta! Still, it’s because of me kaya sila nagkatuluyan.” Proud na proud,
kinilig pang mag-isa. “Pagpray na lang natin na ‘wag sanang makipag-break bigla ang
kuya mo,” dagdag pa ni Lexi.

Sana nga. Sana nga hindi mag-break ang kuya niya’t si Yanna. Sana, hindi malaman ni
Yanna na dahil lang sa parusa kaya ito niliga—

OH. MY. GOD.

NO... NO... NO.....

Shit! SI YANNA!

Hindi siya makapaniwala. Lumabas si Yanna mula sa isang cubicle!

Pa’no? Crap! She thought it was just her and Lexi! Nakaawang ang mga pinto! Pero si
Yanna.... Oh, my God.... No!

Walang makakapang emosyon sa mukha ni Yanna. Nilagpasan lang sila nito at tuloy-
tuloy na lumabas ng CR.

“F-ckshit, Lex! We’re dead!”

“I—I know! Really, really dead!”

She and Lexi, they were both stunned and nervous at the same time.

“Yanna!” habol niya kay Yanna. Sila ni Lexi. Hinabol nila si Yanna. To explain...
Sana.

Pero matigas si Yanna. Ayaw nitong huminto sa paglalakad. Sobrang cold ng itsura
nito at alam nilang galit ang pinapahiwatig noon.

Hanggang sa makarating sila sa room nila. Nakita nila roon ang ilan sa barkada
at... ang kuya niya. Shit.

Kitang kita niya.... Lumapit si Yanna sa halatang galit pa rin na kuya niya dala
marahil ng nangyari kanina sa gym. Hindi niya alam kung ano ang nakapagpatayo sa
kuya niya. Pero pagtayo nito........

SLAP!

Isang malakas na sampal ang nagpangiwi sa kanilang lahat.


— — —

=================

35. The 'Oh, my God'. [Part 1]

35. THE 'OH MY GOD'.

NAGTULOY si Yanna sa CR nang iwanan niya si TJ sa room nila. Nabu-bwisit na kasi


siya kay TJ. Wala naman siyang ginagawang masama pero ayaw man lang siyang
pansinin.

Nag-stay siya sa loob ng isang cubicle. Ewan, pero mas pinili niyang doon
magpalamig ng ulo. Wala kasing istorbo.
Minutes later, napagdesisyunan na niyang lumabas. Kaso.....

“Lex!”

Narinig niya ang boses ni Joice. Naiawang niya na actually ang pinto pero tumigil
siya sa paglabas.

Magulat nga ‘tong mga ‘to. Meheheh~ mapaglarong naisip niya.

Nag-usap ang mga ito. May itatanong daw si Joice kay Lexi.

“Ano..... nakakausap pa ba kayo ni kuya about sa punishment niya kay Yanna?” tanong
ni Joice kay Lexi.

A-ano daw ulit ‘yon? P-punish...ment? S-sa.... kanya?

Wait... Kinakabahan siya.

“Ah, iyon ba? ‘Yung ibe-break niya si Yanna? I don’t know, e. It’s up to him naman.
Kung maisipan niya.”
O___O

Bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.

Parusa??? Ibe-break??? K-kung maisipan???

The f?! Hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Ano’ng
punishment? Bakit may ganu’n???

Gusto niya nang lumabas. Parang kapag nagtagal pa siya roon, hindi niya alam, pero
feeling niya masasaktan siya. Pero paano? Hindi niya maigalaw ang mga paa niya.
Para siyang napako sa narinig niya.

“Tsk. Thanks to my stupid jealousy, nabuo ang loveteam nila. Haha!”

Nagitla siya nang marinig ang sinabi ni Lexi. Para siyang hindi makahinga pero
ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya.

What about Lexi’s jealousy? May kinalaman ba ito???

“Ikaw kasi, e! Napaka mo! Kung hindi mo sana inutusan si Dee na paibigin ni kuya si
Yanna, edi, sana nabuo ng normal ang relasyon nila.”
Hell...

Now what? Si Lexi.... inutusan si Derick???

Ano ba? Ano ba’ng pinagsasabi ng mga ito???

“Ano ka ba! Kung hindi ako nakita ni Dee noong ikulong ko sa Music Room si Yanna,
hindi uutusan ni Dee si kuya mo na i-save si Yanna, ‘no. Hindi sila magkaka-
develop-an. Para kaya silang aso’t pusa!”

T*ngina.

Panaginip lang ‘to. Ha-ha-ha...!

Panaginip lang! Oo. Panaginip.... Ha-ha!

Teka. Kukurutin niya lang ang sarili niya para magising siya...

B*llshit! Wake up, Yanna! F*ck, gumising ka! Panaginip lang ‘to. Hindi magagawa ng
mga kaibigan mo ‘yan... Hindi sila ganyan! F*ckshit, Yanna, gumising ka! Hindi ka
kayang paglaruan ni TJ! Mahal ka nu’n, e. Mahal ka niya.... sabi niya.
Pero gising siya, e. Gising na gising siya.

At totoo ang mga narinig niya. Na kahit ano’ng pilit niya sa sarili niya na
hindi... hindi... Pero oo... Oo pala. Totoo pala.

Bakit ganu’n? Bakit ang sakit? Ang sakit... Ang sakit sakit.

Gusto niya nang umiyak. Pero matapang siya, di ba? Bully kaya siya.

Bakit siya iiyak? May nakakaiyak ba? E, para pinaglaruan lang naman siya ng mga
kaibigan at unang taong minahal niya ng sobra. Ano’ng masakit du’n? May dapat ba
siyang iyakan? Wala naman, di ba?

Kaya h’wag kang umiyak, Yanna. H’wag.

Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob niya. Inayos ang sarili tsaka siya lumabas.

Chin up.

Nagulat pa sina Joice at Lexi sa paglabas niya. Shit lang. May mas nakakagulat pa
ba sa narinig niya?!

Sinubukan pa nga ng mga ito na pigilan siya, e. Pero may makakapigil ba sa kanya?
Neknek lang.

Tuloy tuloy lang siya hanggang sa makarating siyang muli sa loob ng room nila kung
saan iniwanan niya saglit ang taong mahal niya.

Nandoon pa rin ito. Nakaupo. Galit.

Nakakatawa lang, e. Nakakatawa.... HAHAHA! P*TANGINA, BAKIT SIYA MAGAGALIT? E, AKO


PALA DAPAT ‘TONG MAGALIT!

Nakakagago lang kasi... Bigla na lang nagbalikan ang mga alaala sa kanya.

‘Yung lahat ng drama ni TJ noong inakala nito na si Kristoffer ang pinili niya? Ano
‘yon??? Wala raw gaguhan sabi ng gago pero siya pala ‘tong umpisa palang ginagago
na??!!!

Jusko..... Patawarin n’yo po ako sa mga mura ko, Lord. Pero ang sakit po kasi...
Sobrang sakit. Ang sakit sakit....

At pagkakita niya pa lang kay TJ, gusto nang mag-unahan ng mga luha niya.

Oo. Hindi niya nga napigilang mangilid ang mga luha niya. Pero hindi niya hahayaang
pumatak ang mga ito sa harapan ng mga kaibigan at inakala niyang kaibigan niya.
Minsan na siyang umiyak sa mga ito. At mukha lang pala siyang tanga.
Agad siyang lumapit kay TJ.

Marahil ay nagulat ito sa galit sa mga mata niya kaya napatayo ito. Pero pagtayong
pagtayo nito.....

*SLAAAP!*

Sinampal niya si TJ.

Sana pala sinampal na lang siya ni TJ noon. Kasi mas masakit ‘yung ngayon, e. Tagos
sa puso.

Nagtatanong ang mga tinging ibinigay ni TJ sa kanya. Wala na ang galit sa mukha
nito. Napalitan ng pag-aalala.

Bakit, Troy? Bakit??? Bakit katulad ngayon na pinapakita mo sa’king nag-aalala ka,
bakit gusto kong h’wag paniwalaan ang mga sinabi nila? Bakit kahit alam kong
pinaglaruan mo lang ako at nasasaktan ako.... bakit mahal na mahal pa rin kita at
hindi ‘yon nagbago?

“So, ito pala ‘yon? HAH! Akala ko ba, walang gaguhan? E, umpisa pa lang pala,
ginagago mo na ‘ko! Punyeta ka, Troy! T*ngina ka!” Pinigilan niyang umalpas ang mga
luha niya. Matapang siya. Hindi siya iiyak. Hindi...

F*ck, tutulo na!!!


“A-ano? Ano ba’ng pinagsasasabi mo?” gulat na tanong ni TJ.

Napaismid siya. “Wow. Nagulat ka? Ako rin, nagulat. Gulat na gulat pa nga, e...!
Hah. Parusa? Ahh... ‘Yung papaibigin mo ako.... Tapos, ano ulit ‘yun, Lexi?”
Nilingon niyang saglit ang hindi makapagsalitang si Lexi. Pero agad niyang ibinalik
sa gulat na gulat na si TJ ang tingin niya. “Ahh... ‘Yung ibe-break mo ako kapag
naisipan mo... Ano? Gusto mo ngayon na? Sige, sabihin mo lang! Nasa harapan pa nila
tayo, o. Gusto mo ba ‘yung may audience para mas exciting? Ayan sila, o. Makipag-
break ka na! Di ba, iyon naman ang utos nila sa’yo? Gawin mo! Sa harap pa nila!”

Nilibot niya ang paningin niya at nakita niya ang ilan sa barkada. Lahat
naguguluhan, maliban kina Joice at Lexi.... at Derick.

Ang sakit lang na hindi na niya maintindi ang kahihiyan niya.

Bumalik ang tingin niya kay TJ.

Hindi na ito gulat kagaya ng kanina. Bumuntong hininga ito. Kumalma ang mukha. Pero
parang may mali...

Tumawa si TJ.... Pero isang pilit na tawa. “Akala ko, malinaw na sa’tin ang lahat.
Pero may kulang pa pala. ‘Yung tinatawag nilang.......... tiwala.”

Hah. Nakuha pa talagang tumawa ng mapakla ng gago.


“’Yun nga, e. ‘Yun nga ‘yun, Troy! Sobrang tiwala ako sa’yo! Sobrang
pinagkatiwalaan kita na akala ko hindi mo ako magagawang paglaruan, pero umpisa pa
lang pala—“

“Kung may tiwala ka, hindi mo dapat akong pinagdududahan ng ganyan!!!”

Napanganga siya sa biglaang pagsigaw ni TJ.

Galit ba ‘to? Galit??? E, hindi ba dapat siya ang magalit?!

Tiwala? Pinagdududahan? HAH!

“Tanga ka ba?! Sino’ng gago ang hindi magdududa kapag nalaman niyang simula pa
lang, e, kalokohan na ang lahat?! Sabihin mo nga! Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko
ngayon, hindi ka ba magdududa?!! Kasi, Troy, sa totoo lang, kahit ano’ng pilit ko
sa sarili ko na hindi... hindi mo magagawa sa’kin ‘yon...” Bigla na lang tumulo ang
mga traydor niyang luha. “Mahal mo nga kasi ako, di ba? Mahal na mahal mo ako... Di
ba? Sabi mo ‘yun, e... Ramdam ko ‘yun kasi pinaramdam mo, e. Sabi mo mahal mo
ako...” Tuloy tuloy ang agos ng mga luha niya.

Mahal niya ako... Sabi niya ‘yun, e... Tama... Mahal niya ako.

Pero......
Tama na. Matapang siya. Hindi dapat siya umiiyak.

“Yanna—“

“Pero punyeta lang kasi, e. Niloko n’yo na nga ako, pati ba naman sarili ko,
lolokohin ko??!!!”

Ganyan nga. Matapang ka, Yanna. Kayanin mo.

“I—I’m sorry, nasigawan pa kita. Pero, Yanna, makinig ka muna sa’kin... Please—“

Itinaas niya ang mga kamay niya. Senyales na ayaw niyang makinig sa anumang
sasabihin nito. Atleast, not now.

She let out a deep sigh. Trying to calm herself. Ayaw na niya. Baka mag-break down
na siya kapag hindi pa siya umalis sa harap ng mga ito. “Okay lang ako... Hangin.
Kailangan ko ng hangin. Ayoko dito. Ayaw ko kung nasa’n kayo... Feeling ko
mamamatay ako.” With that, tumakbo siya paalis.

Hindi niya na kasi kaya. Sobrang sakit na kasi.

“Yanna!” Narinig niya pang tawag ni Joice sa kanya.


“Stop, Joice. Let her.” Came Bea’s voice.

She knew Bea would do that. Or Julia... Mas kilala kasi ng dalawa ang ugali niya
kaysa sa barkada. Kaya alam ng mga ito na kapag galit siya.... ayaw niya sa tao.

Umalis siya.

Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng campus gayong hindi pa pwedeng
lumabas. Basta ang alam niya, wala siyang planong lumabas, pero nang makita niyang
wala ang guard sa guardhouse, kumaripas na lang siyang bigla ng takbo.

Sa isang lugar siya nagtuloy.

Hindi sa bahay. Hindi sa infinitree. Hindi sa kung saan mahahanap siya ng barkada o
ni TJ.

Nagtuloy siya sa plaza. Weird nga, dahil katapat lang ang plaza ng school nila.
Pero hindi naman siya makikitang tiyak ng mga ito dahil sa likod ng stage siya
nagtatago. Kung saan walang tao ang dumadaan. Minsan na siyang nagmukmok dito.
Noong nag-away sila ng mommy niya.

At katulad noon... umiiyak na naman siya ngayon.

Ang sakit lang talaga.


Siguro, may paliwanag si TJ sa kanya.

Oo. Sigurado ‘yon.

Kakausapin siya nito at sasabihin na hindi siya pinaglaruan. Na hindi lang dahil sa
udyok nila Derick kaya siya niligawan. Na totoo lahat ang pinakita nitong
pagmamahal sa kanya. Na totoong mahal siya nito at siya lang. Pero sana kapag
sinabi nito ang mga ‘yon, sana hindi siya magising... Na panaginip lang pala ang
lahat.

“SHIT!” Napamura na lang si TJ sa kagaguhang nagawa niya.

Nasigawan niya pa si Yanna! E, siya nga itong gagong naglihim dito!

Pero lahat naman ng pinakita niya rito, totoo, e. Bakit kasi nauso pa ang
pagdududa?! Iyon pa naman ang ayaw niya sa lahat! Pero tanga siya. Dahil hindi
pwedeng hindi magduda.

“F*ckshit!” Sinipa niya ng malakas ang upuang nasa harapan niya.

“TJ—“
“K-kuya...”

“Tangna kasi, bakit nalaman niya pa ‘yon?!! Pilit kong binabaon sa hukay ang
lecheng sikretong ‘yan, pero bakit ngayon, alam na niya??!!!” Hindi niya napigilang
sigawan ang kapatid niyang si Joice.

Mali siya. Maling mali. Ang akala niya kasi, hindi na ‘to lilitaw, e.

Bakit ba hindi niya inamin kay Yanna noong umpisa pa lang? Pero oo nga pala...
natakot siya. Natakot siya na oras na malaman ni Yanna, bigla na lang ulit siyang
iwan nito. Pero ano ngayon? Sa iba pa nito nalaman ang lintik na sikreto niya.

“So... Joice and Lexi. May dapat ba kaming malaman?”

Napatingin siya kay Julia.

“A-ano...” Joice.

“Kasalanan ko.” Biglang sumabat si Derick.

“No... It’s really my fault.” Lexi.

Gusto niyang matawa.


“Ako. Ako ang nag-utos kay TJ na paibigin si Yanna at saktan siya.” Derick.

“No... It was me who told you to—“

“Kingina! Kasalanan ko! Okay?! P*tangina, wala naman akong pakialam kahit inutusan
n’yo ako! Niligawan ko siya dahil gusto ko! Mahal ko! Kaya pwede??! Tigilan n’yo.”

Muli niyang sinipa ang isang silyang malapit sa kanya at nagtuloy nang lumabas.

Kailangan niyang hanapin si Yanna. Kailangan niyang magpaliwanag.

Hindi sila pwedeng matapos ng ganito lang. Hindi pwede. Hindi siya papayag. Hindi
siya papayag na mawala si Yanna sa kanya.

Hinding hindi.....

=================

35. The 'Oh, my God'. [Part 2]


NAPAPIKIT si Yanna sa sarap ng hangin na yumayapos sa katawan at mukha niya. Nasa
likod siya ng stage at nakaupo sa damuhan habang nakasandal sa pader.

Tumigil na siya sa pag-iyak. Ayaw niya na. Sakit sa mata.

Kanina niya pa pinag-iisipan kung bibigyan niya pa ng second chance si TJ. Iniisip
na nga niya agad, e, manghihingi ba? Haay.... Ayaw niya munang umasa, pero gusto
niyang bigyan si TJ ng another chance, pero....... nagugutom na siya.

Huhu. Gusto ko ng ice cream.

Kapag ganito kasing naghalo ang galit sa sakit, gusto niyang lumamon. Kaya lang,
nag-aalala siyang baka makita siya ng mga schoolmate niya. Malala; ng barkada, mas
malala; ni TJ.

Pero hindi pa naman nila labasan, e. Wala naman sigurong mag-aakala na nakalabas na
siya ng campus, di ba? Makabili nga muna.

Tumayo siya at nagpunta sa pinakamalapit na ice cream parlor. Bumili lang siya ng
isang 800ml tub ng Chocolate Truffle. At dahil halos maglaway na siya hindi pa man,
dalawang plastic spoon na ang binili niya para dalawang pasakan. Haha, gutom na
kasi talaga siya.

Pabalik na sana siya sa pwesto niya nang biglang....

“AAH!”

“What the—“ Bigla na lang siyang gumewang nang isang bulto ng katawan ang bumangga
sa kanya.

Na-out of balance siya pero agad siyang napakapit sa braso ng lalaking nakabungguan
niya.

“NOOO!” Hindi niya naintindihan kung para saan ang sigaw na ‘yon ng lalaki.

Nang makuha niya ang balanse niya mula sa pagkakagewang niya, dumiretso na siya ng
tayo at inalis na niya ang pagkakakapit niya sa braso ng lalaki.

“Noooo!” nanlulumong ulit ng lalaki.


Kunot-noong napatingin siya rito. E, bakit parang maiiyak naman ata ito? Nakatingin
ito sa may paanan niya kaya naman sinundan niya ang tinitignan nito.

“O-oops? He-he,” alanganing napangiti siya at dali-daling inalis ang pagkakaapak ng


paa niya sa.... err—ice cream din.

Buti na lang naka-tub at nakasupot pa ang kanya.

“You killed it! You killed my popsicle! You popsy killer!” Parang batang maiiyak na
sabi ng lalaki sa kanya.

Wow... Siya raw ay isang popsy killer. Kamusta naman ‘yon?

Nang bigla na lang lumuhod sa may harap niya ang lalaki.

W-whoa....

“Huuu. Sorry, ice cream ko. Kung nakain lang sana kita, safe ka sana at kasama mo
pa ang mga friends mo. Huhu, sorryyyy.”

And she was just like...... ‘yung totoo?

Totoo ba ‘to? Lalaking halos ngumawa nang dahil lang sa ice cream? Sayang,
nanghinayang siya. Ang macho pa naman.

Bigla na lang itong tumayo at humarap sa kanya.

“Ikaw!”

“Ako,” sagot niya agad.

“Ikaw nga dahil ikaw ang tinuro ko!”

Patawa ba ‘to?

“Whoa! May ice cream kang dala!” biglang turo nito sa bitbit niyang supot ng ice
cream.

Uh-oh.

“Naku, hindi! Nagkakamali ka! Picture lang ‘to! 3D!” todo tanggi niya sa hawak
niya. Shet, nakikita niya sa mukha nito ang binabalak nito.
“Me-he-he! Akin na ‘yang ice cream mo, popsy killer!”

‘Yung totoo? Naka-shabu ba ‘tong lalaking ito? Ang creepy ng boses. Iniba kasi.
‘Yung parang nasaniban? Baliw ata, e.

“Woops!” Tinago niyang bigla sa likod niya ang ice cream nang akmang hablutin nito
iyon mula sa kanya.

“Aaaah! Ibigay mooo! Gusto kooo!”

Parang nahiya naman daw siya sa haba ng nguso nito. Haay... Parang bata.

Kinalabit niya ito. Suminghot-singhot naman ito.

“Psst. Pwedeng share?”

“Nooo,” wagas na umiling ‘to habang naka-pout pa.

“Aah... Okay, sige, uwi ka na. Bye!” Nakangiting patalikod na sana siya, e.

“Heeeps! Sharing is caring! Yey! Ice cream!” Tila batang bigla namang lumiwanag ang
mukha nito.

“Kaloka...” Iiling-iling na lang siya. Pero sa totoo lang, ang cute ng lalaking
‘to. Hehe.

Bumalik siya sa kanina niyang pwesto sa likod ng stage. Mukha namang harmless ang
lalaki kaya hinayaan niya na lang nang sundan siya nito.

‘Yung lagay na ‘yun, mukha bang may babalaking masama? Daig pa ang bata, e.

“Bakit tayo nandito?” tanong nito nang makaupo na sila sa damuhan.

“Wala kasi tayo ro’n.”

“Ahh....cheche?”

Iningusan niya na lang. Hindi niya na lang pinansin at sinimulan nang lantakan ang
ice cream. Hindi niya naman kasi alam kung bakit napapayag siyang sumama ito sa
kanya, e. Kung ibang tao siguro, baka natarayan na niya. Kaso, ewan ba niya. Cute—
este, may atraso pala siya.
“Ako nga pala si Kesley... Kesley Terrell (III) the third. Pero ang tawag nila
sa’kin, e, Third. You can also call me Third,” ngangata-ngata ito ng ice cream na
nagsalita.

“Hulaan ko. Third palayaw mo kasi para kang three year old, ‘no?”

Pareho silang ngumangata lang ng ice cream. Buti na lang talaga at dalawa ang
binili niyang plastic spoon. Kundi, siya pa ang nawalan.

“No. Kasi the third ako, kaya Third ang palayaw ko,” kibit-balikat na sagot nito.

Hmm... May point naman. Bakit ba kasi nanghula pa siya?

“Ikaw. Ano’ng pangalan mo?”

“Yanna,” maikling sagot niya.

“Oooh. Tawag ko sa’yo, Ann.”

“Nge? Bakit Ann? Yanna ako, hindi Ann.”

“Gusto ko, e. Bleeh!” Binelatan pa talaga siya.

“Tss... Keslo.”

“’Wag mo ‘kong tawaging gano’n! Kesley, hindi Keslow!” nakangiwing reklamo nito.

“Ayoko nga. I like Keslo more. Sounds like conyow.” Inartehan niya pa talaga ang
‘ow’ ng huli.

“Weirdo.”

Aba, siya pa raw ang weirdo? Wow lang.

Hindi na lang ulit sila nagpansinan. Pa’no, nag-unahan na sila sa pag-ubos ng ice
cream! Ang sugapa lang, e. Ayaw magpatalo. Hindi gentleman!

Hanggang sa maubos nila ang ice cream at wala na silang magawa. Siya, hindi pa siya
umaalis dahil wala pa siyang balak. Ewan niya lang sa mokong na ‘to at nakikigaya
sa kanya, ayaw pa ring umalis.
Inaantok na siya. Ang tagal niya ring tahimik—nila pala. Bakit ba kasi hindi pa rin
‘to umaalis? Hayaan na nga lang.

Maghihikab na sana siya nang bigla na lang itong nagsalita.

“Ano nga ulit pangalan mo?”

“H-huh?” Kunot-noong napabaling siya rito. “Nakalimutan mo na agad? Ulyanin ka ba?”

“Oo, e. Medyo... So, since nakalimutan ko na ang pangalan mo, pwede bang tawagin na
lang kitang akin?” sabay kindat sa kanya.

Nanulok agad ang itaas na labi niya. So, gano’n? “Tae ka ba?”

“Woy, gusto ko ‘yan! Alam ko ‘yan, e! Bakit, bakit?” Na-excite pa ang loko.

“Kasi...... nakakawala ka ng gana.”

Bigla na lang itong napanguso.

Duh? Ano ba’ng ine-expect nitong sasabihin niya? Na hindi niya ‘to kayang
paglaruan? Na banat ‘yon katulad ng banat nito? Banatan niya pa ‘tong tunay, e.
Maka-pick-up! Akin, akin... E, may nagmamay-ari na sa kanya. Kay TJ—Yeah, right.

“Hindi naman iyon ‘yon, e! Tss! Duga! Bastos ka rin, ‘no?!”

Huh? “Luuh, ano’ng ginawa ko?” Ano’ng bastos sa sinabi niya? Bastos na ba kapag
nakakawala ng gana?

“Pa’no, ‘di ka man lang nagpapaalam, tuloy-tuloy ka sa puso ko!”

Automatic na naningkit ang mga mata niya. “Mangga ka ba?” sarkastikong tanong niya.

“Bakit?” ginaya nito ang tono niya.

“Sarap mong balibagin, e... Tss! Alis na nga ako! Baboo!”

Tumayo na nga siya at umalis. Lokong ‘yon. Puro pick-up ang alam. Baka mapatulan
niya, cute pa naman. E, kaso, may TJ—Yeah, yeah...
HINANAP ni TJ si Yanna. Pero hindi niya talaga ‘to makita sa campus.

Baka kaya umuwi na? O kaya naman nagpunta sa infinitree nila? Pero hindi pa naman
kasi sila pwedeng makalabas dahil hindi pa labasan.

Tsk! Sa’n ba kasi nagsuot ‘yung mahal niya na ‘yun? ‘Nak ng, ‘pag iyon napahamak!

Nilabas niya ang cellphone niya. May nagtext. Si Joice, kapatid niya.

[Ching

Kuya, wala sa campus si Yanna. Nakita nila Kry na lumabas. Balak daw sana
nilang sundan kaso biglang dumating si manong guard.]

Puta, napamura agad siya. Paano siya makakalabas, e, kung nandoon na ang guard??

Sinubukan niyang tawagan si Yanna pero out of coverage. Napamura na lang siya.

Ah! Alam ko na! bigla na lang may pumasok sa isip niya.

Tuloy-tuloy siyang nagtatakbo papunta sa Faculty Room at hinanap niya si Mrs. Sta.
Ana—ang adviser nila.

“Ma’am!” Humahangos na naabutan niya si Mrs. Sta. Ana nang papasok na dapat ito sa
loob.

“O, TJ? Ano’ng kailangan?”

“Ma’am, pwede n’yo po ba akong ipagpaalam sa guard? M-may sakit po kasi..... s-si
Mama. Kailangan ko pong umuwi.” Sana, kagatin nito ang palusot niya. Hindi pwedeng
si Yanna ang idahilan niya. Tiyak na makakagalitan ‘yun.
“Ah, ganu’n ba? Naku, hindi na kailangan. Maaga ang labas n’yo ngayon, e.” Saglit
na tumingin pa sa relo ang adviser niya. “O, malapit na pala. 3:26 na, 3:30 lang
uwian ‘yo na,” nakangiting sabi nito.

‘Yon! “Talaga po? Salamat, Ma’am!”

Nagpaalam na siya sa guro pagkaraa’y kumaripas na ng takbo papuntang main gate.

Leche lang ‘yung nagka-countdown pa siya, e. Ang tagal lumipas ng natitirang


dalawang minuto, ‘nak ng!

At sa wakas! Pagbukas na pagbukas ni manong guard ng gate, lumabas agad siya. Pero
bago siya makalayo....

“TJ!”

Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Si Bea pala.

“’Wag mong puntahan si Yanna sa lugar na alam mong pupuntahan niya...” Umiling pa
si Bea. “...wala kang makikita.”

Ibig sabihin, hindi pupunta si Yanna sa lugar na madali niyang makikita?

“Salamat!” sigaw niya kay Bea.

“Hahanapin din namin siya!” nakangiting balik nito.

Ngiti rin ang itinugon niya rito at nagtuloy na ulit siya para hanapin si Yanna.

Pero saan nga ba siya pupunta? Aah! Sa lugar na tahimik! Tama! Sa lugar na tahimik
ang gusto nitong puntahan kapag gusto nitong mag-isa. Syempre, mag-isa nga, e.

Una niyang pinuntahan ang memo, pero wala roon si Yanna. Sa plaza kaya? Pwede!

Kaya nagtungo siya sa plaza. At... Hoo! Nakahinga rin siya nang maluwag.

Nandoon si Yanna. Nakaupo sa isang bench. Ang tulin nitong nakapagbihis. Hindi na
agad naka-uniform. Ibig sabihin, nakauwi na pala ito.

Parang ang lalim ng iniisip ni Yanna. Gusto niya tuloy itong lapitan. Gusto niyang
sabihin na ‘Malungkot ka na naman. Nandito na ‘ko, o. Ngingiti na ‘yan’ o kaya
naman ‘Namiss mo na naman ako kaya ampangit mo!’
Kung pwede lang sana na gano’n, e. Kaso, hindi. Galit si Yanna. Ginalit niya.

“Yanna!” Lakas-loob na nilapitan niya ito.

Tinry niyang ‘wag maging intense ang paglapit niya pero napatayo pa rin ito.

“Sorry... Sorry sa nangyari. Bati na tayo, please? Ayokong mawala ka, baka iwan mo
na naman ulit ako. ‘Wag ka nang magalit. Ha? Wala na sa’kin ‘yung nangyari.
Magpapaliwanag din ako. Bati na tayo. Please?” tuloy-tuloy na pakiusap niya agad
kay Yanna. Ayaw niya lang kasing mawala si Yanna sa kanya. Hindi siya papayag.

“T—TJ?” tila nagulat naman ito. “A-anong ginagawa mo rito?”

Bakit parang hindi naman ito galit? Parang nagulat lang? Napatawad na ba agad siya
ni Yanna? Pero parang... may iba, e.

Ah, basta! Kailangan niyang amuhin si Yanna. Kailangan niyang mag-explain.

“’Wag ka nang magalit. Hindi na rin ako galit. Kalimutan na lang natin ang
nangyari... Please? Magpapaliwanag ako,” pakiusap niya ulit.

Pero bumuntong-hininga si Yanna. At para siyang literal na sinaksak sa sumunod na


sinabi nito.

“Hindi naman ako galit, TJ. Ikaw nga ang may karapatang magalit sa pag-alis ko ng
walang paalam noon, e. ‘Yung tungkol sa nakaraan natin.... I’m sorry. Hindi ko lang
kasi talaga ma-feel na mahal kita noong mga panahong ‘yon. Matagal na panahon na
‘yon, e. Pwede bang kalimutan na lang natin? Kasi, TJ, ngayon..... may iba na
‘kong mahal, e.”

Parang dumagundong ang puso niya sa sinabi nito.

A-anong..... May ibang... ibang mahal??

May naaalala na ba ito? Bakit bigla na lang nitong ipinasok ang nakaraan?

Pero hindi... Hindi pwede....

“H-hindi... Hindi totoo ‘yan...” nanginginig ang boses niya. Ito na nga ba ang
kinakatakutan niya. Ang iwan na naman siya ni Yanna.

“I’m sorry, TJ, pero—“


Hindi na niya hinayaang tapusin nito ang sasabihin. Niyakap niyang bigla si Yanna.

“No, Yanna. Hindi ako papayag. Hindi,” mariin pero nanginginig ang boses na sabi
niya.

Bakit? Ano’ng problema? Maaayos pa naman nila ang lahat, e. Pero ano’ng may ibang
mahal? May iba ba ito habang sila? Wala naman, e! Siya lang!

Alam niya. Sinasabi lang ito ni Yanna dahil gusto nitong parusahan siya. Dahil
akala nito pinaglaruan niya lang ‘to. Pero hindi. Hindi siya papayag.

“TJ... Please, bitawan—“

“No. Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na hiwalayan mo ako.”

“H-huh?”

“No. I’m sorry, but I won’t. Never—“

“Kaya naman pala ang lakas ng loob mo na paglaruan ako. Kapal din ng mukha mo, TJ!”

Bigla na lang siyang napamulat nang marinig niya ang..... parehong boses.

Pero hindi boses ng kayakap niya. Boses ng.... nasa harapan niya?

What the f-ck?

Bigla niyang inilayo ang yakap niyang si Yanna at maang na napatingin sa isa
pang.... Yanna??

Hindi makapaniwalang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa.

Whoah, whoah... Ano ‘to? Mind f-ck?? Bakit dalawang Yanna ang nakikita niya?

Napasinghap ang Yanna na nasa harapan niya, gayundin ang nasa tabi niya.

“Oh. My. God,” mahinang usal ng nasa tabi niya.

“Eff,” sambit naman ng nasa harapan niya.


Ah, e... sure na ata siya? Oo. Doon siya nakasigurado. Sa pananalita pa lang,
sigurado siyang ang nasa harapan niya ang tunay na mahal niya. Naka-uniform, e.

Pero anak ng.... Sino ang kaninang niyakap niya?

Oh, my God daw? Bakit alam nito ang nakaraan nila—Doon niya gustong mapamura nang
malakas. Shit. Oh, my God nga!

Ibig sabihin..... ang nang-iwan sa kanya at balak niyang gantihan noon, at ang
mahal niya ngayon.... e, magkaiba?

Dalawang Yanna?

Puta.

— — —

=================

36. A and B.

36. A AND B.
INIWANAN na ni Yanna si Kesley o Keslo doon sa likod ng stage.

Hamo siya ro’n. Ka-stress lalo. Puro pick-up ang alam.

Naglakad siya. Pero napahinto siya sa tumambad sa harap niya.

Si TJ.... B-bakit.... bakit may kayakap si TJ? Ano’ng ibig sabihin nito???

“No. Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na hiwalayan mo ako.”

Boom.

Parang halos sumabog ang puso niya sa narinig niya.

Ito ba ‘yung taong gusto niyang bigyan ng isa pang chance? ‘Yung taong..... mahal
niya..... pero may mahal na iba?

Ano ‘to? May iba si TJ? Na habang sila ni TJ, ang mga ito rin?

Hah. Sobrang parusa naman ata sa kanya ‘to?


“No. I’m sorry, but I won’t. Never—“

“Kaya naman pala ang lakas ng loob mo na paglaruan ako. Kapal din ng mukha mo, TJ!”
Hindi na niya napigilang sumigaw.

Ang sakit lang pakinggan ng mga pinagsasabi ni TJ. Ang sakit sa puso.

Bakit ang sama ni TJ? Halatang nagulat pa nga ito nang pagdilat nito ay makita
siya, e. Oo, natural na magulat ito. Huling huli sa akto, e. Pero shit lang. May
mas nakakagulat pa bas a mga nalaman, narinig, at nakita—

She gasped when the girl TJ was hugging turned to face her.

What.

She gasped, again.... and so did the girl.

“Oh. My. God.” “Eff.” They both uttered at the same time.

Really..... what is going on?!


Ang babae sa harap niya... SIYA?

What in the world.... Kamukha niya. Siyang siya!

“Poser.” Siya na ang unang nagsalita dahil tila gulat na gulat pa ang nasa harap
niyang kamukhang kamukha niya.

Kahit naman siya, gulat na gulat pa rin. Baka lang sila abutan ng pasko kapag wala
pang nagsalita.

“Oh, my god! Arianna??” Hindi makapaniwalang bulalas ng babae at nagulat na lang


siya nang lapitan siya nito at agad-agad na niyakap siya. “Arianna!”

Hindi siya makapag-react sa yakap nito.

Pero... kilala siya. Baka poser nga!

Fan niya ba ito? Nagparetoke? Whoah, kailan pa siya na-expose sa madla? At ang
ganda ganda niya naman para gayahin pati ang mukha niya.

Okay, she better stop her nonsense thoughts.


Pero, iba ‘yung feeling ng yakap nito. Parang... ewan. Hindi niya ma-explain.

Nilingon niya si TJ. Nagtataka at nagtatanong ang mga mata nito.

Pero, oo nga pala... galit siya. Agad na nagbawi siya ng tingin. Inalis niya rin
ang pagkakayakap ng kamukha niya sa kanya.

“Who are you?” she asked, her eyes narrowed.

“Oh, hi!” Nakangiting tinignan siya nito. “I’m Maria Brianna Oliveros-Santana....
Your twin!”

Natigagal siya.

Twin???

The girl’s name and hers. The girl’s looks and hers.... ‘Yung kakaibang naramdaman
niya kanina. Iyon ba ‘yong tinatawag nilang.... lukso ng dugo?

Whoah.... Ano’ng meron sa araw na ‘to at dinadagsa siya ng mga pasabog?

Paano’ng... paano’ng may kambal siya? Paano’ng—


“Ay! Baby, nagkita na kayo ng twin mo? Mas maganda pa rin ang mommy!”

Bigla siyang napalingon sa mga bagong dating. Ang mommy niya, kasama ang barkada
niya. Nakuha pa talagang tumawa ng mommy niya? Syempre nga naman. May kaiyak-iyak
ba?

“Oh, my gosh! Kamukha talaga, Tita Gels! Aaack! Triplets na tayo, bakla!” Ej.

“Bading. H’wag ka ngang maingay muna. Kita mong ang intense ng atmosphere, e”,
saway ni Yen kay Ej.

She glared at Ej, and then at her mom. Now’s not the time for some jokes.

“’My, ano’ng ibig sabihin nito?” seryosong tanong niya sa mommy niya.

Sumeryoso rin ang mommy niya. Pero nagulat siya nang may lalaking sumulpot mula sa
likuran nito.

“Dad!” Tinawag ng kamukha niya ang lalaki.

Napanganga siya. Parang nanghihina ang mga tuhod niya.


Ang lalaki... Ang lalaking ‘yon ang nakikita niya sa mga pictures sa albums ng
mommy niya sa kwarto.

She looked at the man. And then he smiled at her.

God. Mababaliw na ata siya.

“So, you and TJ....?”

Napalingon siya sa katabi niya.

Grabe, para lang siyang nagsasalamin.

T-teka.... Ibig sabihin....

“So, you and TJ.” She repeated. Not a question nor a confirmation, but a statement—
a sarcastic one.

Ibig sabihin lang, ang babaeng ito ang nang-iwan kay TJ dati. Of course, dahil
hindi naman siya nagka-amnesia kaya alam niyang hindi niya pa nakilala noon si TJ
at na iba nga ang tinutukoy ni TJ at na—Good Lord... Now, everything’s making
sense.
Tinignan niya ng masama ang kamukha niya. Or should she say, kambal niya. Pero
hindi man lang ito natinag at nagkibit-balikat lang.

Hah. Kitang kita niya ang sarili niya rito.

“Anak—“

Matuling itinaas niya ang mga kamay niya para pigilan sa pagsasalita ang mommy
niya.

“Later... I’m tired.” Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

Nag-umpisa na siyang maglakad palayo. Kilala siya ng mommy niya kaya hindi siya
pinigilan nito. Alam nitong kailangan niya ng time.

Time para maabsorb ng utak niya ang mga nangyayari.

Hindi siya sumabay na umuwi sa mga ito. Nag-tricycle siya pauwi katulad ng araw-
araw niyang gawi.

Pag-uwi niya sa bahay, nagtuloy agad siya sa kwarto niya. Nahiga at itinakip ang
unan sa mukha niya.
So much for this day....

UMUWI si TJ na magulo pa rin ang isipan. Parang ayaw niyang maniwala sa


mga nangyari kanina.

‘Yung babaeng sumampal sa kanya kanina at ang babaeng niyakap niya kanina... ‘Yung
babaeng mahal niya ngayon at ang babaeng nang-iwan sa kanya noon.... Nakakagago.

Maria Brianna?

F-ck.

Pa’no niya malalaman na bukod sa kambal, e, magkapalayaw din ang mga ito? Kung ang
pakilala lang sa kanya noon ni Ya—Brianna, e, Yanna Santana. Hindi naman kasi nito
sinabi sa kanya dati na hindi lang pala iyon ang whole name nito. Magkaibang school
sila ng pinapasukan ni Brianna noong nasa Cebu pa lang sila. And this is making him
crazy. Paano’ng nagkagirlfriend siya na hindi niya man lang alam ang buong
pangalan? To think na first love niya ‘yon at... F-cksht. At akala niya obsessed
boyfriend siya dahil nagago siya no’ng iwan siya ni Brianna? He didn’t even know
the girl’s full name, damn it.

Syempre, aakalain niya na si Yanna ay si Arianna. Ano’ng malay niya? Nila? Kung
mismong si Arianna, hindi alam na may kambal pala ‘to.
Kaya pala unang kita niya pa lang kay Arianna, alam niyang may iba. Pero hindi niya
alam na lahat pala, e, iba! Imba! Asar na napahilamos siya sa mukha niya.

Ano ‘yung naaksidente si Arianna? Ano ‘yung nagka-amnesiang sinabi ni Joice sa


kanya?

T-ngina... Kailangan niya na talagang makausap si Arianna, e.

Pero, hindi pa ngayon.

HINDI alam ni Yanna kung ilang oras na siyang tulala at nakahiga.


Napabuntong-hininga na lang siya nang may kumatok sa pinto niya at bumukas ‘yon.

“’Nak...” Narinig niya ang boses ng mommy niya.

Umayos siya at naupo pero hindi niya magawang tignan ang mommy niya. At least,
she’s willing to talk. To get an explanation. Walang mangyayari kung magkukulong
lang siya sa kwarto. Kailangan niyang malaman ang lahat.
“Anak, gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong magpaliwanag.” Naupo ang mommy niya
sa tabi niya.

Hindi siya kumibo. Parang pagod na pagod talaga siya na ni buka ng bibig hindi niya
pa magawa.

“Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ang lahat. Ang daddy mo... Hindi totoo ang
nagkalat na balita noon na iniwan niya tayo dahil sa nanlalalaki ako. Lahat ‘yon,
pakana lang ng papa niya.”

Napatingin siya sa mommy niya. Nagulat talaga siya. Bakit hindi man lang nito
sinabi sa kanya? Kahit ba alam niyang hindi naman totoo na nanlalaki ang mommy
niya, iba pa rin ‘yung sinabi mismo nito sa kanya. Kasi sa totoo lang, may doubt
noon.

Ibig sabihin, pakana ng.... ng lolo niya... na mismong papa ng daddy niya... ang
lahat?

Pero, bakit?

“Mahirap lang kami noon. Nag-iisang anak ako ng tatay at nanay. Matagal nang wala
ang nanay at ang tatay na lang ang mag-isang nagtaguyod sa’kin. Hanggang sa
makilala ko ang daddy mo. Si Ariel... Mahal namin ang isa’t isa. Pero tutol ang
papa niya sa relasyon namin. Galit kasi ang papa niya sa tatay dahil..... dahil kay
nanay.”

Halos mapanganga siya sa sinabi ng mommy niya.


“Oo. Umibig ang papa niya sa nanay noon. Pero mahal ng nanay si tatay kaya ang
tatay ang pinili niya... Masyado naming mahal ni Ariel ang isa’t isa at ayaw naming
magkahiwalay. Hanggang sa... nabuntis ako. Sa inyo. Nang malaman ng papa niya ‘yon,
halos itakwil nito ang daddy mo. Pero hindi takot ang daddy mo na itakwil siya ng
papa niya.

“Pero dahil nag-iisang anak lang ang daddy mo, hindi rin siya kayang itakwil ng
papa niya. Kaya ang ginawa ng papa niya, pinagbantaan ang daddy mo na gagawin nito
ang lahat para bumagsak ang kabuhayan namin ng tatay. Hindi man malaki ang kompanya
ng papa niya, sapat ‘yon para patumbahin ang bubuwit na kabuhayan namin. At iyon
ang hindi kaya ng daddy mo. Ang makitang gumagapang kami sa kahirapan ng tatay.

“Nanganak ako... Labag man sa loob ko na magkahiwalay tayong apat, hinayaan kong
kunin ng daddy mo ang kambal mo. Si Brianna. Kayo man lang ang magsilbing alaala ng
pagmamahalan namin. Oo, aaminin ko, parang ang drama masyado. Pero ganu’n talaga,
e. Parang ‘yun na ‘yung huling beses na magkakasama kasi. Pero alam namin... Hindi
kami nawalan ng pag-asa na baling araw, mabubuo rin tayo. At dumating na nga ang
araw na ‘to. ‘Nak... buo na tayo.”

Nginitian siya ng mommy niya kahit may luha na ang namumuo sa mga mata nito. Pero
hindi niya ‘to magawang ngitian. Kasi sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang
mararamdaman niya.

Masaya siya... Oo. Siguro.... Kasi may tatay pa pala siya. At may kapatid pa. Pero
bakit kasi ngayon niya lang nalaman ang lahat?

“I know, anak. I know... Maski ako, hindi ko akalaing magkikita pa kami ng daddy
mo. Kasi, di ba? Wala namang katiyakan ang lahat. Hindi ko sinabi sa’yo ang lahat
dahil walang kasiguraduhan kung magkikita pa tayong apat. Ayaw ko lang na umasa ka
sa walang kasiguraduhan. Matagal na panahon, e... Mula nang maghiwalay kami,
nawalan na kami ng koneksyon at komunikasyon. Umalis ako ng Palawan at
nagbakasakali dito sa Maynila nang mamatay ang tatay. Nitong nakaraang buwan lang
din kami nagkausap ng daddy mo dahil nito lang niya tayo natagpuan.”
Pinahid niya ang luhang pumatak sa pisngi ng mommy niya.

“Naiintindihan ko na, mommy. Naiintindihan ko na...” She then hugged her mom.

“Pasensya na kung may nanay kang nanlalalaki sa mata ng iba, ‘nak, ha? Kaya kalat
pa rin hanggang dito na marami akong lalaki, dahil sa isang kakilala ko na hindi
nagtagal,e, lumipat din dito at nagkataon pa na kabaranggay natin. Si Thelma. Ewan
ko lang kung naaalala mo pa siya dahil bata ka pa noon. Hindi ko alam kung bakit
gano’n na lang siya kung kamuhian ako. Hindi naman ako nagmana sa katapangan mo
kaya hindi ko malabanan.”

“Mommy, I don’t care.” Lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa mommy niya.

Hindi naman siya makitid para hindi intindihin ang pag-iintinding ginawa sa kanya
ng mommy niya.

Now, everything’s clear. At least, about their family. But not with her and her
twin’s love story.

LUMABAS na sila ng mommy niya sa kwarto at bumaba. Nandoon ang daddy niya
at ang kambal niya, naghihintay sa kanila. She smiled. Buo na ang pamilya niya.
Pagkakita pa lang sa kanila ng daddy niya, napatayo agad ito. Bakas ang pag-aalala
sa mukha. Ganu’n din si Brianna. Nakangiting lumapit siya sa mga ito.

“Daddy...” Once the word slipped her mouth, there were like fireworks in her chest.

At reaksyon ng daddy niya? Priceless. Niyakap agad siya ng daddy niya kaya yumakap
din siya rito.

Mariing napapikit siya. Ganito pala ang feeling ng may tatay. Na yakap ng tatay...

“Sorry, anak. Sorry, ngayon lang tayo nagkita. Maniwala ka... walang araw na hindi
ko kayo inisip ng mommy mo.” Ramdam na ramdam niya ngayon ang pagmamahal ng isang
ama na hindi niya hindi niya akalaing mararamdaman niya kailanman.

“It’s okay, dad. Hindi pa naman huli ang lahat.” Hindi pa talaga huli ang lahat,
dahil umpisa pa lang.

“Ehem. Ano naman daw pala kami rito?”

Umalis na sila sa pagkakayakap ng daddy niya nang magsalita si Brianna. Hawak nito
ang kamay ng mommy niya. And again, she smiled.

“Tao?” biro niya.


“Mahal mo?” ganting biro ni Brianna na alam niyang may halong seryoso.

“Bingo.” Ang lapad lang ng ngiti niya.

“Knew it. Kambal nga kita!” Natatawang lumapit na si Brianna at ang mommy niya sa
kanya.

“So, Yanna... meet Yanna.” Tatawa-tawa pa talaga ang mommy niya. Baliw lang.

“What’s up with our names, mame? Grabe, parehong Yanna nickname namin.” Nagbuhol
tuloy buhay pag-ibig namin.

“Arianna and Brianna. Cute na pangalan for twins, di ba? Well, your Helen comes
from my mother’s name....” sabi ng mommy niya.

“...And Brianna’s Maria comes from my mother’s”, pagtatapos ng daddy niya.

Napatango na lang siya. Yeah, yeah. She should’ve known that. Hindi niya naman kasi
naabutan ang ina—nanay ng mommy niya—kaya hindi rin tumatak sa isip niya ang
pangalan nito. Basta ina lang ang naaalala niya kaya iyon lang din ang tumatak sa
isip niya.

“So....? Power hug??” Ngingiti-ngiting aya ni Brianna.


Natawa siya. Childish. “Power hug!”

“HEY, A... Story telling?” Tinabihan siya ni Brianna sa kama niya, na


ngayon ay magiging kama na nilang dalawa. Yes, sa kanila na titira ang daddy’t
kambal niya. Wala kasing bahay ang mga ito dahil binenta bago umalis at sa states
nga nanirahan. Dalawa lang ang kwarto sa bahay nila. Isa sa mommy niya, isa sa
kanya. Syempre, sino-sino pa ba magkakabukod, di ba?

And since Arianna and Brianna sila, they’ve decided to call each other by initials.

“Okay, bata. Ano’ng gusto mo? Rumpletiltskin? Rapunzel? Goldilocks and the—“

“Weh! Batang ‘to!” awat agad ni Brianna sa kanya.

“Batang ‘to? Hoy, mas matanda ako sa’yo ng tatlong minuto. Baka akala mo...” biro
niya kay Brianna. Totoo naman. Naikwento ng mommy nila sa kanila na mas matanda
siya ng tatlong minuto. Kaya nga siya ang Arianna, e.

“Oo na! Para tatlong minuto lang.... Inututan mo lang ako kaya ka nauna, e.”
Iiling-iling na natawa na lang siya. Patawa rin pala ‘tong kambal niya na ‘to, e.
Seryoso. Ang gaan agad ng loob nila sa isa’t isa.

“Uhh... How about this, A.... Tell me about you and TJ’s story.... and I’ll tell
you ours.”

Napalingon siyang bigla kay Brianna.

***

=================

37. The victims.

37. THE VICTIMS.

KASAMA ni Yanna sa tamabayan sila Lexi, Joice at Derick. Pinagpapaliwanag niya ang
mga ito kung ano talaga’ng nangyari na hindi niya alam.

“Umpisa pa lang may inggit na ‘kong naramdaman kay TJ. Kasi pinansin siya ni Lexi
samantalang ako ang torpe ko kasi hindi ko masabi sa kanya na may gusto ‘ko sa
kanya. Pero si TJ pagdating niya pa lang dito sa school, kinabukasan sila na kaagad
ni Lexi. Nainis ako kay TJ kasi alam kong isa lang si Lexi sa mga pinaglalaruan
niya. Kaya hinamon ko siya ng dota. In a friendly manner, of course. We made a bet
na gagawin ng talunan ang lahat ng gustong ipagawa ng panalo. Tapos ayun, natalo ko
siya. Wala, e. Magaling ako, e.”

Pinaningkitan niya ng mga mata si Derick. Nakuha pang magyabang, e.

“Sorry naman pero magaling talaga ‘ko. E, ang weak nu’ng syota mo. Nu’ng natalo
siya, ang gusto ko sanang ipagawa sa kanya, e, i-break si Lexi. Pero break na pala
sila nu’ng umaga na ‘yon, Tapos, ayun... Noon ding araw na ‘yon, nakita ko si Lexi
na pagabi na nasa school pa, nag-alala ‘ko kasi noon ko lang siya nakitang walang
kasama nang gabi. Sinundan ko siya hanggang sa Music Room. The rest alam mo na...”

Yeah, right. ‘Yung nakulong na siya.

Yes, may hinala ang barkada na baka nga si Lexi ‘yon. But then, hindi na napasok sa
usapan nilang magbabarkada ‘yon nu’ng naging kaibigan na rin nila si Lexi. Siguro
ganu’n talaga siya, walang pakialam sa mga bagay-bagay na hindi naman big deal.

“Then, kinonfront ko siya kung bakit nya ginawa ‘yun. Nagalit ako. Ganu’n na ba
siya kadesperada kay TJ? Tangina, ganu’n ba kagwapo si TJ, e, hindi naman kami
nagkakalayo? Na pati ikaw nagawang ikulong ni Lexi sa room na ‘yun dahil lang
nagselos siya sa inyo ni TJ?”

“Correction, hon. Jealous and hurt, plus, felt used,” sabat ni Lexi.

“Plus, immature.” Nanlaki bigla ang mga mata ni Lexi. Halatang medyo naasar sa
sinabi ni Derick. “Love you,” dagdag agad ni Derick, e.

Si Lexi naman, halatang nainis. Iningusan na nga, inirapan pa si Derick.

“Haha. Inis pa.” Niyakap ni Derick si Lexi—sideways—sabay gulo sa buhok nito. “Hon,
I still love you with all your insecurities.”

Looking at Derick and Lexi, she could’t help but smile. Ngayon naman siya na
nagseselos. Miss niya na talaga si TJ. Sobra.

Nagpatuloy si Derick. “Ayun nga. Kinulong ka ni Lexi. Sa Music Room. When we all
know that you fear ghosts. Nagalit talaga ‘ko. Hindi para sa’yo pero para kay Lexi.
Sorry, Yanna. Pero noong time na ‘yon, napagdesisyunan ko na sundin ang gusto ni
Lexi.”

“Teka. Ano’ng gusto ni Lexi? ‘Yun ba’ng saktan ako ni TJ?" awat niya kay Derick.

“Oo...” Si Lexi ang sumagot. “As far as I can remember, I yelled at Dee... crying.
Natatandaan ko lang na sinabi ko sa kanya na gusto kong masaktan ka. Na gusto kong
maramdaman mo kung ano ang feeling ng masaktan ng taong mahal mo. Nu’ng marinig ko
kasi na kayo na ni TJ noon, hindi ko matanggap. Tinanong ko si TJ kung totoo ‘yun
at kaya ba siya nakipagbreak, e, dahil sa’yo, pero ang sabi niya hindi. Pero hindi
ako nakuntento. Iba kasi ang pakikitungo sa’yo ni TJ. At oo, nagselos ako. Umaarte
siya na wala siyang pakialam sa’yo pero ang totoo, he cared for you. Tinulungan ka
pa niya kila Drea.”

“I know that story. Papabugbog mo pa talaga si Yanna? Gotta side with Dee. That was
immature, my friend,” sabat ni Joice.

“What—“

“May pila ba? Next ako sa’yo, Joice,” sabi niya agad bago pa makakontra si Lexi kay
Joice.

“Fine!” Nakabusangot na yumuko si Lexi. “Sabi ko nga immature, e.”

Malalim na napabuntong-hininga siya. Ngayon, unti-unti nang lumiliwanag ang lahat.

“Pero totoong mahal ka ni TJ, Yanna. Totoo ‘yun,” Derick.

“True. Mahal ka niya,” Lexi.

“Believe me. Hindi magtatagal si kuya sa parusa niya kung hindi ka niya
mahal,” Joice.

Naguguluhan siya. “Pa’no n’yo nasabi? Kung parusa lang pala ang lahat?”

Sa totoo lang? Hindi niya alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman ni TJ. Pero
umaasa pa rin siya. Sa mga pangako nito. Na maniwala lang daw siya at magtiwala na
siya lang ang mahal nito.

“Yanna, ni hindi nabanggit sa’kin ni TJ ang parusa na ‘yan bago pa man umalis si
Kris. Kita ko sa mga mata at kilos niya na nagseselos siya everytime na magkasama
kayo ng best friend mo. At kapag binabanggit ko sa kanya na baka nagkakalimutan na
kami, kasi mukhang nahuhulog na talaga siya sa’yo, nagagalit lang siya. Tsaka no’ng
pinili mo si Kris? Halos magmukha na kaya siyang zombie sa pagka-depress noon. Alam
ko, kasi lalaki ako. Alam kong mahal ka na niya nu’n. At hindi ko na ‘yon tinutulan
kasi kami na naman ni Lexi at magkakaibigan na rin tayo,” paliwanag ulit ni Derick.

“Tama. Maski ako, Yanna. Maski ako hindi ko na kayo tinutulan. Wala na ‘kong
pakialam kasi natutunan ko nang mahalin si Derick noon... hanggang ngayon.” sabi ni
Lexi. Tumingin ‘to kay Derick at nagkangitian pareho, tsaka nag-holding hands.

Kung ang tingin lang ay nakakamatay... “’Yung totoo?”

Biglang nagbitiw sina Derick at Lexi nang marinig siya’t makita ang nakakamatay na
tingin niya.
Good.

“Basta, Yanna. Maniwala ka. Ako rin naman, e. Di ba, noong una ayaw ko sa'yo? Kasi
akala ko, ikaw ‘yung kambal mo,” sabi ni Joice. Obvious naman. “Pero nu’ng malaman
ko na parusa lang ang lahat, pumayag na ‘ko. Kasi naisip ko, for kuya’s peace of
mind, baka gustong-gusto niya talagang gantihan ka. Na masaktan ka. Bad, I know.”

“Immature, too,” Lexi cut in.

“Not as immature as you and hey, who’s the mastermind again?” balik niJoice kay
Lexi. Si Lexi naman nag-nyenye na lang.

“Anyways, ‘yun nga. Alam kong hindi magandang ideya na... na gumanti si kuya dahil
lang sa nasaktan siya. Pero kung nakita mo lang siya no’ng iwan siya nu’ng kambal
mo... I’m so sorry pero wala na ‘kong pakialam kahit mali. Then, naging okay na
tayo. Naging magkaibigan. Naging close... Ewan, pero kahit na medyo bully ka, kahit
na minsan bad ka... Ewan, pero parang may kung anong kakaiba sa’yo na nakuha mo na
lang bigla ang loob ko. Kaya hindi na rin ako tumutol sa inyo ni kuya.”.

Ano naman ang kakaiba sa kanya?

“Yes. Para kang may super power na kayang pabaguhin ang tingin namin sa’yo. Kasi,
sa totoo lang, ‘yung paglapit ko sa’yo, that was all an act. Pero biglang isang
araw, love na kita.” Nahihiyang ngumiti pa si Lexi.

“So, tomboy ka na?”

“Gaga. I mean, love as a friend! Chusera.”

“Gee, thanks.” Napabuntong-hininga na lang ulit siya. Alam niyang may karapatan
siyang magalit. Pero kaibigan niya, e. Hindi niya magawang magalit matapos
magpaliwanag ng mga ‘to. Na positive naman pala ang side ng mga ‘to. Na mahal din
naman pala siya ng mga kaibigan niya bilang kaibigan. Bakit pa siya magkukunwaring
galit kung hindi naman talaga, di ba?

“Mahal ka talaga ni kuya, Yanna. Maniwala ka,” pinat pa siya ni Joice sa balikat.

Nagbuntong-hininga siya.. “Ewan ko. Ako ba talaga ang mahal n’ya? Ako ba... o ang
akala niya na ako?”

Kasi ngayon, malinaw na ang lahat. That everything started with a bet.
“IT all started with a bet...” said Brianna after a long pause.

Bet? Hindi siya nagsalita. Hindi naman sobrang nagulat pero nagulat pa rin siya sa
pag-amin ng kambal niya. Nagtatanong na tinignan niya si Brianna.

“See? Sabi ko sa’yo ikaw na’ng mauna, e. Ikaw na kasi!" pilit nito sa kanya.

Gusto kasi nito na siya ang maunang magkwento pero ito ang pinauna niya.

She paused for a moment, then sighed. “Ikaw na, B. Ituloy mo lang. I want to hear
and know everything.”

Of course. Paano niya maiku-kwento sa kambal niya ang sa kanila ni TJ kung hindi
niya pa naman talaga alam ang side ni TJ? So as Joice, Lexi and Derick’s. Wala pa
siyang karapatang magkwento ng kahit anong hindi pa sigurado. First, she needed to
know everything from them. Maybe tomorrow.

“Okay,” sabi na lang ni Brianna.

“Ganito ‘yon... Me and my ex—I mean, my boyfriend at that time—nagkakalabuan kami


noon. Actually, nakipag-break na ako noon sa kanya. Syempre naman, makikita kong
may iba na siyang kasama habang kami pa, alangang martir lang ang peg ko, di ba?
Hambalusin ko sila, e. But anyways, lukaret ang mga kabarkada ko noon...

“We made a bet. Kung totoo raw na hindi ako affected sa pagsama ng ex ko sa kung
sino-sino, dapat daw mag-boyfriend na rin agad ako. Kapag daw hindi ko nagawa, ako
ang wallet nila sa buong school year. E, syempre naman, makakapag-relax ba ‘ko nung
lagay na ‘yun? Apat silang kaibigan ko na maluho, para namang iniiri ko lang ang
pera, di ba? Awa ko naman kay daddy.

“So, ayun... Nakatambay kami sa isang park noon. Kung sino raw ang unang lalaki na
maghe-‘hello’ sa harap namin, ‘yun daw ang kailangan kong maging boyfriend... Ang
tagal naming naghintay sa pwesto namin. May mga nagdadaan pero panay ngiti at pa-
cute lang. Thankful nga ako noon kasi kapag may nadaang panget panay ‘Hi, miss’ ang
line, e.

“Then there was TJ, with his friends actually, who suddenly passed by—“

“Wait. Don't tell me, nag-hello si TJ sa’yo?” naitanong agad niya bago pa matapos
ni Brianna ang sasabihin.
“Mm-mm,” nakakaloko ang ngiting tumango si Brianna.

Wow, what. Attracted talaga si TJ sa kambal niya? Lokong ‘yun! Chickboy talaga.
Papansin sa girls.

“Gaga! Hindi siya nagpapansin sa’kin or sa’min!”

“H-huh? Naririnig mo ang naiisip ko?” Whoa. Ganito ba talaga kapag kambal?

“Gaga talaga. Syempre, hindi. Nabasa ko ho sa mukha mo.”

“Weh?” Adik pala 'to, e. “Sige nga. Ano’ng nakasulat?”

“Gusto mo ng sapak? Itutuloy ko o matutulog na tayo?”

“Ikaw naman... Continue, please?” uto niya sa kambal niya with matching pa-sweet
smile pa.

Nagtuloy naman si Brianna sa pagkukwento. “Ano... Ano kasi ‘yon, e... Kasama niya
ang barkada n’ya nu’ng dumaan siya sa harapan namin. E, saktong may tumawag sa
kanya sa phone. So, ayun... nag-‘hello’ sya.”

Halos malaglag ang panga niya sa sahig. Hindi niya alam kung ano’ng ire-react niya.

“So technically, he said hello but not to me. Which, by the way, counted, because
he said the word ‘hello’.”

“Wow,” ang tanging nasabi niya.

“Yes, wow,” Brianna giggled. Seriously? “Sorry.”, bawi agad nito nang makita ang
reaksyon niya.

“So, ibig sabihin, accidental victim si TJ ng kalokahan n’yo ng mga kaibigan mo?”

“Oo. Kasi naman, maghe-hello na lang ba naman saktong nadaan pa sa harap namin. So,
ayun. May barkada si TJ na kilala ng barkada ko. Sinabi nila na paglapitin kami.
Pero hindi naman noong mismong time na ‘yon. I think, sa text. And then—“

“Did you love him?” Ito ‘yung tanong na kanina pa niya atat na atat na tanungin.

“No.” Straight to the point naman ‘tong si Brianna. Grabe, hindi man lang nag-isip.
Ewan, pero feeling niya, may tinik na nabunot sa dibdib niya. And that was the
moment she knew. She wanted Troy’s love all for herself. And that she could be very
selfish because she loved him.

“But yes, as a friend,” dagdag ni Brianna.

Napatango siya. At least, hindi na ‘to magiging karibal ngayon, di ba?

“TJ was so kind. Kaya nga noong mga panahong kasama ko siya, hindi ako ‘yung
totoong ako. May mga lies na sinasabi ako sa kanya may masabi lang. Mahinhin ako sa
harap niya. Parang Maria Clara ang peg. Minsan, gusto ko siyang deretsuhin na hindi
ko talaga siya mahal. Kasi naaawa rin ako sa kanya. Mahal niya ‘ko, e. Ako ata ang
first girlfriend niya kaya sobrang nakakakonsensya, kasi I didn't feel the same
way,” nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga siBrianna. “Si TJ kasi ‘yung tipo
ng lalaking papangarapin ng mga babae. Siya ‘yung laging nand’yan. One-woman man,
sabi nga nila. Maraming may gusto sa kanya sa school namin and I believe sa school
din nila.”

“Wait. You mean, hindi kayo schoolmates? Tsaka, hindi niya ba alam ang whole name
mo?”

Naguguluhan kasi siya. Kung napagkamalan siya ni TJ na si Brianna, ibig sabihin


hindi alam ni TJ na Brianna ang Yanna ni Brianna?Okay, that was confusing.Pero...
di ba?

“No for both,” Brianna said.

What the heck? “Bakit hindi mo man lang sinabi sa kanya ang buong pangalan mo?
Hindi mo ba alam na napagkamalan niya akong ikaw?” God, she was furious. How can a
boyfriend not know his girlfriend’s full name?

“Relax, A. Ano’ng malay ko? I didn't know back then that I have a twin, that I have
you. Didn't I tell you earlier that it's been just days that I got to know your
existence? Geez, don't freak out.”

Oo nga pala. Nasabi nito sa kanya na pagdating nito at ng daddy nila sa Canada,
hindi pa rin nito alam ang tungkol sa kanila ng mommy niya. Noong inatake lang daw
sa puso ang Lolo Javier— her dad's father—at nang mahanap na sila ng daddy niya,
tsaka lang daw ipinaalam ng daddy niya sa kambal niya na eto nga... sila.

“And hindi ko naisip na importante pa na malaman ni TJ ang whole name ko. Hello,
takot ko lang na ipakulam ni TJ kapag nalaman niyang bet lang ‘yun.”

Sinamaan niya ng tingin ang kambal niya. Ano pala si TJ? Medyo OA?

“’De, joke lang. He he. Hindi naman kasi ako seryoso so why the need, di ba? Basta
ayun. ‘Yun na ‘yun!” kibit-balikat nitong sabi.

‘Yun na ‘yun? “Bwiset ka! Hindi pa iyon! Pa'no ka nakipagbreak?”

“Aaah... Haha! Actually, hindi pa kami break.”

“ANO?!”

Hindi pa break? Ano ‘yun? Iniwan lang nito basta si TJ? Fly agad sa Canada?!
Grabe... Ang sama ho ng kambal niya. Kawawa naman ‘yung mahal niya.

“I mean... in words, hindi pa kami nakapag-break. Girl, understood na ‘yun na pag-


alis ko, wala na kami. Ang totoo niyan, nag-iwan ako ng sulat sa kaibigan ko. A
sorry letter. Sabi ko iabot kay TJ. E, ang haliparot, naiwala ang sulat! Ayun. Wala
naman siyang Facebook or any accounts sa internet kaya wala ring way para ma-
contact ko siya. Taong-bundok ‘yun dati, e. Walang hilig sa gano'n. Ewan ko lang
ngayon.”

“Hanggang ngayon,” sabi niya. Wala talagang hilig si TJ sa social networking sites.
Pinadelete nga rin nito sa kanya lahat ng accounts niya, e. Para iwas lalaki raw.
Sunod naman siya. Batas, e.

Pero kung iisipin, loyal si TJ. Simula nu’ng naging sila, hindi pumapansin ng ibang
babae. Siya lang.

Yes. Loyal si TJ, except.... a liar.

“See? Tsaka, naisip ko, hindi naman na siguro kami magkikita. And if ever na
magkita pa kami, I’m sure nakamove-on na sya, di ba? Pinasabi ko sa friends ko na
sabihing sorry, pero I don't know kung nasabi ba talaga nila. Mga luka kasi ‘yung
mga ‘yun, e,” patuloy ni Brianna sa pagkwento.

So, there.

Kaya naman pala ganu’n na lang ang galit ni TJ sa kanya noong mga unang araw na
nagkita sila. Kasi pala akala nito, siya si B. Ngayon parang hindi niya na masisi
si TJ na pinaglaruan siya—kung pinaglaruan nga ba talaga siya ni TJ. Sana naman
hindi. Pero kung oo, ayos na para sa kanya na siya ang pinaglaruan ni TJ, ‘wag lang
si B. Pero kung hindi naman talaga siya pinaglaruan... much better. She would still
take him back. That is, if he really loved her. Not her... that he thought was B.
MAG-ISANG naglalakad-lakad lang si Yanna sa campus. Humiwalay na siya sa barkada
dahil gusto niyang mapag-isa. Open na rin ang gate at patungo na nga siya ro’n
dahil gusto niya na ring umuwi.

Bakit kasi hindi pumasok si TJ? Bakit hindi man lang siya tine-text o kaya
tinatawagan? Wala ba ‘tong balak magpaliwanag sa kanya? Wala ba ‘tong balak na
linawin sa kanya ang lahat? Ayaw niyang pinagtatagal ang lahat, e. Bakit hindi man
lang nito i-try na magpakita sa kanya? Gusto niya na talagang makausap si TJ. Kaya
nilabas niya ang cellphone niya at tinext si TJ.

[Usap tayo. Later.]

Sent.

“ANN!”

Nagsalubong agad ang mga kilay niya. Pero nagpatuoy lang siya sa paglalakad.

Wala. Guni-guni niya lang ‘yun. Hindi boses nu’ng isip batang weirdo kahapon ang
narinig niya. Imposible naman kasi. Nasa loob pa siya ng campus. Hindi naman dito
nag-aaral ang lalaking ‘yon. Kaya imposible.

“ANN!!!”

She rolled her eyes, then turned around. Parang gusto niya tuloy mapanganga.

Seryoso? Ano’ng ginagawa ng weirdong ‘to rito?

Patakbong lumapit sa kanya si Third na Keslo kung tawagin niya.

“Hoo! Kanina pa kita tinatawag! Grabe, ang bingi mo!” humahangos na sabi nito.

“Bingi agad? Di ba pwedeng wala lang akong paki sa’yo?”

“Kalokohan ‘yung huli kaya oo, bingi ka. Paka-bingi mo!!”


Aba’t... Talagang sinigaw pa sa mismong tenga niya? Batukan niya kaya ‘to? Malay
niya ba kasing ito nga ang tumatawag?

“Ano ba kasi’ng ginagawa mo rito? Bawal kaya outsider dito."

“Alam ko. Pero dito na kaya ako mag-aaral.”

Joke ba ‘to? Ilang months na lang matatapos na ang school year pero lumipat pa?

“Haha. Tsura mo! Nanay ko bagong lipat na teacher dito kaya pati ako lilipat.
Inayos lang namin papel namin ngayon. ‘Wag ka ngang ano. Akala mo naman lumipat ako
rito kasi na-in love ako sa’yo kaya hinanap ko pa school mo?” Tapos tumawa na ang
loko.

May sinabi ba siya? Asa naman.

Sa pagkakaalam niya, si Ma'am Ruby na Physics teacher nila ang aalis na teacher
dahil mangingibang bansa. Nanay nito ang papalit?

“Physics teacher nanay mo?”

“Yup!”

“Section mo?” tanong niya.

“Trust!”

What the... “Tss. Classmate. Kamalas-malasan nga naman, oo,” bulong niya.

“Ano ‘yung sabi mo?”

Narinig naman ata nagtatanong pa. “Wala! Sabi ko classmate mo ‘ko, swerte mo, malas
ko!” sabi niya tapos nagtuloy na ulit siyang maglakad. Sinundan naman siya ng loko.

“Aaah! Ann!” Napahinto siya nang biglang sumigaw si Third. Nahulog ba sa kumunoy o
ano? Teka, sa’n may kumunoy?

Nilingon niya si Third at ang bata, naka-pout pa!

“Bakit?”

“Nasira yata cellphone koooo!” Ang haba naman ng ‘ko’ nito, kasing haba ng nguso.
Adik ata, e. Parang bata, seryoso.

Tinaasan niya lang ‘to ng kilay. Meaning; Anong paki niya? Duh.

“Uhh... Wala kasi rito ‘yung number mo.” Tapos parang tuta na iniwan ng amo, dahan-
dahang yumuko.

Ayon. ‘Yun pala ‘yon.

“Tapon mo. Sira na pala, e,” sabi niya rito sabay talikod at naglakad ulit.

Bumabanat na naman kasi, e. Ang lakas ng toyo.

“Ann! Ito naman! Ikaw nga lang kakilala ko rito, e. Henge na ‘kong number
mo!" Hinabol siya nito.

“Mawawalan ako pag binigay ko sa’yo,” walang pakialam naman na sagot niya.

“Weh, patawa pa! Gara naman nito! Hindi kita tatantanan, sige ka!”

Parang mas lalo nga kapag binigay niya number niya, e. “Bahala ka d’yan.”

“Para ka namang kulangot! Paka-hard to get!”

Napatigil siya. Ayan na naman sa banat, jusko po!

Ang gusto niya, mapag-isa para makapag-isip, pero anak ng tokwa. Sumulpot na naman
si isip bata!

“Hoy, ikaw. ‘Yung totoo. Pader ka ba?” Pinaningkitan niya pa ‘to ng mga mata.

At Panginoon, naexcite na naman ang bata. Basta banatan talaga.

“He he. Bakit?” ngiting-ngiting tanong nito.

“Wow... Nagsasalitang pader,” walang kaemo-emosyong sabi niya tsaka siya naglakad
paalis.

Tipaklong. Ang kulit ng lahi ng isang ‘yon.

“Alam mo, ang cute mo, Ann. Ang cute, cute mo! Hahaha!”
Ay, grabe. Hanggang sa paradahan ng tricycle, nakasunod pa rin. Tatag. Hindi niya
na lang pinansin.

“Ann, sa’n ka nakatira?” tanong nito.

“Bahay.”

“Wow. Ako rin!”

Nyenye. Buset! “Kuya, sa Bakewell po,” sabi niya sa tricycle driver. Sumakay na
siya, pero anak ng magaling... sumakay din ang bata!

“Ang galing, Ann! Doon din kami nakatira!”

Nalaglag na ata ang panga niya, pupulutin niya ba?

Jusko. Suko na po ako. Hindi na talaga matatahimik ang buhay ko.

NAGLAKAD na siya papasok sa village nila.

Sinabayan siya ng bata. Binigay niya na nga rin dito ang number niya kasi kawawa
naman, baka maglupa.

“Ann, sana right hand mo na lang ako.” Heto na naman po siya.

“Bakit na naman?” tanong niya kahit alam niya na ‘yung banat na ‘yon. Actually,
sobrang dami na nitong nasabing banat sa kanya. Siguro nag-research muna 'to sa
internet bago pinanganak. 'Di maubusan, e.

Pero nakakatuwa, kasi kahit pinapakita niyang naiinis siya, ayaw pa ring patinag.
Makulit, not in a creepy way, but in a cute way. Masayahin lang talaga.

“Para kapag national anthem, ako lagi ang nasa puso mo,” banat nito.

“E, sorry. Late ako lagi, hindi ako umaabot sa lupang hinirang. Nge! Haha!” asar
niya. Alam niya naman talaga ‘yung banat na ‘yun, e. Ginantihan niya lang ulit.

“Ehe! Gara naman, e! Lagi na lang may pangsupalpal! Epal!”


“Wow, ha? Ako pa epal ngayon? Hiyang-hiya naman ako sa’yo, iho. Haha. Wag ka na
kasing bumanat!" tatawa-tawa pa siya. Pero, oo nga. Bakit ba kapag bumabanat ‘to,
lagi na lang siyang may pangsupalpal? Kawawang bata tuloy.

Huminto na siya nu’ng nasa tapat na sila ng bahay niya.

“Oy, dito lang bahay ko. Uwi ka na sa inyo,” taboy niya na rito.

“Bili mo ‘kong ice cream bukas, ha?”

“Aba, kuya, may patago kang pera?” Adik ata, e. Mukhang ice crem.

“Dali na! Pretty please?” At nag-puppy eyes pa!

“Iyak ka muna,” pigil ang ngiting biro niya.

Hilig kasing mag-pout at magkunwaring umiiyak, hindi naman naluluha kahit isang
patak.

“Ang gara naman!”

Binelatan niya nga. Nakakatuwa ‘tong lalaking ‘to, promise. ‘Yung tipong gusto
niyang maging younger brother kahit na mukhang mas matanda sa kanya. Ang cute lang.
Ang cute magbata-bataan. Kabwiset minsan, pero cute talaga.

“ARIANNA!”

Nagulat siya sa biglang sumigaw mula sa kung saan.

Paglingon niya sa pinanggalingan ng boses... Shit.

Si TJ.

Nasa sariling veranda ng kwarto nito si TJ. Ang sama ng tingin nito. Hindi sa
kanya... pero kay Third. Nawala bigla ang ngiti niya.

“Mag-usap na tayo,” malamig pa sa yelong sabi ni TJ, pagkaraa’y lumipat na sa


veranda ng kwarto niya. Tumalikod si TJ mula sa kanila at nag-antay lang doon.

Shit. Kinabahan siya bigla.


“Ann, boyfriend mo?” nagtatakang tanong ni Third.

“H-huh? Ah, oo. Sige, uwi ka na. Bye!” Tuloy-tuloy siyang pumasok sa gate nila.

Hindi niya na naintindi si Third. Nagmamadali niyang pinasok ang bahay nila. Basta
ang alam niya, kinakabahan siya. Pero kahit kinakabahan siya... naeexcite pa rin
siya.

Miss niya na talaga si TJ.

— — —

=================

38. Chill out.

38. CHILL OUT.

NAGTULOY siya sa itaas at nagmamadaling pinasok ang kwarto niya.

Alam niyang wala ngayon ang mommy’t daddy niya kasama si Brianna. May family outing
kasi sila bukas kaya namili ang mga ito ng mga gamit.

Nagmamadaling hinubad niya ang body bag niya at basta na lang binagsak iyon sa
kama. Pagbukas niya ng pinto sa veranda, nakita niya si TJ.

Nakaharap ito sa kanya habang nakasandal sa railings, pero sa sahig nakatingin.

Napalunok siya. Sobrang namiss niya si TJ kahit isang araw pa lang silang walang
kibuan. Parang ang tagal na agad para sa kanya.

“Troy...” Dahan-dahan siyang lumapit. Huminto siya sa harap nito. Pero hindi pa rin
siya tinignan ni TJ.

Nakakainis. Bakit ba ang cold ng pagtrato ni TJ ngayon sa kanya? Bakit ayaw man
lang nitong tumingin sa kanya? Di ba, dapat siya nga ‘tong cold ang pagtrato kay
TJ? Di ba, siya nga ‘tong mas nasasaktan sa mga nangyayari?

“Sino ‘yung lalaki na ‘yon?” ang unang tanong nito sa kanya.

Sa totoo lang, natuwa siya. Kasi alam niyang nagselos kahit papa’no si TJ.

“Bagong classmate natin. Dito rin nakatira sa village.”

“Ahh.” Iyon lang tapos tumahimik na naman.

Ang awkward. Bakit ganito?

“May gusto ka bang itanong?” tanong ni TJ pagkaraan ng ilang minuto.

Huminga siya nang malalim.

‘Yung tanong na gusto niyang marinig ang kasagutan... Isa lang ‘yun, e. At sa isang
‘yon, hindi niya alam kung mababago ba no’n ang lahat.

Napalunok siya. Kaya niya bang marinig ang sagot ni TJ sa gusto niyang itanong?
Paano kung... She sighed. She had to face the reality. Kaya niya ‘to. Kaya niya
‘to.

“TJ... Mahal mo ba ‘ko?”

Biglang umangat ang ulo ni TJ at tumingin sa kanya. Salubong ang mga kilay nito. Na
para bang hindi nito inaasahan ang tanong niya. Ilang segundong nakatitig lang si
TJ sa kanya na para bang hinihintay nitong bawiin niya ang tanong niya.

He suddenly looked so annoyed. Panay ang pagbuntong-hininga nito na may halong


sarkasmo.

“Sigurado kang iyan ang gusto mong itanong?” TJ asked through gritted teeth, pero
nakangiti ito nang mapakla.

Kahit hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang reaksyon ni TJ, tumango siya.
Iyon naman talaga ang gusto niyang malaman, e.

Hindi niya alam kung bakit, pero parang maiiyak siya sa trato ni TJ sa kanya
ngayon.

“Sigurado ka?” ulit nito.

‘Yung itsura ni TJ... Galit. At alam niya, nagpipigil na lang si TJ.

Pero tumango ulit siya. ‘Yun ang gusto niyang malaman. Kung mahal ba talaga siya ni
TJ. Oo lang ‘yan o hindi, e.

“Puta.” Iritang hinilamos ni TJ ang mga kamay sa mukha. “Hindi ‘yan,” iiling-iling
na sabi nito. “Hindi ‘yan, e. Iba. Iba na lang ang itanong mo.”Halatang nagtitimpi
na lang ito.

Bakit? E, ito ang gusto niyang malaman.Bakit hindi nito masagot?

Kinabahan siya lalo. Baka kaya hindi talaga siya mahal ni TJ? Kaya ba hindi nito
masagot ang tanong na ‘yon? Hindi. Kailangan niyang marinig mula mismo kay TJ.

“Please, f-ck. Ibahin mo,” ulit ni TJ.

“No. Mahal mo ba talaga ‘ko—“

“Napakawalang kwentang tanong, Arianna!” bigla na lang sigaw ni TJ.

Nagulat siya. Parang kinilabutan pa.

Ngayon niya lang nakitang ganito si TJ.Bigla na lang ‘tong sumigaw. Bakit?Ano ba’ng
walang kwenta sa tanong na ‘yon? Naguguluhan siya.

“T-TJ... Ano ba’ng—“

“Utang na loob, Arianna. Ibahin mo ‘yang putanginang tanong mo.”

Kahit hindi sumigaw si TJ, ramdam niya ang galit nito sa mga salita nito. Lalo na
sa intense ng pagmumura nito.

“Bakit hindi mo na lang kasi sagutin? Mahal mo ba talaga ‘ko, TJ? O si Brianna na
akala mo ako?”
Sa tanong niyang ‘yon, hindi niya na alam kung paano ide-describe ang naging
reaksyon ni TJ.

Galit si TJ, oo. Pero kasabay noon, gulat... at disappointment.

Bigla na lang tumawa si TJ. Pero ang tawa nito? Sarkastiko.

“Hindi, e.” Patuloy pa rin ito sa sarkastikong pagtawa kasabay ng pagyuko ng ulo.
“Please na, o... Tangina, parang awa mo naman, Arianna. Ibahin mo ‘yung tanong mo.”

Bakit hindi magawang sagutin ni TJ ang tanong niya? Gano’n ba kahirap sagutin ‘yon?

Gusto niyang mainis. Gusto niyang magalit. Pero pagtingin niya sa mga mata ni
TJ.... luha. May mga luha ang nag-aambang umalpas mula sa mga mata nito.

That exact moment when she saw tears in his eyes... bigla na lang siyang naiyak.

Umiiyak si Troy at nakikiusap na ibahin niya ang tanong niya. Bakit? Bakit hindi na
lang nito sagutin? Kung mahal siya ni TJ, bakit hindi na lang nito sabihin? At kung
hindi.... Kung hindi, bakit hindi na lang nito aminin?

“Troy, bakit ba hindi mo masagot ang tanong ko?”

“Please? Higit sa lahat.... hindi ‘yan, e. Hindi ‘yan ang inaasahan ko. Hindi ‘yan
ang gusto kong marinig sa’yo. Sige na, o. Parang awa mo na. Ibahin mo.”

“Sagutin mo na lang kasi ‘yung tanong ko!” Hindi na niya napigilan ang mapasigaw.

Natulala si TJ sa kanya. And with one last disappointed look, he looked away from
her.

“No.”

No, w-what?

Wow...

Wow...

She sniffed as tears flowed down her face, her lips trembling. “So, no, huh? You
don’t—“
“No, I won’t answer that stupid question because WE both know!”

They both knew? No. “I don’t know.”

Natulala na naman si TJ sa kanya. Na para bang suko na ‘to sa lahat ng pinagsasabi


niya.

Pumikit si TJ nang mariin. At pagdilat nito, galit na lang ang makikita sa mga mata
nito. Kinuyom ni TJ ang mga kamao, at kahit na alam niyang hindi siya kayang saktan
ni TJ nang pisikal, natakot pa rin siya.

“We both know, Arianna. Damn it, we both know ‘cause everyone f-cking knows.”

“Just answer me.”

“Are you dumb?!”

“I don’t get you!” Ginantihan niya ng sigaw ang sigaw ni TJ. “Hindi na nga multiple
choice, TJ, e. Mahal mo ba ‘ko? Yes or No lang, TJ. Sobrang hirap ba? Bakit hindi
mo—”

“BECAUSE WE BOTH KNOW THE ANSWER! Damn it, Arianna! Hindi ko kailangan ‘yang
pambabara mo ngayon! Ang tanga mo, e! Ang tanga tanga mo! Ilang beses ko bang
sinabi at pinaramdam sa’yo na mahal kita? Hindi pa ba sapat ‘yon?! Lahat ba ‘yon,
pinagdudahan mo?! Trust, Yanna! Bakit ko ipagkakamali ang nararamdaman ko sa’yo kay
Brianna? Ilang beses ko bang uulitin sa’yo na wala nang kwenta ang nakaraan sa’kin?
Arianna, nakaraan na si Brianna! Kahit ngayong alam ko na na siya ay siya at ikaw
ay ikaw, tingin mo ba kaya kong ilipat kay Brianna ang nararamdaman ko para sa’yo?
Tangina, dukutin mo na lang ‘tong puso ko tsaka mo ibigay kay Brianna! Baka kasi
‘yon pwede pa! Pero, f-ck...!”

Hindi siya makapagsalita sa gulat.

“Arianna, all those times, ikaw ang kasama ko, hindi si Brianna. Bakit ang tanga
mo? Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa’yo na ikaw lang ang mahal ko at ikaw
lang ang mamahalin ko? Ilang beses ko bang ipapaintindi sa’yo na ikaw lang at ikaw
lang!....” Mula sa pagsigaw ni TJ, bigla na lang bumaba ang boses nito. Humina.
Nanlumo. “....at ilang beses mo pa ba ‘kong hindi paniniwalaan?”

And that did it. Tumulo na nang tuluyan ang mga luha mula sa mga mata ni Troy.

Napatakip siya ng bibig. God... Mahal siya ni Troy. Mahal siya ni Troy. Mahal siya
ni Troy pero pinagdudahan niya ‘yon.

Si Troy... Umiiyak si Troy.


Tanga. Napakatanga ko.

Bakit ba kailangan niya pang magduda? Sabi niya sa sarili niya, may tiwala at
naniniwala siya sa mga sinabi ni Troy, e. Pero bakit ngayong kaharap niya na si
Troy, lahat pinagdudahan niya?At bakit kailangan niya pang saktan si Troy sa walang
kwenta niyang pagdududa?

Gusto niyang ipahid ang mga luha sa mukha ni Troy. Gusto niyang lumapit. Gusto
niyang yakapin si Troy pero hindi niya magawa. Napakalaki niyang tanga.

“T-troy....”

“Alam mo... Alam mo ba kung ano’ng unang pumasok sa isip ko no’ng tanungin mo kung
mahal ba kita? Naitanong ko rin sa sarili ko ‘Bakit mahal na mahal ko ‘to, e, ang
tanga?’” Tsaka tumawa ng sarkastiko si Troy habang patuloy naman sa pag-agos ang
mga luha.

“I’m sorry....” Nanginginig at umiiyak na lumapit siya kay Troy. Pero hahawakan
niya pa lang si Troy, lumayo na agad ‘to sa kanya.

“Kailangan mo ba kasi talagang itanong ‘yan? Kasi akala ko malinaw na ‘yan, e.”

I know. I know. I’m so sorry....

“Sige! Sasagutin ko na. Ang tanong mo ‘mahal ba kita?’ Ang sagot ko ‘oo,
putangina’.

Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luhang napapikit siya. Hindi siya makapagsalita.
Hiyang-hiya siya. Hiyang-hiya sa sariling katangahan at pagdududa niya.

“Mahal kita, Arianna. Habang lahat sila alam ‘yon, ikaw pala pinagdudahan ‘yon.”

Mariing napailing siya. Sobrang tanga niya.

“Mahal kita. Sobra... na sa tingin ko kailangan ko munang magpahinga.”

Horror filled her as she opened her eyes.

“I need space, Arianna. We need space.”

What? No. No. This is not happening.


Troy looked up at her and he smiled a sad one. Please, no.

“This is not a break up. Even if you want this to be, I can’t let that happen. I
love you so much to just let you go. Pero sa lahat ng mga nangyari?” He paused for
a moment. “....Time out muna.”

Napapikit siya. But then, she found herself nodding. Kahit ayaw niya, baka
kailangan nga nila.

Space. Time out. But not a break up. Yes, not. She tried so hard to stop herself
from crying.

Pagdilat niya, wala na si TJ sa kaninang pwesto nito. Ni hindi niya namalayan,


nakalipat na ‘to sa sariling veranda nito.

With tears in his eyes, TJ smiled at her. And it was a smile of assurance. “Chill
ka lang, ha? Mahal pa rin kita.”

— — —

=================

39. What about the twin.

39. WHAT ABOUT THE TWIN.

“SWIMMING! Swimming! Swimming! Wohoo!”

Nagtakip ng tenga si Yanna. Napakaingay po ng bakla niyang kaibigan, grabe. Kanina


pa kumakantang pasigaw, e.
Nasa isang beach resort sa Pangasinan sila ngayon. Akala niya talaga family outing
‘to. Heto pala’t kasama pati barkada niya. Buti na lang intrams nila. At least,
wala silang mami-miss na klase. Nasa labas sila ng bungalow na pag-i-stay-an nila
for two days. Kanya-kanyang pwesto. Siya, nakaupo lang sa wooden bench. May pond na
nakapalibot sa bungalow nila. Ang ganda ng view. Kaso, hindi niya ma-appreciate.

Sakto, sa Sunday ang balik nila, sa Sunday din kasi ang battle of the bands na
kasali ang boy friends nila—at boyfriend niya. Ang lalim lang ng buntong-hininga
niya.

“Wohoo! Bonfire, bonfire! Fafas, fafas! Hihi!”

Napailing na lang siya. Ej talaga.

“Guys, ayos na!” Napatingin silang lahat sa lumapit. Si Tita Mina.

Medyo napangiti siya. Kasi nga family outing, di ba? Kaya pati future 'in-laws'
niya kasama. Echos ko. Haha. Shet. Nababaliw na naman siya. Kasi naman. Hindi na
sila nagpapansinan ni TJ dahil nga sa naging usapan nila kahapon.

Napatingin siya sa direksyon ni TJ na nakaupo ‘di kalayuan sa kanila. Nagulat siya


nang magtama ang tingin nila kaya bigla siyang napayuko.

Kainis. Space, space! Gusto niya raw ng space! Kung ‘di ko lang siya mahal,
binalibag ko na siya sa outer space! Hmp!

TJ was being unreasonable. Oo, pumayag siya sa space na gusto nito. Alangan namang
tumutol siya, ano na lang ang labas niya no’n? Pero dapat kasi ayusin na nila 'to.
Pareho naman silang may dahilan at kasalanan. Kung bakit nagtatagal pa nang ganito.

Matagal na ba? Aba, matagal na kaya ‘yung dalawang araw! Dalawang araw na silang
hindi sweet. Nakakamiss, bwiset. Nakakainis!

“Bakla, sino’ng nakakainis?” siko sa kanya ni Bea.

“H-huh? Ano’ng nakakainis?” nagulat na tanong niya.

“Sabi mo kaya nakakainis.”

Ay, tanga. Naisatinig niya pala. “Ahh... He he. Wala.” Nginitian niya na lang si
Bea.

“Girls, pasok na kayo sa loob. Ayusin n’yo na mga gamit n’yo,” aya sa kanila ng
mommy niya.

“Kayo naman boys, samahan ko kayo sa bungalow n’yo,” aya naman ni Tita Mina sa
boys.

“Yehez, Tita!” Bigla na lang tumayo si Ej na nakataas pa ang isang kamay sabay
wagayway. “Ih, ang dami kong boylets ngayon! Okay lang mga fafas! Halayin n’yo
aketch!”

Ay, jusko. Tumitirik pa mga mata! Kutusan niya kaya?

Natawa na lang silang lahat. Humiwalay na ang boys sa kanila. Samantalang ang
mommy’t daddy niya, sa isang suite. Ganu’n din sina Tita Mina’t Tito Ren. Daya.
Sila bungalow lang, e.

“Hey, twin. Let’s go?”

Nginitian niya lang si Brianna. Kumapit ‘to sa braso niya at sabay silang naglakad
papasok sa room nila.

Maya-maya lang, nag-aya na ang barkada na mamasyal daw muna pero nagpaiwan siya.
Nagdahilan siya na inaantok siya. Medyo hindi na kailangan kasi alam naman ng mga
kaibigan niya na medyo saksak puso pa siya. Reasons.

Hindi talaga maalis sa isip niya ang nangyari kahapon. Space. Time out. Definitely
NOT a break up.

Naalala niya na naman ang huling sinabi ni TJ sa kanya kahapon. ‘Chill ka lang, ha?
Mahal pa rin kita.’

Pumikit siya kasabay ng pagbuntong-hininga. Yes, boss. Itutulog ko lang ‘to.

KASAMA ni TJ ang barkadang naglalakad.

Edi, ang mga ito na ang masaya. Kanta rito, kanta ro’n. Tawa rito, tawa ro’n. Sila
na!
Nakakabadtrip. Wala kasi si Yanna. Nagpaiwan daw. Nyeta. Ano kaya ‘yun? Hindi na
nga sila nagpapansinan pati ba naman hindi magkikita? ‘Ba namang buhay ‘to. Hoo!

Panay tingin na nga lang siya kay Yanna, e. Kahit mahuli pa siya nitong nakatitig,
wala siyang pake, basta gustong niyang titigan.

Bigla na lang siyang nanlata nang maalala niya ang nangyari kahapon. Hindi niya
inasahan ‘yung pakshet na tanong na ‘yun, e. Mahal niya raw ba? Araw-araw, walang
palya niyang sinasabi kay Yanna na mahal niya ‘to. Tapos nagkapeste-peste lang,
nagkadoubt agad? Luwag na ata turnilyo ng babae na ‘yun, e. Pero, sabagay. Hindi
niya masisisi si Yanna. Siya. Siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat.

Mula sa parusa ni Derick sa kanya, hanggang sa makalimutan niya ‘yon at naging


seryoso siya pero sinikreto niya pa, hanggang sa malaman na ni Yanna, hanggang sa
may kambal pala si Yanna at ‘yon... nagkapeste-peste na. Pati utak niya, napeste na
rin.

Pa’no ba naman? Oo, naging chickboy siya. Girlfriend dito, girlfriend do’n. Pero
nu’ng naging sila ni Yanna... pumansin pa ba siya ng iba? Hindi na, di ba?
Pinangangalandakan niya pa nga sa buong school nila na sila. Na girlfriend niya si
Yanna at na boyfriend siya ni Yanna. Ginawa niya ba ‘yon kay Lexi at sa ibang
naging girlfriend niya na panandalian lang? Tangna, ‘yun pa. Obvious naman na hindi
siya magtatagal kay Yanna kung hindi niya mahal at napilitan lang dahil sa parusa.

‘Yun na. Sa puntong kinailangan niya—nila—ng space. Space, hindi hiwalay. Ano,
tanga lang, gano’n? Makikipaghiwalay kung pwede namang pahinga lang ta’s ayos na
ulit, masaya na ulit? Space lang, hihinga lang naman. Space para kay Yanna, para sa
relasyon nila, lalo na para sa kanya. Tangina kasi, hindi niya alam kung deserve
niya pa si Yanna. Nanghingi siya ng space para ayusin ang sarili niya. Para patawin
ang sarili niya sa mga nagawa niya kay Yanna. Kasi nga, di ba? Kasalanan niya ang
lahat. Sige na, kasalanan niya na ring may kambal si Yanna, puta.

Ah, basta. May plano siya pero sikreto muna. Sige lang. Chill lang muna si Yanna.

Biglang nagtakbuhan ang barkada sa volleyball beach court.

Wala. Lata. Walang magandang view. Tulog 'daw' kasi.

E, kung puntahan niya kaya? E, kung sinasapak niya kaya sarili niya? Space pala,
ha. Tiis-tiis ka ngayon, gago. Ginusto mo ‘yan, e.

Naupo siya sa buhanginan. Pinanuod niya lang maglaro ang barkada niya.

Ang weird lang. Mukhang kumpleto ang barkada dahil parang si Brianna si Arianna.
Pero kamukha lang. Ngayon kasi hindi niya na maipagkakamali ang dalawa sa isa’t
isa. Ewan niya ba. Kahit pagtabihin pa ‘yung dalawa, kahit parehas pa ang mga suot
nila, sigurado na siya kung sino ang sino, at kung sino ang mahal niya.
Nangunot ang noo niya nang makita niyang papalapit si Brianna sa kanya.

Nakakatuwa. Dati-rati, kapag sinusundo niya si Brianna sa school nito, ang bilis ng
tibok ng puso niya. Kapag ngumingiti ‘to, mas bumibilis pa. Pero ngayon...
lumalapit na at nakangiti pa, parang wala lang.

“Hey,” she said, smiling, before she sat down next to him.

“Yo,” ginantihan niya rin ‘to ng ngiti.

Para niya na ring nakita si Arianna. Medyo delusional nga lang.

“Anyare?” tanong ni Brianna sa kanya.

Hindi sila nakatingin sa isa't isa. Pareho silang nakatanaw sa barkada.

Medyo awkward. Umiba siya ng pwesto. Pinatong niya ang mga braso niya sa
magkabilang tuhod niya habang magkahawak ang mga kamay niya.

“Kailangan lang ng time at space,” kibit-balikat na sabi niya. Alam niya kung
ano’ng tinutukoy ni Brianna sa tanong nito.

“Time and space. Hmm... For what?”

“For everything.”

Medyo matagal din silang natahimik. Hanggang si Brianna na ulit ang unang
nagsalita.

“D’you love my twin?”

Seryoso, gusto niyang gumulong. 'Ba namang tanong. Kambal nga.

Nu’ng hindi siya sumagot, tinignan siya ni Brianna. Halatang naghihintay ng sagot.

So he looked at her. Eye to eye. “More than anything.”

“Ouch.” Nagsalubong bigla ang mga kilay niya. Brianna was looking at him, a sad
smile painted on her lips. “Then, what about me?”

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. What about her?


“TJ... may pag-asa bang maging tayo ulit?”

HINDI makatulog si Yanna kaya lumabas na lang siya. Hahanapin niya na ang barkada.
Baka miss na siya, e.

Nakita niya ang barkada na naglalaro ng volleyball. Nainggit siya bigla. Gusto niya
rin.

Pero, teka... bakit wala si TJ ro’n? Tsaka, wala siyang kamukha ro’n, ah? Nasa’n
ang kambal niya? Luminga agad siya sa paligid at hinanap ang dalawa.

Tapos... ayun. Para siyang tatangayin ng hangin sa sobrang panlalata sa nakita


niya.

Si Brianna, kasama si TJ. Nagkukwentuhan at nagtatawanan.

She mentally shook her head. No. Okay lang ‘yun. Past is past nga sabi ni TJ. Past
is past. Wala nang kwenta ‘yun. Ano’ng masama sa kwentuhan at tawanan? Wala.

Hindi dapat siya magselos. Hindi. Pero... Shit. Hindi niya mapigilan. May past si
TJ at ang kambal niya. Hindi niya maiiwasan ang hindi magselos. Lalo na’t....
masaya ‘yung dalawa.

*Sexy! Tumatawag ang gwapo. Sagutin mo. Sexypatootie. Naghihintay ang mahal mo.
Tagal. Inip na ‘ko. ‘Di ka na sexy. Yatot! Hoy! Tagal, putek! Bakit mo
pinaghihintay ang gwapo? Ha? Sino ka para paghintayin ako? Ah, ikaw kasi mahal ko?
E, ano? Sabi ko nga, e. I love you.*

Sadyang tinapos niya ang ringtone ng phone niya. Kahit hindi si TJ ang tumatawag,
gustong gusto niya na boses ni TJ ang maririnig niya kaya sinet niya sa lahat ang
record na ‘yon. Ang sweet ni TJ kahit mayabang. Nakakamiss na talaga ‘yung loko na
‘yun.
Tinitigan niya ang phone niya na huminto na sa pagtunog pero nagriring pa rin.

Unknown number? Sino naman kaya 'to?

“Hello?”

“Waa!!! Bakit hindi kita makita? Bakit wala ka? Nasaan ka? Nasa puso niya? Halika,
itatakas kita!”

Okay. Kailangan niya pa bang hulaan kung sino ‘to? Kung tao ba ‘to, o kung
babanatan niya ba ‘to?

“Keslo. Ano ba’ng pinagsasasabi mo?” tanong niya. Para kasing batang ngumangawa na
ewan. Lagi naman.

“Kasi hindi kita makita! Pinagtatanong kita rito, ang sabi nila nasa puso ka raw ni
TJ! Sino ba ‘yun? Tara itatakas kita!”

Ahh. Kaya naman pala. Bet pakana ni TJ ‘yun. Mula no’ng naging sila, kada may
maghanap sa kanya ganu’n ang laging sagot. Sa puso ni TJ.

Bakit naman siya tatakas? “No thanks.”

“A-ayaw mo? Hindi ka ba nahihirapan sa kanya?”Biglang parang may concern sa tono ni


Third.

Nahihirapan? Kapag masyadong seloso si TJ na kahit sa barkada nagseselos? No, hindi


pa rin problema para sa kanya ‘yon.

“Hindi ka ba nasasaktan?”

Napatingin siya sa direksyon ni TJ at ng kambal niya.

F-ck. “Nasasaktan.”

Ang sakit nga, e. ‘Yung parang bumibigat ang dibdib niya? Shit.

“Nakakahinga ka pa ba?”

‘Yung totoo? “Medyo hindi na.”


“Kita mo! Sabi na nga ba, e! Ano ba kasi’ng height mo? Pa’no ka nagkasya sa puso
niya?!”

Tukneneng. Okay na, e. Eemote na siya, o.

“Ako ba’y niloloko mo?”

“Ahm... Oo. He he.”

Niloloko ata talaga siya ng isip bata na ‘to, e. “Pakyu.”

“Nays! Ang sweet-sweet mo talaga, Ann! Kinikilig ako! Lamyu too!”

Hah. Suko na talaga siya. May mas kukulit pa ba sa isang ‘to? Pektusan niya nga
‘pag nakita niya.

“Ang daya kasi! Bakit hindi ka pumasok? Wala akong kilala rito. Mag-isa lang ako.
Huhu.”

Ay, jusko po. May Huhu pa talaga, e.

“Sa bibo mong ‘yan? Makipagkilala ka kaya sa kanila,” sabi niya. Napakaingay at
makulit, bakit ayaw nitong kulitin ang iba? Kailangan siya talaga?

“Ayoko sa kanila. Ikaw lang gusto kooo.”Seryoso, naimagine niya ang haba ng nguso
nito sa haba ng ‘ko’ nito sa dulo. And yes, natouch naman daw siya.

In fairness, kapag nawawala siya sa mood, umeeksena lagi ‘tong Third na ‘to.
Nababago nga nito mood niya, e. Napapangiti siya. Pero....

Napatingin ulit siya kung nasaan sina TJ at Brianna.

....mas mukhang masaya ‘yung dalawa at nagseselos siya.

— — —

=================

40. Thank you for the broken heart.


40. THANK YOU FOR THE BROKEN HEART.

LAST night na nila sa Pangasinan.

Sa totoo lang, hindi naman na-enjoy ni Yanna. Pa’no naman kaya siya mag-eenjoy
kung makikita niya ‘yung mahal niya na masaya sa ex nito... na kambal niya pa.

“Oy, ‘te! Let’s join them na. Vamonos!” Niyaya na siya ni Ej sa bungalow ng boys.
Sinundo siya, actually. Siya na lang ata ang wala ro’n. Magku-kwentuhan lang naman
daw, e.

“Ang dilim naman,” reklamo niya habang naglalakad sila ni Ej.

Dalawang bungalow ang pagitan ng sa kanila kaya hindi masyadong malayo’t tanaw niya
agad. At ang dilim sa pwesto ng bungalow ng boys.

“Oh? Alam mo na ‘yan, te? Hindi na kita babarahin pa dahil ako lang din ang
mababara, di ba?” sabi ni Ej sa kanya.

“Haha. Bakla ka. Oo na, sabi ko nga hindi kasi maliwanag,” natatawang napailing na
lang siya. “Nasaan ba kasi sila?”

“Ayun sa gilid. Puro sila lovey-dovey. Kaming Charlie’s Angels lang ang walang
papabels. Medyo sad pero keribels.”

“Haha. E, kasi naman ayaw mo pa kay Kiray! Ikaw na nga sinusu....yo.” Napahinto
siya nang biglang magclick sa utak niya ang sinabi ni Ej.

Lahat ng barkada nila magkakapartner pwera lang kila Ej, Kiray at Joice?

Wow. Now, what? Si TJ at si Brianna? Aray ko po.

“Uy, bakla. Bakit? Ano’ng nangyari?” tanong ni Ej sa kanya.


“W-wala.” Pilit na ngumiti siya. “Tara na.”

Naabutan nila ang barkad na mga nagkukwentuhan. Totoo nga ang sinabi ni Ej. Lovey-
dovey nga ang mga couple. Magkakatabi silang nakaupo sa isang papag doon. Si Yen at
Neil, Bea at Jake, Julia at Diego, Derick at Lexi na nakikipagkwentuhan kila Kiray
at Joice. At sina TJ at Brianna, magkatabi. Nagkukwentuhan at nagngingitian.

Aray na naman po.

Nakapaikot ang mga kaibigan niya sa ikot ng mga kandila na may mga sindi. Iyon ang
nagsisilbing ilaw ng mga ito.

“At last! Dumating din! Upo na here, bebe. Dali!” Tumayo si Bea at inakay siya
papunta kay... TJ.

Napatingin siya kay TJ. Kanina, nakangiti si TJ kay Brianna. Bakit sa kanya hindi?
Pero iba ‘yung tingin ni TJ, e. ‘Yung parang namimiss.... Stop. Ayaw niyang mag-
assume.

Naupo na siya sa tabi ni TJ. Hindi na siya nagreklamo nang pilitin siya ni Bea.
Actually, hindi nga matatawag na pilit ‘yung nagkusa rin siya, di ba?

Bale ang pwesto nila; nasa right niya si Bea, si TJ nasa puso—este sa left side
niya. Si Brianna naman, sa right side ni TJ.

“Twin, miss ka na raw ni TJ,” nag-bend forward pa si Brianna at humarap sa kanya


para lang sabihin ‘yon.

Tinignan niya si TJ. Wala namang reaksyon.

Para namang hindi. Nand’yan ka kasi. Gusto niya sanang sabihin ‘yon pero syempre,
hindi niya kaya. Kapatid niya ‘yun, e. Binigyan niya na lang ng tipid na ngiti si
Brianna.

Nagkwentuhan lang ang mga kaibigan niya ng kung anu-ano. Kinikilala rin si Brianna
at... kung anu-ano. Ito lang ba ang gagawin nila? E, sila lang ata ni TJ ang hindi
nagsasalita. Define awkward.

Niyakap niya na lang ang mga tuhod niya. Maginaw kasi. Malakas ang hangin lalo pa’t
gabi na.

Nagulat na lang siya nang maramdaman niyang may naglalagay ng kung anong bagay sa
balikat niya. Pagtingin niya, si TJ pala. Binabalabal sa kanya ang jacket na
kaninang suot nito.
Nagkatinginan sila pero this time, si TJ ang nagbawi agad ng tingin.

Malungkot na napangiti siya. Kapag ganitong giniginaw siya, yakap ang binibigay ni
TJ sa kanya. Ngayon, jacket na lang.

Grabe. Hindi siya sanay. Bakit ganito?

“Ehem! Wala bang damoves d’yan, TJ? Nauubusan na kami ng kwento rito, pare, wala pa
ring nangyayari sa inyo,” biglang sabi ni Neil.

Ano raw ‘yun?

“O, p’re,” inabutan ni Derick ng gitara si TJ. “Kumanta ka na lang, guminhawa man
lang ang buhay.”

Ano raw ulit?

“Gago,” birong balik naman ni TJ kay Derick.

Oh. Okay. Edi, sila na nginingitian ni TJ. Tapos sa kanya? Wow, ha. Fine.

Nagsimulang mag-strum si TJ.

“E, teka lang naman. I-dedicate mo muna, p’re,” singit ni Diego.”

Nag-tss lang si TJ na para bang sinasabi na ang baduy ni Diego.

“Weh, kj mo! Dali na, para alam namin kung para kanino ‘yan,” sabi ni Jake.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Kaya ba silang lahat nandito? May hinanda
ba si TJ para sa kanya? Okay. ‘Wag masyadong assuming, baka mapraning. Pero
seryoso, kinakabahan talaga siya.

“Oo na, mairi ka pa,” napilitang sabi na lang ni TJ. Pa’no, lahat sinundan ‘yung
sinabi ni Diego’t Jake. I-dedicate nga raw.

Siya naman, kabadong-kabado. Lalo na nang tignan siya ni TJ. Pero saglit lang,
tapos yumuko’t nag-focus sa gitara.

“Para ‘to sa’yo... Brianna.”


W-what... Whoa... Aray po.

Napayuko siya. Hiyang-hiya. Nagdadasal na sana hindi lang kay TJ tumalab ang
pagiging invisible niya, sana pati sa barkada kasi f-ck... nakakahiya.

Everything I know about love, I learned from you

And everything I know about pain, I learned from you

You were my only, you were my first

Blurred. Wala. Sobrang labo na ng paningin niya. Sa harap niya pa dapat?

Nu’ng binanggit pa nga lang ni TJ ang pangalan ni Brianna, ang sakit na. Tapos
narinig niya pa ‘yung lyrics? Shit na.

Sobrang nakakahiya. Sa harap ng barkada niya, mukha siyang tanga, mukhang mahina.

Ayaw niya ng ganito. Sa mga narinig niya pa lang, ang sakit na. Tama na. Kaya kahit
mas magmumukha siyang nakakaawa, tumayo siya’t bumaba mula sa papag. Patakbo niyang
tinungo ang bungalow nila. Wala na siyang ibang narinig bukod sa sarili niyang
hikbi.

Bakit ang sakit?

“KESLOOO...”

“Yo, Ann ko!”

Kung ano ‘yung kinalungkot ng boses niya, siya namang kinasigla ng kay Third.
She sniffed.

“Uy. Bakit? Uy, Ann? Umiiyak ka ba?” nag-aalalang tanong agad ni Third.

Hindi niya mapigilan ang mapaiyak na naman. “Ang sakit kasi. Bwiset, ang saki
sakit.” Suminghot-singhot na naman siya.

Tinawagan niya si Third. Nagbabakasakali na baka... baka si Third ang makapagpabago


ng mood niya.

“Bakit? Huy, Ann, bakit?” Seryoso ang boses ni Third at halata ang pag-aalala.

Bakit din, Keslo? Bakit nag-aalala ka sa’kin, e, ang harsh ko sa’yo? “Wala. Ano
lang... masakit. Mag-joke ka naman, o,” sabi niya. Alam niyang pilit na pilit ang
pagpapasaya niya sa boses niya. Kaya nga alam niya rin na... fail.

Narinig niyang nagbuntong-hininga si Third sa kabilang linya. “Nasa’n ka?”

“Pangasinan.”

“Puntahan kita. Sa’n mismo? Hintayin—“

“Seryoso?” putol niya agad sa sinasabi ni Third. “Malayo ho nang sobra, tsaka gabi
na. Adik lang? Okay lang ako, ‘no. Medyo nag-emote lang. Sorry, oy. Naistorbo pa
kita.”

Ngayon niya lang narinig na seryoso si Third. Na parang tototohanin talaga nito ang
pagpunta sa kanya kung sinabi niya ang eksaktong lugar kung nasaan sila.

“Pero, umiiyak ka! Bakit? Shit, sino ba’ng kasama mo d’yan? Tsaka, bakit ka
umiiyak? F-ck, Ann, ano ba kasi’ng nangyari??”

“Uhm.... hm...hmm.. Hahaha!” Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Kahit rude,
natawa na talaga siya.

“What the? Ann? Nice. Trip mo na naman ako, ‘no? Bad mo!”

“Hahaha!” Wala siyang ibang masagot kundi tawa. Alam niyang ang sama niya kasi
concern lang naman sa kanya ‘yung tao, pero kasi, hindi bagay kay Third ang
seryoso. “’Wag ka na kasing magmura, sira-ulong ‘to! ‘Di bagay, e. Laughtrip lang.”
Natawa na naman siya.

Siguro sa kanya lang nakakatawa ‘yon. Kahit na parang ang babaw, nakakatawa talaga
para sa kanya, e. Unang kita pa lang kasi nila ni Third, isip bata na agad ang
bumungad sa kanya. Bawat pagkikita nila, isip bata ang bumubulaga sa kanya. Parang
nasanay na siya. Ni hindi niya na-imagine na magseseryoso ‘to. Tapos ngayon... lalo
pa kaya kung magkaharap sila, ‘no? Baka naglupasay na siya sa tawa.

Hindi na nga tears of pain ang mga luha niya, e. Tears of joy na. At dahil na naman
kay Keslo niya.

“’Hmp! Di na kita bati!”

“Don’t care. Haha. ‘Wag na magmumura, ha? Bukod sa bad, hindi talaga bagay. Haha.”

“Tss. Nagmura lang, natawa na? E, putanginang pakyu siya kung sino mang ulol
nagpaiyak sa’yo.”

“Weh. Medyo OA!” Hindi na siya tumatawa, nagpipigil na.

“I know.” Narinig niya pa ang mahinang tawa ni Third mula sa kabilang linya. “At
least, kahit papa’no, napasaya kita.”

Mula sa pag-iyak niya, gumaan ang pakiramdam niya.

Hindi lang kahit papa’no. Napasaya mo talaga ‘ko. “Keslo... Thank you.”

ENGOT. Ang engot engot. Napakaengot.

‘Yun ang kanina pang paulit-ulit sa isip ni TJ.

Ang engot ni Yanna. Umiyak pa, engot talaga.

Alam niyang hindi alam ni Yanna ang kanta na ‘yon. Kung alam nito, imbis na umiyak
at umalis, baka umiyak at yumakap sa kanya ‘yon. E, hindi naman nito alam ang
kanta, bakit hindi muna pinakinggan ang lahat? Umalis kaagad, wala pa man sa
chorus. Engot, e. Sobrang engot.

Kahit gusto niya nang ibalibag ang gitara, pinagpatuloy niya pa rin ang kanta.
Kahit wala na si Yanna, at least, marinig man lang ng mga kaibigan nila ang gusto
niya talagang iparating.
You were my only, but not my last

You showed me lonely, and you made me put you in the past

But the most important thing you ever gave me was the one that hurt the most...

Simula nang dumating si Yanna sa buhay niya, nagbago ang lahat. Tumino ulit siya.
Nagpahalaga ulit. Nagmahal ulit.

Noong malaman niya na magkaiba ang taong nang-iwan at nanakit sa kanya noon. Na si
Brianna ‘yon.... nagpapasalamat siya na sinaktan siya nito. Na iniwan siya. Dahil
kung hindi? Baka hindi sila ni Yanna ngayon. Nagpapasalamat siya na kahit iniwan
siya ni Brianna, dumating naman si Arianna sa buhay niya. Dahil ngayon, natuto ulit
siyang magmahal.... at higit pa sa pagmamahal niya kay Brianna noon.

So, thank you for the broken heart

And thank you for the permanent scar

‘Cause if it wasn’t for you, I wouldn’t be here

With the love of my life, all my pain disappeared

I’ve come so far...

So, thank you for the broken heart

Sana narinig ni Arianna ang mga linyang ‘yon. Sana nanatili muna ‘to bago umiyak
para lang sa wala. Sana... sana ayos na sila ngayon.

Nilingon niya si Brianna. Nakangiti ‘to sa kanya. At bilang pasasalamat sa


pagsasama nila noon, ginantihan niya rin ito ng ngiti. For breaking my heart, thank
you, Brianna.
I’ll never have a broken heart.

— — —

=================

41. Ikaw lang.

41. IKAW LANG.

LINGGO na pero wala pa ring kibuan sina Yanna’t TJ.

Mamayang gabi ang battle of the bands. Susuportahan niya pa rin sila TJ. Di ba?
Girlfriend, e. Kahit pa... Hay... Napabuntong-hininga na lang ulit siya. Naalala
niya na naman ‘yung kagabi.

“You should’ve stayed, stupid,” said Brianna, again.

“Shut up, B,” she told her for the nth time. For crying out loud, the girl was like
torturing her! Kanina pa sabi nang sabi sa kanya na dapat nag-stay siya at nakinig
sa buong kanta. Well, guess what? She should’ve. Kasalanan niya, okay?

Nakakainis lang kasi. Kaninang umaga, pagkauwing-pagkauwi nila, sinearch niya agad
ang kantang dinedicate ni TJ kay Brianna kagabi. Hindi sa dahil gusto niyang
torture-in ang sarili niya, pero dahil pinilit siya ni Brianna.

At oo. Nagulat siya nang mapakinggan niya ang buong kanta.

Oo na. Naiyak din.

Medyo tanga kasi. Kung pinakinggan niya lang sana ang kanta, okay na sana. Kaso,
ano’ng magagawa niya, e, naunahan na siya ng selos? O, sige na, selosa na siya.
Pero, nakakaselos naman kasi talaga. Tsaka, malay niya ba!

Ah, basta. Nakapagdecide na siya. Siya na mismo ang magso-sorry kay TJ pagkatapos
ng battle mamaya. Sana magkaayos na sila.

“Mom!” sigaw ni Brianna nang makita nitong pababa ang mommy nila. Nasa living room
kasi sila’t nanunuod ng hindi niya naman maintindihang palabas sa TV. Wala rin ang
daddy nila. Inaayos ang ilan sa mga papeles nila.

“Yes, baby?” tanong ng mommy niya sa kambal niya.

“Wait. Dito tayo, mom, dali!” Hinila agad ni Brianna ang mommy nila papunta sa
kitchen.

Daya. Halatang ayaw siyang isali. Kung nasa mood lang siya, eepal siya’t
makikiusisa sa mga ‘yon. Kaso, wala, e. Hinayaan niya na lang. Mga ilang minuto rin
bago bumalik sa sala ang mommy’t kambal niya.

“Hanggang anong oras kayo mamaya?” tanong ng mommy niya pagkaupo sa tabi niya. Si
Brianna pa rin ang kausap.

“Mga 11 PM siguro, ‘me,” sagot ni Brianna.

“Hmm... Okay. Seryosong usapan,” sabi ng mommy niya tsaka sila parehong inakbayan
ni Brianna.

Nagtaka siya. Para sa’n at kailangang maging seryoso?

“Strikto ba ‘ko?” tanong ng mommy niya.

“Hindi,” sagot niya. Samantalang mahabang “No” naman ang sagot ni Brianna.

“’To naman, maka-no! Pakiss nga!” Natatawang kiniss pa ng mommy niya ang kambal
niya.
Natawa na lang din siya. Maka-no nga naman kasi si Brianna, akala mong ang tagal na
nitong nakasama ang mommy niya.

“Pero, again, serious talk, I’m not strict, right? Unlike other parents, unlike
your dad...”

Sunod-sunod na tumango agad si Brianna. Natawa na lang ulit siya. Medyo strict nga
ang daddy nila.

“I don’t care about the po and opo. Sus! Okay na okay ako d’yan dahil mukha lang
naman tayong magkaka-age.”

“Weh!” chorus nila ni Brianna.

“’Wag na kayong ano,” pilit sa kanila ng mommy niya kaya natawa na lang sila. Cool
naman kasi talaga ang mommy niya sa ganyan. “Okay lang din sa’kin kahit gumagamit
kayo ng bad words. Alam ko namang in sa kabataan ngayon ‘yan. As long as biruan
lang naman at... oh, whatever, as long as mga kaibigan at kamurahan n’yo lang ang
minumura n’yo. Not me. Not your dad. Never to anyone older than you. Respect sa
elders, right?”

Nakakaintinding tumango sila pareho ni Brianna. “Yes po.”

That was their mom. Cool, di ba?

“Pero sa kabila no’n, kahit sa mata ng iba, e, walang kwenta ang pangangaral ko sa
inyo dahil sino ba naman ngang magulang ang papayuhan ang anak na go lang sa
pagmumura, di ba? Pero, wala akong paki sa sasabihin o iisipin ng iba. As long as
okay tayo, edi, okay. Tayo tayo lang din naman sa huli, e.”

Super cool mom.

Again, napatangu-tango na lang ulit siya. Sa’n ba pupunta ‘tong usapan na ‘to? Ba’t
parang lumalalim ata?

“So, ang point ko... despite being a cool and gorgeous mother to my beautiful
daughters, malaki ang tiwala ko sa inyo. Baby girls, ‘wag n’yong iwawala ‘yon,
okay?” makahulugang sabi ng mommy niya sa kanila.

“Mame, bakit... para sa’n ba ‘tong seryosong usapan na ‘to?” tanong niya. Nawi-
weirdohan lang kasi siya.

“’Wag ka raw munang magpabuntis, A!”

Whoa. What?! Nanlaki bigla ang mga mata niya sa sinabi ni Brianna.
Oh. Okay. Sa mga sinabi nga ng mommy niya, parang sinabi na rin nito na bata pa
sila para mag-asawa. Ito namang kambal niya, direct to the point talaga, buntis
agad dinala.

“Ako lang? Ikaw rin, hoy. Pero, ‘me, bakit ba kasi biglang nasabi mo ‘yun?”

Pero imbis na mommy niya, si Brianna na naman ang sumagot. At! Makahulugan ‘yung
hagikgik, ha. “Hihi. Wala lang!” sabay kindat pa sa mommy niya.

O, sige. Ang mga ito na ang nagkaintindihan.

NAG-AAYOS na siya para sa pagpunta sa school kung saan gaganapin ang battle of the
bands. Malapit na kasing mag-umpisa ang battle.

Napatingin siya sa phone niya nang mag-vibrate ‘yon. Medyo nataranta pa siya sa
pagkuha kasi baka si TJ pero medyo asa pa siya—si Third lang pala.

[Annambong my <3! Punta ka sa school? Nuod tayo botb! Bili kitang bumbong :)]

Annambong. Ugh. Napailing na lang siya. Simula kasi nu’ng kantahan niya ‘to kagabi,
hindi na nakaget-over ang bata sa bumbong na ‘yan. ‘Yung sa Pugad Baboy? Dating-
dati niya pa ‘yon nabasa at iyon lang ang natandaan niya. ‘Yung may lyrics na; ‘Ice
ice buko. Bumbong, bumbong, putobumbong’ to the tune of Ice Ice Baby.

Ang tagal kasi nilang nagkulitan kagabi. Naglihi rin ata siya, sabi niya kay Third
ibili siya ng ice buko tsaka puto bumbong at idaan sa kanila ngayon. May mga tinda
na kasing ganu’n since ‘ber’ month na.

Ayun. Kakapilit niya na ibili siya, hindi niya na pinagsalita si Third at kumanta
lang siya nang kumanta. ‘Yung isip bata naman, natuwa. Kaloka.

Nagreply siya, pero tipid lang.


[Kembong]

Bahala nga ‘yon. Ayaw niya. Alam niya namang nagseselos si TJ ro’n nu’ng una pa
lang na nakita sila sa harap ng gate nila, e. Makikipagbati siya, baka maunsyame
pa, mahirap na.

[ANNAMBONG :)]

O, di ba, tibay, nagreply pa rin si kuya.

Magrereply na ulit sana siya nang biglang may nagmessage ulit.

[From: Cutiepatootie

Pupunta ka, di ba? Usap tayo. Please]

“Ohhhhhh, my God.” Wait. Kalma. “Oh, my God. Oh, my God. Oh, my God.”

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. ‘Yung kanina niya pa hinihintay! Shit, may
please pa! E, kahit walang please ‘yan, oo agad, e! Grabe. Maiiyak ata siya sa
saya. Nagreply agad siya.

[Sige]
Aba'y syempre! Wala nang patumpik-tumpik pa.

Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili niya. Si Brianna rin kasi kanina pa siya
pinagmamadali. Hinihintay na siya nito kasama si Joice sa baba.

Pero bago niya makalimutan, syempre, tinext niya muna si Third.

[Koyang bata! Next time na lang ha? Makikipagbati ako kay TJ baka magselos pag
nakitang kasama kita. Libre kitang ice cream pag ayos na kame. Okay? Lamyu
Kembong!]

Good mood, kaya ayan, ang saya niya. Naki-baby talk din tuloy. Grabe. Nafi-feel
niya na na magkakaayos na sila ni TJ.

[Mocha choco cookie mango almond fudge! Yey! Goodluck Annambong! Nyabnyu!] reply ni
Third.

Wow, ha. Abusado si kuya. Medyo medyo marami ‘yun. Pero okay lang. Good mood, e. As
if namang bibilin niya nga lahat ‘yun. Kahawa sa hyper ‘yung si Third, seryoso.

Hindi maalis ang ngiting bumaba na siya.

KINAKALABIT na naman siya ni Julia.

“Heka naman, Julia! ‘Di ko pa makita si TJ!” pasigaw na saway niya kay Julia.
Kanina pa kasi kalabit nang kalabit sa bewang niya, e, tingkayad na tingkayad na
nga siya sa kakahanap kay TJ pero hindi niya pa rin makita.
Open kasi sa lahat ang school nila ngayon kaya ang daming tao. Ay, grabe. Ang dami,
ang sikip sikip, puno ang hall. May nagpe-perform na rin sa stage kaya ang ingay
rin. Syempre, banda.

Kinilabit na naman siya ni Julia. This time, nilingon niya na.

“Anak ka ng ano naman, Jul.......ya....” Medyo umurong ang dila. Medyo pahiya.
Medyo nakakahiya.

Shit. Walang Julia. Walang barkada. Nasaan? Bakit wala ang barkada niya na kanina
lang, e, kasama niya?

“T-troy....” Shit, puso ko po!

Bakit si Troy? Bakit.... Kanina pa ba ‘to rito?

“Hindi mo naman ako kailangang hanapin, kusa akong darating,” tapos sabay ngiti ng
nakakatunaw na ngiti? Naman, o. Iiyak na siya.

Kasi, e. Narinig niya pa rin kaya ‘yon kahit ang lakas ng tugtog. Grabe. Miss na
miss niya na talaga ‘tong lalaking ‘to.

Hindi siya makapagsalita. Naiiyak siya. Naiiyak sa tuwa.

“Pumayat ka lalo,” sabi ni TJ sa kanya sabay sundot ulit sa bewang niya.

“Taba mo, e,” ganti niya. Hiya naman daw siya. Mas lalo naman kasi ‘to, ‘no.
Pumayat lalo si TJ. Bakit nagpayatan sila? Ilang araw lang ‘yun, ha.

Hay, love. ‘Pag depress ka nga naman.

Narinig niyang mahinang tumawa si TJ. Oo, narinig niya. Ang lapit kasi nila sa
isa't isa. Masikip kasi, tsaka para magkarinigan sila.

Namiss niya ‘yung tawa ni TJ. Grabe. Lahat lahat sa lalaking ‘to, namiss niya.
Lahat.

“Excuse me, padaan!”

Ow, shh. Na-out of balance siya nang may biglang dumaan sa likod ni TJ at natulak
si TJ papunta sa kanya. Buti na lang nasalo siya ni TJ. Ang kaso... yakap na siya
ni TJ ngayon. Okay, wala palang kaso ‘yon.
Damn, her heartbeat, please.

Tumawa na naman si TJ. ‘Yung tawa talaga nito, nakakaadik.

Dumiretso na sila ng tayo.

“Arianna, we need space.”

Ano raw?!

“Mainit! Masikip! ‘To naman!” dagdag agad ni TJ nang makita siguro ang gulat na
reaksyon niya.

“Ah...” nahihiyang napangiti na lang siya. Medyo praning kasi.

Hinawakan ni TJ ang kamay niya at hinila na siya paalis sa pwesto nila.

Kalma lang siya. Kalma lang. Kahit sa loob niya, may party party na.

“Hoy, mga bakla! Pa’no kayo napunta d’yan? Ba’t n’yo ‘ko iniwan?” sigaw niya agad
sa barkada niya nang makarating sila ni TJ sa pwesto ng mga ito. Nasa gawing harap
sila at malapit nang sobra sa stage. Required ang sumigaw.

“Naglakad, ‘te!” sigaw ni Kiray.

“Korak! Eng-eng lang kasi? Kanina pa natin kasama ro’n dyowa mo, hindi mo pa
napansin!” dagdag ni Ej.

What? Kanina pa nila kasama si TJ ro’n?

Tinignan niya si TJ at sinenyasan lang siya nito na tama ang sinabi ni Ej.

Great. Para lang pala siyang tanga kanina.

Nagulat na lang siya nang biglang bumitiw si TJ sa kanya. Gusto niyang itanong kung
bakit pero nginitian siya ni TJ at tinitigan nang makahulugan. Tsaka ‘to naglakad
paalis.

“Oh, my God! Next na sila!” sigaw ni Joice. At mahabang sigawan na nga ang sumunod.

Kaya naman pala umalis na si TJ.


Tinignan niya’ng isa-isang umakyat. Si Derick, Neil, Diego, Jake at TJ. Their
friends. Up there? They were like meant for that stage.

“Woo! Go fafas!” sigaw nila Ej, Joice at Kiray.

“Babe! Go, Jake!” Bea.

“Je! Goodluck!” Julia.

“Honeydee!” Lexi.

Kanya-kanyang cheer sa mga dyowa ang mga kaibigan niya. Kanya-kanyang endearment,
e. Patalbugan lang?

Si Yen at Brianna naman, nakiki-‘woo’ lang. Mahiyain kasi si Yen, wala namang
partner si Brianna.

Siya, hindi mapakali. Parang kinakabahan siya na na-e-excite na ewan.

Pinakilala na ang grupo nila TJ. Grabe, ang daming fans. Palibhasa, grupo talaga
nito ang isa sa inaabangan ng mga kababaihan sa school nila. Nakaka-proud.

Nag-umpisa nang tumugtog ang mga kaibigan nila.

Teka. Alam niya ‘yung intro. Saan niya ba narinig ‘yon?

“Ehem,” nagsalita si Neil sa mic. “Ang awiting ito ay inihahandog namin para sa
iniirog ng aming kaibigang TJ ang pangalan.”

Sigawan agad ang lahat.

Siya naman, ramdam niyang pulang-pula na siya. Siya ba ‘yon? ‘Pag hindi siya,
makakasapak siya.

“Korni man sa inyong pandinig, wapakels daw, pogi pa rin,” patuloy ni Neil sabay
turo kay TJ. “Naks, o... Puge!”

Nagtawanan lahat. Walang’ya. Haha. Loko kasi, ‘yung tono Neil nakakatawa.

Kahit pasimple, alam niyang maraming nakakita nang bigyan ni TJ ng middle finger si
Neil. Haha. Sira-ulo kasi talaga si Neil.
Tapos sumeryoso na si Neil at TJ.

“Para ‘to sa’yo, Arianna.”

Halos hindi na niya narinig ang huling sinabi ni TJ dahil sa hindi pa nakaka-
recover ang mga fan girls sa pagtili kay Neil nang magsalita naman si TJ na
nakatanggap ng mas malakas na sigawan. Pero alam niyang pangalan niya ‘yon at
sigurado siya ro’n dahil sa buka ng bibig ni TJ at bukod do’n, sa kanya nakatingin
si TJ.

Ewan niya lang, ha. Senti ‘yung kanta, pero ang lakas pa rin ng sigawan.

Pero, ‘yung kanta... Alam niya ‘yung kanta. Iyon ‘yung nasa iPod ni TJ. ‘Yung isa
sa mga kanta ng paborito nitong banda dito sa Pilipinas.

Nagkatitigan sila ni TJ. And that moment, she knew TJ meant every word of the song,
only for her.

14 by Silent Sanctuary.

— — —

=================

42. Replay.

42. REPLAY.

“MAME, punta na ‘ko kila Joice, ha?”


Napahinto sa pagkuha ng tubig mula sa ref si Aranna nang marinig ang sinabing ‘yon
ng kambal niya. Lumapit siya rito at sa mommy niya na kasalukuyang nasa sala.

Kanina pa sila nakauwi mula sa panonood ng battle of the bands. Ready na nga silang
matulog, e. Ewan niya lang sa kambal niyang ‘to, pupunta pa kila Joice?

“Okay, baby,” sagot naman ng mommy niya at nag-good night kiss pa.

What? “Hoy, twin! Ano’ng gagawin mo kila Joice? Sama ‘ko!” sabi niya na ngumuso pa.

Syempre. Bati na sila ni TJ, e. Naayos na nila ang lahat kanina. Nakapag-usap na
sila nang maayos. Nakapagsorry at napatawad na ang isa’t isa. And... sweet na ulit
sila. Yes! Sweet. Grabe lang, namiss niya kalandian ng boyfriend niya.

“Tse! Bawal panget!” Binelatan pa siya ni Brianna.

Sinamaan niya nga ng tingin. “Wow. Makalait ka naman sa sarili mo, ‘te.”

“Ay? Haha. I forgot. Ah, basta,” sabay talikod nito sa kanya

“Gara naman, e. Ano ba’ng gagawin n’yo?” kulit niya.

“Movie marathon.”

“Tamo! Sama kasi ako!” Daya, ayaw siyang isama! Wala namang pasok bukas, bakit ayaw
siyang pasamahin?

“Horror movie marathon, ineng.”

Bigla siyang natameme. “A-ahh... He he.”

“Ano? Sama ka? Tara, karga pa kita,” halatang pambubuska ni Brianna sa kanya. Alam
na rin kasi nitong matatakutin nga siya.

Sarkastikong nginitian niya nga. Bwiset din, e.

“Naku, itong magkamukhang ‘to!” natatawang sabi ng mommy niya. “O, hala. Gora na,
Brianna. At ikaw naman, ateng,” tinuro pa talaga siya, “Hala. Tulog!”

Cute talaga ng mommy niya. Manang-mana sila. Haha.


“BAKS!” salubong agad ni Joice kay Brianna nang puntahan na siya nito sa kanila.

“Uy, baks! Lusot ako! Well... Haha,” may pagmamayabang na bungad ni Brianna sa
kanya. Lusot saan? “Kuya mo, nasaan?”

Kuya niya? “Sa kwarto niya. Ba’t mo hinahanap—“

“’Lika, puntahan natin!” Halatang excited na hinila na siya ni Brianna. ‘Di man
lang siya pinatapos?

Ano namang gagawin nila sa kwarto ng kuya niya? Akala niya ba, magmo-movie marathon
sila? Kasama ba ang kuya niya? Hala...

Kinatok ni Brianna ang pinto ng kuya niya nang makarating sila sa tapat ng kwarto
nito. Lagi naman kasing nagla-lock ng kwarto ang kuya niya.

Pagbukas ng pinto, isang masaya’t halatang excited din na mukha ng kuya niya ang
bumungad sa kanila. “Brianna!”

Oh—kay? Kamusta naman daw ‘yung para na-OP siya? Excited lang pareho?

Itong dalawang ‘to... Parang may something, e. Teka. Hindi kaya....

“Hoy, kayong dalawa!” sita niya sa kuya niya’t kay Brianna kaya napatingin ang mga
‘to sa kanya. “’Wag n’yong sabihin sa’kin na pinagtataksilan n’yo si Arianna? Hoy,
ha! Nagkabalikan na ba kayo??” Maski siya nagulat sa biglang nasabi niya. Oh, no.
Don’t tell me... “Mga taksil! Pinagtataksilan n’yo si A! Oh, my God, you two—“

Pok!

“Aww!! Kuya??!” Pukpukin ba naman siya ng iPod sa ulo?

“Baliw ka talaga. Kakabati lang namin ni Arianna, umi-issue ka na naman. Tapon kita
d’yan, makita mo,” pabirong inakmaan pa siya ng kuya niya. Nagtago tuloy siya sa
likod ni Brianna.

“Haha! Taray ng imagination, ‘te! Lika na nga, manuod na tayo,” natatawang hinila
na siya ni Brianna papunta sa kwarto niya.
E, kasi naman. Ano’ng malay niya ba.

“Bri! Salamat ulit!” pahabol pa ng kuya niya kay Brianna. Bilang tugon, nginitian
naman ni Brianna ang kuya niya.

“Ano ba kasi ‘yon? Weird n’yo kaya,” tanong niya nang nasa kwarto niya na sila.
“Para kayong may binabalak na ewan.”

“Meron nga.” Nakakalokong ngumiti si Brianna. “Gan’to kasi. Pinagpaalam ko na si TJ


kay Mame kanina. At pumayag si Mommy!” makilig-kilig na sabi nito sa kanya.

“Pumayag saan?”

“Matulog si TJ kasama si A.”

“WHAT?” Napatayo pa siya sa gulat.

“Bading naman! Maka-react? Kaya nga ako nandito’t magmo-movie marathon kasama ka,
di ba? Planado na namin ng utol mo ‘to.”

Okay. Oo nga. Pero, kahit ba.... “P-pa’no kung... Kung may mangyari....”

“Nakakaloka, ‘te, ha. Imagination, medyo malikot,” natatawang inilingan siya ni


Brianna. E, pa’no naman kasi.... “Edi, nirambo namin ni Mame ‘yang kapatid mo ‘pag
ginalaw niya si A. At ‘wag kang mag-alala, gigilitan naman namin si A ‘pag sinuko
niya ang Bataan. Kaloka. Wala ka bang tiwala sa kuya mo? ‘Di no’n sisirain tiwala
namin ni Mommy sa kanya, ‘no. Kaya relax. Chill, will ya?”

Sabagay. May point si Brianna. Hindi nga naman basta basta sisirain ng kuya niya
ang tiwala ni Tita Geli rito. Hindi naman siguro magagawa nu’ng dalawa ‘yung....
alam mo na.

MEDYO parang gustong magsayaw ni TJ sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil
sa excitement na nararamdaman niya. Parang tanga lang, hindi niya mapigilan ang
ngiti niya. Shet.
Astig talaga ni Brianna. Tinulungan pa siyang magpaalam kanina kay Tita Geli. Lalo
namang mas astig si Tita Geli. Pinayagan siya, kinausap at pinayuhan pa. Cool
talaga.

Kumatok siya sa pinto ni Arianna pero walang sumagot. Gabing gabi na kasi. Past 1
o’clock. Syempre, nag-lock na ‘yun. ‘Di na no’n inaasahan na mambubulabog pa siya.

Mga nakalimang katok pa siguro siya.

Tagal. Kiss niya kaya pagbukas? Iinip na siya, e. Malamok kaya.

Dalawang katok pa... Open sesame! “TJ? Bakit...?”

Oha. ‘Di lang talaga gwapo, may kapangyarihan din siya. “Patulog.”

“A-ano?”

Hindi niya pinansin si Arianna. Nagpipigil ng ngiting nagtuloy-tuloy lang siya sa


loob ng kwarto nito’t nahiga sa kama.

“H-hoy! Ano ba’ng.... Hoy, umuwi ka nga sa inyo!” mahina pero parang pasigaw na
sabi ni Arianna sa kanya. Nagmamadali nitong nilock ang pinto ng kwarto—hindi ‘yung
sa veranda.

Hindi na niya pinigilan ang ngiti niya. “Ayoko nga. Belat,” pang-iinis niya pa.
Cute talaga ng girlfriend niya. Kagigil, e.

“Hoy naman kasi!” Nilapitan siya nito tsaka siya pilit na tinatayo mula sa kama.
“Tumayo ka nga! Dali, uwi na! Baka maabutan ka ni B, baliw ka ba? Kokonyatan kita
d’yan, e!” Pero parang wala lang siyang naririnig, tatawa-tawa pa siya. “TJ?! Adik
ka talaga! Tumayo na kasi! Tayo! Tayo na sinabi—“

Niyakap niya nga. Ingay, e. “Tayo naman talaga, ha? May iba ka ba? Sapak kita.”

Medyo natameme. Namula bigla ang bata. Nahiya. Tsk. Gwapo niya talaga.

“Sira-ulo ka talaga,” mahinang hinampas siya ni Arianna sa dibdib.

“E, ba’t kinikilig ka?”

“Kapal ng mukha!” Pero bigla namang nag-iwas ng tingin tsaka tinry na makawala sa
kanya. Papayag ba siya?
“Ayun, ayun. Kaila pa, e, pulang pula na?”

“Bwiset ka.” Lalo tuloy nahiya.

“Haha. Sorry na,” natatawang hinigpitan niya ang yakap kay Arianna. Magkatagilid
silang nakaharap sa isa’t isa. Niyakap niya lang nang mahigpit hanggang sa tumigil
‘to sa pagpupumiglas.

Bango ng buhok. “Tulog na tayo,” mahinang sabi niya.

“Sira-ulo ka ba talaga? ‘Pag tayo naabutan ni Brianna o kaya nila Mame,” hindi
naman mapakaling sabi nito.

“Kalma... Planado po ito. May abiso, may permiso, ‘wag ka ngang ano.”

“Permiso? Ano’ng permiso? Kanino? Kay Mame?” hindi makapaniwalang tanong ni Arianna
na parang nagets na kung ano ang nangyayari.

“Oho. Lakas ko na ‘yun kay Tita.” Wala atang bilib sa kanya, e.

“Seryoso? Grabe. Adik talaga ng nanay ko,” iiling-iling na sabi nito. “Pero kahit
ba! Si B, mamaya lang uuwi—Nice. Kasabwat mo rin si B.” Hindi na tanong, nahulaan
na, e.

“Bingo,” natatawang sabi niya. Sa wakas, nakuha na rin.

“Bakit ang babaliw nila. Pinayagan ka, hindi ba nila alam na delikado ka?”

“Aba? Hindi krimen ang pagiging gwapo.”

“Hindi nga. E, bukod naman sa pinasok mo na nga ang buhay ko, ninakaw mo pa ang
puso ko.”

Siya naman ngayon ang medyo natameme. Talaga bang pumick-up line si Arianna sa
kanya? Takte, pigil na pigil siya sa tawa!

Halatang naamaze sa naging reaksyon niya, tinaasan pa siya ng kilay ni Arianna. “O,
ano? Sa prisinto ka magpaliwanag, boy.”

Sa sobrang pagpipigil na matawa’t baka mapilas pa ang mga pisngi niya,


pinanggigilan niya na lang sa yakap ang girlfriend niya. “Tangina, ta’s magtataka
sila kung ba’t mahal na mahal kita?”
“Haha! Masikip!” natatawang reklamo nito sa kanya.

Niluwagan niya ang pagkakayakap pero hindi pa rin pinakawalan si Arianna. Matagal
na nanatili lang sila sa gano’ng pwesto.

“Patoots... aalis nga pala kami.”

What the, what?

“Sa’n punta?” Tinago niya ang biglang pagkairita’t gulat niya.

“Canada.”

“Kailan? Matagal? Bakit?” F-ck. Alam niyang doon galing sila Brianna, e. ‘Wag
nitong sabihing maninirahan na ang pamilya nito ro’n? Shit, ‘di pwede ‘yon, baka
magkaiyakan sila ng mama’t papa niya masundan niya lang si Arianna.

“Chill, babe. One month lang naman kami ro’n. Gusto raw akong makita ng lolo.”

‘Yun naman pala. Hoo. Kahinga rin nang maluwag.

“Medyo matagal pa naman ‘yun. Kaso... hindi kami rito magpapasko tsaka New Year,”
halatang halata naman sa tono ni Arianna na nalungkot din ‘to sa sariling binalita.
Lalo naman siya. Tsk. First Christmas and New Year sana nila ‘yon na magkasama.

Napabuntong-hininga na lang siya. “Ayos lang ‘yon, babe. Marami pa tayong paskong
ice-celebrate at bagong taong sasalubungin,” sabi niya na lang. Pampalubag loob man
lang ba sa kanilang dalawa.

“Hay... Kung bakit naman kasi ang gulo ng pamilya namin.”

Medyo napangiwi siya sa sinabi nito. “Arianna, may mas magulo pang pamilya kaysa sa
inyo.”

“H-huh?” saglit na nagulat si Arianna sa sinabi niya. “Oo nga. Tama ka.”

Tipid na ngumiti na lang siya. Kung alam lang nito....

“Hoy, lalake,” kinalabit siya nitong bigla sa baba kaya yumuko siya’t tinitigan
‘to. “Nagselos nga pala ‘ko sa inyo ng kambal ko nu’ng nag-outing tayo. Habang
nagvo-volleyball sila, kayo naman... Tss. Saya n’yo lang no’n. Enjoy much?”
Inirapan pa siya sabay haba ng nguso.
“Ito naman, napakaselosa,” mahinang kinurot niya nga sa ilong. “Hirap ‘pag pogi
talaga.”

“Tse!”

Adik talaga nito. “’Yun lang, e. Alam mo bang kaya kami nagkakatuwaan no’n, e,
dahil sa ginoyo ako ng kambal mong magaling? Buti na lang talaga mahal na mahal
kita, e.”

Halata namang na-curious si Arianna. “Bakit? Ano ba ‘yon?’

“Mana kaya sa’yo kambal mo. ‘Pakagaling palang mambuska no’n, samantalang
dati.....” Naalala niya tuloy kung ga’no kahinhin si Brianna noon.

“Nagrereminisce.” Kahit tonong nanunukso, hindi nakalusot sa kanya nang malungkot


na ngumiti si Arianna.

Ito talagang babaeng ‘to...

Hinalikan niya sa noo si Arianna. “’Wag na ‘wag mo na ulit pagseselosan ‘yung


kambal mo. Pwede ba ‘yon? Ha? Kasi siya, minahal ko lang, pero ikaw, mahal kita.”

Kahit paulit-ulit niyang sabihhin ‘yon, hindi siya magsasawa.

Arianna closed her eyes. “Will try.”

“Try lang?”

“Fine, hindi na po.” Nagkandahaba na naman ang nguso nito.

“Seryoso, walang kwenta kung magseselos ka sa’ming dalawa.”

“Oo na nga po. Ano na, kwento mo na kasi ‘yung ginawa ni B.”

Natatawang napailing na lang siya. Pustahan, naiinip na ‘to. Mainipin din talaga,
e. Meant to be talaga sila. “Gan’to kasi ‘yon................”

“TJ... may pag-asa bang maging tayo ulit?”


Gusto niyang mapa-what nang malakas. Seryoso ba ‘tong si Brianna? Seryoso ang
mukha, e.

Pero kinonsider niya ang tanong nito. Kung wala siyang mahal ngayon, baka mabigyan
niya pa ng chance ang relasyon nila. ‘Yun, e... kung wala. Ang lagay, e, meron.
Mahal na mahal pa.

“Sorry, Brianna. Mahal ko talaga si Arianna, e. Higit kahit kanino.” Halos sa


sarili niya lang sinabi ang huling mga katagang binitawan niya.

Hindi nagsalita si Brianna. Ilang segundong natahimik lang sila. Tapos biglang....

“HAHAHAHA!” Bigla siyang napatingin kay Brianna nang bigla rin ‘tong tumawa nang
malakas. “Ikaw na! The best ka, e! Haha. Pasado ka sa aking pagsusulit, ginoo.” Ano
raw? “Kaya na nga ba hindi ako na-fall sa’yo noon hanggang ngayon, e. Keso mo,
dude, pamisa tayo! Kinikilabutan ako, e. Hahaha!”

E, ‘yung feeling na seryoso ka ta’s tatawanan ka lang niya? Pektusan niya kaya ‘to?

“He he. Kakatawa, ‘no? Ikaw lang natawa, e,” sarkastikong sabi niya.

“Haha! I know, right.”

——

“’Yun. Medyo baliw lang. Ta’s naalala ko nga, nu’ng unang kita ulit namin na
inakala kong ikaw siya, ang sabi niya no’n may iba siyang mahal. Tanga ng bobo, ‘di
agad naalala, kumeso tuloy,” natatawang sabi niya na lang matapos niyang ikwento
ang ginawa ni Brianna sa kanya. “Pero di rin naman pala talaga totoo ‘yung may iba
siyang mahal. Sinabi niya lang daw ‘yon kasi akala niya ipagpipilitan ko pa rin
sarili ko sa kanya. Chix ata, e.”

Ito namang babaeng yakap niya, tawa pa nang tawa. “Nagoyo ka ro’n, Jepengson!
Hahaha! Mana talaga sa pinagmanahan si B.”

“Epal mo. At least, pinaglaban kong mahal kita.”

Medyo umurong ata ang dila ng bata. Natahimik, e.

Napangiti na lang siya nang yakapin siya nito sa bewang. “Thank you, babe. Mahal na
mahal din kita, kung alam mo lang.”
Kahit nga hindi siya mahal nito, e. Basta mahal niya si Arianna, si Arianna lang.
Kahit ipagtabuyan pa siya nito, hindi magbabago ang katotohanang mahal niya ‘to.
Pero siya na yata ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo. Kasi ‘yung mahal niya,
mahal din siya.

MATAGAL na yakap yakap lang ni TJ si Arianna. Inaantok na nga si Arianna, e.

“Baby ko,” tawag ni TJ sa kanya.

“Hmm?”

“Selos din ako.”

Napakunot-noo siya. “Kanino?”

“Du’n sa ngiting aso na kausap mo kanina.”

Ngiting aso? Si Third? Ngiting aso raw, e. Si Third nga siguro. Wala rin naman
siyang ibang kinausap na lalaki kanina maliban sa barkada at kay Third.

Oo nga pala. Pagdating kasi nila ni Brianna’t Joice sa school, sinalubong agad siya
ni Third. Hala. Nakita ni TJ ‘yon?

“N-nakita mo ‘ko?” alanganing tanong niya.

“Hindi. Kinain kita.”

Ay, bwiset. Kasi nga, di ba? Bati na sila kaya ayan na naman si Ka Bara.

“’De, loko lang. Ngiting aso naman kasi, ikaw naman kuntodo ngiti. ‘Di naman pogi
katulad ko.” Kahit nagbibiro, alam niyang may halong selos ‘yon. Kung selosa siya,
ano pa ‘tong dyowa niya? Saksakan naman kaya.

Pero... si Third? “Ano ka ba, parang batang kapatid ko lang ‘yun, e. Kahit mas
matanda ‘yun. Ang isip bata kaya no’n. Nakakatawa pa. Tsaka, ano ka ba. Mas pogi ka
nga. Sa lahat pa nga, e. Di ba? Ikaw ang pinakagwapo sa mga mata ko at MO. Di ba?
Haha. Pogi mo kase.”

“’Lam ko ‘yan,” ubod ng yabang na sagot naman ng loko. ‘Yung pang-iinis niya,
nababalewala lang sa kayabangan nito, e.

“So kung alam mo naman pala, ‘wag ka nang magselos, pwede rin ba ‘yon?”

“Yes, sir.”

Napangiti na lang siya. At ayun. Natahimik na naman sila. Medyo inaantok na siya.

“I love you,” bulong bigla ni TJ sa tenga niya.

Shet. Pakilig. Bwiset ‘to, walang warning.

She smiled. “I love you more, babe.”

“I love you,” ulit ni TJ.

“Love you rin nga, e.”

“I love you.”

“I love youuuuuuu.” Ang kulit. Pauli-ulit?

“I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love
you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love
you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you.....”

“O, ano? Napagod ka, ‘no?” asar niya

“Ano kamo? Nagpahinga lang, e. Tapos I love you ulit. I love you. I love you. I
love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you—“

“I love you more nga!”

“...I love you. You, and you, and you, just you. I love you!” Halos kapusin na ng
hiningang natawa si TJ sa tenga niya.

Grabe. Ano ba’ng nakain nito at in-love na in-love sa kanya? ‘Yung totoo? Ginayuma
niya ba ‘to? Ewan, ha. Pero, ang sigurado, mahal niya ‘tong lalaking ‘to. Sobra.
Nakasandal siya sa braso ni TJ at pareho silang nakayakap sa isa’t isa. Hindi kaya
nangangawit si TJ? Hindi kasi umaangal, e. I love you pa rin nang I love you kahit
boses inaantok na.

Inaantok na rin nga siya sa kaka-I love you nito, e. Ang sarap pakinggan. Kung
kanta lang ang mga I love you ni TJ? That will be the best song ever, she would
rape the replay button forever.

Hindi na sila nakayakap sa isa’t isa pero nakasandal pa rin ang ulo niya sa braso
ni TJ. Papikit-pikit na siya nang maramdaman niyang may nilalagay na kung ano si TJ
sa tenga niya.

Earphones.

And the next thing she knew, sinasabayan na ni TJ ang kanta.

Guess what? Alam niya ang kanta. Kaya naman napangiti siya.

When we turn out the lights, the two of us alone together

Something’s just not right

But girl, you know that I would never

Ever let another’s touch come between the two of us

‘Cause no one else will ever take your place

No one else comes close to you

No one makes me feel the way you do

You’re so special girl to me

And you’ll always be eternally


Every time I hold you near

You always say the words I love to hear

Girl with just a touch, you can do so much

No one else comes close

Pampatulog? Nah. Pampakilig bago matulog.

Lord, ang saya saya ko, maraming salamat po.

Feeling niya tulog na siya pero gising pa rin ang diwa niya.

Gustong-gusto niya talagang pinapakinggan ang pagkanta ni TJ. Lahat ng kantang


kinakanta nito sa kanya, lahat may laman. Lahat nagpapahiwatig ng nararamdaman nito
para sa kanya.

Oh, girl you know I’ll always treasure every kiss, every day

I love you, girl, in every way

And I always will ‘cause in my eyes

Mas lalo siyang inantok sa paghaplos na ginagawa ni TJ sa buhok niya. Lalo pa nang
halikan nito ang noo niya. Alam na alam talaga nito kung pa’no siya mapapasaya.

Dati, ni hindi niya pinangarap na magkaboyfriend. Pero simula nang dumating si


Troy? Kahit si Troy na lang.... No. Si Troy lang. Si Troy lang, sapat na.

Naramdaman niya na mas humigpit ang yakap ni TJ sa kanya. Kahit parang panaginip
lang ang lahat, hindi niya mapigilan ang matuwa at kiligin.

Much more when he gently kissed her on the cheek, and whispered the last words of
the song in her ear.
“Damn, I love you.”

— — —

=================

43. Long-distance celebrations.

43. LONG-DISTANCE CELEBRATIONS.

“GIRLS! Puntahan natin ang lolo n’yo?” aya ng mommy niya sa kanilang dalawa ng
kambal niya pagpasok nito sa kwarto nila.

“Okay, ‘me. Wala naman kaming ginagawa, e,” sagot ni Arianna. Nanunuod lang naman
kasi sila ng kung ano’ng palabas sa TV. Gossip Girl ata ang title. Si Brianna,
tutok na tutok. Siya, wala lang. ‘Di niya naman kasi nasusubaybayan ‘yon.

Buti na lang nagkaayos na ang mommy at lolo niya. Syempre, labas na sila sa usapan
ng matatanda, pero alam nilang nagkaayos na nga ang mga ito.

She pictured her grandfather as somewhat strict and scary old man. Na doble o
triple ng daddy niya. Buti na lang, mali siya. Lolo Javier was a strict and
controlling father, according to her father, but now? Simpleng dumalaw lang sila
rito, abot tenga agad ang ngiti nito. And he was really fond of her, Brianna wanted
to throw her away sometimes. Sobrang saya niya kasi kumpleto na talaga ang pamilya
niya. Grabe. Sobra.

Pero ang gara lang. Kung kailan pa nagkasakit ang lolo niya’t nasa ospital, tsaka
lang sila nagkita-kita. Kung sana mas maaga, nakakasama pa nila sa bawat outing ang
lolo niya. Kaso, hindi. Sa ospital lang nila ‘to nakakasama dahil bawal lumabas
nang matagal.

Mag-iisang buwan na sila sa Canada. Kaya nga miss na miss niya na si TJ, e. Dito
silang pamilya nag-celebrate ng Christmas. At maya-maya lang, New Year na sa Pinas.

Hay. Hindi sila magkasama ni TJ. Ang nakakainis pa, ibang babae ang kasama nito.
‘Pakababaero. Kakatampo.

“O, sige. Mag-ayos na,” sabi ng mommy niya. Lalabas na sana ‘to ng kwarto nila nang
biglang pumasok naman ang daddy niya.

“A, nakalimutan ko nang ipakita sa’yo ‘to.” Umupo ang daddy niya sa gilid ng kama
sa tabi niya at may inilapag na album sa kama. “Here...”

“E, ang panget kaya nila d’yan. Ew, ‘wag mo nang tignan, A! Haha,” buska ni Brianna
sa mommy’t daddy nila kahit tutok na tutok pa rin sa pinapanuod.

“Batang ‘to,” pabirong akmang ipupukpok ng daddy niya kay Brianna ang album.

Bigla namang tumayo ang kambal niya’t nagtago sa mommy niya. “Mommy, o!”

“Daddy! Inaaway mo baby ko,” saway naman ng mommy niya sa daddy niya.

Natawa siya. Grabe, ang arte po ng kambal niya. Pa-baby masyado.

Ngingiti-ngiting tinaas na lang ng daddy niya ang dalawang palad. Sign na ‘di na
‘to papalag sa mommy niya. Ang sweet kaya ng mga magulang niya, minsan nga
nakakasuya na pero tiis pa. Haha. Ang saya pala talaga na bukod sa kumpleto ang
pamilya, medyo maloko pa.

Inumpisahan niya nang huklatin ang album. Ilang beses niya na kasing nasabi sa
daddy niya na gusto niya pang makakita ng pictures bukod sa albums ng mommy niya.

“Puro kami lang ng mommy mo ‘yan kasama ang mga kaibigan namin noong girlfriend ko
pa lang siya,” paliwanag ng daddy niya habang pinakakatitigan niya naman ang mga
kuha.

Naupo na rin ang mommy niya’t si Brianna sa kama at nakitingin na rin.


May kalumaan na ang mga pictures. Laging magkatabi ang mommy’t daddy niya sa mga
‘yon. Nagkakahiyaan o ‘di kaya naman, nagtutunawan ng titig.

Pero iba ang nakaagaw sa atensyon niya.

Isang lalaking kasama rin sa halos lahat ng pictures. At, eto pa... kapag hindi
magkakatabi ang mommy’t daddy niya at ang lalaking ‘yon, may mga kuha ang mga ito
na ‘yung lalaki, nakatingin sa mommy niya. Parang nakaw-tingin ba. Stolen shots
ata.

Pero parang ang weird kasi. Nagkagusto kaya ang lalaking ‘yon sa mommy niya?

“Dad, sino siya?” tanong niya sa daddy niya’t tinuro ang lalaking nakaagaw ng
atensyon niya. Pati ang mommy niya’t si Brianna, tinignan din ang tinuro niya.

“Ang weird, ‘no, A? Best friend daw. One-sided ata kay Mommy. Haba ng hair, mana
sa’tin!” agaw eksena na naman ni Brianna. Medyo epal. Haha.

Pero nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ni Brianna. Hindi sa nagulat siya na
alam nito. Malamang, naikwento na ng daddy niya rito ‘yon. Hindi rin siya nagulat
na may one-sided love nga ang lalaki sa mommy niya kung totoo man ‘yon. Pero
kasi.... parang nakita niya na ang lalaking ‘yon. Parang pamilyar, e.

Nakita? Hindi ata. Pero parang namumukhaan niya, e. Teka, ewan niya. Nakita niya na
nga kaya ang lalaking ‘yon?

“Muntik na ‘kong magpakasal sa kanya,” bigla na lang saad ng mommy niya.

What? Muntik?

“Ba’t ‘di ko alam ‘yan!” Halatang nagulat din ang kambal niya.

“Pa’no mo malalamn, e, kailan ko lang din naman,” sagot dito ng daddy niya.
“Remember, wala na kaming koneksyon ng mommy n’yo sa isa’t isa simula no’ng
magkahiwalay kami.”

“Ay. Oo nga pala.” Napatango na lang si Brianna.

Pero, iba talaga. Parang biglang gusto niyang malaman ang lahat.

“Mame, kwento ka. Pa’no’ng muntik na kayong magpakasal? Best friend? Rebound? Ano
‘yan, Mame, kwento na, dali,” halatang atat na tanong niya.
“Hinga, anak, hinga. Kalma. Excited much? Curious to the highest level, ‘te?”

She just rolled her eyes in a playful way. Okay, kalma. Pero may something talaga
sa lalaki sa larawan na ‘yon. Parang nakita niya na talaga na hindi niya lang
matandaan kung nakita niya nga ba talaga.

“Sige na, Angelica. Ikwento mo na sa kanila,” nangingiting sabi ng daddy niya sa


mommy niya.

“Narinig mo ‘yun, Gelay?” pabirong tinaasan niya pa ng kilay ang mommy niya.

Mommy niya naman, nag-nyenye na lang sa kanya. Haha. Loko talaga.

“Eto na nga po, di ba. Ano kasi ‘yon... Kaming tatlo ng daddy n’yo at ni Gabriello—
or Gab, kung tawagin namin—bestfriends kaming tatlo. Actually, hindi ko pa kilala
ang daddy n’yo pero matagal na kaming matalik na magkaibigan ni Gab. Siya ang
nagpakilala sa’min ni Ariel sa isa’t isa.”

“Magkababata kasi kami ni Gabriello. Lumipat lang sila sa Cebu. Kaya noong lumipat
din kami sa Cebu, nagkakilala na kami ng mommy n’yo sa pamamagitan niya,” dagdag pa
ng daddy niya.

Biglang gusto niya tuloy pumunta ng Cebu. Ewan, pero parang... ewan.

“Ano’ng buong pangalan niya, Dad?”

“Gabriello Fontillejo. Bakit mo naitanong, anak?”

Gabriello Fontillejo.... Didn’t ring a bell. Siguro may kamukha lang.

“Wala po. Na-curious lang,” kibit-balikat na ngumiti na lang siya.

“Noong umalis ang daddy n’yo sa Cebu, sobrang nagalit ang Tito Gab n’yo. Nagalit
siya dahil hindi raw ako kayang panindigan ni Ariel. Nagalit siya dahil kung siya
raw ang pinili ko, hindi raw ako masasaktan at maiiwanan nang ganoon,” patuloy ng
mommy niya. “Alam kong may pagtingin si Gab sa’kin noon pa man, pero simula pa
lang, kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Hindi naman siya tumutol noong
nagkaroon kami ng relasyon ng daddy n’yo, siguro dahil masaya rin siya para
sa’kin... sa’min. I think, yes, natanggap niya na si Ariel ang pinili ko. He was
really a great friend.” Malungkot na napangiti ang mommy niya. Ganu’n din ang daddy
niya na yumuko pa.

She could tell, they missed the man.


“Pero noong umalis ang daddy n’yo tapos namatay din ang tatay, and then, namatay
naman ang tatay niya... Galit sa daddy n’yo, awa para sa’kin dahil alam kong
nasasaktan din siya habang nasasaktan ako, pagkaulila sa tatay niya... gulong-gulo
si Gab no’n kaya siguro niya ‘ko pinilit na magpakasal sa kanya.

“Mayaman sila Gab. Higit na mayaman sa daddy n’yo. Ang pamilya nila ang isa sa
pinakamayaman sa Cebu. At nang mamatay ang tatay niya, alam niyang kaya niya tayong
panindigan, Arianna. Handa siyang akuin ka bilang anak niya. Handa siyang akuin ang
obligasyon na akala niya ay tinalikuran ng daddy n’yo. Na tayo na lang daw. Pwede
naman daw na tayo na lang.”

“Gano’n niya kamahal ang mommy n’yo.” Napatingin siya sa daddy niya. Kitang kita
niya, may panliliit sa sariling naramdaman ang daddy niya. Sumilay ang malungkot na
ngiti sa mga labi nito.

Sa totoo lang, bukod sa gulat sa magulong naging buhay ng mga magulang niya, awa
pero sa kabila no’n ay paghanga sa lalaking minahal nang sobra ang mommy niya, ‘yon
ang naramdaman niya sa mga oras na ‘yon.

Kung siya ang tatanungin, mas gwapo ang lalaki sa larawan na ‘yon na si Tito
Gabriello nga raw, kumapara sa daddy niya. Tiyak nga siya na maraming babae ang
nagkagusto rito, e. Pero sa dami ng babae, ang mommy niya pa na may anak na? Ayos
lang dito kahit na may anak ang mommy niya, handa pa rin nitong pakasalan? Kahit na
ang ama ng batang aakuin nito, e, ang parehong taong mahal pa rin ng mommy niya?

Wow.

Really, wow. May mga tao palang martir talaga. Grabe ang nagagawa ng pag-ibig.

Mariing umiling ang mommy niya. “Pero ayoko. Hindi ko kaya. Hindi ko siya mahal.
Ayokong masaktan ko siya. Na sa araw-araw na ginawa ng D’yos, magkasama nga kami
pero hindi ko naman siya mahal.”

“Kaya umalis ka nang hindi niya alam?” Hindi niya alam kung ba’t biglang sumingit
siya. Hula niya lang ‘yon.

“Oo,” sagot ng mommy niya.

Grabe. “Galit kay Dad, pain at awa para sa’yo, pagkaulila sa tatay niya.... Mommy,
ang bigat no’n. Kung mahal na mahal ka niya... ga’no pa kabigat ‘yung ikaw na nga
lang ang natira sa kanya, ikaw pa ang sumunod na nang-iwan sa kanya?”

Natulala ang mommy niya, daddy niya at kambal niya sa sinabi niya. Maski siya.
Talaga bang nasabi niya ‘yon? Sobrang nadala ata siya.

“Arianna, it was for the better,” her mom said.


“No, it was not,” she frowned. “Hindi sa ayoko sa kinalabasan. Of course, I’m
happy, we’re a happy family now.” She’s more than happy. “For you, for us, yes, it
was for the better. But for him? I can only picture hell.” Maybe hell was even
better.

Natahimik silang apat.

Kanina lang ang light ng mood nila, ngayon, iba na. Obviously, inumpisahan niya.

“Anak, mahal ko siya. Bilang kaibigan, mahal na mahal ko siya. Kaya nga hindi ako
nagdalawang-isip na lisanin ang Cebu, e. Hindi rin ako nagpaalam sa kanya kasi baka
mahirapan lang kami pareho. Sapat na na nasa tabi ko siya parati noong iwan tayo ni
Ariel at nang mamatay ang tatay. Ayokong masira ang buhay niya sa pag-intindi
sa’kin. Kasi gusto ‘kong mahanap niya rin ang babaeng para sa kanya talaga.”

Pa’no masisira ang buhay niya sa pag-intindi sa’yo kung buong buhay niya, ang
alagaan ka ang gusto niya’t makakapagpasaya sa kanya?

She wanted to tell that to her mom, pero kinimkim niya lang ‘yon. Napatango na lang
siya. ‘Cause on the other side, oo nga naman. Tama ang mommy niya. The man deserved
to be with someone who would love him back.

Again, natahimik na naman sila.

Maski si Brianna na madaldal, hindi pumoporma.

Nagulat pa nga siya, pero at the same time, napangiti nang magsalitang muli ang
mommy niya. “Hinding-hindi ko ite-taken for granted si Gab. Ayokong maging
makasarili.”

“I’m glad you didn’t, Angel,” sabi ng daddy niya sa mommy niya. Then, tinignan
naman siya at si Brianna. “You know what? I went back to Cebu. Two years or so,
after I left.”

“Yes, Dad, hello, du’n ako lumaki, obviously bumalik tayo. Pero hindi mo siya
napakilala sa’kin. Why?” Hindi na ata nakatagal manahimik kaya nagtanong na si
Brianna.

“What why? The man almost bedriddened me.”

“He did what?!” gulat na bulalas ni Brianna.

Pero siya? She stayed calm. “His point of view, you deserved that, Dad.”
Salubong ang mga kilay na binalingan siya ni Brianna habang ang mommy niya naman,
natulala ulit sa kanya.

“Mine, too, Arianna.” Tipid na nginitian siya ng daddy niya. “Yes, I deserved
that.”

Tatlong pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya. Du’n lang parang nag-click sa
utak niya na... “Whoa, did I sound like I was defending him or something?”

Du’n na siya tinawanan ni Brianna. “Oo, ‘te, kanina pa.”

Natawa rin tuloy ang mommy’t daddy niya.

Pero hindi naman kaya.

“Hindi. She was just telling from Gab’s point of view,” inunahan na siya ng daddy
niya.

“Right. So Dad, you mean, dahil lang... binugbog ka niya...?” parang hindi sure si
Brianna kung binugbog nga ang daddy nila, e, halos maospital na nga raw. “....kaya,
hindi na kayo nagkita ulit? Nilayuan mo siya?”

Umiling ang daddy niya. “No. Nagsisi kasi siya.”

Nagsisi?

“Hindi niya akalain na magagawa niya sa’kin ‘yon. We were like brothers. Isang
beses na dinalaw niya ‘ko habang nagapapagaling? Ni hindi niya ‘ko matignan. Kitang
kita ko sa mukha niya ang pagsisisi. Umalis siya ng Cebu na wala man lang pasabi at
iyon na ang huling pagkikita namin. Ni wala na ‘kong balitang narinig mula sa
kanya.”

“Syempre, Dad. Wala na siyang mukhang maiharap sa’yo,” nakikisimpatyang sabi ni


Brianna.

“I know. Kaya nga hindi lang kayo A ng mommy mo ang hinintay kong magbalik sa Cebu.
Pati ang Tito Gabriello n’yo,” said her dad.

Si Tito Gab pa talaga ang lumayo. Wow, pero... nakakaawa talaga ‘to.

“Gusto ko tuloy siyang makita,” mahinang sabi niya.

Napatingin na naman ang mang-mommy niya sa kanya.


“I mean, matagal na ‘yon. Lipas na ng panahon. Bakit.... bakit hindi natin siya
puntahan?” suhestyon niya.

“A, okay ka lang? Umalis nga ng Cebu, di ba?” sabi sa kanya ng mommy niya. “Aaminin
ko, natakot akong bumalik doon dahil alam kong talagang magagalit si Gab sa ginawa
kong pag-alis. Pero, kahit bumalik ako, wala rin naman palang kwenta dahil siya
naman ang umalis. Wala rin.”

Napangiwi siya. “Sayang... May asawa na kaya siya? May anak? Pa’no kung may anak
pala siya na halos kasing tanda lang namin?”

“I would love to meet them,” parang nagliwanag bigla ang mukha ni Brianna.

Napangiti siya. Hindi lang pala siya. Kasi, feeling niya, magkakasundo sila ni
Tito Gab. Honestly? Saludo siya rito. Sana may anak din ‘to na kasing edad nila.
Girl din sana, para mas masaya.

“Grabe talaga ang pinagdaanan n’yo, Mom and Dad. Parang ang hirap pero nakaya n’yo.
And see? Finally, you two are together, with us.”

Oo. Sang-ayon siya sa sinabi ni Brianna.

“Wala pa nga ‘yung sa’min,” sabi ng daddy niya. “May ibang mas ang mga pinagdaanan
o pinagdaraanan kaysa sa naranasan namin. May iba ngang handang pumatay basta para
sa mahal nila.”

“You’re one of them, dad?” asked Brianna.

Her dad smiled. “I wish a time like that won’t come.” Right, sino naman nga ba’ng
may gusto? “But even if I don’t want to, doesn’t mean I won’t.”

She smiled. They all did.

Lahat naman ata, gagawin ang lahat maprotektahan lang ang mahal sa buhay. Kahit
ang maging makasarili.

Just like Tito Gab. For a while, naging selfish si Tito Gab. Though, not really
selfish, kasi mommy niya at siya ang iniintindi nito. Naging selfish lang dahil sa
sariling kagustuhan, which is her mom. Tapos ‘yung sinabi nga ng daddy niya na may
mga taong kaya at handang pumatay para lang sa mahal nila? Even her dad. Even
her....

“Well, then, I guess love can be really selfish,” she said.


Napangiti ang daddy niya sa kanya. “Hindi, anak. Love is never selfish. It’s the
obsession of the person in love that is.”

*TROY Calling*

Lundag agad si Arianna sa kama para sagutin ang tawag ni TJ.

“I miss you na, Tiiiiijaaaay!”

“Tsk. Gwapo ko talaga,” ang unang linya nito sabay himas pa sa baba.

“Yabang talaga.” Inirapan niya nga.

Naka-Skype kasi sila ngayon. At ‘wag ka, si TJ lang ang friend niya sa app na ‘yon.
Kadamutan talaga umiiral pagdating sa kanya. Maski barkada ayaw nitong ipa-add sa
kanya. Lalo na raw si Third. Masyado talagang seloso.

Pero ano nga naman ang silbi ni Brianna, di ba? Lahat ng barkada naka-add dito kaya
ayun, nagkakausap-usap pa rin silang lahat.

“Hindi naman kayabangan iyon, mahal. Pawang katotohanan lamang.”

Kainis. Bakit ba kasi pinanganak na gwapo ‘tong lalaking ‘to? Hindi naman sa
nagrereklamo siya, pero ang yabang ng loko, e.

“Nyenye. Gwapo ka nga pero tumatae ka na naman. Yak,” pang-aasar niya.

Nakita niya na naman ang background nito kaya natawa siya. Nasa loob lagi ng banyo
si TJ kapag magkausap sila.

“TJ!” isang boses ng babae ang tumawag kay TJ. Pero sigurado siyang hindi kay Tita
Mina ‘yon. “Babe, dalian mo d’yan, malapit nang magcountdown! Hurry, hun!” sigaw ng
babae.

“Epal niyan. Babe na nga, hun pa? HUNbalusin ko ‘yan, e.” Ayan. Medyo nabadtrip na
naman siya.
Sino bang babae ang hindi magseselos kapag ang boyfriend mo na malayo sa’yo, e, may
kasamang ibang babae? Tatamaan talaga sa kanya ‘tong gwapong ‘to kapag pinagpalit
siya.

“Selos ka na niyan? Haha. Baby ko talaga.” Halata namang natutuwa ‘tong lalaking
‘to sa pagseselos niya. Ano, daanin na lang sa endearment, gano’n?

“Nyenye mo,” nagkandahaba na naman ang nguso niya.

Oo. Ang dahilan din kung bakit laging nasa banyo si TJ kapag magkausap sila ay
dahil laging may epal na nilalang.

Si Margarette.

That bitch. Haha, loko lang.

Inaanak daw ni Tito Ren. Two weeks daw na makikitira sa bahay nila TJ dahil may
inaasikasong importante ang mga magulang. SI TJ naman, walang magawa kundi ang
maging mabait. Pa’non’ng hindi? E, magkababata pala ang dalawang ‘yon. Kaya
pa’no’ng hindi siya magseselos, e, close ‘yung dalawa?

Lalo noong unang dating nito sa bahay nila TJ. One week palang ata sila rito sa
Canada. Nag-uusap sila ni TJ, bigla ba namang umepal sabay end ng tawag? Bitch.

“Labasin mo na nga ‘yang kabit mo. Countdown na raw,” asar na sabi niya.

“Taray! Haha.” E, sige, pagtawanan pa siya.

“Lul.” Inis na talaga siya. Hindi lang si TJ ang pwedeng magselos, ‘no. Ayaw nitong
pakausap si Kembong labs niya pero ito nga ang may kabit. Define unfair.

“Hoy, hoy, hoy. Nagmumura ka na naman. ‘Wag ka na ngang magselos d’yan. Ikaw lang
naman my one and only kong mahal, di ba. Kiligin ka na.”

Hah. “Aba, dapat lang.” Balatan niya si TJ ng buhay ‘pag may iba pa. Kiligin daw.
Nako!

Ngingiti-ngiti na lang si TJ. “Ikaw nga lang talaga.”

“10! 9! 8! 7!....”

Kahit nasa loob ng banyo si TJ, dinig na dinig niya ang countdown ng mga tao sa
labas. Masaya kaya ang bagong taon sa village nila. Sama-sama sa labas. Maingay.
Si TJ, hindi pa rin lumalabas ng banyo.

Syempre, sila dapat ang magkasama, ‘no.

Nakisabay silang dalawa sa countdown kahit na ang weird kasi nasa kwarto siya at
nasa loob naman ng banyo si TJ. But that didn’t matter. Kahit ang korni, sabay
silang nagbilang habang nakatingin sa mukha ng bawat isa sa screen.

“3. 2. 1....”

“Happy New Year, baby! I love you!” “Happy birthday, babe! I love you!”

Halatang nagulat, natameme si TJ sa kanya.

She smiled widely, na para bang proud siya sa sinabi niya. Dahil proud talaga siya.
She knew, and TJ didn’t know that she knew.

It was TJ’s birthday.

Nagkangitian sila. Adik kasi ni TJ, e. Ni minsan hindi binabanggit kung kailan ang
birthday nito. Kapag may nagtatanong, random dates lang ang sinasabi.

Alam niya namang hindi kasi mahilig sa celebration si TJ. Sa kanya at sa relasyon
nga lang nila matyagang mag-effort ang boyfriend niya, e. Sobrang proud siya.

Kaya ngayon? Nakakalungkot kasi hindi sila magkasama. Ito lang muna. Babawi talaga
siya pag-uwi niya.

“Ikaw na mayabang. Ikaw na seloso. Ikaw na masungit. Ikaw na unpredictable. Ikaw na


minsan nakakainis. Ikaw na gwapo. Ikaw na mahal ako, at ikaw na mahal ko.....” She
heard him chuckle and she can’t stop herself from smiling. Wala nang hiya-hiya ‘to.
“Sobrang thankful ako at ipinanganak ang isang gwapong katulad mo para mahalin ako.
Babe, sa’yo lang ako. Kasi nga, di ba? I am Helen, and Helen is Troy’s... Sorry
kung wala ako sa tabi mo ngayong birthday mo, ha? Promise, babawi ako pag-uwi ko.
Happy birthday, Cutiepatootie. I love you.”

Hindi niya mapigilang mapangiti pagkatapos niyang sabihin ‘yun. Nakakahiya pero
keri lang. Si TJ ‘yan, e.

Pero nakakahiya talaga kaya para hindi siya inisin ni TJ dahil alam niyang iinisin
na siya nito dahil sa kakesohan ng mga lines niya, inunahan niya na ‘to ng pang-
inis. “Babe, ‘wag kang umiyak.”
E, kaso ang loko, sinakyan ang pang-asar niya. Nagkunwari pang nagpupunas ng luha.
Medyo adik talaga. Pero bigla namang huminto sa pag-arte, sumeryoso, tsaka siya
siningkitan ng mga mata.

Nalito pa nga siya saglit. Pero nang magsalita si TJ.... “Humanda ka sa’kin pag-uwi
mo. Epal mo, torture kaya ‘to!”

Ang loko, nagbanta pa! Haha. Pero seryoso, gusto niya nang umuwi.

Magkahalong tuwa at pananabik, ‘yan ‘tuloy, siya pa ang medyo nateary-eyed.

“O, ba’t ka umiiyak? Birthday mo?”natatawang asar ni TJ sa kanya.

“Tse. Pa’no gwapo mo,” sarkastikong sabi niya habang nagpipigil ng ngiti.

“Well...” Ayan na naman po si yabang.

Grabe, hindi na talaga siya makapaghintay na bumalik ng Pilipinas.

Nakakabaliw pala talaga ang pag-ibig, ‘no?

— — —

=================

44. Kembong to the rescue.

44. KEMBONG TO THE RESCUE.

“PAPA Reeeen!!!”
Sumalampak na lang bigla si Arianna sa couch sa tapat nila Papa Ren at Mama Mina.
Nagulat pa nga ata ang mga ito sa pagsigaw niya.

E, kasi naman! Huhuuu!

“O, anak? Ano’ng nangyari sa’yo?” tanong sa kanya ni Papa Ren.

Ahem. Level up na sila, di ba? Well... Level up na kasi sila ni TJ. Hindi na Tito
at Tita ang tawag nila sa mga magulang nila. Papa at Mama na ang tawag niya sa
parents ni TJ, Dad at Mom or Mame naman ang tawag nito sa parents niya. Kilig,
seryoso. Kahit ba nag-alangan pa si TJ nu’ng una, napraktis naman na nito. Uupakan
niya kung hindi, e. Haha.

Pero hindi iyon ang issue ngayon.

“Pa, kelan ba uuwi sa pinanggalingan niya ‘yung inaanak n’yo? Akala ko ba two weeks
lang siya rito? Iyak na ‘ko. Huuu...” Paawa.com, please. Sobrang nagkandahaba na
nguso niya.

“Ahh... ‘Yun pala pinagmamaktol mo,” ngingiti-ngiting napakamot sa ulo si Papa Ren.

Hello? E, ano pa ba? Nakakainis kaya. Hindi sila makapag-date ni TJ. Lagi na lang
si Margarette ang kasama nito. Katulad ngayon! Kainis. Pupunta sana sila ni TJ sa
amusement park pero hinila nu’ng Margarette na ‘yun sa mall! Kainis ‘yang
Margarette na ‘yan, ha. Medyo malandi. Si TJ naman nag-‘sorry’ look lang! Hinayaan
niya nga. Epal ‘yung dalawa na ‘yun, edi, magsama sila!

Pero pak naman.... Ngayon pinagsisisihan niya nang ‘di niya inawat ‘yung dalawa.
Nakakaselos kaya po.

“Aww, iniwan ka na naman nila, ‘nak?” Tinabihan siya ni Mama Mina at inalo, kahit
hindi naman siya totoong umiiyak. “Hmp. Hindi natin sila bati!” sabay pout pa ni
Mama.

Lalo tuloy siyang nag-iyak-iyakan. Pa’no matawa-tawa na siya. Ang cute cute kasi ni
Mama Mina. Parang bata rin na sinasakyan ang kalokohan niya.

Pero kasi... “Naman, e... Pauwiin n’yo na siya, Papa. Pleaaaase?” pagmamakaawa
niya.

Akala niya kasi pag-uwi niya rito sa Pilipinas, hindi na niya madadatnan ‘yung
Margarette na ‘yun. ‘Yun pala, na-extend pa pagtira rito? Banas na siya.

“Anak, wala kasing ibang matutuluyan si Margarette. Busy lang ngayon ang mga
magulang niya kaya nandito pa siya. By next week siguro, susunduin na siya rito ng
papa niya,” parang batang pinagpaliwanagan siya ni Papa Ren.

Grabe kasi, bakit hindi na lang paalagaan ‘yung Margarette na ‘yun sa yaya? Laki na
no’n pwede naman na yaya na lang ang kasama!

“May yaya siya pero mabobored lang siya kung mag-isa siya. You know? Brat,” dagdag
pa ni Papa.

H-huh? Pa’no nalaman ni Papa Ren ang naiisip niya?

“Bugak. Rinig na rinig namin ang sinabi mo po,” humagikgik pang sabi ni Mama Mina
nu’ng nagtaka ang expression niya.

Humaba na lang ulit ang nguso niya. Sa sobrang asar, hindi niya namamalayang
nasasabi niya na pala ang dapat naiisip niya lang. Naman kasi, o!

Nagpaalam na lang siya kina Mama Mina’t Papa Ren at bumalik na siya sa bahay nila.

Kainis. Kabagot. Walang makakulitan. Wala si Brianna, kasama si Joice, nagpuntang


salon. Ano’ng gagawin niya? Siguradong may mga date ang girl barkada kasi Sunday
ngayon. Malapit na rin kasing matapos ang school year kaya sinusulit ang pagde-
date. As if namang hindi magsisipag-date ang mga ‘yon sa bakasyon. Mas dadalas pa
nga ‘yon, e.

Aha! Light bulb!

Hah. May ibang ka-date ‘yang TJ na ‘yan, ha? Pwes, siya rin.

“Kembong, Kembong!”

“Yo, Annambong ng buhay ko! Hulaan ko, aayain mo ‘ko ng date, ano? Ayiiie! Haha.”

What? “Pa’no mo nalaman?” gulat na tanong niya. ‘Wag nitong sabihing narinig din
nito ang naisip niya, e, kakatawag niya pa lang dito?

“Pogi ‘ko, e. Haha!”

Tss. Medyo makapal din. “E, wala ka kay TJ, gwapo. Tse! Pa’no nga?”

“Aruy, bias sa boypren. Haha. E, kasi po nakasalubong ko siya palabas kanina kasama
kabit niya. A ha ha, kawawa! Sabi sa’yo akin ka na lang, e!”

Oo nga naman, magka-village nga kasi sila kaya hindi imposibleng makasalubong nito.
“I hate you.” Kainis. Ininis pa siya, e, comfort ang kailangan niya.

“I laaabs you! Haha! Labas ka na, sinusundo na kita.”

Napatayo agad siya sa sinabi ni Third. Nasa labas agad?

Dali-dali siyang lumabas ng bahay at binuksan ang maliit na gate.

Nandito na nga si Third!

“Kembong!!!” Nagtatalon pa siya sa tuwa nang makita si Third.

Aba naman. Kakaibang saya talaga naidudulot ng isip batang ‘to sa kanya, ha? Kanina
lang down na down pa siya, e.

“Tsk tsk. Sama sama naman niyang Jepengson na ‘yan... Game!”

Nameywang pa ang kanang braso nito. Gesture na inaalok sa kanyang humayo na sila’t
maghasik ng lagim. Kapit naman agad siya at parang mga batang nagmartsa silang
pareho palabas ng village nila.

Huh! Akala niyang Jepengson na ‘yan, ha. Makikita niya.

“SSHHH! Baka makita nila tayo!” pabulong na saway niya kay Third habang nakamasid
sila kina TJ at Margarette.

Spy lang ang peg nila. Wala lang costume, e. Sayang.

Teka. Costume? Ano siya, Grade 2? Ano ba ‘yan, nagiging isip bata na rin siya
nasama lang siya kay Third, ha. Impluwensya masyado.

Palipat-lipat sila ng pwesto. Basta sinusundan lang nila ‘yung dalawa. Si TJ,
halata namang hindi nag-e-enjoy sa company ni Maragrette pero hindi niya
maintindihan kung bakit lagi naman nitong sinasamahan. O baka naman hindi lang
talaga nag-e-enjoy si TJ sa pagsama sa pagsha-shopping ni Margarette dahil never
naman ‘tong nag-enjoy sa gano’n. Hello, isang dahilan nga ata kung bakit mahal na
mahal siya ni TJ, e, dahil hindi siya mahilig mag-shopping.

“Ann, yuko!!!” Bigla na lang siyang hinila ni Third paupo’t pinayuko.

Humihingal si Third nang lingunin niya. Bakit humihingal ang isang ‘to?

“Ano’ng nangyari?” nag-aalalang tanong niya.

“Tinamaan ako.... ng bala ng kalaban.”

What the...

E, ‘yung nag-e-enjoy? Si Third ‘yun, e. Feel na feel naman ni kuya!

“Hoy, tantanan mo nga! Panggago lang, ha,” saway niya. Ang hyper talaga nito.

“He he he. Galing ‘ko, ‘no? Akala mo si Brad Pitt, pero mali ka ro’n! Keslo mo ata
‘to.” At umismid pa.

Sus ginoo. Nagkamali yata siya ng sinama.

Sinundan lang nila sina TJ at Margarette hanggang sa makarating ang mga ito sa Mang
Inasal.

At... napagdesisyunan na nila ni Third na magpakita na kila TJ. Pagseselosin din


nila ang loko. Hah. Gantihan lang.

“Libre mo, Annambong, ha? Sweldo ko. Unli rice! Yey!” Nagpatiuna nang pumasok si
Third. Napailing na sumunod na lang siya.

Pero bago sila makalapit sa table nila TJ, may binulong muna siya kay Third.

“Hoy, Keslo. Magkunwari kang walang nakikita, okay? Kuha mo?”

“Aye, aye, captain!”

Kinakabahang nagbuga na lang siya ng hangin.

“Oh! Arianna, you’re here,” masayang bati ni Margarette pagkakita sa kanya.


Ay hinde, larawang may paa lang lang ako ‘te. Tinidurin niya kaya ‘to? Aba, kapag
kaharap si TJ, akala mo kung sinong friendly. Friendly, my ass.

But on the other hand, hindi pa naman siya tinarayan nito kapag silang dalawa lang.
Para nga lang silang isip batang mag-iripan at mag-ingusan ni Margarette kapag
silang dalawa lang, e.

Ah, basta. Bwiset ‘yang Margarette na ‘yan.

Bigla na lang siyang natingin kay TJ. Seryoso... pinagsisisihan niyang nagpakita pa
sila.

Ngingiti-ngiting tinaasan siya ng kilay ni TJ.

Shet.

‘Yung mga ganyang tinginan ni TJ? Alam nitong planado nila ni Third ‘to.

“Sino siya?” pukaw ni Margarette sa atensyon nila ni TJ. Si Third ang tinutukoy
nito.

“Ah. Si Kes—I mean, Third. Call him Third.” Siya nga lang pala ang may Keslo my
labs at Kembong kay Third. “Third, si Margarette,” walang ganang pakilala niya sa
dalawa.

“Third. Hmm... Hi, Third!” nakangiting bati ni Margarette kay Third.

“Pasensya na. ‘Wag mo ‘kong kausapin. Bulag ako. Wala akong nakikita.”

What the...

Nu’ng tignan niya si Third, diretso lang ang tingin nito.

“Duh? Ano’ng sinasabi mo?” taas-kilay na tanong ni Margarette.

Right. Ano’ng pinagsasabi ng lalaking ‘to?!

“Bulag ako. Wala akong nakikita. ‘Wag mo ‘kong kausapin. Duh? Paulit-ulit?” Third.

Naku po inang! Naloko na!

“At kailan ka pa nabulag?” singit ni TJ.


Oh, God. Oh, God. Ngingiti-ngiting hinihimas ni TJ ang sariling baba. Amusement all
over his face. No, shit.

“Kanina lang,” Third.

“At paano?” Sobrang lapad na ng ngiti ni TJ.

‘Yung totoo? Naiihi na siya.

“Inutusan ako ni Annambong ko.”

Ah, shet! “Kembong, order tayo!” Hinila niya agad sa counter bago pa man
makapagsalita ang kahit sino sa mga ito.

Pero nakita niya ‘yon. Bago sila makatalikod, nakita niya pa ang nakakalokong ngiti
ni TJ.

Jusko, nakakahiya! Ayoko naaa!

“Ano ka ba?! Ano’ng bulag? Bulag tapos hindi pwedeng kausapin? Namo, Kembong! Hindi
part ng pagiging bulag ang pagiging pipi!” sabay pinaghahampas niya si Third.

Sobrang kahihiyan ‘to, jusko. Si TJ ‘yun! Si TJ. Hari ng pang-asar sa kanya. Jusme,
talon building na kaya siya?

“Ow! Aray! Hahaha! Bakit ba? Gusto kong umarte, e! Ano? Pwede na ba? Mala Richard
Gutierrez na ba? Talo na ba si Daniel Padilla? Hahaha!”

“Aargh! Nakakainis ka, pinapahiya mo ‘ko!” Pinaghahahampas niya pa rin ‘to habang
tawa naman nang tawa ang mokong.

Bwiset! Pa’no kaya nila mapapagselos si TJ kung ganitong ang baliw ni Third? Wala.
Suko na.

Nakapag-order na sila ni Third at pabalik na sila sa table na katabi ng kila TJ


nang makita nilang may ibang tao nang nakaupo ro’n.

Ehe? Sa’n na sila uupo? Pa’no nila mapapagsel—

Nagulat na lang siya nang bigla siyang akbayan ni Third. Nang tingalain niya ‘to,
isang mapaglarong ngiti ang sumalubong sa kanya.
“It’s time, Ann. Makikita mo na ang pang-FAMAS kong talento. Let’s get it on,
beybeh.”

— — —

=================

45. Boom!

45. BOOM!

SINUNDAN na lang ni Arianna si Third.

Ano naman kayang binabalak ng mokong na ‘to? Pang-FAMAS pa, ha? Hmm....

Huminto sila sa table nila TJ. Wait... Don’t tell her—Bigla na lang siyang pinaupo
ni Third—as in pinaupo sa silyang katabi ng kay Margarette. Ni hindi na siya
nakapagprotesta. Tsaka ‘to naghila ng isang upuan at tumabi sa kanya. Ang pwesto
ngayon; si Margarette, siya at si Third, kaharapan si TJ.

“What the hell are you doing?” salubong ang mga kilay na tinignan siya ni
Margarette.

What, hindi ba nito nakitang nabigla rin siya? Tinaasan niya nga ng kilay. Sasagot
na sana siya, kaso naunahan na siya ni Third.

“Hello rin, Margarette!” nakangiting sabi ni Third.


Sira-ulo ‘tong si Third. Kanina, nu’ng nag-hello si Margarette, hindi pinansin.
Tapos ngayon lang nag-hello, pang-asar pa. Haha. Loko.

“Akala ko ba bulag ka?” pagtataray ni Margarette.

“Akala ko rin, e. Joke lang pala. Akalain mo ‘yun?”

Alam niya, ‘pag ganyang nagbibiro si Third, may kasamang tawang malakas ‘yan, e.
Pero bakit ngayon, wala? Instead, he was smiling knowingly. Hmm... Mukhang pang-
FAMAS nga ata ‘tong lokong ‘to, ha?

“Duh.” Inirapan na lang ni Margarette si Third tsaka ‘to humarap kay TJ.

“Duh.” Ito namang si Third, gaya-gaya kay Margarette. Haha. Loko talaga.

Pero buti na lang tumigil na ‘yung dalawa. Akala niya magre-referee na siya kanina,
e. Napapagitnaan kaya siya, hello?

Pinaglaruan niya na lang ang number stand nila habang pinipigilan niya ang tawa sa
mga kinikilos ni Third. Si TJ naman, medyo gaya-gaya, number stand nito ang hawak.

“Oy, Jepengson,” biglang tawag ni Third kay TJ.

Lokong ‘to talaga. Makikipagbarahan na naman ba ‘to kay TJ?

Si Third kaya ang nagpalayaw kay TJ ng Jepengson. Pang-inis nito kay TJ, ‘di nga
lang mainis si TJ.

“O, Keslo?” tinatamad na tumingin si TJ kay Third.

“Third sabi. Si Ann ko lang pwedeng tumawag sa’kin n’yan.”

“Edi, Kembong.”

“Tawagan namin ‘yan!”

“E, bakit Tres?”

Bigla na lang napanguso si Third. “Sige na nga, Keslo na lang.”


TJ smirked.

Boom. Taob si Kembong! Haha!

Ayaw na ayaw kaya ni Third sa Tres. Si TJ daw kasi nagsimula tsaka mabahong
pakinggan. ‘Di naman, cute nga, e.

Papatol pa kasi kay TJ sa barahan, e, sa kanya lang natuto si Third. Talo siya ni
TJ palagi, so sino’ng mananalo sa mga ‘to? Obvious naman na. Puro pick-up lines
lang naman ‘tong si Third.

“Margarette, may boyfriend ka ba?” biglang baling naman ni Third kay Margarette.

Adik na ‘to. Si Margarette naman ang puntirya? Pero seryoso, na-e-entertain siya.

Ngingiti-ngiting nakinig na lang siya. Let’s see...

“Yup! Si TJ. Why?”

ABA!.... Ginoong Maria napupuno ka ng grasya....

Relax, Arianna. Relax. Relax lang.

Napatingin siya kay TJ. Aba naman talaga ang loko, ngingiti-ngiti pa sa naging
reaksyon niya!

RELAX.

“’Di ba, may girlfriend na iba ‘yan?” tukoy ni Third kay TJ.

“I don’t care.”

What the f-ck, relax!

“E, mahal ka ba niya?” Third.

“E, mahal ko rin ba siya?” Margarette.

“E, bakit hinahabol mo siya?”

“Tumatakbo ba siya?”
“Hindi. Hinigop ka niya.”

“Boom! Haha!” biglang sabat niya. Nag-apir pa sila ni Third at sabay nagtawanan.

Hahaha. Estudyante niya kaya si Third. May natutunan naman pala ang loko. Well...
Kahit ba halos kay TJ niya naman talaga nakukuha mga pambara niya. Who cares. Haha.

“Ang weird n’yo alam n’yo ‘yun?” Nakatingin sa kanila si Margarette na para bang
may sayad silang dalawa ni Third.

“Okay lang ‘yan. Alam mo, naiintindihan naman kita. Pareho lang naman tayo, e.”
Inakbayan siya ni Third.

Napatingin siya bigla kay TJ. Uh-oh. Wrong move, Third.

Pero, ano raw ‘yung sabi ni Third?

“Kagaya mo, okay lang din sa’kin na may ibang boyfriend ‘tong si Ann... Mahal ko,
e,” proud na sabi ni Third.

In fairness, ang layo. At in fairness ulit, convincing ang pagkakasabi ni Third


do’n.

Tumingin siya kay Third. He smiled knowingly at her. And with that, naintindihan na
niya. Nginitian niya rin ‘to tsaka niya binalik kina Margarette at TJ ang pansin
niya.

Si Margarette, taas-kilay pa rin habang si TJ naman... tiim-bagang na, pamatay


titig pa.

Hah! That’s right, baby. You should be threatened, Troy Jefferson Salamat. You
should be.

Nabitin sa ere ang intense atmosphere nang dumating ang order nila TJ. ‘Yung waiter
na may dala ng order. Walang paa ‘yung order, pwede?

Pag-alis nu’ng waiter, hindi pa rin nagsimulang kumain sila TJ at Margarette.

“Hey, you can both start eating. Don’t be bothered by us,” nakangiting sabi ni
Third sa mga ‘to.

“We—for your widest information—were already bothered. Stupid?” Margarette.


“Uhh... Sadness. Bakit hindi mo ‘yan idulog kay Ate Charo?” pang-aasar na naman ni
Third. Sira-ulo, nambabara na talaga, natuto lang. Haha.

“Tulog si Ate Charo,” biglang sabat ni TJ.

Aba, aba? Pinagtatanggol?!

“Edi, gisingin,” Third.

“Mahimbing,” TJ.

“E, muning,” Third.

“Baka kambing,” TJ.

“Ikaw bading,” Third.

“BOOM!” biglang sabat niya na naman tsaka sila nagtawanan ulit ni Third. “Bading ka
pala, e! Hahaha!” Nakakalokong tinuro-turo pa nilang dalawa ni Third si TJ maasar
lang.

Hahaha! Alam niyang may pang-counter si TJ ro’n. Sigurado ‘yun. Pero dahil kampi
siya kay Third ngayon, pinigilan niya na bago pa man. Baka abutin ng madaling araw
sa pag-i-ing-ingan ang dalawang ‘yon, e. Haha.

Ang sama lang ng tingin ni TJ sa kanya, lalo na kay Third. Pero keri lang. Akala
niyang TJ na ‘yan, ha.

Sa kasagsagan ng pagkulo ng tiyan ni Third... este, niya pala—nagugutom na kasi


siya, nakakatakam kaya ‘yung chicken—may binulong si Third sa kanya.

“Annambong, ang sama nila. ‘Pag hindi talaga ‘ko nakapagpigil, uupakan ko.... ang
pagkain nila.... Huhu.”

Seryoso, natawa talaga siyang mag-isa sa harap ng mga ‘to. May Huhu kasi talaga, e.
At ‘wag ka, ang haba pa. Pantanga. Haha. ‘Yung nagsasalita kasi na mangiyak-ngiyak
ang boses pero dahil nominado sa Best Actor Award, e, nakangiti habang sinasabi
‘yun? Grabe, tawa niya lang! Haha—

Boog!

Halos mapatalon siya sa gulat. Akala niya may pusang nasagi sa paanan niya, pero
saan nga naman manggagaling ang pusa sa mall?

Pagtingin niya sa harap niya... ang sama ng tingin ng boyfriend niya.

Patay na naman. Pang-ilang strike na ‘to?

E, pero tse lang. Buti nga sa TJ na ‘yan. Magselos lang ‘to hangga’t gusto nito.
Akala nito, ha?

Tinaasan niya lang ng kilay si TJ kahit ba ang sama pa rin ng tingin nito sa kanya.

Dumating na rin ang order nila ni Third. Kumain na silang apat. Kanya-kanyang
kulitan. Sila ni Third, si TJ at Margarette.

Kung nakakamatay lang ang tingin? Baka nasa langit na si Third sabay tinulak ni TJ
sa impyerno. Ang samang makatitig ng dalawang ‘yon sa isa’t isa.

Pero parang sila naman ni Margarette, hindi ganu’n. Kung nakakamatay lang talaga
ang tingin? Naitulak niya na si Margarette sa impyerno sabay baon dito sa hell.
Kung magkaiba man ‘yon.

Babaeng ‘to. Bitch na bitch kung makatingin sa kanya. Sabagay, malapit na nga naman
ang summer. Beach.

Tumigil si Third sa pagkain. Nilabas nito ang phone at sinagot ‘yon. Baka naka-
vibrate lang kasi hindi naman nila narinig na may tumawag.

“Hello, Pa?.... Ah, kasama ko po girlfriend ko.” Nailayo ni Third ang phone sa
tenga nito. Sinigawan ata ‘to ng papa nito. Medyo narinig niya rin, e.

Teka, wait. Acting girlfriend na talaga siya ngayon? Naku po...

“Ngayon na? Pa, may date kami, e. ‘Di ba pwedeng sa ibang araw na lang?” Nag-
aalalang napatingin si Third sa kanya.

Ano kayang pinag-uusapan nito at ng papa nito?

“Sige po...” Natapos nang kausapin ni Third ang papa nito.

“Bakit daw?” tanong niya.

“Kailangan ko na raw umuwi,” disappointed na sagot nito.


“Ano ka ba? Okay lang, ‘no.” Siya na nga ang umabala kay Third, e.

“Pero kasama ka.”

Wait, what?

Nagsalubong ang mga kilay niya. Pero ngumiti lang si Third sa kanya.

Ah, okay. Syempre nga naman, sabay na sila’t ihahatid siya nito dahil sila ang
magkasama at isang village lang sila. Alangan namang iwan siya nito ritong kasama
ang dalawang ‘to. Edi, tinadyakan niya si Third.

“Nagagalit kasi si Papa,” kakamot-kamot pa sa ulong patuloy ni Third tsaka siya


nginitian. “Bakit daw hindi pa kita pinapakilala. Pinapauwi ako. Ipakilala na raw
kita.”

WHAT?!

Okay, this was getting crazy. Walang maniniwala sa pagpapanggap nila ni Third na
sila. In fact, hindi naman talaga sila nagpapanggap na sila, di ba? Pinagseselos
lang nila si TJ.

What the hell? Umaarte lang sila pero... tinotoo na ni Third?

— — —

=================

46. Last day.


46. LAST DAY.

SIGURO kung may laser lang ang mga mata ni TJ, baka butas na likod ni Third.
Sinundan niya lang ng tingin si Arianna’t Third hanggang sa makalayo ang mga ‘to.

“Sundan mo na,” bigla na lang sabi ni Margarette sa kanya.

“Pa’no ka?”

“Duh? Edi, isasama mo. Tara, sundan na natin!”

Natawa na lang siya. May pagkakahawig talaga ‘tong si Margarette at si Arianna, e.


Parehong mga baliw. Siguro halata na nitong medyo badtrip na siya. Kahit naman ata
sino’ng tumingin sa kanya, mapapansin ‘yon.

Si Arianna at ‘yung Third na ‘yun kasi. Tangina. Ipapakilala sa papa ni Third?


Banatan niya kaya? Gago ata, e.

“’Wag na, Meg. Tiwala naman ako sa girlfriend ko,” sabi niya.

Kay Third siya walang tiwala. Kay Arianna, malaki.

“Syempre naman, loyal kaya ako sa’yo! Haha,” natatawang hinila-hila na siya nito
patayo. Adik talaga. Nangingiting napailing na lang siya.

Si Margarette, na mas minahal niya bilang si Meg, mabait naman talaga 'yan.
Kababata niya 'yan, e. Kaya alam niya. Parang kapatid na rin ang turing niya rito.
Minsan lang kasi sila magkasama noon ni Joice kaya kay Margarette natuon ang
atensyon niya. Itinuring niya ‘tong kapatid at minahal niya bilang kapatid. Pero
hanggang du’n na lang 'yon. Kahit ba pinangarap nilang ikasal balang araw...
Syempre, pangarap ng mga bata 'yon. Nakilala niya na si Arianna, kaya wala na 'yon.

Nagkataon lang na kailangan ng kasama ni Margarette ngayong wala ang mga magulang
nito—well, lagi naman—kaya hindi niya ‘to maiwan-iwan. Alam niya namang
maiintindihan siya ni Arianna. Gusto niya rin naman talagang sabihin kay Arianna na
wala itong dapat ipag-alala pero kagaya nito, ayaw din ni Margarette ng
kinakaawaan.

Margarette was a brat. Kung titignan mo lang, ito ‘yung tipong matapang na parang
walang inuurungan. Pero kapag nag-iisa na lang, makikita mo na lang na umiiyak na
pala sa isang sulok. She was tough but very fragile inside. Parang si Arianna. Mga
tipong lahat parang kayang-kaya. Kinikimkim lahat ng sakit. Pero kapag mag-isa na
lang ang mga ito, tahimik na sumasabog.

“Tara na, TJ! Mamaya niyan, agawan ka pa nu’ng Third na ‘yun. Bahala ka, aagawin
talaga kita kay Arianna,” banta ni Margarette nang hindi pa rin siya tumayo.

“Asa ka pa,”confident at pabiroong sagot niya pero sumunod na siyang tumayo.

Asa lang talaga. Hindi siya magpapaagaw kahit kanino at hindi maaagaw ng kahit sino
si Arianna sa kanya, ‘no. Kahit si Superman pa ‘yan, hahambalusin n’ya. Gwapo
niyang ‘yan?

“TJ... Mamimiss kita...” mahinang sambit ni Margarette habang naglalakad sila.

“Dapat na ba tayong mag-iyakan?” biro niya.

“Bwiset naman nito! Napaka mo!” At hinampas pa siya. Dumadamoves lang ‘tong
makulit na ‘to, e. Haha.

Hindi sila nagmadaling sundan sina Arianna’t Third. Nakakapit sa braso niya si
Margarette at mabagal lang silang maglakad. Sinusulit niya na. Sinusulit na nila.

“Kita mo? Ayun pa lang sila, o. Takbo na tayo?” tanong nito nang matanaw nila sina
Arianna’t Third na naglalakad habang naghaharutan.

Sino ba’ng may sabi na threat si Margarette sa kanila ni Arianna? She was very not.
Natutuwa lang si Margarette na nakikitang nagseselos si Arianna. Ewan niya ba sa
makulit na ‘to. Nakikita raw kasi nito ang sarili kay Arianna. See? In fact,
Margarette liked Arianna for him. A lot. Ayaw lang nitong sabihin dahil obvious
naman na nagka-clash ang mga ‘to ‘pag nagsama sa iisang lugar.

Kahit malayo, tanaw na tanaw niya ang kaartehan ni Third. Bading ata, e.

“Tara na! ‘Wag nang malantod, pwede?” Pinandilatan pa siya ni Margarette sabay hila
sa kanya patakbo kila Arianna. Napailing na lang siya.

Nu’ng malapit na nilang maabutan sila Arianna, huminto na silang tumakbo at


naglakad na lang. Pagtapat nila sa dalawa, hinawakan niya agad ang kamay ni
Arianna.

Halatang nagulat, nanlaki pa ang mga mata nito. “Ginagawa mo rito?”

Sungit. Meron ba ‘to?


“Obvious ba? Baka kaya naglalakad?”

Pinaningkitan tuloy siya ng mga mata sa sinagot niya.

“Naglalakad? E, bakit kailangang may hawak kamay pa?”

“Ah, ito?” Tinaas niya ang magkahawak nilang mga kamay. “E, bakit? Tinatanggal mo
ba? Hindi naman, di ba? E, ba’t ang sungit?”

Namula naman ang bata sa sinabi niya tsaka pilit na inaalis ang hawak niya rito.

“Wohoo. Huli na. Kinilig ka na nga, e,” natatawang tukso niya rito sabay kurot sa
pisngi.

Mas lalo tuloy namula. Haha.

“Ann!!! Inaaway ako, o!” Narinig nilang sumigaw si Third mula sa likuran nila.

Ayun. Hawak ni Margarette sa tenga. Haha. Napingot na!

Limang dipa ata ang layo nila sa mga ‘to, e. Si Margarette kasi, pagkalapit niya
kay Arianna, hinatak na agad nito si Third paatras habang sila ni Arianna patuloy
na lumakad. Kaya ayun, ang layo na nila sa mga ‘to ngayon. Ayos talaga ‘yung si
Margarette.

“Hoy! ‘Wag mo ngang—“

“Ohoy. Baka naman magselos na ‘ko niyan?” awat niya kay Arianna bago pa nito
matapos ang sasabihin.

Nakahinto na sila. Balak pa ata nitong kunin si Third mula sa pangmamaltrato ni


Margarette. Alalang-alala naman.

“Huh. Ikaw magseselos pa lang? E, ako, selos na selos na. Ewan ko sa’yo.” Iningusan
na nga siya, inirapan pa siya. Kiss niya pa ‘to, makita nito.

“Hoy, mahal. Parang tanga ‘to. Mukha bang hindi ako nagseselos sa inyo kanina? Wala
lang akong laser eyes kaya buo pa mukha no’ng Keslo mo.”

Kahit ba alam niyang sadyang pinagselos lang siya ng mga ‘to kanina, ‘di niya na
lang sasabihing alam niya. Baka ‘pag ininis niya pa kay Arianna ‘yun, bambuhin na
siya, e. Kanya na lang.
Pumihit ulit si Arianna paharap sa kanya. This time, kalmado na.

“Seryoso?”

Sus. “Ako pa ba? Tangina, seloso kong ‘to?”

Ayun, ayun. Nangiti na ulit. Adik talaga nitong girlfriend niya.

“Alam mo namang hindi mawawala ang pagseselos sa taong nagmamahal, di ba? Pero alam
mo ba kung bakit hindi ako nangangamba na kahit minsan may kasama kang iba?”

“Kasi hindi mo ‘ko ganoon kamahal?” mataray na balik nito sa kanya.

“Engot.” Upakan niya pa ‘to, e. Hindi ganoon kamahal? Natawa na lang tuloy siya.

Hinila niya na lang ‘to at naglakad na ulit sila. Si Margarette na ang bahala ro’n
kay Third.

“E, bakit pala kung gano’n? ‘Di ka man lang ba natatakot na baka ma-fall ako kay
Keslo? Na baka ma-fall ako sa iba?”

“Hindi,” simpleng sagot niya.

“E, bakit nga?”

“Kasi nga hindi.”

“Bakit nga kasi hindi?”

Kupo, kulit. Nakukulili na siya, ha.

Huminto siya bigla at humarap kay Arianna.

“Hindi, ibig sabihin hindi. Kasi kahit mahulog ka pa sa kanya, hinding-hindi ko


hahayaang sa kanya pa rin ang bagsak mo. Sasaluhin kita, maniwala ka.”

Tangina, ‘pag kay Arianna talaga, kumokorni siya. Keso, putek!

“Nahulog na nga sa iba, pa’no mo pa sasaluhin?” hamon nito sa kanya.


“Dali lang. Nakalimutan mo na ba? Akin ka. At kapag nahulog ka sa iba, edi, sapakin
ang pangahas para bitawan ka’t ibalik sa’kin. Ang kulit mo, sinabi nang akin ka.
Ang akin ay akin.”

NAPAYUKO na lang si Arianna sa mga pinagsasabi ni TJ. Napayuko siya sa hiya at


kilig.

Talagang inaangkin siya, e. Bakit nakakakilig ‘yon?

“Kamatis ka na naman!” tukso pa nito sa kanya sabay kurot sa pisngi niya.

Edi, ito na magaling magpakilig!

“Kala mo! ‘Pag ako talaga na-in love kay Keslo,” kunwaring naiinis na sabi niya.
Naglakad na ulit sila.

“O, e, ano? Tiwala naman ako sa gwapong mukha ko. Ma-i-inlove at ma-i-inlove ka
ulit sa mukhang ‘to, kala mo?”

Grabe, ang yabang talaga.

“Ilang patong ng kagwapuhan ba ‘yang mukha mo’t sobrang kapal naman? Kapal talaga,
e.”

“Sikreto ‘yon, baka gayahin mo, pareho na tayong gwapo.”

“Haha. Sira-ulo ka talaga!” Hinampas niya pa sa braso pero tawa lang nang tawa ang
loko. Sasapakin niya na ‘to, e. Ang adik, grabe.

“Ipapakilala ka pa ni Keslo mo sa tatay niya, ha? Samahan kita?” May himig ng


panunukso sa boses ni TJ, pero mas nangingibabaw ang himig ng pagseselos dito.

“FYI, kita mo naman, gabi na po. Malayo, tsaka, takot ko lang.” Medyo matawa-tawa
pa siya. Naalala niya na naman ang kabaliwan ni Third.

“Malayo? E, isang village lang ho kaya tayo?” nagtatakang tanong ni TJ.


Natawa na naman siya. “Ginoyo lang tayo ni Keslo. Nasa Bulacan pa ang papa niya
kaya malayo. Tsaka, gabi na... Takot ko lang sa sementeryo.”

Napahinto si TJ sa sinabi niya. “Weh?”

“Oo. Luko-luko lang talaga si Keslo.” Natatawang nailing na lang siya.

“Pambihira. Nagselos pa naman ako, nasayang lang.”

“Sira ka talaga!”

Nilingon nila sina Third at Margarette. At nakakaloka. Kailan pa naging close ang
dalawang ‘yon? ‘De, loko lang. Daig pa aso’t pusa. Ang brutal!

Si Margarette, hampas dito, hampas do’n. SI Third naman, akama rito, akma ro’n.
Hanggang akma lang ang bata. Kawawa. Haha.

“Close na sila, ‘no? FC pareho,” natatawang komento ni TJ.

“Cute,” nangingiting sabi niya tsaka sila lumabas na ng mall.

Hinintay nila ‘yung dalawang makalapit sa kanila habang panay bangayan pa rin ang
mga ‘to. Ang cute ng mga ‘to, sa totoo lang. Bagay, e.

“Aaaann!!!” Patakbong lumapit si Third sa kanya na nakabuka pa ang mga braso at


akmang yayakap sa kanya nang biglang hinatak siya ni TJ paatras at iniharang ang
sarili sa kanya.

Si TJ tuloy ang nayakap ni Third.

“Hule! Sabi na nga ba type mo ‘ko, e,” iiling-iling na sabi ni TJ.

Haha. Pakshet talaga si TJ.

“Hoy!!!” Mabilis na lumayo si Third kay TJ. “Annambong, o!” hinging tulong ni Third
sa kanya.

“Ano? Laki-laki mo na,” pang-aasar niya rin dito. Pagtulungan daw ba.

“Aha. Ganyanan pala? Matapos kitang tulungang pagselo—phhp!”


Matuling tinakpan niya ang napakadaldal na bibig ni Third.

“Alam mo bang nakakatuwa ka, Kembong? ‘Yung tipong ang sarap mong pisilin hanggang
sa madurog ka?” Binigyan niya pa ‘to ng nakakamatay na tingin na kung pwede lang,
e, tigok na ‘to. Napaka!

“Ehem. Boyfriend here,” nagkunawaring umubo si TJ na nakapagpalayo sa kanya kay


Third.

When she looked at him, he was also looking at her but with a certain ‘enjoy-much?’
look.

Cute ni TJ ‘pag gano’n. Haha. Bubuskahin niya pa lang sana ‘to kaso bigla na siyang
hinila sa tabi nito. Okay, hindi na nga niya iinisin, e. Kinikilig lang talaga siya
sa pagseselos nito.

“So, okay? Where should we go next? Third’s? Ipapakilala mo pa si Arianna sa papa


mo, right?” sabat bigla ni Margarette.

“Ano’ng ‘we’ ka d’yan? Bakit? Nasaan ang invitation card? Nabigyan ba kita? Matapos
mo ‘kong kurut-kurutin at hampas-hampasin? Assumera!” Parang bading na iningusan pa
ni Third si Margarette.

“Pakyu ka,” inis na sabi ni Margarette. Hala. Nainis ata sa pag-irap ni Third.

“Parkyu ka rin!”

What. The. Hell?

Si Third? Nagmura? Sa babae?

Whoah....

“You bastard!” Margarette held her hand as if about to hit Third.

“Hoy, b-bakit! S-sabi ko, parkyu! Park... Yu... Chun... Park Yu Chun! Idol ko si
Park Yu Chun! Kilala mo ba ‘yon? Hah. Koreano ‘yon! Akala mo minura kita, ‘no? Mali
ka ro’n, tsong! Ha ha...”

Naku poooo. Palusot.com.

“Magpapalusot ka pang stupid ka!” Margarette.


“E, stupid ka rin!” Third.

“I hate you!” Margarette.

“I hate you, too!” Third.

“Argh! Get lost!” Margarette.

“Hello? Kabisado ko na kaya ‘tong lugar na ‘to. Pa’no ‘yon? Tanga-tangahan lang,
gano’n? Ikaw na lang, dadamay mo pa ‘ko!” parang batang makaasar lang ‘tong si
Third kay Margarette. May sariling dance step pa.

“Parang tanga lang, e,” bulong sa kanya ni TJ habang patuloy pa rin ‘yung dalawa sa
pagbabangayan.

Natawa siya. “Bagay sila, ‘no?”

“NO!!!” “ASA!!!” Sabay na sigaw nina Margarette at Third sa kanya.

“Kausap ko ba kayo?” tinarayan niya nga. Aba, dinadamay pa siya?

“Argh! No wonder, magkasundo kayo nitong panget na ‘to! Tara na nga, TJ! Aalis na
lang ba naman, ganito pa!” Nagpatiuna na si Margarette at pumara ng taxi.

Okay. Mukhang nabadtrip talaga ata.

“A—aalis? Aalis si Marge, TJ?” biglang tonong nag-aalala at nagulat si Third.

Whoa there.... Marge?

At isa pa... aalis? Ano’ng ibig sabihin nitong aalis? Pero ang sabi ni Papa Ren sa
kanya.... Nagtatakang tinignan niya si TJ. Malungkot ang ngiting binigay nito sa
kanya na para bang nabasa nito ang tanong sa isip niya.

“She’ll be leaving tonight. New York.”

— — —

=================
47. Anniversary surprise.

47. ANNIVERSARY SURPRISE.

SEVEN months later......

Bye, high school life.

Yes. Graduate na sila ng high school.

Masasabi ni Arianna na napakagandang experience ng high school life sa kanya.


Nakatagpo siya ng barkadang laging nand’yan kapag kailangan. Madalas nga kahit
hindi kailangan nand’yan pa rin, e. Nambu-bwiset.

Sad lang, kasi si Joice, umalis na. Sa Cali na ‘to nag-aaral. Kulang na sila ng
isa.

Relationship status?

Categories: Going strong

It's complicated

In an open relationship

Single

Hmm... Nasaan sila ni Troy d’yan?


Umpisahan natin kina Julia at Diego. Guess what? They're going strong.

Lexi and Derick? Well... Going strong din. Head over heels ang Lolo Derick n’yo kay
Lexi.

Sina Jake at Bea naman, maski sa facebook ng mga ‘to, nakapost na they are in an
open relationship. Ewan niya ro’n sa dalawang 'yun. They were playing games.
Pwedeng mag-boyfriend and girlfriend kahit ilan pa ang gusto, pero ‘pag magkasama,
mag-on ang mga ‘to. Todo pa rin sa bangayan at kiligan. Nakakalito tuloy.

Well, sina Ej at Kiray naman, ang mga ito ang may status na 'It's complicated'. Si
Kiray, as usual si Ej pa rin ang apple of the eye. Si Ej naman, minsan bumibigay
na. Bakit komplikado?..... Kapag nakakita si Ej ng gwapo.

At syempre, sa category na ‘Single’.... May mga relasyon kasi na hindi naman talaga
pangmatagalan.

Akala mo sila na pero puppy love lang pala.

And yeah, she and TJ.... broke up.

Kidding!

Si Yen at si Neil ang break na. Hindi sila ni TJ, ‘no. Business partners na nga ang
mga parents nila, e. Paghahanda raw sa future nila. Joke, siya lang may sabi no’n.
Haha.

Si Yen at Neil kasi, ewan niya rin ba sa mga ‘yun, lagi pa rin namang magkasama.
Parang wala ngang nabago sa relasyon ng mga ‘yon, e. Pero Ex ang tawagan. Basta,
siguro naisip ng mga ‘to na hindi sila para sa isa’t isa. Single pareho pero
madalas makita na may kanya-kanyang ka-date.

Pero ang maganda sa kanila, they were still in the same pack of friends.

Nagkasundo kasi silang lahat na sa sister school ng Alma Mater nila mag-college.
Kaya magkakasama pa rin sila kahit iba-iba ng course. Si TJ lang ang gaya-gaya.
Fine Arts din ang kinuha kagaya niya. Blockmates sila. Bantay sarado tuloy siya.
‘Di man lang makalandi. Haha.

“Tae mo!” Boses ni Margarette ang narinig niya.

“Mabango pa sa’yo!” sabi naman ni Third na obviously, kausap ni Margarette.

“Tse! Paka mo!” Margarette.


“Haha. Tampo pa. Sampooo!” natatawa pero makahulugang sabi ni Third.

“Hmp. Bwiset. Ten, too...” naiba bigla ang tono ng boses ni Margarette na para bang
nahiya sa huling sinabi.

Nagkatinginan sila ng barkada sa narinig nilang usapan ng dalawa. Naka-Skype kasi


ang mga ‘to.

Nandito sila sa bahay nila. Tamang renta sa wifi ang loko. Ice cream ang bayad.
Akala mong galante, ‘no? Ito rin naman ang lumalamon ng mga bayad nito. Sugapa sa
ice cream.

“Oyoyoyoy! Ano ‘yan, Tres? Ano ‘yang sign sign na ‘yan, ha? 10??” Na-excite biglang
lumapit si Neil kay Third na may hawak na phone dahil kausap nga si Margarette.

Lahat ng boys pwera kay Ej na katabi ni Kiray, at TJ na katabi niya, naglapitan ang
lahat kay Third at nang-asar.

“Friendsary! Haha. Tamang hinala kayo, mga gago!” Pabirong pinagtutulak ni Third
ang mga boys palayo.

“Bading ‘yan, e!” Narinig nilang sigaw ni Margarette.

“Hahaha! Bading ka pala, Kembong, e!” natatawang sigaw niya kay Third.

Iningusan siya ni Third tsaka binalik kay Margarette ang tingin. “Bading? Kiss kita
d’yan, makita mo,” naghahamong sabi nito kay Margarette.

“Layo ko na ‘to? Sige nga?” hamon din ni Margarette.

“Ayun. Gusto pala! Hahaha!” Lokong Third ‘yon. Trip na naman si Margarette.

So, saang category ba nababagay ang dalawang ‘yon?

Well, wala man sa listahan sa itaas, pero totoo... the two were in a ‘Long-distance
Relationship’.

‘Yun lang ang sabi sa kanya ni Third. Open ‘yung bugok na ‘yun sa kanya, e. Nasabi
rin nito sa kanya na nu’ng nandito pa sa Pilipinas si Margarette at hindi pa sila
nakakauwi mula Canada, kabangayan na nito si Margarette noon pa lang. Kaya pala
‘yung ‘Marge’ thingy.

“Hayguuuu!”
Napalingon silang lahat sa pumasok na si Brianna. Tuloy-tuloy lang ‘to sa sala kung
nasaan sila at bigla na lang naupo sa couch katabi niya.

“Kapagod! Tokwa kayo ni TJ.Galante ng sponsors! Kala mo silver anniv na, one year
pa lang naman. Gulay. Hassle, ah,” reklamo nito sabay kagat sa chicken lollipop na
hawak.

Yuh-huh. Anniversary na nila TJ. Insert happy, party party dance! Haha. Kaya nga
good mood siya, e.

“Pa’no ka naman napagod, aber? Tumutulong ka ba sa pagluluto kila Mame? ‘Di naman,
uy.” Inagaw niya kay Brianna ang chicken lollipop at siya ang kumain nito.

“E, pa’no, patikim sila nang patikim. Syempre ako naman, punta rito, punta ro’n.
Nakakapagod din kaya ‘yon!” Iningusan pa siya. Nag-nyenye na lang siya.

Brianna’s status? ‘Single and every day ready to mingle.’ Malantod ‘yang kambal
niya na ‘yan, e. Iba-ibang lalaki ang kasama araw-araw. Pero, ‘wag madumi ang utak.
Safe pa rin ang V-card ni Brianna, sinigurado nito sa kanya ‘yon. Kaya lang ito
araw-araw na may iba-ibang ka-date, para iba-iba raw ang pineperahan. Baliw rin si
Brianna, e. Ayaw kasing magka-boyfriend na pangmatagalan. Sawa na raw.

“Katakawan,” sabi ni TJ na nasa tabi niya. Hehe. Kanina pa kasi siya kain nang
kain.

Binelatan niya na lang kasi sexy naman siya sa paningin nito. Haha. Hoy, sexy naman
talaga siya, ‘no. Wala na kaya siyang bilbil. Lagi kasing sinusundot ni TJ noon.
Na-conscious siya, kaya ayun, medyo nag-diet. Kaso, bumabalik na naman. Haha.

“Alis na tayo,” sabi ni TJ sa kanya sabay tayo nito at hinila siya.

“Ay, bastusan. T-teka naman!” E, wala. Hinila na lang siya bigla, e. Nataranta
niyang nilapag sa plato sa center table ang kinakain at matuling kumuha ng tissue
tsaka siya nagpahila na kay TJ.

“Hoy, baho! Tanan na?” tawag ni Derick kay TJ.

Huminto naman si TJ. “Gago. Tanan sa harap n’yo? Uso?”

“Malay mo.”

“E, ambot.”
Natawa na naman siya. Muntik niya pang mabuga nginunguya niya. Hindi kasi talaga
bagay kay TJ ‘yung mga gano’ng salita, e. Ambot? Haha.

“Hoy, B1!”

Napalingon siya kay Bea nang tawagin siya nito. B1 at B2 kasi minsan ang tawag ng
barkada sa kanila ni Brianna.

“Aalis kayo? Iiwan n’yo kami sa bahay n’yo? Baka naman kaya nakakahiya, hano? Tapos
lilipat pa kami sa bahay nila TJ para makikain?”

“Oo nga! Nakakahiya naman sa mga parents n’yo kung wala kayo pareho rito,” dagdag
ni Julia na tinanguan naman ng lahat.

“Uhh... Hello, guys? Brianna here,” sabat ni Brianna na nanlalata pang nagtaas ng
kamay para lang mapansin ‘to, tapos umirap din pagkaraan.

“Oo nga naman! Nandito kaya si B. Di ba, ‘no, applepie?” sabi ni Neil na lumapit
kay Brianna at umakbay dito.

“Keso! Ew, chocopie. Eww,” sabi naman ni Brianna na nag-roll eyes ulit.

What the heck with the endearments. Ang lalandi ng dalawang ‘yon. Landian lang nang
landian ‘pag magkasama, e. Parehong flirt.

“Kaya n’yo na ‘yan! Hiya hiya. Wala naman kayo nu’n! Alis na kami. Baboo!” sigaw
niya sa mga ‘to at nagtuloy na sila ni TJ sa labas.

“Annambong! Uwian mo ‘kong choco fudge ice cream, ha!” narinig niya pang pahabol ni
Third.

Sarap lang tuktukan ng isip batang ‘yon. Panay ice cream ata laman ng bibig, e.

“Oy, panget,” mahinang tinapik niya sa tiyan si TJ. Nakaakbay kasi sa kanya ‘to
habang naglalakad na sila palabas ng village. “Saan tayo tutungo?”

“Sa dako paroon.”

“Tss!” Tinulak niya nga tsaka siya lumayo. Walang kwentang kausap.
NAKARATING sila sa infinitree nila.

Matagal silang nanatili sa ilalim ng punong inukitan nila ng pangalan nila at saksi
sa pagmamahalan nila. Nakasandal lang siya kay TJ na nakayakap naman sa kanya at
nakasandal sa puno.

Truthfully, she could stay like this with him forever. It felt safe and serene...
and special.

“Baby, one year na tayong naglolokohan, ah?” sabi ni TJ.

Sira-ulo. “Gago mo.”

Oops—Huli na para bawiin niya ang sinabi niya. Nagulat na lang siya nang bigla siya
nitong hinalikan sa mga labi.

“Namiss mo na naman kiss ko.”

She pursed her lips. “Sorry.”

E, kasi naman. Bawal na nga siyang magmura. Promise niya ‘yun kay TJ, e. Kaso hindi
niya pa rin mapigilan minsan. Kaya ang parusa, kiss. Sus. Parusa raw. Parusa ba
‘yon? Minsan nga sinasadya niyang magmura, e. Haha.

Mahinang tumawa si TJ.. Suddenly, his hug became tighter. One of her favorite
romantic sides of TJ. Just hugging her tight right there, under their special tree,
with the wind blowing gently through them.

“Babe, picture tayo,” suggest niya kay TJ.

“Game. Phone ko na lang?”

Tumango siya. ‘Di niya rin naman kasi dala phone niya.

“Teka, set ko. Gusto ko kita ‘yung puno.”

Napangiti siya sa sinabi ni TJ. Just like what she had in mind.

Pumunta si TJ sa malaking bato ‘di kalayuan sa pwesto nila tsaka inayos-ayos ang
anggulo.

“Babe, ang tagal!” kunwaring reklamo niya.

“Heka naman, ikaw kaya rito!”

Haha. Ang sunget!

Nu’ng ‘di pa nakuntento, naghanap pa ng batong malaki si TJ at akmang bubuhatin at


ipapatong sana du’n sa malaking bato. Kaso... hindi mabuhat.

“Kung tinutulungan mo ‘ko, magpapahalik ako sa’yo!”

Wow, ha. “Utang na loob ko pa sa’yong mahalikan mo, gano’n?”

“Syempre, gwapo ko na ‘to! Tulungan mo ‘ko, ako na lang kikiss sa’yo para ‘di ka
mahiya. Dali! Uy, tutulong na ‘yan!” Tinaas-taasan pa siya nito ng mga kilay tsaka
ngumuso-nguso na para bang temptation para sa kanya ang pagnguso nito. Haha. Kapal
talaga ng mukha. Kahit ba totoong gusto niya... Napakayabang lang talaga, e.

“Kaya mo ‘yan! ‘Kala ko ba macho ka? You can do it! Go beybeh! Go beybeh!” nang-
aasar na chineer niya pa.

Pilit na pilit na binuhat ni TJ ang may kalakihan at obvious namang may kabigatang
bato at ipinatong sa malaking bato. Ang itsura lang nito. Benta!

“Tangina, bigat mo naman, ‘tol. Mag-diet ka nga!” At talagang kinausap ni TJ ang


bato, ha. Haha. Adik talaga.

Nang makuha na nito ang gustong anggulo, nag-ready na ‘tong bumalik sa pwesto nila.

“10 seconds! Bilang ka, babe!”

“Okay!”

“Waaa!” Malokong nagtatakbo na si TJ pabalik sa pwesto nila na ngiting-ngiti. Ang


boyish ng ngiti nito. Ang sarap titigan.

Pumwesto ulit ‘to sa likod niya at niyakap siya mula ro’n.

Nilakasan niya ang bilang niya, na kanina sa isip niya lang.


“6.” TJ surprised her with a kiss on the cheek.

Whoa.

“5.” He kissed her again.

Natawa siya. What the...

“4.” And he kissed her again. They were both chuckling.

“3.” Another kiss.

“2.” This time, the kiss lasted a little bit longer than the first ones.

“1.”

He didn’t kiss her at one. Instead, they posed for the perfect picture.

When they knew the shot was done, TJ suddenly grabbed her face and kissed her
softly on the lips. Followed by God knows how many little kisses he did, she
actually wished he didn’t stop.

“Happy anniversary, babe. Hindi man ako sikat katulad ni Brad Pitt, gwapo naman
ako.”

Napablink-blink naman ang mga mata niya sa sinabi nito. “So?”

“Wala. FYI lang.”

“Kayabangan! Haha. Oo na nga! Puge!”

Natawa sila pareho.

“Pero seryoso. Happy anniv, babe. Tagal na natin. Walang sawaan, ha? I love you.”

Sabay kinilig naman daw siya.

“Walang sawaan,” she promised. “Happy anniversary rin, babe. I love you.”

Siguro nga, walang binatbat ang isang taon nilang pinagsamahan sa ilang taong
pagsasamahan ng iba. But who cares, anyway? They’ll prove their love to everyone.
May kinuha siya mula sa likod ng bulsa niya.

“Here,” inabot niya ‘yon kay TJ.

“Ano ‘to?”

“Sorry na.” Inunahan niya na ‘to ng sorry.

Siningkitan siya ng mga mata ni TJ. Meaning, alam na nito. “Di ba usapan walang
regalo?”

“’Wag ka nang magalit, please?” medyo kinakabahang sabi niya.

Usapan kasi talaga nila ang walang regaluhan ngayon. Kaso, ‘di niya mapigilan ang
sarili niya, e.

Napangiting umiling na lang si TJ. Kinuha nito sa kanya ang regalo niya at tinignan
kung ano ‘yon.

“What the!”

His expression... God, if she could only stop the time and paint him.

“Shit, seryoso? Silent Sanctuary ticket??” Magkahalong gulat at tuwa, iyon ang
nakita niya sa mukha ni TJ. Nakakaproud, grabe.

Iyon ang paboritong banda ni TJ. Kaya nga nang malaman niyang may concert ang
bandang ‘yon, at saktong anniv pa nila, hindi na siya nagdalawang isip pang bumili.

“Alam mo bang kahit gustong gusto ko, hindi ako bumili kasi nga anniv natin, gusto
ko makasama ka lang? Ipagpapalit ko sila para sa’yo. Tangina, kahit sino o ano para
sa’yo. Tapos, ito?.... F-ck, I love you!” Bigla na lang siyang niyakap nito nang
sobrang higpit. “Thank you, babe. Thank you. Daya mo, pero thank you talaga.”

Grabe. Heaven ‘yung feeling. Sobrang nakakaproud. Nakakaproud kasi ang liit-liit na
bagay lang no’n kumpara sa pinaparamdam ni TJ sa kanya.

Nilabas niya pa ang isang ticket mula sa bulsa niya. “Don’t worry, kasama ‘ko.”

“Ah, shit, kaya na nga ba mahal na mahal kita, e.”


Proud na ngiting-ngiti siya. “Well....”

Kung ano-ano lang ang ginawa nila pagkaraan. Picture picture. Kiss nang kiss naman
‘yung isa. Syempre, gumaganti siya. Haha.

“Okay. Babe... ilang araw kong pinaghandaan ‘to,” sabi ni TJ na ikinakunot ng noo
niya. “May isang bagay pa ‘kong hindi sinasabi sa’yo.”

“Hmm? Another secret?”

“’Wag kang magagalit, ha? Pero mahirap kasi talaga para sa’king sabihin ‘to kahit
kanino.”

Oh. Now, that was really intriguing.

“Ayaw ko talagang ipagsabi ‘to kahit kanino kasi... f-ck, nakakahiya ‘to. Or more
on, nakakaawa ang puta. Parehong ayaw nating kinakaawaan, alam mo ‘yan. Di ba? Kaya
ayaw kong kaawaan mo ‘ko sa sasabihin ko.”

Nagsalubong ang mga kilay na tumangu-tango na lang siya. Nalilito siya. Ano ba’ng
sasabihin ni TJ sa kanya?

“Sasabihin ko sa’yo ‘to kasi... ewan ko, iba ka, e. Ikaw ‘yan, e. Sigurado na ‘ko
sa’yo.”

His last line made her feel... beyond great. Pero medyo hindi niya talaga mahulaan
kung ano ang gustong sabihin ni TJ.

“Babe, ano ba ‘yon?”

Saglit na tinitigan lang siya ni TJ tsaka ito nagsalita.

“Bukod sa hindi si Mama ang tunay kong nanay....”

Yes, of course. Si Tita Alessandra ang tunay na nanay ni TJ at Joice. Napakilala na


nga siya ni TJ rito, e. Sa video call nga lang.

Wait... bukod?

“....hindi rin ako isang Salamat.”

Oh, my God. “A-ano?”


“Isa akong. Fontillejo.”

NAGLALAKAD na sila ni TJ pauwi. Doon kasi sila magdi-dinner sa bahay nila TJ kasama
ang barkada. ‘Yun ang pinaka-celebration nila. Treat sa kanila ng parents nila.
Supportive parents.

Manonood pa nga pala sila ng concert ng Silent Sanctuary mamayang 8:00 PM.

Inakbayan siya ni TJ habang naglalakad sila.

“Bata. Sobra ka naman ata? Kasama mo na nga ako, iniisip mo pa rin ako? Aba.
Abusadong tunay,” iiling-iling na sabi nito sa kanya.

“Yabang!” Natawa na lang siya.

Ang totoo kasi, iniisip niya pa rin ang lahat ng sinabi nito sa kanya kanina. Hindi
talaga siya makapaniwala. ‘Yung akala niyang magulong pamilya nila, mas magulo pa
pala ang kay TJ. Kagaya ng sinabi nito sa kanya noon na hindi naman talaga niya
pinagbigyang pansin dahil hindi niya naman akalaing sariling pamilya pala nito ang
tinutukoy nito.

Pumasok sila sa bahay nila TJ at naabutan nila ang seryosong mga mukha ng barkada.
Sabay-sabay pa ngang naglingunan pagpasok nila, e.

Nakakapagtaka naman. Ano’ng drama ng mga ‘to? Bakit ang seseryoso naman ata?

“A...” tawag sa kanya ni Brianna na tumayo mula sa kinauupuan.

“Whoa... ‘di kayo nasarapan sa handa?” biro niya.

Pero parang hindi narinig ng mga ‘to ang sinabi niya. Seryoso pa rin ang mga
mukhang nag-iwas ng tingin sa kanila ni Tj ang mga ‘to.

“Hinihintay kayo ro’n nila Tita.” Si Yen ang nagsalita.

Parang scripted, sabay-sabay na nagtinginan ang mga ‘to sa terrace nila TJ.
Nagkatinginan sila ni TJ at parehong nagsalubong ang mga kilay.

“Siguro may confetti na naman tapos biglang sisigaw ulit ng surprise. Kilala mo
naman si author,” biro ni TJ.

Natawa siya. Oo nga naman. Si author talaga.

Inakbayan siya ni TJ. “Oy, Derick. Bumanat ka nga ng joke d’yan. Papangit ng itsura
n’yo, gago,” natatawang sabi ni TJ kay Derick.

At bago ‘yon, ha. Hindi pinatulan ni Derick ang sinabi ni TJ? Strange.

Nagpunta na lang sila sa veranda. Pagdating nila ro’n, nakita nila ang anim na
taong nakaupo at nakabilog sa table. Seryoso rin ang mga mukha nito.

Apat doon ay ang mga magulang nila. Ang isa...

“Mommy!” Napalingon siya bigla kay TJ.

Biglang nagliwanag ang mukha nito nang tawagin ang... mommy nito.

Nawala ang braso ni TJ sa mga balikat niya at niyakap ang mommy nitong matuling
lumapit dito.

“God. I missed you so much, Troy!”

“I missed you, too, Mom!” sabik ding sagot ni TJ.

Si Tita Alessandra nandito?

Isang tikhim ang nakapagpahiwalay sa mga ito. Tikhim na nagmula sa isa pang lalaki.
Lalaking kanina niya pa pinakakatitigan.

Bakit gano’n? Bakit parang nagslow-mo ang lahat? Bakit parang... kinabahan siyang
bigla?

Parang nag-click na lang bigla sa utak niya na... parang imposible, pero posible.

Hindi naman maliit ang mundo, e. Mapaglaro lang siguro talaga ang tadhana.
Ang lalaking iyon.......

Ang lalaki sa larawan.

— — —

=================

48. His promise.

48. HIS PROMISE.

“ISA akong Fontillejo.”

“A-ano’ng...?” Lito ang tinging ibinigay ni Arianna kay TJ.

Ano’ng ibig nitong sabihin? Hindi isang Salamat si TJ, kundi isang Fontillejo?

W-wait. Fontillejo? Parang narinig niya na ‘yun, ah?

“Ikukwento ko sa’yo kaya makinig ka po, ha?” nakangiting sabi ni TJ sa kanya at


kinurot pa ang tungki ng ilong niya.

Wala sa sariling napatango na lang siya.

“’Yung totoo kong ama, hindi ko alam kung alam niya o hindi, na nag-e-exist ako sa
mundong ‘to. Si Mommy at siya, madalas silang magkita sa isang club noon. Then one
day, they were both drunk... My mom said they were both broken inside. Naikwento pa
nga sa’kin ni Mom na kaya raw naglasing ang tunay kong ama, was because the woman
he wanted was already with someone, and that someone was his best friend.”
Napakurap-kurap siya sa mga narinig niya.

Maya bagay na pilit na nagsusumiksik sa isip niya.

“And my mom’s reason? Well, vice versa.” TJ chuckled to his own. “Ayun na. Nalasing
na pareho, and when they woke up... you can guess what happened.”

She nodded in response.

“Pero matigas si Mommy. Hindi niya pinaalam sa tunay kong ama na dinadala niya na
‘ko. Ayaw niya raw maobliga ‘to dahil lang sa isang pagkakamali.”

Her heart broke into pieces when she saw and heard the pain in TJ’s last word.

“No, TJ. You were never a mistake.”

But she knew very well from TJ’s forced smile, he didn’t buy that—he will never.

She placed her hand to his cheek and caressed his soft skin. “If you are, you are
the best mistake that’s ever happened.”

TJ closed his eyes, as though savoring her touch. When he opened his eyes, that was
the first time TJ gave her his warmest smile since he revealed the big secret.

“Thank you,” he whispered.

He caught her hand, then he placed a tender kiss on the back of it. He just held
her hand on his lap as he continued telling the story.

“She left...” pagpapatuloy nito. “She never came back. And that’s it.”

“And??” tanong niya na halatang sabik sa iba pang impormasyon.

Natawa si TJ. “And what?”

“What what? I mean, why are you with Papa Ren? I—I really thought he was your
father.”

Kung hindi pala si Papa Ren ang tunay na ama ni TJ, bakit wala si TJ sa poder ng
mommy nito kasama si Joice? Kay Tita Alessandra?

“Best friends sina Mommy at Papa. Si Papa ang palaging kasama ni Mommy noong
ipinagbubuntis niya ‘ko hanggang sa maipanganak na ‘ko. Kaya ang lagay, tunay na
anak na ang turing sa’kin ni Papa. Noong makilala ni Mommy ang daddy ni Ching,
hindi nito alam na may anak na si Mommy. Noong magpakasal sila, saka lang sinabi ni
Mommy ang tungkol sa’kin na kinagalit naman ng daddy ni Ching.”

God. Nagawang itago ni Tita Alessandra si TJ nang gano’ng katagal?

“Kaya ang resulta, inako ako ni Papa. Ayaw mang pumayag ni Mommy, buntis na rin
siya kay Ching noon kaya pumayag na siya na alagaan ako ni Papa. You see, open
sa’kin si Mom kaya alam ko ang istorya ng buhay ko. Medyo mabait naman kasi ang
daddy ni Ching at pinayagan nitong magkita kami ni Mom. Nadagdagan pa nga ang bait
nu’ng pati si Ching pinapasama na rin.” Mag-isa na namang tumawa si TJ.

Titig na titig lang siya rito.

“Alam mo ba kung ano’ng pangarap ko noong bata pa ‘ko.... hanggang ngayon?”


nakangiting tanong nito sa kanya.

Hindi siya sumagot. Sa halip, hinintay niya lang na magpatuloy si TJ.

“Ang makita siya...” He smiled, and swear, she saw hope in those beautiful brown
eyes. Pero sandali lang ‘yon, yumuko kasi agad si TJ.

Ang simple ng pangarap ni TJ. Ang makita lang ang tunay na ama nito? Simpleng
pakinggan. Pero parang mahirap makamit ang katuparan kasi nga, lahat walang
kasiguraduhan.

“Hindi ba dapat, ang makasama siya?”

Inangat ni TJ ang paningin sa kanya at tinitigan siya, habang siya naman, titig na
titig lang sa mukha nito.

Oh, my God.

Pinilit niyang kumalma. Parang may luhang gustong bumagsak mula sa mga mata niya.

Totoo ba ang naiisip niya?

“Kuntento na ‘ko kila Mommy, Papa at Mama, kay Joice at Meg. Lalung-lalo na, sa’yo.
Kayo ang pamilya ko. Kung tutuusin nga, mas malaki ang pamilya ko kumpara sa iba.”
Bahagyang ngumiti si TJ pagkaraa’y bumuntong hininga. “Malay ko kung may iba na
siyang pamilya, di ba? Hindi ko na hinihiling na makasama siya. Ni picture kasi
wala, e. Ayokong mag-expect. Kasi sa totoo lang? Masakit ‘yung wala ako sa poder ng
tunay kong nanay. Nakakaya ko lang kasi nand’yan sina Mama’t Papa.” Pinaningkitan
siya ni TJ ng mga mata habang nakangiti. “Hoy, ‘wag mo ‘kong kaawaan, ha.”
She frowned. “Hindi talaga, ‘no. To tell you the truth, I am proud of you. Awa?
Hindi lang naman ikaw ang iniwan ng mga magulang. Hindi lang ikaw ang inayawan.
Pero alam mo kung ano’ng kinaiba mo? ‘Yung iba, magrerebelde. Pero ikaw? Minahal mo
sila nang pantay-pantay kahit na may pagkukulang sila. Hell, ni hindi nga alam ng
totoo mong tatay na merong ikaw, e. Pero alam ko, mahal mo siya. Di ba?”

Deretso lang ang tingin ni Tj sa kanya. Para bang napaisip sa sinabi niya.

“Hindi ko alam. Pwede bang mahalin mo ang isang tao kahit ‘di mo pa ‘to nakikita?
Ni wala akong ideya tungkol sa kanya. Mahal ko ba siya? Ewan. Pero tatay ko ‘yun,
e. Ang alam ko lang, utang na loob ko ‘tong buhay ko sa kanya.”

Nangingilid na ang mga luha niya.

How could he be so understanding? Kung iba ‘yon...... hindi niya alam.

Kung dati proud na proud siya kay TJ, hindi niya alam na may may ima-mas pa pala
‘yon.

Sinimangutan siya ni TJ. Pero pagkaraa’y hinawakan siya sa mukha. Hinalikan siya
nito sa noo.

“’Wag mo nga akong iyakan. Epal ka ba?”

Du’n na siya natawa. Pero hindi na siya nagsalita. Hindi niya kasi maide-deny na
para rito kaya gusto niyang maiyak. She lied earlier. Oo, naaawa siya sa batang TJ.
Na-i-imagine niya ang batang TJ na naghihintay na makilala ang totoong ama. Pero
ang batang TJ ‘yon. Kasi ang TJ ngayon? Kuntento. Mas sasaya lang kung makikilala
ang totoong ama, pero kuntento sa kung ano’ng meron ngayon.

“Alam ko, sa iba, kung alam nila ang kwento ko, sasabihin nila na ayaw sa’kin ng
mga magulang ko. Na nagawa nga akong itago ni Mommy noon, e. At na ngayong close
nga kami, pero ayaw niya pa ring makasama ako. Maybe it’s just me, but I really
hate the f-cking thought that someone might think of it that way because at some
point, it is. I hate that I sometimes feel rejected. I hate that I can’t help but
feel that way. That I’m not enough. That they don’t want me. That nobody wants
me... Bata pa lang ako, ‘yan na ang tumatak sa utak ko. Pero ngayong naiintindihan
ko na lahat, pilit ko nang tinatapon ang mga isiping ‘yon. ‘Yun nga lang......
nandito pa rin,” TJ pointed a forefinger to his head.

Nagsimula na namang mangilid ang mga luha niya. Gusto niyang maiyak pero
pinipigilan niya para kay TJ.

Cupping his face, she made him look at her straight in the eyes. “TJ, I love you.
Mama and Papa, my parents, pati barkada. We love you. Of course, Joice and your
real mom, they love you. It’s just... the situation....”
“I know.” He gave her a soft smile. But a look that told her to drop the subject
and her expression.

She did. Hindi na siya humirit. She just heaved a sigh.

“Ayaw ko lang mag-expect. Para kahit ayawan niya pa ‘ko, makita ko lang siya, okay
na. Sapat na. Hindi na ‘ko masasaktan kasi hindi naman ako umasa.”

Pero bakit kahit iyon ang sinabi ni TJ, iba pa rin ang nakikita niya sa mga mata
nito?

Umiling siya. “No. You want to be with him. I can see it in your eyes. Gusto mo
siyang makasama.”

Natulala si TJ sa kanya.

“The point is... does he want me?”

And then he smiled.

Holy sh-t.

That smile... That photo... That man...

“Oh, my God.”

Nagtatakang napatingin si TJ sa kanya.

God. TJ really looked like him. The man she was so curious to meet. Her parents’
other best friend. The man who wanted to have both her and her mom. The man whom
she thought she saw somewhere. This man in front of her and that man.....

“Gabriello Fontillejo...”

Gulat at pagtataka, pero ang mas nangibabaw... nagliwanag ang ekspresyon ng mukha
ni TJ nang marinig ang sinabi niya.

“Kilala mo ang tunay kong ama?”


“DAD?” pukaw ni Arianna sa atensyon ng daddy niya. Kanina pa ‘to tahimik katulad ng
mommy niya at ni Brianna.

Umuwi na sila sa bahay nila. Nakiusap kasi si Tita Alessandra—tunay na nanay ni TJ—
na kailangan daw munang mag-usap ng mga ito kasama si TJ bilang... pamilya.

Nag-uwian na rin ang barkada pero parang worried ang mga ‘to. And she was dying to
know why. Clueless siya. Ayaw sabihin ng mommy’t daddy niya sa kanya kung ano’ng
nangyayari. Maski si Brianna.

“H-huh?” tila wala sa sariling tugon ng daddy niya.

Okay, this was getting really weird. She heaved a sigh, then forced a smile.

“Dad, what’s going on? Mom? B?” Isa-isang tinignan niya ang mga ‘to. “Bakit ganyan
ang mga itsura n’yo? Dad, nag-away ba kayo ni Mom tapos nakisali si B kaya away-
away na ‘to? O baka naman nanalo tayo sa lotto pero napanggatong ni Yaya ang
ticket? Pero oo nga pala bakasyon din si Yaya tsaka may kalat at gas naman tayo.”

Hindi niya na alam kung anu-ano ang pinagsasabi niya. Basta tuloy-tuloy lang siya
sa pagsasalita. May mali kasi sa kutob niya, e.

“Don’t tell me ampon ang isa sa’min ni B? That’s funny.” She forced a laugh. “Come
on! Bakit parang nalugi kayo? Galit pa rin ba ang tunay na tatay ni Troy sa inyo? O
baka naman may aalis....”

Unti-unting nawala ang pilit na ngiti sa mga labi niya. Hindi niya alam kung sa’n
nanggaling ang huling sinabi niya.

Ang mommy niya’t si Brianna, nakamasid lang habang tinitigan siya ng daddy niya na
para bang... he was sorry for something. Something like her last sentence....

Bigla na lang siyang tumakbo palabas ng bahay nila at tuloy-tuloy sa bahay nila TJ.
They tried to stop her, but she didn’t. Walang ibang pumasok sa isip niya kundi ang
pagkumpirma sa mga nangyayari.

Aalis? Si TJ? NO! Hindi pwede!

“TROY!” Naabutan niya si TJ na paakyat sa hagdan.


Napahinto ito pagkarinig sa boses niya, pero hindi siya nilingon.

Sa sala dumako ang paningin niya. Nandoon sila Papa Ren, Mama Mina, Tita Alessandra
at ang tunay na ama ni TJ—si Tito Gabriello. She froze when Tito Gabriello also
looked at her. The man gave her a bland look, then turned to look at TJ’s
direction.

“You don’t need to think about it, son. You must—“

Hindi na natapos ni Tito Gabriello ang sinasabi dahil nagsalitang bigla si TJ.

“Sorry, hindi muna kita maide-date ngayon. Sayang...” Mapaklang ngumiti si TJ.
“Still, happy one year, Helen.”

TJ left. Without even looking at her.

KASAMA nila ang barkada sa labas ng bahay nila TJ.

Wala. Nagkayayaan lang.

Si TJ kasi, two days nang hindi lumalabas ng bahay. Kaya ngayon, inaya niya ang
barkada para naman lumabas si TJ kahit papa’no. Buti naman lumabas na.

Katabi niya ‘to ngayon. Tahimik lang sila habang hawak nito ang kamay niya. Hindi
rin sila nakikisali sa kwentuhan ng barkada.

Pero nauubusan na ata ng kwento ang barkada, wala pa ring balak magsalita si TJ.
Nakatitig at pinaglalaruan lang nito ang kamay niya.

Naalala niya na namang bigla ‘yung gabing unang nagkita si TJ at si Tito Gab.

He called her Helen. At tinatawag lang siya nito sa unang pangalan niya kapag
nagiging overprotective ‘to sa kanya. Nababagabag tuloy siya. Ni hindi binabanggit
ni TJ sa kanya ‘yon. Naging tahimik lang talaga ‘to sa nakaraang dalawang araw.

“Troy, I can listen,” mahinang sabi niya.


Matagal bago ‘to sumagot. Na para bang ayaw nitong ipaalam sa kanya kung ano man
ang bumabagabag dito.

Fine. Ayaw magsalita. Baka mabadtrip pa, hahayaan niya na lang.

“Kailangan ako ng tatay ko.”

Okay. Pwedeng ‘wag masyadong manggulat? Nagulantang naman kasi siya ro’n. Tatahimik
na nga dapat siya, e.

“Syempre naman. Anak ka niya, e. Di ba, gusto mo rin siyang makasama?” Hindi niya
ata naitago ang biglaang paglungkot sa boses niya. Isipin pa lang kasing malalayo
siya kay TJ.... ang hirap na.

“Ang sabi ko, kailangan ako ng tatay ko, hindi gusto akong makasama ng tatay ko,”
pagdidiin ni TJ.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” Kasi parang magulo sa kanya ‘yon.

“Wala.” He sighed.

Gusto niyang magtanong ulit pero pinigilan niya na ang sarili niya. Baka kasi
mabadtrip na talaga sa kakulitan niya, pati siya hindi na kausapin.

Mahabang katahimikan na naman ang nangibabaw sa kanila.

Okay. Hindi na talaga siya makatiis. Hindi pwedeng ganito lang, e.

“Troy, bata pa naman tayo. Pwede pa tayong maghiwalay and when we meet again, we
can work things out. O kaya, long-distance relationship. Di ba? We can wait for
each other. Parang nu’ng nasa Canada lang ako. Medyo mas matagal nga lang. Pero
kaya natin ‘yon. Tayo pa!” Pinasaya niya pa ang tono niya. “Kaya kung gusto mong
sumama sa daddy mo, okay lang—“

Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang biglang humigpit ang hawak ni TJ sa
kanya. Hindi kasi ‘yung higpit na parang nanggigigil lang, e. Para kasing senyales
‘yon na tumigil na siya sa pagsasalita dahil galit na ‘to.

“Bakit ba gusto mong sumama ‘ko sa kanya? Gusto mo bang maghiwalay tayo? Sawa ka na
ba sa’kin? Gusto mo ba ng experience sa ibang lalaki? Kating-kati ka na bang
maghiwalay tayo?”

Natahimik ang barkada sa galit na tono ni TJ. Maski siya. Seryoso, hindi niya
inaasahan ‘yon. Pa’no’ng gano’n ang naisip ni TJ sa kanya? Hindi naman iyon ang
ibig niyang sabihin, e.

Gusto niyang magpaliwanag pero binitiwan ni TJ ang kamay niya at tuloy-tuloy ‘tong
pumasok sa loob ng bahay. Sinundan niya ‘to pero ayaw siyang lingunin. Hanggang sa
makarating sila sa kwarto nito. Mapapagsaraduhan na nga dapat siya nito kung hindi
niya lang naiharang ang braso niya. Hinayaan na siya nitong pumasok. Naupo ito sa
gilid ng kama na halatang galit pa rin ang itsura. Nilapitan niya ‘to at tinabihan.

“Troy... hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Iniisip ko lang na baka gusto mong
makasama siya. Mahal na mahal kita kaya ba’t ko gugustuhing maghanap ng iba?
Listen, Troy. Alam ko ang nararamdaman mo. Nakaka-relate ako. Hindi ko rin kilala
ang ama ko dati, but when I saw him, I wanted to be with him. Kaya nga iniisip ko
lang na baka—“

“I—I know. I know... Sorry... Nagiging sensitive na ata ako these last few days.
Sorry...” Yumuko si TJ.

Nakahinga siya nang maluwag. Buti naman at hindi ‘to galit.

“Oo nga, e. Sungit mo lalo. Siguro meron ka.”

Napangiti si TJ sa sinabi niya. Napangiti rin siya. Dalawang araw niyang namiss ang
ngiti nito.

Hinawakan na naman nito ang kamay niya tsaka siya tinignan.

“Alam mo naman ‘yung kasabihan na ‘age doesn’t matter’, di ba?” tanong nito.

Napakunot-noo siya. Age doesn’t matter? Pa’no naman napasok sa usapan nila ‘yon?
Tsaka, hindi naman magkalayo edad nila, ha?

“Hindi lang ‘yun para sa mga may May-December love affair. It can also apply to us.
Kahit bata pa tayo, hindi ibig sabihin no’n, hindi na totoo ang nararamdaman natin.
Bakit ipagpapabukas ko pa na mahalin ka, kung noon pa man mahal na kita? Wala
tayong kasiguraduhan sa mga mangyayari sa’tin, kaya dapat sinusulit ang bawat araw
na dumarating.”

Ang lalim magsalita ni TJ ngayon. Dati hindi niya akalang kayang magseryoso nito,
pero ngayon? Napapatango na lang siya sa mga makahulugang salita nito.

“Katulad sa’yo. Ayokong maghiwalay tayo. Ewan ko. Kaya ko, oo, pero ayoko.
Naiiintindihan mo ba ‘ko? Sorry... sobrang mahal lang talaga kita kaya ayokong iwan
ka.”

Hindi niya napigilang ngmuiti.


How could he love her and only her? Sobrang swerte niya.

“Pa’no ang daddy mo?”

“Hamo siya, malaki na siya.”

Natawa na lang siya. Napaka-unpredictable ng mood ng lalaking ‘to kahit kailan.

Pero biglang napaseryoso siya nang biglang pumasok sa isip niya ang tinging
ibinigay sa kanya ni Tito Gab no’ng gabi ng anniversary nila ni TJ.

Kasi ‘yung tingin nito... Para bang... para bang ayaw nito sa kanya.

Biglang bumalik ang pangamba niya. “Sakaling pilitin ka niya, sasama ka ba?”

“Maiiwan kita.”

“So, iiwan mo rin nga ako?”

“Na para bang kakayanin ko.”

“Then don’t.”

“I won’t... I promise.”

— — —

=================

49. Leave it to B.
49. LEAVE IT TO B.

PAUWI na si Brianna. Tapos na rin kasi ang klase niya at wala siya sa mood makipag-
kulitan sa mga manliligaw niya kaya tinaboy niya na ang mga ito. Wala rin siyang
kasabay since may klase pa ang kambal niyang si Arianna, may kanya-kanya ring dates
ang barkada niya at ayaw niya namang makisawsaw pa.

Nakalabas na siya ng university. Naglalakad na siya papunta sa sakayan ng jeep nang


mapansin niya ang isang puting sasakyan na nakasunod sa kanya. Hindi naman sa
assuming siya, pero sa laki ng daan, bakit ito magbabagal sa pagtakbo? Pero hindi
siya kinakabahan. Sa pagkakaalam niya, wala naman siyang mortal na kaaway.

Teka. Hindi kaya, may nai-date siyang baliw? At nang makipag-break siya ay hindi
kinaya ng powers nito at mas lalong nabaliw kaya ipapa-kidnap siya? Ganda naman
niya.

Peep!

Nagitla siya sa biglang pagbusina ng sasakyang nakasunod sa kanya. Nasa gilid na


niya ito. Tinted ang sasakyan kaya hindi pa rin niya makita kung sino ang sakay
nito. Unti-unting bumaba ang bintana sa passenger seat.

“Let’s have a talk,” said the authoritative voice.

Wait... Tama ba ang nakikita niya?

Ang totoong ama ni TJ?

Well, well. Look who wanted to talk her.

Hindi siya tuminag. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

Kahit tatay ‘to ni TJ, naiinis pa rin talaga siya sa lalaking ‘yon. Pilit nitong
inilalayo si TJ sa pamilya nila. Nahihirapan na nga si TJ pero hindi pa rin nito
pinapahalata sa kambal niya, e.

Akala mo teenager. Bitter! inis na naisip niya.

‘Yun lang naman talaga kasi, di ba? Malamang apektado pa rin ito sa nakaraan nito
at ng mga magulang niya kaya ganoon na lang ang pilit na mailayo si TJ sa pamilya
nila.
The irony. Noong hindi pa nila nakikita ni Arianna ang dating best friend ng mga
magulang nila, excited na excited sila. Lalo na si Arianna. Feeling pa nga nito
makakasundo nito ang lalaki. Pero ano ngayon?

Kung pa’no niya nalaman ang gustong paglalayo ng Gabriello’ng ‘yon kay TJ, well,
let's just say, malakas siyang makiramdam. Kaya kinukulit niya lagi si TJ para lang
mapaamin ito. Wala na ring nagawa si TJ kundi ang mag-open up sa kanya.

“I won’t hurt you, young lady.”

Nagdadalawang isip siya. Sasama ba siya? Ano naman ang kailangan nilang pag-usapan?

“It’s about you and my son.”

Napahinto siya. Sayang, gusto niya sanang matapilok para sa effect, e.

How stupid. Seryoso, gusto niyang matawa.

Ang tanga naman nito. Sa yaman nito, bakit hindi nito nagawang ipa-imbestiiga muna
silang dalawa ni Arianna bago ito gumawa ng hakbang? Hindi ba nito alam na hindi
hinahayaan ni TJ na umalis mag-isa ang kambal niya?

Gustong sumilay ng mapaglarong ngiti sa mga labi niya pero kinimkim niya ‘yon.

“Okay,” sarkastikong nginitian niya ang lalaki pagkaraa’y pinagbukas siya ng pinto
ng sasakyan.

Sa loob ng sasakyan, wala pa rin silang imikan ng lalaking katabi niya. Hanggang sa
huminto sila sa isang mamahalaing restaurant.

Pumasok sila sa loob at nagtuloy sa isang kwartong ipina-reserve nito. Lalo siyang
nainis. Tahimik na nakaupo lang siya. Naghihintay siya sa sasabihin ng nasa tapat
niya.

May lumapit na waiter sa kanila at nag-abot ng menu. Hindi niya kinuha ang iniabot
na menu sa halip ay walang emosyon na tinignan ang lalaking nasa katapat niya.

“If you don’t mind, let’s proceed to the talk,” sabi niya. Ayaw niya nang magtagal
pa na kasama ang lalaking ito. Mas lalo lang umiinit ang ulo niya.

Tumikhim ito at ibinaba na lang ang menu sa table. Sinenyasan nito ang waiter na
iwan muna sila.

“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Layuan mo ang anak ko.”


Katulad ng inaasahan.

Seryoso ang mukha, pero nakangiting sumagot siya. “Ayoko.”

Gusto niyang matawa. Gusto niya kasing mainis ‘to. At mukhang nakukuha naman niya
ang gusto niya. The man was starting to get irritated.

“You must,” he stressed out the last word.

“Try me,” she challenged.

“I’ve already started, young lady. By every means, ilalayo ko sa’yo ang anak ko,”
mariing sabi nito.

Lalong lumapad ang ngiti niya. “I know. Kaya nga inumpisahan mo na sa kompanya ng
mga magulang namin, di ba? Sa kompanyang kahati ang mga tumayong magulang ng anak
mo.” Mas nagiging sarkastiko ang ngiti niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig
niya. “Hindi na ba kayo nahiya? Ni katiting na hiya ba, wala kayo? Ang nagpalaki at
nag-alaga ng buong puso sa anak n’yo, pinapasakitan n’yo ngayon dahil lang sa
bitter kayo sa nangyari sa inyo ng mga magulang ko? Well, tell you what.” Her
expression hardened. “You’re so pathetic, Mr. Fontillejo.”

Bakit kailangan niyang galangin ang taong dahilan ng unti-unting pagbagsak ng hindi
naman kalakihang kompanya ng mga magulang nila? To think na wala naman talagang
kasalanan ang mga magulang niya sa kamartiran nito. At ngayon, nadadamay pati ang
mga walang kinalamang tumayong magulang ni TJ? Para lang mapaglayo ang wala namang
kasalanang kapatid niya at si TJ? Bakit kailangang pahirapan nito ang mga walang
kinalaman sa sarili nitong problema? She would never respect this man!

“I don’t care a bit about anything you’ve said and would say. End everything with
my son.” Hindi na ata mawawala ang awtoridad sa tono nito.

“Must I repeat myself? I. Won’t.”

Walang sabi-sabing tumayo siya at naglakad papunta sa pinto nang marinig niyang
muling nagsalita ito sa mataas na tono.

“Ipapakasal ko ang anak ko sa isang mayaman at edukadang babae. Mas karapat-dapat


kaysa sa isang walang pinag-aralan at bastos...!” Malakas at pinagdiinan talaga
nito ang huling salita. “....na kagaya mo.”

Kaunti na lang at baka mapatulan niya na ang matandang hukluban na ‘to. Kung si
Arianna ang nakausap nito, malamang na ganito rin humantong ang pag-uusap ng mga
‘to. Knowing how rude her sister could get.
“You will end your relationship with my son and you can’t do anything about that.
I’m leaving you no choice.”

Whatever. Whatever. Whatever, was her mantra just to stay calm even though she was
getting nervous to how far could the man get just to destroy her sister’s
relationship with TJ.

She couln’t let the man see that, so she just smirked.

Isang huling sulyap ang ibinigay niya rito.

“Neknek mo. Good luck na lang sa’yo.” She added the flip-hair effect to heighten
her act before she finally left the place.

BRIANNA tried to keep her cool, but failed.

Paglabas na paglabas niya sa restaurant, inis na nagpapadyak agad siya.

“To hell with that man! Curse him! Squeeze him! Strangle him! Kill h—“

“Kawawa naman ‘yung hangin. Hindi na nakahinga.”

Napatingin siya sa biglang nagsalita. Nakatingin ‘to sa kamay niyang akala mo may
hawak at pinipilipit na kung ano pero wala naman talaga siyang hawak.

“Gusto mong ikaw ang kawawain ko?” pagtataray niya rito.

“Oyy, taray! Haha. Peace tayo, Bergi-Bergi!” ginaya pa nito ang bergi-bergi step na
pinauso ni Luis Manzano.

Bwiset na isip bata talaga. Bergi ang tawag nito sa kanya. Kung bakit? Aba, ano'ng
malay niya sa may topak na malibog na isip batang 'to? Nagsimula ata iyon sa isang
burger. Kumakain sila nang biglang isalpak nito sa bibig niya ang malaking burger
saka ito sumayaw ng bergi-bergi ni Luis. Kaya ayun. Napakawalang-katututrang
dahilan.
“Peace-in mo mukha mo! Tapyasin ko ‘yang baba mo, e.”

“Oooy, nagtataray lalo! Haha. Sino bang hinayupak ang nagsabi sa’yong mas gumaganda
ka kapag nagtataray ka? Aba’y ‘wag mong sasagutin, binobola ka lang no’n. Hahaha.”

“Tangna mo, Keslibog. Lubayan mo ‘ko.” Naglakad na siya paalis. Pero sinundan pa
rin siya ni Third o Keslibog kung tawagin niya.

Bakit Keslibog? Kasi, brutal siyang makipagtalo rito noon. Laging hinahampas,
kurot, sipa, tadyak o kung anu-ano pa. Puro sangga naman ang ginagawa nito,
mahihina at pabirong hampas at kurot lang hanggang sa mahawakan siya nito sa... err
—boobs niya. Kaya ngayon ayaw niya nang dumidikit dito. Baka kung ano pa’ng
mahawakan nito.

At ngayon, siya na naman ata ang target nitong asarin. Palibhasa nasa malayo ang
syotang si Margarette kaya puro landi ang alam.

“Himala. Binasted ka ba ng lalaking ka-date mo ngayon? Aww... sadness,” asar nito


sa kanya.

“Dream on, Keslibog. Dream on.” Patuloy lang siya sa paglalakad.

“Tsk-tsk. Sabi ko naman sa’yo, e. Hangga’t nandito ako sa mundong ‘to, ‘wag mong
isiping the best ang syota mo.” Tsaka na naman ‘to tumawa nang mapang-asar.

Huminto na siya at hinarap si Third. Hindi na ba natigil ang pages-search nito ng


mga banat sa internet? Nakuha na ata nito lahat, e.

“Isa pa, tatadyakan na kita,” banta niya.

“Uuy... Sige nga, sige nga?”

Doon siya hindi naka-imik. Of course, alam nitong umiiwas siyang madikit dito. The
nerve.

“Super steady ka naman d’yan... Galawin kaya kita?”

What the f! “LIBOG! Argh!” Pinaghahampas niya na ‘to sa braso. “Ang libog libog mo!
Napaka-libog mo kahit kailan malibog kang libog ka!”

“Ow! Masakit! Haha. Kitams? Edi, nadikit ka na sa’kin! Hahaha!”

Tumigil siya sa paghampas. Strategy pala ‘yon! Argh!


“Pero seryoso na muna, Bergi,” nawala ang ngiting sabi nito sa kanya. “Nakita ko
kayo ng tooong ama ni TJ kaya sinundan ko kayo. Tsk. May pag-asa pa bang......
maagaw ko si Annambong ko kay Jepengson?”

Nanlaki ang mga mata niya. Ewan niya kung siya lang ang nakakahalata no’n, pero
feeling niya naman kasi talaga, may gustong ‘tong si Third kay Arianna. Pero bago
pa siya makapagsalita, naunahan na siya ni Third.

“Kidding! Haha. Selos ka na naman!”

Bwiset talaga ‘to. “Asa ka pa.”

“Pero seryoso. Bakit ka sinundo ng tatay ni TJ?” seryosong tanong nito sa kanya.

“Tsk. Makinig ka, kokonyatan na kitang libog ka.”

Sunod-sunod na tango naman ang isinagot nito sa kanya habang nakangiti.

“Ganito kasi... Ang akala niya, ako si A....”

Kinwento niya ang buong nangyari kani-kanina lang kay Third.

“Paktay! Ano na’ng mangyayari sa magsyotang ‘yon?” tanong nito sa kanya matapos
niyang maikwento ang lahat.

“I have a plan.”

“Leche flan? Uy, gusto ko ‘yan! Asan?”

Pak!

Binatukan niya nga.

“Pwede bang seryoso muna? Gusto mong ulanin na naman kita ng mura? Bwiset ka
talaga.”

Hinimas-himas nito ang likod ng ulo na sinapul niya ng kamay niya.

“Tss. Kailan mo kaya ako uulanin ng pagmamahal, e, ‘no?” bulong ni Third na


masyadong mahina kaya hindi niya naintindihan.
“Ano’ng sabi mo?” asik niya rito sa pag-aakalang may masamang sinabi ‘to sa kanya.

“Wala! Sabi ko ampogi ko! Ano ba’ng plano mo?”

Kailangan nakasigaw sa kanya?

“E, ang papangitin ka!” ganting sigaw niya.

“Hah! Wala ka nang pag-asa!”

“Kasi pangit ka na!”

“Kaya pala na-in love ka!”

“EXCUSE ME?!”

“Sa laki ng daan na ‘yan nag-e-excuse ka pa?!”

“You—“ She could’t believe this. Hindi siya manalo-nalo sa lalaking ‘to! “Namo!
‘Wag mo na nga akong kakausaping sira-ulo ka! Get lost!”

“Saan naman ako pupunta, aber?”

“Sa impyerno! Gusto mo ng mapa?”

“Hindi na. Samahan mo na lang ako. Di ba, galing ka ro’n?”

“You—bastard! Arrgh! Bwiset!”

“Hahaha!”

Naglakad na lang siya palayo rito habang tawa naman nang tawa ang sira-ulo.
Sinusundan pa rin siya nito pero nagtakip na lang siya ng tenga at hindi na lang
ito pinansin.

Sa laki ng problemang ibinigay sa kanya ng tatay ni TJ, wala nang panahon siyang
dapat aksayahin.

Ipapakasal nito si TJ sa iba!

Dahil lang anak ni Daddy at Mommy si A, kaya hindi na pwedeng maging sila ni TJ? No
way! I mean, yes way! They can be together! determinadong isip niya. We’ll make it
happen.

— — —

=================

50. Unexpected.

50. UNEXPECTED.

KINAKABAHAN si Arianna.

Shit. Ganito ba talaga ang feeling ng debutante? Si Brianna kaya kinakabahan din?

Hoo! Hingang malalim, Arianna! Kaya mo 'yan! Hoo! pagpapakalma niya sa sarili.

Shit, naiihi pa ata siya!

Okay. Relax. Inhale. Exhale. Hoo.

Humarap siya sa malaking salamin.

“Amuchu muchu. Ganda ganda mo naman, Arianna. Sexy sexy. Hihi. Mukha ka nang tanga.
Hi hi hi,” parang tangang uto niya sa sarili.

Maiiihi na ata talaga siya, e. Ano ba kasing pakiramdam ‘to.

Nakarinig siya ng katok sa pinto ng kwarto niya. Napalingon siya ro’n. Bumukas iyon
at pumasok si Brianna. May pakatok-katok pang nalalaman, e, kwarto nila?
“B naman! Sa’n ka ba nanggaling?” Napatayo siya.

Kuntodo-ngiting pumasok naman si Brianna sa loob.

At dahil kambal sila, kambal din ang mga damit nila.

She was wearing a baby blue dress while Brianna wore a baby pink one. Pati ayos ng
mga buhok nila, magkapareho—magkaibang side nga lang.

“Bawal umihi, ‘te?” tatawa-tawang sabi ni Brianna. Naupo ito sa kama nila at
sinway-sway pa ang mga paa.

“B... bakit ang relax mo? Hindi ka ba kinakabahan?” Kasi parang siya lang ang hindi
mapakali, e. Habang si Brianna parelax-relax lang.

“Hindi naman tayo bibitayin, A. Bakit ba ang praning mo? Party lang ‘to. Our party.
Ano’ng nakakakaba ro’n?”

Hindi siya nakasagot. Oo nga naman kasi. Party nila ‘to. Bakit kabadong-kabado
siya? Baka himatayin pa siya nito, ha.

“’Lika nga rito, twin. Sit here,” tinuro ni Brianna ang space sa kama at pinatabi
siya.

Nagtitigan muna sila. Ang weird nitong si Brianna, sa totoo lang.

Parang ang saya-saya nito na ang lungkot din. Parang may alam itong mangyayaring
maganda at may alam din itong mangyayaring masama. Hindi kaya....

“B.... natatae ka ba?”

“What?!” Nanlaki ang mga mata ni Brianna. “Hahaha! Ang gaga mo, ‘te! Kakagaling ko
lang sa banyo kaya malamang na tumae na ‘ko kung natatae man ako. Parang tanga, A.
Katol pa! Hahaha.”

Napanguso na lang siya. “Malay ko naman kung tibi pala ‘yang tae mo,” bubulong-
bulong na sabi niya.

“Silipin mo pa! Kulet! Haha!”

Nag-nyenye na lang siya. Ang gulo kasi ng ekspresyon ng mukha, e. ‘Di niya talaga
maintindihan.
May kinuha si Brianna mula sa drawer na malapit dito.

“Here,” inabot sa kanya ni Brianna ang box. Isang maliit na box ‘yon. Parang
lalagyanan ng singsing... or earrings.

“B! Di ba napagkasunduan na nating wala tayong birthday gift sa isa’t isa? Ano
‘yan! Bakit—“

“Hindi naman ‘to birthday gift, ineng,” putol nito sa pagsasalita niya.

“Hindi? E, ano pala?”

“Kahon.”

“B!” Pektusan niya ‘tong kapatid niya, e. Pilosopohin daw ba siya sa oras na kabado
siya.

“Kahon nga! Mukha bang mamon?”

Aba, teka. Natututo na ‘tong batang ‘to, ha?

“Aanhin ko naman kasi ‘yan?” Pinaningkitan niya pa ‘to ng mga mata.

“Pahigop ka.”

“Biii!!”

“Kit? Bikit? Bikit ki bi imiiyik d’yin? Ikiw bi’y nititii?”

“Hay nako, Brianna! ‘Pag ganitong kinakabahan ako, nabablangko isip pambara ko!
Inaabuso mo!”

“Hahaha! Sabi na nga ba’t tama ang pag-e-enroll ko sa Troy Academy, e! Hahaha!”

Anak ng kambing talaga, oo. Totoo. Nagpapaturo ‘tong si Brianna kay TJ ng mga pang-
counter. Dapat kasi sa kanya. E, kaso mas magaling daw si Tj, kaya ayun. Taksil na
kapatid.

Kinuha niya na lang ang kahon. Nu’ng buksan niya, wala ngang laman.

“Sabi sa’yo kahon ‘yan, e,” tatawa-tawang sabi pa nito.


Bwiset na kapatid ‘to. Ano namang gagawin niya sa kahon? Try niya nga kayang
magpahigop?

Bumukas ulit ang pinto ng kwarto nila at pumasok naman ang mommy nila.

“Aw, my babies. Wow... Ang gaganda naman. Pa-hug nga sa mga dalaginding ko?” Her
mom opened her arms as she and Brianna reached to hug her. “Hmm... Dalaga na talaga
kayo. Paalala lang mga anak, ha? Enjoy-in muna ang pagkadalaga. Minsan lang sa
buhay ‘yan. Wala munang babies, okay?” paalala sa kanila ng mommy nila habang
nakayakap pa rin sa kanila.

Ayan na naman ang mommy niya sa baby warning. Walang palya.

“You heard Mommy, A? Wala raw munang babies!” sabi ni Brianna.

“Ikaw nga d’yan! Dami mo kayang boys!”

Tapos nagbelatan pa sila.

“Ops. Tama na ‘yan. Tara na’t bumaba na tayo. Nasa baba na ang daddy n’yo,” awat sa
kanila ng mommy niya.

Sumunod na sila.

SA Function Hall sa loob ng village nila ang venue ng party nila ni Brianna.

Blue and pink balloons were everywhere. May mga bubbles and smokes din sa iba't
ibang part ng hall.

Ang usapan hindi masyadong enggrande, e. Bakit nabobonggahan pa rin siya? Parents
niya talaga.

The party started. Ipinakilala na sila ni Brianna. Then the greetings, talks,
laughs.
Ang kasunod, The Grand Cotillion Dance. Pero mukhang may problema....

Ang partner niya, hindi niya pa nakikita!

Kanina pa. Kanina pa wala si TJ. Kanina pa siya kinakabahan. Bakit hindi pa ‘to
nagpapakita? Ni hindi pa sila nagkausap mula kaninang umaga. Ni hindi niya pa nga
‘to nakikita man lang, e. Ano nang nagyari ro’n?

Nagsimula nang magsipuntahan sa harap ang mga kasali sa sayawan. Pero siya,
hinahagilap pa rin si TJ.

“Uy, B. Nasaan si TJ? Wala akong partner,” pabulong na tanong niya kay Brianna.

In-indian na ba siya ni TJ?

“H-huh? Oo nga, ‘no. ‘Di ko pa rin nakikita. Hindi ba nagte-text sa’yo?” nag-aalala
na ring tanong nito.

“Hindi,” iiling-iling na sagot niya. Her phone was not with her at the moment. Pero
bago mag-umpisa ang party, wala naman siyang natanggap na text mula kay TJ, e. At
ang akala niya, makikita niya ‘to rito.

Bakit wala pa si TJ? Kinakabahan na siya.

Pasimula na ang tugtog at nang makita niyang wala pa ring TJ na dumating, nilapitan
niya na ang host at binulong dito na hindi siya makakasayaw dahil wala siyang
partner.

Pinaupo na lang siya nito sa isang upuan sa may gilid habang nagsimula na ang
cotillion dance. Isang linggo rin nilang pinagpractice-an ‘yon. Sayang. Pero okay
lang basta magpakita lang si TJ.

Palinga-linga lang siya habang nakaupo. Hindi niya na napanuod ang pagsasayaw.

Wala talaga si TJ! Nasaan na ba ‘yon? Kinakabahan na talaga siya.

Hanggang sa mag-umpisa na ang 18 Candles Presentation at sa matapos ito, wala pa


ring TJ na dumarating. Dapat talaga una ang 18 Roses. Pinagpalit na nga nila ang 18
Candles at 18 Roses para hintayin si TJ pero wala talaga. Mag-uumpisa na rin ang 18
Roses Dance.

Hindi na talaga siya mapakali. Sana dumating si TJ. Ito ang last dance niya. Sana
makahabol pa ‘to. Ano na ba kasi’ng nangyari sa lalaking ‘yon? Please, Lord, wala
sanang masamang nangyari.
“Relax, anak,” sabi ng daddy niya na kasayaw niya ngayon.

Ang daddy niya ang first dance niya. Last dance naman ‘to ni Brianna. Si Neil ang
first dance ni Brianna, then si Third muna before her dad.

Wala lang, agawan kasi 'yung dalawa kay Brianna. Pero mas type ata ni Brianna si
Third, kahit kunwari hindi. Kaya si Third ang second to the last. Kasi raw,
‘special someone comes before the father’. Hindi pa naman mag-on ang mga ito may
nalalaman nang paganu’n-ganu’n. Hindi niya nga alam kung break na ba sina Third at
Margarette o hindi, e.

At siya naman, ‘save the last dance for the special someone’ ang drama. Ang
problema nga lang talaga, nasaan nga ang boyfriend niya??

Ilang beses nang nabago ang mga kanta at ang mga lalaking nakakasayaw niya, pero
wala pa rin si TJ.

Kinakabahan na talaga sitya. May masama bang nangyari kay TJ? Bakit ni hindi man
lang ‘to nagpapakita?

Paglapit na paglapit sa kanya ni Papa Ren—ito muna kasi bago si TJ ang sayaw niya,
second to the last—agad niya ‘tong tinanong.

“Papa, nasaan na po si TJ?” nag-aalalang tanong niya.

Pero imbis na sagutin siya, yumuko lang si Papa Ren at tahimik na isinayaw siya.

What the hell... Iniwasan ni Papa Ren ang tingin niya!

Hindi na ‘to maganda. Ano ba’ng nangyayari?

“Papa, magsalita ka naman, o. Nasaan po si TJ?”

But then again, hindi siya sinagot ni Papa Ren.

Shit. Promise, natatakot na siya. May nangyari ba at bigla na lang sumama si TJ sa


totoo nitong ama? Kay Tito Gab? Madalas na kasing magpabalik-balik si Tito Gab kila
TJ para pasamahin dito. Hindi kaya sumama na si TJ? Pero sabi ni TJ hinding-hindi
siya nito iiwan! O baka naman kaya.... literal na pinilit si TJ ni Tito Gab?

No f-cking way. Hindi pwede! Please, please, please.

Pumainlalang na naman ang panibagong tugtog.


Turn na ni TJ, pero wala pa rin ‘to. Shit. Naiiyak na siya.

Nakatayo lang siya sa gitna at naghihintay sa wala. Lahat nagbubulungan na.

Si Brianna, nilapitan na ng daddy niya para isayaw. Samantalang siya, wala pa rin
si TJ para isayaw siya.

Shit. Naiiyak na talaga siya pero hangga't kaya niya, pinipigil niya ang mga luha
niya. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari kay TJ.

Lahat nakatingin at pinagbubulungan na siya. Pero walang nag-abalang ialis siya sa


gitna. Para siyang kawawang nakatayo lang sa harap nilang lahat. Gusto niya mang
umalis, pero parang itinulos na siya sa kinatatayuan niya.

Hanggang sa....

“Sir, I’m a bit nervous about being here today...”

Parang may bumndol sa dibdib niya nang marinig ang boses na ‘yon.

Napalingon siya pati na rin ang lahat sa pinanggalingan ng boses na nagmula sa


likuran ng lahat.

Ang lalaking umagaw sa atensyon ng lahat. Wearing his black three-piece tuxedo...

“Troy...”

Gusto niyang maiyak. Seryoso. Gusto niyang maiyak kasi nakita niya na ulit si TJ.
At walang masamang nangyari rito, thank God.

Akala niya umalis na si TJ! Akala niya iniwan na siya nito! But he was here. Shit,
kinabahan talaga siya ro’n!

Pero nagtaka siya nang habang papalapit ito sa direksyon niya, bigla na lang itong
lumiko. Papunta sa kinaroronan ni Brianna, at ng daddy niya.

“Still not real sure what I’m going to say. So bare with me, please, if I take up
too much of your time.”

Hindi na sinabayan ni TJ ang kanta. Ibinaba nito ang mic at kinausap lang ang daddy
niya. Sapat para ang mga ito at ang malalapit na tao lang sa mga ito ang makarinig.
See in this box is a ring for your oldestShe's my everything and all that I know
isIt would be such a relief if I knew that we were on the same sideCause very soon
I'm hoping that I...

Habang nag-uusap nang masinsinan ang daddy niya’t si TJ sa harap ng lahat—na


actually, si TJ lang ang nakikita niyang nagsasalita at nakikinig lang ang daddy
niya—ngayon niya lang lubusang napagtuunan ang kanta.

Can marry your daughterAnd make her my wifeI want her to be the only girl that I
love for the rest of my lifeAnd give her the best of me 'till the day that I
die,I'm gonna marry your princessAnd make her my queenShe'll be the most beautiful
bride that I've ever seenI can't wait to smileWhen she walks down the aisleOn the
arm of her fatherOn the day that I marry your daughter

Oh, my God.

This time, hindi na napigilang tumulo ng mga luha niya.

Habang patuloy ang kanta, patuloy rin sa pag-uusap ang daddy niya’t si TJ, habang
siya, patuloy sa tahimik na pag-iyak.

Troy was asking for her father’s blessing!

Naramdaman niya na lang na may nag-abot sa kanya ng mic mula sa likuran niya. Si
Brianna! Ngingiti-ngiting inabot nito sa kanya ang mic. God. Planado ng mga ito ang
lahat!

Nu’ng sa palagay niyang tapos nang makipag-usap si TJ sa daddy niya, bumaling si TJ


kung nasaan siya. Mas lalo siyang naiyak.

Bakit ang gwapo nito? Not his normal hairstyle na nakataas parati ang buhok. Bagsak
iyon at lalong nagpagwapo rito. Parang naging maamo ang mukha nito.

Napalingon siya sa katabi nito, sa daddy niya. Isang tango ang ibinigay nito sa
kanya. Alam niya na kung para saan iyon.
She smiled to her father as though thanking him.

Then, bumalik na naman kay TJ ang tingin niya. Nginitian siya nito. At feeling
niya, nag-slow motion ang lahat. Feeling niya, sila lang ni TJ ang nasa loob ng
function hall.

Hanggang sa sinabayan na ulit ni TJang kanta at naglakad palapit sa kanya.

“The first time I saw her, I swear I knew, that I’d say I do...”

Hindi niya ulit napigilang maluha sa message ng kanta, lalo pa nang si TJ na ang
kumanta.

"I'm gonna marry your daughterAnd make her my wifeI want her to be the only girl
that I love for the rest of my lifeAnd give her the best of me 'till the day that I
dieI'm gonna marry your princessAnd make her my queenShe'll be the most beautiful
bride that I've ever seenI can't wait to smileAs she walks down the aisleOn the arm
of her father

On the day that I marry your daughter..."

Paglapit ni Tj sa kanya, pinunasan agad nito ang mga luha niya pero
habang kumakanta pa rin, hanggang sa matapos ang kanta.

Mahinang hinampas-hampas niya rito ang hawak niyang mic.

“Kainis. Hindi mo ba alam na nag-alala ‘ko? Akala ko umalis ka na! Akala ko sumama
ka na sa daddy mo! Akala ko—“

“Hush, baby. Di ba sabi ko sa’yo hindi kita iiwan? ‘Wag ka ngang umiyak. Baka
mainggit sila sa ginagawa ko sa’yo, mapressure pa mga boyfriend nila,” biro nito sa
kanya.

Kahit kailan talaga napakayabang nito. Pero dahil do'n, mas minahal niya ‘to.

Alam niyang pinapanood sila ng lahat. Kahit ba hindi naririnig ng mga ito ang
pinag-uusapan nila ni TJ dahil sa mahina lang naman tapos natatabunan pa ng mellow
song. Syempre, may mga kinikilig, may mga humahanga.
“Edi, mainggit sila! Kainis ka! Sobra mo kaya akong pinag-alala! May pakanta-kanta
ka pang nalalaman d’yan. Gumagawa ka pa ng eksena. Ang papansin mo!”

Biglang nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi niya. Hindi niya namamalayang
napapalakas na pala ang boses niya. Si TJ kasi, e.

“Ganu’n talaga. Gwapo, e. Try mong maging gwapo minsan. Nakaka-stress din kaya,
akala mo.”

“Sang-ayon ako sa’yo, Jep-jep!”

Napalingon silang dalawa sa sumigaw na si Third.

What the... Hanggang sa moment ba naman nila na 'to, nakikisingit pa ang isang
‘yon? Sobrang exposure ang bata!

“Ah... Jep-jep? May pupuntahan pa ata kayo? Baka mawalang-galang na sa inyo,


itutuloy na ni Bergi ang party niya, e, magsilayas na kayong dalawang d’yan?”
dagdag pa ni Third. Hinampas lang ‘to ng katabing si Brianna.

“Teka lang naman! Eto, atat! Akala mo madali ‘tong ginagawa ko? Ikaw kaya sa pwesto
ko—‘de ‘wag, joke lang pala. Sisiw, dude!”

“Ehhh.... Ginusto mo ‘yan, e! Haha. Dalian na lang, o!”

“Namo. ‘Wag mo kasi akong kausapin. Kita mo madadali ‘tong itlog ka.”

“Haha! Oo na, dali na!”

Napailing na lang siya. Kung ang dalawang ‘to na lang kaya ang mag-moment dito? Ang
kukulit, e.

Tatawa-tawa pa siya nang bigla na lang.... lumuhod si TJ sa harap niya.

‘Y-yung.... ‘yung luhod ng nagpo-propose?

Narinig niya pa ang hiyawan ng mga tao.

Kanina niya pa nahulaan kung ano ang gagawin ni TJ. Pero nagulat pa rin siya.

Shit. Para siyang sasabog.


“Ano ka ba? Tumayo ka nga d’yan,” mahinang sabi niya. Pero hindi tumayo si TJ.

Ano ba ‘to... Nakakahiya!

Hanggang sa nagsimula nang magsalita si TJ sa mic.

“Alam kong bata pa tayo. Hindi naman kita minamadali, pero para lang makasigurado
ako...” payuko-yuko pa ang loko. Halatang nahihiya sa sariling ginagawa.

E, sino ba naman kasing hindi?

“Alam mo bang mula nang makilala kita, naging happy na ako? Kasi kahit na ang
sexypatootie mo, ikaw pa rin ang baby ko.”

Nahihiyang yumuko na naman si TJ. Habang ang audience, hindi magkamayaw sa sigawan.

Kamusta naman siya? Ayun, papaiyak na naman. Happy, sexypatootie at baby. Iyan lang
naman ang mga endearment ni TJ sa kanya.

Naiiyak na talaga siya. Bakit siya ganito? Sobrang nao-overwhelm siya.

Pagkaraa’y biglang sumeryoso ang tingin ni TJ sa kanya. Pinakatitigan siya nito, at


pagkatapos....

“Helen.... will you marry me?”

Natawa siya. Who wouldn't want to?

Sa nanlalabong mga mata dahil sa namumuong mga luha, pinakatitigan niya rin si TJ
tsaka siya ngumiti.

“Yes! Of course, Troy. I will.”

Halos mapatalon—scratch that. Tumalon talaga si TJ sa tuwa nang marinig ang sagot
niya.

“You heard that, people? She will! Yes!!!” Parang sira-ulong sabi ni TJ sa lahat.
Sinagot naman ito ng mga tao kaya lang hindi niya na naintindihan sa dami ng
nakisakay.

May gwapo namang sira-ulo, e. Troy ho ang pangalan.


Grabe. Ang saya. Sobrang saya ng araw na ‘to.

It was not just her birthday, TJ just proposed to her! What more could she ask for?

“Tara na!” Nagulat pa siya nang hilahin siya ni TJ paalis.

Hindi na siya naka-imik pa dahil na rin sa hindi naman maririnig ni TJ. Ang lakas
ng hiyawan ng lahat. Akala mong kumandidato si TJ at nanalong kapitan, e.

Pumasok sila sa kotse nila TJ at inutusan nito ang driver na paandarin iyon.

“Sosolohin mo na naman ako?” natatawang tanong niya. Hindi pa nga tapos ang party,
gusto na agad nitong masolo siya? Kinikilig tuloy siya.

Ganyan kasi ‘yan lagi, e. Kapag may special occasion sila, dapat lagi ring may time
na solo siya nito. Ang sweet lang, di ba? Kaya hindi niya ‘to ipagpapalit.

Nginitian lang siya ni TJ tapos naging tahimik na ‘to habang hawak ang kamay niya.
Masaya si TJ... pero bakit parang... kinakabahan din?

Weird.

Hanggang sa makarating na sila sa lugar. Bumaba sila pareho at napahawak siya sa


kamay ni TJ.

Takot siya sa dilim, alam na ng lahat ‘yon. Kaya naman mahigpit na hinawakan din ni
TJ ang kamay niya.

Iniwan na nila ang driver nila TJ at naglakad na sila papunta sa kung saan mismo
talaga siya dadalhin ni TJ.

She knew the place, it was the place where their infinitree was. Lagi namang dito
sila nagsosolo, e. Pero kahit na, madilim pa rin. Ngayon lang sila nagpunta nang
gabi rito. Wala man lang kailaw-ilaw. Hindi siya tuminag nang hilahin siya ni TJ
palakad.

“Troy, madilim. Balik na lang tayo bukas.”

Pero imbis na sagutin siya nito, narinig niya lang na mahina ‘tong tumawa. Hindi
niya ‘to maaninag pero narinig niya pa rin ang mahinang tawa nito.

Inakay siya ni TJ. Nagmatigas pa rin siya sa una pero malaunan napasama na rin siya
dahil sa mga katagang, “Baby, I’m here.”
Sa simpleng salitang ‘yon, napapayag siya nito.

Hanggang sa huminto sila. Wala talaga siyang makita bukod sa ilaw sa malalayong
lugar. Hindi niya rin makita si TJ pero alam niyang nasa tabi niya lang ‘to.

Hanggang sa......

Nagliwanag ang malaking puno.

Their infinitree.

Namumuo na naman ang mga luha sa mata niya.

Puno ng parang christmas lights ang puno. May mga nakasabit ding pictures nila ni
TJ sa mga sanga. Maraming pictures. Maraming marami. God. Para siyang nasa isang
movie.

Totoo ba ang lahat ng ito? He prepared all of these? Para lang sa birthday niya?

“T-troy...” she trailed off. She couldn’t even find the right words to say.

Tinitigan niya lang si TJ. Nag-uumapaw ang loob niya sa tuwa. Sobrang tuwa!

“You’re right. Sosolohin ulit kita. But this time.... I’ll make it a lifetime.”

Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito.

A-anong....

Hindi niya pa man natatapos ang tanong niya sa sarili, biglang may naglitawan nang
mga tao mula sa pinanggalingan din nila ni TJ.

“Bea, Julia, Lexi, Dee!” Isa-isang tawag niya sa mga kaibigan nila. Sumunod din
pala ang mga ‘to? Akmang lalapitan niya ang mga ‘to nang mapahinto siya dahil sa
mga sumunod na nagsulputan.

“T-teka.... A... a-ano ‘to??” hindi makapaniwalang tanong niya kay TJ.

Isang pari at dalawang sakristan!

‘I’ll make it a lifetime.’


Oh, my God...

Para siyang itinulos na kandila sa kinatatayuan niya.

Hindi lang 'to birthday niya, hindi lang nagpropose si TJ sa kanya..... pakakasal
na rin sila?

Seryoso ba ‘to? Pwede ba 'to?

Ikakasal sila sa ilalim ng punong saksi sa pagmamahalan nila?

Oh, my God, please don’t let it be a dream.

Kahit ba joke joke lang ‘to, kahit ba practice lang ‘to, kahit na hindi ‘to legal.
Basta lang hindi panaginip ang lahat ng ‘to.

Namalayan niya na lang na iginigiya na siya ni TJ paharap sa pari at sa dalawang


kasama nito.

The next thing she knew... She ws saying “I do.”

And then the next.... “I, Helen, take you Troy, to be my wedded husband, to have
and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in
sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part: according to
God’s holy ordinance, and thereto I pledge you my love and faithfulness. “

Tears flew down as she was saying her vows. But of course, tears of joy.

“May I have the rings?” tanong ng pari.

Lumingon siya kay TJ. Pero lumingon naman si TJ sa apat na kaibigan nilang nasa
likod nila’t nanunuod.

“Nasaan?” pabulong na tanong niya kay TJ. Pero inulit lang din nito ang tanong niya
sa apat nilang kaibigan.

Naloko na. Wala silang singsing?

Teka. Oo nga, ‘no. Nu’ng nagpropose si TJ kanina sa kanya, walang singsing!

“Hoo... Hoo... Hoo!”


Napalingon sila sa bagong dating na humahangos pa.

Si Third.

“Dahil sa kadramahan niyo kanina na pang-telenovela, nakalimutan ko tuloy na iabot


ang singsing sa inyo! Tipaklong... O, ayan!” sabay binigay nito kay TJ ang kahon...
na kamukha ng inabot sa kanya ni Brianna kanina. Or maybe, iyon talaga ‘yon! Damn.
Brianna was such a tease!

“Congrats, Annambong at Jepengson! Ayiiee! Iiyak na ‘yan! Haha! Hoo! D’yan na kayo!
Daming umaaligid sa Bergi ko kaya ako'y lilipad na! Baboo!”

At nawala na nga ang loko.

“Kolokoy talaga ‘yung Keslong ‘yun,” natatawang sabi ni TJ.

“Third,” pagtatama niya.

“Edi, Tres. Tss.”

E, ba’t ang cute? Seselos na naman ba ‘to? Pakaseloso talaga.

Humarap ulit sila sa pari. Tapos may sinabi ulit ang pari hanggang sa turn na ulit
nila.

God. She couldn’t believe she was having her wedding. Now. On her birthday. In
front of their special tree. With the man she loved. There was nothing more she
could ask for.

“Helen, I give you this ring as a symbol of our love, and with all that I am, and
all that I have, I honor you.”

She blushed as he slid the ring on the middle finger of her left hand. Hindi talaga
siya makapaniwalang kinakasal na talaga sila.

Definitely the best day of her life... ever. And the rest of the best were yet to
come.

“You may now kiss the bride!”

Humarap sila ni TJ sa isa't isa. They stared at each other. She waited as he leaned
down to give her their first kiss... as a married couple.
Their first kiss as husband and wife. A special, extraordinary moment. A moment she
would like to pause, savor, and remember forever.

Mali ba itong ginagawa nila? Masyado pa ba silang bata? Padalos-dalos nga ba ang
desisyon nilang ito?

Pero gaya nga ng sinabi ni TJ sa kanya, hindi nila alam kung ano ang mangyayari
pagdating ng bukas. Paano kung sapilitan silang paghiwalayin ng totoong ama ni TJ?
Kung mali man ito, wala siyang balak na itama pa. Hinding-hindi niya pagsisisihan
ang desisyon niyang ito.

“Pa’no ba ‘yan? Akin ka na talaga. Legal na. Alam kong kinikilig ka.”

Mangiyak-ngiyak na napalabi na lang siya sa pang-aasar ni TJ. Sira-ulo talaga.

Narinig niya ang mahinang tawa ni TJ. Pagkaraa’y masuyong inangat nito ang mukha
niya at matamang pinakatitigan siya.

“I love you, my Helen...” She closed her eyes as he gave her another kiss. “...till
eternity.”

“Ladies and gentlemen, I now present to you Mr. and Mrs. Troy Salamat!”

— — —

=================

51. The villain in her fairy tale.

51. THE VILLAIN IN HER FAIRY TALE.


TATLONG araw na na nakalipas ang debut at kasal ni Arianna.

Shet. Ba’t kinikilig pa rin siya?

Mag-isang ngingiti-ngiting palabas na siya ng university nila.

Hindi niya kasama si TJ dahil napapayag niya ‘tong mauna na siya. May plates pa
kasing dapat tapusin si TJ, samantalang siya, tapos na lahat. Ngayon na kasi ang
deadline no’n. Medyo tamad din kasi ‘yung lalaking ‘yun, e. Matalino nga, tamad
naman. Ayun tuloy, tambak sa plates. Buti na lang mabait Prof nila, pumayag na
sabay-sabay ipasa ni TJ ang mga plates na hindi pa napapasa. Adik kasi ni TJ, e.
‘Pag naman nagpepresinta siyang tumulong, ayaw naman. Minsan tuloy nalalamangan
niya.

Pero si TJ pa. Tataas ng average no’n. Mga limang plates ata ang kailangang tapusin
nu’n ngayon, e. Pero tiwala siyang kayang kaya ni TJ ‘yon. Gusto niya ngang
hintayin kaso wala naman siyang maitutulong do’n dahil ayaw namang magpatulong. Ma-
pride din kasi si TJ, e. Gusto sariling sikap.

At least, ‘pag umuwi siya’t maagang natapos sa pag-aayos ng mga gamit niya, gamit
naman ni TJ ang aayusin niya. Pumayag naman na si TJ nu’ng sinabi niyang siya na
ang mag-eempake ng mga dadalhin nito. Nagpumilit pa ngang isabay niya na lang daw
sina Yen at Kiray pauwi dahil silang tatlo pa lang ang tapos na ang klase. E, ang
kaso, hindi naman sila same way. Alangan namang ihatid pa siya ng mga ‘yon. Hiya
naman daw siya. Si Brianna naman kasi, absent. Tinatamad. Wala rin naman daw
gagawin kaya umabsent na lang. Medyo masipag.

Tsaka, kailangan ding maghanda ng mga kaibigan niya katulad niya. Mamaya kasi,
around 3:00 PM, aalis sila kasama ang barkada. Wala kasing pasok bukas. Sunday to
Tuesday, wala silang pasok kaya party party na!

Magbabakasyon silang magbabarkada sa private resort nila Derick sa Bulacan. Two


days and two nights. Gift daw ni Derick sa kanilang bagong kasal. Sosyal!

At, oo nga pala. Bukod kila Bea, Julia, Lexi at Derick, alam na rin ng buong
barkada na kasal na sila ni TJ. ‘Yung apat lang pala talaga ang may alam pati si
Third at Brianna, at syempre, si TJ, sa kanilang magkakaibigan, na may kasalang
magaganap noong birthday niya. Nagulat pa nga ang mga walang kaalam-alam niyang
kaibigan nu’ng pinaalam nila, e. Nu’ng una, hindi makapaniwala. Nu’ng naniwala na,
nagtampo pero naalo rin naman. Ano naman ba kasi’ng malay niya rin, di ba?

Nagtaka nga rin siya kung bakit ‘yung apat lang tsaka si Third ang sumaksi sa kasal
nila. Syempre, given na na wala ang kambal niya kasi ano nga namang sasabihin ng
mga bisita nila kung ni isa sa kanila, e, hindi makikita sa party? So nagpaubaya na
si Brianna na hindi makadalo.

Pero si Brianna talaga ang pasimuno ng lahat. Syempre, go agad si Third basta ba
sinabi ni Brianna. Tapos, kinuntsaba nu’ng dalawa sina Bea at Julia na
pinakabestfriends niya. Si Derick naman, ninong kasi nito ang paring nagkasal sa
kanila. Syempre pinaplano pa lang, wala na ‘tong lusot magsikreto kay Lexi. Kaya
‘yung lima ang witnesses nila.

And about naman sa papers kung sino ang nag-ayos? Nakakagulat man pero ang mommy
niya’t si Mama Mina ang nag-ayos ng lahat. Galing, seryoso. Pero hindi dumalo ang
mga ‘to dahil sinikreto rin pala sa daddy niya’t kay Papa Ren.

Ngayon, alam na rin ng daddy niya at ni Papa Ren. Si Papa Ren nagulat at natuwa.
Pero ang daddy niya, parang napilitan lang.

Pa'no ba naman daw, pagka-eighteen na pagka-eighteen niya, kinasal na agad? Atat


lang daw ba, e. Daig niya pa nga naman si Bella Swan. Pero ano pa nga bang magagawa
nito? E, kinasal na sila. Nangako naman si TJ na pakakasalan ulit siya nito sa
mismong simbahan na kung saan maraming makakasaksi. Pero sa ngayon, sikreto raw
muna sa hindi niya malamang dahilan.

Ang sabi lang sa kanya ni TJ, gusto na raw kasi nitong official na na kay TJ na
siya. Na asawa na siya nito. Para wala nang kawala. As if namang gusto niyang
makawala.

Pero may isa pang dahilan kaya sikreto muna sa lahat bukod sa pamilya’t barkada ang
kasal nila. Sa iba kasi, pagkatuntong ng eighteen, du’n pa lang liligawan. Sa kanya
kasal agad? Ang landi nga naman daw tignan kaya pumayag na rin siyang sikreto muna.

. Akala niya nga talaga joke lang ‘yun, e. ‘Yung parang ‘pag foundation day sa
school? ‘Yung parang marriage booth lang na loko loko lang. ‘Yun pala, totoo na.

Paglabas niya ng campus, hindi pa man siya nakakalayo sa main gate, may humarang na
kaagad sa kanyang isang lalaking naka-uniporme pa.

“Miss. Gusto ulit kayong makausap ng Don.”

Napalingon pa siya sa magkabilang gilid at likod niya kung may iba bang kausap ang
lalaki, pero wala. Siya lang.

Nagsalubong bigla ang mga kilay niya. Don?

T-teka... Ito ‘yung... driver ni Tito Gab!

Ito ‘yung kung minsan niyang makitang kasama ni Tito Gab kapag pumupunta ito sa
bahay nila TJ para piliting sumama si TJ.

Pero hindi iyon ang nakapagpabahala sa kanya. Kundi ang sinabi nito.
“Ulit?” nalilitong tanong niya.

Ni hindi niya pa nga nakakausap kahit isang beses man lang si Tito Gab. Anong ulit?

Pero hindi siya sinagot ng lalaki. Itinuro lang nito sa kanya kung nasaan ang isang
puting kotse na nakaparada hindi kalayuan sa kanila.

Kinakabahang sumunod siya sa lalaki papunta sa sasakyan. Pagpasok niya, wala naman
doon si Tito Gab. Nakahinga pa siya nang maluwag.

Habang nasa sasakyan, nahulaan niya na kung ano’ng ibig sabihin ng driver sa sinabi
nitong ulit. May iba pa bang eksplanasyon doon? Wala na... bukod kay Brianna.

Mariing napapikit siya kasabay ng pagtatagis ng mga bagang niya.

Lihim na nakikipag-usap ang kambal niya kay Tito Gab. And Tito Gab thought it was
her! Damn it.

Kinakabahan siya. Sari-saring isipin ang nabubuo sa isip niya. Pilit niyang
pinagtutugma ang mga pangyayari.

Ang pasikretong pag-uusap ni Brianna at ni Tito Gab. Ang biglaang kasal nila ni TJ.
Ang pagsikreto sa kasal nila. Hindi niya alam pero... ang sama ng kutob niya.

Hanggang sa makarating sila sa isang park. Itinuro sa kanya ng driver kung nasaan
si Tito Gab. Nakaupo ito sa isang bench. Wala ring gaanong tao roon.

Habang palapit siya sa totoong ama ni TJ, nakikita niya ang pagkakahawig nito at ni
TJ. Ang hugis ng mukha, ilong, pati na ang mga mata. Ang gwapo. Para niya na ring
nakita kung ano ang magiging itsura ni TJ pagtanda nito.

“Sit,” the man said without even looking at her. She just did.

Paano ba dapat siya mag-react? Shy type? Tough? Be herself? Pa’no??

Shit naman kasi si B! Bakit ‘to nakikipag-usap bilang siya?!

“Friday.”

Nilingon niya ito. Ano’ng meron sa Friday?

“Whether my son likes it or not, I will bring him with me.”


Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. What the hell? Isasama?

“A-ano ho? T-tito Gab.... Bakit...”

“Honorifics? That’s new,” the man sarcastically cut her sentence. “I suppose it was
your sister then.” Mabilis na naintindihan nito ang sitwasyon. He said it as if he
didn’t care. As if it wasn’t a big deal that it was Brianna he talked to who knew
how many times and not her.

“Now that you know it wasn't me, care to tell me the real score?” Hangga't maaari,
pinipigilan niyang maging mataray sa harap nito. He was still TJ's father after
all.

“Simple lang. Kukunin ko ang anak ko. Ilalayo mula sa inyo. Ipakakasal sa babaeng
karapat-dapat at—“

“Ipakakasal?” Nagpinting ang tenga niya sa sinabi nito. Kasal na sila ni Troy!

“Yes. He will, whether he likes it—“

“Don't you think you're being unfair? Malaki na ho si TJ. He has every right to
decide for his own,” matigas na sabi niya rito.

Kahit ba kasal na nga sila ni TJ—Wait. Kaya ba biglaan ang kasal nila ni TJ?? Shit.

“What I think is that you have no difference to your sister. Same rude.”

Pero hindi niya na pinansin ang sinabi nito. Ang kasal nila ni TJ ang naiisip niya.
Kaya ba sikreto? Dahil magagalit ang lalaking nasa harap niya at maaaring literal
na sapilitang ilayo si TJ sa kanya?

Ano ba’ng mga dapat niya pang malaman?

“Anyway, pinapunta lang kita rito para sabihin ‘yon sa’yo. At para rin ipaalam na
dahil sa pagmamatigas mo, o ng kapatid mo para sa’yo... hindi ko na isasalba ang
kompanya n’yo.”

Napamaang siya sa sinabi nito Gulat at kalituhan... “Isasalba??”

“Hindi mo rin alam?” Sarkastikong tinawanan siya nito. “Well, I guess you know
nothing.”

She clenched her jaw. “Ano ba’ng pinagsasasabi n’yo? A-anong isasalba? Walang
problema ang kompanya namin!”

“Sino’ng may sabi? O baka naman... walang nagsasabi?”

Naikuyom niya ang mga palad niya. Gusto niya na ‘tong sagut-sagutin pero nagpipigil
siya. She was being nice and..... Ganito pala ang feeling ng sinasagad.

“Tell me everyhting.”

“I’m busy. Ask your parents,” may pinalidad sa tono nito, pagkaraa'y tumayo at bago
makadalawang hakbang ay nilingon ulit siya. “I will give you a choice. It's either
itataboy mo ang anak ko para sumama sa’kin... o sapilitan ko siyang ilalayo sa’yo.
It’s as simple as giving up your company, or keeping it safe. You see? I’m not that
bad of a person. Bibigyan pa kita ng pagkakataon. I need my son before Friday
comes. Your choice... Ang tuluyang pagbagsak ng kompanya n’yo, o ang pagsalba rito.
I’ll leave it all to you.”

Walang sabi-sabing umalis ito.

Halos hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. What he said left her trembling in
shock and anger.

Binibigyan daw siya nito ng choice? Well, damn him! He left her no choice! It was
either her parents, or TJ! And she couldn't. Oh, my God...

Paano’ng naitago ni Brianna sa kanya ang lahat ng ‘to? Hindi lang si Brianna, pati
ang mommy’t daddy niya, alam din ‘to!

At si TJ? Alam din ba ni TJ ang lahat ng ‘to? Alam ba ng lahat habang wala siyang
kaalam-alam sa mga nangyayari?

God. This shouldn't be happening!

PAGPASOK niya sa bahay, nagulat pa siya nang madatnan niya sa living room ang mommy
niya’t si Brianna, kasama ang daddy niya.

Hindi ba't dapat ay nasa opisina ngayon ang daddy niya? And what was with the
serious expression on their faces?
Parehong kamay ang nakatakip sa mukha ng daddy niya at ang mga mata lang ang kita,
habang hinihimas-himas naman ng mommy niya ang likod ng daddy niya. Si Brianna
naman, tila malalim ang iniisip na nakatingin lang sa lapag.

Sa itsura ng mga ito, kinutuban na agad siya nang hindi maganda. Halo-halo na ang
nararamdaman niya. Galit sa pagtatago ng mga ‘to sa kanya ng lahat, pag-aalala sa
kompanya, at hirap... Hirap sa kung ano ba’ng dapat niyang piliin.

“Dad...” tawag niya sa daddy niya na agad namang nag-angat ng paningin.

Gano’n ba kabigat ang problema ng mga ‘to? Wala man lang nakapansin na nakauwi na
siya?

“Arianna...”

“Bakit ganyan ang mga mukha n’yo? Ano’ng nagyari?... Bagsak na ba ang
kompanya?” Hindi niya napigilan ang pagsarkastiko ng tono niya.

“A!” “Arianna!” sabay na napabulalas ang mommy’t kambal niya.

Nag-iwas siya ng tingin sa mga ito. Alam niyang hindi dapat siya maging ganito.
They did everything for her. They kept it a secret for her not to worry. Pero ano
ngayon?

Lord, parang mababaliw na ‘ko sa pag-iisip sa tamang gawin.

Lumapit sa kanya ang daddy niya. Nagulat na lang siya nang pagtapat na pagtapat
nito sa kanya, bigla na lang ‘tong... lumuhod.

“Dad!” Napasinghap silang tatlo sa ginawa ng daddy niya. “Daddy! Ano ba’ng ginagawa
n’yo? Tumayo kayo!” Pilit niyang hinihila patayo ang daddy niya. Nangingilid na ang
mga luha niya. Bakit ganito ang daddy niya?

Hindi ‘to nagpatinag. Nakayuko lang ito habang hawak ang mga kamay niya.

“Anak, just this one... Kasal na kayo ni TJ. Kahit na lumayo pa siya, kasal pa rin
kayo. Ito lang, anak. Alam kong napakawalang kwentang ama ko para hindi man lang
kayo maprotektahan. Pero anak, hindi ko kayo kayang buhayin kung wala ang kompanya
natin. Natin ng Papa Ren mo. Itinaya namin ang lahat dito, anak. Hindi lang tayo
ang mawawalan. Pati sila. Kaya parang awa mo na, anak. Ngayon lang....” tila hindi
nito magawang ituloy-tuloy ang susunod na sasabihin. Pero nang magsalita ulit ang
daddy niya, halos manlambot ang mga tuhod niya. “....ngayon lang hayaan mo na
munang sumama si Troy sa totoong ama niya.”
Mariing pumikit siya nang sunod-sunod na magbagsakan ang mga luha niya.

“Please, anak... Alam kong mahirap para sa’yo. Pero, anak—“

Hindi niya na pinatapos ang daddy niya. Niyakap niya lang ‘to nang mahigpit.

Lord, bakit nagkakaganito ang lahat? Akala ko ba masaya na? Akala ko isang maliit
na problema lang ang daddy ni Troy? Pero bakit bigla na lang sumabog nang ganito?

Lahat apektado. Ang daddy niya, umiiyak. Ang mommy niya, umiiyak din. Si Brianna,
kahit ganyan ‘yang kapatid niya na ‘yan, may puso pa rin ‘yan, sanay umiyak kahit
pinipigilan. Ngayon, nag-iiyakan silang lahat.

Ayaw ng mga ‘tong masaktan siya kaya hindi ipinaalam ng mga ‘to sa kanya ang lahat.
Ang daddy niya, patuloy lang sa pagsalba sa kompanya kahit na wala naman talaga
‘tong magagawa. Nagplano si Brianna ng kasal dahil alam nito ang mangyayari.
Nakisama ang mommy niya sa plano dahil alam din nito. Na para kahit ilayo man si TJ
sa kanya, may panghahawakan pa rin sila ni TJ sa isa’t isa.

Pero siya? Ano’ng silbi niya sa pamilyang niya? Sarili niya lang ba ang iintindihin
niya?

Paano naman sila?

Ngayon, kailangan niya na talagang mamili. Ang pamilya niya... o ang asawa niya.

“Ha!” Pinahid niya ang mga luha niya at umalis mula sa pagkakayakap niya sa daddy
niya. Nagpilit siya ng pekeng tawa. “B! May outing pa tayo mamaya! Magre-ready na
‘ko. Ikaw ba, ready na? O, sige, mamimili lang ako ng gamit ko,” tuloy-tuloy na
sabi niya at walang paalam na naglakad palabas ng bahay.

Halos sumabog siya paglabas niya.

Ganito ba talaga? Kapag masaya na, matinding pahirap naman ang kapalit?

Sino ba ang dapat niyang piliin? O may dapat ba siyang piliin? Hindi ba’t kahit
anong desisyon ang gawin niya, ilalayo at ilalayo pa rin ni Tito Gab si TJ sa
kanya?

F-ck this. May choice pa ba siya?


“AY, bakla, ang lakeee!”

“Ang ganda naman dito, Dee!”

“Tengeneng yaman n’yo pareng Derick, ha? Panomo ka naman d’yan!” Neil.

“Nomo! Nomo! Nomo!” chorus ng lahat.

“Hooo! Si Nestea Boy, nomo raw? Titirahin mo lang nestea, e! Sugapa sa


chaser!” asar ni Third kay Neil.

“Refreshing, e. Bakit ba? Inggit ka?” Neil.

Napailing na lang siya sa kantyawan ng mga ‘to. Resort 'to, akala ba ng mga ‘to’y
bar?

“Hoy. Tamlay mo? Akala mo naiwan ako, ‘no?” biro ni TJ sa kanya.

Ayan na naman si TJ sa kakornihan nitong masaya lang siya kapag nasa tabi niya ‘to.
Kahit na... totoo naman.

“Naiwan? Naiwan mo mukha mo! Mula pag-alis mukha mo nakatambad sa’kin, hanggang
ngayon. Naiwan ka d’yan... Tse.” Iningusan niya pa ‘to.

Kaso tinawanan lang siya.

“Naglilihi ka na ba, babe?”

What the f-ck?

“Alululuh! Ano’ng ibig sabihin niyan, ha!” sabat bigla ni Bea.

“Jep-Jep! Binuntis mo si Annambong?! Hala! I-shotgun wedding mo na sila, Bergi!”


sabi ni Third sa kambal niya.

Binatukan tuloy ni Brianna. “Shotgun wedding, e, kasal na? Ano’ng masamang mabuntis
sa taong kasal, aber?”
What the! Aaaah! Ano ba namang pinagsasabi nila! Feeling niya pulang-pula na siya.

At isiping si Brianna pa talaga ang parang nag-uudyok? Hello, ano nang nangyari sa
halos araw-araw na baby warning ng mommy niya?

“Haha! Loko lang, mga baho. Baka lang kako naglilihi na misis ko hindi pa man...
alam n’yo na. Baka nanlalalaki na, e, mabigti....”

Pinandilatan niya si TJ.

“’Yung lalaki!” dagdag agad ni TJ. “Ito naman, masyadong nerbyosa. Bantay sarado
kita 24/7 parang 7eleven walang kwenta ang lock, nakalimutan mo na ba? ‘Di ka
makakalandi, sa’kin lang. Misis talaga,” nanggigigil na kinurot pa siya nito sa
pisngi.

Sabunutan niya ‘tong mister niya, e. Misis daw.

“Oyoyoy. Seven rooms lang ang hotel namin. Sakto, by couple tayo. Tara na?” aya na
ni Derick sa kanila.

Fourteen kasi silang lahat. So, sakto nga sa couples.

“Orayt! Share tayo, B?” maluwag ang ngiting tanong ni Neil kay Brianna.

“Lelang mo! Kayo? Kayo? Kami, uy! Hanap ka syota mo!” singit ni Third.

“Lul! Hanggang pangarap ka na lang, dude!” asar ni Neil kay Third. “Ano, B? Tara
na?” ngingiti-ngiting baling ulit nito kay Brianna.

“Anak ng magulang! Kami nga, e! ‘Pag sinabi kong kami, kami! Syota ko tapos itatabi
mo? Bangasan na lang, o?” hamon ni Third.

Pumopoy lang nagka-fighting spirit na. Keslo talaga!

“O, tara! Bakit? Malakas ka na ba, ha, Pangatlo? Lalaban ka na?” Neil.

Ipinilig-pilig ni Keslo ang ulo sa kaliwa’t kanan. “Tangna, nag-planax yata ako!”

“Ano sa tingin mo, Yen? Mag-movie marathon kaya tayo mamaya? ‘Yung action, mas
maganda ‘yun, ‘no? Tara!” Inakbayan ni Brianna si Yen tsaka natatawang naglakad ang
mga ‘to papasok ng hotel.

“B-bergii... P-pa’no na ‘koooo?” Nagkandahaba ang ngusong reklamo ni Third kay


Brianna. Pero nakuha na nila Brianna ang isang susi mula kay Derick at nagtuloy
nang pumasok sa loob.

“Namo ka! Tamo, kung hinayaan mo na lang kami! Nako kang Tres ka! Gawin kitang
siyam, e!” Neil.

“E, tangna mo pala, Neil. Bingi lang? Luwag turnilyo? Kami na nga, di ba?” Third.

“Wehhhh... Kayo? O, edi, sige, kami na rin! Ikaw pala, e! Haha!” Neil.

Bigla namang parang naasar na talaga ang itsura ni Third.

“Ako’y nabubugnot na sa’yong Nestea Boy ka, ha. Gusto mo bang makatikim
ng......” Huminto si Third at natuon ang tingin sa pusang tahimik na dumadaan sa
gilid ng mga halaman. Bigla na lang lumapit doon si Keslo at walang sabi-sabing
binuhat ang pusa at iniharap kay Neil sabay sabing... “....Pikachu! THUNDERBOLT
ATTACK!!!”

What the—

“HAHAHAHA!” Wagas na nagtawanan silang magbabarkada sa ginawa ni Third.

Saktong-sakto naman ang pusa sa kalokohan nito, hano? Hahaha. At kailan pa naging
pusa si Pikachu? Sira-ulo talaga.

Binitawan din agad ni Third ang pusa nu’ng magwala ‘yon.

“Pusanginang ‘yan! Kalokohan mo, Pangatlo! Haha,” natatawang sabi ni Derick sa


nagpapagpag na ng mga kamay na si Third.

Matripan talaga ang pangalan ni Third, e. ‘Pag hindi Tres, Pangatlo. Parang siya
lang kay TJ. ‘Pag seryoso Troy, ‘pag ewan-ewan lang, TJ.

“Epal kasi ‘tong Nestea Boy na ‘to, e! Sinagot na ‘ko ng Bergi ko, seryoso, gago,
namnamin mo! Akala mo joke, pero coke ang isasalpak ko sa bibig mong ‘di na nagsawa
sa Nestea!” Inis na pumasok si Third sa loob ng hotel. “Hu hu hu! Bergi, bergi,
have mercy on your baby. Huhu.”

May huhu talaga? Naka-shabu ata! Haha.

Natawa na lang sila ng barkada sa kabaliwan ni Third. Lagi naman kasi nitong
sinasabi na mag-on na ito at si Brianna. Pero mag-on na nga kaya ang mga ‘yon
ngayon?
“Hmp. Inggit naman ako kay B. Sana mahaba rin ang hairlalu ko,” Ej.

“Baklang bakla ka pa rin. Tara sa kwarto’t gagawin kitang lalaki!” Hinila ni Kiray
papasok ng hotel si Ej.

“Ehem, ehem. Kami’y hahayo na’t kayo’y magparami. Alam mo ‘yan, TJ,” natatawang
sabi ni Jake kay TJ.

Pwede ba? Hiyang-hiya na kaya siya.

“Go, TJ!” Julia.

“Goodluck, p’re!” Diego.

“Ninang ako, ha?” Lexi.

“Ako rin ninang! Go TJ! Go for the gold!—I mean... for the pearl! Hahaha!
Aja!” sabay umaja-aja pa si Bea.

Si TJ naman proud na tinapik ang sariling dibdib. “Leave it to me, beybeh!” Tsaka
tumawa ng nakakaloko.

“Tiiijaaaaaaaay!!” Jusko po. Parang wala siya sa harap ng mga ‘to, ha.

“Hahaha! Biro lang naman ‘yun, babe. Tara na nga gawa na tayong baby.”

What the! “TROY!!”

“Present! Hahaha! Grabe ka namang mamula, baka mahiya na mansanas sa’yo n’yan. Tara
na, tara na. ‘Di naman mabiro, o.”

Ano ba naman kasing biro ‘yun?!

Shet, ang inet!


“NASAAN sila?” tanong niya kay TJ nang makalabas na sila ng hotel. Naayos na kasi
nila ang gamit nila sa kwarto. Balak naman ng barkada na magswimming ngayong gabi.

Pero hindi siya sinagot ni TJ. Inakay muna siya nito at namasyal muna sila sa loob
ng resort nila Derick.

Napuntahan nila ang Animaland, Seamonsters at Dinospace. Ang gaganda ng views,


lalo’t madilim nang bahagya at ilaw ng mga poste lang ang nagsisilbing liwanag sa
resort. Sarap magpicture. Kaso wala silang dalang cam. Sayang. Ang harot kaya ni
TJ. Nag-i-islide pa nga sa mga estatwang hayop, e. Haha. Adik pero ang cute.
Nagbabalik bata ang loko. Sayang talaga. Pero ‘di bale, may bukas pa naman.

Napadpad sila sa Loverance.

Huhulaan niya. Love+Romance? Lovers&Romance? Cool.

Katulad sa mga napuntahan nila kanina, may mga statue na pwedeng upuan din dito.
Walang slide na katulad ng mga pambata kanina. Pero, may swing. Doon sila naupo.
Kasya kasi sa dalawang tao ang swing.

Mga couple naman na magkaholding-hands, magka-akbay, parang nagtatawanan,


magkaharap, at kung anu-ano pa ang makikita rito. Nahiya naman daw ang mga estatwa,
buti naman at walang—

“Gusto mong i-level-up mga pose nila? Sample kaya?” nanunuksong tinaas-taas pa ni
TJ ang mga kilay habang maluwag ang pagkakangiti’t ngumuso pa.

Kahit nate-tempt siyang i-kiss ‘yon, pinaningkitan niya lang ‘to ng mga mata.
“Kanina mo pa ‘ko trip, ha? Sapak?”

Grabe, ang hyper kaya ni TJ ngayon.

Natatawang inakbayan siya ni TJ. “Loko lang naman lahat ng ‘yun. Alam mo namang
pinapahalagahan kita higit kanino, di ba? Ito naman... Biruan lang ‘yung kanina.”

“Alam ko naman ‘yun, e. Pero syempre nakakahiya pa rin kaya.”

“O, nagso-sorry na gwapo. Patawarin mo na ‘ko.”

Yabang talaga. Napanguso't napailing na lang siya. Lagi na lang sorry.

Nagkwentuhan lang sila ng kung anu-ano. Magkahawak ang mga kamay habang mahinang
dumuduyan. Nang bigla na lang bumuhos ang ulan.
Natatarantang tumayo siya. “TJ! Tara na!”

Pero nagulat na lang siya nang biglang yakapin siya ni TJ mula sa likuran.

“Troy!”

Ano ba’ng ginagawa ng lalaking ‘to? Umuulan kaya!

“’Pag tumakbo tayo, mababasa pa rin tayo. Enjoy-in na lang natin!” Masayang
sumigaw-sigaw pa si TJ sa lamig ng tubig-ulan na bumubuhos sa kanila.

Napangiti siya. Ang babaw talaga ni TJ.

Pero ngayon niya lang napatunayan. Ang sarap pala sa pakiramdam na yakap ka ng
taong mahal mo habang bumubuhos ang malakas na ulan. Hindi ba’t pangarap ‘to ng
maraming babae?

“Haha! Wohoo!” hiyaw ni TJ. Adik talaga!

“Loko, malamig!” natatawang sigaw niya. Seryoso, malamig talaga. Nanginginig na nga
ang baba niya, e.

Pero biglang humigpit ang yakap ni TJ sa kanya. She smiled as she felt him smile to
her neck. Something inside her suddenly felt warm.

“I love you!” tumingalang sumigaw si TJ. Nakipaglakasan talaga ang loko sa lakas ng
ulan.

Natatawang humarap siya rito. Ikinawit niya ang mga braso niya sa batok nito.

“I love you, too!” Ginaya niya ‘to at nakipaglakasan din siya sa lakas ng buhos ng
ulan.

“Can I kiss you?” he yelled again.

Saglit na natameme siya.

Tinitigan niya si TJ. He was really serious despite his disarmingly boyish smile.

Kailangan pa ba nitong magpaalam? E, nandito na nga ang lahat ng karapatan.

Nakapag-decide na siya. TJ’s father was being selfish. Hindi ba pwedeng siya rin?
For tonight, she could. She would. Kalilimutan niya muna ang lahat ng problema niya
ngayon. Susulitin niya ang gabing ‘to kasama si TJ. She would be carefree and
selfish for tonight.

They were a couple, right? A married one.

She smiled in response to TJ.

TJ grabbed her on both cheeks, leaned down and then kissed her softly on the lips.

Nag-tiptoe siya. But suddenly, her feet were no longer on the ground. TJ slightly
lifted her. And the kiss lasted longer than they ever had before.

It was a sweet, slow and passionate kiss.

It was like the moment wasn’t real.

Like a dream...

To be kissed by her man in the rain. It was almost like..... a fairy tale.

— — —

=================

52. Forget the world.


52. FORGET THE WORLD.

PUMASOK na sila ni TJ sa room nila.

Basang-basa sila. Pa’no kasi nga, nagpaulan. Adik kasi ni TJ, e. Pati tuloy siya
napakeso habang umuulan. Uhm, no, hindi ho siya nagrereklamo.

Hindi na rin natuloy magswimming ang barkada. Nagkanya-kanya na lang silang trip
kaya bumalik na sila sa kwarto nila.

“O... Bakit may ganito?” nagtatakang tanong ni TJ, hindi niya alam kung sa kanya o
sa sarili nito. Basta naupo na lang si TJ sa couch tsaka kinuha ang isang wine na
katabi ng dalawang wine glass na nakalagay sa table.

Wine? Sa’n nanggaling ‘yon?

“Bakit nga may ganyan?” Nagtataka ring lumapit siya kay TJ.

Hindi siya sinagot nito. Tumikhim lang si TJ tapos biglang inilapag pabalik sa
table ang wine.

“M-mag... magsha-shower lang ako... Baka sipunin ako, gwapo pa naman ako,” mautal-
utal na sabi ni TJ tsaka dali-daling pumasok sa loob ng banyo.

Huh? Ano’ng nangyari ro’n?

Siya naman ang naupo sa couch at kinuha ang wine. May nakadikit na sticky note dito
na may nakasulat na....

Hahahahaha! Shit, ang babaliw talaga ng mga kaibigan nila.

‘Ba naman ang nakasulat, e: ‘Enjoy your honeymoon! Excited na ang mga ninongs at
ninangs!'

Shet.

At may PS pa!

‘PS: Wag masyadong magpuyat, ha? ;)’


What the hell... Kahit wala si TJ, namumula pa rin siya! Kokonyatan niya ‘yung mga
‘yun, e!

Bakit ba kinasal lang sila ni TJ kung anu-anong kaberdehan na inuudyok sa kanila ng


mga kaibigan nila? Mga sira-ulo. Ang loloko.

Sulat kamay ni Bea ang una at sulat naman ni Brianna ang PS. Napakagaling talagang
magplano ng kambal niya na ‘yun. Siguradong ito na naman ang pasimuno.

MAKALIPAS ang ilan pang minuto, lumabas na si TJ sa banyo na... nakatapis lang ng
tuwalya sa ibabang parte ng katawan.

Seryoso, natulala siya. Never niyang nakita si TJ na walang damit sa harap niya.
Ngayon lang. And for the love of all that was holy, bakit ngayon lang?

Ay, sheeeet! Ano ba ‘tong pinag-iisip ko?!

She snapped out of it. Iniwas niya ang tingin niya kay TJ—sa katawan ni TJ.

Hindi niya na alam kung saan siya titingin. Parang medyo uminit nga, e. Namatay ba
ang aircon? Hindi niya naman pinatay, ha?

“Nakalimutan ko kasi pampalit ko. Mangha ka sa six-pack ko, ‘no?” inasar pa siya ng
loko.

Shet talaga. Ba’t meron si TJ nu’n? Ngayon niya lang nakita ‘yun! Understandable
naman sigurong natulala siya, di ba?

“K-kapal mo! D-d’yan ka na nga! Ako naman maliligo!” Hinawi niya ‘to tsaka siya
nagtuloy sa banyo. Dala niya na rin ang pampalit na damit na hinanda niya.

Pagpasok niya sa banyo, sumandal agad siya sa pinto’t napaupo. Napasabunot tuloy
siya sa sarili niya. Grabe, ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Pakshet, nakakahiya!
Sakit sa bangs ng mga kaibigan niya!

Nagpakalunod siya sa shower. Ilang minuto na ba ang lumipas? Baka nga oras na, e.
Teka, baka umaga na?
Ah, shit. Ano na’ng mangyayari paglabas niya?

B-baka... baka... gawin nila ‘yung a-ano....

E, ano! Kasal naman na kami, d-di ba? Tsaka... b-babae ako at.... at lalaki siya!
N-natural lang na... n-na...... Aaah!!! Ayoko na! Kung anu-ano’ng naiisip ko!

Bakit ba ‘yun ang iniisip niya, e, pwede namang matulog na lang agad siya paglabas
niya? Di ba, di ba?

E, kung dito na lang kaya siya sa banyo matulog?

AFTER what felt like forever, lumabas na siya ng banyo.

Paglabas niya...

“Tagal mo. Traffic ba sa loob?”

“H-huh?”

“Kako nauuhaw ako!” pagkasabi ni TJ no'n, binuksan nito ang wine at nagsalin sa
isang baso tsaka inisang lagok iyon.

Traffic? May sasakyan sa banyo? Uhaw? Di ba, mas nakakauhaw ang wine?

Fine. Oo na, gets niya talaga! Kunwari lang hindi. Jusko, puso ko tatalon na ata.

Biglang tumunog ang cellphone ni TJ. Pero pagkakita ni TJ sa screen, dinecline lang
nito ang tawag.

“Sino ‘yun?” Naupo siya sa kama habang nasa couch si TJ. Pinupunasan niya rin ng
tuwalya ang buhok niya.

“Siya,” tipid na sagot ni TJ. At naintindihan niya naman kung sino ang siya na
tinutukoy nito. Si Tito Gab.

Naalala niya na naman ang pinag-usapan nila ni Tito Gab kanina. Hindi niya man
palayuin si TJ, parang ipinapahiwatig nito na ito ang maglalayo kay TJ.

Their parents’ company... Hindi niya kayang isaalang-alang ang ibang tao para lang
sa sarili niya. Kaya niya ba?

Napapikit siya. Nakapagdesisyon na siya.

Bukas... Kailangan niya nang layuan si TJ simula bukas.

F-ck. Kaya niya ba? Kasi iniisip niya pa lang, nahihirapan na siya.

Malalim na nagbuntong-hininga siya pagkaraa’y dumilat. Saglit na tinitigan niya si


TJ.

F-ck, sana kayanin niya.

Iniwan niya sa kama ang tuwalya’t tumayo. Nilapitan niya si TJ at naupo sa tabi
nito. Nagsalin siya ng wine sa baso at inisang lagok din ‘yon.

When she looked at him again, he was giving her a confused look. And then he glared
at her.

Oo. Ayaw talaga nitong umiinom siya kahit wine lang.

“N-na...nauuhaw din kasi ako.” Hiyang-hiyang nag-iwas siya ng tingin.

Sa gilid ng mga mata niya, nakikita niyang naniningkit pa rin ang mga mata ni TJ sa
kanya. Malulusaw ata siya sa tingin nito, e.

Nagsalin na lang ulit siya ng wine sa baso. Inisang lagok niya ulit. Hindi pa rin
siya tumitingin kay TJ. Namumula siya, alam niya.

Hanggang sa naramdaman niya na lang na nasa pisngi niya ang kamay ni TJ.

Napatingin siya kay TJ. He was watching her with a dangerous look on his face. And
her heart wanted to jump out of her chest that very moment.

Ilang segundo ang lumipas na ganoon lang sila. She just couldn’t seem to move
herself. Hawak nito ang pisngi niya, hanggang sa....
“Aah!!!” Napasigaw siya sa sakit. What the hell? Kinukurot ni TJ nang mariin ang
pisngi niya! “Aw! TJ, masakit!”

“Masakit talaga dahil hindi inimbento ang kurot para pakiligin ka. Di ba, sabi ko
sa’yo bawal ka nang uminom ng alak? Ano ‘yan, ha? Ano ‘yan? Ano’ng ibig sabihin
n’yan?” Lalo pa nitong diniinan ang kurot sa pisngi niya.

“Aray naman, e!” Tinampal niya paalis ang kamay ni TJ tsaka niya ‘to sinamaan ng
tingin. “Kainis ‘to! Wine lang naman, e!” Hinampas niya nga sa braso. Hinimas-himas
niya na lang ang pisngi niya. Ang sakit kaya.

“Alak pa rin.”

Sinamaan niya nga ulit ng tingin. Nakipagsamaan naman ng tingin sa kanya. Aba,
ano’ng akala nito, papatalo siya? Nakipagtagisan siya ng sama ng tingin.

Hanggang sa hindi niya namamalayan, nakatitig na lang siya sa mukha ni TJ. Wala na
ang inis. Wala na ang pagkairita.

‘Yung ngiti ni TJ... Pagkatapos ng gabing ‘to, kailan niya kaya ulit makikita ang
ngiti nito? Paano kung sa sapilitang paglalayo ng tatay nito sa kanya, mawalan na
rin sila ng komunikasyon sa isa’t isa? Paano kung sa titirhan nito, makakilala ‘to
ng babaeng mas maganda at mas higit na kahit ano sa kanya? Paano kung magkagusto si
TJ sa iba? Paano kung magmahal ito ng iba sa panahong wala siya? Kapag may
ipagmamalaki na ba siya sa tatay nito at mababawi niya na si TJ, maaalala pa kaya
siya nito? Babalikan pa kaya siya ni TJ? May silbi pa ba ang kasal nila kung isang
simpleng papel lang ang panghahawakan niya? Mamahalin pa rin ba siya ni TJ katulad
ng pagmamahal nito sa kanya ngayon? Pwede na ba sila hanggang huli? ‘Yung walang
tututol, walang maaagrabyado? Higit sa lahat.... darating ba ‘yung araw na pwede
na?

“Huy. May problema ba?”

Doon niya lang namalayang seryoso na pala siyang nakatingin kay TJ.

Ang boses nito. Ke masaya, nang-iinis, makulit, malungkot, galit, seryoso,


nagseselos o nag-aalala. Pagkatapos ng gabing 'to, matagal ba siyang maghihintay
para lang marinig ulit ang boses nito?

Kakayanin niya bang lumayo si TJ? Kasi simula kanina hanggang ngayon, iniisip niya
pa lang, sobrang sakit na. Pa’no pa kung time na? Pa’no pa bukas? Pa’no pa sa
susunod na mga araw?

Kaya ngayon, bago sila matagal na magkakalayo, masama bang sulitin ang huling
gabing magkasama sila? Ang huling gabing makakasama niya ang mahal niya? Ang huling
gabing... makakasama niya si Troy?
[NP: We'll Be A Dream by We the Kings ft. Demi Lovato]

Walang sabi-sabing hinalikan niya si TJ. Iniyakap niya ang mga braso sa batok nito.
She just threw herself to him. Surprising him. Surprising even herself.

For a matter of seconds, magkalapat lang ang mga labi nila.

Kaya ko bang gawin ‘to?

Hindi siya sure sa kung ano’ng gagawin niya. Hell, ni hindi niya alam kung ano’ng
ginagawa niya. Nababaliw na ata siya.

Grabe. Nakakahiya ‘to. Siya ang babae pero siya pa ang.... Mali ‘to.

She was just about to step away and pretend the kiss didn’t happen when suddenly,
TJ began kissing her. And when he did that, she didn’t even think of hesitating,
she just started giving back.

It was such a sweet and passionate kiss. Parang part two ng kanina sa ulan, but
this time, with much need.

TJ made a low and harsh rumbling sound. Pinulupot nito ang mga kamay sa bewang niya
para sa suporta at lumalim lalo ang halik nila. It felt so different when his arms
wrapped around her. She felt safe. Like nothing in this world could ever hurt her.

Suddenly, he was pinning her, cornering her onto the couch.

He licked her bottom lip, teasing her, asking for entrance. She let him in, feeling
like she was gonna explode any moment if she didn’t let him.

It was the most amazing kiss they have ever shared.

Seryoso, hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya. Pero nawala
lahat ‘yon dahil hindi siya tinanggihan ni TJ.

Soon enough, she let her tongue enter him and search for more, copying him, joining
his rhythm, only adding fire to the flame they created as their moans increased
with each deepened kiss.

“We better stop this, Arianna,” TJ said between kisses. Halatang nahihirapan.

“No,” protesta niya at hinalikang muli si TJ.


Alam niyang ayaw gawin ni TJ ang bagay na ‘yon. Hindi pa ngayon, pero ramdam niyang
nagpipigil na lang ito. Sobrang laki lang talaga ng respeto ni TJ sa kanya.

Ganito ba talaga ang epekto ng alak sa ganitong sitwasyon? Nag-uumapaw na fighting


spirit?

Inilayo ni TJ ang mukha sa kanya at pinakatitigan siya na para bang sinasabi nito
na mali ang ginagawa nila.

Her eyes narrowed. Who cares? Who cares kung mali ang ginagawa nila? Nakakainis.
Kahit nahihirapan na si TJ, pilit pa rin nitong nilalabanan ang apoy na nabubuo sa
pagitan nilang dalawa.

“This is so wrong,” tila hirap na sabi nito.

She shook her head. It was better now than never. Kaunti na lang ang oras na
natitira sa kanila. Kukunin at kukunin si TJ sa kanya.

“I don”t care. I don't even know what's right.”

God, what is right? Damn it.

Tama ba kung ipaglalaban kita? Tama bang isakripisyo ko ang iba para lang
manatiling akin ka? O mali. Mali ba kung lalayo ako sa’yo? Mali ba kung itataboy
kita habang pinipilit mong ipaglaban kung ano’ng meron tayo?

She wanted to hell him everything. Pero hindi niya kaya.

She just reached for him and kissed him as she prompted him to continue kissing her
again. And thank God, he did. He was kissing her hungrily like he had never had
food before. They kissed as they moaned to each other. Their tongues battled each
other in sync. And she knew he surrendered.

Naramdaman niya na lang na wala na ang katawan niya sa couch. Buhat na siya ni TJ
habang naglalakad ito, her legs wrapped around him, and soon he laid her on the bed
without breaking their kiss.

“Gusto kong magpigil. Kaya ko pang magpigil. God, Arianna, just tell me to stop and
I will,” hirap na hirap na sabi ni TJ. Taas-baba ang dibdib nito dala ng marahas at
matuling paghinga.

Binasa niya ang mga labi niya pagkaraa’y kinagat ang ibabang labi niya. “Don’t.”

TJ growled and his eyes darkened as he bent down and claimed her mouth again. Now,
possessive.

“I love you so much. Alam mo ‘yon, di ba?” He looked at her, eyes filled with love
and lust at the same time.

Tinanguan niya si TJ. Mahal na mahal siya nito, at alam niya ‘yon.

“I love you, too. And I trust you.”

Sa mga salitang ‘yon, hindi na nakapagpigil si TJ. Muling inangkin nito ang bibig
niya. Ginantihan niya ang halik nito. She almost gasped aloud when his kisses went
down her neck trailing wet kisses before he went up to claim her lips again.

They explored each other. She held on him tightly, her nails pierced the skin of
his back as pain and pleasure consumed her.

Screaming both their names, they did it.

The most amazing and unforgettable night of her life. The night, when she made
herself forever his.

Namuo ang luha sa mga mata niya nang titigan niya ang lalaking hindi niya kayang
mawala sa buhay niya. “I love you, Troy.”

Kuntentong ngumiti si TJ sa kanya. He looked at her lovingly and he kissed her


tears away. “Don’t cry, baby. You don’t know how much this means to me. How much
you mean to me. Thank you. God, Helen, I love you so much.” And then came the
declaration like a promise of forever. “Sa’kin ka lang.”

“Sa’yo lang,” kasabay ng pangako niya ay ang pagtulo ng luha niya.

“Oo. Sa akin.”

— — —

=================

53. Tonight.
53. TONIGHT.

PAGGISING kinaumagahan ni Arianna, wala na si Troy sa tabi niya.

Humigpit ang hawak niya sa kumot na bumabalot sa katawan niya. That lower part of
her body still hurt. Pero napangiti pa rin siya dahil sa ala-ala ng nagdaang gabi.

She reached for her clothes TJ obviously collected and placed on the corner of the
bed. May bouquet din ng flowers doon. And there was also a letter.

For the love of my life who made me the happiest man on earth. Good morning, sexy.

Nasa baba lang sila. Headache for an excuse? ;)

See you later.

I love you.

Hindi niya namamalyang namumula na naman siya. Just the thought of last night made
her so damn happy.

But then... hanggang doon na lang ‘yon.

Kumuha siya ng panibagong damit mula sa bag niya at nagbihis na. Bumaba siya at sa
may pool side niya nakita ang girl barkada with Ej at the side.

Nilapitan niya ang mga ‘to.

“Oooy! Blooming ka, ‘te!” Ej.


“Kayo na! Kayo na talaga!” Kiray.

“Kilig ako! Haha. Ano’ng feeling?” Bea.

What the...

“Oo nga! Kwento ka naman, beh! Oops. Di ka na pala namin baby, kasi ikaw na ang
magkaka-baby. Yiee!” Julia.

Ano ba namang pinagsasabi ng mga kaibigan niya!

“Ano ba, magtigil nga kayo! Ang aadik n’yo.” Nahihiyang naupo siya sa tabi ni Bea.

“Grabe ‘yan, ha. Wala akong masabi sa first love!” Lexi.

“At congratulations, A. Nabreak mo ang record mo ng paggising. 2 o’clock in the


afternoon? Waw.” Pumalakpak pa si Brianna.

Nanlaki ang mga mata niya. “Two na ba?”

“Uhm, not really. 2:27 to be exact,” sagot naman ni Yen.

At lagpas pa pala!

Napakagat-labi siya’t napayuko sa hiya. Akala niya umaga pa. Good morning kasi
nakasulat sa letter ni TJ, e.

“Nasaan nga pala ang boys?” tangkang pag-iiba niya sa usapan.

“Uuuy! Namiss agad ang asawa! Yiiee!" Kiray.

At syempre, balik na naman sa tuksuhan. Akala niya lusot na, e.

LUBOG na ang araw pero hindi pa rin sila nagkikita ni TJ. Hindi na rin siya
mapakali.
Mamaya kasi... sasaktan niya na si TJ.

Shit. Ngayon pa lang nahihirapan na siya.

Nakatanggap siya ng text mula kay TJ, pumasok daw siya sa room nila.

Kanina, ni hindi man lang siya makalapit sa pinto ng kwarto nila, pero ngayon
pinapapunta na siya nito? Ano na naman kaya ang pakulo ng lalaking ‘yon?

Dahan-dahang binuksan niya ang pinto. Medyo madilim sa loob dahil patay ang ilaw.

Nakakapagtaka naman. Pinapunta siya pero si TJ ata ang wala rito?

Pumasok siya sa loob. Pagliko niya, napahinto siya bigla. Natulala siya sa isang
fashion mannequin na may suot na dress. May ilaw na nakatutok sa bagay na ‘yon.

T-teka....

Lumapit siya rito para pagmasdan nang mabuti ang damit.

She gasped. Npatakip siya sa bibig niya. Maluluha na naman ata siya.

That dress... Ito ang isa sa mga drawings niya.

Nasabi niya na ba? Mahilig siyang mag-design at mag-drawing sa papel, tissue at sa


kung saan pang pwedeng pag-drawing-an kapag wala siyang magawa. Pero hanggang doon
lang ‘yon. Wala kasi siyang alam sa pananahi. Hindi niya rin naman talaga gustong
maging designer dahil kung iyon ang gusto niya, sana iyon ang course na kinuha
niya. Ginagawa niya lang talagang libangan ang pagguhit ng mga damit. Pero, heto...
ang isa sa mga gawa niya....

Sarkastikong napangiti siya nang may pumatak na luha sa pisngi niya.

Pinapaiyak siya ni TJ sa tuwa. Pero ano’ng igaganti niya mamaya?

God, this is tearing me apart.

Kinuha niya ang isang papel na nakasuksok sa lace ribbon sa waist area ng damit at
binasa ‘yon.
Wear this. Meet me at the gazebo.

I love you.

Doon na siya napaiyak.

Lagi na lang. Lagi na lang si TJ ang may sorpresa para pasayahin siya. Anong
klaseng girlfriend ba siya? No. Anong klaseng asawa siya? Bakit parang feeling
niya, napakawalang kwenta niya?

Pero eto na. Nakapagdesisyon na siya.

Bago niya isuot ang damit na dinisenyo niya, inayos niya muna ang lahat ng mga
gamit niya.

At nang matapos ang pag-eempake niya, nanghihinang napaupo’t napaiyak na lang siya.

I'm so sorry, Troy.

PAPUNTA na siya sa gazebo. Madilim. Halatang may inihanda na namang sorpresa si TJ


para sa kanya.

May tig-i-tig-isang nakasinding kandila sa tatlong baitang na hagdan sa gazebo.


Naglakad siya paakyat doon.

Pagpasok niya sa loob, nakita niya ang isang napakalaking hugis pusong gawa sa
pinagdugtong-dugtong na may sinding kandila.

Nagsisimula na namang mangilid ang mga luha niya.

Hindi naman ganito si TJ dati, e. Ayaw nito ng surprises. Pero ngayon... Para sa
kanya... Sobrang mag-effort si TJ... Sobra.
Biglang bumukas ang ilaw sa itaas. Noon niya lang nakita ang maliit na table na
puno ng iba’t ibang klase ng pagkain na nasa loob ng malaking hugis puso ng mga may
sinding kandila. Walang mga upuan dahil mukhang picnic style ang inihanda ni TJ.

Doon niya na rin nakita si TJ.

Katapat niya, sa kabilang entrance ng gazebo, nakatayo si TJ. May hawak na pumpon
ng bulaklak habang nakangiti at nakatitig sa kanya.

Ang ngiti nito....

“Hi, misis. Pakiss?” sabay ngumuso pa ‘to tsaka nahihiyang yumuko at natawa rin sa
sariling kalokohan.

Hindi niya mapigilang mapangiti. Sa ganito ba namang lagay biglang gumaganu’n si


TJ? Sira-ulo talaga. Pero sabagay, siya lang naman ang may alam ng susunod na
mangyayari.

Naglakad si TJ papunta sa kanya.

“Para sa’yo...” Iniabot nito sa kanya ang bouquet. Akmang kukunin niya na nang
biglang nilayo nito at ang mukha naman nito ang mas lumapit sa kanya. “....lang
ako.”

She rolled her eyes, fighting the urge to hug him tight.

His jokes. His little teases. How could she ever smile again without this man
around?

Para sa kanya nga lang si TJ, pero ni hindi pwedeng makasama niya? How was that?
Bullshit, right?

“Sunget. Meron ka? Di ba tayo nakabuo? Anak ng...”

Nawala ang focus niya sa kaninang iniisip niya.

Bigla siyang namula.

‘Yung totoo? Hindi na ba talaga sensitive topic ang sex at babies sa barkada nila’t
pati kay TJ?

“Biro lang. ‘To naman.” Pinisil pa nito ang ilong niya.


Napayuko na lang siya kasabay ng pamumula. Loko talaga.

Pero napaisip siya. Sana nga nakabuo na lang sila, ‘no? Para may panghahawakan siya
kay TJ kapag lumayo na si TJ. Baka sakaling matanggap na rin siya ng ama nito. Di
ba?

“Here. For the love of my life...” Inabot na talaga ni TJ sa kanya ang bulaklak.
Tsaka siya marahang hinalikan sa mga labi.

Napapikit siya.

Last kiss?

Kill me.

Inakay siya nito patungo sa table. Hinintay muna siya nitong maupo bago lumipat sa
katapat niya at naupo. Nagpapaka-gentleman ang dating walang modo kung makipagtalo
sa kanya.

Kainis. Maiiyak na naman siya nito, e. Bakit kasi kailangang maging ganito?

Tinitigan niya lang ang mukha ni TJ. Tinatandaan ang lahat-lahat ng maliliit na
detalye rito. Ang gwapong mukha nito na kahit hindi ito ang pinakagwapo sa lahat,
ito pa rin ang nag-iisang pinaka sa puso niya.

“Titig mo? Ngayon mo lang na-realize na sobrang gwapo ko?” biro nito pero hindi
niya tinawanan ‘yon.

Paano niya magagawang tumawa? Kung bilang na ang mga sandaling magkasama sila?
Kapag pinagtagal niya ‘to, mas lalo lang silang masasaktan, e.

Pinakatitigan niya si TJ. Nagtataka man, ganun din ang ginawa nito.

Tinapangan niya ang sarili niya. Humugot siya ng malalim na hininga at nagsalita.

“Troy... sumama ka na sa daddy mo.”

Parang naistatwa bigla si TJ sa sinabi niya. He looked at her as if she’d suddenly


grown two heads.

Shit.
Halatang nagulat si TJ. Nawalan ng reaksyon ang mukha nito.

Pero hindi nagtagal, ngumiti si TJ.

“Alam mo namang mahal kita, di ba? Pero minsan talaga ang korni ng joke mo.” Tumawa
pa ‘to pero halatang pilit naman.

Ngayon pa lang hindi niya na kaya. Masasaktan niya si TJ.

F-ck.

Pero kailangan niyang gawin ‘to. Kailangan.

“Seryoso ako. Sumama ka na sa kanya.”

Hindi nagsalita si TJ. Tinitigan lang siya nito nang matagal.

Matagal na matagal.

Hanggang sa parang walang narinig, kinuha nito ang mga kubyertos sa harap nito at
nag-umpisang kumain.

“Gutom lang ‘yan. Kain na tayo.” Tsaka sumubo si TJ ng pagkain.

Napapikit siya nang mariin. Tangina, ayoko na.

Nasasaktan na si TJ. Alam niya. Nagpipigil na lang ‘to ng luha.

Ayaw na niya. Ayaw niyang makitang tuluyang umiyak si TJ.

Tumayo siya at tumalikod. Akmang hahakbang na siya paalis nang biglang kumalabog
ang mesa. Mariing napapikit siya.

“Tangina naman, e! Akala mo ba nakakatawa pa ‘yang biro mo? Tigilan mo nga!


Nagpapatawa ka pa!”

Naramdaman niya na lang na hinila siya ni TJ at pilit na pinaupo. Nakalapit na pala


‘to sa kanya.

“Tara, kumain na tayo.”


Napapikit siya. Gusto niya nang umalis. Ayaw niya na talagang makitang
nagkakaganito si TJ.

Tinatagan niya ulit ang sarili niya.

“Troy...”

“Kakain tayo,” mariing putol nito sa anumang sasabihin niya.

Bumalik si TJ sa pwesto nito at nagpatuloy sa pagkain.

Pinanood niya lang ‘to.

“Kumain ka. Ang sarap, o. Pinaghirapan namin ng boys ‘to. Napaso pa nga si Keslo mo
kasi ang engot tinry kung mainit daw ba ‘yung kawali, e, nakasalang. Tanga ng bobo,
di ba? Pero nagtulong-tulong kami d’yan. Tikman mo. Promise, hindi ‘yan
nakakamatay.”

Hindi niya pinansin ang mga sinabi ni TJ. Ang tulin ng pagkain nito. Basta subo
lang nang subo.

Hanggang sa... may tumulo nang luha mula sa mga mata nito.

Umiiyak si TJ.

Shit.

Napakagat siya nang sobrang diin sa labi niya, nagpipigil sa iyak na gustong
kumawala sa kanya.

Nag-angat si TJ ng paningin pero hindi tumingin sa kanya.

“’Yang damit, nagustuhan mo ba? Sorry, ha. Dapat talaga regalo ko ‘yan no’ng debut
mo. Pero kasi kahapon lang natapos ng pinagpagawaan ko, e. Maganda, di ba? Syempre,
kasi design mo 'yan. Nagustuhan mo ba? Kasya ba sa’yo? Hindi naman ba masikip? Oo
nga pala, sexy ka. ‘Yung kulay? Sumakto ba sa gust—“

“Troy...”

“Tang-ina! Hindi mo ba ititigil ‘yan? Ano bang kalokohan ‘yang pinagsasabi mo!”

Hindi na napigil na may pumatak na luha mula sa mga mata niya. Hindi siya matignan
ni TJ nang diretso.
“Troy, makinig ka. Sumama ka na sa daddy mo. Di ba, dati mo pa pangarap na makasama
ang totoong daddy mo? Ito na ‘yun, o. Pagkakataon mo na—“

“Punyetang pangarap ‘yan! Sa tingin mo ba sasaya ako kapag sumama ako sa kanya?
Gagamitin niya lang ako! Naiintindihan mo ba ‘yon? Tangina kasi, tigilan mo na
'yan!” may pagmamakaawa na sa boses ni TJ.

Napapikit siya. Galit na si TJ, pero alam niyang mas na nasasaktan ‘to.

“Troy...”

“Ano ‘yung kagabi? Binigay mo ang sarili mo sa’kin, di ba? Tangina, Arianna, may
nangyari na sa’tin! Pa’no kung mabuntis ka? Arianna, responsibilidad kita! Bakit
ngayon pinapala—“

“Hindi ako buntis, Troy,” mariing putol niya kay TJ.

“Hindi ka sigurado!”

“Hindi ka rin sigurado.”

Natahimik si TJ sa sinabi niya. Pati siya.

Ang cold ng pakikipag-usap niya. Parang hindi siya.

Ang sama ko. Ang sama sama ko. Fck, ang sama sama ko.

Nakatitig na lang sila pareho sa isa’t sa.

Hanggang sa hindi niya na talaga kaya. Tumayo siya.

Ayaw na niya. Aalis na siya. ‘Wag na sana siyang pigilan ni TJ.

“Helen....”

F-ck.

Napahinto siya kasabay ng pagpikit. Nagmamakaawa ang tonong ginamit ni TJ.

Ang pagtawag nito sa kanya sa pangalan niya.


Helen of Troy...

F-ck. F-ck the world. Just f-ck.

“Please? Don’t leave me, please?”

Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha niya.

Nakikiusap si TJ na ‘wag niya ‘tong iwan. Nagmamakaawa.

Troy, kung pwede lang. Hinding hindi kita iiwan kung pwede lang. Kasi hindi ko rin
kaya, pero kasi, kailangan.

Humakbang siya palayo. Isa. Dalawa. Hanggang sa naramdaman niya na naman ang kamay
nito sa braso niya at iniharap siyang muli.

“Please? ‘Wag... Parang awa mo na. Tangina, hindi ko kaya. Arianna, hindi ko
kaya...”

Napatingala siya. Hindi niya matagalan ang nakikitang nasasaktan si TJ. Shit,
umiiyak sila pareho.

“Troy...”

Bago niya pa madagdagan ang sasabihin niya, bigla na lang..... lumuhod si TJ sa


harap niya.

“’Wag....” pagmamakaawa nito. “Parang awa mo na, ‘wag mo ‘kong iwan. Hindi ko kaya.
Baka mabaliw ako. Please? Itigil mo na ‘to. ‘Wag mo ‘kong iwan. Mahal na mahal
kita, e.”

Hawak-hawak ang dalawang kamay niya, umiiyak si TJ habang nakayuko. Nakikiusap na


‘wag niyang iwan. Sobrang nahihirapan na siya.

“Troy, hindi na tayo pwede. Madaming madadamay. Sila Papa Ren at Mama Mina... Troy,
mawawala ang kompanya sa kanila kapag pinilit pa nating magsama. Naiintindihan mo
ba ‘ko? Gagawin lahat ng daddy mo para lang makuha ka niya,” umiiyak na paliwanag
niya.

“’Yun lang ba ang inaalala mo? Ang kompanya? Edi, kunin niya! Kunin niya ang
kompanya! Magtatrabaho ako! Ako na lang ang bubuhay sa mga pamilya natin! Titigil
ako ng pag-aaral! Lahat ng trabaho papasukin ko! Waiter, construction worker,
driver o kung gusto mo takatak-boy pa! ‘Wag mo lang akong iwan naman. Hindi ko kasi
kaya, Yanna... Kung kaya ko, bakit hindi? Kung kaya kong wala ka, tangina,
kakawayan pa kita ‘pag paalis na ‘ko. Pero kasi hindi, e. Hindi ko kaya na wala ka
kaya please.... ‘wag mo ‘kong iwan, o. Please...”

Napapikit siya. Ang sakit. Ang sakit sakit.

‘Yung nakikita niyang umiiiyak at nagmamakaawa sa harap niya ang taong mahal niya?
Nagmamakaawang ‘wag niyang iwan.

Noong una, daddy niya ang lumuhod, ngayon naman si TJ. Ang dalawang
pinakamahalagang lalaki sa buhay niya. Sino ang pipiliin niya?

“Troy, kukunin at kukunin ka niya. Gagawin lang nating komplikado ang lahat.”

“Hindi! Hindi niya ako makukuha hangga’t hindi ako sumasama! Magtatago ako!
Pagtataguan ko siya!”

Ang higpit. Ang higpit ng hawak ni TJ sa mga kamay niya. Ayaw siyang pakawalan.

Tama na, Troy. Hindi ko na kayang nakikita kang ganyan. Kailangan ko na ‘tong
tapusin, kasi kung hindi, baka hindi na kita paalisin, baka maging makasarili ako,
baka masira ko ang mga pamilya natin, at baka pareho tayong magsisi kung pipilitin
pa natin ang sa’tin.

“Troy, itigil na natin ‘to.”

“Hindi,” mariing umiling si TJ. At biglang naging mahinahon ang boses. “Sabihin mo
nga. Sawa ka na ba? Nagsasawa ka na ba dahil ako lang ang laging kasama mo?
Nasasakal na ba kita? Kasi ako ang unang naging boyfriend mo at ako pa ang
pinakasalan mo?”

God, no...Sunod-sunod ang iling niya. “Hindi, Troy... Hindi.”

“Kung gusto mo, makipag-date ka sa iba! Hindi ako magagalit. Kahit nagseselos ako
hindi ko sasabihin sa’yo. Ano pa? N-nagsasawa ka na ba sa kayabangan ko? Sa
kasasabi ko na gwapo ako? Wala naman akong magagawa kung totoo ‘yon, e.” Tumawa pa
pero halatang peke. “Pero para sa’yo titigilan ko na ‘yun! Ano pa ba? Gusto mo ba
ng mas maraming time sa barkada? Sawang-sawa ka na ba na ako lang ang lagi mong
kasama? First boyfriend na nga, asawa pa. Boring ba? Sige madalas na kitang
hahayaan sa kanila. Basta lang ‘wag mo ‘kong itaboy, Arianna. Hindi ko kaya. Hindi
ko talaga kaya.”

Iyak nang iyak si TJ. Parang winawarak ang puso niya sa nakikita niya.

Ang sama-sama niya. Matapos ang lahat ng ginawa nito para sa kanya, ito pa ang
ipapalit niya?
“Tama na, TJ... Tama na...” Hindi ko na kaya.

“Putang-ina naman, e! Hindi mo na ba ‘ko mahal, ha? Hindi mo na ba ‘ko mahal?!”

“MAHAL!” sigaw niya. “Mahal na mahal kita, Troy! Mahal na mahal kita! Pero ito lang
ang alam kong tamang gawin!”

Ang hirap, grabe. Sobrang hirap ng ginagawa niya.

“Siguro kasi hindi pa ito ang tamang panahon para sa’tin. Habang magkalayo tayo,
pwede kang magka-girlfriend. For fun? Okay lang sa’kin. Iintindihin ko ‘yun.”
Bullsh-t. “Kasal na naman tayo, di ba?” Iyak na rin siya nang iyak.

Pinipilit niyang pagaanin kahit kaunti ang sitwasyon, kahit na wala naman talagang
tulong.

“’Yan! Ayan na naman sa hindi pa tamang panahon na ‘yan! Kailan ba magiging tama?
Kapag nagkagirlfriend ako tapos hindi na ‘ko makabalik sa’yo? Kapag matanda na tayo
pareho at may iba nang pamilya? Iyon ba ang tama? Kapag sumama ako sa tatay ko,
mawawalan na ng kwenta ang kasal natin! Tangina naman Arianna, e! Kung mahal mo
‘ko, ipaglaban mo ‘ko!”

Gusto niyang punasan ang mga luha ni TJ. Gusto niyang halikan ang bawat patak ng
luhang tumulo mula sa mga mata nito, pero hindi niya magawa.

Tiningala siya ni TJ.

“Ipaglaban mo naman ako, o. Ipaglaban mo ‘ko. Kasi pinaglalaban ko kung ano’ng


meron tayo. Hangga't kaya ko, lumalaban ako. Para sa’yo, para sa'tin... Kaya
ipaglaban mo naman ako, o. Kasi hindi natin kakayanin ‘to kung ako lang mag-isa ang
lalaban.”

Hindi niya na talaga kaya. Ang sakit makitang umiiyak si TJ. At alam niyang mas
masasaktan ‘to sa susunod na sasabihin niya.

“H-hindi ko na kaya.”

Napamaang si TJ sa sinabi niya. Gulat na gulat na tinitigan siya nito.

Nag-iwas siya ng tingin. Kailangan niyang magsinungaling para lang maitaboy si TJ.

Dahil ang totoo? Kaya niya pa. Kayang-kaya niya pa, pero kailangang itigil na.
Gusto niyang saktan ang sarili niya. Sabunutan at sampalin ang sarili niya. Ano
ba’ng ginagawa niya? Hindi deserve ni TJ ang masaktan nang ganito.

“H-hindi mo na... kaya?” hindi makapaniwalang ulit nito sa sinabi niya. “Kung
hindi mo na kaya....” Biglang ngumiti si TJ sa kanya. ‘Yung ngiti na para bang
nakaisip ‘to ng magandang solusyon sa problema nila. “Arianna, kung hindi mo na
kayang lumaban... kumapit ka na lang sa’kin. Ako ang lalaban para sa’ting dalawa.”

“Troy, please!” She tried so hard to sound irritated when the truth was, she was
tempted. To hold on. To keep holding on. “Ayoko na.”

Broken, Troy just stared at her for a long moment.

“Ayaw... mo na?” Hindi makapaniwalang nakatitig lang si TJ sa kanya. “A-akala ko ba


mahal mo ‘ko? Di ba, mahal mo ‘ko? Nararamdaman ko ‘yun, e. Sa’kin mo binigay ang
sarili mo. Mahal mo ‘ko. Mahal mo ‘ko! Sabi mo mahal mo ‘ko! Mahal mo ‘ko, Arianna!
Mahal mo ako!” Sumisigaw na si TJ.

“Mahal kita, Troy. Mahal na maha—“

“Mahal mo nga ako. Pero hindi sapat para ipaglaban mo ako!”

“Mahal na mahal kita! Sapat para pakawalan kita!”

Natulala si TJ sa kanya. Parehong natahimik sila.

Ang sakit. Kitang-kita niya ‘yung sakit sa mga mata ni TJ. ‘Yung pagkabigo. ‘Yung
pagkatalo. Sobrang sakit....

Nakayuko na si TJ habang nakatitig lang siya rito. ‘Yung mga luha niya, ayaw nang
paawat.

Suminghot-singhot si TJ. Pinunasan nito ang mga luhang nagkalat na sa mukha.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mong ‘yan?” malumanay na tanong nito.

Bakit ganu’n? Bakit ang sakit? Kanina pinagtatabuyan niya ‘to, pero bakit gusto
niya nang bawiin ‘yon?

“Oo,” mahinang sagot niya.

Bago niya pa pigilan si TJ, kailangan niya nang tatagan ang sarili niya at
ipagtabuyan ‘to.
Yumugyog ang mga balikat ni TJ. Naririnig niya na lang na mahina ‘tong tumatawa.

“Ginusto mo, susundin ko.” Tumayo si TJ pero hindi pa rin tumitingin sa kanya.
“Sige. Mas mahalaga naman sa’kin ang kaligayahan mo. Alam mo naman ‘yun, di ba?
Kaya sige, kung ‘yan ang gusto mo.”

Kahit ang sakit, pinatatag niya ang sarili niya.

Ang sakit, e. Sobrang sakit. Ito na ba ang katapusan para sa kanila?

Naglakad si TJ palayo sa kanya. At sa isang palakpak nito... biglang nagliwanag.

Hindi niya mapigilang hindi mapasinghap.

Umikot ang paningin niya sa paligid ng gazebo.

May nakapalibot na fountain fireworks sa labas.

Namataan niya pang nagtakbuhan ang mga ng nagsindi ng fireworks. Ang barkada. May
mga hawak ang mga ito na BBQ lighters at nagtakbuhan din agad pagkasindi ng lahat.

F-ck. Narinig ng mga kaibigan nila ang lahat. F-ck.

Pero hindi na iyon ang mahalaga.

Akala niya tapos na ang sorpresa ni TJ sa kanya. Pero mas pinaghandaan pala nito
ang gabing ito. Walang kaalam-alam na ngayong gabi na sila magkakalayo.

“Nagustuhan mo ba? Medyo fail, di ba? Wala kasi akong makitang automatic na
fireworks, e. Kaya kinailangan ko silang lahat. Okay naman, di ba? Ang plano ko
talaga, halikan ka habang nakasindi ang lahat ng ‘yan. Romantic siguro nu’n, ‘no?
Nasasanay na nga ata akong maging romantic para sa’yo, e,” ngiting-ngiti si TJ
habang sinasabi ang mga ‘yon kahit halatang pinepeke naman. “Nagustuhan mo ba? Sana
nagustuhan mo kasi nangutang pa nga ako sa barkada dahil kulang ang pera ko. Puta,
hirap ‘pag hindi ka talaga mayaman, ‘no? Pero maganda naman, di ba? Pero mas
maganda ‘yan kung magkayakap tayo habang napapalibutan ng mga ‘yan.” Sarkastikong
tumawa si TJ.

Iyak lang siya nang iyak.

Na-imagine niya ang lahat ng sinabi nito. Ang sarap nga siguro sa pakiramdam kung
ganoon ang nangyari, ‘no? Kaso bakit ganito? Imbis... ganito na.
Sobrang sakit. Lahat handang gawin ni TJ para sa kanya. Pero ano ba ang kaya niyang
gawin para kany TJ? Ang pakawalan ‘to?

Umiiyak na pinanood niya lang ang mga fireworks na nakapalibot sa kanila hanggang
sa mawalan na ng sindi ang mga ‘yon.

Bumalot ang mahabang katahimikan sa kanila ni TJ. Wala siyang ibang marinig kundi
ang sarili niyang paghikbi.

Lumakad si TJ papunta sa kanya, pero...... nilagpasan siya.

Tangina, ang sakit!

Aalis na si TJ. Lalayo na ‘to sa kanya. Iiwan na siya.

Ang sakit...

Halos manlambot ang mga tuhod niya. Wala na, hanggang dito na lang sila.

Sana.... Sana kayanin niya.

Iyak na lang siya nang iyak.

Mahal na mahal niya si TJ pero hindi pwedeng magkasama sila. Bakit ganito? Bakit
kailangang mangyari sa kanila ‘to?

Hindi niya namalayang huminto pala si TJ sa paglalakad.

“Susundin kita. Gusto mong magka-girlfriend ako? Sige, magmamahal ako ng iba. Pero
tandaan mo... kahit makahanap ako ng iba... ikaw lang ang mamahalin ko nang
ganito.”

And with that, tuluyan nang umalis si TJ.Palayo sa kanya.... dahil pinalayo niya.

Napaupo siya. Iyak nang iyak. Wala siyang magawa kundi ang umiyak.

“Ang sabi ko, pwede kang magka-girlfriend na iba. Pero hindi ko sinabing magmahal
ka ng iba...” Napahagulgol na siya sa sobrang sakit.

Wala na si Troy. Wala na. Parang dinudurog ang puso niya sa sakit na nararamdaman
niya. Wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak.
“HAAA!!!!! PUTANGINA!!!”

Lalong lumakas ang hagulgol niya nang marinig niya ang malayo na pero malakas na
pagsigaw ni TJ.

Sobrang sakit. Pero alam niyang wala itong nararamdaman niyang sakit sa sakit na
dinulot niya kay TJ.

Tama ba ang ginawa niya? Ang saktan silang pareho?

Tama naman, di ba?

O hindi.....

Ang gabing akala ni TJ magiging masaya sila... ang gabi palang magkakalayo sila.

Gusto niyang pigilan si TJ. Gusto niya ‘tong yakapin at sabihing binabawi niya na
ang lahat. Pero wala na siyang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak, ang magparaya
sa ngayon at hayaang umalis ang taong pinakamamahal niya.

Babawiin kita, Troy. Kapag kaya ko na, kahit ano’ng mangyari, ipaglalaban na kita.
Pero sa ngayon... hindi ko pa kaya.

“Sorry, Troy. Sorry....”

— — —

=================

54. Never let go. [Part 1]

54. NEVER LET GO.


“ALAM mo bang nami-miss na kita? ‘Yung ngiti mong nakaka-in love. ‘Yung kindat mong
nakakakilig. ‘Yung kayabangan mong sagad-sagaran. Pati na rin ‘yung kasungitan mong
nakakasakal pero nakakakilig naman. Alam mo bang miss na miss ko na agad lahat
‘yon?”

Arianna sighed.

“Alam mo bang para akong tanga kagabi na naghihintay sa pagkatok mo sa kwarto ko?
Hindi nga ako nakatulog kakaantay, e. Halos batukan na ‘ko ni B sa kagagahan
ko.” Suminghot siya. “Pero buti na lang hindi ka kumatok. Kasi kung ginawa mo, baka
biglang nabuksan ko ‘yon. Biglang nayakap na lang kita sabay bawi sa mga masasakit
na sinabi ko. Na biglang makalimutan kong ang pamilya natin ang masasaktan ko kapag
pinili kita.” Malalim na nagbuntong-hininga ulit siya. “Isang araw pa lang tayong
hindi nagkikita, miss na miss na agad kita. Bakit mo kasi ako ginayuma?” Pilit na
tumawa pa siya. “Parang ang layo ng mga bahay natin, ‘no? Pader lang ang pagitan
pero ni buhok mo hindi ko pa masilayan. Ha ha. Ang pathetic ko, di ba?”

Tawa ulit. Tawa lang. Kunwari okay lang.

Natatawa siya sa sarili niyang kagagahan. “Ehhh... ginusto ko ‘to, e. Pinalayo


kita. Ngayong lumayo ka, nag-iinarte ako. Tanga lang, di ba?" sarkastikong tumawa
siya. Sige, tawa pa. Kahit ang sakit talaga.

Hinaplos-haplos niya ang pangalan ni Troy sa infinitree nila.

Palitaw pa lang ang araw, dito na agad siya nagpunta. Nakasandal lang ang noo niya
sa puno habang hinahaplos ang pangalan ni Troy na nakaukit doon. Habang umiiyak.
Jusko, wala na ngang tigil ang iyak niya, e. Wala, e. ‘Yun lang naman ang magagawa
niya.

Lalo ‘pag naaalala niya ‘yung mukha ni TJ noong isang gabi?

Sobra. Sobrang nakakadurog ng puso.

Kaya ang pangalan ni TJ sa puno ang kinakausap niya. Kinakausap na para bang
sasagutin siya.

Hah. Pathethic.

Si TJ naman, nagkukulong lang sa kwarto. Nag-aalala na nga sila Papa Ren at Mama
Mina, e. Ang mommy, daddy at kambal niya naman, sa kanya nag-aalala. Wala rin kasi
siyang ganang kumain. Napakatahimik niya lang. Ni hindi niya kinikibo kahit ang mga
magulang niya.
Ang totoo niyan, gusto niyang puntahan si TJ sa kwarto nito pero hindi niya kaya.
Kasi wala siyang lakas ng loob na makita si TJ. Pa’no kung ang miserable pala ng
lagay nito? Mas miserable kaysa sa kanya? Panigurado, masasaktan lang siya. Lalo
naman siguro si TJ ‘pag nakita siya.

“Balita ko lasing ka raw kagabi, ha? Sinumbong ka sa’kin ni Mama Mina. Pero alam mo
kung ano'ng sinagot ko?” Ngumiti siya nang mapakla. “Ah.” Shit.“Haba, ‘no? Pero TJ,
sa loob loob ko sobrang nag-aalala na ‘ko.” Tumulo na naman ang mga luha
niya. “Kasi, di ba, sabi mo bawal akong uminom, pero bakit ikaw, pwedeng pwede? Di
ba, bawal na sa’tin pareho ‘yan? Pero bakit uminom ka? Daya.”

Singhot siya nang singhot.Grabe ‘yung sakit.

Iyak lang siya nang iyak. Hanggang sa lumabo nang lumabo ang paningin niya....

*Baby baby baby kooooo. Ang sexy sexy sexy mooooo.*

Nagising siya sa tunog ng cellphone niya na nakapatong sa hita niya.

Ang dilim na ng paligid. Inabot na pala siya ng gabi rito. Pero bakit gano’n? Hindi
man lang ata siya natatakot?

*Na-ii-nip-inip na ‘kooooo. Sagutin mo na ang tawag ko. Lol.*

Ang boses ni TJ...

Napangiti siya. To the tune of JB's Baby ang kinanta ni TJ samantalang hate na hate
nito si Bieber. Pa’no celebrity crush niya. Selosong sobra, di ba? Artista na lang
ba naman pinagseselosan pa. Pero dahil pinilit niya si TJ, gumawa na lang ‘to ng
sariling version ng Baby ni Bieber. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get-
over sa ‘lol’ part.

Naalala niya na naman ang mukha ni TJ noong nirerecord nito ‘yon. Bwiset na bwiset
sa kanya dahil bukod sa kanta na nga ni Bieber, tawa pa siya nang tawa, pero sige
naman sa pagkanta dahil request niya.
F-ck, di ba? Perfect boyfriend, di ba? Perfect husband, di ba? Sobrang swerte niya
na, di ba? Pero, ano? Sinaktan niya lang, di ba?

*Kapoot. Kumanta na nga, ‘di pa rin sumasagot. Busy? Sige ipagpalit mo ‘ko.
Ganyanan? ‘Nak ng. Sige! Ipagpali—*

Sinagot niya na ang kung sino mang tumatawag.

Ipagpalit? Si TJ? Malabo.

In-answer niya na ang tawag pero hindi siya nagsalita. Alam niyang hindi si TJ
‘yon. Sa lahat niya sinet ang ringtone na ‘yon, e.

“Yanna! I mean... A!”

Napakunot ang noo niya. Boses ni Joice ‘to, ha?

Tinignan niya ulit ang screen ng phone niya. Pang-US ang number. Si Joice nga!

“Joice.”Wala pa rin siyang ganang makipag-usap kahit miss na miss niya na rin si
Joice.

“A, nasaan ka? Napigilan mo ba si kuya?” nagpa-panic na tanong ni Joice.

“Pigilan saan?”

“Jusko naman, Arianna, babatukan kita d’yan, e! Ngayon na ang flight ni kuya! Ano
ka ba?!”

Nanlaki ang mga mata niya. Flight?!

“A-anong... ano’ng flight?” nagpapanic na rin siya.

“Flight! Lutang eroplano! Lipat ibang bansa! Jusmiyo, Marimar! Move your ass,
Arianna! Stop my brother!”

Napalunok siya. Hindi siya makapagsalita. Hindi ba dapat, sa Friday pa ang alis ni
TJ?

But then... Friday or now, ano pa nga ba’ng magagawa niya?

“Mas naaga ata, ah? Tsaka... bakit ko pipigilan? E, tinaboy ko na nga. Pinapatawa
mo ba ‘ko?” sarkastikong tumawa pa siya.

“F-ck you,” Joice gritted.

Well, she deserved that. Joice loved her brother so much and she deserved that for
hurting TJ.

“Alam ko na ‘yan. Naikwento na sa’kin ni B lahat ‘yan. Alam kong sinaktan mo si


kuya, and as much as I hate you for hurting my brother, alam ko rin na pareho lang
kayong nasasaktan. But shit, Arianna. Aalis na si kuya!”

“Naririnig kita. Hindi mo kailangang sumigaw. Narinig kong aalis na


siya....” Napabuntong-hininga na lang siya. “...papuntang Palawan, di ba?” matamlay
na dugtong niya.

“What?? Oh, my God. Anong Palawan? Palawan, my ass! Arianna, hindi mo ba narinig
ang sinabi ko kanina? Ibang bansa! I-BANG BAN-SA! Sa hindi ko malaman kung saang
bansa! Maski sa’kin sinisikreto ni Mommy ‘yon!”

Natigilan bigla si Arianna.

“I-ibang bansa?”

“Oo, Arianna, kaya pwede ba, kumilos ka na? Ikaw lang ang makakapigil kay kuya.”
Kahit naiinis, nasa tono ni Joice ang pagmamakaawa.

Ibang bansa?? Ang sabi sa kanya ni Tito Gab sa Palawan lang nito dadalhin si TJ!
Ano ‘to? Niloko lang siya ni Tito Gab?

Hindi siya makapagsalita. Para siyang tinulos na kandila dahil sa narinig niya.
Talagang ilalayo ni Tito Gab si TJ kanya? Sabi nito, Friday pa. Sabi nito, Palawan
lang. Pero ano ‘to?! Shit. He tricked her!

Nanginginig siya sa inis.

“Tangina ka, A. Hindi kita mapapatawad kapag nakaalis si kuya!”

Sa tagal niyang sumagot, pinagbabaan na siya ni Joice.


Hindi siya makapaniwala. Ni hindi niya pa nga nakikita ulit si TJ, aalis na agad?

Napapikit siya. Hanggang dito na lang ba talaga sila?

Naiiyak na naman siya. Shit naman, imbei na umiyak siya, pwede namang puntahan niya
na lang si TJ at pigilan, di ba? May magagawa ba ang pag-iyak niya? Kung kumilos na
lang kaya siya, ‘no? Kasi ‘yun ang gustong gusto niyang gawin ngayon, e. Gusto
niyang puntahan si TJ. Gusto niyang pigilin sa pag-alis si TJ. But then reality
slapped her. Na gustuhin niya mang hawakan ang mga kamay ni TJ at magmakaawang ‘wag
siyang iwan, ang palayain muna ‘to ngayon ang kailangan.

“Kung mahal mo talaga, panatilihin mong iyo. ‘Wag mong isakripisyo sa kahit na ano
o kahit na kanino. Tandaan mo, nag-iisa lang ‘yang mahal mo. Alin lang ‘yan sa
dalawa ‘pag umalis siya. Pwedeng bumalik siya sa’yo..... pwede ring hanggang dito
na lang kayo. ‘Yung una, hindi ka sigurado. ‘Yung pangalawa, pagsisisihan mo. Kaya
kung ako sa’yo, gawin mo na ‘yung pangatlo.... Pigilan mo.”

=================

54. Never let go. [Part 2]

Tumaas ang balahibo ni Arianna sa boses ng isang lalaking bigla na lang nagsalita.
Hindi lang dahil sa madilim, hindi niya kilala ang lalaki at bigla-bigla ba namang
nagsalita—dahil na rin sa mga sinabi nito.

Sa likod ng punong nasa harap niya ang pinanggalingan ng boses.

“S-sino ka?” kinakabahang tanong niya. Bakit hindi niya ‘to nakita kanina? Ni hindi
niya naramdamang may kasama pala siya. Shit. Sobra na kasi ang dilim. Nagsisimula
na tuloy siyang matakot.

Hanggang sa.....

“Bulaga!”
Shit, muntik na siyang mapsigaw. Nanlaki ang mga mata niya’t napanganga siya sa
gulat.

Bigla na lang ba namang may sumulpot na mukha mula sa likod ng puno na ang tanging
ilaw ay nanggagaling mula sa cellphone na tinapat ng lalaki sa mismong mukha nito.
Sinamahan pa ng effect ng boses na sadyang nilaliman at nilakihan.

“Tangina mo. Akala mo nasa mood ako?” asar na sabi niya sa lalaki.

Leche ‘yon. Akala niya aatakihin na siya, e.

Nakahinga na siya nang maluwag. Hindi naman kasi mukhang masamang tao ang lalaki o
kung ano pa man. In fact... pogi nga e.

Mahinang natawa lang ang lalaki na lalong kinakunot ng noo niya.

“Akala mo namang ikaw lang ang nagulat. Mas mukha ka kayang multo sa itsura mo,”
sabi ng lalaki sa kanya. Inginuso pa nito ang cellphone niya na nakatapat din pala
sa mukha niya.

“Magang-maga mga mata mo,” dagdag pa nito.

Nag-iwas siyang bigla ng tingin. Hindi niya na lang pinansin ang lalaki. Wala siya
sa mood makipag-usap.

Aalis na si TJ. Pipigilan niya ba? At ‘yung mga sinabi ng lalaki kanina.... gulong-
gulo na naman siya. Nate-tempt na siyang kumilos at sundin ang gusto niya pero
pinipigilan niya ang sarili niya.

“Hindi man lang ba sumakit ang puwitan mo? O kaya ang likod mo, o ang noo mo?”

“Ano ba’ng paki mo?” asar na nilingon niya ang lalaki. Naiinis na siya. Wala siyang
pakialam sa sarili niya ngayon. Hindi siya ang mahalaga. Si TJ.

“Wala naman. Para sabihin ko lang kasi sa’yo, lagpas tatlo’t kalahating oras na
hindi ka nagbago ng pwesto mo habang natutulog.”

Doon nito naagaw ang atensyon niya. Napamaang siya. Ganoon ba siya katagal na
tulog?

At ngayong narinig niya ang sinabi ng lalaki. Nakaramdam na nga siya ng sakit sa
likod at sa puwitan. Hindi naman masyadong masakit ang noo niya pero ngawit na ang
batok niya.
Pero hindi niya pa rin pinansin ang lalaki. Hindi niya naman kasi kilala.

Nag-stretch siya ng katawan niya at tumayo. Hanggang sa mag-click sa utak niya ang
mga sinabi nito.

“Teka nga. Stalker ka ba? Bakit alam mong tatlong oras mahigit akong tulog
dito?” kunot-noong binalingan niya ang lalaki at itinapat dito ang ilaw ng
cellphone niya.

“Stalker?” The stranger grinned. “More of an angel.”

Nag-roll eyes lang siya at alam niyang nakita ng lalaki ‘yun dahil sa kanya naman
nakatapat ang ilaw ng cellphone nito.

“Binantayan kita,” pagbibigay alam nito.

Gee, thanks. Pero wala siya sa mood na sabihin ‘yon.

“Binantayan kita kasi ramdam kong nasasaktan ka.”

Sa sinabi nitong iyon, biglang nag-iwas ulit siya ng tingin mula rito.

Pati ba naman hindi niya kakilala, alam na nasasaktan siya?

“Narinig ko rin ang mga sinabi mo sa kausap mo sa phone.”

Naningkit ang mga mata niya. “Well, thank you for eavesdropping,” she sarcastically
said.

“Not as if I wouldn’t be able to hear you even if I covered my ears.”

Taas ang isang kilay na nagyuko na lang siya. Ayaw niya mang magpatalo, pero tama
ang lalaki. Oo na. Ito na ang tama.

“Sundan mo na siya.”

Tumaas ulit ang tingin niya sa lalaki. Sabay yuko ulit. “Tinaboy ko siya.”

“Pero hindi pa huli ang lahat.”

Nagkatitigan sila. At napayuko na naman siya.


“Hindi na kami pwede. Marami ang madadamay.”

Hindi niya alam kung bakit nasasabi niya ang lahat ng iyon sa lalaking ito
samantalang hindi niya naman ‘to kilala. Siguro kasi epal ‘to?

“Alam mo? Minsan, kailangan natin sa buhay ang magpaka-selfish. ‘Wag mong hayaang
mawala ang mahal mo sa’yo.”

Magpaka-selfish?

“Paano? Pamilya ko ang sasaktan ko. Mawawala ang kompanya—“

Sarkastikong tumawa ang lalaki kaya natigilan siya. “Gaya ng sinabi ko kanina, ‘wag
mong isakripisyo ang mahal mo sa kahit na ano o kahit na sino. Kompanya? Materyal
na bagay lang ‘yan. Napapalitan. Pamilya? Kung mahal ka nila, iintindihin ka nila.”

Epal na may sense.

Seryoso, napaisip siya sa mga sinabi nito.

Tama ang lalaki. Materyal na bagay lang ang kompanya. Napapalitan. Ang pamilya...
Ang daddy niya lumuhod pa sa harap niya. Posible kayang maintindihan siya ng daddy
niya?

“People change, people leave. Pero ang pamilya? They will stay because of love.”

Ang mga salita ng lalaking ito.... Bakit hindi niya naisip ang mga ‘yon? Na-focus
kasi siya sa sakit na nararamadaman niya, e. Na-focus siya sa wala na siyang
magagawa. Na-focus siya sa ‘dito muna’. Hindi niya alam na may option pa pala.

Mahal siya ng daddy niya. Maiintindihan siya nito, di ba? Di ba?

“May mga tao talagang tutol sa halos perpekto nang relasyon. Know what? They are
called trials. Let them try you both. Then show them how you win. In the end? Try
and fail combined... They tried to break you both, but failed to do so.”

Napapikit siya. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya.

Papatunayan nila ni TJ sa lahat na kaya nila? Na kahit anong pagsubok ang dumaan,
kakayanin nila?

Marami namang paraan, di ba? Magtatago sila. Kung kinakailangan nilang magtanan,
gagawin nila! But no need kasi kasal na sila, hindi na considered na tanan ‘yon, di
ba? Puputulin nila ang lahat ng koneksyon sa bawat kakilala? Hindi sila lalabas ng
bahay? O kung lumabas man, nakatakip ang mga mukha nila. Mapapagod din naman siguro
ang tatay ni Troy sa paghanap sa kanila, di ba? Maiisip naman siguro nito na mahal
talaga nila ni TJ ang isa't isa. Di ba?

Bigla na lang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

Kaya nila. Kakayanin nila.

Pupuntahan niya si TJ. Pipigilan niya ang pag-alis ni TJ!

Inangat niya ang cellphone niya at nanginginig na dinial ang number ni TJ.

Kinakabahan siya habang ipinwesto niya sa tenga niya ang cellphone niya.

Tama. Kakayanin nila ang lahat basta ba magkasama sila. Papatunayan nila sa lahat.

Bago mag-ring, nagdasal pa siya. Please, sagutin mo, Troy. ‘Wag ka munang umalis.
Hintayin mo muna ako.

Isang ring pa lang pero nagulat siya nang nasagot agad ni TJ ang tawag niya na para
bang hinhintay talaga nito ang pagtawag niya.

God, thank you! Hindi pa siya nakakaalis!

“Arianna?”puno ng pag-asam ang boses ni TJ.

“Troy!”

“Arianna!”

Tuloy tuloy ang daloy ng mga luha niya.

Isang araw niya lang hindi narinig ang boses ni TJ pero parang isang taon na.

Pagsubok lang ang daddy ni TJ. Malalagpasan nila ang lahat basta ba lalaban sila.
Kakayanin nila ang lahat.

“Troy..... ‘wag kang umalis,” iyak siya nang iyak habang sinabi ‘yon.

Pero.... hindi sumagot si TJ. Malalim na buntong hininga lang ang narinig niya mula
rito.
No. ‘Wag, Troy. Please? Huli na ba ‘ko? ‘Wag ka nang umalis! Hindi ko kaya. Please!

Iyak na siya nang iyak. Huli na ba siya para pigilan si TJ?

God, no, please. ‘Wag mo ‘kong iwan, Troy.

Then came TJ’s voice from the other line. “Stop the car.”

Nasa kotse palang si TJ! Wala pa sa airport! Biglang nabuhayan siya ng loob. Lalong
bumibilis ang tibok ng puso niya.

He wanted to come back.

“I said stop the f-cking car!” This time, sumigaw na si TJ.

“Troy...” Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi ni Tito Gab na gagawin nito ang lahat
makuha lang si TJ?

No. Please, no. Let him go, Tito Gab. Please...

“Ah, shit! Tanggalin n’yo ang lock!”

Narinig niya na ang pagkalampag sa kotse.

Kinakabahang humihikbi siya.

Ayaw talagang palabasin ni Tito Gab si TJ! Damn, Tito Gab! Let him go!

More pounding came from TJ’s line.

“Shit! Putangina, palabasin n’yo ‘ko rito!!!”

God, ano’ng gagawin niya? Hindi makaalis si TJ!

“STOP THE F-CKING CAR, DAMN IT!”

Mariing napapikit siya. Mas maraming kalampag pa ang mga sumunod na narinig niya.

“PALABASIN N’YO ‘KO KUNG AYAW N’YONG MAGKALETSE-LETSE TAYO!!!”


Oh, no....“Calm down, TJ!” sabi niya pero she doubted kung narinig ni TJ ‘yon.

Nagiging wild na si TJ. At nagiging wild lang si TJ ‘pag sobrang galit na ‘to. She
knew, she just knew TJ would fight them if he needed to.

Hindi matigil ang pag-iyak niya. Nag-aalala siya kay TJ

Ang sama ni Tito Gab. Bakit hindi na lang nito sila hayaang sumaya?!

Hanggang sa marinig niya na lang na maingay na sa line ni TJ. Nakalabas na si TJ ng


kotse!

“Hello?! ARIANNA?! ARIANNA!!”

“TROY!”

“God! Your voice... I missed you so much!”

Lalo na naman siyang naiyak.

Me too. I missed you, too, Troy. Kahit isang araw pa lang, miss na miss na agad
kita. Kaya hindi ko talaga kakayanin kung matagal tayong magkakahiwalay.

Natatarantang naglakad siya paalis kahit hindi niya makita ang daan sa sobrang
dilim. Ilang beses na rin siyang natapilok pero wala siyang pakialam.

“Troy... Troy, ‘wag mo ‘kong iwan. Please?” umiiyak na pakiusap niya kay TJ habang
naglalakad sa madilim na daan.

Pero napahinto siya sa paglalakad nang hindi sumagot si TJ.

Hanggang sa... narinig niya ang pagsinghot nito.

“I won't. Ever.”

Mas lalo siyang napaiyak. TJ was also crying. Napahagulgol na siya.

He didn’t let go. He never let go. He just waited for her to hold on.

Mahal na mahal talaga siya ni TJ. Sa isang salita niya lang... Grabe. He would
never want to leave her. Not ever.

Simula ngayon, ipinapangako niyang gagawin niya ang lahat ‘wag lang masaktan si TJ.
Hinding-hindi niya na ‘to pakakawalan. I promise. Just come back, Troy. Come back.

“Nasaan ka? Pupuntahan kita!” sigaw ni TJ. Masyadong maingay sa linya nito kaya
kailangan nitong sumigaw.

She stopped walking and held her phone tightly as if her life depended on it.

“Infinitree,” humihikbing sagot niya.

“Don’t move. Wait for me. I’ll be there.”

Sobra na siyang umiiyak. Hindi niya mapigilan.

“I will. Come back, fast. Please?”

Pero hindi sumagot si TJ.

Narinig niya na lang na humihingal na ‘to.

“TJ! Okay ka lang ba?!” nag-aalalang tanong niya. “TJ!”

Then she heard him chuckle. “Parating na.”

Nakahinga siya nang maluwag. She knew nagmamadali na si TJ na puntahan siya.

“Alam mo bang ang saya ko? Akala ko hindi mo na talaga ‘ko pipigilan! Akala ko
matitiis mo ‘ko! Epal ka, pinatagal mo pa!”

Natawa siya sa huling sinabi nito. Akala ko rin, Troy. Pero hindi pala. Hinding-
hindi.

“I’m sorry, Troy. I’m sorry for that night. But please, come back to me. Please?”

Nag-iiyakan na sila pareho. Si TJ hinihingal pa, habang siya iyak pa rin nang iyak.
Sa tuwa. Dahil magkakasama na ulit sila.

Wala siyang makita bukod sa malalayong ilaw. Malabo na rin ang paningin niya dala
ng tuloy-tuloy na pagluha niya.
Everything was blurry... dark. So she just closed her eyes, imagining TJ’s handsome
face crying and smiling at the same time because he was coming back to her.

“Hintayin mo ‘ko d’yan. Don’t cry, please? I don’t want you to cry. Stop crying.”

Ayan na naman si TJ. Siya na naman ang inaalala. Pinapatahan siya pero ito nga
mismo, iyak din nang iyak.

“’Wag mo na ‘kong intindihin! Umiiyak ka rin, stupid!” Natawa siya at ganun din si
TJ.

“Ikaw kasi, e. Alam ko namang namiss mo lang ang kagwapuhan ko.”

Ayan na naman po ang hari ng kayabangan, sumusulpot na lang bigla!

“Oo na! Miss na miss na kita, nakakainis ka! Sobrang miss na kita kaya dalian mo na
d’yan!” iyak tawa niyang sabi kay TJ.

She heard him chuckle again and then sniffed. “Almost there.”

Napangiti siya. Habang nakapikit siya, na-imagine niya ang nakangiting itsura ni TJ
nang sinabi nito ang ‘almost there’. Hindi na. Hinding-hindi niya na pakakawalan pa
si TJ.

“HELEN!”

“TJ? Ano’ng nangyari?” nagtatakang tanong niya dahil bigla na lang sumigaw si TJ.
Nagpa-panic ang boses nito.

“Akala ko nawala ka na sa linya!”

Kinabahan naman siya ro’n. Akala niya kung ano na.

“No! Nandito lang ako. Just take your time, okay?”

“Wait for me.”

“I will.”

Nakahinga na siya nang maluwag. Magkakasama na ulit sila. Kaunti na lang.Magiging


maayos na ang lahat.
“HELEN!” sigaw na naman ni TJ. Obvious sa paghinga nito na tumatakbo ‘to.

“TROY!” sumigaw rin siya, nag-aalala na baka hindi marinig ni TJ ang boses niya
dahil sa ingay ng paligid nito.

“Mahal na mahal kita!”

And swear, in her mind, she could see him smiling while shouting those words to the
world.

She smiled. “Mahal na mahal din kita, Troy.”

Hindi na siya makapaghintay na mayakap ulit si TJ. Na mahalikan ulit ito. Na maging
sila ulit. Dahil aminin na natin, saksi ang buong mundo na sila talaga ang para sa
isa’t isa.

“Oh, shit,” Troy suddenly muttered. She knew he also stopped running.

“Troy? Ano’ng nangyari? Troy?” Sobrang pag-aalala ang naramdaman niya.

And then TJ’s low laugh followed. “Nothing, baby. Did I mention that I love you?”

Mas dumiin pa ang pikit ng mga mata niya, tuloy-tuloy ang agos ng mga luha niya
habang sobrang lapad ng ngiti niya. Tango lang siya nang tango habang hindi
mapigilan ang pag-iyak na para bang nakikita ni Troy ang pagtango niya.

Troy, the whole world knew how much you do.

But still, he told her how much he did. “I love you so much...” But as Troy said
the words, his voice slowly started to fade away, she barely heard his last word—
her name. “....Helen—”

Parang may bumundol sa puso niya kasabay ng pagyanig ng buong pagkatao niya.

Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Sumikip bigla ang dibdib niya. Parang
hindi siya makahinga.

Bigla na lang tumahimik sa linya ni Troy, maging sa paligid niya.

Hindi niya magawang dumilat. Ano ‘yung narinig niya? Gusto niyang tawagin si Troy
sa kabilang linya. Gusto niyang itanong kung okay lang ba ‘to. Gusto niyang itanong
kung nasa’n na ‘to. Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa.
“Miss, okay ka lang?”

No... Nanaginip lang ako, di ba? Please, tell me I’m just dreaming. Someone, please
tell me.

Pero bumalot lang ang isang napakahabang katahimikan.Walang ibang pumapasok sa isip
niya. Basta na lang tuloy-tuloy na umagos ang mga luha niya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang tulala lang siya.Tulalang-tulala habang
ragasa ang pag-agos ng mga luha niya.

Naputol na ang kabilang linya. Kanina pa. Naputol na ang anumang sasabihin ni Troy
matapos ang malakas... na tunog na narinig niya.

‘Yung narinig niya.... Hindi pwede.... Hindi.... Hindi....

She couldn’t breathe. Paulit-ulit na nag-echo sa isip niya ang tunog na iyon.

Isang napakalakas na tunog.... na makapagpapabago ng lahat.

BLAG!

She opened her eyes, scared to death that if it wasn’t her dream, her worst
nightmare was happening.

Please, no.

“Troy.....”

— — —

=================

EPILOGUE
EPILOGUE

HIGH SCHOOL life.

Sabi nila, the best daw ang experience sa high school.

At tama nga sila.

D’yan ako natuto ng maraming bagay. Kasama na roon ang ma-in love at ang masaktan
sa murang edad.

Ilang beses ko nang tinanong sa sarili ko kung talaga bang tunay na ang pagmamahal
na nararamdaman ko, pero alam mo kung ano ang laging sagot ng puso ko?

‘OO. SIYA NA.’

And yes. We were a match made from heaven... or so everyone thought.

Lahat daw ng pagmamahal, sinusubok ng pagkakataon.

Katulad ng pagmamahalan namin, maraming beses kaming sinubok pero hindi kami
sumuko.

Pero minsan talaga, magigising ka na lang isang araw na kailangan mo nang mamili
kung ano ang akala mong tama.

Katulad ko. Isang araw, nagdesisyon ako. Dahil ang akala ko, maaayos ang lahat sa
desisyong ginawa ko.
Yakap ang puting teddy bear na may yakap na puso, huminto si Arianna sa puntod ni
TJ.

Agad-agad, kusang umagos ang mga luha mula sa mga mata niya.

Hindi niya kaya. She was beginning to break down. Parang dinudurog ang puso niya sa
sakit. Sobrang sakit. Gusto niya nang mamatay sa sakit.

Naupo siya sa tapat ng puntod ni TJ at isa-isang tinanggal ang mga tuyong dahon na
nakapatong at nakapalibot doon.

“Ano ka ba? Akala ko ba dapat laging pogi ka? E, bakit hinahayaan mong pangit ka
ngayon? Tignan mo nga ang dami mong dahon. Pasaway ka talaga.” She laughed
sarcastically while crazily talking to his grave.

Akala ko paglipas ng panahon magkasama naming aalalahanin ang high school life
namin. Akala ko maiku-kwento pa namin sa mga anak at apo namin ang istorya namin.
Akala ko sabay kaming hahawak ng tungkod at magkakaputing buhok. At oo... akala ko
lang pala.

Yes. We made memories together. ‘Yung mga kabaduyan, katangahan, kabaliwan,


kalokohan... ‘Yung mga masasayang araw... ‘Yung masasakit... ‘Yung sobrang in
love...

But, what now? Ako na lang mag-isa ang aalala sa mga ‘yon? Hindi na ba pwedeng
ipagpatuloy?

Ang hirap tanggapin na mag-isa ko na lang aalalahanin ang mga alaala na magkasama
naming binuo. Na hanggang doon na lang. Na wala na. Tapos na.

Ang hirap. Ang sakit. Ang sakit sakit...

Pilit niyang kinalma ang sarili niya. Pinahid niya ang mga luhang bumabasa sa mukha
niya.
Nang tumigil na siya sa pag-iyak, kinuha niya ang mp3 at ang isang sulat mula sa
bulsa niya.

Ang mga ito at ang teddy bear na yakap niya ay iniwan ni TJ sa kwarto niya noong
gabi na dapat ay pag-alis nito papuntang ibang bansa.

Ang gabing akala niyang magkakasama na ulit sila, ay ang gabi palang magtatapos ng
lahat.

Sinimulan niyang ikabit sa magkabila niyang tenga ang earphones ng mp3 player tsaka
niya pinindot ang Play button.

Ngayon lang siya nagkalakas ng loob na huklatin ang mga iniwan ni TJ. Ngayon lang
din kasi siya nagkalakas ng loob na dalawin ang puntod nito.

Sa una wala siyang naririnig. Pero hindi nagtagal, narinig niya na ang boses ni
TJ.... na nagsimulang kumanta.

I may burn out like a candle and I may pass away

I may fall just like a shooting star

My heart will stay

Agad agad na nag-unahan ang mga luhang kanina niya pa pilit pinipigilan.

Si Troy... Umiiyak si Troy habang kumakanta.

Napahagulgol siya.

‘Yung lyrics ng kanta... Umpisa pa lang, tagos agad ‘yung sakit na dulot ng kanta.

Bakit, Troy? Alam mo ba na aalis ka na, ha? Alam mo ba na iiwan mo na talaga ako?
Hindi lang pansamantala pero dahil alam mong permanente na? Bakit, Troy? Naramdaman
mo ba na mamamatay ka na kaya iyan ang pinili mong kanta?!

F-ck....
Ang sakit. Parang dinudurog ng milyong beses ang puso ni Arianna sa sakit.

I’ll be yours until forever,

Forever I’ll be true to the promise I have made

From the day that I found you

Forever you’re in my heart

Even if we’re apart

Ang boses niya. Miss na miss ko na ang boses niya.

I say, forever I’ll be yours

Forever I love you

I say, forever I’ll be yours

Forever I’ll be true

My love will never fade away

Even if I die

And I will love you until the end of time

Even without your smile

Ang tanga tanga ko.


Siguro kung hinayaan na lang kitang umalis, edi, sana nandito ka pa ngayon. Hindi
nga sa tabi ko pero at least sa mundong ‘to.

Sana hinayaan na lang pala kita, ‘no? Sa liit ng mundo, magkikita at magkikita pa
rin naman siguro tayo kahit na ilayo ka pa ng daddy mo sa’kin, di ba? Pero ang laki
kong tanga! Kasi pinigilan kita.

“Kung hinayaan na lang sana kita, edi, sana mababawi pa kita sa daddy mo. Pero,
Troy... bakit sa nasa itaas ka sumama? Sa tingin mo ba mababawi pa kita sa kanya?
Troy naman! Ba’t ganyan ka? Ba’t kailangang iwan mo ‘ko? Bakit.... Troy.... bakit?”

So hear me, please, I beg you

Don’t walk away, I need you

Just stay with me and be by my side

Take my hand and we’ll work it out

Humigpit ang yakap niya sa teddy bear na iniwan ni TJ.

Ang sakit sakit.

Naalala niya na naman ang mukha ni TJ noong gabing itinaboy niya ito. Kagaya noong
gabing ‘yon, habang kinakanta ito ni TJ.....

So hear me, please,

I beg you

To stay...

....umiiyak siya. Nakaluhod. Nagmamakaawa. Nagmamakaawang maayos pa ang


lahat. Nagmamakaawang ‘wag ko siyang iwan.

Di ba, ikaw ang pinili ko? Troy, di ba, pinili na nga kita sa huli? Kasi hindi ko
pala kayang iwan ka. Pero bakit..... bakit ikaw ang nang-iwan?

Ang sakit lang kasing tanggapin ang katotohanan na wala ka na. Na iniwan mo na
‘kong mag-isa. Na hindi ka na babalik pa. Na kahit hindi maglaho ang pagmamahal
natin, ang forever natin..... dito na natatapos.

Inalis niya sa pagkakatupi ang sulat na iniwan ni TJ at sinimulang basahin


‘yon.....

Aalis lang ako, pero iiwan ko sa’yo ang puso ko. Hoy. Wag mo ‘kong pagpapalit, ha?
Mahal na mahal kita. Always remember that, Helen. I love you...

till eternity.

Lalong humigpit ang yakap niya sa puting teddy bear. Tuloy-tuloy ang agos ng mga
luha sa mga pisngi niya hanggang sa pumatak na sa papel na hawak niya.

“Aalis ka lang? Akala ko ba aalis ka lang? E, bakit hindi ka na babalik? Bakit ka


ganyan, Troy? Sabi mo mahal mo ‘ko, di ba? Sabi mo pa nga walang hanggan, e. Pero
bakit mo ako iniwan? Bakit ka ganyan? Binawi na nga kita sa daddy mo, di ba? Pero
bakit pati ang daddy mo iniwan mo? Bakit kaming lahat iniwan mo? Bakit iniwan mo
ako?! Bakit, Troy?! Bakit?! Bakit!!!” Napasigaw na si Arianna sa sakit na bumabalot
sa loob niya.

“Iniwan mo nga ang puso mo pero ano’ng silbi nito kung noong iniwan mo ako,
tinangay mo pati ang puso ko? Sabihin mo nga, Troy? Anong silbi ng puso mo kung
ikaw mismo wala sa tabi ko?”

Ang sakit kasi. Ang sakit sakit.

May D’yos ba talaga? Would you blame me if I hate Him? Well then, blame me. Because
I hate Him. I hate Him for taking you and leaving me. I hate Him!

Masama ba akong tao? Bakit pinaparusahan ako nang ganito? Bakit sa dinami-raming
tao sa mundo, bakit siya pa ang kinuha? Bakit sa libu-libong masasamang tao sa
mundo, bakit ‘yung madalas pang masaktan ang kinuha?

Ang unfair mo, Lord. Sobrang unfair mo. Para saan pa ang buhay ko kung wala na
akong dahilan para mabuhay? Lord, napakalupit mo.

As she was about to fold the paper back, another line at the bottom of the paper
caught her attention.

‘Babalik ako. Pangako.’

Halos mapunit ang papel sa higpit ng pagkakayakap niya.

Sobrang lakas ng hagulgol niya.

“Isama mo na lang ako, Troy! Isama mo na lang ako! Kasi kahit ano’ng gawin ko,
kahit ilang balde man ng luha ang iiyak ko..... hindi ka na babalik.”

And I'd rather be with you in heaven than continue living here without meaning.

Wala na kasing kwenta. Simula nang kunin ka NIYA. Nawalan na nang silbi ang buhay
ko.

Ni hindi ko na hinahangad pang sumaya. Ang gusto ko lang... makasama ka.

I love you, Troy. So much. I’m yours and will forever be yours. I love you. I love
you. Forever... till eternity.
———END———

=================

Author's Note

THANK YOUUU!

Thank you to all fans, readers, voters, and commenters of this story.

Thank you sa walang sawang pagsuporta kahit na minsan ang lame ng update at medyo
korni na. Lol.

Paulit-ulit at walang sawang thank you, thank you, thank you!

I love you, guys!

BAD MEETS EVIL

------BOOK 2------

[Click the external link]


Or just go to my profile and under My Works, click BE MY EVERYTHING.

DAGDAG IMPORMASYON:

Bago mo i-compare ang story ko sa iba at sabihing nanggaya ako, siguraduhin mong
inintindi mo muna ang binasa mo.

Basahin mo nang buo ang aking libro mula dito hanggang sa sunod na libro at
kakainin mo ang sinabi mo. Ngayon, kung sasabihin mong ayaw mong pag-aksayahan ng
oras ang istorya ko, mawalang galang na, wala akong pakialam sa'yo.

Yours faithfully,

You might also like