You are on page 1of 1073

--------------------------------------

BOOK TITLE :
BOOK AUTHOR :
BOOK COVER URL :
BOOK ID :
--------------------------------------
BOOK SYNOPSIS/DESCRIPTION/AUTHOR's NOTE
--------------------------------------

--------------------------------------
--------------------------------------

*******************************************
1

*******************************************
Please do not redistribute in any form without the consent of the author. Any name
and instances that are similar to any person, dead or alive, are purely
coincidental. This is made through the imagination of the author alone.

Hello my fellow readers. I deleted the first Perfect Haters story and come up with
the new start. Please support this one. I'd appreciate that.

*Mela*

*******************************************

Ang weird ng panaginip ko kagabi. Napakawild ko daw. Nag-iinom daw ako kasama ng
mga lalaking never ko pang nakita sa buong buhay ko. Isa pa, hindi naman ako
umiinom as in never ko pang na-try. Swear. Tapos sumisigaw pa daw ako at - ugh!
Hindi ko na maalala. Parang other side ko yung nasa panaginip ko. Ang weird -

"Ah! Ang gwapo talaga nilang lahat." Sigaw nung mga babae na hindi ko alam kung
nasaan. Panira ng moment. Busy akong alalahanin yung panaginip ko kagabi.

"Tuck I love you!" sigaw nung isang babae. Pagtingin ko sa second floor nandun ang
isang bulto ng mga babaeng parang naghuhugis puso ang mga mata.
Kung makasigaw naman sila as if naman end of the world na. At sino naman ang
tinitilian nila dito sa school?

"Bulaga!"

"Ay palaka!" napasigaw ako ng gulatin ako ng bestfriend kong si Jezhi. "What's
wrong with you?"

Nandito nga pala ako sa school. First day of class kaya bawal malate. Naglalakad
ako papunta sa first class ko habang iniisip yung napanaginipan ko kagabi ng bigla
akong gulatin ng magaling kong kaibigan na kasalukuyang tumatawa dahil sa
nagtagumpay syang gulatin ako. Phew! Ang haba nun.

"Eh nakakatawa ka kasi sis! Kung makikita mo lang yang facial expression mo baka
matawa kadin." Explain ni Jezhi habang tumatawa.

Yes, isinisingit nya yung pagkukwento sa pagtawa. Ewan ko ba kung anong nakakatawa
sa mukha ko. Eh nakayuko lang naman ako at nag-iisip ng biglang sumigaw yung grupo
ng mga babaeng taga bundok.

Taga bundok kasi kung magsisigaw eh parang hindi nakakabulahaw. Agang-aga eh.

"Are you listening to me?" nagwave pa sya sa mukha ko. Nawala yung pagtawa nya nung
mapansin nyang hindi ako nakikinig. I mean nakikinig ako, pero dahil naiinis nga
ako hindi ko sya pinansin.

"Male-late na tayo so bilisan mo!" kahit ang totoo eh maaga pa. Wala lang akong
masabi. Nauna ako sa kanyang maglakad at naiwan syang nakakunot ang noo.

At kung mamalasin ka nga naman sa dinami-dami ng taong makakasalubong ko si Zanea


pa ang nakita ko.

Si Zanea lang naman ang ex-bestfriend ko. Tsaka ko na ikukwento dahil heto na sya
sa harap ko in 3, 2, 1.
"Hey Alexa, good morning." Ang ganda ng ngiti nya, I wonder why.

Ngumiti lang ako then nilampasan ko sya.

"See you later!" sabi nya kahit nakatalikod na ko. Parang maganda yung mood nya. Di
ko alam kung bakit.

Nagmake face na lang ako habang nagsasalita sya. Ang panget ng boses mukhang
palaka. Ewwww! Gross! Teka see you later daw?

"Sis wait!" ay ang bilis maglakad ni Jezhi naabutan ako.

Maaga kaming dumating sa classroom at naupo kami sa unahan. Mahilig akong umupo sa
unahan. Mas naiintindihan ko kasi yung tinuturo sa'kin kapag nasa harapan.

Since maaga pa naman magpapakilala muna ako.

I'm Alexa Ciesla Andrade. I'm 17 years old and second year college sa Stanford
College Campbridge. The most decent and popular school dito. Number one ako sa
klase namin last year at target ko din syan this year kaya inaalagaan ko ang
reputation ko. Never pa akong gumawa ng kahit anong ginagawa ng isang normal na
teenager. I mean yung mag-inom, magcutting, bumagsak sa exam, vandalism, and the
like. At dahil dyan asset ako ng school. Hindi lang dahil sa magaling ako pero
dahil na din sa looks ko. Opposite ng itsura ko dati. Let's not talk about that.
Nag-iba kasi ako ng image simula nung nangyari two years ago. And I can't imagine
na maeenjoy ko pala yun. With my long brown wavy hair, almond shape brown eyes,
heart shape lips, rosy cheeks, skin as white as snow and a body to die for (joke
lang. hindi naman ako ganun kasexy. Flat-chested kasi ako.)

Pero totoo naman yan lahat. Because I love getting everyone's attention. Ganito
ang epekto ng pagiging broken hearted. But since then, di na ako nagmahal ulit. I
hate boys! And I will never ever fall in love again!

"Hey, it's you again." Nakangiting bati ni Zanea.

Anak ng - (hindi talaga ako nagsasalita ng ganyan, sa isip ko lang) anong ginagawa
nya dito?
"Babe bilisan mo naman!" sigaw nya habang nakatingin sa left side nya.

"What is she doing here? I told you to check her sched and make sure na hindi tayo
magkaklase di ba?" naiinis kong bulong kay Jezhi.

"Aba ewan ko. Nacheck ko naman." Nakasimangot na sagot nya habang umiirap.

Oh no! Si Gene - yes si Gene yung dapat eh first boyfriend ko na nilakad sa'kin ni
Zanea pero in the end sinulot din nya. Phew!

PDA ang peg? Nagsmack pa talaga bago pumasok?

"Hi." Napansin ni Gene na nakatingin ako. Syet! Baka isipin nya hindi pa din ako
nakakamove on!

Nginitian ko naman sya tsaka umupo ng maayos at tumingin sa unahan.

Bakit ang tagal magtime. Masyado ba akong maaga.

Kapag nakikita ko sila hindi ko makalimutan yung ginawa nila sa'kin. Nangingilid na
sana yung luha ko ng biglang -

"Ahhhhhhhhhh!" nagsigawan yung ilan kong classmates na babae. Parang may stampede
ng bigla silang naglabasan.

"Dadaan sila dito. AHhhhhhhhhhh!" sigaw nung isa pang babae. Hindi naman namin
makita kung sinong dadaan dahil puro likuran lang yung nakikita namin.

"Sino bang dadaan?" tanong k okay Jezhi.

"Idk!" sagot nya habang tinitingnan nya yung maganda nyang kuko.
Uso na ba talaga ang mga taga bundok ngayon? Siguraduhin lang nilang katili-tili
talaga yang mga dumadaan na yan. Naku pag hindi - napatigil ako ng makita kong
sumingit sina Zanea at Gene sa mga classmates namin nakatayo sa may pintuan para
makapasok sa loob.

Magkaholding hands sila. Bakit - bakit parang nasasaktan pa din ako? Inalis ko yung
tingin ko sa kanila at tumingin ako sa unahan. Buti na lang abala ang lahat sa
pagsigaw sa kung sino man yung dumadaan.

Pinipigil ko yung sarili ko pero naalala ko talaga bigla yung nangyari.

***********FLASHBACK***************

"Bes you won't believe this nanliligaw sa'kin si Gene. My gosh bes mabubuo na din
ang pagkatao ko. I mean I can say now na perfect na ko dahil magkakaron na ako ng
love life."

-___- -Zanea habang naka as-if-I-care look sya sa'kin.

"Hindi ka ba masaya para sa'kin?" maiiyak na sana ako ng bigla nya kong niyakap.

"Congrats bes! I am so happy for you!"

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Ang totoo si Zanea talaga ang naglakad kay Gene
sa'kin. Kaya nga palagi kong nililibre 'tong si Zanea para makabayad man lang ako.

"Kelan mo sya balak sagutin?" habang nasa Ice cream parlor kami.

"Sa graduation! Para sa college may boyfriend na ako." ^_________________^ habang


kinikilig.

Sya kasi ang first love ko at if ever first boyfriend.


"Are you okay bes?" napansin ko kasing namumutla sya.

"I'm fine. Mauna na ako ha." Umalis na sya.

Malapit na ang graduation at bihira kong makita si Zanea.

Pero excited ako ngayon, magkikita kami ni Gene dun sa secret garden. Kinakabahan
ako. Balak ko na kasi sana syang sagutin ngayon.

Matagal na kasi syang nanliligaw sa'kin. Pero nito ko na lang narealize na mahal ko
na pala sya.

Nandito na ako sa secret garden at nakita ko agad si Gene.

Gugulatin ko sana sya kaya dahan-dahan akong lumapit.

OxO Pero ako ang nagulat.

Si Zanea umiiyak.

Napasandal ako sa may pader patalikod sa kanila.

Anong ginagawa nito dito? Bakit naiyak si Zanea? Hindi sya nagpapapasok pero
nandito sya ngayon.

Makikisali na sana ako sa usapan nila ng bigla akong nagulat sa sinabi ni Zanea.

"Paano naman ako Gene? Paano ang bata?" humagulgol sya ng malakas.

Napatakip ako sa bibig ko. Bata? Anong bata? Buntis sya?


Kaya ba sya namumutla at parang nanghihina? Buntis sya? Pero - pero bakit kay Gene
sya nagsasabi? Ako ang bestfriend nya! Unless - and my tears started to fall.

"Mahal ko ang kaibigan ko Zanea alam mo yan!" -Gene

"Alam ko! Alam ko! Pero tandaan mo na nagbunga ang nangyari sa'tin!" -Zanea

No! Nagbunga? May nangyari sa kanila? Paano? Bakit? Alam ni Zanea na mahal ko si
Gene! Pero bakit?

Napaupo ako sa lupa habang umiiyak. Umiiyak din si Zanea.

"Susustentuhan ko na lang ang bata. Kaya kong gawin yan!" - Gene

*SLAP

Mukhang sinampal ni Zanea si Gene.

"Tingin mo ba pera mo ang habol ko? Kaya kong buhayin ang batang 'to! Pero inisip
mo ba ang sasabihin ng mga magulang ko? Ang reputasyon ko?" lalo lang umiyak si
Zanea.

Ayaw panagutan ni Gene ang lahat. Pero bakit sya pumayag na may mangyari sa kanila?

Hindi na siguro importante yun. Niloko nila ako at pinagmukhang tanga!

"Sasabihin ko 'to kay Alexa!" biglang tumigil sa pag-iyak si Zanea.

"No!" - Gene

"Malalaman at malalaman din naman nya Gene. Para 'to sa bata, hindi 'to para
sa'kin!" - Zanea.
"Para sa bata? You told me you love me! At alam mong mahal ko ang kaibigan mo pero
ano - " -gene

*SLAP *SLAP

"Ginusto mo din yung nangyari! Alam kong ginusto natin pareho yun kaya wala kang
karapatang magsalita ng ganyan sa'kin!" - Zanea

"Lalaki lang ako Zanea at isa pa mga bata pa tayo. Di pa ko ready na maging tatay!"
- Gene

"Enough! Sasabihin ko 'to ngayon kay Alexa!" -Zanea

"Hindi na kelangan!" - ako

O.O - silang dalawa

"Let me explain - " -Gene

*SLAP

"Akala ko iba ka Gene! Akala ko mahal mo talaga ako! Pero ano? Nagpatukso ka.
Mahina ka! Duwag! At ngayon ano? Tatakbuhan mo ang responsibilidad mo? Kung ako
nasa kalagayan ni Zanea malamang tatakbuhan mo din ako!" hindi ko na napigilan ang
mga luha ko.

"No Alexa. You don't understand - " Gene

"Understand what Gene?!!! Kulang pa ba yung mga narinig ko? Yung mga panloloko nyo
sa'kin? Of all people kaibigan ko pa!" Pinunasan ko ang mga luha ko.

Tiningnan ko sa mata si Gene at nakita kong umiiyak na din sya.


"Be a man. Panagutan mo si Zanea." Then tumalikod ako.

"Alexa I'm sorry - " - Zanea

*SLAP

"Pasalamat ka buntis ka. Dahil kung hindi, hindi lang sampal ang ibibigay ko sa'yo!
Akala ko kaibigan kita yun pala isa kang slut!" -ako

Tinulak ko si Zanea palapit kay Gene. "Magsama kayo, parehas kayong makakati. Mga
manloloko!" Hinahawakan ako ni Gene.

"Bitawan mo ako! Nakakadiri kayong dalawa!" tumalikod ako.

"Sige! Papanagutan ko si Zanea if that's what you want me to do! Pero hindi ibig
sabihin nun mahal ko sya!" - Gene

Mas lalong pumatak ang mga luha ko. Paano nya nasasabing hindi nya mahal si Zanea
kung nagawa nila yun. Ang sakit. Sobrang sakit.

Tumalikod ako sa kanila kasabay nun ang pagtalikod ko sa lahat-lahat.

*******end of flashback************

"Sis why are you crying?" tanong ni Jezhi.

"Ha?" hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

"Baka may naalala syang masakit na bagay na hindi nya matanggap." Epal ni Zanea na
umupo sa likuran ko katabi si Gene.
"I'm not talking to you!" then she rolled her eyes.

Pinunasan ko yung mga luha ko. "Namatay kasi yung pusa ko kaninang umaga.
Nakakainis nga eh, akala ko nine ang buhay nya kaya nagulat ako nung namatay sya.
Yung iba kasi hindi naman pusa pero lagpas syam yung buhay!" Pero ang totoo wala
naman talaga akong pusa. Imbento ko lang yun para matigil lang si Zanea.

"So what are you trying to say?" epal na naman si Zanea.

Tumingin ako sa likuran ko. "Oh, you're there? Akala ko kung sino yung nakikisawsaw
sa usapan ng may usapan. Now I know." Ngumiti lang ako at humarap ulit kay Jezhi.
"I guess magandang umupo sa likuran. For a change, what do you think?" I winked.

"Good idea." Tumayo kami at lumipat sa likuran na first time naming gagawin.

Nagklase kami as usual. Mas nahirapan pala ako sa likuran dahil mas nakikita ko
silang dalawa. Tumitingin pa sa'kin si Zanea na parang nang-iinggit. Duh! Over my
dead sexy body, hindi ako naiinggit.

"That's all for today!" lumabas na yung prof namin.

Finally makaalis na sa impyerno na 'to.

Papalabas na kami ni Jezhi ng humarang si impakta.

"Hey I heard wala na kayo ni Marcus, tsk tsk tsk. Baka tumandang dalaga ka nyan."
Tumawa sya na parang mangkukulam.

Nagtataka kayo kung sino si Marcus? Wala yun. Hindi kilalang tao na nahigit ko sa
hallway at sinabing boyfriend ko para lang matahimik 'tong si Zanea. Bakit hindi pa
kaya sya matahimik as in yung forever!

"Yeah! Nagsawa kasi ako agad. So pwede umalis ka na dyan?" umirap lang sya at hindi
pa din umalis.
"Move on girl. It's been two years - " hindi ko na sya pinatapos magsalita at
tumawa ako ng malakas yung pangkontrabida.

"Come one Zanea, that was - oh I can't even remember that day anymore." I cross my
arms across my chest. "Hindi dahil nagbreak kami ni Marcus eh wala na akong
boyfriend." I flipped may hair then she snapped.

"You mean may boyfriend ka?" gulat nyang tanong.

"As always! Kaya tumabi ka na dyan bago pa ko makagawa ng di mo magugustuhan!"


hinigit ko si Jezhi na nakatulala din at nakatingin sa'kin.

Nakita kong gulat na gulat ang mukha ni Zanea. Yung totoo? Laging ganyang ang
facial expression nya kapag sinasabi kong may boyfriend ako. What's the big deal?
Maganda ako and popular kaya nga lahat ng hinihigit ko eh pumapayag na magpanggap
na boyfriend ko pero never akong nagkagusto kahit na sino sa kanila.

Natapos yung buong maghapon na hindi ko pinapansin si Zanea. Nakakasusot kaya.


Dahil nastress ako kelangan ko ng stress reliever at yun ay ang pagsa-shopping.

Hindi ako sinamahan ng magaling kong bestfriend dahil sa - ano ngang excuse nya? AY
hindi ko pala narinig. Basta sabi nya lang hindi pwede tapos umalis na ako. Kaya
heto mag-isa lang ako sa mall.

Pumasok ako ng department store. Tumingin ako ng dress and accessories and shoes.

"Ma'am bagay po sa inyo yan." Sabi nung kasunod kong saleslady.

"I know." ^_________^

Lahat naman talaga bagay sa'kin. Nakakainis lang yung kapag titingin ka ng kahit
ano eh susundan ka pa. Para namang magnanakaw yung pakiramdam mo. Well sorry sya,
kaya kong magbayad ng kahit magkano.
Unica hija ako kaya lahat ng gusto ko nasusunod at nabibili ko. Wala naman kasi ang
parents ko kaya wala masyadong naghihigpit sa'kin. Busy sila sa business namin.
Bakit kaya palagi nilang naiisip magparami ng negosyo pero hindi nila inisip na
magparami ng anak? Eh di sana hindi ako nag-iisa sa bahay.

* Loving him is like driving a new Maserati down a dead-end street

Faster than the wind, passionate as sin ending so suddenly

Uso ba talaga yung panira ng moment ngayong araw?

* Loving him is like trying to change your mind once you're already flying through
the free fall

Like the colors in autumn, so bright just before they lose it all

Ayan na nga sasagutin na. Kinuha ko ang Sony Xperia sa bag ko at -

Zanea calling...

Ano na namang kelangan nito sa'kin.

"O bakit?"

[Wow ang sungit ha.]

"Hindi ako plastic! Bakit ka ba tumawag?"

[Where are you?]

"At kelan ka pa nagkainteres hanapin kung nasan ako?"

[Wala naman. I bet you're alone. Isasama sana kita. Magdidinner kasi kami ni Gene.]
she giggled.

Nang-iinis talaga 'tong bruhang 'to.

"Sorry I can't."

[I know. Di ka pa din nakakamove on.]

"What are you talking about? I'm with my boyfriend now. So kung wala ka ng ibang
sasabihin goodbye."

[Boyfriend? Really?] Yung tono nya parang hindi sya naniniwala.

"Coming baby!" sigaw ko kunyari. "Gotta go. Naiinip na ang boyfie ko. Enjoy na lang
kayo sa dinner. Bye." Then I hung up.

Bwisit na bababe talaga yung kahit kelan. Buti na lang at nalusutan ko.

"Ma'am kukunin nyo po ba 'to?" tanong nung saleslady. Hindi pa din sya umaalis.

"Sige. Babayaran ko na yan."

Nagpunta kami sa counter at iniabot ko ang credit card ko.

Habang inaayos ang mga pinamili ko may nakita pa akong isang magandang damit sa
mannequin.

Oh my gosh. Bet ko 'tong shear na 'to.

"Miss may iba pa ba kayong color aside from this one?" pointing to the mannequin.
"Yes ma'am. This way po." Naglakad yung saleslady.

Sinundan ko si ate. Madami pa ngang ibang color. Nakapili na ako.

Iaabot ko na sana kay ate ng pagharap ko.

O.O

Talikod ulit.

Sina Zanea. Anong ginagawa nila dito?

Naku! Sinusundan ata talaga nila ako.

"Ma'am kukunin nyo na po ba yan?" tanong ulit ni ateng saleslady.

"Ah yes." Bulong ko. "Pero ako na ang magdadala sa counter.

Naglakad kami papuntang counter habang nakatakip yung blouse na nakahanger sa mukha
ko.

"Ma'am - "

Nasa counter na pala kami. Iniabot ko yung blouse dun sa cashier.

"Wala na po ba kayong idadagdag?" -cashier.

"Wala na. Pwedeng pakibilisan." Medyo tinatakpan ko ng kamay yung mukha ko.

Pumirma ako then chineck yung signature ko sa credit card at dun sa pinirmahan ko.
Iniabot sa'kin yung customer's copy at ibinalik na din nung cashier yung credit
card ko at nakaayos na din yung mga pinamili ko.

"Thank you." Papaalis na ako ng biglang -

"Alexa?" boses ni Zanea.

Sh*t! Anong gagawin ko? Pretend na hindi narinig? Lilingon? Ahhhhhhhhhh!

"Alexa you're here!" parang papalapit na sila.

Naglakad ako ng mabilis na parang walang narinig.

"Hindi yata si Alexa yan babe." -Gene

"I'm sure si Alexa yan. Tumatakbo eh." -Zanea

Nagtago ako sa isang stall at nakita ko silang lumampas.

I'm safe now. Naglakad naman ako sa opposite side nung pinuntahan nila ng
nagmamadali pa din.

Papalabas n asana ako ng mall ng - Uh oh!

Bakit ang bilis nila? Saan sila lumusot.

"I knew it was you!" -Zanea

Wala na akong lusot.


"Hi! What a small world! Nakit ako pa talaga kayo!" then I rolled my eyes.

"Are you saying something?" -Zanea

"Me? Wala." ^___________^

"You're alone?" -Gene

"Yes. Actually no - but now yes." Ano bang sinasabi ko.

"She's with her boyfriend babe." Sabi ni Zanea kay Gene.

Boyfriend? Oo nga pala. Yun nga pala ang sinabi ko kanina.

"Where is he by the way? Magdouble date na kaya tayo." -Zanea

O.O Napasubo na ako. Anong gagawin ko? T___T

Kaya ko 'to. Malulusutan ko 'to.

"Ah may kinausap lang sya sa phone kanina. Nandyan lang yun sa tabi-tabi." Liar.

"Where?" tumingin sa paligid si Zanea.

"Ha? Wag mo ng alamin. Mahiyain kasi yun. Gusto nya kaming dalawa lang ang
magkasama." Another lie. Tsss.

Binigyan nya ako ng you-want-me-to-believe-you look. "Wala ka talagang boyfriend, I


bet."

Yeah right wala talaga!! Kung pwede ko lang yang isagot sa'yo! Kaso ayokong matuwa
ka. Ayokong matuwa kayo!!!

"Meron no. He's actually - " lingon sa likod. Spotted! Isang guy na may kausap sa
phone na nasa harap ng bench. " - there." Sabay turo dun sa lalaki.

Nagtinginan sina Gene at Zanea.

"Well pakilala mo na kami." -Zanea.

"Ha?" -____-+

"Ayaw mo? Lalapitan namin yan." She grinned.

"No need." Tumingin ako dun sa lalaki at kumaway. "Sweetie!"


^___________________________^

Napatingin yung lalaki. Ano bang itsura yun? He's wearing black leather jacket at
nakabonet. Matangkad sya at kayumangi. Kaso parang nakakatakot. Parang gangster
yung itsura.

Napahawak ako sa mukha ko. Bakit sya pa ang una kong nakita. -__-

Napatingin yung guy sa'kin sabay tingin sa likuran nya.

Nagwave then winked ako sa kanya! Nakakahiya 'tong ginagawa ko.

Tinalikuran lang ako nung lalaki.

-_______-" - Gene and Zanea.

"Nahihiya lang yan." -ako.


Nilapitan ko sya at niyakap. Kitang-kita ko sa mukha nya yung pagkagulat. As in
gulat in nakakatakot na way. Parang last day ko na sa mundo kung tingnan nya ako.

"What the f*ck!" sigaw nung lalaki. "I'll call you back!" sabi nya sa kausap nya sa
phone at tiningnan nya ako ng masama as in salubong yung mga maiitim at makapal
nyang kilay.

"Ikaw naman. Okay lang na PDA tayo. Namiss kasi kita agad. Ha - ha - ha." Pilit
yung tawa habang natingin ako ng kina Zanea at halatang naguguluhan sila.

Inalis nung lalaki yung pagkakayakap ko sa kanya. Ang sakit ng hawak nya. Parang
gusto ko ng umiyak.

"Excuse me mi - " bago pa man nya ituloy yung sasabihin nya bigla ko syang
hinalikan.

Oo. Hinalikan ko sya. Hinalikan ko 'tong lalaking hindi ko kilala na kung


makatingin eh parang last day mo na sa mundo at kung hawakan ako eh parang hindi
ako babae.

Gulat na gulat sya sa ginawa ko. Magkadikit lang yung lips namin. Tingin ko hindi
sya marunong humalik katulad ko. Paano ko nalaman? Sino bang lalaki ang hindi
matutuwang halikan ng isang katulad ko.

"Babe I think we should go!" narinig kong sabi ni Zanea.

Itinulak ako nung lalaki ng malakas at pinunasan nya yung bibig nya.

OA ha.

"Wala akong sakit don't worry." Nung makita kong malayo na sina Zanea ay tumalikod
na ako pero biglang may humawak sa braso ko.

"Aray!" hinigit ko yung braso ko sa - sa nakakatakot na lalaking 'to.


"You'll pay for that!" para nya kong sasampalin kaya sa sobrang takot ko eh nanakbo
ako ng mabilis papalabas ng hindi tumitingin sa likuran ko.

"You can't run from me forever! I'll find you bitch! Magbabayad ka!" galit na galit
na sigaw nung lalaking mukhang gangster.

Takot na takot akong pumasok sa kotse na nakahawak sa dibdib ko.

Naalala ko yung sinabi nung lalaking nakatatakot.

"You can't run from me forever! I'll find you bitch! Magbabayad ka!"

Anong ibig nyang sabihin? Member ba sya ng sindikato? Ng Mafia? Oh no! Ayoko pang
mamatay.

Bakit naman kasi sa lahat ng lalaki sya pa yung napili ko!

Naiuntog ko ang ulo ko sa manibela dahil sa nagawa ko ngayong araw.

*******************************************
2
*******************************************
(Hello. Sana ishare nyo yung story sa iba para madami tayong magbabasa at
makikisali sa mangyayari. Hahaha. Vote at comment na din kayo. Salamat. - Mela)

ZAK'S POV

"Oo. Ikaw na ang bahalang pumili ng makakalaban." Kausap ko yung trainor ko habang
nandito ako sa mall ngayon iniintay ang magaling kong kaibigan.

"Ikaw na ngang bahala." Napaharap ako ng may kumaway na isang babae.

Teka nakatingin ba sya dito?

"Sweetie!" sigaw nung babae habang kumakaway. Tumingin ako sa likuran ko pero
salamin lang ang nandun.

Wow ang tindi naman nitong babaeng 'to. May pakindat-kindat pa syang nalalaman.
Akala mo kung sinong maganda. Nakakainis talaga ang mga babae kahit kelan!

Tinalikuran ko na lang sya at bumalik sa kausap ko. "Ano nga ulit? May aswang kasi
dito sa mall." Naiinis kong sabi ng naramdaman kong may biglang yumakap sa'kin.

"What the f*ck!" sigaw ko.

"I'll call you back!" sabi ko sa kausap ko.

Tiningnan ko ng masama 'tong babaeng 'to. Nakangiti pa. Suntukin ko kaya 'to sa
mukha.

"Ikaw naman. Okay lang na PDA tayo. Namiss kasi kita agad. Ha - ha - ha." Mukhang
ninenerbyos sya sa tingin ko. Aba dapat lang.
Teka! Ano daw? Namiss nya ako? Eh kung hindi ba naman baliw 'tong babaeng 'to eh.

Dahil sa asar ko inalis ko yung kamay nya sa pagkakayakap sa'kin. Sa higpit ng


hawak ko mukhang nasaktan sya. Para syang iiyak.

"Excuse me mi - "

O.O

Baliw ba sya? Bakit sya nanghahalik? Iheadbat ko kaya 'tong loka-lokang 'to!

A-ano bang dapat kong gawin?

a. Suntukin sya

b. Suntukin sya

c. Suntukin sya

Bwisit ka talagang babae ka!

"Babe I think we should go!" sabi nung isang babaeng kasama nya.

Dahil hindi ko naman kayang manuntok ng babae itinulak ko na lang sya ng malakas
tsaka ko pinunasan yung bibig ko. Nakakadiri sya! Ang kapal ng mukhang halikan ako!

"Wala akong sakit don't worry." Mayabang nyang sabi habang nakatingin dun sa umalis
na babae kasama yung syota nya siguro yun.

Ano ba sa tingin nya yung ginawa nya? Papaalis na sya pero hinigit ko sya sa braso
at tiningnan ng masama. Sa tingin ko palang mararamdaman na nya kung gaano ako
kainis.

"Aray!" reklamo ng babaeng aswang na 'to at hinigit nya yung braso nya.
"You'll pay for that!" Itinaas ko yung kamay ko para sana sampalin sya pero bigla
syang nanakbo.

"You can't run from me forever! I'll find you bitch! Magbabayad ka!" gusto kong
manuntok ng kahit na sino.

"What was that?" pang-aasar ni Tuck na nakatingin sa'kin.

"What?" habang pinupunasan ko yung bibig ko.

Nagtatawanan sila.

"Ano bang sinasabi mo?" naiinis kong tanong sa kanya. "Kung tapos na kayo aalis na
ko. Kelangan ko pang magtraining. Lalo na ngayon, gustong-gusto kong manuntok."
Tumalikod ako at papaalis na sana.

"Wow dude ang ganda ng kuha mo ah. Tingnan mo ang mukha ni Zak nakakatawa!" sabi ni
Luke.

Tumingin ako agad sa kanila at nakita ko silang lahat na natawa at nakatingin sa


phone ni Val.

"Hoy! Ano yan ha?" papalapit na ako ng bigla nyang itinago yung phone nya.

"Wow Zak, you're the man!" lumapit si Tuck sa'kin at inakbayan ako. "Maganda yung
chicks, sino ba yun?"

Inalis ko yung kamay nya na nakaakbay sa'kin. "Ulul! Anong you're the man. Malay ko
kung sino yung aswang na yun na bigla-bigla na lang nanghahalik. Alam mo kung
kilala ko sya she'll be a dead meat!"

Nagtawanan lang silang lahat. Umiling-iling pa si Tuck bago sya naglakad papalabas.
Kasunod din sina Luke at Val. May pagtap pa nga si Val sa balikat ko eh.
Ano bang iniisip nila?

"Hoy wag ngang madumi mga isip nyo!" naiinis talaga ko. Gusto ko talagang manuntok.
Ibubuhos ko na lang 'tong inis ko sa training!

ALEXA'S POV

Nakarating ako sa bahay at dire-diretso lang ako sa loob ng kwarto. Nagshower ako
at nagbihis.

Habang pinupunasan ko ng towel yung buhok ko naisipan kong buksan yung laptop at
makapagfacebook na lang. Gagawa din naman ako ng manuscript mamaya eh.

Pagka-open na pagkaopen ko 239 ang notifications.

Tiningnan ko agad kung anu-ano yung mga yun at nagulat ako sa nakita ko.

O.O

Uploaded 1 hour ago. Sino ba 'tong Val Reid na 'to at -

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!

Bakit may picture sya nung lalaki kanina sa mall at ako na - oo yun na nga. Tama
kayo. Yung nagkiss.

1,438 shares agad in one hour at ang daming comments.

Panaginip lang 'to di ba? Why o why. Paano na ang reputation ko?

Tiningnan ko maige yung picture. Medyo hindi naman ata pansin na ako yung babae
dahil nakahawak yung kamay ko sa mukha nung lalaki kaya sa angle nung pic eh medyo
nakaharang yung kamay ko sa mukha ko.

Nagets nyo ba? O naguluhan kayo?

O basta yun na nga, hindi ata masyadong halata. Syempre alam ko lang na ako yun
dahil yun nga yung lalaking mukhang gangster.

Teka nga matingnan kung anong mga comments.

Luke Bretell: Naku dude magtago ka na. Alam mo na ang mangyayari sa'yo kapag nakita
ni Zak yan.

Zak daw? Zak ba yung pangalan nung lalaking yun? Tinuloy ko lang yung pagbabasa ko.

Val Reid: Hahahahaha. Hayaan mo lang sya. Gusto ko din ng sakit ng katawan ngayon
eh. Kapalit man lang ng maraming tawa ko.

Trav Cai: Mga ungas! Nawala lang ako saglit kung ano-ano nang pinaggagawa nyo!
Pumunta kayo dito sa Ground45. May nagwawalang hulk!

Val Reid: Ulul! Ayokong paginitan ni Zak. Kanina pa nyan gustong manapak.

Trav Cai: Sino bang nakaaway nito?

Luke Bretell: Wala yang nakaaway dude! Nanakawan kasi yan.......................


Nanakawan ng halik! Hahahahahahahahahahahhahahahaha. Kaya nga galit na galit yan
dun sa babae!

Bigla akong kinabahan dun sa nabasa ko. Galit na galit daw sa babae? Ako ba yun?

Shit! Ano bang tanong yan. Syempre ako yun. Napakaarteng lalaki. Napakaswerte nya
nga at hinalikan ko pa sya. Marami dyang nagmamakaawang magpahalik sa'kin pero di
ko mapagbigyan.
Naku wag lang magkukrus ang landas namin!

Pinagpatuloy ko lang yung binabasa ko. May nagtag pala sa'kin ng picture. Teka sino
ba 'to?

Shekwang La: Si Alexa Andrade yata yan. Parang kahawig nya eh.

Buwisit 'tong Shekwang na 'to. Malaman ko lang kung sino ka patay ka sa'kin.

Mabuti na lang may mga fans din akong nagtatanggol sa'kin at sinasabing hindi ako
yun at hindi ko magagawa ang tulad nun.

Well thanks talaga sa support and trust nila dahil naisip nila yun.

Alam nyo kasi iba ako sa loob ng school at iba rin ako sa labas. Ugh! Ang hirap
magmaintain ng magandang image kahit ang totoo gustong-gusto ko ng magwala.

Nagmomoment ako ng bigla ulit nagkaroon ng notif. Dun din sa picture na yun.

F.Z. Maliff: F*&ck you Val! Kung gusto mo pang mabuhay tanggalin mo yan!

Anong nangyari? Bakit parang wala ng sumagot?

F.Z. Maliff: Kung sino ka mang babae ka. Wag na wag kang magpapakita sa'kin. Kahit
babae ka pa hindi ako magdadalawang isip na bugbugin ka hanggang madurog yang
aswang mong mukha!!

Pigilan nyo ako! Pigilan nyo ako! The nerve! Tawagin ba daw akong aswang.

Ako? Ako aswang? Kung aswang ako eh ano na lang ang itatawag mo sa mga negrang
maraming acne na walis tambo ang buhok at pandak na mataba na bungi at malaki ang
butas ng ilong ha?
Magcocomment sana ako ng maisip ko yung sinabi nya sa'kin.

"You can't run from me forever! I'll find you bitch! Magbabayad ka!"

"You can't run from me forever! I'll find you bitch! Magbabayad ka!"

"You can't run from me forever! I'll find you bitch! Magbabayad ka!"

AAAHHHHHHHHHHHHHHH!

Binura ko yung icocomment ko sana. Tapos tumayo ako at umikot sandali. Pabalik-
balik ako at nag-iisip ako ng magandang sasabihin. Hmmmmmmm. Ano kaya?

Habang nag-iisip ako hindi ko sinasadya na maclick yung profile nung F.Z. Maliff na
yun.

What the hell!

Puro porn ang nasa wall nya. Mga lalaking walang kahit anong suot sa katawan. Oo.
As in wala talaga.

Pero joke lang yun. Hindi yun totoo. Naisip ko lang na gay sya dahil galit na galit
sya sa ginawa ko. Sino bang matinong lalaki ang hindi magugustuhan yun di ba?

Ang kulit ko ba? Paulit-ulit lang ata yung sinasabi ko eh.

Anyways ayun nga. Nakita ko yung profile picture nya. Parang wet look yung buhok
nya. Nakablack polo sya nakabukas yung first three buttons. Ang kapal ng kilay nya.
Nakakatakot yung mga mata nya. If stares can kill naku wala na 'tong story na 'to
ngayon dahil patay na ang bida. Unless gusto nyo akong agawan ng role pero malabo
yun.
Yung cover photo nya eh braso na may tattoo. Hindi naman kita yung mukha pero
tingin ko sya din yun. Nakakatakot yung itsura nya. Parang ex-convic. Paano na lang
kung ex convic nga sya? My life is in danger.

Kelangan ko kaya ng mga body guards? What if member sya ng mafia tapos marami syang
connections. Syempre hindi nya ako kikidnapin dahil lang sa pera dahil kung member
sya ng mafia for sure mayaman sya. Naku dapat pala hindi ko na sya ulit makita.

Lord please magpapakabait na po talaga ako wag nyo lang akong kunin agad. Marami pa
po akong pangarap sa buhay ko.

Titingnan ko sana ulit yung picture namin na pinost nung Val kung sino man sya pero
wala na dun.

Tinanggal kaya nung Val? Natakot sya sa pagbabanta nung Zak? Naku mukhang
nakakatakot talaga sya.

Lesson Learned. Next time wag manghihigit ng kung sino-sino na lang dahil hindi mo
alam kung anong mangyayari sa'yo sa susunod.

Gumawa na ako ng mga assignments ko. May pinasagutan din sa'kin si Chancellor.
Isang damukal na math problems. Pero madali lang naman, natapos ko nga agad eh.
Ewan ko kung para saan 'to. Kailangan na daw nya kasi bukas.

********************************************************

Kinabukasan sa school. Agang-aga eh nakatingin ang lahat sa'kin.

"Hindi sya yun." Narinig ko lang from somewhere.

"Hindi naman sya papatol sa mukhang gangster no?" narinig ko ulit.

"Gangster ka dyan. Exconvic kamo. Naawa na lang ako sa kanya kung totoo man yun."
Narinig ko ulit.
Teka ako ba ang pinaguusapan nila? Nagbubulungan ba sila o sadyang pinaparinig nila
sa'kin?

Tumingin lang ako sa kanan at kaliwa then nagsmile tsaka ako naglakad ulit. As in
mabilis na lakad. Lumiko ako sa may hallway. Baka kasi may magtanong pa sa'kin.
Nakakatakot talaga.

Napatingin ako sa may field.

O.O black leather jacket?

Ano bang nangyayari sa'kin. Ganito na ba talaga ako katakot? Nagdiretso lang ako ng
lakad ng mapatingin naman ako sa kabilang building.

O.O black leather jacket.

Oh no! Ano na bang nangyayari sa mundo? Color blind na ba ako o talagang weird lang
ng mga tao ngayon.

Black leather jacket? Bigla akong nagkagoosebumps. Naalala ko yung lalaki sa mall.
Kapag naiimagine ko yung nanlilisik nyang mata para syang magtatransform at
magiging wolf.

Habang busy ako sa pag-iisip bigla akong nauntog sa isang matigas na bagay.

Ah - hindi pala sya bagay, tao pala sya.

Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko yung nabangga ko.

O.O black leather jacket.

Dahan-dahan kong inangat yung ulo ko para tingnan yung mukha nung nakabangga ko.
*tug tug

Oo. Kinakabahan ako kasi baka yung halimaw 'to. At pag nagkataon eh last day ko na
sa mundo.

"Miss are you okay?" tanong ng lalaking mukhang anghel na bumaba sa lupa para lang
magpakita sa'kin.

*Snap

Ano bang sinasabi ko? I hate boys remember?

"Miss?" tanong nya ulit.

"Ha? I'm fine. So - sorry." Napakamot ako sa ulo ko. "Ano bang meron at lahat ata
ngayon eh nakaleather black jacket?" bulong ko sa sarili ko.

"We're men in black." sagot nung lalaki. Teka narinig nya yung bulong ko?

"Yah right." Pinipigilan kong tumawa ng sinabi nya yung men in black. Di ba yun
yung mga may kalabang alien? Ang weird. Sayang ang gwapo pa mandin nya.

"Teka. You look familiar." Sabi ulit nung lalaki na nakahawak yung kanay kamay sa
baba nya habang tinitingnan ako ng matagal.

Snap. "Right!" ngumiti sya at hinawakan ako sa balikat. "You're the lucky girl."

Ano daw? Lucky girl? Ba - bakit? Sya ba si Lucky boy? Lucky boy? Yung anak ni ate
vi? Kilala nyo ba yun?

Ginulo nya yung buhok ko. "Well I guess I'll see you around lucky girl." Nilagay
nya yung dalawa nyang kamay sa bulsa nung leather jacket nya at tsaka naglakad
papunta sa kabilang direction ng hallway.
ANo bang sinasabi nya? Tsaka sino ba sya? Kelan pa ako naging lucky girl?

Ay naku mabuti pa nga dalhin ko na 'tong pinasagutan sa'kin ni chancellor sa office


nya. First thing in the morning daw eh.

*Tok *tok

"Come in."

Pumasok ako. Wow ang aga ng Chancellor ha.

"Good morning sir." Lumapit ako sa kanya. "Heto na po yung pinasagutan nyo sa'kin."
Inilapag ko yung makapal na math problems na sinagutan ko.

"Wow natapos mo agad?" Nakangiti nyang sabi habang tinitingnan yung sinagutan ko.
"Ipapatawag na lang kita ulit Ms. Andrade."

"Sige po sir. Thank you." At lumabas na ako ng office nya.

Papunta na sana ako sa classroom ko ng makasalubong ko ang isang grupo ng mga


babaeng nagtatakbuhan. Imaginin ko na lang yung mga infected human sa world war Z
na naghahanap ng host. Oo, ganun ang itsura nila. TUmabi nga ako kasi baka bigla
nila kong sunggaban.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh! They are here for real!" sigaw nung isang babae.

"Yes. Nagpatransfer daw sila dito. We're so lucky!" sigaw din nung isa habang
tumatakbo.

Yung totoo? Tumatakbo sila ng mga nakaheels? Ano bang klaseng babae 'tong mga 'to?
Parang hindi anak mayaman. Dahil lang sa kung anong meron eh nagkakaganyan sila.

Sinundan ko ng tingin yung mga babaeng tumatakbo at hinanap kung saan sila pupunta.
Lingon-lingon. Ah wala. Hindi ko talaga makita. Medyo lumapit ako sa kanila.

Spotted. Isang grupo ng lalaking nakablack leather jacket.

WTF! Ay sorry. Ulet.

Oh my gosh! Sino ba yang mga yan at mga nakaleather jacket sila eh ang inet-inet sa
labas.

Tiningnan ko sila isa-isa. Yung nauunang lalaki ay may kapayatan pero matangkad.
Tirik na tirik yung buhok na kapag nalalaglag ang butiki siguradong marerest in
peace sya.

Yung isa naman may hikaw sa tenga at madaming bling bling. Nakakasilaw. Puro
singsing din yung daliri nya. Yung totoo? Rakista ba sya? Punkista?

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw nung mga babae nung ngumiti yung kumikinang na lalaki.

Kasabay nyang maglakad ang isang lalaking seryoso ang mukha. Tahimik lang sya at
walang reaksyon. Kulot ang buhok nya na gumagalaw habang naglalakad. Parang kasing
lambot lang ng buhok ko yung buhok nya, sumusunod sa galaw. Matangos ang ilong nya
at maputi. Para syang si Edward Cullen.

Oo. In short maputla, parang kulang sa sikat ng araw.

Teka, sino ba yung isa? Ang likot nya. Kaway ng kaway at ngiti ng ngiti. At ano
yung ginagawa nya? Kumukuha ng rose sa tenga ng babae? Wow. *_____* ang galing.

May kulay yung buhok nya. Parang blonde ata. Medyo singkit sya at hindi kaputian
pero ang ganda ng ngiti nya.

"AHhhhhhhhhhhhhhhhhh!" syet lang ang sigaw nila. Ang sakit sa tenga.


Aalis na sana ako ng mapansin ko yung lalaking nahuhuli.

I guess I'll see you around lucky girl.

Lucky girl.

Lucky girl.

Lucky girl.

Kusot ng mata.

Lucky girl.

Si - si lucky boy. I mean yung lalaki kanina na mukhang anghel na hulog ng langit.

Ang ganda ng smile nya. Ang tangos ng ilong. Kitang-kita ang jaw line. Tall dark
and handsome.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh! I love you Tuck!" sabay-sabay na sigaw nung mga babae.

Tuck? Tuck ba ang pangalan nya?

Habang tulala ako napatingin sya sa'kin at kumaway.

Shit! Nakita nya ba ako? Nagtago ako sa likod ng poste. Nakakahiya naman kasi baka
isipin nilang katulad ako nung mga babaeng yun.

Naglakad ako habang nakatingin sa may likuran ko para tingnan kung kita pa ako ni
lucky boy ng biglang -

*Tugsh
"Ouch! Look where you're going!" sa tinis ng boses nya alam ko na kung sino 'to.
"Oh, Alexa it's you."

"Hindi-hindi. Naghahallucinate ka lang." Then dumiretso lang ako ng lakad.

"I'm sorry hindi ko nakita yung picture nyo sa fb." Sabi nya.

Napatigil ako. Picture sa fb? Nino? Umatras ako pabalik sa kinatatayuan nya. Oo,
atras talaga. Parang rewind kumbaga.

"What are you talking about?" tanong ko sa kanya.

"Yung picture mo nung boyfriend mo. Actually hindi ko talaga masyadong nakita yung
mukha nung boyfriend mo. I mean hindi ko natandaan." Tapos tumawa sya. "Kasi naman
alam mo yun, mukha syang goons. Natakot nga ako agad eh." tapos tumawa sya ulit.

GRRRRRRRRRRRRRRRRR! Nakakainis na 'to.

"Sayang talaga hindi ko nakita yung picture sa fb. Tinanggal daw kasi agad. Swerte
mo walang nakakilala sa'yo. Anyways ikamusta mo na lang ako sa goons mong
boyfriend." Kumaway sya at tumalikod habang natawa.

"Break na kami!" sabi ko sa kanya.

"Yeah right! Wala naman talagang tumatagal sa'yo." Humarap sya ulit ng marealize
nyang sa kabilang way yung papunta sa classroom namin. Tawa kasi ng tawa eh. "Sa
lahat ng pinakilala mo sa'kin sya yung - sya yung the best." Alam mo yung tawa nya
nakahawak pa sya sa tyan nya.

Sapukin ko kaya 'to. Akala mo ang ganda nyang tumawa. Hindi ko na lang sya pinansin
at nagpunta na ako sa class ko na alam kong pupuntahan din nya.

Normal na araw. Lecture dito. Test doon. As usual active ako sa lahat. Parang bata
lang naman si Jezhi na pumapalakpak tuwing sasagot ako at parang giraffe kapag may
exam naman.

Oo. Pinapakopya ko sya sa lahat. Feeling ko nga kung hindi ako matalino baka hindi
ko na sya kaibigan. Feeling ko lang naman.

Actually iniintay ko syang magtanong tungkol sa kalokahan na ginawa ko kahapon na


pinagpyestahan sa fb pero mukhang wala syang alam. Mabuti na din siguro yun atleast
hindi ko na kelangang magpaliwanag sa kanya. Slow kasi 'tong si Jezhi. Minsan ten
times mo ng inuulit eh hindi pa din gets.

Papalabas na kami dahil tapos na ang last subject ko ng bigla akong kinausap ng
prof ko.

"Ms. Andrade pumunta ka daw sa office ng chancellor ngayon na. Urgent daw." Tapos
kinuha nya yung books nya at nauna pang lumabas ng room.

"Oh oh. Mukhang nabalitaan na nila na ang princess ng school ay wala ng


reputation." Bulong ni Zanea sa tenga ko. "Let's go baby." Hinigit nya si Gene.

"Princess mo mukha mo!" inambaan ko pa sya ng suntok nung nakatalikod na sya. Okay
lang yun wala namang nakakita eh.

Pero pinapatawag daw ako ni chancellor? Bakit kaya? Tsaka hapon na ah tapos urgent
pa. Hindi pa ba sya uuwi? Kung nabalitaan nya yung ginawa ko bakit ngayon nya lang
ako kakausapin eh galing na ako dun sa office nya kaninang umaga.

Naku bago pa ako mabaliw eh hinigit ko si Jezhi na may kausap sa phone.

"Teka san mo ba ko dadalhin?" naiinis nyang sagot at ibininaba na nya yung phone.

"Samahan mo ako sa office ng chancellor. Urgent daw. Kelangan ako dun." Bigla nyang
hinigit yung kamay ko.

"Sorry sis but I can't." Kumikinang yung mga mata nya. Hindi ko alam kung bakit.
Nakapamewang na ako. "At ano na namang reason mo ngayon ha?"

"May date ako. Di ba nga sabi ko sa'yo kahapon may isang grupo na bagong lipat dito
sa school natin tapos dinedate ako ng isa sa kanila." Nakangiti nyang sabi habang
nilalaro ng sapatos nya yung balat ng candy sa floor.

"What? Wala kang sinasabi sa'kin at kelan ka pa - " hindi pa ako tapos magsalita ng
bigla syang tumakbo.

"Sorry sis, I gotta go. Nandyan na daw kasi sya. Good luck!" sigaw nya habang
natakbo.

"I hate you!!!" sigaw ko sa kanya dahil inis na inis ako.

Wala naman talaga syang sinabi sa'kin. Wala nga ba talaga? Ah meron ata pero hindi
ko na pinakinggan. Bahala sya sa buhay nya!

******************************

Kalalabas ko lang sa office ng chancellor. Meron syang good news at bad news
sa'kin.

Ang good news eh naperfect ko yung buong activity for major 101, 102 at 103 for
this sem at dahil dun automatic flat 1.0 na ako and starting tomorrow sa class ng
third year na ako aattend ng majors. Oha ang galing ko no? Tuwang-tuwa sa'kin si
Chancellor.

Ang bad news naman eh binigyan nya ako ng another sasagutan. Quiz daw 'to kahapon
at assignment for tomorrow. Oh di ba ang daming gawain. Tapos pinapapunta nya pa
ako sa library para sa book na kelangan daw namin bukas. Isa na lang daw yun at
wala ng ibang mabibili dito ngayon dahil naubos na. Joke lang yun ni chancellor
feeling ko.

Anyways hindi na ako tumanggi at dumiretso na ako sa library bago pa ako masarhan
since mag6pm na.

At buti nakaabot pa ako. Ang totoo ayaw na nung librarian na pahiramin ako nung
book dahil pauwi na daw sya pero nung sinabi kong sabi ng chancellor eh wala na
syang nagawa. Kinuha nya agad yung book at ibinigay sa'kin tapos nagsara na sya.

******************************

Nakakapagod na araw talaga. Papunta na akong parking lot at wala ng mga nakapark na
kotse dun, yung sa'kin na lang. Nakakatakot na kasi papalubog na yung araw.
Bubuksan ko na sana yung kotse ko ng may marinig akong ingay. Mga boses lalaki na
nagtatawanan.

Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang grupo ng lalaking nakaitim na may dala-
dalang - teka timba ba yun? Hindi ko masyadong makita. Papunta sila sa likod ng
auditorium. Inilagay ko muna sa compartment yung mga dala-dala ko tapos sinundan ko
sila.

Nakatago lang ako sa halaman.

Teka anong ginagawa nila?

Pinipinturahan nila yung wall. Vandalism yun at bawal na bawal yun dito sa school.

Nagtatawanan pa sila.

"Bagay lang yan sa kanila!" sigaw nung isang la - lalaki.

Teka parang - parang nakita ko na yung lalaking yun ah.

*Isip.

*Isip

*Isip
Hindi ko maalala.

"Okay na siguro yan." Sabi nung isang lalaki.

Teka si Tuck yun ah. Napansin ko yung ibang kasama nya eh yung mga nakita ko din
kaninang umaga pero lima lang ata sila kanina bakit anim na sila ngayon.

Habang pinapanood ko sila naisip kong kuhanan sila ng video para ipakita sa
chancellor. Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at bigla akong napasneeze dahil sa
halaman.

*Achu!

Takip ng bibig.

"Sino yan!" sigaw ng isa sa kanila.

MEOW! MEOW!

"Tsss! Pusakal lang pala." Sabi nung isa.

Naisipan kong umalis na lang dahil baka mahuli pa ako. Dahan-dahan akong umatras ng
nakaupo para hindi nila ako makita ng mapasandal ako sa isang matigas na bagay.

Dahan-dahan akong tumingala at nakita ko ang dalawang lalaking nasa likuran ko.

"Oh no!" bulong ko.

"Oh yes!" sabi nung lalaking may kulay ang buhok.

*******************************************
3
*******************************************
Oh my God I'm so dead! I'm freaking dead! What am I gonna do? Huling-huli na ako?

"Anong ginagawa ng isang magandang babae sa likod ng mga halaman na yan?" sabi
nung isang kasama nya.

Ngumiti ako. "Nalaglag kasi yung cellphone ko. Sige mauna na ako." Papatayo na sana
ako eh. Balak ko na nga sanang manakbo. Itulak sila tapos exit na. ~_____~

Parang kaya ka ko naman silang itulak? Eh dalawa sila, isa lang ako. Tapos ang
lalaki pa ng katawan nila. Parang mga hunks.

Teka, sinabi ko bang hunks? Hulk dapat hindi hunks. Kelan pa ko nagkainteres sa mga
lalaking malalaki ang katawan.

"You look familiar." Sabi nung blonde yung buhok tapos parang nag-isip sya.

"Sya nga!" sabay nilang sabi habang nagkatinginan pa.

"Sumama ka sa'min." sabi nung may kulay ang buhok.

Hinawakan nila ako sa braso.

"T - teka anong gagawin nyo sa'kin. Bitiwan nyo ako." Sinubukan kong pumalag pero
walang nangyari. Eh bakit kasi ang payat ko at ang laki ng muscles nila. Nabuhat pa
nila ako.

Oo. Hindi ako umalis sa pagkakaupo ko pero nabuhat nila ng nakahawak lang sa tig-
isang braso ko. Eh ako na ang magaan. Minsan pala pangit din yung masyadong skinny.
Tulad na lang ngayon.

T____T Sana pala nagpataba na lang.

"Masaya 'to." Nakangiting sabi nung lalaking may kapayatan.


"Zak!" sigaw nung may kulay ang buhok.

Zak? Zak? Yung goons. Yung exconvic. Oh no. Bakit ba kasi sumilip pa ako.

Lesson: Mind your own business para hindi ka mamatay.

Oo. Patay ako. Yun ang sabi nya kapag nagkita kami.

Ibinaba ko na yung paa ko since nakaangat nga yun sa ground dahil buhat-buhat nila
ko.

"Please uuwi na ako." Nagpout pa ako sa kanilang dalawa.

"Ang cute mo - " napakamot sa ulo yung lalaking may kapayatan pero malaki ang
muscles. " - kaso nakita mo kami eh. Si boss na ang magdedecide kung anong gagawin
sa'yo." Parang nahihiya syang magexplain.

Boss daw? Baka busabos. Naku ano ng gagawin ko?

"Bakit ba nandyan kayo?" sigaw ng isang lalaki.

Teka - teka papalapit na yung mukhang exconvic. Hindi naman ako makatakbo dahil
hawak nga ako nitong dalawang lalaking 'to.

Isip Alexa. Isip.

>.< Ahhhhh wala na kong maisip. Yumuko na lang ako para matakpan nung buhok ko yung
mukha ko.

"Sino ba yan?" tanong nya habang hindi ko nakikita ang mukha nya.
"Isa akong kaluluwang gumagala dito sa school kaya pakawalan nyo na ako." Binago ko
yung boses ko na tunog matanda.

Narinig ko namang nagtawanan yung dalawang nakahawak sa'kin.

"Ano ba kayo! Pati ba naman multo pinapatulan nyo na. Mga gunggong!" sigaw nung
Zak.

Naniwala ba sya sa sinabi ko? Eh kahit ata elementary student hindi bibilhin yung
sinabi kong yun eh. May multo bang nahahawakan? Sang planeta ba 'to galing?

Eh bakit pinoproblema ko pa yun. Mabuti nga naniwala sya. Makakaalis na ako.

"Kung saan-saan kasi sumusulpot 'tong multong 'to eh. Magugulat ka kapag nakita mo
kung sino 'to." Tumatawang sabi nung nakahawak sa'kin.

"Mga siraulo ba kayo! Sino bang hindi magugulat sa multo!" sumisigaw sya dahil lang
dun? ANo bang klaseng utak meron 'tong lalaking 'to.

"Miss sige na. Humarap ka na."

"Hindi ako miss. Mister ako." Nagboses lalaki ako.

"San nyo ba napulot yan? Itapon nyo na nga. Nakakaubos ng oras." Nakita ko yung paa
nung nasa harapa ko na tumalikod na.

Napangiti naman ako. Mukhang effective yung mga sinabi ko ah. Buti na lang mahina
ang ulo nya.

"Okay. Eh di bibitawan na namin sya. Akala kasi namin gusto mong mag-hi sa kanya
after nung kissing scene nyo sa mall." Biglang bumitaw sila sa braso ko at napaupo
ako sa ground.

Aray lang. Hindi ako prepared sa pagkakabitaw nila. Papatayo na ako ng pagtingin ko
sa unahan ko.
O.O Black leather shoes. Dahan-dahan kong inangat yung ulo ko para tingnan kung
sino yung nakatayo.

Nanlaki yung mga mata nya nung nakita nya ako.

"Hello." Pilit na ngiti tapos nag peace sign ako. (^_^)v

"Ikaw!" sumigaw sya.

"Nakita namin syang nakaupo dun sa sulok. Nakita nya tayo Zak. Paano na yan."
Napakamot sa ulo yung isang lalaki.

"Hindi naman ako magsusumbong. Promise. Cross my heart. Mamatay ka man!" sabi ko
kay Zak.

"Ano?! Aba't -" hinambaan nya ako ng suntok.

"I mean mamatay man ako! Ano ba napakainitin ng ulo mo parang nagkamali lang!"
tumayo ako at pinagpag yung uniform ko. "Aalis na nga ko!" tumalikod ako pero
nahawan nya yung braso ko.

"And where do you think you're going?" ang sakit ng pagkakahawak ni Zak sa'kin.

"Uuwi. Madami pa akong gagawin! Pwede ba bitiwan mo na ko!" then I rolled my eyes.

"Wow! Trav come here!" may isang lalaking nagsalita galing sa likuran. "What a
scene!" Nakangiti sya ng bigla nyang naalala na may ginawa sila tapos nandito ako.
"Oh sh*t! May nakakita sa'tin?"

"Wala. Sinong nakakita sa'tin?" tanong ko sa kanya tapos nagtawanan sila except Zak
of course. Mukhang hindi naman sya marunong tumawa eh. May goons bang tumatawa? Ah
oo, yung kapag nakakuha sila ng maraming drugs tumatawa sila na parang kontrabida.
"Ano ng gagawin natin sa kanya? Sayang maganda pa naman sya oh." Sabi nung lalaking
maraming bling-bling na kakadating lang.

Hinigit ko yung braso ko kay Zak at tinakpan ko ng kamay ko yung katawan ko. "Wag
nyo po akong rapin, parang awa nyo na." Naiiyak na talaga ako pero bigla silang
nagtawanan. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Bugbugin ko kaya isa-isa 'tong mga 'to!

Kaso hindi kop ala kaya. Lord help.

"Tumigil nga kayo! Kapag nalaman ng chancellor yung ginawa natin tingnan ko lang
kung makatawa pa kayo!" sa sigaw ni Zak tumigil naman sila sa pagtawa. Mukhang sya
nga yung busaboss ah.

Papalapit sya sa'kin. Hindi ko alam yung gagawin ko. Hinawaka nya ako sa braso. Ang
higpit, feeling ko mababali yung braso ko. Tulong! Tulungan nyo ako. Nakapikit na
lang ako para hindi ko makita kung anong gagawin nya sa'kin.

"Lucky girl?" napadilat ako sa narinig ko at sabay-sabay kaming napatingin sa may


likuran ni Zak.

O.O si - si lucky boy.

"Anong ginagawa nyo kay lucky girl?" papalapit sya sa'min habang nakalagay yung mga
kamay nya sa bulsa ng leather jacket nya.

"Lucky boy - help!" mahina kong sabi. Humarap sa'kin si Zak at masama ang tingin
sa'kin. Parang kakainin ako ng buhay.

"Nakita nya tayo Tuck." Nakatitig lang sya sa'kin habang kinakausap si Tuck.

"P - pero hindi naman ako magsusumbong promise." Nanginginig kong sabi.

"Yun naman pala eh. Bitawan mo na si lucky girl. Sagot ko na yan." Lumapit sya
sa'kin at tinanggal yung pagkakahawak ni Zak. "Hindi ka naman talaga magsusumbong
di ba?" seryoso yung mukha nya, pero maamo at gwapo at hindi nakakatakot hindi
katulad ni Zak.
Tumingin ako sa kanya ng diretso. "Hindi. Promise. Wala naman talaga akong pakialam
kahit sunugin nyo pa 'tong buong school." Seryoso naman akong hindi ako
magsusumbong. Takot ko na lang sa kanila. Sa itsura pa lang nila parang miyembro
sila ng isang sindikato.

"Good." Hinawakan nya ako sa ulo tapos ngumiti sya.

"Tuck nababaliw ka na ba? Hindi ako makakapayag! Tsaka may isa pang kasalanan
sa'kin yan eh!" papalapit na sana si Zak sa'kin pero tumakbo ako agad. "Hoy! Hoy
aswang! Wag kang magkakamali! Alam mo na mangyayari sa'yo!"

Sumisigaw pa din sya pero hindi ko na masyadong naintindihan. Kung papakinggan ko


pa kasi sya baka magbago pa isip ni Tuck.

Pumasok agad ako sa kotse pagdating sa parking lot. Susubukan ko sanang tawagan si
Jezhi ng -

Kapa sa bulsa ng skirt - wala.

Sa bulsa ng blouse - wala.

Holy crap! Yung cellphone ko! Hindi ko naman kayang bumalik dahil baka hindi na
nila ko pakawalan!

Face palmed! Ano ng gagawin ko! Nasa organizer pa mandin ng phone ko yung mga dapat
kong gawin! Bahala na nga si batman! Nagdrive ako ng mabilis pauwi.

ZAK'S POV

"Bakit mo pinaalis?" buwisit talaga 'tong si Tuck kahit kelan. "Paano kung
magsumbong yun. Maarte mga tao dito. Kapag nagsumbong yun patay ka sa'kin!"
tumalikod ako at naglakad na papunta sa may gate.

"Trust me mga pare, hindi yun magsusumbong." Sumunod naman sila Tuck sa'kin.
Naglalakad kami ng may marinig akong tumutunog. Napatingin ako sa may halaman at
may umiilaw. Nilapitan ko at nakita ko ang isang Sony Xperia.

May natawag na Jezhi pero nawala din naman agad. Tiningnan ko yung cellphone at
nakita ko yung picture nung aswang sa wallpaper.

"Patay ka sa'kin ngayon."

"Pare kay lucky girl ata yan." Epal na naman 'tong si Tuck.

"Pakialam ko sa lucky girl mo. Tss." Tumalikod ako at inilagay ko sa jacket ko yung
cellphone.

Dahil mainit ang ulo ko, mabilis kong pinaandar yung motorbike. Kung pwede lang
sagasaan yung aswang na yun ginawa ko na.

*****************************

ALEXA'S POV

Hindi ako nakatulog na ayos. Paano ba naman hindi ko makalimutan yung nakakatakot
na experience ko kahapon dun sa goons na yun. Sana mahuli sya para mapatalsik sya
sa school tapos makulong.

Kapag nakulong sya eh di hindi na sya ex convic! Buwisit sya! Naku sino kaya sa
kanila yung nakadampot ng cellphone ko. Ang dami ko pa manding pictures dun.

Baka ilagay nila yung mukha ko sa mga babaeng nakahubad tapos ikakalat nila sa
internet.

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! No! Hindi pwede! Kelangan mabawi ko yung cellphone na yun.


Kahit sino pa sila wala akong pakialam.
Habang nag-iisip ako nakarinig ako ng mga bulung-bulungan sa mga nadadaanan ko.

"Sino kayang may gawa nun? Baka napasok na tayo ng mga masasamang loob. Imagine
ngayon lang may gumawa nyan dito sa school. Hindi na talaga safe ang earth ngayon."
Narinig kong sabi nung nadaanan ko.

Vandalism? Yun na nga siguro yung kahapon. Nakita na nila?

Well malamang, sa laki ba naman nung wall imposibleng hindi mapansin at take note
sa may parking lot pa. Yun agad ang mapapansin mo pagbaba mo -

*Tugsh!

"Aray!" napaupo ako sa floor sa lakas ng impact ng pagtama ko sa - tingin sa taas.

Sa isang anghel na bumaba sa lupa. Oo, si lucky boy este si Tuck.

"So you're Alexa." Nakita kong hawak nya yung notebook ko.

"Ah yes." Inabot nya yung kamay nya sa'kin. Wow ang gentleman. Hindi katulad nung
goons na Zak na yun.

Teka bakit ko ba sya iniisip?

"Lucky girl?" nakita kong nakaabot pa din yung kamay ni Tuck.

Hinawakan ko yung kamay nya at inalalayan nya kong tumayo. Kinuha ko yung notebook
ko sa kanya.

"Thanks." Papaalis na sana ako pero naisip kong itanong yung cellphone ko. "Uhm
Tuck right?"
Tumango lang sya. Parang na-amaze sya kung paano ko nalaman yung name nya.

Errrr. Medyo feeling.

"Narinig ko sa mga fans mo yung name mo." Nag-explain pa ko. ANg feeling kasi
makatingin eh. "I dropped my phone yesterday, baka naman nakita mo."

Nagshrug lang sya tapos tumalikod na.

"Thanks." Tapos tumalikod na din ako. So hindi nya nakita? O nakita nya? ANo ba
naman kasing sagot yun? Akala ko pa mandin matino syang kausap.

Habang nag-iisip ulit ako nakasalubong ko yung apat na lalaking nakaleather jacket
na until now eh hindi ko pa din alam ang pangalan.

"Hey lady ghost!" masayang sabi nung may kulay ang buhok.

"I have a name clown!" then I rolled my eyes.

Nagtawanan naman sila nung sinabi ko yung clown. Compliment nga yun eh kasi
masayahin sya. Aalis na sana ako pero hinaharangan nila yung dadaanan ko.

"What? Kung wala kayong klase pwes ako meron!" naiinis kong sabi habang
nakapamewang.

"She's weird." Mahinang sabi nung isang lalaking tahimik. Well hindi na sya tahimik
kasi nagsalita na sya.

"Alam nyo kung may weird dito hindi ako yun. Kayo kaya chupi chupi! Get lost!" then
I rolled my eyes.

"We're watching you lady ghost. One wrong move and you're dead," nakangiting sabi
ni bling-bling boy habang sumesenyas ng line sa may leeg nya.
Tapos tumalikod sila. Tinatakot ba nila ko? I mean hello. Ako tinatakot nila?

Akala ba nila magsusumbong ako? Syempre hindi. Marami pa kong pangarap sa buhay.

Dumaan ako sa classroom namin para sabihin kay Jezhi na hindi na nya ako magiging
classmate sa majors dahil nga naadvance ako. As usual namroblema ang loka.

"Sino na lang ang kokopyahan ko?" naluluha sya. Yung totoo? Naiiyak sya dahil lang
dun?

"Ano ka ba. It's about time na para mag-aral ka para sa sarili mo! Dyan ka na nga
at ayokong malate." Tumayo ako para lumabas pero humarap muna ko sa kanya. "And oh,
I lost my phone yesterday so wag mo muna akong kokontakin."

"Yesterday? Are you serious?" gulat na gulat na tanong ni Jezhi. Napabalik ako sa
tabi nya.

"Yes, yesterday. Kahapon." Minsan kasi engot 'tong kausap kapag hindi mo nilinaw
eh.

Tumawa sya. "Magkatext tayo kagabi loka. Sabi mo pa nga na may crush kang hot na
guy at patay na patay ka sa kanya. Sabi mo pa walang kwenta 'tong school natin kaya
gusto mong basagin lahat ng mukha ng mga panget sa mundo pati sarili mong mukha."
Yung tawa nya nakakaloko with matching hampas sa desk. Nakahawak na sya sa tyan
nya. Unbelievable. "Not so you sis."

"Kasi hindi naman talaga ako yun! At parang alam ko na kung na kanino yung phone
ko!" tumayo ako at iniwanan ko si Jezhi na halos mamatay sa kakatawa. Kung hindi ko
lang sya kaibigan baka pinagpray ko na mamatay na talaga sya.

Buwisit! Ako may crush na guy? Hello! Kelan pa nangyari yun? After ni Gene wala na
kong nakitang lalaki, except for my papa (pangspanish ang pagpronounce. Haha) Patay
talaga sa'kin yang lalaking yan. The nerve na pakialaman ang cellphone ng may
cellphone!

"Have you heard the news babe?" o sige ako na ang anak ng kamalasan. Bakit ba hindi
na lang ako lubayan ng lahat ng malas tapos sa inyo na lang lahat.
Joke. Sana kay Zanea na lang lahat. Dahil makakasalubong nya lang ako nilakasan na
yung "BABE". Palibhasa mga baboy sila. Bagay talaga sa kanila ang babe.

Nagdire-diretso lang ako at di ko sila pinansin.

"Where are you going? Magka-cut ng class?" alam kong gusto lang akong asarin nitong
si Zanea eh.

Bumalik ako at kinausap sya. "Me? I will never ever do that. In fact papunta na ako
sa first class ko kasama ang third year. Advanced majors - you know." Ngumiti ako
sa kanya then I winked. "Kelangan daw isort ang bulok sa mga fresh!" tapos tumawa
ako.

Nag-iba yung expression ni Zanea. "What do you mean by that?"

"I was just joking." Hinampas ko sya yung malakas. Oo, kunyari joke lang. Hahahaha.

"Nabalitaan mo na ba yung about sa vandalism? Kakausapin daw ng chancellor yung mga


students about dun. Sino kayang may gawa nun?" nakatingin sa'kin si Gene.

Ang panget na nya ngayon unlike before. Bagay sila ni Zanea, pareho silang panget.

"Ano ka ba naman babe, of course alam ni Alexa yun. Who knows kilala nya pa yung
gumawa nun, right Alexa?"

Anong gusto nyang sabihin? Alam nya ba? Nakita nya ba ko?

"That's impossible! Kung sinong gumawa nun the hell I care!" papatalikod na sana
ako pero may pahabol pa sya.

"I saw you talking with those guys in black. Mukha silang hindi gagawa ng matino
and to think na kaibigan mo sila - you know." Hindi na nya tinapos yung sasabihin
nya.
Humarap ako sa kanya at tiningnan ko sya sa mata. "Don't judge those guys in black
dahil mukha lang silang goons. Yung iba nga dyan hindi mukha drug lord pero mas
madumi naman at mas masama ang ginagawa! Asal animals! Mas gugustuhin ko pa silang
maging kaibigan kesa sa katulad mo!" tumalikod ako at iniwanan ko syang nakanganga.

Ang kapal ng mukha nyang magjudge ng ibang tao. Tama sila nga ang gumawa nun pero
alam nya ba kung bakit?

Teka bakit ko nga ba sila pinagtatanggol?

"Thanks for that." Biglang may tumalon na lalaki galing sa - puno?

Si Tuck - AGAIN!!!!!

"Nagmamadali ako. Male-late na kasi ako sa class ko sa third year." Totoo naman eh.

"I thought second year ka lang." Sabi nya habang kagat-kagat ang isang - teka damo
ba yun? Ano sya kabayo? Weirdo!

"Ah - oo. Kaso naadvance yung majors ko dahil naperfect ko yung buong module ng
pangsecond year." Nagmamadali pa din akong naglakad.

"Anong room ka ba?" tanong nya habang nakatingin sa unahan namin.

"Ah - TC 22, Major 104." Yun nga ba yun? I need my phone back. Dun kasi nakasave
yun.

Tumawa sya. Hindi ko alam kung bakit. "Alam ko yun. Malapit lang yun sa room ko.
Sabay na tayo." Nauna syang maglakad.

"Okay." Sumunod naman ako.

"Nung sinabi mong hindi ka magsusumbong - nagduda pa ko kaya nga sinusundan kita.
But after what I've heard, alam kong mapagkakatiwalaan ka." Nakangiti lang sya na
parang baliw.

"You're stalking me? At narinig mo yung sinabi ko sa witch na Zanea na yun?"


nakakahiya, narinig nya pala. Pero totoo naman lahat yung sinabi ko eh. Kung alam
ko lang na may nakikinig eh di sanan hindi ko na lang pinatulan si Zanea.

"This is my room, sa kabila yung room mo." Iniwan nya ko at binuksan yung pintuan
ng room nya.

"Hindi na naman ako nakapagthank you sa kanya. Pangalawang tulong na nya sa'kin 'to
ah." Bulong ko sa sarili ko.

Syempre hindi na ko nag-aksaya ng oras 3 minutes late na din kasi ako. Pumasok ako
sa room.

"Good morning. Sorry I'm late. Hinanap ko pa po kasi 'tong room." Sabi ko sa
professor na nakaupo sa unahan. Napansin ko lahat tahimik, nagsasagot sila.

"You must be Alexa Ciesla Andrade." Inabot nya sa'kin yung test paper. "Go find a
seat and answer that."

Kinuha ko yung papel at naghanap ng upuan. Kainis wala ng vacant seats sa unahan.
Dun ko pa mandin gustong umupo. Ayun sa likod merong seat.

Umupo ako tapos kinuha ko yung ballpen sa bag ko at nagsagot na.

Bumukas yung pinto pero hindi ko pinansin dahil busy ako sa pagsasagot.

"You're late again Mr. Maliff!" narinig kong sabi nung professor.

"Alis dyan! Upuan ko yan!" napatingin ako sa floor at nakita ang isang black
leather shoes. Pagtingin ko sa taas.

O.O Si Zak?
"Anong ginagawa mo dito?" sabay naming sabi.

"Mr. Maliif, Ms. Andrade lower down your voice." Sigaw nung professor.

"Sorry po." Sagot ko. "Umalis ka nga dyan nagsasagot ako!"

"Ikaw ang umalis! Upuan ko yan oh! Tingnan mo pa yung desk!" inalis nya yung kamay
ko at test paper para lang ipakita yung pangalan sa upuan nya.

"Fine!" tumayo ako at kinuha ko yung gamit ko at naghanap ng upuan.

Ang malas ko lang talaga dahil sa tabi nya lang may vacant. Oh lord, bakit po ang
malas ko.

Wala na akong choice kundi ang umupo at magsagot. Malapit na akong matapos ng
mapansin kong nakasandal lang si Zak at nakalagay sa nguso nya yung ballpen.

Tapos na ba sya agad o hindi nya lang masagutan yung mga tanong?

Pakialam ko sa kanya. TUmayo ako at ipinasa ko yung test paper sa prof ko.

"I heard naperfect mo yung module for second year. I guess may makakalaban si Mr.
Maliff sa pagiging number one sa section na 'to ah." Nakangiting sabi nung
professor.

Mr. Maliff? Si - si Zak ba yun?

Yung mukhang ex convic na yun magaling sa acads? No way! Hindi ko maimagine. Baka
may iba pang Maliff dito. I mean hello, pwedeng may kapatid or pinsan or kasurname
sya di ba?

Bumalik ako sa seat ko since hindi pa daw pwedeng lumabas. Tiningnan ko si Zak at
naalala ko yung phone ko.
Kinulbit ko sya.

"Goons," bulong ko habang kinukulbit sya. "Hoy."

"Ano ba!" naiinis nyang tanong tapos tumingin sya sa'kin.

"Give me back my phone." Naiinis kong bulong habang sinesenyas yung phone.

"Okay class, see you tomorrow. Don't forget to answer the next activity." Lumabas
na yung prof at kasunod si Zak.

Ugh! Nasa kanya nga yung phone ko! Patay ka sa'kin! Tumayo ako para sundan sya!

*******************************************
4

*******************************************
Hindi ko alam kung paano ko makukuha yung phone ko sa kanya pero wala akong
pakialam. Hindi ko sya nilubayan kahit san sya magpunta. Alam kong alam nyang
sinusundan ko sya kaya lalo nyang binilisan yung paglalakad.

Grabe naman ang isang hakbang nya, tatlong hakbang ko na. Alam kong nasa kanya
talaga yung cellphone ko. Kapag naalala ko yung tinext nya kay Jezhi ugh! Nagiinit
ang ulo ko. Akala nya ba matatakot ako sa kanya. Kahit miyembro pa sya ng mafia
wala akong pakialam.

Ah teka, wag pala mafia. Masyadong powerful yun at masyadong delikado. Uhm... kahit
ex convic pa sya I don't care.

Dahil busy ako sa pag-iisip bigla syang nawala sa paningin ko.

Ugh! Napakasama nya talaga! Napansin ko din na nasa likod na pala ko ng gym. Halos
walang dumadaan dito. Syempre sino ba namang dadaan sa lugar na 'to.
Ang inet pa mandin. Buti na lang malaki yung puno ng acacia dito kaya sumilong muna
ako. Hinihingal pa ako ha. Ang sakit ng ulo ko, malamang dahil sa init ng araw.
Tapos pawis na pawis pa ko. Kelan ko pang magretouch!

"Bakit mo ako sinusundan?" hindi ko alam kung minumulto ako o ano pero may narinig
talaga akong magsalita.

Tumingin ako sa paligid baka kasi may nantitrip lang sa'kin. Inikot ko pa nga yung
malaking trunk ng acacia, aba malay ko ba kung tao dun tapos takpan yung bibig ko
tapos gawan ako ng masama. At bago pa malaman ng lahat na may nangyari sa'kin eh
patay na ko.

"Hindi ka ba talaga sasagot?"

Teka, parang pamilyar yung boses nung lalaki. Pero san kaya yun galing?

Napatingin ako sa taas.

O.O Sya nga. Ang goon na si Zak. Nakaupo sya sa taas ng puno. Nakasandal sa trunk
tapos may kagat-kagat na - teka damo ba yun? Bakit ba ang hilig nila sa damo?
Inilagay nya yung dalawang kamay nya sa likod ng ulo nya.

"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo dyan ha!" yung sigaw nya ang sakit sa tenga.
Kalalaking tao ganun sya sumigaw at ako pa ang sinisigawan nya. Ang kapal.

"Hoy lalaking goon kung sa tingin mo masisindak mo ako well sorry! Kahit anak ka pa
ng mafia leader wala akong pakialam!" nakapamewang pa ako at nakatingin sa kanya.

Tumawa lang sya. Yung tawa na nang-aasar. Ugh! Buwisit talaga sya. Mabuti na lang
talaga walang tao dito kundi sira na ang image ko. Never pa kasing may nakakita
sa'kin na ganito ako magsalita.

"Patawa-tawa ka pa dyan! Mabuti pa ibalik mo sa'kin yung phone ko!" inilahad ko


yung kamay ko.

"Tss!" tumingin sya sa malayo.


"Hoy goon! Kung hindi ka bababa dito para ibigay ang phone ko ako ang aakyat
dyan!!" tapos tiningnan ko kung gaano kataas yung puno. Well hindi naman ganun
kataas. Pero nakauniform ako. Skirt na above the knee. Nakastockings naman ako pero
mahirap kumilos dahil hindi naman paballoon ang skirt ng course ko. Sana na lang
talaga bumaba sya.

"Ano ba hindi ka ba bababa?" sumisigaw na ako para mabingi sya. Para kasing hindi
nya ako naririnig.

"Umalis ka na nga! Malas ka sa buhay ko! At wala sa'kin ang cellphone mo okay?"
pumikit sya tapos hindi na ulit nagsalita.

"Ah ganun! Fine, pupunta ako ngayon sa chancellor's office at sasabihin ko kung
sinong may gawa ng vandalism sa auditorium!" Nakatingin lang ako sa kanya tapos
dumilat sya. Parang nag-iba yung aura nya. Hihi. Mukhang natakot ata sya.

Tumingin sya sa'kin ng masama tapos tumalon pababa. Ang sama ng tingin nya sa'kin
habang papalapit. Ako naman umaatras, hindi ako makapagsalita.

"H - hindi naman talaga ako magsusumbong. Ibalik mo lang yung phone ko." OMG!
Nakakatakot sya, parang katapusan ko na. Sino bang hindi matatakot sa lalaking may
hikaw sa tenga. Tapos yung isang kilay nya parang may hiwa, ano ngang tawag dun?
Yung may part ng kilay na walang buhok tapos parang hiwa yung style? Ugh! Hindi ko
maalala.

Naramdaman kong napasandal ako sa trunk ng puno. Bigla nyang sinuntok yung puno.
Ramdam ko yung hangin nung kamay nya dahil sa may pisngi ko lang yung sinuntok nya.

"Wag na wag mo akong tatakutin! Dahil baka hindi mo magustuhan yung gagawin ko
sa'yo kahit babae ka pa! Kung lahat ng babae katulad mo, hindi ako magdadalawang
isip na suntukin yang aswang mong mukha!"

Aswang? Aswang kong mukha? Siraulo pala talaga 'tong goon na ex convic na gangster
na 'to eh. Tinawag nya akong aswang! Isa ako sa may pinakamagandang mukha dito sa
school tapos sasabihan nya lang ako ng aswang! For sure mababa ang taste nya sa
babae.

Tss! Sino bang magkakagusto sa kanya? Nakakatakot na tapos napakaungentleman pa!


Kahit sya na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo wala akong pakialam!
"Umalis ka na." Seryoso nyang sabi pero hinawakan ko sya.

Oh my, mali ata. Dahil natakot ako bigla ko syang binitawan.

"Please give me back my phone." Oo nagpanggap akong nagmamakaawa. Aba baka bigla
akong suntukin nito. Pero oras na makuha ko yung phone ko hinding-hindi ko na ulit
sya kakausapin!

"Yan, marunong ka naman palang makiusap ng maayos eh." Hindi pa din nagbabago yung
expression ng mukha nya. Nakakatakot pa din. May kinuha sya sa bulsa ng leather
jacket nya.

"Gusto mo sa'yo na lang 'tong cellphone? Napulot ko kasi 'to eh." Iniaabot nya
sa'kin.

"That's my phone." Ngumiti ako tapos aabutin ko na - sana pero bigla nyang itinaas.

"Ay teka, nagbago pala isip ko. Baka hinahanap na 'to ng may ari eh." Yung isang
kamay nya nilagay nya sa baba nya na parang nag-iisip.

"But that's my phone! Ibalik mo na yan sa'kin goon!" sumigaw na naman ako. Oh no!
Nabigla sya sa pagsigaw ko.

"I knew it! Hindi magagawang bumait ng aswang na katulad mo." Papalapit yung mukha
nya sa'kin. Natatakot ako. Magkasalubong yung mga makakapal nyang kilay. Kasing
kapal ata ng mukha nya. "Yung ugali mo kasing panget mo alam mo ba?"

Hindi ko sya inintindi. Sinukan kong tumalon para makuha yung phone ko pero naitaas
nya agad. Naku kung wala lang talagang importanteng nakalagay sa phone ko hindi ko
na sya hahabulin. Kaya ko namang bumili ng maraming phones at hindi ko na ilalagay
yung buhay ko sa panganib.

"Akin na kasi yan!" sigaw ko ulit habang tinatalon yung phone ko pero nakataas pa
din kamay nya tapos nilipat nya pa sa kabilang kamay nya kaya mas nahirapan ako.
"Ah ganyan pala gusto mo ha." Tumalon ako tapos humawak ako sa leeg nya then I kiss
him. Oo, sa lips.

Mukhang gulat na gulat sya. Wala syang reaksyon pero hinahalikan ko pa din sya.

O.O What's this? He's kissing me back? Si Zak? Relax Alexa, kelangan mong makuha
yung phone mo.

We're still kissing each other hanggang napansandal ako sa puno. Napansin kong
bumaba yung kamay nya na may hawak sa phone ko.

BINGO! Kinuha ko yung phone ko sabay sipa sa you know, down there. Yes, yun na nga.
Hindi ko na kelangan pang imention okay? Alam ko namang gets nyo na eh.

Napaluhod sya sa ginawa ko.

"You'll pay for this!" nakaupo sya habang nakahawak sa buddy nya down there.

Nagmadali akong tumakbo at iniwanan ko sya dun. Baka makarecover pa sya tapos
suntukin ako nun sa mukha. Sobrang pahirap ang ginawa nya bago ko makuha 'tong
phone ko. Buti nalang matalino ako.

He kissed me back? Tsss. Good kisser siguro ako kaya natempt sya. But ewwwwwww.
That goon! He should be happy. Dapat hindi na kami magkita.

Teka, that's impossible. Classmate ko sya sa majors! Oo, majors as in madami.

Tiningnan ko agad yung phone ko. Nandito pa yung mga text ni Jezhi. Missed call
from my mom and my new sched dahil nga naadvance ako. I'm so glad nandito lahat.
Pati yung nasa organizer ko wala namang nagalaw. Siguro hindi sya marunong gumamit
nito -

*Tugsh
Bakit palagi ba akong nauuntog sa - isang anghel. Ilang beses na kaming
nagkakasalubong ni Tuck.

Assumera ka Alexa. Inii-stalk ka nga nya di ba? Wala kasi syang tiwala sa'yo at
baka magsumbong ka sa chancellor.

"So nakuha mo na pala yang phone mo. Paano mo nagawa yun?" Ang cool nya magsalita.
Relax na relax lang in a moderate voice.

"Ha? Madali lang. I just kicked that goon down there." Habang awkward na itinuro
ang down there ko of course. Mas lalong awkward naman kung yung sa kanya yung
ituturo ko di ba?

Tapos yung facial expression nya pa kakaiba. Parang hindi makapaniwala at parang
gulat na natatawa na ewan.

"What? Eh di puntahan mo sya dun sa may likod ng gym." Then I rolled my eyes.

Bigla syang humagalpak ng tawa. Yung kamay nya nakahawak na tyan nya. What's wrong
with this man? Kanina lang confused sya tapos ngayon kung makatawa wagas.

"Hoy Tuck bakit ka natawa dyan?" biglang sumulpot yung mga kasama nya na until now
eh hindi ko pa din kilala. Sa mukha siguro oo.

"Uy si lady ghost pala yan." Sabi nung lalaking may kapayatan. Yung isa sa humawak
sa'kin nung nandun sa may auditorium.

Nagmadaling lumapit sa'kin yung parang clown na laging nakangiti. Oo yung may kulay
ang buhok. Tapos tinitigan nya ako at binigyan ng magandang smile. Ang ganda ng
ngipin nya. Pantay-pantay at ang puti. Parang nainsecure naman ako, pero alam ko
namang ganun din ako. Weird lang na isang lalaking tulad nya eh ganun ang teeth.

"Bakit ka nakatingin ha?" pagmamataray ko. Nakapamewang pa nga ako eh.

Maya-maya inilagay nya yung kamay nya sa may tenga ko.


"For you," relax lang yung voice nya tapos seryoso yung mukha nya sabay labas nung
rose na galing sa may tenga ko. Kunyari syempre, malay ko ba kung san nya yun
kinuha.

Iniaabot nya sa'kin habang nakatingin ng diretso sa'kin biglang smile ulit. Okay
fine, cute sya pero hello. Pakialam ko di ba?

"Oh eh anong gagawin ko dyan sa rose? Hoy hindi ako nasusuhulan ng rose rose na
yan. Ang atraso ay atraso. Buti hindi nagpasa yung pagkakahawak nyo sa'kin kahapon
dahil kung hindi hahuntingin ko talaga kayo!" then I rolled my eyes again for nth
time.

"Please babe, this rose is for you." Tapos inabot nya yung kamay ko. Babe? Babe?
Parang Gene at Zanea lang? "See, bagay sa'yo ang red rose na y - "

Bago pa sya matapos magsalita eh pinagputul-putol ko yung stem tapos hinigit ko


yung petals at inihagis sa dibdib nya. Yun lang kasi ang abot ko eh. Di ko abot
yung mukha nya.

"I'm not a pig so don't call me babe. And if you may excuse me. May gagawin pa
ako," papaalis na ako ng bigla akong akbayan nung maraming bling bling tapos ginulo
yung buhok ko.

"Tuck's right, you're different." Tapos nagtawanan sila.

Ano daw? Kinwento ba ako ni Tuck sa kanya.

"Hoy Val, wag ka nang malungkot dyan." Sigaw nung isang nasa likuran ko.

"Patay ka Alexa, pinalungkot mo si Val." Pagbibiro sa'kin nung maraming bling


bling.

"Excuse me? Hoy wala akong ginagawa dyan no! Alisin mo nga yang braso mo! Ang bigat
kaya!" tapos pinilit kong iangat yung kamay nya pero hindi nya inalis.

Nakita kong nakangiti si Tuck. Ewan ko ha, pero ang gwapo nya. Oo, galit pa din ako
sa mga lalaki pero hindi naman masamang magwapuhan sa iba di ba?
"Sana katulad mo din yung ibang babae," wow nagsasalita din pala yung isang
mysterious guy. "Hindi yung nahihimatay sila sa kakiligan dahil lang binigyan sila
ng rose ni Val."

Tapos biglang binatukan nung Val yung nagsalita.

"Ulul ka Trav! Pinaalala mo pa." tapos nagbiruan na sila. Biruang pisikal, mga
goons talaga 'tong mga 'to.

So Trav pala ang name nung mysterious guy na yun.

"OA naman. Dahil lang sa rose nahihimatay? Tss, anong tingin nila sa inyo? I mean
hello, normal na tao lang kayo no!" nakapamewang pa ko tapos bigla silang
tumahimik.

Lahat sila nakatingin sa'kin. Ewan ko ba, may mali ba sa sinabi ko? Sabihin nyo
nga, may mali ba dun?

"Bakit? May nasabi ba akong masama?" nakaramdam ako ng takot sa mga tingin nila.

"I - I need to go." Tapos bigla silang papalapit sa'kin.

"You're an angel!" papayakap sana si Val sa'kin kasunod yung isang lalaki pero
hinawakan sila sa ulo ni Tuck.

"Mga ulul! Pagsasamantalahan nyo pa si Alexa eh! Umayos nga kayo, baka gusto nyo
ding masipa sa - " tumingin muna si Tuck sa'kin bago magsalita. " - down there."
Tapos napakamot sya sa ulo. "Grabe, hindi ko masabi dahil may babae sa harapan
natin."

Napatingin silang lahat kay Tuck. "Sinipa ka ni Alexa sa -" sabi ni Val pero
tinakpan ni Tuck yung bibig nya bago pa man nya direct na masabi yung "down there"
na term.

"Hindi ako mga ungas! Tumigil na nga kayo! Inaabala nyo si Alexa eh. May klase pa
yan!" Inakbayan nya yung dalawa tapos bumitaw na din sa'kin yung madaming bling
bling.

"Thanks sa pagtatanggol mo sa'min ha. See you around." Tapos umalis sila ng iniipit
ni Tuck yung ulo ni Val at nung isa.

Ang weird nila ha. Pero mababait din naman pala sila. Siguro si Zak lang talaga
yung masama ang ugali sa kanila. Oh my, alam ni Tuck yung name ko? Ah malamang
narinig nya kaming nag-uusap ni Zanea. Assuming ka na naman Alexa. Tss.

Teka anong oras na ba? What? Halos one hour akong nakipagusap sa kanila. Tsk, dapat
pumasok na ko. Malayo pa yung tatakbuhin ko. Bwisit kasi nagpahabol pa yung Zak na
yun. Buti na lang nabawi ko yung phone ko.

*******************************************
5

*******************************************
Lunch break namin ngayon at kasama ko si Jezhi. Nandito lang kami sa field at
kumakain ng niluto nya. Mas gusto daw nya yung luto ng chef nila kaysa sa luto sa
cafeteria ng school.

Habang kumakain kami nakita ko ang men-in-black. Actually di ko talaga alam ang
name ng sindikato nila eh. Since nakablack sila palagi, men-in-black na lang ang
tinawag ko sa kanila.

"There they are." Bulong ko sa sarili ko.

"They're so hot. Totally hot." Narinig kong sabi ni Jezhi. Kilala nya sila?
Sabagay, ako nga lang ata ang hindi nakakakilala sa kanila eh. "I wonder what
happened yesterday at biglang nagbago ang isip ni Val na makipagdate sa'kin."
Nakasimangot si Jezhi.

"Wait - did you just say Val? Val you mean - ?" tapos tinuro ko yung grupo nila
Tuck.

"You know them? I mean yeah, they're popular but I didn't know na kilala mo sila."
Gulat na gulat sya habang kumakain.
"Hindi ko sila kilala. Hindi ko nga alam mga names nila no!" I rolled my eyes tapos
kumain na lang ulit ako.

"See that guy with bling-blings? That's Rich. Literally rich guy."

So si Rich pala yung gumulo ng buhok ko. May araw din yan sa'kin.

"That guy na medyo slim pero maganda yung build ng katawan? That's Luke."

He's Luke, short for luko-luko.

"The mysterious of them all is Trav. Look at him, so perfect with his curly hair
and pale skin. Edward Cullen of Standford." She giggled.

Well, Jezhi's right. Parang Edward Cullen nga yung itsura nya tapos mala Harry
Styles naman yung buhok nya. Naimagine nyo ba? So imaginin nyo na lang.

"And that - "

"That blonde clown is your boyfriend Val. I know." Nagulat si Jezhi at hindi sya
agad nakapagsalita. "Tapos yung mala model hunk eh si Tuck. Tapos yung mukhang goon
na ex convic ay si Zak!"

Tumawa ng malakas si Jezhi pagkatapos kong magsalita. "Eh kilala mo naman pala
sila. At hindi ex convic si Zak no!" pagtatanggol nya.

"Whatever. For me he's a member of a drug syndicate and an exconvic period!" tapos
tumingin ako sa kanila. Bakit ko ba sila kelangan makilala. After ng ginawa nila sa
school. In the end naging kasabwat pa ko. Ugh! Nakakainis talaga!

Habang naiinis ako napansin kong napatingin si Tuck sa'kin tapos kumaway.

"I think he likes you." Napatingin ako kay Jezhi.


"Are you saying something?" nakangiti si Jezhi.

"That Tuck. I think he likes you. And another thing, hindi ko boyfriend si Val.
We're just dating. That's all. Pero nakita ko kasing lahat naman dinedate nya kaya
nawalan na ko ng gana." She sighed.

"Alam mo kung magkakagusto ka sa lalaki wag na kahit sino sa kanila. Okay? And
hindi ako gusto ni Tuck." tumayo ako at pinagpag ko yung uniform ko. Hindi ko lang
masabi kay Jezhi na binabantayan lang nila ako kung magsusumbong ako or hindi sa
chancellor.

"Nag-iba nga pala ang sched ko. Iba-ibang sections ako mapupunta. Ang gulo nga eh.
I'm glad nabalik yung phone ko. Pwede mo na ulit akong itext or tawagan dun sa
number ko." Kinuha ko yung bag ko.

"Akala ko ba nawala yan?" hindi pa din natayo si Jezhi.

"Oo nga. Nakuha ng monkey. Mabuti na lang nakita ko dun sa puno tapos kinarate ko.
Ayun, nabawi ko." Nagsmile ako tapos nagpeace sign. (^^)v

"Monkey? Sa Standford? Weird." Tapos nagwave sya na parang pinapaalis na ko. "Text
na lang kita."

"Okay. See you around."

Busog na busog ako. Maganda yung mood ko ngayon. Habang naglalakad ako naghuhum pa
ko.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Teka, ano yun?


Slight turn of the head

Eyes down when you said

Cellphone ko ba yun? Pero bakit nag-iba yung ringtone? Kinuha ko yung phone ko sa
bag.

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

OMG! Sa'kin nga. Ang ganda naman nung tugtog. Teka sino ba 'tong natawag.

+637827399475 calling...

"Hello." Pasweet voice ako. Alam nyo na baka kasi kung sino 'to.

[HOY BAKIT ANG TAGAL MONG SUMAGOT!!!]

"Eh malay ko bang phone ko yung tumutunog. Tsaka bakit ka ba nasigaw! Sino ka ba?"

[NASAN KA BA? PUPUNTAHAN KITA!]

"Hoy bakit ko sasabihin sa'yo? Malay ko kung rapist ka!"

[ASA KA NAMANG RAPIN KITA! WAG NA UY! BAKA IKAW PA MANGRAPE SA'KIN. BIGLA-BIGLA KA
NGANG NAGHAHALIK DYAN!] bigla syang tumahimik.

Nanghahalik? Meaning si Zak 'to. Ah hindi. Baka wrong number lang.

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako nanghahalik no! In your dreams! PWede ba wag ka
nang tumawag!"
[SUBUKAN MO LANG IBABA PATAY KA SA'KIN!]

"Whatever!" naiinis kong sigaw tapos binaba ko na yung phone.

As if naman natatakot ako sa kanya. Duh!

Nasa locker ako ngayon para kunin yung iba kong gamit ng biglang may nagsara nung
locker ko.

"Hey - " pacool pa sana yung pagrereklamo ko kasi akala ko kung sino lang.

Pagtingin ko si Zak. Nakangiti sya. Hindi pala, nakasmirk sya.

Sisigaw na sana ako ng bigla syang tumuro sa likuran nya at sa likuran ko.

Alam nyang hindi ako makakasigaw kasi maraming tao. Napasama nya talaga. Gusto ko
syang suntukin. Sipain. Sasakin ng ballpen - sa mata!

"Di ba sabi ko sa'yo patay ka sa'kin!" sumandal sya sa locker na nakacross ang arm
sa chest nya.

"Umalis ka na nga lang." mahina lang yung pagkakasabi ko dahil ayaw ko maging agaw
eksena.

"Papaalisin mo ako after what you did?" then he smirked again.

"What the he - " tumingin ulit ako sa paligid ko. Ugh! Self control Alexa. "What do
you mean?" kinuha ko yung books ko sa locker tapos isinara ko din agad.

(>_>) (⌐_⌐) (-_-)


"See, wala kang masabi kaya aalis na ko." Nilock ko yung locker at papaalis na -
sana.

"You kissed me remember!" mahina nyang sabi pero pagalit. Tiningnan ko sya pero
hindi sya makatingin sa'kin.

"And you kissed me back goon!" then I rolled my eyes tsaka naglakad palayo. Palayo
kung saan wala masyadong nadaang students para masigawan ko na sya. Kating-kati na
yung lalamunan ko sa pagsigaw eh.

"But that's the second time bitch!" at sinundan nya pa talaga ako. "TUmigil ka nga
kapag kinakausap ka! Nabubuwisit na ako sa'yo!"

Tapos bigla akong tumigil at nabangga nya ako. "Ano ba! Bakit bigla-bigla ka bang
natigil!"

Humarap ako sa kanya na nakapamewang. "Ang gulo mo din no! Sabi mo tumigil ako
tapos nung tumigil ako nagalit ka! What do you want me to do? At kung nabubuwisit
ka then leave me alone. Chupi na." winave ko yung kamay ko na parang tinataboy ko
sya.

"Ayoko nga! Parang kanina lang ikaw yung naghahabol sa'kin para buwisitin ako. Pwes
ako naman ang mambubuwisit sa'yo ngayon." Tumigil sya sa harapan ko.

"Tsaka pwede ba tigil-tigilan mo na yung paghalik sa'kin!" nakatalikod sya sa'kin


kaya di ko makita yung expression nya.

"Talaga! Asa ka namang ginusto ko yun. I won't kiss you ever again. Unless you want
me to." Then tumawa ako.

"Asa ka naman! Tara na nga!" naglakad sya papauna sa'kin.

"Excuse me? Bakit naman ako susunod sa'yo?" ang kapal naman nya. Sya yung may
kasalanan. Sige ako ang nagsimula, pero hindi nya kelangang maging rude okay!

"Dahil magkaklase tayo! Icheck mo pa sa sched mo!" tapos naglakad na sya na


nakalagay ang dalawang kamay sa ulo nya.
Tinignan ko yung phone ko. Tama nga sya. Sa third year ang class ko ngayon. Pero
paano nya nalaman? Teka, hindi ko pa pala alam kung san yung room ko.

"Hoy! Tiningnan mo ba yung sched ko?" kunyari nagtatanong ako pero ang totoo gusto
ko lang sumabay para malaman yung room namin ng hindi ako nagtatanong sa kanya.

"Hindi ko yan tiningnan. Aksidente lang no! Pakialam ko ba sa sched mo!" nakatingin
lang sya sa harapan habang naglalakad. Syempre, alangan namang sa likuran sya
nakatingin eh di nabangga sya. Tss.

"Hey I thought you broke up with him?" a familiar voice coming from behind. At
biglang uminit yung ulo ko. Meaning isang tao lang 'to.

Tumingin si Zak sa likuran namin tapos tumingin sa'kin then he smirked.

Ano na namang iniisip nya? Hindi nya ba talaga ako titigilan?

"Alam nyo kasi ang totoo - " oh no! Sasabihin nya kina Zanea.

"Nagkabalikan na kami!" Humawak ako sa braso ni Zak na halatang ikinagulat nya.


Pinisil ko sya ng madiin sa braso. Sisirain nya pa ang matagal ko ng nasimulan na
arte kina Zanea huh.

"I see. I knew it. I saw you two kissing at the back of the gym." Tumingin sya kay
Zak na parang may panlalait.

"HOY SAWA KA NA BA SA BUHAY MO?!!" sigaw ni Zak.

Napaatras si Zanea at napakapit kay Gene.

"Do something babe." Bulong nya kay Gene.

"KUNG HINDI MO TITIGILAN ANG GIRLFRIEND KO IPAPABUGBOG KO YANG BOYFRIEND MO! HINDI
MO ALAM KUNG ANONG KAYA KONG GAWIN!" ang lakas ng boses nya. Nakita kong pati si
Gene napaatras at hinigit si Zanea.

Namumutla yung dalawa. Nakakatawa yung itsura nila. Natakot sila sa sinabi ni Zak?

Nung hindi ko na sila makita hindi ko na mapigilan yung pagtawa ko. Hinahampas ko
pa si Zak habang tumatawa.

"Alam mo kahit nakakainis ka okay lang. Hindi mo lang alam kung gaano kalaki para
sa'kin nung nagawa mo. Nakita mo - b - ba s - sila." Tapos tumawa ulit ako. "M -
mga na - ka - ka -tawa yung itsura!" grabe talaga yung tawa ko.

Napansin ko na lang na iniwanan na pala ako ni Zak.

"Hoy intayin mo naman ako." Tapos sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Nakalagay pa
din yung mga kamay nya sa ulo nya.

Medyo nabawasan na yung pagtawa ko. Pero kapag naaalala ko yung mukha nila Zanea,
grabe, kulang pa yun sa ginawa nila sa'kin.

"Madami ka nang utang sa'kin! Kelangan mo kong bayaran!" seryosong sabi ni Zak kaya
naman napatigil ako sa pagtawa.

"Sure. Sabihin mo lang magkano." Tapos ngumiti ako.

"Siraulo ka ba! Hindi pera ang kelangan ko!" nakasigaw na naman sya. ANg sakit sa
tenga. Buwisit talaga.

"Eh kung hindi pera eh di ano?" nakatingin lang din ako sa harapan habang
naglalakad papunta sa kabilang building.

"Serbisyo mo."

Ano daw?
Binatukan ko sya ng malakas gamit yung books ko.

"Aray! Anak ng - bakit mo ginawa yun!" galit nyang sabi habag nakahawak sa batok
nya.

"Anong serbisyo ang pinagsasabi mo dyan? Ang manyak mo! Pervert!" hahampasin ko pa
sana sya ulit pero napigilan nya ko.

"Hoy ang kapal mo para isipin yun ang ibig kong sabihin!" binitawan nya yung kamay
ko.

"Eh kung hindi yun, ano?" medyo napayuko naman ako.

"Magpapanggap tayong tayo. Pabor yun sa'yo kahit masama sa loob ko! At isa pa
madami kang utang sa'kin. Kaya kapag tinawagan kita at pinapunta kahit saan kahit
kelan wala kang karapatang umangal!" tapos naglakad na sya ulit.

Ano daw? Sino sya para utusan ako? Ano bang ginawa ko? Yung iinvolve sya sa
kalokohan ko kina Zanea. Pero ininvolve din naman nila ko sa ginawa nila sa school
ah. Isa pa lumalala na ako.

"At higit sa lahat wala kang karapatang magtanong ng kahit ano sa'kin! Ako lang ang
magtatanong at maguutos sa'yo. Kung hindi ka susunod, alam mo na. Kakausapin ko
yung bakulaw mong kaibigan at yung bading nyang boyfriend!"

Well, napangiti naman ako ng tinawag nyang bakulaw si Zanea at bading si Gene.
Hahahaha. Siguro hindi naman ako mapapasama kung papayag sa gusto nya. Okay na din
siguro yun para naman maisip nila Zanea na hindi lang pang one week ang boyfriend
ko, kuno.

*****************

Tapos na ang buong araw at pauwi na din ako finally. Ang daming nangyari ngayong
araw. Sobrang nakakapagod. Papasakay na ako sa kotse ko ng makita kong flat yung
tire ko sa unahan.
"No way!" nagmadali akong lumapit para tingnan yung gulong.

Grabe hindi kakayanin nitong umabot sa bahay. Ang saklap naman talaga. Nasaan ba si
Jezhi. Makikisakay na lang ako. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko sya.

[Hey sis. What's up?]

"Where are you?"

[Umalis kami ni mommy eh. Sinundo nya ko kanina. Sorry di na ko nakatext. Biglaan
din kasi. May problema ba?"]

"Flat yung tire ko. Tingin ko sinadya 'to."

[Magtaxi ka na lang. Okay lang yan.]

"Hello! Magtaxi. Walang taxing nadaan dito remember. Alangan namang maglakad ako
papunta dun sa may kabilang street. No way!"

[Eh di bahala ka.]

Hindi pa ko nakakapagsalita pero ibinaba na nya yung phone.

"Thanks for being such a good bestfriend!" kinausap ko yung cellphone ko bago ko
ilagay sa bag.

Anong gagawin ko? Hindi pa mandin ako marunong magpalit ng gulong. Di bale hihingi
na lang ako ng tulong dun sa ibang dadating. For the meantime dito muna ako.

"You need help?" may isang lalaking nagsalita sa likuran ko. Tiningnan ko sya.

Isang lalaking malaki yung katawan. Mistiso, medyo brown yung eyes at yung hair.
Gwapo in short at mukhang model.
"Done checking me out? Enjoying the view?" then he smirked.

*Snap back to reality dahil sa kayabangan nitong antipatiko na 'to.

"Excuse me! I'm not checking you out okay! And believe me I've seen better!"
patalikod na ko ng bigla nya kong hinawakan.

"You don't know me, do you?" tapos ngumiti sya. Ang gwapo sana kaso feeling
masyado.

"Who the hell are you? Oh, don't answer it. And please let go of my hand." Then I
rolled my eyes.

"I'm Hercules Shane, A.K.A. hottest guy in Standford. And you are?" at inilagay nya
pa yung kamay nya sa mukha nya na parang nagpapapogi. Ewwwwwwwwwwwwwww.

"Well I'm Alexa Ciesla Andrade A.K.A really not interested!" then I turn my back on
him.

"Woah! I like the way you play hard to get." Lumapit sya sa'kin na parang isang
rapist.

"Pwede ba wag kang assuming! Hindi ka kagwapuhan okay? So please leave me alone."
Tumingin ako sa paligid at naghihintay kung may padating para mahingan ng tulong.

"Come on, let me give you a lift." Tapos inakbayan nya ko.

"Pwede ba umalis ka na kung aalis ka!" aalisin ko na sana yung kamay nya pero bigla
nya akong hinawakan ng mahigpit.

"You can't say no to Hercules,"


"No! No! No! No!" hinigit ko yung kamay nya pero nagulat ako ng aktong sasampalin
na nya ako kaya napapikit ako.

"Dude we're just having fun. Relax!" sabi ni Hercules. Sinong kausap nya.

Pagdilat ko nakita ko Zak na hawak ang braso ni Hercules.

"AYOKO NANG MAKIKITA YANG MUKHA MO DITO SA SCHOOL KUNG AYAW MONG MASIRA YAN! AYAW
MO NAMAN SIGURONG MANGYARI YUN!" seryoso si Zak. Nakatitig lang sya kay Hercules.
Hindi ko naman sila inaawat. Eh ano kung magsuntukan sila? Basta wag lang akong
madamay.

"Hey dude, hindi kilala kung sinong kinakausap mo!" tinanggal ni Hercules ang braso
nya sa pagkakahawak ni Zak. "Boyfriend mo sya?" tapos tumingin sya sa'kin.

"So what?" binangga nya lang si Zak at papalapit sya sa'kin. Hindi nya ata talaga
alam kung anong mangyayari sa kanya. This is fun!

"You know what Denise," tapos tumigil sya sa harapan ko.

"Denise? I'm Alexa hello!" I fold my arms across my chest.

"Yeah, I said Alexa." Tumingin sya sandali kay Zak tapos tumingin ulit sa'kin.
"Iwanan mo na 'tong boyfriend mo. Sa'kin ka lang."

Tiningnan ko si Zak. Seryoso yung mukha nya na parang iniintay yung sagot ko. Ano
kayang iniisip nya. Well ayoko sa kanya, pero mas ayoko naman dito sa mayabang na
Hercules na 'to.

"Hoy hindi ako bagay na pwedeng angkinin ng sino-sino lang - " tapos tiningnan ko
sya from head to foot " - na katulad mo! If I were you, aalis na ko bago pa masira
yang mukha mo."

Bigla nya akong hinawakan pero nahigit agad sya ni Zak at sinuntok sa mukha. Wow
ha, isang suntok lang at knocked down agad 'tong si Hercules.
"Sh*t my nose!" sigaw nya habang nakahawak sa nose nya.

Ouch! Masakit yun. Basag yung ilong nya. Kasi naman binalaan ko na sya eh.

"Sino ka ba ha?!!" galit na si Hercules. Oh yes, masaya talaga 'to. Magsusuntukan


sila.

"Flint Maliff!" tapos papalapit si Zak sa kanya pero nagmadaling umatras si


Hercules at nanakbo.

Okay! Boring. Akala ko pa mandin lalaban sya. Tss.

Teka Flint Maliff? Paano naging Zak ang tawag sa kanya? Ugh! Di ko na dapat
pinoproblema yun eh. Ang problema ko eh yung sasakyan ko pauwi.

"HOY IKAW BABAE! MAKIKIPAGLANDIAN KA LANG SA TULAD NUN PA! HINDI KA BA MARUNONG
PUMILI? PAANO KUNG HINDI AKO DUMATING?" as usual nakasigaw na naman sya. Pasalamat
sya niligtas nya ko. Dahil kung hindi baka sya ang sinuntok ko sa mukha.

"Excuse me, hindi ako nakikipaglandian. And wala sa vocabulary ko yun stupid!"
Bumalik ako sa kotse ko at sinilip yung tire.

Hay, napakamalas ko ba talaga? Sino naman kayang gagawa nito?

"Tumayo ka na nga dyan!" hinigit nya ako at hinawakan sa braso.

"Teka san mo ko dadalhin?" yeah, kinakaladkad nya ako.

"Madami ka ng utang sa'kin. Hindi ka man lang marunong magthank you!" dire-diretso
lang sya sa paglakad.

Marunong ako magthank you pero kasi iba sya. Ayokong magpasalamat sa kanya. Pero
kung hindi naman dahil sa kanya baka patay na ko or may nangyari na sa'king hindi
maganda.
Hinigit ko yung kamay ko at tsaka tumigil. Okay, minsan lang ako magte-thank you
okay.

"Thanks kanina." Mahina kong sabi.

Humarap sya sa'kin na parang gulat na gulat. "Anong sabi mo? Hindi ko narinig! Wag
ka ngang bumulong!"

"Sabi ko thank you!!!! Gusto mo ba talagang lagi akong nakasigaw!!!! Ugh!


Nakakabuwisit ka talaga kahit kelan! Dyan ka na nga!!!" tumalikod ako at naglakad
pabalik sa kotse ko pero hinawakan nya ulit ako.

"At sinong may sabing pwede ka ng umalis! Sasama ka sa'kin. It's pay back time!"
then he smirked.

Okay, anong ibig nyang sabihin? Tsaka san nya ba ko dadalhin?

Nakita ko ang isang motorbike, right motorbike. Tapos bigla nyang hinagis sa'kin
yung helmet.

"Isuot mo yan!" tapos sumakay sya sa motor habang sinusuot yung black gloves.

"Pwede bang maglakad na lang ako?" sa totoo lang kasi never pa akong nakasakay sa
motorbike tapos ganito pa kalaki. Nakakatakot kaya. Baka mamatay pa ko. Paano na
lang ang pangarap ko sa buhay di ba?

He grinned. For sure may pinaplano 'to!

"Wala kang choice. Sasama ka sa'kin sa ayaw at sa gusto mo." Tapos yumuko sya
sandali bago tumingin sa'kin. "KAYA ISUOT MO NA YAN AT SUMAKAY KA NA!!!" napaatras
ako sa pagsigaw nya.

Syempre ayoko din namang mabasagan ng ilong kaya isinuot ko na lang at sumakay sa
kanya. Hindi ako yumakap syempre. Ewwwwwwwwwwwwww.
"Higpitan mo ang yakap mo kung gusto mo pang mabuhay!" then pinaandar na nya yung
motor.

Kahit ayokong yumakap sa kanya wala akong choice. SObrang bilis nyang magpatakbo.
Alam mo yung feeling na hindi ka umiiyak pero tumutulo yung luha mo. Nagoovertake
pa sya sa mga bus at truck.

Kapag medyo napapabitaw ako sa kanya bigla nya ulit bibilisan.

I swear Zak hinding-hindi na ako sasama sa'yo kahit kelan!!!!!!

*******************************************
6

*******************************************
Hindi ako makahinga. Ang sakit ng ulo ko. Hindi pa ako nakakarecover sa byahe namin
na yun. Pagbaba namin ng motor nasa tapat kami ng Ground Casino. Well nabasa ko
lang naman yung nakasulat dito. Ang laki-laki kaya, kahit malabo ang mata mababasa
pa din 'to. Yung pasukan as in hindi mo aakalaing may casino dun sa place.

Sinundan ko lang sya habang papasok pero mabagal akong maglakad. Paano kasi
nasusuka ako at nahihilo. Sobrang sakit ng ulo ko.

"HOY BILISAN MO NAMAN!" okay nakasigaw na naman sya.

Pasalamat sya wala kong energy sumigaw kung hindi patay sya sa'kin!!

Mahigpit pala dito. Hindi basta-basta pinapapasok. May parang code at password pang
sinasabi sa guard. Hindi ko naman naintindihan dahil masakit nga ang ulo ko.

"Oy Zak, ang tagal mong dumating ah." Salubong sa kanya nung isang grupo ng lalaki
na mga nakaitim na tshirt. Tumingin ako sa paligid.

Teka bakit lahat dito nakaitim? Kulto ba sila? Kaya ba nya ko dinala dito dahil
iaalay nya ako?
Ugh! Lalong sumasakit ang ulo ko kapag nag-iisip.

"Uy sino yang chikababe na kasama mo, pakilala mo naman sa'min." Inakbayan nung
isang lalaki si Zak. Tumingin sila sa'kin pero wala akong lakas para sumigaw.

"Believe me bro wag na sya. Mas masahol pa sa baliw sa mental yang babaeng yan eh."
umupo si Zak sa table kasama nung iba. "Mabuti magsimula na tayo."

1 hour.

2 hours.

3 hours na at nandito pa din kami. Kinulbit ko si Zak.

"I need to go. Madami pa kong gagawin sa bahay." Syempre mahina lang yung
pagkakasabi ko pero di nya ko pinansin. "I said I need to go!" Napatigil yung mga
kasama nya sa table at tumingin sa'kin.

"Sorry," (^^)v

Ugh! Kelangan ko na talagang umuwi! Bakit nya ba ako sinama dito kung paghihintayin
nya lang din ako! Nakakabuwisit.

"Zak, tara na." syempre in a moderate voice.

"Eh di umalis ka kung gusto mo! Nakita mong naglalaro pa ko eh!" then he grinned.

Ayos din sya no? Alam nyang wala akong dalang kotse tapos ang lakas ng loob pauwiin
ako. Malay ko ba kung nasaang lugar kami.

"Bahala ka aalis na ko!" tumayo ako para lumabas pero hindi sya sumagot. "Sabi ko
aalis na ko!"
"Sige na! Paulit-ulit pa eh!" tapos nagsigawan yung mga kasama nya.

"Woooo! Malas ka ata ngayong gabi Zak!" tumingin sa'kin si Zak ng masama.

Oh sinabi ko bang isama nya ko dito? Malas nga ako eh, nagtanong ba sya? Siraulo
din 'tong lalaking 'to. Buti nga sa kanya at natalo sya.

Lumabas na ko ng casino. Nakakatakot yung tingin sa'kin nung mga nandun. Parang
kakainin nila ako ng buhay. Ilang beses din may humigit sa'kin mabuti na lang
natakasan ko agad. Nahihilo na talaga ako. Ang sakit ng ulo ko tapos naiiyak pa ko.

Nung nakarating na ko sa labas hindi ko na napigilang umiyak. Sinong hindi maiiyak


eh walang nadaan na taxi. Tapos parang wala pang dumadaan na ibang sasakyan.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh! Screw you Zak!!!!" sumigaw ako ng malakas tsaka umupo sa


kalsada. "Bakit kasi ang malas ko?" ipinatong ko yung ulo ko sa mga tuhod ko.

Lalong sumakit ang ulo ko dahil sa pag-iyak. Pero naisip ko na hindi naman ako
makakauwi kung iiyak lang ako. Kaya tumayo ako para maglakad.

"Kaya ko 'to. Kapag may nangyari sa'king masama tandaan mo Zak mumultuhin kita."
Pinunasan ko yung mga luha ko tsaka ako nagsimulang maglakad.

Nakakatakot yung paligid. Anytime na may mantrip sa'kin tapos rapin ako then
patayin at ihagis kahit saan dito eh wala ng makakakita sa'kin kahit sino. Bukas na
bukas sasabihin ko na kina Zanea na hindi ko talaga boyfriend si Zak para matapos
na 'to!

*Beep! Beep!

Napatalon naman ako bigla dahil sa busina ng kotse sa likuran ko. Hindi ko
napansin. Tiningnan ko yung kotse pero hindi ko makita kung sinong nasa loob dahil
dun sa ilaw ng kotse.

"Alexa?" familiar yung boses nung lalaking kakababa pa lang nung kotse. "What are
you doing here?" lumapit sya sa'kin.
Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko napansing napatak na pala yung luha ko. Ewan ko
kung nalulungkot ako o masaya ako na may dumating na tulong sa'kin sa katauhan ni
Tuck.

"May nangyari ba? Bakit ka naiyak? Sabihin mo may nambastos ba sa'yo? Akong
bahala!" hinigit nya ako pero hindi ako gumalaw tapos umiling lang ako habang
naiyak.

"I wanna go home." Yun lang yung nasabi ko.

"I'll drive you home." Pinagbuksan nya ako ng kotse.

Tahimik lang kami sa byahe pero hindi nya maiwasang magtanong.

"Paano ka napunta dun?" tanong nya na nakatingin lang sa kalsada while driving.

Okay. Paano ako napunta dun? Kinaladkad lang naman ako ng magaling mong kaibigan.
Pinasakay sa motor na muntik magdala sa'kin sa kabilang buhay tapos pagdating sa
casino eh naglaro sya at pinag-intay ako ng oras tapos hinayaan akong umuwi! Yan
talaga yung gusto kong sabihin pero wala na kong lakas para magalit. Ang sakit ng
ulo ko at ng katawan ko.

"Isinama ko ng isang goon." Mahina kong sagot then tumingin ako sa labas.

"Goon? Sino? Ayos ka lang ba? May ginawa ba sya sa'yo? You can trust me. Kilala ko
ang may ari nung casino." Okay. Ang OA nya. Parang sinabi nyang mga goons ang
napunta sa casino na yun.

"Si Zak yung sinasabi ko. Kelangan ko daw sumunod sa kanya kasi madami akong
kasalanan. Tss!" Napahawak lang ako sa ulo ko. Ang dami kong gagawin. May exam pa
ko bukas. Nakakainis ka talagang goon ka!

Napansin ata ni Tuck na nakasimangot ako. Kaya hindi na muna sya nagsalita.
Dumating kami sa tapat ng bahay namin.
"Wow, your house is really big." Yun lang ang nasabi nya bago sya bumaba para
pagbuksan ako ng pinto ng kotse. He's really a gentleman.

"Thanks for driving me home. I have no idea what will happen to back there kung
hindi ka dumating." He's really an angel. Gusto ko sanang sabihin pero wag na lang.
I hate guys but that doesn't mean I can't be friends with them. "Pasok na ko."

"Alexa, can I borrow your phone?"

Ano daw? Don't tell me itatakbo nya yung phone ko. Hindi naman siguro kasi hindi
naman sya s Zak. Kinuha ko yung phone ko sa bag then iniabot ko sa kanya.

"What are you doing?" tiningnan ko sya habang hawak yung phone ko.

"You can call me anytime if you need help." Then he winked. Oh my, he's so
handsome. The way he smile, para talaga syang isang anghel.

Okay, that's too much. Nagwave lang ako as he enters his car.

*************************************

Inaantok ako dahil 3 hours palang ang tulong ko since ang dami kong kelangan
tapusin. At nandito ako ngayon sa class ng third year para sa major and meron
kaming surprise exam. Great, really great. Mabuti na lang talaga nagaadvance study
ako.

Napansin kong wala pa si Zak sa upuan nya. Eh ano namang pakialam ko. Hindi ko na
dapat problemahin yun. Chinecheck ko na lang yung answers ko ng biglang bumukas
yung pinto. Sa sobrang lakas napatingin kaming lahat. Pati yung professor namin
gulat na gulat pero hindi sya nagsalita. Ang bastos na si Zak na mukhang may
hangover. Ang panget nya. Nakasampay pa yung leather jacket nya sa balikat nya pero
nakablack shirt pa din sya. Tss! Hindi man lang magsuot ng proper uniform. Hindi
naman nagalit yung professor namin. Inabutan nya lang ng test paper si Zak.

Nakatingin ako sa kanya pero hindi sya tumingin sa'kin. Mukhang wala sya sa mood.
Mabuti na din yun para naman hindi nya ako asarin at kulitin maghapon. Isa pa hindi
ko sya mapapatawad sa ginawa nya sa'kin kahapon. Mabuti na lang talaga dumating si
Tuck.

Tumayo ako para ipasa yung test paper ko tapos ngumiti lang yung professor.

"Okay. You can go." Kalmado lang sya tapos chinekan nya yung test paper ko. Hindi
ko na inintay yung result. I'm 100% sure na perfect yun dahil nacheck ko naman.

Bago ako lumabas tiningnan ko muna si Zak. Nakaslouch lang sya habang nagsasagot
tapos medyo napapapikit pa. Napatawa naman ako sa itsura nya. Parang hindi
nakatulog. Napaiwas ako ng tingin ng mapatingin sya sa'kin. Kinabahan ako kaya
lumabas ako agad. Iba yung tingin nya ngayon, parang nag-aapoy sa galit. Teka, ako
dapat ang magalit sa kanya at hindi sya. Ang kapal ng mukha.

Hindi pa ako nakakalayo sa room narinig kong bumukas yung pintuan. Pagtingin ko
lumabas si Zak. Grabe ang bilis naman nyang magsagot. Wala pang ten minutes simula
nung pumasok sya tapos na agad. Is he some kind of a genius? I doubt that.

Tumalikod na lang ako at naglakad ulit. Balak ko munang magpunta sa field since
vacant ko pa naman.

"Ahhhhhhhhhhhhh! He's so handsome kahit mukha syang walang tulog." Yes, there's a
commotion. Mabuti na lang nakalayo ako agad sa kanila baka magkastampede pa.

So hindi pa ako nakakalayo bigla akong natumba. Alam nyo kung bakit? Well mali kayo
kung iniisip nyong nagkastampede dahil sa mga babae. Natumba ako dahil binangga ako
ng freak goon na si Zak.

Syempre hindi ako makasigaw kahit gusto ko. Sinasadya nya talaga 'to alam ko dahil
gusto nyang masira yung reputation ko sa school. Deadma lang ako. Isa akong
kawawang babae na dinadampot ang mga books sa floor.

"Uh, Alexa's so cute. Tulungan natin sya." May papalapit sana sa'kin pero biglang
nagsalita si Zak.

"Subukan nyong lumapit sa kanya. You'll be dead!" tapos tumigil sya sa harapan ko.
Tiningnan nya lang ako.
Okay, if stares can really kill. Pinaglalamayan na ako ngayon. Umiwas na lang ako
sa tingin nya tapos tumayo ako at pinagpag ko yung uniform ko.

"Hoy babae - "

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Napatigil si Zak ng marinig yung music. Well that's my phone ringing. I open my bag
and grab my phone.

Tuck calling...

Oh great, sinave nya pala yung number nya sa phone ko pero paano nya nalaman yung
number ko?

"Hey Tuck napatawag ka?"

[Just checking on you. Are you okay?]

Sasagot na sana ako ng mapatingin ako kay Zak na nakatingin sa'kin. Masamang
tingin. Iniwanan ko syang nakatayo bago ako magsalita.

"Actually I'm not really okay. I don't wanna see that goon anymore but sad to say I
can't. We're in the same class." I sighed.

[That's a bummer!] then he chuckled.

"I know - " may umagaw ng phone ko. "How dare you?" I'm not really shocked ng
makita ko si Zak na inoff yung phone ko bago ulit iniabot sa'kin. "Why did you do
that? Can't you see I'm talking to someone and that someone happens to be your
friend!" bubuksan ko na sana ulit yung phone ko pero bigla nyang inihagis yung
gamit nya sa'kin. Mabuti na lang nasalo ko. Dapat nga pala hindi ko na lang sinalo,
well nabigla kasi ako.
"May utang kang dapat bayaran sa'kin! Dalhin mo yang gamit ko. Tatawagan na lang
kita kapag kelangan ko na yan!" tapos nagsimula na syang maglakad.

Ang kapal ng mukha. Kaya nga may locker di ba? Para paglagyan ng locker. Tsaka ano
ba ako baggage counter na pwedeng pag-iwanan ng gamit anytime?

"Sa tingin ko bayad na ko after what you did to me yesterday." Iniaabot ko yung
gamit nya sa kanya pero di nya pinansin. "And I don't wanna play this game anymore.
I'm going to tell Zanea that we're not really connected to each other."

"Are they having an LQ? They look good together." Teka san galing yung ingay na
yun?

O.O Oh my, may mga nakatingin sa'ming students and wait - what are they talking
about? LQ? Kami ni Zak?

Napatingin ako kay Zak then he smirked! "Babae nga naman, masyadong madaldal.
Mukhang pinagkalat na ng kaibigan mo ang tungkol sa'tin."

"She's not my friend okay? Keep that in mind!" magsasalita pa sana ako pero bigla
syang tumalon sa kabilang side papunta sa kabilang building. Great! Alam nyang
hindi ko sya masusundan dahil hindi ako makakatalon. Another hell day for you
Alexa! Congratulations.

*************************

ZAK'S POV

Nakakainis talaga yung aswang na yun. Palaging madaming sinasabi. Hindi man lang
natakot sa'kin. She's my toy pero nakikialam naman 'tong si Tuck. Ang totoo
nakonsensya talaga ako kagabi nung hinayaan ko syang umalis kaya nga sinundan ko
sya pero anong nakita ko? Sila ni Tuck. Tss! Tapos magkausap pa sila sa phone!
Kelan pa sila naging close?

"Hey dude bakit nagmumukmok ka dyan?" sigaw ni Val mula sa baba. Nandito kasi ako
sa taas ng puno. Hindi masyadong pansin ng mga dumadaan. Nakakairita kasi ang mga
babae dito. Makita ka lang sumisigaw na. Gusto kong suntukin ang mukha nila isa-
isa. Parang yung aswang na yun! Teka, bakit ko nga ba sya iniisip? Papahirapan ko
sya para naman makabawi sya sa mga ginawa ko sa kanya.

Teka, namamalikmata ba ko? Parang nakikita ko yung aswang kasama si Tuck. Bakit ba
close sila? Laruan ko sya kaya ako lang ang pwedeng magpahirap sa kanya. Anak ng -
talagang naghahanap pa sya ng kakampi. Wala ba syang ibang kaibigan? Masama kasi
yung ugali kaya walang kasama.

Papunta sila dito. Nagtatawanan pa talaga sila ha. Bakit sa'kin lagi syang
nakasigaw! Buwisit talaga 'tong aswang na 'to. Palaging pinag-iinit ang ulo ko.

"Dude, kasama mo pala si lady ghost!" lady ghost daw sabi ni Val. Lady monster pa
siguro.

"May pangalan sya Val!" nabatukan pa nga ang mga loko.

"Teka, wag mo sabihing - " hindi ko na pinatapos magsalita si Rich. Bumaba ako at
hinigit ko sa braso ang aswang na 'to palayo sa mga mokong na 'to.

"Hoy Zak! San mo yan dadalhin?" sigaw ni Val.

"Sa langit!" tapos nagtawanan ang mga ungas.

ALEXA'S POV

Nakita ako ni Tuck na pagala-gala. Ewan ko kung nakita nya 'ko talaga o sinusundan
nya ko. Hindi pa din ba sya convinced na wala akong balak magsumbong. Ayoko na
kasing maipit sa gulo nila kasi may sarili akong gulo at ewan ko kung hanggang
kelan 'to pero sana matapos na agad.

Papalapit kami sa likod ng gym at nakita ko nga sina Val. Mukhang dito sila madalas
tumambay. Sabagay, walang tao dito. Hindi sila pagkakaguluhan. Bakit ba kasi sila
pinagkakaguluhan? Sino ba kasi sila talaga? Oo nga mga may itsura sila pero OA
naman sila kung makaasta. Parang mga hindi galing sa mayayamang pamilya. Bumababa
ang level nila pagdating sa grupo nila Tuck.
"Dude, kasama mo pala si lady ghost!" (-_-") Lady ghost pa din. Hindi na ba talaga
mababago yung tawag nila sa'kin. Nakakabwisit 'tong si Val ha.

"May pangalan sya Val!" Okay. Thank you Tuck. Pinagtanggol mo na naman ako. Why do
I have this feeling na magiging magkaibigan kami ni Tuck.

"Teka, wag mo sabihing - " ay bakulaw! Teka hindi bakulaw 'to! Freak 'to! Bakit nya
ba ako hinihigit? Kelangan ba lagi nya akong kakaladkarin? Please lord ilayo nyo po
ako sa masama. Promise magpapakabait na ko talaga.

"Hoy Zak! San mo yan dadalhin?" sigaw ni Val.

"Sa langit!" O.O Ano daw? Mamamatay na ba ko? Bakit kelangan ko laging makita at
makasama 'tong goon na 'to! Hindi ko na kaya! Ayoko na!!!!!!!!!

*******************************************
7

*******************************************
(A/N: This chapter is dedicated to AreAnd dahil sa mahahaba at nakakatuwa nyang
comment sa lahat ng chapters ng PH. And sa lahat, thank you so so much. You guys
rock! xoxo - mela)

***************************************************

Ang sarap ng pakiramdam ko ngayon. Alam nyo ba kung bakit? Weekend kasi, meaning
walang pasok. Walang goon na Zak. Tahimik ang buhay ko ngayon. Kahit maghapon lang
ako dito sa loob ng bahay okay lang. Magsu-swimming na lang ako. Nasaan kaya si
Jezhi? Ihhhhhh ang saya-saya ko ngayon!

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Slight turn of the head

Kakasabi ko lang tahimik at payapa. Sino namang tatawag sa'kin?


Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

Ayan na nga! Sino kaya 'tong natawag? I grabbed my phone on the table.

Zak calling...

Huh? Bakit na naman?

"Bakit?!!"

[Nasan ka?]

"Pakialam mo?"

[Hoy hindi ka pa nakakabayad ng utang sa'kin kaya wag kang maarte dyan! Magkita
tayo!]

"Kita your face! Pwede ba patahimikin mo naman ako kahit isang araw lang!"

[Aba't - HOY ANG KAPAL MONG SABIHIN SA'KIN YAN! IKAW ANG NANGGULO SA BUHAY KO AT
SINISINGIL LANG KITA!!!!]

"Eh di goodbye! Thank you!"

[OY! OY! TEKA! SUBUKAN MONG IBABA PATAY KA SA'KIN!!]

"Pwede ba nasabi mo na yan dati! At isa pa may date ako ngayon! Bukas na lang
pwede?"
[..........]

"K. Bye."

Anong problema nun? Ano na namang ipapagawa nya sa'kin? Paghihintayin habang
nagkakasino sya? Ang kapal talaga! Matapos ng ginawa nya kahapon? Well, wala naman
talaga syang ginawa.

Ganito kasi yung nangyari.

*FLASHBACK*

"Teka, wag mo sabihing - " ay bakulaw! Teka hindi bakulaw 'to! Freak 'to! Bakit nya
ba ako hinihigit? Kelangan ba lagi nya akong kakaladkarin? Please lord ilayo nyo po
ako sa masama. Promise magpapakabait na ko talaga.

"Hoy Zak! San mo yan dadalhin?" sigaw ni Val.

"Sa langit!" O.O Ano daw? Mamamatay na ba ko? Bakit kelangan ko laging makita at
makasama 'tong goon na 'to! Hindi ko na kaya! Ayoko na!!!!!!!!!

"Hoy san mo ba ko dadalhin at anong langit ang pinagsasabi mo ha?"

Hindi sya nagsalita. Lumabas kami ng school. Higit-higit pa din nya yung kamay ko
at take note ang daming nakakita sa'ming naglalakad. Tapos parang relax na relax pa
sya.

"Gusto ko nun!" sabay turo sa cotton candy.

Hindi ko napansin na malayo na pala kami sa school at nasa harapan kami ngayon ng
tindahan ng cotton candy.
"HOY ANO BA! BINGI KA BA? SINABI KONG GUSTO KO NYAN!!!!" nakasigaw na naman sya.
Normal ba sa kanya ang pagsigaw?

Tinuro ko yung cotton candy with are-you-serious-look.

"MUKHA BA KONG NAGJOJOKE!!!" tapos tumalikod sya.

"EH BAKIT KA BA LAGING SUMISIGAW HA!!! NAKAKAPAGOD NG SUMIGAW AT PWEDE BANG HUWAG
MO KONG SIGAWAN SA HARAPAN NG IBANG TAO!!!!!!" wooooooo. Nakakapagod sumigaw.
Nakakainis naman kasi. Nakakaubos ng pasensya.

O.O Manong nagtitinda ng cotton candy.

"Ah kuya pabili nga po nyan." Pero hindi ko alam kung anong flavor ang gusto nya at
ilan. Tsk! Kelangan ko pa talaga syang tanungin. "Hoy!"

Nakatalikod pa din sya at hindi ako pinapansin. Kung nakakatanda agad-agad ang
pagkainis malamang mas matanda pa ko sa grandma ko ngayon!

"Excuse me Zak." With my modelated and angelic voice.

Nakita kong dahan-dahan syang tumitingin. Nagwave lang ako then sabay turo sa
cotton candy. "Anong flavor?"

Humarap sya na parang nahihiya yung itsura. Nakakatawa. Hindi ko maimagine na kaya
nya palang mag-iba ng facial expression.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Well to my surprise hindi sya nakasigaw.

"Anong flavor sabi ko? Tsaka isa pa ikaw na maghawak ng gamit mo okay!" nilampasan
nya lang ako at lumapit kay manong.

Sabi ko nga ako na ang magdadala nito eh. Matapos na lang lahat 'to.
"Manong kukunin ko na lahat yan." Kapag ibang tao ang kausap hindi sya nasigaw. So
sa'kin lang sya ganun? Wow ha, sa'kin pa talaga. "Hoy bayaran mo na lahat ng
makauwi na si manong!"

"Fine! Nakasigaw ka na naman eh." Tumingin ako kay manong at binayaran ko sya. Mura
lang naman kasi si kuyang naglalako lang naman ng cotton candy yung pinagbilhan
nya. Kaso iniabot sa'kin ni manong lahat ng tinda nya. Imaginin nyo ako na may
dalawang bags plus books tapos madaming cotton candy. Sige, imagining nyo.
Nakakaawa ako di ba? Habang yung kasama ko sarap na sarap sa pagkain ng cotton
candy.

Ugh! Cursed you Zak. Makakabayad din ako lahat ng utang ko sa'yo at ipapabura kita
sa mundo!!!! Lakad pa kami ng lakad papalayo sa school na ganito kadami ang dala-
dala ko.

"Gusto ko nung pop corn!" utos na naman nya. Hindi pa nga ubos yung cotton candy
tapos pop corn naman. Ano ba sya? Bata?

"Hoy! Bibingi-bingi ka na naman dyan!"

"Wow, thank you ha. Ang konti kasi ng dala-dala ko kesa sa'yo. Sobrang nakakahiya
talaga!" tumalikod ako at bumili ng popcorn. "Kuya tatlong popcorn nga yung
pinakamalaki!" Pinakamalaki yung bawat corn hindi yung size para mabilaukan na
'tong Zak na 'to!!

Aba't nakuha pang humiga sa bench habang ako mukhang yaya. Kung makikita ako ng
parents ko ng ganito you'll be dead Zak. How I wish my parents are here, right at
this moment!

"Miss anong flavor ng popcorn?"

"Hmmmm cheese na lang at honey caramel." Then I gave him a smile.

"Barbeque lang po ang available."

Pigilan nyo 'ko. Please parang awa nyo na pigilan nyo ako!! Ang lakas ng loob
magtanong anong flavor tapos BBQ na lang ang available! Kung hindi ka naman
mahihimatay sa mga tao sa paligid mo eh. Ang sarap isalang ng ulo nito ni kuya dun
sa apoy hanggang sa pumutok!

"Okay lang po ba ma'am ang BBQ?" ulit nya pa.

"Bakit meron pa ba kayong iba?" sarcastic kong sagot habang nakasmile.

"Sabi ko nga po." Finally nagets din nya.

"Bakit ba ang tagal mo?!" nagulat ako ng nasa likuran ko na ang goon. Kinuha nya
yung popcorn at binuksan na agad yung isa habang ako nagbabayad. Hindi ba pwedeng
humingi man lang? AKo kaya ang nagbayad lahat.

"Thank you po sir, ma'am. Ang ganda nyo naman pong maid." Nakangiting sabi nung
nagtitinda ng popcorn.

Naimagine nyo ba ang kilay ko ngayon. Nagbanggaan na! Ako daw maid? Ako? Bulag ba
sya? Nakaschool uniform ako.

"Bayaan mo na yan!" inakbayan ako ni Zak at hinigit papalayo sa nagtitinda ng


popcorn. "Ganyan ka ba talaga? Kahit sino tinatakot mo?" nakaakbay yung kanang
kamay nya sa'kin habang nasa kaliwa yung popcorn. Kumukuha sya ng popcorn gamit
yung kanang kamay at isusubo sa tapat ng mukha ko. Naimagine nyo ba?

"Pwede ba alisin mo yang kamay mo! Ang bigat-bigat na nga ng mga pinapadala mo
sa'kin tapos pinapabigat mo pa!" inalis ko yung kamay nya at naunang maglakad.

"Teka lang!" tumigil ako at nakita ko syang tumatakbo papalapit sa'kin. "Akin na
yan."

Kinuha nya yung bag nya, yung cotton candy at yung pop corn. Wow, totoo ba 'to?

*Krukkkkkkk

Ngayon pa ko nagutom. "Penge namang popcorn." ~_____~ mahina kong sabi habang
nakahawak sa tyan.
"Ano? Eh bumili ka ng sa'yo!" tapos nauna syang maglakad dala-dala lahat ng
pagkain.

"Pero ako naman bumili nya eh!" wala na kong lakas sumigaw. Pagod na ko at gutom.

"Kahit na. Binili mo 'to para sa'kin kaya uubusin ko 'to!" kain lang sya ng kain ng
popcorn. Sana sumakit yung tyan nya! Napakadamot. Ipinabili nya sa'kin yun at hindi
ko yun binili para sa kanya. Feeling nitong lalaking 'to!!

*END OF FLASHBACK*

Masisisi nyo ba ako kung gusto kong magunwind ngayon? Ang sarap ng pakiramdam ko.
ANo kayang magawa? Magshopping? Manood ng movie? Matawagan nga si Jezhi.

*Ring ring

[Yes sis?]

"Hey, I was wondering if we could go out today?"

[That's great! Daanan kita dyan ng 4:00pm?]

"Sure. So hindi na 'ko magdadala ng kotse?"

[Yeah!]

"Okay. See ya later."

Excited na ako sa mga gagawin namin ni Jezhi. Mabuti at awala syang date today or
else mag-isa na naman akong lalabas. Much better ng mag-isa kesa naman kasama ko
yung Zak na yun!

Ugh! Alexa wag mo na ngang isipin yung goon na yun! You need to relax and unwind.
Kaya yun ang gagawin ko.

Oh 12:55pm na pala. I need to prepare para sa lakad namin mamaya.

Isang white tube at pink shear ang top ko tapos skinny jeans and pink doll shoes. I
curled my hair and clip my bangs.

AFTER 3 HOURS...

Dumating si Jezhi at umalis kami. Nagpunta kami sa mall. Starbucks muna tapos
nagkamustahan. Hindi ko pa naman nababanggit yung about sa mga pinaggagawa sa'kin
ni Zak. Knowing Jezhi, kulang ang magdamag para ipaintindi ko sa kanya lahat ng
nangyayari sa buhay ko. Nagpabody massage kami, manicure, pedicure, footspa at
facial. This is life. Ang sarap maging babae.

"Hey punta lang ako sa ladies room," sabi ni Jezhi habang natingin ako ng movies.

"Sure." Pagtataboy ko sa kanya.

Ano bang mga palabas ngayon? Cloudy with a Chance of Meatballs 2. She's the One.
Mr. Go at Carrie. Woooo gusto ko 'tong She's the One, Enrique Gil. Teka, gusto ko
din 'tong Carrie. Panuorin na lang kaya namin lahat. Pagbalik ni Jezhi sabihin kong
panuorin namin 'to.

Okay, 30 minutes na ko dito pero no sign of Jezhi pa din. Naflush na ba sya? Oh


well pinuntahan ko na sya sa ladies room. And guess what! Walang Jezhi dun!

Calling Jezhi...

Isang ring palang sinagot na nya.


[I'm so sorry sis wala na ko sa mall.]

"What?"

[I saw Cliff from Airman Academy tapos niyaya nya kong lumabas.]

(PLUGGING TIME: Please read my story Love Disaster para makilala kung sino si
Cliff. :p)

"At pumayag ka kahit alam mong may bestfriend kang naghihintay sa'yo?" to my
dismay.

[Yes.] Long pause - [But promise babawi ako sa'yo. Swear! Ibigay mo na sa'kin 'to.
Sige na.]

"May magagawa pa ba ako? Naiwan na ko dito. And pwede ba Jezhi next time matuto
kang magtext or tumawag hindi yung palagi mo na lang akong pinaghihintay!" hindi ko
na sya pinatapos dahil ayokong mabalewala ang pagrerelax ko.

Bakit ba opposite ko 'tong si Jezhi? Makakita lang ng gwapo date agad? In the end,
solo mode na naman ako. Alone in short. Ayokong manuod ng movie mag-isa. Boring
naman masyado.

So lumabas na lang ako ng mall at naglakad-lakad. Magcocommute ako pauwi dahil wala
akong dalang kotse. Very brilliant idea! Bakit ba kasi pumayag ako na sunduin na
lang ni Jezhi?

Ugh! Too late na para magsisi. Lakad lang ako ng lakad habang nilalaro-laro ko pa
yung boby bag ko. Makauwi na lang kaya? Ang boring mag-isa tsaka medyo nagugutom na
din ako.

Papara na sana ako ng taxi ng makita ko sila Tuck sa kabilang kalsada. Nagtatawanan
sila. Lima lang sila at wala si Zak. Mabuti naman. Nagmadali akong tumakbo nung
magred light.

"Tuck!" sigaw ko habang nasa likuran nila ko. Lahat sila sabay-sabay lumingon at
napatigil sa pagtawa.

Okay, wala pa ding nagsasalita.

"Hello." At ako na lang ulit dahil nakakahiya na ang katahimikan.

"Uy si lady ghost pala 'to!" sigaw ni Val na mukhang masayang-masayang makita ako.

"Wow, hindi ka namin nakilala. Bakit ka nagpakulot?" tanong ni Rich.

"No. Naisipan ko lang kulutin yung buhok ko. Panget ba?" awkward! Wag kayong
sumagot ng panget patay kayo sa'kin.

"Perfect!" sabi ni Tuck. AS usual, cool lang sya habang nakalagay yung mga kamay sa
bulsa nung jacket nya.

Nahiya naman ako hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Mag-isa ka lang?" tanong ni Luke.

Nakapaligid na sila sa'kin ngayon at dito pa talaga kami sa kalsada nag-uusap.

"Oo. Iniwanan kasi ako ni Jezhi." Okay, hindi ako nagpapaawa ha. Nagsasabi lang ako
ng totoo.

"Sumama ka na lang sa'min." inakbayan ako ni Val at naglakad na kami. "Bibili lang
muna kami ng pagkain."

Ang cool nila. Puro kulitan lang. Tawa nga ako ng tawa kasi nawala yung inis ko
nung iniwan ako ni Jezhi. Dapat nga magpasalamat din akong iniwan nya ko kasi kung
hindi malamang hindi ako tumatawa ng ganito ngayon.

Nagtake out lang sila sa isang fast food chain tapos naglakad na ulit pabalik.
"Okay lang bang isama natin si Alexa?" tanong ni Trav.

Tumingin ako sa kanilang lahat. "Kung bawal I understand. Uuwi na lang ako."

"Ano ka ba Trav, okay na okay lang. Hindi naman maarte 'tong si Alexa no!" Ngumiti
si Rich sa'kin. "Di ba Alexa?"

Tumango ako kahit hindi ko alam kung ano yung sinasabi nya. Maarte? Hindi ako
maarte. Hindi din ako madidirihin. Wag lang akong pahahawakin ng bulate.
Ewwwwwwwwwwwwwwww!

"Then good. Tara na!" naglakad ulit kami at napatingin ako kay Tuck. Nakangiti lang
sya then he winked at me.

Okay, what was that for? My heart skipped a little bit. Oh wag OA. A little bit nga
lang di ba? Sino bang hindi? Eh ang gwapo kaya ni Tuck. Nasabi ko na dati di ba?

"We're here!" naunang pumasok si Rich sa loob ng isang mataas at itim na - ano ba
'to gym?

Sumunod lang kami. May mga punching bags sa loob. May ring din. Parang boxing gym
ata 'to pero walang tao.

"Hindi ka pa rin tumitigil dyan?!" sigaw ni Rich. May kausap sya sa loob. "Kumain
ka kaya muna!" Pumasok kami sa loob. May isang lalaking nagpapractice ata kasi ang
lalakas ng pinapakawalan nyang suntok sa punching bag na parang matatanggal na.

"Hoy dude kanina ka pa badtrip dyan! Kumain ka na muna!" sigaw ni Val. Umupo silang
lahat sa sofa at kumain na ng fries at burger.

"Kain ka?" pag-aalok ni Tuck sa'kin.

Umiling lang ako.


"Wala akong gana Tuck! Umalis na nga kayo!" sigaw nung lalaki na suntok pa din ng
suntok.

"Ulul! Hindi ikaw ang tinatanong ko!" sabi ni Tuck sabay bato kay Zak ng fries.

"ANO BA BAKIT KA BA - ?" napatingin sya sa'kin. Ang lalaking galit na galit na
sumusuntok ay si - ang goon na si Zak. "Anong ginagawa nyan dito ha? Akala ko ba
may date ka?"

O.O hindi ako makapagsalita. Nakahubad si Zak. Wala syang shirt tapos pawis na
pawis pa sya.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" tumalikod ako.

"Hoy bakit ka nasigaw?"

Bakit nga ba ko nasigaw? Parang katawan lang naman sisigaw agad ako!

(Tingin sa multimedia. Ganyan lang naman ang katawan na nakita ni Alexa. Sinong
hindi sisigaw sige nga? :p)

"Ah, nakalimutan ko din kasing bumili ng pagkain. Gutom na din pala 'ko." Good
excuse Alexa.

Maya-maya naramdaman kong may mainit sa braso ko. Pagtingin ko burger na hawak ni -
Zak.

"Ayan kainin mo! Hindi naman ako gutom!" hindi naman sya nakatingin sa'kin. Inabot
ko yung burger tapos umalis na sya.

Ano kayang problema nun? May lason ba 'to? Bakit nya ko binigyan ng burger?

"Mukhang hindi na badtrip si loko ah!" pagbibiro ni Rich.


Tumingin ako sa kanila pero relax na relax lang silang kumakain kaya naman nakiupo
na ko at kumain kasama nila. Nakatitig lang ako sa burger pero hindi ko pa din
binubuksan.

"Ayaw mo ba?" hinigit ni Val yung burger. "Kakainin ko na 'to!" bubuksan n asana
nya yung burger pero binatukan sya ni Tuck.

"Loko-loko ka talaga! Para kay Alexa yan!" kinuha ni Tuck tapos ibinalik sa'kin.
"Kainin mo na. Baka bawiin pa ni Zak yan." Tapos tumawa sya.

"Hoy Tuck bakit mo ko binatukan ha!" sigaw ni Val na nagtatanggal ng leather


jacket. "Gusto mo ata ng isang round! Pagbibigyan kita!"

Tumayo si Tuck at nagtanggal din ng jacket. Oh hell, bakit nagkalat ang mga
lalaking sexy ngayon!

"Masaya 'to!" inakbayan ako ni Rich. "Panuorin mo sila!"

"Wag mo ngang akbayan si lady ghost!" sigaw ni Val at ibinato nya kay Rich yung
jacket nya.

Nakakatuwa sila. Parang mga batang naglalaro lang. Yun nga lang brutal yung
paglalaro nila. Hindi naman sila dangerous. Pinapanuod ko sila ng bigla akong
mapatingin dun sa pintuan na pinasukan ni Zak. Ano kayang ginagawa nya dun?

Teka pakialam ko ba? Binigyan lang ako ng burger okay na agad? No way!

*******************************************
8

*******************************************
(Hello, dedicated po ang chapter na 'to kay ate sally. Hihi. :] )

*****************************************************************

Nasa labas ako ng gym dahil sobrang init sa loob. Well ventilated naman yung place
kaya lang sizzling hot ang mga kasama ko dun. Mga nakatopless, ugh! Hindi ba nila
alam na may babaeng nakakakita sa kanila. Siguro kung katulad pa ko nung ibang
babae sa school baka nagcollapse na ko.

Teka, kelan pa ko natutong tumingin sa katawan ng lalaki? Ah hindi nga pala ko


tumingin intentionally! Kaya nga nandito ako sa labas kasi ayoko ng nakikita ko.
Ito ba yung sinasbi nila sa'kin na hindi naman daw siguro ako maarte? Sino bang
magiinarte kapag nakakita ng 6 packs at 8 packs with toned chest and arms. Okay,
nakita ko lang naman. Hindi ko sinasadya! Totoo! Eh di wag kayong maniwala. Umiwas
talaga ako ng tingin.

(>_>) (<_<) (-_-) (/-\) pero wala eh kahit saan nandun sila. So kunyari pupunta
lang akong powder room pero ang totoo gusto ko lang umalis. Sobrang awkward kaya. I
mean hello! Sa tv at magazines ko lang nakikita ang mga ganung katawan. Malay ko
bang meron pala nun sa totoong buhay. Akala ko photoshop lang mga nasa magazines
eh.

O sige na, ako na ang nageexplain. Mababaliw na talaga ako kakaisip. Babalik kaya
ako sa loob? O aalis na lang bigla? Hindi ba parang ang bastos naman kung bigla
akong aalis. Ugh! Ano bang dapat kong gawin?

Papasok ulit sa loob pero nakatingin sa ceiling? O kaya nakayuko at ihaharang ko


yung buhok ko sa mukha ko.

(-_-") Kelan pa ko nahirapan mag-isip ng ganito para lang sa lalaki?

Bahala na nga. Papasok na lang ako ng mabilis tapos sisigaw na aalis na ko sabay
takbo palabas. Sige, ganun na lang. Isang mabilis lang, kaya ko 'to. Take a deep
breath and go. Papasok na sana ulit ako sa loob ng biglang bumukas yung pinto at
nagkagulatan kami. Syempre nino pa ba? Sino bang may nakakagulat na itsura sa
kanila? Tama, si Zak. At parang mas nagulat sya ng makita ako.

O.O ganyan yung pagkagulat nya. Nanlaki yung mga mata nya. Mabuti na lang at
nakatshirt na sya yun nga lang body fit at bakat pa din yung muscles nya.

No way! Am I really talking about Zak's body? I am really crazy. Lalampasan ko na


sana sya pero as usual hinigit na naman nya ko.

"Teka, ano ba goon bitawan mo nga ako." Sinabi ko yan ng hindi pasigaw. Gulat kayo
no? Kahit ako nagulat din ng hindi ako sumigaw. Pero dahil hindi ako sumigaw eh
mukhang hindi nya ako narinig. "San mo ba ko dadalhin?!!" ayan medyo sumigaw na ko.
Binato nya sa'kin yung helmet. Is he serious? I don't wanna wear his helmet.

"Alam mo sila Tuck ang naginvite sa'kin dito kaya pupuntahan ko na sila." Tumalikod
ako pero hinabol nya ko agad at hinigit ulit papalapit sa big bike nya. Hindi ba
sya magsasalita? Anong meron at hindi ata sya sumisigaw ngayon.

"Hinding-hindi na ko sasakay sa motor na yan. Alam mo bang muntik ng mawalan ng


unica hija ang parents ko last time na sumakay ako dyan and I won't allow that to
happen again! So iyo na 'tong helmet mo!" inabot ko sa kanya yung helmet at kinuha
naman nya agad pero hindi pa din talaga sya nagsasalita. Ano bang problema nitong
lalaki na 'to.

"Wow! May sakit ka ba? Hindi mo ata ako sinisigawan!" nakapamewang pa ako sa kanya.
Nakakapanibago kasi. Kayo ba hindi naninibago sa kanya? Oh di ba? Teka, baka naman
mamamatay na 'to. Di sabi yung mga biglang nagbabago na tao eh mamamatay na. Naku
mas lalong hindi dapat ako sumakay sa motor nya.

"Dyan ka - " okay hindi pa ko nakakatapos magsalita eh hinigt nya ako ng mas
malapit sa kanya at isinuot ang helmet sa'kin. ~____________~ He is not really
okay.

Sumakay sya sa big bike habang ako nakatayo lang. Ano bang gagawin ko? Dapat may
life lines ako eh. Hindi pwedeng 50/50 kasi wala naman akong options. Call a
friend? Sinong tatawagan ko? Si Tuck?

"Tatawagin ko lang si Tuck, magpapaalam lang ako."

Tumingin sya ng masama sa'kin. "SASAKAY KA BA O BUBUHATIN PA KITA!" And he's back.
Sumisigaw na sya ulit. Mas okay na yun kesa yung hindi sya nagsasalita. Para kasing
hindi normal. Malay ko ba kung iniisip nyang patayin ako kaya hindi sya
nagsasalita. Mas gusto ko na yung sumisigaw sya. Teka, sinabi ko bang gusto kong
sumisigaw sya? Sino bang taong gustong sinisigawan? Oh great, baliw na talaga ako.

"Hoy san kayo pupunta!" napalingon ako sa likuran ng marinig kong sumigaw si Val.

Sasagot pa lang ako ng hinigit ako ni Zak at pinilit sumakay sa big bike. Tumingin
ako kina Val na may please-don't-let-me-die-look pero mukhang hindi nila nagets.
"Kapag may nangyari talaga sa'king masama Zak I swear mumultuhin kita." At yun lang
ang nasabi ko bago kami umalis sa gym na yun.

***************************

TUCK'S POV

"Dude ang tindi talaga ni lady ghost no?" lagi na lang namamangha 'tong si Val kay
Alexa. Hindi ko alam kung nagpapalakas ba talaga sya dun para dun sa bestfriend o
kay Alexa talaga sya interesado. Loko talaga 'tong lalaking 'to.

Nasa mood kaming lahat magboxing ngayon. Lahat kami nagpapawis. Kaya lang hindi na
bumalik si Alexa. Nakita ko namang lumabas sya kahit ang sabi nya pupunta lang
syang powder room. Mukhang ayaw nya sa mga lalaking nakahubad. Kakaiba talaga sya.

"Hoy Tuck anong nginingiti mo dyan? Nakababae ka naman no!" g*g* 'tong si Luke
binato pa ko ng boxing gloves.

"Ulul! Kelan ba ko ngumiti ng dahil sa babae. Ako ang nagpapangiti sa kanila


remember?" tinanggal ko muna yung boxing gloves ko at uminom ng energy drink bago
umupo sa sofa.

Ang mga mokong nagsigayahan din naman. Mga kumag talaga 'tong mga 'to.

"Nasan na ba si Lex?" tanong ni Rich na kumuha ng beer sa ref.

"Sinong Lex?" sabay na tanong nila Val at Luke.

"Si Alexa! Ang haba kasi ng Alexa eh. Nakakatamad sabihin!" binuksan ni Rich ang
beer tsaka inistraight. Ano bang akala nya sa beer, tubig?

"Trav hanapin mo nga dali!" utos ni Val, ayan nabatukan tuloy ni Trav.
"Nandyan lang yun, nagpapahangin. Bakit kasi naisipan nyong maghubad! Nailang ata."
Sabi ko na lang habang tumitingin ng beer sa ref.

Pinakita ni Rich ang mga muscles nya akala mo naman nakakatuwa. "Anong mali sa
ginawa natin? Mga chikababes nga na kilala ko ginagawa lahat magtopless lang ako
eh."

"Hindi naman babae yun si lady ghost. Halimaw yun. Sya lang kaya nakakatagal na
kumausap kay Zak." Naku Val kung nandito si Zak patay ka naman. Palagi mo syang
tinitrip eh. Hindi pa sya nakakaganti sa pagpost mo ng picture sa fb. Buti na lang
nakalimutan na nya ata.

Teka nasaan na nga ba si Alexa? Sisilipin ko sana sya sa labas ng biglang sumulpot
si Zak. TIningnan nya kami isa-isa.

"Beer?" alok ni Luke pero hindi sya pinansin. Tinopak na naman ang mokong. Daig pa
babae kung topakin 'tong siraulo na 'to.

Parang may gustong itanong si Zak pero hindi naman sya nagtanong. Tumalikod lang
sya palabas kaya sinundan ko. Baka kasi kelangan nya ng kausap. Tatawagin ko sana
sya ng bigla silang magkatitigan ni Alexa pagbukas nya ng pinto.

Ano bang meron sa kanila? Makikisingit na sana ako pero hinigit na naman ni Zak si
Alexa. Hindi ko alam kung san na naman nya yun dadalhin. Pumasok ako ulit sa loob
para magtshirt. Alam ko kasing naiilang si Alexa sa mga katawan namin.

"San ka pupunta?" tanong ng mga mokong. Hulaan nyo anong ginawa nila.

Eh di nagtshirt din. Mga gaya-gaya talaga.

"Nagmamadali ka?" tanong ni Trav.

"Si Zak kasi kinakaladkad na naman si Alexa!" badtrip talaga yang si Zak. Minsan na
nga lang kami magkaroon ng matinong kaibigan na babae ginaganyan pa nya. Di ako
papayag. Dapat maabutan ko sila.

"Dapat maabutan ko sila!" o kakasabi ko lang di ba? Paano narinig ni Val yun?
Inulit nya eh, ganun na ganun din. Tulad nung sinabi ko. At ang bilis nya. Nauna pa
syang lumabas sa'kin. Nanakbo eh. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto sumigaw na sya
agad. Type ba nito si Alexa?

"Hoy san kayo pupunta!"

Kasunod naman kami agad ni Val. Tss! Badtrip talaga. Mukhang takot na naman si
Alexa. Ano bang problema nito ni Zak? Sabi ko ng sagot ko si Alexa!

Hindi na namin sila napigilan. Pinilit ng pasakayin ni Zak si Alexa tapos umalis na
sila.

"Ano bang meron sa kanila? Halata namang hindi sila magkasundo pero bakit nasama pa
din si Alexa sa kanya?" pati si Rich naiinis na din.

"Baka naman kasi balak nyong idate si Alexa. Nilalayo lang ni Zak kasi mga loko
kayo." Bumanat si Trav bago pumasok sa loob. "Magdota na lang tayo. Dun nyo na lang
ilabas yang inis nyo!"

Makapaglaro na nga lang muna. Tatawag naman siguro si Alexa sa'kin kapag kelangan
nya ng tulong. O kaya ako na lang ang tatawag sa kanya.

Now listen to me baby

Before i love and leave you

They call me heart breaker

Kinuha ko agad yung phone ko sa bulsa. Baka si Alexa kasi yung natawag.

I don't wanna decieve you

If you fall for me

I'm not easy to please

Bakit na naman natawag 'tong babaeng 'to.


I'mma tear you apart

Told you from the start, baby from the start.

I'm only gonna break break ya break break ya heart.

I'm only gonna break break ya break break ya heart.

I'm only gonna break break ya break break ya heart.

I'm only gonna break break ya break break ya heart.

"Hindi mo ba sasagutin yan?" sabay-sabay na sabi nila Val, Rick at Luke na biglang
sulpot ng mga ulo na nakatingin sa phone ko.

"Tss! Mga ungas!" inoff ko yung phone ko tsaka ko tinago ulit sa bulsa ko.
Mangungulit na naman kasi 'tong babae na 'to.

"Mukhang may nagtatago dito." Nagtawanan yung tatlong ungas bago nagunahang pumasok
sa loob.

Ako may pinagtataguan? Tss! Ang sakit sa ulo ng mga babae. Hindi ba sila marunong
makiramdam kung seryoso sa kanila o hindi? Ang labo! Makapagdota na nga!

***************************

ALEXA'S POV

Naglalakad kami sa street na puro kainan. Wag nyong isipin na fancy restaurant
dahil hindi.

"San ba tayo pupunta?" relax lang yung tanong ko. Hindi ako magpapakahalimaw ng
dahil lang sa goon na 'to. Mamaya masanay ako tapos pati sa school maging monster
na din ako. Oh eh di wala na kong buhay nun?

"Kakain. Hindi pa kasi ako kumakain maghapon." At modulated yung voice ni Zak. Kaya
naman pala hindi sya sumisigaw eh hindi pa kumakain maghapon. Grabe naman sya
magdiet.
"Dito tayo kakain?" hindi naman sa maarte ako no. Nakain ako sa ganito kaya lang
baka may makakita sa'kin alam nyo na. Issue na naman yun. Well kung ako naman din
ang pagbabayarin nya ng pagkain nya okay na din dito. Mura lang. Hahahahaha. Oo,
kuripot ako pagdating sa ibang tao. Lalo naman sa goon na 'to. Ano ko sugar mommy?
Hello, mas matanda kaya sya sa'kin.

"May masarap na kainan dito. Special yung aroz caldo nila. Masarap din yung
dumplings at siomai." Nagutom naman ako sa mga sinabi nya. Napatigil ako tapos
napahawak sa tyan ko na medyo gutom pa din. Sino bang mabubusog sa isang burger?

"Tatayo ka na lang ba dyan?" masamang ginagalit ang gutom dahil baka ikaw ang
kainin. Kaya lumapit naman ako agad sa kanya at sabay kaming pumasok sa isang
canteen ata 'to. Puro salamin yung loob. Malinis naman sya. Tiles pa nga yung
floor. Mukhang masarap nga dito.

"Zak, mabuti naman napadalaw ka ulit." Bati nung isang babae na medyo mataba.
Siguro mga nasa 40 na sya.

"Namiss ko yung aroz caldo nyo at dumplings eh." wow ang bait nyang makipagusap sa
matanda.

"Hoy Marta iready mo ang specialty mabilis ka." Napatingin sa'kin yung babae. "Ito
ba ang nobya mo? Napakaganda naman." Inabot nya ang kamay ko. "Ako si Betchy. Alam
mo ang swerte mo kay Zak, napakabait na bata nyan. Sya ang pinakapaborito kong
customer."

(XoX) ano daw? Mabait? Ano bang definition ng mabait? Masyadong broad ang mabait na
word. Siguro confused 'to si manang.

"Ano ngang pangalan mo hija?" masyado syang mabait kaya dapat malaman nya yung
tunay na ugali ni Zak.

"Alexa po. At alam nyo po - " hinawakan ako ni Zak sa kamay tapos humanap kami ng
upuan. Take note, pinaghigit nya ko ng upuan. Gutom na nga talaga sya.

"MGa kabataan nga naman. Dalawa bang specialty Zak?" tanong ni ate Betchy.

"Ah hindi po ako kakain." Biglang nalungkot yung mukha ni ate Betchy. Nawala yung
ngiti nya tapos parang nakakatakot bigla yung tingin nya na pakiramdam ko nanliliit
ako. Alam mo yung pakiramdam na ikaw yung iluluto kapag hindi ka umorder. "Joke.
Kayo naman po hindi mabiro." Nagpeace sign pa ko. "Syempre kakain din po ako."

"Joke din! Natakot ka sa tingin ko no? Hahahaha. Ang galing ko talaga. O sya
ipapahanda ko na yung order nyo." Tapos tumalikod sya.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. Akala ko talaga sisigaw na din sya eh.

"Woooooo." Mahina kong sabi ng mapatingin ako kay Zak na medyo pangiti-ngiti. "Hoy
natanggap ba dito ng card? Wala na nga pala kong cash." Bulong ko sa kanya. Alam ko
naman kasing ako yung pagbabayarin nya nito mas maganda yung malaman ko na agad.

"Hindi." Tipid lang yung sagot nya habang nilalaro yung tissue sa table.

Tsk! Namroblema ako. Chineck ko yung bag ko baka may pera dun kahit 500 lang.
Itinaktak ko na yung laman ng bag ko sa table pero wala kong nakitang pera. Wallet
ko na puro cards lang ang laman. Napahawak ako sa noo ko. Patay na talaga.

Isa-isa kong binalik yung mga gamit ko sa loob ng bag. Mag-iisip na lang ako ng
excuse para umalis dito tapos hahanap na lang ako ng atm machine para
makapagcommute ako paguwi.

Brilliant idea.

Pero san bang lugar 'to? Face palm! Kung makikita ko lang yung itsura ko ngayon
malamang pagtatawanan ko na.

*Kruk *Kruk

Naman. Hindi ko pa naisilent yung tyan ko. ANg lakas ng tunog!

"Wag ka ng mamroblema dyan. Ako naman magbabayad." Nagulat ako sa sinabi nya. Pero
hindi naman sya nakatingin sa'kin.
Mabuti naman kung sya magbabayad. Eh di hindi na lang ako kakain. Pag-uwi na lang.

"Hindi naman ako gutom. Ikaw na lang kumain. Papanoorin na lang kita." Tapos
ngumiti ako.

*Kruk *Kruk *kruk

O sige lakasan ko pa ang tunog magaling kong tyan! Walang pakisama.

Ngumiti lang si Zak pero hindi pa din sya nakatingin sa'kin. Ano kayang problema
nito? Okay lang ba sya? Kanina pa sya kakaiba.

Alam nyo bang mas mabagal pa sa pagong yung andar namin kanina? Ewan nga kung anong
nangyari eh. Pero hindi ako natakot. Ang smooth ng byahe namin tapos hindi sya
nagsasalita. Natataas ko pa nga yung kamay ko habang naandar kami eh.

Ang nasabi nya lang "akala ko ba ayaw mong mamatay? Kung hindi ka kakapit baka
malaglag ka." Tapos nun hindi na ko kumilos ulit. Kasi naman kelan pa sya naging
concern? Sabagay, wala na syang sisigawan kapag nawala ako. Eh sa'kin lang naman
sya nasigaw.

"Heto na ang order nyo." Dumating yung inorder namin. Ang bango ng aroz caldo. Ang
lalaki ng dumplings at ang dami. Ang laki din nung siomai tapos may shanghai pa.
Nakakagutom na talaga. Amoy palang naglalaway na 'ko.

Tumingin lang ako sa pagkain. -___- Alexa wala kang pera kaya bawal kang kumain.

"Sana magustuhan mo ang pagkain dito hija. Sige, maiwan ko muna kayo. Tumawag lang
kayo kung may kailangan pa kayo ha." Ngumiti si ate Betchy tsaka umalis.

Hindi na naman napigilan ni Zak kumain. Ang bilis lang ha. Pinapanood ko lang sya.
Mukhang gutom na gutom talaga sya.

"Bakit kasi hindi ka kumain maghapon?" ooops. Kelan pa daw ako natutong makialam
kay Zak. Kahit si Zak nagulat at nagtanong ako. "Never mind." Tumingin na lang ako
sa labas. Hindi na din naman sya sumagot at kumain na lang.
"Kainin mo na yan. Hindi na yan masarap kapag hindi na mainit." Gusto ko naman
talagang kumain kaso wala akong pera. T^T Kung pwede ko lang yan sabihin ngayon.

*Krrrrrrrrrrrukkkkkkkkkkkk

Please naman tyan makisama ka naman kahit ngayon lang. Kaya ko 'to. Hindi ako
kakain. Mind over matter. Kahit para na kong baliw wala akong pakialam basta hindi
ako kakain. PERIOD!!!

*kruukkkkkkkkk

"Hmmmm. Ang sarap talaga ng dumplings isama mo pa ang mainit na aroz caldo. Ang
sarap talaga. The best." Hindi ko alam kung nagsasalita mag-isa si Zak o sadyang
pinaparinig nya lang sa'kin na masarap yung kinakain nya. "Ano ayaw mo ba talaga?
Sya akin na lang! Arte-arte!" at nagsusungit na sya meaning nabubusog na sya. Dapat
pala dito ginugutom para bumait. Kaya siguro nasabi ni ate Betchy na mabait 'tong
goon na 'to kasi gutom sya tuwing napunta dito. Ang talino ko talaga at naisip ko
yun agad.

Kinuhanan na nya ng dumplings yung nasa plate ko. "Hoy! Akin yan!" akala nyo hindi
ako kakain di ba? Hanggang kaya kong pigilan.

"O eh ang arte-arte mo. Ayaw mong kainin kaya sa'kin na lang 'to! Sayang ang sarap-
sarap. Mmmmmmm. Ang bango-bango pa." tapos sumubo sya ng isang dumpling at humigop
ng aroz caldo. Pinarinig pa talaga sa'kin yung tunog ng paghigop.

"Masarap ba?" nahihiya kong tanong. Hindi ko na kaya yung gutom ko. Sige nga kayo
gutom tapos may mabangong pagkain sa harapan nyo hindi ba kayo kakain?

"Tikman mo kasi." hinalo nya yung aroz caldo ko tapos nasa act na susubuan na nya
ako.

"Ako na." parang nafeel namin na awkward yun kaya iwasan na lang ng tingin.
Nakakabuwisit naman 'tong goon na 'to eh. May topak ngayon. Hindi ko magets
ginagawa nya.

"Tikman mo na kasi." kumain na lang ulit sya habang ako inaamoy ko yung pagkain at
tsaka ko tinikman.

*__* ang sarap nga. Kakaiba yung lasa. Hindi ko alam kung dahil gutom lang ako kaya
masarap o sadyang masarap talaga sya. Hindi ko napansin na lahat na pala tinikman
ko. Sunod-sunod pa yung subo ko. Nawala na lahat ng manners na natutunan ko sa
pagkain. Punong-puno pa yung bibig ko pero subo pa din ako ng subo. Ang sarap kaya
tapos gutom na gutom pa ko.

"Aryam mo ansaryap taryaga ng pagkiyain." Bigla akong napatakip sa bibig ko.


Nagsasalita ako ng puno ang bibig. Ngayon ko lang 'to nagawa sa buong buhay ko.
Napatingin ako kay Zak tapos nakangiti sya. Mukhang pinagtatawanan nya ko. Kapal ng
mukha. Sya may kasalanan tapos pagtatawaan lang ako?

Te - teka. Hindi ako makahinga. Parang nabubulunan ako. Hindi ako makalunok.

"Hoy! Hoy bakit ka namumula?" nakatingin si Zak sa'kin tapos sinesenyas ko na hindi
ako makahinga pero parang hindi nya magets. "Bahala ka nga." Tapos kumain sya ulit.
Kahit kelan napakawalang kwenta nya.

Ang sakit talaga, kelangan ko ng inumin. Nabitawan ko na yung kutsara kaya


napatigil sa pagkain si Zak. Sumenyas ako ng tubig dahil konting-konti na lang eh
mamamatay na ko. Tumayo si Zak at kumuha ng tubig sa water dispenser at lumapit
sa'kin. Inabot nya yung tubig at hinawakan ako sa likod.

"Bakit kasi kung kumain ka parang hindi ka babae! Napakabargas mo talagang kumilos!
Sabihin mo nga! Dati ka bang lalaki?" napatingin ako ng masama sa kanya matapos
kong inumin ang binigay nyang tubig. Medyo nakahinga na din ako ng ayos. Akala ko
mamamatay na ko.

Hindi ko na ulit pinansin si Zak at kumain na lang ako ulit. Umupo na sya ulit sa
tapat ko pero nakatingin pa din sya sa'kin.

"Da - dahan-dahan kasi." Akala nya ba hindi ko narinig yung bulong nya? Tss.

"Hoy goon! Ano bang problema mo? May cancer ka ba? Mamamatay ka na ba?" kumuha ako
ng shanghai habang iniintay ko yung sagot nya.

"Ano bang kalokohan yang pinagsasabi mo?!! Mukha ba kong may cancer? Nakakalbo ba
ko?!!!" hay finally sumisigaw na sya ulit. Mas normal 'to kesa dun sa kalmado sya.
Ang weird kasi sa pakiramdam. Hindi ko alam kasi kung paano sya kakausapin kapag
hindi sya nasigaw.

"Wala! Bigla-bigla ka kasing - " hindi ko na lang tinuloy. Baka kasi ako lang
talaga yung nakakapansin tapos isipin pa nya na napapansin ko pa yun. Tss in his
dreams!! "Never mind." Okay NVM for the second time.

Tumayo sya tapos bigla syang lumapit sa counter. Mukhang nagbabayad sya. Paano kaya
'tong kinain ko? Tumingin si Zak sa'kin tapos parang nang-aasar. Ngumiti sandali
tapos humarap ulit kay ate Betchy. Siguro sinasabi nya na wala akong pambayad. Loko
talaga 'to! Hihiraman ko na nga lang sya muna, babayaran ko na lang kapag napadaan
kami sa atm machine.

Pabalik na sya sa table namin na relax na relax at mukhang may energy na ulit
manira ng buhay.

"Goon!" lumampas sya sa table at hindi lumingon. "Zak!" tumigil sya tsaka lang
lumingon. I rolled my eyes. Kelangan ba talagang lagi kaming sisigaw para lang mag-
usap? Ay!!!!

"May sasabihin ka?" nakakunot lang yung mga kilay nya habang nakatingin sa'kin.

Sumenyas ako na lumapit sya.

"Ayoko nga!" inilagay nya yung mga kamay nya sa bulsa ng pantaloon nya. "Kung wala
kang sasabihin aalis na 'ko!"

"Sa - sandali kasi!" tumayo ako tsaka lumapit sa kanya. Nakayuko pa ko then
tumingin muna ako kay ate Betchy. Baka kasi isipin nya tatakasan ko sya eh. Hindi
ko yun gawain no!

"Wala nga kasi akong pera. Pwedeng abonohan mo muna babayaran kita mamaya.
Promise." Tiningnan ko sya with puppy eyes na nakapout pa. Parang nagulat sya sa
ginawa ko at napaatras ng konti tapos tumingin sa may side namin.

"Wala akong extrang pera. Pakiusapan mo na lang si ate Betchy na maghugas ka ng


plato." Tumalikod sya. "Sige, alis na ko!!"
"Ang sama mo! Hindi kita mapapatawad!!" nakakahiya. Magkakautang ako ng di oras
dahil sa kanya. AHhhhhhhhhhhh! Nakakainis talaga. Wala na kong choice kundi
kausapin si ate Betchy since iniwan na ko ng goon na yun.

Syempre nahihiya talaga akong lumapit kay ate Betchy. Baka isipin nya pa wala
talaga kong pambayad.

"Ate Betchy." Tawag ko sa kanya habang nagsusulat sa may counter.

"Oh Alexa, may oorderin ka pa ba? Nagustuhan mo ba ang pagkain namin dito?" ang
ganda ng ngiti nya, baka ako ang iluto nito kapag nalaman nyang wala akong
pambayad. Nakakahiya, paano na lang kung ikwento nya sa iba tapos kakalat. No!!!!!

"Hija, may problema ba?" bigla kong naalalang nasa harapan ko nga pala si ate
Betchy.

"Ah, wala po. Ang sarap nga po ng pagkain. Gusto ko pa nga po sana kaya lang po
kasi may problema." Yumuko ako at kinuha ko yung wallet ko. "Wala po kasi akong
cash ngayon, pwede po bang magwiwithdraw muna ko tapos babalik ako dito para
bayaran kayo? Alam ko po nakakahiya talaga 'to pero kasi po hindi ko talaga alam na
dito kami pupunta so sorry po talaga and please wag nyo nap o sana 'tong ikwento sa
iba. Kung gusto nyo po iiwan ko dito yung mga gamit ko para maniwala po kayong
babalik kayo." Nakakahiya talaga 'tong mga sinasabi ko ngayon.

Napansin kong nakatingin si ate Betchy sa labas kaya lumingon din ako. Nakita ko si
Zak sa labas na biglang iwas ng tingin na parang nagpipigil ng tawa. Oo, alam ko
pinagtatawanan nya ko ngayon. Ang kapal talaga ng mukha nya.

O.O

Pagharap ko ulit kay ate Betchy may mga plato na sa may counter. Pagpupunasin nya
ba 'ko ng plato.

"Hindi na po ba talaga magagawan ng paraan? Paghuhugasin nyo po ba ko ng mga


plates?" totoo na 'to ha. Naiiyak na ko. Naawa kasi ko sa sarili ko eh. Pero
nandito na 'to. Wala na kong magagawa. Kinuha ko yung pamunas at kumuha ng isang
plate. Pupunasan ko na tsaka ilalagay sa counter.
"Anong ginagawa mo? Alam mo hindi mo na kelangang gawin yan bata ka." Kinuha nya
yung plato sa kamay ko.

"So hindi nyo po ako paghuhugasin ng plato?" medyo nabunutan ako ng tinik.

"Bakit plato? Mga kaldero ang hugasan mo." Seryoso nyang sabi.

T_______________________T sabi na eh, mas malala 'to kay Zak. Tinotorture nila 'ko.

"Si - sige po."

Biglang tumawa ng malakas si ate Betchy. May pagkamangkukulam ba 'to o pagkabaliw?


Anong nakakatawa sa huli kong sinabi?

"San po ako magsisimula?" ibinaba ko yung bag ko sa may counter pero hindi ako
pinansin ni ate Betchy. Tawa pa din sya ng tawa.

Sana mahipan sya ng masamang hangin. Grabe makatawa parang wala ng bukas.

"Ano pong nakakatawa?" kunyari natatawa din ako.

"Nakakatawa kasi yung itsura mo nung narinig mong kaldero ang papahugasan ko
sa'yo." Tapos tumawa sya ulit. Ano kayang problema dun?

"Tsaka anong bayad-bayad ba sinasabi mo?" medyo huminahon na sya sa pagtawa. Sa


wakas naman.

"Yung mga kinain ko po. Hindi pa po kasi ako bayad." Yumuko ako sa hiya sa pag-amin
ko na hindi pa bayad ang pagkain ko at sinabi ko kanina na wala akong pambayad.

"Hay bata ka. Binayaran na ni Zak lahat ng kinain nyo kaya wag ka na mamroblema
dyan." Sabi nya habang nagpupunas ng mga plato.
"Pero sabi nya - " Zak niloloko mo na naman ako! Tumingin ako sa labas sabay
talikod ng goon na yun. Akala nya ba makakalusot sya.

"Naku ate Betchy sorry ha. Nakakahiya." Napakamot ako sa ulo ko.

"Wala yun. Nakakatuwa kayo ni Zak, sana magtagal kayo. Ay sya dyan ka na muna may
lulutuin pa ko. Balik ka ulit dito ha." Tapos tumalikod na si ate Betchy.

Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr! Nagmadali akong lumabas para bigyan ng isang suntok si Zak.


Nakita nya ata akong papalabas kaya mabilis syang tumakbo.

"Hoy buwisit kang goon ka!! Pinagti-tripan mo na naman ako!! Wag ka lang
magpapaabot sa'kin babaliin ko talaga yang leeg mo!!!!" tumakbo din ako at sinundan
ko sya. Gabi na din masyado tapos naghahabulan kami.

"Wag ka ngang tumakbo!!!!!!" galit na kong sumisigaw kasi naman pinapahabol nya pa
ko.

"Sino bang hindi tatakbo kung hinahabol ka ng aswang!!"

Aba't sumasagot pa 'tong lalaking 'to!!

"Sige lang tumakbo ka lang!! Dahil kapag naabutan kita cha-chop chopin kita at
ilalagay kita sa aroz caldo!!!!" mas binilisan ko pa yung takbo ko para maabutan ko
sya.

Teka bakit ba ko nagpapauto? Bakit ko ba sya hinahabol? Isa pa pagod na ko at -


teka malayo na kami sa mga kainan at medyo madilim na dito sa lugar na 'to. Tumigi
ako sa pagtakbo at sumandal sa may poste. Parang nasusuka ko. Grabe ba naman bagong
kain tapos tumakbo ng ganun kabilis. Ang sakit ng ulo ko. Nakakainis.

"Ano pagod ka na?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Zak. Hinubad ko agad yung
sapatos ko at binato ko sya pero nakailag sya.

"Buwisit ka talaga!" hinubad ko pa yung isa kong sapatos at ibinato ko sya.


"Napakabrutal mo talagang aswang ka!! Hindi ka pa nagpapasalamat at nilibre kita
tapos babatuhin mo ko?" Dinampot nya yung sapatos ko at ibinato sa'kin pabalik.

"Hindi ako magtha-thank you sa'yo matapos mo kong ipahiya kanina! Pasalamat ka
masakit ang ulo ko kung hindi nasuntok ko na yang panget mong mukha!" isinuot ko
yung sapatos ko ng makita ko yung paa ni Zak sa harapan ko.

"Tara balik na tayo." Wow busog na sya pero kalmado pa din sya magsalita. Ano ba
talagang problema nya? Kelangan ko ata talaga syang batukan.

Tumayo ako para suntukin sya ng may makita kong babae sa may kabilang kalsada na
hinihigit yung bag sa isang lalaki. Mukhang snatcher ata yun.

"Ahhhhhhhhhhhh! Yung bag ko ninakaw!! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!" sigaw nung babae


kaya naman nagpanic ako.

"Zak! Narinig mo yun?" hinahampas ko sya habang tinuturo yung babae sa likuran nya.
"Zak!"

"Ano?" relax lang sya tapos nilagay nya yung mga kamay nya sa ulo nya. Parang hindi
nya narinig yung babaeng sumisgaw.

"Zak ano ba?!" pero hindi nya ako pinansin.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" nagulat si Zak sa pagsigaw ko.

"Bakit ka ba nasigaw?"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh! Yung bag nya. Yung bag nya ninakaw! Tulungan mo dali!!!!"
ginaya ko yung sigaw nung babae. Kung hindi narinig ng goon na 'to yung sigaw nung
babae kanina, well ngayon rinig na rinig nya.

Tumingin lang sya sandali dun sa babae tapos tumingin sa'kin.


"Bayaan mo na yan. Mukha namang mayaman eh." Tapos naglakad na sya pabalik.

Binatukan ko sya ng malakas na kanina ko pa gustong gawin. "Napakawalang kwenta mo


talaga! Kung hindi mo sya tutulungan pwes ako ang hahabol dun sa magnanakaw!!!"

Tumalikod ako at nanakbo sa direction na tinakbuhan nung magnanakaw na malamang


ngayon eh malayong-malayo na.

"Hoy! Hoy aswang wag mo ng sundan! Hoy!!!" sumisigaw sya pero hindi ko na sya
pinansin. Paano kung ako yung nasnatchan? Hindi din nya ko tutulungan? Grabe talaga
'tong lalaking 'to. Buwisit!!

*******************************************
9

*******************************************
ZAK'S POV

"Hoy! Hoy aswang wag mo ng sundan! Hoy!!!" buwisit talaga 'tong aswang na 'to. Ang
lakas ng loob sundan yung snatcher. Ano bang magagawa nya eh ang payat-payat nya.
Ugh! Kapag hindi ka nga naman talaga makakasuntok ng babae.

Susundan ko na sya ng bigla akong harangin nung babaeng nasnatchan ng bag.

"Hey." At nakuha pa nyang ngumiti.

"Umalis ka dyan!" binigyan ko sya ng killer eye. Mukhang natakot naman sya kaya
tumabi sya sa dadaanan ko.

"Where are you going?" bakit ba nakakainis ang mga babae? Tinatanong nya pa san ako
pupunta? Siraulo pala talaga 'tong babaeng 'to eh. Kalugin ko kaya utak nito baka
maalala nya.

Humarap ako sa kanya. Gusto ko na sana syang sakalin pero ayokong gawin. "San ako
pupunta? Bakit hindi ka kaya tumakbo para kunin yung sarili mong bag at hindi yung
ibang tao pa yung kukuha para sa'yo?"
Tumawa lang ng malakas 'tong babaeng 'to. Akala mo kung sinong maganda. Mukha
namang manang! "Don't worry. Wala lang naman talagang laman yun bag. May nagsabi
lang sa'kin na kukunin nila yung bag and all I have to do is scream. Did I scare
you?" at nagwink pa.

Anak ng - tinamaan talaga ng magaling! "Siraulo ka bang babae ka? Alam mo bang yung
engot kong kasama eh hinabol yung snatcher para sa'yo tapos wala lang pala lahat?"
Hinawakan ko sya sa leeg. "Nasaan yung snatcher?"

"Nasasaktan ako." Pinipilit nyang alisin yung pagkakasakal ko sa kanya pero hindi
nya kaya.

"Sasabihin mo ba o babasagin ko yang mukha mo. Alam mo naman sigurong hindi ako
nagbibiro hindi ba?" hindi naman talaga ako nagbibiro. Kaya ko naman talagang
manuntok ng mga katulad nito.

"Dun sa may unang eskinita bago magconvenient store." Binitawan ko sya pagkasabi
nya at bumagsak sya sa lupa. "Wooo! Very physical huh."

Wala na kong pakialam kung anong sinabi nung panget na babaeng yun. Bakit ba kasi
susundan ko pa yung aswang na yun? Hindi ba sya nag-iisip? Paano kung marami pala
yung kasama. At sino namang magpaplano na sadyain ang snatchan na yun?

Kapag hindi ka nga naman makakasuntok ng babae ng di oras. Buwisit kang aswang ka!
Bakit dumating ka pa sa buhay ko! Nanakbo ako at hinanap ang eskinita na sinabi
nung panget na babae. May nakikita na akong convenient store sa may kanto at ang
sabi nung babae bago daw magtindahan. Kaya pumasok ako sa unang eskinitang nakita
ko. Medyo madilim dahil malabo ang ilaw ng mga poste.

"Sabi ng ibalik nyo yan!!!"

Sa tinis pa lang ng boses na yun alam ko na kung sino yung nasigaw. Pinuntahan ko
agad kung saan nanggaling yung nakakainis na boses. Nakita kong tatlong lalaki ang
kausap nya at pinapalibutan sya habang ang aswang na yun eh nasa gitna.

Hindi agad ako kumilos. Pinanood ko muna sila. Mukhang wala pa naman silang
ginagawa. Nagmadali pa mandin ako. Teka, ano bang pakialam ko kung mapahamak sya?
Ah, siguro nakokonsensya lang ako dahil ako nagdala sa kanya dito.
"Ibigay nyo na sa'kin yang bag!" sinubukang agawin nung aswang yung bag pero
nakaiwas yung may hawak.

"Sabi ko naman sa'yo miss sa'min talaga 'tong bag. Wag kang mag-alala, bumili lang
ng yosi si boss. Padating na din yun." Paliwanag nung matabang lalaki.

Boss daw? Sinong boss? Grabe pala 'tong aswang na 'to. Akala ko kung sinong ganda-
gandahan ang image yun pala may mga dumi ding tinatago. Myembro ba sya ng
sindikato?

"Oh my gosh! Ano yung nasa taas?" tumingin lahat sila sa taas ng biglang dakmain ng
aswang yung bag sa kamay nung lalaki pero naitaas nya agad.

"Hindi bebenta sa'min yan miss." Papalapit sila sa babaeng aswang. Nakakatawa yung
itsura nya. Lalo syang pumapanget kapag natatakot.

Hindi ko mapigilan yung tawa ko. Naeenjoy ko 'tong pinapanood ko. Sige lang,
takutin nyo pa yang buwisit na aswang na yan.

Susuntukin sana ni aswang yung lalaki pero nakaiwas sya at sinampal si aswang? G*g*
'tong lalaking 'to ah. Bakit nya sinampal si aswang! Ako lang dapat ang gagawa nun.

Hindi ko napansin na naglakad na pala ako papunta sa kanila at nakatingin ako sa


aswang na nakaupo sa lupa. Alam ko galit ako sa kanya pero mas nagalit ako na may
ibang nananakit sa kanya. Ako lang dapat yun. Ako lang.

"Kayong tatlo, kung hindi kayo aalis sinasabi ko sa inyo hindi na kayo makikilala
ng mga kamag-anak nyo bukas."

Nagtawanan lang silang tatlo at tumingin sa'kin.

"Upakan na natin 'to. Sabi ni boss yung babae lang daw ang wag galawin kasi sya daw
ang gagalaw dun!" tapos nagtawanan ulit sila.

Nakita ko ang mukha ni aswang na natakot at nakatingin lang sa'kin. ANo bang gusto
nyang sabihin? Papasok pasok sya sa gulo na 'to tapos mandadamay pa. Baliw na
talaga sya.
"Hoy lalaki boyfriend ka ba nitong chicks na 'to?" hindi ko pinansin yung sinabi
nung lalaki. Sino bang gustong maging girlfriend ang isang halimaw na aswang na
tulad nya. Hindi marunong matakot. Masyadong matapang. Sa sobrang katapangan
nandadamay pa ng iba sa pinasok nyang gulo.

"Hindi ko alam kung anong sindikato kayo at kung anong kasalanan sa inyo ng babaeng
yan pero binabalaan ko kayo, totoo ang sinabi ko kanina." Perwisyo talaga ang mga
babae kahit kelan.

"Masyado kang mayabang!" hindi ko inaasahan ang biglang pagsuntok nitong kumag na
'to. Tinamaan ako sa mukha. Ang solid ng suntok. Okay din 'to. Practice din.

Sumuntok ulit yung unang lalaki pero nakaiwas ako sabay suntok sa kanya sa
tagiliran. Napaluhod sya sa ginawa ko kaya naman binigyan ko sya ng isang malakas
na sipa. Bulagta agad? Ano ba naman 'to.

"Nakachamba ka lang bata!" sumugod naman yung isang lalaking may kalakihan. Pero
hindi nya ba alam na sa laki nya eh mas bumagal syang kumilos? Dalawang suntok lang
sa mukha at isang uppercut eh tumba na sya agad.

"Ikaw naman?" tanong ko sa natirang lalaki pero umatras sya at nanakbo.

"Hoy yung bag!" sigaw ni aswang. Lumapit sya sa'kin at hinampas ako ng malakas.
"Bakit di mo kinuha yung bag!!"

"Ano ba!! Ikaw na nga ang tinulungan kaw pa ang galit!! Walang bag! Kanila talaga
yung bag na yun!!!" tumalikod ako at hinawakan ang ilong ko. Sh*t may dugo.

"W - what do you mean?" natigilan ata si aswang sa sinabi ko.

"Paano ka nagnunumber one sa klase kung simpleng bagay lang di mo pa maintindihan."


Humarap ako sa kanya. "Sige miss perfect, ieexplain ko sa'yo. Yung babaeng
nasnatchan kuno eh nautusan lang sumigaw at kunyari naagawan ng bag. Pangalawa,
bakit mo susundan ang isang lalaki na hindi mo alam kung saan pupunta at hindi mo
naman kabisado yung lugar. Pangatlo, kung may atraso ka sa kanila wag ka ng
mandamay ng iba. Hindi ko akalain na may tinataguan ka pala!"
*Pak

"Bakit mo ko sinampal?" nasuntok na nga ako sinampal pa ko. Ano bang gusto sa buhay
nitong babaeng 'to.

"Unang una wala akong atraso kahit kanino. Pangalawa hindi masamang tumulong.
Pangatlo bakit late ka na dumating! Paano kung may nangyari na sa'kin!" ang sakit
sa tenga talaga ng boses nya. Kaya ayoko sa mga babae. Palagi silang ganito. Kapag
masaya sumisigaw. Kapag galit sumisigaw. Pero kita ko sa mukha nya na natakot sya.
Hindi sya makatingin sa'kin ng ayos.

"Hindi ka naman magagalaw. Kanina pa ko dun nakatayo. Pinapanood ko kayo." Bakit


kelangan ko pang sabihin yun? Nakakahiya. Baka sabihin nya sinusundan ko sya. Oo
nga, sinundan ko sya kasi nga nakokonsensya lang ako. Oo, yun lang yun okay?

*Pak

"Sumosobra ka ng babae ka! Ikaw kaya ang sampalin ko dyan!!" nagulat ata sya sa
pagsampal na ginawa nya. Balikw ba talaga 'tong babaeng 'to. Nakatitig lang sya
sa'kin. "Hoy wag mo nga kong tingnan!"

Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinigit palabas ng eskinita.
Baligtad ata ngayon, sya naman yung nanghihigit sa'kin. Hinayaan ko na lang sya.
Malamang galit 'to dahil nauto sya ng isang babae. Nakakatawa talaga sya. Sinabi ko
bang nakakatawa sya?

"Ikaw?" narinig kong sabi ng aswang na 'to. Nakita ko yung lalaking si Myerkules ba
yun? Yung sa parking lot. Basta katunog nun yung pangalan nya.

Tumingin sya sa likuran namin at nakita yung mga kasama nyang bulagta. Natakot ata
at nalalaglag ang yosi na nasa bibig nya.

"Ikaw pala ang may pakana nitong lahat!" susugurin ko na sana sya pero pinigilan
ako ng aswang.

"Wag na. Sayang lang oras mo. Duwag naman yan." Naglakad na lang ulit kami at higit
higit pa din nya ko. Nakita ko si Myerkules na tumakbo papalapit dun sa mga kasama
nya.
Hindi pa din nya ko binibitawan. Ano kayang nangyayari sa kanya? Tinitingnan ko
lang sya habang naglalakad since nasa may likuran ako. Bakit ko ba sya tinitingnan?

Buwisit naman kasi. Simula ng halikan nya ko nabuwisit na ko ng todo sa kanya.


Paano naman hanggang panaginip dala-dala ko mukha nitong babaeng 'to. Nung una
ayoko na syang makita pero nung hinalikan nya ko ulit mas lumala yung mga bangungot
ko kaya naisip kong singilin na lang sya sa mga ginawa nya sa'kin. Ewan pero ang
tapang nya kasi. Hindi marunong matakot. Tapos hindi pa sya tulad ng ibang babae na
nahihimatay kapag nilalapitan at kinakausap ng mga kaibigan ko. Tao ba talaga sya?
Ang lakas ng loob humabol sa isang magnanakaw mag-isa? Hindi talaga sya marunong
matakot. Sa'kin nga hindi sya takot eh. Sa iba pa kaya. Bakit ba may matigas ang
ulo na babaeng tulad nya? Katulad na katulad nya si - ugh! Nakikita ko lang ba sa
kanya si Natalia?

Hindi ko alam pero hindi ako kumportable na hindi sya nagsasalita. Naglakad lang
kami ng naglakad hanggang makarating sa motor ko. Kinuha nya yung helmet at isinuot
tsaka sumakay sa motor.

"Sasakay ka ba o ako na ang magpapaandar nito?" mukhang mainit yun gulo nya kaya
sumunod na lang ako agad. Bakit ko ba sya kelangang sundin? Tss. Ang labo talaga.

Pinaandar ko yung motor at nagulat ako ng bigla syang kumapit sa'kin. Sh&t Zak
normal lang yan. Mabilis kang magpatakbo.

Teka, hindi naman ako mabilis magpatakbo ah. Hindi ako mapakali. Parang may mali.
Ano bang nangyayari? Patay na ba ko? Pero hindi, nararamdaman ko pa yung sakit sa
mukha ko.

"Sorry and thank you." Narinig kong nagsalita sya sa may tenga ko pero hindi ko
sure kung yun nga ang sinabi nya.

"Ano yun?" tinanong ko lang pero syempre maayos yung pagkakatanong ko.

"Itigil mo dali!" nagulat ako sa sigaw nya. Nagalit ba sya kasi pinapaulit ko sa
kanya yung tanong? Bumaba sya ng motor bigla-bigla.

"Teka, narinig ko naman kaya - " iniabot nya sa'kin yung helmet at naglakad sa may
poste. Nakita kong may babaeng nakaupo. At sya yung babaeng kausap ko kanina na
kunyari ay nanakawan. Ano kayang gagawin nya?

Bumaba din ako para sundan sya. Alam ko namang hindi sya marunong makipagaway sa
payat nyang yan.

"Hey," wow ang ganda pa ng bati nya. Parang hindi normal.

"Hi." Naiilang na sagot nung babae at tumayo pa sya. "So did you get my bag?"

Sinungaling na babae. Ang kapal talaga nya. Alam naman nyang wala talagang bag na
kinuha sa kanya.

"Sorry hindi eh. But I have something for you." Teka anong something ang sinasabi
nitong aswang na 'to? Wag nyang sabihing ibibigay nya ko sa babaeng panget na yan.

Lumingon si aswang sa'kin at ngumiti. Teka, anong ibig sabihin ng ngiti na yun?
Ibibigay nya ba ko talaga?

"ANong ibibigay mo?" excited pa nga 'tong babaeng 'to. "Sya ba?" sabay turo sa'kin.

Umirap lang si aswang at humarap ulit sa kausap nya. "Pumikit ka muna."

Si panget pumikit nga. Uto-uto din. Hindi ba nya nakikitang wala namang hawak si
aswang?

*TUGSH

O.O Sinuntok nya?

"Ouch my nose! How dare you!" hawak-hawak nung babae yung ilong nya. For sure
masakit yun.

"Galing yan dun sa lalaking nakatayo. And oh just a friendly reminder, hindi ka nya
papatulan kahit ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundo. Tsk. Tsk. Poor little
duckling. Next time na maglalaro ka pipili ka ng kalaro ha. Baka next time kasi
hindi ka na makilala ng parents mo pag-uwi." Tumalikod sya at iniwan nyang shock na
shock ang babaeng panget.

Natawa naman ako sa sinabi nya. Pinagtanggol nya ba ko?

"Hoy hindi ko sinabing tumawa ka!" kinuha nya sa'kin yung helmet at isinuot.

"Paano mo naman nasabing hindi ko papatulan yung panget na yun?" ewan pero ang
weird naman para itanong ko pa yun pero naitanong ko na eh.

Tiningnan nya ko ng isang blank look. "Hindi ba obvious? Lahat naman ng babae hindi
mo papatulan."

Hindi talaga kami magkakasundong dalawa nararamdaman ko. Masyado syang snappy. Tss!

ALEXA'S POV

Gumaan na yung pakiramdam ko nung masuntok ko yung buwisit na babaeng yun. Hindi ko
sya kilala tapos ipapahamak nya pa ko. Isa pa mandadamay pa ko. Nakakahiya lang
kasi hindi ako nakinig sa goon na yun na wag ng makialam. Ayan tuloy nasuntok pa
sya. Alam ko kasalanan ko buti na nga lang dumating sya. Kaya naisip kong wag na
muna syang awayin ngayon since naging mabait naman sya sa'kin kanina tapos
tinulungan nya pa ko. Nagsorry at nagthank you na din naman ako sa kanya. Yun nga
lang hindi ko alam kung narinig nya ba o hindi. Problema na nya yun.

Kamusta na kaya yung ilong nya? Okay na kaya? Ano bang dapat kong gawin? Tsk. Hindi
ako mapakali. Nakokonsensya ko. Sana bumalik na talaga yung pag-aaway namin para
hindi na ko makonsensya. Nagpahatid na lang ako sa kanya sa bahay dahil late na din
naman.

Inabot ko sa kanya yung helmet. "Salamat! Lagyan mo ng yelo yang sugat mo! Lalo
kang pumapanget!" Pero sa totoo lang mas lalong naging bad boy yung look nya.
Parang ang attractive ng dating. Di ko madedeny ang galing nyang makipagsuntukan
dun sa mga lokong lalaki kanina.

"At yung ginawa mo kanina, that was impressive." Tumalikod ako at nanakbo papasok
ng gate. Sobrang nakakahiya yung sinabi ko.
"Susunduin kita bu - bukas." At bigla nyang pinatakbo ng mabilis ang motor nya.

Susunduin daw? Huh? Sino ba yung kasama ko kanina pa? May kakambal ba ang goon na
yun? Siguro dapat itanong ko kina Tuck kung may kakambal nga sya.

*********************************************

VAL'S POV

"Sige na babe please, kahit isang date na lang." napakahard to get nitong babaeng
'to. Nakakainis na.

[No! No and No. Tell me, alin ba sa no na sinabi ko ang hindi mo naintindihan?] si
Jezhi ang nasa kabilang line.

"Ano ba kasing problema?"

[Ako walang problema kaya pwede ba tigilan mo na ko! Ayoko sa player okay?]

"Pero hindi na nga ako - "

[toot toot toot]

"Ahhh! Binabaan ako! Akala mo ba maganda ka? Hello! Madami akong chikababes! Yung
hot! Yung naghahabol sa'kin! Hindi maarte! At hindi ako tinatanggihan!" ibinato ko
yung cellphone sa damuhan.

"Rejected dude?" pang-aasar ni Luke.

"Shut up ulul!" umupo ako sa damuhan at sumandal sa puno. Kelan ba ko nahirapan sa


babae? Sa iba pumapayag syang makipagdate sa'kin hindi? Maswerte nga sya niyaya ko
pa sya ulit. Yung iba nga pangarap makadate ako pero di ko pinagbibigyan!

"Oh bakit ganyan ang mukha mo? Ang panget!" tawang-tawang sabi ni Luke na nakaupo
sa taas ng puno.

Napatingin ako kay Rich na may sugat sa bibig. "O napano yan? Rumarambol ka na mag-
isa ngayon? Naku patay ka kay Zak kapag nalaman nyang lumaban ka mag-isa." Sabi ni
Trav na nagbabasa ng libro at nakahiga sa damuhan.

"Ulul! Si Zak nga ang may gawa nito sa'kin. Badtrip nga eh. Ang sakit. Mukhang
badtrip ata sya!" umupo si Rich sa tabi namin.

"Bakit ka naman sinuntok ni Zak? Kung may susuntukin yun di ba dapat si Val yun?"
sabi ni Luke tapos nagtawanan ang mga ungas. Pero tama naman sila, dapat ako yung
kasi ako nagpost ng picture nila sa fb.

"Hindi ko alam. Tinanong ko lang naman kung san sila nagpunta ni Lex kagabi. Di
naman sya sumagot. Tapos niloko ko sabi ko alam kong di naman nya type si Lex kaya
popormahan ko na lang. Tapos biglang sumama yung itsura nya. Eh natuwa ako. Sabi ko
paano ko naman popormahan si LEx kung nauna na si Tuck." AYun hindi ko pa nasasabi
yung word na "BIRO LANG" eh nasapak na ko tapos umalis sya. Ano bang problema nun?"
Nakakaawa naman 'tong si Rich. Si Zak pa ang sumuntok sa kanya. EH kahit kalabaw
kaya nung patumbahin sa isang suntukan lang eh.

"Baka naman may gusto na si Zak kay Lex." Chismoso din 'tong si Luke. Gumagawa agad
ng issue parang hindi nya kilala si Zak.

"Dude malabo yun. Alam nyo namang wala na yung nagustuhan after ni Natalia." May
point si Trav dun. Nagkaganyan lang naman si Zak after ng break up nila ni Natalia
and that was long time ago.

"Nasaan ba kasi si Tuck. Baka mag-away pa yung dalawang yun." Tanong ko sa kanila.
Alam ko namang babaero si Tuck. Okay sige kaming lahat pwera lang kay Zak at Trav
na suplado sa babae. Si Luke naman seryoso ako at si Tuck naman okay lang. Pero si
Tuck ang malala. Hindi yan nakikipagdate ng dalawang beses sa isang babae. Ibang
klase talaga. Kahit parang mga asong sunod ng sunod mga babae sa kanya balewala
lang sa kanya. Sana nga hindi nya type si Lex, kawawa naman sya. Mukhang mabait pa
naman. Pero sa tingin ko hindi naman sya bibigay kay Tuck.

"Si Tuck ba? Kasama nga ni Lex. Magmemeryenda lang daw sila at kakausapin nya. Naku
wag sana silang makita ni Zak baka magkagulo pa." sabi ni Rich na nakahawak pa din
sa mukha nya.

"Hindi yun mangyayari. Hindi mag-aaway yung dalawang yun. Parang hindi nyo naman
sila kilala." Tumayo si Trav at kinuha ang mga gamit. "Papasok muna ko. Nalaman ko
kasing may bago pala kong kaklase."

"Wow, bagong buhay ka na?" pang-aasar ko sa kanya.

"Magsipasok na din kayo! Sayang mga binabayad ng magulang nyo sa school! Mga walang
kwentang tagapagmana kayo!" bumabanat pa din 'tong si Trav kahit papalayo na.
Seryoso ba sya? Papasok talaga sya?

Palagi kaming hindi pumapasok at tumatambay lang kahit saan dito sa school pero
kapag may exam pumapasok naman kami. Hindi na namin kelangang magpaalam pa sa mga
professors. Okay din naman mga grades namin kahit paano. Lalo na si Zak.
Nakakainggit yung ulul na yun. Isang henyo. Makapasok na nga lang muna kesa isipin
ko yung Jezhi na yun. Alam ba nyang kakilala ko ang bestfriend nyang si Lexa?

****************************

ALEXA'S POV

Niyaya ako ni Tuck kumain. Nandito kami sa tapat ng library at nakaupo sa bench.
Kinwento ko sa kanya yung nangyari sa'min ni Zak at hindi sya makapaniwala. Tawa pa
nga sya ng tawa.

"Alam mo hindi ko talaga maimagine." Sabi nya habang nakahawak sa tyan nya at tawa
ng tawa.

"I know. Kahit naman ako. I mean never akong nanuntok in my entire life, kung
nakita ako ng mom ko nun for sure nagcollapse sya. Hey, secret lang natin yun ha.
Alam mo naman ang tingin ng mga tao sa'kin dito sa school." I sighed. Minsan gusto
ko na din ipakita na ordinaryong teenager lang ako pero ang hirap kasi baka anong
gawin ng parents ko sa school na 'to. Baka sabihin masama ang epekto sa'kin.

"But seriously, bakit kelangan mo pang magpakaprincess kung isa ka naman talagang
witch?" pangaasar ni Tuck kaya naman nasuntok ko sya sa braso pero hindi naman
ganun kalakas.

"Do I look like a witch huh?" pointing my face.

Naging seryoso yung mukha nya. "No. You're an angel."

Nakakailang. Okay. Iwas ng tingin. Angel daw? Parang nung una lang naming
pagkikita. Akala ko angel din sya. Enough Alexa.

"I want to impress my parents. I did everything pero parang hindi pa din enough.
Isang simpleng vacation with them lang sana yung wish ko kapalit ng mga ginagawa ko
pero wala eh. I think I just need to accept the fact na mas mahal nila yung negosyo
kesa sa anak nila." That was so dramatic and I hate drama. Pero anong magagawa ko?
Kelangan kong umiwas sa awkward moment namin ni Tuck.

Ginulo nya yung buhok ko ng mapansin nyang tumahimik ako.

"Hey!" inalis ko yung kamay nya ng may tumigil sa harapan namin.

O.O - ako at Tuck

"Dude!" inabot ni Tuck ang kamay nya sa goon pero hindi naman nito pinansin.
"Okay."

Nakatingin lang sa'kin ang goon na 'to.

"Hey." Ang ganda ng ngiti ko kasi naman parang okay naman kami last night.

"Bakit umalis ka agad?" seryoso nyang tanong.

"Huh? Anong umalis?" naguguluhan ako. Ano bang gusto nyang sabihin?
"Di ba sabi ko susunduin kita?" kinuha nya yung mga gamit ko at hinigit ako.

"Dude wag naman ganyan!" hinawakan ni Tuck yung kamay ni goon.

"Tuck labas ka dito." At hinigit nya ko ulit.

"Dude kaibigan ko si Alexa kaya may pakialam ako sa kanya. Wag mo naman syang
takutin." Malumanay lang magsalita si Tuck. Hinawakan nya yung kabila kong kamay
habang hawak ni goon ang kabi kong kamay.

"Kaibigan mo lang sya." At hinigit ako ulit ni Goon. " pero ako girlfriend ko sya!"

O.o ano daw?

Gulat na gulat din si Tuck sa sinabi ni Zak. Kahit ako nagulat eh.

"Oh." Nakatingin si Tuck sa'kin with is-that-true-look. Umiling lang ako pero
binitawan na ko ni Tuck at nanalo si Zak.

Hurray! Kay Tuck nya pa talaga napiling sabihin yun! Mababaliw na talaga ako! Sana
lumubog ka na goon ka sa kinatatayuan mo ngayon at kainin ka ng lupa ng buhay!!!!

*******************************************
10

*******************************************
"Ayos ka lang ba talaga?" sabi ni Jezhi habang hinahaplos ang likuran ko.

Nandito kami ngayon sa bahay at sumusuka ako ngayon sa sobrang sakit ng ulo ko.
Kumuha ako ng gamot sa medicine cabinet at ininom ko agad. Bumalik ako sa kwarto at
humiga habang may nakalagay na ice bag sa ulo ko.

"Ayo slang ako sis. Pwede ka nang umuwi." Nanghihina kong sabi sa kanya habang
nakapikit. Naramdaman kong umupo sya sa bed ko.
"Uuwi ako kung ikukwento mo lahat sa'kin!" dumilat ako ng konti at nakita kong
nakasimangot sya at nakacross arms pa.

"Ano bang sinasabi mo?" eh hindi ko naman talaga sya maintindihan. Of all people na
magiging matanong eh si Jezhi ang pinakalast na taong naiisip kong gagawa nun. Well
aside from boys at shopping lang ang laman ng utak nya eh halos isip bata pa sya.
Magulo, tamad, matigas ang ulo, matapang at lahat-lahat na. Hindi ko nga alam bakit
naging kaibigan ko 'tong babaeng 'to eh.

"Alexa Ciesla Andrade I'm waiting." Kinuha nya yung ice bag sa ulo ko at inihagis
sa floor.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo! Isa pa wala akong sasabihin dahil hindi kita
naiintindihan!!" kinuha ko yung isa kong unan at itinakip ko sa mukha ko. Ngayon pa
nya napiling magtanong ng kung anu-ano kung kelan ang sama ng pakiramdam ko.

"Fine! Siguro niloloko lang talaga ko nung Val na yun! Kumag sya! Gagawin nya lahat
makipagkita lang ako sa kanya!!" naramdaman kong tumayo si Jezhi sa bed pero
napaupo naman ako sa narinig ko.

"Val? Yung boyfriend mo? I mean yung nakadate mo na sinabi mo ayaw mo ng idate?"
ako na din ang madaming tanong. Hindi ko kasi maintindihan kung anong itatanong ni
Jezhi sa'kin at involve pa si Val.

"Yes. Yung Val na yun." Umupo sya ulit sa tabi ko. "This past few days kasi palagi
nya kong kinukulit na makipagdate sa kanya eh sa ayoko na nga di ba? Pero kanina
nagtext sya sa'kin sinabi nya na may alam daw sya sa'yo at kay Zak. Syempre hindi
ako naniwala nung una kasi knowing you never kang makikipagkaibigan sa kahit na
kaninong lalaki especially them." Napahawak sya sa ulo nya. "Pero nung sinabi nya
na nagkita daw kayo nung iniwan kita dun lang ako naconvinced na makipagkita sa
kanya. At ang dami kong nalaman. Alam mo hindi ko alam kung anong totoo kaya nga
ikaw yung tinatanong ko di ba? We're bestfriends at dapat sa'kin ka nagsasabi!!"
halos maiyak na sya habang nagsasalita.

Nakokonsenya tuloy ako. Balak ko naman talagang sabihin kay Jezhi kaya lang naisip
ko na hindi din naman nya maiintindihan. Tsk. Dapat kasi sinabi ko na agad sa
kanya. Sya na nga lang yung kaibigan ko tapos naglilihim pa ko sa kanya. Eh sino
bang hindi maglilihim eh sa tuwing kelangan ko sya bigla-bigla syang nawawala.
Anong gusto nyong gawin ko di ba?

Lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng isang hug. "I'm sorry sis." Umupo ako ng
ayos sa harapan nya at ikinwento ko lahat ng nangyari at kung paano ako napasok sa
problema with Zak.
Syempre pinagtawanan nya muna ako at mga pinaulit nya ang ng sampung beses yung
kwento with so many follow up questions bago nya magets agad. I knew it. Ganito
kahirap magkwento sa kanya. Sana pala hindi ko na inipon lahat para hindi na ko
nahirapang magkwento. Buti na lang umipekto na yung gamot at nawala na yung kirot
ng ulo ko.

"Oh my gosh sis. Nakakatakot pala talaga si Zak tulad ng mga naririnig ko. Wala daw
tumatagal na kumausap sa kanya kasi kahit babae daw sinasaktan nya. You are the
lucky one na tumagal. Congrats. And I heard from Val na sinabi daw ni Zak na
girlfriend ka na kaya nga ko nagpanic eh. Buti na lang ngayon naintindihan ko na
talaga." Tumatawang sabi ni Jezhi.

"Kanina ko pa pinapaintindi sa'yo sis, I'm glad naintindihan mo na din." I said


while rolling my eyes. Wait, sinabi ban yang walang tumatagal na kumausap kay Zak?
Bakit naman kaya? Pero kahapon nga ang bait nya sa'kin eh. "Bakit daw walang
tumatagal na kumausap kay Zak?"

"I don't know. Maybe he's a monster? Di ba dapat ikaw ang tinatanong ko since ikaw
yung madalas nyang kausap."

"Alam mo hindi ko sya magets kasi kahapon bigla syang naging mabait. Akala ko nga
possible na maging friends kami pero after ng ginawa nya kanina I know that's so
impossible. Bigla na naman syang sinumpong. Ang labo. Hindi ko magets!" maalala ko
lang mukha nya naiini na ko. Hindi ko sya matatagalan kahit anong mangyari.

"Bakit ano bang ginawa nya?" usiserang tanong ni Jezhi.

FEW HOURS EARLIER

"Ayokong sumama sa'yo may klase pa ko!!" hinihigit ko ang namumula kong braso from
Zak habang papalabas kami ng school.

"Napaka-ingay mo!" tumigil sya at lumapit sa'kin at bigla akong binuhat at sinabit
sa balikat nya gamit lang ang isang kamay. "Tss. Kumain ka nga. Ang gaan mo
masyado."

Hinampas ko sya sa likod. "Iba mo ko!!!! Kapag hindi mo ko ibinaba sisisgaw


ako!!!!" hinampas ko ulit ang likod nya pero tumama lang ang mga suntok ko sa 'wow
muscle' nya.

"Sumisigaw ka na nga di ba? Wag mong sabihing may ilalakas pa yang sigaw mo?" hindi
nya talaga ko ibinaba. Buhat-buhat nya pa din ako papaakyat sa isang abandoned
building malapit sa school.

"Anong plano mo sa'kin goon?" natatakot kong tanong sa kanya.

"Eh di papatayin kita kesa mauna pa kong mamatay dahil sa'yo." Dahil nasa likuran
ang ulo ko hindi ko makita yung reaksyon nya. Kung seryoso ba sya o hindi. Pero
kung seryoso sya lagot nya. Kahit ata sumigaw ako walang makakarinig sa'kin.

Binuksan nya yung isang pintuan at nakita kong nasa rooftop na kami. Ibinaba nya
ako ng bigla akong tumakbo. Kaya lang bakit kasi napabilis nya. Nahawakan nya agad
ako sa bewang at binuhat.

"Bitawan mo!! Bitawan mo ko!!!" nagwawala na ko habang hawak-hawak nya ako sa


bewang. Iniaangat nya ko sa ground at itinapat sa tabihan ng rooftop. Medyo may
kataasan din 'to at takot ako sa heights.

Maya-maya nakita kong hindi na nakasayad ang paa ko sa rooftop dahil buhat-buhat
nya nga ako.

"Gusto mo di bang ibaba kita?" he smirked.

"No! No! Wag mo akong bitawan." Napakapit ako ng mahigpit sa braso nya. Feeling ko
I'm gonna throw up anytime. Nahihilo ako. "Bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin?"
naiiyak kong tanong sa kanya. "Ganun ba kasama ang ginawa ko sa'yo at galit na
galit ka sa'kin."

"Meron tayong mga kasunduan pero hindi ka natupad!" tumingin lang sya sa malayo
habang hawak-hawak nya ko.

"Sino ka ba para pakinggan ko? Para sundin ko? Para paniwalaan ko? At sino ka para
sabihin kay Tuck na girlfriend mo ko?" naramdaman kong humigpit yung pagkakahawak
nya sa'kin at alam kong dahil yun sa galit. Hindi ako makahinga. Masyadong tirik
ang araw ngayon tapos nasa mataas na lugar pa kami at ang higpit ng hawak sa'kin ni
Zak.
************************************

At nagising na lang ako nandito na ako sa bahay. Ang sabi ni Jezhi sila ni Val ang
naghatid sa'kin dito. Tinawagan daw sila ni Zak. Nagcollapse daw ako kaya ngayon
ang sakit ng ulo ko. Yan tuloy absent ako ngayong araw. Hindi maganda 'tong
nangyayari. Kelangan ko pang magadvance ng review para lang makahabol. Alam ko
naman sobrang ahead na ko sa kanila pero syempre ayoko pa din yung napagiiwanan.

Umalis na din naman si Jezhi matapos namin magkwentuhan. Okay na din yung
pakiramdam ko kaya naisip ko na munang gumawa ng ilang paper works tsaka may send
ng homeworks online. May professors kami kasing ganun. Nagsesend sa'min ng module
then sasagutan at isesend ulit sa kanila. Sana nga dito na lang ako sa bahay tutal
parang distance education din naman yung nangyayari. Well sa ibang subjects lang
naman at hindi naman most of the time puro ganun lang. Kapag wala lang yung
professor namin.

Dumaan muna ko sa fb bago gumawa ng school related thing. Sumilip lang talaga ako
then nilog out ko na agad since wala naman masyadong bago. Alam ko kasi kapag
iniwan ko yung online alam kong matetempt akong magcheck ng kung anu-ano. Totoo
naman di ba? Kadalasan yung mga gagawa ng assignments sisilip lang daw sa fb pero
maya-maya ilang oras ng nasa fb at wala ng natapos. Ako naman kasi alam ko yung
limitations ko.

Nagsimula na akong magtype ng makira ko yung skype ko na color orange, meaning may
message ako. Sino kaya 'tong goody hoody na 'to.

Goody Hoody: Hey what's up?

Hottie Nottie: Do I know you?

Goody Hoody: Di ba dapat ako ang magtanong nyan? Ikaw ang nagadd sa'kin.

Nag-add daw? Hindi ko nga maalala kung sino sya eh. Kelan pa ko nagadd ng hindi ko
kilala.

Maya-maya nagmessage na naman sya. Aba't nagsend pa talaga sya ng picture.


Tiningnan ko yung picture, mukhang screenshot tapos sinend nya lang sa'kin.
[10/12/2013 11:18:24 PM] Hottie Nottie: Hi goodyhoody! I'd like to add you on
Skype.

Pwede namang edited lang 'to. Hindi ako mapakali kaya tiningnan ko yung date kung
kelan ko sya naging friend.

[10/12/2013 11:19:12 PM] Hottie Nottie has shared contact details with Goody Hoody.

Napahawak na lang ako sa ulo ko. Yeah right. Inadd ko nga sya. Pero bakit hindi ko
maalala. Siguro dahil iba yung name na ginagamit nya dito? Hindi ko naman sya iaadd
kung di ko sya kilala.

Goody Hoody: Convinced?

Hottie Nottie: Kinda. But still I can't remember.

Goody Hoody: Oh, so sad. L

Hottie Nottie: Funny.

Goody Hoody: Really?

Hottie Nottie: Whatever. I'm busy.

Nagchange ako ng status at ginawa kong Do Not Disturb para naman malaman nyang busy
ako.

Goody Hoody: I know you're there.

Hottie Nottie: Please leave me alone. I don't know you in the first place.

Good Hoody: Of course you do.


Hottie Nottie: Oh really? (with sarcasm)

Goody Hoody: So sweet of you.

Hottie Nottie: Shut up!

Goody Hoody: Are you okay now? What happened to you?

Hottie Nottie: What do you mean?

Goody Hoody: Sa school.

No way! Kilala nya talaga ko at kilala ko sya.

Hottie Nottie: Who are you? What's your name?

Goody Hoody: You already know that. That hurts too. Kinalimutan mo ang pangalan ko.

At nangonsenya pa nga sya. Hello. Pili lang ang kilala ko sa school at isa lang ang
kaibigan ko at si JEzhi lang yun so I am 100% na hindi ko 'to kilala. But what if
kilala ko nga sya? Ugh! Bakit ba kelangan ko laging mag-isip? Ang sakit sa ulo.
Feeling ko kumikirot na naman ulo ko eh.

Sige kunyari na lang natatandaan ko na lang sya. For sure hindi naman kami
magkikita sa school at kung magkita man kami magpapakilala at magpapakilala naman
'to. I mean hello, sa dami nilang gustong makipagkaibiga sa'kin for sure gagawa 'to
ng paraan.

Hottie Nottie: I'm bad with names, sorry.

Palusot ko lang yun syempre. Sana kumagat na lang sya.


Goody Hoody: Okay lang. J Okay ka na ba?

Hottie Nottie: Yeah. I'm doin' good.

Goody Hoody: Ano ba kasing nangyari?

Sasabihin ko ba sa isang stranger kung anong nangyari sa'kin? Well sabi nila mas
madali daw kausap ang isang stranger and hindi ko naman papangalanan yung goon na
yun so tingin ko okay lang. But wait, taga school sya kapag sinabi ko sa kanya baka
mag-iba yung tingin nya sa'kin.

Goody Hoody: Baka nakalimutan mo din na hindi tayo same ng school na pinapasukan.

Okay, nabasa nya ba yung iniisip ko.

Hottie Nottie: Then paano mo nalaman yung sa school kanina?

Goody Hoody: Napadaan ako since malapit lang bahay ko dun and nakita kita na buhat-
buhat nung isang lalaki parang wala kang malay.

Hottie Nottie: Really?

Syempre duda ako sa kanya. Wala naman akong natatandaan na acquaintances simula ng
magstart 'tong story na 'to. Kayo ba may naaalala? Syempre wala din kasi wala naman
talaga at mukhang pinag-iisip lang tayo ng author.

Goody Hoody: Makakalimutin ka ba talaga?

Hottie Nottie: Not really. Hindi lang ako sanay makipag-usap sa stranger.

Goody Hoody: I'm not a stranger.

Hottie Nottie: But I don't know you so that makes you a stranger for me.
Goody Hoody: Ouch for the nth time. :'(

Hottie Nottie: Too dramatic huh. Are you a boy or a girl?

Goody Hoody: Hindi mo din alam? T___T

Hottie Nottie: Alam ko syempre, kaya ko nga tinatanong di ba? Wait, are you gay?

Good Hoody: For the context, I'm a boy and I'm not gay!

Hottie Nottie: Okay.

Tapos hindi na ulit sya sumagot. Thanks naman. Nakatapos na din ako sa ginawa ko.
Wala na ko masyadong gagawin kaya naman magshu-shutdown na ko ng computer ng
mapansin ko yung status ni Goody Hoody.

Goody Hoody

Pissed off!

Okay. I think this man is really dangerous. Nagshutdown na ko ng pc then humiga na.
Kelangan ko ng mahabang rest dahil sa mga nangyari.

*********************************

Guess what? Ang tahimik ng araw ko alam nyo ba kung bakit? Walang goon sa paligid
ng ilang araw. Friday na nga pala ngayon at ang sarap sa pakiramdam ng walang
nambubwisit sa'yo. Kung nasaan man ang goon na yun ngayon sana hindi na sya
bumalik.

Napapangiti ako mag-isa habang naglalakad papuntang parking lot. Sa sobrang saya ko
parang gusto ko na lang maglakad pauwi kahit malayo pa yung bahay ko dito. Gusto
kong sumigaw, tumalon.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Wooooooooooooooooooooooooo!" at walang makakapigil
sa'kin na sumigaw. Nasa parking lot na naman ako so wala na silang pakialam dun.

"Bakit ka sumisigaw?" nagulat ako at napalingon. Nakita ko sina Rich, Luke, Val at
Tuck sa likuran ko. Sabay-sabay sila ng tanong sinong di magugulat.

"Hello. Kamusta kayo? Group hug!" papalapit na sana ko sa kanila kaso pinigilan ni
Tuck yung ulo ko.

"Dyan ka lang lucky girl." Tumatawang sabi ni Tuck. This is so embarrassing. Nasa
mood ako ngayon eh tapos kj nito ni Tuck. ANo bang masama sa group hug?

"Fine! Ang aarte nyo lang ha." Inalis ko yung kamay nya sa ulo ko.

"Ayoko lang manyakin ka ng mga ungas na 'to." Sabay turo sa tatlo sa likuran nya na
nakatingin ng masama kay Tuck.

Napatawa naman ako sa kanila. Nakakatuwa kasi mga biruan nila eh. Tiningnan ko
silang lahat. Wala si Trav at si goon. Mabuti na lang. Ayan napapangiti na naman
ako.

"May hinahanap ka ba?" tanong ni Rich na umakbay sa'kin. Sya talaga si akbay boy.
Grabe palagi na lang nyang binibitin yung mabigat nyang braso sa balikat ko.

"Excuse me? Sino namang hahanapin ko?" tiningnan nila kong lahat na parang hinintay
na sagutin ko ang sarili kong tanong.

"Hello. Wala akong hinahanap. PWede ba maganda ang mood ko so please wag nyong
sirain. Okay?" inalis ko yung kamay ni Rich. "At pwede ba hindi ako puno na pwedeng
bitin-bitinan lang ng mga unggoy okay?" nakapamewang pa ko.

O.O parang gulat na gulat si Rich at parang nahiya bigla.

Biglang naghagalpakan naman ng tawa sina Tuck. May mali ba sa sinabi ko? Anong
nakakatawa dun?
"The best ka talaga Lex, ibang klase ka. Kaw lang ang lumalait sa'min ng ganito."
Papalapit na sa'kin si Luke pero umatras ako.

"DYan ka lang at wag kang lalapit kung ayaw mong masaktan." ANo ba, ang ganda ng
mood ko tapos pagti-tripan naman nila. I mean hello, give me a break please. "And
who's Lex?" I asked Luke.

"You." Sabay-sabay ulit nilang sabi.

"KElangan bang laging chorus. Ano kayo boy band?" naiinis kong tanong.

"Gusto mo ba ng sample? Kakantahan ka namin." Papalapit na din si Val pero hinampas


ko sya sa balikat.

"Hoy hoy hoy! May kasalanan ka pa sa'kin. Bakit kelangan mo pa kong gamitin para
lang makipagdate sa'yo si Jezhi ha? Sa susunod na malaman ko pa na ako ang
dinadahilan mo makita lang si Jezhi I swear Val, hindi mo gusto ang gagawin ko!!"
tumalikod ako at naglakad papunta sa kotse ko. Bubuksan ko na sana yung kotse kaso
ang makulit na si Tuck eh inagaw yung susi sa kamay.

"Great! Hindi nyo ba talaga ko papatahimikin? Pwede ba umalis na lang kayong


lahat!" napasigaw ako tapos bigla silang nalungkot. Nawala yung mga smile sa face
nila.

"Sorry. Akala kasi namin - akala namin kaibigan mo na kami." Natahimik naman ako sa
sinabi ni Rich.

"Sa'yo lang kami ganito kasi kaibigan ka namin pero hindi pala." Inakbayan ni Luke
si Val. "Tara na."

Oh gosh. Ako pa talaga yung masama. Ano na bang dapat kong gawin sa buhay ko? May
mas gugulo pa ba dito? Ang pinakapopular boys sa school eh pinalayas ko sa harapan
ko. Great. Kapag nalaman yan ng fans nila goodluck sa'kin.

"Sorry I thought - " iaabot na sa'kin ni Tuck yung susi ng bigla akong tumawa.
"Got y'all. Ang galing ko bang umarte? Benta sa inyo no?" tumatawa ako ng tumatawa
ng biglang humarap yung tatlong mokong sabay tawa din. Napatigil naman ako sa
pagtawa. "Oh bakit kayo natawa?"

"Wala lang. Natawa ka eh. Akala kasi namin naniwala ka sa walk out effect nay un.
Joke lang yun no." tapos nagbatukan yung tatlo habang natawa.

Naisahan nila ko. Napakatalaga nitong mga 'to. Ugh! Gusto ko silang kutusan isa-
isa. Mukhang napansin ni Tuck na nanggigigil ako kaya bigla nya kong inakbayan.

"Relax. Masaya lang yang mga yan kasi nakakita sila ng babaeng hindi sila
sinasamba." Sabi ni Tuck habang nilalaro yung susi ng kotse ko sa kabilang kamay.

"Sinasamba? Hello, hindi naman sila kasamba-samba no!" then I rolled my eyes.

Napatigil sila sa pagtawa at biglang tumingin ng seryoso sa'kin then kay Tuck.

"Tara na Tuck." Nilampasan nila kami at tinap si Tuck sa balikat.

"Ganyan ba kayo kasensitive? Stop." Humarap ako sa kanila kaya natanggal yung
pagkaakbay sa'kin ni Tuck. "I said stop!" sabay-sabay naman silang tumigil. "Hindi
lahat ng babae mapapasunod nyo. Hindi lahat ng babae mabibighani sa inyo at higit
sa lahat hindi nyo pwedeng gawing laruan lahat ng babaeng gusto nyo lang pagtripan.
Sa ginagawa nyo mas maarte pa kayo at mas nakakainis sa lahat ng babae na meron
dito. Kahit saang angle ko tingnan wala namang iba sa inyo. Kaya sige, umalis kayo
at umarte na parang isang babae. Chupi!" then I shooed them.

Napangiti si Tuck sa mga sinabi ko. Nagsasabi lang ako ng totoo. Oo, wala akong
naging kaibigan na lalaki so what? Kung ganito lang din naman ang mga lalaki mas
mabuti na yung hindi ako nagkaroon ng kaibigan dahil baka masuntok ko lang sila sa
kaartihan nila.

Maya-maya tumingin silang tatlo ng sabay-sabay sa'kin.

"Pasado ka na talaga!" sabay-sabay na naman sila. Sumasakit na yung tenga ko.


Kelangan laging in unison? Lumapit si Rich at umakbay sa kabilang balikat ko
kasunod nya si Val na umakbay kay Rich. Si Luke naman sa kabilang side ni Tuck at
umakbay din.
"Since bawal daw ang group hug, pwede na siguro 'to." Nakangiting sabi ni Val.

"Okay." Napangiti na lang din ako. Di ko naimagine na mangyayari yung ganito


sa'kin. Siguro dahil kulang ako sa kaibigan at wala akong kapatid na totoo kaya
masyado akong takot sa tao pero iba yung pakiramdam ko kapag sila yung kasama ko.
Siguro mukha nga silang goons pero mukha din naman silang mapagkakatiwalaan eh.

"Dahil pasado na si Alexa sa'tin isama natin sya sa pub." Sabi ni Rich.

"Huh?" okay naguguluhan ako. Isasama saan?

"Hindi mo pwedeng idahilan sa'min ngayon na gagawa ka ng assignments dahil Sabado


bukas at walang pasok. So pwede kang mag-enjoy ngayon kasama kami." Tumatawang sabi
ni Luke.

"Ano ba ang definition nyo ng 'enjoy'? For sure iba yan sa sarili kong definition."
Napalunok na lang ako. Kahit naman kaibigan na yung tingin ko sa kanila hindi pa
din ako pwedeng magtiwala basta-basta.

"Lex!"

Paano kung myembro pala sila ng sindikato na nagbebenta ng mga magagandang babae sa
mga foreigners. Ginagamit nila yung itsura nila para makaakit ng maraming babae
tapos papupuntahin nila dun sa pub na sinasabi nila tapos ilolock sa kwarto
hanggang dumating yung bibili.

"Lex!"

Oh no hindi pwede. Anong dapat kong gawin? Tatakbo? Pero paano eh ang bibigat ng
balikat nila.

"Lex!"

"Ay bakit?" I snapped back. "Kanina nyo pa ko tinatawag?"


Nilingon nila kong lahat. Dalawang ulo sa left at dalawang ulo sa right. Define
awkward. Ito yun.

"Hindi mo naman siguro iniisip na nagbebenta kami ng babae no?" kuha mo Val. Pero
syempre hindi na lang ako sumagot para mas safe. Tumingin na lang ako sa ground.

"Ano ba naman yan! Kakaiba ka talaga. Babae ka ba talaga o lalaki ka na napunta sa


katawan ng babae?" kumalas na sa pagkakaakbay si Rich at nag-unat ng braso.

Isang malakas na batok lang binigay ko sa kanya na ikinagulat nilang lahat. "Hoy
babae ako no!"

"Ikaw lang ang nakakagawa nyan sa'min!" sabi ni Rich habang nakahawak sa batok nya.
Tapos nagtawanan na ulit sila. Pati naman ako natawa kasi naman ang lakas ng loob
kong gawin yun. Eh hampasin lang nila ko ng mga muscles nila baka din a ko makilala
ng kahit na sino eh.

Nagtatawanan kami ng biglang may tumigil na big bike. Nakahelmet sya at nakatingin
sa'min. Kinakabahan ako dahil alam nyo na baka yung halimaw na goon 'to.
Nakaleather jacket, black pants, black shoes, black helmet at black bigbike.
Napalunok ako at napahawak sa dibdib ko.

"Hey." Nagwave sa'kin yung tumigil. For sure hindi 'to si goon. Mabait eh.

Pagtanggal nya ng helmet nalalaglag ang mga malalambot at kulot na buhok ni Trav.
Ang gwapo nya at lalo syang pumuti dahil sa black na suot nya.

"Hello there Cullen." Yung ngiti nya biglang napalitan ng frown. Bakit ba kapag ako
ang nagsasalita napapasimangot sila. Awkward, walang nagsasalita. Napatingin ako
kina Tuck pero nakaiwas sila ng tingin. Nakahawak lang si Rich sa batok nya.

"Cullen. Edward Cullen of twilight. He's handsome as - " I can do this. I can say
this. " - you."

There I said it. Ngayon lang ako nagsabi ng ganyan sa personal. Sa utak ko lang
most of the time pero harapan, sa tingin ko I'm gonna throw up.
"Woooooooooooooooooooo! Ungas ka Trav. Galit kami sa'yo! Ikaw lang ang sinabihan ni
Lex ng ganun!" parang nagblush naman si Trav.

"Lex, bakit naman si Trav sinabihan mo ng handsome. Kami din naman, please."
Nagpuppy eyes pa 'tong si Luke.

"Marami namang babae dyan sa school. Sa kanila na lang kayo magplease, for sure
hindi pa sila tatanggi." Nagwinked ako then humarap kay Tuck. "So, hindi pa ba tayo
aalis?"

"TAYO?" gulat na tanong ni Trav.

"Oh, ayaw mo ba akong pumunta dun Cullen?" then I winked at him. Umiwas sya ng
tingin bago maghelmet.

"Hindi naman kaya lang kasi ano - " inistart nya yung motor nya " .... Na ....
Dun.. Sige." Ayan lang ang naintindihan ko dahil sa lakas ng ingay ng motor nya.
Bago ko pa ipaulit yung sinabi nya eh nakaalis na sya. Astig, napaangat nya yung
unahang wheel nung bigbike. Cool.

"So kanino ka sasakay?" tanong ni Luke.

"No. Dito na lang ako sa car." Kukunin ko yung susi sa kamay ni Tuck pero tinaas
nya.

"Sa'kin yan sasakay. Don't worry, magaling akong magdrive." Ngumiti si Tuck then
naglakad na papunta sa motor nya.

ANo daw sabi nya? Double meaning ba yun? Di ko masyadong gets. Kaya lang natatakot
talaga ako sa motor. Pero si Tuck naman 'to at hindi si goon. For sure safe naman
ako dito. Mukhang kumpleto sila, hindi naman din nila nababanggit si goon so I
assumed wala sya sa pub na sinasabi nila kung saan mang lumalop ng mundo yun.

"You ready?" tanong ni Tuck. Nakasuot ako ng helmet at nakasakay na sa may likuran
nya. Kinuha nya yung dalawang kamay ko at iniyakap sa kanya. Awkward na naman.

"Akala ko ba magaling kang magdrive? Eh sa ginawa mo parang warning yun na kelangan


kong kumapit ng mahigpit sa'yo ah." Halos magkatabi na yung mukha namin dahil sa
paghigit nya sa braso ko mabuti na lang may helmet. Kinatok nya yung helmet ko
tsaka ngumiti. Inistart na nya yung motor. Isa-isa silang umalis at naiwan kami.

Hindi ako pusa na maraming buhay pero sana hindi lang pusa ang maraming buhay lalo
na ngayon. Napapikit na lang ako ng biglang umangat yung unahang wheel ng motor ni
Tuck sa gulat ko napakapit ako ng mahigpit sa kanya at napapikit.

"I hate you Tuck! I swear I'm gonna rip your - " napatigil ako sa pagsasalita. Ako
ba yung nagsalita? Kelan ba ko natuto ng ganun.

"I guess may ibang side ang lucky girl namin." Then he smirked. "Interesting."

A/N

Namiss nyo ba si Zak? Okay lang yan. Para naman masolo ng boys si Alexa. Mag-iwan
naman kayo ng comment about this chapter. Hahaha. Sa mga hindi pa nagfofollow
sa'kin di pa huli ang lahat. Click that follow button.

Nasaan nga kaya si Zak. Abangan. (:

*megladiolus*

*******************************************
11

*******************************************
As promised, this chapter is dedicated to you ImMsBlue. :)

******************************************************

ZAK'S POV

"Umalish ka nga dita! Shi-shino ka ba? Ba - bakit kamukha mo yu-yung panget na goon
na yun?" she threw up several times.

Nandito kami sa CR sa pub at inaalalayan sya dahil halos dito na sya matulog dahil
nga suka sya ng suka.
"Wag mo nga kong hawakan! Manyak ka no?" halos half close na yung mata nya pero
nakakapagtaray pa din.

"Sa susunod nga wag kang iinom kung di mo naman kaya! Kapag pinilit ka ng mga
gunggong na yun wag mo na lang pansinin!" inaalalayan ko naman sya pabalik sa loob.
Hinilamusan ko pa sya bago ihiga sa kama sa isa sa mga kwarto dito.

"Alam mo ba kamukha mo yung kaaway ko." Hinawakan nya ko sa mukha. Mabuti na lang
lasing 'tong aswang na 'to. "Kaya lang mas gwapo ka shakanya. Panget yun eh." tapos
tinap-tap nya pa yung pisngi ko. Papalapit na yung mukha nya sa mukha ko. Hindi ko
alam yung gagawin. Baka manghalik na naman 'to. Sinabi ko na nga sa sarili ko na
hindi na ko magpapahalik sa kanya eh.

"Pwede bang - huwolk" akala ko manghahalik. Susukahan lang pala ko. Nakakapikon
talaga. Kukutusan ko 'tong mga ungas na 'to bukas. Bakit kasi pinainom pa 'tong
babaeng 'to.

"Hoy! Hoy aswang umayos ka nga!" mukhang nakatulog pa. Tsk. Sinukahan na nga ako
paglilinisin pa ko.

3 HOURS EARLIER

Ilang araw akong nawala. Paano nakakainis yung mga nangyari nung nakaraan. Pero
ayos lang kahit paano nakapagrelax ako lalo na't nanalo ako dun sa laban. Papunta
ko sa pub ngayon, tinext lang ako ni Trav. Ilang araw din akong hindi nagpakita sa
kanila pero alam naman nila kung anong ginawa ko.

Mukhang nandito na sila. Kumpleto na mga motor sa labas at nakakarinig na rin ako
ng malakas na tugtog. Yung second floor kasi nitong gym yung mini bar para sa'min.
Minsan nagpapaparty sila Val dyan at maraming pumupunta pero kadalasan kami-kami
lang.

Magpapakita sana ako sa kanila ng makita ko yung aswang na kasama nila Tuck. Ano na
naman kayang pumasok sa isip nya at isinama nya yung babaeng yun dito? Pumasok muna
ko sa kwarto. Minsan kapag naiinis kasi ako sa'min dito ako natutulog. Ah hindi,
halos dito na ko tumira.

"Sorry dude niyaya nila Tuck eh." Pumasok si Trav sa kwarto na may dalang beer.
"Wala yun. Hindi naman sa'kin 'tong pub kaya okay lang." Kinuha ko yung beer at
ininom ko.

"Kamusta yung laban?" sumandal sya sa pader sa may pinto habang iniintay yung sagot
ko.

"Dude, alam mo na ang sagot dyan." Nagcheers kami at inistraight yung beer.

"Ibang klase ka talaga dude. Tara dun sa labas, dapat icelebrate yan pagkapanalo
mo." Pagbibiro ni Trav.

"Wag na. Dun na lang ako sa taas. Wala din naman ako sa mood. Wag mong sabihin sa
kanila na nandito na ko. Baka masira pa yung mga kalokohan ng mga yun." Nagpalit
ako ng tshirt at humiga sandali. Nagnod lang naman si Trav bago lumabas.

Naririnig ko silang nagtatawanan sa labas. Mukhang mga nageenjoy. ANo kayang


pinapagawa nila kay aswang? Kalimitan kasi ng mga dinadala nila ditong babae
naghuhubad habang nasayaw sa table. Tss, nakakatakot kapag naiisip kong si aswang
ang gagawa nun. Malamang marami yung peklat. O kaya may malaking tahi sa bewang.
Kapag nagta-transform sya sa pagiging aswang nahahati sya tapos tatahiin na lang
ulit kapag umaga. Natatawa naman ako sa itsura nya. Aswang na aswang.

Napatayo ako ng biglang nagflash sa isip ko yung mukha nya. Kinilabutan ako.
Lumabas na lang ako ng kwarto at umakyat taas ng mini bar. May mga beers din dito.
Kita ko din sila mula sa baba. Pinapanood ko sila. Parang ang boring lang ng
ginagawa nila. Tamang inom lang habang nagbabaraha tapos ano yun? May pinapaikot na
bote? Tss, malamang naisip yun nung aswang. Masyadong korni.

"Sige na Lex! Isang shot lang!" inaabutan ni Val si aswang ng shot glass na may
tequila.

"No! Hindi nga ako nainom!" ang arte magsalita. Nakakasusot.

"Kahit minsan?" follow up ni Luke.

Nakaupo lang si Trav sa may couch. Sa table naman nakaupo si Rich. Katapat nya si
Val na katabi si Luke. Kasunod si aswang na katabi si Tuck. Magkatabi sila? Bakit?
Eh bakit ba ko naiinis? Inaagaw nya kasi mga kaibigan ko. Ngayon ko lang sila
nakitang tuwang-tuwa ng walang naghuhubad na babae sa harapan nila.

"Please Lex kahit isa lang." Wow may pagluhod pa 'tong si Val. Ang babaduy nyo
dudes! Kung pwede ko lang silang sigawan mula dito.

Lahat sila nakatingin kay aswang iniintay kung anong magiging reaksyon nya.

"Fine pero isa lang ha! Isa pa wag kayong magpakalasing. Sino na lang maghahatid
sa'kin sa school para kunin yung kotse ko!" iinom din naman pala may pasabi-sabi pa
syang no!

"Go Lex! Go go go!" tumingin muna sya kay Tuck bago uminom. Ano yun? Ang babaduy
nila.

Halos nakailang bote na din ako ng beer at hulaan nyo nailan na sila? Madami na
syempre pero ang malala nalasing na ang mga ungas. Pati si aswang na aarte-arte pa
eh nangaagaw na ng bote ng may bote.

"Wow lady ghost akala ko ba ayaw mong uminom?" sumasayaw-sayaw pa si Luke.

"Minsan lang 'to sa buhay ko. Marami nga akong gustong gawin bago ko mamatay!"
tumatawa sya habang nagsasalita. Naku lasing na nga 'to.

"Tulad ng magpakalasing?" tanong ni Tuck. Alam kong hindi naman nalalasing ng todo
'tong si Tuck.

"Oo. Tulad nito, mag-inom." Umakyat sa table si aswang. Akala ko pa mandin di sya
katulad nung ibang babae. Maguuto din pala sya nitong mga ungas na 'to.

"Anong gagawin mo? Hoy maghuhubad ka ba?" natatawang tanong ni Rich.

Biglang nawala yung ngiti ni aswang. Lumapit sya kay Rich at ibinuhos yung beer sa
ulo nya.
Tulala silang lahat. Wala silang nagawa. Sa ibang babae malamang kinaladkad na nila
yun palabas. Hindi ba natatakot 'tong si aswang sa mga kasama nya? Nag-iisa lang
syang babae tapos lasing pa. Sabagay yung ibang babaeng dinadala nila dito
nagpapanggap ngang lasing kahit hindi naman lasing.

"Akin na yang beer mo kapalit nitong sa'kin." Inagaw nya yung beer ni Rich at
ininom.

"Hoy anong ginagawa mo?" nakita ko si Val na hawak yung cam nya tapos sinita sya ni
Tuck.

"Shhhh. Ebidensya lang 'to sa mga ginawa nya. For sure kasi bukas itatanggi nya yan
lahat. Kaya relax ka lang dyan. Hindi naman yan maghuhubad no!" tumatawang sabi ni
Val. "Lex, ano bang mga gusto mong gawin?" tanong nya habang nakavideo pa rin si
aswang.

Tumayo naman ang babaeng aswang na parang nag-iisip. Ano bang gusto nyang gawin? Eh
di magbasa ng libro. Maginarte at mambuwisit ng buhay!

"Gusto ko? Marami. Gusto kong umabsent sa school ng walang dahilan. Naabsent lang
kasi ako kapag may matindi akong sakit. Kaya gusto kong umabsent tapos nagsho-
shopping lang ako." Tawa sya ng tawa. Pwede naman syang umabsent kung gusto nya eh.

"Tapos gusto kong mapunta sa detention room. Never ko kasing naranasan yun since
nag-aral ako. Alam ko may ganun sa school natin kahit college na." umupo sya sa
table at humarap kina Val at Tuck. Yung mga ungas naman umupo sa harap nung aswang
habang tumatawa. Parang tuwang-tuwa sila sa ginagawa nung babaeng yun. Ganyan na ba
sila magenjoy?

"Ay alam nyo ba gusto ko ding bumagsak sa exam. Yung as in zero talaga. Ano kayang
pakiramdam nun? Maniniwala kaya yung mga teachers? Gusto kong picturan yung mukha
ng professor kapag nakita nila yung exam ko na zero." Tapos tumawa na naman sya ng
tumawa. Inistraight nya yung beer tapos inihagis na lang basta yung bote sa likuran
nya. Kanina pa yan nagbabasag eh. Akala mo naman sya yung maglilinis.

Hindi naman mapigilan nila Val ang tumawa. Inabutan naman ni Rich si aswang ng
bagong bukas na beer.
"Thank you Val, bakit may bling-bling ka na din like Rich?" confirmed. Lasing na
nga sya. Di na nya kilala si Rich at Val.

"As I was saying madami pa kong gustong gawin." Pumalakpak sya na parang may naisip
na idea kaya yung hawak nyang bote ng beer natapon sa table pero naitayo naman agad
ni Tuck.

"Gusto ko din yung ginawa nyong vandalism. Magaling ako sa art pero hindi ko alam
kung maapply ko yun sa wall. Siguro ang saya magspray nun tapos makikita mo yung
reaksyon ng makakakita. Yung galit nag alit." Ang weird ng mga gusto nyang gawin.

"Tsaka ang pinakagusto kong gawin yung suntukin sa mukha sina Zanea at Gene. Mga
walanghiya sila eh. Sila dahilan kung bakit ako galit sa mga lalaki ngayon! I hate
men you know. Kayo nga lang kaibigan kong lalaki eh." tumigil sya sa pagtawa at
biglang napaiyak. "Pero okay lang. Naging strong naman ako dahil sa ginawa nila eh.
Inom pa tayo!" inistraight nya lit yung beer. Itinigil na naman ni Val yung
pagvivideo dahil sa sinabi ng aswang na yun.

Tinuloy nila ang pag-inom. Sumasayaw din sila hanggang isa-isang nakatulog. Nauna
si Trav, hindi naman sya lasing pero nakatulog na sya. Si Val naman humiga na sa
table. Si Rich naman naghubad na tsaka humiga sa couch. Si Luke kasalukuyang
pinipilit ni aswang na sumayaw kasama nya kaya lang pikit na ang mokong.

"Ang lakas mo naman pala uminom para sa first timer Lex." Inakbayan ni Luke si
aswang. Mukhang may kalokohan 'tong gagawin ah. "Gusto mo ba si Zak?" aba't lokong
'to. Bakit ako nadamay?

"Ano?" natatawang tanong ng aswang.

"Kasi di ba hinalikan mo sya sa mall? Nakakainggit kaya." Inilapit ni Luke yung


mukha nya kay aswang. Mukhang may gagawin nga sya. Bumaba naman ako agad para
pigilan 'tong mokong na 'to. Alam ko galit ako sa aswang na 'to pero hindi dapat
sinasamantala ang pagkainosente nya.

"Bakit gusto mo ding halikan ka ng goon na yun? Don't tell me you're gay?" inilagay
din ng aswang yung dalawa nyang kamay sa balikat ni Luke. Flirt din ba sya?

"Hey, hindi ako gay. Want me to prove it to you?" humawak si Luke sa bewang ni
aswang. Mukhang nailang si aswang kaya bumitaw sya agad. "Come on."
Nakahawak ng bote ng beer si aswang at ipinukpok sa ulo ni Luke. "You perv!" dahil
sa sobrang kalasingan na din ni Luke natumba sya at diretso tulog. Habang
napapangiti ako sa nangyari kay Luke hindi ko napansin na nakita na pala ako ng
aswang.

"Hey, who are you?" ang ganda ng ngiti nya. Akala mo kung sinong anghel. "Can you
tell me where's the comfort room? I think I'm gonna throw up any moment from now."

Tumango lang ako at itinuro ko sa kanya. Hindi ako nagsasalita baka kasi mabosesan
ako. Hindi ko na sana sya hahawakan kaya lang binabangga nya yung tables at pader
naaawa ako - sa pader at tables hindi sa kanya.

Malapit na kami sa CR ng mapatigil sya. Paglapit ko sa kanya nakita namin si Tuck


making out with a girl.

"Excuse me. Gagamit ako ng comfort room. Pwede umalis kayo dyan?" dumaan sya sa
gitna nung dalawa. Mukhang badtrip yung babae.

"Who is she?" naiinis na tanong nung babaeng mukhang prosti.

"Girlfriend - " biglang napatingin sa'kin si Tuck. " - ni Zak." Lumapit sya sa'kin
tinap ako sa balikat. "Ikaw ng bahala. Aalis muna ko."

"Babe don't leave me here!" sumunod yung babae paglabas ni Tuck. Sabi na't hindi
sya nalalasing. Pero wala syang ginawa sa aswang na yun at tumawag pa talaga sya ng
ibang babae.

*Dug!

Nakalimutan ko na yung aswang. Nakarinig ako ng malakas na tunog mula sa CR.


Pagpasok na pagpasok ko nakita kong nakahiga na ang babaeng aswang. Dahan-dahan ko
syang iniupo. Maya-maya ayun nagsuka na nga.

"Umalish ka nga dita! Shi-shino ka ba? Ba - bakit kamukha mo yu-yung panget na goon
na yun?"
At yan ang nangyari kung bakit ako ang nagaasikaso sa aswang na 'to.

Nakahiga sya sa kama ngayon. Pinunasan ko na din sya kasi ang baho na nya at para
mahulasan din. Nung medyo malinis na sya kinumutan ko at hindi ko maiwasang
mapatingin sa mukha nya. Kung sa isang aswang sya na siguro yung pinakamaganda. Sa
aswang ha. Wag nyong bigyan ng ibang meaning. Parang ang bait nya pagtulog pero
kapag gising naman akala mo kung sinong halimaw.

Napatingin ako sa lips nya at naalala ko nung hinalikan nya ko. May kakaiba sa lips
nya na kapag naiisip ko hindi ako mapakali. Alam kong hindi na ulit mangyayari yun.

I won't kiss you ever again. Unless you want me to.

Yan yung last nyang sinabi. Wait, ibig sabihin ba kapag sinabi kong halikan nya ko
hahalikan nya ko?

Lumapit ako sa kanya at tinitigan ko yung mukha nya. Magkatabi nya yung mukha
namin. Zak ano bang ginagawa mo? Nababaliw ka na ba? Di ba nga galit ka na sa mga
babae?

Oo nga galit ako, pero sya din naman galit sa mga lalaki. We're perfect haters.

O sige na ako na ang kumakausap sa sarili ko. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko
dahil sa aswang na 'to?

Napatigil ako sandali. "Can you kiss me?" bulong ko sa kanya ng bigla syang
dumilat.

Inayos ko yung kumot nya kunyari at tumayo na ako at nagmadaling lumabas ng kwarto.
Ano ba kasi yung sinabi ko? Narinig kaya nya? Malamang kasi dumilat. Pero pwedeng
hindi din kasi lasing sya. Natandaan nya kaya? Tsk. Asar talo na naman sa kanya pag
nagkataon. Idedeny ko naman kung aasarin nya ko. Kapal nya ha. Tinesting ko lang
naman. Tsk! Bahala ka nga dyan aswang ka!

*********************************************
ALEXA'S POV

Aray ang sakit ng ulo ko. Parang pinupukpok ng isang dosenang duwende. Ano ba
kasing nangyari?

Pagdilat na pagdilat ko una kong nakita ang brown na ceiling. Pagtingin ko sa wall
may mga posters na nakadikit. Kelan ba nagkaron nito sa kwarto ko? Pag-ikot ng mata
ko nakakita ako ng bote ng beer.

Oh my golly! Napabalikwas ako ng magsink in sa utak ko na wala ako sa bahay. Ano


nga bang nangyari kagabi?

Dumating kami sa boxing gym? Nalaman ko na pub ang tawag nila sa gym dahil may mini
bar sa taas at may mga room at meron din entertainment room sa pinakataas. Tapos
naginuman sila habang nagbabaraha kami ni Trav. Tapos biglang umalis si Trav kaya
sabi ko magtruth or dare na lang kami. Then dinare nila ako na uminom at
pagkatapos?

Hala anong nangyari? Pinukpok ko ba si Luke ng bote? Parang may naalala akong
ganun. Pero bakit ko naman sya pupukpukin? Aray ang sakit ng ulo ko. Teka paano nga
pala ako napunta sa kwarto? Ang natatandaan ko nagpunta akong CR at parang nakita
ko si Tuck. Kung nakita ko si Tuck eh sino yung kasama ko sa CR na umaalalay
sa'kin? Kamukha sya nung goon na yun pero wala sya dito.

Bumangon ako at binuksan yung bintana. Mataas na yung sikat ng araw. Umaga na ata
kami natapos. Grabe first time kong uminom at hindi ko alam kung anong mga
pinaggagawa ko. Sana naman hindi nila ko pinagsamantalahan. Okay pa naman yung suot
ko. Mukhang hindi nagalaw tsaka wala namang masakit sa'kin.

Pero sino kaya yung nag-asikaso sa'kin. Medyo hindi ko nakita yung mukha nya pero
alam ko merong nagpunas sa'kin.

Can you kiss me?

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung maalala ko yung tanong na yun. Panaginip
lang ba yun? Hindi ko alam kung panaginip o hindi. Hindi ko matandaan kung kaninong
mukha yung nakita ko. Masyado kasing malapit at isa pa bigla din namang nawala.
"Ikaw na kasi."

"Ikaw mauna."

"Ayoko nga."

Narinig kong may nagbubulungan sa labas. Mukhang sina Val yun.

*Tok *tok

"LEx gising ka na ba?" narinig kong tanong ni Val.

"Pasok." Umupo ulit ako sa bed. Sila na lang tatanungin ko. Pipilitin ko silang
magsabi ng totoo.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto nagmadaling lumapit sila Val, Rich at Luke sabay
luhod sa harapan ko. Nakatayo lang naman sa likuran nila si Trav.

"What are you guys doing?" tanong ko habang nakahawak sa ulo kong sobrang sakit.

"Sorry sa nasabi ko kagabi sa'yo. Lasing kasi ako." Si Rich unang nagsalita. Akala
mo santa ako at nagpe-pray sya eh. "Kahit buhusan mo pa ko ng maraming beer ayos
lang."

Nanlaki yung mga mata ko. "What? Binuhusan kita ng beer?" nagpipigil ako ng tawa.
Hindi ko kasi matandaan kung bakit ko ginawa yun. "Well sige, bubuhusan kita
anytime na gusto ko pero hindi na ko iinom."

Niyakap nya ako. "Thank you talaga!" tapos tumayo sya at umupo sa tabihan ko. "O
paano tapos na ko."

Nagsisiskuhan pa sila Luke at Val kung sinong mauuna. Ano ba kasing ginagawa nila?
"Sorry Lex sa ginawa ko. Sorry kung sinubukan kitang halikan." Nakayukong sabi ni
Luke.
Biglang dumating si Tuck at tinap sa balikat si Trav. Parehas sila ngayong
nakasandal sa may pintuan. Binigyan nya lang ako ng small smile at nagwave lang ako
sa kanya bago bumalik kay Luke.

"Sinubukan mo kong halikan? So ikaw yung nagtanong sa'kin nung nandito na ako if I
can kiss you?" mukhang nagulat silang lahat sa sinabi ko.

"No! Nandun pa tayo sa labas nun at hindi kita tinanong. Pero hindi naman kita
nahalikan, believe me. Bago ko pa kasi magawa eh pinukpok mo na ko ng bote sa ulo."
Nahihiyang sabi ni Luke.

Lahat naman kami nagtawanan nung sinabi nya yun. Hindi ako makapaniwalang ginawa ko
yun sa kanya. Ibig sabihin pala hindi panaginip yung naalala ko. Totoo pala syang
nangyari.

"Please patawarin mo na ko." He begged.

"So magpapapukpok ka din sa'kin ng bote kahit ilang beses?" yung itsura nya parang
nagulat na malungkot. "Just kidding. Pero wag mo ng gagawin ulit yun dahil next
time hindi na bote ng beer ang ipupukpok ko sa'yo."

Nagtawanan ulit kami. Tumayo sya at yumakap sa'kin. "Thanks Lex." Umupo sya sa
tabihan ni Rich at nagappear sila.

"So ikaw ano namang ginawa mo sa'kin?" nagtinginan silang lahat kay Val habang
kinukuha nya yung cellphone nya.

"Kinuhanan kasi kita ng video."

Tumingin ako sa kanila na may video-of-what-look.

"Oh my gawd, anong ginawa ko? Please tell me hindi ako gumawa ng show!" kinakabahan
ako baka kasi kung anong kakahihiyan yung ginawa ko.

"That was entertaining Lex." Natatawang sabi ni Trav.


Kinuha ko agad yung phone nya at pinlay ang video.

After kong mapanood yung video natawa ako sa sarili ko at nagtawanan kami. Yun
talaga yung mga gusto kong gawin pero hindi ko magawa at talaga nairecord nila.
Ngayon alam na din nila yung mga gusto kong gawin.

" Please Val wag mong iuupload yan sa youtube or fb kung ayaw mong gerahin ka ni
Jezhi." Ibinalik ko na sa kanya yung phone.

"Sure." Umupo na din sya sa tabi ko. "So ilalakad mo ako sa kanya?"

Binatukan ko lang ng malakas si Val at nagtawanan silang lahat.

"Wag nga kayong magulo ang sakit ng ulo ko. Ano bang ginawa nyo sa'kin? Baka naman
iniuntog nyo ko sa bowl kagabi dahil sa mga ginawa ko sa inyo ha!" tumahimik sila
nung sinabi ko yun. "Bakit? Don't tell me ginawa nyo nga?"

At bigla ulit silang nagtawanan. "Hang over ang tawag dyan lady ghost." Sabi ni
Rich habang ginugulo yung buhok ko.

"Stop it Rich! Ang sakit na nga ng ulo ko di ba?" at umakbay pa nga si Val sa'kin.

"Wow buti hindi mo na kami napagpalit dalawa. Mas gwapo kaya ako dyan kay Rich."
Sabi ni Val.

Pinagpalit ko daw sila? Ng ano? Paano? Ang weird talaga ng mga 'to. Halos ilang
oras ko din silang kasama at mabuti naman wala silang ginawa sa'kin. Yun nga lang
ako ang may ginawa sa kanila.

"Ehem!" napatingin kami lahat sa may pintuan.

My jaw dropped ng makita ko kung sinong nakatayo dun. Si goon.


"Nandun na yun breakfast, baka gusto nyong kumain." Hindi sya makatingin sa'kin.
Nakita kong nagkatinginan lang si Trav at Tuck bago lumabas.

Nagunahan naman sila Val, Luke at Rich palabas ng kwarto. Mga gutom na daw kasi
sila. Naiwan ako at si goon.

Tumayo ako para lumabas pero ewan ko bakit ako nahihiya.

"O - okay ka na ba?" narinig kong tanong ni goon pero hindi naman sya sa'kin
nakatingin.

"A - ako ba ang tinatanong mo?" nahihiya kong tanong.

"Tss. Wala. Bumaba ka na dun at kumain ka na!" tumalikod sya at sumunod naman ako.

Gusto ko sanang itanong kung kelan pa sya dumating. Kung kamukha nya lang ba yung
nag-asikaso sa'kin o sya talaga yun. At kung sya ba yung nagtanong ng Can you kiss
me?

Umiling ako bigla. For sure hindi, kasi sya nga nagsabi na wag ko na syang
hahalikan ulit di ba?

"Lex are you okay? Bakit ka nailing?" tanong ni Luke.

"I'm fine. Masakit lang talaga yung ulo ko." Napatigil ako sa pagkain at tumingin
kay Luke. "Are you sure hindi mo ko tinanong kung pwede kitang halikan? Kasi alam
ko talaga may nagtanong sa'kin. Sabi nya pa nga Can you kiss me?"

Bigla namang parang nasamid si Tuck kaya binigyan ko sya ng weird look.

"Ah baka naman - " sinubuan bigla ni Rich ng malaking hotdog si Luke para hindi
makapagsalita.

"Wag ka ng magsalita kung hindi ikaw yun. Nananaginip lang yan si Lex. Baka kasi
gustong mahalikan." Pagbibiro ni Rich.

"No way!" tapos kumain na ako ulit at napatingin kay goon kaso di sinasadya na
nagkatinginan kami. Umiwas ako agad.

Bakit ko ba sya tiningnan? Teka bakit din sya tumingin sa'kin? Ugh! Ang weird
talaga ng mga nangyari.

*******************************************
12

*******************************************
A/N

Guys please don't just vote, might as well leave a comment. I need your comments
guys, if not you'll be seeing a lot ng author's note on the next chapters. :) And
as you can see I always update as much as possible 'cause I'm so excited for all
the revelations and twist whatsoever so please cooperate with me. Haha. Thank you.

You are all amazing! ^^

*megladiolus (mela)

************************************************************

ALEXA'S POV

"Wag ka na kasing magadvance class please sis I'm begging you. Tanggihan mo na yung
offer sa'yo kasi naman dadami lang ang gagawin mo." Parang ewan 'tong si Jezhi.
Gusto nyang wag akong magadvance class. Alam nyo ba kung bakit?

"Kasi naman ang hirap kapag wala ka. Tulad ngayon, di ko masagutan 'tong assignment
na 'to." Iniabot nya sa'kin yung assignment. See. Ang bait ng bestfriend ko no?
Kailangan lang ako dahil wala syang maisagot sa assignments nya.

"Alam mo Jezhi kelangan matuto kang magsagot para sa sarili mo. Dati ko pa kasi yan
sinasabi sa'yo. Magaling ka naman, masyado ka lang lazy." I rolled my eyes as I
grabbed her assignment.

"Promise tulungan mo lang ako dito ako mag-aaral na kong mabuti para makapagadvance
class din ako para magkasama na tayo ulit." Napatigil sya ng binigyan ko sya ng
isang killer eyes. Yun din kasi yung gusto nya. Mag-aral ng mabuti para magkasama
ulit kami and ayun mangongopya na naman sya.
I folded my arms over my chest.

"Please. Last na talaga 'to." She begged.

Tiningnan ko yung oras. "You're lucky I still have thirty minutes before my next
class. Masasagutan ko pa 'to."

"Thank you sis you're the best!" umupo kami sa bench at nagsagot na ko ng
assignment nya habang sya eh nakikipagtext. Madali lang naman 'to ewan ko kung
bakit nahihirapan 'tong si Jezhi. Sa dami ng kakatamaran studies nya pa. Lagi nyang
sinasabi sa'kin na mataas daw ang expectations ng parents nya sa kanya pero ayaw
daw nya ng pressure kaya nagpapa-easy-easy lang sya. I wish I'm like her.

"O heto na." Iniabot ko sa kanya.

"You're a genius Alexa. I'm so happy you're my bestfriend." At niyakap na naman nya
ko.

"Whatever Jezhi." Kumalas ako sa pagkakayakap nya. Tumingin ako sa watch ko at 10


minutes ko lang sinagutan yung homework nya. Not bad. "So aalis na ko. Ayokong
malate sa klase ko."

"So miss perfect is here." A familiar voice hit my eardrums! Tss. Alam ko na kung
sino yun.

"Oh Zanea, you're still alive?" then I smirked.

"What was that supposed to mean?" medyo naasar sya sa sinabi ko. Nakakatawa ang
itsura nya.

"That's a joke. Don't you get it. Oh never mind." Nagwave ako as a sign of forget
it thing and I faced Jezhi.

"Where's your terror goon boyfriend? I can't believe you'll end up with a guy like
him after Gene."
"Babe stop it."

"Why? I'm just telling the truth."

Medyo nagpanting yung tenga ko sa sinabi ng bruhang 'to. Ano bang gusto nya? Bakit
hindi nya ba ko kayang tigilan? Ayaw nya ba talagang magpatalo. Humarap ako sa
kanya then I smiled.

"For your information Zak is not a goon and he is not terror. He's the perfect
boyfriend ever. Compared to your Gene - " tiningnan ko si Gene from head to foot. "
- Zak is much better. I mean come on, if you think your boyfriend's hot well sorry,
Zak is way way hotter than anyone else here. I mean 8 packs, toned chest and arms.
Wooooooo. A body to die for." Then I rolled my eyes and wave a little then turned
my eyes on Jezhi who is now totally shocked. Hindi ko din alam bakit ko yun sinabi
pero hindi ako papayag sa mga sinabi nitong bruha na 'to.

Humarap ulit ako kay Zanea na parang nag-iisip ng sasabihin. "Oh Gene, is that your
tummy?" pointing to his tummy. "You're getting bigger and bigger." Tumawa ako ng
mahina. Para namang nahiya si Gene dahil sya ang nakita ko sa buong conversation.
Tinakpan din nya ng books yung tyan nya.

"Kahit ganyan si Gene minahal mo din naman sya yun nga lang ako ang mahal nya."
Geez, ano na namang point nitong babaeng 'to.

"Zanea my dear that was long time ago. And believe me I am so happy I didn't end up
with Gene or else I won't be the miss perfect everyone's dreaming of. I'm happy
with Zak. We're perfect for each other. He's hot, popular and oh did I mention he's
also a genius and yet he's not wearing any eyeglasses like your boyfriend Gene."
Okay that's too much. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga sinabi ko and
that's out of bound but who cares. Sinimulan nya eh di tatapusin ko lang.

Kita ko sa mukha ni Zanea na nainis sya. Parang natalo kahit wala namang contest.
Hahahahaha. Oo, tawang kontrabida yan. I'm happy.

"Tanggalin mo nga kasi yan! Magcontact lens ka na nga lang!" kinuha ni Zanea yung
eyeglass ni Gene. "At isa pa maggym ka nga! Ang taba mo na! Gusto kong makita ang
improvement within a month or else I'm breaking up with you." Humarap sya sa'kin.
"And you, hindi pa ko tapos sa'yo." Tumalikod sya at naunang maglakad kay Gene.
"Whatever Zanea, give me a ring some time if you want." Nagwave pa ko sa kanya with
a huge smile on my face.

"Nagbago ka na nga talaga." Sabi ni Gene habang nakatingin sa'kin ng seryoso.

"Yes and thanks to you!" with sarcasm of course. Talaga namang kasalanan nilang
dalawa yun eh. Pero sobrang thankful ako sa kanila dahil hindi ako ganito ngayon
kung hindi nila ko nasaktan.

Masyadong mahaba yung conversation na yun. May klase pa ko. Haharap sana ko kay
Jezhi ng mabangga ko ang isang muscular wall. Geez, sino 'to?

O.O Holly golly. Anong ginagawa ni goon dito? Kanina pa ba sya? Oh my, narinig ba
nya yung mga sinabi ko? What am I gonna do? Hinanap agad ng mata ko si Jezhi.
Tiningnan ko sya with please-help-me-look pero nagwave lang sya at nagmadaling
tumakbo papalayo. Great Jezhi, thanks ha. After kong sagutan ang assignment mo
iiwanan mo ko dito. Sa ganitong situation pa.

Tumingin ako sa goon at parang nahihiya yung itsura nya. Hindi sya makatingin
sa'kin ng diretso. He's weird again.

"So, kanina ka pa ba dyan?" kailangan kong malaman di ba?

Humawak sya sa may batok nya bago magsalita. Parang hindi sya na naman. "Medyo.
Naglalakad kasi ako dun sa hallway tapos parang narinig ko yung name ko at nakita
kita at yung bakla at bakulaw na yun so akala ko kailangan mo ng tulong pero sa mga
nakita at narinig ko kaya mo na pala at nagulat din ako at natawa dahil sa itsura
nila - " tinakpan ko ng kamay ko yung bibig nya.

"Do you ever shut up? Isa lang yung tanong ko ang dami mo ng sinabi. May sakit ka
ba?" naramdaman kong nagsmirk sya under my hand kaya tinanggal ko na yung kamay ko.
"So narinig mo lahat?"

Tumango lang sya at ngumiti. "Pero hindi ko narinig lahat."

"Okay. So hindi yun tulad ng iniisip mo. Sinabi ko lang naman yun para mainis si
Zanea." Ugh, bakit ba ko nageexplain at parang natutuwa pa yung reaction nya.
"I was just shocked. I didn't know you check me out and no idea when." Wala akong
masabi. Narinig nya nga lahat.

"No! Inimbento ko lang yun lahat. Ugh!" tumalikod ako at naglakad ng mabilis.

Narinig kong tumawa sya. Grabe ang inet ng mukha ko. Hindi naman siguro ako
nagblush dahil sa kahihiyan. Bakit ba lagi na lang akong napapahiya kapag nasa
malapit sya. Nakakainis. Naglalakad ako ng mabilis ng maramdaman kong nasa likuran
ko sya kaya tumigil ako at tumingin sa kanya.

"Sinusundan mo ba ko?"

"You wish! I'm way hotter than any other guys here tapos ikaw ang susundan ko?"
tapos tumawa sya na nagpainis sa'kin. Kelangan ba ulitin nya pa yung sinabi ko.

"I hate you!" tumalikod ako at naglakad ng mas mabilis. Sobra nya talaga kong
pinagti-tripan. Makahanap lang ako ng pambawi ng pang-aasar sa kanya patay sya
sa'kin. Hindi ko din sya titigilan.

Ilang minutes na lang eh late na ko kaya mabilis kong binuksan yung pintuan ng room
and guess what, sabay kaming pumasok ni goon pero dahil hindi masyadong bukas yung
pintuan hindi kami nagkasya.

"Iniinis mo ba ko? Bakit nandito ka?!" bulong ko sa kanya.

"Dahil dito yung klase ko witch!" sinabi nya yun na nakangiti. I think this is the
other goon and not the monster one. Meron talaga syang twin brother I can sense it.
And oh, did he just say witch instead of b*tch? So not really him. I need to find
who this person is before he gets into my nerve. I mean he's getting into my nerve
already. Ugh!

Nauna syang pumasok sa loob at umupo sa may likuran. Iniscan muna ng mata ko ang
buong room para maghanap ng ibang vacant seat pero yung nasa tabihan lang ni goon
ang vacant.

"Miss Andrade, don't just stand there. Go find your seat." Medyo galit ata yung
prof namin kaya naman umupo na ko agad sa tabi ng goon. Hindi ko na lang sya
papansinin para tapos na ang lahat. Okay, hindi ako titingin sa kanya at hindi ko
sya kakausapin. I can do this. Besides wala naman kaming pag-uusapan. Right, wala
talaga kaming pag-uusapan. Oo, at bakit ko naman sya gugustuhing kausapin sya di
ba? I mean hello, mang-aasar lang sya at puro nonsense lang naman ang pag-uusapan
namin.

"Stop staring at me. I know I'm hot."

I snapped back out of my thought. Hindi ko napansin na nakatitig pala ko sa goon na


yun. What the hell is wrong with? Crap! Oh wait, I swore? I never swore but now I
did. Kelangan ko atang pumuntang clinic.

"So you need to work with your groupmates for that project. I need that Wednesday
next week on my table. That'll be 50% of your midterm grade." Sabi nung professor
namin. Ano bang project yung sinasabi nya.

Tumaas ako ng kamay para magtanong.

"Yes Miss Andrade."

Tumayo ako. "I was absent last meeting so I'm wondering what group I belong."

Ang reaction lang ng professor namin ay parang 'ow'. May kinuha syang papel sa
table nya at iniabot nya sa'kin.

"You'll be working with Mr. Maliff."

"What?" sabay naming sabi ni goon.

"But I thought it's a group activity." There's no way na papayag akong makasama ang
goon na 'to sa project na 'to. Over my dead sexy gorgeous body.

"Yes. But you two are our top students. You could do better than any other group,
just the two of you."

I was about to say something when our professor cut me off.


"That's final. No buts. Do it or drop this subject. Oh, I forgot, there's no
dropping of subject during midterm period. Hurray! So you two don't have any other
choice." Tumalikod sya na parang excited at bumalik sa unahan.

Umupo na ako na parang shocked pa din. "Okay. I don't have any other choice."
Bulong ko habang hawak yung papel na iniabot ng professor. Humarap ako kay goon na
parang walang pakialam sa nangyari. "You don't know anything about this right? The
partner thing about this project?"

Umiling lang sya at nagsmirk. So ayaw nya din na maging partners kami but we don't
have any other choice. Bakit ba kasi umabsent pa ako last time? Ano na lang
mangyayari sa wag kakausapin thing at over my dead sexy gorgeous body? Kill me now
please! No, you can't kill me kundi tapos agad 'tong story na 'to.

*************************************

LUKE'S POV

"Ikaw sa first half ako sa last."

"Hoy ang kapal mo. Malay ko ba kung anong gagawin mo dyan. Hindi pwedeng ganun ang
hatian."

"Hindi din naman pwedeng sabay tayong gagawa."

"Brilliant idea."

"Not a brilliant idea goon."

"Do you have any other suggestion witch?"

"Do you have any?"


Kanina pa nagtatalo ang dalawang yan. Nandito kami sa tambayan sa likod ng gym.
Ako, si Val, Rich,Trav, Zak at Lex. Kanina pa din namin sila pinapanood dalawa
dahil simula ng dumating sila dito eh nagtatalo na sila about dun sa hawak nilang
papel na yun.

"Tingin ko magkakatuluyan yang dalawa." Bulong ni Val. Nasa ilalim kami ng puno
lahat. Nakahiga si Trav habang ako eh nakasandal sa puno katabi ni Val. Katapat
naman namin si Rich. Sa kabilag side naman nakaupo sila Lex at Zak.

"I don't think so. Tingnan mo nga para silang aso't pusa. I mean palagi silang
aso't pusa." Sagot ko habang pinapanood yung dalawa. Pero nakakatawa talaga sila. I
mean natatagalan ni Lex kausapin si Zak. Sabagay, kakaiba naman talaga si Lex. Ang
ibang babae kasi makikipagflirt kay Zak pero kapag naramdaman nilang hindi sila
welcome umaalis na sila. Paano tingin palang ni Zak nakakamatay na. Kahit nga kami
minsan ayaw syang kausapin kapag may topak. Ayaw naming masira ang mga mukha namin
no.

"PEro tingnan mo si Zak parang natututwa sya kapag naasar si Lex." Puna ni Rich
habang kumakain ng apple.

Kahit naman kami natutuwa kapag inaasar namin si Lex. Namumula kasi ang buong mukha
nya at kumukunot yung kilay. Hindi maarte kahit maganda sya. Walang pakialam kung
panget o maganda sya sa harapan namin. Hindi ko alam kung dahil confident sya na
maganda na sya o talagang wala syang pakialam kung maganda sya o panget sa harapan
ng nagga-gwapuhang lalaki.

"Bakit kaya hindi natin sya tulungan?" nakita kong hawak ni Val ang cellphone nya
at pinapanood ang video ni Lex last Friday night.

"Tulungang ano?" biglang sumulpot si Tuck. Tamang batian lang nung hand shake namin
at umupo sa tabi ni Trav.

"Gawin 'tong mga sinabi nya. She's miss perfect pero di ba ang boring naman ng
buhay nya kung di nya magagawa 'tong mga 'to?" parang trip naming lahat yung
suggestion ni Val.

"Pero syempre hindi natin sasabihin sa kanya. Alam naman nating hindi sya papayag."
Nakuha ni Rich yung nasa isip ko.

"HINDI NGA PWEDE! AYOKO!!" nagulat kami sa sigaw ni Lex.


"EH DI WAG MO!! GUMAWA KA NG SA'YO!! GAGAWA AKO NG SA'KIN!!!" tumayo si Zak.

"HOY HINDI PWEDE YUN! HINDI MO BA NASABA YUNG DIRECTIONS?" tumayo din si Lex at
sinundan si Zak.

"EH LAHAT NAMAN NG SINABI KO SA'YO EH HINDI PWEDE!!!"

"IKAW DIN NAMAN!! LAHAT NG SINABI KO AYAW MO!!!"

Hanggang makalayo sila nagtatalo pa din.

"Di ko alam bakit kinakausap pa din sya ni Zak. Knowing Zak - " umupo si Trav at
nagulat kami ng magsalita sya.

"Speaking of Zak, hindi namin napansing dumating sya last Friday." Sabi ko sa
kanila.

"I was making out with Yvonne ng makita ko sila ni Lex. Nagulat nga ako kasi
mukhang inaalalayan nya si lucky girl."

"Hindi nya pinasabing dumating na sya. Masyado daw kasi kayong nageenjoy, pero
nandun sya sa taas pinapanood tayo. Mukhang gulat na gulat nga sya. Alam nyo na,
hindi kasi kayo nagsama ng ibang babae." Explain ni Trav.

"Wait a minute. Kung nandun si Zak posible bang sya yung sinasabi ni Lex? Yung
gusto syang halikan?" naisip ko lang bigla kasi ako yung pinaghihinalaan ni Lex na
nagtanong sa kanya. Sino ba namang ayaw syang halikan? Kung ibang babae nga lang
yun baka hindi lang halik ang ginawa ko dun pero dahil iba nga sya hindi namin
pwedeng gawin. Babae ang laging unang dumadamoves sa'min at hindi kami.

"Ewan, kasi ako nakatulog na." sabi ni Val.

"Ang naaalala ko kasi tulog si Trav, Val at Rich tapos wala si Tuck. Kami ni Lex
ang nagsasayaw bago nya ko pukpukin ng bote. Kung nasa taas si Zak at nakita sya ni
Tuck meaning sya nga ang nagasikaso kay Lex." Napapalakpak ako sa nasabi ko.

"I told ya magkakatuluyan sila." Ulit pa ni Val.

"Bakit hindi natin pagpustahan yan? Pero syempre dapat tayo lang ang makakaalam
para realistic." Suggestion ko.

"Wag nyo kong isali dyan." Sabi ni Trav na humiga ulit sa damuhan. Tiningnan ko si
Tuck pero umiling din sya. Tumingin ako kay Rich pero binato nya lang ako ng
pinagkainan nya ng apple.

"So I guess it's you and me Val." Nagshake hands kami ni Val.

"Kapag naging sila anong prize?" tanong ko kay Val habang naglalaro sya ng
cellphone nya.

"Ang baby Lamborghini Reventon mo!" sa pagbibigay ni Val ng prize parang alam nyang
sya ang mananalo.

"No way! Hinding-hindi ang baby lambor ko!" nag-isip ako ng magandang ipupusta pero
wala akong maisip. "How about your girlfriend?"

"Ulul! Wala kong girlfriend!" nabatukan pa nga ako. Wala kasi talaga kong maisip
eh.

"Kayong dalawa kung magpupustahan kayo siguraduhin nyong hindi kayo magkakagusto
kay Lex. Dahil pag nagkataon baka hindi sila ni Zak ang magkatuluyan kundi isa sa
inyo." Banat ni Rich. Seryoso yung mukha nya pero di naman namin gets kung anong
gusto nyang sabihin. "At ang magandang pusta eh isang bakasyon na maraming
chikababes."

"Maganda yan!" basta talaga babae ang bilis ng tenga nitong si Tuck.

"Yun lang ba? Sige call ako dyan!" nagshakehands kami ni Val bilang pagtanggap sa
deal. Kilala ko na si Zak simula mga bata pa kami. Kaming lahat actually
magkababata. Medyo nahiwalay lang si Zak sa'min ng ilang taon dahil sa family issue
pero nakabalik din naman sya. At sa pagkakakilala ko kay Zak hinding-hindi sya
basta-basta nagkakagusto sa babae lalo na after ng nangyari sa kanila ni Natalia.
Pero after ng break up nilang dalawa, wala na ulit kaming nakitang babae na kasama
nya. May mga sumusulpot pero binabastos nya hanggang kusang umalis. Kahit na
nagiging close na sila ni Lex alam kong hindi pa din sila magkakagusto sa isa't
isa. Si Lex kasi galit sa lalaki at si Zak naman galit sa babae.

Sh*T! Posible kaya? Teka baka matalo ako sa pustahan ah. Pero hindi, alam kong
malabo talaga yun. Kaya nga hindi pumusta 'tong sila Tuck kasi alam din nila. Teka,
alam nilang ano? Don't tell me naguguluhan din sila. Tss. Dapat makagawa ng paraan
para hindi sila magkagustuhan. Pero paano kung si Lex na yung makakapagpabago kay
Zak. ANo ba 'tong pinasok ko. Ang hirap naman. Buti na lang hindi baby Lamborghini
ko ang ipinusta ko dito kundi iyak ako nito malamang.

*******************************************
13

*******************************************
Yaix! Perfect Haters just reached 10,000+ reads. \(^^)/ Thank you so much guys! You
are all amazing. Please share this story to others and don't forget to leave
comments. And please like the first and official page of Perfect Haters. Click the
external link ------------------->

You guys rock!

**********************************

ZANEA'S POV

Hindi ako papayag na maging masaya si Alexa. Lahat ng makakapagpasaya sa kanya


kukunin ko. Sya ang may kasalanan kung bakit nawala ang baby ko, ang baby namin ni
Gene.

*FLASHBACK*

*SLAP

"Pasalamat ka buntis ka. Dahil kung hindi, hindi lang sampal ang ibibigay ko sa'yo!
Akala ko kaibigan kita yun pala isa kang slut!" okay lang yung sampal at mga sinabi
ni Alexa sa'kin dahil yun naman ang totoo.

Tinulak ako ni Alexa papalapit kay Gene. "Magsama kayo, parehas kayong makakati.
Mga manloloko!" pero pinigilan sya ni Gene. Masakit para sa'kin na makita yun dahil
alam kong mahal naman talaga ni Gene si Alexa pero anong magagawa ko? Ako ang
nagtulay sa kanilang dalawa at hindi ko inaasahang magkakagusto ako kay Gene. Hindi
ko intensyon yun.

"Bitawan mo ako! Nakakadiri kayong dalawa!" tumalikod si Alexa at iniwanan kami ni


Gene. Akala ko okay na lahat pero hindi pa pala.

"Sige! Papanagutan ko si Zanea if that's what you want me to do! Pero hindi ibig
sabihin nun mahal ko sya!" Para akong sinaksak ng paulit-ulit ng marinig kong
sinabi yan ni Gene.

Tumakbo si Alexa papalayo pero ilang minuto lang eh hinabol sya ni Gene.

"Gene no!" pagpigil ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako na parang may
pagmamakaawa sa mga mata nya.

"I'm sorry Zanea." Tsaka sya tumakbo sa direksyong pinuntahan ni Alexa.

Gusto ko na lang mamatay nung gabi na yun. Yung gabing niloko at sinaktan ko ang
sarili kong bestfriend kasabay ng pagiwan sa'kin ng taong mahal ko. Pakiramdam ko
mag-isa na lang ako at ayaw sa'kin ng lahat. Alam kong walang mangyayari kung
tatayo lang ako dito kaya tumakbo din ako para sundan ko si Gene.

"Gene! Gene!" sigaw ko habang natakbo. Nakikita ko syang tumatakbo at sinusundan ko


lang sya. Malayo ang distance ni Alexa sa'min kaya binibilisan ni Gene ang
pagtakbo.

Hindi sya tumitigil at ganun din ako pero ng makarating kami sa may crossing
biglang nagred light kaya napilitan syang tumigil. Naabutan ko syang nakatayo.

"Please Gene." Naiyak na ko para lang wag nyang sundan si Alexa. "I need you. We
need you." Napahawak ako sa puson ko. Nakaramdam ako ng sobrang sakit. Pagtingin ko
sa binti ko may dugo.

"Look Zanea, hayaan mo muna ako. I need to explain everything to Ale - " napatigil
sya ng makita nya ang dugo sa binti ko. "Anong nangyayari?"

"My baby. My baby!" umiyak ako ng umiyak at nawalan ng malay.


Nagising ako nasa hospital na ko. Bumangon ako agad at nakita ko si Gene.

"Anong nangyari sa baby? Safe sya di ba? Napagod lang ako di ba?" biglang umiyak si
Gene at niyakap ako ng mahigpit.

"Maselan daw yung pagbubuntis mo at dahil sa pagtakbo mo ng malayo nalaglag ang


baby natin. I'm sorry. I should've listened to you Zanea." Pinagsusuntok ko si Gene
sa dibdib. Kasalanan nya kung bakit wala na kaming baby. Hindi, kasalanan 'to ni
Alexa. Matagal na kaming magkaibigan pero lahat kinuha nya sa'kin. Tanggap ko na
sya ang apple of the eye ng lahat. Pero hindi ko sya mapapatawad sa pagkawala ng
baby ko.

"Iiwan mo na ko ngayon dahil wala na ang baby? Subukan mo lang Gene. Hindi ko kayo
hahayaang maging masaya ni Alexa. Kapag iniwan mo ko magpapakamatay ako. Ngayon
pang wala na kong baby. Kokonsensyahin ko kayo ni Alexa hanggang mamatay kayo!
Hindi ako papayag na maging masaya sya! Na maging masaya kayo!!!" ibinato ko ang
vase sa table na ikinagulat ni Gene.

"Hindi. Hindi kita iiwan."

*END OF FLASHBACK*

***********************

Kaya hanggang ngayon magkasama pa din kami ni Gene. Marami ng nagbago pero
natutunan na din nya kong mahalin at tuwing nakikita kong hindi pa ulit nagmamahal
si Alexa masaya ako dahil simula ng nawala ang baby ko hindi na din ako sumaya
kahit na kasama ko pa si Gene.

"You're here. I've been looking for you." Nahanap ako ni Gene dito sa may tapat ng
library. "What do you want me to do?" Niyakap nya ko.

"Nothing. Tinotopak lang ako. Pero seryoso ako dun sa sinabi kong maggym ka or else
ipagpapalit kita kay Zak." Natawa si Gene sa sinabi ko.

"You're not serious I know. Lagi mo na lang sinasabi na ipagpapalit mo ko sa mga


nagiging boyfriend ni Alexa but still nandito ka sa'kin." Tiningnan ko sya ng
masama na nagpatigil sa pag ngiti nya.

"Don't dare me Gene. You know I'll do anything para hindi maging masaya si Alexa!"
tumayo ako at kinuha ko ang mga gamit ko. Hindi ko na masyadong naoobserbahan yung
babaeng yun simula ng magadvance class sya. Hindi ko na tuloy alam kung anong mga
dapat kong gawin.

"Babe, I'm sorry okay! Hayaan mo na sana si Alexang sumaya!" napagitil ako sa
sinabi ni Gene. Humarap ako sa kanya at binato ko sya ng mga dala kong gamit tsaka
ako lumapit sa kanya.

"How could you say that!" Sinuntok ko sya at hinahayaan nya lang ako. "Nawalan tayo
ng baby pero sya pa din ang iniisip mo!! Sya pa din ang mahal mo all this time!! I
feel sorry for you Gene dahil hindi ka na mahal ni Alexa!!!" dinampot ko yung mga
gamit ko.

"Hindi yan totoo alam mo yan. Ikaw na ang mahal ko ngayon at hindi na sya. Pero
hindi tayo sasaya kung palagi mong iniisip maghiganti. Sino ba talaga ang ayaw mong
sumaya? Si Alexa o ang sarili mo? Kahit ipagtabuyan mo ko hindi ako aalis."
Napatigil ako sa sinabi ni Gene. Tinulungan nya kong damputin ang iba kong gamit at
hindi nagsasalita.

Napaisip ako sa sinabi ni Gene pero anong magagawa ko? ANg tagal kong nagtiis at
nahirapan habang sya masaya lagi. Hindi nya alam kung anong mga pinagdaanan ko.
She's miss perfect habang ako ano? Wala, hindi ako napapansin ng kahit na sino. Si
Gene, si Gene lang ang meron ako at ayoko syang mawala. Lumapit ako sa kanya at
niyakap ko sya ng mahigpit.

"I'm sorry babe."

******************************

ALEXA'S POV

"Kaya naman natin 'tong tapusin agad kaya gawin na natin okay?" halos maghapon na
naming pinagtalunan ng goon na 'to yung project namin. Ayaw naman namin na isa na
lang sa'min ang gagawa.
"Eh di gawin na matigil ka lang!" naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot.
Relax na relax lang 'tong goon na 'to. Parang sobrang dali lang sa kanya mag-aral.

"So saan tayo gagawa?" tumigil ako at humarap sa kanya. "My place na lang para mas
safe."

"Tss. Mas safe sa place ko no. Mamaya maraming aswang sa inyo ipakain mo pa ko."
Nilagpasan nya lang ako at nagdiretso ng lakad.

*Booog

Hinampas ko sya ng libro sa likod.

"ANO BA!!" parang yun lang nasaktan na agad sya.

"Hoy ang kapal naman ng mukha mo para sabihin na maraming aswang sa'min. Wala
kaming lahing aswang. At ayoko sa place mo dahil baka nagbebenta ka ng mga
magagandang babae. Sa itsura mo pa lang hindi ka na mapagkakatiwalaan!!" then I
rolled my eyes.

"Ikaw na nagsabi magagandang babae lang ang ibinebenta ko at hindi ka kasali dun.
Ayokong masira sa mga customers ko."

Napatigil ako sa sinabi nya at napalayo sa kanya. So totoo palang nagbebenta sya ng
mga babae. Napansin nya atang bigla akong natakot kaya dahan-dahan syang nalapit
sa'kin pero naatras ako.

"W - wag kang lalapit. Ta - tawag ako ng pulis!" I stammered.

"Kasabwat din namin ang mga pulis. Paano na ngayon yan?" mas lumapit sya sa'kin
hanggang mapasandal ako sa kotse ko.

Hindi ako makapagsalita. Para akong mahihimatay. Nanghihina yung mga tuhod ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I was about to open my mouth pero bigla syang
tumawa.
"Nakakatawa yang itsura mo. Hindi ko alam na marunong ka din palang matakot." Tapos
ginulo nya ang buhok ko habang naglakad palayo.

Tumawa ba sya? Parang ngayon ko lang syang nakitang tumawa, yung totoong tawa.
Parang nawala yung pagiging nakakatakot nya. Pakiramdam ko bigla parang safe sya
ngayon unlike dati. Ginulo pa nga nya yung buhok ko eh.

Habang nag-iisip ako binuksan ko na yung kotse ko at inihagis yung mga gamit ko sa
loob.

"Saan nga tayo ulit gagawa?" nagulat na ako ng marinig kong biglang nagsalita si
goon. Ang bilis nya, nasa likuran ko na sya agad.

"Sa place ko kaya lang may dadaanan pa kasi ako. Itetext na lang kita kapag nasa
bahay na ko. Pumunta ka na lang dun."

"Wag mo na kong itext." Sabi nya at pumunta sa kabilang side ng kotse. "Sasamahan
na kita." At binuksan ang door ng kotse.

"What are you doing?" tinaasan ko sya ng kilay bago sya pumasok sa loob ng kotse ko
pero dinedma na lang nya. Pumasok na din ako sa loob at tiningnan ko sya. "You're
not coming with me so please lumabas ka na." in my moderate voice.

Hindi sya makatingin sa'kin ng diretso at napahawak pa sya sa back of his neck.
"Flat kasi yung motor ko. Kung hindi mo ko isasabay eh di ikaw na lang ang gumawa
nyang project na yan!!" nagulat ako sa pagsigaw nya at medyo napaatras ako.

"Okay fine. Hindi mo naman kelangang sumigaw no! Ang ganda-ganda ng tanong ko sa'yo
tapos sisigawan mo ko!!" hindi ko na sya ulit pinansin at pinaandar ko na yung
kotse. Hindi din naman sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa labas na parang
malalim yung iniisip. Ewan ko kung anong iniisip nya pero wala akong pakialam.

Dumaan kami ng hospital para imeet ko ang family doctor namin at kunin yung gamot
para sa migraine ko. Hindi na naman lumabas ng kotse si goon. Inintay na lang nya
ko since sandali lang din naman ako.
Pagpasok na pagpasok ko sa kotse ganun pa din ang posisyon nya. Tahimik at may
malalim na iniisip. Inilagay ko yung gamot sa bag ko at umalis na kami sa hospital.

"May sakit ka?" tanong nya sa'kin. Wow ha, nagtatanong na sya ngayon samantalang
ako hindi ko sya tinatanong ng kahit na ano.

"Wala. Para lang yan sa migraine ko. Minsan kasi kung sumakit ang ulo ko hindi ko
matiis." Tapos nagsmirk sya. After nun hindi na sya ulit nagsalita.

Papunta na kami sa bahay ng makita ko ang haba ng traffic kaya umikot ako para
dumaan sa sikretong daanan. Medyo malayo pero hindi traffic at mabilis kaming
makakarating.

"Saan ka pupunta? Hoy wag mong sabihing may gagawin ka sa'king masama!" nanlaki
yung mga mata nya na nakatingin sa likuran habang naatras kami.

"Kelangan namin ng iaalay for this month. Dahil ikaw ang pinakamasamang taong
nakilala ko ikaw na lang ang iaalay ng tribo namin." Seryosong sabi ko at
nagdiretso na sa sikreto kong daanan.

Puro puno ang daanan na yun at hindi simentado ang kalsada. Bihira din ang bahayan
at tahimik.

"Hindi magandang biro yan ha aswang. Ibaba mo na ko!" nakakatawa yung itsura nya.
Naniniwala ba syang aswang ako? Sino ba kasing nagsabi sa kanyang may lahi akong
aswang. Siraulo talaga 'tong goon na 'to.

"Pwede ba tumahimik ka na lang! Wala ka ng magagawa. Nandito na tayo sa lugar


namin." Pinilit kong hindi tumawa para makatotohanan kahit gustong-gusto ko ng
tumawa ng malakas.

"Ako na ang magda-drive." Bigla nyang inagaw yung manibela pero itinulak ko sya.

"Wag kang magulo dyan!" hinampas ko sya pero inagaw nya pa din ulit.

"Wag ka ngang makulit dyan!" Itinulak ko sya ng malakas at sandali kong nabitawan
ang manibela.
"Aswang!" sigaw ni goon habang nakatingin sa harapan.

*Tugsh

Bigla kong nagpreno.

"Oh my gosh. Nakabangga ako. No! No!" tinanggal ko agad ang seatbelt ko at bumaba.
Bumaba din naman si goon at tiningnan namin kung sinong nasa unahan.

"No way!" nagpanic na ko at hindi ko na alam ang gagawin. "Is she dead? Tingnan mo
dali!" utos ko kay goon. Papalapit na si goon ng biglang gumalaw yung matanda.

"ANO BA NAMAN KAYONG MGA BATA KAYO! HINDI BA KAYO MARUNONG TUMINGIN SA DINADAANAN?
HIRAP SA INYO MASYADO KAYONG MAPUPUSOK! KAHIT SA KOTSE GINAGAWA NYO!" nanlaki naman
ang mata ko sa sinabi ni manang. Ano bang sinasabi nya?

Tinulungan namin syang tumayo at nagsorry ako.

"Sorry po talaga hindi ko po kayo nakita kasi may nakikipag-agawan po sa'kin sa


manibela." Inirapan ko si goon tsaka ko dinampot ko ang gamit ni manang at iniabot
sa kanya.

"Ang sakit ng katawan ko. Paano na ko makakarating sa apo ko nyan. Kasalanan nyo
'tong dalawa." Kinuha ni manang yung gamit nya at payong tapos pinaghahampas kami
ni goon.

Nagtago ako sa likuran ni goon at sya ang natamaan ng mga palo ni manang. Hahahaha.

"Wag ka ngang magtago dyan!" sinubukan akong higitin ni goon pero nakatakbo agad
ako.

"Mas lalo nyo lang akong pinagod!" napaupo si manang sa unahan ng kotse ko.
"Kasalanan mo 'to eh!" bulong ko kay goon.

"Ikaw ang may kasalanan. Kung hindi mo ako iaalay sa mga kapwa mo aswang eh di sana
hindi natin kamuntikang mabangga yang si manang." Sagot nya sa'kin.

"Kayong dalawa ba eh hindi titigil dyan ha? Kung kayo lang eh mga apo ko kanina ko
pa kayo napalo." Hinihingal si manang magsalita at parang namumutla sya. Parang
pagod na pagod din sya.

"Eh di ba pinalo na nga nya tayo?" bulong ni goon sa'kin at sabay kaming napatawa.

"Pinagtatawanan nyo ba ko?" tanong ng matanda na nakataas na naman ang payong kaya
napatigil kami bigla.

"Naku hindi po. Ang sabi ko nga po ihahatid na namin kayo sa pupuntahan nyo." Sabi
ni goon at tumingin sya sa'kin.

Tumango lang ako at ngumiti kay manang. Tama siguro na ihatid na namin sya para
naman makabawi ako sa muntikan ko nang pagkabangga sa kanya. Kung nabangga ko sya
malamang dalawa kaming dadalhin ni goon sa ospital. Dadalhin nya kaya ko sa ospital
kung mahihimatay ako? Feeling ko hindi kasi tingin nya sa'kin aswang na kakainin
sya. Tss. In his dreams! Kahit aswang ako hinding-hindi ko sya kakainin. Eh masama
sya malamang makunat yun.

Napapatawa ako mag-isa ng marinig kong nagsalita si goon.

"Tatawa ka na lang dyan? Hindi ka sasakay?" nakita kong nasa driver's seat na si
goon at nakasilip sa bintana.

"Hoy anong ginagawa mo?" lumapit ako sa kotse at nakita kong nakaupo si manang sa
backseat na nakapikit at parang pagod na pagod.

"Siguro naman wala kang planong punuin 'tong kotse mo ng mga mababangga mo?"
inistart na ni goon yung kotse.

"What?" binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay.


"Ako na ang magda-drive para sure na hindi mo na ko dadalhin sa tribo nyo at wala
ka ng mababangga!" I rolled my eyes and folded my arms over my chest.

"Teka saan ba natin ihahatid si manang?" tanong ko kay goon. Nagkatinginan kami
sabay tumingin kay manang sa likuran.

Hindi na nagsalita si manang at may iniabot na lang sa'ming papel.

"Ano?!!" we said in unison.

"Dito po kayo pupunta? Eh sobrang layo nito tapos naglalakad lang kayo?" tanong ni
goon kay manang. Tinitigan ko sya at tsaka ko kinausap ang matandang nakaupo sa
likuran.

"Sa bus terminal po ba kayo pupunta? Ihahatid na lang po namin kayo dun." I said in
a generous manner. Oha, matanda kasi sya so dapat ganun.

Nakita kong nagsmirk si goon na parang nagulat sa approach ko. Sorry sya, sa kanya
lang ako masungit.

"Hindi iha. Naglalakad lang talaga ko. Mga tatlong araw na kong naglalakad. Galing
pa ko sa silangan." Hinihingal na sabi ni manang.

Tiningnan ko maigi si manang. Medyo madumi na yung suot nya at isang sako at payong
lang ang dala nya. Tuyo na din ang lips nya na parang uhaw na uhaw at ang lalim ng
eyebags, parang wala pang matinong tulog.

Tumingin ako kay goon. "Anong gagawin natin?" bulong ko sa kanya.

"Anong natin? EH ikaw lang naman muntik makabangga dyan!" inambaan ko sya ng suntok
tapos bumalik sa pagkakaupo ko.

"Kasalanan mo naman kung bakit ko sya muntik mabangga." Nag-isip ako sandali kung
anong gagawin. Hindi naman pwedeng iwanan ko na lang ng pera si manang. Paano kung
nakawan sya eh di maglalakad sya ulit. Tsk, konsensya ko pa 'to. Bakit kasi dun pa
ko dumaan? Wala namang nadaan dun dati.

"Ihahatid natin sya." Sabay naming sabi ni goon. Nagkatinginan kami sabay iwas din.

I cleared my throat. "Dumaan muna tayo sa fast food para makabili ng pagkain.
Mukhang gutom na si manang eh." nakatingin lang ako sa bintana at nag-iisip kung
tama ba yung decision ko.

"Okay." Sumunod lang sya at dumaan kami sa isang fast food chain. Umorder kami ng
pagkain para sa'ming tatlo. Syempre ako ang nagbayad. Hindi daw libre ang pagda-
drive ng goon na yun para sa'min! Hindi ko naman sinabing ipagdrive nya kami no.
Isa pa kasalanan naman nya talaga kung bakit ko muntik mabangga si manang.

After naming kumain at bilhan ng ilang gamit si manang bumalik na kami sa kotse.
Nakahiga si manang sa likod at mukhang nakatulog na. Si goon pa din ang nagda-drive
habang hawak ko ang address na iniabot ng matanda.

"So tingin mo aabot kaya tayo sa school bukas?" sa layo kasi ng pupuntahan namin
for sure gabi na kami dadating dun. Hindi naman pwedeng hayaan na lang namin ang
kawawang matanda na 'to.

"Depende." Then he shrugged.

"What do you mean depende?" hindi ko kasi gusto yung tono nya ng pagsasabi ng
depende.

"Kung hindi ka magiging madaldal at hindi mo sisirain ang pagda-drive ko." At


umalis na kami habang papalubog ang araw.

Kung anong mangyayari sa'min sa mahabang byahe, hindi ko alam. Basta ang alam ko
napakamalas ko dahil makakasama ko ng matagal ang goon na 'to at hindi ko alam kung
makakatagal kami ng hindi nag-aaway.

**************************************************

ZAK'S POV
Nakatulog na din si aswang habang nasa byahe kami. Sino ba namang mag-aakala na
makakarating kami sa ganitong kalayong lugar. May pagkamabait din pala 'tong aswang
na 'to. Akala ko magiinarte din sya tulad nung ibang babae sa school. Yung mga
magsasabi ng ewwww so gross. Ipapahatid ko na lang yan sa driver ko. Pero hindi.
Sya pa talaga ang maghahatid but technically ako ang nagda-drive so ako ang
naghahatid.

Nakarating na kami dito sa lugar na nakasulat sa papel ni manang. Tiningnan ko yung


mga bahay-bahay dun sa lugar pero walang numbers dun di tulad sa lugar namin.
Probinsyang-probinsya dito. Nakakita ako ng isang bahay kaya tumigil muna ako at
bumaba. Hindi ko na ginising si aswang at mukhang antok na antok sya.

Kumatok ako dun sa bahay. Matagal bago may sumagot. Medyo gabi na din kasi malamang
tulog na ang tao dito. Mukhang wala ng nalabas ng ganitong oras dito.

*Tok tok tok

Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang babaeng bagong gising. Nagulat sya
sa'kin at tiningan ako mula ulo hanggang paa at biglang tumakbo papasok sa loob.
Ano kayang problema nun at biglang tumakbo?

"Tao po?" kapag hindi pa yun lumabas hahanap na lang ako ulit ng ibang bahay.

Tss. Nakakabuwisit. Papaalis na ko ng biglang bumalik yung babae. Pagharap ko


namumuti yung mukha nya at mukhang nagsuklay ng buhok. Nakangiti sya sa'kin in a
weird manner.

"May hinahanap kasi kaming bahay. Alam nyo ba kung saan 'to?" iniabot ko yung papel
sa babae at kinuha naman nya pero hindi nya tinitingnan. "Excuse me, yung papel
nasa kamay mo na." niremind ko sya.

Nagsnap back sya at tiningnan ang papel. Nanlaki ang mata nung babae ng mabasa yung
nasa papel. Napatakip pa sya ng bibig. "Itang! Itang madali!"

Lumabas ang isang matanda na puti na ang buhok at parang bagong gising din. "Bakit
ka ba sumisigaw ha?"
"Itang! Itang tingnan mo 'to!" ipinakita nung babae yung papel sa matandang lalaki
at sabay nilang tinitigan yung papel. "Nabasa mo 'tang? Nabasa mo!" tuwang-tuwang
sigaw nung babae.

Binatukan ng matandang lalaki yung sigaw na sigaw na babae. "Ikaw ba'y baliw? Paano
ko naman mababasa yan eh hindi naman ako marunong bumasa!"

Napatigil sa pagtawa yung babae at napatingin sa'kin sabay ngiti. Nagpapacute ba


sya? Binigyan ko ng nakakatakot na titig ang babaeng 'to. Mukhang effective naman
at tumigil sya sa pag ngiti.

"Itay ito yung papel na itinago ko. Yung sinabi ko na kapag umalis kayo ni inang
dalhin nyo lang 'to at makakauwi kayo." Mahinahong sabi nung babae.

"Ah talaga? O sya akin na yan at itatago ko na." kinuha nung matanda yung papel at
tumalikod pero pinigilan sya nung apo nya.

"Itang hindi nyo naiintindihan. Kinuha 'to ni inang nung umalis sya!" biglang
tumingin ng masama sa'kin yung matandang lalaki.

"Anong ginawa mo sa mahal kong asawa?" ano bang tingin nila sa'kin kidnappers? Tss
nakakabadtrip. May mas nakakabadtrip pa pala sa aswang na yun. "Anong ginawa mo sa
kanya?!"

"Relax tatang. Nakita namin syang naglalakad at muntikan ng mabangga. Sabi nya
pupuntahan daw nya ang apo nya tapos ibinigay nya sa'min yang papel na yan." Sana
naman magets nila agad yung sinabi ko.

"Ah oo ganun talaga yang si inang." Relax na sabi nung babae. Maya-maya naramdaman
kong may tumulak sa'kin. Pagtingin ko si manang pala dala-dala ang mga gamit nya at
dumiretso lang sa loob ng bahay nila. "Ganyan yan si inang. Maglalakad ng malayo
tapos uuwi din. Hindi na namin yan pinapalabas pero nakakatakas minsan. Salamat
ha."

"Ganun lang yun? Hindi nyo hinanap o hindi kayo nag-alala?" anong klaseng apo ba
'to at hindi man lang nag-alala sa lola nya. Buti pa si aswang marunong mag-alala
sa hindi kaano-ano.
"Wala eh. Nagkakasakit kasi sya kapag hindi nakakalabas ng bahay. Kaya nga ko
gumawa ng maraming address at pinapadala ko sa kanila para in case na malayo ang
marating nila ni itang makakabalik pa din sila. Ang totoo nyang pang sampung beses
na yang nakakauwi si inang pero ngayon lang may naghatid sa kanya na isang gwapong
nilalang. Sabihin mo, anghel ka ba?" papalapit ng papalapit sa'kin yung babae
habang umaatras ako.

"Goon nasaan na si lola?" narinig kong nagsalita si aswang at bumaba ng kotse.

"Goon? ANo yun? At sino sya?" nahawakan ako ng babae sa balikat tapos ngumiti sya
na nagpakilabot sa buong katawan ko. Hindi ako kinikilabutan sa mga laba ko pero sa
kanya parang natakot ako.

"Girlfriend ko yan!" naiilang akong sabihin pero totoo naman kasi yun yung palabas
namin. Napatigil sa paglapit yung babae at napatingin sa papalapit na aswang.

"Gwapa sya ha." Ngumiti sya at nagmadali akong lumapit kay aswang. "Sige na gwapong
anghel. Salamat sa paghatid sa inang ko. Kung iwan ka ng nobya mo nandito lang ako
ha." Kumaway sya sa'kin at nagwink. Hindi ba sya nandidiri sa sinabi nya? Ang itim
nya at mataba na maraming pimples tapos nakasleeveless na ang daming buhok sa
underarm tapos ang lakas ng loob kumaway sa'min.

Tumalikod ako at bumalik sa kotse. Sumunod din naman si aswang at nakit akong
nangiti sya.

"Anong ngini-ngiti mo dyan ha?" alam kong pinagtatawanan nya ako dahil sa babaeng
yun.

Hindi sya agad sumagot. Binuksan nya ang kotse at umupo sa driver's seat. "Ako
naman ang magda-drive. Matulog ka na muna dyan." Nakangiti pa din sya na parang
nakakaloko. Dahil ayokong makipagtalo sa kanya sinunod ko na lang sya.

"Ganun pala mga type mo ha." Pang-aasar nya bago paandarin ang kotse.

"Typin mo mukha mo. Selos ka lang kasi hindi ka pumasa sa taste ko!" umupo ako at
pumikit.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ako pumasa sa taste mo. Ngayon
alam ko na kung anong taste mo." At tumawa sya ng tumawa. Patayin ko kaya 'to tapos
ihagis ko sa bangin? Pasalamat sya hindi ako killer kung hindi naku! Hindi ko na
lang sya pinansin.

Wala pang thirty minutes syang nagda-drive bigla kaming naputukan ng gulong. Sa
sobrang lakas napaangat yung back part ng kotse.

Nagmadali kaming bumaba at nakitang flat ang gulong sa likod. Kapag minamalas ka
nga naman.

"Marunong ka bang magpalit ng gulong?" tanong ko sa kanya habang nakasandal sa


kotse nya.

Umiling lang sya at hindi sumagot. Wala talagang alam gawin ang babaeng 'to. Siguro
sya ang prinsesa ng mga aswang. "Sya akin na ang mga tools mo at ako na ang
magpapalit. Nakakahiya naman sa'yo!" umupo ako sa harap ng gulong at tiningnan ko
kung gaano kalala ang tama.

Napansin kong nakatayo pa din si aswang at hindi nakilos kaya tinitigan ko sya.
Napakamot lang sya sa ulo nya. "Teka don't tell me wala kang tools?" at hindi sya
sumagot so meaning tama ako.

"Anak ng - " sinipa ko yung gulong.

"Malay ko bang babyahe tayo ng malayo. Hindi ko naman usually dinadala yun dahil
kapag napa-flatan ako nagpapatawag lang ako ng magpapalit at mag-aayos." Paliwanag
nya. Kinuha nya ang bag nya sa loob ng kotse at inilabas nya ang cellphone nya.

"Gosh wala pang signal dito." Kulang na lang umakyat sya sa itaas ng puno para lang
makahanap ng signal.

Habang nasa labas kami ng kotse biglang umulan ng malakas. Kapag minamalas ka
talaga ngayon pa umulan. Ano na lang ang mangyayari ngayon? Sana mapigilan kong
hindi makasakit ng aswang. Bakit ba kasi naisipan kong sumama dito? Sana naglakad
na lang ako pauwi!

A/N
Ayan sa ma nagtatanong kung bakit napakabitter ni Zanea ngayon alam nyo na. Hmmm at
ano kayang mangyayari sa aso't pusa natin na nastranded sa walang nakakaalam kung
saan. Ayiee. Okay, vote and comment at follow na din. Thanks.

*megladiolus*

*******************************************
14

*******************************************
"Dun ka sa baba!"

"Eh di ikaw dun! Ako wala pang tulog ikaw meron na!"

"Kahit na! Ako naman ang gumawa ng paraan para makatulog dito no! Isa pa babae ako
at lalaki ka!"

"Eh di dun ka sa kotse mo! Bakit ka pa kasi sumunod dito!"

"Hoy hindi ka din naman papapasukin dito kung mag-isa ka lang no!"

"At ikaw din! Ang arte-arte mo kung ayaw mong tumabi sa'kin dito dun ka sa bathtub
matulog!"

"I hate you!"

"Good night din!"

Tumalikod ako at kinuha ko ang isa pang unan sa higaan at inilagay ko sa floor.
Kung nightmare 'to sana magising na ko. Never pumasok sa isip ko na matutulog ako
sa floor. And thanks to this goon, sobrang gentleman nya.

Nagtataka kayo kung nasaan na kami no?

ONE HOUR AGO

"Ahhh umuulan!" nagmadali akong pumasok sa kotse at sumunod naman si goon. Walang
nagsasalita sa'ming dalawa. Ang tagal bago tumila ng ulan at hindi ko alam kung
kelan sya titila.

"Mukhang tindahan yung nandun sa may kanto. Baka may gamit sila para makapagpalit
ng gulong." Seryosong sabi ni goon at binuksan nya yung pintuan. Tiningnan ko lang
sya habang natakbo sya papalapit sa tindahan.

Sana meron talagang nagpapalit ng gulong para makauwi na kami agad. Gutom na din
kasi ako at

*Tugsh

Umuga yung kotse at nagulat ako. Parang may tumama sa bubong. Tumingin ako sa
likuran pero wala kong makita dahil madilim. Tiningnan ko din si goon pero mukhang
wala pang nalabas sa tindahan.

Okay Alexa, wag kang matakot. Sanga lang ng puno yun okay?

Paano kung hindi lang yun sanga? What if may totoong aswang at isang aswang nasa
ibabaw ng kotse?

Don't tell me naniniwala ka dun sa goon na yun? Hangin lang yun okay? Relax.

How can I relax? We're in the middle of nowhere at walang nakakaalam na nandito
kami.

That's it. I'm done battling with my thoughts ng biglang gumalaw ulit yung kotse.
Without any hesitation I grabbed my bag and get the car key at lumabas ako papunta
kay goon.

"Oh bakit sumunod ka? Natakot ka no?" bungad ni goon paglapit ko.

Hindi ko na sya pinansin dahil pinupunasan ko ang sarili ko dahil nabasa ako ng
ulan. Tumingin ako sa may kotse pero wala naman akong makita. Una dahil madalim sa
pinagparadahan namin at pangalawa halos zero visibility na dahil sa lakas ng ulan.
Tumingin ako kay goon na kumakatok sa tindahan.

"Wala pa din bang lumalabas?" sumisilip ako sa loob ng tindahan. Parang mini
convenient store sya na 24 hours bukas pero mukhang tulog ang nagtitinda. "Bibilhin
ko na po lahat ng tinda nyo! Pero kung walang nagtitinda eh di nanakawin ko na lang
lahat!!" isinigaw ko ng malakas na malakas. Feeling ko dahil sa sobrang lakas ng
ulan kaya hindi nila marinig yung tawag ni goon so ako na ang gumawa ng paraan.

"Hoy seryoso ka ba? Hindi ko akalaing ganyan ka!!" parang nahihiya si goon sa
ginawa. My gosh, hinding-hindi ko naman gagawin ang magnakaw no. Sa ganitong
tindahan pa. No no!

"Excuse me for your - " hindi pa ko tapos magsalita may lumabas na babae at lalaki
sa tindahan na naguunahan sa paglapit sa'min.

"Sabi sa'yo may tao eh." sabi nung babae.

"Akala ko aswang eh." sabi nung lalaki at biglang tumawa si goon.

Lumapit si goon sa'kin at bumulong. "Ang galing nila no? Alam nilang aswang yung
tumatawag!" tapos pinat nya ko sa balikat.

Sinikmuraan ko naman sya na alam kong hindi nya inaasahan. "Pasalamat ka sa ginawa
ko!" I rolled my eyes and turn around to face the two adults. Mukhang bagong gising
lang talaga sila. "Hello, good evening." Biglang tumakbo yung babae sa loob at
naiwan ang lalaki sa harapan namin.

Medyo naiilang akong magtanong dahil parang nakakatakot syang tumingin. Alam nyo na
may kasabihan nga tayo na magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.
"Naflatan po kasi kami pero wala kaming tools so itatanong ko po baka may gamit
kayo dyan? Don't worry we'll pay you."

Biglang ngumiti ang lalaki na parang nagpeso sign ang mga mata. Pag dating talaga
sa pera nagiging madali ang usapan. "Naflatan kayo at kelangan nyo ng gamit."
Nakangiti nyang sabi.

"Opo. Opo." Then I shook my head up and down.


Tumawa ng malakas yung lalaki. Mukhang tuwang-tuwa sya, siguro dahil may tools
syang ipapahiram at mababayaran sya ng malaki dahil lang dun.

Tumawa din ako at humarap kay goon. Hindi ko madefine yung expression nya so
humarap na lang ulit ako kay manong.

Pagharap na pagharap ko bigla syang tumigil sa pagtawa kaya napatigil din ako.

"Wala kaming tools pasensya na!" malakas yung pagkakasabi nya kaya naman napaatras
ako at napasandal ang likod ko sa chest ni goon.

"Okay po." Tumingin ako kay goon na parang may please-help-me look at mukhang
nagets nya naman.

"May kilala po ba kayong marunong gumawa?" tanong ni goon na nagstep forward at


nasa likuran na nya ko.

Tiningnan muna sya ng lalaki mula sa tindahan na parang kinikilatis. Maya-maya


bumalik yung babae na mukhang asawa nya na may dalang calculator at papel.

"Dahil maliit lang naman 'tong tindahan namin 3,546 pesos lahat ng tinda namin
hindi pa kasama ang pagising nyo sa'min at sa pagtatanong ng marami." Nanlaki naman
ang mata ko sa mga sinabi nya. Totoo bang kinompute nya talaga lahat ng paninda
nya? At paanong nangyaring umabot ng 3k lahat 'to eh halos mga condiments at ilang
junk foods lang ang tinda nila. "O heto."

Iniabot ng babae yung papel kay goon pero hindi tiningnan ni goon at iniabot lang
sa'kin.

"Meron po bang mekaniko dito or marunong magpalit ng gulong or kahit may gamit man
lang?" ulit ni goon na tanong dun sa lalaki. Inilahad muna ng babae yung kamay nya
sa harapan ni goon.

"Bayad muna. Akala ko ba bibilhin nyo lahat 'to? Bayaran nyo muna bago namin
sagutin yang tanong mo iho." Mukhang mataray pa nga 'tong si manang.
Humarap sa'kin si goon at tiningan ako. "Bayaran mo na. Ikaw ang nagsabing bibilhin
mo lahat ng tinda nila di ba?" tinuro nya ang tindahan sa likuran nya. May
sasabihin pa sana ko pero wala kong nagawa. Yung tingin nya kasi parang sinasabing
'bayaran mo na kung gusto mong makauwi' at dahil dun kinuha ko ang wallet ko pero
nagdadalawang isip pa din akong bayaran sila ng ganun kalaki.

"Excuse me, bakit po masyadong mahal yang paninda nyo? I mean hello, hindi nga sila
branded and sobrang liit lang ng tindahan nyo. At kung sasabihin nyong may VAT
lahat yan well sobra-sobra pa din yan. So care to explain?" I raised my eyebrow at
tiningnan ko silang dalawa.

"Sabi ko na magtatanong yan eh. Akala ko pa mandin mayaman." Bulong nung babae sa
asawa nya. Well sa tingin ko bulong dapat yung kaso napalakas or sinadya nyang
mapalakas o kahit ano basta narinig namin sya.

I cleared my throat at napatingin naman sila ulit sa'kin.

"Dalawang libo na lang. Okay na yun." Mahinang sagot ng babae.

Magsasalita pa sana ko pero kinuha na ni goon ang 2,000 sa kamay ko at iniabot sa


mag-asawa. Pagkakuhang pagkakuha ng pera ng babae eh nilagay na nya sa bulsa ng
daster nya.

"May gumagawa dito."

Napangiti ako sa sobrang saya. Hindi sayang ang 2,000 ko.

"Pero tuwing umaga lang. Kaya mag-intay na lang kayo." At parang pinagsakluban na
ko ng langit at lupa. This is ridiculous!

"Ituro nyo na lang po sa'min kung san sya makikita pupuntahan na lang namin sya." I
almost begged. I can't stay any longer dito sa labas dahil sobrang lamig at isa pa
ang sakit na ng likod ko, gutom na ko ulit at masakit na ang ulo ko.

Sumilip sa labas si manong kuya. "Nakikita nyo ba yung maliit na ilaw na yun? Bahay
yun na pinapaupahan ang mga kwarto, dun nagta-trabaho yung mekaniko pero tuwing
umaga lang ang pasok nya." Tumingin sa'min ni goon si manong. "Pwede kayong tumuloy
dun sa tingin ko."
Siguro nga pwedeng magpahinga kami dun pero syempre hindi ko ililibre 'tong goon na
'to. Wala na kong cash. Bahala na sya. Tiningnan ko yung sinasabi nyang maliit na
ilaw. Maliit kasi medyo malayo yung bahay.

"Paano mo naman nasabi na pwede sila dun?" narinig kong tanong nung babae habang
papasok na sila sa loob.

"Eh yung babae yung nagbayad kaya alam ko." Paliwanag nung lalaki.

Kung ano mang pinag-uusapan nila hindi ko magets. Eh ano kung ano ang nagbayad? Big
deal ba yun?

"So pupunta tayo dun?" tanong ko goon.

"Unless gusto mong matulog dyan sa kotse mo." At nanakbo sya kaya sumunod na lang
ako agad.

Pagdating na pagdating namin sa bahay bukas yung ilaw sa labas kaya kumatok kami.
Ilang katok pa lang naman bumukas na agad ang pintuan.

Ngumiti sa'min ang isang matabang babae na mga nasa 40+ na.

"Magandang gabi. Ako nga pala si Mercedes." Iniabot nya ang kamay sa'min ni goon at
nakipagshake hands. Magsasalita pa lang sana ako para sabihin yung pagstay for a
night pero nagdire-diretso na sya.

"Maswerte kayo kasi nagpalayas ako kanina ng mga batang nagpanggap na mag-asawa.
Akala ba nila maloloko nila ako. Kaya may isang kwartong bakante dito." Ngumiti
sa'min si Mercedes.

Nagkatinginan kami ni goon. Mag-asawa? Mag-asawa lang ang tinatanggap nila dito? Oh
my gosh. Ano ng gagawin ko?

"Kayo si Mr and Mrs?" tingnan nya kaming dalawa at nag-iintay ng sagot.


"Andrade!" "Maliff!" we said at the same time. Mukhang confused si Mercedes sa
narinig nya.

"Sorry Mercedes, hindi pa kasi ako sanay na Maliff yung surname ko. Alam mo na,
siguro naintindihan mo naman ako." Then I made a fake laugh na may pagwave pa. This
is so awkward.

Tumawa naman si Mercedes na mukhang naniwala sa sinabi ko. "Naiintindihan kita.


Mukhang mga bata pa nga kayo. Newly wed?"

Tumango lang kami ni goon. Mas mabuti na yung hindi na magsalita baka mabuko pa
kami ulit.

"Gaano na kayo katagal kasal?" sa mukha ni Mercedes mukhang excited syang malaman
muna bago nya kami papasukin sa loob. Sa sobrang ginaw dito sa labas at basa pa
kami sana naman hindi na nya kami iniintriga. Isa pa ano ba 'tong napasok ko?
Nagpapanggap na nga lang akong boyfriend 'tong goon na 'to tapos ngayon
magpapanggap naman akong asawa? May mas titindi pa ba dito? Sabihin nyo nga sa'kin!

"1 week!" "2 weeks!" sabay ulit naming sabi.

"Honey 2 weeks!" nakangiting sabi ni goon sa'kin pero halata kong fake lang tapos
umakbay sya sa'kin.

"Ha. Ha. Ha. Oo nga 2 weeks." I can't believe ginagawa ko 'to para lang makatulog
ng maayos. Gustuhin ko mang bumalik sa kotse hindi ko magawa. What if may aswang
dun? O kaya cannibal? O kaya killer?

Napatingin kami ni goon kay Mercedes na mukhang confused. No kelangan namin syang
maconvince para naman makapasok na kami.

"2 weeks na kaming kasal Mercedes at 1 week kami sa honeymoon. Kasi 'tong honey ko
nagpapaextend pa ng another week para sa honeymoon kaya nasabi nyang 1 week."
Humarap sa'kin si goon at pinisil ako sa pisngi.

Patay ka sa'kin mamaya! Anong honeymoon ang pinagsasabi mo dyan ha! Tingin mo ba
mainiwala si Mercedes sa sinasabi mo?
"Ayun naman pala eh. Nakakatuwa talaga kapag bagong kasal."

Woooo! She bought it. I'm glad she bought it. Magaling ata kaming umarte. Tumatawa
si goon kasabay ni Mercedes.

"Ikaw talaga honey hindi mo na dapat sinabi kay Mercedes yun." At siniko ko sa tyan
si goon. Akala nya ha. Alam nyang sinadya ko yun dahil biglang naging seryoso yung
mukha nya. Tiningnan ko sya ng masama sa sobrang inis ko.

"Okay pasok na kayo sa loob!" nauna si Mercedes at sumunod kami habang naguunahan
pa kami ni goon sa pintuan.

Pagdating sa may parang lobby umupo dun si Mercedes at kinuha ang isang blue book.

"Wedding ring patingin." Sabi nya habang nagsusulat.

O.O

Nagkatinginan kami ni goon at nagsesenyasan kung sinong magdadahilan dahil hindi na


kami pwedeng magsalita ng sabay na magkaiba ang sasabihin. Itinulak nya ako at
napatigil si Mercedes sa pagsusulat.

Okay galingan mo Alexa. Remember talented ka at gifted. Best actress ka din alam mo
yan so this is your break. Hello bed or goobye bed.

I rubbed my two hands as I started to speak. "Nanakaw kasi yung singsing namin.
Papunta kami dito para ihatid ang isang old lady pero nagstop over muna kami sa
isang fast food tapos nasa labas ako ng biglang may nangholdap sa'kin." Kunyari
umiiyak ako. Syempre may luha talaga para convincing. "Kinuha nila sa'kin lahat
tapos nakita nila yung wedding ring ko sabi ko kunin na nila lahat wag lang yun
dahil napakahalaga nun sa'kin. Pero wala akong nagawa." Humagulgol na ko kunyari at
tumalikod kay Mercedes para sana lumapit kay goon. Bigla syang napatawa ng makita
nya ko pero halatang pinigil nya.

Lumapit si goon sa'kin at inakbayan ako. "Tinanggal nila sa kamay ko yung singsing
ng walang kalaban laban. Papaalis na yung holdapper ng biglang dumating si honey."
Hinilig ko yung ulo ko sa dibdib ni goon. EWWWWWWWWWWWWWWW! "Akala ko ipagtatanggol
nya ko pero nagulat ako ng tinanggal din nya yung wedding ring nya at iniabot sa
holdapper at sinabing 'kunin nyo na din 'to. Useless na rin ang wedding ring ko
kung wala na ang ring ng wife ko. Sana maranasan nyo ding ikasal para malaman nyo
kung gaano kahalaga yan' at kinuha naman ng holdapper yung singsing at tumakbo."
Humawak ako sa dibdib ko then tiningnan ko sa mata si goon. Alam kong tawang-tawa
na sya hindi nya lang magawa.

Niyakap nya ko at bumulong sya. Actually dinahilan nya lang yung pagyakap para
makabulong sya sa'kin. "That's the most stupid story I've ever heard. Napakorni and
it's unbelievable! We're outta here bago pa tayo mapahiya ng todo!!" sa tono nyang
magsalita halatang badtrip sya. Akala ko pa mandin natatawa sya. Tss! As if naman
may bagay na makakapagpatawa sa halimaw na goon na 'to!

Hello! Sya pa ba ang mababadtrip? Try nya kayang umarte at gumawa ng kwento in just
a minute. Buti na nga lang mabilis magprocess ang utak ko. At least nagtry din ako
kung hindi bumenta fine! Eh sya wala syang ginawa! Ugh! I hate this goon! Nagsisisi
ako na nakilala ko pa sya at sya pa ang napakilala ko kina Zanea sa dinami-dami ng
lalaki sa mall! I cursed him in my thoughts ng marinig namin si Mercedes.

"Yan na ang pinakamagandang kwento na narinig ko. Ang tunay na pag-ibig nga naman
talaga." Nakita naming nagpupunas sya ng luha na parang nadala sa kwento ko? Eh?
Yung totoo?

"Sumunod kayo sa'kin!" kinuha nya ang susi at naglakad paakyat sa second floor.

Gulat na gulat si goon sa nakita at inirapan ko lang sya. Most stupid story pala
ha. Kung pwede ko lang sabihin na ako na lang ang matutulog dun as a reward sa
sarili ko ginawa ko na. Naiwan si goon na nakatayo na halatang shocked pa sa
nangyari.

At yan ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon sa kwarto. Ako na ang gumawa ng
paraan ako pa ang magsa-suffer. Brilliant no?

"Goon." Mahina kong tawag sa kanya. Balak ko kasing kausapin sya ng ayos para
makipagpalit sa'kin pero nakita kong tulog na tulog na sya kaya kahit against sa
will ko ang tumabi sa kanya ginawa ko. Imagine pang isang tao lang yung bed. Ugh!

Dahan-dahan akong humiga sa tabi ni goon para hindi sya magising. Nang makahiga na
ko at papikit na biglang humarap si goon at dumantay sa'kin. Wooooo. Ako na ang
pinakamalas na tao sa buong mundo.
Inhale! Exhale!

Nararamdaman ko ang hininga ni goon sa may tenga ko kaya hindi ako mapakali. This
is the first time na matutulog ako na may katabing lalaki. Lalaki na
pinakakinaayawan ko sa lahat at gusto ko ng mawala pero hinding-hindi mangyari at
mas lalo pa kong nilalapit sa kanya. In short, mas lalo pa kong nilalapit sa
kamalasan!

Gigisingin ko na sana sya kaya humarap ako sa kanya pero natigilan ako. Tinigan ko
muna ang mukha nya. May itsura pala sya. Tsk! Kelangan ko ba talagang sabihin? Tsk!
Sige na nga. Oo na, g - gwa. Ang hirap eh. Hindi ko masabi. Ang haba ng pilikmata
nya at ang kapal. Ang tangos ng ilong nya, ang ganda ng jaw line, very masculine.
Black na black din ang eyebrows nya ang ganda ng korte ng lips nya. Sobrang kinis
din ng mukha nya, ano kayang ginagamit nito sa mukha. Hindi ko napansin napapangiti
na pala.

"Oh God, what am I doing?" tumingin ako agad sa ceiling ng maramdaman kong hindi na
normal ang heartbeat ko. I think I'm sick, and with that I decided to sleep 'cause
I know tomorrow is a long and annoying day.

Hey guys we got to #48 on Humor and #52 on Teen Fiction which was really amazing.
Thank you so much. The next chapter will more of Zak's point of view. Yaix! I have
a request for you guys to tell your followers or friends about this story and the
other one is to comment.Comment please!

You guys are the best!Please like our fan page. Just click the external link ----->

Comment, vote and follow. :)

*Mela (megladiolus)

*******************************************
15

*******************************************
ZAK'S POV

Nagising ako dahil pakiramdam ko nangalay na ang braso ko pero hindi ko alam kung
bakit. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang lampshade.
Teka, hindi naman ganito ang lampshade sa kwarto ko ah. Pati bakit ba ang bigat ng
nasa braso ko -

O.o

Anak ng - nakalimutan ko, kasama ko nga pala si aswang. Nakahiga sya sa braso ko
habang nakayakap sa'kin. At teka bakit nakayakap din ako? Inalis ko agad yung isa
kong kamay at gumalaw sya. Nagkatapat yung mukha namin.

Ano ba 'to? Bakit ako kinikilabutan na kinakabahan? Ngayon ko lang sya nakita ng
ganito kalapit. Halos magkadikit na ang ilong namin. Nakakatuwa syang titigan,
parang ang bait-bait. Akala mo anghel. Pero kapag gising naman sya parang halimaw
na gutom. Lahat ng gagawin mo may sinasabi sya.

Bakit ba ako napapangiti? Di ba nga kaaway ko 'tong aswang na 'to? Tinitigan ko ang
mukha nya. Ang ganda ng kutis nya. Malamang katulad din sya nung ibang babae na
palaging nagpapafacial. Tss! Ang ganda din ng hugis ng mata nya, pati ng ilong nya.
Hindi ko napapansin na bawat tinitingnan ko pala sa mukha nya eh itinuturo ng kamay
ko. Ang cute din ng cheekbone nya. At ang pula ng mga lips nya. Ang tagal naming
magkasama pero di ko naman syang nakitang nagretouch o naglisptick man lang.

Teka - lips. Bigla akong napalunok. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. May
sakit ba ko? Siguro namana ko 'to kay mommy. Pero bakit ngayon ko lang
nararamdaman? Siguro dahil napagod ako kahapon.

Biglang nagflashback sa isip ko nung hinalikan ako ng aswang na 'to. Hindi ko


napansin na papalapit ng papalapit ang lips ko sa lips nya.

Zak ano bang ginagawa mo? Baliw ka na ba?

Napapikit na lang ako dahil konting-konti na lang mahahalikan ko na sya.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"

*DUGSH
Aray! Bumagsak ako sa sahig dahil itinulak ako ng aswang na 'to.

"Bakit mo ko tinulak?" tumayo ako hawak-hawak ang likod ko.

Nagpapanic sya. Kinakapa nya ang katawan nya at chinecheck ang damit nya. Ano bang
iniisip nya? Wala naman akong ginawa sa kanya no! Kahit masama ako sa paningin nya
hindi naman ako marunong manamantala ng babae.

Tumayo ako at nagdiretso sa CR para magshower. Mabuti na lang may mga gamit na
dito. Kelangan kong magising at alisin sa isip ko kung bakit gusto ko sya ulit
mahalikan. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa tingin ko may lahi talaga syang aswang
at may ginawa sya sa'kin. Teka, paninindigan ko ba talaga 'tong aswang-aswang na
'to? Tss. Ewan ko sa'yo Zak.

********************************

ALEXA'S POV

May damit pa naman ako at okay pa naman sa'kin mukhang walang nagalaw. Teka ano ba
'tong iniisip ko.

Sino ba kasing hindi mag-iisip? Pagdilat ko nakapikit si goon at papalapit sa mukha


ko. Nagulat ako as in totally shocked so tinulak ko agad sya. Hindi maganda yung
pakiramdam ko. Hindi ako makahinga. Dahil siguro 'to sa takot.

Inhale! Exhale!

Mabuti na lang at pumasok sya sa CR kundi baka nakita nya kung paano ko kabahan.
Feeling ko nga ang init ng mukha ko. Baka naman nilagnat ako dahil nabasa ako ng
ulan kagabi? Siguro nga yun lang yun. Pero bakit mukha ko lang ang mainit? Di ba
dapat buong katawan ko? Tsk! Ano ba kasing nangyayari sa'kin. Mabuti pa matawagan
si Jezhi at magpapaexcuse ako sa school.

Kinuha ko yung phone ko sa bag and still wala pa ding signal. Hindi yata uso ang
cellphone sa lugar na 'to. Tsk! Ano na lang ang gagawin ko? Kakausapin ko na lang
nga 'tong goon na 'to about sa kotse. Sya na lang makipag-usap sa gagawa. Kaya ko
'to! Panaginip lang yung nakita ko. Aarte lang ako na parang walang nangyari!
Narinig kong bumukas na yung door ng CR meaning tapos na sya. Take a deep breath at
humarap ako sa kanya.

O.O

Nakatowel lang sya. Tumalikod ako agad dahil hindi ko kinakaya.

"And what do you think you're doing goon? Do you usually walk half naked in front
of a girl?" I folded my arms across my chest.

"Tss!" I can picture a smirk on his face with that simple reaction. Great!

Hindi pa din ako humarap sa kanya. "Ikaw na lang kumausap dun sa gagawa ng kotse.
Mas maganda siguro kasi kung hindi tayo sabay lalabas para iwas din sa alam mo na."

"Sige." Yun lang ang sagot nya. Ang ineexpect ko pa mandin na sagot nya 'BAKIT AKO?
KOTSE KO BA YUN?! PWEDE BA WAG MO KONG UTUSAN!' pero hindi ko yan narinig.

"Okay good. Tapos kapag ayos na lahat - " hindi kasi ako sanay na makisuyo sa
kanya. Alam nyo na. We're Tom and Jerry!

"Ako nang bahala. Babalikan na lang kita dito kapag ayos na. Magpapaakyat na din
ako ng pagkain." Yun lang ang sinabi nya. Mahinahon, hindi masungit at umaagree na
sabi nya. Tingin ko hindi lang ako ang nagkasakit. Tingin ko si goon din.

Lumabas sya ng kwarto. Hindi ko sya nakita pero narinig ko na bumukas yung pintuan
at pagharap ko wala na sya dun. Siguro makapagshower na din muna.

ZAK'S POV

Hindi ko din alam pero hindi ko sinigawan si aswang ngayon. Siguro dahil wala pa
naman kaming pinagtatalunan o dahil muntik ko na syang halikan at guilty ako. Buti
na lang hindi nya natanong. Nakita nya kaya? For sure nakita nya yun dahil sumigaw
nga sya at itinulak pa ko pero bakit hindi nya tinanong?
Tsk! Bakit ko ba pinoproblema yun? Hindi ko na dapat ulitin yun. Dapat hindi na
kami magkalapit ng ganung kalapit baka hindi ko na talaga mapigilan sa susunod.
Bakit ba ko nagkakaganito? Ugh!

"Magandang umaga! Nasaan na ang asawa mo?" nagulat ako ng biglang nagsalita si
Mercedes.

"Good morning. Nandun sa taas nagpapahinga pa alam nyo na - " binigyan ko sya ng
huge smile. Actually a fake huge smile.

"Ow." Tapos ngumiti sya. Alam ko na kung anong iniisip nya. Syempre akala nya
bagong kasal lang kami so wala na syang ibang maiisip kundi yun. "Ano bang gusto
nyo para sa umagahan?"

"Kahit ano na lang po at pakidala na lang sa kwarto. Ipapaayos ko pa kasi yung


kotse namin para makauwi na din." Hindi ko naman talaga kotse yun, kotse lang yun
ni aswang.

Tiningnan ako ni Mercedes. Hindi ko maintindihan pero iba sya tumingin. Hindi pa
din ako nagreact. Ang hirap eh. "Sabayan mo ang asawa mo sa almusal. Hindi dapat
kayo nagkakanya-kanya. At isa pa, nasabi na sa'kin ni Berto na kelangan nyo nga daw
ng mekaniko kaya pinaayos ko na yung kotse nyo. Bayaran nyo na lang mamaya. Patapos
na din siguro yun. Kaya sige na, tawagin mo na ang asawa mo para makakain na tayo."
Tumalikod sya papuntang kusina.

Hindi pwede. Dapat magawaan ko 'to ng paraan. Hinabol ko sya sa kusina. "Ah
Mercedes, magkaaway kasi kami ngayon so ayoko muna syang sabayan sa init ng ulo
nya." Nakakahiya 'tong ginagawa ko. Hindi pa mandin ako magaling gumawa ng kwento
di tulad nung aswang nay un. Napahawak na lang ako sa ulo ko habang kinakausap si
Mercedes.

"Ay naku, normal lang yan. Maayos nyo din yan ngayon bago kayo umuwi." Tinapik nya
ko sa balikat. "Sige na, tawagin mo na sya."

At wala na nga akong nagawa. Bumalik ako sa kwarto. Pag-uusapan na lang namin kung
anong gagawin namin. Less talk. Less mistake.

"Heart beats fast


Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid

To fall"

Nakaupo ako sa kama ng marinig kong may kumakanta. Malamang si aswang yun. Nakanta
sya habang nagsho-shower.

"Ay ang panget pala nung kanta na yun. Dapat masayang kanta." Narinig kong sabi
nya. Kinakausap nya ba sarili nya? Ang weird nya talaga.

"Show you off

Tonight I wanna show you off (aye,aye,aye)

What you got

A billion could've never bought (aye,aye,aye)"

"Ayeah!" tapos naghumm na lang sya. Hindi ko alam na may ganito syang side. Masaya
sya kahit mag-isa sya. Napapangiti ako mag-isa. Bakit ako napapangiti? Sya lang
yung kumakanta tapos napapangiti ako. Humiga na lang ako muna ako habang iniintay
sya.

Nakatingin lang ako sa ceiling. Nakatingin lang ako sa ceiling. Oo sinabi ko na nga
di ba na nakatingin lang ako sa ceiling. Pero bakit parang di ako mapakali. Siguro
kailangan ko na ng practice. Hindi na din naman ako makakapasok kaya mabuti pa sa
Ground45 na lang ako didiretso. Napagawa kaya nila yung motor ko? Patay sila sa'kin
kapag di pa yun naayos.

Narinig kong nawala na yung tunog nung shower. Tapos na siguro sya.

"Ano nga ba yung ringtone ng cellphone ko. Teka hindi ko maalala." Ano bang
sinasabi nya? Kapag nagsalita pa 'to ng matagal iisipin ko talagang baliw na sya.

"Ah alam ko na. Bright cold silver goon tonight alone in the moon." Tapos tumawa
sya ng malakas.
Grrrrrrr! San naman nya napulot yung lyrics na yun. Talagang goon ha! Tumatawa pa
sya, baliw na nga ata 'tong babaeng 'to.

"Si goon mag-isa sa moon! Magandang lyrics yun ah." At tumawa sya ulit ng tumawa.
Nakakatakot talaga. Dapat iwasan ko na 'tong babaeng 'to habang may oras pa ko.

Narinig kong nagbukas na yung pinto kaya umupo na ako at lumabas sya
------------------ ng nakacover lang ng towel ang katawan.

O.O

Holy sh*t! Ang ganda nya! Sh*t sh*t Zak hindi ka ata napansin. Kelangan mong mag-
ingay baka maghubad yan bigla. Teka, bakit hindi ako makagalaw. Hindi ako
makapagsalita. Gutom na ata ako.

>.>

<.<

-__-

Wala akong maisip. Bahala na.

"AHHHHHHHHHHHHHH!" (/ \)

Bakit ako sumigaw at tinakpan ko pa ang mga mata ko. Ang weird mo Zak. "Hoy ano
bang balak mo ha? Lalabas ka ng nakaganyan na may lalaki dito!"

"Kanina ka pa dyan goon?"

"Hindi. Kakapasok ko lang. Hindi kita narinig kumanta at binaboy mo ang lyrics ng
tongue tied!" sarcastic kong sabi. Sana naman umayos na sya no.

"Di ba sabi ko sa'yo ayusin mo yung kotse! Bakit nandito ka?" Narinig ko ulit
sumara yung pinto. Woooooo. Grabe ka talagang babae ka, hindi kita mapredict.
"Naayos na nga. Pinapunta lang ako ni Mercedes para sabihin na sabay tayong
kakain." Bago ko pa sya hayaan magsalita na alam kong sasabihin nya na dapat gumawa
ako ng paraan kung ano-ano eh inunahan ko na sya. "Sinabi ko ngang magkaaway tayo
pero wala din. Bumaba daw tayo dun dalawa." Humiga ulit ako at iniintay ang masakit
sa tenga nyang boses.

Narinig ko ulit bumukas ang pinto pero hindi na ko tumingin. "Ganun ba? So
magpapanggap tayong magkaaway? Hindi natin kelangan mag-usap. Okay."

Natigilan ako kasi yun lang sinabi nya. Umupo ako at tumingin ako sa kanya.
Nagsusuklay sya ng buhok at nakaharap sa salamin. Iniintay ko kung may sasabihin pa
sya pero napatingin sya sa'kin at nagkatinginan kami.

Ngumiti sya - sa'kin?

"Okay ka lang?" Dapat yan din ang itatanong ko sa kanya. Hindi ko 'to kinakaya.
Parang may isang malaking mali dito. Hindi ko alam pero parang maganda sa
pakiramdam na hindi kami nagsisigawan, na hindi nya ko sinasabihan ng kung ano-ano.
At isa pa, ako - ako din wala sinasabi sa kanya. Tsk!

"Ah wala. Mauna na ko sa baba. Di ba nga magkaaway tayo." Tumayo ako agad at
lumabas. Dumiretso ako sa kusina kung nasaan si Mercedes. May mahabang mesa ang
naandun at tingin ko hindi lang kami ni aswang ang sasabay kumain.

Napahawak ako sa noo ko. Mukhang disaster ang mangyayari mamaya.

"Oh iho nandyan ka na pala. Mukhang hindi pa kayo nagkakaayos ah. Maupo ka na dito
at pababa na din ang iba." Inilagay nya ang kanin sa table.

Hindi pa ko nakakagalaw ng biglang nagdatingan ang mga mag-aasawa. Holy crap!


Nagkanya-kanya na sila ng upo na magkakatabi.

"Sya ba yung bagong kasal?" tanong ng isang babae na may kaputian. Tingin ko nasa
30+ na sya.

"Ay oo. Sila nga kaso may tampuhan sila ng asawa nya. Pababa na din yun. Alam nyo
na ang gagawin." Ngumiti si Mercedes at umupo sa gitna. "Halika na umupo ka na
dito."
Papaupo na ko ng biglang sumulpot si aswang. Halata sa mukha nya na gulat na gulat
sya at napatingin din sya agad sa'kin. I just shrugged. Hindi naman kami pwede
ditong mag-usap dahil mahahalata kami.

"She's your wife. She's so beautiful and sexy. Ganyan din ako nung kabataan ko."
Tumingin yung isang babae sa asawa nya. "Kaya nga until now patay na patay pa
sa'kin ang husband ko."

"Ano ba kayo. Swerte din naman 'tong si - "

"Alexa po."

"Si Alexa sa asawa nya. Tingnan mo naman kagwapo at kakisig na lalaki." Sabi ni
Mercedes. Wala na atang mas aawkward sa situation na 'to. "Mabuti pa Alexa tabihan
mo na ang asawa mo nang makakain na tayo."

Umupo kaming dalawa at kumain kasabay nila. Hindi kami nag-uusap dahil nagpapanggap
nga kaming magkaaway. Kahit ang totoo hindi naman namin kelangang magpanggap dahil
palagi naman kaming nag-aaway.

"Ano bang pinag-awayan nyo?" mga chismosa naman nitong mga taong 'to. Hindi na lang
tumahimik. Nagkatinginan kami ni aswang.

"Bed." Yun ang lumabas sa bibig ko eh. Wala na kong magagawa. Tiningnan ako ng
masama ni aswang at siniko pa ko.

"Ow bed." Sabay-sabay nilang sabi. Napahawak na lang si aswang sa noo nya.

"Please let's not talk about it. Thanks." Sabi ni aswang at kumain na sya.

Hindi na din naman nagtanong ang mga nandun. Masyado silang PDA. Well hindi na
siguro kasi alam naman nilang lahat na magaasawa ang nandun so wala silang piniling
gawin. Napapatingin ako kay aswang at napapatingin din sya sa'kin with a confused
look.
"Mabuti pa siguro magbati na kayo ngayon." Biglang nagsalita yung babae sa tapat
namin ni aswang.

"No no no!" nagwawave pa si aswang. Sige turn naman nyang umarte. Dyan naman sya
magaling. "I can't deal with this right now. Masyadong na syang sumosobra. Kung
nakilala ko lang na ganyan pala sya kaantipatiko eh di sana hindi na ko sumama sa
kanya. Ayoko na. Hindi na nya ko iginalang." Mukhang sobra naman ata 'tong ginagawa
ni aswang.

Hindi naman ako nagpatalo. "Excuse me. Kung meron ditong dapat umayaw ako yun.
Napakaarte mo. Gusto ikaw ang nasusunod. Simula ng dumating ka sa buhay ko minalas
na ko!" nagulat si aswang sa sinabi ko at napatingin sya sa'kin.

"Hindi yan totoo no! Ikaw nga napakapalautos mo! Ako? Ako uutusan? At hindi ka
natanggap ng no! Kahit paghintayin mo ko ng matagal kapag nagcacasino ka hindi ako
nagrereklamo tapos ako pa ngayon ang masama!" ayan na ang arte nya. Kunyari may
luha sya.

Tumingin ako sa mga nasa harapan namin at nakita kong masama ang tingin nila
sa'kin. Hindi pwedeng ako ang lumabas na masama.

"Hindi yan totoo. Ikaw nga nakita kitang may kasamang lalaki. Oo, may lalaki ka at
kaibigan ko pa. Si Tuck, si Tuck ang lalaki mo. AKala mo hindi ko malalaman!"
ngayon ang mga mata ng nandun ay na kay aswang naman.

"Ako at si Tuck? You're ridiculous! Wala kaming relasyon. Hindi ako manloloko!"
humarap sya sa'kin na nakaturo ang fork.

"Oo. Niloko mo ko at sinaktan. Akala ko pinagseselos mo ko pero hindi pala. Totoo


na pala!" ngayon magkaharap na ang mukha namin. Hindi ko alam kung saan
nanggagaling yung mga pinagsasabi namin pero nakuha namin ang atensyon ng lahat.

"Uh, mahal talaga nila ang isa't-isa."

Sabay kaming napatingin ni aswang sa nagsalita. "No!" sabay naming sabi.

Magsasalita pa sana ulit kami pero pinigilan na kami ni Mercedes. "O sya tama na
yan. Ang dapat eh magkaayos kayo bago kayo umalis. Walang umaalis ditong mag-asawa
na magkaaway."
Hindi ko alam kung anong plano nila pero parang hindi ko gusto ang mangyayari.

*******************

ALEXA'S POV

"O sya tama na yan. Ang dapat eh magkaayos kayo bago kayo umalis. Walang umaalis
ditong mag-asawa na magkaaway." Napatingin ako kay Mercedes at nakit ako din ang
mga mukha ng mga kasama namin dito. Mga nakangiti sila. Anong pinaplano nila?

"Sumunod lang kayo sa sasabihin namin." Sabi ng isang babae na katabi ni Mercedes.

Bakit naman ako susunod sa kanila? Tiningnan ko si goon. Mukhang ayaw din nya sa
mga naiisip nila.

"Simple lang naman ang gagawin nyo. Titingnan nyo lang ang isa't-isa sa mata tapos
sasabihin nyo lahat ng mga magagandang bagay na gusto nyo sa bawat isa." Mahabang
paliwanag ni Mercedes. Naiisip ko palang feeling ko magcocollapse na ko. Hindi ko
alam kung bakit pero maisip ko lang na tititigan ko 'tong goon na 'to bumabaliktad
na ang sikmura ko.

"Dali na. Gagawin nyo ba o pipilitin ko pa kayo?" iniharap ni Mercedes ang ulo ko
kay goon at iniharap din nung katabi ni goon ang ulo nya sa'kin. Magkaharap na kami
pero hindi pa kami nagkakatinginan.

"Magtitinginan ba kayo o papagawin pa namin kayo ng ginagawa ng matatanda dito


mismo sa kusina!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mercedes at tumingin ako sa
kanya. Hindi naman sya seryoso di ba?

"Seryoso ako. Dahil kung di kayo susunod sa'kin, yun lang ang naisip kong paraan
para magbati ang mag-asawa." Napalunok ako at napatingin kay goon. Nagulat ako,
namumutla sya. Kinakabahan din ba sya? Pero bakit naman sya kakabahan?

Maya-maya nagkatinginan na kami. Nagsensyasan pa kami ng nod para lang sumunod sa


pinapagawa ng mga adults kesa naman sa may gawin pa kaming hindi tama.
"Good. Madali naman pala kayong kausap eh." pumalakpak si Mercedes habang
nagtititigan kami ni goon. "Ngayon gusto kong dahan-dahang lalapit ang mga mukha
nyo sa isa't-isa habang sinasabi nyo ang mga gusto nyo."

Kumunot ang noo ko. Anong gusto ang sasabihin ko? Eh hindi ko naman gusto 'tong
lalaking 'to. Asa pa sya. Tsaka ayokong mauna no! Wala akong sasabihin! Wala! Wala!

"Mauna ka na Alexa dahil ikaw ang babae!" sabi ng mga babae dun at sinasabi pa nila
paulit-ulit ang pangalan ko. Kakasabi ko lang na ayoko di ba dahil wala naman akong
sasabihin?

"Go go Alexa! Go!"

Nagshrug si goon. Fine! Eh di ako na. Magaling naman akong gumawa ng kwento! Ano
bang sasabihin ko? Ang hirap naman. Hindi ako mapakali. Kanina pa kami nagtititigan
at pakiramdam ko namumula na ko.

"Ano na?"

"Heto na nga po." I cleared my throat. "Ang gusto ko sa'yo - yung pinagtatanggol mo
ko lagi sa mga gumagawa o gumawa ng masama sa'kin. Kahit kaya ko namang ipagtanggol
ang sarili ko ginagawa mo pa din na tulungan ako. Dumating ka nung kailangan kita.
Hindi mo ko hinayaang mapahamak sa kamay ng tatlong masasamang lalaki. Kahit na -
kahit masungit ka pa sa'kin at hindi kita maintindihan - " hindi ako
makapagconcentrate dahil papalapit ng papalapit ang mukha namin sa isa't-isa at
hindi inaalis ni goon ang tingin nya sa'kin kahit medyo natingin na ko kung saan-
saan. " - salamat sa lahat. Hindi ko yun makakalimutan kahit - " bago pa ko ulit
magsalita nagulat na ko sa nangyari.

"Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Hindi na kailangan magsalita ng lalaking ito.


Ipinaramdam na lang nya." Sabi ng mga nandun habang ako ay gulat na gulat.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko din alam kung
bakit ako hinahalikan ni Zak ngayon sa harap ng maraming tao. Para akong nanghihina
gusto ko syang itulak pero hindi ko magawa hanggang hindi ko napansin I am kissing
this goon back in front of these couples.

*******************************************
16

*******************************************
ALEXA'S POV

Nandito kame sa may open field nakaupo ni Jezhi at nagla-lunch.

"Maganda naman sya. Kaya lang alam mo feeling ko hindi naman tunay yung itsura
nya."

Grabe hindi ako makatulog ng ayos simula nung umuwi kami galing dun sa lugar nila
manang. Hindi ko din maipaliwanag pero hindi na kami nag-away ni goon after nun.
Hindi na din naman kasi nagsalita. Magkakatinginan kami tapos ngingiti sya at
ngingiti din ako. Sya nagdrive pauwi tapos bumaba sya sa Ground45, nun ko lang
nalaman na yung boxing gym at pub eh Ground45 ang pangalan. Tapos umuwi na ko pero
nung gabi hindi ako makatulog.

"Tapos alam mo ba sis grabe pala sya kahit sino na lang makita sa party. What a
slut!"

Kapag naalala ko yung kiss na yun nabilis yung tibok ng puso ko. Normal kaya 'to?
May ibig sabihin ba yung kiss? Alam ko hindi namin gusto ang isa't isa pero nagkiss
kami.

"And I saw her with another guy. Nakakatuwa na nga lang at hindi sya pinatulan ni
Val kahit hindi ko pa sinasabi sa kanya kung anong klaseng babae yun."

Pero palabas lang namin yun. Palabas lang ang lahat Alexa. Wake up! You started
this game and he's playing well. Tama, this is just a game. We need to convinced
those couples na mag-asawa nga kami. Sa sobrang galing ng palabas namin napaniwala
namin sila.

"Actually we were all looking for you. Alam mo na, hindi ko naman manonotice kasi
we're not classmates anymore."

Ano bang dapat kong gawin? Itigil ko na lang 'tong pagpapanggap namin? I mean
masama si goon sa paningin ko pero bakit parang biglang nagiging maganda yung
tingin ko sa kanya? Yung mga sinabi ko sa kanya that time lahat naman yun totoo.
Pinagtanggol nya ko kina Zanea, kay Hercules at dun sa kunyaring nasnatchan ng bag.
Kahit na masungit ako sa kanya ginawa nya pa din yun. Ugh! Mababaliw na ata ko.
Kinakatok ko na 'tong ulo ko para tumigil sa pag-iisip!
"What are you doing?"

Ugh! Alexa enough!

Tama hindi pa naman kami nagkikita ulit. For sure wala lang yun sa kanya. Lalo
naman sa'kin no. Hello! Ako? I hate boys!

*TUGSH

"Aray Jezhi bakit mo ko pinalo sa ulo!"

"Una you're not listening to me since we got here and second, tinutulungan kitang
katokin yang ulo mo! Ano bang problema?"

Dapat ko bang sabihin sa kanya? Parang mas gusto ko na lang kausapin ang stranger
eh. Grabe. Ano kayang gagawin ko?

"Wala kong problema. Meron kasi akong nakilala kahapon. Grabe hindi ko alam kung
anong isasagot ko sa mga pinagsasabi nya. Alam mo na naman hindi ako experienced
person when it comes to you know." I trailed off. "Pero sabi ko sa kanya
magtatanong ako ng gagawin tapos tatawagan ko na lang sya."

Tiningnan lang ako ni Jezhi na parang hindi naniniwala sa'kin.

"I'm telling you the truth sis." I said, hastily.

"So who's this person? Anong pangalan? At anong problema?" naubos na pala ni Jezhi
lahat ng kinakain nya ng hindi ko namalayan.

"Sabi nya kasi hinalikan daw sya ng isang lalaki na hindi naman nya boyfriend tapos
she kissed him back and while they were kissing parang mahihimatay daw sya sa bilis
ng heartbeat nya. Ano daw meaning nun?" Sana maniwala si Jezhi. Please please.

Hindi pa din sya naimik so kelangan ko pang dagdagan ang explanation. "Sabi ko I
don't know anything about that. Sabi nya mas madali daw makipagusap sa stranger.
Sabi ko I'll get back to her."

"And what's her name?"

Name. Name daw. "She's - " isip ng mabilis Alexa. "Goody! Yeah she's Goody. Goody
Hoody. Ang cute ng pangalan nya no?"

"Goody Hoody? Are you sure it's a name? Sounds like - " she sighed. " - whatever.
Convinced me na may Goody Hoody talaga."

Sobrang hirap kausap naman nitong si Jezhi.

Ah alam ko na!

Kinuha ko ang phone ko then naglog in sa skype. Pinakita ko sa kanya na may friend
ako na goody hoody sa skype. Pero syempre di ko na pinakita ng matagal. Baka mabasa
nya pa yung conversation namin.

"So she's real. Goody Hoody's real. Weird name." Nagisip sya sandali then tumingin
sya sa'kin. "Well sa tingin ko may gusto sa kanya yung lalaki at kaya sya
nakaramdam ng ganun kasi may feelings din sya dun sa guy. Yun lang yun."

My jaw dropped a litte. Is she serious? Dahil lang dun may feelings involved na
agad? "Paano naman sya makakasiguradong may feelings na nga sya dun sa guy?"

"Eh di hindi sya mapakali kapag nandyan yung guy tapos kapag wala naman hinahanap
nya. Hindi sya makatulog kasi iniisip nya. Ganun." Inayos ni Jezhi yung gamit nya
at niligpit yung pinagkainan nya. "Hindi naman siguro ikaw yan sis?"

Ako yung kinukwento ko pero I doubt na may feelings ako sa goon na yun. Hindi mo
lang nagets kaya ganyan ang sinasabi mo.

"Nope. You know me sis. I hate boys." Then I winked giving her my super duper fake
smile.
"I know you Alexa. A lot! You hate boys pero ngayon ka lang nagtanong ng ganyan
sa'kin. You can't hate boys forever. Meron pa ding isa sa kanila na magi-standout.
At kapag nakita mo kung sino yun mararamdaman mo na sya na talaga at hindi mo na
dapat palampasin or else tatanda kang dalaga." Tumayo sya at iniwan ako sa field
mag-isa.

Sa lahat ng sinabi ni Jezhi wala akong naintindihan. Siguro naman hindi ako
maiilang kapag nandyan yung goon na yun. Tatapusin pa namin yung project namin na
due na this Wednesday. Just be yourself Alexa. Sigawan mo sya, awayin mo sya,
inisin mo sya. Ugh!!!!! Bahala na nga! Makabalik na lang sa klase ko.

************************

ZAK'S POV

Ano ba yung ginawa ko? Sinabi ko na kasing wag na ulit magkakalapit mukha namin
kundi mahahalikan ko sya. Pero ang kukulit nung mga nandun, kung ano pang pinagawa
sa'min. Yung mga sinabi nya kasi, hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun o
hindi pero parang yun nga yung mga ginawa ko sa kanya. Yung pinagtanggol ko sya sa
bakulaw nyang kaibigan. Yung dumating ako nung kasama nya yung Myerkules na yun at
yung tatlong masasamang lalaki, yun yung may nasnatchan ng bag na pakana ni
Myerkules. Dahil narinig ko yun hindi ko napigilan yung sarili ko. Kusang gumalaw
yung katawan ko palapit sa kanya at wala akong nagawa. Grabe, hindi pa ako
nakatulog ng ayos. Hindi naman dahil sa hinalikan ko sya, kundi dahil sa hinalikan
nya din ako.

Pero alam ko namang walang ibig sabihin yun para sa'min, lalo naman sa'kin. Palabas
lang yun. F*#k! Para sa'min 'tong palabas na 'to at hanggang dun lang yun. Hindi na
ko magkakagusto kahit kaninong babae. Nagawa ko na yun ng ilang taon, ng ganun
katagal. Nagawa ko yun dahil lahat naman tinutulak ko palayo. Hindi ko pinapakitaan
ng maganda. Pero kasi 'tong si aswang nakikipagsabayan sa'kin. Hindi natatakot at
nandyan pa din. Mabuti pa wag ko na lang syang kausapin? Pero paano? Eh gagawa pa
kami ng project tapos magkaklase pa kaming dalawa. Susungitan ko na lang ulit sya
palagi. Mas okay pa yun kesa yung hindi kami nagsasalita.

*TUGSH!

"WHAT THE F*$K!!" Napatigil ako ng matamaan ako ng can ng soda at lumingon sa mga
ungas na 'to. Una kong tiningnan si Trav pero pumikit lang sya at humiga sa
damuhan. Tiningnan ko si Tuck pero bigla syang sumagot ng phone call. Sunod kong
tiningnan si Rich pero bigla syang umakyat ng puno at dun naupo. Sunod kong
tiningnan si Luke ng masama pero bigla nyang tinuro si Val.
Siraulo talaga 'tong si Val! Bakit nya ko binato? Dahan-dahan akong lumapit sa
kanya at hindi sya mapakali. Tiningnan nya isa-isa ang mga kasama namin pero nakita
nyang may kanya-kanya silang ginagawa.

"Bakit mo ko binato? Sawa ka na ba sa buhay mo?" I clenched my fist. "Sa dami ng


ginawa mo sa'kin sa tingin ko OO!" Hahawakan ko na sana sya sa leeg pero bigla
syang nagsalita.

"Kasi naman dude kanina ka pa nagpapalakad-lakad dyan. Hindi ka naman ganyan kaya
napag-usapan namin na - na istorbohin ka kaya lang walang magkusa eh. Ka - kaya
nagjack en poy kami. Ang gagaling nitong mga ungas na 'to. Natalo ako kaya ako ang
nambato sa'yo!" Napakamot si Val sa ulo nya. Tiningnan ko ulit ang mga ungas pero
isa-isa silang umiwas ng tingin at mukhang nagsasabi nga ng totoo si Val.

"Dude kung may problema ka pwede mo namang sabihin sa'min!" Sabi ni Rich na nasa
taas ng puno.

"Tss! Wala kong problema!" Ano bang problema ko? Bakit ba nilang nasabing may
problema ko? Dahil lang naglalakad ako pabalik-balik may problema na ko agad?

"Hindi yan laban alam namin. Kelan ka ba kinabahan sa laban?" nagsalita si Trav
pero nakapikit pa din sya.

Hindi na lang ako sumagot dahil hindi ko din naman alam ang isasagot sa kanila.
Pinagti-tripan na naman ako nitong mga ungas na 'to eh.

Lumapit si Tuck sa'kin at umakbay sa'kin. "Dude, bayaran mo ko sa nagastos ko sa


big bike mo." Nilahad nya kamay nya. "10K dude!"

"Crap! Bakit ang mahal naman?" inalis ko yung kamay nya sa pagkakaakbay sa'kin at
tinulak ko sya.

"Aba, hoy pinapick up ko pa yun sa school at tsaka ko pinaayos!" paliwanag ni Tuck


habang inaayos ang jacket nya. "Akin na dali!"

"Utang muna. Sa laban ko na babayaran." Bwisit talaga, ang mahal naman ng nagastos
nya parang naflatan lang naman ako. Sana ako na lang nagpaayos nun eh.
"Wag mo na kong bayaran." He smirked at tumingin sya kina Val. Ano ba talaga?
Babayaran ko ba sya o hindi ko na sya babayaran? "Basta sabihin mo lang bakit
absent ka nung nakaraan?"

O.O

Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila. Magiimbento na lang ako. Hindi naman nila
siguro alam na wala din si aswang. Magsasalita na sana ko ng biglang umepal 'tong
Luke.

"Pati si Lex wala din. Magkasama ba kayo? Kasi di ba sabi mo gagawa kayo ng project
kaya sa'min mo pinaayos motor mo?" Damn! Naisahan nila ko dun. Ano bang sasabihin
ko? Bakit ba ko nahihirapan magpaliwanag? Parang ito lang naman.

Nakatingin silang lahat sa'kin na naghihintay ng sagot ko. I cleared my throat.


"Oo. Magkasama kami. May inihatid lang kaming matanda tapos nasiraan kami. Yun
lang."

"San kayo natulog?" bwisit! Hindi ba sila titigil sa pagtatanong?

"Sa hotel! Pwede ba wag nga kayong magtatanong ng walang kwenta!" tumalikod ako sa
kanila dahil naiinis na ko.

"Baka kaya ka nagkakaganyan dahil kay Lex, hindi kaya?" natatawang sabi ni Rich sa
taas. Kung nasa baba lang 'to naitulak ko na 'to.

"Alam nyo hindi gawa nya! Asa pa kayo! Kilala nyo ko mga ungas. Hinding-hindi ako
magkakaganito dahil sa babae. Alam nyo na di ba kung bakit? Dyan na nga kayo!"
naglakad ako ng mabilis na hindi lumilingon sa kanila. Mas lalo lang nila kong
pinapahirapan pag-iisip. Tss! Asa pa sila. Bahala sila mag-isip ng kahit ano. Basta
alam ko wala lang 'tong lahat.

*******************************************

VAL'S POV
"Alam nyo hindi gawa nya! Asa pa kayo! Kilala nyo ko mga ungas. Hinding-hindi ako
magkakaganito dahil sa babae. Alam nyo na di ba kung bakit? Dyan na nga kayo!"
nagmamadaling umalis si Zak.

Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan. Hindi naman yan naglilihim sa'min pero
parang kakaiba sya ngayon.

"Alam ko na Val, ibahin natin ang pustahan!" ano naman kayang iniisip nito ni Luke.

"Paanong ibahin?" seryoso pala yung pustahan na yun? Akala ko pa mandin joke lang.

Kumuha sya ng coin. "Head or tail?"

Head or tail? Para saan naman kaya 'to? Nakatingin lang ako sa kanya. Actually
nakatingin kaming lahat sa kanya.

"Ano na?" tanong nya habang tino-toss yung coin.

"Head!" kahit naman anong isagot ko parang balewala din naman kasi hindi ko alam
kung anong meron sa head o anong meron sa tail.

Sinalo nya yung coin at nilagay sa arm nya. Lahat kami nag-iintay ng sasabihin nya.

"Okay head!" sabi ni Luke. So ano naman kung head nga? "Ibig sabihin sa'yo si lady
ghost sa'kin si Zak."

"Ano? Ano bang sinasabi mo?" nakatingin na kaming lahat kami kay Luke ngayon.

"Simple lang. Hindi na tayo magpupustahan kung magiging sila o hindi. Ang pustahan
na lang natin kung sino ang magkakagusto sa kanila. Ako kay Zak, meaning pusta ko
na hindi magkakagusto si Zak kay lady ghost. At sa'yo si Lex, ibig sabihin ang side
mo eh hindi magkakagusto si Lex kay Zak." Wow, ang hilig nya sa mga ganito. Seryoso
ba sya?
"Eh paano kung magkagustuhan sila?" seryosong tanong ni Trav.

Tumingin ako kay Luke na parang nag-isip sandali. "Eh di walang nanalo kasi
nagkagustuhan sila."

Yun lang yun? Wala lang talagang magawa sa buhay 'tong si Luke. "Hoy napakadaya mo!
Hindi mo naman sinabi sa'kin kung sinong head at sinong tail. Alam ko inuto mo lang
ako kasi kahit anong piliin ko si Lex pa din ang ibibigay mo sa'kin!!" napakupal
talaga nitong si Luke. Alam nya kasing matatag si Zak. Dapat makakalap ako ng
information kay Jezhi. Teka, papatulan ko ba 'tong pakuno ng lokong 'to? Bakit nya
ba 'to ginagawa?

Tiningnan ko si Luke. Kalmado lang yung itsura nya. Medyo nakangiti pa nga sya eh.

"So that's it! We're done! Good luck man!" tinap ako sa balikat at tsaka tumayo at
naglakad papalayo sa'min.

"HOY KUPAL HINDI PA KO NAPAYAG!!!!" pero hindi na sya humarap. Napakakumag talaga
nito. Kinuha ko agad yung phone ko para tawagan si Jezhi. Kelangan tulungan nya ko.
Medyo okay na naman kami ngayon at mas lalo pa kaming magkakalapit siguro kung
mapag-uusapan namin sila Zak at Lex.

*************************************

ALEXA'S POV

Sa wakas natapos din ang klase. Hindi ako nakapagfocus masyado lalo na kanina nung
nagtetest kami. Last 15 minutes na ko nakapagsagot. Hindi ko pa masasagutan kung di
ko pa narinig yung prof namin na nagremind ng time. This is so not me. Siguro dapat
matapos na 'tong project na 'to para matigil na lahat. I need some space. Wait,
what space? Hello Alexa, hindi kayo. Tama na nga kakaisip. Mabuti pa tawagan ko na
lang sya para naman magawa na namin 'to.

Ida-dial ko palang yung number nya ng makita ko sila Val na naglalakad at


makakasalubong ko sila. Malayo pa lang sila kumaway na si Tuck sa'kin at ngumiti.
Tinago ko na yung phone ko. Sa kanila ko na lang itatanong kung nasaan si goon.

"Hey lady ghost. Long time no see. Namiss ka namin." Umakbay sa'kin si Val. OA ha,
if I know magpapalakad lang 'to kay Jezhi eh. Alam ko nakwento ni Jezhi kanina si
Val pero hindi ko matandaan yung kwento nya. Ano nga ulit yung kwento nya? Hindi ko
maalala, bakit kaya?

"Pauwi ka na?" I snapped back ng marinig kong nagsalita si Tuck.

"Hindi pa, hinahanap ko kasi si goon." Parang nagulat sila sa sinabi ko. Pati ang
nagkukwentuhan na sila Luke at Rich katabi si Trav eh napatingin din. "Ba - bakit?
May nangyari ba sa kanya?" Is he dead? Oh great! Ang saya! Teka, masaya ba talaga
ko? Bakit ba nila ko binibigyan ng confused look.

"Paano kung may nangyari nga sa kanya?" seryosong tanong ni Val.

"Huh?" What's wrong with these goons?

"Kasi alam mo Lex bigla syang nagkasakit nung pagbalik nya. Sabi nya magkasama daw
kayo. Hindi namin alam kung anong nangyari pero talagang nag-iba bigla si Zak."
Tiningnan ko silang lahat pero umiiwas sila ng tingin sa'kin. Alam kong joke lang
'to. Pero paano nila nalaman na kasama ko yung goon na yun? Hindi ko nga sinabi kay
Jezhi kung anong nangyari tapos sya sinabi nya?

Teka, eh ano naman kung sinabi nya? Karapatan naman nya yun.

"Nag-aalala si Lex kay Zak!" banat ni Rich.

"Ha? A - anong?" nag-aalala ba ko?

"Mga ungas talaga kayo!" napatingin ako sa likuran nila Trav at Rich. Bakit hindi
ko napansin na nandun si goon? Natatakpan kasi nung tatlo eh. Teka kanina pa sya
dyan? Bakit hindi sya nagsasalita? Tumabi sina Rich, Trav at Luke at bumungad si
goon na - namumula ba sya? Ah kasi naman nag-uusap kami sa ilalim ng init ng araw.
Akala ko sa movies lang nangyayari yung nag-uusap kahit tirik ang araw, nangyayari
din pala yun dito. Anyways, nakatingin lang si goon sa ground. Nakalagay sa bulsan
ng pants nya yung dalawang kamay nya.

"Alam mo bang kanina ka pa din hinahanap ni Zak." Ngumiti si Val tapos ginulo nya
yung buhok ko. Pagkasabi ni Val nun nagkatinginan kami ni goon sabay iwas din.
"Siraulo lang yan si Val. Hindi ka naman talaga hinahanap ni Zak, ayaw ka na nga
nyang makita eh." sabi ni Luke. I'm convinced kasi seryoso yung mukha ni Luke
habang nagsasalita. Lahat din natigilan at napatingin sa kanya. Hindi nya siguro
mapigilan yung sarili nya na masabi yung totoo.

I narrowed my eyes and calmed my self. "Oh come on, I know that. Kaya ko hinahanap
yang goon na yan para sa project namin. Kung ano mang sinabi nya sa inyo hindi yun
totoo at wala akong pakialam. Wala akong ginawa. Sya ang humalik sa'kin FYI lang
kung hindi nya namention!!!!" I rolled my eyes. "And that kiss? It was
ridiculous!!!" I said, faking my laugh.

Gulat na gulat ang mga mukha nila na hindi mo maipaliwanag. Mga nanlaki pa mga mata
nila at mga nakatitig sa'kin. Oh bakit? Nagulat ba sila sa sinabi ko? For sure
naman pinagyabang ng goon na yan na nahalikan nya ko. And for sure kaya sila
nakaisip na kunyari nagkasakit yang goon na yan eh dahil nahawahan ko sya ng virus
ko or what dahil nagkiss kami. Alam nyo di ba na sya ang unang humalik at tama
naman ako!! "Surprised?" tanong ko sa kanilang lahat.

Tumango lang sila na halatang shocked pa din. Tumingin ako kay goon. Parang nag-iba
na naman yung aura nya. He's back. The monster goon is back, I can sense it. Sorry
ka na lang goon kung nasira ko ang kayabangan mo. I know boys always brag and I
know na ganun ang ginawa nya sa mga kaibigan nya. I folded my arms over my chest
habang iniintay kong may magsalita.

"Wow dude kaya ka ba hindi mapakali dahil hinalikan mo si Lex?" biro ni Rich sabay
akbay kay goon. "Hindi mo naman nabanggit na may kakaiba palang nangyari."

And my jaw dropped, big enough for them to noticed. What was he talking about? Oh
no! I blurted out what happened just because I thought goon told them already!

"Nice one lady ghost!" lumayo sa'kin si Val at lumapit kay Luke. Nakita kong
nagaambaan sila ng suntok pero alam kong biruan lang naman yun.

"Hey, I was joking! You know, kasi masyado kayong seryoso. Hindi talaga yun
nangyari. Imbento ko lang yun. Nakakatawa di ba?" syempre tumawa ulit ako ng fake.

Tiningnan lang nila ko ulit tapos hindi nagsalita. Tumingin ako kay Tuck para
humingi ng help pero blank lang ang reaction nya. I don't know, pero di ko magets.
Hindi man lang sya nagsmile sa'kin. Tumalikod na lang sya at naiwan kami ni goon na
nakatayo.
"Tss! Ang daldal!" bulong ni goon pero narinig ko.

"Excuse me. Sinabi ko lang yung totoo. Alam ko ayaw mo na kong makita pero hindi mo
naman kelangang sabihin sa mga kaibigan mo yun. Ano bang akala mo gusto kitang
makita? In your dreams goon!!!" Nilagay ko pa ang dalawang kamay ko sa waist ko
habang kaharap sya.

"WALA AKONG SINASABING KAHIT ANO SA KANILA!!! NANGHUHULI LANG YUNG MGA YUN!! AT
IKAW DAHIL MADALDAL KA SINABI MO LAHAT!! NAGPAUTO KA NAMAN!! PAANO KA NAGING NUMBER
ONE KUNG GANYANG ANG UTAK MO!! PARANG DI KA NAG-IISIP!!!" habang nagsasalita sya
papalapit sya ng papalapit sa'kin. Punong-puno ng galit yung mukha nya kaya
napapastep backward ako. Pero ng marinig ko na minamaliit nya ang pagiging number
one ko hindi ko na kaya!

Tinulak ko sya sa chest nya. "How dare you!! Hindi mo ko kilala kaya wala kang
karapatang sabihan ako ng ganyan!! Hindi dahil babae ako kakayankayanan mo na ko!!
Wala kang alam tungkol sa'kin!!" Naglakad ako at nilampasan ko sya pero humarap
ulit ako sa kanya. "Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng kaibigan mo!! Ako
nagsasabi lang ako ng totoo!! Kung wala sa'yo yung kiss na yun mas lalo naman
sa'kin!!! And oh, thank you so much ha kasi ang galing mo. 'Tong palabas natin na
'to nasasakyan mo!" I told him while raising my hands in the air.
"Congratulations!! But don't worry, after ng project natin it's over!!" naglakad
ako ng mabilis. Nakasalubong ko sina Tuck na nakatayo at mukhang pinapanood kami.
Nilampasan ko lang sila at hindi ko sila tiningnan.

"And they're back. They'll kill each other any time now." Narinig kong sabi ng isa
sa kanila pero hindi ko na tiningnan kung sino yun. Basta naglakad na lang ako
papalayo sa kanila. Yeah, malamang we'll kill each other kung magtatagal pa kaming
magkasama. Alam ko namang wala lang sa kanya lahat. Yung kiss na yun it was only an
act! This whole thing is a mess. Dapat tigilan ko na talaga 'to. Napapahiya lang
ang sarili ko. Pinapahiya nya lang ako. Never pa yung nangyari sa'kin! Ang kapal
talaga ng mukha nya. Sumosobra na sya!

Dahil lakad lang ako ng lakad hindi ko napansing nasa labas na ko ng school. Oh
great, now I can't go back para sa kotse ko baka isipin pa ng goon na yun binalikan
ko sya! Nakakabuwisit ka talaga goon ka! Ako na lang ang gagawa ng project mag-isa!
Kung hindi tanggapin ng professor bahala sya! Ida-drop ko yung subject na yun!!
I'll do anything to get rid of that goon! I swear -

Naramdaman kong may mahigpit na humawak sa kamay ko at bigla akong hinigit


patalikod at ngayon nakaharap kay................... goon. Wow, so hindi pa sya
tapos sa pakikipagtalo. At ito pa ang gusto nya? Ang manakit ng babae? Hindi ko
akalaing may ganitong lalaki sa mundo!
I was about to open my mouth pero bigla syang nagsalita.

"The kiss was real." Sabi nya habang nakatingin sa'kin. Hello, I know real yung
kiss, ginawa nga namin di ba?

"Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero ginusto ko yun. F*#K!" I heard him
cursed. "Kusang gumalaw yung katawan ko. Hindi ko alam kung bakit at until now
tinatanong ko sa sarili ko yan. Kung nabastusan ka sa'kin I'm sorry. Hindi na yun
mangyayari kahit kelan dahil after ng project lalayuan na kita!" dahan-dahan nya
kong binitawan at naunang maglakad.

Naiwan akong tulala. Pinaprocess pa ng utak ko yung mga sinabi nya. Totoo daw ang
kiss? Ginusto daw nya yung kiss? At until now tinatanong nya sa sarili nya yun? At
si goon - si goon nagsorry? What the F*#K! Yeah, I swore. Ugh! Mas magulo pa 'to sa
pinakamagulong war sa mundo. Kanina lang nag-aaway kami. Tapos ngayon naman - anong
dapat kong gawin? Mababaliw na ko! I need help! SOS please.

"Tatayo ka na lang ba dyan o gagawin na natin yung project? Alam kong gustong-gusto
mo na yang matapos para hindi mo na ko makita!" hindi sya makatingin sa'kin pero
bakit parang bumigat yung pakiramdam ko nung sinabi nya yun? I need to see my
doctor. Something is terribly wrong with me now.

A/N

We're still at #48 on Humor and #52 on Teen Fiction. Hindi nagmomove pababa, okay
na din. Please vote and comment and share this also to everybody. Thank you so much
guys and please like the official fan page of Perfect Haters. Show your support
guys. Gracias!

megladiolus (Mela)

*******************************************
17

*******************************************
ALEXA'S POV

"So the given number will be divided to 20, or n over 20 and the remainder will be
based on the first 20 units digits to be able to determine the units digits of that
number." Nasa last part na kami ng sinasagutan namin dito sa isang fast food. Dito
kami nagdiretso kanina. Sabi kasi ni goon mabilis lang daw namin masasagutan 'to
kasama na yung illustrations kaya dito na lang daw kami gumawa. Malapit pa daw sa
school kaya pumayag na ko.
"Yes. The given number will be the numerator and the denominator will be 20. So
that's it. Tapos na tayo." He smirked at ininom nya ng straight yung softdrinks sa
harapan nya.

Magkatapat kami ni goon sa upuan. Nagsusulat ako at nagbabasa naman sya. Nagsusulat
din sya para ipakita yung solution nung ginagawa nya. After nung mga sinabi nya
kanina hindi ko alam pero nakapagfocus naman kami dito sa investigation project
namin na sobrang dami. Hindi din kami nagtalo or nag-away. Kung meron kaming
gustong iprove papakita lang yung solution then that's it. Alam mo yun sobrang
hindi kami nag-aaway and I don't know why.

Tulad ngayon. Nagkakahiyaan ata kaming magsalita. Nililigpit ko na 'tong mga gamit
sa table at inilalagay ko na sa bag habang sya nakatitig lang sa softdrinks. Ewan
ko kung anong meron dun.

"So ipapasa na natin yan bukas? Tapos na naman di ba?" tanong nya habang nakatingin
pa din sya sa softdrinks.

"Oo. Wala na naman tayong aayusin dito. Okay na naman." Teka, kaya ba nya
tinatanong dahil gagawin na namin yung sinabi nya na hindi na kami magkikita dahil
lalayuan na nya ko? Anong dapat kong gawin? Grabe, ang hirap. Umamin sya na ginusto
nya yung kiss so dapat may sabihin din ako.

>.>

<.<

"Ah, Zak." Yeah, sinabi ko yung name nya sa harapan nya. Parang hindi din ako
sanay. Nakakahiya. Parang pati sya nagulat. Hindi pa din sya tumingin sa'kin pero
nakita ko syang ngumiti.

"Kasi ano - yung mga sinabi ko that time about sa pagliligtas mo sa'kin at
nagpapasalamat ako kasi dumating ka - lahat yun totoo. Yun yung kina Zanea,
Hercules at dun sa tatlong lalaki na snatcher." Yun lang naman yung sasabihin ko
pero hirap na hirap ako. Tiningnan ko sya pero nag-iba na yung facial expression
nya. Nakangiti na sya ngayon tsaka tumingin sa'kin. Nagkatinginan kami pero wala pa
din syang sinasabi. ANo ba? Hello mahirap manghula no!!
"Zak, tingin mo pwede tayong maging magkaibigan? Kasi di ba friend na din ang
turing sa'kin nila Tuck." What are you talking about Alexa? Tingin mo papayag yan?
Good luck to you!

"Hindi talaga ko mahilig makipagkaibigan sa mga babae at alam nila Tuck yun."

See! See! I told you! Sana hindi mo na lang kasi inopen up! Ayan, wasak ka ngayong
babae ka!

"Pero tingin ko hindi ka naman mahirap maging kaibigan. Wala naman sigurong
magiging problema." Ngumiti sya sa'kin at tumingin ulit sa softdrinks.

Parang tumalon yung puso ko ng konti lang naman dahil sa sinabi nya. Bakit ganun?
Friendship lang naman ang pinaguusapan pero parang napakahalaga nun sa'kin. Bakit?
Dahil ba hindi ako nagkaron ng kaibigang lalaki dati pa? Hindi ko maintindihan
talaga 'tong sarili ko. Parang ayaw ko kasing lumayo sya kaya nga sinabi ko yung
about dun sa pagtulong nya sa'kin sa di ko alam na dahilan.

Napangiti na lang ako then nagnod ako. Ang awkward ng atmosphere. Ang hirap pala ng
ganito. Kung magiging magkaibigan kami, hindi na ba kami magsisigawan? Ang hirap
naman yata nun. Dun na kasi kami nagstart eh.

"So ibig sabihin ba friends na tayo officially?" tinatanong ba dapat ang isang tao
kung official na silang friends or hindi? Baka naman kasi hindi yun tinatanong,
nakakahiya naman. Desperada ba kong maging kaibigan 'tong goon na 'to?

Nagnod sya at hinawakan ng dalawang kamay yung glass. "I guess, siguro kung hindi
mo na ko sisigawan?" then he shrugged.

"Excuse me, siguro kung hindi mo na ko sisigawan." I narrowed my eyes and raised my
eyebrow.

Parehas kaming tumawa ng hindi ko alam ang dahilan. Alam mo yung para kaming baliw
dalawa na natawa lang.

"Ah, bakit nga tayo natawa?" okay Alexa kelangan ba lahat ng maiisip mo sinasabi
mo?

"I don't know. Bakit nga ba?" at sa tingin ko hindi lang ako ang nababaliw sa
pagtawa ng walang dahilan.

"Gusto mo pa bang kumain? Parang nagutom ako dun sa ginawa natin." Nakangiti sya at
nakatingin sya sa'kin. Oh my gosh, ngayon ko lang talaga nakita na gwapo 'tong si
goon. I mean ibang pagkagwapo, nago-glow.

He tilted his head na parang iniintay yung sagot ko. Dahil sa nahiya naman ako
napahawak ako sa buhok ko. "Okay lang. Medyo nakakagutom nga ulit." Lie. Hindi
naman talaga ko gutom. Siguro one reason lang eh para makapagkwentuhan pa kami as
'FRIENDS' at hindi ang Tom and Jerry na kilala ng lahat.

"So ako na ang oorder?" nababaliw na talaga ko. Bakit ang ganda ng boses nya sa
pandinig ko? Hindi ako sanay. Pero okay lang, mas natutuwa ako. Teka ano bang mga
pinagsasabi ko? Nakakahiya kasi 'tong nangyayari. I mean hindi ako sanay. Siguro
kanina pa ko nagba-blush.

"Okay." Yun lang ang nasabi ko sa tanong nya. EH ano bang dapat isagot dun? Di ba?

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Nagkatinginan kami ni goon ng biglang may tumunog. Kinuha ko agad ang bag ko na
nasa table at tiningnan ang phone ko.

Slight turn of the head

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

Habang hinahanap ko yung phone ko sa loob ng bag narinig kong napatawa si goon at
hindi ko alam kung bakit. Tsk. Nasan na ba kasi yung phone ko.

"Anong nakakatawa?" hindi ko kasi alam kung ano talagang nakakatawa.


"Wala. Naalala ko lang yung lyrics mo ng tongue tied. Ano nga ulit yun?

I need a little more luck than a little bit

Cuz every time I get stuck the words won't fit

Err! Ano daw yung sinasabi nya?

And every time that I try I get tongue tied

I'll need a little good luck to get me by

"Ah alam ko na. Bright cold silver goon tonight alone in the moon. Oo yun nga yun!"
tapos tumawa sya ng tumawa. Dapat mainis ako kasi pinagtatawanan nya yung lyrics ko
na hindi ko naman talaga alam kung bakit yun ang naisp ko nung time na yun pero
dahil ang cute nyang tumawa hindi ko nagawang magalit.

"Eh malay ko ba sa lyrics tsaka yun kaya unang pumasok sa isip ko." I rolled my
eyes.

I need a little more help than a little bit

Like the perfect one word no one's heard yet

Asan na ba kasi yung phone ko - there. I got it.

Cuz every time that I try I get tongue tied

I need a little good luck to get me by this time

Tumingin ako sa phone ko at tumingin ako kay goon.

I stare up at the stars

I wonder just where you are


You feel a million miles away

(I wonder just where you are)

Napatigil si goon sa pagtawa at tumingin sa'kin ng seryoso. "Oh bakit? Sinong


natawag?"

Was it something I said?

Or something I never did?

Or was I always in the way?

"Hindi sa'kin yung phone na natunog." At ipinakita ko sa kanya ang phone ko.

"F*#K!" kinuha nya yung phone nya sa bulsa. "Sa'kin pala yun."

So pareho kami ng ringtone? Well bakit hindi? Eh sya nga nagpalit nito sa hindi ko
malamang dahilan. Natandaan nyo ba kung ilan na yung dahilan na hindi ko malaman?
Tingin ko hindi kasi ako din hindi ko matandaan.

I need a little more luck than a little bit

Cuz every time I get stuck the words won't fit

And every time that I try I get tongue tied

"Anong kelangan nito?" narinig kong bulong ni goon bago nya sagutin yung phone.
Hindi na naman sya lumayo. Sa harap ko na mismo nya sinagot yung phone.

"O Bakit?" medyo masungit yung tanong nya. Sino kaya yun?

"Dito sa fastfood malapit sa school. Pero kakain pa kami kaya baka mamaya pa ko
maka - " bigla nyang tiningnan ulit yung phone nya. "Damn! Binabaan ako ng loko!
Bakit parang nagmamadali sya! Tss!" kinakusap nya ba yung phone? Okay lang kaya
sya.

I cleared my throat then napahawak ako sa batok ko. Kakain pa kaya kami or hindi
na? "Sino yung tumawag?"
Nagulat si goon sa tanong ko. Kahit ako nagulat. Kelan pa ko nakialam. Di ba nga
ngayon palang kami nagiging okay tapos heto na naman ako. "Sorry, it's not my
business anymore so you don't need to answer that." Itinaas ko yung phone ko
hanggang matakpan yung mukha ko para hindi makita ni goon. Gosh sobrang kahihiyan
na 'tong nagawa ko.

"Si Val yun. Nagmamadali eh hindi ko nga maintindihan parang sira tapos binabaan na
lang ako bigla sabi ko kakain pa tayo." Itinago nya ulit yung phone nya sa bulsa
nya. "So oorder na ko. Ano bang pabibili mo?"

So sinagot nya yung tanong ko. Buti na lang natatakpan ng cellphone nyung mukha ko
dahil napapangiti ako. Okay bago pa ko mabaliw sumagot na ko. "Ganito na lang
ulit." Then I smiled. Tumitig muna sya sa'kin ng matagal. O sige na nga, nagtitigan
muna kami ng matagal. Syempre kasi nakatingin sya sa'kin tapos ako nakatingin din
sa kanya eh di nagtitigan kami. Kung yelo lang siguro ko kanina pa ko natunaw.

"Okay." He shook his head bago tumayo.

Woooooooooooooooo! Hindi ko na 'to kinakaya. Konti na lang magcocollapse na 'ko.


Kinakabahan ako na sinamahan pa ng sakit ng ulo ko. Hindi naman 'to some sort of a
date di ba? Pero pwede, friendly date since official friends na kami. Pero hindi
naman kelangan ng ganun di ba? Hindi ako mapakali. Kinuha ko yung pouch ko at
kumuha ko ng suklay at mirror.

Maganda pa din naman ako pero bakit parang gusto kong maging mas maganda. Ano bang
nangyayari? May sakit ba ko? Bakit ang saya ko? Sana lang talaga alam ko ang mga
sagot sa tanong ko na yan. Itinabi ko na ulit yung mga gamit ko at tiningnan ko si
goon. Pabalik na sya na dala-dala yung order namin ng biglang nagmamadaling pumasok
si Val sa loob kasunod si Luke.

Umikot yung tingin ni Val na parang may hinahanap kaya naman tinaas ko yung kamay
ko para makita nya ko. Mabilis naman syang lumapit.

"Nasan si Zak?" hinihingal pa sya sa pagtatanong.

"Oh bakit?" sasagot palang sana ko ng makita ko si goon sa likuran ko. Lumapit sya
at inilagay yung tray sa table namin.
"I'm sorry dude. Wala kong nagawa. Nabigla din kaming lahat." Mukhang seryoso si
Val pero hindi ko alam kung bakit. Parang kinakabahan sya na hindi mo maintindihan.

"Teka, what do you mean?" umupo si Val sa tapat ko habang nakatayo si goon sa may
tabihan ko. "Ah teka kukuha lang pala ko ng straw." Umalis ulit si goon.

"Mukhang hindi din nila napigilan." Bulong ni Luke na nakatingin sa labas at umupo
na din sa tabi ni Val.

Tiningnan ko din kung saan nakatingin si Luke at nakita ko sila Tuck na may
hinaharang na babae?

Siguro nanti-trip na naman 'tong mga 'to. Pati ba naman yung babaeng yun pinipilit
nila. Napailing na lang ako dahil natatawa ako sa ginagawa nung tatlo. Itinulak
nung babae si Trav pero nahigit sya ni Rich. Itinaas nung babae yung kamay nya na
parang sumusuko na then binitawan sya ni Rich. Naglakad silang tatlo pabalik.
Mukhang naconvince na nila yung babae. Pero nagulat ako ng biglang nanakbo yung
babae at hindi agad napigilan nung tatlo. Dire-diretso yung babae sa -

"Tago!" sabi ni Luke. Yumuko si Luke at si Val sa upuan.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero yung babae pumasok dito sa loob at may
hinahanap.

"O anong ginagawa nyo dyan?" nilagyan nya ni goon ng straw yung softdrinks. "Heto
na sa'yo." Iniabot nya sa'kin ng nakangiti. Nagkatinginan pa kami. Okay talaga yung
ganitong Zak. Sana ganito na lang sya palagi.

"Thank you." Iinom palang sana ko ng biglang may sumigaw na babae.

"There you are!" napatingin ako dun sa babae na kakapasok pa lang at dire-diretso
kay.......... Zak. Niyakap nya si Zak at hinalikan.

>.>

Nakita kong gulat na gulat si goon kaya itinulak nya yung babae.
"Natalia, what are you doing here? Kelan ka pa bumalik?" gulat na gulat na tanong
ni goon.

"Sorry dude hindi namin napigilan eh." nakita kong nandun na din pala sila Tuck sa
loob.

"Hoy paupo nga!" tinapik ni Rich yung dalawang nagtatago sa upuan.

"Aren't you happy to see me darlin'?" nakalagay yung dalawang kamay nung babae sa
may leeg ni goon.

Napatingin ako kay goon at napatingin din sya sa'kin. Inialis ni goon yung kamay
nung babae. Pinapanood lang namin sila. Maganda yung babae. Maputi at medyo brown
yung hair. Medyo chubby sya pero sobrang sexy. Kitang-kita mo yung curves.

"Ano ngang ginagawa mo dito?" nakatingin si goon dun sa babae na ang pangalan ata
ay Natalia.

"I want to see you." Hahalik na sana ulit si Natalia pero pinigilan sya ni goon.

"Stop it." Parang nagulat ata si Natalia sa sinabi ni goon.

"Okay. Then come with me. Dun tayo sa place ko." Hinigit ni Natalia si goon
papalabas.

"I can't - " nakatingin si goon sa'kin. Nagpapaalam ba sya? Hindi ko alam kung
anong sasabihin ko pero naiinis ako! Naiinis ako! At naiinis ako!!!!!!! Ano ba yung
gusto nyang marinig from me?

" - may kasama kasi ako." Tumigil si goon at napatigil din si Natalia. Napatingin
sya sa'ming mga nakaupo.

Gusto ko syang tarayan. Sigawan. Awayin pero hindi ko alam kung anong idadahilan ko
at bakit ko yun gagawin so tiningnan ko lang sya at nakatingin din sya sa'kin. Well
dahil hindi ako manghuhula hindi ko maintindihan kung anong meron sa tingin nya.
Pero sa tingin ko gusto nyang iexcuse yung sarili nya. Siguro nahihiya lang sya
magsabi. Magsasalita na sana sya ulit pero inunahan ko na sya.

"Oh go ahead. I'm fine. Mukhang miss na miss nyo na ang isa't-isa. Ayiie.
Nakakatuwa kayong tingnan." Sa sobrang tuwa ko nga gusto ko kayong paguntugin at
itapon sa bangin. Syempre di ko naman yan masabi kaya ngumiti na lang ako ng fake
para kunyari kinikilig talaga ako at masaya.

"No. It's not what you think. She's - " but I cut him off.

"No need to explain. Pumunta na kayo sa place nya don't worry about our project.
Tapos na naman di ba? I'll call you kung may problema pa or ako na lang ang aayos
para hindi ka na din maistorbo kung ano mang gagawin mo. And besides nandito naman
sila Tuck kaya go ahead. Enjoy!" hindi na ko tumingin sa kanya at tumingin na lang
ako kina Tuck na parang gulat na gulat sa'min ni goon.

"F*#K!" tumalikod sya at hinigit si Natalia palabas. Habang papalabas sila kumapit
si Natalia sa braso nya. Parang ang saya-saya nilang dalawa. Sino ba sya? Siguro
girlfriend ni goon. Akalain mo may pumatol sa kanya.

"Okay ka lang?" narinig kong tanong ni Tuck. Napatingin ako sa kanila. Mga
nakatingin sila sa'kin.

"I - I'm okay. Ba - bakit hindi naman ako magiging okay?" ininom ko yung softdrinks
na iniabot ni goon at kinuha ko yung burger. Okay lang naman talaga ko eh. Bakit
nga ba hindi ako magiging okay? Ang saya-saya kaya namin kanina. Ha. Ha. Ha. Oo
kanina yun.

"Lex are you sure you're okay?" tanong naman ni Val. Kakasabi ko lang di ba? I'm
okay. Hindi ba nila ko narinig?

"Yeah I'm fine!" nakakainis naman talaga yung goon na yun. Akala ko pa mandin
nagbago na sya. Wala man lang syang sinabi sa'kin. Sya nagyaya na kumain pa ulit
tapos iiwan lang nya ko. Papakain nya sa'kin lahat 'to? Wow, thank you sa kanya. Sa
susunod ako naman ang magyayaya tapos ako naman ang aalis! Hindi pa nya pinakilala
yung babaeng yun. Sino ba sya? So anong gustong palabasin ng goon na yun? Na mas
maganda yung Natalia na yun sa'kin? Tss. Sexy lang sya pero lamang pa din ako sa
kanya.

"Tingin nyo?" narinig kong bulong ni Rich. Nakatingin sila sa'kin. Mukhang
nagwoworry sila. Ngumiti ako para hindi sila mag-alala.
"Okay lang talaga ako guys. Really." Tumawa ako ng fake. "Kakain pa nga ako." Tapos
tumawa ako ulit.

"Lucky girl, yung sundae - " parang nagdadalawang isip si Tuck sa sasabihin.

"Yeah masarap ang sundae dito gusto mo?" at tumawa ako ulit. AYan ang dami ko ng
tawa para lang maniwala silang okay ako kasi okay naman talaga ako. Di ba? Alam
nyong okay lang ako. Ha. Ha. Ha.

" - yung sundae mo nilagay mo sa burger." Tinuro ni Tuck yung pagkain at napatingin
naman ako.

O.O Oh holy golly.

Yung isang buong sundae tinaktak ko sa burger imbis na ketchup.

"Oh, ganito kasi talaga ko nilalagay yung sundae sa burger. Masarap 'to. Try nyo
minsan." Tumawa lang ako ulit. This time, tawang nakakahiya. Para lang hindi ako
mapahiya sinabi ko yun. Hinanap ko agad yung ketchup na dapat ilalagay ko sa burger
pero hindi ko makita. Usually kasi yung sundae nilalagay ko sa softdrinks at yung
ketchup sa burger. "Wala ata silang ibinigay na ketchup. Teka lang hihingi ako."
Papatayo na ko ng hinawakan ako ni Luke at itinuro yung softdrinks ko.

"huh?" naguguluhan kong tanong.

"Yung ketchup nilagay mo sa softdrinks kanina." Nahihiyang sabi ni Rich. Nakita


kong siniko sya ni Luke.

Oh. Oh that. Umupo ulit ako at tiningnan ko yung softdrinks. Shocks, nandun nga
yung ketchup.

"Ha. Ha. Ha. Gusto ko nga din palang itry kung masarap ang ketchup sa softdrinks.
Woooo. Great! Sundae sa burger at ketchup sa softdrinks. Ready to eat!" I said
while clapping my hands. Do I really need to eat these? Hell no! But I have to. T.T
Help! Hindi ko napansin na ganito na yung ginagawa ko.
Kinuha ko yung burger. Ready to eat na ko. I can do this. Kumagat ako ng isa.
"Mmmm. Ang sarap!" masarap naman talaga. Hindi naman masama. Mabuti na lang. "Now
softdrinks naman." Heto yung never ko pang natry. Iinom na ko. Nakatitig ako maige
sa softdrinks. Nilunok ko yung burger at nagsimulang magpray na sana masarap 'tong
iinumin ko. In 5, 4, 3, 2, 1 and -

"Enough Lex!" kinuha ni Tuck yung softdrinks at inilayo sa'kin. "Alam kong hindi ka
naman talaga umiinom nyan at walang taong umiinom ng ganyan. You're not okay! We
know it!" tumayo sya at hinawakan ako sa kamay at hinigit nya ko patayo. I grabbed
my bag na nandun lang din.

"San tayo pupunta?" nakita kong nagtayuan na din sila Rich at iba pa. Kinuha pa ni
Val yung fries at softdrinks na hindi pa nagagalaw na dapat eh kay goon.

"Sa pub." Seryosong sabi ni Tuck.

No way! Not again. The last time na nagpunta ko dun nagkaron ako ng isang video na
hindi ko inaasahang magkakaron ako sa buong buhay ko at ngayon hindi ko alam kung
anong binabalak nito ni Tuck pero kung ano man yun hindi maganda ang kutob ko. Pero
sa tingin ko hindi na din naman masamang sumama ko sa kanila. Kasi sila hindi nila
ko iniiwan, in fact sila yung nandyan ng iniwan ako ng goon na yun. Bakit ko pa sya
iniisip? Malamang nagpapakasaya na yun ngayon kasama yung Natalia na yun! Pare-
pareho lang mga lalaki. Katulad din sya ni Gene! Wait a minute, hindi ko sya
pwedeng itulad kay Gene, dahil si Gene minahal ko kaya masakit para sa'kin yung
ginawa nya. Pero si goon, hindi ko mahal kaya wala akong pakialam sa ginagawa
nya!!!!

I need to calm myself at ang pagsama kina Tuck lang ang tanging way. Sana naman
this time walang video or else ipapakulam ko silang lahat kasama na yung goon na
yun!

*******************************************
18

*******************************************
Hello guys. I wanna thank you all! Perfect Haters got to #23 in Teen Fiction and
#27 in Humor! Totally amazing. I love you all. Keep voting! Share this story to
your friends on fb and twitter. And I am more than happy to read all your comments.
I love y'all!

megladiolus (Mela)

***********************************

ZAK'S POV
F*&K!! Akala ko pa mandin ayos na lahat. Sino bang may sabing gusto kong sumama sa
babaeng 'to? Sasabihin ko sana na may lakad pa kami pero anong ginawa nya?
Pinagtulakan ako. Iniintay ko lang na magsalita sya at pigilan akong umalis dahil
niyaya ko syang kumain pa! Tss! Bakit nga naman nya sasabihin yun? Ano nga bang
pakialam nya sa'kin? Malabo nga ata talaga kaming magkasundo! Paano ko makakasundo
ang babaeng pinapangunahan pa ko sa mga gagawin ko at iniisip ko!

"So where are we going? Sa place ko ba or sa place mo?" kasama ko nga pala 'tong si
Natalia. Bakit ba kasi sya biglang sumusulpot! Ah, oo. Dapat pala inasahan ko nang
susulpot sya bigla pero hindi sa pagkakataong nagiging magkaibigan na kami ng
aswang na yun! Yung aswang na yun!! Siguro mas gusto nya talagang kasama sila Tuck!
Tss! Bakit akala nya ba gusto ko din syang makasama? No way!! Mas gusto ko na lang
kausapin yung motor ko kesa sa kanya.

"Hey! Are you okay? Kanina pa kita kinakausap ah!" napatigil ako ng hinawakan ako
sa braso ni Natalia.

Humarap ako sa kanya at inalis ko yung kamay nya sa braso ko. "Why are you here?"

"What? Para makita ka. Hindi mo ba ko namiss?" namiss? Namiss? ANo bang pinagsasabi
nitong babaeng 'to? Halos mamatay nga ako nung nawala sya tapos tatanungin ako kung
hindi ko sya namiss?

"Ano bang sinasabi mo? Tapos na tayo bakit nandito ka pa?" alam kong nagulat sya sa
mga sinabi ko pero yun ang totoo. Kung kelan tahimik na ko tsaka sya ulit babalik.

"Come on Zak alam kong mahal mo pa din ako. Hindi ka nga nagkagirlfriend after we
broke up." Nilagay nya ulit yung dalawang kamay nya sa may leeg ko. Damn! She's
still pretty and sexy! Walang nagbago pero ayoko ng masaktan ulit.

"Nakamove on na ko Natalia kaya please wag mo na kong guluhin." Inalis ko ang kamay
nya at naglakad ulit.

"Nakamove on? You can't fool me Zak. You know we still love each other and I'm here
for you. I want us to be together again." F*#K! Matapos lahat ng nangyari sasabihin
nya yan? Noong halos mamatay ako yan ang iniintay kong marinig sa kanya pero ano?
Wala! Wala! Hindi 'to yung right time para malaman nyo yung kwento naming dalawa
pero darating din tayo dun.
Hindi ko napigilan yung sarili ko at humarap ako sa kanya at hinawakan ko sya sa
braso. Alam kong nagulat sya at hindi nya inaasahang magagawa ko yun.

"Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo bang halos mamatay ako nung nawala ka!
Pinaglaban kita pero ikaw anong ginawa mo? Wala! Wala kang ginawa! Kaya wag mong
sasabihin sa'kin ngayon na pumunta ka dito para sa'kin para magkabalikan tayo dahil
hinding-hindi na yan mangyayari!! Kung hindi nangyari noon - mas lalong hindi
mangyayari ngayon! Natalia tapos na tayo!! Tapos na tayo dahil hindi mo ko
naipaglaban!!" itinulak ko sya at naglakad na ng diretso. Hindi ko napansin na
pabalik na pala ko sa school. Madaanan na yung motor ko at makaalis na.

"And why not?" biglang humarang sa harapan ko si Natalia with her arms wide open.
"I still love you! Alam kong wala akong ginawa noon dahil bata pa ko at takot pa ko
sa parents ko pero ngayon kaya ko na. I want you back Zak at alam kong gusto mo
din."

Hinawakan ko ang bridge ng nose ko to control my temper. Iniisip ko kung gusto ko


pa bang makipagbalikan kay Natalia? ALam kong mahal ko pa sya dahil sya lang ang
babaeng minahal ko. Nag-iisa lang sya pero ayoko na ulit mangyari ang nangyari
sa'kin dati. Minsan na nyang napatunayan sa'kin na hindi nya ko kayang ipaglaban at
ayokong maulit lang yun dahil alam kong pareho lang ulit kaming masasaktan. Sinabi
ko sa sarili ko na hindi - hindi na ko magmamahal ulit kung hindi lang din si
Natalia pero ngayong nandito na sya sa harapan ko nahihirapan akong magdesisiyon.
Hinanda ko na ang sarili ko sa pagkakataong tulad nito at paninindigan ko yun.
Masyado akong nasaktan ni Natalia hindi dahil sa iniwan nya ako kundi dahil hindi
nya ko naipaglaban - hindi kahit minsan.

"Natalia please - hindi na tayo pwede. Please understand." Nilampasan ko sya at


dumiretso na ko sa motor ko. Napansin kong nandun pa din ang kotse ni aswang.
Mukhang kasama nya pa din sila Tuck. Mga babae talaga hindi mo alam kung anong
iniisip. Hindi mo alam kung anong gusto. Tss! Kinuha ko yung helmet ko at isinuot
ko na.

"I'm coming with you!" naramdaman kong may humawak sa bewang ko. Nakita kong
nakasakay na din si Natalia sa likuran ng motor ko.

"Baba!" sigaw ko sa kanya habang tinatanggal ko ang kamay nya.

"No Zak! Sasama ako sa'yo. I want to know the reason kung bakit hindi na tayo
pwede!!" mas lalong humigpit ang yakap nya sa'kin. Ang mga yakap na namiss ko sa
loob ng ilang taon. Dapat masaya ako pero bakit parang mas lalo lang akong
nasasaktan!
"Bahala ka!!" pinaandar ko na ang motor ko ng mabilis. Relax na relax lang syang
nakakapit sa'kin kung si aswang 'to kanina pa ko sinigawan at hinampas. Masyado
kasi yung matatakutin. Pero hindi ko na ulit sya tinakot nung sunod na sakay nya
baka kasi may mangyari pa dun kasalanan ko pa. Teka, bakti ba sya ang iniisip ko eh
dapat si Natalia ang pinoproblema ko ngayon. Alam kong pinaghandaan ko na 'tong
sitwasyon na 'to na patunayan kay Natalia na hindi na kami pwede sa isa't-isa.

"So lumalaban ka pa din pala." Bulong nya sa may tenga ko. Ano ba sa tingin nya?
Alam naman nya kung bakit ako lumalaban at isa din yun sa dahilan kung bakit
tumutol ang parents nya sa'kin. Magulo ang buhay ko at alam nilang hindi mapapabuti
ang anak nila kung ako ang makakatuluyan nya.

"Kelangan at alam mo naman kung bakit." Mas humigpit ang yakap nya sa'kin na mas
lalong nagpasakit sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ako masaya, nalulungkot ako.
Nalulungkot ako dahil bakit kelangan pa naming maghiwalay kung nagmamahalan naman
kami dati at bakit kung kelan marami ng nangyari tsaka pa sya babalik.

"I'm so sorry Zak. I'm so sorry! Alam ko kung anong mga pinagdaanan mo. I'm so
sorry." Naramdaman kong umiiyak sya sa balikat ko. Anong gagawin ko? Hindi ko din
naman gusto syang umiyak. Kung magkakabalikan kami alam kong hindi sya mapapatawad
ng mga magulang nya. Gagawin ko ang tama. Hindi ako masaya na nandito sya, na
nagpakita sya ulit dahil mas lalo ko lang naalala ang mga dahilan kung bakit
nangyayari 'to sa'kin lahat ngayon. Kung bakit galit ako sa mundo. Dahil sa
nababadtrip na ko mas binilisan ko ang takbo namin. Ayokong umuwi sa bahay kaya
naisip ko na lang dun muna sa pub dumiretso. Ipapasundo ko na lang kina Tuck 'tong
babaeng 'to tutal sila naman ang nagdala sa'kin nito kaya nasira pa yung pagkain
namin ni aswang! Tss! Ewan ko kung masisira pa din ba yun kung dumating man o hindi
si Natalia!

******************************

ALEXA'S POV

"Ayoko na nga ano ka ba! May pasok bukas okay na ko sa isang bote!" dinala ko nila
Tuck dito sa pub. Akala ko naman kung anong gagawin namin, yun pala iinom lang.
Pero ang cool kasi ang kukulit nila. Pinapatawa nila ko ng todo. Paano ginagaya
nila kung anong mga pinaggagawa ko nung nakaraan habang pinapanood yung video. Mga
loko talaga 'tong mga 'to. Pero sa totoo lang ang saya naman. Nakalimutan ko yung
inis ko sa goon na yun. For sure naman nageenjoy na yun kasama yun Natalia na yun!
Well sorry sya nag-eenjoy na din ako dito. Hello, ang ga-gwapo kaya ng mga kasama
ko at mababait pa. Hindi mga nang-iiwan. Tss! Stop thinking of that goon Alexa.
Have fun!

"Nakakatawa talaga si lady ghost no? Hindi ko akalaing ganyan pala sya. Pero masaya
kapag nalasing sya ulit. Ano na kayang susunod nyang gagawin?" pagbibiro ni Val
habang nakaupo sa billiard table.

"Wala na kong gagawin dahil hindi na ko magpapakalasing no! Tama na yung minsan nyo
kong pinagtripan!!" I folded my arms over my chest. "Tsaka wag nyo na nga kong
gayahin kasi hindi bagay sa inyo. Kung makikita kayo ng mga fans nyo na taga school
naku ewan ko lang kung humabol pa yung mga yun sa inyo!!" then I laughed.

Umakbay sa'kin si Tuck. Hindi ko inaasahan pero nakatingin sya sa'kin. "Ikaw lang
naman ang hindi humahabol sa'min lucky girl. I wonder why. Ganun ka ba kagalit sa
mga lalaki?"

Oo ganun ako kagalit sa mga lalaki dahil mga manloloko kayo at ngayon palang
napatunayan ko na yun dahil isa ka sa kanila Tuck. Isa kang playboy at isama mo pa
'tong mga kaibigan mo.

Hindi ako nakasagot agad dahil ang utak ko ang sumasagot para sa'kin. Hindi ko na
sinabi sa kanila ng diretso dahil maooffend lang sila alam ko. Maarte pa mandin
'tong mga loko na 'to. Akala mo naman papatayin kapag nawalan ng isang tagahanga.

"Sa tingin ko nga." Inistraight ni Tuck yung beer at ipinatong nya sa table tsaka
ulit tumingin sa'kin. "Dapat di mo hinahayaang maging malungkot ang buhay mo dahil
lang nasaktan ka. Ikaw yung tipo ng babaeng sineseryoso lucky girl, kaya kung sino
mang gunggong ang nanakit sa'yo hindi yun masaya ngayon." Inalis nya yung
pagkakaakbay nya sa'kin at nagbukas ulit ng beer.

Parang gusto kong maiyak sa sinabi ni Tuck. Ako daw yung tipo ng babaeng
sineseryoso pero niloko ako. Kapag naiisip ko yung nangyari dati nasasaktan pa din
ako at gusto kong umiyak. Pero kapag iniisip ko din yun nagpapasalamat ako kasi
naging strong person ako. Yun nga lang halos wala na kong pinagkatiwalaan kahit na
sino. Kahit nga si Jezhi hindi ko ganun pinagkakatiwalaan, alam nyo na. Kung yung
bestfriend ko dati naloko ako ayoko na ulit maulit mangyari yun although magkaiba
kami ng taste sa lalaki ni Jezhi. Dahil sa nalungkot ako bigla inagaw ko yung beer
na binuksan ni Tuck at ininom ko agad.

"Nakakaiyak kasi yung sinabi mo eh. Pero tingin ko mali ka, wala nang siseryoso
sa'kin kasi wala akong siseryosohin. Pati kung magmamahal ako ulit gusto ko sya na
talaga at gusto ko sya na yung huling taong mamahalin ko hanggang mamatay ako."
Uminom ulit ako ng beer. Medyo nahihilo na ako pero okay lang. Mas lumalakas yung
loob kong sabihin lahat ng gusto ko. Ganito pala epekto ng alak sa'kin. "Cheers
tayong lahat!!!"

"Cheers!!" nagcheers kaming lahat. Nagtawanan at sumayaw. Never akong nakipagsayaw


sa mga lalaki ng ganito.

"I didn't realize you're this hot!" bulong ni Tuck sa'kin habang nakahawak sya sa
waist ko at sumasayaw kami. Nakataas ang dalawa kong kamay hawak ang bote ng beer.

"Shut up Tuck! Hindi ako katulad ng mga babae mo na kapag binola mo eh sasama sa'yo
sa kwarto." I winked at him.

"You are so different and I like it." He pulled me closer to him as we dance.
Ngayon lang ako napalapit ng ganito sa lalaki habang nag-uusap ng ganito. Ano bang
ganito? Yung sumasayaw kami habang nakatingin sya sa'kin at nakahawak sa waist ko -
OMG! Anong ginagawa ko.

Napatigil ako at lumayo ng konti kay Tuck.

"It's fine. I won't do anything Lex! We're just dancing." Then he smiled. Grabe ang
ngiti nya. Kaya pala napapasama nya ang kahit na sinong babae. Parang may something
sa mata nya na nakakahypnotize at siguro kung tatagal pa kaming ganito baka isa na
din ako sa mamagnet nya. Pero tingin ko mabait naman 'to si Tuck. Siguro tulad ko
may dahilan din sya kung bakit playboy sya. Lahat naman ng ginagawa natin ngayon
may mga dahilan.

"Hey Lex nagseselos na ko kay Tuck ha! Susuntukin ko na yan! Kaibigan mo din naman
kami ah!" sigaw ni Rich na nakaupo sa couch at mukhang medyo lasing na.

Lumingon ako kay Rich at ngumiti. Seryoso ba sya sa sinasabi nya?

"Kanina pa nga kayo nag-uusap dyan! Pansinin mo din naman kami!" naku umepal pa nga
'tong si Val. Pano kami mag-uusap eh busy sila ni Luka sa bunong braso. Mukhang may
pinag-uusapan din naman sila.

"Dude hinay-hinay! Alam mo na, si Lex yan. Baka mapalaban ka ng di oras. Alam kong
di yan ang mga type mo." Tinap ni Trav si Tuck sa balikat bago pumunta sa ref para
kumuha ng pulutan.

"You're a jealous cow man." Ngumiti si Tuck at tumingin sa'kin.


Dahil sa nagsasayaw kami bigla akong naout of balance mabuti na lang at nasalo ako
ni Tuck. Nakahawak sya sa waist ko at napahawak naman ako sa may neck nya at
nagkatitigan kami. Don't look at him Alexa. Hinihypnotize ka lang nyan.

"Are you okay?" holly golly bakit parang anghel ang boses nya. Parang magfa-faint
ako anytime. No! No!

"I'm - " magsasalita pa lang ako ng maramdaman kong may isang mahigpit na kamay ang
humawak sa braso ko at hinigit ako sa pagkakahawak ni Tuck.

"What the - " laking gulat naming lahat ng makita namin kung sinong epal ang
humigit sa'kin.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?" yung totoo? Sinesermonan nya ba ako? I
raised my eyebrow with a confusion look. Ano na namang pakuno 'to?

Bigla lumapit ang mukha nya sa mukha ko pero napaatras ako ng konti. Parang inamoy
nya lang ako. Ang weird. "Uminom ka na naman? Damn! Alam mo ba kung anong nangyari
sa'yo last time nung nalasing ka?"

And confirmed! Sinesermonan nya nga ako. At sino sya para pagalitan ako ha? Eh
iniwan nya nga ako kanina di ba para sumama dun sa babae nya.

"At kayo! Bakit nyo na naman pinapainom 'tong babaeng 'to." Lumayo sya sa'kin at
tiningnan sila Rich sa likuran. Lahat sila gulat na gulat. Eh sino bang hindi
magugulat, nageenjoy kami dito tapos may KJ na dadating.

"We're having fun in case you wanna know. And just wanna remind you iniwan mo kami
kanina. Thanks to your friends dahil hindi nila ko iniwan!" then I rolled my eyes
at lumapit ulit kay Tuck.

"F*#K!" kumuha din sya ng beer at uminom. Hindi sya mapakali at natingin sya sa'min
ni Tuck.

"Dude nasan si Natalia?" tanong ni Rich. Biglang nagbago ang facial expression ni
goon ng marinig yung pangalan ng ever dearest girl nya. Tss! Nagulat naman ako ng
bigla syang napatingin sa'kin pero inirapan ko lang sya at tumingin ako kay Tuck at
nagsmile ako sa kanya. Siguro kung di ko lang kilala ang sarili ko malamang
nainlove na ko dito sa lalaking 'to. Napagwapo nya kasi tapos ang bait nya pa
sa'kin. Siguro pinipili nya lang talaga yung babaeng lolokohin nya.

"Tss! Kaya pala ko pinaalis kanina huh! Para makipaglandian kay Tuck!" nag-init ang
ulo ko sa sinabi ni goon. Ano bang gusto nyang sabihin? Hello, sya nga 'tong
nakikipagflirt.

Nakita kong itinaas ni Tuck ang dalawa nyang kamay na parang nasurrender and I
don't know for what reason.

"Oooooooh!" narinig kong sabi ni Val.

Humarap ako kay goon na nainom pa din ng beer. "Anong sinasabi mo dyan?"

"Kunyari pang hindi narinig!" ako ba ang kinakausap nitong goon na 'to? Masaya kami
dito kanina tapos dadating sya na kung anu-anong sinasabi.

"Hoy kung hindi ka nagenjoy kasama yung babae mo wag mo kaming idamay! Wag mong
sirain 'tong ginagawa namin!!" kumuha akong beer sa table para inumin ulit pero
inagaw nya sa'kin. "Wow, kelan ka pa naging concern sa pag-inom ko?"

Hindi sya makatingin sa'kin ng diretso. "Hi -hindi ako concern no! Mahal kaya ang
beer. Hindi 'to libre!!"

Narinig kong tumawa sila Luke pero tumigil din ng tingnan sila ng masama ni goon.

"Kaya kong bilhin yan lahat!" inagaw ko ulit yung beer sa kanya pero inihagis nya
patalikod at nabasag. "Wala na. Sorry ka na lang!!"

Ah ganun pala ang gusto mo ha! Kinuha ko yung beer na hawak nya at itinapon ko din
sa likuran. "Ooops! Wala din, sorry!"

"Tingin ko okay na sila!" narinig kong sabi ni Val kaya sabay kaming napatingin ni
goon sa kanya ng biglang bumukas ang pinto.

"Hey guys!" napatingin kaming lahat ng makita namin kung sinong pumasok - si
Natalia. Tiningnan ko si goon at nakatingin sya sa'kin.

Itinulak ko sya at kinuha ko yung mga gamit ko. "Uwi na ko, gabi na din kasi. May
pasok pa ko bukas." Nagwave lang si Trav at Rich. Hindi naman alam ni Val kung
ngingiti ba sya at nakatingin naman si Luke kay goon.

"I really hate you Zak after what you did to me. Hindi agad ako nakatayo ha. Pero
kung yun yung way mo para magbalikan tayo walang problema." Papalapit si Natalia
kay Zak. Ewan ko kung anong nangyari sa'kin pero parang hindi ako makahinga nung
marinig kong sinabi nyang magkabalikan sila ni goon.

Naglakad ako papunta sa pintuan at sumunod naman si goon. Hindi nya pinansin ang
sinabi ni Natalia. Naramdaman kong hinawakan nya ko at hinigit papalapit sa kanya.

"What do you want? Pwede ba bitawan mo nga ko baka magalit yang girlfriend mo.
Mukha pa mandin syang selosa." Sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Natalia.

"F*$K! Pwede bang wag mong pangunahan ang mga sasabihin at iniisip ko! Ganyan ka ba
talaga?" he sighed. Anong ganito ba ko talaga? Hindi ko maintindihan kung anong
ibig nyang sabihin. "Hindi ko sya girlfriend, okay?"

"Zak darling!" hindi ulit pinansin ni goon si Natalia pero hinigit nya ko papalapit
sa babaeng 'to.

"I told you Natalia hindi na tayo pwedeng magkabalikan kasi may girlfriend na ko."
What? May girlfriend na si goon? Wow, akala ko si Natalia lang ang papatol sa kanya
meron pa palang iba.

"Where? Who? Tell me. I wanna know." Nakita kong nakatingin na din sila Tuck kay
goon at nag-iintay ng sagot.

Bigla akong inakbayan ni goon. "She's in front of you. This is my girlfriend."

My jaw dropped after what I've heard. Ako daw ang girlfriend nya? Okay, fake
girlfriend I mean.

"Oh." Yun lang ang nasabi ni Natalia habang nakatingin sa'kin. "She's - she's the
reason? Fine! Fine!" sabi nya na parang iiyak. Tumingin sya kina Tuck na parang
nahingi ng confirmation pero nagshrug lang silang lahat. Humarap si Natalia sa'min
na parang may sasabihin pero hindi na nya tinuloy dahil nagmadali na syang lumabas.

Naramdaman kong nagbuntong hininga si goon. Hindi ko alam kung bakit nya yun ginawa
pero sa tingin ko nalungkot din sya tulad ni Natalia. Hindi ko alam ang gagawin o
sasabihin. Kung anu-ano pa mandin ang pinagiisip ko kanina sa kanya yun pala - yun
pala mali ako.

"Are - are you okay?" yun lang ang nasabi ko. Eh ano bang dapat sinasabi? Malay ko
ba.

"I'll drive you home." Nagwave lang sya sa mga kaibigan nya at hinigit nya ko
palabas. Tumingin ako kina Tuck pero nagwave lang sila sa'kin. Yun lang yun? Para
lang silang nanood ng movie? Wow!

Paglabas namin isinuot sa'kin ni goon yung helmet nya. Umiilag pa ko pero hinawakan
nya ko sa balikat gamit yung left hand nya while nagsusuot naman ng helmet yung
isa. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa yun. Tahimik lang sya pero
nararamdaman kong nalulungkot sya.

"Zak?" nahihiya akong magtanong dahil sa mga sinabi ko kanina. :'( "I'm sorry sa
mga sinabi ko - akala ko kasi - " bigla nyang pinat yung ulo ko na nakahelmet na.

"Kasi wag kang masyadong pessimistic. Akala mo palagi mong alam kung anong
mangyayari. Akala mo nababasa mo ang isip ng ibang tao." Malumanay lang sya
magsalita. Ramdam mo yung sadness at parang gusto kong maiyak. "Don't worry. I'm
fine. Friends na tayo di ba?" then he winked.

I'm frozen. What was that? As if I can see the stars falling from the sky. Teka
kanta ba yun? Anong nangyayari?

"Tara na?" nakasakay na pala sya sa motor at nakatingin sa'kin. Tumango lang ako at
sumakay na din sa likuran nya.

"Dun mo na lang ako ihatid sa school. Nandun yung kotse ko." Sabi ko bago sumakay
sa motor nya.

"Aye! Aye!" then umalis na kami. Malumanay lang syang tumakbo. Ang bagal - parang
pagong. Ah hindi - parag snail.

"Ah Zak?"

"Mmmm?"

"Bakit ang bagal natin? May sira ba yung motor mo?" kasi gabi na din tapos ganito
pa kami kabagal tumakbo. My goodness.

"Wala. Gusto ko lang bagalan kasi - " nagbuntong hininga sya. " - wag ka na ngang
magreklamo. Mamili ka ganito kabagal o yung halos mamatay ka na?"

"Ah okay naman 'to. Syempre okay na okay. Bakit pa nga ba ko nagtatanong?" then
tumawa ako ng mahina. Weirdo!

"Tsaka hindi naman tayo makakapagusap ng maayos kung mabilis ang takbo natin."

Magusap? Kami daw maguusap? Bakit? Hinipo ko ang leeg nya ng kamay ko baka kasi may
sakit sya.

"Wala akong sakit! Tigilan mo nga yan!" natatawa nyang sabi. Hindi na din ako
nagpumilit. Kaya ayan, tumahimik ulit kami. Tsk. Ako ba dapat ang magsalita? Hindi
ko alam!

"Bakit mo nga pala sinabi kay Natalia na girlfriend mo ko? I mean, oo nagpapanggap
tayo kaya lang di ba friends na tayo at hindi na natin kelangang ituloy yung
pagpapanggap. Tsaka isa pa mukhang mahal ka nya talaga." Nagiging madaldal na ko
ah. Masamang epekto 'tong grupo nila sa'kin.

"Tingin mo mahal nya pa ko?" oh great. Sa kadaldalan ko ayan tuloy napala ko. Good!
Good talaga!

"Oo. Nararamdaman yun ng kapwa babae. Tsaka kita ko naman sa mga mata nya. At ikaw
din - alam kong mahal mo pa din naman sya so bakit mo ginawa?" hindi sya agad
sumagot.
"Madami ng nangyari tsaka isa pa hindi ko talaga alam kung mahal ko pa sya o hindi
na." napatigil na ko dahil ayoko ng magtanong. Alam nyo na 'tong bibig na 'to kung
anu-anong natatanong minsan. Parang ayoko din kasing marinig na sabihin nyang mahal
nya pa si Natalia although wala naman talagang dahilan para hindi ko gustuhing
marinig yun siguro wag muna ngayon. Magulo pa ang mundo. Magulo pa ang isip ko -

"Dahil sa tingin ko may nagugustuhan na kong iba." Then naramdaman kong tumigil
ang oras.

*******************************************
19

*******************************************
"Nasan na ba kasi yun." Halos itaktak ko na yung laman ng bag ko dito sa field para
makita lang yung hinahanap ko.

"Ano ba kasi yun?" as usual hanggang tanong lang 'tong si Jezhi. Hindi man lang ako
tulungang maghanap.

"Yung gamot sa sakit ng ulo ko. I think my brain is gonna explode any moment now."
Malaki kasi 'tong bag ko kaya hindi ko agad mahanap ang gamot na nireseta sa'kin ng
doctor namin.

"May hangover ka ba?" napatigil ako sa sinabi ni Jezhi at napatingin sa kanya. Saan
naman nanggaling yung hangover na yun?

"Wala akong hangover! Kumain ka na nga lang dyan!" at naghanap ulit ako sa bag ko.
"Found it!" halos nasa grass na lahat ng gamit sa bag ko bago ko pa nakita yung
gamot.

"Oh my gosh sis nag-iinom ka na ngayon?" halos maibuga ko yung iniinom kong gamot
dahil sa narinig ko kay Jezhi.

After kong makainom ng gamot tsaka ko sya tiningnan. "What are you talking about?"
isa-isa ko na ulit ibinalik ang mga gamit ko sa bag.

"Kasi dati ang sinasagot mo sa'kin paano ka magkakahangover kung hindi ka naman
nainom. Pero ngayon wala ang sagot mo? Congratulations sis!" she said while
throwing her hands in the air.
Tama nga naman sya. Hindi ko lang ineexpect na maiisip nya yun. I mean hello, si
Jezhi 'to. Hindi normal ang makapag-isip at makapagobserve sya ng mabilis. Hindi na
ko sumagot dahil busy ako sa pag-aayos ko ng gamit.

"Hey, you have a message." Napatingin ako kay Jezhi na hawak yung phone ko. "Oh
wait, sa skype 'to from goody hoody - "

Bago pa mabasa ni Jezhi kung ano mang message ni Goody Hoody eh inagaw ko na sa
kanya yung phone ko. Alam nyo na, ang alam nya babae si Goody Hoody at tunay na
pangalan sya ng tao. Hindi ko muna binasa yung message dahil alam kong
makikisingint lang 'tong si Jezhi.

"So sis, ano ng nangyari dun sa advice na tinatanong mo para kay Goody Hoody.
Nakapagdecide na ba sya?" tinuloy ni Jezhi ang pagkain ng baon nyang lunch.

Oo nga pala, yung mga imbento kong tanong sa kanya na ang totoo eh ako naman talaga
yun. Tss! Bakit ang brilliant nya bigla? Hindi naman 'to ganito dati.

"Well, okay na naman daw sya.. Nakapagusap na sila nung guy. Sabi nung guy ginusto
daw nya yung kiss." Finally natapos ko na ding ibalik sa bag ko lahat ng gamit na
kumalat.

"So hindi na sya in denial? Inamin na nya sa sarili nya na in love sya sa lalaking
humalik sa kanya?" nagulat ako sa tanong ni Jezhi. Hindi ko alam kung saan nya
pinupulot mga tanong nya.

"Sabi nya hindi naman daw sya in love at malabo daw yun." Hindi naman talaga. Bakit
naman sya maiinlove dun? I mean bakit naman ako maiinlove dun?

"Sabihin mo sa kaibigan mong si Goody Hoody na aminin na nya sa sarili nya na may
gusto sa lalaking yun. Feeling ko naman may gusto din sa kanya yung lalaki kasi nga
di ba sabi mo ginusto naman nya yung kiss." Hindi ko napansin na nakatayo na pala
si Jezhi. "Anyways, dyan ka na muna. May imimeet lang ako. See ya later."

Hindi na nya ko pinagsalita. Bigla na lang syang umalis at naiwan ako. Nakita kong
umilaw yung phone ko. Naalala ko si Goody Hoody. Tiningnan ko agad ang phone ko at
inopen ang message sa skype. O wag na kayong magtanong kung paano nagkaconnection,
bukod sa wifi ang buong school nakaplan ako so hindi impossible na may connection
ang phone ko.
Goody Hoody: Hey, how are you?

Goody Hoody: Are you there?

Wow, para namang close kami kung makapagtanong sya. Pero sige na nga, magiging
mabait na ko sa kanya since ginamit ko yung pangalan nya sa made up story ko kay
Jezhi.

Hottie Nottie: Yes I'm here and I'm fine. How's life?

Goody Hoody: Not that good. I need to know something about myself. I mean I want to
prove something.

Hottie Nottie: Wait a minute, don't tell me you are having an identity crisis? :p

Goody Hoody: Hell no! I told you I'm straight.

Hottie Nottie: So what's your problem?

Teka, okay lang ba yun? Magtanong ako sa taong di ko naman kilala? Pero tingin ko
okay lang. Mas okay nga kausap ang stranger di ba?

Medyo natagalan bago nakasagot si Goody Hoody. Hindi ko alam kung bakit. Hawak ko
lang yung phone ko at inaantay ko lang yung reply nya. Hindi ba para na kong baliw
nito?

Itatago ko na sana ulit ang phone ko pero bigla ulit syang umilaw.

Goody Hoody: Tss! Nothing. Just a random girl in school.

Hottie Nottie: Oh! You like her?


Goody Hoody: That I don't know. Kaya nga gusto kong malaman.

Hottie Nottie: Pwede ba yun? Di mo alam sa sarili mo kung gusto mo sya o hindi?

Goody Hoody: Yes, it's possible. Bakit hindi mo ba yan natatanong sa sarili mo?

Bigla akong nag-isip. Minsan nga talaga ang weird makipagusap sa stranger. Akala mo
kasi ang daling magbigay ng advice at madaling magshare pero minsan yung tanong mo
eh tanong din pagbalik sa'yo.

Hottie Nottie: That's none of your business.

Goody Hoody: Let's make a deal.

Hottie Nottie: What deal?

Goody Hoody: I'll tell you everything about this random girl and you'll tell me
yours.

Hottie Nottie: Hahahaha. I can give you an advice. I don't have anything to share
so go ahead. Share your story with your random girl. Hahaha.

Goody Hoody: Oh come on. But a little advice from you will do.

Hottie Nottie: I know.

Nakita ko yung oras at malapit na ang next class ko kaya tumayo na ko at nagproceed
sa next class ko habang nakikipagkwentuhan pa din ako kay Goody Hoody.

Goody Hoody: Don't laugh at me okay?


Hottie Nottie: Okay.

Goody Hoody: This girl is so annoying just like the other girls.

Hottie Nottie: Excuse me?

Goody Hoody: I'm not saying just like you, okay?

Hottie Nottie: Just wanna make it clear. :p And then?

Goody Hoody: Basta! Magulo kasi mga babae!

Hottie Nottie: Hoy kayong mga lalaki ang magulo! Nakakainis! Sumisigaw na lang
palagi! Nagpapabitbit ng bag sa babae. Nagyayayang kumain then nangiiwan!
Nagpapaintay habang nagcacasino! Masasama ugali nyo!

Goody Hoody: Are you trying to describe a person or what?

Binasa ko ulit yung mga sinabi ko, may dinedescribe nga kaya ko? Wala naman ah.
Pumasok muna ako sa room namin at umupo sa seat ko. Wala pa dun si goon. Mukhang
late na naman sya.

Goody Hoody: You still there?

Hottie Nottie: Yeah. At wala akong dinedescribe na tao. Kung meron man, wala ka na
dun.

Goody Hoody: So isang tao nga lang yan? Gusto mo ba sya?

My goodness. Bakit halos puro ganyan na lang ang tanong na naririnig ko ngayong
araw? Gusto ko ba sya? Of course not!

Hottie Nottie: I don't know and I don't care.


Tama ba yung isinagot ko? Siguro okay lang yun since wala namang name drop na
nangyayari. Hindi din naman nya kilala yun kasi hindi naman kami nagkikita dahil
magkaiba kami ng school nitong si Goody.

Goody Hoody: Ask yourself. Kahit paulit-ulit. Kung gusto mo sya sabihin mo baka
mawalan ka na ng time or too late na kapag nalinawan ka na.

Ano bang alam nya sa buhay ko? I mean hello! Kung makapagbigay ng advice akala mo
naman kilala nya talaga ko. Tss! Asa pa sya!

Magrereply pa sana ko pero hindi na sya online. Okay! After magiwan ng hanging
statement biglang mawawala. Cool!

"That's all for today! Goodbye!" hindi ko napansin na tapos na pala ang class.
Great Alexa! May natutunan ka ngayon. Papatayo na ko ng mapatingin ako sa seat ni
goon. Hindi sya pumasok. Ano kayang problema nya?

Naglalakad ako papuntang library since may vacant naman ako. Hindi pa din
nagoonline 'tong si Goody Hoody. Sino kaya 'to? Weird lang ha. Sabagay nagiging
weird na din ako. Imagine nagkaron ako ng lalaking friends. In real life and
cyberworld. Cool!

Habang naglalakad ako napansin ko si goon na naglalakad din sa direction na


pupuntahan ko. Maganda naman yung naging usap namin last time so siguro okay lang
na kausapin ko sya. Di ba?

Tumakbo ako agad papalapit sa kanya pero syempre biglang tigil ako at lakad ng
normal nung malapit na ko sa kanya. Huminga muna ko ng malalim para hindi halatang
tumakbo ako.

"Zak." Bati ko sa kanya sabay tap sa balikat.

Tiningnan nya lang ako at hindi sya nagsalita. Sinabayan ko lang sya sa paglalakad.

"Bakit hindi ka pumasok kanina?" hindi ako sanay na ganito yung conversation namin
pero siguro dapat masanay na ko kasi magkaibigan na naman kami ngayon.
Hindi pa din sya nagsasalita. Sobrang nakakahiya na ata 'tong ginagawa ko. Aalis na
lang kaya ako?

"Si - sige aalis na ko." Tumigil ako sa paglalakad pero tumigil din sya.

"I don't wanna see you kaya hindi ako pumasok." Nagulat ako. Feeling ko nabingi ako
sa sinabi nya. Ayaw daw nya ko makita? Pero bakit?

"I thought we're friends already. And wala naman akong ginagawa sa'yo di ba? I mean
kung meron man I'm sorry." Bakit ako nagsosorry? Nagsosorry ako sa kasalanan na
hindi ko naman alam kung ano.

"You don't get it. Wala kang ginawang kahit ano. Ayaw lang kitang makita. Our game
is over. Let's pretend na hindi tayo magkakilala at hindi tayo nagkakilala. Let's
stay away from each other!" hindi ko alam kung anong pakiramdam ko ngayon. Bakit
parang masyado akong affected sa sinasabi nya? Bakit parang ayokong gawin yung
gusto nya? Pero bakit? Bakit? Bakit biglaan naman ata? Masaya pa kami kagabi. Okay
pa yung usapan namin pero bakit biglang ganito? 'to ba talaga ang gusto nya?

"Fine! Kung ano mang reason mo I don't care. We're not friends anymore - " I said,
faking my smile. " - oh hindi ko nga alam kung ginusto mo talagang maging friends
tayo or hindi!" tumalikod ako pero humarap ulit ako sa kanya. " And don't worry
about our project naipasa ko na. Thanks for everything!!" nanakbo ako palayo sa
kanya. Palayo sa goon na 'to. Nahihirapan akong huminga. Gusto kong umiyak pero
bakit? Nasasaktan ba ko dahil umaasa ako na magkaibigan na kami at okay na sa'min
lahat? O dahil ayokong hindi na kami magkita? Hindi ko alam kung anong nangyayari
sa'kin pero isa lang ang alam ko - hinding-hindi ko na kakausapin ang goon na yun.
Yey! Good news nga yun di ba? Yun naman talaga ang gusto ko. Bakit ngayon lang
nangyari? Dapat dati pa di ba? I hate you goon! I hate you!!

*************************

ZAK'S POV

Pinanood ko syang tumakbo papalayo sa'kin. Alam ko nasabi kong magkaibigan na kami.
Sa totoo lang hindi ko mapigilang mapangiti ng lapitan nya ko para tanungin kung
bakit hindi ako pumasok. Nakakatuwa kasing marinig na hindi sya sumisigaw sa'kin.
Pero kelangan kong gawin 'to. Kelangan ko ng putulin kung ano mang friendship ang
nasimulan namin. Gusto ko syang protektahan at ang paglapit sa'kin ang magpapahamak
sa kanya. Hindi nya pa alam kung anong klaseng tao ako. Wala syang alam sa buhay ko
at ayokong ilagay ang buhay nya sa panganib.

Isa pa, may isang bagay akong gustong masagot at ang paglayo sa kanya ang only way
para malaman ko yung sagot. Sana tama 'tong desisyon na ginawa ko. Actually kaya
hindi ako pumasok dahil pinag-isipan ko talaga 'to. Kung hindi man maging maganda
yung mangyayari - sarili ko lang ang sisisihin ko at hindi ang ibang tao - lalong
-lalo ng hindi si Alexa.

Napangiti ako bigla. Alexa. Parang nakakapanibago. Hindi ko naman sya tinatawag sa
pangalan. Nakakailang din pala. Nasanay na kasi akong tawagin syang aswang. ASwang
na nga lang para hindi nakakailang.

Sa tingin ko mahihirapan din naman akong hindi sya makita dahil kaibigan sya nila
Tuck. Magpapanggap na lang ako na hindi ko sya kilala. Madali lang yun. Sanay ako
sa ganun. Tama! Yun ang gagawin ko.

Pero bakit ganun? Nakikita ko palang syang tumatakbo papalayo sa'kin parang
nalulungkot na ko. Sorry, sorry Alexa pero para sa'yo 'to. Hindi ko alam kung anong
nararamdaman ko sa'yo pero kung ano man yun kahit bilang kaibigan lang
pinapahalagahan ko yun dahil pinapahalagahan kita.

Dahil hindi nga ako pumasok umuwi na lang ako. Makapagpractice na lang. Malapit na
din ang susunod kong laban. Tsk! Nakakainis lang talaga minsan ang mga makakalaban
ko, hindi marunong maging patas. Nandadamay pa ng mga taong malapit sa'kin kaya
kung hahayaan kong mapalapit si aswang sa'kin malamang mapahamak din sya at ayokong
mangyari yun. Alam kong maiintindihan nila Tuck yun dahil alam nila kung anong
ginagawa ko. Dapat tigilan ko muna ang pag-iisip sa kanya. Kelangan kong magfocus
sa magiging laban ko.

**************************************

ALEXA'S POV

It's been a week simula ng sinabi ng goon na yun na wag na kaming magkita, na mag-
iwasan na kami at na hindi na kami magkaibigan. Well nagkakasalubong kami pero ako
na yung lumalayo. Ako na yung umiiwas. Sa klase naman nagrequest ako sa professor
na umupo sa unahan dahil kunyari malabo ang mata ko. Hindi na naman sila nagtanong
at pumayag na din agad.

Medyo madalas ko ding makausap si Goody Hoody. Salamat sa kanya dahil nawawala ang
inis ko kapag kausap ko sya. Ang galing nyang magadvice akala mo kung sinong
expert. Pero kahit isa sa mga advices nya never ko namang ginawa. Masyado lang
akong nacucurious sa Goody Hoody na yun. Gusto ko syang makilala pero ayaw naman
nyang magpakita sa'kin. Tss. Sabi nya panget daw sya. Malaki mata at maraming acne
na may makapal na salamin at matigas na buhok. Wala naman akong pakialam sa looks
nya, gusto ko lang makipagkaibigan. Yung totoong kaibigan hindi yung tulad ng goon
na yun.

Pero napansin ko lang sa tuwing nagkakasalubong kami ni goon parang ang laki ng
eyebags nya. Parang pagod na pagod sya. Ano kayang ginagawa nya? Anyways, wala
naman akong pakialam kung anong ginagawa nya. Kung pagod man sya o hindi makatulog
I don't care.

"Hey! Nandito ka lang pala. Kanina pa kaya kita hinahanap!" umupo si Jezhi sa
tabihan ko. Nandito kasi kami sa may tagiliran ng library. Nakaupo sa bench.
Napansin kong may katext si Jezhi. Okay, hinanap nya ko para lang makipagtext sya
sa iba? So anong use nun? Napakabuti talaga nyang kaibigan.

I need to find out kung sino si Goody Hoody since sya lang ang nakakausap ko
ngayon. I mean nakakausap ko si Jezhi pero bilang Goody Hoody. Kunyari si Goody
Hoody ang may problema pero ang totoo ako talaga yun.

"Oh my gosh naiwan ko yung wallet ko sa car." Tumayo si Jezhi at nagmadaling


umalis.

Nakita kong umilaw yung phone nya. "Hey your phone!" pero nakalayo na agad sya. For
sure babalik yun kapag naramdaman nyang nawawala ang phone nya.

Dahil sa sobrang bored ko kinuha ko yung phone ni Jezhi. Tinignan ko yung mga
pictures. Madami na din pala kaming pictures dun. Hindi talaga sya mahilig magbura
ng kung anu-ano. Minsan nga ako pa nagbubura para sa kanya.

"Wait a minute - " nagulat ako ng makita kong may picture silang dalawa ni Val.
Kelan pa sila naging ganito kaclose. Teka, baka sila na hindi nya lang sinasabi
sa'kin.

Dahil isa akong curious na kaibigan nagpunta ako sa inbox at confirmed. Nakita kong
kay Val galing ang text at marami pang ibang text messages si Val. Hindi ko naman
binasa pero tiningnan ko kung kelan pa sila nagkakatext. Dahil hindi pala bura ng
text message si Jezhi lahat nandun pa. Binasa ko pa nga yung ilang text message ko
sa kanya. Bihira lang kaming magtext dahil puro tawag lang kami kaya nga kung ano
mang text ko sa kanya for sure walang kwenta yun.

Napapatawa ako ng bigla akong napatigil sa text na nabasa ko.


Alexa (10/12/13 11:01 pm)

May crush akong hot na guy at patay na patay ako sa kanya.

The who? Are you sick?

Alexa (10/12/13 11:01 pm)

Walang kwenta 'tong school natin. Sarap basagin ng mga mukha ng panget dito lalo na
'tong mukha ko.

OMG sis. Are you serious? LMFAO

What the! Hindi ako ang nagtext nito sa kanya. Ah naalala ko na, ito yung sinasabi
nyang katext nya ko pero ito din yung time na nawala yung phone ko dahil kinuha
nung goon na yun. So lahat ng text na 'to galing sa goon na yun!! Feeling nya!!
Buwisit sya!!

Gusto ko ng ihagis yung phone ni Jezhi ng mapatitig ako sa date.

"October 12, 2013." Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko yung date. Kinuha ko
agad yung phone ko at nagpunta ako agad sa skype. I am not sure kung parehas ba or
hindi pero parang parehas and just to make sure tiningnan ko na lang at nag-init
ang ulo ko sa nakita ko.

[10/12/2013 11:19:12 PM] Hottie Nottie has shared contact details with Goody Hoody.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! Bakit hindi ko agad naisip!!!!! Kaya pala akala


mo ang dami nyang alam!!! Humanda ka sa'kin!!!!" oo sumigaw ako dahil sa inis! Ang
dami ko pa manding ikinwento sa kanya tapos malalaman ko lang ngayon kung sino sya.
Kaya pala ayaw makipagkita ha! Bakit sinabi pa nyang wag na kaming magpansinan when
all this time alam nyang ako yung kinakausap nya!

Hindi ko 'to papalampasin! Hahanapin ko sya at hindi ko sya mapapatawad! Naglakad


ako ng mabilis papunta sa may gym kung san sila laging nakatambay. Nakasalubong ko
si Jezhi at iniabot ko sa kanya yung phone nya.

"Where are you going?"


"Papatay ng halimaw!!" Nagmadali ako dahil gusto kong manapak! Hindi ako
makapaniwalang nagpauto ako sa kanya! I knew it. Ginamit nya ang phone ko para iadd
sya para nga naman ang lumabas eh ako ang nag-add sa kanya. Napakasama mo! Hindi
kita mapapatawad!! Pinagkatiwalaan ko sya!

Sinabi ko pa mandin sa kanya yung tungkol sa sarili nya malamang kasi hindi ko alam
na sya din yun!!! Pero hindi naman nya siguro nagets na sya yun di ba? Bigla akong
napatigil sa pagtakbo. Susugurin ko ba sya or forever ko na lang syang hindi
kakausapin? Anong gagawin ko? Nakakainis ka goon! Bakit mo 'to ginagawa sa'kin!!
Akala ko pa mandin hindi mo na ko talaga kakausapin yun pala kinakausap mo pa din
ako!! Dapat ba kong matuwa o mainis? Ahhhhhhhhhhhhh!! Mababaliw na ko! Hahanapin
kita goon! Intayin mo lang ako!! I'm coming and I'm gonna rip your balls!!!!!

A/N

FIrst and foremost I want to thank you all for all the love and support. Perfect
Haters got to #19 in Teen Fiction and #21 in Humor. Yey! Anyways, this chapter is
about Goody Hoody and since nareveal na kung sino si Goody Hoody abangan kung bakit
nya yun ginawa. More of Alexa and Zak moments next chapter so abangan. Don't forget
to vote and comment. Kapag maraming comments and votes agad sa chapter na 'to bukas
na bukas updated na agad ang moments nilang dalawa. Thank you.

You guys rock!

megladiolus (Mela)

*******************************************
20

*******************************************
Dahil sa madami na namang nakabasa ng last chapter at natuwa naman ako sa mga
comments, heto na ang update. So sana bumoto pa din kayo lalong-lalo na magcomment.
Dahil kapag natuwa ako sa votes, comments and reads mas mapapabilis lagi ang
paguupdate ko. :) Share this story sa fb and twitter. Thank you. Nasa #19 and #21
pa din tayo. So sana mamaintain. And like the official fan page of Perfect Haters.
Click the external link ----------->
Anyways, alam kong di na kayo makapagintay so heto na.

megladiolus (Mela)

*********************************************

ALEXA's POV

Malapit na ko sa likod ng gym. Bahala na kung anong mangyari pero isa lang ang
gusto kong gawin ngayon - ang saktan ang goon na yun oras na makita ko sya. Medyo
malayo pa ko ng may makita kong lalaking nakatalikod. For sure si goon na 'to. Sila
lang naman ang natambay dito sa likod ng gym.
Syempre hindi na ko nag-aksaya ng oras. Tumakbo ako ng mabilis na akala mo wala ng
bukas. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya tumalon ako sabay hampas ng libro sa
ulo nya.

*DUGSH!

Boom! Sapul. Hindi pa yun ang huli. Pinalo ko pa ng pinalo ang ulo nya hanggang
mapaluhod sya. Buti nga sa kanya. Hahampasin ko pa sana sya sa sobrang galit ko ng
bigla syang nagsalita.

"Aray! Ano bang ginagawa mo?" biglang tumingin sa'kin yung lalaking nakaluhod.

O.O

"So - sorry." I'm dead. I'm so dead. Hindi pala si goon yung nahampas ko. Bakit
hindi ko ba napansin? Hindi sya nakablack leather jacket pero nakablack jacket sya
- hindi nga lang leather.

"Bakit mo ko hinahampas ng libro mo ha?" galit na galit yung lalaki. Hindi ko


pwedeng ipakita na natatakot ako.

"Eh bakit ka kasi nandito? Akala ko tuloy ikaw yung kaaway ko!" nakapamewang pa ko
habang nakataas ang kilay.

Tumayo sya at kinuha yung book ko at inihagis sa malayo.

"Hoy bakit mo hinagis yung book ko? Hindi mo ba alam kung gano kaimportante ang
libro ha?" hindi nya ko pinapakinggan. Papalapit lang sya ng papalapit sa'kin.
"Dyan ka lang! Wag kang lalapit kundi sisigaw ako!!"

"Sige lang. Sumigaw ka lang. Mas gusto ko nga yun!" he gritted his teeth.
Nakakatakot syang tumingin. Para syang manyak. Ah hindi manyak nga talaga sya. Oh
no! Anong gagawin ko? Tumingin ako sa paligid pero wala dito sila Tuck. Bakit
ngayon pa sila nawala kung kelan kelangan ko ng tulong.

Kelangan kong mag-isip ng mabilis. Anong sasabihin ko? Ugh!!!!


"Ka - kapag lumapit ka sa'kin patay ka sa boyfriend ko!!" teka sino bang boyfriend
ko? Matatakot kaya sya?

Tumawa ng malakas yung lalaki. "Sige lang. Magsumbong ka lang sa kanya. Ano na lang
ang gagawin nya kung tapos na ko sa'yo!" lumapit sya ulit hanggang mapasandal ako
sa puno. Papalapit ng papalapit yung mukha nya sa mukha ko. Ewwwww!

"Oops! Teka lang." Iniharang ko yung kamay ko sa mukha nya. "Hindi mo ba itatanong
kung sinong boyfriend ko?"

Napatigil yung lalaki. Yes. Effective. Medyo inilayo nya yung mukha nya sa'kin.
"Kahit sino pang boyfriend mo papatumbahin ko sya!" binuksan nya yung jacket nya at
nakita ko yung polo nya. Binuksan din nya yung polo nya.

Napatakip ako sa mata ko. "Anong ginagawa mo?" Lord please wag naman sanang mapunta
ang iniingatan ko sa panget at mabahong lalaking 'to.

"Tanggalin mo yang kamay mo! Tingnan mo 'to!" inalis nya yung kamay ko na nakatakip
sa mga mata ko.

"Ayoko! Ayoko!" nakapikit pa din ako pero hinawakan nya ko sa mukha. Mahigpit yung
pagkakahawak nya.

"Tumingin ka!" napadilat ako at nakita ko ang katawan nung lalaki na puro tattoo.
Napalunok na lang ako. Mukhang exconvic pa ata 'tong lalaki na 'to. Paano kaya sya
natanggap dito sa school? Siguro mayaman kaya nakapasok sya dito. "Ngayon sabihin
mo kung sinong boyfriend mo. Ah hindi, kahit wag na lang pala dahil alam ko kapag
nakita nya 'tong tattoo ko tatakbo na yun palayo!"

Paanong tatakbo palayo eh wala naman akong boyfriend. Mapagpaniwala naman 'tong si
kuya. Isa pa hindi ako magboboyfriend ng duwag no. Parang tattoo lang tatakbo na
agad.

"Hi - hindi ka tatakbuhan ng boyfriend ko. Ipapasuntok kita ng malakas sa mukha at


ipapabura ko yang tattoo mo!" sana masindak sya. Sana masindak 'tong si kuya.
"Sino ba yang boyfriend mo na yan? Maabangan sa labas." Umiling-iling si kuya.
Mukha ba kong walang boyfriend at hindi sya makapaniwala? Hello! Kapal ng mukha
nitong si kuya! Ang panget-panget naman!!

"So are you ready?" bigla ulit akong kinabahan. Ready ba saan ang sinasabi nitong
loko na 'to.

O.O

Hinawakan nya ko sa legs!

"Ahhhhhhhhhhhh!!"

*PAK

Oh no! Nasampal ko sya. Nasampal ko si kuya.

"Ginagalit mo talaga ko! Pero yan ang gusto ko. Palaban." Nakakatakot na si kuya
parang nagalit na talaga sya. Sabagay sino bang hindi magagalit. Hampasin ka ba
naman ng makapal na book sa ulo at masampla eh ewan ko lang kung matuwa ka.

Kinuha ni kuya ang dalawa kong kamay at itinaas padikit sa puno.

"Si - " bahala na nga. Hindi naman nya maririnig kung sasabihin ko tsaka isa pa
hindi na din naman kami magkikita o kaya sabihin ko quits na kami kasi pinagtripan
nya ko kaya wag syang magfeeling. " - si Flint Maliff ang boyfriend ko a.ka. Zak!
Kaya kung may gagawin ka sa'kin hindi ka nya mapapatawad!!" Medyo napatigil si
kuyang panget. Sige matakot ka. Lahat naman takot sa kanya. Mabuti na lang talaga
kilala ko sya.

"Hindi yun nakikipag-usap sa babae, paano ka nya magiging girlfriend. Isa pa wala
yung panama sa'kin!" Hindi naniwala si kuya. Wala ka talagang kwenta goon. Kahit
pangalan mo hindi kinakatakutan. Akala ko pa mandin tulad 'to ni Hercules na
marinig lang ang pangalan mo nanakbo na.

Ang lakas nya. Hindi ako makagalaw dahil nakataas ang dalawa kong kamay na
nakadikit sa puno. Gusto ko nang umiyak. Bakit ba kasi nagpunta pa ko dito? Dati
naman ako napunta dito pero bakit ngayon pa ko minalas? Naiiyak na ko habang
nakikita kong papalapit na yung mukha ni kuya sa'kin kaya napapikit na lang ako.
Ayokong makita kung anong gagawin nya sa'kin. Siguraduhin nya lang na papatayin nya
ko after dahil kung hindi babalikan ko sya at ipapaubos ko ang buong angkan nya.
Hindi ko sya mapapatawad.

Teka - ang tagal naman ata ni kuya. Hindi naman sa iniintay ko syang may gawing
masama sa'kin pero bakit parang wala na syang nagawa? Nagbago na ba ang isip nya.
Naramdaman ko ding dahan-dahang naluwag yung kapit sa'kin ni kuya at nung nabitawan
na nya ko dun ako nagdecide na dumilat.

O.O

****************************

ZAK'S POV

Halos one week na din simula nung sinabi ko sa kanya na wag na kaming magkita at
mag-usap pero ewan ko ba parang hindi ko kayang hindi sya makita at makausap. Buti
na lang nakakausap ko sya yun nga lang bilang si Goody Hoody. Hindi ko nga
ineexpect na hindi nya mafifigure out na ako yung kausap nya. Nung una akala ko
malalaman na nya agad pero hindi nya napansin na yung time na inadd nya ko kunyari
eh yung time na nawala yung phone nya. Wala naman talaga kong balak na pagtripan
sya pero natuwa ako kasi ang dami nyang kwento. Yun nga lang hindi ko alam kung
sino yung lalaking sinasabi nya sa'kin. Nakakainis nga kasi hindi man lang nya
binanggit yung name. Ako kaya yun? Pero imposible naman.

Sa loob ng isang linggo sinusundan ko lang si aswang. Para kong stalker.


Tinitingnan ko kasi kung anong ginagawa nya. Kung masaya ba sya na hindi kami
nagkikita pero sa tingin ko okay lang sya samantalang ako halos hindi na ko
makatulog. Nagkakasalubong kami pero hindi man lang sya tumitingin sa'kin. Masyado
syang masunurin. Gusto ko na sana nga syang kausapin pero wala naman akong
sasabihin. Tulad ngayon, pinapanood ko lang sya habang tinitingnan nya ang phone
nya at phone ng kaibigan nya. Hindi naman ako kalayuan pero hindi din ako kalapitan
para mapansin nya.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! Bakit hindi ko agad naisip!!!!! Kaya pala akala


mo ang dami nyang alam!!! Humanda ka sa'kin!!!!" Ano kayang sinisigaw nito ni
aswang?

Bigla syang naglakad ng mabilis. Nakasalubong nya yung kaibigan nya at iniabot nya
lang yung phone nya. Ano kayang problema nito?
"Where are you going?"

"Papatay ng halimaw!!" ano daw? Papatay ng halimaw?

Sinundan ko sya pero bigla syang tumigil kaya nagtago agad ako sa may poste. Bakit
kaya sya tumigil? Ano kayang nakita nya sa phone nya? Sinilip ko ulit sya pero
nanakbo na naman sya papunta sa likod ng gym. Ano bang gagawin nya dun? Hindi ba
nya alam na wala dun sila Tuck dahil may klase sila?

Sinundan ko na lang sya ng mabilis pero ng hindi nya nahahalata. Nagulat na lang
ako ng bigla syang tumalon at hinampas ng book ang isang lalaki na nakatalikod.
Sino 'to? Sya ba yung lalaking kinukwento nya sa'kin? Pero bakit naman nya
binubugbog?

Tumingin yung lalaki sa kanya. Tss! Ang panget naman nito. Ganito ba mga type nya?
Eh di malabo ngang ako yung tinutukoy nya kung ganito mga type nya. Tsk. Wala kong
laban sa true love. Teka, ano bang sinasabi ko? Wala naman akong pakialam kung yan
ang type nya o hindi.

Sus wala nga ba talaga? Eh isang linggo mo na nga syang sinusundan at iniisip.

Sige, ako na ang kinakausap ang sarili.

"So - sorry." Teka, kung boyfriend 'to ni aswang bakit parang gulat na gulat sya
nang makita nya yung mukha nung lalaki.

"Bakit mo ko hinahampas ng libro mo ha?" Uh oh, mukhang hindi naman sila


magkakilala. Masaya 'to. Mapanood nga kung anong mangyayari. Nakatalikod naman si
aswang sa'kin at medyo nandito din ako sa may gilid ng gym. Rinig ko naman
pinaguusapan nilang dalawa.

"Eh bakit ka kasi nandito? Akala ko tuloy ikaw yung kaaway ko!" May kaaway sya?
Sinong kaaway nya? War freak din pala 'tong babaeng 'to. Tsaka ano bang iniisip
nya? Sugurin mag-isa ang kaaway nya sa ganitong lugar? Tss! Di man lang nag-iisip.

Tumayo yung panget na lalaki at inihagis yung libro ni aswang. Naku patay na,
magagalit na din nito si aswang. Patay ka dyan kuya, kukulamin ka nyan. May lahi
yang aswang. Napapatawa ako sa naiisip ko.

"Hoy bakit mo hinagis yung book ko? Hindi mo ba alam kung gano kaimportante ang
libro ha?" parang walang narinig si panget ah. "Dyan ka lang! Wag kang lalapit
kundi sisigaw ako!!"

"Sige lang. Sumigaw ka lang. Mas gusto ko nga yun!" Teka, mukhang may ibang balak
si kuyang panget ah. Tutulungan ko ba 'tong aswang na 'to?

"Ka - kapag lumapit ka sa'kin patay ka sa boyfriend ko!!" ANO?!!! May boyfriend
sya? Tss! Pwes dun ka sa boyfriend mo magpatulong! Papanoorin lang kita.

Tumawa ng malakas si kuyang panget. "Sige lang. Magsumbong ka lang sa kanya. Ano na
lang ang gagawin nya kung tapos na ko sa'yo!" Sige lang kuya, takutin mo pa yang
babaeng yan. Yan ang dahilan kung bakit di ako makatulog ng ilang gabi. Di ko alam
kung anong ginawa nyan sa'kin.

"Oops! Teka lang." Iniharang ni aswang yung kamay nya sa mukha ni kuyang panget.
"Hindi mo ba itatanong kung sinong boyfriend ko?"

Napatigil yung lalaki. Okay. Sige gusto ko din namang malaman kung sinong boyfriend
nitong aswang na 'to. Matingnan kung mas hot kesa sa'kin dahil kung hindi aasarin
ko sya.

Anong ginagawa ni kuyang panget? Naghuhubad ba sya? Nakakadiri naman sya. Tss!
Sabihin mo na kasi aswang kung sinong boyfriend mo para matulungan na kita dyan
tapos yung boyfriend mo naman yung tatakutin ko!

"Hi - hindi ka tatakbuhan ng boyfriend ko. Ipapasuntok kita ng malakas sa mukha at


ipapabura ko yang tattoo mo!" Wow, interesting. Ganun ba sya kabilib sa boyfriend
nya? Baka kapag nakita ko yun tumakbo yun palayo.

"Sino ba yang boyfriend mo na yan? Maabangan sa labas." Sige panget na lalaki


takutin mo yang si aswang para mapaamin kung sinong boyfriend nya.

"So are you ready?" Aba't loko 'tong lalaking 'to ah! Gusto ko lang takutin nya
pero hinawakan nya pa sa legs. Buwisit ka. Iintayin ko lang banggitin ni aswang ang
pangalan ng boyfriend nya tsaka kita bibigyan ng leksyon.

"Ahhhhhhhhhhhh!!"

*PAK

Good job aswang. Pinapabilib mo talaga ko. Nakuha mo pang manakit kahit nasa
ganyang situation ka na. Ibang klase ka talaga. Kung sa ibang babae yan umiiyak na
sila.

"Ginagalit mo talaga ko! Pero yan ang gusto ko. Palaban." Patay, nagalit na ng
tuluyan 'tong panget na 'to. Ang tagal kasing magsalita nito ni aswang para
natutulungan ko na sya eh.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Hinawakan na ng panget na yun ang dalawang kamay ni
aswang at itinaas habang nakadikit sa puno. Tsk. Hindi ako mapakali. Susugod na ba
ko? Pero anong sasabihin ko bakit bigla akong nandito? Sasabihin ko na nakita ko
sya? Tss kahit ang totoo araw-araw ko syang nakikita. Susugod na ko pero biglang
nagsalita si aswang.

"Si - " ayan na sasabihin na nya. " - si Flint Maliff ang boyfriend ko a.ka. Zak!
Kaya kung may gagawin ka sa'kin hindi ka nya mapapatawad!!" Ako? Hindi ko alam pero
napangiti ako nung marinig kong sinabi nya yung pangalan ko. Parang ang ganda ng
pangalan ko kapag sya yung nagsasabi. So meaning wala talaga syang boyfriend. Sana
sinabi na nya agad para kanina ko pa sya natulungan. Nahawakan tuloy sya sa legs.

"Hindi yun nakikipag-usap sa babae, paano ka nya magiging girlfriend. Isa pa wala
yung panama sa'kin!" huh, eh kasi panget hindi naman babae yang minamanyak mo.
Lalaki yan kaya nga kinakausap ko sya. At wala pala kong panama sa'yo ha. Makikita
mo.

Lumapit ako agad kay kuyang panget. Buti na lang nakapikit na 'tong si aswang.
Hinakawan ko sa leeg si panget na kuya at gulat na gulat sya ng makita nya ko. Sige
titigan mo lang ako.

Tiningnan ko sya ng masama habang tinuturo ko si aswang. Bumitaw si panget na kuya


kay aswang. Sinakal ko sya gamit ang isa kong kamay at inilayo kay aswang.

"Anong walang panama ang sinasabi mo dyan?" nakita ko yung tattoo na


pinagmamayabang nya. Mukha namang drawing ng bata. Kahit kinder hindi matatakot
dito eh.

Hinawakan nya yung kamay ko at inaalis sa pagkakasakal sa kanya. "Wa - wala akong
sinasabing ganun."

"So sinasabi mo bang bingi ako?" itinaas ko si panget gamit lang ang isang kamay.
Umiling lang sya at mukhang mapapaihi na sa takot. Tumingin ako sa likuran ko at
nakita kong nakatingin na si aswang sa'min. Gulat na gulat yung mukha nya.
Nakakatawa. Ano bang kinakagulat nya?

"Sinaktan mo ba ang girlfriend ko?" mahina kong tanong sa panget na 'to sabay turo
kay aswang.

"Hi - hindi. Nagbibiruan lang kami." Sagot nitong kumag na 'to. Nagbibiruan? Kung
ako kaya makipagbiruan dito? Patay-patayan ang laro. Papatayin ko kunyari sya. Tss!

"Honey! Okay ka lang ba?" tumingin ulit ako kay aswang at nakaturo sya sa sarili
nya. "Yes honey, ikaw nga." Then I winked. Yung faciall expression nya naghalo-halo
nya. Ang sarap talaga nyang pagtripan.

"Sige bugbugin mo yan. Tatakbo ka daw kapag nakita mo yung tattoo nya at wala ka
daw panama sa kanya!!!" sigaw ni aswang na medyo nanginginig pa ang boses. Halatang
takot pa din sya. Nagbiro na nga ako kaya tinawag ko syang honey pero mukhang takot
pa din sya.

"Sige honey!!" binigyan ko ng isang uppercut 'tong si panget na kuya.

*TUGSH!

Bulagta agad? Wala pala 'to. Kaliwa pa nga yung ginamit kong pansuntok sa kanya
pero bulagta agad? Nakahiga sya ngayon sa damuhan. Wala na kong magagawa, baka
ilang araw 'tong matulog dahil sa suntok ko.

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa loob ng jacket ko at lumapit kay aswang.
Nakangiti ako sa kanya pero bigla nya kong sinampal paglapit ko.
*SLAP

"Araw ba ng sampal ngayon? Kanina ka pa nananampal ha!" sabi ko habang nakahawak sa


pisngi ko.

"Kasalanan mo 'to!! Muntikan na kong marape dahil sa'yo!!" medyo nangingilid na


yung luha ni aswang. Teka, bakit ako? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah.
"Sinugod ko yung lalaking yun dahil akala ko ikaw sya!! Galit ako sa'yo dahil
pinagtripan mo ko!! Pinagkatiwalaan kita!! Pinagkatiwalaan kita GOODY HOODY!!"
nilampasan nya ko at kinuha nya ang mga gamit nya.

F*$K! Alam na nyang ako si Goody Hoody. Tsk!

"Look - hindi kita pinagtripan." Ano bang sasabihin ko? Hindi ko naman talaga sya
pinagtripan pero alam kong hindi naman sya maniniwala.

Humarap sya sa'kin. "Yun na yun? Yun na yung excuse mo? Na hindi mo ko pinagtripan?
Wow, napakavalid!!" tumalikod sya ulit para lapitan at damputin yung book nya na
inihagis ni kuyang panget. Sinundan ko lang sya kahit san sya maglakad.

"Hi - hindi ko naman alam na hindi mo agad mapapansin. Akala ko kasi dahil matalino
ka magaling kang magobserve - " humarap sya ulit sa'kin this time galit na galit
ang itsura. Damn Zak, the last time na nabanggit mo yung pagiging brilliant nya
sobrang nagfreak out sya.

"Hindi ako makapaniwala na ganyan ka kasama. Niloko mo na ko nakukuha mo pa kong


maliitin." Bigla na lang tumulo yung luha nya. Damn! Hindi ko naman sya pinapaiyak!
"Sabihin mo nga - gano ka ba kagalit sa'kin? Ganun na lang ba talaga kalaki ang
nagawa ko sa'yo ha? Kelangan ba palagi mo na lang ipamukha sa'kin na ikaw matalino
at ako hindi?" Huminga sya ng malalim at umiwas ng tingin. "Sige lang pagtawanan mo
lang ako dahil alam ko all this time yan naman ang ginagawa mo sa'kin!!" tumalikod
sya at dinampot ang bag nya sa ground.

Hinawakan ko sya agad sa braso. Hindi ko alam pero bigla akong napikon. Bakit ba
lagi syang ganito? Bakit ba laging ang sama ng naiisip nya sa ibang tao? Mind
reader ba sya para mabasa kung anong naisip ng iba? Mas marunong pa sya sa ibang
tao eh.

Sinubukan nyang tanggalin ang paghawak ko sa kanya pero hinawakan ko sya ng


dalawang kamay sa balikat at tinitigan ko sya. Parang bigla syang natakot sa tingin
ko. Okay, hindi ko sya intensyong takutin. Gusto ko lang makinig sya sa sasabihin
ko. Bahala na kung anong masasabi ko!!

"Listen to me. Hindi ko sinasadya na hindi magpakilala agad sa'yo. Hindi ko agad
sinabi sa'yo na ako si Good Hoody dahil - dahil dun lang kita nakakausap ng maayos
- ng hindi tayo nag-aaway - na para tayong ordinaryong magkaibigan. Oo, aaminin ko
nung una gusto kitang takutin pero nung hindi mo ko agad nakilala naisip ko na
gusto kong makilala yung other side mo. Kung paano ka kumausap ng stranger." Medyo
kumalma yung itsura nya. Hindi ko alam kung naniniwala ba sya sa'kin o hindi.

"Pero bakit hindi mo pa din sinabi? Bakit hinayaan mo kong magkwento sa'yo. Akala
ko ba ayaw mo nang magkita at mag-usap tayo pero anong ginawa mo? Kinakausap mo pa
din ako - sa ibang way nga lang. Ang kapal mo para magpanggap na isang concern na
tayo. Kaya pala ang dami mong alam - ang dami mong alam sa mga dapat mong
sabihin!!" alam kong galit pa din sya sa'kin pero hindi ko naman sya masisisi.

"I'm sorry kung muntik ka nang mapahamak dahil lang sa'kin. Dahil lang gusto mong
pumatay ng halimaw sumugod ka dito. Kung alam ko lang na yun ang dahilan ng
pagsigaw mo eh di sana napigilan kita -" Sh*t anong sinasabi ko?

"Wait - you mean?" napatakip sya bigla sa bibig nya na parang gulat na gulat.

Wala na, ang daldal ko din kasi eh. Makakalusot pa ba ko. Binitwan ko ang shoulders
nya at medyo yumuko. She folded her arms over her chest na parang nag-iintay ng
explanation.

"Fine. Nung sinabi kong wag na tayong magkita at mag-usap totoo yun pero - pero
sinusundan kita palagi. Hindi ko alam kung bakit. Naisip ko kasi prone ka sa
disgrasya kaya sinusundan kita - "

"You're stalking me?"

"What? No! Patapusin mo nga muna ko." Ang hirap nito ha. Hindi ko alam kung anong
mga dapat kong sabihin. "Naisip ko na kapag may nangyari sa'yo matutulungan agad
kita. Mabuti na nga lang at hindi mo agad nalaman na ako si Goody Hoody kasi - kasi
nakita ko yung other side mo. Akala ko kasi nagger ka pero - pero may ganung side
ka pala." End of story. Yun lang ang dapat kong sabihin pero binigyan nya ko ng
confused look.

"And?"
Okay. Hindi sya satisfied. Ano pa bang dapat kong sabihin?

I cleared my throat. "Look, sinubukan ko talagang layuan ka at iwasan ka pero hindi


ko magawa."

"Eh bakit kelangan mo pa bang gawin yun ha?"

Hindi ba matatapos ang tanong nya? Hirap sa mga babae hindi na lang makuntento sa
isang paliwanag.

"Kasi - " napahawak ako sa batok ko. " - kasi ayokong mapahamak ka. Hindi mo pa
kasi alam kung anong klaseng tao ako."

"You can tell me. I won't judge you. Promise." Tinaas nya pa ang right hand nya.
Sana lang talaga ganyan pa din ang sasabihin nya kapag nalaman nya.

"Well hindi lang naman din kasi yun tungkol dun." Tama na nga!! Wag mo na kong
pilitin please. Tumingin ako sa relo kunyari may pupuntahan ako.

"We're late. Hindi na tayo makakapasok so ituloy mo na yung sinasabi mo. Hindi lang
naman tungkol dun so tungkol saan?" wow hindi nya talaga ko titigilan.

"Gusto ko lang kasing maconfirm kung - kung ano bang nararamdaman ko." No hindi ko
kaya. Hinawakan ko sya sa balikat. "Alexa, hindi ko kayang iwasan ka so please do
me a favor. Please ikaw na lang ang umiwas sa'kin. Gawin mo lahat. Kung ano mang
nararamdaman ko - sa - sa'yo ngayon alam kong - alam kong hindi dapat at hindi tama
kaya please - please ikaw na ang lumayo." Hinalikan ko sya sa noo at tumakbo
palayo.

Kung pagsisisihan ko man 'to sa huli wala na kong magagawa. Ayokong ipaglaban ang
isang taong hindi ako kayang ipaglaban, ang isang taong alam kong kahit kelan hindi
ako magugustuhan. Alam ko - alam kong may gusto na syang iba at alam kong hindi ako
yun. Ayokong awa lang ang maramdaman nya para sa'kin - kahit alam kong wala naman
syang awa. Pero - pero sana gawin nya yung sinabi ko dahil kapag nagkita pa kami
baka - baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pero hindi dapat - hindi dapat
lalo na ngayong malapit na ulit akong lumaban.

*******************************************
21

*******************************************
ALEXA'S POV

May sira ba sya sa ulo? Paano naman nya nalamang hindi tama yung nararamdaman nya
sa'kin? Ano bang nararamdaman yun at kelangan ko pang lumayo? Bakit ako?

Kasi nga hindi daw nya kaya!

So ako kaya ko ganun?

Ako na nakikipag-usap sa sarili ko. Ilang days na din akong ganito - yung
kinakausap ko yung sarili ko kasi naman buwisit yung goon na yun. Hindi man lang
akong hinayaang magtanong. Eh paano kung ayaw ko syang layuan kasi di ko din kaya?
Well........ if ever lang din na hindi ko kaya. Hindi ko naman sinabi na hindi ko
talaga kaya. Pero sa tingin ko dahil ilang araw na kong mababaliw kakaisip eh
parang hindi ko nga kaya. Wag kayong mag-isip ng iba okay. Madami lang akong
unanswered questions kaya ako ganito PERIOD!

Actually ilang araw na din akong hindi sumasama kay Jezhi. Kapag nagkikita naman
kami nila Tuck tamang kain lang or short conversation lang then that's it. Kasi nga
ang dami kong iniisip. Plan ko na talagang kausapin 'tong si goon kapag nakita ko
sya. KAPAG nakita ko sya! Ang problema hindi sya napasok. OA lang ng pag-iwas ang
ginagawa nya? Ano ko may sakit?

My goodness goon ka! Ipapakain kita sa crocodile dahil sa pagtorture mo sa utak ko.
Tinalo mo pa yung modules sa majors!

Kung sinasabi nyong wag na kong mag-isip - well ginawa ko na yan pero wala eh.
Kahit sa panaginip dala-dala ko pa din. Mababaliw na ata ako. Kelangan ko ng
makakausap regarding this. Sino kaya?

*TUGSH

"I'm sorry!" at ilang beses na din akong nakakabangga ng kung sino-sino dahil sa
kakaisip ko.
"Are you okay? Ilang araw ka na yatang ganyan." Napatingin ako sa nabangga ko.

O.O

"Bakit kayo magkasama?" nagulat ako ng makita ko sina Val at Jezhi na magkasama.
"Kayo na ba?"

Nagtinginan pa nga ang dalawa. Ang lalandi lang ha. Talagang ngayon pa nila naisip
gumanyan. Paguntugin ko sila eh.

"Wag na kayong sumagot. Wala naman akong pakialam. Dyan na kayo!" dumiretso lang
ako ng paglakad at di ko na sila pinansin. Baka maglandian lang sila sa harapan ko.

Dahil hindi ko alam ang gagawin nagpunta ako sa CR. Pagpasok ko chineck ko muna ang
bawat cubicle at nang maconfirm ko na walang tao bumalik ako sa sink at tumingin sa
mirror.

My gosh hindi ko akalain na malaki na pala yung eyebags ko.

"Bakit ka ba nagkakaganyan Alexa? Hindi ka naman ganyan dati ah." Hinawakan ko yung
mukha ko. Mukhang pumayat ako. "Nakakainis ka talagang lalaki ka!! Sana pinagsalita
mo muna ako no!! Para kong siraulo ngayon!! Oo alam kong ako lang ang ganito habang
ikaw nagpapakasaya sa paglayo sa'kin. Akala ko ba ako ang lalayo? Bakit ikaw ang
nawala! Kapag nakita talaga kita susuntukin kita sa mukha ng malakas!
Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" sige na ako na baliw. Alam ko namang yan ang
sasabihin nyo eh. Go ahead. I can't blame you.

Para kumalma ako ng hilamos ako at tumingin ulit sa salamin. "Sabi nila maganda
naman ako, bakit hindi sya nagagandahan sa'kin? Is he gay? Ay hindi, straight nga
pala sya at several times na nyang sinabi yun."

"Bakit mo kinakausap ang sarili mo?" nagulat ako ng biglang may nagsalita. Nakita
ko ang isang babae na may hawak na mop. Isa ata sya sa maintenance. "Alam mo kung
kelangan mo ng kausap makikinig ako. Hindi mo ko kilala, pero sabi nga nila mas
magandang magkwento sa hindi kakilala kasi masasabi mo lahat ng hindi naiilang."

Napaisip ako. Kelangan ko ba ng kausap bukod sa sarili ko? Paano naman nya nasabing
kelangan ko ng kausap?
Baka dahil narinig ka nyang nagsasalita mag-isa. Hello!!

"Maglilinis lang ako. Pwede ka ng magkwento kung gusto mo. Nakalock na ang pintuan
para walang makapasok." Nagsimula na ngang pumasok si ate sa mga cubicles para
maglinis. Pero ako heto nagdedecide pa din kung dapat ko ba syang kausapin o hindi.

"Alam mo kung hinahanap-hanap mo kung sino mang tao yun malamang espesyal na sya
sa'yo." 0.0 saan naman nakuha ni ate yun? "Kanina pa ako nandito hindi mo lang
napansin."

>//< Grabe may nakawitness ng kabaliwan ko. Mas malala pa yun kesa magkwento sa
kanya. Pero since narinig na naman nya lahat okay lang naman sigurong magkwento ako
since kelangan ko talaga ng makakausap.

"Well kasi po - " tumalikod ako sa salamin at sumandal sa may sink at nakaharap sa
mga cubicles habang labas masok si ate sa bawat cubicles. " - may isa pong lalaki
na nagsabi na dapat hindi na kami magkita at magusap. So ako ginawa ko naman tapos
parang bigla ko na lang syang - "

" - namiss?" napatigil si ate at tumingin sa'kin.

"Hindi ko po alam kung yun yung tamang term pero parang ganun na din." Nakakahiya.
Parang sinabi ko talagang namiss ko si goon. Tss.

Naglinis na ulit si ate habang nagkwento na ko ulit. "Then yun pala sya din yung
kausap ko sa skype. So habang nag-iiwasan kami eh kinakausap nya ko. At take note
po, alam nyang ako yung kausap nya pero hindi ko alam na sya na yun." Huminga ko ng
malalim. Medyo gumagaan yung pakiramdam ko.

"Sige lang ituloy mo lang. Nakikinig ako."

"So nung nalaman ko yun nagalit ako kasi feeling ko niloko nya ko at pinagtripan.
Pero sabi nya hindi naman daw po nya ko pinagtripan. Mas nakilala nga daw po nya ko
ng husto. Yung other side ko daw po." Ano bang other side ko? Yung iniisip nya na
aswang ako? See, dapat itinanong ko yan sa kanya bago sya magdisappear sa mundo.
"Then nagsorry naman po sya." Medyo naalala ko tuloy yung itsura nya nung huli
kaming magkausap. "sabi nya po gusto daw nyang maconfirm yung nararamdaman nya at
humingi pa sya ng favor. Dahil di daw po nya ko kayang layuan dapat ako na yung
lumayo. At kung ano man daw po yung nararamdaman nya sa'kin eh alam nyang bawal o
hindi tama." Napansin kong napapangiti si ate.

"At ang nakakainis pa po dun hindi nya ko pinagsalita. Bigla na lang syang
nagwalkout at until now hindi pa kami nagkikita. Hindi na din sya nagoopen ng
skype. Laging out of reach ang cellphone. Gusto ko na syang kausapin pero di ko
alam kung nasaan sya. Ayoko namang magtanong sa mga kaibigan nya kasi for sure
mang-aasar lang mga yun." Wala naman akong binabanggit na name so okay lang. Okay
lang na sarili ko yung involve.

"Sa tingin ko naman gusto nyo talaga ang isa't isa." Biglang bumilis ang tibok ng
puso ko. ANong sabi ni ate?

"Na - naku malabo po yun. Kasi po aso't pusa kaming dalawa. As in totally
opposite." Nagfake laugh ako. Ninenerbyos ako dito kay ate. "At isa pa po kung
gusto nya ko eh di sana hindi na nya kelangang lumayo o palayuin ako."

Tumingin si ate sa'kin habang may hawak na garbage bag. "Malay mo naman may sarili
syang dahilan. O kaya dahil sinabi mong opposite kayo eh naisip nya na hindi mo sya
magugustuhan kahit kelan. Sabi mo nga sabi nya hindi ka nya kayang layuan kaya ikaw
ang pinapalayo. Confirmation na yun na gusto ka nya. Ang tanong na lang nyan eh
kung gusto mo din ba sya." Kinuha ni ate yung mga garbages at nakatingin lang ako
sa kanya.

"Hindi naman po nya sinabi kung anong klaseng pakiramdam yung nararamdaman nya eh.
Pwedeng nararamdamang galit, nararamdamang inis, nararamdamang pagnanasa - "
napatingin bigla si ate sa'kin, " - joke lang po. Di talaga kasama yun." Bakit may
pagnanasa pa kasi kong nalalaman. Jusme, aswang nga tawag sa'kin tapos
pagnanasahan? Asa pa nga ako.

"Hija, babae ka ba talaga? Hindi mo ba maramdaman kung kelan may gusto ang isang
lalaki sa'yo o wala?" Babae po ako ate at wala po akong alam sa mga ganyang bagay.
Sana po marinig nyo ang sinasabi ng utak ko. :p

"ALam mo kaya ka nya pinalayo dahil nakompirma na nya yung nararamdaman nya at sa
tingin ko tulad mo ganun din yung lalaki na yun. Hindi maramdaman kung may gusto na
ba ang babae sa kanya o wala." Napailing si ate. Naglo-loading pa sa utak ko lahat.
Di ko maprocess. Ano bang gusto nyang sabihin?
"Sa tingin ko hija, dapat ikaw na ang maghanap sa kanya. Itanong mo lahat ng gusto
mong itanong. Para malinawan ka na. Mas mabuting sya mismo ang tanungin mo at hindi
ang sarili mo sa salamin." May point si ate.

"Pero kasi po nahihiya akong magtanong sa mga kaibigan nya. Tsaka paano po kung
ayaw nya kong makita? Paano kung mali po kayo ng tingin?" May point din naman ako
di ba? Paano kung ayaw pala nya sa'kin kasi tingin nya iaalay ko sya sa mga katribo
kong aswang?

"Hindi mo talaga naiintindihan no? Bakit napakanegative mo ba? Halata na nga lahat
pero ayaw mo pa ding maniwala. Eh paano kung pareho kayo nung lalaking yun. Pareho
kayong negative masyado eh di sayang lang. Ikaw din, baka magsisi ka kapag wala
kang ginawa." Ibinuhol nya yung garbage bag at kinuha yung map. "Kung hahanapin mo
sya para bigyang kasagutan yang gumugulo sa isip mo magiging kampante ka na. Kung
hindi man maganda ang sagot nya ayos lang yun dahil kahit paano alam mo na yung
sagot. Hindi mo na kelangang magpakabaliw sa loob ng CR." Tumawa si ate at lumabas
na sya ng CR.

Humarap ulit ako sa salamin. Paano nakapagadvice si ate ng ganun kadali ng based
ang sa kwento ko?

"Dapat ko ba syang kausapin? Pero paano? Di nga kami nagkikita di ba?" siguro nga
dapat na kaming mag-usap kasi mababaliw na ko. Tsaka magtatanungan lang naman kami
no, hindi naman yung parang ending sa mga love stories na kapag mutual yung
feelings eh ending na agad. Naging sila at happy ever after ang peg. Sus, hindi no!
Too soon for that. Ang gusto ko lang naman ibalik yung friendship. Yes FRIENDSHIP
lang, wag nga kayong marunong pa sa'kin. Yun lang talaga PERIOD.

"It's now or never Alexa!!" I grabbed my bag. Kinuha ko agad yung phone ko. Dinial
ko ang number ng goon na yun.

*Toot toot toot

Oh my gosh open na nga ang phone nya busy naman. So nakikipag-usap na sya sa iba
pero sa'kin hindi. Wow, humanda ka talaga sa'kin.

Lumabas ako ng CR at hinanap ko sila Tuck habang dinadial ulit ang number ni goon.

*Ring ring
Finally nagring din.

[Hello?]

Si - si goon sumagot. Ano nang gagawin ko? Oh my gosh. Teka, di ako makapag-isip.

[Alexa?]

Feeling ko matutunaw ako, bakit parang ang ganda bigla ng pangalan ko dahil sya ang
nagsabi.

[F*&K! Akala ko naman sya talaga!]

"Ah Zak - " nagsalita na ko agad kasi biglang lumayo yung boses nya at hindi ko
masyadong nagets yung last nyang sinabi.

[Yes?]

Ang kalmado nya magsalita. Pero okay na din 'to.

"Where are you? Kasi ano - "

*Toot toot toot

Tiningnan ko yung phone ko.

Call ended.

"Wow thank you very much. Bawal ba talaga kong magtanong ha?" tinry ko ulit syang
tawagan pero out of reach na naman ang phone nya. Wala na kong choice kundi
kausapin sila Tuck.
At kapag sinuswerte ka nga naman nakita ko agad silang lima na magkakasamang
naglalakad papunta ata sa parking lot.

Tumakbo ako agad papalapit sa kanila.

"Tuck!!!" malakas naman yung pagkakasigaw ko kaya napatigil sila.

"Hey may kelangan ka ba?" tanong ni Tuck.

Syempre medyo hinihingal pa ko kaya hindi ako agad nakapagsalita.

"Lex kasi nagmamadali kami, may dapat kaming mahabol so kung wala kang sasabihin
aalis na kami." Wow, si Rich seryoso ata ngayon.

Tiningnan ko silang lahat ng diretso. "I want to see Zak."

Nagtinginan silang lahat. Hindi sila nagsalita. Narinig ba nila ko?

"I said I want to see Zakkkkkkkkk!!!!!!!!!" inulit ko pero ng nakasigaw.

"Woah, relax. Narinig ka naman namin lady ghost." Sabi ni Rich na biglang nagtakip
ng tenga.

"Ow, sorry." Eh kasi wala silang reaksyon kaya inulit ko.

"Sorry hindi pwede. Wag ngayon." Tumalikod si Tuck at ang mga kasama nya. So ganun
lang yun? Hindi pwede? Pero hindi na ko makapaghintay.

Sinundan ko sila hanggang sa may parking lot at bago pa sila makasakay ng motor
humarang ako sa harapan nila. "Please, gusto ko na syang makausap. Hindi ko sya
aawayin, promise. Wala akong intensyong masama."
At ayan na naman. Hindi na naman sila nagsalita. Ang masama nilampasan lang nila
ko. Naiwan lang si Luke sa harapan ko at nakatingin sa'kin.

"Luke lets go." Yaya ni Tuck sa kanya.

Tiningnan ko si Luke. Sana maramdaman nya kung gano ko gustong makausap si goon.

"Sa tingin ko okay lang naman na isama natin sya." Yes. Thank you Luke.

"No! Alam mo naman ang bilin ni Zak. Isa pa wag ngayon. Baka hindi sanay yan si
Lex." Napatingin ako kay Rich. Umiwas lang sya ng tingin at nagsuot bigla ng
helmet.

Tumingin ulit ako kay Luke at nakita kong nakatingin sya sa'kin. "Kahit ano pa yan
okay lang sa'kin. I need to see him. Hindi ko na kayang tumagal pa ng isang araw
kung hindi mababaliw na ko."

Hindi ko alam kung anong nasabi ko pero napatawa sila bigla.

Tiningnan ko sila Tuck pero umiwas lang sila ng tingin at sumakay na sa motor nila.

"Parehas talaga sila ang pinagkaiba lang yung isa lasing heto hindi." Umiiling-
iling na sabi ni Val.

Parehas saan? Ang alin?

"Isama na natin. Malay nyo ganahan pa yung mokong na yun." Sobrang thank you talaga
dito kay Luke. Sobrang bait.

"Bahala ka. Pero wala na tayong time para bilhan yan ng jacket." Seryosong sabi ni
Trav at tumingin sa'kin. "Sorry Lex pero kasi hindi safe yung lugar na pupuntahan
namin."

"I don't care. Kung nandun si Zak pupuntahan ko sya." Bakit ba ayaw nila kong
isama? Saan ba sila pupunta.

"See. Mas matapang pa 'tong si lady ghost sa bata natin eh." Umakbay sa'kin si
Luke. "Don't worry isasama kita kaya lang you have to wear black leather jacket.
Meron akong isa sa motor ko. Kung ayaw mong isuot hindi ka pwedeng sumama sa'min."

"Sasama ako!" no matter what. Kahit ano pang ipasuot nila sa'kin. Wait for me goon!
Gigisahin kita!

********************************

ZAK'S POV

This is the day. Dati excited ako tuwing lalaban ako. Kapag nanalo kasi ako
malaking kita na naman yun. I need to win. Pero ilang beses na din akong
pinapagalitan ng handler ko. Hindi daw maganda kondisyon ng katawan ko. Sinabihan
nya kong matulog ng tama sa oras. Pero f*&k paano ko naman gagawin yun eh palagi ko
lang naiisip yung mukha nya nung huli kaming nag-usap. Ayokong magassume pero alam
kong wala naman talagang pupuntahan 'to.

Sa kondisyon ko ngayon hindi ko tuloy alam kung mananalo ako. Tsk! Kahapon kasi
dapat nagpahinga na lang ako pero dahil hindi nga di ako mapakali nag-inuman kami
nila Tuck sa pub at hindi ko alam na malalasing ako ng ganun. Nasabi ko tuloy sa
kanila lahat. Nasabi kong mababaliw na ko kapag tumagal pa ng isang araw na hindi
kami magkausap ng aswang na yun. Tsk, kapag nalaman ni coach na nag-inom ako kagabi
at puyat patay na.

Ilang minuto na lang lalaban na ko. Lalaban na ko pero naiisip ko pa din sya. Ilang
araw din kasi akong busy sa pagpapractice. Hindi ako nagbubukas ng phone. Paano
kasi kapag nakaopen ang phone ko palagi kong tinitingnan kung may message ba yung
babaeng yun at naasar ako kapag wala.

Alam ko hindi ako dapat maasar kasi ako naman ang nagpalayo sa kanya. At dahil
hindi nya ko gusto ginawa nya nga. Ayaw na ayaw nya talaga sa'kin. Pero - pero
gusto kong marinig yung boses nya kahit ngayon lang. Gusto kong marinig kung
pagalit ba sya magsalita o kung masaya ba syang makausap ako o ano.

Tss! This is so gay! F*&k! Ilang minuto na lang lalaban na ko pero ganito pa din
ako. Dapat sineset ko na ang isip ko sa laban. Kapag natalo ako dito lagot na.
Kinuha ko ang phone ko sa may locker. Bahala na. Kung galit sya okay na din yun.
Kung masaya sya eh di mabuti. Sasabihin kong gusto ko syang makita at makausap.
Kahit magalit sya wala na kong pakialam. Dinial ko ang number nya. Natawa ako kasi
aswang ang name nya sa phonebook ko.

*Toot toot toot

Sh*t naman! Busy pa. Ano nakikipaglandian ba sya? Akala ko ba manhater sya tapos
busy ang phone? Malamang wala talaga syang pakialam kung ano ng nangyayari sa'kin.
Nakakainis! Matagal kong napigilan ang sarili ko pero ngayon para kong mababaliw.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Slight turn of the head

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

Sinabi ko na nga kina Tuck na dumiretso na dito dahil bubugbugin ko sila kapag
hindi sila dumating. Wag na wag lang silang magdadahilan. Sasagutin ko na yung
phone ng makita ko kung sinong natawag.

Aswang calling...

Hindi na ko nagdalawang isip. Parang biglang gumanda yung pakiramdam ko.

"Hello?"

Walang nagsasalita pero may naririnig akong parang hangin ba yun. Di ko alam kung
hangin ng aircon o ng exhaust fan.
"Alexa?" Bakit hindi ka nagsasalita? Paano ko malalaman kung galit ka ba o ano?
Makikinig ako sa sasabihin mo. Sabihin mo lang na di mo na ko lalayuan promise
babawiin ko lahat ng mga sinabi ko at magsosorry na din ako dahil in the first
place hindi ko dapat sinabing lumayo ka kung alam kong magkakaganito ko.

Wala pa ding nasagot. Mukhang nadial lang ng di sinasadya.

"F*&K! Akala ko naman sya talaga!" Paasa kang babae ka!!!

[Ah Zak?] Napatigil ako ng marinig ko ang familiar na boses na yun. Ang boses na
matagal kong hindi narinig.

"Yes?" Gusto kong marinig ang sasabihin nya. Pakibilisan!

[Where are you? - ]

Biglang may humablot ng phone ko.

"What the f*&k!" paglingon ko nakita ko ang handler ko.

"Your turn man. Sana nagpakondisyon ka kung hindi mahihirapan ka sa kalaban mo


ngayon." Minamasahe pa nya ang mga muscles ko para icheck kung okay lahat.

"Kaya ko naman manalo kung hinayaan mo pa ko sa phone kahit 1 minute!!" ano kayang
sasabihin ng babaeng yun. Dapat matapos ko agad 'tong laban para makausap ko na sya
agad.

Lumabas kami sa locker room at dumiretso sa arena. Madaming tao. Iba't-ibang


samahan. Syempre lahat nakablack leather jacket. Hindi kasi ordinaryong underground
fight 'tong ginagawa ko. It's a matter of life and death. Kung hindi ka magaling
hindi ka tatagal.

Malapit na kami sa ring. Nakita ko ang isang maliit na ring. Para syang cage. Sa
loob kami maglalaban ng kung sino mang makakalaban ko ngayon. Tumingin ako sa mga
tao. Kung sinabi ko kayang nandito ako sa ganitong lugar pupunta sya? Hindi -
masyadong delikado at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa
kanyang hindi maganda.
Tumunog na ang bell at lumabas na din ang makakalaban ko. Isang malaking lalaki na
kasing lapad ng pader ang katawan at mukhang batak ang mga muscles. Ang malas,
ngayon pa ko wala sa kondisyon. Di bale tatapusin ko na lang agad ang laban.

Pumasok kaming dalawa sa ring at ipinadlock na ang cage. Hindi ko gusto ang ngiti
ng lalaking 'to. Mukhang hindi sya basta-basta lang. Dahil sya ang challenger sya
ang unang sumugod pero dahil mabilis ako mabilis akong nakaiwas pero nadaplisan ako
sa braso.

Daplis lang yun pero ang sakit na. Paano pa kaya kung tinamaan a -

*TUGSH

F*&K! Tinamaan ako. Bakit hindi ko agad nakita? Hindi ako makabwelo. Ang bagal ng
kilos ko at hindi ako agad makaiwas. Hindi pwede 'to. Hindi ako pwedeng matalo.
Mag-uusap pa kami ng aswang na yun.

Sinugod ko ang challenger ko pero nahawakan nya ko sa ulo at naibalibag bigla


papatalikod. Bumagsak ang likod ko sa matigas na sahig ng ring. Hindi ako ganito.
Alam kong hindi ako ganito makipaglaban. Pero bakit masyado ata syang malakas. O
kinulang lang talaga ako sa training.

Papatayo na ko pero nahagip ako ng challenger ko at pinagsisipa ako sa sikmura.


Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay sa lakas ng sipa nya. Hindi ko pa mandin
napalakas ang sikmura ko.

"Zak! Zak tumayo ka dyan!!!" naririnig ko ang coach ko. Sige nga magpalit kaming
dalawa tingnan ko lang kung makatayo sya.

"Booooooo!" naririnig ko ang mga audiences na mukhang hindi nagugustuhan kung anong
nangyayari ngayon.

Kelangan kong tumayo. Hindi dapat manalo 'tong lalaking 'to. Kelangan kong manalo.
Ako ang manana -

Hinawakan ako ng challenger sa leeg at dahan-dahang itinayo. Hindi pa sya


nakuntento sinakal nya ko ng dalawang kamay habang itinataas sa ere.

"Sige tapusin mo na yan. Mahina lang pala yan!!!" naririnig kong sabi ng mga tao.
Ako daw mahina? Hindi - hindi ako mahina. Bigla na lang akong napaisip. Mahina
talaga ako kasi hindi ko man lang sinubukang kausapin ng maayos si aswang. At kung
mamamatay ako ngayon sya ang huli kong gustong makita. Mabuti na lang at narinig ko
ang boses nya kahit sandali lang. Babaunin ko yun sa kabilang buhay.

Sinubukan kong lumaban, suntukin at sipain ang challenger na 'to pero wala akong
magawa. Masyado syang malakas. Napatingin na lang ako sa mga tao. Mukhang nawala na
sila sa side ko. Mukhang may bago na silang paborito. Hindi ko naman sila masisisi,
mahina ako. Mahina ako sa lahat ng bagay lalo na pagdating - sa - sa'yo?

Teka parang nakikita ko si aswang dito. Nasa may unahan sya nakaupo. Hanggang
kamatayan sya pa din ba ang gusto kong makita? Pero - pero alam kong hindi sya yun
dahil nakasuot ng black leather jacket at nakatali pa ang buhok. Malamang VIP sya
kasi nasa unahan sya nakapwesto. Kahit kamukha lang sya ni Alexa tititigan ko pa
din sya hanggang sa huling hininga ko. Nanlalabo na ang paningin ko at napapapikit
na ko.

"HOY GOON WALA KA BANG GAGAWIN DYAN? ANO MAGPAPAKAMATAY KA NA LANG BA?!!! MAY
KASALANAN KA PA SA'KIN KAYA DI KA PA PWEDENG MAMATAY!! KAPAG NAMATAY KA TANDAAN MO
IDO-DOUBLE DEAD PA KITA!!!!!!!!!!!!!" pamilyar ang boses na yun. Ang sigaw na yun
at ang pagtawag ng goon sa'kin alam kong - alam kong isang tao lang ang makakagawa
nyan lahat. Ang taong kahit kelan hindi natakot sa'kin. Ikaw - ikaw lang yun. At
bigla akong dumilat ng marinig ko ang sigaw na yun.

A/N

Bitin mode muna. Hahaha. Monday- Thursday akong nagtuturo sa school kaya di ako
makapagupdate agad so please understand. Anyways, thank you so much sa lahat dahil
madami nang nabasa nitong story so sana ishare nyo pa sya sa fb friends or twitter
friends nyo. Thank you. #19 and #21 pa din tayo. Yey! Love y'all. <3

megladiolus (mela)

*******************************************
22

*******************************************
ZAK'S POV
Nakita ko ulit ang babaeng kamukha ni aswang. Ah hindi, sya nga si aswang walang
duda. Nakatayo sya sa upuan at nakatingin sa'kin. Dahil abala ko sa pagtingin sa
kanya bigla akong ibinaba ng challenger at siniko na naman sa sikmura. Bumagsak ako
sa ring at sumuka na ko ng dugo.

"HOY IKAW LALAKING MUKHANG KINGKONG KAPAG NAPAHAMAK ANG GOON NA YAN NG HINDI PA
KAMI NAGKAKAUSAP TANDAAN MO IPAPAHANAP KITA AT SISIGURADUHIN KONG MABABASAG YANG
PEKE MONG MUSCLES!!!!!!!" bigla akong natawa sa kanya. Alam ba nya kung nasaang
lugar sya?

Dahan-dahan akong tumatayo habang pinupunasan ang dugo sa bibig ko. Napapatitig
ulit ako kay aswang. Nakablack leather jacket sya. Nakakatawa ang itsura nya, ang
laki nung jacket sa kanya. Teka - malaki ang jacket?

Grrrrrrrr!! Nagmadali akong tumayo at papalapit na sana sa may rehas kaya lang
nahagip na naman ako ng halimaw na kumag na 'to!

"At saan ka pupunta? Nandito ako wala dyan!" hinawakan nya ako sa balikat at bigla
akong napaharap sa kanya kasabay ng isang malakas na suntok. Mukhang hindi nya
inaasahang makakasuntok pa ko ng ganung katagal. Kahit ako hindi ko din alam na may
lakas pa ko. Basta ang alam ko gusto kong sigawan ang limang mokong na yun!

Habang medyo hilo pa ang kalaban ko dahil sa suntok na ginawa ko lumapit ako sa may
rehas malapit sa tapat nila aswang.

"Hoy kayo dyan!!" itinuro ko isa-isa sina Tuck, Rich, Val, Trav at Luke habang
nakahawak ang isa kong kamay sa rehas at gusto ko ng lumabas at suntukin ang mga
'to sa mukha. "Kaninong jacket ang suot ng babaeng yan ha? Sinong nagpahiram sa
inyo!!!!!!!!" ang lakas ng loob nilang magpasuot ng jacket nila sa kanya!

Dahil kinakausap ko sila hindi ko napansin na nakarecover na pala ang kalaban ko.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa ulo ko at iniuntog sa rehas ng tatlong
beses. Iuuntog pa nya sana ulit ang ulo ko pero napigilan ko. Hindi nya maidikit
ang ulo ko sa rehas dahil sa pagpigil na ginagawa ko. Inabot ko ang kamay nya
patalikod at mabilis ko syang hinigit papalapit sa'kin sabay tuhod sa sikmura at
suntok ng malakas sa may tenga. Bastos 'tong lalaking 'to alam na may kinakausap pa
ko istorbo.

Tumingin ulit ako sa limang kumag pero lahat sila umiwas ng tingin. Mga loko
talaga! Iniinis ba nila ko? Alam naman nila kung anong mga pinagsasabi ko sa kanila
kahapon nung nalasing ako tapos ganyan pa sila. Humanda talaga kayo sa'kin!
Napatingin ako bigla kay aswang. Napakainosente ng itsura nya sa jacket na yun!
Hindi ko matanggap na ibang jacket pa ang sinuot nya! Nanggigigil ako!

"HOY WAG KA NGANG TUMUNGANGA LANG DYAN! KUNG GUSTO MONG MALAMAN KUNG KANINONG
JACKET 'TO SASABIHIN KO NAMAN SA'YO!!! PERO KAPAG TAPOS NA YANG LABAN MO!!!"
nakapamewang pa sya. Hindi ba talaga sya marunong matakot? Nakakatagal pa syang
manood ng ganitong laban. Kakaiba talaga sya. Pero teka ano nga bang ginagawa nya
dito?

"Kapag ba natalo ko 'tong kingkong na 'to - " sh*t ngayon ko ba dapat sabihin? Ah
hindi, dito ko ba dapat sabihin?

"ANO?" parang naiinis na sya. Hindi ko alam kung dahil sa sinasabi ko o dahil sa
jacket na kanina nya pa inaayos.

"Kung matatalo ko ba si kingkong hindi - hindi ka na lalayo sa'kin?" bigla akong


napatingin dun sa lima na napatawa sa sinabi ko. Mga ungas talaga kayo, humanda
kayo dito kapag nakalabas ako dito. Ano bang masama sa sinabi ko?

"Ano bang sinasabi mo ha? Lumaban ka na lang - ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!" napalingon


ako sa likuran ko ng sumigaw si aswang. Nakatayo na pala ulit si kingkong. Nakaiwas
ako agad sa suntok nya. Mukhang hilo pa din sya. Ano ba naman yan, ang laki-laki
hindi naman pala ganun kalakas.

Umiiwas-iwas lang ako sa sugod nya. Tinatamaan ako ng mga suntok pero hindi naman
ganun kasakit. Sige - magpapatama ako ng magpapatama sa kingkong na 'to.

"HOY ANO BA!! LUMABAN KA NGA!!!"

"Sabihin mo munang hindi ka na lalayo!" asa pa nga akong sasabihin nya yun. Kahit
hindi naman nya sabihing hindi na sya lalayo ipapanalo ko pa din 'tong laban na
'to. Dapat nga magpasalamat ako sa kanya kasi kung di ko sya narinig malamang wala
na ko ngayon. "Ano na?"

Napatingin ako sa pwesto ni aswang pero wala na sya dun. Tsk! Sabi ko na nga ba eh,
siguro umalis na. Matapos na nga 'tong laban na -
*DUGSH

Natamaan ako ng solid na uppercut. Sh*t may lakas pa pala 'tong halimaw na 'to.
Medyo nahilo ako ah.

"SIGE KUYA KINGKONG BUGBUGIN MO YAN PARA SA'KIN!!!! MADAMI YANG KASALANAN
SA'KIN!!!" napatingin ako sa may tagiliran at nakita kong nandun na si aswang.
Nandun na sya sa gilid ng ring. Hindi pala sya umalis - lumapit lang sya.

"At sa kalaban mo pa talaga napiling kumampi ha! Kung ayaw mong sabihing hindi ka
na lalayo sabihin mo na lang hindi yung ganyan ginagawa mo!! Umalis ka na nga
dito!!!" papasugod na sana ko ulit sa kalaban ng biglang may tumama sa ulo ko.
Nakita kong bumagsak sa ring ang isang - SAPATOS. San naman nya kaya nakuha 'tong
sapatos na 'to?

"Siraulo ka talaga no!! Sino bang lumayo sa'ting dalawa? Sino bang hindi napasok?
Sino bang hindi nagpapakita? Sino bang patay ang cellphone ng ilang araw at hindi
nagoonline sa skype ha? Kung alam mo kung sino lahat yan tsaka mo sabihin sa'kin
kung ako ang lumayo!!! Gunggong ka talagang goon ka!! Utak talangka ka!! Siraulo!!
Matalo ka sana!!! Matalo ka sana at isusuot ko lahat ng jacket ni Luke! Pati jacket
ni Tuck at ni Rich at ni Val at ni Trav hanggat gusto ko pero hinding-hindi ko
isusuot ang jacket ng halimaw na katulad mo!!!"

Tumalikod ako kay aswang dahil hindi ko maiwasang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit
pero ang ganda ng pakiramdam ko. Nagstretching pa ko ng konti bago ko sinugod ang
kalaban ko. Umikot ako sabay sipa ng malakas sa mukha nya. Hinawakan ko sya sa leeg
at ibinagsak sa ring na una ang ulo. Binali ko ang braso nya at kamay. Siniko ko
ang sikmura nya hanggang lumabas ang dugo sa bibig nya. Tumayo ako at hinahamon ko
syang bumangon.

Napatingin ulit ako kay aswang na mukhang gulat na gulat sa ginawa ko. "Sorry pero
mahina ang pambato mo. Kung sa'kin ka na lang sana kumampi." Then I winked at her.
"At isa pa - hindi na ko lalayo." Kinuha ko ang dalawang paa ng kalaban at pinaikot
sya hanggang umaangat ang kalahati ng katawan nya sa hangin. Binitawan ko sya at
tumama ang buong katawan nya sa rehas. Bumagsak sya at nagsimula ng magbilang ang
referee.

ALEXA'S POV

"Sorry pero mahina ang pambato mo. Kung sa'kin ka na lang sana kumampi." Nagwink pa
sya sa'kin. "At isa pa - hindi na ko lalayo."
A - ano daw? Hindi na sya lalayo? Buti naman at naisip nya na hindi ako ang lumayo
kumag sya. Napatakip ako sa bibig ko. Oh no! Pati salita nya nakukuha ko na din.

*Ting ting ting

Tumunog na ang bell. Bumukas na ang malaking cage at binuhat na si kingkong at


iniligay sa stretcher. Panalo sya - panalo si goon. May belt na isinuot sa kanya at
kinakamayan pa sya ng iba pang mga nakakatakot na tao. Mukhang myembro ng mafia.
Biglang dumagsa ang tao papaakyat ng ring. Dinadaanan nila ako hanggang mapaatras
ako ng mapaatras. Hindi ko na sila makita.

So ano na lang ang gagawin ko? Naglakad ako pabalik sana sa pwesto nila Tuck pero
nawala sila bigla. Tama bang iwanan ako sa ganitong lugar?

"Hey, girlfriend ka ba ni Zak?" may kumakausap sa'kin na isang lalaki. Hindi ko sya
kilala at nakakatakot sya. Hindi ko sya pinansin at naglakad lang ako ng hindi ko
alam kung san ako pupunta.

"Wait, hindi ka pa sumasagot sa'kin." Hinawakan nya ko sa braso.

"Aray!!" kusang gumalaw ang kamay ko at nasampal ko sya. "So - sorry! Hi - hindi ko
naman sinasadya."

"Ikaw babae ka!!!" sa sobrang takot ko nanakbo ako sa hindi ko alam kung saang
direction. Hindi ko talaga makita sila Tuck paano lahat ng nandito nakablack
jacket. Naduduling na ko. Bakit pa kasi ko nakasama-sama dito.

"Ahhhhhhhhhhhhh!!!" napasigaw ako ng may biglang humigit sa braso ko at hila-hila


ako sa - hindi ko alam kung saan.

Te - teka si - si goon ba 'to?

"Bakit bigla kang umalis? Ayaw mo ba talaga kong manalo ha?" si goon nga. Paano nya
ko nahanap sa dami ng tao.

"Bitawan mo nga ko!!!" hinigit ko yung braso ko sa kanya at tumalikod.


"Sige! Umalis ka! Madami lang namang nag-aabang sa'yo dyan dahil sa sinampal mo
kanina. Di mo ba kilala kung sino yun? Myembro ng mafia ang buong pamilya nun. Sige
umalis ka. Ingat. Dadalawin na lang kita sa burol mo!" humarap ako kay goon at
nakita kong naglalakad na sya palayo.

Sabi ko na nga ba myembro sya ng mafia. Hindi talaga ko nagkakamali. Tumakbo ako
agad at sumabay kay goon.

"O nagbago na agad ang isip mo?" ikaw na takutin ako hindi kaya magbabago ang isip
ko? Siraulo ka talagang goon ka!! Hindi ko akalain na ikaw ang dahilan kung bakit
hindi ako makatulog ng ilang araw!!!!

"Hoy goon, kapag may nangyari sa'king masama dito mumultuhin kita. Hindi kita
mapapatawad. Ikaw ang may kasalanan!!!!!" nauna kong maglakad sa kanya.

Sya naman talaga may kasalanan kung bakit ako nandito. Hindi ko nga alam na ganito
palang klaseng buhay ang meron sya. Hindi ko naman sya jinajudge kasi hindi ko
naman alam kung anong past nya. Hindi din naman ako natatakot sa kanya dahil alam
kong wala syang gagawin sa'king hindi maganda. Alam ko yun dahil ilang beses na
kaming nagkasama kahit sa short span of time lang. Kahit na pinagbintangan nya kong
aswang okay lang. Sya lang ang may kayang gumawa nun sa'kin.

"P - pwede bang hintayin mo ko?" napatigil ako ng marinig kong nagsalita si goon.
Humarap ako sa kanya. "Magsa-shower lang ako at magbibihis tapos aalis na tayo
dito." Napatawa ako. Nahihiya ba sya? Yung lalaking tumalo sa isang kingkong
nahihiya sa tulad ko? Nakakatawa talaga sya.

"Hoy wag kang tumawa dyan!! Wala ka ng choice!! Iintayin mo ko. Parusa yan dahil sa
kalaban ka kumampi at hindi sa'kin!!!!!" hinigit nya ko sa braso at nagpunta kami
sa isang room.

Hindi naman ako umangal kasi papayag naman talaga ko. Nagagalit pa sya kunyari para
lang hindi mahalata na nahihiya sya. Patagal ng patagal mas lalo kong nakikita yung
other side nya.

Pagpasok namin sa room nandun yung coach nya ata yun. Pinaupo nya lang ako sa sofa
at pumasok sila sa loob ng coach nya. May isa pa kasing pintuan sa loob. Habang
hinihintay ko si goon nakita kong madaming trophies at belts sa loob. Nakita ko din
si goon na may picture na hawak yung belt na nakataas. Parang medyo bata pa sya
dito. Meaning ba nito matagal na sya sa ganitong business? I mean business bang
matatawag yung magpatayan ng ganun? Tsaka masyado pa syang bata compared sa mga
nakakalaban nya.

Nakita ko din na may picture silang anim na magkakasama. Solid talaga sila. Ang
gandang tingnan. Gusto kong malaman kung ano silang klaseng tao. Yung mas malalim
na sila.

"Hubarin mo na nga yan!!!" nagulat ako ng marinig ko si goon. Humarap ako sa kanya.
Kakatapos nya lang magshower. Mas lalo syang naging hot sa mga sugat nya sa
katawan. Sinabi ko bang hot sya? Fine, pero wag kayong maingay ha. Sa'tin lang yun.

"Alam ko hot ako. Hindi mo na kelangan sabihin." Wow, narinig nya ko? O sinabi nyo
lang talaga?

Umupo ako sa sofa at di ko sya pinansin.

"Sabi kong hubarin mo na yan!! Kapag di mo yan hinubad, huhubaran kita!!!"

"What?"

"I mean huhubarin ko yang jacket sa'yo!! ANo ka ba!! Ano bang akala mo!!! Assuming
ka masyado!!" tumalikod sya ulit at pumasok sa loob.

Wow, what lang ang sinabi ko ang dami na nyang nasabi. Hinubad ko na yung jacket ni
Luke at tiniklop ko. Maya-maya lumabas na si goon na nakablack shirt lang at fitted
sa body nya. Bakat na bakat ang mga muscles. Oh my goodness. Concentrate Alexa.
Halimaw yan okay.

Tumingin ako sa ceiling. "Wow, ang ganda pala ng ceiling dito." Bigla syang lumapit
sa harapan ko. Nakita kong nakasmirk sya. Nang-aasar lang sya alam ko. Tumingin ako
sa floor. "Wow ang ganda ng tiles. Magpapaganito din ako sa kwarto ko."

Bigla nyang ginulo yung buhok ko. "Hoy ano ba!!!!!"

"ANong ano ba? Baliw ka na ba talaga? Tingnan mo nga wala namang tiles ang floor
dito!!!" nakaturo sya sa floor at nang mapatitig ako ang nakita ko lang eh floor.
Isang red na floor. Walang tiles. Hahahahaha. Buset!!
Hindi na ko nagsalita. Talo na ko eh. Mas mabuti ng wag umimik.

"So kay Luke pala 'to ha!" napatingin ako at nakita kong hawak na ni goon yung
jacket.

"Luke? Paano ka nakakasiguradong kay Luke yan?" tanong ko sa kanya.

"Wala ka kasing alam. May kanya-kanyang code ang jacket namin no! Kung ano man yun
sa'min lang yun. Bawal yun sa mga aswang!" ngumiti sya at inilagay sa bag yung
jacket ni Luke. "Let's go." Hinawakan nya ko sa kamay at lumabas na kami.

HAWAK PA DIN NYA KO SA KAMAY. Nakalabas na kami ng ground at MAGKAHAWAK PA DIN KAMI
NG KAMAY.

Hindi ba nya ko bibitawan? Hindi naman sya nagsasalita.

Naglalakad lang kami ng naglalakad at MAGKAHAWAK PA DIN KAMI NG KAMAY.

Nakatingin ako ngayon sa MAGKAHAWAK NAMING KAMAY.

Mababaliw na naman ata ako. Panaginip ba 'to? Parang gusto kong magpasampal ah.

"Ah - san mo ba ko dadalhin?"

"Bakit natatakot ka ba?"

"Hi - hindi!" hindi naman talaga ko natatakot. Pero - pero hindi ako mapakali. "AH
- uuwi na pala ko."

"Mamaya na. Ihahatid na kita. Tsaka isa pa nandito na tayo." Tumigil sya sa
paglakad kaya napatigil din ako. Nasa harapan kami ng isang lake ata 'to at ang
ganda. Kitang-kita yung moon at nagrereflect pa sa tubig. Inihagis nya yung bag nya
sa damuhan at finally binitawan na din nya ko.

Umupo sya sa damuhan. "Tatayo ka na lang ba dyan?"

Syempre hindi. Ang tagal ko na kayang nakatayo. Umupo ako medyo malayo sa kanya.

"KELANGAN GANYAN BA KALAYO?!! WALA NAMAN AKONG SAKIT AH!!!!" hindi ko sya pinansin.
Nonsense naman kasi yung pagsigaw nya. Tumingin na lang ako sa moon. Ang ganda, ang
laki. Full moon kasi ngayon. Nakakarelax dito. Ang lamig pa ng hangin. Fresh na
fresh din.

Naramdaman kong biglang uminit. Nakita kong may nakapatong na na jacket sa balikat
ko at katabi ko na din si goon.

"O - okay lang na alisin mo yan kasi jacket ko yan. Sa - sabi mo kanina isusuot mo
lahat ng jacket nila pero yung - yung sa'kin hindi. Si - sige lang. Bahala ka."
Sineryoso ba nya yun? I mean hello, hindi ko naman talaga isusuot ang jacket ng
kahit na sino no! Nang-aasar lang ako, pero infairness effective din pala.

Hindi na ko umimik at isinuot ko ang jacket ng goon na 'to. Nakita ko namang


ngumiti sya ng isinuot ko ng ayos yung jacket. Komportable sa pakiramdam, feeling
ko kayakap ko na din sya. Ihhhhh!!

>///< Ano bang iniisip ko?

"Thank you ha."

"Thank you for what?" magkatabi na kami ngayon, as in walang space sa pagitan
namin. Dahil hindi ako dumikit sa kanya, sya ang dumikit sa'kin. Wow, may sabi
talaga 'tong si goon.

"Kasi - kasi akala ko mamamatay na ko. Pero nung marinig ko yung nakakabuwisit mong
boses nagising ako. Sabi ko hindi ko na maririnig yung boses ng aswang kung
mamamatay ako ng ganun-ganun lang - ARAY!!!" bago pa sya makatapos magsalita
binatukan ko na sya.
Babatukan ko pa sana sya nang bigla nyang hawakan yung kamay ko. Nagkatinginan
kaming dalawa.

Oh no! Oh no help! Help anong gagawin ko.

"Pero kung namatay man ako kanina - masaya na din ako kasi ikaw yung huling taong
nakita ko. Yun eh kung tao ka nga talaga."

Babatukan ko sana sya ng isa ko pang kamay pero nahawakan nya din. "Masyado kang
brutal alam mo ba yun? Mas masakit pa ang hampas mo kesa sa suntok ni kingkong eh.
Kapag ako nagkainternal hemorrhage dahil sa pambabatok mo naku."

"Ano ka ba? Masamang damo ka kaya di ka agad mamamatay no! Tsaka di ba sabi ko
sa'yo idodouble dead kita kapag namatay ka ng hindi pa tayo nakakapag-usap."
Nanlaki yung mga mata ko. Bakit naopen ko pa yung tungkol sa pag-uusap. Ano nga
ulit ang sasabihin ko sa kanya? Hindi ko alam. Hinigit ko yung dalawang kamay ko sa
kanya at yumakap na lang ako sa mga tuhod ko.

Silence...

Silence...

Silence...

Silence...

Silence...

"Alexa?"

"Hmmmm?"

"Natatakot ka ba sa'kin?"
"Ano ka ba bakit naman ako matata - " pagtingin ko sa kanya nakalapit na ang mukha
nya sa'kin kaya natigilan ako. " - hindi ka naman masama, di ba?" lumayo ako sa
kanya. Nagkailangan din naman kami kaya umiwas na din sya ng tingin.

"Zak?"

"Mmmmm?"

"May iba ka pa bang dahilan kung bakit mo ko pinapalayo sa'yo?" hindi ako
nakatingin sa kanya dahil ayokong makita nya ang facial expression ko.

"Dalawa lang naman ang dahilan ko. Una ayokong mapahamak ka dahil isa 'kong
underground fighter. Delikado kung mapapalapit ka sa'kin although kaya naman kitang
ipagtanggol."

"At ano yung isa pa?"

"Ha? Ah - ano - nasabi ko na yan ah. Kasi pakiramdam ko may hindi tama. Marami ka
pang hindi alam sa'kin at hindi ko alam kung hindi ka ba magbabago kapag nalaman
mo."

Anong malalaman ko? Hired killer ba sya? Drug lord?

"Bakit hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko bang lumayo sa'yo? I mean - "

Bigla ko na lang naramdaman na may yumakap mula sa likuran ko.

"Sorry! Sorry! Hindi ko alam kung gusto mo ba o hindi. Pero ang alam ko ayoko -
ayokong lumayo ka. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil wala na kong makakaaway.
Wala ng sisigaw sa'kin." Naramdaman kong humigpit ang yakap nya sa'kin kaya naman
napapangiti ako. "Hay aswang ka. ANo bang ginawa mo sa'kin at nababaliw na ko?"

"Hoy ang - "


Tinakpan nya ang bibig ko. Ang bango ng kamay nya.

"Shhhhhh! Pwedeng wag ka munang sumigaw. PWedeng ganito muna tayo kahit isang
minuto lang. Kahit sandali lang. Gusto ko lang magrecharge." At after nun
tumahimik na sya. Nararamdaman ko yung paghinga nya sa may leeg ko.

Zak, pwede bang 1 hour na lang at wag 1 minute. :p Sana marinig mo yung sinasabi ng
utak ko.

"Grabe kang goon ka. Pinalaki mo ang eyebags ko. Pumayat din ako alam mo ba? Hindi
na ko maganda!!"

"Sabi kong wag ka munang maingay." Parang pagod na pagod sya. Hindi ko alam kung
dahil sa laban pero ang lalim ng paghinga nya. Feeling ko anytime magcocollapse
sya.

"Mmmmmmmmmmmmmmm!!" hindi ako makahinga sa pagyakap nya bago sya humiwalay sa'kin.
Humiga sya sa grass at tumingin sa sky.

Korni! Masyadong masunurin. Sinabing 1 minute 1 minute lang talaga!!!!

"Naiinis ka ba dahil hindi ko ginawang 1 hour yung pagyakap sa'yo?"

(-_-") Mind reader ba talaga sya? Eh alam naman pala nya bakit umalis pa sya!!!

"Baka kasi kung anong magawa ko sa'yo kapag tumagal pa tayong ganun." Hindi ko alam
kung ano bang pinag-uusapan namin. Isa lang ang alam ko, namiss ko sya. Lalo na
ngayong ibang-ibang goon ang kausap ko.

"Sorry kung pinalaki ko eyebags mo. Isa pa wala kong pakialam kung pumanget ka.
Panget ka naman talaga. MAganda nga yun para wala nang tumingin sa'yo. Ako na
lang!!!" tiningnan ko sya pero wala syang reaksyon. Nakatingin lang sya sa sky.

Pwede bang kiligin? Kelan ba ko huling kinilig? Ah siguro kaninang umaga nung
nagpee ako. :p
Bigla syang napaupo ulit at tumingin sa'kin. "Hoy ikaw nga dyan alam mo bang hindi
ako nakapagpractice ng ayos dahil sa'yo!!! Muntik na kong matalo!!! Kung natalo ako
dun paano na ko?"

"A - anong paano ka? Isa pa wala akong kasalanan!! Marunong ka pa kasi sa'kin!! May
pasabi-sabi ka pa na wag marunong sa iniisip ng iba, ikaw din pala ganun!!!!" Hindi
talaga normal ang isang conversation namin kung hindi kami magsisigawan.

Napatawa na lang kami. Okay na din malaman na hindi lang pala ko ang parang baliw
ng ilang araw.

"Bakit mo nga pala naisipang pumunta kanina?"

"Ha? Kasi ano - may nagadvice sa'kin na kausapin daw kita. Malay ko namang
lumalaban ka pala ng ganun. Pinilit ko nga lang sila Luke na isama nila ko eh."
Tama na pagtatanong pwede? Nakakahiya na 'to.

"So dapat ko palang pasalamatan yung taong nagadvice sa'yo." Ngumiti sya. Ngumiti
si goon. May dimples pala sya. Bakit ngayon ko lang nakita?

Napatawa na lang ako sa sinabi nya. Siguro dapat ko ding pasalamatan si ateng
maintenance, kung hindi dahil sa kanya baka nasa bahay lang ako at nagiisip habang
si goon pinaglalamayan na. Hahahahaha. Dati gusto ko syang paglamayan, pero ngayon
parang ayoko na. Hindi ko pa alam kung ano 'tong nararamdaman ko ngayon, kung gusto
ko na ba talaga sya o hindi. Isa pa wala pa din naman syang sinasabi kung ano yung
nararamdaman nya sa'kin. Okay na din siguro 'tong ganito.

Nagkukwento lang sya ng nagkukwento ng mga ginawa nya nung mga araw na hindi kami
nagkita. Hindi na din ako nahiyang magkwento kasi mas nakakahiya pala yung mga
ginawa nya kesa sa'kin. Sana hindi na matapos 'tong gabing 'to. Baka kasi bukas pag
gising ko may sapi na naman sya. Pero kahit anong mangyari masaya ako at nandito
kami ngayon. Magkaibigan na ulit kami at masaya ako kasi hindi na sya lalayo at
hindi na din nya ko pinapapalayo. Balik na kami sa dati. Pero natatakot ako, baka
kasi mahulog na ko sa kanya. Paano kung hindi pala kami pareho ng nararamdaman?
Hangga't di nya sinasabing gusto nya ko hindi ako dapat magexpect ng kahit ano.
Ayoko na, ayoko na ulit masaktan kaya hindi ako dapat magmadali.

"Payakap nga ulit!" papalapit sya sa'kin.


"Ayoko nga no!! May chance ka na kanina di mo pa sinulit. Sorry ka na lang!!"

"Dali na, 2 minutes lang. Alam ko namang gusto mo din!!"

Tumayo ako at lumayo sa kanya pero nahigit nya ko at natumba ako. Half ng katawan
ko nakadapa sa grass at ang other half nakaharap kay goon. Magkalapit lang ang
mukha naming dalawa. Nagtitigan lang kami. Hinawakan nya ko sa mukha. Papalapit na
ang mukha nya sa'kin pero humiga ako sa dibdib nya.

"Sige na yakap nya, pero 2 minutes lang ha." Ang totoo tinago ko lang ang mukha ko
sa dibdib nya kasi for sure nagba-blush na naman ako.

"3 minutes?"

"2 minutes lang."

"2 minutes and 30 seconds?" aabutin ba kami ng magdamag sa tawaran portion?

A/N

Ayan hindi na cliff hanger para naman hindi kayo bitin ng bongga. :) So di ko alam
kelan ang next update dahil gagawa ako ng lesson plan bukas. Hahaha. Anyways, thank
you sa support. Dumadami ang readers at sa mga comments, salamat. Binabasa ko yan
lahat. :) Sa votes thank you din ng bongga. Sa mga readers ng PH na hindi ko pa
followers alam nyo na, di pa too late. hahaha. So that's it. Thank you so much.
Kapag nakaya ko, maguupdate pa ko tomorrow.

Please share this to your friends on twitter or fb. thank you. love y'all.

megladiolus (Mela)

*******************************************
23

*******************************************
ALEXA'S POV

My week went good so far. Medyo nakakailang din kasi alam nyo na hindi na kami
ganun nagsisigawan ni goon. Well nagaaway pa din kami, hindi na yun mababago. Tom
and Jerry nga kami di ba? Madalas din kaming magtalo sa klase. As number one daw sa
klase di daw sya papayag na mapalitan ng isang saling pusa lang sa klase. Ang bait
nya no? But infairness to him magaling din talaga sya. Dagdag pogi points pa yun.
Ano pa kayang madidiscover ko sa goon na yun na makakadagdag sa reason kung bakit
ko sya nagustuhan.

OxO

Sinabi ko bang nagustuhan? Oh well, nagustuhang kaibigan. Pwede naman yun di ba?

Okay fine, dedeny pa daw ako eh alam nyo na naman kung anong totoo. Gusto ko naman
sya yun nga lang di ko alam kung gusto din nya ko. Alam nyo na, mahirap mag-assume.
Isa pa di ako sanay ng ganito. Di naman nya sinasabing gusto nya ko at hindi ko
naman pwedeng iconsider yung mga actions nya kasi pwedeng yun yung totoong sya.
Sweet at mabait sa mga babae. Yun eh kung babae nga tingin nya sa'kin. Hay naku,
kaya ayokong mag-iisa eh. Paano ang dami ko na namang naiisip! Eto kasing Jezhi na
'to nagkaboyfriend lang ng heartthrob eh natuto nang kumain sa cafeteria. Ano
pandisplay lang si Val? Kawawang Val, biktima na din sya ng mga kabaliwan ni Jezhi.

(/-\)

Who the hell? Biglang may mga kamay na tumakip sa mata ko. Pinipilit kong tanggalin
pero di ko matanggal.

"This is not funny! Sino ka man alisin mo nay an or I'll rip your head, I'm
serious!" pananakot ko habang tinatanggal yung kamay sa mukha ko. "Ah ayaw mong
tanggalin ha. Magsisisi ka!" kinapa ko yung bag ko para kumuha sana ng ballpen para
ipantusok sa kamay ng kung sino man pero hindi ko makapa yung bag. Parang biglang
lumayo sa tabi ko.

I folded my arms over my chest. "Okay, you can do that the whole day. I won't
mind!!!!!" sarcastic kong sabi. "Pero kapag bumagsak ako sa kahit isa kong subject
magtago ka na. You don't know me - "

Magsasalita pa sana ko ng marinig kong may tumatawa. Boses ng isang lalaki? Di ko


pala sure, parang nagpipigil kasi ng tawa.

"Anong nakakatawa?" pinilit ko ulit tanggalin ang kamay nya and this time
natatanggal ko na ng paunti-unti. Lumuwag yung pagkakacover nya sa mata ko siguro
dahil natatawa kasi sya. Umangat na yung index finger nya kaya binend ko pa para
masaktan sya.

"Aray!! Aray!! Hoy!!!" at biglang nawala ang kamay. Tumingin ako agad sa likuran at
nakita ko si - si goon na hawak-hawak ang kamay nya at tinitingnan yung index
finger nya na muntik ko nang mabali.

"Wala ka na ba talagang alam kundi manakit? Napakabrutal mo. Grabe ka pa manakot!


Paano kung ibang tao na lang yung gumawa nun sa'yo? Malamang nagtatakbo na yun!
Ganyan ka ba talaga? Kaya wala sigurong nanliligaw sa'yo no?"

A - ano daw? Bakit ba ang daldal nya? Kalalaking tao napakadaldal.

"Hoy ang kapal mo din no? Hindi ako brutal. Hindi ka lang talaga nice so I don't
need to be nice to you at isa pa ang higpit ng pagkakacover mo sa mukha ko, paano
kung lumuwa yung mata ko?" I rolled my eyes. "And so what kung walang nanliligaw
sa'kin? That doesn't mean I'm a monster or a witch!! Choosy lang talaga ko!!!!"

Bigla syang umupo sa tabihan ko at nakangiti pa. "Good then." May kinuha syang
apple sa bulsa ng jacket nya.

"Good ang ano? Pagood-good ka pa dyan!!" inabot ko yung bag ko na medyo napalayo
nga sa'kin. Siguro sinipa nya 'tong bag or what.

"Sana tinawagan mo ko para may kasama ka dito." Bulong nya.

"Bakit ko naman gagawin yun?"

Tumingin sya sa'kin ng masama. "Aba't - ikaw na nga sasamahan ikaw pa may ayaw!!!
Ang arte-arte mo talaga!!!!"

"Okay lang maginarte ako kasi babae ako. Tsaka di ko kelangan ng kasama!! Madami
akong iniisip!!!" niligpit ko na ang mga nakakalat kong gamit dito sa field.

"ANO?!!! Madami kang iniisip!!! Hindi ba ko kasama dun?!!"


"Syempre kasama ka! Ikaw pa mawala, eh ikaw kaya nagpapagulo sa buhay ko araw-araw.
Hindi kumpleto araw ko kapag di mo ko binubwisit!!!!" dinampot ko na din mga
pinagkainan ko.

"I see." Then he smirked. "Eh di lagi pala kitang bubwisitin para makumpleto na ang
araw mo."

Wow. So feeling nya yun talaga yung meaning ng sinabi ko? Kapal talaga nitong
lalaking 'to!! Di ko sya magets. Di ko magets mga actions at sinasabi nya minsan.

Nakangiti lang sya habang nakain ng apple. Tinitingnan ko lang sya. Ang pula-pula
naman --------------- ng apple na kinakain nya. Teka apple?

"Yan lang ba lunch mo?" pakialamera mode na daw ako.

"I need to maintain my figure. Proper exercise and diet dapat." Tapos tumingin sya
sa'kin. Pinisil nya pisngi ko at braso. "Try mo din kayang magdiet, ang taba mo na
oh!!"

Sabihan nyo na ko ng kahit ano wag lang mataba, nagiinit ang ulo ko.

"Joke lang naman." Tumingin sya sa malayo. "Mga babae masyadong conscious!
Sinabihan lang ng mataba nagagalit na agad."

Di na ko nagsalita kasi nga naiinis ako. Bahala sya dyan.

"Hey, anong ginagawa nyong dalawa dito ha?" napalingon kaming dalawa sa likuran at
nakita namin si Luke at Rich kasama si Trav. Nagsenyasan lang si Trav at Zak at
nagappear naman sila Zak at yung dalawa.

"Napapadalas ata kayong magkasama ah. Next level na ba yan?" nagkatinginan kami ni
goon at nagkaiwasan ng tingin. Loko 'tong si Luke, ano bang sinasabi nya?

Tumingin ako sa relo ko. Malapit na pala matapos ang lunch. Papatayo na sana ko
pero nauna si goon na tumayo. Iniabot nya ang isang kamay nya sa'kin pero tinitigan
ko lang yun. Ano bang hinihinga nya? Utang? Bayad? Papel? Ballpen? Baon?
"Tss!" hinigit nya ko sa braso para makatayo ng ayos. Okay, yun pala gusto nyang
gawin. Hindi ko kasi agad nagets, sorry naman.

"No comment sa statement mo dude." Pang-aasar ni Rich kay Luke.

"Dyan na kayo may klase pa kasi ako." Sabi ko sa kanila.

"Magkaklase tayo remember?" oo nga pala, classmates kami ni goon sa next subject
ko.

Nagulat ako ng biglang kinuha ni goon lahat ng books na dala ko.

"Te -teka hoy anong gagawin mo dyan?"

"Ako na magdadala for you." Ngumiti sya then tumingin kina Luke at Rich. Hindi ko
alam kung nag-uusap sila sa mata pero parang may senyasan na nangyayari.

"End of the world na ba o sadyang sweet lang kayong dalawa?" pang-aasar ni Rich.

"Loko ka! Baduy mo!!!" sigaw ni goon. Umakbay sya sa'kin. "Dyan na kayo, may klase
pa kami ni number 2!"

"What number 2?!!!!!" ano bang sinasabi nya? Hindi pa nga kami number 2 na ko
kaagad? Wow buti na lang nasabi na nya agad.

"Number 2 sa klase! Ano bang iniisip mo?" tapos ginulo nya ang hindi ko pa ulit
nasusuklay na buhok.

Ow. Sa klase pala, okay. Di naman din ako affected sa number number 2 na yan. Pero
mabuti na lang sa klase pala yung sinasabi nya.

**********************************
Nagstart na ang klase namin. Ang strikto naming professor, bow. Boring na nga dami
pang pinapagawa. At heto nag-eexam kami ngayon. Surprise daw kaya dami tuloy
nakasimangot sa'min.

Habang nagsasagot ako may biglang naglanding sa desk ko na crumpled paper. A - ano
'to? Pagopen ko ng papel nakita ko na galing pala kay goon 'to.

Tapos na ko. Ikaw ba? Need help?

Tumingin lang ako sa kanya sa likuran then I rolled my eyes. Bumalik na ko sa


pagsasagot ng biglang may naglanding na namang papel.

Wanna play a game?

Shut up goon! Then binato ko sa kanya yung papel. Hindi naman kami ganun magkalayo.
Ewan ko ba dito pampam masyado.

Mabuti na lang tapos na ko magsagot. Review review na lang ng answers ng biglang


may naglanding na naman na papel sa desk ko.

Tiningnan ko ng masama si goon pero nakita ko lang syang nagsusulat. Binuksan ko


yung papel pero walang nakasulat. Tumingin ako sa mga classmates ko para tingnan
kung kanino galing yung papel pero lahat sila nakatungo at busy sa pagsasagot. So
hindi ko na lang pinansin kung san nanggaling yung papel nang biglang may papel na
namang nalaglag sa desk ko. Tumingin ulit ako kay goon pero nakasandal lang sya sa
desk at nakatingin sa test paper nya. So nagshut up talaga sya, pero kanino kaya
'to galing?

Tumingin ako sa mga classmates ko pero busy pa din sila. Hindi ko na lang sana ulit
papansinin ng bigla akong mapatingin kay goon at kitang-kita ko na kabibitaw palang
nya sa papel na ngayon ay pabagsak na sa desk ko.

Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!! Ano bang gusto ng loko na 'to! Kinuha ko


lahat ng papel na ibinato nya sa'kin at ibinato ko sa kanya isa-isa. Akala ko okay
na lahat pero binato nya ulit ako. Kinuha ko ulet yung mga papel at inipon ko sa
kamay ko pero parang hindi nauubusan ng papel 'tong si goon. Dahil wala na kong
magawa naisip kong umiwas na lang sa pambabato nya. Naasar ata sya kasi sumimangot
sya. Nagulat ako ng biglang tinamaan sa ulo yung isa kong kaklase. Tumingin agad
sya sa likuran at nakita akong may hawak na papel.

Umiling ako para sabihin na hindi ako yun.

>//<

Buti na lang ngumiti sya, akala nya siguro nagsosorry ako. Bwisit kang goon ka.
Hindi pa sya nakuntento binato nya ulit yung isa ko pang classmate at nakita ulit
nila kong may hawak na papel. Bakit ba ngayon pa nya naisipang maglaro? Sa time pa
ng exam at sa ganitong teacher pa?

Mambabato na naman si goon ng classmate namin at ang target nya eh yung nasa unahan
ng biglang tumalbog yung papel sa ulo nung binato nya at dumiretso sa mukha ng
professor namin.

Oh oh. Lumingon ako kay goon pero patay malisya sya. Busy kunyari sa pagsasagot.

"What are those Miss Andrade?" nagulat ako ng makita ko sa tabihan ko si prof.
Nakapamewang pa sya at nakatingin sa mga crumpled paper nahawak ko. "I think this
is yours?" inabot nya sa'kin yung papel na tumama sa ulo nya.

"No ma'am. That's not mine at hindi po ako yung - "

"Sa detainment room, NOW!!!!"

Nagtinginan mga classmates namin sa'kin na gulat na gulat.

"What? Pero ma'am hindi po talaga ako yun - "

"Do you want me to consider your exam today or not?" Kinuha nya yung papel ko.
"Detainment now!"

"Seriously ma'am? Detainment in college?" what the - sumagot pa daw ako sa teacher.
Magaling yan Alexa. Narinig kong napatawa si goon kaya tiningnan ko sya ng masama.
"Look ma'am, it was Mr. - "
"I'm giving you a minute to step out of this room or else I'll drop you." She cuts
me off. I don't have any other choice. I grabbed my bag then walkout.

This is crazy. I can't believe merong ganito sa college. I mean hello, college!
Hindi na ko high school and in my entire life ngayon lang ako makakapasok sa
detainment room. I don't even know where to find that room. And as far as I
remember ang detention is right after class hours or something like that hindi yung
ganito. Hindi man lang ako binigyan ng consideration, I mean I'm miss number one.

Grrrrrrrrrrrrrr!! This is all your fault goon! Sa dami-dami ng oras na mangbubwisit


ka sa maling professor pa!

Nagpunta ako sa school map at hinanap ang detainment room. Madali lang naman syang
makita. Medyo tumigil pa ko sa door bago pumasok. Anong sasabihin ko sa professor?

Hindi po ako ang nambato sa professor. I deserve a second chance.

Grabeng kahihiyan na ata 'to. Imagine hindi ko alam anong magandang excuse! On the
other hand, medyo naeexcite naman akong makita at mafeel kung anong nasa loob. This
is it. Binuksan ko agad yung door.

"Go - good afternoon po - " Nakita kong tulog ang professor na nasa unahan. This is
crackpot! Totoo ba 'tong ganito in college?

Papalapit na ko sa professor ng may tumawag sa'kin.

"Lex!" gulat na gulat ako ng mapatingin ako sa likuran. Nakita ko si Val at Tuck na
nakaupo.

"What are you doing here?" naglakad ako papalapit sa kanila.

"Eto kasing si Tuck nambabato ng papel eh natamaan yung sensitive naming classmate,
ayun nagsumbong."
Napatawa naman ako, totoo ba 'to? Same kami ng reason kung bakit kami nandito? Yun
nga lang si Tuck sya talaga ang nambato at ako walang kasalanan. Si goon ang dapat
na nandito.

Magtatanong pa sana ko ulit ng biglang bumukas ang pintuan ng room at pumasok sila
- teka sila Luke at Rich at Trav?

"Ang tagal nyo ah!" sigaw ni Val.

"Bulag kasi nitong dalawa bumato. Naubos na nga notebook nung katabi ko kakabato
dito kay Trav, paano natutulog sa klase." Explanation ni Luke.

Natawa namana ko dun. Napatingin ako kay Trav at namumula sya. Parang nahihiya sya
sa mga sinasabi ni Luke.

"Look who's here. Hey lady ghost, bakit nandito ka?" tumabi sa'kin si Rich.

"Teka, bakit parang pare-pareho ata tayo ng reason kung bakit nandito tayo? Nambato
ng crumpled paper? Not so coincidental." I narrowed my eyes as I look into their
eyes one by one. Pero isa-isa din silang naiwas. "Wow, what's this all about ha?"

"No talking until 4pm." Nagulat ko nang magsalita yung tulog na professor sa unahan
na gising na ngayon.

Yung mga mukha nila parang relieved dahil pinatahimik kami ng professor. Hindi ko
talaga alam anong nangyayari at bakit kami ang magkakasama dito ngayon?

15 minutes...

20 minutes...

30 minutes...

Grabe ang boring pala dito. Di ko pa nadala mga books ko para nakapagbasa na lang
sana. Feeling ko isang linggo na ko dito sa loob. Tiningnan ko sila Trav, mga tulog
lang sila. Wow, may use ang pagstay nila dito. Sana sa'kin din.

I snapped back out of my thoughts ng biglang bumukas yung pinto at bumungad si -


goon!

Kumulo bigla yung dugo ko nung makita ko sya. Deadma pa ha, parang wala ako dun.
Dumiretso sya sa professor sa unahan at bumulong.

"I'll be back. Walang lalabas okay?" at lumabas na nga ang professor.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinubad ko ang sapatos ko at ibinato ko kay
goon. "Kasalanan mo 'to buwisit ka talaga!!!"

Umiwas lang sya at ibinato din yung shoes ko pabalik sa'kin. Grrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!
This is so unbelievable. Yumuko na lang ako sa desk dahil ayokong makita si goon!!
Sira ang reputation ko dahil sa kanya.

Gusto kong mapunta sa detention room. Never ko kasing naranasan yun since nag-aral
ako. Alam ko may ganun sa school natin kahit college na.

Gusto kong mapunta sa detention room. Never ko kasing naranasan yun since nag-aral
ako. Alam ko may ganun sa school natin kahit college na.

What's that? Parang boses ko yun ah?

Gusto kong mapunta sa detention room. Never ko kasing naranasan yun since nag-aral
ako. Alam ko may ganun sa school natin kahit college na.

At paulit-ulit pa. Napatayo ako at tumingin sa kanila at lahat sila nakatingin


sa'kin. Hawak ni Val yung cellphone nya. Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang
video ko nung nalasing ako.

Gusto kong mapunta sa detention room. Never ko kasing naranasan yun since nag-aral
ako. Alam ko may ganun sa school natin kahit college na.
"Hey stop it!!" kukunin ko sana yung phone nya pero tinago nya na din agad.

"So wish granted lady ghost," sabi ni Tuck then he winked at me.

"Hoy hindi yan kasama sa usapan Tuck! Pakindat-kindat ka pa dyan! Bulagin kita
gusto mo?" napatingin ako kay goon na nakaupo sa upuan nung professor at nakataas
ang dalawang paa sa table na nakalagay ang dalawang kamay sa ulo.

So planado pala 'to lahat? Pinlano nilang maexperience ko ang detainment room? Kaya
pala pare-pareho kami ng reason kung bakit nandito kami.

"Sinong nakaisip?" lahat sila nagshrug lang including goon. Great, now nagtatakipan
pa sila. "Well being here isn't bad at all since nandito din naman kayong lahat.
Thanks for the effort pero sana ininform nyo ko no! At isa pa, hindi na 'to
kelangan mangyari, joke lang lahat ng nasa video okay?" umupo na ko ulit.

Napapangiti ako ng di ko alam kung bakit. Kasi naman sineryoso nila yung joke na
yun. Actually kahit ako di ko inaasahan na masasabi ko yun at di ko din ineexpect
na maeexperience ko talaga. Hindi naman boring dito sa room kung may dala kong mga
books.

Maya-maya bumalik na yung professor. "This is weird, pare-parehas na may


nagsulputan na students at nagsasabi na sila daw ang cause ng batuhan sa room ng
bawat isa sa inyo." Kasunod ng professor ang ilang students. "Sila daw, mga
classmates nyo daw sila."

"Hoy pare ikaw pala talaga yun, buti umamin ka!" tumayo si Rich at lumapit sa
kausap. Sumunod na din naman sila Val at iba pa habang ako nakaupo pa din. Lumapit
si goon sa'kin.

"Tara na." kinuha nya yung bag ko.

"Hindi pa ko makakalabas - " biglang tumuro si goon sa may pintuan at pumasok ang
isa naming classmate. Wow, naplano nya din 'to? Kawawang nilalang, nabiktima pa
nga.

"Wag ka nang maarte." Wala na kong nagawa, he dragged me out of the room. Nung nasa
labas na kami binitawan na nya ko. Tahimik lang sya at tahimik na din ako.

Maya-maya may tumawag sa'kin na isang lalaki. "Alexa!" He looks familiar pero di ko
matandaan kung sino sya. "I heard what happened. Di talaga ko makapaniwal, I mean
you're miss perfect and all tapos napunta ka sa detainment. Pero mabilis din
kumalat na inosente ka at may umamin sa classmates mo - " dire-diretso sya sa
pagsasalita kaya pinutol ko na.

"Thanks for the concern but do I know you?" nahihiya kong tanong.

Parang shocked sya sa tanong ko as in nanlaki yung mga mata nya. Bigla nya kong
hinawakan sa kamay. "I'm Pert, your ex boyfriend - "

"Maging ex human gusto mo?" sabay kaming napatingin nitong Pert na 'to kay goon na
nagkeclench ng fist.

Napabitaw naman agad si Pert. " I - I - "

"Alis!!" walang sabi-sabi nanakbo si Pert. Isa syang duwag na ex. Nakakahiya at
pinatulan ko ang isang tulad nya.

"Hey, what was that for?" tanong ko kay goon. Nakatingin lang sya sa'kin na parang
nagiisip din ng itatanong.

"Ewan ko sa'yo!!!!" tinalikuran nya ko at naglakad ng mabilis papalabas ng school.


Ako naman si uto-uto sumunod.

"Hoy kinakausap pa kita!! Tumigil ka nga!!" pero hindi sya tumigil kaya medyo
tumakbo ako at hinawakan ko sya sa balikat at napaharap sya sa'kin. "Ano bang
problema mo ha? Minsan okay ka, minsan hindi. Hindi kita maintindihan!"

"Hindi pa din maintindihan? Sino bang magulo sa'ting dalawa? Ako o ikaw? Ganyan ka
din ba sa lahat ng mga lalaki?"

"What are you talking about?"


"Wala!!!!" at naglakad na ulit sya.

"Where are you going?" sunod pa din ako ng sunod.

"Uuwi na ko!! Umalis ka na nga!! Puntahan mo na yung ex mong bading!!!"

Bigla akong napatawa sa sinabi nya. "Are you jealous?" napatigil sya at tumingin
sa'kin ng masama? O ng nahihiya? O naiinis na tingin? Di ko madefine eh.

"Hoy ang ka - kapal mo. Kapal neto. A- ako magseselos? Tingnan mo nga yung
pinagyayabang mo!! Buto-buto. Iuntog ko sya sa malaking kong muscles eh! Magsama
kayo!!!" at tumalikod na sya ulit.

Sinabayan ko sya sa paglalakad. "Akala ko pa mandin nagseselos ka - " susundan ko


sana ng joke. Joke lang naman kasi talaga yun dapat kaya lang parang sineryoso na
naman nito ni goon.

"Ayokong makikipag-usap ka sa ibang lalaki. Sa'kin lang dapat okay?" at kinuha nya
ang kamay ko.

"At bakit naman kita susundin ha?"

"Kasi sinabi ko!!"

"Kapal mo!! Kapag sinabi mo susundin ko na agad?" naglalakad pa din kami ng


nakaholding hands sa hindi ko malamang dahilan. Di ko din alam kung saan kami
pupunta. Ang alam ko lang nasunod ako sa kanya habang nagtatalo na naman kami.

"Unfair, dapat kapag sinabi ko susunod ka din!!"

"Hindi naman ako kumakausap ng babae ah."


"Hindi yun! Basta! Basta ayoko!!"

"Basta din! Bubugbugin ko lahat ng kakausapin mo!!!" natawa na naman ako. Ewan ko
ba pero lagi na kong napapatawa nito ni goon. Mga sinasabi kasi parang galing pa sa
moon.

"Kahit sila Tuck?"

"Kahit sila pa!! Period!!! Wag ka na ngang maingay!!"

"Kahit si Val?"

"Ang kulit!!!! Lahat nga di ba? L-A-H-A-T!! Lahat!!!"

At puro ganito lang ang usapan namin. Hindi ba kami babalik para kunin yung motor
nya or kotse ko? Nonsense naman 'tong usapan namin pero bakit parang okay lang?
Kung maasta sya para naman syang boyfriend. Ayaw naman sabihin kung gusto ba nya ko
or not!!!

"Kahit si papa?"

"Ah - depende na yun. Gusto kong makilala papa mo eh. After na lang siguro namin
mag-usap!"

"What? Susuntukin mo ang papa ko?" napatigil ako sa paglalakad pero hindi pa din
sya nabitaw sa kamay ko.

Napatawa naman sya. "Arte mo talaga!! Tara na nga!!" at hinigit nya ko ulit.

"Tara na saan?"

"Basta!! Bakit di ka ba nauubusan ng tanong?"


"Eh marami kasi kong gustong malaman!! Ikaw ba may gusto ka bang malaman?"

"Siguro. Pero natatakot ako eh." at tumawa sya bigla. Naramdaman kong humigpit ang
kapit nya sa kamay ko at bigla syang natahimik kaya di na din muna ko nagsalita.
Kung saan man kami pupunta yan ang hindi ko alam. Pero sana hindi naman ako
magsisisi na sumama ako sa goon na 'to.

A/N

Hey I wanna share you the good news, PH is now at #6 in Teen Fiction and #12 in
Humor. Thank you so much for all the love and support. You're all amazing. You made
me so felicitous. I promise to update as soon as I can. And your comments were
great, thank you. I'm reading them all. :) So next target ko is 100,000 reads at
1,500 votes dito sa PH. Anyways, vote, comment and follow.

You guys rock! Love y'all!

megladiolus (Mela) <3

*******************************************
24

*******************************************
ALEXA'S POV

Nandito kami ngayon sa bahay nya. Hindi naman sya kalakihan compared sa bahay ko
pero maayos naman sya yun nga lang parang walang nakatira. Masyadong tahimik dito,
parang sya lang ang nakatira.

Sabi nya kukuha lang daw sya ng ilang gamit tapos sa pub na sya matutulog. Hindi ko
pala natanong kung bakit sya nagtitiis sa pub eh mas masarap matulog sa sariling
bahay.

Napansin kong may mga pictures na nakadisplay. Since wala pa naman sya tumayo ako
at tiningnan ko isa-isa yung mga pictures. Kahit ang bilin nya sa'kin na wag na wag
akong gagalaw hangga't di sya nadating. Pwede ba naman yun? Siraulo talaga. Isa pa
pinaglakad nya ko ng ganun kalayo tapos di man lang magoffer ng kahit ano. Kahit
tubig man lang wala, wow ha.

May nakita kong picture ng isang batang lalaki. Ang haba ng buhok at nakaspiderman
costume. Tinitigan ko yung picture at napatawa ako. Mukhang si goon 'to nung bata
sya. May pictures din dun na naiyak sya. Siguro iyakin sya nung bata sya. Binuksan
ko yung cabinet at kinuha ko yung photo album tsaka ako bumalik sa sofa.
Binuksan ko yung album, una kong nakita ang isang family picture. Siguro parents
nya yung dalawang adult at may kargang baby yung mommy nya, so meaning may kapatid
sya? Mukhang 7 years old lang sya sa picture na 'to. Habang tinitingnan ko yung
pictures madaming changes, from bata until mag-aral na sya yung mga pictures. Ang
payatot pala nya nung bata sya, parang kite na kapag nahipan ng hangin liliparin.

Para kong baliw, natawa ako mag-isa.

"Nandito pa yung iba." Nagulat ako ng biglang may sumulpot na isa pang album sa
harapan ko. Napatingin ako sa kung sinong may hawak, nakita ko ang isang lalaki.
Mga nasa 40 na siguro. Parang haggard yung itsura nya. Malaki yung eyebags, kita na
ang mga wrinkles, may mustache at beard din sya.

Inilapag nya sa table yung album at binuksan. "Mabait na bata yan si Zak. Tahimik
lang talaga sya."

Hindi ko alam kung sino 'tong lalaki na 'to pero wala naman akong karapatang
magtanong dahil hindi ko naman bahay 'to. Malay ko ba kung boy nila 'to or butler.
Ay, baka hindi din kasi hindi nga malaki yung bahay nila. I mean malaki naman pero
di tulad ng bahay ko.

Dahil nahiya ako bigla isinara ko na yung album. Hindi ko na tinuloy yung pagtingin
sa mga pictures.

"O bakit ka tumigil? Wag kang mag-alala, ayos lang sa'kin. Ang tagal ko ding hindi
nakikita ang mga pictures na 'to." Isa-isang tiningnan ng matandang 'to ang
pictures.

Since sinabi nyang okay lang eh di itinuloy ko na din ang pagtingin sa pictures ni
goon. Baka sakaling makahanap ako ng mapang-aasar ko sa kanya. Bwahahahaha.
Maghintay ka lang goon, mabubuko ko na din ang sikreto mo.

"Ito po ba ang mommy ni goon?" nakaturo ako sa picture ng bigla akong mapatingin sa
matanda na parang nagulat sa'kin. "I mean ni Zak po." Hala lagot, baka sabihin nya
ang sama ko para tawagin si goon na ganun. Sabi nya pa mandin mabait daw si goon,
siguro di nya lang naidugtong na kapag tulog lang.

"Oo, mommy nya nga yan. Mama's boy yan si Zak. Mahal na mahal nya ang mommy nya. Sa
sobrang pagkamama's boy akala ko nga magiging bakla pa sya - " hindi pa tapos
magsalita si tatang eh napatawa na ko ng malakas.

Sinong hindi matatawa? Imaginin nyo nga ang underground fighter na si Zak magiging
gay? Hindi ko talaga napigilan ang tawa ko.

"So - sorry po. Hindi ko lang po talaga maimagine na si goon - si Zak na magiging
bakla." Nakahawak na ko sa tyan ko kakatawa.

"Mahilig kasi yang magluto tulad ng mommy nya. Ang dami nyang alam na gawaing bahay
talo pa ang mga babaeng pasosyal. Galit yan sa mga babaeng walang alam sa gawaing
bahay. Mga tamad daw sila kaya kapag nakakakilala yan ng mga babaeng ganun, naku
hindi mo alam ang magagawa ni Zak." Napatigil ako sa sinabi ni tatang. Marunong daw
gumawa sa bahay si Zak at ayaw sa mga babaeng walang alam?

Nasabi ko na ba sa kanya na wala akong alam na household chores? Hello, hindi ko na


fault yun no! Ayaw akong mapagod ng parents ko kaya hindi ako natuto. Bakit ko pa
gagawin kung may gagawa naman para sa'kin di ba?

Pero - pero kahit na. Hindi nya dapat malaman na wala akong alam. Hindi na nya yun
malalaman kaya hindi ko na dapat isipin.

"Kamusta naman si Zak sa labas?" seryosong tanong ng matanda.

"Po?" anong sinasabi nito?

"Matagal ko na din kasi syang hindi nakakausap. Kung magkakausap man kami laging
sandali lang." Isinara ng matanda ang album at sumandal sa sofa.

Mukhang malungkot sya at naghihintay ng sagot. "Ah si Zak po - " ano ba si goon sa
labas? " - ah hindi po nangangausap ng kahit na sino basta-basta. Galit po sya sa
mga babae. Masungit po sya at palautos. Akala mo sya na yung boss. Nakakainis po
sya kasi lagi syang nakasigaw. Minsan nga iniisip ko kung pinanganak na ba syang
ganun. Pero kahit na masungit yung lalaking yun, hindi naman po sya basta-basta
nangiiwan." Hindi nga ba? Ano bang sinasabi ko? Katotohanan o kasinungalingan?

Nakikinig lang sa'kin si tatang pero wala pa din syang reaksyon.


"Akala ko nga po hindi sya marunong ngumiti eh. Pero nakita ko na marunong din pala
syang sumaya. Ang kulit ng din po nyan. Ang tigas-tigas ng ulo." Napapatawa naman
ako habang nagkukwento.

"Mabuti naman at ngumingiti na sya ngayon." Napansin kong napangiti din si tatang
pero parang malungkot pa din sya.

"Hindi po ba sya ngumingiti?" may tao bang hindi ngumingiti? "Pero sa mga pictures
nya po mukhang ang saya-saya naman nya."

Tumawa na lang sya at hindi agad sumagot. Sino nga kaya 'to at kanina pa kami nag-
uusap pero di pa ko nakakapagpakilala.

"Teka, ikaw ba ang girlfriend nya?" bigla naman akong nahiya sa itinanong ni
tatang.

"Ah - hindi po. Kaibigan nya lang po ako." Paano nya po ako magiging girlfriend eh
mukhang wala naman po syang gusto sa'kin. Ako naman po tanga, minsan assuming
minsan hindi.

"Ngayon lang kasi ulit yan nagdala ng babae dito sa bahay." Kumuha sya ng cigarette
sa pocket nya. "Ano ngang pangalan mo hija?"

"A - Alexa po." Ngayon na lang ulit nagdala ng babae? Naku tatang wag nyo po akong
pagisipin. Ayoko pong bigyan ng meaning yung pagpunta namin dito. Nagkataon lang po
talagang nakasama ko kasi naman di po nya ko binitawan.

On the second thought, pangalawa daw? So kelangan ba lagi na lang akong second? At
sinong una? Si Natalia? Malamang sya na nga yun!!! Biglang nagbago yung mood ko!!
Bakit ba ang tagal nung goon na yun!! Kapag di pa sya lumabas aalis na ko!!!

"Ako nga pala ang papa ni Zak."

My jaw dropped as in hanggang floor. Papa ni goon? Tapos kung anu-anong pinagsasabi
ko? Nakakahiya. Hindi ko naman kasi naisip na papa sya ni goon.
"He - hello po. Actually okay po talaga yan si Zak. And sorry po hindi ko po agad
naisip na papa nya kayo. Pero joker po ako so yung mga sinabi ko kanina joke lang
lahat. Ha - ha - ha." I said, faking my laugh.

"Wala yun. Masaya ako at may mga kaibigan ang anak kong tulad mo." Tumayo na ang
papa ni Zak. "Mabuti pa iwan na kita. Magagalit yun kapag nakita nyang kinakausap
kita."

"Po? Bakit naman po sya magagalit? Hindi po yun magagalit. Isa pa papa nya po kayo
kaya dapat hindi nyo po hinahayaang magalit sya sa inyo. Kayo po ang dapat
masunod." Hinigit ko si papa - este si papa ni goon pabalik sa sofa.

"Naku hija, hindi mo pa ata nakikitang magalit si Zak. Hindi talaga magandang ideya
na nandito ako ngayon." Hindi ko alam kung anong gustong sabihin ng papa ni goon
pero sa tingin ko mali pa din na natatakot sya sa sarili nyang anak.

"Ay naku okay lang po yan. Magkwentuhan po muna tayo tutal hindi pa naman po sya
nalabas." Hindi na din naman nakatanggi si papa - ni goon. Oha kala nyo naman
pilingera ako. Papa ni goon. May sarili akong papa no kaya hindi ko need makishare.
:p Nagkwentuhan kami habang iniintay ko si goon na mukhang natabunan na ng mga
gamit nya sa taas.

***************************************

ZAK'S POV

Biglaan lang ang pagdaan namin dito sa bahay. Kukuha lang ako ng ilang damit. Pati
yung ibang books ko dadalhin ko na din sa pub. Ayoko na muna dito sa bahay na 'to.
Para lang akong nasa impyero kapag nandito ako. Mabuti na lang wala ang matandang
yun dito kung hindi baka kung anong magawa ko sa kanya.

Habang nakuha ko ng gamit sa cabinet nakita ko ang picture ni mommy. Sana buhay pa
sya ngayon kung hindi dahil sa kanya. Kasalanan nya kung bakit wala na si mommy at
kung bakit ganito ang buhay namin ngayon. Ayoko nang maalala mga nangyari kaya
ibinalik ko na sa drawer ang picture ni mommy at inilagay na sa bag ang mga gamit
na dadalhin ko. Medyo madami-dami din naman 'to. Pagbibitbitin ko na lang si
aswang. Titiisin ko na lang ang nakakainis nyang boses dahil alam kong magrereklamo
sya.

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Ano ba talagang nararamdaman ko sa kanya?
Ang alam ko lang naiinis ako kapag kasama ko sya pero nabubuwisit ako kapag hindi
ko sya nakikita. Gusto ko sya laging inaasar pero minsan mas ako ang naasar sa
kanya. Hindi dahil magaling sya mang-asar kundi dahil madaming kumukuha ng atensyon
nya kesa sa'kin.

Makababa na nga, malamang mainit na ulo nun dahil pinaghintay ko sya. Di bale
ililibre ko na lang sya ng dinner kina ate Betchy. Nagmadali akong lumabas ng
kwarto. Kelangan na din naming umalis agad baka maabutan pa kami ng matandang yun.

Pababa na ko ng may marinig akong nagtatawanan.

"Nakakatawa naman pala talaga sya." Narinig kong sabi ni aswang.

F*&K! Nandito na pala sya. Pumasok ako agad sa living room at hinigit ko si aswang.
"Let's go!"

Nakita kong gulat na gulat sya sa ginawa ko. "Wait ano ba!" hinigit nya yung kamay
nya. "Can't you see nag-uusap pa kami ng papa mo!"

Buwisit! Alam na nyang tatay ko ang kumag na 'to. "Hoy ikaw!! Anong mga pinagsasabi
mo dito?"

"How dare you talk to him like that! He's your father!" sabi na pakialamera din
'tong aswang na 'to eh.

"Sasabihin ko lahat ng gusto ko at wala kang pakialam!!!!!" Kung makapagsalita sya


parang alam nya ang nangyari sa buhay ko!

"Ba - bakit ang dami mong dala? Hindi ka na ba uuwi?" kung makapagtanong 'tong
matandang 'to akala mo may pakialam sya!

"Hindi na! Hindi ko na kayang tumagal sa bahay na 'to."

"Wag ka nang umalis. Hindi mo naman kelangang umalis alam mo yan." Nagpapaawa ba
sya? Hindi ako naawa!
"Aalis ako kung gusto ko!!" hinigit ko ulit si aswang. "Tara na!"

"No!! Hindi ganyan makipag-usap sa tatay Zak!!"

She's pissing me off! Damn! Bakit ang dami nyang nasasabi, ano bang alam nya?

"Magsorry ka sa kanya!" nakapamewang nyang sabi.

"Hindi! Hinding-hindi ko yan gagawin!!" hinding-hindi ako magsosorry sa taong yan.


Hindi kahit kelan. Kahit mamatay pa sya. Hindi ko sya mapapatawad!

"Wow, anong klaseng anak ka at nagagawa mo yan sa sarili mong tatay?" napatigil si
aswang ng hambaan ko sya ng suntok sa sobrang inis ko.

"Wala kang alam sa buhay ko kaya wala kang karapatang magsalita sa'kin ng ganyan!!
Bakit sino ka ba? Hindi kita kaano-ano!! Ni hindi nga kita girlfriend!!! Dahil
nakikipagusap ako sa'yo akala mo may karapatan ka nang makialam sa buhay ko? Tingin
mo alam mo na lahat? Pwes mali ka!!! Kung akala mo lahat mapapasunod mo, akala mo
lang yun!!!! Anong alam mo eh buhay prinsesa ka dun sa mansion mo!! Perpekto ka!!
Perpekto mga katulad mo!!! Nagkakaproblema ka ba? Nagkakaproblema ba ang mga tulad
mo para makisawsaw sa problema ng may problema!!!!!! O baka naman akala mo may
gusto ako sa'yo kaya ganyan ka makaasta -"

*SLAP

Napatigil ako sa sampal ni aswang kasabay ng pagpatak ng luha nya. "Ta - tama ka
hindi mo ko kaano-ano kaya wala akong karapatang magsalita. Wala akong alam. Wala
akong alam dahil wala kang sinasabi sa'kin. Ang tanga ko kasi - kasi akala ko
magkaibigan na tayo! Sorry kung pakialamera ko ha. Don't worry, hinding-hindi na
kita papakialaman!!!" nagpahid sya ng luha at humarap sa matandang hukluban. "I
need to go. Salamat po sa mga kwento."

Kinuha nya ang mga gamit nya sa sofa at nilampasan ako ng bigla syang tumigil at
humarap sa'kin. "And another thing, hindi lang ikaw ang may problema sa mundo.
Maswerte ka pa nga at nakasama mo ang pamilya mo!! At yan, yan ang bagay na hindi
ko naranasan!! Kung yan ang ibig sabihin ng perpekto sa'yo fine!!! Ako na ang
perpekto!!! At ang perpektong katulad ko hindi bagay sumama sa nakakaawang katulad
mo!!! And oh, never kong naisip na may gusto ko sa'kin. Dahil yan ang huling bagay
na maiisip ko. Yan ang imposibleng mangyari. Hindi mo nga kayang mahalin ang sarili
mo, ano pa kaya ang ibang tao!" at umalis na sya.
"Hindi mo alam kung anong magagandang bagay ang sinabi ng babaeng yun tungkol
sa'yo. Ganyan ka na lang ba talaga palagi?" sa sobrang gigil ko nabitawan ko ang
mga gamit ko at nahawakan ko sa kwelyo ang matandang pakialamerong 'to.

"Ikaw!! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!!! Kung bakit ako ganito!! Kung bakit
ganito ang buhay natin lahat yan kasalanan mo!!!!" lalong humigpit ang hawak ko sa
leeg nya.

"Kuya anong ginagawa mo kay papa?" napatigil ako ng marinig ko ang boses ng mahal
kong kapatid - si Felicia. Napabitaw ako agad sa matanda dahil sa kapatid ko.

"Cia, baby!" lumapit ako sa kanya at binuhat ko sya. Ten years old lang si Cia at
nasa elementary pa lang sya. "How are you my little princess? Gusto mo bang sumama
kay kuya?"

Umiling sya. "No kuya. I want to stay here with papa." Tiningnan ko ng masama ang
matanda. Hindi ko alam kung bakit ayaw humiwalay sa kanya ni Cia pero hindi ako
papayag na may mangyari din na hindi maganda sa kapatid ko. Hindi ko alam kung
anong magagawa ko sa kanya.

"Kuya, I saw an angel kanina nung papasok ako ng bahay. She's crying." Napaisip
ako. Sh*t si aswang nga pala. "Pero nagsmile sya sa'kin. Sabi nya ieenjoy ko daw
kung ano yung mga meron ako at wag daw akong magalit sa world. Tapos bigla sya
lalong naiyak. Ayun nanakbo sya. Pinaiyak mo ba ang angel kuya?" ibinaba ko agad si
Cia at kinuha ko ang mga gamit ko.

"No princess. Hindi nagpapaiyak si kuya. Kaya ikaw kapag may nagpaiyak sa'yo
isumbong mo sa'kin ha." I kissed her forehead and hugged her. "I need to go."

"Take care kuya and find that angel. She's so so so sad - " hindi ko na narinig
yung iba pang sinabi ni Cia dahil lumabas na ko agad ng bahay. Alam kong hindi pa
nakakalayo agad si aswang dahil wala naman syang dalang sasakyan kaya nanakbo ako
agad.

Nagtataka lang ako dahil hindi ko makita si aswang. Dapat nasa unahan lang sya. Ano
yun lumipad? Tsk! May lahi nga palang aswang yun, baka lumipad nga yun kaya nawala
agad. Tsk.

"I HATE YOU!!! GO TO HELL!! SCREW YOU!!!!!!!!!" bigla akong napatigil ng marinig ko
ang nakakairitang boses na alam kong boses ni aswang. Tumingin ako sa paligid.
Naglakad lakad ako at nakita ko sya ng nakatayo sa may lake at may hawak-hawak na -
mga bato? Hinahagis nya isa-isa sa lake yung mga bato habang nasigaw. Nilapitan ko
sya habang pinapanood kung anong ginagawa nya.

Naiyak pa din sya. Ang bigat sa pakiramdam na makita ko syang naiyak. Kung pwede ko
lang suntukin ang sarili ko ginawa ko na. Pero hindi ko alam kung bakit naapektuhan
ako ng ganito dahil lang naiyak sya.

"Bakit hindi ako ang batuhin mo? Sa'kin mo ibato lahat yan!" napatigil sya at
napatingin sa'kin. Binatawan nya lahat ng bato at kinuha agad ang mga gamit nya.
Hindi nya ko pinansin at naglakad na paalis pero hinarangan ko sya.

"Pwede ba padaanin mo ko!! Don't tell me wala pa din akong karapatang magstay dito
kasi lupa mo 'to? Anu-ano bang mga properties mo para hindi ko na mapuntahan!"
hindi sya natingin sa'kin at pinipilit nya pa ding dumaan pero hinaharangan ko sya.

"Aalis ka ba ng kusa o aalis ka ng may pasa?" tinitigan nya ako. Dati naman masaya
ako kapag tinitingan nya ko pero bakit ngayon parang iba. Parang nasasaktan ako sa
tingin nya sa'kin.

"Kung yun lang ang way para makaganti ka sa'kin sige lang. Gawin mo lang lahat ng
gusto mo." Bigla na namang pumatak ang luha nya. Para syang bata na pinipigilang
umiyak pero hindi kayang pigilan. Inihagis nya sa'kin ang mga dala nyang gamit.

"I hate you!! I hate you!! Simula ng dumating ka sa buhay ko nabuwisit na ko!!
Sinira mo ang buhay ko!!! Wala kang ginawa kundi saktan ako!! Ipahiya ako!!!
Buwisitin ako!! Bakit hindi ka pa mawala!! Bakit hindi ka mawala!!! Umalis ka na!!!
Umalis ka na sa harapan ko!! Umalis ka na sa isip ko!! Umalis ka na sa buhay
ko!!!!" pinagsusuntok nya ko sa dibdib. Ramdam ko na galit sya kaya tinanggap ko
lahat. "Wala kang kwenta!! Wala kang kwenta!! Duwag ka!!! Duwag ka!!! Akala mo ba
masaya ang buhay ko sa mansyong sinasabi mo?!!! Akala mo buhay prinsesa ako?!!!
Prinsesang nakakulong sa malaking mansion at bawat kilos monitored. Maraming
bawal!! Sumusunod lang sa mga sasabihin sa'kin para ano? Para maging perpekto? Para
hangaan ng marami!! Akala mo masaya ako ng ganun?!!! Wala ka din namang alam sa
buhay ko!!! Wala!!! I hate you!! I hate you!!!!!!!" nabitawan ko bigla ang mga
gamit ko at niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Hindi ko alam kung bakit ko sya
niyakap pero yun ang gusto kong gawin ngayon.

"Let go of me!!" nagpupumiglas sya pero di ko sya binitawan. "Bitawan mo ko!!! Wala
kang karapatang gawin sa'kin 'to!!! Sino ka ba?!!!" bigla syang tumawa na alam kong
fake lang. "Ah hindi - sino ako pala ang tamang sabihin!!! Sino ako?!!! Wala!!!!!
Like what you've said!!! Wala lang ako sa'yo!!! Kaya BI-TA-WAN mo ko!!!!"
"Shut up!!!" napasigaw ako kasi ang ingay nya at para tumigil na sya - pero
nakalimutan kong si aswang nga pala sya at hindi sya basta-basta natigil sa isang
shut up lang.

"How dare you say that to me!!!!" mas lalo syang nagpumiglas. "Bitawan mo ko!!!!
Bitaw!! Bitaw!!! Wala kang karapatang yakapin ang kung sino lang na katulad
ko!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"HINDI KA KUNG SINO LANG OKAY!!!!!!!!!! SORRY KUNG NASABI KO YUN PERO HINDI KA KUNG
SINO LANG SA'KIN ALEXA!!!!!!!!!!"

A/N

Oh my gosh! Oh my gosh!! Perfect Haters got to #5 in Teen Fiction and #7 in Humor.


Thank you so so much guys. You don't know how happy I am. Salamat sa pagsupport.
Kahit madami akong ginagawa sinisingit ko talaga ang paguupdate para sa inyo. :)

Anyways, ano kayang sasabihin ni Zak? More of Zak''s life next chapter at syempre
moments nila. Don't forget to vote, comment and follow. Yiee. Thank you so much.
Love y'all. :)

megladiolus (Mela) <3 <3

*******************************************
25

*******************************************
A/N

Yey! Nareach ko na ang target ko na 100K reads. Thank you all. Next 200K naman. #5
pa din tayo sa Teen Fiction pero #9 na tayo sa Humor. Bumaba agad, pero okay lang
yan. :) Push lang tayo pag may time. :)

Anyways, ilike ang fan page ng Perfect Haters. Click lang ang external link
---------->
Vote, comment and follow. And please, wag naman puro "update please" ang
icomment. :P Sabi sa inyo student teacher ako so di ako madalas makakapagupdate,
please understand.

Thank you. Please share this story to your friends on fb, twitter and real world.
Haha.

You're all amazing! <3

megladiolus (mela)

******************************************
ZAK'S POV

Naramdaman kong tumigil sya sa paggalaw. Sh*T! Ano ba yung sinabi ko? Anong
sasabihin ko sa kanya? Tsk! Kusa na lang lumabas sa bibig ko yun. Hindi ko yun
pinlano.

"Bitawan mo na ko please." Mahina nyang sabi. Kalmado na sya ngayon. Hindi ko alam
kung bibitawan ko na ba sya o hindi pero dahil sinabi nya ginawa ko na lang.

Nakatungo lang sya at walang imik. Tumalikod sya sa'kin at naglakad papunta sa
tabihan ng lake at tsaka umupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Napahawak ako sa ulo ko at hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung dapat ba akong
magkwento sa kanya o dapat ko ba syang pagkatiwalaan. Minsan na kong nagtiwala pero
nabalewala lang lahat. Natatakot ako na kapag nalaman nya lahat bigla syang lumayo
o umiwas. Pero dun ko din makikita kung mabuti nga syang tao, kung dapat ko ba
talaga syang magustuhan.

F*&K! Sinabi ko bang magustuhan? Tsk! Bakit nahihirapan ako? Hindi ko kasi alam
kung anong mga susunod na mangyayari kapag nagopen up ako sa kanya. Bahala na nga.

Naglakad ako papunta sa tabihan nya at umupo. Pareho kaming nakatingin sa malayo.
Wala pa din syang imik kaya naman tiningnan ko sya. Natuyo na ang luha sa pisngi
nya pero ang ganda nya pa din. Nagulat ako ng bigla syang tumingin sa'kin.

"Tititigan mo na lang ba ako magdamag?" bigla akong napaiwas ng tingin. "Hindi mo


naman kelangang magkwento kung ayaw mo!"

Nakakainis, bakit parang hindi ako makatanggi sa kanya. Sinabi nya ngang kung ayaw
ko pero ang ibig sabihin naman nun wala akong ibang choice kundi ang magkwento sa
kanya. Kung makikinig man sya o hindi wala na kong pakialam. Minsan ko lang 'to
sasabihin sa iba. Kung pagtawanan man nya ako bahala sya at kung gagawin nya yun
hindi na ko magdadalawang isip na saktan sya kahit babae sya. Una dahil
pinagkatiwalaan ko sya, pangalawa nag-iiba na yung pakiramdam ko para sa kanya at
kung madidisappoint lang ako dahil ijajudge nya ko dahil sa mga nangyari sa'kin
baka hindi ko sya mapatawad.
Kumuha ako ng bato at inihagis ko sa lake bago ang magsimulang magkwento. I took a
deep breath.

"Perfect na ang family ko dati para sa'kin. Si mommy, si papa at Cia. Masagana din
ang buhay namin. Meron kaming family business at si papa ang president ng company.
Pero kahit maganda ang buhay namin never kaming kumuha ng maids. Si mommy at ako
ang naglilinis sa bahay kaya sanay ako sa lahat ng gawain. Hindi dahil mayaman ka
hindi ka na pwedeng matuto ng mga gawaing bahay. Magkakaibigan ang mga families
namin nila Tuck. Magkababata naman kaming lahat. Wala na nga kong mahihiling pa
lalo na nung dumating si Natalia sa buhay ko. Feeling ko kumpletong kumpleto na ko.
Hanggang isang araw umuwi ako ng bahay galing school at nakita kong umiiyak s Cia.
Kasabay ko ding dumating si papa kaya lang lasing sya dahil galing daw sya sa
birthday ng isa sa mga board of directors. Nalaman namin nagcollapse si mommy
habang nagluluto sya kaya pinuntahan agad namin sya ni papa." Bigla akong napatigil
dahil ayokong maalala ang mga susunod na mangyayari. Naramdaman ko ang kamay ni
Alexa na humawak sa'kin pero hindi ko sya tiningnan. Pumikit lang ako at itinuloy
ko ang pagkukwento.

"Dadalhin na namin sya sa ospital. Ako na sana ang magda-drive pero nagpumilit si
papa. Samahan ko daw si Cia at si mommy sa backseat at sya na daw ang bahalang
magdrive. Pinatahan ko si Cia dahil takot na takot sya at sa di inaasahang
pangyayari naaksidente kami." Naramdaman kong mas humigpit ang hawak sa'kin ni
Alexa. Siguro iniisip nya sa car accident namatay si mommy. Gumagaan ang pakiramdam
ko dahil alam kong nakikinig sya sa'kin at alam kong ang paghawak sa kamay ko ang
isang way para ipakita nyang nandyan lang sya sa tabihan ko.

"Nakabangga si papa. Hindi ko alam kung anong nangyari sa nabangga nya. Nagdiretso
lang ng pagdadrive si papa at hindi nya tiningnan kung anong nangyari sa nabangga
nya dahil kelangan naming dalhin si mommy sa ospital. Nakaabot naman kami at
nalaman naming nastroke si mommy. Tumaas daw ang blood pressure nya. Nalaman din
namin na kaya pala sya hina-high blood eh dahil may complication na sya sa kidney
at kelangan nang operahan agad. Dadalhin namin sya sa Amerika para dun paoperahan.
Pero ang bilis ng mga pangyayari, hindi naoperahan si mommy dahil - dahil biglang
bumagsak ang company namin sa loob lang ng ilang araw. Lahat ng directors nag-
alisan. May bumili daw ng stocks na ten times ang presyo sa mga stockholders at
walang nagawa si papa. Dinampot din si papa ng mga pulis. Nalaman naming lahat na
hindi lang pala basta-basta ang nabangga ni papa. Anak pala sya ng isang
maipluwensyang pamilya. Sinubukan ko silang pakiusapan para kay mommy pero wala
silang awa. Wala na kaming sapat na pera para paoperahan si mommy. Ako lang mag-isa
ang nakilos dahil nasa kulungan pa si papa. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko
napalapit ako sa gulo. Madalas akong laman ng labanan sa kung saan-saan at dun
nagsimula ang pagiging underground fighter ko. May nagoffer sa'king makipaglaban sa
Ground45. Malaki daw ang bayad kaya pinasok ko na agad. Sinabi ko kay mommy na
konting tiis na lang at makakapagpaopera na din sya. Hindi ko alam na ganun pala
kalaki ang kinikita sa underground fight. Isang panalo ko palang pangopera na agad
ni mommy. Excited akong umuwi ng gabing yun." Hindi ko napigilang umiyak habang
naalala ko ang huling gabing nakita ko si mommy. Nagagalit ako dahil hindi ko alam
kung bakit kelangan ko pa 'tong ikwento sa iba pero - pero hindi ko din alam kung
bakit parang gusto ko na ding ituloy ang pagkukwento.
"Nadatnan ko si Cia na umiiyak at mommy ng mommy. Umakyat ako sa taas at nakita ko
si mommy na nasa CR. Binuhat ko sya agad at dinala sa ospital. Pinapaoperahan ko na
sya nung gabing yun. Ibinigay ko sa doctor lahat ng napanalunan ko - pero - pero
huli na lahat. Hindi na maliligtas ng pera na yun si mommy. Hindi ko alam na ganun
na kadamaged ang kidney ni mommy. Hindi na sya nagfufunction at nalason na ang dugo
nya. Gusto kong magwala - gusto kong ilabas sa kulungan ang magaling kong tatay
para ipakita sa kanya na wala na si mommy - pero hindi ko yun magawa dahil kay Cia.
Masyado pa syang bata pero naranansan nya lahat ng ganung hirap na kahit minsan
hindi ko naranasan nung bata pa ko." Naramdaman ko na yumakap sa'kin si Alexa na
nagpagaan ng pakiramdam ko. Hindi sya nagsasalita, siguro dahil hindi nya alam kung
anong sasabihin kaya pinaparamdam na lang nya sa'kin lahat.

"Naghirap kami, walang tumutulong sa'min kundi sina Tuck lang at ang iba. Mga
walang kwentang tao yung iba. Nung mayaman kami laging nagpapakita, nagpaparamdam,
nagbibigay ng kung anu-ano pero nung kami na ang walang-wala kahit anino nila hindi
ko nakita. Hindi ako nawalan ng pag-asa kahit wala na si mommy dahil nandyan pa si
Cia at Natalia. Natulong si Natalia sa'kin kahit paano at minsan kapag may laban
ako sya ang nagbabantay kay Cia. Akala ko napakaswerte ko dahil nandyan sya pero
nalaman ko na lang sa isang makati ang dila na dating kaibigan ni papa na ikakasal
na daw si Natalia. Hindi ako naniwala kaya pinuntahan ko sya sa kanila at nung
gabing yun, yun na din ang engagement party nila ng lalaking yun. Alam kong
nagmamahalan kami kaya niyaya ko syang sumama sa'kin pero - pero hindi sya sumama.
Wala syang sinabing kahit ano, hindi man lang nya ko naipagtanggol sa mga magulang
nya. At sa lahat ng tao - sa lahat ng tao sa kanya ko pa maririnig na - na walang
mangyayari sa buhay nya kung sasama sya sa'kin. F*&K! Ipinakaladkad nila ko sa mga
body guards nila na parang criminal!! Naghirap lang ako - naghirap lang kami umayaw
na sya. Ilang taon kaming magkasama, alam nya lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sya
na nga ang huling taong naisip ko na lalayo sa'kin pero - pero sya pa yung unang
nawala. Galit na galit ako nun sa mundo at galit na galit ako sa tatay ko. Umuwi
ako ng lasing ng gabing yun at nagwala ako sa bahay. Pinagsusuntok ko lahat ng
salamin hanggang mamanhid na ang mga kamay ko. Hanggang nakita kong nakatayo si Cia
at nakatingin sa'kin. Umiiyak sya, ang kawawa kong kapatid. Napatigil ako ng sinabi
nyang 'kuya, kuya you're bleeding. Iiwan mo din ba ko like mommy? Kuya please,
please don't leave me. I'm scared. I don't wanna be alone.' Sya lang ang dahilan
kung bakit nandito pa ko. Kung bakit galit ako sa mundo, dahil yun sa magaling kong
tatay. At kung bakit ako galit sa mga babae, dahil yun kay Natalia. Sya lang ang
minahal ko ng buong-buo - pero sya din ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon.
Halos ipapatay pa ko ng pamilya nya wag ko lang silang guluhin. Lahat ng galit ko
ibinuhos ko sa lahat ng mga nakakalaban ko. Kada panalo parang balewala na din
dahil hindi nailigtas ng pera na yun si mommy. Wala na sya. Nawala ang mga taong
mahalaga sa buhay ko. Si Cia, si Cia na lang ang natitira sa'kin."

Minulat ko ang mga mata ko at napatingin ako kay Alexa. Nagulat ako ng makita kong
pulang-pula ang mga mata nya dahil sa - kakaiyak. Pinunasan nya agad ang mga luha
nya ng makita nyang nakatingin ako sa kanya.

"Naaawa ka ba sa'kin?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang sya habang pinipigil pa din ang pag-iyak. "Hindi kita masisisi kung
ganyan ka ngayon. Pero - pero kung hindi mo napagdaanan lahat yan hindi ka magiging
strong para kay Cia." Bumitaw sya sa pagkakahawak sa'kin at tumingin sya sa lake.
"Kung hindi ka nagkaganyan, siguro hindi tayo magkakakilala." Napatingin ulit sya
sa'kin. "Pero hindi ko sinasabing dapat lang sa'yo yang mga nangyari sa'yo ha."

Tumahimik sya sandali. Hindi ko alam kung anong iniisip nya kaya ako na ulit ang
nagsalita. "Ikaw palang ang kauna-unahang taong pinagkwentuhan ko ng lahat matapos
ng mga nangyari. Sila Tuck may alam sila dahil sa mga sources nila at hindi dahil
nagkwento ako sa kanila. Kaya kung lalayo ka din sa'kin at pagtatawanan ako sige
lang. Mas gusto kong umalis ka kesa kaawaan mo lang ako."

"Bakit marunong ka pa sa'kin? Sinabi ko bang lalayuan kita? Isa pa, hindi ka naman
kaawa-awa kaya wag kang maginarte dyan!!!" aba't loko 'tong babaeng 'to ah. Nakuha
pa kong sigawan.

Nagulat ako ng bigla syang humarap sa'kin at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
Hindi ko alam ang gagawin, hindi ako mapakali. "Thank you kasi sinabi mo sa'kin
lahat kahit na sinabi ko sa'yo na okay lang na hindi ka magkwento - "

"As if my choice ako. Yun din naman ang gusto mo alam ko - "

"Pwede ba wag kang magsalita habang nagsasalita ako. Kanina ba inabala kita nung
nagkukwento ka ha?"

Sabi ko nga. Tss! Akala mo naman boss ko 'to para sundin ko. Pero wala eh,
sinusunod ko din talaga sya.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin. I mean, oo sobrang saklap nang nangyari sa'yo
- " nang-aasar ba 'tong babaeng 'to? Kung hindi lang sya si aswang malamang nasapok
ko na 'to. Nakakapikon lang. " - pero mabuti naman at kinaya mo lahat. Kung sa
tingin mo - kung sa tingin mo iniwan ka na ng lahat nagkakamali ka. Kasi - kasi
nandito pa - " napatitig ako sa kanya at iniitay ang bawat salitang sasabihin nya.
Hindi ako mapakali. Parang nailang naman sya sa tingin ko pero hindi naman sya
umiwas.

"- si Cia." WTF!! Ano pa nga bang ineexpect ko di ba? ANo bang dapat nyang sabihin?
Tama nga naman sya, nandyan pa si Cia. Tss! Tumingin ako sa malayo pero nagulat ako
ng hinawakan nya ang mukha ko at iniharap sa kanya. "At nandito pa naman ako.
Siguro nga galit ka sa'kin o naiinis. Alam kong tayo si Tom and Jerry pero anong
purpose ni Tom kung wala si Jerry at malulungkot si Jerry kung hindi sya bubwisitin
ni Tom. Hindi ko alam kung malulungkot ka nga kung mawawala ako pero - pero
hangga't kailangan mo ng kausap - ng kaibigan ng kahit ano - nandito lang ako. May
mga bagay pa siguro tayong gustong malaman at malinawan but as of now, all I wanna
do is to stay beside you. Don't think na naaawa ako sa'yo or what dahil yan ang
huling bagay na gagawin ko sa buhay ko - ang kaawaan ka. I mean hello - si goon
kakaawaan, hell no!! Naiintindihan kita at gusto pa kitang makilala lalo. Hindi
dahil sinabi mo na sa'kin ang past mo eh lalayuan na kita. Hindi Zak, mas binigyan
mo lang ako ng reason para mas lalo kang makilala at makasama - " hindi ko na sya
pinatapos magsalita dahil kusa na lang gumalaw ang katawan ko at hinawakan ko ng
dalawang kamay ang mukha nya at.....................hinalikan ko sya. Hindi ko din
alam kung bakit pero habang nagsasalita sya para akong nalulusaw na yelo habang
naririnig ang mga lumalabas sa bibig nya.

(Play the video sa multimedia ---------------------------->)

Ang babaeng 'to, hindi ko alam kung anong ginawa nya sa'kin at kung anong meron sa
kanya pero masaya ako at sa kanya ko nasabi ang lahat. Napatigil ako sa paghalik sa
kanya ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalayo ako sa kanya at nakita kong
gulat na gulat din sya. "I - I'm sorry." Medyo lumayo ako sa kanya at tumingin sa
malayo. Hindi din naman agad sya nagsalita.

"Zak?"

"Hmmmm?"

"Di ba sabi mo hindi lang ako kung sino lang sa'yo?"

"Oo."

"Eh kung hindi lang ako kung sino lang sa'yo, sino ba ko?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi na lang ako agad nagsalita. Nagulat ako
ng bigla syang lumapit sa'kin at inilapit na naman nya ang mukha nya sa'kin.
Siraulo talaga 'tong babaeng 'to. Hindi ba nya alam na pwede ko na naman syang
mahalikan dahil sa ginagawa nya?

"Sige na, sabihin mo na. Ikaw din baka mahuli ka. Tandaan mo nasa huli ang
pagsisi." Parang nang-aasar yung boses nya habang nagsasalita. Parang bata, at yung
ngiti nya parang nang-aakit na hindi ko maintindihan. Well, hindi ko naman talaga
alam kung paano ang itsura ng nang-aakit. Nasabi ko lang.
"Hindi ako magsisisi no! Una pa lang kaya nagsisi na ko kasi nakilala kita."

"Ah ganun, sayang may kiss ka pa sana sa'kin kung sinagot mo yun tanong ko."
Nagpout pa sya. F*&K! Bakit ba lalo syang gumaganda sa paningin ko.

"Ano - importante ka - ka na kasi sa'kin kaya lang - kaya lang kasi - ano - hindi
ko pa siguro - natatakot pa kasi ako - pero isa lang ang alam ko - na - gusto ko
nandito ka lang sa tabi ko - " nagulat ako ng bigla nya kong hinalikan sa pisngi.
Tumayo sya at naghubad ng sapatos at nagbasa ng paa sa lake.

"Dapat bilisan mo mag-isip kasi baka bukas magboyfriend na ko. Ikaw din." Alam ko
namang nagbibiro lang sya pero parang nakakapikon.

"Hoy bubugbugin ko naman magiging boyfriend mo! Tsaka akala ko ba hindi mo ko


iiwan, bakit magboboyfriend ka na!!! May pa- Tom tom and Jerry ka pang nalalaman
dyan!!" Bigla nya kong binasa.

"Ang daldal mo!! Mas madaldal ka pa sa'kin eh." At binasa nya ulit ako.

"Hoy tumigil ka nga!! Kapag hindi ka tumigil patay ka sa'kin!" at hindi pa nga sya
tumigil.

Para na naman kaming sira. Naglaro lang naman kami sa tubig na parang bata. Alam ko
pinapasaya nya lang ako dahil naalala ko lahat kanina at naramdaman ko ulit ang
sakit ng mga nangyari. Bakit ba palagi na lang nya kong nasusurprise sa mga actions
nya? Hindi ko sya mapredict. Akala ko kilala ko na sya pero hindi pa pala. Palagi
kong inaabangan lahat ng mga gagawin nya, mga dahilan para masabi ko sa kanya kung
anong nararamdaman ko. F&%K! Paano ko masasabi? Paano kung lumayo sya?

Ano ka ba naman Zak, sinabi na nga nyang hindi na sya lalayo di ba? Yun na lang
panghawakan mo!

"Hoy goon ipasan mo ko hanggang skul dahil pinaiyak mo ko kanina!!" nagulat ako ng
bigla syang tumalon sa likuran ko at kumapit sa may leeg ko. Napakagaan nya talaga.
Kumakain pa ba 'to?

"Di ba sinabi ko na sa'yo dati na kumain ka kasi ang gaan mo? Palibhasa walang nag-
aalaga sa'yo kaya ang payat. Di bale papatabain kita."
"Ano?"

"Wala!" pinasan ko sya habang dala-dala ko pa ang mga gamit naming dalawa.

"Yey! Panalo ako!!" palakpak sya ng palakpak habang nasa likuran ko.

"Wag ka ngang malikot!! Anong panalo ba ang sinasabi mo dyan?" Hinawakan ko sya
maige dahil baka malaglag sya sa sobrang likot. Daig pa nito si Cia kapag pinapasan
ko eh.

"Kasi sabi mo wag na kitang hahalikan ulit unless gusto mo. Eh kanina ikaw na yung
humalik sa'kin kaya talo ka na. Weeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!" akala ko naman kung saan
ako natalo. Parang yun lang. Alam ba nyang gusto ko syang halikan maya't maya?
Ayoko lang isipin nyang manyak ako dahil dati pa nya ko pinag-iisipan na ganun.

"Siguro may gusto ka na sa'kin no?"

"Eh paano kung oo?"

Bigla syang tumigil sa paglilikot at hindi sumagot. Naramdaman kong ang bilis ng
tibok ng puso nya kaya naman napangiti ako. Mukhang sineryoso nya yung sinabi ko.

"Ibaba mo na pala ko, gusto kong maglakad!!" bigla syang bumaba at naunang
maglakad.

"Hoy joke lang. Wag ka namang ganyan. So ibig sabihin pala kung totoong may gusto
na ko sa'yo lalayo ka at iiwanan mo ko!" tsk, yan na nga ba sinasabi ko eh. Lalayo
din sya at iiwanan ako.

"Sira! Anong iiwan ka dyan!! Wala lang akong tiwala sa sarili ko, baka kasi kung
ano lang din ang masabi ko sa'yo. Tsaka sinabi ko ngang di kita iiwan di ba? May
gusto ka man sa'kin o wala hindi kita iiwan. Okay?" naglakad sya ng mabagal at
sinabayan ko sya. Ang ganda ng ngiti ko. Una, dahil naramdaman kong kinabahan sya
sa sinabi ko kanina kaya sya bumaba. Pangalawa, hindi daw nya mapagkakatiwaalan ang
sarili nya sa kung anong masasabi nya sa'kin. At pangatlo, hindi nya ko iiwan. Sana
talaga lahat yun totoo.
Inakbayan ko sya. "Aswang, susunduin kita sa isang araw tapos dinner tayo. May
sasabihin ako sa'yo." At tumingin ako sa kanya. Nakita kong nakasimangot sya. "O
bakit? Ayaw mo ba?"

"Sa isang araw mo pa ko susunduin? Bakit nasaan ka bukas? Hindi ka magpapakita


sa'kin?" she rolled her eyes. Kahit may sumpong sya ang cute nya pa din.

Ginulo ko ang buhok nya. "Sira ka talaga. Syempre magkikita tayo kasi may pasok.
Pero napromise ko na kasi kay Cia yung bukas, so sya muna. Wag ka ng magselos, sa
isang araw ka naman eh."

"Hoy ang kapal mo no!! Hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos!! Hello!!"
at nakita kong ngumiti na sya.

"Balik ka na sa likuran ko, dali na! Papasanin na ulit kita."

"Ayoko na!! Boring sa likod mo!!"

"Boring daw. Ayaw mo lang kasi nararamdaman kong nabilis ang tibok ng puso mo!"
bigla syang namula ng marinig yung sinabi ko. Inalis nya yung kamay ko sa
pagkakaakbay sa kanya at tumakbo palayo.

"Hoy akala ko ba hindi mo ko iiwan? Bakit nalayo ka na?"

"Bahala ka na sa buhay mo!! BUwisit ka talagang goon ka!! Wag ka nang lalapit
sa'kin!!!" nananakbo syang nakatakip ang kamay sa mukha.

"Okay lang yan. Dapat masanay ka na ngayon palang paano na lang kapag - " kapag
sinabi ko na sa'yo lahat. Tss. Too early para sabihin ko 'to sa kanya. Hindi sa
ganitong way.

"kapag?" tumingin sya sa'kin.

" - kapag nadapa ka kasi naman tumatakbo ka ng nakatakip ang mukha." Parang
disappointed yung mukha nya.

"Whatever!!" nilapitan ko ulit sya at inakbayan.

"Masyado kang atat!! Sa isang araw pa tayo magdidinner no!! Pakipot ka naman kahit
konti. Halatang-halata ka eh."

"Halatang-halatang ano?"

"Na may gusto ka sa'kin!!" at tumawa ako ng malakas. Mas lalo syang namula dahil sa
sinabi ko. Pero ilang seconds lang ako naman ang namula dahil sinikmuraan nya ko.

"Dapat baguhin mo na yang pagiging brutal mo ngayon palang." Sabi ko habang


nakahawak sa tyan.

"Bagay lang sa'yo yan, masyado ka kasing feeling."

"Ganito ka ba sa mga taong gusto mo?" Inambaan na naman nya ko ng suntok.


Napakabrutal talaga nya. "Joke lang. Masyado kang pikon."

"Baguhin mo nga yang pagiging mayabang mo!" papaakbay na ko sa kanya ulit pero
umiwas sya.

"Promise tatahimik na ko." Nung medyo convinced na sya tsaka sya nagpaakbay ulit
sa'kin. Tahimik lang kaming naglakad hanggang skul. Inihatid ko sya sa tapat ng
kotse nya.

"Ingat pagdrive ha." Sabi nya sa'kin.

"Ikaw din." Ang awkward bigla, parang nagkakahiyaan kami.

"Lex?" "Zak" sabay pa naming sabi.


"Sige mauna ka na." sabi nya.

"Ikaw na." sabi ko ng bigla nya kong pinandilatan ng mata. "Sabi ko nga ako na."
Bigla akong nahiya, kanina lang parang - parang mga baliw kami tapos ngayon
nagkakahiyaan na kami. "Thank you sa pakikinig sa'kin kanina."

"Wala yun. Thank you din." Binuksan na nya yung door ng kotse nya. "Sige,
goodnight." Papasok na sya sa loob pero may pahabol pa ko.

"Lex!" tumingin sya sa'kin. "Yung dinner ha."

"Sure basta libre mo."

"Ha? Kaya nga kita niyaya kasi libre mo." Biglang kumunot ang noo nya. Uh-oh! "Joke
lang. Ikaw naman hindi ka na mabiro."

"Sayang, may goodnight kiss ka pa sana sa'kin kaya lang binuwisit mo ko. So
goodnight and goodbye!"

"Uy, joke nga lang kasi yun!" pumasok na sya sa loob ng kotse. Nagwave lang sya
sa'kin at pinaandar na ang kotse nya.

Ayan ang bagay sa'yo Zak! Teka, bakit gusto ko pa ng goodnight kiss eh meron na nga
kanina? Tss! Grabe talaga yung aswang na yun.

Habang pinagmamasdan kong papalayo ang kotse nya naalala ko yung naramdaman ko
kanina.

"Sigurado na ko." Pakiramdam ko bagong laya ako galing kulungan. Sana talaga
maganda ang kalabasan nito. Sigurado na nga ako pero hindi ko alam kung handa na ba
ako. Basta isa lang ang alam ko, hindi aalis si aswang sa tabihan ko. Masaya na ko
dun. Dapat paghandaan ko ang dinner namin. Tsk! Ano kayag dapat kong gawin? Dapat
kausapin ko si Tuck! Ay, ayoko pala, hindi ko pa pala sya natatanong kung may gusto
ba sya kay Alexa. Wag lang syang magkakamali!! Baka hindi na naman ako makatulog
nito. ~________________~

*******************************************
26

*******************************************
ALEXA'S POV

"Ay naku number one ka na naman nyan for sure. Hindi ka ba nagsasawa?" naglalakad
kami ni Jezhi ngayon papunta sa cafeteria. Tulad ng nasabi ko dati nagkaboyfriend
lang 'tong babaeng 'to natuto nang kumain dun. Nagbabaon pa din naman sya tulad ng
dati yun nga lang hindi na ganun kadalas. Mas feel nya kasi na si Val ang naorder
para sa kanya.

May isang spot na sa cafeteria ang walang nagtatangkang umupo na kahit na sino
dahil dun kami napwesto tulad ngayon. Kung sino mang mauna sa'min nila Val uupo na
dun at iintayin na lang ang iba.

"Syempre nagsasawa din naman ako. Minsan nga gusto kong ibagsak na lang kaya lang
di ko talaga magawa." Kanina ko pa napapansin na lahat ng makasalubong namin eh
natingin sa'kin. "Sis, anong problema ng mga tao? May dumi ba ko sa mukha?" humarap
ako kay Jezhi.

Tiningnan ako ni Jezhi ng medyo matagal. "Wala namang dumi."

I rolled my eyes. Hindi ko din alam kung bakit parang naiwas ang mga tao sa'kin o
praning lang ako.

"Ah! Baka pinaguusapan ka nila!" nagulat ako sa sinabi ni Jezhi at tiningnan ko sya
ng masama. "What? Kumalat lang naman na si Miss Perfect napunta sa detention,
tanggap pa yun ng mga tagahanga mo. Kaya lang yung tinakot ni Zak yung ex mo naku,
kumalat na terror at war freak si Zak at hindi sila makapaniwalang pinatulan mo
sya. Ikaw lang daw kasi nakakatagal kumausap dun at isa pa natatakot na silang
lumapit sa'yo kasi baka kung anong gawin sa kanila ni Zak." Nanlaki ang mga mata ko
sa mga sinabi ni Jezhi.

"San mo naman napulot yang mga yan?" Kaya pala biglang nag-iba ang mga tao. Kung
dati halos mangawit ang panga ko kakangiti para lang mabati din sila ngayon wala
na. Wala nang napansin sa'kin. Sa isang iglap nagbago silang lahat dahil kay goon.
Isang tahimik at mapayapang buhay. Sana - kaso mas gumulo nung dumating si goon eh.

"I have my sources. Hindi ata maganda sa image mo si Zak. Lumayo ka na kaya sa
kanya. Game lang naman lahat di ba? And as far as I remember ayaw mo talaga sa
kanya." Wala talagang alam 'tong si Jezhi. Hindi ko pa ba nasasabi sa kanya ang mga
nangyayari sa'min ni goon? Teka, hindi ko na maalala. Nasakit lang ang ulo ko kapag
nag-iisip ako. Sasabihin ko ba sa kanya? Siguro mabibigyan naman nya ko ng advices
kung sasabihin ko sa kanya. Pero baka naman pagtawanan lang ako nito. Simula kasi
ng maging magkaibigan kami never pa kong nagkwento sa kanya ng about boys at kapag
sya naman ang nagkukwento sa'kin hindi ako nakikinig. Tss! Alam kong pagtatawanan
lang talaga ko nitong babaeng 'to.

Dumating kami sa cafeteria, ang daming tao kesa sa usual at hindi ako sanay. Nasa
pinto palang kami ng makita namin sila Val. Kumaway sila sa'min at hinigit naman
ako agad ni Jezhi. Nandun na silang anim, syempre kasama si goon.

Ngayon lang ulit kami magkikita simula nung nangyari kahapon sa may lake. Tsk! Teka
dapat pala di ko na iniisip yung mga ganung bagay. Dadagdag lang yan sa sakit ng
ulo ko.

Umupo si Jezhi sa tabi ni Val. Naiwan akong nakatayo. Katabi ni Val si Rich at
Luke. Sa katapat naman nya si Trav at Tuck. Sa kabilang dulo naman si goon kaya
wala akong choice kundi umupo sa kabilang dulo katapat ni goon. Nagkatinginan kami
sandali at sabay din kaming umiwas. Ewan ko parang ang weird. Hindi kami naguusap.
Bahala sya kung ayaw nya kong kausapin eh di wag.

"So ano bang kakainin ng baby ko." Sabi ni Val na nakaakbay kay Jezhi.

"Baby? Ewwwwww!" nang-aasar kong sabi then I rolled my eyes. "Baduy nyo ha."

"Caesar salad na lang sa'kin baby." Mukhang hindi inintindi ni Jezhi ang pang-aasar
ko sa tawagan nila. Kahit kelan talaga wala 'tong iniintindi. ANo kayang nakita
dito ni Val?

"Ikaw lady ghost? Anong sa'yo?" papatayo na si Val at iniintay na lang ang
sasabihin ko.

"Cheese burger and fries and iced tea." Parang nagulat si Val sa order ko. "What?"

"Hindi ka ba tataba dyan sa mga kakainin mo?" magsasalita pa sana ko ng biglang


nakisali si goon.

"Mas mabuti nga yung tumaba yan. Masyado kasing payatot!" napatingin ako sa kanya
pero umiwas din naman sya agad.
Whatever goon! Whatever!

Ilang minutes lang bumalik na si Val dala ang pagkain namin. Kumain lang ako ng
tahimik habang nakain din ang iba. Napansin kong hindi nakain si goon at hawak nya
lang ang phone nya. Parang kanina pa sya may katext. Sino namang katext nya? Busy
sya sa katext nya kaya ba hindi nya ko pinapansin? Kapal ng mukha nito. Parang
kahapon lang ang sweet nya sa'kin. Kahit hindi ko alam ang definition nya ng sweet,
para sa'kin sweet pa din yun tapos ngayon sweet na din sya sa iba! Kapal talaga.
May pasabi-sabi pa syang date ngayon. Kunyari kay Cia yun pala sa iba. Pwes
magdinner sya mag-isa bukas.

"Dyan na kayo guys. May lakad pa ko." Tumayo si goon pero hindi ko sya tiningnan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Rich na natatawa.

"Ano ka ba naman! Bakit tinatanong mo pa si Zak! Makikipagdate yan sa


pinakamahalagang babae sa buhay nya." Sagot ni Luke at sabay silang tumingin
sa'kin.

Napatingin din ako sa kanila lalo na kay goon. Wow, babae pala ha. Inirapan ko lang
sya at kumain na ako ulit.

"Mga siraulo talaga kayong dalawa!!" binato ni goon yung dalawa ng balat ng
chocolate.

"Sige na, sunduin mo na yung maswerteng babae. Miss na miss ka na nun for sure."
Tumatawang sabi ni Rich at nagpatuloy sa pagkain.

Napansin kong hindi pa din naalis si goon kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong
nakatingin lang sya sa'kin and I raised my eyebrow. He smirked. What the! Kumukulo
ang dugo ko. Ayaw na lang umalis kung aalis. Feeling pa masyado.

"Flirt!" bulong ko then I rolled my eyes. Kumuha ako ng gamot sa medicine wallet ko
at ininom ko dahil nasumpong ang migraine ko ngayon.

"May sakit ka?" tanong ni goon.

"Wala!" biglang nagbago ang facial expression ni goon pero wala akong pakialam.
"Alis na ko." Nakatingin lang si goon sa'kin habang nagsasalita. Napansin kong
nakatingin sa'min sina Val na parang nanonood lang ng movie.

"Umalis ka na nga kung gusto mo. Inaabala mo pagkain namin! Baka mahuli ka pa sa
date mo!!" I shooed him off.

Hindi ko na sya tiningnan at kumain na ko. Bahala na sya sa buhay nya. Mabuti na
lang at nalalaman ko 'tong lahat ngayon palang.

"Are you okay?" tanong ni Jezhi. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin
sya sa'kin.

"Yeah, I'm fine." Napatingin ako sa burger ko at nakita kong nailagay ko na lahat
ng fries ko sa ibabaw ng burger. Bakit hindi ko napansin? Tss! Nakakainis talaga.

"Nagseselos ka ba sa date ni Zak?" tanong ni Val sa'kin.

"What? Me? No!! Wala akong pakialam!!" wala na akong pakialam sa kanya o sa kadate
nya. Wala na kong pakialam sa buhay nya. Wala na kong pakialam sa makapal na
mukhang tulad nya. Bwusit sya!!!

"Mabuti naman. Masasaktan ka lang dun kay Zak. Hindi marunong magmahal ng babae
yun. Mamili ka na lang kina Tuck at Trav." Natatawang sabi ni Val.

Napatingin naman si Tuck at Trav kay Val na kasalukuyang natawa.

"Ano ka ba naman Val, kung siraan mo si Zak kay Lex wagas. Kaibigan ka ba talaga?"
tumingin sa'kin ng diretso si Luke. "Alam mo mabait yun si Zak kaya nga madaming
nagkakagusto dun. So hindi kami magtataka kung isang araw magkagusto ka din sa
kanya." Then he winked.

Ako magkakagusto kay goon? Crush siguro pwede pa pero love? Malabo, lalo na ngayong
ang dami ko nang nalaman sa kanya.
"Tumigil nga kayong dalawa. Pabayaan nyo kaya silang dalawa sa buhay nila. Kung
magkagustuhan sila then go. Kung hindi then fine! Wag nyo silang pakialamanan. Si
Lex ang pipili kung sinong gusto nya at hindi kayo." Seryosong sabi ni Tuck.
Tumingin sya sa'kin at ngumiti. Ngumiti din naman ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong pinagaasaran nilang lahat na kahit si Jezhi eh hindi
makarelate dahilan para magwalkout sya palabas ng cafeteria. Dahil isa akong
mabuting kaibigan sinundan ko sya pero hindi ko na din naman sya naabutan.

Pumasok ako sa natitira ko pang klase ng hindi ko nakikita si Jezhi. Papunta na


akong parking lot ng maalala ko si goon. Siguro ang saya-saya nya ngayon kasama ang
babae nya. Paano nya nagagawang magpakasaya kasama ng ibang babae samantalang
kahapon masaya din kami. Teka, masaya nga ba kami? Ah hindi pala, ah ewan. Hindi ko
na alam.

Dahil gusto ko nang umuwi nagmadali akong naglakad papunta sa tapat ng kotse ko.
Kukunin ko na ang susi sa bulsa ko ng biglang malaglag. Dinampot ko agad ng biglang
may tumigil na - paa sa harapan ko.

Dahan-dahan akong tumingin kung kaninong paa yun at hindi ko inaasahan ang nakita
ko.

"Oh ano tapos na ang date?" sarcastic kong sabi kay goon. Ewan ko kung bakit
nandito sya o kung anong ginagawa nya dito. Well, ayokong maging assumera kaya
hindi ko na lang sya papansinin. Binuksan ko ang kotse ko at ipinasok ang mga gamit
ko sa loob. Papasok na din ako sa loob ng biglang hawakan ni goon ang door ng kotse
ko.

"Wait. Ano kasi - " hindi sya makatingin sa'kin ng diretso. I folded my arms over
my chest habang hinihintay ko kung anong sasabihin nya.

"Kasi ano - ano "

"Ano? Puro ano na lang ang sasabihin mo buong araw? Alam mo kung walang sense yan
pwede ba wala akong time. Kung hindi ka nagenjoy sa date mo problema mo na yun!!"
biglang nagbago ang expression nya na parang nainis sa sinabi ko. Wow ha, sya pa
may karapatang mainis? Di ba dapat ako yun dahil sa mga kalokohan nya?

"Oh my gosh kuya you're right!" nagulat ako ng biglang may batang nagsalita sa
likuran ko. Nakita ko ang isang cute na little girl. Parang sya yung batang nakita
ko nung palabas ako kina goon.
"Cia come here." Oh, sya nga ang kapatid ni goon.

"Hey there little princess." I smiled at her pero dahan-dahan syang naatras.
"What's wrong?"

"I thought you're an angel but kuya said you don't have wings and he also said
you're not an angel. Isa ka daw aswang - " mabilis nilapitan ni goon si Cia at
tinakpan ang bibig nito.

"Aswang?"

"Cia naman, anong sabi ni kuya sa'yo? We are going home now kasi hindi ka
nagpakabehave!" biglang inalis ni Cia ang kamay ni goon sa bibig nya.

"No! Sorry. Please please I don't wanna go home yet. I wanna play with - with
aswang." Muntik na kong makasuntok ng bata. Ano bang tinuturo dito ni goon?
Pinandilatan ko si goon pero ngumiti lang sya.

"She's so smart. Hindi ko alam na ganyan pala sya matandain." Paliwanag ni goon.
Kumapit sa'kin si Cia at humawak sa kamay ko.

"Ate are you coming with us? Hindi kasi natuloy ang bonding date namin ni kuya
kanina kasi gawa daw ni aswang. Akala daw kasi may kadate sya. Tapos nalaman ko na
ikaw pala si aswang so we've decided na isama ka sa date namin. Okay lang naman di
ba? Please - please." Nakakatuwa ang mga bata. Ang cute cute pa din kahit
nakakainis na ang mga pinagsasabi.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Una, bakit hindi ko naisip na si Cia ang
espesyal na babae sa buhay ni goon. Pangalawa, alam kong sila naman ang may date
ngayon bakit nag-isip pa ko ng iba. Pangatlo, bakit namroblema pa si goon kung
naisip kong may date sya? Mabuti na lang at nakainom na ko ng gamot kundi mas
sasakit pa ang ulo ko ngayon.

"Cia, mukhang may gagawin si ate. Wag mo na syang guluhin." Naglakad papalayo
sa'min si goon.

Nakatingin lang sa'kin si Cia at bumitaw sa kamay ko. Parang nagpapaawa sya sa
itsura nya. Nakakainis, bakit parang hindi ako makatanggi.
"So where do you wanna go?" masigla kong tanong kay Cia. Napatalon naman sya ng
marinig yung tanong ko.

"Kuya stop! She's asking me where do I wanna go!" she giggled. This girl is so
cute. Malayong-malayo kay goon. "Sa playground then mag-ice cream tayo."

"Sure. But promise me ikukwento mo sa'kin lahat ng sinabi ng kuya mo about kay
aswang. Okay?" nakangiti kong sabi.

"Sure. Sure. I know you're not that aswang kasi you're an angel." She said while
clapping her hands.

"Ah kasi - ano - wala kaming dalang sasakyan." Nahihiyang sabi ni goon.

"Fine! 'Tong kotse ko na lang gamitin natin." Hindi na nagdalawang isip si Cia.
Pumasok na agad sya sa loob ng kotse at naiwan kami ni goon sa labas. "Aswang pala
ha."

"Kwentong bata lang yun. Wag ka ngang masyadong seryoso dyan!" sumakay na din si
goon sa kotse at sumunod na din ako.

Nagkukulitan silang magkapatid sa byahe. Dumaan muna kami sa isang play ground.
Naglaro si Cia na parang ngayon lang nakalabas sa kulungan.

"Let's play hide and seek!!" hinigit nya ko patayo. "Ay wag na lang pala yun.
Luksong baka na lang pala." Natawa ako sa sinabi nya. May bata pa palang marunong
maglaro ng ganun ngayon. Alam ko kasi mga bata ngayon pagising computer agad ang
hawak o kaya tablet, psp at kung anu-ano pa. Pero 'tong batang 'to gustong
magluksong baka.

"Kuya sali ka sa'min bilis." Pinayuko kami ni Cia at nauna syang tumalon sa likuran
namin. Syempre dahil bata sya mababa lang ang pagyuko namin na halos nakadapa na ko
sa playground.

"Yey! Nakatalon ako!!" tuwang-tuwang sabi ni Cia nang makalampas sya sa'min ni
goon.
"It's your turn ate." Yumuko na din si Cia kaya naman tumayo ako. Nagreready na
akong tumalon sa likuran ni goon. Bumwelo pa ko kunyari kahit na mababa lang naman
yung tatalunan ko.

"One, two, three." May pabilang-bilang pa kong nalalaman bago tumakbo. Papatalon na
ko ng biglang tinaasan ni goon ang pagkakayuko nya at dahil dun naout of balance
ako at natumba kaming dalawa.

"Siraulo ka talagang goon ka!!!!! Gusto mo ba kong mabalian?!!!!!" nakatihaya


ngayon si goon habang nauupuan ko naman sya.

"Sino bang mababalian sa'tin? Ikaw o ako? Tingnan mo nga kung paano mo ko upuan!!
Ginawa mo pa kong sofa!!" itinulak nya ako hanggang mapaupo ako sa damuhan.

"Wow! Thank you ha! Kasalanan mo naman kaya ako natumba no!!!" nagpagpag ako ng
kamay at napatingin ako kay Cia na may hawak na cellphone. "Cia what are you
doing?"

"Nothing ate." At tinago na nya ulit ang phone nya. "Now it's kuya's turn na."
Yumuko na si Cia at tumayo na din ako. Nakita ko si goon na nagis-stretching pa.
Paganyan-ganyan ka pa ha. Makikita mo.

Yumuko na din ako. Bumilang din si goon bago tumakbo. Malapit na malapit na sya
sa'kin ng bigla akong tumayo. Kaya lang nagulat ako sa sunod na nangyari. Mukhang
pinigilan nya ang sarili nyang magdiretso sa pagtalon kaya napayakap sya sa'kin at
sabay kaming tumumba sa lupa. Take note nadaganan nya ko. Halos maiyak ako sa sakit
ng likod ko.

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at tumayo ka?!!! Gaganti ka lang hindi mo pa


pinagisipang maige!! Ayan tuloy nangyari sa'yo!! Anong masakit ha?" binuhat nya ako
at iniupo sa bench.

"Lagot kay kuya. You killed aswang!!" hindi ko alam kung maiiyak ako sa sakit ng
likod ko o maiiyak ako sa buwisit sa magkapatid na 'to.

"She's not yet dead princess. Hindi madaling mamatay ang mga aswang." Hindi ko na
napigilan ang sarili ko at hinampas ko ng malakas si goon. Napasigaw naman sya sa
sakit ng hampas ko.
"See, malakas pa sya. You don't have to worry. She's incredible hulk!" natawa si
Cia sa sinabi ng kuya nya. Nagmadali akong umupo para sana saktan ulit 'tong goon
na 'to kaya lang nakaatras agad sya. Nanakbo sya at hinabol ko naman.

"Aswang na incredible hulk pa!! Patay ka sa'kin!!" tumatakbo ako kasunod ni goon.

"Oh my gosh kuya she's coming. Run! Run!"

(-_-'')

Ano ba kasing mga itinuturo ni goon dito? Kapag hindi ka nga naman makakapatay ng
bata ewan ko na.

Nang maabutan ko si goon tumalon ako at sumakay sa likuran nya. "Hiya! You're now
my horse. Hiya!!" kumapit ako sa leeg nya. Nagpaikot-ikot sya pero hindi ako
bumitaw.

Maya-maya medyo bumaba sya sa may ground. Akala nya ba bababa ako?

"Weeeeeeeeeeeeeeeeee!!"

*Bugsh

Aray! Mukhang natuluyan na ang likuran ko. Sampahan ba naman ng batang 'to. Dahil
sa gulat ko napabitaw ako kay goon.

"Nice one Cia." Bakit pa ko nakasama-sama sa dalawang 'to? Mukhang plano nila kong
patayin bago pa lumubog ang araw.

"Show me your face aswang!!" nagbago pa ng boses si Cia habang nakahawak sa leeg
ko. "Ibalik mo si ate angel sa'min. Ibalik mo sya kay kuya!!! Rawr!!" kinakagat pa
daw nya ko kunyari sa leeg. Hindi nya ba alam na may kiliti ako dun.
"Whahahahahahahahahaha!" at hindi ko na napigilang tumaya. Napaupo ako sa ground sa
sobrang pagtawa.

"Rawr! Rawr! Sumuko ka na aswang. Return my ate angel!!!" at kinakagat nya ko ulit
sa leeg.

"Help! Help me!!" tumatawa kong sabi kay goon na pinapanood lang kami ni Cia.

"Hindi ka nya tutulungan. We have a mission. Tanggalin ang aswang part mo." Hindi
ko na napigilang mapaluha sa sobrang pagtawa. Nakadapa na din ako sa ground dahil
sa ginagawa ni Cia.

"Enough Cia. I'm your angel. I'm not aswang anymore." Tumigil si Cia at tumingin sa
kuya nya. Nakita kong tumango si goon at bumitaw na si Cia sa'kin.

Tinulungan naman akong tumayo ni goon at pinagpagan ko naman ang suot ko. Aambaan
ko na sana ng suntok si goon ng bigla syang sumigaw. "Cia, she's still aswang!"

Bigla akong ngumiti at ang kamay ko na susuntok sana kay goon ay dumiretso sa
balikat nya at pinagpagan ang damit nya. "Ikaw naman, aswang pa din?" medyo lumapit
ako sa kanya. "May araw ka rin sa'kin." Bulong ko sa kanya.

Medyo lumapit din sya sa'kin. "I can't wait. Kelan yun?" at tumawa pa sya sa tenga
ko.

"I hate you!" lumayo ako sa kanya at umupo sa may bench.

"Kuya, I'm so tired na. I wanna eat ice cream." Papaupo palang si goon pero
hinihigit na sya agad ni Cia papatayo.

"Okay. Okay. Ask your ate if she wanna come. We don't have a car remember?" wow,
ako na nga ang kinawawa ako pa daw ang ginamit para makagala silang magkapatid.
Luging-lugi na ko dito oh! Sana naman may mapala ako sa pagsama sa dalawang 'to.

"Ate are you coming with us?" heto na naman ang paawa effect ng batang 'to.
"No?" susubukan ko lang naman na tanggihan sya.

"Fine." Ay pumayag? Totoo ba 'to? "Then give me the car key." At inilahad nya ang
kamay sa'kin.

Wow. Manang-mana kay goon ang batang 'to. Nakakainis din pag may time.

"I was just joking. Of course I'm coming with you. Let's go!" tumayo ako at
dumiretso na sa kotse.

"Ako na magda-drive." Sabi ni goon. Di na ko nakipagtalo at iniabot ko na lang sa


kanya ang susi. Sya na ang nagdrive kung saan man kami pupunta. Tahimik lang si Cia
habang nakatingin sa labas. Sa wakas nakapagpahinga din ako bago pa man kami
makarating sa ice cream parlor.

Hindi ko alam kung anong meron sa batang 'to pero ang dami nyang kumain ng ice
cream. Mukhang napagod sya sa paglalarong ginawa namin. Kung may mapapagod dun di
ba dapat ako yun?

"Ate let's play tapos kung sinong mananalo may isang papagawa sa matatalo." Wala
naman sigurong masama kung labanan ko 'tong batang 'to. Bata lang naman sya so for
sure ako ang mananalo.

"Sure. Anong game ba yan?"

"Ice cream eating contest." Napatigil ako sa sinabi nya. Ano daw? Ice cream eating?

"Paramihan lang tayo ng makakain na ice cream. Kung sino madaming makain sya
panalo." Hindi ko alam kung anong klaseng bata 'to pero for sure hindi naman ganun
kalaki bituka nya. "Ayaw mo ba ate?" she pouted.

"Sinabi ko bang ayoko? Syempre okay lang sa'kin. Game!" napatingin ako kay goon at
nakita kong nakangiti lang sya.

"Don't worry hindi ko seseryosohin 'to." Sabi ko kay goon at napatawa naman sya.
"Cia, you're so bad. Wag mong seryosohin ha." What? Si Cia pa ang sinabihan nya? Eh
bata lang yun ah. Kung matalo man ako hindi naman siguro ganun kahirap ang
ipapagawa nya sa'kin.

"Okay game!" may dumating pang dalawang gallon ng ice cream. Tig-isa kami ni Cia.
Mukhang seryoso 'tong batang 'to kaya dapat seryosohin ko din.

"Kuya will be our judge para walang dayaan." She hugged her kuya. So sweet. "Sige
na kuya start the game."

"Aye aye captain. Ready, set go!!!" kinuhanan pa kami ni goon ng video. Pinapanood
ko si Cia. Seryoso sya sa pagkain ng ice cream. Hindi naman ako nagpatalo at kumain
din ako ng kumain ng ice cream pero ilang minuto lang biglang sumakit ang ulo ko.
Pinilit ko pa din kumain hanggang tyan ko naman ang sumakit. Tsk! Kapag minamalas
ka nga naman. Susukuan ko ba ang isang bata?

Nakita kong kinulbit ni goon si Cia at napatingin si Cia sa'kin. After nun biglang
bumagal ang kain ni Cia ng ice cream. Mukhang bata pa nga ang magbibigay sa'kin.

Hindi ko na talaga kaya kaya tumigil na ko with matching pagtaas pa ng kamay. "I
surrender. Ikaw na ang panalo."

"Yey!!!!" she clapped her hands at kumain pa ulit ng ice cream.

"So what do you want me to do?" sana hindi mahirap ang ipapagawa nya sa'kin at sana
walang kinalaman si goon dito.

"Wala akong kinalaman sa pinaggagagawa ng kapatid ko ha." At narinig ba nya ko?


Sana lang talaga goon wala kang kinalaman dito naku!!

"I'm tired na kuya. I wanna go home." Nakaharap sya kay goon.

"Okay princess." Hinaplos nya ang buhok ng kapatid at hinalikan sya sa ulo.
"And you ate, you're coming with us. Ang papagawa ko sa'yo is patulugin mo ko
tonight." At ngumiti sya. Patulugin? Paano ba magpatulog ng bata?

"But princess, may pasok pa si ate bukas." Thank you goon sa pagtatanggol sa'kin.
Nagkasilbi ka din kahit minsan.

"She can leave kapag tulog na ko. You can drive her home." Please say no goon. No!!
No!!

"Okay." Booom!! Wala na nga akong nagawa. Magstay ako sa bahay nila goon hanggang
makatulog si Cia. What if matagal 'tong matulog? Ano na lang ang mangyayari sa'kin?
Kung pinahirapan na nila ko kanina ano pa kaya mamaya kapag nandun na ko sa
teritoryo nila.

After ng ilang minutong drive dumating din kami sa bahay nila goon. Gabi na din
kami nakarating. Wish ko nga sana nakatulog na sya byahe si Cia kaso hindi eh.
Matatag ata 'tong batang 'to.

"Are you ready?" wow, sa tanong ni goon parang warning na din. Hindi ko alam kung
anong mangyayari sa'kin. Hindi ko alam kung anong pinaplano nitong goon na 'to. And
worst is, kapag nauna pa kong makatulog kay Cia. Baka kung anong gawin nila sa'king
magkapatid. Oh no! If ever this is the second time na matutulog kami ni goon sa
iisang bubong.

Pumasok kami sa bahay at hinigit ako ni Cia papunta sa taas. "This is my room ate.
Dito mo ko papatulugin. But I have to clean and change first so stay here." Pumasok
sya sa CR at iniwanan ako mag-isa sa kwarto nya. Hindi ko alam kung anong meron sa
bed nya pero parang tinatawag ako.

"Thank you ha." Bigla akong nagulat ng sumulpot si goon sa pintuan.

"Thank you saan?"

"Sa pagpapasaya sa kapatid ko. NGayon ko na lang ulit nakita yang ganyang kasaya at
kaexcited eh." sino bang hindi sasaya sa pagpapahirap na ginawa nyo sa'kin? Kung
hindi nga lang masamang manakit ng bata sinaktan ko na yang batang yan.

"Wala yun. Wala din naman akong kapatid na mas bata sa'kin kaya okay lang. Maswerte
ka nga may kapatid ka."
"Next time nga wag kang makikinig sa mga pang-aasar nila Rich! Pati ako
namomroblema eh." wait, san naman nya nakuha yun. "Alam mo namang hindi ako malapit
sa mga babae so kanino ko makikipagdate?"

"Feeling ka masyado! Hindi ako affected no!! Kapal nito." Humiga ako at tinakpan ko
ng unan ang mukha ko. Nakakahiya kasi. Kung anu-anong pinagiisip ko na masama sa
kanya mali naman pala ko. Nahihiya ako na natatawa.

"Ba - basta bukas ha. Ano - ano basta tuloy yun." Magsasalita pa sana ko ng bigla
syang nawala. Mukhang nagmadaling lumabas ng kwarto.

Heto na naman ako sa awkward moment. Nandito ako sa bahay ni goon at papatulugin ko
ang pinakamahalagang babae sa buhay nya at bukas magdidinner naman kami. Pwede ko
kayang bawiin yun?

"At nga pala." Nagulat na naman ako ng biglang sumulpot si goon. "Wala nang
bawian." At nagmadali na ulit syang lumabas.

Naririnig ba nya talaga ang nasa isip ko? Kasi kung naririnig nya, hindi na ko
magiisip kapag kasama ko sya. Hay, long night na naman 'to for me nararamdaman ko.
Mukhang mauuna pa kong makatulog kay Cia. Hindi pa sya tapos magshower napapapikit
na ko. Bahala na nga. Gigisingin naman nila ko si - si - zzzzzz....

A/N

Okay, bumaba ulit tayo pero masaya pa din kasi #6 pa din sa Teen Fiction. Anyways,
sa mga may questions about sa Perfect Haters please like our fan page. Kung may
suggestion din kayo sa magiging characters post lang kayo dun then pagbotohan
natin. Thank you. :)

*******************************************
27

*******************************************
ZAK'S POV

"Hala ka kuya she's dead!" nasa harapan namin ngayon si aswang habang tulog na
tulog sya. Mukhang pagod na pagod 'tong babaeng 'to at nauna pang natulog sa
kapatid ko.
"Princess she's not dead. Look." Pinisil ko ang ilong ni aswang at maya-maya ay
gumalaw sya at tumagilid sa may harapan namin. "See."

"Yay! She's not dead!" she said while clapping her hands. "But how am I going to
sleep?" she pouted.

"You can sleep in my room if you want." Umiling si Cia. "So dito ka na lang
matutulog sa tabi ni as - ni Alexa?"

"Yes! Are you staying for tonight? Please stay. Pretty pretty please." Nagpuppy
eyes pa nga sya. Ang kapatid kong 'to hindi ko talaga matanggihan.

"Sige na nga. Pero hindi ka dapat magpuyat ha. May pasok ka pa bukas."

"Yey!!" tumayo sya sa kama at yumakap sa'kin.

"Becareful Cia. Baka magising si ate." Binuhat ko sya at napatingin ako kay aswang
na tulog na tulog pa din.

"Ay shhhhhhhh." Then she smiled.

May naisip akong idea. "You wanna play?"

"Yes. Yes and yes!!!" ibinaba ko sya at kumuha ako ng color pens sa drawer.

"Hey that's mine! What are you going to do with that?" she folded her arms.

"We are going to doodle." Binuksan ko ang color pens at iniabot ko kay Cia yung
ilan.

"I like that! But wait, where's the paper? I'll get one - " papaalis na sya pero
binuhat ko sya.
"We don't need any paper princess." Iniupo ko sya sa kama katabi si aswang. "Magda-
drawing tayo sa face ni ate." Tiningnan ko si Cia pero nakasimangot sya. Mukhang
hindi magandang idea ang ginagawa ko at parang ayaw nya. "Look princess, di ba
natalo mo sya sa ice cream eating contest at nagpromise sya na papatulugin ka nya
but look at her, nauna pa syang natulog sa'yo." Biglang lumiwanag ang mukha nya.
Mabuti na lang at naconvinced ko din sya. "It's payback time."

"You're right kuya. Let's start then." Humarap sya kay aswang. "Ano kayang ida-
drawing ko - ah!" at nagsimula na nga kaming magdoodle. Hindi ko mapigilan yung
tawa.

"Lahat ng may space kukulayan natin okay?" nagagree naman si Cia. Grabe talaga
'tong aswang na 'to. Hindi man lang nagigising sa ginagawa namin. Ang ineexpect ko
pa man eh magigising sya agad kaya konti lang ang mada-drawing namin sa mukha nya.
Pero dahil hindi sya nagising halos natapos na naming kulayan lahat ng parts ng
face nya.

"I'm tired kuya. I wanna sleep." Iniabot ni Cia sa'kin ang mga color pens at humiga
sa tabi ni aswang. "Good night kuya. Good night ate." Inayos ko ang higa nya at
nakatulog din naman sya agad.

Niligpit ko na din ang mga color pens at ibinalik ko na sa cabinet. Kinumutan ko


naman silang dalawa tsaka ko pinatay ang ilaw pero naiwang nakabukas ang lampshade.
Sa sofa na lang ako nahiga dahil gusto ko silang tingnan dalawa. Ang dalawang 'to.
Masaya ako at nagkakasundo naman sila. Kaya lang paano 'to, dito nakatulog si
aswang paano na lang kaya bukas?

Ah, alam ko na. Magandang idea siguro yun. Kaya lang hindi kaya mapatay na ko nito
sa mga gagawin ko. Baka hindi nya pa ko mapatawad sa pagdoodle sa mukha nya.
Hahahaha. Mag-isa na lang ako pero di ko pa din mapigilang tumawa. Makatulog na nga
muna.

********************************************

ALEXA'S POV

Ang sarap ng tulog ko. Parang gusto ko lang humiga maghapon. Dahan-dahan akong
dumilat at napatingin ako sa kwarto.

Te - teka parang kwarto ng bata 'to ah.

"Holy molly!!" napaupo ako agad. May pasok pa kasi at hindi ko alam kung anong oras
na. Kinuha ko agad ang phone ko. Nagtataka ako bakit hindi nag-alarm.
"Ahhhhhhhhhh!" 11am na kasi at 7:30am ang class ko. Nakainis. Absent ako dahil lang
sumobra ako ng tulog.

Teka, nagalarm ang phone ko kasi biglang naoff. Iniistop ko lang naman 'to kapag
nag-aalarm. Sino kayang nagoff nito.

"Good morning!" nagulat ako sa nagsalita. Nakita ko si goon na nakaupo sa sofa na


nakataas pa ang paa.

"Kanina ka pa dyan?" napansin kong nagpipigil sya ng tawa at hindi ko alam kung
bakit.

"Ang tagal mo namang magising. Ayan hindi na tuloy ako nakapasok!!" umiwas sya ng
tingin at pinaglaruan na lang nya ang lampshade sa tabihan nya.

"Eh di sana ginising mo ko para nakapasok din ako no!!" itinago ko na ang cellphone
sa pouch ko.

"Kapal nito! Hindi daw ginising! Eh pati nga kapitbahay namin nagising dahil sa
paggising ko sa'yo! Malay ko bang tulog mantika ka pala!! Kung alam ko lang eh di
sana pinainitan kita dun sa oven!" hindi ko alam kung nang-aasar lang ba sya o
talagang ganyan sya maggood morning sa'kin?

"Nasan na si Cia?" naalala ko nga pala na nangpromise ako sa kanya na papatulugin


ko sya pero ako yung nakatulog. Nakakahiya naman. Ano na lang kayang impression nya
sa'kin ngayon?

"Wala na. Pumasok na. Maaga yung magising at hindi tulog mantika. Masama ang loob
at hindi mo sya pinatulog kagabi. Kapal nito. Hindi na naawa sa bata. Nagpromise
papatulugin nauna pang natulog!" tumayo sya at kumuha ng damit sa drawer. "Oh ayan
bagong bili yang mga yan. Isuot mo!!"
Wow, ang bait. Hindi nya iniabot sa'kin! Ibinato nya!

"Thank you ha!! Sobrang thank you!!!" kinuha ko yung mga damit at - at undies.

>////<

Nakakahiya. Pati ba 'to binili nya?

"Wag ka nang maarte! Parang yan lang! Pati pinabili ko lang yan no! Bilisan mo nga
para makakain na. Gutom na ko!!" umupo ulit sya sa sofa.

Kasalanan ko bang magutom sya? Mukha ba kong ref na taguan ng pagkain? Loko talaga
'tong goon na 'to.

Tumayo na ko at hindi na nagtanong. Mamaya na lang kapag tapos na kong magshower.


Humanda sa'kin 'tong goon na 'to.

Pumasok ako sa CR. Maganda naman at malinis ang CR nila kahit may kaliitan.
Isinabit ko na ang mga damit na ibinigay ni goon.

"Hay!" nagstretch stretch pa ko. Napatingin ako sa salamin.

O.O

What the -

Lumapit ako sa salamin at nakita kong may mga - ano 'to? May mga drawing ako sa
mukha.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!! Siraulo ka talagang goon ka!!!!!"


nagmadali akong lumabas ng CR pero wala na dun si goon. Nakapagtago na ang siraulo
na yun.
Kaya pala kanina nya pa pinipigilang tumawa!! "Wag kang magpapakita sa'king goon
ka!!! Hindi kita mapapatawad!!!!!" sigaw ko bago ulit ako pumasok sa loob ng CR.
Wala na nga kong balak magshower ng matagal pero mukhang matatagalan pa din dahil
sa pagbubura nitong doodle sa mukha ko! Nakakainis talaga!! Hindi na nga ko
nakapasok tapos ganito pa!! Gaano na lang kapangit 'tong araw na 'to? Umabsent ako
ng walang dahilan!! Nakakagigil talaga!!!

*******************************

ZAK'S POV

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!! Siraulo ka talagang goon ka!!!!!"

Sa tinis palang ng boses nya nabibingi na ko. Medyo malayo pa sya sa lagay na yan
ha. Kaya bago pa sya makalapit lumabas na ko ng kwarto.

"Wag kang magpapakita sa'king goon ka!!! Hindi kita mapapatawad!!!!!"

Narinig kong sumarado na ulit ang pinto ng CR. Tingin ko magsa-shower na sya. Sabi
ko na magagalit yun eh. Lalo na siguro kapag nalaman nyang hindi ko talaga sya
ginising kanina. Actually plano ko talaga syang gisingin nung narinig kong nag-
alarm yung cellphone nya. Akala ko sya na nga magpapatay nun pero nakailang alarm
na hindi pa din sya nagising.

Naalala ko yung sinabi nya nung nalasing sya na gusto nyang umabsent ng walang
dahilan pero di ko sigurado kung yun nga yun kaya tinawagan ko si Val. Tinanong ko
sa kanya kung may sinabi bang ganun si aswang at naconfirmed ko na meron nga so
tinuloy ko ang plano. Inoff ko ang alarm nya at hinayaan ko lang syang matulog.
Pinasuyo ko din kay Val na sabihin sa girlfriend nya na ibili ng isusuot 'tong
babaeng 'to. Alam din nila na yun ang plano ko kaya hindi nila sinabi sa professors
kung bakit absent si aswang. Ako lang ang inexcuse nila. Buwahahahaha. Ang galing
ng idea ko no?

Ang problema ko na lang ngayon 'tong si aswang. Alam kong focus sya masyado sa
studies. Aba, tinupad ko na nga yung wish nya magagalit pa sya. Pero kilala nyo
sya, kung paano sya magalit. Tsk! Hay naku, mapapaaga yung date namin. Imbis na
dinner date lang magiging whole day pa. Wala pa mandin akong alam na gagawin. Di
bale tatanungin ko na lang sya kung anong gusto nyang gawin mamaya. Sasama pa kaya
yun sa'kin matapos ng ginawa ko? Alam ko na, sasabihin ko na lang na si Cia ang may
gawa lahat nun. Tama! Napakatalino ko talaga.

Makapagprepare na nga ng pagkain. Maaga akong nagluto akala ko magigising agad yung
aswang na yun. Ganyan talaga siguro mga aswang. Tulog sa umaga at gigising ng
tanghali para konting oras na lang ang itatagal nila sa araw. Hahaha. Buti na lang
hindi ako naririnig ni aswang. Nakakatakot pa mandin sya.

*****************************

ALEXA'S POV

Nakakainis, ang hapdi na ng mukha ko pero hindi pa din nabubura lahat ng


nakadrawing. Ibinabad ko na nga mukha ko sa bathtub tsaka ko iniscrub pero wala pa
ding nangyari. Nakakainis talaga. Lumabas na ko ng CR. Mamaya ko na lang ulit 'to
tatanggalin kapag hindi na masyadong masakit. Ipapatanggal ko 'to sa goon na yun!!

Paglabas ko ng CR wala pa din dun si goon kaya lumabas ako sa kwarto. Medyo gutom
na din kasi ako pero dahil sa badtrip ako wala akong ganang kumain. Dumiretso ako
sa kusina. Nakakaamoy kasi ako ng masarap na pagkain.

Pagpasok ko sa kusina nakita kong nakatalikod si goon at naghahum pa sya ng tongue


tied habang nagpe-prepare ng pagkain. Ang saya-saya nya pa samantalang ako bwisit
na bwisit!

Basa pa ang buhok ko at gulo-gulo pa. Tinatamad akong magsuklay. Papalapit na ko


kay goon para itanong kung anong pagkain. Ano ba sya walang pakiramdam? Hindi ba
nya alam na may ibang tao na dito?

Tumayo lang ako sa likuran nya pero tuloy pa din sya sa ginagawa nya. Takutin ko
kaya 'to? Tss. Asa namang matakot 'to. Hinipan ko na lang ang buhok ko na
nakaharang sa mukha ko habang iniintay kong mapansin ako ni goon.

*Fooooo *Foooo *Foooo


Napansin kong napatigil si goon. Mukhang alam na nyang may iba syang kasama. Sa
wakas, para naman makakain na ko.

*Foooo *Foooo *Foooo

Matuyo kaya ang buhok ko sa kakaihip lang? Ang tagal naman kasing tumingin nitong
goon na 'to. "Pssst!" tinawag ko na kasi mukhang wala naman talaga syang
pakiramdam.

Dahan-dahan syang tumingin sa kaliwa't kanan at tsaka huminga ng malalim. Adik ba


'to? Hello wala ako dyan, nandito ako sa likuran.

*Foooo *Foooo *Foooo

"Grabe naman talaga ang guni-guni ko." Narinig kong bulong nya. So isa pala akong
guni-guni ha.

"Pssssst!" wala na talaga kong lakas. Napayuko na ko sa gutom at napahawak kay


goon.

"AHhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!" pati ako nagulat sa sigaw. Nakita kong nakaupo na si


goon sa mesa na may hawak na - sandok? Anong gagawin nya sa sandok? Nakatitig lang
sya sa'kin. "Dyan ka lang. Wag kang lalapit!"

Naglakad ako dahan-dahan papalapit sa kanya. Bakit ba sya ganyan makareact? Ang OA
ha.

"Sabing dyan ka lang!!!!" hahampasin na nya ko ng sandok pero nakaiwas ako agad.

Inayos ko ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko. "HOY SIRAULO KA!! BAKIT MO KO
HAHAMPASIN? MAY GAPAK KA NA TALAGA SA ULO NO!!!!"

"I - ikaw lang yun?" tinitigan nya ko ng matagal.

"Oo ako nga. Sino pa ba - teka - " bigla kong naisip. Akala nya ba multo ako kaya
sya sumigaw? Hindi ko napigilang tumawa. "Ta -takot ka - ka sa - sa multo?
Hahahahahahahahahahaha" habang nakahawak ako sa tyan ko. Bigla naman syang namula
at bumaba sya sa mesa.

"Sira! Anong takot!! Akala ko lang may aswang invasion na. Naiimagine ko kasi mga
alagad mo na hinahanap ka!!" tumalikod sya ulit at nag-ayos ng pagkain.

"Ashooooo! Palusot ka pa! Takot na takot ka nga." Umupo ako upuan at ginaya ko ang
mga ginawa nya. "Ahhhhhhhhhhhhh! Di ko maimagine na si Zak? Si Zak sisigaw ng
ganun?" hinampas hampas ko pa ang mesa. "Grabe naman ang guni-guni ko." Ulit kong
sabi. Ginaya ko kung paano sya magsalita.

"Tumigil ka na nga dyan! Tsaka wag mong hampasin ang table namin! Ikaw ang hampasin
ko dyan eh!" sabi nya habang nilalagay sa mesa ang mga niluto nya.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!"sigaw ko ulit habang natawa. Tumitig sya sa'kin ng matagal kaya


napatigil ako sa pagtawa. "Oh bakit?"

"Ang panget mo!" at tumalikod sya. Naalala kong hindi pa nga pala natatanggal yung
sulat sa mukha ko.

"Hoy tanggalin mo nga 'to! Kanina ko pa hindi matanggal! Kapag hindi mo 'to
tinanggal swear ipagkakalat ko na takot ka sa multo!!" I rolled my eyes.

"Ipagkalat mo. Hindi ako natatakot!" umupo na din sya sa may tabi ko.

"Pero sa multo natakot ka." Pang-aasar ko ulit. Hindi sya naimik at nakain lang
sya. "Ihhh takot sa multo si Zak! Takot sa multo!!"

"Wag kang kakain ng luto ko!!!" inilayo nya sa'kin mga pagkain sa mesa.

"Uy joke lang." kinuha ko yung plato at kumuha na din ako ng pagkain. "Kapal mong
maginarte sa'kin ha. May kasalanan ka pa sa'kin siraulo ka. Nakita mo 'to?" sabay
turo sa mukha ko.

"Hindi naman ako ang may kasalanan nyan. Si Cia. Kasalanan mo din kasi. Wala kang
isang salita. Buti nga sa'yo." Wow, kasalanan daw ni Cia.
"For sure naman tinuruan mo yung bata!!!" kumain na lang ako at hindi ko na muna
sya inaway. Masyado akong gutom. At isa pa bakit nga pala naligo pa ko. Pwede
namang umuwi na lang ako at matulog since hindi na din naman ako nakapasok.

Natapos na din kaming kumain - ng tahimik. Siguro pareho kaming gutom kaya tahimik
lang kami. Nagsuklay ako habang nagliligpit si goon. Maya-maya lumapit sya sa'kin
may hawak-hawak na bulak at hindi ko alam kung ano yung isa.

"Upo!" itinulak nya ako paupo.

"Ano yan?"

"Pangontra sa mga aswang." Hahampasin ko na sya ulit pero nakaiwas sya.

"Ano pa ba eh di buburahin ko na yang panget mong mukha - este yang sulat sa mukha
mo! Ayaw mo ba? Sya di wag na!" papatayo na sya pero pinigilan ko.

"Sya sige na nga. Bilisan mo at uuwi na ko." Hindi na din sya nagsalita. Parang
cream lang naman yung hawak nya. Nilagyan nya ko sa mukha tsaka nya pinunasan ng
bulak. Kalmado lang sya. Hindi naman sya natingin sa'kin.

"Ayan okay na." Isinara na nya yung cream at inabutan ako ng salamin. Ang galing
nawala na yung sulat sa mukha ko. Parang gumanda pa yung skin ko.

Ayos pwede na kong umuwi. Nag-ayos na ko at kinuha ko na yung mga madumi kong
damit. "Aalis na ko!" sabi ko sa kanya pero wala syang imik. "Sabi ko aalis na ko."

Tumingin sya sa'kin ng masama. "Sinong may sabi?"

"Ako malamang. Meron pa bang ibang nandito?" naglakad na ko papalabas pero


hinawakan nya ko. "Ano?"

"Di ka pa pwedeng umuwi!" hinigit ko ang kamay ko sa kanya.


"At bakit hindi?"

"Kasi - kasi ano - " hindi na naman nya matapos yung sinasabi nya.

"Ewan ko sa'yo!" iniwanan ko syang nakatayo.

"Kasi di ba may date pa tayo?" bigla akong kinilabutan sa sinabi nya. Hindi ako
nakagalaw. Naramdaman ko na lang na nasa tabihan ko na sya. "Hindi ka ba talaga
nag-iisip? Pagbibihisin pa ba kita kung pwede ka namang umuwi na ganun ang itsura?"

"Ah ang yabang mo din no! Eh kung ayokong makipagdate sa'yo dahil sa ginawa mo
sa'kin?" hindi sya makatingin ng diretso sa'kin at napayuko na lang sya.

"Ayaw mo talaga?" mahina nyang tanong. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pero
parang bigla akong nanghina ng marinig ko ang boses nya na parang nalulungkot.
Nalulungkot ba sya? Ayoko nga ba talagang sumama sa kanya? Bakit ba kasi pabigla-
bigla sya.

Nagbuntong hininga sya. "Sige mamayang dinner na nga lang kung ayaw mo." Nilagay
nya sa bulsa nya ang dalawa nyang kamay habang nakayuko pa din. Ay, ang gwapo nya
sa itsura nyang ganun. Parang ang bait.

"Di - dinner? Ngayon ba yun?" biglang nagbago ang facial expression nya.

"ANo ba talagang nasa isip mo? May kadate ka ba na iba kaya ayaw mong sumama
ngayon? Sinasabi ko sa'yo babasagin ko mukha nung lalaking yun!!!!" hindi ko na
talaga alam kung paano tatantyahin 'tong lalaking 'to.

"Sige nga basagin mo mukha mo!"

"A - ano? Ba - bakit ko naman gagawin yun?" bigla syang natigilan. Buti naman
nagets nya yung sinabi ko. Nagets nga ba talaga?

Natahimik kami ng ilang minuto. Mukhang nagets nya nga. Mabuti naman. So sino ba
dapat ang unang magsalita sa'min?
"Sa - saan mo gustong pumunta?" kung pwede ko lang picturan ang itsura nya ngayon
ginawa ko na. Nakakatawa kasi. Akala mo kung sinong mabait.

"Kahit saan! Basta malayo sa'yo!" at naglakad ako palabas.

"Pwede ba yun!! Eh ako nga kasama mo!! Tsaka pwede ba wag kang mangiwan!! Sabihin
mo din san mo gustong pumunta!! Wala akong alam sa ganito no!!" salita sya ng
salita habang palabas kami ng bahay. Naririndi na ko.

"Hoy goon wala din akong alam sa ganito no kaya pwede ba tumahimik ka na dyan!! Isa
pa marami kang kasalanan sa'kin kaya ako ang masusunod. Kapag sinabi kong wag kang
maingay wag kang maingay!!!" papasok na ko ng kotse pero bigla nyang isinara.

"Sa motor tayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Sa motor daw?

"Ayoko nga! Magpapayakap ka lang sa'kin eh."

"Asa ka naman!! Lakad na!!" hindi na ko nakaangal kasi binuhat na nya ko pasakay sa
motor. Sya na din ang nagsuot ng helmet sa'kin tsaka sya sumakay sa motor.

"Are you ready?" then he smirked. San naman kaya kami pupunta? Instead na dinner
lang mas napahaba pa ang oras para sa kamalasan ng buhay ko kasama ang goon na 'to.
Marami syang dapat sagutin sa mga tanong ko at patay sya sa'kin kapag hindi ko
nagustuhan ang mga sagot nya.

Hindi pa kami nakakalayo ng bigla nyang patakbuhin ng mabilis ang motor kaya
napasigaw ako!!

"AHhhhh!! Ibaba mo na ko!!!" sa sobrang takot ko napayakap ako sa kanya. Bigla


namang bumagal ang takbo namin ng nakapayap na ko sa kanya.

"Good girl!" narinig kong sabi nya.

"Sabi ko na nga ba magpapayakap ka lang sa'kin. May paasa-asa ka pa dyang nalalaman


ha."

"Tumahimik ka na nga lang."

"Ikaw ang tumahimik. Ako ang boss ngayon."

"Walang boss."

At nagtalo kami habang nasa byahe na parang may patay kung magpatakbo sya pero
binibilisan kapag inaalis ako ang pagkakayakap ko sa kanya.

A/N

Ready na ba kayo sa date nila? Anyways, vote, comment and follow. At namimili ako
ng mga gagawing characters so kung may suggestion kayo punta lang sa page natin.
Click the external link ---------------------------> Sa mga nagpapadedicate gusto
ko man kaya lang para fair sa iba pipili na lang ako ng may pinakamagandang comment
at sa kanya madededicate ang next chapter. Happy reading and thanks for loving
PH. :)

<3

megladiolus (Mela)

*******************************************
28

*******************************************
A/N

Oh my golly! Nareach na ang target kong 200K reads so heto na ang update. And the
good news is #4 pa din tayo sa Teen fiction and #6 sa Humor. Yey! Next target ko is
1000 comments and 5000 votes so tutulungan nyo ko. Hahaha. Thank you sa mga
comments. Binabasa ko yan lahat. Daming nagpapadedicate pero like what I've said sa
comment ko na lang titingnan. :) So this chapter is dedicated to
AngelicaEsteleydes. :) Pihaba ko na so sulitin. And another thing, hindi naman
pwedeng palaging moments nilang dalawa lang. Kelangan lumabas ang tunay na flow ng
story. :) so happy reading. Vote, comment, follow and like our fan page. Click the
external link. ------> Thank you. <3 you all.

*megladiolus (Mela)

*********************************************
JEZHI'S POV

Kanina ko pa tinatanong 'tong sila Val kung nasan ba si Alexa at kung anong
nangyari sa kanya. Masyado na kasi akong nag-aalala. Kilala ko ang bestfriend ko,
hindi sya naabsent ng walang dahilan. We've been friends for two years at kabisado
ko na sya.

"May nangyari ba sa kanyang masama?" pinaghahampas ko si Val ng bottle ng distilled


water ko.

"Wala nga bakit ba ang kulit mo?" alam kong medyo naiinis na din sya sa'kin pero
ano namang magagawa ko di ba? Isa lang akong nag-aalalang kaibigan.

"Eh bakit hindi sya pumasok? Kasama nya ba si Zak?" I'm so freakin' out.

"Safe naman si lady ghost kay Zak. Don't worry." Cool na cool na sabi ni Trav.

"So meaning magkasama nga sila? Bakit sila magkasama? Anong ginawa ni Zak sa
kaibigan ko?" nahi-hysterical na talaga ko.

"Ang OA mo naman. Mali ka ata ng tanong. Hindi ba dapat 'ANONG GINAGAWA NG KAIBIGAN
MO SA KAIBIGAN NAMIN'!" konting-konti na lang talaga sasabog na ko sa Val na 'to.

"Hoy ungas, kaibigan din natin si Lex." Binato ni Tuck si Val ng takip ng energy
drink na iniinom nya.

"I know my bestfriend, she hates boys kaya alam kong - alam kong may hindi normal
na nangyayari dito at sasabihin nyo sa'kin kung ano yun!!" tiningnan ko sila isa-
isa pero blank lang lahat ng reactions nila. Ang hirap mabasa. Hindi pa mandin ako
magaling sa pagbabasa ng facial expression.

"At kilala din namin si Zak, he hates girls. So kung magkasama man sila wala na
tayong dapat ipag-alala. Kahit parang aso't pusa sila hindi naman yun
magpapatayan." Sabi ni Luke. Hindi ko na talaga sila maintindihan. Hindi ko alam
kung kasabwat pa sila sa pagkakaabsent ni Alexa ngayon.
"Nasan ba kasi sya? Bakit nagpabili ka pa ng damit sa'kin!!" hinampas ko ulit si
Val.

"Hindi naman para kay Alexa yun no!" epal ni Luke sa likuran namin. Nandito kami sa
tambayan nila sa likod ng gym. Hindi sila makatagal sa cafeteria dahil
pinagtitinginan na kami sa sobrang pangungulit sa kanila.

Tiningnan ko ng masama si Val at kumulo ang dugo ko. "Hindi para kay Alexa? Who the
hell!! You two timer prick!!!!" Ang kapal ng mukhang utusan akong bumili ng damit
ng babae nya!

"What? Baby it's not what you think!" nakita kong tumingin ng masama si Val kay
Luke at natawa lang si Luke.

"What - what your face!!! Kaya pala ayaw mong sabihin." Humarap ako sa kanilang
lahat. "Kayong lahat kapag nalaman ko na binenta o pinatay nyo ang kaibigan ko I
swear pagbabayaran nyo yan ng buhay nyo!! Hindi nyo kilala ang parents ni Alexa.
Masyado silang maimpluwensya at kaya nila kayong ipabura sa mundo!!!!" lumapit ulit
ako kay Val. "At ikaw, kapag nalaman kong para sa babae mo ang damit na pinabili mo
sa'kin at hindi para sa kaibigan ko humanda ka din!!!" itinulak ko sya at umalis
ako.

"Baby wait! Let me explain!!!" papatigil na sana ko pero nakita kong hinawakan si
Val ni Rich at umiling sya then hindi na nya ko sinundan o tinawag. Great!
Napakagaling ng boyfriend ko!! Nakakainis lang!

"Hey Val!!!!" sigaw ko. Bigla syang ngumiti. "Goodbye. Break na tayo!!" then
tumalikod ako ng hindi ko tinitingnan ang reaksyon ng mukha nya. Gwapo nga sya at
mabait pero lalaki pa din sya. Sa itsura nyang yan marami ang nagkakagusto sa
kanyang babae. Dun na sya sa babae nya, siguro natulog yun sa bahay nya kaya walang
masusuot. Mga flirt!!!!! Akala nya ba sya lang ang lalaki sa mundo? Dadamayan ko na
lang si Alexa sa pagiging manhater!

Wait - Alexa! Nasan na ba kasi sya. Nagwoworry na ko. Kapag hindi ko pa din sya
nakausap before the day ends, tatawagan ko na talaga ang parents nya. Alam kong
malaking gulo kapag biglang dumating ang parents ni Alexa dito pero hindi kasi si
Alexa yung tipong bigla-bigla na lang mawawala!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko sya. Nagriring lang ang phone nya. MGa
tatlong beses ko din syang tinawagan pero hindi pa din sya nasagot. Dahil hindi sya
nasagot naisipan ko na lang syang itext.
Sis, are you still alive? Call me or else I'll call your parents. Sasabihin kong
nakidnap ka!!

Message sent!

Hindi ko alam kung mababasa nya ba 'tong text ko. Paano kung nasa kidnappers ang
phone nya? Napapraning na ko talaga. Hindi ko na alam ang gagawin. Mabuti pa
umatend muna ko ng iba kong klase.

****************************

VAL'S POV

"Hey Val!! Goodbye!! Break na tayo!!!"

What the - break agad? Tsk! Ano ba kasing mga kalokohan nito ni Zak pati ako
nadadamay!

"Bayaan mo muna sya dude. Alam mo naman kung anong plano natin today di ba? Minsan
lang din humiling si Zak sa'tin at isa pa yun talaga ang plan natin for Lex di ba?"
sabi ni Rich.

"Ano na ba talagang meron sa kanilang dalawa?" tanong ni Tuck. Ilang araw na din
kasi naming hindi nakakasama ng matagal si Zak. Ganito lang naman sya kapag may
laban pero ngayon alam naman naming hindi laban ang pinagkakaabalahan nya.

"Alam ko game lang lahat. I know Zak hindi sya basta-basta magkakagusto sa kung
sino lang na babae." Explain ni Luke.

"That's the point dude. Hindi basta-bastang babae si Lex. Aminin nyo na, iba sya sa
mga nakilala natin. Nakita nyo naman kung anong trato nya sa'tin. Parang normal na
tao lang tayo para sa kanya. Sya lang ang nakakapagsabi ng lahat ng gusto nya sa
harapan natin ng hindi tayo sinasamba." Napapailing si Tuck habang nagsasalita.
Alam kong tama sya at aminado kami dun.
"Hindi naman pwedeng solohin lang ni Zak si Lex." Lahat kami napatingin kay Luke.
"O bakit? Dapat fair ang trato natin sa kanya. I mean dapat fair yung binibigay
nyang time sa'tin hindi yung palagi na lang si Zak. Paano kung magkagusto si Lex sa
kanya? Gusto nyo bang masaktan lang si Lex?" bigla naman akong nagworry sa sinabi
ni Luke. Pareho silang may point ni Tuck pero anong gagawin namin?

"Bakit sino bang dapat magustuhan ni Lex? Ikaw?" minsan lang makisali sa ganitong
usapan 'tong si Trav kaya lahat kami nakikinig. "Wala namang masama kung magustuhan
ni Lex si Zak kung yun talaga yung nararamdaman nya. At sa tingin nyo ba hindi din
nagkakagusto si Zak sa kanya? Lahat ng tao pwedeng magbago, at kung si Lex ang
magpapabago kay Zak di ba dapat matuwa tayo para sa kanya? Kaibigan natin silang
dalawa kaya kung kanino sila sasaya dapat suportahan lang natin." Wow, ang haba ng
lines ni Trav ngayon ah. Ano kayang nakain nito.

"Kaya hindi din ako magtataka kung lahat tayo magkagusto sa kanya dahil nag-iisa
lang sya. At kung para sya kay Zak, wala na tayong magagawa. Pero sana hindi din -
" nagulat si Tuck dahil nakatingin kami sa kanya at iniintay namin kung anong huli
nyang sasabihin. " - magkamali ang pagpili nya. Ano ba kayo! Mga ungas talaga
kayo!" tumayo sya at nagstretch din. "Mabuti pa pumunta na tayo sa meeting place.

"Oo nga. Excited na din akong makita si Lex." Nakangiting sabi ni Rich habang
tumatayo.

"Sabihin natin kay Zak sa'tin naman si Lex ngayong araw. Kanya na nga sya ng
maraming beses eh." puro banat si Rich kaya ayan nabatukan tuloy ni Trav.

Posible nga kayang magkagusto kaming lahat kay Lex? Pero sa tingin ko hindi naman,
oo espesyal nga sya pero alam naman naming hindi kami deserving para sa kanya. Pero
hindi din namin alam kung deserving ba si Zak for her.

"Uy wag mo munang isipin yung jowa mo! Tutulungan ka naming makipagbalikan sa
Lezlie na yun!" umakbay sa'kin si Luke habang naglalakad kami kasunod nila Tuck.

"Jezhi ulul! Kung narinig ka nun malamang lalo kaming hindi nagkabalikan!! Kung
sino-sinong pangalan sinasabi mo dyan!!" inalis ko ang pagkakaakbay nya at naglakad
na kami papunta sa parking lot.

*************************************

ALEXA'S POV
Finally natapos na din ang byahe naming hindi ko alam kung saan napunta. Hindi na
ko familiar sa place na 'to. Nagpark lang si goon ng motor sa may court. Hindi
naman sya nagsasalita. Ano bang klaseng date ang gusto nya? Akala ko ba ako ang
tatanungin nya? Kapag lang ako hindi nagenjoy sa date na 'to naku hindi ko sya
mapapatawad. Hindi ako nakapasok dahil sa kanya. Oo nga nasabi ko nga yun nung
lasing ko pero di naman ibig sabihin gusto ko talagang gawin.

"Aswang dito ka muna. May kukunin lang ako." Itinuro nya ang isang bench.

"Ano? Iiwanan mo ko dito?" hello. Wala ngang tao sa paligid tapos iiwanan nya ko,
eh pano kung may masasamang loob dito.

Te - teka. Masasamang loob? Bakit hindi ko agad naisip? Baka naman - baka naman may
pipick up sa'kin dito. Oh no! Napakahina ko naman at hindi ko agad naisip yun.
Napahawak ako sa ulo. Sana kanina ko pa 'to kinatok para nakapagisip ako ng maayos.
~_____~

"Hoy! Ano pang tinatayo-tayo mo dyan?!! Hindi nga ko sabi nagbebenta ng mga babae
lalo na tulad mo kaya wag ka nang mapraning dyan!! Lalapit ka ba o hihigitin pa
kita?" syempre lumapit ako agad dahil ayokong makaladkad.

Umupo ako sa bench. "Bilisan mo ha. Kapag ako namassacre dito sinasabi ko sa'yo
dadalawin kita!" I rolled my eyes.

"Tss! Takot na lang nila sa'yo." Narinig kong bulong nya.

"What?" tumalikod na sya at naglakad papunta sa - hindi ko pala alam kung san sya
pupunta.

Tumingin ako sa paligid. Walang kahit ano aside sa mga puno at malawak na field.
Parang soccer field nga eh. Tapos may isang malaking building sa harapan ko.
Feeling ko likuran 'to ng building kasi wala namang kahit ano.

Sandali palang nawawala si goon naiinip na ko. Paano wala akong maaaway. Hayyyyy!!

Naisip kong icheck ang phone ko.


Mabuti na lang talaga at naisipan kong icheck. Nagtext pala ang Jezhi na 'to. Isang
malaking gulo ang mangyayari kapag nagsumbong sya kina mommy. Loka-loka talaga.
Tinawagan ko sya agad para naman hindi na nya gawin ang kalokohan nya.

[HOY ALEXA CIESLA ANDRADE!!! WHERE THE HELL ARE YOU!!!!!]

Sa sobrang lakas ng boses nya kahit isang dipa na ang layo ng phone ko from my ear
rinig na rinig ko pa din.

"Relax okay? I'm fine. Nalate lang ako ng gising kaya hindi ako nakapasok."

[Nalate? Nalate ka lang ng gising hindi ka na pumasok!!! Ano bang nangyayari sa'yo?
Magkasama ba kayo ni Zak? Anong ginawa nya sa'yo? Yung damit ba na pinabili sa'kin
ikaw ang gumamit? Sabihin mo!!!]

"Teka, bakit ang dami mo bang tanong?"

[Sagutin mo na lang please.]

"Fine. Hindi ko din alam pero hindi talaga ko nagising. Sabi ni goon ginigising
naman daw nya ko pero di ko sure kung totoo nga and yes may pinasuot nga sa'kin si
goon na damit."

[OMG! Magkasama kayong natulog ni Zak kagabi? Where? Anong ginawa nyo? Oh my
goodness sis, akala ko you hate boys pero nauna ka pang gumawa ng bagay na hindi
ginagawa ng mga bata.]

"What the hell Jezhi! Ang dumi naman ng isip mo! Nandun ang kapatid nya okay. Isa
pa hindi ko gawain yang mga tulad ng nasa utak mo okay!!!!! Tsaka pwede ba wag kang
makatawag-tawag kina mommy!! Naku alam mo naman kung gaano kasiraulo ang parents
ko. Pati ikaw mapapahamak!! Mag-isip ka nga!!"

[Tinatakot lang naman kita. Paano kasi hindi ka nagsasabi - ]


Holly golly! Nalobat pa ko. Malas naman talaga. Pero ayos lang, nasabi na din naman
ni Jezhi na hindi sya tatawag sa parents ko. Okay na din yun.

Hindi pa din bumabalik si goon. Nakakainip na ha.

"Lady ghost!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sa sobrang lakas ng sigaw napalingon


ako sa likuran.

Ang gugwapo naman ng mga naglalakad na 'to! Natatawa ako sa naisip ko. Parang ang
tagal kong hindi nakita 'tong mga boys na 'to at ang gwapo nila sa paningin ko.
Tumayo ako at kumaway sa kanila with matching killer smile. Ngumiti din naman sila
sa'kin habang papalapit.

"Hey!" bati ko sa kanila once na makalapit sila sa'kin.

"Namiss kita Lex!" wow ha nagpu-puppy eyes din pala 'tong si Luke.

"I missed you too!" nakangiti kong sabi ng biglang batukan ni Rich si Luke.

"Ungas ka talaga. Tingin mo ba ikaw lang ang nakamiss kay Lex?" nakaamba ng suntok
si Rich kay Luke pero napigilan ko.

"Okay na yan Rich. Namiss ko naman kayong lahat." Lahat sila napangiti ng sabihin
ko yun.

"Okay group hug!!!" sigaw ni Val. Akala ko susugurin na nila ako ng hug pero
nagulat ako ng hindi sila nakagalaw agad. Nagulat ako ng makita kong may mga dala-
dala sila.

"Ano yang mga yan?" tanong ko habang nakatingin sa black bags.

"Let's get it on!!!" sabi ni Tuck then he winked. Oh my ang gwapo nya ngayon.

"Sumunod ka sa'min!!" sabi ni goon sa'kin na nasa likuran nila Tuck. Sa kanilang
lahat sya lang ang malapit ko ng ipakain sa mga nagugutom na tao sa paligid.
Napasungit!!!

"Malamang! Alangan namang magpaiwan pa ko dito!!!" sumunod ako sa kanila at


nakarating kami sa malaking wall ng back part ng building. Binuksan ni goon ang bag
na dala-dala nya at ganun din ang iba. May mga nilabas silang mga - hindi ko alam
kung ano yun pero parang sprayer.

"Catch!!" sigaw ni Tuck sabay hagis ng sprayer sa'kin.

"What's this?" Tinitigan ko maige yung inihagis ni Tuck. Nakita kong kinakalog nila
ang mga hawak hawak nila at nagsimulang magspray sa wall.

Oh spray paint pala. Bakit di ko agad naisip!

Teka, bakit sila nagis-spray sa wall? Hala kinakabahan ako sa ginagawa nila.

"Hoy hindi ba bawal yang ginagawa nyo? Baka mahuli kayo nyan!!!" never ko pang
nagawa yan sa buhay ko at alam kong bawal yan lalo na sa private property.

"Ang arte mo talaga!! Gumaya ka na lang para matupad na yung pangarap mong
magvandalise." Lumapit si goon sa'kin at itinulak ako papalapit sa wall.

"Your turn lady ghost." Sabi ni Trav. Kamukha nya talaga si Edward. Ang lamig pa ng
boses.

"Ehem!!" sabay-sabay na sabi nila Rich. "Hoy Trav wag maduga ha. Pantay-pantay tayo
dito."

Hindi ko alam kung ano namang pinagtatalunan nila. Pero nagkanya-kanya na din sila
ng sulat sa wall.

LADY GHOST <3

Isinulat ni Luke at nilagyan nya ng design.


LUCKY GIRL :)

Yan naman ang ginawa ni Tuck. Simpleng sulat lang. Walang arte-arte.

Ang iba naman eh nagdrawing ng kung anu-ano. Magaling din palang magdrawing 'tong
si Trav. Pinapanood ko lang sila ng bigla silang nagtingnan sa'min ni goon na nasa
likuran lang nila.

"Oh kayo dyan dalawa? Audience na lang?" sigaw ni Val kay Zak. "Wag ka nang maarte
dyan! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko!!" lumayo na si Val na parang badtrip
at naupo sa ground.

Umiling lang si goon at tumingin sa'kin. "Hoy your turn!!" naglakad sya papunta sa
wall at nagspray na din. Binabasa ko yung ginagawa nya ng bigla syang napatingin
sa'kin. "Gumawa ka nga ng sa'yo hindi yung nakikitingin ka sa ginagawa ko!"

"Wow ang kapal! Feeling mo yang gawa mo yung tinitingnan ko? Feeling mo lang yun!!"
naglakad na din ako papunta sa may wall habang nag-iisip ng isusulat.

Ugh! Dapat ba hindi maglagay ng name sa mga ganito? Siguro nga kasi kung maglalagay
ka at mahuli pwedeng makulong. Tsk! Ang saklap. Teka - kung pangalan kaya ni goon
ang ilagay ko? Pati contact number na din kaya? Hahahahaha. Nababaliw na ko at
natawa akong mag-isa.

"ANong tinatawa-tawa mo dyan!!" sigaw ni goon.

"Wala kang pakialam!!" nagspray na din ako. Isang point lang. Wala talaga akong
maisip. Dahan-dahan akong tumingin sa ginagawa ni goon tapos bigla akong babalik ng
tingin sa pwesto ko. Wala akong maisip. Nakakainis.

Napansin kong kaming dalawa na lang ang naiwan sa wall.

"Kahit ano na lang ilagay mo lady ghost!" narinig kong sigaw ni Luke.

Dahil wala akong maisip ang unang pumasok sa isip ko ay SLUTS Z & G then binold ko
pa maige yung letters. Oh wala naman akong nilagay na name. Mabuti nga mabait pa ko
sa Zanea at Gene na yan at hindi ko isinulat ang whole name nila!

"Nice one Zak!!" nagtatawanang sabi nila Rich. Nacurious naman ako kung anong
ginawa ni goon kaya sumilip ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung anong
sinulat nya.

Aswang 'n SG

Letterings pa yan ha. Okay naman, maganda kaya lang nakakainit ng ulo.

"Anong aswang ha!!" hinampas ko sya ng bottle ng spray paint na hawak ko.

"Wow nakabasa ka lang ng aswang feeling mo ikaw na yun! Bakit ikaw lang ba ang
aswang sa mundo?" ang kapal talaga ng mukha nitong goon na 'to.

"Ah ganun pala ha!!" binura ko ang aswang na word gamit ang spray paint at nagsulat
ng isang malaking word na GOON!

"Hoy!" biglang napatigil si goon ng tingnan ko sya ng masama. Nagulat ako ng


inisprayan nya ang sinulat ko hanggang sa mabura.

"Bakit mo binura!!!!" sigaw ko sa sobrang inis.

"Ikaw kaya ang nauna dyan!!" at nagsulat sya ulit pero binura ko ulit. "Sumosobra
ka na ha!!"

"Para talaga silang bata. Dyan talaga nagsisimula yan." Pabirong sabi ni Val.

"HINDI!!" sabay naming sigaw ni goon. Tinuloy namin ang pagbubura sa sulat ng bawat
isa. Hindi kasi sya nagpapatalo so dapat ako din.

*Pirrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiitt!
Bigla kaming natigilan lahat ng may marinig kaming pumito.

"HOY KAYO DYAN!! ANONG GINAGAWA NYO?!!" sigaw ng security guard.

"Takbo!!!" biglang nagtayuan sila Val at mabilis na tumakbo. Hindi ko alam ang
gagawin. Magsosorry na lang ako at magbabayad ng damage. Okay na yun kesa makulong.
Hindi ako makagalaw. Kinakabahan ako.

Ready na kong humingi ng sorry ng maramdaman kong may kumapit sa braso ko at


hinigit ako ng mabilis.

"Tutunganga pa sinabi na ngang takbo!!" at sa nakakainis na boses na yun bigla


akong bumalik sa pag-iisip. Nakita ko si goon na tumatakbo ng mabilis habang kami
ay hinahabol ng dalawang guards.

"Maghati na muna tayo. Kita tayo sa kabila!!" sabi ni goon. Kung saan mang kabila
yun wish ko wag naman sa kabilang buhay. Kung makakaladkad kasi sya sa'kin parang
gusto ko nang humalik sa lupa at yung pakiramdam lang na may tinatakbuhan kami eh
parang aatakihin na ko sa puso.

***************************************

ZAK'S POV

Bakit ba kasi wala akong alam sa mga biglaang date. Ayan tuloy napasabak kami
ngayon. Nadamay ko pa ang mga kaibigan ko. Kinasabwat ko din kasi sila para magawa
'to dahil kung ako lang malamang sesermonan lang ako ni aswang at hindi nya ko
susundin. Sa tigas ba naman ng ulo nitong babaeng 'to! Tsk! Dinner lang kasi ang
nakaplan namin today pero dahil gusto ko ngang maexperience ni aswang ang mga
wishes nya eh dinalawa ko na ngayong araw. Una ang hindi pagpasok ng walang valid
reason and second ay ang vandalism. Oha dahil lang gusto ko syang sumaya ginagawa
ko 'to kaya naman ngayon nananakbo kami para hindi mahuli ng mga security guards.

"Wala na sila!" sabi ni Val. Dito kami sa left side tumakbo nila Val, Luke at
aswang nasa kabila naman sila Trav, Tuck at Rich.

"Pwede bang magpahinga lang tayo sandali?" hinigit ni aswang ang braso nya sa
pagkakahawak ko at naglakad papalayo sa'min.
"Wag kang lumayo!!" nakakainis 'tong babaeng 'to. Hindi naman nya alam kung nasaang
lugar sya pero kung makapag-isa akala mo kung sino.

"Zak!" dumating na din sila Tuck.

"San pupunta si Lex?" tanong ni Trav ng mapansin naming malayo na si aswang.


Siraulo din talaga yung babaeng yun. Sinundan naman namin agad sya at naabutan
namin syang nakaupo sa bench.

Hinawakan ko sya sa braso. "Aalis na tayo."

"Hindi ba pwedeng magpahinga muna?" parang konting takbo lang pagod na agad sya.
Ano ba namang klase 'to.

"Zak." Mahinang tawag ni Tuck at tumuro sya sa kabilang direction. Nakita ko sina
Walter, ang leader ng Delfi.

"Bilisan mo na kung ayaw mong mapahamak!!!" hinigit ko si aswang at nagmadaling


naglakad. Nasa hulihan naman namin sila Trav.

"Ba - bakit ba?!!!!" alam kong nagtataka sya kung bakit kami nagmamadaling lahat
pero hindi 'to ang time para ipaliwanag sa kanya. Kelangan naming makaalis dito ng
walang sugat. May date pa kami mamayang gabi. Bakit ba ang daming aberya? Minsan na
nga lang ako magyaya ng date ganito pa ang nangyayari.

"Sterke Geest!!!!" yan na nga ba ang sinasabi ko. "Tatakbo na lang ba kayo?"

Wala na kaming nagawa kundi ang tumigil. Walang salitang 'takbo' sa grupo namin.

"Bakit kayo tumigil? Sino si Shark Cheese?" tsk! Hindi ba alam ng aswang na 'to
kung sino kami? Kaya ba ganun na lang nya kami tratuhin? Binaboy nya pa ang
pangalan ng grupo namin.

"Naligaw ata kayo sa teritoryo ko ha?" sabi ni Walter kasama ang sampung alagad
nyang uhugin.

"Wala naman kaming nakitang pangalan sa lugar na 'to." Ayan na, nag-iinit na ang
ulo ni Tuck. Tsk! Hindi ako pwedeng makisali dahil dito kay aswang pero hindi ko
din naman pwedeng hayaan na lang ang mga ungas na 'to na lumaban.

"Wow si champion nandito pala. Eh di simulan na natin!!" tumingin sya sa mga kasama
nya na parang nasenyas.

"Dyan ka na lang kay Lex. Kaming na ang bahala dito." Kalmadong sabi ni Trav.
Itinago ko sa likuran ko si aswang para hindi nya makita kung anong mangyayari.

"Sino sila at bakit - bakit kayo mag-aaway? Tsaka - tsaka sino yung shark cheese?
Ano nga yun?" tsk. Hindi nya nga alam.

Bago pa ulit makapagtanong si aswang nagsimula na ang bakbakan. Sisiw lang naman
kina Tuck 'tong ganitong laban kaya lang nakalimutan naming teritoryo nga pala nila
'to kaya dumadami sila. Hindi pwedeng wala akong gawin. Kahit naramdaman ko ang
mahigpit na kapit ni aswang sa'kin hindi pwedeng panuorin ko na lang ang mga
kaibigan ko.

"Dito ka lang sa sulok na 'to. Kapag may lumapit sa'yo sumigaw ka lang okay."
Nakita ko sa mukha ni aswang na takot na takot na sya. "Don't worry, tatapusin ko
'to. May dinner date pa tayo di ba?" tumango lang sya at halatang pinipigil ang
pag-iyak.

Tumulong na ko kina Tuck sa pakikipaglaban. Mahihina naman sila. Marami lang kaya
matatapang. Sanay kaming lumaban sa mga ganito ang kaibahan lang may kasama kaming
isang babae na pinapahalagahan naming lahat. Wag lang silang magkakamaling idamay
si aswang dito kung hindi -

"AHHHHhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" napatingin ako agad sa pwesto ni aswang at nakita


kong may dalawang lalaking nakahawak sa kanya.

"Bitawan nyo sya mga ungas!!!!!" alam ko kanina pa sya natatakot kaya nilapitan ko
agad sila. Isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa isang lalaki at hinigit ko si
aswang. "Okay ka lang?"

"Pinukpok - " At bigla syang nahimatay. Nakita kong may dugo sya sa ilong. "Anong
ginawa mo sa kanya?!!!!!" ibinaba ko sa ground si aswang at hinawakan ko sa leeg
ang lalaking humawak sa kanya. "Te -teka champion. Pinukpok nya ko ng bottle spray.
Tsaka tinatakot lang namin sya!" Pinukpok nya ng bottle spray? Tumingin ako sa may
paanan ni aswang at may nakita nga akong sprayer. Tsk! Sinabi ng wag makialam!!

Sinakal ko ang lalaking at dahan-dahan kong itinaas dahil hinawakan nya pa din si
aswang. Walang ibang pwedeng humawak sa kanya kundi ako lang!! Ako lang!!! "Alam mo
bang may date pa kami mamaya!!!!! Kapag hindi yun natuloy tandaan mo uubusin ko ang
Delfi!!!!!" iniuntog ko sya sa poste. Tumama ang ulo nya sa bakal at bumagsak sa
lupa.

"Alexa! Alexa!!" sh&t naman talaga! Bakit ba kasi napakalapit nitong babaeng 'to sa
kamalasan. Ang lakas ng loob mapukpok!! Ano ba sya sa tingin nya? "Hoy Alexa!!"
kinalog ko ang ulo nya at pinunasan ang dugo sa ilong nya. "Kapag hindi ka gumising
wala na tayong date!!!"

Naramdaman kong kumilos sya. "Ti - na - takot mo ba ko?" nanghihina nyang tanong.
"Pukpukin kita dyan ma - makita mo!!" kahit hinang-hina na sya pinilit pa din nyang
magtaray. Iba ka talaga. Iba ka talaga Alexa. Hinawakan ko sya sa pisngi habang
pinagmamasdan ang mukha nya.

"Dude! Kayo ng bahala!!" sumenyas ako kina Tuck. Hindi ko kayang iwanan sa laban
ang mga kaibigan ko pero hindi ko din naman kayang hayaang mapahamak ang babaeng
'to.

Ang babaeng 'to. Sh&t! Ano na naman 'tong kabang nararamdaman ko. Binuhat ko si
aswang at naglakad pabalik sa court kung san ko ipinark ang motor ko.

"Lumayo ka na sa'kin please goon. Ayoko na sa gulo."

"Ayoko nga! Kakain pa tayo at mamasyal. Yung totoong pasyal na tayo lang." mang-
aasar na sana ako ng biglang kumapit ang dalawang kamay ni aswang sa may leeg ko at
isinandal nya ang ulo nya sa dibdib ko.

Oh f*$K! Maririnig nya! Maririnig nya ang mabilis na heartbeat ko.

*BUGSH!

"Aray! Bakit mo ko binitawan!!!" sh&T Zak bakit mo nga naman sya binitawan?
"So - sorry. Kasi - ano - biglang sumakit yung braso ko. Napuruhan ata ng suntok.
Aray!" pero ang totoo arte ko lang. Kasi naman bigla ko na lang syang binitawan.

"Ga -ganun ba?" tumayo sya at lumapit sa'kin. "Nasan yung masakit? Okay ka lang?"
hinahaplos nya pa ang braso ko. Ano ba 'tong babaeng 'to. Parang drugs. Habang
tumatagal nakakaadik. Sh*T ano bang sinasabi ko?

"Hoy Zak!!! Nakikinig ka ba?" may sinasabi ba sya? Wala akong marinig. Parang sya
lang ang nakikita ko pero hindi ko sya marinig ng maayos.

"A - ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Sa - sabi ko tara sa - sa ano. Sa - di - di ba mamamasyal pa tayo!! Pero kung


masakit pa yang braso mo okay lang kahit wag - kahit next time na lang." Hindi ko
makita ang mukha nya dahil nakayuko sya.

"Ha? Hindi na masakit! Ang galing oh! Wow may magic ata ang haplos mo!" inikot-ikot
ko pa ang braso ko sa harapan nya ng mapansin kong masama na ang tingin nya sa'kin.
Oh oh. Mas nakakatakot 'tong si aswang kesa kina Walter.

"Ikaw talaga goon!!!!!" at naghabulan na nga kami papuntang parking lot. Sana okay
lang sina Tuck. Alam kong okay lang sila. Hindi ko kasi kayang madamay si Alexa.
Hindi.

*******************************************
29

*******************************************
Mabilis ang update ko ngayon so sana mabilis din ang pagcocomment at pagvote nyo.
Kelangan ko ng mga comments, wag naman puro 'update please' ang icomment nyo lalo
kung kakaupdate ko lang. May iba pa din naman akong stories so please understand.
This chapter is dedicated to PreciousStoneee . Enjoy this chapter and don't forget
to vote, comment ng madami, follow and like our fan page. :) Share this story to
your friends on fb or twitter. Hahaha. :) Thank you

<3

*megladiolus

**********************************

ALEXA'S POV
Grabe ang sakit ng mukha ko. Paano ba naman kasi nakasingit-singit pa sa rambol
nila goon. Bakit kasi pinukpok ko pa yung isang lalaki ayan tuloy tumulong yung isa
at imbis na pupukpukin ko din sya eh nasalag nya at tumama sa mukha ko. Nakakainis.
Mabuti na lang hindi ganun kalakas. Sino ba kasi yung mga kasuntukan nila goon? May
kaaway ba talaga sila? Hindi ko akalaing basagulero rin pala mga yung sila Tuck.
Mga gwapong warfreak. Dapat siguro lumayo na ko sa kanila bago pa ko madamay sa
away nila.

Kanina pa walang imik 'tong goon na 'to simula ng dumating kami dito sa park.
Natrauma na ko kasi may malaki na namang soccer field. Madaming benches na maraming
couples na nakaupo. Marami ring puno at may mga nakaupo din sa damuhan. Dahil puno
na ang mga benches eh naglalakad kami ngayon papunta sa gitna para maupo sa
damuhan. Mabuti na lang at makulilim.

Tiningnan ko si goon. Mukhang balisa sya at hindi mapakali. Okay lang kaya sya?

"May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang ba?" tumigil ako sa harapan nya at hinawakan ko
ang mukha nya. Bigla naman syang nagulat sa ginawa ko. Napatitig sya sa'kin ng
ilang minuto at tsaka nagsalita.

"Ha? A - ano - okay lang ako." Naglakad sya at nilampasan nya lang ako. Ano yun?
Wala lang? Sya na nga 'tong inaalala sya pa suplado! Tumingin ako sa kanya at
nakita ko syang nakaupo na sa damuhan. Syempre sumunod naman ako at umupo din sa
tabihan nya. Wala pa din syang imik at hindi ko na alam ang gagawin.

"Iniisip mo ba sila Tuck?" parang nagulat sya sa tanong ko.

"Hindi naman. Hindi lang kasi ako sanay na iwanan sila sa laban. Ngayon lang kasi
nangyari 'to." Halata sa mukha nya na malungkot sya. Nalungkot tuloy ako. Hindi ko
alam kung makokonsensya ba ako o maiinis kasi dahil ata sa'kin kung bakit umalis
agad si goon.

"Bumalik ka na sa kanila. Tingnan mo kung okay lang sila Tuck. Uuwi na lang ako.
Dapat kasi hindi ka na lang umalis. Hinayaan mo na lang sana ako dun." Gusto ko
nang maluha pero ayoko din naman. Hays ang hirap naman.

"Baliw ka ba talaga?! Ayokong may mangyari pa sa'yo kaya kita inilayo dun!! Tsaka
kung inaakala mong mahina sila Tuck at mapapahamak sila pwes mali ka!! Malakas
sila! Mahalaga sila sa'kin lalo na sa mga laban pero - pero wag ka nang magtanong o
magsalita dyan!!!" humiga sya sa damuhan at inilagay sa may ulunan nya ang dalawa
nyang kamay.
"Okay. Sorry. What do you want me to do then?" I pouted. Pero di naman nya ko
tinitingnan. Umusod ako at lumipat ng pwesto sa may ulunan nya. Since hindi sya
natingin sa'kin ako ang tumingin sa kanya. Nakaupo ako ngayon sa may ulunan nya at
nakatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" kumunot ang noo nya habang nakatingin sa'kin.

"Tinitingnan ka. Ayaw mo kasi kong tingnan eh. Tsaka iintayin ko na lang na maging
okay ka bago kita ulit kulitin." Then I smiled. Hindi naman sya nagsalita agad.
Parang nag-iisip ng sasabihin. Tinitingnan ko lang ang mukha nya. Nakita ko na
naman sya ng malapitan dati. Pero ngayon parang hindi na ko masyadong naiilang.
Medyo nagiging komportable na kong kasama sya. Paano ba namang hindi, eh mas
matagal ko pa syang kasama kesa kay Jezhi. Well nitong mga nakaraan lang naman.

"Aray ang hirap palang humiga sa damuhan." Narinig kong sabi nya. "Umupo ka nga ng
ayos." Napaatras ako ng konti at nagulat ako ng bigla nyang nilagay ang ulo nya sa
lap ko. "Hay, mas okay dito." Nakapikit nyang sabi.

Hindi man lang sya nagpaalam. Basta higa na lang. Grabe naman 'tong lalaking 'to.
Hindi pa mandin ako sanay. Hindi tuloy ako makakilos. Tumitingin ako sa paligid
namin, puro magboboyfriend-girlfriend ata sila. Naiilang ako kasi baka isipin nila
magjowa kami nito ni goon. Tsk.

"Okay lang kumilos. Wag ka ngang manigas dyan!" naramdaman nya atang hindi ako
nagalaw. Hindi pa din sya nadilat. Nakacross lang ang ang arms nya sa chest nya
habang nakahiga. Siguro ayaw nya lang makita ko na nagwoworry sya kina Tuck. Di
bale, hindi ko na nga sya kukulitin about dun.

Balik titig ako sa mukha nya since hindi na din naman sya nakadilat. Ang amo ng
mukha nya, parang hindi dangerous.

Bigla akong napatawa.

"Tititigan mo na lang mukha ko pinagtatawanan mo pa!" bigla syang dumilat.

"Wag ka ngang makialam. Pumikit ka na lang ulit!" tinakpan ko ng kamay ko ang eyes
nya.
"Oo na. Hindi mo na kelangang maging brutal no!!" pumikit na ulit sya."Masahihin mo
nga ulo ko!! Ang sakit kasi! Nahawa na ata ko sa'yo!!" utusan daw ba ko.

"Hoy hindi nakakahawa ang sakit ng ulo no!! Isa pa hindi naman ako marunong
magmasahe." Paano ba magmasahe? Di kaya ako marunong.

"Kahit ano na lang dali!!" kinuha nya ang kamay ko at inilagay nya sa ulo nya.
"Galingan mo ha."

"Bahala ka! Wag kang magrereklamo ha!!!" medyo sinabunutan ko lang ang buhok nya.
EH hindi naman kasi ako marunong magmassage. Hindi din naman sya nagreklamo kaya
tinuloy ko na. Balik ulit ako sa pagtitig sa mukha nya habang minamasahe ko sya.
Parang magkabaligtaran ang ulo namin. Sya habang nakahiga, habang ako naman nakaupo
at nakatingin sa kanya.

Sometimes I feel

Like I don't have a partner

Sometimes I feel

Like my only friend

Nagulat si goon at bigla syang napabangon.

*TUGSH

"Ouch!!!!"

"Aray ang tigas ng ulo mo!!!!" nagkauntugan lang naman kami kasi bigla syang
bumangon. Hindi nya ba alam na tinitingnan ko sya tapos bigla syang babangon.

Is the city I live in

The city of Angels

Lonely as I am

Together we cry
"Ano yan nagbago ka ng ringtone?" kinuha nya ang phone nya at lumapit ako agad sa
tabi nya.

"Sa text lang 'to no." tiningnan nya yung phone nya.

"Sinong nagtext? Patingin naman." Sumisilip ako sa cellphone nya.

"Ulo mo naman. Paano ko mababasa yung text?" tinulak nya ang ulo ko na nakaharang
sa cellphone nya.

"Patingin din kasi." nasa tabihan na lang nya ko ngayon. "Sino ba yan?"

"Si Tuck nagtext." Bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

"Si Tuck? ANong sabi? Basahin na natin dali!" sana okay lang talaga sila. Malakas
naman sila alam ko.

"Cellphone ko 'to no. Itext mo sila kung gusto mo. May cellphone ka naman." Nilipat
nya sa kabilang kamay yung cellphone nya.

"Eh lobat ako! Napakasama nito. Parang makikibasa lang. Patingin ako!!" inextend ko
ang kamay ko papunta sa kabila nyang kamay para maabot yung cp.

"Hoy wag ka ngang magulo. Paano ko 'to mababasa kung makikiagaw ka?" itinaas nya pa
yung kamay nya.

"Dali na kasi. Damot mo!!" yung isang kamay ko na sa may likuran nya, yung isa
naman nasa harapan. Nakaextend pa din kasi inaabot ko yung cellphone nya so parang
nakayakap ako sa kanya pero hindi talaga totally yakap kasi yun phone nga yung
inaabot ko. Parang makikibalita lang naman ako kina Tuck. Kung hindi lang talaga
kong lobat ako na tatawag sa kanila.

"Umayos ka nga dyan. Para kang baliw." Ang sungit nya talaga. Kaibigan ko din naman
sila Tuck kaya may karapatan akong malaman kung anong condition nila.
Aha alam ko na. Nagpuppy eyes ako at nagpout. "A - ayaw mo ba? Ayaw mo ba ng hug
ko? A - akala ko kasi - " inalis ko na yung kamay ko sa kanya. Hindi ko na din
inaabot yung phone nya. TUmingin lang ako sa malayo.

"Hindi ko naman a - alam na ano - " bigla syang tumigil. Naramdaman ko na lang ang
isang mabigat na bagay sa balikat ko. Pagtingin ko nakita ko ang braso ni goon na
nakaakbay sa'kin habang hawak ang cellphone nya. So ang itsura namin eh parang
nakakulong ako sa arms nya. My goodness, nagjojoke lang naman ako na hug talaga
yung ginagawa ko. Adik ba sya? Hindi nya ba alam na inaabot ko lang talaga yung
cellphone nya?

"Oh ayan na. Game, sabay nating basahin ang text ni Tuck." Sabi nya. Medyo masigla
na sya ngayon. Mabuti naman.

Dude punta na kaming pub. May konting tama ako pero okay naman. Hindi malalim.
Kamusta si lucky girl?

"Sabi sa'yo okay lang sila." Nagulat na lang ako ng maramdaman kong hinalikan ako
ni goon sa ulo. Hindi na naman ako makagalaw. Parang nanigas ako. Hindi ako
makakilos. Dapat makaisip ako ng paraan para makaalis.

"Aha! Gutom na pala ko!!" bigla akong tumayo at napabitaw si goon sa'kin. Humarap
ako sa kanya. "Dyan ka lang ha. Bibilhan kita ng pagkain. Treat ko na sa'yo. Dito
ka lang mag-isa okay? Alone!!" I narrowed my eyes. Napatawa naman sya sa sinabi ko.

"Aye aye! Bilisan mo ha. Siguraduhin mong mag-isa ka lang ding bibili. Tandaan mo
bitin ako sa laban. Wag ka nang kumuha ng gagawin kong punching bag." Natatawa
nyang sabi.

"Whatever!" Iniwan ko sya dung nakaupo habang ako nananakbo papalayo. Grabe ang
kaba ko dun ha. Konti na lang baka matunaw na ko. Bakit ba kasi ganun sya? Hindi
naman kami ganito dati. Kung hindi ko lang alam na ayaw namin sa isa't isa malang
naisip ko na na may mutual understanding kami. Pero dahil alam kong manhater ako at
womanhater sya imposibleng mangyari yun.

Tumigil ako sa pagtakbo. Tumigil ako sa isang convenient store. Ano kayang ibibili
ko kay goon? Bumili ako ng dalawang softdrinks at siopao tsaka isang malaking Lays.
Okay na siguro 'to. Grabe naman ang haba ng pila dito. Mabuti na lang mabilis ang
kilos ng cashiers kaya hindi naman ganun katagalan ang pagpila.

Pabalik na ko sana ko kay goon ng may marinig akong naiyak. Hindi ko alam kung saan
pero habang naglalakad ako papalakas ng papalakas yung iyak. Wala naman akong
makitang tao sa paligid kaya naglakad na lang ulit ako pero napatingin ako sa may
likuran ng puno at may nakita akong babaeng umiiyak.

"Bakit? Ano bang ginawa ko sa'yo para lokohin mo ko?" sabi nung babae habang
naiyak.

"Wala. Mabait ka nga at maganda pero hindi ko din alam kung paano nangyari lahat.
Nabigla lang ako." Hindi ko makita yung lalaki dahil nakatalikod sya. Alam ko hindi
ako dapat nakikinig kaya dapat aalis na ko pero ng marinig kong umiyak ulit yung
babae parang bigla na lang akong napatigil.

"Akala ko pa mandin iba ka sa kanila. Akala ko ikaw na talaga yung para sa'kin pero
niloko mo ko!!! Manloloko ka. Bakit kelangan mo kong saktan ng ganito?!! Bakit?!!"
nakita kong pinaghahampas ng babae yung lalaki pero sinasalag lang nung lalaki.

Bigla akong nakaramdam ng kirot. Parang ako yung nasasaktan. Naalala ko kung anong
nangyari sa'kin at kung paano ko nasaktan ni Gene. Pare-pareho lang ba talaga mga
lalaki? Talaga bang nananakit sila ng babae? Mas lalo akong nasaktan ng makita kong
naglakad palayo yung lalaki habang naiwang nakaupo at naiyak yung babae. Ang sakit,
ramdam na ramdam ko kung anong nararamdaman ng babaeng 'to. Hindi ko napansin na
naiyak na pala ko. Pinunasan ko ang luha ko. Papaalis na sana ko ng bigla akong
ginulat ni goon.

"Booom!!" pero dahil wala ako sa mood hindi ako nagulat. Wala din akong reaction.
Hindi pa ko nakaharap sa kanya kaya hindi nya pa nakikitang hindi ako natuwa sa
ginawa nya. "Ang tagal mo kasi eh. Akala ko may kasama ka na kaya sinundan kita."
Tumatawa pa sya. Sorry na lang sya pero wala ako sa mood makipagbiruan sa kanya.

Umiwas na lang ako at nagmadaling maglakad ng hindi tumitingin sa kanya.

"Uy teka nasan na yung pagkain ko?" napatigil ako at humarap sa kanya.

Iniabot ko yung binili ko sa convenient store. "Ayan! Magpakabusog ka!!"

Papatalikod na ko ng bigla nya kong hinawakan sa balikat at nabitawan nya yung


pagkaing binili ko. "Umiyak ka ba? Bakit ka umiyak? Anong problema? May nangyari
ba? May sakit ka ba?"
Bakit kung makaarte sya parang concern na concern sya sa'kin? Ganyan lahat ng
lalaki, akala mo concern sa'yo at kapag nahulog ka na tsaka ka sasaktan, tsaka ka
iiwanan.

Umiwas lang ako sa pagkakahawak nya dahil hindi ko na naman mapigilang umiyak.
"Bitawan mo na lang ako." Pero hindi nya ko binitawan. "Sabi ko bitawan mo ko!!" at
bigla ko syang nasampal.

Nakita kong nagulat sya sa ginawa ko. "Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Kunyari
concern kayo sa'min? Kami naman nagpapauto. Maniniwala at magpapakatanga tapos
bigla nyong iiwan. Ganun lang ba talaga kadali lahat?"

"Anong sinasabi mo?" bigla kong naisip kung anong mga sinabi ko. Bakit ko ba sinabi
yun sa kanya? Hindi naman kami kaya wala akong karapatang magsalita ng ganun. Sa
sobrang kahihiyan tumakbo na lang ako palayo. Iniwanan ko si goon. Gusto ko munang
mag-isa lalo na ngayong naramdaman ko na naman ang sakit ng nakaraan. Hindi ko alam
kung dahil pa din 'to ng ginawa nila Gene sa'kin o dahil sa nakikita ko na pare-
pareho lang ang mga lalaki. Mas lalo lang akong nagkadahilan na mas hindi magtiwala
sa kanila.

Takbo lang ako ng takbo habang umiiyak. Ang sikip ng dibdib ko. Naalala ko yung
itsura nung babaeng umiiyak habang pinapanood nya ang mahal nyang naglalakad palayo
sa kanya. Ganun na ganun din ako dati, ang pinagkaiba lang ako nananakbo papalayo
sa kanila ni Zanea.

Napatigil ako ng biglang may bumusinang kotse sa harapan ko. Hindi ko namalayan na
nasa may kalsada na pala ko.

"HOY MAGPAPAKAMATAY KA BA?!!!" sigaw nung driver. Hindi ko na lang sya pinansin at
tumawid na lang ako. Nang mapansin kong konti na lang ang tao naupo ako sa ilalim
ng malaking puno ng acacia. Dito walang ibang makakakita sa'kin. Walang makakarinig
ng iyak ko.

Umupo ako at niyakap ko ang mga tuhod ko. Umiyak lang ako ng umiyak.

"Hindi mo naman kelangang sarilinin lang yan." Napatingala ako bigla dahil narinig
ko ang boses ni goon. Nakita ko syang nakatayo at nakatingin sa'kin. Parang
hinihingal pa sya. Sinundan ba nya ko?

"Umalis ka na!! Gusto kong mapag-isa!!!" tumungo ulit ako.


"Hindi mo naman pag-aari 'tong lugar na 'to kaya hindi ako aalis!!!" naramdaman
kong umupo sya sa tabihan ko. Hindi ko na lang sya pinansin dahil wala ako sa mood
makipagtalo.

"Hindi ko alam kung bakit ka umiiyak at kung bakit mo ko sinampal. Alam ko dapat
akong magalit sa'yo pero pakiramdam ko kelangan mo ng kausap. Wala akong karapatang
ijudge ka or magsabi ng kahit ano dahil - dahil wala pa kong alam sa'yo. Ako - ako
sinabi ko na kung anong past ko. Hindi ko naman sinasabi na - na magkwento ka din
pero - "

PLAY THE MUSIC NOW NA BAGO MAGPROCEED NANG PAGBABASA!! NASA MULTIMEDIA ------>

"Galit ako sa mga lalaki!!!" I cut him off. Tumingin ako sa kanya ng diretso. "You
wanna know why?" Pinunasan ko ang mga luha ko. "Niloko lang naman ako ng magaling
kong bestfriend at ng lalaking muntik ko nang maging boyfriend. Oo, sina Gene at
Zanea! At si Gene, sya lang naman ang unang lalaking minahal ko. Ganun ba ko
kasama? Sabihin mo, anong mali sa'kin ha? Anong mali sa mga babae at kelangan
masaktan pa kami ng ganito! Akala ko - akala ko okay na ko. Akala ko nakalimot na
ko." Hindi ko na napigilang umiyak. Halos kinakapos na ko sa paghinga dahil sa pag-
iyak. "Pero kanina nung makita ko kung paano masaktan yung babae dahil niloko sya
ng lalaking yun at iniwanan syang umiiyak, naalala ko yung sarili ko. Bumalik lahat
ng sakit. Ayoko na. Ayoko ng magalit. Ayoko ng masaktan Zak. Pero ayoko ding maloko
ulit. Takot na kong magtiwala. Ayoko nang magmahal. Ang bigat sa pakiramdam."
Sinusuntok ko ng mahina ang dibdib para ipakita kung gaano kasakit ang nararamdaman
ko. "Ganito na ko at kung wala ng tumanggap sa'kin okay lang. Hindi ko kelangan ang
kahit na sino kung sasaktan lang din naman ako. Gusto ko ng makalimot. Gustuhin ko
mang magtiwala ulit hindi ko magawa. Hindi ko k - ka - ya!!!" at hindi na ko ulit
nakapagsalita dahil sa pag-iyak.

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni goon. Niyakap nya ako ng sobra - sobrang
higpit. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa nya kaya pinilit kong kumawala sa
pagkakayakap nya pero hindi nya ko hinayaan.

"Naiintindihan kita. Alam ko kung anong pakiramdam ng ganyan. Nasaktan din ako at
nagalit. Tulad mo takot na din akong magtiwala. Walang mali sa'yo. Siraulo lang
talaga yung Gene na yun dahil sinaktan ka nya. Pero - pero sinasabi ko sa'yo -
hindi lahat ng lalaki tulad ni Gene at alam ko hindi lahat ng babae tulad ni
Natalia." Medyo kumalma ako sa sinabi ni goon. Pero hindi pa din nawawala ang sakit
na nararamdaman ko.

Inalis nya ang pagkakayakap sa'kin at tiningnan nya ko sa mata. Hinawakan nya ko sa
mukha ng dalawa nyang kamay. "Ayokong nakikita kang umiiyak. Hindi ko alam pero -
pero nasasaktan din ako." Pinunasan nya ang mga luha ko. "Hindi ako magaling sa
pagaadvice dahil wala din akong alam. Pero hindi mo dapat hayaang ganyan ang sarili
mo habang buhay. Nasasaktan ka ngayon dahil nagmahal ka. Dahil nagmahal tayo ng mga
maling tao. Pero bigyan mo ng chance ang sarili mong sumaya. Tulad ng gagawin ko
ngayon." Napayuko sya sandali at nagtake ng deep breath.

"Wha - what do you mean?" pinilit kong magtanong kahit na hindi na ko makapagsalita
dahil sa pag-iyak.

"I think -" seryoso yung itsura nya habang diretso syang nakatingin sa mga mata ko
at hindi pa din nya inaalis ang mga kamay nya sa pagkakahawak sa mukha ko. " - I
like you Alexa."

*******************************************
30

*******************************************
ALEXA'S POV

"Eh bakit ba kasi ayaw nya kong kausapin? Parang hindi ko lang narinig yung sinabi
nya nagagalit na agad! Kasalanan ko bang may sasakyang dumaan?" nakakainis naman
kasi, hindi ako kinakausap ni goon dahil hindi ko narinig yung sinabi nya kahapon
dun sa may park. Ayaw na nyang ulitin at kakausapin nya lang daw ako kapag
natandaan ko na kung ano yung sinabi nya.

"Mahirap kasi para sa kanyang sabihin yun tapos hindi mo pinakinggan!" natatawang
sabi ni Tuck. Oo si Tuck ang kausap ko ngayon at sinusundan ko sya kanina pa pero
wala akong makuhang matinong sagot galing sa kanya.

"Hoy excuse me, sobrang attentive kaya ako. Hindi nga ko mapakali eh. Kasi naman
magsasalita lang sya mahina pa. Eh kung nilakasan nya malamang kahit bumbero pa
dumaan dun maririnig ko yun." I rolled my eyes. Nagshrug lang sya. Wala ba talaga
syang matutulong sa'kin.

"Ano bang sabi nya?" tumigil sandali si Tuck at umupo sa bench na nadaanan namin.

"Tuwing kakausapin ko kasi sya palagi na lang nyang sinasabi 'natandaan mo na?
Ano?' tapos kapag hindi ako sumagot wala na. Imagine nagdinner kami na puro yun
lang yung usapan. Ang weird nya talaga. Naiinis na ko. Akala ko pa mandin
magtatapat na sya." Bigla akong napatakip sa bibig ko. Nakakahiya, baka isipin ni
Tuck na may gusto ako kay goon. No!

Napansin kong nawala ang ngiti ni Tuck at napatingin sya sa'kin. "Ewan ko sa inyong
dalawa. Ano pa ba kasing iniintay nyo? Mukha namang gusto nyo ang isa't isa."
"What? No!" No naman talaga.

"No? Pero kung makapag-alala ka dahil hindi ka nya kinakausap wagas. Natanong mo na
ba sa sarili mo kung sino si Zak para sa'yo?" natigilan ako sa sinabi nya. Bakit
kelangan ko namang gawin yun?

"Hindi. Bakit sya tinanong na ba nya sa sarili nya kung sino ko for him?" I pouted.

Tumayo si Tuck at hinawakan ako sa ulo. "Hay naku lucky girl, hindi nya lang
tinanong, sinabi pa nya. Hindi mo lang talaga narinig. Pero believe me, galit
talaga si Zak. Kung makikita mo lang sya kagabi habang nagkukwento sa'min for sure
matatakot ka. Kung gusto mong malaman kung ano yung sinabi nya, tanungin mo muna
yang sarili mo." Then he winked.

"I hate riddles just in case you wanna know kaya pwede ba diretsuhin mo na - hoy
san ka pupunta?" tinalikuran nya ako at nagwave lang sya. "Wow, thank you so much!"

"Welcome and good luck!" at naglakad na nga sya palayo. Alam naman nya kung anong
sinabi ni goon bakit ayaw nya pang sabihin?

Grabe ano ba kasi yung sinabi nya.

*Flashback*

"I think - broooom brooooooooooooom - like broooooommmmm broooooom - sa."

*end of flashback*

Mga ilang minutes lang din syang nakatingin tapos nung tinanong ko sya kung anong
sinabi nya nagwalk out na. Sinuntok pa yung puno. Grabe talaga, nakakatakot. Tapos
hinanap pa namin yung kotse na dumaan. Kasalanan daw yun nung kotse pero bakit?
Ahhhhhhhhhhhhhhhh!! Ang labo nya talaga!!!

Dahil sa sobrang inis ko hindi ko napansin na napadpad na naman ang mga paa ko sa
loob ng CR. Talaga bang ito na yung best place kapag naguguluhan ako?

Sinilip ko muna ang bawat cubicle kung may tao. Mabuti naman at walang kahit na
sino kaya inilock ko yung pintuan. Kunyari na lang may naglilinis sa loob kaya
nakalock. Binaba ko ang gamit ko sa may sink at tsaka tumingin sa salamin.

Inisip ko maige ang sinabi ni goon. Parang fill in the blanks lang naman yun eh o
kaya what's the meaning of 'brooom' syempre depende sa context clue.

"I think blank like blank sa." Tumingin ako sa sarili ko sa salamin. "Ang hirap
pala. Mas mahirap pa 'to sa English class ko eh." Yumuko ako sandali at nag-isip.
"I think you're like pig - sa?" Grrrrrrr. Gross nya kung yun nga ang sinabi nya.

Nag-isip pa ako ulit ng iba. "Aha! Baka naman 'I think boys are like blank - sa?"
grabe ano bang word ang nagtatapos sa 'sa' or sounds like 'sa'? wow, kinakausap ko
na ang sarili ko nagsasalita pa ko. Konti na lang macoconvince na kong baliw ako.

Humawak na ko sa ulo ko at nag-isip maige. "Ano bang pwedeng isunod sa 'I think'?
Ano bang pinaguusapan namin nun?" kinatok ko ang ulo ko for the nth time. "Pwedeng
boys, girls, Gene, Natalia, me, you - ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" I give up!! I give
up!!!

"May exam ka ba?"

"Holy golly!" napatalon ako ng marinig kong may nagsalita. Napatingin agad ako sa
likuran ko at nagulat ako sa nakita ko.

"Oh ikaw pala yan. Nakita mo na ba yung lalaking hinahanap mo?" si ateng
maintenance na naman pala sya. Napatingin ako sa CR, same CR din pala 'to na
napasukan ko. "Wag ka ng magtaka paano ko nakapasok." Ipinakita nya sa'kin yung
susi.

"Hello po." Napakamot naman ako sa ulo ko. Natatandaan pa pala nya ko. Medyo
nahihiya din ako kasi natatandaan pa din nya yung problema ko last time at heto na
naman ako sa new problem. Sya kaya ang fairy God-mother ko?

Medyo hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko din kasi alam kung anong sasabihin ko.
Sana mabilis akong mag-isip pagdating sa mga ganitong situation.
"Kayo na ba ng lalaking yun?" nanlaki lang naman ang mga mata ko sa tanong ni ateng
maintenance.

"Hindi po. Imposible na din po yan mangyari ngayon." Teka bakit parang nalulungkot
ako? Hindi, I'm fine. Wala naman sa'kin yun no!

"Bakit naman hindi? Narealize mo ba na hindi mo talaga sya gusto?" tumalikod si ate
at naglinis na ng cubicles. Sumandal naman ako sa may tabihan ng cubicle na
nililinis nya habang nakatingin sa kanya.

"Kahit naman po marealize ko useless na din. Galit po kasi sya sa'kin dahil sa
napakababaw na dahilan." Ayoko naman talagang magalit sya sa'kin pero kung aarte
sya ng sobra-sobra eh bahala na sya sa buhay nya.

"Eh ano bang ikinagalit nya? Baka naman kasi may kasalanan ka din." Wow yung totoo?
Lawyer ba sya ni goon? Hindi pa nga alam kung anong nangyari kasalanan ko na agad?

"Hindi ko po kasalanan. Kasalanan po ng isang kotse. Eh kasi naman po magsasalita


lang sya sobrang hina pa. Nagkataon po na may sasakyan na dumaan kaya hindi ko
naintindihan yung sinabi nya tapos nung pinapaulit ko na hindi na po sya sumagot at
nagwalk out. Pero promise po hindi ko talaga narinig lahat ng sinabi nya. Tsaka
bakit ba ganun sya ka-OA dahil lang hindi ko narinig." Kapag naalala ko nag-iinit
na ang ulo ko at hindi na ko namomroblema.

"Wala ka bang narinig kahit konti?" tanong ni ate habang nilalagay ang ibang basura
sa garbage bag.

"Meron po pero hindi ko mafigure out." Feeling ko tuloy hindi talaga ko matalino
kasi kung may subject lang na tungkol dito - dito sa nangyayari sa'min ni goon for
sure bagsak na ko.

Tumingin si ate sa'kin habang inaayos ang gloves nya. "O sya sige, sabihin mo anong
narinig mo at tutulungan kitang mag-isip." Wow, feeling ko sya na talaga ang fairy
God-mother ko. Tingin nyo? Di ba feeling nyo sya din.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya or hindi. Well since sa kanya ko
din naman nashare kung anong nangyari sa'kin nung una pwedeng sa kanya na lang ulit
ako magkukwento.
I cleared my throat. "Nasa park po kasi kami kahapon at emotional po ako tapos sabi
nya po - " tumingin ako kay ate at mukhang naghihintay sya ng sasabihin ko. " - 'I
think broooooom broooooom like broooooom sa.'"

"Ay jusmiyo! Anong salita ba yung broooooooom broooooooom? Yan na ba ang itinuturo
ngayon?" napahawak si ate sa ulo nya.

"Hindi po. Broooom brooooom po yung tunong nung kotse na dumaan habang nagsasalita
sya." OA naman kasi nito ni ate makareact. Mukhang hindi pa nya gets yung sinabi
ko.

"Yung kotse po, kapag mabilis yung pagpapatakbo di ba 'brooooom brooooooooom'" with
matching demo pa ng pagdadrive yung ginagawa ko.

"Ah. Broooom brooooom." Finally nagets din ni ate. Nakakahiya 'tong ginagawa ko
pero mas nakakahiya yung kinakausap ko ang sarili ko at nakita ako ng ibang tao.

"Di ba ang hirap pong intindihin." Wala na talaga akong pag-asa at malapit na din
akong mawalan ng pakialam.

"Baka naman 'I think I like you' ang sinabi nya." Pumasok ulit sa ibang cubicles si
ate.

"Naku hindi po. Malabo po yun. Tsaka 'sa' po ang huli kong narinig sa sinabi nya at
hindi po 'you'." Medyo nakakatense din pala. Hindi ko alam kung anong mararamdaman
ko.

"Ikaw bata ka bakit ba puro malabo ka ng malabo? Yang sarili mo ba tinanong mo na


kung anong malabo? Kasi kung nagagalit yung lalaking yun sa'yo dahil lang hindi mo
narinig yung sinabi nya eh ibig sabihin malinaw sa kanya kung ano man yung
nabitawan nyang salita at kaya sya nagagalit eh dahil hindi mo narinig!!!!" woooo
ate masyadong mahaba yung sinabi mo. Sana huminga muna sya no? Hindi ko nagets.
Bumobobo na ata ako.

Tumigil sandali si ate at nag-isip. "Baka naman pangalan yung 'sa'. Kunyari 'I
think I like - Zsazsa? Vanessa? Luisa? Lisa? Basta ganun. May kilala ka ba na
'sa'?" wow ang galing ni ate pwede na syang maging professor sa subject na 'to. So
meaning possibleng nagtapat sya sa'kin ng kung sinong babae ang gusto nya?
Aray! Bakit parang medyo nasaktan ako. Ano bang pinag-uusapan namin nun?

*Flashback*

"Hindi ako magaling sa pagaadvice dahil wala din akong alam. Pero hindi mo dapat
hayaang ganyan ang sarili mo habang buhay. Nasasaktan ka ngayon dahil nagmahal ka.
Dahil nagmahal tayo ng mga maling tao. Pero bigyan mo ng chance ang sarili mong
sumaya. Tulad ng gagawin ko ngayon."

*End of Flashback*

So meaning masaya na sya ngayon? Pero sino yung babae? Sino? This is ridiculous.
Naluluha ako dahil lang nalaman kong masaya na si goon? Well normal lang naman
siguro yun kasi ayoko syang sumaya. Dapat - dapat mauna ako sa kanya di ba?

Meaning ang sinabi nya sa'kin is 'I think I like - ' then yung name nung kung sino
mang babaeng yun. Mabuti na lang at hindi ko narinig. Ang OA nya maginarte dahil
lang hindi ko nakuha kung sino mang babae yun.

"Okay ka lang ba?" nakatitig na pala sa'kin si ate.

"Ha? Opo! Okay lang naman po ako." Tumalikod ako sa kanya at humarap ako sa
salamin. Hindi ako iiyak. Bakit naman ako iiyak? Dahil - dahil lang may gusto si
goon na ibang babae? Tss! As if naman magkakagusto sya sa'kin. At hello as if naman
magkakagusto din ako sa kanya.

Naramdaman kong hinaplos ako ni ate sa likuran ko. "Alam mo iha dumaan din ako sa
ganyan. Hindi ko inamin sa taong gusto ko na gusto ko sya. Apat na taon kong
itinago kasi naisip ko hindi nya ako magugustuhan. Naisip ko na ipagtapat sa kanya
kung anong nararamdaman ko after ng graduation para kahit hindi nya ko gusto nasabi
ko sa kanya." Biglang napatigil si ate at hinaplos naman nya ang buhok ko. Yung
totoo ate? Naglinis ka ng CR tapos hahawakan mo ko? Nakakaiyak talaga yan. Pero
syempre hindi ko sinira ang moment nya.

"Pero may ibinigay sya sa'kin na box bago magraduation. Sabi nya hindi daw sya
makakaattend ng graduation kasi pupunta na syang ibang bansa. Gusto nya lang daw
ibigay ang box na yun sa'kin at buksan ko after ng graduation. Alam mo ba halos
ilang taon din akong nagsisi. Alam mo kung bakit? Puro pictures ko lang naman ang
laman nung box at ang mga sulat na gusto nya sanang ibigay sa'kin pero hindi nya
naibigay. Nalaman ko na apat na taon na din pala nya kong gusto at pareho naming
naisip na hindi namin magugustuhan ang isa't isa. Gusto na daw nyang makalimot at
ayaw na nyang makakita ng kahit anong bagay na magpapaalala sa'kin sa kanya."
Humarap si ate sa'kin at tiningnan nya ko sa mata. "Alam mo ba kung anong
pinagsisihan ko? ANg hindi ko naamin ang nararamdaman ko sa kanya bago sya umalis.
Pero nagalit din ako sa kanya dahil hindi nya sinubukang magtapat sa'kin."

Naiyak na ko ng tuluyan sa kwento ni ateng maintenance. Nakakalungkot naman kasi


yung kwento nya. Napayakap nga ako sa kanya dahil sa lungkot. "Sorry po kung
napaalala ko pa ang masakit nyong past. Alam ko naman po na may natutunan din kayo
at salamat sa pagse-share ng story nyo. Nainspired po ako." Tumingin ako sa kanya.
"Hindi man po kayo nagkatuluyan ng prince charming nyo siguro naman po masaya na
kayo kung sinong nakatuluyan nyo and for sure sya din." Pinunasan ko ang luha ko.
Nakakaiyak kasi ang story ni ate.

"Ha? ANong sinasabi mong nakakalungkot? Te - teka bakit ka umiiyak?" pinunasan nya
ng kamay nya ang mga luha ko. Lalo naman akong napaiyak. Sinong hindi maiiyak?
Naglinis sya ng CR tapos ipinahid nya sa buong katawan ko yung kamay nya. Di ba ang
sakit lang? SObrang nakakaiyak. Pasalamat si ate malungkot ang naging love life
nya.

"Kasi po napalayo kayo sa taong minahal nyo at hindi kayo nagkatuluyan." Please ate
wag nyo nang punasan ang luha ko. Amoy CR na ko nito eh.

Biglang tumawa si ate. Yung totoo? Hindi lang ako ang baliw? May mas baliw pa
sa'kin?

"Bakit po kayo natawa?" tanong ko habang pinupunasan ko ang mga mata ko.

"Eh sino ba kasing nagsabing hindi kami nagkatuluyan?" napanganga ako sa tanong ni
ate.

"Pe - pero sabi nyo po umalis sya ng hindi kayo nakakapagtapat?" di ba sinabi nya
yun? Sumagot kayo - di ba sinabi nya?

"Oo nga. Pero nagkita din kami after ng ilang taon at tulad ko hindi pa din sya
nakakamove on. Kaya ayun, nauwi kami sa kasalanan. Masaya kami ngayon hija."
Tenenen! Oo nga naman. Sino nga namang may sabing hindi sila nagkatuluyan. Buset na
yan may paiyak-iyak pa ko ayan napahiran pa tuloy ako ng amoy ng CR.

Nagfake na lang ako ng smile na parang masayang-masaya talaga.


"ANg gusto ko lang sabihin hija, muntik na kaming hindi magkatuluyan dahil na din
sa mga nasayang na panahon. Hindi naman masamang magtapat ng totoong nararamdaman
mo sa isang tao lalo na kung parehas pala kayo. Kung mag-iintayan kayong dalawa
hala ewan ko na lang, hindi lahat ng love story eh tulad ng sa'min." pang-aasar ni
ate. Bumalik na ulit sya sa paglilinis ng huling cubicle.

Nagpa-process sa utak ko yung last na sinabi ni ate eh. Paano kung parehas kami ni
goon ng nararamdaman? Pero - pero hindi din kasi nga nagtapat sya na gusto nya ang
ibang babae.

"Ano nga ulit pangalan mo hija?" I snapped back ng bigla ulit magsalita si ate.

"Ah - Alexa po." Inayos ko na yung bag ko.

"Alexa? Alexa? Teka - hindi kaya ikaw yung babae?" napaisip ako sa tanong ni ate.

Ako daw? Paanong naging ako? A - le - xa. A - lex -sa. Oh my! Ako? No! Pero -
hindi! Imposible naman ata.

"Alam mo kung ikaw man o hindi yung babaeng yun pero alam mo sa sarili mo na gusto
mo sya aba eh hanapin mo na agad at magtapat ka na. Sa ganyan walang babae o
lalaki." Itinali na ni ate ang garbage bag. "Kung hindi ka pa ready eh di sabihin
mo na lang lahat ng gusto mong sabihin at kung anong nararamdaman mo. Hindi naman
dahil nagtapat ka eh magiging kayo na agad! Kayo talagang mga kabataan. Hala sige,
dyan ka na at good luck sa broom broooom mo." Natatawang sabi ni ate.

Ako? Ako magtatapat kay goon? Kaya ko ba? Ako ba talaga kaya yung babae? Paano kung
iba? Paano kung hindi ako? Pero paano kung ako nga yun? Tama si ate - dapat sabihin
ko na para malaman ko yung sagot. Thank you talaga ate fairy God-mother.

Grabe hindi ko man lang nakuha ang pangalan nya. Tsk. Di bale, hahanapin ko na lang
sya kapag tapos na ko kay goon. Dapat mahanap ko na sya o mahanap na nya ko.

**************************************

TUCK'S POV
"Wag nyo nga kong bwusitin mga gunggong kayo!!" kagabi pa badtrip 'tong si Zak.
Nag-inom kami dahil may problema sya. Nung nakaraang nag-inom kami si Lex ang
dahilan tapos kagabi si Lex din.

*Flashback*

"Sinabi ko na sa kanya dudes. Nakahawak pa nga ko sa mukha nya. Pakiramdam ko nga


aatakihin ako sa puso pero sinabi ko pa din." Idinemo pa nya kay Val kung anong
ginawa nya kay lucky girl.

"I think - I like you Alexa. Nakatitig lang sya sa'kin. Wala syang reaksyon.
Kinabahan ako kasi baka masampal ako. Pero anong sinabi nya. 'Ano ulit yun? Ang
ingay nung kotse hindi ko narinig.' F*&K di ba? Ang sakit mga pare. Ang hirap
sabihin nun tapos hindi nya narinig? Isa lang talaga ibig sabihin nun. Hindi nya ko
gusto! Eh di wag!! Bahala sya sa buhay nya!! Nabuhay ako ng matagal ng wala sya!!!"
humiga sya sa sofa at nakatulog.

*end of flashback*

At nandito kami ngayon sa likod ng gym - ang aming ultimate tambayan.

"Hindi naman kasalanan ni Lex kung hindi ka nya narinig. Kasalanan yun nung kotse
at tsaka kasalanan mo din siguro. Baka naman kasi mahina lang pagkakasabi mo."
Nagulat si Zak ng magsalita ako - ah hindi - nagulat silang lahat.

"Ano? Teka Tuck, pabor ba sa'yo na magkaaway kami ng aswang na yun?" tss! Oo pabor
sa'kin para malayo si Lex sa'yo. Mapapahamak lang sya kapag nagkalapit kayo - lalo
na kapag naging kayo. Gustuhin ko mang sabihin yan kay Zak hindi ko magawa.

"Ulul! Nagkwento lang si Lex sa'kin paano hindi ka daw makausap ng matino. Kung
hindi ka aayos at hindi mo sya kakausapin ng matino sinasabi ko sa'yo Zak - "
tumingin ako sa kanya.

"Ano? Anong gagawin mo dude?" lumapit sya sa'kin at masama ang tingin.

"Ako ang kakausap sa kanya at sasabihin ko lahat ng ginagawa mo kapag nagagalit ka


ng sya ang dahilan." Nagtawanan naman sila Val sa sinabi ko. Madalas kasi si Rich o
Val ang may ganitong problema sa grupo. Kapag iniwanan ng babae iinom lang then
kinabukasan okay na. Si Zak never yan nagbanggit ng kahit na sinong babae - ngayon
na lang ulit.

Sinipa ni Zak ang can ng soda at tumama sa basurahan. Nagpalakad-lakad sya sa


harapan namin.

"Bakit kasi hindi mo na lang ulitin yung sinabi mo?" sabi ni Trav na nasa taas ng
puno at nagpapahinga.

"What? Nakikinig ba kayong lahat sa mga sinasabi ko? Hindi nya ko gusto. Ayaw nya
sa'kin. Ginayuma nya lang ako para magkagusto sa kanya kasi nga may lahi syang
aswang!! F*&K! Bakit ba kasi pinoproblema ko pa sya?" napapahawak sya sa ulo nya at
hindi talaga sya mapakali.

"Alam mo Zak, kung hindi mo gagawan ng paraan yan ako na lang ang gagawa ng
paraan." Sumenyas si Rich sa'kin ng 'dedo ka na' pero tinawanan ko lang.

"Anong paraan yan?" salubong na ang kilay ni Zak, halatang nag-iinit ang ulo nya.

"Eh di liligawan ko sya."

"ANO?!!!" sabay-sabay nilang tanong.

"Kung hindi din naman interesado 'tong si Zak kay lucky girl eh di ako na lang ang
didiskarte." Wala naman talaga kong balak dumiskarte sa kanya dahil alam kong si
Zak naman talaga ang gusto nya, pero siguro kung mabibigyan ako ng chance baka
sakali pa. Baka magtino ako para sa kanya. I mean iba ang impact nya sa'min. Ako
ang unang nagobserve sa kanya. Binantayan ko sya at marami akong nalaman - at alam
ko lahat kami humanga sa kanya. Maswerte lang talaga 'tong si Zak.

"Good luck na lang Tuck pero liligawan ko din si Lex." Sabi ni Luke. "Sya lang kaya
ang babaeng naglakas loob na pukpukin ako ng bote sa ulo. Yung iba kasi - basta
censored eh bawal ikwento dito. Kaya Zak sabihin mo na kung anong desisyon mo
ngayon."

"Eh mga siraulo pala kayo!!! Sinabi ko na nga sa inyo lahat tapos kakaribalin nyo
pa ko!! Sinasabi ko sa inyo kahit magkakaibigan tayo kapag tinalo nyo ko hindi ko
kayo mapapatawad." Napiyaot ang can sa kamay nya sa sobrang galit. Hindi namin
mapigilan ni Luke na mapatawa.

"Mukhang iba na talaga yan Zak. Hindi ka naman ganyan dati." Natahimik si Zak sa
sinabi ni Val.

Umupo si Zak sa tabi ng puno sa kabilang side katapat namin. "Damn! Hindi nya ko
gusto mga dude!!"

"Hindi mo matanggap na may babaeng hindi nagkakagusto sa'yo!" pang-aasar ni Luke.

"Hoy mga ulul!! Mas lalo kayo!! Hindi kayo makapaniwala na may babaeng hindi kayo
papatusin at hindi kayo titilian!!" sumandal si Zak sa puno at tumingin sa taas.

"Alam mo Zak hindi ako makapaniwalang nabobobo ka pagdating sa babae." Tiningnan ng


masama ni Zak si Rich. "O relax. What I mean is hindi mo alam kung kelan ka gusto
ng babae o hindi."

"Wag ka ngang mayabang dyan!! Wala na kong pakialam sa kanya. Kung gusto nyo sa
inyo na lang sya." Pumikit si Zak.

*TUGSH!!

"Ano ba? Inyo na nga nambabato pa kayo? Sino yun ha? Sino?!!!" nagulat lahat kami
sa soda in can na tumama sa ulo ni Zak. Yung can na sinipa nya kanina.

"HOY GOON!!! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MONG IPAMIGAY AKO SA IBA EH HINDI MO NAMAN
AKO PAG-AARI!!!!" uh oh, si monster Lex pala ang nambato kay Zak. Magtataka pa ba
kami eh sya lang naman ang nakakagawa nyan lahat sa'min.

"MAS MAKAPAL KA! BAKIT AKALA MO IKAW ANG IPINAMIMIGAY KO? WOW LAKAS TAMA KA DIN
NO!!!"

*TUGSH!!
"ARAY ANO BA!!!" tinamaan ulit si Zak ng isa pang can. "TSAKA BAKIT NGA PALA KITA
KINAKAUSAP? UMALIS KA NA NGA!!!"

"HINDI AKO AALIS!! TUMAYO KA DYAN NGAYON NA KUNG AYAW MONG MABATO NG LATA NG
SARDINAS NA MAY LAMAN PA!!!" tumawa lang si Zak kaya tumawa na din kami.

"AH GANUN HA!!" nagulat kaming lahat ng biglang naglabas ng lata ng sardinas si
Lex. Hindi pala sya nagbibiro. San nya kaya nakuha yun? Uso pa ba ang sardinas sa
lata? "KAYO DYAN GUSTO NYO DING MATAMAAN NITO?"

"Pass ako dyan Lex may gagawin pa ko." Tumayo si Rich.

"Ay ako din pala. Susuyuin ko pa kasi si Jezhi. Rich sabay na ko sa'yo." Sumunod si
Val.

"MakapagCR nga muna. Mapapaihi na ko sa kakatawa dito kay Zak eh." tumalon galing
sa taas si Trav. "Kaw Tuck?"

"Sasabay na din ako." Tiningnan ko si Luke pero mukhang wala syang balak umalis
kaya hinigit ko na din. "Tara na Luke."

"Pe - pero - " Inipit ko na lang ng braso ang leeg nya para hindi na sya
makapalag. Hindi nya ba alam ang meaning ng privacy? Sana lang talaga magkaayos na
yung dalawang yun. Pati mga lakad namin hindi natutuloy dahil sa pang-aabala nito
ni Zak sa'min. Sya ang champion na torpe. Tss! Kung hindi seseryosohin ni Zak si
Lex baka isa sa'min ang sumeryoso sa kanya - kahit alam kong malabo yun. Si Zak
naman gusto nya. Bakit kasi ang aarte nilang dalawa? Ngayon lang namin nakita si
Zak na ganyan. Huli namin syang naringgan ng problema tungkol sa babae eh nung sila
pa ni Natalia. Hindi kaya - hindi kaya nagugustuhan nya si LEx dahil lang kay
Natalia? Wag na wag Zak. Wag na wag kang magkakamali.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N

Okay, oh my goodness. PH got to #3 in Teen Fiction and #7 in Humor. Yay! Thank you
so so much guys. You are all amazing. :) Anyways, more bitin effect tayo since
chapter 30 na. Anong aabangan next Chapter? Magiging sila na kaya? Or worst is
pareho na silang susuko. Anong gusto nyong mangyari next chapter? Comment na. :)
Again thank you so much for the love and support sa PH. Don't forget to vote
(target 5000 votes), comment (target 1000 comments), follow and like our fan page
para sa theme songs nila Zak and Alexa.
You guys rock!

<3 megladiolus

*******************************************
31

*******************************************

ALEXA'S POV

Nakatingin ako kina Tuck na papalayo ng bigla akong nilampasan ni goon. "HOY
MAGALING NA LALAKI SAAN KA PUPUNTA?!!!!" hinawakan ko sya sa jacket nya at
napaatras naman sya agad.

"AALIS!! BULAG LANG?!!" tinanggal nya yung pagkakahawak ko sa kanya.

"SUBUKAN MO LANG UMALIS TUTUKTUKAN TALAGA KITA NITONG LATA!!!" itinaas ko sa mukha
nya yung hawak kong lata ng sardinas. Actually soda in can talaga ang bibilhin ko
dahil balak ko babatuhin ko 'tong goon na 'to kapag naubos ko na yung soda. Kaya
lang naubusan sa pinagbilhan ko at una kong nakita eh sardinas. Effective din naman
kasi umalis agad sila Tuck. Mga nakatakot siguro.

"ANG LAKAS NG LOOB MONG KAUSAPIN AKO!! BAKIT NATATANDAAN MO NA BA? AT ISA PA
BITAWAN MO NGA YANG LATA NA YAN!!!!" Napatingin ako sa hawak kong lata na nakaharap
sa mukha ni goon. Fine eh di bitawan kung bitawan!

*TUGSH!!

"ARAY!!!! BAKIT MO BINITAWAN!!" sigaw nya habang nakahawak sa paa nya.

"Oh eh sabi mo bitawan ko? Madali lang naman akong kausap." I smirked.

"SINADYA MO TALAGANG BAGSAKAN AKO NO!!! IKAW BABAE KA!!! UHHH!!!" parang nagpipigil
sya ng inis.
"HOY SABI MO BITAWAN KO TAPOS REREKLA-REKLAMO KA!! KUNG MAY DAPAT MAGREKLAMO DITO
AKO YUN!!!!" tinulak ko sya ng isang kamay.

"ANO?!!" parang gulong-gulo sya sa sagot ko. Wow may paganyan-ganyan pa sya ngayon.
Ako naman talaga ang dapat magreklamo. Tama bang magtapat sya sa'kin na may gusto
syang ibang babae sa moment na nageemote ako? AKala ko pa mandin ako na yung gusto
nya. Well hindi ko naman sinabi na sabihin nyang ako, medyo umasa lang ako. Engot
ko no? Assuming kasi ko masyado. Pero okay lang, kahit hindi ako ang gusto nya wala
na kong magagawa. Susundin ko na lang din ang advice ni ateng maintenance.

"ANO ANO KA PA DYAN!!!" halos kumukulo ang dugo ko sa goon na 'to. Hinampas ko sya
ng malakas. "Ikaw - hindi ko alam kung anong ginawa mo sa'kin!! Hindi ka naman
ganyan dati. Ikaw ang pinakamasamang nangyari sa buhay ko!! Palagi kang nagdadala
ng kamalasan sa'kin!! Ayaw na kitang makita - sinusumpa ko ang araw na nandun ka sa
mall!! Bakit ikaw kasi ang una kong nakita dun!! Sana si Tuck na lang o kaya si
Luke o Rich o kung sino man basta hindi ikaw!! Ang kapal ng mukha mo!! Ang sama-
sama na nga ng ugali mo at kung tratuhin mo pa ko parang lalaki pero wala pa din
akong magawa!!! Nakakainis ka!!" Pinaghahampas ko sya sa dibdib.

"Teka! Bakit ka nanakit? Kapal mo ding sabihan ako ng mga ganyan! Akala mo ba ikaw
lang? Ganyan din ang tingin ko sa'yo - " bigla syang napatigil ng titigan ko sya ng
masama.

"Sinabi ko bang magsalita ka? At oo alam ko - alam ko na hindi babae ang tingin mo
sa'kin!!! Alam ko naman yun pero hindi ko pa din maintindihan ang sarili ko!!
Bakit!!! Bakit!!!! Bakit ikaw pa!!! Isang siraulong basagulero bastos!! I hate
you!! I hate you goon!! Forever kang goon para sa'kin!!! At kung pagsisihan ko man
ang sasabihin ko ngayon okay lang dahil nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin!!"
napatigil ako sandali. Ready na ba talaga ko? Parang galit na galit ako at hindi ko
alam kung bakit. "Hindi ko alam kung nagbabago ka talaga o nag-iiba lang yung
tingin ko sa'yo. Lahat ng ginagawa mo nagiging maganda sa paningin ko at hindi ko
alam kung sinong may problema, kung ako o ikaw. Hindi ko alam kung ano 'to at kahit
hindi ako ang gusto mo - "

"Ano? Akala ko ba natandaan mo na yung sinabi ko - " napatigil na naman sya nang
titigan ko sya ng masama.

" - oo. Rinig na rinig ko at tandang-tanda ko pa!!! Kaya nga tinatanong ako sarili
ko kung bakit - ugh!!!! I don't know what's wrong with me - " napatigil ako at
napayuko, " - but I like you." At biglang umihip ang malamig na hangin. Awkward.
Natatakot ako sa magiging reaksyon nya.

"Ano ulit yun?" biglang nag-init ang ulo ko sa tinanong nya at pinaghahampas ko
ulit sya ng dalawang kamay sa dibdib.
"Hindi ko na ulit uulitin ang nasabi ko na!!! Ang kapal ng mukha mong magalit
sa'kin dahil hindi ko lang natandaan yung sinabi mo kahapon!! Ang lakas pa ng loob
mong sabihin sa'kin na gusto mo si Luisa!!! Wala kang puso!!!! Screw you!!!" bigla
nyang hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Narinig ko ang sinabi mo - " biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang bigla
akong nahiya. Narinig daw nya. Narinig daw nya. Bigla akong umiwas ng tingin pero
iniharap nya ang mukha ko sa kanya. " - at sinong Luisa?" maang-maangan pa 'tong
goon na 'to!

"Si Marissa! Sabi mo 'I think I like Marissa'" then I rolled my eyes.

"What the f^&K! Sinong Marissa?" parang nababadtrip na sya. Wow hindi pala Marissa.
Sige, iisa-isahin ko.

"Anong Marissa? Alyssa! Si Alyssa!" blanko lang ang expression nya. Feeling ko mali
pa rin yung pangalan. Tsk! Kelangan ko pang manghula. "Iza? Vanessa? Carisa?
Dionisia?" Hindi na nakakatuwa 'to. Nag-iinit na talaga ang ulo ko. Hinigit ko ang
braso ko habang hawak-hawak nya. "Ahhhhhhhhhhhhh!! Kung sino mang 'sa' yun isaksak
mo sya sa baga mo!! Wag mo na kong kakausapin ulit!!!!!" naglakad ako at nilampasan
ko sya. Nakakainis as if naman aaminin nya kung sino yung babaeng yun. Sabunutan ko
pa yun eh. Grabe nawawala lahat ng manners ko dahil sa goon na 'to. Kumukulo ang
dugo ko. Gusto kong manuntok. Unang taong makikita ko susuntukin ko!!!

"Alexa!!" narinig kong sigaw ni goon.

"What?!!" sagot ko at humarap pa ko sa kanya. Nakita kong papalapit sya. "Alam mo


kung wala kang sasabihin pwede ba aalis na ko!!!"

"Alexa!" papatalikod na ko sana ng tawagin nya ako ulit.

"Ano ba kasi yun ha?" bigla syang tumigil sa harapan ko pero wala pa din syang
sinasabi kaya tumalikod ulit ako.

"ALEXA!!" at sumigaw sya sabay hawak sa balikat ko.

*TUGHSH!!
"WHAT THE F&%K! BAKIT BA ANG BRUTAL MO!!! GANYAN KA BA MAGLAMBING!!!" wow ha. Hindi
ko alam kung joke yun o hindi pero yung suntok ko sa mukha nya hindi joke. Sinabi
ko naman sa inyo gusto kong manuntok! Ayan nasuntok ko sya dahil sa kakulitan nya.

"Dahil naiinis na ko sa kakatawag mo sa pangalan ko ng wala ka namang sasabihin!!!


Gusto mo bugbugin pa kita dyan ngayon ha?!! Hindi yan paglalambing!! Kapal mo!!
Hindi ka kalambing-lambing!! Wag na wag mo na kong tatawagin!!!" grabe feeling ko
10 years na ang dumagdag sa age ko dahil sa inis ko ngayon.

"Hindi kita tinatawag!!" susuntukin ko sana ulit sya pero bigla nya kong pinigilan.
"Sinasabi ko lang yung tamang sagot. Di ba nanghuhula ka ng pangalan? Tss! Kakaiba
ka din no? Pati ba naman Dionisia naisip mo? San mo ba nakuha yung mga pangalan na
yun? Sino ba yung mga yun ha?"

Parang nagulat ako sa sinabi nya. Oh my - buffering ang utak ko. Wala akong
maintindihan. Para kong nakalutang. "Alexa? Alexa ang right name?" tumawa ako ng
fake para hindi halatang ninenerbyos ako. "Wow, kapangalan ko pa. Ha- ha - ha. I
know hindi ako yun kasi naman nakakatawa - ha - ha - ha - bakit - ka - kapangalan
ko pa!"

"Kasi ikaw nga yun." Nabibingi ba ko? ANo daw?

Kasi ikaw nga yun.

Kasi ikaw nga yun.

Kasi ikaw nga yun.

Kasi ikaw nga yun.

Kasi ikaw nga yun.

Kasi ikaw nga yun.

Kasi ikaw nga yun.


Kasi ikaw nga yun.

Kasi ikaw nga yun.

Okay okay. Narinig ko na. Pero tama ba yung narinig ko?

"A - ako?" tumingin ako sa paligid at tinuro ko yung sarili ko. "Meaning - ano -
you - li - like me?" Tumango lang sya. Hinigit ko yung braso ko sa pagkakahawak
nya.

<.< >.>

>.> <.<

<.< >.>

"So - ta - tayo - tayo na ba?" mabilis nyang sabi pero sa taas sya nakatingin.

"What? NO!!!" yeah as in no!! Kami agad? Kapal naman nito. Ano easy lang? Mukha
nya. "Hindi mo pa nga ko nililigawan tayo na? Wow, lakas mo naman!!"

"Kelangan pa ba yun?" halata na nahihiya syang magtanong. Nakakatawa yung itsura


nya.

"Syempre! Hindi ko pa naeenjoy na maligawan ng ano - ng -


taonggustokokayakelanganpayungligawno!" sinabi ko ng mabilis para hindi nya
maintindihan.

"Paano yan - hindi naman ako marunong manligaw." Inilagay nya ang dalawa nyang
kamay sa bulsa ng pants nya habang nilalaro ng right foot nya yung bato na nasa
tapat namin.

"Well magsearch ka o kaya magtanong sa mga kaibigan mo. So kung hindi mo ko


liligawan - eh di sa iba ako magpapaligaw." Then I smiled.

"A - ano? Hoy sinasabi ko sa'yo - "

"At sinasabi ko din sa'yo goon na gagawin ko ang sinabi ko! Dyan ka na nga at may
klase pa ko!!" papaalis na ko ng bigla nyang hinigit yung bag ko. "Hoy anong
ginagawa mo?"

"Sabi mo ligawan kita? Eh ganito yung mga nakikita ko. Pinagdadala ng gamit."
Syempre hindi ako pumayag. Inagaw ko ulit sa kanya yung bag.

"Ayoko nga! Isa pa pambabae 'tong bag na 'to and ayokong pinagdadala ako ng gamit
kaya no no and no!" ayoko naman talaga kahit magpumilit pa sya.

"Okay." Good. Mabuti naman at mabilis syang kausap. Nagi-stretching pa sya ha.
Parang tatakbo sa malayo. "Pasok na tayo." Nakalimutan kong classmates nga pala
kami sa next subject.

"Sure." Ito ata ang unang matinong usapan namin - "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!! ANong
ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!! Siraulo ka talaga!! Ibaba mo ko hoy!!!" kakasabi ko
lang di ba na yun ang una naming usap na matino? At sa tingin ko yun na din ang
huli. Sinong matinong tao ang bubuhat sa isang babae papunta sa klase nya ha?
Sabihin nyo nga? At parang bagong kasal lang ang peg ng pagbuhat nya sa'kin. Ayos
talaga 'tong siraulong 'to.

"Sabi mo ligawan ka eh ayaw mo namang ipadala yang bag mo sa'kin kaya ikaw na lang
ang bubuhatin ko hanggang room. Okay na siguro yan." Nakangiti nyang sabi.

"Okayin mo yang mukha mo!! Ibaba mo ko or else hindi na kita kakausapin kahit
kelan!! Hindi ka talaga nag-iisip!!!" naglilikot ako habang buhat-buhat nya ko.
Nakakahiya kasi kapag dumating kami sa hallway. Maraming tao pa mandin dun at take
note hindi ko pala sure kung tao dahil sa ugaling alien sila. Mga chismoso't
chismosa.

Hindi pa din nya ako binababa at nakangiti pa din sya. Naala ko nung last time na
binuhat nya ko bigla nya kong binitawan nung - nung para kong yumakap sa kanya.
Hihi. Patay ka sa'kin ngayon. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa leeg nya at
isinandal ko ang ulo ko sa chest nya.
*Dugdug *Dugdug

Ang bilis ng tibok ng puso nya. Parang yung sa'kin lang.

"Hindi na kita bibitawan. Eh ano kung marinig mo yan? Nasabi ko na naman sa'yo!"
napabitaw ako bigla at napatingin sa kanya. Nakangiti pa din sya. Ngiting devil.
Nakakasusot!

"Wala kang sinasabi sa'kin. Wala akong matandaan kaya ibaba mo na ko - "

"I like you!!"

At natahimik na nga ako. Wala na kong lakas kumilos dahil parang nanghina ako
bigla.

"Zak, ibaba mo na ko please?" bigla syang napatingin sa'kin. Nagpout lang ako at
nagpuppy eyes. Please sana effective.

Bigla syang tumawa ng malakas. "Sa ginagawa mo mas lalo lang kitang gustong yakapin
at halikan."

"Wag mong subukan dahil susuntukin kita!! Ibaba mo na nga ko!!!" kinagat ko sya sa
balikat kaya naibaba naman nya ko ng safe. Subukan nya lang na bitawan ako bigla
bubugbugin ko talaga sya! Hahaha. Lakas ng loob ko no? Pero syempre di ko yun kaya.
Underground fighter 'to eh. Anong laban ko di ba?

"Nagkiss na nga tayo ng ilang beses eh tapos ngayon hindi pwede? Bakit ha?!!"
nasigaw sya sa may likuran ko habang nakahawak sa balikat nya. Nung tiningnan ko
sya bigla akong naawa. Naalala ko kasi nung binato ko sya ng dalawang beses. Tapos
nabagsakan pa sya ng sardinas sa paa. Tapos nasuntok ko pa sya. Tapos ngayon
kinagat ko pa sya. Parang naawa naman ako.

Lumapit ako sa kanya at tinitigan ko sya. Halatang nasaktan pa din sya sa ginawa
ko. Pero - hindi din. Grabe nga sya makipagpatayan sa loob ng ring eh. Balewala na
siguro lahat ng ginawa ko sa kanya. Pero para kasing nakakaawa talaga sya.

Hindi ko namalayan at napigilan dahil kusang gumalaw ang katawan ko. Bigla ko na
lang syang nahalikan sa pisngi. Umiwas ako ng tingin at tumalikod. "Hindi na nating
pwede ulit gawin yun hangga't hindi pa tayo. Kaya galingan mo para sagutin kita."
At nanakbo ako ng mabilis dahil late na ko sa klase namin.

"So kapag hindi ko ginalingan hindi mo ko sasagutin? Hoy!! Hoy wag ka ngang
manakbo!!!" alam kong kasunod ko lang sya dahil iisa lang naman ang klase naming
dalawa.

***********************************

ZANEA'S POV

"Grabe naman silang dalawa. Lagi ba silang nandun? Tambayan na yata nila yun.
Imagine, walang tao dun, silang dalawa lang. ANo kayang milagro ang ginagawa nila."

"Hindi ko nga akalaing magagawa ni Alexa yan. I mean oo sikat si Zak dahil member
sya ng Sterke Geest but of all girls never pumasok sa isip ko na si Alexa pa ang
magiging close sa grupo na yun."

"Enough!" kakalabas lang namin ng gym at naisipan naming dito sa likuran dumaan
pero hindi ko ineexpect na makikita ko dito si Alexa kasama yung Zak na yun. May
pabuhat-buhat pa syang nalalaman. Kaya din naman akong buhatin ni Gene! Nakakainis,
masyado silang masaya. Masaya na si Alexa, sino bang mag-aakalang makakahanap din
sya ng boyfriend. Ganun na ba sila kaseryosong dalawa?

"What's wrong? Close ba kayo ni Alexa?" tanong ni Chelsea.

"No!" pero dati close kami hanggang niloko ko sya. Siguro nga dapat hayaan ko na
lang syang sumaya para sumaya na rin ako, para sumaya na rin kami ni Gene. "But
she's a good person. Hindi lang natin alam kung anong pinagdaanan nya kaya hayaan
na lang natin." Nauna na kong maglakad.

"Grabe yang magbestfriend na yan, member ng Sterke Geest ang mga boyfriends. Sana
ako din kahit isa lang sa kanila." Sabi ni Natty.

Napatigil naman ako at napatingin sa kanila. "Sterke Geest?"

"Yeah. Yung popular brotherhood sa Hemsworth University. Lumipat sila dito sa hindi
ko malamang reason. Sabi choice lang daw nila pero I'm sure may ibang reason. Well,
Sila lang naman ang sons ng pinakainfluential, wealthy and well-known family hindi
lang dito sa'tin. I'm surprised hindi mo alam." Explanation ni Natty.

"At mukhang hindi din alam ni Alexa." Maswerte pala sya pag nagkataon. Mayayaman
ang mga yun. Tss! Wala na naman akong pakialam sa kanya. Pag-iisipan ko pa din kung
papatawarin ko ba sya or hindi.

"Di ba si Tuck ang pinakamayaman sa kanila? Pero si Zak ang pinakahot. Nakakainis
'tong Alexa na 'to. Hindi nya ba alam na may fansclub ang Sterke Geest dito sa
school." Sa tono ng pagsasalita ni Chelsea parang naiirita na talaga sya kay Alexa.
Nakakaawa naman pala si Alexa, di ko alam na may mga naiinis na din sa kanya. Kung
dadagdag pa ko mas lalo na. Bahala na nga.

Naglakad ako ng mabilis dahil ayoko ng marinig ang usapan nila. Hahanapin ko na
lang si Gene. Kahit kelan hindi ako maiinggit sa kanya dahil may Gene na ko. Kahit
sino pa sya - sya lang ang minahal ko ng ganito katagal - kahit hindi ako ang una
nyang minahal.

**********************************************

ZAK'S POV

"Mr. Maliff and Ms. Andrade why are you late?" sabi ng professor namin as we enter
the room.

"Sumama po kasi pakiramdam ni Ms. Andrade kaya dinala ko po sya sa clinic."


Natatawa ako sa reason ko at nakita kong natatawa din si aswang.

Tumingin sa'ming dalawa si prof na may 'ow-look' sa mukha nya. "Okay pero next
time kelangan ko na ng note from our nurse okay?"

Yes naniwala sya. "Mr. Maliff you will be partnered with Mr. Elvis." May iniabot
sa'king papel si prof. Okay lang naman. Mukhang madali lang naman 'to.

"And Ms. Andrade you will be partnered with Mr. Philip." Napatigil ako ng bigla
kong narinig ang sinabi ni prof. Inibutan din si aswang ng papel.
"Hey Alexa, partner tayo." Loko 'to ah. Lakas ng loob magpacute.

"Yeah, sabi nga ni prof." umupo na sa unahan si aswang at tumabi naman 'tong Philip
na 'to!

"Zak, nabasa mo na ba yung gagawin natin?" sumulpot na pala sa tabihan ko 'tong


Elvs na 'to. Umupo na din ako sa may malapit kina aswang. Mukhang tinuturuan ni
aswang yung Philip na yun at tuwang-tuwa naman 'tong ungas na 'to.

"Sabi kasi ni prof ikaw daw ang magtuturo sa'kin."

At talagang may pagdikit pa sya ng upuan ha. Sige lang, wag ka lang magkakamali.

"Hindi ko kasi maintindihan yung lesson last time."

Wow nagtatawanan pa sila. Ano masaya lang? Bakit kanina hindi naman natawa 'tong
aswang na 'to. So sa iba masaya sya sa'kin hindi? Nagpapaligaw sa'kin tapos
nagpapaligaw din sa iba.

"Sana matulungan mo ko pero sana basic muna kasi hindi ko talaga maintindihan."

*BUGSH!!

Napatingin ang buong klase sa'kin dahil bigla kong nasuntok ang desk. Napatingin
din naman si aswang sa'kin at bumulong ng "okay ka lang?"

Wow, mukha ba kong okay? Bulag ba sya? Sinuntok ko na nga 'tong desk na 'to okay pa
din? Suntukin ko kaya yung Philip na yun? Malamang mas magiging okay ako.

"Mr. Maliff what's wrong?" Sh&t napansin pa ni prof.

"Nothing sir. Bigla na lang bumagsak yung desk." Tumayo ako at lumipat ng upuan mas
malapit kina aswang.
"Magstart na ba tayo Zak kasi nagstart na yung iba?"

Hindi pa rin talaga natinag 'tong Philip na 'to. Hindi ba nya alam na ako ang
rumored boyfriend ng nilalandi nya? Sh&T sana lang talaga totoong boyfriend na nya
ko para may reason na suntukin ko sa mukha 'tong mukhang asong lalaking 'to. Alam
ko kasing magagalit si aswang kapag sinuntok ko na lang yun ng walang dahilan.
Kahit sabihin ko pa na sobrang panget nya at nakakaasiwa ang mukha nya kaya ko
sinuntok, for sure mas lalo lang magagalit ang babaeng yun.

"So I'm not sure kung tama 'tong solution ko. Pwedeng pakicheck naman?"

F*&K! Hindi ko na matagalan! Bakit may paghawak pa sya kay aswang!! Hindi ko natiis
at tumayo ako para iapproach si prof.

"Excuse me prof, pwede bang magpalit ng partner. Okay lang bang si Ms. Andrade na
lang ang partner ko. Tulad nung dati, since pareho naman kaming top." Syempre
mahina lang yung approach ko kay prof. Nakakahiya kasi kapag narinig ni aswang,
baka sabihin binabantayan ko pa sya.

"That's the point Mr. Maliff kaya hindi kayo pwedeng magpartner. As you can see,
top and bottom students ang magkapartner. One way din para maiassist nyo ang
classmate nyo na nahihirapan sa subject. And besides mukhang okay na si Ms. Andrade
at Mr. Philip." This is bullsh*T! Kung hindi ko mapakiusapan si prof 'tong si
Philip na lang!!

Lumapit ako kina aswang. "Hey." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang si aswang sa'kin at ang lokong 'to walang reaksyon so I cleared my
throat.

"Hey Zak - " hindi na sya makapagsalita ng tintigan ko sya ng masama at sumenyas
ako ng 'you're-dead' sa kanya. Bigla syang namutla at hindi pa din naalis ang
tingin sa'kin.

"What are you doing?" napansin kong nakatingin na si aswang sa'kin.


"Nothing." Yumuko ako para bumulong sa kanya. "Pwede ba wag ka ng magpacute sa
Philip na yan dahil kapag ako natuwa alam mo na ang gagawin ko sa kanya." Tumayo
ako at bumalik sa upuan ko. Nakatingin pa din sa'kin si Philip at mukhang takot na
takot. Mabuti na yan alam nya kung saan sya lulugar. Kahit mabadtrip pa 'tong si
aswang okay lang at least hindi na dumidikit 'tong Philip na 'to sa kanya!!

A/N

This chapter is dedicated to tharanduil dahil sa magandang suggestion nya ng


'Sterke Geest'. Anyways thanks sa mga nagshare ng mga gusto nilang mangyari sa next
chapter and yes nag#2 tayo sa teen fiction. Yehey. Well ngayon #3 tayo sa Teen
Fiction at #4 sa Humor so okay pa din. Kaya please don't forget to vote at lalo na
ang magcomment. Yan na lang ang pambawi nyo sa'kin ang magagandang comments.
Hahaha. Follow and like our fan page. Click lang ang external link -----> :) Sana
kahit anong maging flow ng PH support lang kayo. :) And please share this story to
your friends on FB and twitter at kahit kanino. Haha. Thank you.

<3 megladiolus

*******************************************
32

*******************************************
A/N

Hello guys, #2 pa din tayo sa Teen Fiction at #3 na sa Humor. Thank you guys so
much. Sana kahit anong flow ng story support pa din kayo palagi. I love you all. :)

<3 megladiolus

ALEXA'S POV

Napuyat ako sa kakareview kagabi ayan tuloy konti lang ang tulog ko.

Napuyat kakareview ko kakahintay ng text?

Excuse me, kakareview kaya.

Kaya pala magdamag mong chinecheck ang phone mo. Every minute hinahawakan mo.
Oh my goodness, ito ata ang effect sa'kin ng konti lang ang tulog kinakausap ang
sarili. What the hell. Well half talaga ng pagkapuyat ko eh dahil sa pagrereview.
Medyo maaga naman akong natapos magreview. Then the rest ano - kasi yun nga. FINE!!
Oo nagiintay ako ng text ng goon na yun. Paano ba naman kasi after ng pinagawa ni
prof kahapon hindi na nya ko kinausap ng matino. Si Philip ng si Philip ang
kinakausap nya. Siguro bading yung goon na yun.

"Good morning miss." Bati ng isa sa mga butlers naming si Jacobo.

"Good morning." Wala kong energy na bati. "Hindi na ko magbe-breakfast. Late na


kasi ako."

"Okay po." Kukunin nya sana ang mga gamit ko pero hindi ko binigay.

"I'm fine Jacobo. Hindi na ko bata." Wag na syang makulit, badtrip ako!!

Paglabas ko ng pinto nandun na ang kotse ko at lumabas ang driver mula sa loob at
iniabot sa'kin ang susi. "Good morning miss."

Nagsmile lang ako at pumasok na sa loob ng kotse. Isang tingin na lang talaga
promise. Kinuha ko ang phone ko pero bigo - wala pa ding text. Ganyan pala ang
gusto mo ha. Fine! Maghanap ka ng liligawan at magboboyfriend ako as in today!!!

Nagdrive ako palabas ng makita kong may nakaharang na black Vugatti sa harapan ng
gate namin. Bumusina ako pero walang nalabas. Wow! Magpapark lang dito pa sa
harapan. Bumaba ako ng kotse at kinatok ko ang bintana ng Vugatti na yun.

"Excuse me bawal magpark dito!!!!" katok lang ako ng katok pero wala pa ding
nagbubukas. "Ayaw mo ha! Pwes ipapasira ko yang kotse mo kahit Vugatti pa yan!!!"
pabalik na ko ng kotse para kunin ang phone ko ng may biglang magsalita.

"ANG TAGAL MO NAMANG LUMABAS!!" isang familiar voice. Napatingin ako sa may gate at
nakita ko syang nakatayo - si goon. "KANINA PA KO DITO ALAM MO BA YUN!!!"

Hindi ako agad nakapagsalita. Anong ginagawa nya dito? At kanina pa daw sya? Bakit?
And wait - si goon nakakotse? Wow, di ba lagi syang nakabig bike.
"Titingnan mo na lang ba ko maghapon?" hindi ko napansing nasa harapan ko na pala
sya. "Sakay na."

"What?" wala syang text magdamag tapos susulpot sya dito at papasakayin ako sa
kotse nya? Tinanong ba nya ko kung gusto kong sumakay? "At bakit naman ako sasakay
dyan ha?"

Mukhang hindi nya nagustuhan ang tanong ko. Well mas hindi ko nagustuhan ang hindi
nya pagtetext sa'kin! "Susunduin na kita at ihahatid. Hindi mo na kelangan magdala
ng kotse. Ako ng bahala." Wow, ano boyfriend lang ang peg? "Ganito manligaw di ba?"

Ow, okay. Nanliligaw nga pala sya. Pero kahit na, galit pa din ako. "Bakit hi -
hindi ka nagtext kagabi?"

"Bakit namiss mo ba ko?" he smirked.

"NO!! Hindi lang ako sanay. That's it! Nanibago lang ako!" feeling nito. Namiss ko
daw sya? Tss! Nakakainis! Grrrrrrr! Kasi naman masyado syang possessive kahapon
tapos bigla syang hindi magpaparamdam. Akala ko tuloy nagbago na isip nya na ano -
na ligawan ako. I can't believe I am thinking about this right now.

"Don't worry, hindi naman nagbago ang isip kong ligawan ka." Then he winked.

Oh golly, bakit ang hot nya ngayon. Teka, narinig nya ba ang nasa isip ko? Sa isip
ko lang yun pero paano nya nalalaman?

"Tatayo ka na lang ba dyan?" nakita ko si goon na hawak-hawak ang nakabukas na


pintuan ng kotse. Teka pinagbuksan nya ba ko ng kotse? Hinipo ko sya sa leeg at
noo. "Ano bang ginagawa mo?" naiinis nyang tanong.

"Wala, baka kasi may sakit ka." Biglang sumeryoso ang mukha nya. "Ma - may sakit ka
ba?"

"May taning na ang buhay ko." Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sinabi nya.
Totoo ba yun? Mamamatay na ba talaga sya? Halos maluha na ko sa sinabi nya. "Kaya
dapat sagutin mo na ko bago pa ko mamatay."
"For real?" halos papatak na ang luha ko ng bigla syang tumawa ng malakas at
nakahawak pa sa tyan nya.

"Kung makikita mo lang ang - ang i-itsura mo - ma - matatawa ka din." At biglang


kumulo ang dugo ko ng ganito kaaga.

"How dare you!! May pataning-taning ka pa. Bakit hindi ka na lang ngayon mamatay at
mawala sa mundo!!" nilampasan ko sya para pumunta sa kotse ko pero nahawakan nya ko
sa braso.

"Joke lang naman. Masyado kang seryoso. Nagbabakasakali lang na sasagutin mo na


ko." Nagpipigil pa din sya ng tawa. On the second thought, ngayon ko lang sya
nakitang ganito tumawa. Ngayon ko lang din sya nakitang maging gentleman. Now mas
gusto ko pang makita kung anong mga gagawin ng goon na 'to. "Pasok na."

No ang sinasabi ng isip ko pero okay ang lumabas sa bibig ko. Great Alexa. "Wait
yung mga ga - "bigla nyang itinuro sa backseat ang mga gamit ko. Paano nya nakuha
yun? I mean kelan nya nakuha yun? Siguro tulala kasi ako kaya hindi ko napansin.
Tinext ko agad si Jacobo at pinakuha ko ang kotse ko sa gate. Baka kasi magpanic
sila kapag nakita nila ang kotse ko na nandun at ako wala.

Tahimik lang ang buong byahe namin. Hindi sya nagsasalita. Parang may mali ata
dito. Since hindi sya nagsasalita ako na lang. "So nagreview ka ba para sa exam
natin today?" isang smirk lang ang nakuha ko sa kanya. "Oh nakalimutan ko isa ka
nga palang genius." Then I rolled my eyes.

"May sakit kasi si Cia kagabi so hindi ako nakapagreview. Pero okay na sya ngayon.
May nurse na din naman sa bahay na magbabantay sa kanya." Bigla akong nakonsensya.
Kung anu-anong pinagsasabi ko sa kanya tapos si Cia naman pala ang reason kung
bakit hindi sya nakapagtext. Grabe hindi ko magawang tumingin sa kanya. Bigla nyang
kinuha ang kamay ko.

"Feeling ko may sakit din ako. Kelangan ko ng mag-aalaga." Inilagay nya ang kamay
ko sa leeg nya. What's wrong with him? May sakit ba talaga sya at kanina nya pa
ginagawang joke ang sakit nya.

"Wala ka namang sakit. Maarte ka lang." hinigit ko ang ko. Sa totoo lang masyado
lang talaga kong nakokonsensya.

"Sh*t! Di naman effective!!" narinig kong bulong nya.


"Ano yun?" hindi sya tumingin sa'kin at diretso pa din sa pagda-drive. "Great!
Thank you."

Dumating kami sa school. Halos lahat nakatingin sa kotse nya. Well feeling ko alam
naman nila na si goon 'to dahil nagpark sya sa lot na pwesto nila talaga dito sa
school at nagulat ako sa nakita ko. Puro black na kotse ang nakapark at walang mga
motor. "Anong nangyari sa motorbikes nyo?"

"For a change." Sagot nya habang tinatanggal ang seatbelt nya. Tinanggal ko din ang
seatbelt ko at pababa na ng bigla nya kong pinigilan. "Hoy teka! Wag ka ngang
magulo dyan. Wag kang gagalaw." Siraulo ba sya? Hindi ako gagalaw? Anong gusto
nyang gawin ko samantalang sya bumaba na ng car at umikot - ow. Pinagbuksan nya ko
ulit ng kotse. This is not really him. "Bababa ka ba o dyan ka na lang maghapon?"

"Ha? Ah syempre." Bumaba ako at kinuha nya ang gamit ko sa backseat. Sya na din ang
nagdala. Tinitingnan ko lang sya habang nakangiti sya.

"Busog ka na ba kakatitig sa'kin?" oh my alam nyang nakatingin ako sa kanya. Yan


pala ang gusto mo ha, okay.

"Oo naman. Kung palagi kang ganyan eh di hindi ko na kelangang kumain." Lumapit ako
sa kanya at bumulong ako. "Nakakabusog kang titigan." Nakita kong namula sya at
hindi agad sya nakapagsalita. Hindi ko naman napigilang tumawa. "Kung makikita mo
lang ang itsura mo ngayon, matatawa ka din."

Nakabawi na din ako sa wakas. Hindi ko alam kung may kakambal ba si goon o sya
talaga 'to. I mean the freak goon tapos ganito sya ngayon. San naman nya napulot
'tong mga ganitong style? Anyways, malalaman ko din naman yun. Wag ko lang
malalaman na sa babae sya nagpapaturo humanda sya sa'kin.

Kinuha ko na kay goon ang mga gamit ko ng makarating kami sa locker ko. "Next time
wag mo nang dadalhin ang mga gamit ko. Hindi bagay sa image mo." Then I laugh.

"Ang arte mo. Sya gamit ko na lang ang dalhin mo maiba naman." Binigyan ko sya ng
warning look at tumahimik naman sya agad. "Tss! Ang laki ng mata mo. Dyan ka na nga
muna. Sisilipin ko muna sila Tuck." At tumalikod na sya. Ang laki daw ng mata ko.
Siraulong goon yun ah.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng locker tumingin agad ako sa salamin. "Hindi naman


malaki ang mata ko ah."
"Hindi naman talaga." Nagulat ako ng biglang may nagsalita. Isinara ko ang locker
ko para tingnan kung sinong epal ang nakikinig sa sinasabi ko.

"Excuse me, do I know you?" isang lalaking matangkad na medyo Moreno at makalaki
ang katawan ang nandito sa harapan ko ngayon. Nakangiti lang sya na parang baliw.
Wow, mukhang nagkalat na ang baliw sa mundo.

"Not really but I do know you. I heard a lot of good things about you and I'm a
fan." Iniabot nya ang kamay nya sa'kin. "By the way I'm Dale." Tiningnan ko lang
ang kamay nya bago ako nakipagshake hands. "You're Alexa Ciesla Andrade."

"Yeah." Medyo awkward yung feeling dahil ngayon lang may naglakas ng loob na gumawa
nito sa'kin. "Are you new here? You don't look familiar."

"Yes. New student ako." Okay. Kaya pala ngayon ko lang sya nakita. "Actually gusto
ko sanang magpaturo sa'yo. I heard na top student ka at nagaadvance class ka na.

"Sana bitawan mo muna yung kamay ko." Nahihiya kong sabi.

"Ow, sorry." Hind ko magets kung pacool ba sya or mahiyain. Hindi ko din alam kung
paano ko sya kakausapin since ayoko naman masira ang tingin nya sa'kin pero gusto
ko ding maligtas ang buhay nya. Patay kasi sya kay goon kapag nakita sya na
kinakausap ako.

Hindi pa ko nakakapagsalita ng bigla kong naramdaman na may yumakap sa waist ko


from behind. "Back off dude. She's mine."

Ipinatong nya pa ang ulo nya sa balikat ko. Shemay, nararamdaman ko ang mainit
nyang hininga. Si goon possessive? Pero okay na din yung ganito sya if ever na
magiging kami. At least alam kong hindi nya ko ipamimigay ng ganun kadali.

"Hey, you're Zak. So kayo ni Alexa?" cool na cool lang si Dale. Hindi nya aba alam
na 50/50 na ang buhay nya ngayon. Kawawa naman sya.

Biglang namutla si Dale habang nakatingin pa din kay goon. Hindi ko naman alam kung
anong sinasabi o ginagawa ni goon para mamutla 'tong loko na 'to ng ganun.
"Oh I need to go. Nice meeting you Alexa. See ya around!"

"Don't dare dude." Mas humigpit ang yakap ni goon sa'kin at mas inilapit nya pa ko
sa kanya.

"O - okay." At nagmadaling umalis si Dale. Humiwalay ako kay goon at nakita kong
nakakukot ang kilay nya. Hahaha.

"You're so mean! Hindi mo na dapat sya tinakot." Hinampas ko sya sa balikat pero
hindi pa din nagbabago ang facial reaction nya.

"Nawala lang ako sandali may kalandian ka na?" natawa naman ako sa sinabi nya.
Kalandian talaga ang term?

"Why, are you jealous?" I know he is. He's so possessive and gentleman. He's so
unpredictable. He's full of surprises. Ano pa kaya ang susunod nyang gagawin?

"Shut up!" tumalikod sya at naglakad palayo. Nilock ko ang locker ko at sinundan ko
na sya. Same class lang kami this morning so iisang direction lang ang pupuntahan
namin.

"Hey Alexa." May humarang sa'king grupo ng babae. Nakatingin ako sa naglalakad na
si goon pero hindi man lang sya lumingon. Hindi ba nya titingnan kung nasa likuran
nya pa ko? Grabe talaga sya.

"Alexa, hello." Napatingin ako sa nagsalita. Si Monica pala. "Okay girls, 1, 2, 3."

"I'm bulletproof, nothing to lose

Fire away, fire away

Ricochet, you take your aim

Fire away, fire away

You shoot me down but I won't fall

I am titanium
You shoot me down but I won't fall

I am titanium"

"Wow, hindi pa din kayo nagbabago. Ang ganda pa din ng blending." Napapalakpak ako
sa ginawang sample nila Monica ng titanium.

"Thank you. Have you heard about the festival? Next week na sya and Skylar Vocals
wants you back. May mga makakalaban tayo from different organizations but confident
kami kung makakasama ka namin magperform." Well dati na naman talaga kong nakanta
until hindi ko masyadong maenjoy dahil mas gusto kong magsulat ng articles at
magsolve ng math problems.

"Please Alexa." Mukhang hindi nila ko papalampasin kung hindi ako papayag.

"Okay. No problem." Bigla nila kong niyakap lahat.

"Thank you so much! Anyways, dumaan ka sa office mamaya para sa details." At umalis
na nga sila. Great now I'm late kaya nagmadali na kong tumakbo papunta sa klase ko.
Mabuti na lang kasabay kong pumasok ng room ang professor namin.

"Good morning class. Just a quick reminder. Our next activity will be based on your
scores like what we did last time. The first and second will be paired so good
luck. And lastly, pencil lang ang gagamitin nyong lahat or else zero na agad ang
score nyo." Dinistribute na ni prof ang test papers. Magkatabi kami ni goon ngayon
at hindi pa din nya ko kinakausap. Hindi ko din sya nakikitang magsagot.

Oh no. Hindi nga pala sya nakapagreview. Pero genius sya kaya alam kong
makakapagsagot sya. Tsk. Nabobother ako. Maya-maya kinulbit nya ko.

"May extra ka bang pencil? Yung may eraser ha." Bulong nya.

Papasok-pasok ng di ready tapos guguluhin ako. Grabe talaga 'tong lalaking 'to.
Kumuha ako ng extra pencil at iniabot sa kanya pero hindi nya kinuha.

"Yan gamit mo ang gusto ko. May magic yan. Matalinong pencil. Wala kasi akong
masagot ngayon." For real? Binigyan ko sya ng 'you-gotta-be-kidding-me-look'.
Pinakita nya sa'kin ang papel nya na wala pa ngang kahit anong sagot. Nakakaawa
naman 'to. So binigay ko na ang gusto nya. Iniabot ko ang favourite kong pencil sa
kanya at nakita kong nagsulat na sya. Hindi ko na naman sya inabala at nagsagot na
ko ng exam. Ito lahat ng nireview ko kagabi. Ang dali lang talaga. Hindi man lang
ako pinagpapawisan.

Ilang minutes lang natapos na din akong magsagot. Chineck ko na din at confident
ako na mapeperfect ko 'tong exam na 'to. Napapangiti ako mag-isa ng bigla na namang
may kumulbit sa'kin. Napatingin ako kay goon.

"Tapos ka na?" bulong nya. Tumango lang ako. "Akin na yung papel mo. Pakopya."
Nagdalawang isip pa ko kung ibibigay ko nga yung papel ko sa kanya. Pero kung wala
talaga syang masasagot syempre hindi naman ako madamot at alam ko naman na matalino
sya hindi lang talaga sya nakapagreview dahil nag-alaga sya kay Cia.

Oh, ang sweet naman nyang kuya. Nakita kong nagsulat si goon sandali at nagbura
din. Siguro kinopya nya talaga yung answers ko. Halos ang dami nyang binura ha.
Tumayo sya at ipinasa nya ang papel namin kay prof. Mabilis din naman syang lumabas
at hindi na tumingin sa'kin. Siguro nga masama talaga ang araw nya. Kawawang goon.
Sana lang talaga nakopya nya lahat ng sagot ko.

"Pwede na pong lumabas?" tanong ko sa professor. Nagnod lang sya habang nakatingin
sa'kin na parang shocked na hindi ko maintindihan pero hindi ko na sya tinanong at
lumabas na ko.

Hindi ko alam kung nasan na si goon at kung san sya pupunta. Matapos mangopya hindi
man lang magthank you. Ang gulo nya talaga. Minsan possessive sya, minsan naman
suplado. Talo pa babae kapag may period.

*TUGSH

Ouch. Tumama ako sa isang matigas na muscle. Pe - pero nino?

"Hey are you okay?" ow, si Tuck. "Holy sh*t! Lex are you okay?" hinawakan nya pa ko
sa ulo. Para syang terrified. Ang OA lang Tuck ha.

"Ang sakit ng ulo ko. Si - sino ka nga ulit?" nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Is
he serious? "Joke lang. Okay ka lang ba Tuck? You look terrified." Nakahinga sya ng
maluwag ng marinig ang sinabi ko.
"I'm fine." Naglakad sya at nilampasan nya ko pero sinundan ko sya hanggang umupo
sya sa bench. "Mukhang hindi mo talaga ko titigilan no?" Ngumiti lang ako sa kanya.
"Tss. Umupo ka nga dito." At walang sabi-sabi umupo sa tabi nya.

Hindi naman sya agad nagsalita. Napansin kong tingin lang sya ng tingin sa phone
nya. "Uhm, may iniintay ka bang text or call? Every minute mo kasing chinecheck
yang phone mo." Tinuro ko yung phone nya.

Napafacepalm na lang sya. "There's this girl I met last night. She's hot and all.
Hindi nya binigay yung number nya so I gave her my number. Sabi nya tatawagan nya
ko but until now wala pa din." Dahil lang sa babae nagkakaganito si Tuck?

"Well hindi sya interested sa'yo kaya hindi ka nya tintext or tinatawagan." Then I
smiled.

"What? Are you serious?" parang hindi sya makapaniwala sa sinabi.

"Of course. Alam mo Tuck kung interesado sya eh di sana binigay nya ang number nya
sa'yo." Tinap ko sya sa balikat. "You have to accept the fact na hindi lahat ng
babae magkakagusto sa'yo. Okay?"

"Like you. I can't believe na may isang Alexa pa na nageexist. Mabuti na lang." he
sighed.

"Mabuti na lang ano?" tiningnan nya lang ako then he shrugged. "Ang daming weird
ngayong araw." Then I make face.

Hindi sya sumagot. Sumandal lang sya sa bench. Itinago na din nya yung phone nya sa
pocket nya. "Kamusta kayo ni Zak?"

"Tulad pa din ng dati." Kamusta ba kami? Wala naman pinagbago. Ganun pa din naman.
ANo bang sasabihin ko? "Sinundo nya ko kaninang umaga to my surprised. Tapos parang
hindi sya si goon. Imagine pinagbukas nya ko ng door. Ha - ha - ha. So not him."

"Good. Sumusunod naman pala sya." Nakangiting sabi ni Tuck. Maya-maya kinuha nya
ang phone nya sa bulsa nya at bigla syang ngumiti. "Well I guess you're wrong lucky
girl. She's into me." Pinakita nya sa'kin ang phone nya. Oh great! Paimportanteng
babae lang pala sya.
"So ibig sabihin nag-iisa lang ang tulad ko sa mundo." I folded my arms over my
chest.

Tinaas nya ang kamay nya na parang sumusurrender at nagtawanan kami. Namimiss ko na
din pala 'tong mga 'to. Sana magkasama-sama ulit kami.

"Anyways Lex, I gotta go. You know, I need to get some exercise." I'm confused kung
anong meaning ng sinabi nya at ang ending eh ginulo nya lang ang buhok ko. "Mmmmm.
Ikaw talaga. Wag ka ngang gumanyan ha." Tumayo sya ng hindi ko nakikita ang facial
expression nya.

"Good luck sa date mo!" nagwave lang sya pero nakatalikod sa'kin. Hindi na din sya
nagsalita habang pinapanood ko syang maglakad palayo. Parang ang lungkot ni Tuck
ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Sana lang may time kaming magkwentuhan. Okay lang
naman yun kasi magkaibigan naman sila ni goon.

Anyways, saan kaya ko pupunta? Hahanapin si goon o si Jezhi? Kung sino na lang ang
una kong makita.

Pakanta-kanta pa ko habang naglalakad. Nasan na kaya yung goon na yun. Siguro


nagmumukmok sya kasi wala syang naisagot sa exam kanina at kaya sya umalis agad eh
dahil nahihiya sya sa'kin dahil nangopya sya. Di bale hindi ko na lang babanggitin
sa kanya yung about dun para hindi naman sya mapahiya.

"I really wanna have one pero ayaw ng parents namin." Nakarinig ako ng babaeng
tumatawa. Wagas lang ha. Siguro sobrang saya nya parang ako lang. Napapangiti din
ako ng bigla kong marinig ang boses ni goon.

"Pwede mong itry yung sa'kin then kapag kaya mo na sasamahan kitang bumili ng
sa'yo." Sabi ni goon. Hinanap ko kung san sila nag-uusap at nakita ko sila sa may
hagdanan. Wow, kaya pala sya nagmamadali dahil dito?

Bakit ako nasasaktan? Kung makaasta sya kanina kay Dale wagas tapos ngayon
nakikipagflirt. Teka sino ba yang babaeng yan? Maganda naman sya pero syempre
maganda din naman ako.

"Sure basta nandun ka din kapag tinry ko na ha. Kelangan pagsakay ko sasakay ka din
at ayoko ng mabilis." Tumatawang sabi nung babae. What the hell. Anong pinag-
uusapan nila? Nanggigil na talaga ko. Hindi ko na kaya. Aalis na sana ko ng bigla
kong nadali ang naiwang mop ng janitor at natumba sya sa floor and boom. Nakita
nila ko.

Nagkatitigan lang kami ni goon. Blank lang ang expression nya. Well bakit pa ko
nagiintay ng kahit anong reaction o explanation. Ang kapal ng mukha nyang
makapagsabi sa'kin ng kung anu-ano tapos mahuhuli ko syang nakikipagflirt!!!

"So - sorry. Hindi ko sinasadyang maistorbo kayo. Go on! Wala naman akong narinig.
Promise. Okay bye." At nanakbo na ko papunta sa hindi ko alam. I hate you goon. I
hate you for the rest of my life. Ikaw na ang pinakamasamang nakilala ko. Akala ko
ba hindi sya malapit sa mga babae, eh ano yung nakita ko? Wow ha at kung anong
kalaswaan pa ang pinag-uusapan nila. So perv! Napatigil ako sa field at inihagis ko
ang mga gamit ko sa ground.

"Ang kapal ng mukha mo!!!" Grrrrr! Nanggigigil na talaga ko. "Siraulo kang goon ka.
I hate you."

"Bakit? Anong ginawa ko sa'yo?" nagulat ako ng bigla syang nagsalita sa likuran ko.
Tiningnan ko lang sya pero hindi ko sya pinansin. Dinampot ko ang mga gamit ko sa
floor. "Alexa, hindi mo naman siguro binigyan ng meaning ang pag-uusap namin ni
Honey di ba?" at hindi ko na napigilang ibato ang mga gamit ko sa kanya.

"Plastik! Fake! Liar! May Honey ka na pala may pasabi-sabi ka pang manliligaw ka
sa'kin! Katulad ka din ni Gene! User! Playboy!! Go to hell!!" naglakad ako papalayo
pero nahawakan nya ko sa braso. "Let me go!!!"

"It's not what you think Alexa." Mas lalo akong nagalit. Huling-huli na nga
nagdedeny pa.

"Shut up! Shut up!! Hindi na ko maniniwala sa'yo!! Ever!! I hate you!! Go to hell
goon!!!" hinawakan nya ko sa dalawang balikat pero hindi ako nagpaawat. "I don't
wanna see you again!"

"Don't do this to me." Nasasabi nya pa yan? Hindi pa nga kami niloloko na nya ko,
what more pa kung kami na. Alam ko wala pa kong karapatang magalit ngayon dahil
hindi pa kami pero wala akong pakialam.

"Ang kapal mong manakot ng mga lalaking lumalapit sa'kin pero ikaw anong ginagawa
mo? May honey ka pa ngayon ha. Enough! Enough Zak. Ayoko ng makipaglaro sa'yo - "
and his lips met mine. Sa ganitong way napatahimik nya ko. Hindi ako makagalaw.
Galit ako pero sa isang iglap parang nawawala lahat ng sakit. May kakaiba sa kiss
ng goon na 'to na hindi na nya kelangang magsalita pero ramdam na ramdam ko na
lahat but still I hate you. Para akong natutunaw na yelo.

I pulled away. Kapag nagdiretso pa yun baka tuluyan na kong matumba. Galit ako at
hindi fair na gawin ni goon sa'kin yun.

Hinawakan nya ko sa cheeks gamit ang dalawa nyang kamay. "Please wag mo nang
sasabihin lahat yun. Sorry kung nasaktan kita pero believe me hindi yun tulad ng
iniisip mo. Trust me. You have to trust me." At hinalikan nya ko sa forehead tsaka
niyakap. "AYokong sasabihin mong ayaw mo na kong makita okay? Dahil sinasabi ko
sa'yo hahanapin kita kahit san ka magpunta." Hinampas ko sya sa dibdib. Nakakainis
sya. Bakit ba hindi ko mapredict kung anong mga susunod nyang gagawin. Napapasaya
nya ko, pinapakilig pero nasasaktan din nya ko.

Hinawakan nya ko sa chin and our eyes met. Geez ang bilis ng heartbeat ko. Inilagay
nya ang dalawa kong kamay around his neck. "Hey, sabi ko bawal ang kiss hangga't
hindi pa tayo or else - " and he cuts me off by kissing me again. I know this is
wrong pero naeenjoy ko lahat. Napayakap na ko sa kanya while we're kissing and -

*BOOM

We hit the ground. Nasa ilalim sya at nasa ibaba ako. Sabay pa kaming tumawa. This
is it. Hindi ko na kayang patagalin pa. Pero anong gagawin ko. Bahala na nga.

"Zak?" I started.

Inayos nya ang buhok na nasa mukha ko. "Hmmmm?"

Magsasalita na ko ulit ng bigla nya kong niyakap. "1 minute lang, please one minute
lang." at hindi na ako nakapagsalita. Kahit ang awkward ng position namin hinayaan
ko na lang sya. Makabawi man lang sya sa nakita ko kanina.

"Sorry. I'm sorry."

"Dapat lang." mabuti naman at nagsorry na sya.

"Hindi dahil kay Honey. Pero malalaman mo din." Bago pa man ako magsalita he
tickled me to death hanggang hindi na ko makahinga. Sana ganito na lang kami
palagi. Kung ano man yung sinasabi nya sana hindi naman sya ganun kasama. Alam kong
hindi naman nya ko sasaktan - sana lang talaga. Sana.

*******************************************
33

*******************************************
ALEXA'S POV

Maganda 'tong araw na 'to. Bakit? Syempre sinundo na naman ako ni goon sa bahay
tapos magkaklase pa kami ngayon sa first subject. Pero syempre naman hindi ko
pinapahalata na masaya ako. Mamaya magfeeling pa 'tong lalaking 'to. Pagpasok namin
sa classroom nakatingin sa'kin si prof. Siguro nagulat sya na magkasama na naman
kami ni goon at nauna pa sya sa'min sa klase. Iniintay kong magsalita sya pero wala
naman syang sinabi kaya naupo na lang kami ni goon.

"Okay class nandito na ang results ng exams nyo and like I've said first and
second, then third and fourth and so on ang magkapartner for our last activity."
Sino na naman kayang tatakutin ni goon na magiging kapartner ko? Sana babae na lang
makapartner ko para hindi naman nakakaawa. Baka kasi hindi na makatulog yun sa
gabi. Tulad ni Philip, hindi na ko kinausap simula nung last activity at tuwing
magkakasalubong kami naku hahanap talaga sya ng ibang way makaiwas lang.

Napatingin ako kay goon pero seryoso yung mukha nya at nakatingin lang sya sa desk.
Tsk! Siguro worried sya sa score nya. Baka kasi hindi nya kinopya lahat ng sagot
ko. Siguro naman bibigyan sya ng consideration ng professor namin since genius nga
sya.

"And the last pair, are Ms. Andrade and - " ngumiti pa ko kasi expected ko na
talaga yun. The question is sino pa bang walang partner sa'min? Hindi kasi ko
nakikinig. Di bale iintayin ko na lang. " Mr. Maliff" Nanlaki yung mata ko sa
narinig ko. Oh my gosh, kaming dalawa ang magpartner? Meaning mababa ang score nya.
Grabe halos maiyak ako sa lungkot. Tiningnan ko sya at wala syang imik. Nakakaawa
naman sya, siguro ngayon lang 'to nangyari sa buong buhay nya. "Okay, you can start
now." At nagdistribute na si prof ng activity sheet.

Hindi tumatayo sa upuan nya si goon kaya ako na lang ang lumapit sa kanya. Umupo
ako sa tabihan nya at tinap ko sya sa balikat. "Are you okay?" nagnod lang sya.
"Don't worry I know our prof will give you extra works and credits sa mga nagawa mo
na dati." Tumingin lang sya sa'kin with blank expression. Mukhang sineryoso nya
yung pagiging bottom student. Ano kayang gagawin ko? "If you want pwedeng magrelax
ka na lang. Ako na lang ang magsasagot nito." Pero kinuha nya yung activity sheet
at nagbasa sya kaya binasa ko na lang din yung naiwan sa'kin.
Tahimik lang kami, nakakapanibago. Siguro masyado lang talaga syang nadisappoint sa
sarili nya kaya ganito sya ngayon. Hindi ko na din naman sya kinulit. Sa activity
na ginagawa namin okay naman lahat ng sagot nya. Wala na nga kaming pinagtalunan.
Nalulungkot talaga ko para sa kanya. Hindi ko sya aawayin ngayong araw.
Magpapakabait ako ngayon para hindi na madagdagan ang disappointment nya.

"Alam mo hindi mo kelangang madepress. Okay lang yan. May mga bagay lang talaga
tayong hindi ineexpect." Nakangiti kong sabi sa kanya. Tinitigan nya ko at bigla
nya kong niyakap. Ramdam na ramdam kong sobrang lungkot nya. "It's okay." Hindi sya
nagsasalita pero alam kong pinipilit nya lang itago sa'kin na malungkot sya.
Nagulat na lang ako ng bigla nyang iniabot sa'kin yung nasagutan na nyang activity
sheet at tumayo at lumapit kay prof. Nakita kong nagnod lang si prof at lumabas na
si goon. Ganun na lang ba kaimportante sa kanya yung grades? Minsan lang bumagsak
sobrang depress na agad?

Hindi ko na sya sinundan dahil malulungkot lang din ako. Baka hindi pa ko
makatulong since wala din naman akong alam sa mga ganung situation. Nireview ko na
lang ang answers namin.

"Pass your papers class." Nagtayuan na ang mga classmates ko at dumiretso na sila
palabas. Ako na ang huling nagpasa ng answers namin. Papalabas na sana ko ng bigla
akong kinausap ni prof. "Ms. Andrade, can we talk?" Syempre bumalik ako. Alam ko
namang iko-congratulate lang ako ni prof dahil ako ang highest ngayon. Lagi naman
nya yung ginagawa. So umupo ako sa tapat nya, medyo hindi ako ganun kasaya sa
sasabihin nya dahil alam ko na sa kabila ng pagiging highest ko eh lowest naman si
goon.

"You don't have to congratulate me prof. This is not new to me and I don't think
this is the right time para magcelebrate." Hindi ko na lang imemention sa kanya
kung bakit ganito ako magsalita. "But please give Mr. Maliff another chance. You
know him and this is so hard for him, hindi nya lang masabi but I know it." Ang
bigat ng pakiramdam ko. Bakit parang mas nalulungkot pa ko kay goon.

"What are you talking about?" I knew it. Alam kong hindi talaga papayag si prof na
hindi ako ikocongratulate. Wala na kong magagawa. Nakagawian na din kasi.

"Thank you so much sir but I gotta go." Papatayo na sana ko pero pinigilan ako ni
sir.

"Look Ms. Andrade, I don't know what you are up to but Mr. Maliff is fine. My main
concern now is you." Seryosong nakatingin sa'kin si prof at hindi ko magets kung
anong sinasabi nya.
"Me? Why me? I don't get it." Holly, may violation ba ko? May nakapagvideo kaya
nung vandalism na ginawa namin? Yung reputation ko nasira na ba? Oh no! I am so
dead. Dapat nga talaga kong mas malungkot kesa kay goon.

"Well - " parang nagdadalawang isip si prof. " - I am so disappointed with your
score."

"But why? I mean, yeah I got the highest score. 100% sure ako na naperfect ko yun -
" he cuts me off.

"You don't understand." Iniabot nya sa'kin ang test paper ko. Sobrang excited kong
kinuha yung paper na nakangiti pa.

"Yeah. Thank - " halos mahimatay ako sa nakita ko.

Name: Alexa Ciesla Andrade


Score: 25/50

" - but prof - this is impossible. Nag - nagreview po ako at hindi po ako nahirapan
sa test." Halos maluha ako sa nakita ko.

"But your test paper shows differently. You failed." Hindi ako makapaniwala sa
narinig ko. Hindi nagpaprocess na utak ko ang first time kong narinig sa buong
buhay ko.

You failed.

You failed.

You failed.

You failed.
You failed.

You failed.

You failed.

"Noooooo!!" tinitigan ko ulit ang test paper. Hindi ako nakaperfect? Nananaginip ba
ko? This is not happening right?

Ibabalik ko na sana ang test paper ko ng mapansin ko na may marks ng erasure yung
ibang numbers at may ibang sagot na nakalagay. Natatandaan ko may mga sagot ako
dito and wait, hindi ako ganito kadiin magsulat!

What the hell! Hindi ko 'to sulat. Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!


Goon!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Kumulo ang dugo ko. Sulat ni goon 'to. Sulat nya 'to!
Paarte-arte pa sya kanina. Naawa ako sa kanya dahil akala ko sya ang nakakuha ng
lowest score. You'll pay for this. You can't get away with me.

"Sir pwede po bang magtest ako ulit kahit three times pa ng set of questions ang
ibigay nyo sa'kin okay lang. Sasagutan ko na po agad ngayon. Kahit ibang questions
na lang po" Iniabot ko ang test paper ko paper.

"Don't worry, nagprepare na ko ng another exam for you but you have to answer this
in 30 minutes. I know something's wrong with you dahil sa nakuha mo. I was
expecting you to get the highest score but still Mr. Maliff did." My jaw dropped
immediately.

"Si - si Flint po ang highest?" halos masuntok ko na ang table sa sobrang inis ko.

"Yes. He got a perfect score." Ipinakita nya sa'kin ang paper ni goon at ang sulat
nya at sulat ng wrong answer sa papel ko ay the same. Parang kinopya nya pa talaga
yung sagot ko! Gusto ko nang gusutin at punitin sa 1000 pieces ang exam nya. Hindi
ko sya mapapatawad. Patay ka talaga sa'kin goon ka!

"Pwede na po ba kong magstart magexam?" kinuha ko ang favorite pen ko - teka


favorite pen ko?

May extra ka bang pencil? Yung may eraser ha.


Yan gamit mo ang gusto ko. May magic yan. Matalinong ballpen. Wala kasi akong
masagot ngayon.

Tapos ka na?

Akin na yung papel mo. Pakopya.

Kaya pala. Kaya pala! Bakit hindi ko naisip na gagawin nya yun?

Dahil sobra kang naawa sa kanya. Sinabihan mo pa nga sya ng sweet di ba?

Hindi ako makapaniwalang naisahan nya ko!

"Ms. Andrade, okay ka lang? Sure ka ba na kaya mo nang magsagot ngayon?" I snapped
back at nakita ko si prof na inaabot ang test paper sa'kin.

"I'm good. Ngayon na po ako magsasagot." Kinuha ko ang test paper at nagstart ng
magsagot. Mas madami ngang questions ngayon at madami ding nabago pero lahat naman
alam ko pa din. After 25 minutes natapos na ako at iniabot ko na kay prof. "I wanna
see the result. Checkan nyo na po."

Hindi na naman sya nagsalita at chineckan na lang nya ang test paper ko. Hindi na
ko makapaghintay na makalabas dito at bugbugin ang goon na yun. Hindi ako mapakali.

"I knew it. Baka may problema ka lang yesterday kaya mababa ang nakuha mong score.
Congratulations. Naperfect mo ang difficult test na 'to." Nagshake hands kami ni
prof.

"Thank you so much po. I gotta go. May importante pa po kasi akong gagawin." Hindi
ko na sya inintay makasagot. Lumabas ako agad at hinanap si goon.

May payakap yakap pa sya. May palungkot-lungkot pa sya. May pata-patahimik pa sya.
Wow! Sana sumali na lang sya sa Drama club, baka magkaaward pa sya sa pagiging best
actor.

Tiningnan ko sya sa cafeteria dahil minsan after ng first class tsaka lang sya
nagbe-breakfast. Well mukhang ang pagtawa sa'kin eh nagpabusog na sa kanya dahil
wala sya sa cafeteria. Habang tumatagal na hindi ko sya nakikita mas naiinis ako.
Nanakbo ako papunta sa likod ng gym kung saan sila tumatambay. Kung wala man si
goon dun pwes pipilitin kong magsalita kung sino mang maabutan ko dun. Sorry na
lang sya dahil mainit ang ulo ko.

Malayo pa lang ako nakita ko na sila. Wow, kumpleto pa sila at mukhang ang saya-
saya nila. Nagmadali akong tumakbo na parang mabangis na lion pero bigla akong
napatigil ng marinig ko si goon na nagkukwento. Nakatalikod sya sa'kin kaya hindi
nya ko agad mapapansin. Lahat naman sila eh busy na nakatingin kay goon na with
actions pa magkwento.

"Dude priceless talaga yung itsura nya. Pinilit kong hindi magsalita kasi baka
matawa ako. A - akala nya talaga ako yung bumagsak. Kinocomfort pa nya ko."
Nagsasalita sya habang natawa. " tapos - tapos may pasabi-sabi pa syang Alam mo
hindi mo kelangang madepress. Okay lang yan. May mga bagay lang talaga tayong hindi
ineexpect." Sabi nya na ginagaya pa kung paano ko sinabi. "Dahil sa sobrang tawa ko
sa itsura nya niyakap ko na lang sya tsaka ako ngumiti. Hindi ko mapigilan.
Hahagalpak na talaga ko kaya lumabas na ko." Lahat sila tumatawa. Lalo na 'tong
goon na 'to na may pagpalakpak pa habang tawa ng tawa.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at naglakad ako papalapit sa kanila. Biglang


tumigil ang lahat sa pagtawa except kay goon dahil nakita nila akong nakatayo sa
likuran nya.

"Alam ko nakakagulat. Ganyan din ang reaksyon nya. Parang gulat na gulat at - "
napatigil sya ng mapansing nakatingin sa likuran nya lahat ng kausap nya. "Wag
nyong sabihing nasa likuran ko si - " tumango silang lahat.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" inihagis ko lahat ng gamit ko sa


ground at tumakbo ako ng mabilis sabay talon sa likuran nya. "Walaghiya ka talaga
kahit kelan. May paawa-awa ka pang nalalaman. AKo namang engot nagpauto. Wala kang
kasing sama!!" nakakapit ang dalawa kong paa sa waist nya habang sinasabunutan ko
sya ng dalawang kamay.

"Hoy bumaba ka nga dyan. May pagkaunggoy ka din no! Tigilan mo nga yan. Wala akong
kuto hoy!!" pinipilit nya kong ibaba pero hindi ako bumibitaw. Paikot-ikot lang
kami habang sinasabunutan ko pa din sya.

"Unggoy? Unggoy? Kung may unggoy dito ikaw yun bwisit ka! Pinahiya mo ko kay prof!!
Sinamantala mo kabaitan kong halimaw ka!!!" lahat talaga ng galit ko binuhos ko na.
Imagine for the record talaga yun kung nagkataon. Kung hindi pa pinakita ni prof
yung test papers eh di until now awang-awa pa ko sa halimaw na goon na 'to.
"Hoy sumosobra ka na ha! Sino bang kung makasampa eh parang si boots! Umalis ka na
nga dyan kung ayaw mong - "

"Ayaw ano ha? Ano? Boots boots ka pa! Hoy kingkong hindi ako aalis dito hangga't
hindi nabubunot lahat ng buhok mo sa ulo!!!!!! Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" Inaalis nya
ang dalawa kong kamay sa pagkakasabunot sa kanya.

"Galawin mo na lahat wag lang buhok ko! Baba! Bumaba ka!!" Nahawakan nya ang dalawa
kong kamay.

"Ahhhhhhhhhhhh! Hindi mo ko mapipigilan!!!" bigla ko syang kinagat sa tenga.

"Arayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!F*&K!!!" nabitawan nya ang kamay ko at hinawakan ang


tenga nya tsaka ako tumalon pababa. Grabe hingal na hingal ako. Tinalo ko pa ang
nakipagrambol.

"Ouch!" narinig kong sabi ni Rich.

"At kayo? Nakikitawa pa kayo? Gusto nyo ding gawin ko sa inyo yan?" tinuro ko sila
isa't isa.

"My pleasure." Nakangiting sabi ni Tuck.

"Hindi ako nakikipagbiruan. Thank you sa pagtawa sa ginawa ng kaibigan nyo ha.
Pinagmukha nyo kong tanga!" kung may sakit lang ako sa puso malamang kanina pa ko
inatake sa sobrang galit. Sumasakit ang ulo ko. Nararamdaman kong napintig ang ugat
sa ulo ko.

"Look Lex, tinulungan ka lang naman ni Zak." Mahinahong sabi ni Val. Inilabas nya
ang phone nya. "Remember this?"

Alam nyo ba gusto ko ding magkaroon ng wrong answers sa exam. Lagi kasi akong
perfect. O kaya di ako sasagot sa question ng teacher kahit alam ko ang sagot. Ano
kayang pakiramdam nun? Maniniwala kaya yung mga teachers? Gusto kong picturan yung
mukha ng professor kapag nakita nila yung exam ko na hindi perfect.
Nashock ako lalo. Yung video ko nung nalasing ako pine-play ni Val. Hindi ko alam
ang gagawin. Tiningnan ko sila isa-isa pero mga naiwas sila at umiiling na parang
disappointed.

"So nakuhanan mo ba ng picture?" tanong ni Trav. Hindi naman ako agad nakasagot.
Malay ko bang ganito pala ang plano nila.

"Sana man lang sinabihan nyo ko agad di ba? Isa pa sinabi ko na sa inyo na joke
lang lahat ng sinabi ko sa video, bakit ba ginagawa nyo pa din?" medyo kalmado na
ko ngayon.

"Dahil gusto naming maexperience mo ang totoong buhay. Pinaparanas lang namin sa'yo
yung mga gusto mong gawin para just in case mamatay ka mamaya wala ka ng regrets."
Sabi ni Luke.

"Mamatay? Ako? At ngayon gusto nyo na kong patayin ganun?" hindi ako makapaniwalang
ginagawa nilang joke ang death ko. Kaibigan ba talaga sila?

"Hindi yan mamamatay agad! Masamang damo yan!" galit na sabi ni goon. Napatingin
ako sa kanya at nakita kong nakahawak pa din sya sa tenga nya at pulang-pula ang
buo nyang mukha. Hindi ko napigilang mapatawa. "anong tinatawa mo dyan ha?"

"Wala kang pakialam! At isa pa mas masamang damo ka!!!" dinampot ko lahat ng gamit
ko.

"Dude sayang lang effort mo na pasayahin sya. Tsk tsk tsk." Napatigil ako ng
marinig ko ang sinabi ni Val. Lumingon ako at lahat sila at tinatap si goon sa
balikat.

"Sorry dude." Pang-aasar ni Rich. Inalis naman ni goon ang kamay ni Rich sa balikat
nya at halatang inis na inis sya.

Nag-alisan sila isa-isa at dinaanan nila ako. Nakatingin lang sila sa'kin na parang
disappointed. Bakit ganun? Ako nga yung biktima dito ah, bakit parang ako pa yung
masama? Tsaka bakit ba kelangan pa nilang umalis.

"Sinaktan mo si Zak, wala kang awa." Alam kong nang-iinis lang 'tong si Val.
"Ganyan talaga kayong mga babae, nananakit ng tulad namin."
"Sige ituloy mo pa yang sasabihin mo tatamaan ka na sa'kin." Hindi ko naman sya
sinisindak pero yun ang lumabas sa bibig ko eh.

"Joke lang LEx. Kaw naman hindi na mabiro. Tara na nga mga dudes." Nag-alisan na
sila habang nagbubulungan. Ako kaya ang pinaguusapan nila?

Tiningnan ko sila habang papalayo. "Mga siraulo. Oo gwapo nga kayo, pero hanggang
dun na lang yun!" pinulot ko na ulit ang mga gamit ko.

"Wow, tingnan mo kung sinong nagsasalita." Napalingon ako sa likuran ko. Nandito pa
pala si goon. Hindi pala sya kasama nila Tuck na umalis. Nakaupo sya sa may puno at
nakahawak pa din sa tenga nya. Parang nakakawa sya. Hindi ko alam ang gagawin.

Dude sayang lang effort mo na pasayahin sya. Tsk tsk tsk.

Dude sayang lang effort mo na pasayahin sya. Tsk tsk tsk.

Dude sayang lang effort mo na pasayahin sya. Tsk tsk tsk.

Dude sayang lang effort mo na pasayahin sya. Tsk tsk tsk.

Grrrr. Bakit ba nagfa-flash sa isip ko yung sinabi ni Val. Pasayahin? Effort nya
bang matatawag yun para lang pasayahin ako? Maniniwala sana ko kung hindi ko sya
nakitang tuwang-tuwa sa pagkukwento sa mga kaibigan nya.

Hindi. Hindi na ko magpapauto this time. Iiwanan ko na lang sya dito. I narrowed my
eyes then turned my back on him.

"Ahh sh*t yung tenga ko! Ahhh!" mabilis akong napatingin sa kanya. Ang totoo
nagpanic ako. Baka kasi kung anong nangyari sa tenga nya. Paano kung napunit yung
tenga nya? Oh no baka may naiwan pa sa bibig ko. Baka nalunok ko. Kakasuhan nya
kaya ako? ANong gagawin ko? "Ahhhh! Ang sakit!!!" nagulat ako sa sigaw nya kaya
nabitawan ko ang mga gamit ko at nilapitan ko sya.

"Alin? Saan? Napunit ba ang tenga mo? Hi - hindi ko naman sinasadya na ano - kung -
kung nalunok ko yung part ng tenga mo. Hindi na yan matatahi." Hindi ko alam kung
saan sya hahawakan. Yung maimagine ko lang na nakalunok ako ng fresh na laman
nahihilo na ko. Parang anytime magfe-faint ako.

"Umalis ka na dito! Alam ko namang hindi ka concern!" medyo itinulak pa nya ako.
Ako na nga ang concern sya pa ang masungit.

"Fine!! Mabulok sana yang tenga mo at hindi ka na makarinig ever!!" tumayo ako at
tumalikod ng biglang -

*TUGSH

"Aray! Bakit mo ba ko hinigit!" bumagsak ako sa tabihan nya habang hawak nya ko sa
kamay.

"Anong feeling?" seryoso nyang tanong.

"Malamang masakit! Higitin mo ba naman ako!" binatukan nya ko.

"Sira hindi yun ang tinatanong ko!"

"Kelangan nambabatok?" I rolled my eyes.

"Eh anong gusto mo kagatin din kita sa tenga? Gusto mo? Gusto mo?" papalapit sya
sa'kin pero tinulak ko ang mukha nya papalayo.

"Subukan mo papantayin ko yang tenga mo!!"

"Pantay naman oh! Tingnan mo! Tenen!!" inalis nya yung pagkakahawak sa tenga nya at
boom, wala namang punit o dugo o kahit ano.

"Siraulo ka talagang goon ka!" sasabunutan ko na naman sana sya ulit ng hawakan nya
pa ang isa kong kamay.
"Wag ka ngang brutal. Kababae mong tao kung umasta ka para kang lalaki. Ayokong
magkagirlfriend ng ganyan kabrutal. Gusto ko yung nilalambing ako hindi yung
sinasaktan!" natahimik ako sa sinabi nya. Girlfriend daw? Para namang sigurado
syang magiging kami.

"Asa ka pa!" bulong ko at tumingin ako sa malayo.

"ANo?"

"Wala." Hinigit ko ang kamay ko pero isa lang ang binitawan nya.

"So ano nga? Anong feeling?" mukhang gusto nya talagang malaman.

"Walang kwenta."

"Walang kwenta? Ganun lang?" nakakatawa yung reaction nya. Gulat na gulat na parang
inis na inis na hindi mo maexplain. Nakakatawa. Bwisitin ko pa kaya 'to makaganti
man lang.

"Oo. Walang kwenta. Hindi din naman naniwala si prof." mas lalo syang sumimangot.

"Walang kwenta? Pero kung bugbugin mo ko kulang na lang ilibing mo ko ng buhay."


Sumimangot sya. Parang bata. "Sayang lang pala. Akala ko pa mandin another
memorable experience yun sa'yo. Akala ko di mo yun makakalimutan. At dahil ako ang
nageffort nun at nag-isip part na ko ng experience na yun." Wow, totoo bang drama
'to? Talaga bang disappointed sya?

Tumawa ako pero wala syang reaksyon. Parang nabadtrip sya. Well, mukhang totoo na
nga. Nakakatawa talaga sya. Mas epic pa 'tong itsura nya dun sa itsura ni prof
kanina eh.

"Actually kahit ako nagulat. Sayang nga nawala sa isip kong picturan si prof dahil
sa sobrang inis ko sa'yo pero yung itsura nya wow - gulat na gulat. Siguro naisip
nya na may kakambal ako tapos nagpalit kami. Bumalik lang yung ngiti nya nung
naperfect ko yung new set na test. Natakot siguro yun na bumagsak ako dahil maiisip
ng chancellor na wala akong natutunan sa kanya." Natawa ako habang nagkukwento ng
mapatingin ako kay goon na nakatitig sa'kin. "O bakit?"
"Wala. Masaya ako kasi masaya ka. Kahit na binugbog mo ako at binitinan!" para
syang bata magsalita.

"Sorry na! Hindi ko naman alam. Tsaka kasi arte-arte mo, akala ko talaga totoo.
Kung binigyan mo man lang ako ng hint eh di sana suntok na lang ang ginawa ko
sa'yo."

"Suntok pa din?" sumimangot sya. Hindi bagay sa fighter na tulad nya pero dahil sya
si goon bagay kahit ano sa kanya.

"Oo. Ganun ako maglambing - brutal." Then I winked.

"Maawa ka naman sa'kin. Underground fighter ako hindi under!" nagtawanan kaming
dalawa. Nawala lahat ng galit ko sa kanya.

"Dahil bati na tayo - maging sweet ka naman." Nahihiya nyang sabi.

"Ha?" nakatingin lang sya sa'kin at nasenyas pero di ko magets. Paano ba maging
sweet. "Hindi ko maintindihan." Hindi ko naman kasi talaga maintindihan yung
sinesenyas nya.

"Tss! Grabe ka! Ganito!" bigla nyang hinawakan ang ulo at inilagay sa may chest
nya. "Hina mo sa sign language!"

"Hoy - " bigla nyang tinakpan ng kamay nya yung bibig ko bago pa ko matapos
magsalita.

"Tumahimik ka naman oh. Hindi ka ba napapagod. Makabawi ka man lang sa ginawa mo


sa'kin." Fine, kung ito talaga yung gusto nya para makabawi ako then go. Ibinaba
nya ang kamay nya at hindi na din ako nagsalita.

Nagdadalawang isip ako sa gagawin ko - pero kung makakagaan 'to sa pakiramdam nya
gagawin ko.

Okay. This is it. 1, 2, 3. Niyakap ko sya habang nakahilig pa din ang ulo ko sa
chest nya.
"Ay chancing!" natawa nyang sabi. Para naman akong napahiya.

"Eh di wag! Buwisit ka!" inalis ko ang kamay ko at ulo dahil nainis ako. Feeling ko
rejected ako. Ako inis na inis samantalang sya tumatawa.

"The best ka talaga. Lika nga dito." Hinigit nya ko at inilagay nya ulit ang ulo ko
sa chest nya at iniyakap nya ang kamay ko sa kanya. "Yan, much better." At
tumahimik na kami. Palagi na lang kaming ganito. Nagmomoment pero kaming dalawa
lang ang nakakakita at nakakaalam. Iniisip ko palagi na lang kaya kaming magtatago
kahit kami na? Tsaka ko na siguro yun iisipin basta ienjoy ko muna. Thanks sa goon
na 'to at pinapaexperience nya ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay.

Tahimik lang kami sa ganung position. Walang nagsasalita. Naririnig ko ang


heartbeat nya, mabilis sya tulad ng sa'kin at hindi ko napasin napapangiti na pala
ko.

*******************************************
34

*******************************************
ALEXA'S POV

"I thought he's different. Pero wala, katulad din sya nung iba." Umiiyak si Jezhi
ngayon at nandito kami sa bahay nila. "And the sad part is - si Cliff, yung
nakadate ko once na anak ng may ari ng Airman Academy eh may girlfriend na. Sila na
nung ex ng kapatid nya. My goodness. Ang lupit ng fate sa'kin." Hindi ko naman alam
ang sasabihin sa kanya kasi wala naman akong experience sa ganitong problema.
"Konti na lang talaga sis magiging katulad mo na ko. I will hate boys for the rest
of my life." Nabatukan ko sya bigla pero hindi naman ganun kalakas.

"OA mo Jezhi. Parang ganun lang hate hate ka na agad. Knowing you alam kong di mo
kaya. Isa pa nagkausap na ba kayo ni Val?" hindi ko naman alam ang status nilang
dalawa since naging busy ako. Naging busy ako? Well - ano medyo naging busy nga
ako. Basta busy ako at di ko na kelangang imention kung bakit ako naging busy okay?
Wag na kayong magtanong dahil di ko din naman sasabihin. Buwahahahaha.

"Ilang beses nyang sinubukan pero nireject ko sya. Tapos nung gusto ko na talaga
syang kausapin tsaka naman hindi na nya ko pinapansin. I hate him! I hate Val!!!!"
nabatukan ko ulit si Jezhi sa sobrang inis ko. "Bakit ka ba nananakit ha?"

"Eh isa't kalahati ka ba namang adik. Nageeffort na yung tao nagiinarte ka pa!
Ngayong sumuko na sya tsaka mo naman hahabulin. Sabunutan kaya kita ngayon, gusto
mo?" kasi naman ang arte-arte. Gusto laging hinahabol. Swerte na nga nya kay Val,
gwapo na at ang bait pa tapos pinapahirapan nya pa.

"Basta! Basta! Mas inuna nya pa kasi si Zak nung time na hinahanap kita. Kasalanan
'to ni Zak. Kasalanan 'to nilang lahat!!!" iniwan nya ko sa living room at umakyat
sa kwarto nya. Great. This is great. Pinapunta nya ko dito para lang iwanan.
Nakakainis!

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Slight turn of the head

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

"Hello." Sinagot ko ng hindi ko nakikita kung sinong natawag.

[Nasaan ka? Bakit di ka nagrereply sa mga texts ko?]

Shemay! Tiningnan ko ang phone ko 20 messages na pala at lahat galing kay goon.

"Nagi-girl talk kami ni Jezhi no! Problemado yung tao! Anong gusto mo
makipagtextmate sa'yo habang yung kaibigan ko umiiyak!"

[At bakit hindi?]

"Wow! Anong klaseng tao ka!" Hindi ako makapaniwalang nasasabi nya 'to. Teka,
kasalanan 'to nila goon. "Hoy goon! Bakit nagbreak si Jezhi at Val?"
[Pakialam ko! Hindi pa nga nagiging tayo break up pa nila uunahin ko!]

"Wala ka talagang kwenta!"

[Ashoo! Gusto mo naman 'tong walang kwentang taong kausap mo!]

"Asa ka pa!"

[Hoy anong sinasabi mong asa pa ko ha - ]

At ibinaba ko na ang phone bago pa sya matapos magsalita. Tinawagan ko si Luke para
itanong kung anong nangyari kina Val at Jezhi.

Unang ring palang sinagot na nya.

[Hey lady - ]

"Anong nangyari kina Val at Jezhi? Walang paligoy-ligoy! Sagot agad!"

[Woah woah. Relax. Masyado kang hot.]

"I know right."

[Haha. I like that.]

"Magsasalita ka ba ngayon o hindi?"

[Okay. Humingi kasi sa'min ng tulong si Zak nung nagvandalism tayo. Sobrang worried
si Jezhi nun sa'yo pero di naman sya natulungan ni Val kasi nga humingi ng favor si
Zak. Nageeffort naman si Val maarte lang talaga yung kaibigan mo.]
"Excuse me?"

[I mean, nirereject nya si Val.]

"I got it. So hindi nyo man lang sya tinulungang magkaayos? Seryoso ba si Val kay
Jezhi?"

[Oo no! Naglalasing yun sa pub tapos puro Jezhi bukang bibig.]

"Well dapat gumawa tayo ng way para magkaayos sila. Ako ng bahala kay Jezhi. At
iconvince nyo si Val na magtry ulit okay? Baka magpakamatay si Jezhi!!!"

[Magpapakamatay si Jezhi?!!!!!!!!]

[Ano? Magpapakamatay si baby? Sinong kausap mo?!! Hoy!!!]

Ibinaba ko na ulit ang phone ko dahil mukhang nag-aagawan na sila Val at Luke sa
phone. OA naman kasi makareact nitong si Luke. Sabi ko lang naman BAKA.

Tinawagan ko ulit si goon.

[Bakit mo ko binabaan at bakit busy ang phone mo ha? Sinong kausap mo?]

"Bakit kelangang mong malaman? Tumulong ka sa pagbabalikan nila Jezhi at Val okay
since kasalanan mo naman lahat? Nasabihan ko na sila. Nandito kami ngayon sa bahay
nila Jezhi. Kung ano mang diskarte ang gagawin nyo kayo ng bahala. Basta magiintay
ako dito. Dapat masurprise sya dahil kung hindi patay ka sa'kin!!!"

Nakaaawang goon. Hindi na naman sya nakapagsalita. Kelangan kasi maayos na 'tong
lahat. Hindi pa mandin sanay si Jezhi ng walang love life hindi tulad ko nabubuhay
ng walang love life.

Sana naman kung anong pa-planuhin nila eh hindi nakakahiya. Madami naman siguro
silang alam pagdating sa ganito. Well, pwedeng hindi din pala dahil sanay nga pala
silang sila ang sinusyo. Pero based sa narinig kong pagkaworried ni Val halatang
seryoso talaga sya kay Jezhi.
Umakyat ako sa kwarto ni Jezhi at pinagayos ko sya kahit tamad na tamad sya. Ako na
nga ang nagbihis sa kanya at nag-ayos dahil tulala lang sya.

"Where's your phone?" tanong ko sa kanya habang kinukulot ko ang buhok nya.

"Pinatay ko na! Wala din namang kwenta yun." Walang gana nyang sabi.

"Buti hindi yang sarili mo ang pinatay mo dahil wala ka ding kwenta!" bigla syang
tumingin sa'kin ng masama. "Joke."

"Bakit mo ba ko inaayusan ha?" Nakasimangot sya at wala talagang idea. Dapat


nakaisip na sila ng plan ngayon or else patay silang lahat sa'kin.

"Syempre para naman kapag nakakita ka ng gwapo eh mapalitan mo na si Val."

"Seriously? Gwapo dito sa loob ng bahay? Jinojoke mo ba ko?" sarcastic sya


magsalita. Naiintindihan ko naman sya at alam kong kelangan ko ng mahabang pasensya
or else susunugin ko ang buhok nito hanggang makalbo.

"You'll never know." Then nagsmile ako sa kanya. Minake-upan ko na din sya kahit
labag sa gusto nya. Wala naman syang choice. Dahil inayusan ko sya ako naman ang
haggard. Di bale, sila lang naman yun. Wala akong dapat ipagworry.

Biglang nagvibrate ang phone ko.

From Luke: We're here.

Great. It's showtime.

"Jezhi I'm hungry. Samahan mo naman ako sa baba." Hinigit ko sya.

"Ayoko. Tinatamad ako." Ang plano ko sana ipapabukas ko ang door sa kanya para
naman malaman nya na nandito sila Val.
"TUmayo ka nga dyan - " bigla akong napatigil sa pagsasalita ng may marinig ako.

TRAV:

If you ever leave me baby,

Leave some morphine at my door

'Cause it would take a whole lot of medication

To realize what we used to have,

We don't have it anymore.

"What was that?" nabobored nyang tanong. SUmilip ako sa baba and sobrang gulat na
gulat ako sa nakita ko. Kumakanta sila? Oo, silang lahat. Nagbi-beatbox si Luke
habang naggiguitar sila Rich at Tuck. Second voice naman yung iba. Ah hindi,
nagpapalit-palit sila kung sinong maglilead. Astig. I didn't know they can sing.

ZAK:

There's no religion that could save me

No matter how long my knees are on the floor

So keep in mind all the sacrifices I'm makin'

Will keep you by my side

Will keep you from walkin' out the door.

"I said what was that?!" lumapit si Jezhi sa'kin at tumingin din sa baba. Napatakip
sya sa bibig nya ng makitang nakanta sila Val. Parang maiiyak na sya sa nakita nya.
Sa sobrang tuwa eh iniwan na naman nya ako. Nagmadali syang lumabas ng kwarto kaya
naman sinundan ko sya.

VAL:

Cause there'll be no sunlight

If I lose you, baby

There'll be no clear skies

If I lose you, baby


Just like the clouds

My eyes will do the same, if you walk away

Everyday it will rain, rain, rain...

Binuksan nya ang pintuan at tiningnan ang mga boys na kumakanta. Iba yung version
nila ng It Will Rain. Ang galing ng combination. Hindi ko talaga ineexpect na may
ganito silang side, I mean walang babaeng hindi kikiligin sa ginawa nila. Imaginin
nyo kayo ang kinakantahan ng six hot boys na 'to na napakaganda ng boses hindi ba
kayo kikiligin? Goodness, kanino kayang idea 'to.

"You're so lucky!" siniko ko s Jezhi. Totoong ang swerte nya. Ang haba ng hair.
Sarap kalbuhin.

"I know." Halos nagpupuso ang mga mata nya habang nakatingin kay Val. Eh di sila
na. Nakangiti ako ng bigla akong mapatingin kay goon. Nakita kong nakatingin din
sya sa'kin kaya naman nailang ako.

ZAK:

I'll never be your mother's favorite

Your daddy can't even look me in the eye

Oooh if I was in their shoes, I'd be doing the same thing

Sayin there goes my little girl

Walkin' with that troublesome guy

Natawa ako bigla dahil sa part ng kanta nya. Feeling ko kasi sasabihin talaga ng
parents ko yun sa'kin if ever na maging kami nga. Troublesome guy. Nakita ko namang
napangiti din sya. Bakit ang weird ng feeling ko. Feeling ko ako yung hinaharana at
hindi si Jezhi. Natatawa na lang tuloy ako.

TUCK:

But they're just afraid of something they can't understand

Oooh well little darlin' watch me change their minds

Yeah for you I'll try I'll try I'll try I'll try

I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding

If that'll make you mine


WOah, ang galing ni Tuck. Ang lamig ng boses nya. Ang gwapo pala ng lalaking
marunong kumanta. Ngayon ko lang nalaman 'to ah since ngayon lang ako naging close
sa lalaki.

ALL:

Cause there'll be no sunlight

If I lose you, baby

There'll be no clear skies

If I lose you, baby

Just like the clouds

My eyes will do the same if you walk away

Everyday it will rain, rain, rain...

Napapalakpak naman kami ng matapos silang kumanta. Bumulong ako sa kanila ng 'Good
job'.

"Look baby I'm sorry. I really am, sorry kung sumuko ako agad pero di mo naman
kelangang magpakamtay." Nakaluhod na sabi ni Val.

Napalingon sa'kin si Jezhi with 'what-look' pero nagshrug lang ako at tinaboy ko na
ulit sya para tumingin sya kay Val.

"Please give me another chance." Sabi ni Val ng bigla syang higitin patayo ni Jezhi
at hinalikan sya sa lips.

"Oy dude tama na yan ang baduy mo!" hinampas ni Rich si Val sa balikat at
naghiwalay ang dalawang lovers.

"So kaninong idea 'to? And I didn't know you can sing. You guys are awesome."
Sobrang napahanga talaga nila ko.

"We know right!" pagmamayabang na sabi ni Luke. "Kay Tuck na idea 'to." Napatingin
ako kay Tuck at nagwink sya sa'kin. Nakangiti lang naman ako habang nakatingin sa
kanya ng biglang dumaan sa gitna si goon.

"Nakakagutom. Anong pagkain mo dito Leslie!" I rolled my eyes. Kahit kelan talaga
epal 'tong goon na 'to.

"It's Jezhi not Leslie!!!" naiinis na sabi ni Val.

"Kahit ano pa yan!! Parang pangalan lang." pumasok si goon sa loob at pumasok na
din ang iba kaya sumunod na din ako.

"Thank you sis. Kaya mo pala ko inaayusan." Bulong ni Jezhi sa'kin bago sya pumasok
sa loob. "Sinong gustong manood ng movie?" narinig kong sigaw nya. Ang bilis
magpalit ng mood. Kanina lang iyak ng iyak ngayon naman abot langit ang ngiti.

Nagpaluto si Jezhi ng maraming pagkain na akala mo may birthdayan. Nasa


entertainment room kami ngayon at namimili ng papanooring movie. Nakaupo sa
mahabang sofa sila Tuck, Rich, at Luke. Nasa kabilang sofa naman si Trav na
nakataas pa ang paa. Nasa tapat na sofa naman sila Jezhi at Val. Habang ako eh nasa
floor sa tabi ni Tuck at sa tabihan ko si goon.

"Okay dalawa na lang ang natira. Magbotohan tayo. ANong papanoorin, Now you see or
Letters to Juliet?" tanong ko habang pinapakita ang dvd's.

"Now you see me." -Rich

"Me too." -Luke

"Syempre yan na din." Trav

"Kung anong mapagdesisyonan dun ako." Sabi ni Tuck.

"So meaning di na boboto si Tuck. How about you love birds?" ang hindi mapaghiwalay
na magjowa. Wagas magpupuluputan.

"Two for Letters to Juliet." Sabi ni Jezhi.


"And ako din Letters to Juliet. So it's 3 vs 3." Napatingin kaming lahat kay goon.

"Dude na sa'yo pala ang decision. Alam mo na yan." Sabi ni Rich. Tiningnan ko si
goon at tinuturo ko ang Letters to Juliet. Natingin din naman sya kina Rich. Great.
Wala talaga kaming laban sa mga 'to.

"Whatever." Bulong ko at ibinaba ko na ang letters to Juliet.

"Letters to Juliet." Narinig kong sabi ni goon. "Sorry mga dude, hirap mag-no sa
kanya eh." namumula nyang sabi. Binato naman sya ng unan ni Rich pero nakaiwas sya.
Pinili nya 'tong movie na 'to dahil lang sinabi ko. Oh goon, sana lagi kang ganyan.
Yung hindi mo ako laging kinokontra para naman nagkakasundo tayong dalawa.

"So it's final. Letters to Juliet ang papanoorin natin." Tuwang-tuwa kong sabi. Di
ko maimagine ang boys na nanonood ng romantic comedy. So as usual patay ang ilaw,
may beers din na nilabas si Jezhi. Focused ako sa panonood. Nakasandal ako sa may
tuhod ni Tuck habang si goon nakahiga sa lap ko. Napatingin naman ako kay Trav na
tulog na sa kabilang side. Maya-maya naramdaman kong may naglalaro ng buhok ko kaya
napatingin ako sa likuran ko. Nakita ko si Tuck na nakahawak sa buhok ko pero sa TV
sya nakatingin kaya hindi bumalik na lang ako sa panonood.

Nang mapansin kong wala ng popcorn at beers dahan-dahan akong tumayo para hindi
magising ang tulog na si goon at nagpunta ako ng kitchen. Mukhang naeenjoy din
naman nila yung movie kahit paano. Naglagay ulit ako ng popcorn sa oven habang
naglalabas ng ibang beers para sa kanila ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Need help?" paglingon ko nakita kong nakatayo si Tuck. "Oh sorry, did I scare
you?"

"Sort of." Inilabas ko ang ilang beers at iniabot sa kanya. "Padala na lang nito
dun." At kinuha naman nya ang beers.

"So okay ba yung ginawa namin kanina?" sumandal sya sa may table with arms folded
over his chest.

"It was fantastic. Nice idea huh." Humarap ako sa oven at iniintay kong tumunog.
"Hindi ko alam na ang galing nyo pala. ANo pa kayang kaya nyong gawin?"
"Marami." Nabigla ako ng maramdaman kong nasa likuran ko na si Tuck. "Pwede din
kitang kantahan tulad nung kanina."

Medyo nailang ako kaya nagstep forward ako pero sumunod pa din sya. "That's great
but you don't have to do that. And yehey, luto na ang popcorn." Dahil sa
pagmamadali kinuha ko ang popcorn sa loob ng oven using may hand and napaso ako.
Kinuha agad ni Tuck ang kamay ko at binasa ng tubig sa may sink. "I'm okay, Tuck."

"Masakit ba? Bakit kasi pabigla-bigla ka." Hindi ko alam kung lasing ba sya o
ganito lang talaga sya at ngayon ko lang nakita yung ganitong side nya.
Nakakapanibago.

"I'm fine. Hindi naman ganun kasakit." Hihigitin ko na sana yung kamay ko pero
hindi pa din nya binitawan.

"Lalagyan natin ng ointment yan. Nasaan ang medicine cabinet dito?" isinara nya ang
faucet at nagbukas ng mga cabinets ng hindi pa din binibitawan ang kamay ko.

"Tuck I'm fine, really. Hindi naman ganun kasama yung paso ko."

"No - "

"She said she's fine dude." Nagulat kami ng makita naming nakatayo si goon sa may
pinto ng kitchen na salubong na ang kilay. Lumapit sya sa'min at kinuha ang kamay
ko kay Tuck.

"I was just trying to help." Itinaas ni Tuck ang kamay nya na parang pasurrender.

"I know!" hinigit ako ni goon at nagbukas din sya ng cabinet. "Nasaan ang first aid
kit?" nakakatakot yung itsura nya. Di ako makapagsalita kaya itinuro ko na lang.
Kinuha nya yung kit at umupo kami. Tahimik lang nyang nilalagyan ng ointment ang
kamay ko at nilagyan din nya ng bandage tsaka nya ibinalik ang kit sa cabinet.

Lumabas na naman si Tuck dala ang popcorn at beers. Nakaupo pa din ako at
nakatingin kay goon na hindi pa din nagsasalita. Nakatalikod lang sya kaya hindi ko
alam ang sasabihin.
"Ta - tapos na ba yung movie?" naiilang kong tanong.

"Almost." Medyo mahina lang yung sagot nya at hindi sya tumingin sa'kin.

"What's wrong? Hindi maganda yung movie? Teka papalitan ko." Nagmadali akong
naglakad papalabas ng bigla nya kong hinigit at isinandal sa wall. "Ba - bakit?"
natatakot ako sa itsura nya. Galit na galit ang mga mata nya pero hindi ko alam
kung bakit. Hindi din sya nagsasalita. Yumuko lang sya sandali tsaka ulit tumingin
sa'kin. "Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Hindi ko alam. Hindi ko lang gusto yung naabutan ko kanina. Wag kang masyadong
maglalapit kay Tuck. Baka - baka mahulog ka sa kanya magaling yan sa ganyan. Ayoko
ko lang masaktan ka." Mahina nyang sabi sa'kin.

Napangiti lang ako at hinawakan ko sya sa mukha. "Natatakot kang masaktan ako o
natatakot kang sa kanya na ko magkagusto at hindi sa'yo?" biglang naging seryoso
ang mukha nya.

"Oo. Natatakot ako." Hindi ko ineexpect na ganun ang isasagot nya. Ang inaasahan ko
pa mandin eh sisigaw sya at magdedeny. Hindi ako prepared sa ganitong sagot.
"Ayokong may ibang lalaking hahawak sa kamay mo. Nakakatakot lang kasi - kasi mas
mabait si Tuck sa'yo compared sa'kin."

At hindi ko na talaga napigilang tumawa. "Oo. Kasi si Tuck gentleman, gwapo, mabait
at hindi antipatiko. Dream boy sya ng lahat ng babae - pero ikaw din naman. Basta
magpakabait ka lang sa'kin okay?" then nagwink ako sa kanya.

"Eh paano kung hindi?" itinulak ko sya palayo sa'kin.

"Di goodbye." Pero bigla nya kong kinulong sa dalawa nyang braso. "Hindi nakakatuwa
yan."

"At hindi din nakakatuwa ang sinabi mo." Dahan-dahan syang lumalapit sa mukha ko.
Ano na naman 'to, hindi ako mapakali.

"Ehem!!! Tapos na ang movie. Kayo ba tapos na dyan?" nanlaki ang mata ko ng makita
ko si Jezhi at Val na nakatayo sa may pinto ng kitchen kaya naitulak ko ng malakas
si goon.

"Hey, ma - maganda ba yung movie?" naiilang kong tanong. Nakita kong nagbubulungan
yung magjowa. Ano kayang pinagbubulungan nila.

Lumapit sa'kin si goon at bumulong sa may tenga ko. "Mas maganda ka at mas hot
kapag haggard. Rawr!" nagkagoosebumps ako sa sinabi nya bago sya naglakad palabas
ng kitchen. "Hoy Val wrong timing ka!"

Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. Ramdam ko pa din yung


hininga ni goon sa tenga ko. Ano daw sabi nya?

Mas maganda ka at mas hot kapag haggard. Rawr!

Mas maganda ka at mas hot kapag haggard. Rawr!

Mas maganda ka at mas hot kapag haggard. Rawr!

Mas maganda ka at mas hot kapag haggard. Rawr!

Holy goly! Nagmadali akong pumasok sa CR at tumingin sa salamin. Gosh, nakalimutan


kong haggard nga pala ko. Hindi ko na nakuhang mag-ayos. Gulo-gulo na ang buhok ko
na tinali ko na lang basta at maputla na din ako at medyo gusot na din ang top ko.
Pero sabi nya hot pa din daw ako at maganda. Grabe, grabe ka goon. Kelan mo ba ko
tatanungin kung pwede mo na kong maging girlfriend? Kapag hindi pa din yan nangyari
next week, swear ako na ang magtatanong sa'yo.

Napapatawa na lang ako sa naiisip ko. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang
sabihin yun kay goon. Sana lang talaga makaramdam sya.

*******************************************
35

*******************************************
Hey there guys! Pipili na ko ng characters sana tulungan nyo kong makapagdecide. If
may suggestion kayo post lang kayo ng pictures with names (hindi kasi ko familiar
sa ibang koreans haha) sa page ng PH then pagbobotohan natin. Meron ng mga
nagsuggest dun so pili na lang tayo. Isa-isa kong iaannounce at ang magsa-suggest
na mapipili isang dedication sa mga darating na chapters. Sana makicooperate din.
And si Yoona baka palitan ko din. So click the external link at ilike ang fan page.

Thank you so much for loving PH lalo na ang mga characters. Hahaha. Kapag lumampas
ng 200+ votes ang chapter na 'to maguupdate ako agad mamaya na din. :) At kung mas
dadami pa ang votes and comments isang magandang pa New Year ang sasalubong sa inyo
bago pa man mag January 1. So vote, comment, follow and share!

<3 y'all.

megladiolus

********************************************

ALEXA'S POV

"Yes mom! You still got plenty of time. Just this once."

[Baby we'd love to see you perform but me and your father is on a business trip and
we can't be in two places at the same time.]

It's me and my mom having a morning conversation. A great way to start my day.

"Then be here. I know you can do something about that trip. Postponed it. Resched
or anything just be here. Mom please, I let you missed everything in school but not
this one. I'm going to sing with the Skylar Vocals again, how great is that. Can
you imagine?" this is the hardest part. I have to convince my parents that they
need to see me perform.

[Tell Jezhi to record your performance and send it to us.]

"Do what?" I am so disappointed. Everyone's looking at me. I can't blame them, my


mom's on the phone and I've been shouting the whole time while walking in the
hallway.

"Hey sexy!" I know that voice, it's goon. "Hey gorgeous!"

"Shut up!" then I rolled my eyes.

[Baby I didn't say anything yet.]


"No mom it's not you. It's just the random people around." I narrowed my eyes on
goon and give him the-shut-up-look. "I'll be reserving two seats for you and papa
okay? I gotta go. Bye!"

"Woah! Parents?" he said.

"My mom! Why is it so difficult for them to be here when I needed them the most?" I
said while throwing my hands in the air. OA ko ba? But that's what I want.

"Relax. You still have few days before the festival." Thanks to this goon,
napapagaan nya yung pakiramdam ko.

"Yeah right and I'm so freakin' out. Natetense ako. Gusto kong - gusto kong manakit
ng tao. Ugh! I'm so desparate." Napatawa na lang kaming dalawa sa reaction ko. Ewan
ko din, naiinis ako pero wala ako sa mood na awayin 'tong si goon. Maybe because he
called me sexy and gorgeous? Oh cut it out! He was just joking I know.

"It's not a joke." he's staring at me.

"What?" I'm confused and I don't know what he's talking about.

"The sexy and gorgeous thing! Oh f*&k don't make me say that again!!" and I think
he's pissed off.

"Enough with the English! Di bagay!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Ikaw kaya English ng English dyan. Feeling ko isa ka na sa mga conyo dito sa
school. Nakakasuka!" humawak pa sya sa tyan nya.

"Excuse me! I'm unique! I'm different and I'm not like - " tumingin muna ko sa
paligid kasi baka may nakakarinig sa'kin.

"Alam mo bakit di ka na lang magpakatotoo? Eh ano kung magwala ka dyan, sumigaw,


manuntok magmura. Who cares? Dahil maganda reputation mo lilimitahan mo na yang
sarili mo. Ang tanong, nageenjoy ka ba sa pagiging pretentious? Alin ba ang totoong
ikaw? Yung halimaw na aswang o yang paconyo style mo?" wow, nabuwisit na ko sa mom
ko dadagdagan pa ng goon na 'to. Well he has a point pero sana hindi na lang nya
pinagsabay.

"I was talking to my mom. Hindi ako pwedeng maging careless. You don't know my
parents. And besides nakasanayan ko na 'to. Pero - pero nakakapagod din. I wanna
try something new. Something remarkable. Yung maalala nila ko hindi dahil role
model ako pero dahil may ginawa akong hindi nila makakalimutan." Nakita kong
napangiti si goon. "What?"

"Wala. May gustong kumausap sa'yo." Hinawakan nya ko sa kamay at hinila papunta sa
hindi ko alam.

"Please stop doing that?" medyo naiilang kasi ako.

"Doing what?" he smirked.

"Playing with my hand. I'm not comfortable." I rolled my eyes.

"Okay your majesty!" yun ang sabi nya pero hindi pa din nya tinitigilan ang
paglalaro sa kamay ko.

Hindi ko alam kung san nya ko dadalhin at kung sino ang gustong kumausap sa'kin.
Tumigil ako sandali at hinigit ko ang kamay ko.

"Oh wait. Nandito ba ang parents ko? Pinapunta mo sila dito?" naeexcite na ko ng
makita kong ang laki ng ngiti ni goon. Please say yes. Yes lang at mayayakap ko
sya.

"You wish!" parang gusto kong manakit ng tao. "Di ko nga kilala parents mo dadalhin
ko pa sila dito. Isa pa ikaw nga hindi mo sila mapapunta dito sariling anak ka na
nila ako pa kaya. Nag-iisip ka ba!" hinigit nya ulit ako. Nagdabog-dabog na ko
paglalakad. Oo nga naman tama sya. Bakit hindi ko nga naman naisip yun. "Nandito na
tayo."

"Sa parking lot?" tumingin ako sa paligid pero wala naman akong makitang kakilalang
possible na gustong kumausap sa'kin. "Look goon, if this is some kind of a joke I'm
not buying it!"
"Hindi ako nagbebenta ng joke kaya shut up! Ang conyo-conyo mo! Isa pa naku
maghahanap na ko ng ibang babaeng liligawan!"

"Ah ganun! Tinatakot mo ko! Sige eh di maghanap ka! Akala mo ba natatakot ako?
Hindi! Madaming gustong manligaw sa'kin. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo kaya -
mmmm mmmmmmm - " tinakpan nya ng kamay nya ang bibig ko.

"Ayan, nakukuha ka naman pala sa magandang usapan eh. Mas okay yan kesa paenglish-
english ka dyan." Napatigil ako sa sinabi nya. Di ko din naman napansin na hindi na
din ako nagenglish. Ano bang masama sa pageenglish. Nagenglish lang konyo na agad?
"Okay wag ka nang magwala dyan. Nagjojoke lang ako nung sinabi kong - " medyo hindi
sya makatingin sa'kin ng diretso. Parang nahihiya sya ng bigla syang mapatingin sa
likuran ko at parang sumenyas. Inalis nya ang kamay nya sa bibig ko.

"So sinong gustong kumausap sa'kin? Nasaan?" tumingin ako sa kanan at kaliwa pero
wala akong makita.

"A - ako?" sa tinis palang ng boses nairita na agad ako at alam ko na agad kung
sino yun. Tumingin ako sa likuran ko at tama ang hula ko. Ang bruhang si Zanea at
ang bading nyang boyfriend.

"Seriously?" tumingin ako kay goon ng masama. Anong pumasok sa isip nya? ALam nyang
'tong dalawang 'to ang huling taong gusto kong makausap habang nabubuhay ako.

"Look walang kasalanan si Zak, pinakiusapan ko lang sya." Tumingin ulit ako kay
goon at nagshrug lang sya.

"You want me to believe that? Pinakiusapan? I didn't know you can possibly do that.
I mean hello Zanea?" tumigil ako sandali at tiningnan ko sya from head to foot. "Or
wait, you're not Zanea, are you? If you're not her then who the hell are you huh?"
I folded my arms over my chest.

"What?" tumingin sya kay Gene. "I really can't do this." Papaalis na sya pero
pinigilan sya ni Gene. How romantic.

"Baby we already talked about this right? We wanna start over again and this is the
first step." Ano bang kadramahan meron sa araw na 'to? Mamamatay na ba ko? O baka
naman si Zanea ang mamamatay na. Sorry guys ayokong magpakontrabida pero ayoko din
namang magpakaplastik. I've known her my entire life at alam kong ang pakikipagusap
sa'kin ng maayos ang last thing na gagawin nya sa buhay nya.

Humarap sya ulit sa'kin. "Look I just wanna apologize for everything. For betraying
you, stealing Gene, hurting you and not wanting you to be happy. I'm so sorry. I
thought - I thought kapag hindi ka naging masaya matatahimik na ko. Mapapanatag na
ko. I know malaki ang kasalanan ko sa'yo - namin sa'yo pero ikaw din ang dahilan
kung bakit nalaglag ang baby namin. Kung hindi ka hinabol ni Gene eh di sana buhay
pa yung baby. Buhay pa sya at kasama namin sya ngayon." Wow, magsosorry ba sya o
manunumbat. May pag-iyak pa syang nalalaman ha.

"So this is your unique way of saying sorry? I'm surprised! Magsosorry ka lang may
panunumbat pa!" tiningnan ko silang dalawa ni Gene at dahan-dahan akong lumapit kay
Zanea at tinulak ko sya sa balikat. Pero hindi naman ganun kalakas. "Sino bang may
kasalanan ng lahat ha? Ako ba? Ako ba ang kaibigan na pinagkatiwalaan ng lahat-
lahat yun pala may ginagawa ng kalokohan behind my back! Oh, kasalanan ko pala kasi
I trusted you! And that's the biggest mistake I've ever done in my whole
existence!!!" naglalakad pa din ako papalapit sa kanya pero umaatras sya.

"Alexa you don't have to - " humarang si Gene sa gitna naming dalawa ni Zanea pero
hinigit sya ni goon.

"Pare usapan nilang dalawa yan. Gusto mo tayo ang mag-usap. Kamay sa kamay lang."
kung pwede lang akong matawa ngayon tatawa na ko. Salita pa lang ni goon namumutla
na si Gene. I have to thank him after this.

Humarap ulit ako kay Zanea at nakita kong papalapit sya kay Gene pero hinarangan ko
sya. "You're going nowhere! Di pa ako tapos sa'yo."

"Tama na Alexa, gusto na naming maging masaya! At mangyayari lang yun kung
papabayaan mo na kami ni Gene! Hayaan mo na kaming maging masaya. Alam kong
nasaktan ka namin pero tanggapin mo na na ako na ang mahal nya ngayon at hindi na
ikaw." May paluha-luha pa syang nalalaman. Paawa effect lang? Sa di ko inaasahang
pangyayari bigla akong napatawa ng malakas. As in super lakas.

"Wow Zanea, where are all these coming from? You thought I am still in love with
Gene? You're insane! At isa pa sino bang lumalapit sa'kin? Sino bang ayaw akong
maging masaya? Ako wala akong pakialam sa inyong dalawa ni Gene! Maghalikan man
kayo dyan sa field, magsex man kayo sa library I don't care!!!" dahan-dahan ulit
akong lumapit sa kanya.

"What? Ikaw ba talaga si Alexa? Bakit ganyan ka na magsalita?" mukhang natatakot


sya sa way ko ng pagsasalita. Akala kasi nila ako yung iiyak na lang at tatakbo
dahil nasaktan ako. Well dati yun, dati yun nung nasasaktan pa ko. Pero wala na
kong pakiramdam ngayon.

I folded my arms over my chest as I started to walk towards her. "I am Alexa! The
one and only! Ang pinipilit mong tapatan pero hindi mo magawa! Pinipilit mong
pahirapan pero in the end mas pinahihirapan mo ang sarili mo! Sino bang hindi
makatulog sa gabi dahil sa pagiisip kung anong gagawin nila para sirain ang araw ko
kinabukasan?" Kung makikita lang ni Zanea ang itsura nya ngayon matatawa sya. Mukha
syang takot na takot na pusa. "At isa pa wag mo akong sisihin kung namatayan kayo
ng anak! Sinabi ko ba kay Gene na habulin nya ko? Sinabi ba ni Gene na sundan mo
sya? Nanakbo ka kahit alam mong buntis ka? Ang talino mo nun!" parang bumalik ang
sakit at galit ng nakaraan. Hahayaan ko na 'tong lumabas lahat. Isang bagsakan ng
lahat bago ko tuluyang kalimutan.

Umiiling lang sya sa mga sinasabi ko na parang narerealize nya lahat ng pagkakamali
nya. "Pinipilit mo lang isisi sa'kin ang lahat Zanea kahit ang totoo hindi mo
matanggap sa sarili mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat! Hindi ka naging masaya
dahil alam mong hindi para sa'yo lahat ng kinuha mo! Kaya binulag mo yang sarili mo
sa pagsasabi na ako ang dahilan kung bakit ka naagasan!" halos duruin ko na sya sa
sobrang galit ko. Lumalapit ako sa kanya pero umaatras naman sya.

"Hindi yan totoo! Hindi!" umiiyak ang bruha akala nya naman ikinaganda nya yun.

"Wake up! Alam mo - Alam mo nagsisi din ako nung araw na yun! Kung bakit ako
nagmadaling tumakbo. Kung bakit ako nanakbo eh may kotse naman para sakyan. Alam mo
kung hindi ako nanakbo hindi sana ako naaksidente!" Parag nagulat sya sa sinabi ko.
Akala nya ba sya lang ang nahirapan? "Gusto ko ng mamatay nung mga panahong yun!
Pasalamat ka hindi ko sinabi sa parents ko na kayo ang dahilan kung bakit ako
naaksidente! Kilala mo ang parents ko at alam mo ang kaya nilang gawin! Alam mo
kung bakit hindi ko ginawa? Dahil kasalanan ko yun, kasalanan kong tumakbo ng hindi
tinitingnan ang dinadaanan ko. Nag-isip ako kaya hindi kita sinisi! Wala akong
sinisi. Hindi makitid ang utak ko Zanea! Hindi!" gumagaan ang pakiramdam ko kahit
paano dahil sa mismong harapan ni Zanea ko sinasabi lahat.

Itinulak nya ko ng malakas kaya napaatras ako. "Hindi makitid ang utak ko. Ginawa
ko lahat para kay Gene dahil - dahil hindi ko kayang makita na habang kasama nya ko
ikaw ang tinitingnan nya. Na ako nanlilimos ng pagmamahal nya habang ikaw minamahal
ng marami. Alam kong mahal mo pa din si Gene noon kaya gusto ko lagi mong makita na
sa'kin na sya! Sa'kin lang! Pero madali lang sa'yo ang lahat kasi hinahangaan ka ng
marami at di ko inaasahang magiging ganun ka kasikat pagdating ng college. Parang
walang nangyari. Ako - ako talunan pa din habang ikaw masayang - masaya - "

*TUGSH!

"Ouch! Crap! That hurts! Ang kapal ng mukha mo at ako pa ang nasaktan!!!" nasuntok
ko sya sa sobrang pagkainis ko. Di ko naman intention yun, kusa lang talagang
gumalaw ang kamay ko. Nakahawak si Zanea sa ilong nyang may dugo habang ako naman
eh nakahawak sa kamay kong parang nabalian ng daliri. "Hindi ka din talaga marunong
tumahimik no? Kung ano man yung mga pinaggagawa mo hindi yun para sa'kin para sa
sarili mo yun! And another thing - hindi ako naging masaya kung yan ang gusto mong
marinig! Pagiging masaya ba yung papalit-palit ng boyfriend every week at kapag
nakilala mo na ibebreak ko na dahil natatakot akong agawin mo ulit? Palabas lang
yun lahat. You bought it so I guess hindi mo agad naisip." Napatigil ako ng bigla
syang tumawa habang nakahawak pa din sa may dugo nyang ilong.

"I knew it. I knew it." Tumatawa sya habang paatras pa rin ng paatras.

"Isa pa pinatawad na kita. Kung ano man yung ginawa mo sa'kin wala na yun. Mas
naging better person pa ko ngayon. Kaya kung mamatay ka man ngayon matatahimik ka
na kasi napatawad na kita." Parang hindi naman sya nakikinig sa sinasabi ko.
Nakahawak pa din sya sa ilong nya at naatras pa rin dahan-dahan habang nakangiti.
Yung totoo? Nabaliw dahil lang inamin ko yung mga pinaggagawa ko? "Zanea stop!"
Para na syang baliw na atras ng atras. Medyo malayo na sya sa'kin. "Zanea tumigil
ka nga!"

"Hey baby I'm right!"

"Zanea look out - " pero too late na ng makita nya ang paparating na kotse. Feeling
ko nagslow motion ang lahat. Ang pagpreno ng kotse. Ang mabilis na pagtakbo ni Gene
papalapit kay Zanea at ang paglapit ni goon sa'kin. Parang wala akong naririnig.
Nakikita kong kinakausap ako ni goon pero di ko sya marinig. Nagpapanic ang lahat
dahil sa nangyari. Dumadami na din ang tao. Lahat sila nagbubulungan. Mabuti na
lang at napatawad ko sya bago pa man sya kunin ni lord. Yun nga lang di ko sure
kung si Lord nga ang kukuha sa kanya. At dito na - dito na nagtatapos ang role ni
Zanea sa story na 'to. Di ko akalain na sa ganitong paraan sya mamamatay. Paalam
Zanea - you may rest in peace.

Pero sayang joke lang ang lahat. Nakapagpreno agad kasi yung driver ng kotse at
hindi nabangga si Zanea at hindi din totoong dumadami ang tao at nagpapanic sila.
Wish ko lang yun.

"F*CK! Magpapakamatay ka ba?" Oo kuya magpapakamatay yan kaya sana tinuluyan mo na.
"Dun ka sa skyway! Gagasgasan mo pa 'tong kotse ko! TUmabi ka nga!" sigaw ng driver
bago ulit sumakay sa kotse nya.

"Sorry dude!" sabi ni Gene pero binigyan lang sya ng dirty finger ni kuyang driver.
Nice one kuya. "Baby are you okay?"
"I knew it baby. I'm right!" nakangiti pa din sya kahit na muntik na syang mamatay?
Unbelievable. Talagang ikakasaya nya na malaman na nahirapan din ako sa mga
nangyari. Malamang tao din ako, may pakiramdam.

"Okay ba yang kamay mo?" naalala ko nga pala ang kamay ko ng marinig kong nagtanong
si goon.

"Yeah. Okay naman sya. Masyado lang makapal yung mukha ni Zanea kaya medyo nasaktan
ko but I'm good." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"You're good? Are you sure?" concern sya sa'kin alam ko but I'm really okay.

"I'm totally fine." Napakamot sya sa ulo nya.

"Mukhang hindi mo nararamdaman. Okay ka lang kahit tumutulo na ang dugo dyan sa
kamay mo?" nagpanic ako sa sinabi nya at tiningnan ko ang kamay ko.

"Oh sh&t!" bigla namang napatawa si goon. "Oh my gosh! I swore? I swore! I can't
believe it! This is insane!"

"I know! And I'm loving it." Ano daw? Sana 'I'm loving you' na lang ang sinabi nya.
Nagiging feeling na ako ngayon. Goodness!!

Kinuha nya ang kamay ko at binalutan nya ng panyong kinuha nya sa bulsa nya.
Tinitingnan ko sya habang binabalutan ang kamay ko. Nakangiti sya at parang ang
bait bait.

"I salute you. Ang tapang mo talaga kahit kelan. Iba ka talaga sa kahit na sinong
babae." At iba ka din sa kahit na sinong lalaki. Oh my gosh sinasagot ko sya sa
isip ko.

"Oh ayan okay na. Linisin mo na lang paguwi mo. Pero mas gagaling yan agad dahil
dito." Nagulat ako ng hinalikan nya ang kamay kong may sugat. Wow feeling ko ang
romantic nito na ang weird. Hindi ako sanay.
"Alexa." Napatigil kami ni goon at sabay napatingin ng magsalita si Gene. Wow ang
sarap suntukin. Nagmomoment pa kami eh istorbo!!

Tumingin si goon sa'kin then kay Gene then sa kamay ko. "What?" bulong ko sa kanya.
Ginawa nya ulit. TUmingin sya kay Gene then sa'kin then sa kamay ko. I rolled my
eyes kasi di ko sya magets.

"Hindi ka talaga magaling sa senyasan!" lumapit sya sa'kin at tsaka bumulong. "Yung
nasa video? Suntukin si Zanea at Gene."

"Ow!" now I get it. Kasi naman malay ko ba kung anong meaning nung senyas nya di
ba? "Pero tingnan mo 'tong kamay ko?"

"Alexa I'm sorry and thanks kasi pinatawad mo na kami ni Zanea." Whatever Gene!
Nag-uusap pa kami ni goon oh!

Humarap ako sa kanya at tiningnan ko sya habang nasa likuran nya si Zanea. "Alam mo
bagay naman talaga kayong dalawa. Perfect for each other."

"Alam kong galit ka sa'kin. Sige lang, gawin mo lang ang gusto mo sa'kin ngayon
tatanggpin ko mapatawad mo lang ako."

"Kahit rapin kita ngayon dito?"

"ANO?!!" sigaw ni goon habang napanganga naman si Gene.

"Relax! Masyado kang hot!" nakatawa kong sabi kay goon!

Umakbay sya sa'kin at bumulong. "Kung hindi mo sya kayang suntukin ako na lang ang
gagawa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong suntukin ang lalaking sinabihan mo na
gusto mong rapin!" natawa naman ako sa sinabi nya.

"Alam mo Gene nakita mo 'tong kamay ko? Nasugatan na dahil sa pagsuntok dyan sa
mukha ng girlfriend mo kaya hindi na kita masusuntok." Biglang napangiti si Gene sa
sinabi ko. Well ngumiti ka na habang may oras ka pa. "Kaya naman - " tumingin ako
kay goon at tinap ko sya sa balikat. " - pass"
"Yan ang iniintay ko." Medyo nagpalagutok pa ng kamay si goon as usual ang duwag na
si Gene eh namutla sa takot. "Isang mahina lang para sa katulad mong manloloko!"
Nakita kong hindi na bumwelo si goon at basta na lang sumuntok kay Gene - kaso sa
sikmura. "Hindi ako nanununtok ng lalaking nakasalamin eh. Next time wag na wag mo
ng kakausapin si Alexa!"

"Zak, okay na kami. Pinatawad ko na sila kaya wag mo ng takutin." Natatawa kong
sabi.

"Ah ganun ba. O narinig mo? Pinatawad na daw kayo! Pero wag ka pa ding lalapit sa
kanya naiintindihan mo?" tumango lang si Gene habang nakahawak sa tyan nya.

Lumapit naman sa'kin si goon at umakbay. Naglakad kami pabalik sa loob ng campus.
"Alam mo na ngang duwag tinatakot mo pa!"

"Eh naginit ang ulo ko. Ganun ba mga type mo? Duwag?" maangas nyang sabi.
Napatingin naman ako sa kanya.

"Oo. Mga ganun ang TYPE KO! DUWAG!!" then tumawa ako. Natahimik naman sya sandali.

"HOY HINDI AKO DUWAG NO!!" tinakpan ko ng kamay ang tenga ko. Tama bang sumigaw
kahit magkalapit lang kami.

"Bakit type ba kita?" ang sarap talagang asarin nitong goon na 'to.

"Gusto mo na ko hindi type lang!!" at ako naman ang hindi nakapagsalita sa sinabi
nya. Mas mabuti na lang na tumahimik. Good mood ako. Good mood. "Ang sakit din ng
kamay ko. Parang kelangan din ng kiss." Pinakita nya sa'kin ang kamay nya.

"Ikiskis mo sa pader! Kapal nito! Isa pa ang bigat ng braso mo! Alisin mo kaya!"
inaalis ko ang braso nya pero binabalik nya.

"Bakit ba ang damot mo! Parang kiss lang kasi nasaktan yung kamay ko! Ikaw nga
hinalikan ko sa kamay kasi may sugat ka! Akin na ulit yang kamay mo babawiin ko na
yung kiss!" seryoso ba sya? Hindi sya nakangiti at para syang bata na hindi
napagbigyan sa gusto nya.
Kinuha ko ang kamay nya at tiningnan ko. "Eh wala ka namang sugat! Siraulo ka
talaga!"

"Ah dapat ba may sugat. Teka lang susuntok lang ako ng isang matindi!" papalayo sya
sa'kin pero hinigit ko sya sa damit.

"Alam mo kahit kelan napakasiraulo mo talaga! Di mo na kelangang sugatan yang kamay


mo no!!" bigla syang ngumiti.

"So ikikiss mo kahit walang sugat?"

"Hoy wala kong sinabing ganun!" bigla na naman syag sumimangot. "Ano - wag na sa
kamay. Malay ko ba kung san mo yan inihawak."

Bigla syang tumawa. "Nagpoo poo nga pala ko kanina. Okay na 'to nagsabon naman
ako."

"Ewwwww! Lumayo ka nga sa'kin." Tawa sya ng tawa habang nilalapit yung kamay nya
sa'kin.

"Mabango 'to no! Arte mo!" hinahabol nya ko at nahawakan nya ko sa waist.

"Enough! Enough!!" nakatakip ang kamay ko sa bibig ko ng bigla nya kong iniharap sa
kanya at nagkatapat ang mukha namin. Tumingin ang mata ko sa paligid. Syempre kasi
kapag walang tao alam ko na ang kasunod nito - kiss. Pero kapag may tao syempre
wala. Alam nyo naman ang mga moments namin eh kapag walang mga tao sa paligid.

Shoot! May tao - sad naman. Wala akong choice kundi halikan na lang sya ng mabilis
sa cheek sabay tulak sa kanya para makawala ako.

"Yun na yun?" nakasimangot nyang sabi habang nakahawak sa pisngi nya.

"Oo. Reklamo ka pa buti nga meron!" nauna akong naglakad at sumunod naman sya
sa'kin. Nagstretch ako ng kamay. Ang sarap ng pakiramdam ko. Parang brand new start
sa'kin. Wala na kong pinoproblema. Nasabi ko na mismo sa harapan ni Zanea lahat ng
gusto kong sabihin. Para kong nabunutan ng tinik.

"Mukhang okay na okay ka na ah." Nakatingin sya sa malayo habang nakalagay ang
dalawa nyang kamay sa bulsa ng pants nya.

"Syempre. Ang sarap pala sa pakiramdam. Thanks to you!" Kahit nakirot 'tong kamay
ko okay lang.

"Hindi lang naman dahil sa'kin yun lahat." Nakakunot ang noo ko at napatigil ako.

"huh?" tumuro si goon sa likuran namin kaya napatingin ako.

O.O

Sila Rich, Val, Luke, Trav at Tuck nasa likuran namin at kumaway. "Kasama silang
nagplano nito."

"Hey lady ghost!" sigaw ni Rich habang papalapit sila sa'min. Nagappear naman
silang lahat kay goon ng makalapit sila.

"Uy Lex nageffort din naman kami para sa last wish mo. Di ba pwedeng ikiss mo din
kami. Sa cheek lang din." Nagpapacute pa 'tong si Luke. ALam ba nya ang sinasabi
nya.

"Ang lagay eh si Zak lang ang makikinabang? Di ba mga dudes?" sabi ni Rich sabay
tingin kay Trav at Tuck. Ngumiti lang naman si Tuck at nagshrug lang s Trav.

"Ako muna ang mauna!" sabi ni Luke.

"Sunod ako!" sabi naman ni Rich na sumunod sa pila.

"Pass ako dyan. Kay Jezhi ko na lang kukunin mamaya." Umatras ng konti si Val. Ang
kukulit talaga nila.
"Ikaw Trav? AYaw mo ba ng kiss ni LEx?" tanong ni Rich kay Trav. Medyo namula naman
si Trav at dahan-dahang pumila sa likuran ni Rich pero sa ground lang sya
nakatingin.

"So si Tuck ang last?" natatawang sabi ni Luke.

"Save the best for last nga di ba?" nakangiting sabi ni Tuck sabay wink sa'kin.

"Seryoso kayo?" natatawa naman kasi ako sa kanila. Gusto talaga nila ng kiss? At
take note galing sa'kin pa ha.

"Aye aye! Seryoso kami!" sabay na sabi ni Rich at Luke.

"Okay!" tumungo muna ako kasi medyo nahihiya ako. Tiningnan ko sila at parang mga
bata na nagiintay ng candy.

"Seryoso pala kayo ha." Napatingin ako kay goon na nasa likuran ko. Halos magbuhol
na ang makapal nyang kilay. "Saluhin nyo ang suntok ko sa mukha nyo!!" bigla nyang
sinugod si Luke na una sa pila pero nakaiwas naman agad sila. "ANg lakas ng loob
nyong humingi ng kiss sa harapan ko. Paano na lang kung nakatalikod pa ko! Mga
ungas kayo! Halikan nyo 'tong kamao ko!!" hinahabol nya sila Luke.

"Oy Zak joke lang yun. Tinestesting lang namin si LEx ano ka ba!" nageexplain pa
'tong si Rich kahit tumatakbo.

"Testing-testing. 'Tong suntok ko ang testingin natin sa mga mukha nyo!!" nanakbo
pa din sya. Para lang silang mga bata. "Hoy ikaw Tuck! May pa save save the best
for last ka pa. Halika sa pub! Sparing na kung sparing!!!" Hindi malaman ni goon
kung sinong uunahin nyang habulin. Nakakatawa ang itsura nila. Napapangiti ako
dahil sa kakulitan nilang lahat.

"Ingat ka dyan kay Zak. Masyado yang possessive, kahit kaibigan papatusin para
markahan lang kung anong kanya." Sabi sa'kin ni Val. Hindi sya hinahabol ni goon
dahil hindi naman sya nakipila.

"Hindi naman ako sa kanya." Nahihiya kong sabi.


"Mabagal kasi 'to eh. Alam ko namang gusto mo na." bigla naman akong namula sa
sinabi ni Val.

"Hoy - hoy hindi ah." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Sorry, masyado kasing madaldal si Jezhi." Grrrrr! Nakakainis talaga 'tong Jezhi na
'to. Once ko lang nabanggit sa kanya nung nag-usap kami nakarating na agad sa iba.
And take note hindi ko yun pinaulit-ulit pero natandaan nya agad.

"Hoy ikaw dyan Val! Anong sinasabi mo dyan! Isusumbong kita kay Leslie nambabae ka
para magbreak kayo at hindi na ko tutulong para magkabalikan kayo ulit!!!!" sigaw
ni goon habang hawak-hawak sa leeg sina Rich at Luke.

Nagtaas ng kamay si Val at lumayo sa'kin. "Dude Jezhi hindi Leslie!!"

"Leslie nga! Bingi ka ba!" biglang nagtawanan sila Rich at Luke. "Sinabi ko bang
tumawa kayo?"

"Lex tulong! Awatin mo naman si Zak oh please!" dahil masaya sila nakisali ako sa
kaguluhan nila. Tinalunan ko si goon sa likuran nya at sinakal ko ng braso ko.

"Ah pinagtutulungan nyo ko ha!" at nagkulitan kaming lahat kahit medyo napipikon na
si goon. Nasa mood akong makipaglokohan sa kanila ngayon dahil maganda ang mood ko.
Salamat sa mga 'to at nakilala ko sila. Pinaexperience nila sa'kin ang mga bagay na
hindi ko inaakalang magagawa ko pala. Hindi naman pala masamang maging bad kahit
minsan. Feeling ko buo na ang pagkatao ko.

*******************************************
36

*******************************************
ALEXA'S POV

"Alexa, you are really amazing! Thank you for performing with us. And sorry kung
hindi ka na namin isinama sa eliminations. Gusto kasi ng Skylar Vocals na sa finals
ka na lang magpapakita." Kakatapos lang namin magpractice at palabas na kami ng
room. Secret practice daw kasi 'to.
"What? Paano kung hindi kayo nakapasok ng finals? Meaning may chance pala na hindi
ako makakapagperform?" my goodness. Mabuti na lang pala at nakapasok sila sa
finals. Dahil kung hindi baka magcancel ng meeting ang parents ko para lang manood
ng isang ordinary show.

"We're the Skylar Vocals. Laging nasa finals." At nagsmile pa 'tong si Monica.
Kinabahan ako dun. Una akala ko hindi na ko kasama sa performance. Yun pala ako daw
ang secret weapon nila. Well medyo kinabahan naman ako bigla dahil bukas na yung
performance namin.

"Kelangan nating galingan. Tatlong group ang nakapasok sa finals. Syempre ang
Skylar Vocals. Power Duce yung isa pero hindi naman nating kelangang magworry sa
kanila. We're better than anyone else." Bigla syang natahimik na parang
kinakabahan. "Pero hindi ko alam kung anong gagawin ng The Pilot. Masyado silang
calm at mukhang relax." Then tumingin sya ulit sa'kin. "Anyways, as long as kasama
ka namin no need to worry. So magbeauty rest ka na and see you tomorrow."

"Sure." Ngumiti lang ako at naiwan na akong nakatayo mag-isa dahil sa kabilang way
na sya naglakad. Kinakabahan talaga ako lalo na nung sinabi nyang as long as kasama
nila ko no need to worry daw. So meaning sa'kin ba nakadepende yung performance
namin bukas? Ang gusto ko lang naman sana ienjoy lang dahil namiss kong magperform,
namiss kong kumanta. Pero hindi naman sa ganitong way na parang competition talaga
ang dating. Alam ko na somehow gusto lang ni Monica na mabigyan na naman ng new
reason ang Skylar Vocals kung bakit dapat sa kanila sumali ang mga students.

Naisip ko ng kausapin ang parents ko regarding this. They need to be here tonight
or tomorrow morning para makarating sila bukas on time. Kinuha ko ang phone ko and
I started calling my papa. Sa isang ring palang sumagot na sya. Mukhang madami
syang narereceive na calls kaya hawak nya agad ang phone nya.

[Hi there sweety. How are you? How's school?]

"I'm good papa. So aalis na ba kayo tonight? You need to be here before 5pm. The
program will start at 6:00."

[What program?]

Ugh! Nagsisimula ng mag-init ang ulo ko. "Pa, I'm going to perform tomorrow and I
want you and mom to be there. I already told mom about this!"

[Sweety, we can't leave tonight neither tomorrow.]


"And what's that supposed to mean?"

[Look sweety, I really wanna see you perform. You know I do, but we can't leave
tonight. Cancelled lahat ng flights dahil sa storm - ]

"Then use our plane, private jet, helicopter kahit ano!"

[Calm down. ] narinig kong nagsigh si papa. [We'll be seeing the president of Range
Productions tomorrow - ]

"So that's the real reason! Ginamit nyo pa talaga ang storm! You know what, bakit
pa ba ko nageeffort na pilitin kayo? Hindi pa ko nasanay na mas mahal nyo yang
business nyo kesa sa sarili nyong anak. I doubt kung anak nyo ba talaga ko o ampon
din ako tulad ni kuya!!"

[Sweety anak ka namin ng mommy mo. Don't say that.]

"Pero di ko maramdaman papa!" at binaba ko na ang phone. Nakakainis! Bakit ba


walang perpektong pamilya. Mabuti atensyon ng ibang tao nakukuha ko pero sarili
kong parents wala! Balewala! Lahat ng sacrifices at effort ko para sa kanila. Para
mapansin nila ko at mabigyan ng time pero ano? Wala akong maramdamang kahit anong
appreciation galing sa kanila.

"Boom!" may biglang tumulak sa likuran ko and I turn my back to whoever this person
is.

I rolled my eyes nang makita kong si goon pala yun. "Look, wala ako sa mood
makipagbiruan okay."

"Bad mood huh?" Lumapit sya sa'kin. "Kaya nga ako nandito para pagandahin ang mood
mo." Bigla nyang ginulo ang buhok ko na mas lalong nagpainis sa'kin.

"Ano ba? Sinabi ko ng wala ako sa mood. Wala kang kelangang gawin para pagandahin
ang mood ko! Hindi kita boyfriend! Since alam na ni Zanea ang lahat pati ang fake
boyfriends ko there no use para magpretend pa tayo!!!!!" hindi ko alam kung saan
nanggaling lahat ng lumabas sa bibig ko. Siguro dahil sa sobrang galit sa parents
ko pero kay goon ko nailabas lahat. Nakita ko ang shocked sa facial expression nya
at dahan-dahan syang naatras.

"So - sorry! I thought - never mind. Now it's clear to me. You're like them! Don't
worry - di na kita lalapitan." Medyo nailing pa sya na parang disappointed. "I
thought you want me to be your real boyfriend - " then he smiled. "You did play
really well. Game lang pala para sa'yo lahat. F*&K!" sinuntok nya ang pader bago
sya tumalikod.

What have I done. Hindi naman ganun yung gusto kong sabihin. Alam kong - alam kong
nasaktan ko talaga sya. Lagi syang nandyan kapag kelangan ko sya pero bakit parang
tinulak ko pa sya palayo. What am I gonna do now?

"Zak! Zak wait! It's not what you think!" tumakbo ako at sinundan ko sya pero
nanakbo din sya ng makita nya kong nasunod sa kanya. Medyo naabutan ko sya at
hinawakan ko sya sa braso.

"Bitawan mo nga ako!!" medyo tumalsik ako at napasandal sa wall. Nakita kong parang
nag-alala naman sya na parang gusto nya kong lapitan pero nung nakatayo ako ng ayos
hindi na lang nya ko tiningnan. "Wag mo na kong sundan. Hindi mo na 'to kelangang
gawin." Naglakad ulit sya at alam kong papunta syang parking lot.

Sinundan ko pa din sya at hindi nya ko mapipigilan. "I'm sorry okay! Kung naoffend
ka sorry pero hindi naman yun yung gusto kong sabihin!!!" Hindi sya nakikinig
sa'kin at sumakay sya sa motor. Bago pa man sya makaalis sumakay na din ako agad sa
likuran nya.

"What are you doing?" nakatingin sya sa'kin.

"Sumasakay? Hindi ba obvious?" I raised my eyebrow.

"Wala ako sa mood makipagbiruan. Baba!" nakakatakot sya magsalita pero hindi pa din
ako bumaba.

"Wala kang helmet kaya baba!" pero wala pa din akong reaction. "Magpapaandar ako ng
sobrang bilis! Kaya kung gusto mo pang mabuhay bababa ka na!!!"

"Eh di sabay tayong mamatay! Bilisan mo na nga! Ang dami mo pang sinasabi! Hindi
ako bababa okay!!" hindi pa ako nakakapit ng bigla nyang patakbuhin ang motor.
Akala ko malalaglag ako kaya napakapit ako sa kanya. Hindi ako pwedeng magalit
dahil hindi naman nya ako pinilit sumakay dito. Ako ang nagpumilit so dapat wala
akong sisihin. Pinipilit kong magrelax pero para akong aatakihin sa puso. Kung
makipagsingitan sya sa mga sasakyan parang maiipit kami sa gitna.

"Give up? Baba na!" alam kong nakasmirk sya habang sinasabi nya yun.

"NO!" mas lalo nyang binilisan. Halos sumayad na kami sa kalsada sa pagliko-liko
nya. Feeling ko kapag bumitaw ako malalaglag ako at sasayad na sa ground at
matutuklap ang balat ko.

"Scared? Baba na!" so lahat 'to ginagawa nya para lang mapababa ako.

"No! No! and no! Try harder!" hindi ko pinapakitang natatakot ako na halos lumuwa
ang puso ko sa sobrang takot. Kung mamatay man ako ngayon sana magsisi ang parents
ko na hindi nila pinagbigyan ang unica hija nila. Kung hindi nila ko dinisappoint
eh di sana hindi ko naaway si goon at wala sana ako ngayon sabingit ng death.

Naramdaman ko na lang na biglang umangat si goon. At pagtingin ko sa unahan


nakataas ang front part ng motor. Okay. I'm starting to like this. Para lang syang
nageexhibition. Alam nya lahat ng ginagawa nya at hindi naman kami naaaksidente.

"Oh sh*t!" biglang ibinaba ni goon ang unahan ng motor at lumiko sa kanan. Nakita
kong may mga pulis sa dadaanan namin.

"Scared much ha? Baba!" sabi ko sa kanya at nagmabagal na syang magdrive.

"Motor ko 'to bakit ako bababa! Lakas mo din no!" alam kong umiwas sya sa mga pulis
dahil wala kaming helmet. Takot din naman pala syang mahuli.

"Then drive!" hindi nya ako napababa and I'm so thankful na hindi ako namatay.
Hindi pa man kami nakakarating sa kung saan man nya balak pumunta biglang umulan ng
malakas.

"Ang malas mo talaga kahit kelan!!! May balat ka ba sa pwet?" halos tumatama na sa
mata namin yung ulan. Ang hirap makakita dahil wala kaming helmet.
"Hoy wala no!! Kapal nito." Bigla syang tumingin sa mirror at nakita kong
nakatingin sya sa'kin.

"Patingin nga." Then he smirked!

"You perv!!" pinaghahampas ko sya sa likod habang nakasakay ako.

"Hoy bakit ka nananakit!! Bumaba ka na nga! Uuwi na ko!! Baba!!" pero hindi naman
nya itinitigil yung motor so in the end sa bahay nila kami napadpad.

"Shocks! Nabasa na ko!" pumasok kami sa loob at naiwan akong nakatayo sa living
room. Umakyat si goon sa taas. So wala ba syang balak na pagamitin man lang ako ng
CR. Tinitingnan ko ang basa kong damit. Mabuti na lang hindi yung uniform ang suot
ko dahil malamang kita na lahat sa'kin. Buti na lang hindi nabasa ang undies ko
kaya pwedeng patuyuin ko na lang 'tong -

*SHKKKKKK

"Ayan magpalit ka!" tumama lang naman sa ulo ko ang inihagis ni goon na damit.

"Thank you ha!" dinampot ko yung inihagis nya.

"Heto pa." napatingin ako sa towel na nasa harapan ko. Mabuti naman at hindi nya
naisipang ibato din sa'kin 'tong towel.

Kinuha ko yung towel at naglakad ako papasok sa - teka saang CR ba ko papasok?


Tumingin ako kay goon.

"Dun sa kwarto ko may heater. Dun ka na lang magshower." Hindi sya makatingin
sa'kin habang nagsasalita. Hindi na din naman ako nagreklamo. Mabuti naman at may
heater sya dahil giniginaw na ako ngayon.

Nagshower na ako at isinuot ko ang isang malaking tshirt. Ang bango ng tshirt na
'to. Ang tshirt ni goon suot-suot ko ngayon. Para akong engot habang tinitingnan ko
ang sarili ko sa mirror. Para na din nya akong yakap.
ANo bang iniisip mo Alexa! Concentrate! Galit sa'yo si goon kaya bawal kang
maginarte ngayon!

Hindi ako nagiinarte no! Naappreciate ko nga ang shirt nya. Ang bango-bango. Kaya
lang sobrang laki nitong shirt. Hanggang lampas ng tuhod ko. Tiningnan ko kung ano
yung isang iniabot nya sa'kin.

"What the - " isang jersey shorts. Isinuot ko pero sobrang luwag kahit na itali ko
pa. Well wala akong choice kundi wag na yung suotin. Since mahaba naman 'tong shirt
ito na lang ang susuotin ko. Nakacycling din naman ako kahit di ganun kahaba.

Lumabas ako ng kwarto at nagulat ako ng makita ko si goon na nakaupo sa bed.


Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa at parang gulat na gulat.

"Loving the view?" pangaasar ko sa kanya. Tumayo sya at inilahad ang kamay nya.

"Yung damit mo. Lalabhan ko." Di na naman ako nakipagtalo at inabot ko na sa kanya
yung basa kong damit at lumabas na agad sya ng kwarto.

ZAK'S POV

Sh&t! Di ko akalain na sobrang hot nya sa tshirt ko. Ang liit nya talaga. Akalain
mong lampas pa sa tuhod nya yung shirt ko.

Malabhan na nga muna 'tong damit nya para matuyo. Hindi ko mapigilang mapatawa.
Parang damit kasi ng bata 'to. Konti na lang pareho na sila ni Cia ng size.

"Goon! Goon nasan na ang Prada ko?" narinig kong nasigaw sya. Ano bang tinatanong
nya? Bahala syang maghanap -

"Nasan yung prada ko?" at nakita nya kung nasaan ako. Sabagay hindi naman ganun
kalakihan 'tong bahay para hindi nya ko makita. "Hello. Prada?"

"Anong parada? Umuulan na nga lahat gusto mo pang pumarada!" kakaiba talaga 'to.
Gusto pang pumarada.
"Funny huh!" at ang monster look nya eh lumabas na. Ano bang problema nito. "Prada
hindi parada. Bag ko yun so nasaan na!"

Natawa naman ako bigla. "Akala ko mga pets lang ang may pangalan. Pati pala bag
pinapangalanan na din ngayon."

"Alam mo hindi ako nakikipagbiruan sa'yo! Nasaan na ang bag ko!!" nagfi-freak out
sya ng dahil lang sa bag?

"Teka lang okay!" lumabas ako ng wash room at sumunod naman sya. "Prada yohoo!
Where are you?"

Hinampas nya ko sa balikat. "Ano ba!"

"Heto na nga! Masyado kang sensitive." Kinuha ko ang bag nya na nakapatong sa taas
ng cabinet. "Oh ayan na ang baby prada mo!"

"Whatever!" nagmake face lang sya at kinuha nya yung bag at iniwan ako bigla. Wow
matapos ko syang ipaglaba ng damit ganun na lang. Napatingin ako sa labas at nakita
kong sobrang lakas ng ulan. Kumulog at kumidlat pa ng malakas.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at hinanap ko agad si


aswang.

"Anong nangyari?" iniscan ng mata ko ang buong room at nakita ko sya sa ilalim ng
comforter.

Dahan-dahan syang sumilip sa'kin. "Ang lakas kasi nung thunder and lightning."
Mahina nyang sabi at hindi ko naman napigilang tumawa.

*POINK

At binato na nga nya ko ng unan. "Hoy mga unan ko yan kaya wag mong ibato!"
"Pinagtatawanan mo ko ha!!" at hindi pa din sya nagpapigil ng biglang namatay ang
ilaw.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" mukhang ang matapang na aswang eh may girly side pa


din. Nakakatuwa naman.

"DYan ka lang titingnan ko lang yung fuse sa baba." Papalabas na ako ng kwarto ng
maramdaman kong may humigit sa tshirt ko.

"Sa - sasama ako." Nakakatawa yung itsura nya. Nakikita ko pa din dahil sa liwanag
ng kidlat galing sa labas. Ginamit ko ang phone ko pang ilaw at kumuha ako ng
flashlights sa drawers.

"Ano ba wag mo nga kong masyadong higitin! Masisira yang damit ko!" kung makahigit
naman kasi sya halos mapunit na yung damit ko.

Tiningnan ko ang fuse box pero wala namang problema. "Mukhang blackout 'to. Parang
may bagyo ata."

"So anong gagawin natin?" bigla kong binuksan ang flashlight at itinapat ko sa may
ilalim ng mukha ko.

"Maggo-ghost hunting."

*TUGSH

Sabi na hindi magandang idea na takutin sya eh. Ayan nasapok pa tuloy ako. Nauna
syang bumalik sa living room at binuksan ang iba pang flashlights. Tahimik lang
syang nakaupo. Mukhang gutom na 'to hindi lang nagsasabi.

"Magluluto lang ako. Dyan ka muna." Hindi nya ko pinansin at nagmumukmok pa din sya
sa couch. Nagalit sya agad dahil sa ginawa ko? OA ha. Nagluto ako ng special adobo.
Yun lang kasi ang laman ng ref dito. Walang ibang pwedeng iluto. Dapat ata mamili
na ko ulit.

ANo na kayang ginagawa nung aswang na yun. Baka nakatulog na sya malamang. Di bale
gigisingin ko na lang sya after kong iprepare ang table. Naglagay pa ko ng candles
sa table para kunyari romantic. Nagtanggal na ako ng apron at lumabas ng dinning
room.

"Kakain na ta - " pero wala na sya sa living room. Nasaan na kaya yun. Umakyat ako
sa kwarto ko pero wala din sya dun. Hindi kaya umuwi sya? Sisilip sana ko sa labas
ng makita ko ang bag nyang si Prada kaya for sure hindi sya umalis. Isa pa sobrang
lakas ng ulan sa labas.

*TUG

Ano yun? Parang may kumalabog. Parang galing sa kwarto ni Cia. Pero imposible kasi
wala sila dito ngayon. May field trip sila for three days at sa isang araw pa ang
balik nila. Dahan-dahan akong sumilip sa kwarto ni Cia pero wala naman akong
nakita.

Hoooooo! Kinabahan ako ah. Dapat ata bawasan ko na ang pagkakape. Masyado akong
nagiging nerbyoso. Papasara na sana ang pintuan ng may marinig akong ungol. Sa side
ng mata ko nakakita ako ng gumagalaw sa sahig kaya mabilis kong tiningnan.
Gumagapang na putting bagay. Te - teka ano 'to?

"A - aray - " parang nanghihina yung boses. Lumalapit sya sa'kin at hinawakan pa ko
sa paa.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" halos masipa ko sya bago ako tumakbo pababa.


Nasan na ba si aswang? Dapat makaalis na kami dito. Matatakutin pa mandin sya.

ALEXA'S POV

"A- aray - " natumba ako at tumama ang noo ko sa may cabinet ni Cia. Bakit kasi
pinilit ko pang isuot 'tong costume nya eh hindi naman talaga kasya sa'kin. Dahil
pinagpilitan ko ayan natumba tuloy ako. Ang cute kasi nitong dress na white, parang
Cinderella kaya lang hindi kasya sa'kin.

Kaya lang bakit naman sumigaw 'tong si goon at tumakbo palabas? Hindi man lang ako
tinulungang tumayo. Muntik pang masipa ang mukha ko. Mabuti pa nga tumayo na ko at
matanggal na 'tong dress na sobrang sikip.

Last part na eh ang paghigit ng dress sa ulo ko. Bago ko matanggal halos mabunot na
ang ulo ko at ang buhok ko eh tumaas na lahat. Ang sakit pa dahil nadali yung sugat
ko sa noo. Di ko inaasahang magsusugat 'to at dudugo. Tsk. Nakakainis.

Lumabas ako ng room at nakaamoy ako ng masarap na pagkain.

*KRUK KRUK

Gutom na pala ako. Gabi na din kasi. Dahan-dahan akong bumaba dahil hindi ko makita
ang daanan kaya kinakapa ko ang side ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at nakita
kong nakatalikod si goon.

"Hoy!" mahina kong sabi kasabay pa ng thunder kaya ewan ko kung narinig nya.

Nakita kong dahan-dahan syang tumingin sa'kin na parang takot na takot at tinapatan
nya pa ako ng flashlight sa mukha at - "AHHHHHHHHHHHHHHHHH!" at bigla syang
nanakbo.

Nakakaooffend na sya ha. Bakit ba kanina pa sya sumisigaw. Sa sobrang inis ko


sinundan ko sya sa living room. Nakita ko syang nakadapa na may unan pa sa ulo.

"Walanghiya kang goon ka! May paganyan-ganyan ka pa! Anong akala mo sa'kin multo!!"
pinagsusuntok ko sya sa likod.

"Multo na kaboses ni aswang. Doppelganger. Isa kang doppelganger!" at nakatakip pa


din ang mukha nya. Hindi ko alam kung gumaganti lang sya sa'kin pero sobrang
effective. Naiinis ako!

Doppelganger pala ha. Hinigit ko sya at inilaglag ko sa floor. Tinapatan ko ng


flashlight ang mukha nya at nanlaki ang mata nya ng makita nya kong nakatayo.

"Aswang?" parang napahiya naman ang itsura nya at tumingin pa sya sa paligid.

"AKo yun. Hindi ako multo. Ano bang sinisigaw-sigaw mo dyan ha?" bigla akong
napangiti. Hindi joke ang lahat? Hindi nya ko inaasar? So meaning -
"Hoy - hoy kung ano yang iniisip mo hindi yan totoo!" dahan-dahan syang tumayo.

"Takot si Zak sa multo. Takot si Zak sa multo." Kinakanta ko sa kanya habang natayo
sya.

"TUmigil ka nga!" pero sya ang napatigil at napatitig sa'kin. "Anong nangyari
sa'yo? Bakit may dugo ka sa ulo? Okay ka lang ba? Masakit ba? Dapat ata dalhin na
kita sa ospital. Teka lang ha." Nagpanic agad? Nakita kong tumingin sya sa labas at
tsaka pumasok ulit sa loob. "Masyadong malakas ang ulan. Hindi pa tayo makakaalis.
Kaya mo pa ba?" Umakyat sya sa taas at pagbaba may dala ng first aid kit. Hinigit
din nya ako sa upuan. "Hawakan mo 'to." Pinahawakan nya sa'kin yung flashlight para
mailawan ang mukha ko habang ginagamot nya. Nanginginig pa ang mga kamay nya. Grabe
inasar ko pa sya tapos ganito pala sya kaworried sa'kin.

"Ouch! Dahan-dahan naman." Ang hapdi kasi nung nilagyan nya ng alcohol.

"Sorry." Hinipan nya ang sugat ko. Oh gosh, feeling ko natutunaw ako ngayon. Please
wag nya sana kong tingnan. Para na ko sigurong tomato sa pula. Dahil hindi ko na
kaya itinulak ko sya.

"I'm fine. Thanks. Hindi naman 'to malalim." Papatayo na sana ako pero bigla nya
kong hinigit at niyakap.

"Hindi ka kasi nag-iingat eh. Akala ko kinuha ka na nung multo na yun." At bigla
akong natawa. Naniniwala ba sya sa multo?

"Multuhin mo yang mukha mo. Kala mo kung sino kang siga tapos takot ka sa multo. Sa
laki mong yan. Tsaka isa pa yung multo ang matatakot sa'yo no!" hindi ko talaga
napigilang tumawa.

"Mukhang hindi nga malala yang sugat mo! Normal ka pa eh!" nakatingin lang sya
sa'kin kaya napatigil naman ako. Nakakahiya naman kasi nang-aasar pa ko. Pero kasi
naman ang laki-laki nya tapos takot sa multo. "Kumain na muna tayo. Pinagluto
kita."

:o

Pinagluto nya ako? Wow naman. Totoo bang si goon 'tong nasa harapan ko o isang
doppelganger din? Baka nga totoong may doppelganger.
"Bakit mo ko tinititigan - hoy - hindi pa pwede - bata pa ko." I rolled my eyes at
tinulak ko sya.

"Feeling ka! Gutom lang yan." At nakita kong ngumiti sya. Nauna ako sa kusina at
kasunod ko naman sya.

"Wag mo nga kong iwan basta-basta. Tsaka hindi ka na pwedeng mawala sa paningin ko
okay." If I know natatakot lang sya na magkaron ako ng doppelganger at for sure
dahil takot sya sa multo.

Muntik ko nang makalimutan ang manners kapag kumakain dahil sa sobrang gutom. Umaga
pa kasi ako huling kumain. And take note ha ang sarap ng adobo ni goon. Ang lambot
ng meat at lasang-lasa.

Tiningnan ko sya at bigla syang napatingin sa'kin.

"O bakit?" hindi agad ako sumagot. "Kung ayaw mong kainin magdelata ka na lang!"

"Paano ka natuto nito?" gusto ko ding matutong magluto. Magculinary kaya ako? Tss!
Magpapaturo na lang ako sa chef namin.

"Sus, anong alam mo prinsesa ka. Madali lang yang lutuin no." nagact pa sya na
parang nagluluto. "Then boom, adobo na."

"Ewan sa'yo. Pero masarap ha. Nice one." Then hindi na ako tumingin sa kanya.
Nakakahiya kasi. Hindi ako sanay na icompliment si goon at baka kung anong isipin
nya. Isa pa gusto ko din namang mawala yung galit nya kanina. One way na din siguro
'to para makabawi.

After naming kumain pinaakyat na ako agad ni goon sa kwarto after nyang maghugas ng
plates. Baka daw kasi maubusan sila ng plato kapag ako ang pinaghugas nya. Bakit
meron bang master ng paghuhugas ng plato? Pero okay na din yun. Hindi ako napagod
dahil masyado na akong napagod maghapon.

Humiga na ako ng maramdaman kong may pumasok kaya napaupo ako.


O.O

Si - si goon nakashorts at sando at kitang-kita ang malaking nyang katawan. Kinapa


ko agad ang bibig ko dahil baka napanganga ako sa pagtitig sa kanya.

"Oo alam ko na yang tingin na yan. Don't worry dito ako sa baba matutulog." Bakit
sa baba? Okay lang naman dito sa tabi ko.

What? Alexa, ikaw ba talaga yang nagsasalita?

Grabe kinakausap ko na naman ang sarili ko. Nadisappoint lang ako ng konti dahil sa
sinabi nya. Oh goon anong ginawa mo sa'kin. Para na kong mababaliw.

Nakuha na si goon ng mga unan at mukhang matutulog na sya kaya nagsalita na ako
agad.

"Wait!" napatingin sya sa'kin. I can do this. Masasabi ko 'to ng hindi mahahalata.
Isa pa natulog na nga kami ng magkatabi no. "Malaki naman 'tong bed mo. Pwedeng
dito ka na lang din. Dun ka sa kabilang dulo. Malamig kasi yang floor - " hindi pa
ako tapos magsalita ng bigla syang tumalon sa kama. May dala syang sariling
blanket.

"Ang bagal mong magsalita. Alam kong gusto mo lang naman akong katabi." Hindi na
lang ako nagsalita kasi totoo naman. I mean no! Malamig lang talaga sa floor.
That's the truth.

"Whatever." Mahina kong sabi. Nakaharap sya sa'kin at nakaharap din ako sa kanya.
Nasa magkabilang dulo kami ng bed at ako ang nasa may wall.

"Good night." Mahina nyang sabi habang nakapikit.

"Good night." Ngumiti ako at tsaka pumikit. Grabe sandali palang akong nahihiga
pero bagsak agad ang katawan ko.

Pakiramdam ko nananaginip ako na may humawak sa mukha ko. Malamig na dahan-dahan


akong hinahaplos sa pisngi at parang narinig ko ang boses ni goon.

"Nababaliw na ko sa'yo. I want you to be mine. Hindi na ko makakapaghintay pa ng


matagal. Gagawin ko na." at yun na lang ang narinig ko. Hindi ko alam kung
panaginip lang pero parang totoo at after noon nakatulog na ko.

A/N

Happy New Year sa inyong lahat. :) New Year, new hope, new start, new life sa' ting
lahat. Paano kaya kina Zak at Alexa? Hahaha. Vote, comment, and share kahit new
year na. :p And sana this 2014 mas lalo nyo pang suportahan ang PH at sana mas
marami ding makabasa nito para everybody happy.

You are awesome guys. Love y'all. :)

megladiolus.

*******************************************
37

*******************************************
ALEXA'S POV

"Just do that three times before changing positions, okay?" ilang minutes na lang
at magstart na ang program. Medyo kinakabahan ako. Ewan kung bakit pero hindi ako
mapakali.

"Oh my gosh guys, tingnan nyo 'to dali." Nasa may backstage kami at tinawag kami ni
Lorica para sumilip sa labas at nagulat ako sa dami ng tao. Tinitingnan ko din kung
dadating ba ang parents ko pero bakante pa din yung seats nila. I guess hindi na ko
dapat umasa talaga.

"Skylar Vocals meeting tayo." Napalingon agad kaming lahat ng dumating si Monica.
"Dun tayo sa room natin." Sumunod kaming lahat sa dressing room ng Skylar Vocals
para sa meeting na sinasabi nitong si Monica.

Nilock nya ang pintuan tsaka nya kami kinausap pero mahina lang. "We don't have any
problems. This is our night. Tayo pa rin ang mananalo." Sa ngiti at way nya ng
pagsasalita talagang kineclaim nya na kami na ang panalo.

"What do you mean? Di ba worried tayong lahat sa gagawin ng The Pilot?" tanong ni
Lorica.

"Yeah pero mukhang hindi na sila makakapagperform tonight. Yung magkapatid kasi na
leads nila na sila Jace and Jet umalis kanina papuntang US. Dinala daw kasi sa
hospital yung dad nila. So it's either magperform sila at magbago ng routine in
about 30 mins or hindi na talaga sila magperform." Sa explanation ni Monica
talagang tuwang-tuwa sya.

"Bakit masyado kang masaya. You know Jace at dapat nag-aalala ka sa condition ng
dad nya." Medyo kasi masyadong nagiging competitive 'tong babaeng 'to.

"You're kidding right? Hello Alexa this is a competition. I'm willing to do


everything just to win tonight and you will do your part." Tumingin sya sa iba
naming kasama. "Right guys?"

"Yes." Sabay-sabay nilang sagot.

"So all we have to do is relax at panoorin natin ang performance ng Power Duce in a
few minutes." Umupo silang lahat sa kanya-kanya nilang pwesto at nagretouch. Ang
iba naman nagtext at ang iba naman ay nakatingin na sa screen kung saan nakikita
ang stage.

I need to calm down kahit naiinis ako kay Monica. Kung competition talaga 'to para
sa kanya then ibibigay ko na lang ang best ko - kahit wala pa dito ang parents ko.
Alam ko naman ang isang reason kung bakit nila ko sinali ulit - dahil sa mga
sumusuporta sa'kin. Pero ako gusto ko talaga 'tong gagawin ko. I missed doing this.

"Alexa may naghahanap sa'yo. Nasa labas sya." Pambasag naman ng pag-iisip 'tong si
Muvic. Sino naman kaya 'to? Parents ko kaya? Pero malabo yun. Siguro si Jezhi lang.

Binuksan ko ang pinto at si goon ang bumungad sa'kin. Nakaopen ang leather jacket
nya at kita ang black sando na suot nya sa loob. Bakat na bakat ang chest nya. I
wanna take that jacket off.

ALexa, are you so desparate? Kelan ka pa naging ganyan?

Noong dumating si goon sa buhay ko?


Nagsimula mo na ding kausapin ang sarili mo.

"Are you okay? Parang wala ka sa sarili mo?"

"Baka na sa'yo kasi ako - " bigla akong napatakip sa bibig ko. Nakita kong ngumiti
si goon. "Joke lang. Alam mo na pantanggal kaba." I said while faking my laugh.

"You look great." Nahihiya nyang sabi habang napapakamot sa ulo nya.

Sa suot kong overall nagandahan sya sa'kin? Oh my goodness. "Thanks." Pinatatalon


mo ang puso ko alam mo ba yun goon? "Bakit ka nga pala nandito? I mean nagpunta
dito sa dressing room?" stupid question. Sorry, wala kasi akong maisip no!

"Just wanna say hi and good luck." Nakatingin sya sa floor habang nagsasalita.
Mukhang nahihiya sya. Okay na din yung hindi nya ko makitang pinagnanasahan sya. Oh
my goodness. I can't believe I'm using that term now.

"Thank you." Wala naman akong masabi. Kasi baka kapag nagsalita ako eh kung ano
lang ang lumabas sa bibig ko.

"I need to tell you something, maybe after your performance or during or whatever
comes first so we're just right there. I gotta go and see you later." At bigla na
syang umalis. Hindi man lang nya ako pinagsalita. Well siguro napredict nya na wala
na kong ibang sasabihin kundi thank you. Or baka naisip nya na wala talaga akong
masabi.

Napapailing na lang ako na napapangiti. Oh goon bakit ba kasi ang tagal mong
magtanong. Mabuti na lang at nandyan sya to support me. Nandyan silang lahat.

Papasok na ko sa loob ng bigla kong maalala yung sinabi nya. May sasabihin daw sya
sa'kin after or during my performance? Paano naman nya gagawin yun? At teka nasa
front seat ba sila?

Pumasok ako agad sa dressing room at tiningnan ko ang screen kung san pinapakita
ang mga taong manonood. Nakita kong nasa unahan nga sila Tuck. Kasama din nila si
Jezhi na katabi ni Val at yung isang seat na nasa may aisle ay for sure kay - at
dumating na nga si goon at umupo na sa seat nya.
Mas lalo akong kinabahan. Hindi ako mapakali. Mabuti pa magretouch muna ako.

*****************

ZAK'S POV

Kinakabahan ako at hindi ako mapakali. Lalo na nung nakita ko si - si Alexa. Ang
ganda nya. Pero mas maganda at mas hot pa din sya sa shirt ko kesa ibang damit.

"Dude ano okay na?" may paghampas pa 'tong si Rich. Halata nya atang hindi ako
mapakali.

"Okay na. Kaya ko 'to. Bahala na." hindi ako mapakali sa upuan ko lalo na't malapit
ng magstart ang program. Mabuti na lang pangalawa sa magpeperform sila Alexa.

"Relax lang. Kaya mo yan." Sabi ulit ni Rich. Hindi talaga kasi ako sanay sa
gagawin ko. Tumingin ako sa likuran ko sobrang daming tao. Mas lalo akong
kinabahan.

"Wag na lang kaya?" tanong k okay Rich.

"Bahala ka. AKala ko ba ayaw mo ng patagalin?" tatanungin ko pa sana ang iba pero
nakita kong may kausap sila Tuck. Nagtayuan sila at dun sa may side nag-usap. Hindi
naman ako sumunod dahil busy ako sa pag-iisip. Hindi ko pinapractice kung anong
sasabihin ko kasi hindi naman natutuloy kapag nagpa-practice.

"Zak!" tawag ni Tuck at tinuro yung mga kausap nya?

Umiling lang ako ng NO pero naginsist sya na lumapit ako. Tumayo ako at lumapit sa
kanila.
"Ano ba yun?" sana naman hindi 'to storbo.

"Sila daw ang The Pilot." Seryosong sabi ni Val.

"Oh eh tayo naman ang Sterke Geest! Tss!" ano ba namang joke 'to. Ngayon pa sila
magpapaangasan kung kelan malapit na magstart ang program.

"Dude kung pwede daw tayong magperform para sa kanila. Alam daw nila yung sa
Hemsworth University." Explanation ni Trav.

"Bakit biglaan naman yan? Ayoko! Kayo na lang, may gagawin nga ako di ba? Isa pa
ano na lang sasabihin ni Alexa kapag hindi nya tayo nakita dito? AYoko!" papaalis n
asana ako pero inakbayan ako ni Rich.

"Zak mas okay nga 'to. Kapag nasa stage tayo makikita ka ni Lex na magperform. May
mic ka at pwede mong masabi yung gusto mo. Kahit tawagin mo pa sya. Nakita mo ba
yung seat sa side, dun naupo ang mga tapos na magperform. Lapitan mo sya at iakyat
mo sa stage." Naguguluhan ako ngayon sa sinasabi ni Rich. Ano ba talagang magandang
plano? Bakit ba kasi ang hirap nitong gawin. Tsk.

"Sige na Zak, namimiss ko na din kasi yung ginagawa natin sa Hemsworth. Tsaka gusto
ko ding pakitaan ang baby ko ng performance natin." Isa pa 'tong si Val. Bakit ba
sa'kin sila nagsasabi? Loko talaga 'tong mga 'to.

"Sa'yo kami nagsasabi kasi may plano ka para ngayong gabi. Pero try to think the
brighter side kung magpeperform tayo for The Pilot - " tumingin si Tuck dun sa
kausap nila. " - isang beses lang ha. Ayaw naming makilala bilang The Pilot. May
sarili kaming identity."

"No problem. Kelangan lang namin magawan ng paraan yung contest." Mukhang desperado
'tong mga 'to.

"Ibig sabihin kakalabanin natin si Alexa?" oo malamang ganun nga. Ayokong makalaban
sya tsaka isa pa sinusuportahan ko nga sya. Ayokong isipin nya na kaya ako sumilip
kanina eh para mangspy.

"No. Magpeperform lang tayo pero hindi na para manalo tayo. Isipin mo na lang
production number 'to para sa'tin. Hindi naman natin kakalabanin si Lex kaya don't
worry." Humarap si Luke sa mga kumakausap sa kanila. "Kahit anong performance ba?"
"So it's a yes?" tiningnan sya ng masama ni Luke kaya hindi na sya nagtanong. "Oo
kayo ng bahala. Kahit short lang basta may magperform lang sa'min. Dun tayo sa
dressing room ng The Pilot." Sumunod naman sila at nakita kong naggoodbye kiss pa
si Val sa jowa nya. Tss. Parang hindi ko gusto 'to pero wala akong magagawa.

Dumating kami sa loob ng dressing room at parang nakakita ng mga artista ang mga
nasa loob.

"Guys sila ang - "

"Sterke Geest!" sabay-sabay na sabi ng mga tao sa loob.

" - right and sila ang sasagip sa'tin sa kahihiyan." Wow so yun pala ang gusto
nitong kumag na 'to.

"Look Rey, hindi kasalanan ng magkapatid kung maospital ang dad nila. Kung sa'yo ba
nangyari yun anong uunahin mo?" sabi ng isa nilang kasama at tsaka lumabas ng
pintuan. Kaya pala sila kumuha ng kapalit kasi may emergency.

"So gentlemen kayong bahala sa performance nyo. Sabihin nyo na lang yung set up at
magbaback up na lang kami." Pinagusapan ang performance na gagawin habang nagstart
na ang program. Sana lang talaga matuloy yung plano ko. Sayang naman ang
preparation kung hindi matutuloy.

***************************

ALEXA'S POV

"This is it!" nasa backstage na ulit kami at patapos ng magperform ang Power Duce.
Simple lang yung performance nila pero maganda pa din. Nakaready na kami sa
pagpasok ng mapansin kong wala ang anim na lalaking nakita ko kanina at si Jezhi
lang ang nakita kong nakaupo.

Tiningnan ko sya at kumaway lang sya sa'kin. Tinuro ko ang mga seats sa tabihan nya
pero ngumiti lang sya at nagokay. Great. Hindi nya ko naintindihan.
"Our second finalist - a round of applause for SKYLAR VOCALS!!!!" nagpalakpakan ang
mga tao at namatay na ang ilaw.

Okay. I can do this. Kinakabahan ako pero iisipin ko na lang madilim. Kahit naiinis
ako at wala si goon. Akala ko pa mandin papanoorin nya ko talaga. Liar sya!

JEZHI'S POV

Naunang pumasok ang ibang members ng Skylar. Nasa likuran sila ng white paper
curtain. Nagbaballet sila isa-isa pero shadow lang yung kita kada tatapatan ng spot
light.

After 30 seconds namatay ulit ang ilaw. Ito yung part na iba-iba na ang color ng
lights kasabay ng bad romance na song.

(ALL)

Rah-rah-ah-ah-ah-ah!

Rama-ramama-ah

GaGa-ooh-la-la!

Want your bad romance

Sinira nila ang paper curtain at dun sila lumabas.

Rah-rah-ah-ah-ah-ah!

Rama-ramama-ah

GaGa-ooh-la-la!

Want your bad romance

Nagform sila ng triangle. Nakablack dress lahat pero yung back part lang ang
mahaba. Yung nasa unahan mga 5 inches above the knee. May mga stockings sila na net
at boots na mataas ang heels.
FIRST LINE:

I want your love and

I want your revenge

You and me could write a bad romance

(Oh-oh-oh--oh-oooh!)

I want your love and

All your lover's revenge

You and me could write a bad romance

SECOND VOICE:

Oh-oh-oh-oh-oooh-oh-oh-oh-oooh-oh-oh-oh!

Caught in a bad romance

Oh-oh-oh-oh-oooh-oh-oh-oh-oooh-oh-oh-oh!

Caught in a bad romance

Biglang pasok ang mga lalaki na black pants at body paint ang upper body na parang
tattoo. Nasa likuran sila ng mga girls at sabay-sabay nilang hinigit yung back part
ng gown ng mga babae at bigla ulit nagdim ang ilaw.

ALEXA: (Hold It Against Me)

If I said my heart was beating loud

If we could escape the crowd somehow

If I said I want your body now

Would you hold it against me?

Biglang tumutok kay Alexa ang spotlight. Nakaoverall sya na white di tulad ng mga
kasama nya at nakalapel din sya. Nagsigawan ang mga tao ng makita si Alexa.
Naglakad sya sa mga nakapila na members with matching dance step.

'Cause you feel like paradise


And I need a vacation tonight

So if I said I want your body now

Would you hold it against me?

Parang remix yung tugtog at nagsayaw silang lahat. May exhibition part din si Alexa
habang binabalibag sya ng mga guys ng skylars. Nakakatakot 'to. Akala ko kakanta
lang sya bakit may ganito pa?

Biglang nagpause ang music at bumagal din ang lightnings. Napapaligiran si Alexa ng
mga boys hawak ang natanggal na back part ng gown ng mga girls kanina. Nagkaron din
ng smoke effect na halos matakpan na yung mga nasa gitna.

ALEXA: (Jar of Hearts)

No I can't take one more step towards you

Cause all that's waiting is regret

Don't you know I'm not your ghost anymore

You lost the love I loved the most

Parang naging long gown yung style ng suot ni Alexa dahil sa pagkabit nung hawak ng
mga boys kanina. Nagbaballet naman yung iba nilang kasama habang nagsesecond voice
yung iba. Ang sarap pakinggan ng boses nilang lahat.

I learned to live half alive

And now you want me one more time...

And who do you think you are

Running around leaving scars

Collecting your jar of hearts

And tearing love apart,

You're gonna catch a cold

From the ice inside your soul

So don't come back for me.


Who do you think you are?

Nagform sila ng dalawang circle. Nasa gitna nung isa si Alexa at di ko napansin sa
kabila. Biglang tumugtog ang remix version ng hot and cold at lumikot ulit ang mga
ilaw.

MONICA: (Hot and Cold)

You change your mind

Like a girl changes clothes

Yeah you PMS

Like a bitch, I would know

Nakashorts na lang sya. Mukhang natinanggal yung parang skirt nila at naging shorts
na lang. Nagsigawan naman lahat ng makitang hinuhubaran si Alexa habang nakanta si
Monica.

"Alexa kalma lang!!!!" sigaw ko sa kanya kahit alam kong hindi naman nya maririnig.

ALEXA:

And you overthink

Always speak critically

I should know

That you're not good for me

At hindi na nga sila napigilan ng nakashorts na lang din si Alexa at tank top.
Labas na labas ang pagkasexy nya. Nagsalubong sila ni Monica sa gitna habang
kumakanta at sumasayaw yung iba.

ALEXA AND MONICA:

'Cause you're hot then you're cold

You're yes then you're no

You're in then you're out

You're up then you're down


You're wrong when it's right

It's black and it's white

We fight, we break up

We kiss, we make up

Hindi ko maexplain yung style ng pagkanta nila at yung pagsabay nung second voice.
Ang astig ng dating. Imagine nakakapagsayaw pa sila habang kumakanta ng ganun.

Habang umiikot sila ay napunta din sila sa kanya-kanya nilang position at nagdim
ulit yung ilaw. Maya-maya napalitan ng blue yung ilaw. Parang naging acapella ang
dating. Namatay ang tugtog at boses lang nila na may iba't-ibang tone ang
maririnig.

ALL: (Titanium)

You shout it out

(Fire away, fire away)

But I can't hear a word you say

(Fire away, fire away)

I'm talking loud not saying much

(Fire away, fire away)

I'm criticized but all your bullets ricochet

You shoot me down, but I get up

Mabagal lang yung rhythm nila nung una then biglang nagbago na naman yung ilaw.

ALL:

I'm bulletproof, nothing to lose

Fire away, fire away

Ricochet, you take your aim

Fire away, fire away


You shoot me down but I won't fall

I am titanium

You shoot me down but I won't fall

I am titanium

Mas mabilis naman sila ngayon pero acapella pa rin.

ALL: (Titanium with Brave-Alexa's Part)

Stone-hard, machine guns

(Kept on the inside and no sunlight)

Firing at the ones who run

(Sometimes a shadow wins)

Stone-hard, those bulletproof glass

(But I wonder what would happen if you)

Biglang balik ng sounds sabay tutok ng spotlight kay Alexa na bumababa ng hagdanan
ngayon. Sigawan na naman ang mga tao.

ALEXA: (Brave)

Say what you wanna say

And let the words fall out

Honestly I wanna see you be brave

With what you want to say

And let the words fall out

Honestly I wanna see you be brave

ALL:

I just wanna see you

I just wanna see you


I just wanna see you

I wanna see you be brave

Nagfoformation ulit sila habang nasa gitna si Alexa.

I just wanna see you

I just wanna see you

I just wanna see you

ALEXA:

I wanna see you be brave!

Then tumigil bigla ang music sabay laglag ng confetti. Wow lang ang masasabi ko sa
performance. Lahat ng tao nakangiti at napatayo pa talaga sila. Napatingin sa'kin
si Alexa at nagokay lang ako. Nagclose ulit ang curtain.

"What a blast! Skylar Vocals is totally amazing. This group is undefeatable as


always. Awesome performance with Ms. Alexa Ciesla Andrade!" sabi ng emcee at
nagpalakpakan naman ang mga tao. Nakit akong nakaupo na sila Alexa sa pwesto ng
SKylar Vocals sa may tagiliran ng stage. Hindi nya pa alam and for sure magugulat
sya sa susunod nyang makikita.

********************

ALEXA'S POV

"Congrats Alexa! Ang galing mo!" bati ng ilang students na malapit sa seats namin.

"Buong team ang nageffort para dun, but thank you so much." Sobrang sarap sa
pakiramdam na makita na nagenjoy yung mga tao at the same time nagawa ko yung gusto
kong gawin. Alam ko nagulat si JEzhi kanina sa exhibition ko. Surprise ko kasi yun
sa kanila kaso wala naman sila goon. Nasaan naman kaya yung mga yun! Iniwanan
nilang mag-isa si Jezhi dun. Mga walang puso.

"The last but not the least give it up for The Pilot!" hindi ko ineexpect na
magpeperform pa din pala sila. Isa lang ibig sabihin nun, hindi sila talaga agad
sumusuko.

Nagdim na ulit ang ilaw at ang tahimik ng lahat. Nagsigawan na ang lahat ng marinig
ang intro ng Hanging by a moment.

Biglang tumutok ang spot kay - what the? Si Val?

VAL:

I'm desperate for changing

Starving for truth

I'm Closer to where I Started

Chasing after you

I'm falling even more in love with you

Letting go of all I've held onto

I'm standing here until you make me move

I'm hanging by a moment here with you

Ang lakas ng sigaw ng mga tao. Grabe bakit hindi ko alam na magpeperform sila?
Anong - anong ibig sabihin nito?

Biglang naging dalawa na ang spotlight at na kay Tuck ang isa.

TUCK:

Forgetting all I'm lacking

Completely incomplete

I'll take your invitation

You take all of me

Now I'm falling even more in love with you


Letting go of all I've held onto

I'm standing here until you make me move

I'm hanging by a moment here with you

Grabe ang mga babae dito halos lamunin ng buhay si Tuck sa pagsigaw nila ng 'TUCK I
LOVE YOU!' Naalala ko tuloy nung unang araw na marinig kong sinisigaw ng mga babae
yun. Hindi ko akalain na magiging kaclose ko sila - ah hindi pala - na magiging
kaibigan ko sila. Napapangiti ako ng mapatingin ako kay Monica. Mukhang hindi sya
masaya sa nakikita nya ngayon at mukhang tulad ko hindi nya ineexpect na sila ang
magpeperform para sa The Pilot.

Dahan-dahan yung motion ng ilaw at biglang nawala ang spotlight ng biglang tumutok
sa nakatalikod na si - Luke?

LUKE: (Payphone)

I'm at a payphone trying to call home

All of my change i've spent on you

Where are the times gone baby

It's all wrong, we're at the place we made for two

Bigla syang humarap at tumuro sa kanan nya at naging dalawa ang spotlight ng
malaglag ang puso ko ng di inaasahan.

ZAK:

Yeah, I, I know it's hard to remember

The people we used to be

It's even harder to picture

That you're not here next to me

Bigla syang tumingin sa'kin at nagwink. Oh my natutunaw na ba ako ngayon? Bakit ang
hot nya lalo!

You said it's too late to make it

But is it too late to try?


And then that time that you wasted

All of our bridges burnt down

ZAK and LUKE:

I've wasted my nights

You turned out the lights

Now i'm paralyzed

Still stucked in that time when we called it love

But even the sun sets in paradise

Nagpapalitan pa sila ng pwesto. Halos magiba na ata 'tong auditorium sa pagsigaw ng


lahat. Sige lang hanggang sigaw lang kayo. Yang gwapong lalaki dyan - yung
pinakahot sa kanila - magiging sa'kin yan. Sumigaw na kayo kung gusto nyo.

Oh my - good vibes lang dapat. Ieenjoy lang ang performance nila.

LUKE:

I'm at a payphone trying to call home

All of my change i've spent on you

Where are the times gone baby

It's all wrong, we're at the place we made for two

May pagluhod pa 'tong si Luke sa harapan nung isang babae. Mamaya lang
magcocollapse na yan sa kakiligan. Humarap ulit sa'kin si Zak. Kapag ako nalaglag
dito kasalanan nya. Nakakainis. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko at kilig syempre.

ZAK:

If happy ever after did exist

I would still be holding you like this

And all those fairytales are full of it

One more stupid love song i'll be safe


Namatay ulit ang ilaw after magwink ni Zak sa'kin. Sorry girls pero sa'kin nya lang
ginagawa yan. Buwahahahaha.

Ang dilim na pero ang iingay pa din ng mga babae. Biglang lumiwanag at silang anim
ay nakatalikod ng biglang tumugtog ng Should've Kissed You at isa-isa silang
humaharap! At dun na nagsimulang magsitayuan ng mga mahaharot na babae at lumapit
sa unahan! Nagsasayaw sila at bigla nilang kinanta ang chorus na sabay-sabay.

ALL:

I should've kissed you, I should've told you

Told you just how I feel

And next time I won't stop, I'll listen to my heart

'Cause what I feel is real

I should've kissed you

I should've told you how I feel

I should've kissed you

I should've showed you just how I feel

Ang smooth ng galaw nila. Bakit hindi ko alam na sumasayaw din sila. Bakit parang
feeling concert nila 'to at hindi contest? Paano nila napractice yan at kelan?
Madami ba akong hindi alam?

Ano ba naman 'tong mga lalaking 'to lalo pang nagca-cause ng gulo sa mga
kababaihan. Magtanggal ba naman daw ng jacket. Mga nakasando na lang sila ngayon.
Oh well benefit na din sa'kin yun dahil exposed ang katawan ni goon. Gusto kong
makisigaw sa kanila pero di ko magawa kasi maririnig ako ng mga katabi ko.

At biglang sumabog ang smoke effect at namatay ulit ang ilaw. Paano nangyari 'to?
Bakit sobrang galing? Yung totoo? Plano ba nila akong talunin? Wow ha.

ZAK: (Lighters)

This one's for you and me, (sabay turo sa'kin. Kill me now please. Namamatay na po
ako sa kakiligan!)
living out our dreams

We're all right where we should be

With my arms out wide, I open my eyes

And now all I wanna see

Is a sky full of lighters

A sky full of lighters

TRAV:

By the time you hear this I will have already spiraled up

I would never do nothing to let you cowards fuck my world up

If I was you, I would duck, or get struck like lightning,

Fighters keep fighting, put your lighters up, point em' skyward uh

Had a dream I was king, I woke up, still king

This rap game's nipple is mine for the milking,

Till nobody else even fucking feels me, till' it kills me

I swear to god I'll be the fucking illest in this music

There is or there ever will be, disagree?

Feel free, but from now on I'm refusing to ever give up

Only thing I ever gave up is using. No more excuses.

Excuse me if my head is too big for this building

And pardon me if I'm a cocky prick but you cocks are slick

Poppin shit on how you flipped ya life around, crock-o'-shit

Who you dicks try to kid, flipped dick, you did the opposite

You stayed the same, cause cock backwards is still cock you pricks.

Napanganga ako. Literal, imagine ang tahimik na si Trav ang galing magrap. Habang
nagrarap sya sumusunod sa galaw ang malambot at kulot nyang buhok.

RICH:

I love it when I tell em shove it


Cause it wasn't that long ago when Marshall sat, luster lacked, flustered

Cuz he couldn't cut mustard, muster up nothing

Brain fuzzy, cause he's buzzin', woke up from that buzz

Now you wonder why he does it, how he does it

Wasn't cause he had buzzards circle around his head

Waiting for him to drop dead, was it?

Or was it, cause them bitches wrote him off

Little hussy ass fusses, fuck it, guess it doesn't matter now, does it

What difference it make?

Whats it take, to get it through your thick skulls

As if this aint some bullshit

People don't usually come back this way

From a place that was dark as I was in

Just to get to this place

Now let these words be like a switch blade to a haters rib cage

And let it be known from this day forward

I wanna just say thanks cause your hate is what gave me the strength

So let em bic's raise cause I came a 5'9 but I feel like I'm 6'8.

Hindi talaga pwedeng hindi manlalandi ng babae 'tong si Rich. Kung maraming
mahihimatay dito hindi ko sila masisisi. Sizzling hot po ngayon sa stage.

TRAV and RICH:

This was for you and me, living out our dreams

We're all right where we should be

With my arms out wide I open my eyes

And now all I wanna see

Is a sky full of lighters

A sky full of lighters


Pwede bang tigilan na yang lights off lights on na yan. Nakakainis kapag nawawala
sila sa paningin namin. My gawd! Kahit pawis na sila ang hot lalo ng dating. Oo na
katulad na ko nung ibang babae pero hindi naman ako bargas kumilos at take note
kahit teacher nandun sa unahan ha. Feeling concert lang talaga 'to.

Tumutok ang spotlight kay goon. Sa kanya lang. Solo mode lang ang peg?

ZAK: (Stereo Hearts)

My heart's a stereo

It beats for you, so listen close

Hear my thoughts in every note

Make me your radio

Turn me up when you feel low

This melody was meant for you

Just sing along to my stereo

Thank you. You are my radio, really. Sagutin ko daw ba ang lyrics ng stereo hearts?
Hahaha. Habang kinikilig ako biglang tumayo si Monica.

"This is not happening! Not to Skylar and not to me!!" narinig kong sabi nya.

"Come on, let's enjoy this like everybody else." Pero tiningnan nya lang ako ng
masama.

"Alexa nakatingin sa'yo si Zak." Sabi ng katabi ko at nakita kong naglalakad si Zak
papunta sa'kin. Oh my gosh para na kong jelatin nito. Sobrang nanlalambot na ko -
sa kilig po. Sa kilig!

"Whatever Alexa! Kaibigan mo kasi sila kaya nasasabi mo yan!" then tumalikod sya.

"Monica wait!" tumingin ako kay goon na nakatingin at nakangiti sa'kin. Ngumiti
lang din ako at sinundan ko palabas si Monica. Wala akong kinalaman sa performance
nila goon at hindi dahil kaibigan ko sila kakampihan ko na agad. Sorry goon hindi
ko matatapos ang performance mo. Kelangan ko 'tong ayusin.
"Monica! Monica!" nasa labas na kami ng auditorium pero hindi ko pa din makita si
Monica. Loka-loka talaga yun. Masyado kasing seryoso sa pagpapasikat eh. Sabagay
hindi ko sya masisisi. Tulad ko gusto nya ding mapansin ng parents nya.

Nasan na ba kasi yun -

*TUGSH

Aray! Bumangga ako sa isang matigas, pawisan at hot na chest. Napatingin ako kung
kaninong chest yun at nakita ko si goon. Nakabagsak ang buhok nya dahil sa pawis.
Ang laki ng muscles nya sa arms. Ang bango pa din nya shemay! Pigil na pigil ang
ngiti ko ng mapansin kong mukha syang terrified.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ka umalis? Galit ka ba? Sorry! Wala din akong alam - ayoko talaga pero
mapilit sila. Promise hindi ka namin kinakalaban. Wala lang talaga yun. Parang
production number lang." nakahawak pa sya sa balikat ko habang nagsasalita. Ano
kayang problema nito.

"Anong sinasabi mo?" napapaatras ako habang nagsasalita sya kasi hindi ko sya
maitindihan.

Parang bigla syang nag-isip. "Yung lumabas ka bigla - "

"SInundan ko kasi si Monica. Masyado syang windang dahil sa performance nyo. Parang
concert ang dating. Sobrang hot - I mean galing - sobrang galing. Nakita mo ba yung
mga babaeng magpapakamatay dun para makita kayo - para makita ka? Wow talaga. Hands
down!" Oo nakita mo ba yun goon? Yung tipong sasabunutan ko na ang lahat ng babaeng
tumatawag sa'yo!

Napansin kong napangiti si goon. "Sa isang babae lang naman ako magpapakamatay." I
know right! I know! "Kay Cia!"

"Shut up!" and I rolled my eyes. Nakakainis. Hindi pa ko nadala.


"Joke lang. Bakit ka kasi umalis habang nakanta ako. May sasabihin pa sana ko eh!"
parang nagtatampong bata yung way nya ng pagsasalita.

"Eh kasi nga di ba hinabol ko si Monica. Bingi ka ba? Paulit-ulit lang?" I folded
my arms over my chest.

"Sumama ka sa'kin." Bigla nya akong hinigit at nanakbo kami.

"Te - teka lang san tayo pupunta. Hindi pa tapos ang program!" natakbo ako ng
ganito ang suot ko? Mabuti na lang nakacover na ako ng jacket ng skylark vocals.

Napansin kong nasa labas na kami ng school at papunta kami ngayon sa abandoned
building kung saan ako dinala ni goon noon para takutin. TUmigil ako at hinigit ko
ang kamay ko kay goon.

"Hoy anong gagawin natin dyan? Wag - ayoko!" napasmirk sya at hinigit ako ulit.

"I wanna hear you scream!" bulong nya sa'kin kaya naman nahampas ko sya ng malakas.
"ANo ba joke lang yun! Trust me safe dito!"

"Safe eh ang dilim-dilim!" biglang kinuha ni goon ang phone nya at ginawang
flashlight at nauna syang pumasok sa loob habang hawak-hawak ako.

Umakyat kami sa hagdanan at ng malapit na kami sa rooftop tinakpan nya ang mata ko
ng panyo.

"Hoy ano 'to initiation? Bakit may ganito pa?" hindi sya sumagot at inalalayan lang
ulit ako pataas. Bigla kong naramdamang binitawan nya ko. "Nasan ka na? Hindi na
nakakatuwa 'to. Kapag ako napahamak patay ka talaga sa'kin!"

--play the music now! Nasa multimedia-

Bigla akong nakarinig ng music. Hindi ko alam kung ano yun pero nakikinig lang ako
at iniintay kong balikan ako ni goon dito sa pagkakatayo ko.
I've been kicked right down, I've been spat in the face

I've been pulled way down to the lowest place

I've been lied to, shamed, I have been disgraced

Been excommunicated from every holy place

"GOON! HINDI NA MAGANDA 'TO! PAPATAYIN MO LANG AKO MAY MUSIC PA!!!" konti na lang
talaga tatanggalin ko na 'tong blindfold ko!

I've been beat up and robbed, I've been left for dead

For the way I look, for the things I said

And when trouble thinks it's found us

The world falls down around us

I promise baby, you won't ever, you won't ever feel a thing

"Hindi ko na talaga kaya!" Tinanggal ko ang blindfold ko. Medyo malabo pa ang
tingin ko sa paligid. Mga ilaw lang ng candles ang nakikita ko. "Goon! Goon! Ano
ba!! Naiinis na - "

Napatakip na lang ako sa bibig ko ng makita kong nakaarrange pala ang mga candles
na nakasulat ng "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" tapos may bouquet ng roses na korteng
puso sa tabihan. May mga candles din sa paligid at may mga petals na roses sa
ground.

"So what's your answer?" nagulat ako ng magsalita si goon sa likuran ko kaya
napaharap ako agad sa kanya at mas lalo akong nagulat ng makita ko syang may hawak
na isa pang bouquet na roses. Hindi ako makapagsalita. Parang - parang kagabi lang
nagmamadali akong magtanong sya pero hindi ko alam na paghahandaan pala nya. "ANo?
Ayaw mo ba? May problema ba?"

Umiling lang ako. Gusto ko nang mapaiyak - mapaiyak sa sobrang saya.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" kasi naman hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin
mo. Masyado pa akong shocked sa hot performance mo kanina then biglang ganito pa.
Feeling ko judgement day ko na bukas.

"So ano nang sagot mo?" lumapit sya sa'kin at kinuha ang kamay ko at tiningnan ako
sa mata.

"YES!!!!" ooops masyado atang halatang excited ako. Napasigaw kasi yung sagot ko.
"I mean yes. Sure." Kalmado kong sabi.

Biglang nagbuntong hininga si goon ng marinig ang yes ko. Parang nawala ang kaba
nya na kanina pa halatang-halata. Iniabot nya sa'kin yung roses. Binuhat nya ko at
inikot-ikot. "Woooooooooo!!!!"

"Ano ba nahihilo ako! Ibaba mo nga ako!" at masunurin sya ibinaba nya ako sa
harapan nya. Nakahawak sya sa mukha ko at parang pinag-aaralan ang bawat features
ng mukha ko then his lips met mine.

ANg first kiss namin as official couple. Hindi na nakakailang. Wala ng worries.

*BOOM!

Napatigil kami ng marinig namin ang fireworks. Nakatingin kami sa taas at


pinapanood ang fireworks ng school.

"May nanalo na." sabi ko kay goon.

"Ako. Jackpot pa nga eh." at naramdaman kong humigpit ang yakap nya sa'kin habang
pinapanood namin ang magagandang fireworks.

A/N

So kamusta naman ang chapter na 'to? Hahaha. Comment, comment at comment. Syempre
vote and follow na din. Like our fan page. Click the external link or hanapin nyo
na lang Perfect Haters by megladiolus. Thank you sa inyong lahat. Magthree months
na ang Perfect Haters sa January 06. :) Number 3 pa din tayo sa teen fiction and #
5 sa Humor. Keep on voting. At salamat sa mgaganda at nakakatuwang comments.
Binabasa ko lahat yan. :)

You're all fantastic!

<3 megladiolus

*******************************************
38

*******************************************
ALEXA'S POV

"Don't mention it, magaling tayong lahat." Kausap ko ngayon si Monica dito sa tapat
ng cafeteria. Maaga kasing natapos ang klase namin.

"Alam mo hindi naman mananalo ang Skylar Vocals without your help. At yung video
natin 1 million views na kaagad sa youtube at halos lahat ng comments about sa'yo."
Medyo shocked lang ako sa babaeng 'to kasi hindi ko talaga maintindihan yung point
nya eh. And I know yung comments na sinasabi nya kasama na dun yung masasamang
comments. "Welcome back sa SKylar Vocals, our key to stardom. Ikaw nga nagstart na
oh." Halata sa kanya na sobrang saya nya.

"You know I can't. Ayaw ng parents ko na sumikat ako dahil sa music, talent or
whatsoever and for sure magugulat sila at magagalit at the same time kapag nakita
nila ang video natin sa youtube." Ayoko din naman kasi nung pinagkakaguluhan ako
kahit saan. Okay na yung ganitong buhay. Isa pa gusto ko din namang sundin ang
gusto ng parents ko na sisikat ako dahil sa magiging contribution ko sa company at
hindi dahil sa mga talent talent na tulad nito.

"I understand you, I'm willing to do everything for the sake of my parents. I mean
I don't wanna disappoint them." Tumingin sya sandali sa phone nya tsaka ulit
tumingin sa'kin with beaming smile. "Magcecelebrate ang Skylar Vocals sa
pagkapanalo kasama na din ang The Pilot, sumama ka na, please. Ayaw mo na din
namang bumalik sa'min so kahit ito na yung last."

Tama naman sya. Isa pa break din naman yun from school and all. "Kelan ba yun and
where?"

"Tomorrow, sa rest house nila Jace. Maganda yung beach dun promise." Mukhang
excited na talaga sya.

"Wait - Jace? Yung The Pilot?" nagnod naman sya. "I thought nasa US sila?" kaya nga
napasabak sila Tuck sa performance kasi wala sila tapos nandito na agad at
magpaparty pa?

"Okay naman daw pala yung dad nila. Gusto lang pauwiin yung dalawa kaya sinabi na
naospital daw pero nandito na ulit sila." Tumingin sya sa'kin na parang
naguguluhan. "Pumayag ka na di ba? Di ba?"
Pumayag ba ako? Parang nga. Fine. Minsan lang naman 'to. "Okay." Napatalon naman
sya sa sobrang tuwa. OA much?

"So pwede mo bang isama ang Sterke Geest?" Sterke Geest? San ko nga ba narinig yun?
Teka - teka - aha nung naparambol sila Tuck narinig kong tinawag sila nun. "Don't
tell me hindi mo alam na yung mga kaibigan mo ang popular Sterke Geest. Sila lang
naman ang galing sa Hemsworth University pero umalis sila dun sa hindi malamang
reason. Maybe nalaman nila na dito ako nag-aaral kaya dito sila pumasok?"

Tiningnan ko sya ng weirdo-look. Ambisyosa, eh hindi nga sya kilala ng mga yun eh.
Sapukin ko kaya 'to ng isa para magising.

"And oh my gosh, you know Zak?" hell yeah, he's my boyfriend. "I think he's into
me?" bigla akong napatawa. Bakit ba eh sa napatawa talaga ako. "What's wrong?"
hindi ako makapagsalita kasi alam kong matatawa lang ako. Saan naman nya nakuha
yung mga sinasabi nya?

Nakita kong napatulala si Monica with her mouth left open. "Oh - oh my gosh! He's
heading our way. Mukhang kakausapin na nya ako. A - anong gagawin ko?"

Napatingin ako sa direction kung saan nakatingin si Monica at nakita ko si goon.


Napangiti naman ako at napangiti din si goon.

"Ngumiti sya sa'kin. I'm gonna faint!" kapag sinuntok kita malamang magfe-faint ka
nga!

Nagulat ako sa ginawa ni goon ng makalapit sya sa'min. Bigla na lang nya kong
hinalikan sa harapan ni Monica - at sa harapan ng lahat ng taong dumadaan.

Hinampas ko sya sa balikat. "Hey what was that for?"

Ngumiti sya sa'kin at hinawakan ako sa chin. "ANong problema? EH sa gusto kong
halikan ang girlfriend ko."

"Sa ganito karaming tao?" then bigla akong napaisip. Maraming tao? Is this really
happening? Dati kasi puro sa tagong lugar lang - I mean walang ibang nakakakita
unlike ngayon.
"Kahit saan at kahit kelan ko gusto wala akong pakialam kahit maraming tao."
Lumapit sya sa may tenga ko at bumulong. "Isa pa gusto kong makita nila na sa'kin
ka na." Napatawa naman ako para lang mapigilan ang kilig. For sure namumula na
naman ako dito. Imagine kasi nakahawak pa sya sa waist ko habang ang isa kong kamay
nakahawak sa shoulder nya at nagtititigan pa kami.

"Ehem!" naalala ko nga pala si Monica. Napatingin ako sa kanya at mukhang shocked
sya sa mga nakita nya. ANo ka ngayon. Feeling ka kasi masyado. "So - so boyfriend
mo si Zak?"

TUmingin ako kay goon na parang nagpapogi pa bago nagwink sa'kin then umakbay sya
na para na nya kong yakap. Grabe lang mambakod ha - pero infairness gusto ko din
naman. Hahahaha. Wag ng kumontra.

"Yeah - boyfriend ko si Zak. May problema ba dun?" parang nalugi ang mukha ni
Monica. I feel sorry for her. Kasi for sure kaya nya ko kinoclose eh dahil kay
goon.

"So Zak, pwede kayong sumama sa outing bukas. Isama mo na din ang buong Sterke
Geest. Celebration para sa success ng festival yesterday at syempre celebration na
din ng SKylar Vocals and the Pilot." At may pagngiti pa sya kay goon na parang
nagpapacute kaya naman tiningnan ko si goon pero nagulat ako ng sa'kin lang sya
nakatingin at nakangiti sya.

"Tunaw na ba ko?" sabay hawak sa mukha ko.

"Malapit na." inalis nya ang kamay ko na nakahawak sa mukha ko. "Wag mo ngang
takpan! Tinitingnan ko pa eh!!"

Nakakahiya - grabe hindi ko akalain na ganito pala magkaboyfriend. Halos feeling ko


nakatingin na sa'min lahat pero napapangiti naman lahat ng nakakakita.

"So I'll see you tomorrow?" sabi ulit ni Monica kay goon pero hindi pa din sya
pinapansin. Bakit kaya ayaw pansinin ni goon 'tong si Monica? Kawawa naman sya.

"I'll talk to them. Tatawagan na lang kita later." Mas okay na yung ako yung
kumausap sa kanya kesa naman magmukha syang engot sa kakasalita.
"Great! Aasahan ko yan ha. Sa tapat ng school ang meeting place tomorrow 9am." Then
tumingin sya ulit kay goon. "Nice meeting you Zak." Iniabot nya ang kamay nya kay
goon pero tiningnan lang ni goon tsaka tumingin sa'kin.

"May kasalanan ka sa'kin." Sabi nya na parang naiinis. ANo daw kasalanan ko sa
kanya? Itinalikod nya ako kay Monica at naiwan namin syang nakatayo dun. Medyo
naawa naman ako sa kanya. Grabe naman 'tong si goon makatrato ng babae. Sabagay,
napagdaanan ko din naman lahat yan. Mas malala pa nga yung sa'kin eh.

"Ano namang kasalanan ko sa'yo ha?" tumigil sya sa harapan ko at tiningnan ako.
"Ano?" feeling ko wala syang masabi.

"Ano? Tinatanong mo ako kung ano? Hindi ka nagtetext kung nasaan ka na. Kung kumain
ka na. Kung sinong kausap mo at kung anong ginagawa mo!!" napatulala ako sa narinig
ko at napahawak ako sa ulo ko.

"Bakit ko naman kelangang gawin yun?" I mean bawat kilos ko dapat ba alam nya?

"Kasi may boyfriend ka na. Lahat ng gagawin natin itetext natin sa isa't-isa.
Simula paggising hanggang pagtulog. Syempre maliban na lang kung magkasama tayo.
Para naman tayong sira kung magtetext pa tayo eh magkatabi na tayo at kapag may
time tatawagan kita okay!!" hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Alam nyo
na bago lang ako sa ganito. First boyfriend ko sya remember. "That's my girl." At
pinat nya ko sa ulo.

"Hoy wala pa kong sinasabi no!!! Tsaka bakit ko kelangang gawin lahat ng sinabi mo
ha?" nakasimangot ako ngayon habang iniisip lahat ng sinabi nya.

"Tss! Wala ka talagang alam! Syempre para hindi kita ganun mamiss!!!" bigla nya
kong tinulak pero hindi naman kalakasan. "Siguro ikaw hindi mo ko namimiss no!!!
Hoy sinasabi ko sa'yo hindi mo na pwedeng bawiin yung yes mo!!!!!! Sa'kin ka na!!
Sa'kin lang!!" sabi nya habang tinutulak-tulak ako.

Hinawakan ko ang kamay nya na natulak sa'kin at pinalipit ko. "HOY LALAKI ANG DAMI
MO DYANG SINASABI!! SINABI KO BANG BINABAWI KO? SINABI KO BANG HINDI KITA
NAMIMISS?!!! KUNG HINDI MO AAYUSIN YANG MGA SINASABI MO - "

At hindi na ko nakapagsalita dahil hinalikan na naman nya ako pero mabilis lang.
Nakakainis nga eh. Haha. Joke lang.
"Okay na. Narinig ko na." ang laki ng ngiti nya abot langit. "Sabihin mo kasi lagi
yun para palaging masaya." Para syang sira - grabe makangiti. Ano bang sinabi ko?
Wala naman akong sinabi di ba?

Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad. Tahimik na sya at ako din kaya
naisipan kong magtanong.

"Bakit hindi mo man lang pinansin si Monica kanina? Kawawa naman sya." Nilalaro-
laro nya ang kamay ko.

"Nagpapansin lang yun. Tss! Mga ganun kapag pinansin mo ipagkakalat na may gusto ka
sa kanya. Baka masuntok ko lang yun." Natawa ako. Kahit kelan ang brutal talaga
nitong lalaking 'to. Manununtok ng babae dahil lang dun? Pero paano nya nalaman na
ganun ang gagawin ni Monica? Alam kong tama si goon kasi yung pagkakakwento pa nga
lang ni Monica kanina sa'kin parang sinasabi na nya na patay na patay si goon sa
kanya. Sorry na lang sya - sa'kin si goon at sa'kin lang.

"So sasama kayo bukas - "

"NO! Hindi kami nasama sa ganun! Hindi naman namin kilala kung sino sila." Hindi pa
nga ko tapos magsalita kumontra na agad sya.

"Fine! Kung hindi kayo pupunta eh di ako na lang mag-isa." Tama. Ako na lang mag-
isa para makapagrelax na din ako.

"What? Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin?" ano bang masama sa hindi pagpapaalam?
Kelangan ba laging ganun? Parang hindi ko na ata gusto ang ganitong set up ah.
Hindi ako sanay. "Masanay ka na ganito tayo dahil tayo na." Hinawakan nya ulit ako
sa chin tsaka nya ko tiningnan sa mata. "Gusto ko lang malaman lahat ng gagawin mo,
pupuntahan mo at sinong mga kasama mo kasi gusto ko laging safe ka. At - at gusto
ko lagi ako ang kasama mo kahit saan." Eh kakasabi nya nga lang di ba na hindi sila
napunta sa mga tulad ng event bukas.

"Pero hindi na ko magba-backout. May isang salita ako no!" hindi naman hindi ako
sasama dahil lang sinabi nya. Mukha nya!! Magsolo na lang sya sa buhay.

"Eh di sasama ako." Napatulala ako sa sinabi nya.


"Ano?"

"Sabi ko sasama ako. Mamaya kung sino pa lumapit sa'yo dun. Beach yun kaya for sure
maraming manyak dun. Sasama ako at babantayan kita!" natawa ako promise. Sa sobrang
tawa ko napayakap ako sa kanya at halatang nagulat sya.

"Siraulo ka talaga! Ano ko bata para bantayan?" hinampas ko sya at naglakad na ko


pauna.

"Hindi naman talaga ikaw yung babantayan ko! Yung ano - yung mga lalapit sa'yo."
Tiningnan ko sya at parang nahihiya sya. My boyfriend is possessive and I like it.

Inintay ko syang makalapit sa'kin at tsaka ako kumapit sa braso nya.

"Woah, what are we missing here?" nakasalubong namin si Rich at Luke.

"Mga dudes, nakikita nyo ba ang nakikita ko?" tanong ni Luke habang umiikot sa'min
ni goon. "Oh my goodness, end of the world na." sabi nya sabay luhod.

"Hoy Luke tumayo ka dyan kung ayaw mong halikan yang lupa!!!!" sigaw ni goon pero
pinisil ko sya sa braso at pinigilan sya. Kahit kelan asar talo talaga 'tong mokong
na 'to.

"OMG sis!!!" sigaw ni Jezhi. Lumapit sya sa'kin at hinipo ako. "May sakit ka ba?
Don't tell me you're dying? No! Nooo!!!!!!!!!"

"Siraulo ka pala - " papalapit na k okay Jezhi para sabunutan sya pero nahawakan
ako ni goon sa dalawang braso.

"Relax!" sabi ni goon na medyo nakangiti. Akala nya ba talagang sasabunutan ko ng


totoo si Jezhi? Well oo. Haha. Hindi, hindi ko naman talaga sya sasabunutan,
sisikmuraan lang. Makareact sya kasi wagas! Ano hindi na ko pwedeng magkaboyfriend?

"So meaning nito bati na talaga kayo ni Zak? Sa nakikita namin kasi mukhang good
friends na kayo eh!" natawang sabi ni Val.
Nagkatinginan kami ni goon at parang nahihirapang kumilos. Hindi pala nila magets
yung ganito. Akala nila good terms na kami as friends. Tumingin ako kay goon at
sumenyas na sya na ang magsabi pero ganun din ang ginawa nya. Pinandilatan ko sya
ng mata pero ginaya nya lang din.

"Wag mo nga kong gayahin siraulo ka!" sigaw ko sa kanya.

"Uh-oh, mukhang nag-aaway na naman sila!" medyo umatras si Rich ng marinig na


sumigaw ako.

Grabe ang hirap naman nito. Bakit yung iba makita lang magkasama ang naiisip agad
sila na. Bakit kami nito ni goon nakapulupot na ko sa kanya wala pa din silang
idea.

Bumulong si goon sa'kin. "Bayaan na lang natin sila. Basta gawin natin gusto
natin."

Gawin ang gusto namin? Parang gusto ko yun ah. "Okay." Nakangiti kong sabi at
nagtitigan na ulit kami. Ewan ko ha, pero kahit magtitigan lang kami maghapon okay
lang. Kahit hindi kami magsalita para na rin kaming nag-uusap. Naramdaman kong
humawak si goon sa waist ako. Hinawakan ko naman sya sa mukha. Grabe ang goosebumps
ko dahil sa kilig. Kung magfe-faint man ako ngayon for sure masasalo naman nya ko.

"Earth to Lex and Zak! We're here! Bakit may sarili kayong mundo? Ano bang meron
ha?" sigaw ni Luke. Napatingin naman kami ni goon sa kanya. Nakasandal ang ulo ko
sa chest ni goon habang nasa likuran ko ang isa nyang kamay.

"Ang hihina nyo talaga kahit kelan! Hindi ba obvious!" sabi ni Tuck na nakaupo sa
bench na malapit sa'min.

"Obvious na? Na friends na sila - in good terms!" Natingin si Rich sa'min then kay
Tuck then sa'min ulit.

Narinig kong napatawa si Trav. "Dude, sila na."

"WHAT?!!!!!!" sabay-sabay na tanong ng lahat except Trav and Tuck.


"OMG ulit sis!!!! I'm so happy for you!!!!" lumapit sya sa'kin at hinigit ako mula
kay goon. "Seriously? Kayo na talaga ni Zak? I mean how? I thought kayo ang Tom and
Jerry namin. Hindi nga namin kayo makitang magkasundo. Like hello! Manhater ka and
womanhater si Zak. Pareho kayong haters!!!!"

"That's why we're perfect!" then I winked at her. Bakit ba nya ko tinatanong? Kahit
ako naman hindi din makapaniwala. May reason ba para magkagustuhan? Never ngang
pumasok sa isip ko na magkakagustuhan kami nitong goon na 'to.

Napatingin kami ni Jezhi sa mga boys. Binabatukan nila si goon. Sinisikmuraan pa


nila Rich at sinasakal ni Val pero nakangiti pa din sya.

"HOY ANONG GINAGAWA NYO?!! GUSTO NYONG AKO ANG MANAKIT SA INYO!!!!!!" galit kong
sigaw habang nalapit sa kanila. Actually joke ko lang talaga yun pero mukhang
effective kasi nagtabihan sila. Parang nahihiya naman ang reaction ni goon. Hindi
nya ata ineexpect na sisigaw ako ng ganun. "San masakit?"

"Madami eh! Pero masakit dito." Tinuro nya ang chin nya kaya kiniss ko ng mabilis.
Nanlaki ang mata ni goon sa ginawa ko at tumingin sa mga kasama nya. "Hoy suntukin
nyo nga ko sa mukha dali na! Marami ha!"

*TUGSHH

At ako na po ang sumuntok sa kanya. "Okay na ba yan?" tanong ko sa kanya habang


nakahawak sya sa mukha nya.

"The best! Now kiss - " hinawakan ko ng kamay ang mukha nya. Kapal ng mukha nito.
Masyadong abusado. Nakita kong natamaan si goon ng takip ng energy drink.

"Korni mo dude! Di bagay! Di namin akalaing ganyan ka. Kakaturn off!!!" natawang
sabi ni Val habang nainom ng energy drink.

"Nagsalita ang hindi korni. Hoy Val ikaw nga paiyak-iyak ka pa dyan!!!" bumawi
naman 'tong si goon. Lumayo ako sa kanila at baka magkapikunan pa. Napansin kong
tahimik si Tuck kaya naman nilapitan ko.

"Hey."
"Hey." Sagot nya.

Umupo ako sa tabihan nya. Nakatingin kami sa naglolokohan nyang mga kaibigan habang
si Jezhi eh tawa ng tawa habang pinapanood ang boyfriend nya.

"Congrats." Napatingin ako kay Tuck pero hindi naman sya nakatingin sa'kin.

"Thanks." Mukhang may problema sya. Hindi dapat kami nagsasaya kung isa sa'min may
problema. "Are you okay? What happened dun sa girl - "

"She's not different. Katulad din sya nung iba." Nagstretch sya ng arms at
ipinatong nya ang ulo nya sa sandalan habang nakatingin sa sky.

"Bakit hindi ka ba magstick sa isang girl lang? Masaya ka ba sa paiba-iba ng


babae?" parang natigilan sya sa tanong ko at napatingin sya sa'kin.

"Kaya nga ko paiba-iba kasi hinahanap ko kung saan ako sasaya." Tumingin sya ulit
sa sky kaya tumingin na lang ulit ako sa mga nagkukulitan naming mga kaibigan.

"Hinahanap mo ba talaga o natatakot ka na kapag nahanap mo na sya eh masaktan ka


lang or hindi naman magtagal." San ko ba nakukuha 'tong mga sinasabi ko? I mean
wala akong experience pero kung makapagtanong ako at makapagcomment parang ang dami
ko nang pinagdaanan.

"Siguro." Napatingin ako sa kanya pero hindi pa din sya nag-iiba ng pwesto. Parang
ang lalim ng iniisip nya. "Ayoko ng masaktan. Hindi ko alam kung ano bang kulang o
mali sa'kin at bakit yung taong gusto ko iniiwan ako." At nagulat ako sa sinabi
nya. Hindi ko inaasahan na may ganitong side si Tuck. Masayahin sya at mabait.
Sinong babaeng makukuha syang saktan?

"Alam mo hindi ikaw ang may problema. Walang kulang o mali sa'yo. Ang mali lang eh
nagkagusto ko sa maling tao. Hindi ka para sa kanya kaya wag mong tanggalan ng
happiness yang sarili mo ng dahil lang sa nasaktan ka. Believe me Tuck, I've been
there." Halos gusto ko nang maiyak kasi ayokong maisip ni Tuck na may mali sa kanya
o may kulang. Gusto ko pa syang makilala at gusto kong matulungan syang malampasan
kung ano mang nangyari sa kanya before. Tulad na lang din ng nangyari sa'kin pero
nalampasan ko naman.
"Maybe you're right." Nilagay nya sa tenga ko ang strand ng hair ko na nalaglag sa
may mukha ko. "Thank you but I think I'll stick with my own way definition of
happiness unless - may isa pang katulad mo na dumating." Finally ngumiti na din
sya. Kanina kasi parang pinagsakluban sya ng langint at lupa.

"I don't think na meron pang tulad ko - "

"That's my point." Then bumalik sya sa pagkakaupo nya kanina at tumingin sya sa
sky. "Don't worry. I'm fine. Siguro hindi ko lang maiwasang magcompare ng past ko
sa mga babaeng nakikilala ko. This is life! Different girls every night? Oh yeah
baby!" Ayoko ng ganitong Tuck. Feeling ko nagpapakaplayboy lang sya dahil tinatago
nya na weak sya inside. Magsasalita palang sana ko pero naunahan na ko.

"She's already mine!" sabay yakap sa'kin ni goon from behind.

Napasmirk naman si Tuck at tumingin kay goon. "For how long?"

"Anong ibig mong sabihin ha?" parang nagkakainitan pa ata silang dalawa.

"I'm just kidding. Hindi ka na mabiro! Baguhin mo yan, baka ayawan ka ni Lex dahil
dyan. Hindi mo alam kung ilang lalaki ang naghihintay sa kanya kaya kapitan mo
maige." Ngumiti si Tuck ng biglang nagdatingan ang iba pa na halos gusot na ang mga
suot.

Masyadong malalim na tao si Tuck. Hindi ko sya magets basta-basta. Tiningnan ko


sila ng isa-isa at naisip ko na ano pa kaya madidiscover ko sa bawat isa sa kanila.
Ngayon lang ako nagkakaroon ng circle of friends at nageenjoy ako.

"Tuck naka-oo na kami para bukas sa outing nila Lex. Ikaw ba?" tumingin sa'kin si
Tuck at nagsmile ako sabay nod.

"Sure." Then tumayo sya at naglakad. Sinundan naman sya ng mga kasama nya at
nahuhuli kami ni goon.

"I need to go home. Magpe-prepare pa kasi ko at tatapusin yung ibang nasa to-do
list ko." Sabi ko kay goon habang naglalakad kami ng bigla syang sumigaw.
"Hoy uuwi na kami. Bukas na lang. Agahan nyo ha. Text text na lang." at hindi na
inintay ni goon ang sagot ng mga kasama nya at naglakad na kami papahiwalay sa
kanila. Nagwave ako sa kanilang lahat.

"Ingat lovers!" sigaw ni Val at nagwave din sa'kin si Jezhi habang nasensya sya ng
'call-me'. Hindi nama tumigil si Tuck at naglalakad pa rin sya kaya medyo malayo na
sya sa mga kasama nya. Mukhang malaki nga talaga ang problema nya. Sana maging okay
naman lahat sa kanya - sa kanilang lahat. Mas okay kasi kung lahat kami nag-eenjoy
at happy.

Inihatid nya ko sa bahay. Nagprepare na din ako ng mga gamit at natext ko na din
kay Monica na sasama ang Sterke Geest. Mabuti na lang kasama si Jezhi at may
katulong ako para maconvince ang mga yun na sumama sa beach bukas.

Ready na kong matulog ng biglang nagvibrate ang phone ko sa table. Siguro may
ipapadala 'tong si Monica kaya nagpahabol pa ng text.

From: my <3 goon

Walang planong magtext? Natulog ng hindi nagugudnyt? :(

Napangiti ako sa text nya. So seryoso pala talaga sya sa mga sinabi nya. Dahil
tinatamad akong magtext tinawagan ko na lang sya at isang ring palang eh sinagot na
agad nya.

[Wow hindi na busy ang prinsesa!] galit agad ang bungad nya sa'kin? Grabe lang ha.

"Sorry my loves. Nagprepare kasi ako ng gamit. Wag ka na magalit." Sabi ko na medyo
nanlalambing ang boses. Natatawa nga ako mabuti na lang hindi nya nakikita yung
reaction ko.

[A - anong sinabi mo?]

Tss! May pagkabingi pa nga. "Sabi ko nagprepare ako ng gamit para bukas!"

[Narinig ko yun! Hindi yun ang sinasabi ko! Yung - yung una mong - ano - yung una
mong sinabi.]
Shoot! Bumenta sa kanya. "My loves. Sabi ko my loves! Ayaw mo ba? Okay lang naman
talaga!" humiga na ako sa bed para pagkababa nitong phone matutulog na ko.

[Hindi. ANo - nagulat lang ako kasi ano - kasi - kasi ang sarap pakinggan.] Sayang
hindi ko nakikita ang reaction ni goon ngayon for sure nakakatawa na naman yun.
Nakakatuwa kasi itsura nun kapag nahihiya sya.

"Nasabi ko lang naman. Don't worry hindi naman yun ang itatawag ko sa'yo no!" Baka
kasi nagamit na nya yun sa kung kani-kaninong babae.

[Dapat lang dahil ayoko nun. Malay ko ba kung itinawag mo na yun sa mga naging
lalaki mo!]

"Hoy ang kapal mo ha. Baligtarin ba daw ako! Kung ayaw mong yun ang itawag ko sa'yo
di wag! Hindi yung magiimbento ka pa dyan ng kung anu-ano!"

[Ibang tawag na lang kasi. Gusto ko yung unique. Yung ako lang yung maiisip mo
tuwing maririnig mo yun.]

Goon! Sya lang naman naaalala ko kapag naririnig ko ang 'goon' eh. Napatawa tuloy
ako.

[Bakit ka natawa? Anong nakakatawa? Siguro may kasama ka dyan no? Pupuntahan kita
dyan ngayon.]

"Sige! Pakibilisan ng masipa kita at masuntok ng malakas! Pwede ba wag mo kong


pagbintangan ng kung ano-ano! Kanina ka pa ah. Binubwisit mo lang ako!"

[Sorry na. Kasi naman gusto ko ako lang magpapatawa sa'yo eh.]

"Oh ikaw naman talaga! Natawa ako kasi naalala ko ang goon. Ikaw lang naman ang
goon ng buhay ko kaya ako natawa tapos pinagbibintangan mo na ko agad!"

[Goon pa din? Sabagay ikaw lang din naman ang aswang ng buhay ko.] tapos narinig ko
syang tumawa.

"So sinong may kasama ngayon? Anong ginagawa nyo dyan ha?"

[Hoy siraulo ka! Wala akong kasama dito no!!]

"Oh? Wala? Bakit parang may narinig akong babae? Tumingin ka nga sa paligid baka
nakatayo na yun sa sulok."

[Sabihin mo lang kung ayaw mo kong kausap hindi yung tatakutin mo pa ko!!!] nilayo
ko muna yung phone tsaka ako tumawa ng tumawa. After ilang seconds nagsalita na ko
ulit.

"Matulog na nga tayo. Maaga pa tayo bukas."

[Susunduin kita dyan.]

"Okay my goon!"

Narinig kong nagsigh sya pero hindi ko alam kung bakit. [Tsaka na nga natin
pagusapan yang tawagan na yan.]

"Seryoso ka? Akala ko nagjojoke ka lang kanina."

[Basta! Wag ka na nga magreklamo dyan!]

"Fine! Wala din ako sa mood magreklamo. Sana magbukas na kasi namimiss ko na ang
nakakainis kong boyfriend."

[Mas nakakainis ka kaya. Hindi mo ko pinapatulog. Kahit nakapikit na ko ikaw pa din


nakikita ko! Hindi ka ba napapagod?]

"Ashoooo! Ang dami mong alam no?"


[Turo lang yan nila Rich!]

"Ah so ganun pala. Wag ka na magpaturo sa mga yun. Puro kalokohan lang sila. Maging
unique ka. Mas gusto ko yun."

[Totoo ba yan? Baka kasi ano - baka magbago ka kasi bigla.]

"Sira ka talaga! Matulog ka na nga! Hindi na ko magbabago no! Promise yan kaya wag
ka na magworry dyan."

[Makakatulog na ko ng ayos finally. Sya matulog na tayo. See you tomorrow my sweet
monster."

"Seriously? Sweet monster? Sapukin kaya kita dyan - "

[I miss you too.]

At ibinaba na nya ang phone. Teka - nag-i-miss you ba ko sa kanya? Loko talaga yung
lalaking yun. Kung ano na lang ang maisipan. Nagpapatulong pa talaga sya kina Rich?
Grabe nakakahiya yun samantalang ako wala akong mapagtanungan. Makatulog na nga
lang din at sana maging maganda naman ang araw namin bukas - syempre goon ko.
Ayieeee. Akin na sya eh bakit ba. Hindi ko na kelangang magpigil - maglaway at
matulala. Hahaha. Gagawin ko na ang gusto ko ng walang makakaepal na kahit na sino.

My gosh para na talaga akong monster kapag ginawa ko yun. My sweet monster daw.
Bakit monster ba? Nakakainis, tingin nya ba mukha akong monster? I mean hello,
maganda kaya ako. Pero di pa nya sinasabing maganda ako. Nakakainis. Gusto ko
sabihin nyang ako lang ang pinakamagandang babae sa lahat. Dapat lang. Ay naku
mabuti pa makatulog na at antok na antok na din ako. Tomorrow is another day.

A/N

Excited na ba kayo sa beach? Gusto nyo bang sumama at silayan ang mga abs nila?
Hahaha. Vote and comment na. Thank you sa walang sawang nagiiwan ng inspiring
comments. Super thanks. :) Binabasa ko lahat yan. :) At dahil three months na ang
PH at birthday ni joybillones happy birthday. Haha.

Back to school na ulit so tulad ng dati baka thursday na ko ulit makapagUD. Student
teacher nga po kasi ako so sa lesson plans and visual aids palang ubos na oras
ko. :'(

At regarding sa characters, iba-iba kasi ang gusto ng marami. What if ganito na


lang - kayo na lang bahala mag-imagine ng gusto nyong characters. Kung sinong bet
nyo, para free na free kayong magimagine kesa sa iisang character na di naman feel
nung iba. Hahaha. Whatcha think? :p

That's all. Like our fanpage! Thank you all. Mahal ko kayong lahat. :)

megladiolus

*******************************************
39

*******************************************
ALEXA'S POV

"As you can see maraming rooms for everyone. Two persons per room so choose your
roommates." Sabi ni Jet habang kakapasok palang namin sa rest house nila. To be
honest, I'm impressed. Mas malaki pa sya sa ibang resthouse namin. Mukha na syang
isang super laking resort at sobrang ganda dito kasi may katabi din syang mga
resorts so maraming tao sa beach. Sa likod na part kasi may super laking pool then
sa harap nun may malaking gate at sa labas ng malaking gate ay ang white sand na
beach. Yiiieee! I can't wait! I'm so excited.

"So I guess you will be my roommate." I snapped back when I heard Val. Nakayakap
sya kay Jezhi.

"That'd be fine - " bigla kong hinigit si Jezhi bago pa sya makatapos magsalita.

"You're staying with me and that's final!!" mukhang nagulat si Val sa'kin. Kahit
naman ako nagulat sa sinabi nya eh. I mean hello, matutulog sila ni Val sa iisang
room? Bago pa lang sila, baka mamaya kung anong mangyari. Hindi naman sa wala akong
tiwala kay Jezhi, kay Val ako walang tiwala. May record sya ng pagiging chickboy so
anong ineexpect nyong isipin ko di ba?

"Pero nauna si Val. If you want kayo na lang ni Zak ang magsama sa room." Papalapit
na ulit sya kay Val pero pinigilan ko sya.

"Are you crazy? Babae ka at lalaki si Val tapos magsasama kayo sa room! Are you out
of your mind?" Sorry kung nagfi-freakout ako. I'm just a concern friend. Iniingatan
ko lang si Jezhi kahit hindi ko alam kung may iniingatan pa nga sya.

"Look Alexa, you don't have to worry. May two master beds every room so kahit
magkasama sila ni Val hindi naman ibig sabihin nun magtatabi na sila." Explain ni
Jace. "Besides look at them?" sabay turo sa iba naming kasama. Sobrang shocked ako
ng makita kong halos couples ang magkasamang umaakyat sa taas. "See, there's
nothing to worry about." At tumalikod si Jace para umakyat na din sa taas at
kasunod nya ang kapatid na si Jet.

"So see ya later." No. Hindi pwede 'to. Naisip ko si goon. Tiningnan ko sya pero
parang nahihiya syang tumingin.

"Do something!" sabay turo ko kay Val at Jezhi.

"Ah - okay!" sinundan nya agad yung dalawa at hinigit si Val. "Hoy kumag ka ano't
gusto mo agad makasama si Les -" tiningnan nya si Jezhi bago ulit kinausap si Val.
" - si Jezhlie sa kwarto! Siraulo ka talaga. Isa pa ayokong may kasamang aswang sa
kwarto. Mamaya aswangin pa ko nyan. Mabuti na yung nag-iingat!"

Yie, ang galing nya kahit medyo may kakapalan ang sinabi nya.

"Val?" disappointed na tanong ni Jezhi habang pinapanood na umakyat sa taas sila


Val at goon. Tumingin sya sa'kin na halos parang nalugi.

"So I guess it's you and me 'til the end." Nakita kong tumingin si goon sa'kin at
nagwink. Nagflying kiss naman ako sa kanya.

"Whatever! You always get what you want!" kinuha nya ang gamit nya at umakyat na
din sa taas.

"Not always!" sumunod na ko sa kanya. Maganda na ang mood ko ngayon dahil sa ginawa
ni goon. Hindi naman sa ayaw kong makasama si goon sa room pero baka kasi alam nyo
na. Baka magkatotoo yung sinabi nyang aswangin ko sya. Whatever! Don't blame me!
Hindi ko din alam kung anong nararamdaman ko no! Sinabi ko naman sa inyo first
boyfriend ko 'to so wala akong kahit anong idea.

"Wow! This room is perfect!" binitawan na ni Jezhi ang mga gamit nya sa bed at
lumabas sa may veranda. Kitang-kita ang dagat sa labas. Ang laki din ng room at may
malaking bed din. May Jacuzzi din at malaki din ang bathroom. May mini sala din at
dining table. Kumportable talaga dito. "How I wish Val's with me."

I frowned at her. "Do you really want him to be here with you than your own
bestfriend?" I'm so disappointed. Hindi nya ba alam na sya lang ang iniisip ko kaya
pinili kong magkasama kami sa room. Hindi nya ba alam na I'm also dying to be with
my boyfriend? Masyado syang selfish!

Lumapit sya sa'kin at umupo sa bed sa tapat ko. "I'm sorry. Hindi naman yun yung
ibig sabihin ko. I just want to spend the rest of the day with him."

"Hindi ba pwedeng sa labas nyo ng kwarto yan gawin? You're so selfish." Tiningnan
ko na ang mga swimsuits and bikinis na dala-dala ko.

"You have a point there." Parang nakaisip sya ng brilliant idea at halos muntik na
kong malalaglag sa kinakaupuan ko. Ano bang iniisip nya? Na sa room lang pwedeng
magspend ng time together? Duh! Jezhi is really so unbelievable.

Tumayo din sya at binuksan na ang mga gamit nya. "So what are you going to wear?"

I shrugged. "I can't choose. You know I'm so conservative and I don't wanna flaunt
my body." Don't wanna flaunt my body daw eh may dala nga kong biniki. Well just in
case lang naman na gamitin ko.

*KNOCK KNOCK!

At biglang bumukas ang pintuan at sumulpot si Val. Dumiretso sya agad kay Jezhi
nagyakapan lang naman sila.

"Excuse me, pwede bang ireserve nyo muna yang PDA na yan." I rolled my eyes.

"Pasok na Zak. Mukhang naiinggit na ang girlfriend mo." Nagulat ako ng makita kong
nakatayo si goon sa may pintuan. Ngumiti lang sya sa'kin at parang nahihiya pa. ANo
bang problema nito?

Ngumiti lang din ako at ngumiti lang din sya.

"Oh my goodness, may lovers dito na nagkakahiyaan pa. Pwede ba, hindi na kayo high
school na magpapacute lang palagi!" banat ni Jezhi at nagkahiyaan naman kami ni
goon. Pumasok sya sa loob ng room at umupo sa tabihan ko.
"So what are you up to?" tanong nya sa'kin ng mapatingin sya sa mga swim wears na
hawak-hawak ko.

"Namimili lang ng isusuot. Excited na kasi ako sa beach." Excited kong sabi ng
bigla akong nagulat.

"ANO?!!" hinablot nya ang mga swim wears. "Magsusuot ka nito? Sa labas?" napatingin
kaming tatlo kay goon na nakakunot na naman ang noo.

"Yes kasi nasa beach tayo - " kinuha nya lahat sa kamay ko ang swim wears at tumayo
sya.

"You're not wearing any of these!" tumayo sya habang hawak-hawak ang swim wears ko.

"You gotta be kidding me!" anong gusto nyang isuot ko? Pajama at jacket dito sa
beach! Ugh! I thought mageenjoy ako pero sa ginagawa nya sinisira nya lang ang
maganda kong mood.

"Not this!" sabay hagis ng swim wear isa-isa sa trash can. "Not this! And this and
this and not this!! None of these will do!!!"

Napaface palm na lang ako sa ginawa nya. "Now what? Wag na lang kaya akong lumabas
dito? Yeah, maybe that's a good idea! Have fun!!" humiga ako sa bed at nagtalakbong
na lang ng kumot.

Lumapit sya sa'kin at hinahawakan ako sa braso. "Hindi naman sa ganun kaya lang
kasi - "

"Get out!" sigaw ko sa kanya. Sobrang sama ng loob ko. Akala ko kasi mageenjoy ako
dito pero anong ginawa nya? Ang mamahal pa mandin ng swim wears na yun!!

"Fine. You can go out." Bigla akong napabangon sa sinabi nya.

"Really?" halos magstar ang mga mata ko sa narinig ko.


"But still hindi mo susuotin ang mga yun. PWede kang magshorts and any top pero
hindi revealing, I guess that'll do." I rolled my eyes at humiga na ko ulit.

"Just go! Have fun! Hindi na ko lalabas!" Oo nga conservative ako pero hindi naman
ako manang na magcocover ng katawan habang lahat ng nandito eh nakaswimwears.

"Mabuti pa lumabas na kayong dalawang lalaki kasi magbibihis pa kami ni Alexa. Sige
na, labas na." Nakita kong tinutulak ni Jezhi si Zak at Val palabas.

"Wear your sexiest bikini baby!" sabi ng manyak na si Val. Mabuti na lang talaga
hindi nagsama 'tong dalawang 'to sa kwarto.

"I will baby, see ya later." At nagkiss pa nga sila bago makalabas si Val. Mabuti
na lang at nasakal sya ni goon at diretso sila sa labas bago ilock ni Jezhi ang
door. "So what am I gonna wear now?" tiningnan nya ulit ang mga dala nyang damit.

"Enjoy your day!!!" nagtalakbong na lang ako ulit. Masama ang loob ko. Dito na lang
ako sa loob at magjajacuzzi na lang ako - MAG-ISA!!!!

"Hoy wag ka ngang maginarte dyan. Sabi nga ni Zak pwede ka namang lumabas basta
hindi ka magsusuot ng kahit ano dun sa tinapon nya. Bagay kayo ng boyfriend mo,
pareho kayong manong at manang." Nang-aasar pa 'tong si Jezhi. Basta ayokong
lumabas. Hindi ako nagsalita. Dito lang talaga ako. Dito lang talaga!!!

Biglang tumahimik kaya sumilip ako. Nawala si Jezhi sa kabilang kama, siguro
nagbibihis na yun. Well goodluck sa kanya. Ano kayang magawa habang nasa labas
sila?

"What do you think?" napatingin ako kay Jezhi na kakalabas lang ng bathroom.
Nakabikini sya na color black. Sexy naman sya at maputi. "Bagay ba? Or 'tong isa na
lang?"

"Okay na yan. Kay Val ka lang naman magpapasexy! Pwede ba ibuhol mo yan ng ayos!!
Yung hindi matatanggal ni Val!!!" naiinis kong sabi.

"Kaya nga ayokong ibuhol ng ayos eh!" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at gusto ko
syang sabunutan! "Joke lang. 'Tong si manang Alexa talaga! Ibubuhol na nga po oh!
Ayan three times pa. Okay na ba yan ha?"

"Much better!" kinuha ko na lang ang phone ko para magcheck ng fb. May magawa man
lang. Makapagpost na lang na 'The best way to unwind is to stay inside the room
while everyone's enjoying on the beach!'

"Magbihis ka na din kaya!" nakaseethrough na si Jezhie na white na parang robe pero


mga 3 inches above the knee lang. Nagponytail na din sya. Kinuha na din nya ang
sunglass nya na malaki, hat at flipflops. "Oops, I almost forgot my sunblock!" and
there she's good to go.

"Have fun." Bored na bored kong sabi.

"Have fun yourself! You're not serious when you said you'll be staying here for the
rest of the day, are you?" she said exasperatedly.

"Just go, okay! I'm going nowhere!" tinago ko ang phone ko at humiga na ko ulit.

"No!" hinigit nya ang kumot ko at inihagis sa floor.

"What's wrong with you people! Bakit ba ang hilig nyong magtapon ng mga ginagamit
na bagay?" Nanggigigil na ko. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" hindi ko na
napigilang sumigaw sa sobrang galit. "Do you want me to look stupid? How am I
supposed to go out and have fun in my shorts and a top that's not revealing huh?"

"I got an idea." May kinuha sya sa bag nya. Kung ano mang idea ni Jezhi hindi yun
maganda and I won't buy it. "Here." Pinakita nya sa'kin ang dalawang swimwear. "I
brought this one just in case pagbawalan ako ni Val magsexy swimwear, but I'm so
lucky he didn't." And I am not. Sana lang hindi na nya pinapaalala sa'kin.

"And what do you want me to do then?" bigla nyang ibinato sa'kin ang dalawang hawak
nyang swimwear. Yung isa swimsuit na turtle neck sya na blue at parang cycling ang
lower part. Jeez para talaga 'to sa mga hindi mahilig magbeach. Then tiningnan ko
ang isa pa nyang hinagis. Isang pair ng red bikinis. Ang ganda at mukhang sexy
kapag isinuot.

"Make a choice, what your boyfriend wants or what you want." She already know the
answer. Syempre yung swimsuit ang susuotin ko kaya iniwan ko sa bed ang red bikini
nya. "Looks like someone here is a scared girlfriend."
"Shut up! Ayoko lang ng misunderstandings okay!" mabuti na lang din at may dalang
ganito si Jezhi, at least makakalabas pa din ako. "Magpapalit lang ako."

"Pakibilisan." Nagselfie muna sya habang ako eh nagbibihis. My goodness para naman
akong magscuba nito eh. Pero okay na din 'to kesa naman pagtalunan pa namin ni
goon. Bago pa lang kami kaya ayoko munang magkaroon ng misunderstanding ng dahil
lang sa maliit na bagay at lalo na kung magsisimula sa'kin. "Okay na ba 'to?"
lumabas ako ng bathroom at nakita kong parang tulala si Jezhi. "Hey!"

Napatingin sya sa'kin at isinara na nya ang veranda pati ang curtain. "Perfect!
Sexy ka pa din naman."

"Oh bakit mo sinara yan?" tanong ko habang sinusuot ko ang flipflops at kinukuha
ang shole sa bag ko. Shole pa talaga kahit ganito na lang ang suot ko, syempre
gusto kasi ng magaling kong boyfriend na covered ang buong katawan.

"Aalis kasi tayo so baka mapasok ng magnanakaw. Pwede kaya sila dyang dumaan. Nag-
iingat lang." para syang natetense at hindi ko maintindihan.

"Seriously? Nasa third floor tayo ng sobrang laking bahay na may mataas na bakod at
maraming security plus cctv sa labas?" weird lang ha. Pero may point din naman sya.

"ANo ka ba wag ka na ngang matanong dyan." Umupo sya sa bed at naghubad ng


flipflops. "Oh my gosh, sa sobrang tagal mo tinamad na kong lumabas." Humiga sya at
mukhang wala sa mood. Feeling ko nag-away sila ni Val.

"Kanina atat na atat kang kaladkarin ako sa labas ngayon namang ready na ko tsaka
mo naman ayaw? ANong problema mo?" gusto ko nang magsunbathing. Tamang-tama ang
magandang weather ngayon for sunbathing kahit na ganito ang swimsuit ko at hindi
magiging pantay ang kulay ko.

"Eh mainit pa kasi. Mamaya na lang." Nabato ko si Jezhi ng throw pillow ng couch sa
sobrang inis. "Shunga lang? Anong iintayin mo - gabi? ANo magsa-sunbathing ka sa
gabi?" lumapit ako sa kanya at hinigit ko sya. "Pwede ba Jezhi tigil-tigilan mo ko
ng kaarehan mo. Tumayo ka na dyan at lumabas na tayo."

"Eh kasi ano - " para talagang ayaw nya. Siguro nga kasi nag-away sila ni Val or
nakita nya si Val na may kalandian. Di ko naman sya masisisi, playboy din naman
kasi si Val. "Fine. Pag lumabas tayo wala ng balikan sa loob. Maglibot na lang tayo
or kahit ano! Magpakasaya." And confirmed, mukhang LQ nga sila.
"Whatever you say!" lumabas kami ng room. Ngayon palag din lumalabas yung iba
naming mga kasama. Shocks nahihiya ako. Mga nakabikini sila. Ang sesexy nila, mukha
talaga akong manang sa suot ko.

"Hey Alexa, nice swim wear." Natawang sabi ng isang member ng Skylar Vocals. Di ko
sya kilala pero di ko sya feel. "Katulad yan ng swim wear ng sister kong - 10 years
old." Then nagtawanan sila ng mga kasama nya. 10 years old pala ha.

"Oh my gosh, what's that in your tummy? No way! Fats ba yan?" Sabay turo sa tyan
nya. "Who are you again? Oh it doesn't matter." I said while waving my hand. "I
envy you! I hope I have much confidence as yours. Wearing bikinis while having
belly fats like that? It takes a lot of courage for sure. Let me guess what's your
waist line." Nag-isip ako kunyari. Nakita kong halos sabukot na ang mukha nya.

"I forgot something in my room." At tumakbo sya na parang iiyak na. Tiningnan ko
ang mga kasama nya at tumalikod na sila na parang natakot. O eh wala naman akong
sinasabing masama di ba? I'm just telling the truth. Naiinggit talaga ko sa kanya
kasi naman nagbikini ng malaki ang tyan, sinong makakagawa nun. I mean, not me. I'd
rather be in this swimsuit than to flaunt my belly fats.

"You're so mean!" natawang sabi ni Jezhi habang nakalabas na kami ng house at


papunta na sa beach.

"I'm just telling the truth. Sinimulan nya eh, tinapos ko lang." nararamdaman ko na
ang sikat ng araw sa konting skin ko na nakalabas. "So where's your boyfriend?"
inikot ko ang mata ko ng bigla akong tinulak ni Jezhi sa left side. "What's wrong?"

"Maglakad tayo papunta sa kabilag resort!" sabi nya habang nasa likuran ko sya.

"Okay. You don't have to push me like that. I can walk!" feeling ko tuloy 10 years
old talaga ako.

"So - sorry!" parang hindi sya mapakali. I swear Val kung niloloko mo ang kaibigan
ko patay ka talaga sa'kin.

"No no no!! I don't wanna do this!!" nakarinig ako ng nagtatawanan kaya napatigil
ako. Para kasing narinig ko ang boses ni goon.
"Narinig mo ba yun?" tumingin ako sa paligid pero biglang humarang si Jezhi.

"Hear what? Yung alon lang yun. Let's go!" tinutulak nya ko ulit ng marinig ko ulit
ang boses ni goon.

"I won't do that if I were you." Sabi ni goon at napalingon ako sa likuran ni Jezhi
at nakita ko sila Rich, Tuck, Luke at - goon.

I folded my arms over my chest and I raised my eyes on Jezhi. Napaface palm lang
sya na parang nalugi. Tumingin ulit ako kina goon na mukhang nageenjoy kasama ang
mga babaeng nakabikini. Kumukulo ang dugo ko at gusto kong manabunot ng tao.
Hinahawakan pa ng hitad na babae si goon sa chest pero inaalis naman ni goon but at
the same time parang nakangiti sya - ata. Kinuha pa ng malanding babae ang kamay ni
goon at inilagay pa nya sa waist nyang libagin. Anong feeling nya sexy sya.

"Susugurin na ba natin? Kanina pa yang mga yan eh. Kung nandyan si Val malamang
nauna na kong sumugod sa'yo!" narining kong sabi ni Jezhi kaya napatingin ako sa
kanya ulit.

"What? Kanina pa 'to at hindi mo sinabi sa'kin?" mas lalo akong nainis. I thought
si Val ang nanbababae yun pala ang magaling kong boyfriend. Ayaw nya kong pagsuotin
ng bikini pero ang mga kasama nya ngayon eh halos wala ng suot.

"I don't know how'll you react since sya yung first boyfriend mo so - okay!
Sinubukan kong hindi mo makita pero hindi ako magaling. Sorry!" mukhang
disappointed sya dahil hindi nya napagtakpan si goon. Alam kong ayaw nya kong
masaktan, thanks to her. "Siraulo kasi 'tong lalaking 'to eh. Sasabunutan ko na
talaga yang malalanding yan!" naglakad ng mabilis si Jezhi papalapit kina goon pero
hinigit ko sya agad.

"Well I want this to be more exciting!" mabuti na lang hindi nagsalita si Jezhi at
hindi kami napansin nila goon na busy sa mga mahaharot na babae. If I know yan lang
talaga ang reason kung bakit nila pinasama ang Sterke Geest! Pero di ko ineexpect
na pati 'tong goon na 'to eh makikipagflirt din!!!

"So what's your plan?"

"Eh di bumalik sa room." Just wait and see.


"What? No way! Papayag ka na lang na ganyan ang gawin sa'yo ng makapal na mukha
mong boyfriend? No! Kung hindi mo kayang manabunot o manggulpi I'm willing to do it
for you! I'm your bestfriend and I won't let anyone - " tinakpan ko ang bibig nya
dahil bukod sa OA na reaction eh baka marinig kami nila goon.

"Shhhhhhhh! Shut up okay or else my plan will be ruined!" bumalik kami sa room ni
Jezhi at galit na galit pa rin sya.

"I can't believe he could do this - to you! I thought he's different. Sabi ni Val
iba sya, well syempre kaibigan nya yun kaya for sure ipagtatanggol nya yun."
Palakad-lakad si Jezhi sa room na parang sya ang nakahuli sa boyfriend nya na
nakikipaglandian sa iba.

"Could you please stop! Nahihilo na ko! And where's your bikini?"

"That's right. Hindi ka nya pinagbikini tapos sya - " bigla syang napatingin
sa'kin. " - no way." She grinned.

"Oh yes!" Isipin na nya ang gusto nyang isipin. Ginalit nya ko pwes gagalitin ko
din sya. Galit versus galit lang yan. Iniabot agad ni Jezhi sa'kin ang red nyang
two-piece at nagpalit na ko agad.

"So what do you think?" halos tulala si Jezhi ng makita ako. "What? Panget ba?"

"I hate you for being that sexy! I wish my body is as sexy as yours. You look
really hot, I mean really really hot!" kahit kelan talaga ang daldal nito ni Jezhi,
parang isa lang naman ang tanong ko ang dami na nyang sinabi.

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko at kahit ako napa-WOW. Imagine
red bikinis, mas pumuti ako tingnan at mas hot nga. I can see my curves from any
angle. "34-24-36." Sabi ko habang nagpopose sa harap ng salamin. "I'm so ready for
this. It's payback time!!" Tinali ko ang buhok ko at nagshades na din ako. Nagsuot
din ako ng pink seethrough. "Let's rock!" sabi ko kay Jezhi.

Humanda ka goon. Pagsisisihan mong lumandi ka pa sa iba! I am way better than those
sluts, you'll see. Pababa kami ng stairs ng makasalubong namin yung babaeng may
belly fats kanina at this time naka-swimsuit na lang sya kung saan natatakpan ang
tyan nya.
Halos mapanganga naman sya ng makita ako at napatingin sa tummy ko. "That's 24 if
you're about to ask." Sabi ko sa kanya bago namin sila lampasan. Oh yeah, I can be
mean sometimes kapag natrigger and once nagsimula na, no one can stop me! Not even
that goon!

Halos lahat ng makasalubong namin natingin sa'kin. Hell yeah, I'm super hot,
literally hot! Mainit ang ulo ko kaya bawal ang umeksena baka mapagbuntunan ko pa.

"Oh Alexa, I wish you're mine!!!" sigaw nung isang member ng The Pilot kasama ang
iba pang members na nakatingin sa'kin.

"You wish!" then I waved my hand.

"I really hate this scene. Ikaw na lang ang napapansin ng lahat! Hello, may kasama
ka kaya!" alam kong naiinis sya kasi hindi sya napapansin. Kelangan ko lang 'tong
bolahin para naman hindi bawiin ang pinahiram nyang two-piece sa'kin.

"It's not me. May magic ang bikini mo. Sexy lang akong tingnan because of this."
Sabay turo sa two-piece. "Thanks to you." Biglang naglighten up ang mukha nya na
parang may naisip na idea at alam ko na kung ano yun. " On the other hand, mas
naemphasize nya lang ang kasexyhan ko so don't dare to try this on you - not now!"
bigla syang nagfrown. I knew it and I'm right. Gusto nyang sya ang magsuot nito
ngayon para sya ang maging sexy. "Cheer up! You don't need to look sexy kasi para
kay Val ikaw lang ang sexy dito ngayon." Then I winked at her. Sumigla na ang mukha
nya ng marinig ang sinabi ko.

(Play ang nasa multimedia now :p)

Palabas na kami ng gate at papunta na sa beach. Nararamdaman ko na ang malakas na


hangin at ang mga tingin ng tao sa paligid. Feeling ko slow motion ang lahat habang
naglalakad ako. "You're doing great sis." Bulong ni Jezhi.

"I know right! And I can do more!" nauna akong maglakad kay Jezhi at nakita kong
napatingin sa'kin ang mga kalandian nila goon. Medyo malapit na ko sa kanila pero
nakatitig pa din sila sa'kin. Hindi naman natingin si goon, palibhasa ang gusto nya
lang tingnan eh yung nasa harapan nya.

"Sh*T pare si LEx ba yun?" narinig kong sabi ni Rich. Shoot! Parang nanlaki ang
tenga ni goon sa narinig at tumingin na sa way ko. It's show time.
Kunyari hindi ko sila napapansin at nagdiretso lang ako. Pagtapat ko sa kanila isa-
isa kong tinatanggal ang nasa katawan ko. Una ang ponytail ko. Syempre dahil
malakas ang hangin nililipad ang buhok ko. Sunod kong tinanggal ang shades ko at
inihagis ko na lang kung saan. Then dun ko nakitang napatayo si goon. At dun ko
tinanggal ang ribbon ng suot kong seethrough at parang slowmotion ang paghubad ko
nun na diretso lang ang laglag sa sand. Naglakad lang ako ng diretso sa tubig at
lumangoy sandali. Oh my gosh, nakalimutan kong magsunblock. Napatingin ako kay
Jezhi at pinapakita nya sa'kin ang sunblock kaya naman nagwave ako sa kanya na
dalhin nya sa'kin pero as usual, shunga lang, hindi nagets. Pero nagulat ako ng
isang damukal na lalaki ang papalapit na may dalang sunblock. Oh I'm so loving
this. Bago umahon eh lumangoy muna ako then parang slow motion ulit ang lahat ng
dahan-dahan akong tumayo at naglakad na parang yung mga napapanood ko lang na sexy
girls na umaahon sa tubig at dahan-dahang nakahawak sa wet hair nila at nagsesexy
walk pa. Pagkaahon ko may isang lalaki na nag-abot ng seethrough ko at pagtingin ko
s Jace pala. Nakabeach short sya and topless. 6 packs, toned chest and arms, what a
view! But my boyfriend is better, kung hindi lang sya flirt.

Inabot ko ang seethrough pero hindi ko naman sinuot. Nilagay ko lang sa right arms
ko. May isang lalaki naman na nag-abot ng shades ko. They are all here.

"I didn't know you're this hot. Thanks for coming to my place anyway." Sabi ni Jace
na halatang nakikipagflirt sa'kin. "Want something to drink?"

"Look Jace, I don't - " flirt kasi ayokong matulad sa boyfriend kong nambababae
pero nakita kong nakaupo ulit si goon at nakahawak pa sa balikat nya yung malanding
babae. Nakikita kong natingin sa'kin si goon pero wala pa din syang ginagawa. So
you wanna play this game huh. "I don't drink pineapple juice. Blue soda will do."

"No problem miss." Then he winked at me. Inaalalayan nya pa ko sa braso habang
papunta kami sa may umbrella. Hindi ko na tiningnan si goon dahil baka hindi ko na
mapigilan ang sarili ko. Mabuti na lang ang direction namin is nakatalikod sa
kanila para hindi ko na sila makita. Napansin kong nakatingin pa din sa'kin si Jace
na parang nakakita ng dyosang bumaba sa lupa. Akala naman nya kinikilig ako sa
tingin nya? Ewwww, alam kong mga manyak ang mga lalaking ganyang makatingin.
Maglaway na lang kayo hanggang gusto nyo.

Papaupo na ko ng maramdaman kong humawak sya sa waist ko. "Hey!" nagulat naman sya
sa reaksyon ko.

"I'm sorry. Inaalalayan lang naman kita." Parang napahiya sya sa sinabi ko.

"I'm fine, okay." Then I smiled. Papaupo na ko ng bigla naman nya akong hinigit sa
braso ng malakas. "Jace this is not funny any - " then my eyes meet the devils
eyes. Yeah, si goon na nagaapoy sa galit ang mukha at halos magpalit na ang left
and right eyebrows nya.

"What are you doing?" nararamdaman ko ang pressure sa pagkakahawak nya sa braso ko
kaya hinigit ko mula sa kanya.

"Doing what you're doing." Then I smirked at humarap ako kay Jace. "So what are we
going to do next?"

"Put some damn clothes on!!!" malakas nyan sigaw.

"Excuse me? Nasa beach ako!!" I rolled my eyes.

"Doesn't mean you can't wear anything?" hinubad nya ang shirt nya at iniabot sa'kin
pero hindi ko tinanggap.

"Let's go somewhere." Nakangiti kong sabi kay Jace.

"What?" napatingin kami ni Jace kay goon dahil sa lakas ng sigaw nya. He's gritting
his teeth and clenching his fists.

"Kung wala kang sasabihin bumalik ka na dun sa mga babae mo. Mukhang iniintay ka na
nila!" I shooed him pero bigla nya ulit akong hinawakan sa kamay ng sobra-sobrang
higpit.

"Babalik ka sa kwarto at magpapalit ka!!!!!!!!" halos kaladkarin na nya ko at


nasasaktan na ko ng maramdaman kong may humawak sa isa kong kamay.

"Dude nasasaktan si Alexa. Hindi ka dapat ganyan sa babae." Oh no, madadamay pa ata
si Jace dito. Tumigil si goon at lumapit kay Jace.

"At ano ba dapat? Hinahawakan sa waist ng dahan-dahan?" medyo napapaatras si Jace.

"Wag ka ngang gumawa ng eksena dito!!" tinulak ko si goon palayo kay Jace at
halatang nagulat sya. This time halatang galit na galit na sya.

"AKO PA ANG NAGAWA NG EKSENA? SINO BANG LUMABAS NG NAKABIKINI NA HALOS TINGNAN NG
LAHAT NG NANDITO HA!! TUMIGIL ANG LAHAT SA GINAGAWA NILA DAHIL MAY ISANG AGAW
EKSENANG BABAENG LUMABAS NA GUSTONG MAGPASIKAT!!!!!" grabe yung galit nya,
nakakatakot. Hindi katulad ng galit nya na nakita ko na dati. Hindi ako
makapagsalita at parang nanginginig ako sa takot. Parang papatak na ang luha ko
kaya hindi ko na sya tiningnan. Humarap na lang ako kay Jace.

"Uhm - maybe we can talk some other time. I - I'm not feeling well." At nilampasan
ko si Jace at nanakbo na ko pabalik sa bahay. Nadaanan ko si Jezhi kasama si Val.
Hawak-hawak nya sa braso si Val na parang tinutulak. Alam kong hinanap nya ang
boyfriend nya para umawat kay Jace at goon pero hindi din naman ako papayag na may
gulong mangyari. Masyado lang unfair na ako pa yung lumabas na may kasalanan kahit
sya yung nakikipaglandian sa mga babae.

Pumasok ako sa room at papasara na sana ang pintuan pero may isang malakas na force
ang pumigil dun at nakita ko si goon kaya pumasok na ko agad. Binuksan ko ang
veranda para pumasok ang fresh air.

"ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?!! AT TALAGANG NAGTAGO KA PA NYANG BIKINI NA


YAN HA!!! SINUOT MO PA RIN KAHIT SINABI KO NANG WAG KANG MAGSUOT NYAN!!!!" sinuntok
nya yung pintuan kaya naman nagulat ako.

Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. "What is wrong with you guys! You don't want your
girlfriend to wear bikinis but you're clinging around with some sluty girls wearing
almost nothing!" parang nagulat sya sa sinabi ko. "Well for your information
lumabas ako kanina wearing - " hinanap ng mata ko yung suot kong swimsuit kanina. "
- this bago kita makitang nakikipaglandian sa mga babaeng yun na halos kita na ang
kaluluwa! Nagpapahawak ka pa kung saan-saan at ang saya-saya mo pa!!"

Hindi naman agad sya nakapagsalita at medyo kumalma yung itsura nya. "See, I'm
right. You're flirting with those girls!!! How dare you!! I thought you're
different!!" hindi ako iiyak. No! No!

"Hindi ako nakikipaglandian okay." Hindi na galit yung tono nya ngayon kaya naman
medyo nawala yung takot ko.

"So bulag ako ganun? Hindi ko nakita na yang mukha mo eh nasa harapan ng dibdib ng
babae dun habang ang mga malalandi nyang kamay eh nakahawak dyan sa balikat mo?
Imagination ko lang lahat yun?" this time ako naman ang malakas ang boses.
"No." mahina nyang sabi.

"No what?!!!!"

"No. Hindi mo sya imagination." At hindi ko na napigilang pumatak ang luha ko. Hoy
luha sinabi ng wag kang pumatak buwisit ka!

"Get out!" sabi ko sa kanya habag dahan-dahan syang nalapit sa'kin. "I said get
out!!" tumalikod ako habang pinupunasan ang luha ko.

"Pwede ba makinig ka muna sa'kin!!!!" humarap ako sa kanya para magsalita ulit pero
tinakpan nya ang bibig ko ng malaki nyang kamay. Masyado talaga syang brutal.

"Oo totoo lahat ng nakita mo pero nakita mo ba lahat? Nakita mo ba kung paano
lumampaso ang mukha nung babaeng yung sa sand ha? Nakita mo ba kung ilang pasa ang
nasa braso nya ngayon? Sila Luke at Rich lang ang makukulit na humahawak sa'kin
para hindi ako makatayo tsaka lalapit ulit yung mga panget na babaeng yun.
Masyadong malakas ang tiwala sa sarili eh puro kamot naman ang tyan! Daig pa ang
nanganak!!" so akala nya ba maniniwala ako sa kanya. Pumapalag ako pero hindi pa
din nya ko binibitawan. "Sh*t you're damn hot!!!" nanlaki ang mga mata ko sa
narinig ko sa kanya at parang natakot ako. "Sorry - sorry." He sighed. "Fine! This
is the reason kung bakit ayaw kitang palabasin ng nakaganyan dahil alam kong
pagpipyestahan ka lang ng mga mata dyan sa labas at ayokong mangyari yun dahil - "
parang nag-iisip sya kaya nagkachance akong alisin ang kamay nya sa pagkakatakip sa
bibig ko. " - dahil gusto ko walang makakakita sa'yo ng nakaganyan!"

I folded my arms over my chest waiting him to finish his speech! I raised my
eyebrow waiting for him to continue. Umupo sya sa couch at nakatingin sa floor.
"Sige, sige wag ka nang magbihis. Ganyan ka na lang." he said while throwing his
hands in the air.

"Oh eh akala ko ba ayaw mong nakaganito ako sa labas dahil pagpipyestahan lang ako
ng mata ng lahat?" sabi ko habang nakapamewang.

He smirked. "Bakit sinabi ko bang sa labas?" ano daw? "Pwede ka naman magbikini
pero - pero dito lang sa kwarto at ako lang ang makakakita."

Kinuha ko yung sapatos ko at ibinato ko sa kanya. "You perv! Matapos mo sa mga


babae sa labas ako naman ang pagnanasahan mo!!!!! Ang kapal mo din no!!!" bigla
akong nahiya at kinuha ko yung kumot at itinakip ko sa katawan ko. Gosh bakit
kanina hindi naman ako nahihiya pero ngayon feeling ko kita na lahat sa'kin.

"HOY WALA AKONG IBANG BABAENG PINAGPAPANTASYAHAN NO!!!!" bigla syang natigilan sa
sinabi nya at mas lalo akong nahiya. Wala daw syang ibang babaeng
pinagpapantasyahan?

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" sumigaw ako sa sobrang hiya at itinago ko na lang


ang sarili ko sa kumot na hawak ko. "Get out! I hate you! Manloloko! Babaero!!
Malandi!! Hindi makuntento!!"

"Sige lalabas na ko pero kapag nakita pa kitang lumabas ng nakaganyan sinasabi ko


sa'yo totohanin ko lahat ng binibintang mo sa'kin! Makikipaglandian ako sa mga
babaeng yun kahit talo pa nila ang nanay ng kapitbahay namin na puro kamot!"
narinig kong tumayo sya. "Believe me, hindi ako tumingin sa ibang babae. Hindi ko
kayang gawin sa'yo yan. Sorry kung - kung nasaktan kita." Narinig kong nagbuntong
hininga sya pero hindi pa din ako nagsasalita. "At lalong hindi ko matatanggap na
may ibang lalaking humawak sa'yo! Magalit ka na kung magagalit ka pero
poprotektahan ko lahat ng mahalaga sa'kin!" narinig kong sinuntok nya yung pintuan.

Napabalikwas ako agad. "Anong gagawin mo? Hoy!!" sigaw ko sa kanya pero nakalabas
na sya. Hahabulin ko sana sya pero nakalimutan kong hindi pa ko nakakapagbihis at
naalala ko ang sinabi ni goon na totohanin nya ang bintang ko sa kanya kaya naman
napabalik ako agad sa loob.

"Anong gagawin ko?" tinawagan ko si Tuck. Mga tatlong ring bago pa sya sumagot.

[Hey hottie, what's up!]

"Pigilan mo si Zak, mukhang may gagawin sya kay Jace!"

[Don't worry. Naunahan na namin sya. Wala na syang aabutan.] Tumatawang sabi ni
Tuck.

"What do you mean?"

[Pinoprotektahan lang namin ang dapat protektahan. One wrong move and boom!]

[Sorry na dude, wag naman nating - uhh - sirain ang - uhh ]


"Tuck anong nangyayari? Si - sino yung naririnig ko?"

[Si Jace. May sasabihin nga pala sya sa'yo. HOY MAGSALITA KA NA!!]

[So - sorry na Alexa kung nahawakan kita ang hot mo kasi pero sorry talaga kung
nabastusan ka kasi

*TUGSH]

[Sinabi ko bang magpaliwanag ka pa?!]

"Tuck?"

[Oh yes hottie?]

"Leave Jace alone!"

[Oy iwanan na daw natin yan sabi ni Lex!]

[Wag! Wag nyo kong iwanan!]

Oh my goodness, mas malala pa ata 'tong mga 'to kay goon. "Anong ginawa nyo kay
Jace?"

[Uhm, ibinitin lang naman namin sya pero promise paalis na kami kasi sabi mo iwanan
na namin - ]

"Subukan nyo lang na iwan sya ng nakaganyan sinasabi ko - hindi nyo magugustuhan
ang gagawin ko sa inyo!!"

[Let's try it then! I love violence!]

"TUCK!!!!"

[Oo. Heto na nga! Hoy Luke ibaba nyo na yan at itago nyo na baka abutan pa ni Zak!]
Mabuti naman at mabilis lang kausap 'tong mga 'to.

[Okay na po ba hottie?]

"Thanks. Bye!"

At ibinaba ko na ang phone. Gumaan na din ang pakiramdam ko. Grabe kakasimula pa
lang ng araw ang dami na agad nangyari. Nakakahiya naman kay Jace. Dapat siguro
makausap ko muna sya at makapagsorry. Makapagbihis na nga muna para makalabas na
din. Naharap ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko at naalala ko ang sinabi ni
goon.

Sh*t you're damn hot!

Sh*t you're damn hot!

Sh*t you're damn hot!

Sh*t you're damn hot!

Okay tama na. Mabuti naman at nanotice nya. Pero kahit na, hindi ko pa din sya
mapapatawad!!

Pero di ba nagsorry na nga sya sa'yo?

Hindi na mababago ng sorry nya ang pagdikit nya sa mga babaeng - babaeng may kamot
na yun.

Bigla naman akong napatawa. Kung makalait naman sya ng babae wala talagang awa!
Nasan na kaya yun? Mamaya ko na nga lang iisipin. Gumaan na din naman ang
pakiramdam ko dahil sa mga sinabi nya. Ako na lang ang maglilibot mag-isa para
walang gulo pero syempre hindi na nakabikini! Mahaba pa ang araw at alam kong
marami pang mangyayari!

A/N

Sorry kung natagalan. Grabe 4 hours ko 'tong ginawa. This chapter is dedicated to
IishiiNooboo. Thanks. At sa lahat ng nakakaintindi at patiently na nagiintay sa UD
dahil sobrang dami kong ginagawa thank you. Pinahaba ko 'to para sa inyong lahat.
So vote, comment and follow. Like our fan page, Perfect Haters by megladiolus on fb
or just click the external link. <3 y'all.

megladiolus

*******************************************
40

*******************************************
ALEXA'S POV

Hindi dahil nagtalo kami ni goon eh magmumukmok na ko sa kwarto. Kahit mag-isa lang
akong mag-ikot dito okay lang basta malibang ako. This time hindi na ko nakatwo-
piece pag labas. Nakaorange florals chiffon beach dress na ko with matching beach
hat and sunglass. Ewan ko lang kung magalit pa si goon nito. Eh baka nga hindi na
nya ko makilala dahil sa itsura ko ngayon. Pero okay lang, hindi masyadong tawag
pansin kapag nakaganito ako.

Naglakad-lakad ako papunta sa kung saan ako madala ng paa ko ng makita ko si Jace
na may pasa sa mukha. Nakakaawa naman sya may itsura pa mandin. Naisip kong
magsorry sa kanya dahil sa nangyari kaya hinabol ko sya.

"Jace! Jace!" tumigil sya sandali at parang kinikilala kung sino yung tumatawag sa
kanya. Nakangiti pa sya na parang nagpapacute. Kaya nabubugbog eh puro ganyan ang
alam gawin.

"Hey." Ang ganda ng ngiti nya.

Inalis ko ang sunglass ko at biglang nawala ang ngiti sa mukha nya at tinalikuran
pa ko. "Jace wait!" what's wrong with him? Nagtanggal lang ako ng sunglass
sumimangot na? "I said wait!!!" walang hindi tumitigil kapag tinatawag ko!!!

"What?" napaface palm sya na parang hindi mapakali. "Look Alexa, if you wanna date
me then makipagbreak ka muna sa boyfriend mo okay. Hindi naman kita tatanggihan
kaya lang ayoko ng may sabit." I didn't see it coming. I mean, do I look like some
desperate girl? "At kapag break na kayo puntahan mo lang ako sa kwarto - "

*PAK

"What the hell!" ooops sorry. Kusang gumalaw yung kamay ko. Masyado kasi syang
feeling. "Alam mo bang wala pang sumasampal sa'kin?"
"Ngayon meron na. Masyado ka kasing antipatiko. Let me clear something. Una you're
not my type." Tiningnan ko sya from head to foot. "Wala kahit konti." Then I rolled
my eyes. "Second, what made you think na makikipagbreak ako sa boyfriend ko na mas
hot, mas handsome, mas gentleman, mas pinagkakaguluhan para lang makipagdate
sa'yo?" tumawa ako ng malakas with matching hawak pa sa tyan. "Sorry Jace, but I
don't find you attractive." Then kumalma ako at tiningnan ko sya ng diretso. "So
kung magagalit ka, go. Me and the Sterke Geest are going to leave any moment at
hindi mo na kelangang sabihin. Magkukusa na kami. Thanks for inviting us. Bye."
Papatalikod na ko pero pinigilan nya.

"No." Tiningnan ko lang sya habang iniintay ko syang magsalita. After ng ginawa
nila Tuck sa kanya at sa mga sinabi ko ayaw nya pa ring umalis kami? "You can stay
kahit after na ng party kayo umalis. Fine! Karamihan kasi dito nagpunta lang dahil
sa Sterke Geest! So kung aalis kayo sayang yung party mamayang gabi. Kasalanan ko
din naman lahat 'to."

Hindi pa man ako nakakapagsalita umalis na sya at nilampasan na ko. Kaya naman pala
ang lakas ng loob nila Tuck na bugbugin 'tong si Jace eh. So sabi nya wag daw
umalis kaya maglalakad-lakad na lang muna ko. Nasaan na kaya ang mga kasama ko.
Hindi man lang mga mageffort na hanapin o kamustahin ako. Tingin ba nila
magkukulong lang talaga ako sa room buong araw? Hell no!

*Kruk *Kruk

Gutom na ko. ANong oras na din kasi! San kaya makakain?

Nakaamoy ako ng mabangong pagkain at bingo. Nakita ko ang isang kainan na parang
bamboo ang style ng loob. Ang cute! Papalapit na ko ng bigla akong napatingin sa
paligid. Oh no! Malayo-layo na pala ko sa bahay nila Jace. Okay lang kayang kumain
ako dito. Hindi naman siguro ako trespassing sa resort ng may resort since wala
naman ako sa loob at nandito lang ako sa mismong beach.

*Kruk *Kruk

Wag na ngang makapag-isip dahil gutom na ko. Magbabayad na lang ako kapag siningil
nila ko so umupo na ko sa table sa may unahan lang kung saan kitang-kita ko pa din
ang beach. Actually open naman yung place, parang cottage style lang. Hahaha.
Inabutan ako ng menu at ang daming masasarap na pagkain. Mukhang mapaparami ang
kain - oh wait! Habang natingin ako sa menu na nasa harapan ko ngayon eh nasilip ng
isa kong mata ang mga lalaking nagba-volleyball kasama ang ilang mga babae. Bigla
kong naibaba sa table ang menu at natitigan ko kung sino ang mga lalaking yun.

Sila Tuck, Rich, Val, Luke at Trav. Lahat sila topless habang naglalaro. Mga naka-
beach shorts lang. I'm so lucky at kaibigan ko sila. Perfect body talaga. Hindi ko
talaga alam na nageexist pala ang mga ganyang katawan sa totoong buhay. I thought
yung mga nasa magazines eh edited lang. Ang saya-saya nilang naglalaro. Ang ganda
din ng ngiti nila pati ngiti ng mga abs nila. Ihhhhh! Feeling ko nagslowmotion ang
bawat pagkilos nila. Nagiging manyak na ba ko? No way! Kelan pa ko nagkainteres na
tingan ang mga perpektong katawan ng lalaki?

"Ma'am ano order nila?"

Ang laki ng arms nila ang sarap kagatin. Grabe naman kung bigla akong susugod dun
habang naglalaro sila tapos isa-isa ko silang kakagatin! Parang cannibal lang ang
dating. How gross. Buti na lang talaga dito ako pumwesto. Ang ganda ng view, baka
hindi pa nila ko makilala dahil sa itsura ko.

"Ma'am may order na po kayo?"

Ulam na ulam ang dating ng mga boys na 'to kaya naman ang mga mahaharot na babae
simpleng pagmanyak sa kanila. May paghawak sa chest? If I know naeenjoy din 'to ng
mga lalaking 'to. Grabe kanin na lang ulam na -

"Ma'am nakapili na po ba kayo ng oorderin?"

"Kanin."

"Po? Kanin?"

Holy goly, nakalimutan ko na 'tong si kuya. Nakakahiya. "Ah no! I mean hindi ako
magkakanin." Kasi nabusog na ko sa ulam na nakita ko. "Isang burger at four
seasons." Hindi na naman nagsalita si kuya at umalis na. Mabuti na lang
nakasunglass ako at hindi nya makikita kung sino ako.

Teka parang may kulang? Binilang ko ulit silang mga boys pero lima lang talaga
sila. Meaning nawawala si goon. Sayang naman wala sya sa mga nakahubad na 'to para
naman sana may desert ako.

Or kung nandito man sya at nakahubad sya ako naman ang gagawa ng eksena! Lalapitan
ko sya at hihigitin ko tapos huhubarin ko 'tong beach dress ko at iaabot ko sa
kanya at gagayahin ko yung sinabi nya sa'king 'Put some damn clothes on!' Tapos
sasagot sya 'Duh! I'm on the beach!' Bitch ka din! Haha. Akala nya sya lang may
kayang gumawa nun? Kaso wala sya eh. Nasaan na kaya yung siraulo na yun. Ang arte
nya lang ha. Sya na may kasalanan ako pa ang iniwan? Teka, hindi kaya umuwi na yun?
Hindi man lang makaalalang magtext eh.

"Here's your order ma'am. Enjoy your meal." Sabi ni kuyang waiter with matching
wink. Wow kasama ba yun? Oh well mamaya na ko mag-iisip. Kelangan ko ng energy para
kapag nakipag-away ako may lakas ako. Grabe ang burger dito, sobrang laki. Mas lalo
akong ginanahan. Monster burger ata 'to eh. Naalala ko na naman ang sweet monster
na tawag sa'kin ni goon. Namimiss ko na sya. Nasaan kaya yung ungas na yun. Patay
sya sa'kin pag nagkita kami!! Kapag nagpakita sya sa'kin sige na papayag na kong
tawagin nya kong sweet monster. Mas okay naman yun kesa sa aswang!

Dahil sa naiinis ako na nagugutom at nag-iisip hindi ko namalayan na naubos ko na


yung malaking burger at inistraight ko din ang four seasons.

*BURP

How gross! Buti na lang hindi ako nakita ng mga -

O.O

Bakit lahat sila nakatingin sa'kin? Nagpalakpakan silang lahat. Parang nahiya naman
ako. Anong meron? Parang kumain lang naman ako ng monster burger.

"Congratulations ma'am. Dahil naubos nyo ang monster burger namin in less than 15
minutes libre na po yan at bilang prize may isa pa kayong monster burger na
makukuha." Iniabot sa'kin nitong lalaking nagsasalita ang isa pang burger na nasa
box.

Napatingin ako sa nakapost sa wall. Challenge pala yun na kapag naubos mo within 15
minutes ang monster burger na yun ay hindi mo na sya babayaran. Wow, ang galing ko.

"So far ma'am kayo palang ang babaeng nakagawa nyan for today so congratulations."
Medyo nahiya naman daw ako sa sinabi ni kuya. Mukhang sya ata ang manager nitong
kainan na 'to. At bago pa man ako tuluyang mapahiya eh kinuha ko na yung box at
nagthank you na din ako sa kanila.

"Sobrang payat nya, saan nya kaya nilalagay ang mga kinakain nya?" narinig kong
bulong ng kung sino man dun habang palabas ako.
Halos takpan ko na ang mukha ko habang naglalakad. Nakakahiya naman kasi yun.
Imagine naubos ko? Eh sa gutom ang tao ano bang magagawa nila? Napakaswerte ko nga
naman. Nabusog na ko, nakalibre pa ko -

*TUGSH!

"Miss sorry hindi kasi kita nakita."

Dahil nakayuko ako nabangga ako sa isang toned muscular chest ni - Tuck. Nakatingin
lang ako sa chest nya mabuti na lang nakasunglass ako.

"Lex?" I snapped back ng marinig kong tinawag nya ko.

"Hey." Nahihiya kong sabi.

"Are you checking me out?" he smirked.

"You wish!" I rolled my eyes kahit hindi naman nya nakikita.

"Hoy Tuck ang babaero mo talaga. Sino na naman yang kausap mo dyan!" narinig kong
sigaw ni Rich.

"Ulul! Si Lex 'to!" natatawang sagot ni Tuck.

Tinanggal ko ang sunglass ko para naman makita nilang ako nga 'to tsaka ako ng wave
sa kanila.

"Wow Lex monster burger ba yan?" nakalimutan kong may hawak nga pala kong burger.

"Yeah, binili ko dun." Tinuro ko yung kinainan ko. Hindi ko naman talaga binili
yan, pero nakakahiya kung ikukwento ko pa di ba? "Gusto nyo?"
Naglakad naman ng mabilis papalapit sa'kin si Rich at Luke. "Hoy hati tayo!" at
nag-agawan pa nga sila.

"Bigyan nyo kaya si Lex!" narinig kong sigaw ni Jezhi habang katabi si Val.

"Sira! Eh kumain na yan no! Kaya nga sya may free monster burger kasi monster eater
sya! Yung sinasabi ko sa inyo na kapag naubos yung burger within 15 minutes free na
sya at may another burger ka pa!" explain ni Rich.

Lahat sila napatingin sa'kin na parang gulat na gulat. Nahiya naman ako. Napahawak
na lang ako sa beach hat ko. Okay, ano bang dapat kong sabihin. "Gutom na kasi
ako."

Biglang umakbay sa'kin si Luke. "Astig ka talaga lady ghost. Pati sikmura mo ghost
din. Naiimagine ko pa mandin sa babaeng makakaubos nun lolobo ang tyan pero ikaw
parang wala ka pa ring kinakain at super hot mo pa din!" hindi ko alam kung
compliment ba yun o talaga pinagnanasahan na ko nito ni Luke.

"Lumayo ka nga dyan! Ang baho-baho mo eh." hinigit ni Tuck si Luke sa pagkakaakbay
sa'kin. Mga nagtt-shirt na din sila. Mukhang mga tapos ng maglaro. "Tara na sa
party ni Jace." Sabi sa'kin ni Tuck. Yung mga ganito yung gusto nilang party eh.
More girls, more fun.

Hindi ko napansin na nauuna na pala sila Jezhi sa'min at naiwan kami ni tuck na
nakatayo. "Sis let's go!!!"

Halos nandun na lahat sa bahay lahat ng mga kasama namin. Yung iba mga nasa pool
na. Yung iba nagsasayaw and the rests are making out with whoever! I don't care.
Pumwesto lang kami sa isang mahabang table.

"I'll get you a drink baby." Sabi ni Val kay Jezhi at may paghalik pa bago umalis.
Nakakairita lang.

Ashooo! Inggit ka lang kasi sabihin mo.

Of course not!
I'm battling with my thoughts again. Paano ko kaya 'to maiiwasan! Nakakainis.

"So where's Zak?" narinig kong tanong ni Tuck. Kung alam nya lang yan din ang
kanina ko pang tanong, nasan sya.

"I don't know. Maybe umuwi?" patay naman sya sa'kin kung umuwi sya ng hindi
nagpapaalam!

"Hindi yun uuwi." Sabi ni Tuck sabay inom ng beer. Oh kung hindi nasan sya?

"Baka naman nakikipaglandian ulit!" naiinis kong sabi. Napatingin si Rich at Luke
sa'kin at sabay silang tumayo.

"Hanap tayo ng chikababes!" at nagakbayan pa yung dalawa. Ano kayang problema nila.

"Shower lang ako ha." Tumayo na din si Trav at iniwan kami. Bakit nag-aalisan ang
mga tao.

"Baby let's dance!" wow kakabalik palang ni Val eh aalis din sila para sumayaw.
Wala ba silang kapaguran. Naiwan na lang kaming dalawa ni Tuck.

"Ikaw? ANo namang excuse mo? Aalis ka din?" ano bang meron at lahat sila iniiwan
akong mag-isa? For sure aalis din 'tong si Tuck. Sa ibang resort na lang kaya
makahanap ng kasama. Makapanlalaki na din. Oh great, as if kaya ko talagang gawin
yun.

"Wag ka na ngang masyadong mag-isip dyan." Napatingin ako kay Tuck. Hindi naman nya
siguro naririnig o nababasa yung iniisip ko di ba? "Wala naman talagang kasalanan
si Zak kanina nung nakita mo sya."

"Wag mo na nga syang ipagtanggol. Nakita ko ang nakita ko. PERIOD!!!" kumuha ako ng
cocktail drink sa dumadaang waiter.

Nagsmirk si Tuck bago ulit nagsalita. "Napagtripan lang sya nila Rich at Luke.
Nagpupustahan kasi sila, sinasali nga ako pero hindi naman ako nagpauto. Eh 'tong
si Zak dahil medyo badtrip paglabas ng bahay ayun napagdiskitahan nila Rich.
Pumayag naman si Zak. May isang salita naman daw sya kaya kahit matalo sya gagawin
nya kung anong ipapagawa sa kanya."

"Pwede bang diretsuhin mo na kasi mas lalo akong naiinis!" gusto ko na kasi agad
malaman paano nagkaron ng babae sa tabi ni goon.

"Fine! Natalo si Zak. Ang parusa dapat eh hahablot ka ng babae pero dahil hindi yun
gagawin ni Zak sila Rich at Luke ang humigit ng babae at pinaflirt kay Zak. Alam
naman nilang ayaw nya pero kelangan nyang gawin dahil may isa syang salita." Bigla
syang natawa. "Pero sa totoo lang hindi naman ako kay Zak naawa. Dun sa mga babae.
Imagine nakabikinis sila tapos itutulak lang sa sand. Palibhasa kasi type nila si
Zak kaya okay lang sa kanila na magkapasa at kumain ng buhangin." At mas lalo pa
syang tumawa. "At mas lalong kawawa yung dalawang babae nung lumabas ka wearing
that - "

"Oo na wag mo ng banggitin!" seryoso kasi ako sa pakikinig eh.

"AKala mo lalaki yung mga nasa harapan nya nung tinulak nya ng malakas. Mabuti na
nga lang nasalo nila Rick at Luke yung mga babaeng yun eh. Galit na galit sila kay
Zak." Napapailing na lang sya habang nagkukwento.

So nagsasabi ng totoo si goon na wala syang kasalanan? Pero hindi - ginusto nya yun
kaya may kasalanan sya. Pero sinabi na din ni Tuck yung totoo. Ano bang dapat kong
gawin? Nagsorry na naman sya. Teka, ano ba talagang mali? Ano bang tama?

"Naniwala ka naman kay Zak di ba?" naniwala naman ako di ba? Naniwala nga ba ko?
Hindi na ata ako nakapag-isip ng ayos kasi naman feeling ko may balak syang gawin
sa'kin kanina.

Feeling mo lang yun.

Pwede ba utak wag kang makiepal, nag-iisip ako.

"Meaning no? Hindi katulad si Zak ng ibang lalaking iniisip mo." Tinap ako sa
balikat ni Tuck bago sya tumayo.

Eh sa nagselos ako ano bang magagawa nila? ANo sya lang may karapatang magselos?
Sya lang may pakiramdam? Nakakainis! Gusto kong mag-isip! Ayoko dito dahil sobrang
maingay!

Papalabas na ko sa beach ng sumunod sila Val at Jezhi. "Sis lalabas ka?"

"Hindi hindi!" kung masaya sya fine! Pero ako hindi kaya sana naman wag nyang pag-
initin ang ulo ko ngayon.

"Parang nagtatanong lang. Ayaw din kasi namin ni baby sa loob. Ang ingay." Hindi na
lang ako sumagot tutal may pinag-uusapan din sila ni Val. Seryoso ba 'tong si Val
kay Jezhi? Halos hindi na sila naghiwalay buong araw. Hindi ba sila nagsasawa? Or
hindi ba sila nag-aaway?

Sumunod na lang ako sa kanila. Umupo sila sa sand habang nakatingin sa sea. Puro
kulitan at tawanan lang ang naririnig ko sa kanila. Ang saya-saya nila. Mga ilang
minuto din akong natulala. Blanko lang lahat at wala akong naiisip.

"Sis lakad-lakad lang kami ha." Hindi na ko nakasagot at pinanood ko lang silang
tumayo. Ang gentleman ni Val, inalalayan pa nya si Jezhi. Naglalakad silang
magkaholding hands na parang may sariling mundo. Parang ang perfect ng love life
nila. Nakakainggit. Sana - sana may boyfriend din ako. Hays.

Wait a minute. May boyfriend na nga ako. Oo nga meron na kaya lang hindi ko alam
kung nasan sya ngayon. Dahil sa lungkot ko niyakap ko na lang ang mga tuhod ko.
Konti na lang iiyak na ko eh.

"Excuse me miss, pwede bang umupo sa tabi mo?" bakit po tumatalon ang puso ko ng
marinig ko yung boses na nagsalita. Napatingin ako sa kanya pero hindi ako sumagot.
Pinipigil ko ding mapangiti kaya yumuko na lang ako. "Uupo na ko ha." He sighed.
"Alam mo ba miss kanina ko pa hinahanap yung girlfriend ko. Nasaan na kaya yun.
Siguro nagtatago sya kasi galit pa sya sa'kin. Wala naman talaga kong ginawang
masama. Akala nya ba ipagpapalit ko sya sa mga panget na babaeng yun? Mas maganda
pa nga sa mga yun yung kapitbahay naming bakla."

Itinago ko ang mukha ko sa mga tuhod ko dahil hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa
mga pinagsasabi nitong goon na 'to. Alam ko namang wala syang kasalanan. So iniisip
nya ba galit pa din ako sa kanya?

"Miss may boyfriend ka ba?" napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya
sa'kin.
"Oo may boyfriend ako kaya kung type mo ko sorry ka na lang!!!!" parang nagulat sya
sa sinabi ko. Pero mas nagulat sya ng bigla ko syang niyakap. "Kasi type din kita."
Naramdaman kong yumakap din sya sa'kin. Oh gosh, feeling ko one year kaming hindi
nagkita. "So ano tayo na ba?" tumatawa kong sabi sa kanya.

"Ano? Ang bilis mo naman. PWede bang mag-isip muna?" bigla akong lumayo sa kanya at
tiningnan ko sya. "Okay sige tayo na." tumatawa nyang sabi sabay yakap sa'kin.

"Bakit ang tagal mong mag-isip ha?"

"Syempre baka kasi nananaginip lang ako eh." Niyakap nya ko ng mahigpit na halos
hindi na ko makahinga. "Totoo ka nga! Hindi 'to panaginip! San ka ba kasi
nagpunta!"

"Hoy ikaw ang san nagpunta? Pakalat-kalat na ko kung saan-saan pero hindi kita
nakita. Siguro nambabae ka no!" lumayo ako sa pagkakayap at nilagay ko ang ulo ko
sa shoulder nya.

"Lalaki ang hinanap ko hindi babae!" napalayo na ko sa kanya this time. At


tinitigan ko sya with a confused look. "Oo, lalaki ang hinanap ko! Gusto ko kasing
manuntok ng mukha! Ano bang iniisip mo! Hoy 100% na lalaki 'to no!" mabuti naman.
Lumapit sya sa tenga ko at bumulong. "Gusto mo bang patunayan ko sa'yo?" parang
umakyat ang dugo sa ulo ko at nanghina ako sa sinabi nya. Dahil sa kilig ko lang
naman eh nahampas ko sya. "Bakit ang brutal mo. Sasabihin mo lang na OO mananakit
ka pa. Pero yan ang gusto ko, yung may violence."

"Hoy tigilan mo nga ko sa kakaganyan mo!" tumayo ako at pinagpagan ang beach dress
ko. "Maglakad tayo dun dali."

"Ano? Maglakad na naman? Alam mo ba kung gaano na ko katagal naglalakad kakahanap


sa'yo?" nakasimangot sya at mukhang wala talagang balak tumayo.

"Kasi naman nakakainggit kaya sila Jezhi. Ang saya-saya nila habang naglalakad dun
parang may sariling mundo!" gusto ko lang naman talagang maglakad-lakad eh. "Isa pa
may cellphone naman bakit di mo na lang ako tinawagan para tanungin kung nasaan
ako!"

"Eh kasi nga baka galit ka pa sa'kin. Tsaka isa pa pwede din naman tayong
magpakasaya habang nakaupo dito." Hinawakan nya ko sa kamay.
"So ayaw mo kong samahang maglakad ganun?" I raised my eyebrow.

"Gusto syempre. Sabi ko nga maglalakad tayo eh." tumayo sya at umakbay sa'kin.
"Maglalakad tayo ng maglalakad kahit hanggang pauwi pa nga sa inyo lakarin natin
okay lang. Hindi ako pagod. Parang lakad lang."

"Ang OA mo. Hindi pala pagod ha. Pasanin mo ko." Tumigil ako sa paglalakad at
nakita kong nag-iisip sya. "Ayaw mo din? Ayaw mo na ba sa'kin?"

"Sakay na. Kanina ko pa nga dapat sasabihin sa'yo yan kasi ayokong mapagod ka
naunahan mo lang ako." Umupo sya sa harapan ko patalikod at sumakay na ko agad at
niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.

"Nabigat ka na ha." At bigla ko syang kinagat sa balikat. "Aray ko naman! Ihahagis


kita sa tubig eh!"

"Ang ingay mo! Bilisan mo na lang!" kung kanina nagmumukmok ako, ngayon naman ang
saya-saya ko na.

"Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." Napatingin ako sa tao sa nadadaanan namin
at nakita kong nakatingin nga sila. "Akala siguro nila I'm under your spell. Yung
mga aswang na nanggagayuma ng mga katulad ko!" isang malakas na hampas ang naibigay
ko sa kanya dahilan para maout of balance sya at malaglag kami sa sand nakadapa sya
habang ako nakaupo sa likuran nya.

"Aswang pala ha!" pinaghahampas ko sya sa likod pero wala syang reaksyon. "Ano ha!
Suko ka na agad." Pero hindi pa din sya nagsasalita. "Goon?" umalis ako sa likuran
nya at tiningnan ko sya.

"Ang sakit." Dahan-dahan syang tumihaya. Natawa ako kasi ang dami nyang sand sa
mukha. Parang nakain nya pa yung iba. "ANO BANG TINATAWA-TAWA MO DYAN!! NASAKTAN NA
NGA YUNG TAO!!" and he's back. My monster goon is back.

"Buti nga sa'yo!" papatayo na ko ng bigla nya kong hinigit. Ang bilis nya,
nakabangon agad sya at binuhat ako na parang ikakasal. Echosera lang. Hahaha. "Hoy
ibaba mo nga ko!!" oh no, hindi ko gusto 'to. "Hoy! Hoy goon ibaba mo na ko - "
*SPLASH

Tama kayo, ibinaba nya ko sa tubig. "Ahhhhhhhhhh!! Ang lamig!!" nakita kong tawa ng
tawa si goon kaya naman binasa ko sya ng tubig at sapul sa mukha.

"Ah ganun." Hinubad nya ang shirt nya at inihagis sa may sand.

*Gulp

Ito yung view na kanina ko pa iniintay. Perfect! My boyfriend is so hot! I'm so


lucky.

"Anong tinatawa mo dyan ha!" nakita kong papalapit na sya sa'kin at bago pa ko
makatakbo eh binuhat nya ko ulit at inihagis sa tubig. Walanghiya 'tong lalaking
'to. Kung ihagis ako parang basura lang. Ang sakit din kaya.

"Sobra naman yan! Wag naman ganun kasi ang - " at bago pa ulit ako makatapos
magsalita eh nabuhat na naman nya ko at naihagis sa tubig. Palayo kami ng palayo sa
shore.

"Payback time sweet monster! If I were you tatakbo na ko habang may time pa."
papalapit ulit sya sa'kin. Naiinis na ko kaya naman naglakad ako ng mabilis at
sinalubong ko sya sabay talon sa kanya at sabay kaming natumba sa tubig.

*SPLASH

Oh my gosh, nakahawak ako sa chest nya. Ihhhhhh! Hindi ko 'to sinasadya ha.
Nagkataon lang 'to. Habang nakatingin ako sa kanya sa ilalim ng tubig bigla syang
nagsmirk. Oh no, anong nasa isip nito? Bigla nya kong hinawakan sa waist at mabilis
na umahon at ibinato nya ulit ako sa tubig.

"HOY HINDI NA KO NATUTUWA SA GINAGAWA MO HA!! ISA PANG BATO MO SA'KIN SINASABI KO
SA'YO HUHUBARIN KO 'TONG BEACH DRESS NA 'TO PARA MAKITA NG LAHAT ANG PINK KONG
BINIKI!!!!!!!!! AT HINDI AKO NAGBIBIRO!!!!!!" sabi ko habang hinihingal. Nawala
naman yung ngiti sa mukha nya at hindi din sya nagsalita kaya naman naglakad na
lang ako papunta sa shore. Ang bigat ng dress na 'to dahil basa na kaya. Umupo ako
sa sand dahil pagod na pagod ako. Ikaw ba naman ihagis ng ilang beses eh.
Sumunod din naman si goon sa tabihan ko at umupo din sya. Nakita kong dinampot nya
yung shirt nya. Oh sad, magshi-shirt na sya. Goodbye magandang view na. "Oh, isuot
mo muna para hindi ka ginawin."

*Evil grin

Hindi pa sya magt-t shirt. Bwahahaha. Ako daw muna ang magsuot. Dahil masunurin ako
kinuha ko na pero bigla nyang itinaas. "Wag na lang kaya, kasi baka manyakin mo pa
ko dahil kita 'tong malaki kong katawan."

"In your dreams!! Kung ayaw mong ipagamit di wag!!! Akala mo naman maganda yang
katawan mo!!" oo maganda nga. Konti na nga lang makakagat ko na yan.

"Nakakatuwa ka talagang mainis." Natawa nyang sabi habang isinusuot sa ulo ko yung
shirt nya. Halos pumasok sa utak ko yung pabango nya na naiwan sa shirt nya.
Sobrang bango. Medyo nabawasan ang lamig nung suot ko na yung shirt nya.
Magsasalita sana ko ng mapansin kong nakatingin sya sa'kin. Ang gwapo po nya,
mainggit na lang kayo sa'kin. Isang gwapong nilalang na may perfect body ang nasa
harapan ko ngayon. Rawwwr! Busog na busog na ko.

"Sorry kung hindi ako naniwala sa'yo kanina. Kasi naman nagselos lang ako kasi di
ako sanay na makita kang nakikipaglandian. Naisip ko kasi mas gusto mong makita
yung mga babaeng nakabikini kesa sa'kin." I frowned. Pero arte ko lang yun.
Papacute lang ako. Haha.

Effective naman kasi nakita kong ngumiti sya. Ano nagugustuhan ang mga naririnig
sa'kin. Naramdaman kong hinawakan nya ko sa cheek at itiningin ang mata ko sa
kanya. "Ikaw talaga ang sweet monster ko. Malahalimaw magalit pero pasimple
magselos. Alam mo ba nung makita kitang nakared two-piece, halos mabaliw na ko sa
kakangiti. At habang naglalakad ako papalapit sa'yo tinandaan ko lahat ng mukha ng
mga lalaking nakatingin sa'yo. Gusto kong basagin ang mukha nila isa-isa. Kung
nagtagal pa nga ko sa room nyo kanina baka kung ano ng nagawa ko sa'yo, grrrrrr!"
natawa naman ako sa sinabi nya. "Ikaw lang ang maganda sa paningin ko. Ikaw lang
ang dahilan kung bakit ako nababaliw. Ikaw lang ang nasisisgawan ko na sinisigawan
din ako pabalik. Sabi nga nila, kung hindi mo mapasunod ang isang babae, you found
the right one. At alam kong ikaw ang right one na - " bago pa sya makatapos eh
nahalikan ko na sya. Eh sa anong magagawa nyo, masyado akong nadala sa sinasabi
nya. Hindi na nakapagpigil ang puso ko. Naramdaman kong nagsmile sya while we're
kissing.

Alam ko may pagkahalimaw din 'tong goon na 'to pero may pagkasweet din sya. Sya
lang ang nagpapakilig sa'kin ng ganito na halos tinuturuan ang isip kong maging
malisyosa na konti na lang eh mahuhubaran ko na sya sa isip ko.
Bigla syang lumayo sa'kin. "Should we get a room?" at nanlaki ang mata ko sa gulat
at inis.

"You perv!!!!" sinuntok ko sya sa ihhhhh - sa chest. Hahaha. Pero okay lang din
sa'kin kung magpupumilit sya. Bwahahaha. Kaso bata pa ko eh. Hindi pa ko ready. Isa
pa wholesome ang story na 'to. Bawal ang ganun kaya wag na lang.

"Hindi talaga nagfe-fail ang pangiinis ko sa'yo." Natawa nyang sabi sabay yakap
sa'kin. Yung kamay nya nasa may waist ko habang ang head ko at nasa chest nya.

"Alam na alam mo talaga kung kelan ako iinisin no?!!" naramdaman kong hinalikan nya
ko sa ulo. Ugh, bakit sa ulo lang. Hahaha.

Nagkwentuhan kami kung saan sya galing buong araw. Sinabi ko din sa kanya yung
about sa monster burger. At dahil dun hindi na nya ko tinigilan ng pang-aasar.

"Sabi sa'yo bagay sa'yo ang sweet monster eh." sabi nya.

"Ikaw naman monster goon!!"

"Para namang walang maganda dun ah. Monster at goon? Talagang yan ang gusto mong
itawag sa'kin?" at nagtawanan kami. Halos yun na lang pinag-usapan namin habang
tinitingnan ang mga stars sa sky. Kahit ganito lang kami magdamag masaya na ko. Ang
sarap sa pakiramdam.

A/N

Gusto nyo bang makita ang hot bodies ng boys? Like na ang page ng PH. Yung mga
hunks sa cover photo, ganun ang katawan nila. Haha. Isa-isang irereveal ang
magagamit nyo sa pagiimagine ng characters. Uunahin ko na sina Zanea at Gene >>>>>
Say hello to them. Hahaha.

Anyways, vote, comment and follow! Share nyo din sa iba para sama-sama tayong
mabaliw. Haha.

Thank you all sa magagandang feedbacks ng PH. You're all my monsters! Hahaha. <3

megladiolus
*******************************************
41

*******************************************
TUCK'S POV

Hindi talaga maganda 'tong araw na 'to. Wala ako sa mood sa lahat ng bagay. Hindi
nga kami pumasok sa ibang klase namin. Sinamahan ako nitong mga mokong na 'to.

"Eh sa ayaw sabihin sa'tin wag nyo ng pilitin!" narinig kong sabi ni Trav. Nagiging
madaldal na din 'tong kumag na 'to eh. Hindi nga namin alam kung bakit pero sa
tingin ko dahil sa babae. May nagugustuhan na siguro sya. Kaso malabo pa sa tubig
na pinaghugasan ng bigas na aminin nya yun at sabihin sa'min.

"Baka naman in love na ulit yang si Tuck!" natatawang sabi ni Rich habang lumalayo
sa'kin dahil alam nyang matatamaan sya ng di oras.

"Si Tuck? In love? Oo naman, dati." At nagtawanan na nga silang lahat.

"Si Tuck in love?!" napatingin kaming lahat sa babaeng nagsalita at nakita namin si
Lex na ang ganda at ang laki ng ngiti. Wala agad nakapagsalita sa'min dahil
matatamaan sila sa'kin kapag nagkataon. "So what's going on? Bakit tumahimik kayo
ng dumating ako ha?" naglakad sya papalapit sa'min at umupo sya sa may tabihan ko.
"Is it true Tuck? You're in love?" ang cute nyang magtanong kaso parang ang
chismosa naman ng dating.

"Wag kang maniwala sa mga yan. Mga wala lang magawa sa buhay yan." Nilalaro-laro ko
pa ang phone ko sa kamay ko at pinapaikot-ikot ko para hindi ako mapatingin kay
Lex.

"Weh? Parang ikaw ang hindi nagsasabi ng totoo dyan ah." Nagulat ako ng biglang
sumulpot ang mukha nya sa harapan ko kaya nabitawan ko ang phone ko. Dadamputin ko
na sana pero hinarangan nya ko.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Alam mo kung hinahanap mo si Zak wala sya dito kaya wag
ka nang magusisa dyan okay!" nakatingin lang sya sa'kin na parang nagtataka. Hinipo
pa nga nya ko sa leeg at noo. Ang weird. ANo ba sa tingin nya ang ginagawa nya.

"Sabihin nyo nga, ako lang ba ang nakapansin o kayo din na si Tuck ay nagiging si
Zak na rin?" tumingin sya sa mga kasama namin dito sa likuran ng gym.
"Baka ikaw lang ang nakakapansin Lex." Natawang sabi ni Luke.

"Ikaw ha, wala lang si Zak ganyan ka na agad." Loko talaga 'tong si Rich kahit
kelan. Alam nya namang mala-Zak magalit 'tong si Lex.

Tumingin ulit sa'kin si Lex at tinitigan ko sya. "So kung nagiging katulad na din
ako ni Zak eh di pwede na kitang tawaging sweet monster?" nanlaki ang mga mata nya
sa narinig sa'kin at nagtawanan din ang mga mokong sa likuran nya.

"Hoy! Hoy hindi pwede!! Si Zak lang ang tatawag nyan sa'kin at - at isa pa paano
nyo nalaman yan ha?!!!!" nagmaktol na nga sya. Parang bata lang. Umupo sya sa
tabihan ko at pulang-pula ang buong mukha. Confirmed, naiinis sya na nahihiya.

"Paanong hindi namin malalaman eh parang baliw si Zak sa pub habang nagpapractice.
Paulit-ulit nyang kinakanta yung sweet monster kahit yun lang ang lyrics at iisa
lang ang tono tapos nung ginaya namin sya aba nagalit! Sya lang daw ang pwedeng
tumawag sa'yo ng sweet monster. Kaya ayun nalaman namin na ikaw yung sweet monster
na yun." Mas lalo atang napahiya si LEx sa mga sinabi ni Luke.

"Oo. Sya lang talaga ang pwedeng tumawag nun sa'kin dahil ano - basta! Wag na nga
kayong magulo dyan! Isa pa hindi ako ang topic dito kundi si Tuck kaya pwede ba wag
nyong ilipat sa'kin!!!" humarap sya sa'kin ng nakataas ang kilay. This is not good.
Mukha nya kong kakainin ng buhay.

"Sorry okay! Ikaw kasi nilaglag mo ang phone ko eh." kukunin ko na sana ang phone
ko pero dinampot nya. "Akin na yan lucky girl." Nakangiti pa nga kong magsalita sa
kanya.

I found the phone


I must've missed your message
You got it wrong, It wasn't what your friend said.

"Ooops! Someone's calling. Tingnan nga natin kung sino!" iaabot na nya yung phone
sa'kin ng biglang tumunog. Sino naman kayang tumatawag.

I can tell by your tone, I've taken it too far again.

Just when I thought I'd gone and fixed it all again.


Nanlaki ang mata nya ng makita ang screen ng phone ko then she grinned. "Who's
Bernback?" Holy sh*t! Sya na naman!

Your friends are telling you, You gotta move on.

Just when I thought I'd gone and wrecked it all again.

You turned around so I could tell you what took so long.

"Don't answer that please!" sabi ko sa kanya ng sasagutin na nya sana pero sa
itsura nya mukhang nagiintay sya ng sagot.

"Wow Tuck si Margrette ba ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?" hindi na nga sila
mapigilan. Hindi na ko nagsalita kaya hinablot ko na ang phone ko kay Lex at
naglakad na paalis dito bago pa nila ko lokohin! Inoff ko agad ang phone ko bago ko
itago. Bakit naman kasi tatawag tawag sya kung kelan may ibang taong nakahawak ng
phone ko.

"Tuck wait!!!!"tss! Yung mga ungas kong kaibigan kaya kong malusutan at hindi nila
ko kukulitin kung ayaw nilang magkagulo pero 'tong si Lex, paano ko kaya sya
malulusutan? "Sorry na kung makulit ako. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko din
kasi alam na ganyan ka pala kasensitive." Natawa ako sa sinabi nya. Tingin nya ba
ganun na ko kasensitive? Hindi lang siguro ko ready na magkwento ngayon sa kanya
pero hindi naman pagiging sensitive yun.

Hindi pa din sya nagsasalita at mukhang nagi-guilty talaga sya. "Wala yun ano ka
ba. Don't worry hindi naman ako sensitive." Biglang nawala yung simangot sa mukha
nya at parang nabuhayan sya bigla. Parang hindi ko gusto 'to ah. Tumingin sya
sa'kin ng may kakaibang ngiti.

"So sino si Bernback at Margrette ha? Totoo bang in love ka? Kay Bernback ba o kay
Margrette?" Sabi ko na nga ba eh. Ganito lahat ng mga babae. Sa tingin nya pa lang
sa'kin parang hindi na ko makatanggi. Kakaiba talaga 'tong si lucky girl.
Napakalucky talaga.

"Okay. Mukhang hindi ka na talaga magpapaawat!" nagbuntong hininga ako. Hindi pa


kami nakakalayo sa may likuran ng gym kaya wala pang masyadong makakarinig sa'min.
"Si Bernback at Margrette ay iisa okay. Margrette Bernback ang full name nya at
kababata namin sya. Ah hindi, mas bata sya sa'min ng 2 years so hindi namin sya
kababata."
"So anong meron sa inyo? First love mo ba sya?" tumingin ako sa relo ko at
naghahanap ako ng pwedeng iexcuse pero wala akong maisip. Nakakainis naman oh. Wala
na talaga akong choice. Sasabihn ko na nga pero - pero parang ayoko munang pag-
usapan ngayon.

"Calling the attention of Ms. Alexa Ciesla Andrade, please proceed to chancellor's
office now. Ms. Alexa Ciesla Andrade to chancellor's office. Thank you."

Woooooo! Mabuti na lang. Saved by the bell! Nakahinga ako ng maluwag. Mahahalikan
ko ng di oras ang admin na yun dahil sa pagpage nya.

"Ugh! Bakit ngayon pa - " biglang nagbago ang facial expression nya. Parang
nagworry na hindi ko maexplain. "A - ano kayang problema? First time kong ipa-page
ah." TUmingin sya sa'kin. "Tuck next time mo na lang ikwento kasi - kasi
kinakabahan ako kung bakit ako pinapatawag sa office. See you later!" hindi na nya
ko pinagsalita at nanakbo na sya papaalis.

"Wag kang tumakbo baka madapa ka!!!" mukhang hindi na nya ko narinig. Ang bilis nya
talagang magswitch ng emotion. From pagiging guilty sa pagiging excited ngayon
naman sa pagiging worried. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ko sya.
Halos - halos magkatulad silang dalawa.

*******************

ALEXA'S POV

Wrong timing naman 'tong pag page sa'kin. Mauusisa ko na sana ang buhay ni Tuck
kaya lang biglang kelangan ako sa office. Bakit kaya? Kinakabahan ako. Baka bumaba
ang grades ko or baka naman hindi na ko magte-take ng advance class, meaning hindi
ko na magiging classmate si goon. No! This can't be. I have to do something.

Wag ka ngang OA. Dami mo na agad naisip hindi ka pa nga nakakarating sa office.

I'm just preparing myself from a big disappointment!

Oh great! Here I am talking to myself - AGAIN. Hindi talaga pwedeng mawawalan ako
ng kausap dahil sarili ko ang kinakausap ko. At dahil busy ako sa pakikipagusap sa
sarili ko muntik na kong lumampas sa office.
Tumigil ako sa harapan ng pintuan at huminga muna ako ng malalim. Kakaibang kaba
'to. Feeling ko bibitayin na ko.

*Knock Knock

"Come in!" narinig kong sabi sa loob. Bumungad sa'kin ang secretary ng chancellor
at tinuro na lang ako sa another door kung saan kasalukuyang nakaupo ang aming
chancellor. Wooooo. Everything will be okay. I HOPE!!

"Good morning po." Bati ko sa kanya. Mukhang halata ata sa pagsasalita ko ang kaba.

"Good morning. Sit down." Isinara nya ang folder na hawak nya.

"Sorry po kung bumaba ang grades ko but please give me another chance. Gusto ko pa
rin pong magtake ng advance classes promise po pagbubutihin ko na this time." Halos
maiyak na ko dahil naiimagine ko palang na babalik ako sa normal class and units ko
para na kong mahihimatay.

"Calm down Miss Andrade. Kaya kita pinatawag dito eh dahil napansin ko na nagkaron
ka na ng absents na hindi mo naman usual na ginagawa and the last time hindi mo pa
kami ininform yourself. I'm just a little bit worried na may problema ka. Kung
nahihirapan ka sa advance class na sa tingin ko eh hindi naman dahil ikaw pa ring
ang nagta-top, I mean sabay kayo ni Mr. Maliff, so I think may ibang reason kung
bakit ka umabsent."

Bagay talaga kami ng boyfriend ko. Imagine pareho pa kaming top. Oh my, sana
naririnig nya 'to ngayon. I mean he's so perfect and I'm perfect. We're so perfect
for each other. Kinikilig na naman ako my gosh.

"Excuse me?"

Siguro namumula na ko ngayon. Eh masisisi nyo ba naman ako. I just can't believe na
makakahanap ako ng lalaking kaya akong tapatan sa bawat subjects.

"Are you okay Miss Andrade?"

I'm not okay. I'm totally fine. I just need to breathe.


"I think we need to call your parents - "

"NO!" napasigaw ako bigla. "I'm sorry." Nakakahiya. Parang nawalan ako ng manners
sa pagsigaw.

"But you look disturbed!" nakatingin ang chancellor sa'kin.

"I'm fine. Wala po akong problema. Sorry kung nakaabsent po ako. Nagkataon lang na
nagkasakit ako at - some personal problems but I promise hindi po sya makakaapekto
sa grades ko and please don't tell or call my parents. Nagkaron po kami ng
misunderstandings at kakaayos lang ng lahat so sana po mapagbigyan nyo ko." With
matching puppy eyes at pagpout. Lahat na para lang maconvince sya na I'm totally
fine. Masaya ako ngayon - sa piling ni goon syempre pero hindi naman sya yung
dahilan ng pagabsent ko. Well part of it yes. Or lahat ata. Oh no, napapangiti na
naman ako. KElangan kong pigilan.

Mmmmm. RRrrrrrr. Fffffffff. Magsalita na po kayo. Rrrrrrrrmmmmmmffffffffff.

"Okay." Wooo salamat sa pagsasalita. "Pero ayoko ng mauulit 'to or else sa parents
mo na ako magdidiretso." Kalmado nyang sabi kaya naman napangiti ako at napasigaw
ng konti.

"Wooooo! Thank you so much! Hindi ko po ipapahiya ang school natin especially kayo
na nagbigay sa'kin ng another chance." Papatayo na sana ako ng biglang pumasok ang
secretary ni chancellor na may kasamang isang babae.

"Just in time." Pagbati ni chancellor sa babae. She looks familiar pero san ko nga
ba sya nakita? Di kaya sa tv? Pero malabo kasi hindi na naman ako nakakanood ng
movie.

"Good morning and thank you for accepting me here at your prestigious school. I'm
so excited to be Stanfordian!" I guess I need to go since may ibang visitor na si
chancellor.

"Excuse me po, alis na po ako and thank you po ulit." Tumayo na ko sa upuan ko kasi
may pahabol si chancellor.
"Sandali lang Miss Andrade, why don't you tour Miss Bruner sa buong school. Bago
lang sya dito so wala pa syang kakilala at hindi pa nya kabisado ang facilities
natin. Since you're one of our top students alam kong tutulungan mo sya." So dapat
po alam nyong hindi ko sya tutulungan. Hindi ko po sya feel kasi parang nakita ko
na sya. Oh well yan lang naman ang gusto kong sabihin pero hindi ko nagawa. Mamaya
bawiin pa nito yung mga napag-usapan namin. So imbis na magreklamo ngumiti na lang
ako dahil wala na din naman akong choice.

"I'd love to do that. And welcome to our humble school miss Bruner." Nakangiti kong
sabi.

"Oh she's so nice, thank you." Sabi nya kay chancellor at tsaka sya tumingin
sa'kin. "Thanks miss Andrade." Nagbeso sya sa'kin. Wow FC lang? Hindi naman sa
maarte ako pero hindi ko lang talaga feel yung aura nya. Alam nyo naman na hindi
ako palakaibigan at kung magkakaibigan isa lang ang sigurado, hindi ang tulad nya.

"Oh my gosh, you look familiar. Have we met before?" yan din ang tanong ko kanina
di ba? San nga kaya kami nagkita?

"I think we need to go miss Bruner. Time is gold." I said faking my smile. Kung
gold ang time matagal ko na yung isinangla. Wala kayong pakialam! Kuripot ako eh!
If I know ganun din gagawin nyo kung ginto nga ang oras! Baka nag-agawan pa kayo.

"Oh call me Natalia." Biglang umakyat ang dugo sa ulo ko. ALam nyo yung
nakikipagusap ako sa inyo, syempre kayo lang naman kinakausap ko aside from myself
tapos biglang naginit ang ulo ko. Oh well, kumulo ang dugo ko. Tiningnan ko sya
maige. Natalia. Natalia. Natalia. Holy crap! Sya ang Natalia ni goon. Ah hindi, ang
dating Natalia ni goon at hindi na sya kay goon dahil ako na ang kay goon ngayon so
wag syang magkakamali.

"I thought we need to go - " parang nagiintay sya ng - ng sasabihin ko? She raised
her eyebrow to me. Ahitin ko kaya yan para mas maganda. Eksena nito. "What's your
first name?" Oh yun pala ang iniintay nya.

"Alexa." Proud kong sabi tapos parang nagmake face sya. Akala mo naman ikinaganda
nya yun. Hello, mas maganda pa din ako sa kanya. Wavy lang ang buhok nya pero ako
pa rin ang mas maganda.

"Thank you so much po ulit. Alis na po kami." Pacute pa 'tong Nata de coco na 'to!

Lumabas kami ng office at naglakad. Tahimik na sya so hindi na din ako nagsasalita.
Hindi ko talaga feel yung aura nya. Parang diva primadona. Bakit hindi na lang kaya
yun ang naging pangalan nya.

"Do you know where to find the Sterke Geest?" napatigil ako sa tinanong nya. Eh ano
kung alam ko? Tingin nya ba sasabihin ko? "Look Alexa you know the reason why I'm
here."

"What?" so natatandaan nya pala ako. At ang arte nya sa loob ng office kanina eh
acting lang lahat?

"Come on! I know you remember me." Sabi nya while flipping her hair na puro
tangles!

"Sort of? I'm not really sure." Tingin ko hindi magiging maganda 'tong usapan na
'to so kelangan kong makatakas.

"I know you're afraid of me." Oo naman, nakakatakot ka talaga! Subukan nya kayang
tumingin sa salamin para makita nya kung saan-saang direction nakaturo ang buhok
nya. "Oh let me rephrase that." Kahit naman anong sabihin nya wala akong pakialam!
"You're threatened!" at tumawa sya ng malakas.

"Ahhhhhhhhhh!!" napatigil sya sa pagtawa at parang nagpanic. "Got ya! Eh mas takot
ka pa nga sa'kin oh!" naglakad ako at sumunod naman sya.

"That's not funny!!"

"And so do you!" kung kay goon nga hindi ako natatakot sa kanya pa. Try harder next
time witch!

"Do you think he really loves you?" alam ko namang dito din 'to mauuwi! Hindi ko
lang inaasahan na ganito kabilis at ganito kaaga. I need to relax, calm down, take
a deep breath.

"Alam mo kung ano mang nangyari sa inyo ni Zak nakaraan na yun. Ang importante yung
ngayon." At hindi ko din ineexpect na tatawanan nya lang ang sinabi ko. Unti-unti
akong nakakaramdam ng takot at sakit kahit wala pa syang sinasabi. Totoo kayang
nate-threaten ako sa kanya?
"You don't really get it, do you?" sumisikip ang dibdib ko. Bakit kaya? Parang -
parang ang sakit ng ulo ko. Parang any moment from now magcocollapse ako. "For a
long time hindi naggirlfriend si Zak because of me at kung naging kayo man ngayon
hindi yan magtatagal! He's just using you para makalimutan ako. Mahal pa rin nya
ako until now and I'm not giving him up! Not again and not this time!!!"

"Oh shut up! Sana noon mo pa yan ginawa and you are so confident na mahal ka pa rin
ni Zak after ng mga nangyari? Wala ka ngang ginawa para sa kanya noon! So ano pang
magagawa mo ngayon?" pinipilit kong magpakatapang kahit sobrang sakit ng sinasabi
nya.

"You don't know me. Wala kang alam sa nangyari sa'min!" parang naiiyak na sya pero
alam kong pinipigilan nya lang. "Kung sinabi man ni Zak na mahal ka nya hindi yun
totoo! Ilang beses ka ba nyang sinasabihan ng I love you? Huh, for sure sa text
lang but I doubt kasi baka hindi pa nga." at tumalikod ako dahil biglang pumatak
ang luha ko. Totoo kaya ang sinasabi nya? Totoo kayang hindi talaga ako totoong
mahal ni Zak? Bakit hindi - bakit parang - bakit parang nawawala na sa'kin lahat.

"Oh - hindi pa nya sinasabi sa'yo na mahal ka nya?" mas lalong sumikip ang dibdib
ko. Pinilit kong alalahanin kung may sinabi na ba sya sa'king mahal nya ko.
Pinipilit ko talaga pero wala akong maalala. Sumasakit lang ang ulo ko sa pag-iisip
pero wala pa din. Wala - wala kasi hindi nya pa nasasabi. "So naniniwala ka na ba
sa'kin?"

Pinunasan ko ang mga mata ko tsaka ulit ako humarap sa kanya. "He likes me at
masaya kami."

"Oh come on Alexa, like is different from love. Maybe he likes you but he loves
me." Masyado syang confident sa sinasabi nya. Well kung totoo man yun o hindi
lalaban ako.

"We'll see kung ang Zak na kilala mo noon is still the same sa Zak ko ngayon. My
Zak and not yours! I'm not giving him up, not that easy! Ipaglalaban ko ang sa'kin!
At yan ang pagkakaiba natin!!" tumalikod ako at naglakad ng bigla kong nakasalubong
si goon. Hindi napigilan ng luha kong pumatak. Pinilit kong pigilang umiyak kaya
hindi ako tumingin sa kanya.

"Anong problema? Bakit ka naiyak?" pinunasan nya ang luha ko pero hindi pa din ako
tumingin sa kanya. "ANong problema?"

"I - I'm okay!" I lie at alam kong alam nya yun dahil napatigil sya at nakita kong
nakatingin sya sa likuran ko. Great. Nagkita na sila and for sure itutulak ako ni
goon palayo at matutumba ako sa ground habang magyayakapan sila ni Nata de coco at
maghahalikan at magbabalikan at -

"ANong ginagawa mo dito? ANong ginawa mo kay Alexa ha?!!!" nagulat ako sa sigaw ni
goon. "HOY NATALIA SINASABI KO SA'YO KUNG IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAIYAK ANG
GIRLFRIEND KO HINDI KITA MAPAPATAWAD!!!" pinigilan ko si goon dahil baka masuntok
nya si Natalia kahit na gusto kong gawin nya yun.

"Don't blame me! Masasaktan din naman sya in the end. And besides I'm here for you
so hindi mo na kelangang magtyaga dyan sa girlfriend mo. I know you still love me
Zak. I can see it in your eyes!" mukhang nakangiti pa sya habang kausap si Zak.
Hindi naman ako nakatingin kay goon at nakayuko lang ako. Parang gusto kong tumakbo
at natatakot ako sa maririnig ko from goon.

Mukhang naramdaman ni goon na aalis ako kaya naman hinawakan nya ko sa kamay. "Why
don't you join us for lunch?"

"What?" parang sasabog na ang puso ko sa sinabi ni goon pero nakita kong nakangiti
lang sya habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ko. Hinigit nya ko papuntang
cafeteria.

"Hey Natalia bakit nandito ka na?" narinig kong tanong ni Rich. Nakasalubong namin
si Jezhi at nakatingin sya sa'kin. Tingin na parang naawa bago sya lumapit kay Val.
Sige na, kaawaan nyo na ko. Handa na kong masaktan pero isa lang ang sinasabi ko,
sasaktan ko din silang dalawa kapag ginawa nila yun. Literal na sakit.

"Relax, nandito lang ako oh." Narinig kong sabi ni goon sa'kin. Hindi ako sumagot
dahil sinusulit ko na ang mga huling minuto na nandito lang sya sa tabihan ko.

Dumating kami sa cafeteria at pinaghigit pa ko ng upuan ni goon bago ako umupo.


Nakita kong nakatingin sa'min si Nata de coco. Umupo si goon sa upuan sa tabi ko
pero nakaharap sya sa'kin. "So anong order ng misis ko?" natawa ako sa sinabi nya
kaya nahampas ko sya sa balikat. "Oh bakit? Dun din naman pupunta yun." Nakangiti
nyang sabi. Mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa nya. Feeling ko last na happiness
na 'to.

"Kumokorni ka na ngayon Zak ha. Baduy." Narinig kong sabi ni Nata de coco and I
rolled my eyes.

Hinawakan ko sa mukha si goon ng dalawa kong kamay. "Mmmmm. Ikaw na talaga ang
pinakasweet na lalaking nakilala ko." Sabay pisil sa ilong nya.
"I know. Pakiss nga." Pero tinapik ko ang mukha nya palayo.

"Alam kong pinapakita mo sa lahat na sa'yo na ko ngayon pero not now. Nakakahiya
naman kay Nata." Nilagay ko ang isa kong kamay sa balikat ni goon at isang kamay ko
naman eh hinahaplos ang buhok nya. Nakangiti ako pero malungkot ang mga mata ko.
Baka kasi bukas wala na sya sa'kin.

"It's Natalia not Nata." Humarap sya kay Rich. "Iorder mo nga ako. I'm so tired at
hindi ako makatayo." Napatingin kami ni goon kay Rich. Magkadikit ang pisngi namin
ni goon at nakahawak sya sa waist ko.

"Oorder muna ko. Dito ka lang. Kapag nakita kong may umupo sa tabi mo alam mo na
ang mangyayari!!" hinalikan nya ko sa noo at ngumiti lang ako. "Pakibantayan sya.
Kapag may nakalusot patay kayong lahat sa'kin!!

Tumayo si goon at pinapanood ko lang syang maglakad. Feeling ko hindi na sya


babalik eh.

Think positive Alexa. Sabi nga ni goon di ba wag mong pangunahan ang mga mangyayari
palang.

Sinusubukan ko naman di ba?

"So bakit nandito ka?" narinig kong sabi ni Tuck na kakarating lang galing sa
pagorder ng food.

"I missed you all and I missed Zak." Kumuha sya ng fries sa pagkain ni Tuck at
tumingin sa'kin. "Hindi naman bebenta sa'kin yung palabas nila."

Hindi yun palabas witch! Akala nya ba bibitiw ako bigla? Hell no! Over my dead sexy
hot body!! Ang tagal kong nagintay ng tulad ni goon tapos kukunin nya lang?

Eh what if si goon ang umayaw?

Hindi naman siguro.


What if nga di ba?

"Thinking of someone?" hindi ko napansin na nakabalik na pala si goon dala-dala ang


order namin.

"I'm just tired. Kumain na nga tayo." Fries, burger at sundae ang order ni goon
sa'kin. Sa totoo lang wala naman talaga kong gana eh.

"Where's my food?!!" napatingin kaming lahat kay Nata na sinisigawan si Rich.


"You're still stupid as ever!!"

"May paa ka naman why don't you order for yourself?" bulong ko lang sanang
sasabihin pero napalakas naman.

"Zak can I have your food." Flirting much lang?

"Sure." Oh no, nagkakamabutihan na sila. Ayan na nga ba eh. First day palang
bumabalik na agad ang feelings nila for each other. "Share na lang kami ni Alexa."
At humarap si goon sa'kin sabay sinubuan ako ng fries. Hinigit nya pa ang upuan ko
palapit sa kanya at nakapatanong ang isa nyang arm sa likod ng upuan ko. Sinusubuan
nya ko kaya naman nagtataka ako. Bakit sya nagpapakasweet dahil ba huling araw na
naming magkasama.

"Stop it! Kaya kong kumain mag-isa." Hindi na ko ulit tumingin sa kanya dahil any
moment parang iiyak na ko.

"Ginagawa mo rin yan sa'kin dati, right guys." Natawang sabi ni Nata. Hindi naman
sya pinansin ni goon. Nilagay ni goon ang ilang strands ng buhok ko sa may tenga at
pinunasan pa ang ketchup sa may lips ko.

"Isa pang kalat dyan sa lips mo lips ko na ang ipangtatanggal ko ng ketchup."


Nakangiti pa din si goon. Parang hindi ako sanay. Ang ganda ng mood nya. Palabas
lang ba 'to lahat. Hindi pa din ako sumagot at nakatitig pa din sya sa'kin.

"So Zak, hindi mo pa pala sinasabihan ng I love you si Alexa?" tiningnan ni Nata
lahat ng mga kasama namin na parang nagkakalat lang ng chismis. "So does it mean
ako pa rin ang mahal mo?"

Hindi sumagot si goon. Tiningnan ko sya at mabilis lang syang kumakain ng fries.
Hindi sya sumagot. Hindi nya ba alam na nasasaktan ako dahil wala syang masabi.

"Oh well, ganyan talaga ang buhay. Hindi mo masasabi kung hindi talaga totoo - "

"Shut up Natalia! You know I don't say those words!" sigaw ni goon sabay hampas sa
table kaya nagulat kaming lahat.

"Of course you do! Sinabi mo nga sa'kin yun. I was just wondering bakit hindi mo
nasabi kay Alexa yun." This is too much! Hindi ko na 'to kaya! Aalis na ko dahil
parang sasabog na ang puso ko dito.

"Dahil ayoko ng maulit ang pagkakamali ko dati!" hinawakan ako ni goon kaya hindi
ako nakaalis. Hindi sya nakatingin sa'kin kundi kay Natalia. "Dati bawat oras
sinasabi ko yun sa'yo pero hindi mo pinahalagan. Alam mo ba kung bakit sa'yo nasabi
ko at kay Alexa hindi? Dahil sa kanya pinaparamdam ko na agad kung gaano sya
kahalaga sa'kin na ayaw ko syang mawala. Madaling magsalita pero kung hindi mo
naman ginagawa anong use?" Medyo nawala ang konting kirot sa puso ko nung narinig
ko yun kay goon. Sana talaga totoo 'to at hindi lang para magkasakitan sila at
magkasumbatan.

"You're lying, I know. Sinasabi mo lang yan para saktan ako but I'm not buying it
Zak." Ayaw talaga nyang sumuko. Nakakairita. Tahimik lang ang mga kasama namin at
nakikinig lang sa kanila.

"Wag ka nang magaksaya ng oras, masasayang lang! Hindi na ikaw ang gusto ko! Masaya
na ako - masaya na kami!!!" naramdaman kong bumibitaw na sa pagkakahawak si goon
sa'kin. Bakit? Narerealize nya ba na - na mahal nya pa din si Natalia?

Tinanggal ko ng tuluyan ang kamay ni goon sa pagkakahawak sa'kin na ikinagulat nya.


"Bakit?"

"Alam nyo hindi nyo naman kelangang magparinigan o magsumbatan o magpaalalahan ng


past nyo dito sa harap namin - sa HARAP KO!! Kung gusto nyong magbalikan go!! Sana
maging masaya kayo!!" nakita kong gulat na gulat si goon sa sinabi ko pero ayokong
magmuka lang akong tanga sa bandang huli. "Excuse me!"
"WAG MONG SUBUKANG UMALIS!!!!" kahit anong sigaw nya hindi ako nagpapigil. Hindi ko
sya pinapapili at kung maiiwan sya at hindi sya susunod okay lang. Mas mabuti na
yung nalaman ko ng ganito kaaga kesa huli ng kung kelan masyado ko na syang mahal.
Mahal? Nagmamahal na ba talaga ako? Ako lang ba?

"Zak where are you going? Come back! I know patay na patay ka pa rin sa'kin!!" at
tumakbo na ko ng mabilis dahil ayoko nang marinig ang sasabihin ng Nata de coco na
yun.

**********************

ZAK'S POV

"Zak where are you going? Come back! I know patay na patay ka pa rin sa'kin!!"

"Oo patay na patay! Kung hindi ka titigil dyan papatayin na talaga kita! Pwede ba -
tigilan mo na ko. Masaya na ko kay Alexa. Hindi sya katulad mo at kahit kelan
hinding-hindi ka papantay sa kanya!!!" alam ko - alam ko sa sarili ko na noong
unang magustuhan ko si aswang eh mahal ko pa si Natalia pero habang tumatagal na
nakikilala ko sya mas lalo ko syang nagugustuhan. Ah hindi - mahal ko na nga sya eh
pero hindi ko masabi. Masyado akong natatakot. Hindi pa kami ganun katagal
magkakilala kaya baka masyado syang mabilisan kung sasabihin ko sa kanyang mahal ko
na sya. Paano kung hindi nya pa ako mahal? Handa naman akong maghintay hanggang
mahalin nya ko at hindi ako papayag na makialam 'tong Natalia na 'to.

"You don't love her. Ako pa rin ang mahal mo!" papalapit sa'kin si Natalia at
hinawakan ako sa chest. Nakita kong parang nagagalit si Tuck pero hindi ko alam
kung bakit. Siguro dahil akala nya pinagtataksilan ko si Alexa.

"Alam mo tama ka. Hindi ko nga sya mahal." Nakita kong ngumiti ng malaki si
Natalia. Hinawakan ko ang dalawa nyang kamay ng mahigpit na mahigpit na ikinagulat
nya. "Dahil mahal na mahal ko na sya at ayoko syang mawala!!! Kaya tumigil ka na!"
itinulak ko sya ng malakas at natumba sya sa table. Nasalo naman sya ni Luke. Pero
wala naman akong pakialam kung walang nakasalo sa kanya.

"Is he really talking to his girlfriend that way?" narinig kong tanong nya.

"Actually, they both do." Si Tuck ang sumagot sigurado ako. Tama naman sya eh, kung
paano ako makipagusap kay aswang ngayon, hindi ako ganun kay Natalia dati. Hindi ko
nakikita ang totoong ako nung kami pa ni Natalia, hindi tulad ngayon na nagagawa ko
lahat. At gagawin ko pa ang lahat para hindi masaktan si Alexa. Si Alexa, sya ang
babaeng mahal ko. Mahal ko na sya at alam kong nasasaktan sya kanina sa mga
nangyayari. Kelangan ko syang mahanap.
Nanakbo ako papuntang parking lot dahil isa lang ang gagawin nya for sure, ang
umalis at hindi na magpakita. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko sya na
papalapit palang sa kotse nya kaya nilapitan ko sya agad at hinawakan sa braso.

"WHAT?!! PWEDE BA BUMALIK KA NA DUN SA NATA DE COCO MO!! MAGSAMA KAYO!!!!" umiiyak
ba sya? Hindi - hindi ko kayang makita syang ganito. ANo bang dapat kong gawin?

"Bakit hindi na lang tayo ang magsama? Sa iisang bahay pa kahit sa pub muna o
sa'min. Ikaw ang gusto kong makasama hindi yung - anong tawag mo sa kanya? Nata de
coco?" hawak-hawak ko pa rin sya sa braso pero inalis nya.

"Pwede ba hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!!" kinukuha nya ang susi ng kotse nya sa
bag nya.

Hinawakan ko sya sa mukha at pinilit kong titigan nya ko. "Hindi ako
nakikipagbiruan. Lahat ng sinabi ko dun at pinakita sa'yo totoo. Believe me, kung
ano mang meron sa'min ni Natalia dati tapos na yun. Dapat nga magpasalamat pa ko sa
kanya kasi kung hindi nangyari yun hindi tayo magkakakilala."

"Mahal mo ba ko o napipilitan ka lang dahil hindi mo pa nakakalimutan si Natalia?"


ugh! Hindi nya ba pinakinggan yung huli kong sinabi? "Hindi mo naman kelangang
maawa sa'kin. Kung mahal mo pa sya sige lang. Wag mo na kong intindihin. Isang
sakit lang 'to. Mawawal din. Sanay na ko. Ganun naman talaga di ba? Malalaman mo
lang na nagmamahal ka kasi nasasaktan ka. Kaya I'm fine. Please leave me alone!!!"
pinilit nya akong tinulak pero hindi ko sya binitawan. "Bakit ka nakangiti? Ano
masaya ka kasi pinagtutulakan na kita sa Nata de coco mo? Magsama kayo!" nakakatuwa
talaga sya. Galit na sya na naiyak pero natutuwa pa din ako sa itsura nya. Alam ko
lalo syang magagalit kasi nakangiti pa din ako. Sinong hindi ngingiti parang sinabi
na din nyang mahal nya ko dahil nasasaktan sya ngayon.

"Hindi mo naman kelangang masaktan para lang malaman mong mahal mo ko. Pero okay na
din palang masaktan ka kasi kung hindi ka nasaktan hindi ko malalamang mahal mo din
ako."

"Din?" gulat na gulat nyang sabi at medyo kumalma sya.

"Alam mo isa lang naman ang dahilan kung bakit hindi ko masabi mahal kita kasi -
kasi baka mabilisan ka at baka hindi mo pa ko mahal pero ngayong sinabi mo ng mahal
mo ko wala ng reason para hindi ko sabihin kung gaano kita kamahal." Kaya ko 'to.
Hindi naman sya mawawala tulad ni Natalia. Hindi ako papayag at alam kong sya din.
"I love you Alexa. I really do at gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Hindi
mo pagsisisihan na ako ang minahal mo." Nakita kong nagblush sya at hindi
nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya at pinunasan ko ang luha nya ng bigla nya
kong tinulak.

"ANG KAPAL MO!! HOY WALA AKONG SINASABING MAHAL KITA NO!! DAPAT IKAW ANG NAUUNANG
MAGSABI NUN KASI IKAW ANG LALAKI!!!!" tumalikod sya sa'kin at naglakad papalayo.

"Sinabi mo kaya!! Narinig ko!! Hoy san ka pupunta!!!"

"Baka bingi ka lang. Wala naman akong sinasabi no!!!" at bigla syang tumigil sa
harapan ko muntik ko pa syang mabangga. Mali ba ako? Hindi ba talaga sya sinabi? SO
ako lang ang nagmamahal?

"Hindi mo ba talaga sinabi?" ginagantihan lang ata ako nito eh. Sinasaktan nya ko
ngayon.

"Hindi." Sh*T! Gusto kong manakit. Pasalamat sya mahal ko sya at hindi ko sya
kayang saktan. "Kasi ngayon ko palang sasabihin." Tiningnan nya ko sa mata at hindi
ako nagalaw. "I love you too, Zak." Napangiti ako ng malaki ng bigla syang
sumimangot. "AT KAPAG AKO SINAKTAN O NILOKO MO O PINAGPALIT MO SA NATA DE COCO NA
YUN SINASABI KO SA'YO KUKULAMIN KITA KAYA WAG MO NANG SUBUKAN!!!!"

"Aye aye sweet monster!!" gusto ko na syang yakapin pero bigla syang tumalikod at
lumayo. Nakakainis. Bakit kasi ang bilis nyang kumilos. Ang gaan na ng pakiramdam
ko ngayon. Hindi na ko nag-aalala. I cleared my throat. "May - may gagawin ka ba
ano - mamaya?" Sh*t bakit bigla akong nahiya? Bakit parang - parang nawalan ako ng
lakas ng loob?

Tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa'kin ng diretso at ngumiti. Anong sagot


yun? Huhulaan ko ba?

"You wanna date me. You missed me and you wanna kiss me." Kumakanta sya sa hindi ko
alam kung anong tono. Damn she's so hot and beautiful. "You wanna date me. You
missed me and you wanna kiss me." Inulit pa nga nya.

"Hoy! Aba! TUmigil ka na dyan!!" nahihiya ako bakit kaya.

"You wanna dateme. You missed me and you wanna kiss me." Hindi ko na napigilan. I
pulled her papalapit sa'kin closing the gap between us.

"Yes I missed you. I wanna date you and I wanna kiss you like this." And my lips
met hers. Wala ng mas sasaya sa pakiramdam ko ngayon. Isang selosang monster na
magaling mang-asar at magpalambot sa puso ko - sya lang wala ng iba - ikaw lang
Alexa.

A/N

Finally naupdate ko din. Vote, comment, follow and like our fan page by searching
Perfect Haters by megladiolus on fb. Konting kembot na lang 1M reads na tayo so
ipush natin 'to at syempre aabangan ko ang mga comments nyo. thank you so much.

<3 megladiolus

*******************************************
42

*******************************************
ZAK'S POV

Sa wakas lunch na din. Hindi ko pa nakikita ang sweet monster ko simula kaninang
umaga. Hindi ako nagtetext sa kanya dahil nagpapamiss ako. Hindi kasi ako
nakaattend ng morning classes ko dahil sa pinuntahan namin ni coach para sa susunod
kong magiging laban. Pero alam naman sa school yung ginagawa ko at dahil hindi
naman affected ang grades ko kaya okay lang.

"Zak!" napalingon ako at nakita kong papalapit sa Natalia. Hindi ko sya pinansin at
naglakad ulit. "Zak wait!" at naabutan pa rin nya ko. "So where's your girlfriend
huh?"

"Hindi mo makikita kasi nasa loob sya ng puso ko!!" mga walang kwentang tanong
nitong babaeng 'to. Mabuti nga napagsasalitaan ko na sya ng ganito hindi tulad
dati. Dati kasi mahal ko pa sya pero iba na ngayon.

"Masyado ka talagang korni. Yan ba epekto ng girlfriend mo sa'yo? Ang panget ha."
Ano bang problema nito at nasabay pa sa'kin?

"Kung may panget dito ikaw yun. Tahimik na kami bigla-bigla kang manggugulo." Kung
noon pa sana sya bumalik, noong hindi pa ko nahuhulog kay aswang baka natuwa pa ko.

"Hindi ako bumalik para manggulo. Gusto ko lang na magkabalikan tayo. I'm willing
to do everything Zak. Nasa right age na ko at isa pa hindi na ko ipapakasal nila
mommy." Nakaramdam ako ng galit dahil sa narinig ko. Ginagawa nya 'tong lahat dahil
lang sa gusto nya.

"Tapos na tayo Natalia at kung hindi ka pa titigil sa pagsira sa'min ng girlfriend


ko hindi ako magdadalawang isip na saktan ka!!" nagmadali akong maglakad papunta sa
cafeteria. Baka makita pa kami ni aswang na magkasama nitong babaeng 'to baka
awayin pa ko. Matapos ng confession namin kagabi gusto kong iwasan ang
misunderstanding. Alam ko kasing ibang klaseng babae sya, hindi sya yung tipong
nagagalit lang dahil sa maliliit na bagay. Walang drama, lahat totoo at yun ang
gusto ko.

"Ako sasaktan mo? Paano mo napagsasalitaan ng ganyan samantalang dati takot na


takot ka na kapag sumisigaw ako!!" napatigil ako sa harapan nya dahils sa sinabi
nya.

"NOON YUN!! NOON!! Nung akala ko ikaw lang ang babae para sa'kin. Na kapag nawala
ka katapusan ko na. Alam mo akala ko nga noon mamamatay na ko. Ang daming nagbago
sa'kin dahil sa sakit na naramdaman ko! Nagalit ako sa mundo dahil yung taong akala
kong kakampi ko at nakakaintindi sa'kin eh hindi ako iiwan pero hindi. Iniwan mo ko
ng wala ka man lang ginawa. Pero salamat sa'yo, salamat sa'yo dahil naramdaman ko
ulit kung paano maging masaya - at kay Alexa yun. Kaya pwede ba tigilan mo na kami.
Tigilan mo na ko dahil hinding-hindi na tayo magkakabalikan!" nakita kong nagulat
at nasaktan sya sa mga sinabi ko. Parang pinipigilan nyang umiyak.

"Alam kong sinasaktan mo lang ako. Gumaganti ka lang." tumawa sya pero halatang
pilit lang. "Ka - kasi kung hindi mo na ko mahal bakit hindi mo pa nasasabi kay
Alexa na mahal mo sya."

"Nasabi ko na sa kanya - kagabi lang. Ang sarap nga sa pakiramdam dahil mahal nya
rin ako. Hindi sya maarte katulad ng iba. Espesyal sya hindi lang sa'kin kundi pati
sa Sterke Geest. I'm sorry Natalia pero hindi na magbabago ang isip ko. Oo minahal
kita pero noon yun marami ng nangyari at masaya na ko ngayon. I'm willing to do
everything para lang protektahan si Alexa, hindi ako papayag na masaktan sya." At
hindi na nga nya napigilang umiyak at nanakbo sya palayo sa'kin. Ayoko syang saktan
pero nagsasabi ako ng totoo. Kung ano mang nangyari sa'min dati nakaraan na yun. At
kung gaano ko man sya kamahal noon hindi na yun katulad ng nararamdaman ko sa kanya
ngayon. Isang kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya at hanggang dun na lang yun.
I'm sorry Natalia. Ipinaglaban ko sya pero wala syang ginawa. Hindi ko naman sya
sinisisi dahil nangyari na lahat. Isa pa hindi talaga ako papayag na sirain nya
kami ng babaeng mahal ko.

Speaking of mahal ko mapuntahan na nga sya sa cafeteria. Namiss ko tuloy sya bigla.
Nakakainis kasi 'tong Natalia na 'to eh istorbo. Nagmadali akong pumasok sa
cafeteria at nakita ko silang lahat dun maliban sa kanya. Nasaan naman yung babaeng
yun?
"Hey dude!" sabi ni Tuck at napansin nyang natingin ako sa paligid. "Wala si LEx
kung sya ang hinahanap mo."

"ANO? Nasan sya?" tsk. Akala ko pa mandin makikita ko sya dito. Sabi ko magpapamiss
lang ako sa kanya pero bakit parang baligtad ata. Ako ang nakakamiss sa kanya
ngayon.

"Umuwi, naiyak. Nakita daw kayo ni Natalia na naghahalikan." Seryosong sabi ni Rich
kaya naman nahawakan ko sya sa kwelyo. "Relax. Joke lang yun. Alam naman naming
hindi mo magagawa kay Lex yun!"

"Sa susunod piliin mo ang gagawin mong biro!" binitawan ko sya. Akala ko totoong
nalaman ni aswang yun eh. Teka hindi ko naman yung ginawa at hinding-hindi yun
mangyayari. Sya lang ang gusto kong halikan bawat minuto kaso wala naman sya dito.
"Nasaan ba sya?"

"Umalis sya kanina after last class nya. Maglilipat kasi sya ngayon. Itetext ka
dapat nya kaso nalobat naman sya. Di pa ata nagchacharge. Useless din naman daw
kasi hindi ka nagpaparamdam. Patay ka, baka iniisip nun magkasama kayo ni Natalia."
Paliwanag ni Jezhi. Hindi ko alam kung napapraning ba ko o ano pero parang gusto
kong magexplain sa kanya kahit wala naman akong ginagawang masama.

"Sinabi ko lang naman kay Natalia na masaya na ko ngayon kaya wag na nya kong
guluhin. Isa pa sya yung lumapit sa'kin. Alam nyo namang hindi ko gawaing lumapit o
makipag-usap lang sa mga babae ng basta-basta!!" hindi ako mapakali, maglilipat daw
sya? "Teka maglilipat? Saan? Ng ano?" hindi nya nabanggit sa'kin na may plano pala
sya at bakit kaya? "Lilipat na din ba sya ng school?"

"Hindi. Basta malalaman mo din, sumama ka na lang mamaya pagawas. Magkikita kami
para ibigay sa kanya yung mga notes nya. Sya na lang tanungin mo ng mga gusto mong
malaman okay?" mabuti na lang at kaibigan ni aswang 'tong babaeng 'to kung hindi
nasigawan ko na sya kahit girlfriend pa sya ni Val. Ang arte magsalita, ang sakit
sa tenga ng boses.

Hindi na ko makapaghintay na makita sya kaya naman tinawagan ko para naman sana
kahit boses nya lang marinig ko.

The number you have dialled is out of coverage area please try your call later.

Sh*t naman talaga. Patay ba ang cellphone nya o ano? Napa-praning na ko talaga ha.
Bakit ba ako ang ganito dapat sya eh. Hindi kaya nagbago na ang isip nya? Baka
narealize nya na hindi na nya ko mahal. Ano ba naman yan, wala pa ngang
nangyayaring matinding problema sa'ming dalawa tapos ayaw na nya agad.

"Hoy Zak wag ka ng masyadong mag-isip dyan. Hindi nanlalaki yun si Lex ano ka ba!
Eh kita mong hindi din yun nangangausap ng lalaki ng basta-basta lang. Chill ka
lang dyan okay?" tama si Luke. Wala akong dapat ipag-alala. Think positive. Grabe
impluwensya ng aswang na yun sa'kin, nakakapag-isip na din ako ng negative ngayon.
Alam ko gawain nya yun eh. Di bale maghihintay na lang ako ng awasan para
makapagkita na din kami mamaya. Bawat minuto pakiramdam ko isang linggo ang tagal.
Bakit naisipan ko pa kasing magpamiss, ayan baligtad tuloy ang nangyari.

********************************

ALEXA'S POV

All set na ang new house ko. Naisipan ko kasing lumipat sa isang mas maliit na
bahay. Gusto ko kasing maranasang maging independent although parents ko pa rin
naman ang bumili nung bahay. Gusto ko kasing matuto ng mga gawaing bahay kasi alam
kong yun ang gusto ng monster goon ko. Lalo akong nagdecide na matuto nung nalaman
kong mahal nya ko. Bakit ba tuwing maaalala ko yung eksena namin kagabi parang
lumulutang ako sa hangin. Zero gravity na ba?

"Miss Ciesla okay na po ang lahat. Naayos na po namin. Kung may problema po may
emergency button po dyan na nakadirect sa mansion. Once na kelangan nyo ng tulong
darating kami agad. Everyday daw po naming ichecheck ang facilities ng bahay sabi
ng parents nyo at - "

"I'm fine. Wag kayong masyadong nakikinig sa parents ko. Wala naman silang alam.
Akin na yung susi ng bahay. Naiset nyo na din naman ang fingerprints and password
ng maindoor di ba?" mas gusto kasi ng parents ko na ganito ang lock ng bahay ko
para daw madetect agad ng security kung may magattempt na pumasok na iba. Yun kasi
yung condition nila para lang payagan akong tumira mag-isa sa isang bahay. Not
actually mag-isa kasi may maids din namang napunta dito pati butler namin nadalaw
din. Hindi na din naman ako nakipagtalo dahil at the end of the day mag-isa pa din
ako sa bahay.

Umalis na lahat ng tao sa bagong bahay ko ng maayos na lahat ng furnitures. Ang


bilis nga nilang gumawa. Nandito na din lahat ng gamit ko. Next thing na gagawin ko
is tawagan si Jezhi - oh my goodness nakalimutan kong magcharge. Kamusta na kaya
ang boyfriend ko? Baka naman nakikipaglandian na yun sa nata de coco na yun ah. Wag
syang magkakamali dahil kakalbuhin ko sya. Ngayon pang alam kong mahal ako ng goon
na yun, mas malakas ang loob kong basagin ang mukha ng nata na yun. Bakit ba kasi
hindi maubusan ng kontrabida sa mundo. Nawala nga sila Zanea may pumalit naman.
Sumakay na ako sa kotse para pumunta sa meeting place namin ni Jezhi para kunin ko
ang notes na kelangan ko. Makikitext na lang ako sa kanya para masabihan ang
boyfriend ko na okay lang ako at buhay pa naman in case na gusto nyang malaman.

Hindi naman kalayuan ang meeting place namin ang problema lang eh walang
mapagparkan ng kotse so umikot pa ako sa kabilang way ng coffee shop para lang
makapagpark and nung finally nakapagpark na ko at nakababa na ng kotse isang di
kaaya-ayang mukha ang nakita ko na sana hindi ko na lang nakita. Oo si Nata de coco
na may kasamang isang babae na tagadala nya ng gamit. Kawawang babae. Chin up lang
ako habang papalampas sa kanya. Syempre confident na ko dahil lamang na ako kay
goon kesa sa kanya.

"Alexa wait!" wait your face! Bahala ka dyan. "Alexa!"

"What? Kung magmamakaawa ka sa'kin na iwanan ko si Zak dahil lang mahal mo pa sya
well sorry! Hindi yan mangyayari! Manghihiram ka muna ng mukha sa aso bago yan
mangyari at kahit mangyari yun hindi pa din ako papayag! Alam mo hindi ka naman
panget pero hindi ka rin ganun kaganda. Pero sa tingin ko may magkakagusto pa naman
sa'yo kaya wag kang desperada. Dahil kapag hindi ka pa tumigil hindi ako
magdadalawang isip na saktan ka and worst basagin yang mukha mo!!!!" woooo. Ang
haba ng sinabi ko kasi baka kapag may sinabi na naman sya eh hindi na naman ako
makapagsalita.

"Pareho na talaga kayong magsalita. Ang brutal nyo din. Ganyan ba kayo magmahalan?"
tumawa sya. So may plano na naman ba sya? Tandaan nya binantaan ko na sya at totoo
yun. "Honestly I still love Zak pero after ko syang makausap kanina nakita ko at
naramdaman kong hindi na nya talaga ako mahal." Bigla syang tumahimik. "Kasalanan
ko din naman kasi. Alam ko kung anong mga pinagdaanan nya pero wala akong ginawa.
Bata pa kasi ako nun kaya takot pa ako. Pero kahit minsan hindi naman sya nawala sa
puso ko. Akala ko lang kasi iintayin nya ako pero hindi pala." Pinunasan nya ang
mga mata nya tsaka tumingin sa'kin. "Sorry kung akala mo kontrabida akong dumating
sa buhay nyo ha. Ang totoo pinipilit ko lang talagang magpakatapang para iready
yung sarili ko sa mga sasabihin ni Zak pero hindi ko alam na ganito yung
mangyayari. Promise hindi ko na kayo guguluhin. Nakita ko namang mahal nyo ang
isa't-isa. Pero tandaan mo once na saktan mo sya kukunin ko sya sa'yo at hinding-
hindi ko na sya ibabalik."

"Ako talaga ang mananakit sa kanya? So sa'kin may pagbabanta? Just in case you
wanna know palagi ko syang sinasaktan, sinusuntok, binubugbog but with his
permission. Preparation kasi yun once na ako ang saktan nya. But don't worry, I
know what you mean. Hindi ko sya sasaktan. I'm willing to do everything for him.
Hindi ko sya hahayaang makuha lang ng kahit na sino lalo na ikaw." I rolled my eyes
as if I'm not threatened. Well, I am really not. Nagulat na lang ako ng bigla syang
tumawa.

"You're so funny. Ang tapang mo din at bakit parang pareho kayo magsalita ni Zak?
Siguro nga dapat ko na kayong tigilan dahil dalawa na kayong nagbabanta sa'kin.
Ayokong masira 'tong maganda kong mukha. Isa pa mas marami dyang mas better kay Zak
kaya sa'yo na sya." Ngumiti sya sa'kin. Gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman pala
sya ganun kasama. Pero hindi ko rin pala masasabi kasi baka naman may ibang plano
'to so dapat hindi ako magpakita ng kabaitan o awa sa kanya. Kung isa syang
kontrabida well ipapakita ko sa kanya na ako ang bida-kontrabida sa story na 'to.

"Mas marami ngang mas better kay Zak pero sya nag-iisa lang walang katulad so sorry
to say wala ka ng mahahanap na tulad nya. And I need to go. Bye!" tumalikod ako
pero nakangiti. Magaan ang pakiramdam ko eh. Sa totoo lang kanina nagworry ako nung
sinabi nyang nag-usap sila kanina akala ko nagbago na ang isip nya pero nung hindi
naman pala ganun ang nangyari tumalon yung puso ko sa tuwa. Nakakainis kasi hindi
ako nakapagcharge, gusto ko ng tawagan ang boyfriend ko. Pero bakit hindi ba sya
nagawa ng paraan para alamin kung okay lang ako? Humanda sya sa'kin kapag wala
syang kahit isang text sa phone ko kapag nakapagcharge na ko.

Pumasok ako sa coffee shop at hinanap agad ng mata ko si Jezhi. Nagtaas sya ng
kamay at nagwave ng makita nya ko. As usual kasama nya si Val at teka sino yung
nakatalikod?

"Hey sis!" bati ko kay Jezhi ng bigla syang tumingin sa lalaking nakatalikod at
hindi sya nagsalita.

O.O

Si - si goon. Tumingin sya sa'kin na parang galit na hindi ko maintindihan. Okay,


ganyan ang gusto mo. Kunyari galit ako dahil nagusap sila ni Natalia! So hindi ko
sya pinansin kaya umupo na lang ako sa tabihan nya at kinausap ko si Jezhi.

"Nasaan na yung mga notes?" kung kelan naman gusto kong yakapin 'tong goon na 'to
tsaka naman ganito. Para din namang naiilang ako na nahihiya na ewan. Hindi nga
kasi sanay na may boyfriend di ba? At alam nyo naman kung paano kami nagsimula.

"Ayan lang ang binigay sa'kin eh. Wala naman daw yung ibang professors nyo nung
hapon." Mahinang sabi ni Jezhi.

"Thanks." Itinago ko na yung notes sa bag ko.

"So kamusta ang bagong bahay?" tanong ni Val. Ang daldal talaga nitong babaeng 'to
kahit kelan. Umiwas ng tingin sa'kin si Jezhi dahil tiningnan ko sya ng masama.
"Okay naman. Dun na ko uuwi ngayon since ayos na lahat. Excited na nga ako eh."
gusto ko mang ishare kay goon kung gaano ako kaaexcited pero di ko naman magawa
dahil hindi sya nagsasalita. "So aalis na ko ha. Thanks again." Tumayo na ko ng
bigla akong hawakan ni goon sa kamay.

"So wala ka talagang balak kausapin ako? Hindi ka na nga nagtext o nagsabi ng mga
gagawin mo hindi mo pa ko papansinin? Ano nagbago na ba ang isip mo?" ANong
sinasabi ng lalaking 'to? Umupo ako at tumingin sa kanya.

"What are you talking about? Ikaw ang hindi nagtetext nung umaga. I texted you as
soon as I woke up pero ikaw wala kang text. Nalobat na ko't lahat wala ka pa ring
kahit anong message sa'kin. Tapos ngayon ako ang sasabihan mo ng ganyan." I folded
my arms over my chest. "Oh let me guess, alam mong magkakausap kayo ni Natalia
kanina kaya hindi ka na nageffort na magtext sa'kin. Gaano ba katagal magtype at
magsend ng text kesa makipagusap kay Natalia? Ah baka naman mas gusto mo syang
kausap kesa itext ako. So bakit pa ako mageeffort na sabihin sa'yo kung anong
gagawin ko kung si Natalia din naman pala ang gusto mong kausapin at hindi ako."
Nanlaki ang mata nya sa mga sinabi ko. Hindi nya siguro alam na malalaman ko na
nagusap sila. "Nagulat ka at alam ko no? Wala kang balak sabihin?"

He sighed. "It's not what you think. Sinabi ko lang sa kanya lahat."

"So sinabi mo na sa kanya lahat at nagbago na ang isip mo at narealize mo na sya


pala yung totoong gusto mo at hindi ako?!!!" syempre joke lang 'to since alam ko
naman talaga ang pinagusapan nila. Kasi naman sya 'tong hindi nagtetext sa'kin
tapos sya pa magagalit. Upakan ko kaya 'to.

"Excuse me angry birds, aalis na kami baka kasi madamay pa kami sa away nyo."
Narinig ko lang sabi ni Val pero hindi kami nagsalita ni goon. Nakatingin lang ako
sa kanya at nakatingin din lang sya sa'kin.

"I need to go home. I'm tired!!!" bigla nya kong hinigit papalapit sa kanya.

"Kanina ko pa 'to gustong gawin. Halos mabaliw na ko kanina pang umaga kakaisip
sa'yo. Napakatanga ko kasi, gusto ko lang naman na mamiss mo ko kaya hindi ako
nagtetext. Ang iniisip ko yung katulad nung ibang babae na magagalit dahil hindi
natext tapos lalambingin then okay na. Kaso nakalimutan ko nga pala na hindi ka
katulad ng ibang babae. Kaya ang nangyari ako ang nakamiss sa'yo ng sobra-sobra."
Naramdaman kong humigpit ang yakap nya sa'kin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Zak, maraming tao. Nakakahiya." Bulong ko sa kanya kaya naman binitawan nya ako
pero magkalapit pa rin kami sa upuan.
"At yung tungkol kay Natalia hindi yun tulad ng iniisip mo. Kung ano man yung
nakarating sa'yo hindi yun totoo." Sabi nya habang nilalaro ang kamay ko.
Nanlalamig pa sya at parang nanginginig.

"So meaning hindi nagsasabi ng totoo si Natalia na sinabi mo sa kanya na hindi mo


na sya gusto at ako na ang mahal mo?" nakakatawa yung reaction nya after kong
magsalita. Hindi nya alam kung paano magrereact.

"Hindi. Totoo yun. Totoo na ikaw na ang mahal ko. Di ba nga sinabi ko na sa'yo
yun?" nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman pala nagbago ang isip nya. "Teka
alam mo naman pala kung anong napagusapan namin anong sinasabi mo dyan na nagbago
na ang isip ko ha?!!!!"

"Nagprepare lang ako just in case awayin mo ko. Magiging jelly gf din ako tulad ng
iba kunyari kahit alam ko naman yung totoo mong ginawa." Tumatawa kong explain sa
kanya.

"So wala akong dapat iexplain sa'yo dahil wala akong kasalanan. Ang kasalanan ko
lang eh ang hindi pagtetext dahil nagpapamiss ako pero ako din ang nagsuffer dahil
mas namiss kita." Hinalikan nya ang kamay ko then sabay akbay sa'kin. "Care to
explain kung bakit ka lumipat at hindi mo sinabi sa'kin?"

"Gusto ko lang kasing maging independent. I mean matuto sa mga gawaing bahay kasi
ano - kelangan yun ng isang babae." Kasi yun ang gusto mo. Grrrrr. Hindi ko naman
pwedeng sabihin yun.

"Good. Yan ang gusto ko pero hindi mo naman kelangang mameet yung mga gusto ko para
lang magustuhan pa kita kasi nga mahal kita at tanggap ko kahit buhay prinsesa ka
at walang alam sa gawaing bahay. But thanks sa effort." Naramdaman kong hinalikan
nya ko sa ulo.

Pero syempre mas gusto kong mas lalo nya kong mahalin kaya ko nga 'to ginagawa eh.
"Wanna see my new house?" lumayo ako sa kanya at tiningnan ko sya sa mata.

"I'd love to." Ang ganda ng ngiti nya. Enough na para matunaw ako ngayon sa
kinauupuan ko. "So aalis ba tayo o tititigan mo na lang ako?"

Parang napahiya naman ako sa sinabi nya. "Sabi ko nga." Tumayo ako at lumabas kami.
"So dun na lang tayo sa kotse mo? Ipapakuha ko na lang ang kotse ko sa driver."

"Sure." Pinagbuksan nya ko ng door ng car at sumakay ako. Bihira ko na syang


makitang magmotor.

Pumasok sya sa loob ng kotse pero hindi agad kami umalis. Tahimik lang sya.

"May problema ba? Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko sa kanya. Parang nagiisip sya
pero hindi ko alam kung ano. Bigla syang tumingin sa'kin. Ewan ko pero kinabahan
ako. "Ba - bakit? ANong problema?" dahan-dahan syang lumapit sa'kin at - at
hinalikan ako sa lips.

*Tug tug!

Di ko 'to ineexpect. Bigla syang lumayo afterwards. "Okay! Ready na ko. Kanina ko
pa kasi yan gustong gawin kaso sabi mo maraming tao." Ah yun lang pala. Sana sinabi
nya agad eh di sana nakiss ko din sya. Kabitin nga kasi hindi ako prepared sa kiss
na yun pero nanlamig ako ha. Parang kiss lang parang nahihirapan pa syang magisip.
Dati nga hindi pa kami kung halikan nya ko wagas ano pa kaya ngayong kami na.
Ihhhhhh! Naiisip ko palang na anytime pwede kaming magkiss kinikilig na ko. Ang
bilis ng tibok ng puso ko at para akong aatakihin sa puso. Sana palagi na lang
ganito. Yung walang kontrabida sa mundo.

He cleared his throat. "Anong iniisip mo?"

"Ikaw. Meron pa bang iba?" napatakip ako sa bibig ko bigla. Nakita kong ngumiti
sya. "Kasi ano - iniisip ko lang kung anong ginawa ko sa inyo ni Nata kung ako
mismo ang nakakita sa inyong nag-uusap!!!"

"Tss! Halikan pa kita sa harapan nya eh!" talaga? Gusto ko yun. Sana talaga nakita
ko silang dalawa. Nakakainis naman. Sayang. "Wag ka na ngang mag-isip dyan." Hindi
ko mapigilan eh. Ang hot mo kasi. "San nga yung bahay mo? Sana sinasabi mo no para
alam ko kung saan ako dadaan."

"Ah oo, sabi ko nga. Ano - dun lang din sa subdivision malapit sa mansion." Umiwas
ako ng tingin sa kanya dahil para akong pinagpapawisan ng malamig. Ayoko na syang
mamimiss ng ganito dahil hindi ko kinakaya.

Habang nasa byahe sa labas na lang ako tumingin para iwas tukso. Baka kasi
mahubaran ko pa sya sa isip ko eh bawal yun dito, wholesome nga kasi tayo. Isa pa
baka pagnasahan nyo din eh kung ano pang magawa ko sa inyo. "Yun yung bahay ko. Yun
may white gate!" Kinuha ko yung remote sa bag ko para buksan ang gate. "Pasok na."

Nakangiti lang sya habang papasok kami sa loob. Isinara ko ulit ang gate bago
bumaba.

"BAKIT BUMABA KA AGAD!! AYAW MO BANG PAGBUKSAN KITA?!!!" gosh! Parang bumaba lang
nagalit na agad? Hindi na ko nagsalita at bumalik ako sa loob ng kotse at inintay
kong pagbuksan nya ko.

"Okay na?" tanong ko sa kanya.

"Masanay ka na kasi may gwapo ka ng boyfriend na gagawa nito sa'yo." Pinipilit ko


namang sanayin ang sarili ko sa hot nyang presence pero nagdo-drool lang ako
palagi. "May balak ka bang papasukin ako sa loob?" I snapped back.

"Yes, of course." Nakakahiya ka na Alexa ha. Control naman ng konti. Baka isipin ng
boyfriend mo na manyak ka. SO hindi ko muna sya inisip. Nagdiretso ako sa door.
Type ng password then scan ng thumb then confirmation accepted then boom nagbukas
ang pintuan.

"Cool naman ng bahay mo." Sabi nya at pumasok sya sa loob.

"Yan kasi gusto ng parents ko. Isang incorrect na password lang magaalarm na at
darating na ang FBI." Natatawa kong sabi. Nakitawa na din sya since alam naman
nyang ginagawa kong exaggerated ang kwento ko. "Safety ko daw kasi ang iniisip
nila. Kapag pinilit nilang sirain ang system another alarm ulit at kahit anong
kaduda-dudang foot steps or unwanted noise sa loob ng bahay another alarm din kasi
kung kilala ko daw ang nasa loob hindi na kelangang maglakad ng dahan-dahan or mag-
ingay ng sobra-sobra. Hindi ko nga alam san nila nilagay yung sensor na yun."
Ibinaba ko ang gamit ko.

"So may CCTV din ba dito?" umupo sya sa couch.

"Ah yan naman ang hindi ako pumayag na lagyan. Kelangan ko din ng privacy. Kaya nga
ganito na lang kahigpit ang security dito dahil sa hindi naman nila ko makikita.
Ang CCTV lang ata dito eh sa gate at sa mga doors sa labas ng bahay." Nakatingin
sya sa'kin at ang ganda ng ngiti nya. Tumayo sya at lumapit sa'kin sabay hawak sa
waist ko. Mabuti na lang talaga hawak nya ko or else natumba na ko sa floor dahil
para na akong jelly ace sa lambot.
"Meaning ikaw lang at ako dito ngayon?" nakangiti sya.

"Yes. Bakit?" bigla syang bumulong sa'kin.

"We can do whatever we want then." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at bigla akong
nataranta. Bakit hindi ko naisip? Sya lang at ako dito ngayon. Walang ibang tao.
Paano kung? Paano kung? Hindi pwede. Hindi ganun kabilis. I mean wala pa kaming one
month, at isa pa bata pa ako at - no!!!!

"Hey relax. Wala naman akong gagawin sa'yong masama." Nakangiti nyang sabi.

"Ikaw wala, pero baka ako meron."

"What?" hindi agad ako nakasagot dahil nagulat din ako sa sinabi nya. "I didn't
know you can be that - " bigla kong tinakpan ang bibig nya dahil ayokong marinig
kung ano mang sasabihin nya.

"I got an idea. Gagawan kita ng Alexa's boombastic specialty!!!" hinigit ko sya
papuntang kitchen ng hindi sya tinitingnan. I know nakasmirk sya so what. Ayokong
tumingin dahil baka hindi ako makapagpigil at ano pang magawa ko sa kanya. Mabuti
na lang talaga at hindi nya naririnig ang mga nasa isip ko dahil sobrang kahihiyan
yun. "Umupo ka lang dito."

"Teka marunong ka bang magluto?" I rolled my eyes.

"Don't worry hindi ako magluluto! Gagawa lang ako ng dessert." Binuksan ko ang
fridge at kinuha ko lahat ng ice cream at yogurts. Kumuha din ako ng dalawang
malaking glass, Hershey syrup, cookies, m&m, candy sprinkles, crinkles, pastillas,
yema, leche flan and ube.

"Anong gagawin mo?" tanong nya habang nakalagay ang dalawa nyang kamay sa chin nya
at nakalean sya sa table na parang batang curious lang sa ginagawa ko.

"You'll see." Kumuha din ako ng ilang fruits sa table. Hinugasan ko ang apples and
strawberries then chinop ko. Kumuha din ako ng ice cubes sa fridge then nilagay ko
sa blender kasama ang apples and strawberries. Nilagyan ko din ng iba't ibang
flavors ng ice creams then yogurts.

"Sigurado ka bang makakain pa yan?" nakangiti lang ako then nagwink sa kanya. For
the first time nakita ko syang nagroll ang eyes. Meaning wala syang tiwala sa
ginagawa ko? Hindi ako marunong magluto pero nagawa ko na 'to several times so alam
kong masarap 'to.

Nilagyan kong Hershey syrup ang dalawang glass then nilagyan ko ng crushed cookies,
then m&ms then nilagyan ko ng ginawa ko sa blender pero konti lang then nilagyan ko
naman ng choco crinkles, at yema. Parang layer by layer lang, after ko ulit lagyan
ng blendered ice cream tsaka ko naman nilagyan ng ube at leche flan then nilagyan
ko ang last layer which is yung ibabaw. Nilagyan ko ng Hershey syrup na korteng
puso pa then candy sprinkles sa gitna ng heart at ang huli is yung pastillas.
Itinusok ko sya sa side na parang straw lang ang peg.

"Tenen! Alexa's boombastic specialty!!!!" iniabot ko sa kanya at gumawa pa ko ng


isa para sa'kin. Syempre mas maraming cookies at crinkles yung sa'kin. Apaw na apaw
pa nga sa glass. Yung glass namin parang isang bowl ang itsura. Kumuha ako ng
spoons at kumain na kami. "Tikman mo na."

Hindi naman sya nagpapilit at tinikman na din nya. Unang subo, walang reaction,
second, wala pa din, third wala pa din kaya sumimangot na ko. Kinuha ko yung glass
sa kanya at nilagay sa tapat ko.

"Bakit mo inaagaw? Sa'kin yan ah!" inagaw nya ulit sa'kin pero hindi na ko
nagsalita. "Grabe hindi ko naisip na magiging ganito kasarap yung kakalabasan since
kung ano-ano lang ang inilgay mo dito."

*___*

"Nasarapan ka?" parang nagi-star lang naman ang mga mata ko.

"Oo naman. Dapat mapadalas ako dito para matikman ko pa ang iba mong specialties."
Kumain sya ulit ng kumain habang tinitingnan ko sya.

Teka, what if ayaw nya lang saktan yung feelings ko at pinipilit nya lang kainin
yun kahit hindi masarap? Kumuha ako sa kinakain nya tsaka ko tinikman.

"HOY BAKIT KA BA KUHA NG KUHA? AKALA KO BA PARA SA'KIN 'TO!!" masarap naman ah. At
mukhang hindi naman sya napipilitan dahil kung yakapin nya yung glass eh parang
unan lang. Konti na nga lang magseselos na ko. Paano ba naman yung glass niyayakap
ako hindi.

"Ayan na nga, sa'yo na. Parang tinikman lang." at kumain na ulit ako ng sa'kin.
"Tsaka wag mo nang yakapin yang glass! Itatapon ko yan sige!!" bigla syang natawa.

"Okay! Pati baso pinagseselosan mo. PWede mo namang sabihing ikaw na lang ang
yakapin ko. Madali lang naman akong kausap." Feeling ko namula ako sa sinabi nya.
Hindi sya nakatingin sa'kin kaya mabuti na lang. Nakakahiya. Kulang na lang ilublob
ko ang mukha ko sa kinakain ko para matakpan lang. "Say ahhhhh!!"

Nakita ko na lang na hawak nya ang spoon na may specialty ko at nasa harapan ko.
"ANo ang tagal!!" papanganga na ko ng bigla nyang isinubo. Grrrrrrr! "Eh ang tagal
mo kaya. Ngalay na ko!!"

"I hate you!!!!" I rolled my eyes then balik na ko sa pagkain ko.

"I love you too." Then he winked at me. Oh goodness, parang may bumabang anghel sa
lupa at kinukuha ako paakyat. Bawing-bawi ang pagod ko maghapon eh. Nakatingin lang
ako sa kanya habang kumakain. Grabe busog na ko agad sa pagtitig palang sa kanya.
"I know I'm yummy, you don't have to be so obvious."

>.>

<.<

Halata na ba talaga ako? Nakakahiya. Hindi na ko makapagpigil. Grabe alam na alam


nya talaga how make a girl blushed from embarrassment.

"You're adorable. I didn't know your face can be that red." Hindi na ko nagsalita.
Buset ka goon! Napapahiya na ko!!!!! Napansin nya atang hindi na ko nagsasalita.
"Alam mo mas magiging masaya 'tong bahay mo kung dalawa na tayong titira dito."

"AHhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!! Enough!! Hindi mo na ba talaga ako titigilan?


Nakakahiya na 'to!!! Umalis ka na nga lang!!!" naiinis na kasi ako. Nahihiya na ko
ng sobra. At ano bang sinasabi nya. Hindi ako hihiwalay sa parents ko para lang
makipaglive in.
Habang naghehysterical ako nakita ko si goon na nakahawak sa tyan nya habang hindi
na mapigilan ang kakatawa. "Ah ganun pala ha!" kinuha ko ang Hershey syrup at
pinasiritan ko sya.

"Hoy! Hoy wag mong gawin yan aba!!" pero akala nya magpapapigil ako. Lalo ko syang
nilagyan kaya naman nanakbo sya. Nagbukas sya ng ref at nakakita ng softdrinks. Uh-
oh.

"Zak titigil na ko ha. Okay na. Ayoko na." pero ngumiti lang sya. Kinalog nya ang
softdrinks. "Hoy wag kang magkalat dito. Walang maglilinis!!"

"Don't worry, willing akong magstay over night para maglinis."ng bigla nyang
binuksan ang softdrinks and boom. Tama, sumirit sya sa'kin.

Pinigilan ko ang kamay sya sa pagtapat sa'kin ng softdrinks kaya naman nabasa din
sya.

"Uhaw ka na ata!!" sabay tapat ulit sa'kin nung softdrinks at sapul pa ko sa mukha.

Ganyan pala ang gusto mo ha. Binuksan ko ang ref at kumuha din ako ng softdrinks.
"Ayoko na. Maglinis na tayo." Narinig kong sabi nya. Ayokonahin mo yang mukha
mo!!!! Akala nya ba magpapatalo ako. No way! *evil grin

Pagkashake ko ng softdrinks sabay tanggal ng cap sumirit sya agad diretso sa face
ni goon. Hindi ko naman napigilang tumawa. Parang nainis ata sya kaya naman mabilis
syang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa waist at binuhat ako.

"AHhhhhhhhhhhhh! Ibaba mo ko!!" hindi pa sya nakuntento, kiniliti pa ko ng kiniliti


kaya naman nabitawan ko yung softdrinks. "Stop it! Ayoko na. Stop!!" sabi ko habang
tawa ng tawa.

"Say please." Halos umikot na ko at mabalian sa pagkilos at pagtawa.

"Please - please stop!!!" grabe hindi na ko makahinga.


"Ay hindi, say 'I love you'" medyo tumigil sya dahil napansin nya atang hindi na ko
makahinga.

"No!!" hinihingal kong sabi. Bago palang ako bubwelo ng bigla nya ulit ako
kiniliti. Hindi na ulit ako makahinga at nilalamig pa ko.

"No pala ha!!" binuhat nya ko at isinampay sa balikat nya na parang jacket.
"Sabihin mong mahal mo ko titigil ako."

"Ayoko! Ayoko!! Ibaba mo na ko!" hindi pa sya nakuntento at kinikiliti pa din ako
habang nasa balikat nya. "Ahhhhhhh! Sige na. Sige na sasabihin ko na!" tumigil sya
sa pagkiliti sa'kin at iniupo ako sa table. Nakahawak sya sa waist ko habang ako
nakatingin sa kanya na hinihingal pa.

"And?" sabi nya habang naghihintay ng sasabihin ko.

"I love you." Mahina kong sabi sabay yuko.

"What? May sinabi ka ba?"

"I love you." Sabi ko ulit ng mahina.

"Wait, may softdrinks ata ako sa tenga kasi hindi kita marinig. Ano ulit yun?"
grabe alam kong gusto nya lang ipaulit sa'kin eh!

"Sabi ko I love you - "then bigla nya kong hinalikan. I don't know pero para akong
kinukuryente. We're kissing so differently. Parang sobrang miss namin ang isang
isa. Nakahawak pa din sya sa waist ko habang nasa may neck naman nya ang mga kamay
ko.

"I love you too." Sabi nya habang nagkikiss kami. "You drive me crazy." Sabi nya
ulit sa bawat kiss. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Naramdaman kong
humigpit ang hawak nya sa waist ko na parang hinahaplos nya kaya naman napahawak
din ako sa may neck nya. Nagulat ako ng bigla nya kong binuhat pero hindi naputol
ang kiss namin. Ito na ata ang pinakamatagal na kiss na nagawa namin so far.
Napahawak ako sa hair nya. Hindi ko alam kung bakit pero kusang nagalaw ang katawan
ko. "You're so beautiful." Sabi nya ulit. Ganun ba ako kagaan at nakukuha nyang
maglakad habang nagkikiss kami.
O.O

Oh wait. Hindi namin gagawin. Bawal! Ayoko! Pero bakit wala akong magawa. Parang
ayoko namang tumigil kami -

*TUGSH

"Aray!" sigaw ni goon. Nadulas lang naman sya kaya natumba kami ng medyo may
kalakasan sa floor. Paanong hindi madudulas eh basa na ang floor sa buong kitchen.
Mabuti na lang at nasa ilalim sya at nasa ibabaw ako kaya hindi ako nasaktan.

And woooo saved by the bell. Mabuti na lang kasi kung hindi baka kung ano pang
nangyari. Magsasalita na sana ko ng may marinig kaming parang tiktok ng orasan na
medyo may kalakasan.

"Ano yun?" tanong nya sa'kin habang dahan-dahan kaming tumatayo sa floor.

"Ewan ko."

*Ennnnnnnnggggggggggggggggg!!!!!!! Beeyuuuuuuuuuuuuu beeeyuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu

"Crap! Yung alarm!!" sigaw ni goon. Nagpanic kaming dalawa dahil sa sobrang lakas
ng alarm.

"May sensor sa floor. Ang lakas siguro ng impact ng pagkakabagsak natin sa floor
kaya nagalarm!" sigaw ko para marinig nya ang sinasabi ko.

"Patayin mo na ang alarm ang sakit sa tenga." Sigaw nya din para marinig ko.

Oh no! Hindi ko pala alam paano 'to pinapatay. Oh hell. Hinigit ko si goon paakyat
sa kwarto ko. "Sa kwarto ko bilis!!"

"Hoy ayoko! Bata pa ko! Isa pa masyadong mabilis!" natatawa ako sa sinasabi nya
habang papasok kami sa loob ng kwarto. "Alexa, ayokong sa ganitong paraan!"

"Oh shut up! Hindi kita pagsasamantalahan. You wish!!" natatawa kong sabi kahit ang
totoo gusto ko naman talaga syang pagsamantalahan. Nakakatuwa lang kasi nakukuha pa
nyang magbiro.

"Eh anong ginagawa natin dito?"

*Dingdong

"Oh no. Nandito na sila. Magtago ka lang dito okay. Andyan na ang security and for
sure magtatanong yang mga yan." Hindi pa man ako tapos magsalita ng biglang may
kumatok.

*Tok tok

"Miss Ciesla okay lang po ba kayo? Nandyan po ba kayo?"

Oh no! Anong gagawin ko. Patay ako sa parents ko kapag nalaman nilang may kasama
akong lalaki dito. Patay na.

"Miss nandyan po ba kayo? Pakibuksan po ang pintuan!"

Anong gagawin ko? I'm so dead! I'm so dead!

A/N

Push for 1M reads tayo guys. :) Grabe bagal ng net kagabi pa. Anyways, vote,
comment, follow and like our fan page. Thank you so much. Salamat sa mga
comments. :)

<3 megladiolus

*******************************************
43

*******************************************
ALEXA'S POV
"We should becareful next time." Naglalakad kami ni goon at Jezhi papuntang parking
lot. Naglolokohan kami ng kung ano-ano lang.

"Sis, sasama ka ba talaga sa'min? Wala ka bang sariling lakad? I mean, kayo ni
Val?" hindi naman sa tinataboy ko sya kaya lang hindi kami makapagkwentuhan ni goon
ng maayos. Medyo nakakailang kasi.

She folded her arms over her chest and raised her eyebrow. "Excuse me? Baka
nakakalimutan mo we're bestfriends so dapat nagbobonding din tayo. Hindi puro
boyfriend."

"Wow, at sa'yo ko pa talaga narinig yan of all people." Natatawa kong sabi sa
kanya. Magkahawak kami ng kamay ni goon habang naglalakad habang si Jezhi eh parang
lutang. Siguro may problema sila ni Val. Tama din naman sya, kelangan din naming
magbonding. Pero mas gusto ko kami ng monster goon ko ang magkasama at magbonding
maghapon magdamag. Napapangiti ako. Baliw na nga talaga ako. Konti na lang
macoconvince na ko.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Nagkatinginan kami ni goon ng marinig namin ang tunog. Pareho kasi kami ng ringtone
so nacoconfuse kami kung kaninong phone yun.

Slight turn of the head

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

"That's mine." Sabi nya habang hawak-hawak ang phone. "Sasagutin ko lang ha."

"Sure." I smiled. Lumayo sya sa'min ni Jezhi kaya hindi ko marinig kung anong
sinasabi nya.
"Ginagawa nya ba yan sa'yo?" hindi ko napansin na katabi na ng mukha ko ang mukha
ni Jezhi.

"Ginagawa ang alin?" hindi ko naman maintindihan kung anong tinatanong nitong
babaeng 'to. Wala namang ginagawa si goon so anong tinatanong nya?

"Yan ganyan. Lumalayo sya kapag may kausap sa phone." Hindi ba normal lang na
lumayo kapag may kausap sa phone lalo na kung confidential? "Hindi yan ginagawa ni
Val sa'kin. Lahat ng tumatawag sa kanya o tinatawagan nya alam ko at naririnig ko."

"And so?" I'm so ignorant! Wala talaga akong idea sa ganito.

"Duh! Kapag ang boyfriend mo eh may kinakausap sa phone na hindi mo naririnig dapat
kabahan ka na. Kasi pwedeng may secret sya na ayaw mong malaman. Or worse may iba
syang babae." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Jezhi. Napatingin ako kay goon at
hindi ako nakapagsalita. Ibang babae? Hindi naman siguro sya magkakaron ng ibang
babae.

"Hey! Namiss agad kita." Lumapit agad si goon after ng phone conversation nya.
Hinawakan nya ko sa waist at hinalikan sa forehead. See, hindi naman nya ko
ipagpapalit. Ganito kasweet? Hell no. "I need to go."

"You what?" medyo nagulat naman ako. Bakit sya aalis? "I thought magdidinner tayo?"
I am so disappointed. I don't wanna sound kontrabida at mahigpit na girlfriend.
Okay lang na gumimik sya kaya lang hindi sya mahilig sa gimik. "Oh sorry, kung may
practice ka that's fine. I understand. Besides Jezhi's with me. Bonding time
together na rin." I said faking my laugh.

"Thank you. I'll call you when I get home." Hinalikan nya ko sa cheek. "I love
you." At umalis na sya. Naiwan kami ni Jezhi na nakatayo habang pinagmamasdan syang
makalayo.

"Sinabi ba nya kung may practice ba sya o wala?" I rolled my eyes dahil sa tanong
nitong babaeng 'to but at the same time napaiisip din. Hindi naman sya sinabing
magpapractice nga sya o kung saan sya pupunta. Nakakainis ah.

"Pwede ba Jezhi, wag mong guluhin ang utak ko!!!" naglakad ako papunta sa kotse ko.
"Sorry. Pero swear matututo ka sa'kin." Matututo ng ano? Ng kalandian? Kung gusto
kong lumandi sana noon pa hindi yung ngayong nahanap ko na ang love of my life.
Ihhhhh! Korni ko na talaga. Nakakainis. "I'm sorry! My bad. Di ko naman sinasabing
about kay Zak lahat ng mga masasabi ko di ba? In general naman yun so hindi mo
kelangang magworry." Mabuti naman. Papasok na ko sa kotse ng bigla pa syang
nagpahabol. Hindi na nga ako nagsasalita kasi naman nagbabago na ang mood ko oh.
"Hey, I wanna check out your new house and I missed your boombastic specialty."
Napangiti naman ako ng marinig ko ang sinabi nya. Namiss ko din palang
makipagbonding sa bestfriend ko.

"I'd love that. Sundan mo lang ako." Then pumasok na ko sa car. Kasunod ng kotse ko
ang kotse ni Jezhi. Sayang wala si goon pero okay na din. For sure madami kaming
mapagkukwentuhan ni Jezhi at baka mabigyan nya pa ako ng tips. Basta positive tips
lang para hindi ako mabadvibes.

Dumating kami sa bahay ng maayos at safe. Ibinaba ko ang gamit ko pagkapasok na


pagkapasok namin. Dumiretso kami sa kitchen para magprepare ng boombastic specialty
ko. Nakaupo lang si Jezhi sa stool habang nakatingin sa'kin.

"No offense sis ha, but this place is like hell to me." Natawa nyang sabi. Anong
bang hell ang pinagsasabi nito? Ang dami na nyang naiisip ngayon ha di tulad dati
na wala syang maisip kahit konti. Maganda din palang influence si Val sa kanya. "I
mean this is exactly the same sa grounded house na tinatawag ko. Alam mo yung
pinasadyang bahay ng parents ko for me. Kapag grounded ako dun nila ko kinukulong.
Parang house arrest lang ang peg. May sensors, cctv, emergency facilities and all.
Isang araw nga lang akong tumigil dun mababaliw na ko."

"No wonder kung bakit ka ganyan kabaliw." Pagbibiro ko sa kanya. Afterwards,


natapos ko rin ang specialty ko kaya kumain na kami. Mukhang namiss talaga ni Jezhi
'tong specialty ko at ang dami nyang kinakain.

"Oh my gosh sis, are these cook books?" nakita kong hawak-hawak nya ang mga cook
books sa table. Hindi ko pala naitabi. Bumili ako ng cook books para
makapagpractice magluto. "You're taking it seriously. Alam mo hindi mo naman
kelangang magpakahirap ng ganito. Kung mahal ka talaga ni Zak kahit wala kang alam
na gawaing bahay hindi ka nun iiwanan. Trust me."

"Ang dami mong alam. Past time ko lang yan. Gusto ko lang matututo, dapat lang
naman di ba marunong magluto ang babae?" pero ang totoo gusto lang ni goon ang
babaeng marunong magluto at gumawa sa bahay.

"Oh shut up. You can't fool me sissy." Sumubo muna sya ng boombastic specialty.
Mukhang gutom talaga sya. "So anong sabi ng parents mo ngayong may boyfriend ka
na?"

Nag-isip ako sandali. "Do I need to tell them? As if they care. Wala naman silang
pakialam sa buhay ko. Hindi nga nila ko kinakamusta everyday. Besides nasa right
age na ko para magboyfriend." Syempre balak ko namang sabihin sa parents ko na may
boyfriend na ko yun nga lang kapag buntis na ko................ Joke lang. Di rin!
Pero depende na lang din pala but as of now hindi muna, mga next month na lang.
Bwahahaha.

"Parents mo sila at dapat nilang malaman, hello!!!" nakakainis talaga yung nag-
iisip ka tapos may biglang gugulo sa'yo.

"Alam mo malalaman din naman nila sooner or later. At gusto ko kung malalaman nila
eh personal para makilala na rin nila si goon." Mahal ko yung goon na yun kaya
gusto ko ipakilala sya ng pormal sa parents ko. Sya kasi nakilala ko na ang papa
nya at si Cia.

"I'm sure magugulat sila. Baka sabihin nila 'thank you Lord, babae talaga ang anak
ko'." Tumatawang sabi ni Jezhi.

"That's possible." Nagtawanan kami at konting kwentuhan about sa mga new stuffs
namin. Tinulungan nya kong maglinis ng mga pinaggamitan namin sa kitchen at
nagdiretso kami sa room ko. Habang nakahiga ako eh nagiikot-ikot sya at tumitingin
ng kung ano-ano.

"I can't believe na pinagpalit mo ang mansion nyo sa house na 'to." Napatingin ako
sa kanya na nagbubukas ng closet ko. "And look at your clothes, wala pa 'to sa one-
third ng gamit mo sa walk-in closet mo sa mansion."

"Ano ba kasing alam mo? Dito tanggap ko pa na mag-isa ako kasi wala talagang ibang
tao maliban sa'kin. Eh sa mansion, madaming tao pero ni isa wala akong makita dahil
sa sobrang laki ng bahay. Unless may kelangan ako tsaka lang may susulpot. Malay ko
ba kung napasok na kami ng masasamang loob tapos pinatay kami - tapos - tapos
pagsasamantalahan ako. Nooooo!!!" bigla kong tinakluban ng blanket ang katawan ko.
Naiisip ko palang na may ibang mananamantala sa'kin halos magcollapse na ko sa
takot. Pero - pero kung si goon ang maiimagine kong mananamantala sa'kin? Naku
magcocollapse din ako ------- sa kilig syempre. Duh! Aangal pa ko? Si goon na nga
yun di ba?

"What's this? Sleeping bag?" nakita kong hawak-hawak ni Jezhi ang sleeping bag na
hindi ko pa natitiklop. "Ewwww gross. Bakit parang malagkit at - at amoy
softdrinks?" humarap sya sa'kin sabay tingin sa sleeping bag at hindi ko naman
napigilang mapangiti.
Nung last time kasi na nandito si goon, yung nagalarm. Natatandaan nyo ba? Tama yun
na nga. Medyo may katagalan na din naman yun at dahil wala akong choice kundi
buksan ang pinto ng room ko eh pinagtago ko si goon sa sleeping bag at nasa ilalim
ng bed ko. Medyo ilang oras din sya dun dahil nagikot pa at nagcheck ng facilities
yung security na inassign ng parents ko. Mabuti na nga lang talaga at nagawan ko ng
paraan.

"Alexa?" oh Jezhi bakit lagi mo na lang bang iniistorbo ang pag-iisip ko.

"Fine! Sasabihin ko na." umupo ako sa bed at humarap sa kanya. "Uhm nagpunta kasi
si goon dito - "

"Oh my gosh! You finally did it, didn't you? So anong pakiramdam? Well ako nung una
- ah hindi ko na pala matandaan." Inihagis nya yung sleeping bag at biglang tumalon
sa bed ko. "Tell me more."

"Ano bang sinasabi mo?" tumuro sya sa body nya then nag-act na parang naghuhubad
then - "No!! Are you crazy?" kahit gustuhin ko hindi pwede dahil masyadong mabait
si goon. "Hindi yun ang sinasabi ko okay? Makinig ka kaya!!" para namang nalungkot
yung mukha nya. Kahit naman mahal ko si goon hindi naman ako basta-basta bibigay
no. Haller!! "So ayun nga, kinausap ko lahat ng security tsaka lumabas si goon.
Mabuti nga hindi kami nahuli. Hindi naman nila tinanong yung about sa car."
Kinwento ko sa kanya yung mga ginawa namin syempre hindi kasama yung intimate kiss.
Duh! Sa'min lang ni goon yun at isa pa hindi dapat pinagkakalat ang mga ganung
moments.

"Boring. Boring ka talaga as ever. Alam mo kung may chance na kayong dalawa to do
whatever you wanna do then go. I mean guys will always be guys." Umupo sya tsaka
humarap sa mirror sa may harapan namin.

"Alam mo hindi ako ganyan mag-isip kaya pwede ba tigilan mo ko. Bakit sa inyo ba ni
Val may nangyayari na?" bigla syang namula at hindi agad nakasagot. "You don't need
to answer kasi alam ko na."

"Well, I've done that several times but this one's different." Humarap sya sa'kin
at ang laki ng ngiti. "You know that feeling when - " bigla kong tinakpan ang bibig
nya.

"Shut up! I don't wanna get into the details at hindi ako interesado!!!" medyo
gross lang si Jezhi. Di ba nga sabi ko dapat ang mga ganung moments eh sa inyo na
lang dalawa ng partner mo. Imagine babae pa sya ha. Hindi naman sa nagiinarte ako
pero ayoko lang talagang malaman.

Tinanggal nya ang kamay ko sa pagkakahawak sa bibig nya. "Fine! Pero sinasabi ko
sa'yo lalaki yang mga yan. Kapag may nakita yang maganda at sexy na babae alam mo
na kung anong pwede nilang gawin lalo na't hindi nya nagagawa sa'yo yun." Naiinis
ako sa sinasabi nya. Alam kong hindi lahat ng lalaki ganun pero bakit kung
makapagsalita sya parang alam na alam nya. "I've been there. So learn from the
expert."

"Pwede ba wag mong bahidan ng malisya ang utak ko! Bago lang kami ni goon. Isa pa
alam kong hindi sya ganung klaseng lalaki. Womanhater nga sya dati so imposible
talaga yang sinasabi mo!!" biglang nanlaki ang mga mata ni Jezhi at parang may
naisip na naman.

"Oh my goodness sis, don't tell me he's doing something on his own." Rated G ang
story na 'to so bakit ganito ang usapan namin ni Jezhi? Parang - parang hindi na
ata ako tatagal. "You know, using his - " hinampas ko sya ng malakas sa mukha gamit
ang unan ko.

"AHhhhhhhhhhhhhhh! Shut up!!!!!!!!!!!!" hindi ko na talaga kaya. Hindi kasi ako


kumportable. Ewan ko ha, siguro dahil sya ang nagkukwento? Pero kung si goon kaya
ang nagsasabi nito ano kayang magiging reaction ko?

Matutuwa ka for sure. Baka nga ipademo mo pa.

No!! Gross!!! You'll never know!!

"Bakit mo ginawa yun?" nakahawak si Jezhi sa ulo nya. Mukhang hindi naman sya
galit, parang nabigla lang. Hindi ako sumagot at tiningnan ko lang sya. "Oh you're
miss virgin nga pala. Sorry!" umupo sya at nag-ayos ng buhok. "Sige na nga hindi na
ko magsasabi ng kahit anong related dun. But if you need some advice - "

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" sumigaw ako para hindi ko marinig ang sasabihin nya.

"Fine! Arte lang ha." Tumingin sya sa'kin ng diretso. "But I'm happy hindi mo yan
naiisip. Sana ganyan din ako dati." Nagbuntong hininga sya. Ilang seconds din
kaming tahimik.
"How about sa acts ng guys? Ano ba yung act na dapat na kong mabother?" tanong ko
sa kanya. Mas gusto ko na yung ganitong tanong at usapan kesa dun sa rated SPG.
Bawal sa mga bata.

"Hmmmmm." Parang nag-isip pa sya kahit hindi ko alam kung may sense ba ang
sasabihin nya or wala. "Well, kung bihira na kayong magkita at kapag magkasama kayo
eh nakakareceive sya ng text ng hindi nya sinasabi kung sino then may tatawag sa
kanya sa phone. Mga ganun, kasi kung mahal ka talaga nya mamimiss ka nya palagi. So
kapag medyo cold na ang guy meaning may iba na syang nahanap. Usually yung mga
ganun eh naghihintay lang na yung babae na ang makipagbreak sa kanila at yun naman
ang gustong-gusto nilang gawin." Medyo hindi naman ako nagworry since hindi ko
naman nararamdaman na ganun si goon sa'kin kahit magiisang buwan na kami.

Holy golly! Magiisang buwan na kami? Teka ang bilis ah. Parang kelan lang.

"Are you still listening?" mukha ng naiinis na Jezhi ang nagflash sa harapan ko.

"Of course. Thinking about my boyfriend - magiisang buwan na pala kami." Bigla
akong kinabahan na parang nahiya na parang kinilig na hindi ko maexplain, in short
- mixed emotion.

Jezhi clapped her hands. "Then anong gift mo sa kanya?"

"Gift? For what?" para san ang gift?

"Hello manag Alexa, modern time na tayo. Sinecelebrate ang monthsary no! May gift
ang lovers sa isa't-isa. I wonder anong gagawin ni Zak." Bigla syang sumimangot.
"Pero hindi ako magugulat kung wala syang gawin kasi tulad mo boring din sya at
walang alam or kung meron man I doubt na gagawin nya yun."

Gift daw? Ano naman kayang ireregalo ko sa kanya? Napapanood ko nga yun sa movies
pero hindi ko alam na ganun talaga sya sa totoong buhay.

"Anyways, I gotta go. Tapos na daw si Val sa ginawa nya." Hindi ko napansin na
nakatayo na si Jezhi. Lumapit sya sa'kin at nagbeso. "Wag kang masyadong mag-isip.
Pwede mo naman syang tanungin ng mga gusto nya ng hindi nya nahahalata." Nagwink
sya sa'kin then nagsmile.

Inihatid ko si Jezhi sa labas. Mukhang hindi naman nasayang ang girl talk namin
ngayon. May mga natutunan naman ako sa kanya. Bumalik ako sa kwarto at nag-isip
kung ano kayang mairegalo kay goon. Habang nag-iisip ako dahan-dahan ding pumipikit
ang mga mata ko.

**************************************

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

*TUGSH

Aray! Ang sakit naman. Tumama ang mukha ko sa matigas na - floor? Dumilat ako at
nakita ko ang bed ko. Meaning nalaglag ako sa floor.

Slight turn of the head

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

Oh no! That's my phone. Kinapa ko ang phone ko sa table at nakita kong si goon ang
natawag.

"Hey. Kakauwi mo lang?" maganda kong tanong sa kanya. Naalala ko kasi na tatawagan
nya ko as soon as makauwi sya.

[Kakauwi? Kakaalis ko nga lang ng bahay tapos uuwi agad?]

"What?"

[Ano pa bang ginagawa mo? Kung pagbuksan mo kaya ako at papasukin dyan sa loob.]

"Pero - " pero gabi na at hindi magandang tingnan na nandito sya sa bahay at kami
lang dalawa at tulog na ang mga kapitbahay at -
[Kung tumitingin ka kaya sa oras! Umaga na at male-late na tayo sa school kung
hindi ka pa kikilos dyan!!]

Napatayo ako bigla -

*TUGSH

Kapag minalamas ka nga naman, nauntog pa ko sa table. Tumingin agad ako sa oras sa
phone ko.

7:02am

Crap! I'm so late! Ibinaba ko ang phone ko at tumakbo pababa. Pinagbuksan ko si


goon at bumalik agad ako sa room para magshower. Hindi ako nagsalita kasi hindi pa
ko nagtotoothbrush. Grabe hindi ko napansin na nakatulog na ko ng diretso kagabi
dahil lang sa pag-iisip ng ireregalo sa boyfriend ko at until now wala pa din akong
naiisip. Ang hirap naman. Wala pa mandin akong alam na madaling techniques para
hindi na ko mahirapan.

Sandali lang akong nagshower at bumaba na ko agad. Nakita kong nakaupo si goon at
hawak nya ang phone nya. "Hey!" napalingon sya sa'kin.

"Ready miss sexy?" umagang-umaga nambobola 'tong mokong na 'to.

"Bilisan natin." Tumayo sya at kinuha ang mga gamit ko sa'kin at naunang maglakad
palabas. Hindi na din naman ako nakipagtalo.

Parang puyat ang itsura ni goon samantalang ako maraming tulog. Papasok sya ng
kotse ng mapansin kong nakabonnet sya.

"Nagbobonnet ka?" Ngayon ko lang sya nakitang nakabonnet pero believe me ang hot ng
dating nya. Ang gwapo lalo. Bagay ang black bonnet sa kanya.

"I extremely know how hot I am." Bigla syang ngumiti sa'kin. Thank you lord sa
magandang umaga na 'to. Isang anghel ang bumaba sa lupa para sunduin ako.
Napakaswerte ko naman.

Dumating kami sa school. Nagklase kami, naglunch at kung ano-ano pa hanggang sa


maguwian na ulit pero wala pa din akong naiisip na iregalo sa kanya. Tanungin ko na
lang kaya sya.

"Zak?" tanong ko habang nandito kami sa may bench malapit sa library.

"Mmmmm?" nakaakbay lang naman sya sa'kin at ang ulo ko eh nasa balikat nya. Oha,
sweet no? Inggit kayo? Hahahahaha. Ang bango-bango nya kaya tapos ang tigas ng arms
at shoulder. Oh yeah, yumyum.

Manyak mode ka na naman Alexa.

No! Nagdedescribe lang ako ng isang hot na nilalang.

Whatever!

"Kung may matatanggap kang bagay galing sa random people, anong gusto mo?" tama
kaya yung tanong ko?

"Wala naman akong gustong bagay eh. Tao ang gusto ko tsaka isa pa yung taong yun eh
na sa'kin na so ano pang hihilingin ko?" pwede po bang matunaw? Ngayon lang.
Maginaw ngayon pero parang pinagpapawisan ako ng mainit. Ang laki ng ngiti ko buti
hindi nya kita. "Pero kung ikaw ang magbibigay ng regalo sa'kin kahit ano okay
lang. Itatabi ko pa yun sa pagtulog ko. O kaya ibalot mo na lang yang sarili mo
tapos itatabi kita sa pagtulog ko. Magandang idea di ba?" siniko ko sya sa tyan
dahil sa sinabi nya.

"Puro ka talaga kalokohan kahit kelan. Pwede bang magseryoso ka nga!" Arte ko no?
Pero ang totoo kinikilig ako ng bongga. Inawat ko na sya kasi baka di ko kayanin
ang kilig eh magcollapse pa ko dito.

"Oh bakit seryoso naman ako ah. Seryoso naman ako sa'yo." Okay, alam ko sinasadya
na nya 'tong mga kakornihan na 'to kaya humarap ako sa kanya ng magkasalubong ang
kilay. "Relax, hindi yun joke. Totoo yun. Tsaka bakit ka ba tanong ng tanong about
sa regalo? Alam mo nga kasi kahit ano basta galing sa'yo tatanggpin ko. Kahit nga
pumitas ka dyan ng dahon tapos ibigay mo sa'kin kukunin ko. Iiipit ko pa sa book,
ganun kaespesyal ang gift na yun." Ano kayang meron kay goon at ang dami na nyang
nalalamang mga ganitong linya? Nawawala na ba ang pagkatorpe nya?

Sumandal ulit ako at tumingin sa malayo at nag-iisip pa rin. Siguro naman hindi ako
mahihirapang magregalo sa kanya since kahit ano naman daw tatanggapin nya. Pero mas
bet ko kasi yung ibabalot ko yung sarili ko tapos ireregalo ko sa kanya. Kaya lang
paano nya ko makukuha? Sinong magdadala sa'kin sa kanya? Kasi naman yung regalo ko
itatabi nya sa pagtulog tapos ako hindi. Pero hindi kamanyakan ang iniisip ko,
masyado kayong maghusga ha. Pagmamahal 'to at hindi kamanyakan. Kayo kaya lumagay
sa sitwasyon ko ha? But on the second thought, wag na lang pala dahil alam kong
maguunahan pa kayo.

"I need to go. Hindi kita mahahatid ngayon ha." Hinalikan nya lang ako sa noo at
hindi na ko pinaghintay magsalita.

"Sure. Have a great time." Mahina kong sabi habang tinitingnan sya palayo. Alam ko
hindi na nya ko maririnig. Mukhang nagmamadali na naman sya. Pero okay na din
siguro 'to para naman makaisip ako ng ireregalo ko sa kanya.

"HOY!!"

"AY KALABAW!!" nagulat lang naman ako sa bwisit na si Jezhi. "Ano ba sa tingin mo
ang ginagawa mo?"

Umupo sya sa tabihan ko. "Eh di sinusundo ka. Sinabi ni Zak kay Val na hindi ka daw
nya mahahatid so ako na daw bahala sa'yo." Naisip pa talaga ni goon yun. Alam ko
namang ako lang ang lagi nyang iniisip.

"Samahan mo ko sa mall. Maghahanap lang ako ng pwedeng iregalo kay goon. Kahit ano
naman daw gift ang ibigay ko okay lang sa kanya." So kung ano na lang ang makita
kong una yun na lang. O kaya lahat na lang ng makita ko.

"Sissy, you don't really get it, do you?" heto na naman po ang words of wisdom ng
expert kong bestfriend. "Hindi nagsasabi ang lalaki ng gusto nila sa taong mahal
nila kasi iniintay nila kung ano yung ibibigay ng babae sa kanila. Gusto nila ng
thrill. And knowing you? For sure kung ano na lang ang makita mo sa mall bibilhin
mo, tingin mo ba hindi rin kayang bilhin ni Zak yun?"

Ang galing talaga nitong babaeng 'to. Kahit nakakainis sya minsan may sense naman
mga sinasabi nya. I hate to say this but regarding this aspect, mas magaling si
JEzhi sa'kin. Sa ganito lang ha. "Pupunta nga tayo sa mall para maghanap hindi para
bumili na lang basta-basta." Lie. Kahit ang totoo yun ang una kong plano.

2 HOURS LATER

"Mas mahirap pa 'to sa project namin sa major. Hindi ko akalain na ganito pala
kahirap magregalo. First month pa lang 'to. What more pa kaya sa mga darating na
months and years?" wala na talaga akong pag-asang makahanap. Paano ba naman yung
taong inaasahan kong makakatulong sa'kin eh mas marami pang nabili.

"Tingin ko bagay din 'to sa'kin." Another dress na naman, ang reason nya kung bakit
nya binibili eh dahil sexy daw syang tingnan dun at maiin love lalo sa kanya si
Val.

"Well sana lang hindi ka lokohin ng Val na yan ha dahil kapag ginawa nya yun hindi
ko sya mapapatawad." - me

"Really? You're so sweet sissy." Sabi nya habang inaabot sa sales lady yung dress.

"Oo. Tapos tsaka kita pagtatawanan. Effort to the max ka tapos lolokohin ka lang
nya. Sobrang nakakatawa kaya yun." Bigla syang sumimangot. "Dyan ka na nga muna at
magiikot lang ako. Dahil kung sasama lang ako sa'yo ng sasama eh wala talaga akong
mahahanap!!!"

Lumabas akong department store ng mall at naglakad-lakad. Kung ano na lang ang
makita ko yun na lang - boom! Nakita ko ang isang mannequin na nakasuot ng bonnet
kaya naman pumasok ako agad sa loob. Ang daming magagandang bonnet. Ito na lang
kaya ang iregalo ko sa kanya. Habang tinitingnan ko isa-isa ang mga bonnet bigla
akong nakakita ng iba't - ibang kulay ng yarns ba 'to.

"Excuse me miss, what's this?" tanong ko sa sales lady sa loob ng stall.

"Ay ma'am yarns po yan tsaka panggantsilyo. May procedures din po dyan kung paano
ang gagawin para sa mga gustong matuto. 'tong mga bonnet po dito kalimitan handmade
lang. Pwede po kayong mamili ng style at color ng gagawin nyong bonnet. Isang set
na po yan." Perfect gift! Halos kinuha ko ang mga colors na panlalaki at binayaran
ko agad. Alam ko hindi ako marunong maggantsilyo, so what? May guide nga di ba?
Alam ko hindi ako mahihirapan.

Lumabas ako agad ng stall at pinuntahan ko si Jezhi. Mabuti naman at tapos na rin
syang mamili. Hindi ko sinabi o pinakita sa kanya kung anong binili ko kasi baka
sabihin nya kay goon.

Pagkauwing-pagkauwi ko nagstart na ko agad sa paggawa. Mas mahirap pala sya sa


ineexpect ko. Sabihin na nating puro dugo na ang kamay ko pero wala pa rin akong
nasisimulang matino.

Black at light gray ang napili kong color na gamitin. Magandang combination naman
'to at mahilig naman sa dark color si goon. Halos 3am na ko natulog dahil sa
paggawa ng bonnet pero hindi man lang ako naka-1/4.

Muntik na kong malate kinabukasan. Hindi din kasi ako sinundo ni goon kaya walang
gumising sa'kin. Mukhang busy din sya. Baka pinaghahandaan din nya ang gift sa'kin.
Ano kaya yun? Bihira ko syang makausap ng matagal sa school at lagi naman akong
pauwi agad para nga tapusin yung bonnet.

Hindi ko din sya matext kapag nasa bahay dahil nga may ginagawa ako at duguan na
naman ang kamay ko. Magtetext ako sa kanya kapag matutulog na ko at gigising. Halos
hindi na din kami nakakapagspend ng time together. Pero alam ko naman na hindi kami
basta-basta maghihiwalay dahil lang sa ganun. Isa pa kapag nakita nya 'tong ginawa
ko for sure mawawala lahat ng galit nya sa'kin.

Halos ilang araw ko din ginawa 'tong bonnet at ilang sugat din sa kamay ang meron
ako. Kakaiba kasi yung ginagamit dito, parang needle yung dulo, ang nipis at ang
tulis. Mabuti na lang hindi kami masyadong naghoholding hands ni goon dahil baka
mapansin nya 'to. Akala ko hindi na aabot ang bonnet na 'to sa monthsary namin pero
pinilit kong tapusin kahit magdamag akong gising.

At dumating na nga ang araw ng monthsary namin. Chineck ko agad ang phone ko. Pero
wala syang text na binabati ako. So naggood morning lang ako pero hindi naman sya
nagreply. Friday naman ngayon so pwede kaming magdate after at isa pa maaga kaming
uuwi ngayon dahil may general cleaning ang school.

Binalot ko ang bonnet na pinaghirapan ko ng ilang araw. Effort yan ha. Hindi ko nga
ineexpect na makakagawa ako nito eh. Syempre hinalikan ko muna bago ko nilagay sa
box. Excited na kong pumasok. May surprise kaya sya sa'kin? Kelan ko kaya 'to
bibigay? Before ang class o after? Ano ba dapat? Ang hirap naman mag-isip. Bahala
na nga.

Nagprepare ako pagpasok. As usual hindi nya ako sinundo, siguro may laban na naman
sya. Kelangan naman nya yun at hindi naman ako makikipagkompetensya sa underground
fight na yun. Papunta ako sa school habang ngumingiti mag-isa. Kasi naman
pakiramdam ko sobrang perfect couple kami ni goon. <3
At kapag sinuswerte ka nga naman pag dating ko sa room eh wala ang professor. Nasa
seminar daw kaya walang klase. Pero kapag minamalas ka din naman, wala si goon.
Syempre nagpunta ako sa alam kong pwede nyang puntahan, sa likod ng gym. Actually
tinext ko na sya pero hindi pa sya nagrereply. Ganun ba sya kabusy?

Anyways, hindi naman nasayang ang paghahanap ko dahil nakita ko sya sa tambayan.
Nakatalikod sya kaya plano ko sanang isurprise sya. Dahan-dahan akong nalapit sa
kanya para sana takpan ang mga mata nya kaya lang bigla akong napada. Kapag
minamalas ka nga naman. Mabuti na lang hindi nya narinig. Tatayo na sana ako ng
bigla akong makarinig ng boses babae.

"I know I'm gorgeous. You did tell me that several times." Narinig kong sabi nung
babae. Hindi ako agad nakakilos. Ano 'to? Matapos kay Natalia meron na namang iba?

"Shut up! I didn't say that!" sabi ni goon tapos nagtawanan sila. "But seriously, I
owe you one. Thanks."

"No biggie. If you need me, you know where to find me." Parang ang flirt ng boses
nya. Ah hindi, parang nakikipagflirt talaga sya. Kaya ba hindi sya nakakapagtext at
nagiging busy dahil sa babaeng 'to? "I think I should go, baka kasi makita pa tayo
ng girlfriend mo."

Bigla akong tumayo at lumapit sa kanila. "Oh no need kasi nakita ko na kayo. What a
nice surprise Flint Maliff!" napatingin ako sa babae at nagulat ako ng makita ko
kung sino sya. Sya yung kausap ni goon dati. Tumingin ulit ako kay goon. "I thought
you're different, but I guess I was wrong. Actually I'm always wrong!!" tumalikod
ako ng maalala kong may ibibigay nga pala ko sa goon na 'to. Kinuha ko sa bag ko
ang box at iniabot sa kanya. "Oh para sa'yo! Sa panloloko mo sa'kin! Happy
monthsary ha! First and last monthsary!!" hindi ko na napigilang umiyak at nanakbo
na ako ng mabilis ng mabilis - palabas ng campus. Hindi na ko dumiretso sa parking
lot dahil alam kong maabutan ako ni goon dun. Well yun eh kung susundan nya ko.

Hindi ko namalayan na sa pagtakbo ko eh dinala ako ng mga paa ko sa abandoned


building kung san sinagot ko si goon. Umupo ako dun at umiyak ng umiyak. Nakita ko
ang mga daliri ko na may band aid. Tinanggal ko isa-isa ang bandaids habang naiyak.

"Kayong mga sugat kayo balewala lang kayo. Sayang lang lahat ng effort ko!" parang
gusto ko na atang mamatay pero hindi ko naman gustong gawin. Bakit nakuha nya agad
akong ipagpalit sa loob lang ng ilang araw? Dahil naging busy lang ako nakahanap na
sya agad? Ano bang akala nya sa'kin nanlalalaki? Sa sobrang inis ko hindi ko
napansin na nagdugo yung iba kong sulat sa daliri 'cause I'm clenching my fist.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!" para akong siraulo. Ang sakit eh. Ang sakit-sakit. Sige nga
kayo kaya mageffort ng todo para sa taong mahal nyo na mala-Zak ang itsura tapos
mahuhuli nyo syang may kalandiang babae? Okay lang sana kung iniinform nya ko na
'hey Alexa makikipagflirt muna ko kasi busy ka.' Eh di sana hindi ako masa-shock ng
ganito.

"Mamatay ka na goon! Mamatay na lahat ng lalaki sa mundo na manloloko!!!!" alam


kong kahit sumigaw ako walang makakarinig sa'kin.

"Eh di hindi ako mamamatay dahil hindi ako manloloko." Hindi ko makita kung sinong
nagsalita dahil punung-puno ng luha ang mga mata ko pero alam kong ang boses na yun
ay kay goon kaya mabilis akong tumayo at kinuha ko ang mga gamit ko. Tumakbo ako
papunta sa pintuan para bumaba kahit alam kong nakaharang sya. "Let me explain."
Pero isang malakas na sampal lang ang binigay ko sa kanya.

"Nakita ko ang nakita ko! Akala ko ba ako lang! Hindi mo naman sinabing dalawa
kami!! Dalawa kami!!" umiiyak na ko habang sinusuntok ko sya sa dibdib.

"Pinapahulaan mo ba sa'kin kung anong palabas yan?" what the hell! Nakukuha nya
pang magjoke?

"So ganyan ako para sa'yo? Isang malaki at korning joke? Wow, I didn't see this
coming." Hindi ko na namang mapigilang maiyak kaya nagdiretso ako pababa pero
humarang sya sa daanan ko.

"Please Alexa let me explain." Pero sa sobrang galit ko naitulak ko sya ng malakas
at nawalan sya ng balance. Nalaglag sya sa hagdanan at napasandal pa sa wall.
Nagworry ako syempre kasi paano kung napatay ko sya? Ayokong makulong pero kesa ako
ang mamatay uunahin ko sya. Kung hindi sya mapupunta sa'kin, hindi din sya
mapupunta sa iba. Pero syempre di yun totoo at hindi ko yun magagawa.

Nakita kong gumagalaw sya kaya nawala ang kaba ko. Bago pa sya makatayo eh
nilampasan ko na sya pero nahawakan nya ka sa paa. "Please listen to me. Please.
Ayokong nakikita kang ganito."

"Ayaw mo? Naisip mo ba yan nung nakipaglandian ka?" dahan-dahan syang lumuluhod at
hindi pa rin nya binibitawan ang paa ko.

"Hindi ako nakikipaglandian. Hindi ko yun kayang gawin sa'yo. Please wag ka ng
umiyak. Ayokong nakikita kang ganyan." Niyakap nya ko sa waist. Nasa tyan ko ang
ulo nya. "Ang tanga ko kasi. Bakit ba wala akong alam kung paano maging special ang
first month nating dalawa kaya humingi pa ko ng tulong sa kaibigan namin. Ungas ko
talaga. Kasalanan ko 'to. Gusto lang kitang pasayahin ngayong araw pero
kabaligtaran pa ang nangyari." Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko alam
kung nagsasabi sya ng totoo o hindi. "Maniwala ka sa'kin. Sumama ka sa'kin para
patunayan kong nagsasabi ako ng totoo. Kung hindi ka convinced sa makikita mo sige
lang, gawin mo na kung anong gusto mong gawin. But please sumama ka sa'kin ngayon."

Bakit ang unfair ng buhay? Konting ganito lang ng taong mahal mo lumalambot ka na
kaagad? Parang lahat ng galit ko kanina nawala bigla. Kahit hindi ko pa alam kung
nagsasabi sya ng totoo pero nararamdaman kong wala talaga syang kasalanan.

Dahan-dahan syang tumayo at pinunasan ang mga luha ko. "Hindi kita sasaktan o
papaiyakin kaya wag mong sayangin ang mga luha mo." Nilelecturan nya ba ko? Luha ko
'to so wala syang pakialam kung iiyak ko 'to. Kahit ipunin ko 'to at inumin wala
syang pakialam!!! "Halika na!" hinawakan nya ko sa braso. Sumunod lang ako sa kanya
dahil gusto ko talagang makita kung nagsasabi sya ng totoo. Sumakay kami sa kotse
nya pero hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko napansin na tumigil kami sa isang
school at nakita kong nakatayo si Cia sa may gate. Nagdiretso sya sa kotse at ang
laki ng ngiti nya ng makita ako.

"Hey big sister, how are you?" bigla syang nalungkot ng makita ang namumugto kong
mga mata. "Kuya what did you do to her? If I find out you hurt her and made her cry
I won't ever talk to you again."

"Umupo ka na lang ng ayos dyan." Umupo naman si Cia pero hindi sya nagsasalita.
"Tss! MGa babae talaga, mapabata o matanda ang hilig magconclude kahit walang
evidence and investigation na nangyari." Bulong ni goon. Parang ang bait nya ngayon
na kahit naitulak ko sya sa hagdanan eh hindi sya sumigaw. Tahimik lang kami sa
byahe ng mapansin kong pumasok kami sa memorial cemetery. Maya-maya ay nagpark na
kami at binuksan agad ni Cia ang pinto ng kotse.

"I'll tell mommy you're a bad boy!!" at lumabas na si Cia kahit hindi ko alam kung
anong sinasabi nya.

"I am always the bad boy. Bakit hindi pa ko nasanay." Natawa naman ako sa isip ko
ng marinig ko sa kanya yun.

Bumaba sya so bumaba na din ako. Nauna akong maglakad sa kanya at sinundan ko si
Cia. Nakita ko syang nakaupo at nagsasalita.

"I thought mommy he's nice 'cause ate Alexa is a good person." Narinig kong sabi ni
Cia ng mapansin nyang nakatayo ako sa likuran. "Hey, sit here." Tinap nya ang
tabihan nya kaya naman umupo ako. "Mommy this is ate Alexa. I know she's pretty
like me."

"Princess di ba sabi ko ako ang magpapakilala sa kanya kay mommy?" napatingin


kaming dalawa ni Cia kay goon. May dala-dala syang dalawang bouquet ng flowers. Red
roses and isa at white roses naman ang isa. May dala din syang malaking bear stuff
toy at isang malaking basket na hindi ko alam kung anong laman.

"Whatever!" tumayo si Cia at umalis. Susundan ko na sana sya pero nakita kong
nakaupo lang sya sa swing kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Hindi pa rin ako
nagsasalita.

"Death anniversary din kasi ni mommy ngayon. Naisip kong ipakilala ka sa kanya
ngayon pero naisip ko rin na baka mabored ka." Nilagay nya ang white roses sa may
lapida ng mommy nya. "Pero sabi ng isang kaibigan na dito na lang tayo magdate,
isurprise daw kita." Napatawa sya na parang iiyak na. "Mukha ngang nasurprise kita
bago ba ang totoo kong surprise." Binuksan nya ang basket at kumuha ng candle at
sinindihan nya. Nilagay nya sa lagayan ng candle sa tabi ng flowers. May blanket
din sa basket at naglatag pa sya sabay labas ng maraming pagkain. "Niluto ko 'to
lahat kaninang 12mn hanggang umaga. Tapos 'tong stuff toy pinabili ko lang kasi
hindi ako marunong pumili."

Hindi ko napigilang umiyak. Malay ko ba na ganito pala ang plano nya. Umiiyak ako
habang nakatingin sa kanya. "Wag ka nang umiyak, pati kapatid ko nagagalit na
sa'kin. Parang ikaw pa ang kapatid nya at hindi ako. Nagsusumbong pa kay mommy."
Napatawa ako habang naiyak. Kasi naawa ako sa kanya bigla. Imagine inosente naman
pala sya, tapos naitulak ko sya then galit pa si Cia sa kanya ngayon. Bakit lagi na
lang ganito ang nagiging scene?

"For you." Sabi nya sabay abot ng bouquet of red roses at teddy bear na malaki.
"Alam ko kaya mo namang bilhin 'to sa kung saan-saan lang kaya dito ko 'to ibibigay
sa harap ni mommy." Tumingin sya sa puntod ng mommy nya. "Mommy si Alexa nga po
pala, sya nga po yung kinukwento ko sa inyo dati na babaeng nakakainis." Kinukwento
nya ko sa mommy nya dati pa? "Kami na po at first month namin pero failed po eh.
Napaiyak ko sya. Wala kasi kayo para iguide ako kaya humingi ako ng tulong sa iba
ayan tuloy napagbintangan pa ko. Alam nyo naman di ba na nagsasabi ako ng totoo?
Sabihin nyo nga po kay Alexa na wala talaga akong kasalanan. Magparamdam nga po
kayo." Kung kanina naiiyak ako ngayon hagulgol na, paano kasi nagi-guilty na nga
ako sa ginawa ko tapos ngayon gusto nya pang magparamdam sa'kin ang isang patay?
Gaano naman kahirap yun di ba?

Wala pang ilang minuto biglang humangin ng malamig kaya naman napayakap ako kay
goon. "Thanks mommy." Napatingin naman ako sa kanya at nagkatinginan kami.
Magkalapit ang mga mukha naming dalawa. Pinunasan nya ang luha ko. "Happy first
monthsary. Sorry wala kasi akong alam sa ganito. Dati kasi hindi ko naman ginagawa
'to kay Natalia. Pero advice ng mga gunggong kong kaibigan eh paghandaan ko daw
kasi hindi ka ordinaryong babae yun nga lang palpak naman. Nasaktan pa tuloy ang
babaeng dapat pinapasaya ko lang." para akong bata na umiyak na lang bigla at
niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.

"Sorry na. Hindi ko naman kasi alam. Sana tinext mo ko di ba? Eh kasi naman akala
ko ayaw mo na sa'kin kasi naging busy ako at nawalan ng time." Tinanggal nya ang
pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan nya ulit ako sa mata.

"Hindi yun mangyayari okay? Poprotektahan kita - kayo ni Cia. Pinapangako ko yan sa
harap ng puntod ng mommy ko. Ganyan kita kamahal." Then he kissed me. Isang kiss na
nagpabura lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina. "Teka bakit parang ang gaspang
ng kamay mo?" oh no! Nakalimutan kong may mga sugat nga pala ko. Hihigitin ko sana
ang kamay ko pero bigla nyang tiningnan. Nakita nya ang mga sugat ko sa kamay pati
na rin ang mga natuyong dugo. Kinuha nya agad ang regalo ko sa kanya at binuksan
nya agad. "Thank you dito. Thank you at gumawa ka nito para sa'kin."

"Paano mo naman nalaman na ako ang gumawa nyan?" tanong ko habang pinupunasan ko
ang mga luha ko.

"Kasi hindi pantay. Hindi tama yung bilang from this part." Tinuturo nya yung
middle part ng bonnet. "up to this part." Kumunot ang nook o. "Actually kasi may
sugat ka sa kamay. Ang galing mo talaga. Akala ko nanlalaki ka na yun pala ginagawa
mo 'to. Best gift ever." Sinuot nya yung bonnet. "Mommy tingnan mo oh, ang gwapo ko
lalo. Bigay ni Alexa, bagay ba?" nakakangiti na sya kaya naman napangiti na ko.
Bigla sya ulit humarap sa'kin. "I love you always. Sobra kitang namiss." At sa
harap ng puntod ng mommy nya nagkiss kami na parang may sarili kaming mundo. Slow
and passionate kiss -

"What are you two doing?" bigla kaming naghiwalay ni goon at parang napahiya. "Oh,
do you really need to do that here? I mean, there's a minor around in case you
wanna know?"

Napatingin ako kay goon na parang napahiya at sya din kaya naman nagtawanan kaming
dalawa. "Sinong gusto ng sandwich?" sabi ni goon sabay labas ng mga pagkain sa
basket.

"Me! Me! I want one!!" sigaw ni Cia sabay upo sa tabi ko. "Kuya's the best cook in
the world."

Kahit na hindi maganda ang nakita ko kanina, kahit sobra na kong nasaktan at halos
mamatay sa sakit, in the end masaya pa rin pala. Hindi ko lang ineexpect na ganito
nya pinaghandaan lahat. I am so deeply in love with my monster goon. Masyado nyang
pinapahalagahan ang family nya at alam kong ganun din ang gagawin nya sa'kin.
"Hey, thinking about me huh?" nakita kong lumapit bigla ang mukha nya sa'kin at
hahalikan na naman ako.

"Cia's watching." Bulong ko sa kanya.

"Not anymore." Bigla nyang tinakpan ang mga mata ni Cia at hinalikan nya ulit ako.
My naughty goon, I love him so much.

*******************************************
44

*******************************************
JEZHI'S POV

"So where do you wanna stay for today? Your place or mine?" I really wanna spend a
day with Val, I mean him and me alone, in private. Kasi naman we're always together
pero nasa public place kami. I can't believe na ganito kagentleman 'tong si Val. I
thought maloko din kasi sya katulad ng ibang lalaki kasi nga komedyante tapos
makulit at magaling mambola, but if you'll get to know him, naku he's so different.
He's nice, cool, gentleman, loving and caring boyfriend. And take note, he respects
me.

"Baby, we can't be alone together. You know what I mean. Baka kung ano lang ang
magawa ko sa'yo." He hugged me and kissed my forehead. Jeez, do I look like a
grandmother to him?

"That's my point." I looked him in the eyes and smiled.

"Baby, I'm not ready for this. I already told you that." Okay, wag kayong mabibigla
ha pero hindi ito yung unang beses na sinabi nya yan. I pouted and rolled my eyes.

"You don't find me attractive, do you?" tumingin ako sa malayo dahil naiinis ako.

Niyakap nya ko from behind. Nakalimutan ko palang sabihin na nandito kami sa likod
ng gym. "You are so attractive. But listen to me, what if I'm not the right one for
you tapos kinuha ko ang - you know. I want your first time to be memorable."

Okay wag kayong magpanic. I know ang alam ni Alexa na I'm not - yeah, that's it
kasi I want her to believe that way. Well sa US kasi ako nagelementary and nung
naging magkaibigan kami ni Alexa nalaman nya yun at sinabi nya pa na ang school ko
daw is where all the girls lose their virginities pagdating ng 5th grade. And way
back there, being a virgin is wussy. I keep on pretending not to be one kaya
hanggang pagdating ko dito dala-dala ko na din. But believe me I've told Alexa
several times na it was just a joke pero parang wala din naman sa kanya kaya ayun,
pinanindigan ko na yung joke na yun until I met Val. I know he's the one and I can
feel it.

"I know we're meant for each other." I have never felt this way before, not to
anyone. Sa kanya lang.
"Okay baby, kapag nakaone year na tayo or more then fine. But as of now let's enjoy
making out. Ganun na lang muna. Isa pa hindi maganda sa babae ang ganyan
kaaggressive. Mahal kita kaya I respect you, pero kung katulad ka lang nung ibang
babae, hindi mo na ko pipilitin." Then tumawa sya habang yakap-yakap ako.

I believed him kasi muntik na naming gawin until he found out that I've never done
that yet so nagbago ang isip nya. Simula nun mas naging sweet na sya sa'kin. Mas
nag-iba sya at mas lalo ko syang nakilala. Hindi ko alam kung anong klase ang mga
past relationships nya, but I know ours is different.

"Hoy love birds baka gusto nyo ng tumayo dyan! Party sa bahay ko, remember?"
nagulat na lang kami ni Val ng sumulpot si Luke kasama si Trav.

"Ay dude, buti pinaalala mo. Muntik ko ng makalimutan." Tumayo si Val at inalalayan
ako. "Didiretso na ba tayo dun? Sila Zak at Alexa ba?"

"Oo, dun na magkikita lahat. Mabuti pala nakita ko kayo dito." Tumalikod si Luke at
sumunod naman si Trav kaya sumunod na din kami ni Val. May pa-house party daw kasi
'tong si Luke. Exclusive party lang daw so hindi ganun karami ang tao. So meaning
walang makakakita sa'kin na kakilala na magsusumbong sa parents ko. I have never
been in this kind of party so this will be exciting lalo na't kasama ko si Val. My
handsome and gentleman boyfriend.

******************************

TUCK'S POV

Marami ng tao ng dumating kami sa bahay ni Luke pero hindi ko pa sila nakikita.
Siguro nasa school pa sila. Ang daming magandang babae dito ngayon. Ayos 'to. The
more the merrier. Lumapit ako sa isang grupo ng babae sa may couch at lumapit agad
sila sa'kin. Hindi talaga papalya ang looks ko sa mga 'to.

"Hey ladies, want something to drink?" tanong ko sa kanila ng bigla akong hilahin
ng isang babae at napaupo ako sa couch. Umakbay sa'kin ang dalawa sa tabihan ko
haban ang isa eh umupo naman sa lap ko. Yung isa naman nakaupo sa floor at naka-
lean sa legs ko. This is heaven, I know. Girls wearing almost nothing, damn!

"We want you darling. So sinong uunahin mo sa'min?" wooooo. Masyadong flirty
magsalita ang babaeng nakaupo sa floor habang hinahaplos ang legs ko.

"Don't go any further if I were you or else you will be busted." Pagbibiro ko sa
kanya habang pinigilan ko ang kamay nya na nakahawak sa legs ko.

Hindi pa man kami nakakapag-usap ng matagal ng marinig ko ang boses ni Luke pero
syempre hinayaan ko na lang kasi busy ako.

"He's here. Sabi nya pupunta sya." Narinig kong sabi nya sa kausap nya. Ako kaya
ang tinutukoy nun? "Ayun sya, I told you he's coming."

"T- Tucker?" sh*t! Ang tawag na yun! Napatingin agad ako sa right side ko at nakita
ko ang isang babaeng hot and sexy sa white dress nya. Wavy brown hair and hazel
eyes. Ang mga matang hindi ko makakalimutan. Ang mga mata ni Bernback.

"Bernback!" napansin kong napatingin sya sa mga babaeng katabi ko. "Girls, excuse
me lang ha." Tumayo ako at iniwan ang mga hot chikababes na yun.

"Maiwan ko muna kayo ha. Marami pa kasi akong kakausaping bisita." Sabi ni Luke.
Nakita ko din na nandun na din sa party ang iba. Mga busy sa mga ginagawa nila
samantalang ako hindi ko alam ang gagawin ko.
"Long time no see Bernback. Kelan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagsabi sana
nasundo kita." Lie. Hindi ko naman talaga sya balak sunduin.

"Do you really need to ask that Tucker? Alam mong nandito na ko kaya nga hindi mo
sinasagot ang calls ko right?" wow, hindi na sya ang batang walang alam kundi ang
umiyak. Hindi ko akalaing lalaki syang maganda. "I'm seventeen, just one more year
and I'll be the lady you want me to be." Biglang nahiya ang mukha nya at hindi sya
makatingin sa'kin.

"Look Bernback, hindi mo naman sineryoso yung pinag-usapan natin dati di ba?" bigla
nya kong tiningnan ng matalim na halos nangingilid ang mga luha.

"What? I left 'cause you told me so. I kept my promise hoping you kept yours too."
Tumulo ang mga luha nya. "How could you play with my feelings. Hanggang ngayon ba
isang bata pa rin ang tingin mo sa'kin?" hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam
ang isasagot at nagulat na lang ako sa ginawa nya. Lumapit sya sa'kin then she
kissed me. Very wild kiss na hindi ko inaasahang sya pa ang makakagawa.

I pulled away. "Enough Bernback! Ano bang nangyayari sa'yo? Last time you were the
sweet girl and now - hindi ko na alam kung sino ka?" bigla naman syang napaiyak.

"Lahat ng ginagawa mo nabalitaan ko. You have dated all the girls in Hemsworth. You
even slept with them. I thought, I thought you'll wait for me pero hindi. Hindi ka
tumupad. I just came here for you. We loved each other." Bigla syang napatawa. "I
don't even know what kind of love was that." Pinunasan nya ang luha nya at inayos
nya ang sarili nya. "You can go back to those girls, nagiintay sila sa'yo.
Maghahanap naman ako ng libangan. Don't worry about me. Hindi na ko ang iyaking
Bernback na magmamakaawa sa'yo wag ka lang tumingin sa ibang babae. But you know
what, thanks to you. Kasi dahil sa'yo nakita ko kung gano ako kaganda. Na hindi
lang ikaw ang lalaki sa mundo." Tumatawa sya habang nilalampasan ako. Ibang-iba na
nga sya ngayon. Hindi na sya tulad ng dati at yun ang hindi ko inaasahan.

Di bale, magpapakasaya ako ngayong gabi. Walang tumatanggi kay Tucker Fanton.
Nakakita ako ng isang sexy na babaeng nakatalikod. Woooot. She's damn hot!
Pagkalapit na pagkalapit ko I grabbed her ass. Mukhang gulat na gulat yung babae ng
makita ako. I know magte-thank you pa 'to sa'kin. Kaya naman ngumiti pa ko para -

*PAK

"How dare you! Perv!" humarap sya sa mga kasama nya. "I knew it, hindi talaga
magandang idea ang pagsama dito. Maraming perv dito katulad na lang nitong - "
humarap sya ulit sa'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. " - nitong lalaking
'to na akala mo kung sinong gwapo eh lamang lang 'to ng paligo kay Rambo eh."

"Excuse me, who's Rambo? I bet he's handsome like me." I winked at her.

"You wish." She rolled her eyes. "And oh, Rambo is my chuhuahua." Humarap ulit sya
sa mga kaibigan nya na nagtatawanan. "Girls uuwi na ko. Kung ganito lang din naman
kapapanget ang mga lalaki dito wag na lang." tumingin sya sa'kin at nilampasan ako.

"Hoy miss! Wala pang tumatanggi kay Tuck!" sinundan ko sya at napatigil sya ng
marinig nya ang name ko. Siguro narecognize nya, ngayon magsorry ka sa'kin.

Tumawa sya ng malakas tsaka humarap sa'kin. "Tuck? Who's Tuck? Your pet? Oh wait
let me guess, is he a parrot? Or a crocodile? Oh just by looking at you I bet he's
a rat?"

"A - ano? Hindi ko pet si Tuck. That's me." Bigla syang tumigil sa pagtawa.
"Ow, you?" She folded her arms over her chest. "So what do you want?"

"Say sorry." Parang lalong nag-init ang ulo nya.

"Sorry? Sorry? Me? Hoy I'll sue you for harassment. Kung may dapat magsorry dun
ikaw yun hindi ako!! See you in court and talk to my lawyer!" then she turned her
back on me.

"Wait." Hinarangan ko sya at tinitigan sa mata. Yung titig na ginagawa ko sa mga


babaeng gusto kong mapasunod ko. Babae din sya at tulad ng iba mahuhulog din sya
sa'kin in 3, 2, 1. "So - "

"Trying to seduce me huh?" tinulak nya ko ng malakas. "You're not as hot as you
think you are. You're not even my type. At ano nga yung sinabi mo kanina? Wala pang
babaeng tumatanggi sa'yo? Well ngayon meron na, it's Vienna Safara!! Hindi lahat ng
babae magkakagusto sa'yo. Wake up!" tumalikod ulit sya at naglakad palayo.

"Sino si Vienna? Alaga mo rin?" tumingin lang sya sa'kin ng masama bago lumabas ng
pintuan. Panira talaga ang mga babae. Pakipot pa kunyari pero for sure paguwi nya
sa kanila pagkakalat nya na kinausap sya ni Tuck. Magkikita pa tayo - kung sino ka
man.

"I guess hindi tumatalab sa lahat ang charms mo." Napalingon ako sa likuran ko at
nakita ko si Bernback na may hawak na cocktail drink at may kasamang lalaki.

Kung dati libangan ang mga babae sa'kin, pwes ngayon sakit sila ng ulo. Inagaw ko
ang drink sa kamay ni Bernback at hinigit ko sya sa lalaking kasama nya.

"What the hell Tucker! Let go of me!!" nagpupumiglas sya pero hindi ko sya
binitawan at dinala ko pa sya sa likuran ng garden kung saan walang tao. Hinigit ko
sya papalapit sa'kin at hinalikan ko sya kahit ayaw nya at gulat na gulat sya.
"What are you doing?" nagpupumiglas pa rin sya pero hindi ko sya binitawan.

"Ito naman ang gusto mo di ba?" binuksan ko ang jacket ako at niyakap ko sya ng
mahigpit.

"No Tucker! No!" tinulak nya ko pero hindi ako nagpatalo. "I said no!!!" at isang
malutong na sampal ang tumama sa mukha ko. Nakita ko na lang ang takot na takot at
umiiyak nyang mukha. Bigla akong nakonsensya sa nakita ko. Gusto ko syang hawakan
pero lumayo sya.

"I - I'm sorry." Gusto ko na syang lumayo dahil alam kong hindi pwede.

"Pwede mo namang sabihing ayaw mo na sa'kin pero hindi mo ko kelangang itulad sa


kung sino-sinong babae mo!! Hindi na ikaw ang Tucker ko! Hindi na kita kilala. And
I hate you!!!!!" tumakbo sya at wala na kong nagawa. Napakagag* ko!

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin. Ano na ba talaga ang tingin ko sa
mga babae? Bakit ko ba 'to ginagawa? Pagod na ko. Pagod na pagod na kong umiwas
dahil ayoko na ulit masaktan pero bakit nasasaktan na naman ako!!
***********************

ALEXA'S POV

"You can't drink, at hindi ka din pwedeng tumingin sa ibang babae dyan. Kapag
nakita kong tumingin ka humanda ka sa Alexa's combo shot." Kanina pa kami hindi
naghihiwalay nito ni goon simula ng dumating sa bahay ni Luke. Jeez, anong klaseng
house party 'to. Halos ang wa-wild ng mga nandito. They are making out anywhere and
they are everywhere. Nakita kong gumagalaw ang mata ni goon papunta sa side kaya
naman tinakpan ko agad yun. "See, wala pang ilang minuto ganyan ka na agad. I
really can't trust you."

Tinanggal nya ang kamay ko at hinalikan. "Ano ka ba inaasar lang kita." Nandito
lang kami sa may sulok at nagaasaran kanina pa.

"Naeenjoy ba nila yung ganitong party? Masyadong maraming tao." Tanong ko habang
nakatingin ako sa paligid.

"Gusto mo kasi tayong dalawa lang." bulong ni goon sa'kin at namula naman ako.
"Nakakatawa ka talaga kapag ganyan ang sinasabi ko. Priceless." Tumawa na nga sya
ng tumawa.

Sinikmuraan ko sya ng isa dahil pinagtatawanan nya ko. "I really hate you."

"The more you hate, the more you love. I knew it, you really love me." Then he
hugged me. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, sana ganito na lang lagi. Walang ayaw,
walang misunderstandings. No dramas, in short.

Biglang napatayo si goon at napatingin ako sa direction kung san sya nakatingin.
Nakita ko ang isang babaeng umiiyak ang kakapasok lang sa loob.

"That's Margarette!" narinig kong sabi ni goon. Margarette. San ko nga ba narinig
yun. "Anong ginawa sa kanya ni Tuck?" Yun, kay Tuck ko narinig kung sino si
Margarette. Nandito sya? Napatayo ako at tiningnan ko si Margarette. Naiyak sya.
Gusto ko syang lapitan pero hindi naman kami close.

"Puntahan mo kaya sya." Parang nagulat si goon sa sinabi ko. "Kausapin mo. Si Tuck
naman ang kakausapin ko." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Teka, parang wala akong tiwala eh. Magpalit na lang kaya tayo?" tiningnan ko sya
ng masama. "Eh kasi - o sige na nga. Pakiss na muna." Humalik sya sa'kin sa pisngi
at tsaka sinundan si Margarette. Naglakad ako palabas kung san galing si
Margarette, nagbabakasakaling makita ko sa dito. Kung wala sya sa labas eh di wala
akong choice kundi sa loob maghanap.

Naglalakad ako sa may garden ng makarinig ako ng sunod-sunod na kalabog. Medyo


natakot ako at natigilan. Paano kung may mawitness akong murder? Tapos makita ako
ng killer tapos isunod ako? Oh no! Tumingin ako sa likuran ko at medyo malayo na
ako sa pintuan papasok ng bahay.

*TUGSH

"AHhhhhhhhhhhhhhh!" nakarinig ako ng isang sigaw. Baka pinatay na sya.

Oh lord, sorry po sa mga kasalanan at kamalditahan ko. Promise po magpapakabait na


po ako sa heaven basta make sure na kayo po ang sasalubong sa'kin at hindi si Luci.
Nakapikit na ko at dahan-dahang naatras. Ayoko kasing tumalikod kasi sa mga
napapanood ko kapag tumalikod na yung bida biglang susulpot yung killer tapos
hahablutin sya at tatakpan ang bibig habang ang bida nakatingin sa maraming tao sa
loob ng bahay. Ayoko - ayokong maging ganito ang death ko -

*TUGSH

Aray! Ang sakit naman. Hindi ko napansin yung hagdan. Parang nabali ata ang paa ko.

"Lex?" oh gosh, kilala ako ng killer? Anong gagawin ko?


Nagtakip ako ng mukha. "Hindi ako si Lex." Pinilit kong tumayo pero bigla akong
natumba at naramdaman kong may humawak sa waist at likuran ko. "Please, wag mo kong
patayin. Promise hindi kita nakita, hindi ako magsusumbong."

"What are you talking about?" tumatawa ang killer? "Lady ghost you're really
unbelievable."

Lady ghost? Ako si lady ghost? Ako nga. Te - teka. Dumilat ako agad at nakita ko si
Tuck. Nakangiti sya pero pulang-pula ang mga mata nya. "Tuck?"

"Yes. I'm the serial killer. Papatayin na kita." At tumawa sya ulit kaya naman
hinampas ko sya ng malakas. "Tigilan mo kaya ang panonood ng mga horror movies ha.
Tingnan mo tuloy nangyari sa sa'yo. Nasan ba si Zak? Kung hindi ka nya kayang
alagaan ako na lang ang mag-aalaga sa'yo!" iniupo nya ako sa may bench sa garden.

"Tulad ng pag-aalaga mo kay Margarette?" biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Tuck.
"I'm sorry. Sa tingin ko babalik na lang ako sa loob. Sige lang - ano - magwala ka
na lang ulit dyan."

"Hindi ko naman talaga sya gusto. Isa lang syang makulit na bata noon na sunod ng
sunod sa'kin. Ang taba-taba nya pa dati. Lagi nyang sinasabi na ako lang daw ang
lalaking papakasalan nya. Syempre dahil mga bata pa kami binalewala ko lang. Pero
nung naghigh school sya, ang laki bigla ng pagbabago. Gumanda sya at pumayat. Halos
ang daming gustong manligaw sa kanya pero hindi nya pinapansin. Daig pa nya ang
girlfriend ko sa pagsita ng mga ginagawa ko. Kung gumawa na ba ako ng assignment,
kung bakit hindi ako pumasok." Napatawa sya bigla habang nagkukwento. "Hanggang sa
isang araw, nagising ako na gusto ko na rin pala sya. Simula ng sinusunod ko na sya
at hindi ko na sya sinusungitan dun nya ko inasar na may gusto na rin daw ako sa
kanya." Bigla ulit sumiryoso ang mukha nya at parang puno ng galit. "Bago kami
maggraduation kinausap ako ng parents nya. Masyado pa daw bata si Bernback at
marami daw silang pangarap para unica hija nila. Wala naman silang problema sa
pamilya ko, ang hindi lang nila matanggap eh myembro kami ng isang samahan."
Pakiramdam ko iiyak na si Tuck pero parang pinipigilan lang nya. "Alam nilang hindi
lalayo si Bernback kaya pinilit nila kong gumawa ng paraan para kusa syang lumayo.
Kaya - kaya sa araw na dapat magiging kami na - sinabi ko sa kanya na hindi ko pala
sya gusto tulad ng inaakala ko. Na isa lang syang bata. Na para ko lang syang
kapatid kaya kalimutan na lang namin ang isa't-isa. Pero may katigasan din kasi ang
ulo nya. Tingin mo ba naniwala sya agad?"

"Hindi?" napatawa si Tuck.

"Alam daw nya na kinausap ako ng mga magulang nya. Susunod daw sya sa gusto nila
pero once na nag18 na sya babalik daw sya para sa'kin. Yun yung time na pwede na
syang magdecide para sa sarili nya." He sighed. Tumahimik sya sandali na parang
nag-iisip ng malalim. "Kasalanan ko din kasi. Sinabi ko na I want her to be a real
lady at hindi ang iyaking bata na kilala ko. Yun lang ang sinabi ko, pero ang
pagkakaintindi nya pala eh pwede ng maging kami kapag 18 na sya. Kapag isa na syang
real lady."

"Sya ba ang reason kung bakit naging player ka?" I knew it, lahat ng ginagawa ng
isang tao may root. At heto ang dahilan ng kay Tuck.

"Noong una hindi naman kasi kahit ako sa sarili ko sineryoso ko ang sinabi ko kay
Bernback. Maghihintay ako sa araw na ready na sya. But few months after nyang
pumunta ng France kinausap ako ng parents ko. Kung hindi ko daw puputulin ang
communication ko kay Bernback lulubog daw ang company namin. At kung hindi ko daw
kakalimutan ang babaeng yun lahat kami sa kangkungan dadamputin. Hindi naman ako
sumunod, pero ng makita ko ang death threats sa family ko natakot ako. Natakot ako
para sa kanila hindi para sa sarili ko at simula nun kinalimutan ko na si Bernback.
Kinalimutan ko sya kaya pinilit kong maglibang sa kung sino-sinong babae. Hanggang
sa nakasanayan ko na at nagising ako isang araw, hindi ko na sya naiisip. Parang
wala na kong nararamdaman - hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng babae." Ngumiti
si Tuck at tumingin sa'kin. "Bakit ka umiiyak?"

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Kasi naman napakalungkot ng kwento ni


Tuck. Mas okay pa yung niloko ka ng mahal mo atleast madaling makalimot kesa dun sa
mahal nyo ang isa't-isa pero pilit naman kayong pinaglalayo.

"So - sorry. Akala ko kasi nakikinig ako sa radio." Pinilit kong tumawa habang
pinupunasan ang luha ko.

"Thank you." Napatingin ako sa kanya dahil sa narinig ko.

"Ha?"

"Kasi gumaan ang pakiramdam ko nung nailabas ko na lahat ng bigat sa dibdib ko."
Maaliwalas na nga ang itsura ng mukha ni Tuck. Masaya naman ako kasi nakatulong ako
para mawala yung mabigat na dinadala nya. Mas okay na yung nagkukwento sya kesa
nagwawala, napagkamalan ko pa tuloy syang serial killer. May pasigaw-sigaw pa kasi
syang nalalaman. "Bakit ka nangiti? Kanina naiyak ka, ngayon nangiti. Okay ka lang
ba?"

Parang napahiya naman ako sa sinabi nya kaya tumingin ako sa malayo. "Oo naman.
Masaya lang ako para sa'yo kasi hindi mo na kelangang manira ng gamit dito sa bahay
nila Luke." Ngumiti lang sya at hindi sumagot. "Nung nakita mo ba si Margarette,
bumalik ba yung feelings mo sa kanya?"

Hindi sya sumagot. Humangin na ng malakas pero tahimik pa din sya. Awkward. Hindi
ko alam ang gagawin ko.

"Ibang-iba na sya ngayon. Kahit sinong lalaki magtitino para sa kanya. Kaya lang -
kaya lang marami ng nagbago. Hindi lang sya kundi pati yung nararamdaman ko sa
kanya. Mahal ko sya pero parang kapatid na lang." tumingin sya sa'kin. "Lex, kahit
mahal ko pa sya hindi din kami pwede. Komplikado ang sitwasyon namin at ayokong ako
pa ang maging reason para lang magkaron sila ng misunderstanding ng parents nya."
Ramdam ko sya. Ramdam na ramdam ko si Tuck at alam kong gusto na nyang makawala sa
pain na 'to. "Hindi ganun kadaling kalimutan sya - pero nagawa ko."

"TUCK!!!" napalingon kaming dalawa ni Tuck ng marinig ko ang boses ni goon. Dire-
diretso si goon papalapit kay Tuck at hinawakan sya sa leeg. "Alam kong gag* ka sa
mga babae pero si Margarette na 'to. Si Margarette!"

"Zak tama na!" kasunod ni goon si Margarette at naiyak sya.

"Alam kong mahirap yan sa una at masakit pero malalampasan mo din!" dahan-dahang
binitawan ni goon si Tuck.

"Come on Zak, you don't know anything. Anong alam mo eh may Alexa ka?" parang
sinaniban si Tuck at nagiba ang way nya ng pagsasalita.

"I've been there at si Alexa ang dahilan kaya nagbago ang lahat. Pero si Margarette
iba! Iba sya!"nangigil na rin si goon kaya pinilit kong tumayo.

"Bakit hindi kaya natin subukang magpalit ng sitwasyon. Sa'kin ang Alexa mo at
sa'yo yang Margarette na pinipilit mo!!" nagulat ako ng biglag sinuntok ni goon si
Tuck.

"Tama na yan Zak!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung anong gusto ni
Tuck pero ang alam ko gusto nya lang ipakita kay Margarette na wag na syang umasa.

"Bakit? Natatakot ka na baka magkagusto sa'kin si Alexa? Bakit ha Zak, ako ang una
nyang naging kaibigan kesa sa'yo. Ako ang dapat nasa posisyon mo! Dapat ako ang
nabago nya at hindi ikaw." Pinilit kong pumagitna sa kanilang dalawa bago pa ulit
sya masuntok ni goon.

Magsasalita pa sana si Tuck pero sinampal ko sya. "Kelan ka magiging matapang para
harapin ang sarili mong problema? Hindi mo kelangang gumamit ng ibang tao para
pagtakpan yang kaduwagan mo! Ilang babae na ang umiyak dahil sa'yo at sana si
Margarette na ang huli. Tuck be man enough para sabihin sa kanya na hindi mo na sya
mahal. Hindi NA! Pero minahal mo sya kahit hindi nya alam!!" umiwas ng tingin si
Tuck at iniwanan kami ni goon na nakatayo. Sumunod sa kanya si Margarette.

Tumingin ako kay goon. "At ikaw lalaki, alam mo na ngang may problema yung tao
sinuntok mo pa. Alam mo ba kung anong pinagdadananan nya?"

"Wala naman akong pakialam sa pinagdadaanan nya. Pero dahil dinaanan nya ang
pangalan mo nagpanting ang tenga ko." Tumalikod sya pero dahil masakit nga ang paa
ko hindi ako agad nahabol. Naramdaman ata ni goon na hindi nya ko kasunod. "Hindi
mo talaga ako susundan?"

"EH SIRAULO KA PALA! KUNG HINDI BA MASAKIT ANG PAA KO MALAMANG KANINA PA KITA
SINUNDAN AT SINUNTOK SA MUKHA HANGGANG HINDI KA NA MAKILALA NI CIA!!" napaupo ako
dahil nga nakirot ang paa ko. Nakita ko namang nagmadaling lumapit si goon sa'kin.

"Bakit? Napano ba yan?" hindi ko na sasabihin sa kanya kung anong nangyari dahil
for sure pagtatawanan nya ko. Alangan namang sabihin kong akala ko may serial
killer kaya naglakad ako paatras at nalaglag ako sa hagdan. Tatawa lang 'tong
mokong na 'to.

"Oh bakit nandito ka? Nagwalk out ka na ah. Chupee na. Alis!!!" hinawakan ko ang
paa ko.

"Kasi naman, naisip ko lang yung sinabi ni Tuck. Paano kung magpalit nga kami,
magkakagusto ka kaya sa kanya?" gusto kong tumawa ng malakas pero hindi ko magawa.
Mapagpatol din 'tong goon na 'to eh.

"Sino bang hindi? Gwapo si Tuck. Mabait. Maloko man yun sa babae pero kapag
nagmahal wagas - "

"Paano mo naman nasabi ha? Minahal ka na ba nya? Pinagtataksilan nyo ba ko?" dahil
sa sobrang pulang-pula ng itsura nya hindi ko na napigilang tumawa.

"Alam mo mga katulad ni Tuck yung ayokong lalaki nung una palang kaming magkita.
Oo, gwapo sya pero hanggang dun na lang yun. At kahit magpalit pa kayo ngayon hindi
pa rin ako magkakagusto sa kanya." Sabi ko habang tumatawa. "Pero kung magbabago
sya baka - "

"Hindi na yun magbabago. Manloloko na yun forever. At isa pa hindi kayo bagay. Mga
magaganda at sexy na babae ang type nya hindi tulad mo." Hinigit nya yung paa ko
bigla at hinilot.

"So sinasabi mo ba na hindi ako maganda?" mahina kong sabi. Lumapit ako sa tenga
nya. "At sinasabi mo bang hindi ako sexy?" nanlaki ang mga mata nya pagkatapos kong
bumulong.

"H - ha?" bigla syang nautal. "Oo?"


"AH GANUN! PWES KUNG HINDI AKO MAGANDA AT SEXY UMALIS KA NA! BUWISIT KA! MAY IBA PA
PALANG MAGANDA AT SEXY PARA SA'YO! LUMAYAS KA SA HARAPAN KO!!!!!!!!!" at kahit
masakit ang paa ko naipanipa ko pa sa kanya.

"AKALA KO BA MASAKIT YANG PAA MO? EH DAIG MO PA ANG KABAYO KUNG MANIPA EH!!!"
sisipain ko pa sana ulit sya pero nahawakan nya yung paa ko. "Tapos na ba akong
magsalita kung makapagwala ka dyan ha!!"

"WALA AKONG PAKIALAM!!!!!!!" bigla nya kong hinigit papalapit sa kanya. "ANO?!!!"

"Kahit hindi ka maganda - "

"ULIT PA!! ABA!!" tinakpan nya ang bibig ko.

"Shhhh! Di pa ko tapos ang ingay mo!" tinanggal nya ang kamay nya sa pagkakatakip
sa bibig ko at inirapan ko lang sya. Hinawakan nya ko sa buhok. "Kahit hindi ka
sexy." Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa.

"Sumosobra ka na!!" nagpupumiglas na ko pero mas inilapit nya pa ako sa kanya.

"Kahit wala kang kahit anong maganda sa katawan - wala akong pakialam. Kasi para
sa'kin - nag-iisa ka lang. Ikaw lang ang nakikita ko. Ikaw lang ang gugustuhin kong
makita at hinding-hindi ako magsasawa." Nakatitig lang sya sa'kin at medyo
napapangiti na ko.

"Totoo ba yan?" nahihiya pa kong magtanong.

"Syempre joke lang." GRrrrrrrrrrr! Nasuntok ko sya sa tyan at tatalikod na sana ko


pero bigla nya kong niyakap. "Joke lang na hindi ka maganda at sexy. Swerte ko nga
kasi na sa'kin ka."

"Talaga!" totoong swerte sya. Dami kayang nagkakandarapa sa'kin.

"Pero mas maswerte ka. Flint Maliff ba naman ang boyfriend mo. Lahat mapapawow.
Buti nga hindi ka sinugod ng fans ko eh." kinagat ko sya sa balikat dahil
nakakainis syang mang-asar. Hindi ko alam kelan sya maglalambing at kung kelan sya
mang-aasar.

"Mas maswerte ka sa'kin no!" hindi ako magpapatalo sa goon na 'to.

"Ikaw ang maswerte sa'kin. Aminin mo na. Top 1, gwapo, mabait, hot. In short,
perfect!" magkayakap pa rin kami dahil ayaw nya kong bitawan.

"Maswerte ako? Fine! Maghanap ka ng hahalik sa'yo ngayon, bukas at sa mga susunod
na araw! Ako pala ang maswerte ha!!!" itinulak ko sya dahil naiinis na ko talaga.
Feeling sya masyado.

"Uy, joke lang. Grabe ka naman. Ako kaya ang mswerte sa'yo. Di ba?" kasunod ko sya
habang pinipilit kong maglakad ng diretso. "Sweet monster. Yoohoooooo! Ang sweet
sweet mo talaga." Hinawakan nya ko sa braso. "Wag ka na kasing maglakad. Bubuhatin
naman kita eh."

"Wow, napakaswerte ko naman dahil bubuhatin mo pa ko!" I rolled my eyes.

"Hindi ah. Ako ang maswerte kasi bubuhatin ko ang tulad mo." Biglang change ng
mood? Nakita kong dahan-dahang lumalapit ang mukha nya sa mukha ko at nakanguso.

Iniharang ko ang kamay ko sa mukha nya at tinulak palayo. "Dun sa pader! Yung pader
ang halikan mo!!!"
"Wag naman. Sobra 'to. Uy, bakit ba ang galing mong magpasunod ha! Ginaganyan mo na
ko. Siguro nagkamabutihan na kayo ni Tuck kanina no!!" What? Biglang nabaligtad?
Ako ang maghahabol ngayon?

"Wag mo kong simulan Flint Maliff. Kapag ako nainis - " dahil ang daldal ko
nahablot nya ako at bigla nya kong hinalikan ng mabilis.

"Okay na. Ako nga ang mahal mo. Halika na sa loob. Bubuhatin na kita." Nakangiti
sya, as in sobrang laking ngiti sabay buhat sa'kin. Hindi ako agad nakapagsalita
dahil nabigla ako. Akala ko talaga magagalit na nga sya dahil sa imbento nyang
kwento pero inisahan lang pala ako. "So princess, saan na po tayo pupunta?"

"Sino si Princess? Babae mo yun no?" gantihan lang 'to ng arte.

"Anong princess? Hoy - hoy sino si princess? Tomboy ka ba?"

"Aba baligtarin mo pa ko? Hoy goon kanina mo pa ko binubuwisit ha!!" gustuhin ko


mang bumaba di ko magawa dahil masakit nga ang paa ko.

"Kapag hindi ka pa tumahimik hahalikan ulit kita!" sigaw nya sa'kin.

"Ang kapal ng mukha mong sigawan ako ha - "

"Ih gustong mahalikan." Tumawa sya ng malakas. "Sige na nga pero isa lang ha."
Inilalapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

"Ewwwww! Gross! Lumayo ka nga!!!!!" tinutulak ko ang mukha nya.

"Bakit ayaw mo ng magpahalik! Siguro may nahalik na sa'yo no! Si Tuck ba? Hinalikan
ka ba nya!!!!" mukhang nagalit na naman 'tong mokong na 'to.

"Tumahimik ka na nga! Kapag di ka tumahimik hahalikan kita." Ngumiti ako.

"AH hindi ako tatahimik! Hindi ako makakapayag! Humanda sa'kin yang Tuck na yan.
Susuntukin ko sya! Hindi ko sya mapapatawad." Parang galit na talaga sya kaya hindi
na ko makapagsalita ng bigla syang tumingin sa'kin. "Oh bakit hindi mo pa ko
hinahalikan? Sabi mo kapag hindi ako tumahimik?? Ang tagal naman ha!" at yun ang
nakapagpatawa sa'kin. Lahat talaga gagawin nya. Humawak ako sa leeg nya at
hinalikan ko sya sa lips. Naramdaman kong ngumiti sya.

A/N
Plan kong magkaron ng separate story si Tuck at Vienna. Ang player at ang galit sa
player. :p And nareveal na ang past ni Tuck. End na din ang sa kanila ni
Margarette. So may iba na kaya syang gusto? So far lahat ng may love life sa story
na 'to eh nasilip nyo na. But since for Zak and Lex talaga ang story syempre mas
focus tayo sa kanila. :p

Sinong nakapanood ng Bride for Rent? Nakakatawa no? Naimagine ko tuloy Kimxi ang
Zalex. Okay naman kasi comedy. Hahaha. Anyways, naimagine ko lang naman. So vote
and comment ha. Sana kahit anong maging flow ng story support pa rin kayo. Hindi
naman kasi laging sweet moments lang. Kelangan din ng bitter moments. LOL!

Thank you sa full support for PH. Mahal ko kayong lahat. <3

megladiolus
*******************************************
45
*******************************************
ALEXA'S POV

"Sorry ka na lang. I got perfect score." Inaasar ko si goon dahil nakaperfect ako
sa exam at sya 99 lang ang nakuha dahil sa isang mali.

"Dinaya mo kaya ako." Nauna syang maglakad sa'kin palabas ng room at sumunod naman
ako.

"Excuse me, wala sa vocabulary ko ang salitang daya. At isa pa wala akong
natatandaang may ginawa ako sa'yo no!!" hinampas ko sya sa balikat pero hindi naman
ganun kalakas.

"Hoy anong wala! Nauna kang magpasa sa'kin ng test paper kay prof. Oh tapos anong
ginawa mo! Tiningnan mo ko tapos nagwink ka sabay ngiti! O hindi pa pandaraya
yun!!!" seryoso yung mukha nya sa pagsasalita. Oo nga ginawa ko yun pero hindi ko
sya maintindihan.

"At nasaan ang pandadaya dun ha?" ayusin nya lang ang sagot nya dahil kung hindi
tatamaan sya sa'kin.

"Yun na nga yung pandaraya mo!!! Nakikinig ka ba ha!!! Nagwink ka sa'kin tapos
nagsmile pa. ANo sa tingin mo mangyayari sa'kin ha!! Syempre natulala ako! Para
kong lumutang!!! Nablanko ako!! Isang question na lang tapos na sana akong
magsagot. Pero dahil ginulo mo ko hindi ko nasagutan!! Narinig ko na lang sinabi ni
prof 'okay pass your papers finished or not finished!!' Madaya ka! Dinaya mo
ko!!!!" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Yun na yung pandaraya? So dahil
lang dun? Matatawa ba ko o maiinis dahil ako pa talaga ang ginagawa nyang reason
kung bakit for the first time may nakataas sa kanya at hindi nya matanggap yun.

"Wag mo nga akong sisihin! If I know natuwa ka naman sa ginawa ko! Baka nga kung
wala tayong professor eh tumayo ka na sa upuan at sinunggaban mo ko na para
halikan!!" I rolled my eyes at tumingin sa malayo habang naglalakad.

"Buti na nga lang may professor eh! Kasi kung wala patay ka sa'kin!!" napangiti
naman ako kasi hindi naman nya tinanggi na gusto nya nga akong halikan ng mga oras
na yun. "Eh basta ikaw pa rin ang may kasalanan kung bakit may mali akong isa!!
Hindi nga dapat mali yun kasi wala naman akong sagot eh!"

"Fine! I will never ever do that again to you! Sa iba na lang. Yung
makakaappreciate ng smile and wink ko!" naglakad ako ng mabilis at nauna sa kanya.

"ANO?!! Sinabi ko bang hindi ko naappreciate ha?!! Hoy wag ka ngang magmadali!!
Nag-uusap pa tayo no!!!" naglakad din sya ng mabilis hanggang magkasabay na ulit
kami. "Nakikinig ka ba sa'kin. Sabi ko - naappreciate ko naman yun. Gusto ko nga
gawin mo yun madalas! AT SA'KIN LANG HINDI SA IBA! BUBULAGIN KO KAHIT SINONG
NGINGITIAN MO AT KIKINDATAN MO SINASABI KO SA'YO!!!!"

"Eh bakit mo sinasabing kasalanan ko kung bakit ka may mali sa test ha? Sinabi ko
bang matulala ka? Sana nagsagot ka muna bago mo inisip yung smile and wink ko!!" I
can't imagine na hahaba ang usapan dahil lang sa isang mali. Ayaw nya kasing
magpatalo at ayaw nya ng inaasar ko sya. "Kaya sa iba na lang ako ngingiti and
magwiwink dahil kasalanan ko kung bakit hindi mo naperfect ang exam!!!"

"Sinabi ko bang kasalanan mo? Sabi ko nga di ba - " biglang humina ang boses nya. "
- kasalanan ko. Kasalanan ko kasi naman nadala ako. You're so irresistible. Kakaiba
kasi yung smile mo. Parang nakaka-hypnotize." Napahawak ang right hand nya sa batok
nya.
"Ano yun? May sinasabi ka ba?" tiningnan ko sya at mukha syang nahihiya.

"Napakabingi mo talaga kahit kelan! Sinabi ko na ngang kasalanan ko at hindi ikaw


tapos pinapaulit mo pa!!" yung itsura nya na namumula at namimilog yung mga mata,
sign na nahihiya sya sobrang nakakatuwa. Nagsmile ako at nagwink sa kanya dahilan
para mamula sya lalo. "Hoy, sumosobra ka na. Masyado mong inaabuso ang kahinaan ko
ha!" Napatawa na lang ako ng mabilis ng bigla naming nakasalubong sila Luke kasama
nila si Jezhi. Wow, dati ako lang ang close nilang babae, ngayon si Jezhi na.
Masyado akong selosang kaibigan kaya tiningnan ko ng masama ang bruha pero joke
lang naman yun. Gusto ko lang syang magworry.

Umakbay sa'kin si goon at hinalikan ako sa ulo. "Ang bango mo talaga. Amoy adobo!"
bigla namang napatawa ang mga kaibigan nya.

"Hoy anong adobo! Sinasabi mo bang amoy ulam ako!!" Inalis ko ang kamay nya sa
pagkakaakbay sa'kin.

"Mabango lang talaga para kay Zak ang adobo!" natatawang sabi ni Val. Okay lang
kung nababanguhan sya sa adobo pero duh, ako amoy adobo? Nakakainis kayang
masabihan na amoy ulam ka. "Dude, nakalimutan mo ba?" sumesenyas si Luke kay goon
na hindi ko maintindihan pero bago pa ulit magsalita si Luke eh nauna na si goon.

"May pupuntahan lang pala kami. Alam ko mamimiss ko agad pero kelangan din nating
mamiss ang isa't isa paminsan-minsan kaya konting tiis lang ha." Nakahawak sya sa
chin ko at parang nagpapacute.

"Mamiss mo yang mukha mo. Feeling mo ha." I said while making face.

"SINASABI MO BANG HINDI MO KO MAMIMISS HA!!!!" sumisigaw talaga sya kahit may ibang
nakatingin sa'min.

"BAKIT IKAW MAMIMISS MO BA AKO HA!!!" ganito talaga kami maglambingan. Yung rinig
ng lahat dahil sa sobrang lakas ng boses namin.

"HINDI DIN!!!" nagtitigan lang kami at hindi agad nagsalita.

"KASI SOBRA KITANG MAMIMISS!" sabay naming sabi. Parang nagulat sya at nagulat din
ako, after few seconds sabay kaming ngumiti.

"Jeez bro hindi bagay! Ang baduy. Nakakadiri!!" natatawang sabi ni Luke.

"Shut up Luke. Maggirlfriend ka kaya para hindi ka mainggit dyan!" pambabara ko kay
Luke habang nakayakap ako kay goon.

"No need Lex. I am happy being single. Kaya kung pwede lang bitawan mo na yang
mokong na yan para makaalis na kami." Tumalikod si Luke at sumunod si Trav pati si
Val. Naiwang nakatayo si Jezhi.

"I gotta go." Hinalikan ako ni goon sa cheek. Nakakainis, dun lang? Hahaha. "See ya
later sweet monster." Then he winked. Para akong natuod. Hindi ako nakagalaw agad.
Para akong lutang. So ganito pala ang feeling nya nung nagsmile at nagwink ako sa
kanya. Kung sa'kin nya siguro ginawa yun baka hindi rin ako nakapagsagot. Baka
hindi lang ng isang tanong, baka ng isang buong test pa. Hahaha.

"Hoy! Ano tulala? Walang balak kumilos?" naramdaman ko na lang ang malakas na
hampas ni Jezhi.

"Ano ba! Bakit ka nananakit dyan!" Hindi ko napansin na nasa tabihan ko na pala
sya. Paano yung mukha lang ni goon na nagwink at smile ang nakikita ko. Iba talaga
ang tama ko sa kanya. Sana okay lang 'to.

"Eh kasi naman kanina pa ko nagsasalita no!" parang hindi naman. Hindi ko nga sya
narinig eh. Alam ko nga nakatayo lang sya tapos - tapos - nandito na sya sa
tabihan ko. Yun lang. "Mukhang in love na in love ka talaga kay Zak."

"Uy sobra yan. In love na in love agad? Hindi ba pwedeng in love lang?" In love
lang naman talaga kasi masyado pang maaga para mafall ako sa kanya ng bonggang-
bongga.

"Aysus, in love lang daw. Pwede ba Ciesla ako'y tigilan mo ng kasinungalingan mo


ha. Eh wink at smile nga lang ni Zak natuod ka na dyan eh." nagsimula na ulit
kaming maglakad pero hindi ko alam kung saan kami pupunta. "So anong sabi nila tita
ngayong may boyfriend ka na?"

Napatigil ako sa paglalakad sa narinig ko kay Jezhi. Parang nakalimutan ko na ang


parents ko. Dati kasi ang macoconsider ko lang na happiness is yung makuha yung
attention nila. Masaya na ko dun pero hindi ko magawa. Kaya nung nahanap ko yung
happiness ko kay goon, nakalimutan ko na yung routine na ginagawa ko para sa
attention ng parents ko.

"So I guess hindi mo pa nasasabi sa kanila." Nakatingin sa'kin si Jezhi.

"Do I really need to tell them? I mean, they don't care about me. All that matters
to them is money." Bakit ba nagpapayaman ang mga taong mayaman na? Sana pera na
lang ang ginawa nilang anak para araw-araw nilang kasama at buong buhay nila dun na
lang umiikot. Kesa naman may anak ka nga pero di naman maramdaman ng anak mo na may
parents sya.

"Pero kahit na. Dapat sinasabi mo pa rin sa kanila. Mas mabuti na yung sa'yo
manggaling kesa sa ibang tao pa. Alam mo naman ang chismis maraming dagdag. Kaya if
I were you I'll tell them ASAP!" bakit ngayon ko lang kaya 'to naisip - na sabihin
sa parents ko na ang anak nila eh masaya na at umiibig na. Hahaha. Korni eh pero
yun ang totoo. Na hindi ko na kelangang mageffort ng sobra para lang mahanap yung
happiness na hindi ko man lang nakuha sa parents ko.

"I really hate to say this but you have a point. Sige, sasabihin ko na sa kanila."
Paano ko naman kaya sisimulang sabihin sa kanila. As if they care. Pero tama talaga
si Jezhi, malakas ang radar ng parents ko at baka kung ano pa ang makarating sa
kanila. Siguro sasabihin ko na lang sa kanila pag-uwi nila next month.

"Nakakainis yung mga arranged marriage no? Hindi na nabigyan ng chance na sumaya
kahit sino sa kanila. Maswerte na lang sana kung pareho nilang gusto yung isa't-
isa." Ano na naman kayang sinasabi nito ni Jezhi. Napatingin ako sa kanya at may
hawak syang phone. "Remember Alera and Rusty? 5 years na sila and Alera's getting
married. Pero hindi kay Rusty. Nakakaawang lalaki."
"Saklap naman nyan. Dapat pinaglaban nila ang isa't isa." Marami namang ganyang
nangyayari lalo na sa mga anak mayayaman. Naisip ko na din yan dati pero sinabi ko
sa sarili ko na magpapakasal lang ako sa taong mahal ko. Kahit itakwil ako ng
parents ko I don't care. Hindi nila ko nagawang pasayahin kaya ang gusto kong
makakasama ko habang buhay eh yung taong nagpapasaya sa'kin. Kapag naiisip kong si
goon yun para na kong aatakihin sa puso.

"Ano day dreaming lang ang peg?" epal talaga 'tong babaeng 'to. Panira ng moment.
"What if si Zak pala ang magpapakasal tapos hindi nya masabi sa'yo kasi ayaw ka
nyang masaktan but sooner or later malalaman mo rin, anong gagawin mo?"

Ouch! Kinikilig na ko eh tapos biglang ang sakit ng tanong. Pero tama sya, ano nga
kayang gagawin ko? Dapat ba iniisip ko 'tong mga 'to? "Well, hindi ko sya hahayaang
magsalita. Siguro magpe-pretend akong wala akong alam. Kung arranged marriage lang
yun ibig sabihin ako pa rin yung mahal nya so I'll stick with it." Tama, ganun ang
gagawin ko.

"So papayag kang maging the other woman?" sasaktan ko na 'tong Jezhi na 'to eh.
Iniisip ko pa nga lang na sa iba ikakasal yung goon na yun parang bibitayin na ko
eh.

"Alam mo too early to think about and talk about marriage marriage na yan. Ako lang
ang papakasalan ng goon na yun at sisiguraduhin ko yan sa'yo." Oo, confident ako
dyan. Naglakad ako ng mabilis papuntang parking lot at iniwanan ko na si Jezhi.

Hindi ko alam pero parang bigla akong nalungkot sa sinabi ni Jezhi, what if
ikakasal nga yung goon na yun sa iba? Papayag kaya sya? Kasi ako kung ako lang
ipapakasal sa iba hindi talaga ako papayag. Ipaglalaban ko si goon, pero di ko alam
kung ganun din ang gagawin nya sa'kin. Hindi ako makapagconcentrate masyado sa
pagda-drive. Hanggang makarating ako sa bahay ganun pa rin ang iniisip ko.

Pagkabihis ko humiga ako sa bed ko at naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

From: my monster goon <3

Feeling ko kelangan ko ng dalhin sa ospital!

Nagpanic ako bigla. Napaupo ako para sana tawagan sya ng bigla ulit nagvibrate ang
phone ko.

From: my monster goon <3

Kasi tuwing naiisip kita para akong aatakihin sa puso. I miss you.

Grabe 'tong lalaking 'to. Ako ang muntik ng atakihin sa puso dahil sa takot tapos
joke lang pala.

To: my monster goon <3

Sira ulo ka bang lalaki ka! Bakit ka nagbibiro ng ganun ha! Alam mo bang muntik na
kong mamatay!

Mabilis naman agad syang nagreply.

From: my monster goon <3

Muntik ka ng mamatay?

To: my monster goon <3

Oo! Muntik na kong mamatay!!!!!!! Mamatay sa kilig!!!!! I miss you too. <3

From: my monster goon <3

Alam ko naman.

To: my monster goon <3

Feeling mo!

From: my monster goon <3


In love na in love sa'yo. Tinatanong pa ba yan.

Ih! Nakakainis. Bakit ganito sya kasweet. Nawala lahat ng worries ko bigla. Alam ko
talagang malabo yung sinasabi I Jezhi kanina.

To: my monster goon <3

Whatever! Nasan ka?

From: my monster goon <3

Eh di na sa'yo. Ano ba namang klaseng tanong yan?

To: my monster goon <3

Sino 'to? Hindi ikaw ang boyfriend ko, kaya kung sino ka man pakibalik ng phone sa
may ari.

From: my monster goon <3

So hindi nararamdaman ng puso mo na ako talaga 'to?

To: my monster goon <3

Anong drama mo?

From: my monster goon <3

Wala. Sige na. May gagawin pa ko. I love you. Hindi na drama yan ha. Pahinga ka na
dyan.

To: my monster goon <3


I love you too.

At hindi na sya nagreply. Syempre binasa ko ulit ang last conversation namin tapos
nagpaikot-ikot ako sa bed sa sobrang kilig. Namimiss ko na tuloy sya kahit wala
pang isang oras kaming hindi nagkikita. Grabe naman, mababaliw na ata ako.

"Ihhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!" dahil hindi ko mapigilan ang kilig sumigaw na ko.

Bright cold silver moon


Tonight alone in my room
You were here just yesterday
Slight turn of the head
Eyes down when you said

Sinagot ko agad yung phone dahil alam kong si goon 'to so nagpasweet pa ko ng
boses.

"Missed me already huh?" medyo pinipigil ko pa ang kilig ko dahil ayokong lumaki na
naman ang ulo nitong goon na 'to.

"Sweety?"

"Sweety? At kelan mo pa ko tinawag na sweety ha? Sinong sweety mo?" natatawa kong
sabi. Mga kalokohan nitong lalaking 'to.

"Are you my daughter?" Holy goly! Napaupo ako bigla at tiningnan ko ang phone ko
kung sinong nasa kabilang line. Oh no! Si papa nga.
"Pa, hey. How are you? Napatawag kayo?" shocks. Hindi naman siguro mag-iisip ng
iba si papa. Hindi nya siguro nagets - sana.

"Are you expecting a call from someone, sweety?" yes, of course but unfortunately
ikaw ang tumawag.

"Me? I thought you're - " think quick Alexa. " - Jezhi. Yeah, kasi naman di ba
we're bestfriends." Great idea, I am so genius.

"Princess, tell me the truth, are you - you know, lesb - "

"NO! Papa what are you thinking. I'm 100% straight!"

"So you have a boyfriend?"

"Of course I have a boyfriend!!!" Oops! Anong nasabi ko? Hindi sa ganitong way.
Ugh! "Papa I hate you!!!" Nakakainis. Sinadya nya talaga kong inisin para mahuli
ako sa sarili kong bibig. Sasabihin ko din naman sa kanila pero hindi sa ganitong
way.

"Ang princess ko dalaga na." I heard him sniffed.

"Papa are you crying? Come on! Hindi pa ko mag-aasawa no!" hindi pa din naman kasi
nagpopropose si goon. Tsaka bakit ba uso ang usapang kasal na yan ha. Nakakainis
na.

"You can't blame me princess, ikaw lang angang princess namin and now may boyfriend
ka na." Alam mo yung boses ng tatay mo na nagpapaawa. Ganyan na ganyan ang ginagawa
nya ngayon. "Sino ba 'tong lalaking 'to ha. Katulad ba yan ng papa mo? Papasa ba
yan sa'kin?"

"Wala kang choice papa kasi mahal ko sya. Mabait yun." Mabait naman talaga si goon,
kapag tulog. Hahaha. Naku hindi dapat malaman ni papa na sinisigawan ako ng
lalaking yun. Well hindi din naman alam ni papa kung paano ko sumigaw dahil akala
nila ako ang perfect princess na gusto nila. "We're totally the same. Kaming dalawa
ang naglalaban sa pagkatop."

"Magaling na bata pala yan at dahil sinabi mong pareho kayo meaning mabait na bata
talaga sya. Gusto ko na syang makita." Tumatawa si papa. Hindi kami ganito mag-usap
dati pero dahil wala naman syang bad reaction about sa pagboboyfriend ko wala na
kong dapat isipin.

"Papakilala ko sya sa inyo next month pag-uwi nyo." Hindi na ko makapaghintay na


magkita sila. Si goon at ang family ko. Perfect.

"Yun nga pala, kaya ako tumawag. Hindi kami matutuloy sa pag-uwi. Next month kasi
natin bubuksan yung branch sa Edmonton so dapat nandun kami ng mommy mo." Hindi ako
sumagot. Business na naman. Bakit hindi na lang kaya malugi ang business namin. May
savings naman ako at enough naman siguro yun para makasurvive ako until
makagraduate. "I know nadisappoint ka na naman. Promise babawi ako sa'yo princess
pag-uwi namin dyan."

"Kahit hindi na papa basta umuwi lang kayo. Sige na. Madami pa kong gagawin."
Ibinaba ko na ang phone ko bago pa sya magsalita ulit.

Ngayon alam na ni papa ang about kay goon. Sana ganun din kadali para kay mommy na
tanggapin yun. Pero di ko din pala sure, sana lang maipagtanggol ako ni papa.
Ginawa ko na ang lahat ng homeworks ko. Kumain na ko at natapos sa lahat ng gawain
pero hindi na ulit nagtext si goon. Hindi ko na din naman sya inistorbo dahil baka
busy sya so natulog na lang ako. Alam kong bukas is another day.

*************************************

JEZHI'S POV

Bago pumasok sa school dumaan muna ako sa boutique para kunin yung pinatahi kong
dress. Trip ko lang magpagawa nito since nakita ko lang sa net. For sure matutuwa
si Val dito. Actually lahat naman sa kanya okay basta ako ang magsusuot.

Pumasok ako sa boutique at sinalubong ako agad ni Sary. "Good morning. Ang aga mo
ah. Buti pala talagang natapos ko 'tong gawin kahapon." Sabi nya sa'kin.

Isang simpleng blue dress lang naman yung pinagawa ko. Cotton yung tela na
kumakapit sa curves. Perfect para sa'kin. Kinuha ko yung dress at sinukat ko tsaka
ako lumabas sa fitting room. "Okay na ba 'to?"

"Perfect. Ang sexy mong tingnan." Tiningnan ni Sary yung dress habang suot-suot ko.
"Ay wait, aayusin ko lang 'tong sa may back part." Tumalikod ako sa kanya at
nakaharap ako ngayon sa window ng boutique.

"Dadagdagan ko pa ba yung bayad?" okay lang sa'king dagdagan kasi naman hindi ako
nadisappoint sa tinahi nyang dress.

"Ay naku wag na. Sobra-sobra na nga yun." Tumatawang sabi ni Sary. Hindi na ko
nakipagtalo at inintay ko na lang syang matapos sa ginagawa nya. Napatingin ako sa
katapad na boutique at nakita ko ang mannequin na nakasuot ng wedding dress.
Napakaganda ng wedding dress na yun. Makakapagsuot din ako nun balang araw.

Hindi ko pa nga tapos titigan yung wedding dress ng may isang babae at isang lalaki
ang humarang at tinuturo ang dress. Nakakainis lang ha. Iimaginine ko pa nga lang
na ako ang magsusuot nun sabay harang naman nila. Kakausapin ko na nga sana ulit si
Sary ng mapatingin ulit ako sa lalaking nasa tapat. Nakaside view sya at parang sya
si - Zak?

Dahil sa shock ko napalapit ako sa may bintana at tinitigan kong maige. "Bakit
bigla-bigla ka namang naglalakad. Mabuti na lang tapos ko ng ayusin yang nasa
likuran mo kung hindi uulitin na naman natin yan." Si Zak nga yung lalaki. Sigurado
ako. Pero sino yung kasama nya? Hindi naman si Alexa yun. Tsaka bakit parang ang
saya-saya nilang dalawa. Inalalayan pa ni Zak yung babae at pinagbuksan pa nya ng
pintuan.

"Okay na ba Sary? Aalis na ko ha." Nung nakita kong tumango si Sary kinuha ko ang
damit ko at hindi na ko nagpalit. Nagmadali na kong lumabas at nagpunta sa tapat na
boutique. Sabihin nyo ng para akong stalker pero dahan-dahan akong sumilip sa
window ng boutique na 'to. Nakita ko si Zak na nakatalikod at suot-suot ang isang
tuxedo. Anong nangyayari? Nagtago ako sandali ng makita kong papaharap si Zak.
After ilang minutes sumilip ulit ako at nakita ko yung babae na nakasuot ng wedding
dress. Oh no, ikakasal si Zak? Alam kaya 'to ni Alexa? Pero - pero alam ko mahal
nya talaga si Alexa. Sisilip pa sana ako ulit ng biglang nakita ko ang kotse nila
Rich na paparating kaya nagtago ako sa gilid ng boutique. Narinig kong naguusap
sila Rich pagbaba ng kotse kaya sumilip ako. Nakita ko sila na pumasok sa loob.
Kasama rin nila si Val. Sumilip ako ulit sa bintana at nakita kong kinakamayan
nilang lahat si Zak. Bakit? Kinocongratulate nila? Pero bakit hindi 'to sinasabi
sa'kin ni Val? Mukhang okay na din pala sila Tuck at Zak dahil nagshakehands din
sila. Kelangan makaalis na ko agad bago pa nila ko mahuli dito.
Bumalik ako sa kotse at dumiretso na pagpasok. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba
kay Alexa? Pero maniniwala kaya yun sa'kin? Baka sabihin nya praning lang ako o
kaya OA. Kung hulihin ko na lang kaya si Zak? Bahala na nga.
***********************************

ALEXA'S POV

Nasa school na ko. Hindi ako sinundo ngayon ni goon kasi sabi nya may aasikasuhin
daw sya. Grabeng asikaso naman yun. Meron na kahapon tapos meron pa din ngayong
umaga. Kakababa ko palang ng kotse at papuntang first class ng may makasalubong
akong tatlong babae.

"Uy Alexa congrats ha." Tapos ngumiti sila. Hindi na ko nakasagot kasi nilampasan
din naman agad nila ako.

Hindi ko na din naman inintindi kasi baka about sa exam ko lang yun kahapon. Pero
paano nila nalaman, hindi ko naman sila kaklase. Hindi pa ko nakakarating sa room
ng may makasalubong ulit akong students.

"Alexa you're so lucky. Congrats ha." Halos lahat ng makasalubong ko nakangiti


sa'kin at nagcocongratulate. Ano bang meron? Bakit nila ko kinocongratulate.

"So, you're getting married ha. Congrats. Hindi ko akalaing papayag ang parents
mo." Sa boses palang nya na nagpapabago ng mood ko alam ko na agad kung sino sya
kahit hindi ko pa nakikita. Oo, si Zanea. Okay na naman kami pero hindi ko alam na
nakarecover na sa sa pagkakabangga nya.

"What are you talking about? Who's getting married?" kahit naman ayoko syang
kausapin, gusto ko ding makibalita sa mga nangyayari.

"You and Zak, duh! Alangan namang kayo ni Gene." Bigla akong nablanko ng marinig
kong sinabi nyang magpapakasal kami ni Zak. Magpopropose ba sya sa'kin? Bakit an
gaga naman ata.

"No. Masyado pang maaga para magpakasal kami." Natatawa kong sabi. Parang natigilan
yung mga nakakarinig sa paligid pati na rin si Zanea. Bago pa man makapagsalita si
Zanea eh nahigit na sya ni Gene palayo so hindi ko alam kung anong sasabihin nya.

"Hindi pala sa kanya magpapakasal si Zak. Kanino kaya? Bukas na yung kasal tapos
wala pa syang alam." Narinig kong bulong ng mga babaeng nadadaanan ko. Si goon
ikakasal bukas? Kung magpopropose sya ngayon ikakasal kami agad bukas? Pero wala pa
kong isusuot. Sabagay pwede naman akong bumili.

"Pero bakit hindi sya kasama ni Zak sa boutique para magsukat ng wedding dress?
Tsaka wala din sya sa church para sa rehearsal." Dahil hindi ko gusto ang naririnig
ko nagmadali na kong maglakad. ANong wedding dress? ANong church? Anong ibig
sabihin nila? Ako lang ba ang hindi nakakaalam? Tsaka bakit bukas na agad ang
kasal? Kaya ba naging busy sya last week. Pero bakit hindi nya sinabi sa'kin? Mali
lang sila. Chismis lang naman lahat. Imposible. Imposible talaga. Nangyayari na ba
ang lahat ng sinabi ni Jezhi.

Nanakbo ako papuntang room ng bigla kong makabangga si Jezhi. "There you are!"
hinihingal nyang sabi. Mabuti na lang at nakita ko sya.

"Alam mo ba sis kinausap ako ni Zanea, paano akala ng lahat ikakasal ako kay Zak.
Nakakatawa no." pinipilit kong tumawa kahit nasasaktan na ko.

"Pero hindi naman kayo magpapakasal." Seryosong sabi ni Jezhi.


"Right. Hindi naman talaga. Tapos iniisip nila na sa iba magpapakasal si Zak. So
pathetic. Imagine, bukas na daw yung wedding. Alam mo maraming kamukha si Zak so
for sure napagkamalan lang nila." Pinilit ko paring tumawa kahit hindi na talaga ko
natatawa. Napansin kong hindi nagrereact si Jezhi sa kahit anong sinasabi ko.

"What if ikakasal nga si Zak, anong gagawin mo? What if lang naman. You know, hindi
ko naman sinasabing ikakasal nga sya." Hindi makatingin sa'kin si Jezhi. Hindi ko
alam anong sinasabi nya pero nasasaktan ako.

"Well, tulad ng sinabi ko sa'yo kahapon hindi pa rin ako makikipaghiwalay. Iintayin
kong sya yung magsabi sa'kin." Tumawa ulit ako. "Pathetic, I know." Bigla akong
sumeryoso. "Pero yun talaga ang gagawin ko." Hindi nagsalita si Jezhi. Parang gusto
nyang umiyak pero hindi ko alam kung bakit. "Jezhi, may alam ka ba?" naninikip ang
dibdib ko. Hindi ko alam pero parang hindi ko gusto kung ano mang sasabihin nya.

"Sis, wag kang mabibigla ha. Kasi - kasi nakita ko si Zak sa tapat ng boutique na
pinagkuhanan ko nitong dress ko. May kasama syang babae at dalawa lang silang
dumating dun. Dahil curious ako sumilip ako. Nakita kong nagsusukat si Zak. Tapos
yung babae lumabas ng nakawedding dress. Parang masayang-masaya sya. Ang saya
nilang dalawa." Nangingilid na ang mga luha ko sa mga narinig k okay Jezhi.

"Baka naman kamukha lang ni Zak yun. Imposible kasi ang sweet pa namin kahapon. Oo
medyo kakaiba nga yung mga sinasabi nya, parang sobrang sweet pero natural lang yun
kasi nagmamahalan kami." Pinipigilan kong umiyak dahil alam kong hindi 'to
nangyayari. Hindi sa'kin at hindi kay goon.

Hinawakan ako ni Jezhi sa kamay. "Sis sana nga hindi na lang si Zak yun pero
dumating ang Sterke Geest. Muntik na kong makita mabuti na lang nakapagtago ako.
Dahan-dahan akong sumilip at nakita kong kinakamayan nila si Zak na parang
kinocongratulate. Kung hindi sya si Zak bakit nandun sila Rich? At kung hindi si
Zak ang ikakasal bakit sya kinocongratulate nila Luke, nila Val?" at hindi na
napigil ng mga luha kong pumatak.

"May sinabi ba si Val sa'yo about dito?" umiling lang sya at nakita kong galit din
sya.

"Kaya nga ko naiinis dahil wala syang sinasabi sa'kin pero don't worry kakausapin
ko sya." Hinawakan ko sya sa braso.

"Wag na. Kay Zak ko gusto kong malaman lahat." Pinunasan ko ang mga luha ko at
ngumiti. "Sige papasok na ko sa klase. I'm fine. See ya around." Tumalikod ako at
naglakad papunta na sa class ko.

Pagpasok ko sa room nakatingin sa'kin lahat. Hindi ko na lang sila pinansin. Hindi
ako maniniwala hangga't hindi si Zak ang magsasabi sa'kin.

"Ang ganda nung church. Sa Shomei Church sila ikakasal. Pangarap ko din dung ikasal
eh." Iiyak na sana ko ulit ng dumating ang prof namin. Halos wala akong
naintindihan sa buong klase dahil may iniisip ako. Hindi din pumasok si goon.
Mukhang nagsasabi talaga ng totoo si Jezhi.

Anong gagawin ko? Paano kung totoo ngang ikakasal sya? Kung bukas sya ikakasal for
sure makikipaghiwalay sya sa'kin today. Hindi pa nangyayari pero para na kong
mamamatay. Bakit naman ganito kaaga at kabilis?

Bright cold silver moon


Tonight alone in my room
You were here just yesterday
Slight turn of the head
Eyes down when you said

Nakita kong si goon ang natawag. AYokong sagutin kasi baka hindi ko kayanin ang
sasabihin nya.

"Hey."

[Hello. Sorry hindi ako nakapasok, medyo natagalan kasi yung inaayos ko.]

"Ah. Okay lang." Pinipigil kong maiyak. Kasi ang saya pa ng boses nya na parang
walang kasalang mangyayari bukas.

[May sasabihin nga pala ko sa'yo.]

"Mamaya mo na lang sabihin kapag nandito ka na sa school. Sige na may klase pa ko."

[Ha? Di ba vacant ka ngayon?]

"Sa kabilang section ako magkaklase ngayon. Sige na." at pinatay ko na ang phone
agad. Narinig ko pa lang na may sasabihin sya sa'kin hindi na ko makahinga.
Naninikip na agad ang dibdib ko. Paano sya nakakarte na parang hindi sya
makakasakit ng tao.

Iniisip ko kung papayag ba kong makipaghiwalay sya? Hindi. Hindi ko pa talaga kaya.
Magpapanggap na lang ako na walang alam kesa - kesa magstay ako sa tabi nya kahit
alam kong hindi na ako ang legal nya.

Pinatay ko na ang phone ko para wala akong makitang text nya o para hindi nya ko
matawagan. Hindi ko din nakikita ang ibang Sterke Geest. Mukhang busy nga talaga
silang lahat habang ako dito gusto ng magpakamatay. Hindi ko pa naman sya ganun
kamahal, siguro kaya ko pang maglet go agad.

After ng mga morning classes ko nagdiretso ako sa likuran ng gym. ALam ko namang
walang tao dun, best place para magrelax. Malayo sa mga chismis sa paligid. Umupo
ako at nakatulala. Iiyak na sana ako ng biglang may yumakap sa'kin.

"Parang isang taon kitang hindi nakita ah." Ang higpit ng yakap nya sa'kin. Isang
yakap na parang hindi na mauulit. Pinigil kong umiyak. Humarap ako sa kanya. "Okay
ka lang ba? Bakit namumula mga mata mo?"

"Napuwing ako kanina eh." Niyakap ko sya bigla. Kung hindi ko na sya ulit mayayakap
susulitin ko na ngayon. "San ka ba nagpunta? Halos mamatay na ko kasi wala ka." At
mamamatay ako kapag iniwan mo ko. Sana maramdaman nya na kapag nakipaghiwalay sya
sa'kin ngayon eh mamamatay ako.

"Yun nga yung sasabihin ko sa'yo kung bakit ako madalas wala at kung bakit ako
naging busy." Humiwalay sya sa pagkakayakap sa'kin. "Bukas kasi - "

"Go ahead. Enjoy. ANong oras bas a Shomei Church?" parang nagulat sya sa sinabi ko.
Hindi nya siguro inaasahang malalaman ko.
"9am look pwede ka namang pumunta kung gusto mo pero kung ayaw mo okay lang din
naman. Sorry kung hindi ko agad nasabi. Hindi ko din naman kasi inaasahan. Kahit
ako nagulat sa mga nangyari. Kahit sila Luke at ang iba pa nagulat din." Kalmado
lang sya magexplain. Walang worries samantalang ako dito parang mamamatay na. Gusto
ko na ngang kainin ng lupa ng buhay eh.

"I understand. Hindi kasi ako makakapunta. Ikaw na lang." Hindi ko kayang tingnan
ang lalaking mahal ko na ikakasal sa iba. Baka magsabay ang kasal nila at burol ko.
"I need to go. Nagtext nga pala si papa, ngayon pala sila uuwi." Lie. Kahit ang
sabi nila hindi sila makakauwi next month, ngayon pa kaya.

"Gusto mo samahan kita?" umiling lang ako at hindi na tumingin sa kanya. Nagmadali
akong umalis ng school. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang makarating ako
sa isang restobar. Hindi ako nagpupunta sa ganitong lugar pero kelangan ko nito
ngayon. Alam ko maaga pa para maginom, pero wala akong pakialam. Kelangan ko nito
ngayon.

Pumasok ako sa loob at umorder ako ng isang tower at dalawang case. Mag-isa lang
ako sa table. Hindi ko 'to kayang ubusin alam ko. Gusto ko lang mawala 'tong sakit
na nararamdaman ko kahit ngayon lang. Dahil bukas, bukas isa na kong other woman.
Sino kaya ang maswerteng babae. Sino kaya sya. At siraulong goon yun. Masyado pa
syang kalmado sa pagsasabi sa'kin na parang hindi ako masasaktan. Buwisit sya.
Buwisit sya!!!

Hindi ko napansing naubos ko na pala ang isang tower kaya naman sinunod ko na agad
ang nasa case. Nahihilo na ko at iyak na ko ng iyak. "Barbayaran kos na 'to all."
Nahihilo lang ako pero alam ko pa rin ang ginagawa ko.

"Ma'am kelangan nyo po ba ng assistance paguwi. Mukhang hindi nyo na kayang


magdrive." Nakahawak sa'kin yung waiter kaya naman sinampal ko sya.

"Mansholoko ka. Don't you hever touch me hagain!" kahit wavy na ang tingin ko sa
floor naglakad pa rin ako papunta sa kotse. Pagpasok na pagpasok ko sa kotse
nalaglag ang susi. Pero hindi ko agad nakita hanggang napahiga na ko sa loob. Hindi
naman pala totoo na kapag uminom ka makakalimot ka. Bakit ngayon uminom ako pero
nasasaktan pa rin ako.

"AAhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!! Bakit!!! Bakit mo 'to nagawa sha'kin!!!!!!!" ang


sakit. Ang sakit-sakit. Hindi ko na alam ang gagawin. Nasa loob lang ako ng kotse
at umiiyak lang ng umiiyak. Hanggang sa naramdaman ko na bumibigat na ang mga mata
ko.

*********************************************************

Bright cold silver moon


Tonight alone in my room
You were here just yesterday
Slight turn of the head
Eyes down when you said

Aray! Ang sakit ng ulo ko. Parang may nagtatayo ng building sa loob. Parang
pinupukpok at binabarena ng maraming construction workers.

I guess I need my life to change


Seems like something's just aren't the same
What could I say?

Kinapa ko ang phone ko ng mauntog ako. Pagdilat ko nakita ko ang manibela ng kotse.
Kotse? Oh no, dito na pala ako nakatulog. Napasilip ako sa labas at maliwanag na.
Sinagot ko ang phone ko kahit di ko alam kung sinong natawag.

[Where the hell are you? Bakit wala ka dito sa bahay mo?]

Si Jezhi pala 'tong nasa phone. "Bakit ba?"

[ANong bakit ba? Wala ka bang gagawin? Papayag ka na lang ng ganyan?]

"ANo bang sinasabi mo?"


[Ngayon ang kasal ni Zak hello! Magmumukmok ka na lang ba?]

Napabangon ako bigla. Nakita ko sa orasan ng kotse na 8:00am na.

[Alam mo kung mahal mo talaga si Zak ipaglaban mo! Kapag nasabi nya sa'yong hindi
ka na nya mahal tsaka ka umayaw. Pero alam naman nating lahat na mahal ka nya. Kaya
kung ako sa'yo pupunta na ko sa simbahan bago pa sya maikasal!!!!]

"Thank you sis. Thank you so much. Hindi ko akalaing may sense din talaga ang mga
sinasabi mo. I owe you one." Ibinaba ko ang phone ko at hinanap ang susi sa ilalim.
Hindi na ako nagaksaya ng oras. Nagdrive ako agad papunta sa Shomei Church.

Tama si Jezhi. Bakit kasi naginom-inom pa ko. Sana pala sinabi ko na agad kay goon
kahapon. Masyado kasi akong natakot. Masyado akong duwag. Alam ko namang may laban
ako pero hindi ko sinubukan. At alam mo yung kapag nagmamadali ka tsaka naman
magta-traffic? Come on! Buwisit yung mga ganitong eksena. Napapanood ko lang 'to
dati tapos ngayon ako na ang nasa eksena. Walastik na buhay 'to.

Tiningnan ko ulit ang oras at 8:50am na. Konti na lang magsisimula na ang kasal.
Nung naggreen light na hindi na ko nagsayang ng oras. Nagovertake na ko kung
overtake. Alam kong malapit na yung church dito. Magintay ka lang goon ka. Patay ka
sa'kin.

Kapag minamalas ka nga naman may pulis pang humarang sa'kin. Kinatok nya yung car
ko at pinababa ako. Syempre ako naman bumaba na. Kinuha ko yung bag ko. 9:10 na,
nagsimula na ang kasal.

"Nakainom ka ba miss? Ang bilis mo ding magpatakbo." May hawak na ticket si kuya
habang inabot ko yung license ko.

"Nagmamadali po ako. It's a matter of life and death. Magkano po ba?" kukuha na ko
ng pera pero tumawa lang si kuya.

"Mga kabataan nga naman. Akala nakukuha lahat sa pera." Pumirma sya ticket at may
isa pang ticket. Napakabagal nya. Napahawak ako sa noo ko at napatingala. Lord,
hindi ba talaga kami para sa isa't isa. Nakatingin ako sa cross sa may likuran ng
puno at nagpe-pray.

Cross? Teka, yun na yung church. Tumingin ako kay kuyang pulis na busy pa rin sa
pagsulat ng bigla akong tumakbo ng mabilis.

"Kuya pabantay ng kotse ko. Babalik ako dyan. Kelangan ko lang talagang umalis."
Kahit masakit ang ulo ko nanakbo ako ng mabilis at nakarating ako sa church. Nandun
maraming kotse. Pati yung kotse ng ikinakasal nandun din. Nakita ko din yung kotse
ng Sterke Geest kaya confirmed na dito nga ang wedding. Nanakbo ako papasok sa
simbahan. Masyadong malaki yung church kaya meydo pumasok pa ako sa loob. Nakita
kong nakatayo silang lahat.

Anong gagawin ko? Ikakasal na sya pero ayoko. "Hindi kayo pwedeng magpakasal!!!!!!"

Napatingin silang lahat sa'kin. Lahat ng mga matang nandun sa'kin nakatingin. Anong
sasabihin ko? Nakatingin lang sa'kin si goon na parang gulat na gulat. Hindi nya
siguro alam na kaya ko 'tong gawin. Nagulat ako ng makita ko kung sinong babae ang
nakasuot ng wedding dress. Yung babaeng nakita kong kasama nya nung hindi pa kami
at yung kausap nya nung monthsary namin. Kahit childhood sweetheartpa kayo, hindi
ako papayag mapunta si goon sa babaeng 'to.

"Ikaw babae, hi - hindi mo sya pwedeng pakasalan kasi - kasi I saw him flirting
with out maids. At may affair sila ng mommy ng bestfriend ko." Nakita kong
nagtawanan sila Tuck. Nanlaki ang mata ng babae. Siguro gulat na gulat sya sa mga
sinabi ko. "Isa pa magiging tatay na yan. Wag mo naman sanang takbuhan ang
responsibilidad mo - " teka si - sino yung lalaking nasa likuran ni goon? TUmingin
ulit ako sa babae at sa lalaking nasa likuran ni goon. Oh sh*t! Sorry po lord kung
nakapagmura ako sa loob ng simbahan.

Wala pang ilang minuto nakita kong sinampal nung babae yung lalaking nasa likuran
ni goon. Patay. "So - sorry. Akala ko kasal 'to ni Yohee. Sorry. Maling simbahan
pala. Best wishes." Nakita kong nilapitan ulit nung babae yung lalaking sinampal
nya. Bago ko pa makita ang mga susunod na mga nangyari eh nagtakip na ako ng mukha
at nagmadaling lumabas.

"Nakakahiya ka Alexa! Nageskandalo ka sa kasal ng may kasal!!!!!!" nagmadali akong


lumabas ng simbahan para sana balikan ang kotse ko ng muntik na kong matumba.
Nasira pala ang heels ng shoes ko dahil sa pagtakbo. "Ayan, nakakahiya ka na nga
minalas ka pa. Buwisit." Tinuluyan ko ng tanggalin yung heels ng shoes ko tsaka ko
inihagis sa likuran ko.

"Aray!" napatingin naman ako agad at nakita ko si goon na nakatayo at nakahawak sa


mukha. Tumingin ako agad sa paligid at naghahanap ako ng mapagtataguan pero wala
akong makita kaya mukha ko na lang ang tinakpan ko. "Oh bakit ka nagtatakip ng
mukha?"

"Wag kang lalapit! Dyan ka lang! Aalis na ko!!" tumalikod ako sa kanya at dahil
hindi nga pantay ang heels ko eh naout of balance ako. "Ahhhh!" naramdaman ko na
lang na may sumalo sa'kin. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatakip ng mga kamay ko
sa mukha ko.

Maya-maya pinilit alisin ni goon ang mga kamay ko sa mukha. "Alisin mo na kasi
yan." Mukha syang natatawa. Eh sino bang hindi matatawa. Mageskandalo ka ba naman
sa kasal ng may kasal. Nakakatawa talaga yun. Ang masaklap pa eh may nakakakilala
sa'kin.

"AYoko! Wala na kong mukhang ihaharap sa lahat." Sana mahimatay ako ngayon. Sana
mauntog ako at magkaamnesia. Please po Lord.

Naalis nya ang mga kamay sa mukha ko pero nakapikit pa rin ako. "Eh nakaharap na
nga yang mukha mo sa'kin oh. Kaya dumilat ka na."

"AYoko!!!" Dahil makulit nya naramdaman kong ibinubuka ng kamay nya ang mata ko.
"Hoy bubulagin mo ba ko? Bakit mo pinupwersang buksan ang mga mata ko ha?"

Dahil sa inis ko napadilat ako bigla at nakita ko ang mukha ni goon na abot ang
langit sa ngiti. "Sige lang. Pagtawanan mo pa ko!!!!" Umayos ako ng tayo at lumayo
sa kanya.

"Hindi kaya ako natawa. Nakangiti lang pero hindi tawa. Ano ba kasing ginagawa mo
dito?" maang-maangan pa. Napahiya na nga ako ipapaalala nya pa ulit sa'kin kung
anong kahihiyan ang nagawa ko. "Sasabihin mo ba o tatawagin ko si Honey para
sabihin na kilala ko kung sino ang babaeng agaw eksena sa kasal nya."

Napatingin ako kay goon ng diretso. "Honey?"

"Oo. Si Honey. Kasal nya lang naman yung inistorbo mo." Grabe ka Alexa, Honey pala
ay name at hindi tawag ni goon sa babaeng yun. "So bakit ka nga nandito?"

Yumuko ako at tumingin sa ground. "Kasi kalat sa buong school na ikakasal ka tapos
nakita ka rin ni Jezhi sa boutique na kinicongratulate nila Rich. Akala ko ikakasal
ka sa iba ng di mo sinasabi sa'kin."

Bigla syang tumawa. "Kinocongratulate nila ko kasi ako ang best man sa kasal ni
Honey. Yung mapapangasawa nya kasi bestfriend ko nung bata pa kami. Childhood
sweetheart sila ni Honey kaya close din kami. Tsaka isa pa kapatid ni Rich si Honey
at bawal sa grupo ang tumalo ng kapatid. Pati sasabihin ko kaya sa'yo kahapon pero
alam mo na. Kaya nga sinabi ko sa'yo na pwede kang pumunta eh." tapos tumawa sya
ulit. "Kaya pala sabi mo hindi ka makakapunta kasi akala mo kasal ko yun?"

Tumango lang ako na punong-puno ng kahihiyan. "Syempre, sino ba namang babae ang
pupunta sa kasal ng taong mahal nya. EH mas gusto ko pang magpunta ng cemetery at
magpalibing ng buhay kesa makita kita na ikinakasal sa ibang babae." Inangat nya
ang mukha ko and our eyes met. Biglang pumatak ang mga luha ko. Para akong batang
umiiyak.

"Shhhhh! Tama na. Sana naman sinabi mo agad sa'kin. Tsaka baliw ka ba talaga?!!"
tinulak ng index finger nya ang forehead ko. "At sira ka ba talaga. Hindi ako
magpapakasal sa kahit na sinong babae no! Dahil isa lang babae ang gusto kong
pakasalan at ikaw yun." Pinunasan nya ang mga luha ko. "Kung gusto mo magpadouble
wedding na tayo ngayon dun. Tara na." hinigit nya ko pero hinampas ko sya.

"Sira ka ba. After ng kahihiyang ginawa ko dun tingin mo ba papasok pa ko sa loob?"


napangiti na din ako kasi nawala na yung sakit na nararamdaman ko.

"Eh sya dun na lang tayo sa munisipyo. Pakasal na tayo ngayon pang sigurado na kong
ikaw talaga ang gusto kong pakasalan. Imagine kung ako talaga yung groom tapos
sisiraan mo ko ng ganun. Flirting with your maids at nabuntis ko pa ang mommy ng
bestfriend mo? Eh talagang iiwanan ako ng babaeng kasama ko sa altar. Gusto ko ng
tumawa ng malakas kanina pero di ko magawa. Nakakatuwa ka kasing tingnan." Bigla
nya kong hinawakan sa balikat at inilapit sa kanya. "Nagpunta ka pa dito kahit
mukhang kakagising mo lang para lang pigilan ang kasal na akala mo sa'kin. Wow, mas
lalo mo lang akong binibigyan ng reason para mahalin pa kita lalo." Hahalikan nya
ko sana pero lumayo ako.

"Ano ka ba, sabi mo nga kakagising ko lang di ba? Ewwwness ka." Inilapit nya ulit
ang mukha nya sa mukha ko.

"Kahit isang linggo ka pang hindi maligo o magtoothbrush wala akong pakialam. Para
sa'kin ikaw pa rin ang pinakamabangong babae sa buong mundo." Sinusubukan kong
ilayo ang mukha ko habang papalapit ang sa kanya pero wala akong nagawa. Our lips
met ng bigla syang napagitil at tumingin sa'kin. "Nag-inom ka ba?"

Itinulak ko sya ng malakas. "Eh kasi nga di ba akala ko ikakasal ka na. Hindi mo
alam kung anong mga pinagdaanan ko no! Nahuli kaya ako, over speeding daw.
Kasalanan mo 'to eh." kinuha nya ang kamay ko at naglakad kami.

"Uh, kawawa naman ang sweet monster ko. Sige na nga magiging servant mo ko for a
day para lang makabawi ako sa'yo." Tumigil ako sa paglakad at tumingin ako sa
kanya.

"For a day lang? Hindi ba dapat forever?" sumimangot sya. Tsaka ko lang napansin na
ang gwapo pala nya sa suot nyang tuxedo.

"Dapat fair lang di ba?" grabe ang hot nya. Ganun ko ba sya katagal na hindi nakita
at masyado syang gwapo ngayon?

"Fine. Pero basta dapat next time magsasabi ka na sa'kin agad kung may pupuntahan
kang kasal para naman hindi ako napapraning! Kapag ako ang ikasal sige ka hindi ko
sasabihin sa'yo!" nilalaro nya ang kamay ko habang naglalakad kami.
"Okay lang kikidnapin naman kita. O kaya pupunta din ako sa church at sisigaw 'Ako
ang ama ng dinadala ng babaeng yan!' Tapos susuntukin ko sya sa mukha." Tumatawa
nyang sabi.

Inaasar nya ko ng inaasar at ginagaya ang mga sinabi ko kanina sa church habang
naglalakad kami para puntahan ang kotse ko. Isang nakakahiya pero masayang araw.
Hindi ko akalaing magagawa ko yun para sa goon na 'to.
*******************************************
46

*******************************************
ALEXA'S POV

"This is all your fault!!" sigaw ko kay Jezhi. Wala namang ibang makakarinig since
nandito kami sa likod ng gym. "Alam mo ba kung anong kahihiyan ang nagawa ko?"
biglang tumawa ng malakas si Jezhi kaya naman tiningnan ko sya ng masama. "So alam
mo nga?"

"Sorry sis. Pero nakwento sa'kin ni Val. I'm sorry okay. Malay ko bang hindi si Zak
ang ikakasal. Tsaka pinagtahi-tahi ko lang naman yung kwento mo at yung nakita ko."
Hahampasin na sana sya ng book pero nakaatras sya.

"Bakit ba kasi naniwala ako sa'yo. Tulog na ko't lahat tapos bigla-bigla kang
tatawag. Bakit ba kasi naniwala talaga ako sa'yo? Kahit kelan naman dapat hindi ka
pagkatiwalaan!" hahampasin ko na talaga sya ng biglang may mga maiingay na lalaking
dumating.

"Lady ghost wag mo naman saktan ang baby ko!" wow to the rescue naman daw ang Val
na 'to. Humarang pa talaga sya sa gitna naming dalawa.

"Ah sige. Saluhin mo lahat ng gagawin ko sa kanya!" si Val ang pinaghahampas ko at


humarang naman si Jezhi. "Pwede ba tigilan nyo ko ng mga kaartihan na yan!!!"
naiinis na ko ng maramdaman kong may humawak sa waist ko at hinigit ako papalapit
sa isang muscular wall.

"Kung ako na lang kaya ang nilalambing mo?" bulong ng isang mala-anghel na boses sa
tenga ko. Enough para tumalon ang puso ko sa tuwa. Hindi ako agad nakapagsalita
dahil ineenjoy ko pang moment na 'to. "Hoy tigilan nyo na ang 'tong mahal ko."
Muntik na kong magcollapse ng marinig kong sinabi nyang 'MAHAL'. Mabuti na lang at
hawak-hawak nya ko or else nakahiga na ko sa lupa ngayon.

"Sya kaya ang nananakit sa baby ko." Tss! Hindi sila sweet, mas sweet kami ni goon.
Epal 'tong Val at Jezhi na 'to.
"Itigil ang kasal!" napalingon kami sa likuran ng marinig naming sumigaw si Luke
tapos nagtawanan sila Rich.

"Ulol hindi ganyan. Ganito kaya." Umaatras pa ng konti si Rich tsaka tumakbo
palapit sa'min. "Hindi kayo pwedeng magpakasal!" nagboses babae pa sya then dahan-
dahan syang tumingin kay Trav. "Ikaw babae, hi - hindi mo sya pwedeng pakasalan
kasi - kasi I saw him flirting with our maids. At may affair sila ng mommy ng
bestfriend ko." Tapos nagtawanan silang lahat.

"Ang pinakabest part yung ganito." Nagpalit ng pwesto si Rich at Luke. ""Isa pa
magiging tatay na yan. Wag mo naman sanang takbuhan ang responsibilidad mo." At
nagtawanan na silang lahat. Pulang-pula naman ako sa kahihiyan kaya tiningnan ko ng
masama si Jezhi.

Nagtago naman sya sa likuran ni Val. "This is all your fault!!"

"Hoy magsitigil na nga kayong lahat! Uupakan ko kayo isa'isa eh." mabuti na lang
talaga nandito sya para ipagtanggol ako. "Pero nakaawa si Pards no? Ikakasal na
lang nasampal pa. Nakita mo reaction ni Honey? Epic talaga." Lumayo ako at
tiningnan ko ng masama si goon. "Joke lang. 'To naman di na mabiro. Halika nga
dito." Papalapit sya pero tinalikuran ko lang sya.

"Hindi ko na alam paano pa ko haharap sa mga tao. Sa inyo pa nga lang asar talo na
ko. Paano pa kaya kay Honey!!" sobrang nakakahiya talaga. Pero yung kahihiyan na
yun eh pinagtatawanan na lang nila.

"Honey!" narinig kong inulit ni Val ang sinabi ko.

"Oo nga. Ni Honey! Nakakahiya talaga." Tumingin ako kay Jezhi at Val na nakangiti.
"Sige lang ngumiti pa kayo dahil hanggang dyan na lang yan. Hindi ko na ulit
ipapahiya ang sarili ko. Isa pa hindi naman kami magkikita ni Honey." Sana lang
talaga.

"Honey!" narinig kong sabi ni Rich.

"Oo nga ni Ho - " bigla akong kinabahan. Don't tell me nandito si Honey?
"What are you doing here?" narinig ko ulit nagsalita si Rich. Please sana hindi si
Honey yung kausap nya.

"Just wanna see you all and wanna thank you for coming to my wedding kahit na medyo
may epic na nangyari." Oh no! I am so deads. Si Honey nga.

>.>

<.<

Tingin sa paligid. Kelangan kong magninja moves. Walang pwedeng taguan.

"Hey Zak!" oh no papalapit na ata sya. Bahala na si batman. "Where's your


girlfriend?"

Hindi ko na inintay na makita si Honey. Nagdive ko sa halamanan sa tabihan namin.


Hindi ko kayang humarap sa kanya.

"ANong ginagawa mo dyan?" Nakadapa pa din ako at hindi ako kumikilos.

"So it's her?"

Hindi nila ko nakita. Hindi hindi - "Napakalampa mo talaga. Tumayo ka nga dyan."
Naramdaman kong hinawakan ako ni goon.

"Ayoko! May hinahanap kasi ako dito. Yung hikaw ko nalaglag!!!" hindi pa rin ako
tumayo. Hindi nila ko mapipilit.

"Sis, ayan pa yung hikaw mo oh, dalawa pa rin." Panira talaga 'tong si Jezhi kahit
kelan. For sure tuwang-tuwa sya sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

"Oh my sweet monster, my topaking girlfriend, mahal kong girlfriend. Tumayo ka na


nga dyan." Natatawa si goon. For sure alam na nya kung bakit ako nakadapa sa
halamanan ngayon. Hinigit nya ko pero nagpapalag ako at tumama ang ulo ko sa kahoy.
"Tatayo din pala papakipot pa."
Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong dumilat at bumungad sa harapan ko si Honey.
Oh my goodness. Wala na talaga akong itatagong kahit ano.

"So it's you."

"Excuse me?" napahawak ako sa ulo ko dahil masakit sa pagkakauntog. "Nasaan ako?"
biglang nagtawanan sila Rich sa likuran ni Honey. Tumingin ako kay goon at kina
Jezhi na kunyari tinitingnan kung nasaan ako. "Ang sakit ng ulo ko." Naglakad ako
dahan-dahan para lampasan sila.

"Lex?" sabi ni Trav pero hindi ako nagsalita. Nakahawak pa din ako sa ulo ko.

"Oh my gosh Zak mukhang nagkaamnesia na si Alexa!!" narinig kong sigaw ni Jezhi.
Sabi na nga ba eh, kapag sya ang nagsabi walang katotohanan. Sige lang Jezhi,
iconvince mo sila!

"Parang nauntog lang ng mahina amnesia agad?" so ako lang talaga ang nauuto nitong
si Jezhi.

Humarang si Rich sa dadaanan ko. "Sino ako?" Si Rich duh! Syempre kelangan kong
magpretend.

"Sino ka?" Nag-isip ako kunyari. "Hi Elvis. How are you?" tapos nagtawanan ulit
sila Luke.

"Dude kamukha mo kasi si Elvis Presley." Konti na lang muntik na kong mapatawa.
Pero sa totoo lang nasakit na ulit ang ulo ko.

"Ah amnesia pala ha. Maligawan yung babaeng nakita ko sa canteen kanina. Ang ganda
at ang hot. Wala naman akong girlfriend eh!!" nag-init ang ulo ko pero alam kong
inaasar lang ako nitong goon na 'to. Hindi ko sya pinansin at lumapit ako kay Trav.

"Pwede mo ba kong dalhin sa clinic. Ang sakit kasi ng ulo ko." Tumingin si Trav sa
may likuran ko na sa tingin ko eh kay goon. "Sige kahit sabihin mo na lang kung
saan. Ako na lang ang pupunta mag-isa."
"Miss magingat ka kay Alexa ha. Yung pinakanakakatakot na student dito sa school.
Mataba yun at panget. Sabi nila patay na patay daw yun sa'kin kaso di ko naman sya
type. Kahit sya na lang ang nag-iisang babae sa mundo hinding-hindi ko sya
papatulan." Talagang sinusubukan ako ng lalaking 'to ah. Sa sobrang inis ko
nilapitan ko sya at tinapakan ko sya sa paa.

"Wow, ang kapal naman ng mukha mo. Akala mo kung sino kang macho!" oo naman. "Kung
sino kang gwapo!" super to be exact. "Sino kang anghel na bumaba sa lupa!" at
sinalo ko. "Well sorry!" dahan-dahan syang lumalapit sa'kin at tinitititigan ako.
Sana makaramdam naman sya na hindi ito ang oras para maglambingan dahil gusto kong
makawala sa kahihiyang nagawa ko.

"Alam ko namang oo lahat ang sagot mo dyan." Bakit parang isang kanta ang boses nya
ngayon na tumatanggal lahat ng galit ko. Hinawakan nya ang mukha ko at dahan-dahang
nilalapit ang mukha nya. Anong gagawin ko. Tandaan mo may amnesia ka. Pero sino
bang hindi makakatanggi dito? Anong gagawin ko. "At ang Alexang sinasabi ko, sya
lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay." Sige hindi na ko magsasalita. Wala
akong amnesia. Ayoko kayang kalimutan ang mga sinasabi ng goon na 'to. Pinipigilan
ko na ngang ngumiti eh. "So forgive her, Honey. Ako na ang nagsosorry sa'yo." Bigla
syang lumayo sa'kin at hinigit ako papalapit sa kanya.

"I hate you!!!" siniko ko sya sa tyan. Napakaduga nya. Ginamit ang kahinaan ko!!

"I love you more!" then he winked at me. Kahit na naiinis ako nawawala agad.
Nakakainis kasi 'tong goon na 'to.

"She's incredible!" tumatawang sabi ni Honey.

"And adorable!" at nagtawanan na sila. Kung hindi lang kasal 'tong si Honey
malamang kanina ko pa 'to nasabunutan.

"Wala na yun Alexa. Hindi lang talaga ako makapaniwalang may makakagawa nun. Akala
ko kasi sa movies lang yun nangyayari pero hindi pala. Zak is so lucky to have
you." Nakangiti sa'kin si Honey at hindi ko alam ang gagawin ko.

Fine magsosorry na ko. "Sorry talaga ha. Hindi ko naman talaga intensyong guluhin
yung kasal mo. Akala ko lang kasi talagang magpapakasal na 'tong mokong na 'to eh.
Tsaka isa pa super supportive ng magaling kong kaibigan. Hindi naman ako susugod
dun kung hindi nya ko sinabihang puntahan si Zak." Yumuko ako dahil sa sobrang
kahihiyan.
"Wala yun. Nakakatuwa lang talaga kayong dalawa. Mukhang nakahanap na din ng
katapat 'tong si Zak. Dati kasi sya lang laging nakikipaglaban para sa taong mahal
nya, buti ngayon hindi na sya nag-iisa." Tiningnan ko si Zak at parang nahihiya
yung mukha nya. Hindi na din naman ako makapagsalita. "So dumaan lang talaga ako
para maggoodbye. You know, honeymoon time."

"Bigyan mo ko ng gwapong pamangkin ha." Lumapit si Rich kay Honey at inakbayan ang
little sister nya.

"Kuya lahat ng magiging pamangkin mo maganda at gwapo. Lahi natin yan eh." wow, ang
saya nya siguro ngayong legal na syang gumawa ng anak.

"Sabi sa'yo magpakasal na rin tayo para hindi ka naiinggit sa usapang anak eh."
nanlaki ang mga mata ko sa binulong ni goon. Pero bumilis din ang tibok ng puso ko.

"Puro ka talaga kalokohan!! At isa pa, hindi ako naiinggit sa usapang anak no!!
Lalong hinding-hindi ikaw ang magiging tatay ng mga anak ko!" tinulak ko sya palayo
sa'kin at naglakad. "Honey, sorry ulit ha. At mauna na ko sa inyong lahat. Uuwi na
ko."

"Hoy teka! Hindi pa tayo tapos mag-usap!!!" sige humabol ka lang goon ka. "ANo na
naman bang tinotopak mo ha?"

"Panget pala ha. Mataba pala at nakakatakot ha. Patay na patay sa'yo? Kapal mo!!!"
hindi ko sya pinansin at naglakad pa din ako papuntang parking lot. Buwisit.
Nakalimutan kong wala nga pala kong kotse ngayon kasi sinundo ako ng goon na 'to
kaninag umaga. Tumingin ako sa kanya at nakita ko syang nakangiti.

"So pinagtatawanan mo ko?" hindi sya sumagot. "Tingnan natin kung sinong mataba,
panget at nakakatakot. Kapag ako nakahanap ng maghahatid sa'kin pauwi ibig sabihin
hindi ako panget, mataba at lalong hindi ako nakakatakot!!!!" naglakad ako para
tumingin kung sinong tao sa parking lot at bingo nakakita ako ng isang lalaki na
kakabukas palang ng kotse kaya nilapitan ko kaagad. "Hey."

"Hi there." Lumabas ng kotse si kuya. Feeling gwapo lang?

"I need a ride home, pwede bang makisabay?" Syempre paawa effect ako para
maconvince si kuya.
"Sure." Ngumiti sya sa'kin. Lumingon ako kay goon at ngumiti ako.

"Thank you so much." Iniintay kong pagbuksan ako ni kuya ng kotse pero hindi sya
nagalaw. "So, aalis na ba tayo?"

"Ah - ano - kasi - may pupuntahan pala muna ko. May - ano - naiwan pala ko sa
room!" nagmadali si kuyang isara ang kotse nya then tumingin muna sya sa likuran ko
tsaka nanakbo. Weird!

Tumingin ako agad sa likuran at nakita ko si goon na nagke-clench ng fist. "What


are you doing? Tinakot mo sya no?"

"Ako? Baka sa'yo sya natakot!" painosente pa 'tong goon na 'to. Ang sarap suntukin.
"Isa pa nagi-stretching lang ako dito. Kung nagkamali naman syang isakay ka talaga
namang basag ang mukha nya." Nakasimangot sya at mukhang badtrip.

"Ih nagseselos ka no!" lumapit ako sa kanya at tinitigan ko sya.

"Selosin mo yang mukha mo. Sige, humanap ka pa ng ibang maghahatid sa'yo pauwi.
Kahit ilan pa yan. Sisisguraduhin kong hindi na sila makikilala ng magulang nila!"
tumingin sya sa'kin. "At sasabihin ko sa kanila na ikaw ang nag-utos sa'kin."

"Napakasama mo talaga!!!!" naglakad ako at nilampasan ko sya at tumigil ako sa


tapat ng kotse nya. "Bilisan mo na kung ayaw mong yang mukha mo ang basagin ko sa
sobrang inis!!!"

"Aye aye!" ang ganda ng ngiti nya. Pinagbuksan nya ko ng pinto na abot sa langit
ang ngiti. Pumasok sya sa loob ng kotse. Hindi pa rin ako nagsasalita. "Alam mo
sinabi ko lang naman yung mataba, panget at nakakatakot para asarin ka kasi alam
kong wala ka naman talagang amnesia. Kasi kung totoo ngang may amnesia ka, ibig
sabihin hindi mo ko matatandaan." Parang nalungkot naman ako sa narinig ko. Buti na
lang talaga at wala akong amnesia kasi ayoko naman syang kalimutan.

"Paano kung nagkaamnesia nga ako at nakalimutan kita? Anong gagawin mo?" mas lalong
sumeryoso yung mukha nya. Parang situation lang naman sineseryoso nya agad.

"Gagawin ko lahat para maalala mo ko. Lahat ng pag-aaway natin papaalala ko sa'yo.
Kung hindi mo man maalala, gagawa ako ng bagong memories kasama ka. Hindi man ako
matandaan ng isip mo, mararamdaman ako ng puso mo at yun ang pipilitin kong gawin."
Kahit hindi ko alam kung totoo man ang sinabi ni goon o hindi binigyan ko pa rin
sya ng isang power hug.

"Don't worry, hindi naman ako magkaka-amnesia, kung mangyari man yun alam ko namang
hindi ka mawawala." Hinalikan ko sya sa cheek bago ulit umupo ng maayos. Hindi na
kami masyadong nag-usap habang papunta sa bahay ko.

Dumating kami dun at pinapasok ko muna sya sa loob. Nagprepare lang ako ng pizza at
shake at paglabas ko sa living room nakalabas na lahat ng photo albums ko.

"Ganito ka talaga nung bata ka?" tumatawa sya habang nakatingin sa picture ko nung
high school. Ipinatong ko sa table yung tray na hawak ko at inagaw ko agad sa kanya
yung album.

"Deepest secret ko 'to bakit mo pinapakialaman ha!!!" itatago ko na sana pero bigla
nyang nahablot.

"Ano ka ba! Makikita ko din naman 'to kapag mag-asawa na tayo kaya okay lang."
Hindi pa ulit nya ko pinagsasalita narinig ko na naman syang tumawa. "Nagparetoke
ka ba?"

Dahil sa sobrang inis ko nabatukan ko sya ng di oras. "Retoke mo yang mukha mo!!
Epekto yan ng pagiging broken hearted kaya ako gumanda ng ganito!!" umupo ako couch
at kumain ng pizza habang nakaupo sa floor si goon. Dumampot din ako ng isang album
at tiningnan ko din. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko kung anong itsura ko
dati. Isang chubby na manang na hindi man lang marunong magsuklay ng buhok.
Nakakatawa lang.

"Penge!" biglang kumagat si goon sa hawak kong pizza.

"Kumuha ka nga ng sa'yo!" umupo sya sa tabihan ko at umakbay sa'kin.

"Gusto ko susubuan mo lang ako." Kumagat ulit sya sa hawak kong pizza. Hindi na din
naman ako nakatanggi. Share kami sa isang pizza, so what. Nakakatuwa kaya. "Ikaw ba
'tong baby sa picture? Bakit parang panlalaki ang suot?"

Tiningnan ko yung picture na hawak ng isang yaya. "Hindi ata ako yan. Si kuya ata
yan."
Napatingin sa'kin si goon. "May kuya ka? Akala ko ba unica hija ka?"

"Duh! Kahit my kuya ako unica hija pa din ako no!!" isinubo ko yung natitirang
pizza sa kamay ko. "Isa pa, adopted sya. Gusto daw kasing magkaanak nila mommy, may
nakapagsabi daw na kapag nagampon ng anak eh magkakaron na sila ng anak. Well
talagang magkakaanak sila kasi nga nagampon sila. Sino ba namang nakaisip nun?
Talaga namang magkakaanak sila kasi nga - " bigla nalang sinubo ni goon ang pizza
na hawak nya sa bibig ko.

"Oo, naintindihan na kita. Pero tingin ko totoo naman. Tingnan mo nagkaanak naman
sila na parang lalaki din." Tiningnan ko sya ng masama. "Joke lang. ANg cute mo
talaga kapag nagagalit." Kumagat sya sa pizza at tumingin sa ibang pictures. "Bakit
parang iba-ibang babies naman yung nandito. Sino ka ba sa mga 'to?"

Nakitingin ako sa pictures. Hirap ngang masabi kung sino ka dun kapag baby pa. Para
kasing iisa lang yung itsura eh. Tapos malalayo pa kuha nung iba. "Wala ata ako
dyan. Nasa France ata yung iba kong pictures eh. Baka si kuya lahat yan."

"Ah, akala ko isa ka sa mga 'to eh puro mukhang lalaki." Tumatawang sabi ni goon.

"Excuse me, baby pa kasi kaya mukhang lalaki." May baby ba pagkapanganak long hair
na agad tapos may hikaw na agad. Isa pa hindi ako mukhang lalaki nung pinanganak
ako. Oo gusto nila mommy na lalaking anak pero babae ang ibinigay sa kanila.

"Sayang wala na yung mga baby pictures ko, eh di sana nakita mo na bata palang ako
gwapo na." isinara nya yung album. "So it's you and me again." Then nagwink sya
sa'kin.

Itinulak ko sya palayo sa'kin. "Hoy hoy Flint Maliff tigil-tigilan mo ko ha. Last
time na nandito tayo muntik na tayong mahuli. Kaya pwede ba umayos ka dyan!" parang
hindi na nakikinig sa'kin. Dahan-dahan syang gumagapang sa couch papalapit sa'kin.
"Umayos ka!"

"Ganitong ayos?" then he tickled me. Hindi na ko makahinga at sobrang likot ko na.
Binuhat pa nya ko sabay inihagis ulit sa couch. Hinigit nya pa ang dalawa kong paa
then biglang binitawan nung ulo ko na lang ang nakasandal sa couch kaya biglang
bagsak ng katawan ko sa carpet.

"Sumosobra ka na. Ang sakit nun ha!!" sa sobrang inis ko tumayo ako para sana
sumakay sa likuran nya kaya lang sumabit ang paa ko sa carpet kaya natumba ako at
napahawak sa pants nya.

"Hindi ko alam na ganito ka pala gumanti. Sana naman sinabi mo agad para hindi ka
na mahirapang magtanggal." Bumitaw ako agad bago ko pa makita kung anong hindi
dapat makita at pumikit ako.

"Siraulo ka talaga! Kapal mo din eh no! Asa ka pa!" hindi pa din ako nadilat.

"Okay. Iaayos ko na 'to ha." Alam kong nang-aasar lang sya dahil iaayos na naman
nya talaga yun kahit hindi ko sabihin.

"Bilisan mo nga!" kinakapa ko kung anong madadali ko sa pagtayo ko para hindi ako
mauntog.

"Dumilat ka na. Arte nito, if I know sumilip ka naman!" kahit naman gustuhin ko
hindi ko ginawa. Nakakahiya din naman no.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

"Uy may tumatawag!" tumatawag? Kanino kaya? Sa'kin o sa kanya? "Mommy calling."

Slight turn of the head

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

Napadilat ako agad at hinablot ko ang phone kay goon. "Wag kang magsasalita ha?"
Naginhale exhale muna ko bago ko sagutin ang phone.
"Hello."

[Where are you?]

"Sa bahay, why?"

[Just wanna check on you.] Anong himala kaya?

"I'm fine, don't worry."

[I know. Sinabi kasi ng papa mo na may boyfriend ka na daw. Is it true?]

"Yes." Proud ako syempre. "May boyfriend na nga ako. Anong masama dun?"

[You're still young para magboyfriend, so dapat makilala ko kung sino yan.]

"Of course. Ipapakilala ko naman sya sa inyo ni papa."

[What's his name?]

"Nah -ah - ah. Umuwi kayo ni papa tsaka nyo malalaman."

[Tell me right now!]

"I'm sorry mom, I can't hear you?" nilayo ko bigla ang phone. "Mom? Mom are you
still there?" then binaba ko na ang phone. Alam kong hindi sya papayag na hindi ko
sya susundin eh kaya mas mabuting matapos na agad ang usapan.

"Naughty daughter huh." Nasa likuran ko na pala si goon. Niyakap nya ko from behind
at inilapit sa kanya. "May problema ba kayo ni mommy?" Natawa naman ako ng marinig
kong tinawag nyang mommy ang mommy ko.
"Nah. Gusto kasi nilang malaman kung sino ang maswerte kong boyfriend. Pero gusto
ko makilala ka nila personally. Ayoko ng pangalan lang." Humarap ako sa kanya at
hinawakan ko sya sa pisngi. "Para makita nila kung sinong nagpapasaya sa anak
nila."

"At nagpapabuwisit sa anak nila."

"Tama." At sabay kaming tumawa. Ang gaan lang ng buhay kung palaging ganito. Pero
bakit parang natatakot ako na hindi magtatagal 'tong happiness na meron kami ni
goon. Sana pakiramdam ko lang 'to at walang ibang mangyayaring hindi maganda. Tama,
simula ngayon think positive na ko, para sa'kin at para sa lalaking nasa harapan ko
ngayon.

"You know I love you, right?" nakatingin si goon sa'kin ng diretso.

"You do?"

"I really do." Nagjoke na nga ako pero seryoso pa rin ang mukha nya. "I'm willing
to do everything para magustuhan ako ng parents mo. Ipapakita ko sa kanila na I am
the right one for you."

"You are the right one for me." Bakit parang pareho kami ni goon ng nararamdaman.
Parang natatakot din sya. Sana naman mali lang kami dahil hindi ko kakayanin if
ever na may mangyaring hindi maganda. "Basta ipaglalaban kita, at alam kong
ipaglalaban mo din ako."

Nagnod lang sya then niyakap ako ng mahigpit. Dapat masaya ako pero parang
nalulungkot ako sa hindi ko malamang dahilan. Kung ano man yun, sana bukas wala na
ang pakiramdam na yun.

A/N

Ilike na ang page ng Perfect Haters para makita kung sinong portrayer ni Trav. Sa
page ko ipopost ang pictures same with the real names of the characters. Yung mga
names nila na ginagamit dito is mga nicknames palang nila. :) So tumbling na sa
page. :) Thank you. <3

megladiolus

*******************************************
47

*******************************************
Unedited so pakiintindi na lang. Thank you. :)

ZAK'S POV

"Wow dude hot na hot ka ata ngayon. Seryoso sa pagpa-practice? Sino bang
makakalaban mo at mukhang pinaghahandaan mong mabuti?" bungad ni Tuck sa'kin dito
sa pub. Ngayon na lang ulit kami nag-uusap simula ng nangyari dun sa house party.

"Wala naman. Gusto ko lang magpainit. Sparing tayo?" sabay suntok ko ng malakas sa
punching bag. Hindi ko alam pero parang nanggigigil ako ngayon. Para akong naiinis
na hindi ko maintindihan.

"Parang ibang klase ang mood mo ngayon ah. Si Lex ba ang dahilan?" nabigla ako ng
maghagis ng beer si Tuck. Mabuti na lang at nasalo ko. Nagpunas muna ko ng pawis
then kumuha ako ng energy drink. Siraulo kasi 'to. Alam na nagpa-practice yung tao
beer pa ang iaabot.

"Hindi naman talaga sya. Minsan dapat lang talaga akong magfocus sa practice. Hindi
lang naman sa kanya umiikot ang buhay ko." Tss. Talaga naman. Kung natitiis nya
kong hindi makita, pwes kaya ko din syang tiisin.

"So si Lex nga. Ang dami mo pang sinasabi dyan, oo o hindi lang naman ang isasagot
mo." Bakit ang lalakas mang-asar ng mga kaibigan ko. Pero subukan mo silang asarin
naku kagulo na din.

"Anong meron kay Lex? Bakit nyo pinag-uusapan?" hindi pa nga ko nakakasagot biglang
pasok naman nitong mga mokong. Syempre una na 'tong chismosong si Luke.

"Ano dude break na ba kayo ni Lex?" Bakit parang nalugi 'tong mga 'to.
Makapagtanong pa si Val akala mo daig pa ang nakapanood ng balita sa TV.

"San nyo naman nakuha yan? Narinig nyo lang pangalan ng aswang na yun break agad?"
Kahit naman busy sya at ako din o magkatampuhan kami hindi naman ako papayag na
magbreak kami ng ganun-ganun lang. Aba, mahirap na atang humanap ng aswang na
girlfriend ngayon.
"Hoy Zak bakit ka napapangiti dyan? Sabihin mo nga yung totoo, break na ba kayo o
hindi? Kasi kung oo popormahan ko na yun!" Nagbibiro man 'tong si Rich o hindi
karapat-dapat ko lang talaga syang batuhin ng empty bottle na hawak ko.

"Siraulo ka rin no! Hindi kami break at subukan mo lang na pormahan sya yang mukha
mo ang mawawalan ng porma!" binuksan ko ulit ang ref at kumuha ng water.

"Sabi sa inyo sila pa rin."

"Eh sino nga yun?"

"Aba malay ko."

"Mukhang wala naman syang alam."

Nagbubulungan ang mga loko. Pati si Trav nakikisama sa bulungan. "Hoy anong
pinaguusapan nyo dyan?" Bigla namang nagsitigil ang mga ungas nung tiningnan ko.
"Hindi ba kayo sasagot?"

"Ka - kamusta naman kayo ni Lex? Nasan sya ngayon?" Inagaw pa ni Val 'tong tubig na
hawak ko. Parang may problema ata sya. Hindi sya makatingin sa'kin ng ayos eh.

"Hindi ko alam. Nakita nyong nandito lang ako sa pub eh. Kayo kaya ang dapat kong
tanungin dahil kayo ang galing sa labas!" inagaw ko ulit kay Val ang tubig na
kinuha nya sa'kin. "Ano bang alam nyo? Bakit di nyo pa sabihin?" Mga kalalaking tao
mga tsismoso. Ayaw na lang sabihin kung may gustong sabihin.

"Hey there everyone!" nagulat kami sa isang boses babae na sumigaw kaya lahat kami
napatingin sa kanya. "Hello my love." Anong problema nito? Oo, si aswang, parang
sinapian. Papalapit sya sa'kin pero lumayo ako ng konti.

"Sino ka? Nasan ang girlfriend ko? Anong ginawa mo sa kanya?" ngumiti lang sya at
niyakap pa rin ako. "Hoy ano ka ba! Pawisan pa ko oh!"

"I don't mind! I missed you!" bigla nya kong hinalikan sa cheek. "Did you miss me?"
"Kaw ba si Alexa?" Yung ngiti at tingin nya sa'kin nakakapanlambot. Bakit bigla
syang aggressive ngayon?

"I am Alexa, you're one and only." At nagwink pa sya sa'kin. My goodness,
nakakagigil sya. Hinawakan ko sya sa waist at inilapit ko sa'kin.

"I missed you more. Every hour, every minute, every second of my life - " hindi pa
ko tapos magsalita ng marinig kong nagtawanan sila Tuck. "PWede ba wag kayong
makinig dyan!"

"Don't worry sweety, mga naiinggit lang yang mga yan." Nilagay nya ang dalawang
kamay nya sa may shoulder ko. Kinuha nya pa ang towel sa may neck ko at pinunasan
ang pawis ko. "Dumaan lang ako to say hi. Aalis din kasi ako. Just checking on you,
wanna see if you're fine. At kung nambababae ka."

"Hindi ako mambababae, ikaw lang kaya ang one and only ko." Hinalikan ko sya ng
mabilis sa lips. "San ka nga pala pupunta?"

Tumingin sya sa watch nya at napaatras. "Oh my gosh, I'm so late. I'll call you.
Okay? Bye." At hindi na nya ako nasagot. Nagmadali na syang lumabas.

"Problema nun?" mahinang tanong ni Rich. "Parang nakakapanibago si Lex no?"

"Sweet lang talaga sya. Wag kayong masyadong magbigay ng malisya okay! Dyan na nga
kayo! Mga ungas!" Iniwanan ko silang lahat at nagshower muna ko. Nakakainis naman
busy ang sweet monster ko. Nabitin ako sa paglalambing nya kanina. Makabawi na lang
kaya. Tama, siguro naman nasa bahay na sya mamayang gabi.

********************************

JEZHI'S POV

Kakagaling ko lang sa gym. Tamang exercise din pag may time. Papunta na ko sa spa
ngayon ng parang naspotan ng mata ko si Alexa. Lalapitan ko sana sya ng biglang may
sumalubong sa kanyang isang lalaki. Hindi ko makita kung sino pero sigurado ako na
hindi si Zak yun. Oh my gosh, hindi ako makapaniwalang nagagawa ni Alexa 'to
ngayon. Just to make sure na hindi si Zak yun tinawagan ko si Val. At mabuti naman
sa unang ring palang eh sinagot na nya.
[Yes baby? Susunduin ba kita?]

"No baby, papunta pa lang ako sa spa. Alam mo ba kung nasaan si Zak?"

[Ako ang boyfriend mo. Bakit si Zak ang hinahanap mo ha?]

"I love you baby. So Nasan nga si Zak?"

[Nagsa-shower. Anong meron?]

"So hindi nga sya yung kasama ni Alexa."

[Nakita mo rin sya?]

"What do you mean 'rin'?"

[Nakita namin sya kanina sa coffee shop, may kasamang lalaki tapos nakaakbay pa sa
kanya. Then pagdating namin dito nagmamaktol si Zak sa pagpapractice kaya akala
namin break na sila.]

"So break na nga ba sila?"

[Hindi. In fact dumaan pa si Lex dito. Masyadong sweet nga si Lex kaya nga gulat na
gulat si Zak.]

"Patay. Pero hindi naman gagawa si Alexa ng ikakagalit ni Zak."

[Patay yang lalaki na yan kapag nalaman ni Zak.]

"Oh my gosh nagkiss sila."


[Ano?!!]

Sa sobrang gulat ko muntik na kong makita ni Alexa kaya ipinatay ko ang phone ko at
nagtago. Nakita ko lang naman na nagbeso silang dalawa. Next na pagsilip ko eh
palabas na sila. Alexa ano bang pinaggagawa mo. Nagbabago na ang tingin ko sa'yo.

******************************************

ZAK'S POV

Papunta na ko ngayon sa bahay ni aswang. Hindi ko nga alam kung bakit pinipigilan
ako ng mga mokong na tumuloy eh. Pati si Trav na bihirang magsalita eh niyaya akong
magdota. Oo, si Trav na walang kilala kundi iba-ibang games. Mas mahal nya pa nga
games kesa sa babae. Kaya naman nagtaka talaga ako kung anong meron. Pero dahil
namiss ko na ang girlfriend ko hindi ako nagpapigil. Nakamotor lang akong pumunta
dito para mas mabilis.

Pagkatigil ko sa bahay nya nakabukas ang gate. Automatic 'to bakit nakabukas?
Nakita ko din na may isa pang kotse sa loob bukod sa kotse ni aswang. Sino naman
kayang bisita nya? Gusto ko sana syang surpresahin kaya pumasok ako sa loob ng
dahan-dahan.

"No. Don't dare kasi sisigaw talaga ako!" boses ni aswang yun ah. Sino kayang
kausap nya?

"Sige lang. Kahit sumigaw ka wala namang makakarinig sa'yo!" parang nagpanting ang
tenga ko ng makarinig ako ng boses lalaki. Yung dala-dala kong bulaklak eh bigla
kong napagputol-putol.

"I'll call 911!" tumatawa pa ang boses ng aswang na 'to. Ano iba-ibang lalaki ang
dinadala nya sa bahay nya? So ito yung purpose ng paglipat nya?

"Sweety, walang 911 dito." Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Bigla akong
naglakad ng mabilis papasok pero natigilan ako ng makita kong nagkakatuwaan silang
dalawa. Nagkikilitian pa nga sila. Gusto kong suntukin sa mukha yung lalaki
hanggang hindi na sya makilala ng mundo pero bakit parang hindi ako makagalaw. Para
akong natuod. Habang nakikita kong tumatawa si aswang para akong sinusuntok ng
sampung elepante. Kahit hindi ko alam kung anong pakiramdam ng masuntok ng elepante
o kaya kung nanununtok ba ang elepante.
Ang sakit na makita na ang taong mahal mo eh napapatawa ng ibang lalaki. Hindi ko
alam pero parang naduwag ako. Bigla na lang akong naglakad palabas. Inihagis ko na
lang ang dala kong bulaklak sa basurahan at umalis na. Bakit naduwag ako? Pwedeng-
pwede ko namang pasabugin ang mukha ng lalaking yun pero wala, wala akong nagawa.
Dahil alam ko kung sasaktan ko ang kupal na lalaking yun eh magagalit sa'kin si
aswang. Hindi ako nag-aksaya ng oras at bumalik ako ng pub. Hindi ko alam kung gano
ko kabilis pinatakbo ang motor pero mabilis akong nakarating sa pub. Pagkababang-
pagkababa ko dumiretso agad ako sa loob at ang mga mukha ng mga kumag na 'to eh
parang nakakita ng multo.

"Anong alam nyo?!" isa-isa ko silang tiningnan. Alam kong natatakot sila pero wala
naman silang kasalanan dito. Pinigilan naman nila ko pero sana naman sinabi na nila
sa'kin agad para hindi na ko nasaktan ng ganito. "Walang sasagot?" sinuntok ko ng
malakas ang punching bag na malapit sa'kin ng walang gloves.

"Kasi nakita namin si Lex coffee shop may kasamang lalaki." Halatang kinakabahan
'tong si Luke. Alam kong hindi naman sila kinakabahan dahil baka mabugbog ko sila.
Kinakabahan sila kasi baka kung anong magawa ko sa lalaking kasama ni aswang.

"Yun lang? Kung pigilan nyo ko kanina parang wala ng bukas tapos sasabihin nyo
sa'kin ngayon na wala may kasama lang syang lalaki sa coffee shop?" hindi naman ako
mapagbigay ng malisya. Eh ano kung magkasama lang sila. Kung wala silang ginagawang
masama okay lang.

"Tumawag si Jezhi sa'kin. Nagtatanong din kasi may nakita syang kasama ni Lex na
lalaki though hindi nya nakita yung mukha nung kumag na yun. Next thing na lang na
narinig kong sinabi ni Jezhi eh 'nagkiss sila'." Lahat sila napataatras ng dumaan
ako.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong magwala! Lumabas ulit ako at
sumakay sa motor. Hindi ko alam san ako pupunta. Wala akong pakialam kung anong
mangyari, ang gusto ko lang mawala lahat ng nararamdaman kong sakit.

Bakit sya pa? Bakit sya pa ang gagawa nun sa'kin? Bakit ba ang duwag ko ngayon?
Huling-huli ko na magbubulag-bulagan pa ko! Plano nya kayang sabihin sa'kin? Baka
hindi, pero - pero siguro naman sasabihin nya. Kahit minsan hindi ko naisip na
magagawa nya 'to kaya ayan hindi ko tuloy napaghandaan.

Tumigil ako sa isang park. Gusto kong manuntok. Naglakad-lakad ako ng biglang may
epal na kumausap sa'kin.
"HOY! ALISIN MO NGA 'TONG MOTOR MO DITO DAHIL MAGPAPARK AKO!!" tss! Angas, wag nya
kong subukan hindi ko sya tatanggihan.

Tiningnan ko yung lalaking nakasakay sa motor. "Oo nga. Park nga 'to. Alam ko
naman. Hindi mo na kelangang ulitin!" tumalikod ako at naglakad ulit.

"Siraulo ka din no!!!" hindi ko na sya pinansin ng biglang may humarang sa'king
dalawang lalaki. Hindi ko sila kilala at wala akong pakialam kung sino man sila.

"Sabi ng boss namin - " hindi ko na sya pinatapos at sinuntok ko na lang sya ng
isang malakas sa mukha.

"At yan naman ang sabi ko. Iparating mo sa boss mo ha - " at hindi pa rin ako
nakakatapos magsalita ng may tumama sa mukha ko. Hindi ko inaasahan kaya hindi ako
prepared pero mabilis naman akong nakabwelo at nakaiwas.

"Apat laban sa isa? Medyo patas din. Tamang-tama nagwawala ang kamao ko ngayon!
Lapit!!" itinaas ko ang dalawa kong kamay. Sumugod silang apat ng sabay-sabay.
Mabagal silang kumilos kaya mabilis akong umiiwas. Habang umiilag ako naaalala ko
si aswang kasama ang lalaking yun. Sa sobrang galit ko nagpakawala ako ng isang
suntok. May kasamang galit ang suntok na yun kaya naman ang natamaan bagsak agad sa
lupa. "Paano ba yan tulog na ang isa!" Nagtinginan pa silang tatlo na parang
nagsesenyasan. "Sige na, kahit sabay-sabay pa!"

Mga masunurin naman ang mga mongoloid na 'to. Sumugod nga ng sabay-sabay. "Ano ba
naman yan, bilisan nyo naman ng konti! Kung hindi kayo tatama ako ang susugod sa
inyo tulad nito!" mabilis akong humakbang at umikot hanggang mapatigil sa harapan
ng isa pang lalaki. Nagulat sya kaya napaatras sya ng konti. Ngumiti muna ako bago
ko sya sinuntok sa sikmura at binigya ng uppercut. "Wooo, wala na ba?"

Nakita kong ngumiti ang natitirang dalawang lalaki. Magsasalita pa sana ko ng


biglang may tumamang matigas na bagay sa likod ko kaya napaluhod ako bigla.

"Masyado kang mayabang!" tumingin ako sa likuran ko at nakita ko ang kumag na


nagpapaalis sa motor ko. Nag-init ang ulo ko dahil kamukha nya yung lalaking kasama
ni aswang. Hahampasin pa nya ko ulit ng tubong hawak nya pero nasalag ko agad.
Tumayo ako at hinawakan ko sya sa leeg. Dahil galit na galit ako dahil sa mukha
nya. Ang malas nya lang at naging kamukha nya ang lalaking nagpainit ng ulo ko.
Nakatitig lang ako sa kanya habang namumula ang mukha nya dahil sa pagkakasakal ko.

Bigla na lang may tumama sa mukha ko. Suntok ata galing sa natitira nyang kasama.
Mahina lang kaya hindi ako natinag. Sunod-sunod ang tama sa'kin pero hindi naman
masasakit. Parang wala na rin akong marinig. Ang alam ko lang galit nag alit ako sa
nasa harapan ko! Nandidilim na ang tingin ko at mas humihigpit ang hawak ko sa leeg
nitong lalaking 'to.

"Zak! Zak!!" Halos mukha na lang ng lalaki ang nakikita ko ng biglang may humawak
sa dalawa kong kamay at sumulpot ang mukha ni Tuck at Rich. Tinanggal nila ang
kamay ko sa leeg ng lalaking nasa harapan ko. Parang unti-unti ulit akong nakakita.

"Zak ano bang nagyayari sa'yo?!!!" sigaw ni Val. Tiningnan ko sila isa-isa. Bulagta
na yung dalawang lalaking kasama nung mongoloid na 'to. Naramdaman ko din na may
tumutulo sa mukha ko. Paghawak ko nakita ko na lang ang dugo. Pati ang kamay ko may
dugo na din.

"Humanda ka!! Gagantihan kita!!" sigaw nung lalaki habang tumatakbo ng papalayo.

"Dude ano bang nangyari? Muntik mo ng mapatay yung lalaki ah! Kung nahuli-huli pa
kami malamang napatay mo na yun! Ano bang pumasok dyan sa utak mo ha!!! Papatay ka
dahil lang galit ka?!! Dude don't tell me naniniwala ka agad sa mga sinabi namin
sa'yo! Hindi mo pa nga alam kung anong sasabihin ni Alexa eh!" si tatay Tuck
nagsesermon na naman. Ganyan yan, akala nyo pacool pero masyado yang concern sa
bawat isa sa'min.

"Inangasan ako eh. Pinatulan ko na." Naglakad ako pabalik sa pinagparkan ko ng


motor.

"Alam mo mabuti naisip ni Trav na sundan ka!" sabi ni Luke. "Bakit mo nga ba
sinundan si Zak, Trav?" tumingin kaming lahat sa kanya. Nakalagay ang dalawa nyang
kamay sa bulsa ng pantaloon nya.

"Yayayain ko sana syang magdota." Tss! Ang cool ng sagot ng pinakatahimik sa'min.
Parang hindi muntik ng makapatay ang kaibigan nya.

"Ewan sa'yo Trav! Kaya hindi ka nagkakagirlfriend eh!" ayan na naman ang pang-aasar
ni Rich. Sumakay na ko sa motor at iniwan ko sila.

"HOY ZAK SAN KA NA NAMAN PUPUNTA!!!!" sigaw ni Tuck.

"Wag na kayong sumunod. Hindi na naman ako makikipagrambol!" pinaandar ko na lang


ang motor ng hindi ko alam kung saan ako pupunta. Paano na lang nga kung hindi
dumating sila Tuck, napatay ko kaya yung kumag na yun?
Habang nag-iisip ako napatingin ako sa mga nadadaanan kong bahay.

Sh*T! Village nila aswang 'to ah! Bago pa man ako makabalik di ko namalayang
nakatigil na pala ako sa harap ng bahay nya.

Zak! ANong ginagawa mo dito!! Wala ka na talaga sa sarili!!!!

Habang kinakausap ko ang sarili ko naramdaman ko na lang na naglalakad na pala ako


papunta sa gate ni aswang. Ano bang ginagawa ko? Bakit parang wala na kong control
sa sarili ko? Dapat ko ba syang kausapin?

Paano kung sabihin nya sa'kin na:

'Zak sorry pero nakahanap na ko ng kapalit mo!'

Sh*t talaga! Baka kahit babae sya masuntok ko sya ng di oras. Paano kung sabihin na
din na:

'Ang boring mo kasi at masyado kang gentleman kaya naghanap ako ng wild.' Biglang
pumasok sa isip ko ang wild na aswang.

Baliw ka na talaga Zak! Ang dami mong naiisip! Nasaan na kaya ang aswang na yun at
lalaki nya?

Pasukin mo kaya para makita mo? Baka nakahubad na sila.

"Hindi pwede!!!" bwisit! Kinakausap ko na ang sarili ko! Tumalikod ako sa gate at
lalakad na sana palayo pero hindi ako nakagalaw agad. "F*ck!!!!"

"May kaaway ka?" nagulat na lang ako ng may magsalita sa likuran ko. Sino ba namang
hindi magugulat. Kausap ko ang sarili ko biglang magboboses babae. "Bakit nandito
ka lang sa labas?"

Kasi baka may ginagawa kayo ng lalaki mo sa loob at makita ko kayo at makapatay pa
ko!

Pero pwede namang sumali na lang ako. Ako yung magvivideo. Pagkakitaan ko na lang
tutal sinaktan naman nya ko!!

"Hello?" I snapped back ng makita ko sa harapan ko si aswang. "Holy golly! Anong


nangyari sa'yo? Bakit puro dugo ka?" inangat nya ang dalawa kong kamay para tingnan
ang sugat ko. "Pumasok ka nga muna sa loob!" naglakad sya papasok. Nang maramdaman
nyang hindi nya ako kasunod eh bumalik sya. "Ano tatayo ka na lang dyan kung kelan
pinapapasok ka? Kaninang hindi ka pinapapasok kusa kang napasok!!"

"Anong kusang napasok ang sinasabi mo?" hindi naman nya ko nakita alam ko dahil
busy sya sa pakikipaglandian nya.

TUmaas ang kilay nya sa'kin at tumuro sa table sa likuran nya. Sinilip ko yung
table at nakita ko dun yung bulaklak na itinapon ko sa basurahan. "Kanino galing
yan?"

"Pwede ba! May card yung flower kaya alam kong sa'yo yun galing. Tsaka hello, kelan
pa ko naging basurahan ha? Bakit sa basurahan mo inilagay at hindi sa'kin!"
nagagalit pa sya ha. Ako dapat ang magalit no.

"Masyado kasi akong nacoconfused!!" galit kong sabi.

"Nacoconfuse?" tanong nya.

"Oo. Nacoconfuse ako kung sino ka at sino ang basurahan. Akala ko sa'yo ko naiabot
yung bulalak eh, hindi pala." Kapag nanliliit na ang mga mata nya ibig sabihin lang
nun naiinis na sya. Pero wala akong pakialam. Ako ang dapat mainis dito. Ako ang
sinaktan at niloko! "Sabihin mo nga, ang panget ko na ba?"

Bigla syang napatawa sa sinabi ko. Sumandal sya sa may gate with her arms folded
over her chest. "Wala akong ibang lalaki okay. Kaya pwede ba tumigil ka na dyan!"
tumatawa nyang sabi.

"ANO!! WALA NAMAN AKONG SINABING MAY LALAKI KA AH!!! SINASABI MO BA SA'KIN NA MAY
IBA KANG LALAKI!!!!" hindi ko akalain na sa ganito nyang paraan sasabihin na may
lalaki na sya. Ang bilis, parang hindi pinaghandaan. Naisip nya ba na pwede akong
masaktan? Suntukin ko kaya sya ng isa sa mukha para malaman nya kung gano kasakit
'tong ginagawa nya sa'kin.

"EH BAKIT KA BA SUMISIGAW DYAN! KAKASABI KO LANG DI BA NA WALA AKONG IBANG


LALAKI!!" sumigaw na din sya at naglakad papalapit sa'kin. Tumigil sya ng nasa
harapan ko na sya. "HOY FLINT MALIFF WAG MO KONG PAGBIBINTANGAN NG BAGAY NA HINDI
KO GINAWA!!!"

"IKAW NA ANG NAGSABI! NADULAS KA NA NGA!!" Nakita ko na tapos sinabi pa nya, anong
gusto nyang isipin ko?

"INUNAHAN LANG KITA! EH DAIG MO PA ANG BABAE KAPAG NAG-INARTE EH! BAKIT SAN BA
PUPUNTA 'TONG USAPAN NATIN HA? EH DI SA SASABIHIN MONG MAY IBA AKONG LALAKI!!!"
hindi talaga sya natatakot kahit galit na ko. Mas tumatapang pa sya.

"WOW, NAUNAHAN MO NA KO AGAD? NALAMAN MO NA AGAD KUNG ANONG SASABIHIN KO?" pero sa
totoo lang yun nga ang sasabihin ko kaya bakit nya shinortcut!

"AT BAKIT HINDI? SINONG MATINONG BOYFRIEND ANG PUPUNTA SA BAHAY NG GIRLFRIEND NYA
NG HINDI NAGSASABI AT ITATAPON ANG BULALAK SA BASURAHAN HA!!" tinutulak-tulak pa
nya ko ng daliri nya.

"ULYANIN KA NA?!! SINABI KO NA DI BA NA NACOCONFUSE AKO KUNG SINO ANG BASURAHAN AT


SINO KA!! DAIG NYO PA ANG IDENTICAL TWINS EH! NAKAKALITO!!" para akong siga na
lumalapit sa kanya.

"EH KUNG IKAW KAYA ANG ISILID KO SA BASURAHAN! SA DUMI NG UTAK MO AT SA DUMI NG
BIBIG MO IKAW ANG MUKHANG KAKAMBAL NG BASURAHAN AT HINDI AKO!!! TINGNAN MO NGA YANG
SARILI MO PARA KANG PUMATAY NG TAO!!!!!" huh kung alam nya lang. Muntik na ko
talagang makapatay ng tao dahil sa kanya.

"WOW, MAKAPAGSALITA AKALA MO KUNG SINONG MALINIS!!!!" tumingin ako sandali sa taas
para magbuntong-hininga.

"ANONG SINASABI MO?" biglang humina ang boses nya.

"OH BAKIT? MAY BOYFRIEND KA NA NAKIKIPAGLANDIAN KA PA SA IBANG LALAKI!!! WOW, PA-


VIRGIN KA PA - "
*PAK

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG SABIHIN SA'KIN YAN! ANO BANG ALAM MO? NAJUDGE MO NA KO
AGAD. ANONG BASIS NG MGA SINASABI MO HA!!" Para na syang iiyak pero halatang
pinipigil nya.

"Hi - hindi naman ganun talaga yung gusto kong sabihin - " yumuko sya at hindi na
tumingin sa'kin.

"Umalis ka na!" mas lalo akong nagalit dahil sa narinig ko.

"Gusto mo kong umalis? Tapos ano? Magpapakasaya ka dito kasama - "

"Sweety sinong kaaway mo dyan?" parang nagulat yung lalaki ng makita ako. "It's
you!" ngumiti pa sya sa'kin. Dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko mabilis akong
lumapit sa kanya at sinuntok ko sya sa mukha.

"Kung akala mo ibibigay ko ang aswang na yan sa'yo ng ganun kadali pwes pasensya
ka. Dadanak ng dugo bago yan mangyari!!!" Sinuntok ko ulit yung lalaki ng isa pa
hanggang humarang si aswang sa gitna namin.

"ENOUGH!! UMALIS KA NA NGA KUNG MANGGUGULO KA LANG!!" itinulak ako ni aswang at


lumapit sya sa lalaki.

"Pero sya ang gumugulo sa'tin." Hindi ko kaya, hindi ko kaya na magalit sa'kin ang
aswang na 'to. Hindi ko kaya.

"What? You're crazy!!" tinalikuran nya ko at inalalayan yung lalaking tumayo. "Kuya
are you okay?"

"Kuya?" she rolled her eyes at hindi ako pinansin.

"Sana nilabanan mo sya kuya. Duh, black belter nagpatama ng ganun-ganun lang?"
tumingin sa'kin si aswang. "Oh anong ginagawa mo pa dito?"
Sh*t Zak nakakahiya ka!

Hindi ako nakapagsalita. Gusto kong lumubog sa lupa ngayon. O kaya maging baby na
lang ulit ako, yung tipong walang muwang sa mundo para makalusot. Kaya lang hindi,
imposibleng kainin ako ng lupa dahil semento ang tinutuntungan ko at imposibleng
maging baby ako.

Invisible ka Zak. Isipin mo invisible ka. Walang nakakakita sa'yo.

Tiningnan ako ng masama ni aswang. Hindi ko mapigilang ngumiti kasi naman hindi nya
pala lalaki 'tong mokong na 'to. Malay ko ba. Bakit ba kasi naniwala ako sa sinabi
ni Val na nagkiss sila.

"Sweety, mukhang delikado ata 'tong boyfriend mo."

"Naku hindi po ako delikado. Pinaglalaban ko lang kung anong sa'kin. Hindi ko naman
po kasi kayo nakilala." Kelan pa ko nangopo sa ibang tao? Tsk! Kuya yan ng
girlfriend ko kaya dapat magpakabait ako. "At isa pa po, yang kapatid nyo ang
delikado at hindi ako."

Tumawa yung kuya nya at pulang-pula naman ang mukha ni aswang. "Kuya!! Sinuntok ka
nya remember?" Umakbay ang kuya nya sa kanya.

"Sweety, mahina lang naman yung suntok nya. Tingnan mo nga 'tong mukha ko, makinis
pa rin." Hinalikan nya pa sa noo si aswang. Mukha namang mabait sya.
"Makipaghiwalay ka na dyan, basagulero eh. Alam mong hindi yan magugustuhan nila
mommy." Pumasok sa loob yung kuya nya at hindi na ko nakapagsalita.

"Look what you've done!!!" lumapit sa'kin si aswang at sinuntok ako sa dibdib.
"Hindi ka kasi nag-iisip! Alam mo ba kung anong mangyayari pag nakarating 'to sa
parents ko?" humawak sya sa ulo nya. "Zak naman binibuild up kita sa family ko pero
anong ginawa mo!!"

"Sorry. Malay ko ba. Inatake ako ng selos ko eh. Ikaw nga makita mo lang kami ni
Honey na naguusap nagagalit ka na ako pa kayang makita kayo na naglalambingan sa
loob pa ng sarili mong bahay!" totoo naman eh. Ang mali ko lang nagpadala ako sa
galit ko.
"Yun na nga. Hindi ka ba nagtaka? Na nasa loob kami ng bahay ko! Bahay ko! Bukas
ang lahat kaya ka nga nakapasok di ba? Kung lalaki ko yun bakit iiwanan kong bukas
ang gate at pintuan!!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"So ibig sabihin pwede ka ngang magdala ng lalaki dito?" napahawak sya sa noo nya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" huminga ako ng
malalim at hinawakan ko sya sa dalawang balikat.

"I'm sorry." Tinitigan ko sya sa mga mata nya para malaman nyang seryoso ako sa
paghingi ng sorry. "Sorry kung nadala ako ng galit ko. Kasi naman isusurprise sana
kita pero ako ang nasurprise. Hindi mo naman kasi sinabing dumating pala ang kuya
mo. Pati sila Tuck nagtaka din. Nagalit ako lalo ng sabihin ni Val na nakita ka daw
ni Jezhi at yung lalaki na nagkiss."

"Jezhi na naman? Hello! Hindi ba kayo nadala? Kapag si Jezhi ang nagsabi palpak
yun." Halatang galit pa rin sya. Wala naman akong magagawa kasi tanga ko eh.

"Kasalanan ko bang magalit? EH sa mahal kita kaya ko nagawa yun!" napansin kong
napangiti sya. Sana talaga mapatawad nya ko. "Hindi ko lang talaga inaasahan kaya
hindi ako nakapagisip talaga."

"Sa susunod kasi mag-isip ka muna. Tsaka tanungin mo muna ako hindi yung
nagpapaniwala ka sa mga sinasabi ng kung sino-sino lang!" hinawakan nya ko sa
mukha. Napapikit ako ng maramdaman ko ang palad nya sa pisngi ko. AKala ko hindi na
'to mangyayari eh.

Kinuha ko ang kamay nya at hinalikan ko. "Ngayon naisip ko na na hindi ako papayag
na maagaw ka ng iba. Kahit ipagtulakan mo pa ako palayo. Hindi ako papayag."
Niyakap ko sya bigla ng mahigpit na mahigpit. "Ayoko kasing mawala ka."

"ANo ka ba, hindi naman ako mawawala! Pero dahil sa ginawa mo sa kuya ko baka
talagang mawala na ko!" napabitaw ako sa kanya bigla dahil sa sinabi nya.

"ANO?!! Ayoko! Hindi pwede! Kausapin ko kaya ang kuya mo? Kahit lumuhod ako sa
harapan nya para mapakita lang na hindi ko sinasadya!" Naiinis ako sa sarili ko!
Ang engot-engot ko kasi!

"Ako na lang ang kakausap sa kanya. Hindi ko din kasi alam ang gagawin. Duh, first
boyfriend, remember?" kumapit sya sa chest ko at ngumiti. "Don't worry, hindi rin
naman ako papayag na paghiwalayin nila tayo. Kung lalaban ka, eh di lalo na ako."
Then she winked at me.

Hahalikan ko na sana sya ng biglang nagsalita ang kuya nya.

"Alexa!"

"Kuya!" Parang nagiisip si aswang ng sasabihin. "Pwedeng linisin ko muna ang sugat
nya sa loob? Please..."

Mukhang mahirap 'to. Masyadong striktong kuya. Pero kung ako din naman kay Cia
malamang mas malala pa dito ang gagawin ko. Maisip ko nga lang na may boyfriend na
ang kapatid ko nag-iinit na ang ulo ko eh.

"Wag na kaya. Aalis na lang ako." Bulong ko sa kanya habang nakahawak ako sa waist
nya.

"No!" sagot ni aswang. Lumapit sya sa kuya nya.

"Please kuya." Nakahawak si aswang sa braso ng kuya nya habang ang kuya nya eh
binabalatan ako ng buhay sa pagtitig. Iba yung aura nya, parang myembro rin sya ng
isang samahan. Ewan, pakiramdam ko lang siguro.

"Fine. Pero sandali lang okay. Tandaan mo, hindi maganda ang first impression ko sa
boyfriend mo. Kapag may ginawa yan na hindi ko nagustuhan alam mo kung anong kaya
kong gawin!" ANong ibig nyang sabihin? Akala nya ba uurungan ko sya? Pasalamat nga
sya kapatid sya ni aswang, kund hindi kanina ko pa yan pinataob.

"Kuya, hindi mo naman kelangang manakot! He's a good guy. Trust me!" nakangiting
sabi ni aswang.

"I trust my instinct sweety!" iba talaga makatingin 'tong kuya ni aswang. Siguro
pakiramdam ko lang kasi nasuntok ko sya. Ako ang may atraso.

"Whatever!" lumapit sa'kin si aswang. "Tara na sa loob." Hinigit nya lang ako.
Habang papasok kami ng bahay tumingin ako sa kuya nya na nakatingin din naman
sa'kin. Pakiramdam ko may kuryente sa pagitan namin. Pero dahil kapatid sya ng
babaeng mahal ko wala akong gagawing kahit anong ikakagalit nya sa'kin.

******************************

ALEXA'S POV

"Sobrang manhid mo naman at hindi mo napansin na ang dami mong sugat!" ginagamot ko
ngayon ang mga sugat ni goon. Nandito kami sa living room.

"Sabi nga nila balewala ang sugat sa katawan. Mas masakit yung sugat dito!"
nakatawang sabi ni goon habang nakaturo sa puso nya. Nakakapagloko pa sya sa lagay
na yan kahit na panget ng impression ng kuya ko sa kanya.

"Magpalit ka kaya muna ng suot. May sugat ka din dyan sa balikat oh." Halata naman
kasi basa yung sa may part ng balikat nya.

"Gusto mo lang makita ang hot kong katawan eh. Pwede mo namang sabihin ng diretso.
Wag ka ng mahiya." Nagwink pa sa'kin ang loko.

"Feeling mo!" feeling mo talaga tama. Syempre part din yun. Pero slight lang. Hindi
ako manyak no! Toned arms and chest plus abs ba ang pagnanasahan ko? My goodness!!
Syempre oo naman! Duh! Kayo ba hindi!

Hinubad ni goon ang shirt nya at lumantad ang heaven este ang katawan nya. Grabe,
complete na ko for today. Appetizer na braso, main dish na abs at side dish na
chest plus dessert na lips. Oha. Burp na burp!

"Gagamutin mo ba ang sugat ko o tititigan mo na lang ang katawan ko?" napaiwas


naman ako ng tingin. Masyado ata akong halata.

"Kapal mo! Tinitingnan ko lang kung malaki yung sugat mo!" kumuha ako ng cotton at
alcohol.

"Sugat sa abs? Ikaw na nagsabi na nasa balikat ang sugat ko di ba?" hinawakan nya
ang kamay ko at dahan-dahang nilalagay sa abs nya.
"Asa ka pa!" hinigit ko ang kamay ko at pinasiritan ko ng alcohol ang sugat nya.

"Aray naman! Masyado kang hard! Lagyan mo naman ng pagmamahal!" napatawa naman ako
sa sinabi nya. Parang kanina lang kung magsigawan kami wagas tapos ngayon heto kami
parang walang nangyari.

Nilagyan ko ng benda ang sugat nya. Swerte kasi nahahawakan ko ang matigas nyang
muscle. MMMMMMMMMM! Minsan ang swerte talaga kusang dumarating.

"Wag po!" humawak si goon sa dibdib nya na parang pagsasamantalahan.

"Hindi bagay sa'yo!" bigla nya kong niyakap ng mahigpit. Damang-dama ko ang hot
nyang body. I think I'm gonna faint!! Ang landi ko lang daw.

"Alam ko! Kasi ikaw lang naman ang bagay sa'kin." Wow ha comedy na comedy ang
dating ko samantalang sya drama. Naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo. "Mahal
kita okay."

"ANo ka ba, mahal din naman kita no!" at niyakap ko din sya ng biglang may tumamang
shirt sa mukha namin ni goon.

"Baka gusto mong magbihis! Do you usually hug my sister half naked? I can sue you!"
wow, ang overprotective kong kuya.

"Kuya!" humiwalay ako kay goon at niligpit ko ang mga ginamit ko panlinis ng sugat
ni goon.

"Alexa Ciesla don't kuya kuya me! Mabuti na lang nandito ako. Eh paano pa kung wala
ako? Baka kung ano ng ginawa nyo!!" oo naman kuya. May tama ka dyan! Ganitong ka-
hot ba naman ang nasa harapan ko eh talagang hindi lang yakap ang mangyayari.
Kakagatin ko pa 'tong goon na 'to. "Did I say something funny?" Napatigil naman
ako. Hindi ko napansin na napapangiti na pala ko.

"Wag mo kasi akong pagpantasyahan. Nagagalit si kuya." Bulong ni goon sa'kin habag
nagbibihis. I rolled my eyes.

"Tapos mo na syang linisan!" tinitigan ako ni kuya. Obvious naman di ba na tapos na


kasi nagliligpit na ako at isa pa nakabihis na ulit si goon kaya talagang tapos na.
Sarado na ang heaven dahil naka-tshirt na ulit sya. Tinuro ni kuya ang pintuan.
Hindi ko pa sana papaalisin si goon pero bigla syang nagsalita.

"Aalis na din ako. Magbonding muna kayo ng kuya mo. Susunduin na lang kita pagpasok
okay." Hinalikan nya ko sa noo. Nakakainis kasi si kuya eh. Nandyan kaya ayan sa
noo lang tuloy ang kiss.

"Sige-sige." Isang magandang start ng araw ko kung si goon ang una kong makikita.

"Ako na ang maghahatid sa'yo araw-araw hanggang nandito ako!" napatingin kami ni
goon kay kuya.

"Kelan ka aalis?" sabay naming tanong ni goon at sabay kaming napatawa. Tumingin ng
masama si kuya sa'min.

"Pupuntahan ko pa rin si Alexa dito every morning." Sabi ni goon kay kuya. Tumingin
si goon sa'kin. "Gotta go. Later, sweet monster. I love you." Then he winked. Ang
gwapo. I love kuya but I hate him now dahil pinuputol nya ang happiness ko.

"I love you too." Sagot ko kay goon. "Hatid na kita palabas!" biglang humarang si
kuya sa harapan ko bago pa ko makalapit kay goon.

"Hindi yan maliligaw palabas. Wala tayo sa mansion." Seriously, naiinis na ko sa


kuya ko. Mabuti na lang at nasulit ko ang moment namin ni goon.

Nagwave lang si goon sa'kin at ganun na din kay kuya. "Kuya?" kung hindi ko pa sya
sasabihan hindi din sya magwe-wave kay goon. Pinanood ko lang na lumabas ng pintuan
si goon. Grabe namiss ko sya buong araw tapos ganun lang kaigsi ang moment namin.
Dapat gumanda ang image ni goon sa kuya ko. Gagawa ako ng paraan. Magagawan namin
'to ng paraan dahil kung hindi walang kiss at hug. Oh no! Hindi ko ata kaya!

**************

A/N

Sobrang busy po ako ngayon. I'm preparing for my final demo. Isiningit ko lang 'to
ngayon. Magpupuyat ako para sa lesson plan ko. Sa mga nakakaintindi thank you so
much. Sa mga nagPPM na concern thank you thank you. :) Sana mabasa nyo muna at
mavote din yung iba kong story habang di ako nakakapagupdate. I'd love that, as in
to the highest level. :p Like nyo ang page ng Perfect Haters para updated kayo kung
makakapagUD ako or not at the same time dun ko pinopost ang portrayers ng
characters like ngayon, magpopost ako ng new character. Kung sino yun, tumbling na
sa page para makita kung sinong bago at the same time kasama ang full names nila.
Pwede na kayong magflames. LOL! Thank you sa walang sawang suporta. Sana ishare nyo
pa din ang PH sa iba. Thank you. Love y'all!

<3 megladiolus

*******************************************
48

*******************************************
Tapos na ang final demo ko so nakapagUD ako ngayon. Mahaba 'to para naman sulit ang
paghihintay nyo. Thank you for those who have waited patiently. ;) Kung sinong
portrayer ang irereveal ko ngayon, like na ang page ng Perfect Haters sa fb para
hindi mahuli sa kwentuhan. :) Search nyo lang ang Perfect Haters by megladiolus sa
fb. :) Anyway, vote, comment, follow, like our page and share this story sa lahat
ng kakilala nyo. :)

Thanks. Hart hart.

megladiolus

*********************************************

ALEXA'S POV

Maaga akong nagising ngayong araw. Nauna pa nga akong bumangon bago pa mag-alarm
ang phone ko. Paano ba naman kasi may isang tao dito sa bahay na talo pa ang
grandma namin kung manggising ng maaga. Mabuti na lang excited ako na makita si
goon ngayon kaya ganado ako bumangon kahit sobrang antok pa ko.

"Bakit ka ba nandito kuya? Hindi ka ba kelangan nila mommy sa company? Sige ka baka
malugi yun malulungkot sila." Tanong ko sa kanya habang nakain kami. Hindi naman
kasi talaga ako sanay na inaasikaso ng family ko. Kasi kung may aasikasuhin sila,
hindi ako yun kundi ang businesses namin.

"Sorry sweety kung ganyan na ang tingin mo kina mommy, kahit pati sa'kin. Wala lang
kasi talaga akong magawa kapag nagsalita na si mommy." Nakita ko sa mukha ni kuya
na parang ang lungkot-lungkot nya.

"Alam ko naman. Kapag ako nagkafamily hinding-hindi ko gagayahin si mommy. Okay


lang na hindi kami mayaman basta masaya naman kami." At mas masaya kung kami ni
goon ang magkakaron ng iisang family. Naiisip ko palang kinikilig na ko. Pero dahil
nandito ang magaling kong kapatid todo pigil ang kilig ko. "Hindi pa ba kayo
nagkakaanak ni ate Fran? Hindi ba sya nag-aalala na nandito ka?"

"Ang dami mong tanong. Kumain ka na lang kaya at baka malate ka pa sa klase mo.
Ihahatid pa kita." Nakakainis talaga. Bakit pa ba nya ko kelangang ihatid eh
susunduin ako ng boyfriend ko. "Wag mo ng ligpitin yang pinagkainan mo. Pupunta
naman dito ang mga maids mamaya." Tumayo sya at tumingin sa'kin. "Bilisan mo aba!
Kilos na!"

Nakakagulat lang at biglang uminit ang ulo ni kuya. Talo pa ko nito kapag may
monthly period eh. Syempre sumunod naman ako agad sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at
nagsalamin muna sa living room. "Kuya akala ko ba nagmamadali ka!!!!" kung patayuin
nya ko wagas pero sya umakyat pa sa taas.

"Agang-aga nakasigaw ka." Boses palang tumatalon na ang puso ko lalo na nung
yakapin nya ko patalikod. "Good morning to you my girlfriend." Yung pagwhisper nya
palang sa tenga ko enough na para magcollapse ako. Bakit ang sweet at sarap
pakinggan?

"Ih, nakakainis ka!" with matching arte at pigil ng kilig. Humarap ako sa kanya at
kiniss ko sya sa cheek. "Good morning my monster goon." Yung ngiti ko at ngiti nya
abot na sa ceiling namin. Nagtitigan lang kami na parang wala ng bukas. Hindi na
sana matatapos ang titigan namin ng bigla kong maalalang ihahatid nga pala ko ni
kuya. Bigla akong sumimangot.

"Oh ano na namang nagawa ko?" Natawa naman ako ng konti kasi kung magtanong sya
nakangiti pero parang galit.

"Sira, hindi naman ikaw." Tumingin ako sandali sa stairs baka kasi pababa na si
kuya. "Kasi ihahatid ako ni kuya ngayon."

"I know." Nakakaloko yung ngiti nya. Pero natutuwa naman ako kasi kahit alam nyang
ihahatid ako ni kuya nageffort pa din syang puntahan ako para lang maggood morning.
Hinawakan nya ko waist at parang may sasabihin sya ng biglang may malas na
nagsalita.

"Alexa!" sabay kaming nagsigh ni goon. Yung pareho kaming nainis dahil sa may
kontrabida sa buhay namin. Syempre, naisip ko din naman na hindi pwedeng puro saya
na lang. Dapat may mga ganito din, yung nambubuwisit lang.

"What?" lumayo ako kay goon at tumingin sa kuya kong pababa ng hagdan na may dala-
dalang hindi ko alam kung ano.
"Kunin mo 'to at ipasok mo sa kotse!" wala naman akong magawa kundi ang sumunod.
Kinuha ko sa kanya ang dala-dala nya at inilabas.

Nagulat ako ng pagbuksan ako ni goon ng pintuan ng kotse. "Pasok na." then nagwink
sya. Sobrang ganda na talaga sana ng umaga ko kung kami lang ni goon. Ngumiti na
lang ako since wala naman akong choice. Pumasok ako sa loob kasama ang mga gamit ni
kuya. Iniintay kong isara ni goon ang door ng car pero nakatingin lang sya sa'kin.

"What?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Umusod ka kaya. Wala na kong pwesto oh." Hindi ko sya masyadong mainitindihan pero
kung tama ang pagkakarinig ko pinapamove nya ko?

"And what do you think you're doing?" sabay kaming napatingin ni goon kay kuya na
papalabas ng bahay.

"Sasakay." Kalmadong sagot ni goon.

"What?" napasabay naman kami ng tanong ni kuya.

Word of the day ba ang 'WHAT?'o sadyang nakakagulat lang talaga ang mga nangyayari.

"Oh bakit? Sabi mo ihahatid mo ang girlfriend ko so sasama ko since hindi sya
pwedeng sumabay sa'kin kasi nga nandyan ka, KUYA." Ngumiti ako habang sinasabi yun
ni goon. Ang ganda ng ngiti ko habang si kuya eh magkasalubong ang kilay.

"Hindi! Hindi ka sasakay dyan!" mabilis na tumakbo si kuya papalapit sa kotse pero
mas mabilis si goon. Nasa loob na sya agad ng kotse at inilock ang door ng kotse.

"Ang bait ng kuya mo. Pinasakay na ko." Hinawakan nya ko sa cheek na medyo
nagpablush naman sa'kin.

"Loko mo talaga." Nahihiya kong sabi.


"Dito ka sa unahan!" naramdaman ko na lang ang isang biglaang paghigiti mula sa
labas. The next think I know nasa labas na ko ng kotse. "Sa unahan ka uupo."
Pumasok si kuya sa may driver's seat at inistart na ang kotse. "Ano tutunganga ka
na lang dyan? Sinasabi ko sa'yo Alexa, dito ka sa unahan!!"

Sumunod naman ako kay kuya. Pinalipat nya ko sa unahan pero hindi na nya pinababa
si goon. Buong byahe kaming magkatinginan ni goon sa mirror ng kotse. Natatawa ako
kasi nagme-make face sya. Pigil na pigil ang tawa ko. Sinesenyasan nya na parang
susuntukin nya si kuya pero kapag mapapatingin si kuya magpapatay malisya lang si
goon. Kunyari wala syang ginagawa. Kaya naman mas lalo akong natatawa.

"Anong nakakatawa ha?" Ang sungit talaga ng kapatid ko na 'to. Kelan kaya 'to
naging masaya?

"Wala! Naalala ko lang yung pinanood kong movie. Sobrang nakakatawa." Ang hirap ng
situation namin ni goon ngayon. Lahat ng kilos at tingin namin mga panakaw.

"Babalik ako mamaya para sunduin ka. Sinasabi ko sa'yo wag kang gagawa ng mga
bagay na hindi ko magugustuhan!" biglang tumigil ang sasakyan ng mapansin kong nasa
school na pala kami. "At ikaw lalaki, wag kang masyadong dumikit sa kapatid ko!
Alam ko na alam mo naman na ayoko sa'yo para sa kanya."

"Kuya!!!" I rolled my eyes then tinanggal ko ang seatbelt tsaka ako bumaba ng
kotse. Hindi ko na sya ulit tiningnan. Kahit si goon hindi na din. Nakakainis naman
kasi. Kung kelan nagiging masaya ako tsaka naman nagkakaron ng mga kontrabida sa
buhay ko, sa buhay naminn ni goon. Ayaw ba talaga nilang maging masaya ako.

*********************************

ZAK'S POV

Badtrip naman 'tong kuya ni aswang. Kung hindi nya lang naman talaga 'to kuya eh
sinira ko na mukha nito.

"At ikaw lalaki, wag kang masyadong dumikit sa kapatid ko! Alam ko na alam mo naman
na ayoko sa'yo para sa kanya." Wow, akala mo naman gusto ko syang maging kuya ni
aswang. Quits lang kami.
"Kuya!!" at ayan na nga. Nagwalkout na ang mahal ko. Pati ako hindi na tiningnan.
Naku kapag hindi ka nga naman makakasuntok ng di oras.

"O ano pang inaantay mo? Pagbuksan pa kita ng pinto para makababa?"

"Pwede ba?" hinambaan ako ng suntok ng kuya ni aswang kaya naman nagmadali akong
bumaba. "Thank you kuya! See ya later!!" asa namang gusto ko talaga syang makita
later.

Hindi na sumagot ang kuya ni aswang at umalis na.

"Wow dude close kayo ng new boylet ni Lex?" hinawakan ko sa leeg si Luke at
kinutusan ko. Kanina pa ko nanggigil eh. Malas nya lang at ang panget ng banat nya
sa'kin.

"Anong boylet ang pinagsasabi mo dyan! Sana nga boylet na lang sya ni aswang para
legal ko syang magulpi! Pero hindi!! Hindi!!!" sakal-sakal ko si Luke at
nagpupumiglas sya.

"Hoy tama na! Hindi ka naman mabiro!!!" binitawan ko na din agad si Luke at baka
kung ano pang mangyari sa kanya kapag sa kanya ko ibinuhos lahat ng galit ko.
Inayos nya ang suot nya pati na din ang buhok nyang nagulo. "Hindi sya boylet ni
Lex?"

"Hindi nga!!!" nakasalubong na din namin ang ibang Sterke Geest habang naglalakad
papasok sa loob.

"What? Don't tell me - sya ang tatay ni Lex? Ang bata naman nya. May lahi ba talaga
silang aswang at hindi sila tumatanda?" makukutusan ko na naman ng isa 'tong mokong
na 'to eh.

"Aba gusto ko ng magpalahi sa kanila kung hindi sila natanda. Ipreserve ang
kagwapuhan!" banat ni Rich.

"Eh kung magpalahi sa aso at magmukha kayong askal ngayon na ha! Mas magandang idea
yun no!!!!" papalapit na ko sa kanila para bigyan ng isang matinding suntok pero
nakalayo agad sila.
"Ang hot mo dude. Ano bang problema mo? Di mo matanggap na ang magiging father-in-
law mo eh halos kaedad mo na!" anong utak kaya meron ang mga kaibigan ko.

"Mga ungas din kayo no! Paano magiging tatay ni aswang yun! Gunggong talaga kayo.
At kelan pa hindi tumanda ang mga aswang!" napahawak ako sa noo ko dahil nagpipigil
ako ng inis tapos dinagdagan pa ng mga ungas na 'to. Tulala lang sila habang
nakatingin sa'kin. Alam ko namang iniintay lang nila kung anong sunod kong
sasabihin. "Kuya sya ni aswang." Mahina kong sabi.

"Kuya?" sabay-sabay nilang sabi.

"Mabuti hindi nya nalaman na napagkamalan mo syang lalaki ni lady ghost." Cool na
sabi ni Tuck.

"Anong hindi! Eh nasuntok ko pa nga sya!" biglang nagtawanan ang mga mokong. "Sige
lang pagtawanan nyo ko! Baka sa inyo ko ibunton ang inis ko sa lalaking yun makita
nyo!"

"Hindi ka naman siguro nya aawayan dahil lang sa isang suntok no." nagsalita ang
Val. Biglang nagflashback sa utak ko kung bakit ako nagalit nung araw na nasuntok
ko ang kuya ni aswang.

"Kasalanan mo 'to ungas ka!" nilapitan ko si Val at hinawakan ko sa jacket.

"Te -teka, bakit ako? Sinabi ko lang naman ang sinabi ni Jezhi sa'kin." Ang
kaibigan ni aswang na puro hinala ang alam. Ano kayang nagustuhan ni Val sa kanya.

Binitawan ko sya at itinulak. "Wala na eh. Nangyari na. At ngayon ayaw nya sa'kin.
Alam ko, ramdam ko na gagawa sya ng paraan para magkahiwalay kami ni aswang."
Nanggigigil ako sa inis. Bakit palagi na lang nagiging ganito ang nangyayari sa'kin
kapag nagmamahal ako. Ano bang mali sa'kin! "Pero mahihirapan syang gawin yun."

Inakbayan ko ni Tuck. "Yan ang gusto ko sa'yo. Isa pa nandito kami. Tutulungan
namin kayo." Ngumiti ako. Mabuti na lang kahit mga ganito sila eh supportive pa rin
sila sa'kin. "Tutulungan namin kayong maghiwalay ni Lex." Nawala ang ngiti ko. Ang
bilis tumakbo ni Tuck habang tumatawa.
"Sabi ko na nga ba may gusto ka talaga kay aswang!" hinahabol ko sya pero mabilis
syang nakakaiwas.

"Hoy anong ako lang! Kami kayang lahat!" sabay turo nya sa iba pa naming kasama.

"ANO! MGA TRAYDOR KAYONG KAIBIGAN!!!! HUMANDA KAYO SA'KIN KAPAG NAABUTAN KO KAYO!!"
mabilis nag-alisan ang mga gunggong. Naiwang lang si Val at Trav. Medyo hinihingal
pa ko sa paghabol sa kanila. "Lokong mga yun. Idagdag ko na sila sa listahan ng mga
papatumbahin ko!" tumingin ako kay Trav na parang kanina pa wala sa sarili. "Ikaw
Trav, may gusto ka din ba kay aswang?"

"Gustong-gusto ko talaga pero alam mo yun wala akong magawa! Damn! Muntik na sana
akong - " hindi ko na sya hinintay na makatapos magsalita. Sinuntok ko na sya agad
sa mukha.

"Gag* ka dude! Isa ka rin pala!" gulat na gulat si Trav na parang nahimasmasan
bigla. Nakahawak pa sya sa may ilong nya.

"WTF Zak! Ano bang ginawa ko sa'yo!!!!" papalapit si Trav sa'kin pero pumagitna si
Val.

"Eh ungas ka pala! Gustong-gusto mo si Alexa! Wow, patahi-tahimik ka yun pala isa
ka ding ahas!!" tinutulak ko si Val habang dinuduro si Trav.

"Ano! Kelan mo ko tinanong!! Siraulo ka ba! Sino bang hindi magkakagusto kay Lex!
Pero dude hindi kami talo! Isa pa sana nagtatanong ka muna bago ka nanununtok!"
napatulala naman ako sa sinabi nya. Di ba nagtanong ako? Narinig nyo yan kaya may
witness ako na nagtanong ako.

"Tinanong kita ungas ka! Sabi mo gustong-gusto mo talaga!!!" kung lahat sila
magkakagusto kay aswang aba dapat ilayo ko na sya sa mga 'to habang maaga pa.
Mahirap na baka salisihan nila ko. Hindi ko sila mapapatawad.

"Ha? Si Alexa ba ang tinatanong mo? Akala ko kasi yung kalaban ko sa dota kagabi!
Ang angas! Gustong-gusto ko nang tirisin!" napatingin naman ako kay Val. Nagshrug
lang sya.

"Kagabi pa yan wala sa sarili. Di nya kasi matanggap na babae lang magpapataob sa
kanya sa dota. Kaya gusto nyang malaman sino yung babaeng yun." Paliwanag ni Val.
Parang may naiinlove na dito ah. Natawa naman ako. Inakbayan ko si Trav at ngumiti
ako.

"Gag* ka talaga kahit kelan! Kapag may iniisip ka hindi ka talaga makausap ng
matino. Ayan nasuntok pa tuloy kita. Hayaan mo tutulungan kitag hanapin kung sino
yung babaeng tumalo sa'yo. Papaluhain natin ng dugo." Inalis nya ang pagkakaakbay
ko.

"Wag na! Wala kong balak syang hanapin. Nakachamba lang pati yun!" nagheadset na
ulit ang mokong at nauna nang maglakad. Mukang wala talaga sya sa mood. Kawawang
Trav, nasuntok ko pa tuloy. Kasi naman ayaw lilinawin ang mga sagot eh. Si aswang
ang tinatanong ko, dota naman pala ang nasa isip nya. Ah hindi, pakiramdam ko yung
babaeng nakatalo sa kanya ang iniisip nya. Kahit kelan may sarili talaga syang
mundo.

Papunta na ko sa first class ko ng makita kong nagtatakbuhan ang mga students. Ano
na naman kayang pinaggagawa ng mga kaibigan ko at mukhang pinagkakaguluhan na naman
sila ng mga tao. Nag-iba na lang ako ng daan para hindi na ko makipagsiksikan sa
mga nagkukumpulang mga tao. Hirap kasi sa mga babae dito masyadong nagpapabilog sa
mga gwapo naming itsura. Ayaw gumaya kay aswang na kahit kaharap na ang
pinakagwapong lalaki eh nagsusungit pa rin. Well, hindi ko naman sinasabi na ako
yung pinakagwapong lalaki. Pero kami lang namang Sterke Geest ang mga yun. Kahit
kasi sa Hemsworth pinagkakaguluhan kami. New environment nga 'to kasi hindi pa
ganun kalala. Sa Hemsworth kasi may mga fans club talaga.

"Oh my gosh anong nangyari sa kanya?"

"Bigla na lang daw natumba eh. Mabuti na lang nasambot nung classmate nya at hindi
tumama ang ulo sa floor."

"Mabuti na lang. Baka kasi masama na ang pakiramdam nya bakit kasi pumasok pa sya."

Sino naman kayang pinag-uusapan nitong mga 'to.

"Tabi! Tumabi kayo! Nandyan na ang ambulance!!" napatigil din naman ako sandali ng
makita ko ang mga school medics na may dalang stretcher. OA, sino naman kayang
dadalhin sa ospital? Siguro nakipagbubugan ayan nabalda tuloy.

"Excuse me! Excuse me! Padaanin nyo ko!!!!!!!" napatingin ang lahat sa nasigaw na
babae. Bigla akong kinabahan ng makita ko si Jezhi na nagmamadaling tumatakbo at
sumisingit sa mga students na nakikiisyoso. "Anong nangyari? ANong nangyari sa
kanya!!!!" wow may iba pa palang kaibigan 'tong si Jezhi bukod kay aswang at
mukhang worried na worried sya. Papaalis na sana ko ng bigla kaming nagkatinginan
ni Jezhi. Sa tingin nya palang parang nasasaktan ako na hindi ko maintindihan kaya
mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya. Nakisingit na din ako sa mga students na
nakikitingin sa nangyayari.

"Anong ginagawa mo dito? Anong nangyayari?" hindi agad nakapagsalita si Jezhi at


napaiyak na lang sya.

"Sir excuse me po." Parang naging slow motion lahat bigla. Ang paglingon ko sa
medic na kumausap sa'kin. Sa mga taong nag-uusap sa paligid. Sa tumatakbong
professors. Parang wala akong marinig hanggang sa parang dumilim ang paligid at
tanging si aswang na lang ang nakita ko. Sya na nakahiga sa stretcher, walang malay
at may dugo pa sa ilong.

"ANONG NANGYARI SA KANYA?!!!" naitulak ko ang mga nakaharang sa harapan ko para


makalapit kay aswang agad.

"Sir kelangan na syang madala sa ospital para mapatingnan kaya tumabi na po kayo!"
hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Para akong nanghina. Yung pakiramdam na
kakatapos lang ng isa kong matinding underground fight. Hinawakan ko sa kamay si
aswang habang nasa stretcher sya. Kasabay akong naglalakad ng mga medics na may
dala sa kanya.

"Okay ka lang di ba? Dumilat ka na kaya! Kahit kelan talaga ang arte mo. Di bale,
hindi naman kita iiwan eh. Dito lang ako." Hawak-hawak ko lang sya sa kamay. Ayoko
syang bitawan dahil pakiramdam ko sa oras na iwanan ko sya mawawala sya. Sh*t Zak
ano bang pinagsasabi mo! Hindi sya mawawala. Okay lang sya.

"Sir bitawan nyo na po sya." Tinanggal ng medic ang kamay ko sa pagkakahawak kay
aswang. Bigla na lang kusang kumilos ang mga kamay ko at hinawakan ko sya sa kwelyo
at itinaas.

"Zak! Zak bitawan mo sya! Gusto mo bang madala si Alexa sa ospital agad o hindi!!!"
para akong bumalik sa sarili ng marinig ko ang sinabi ni Jezhi. Binatawan ko ang
medic at napaatras ako. Pumasok agad sa loob ng ambulance ang medics. Nasa loob na
din ang mga doctors. Maraming nagchecheck kay aswang kaya alam kong magiging okay
lang sya. Mabilis na umalis ang ambulance pero para kong natuod na nakatayo pa rin
sa pwesto ko at hindi makagalaw.

"Zak sakay na!!" napatingin ako kina Tuck na nasa sasakyan nya pero si Luke ang
nahagip ng mata ko na nakamotor. Kinuha ko ang helmet nya at pinababa sya.
"Dude peram muna!" hindi naman sya umangal. Sumakay sya sa sasakyan ni Tuck habang
sinundan ko naman ang ambulansya na sinasakyan ni aswang. Ayokong mawala sa mata ko
ang ambulansya na yun. Kasunod lang nila ako. Mabilis ang takbo nila kaya mabilis
din ang pagda-drive ko. Sumisingit na din ako.

"Zak magdahan-dahan ka!" narinig kong sigaw sa likuran ko. Nakita ko sa side mirror
ang sasakyan ni Tuck. Alam kong kinakabahan din sila para sa'kin pero nag-iingat
naman ako at alam ko din na magagalit si aswang kung ganito ako kabilis magpatakbo
pero mas magagalit ako kapag hindi sya gumising agad.

Finally tumigil na yung ambulance at inilabas na nila si aswang kaya tumigil na din
ako. Inihagis ko na nga lang bigla yung helmet ni Luke. Papalitan ko na lang kung
nasira. Nanakbo ako ng mabilis para maabutan ko si aswang. Hinawakan ko agad sya
habang tinutulak nila ang stretcher nya. "Hoy OA kang aswang ka! Puyat ka lang
magpapaospital ka pa! Bumangon ka na nga dyan!"

"Sir bawal po kayo dito sa loob." Tinulak ako nung nurse palabas.

"Anong bawal! Girlfriend ko yan, kayo ang bawal dyan!" napatingin ako sa doctor na
binubuksan ang blouse ni aswang. "Hoy gag* ka anong ginagawa mo sa kanya!!!"
papasok na ko sa loob ng mahawakan ako nila Tuck.

"Sir bawal po talaga kayo sa loob." Isinira na nya yung pintuan ng emergency room.

"Zak relax. Hindi ka talaga pwede sa loob. Kung gusto mong maasikaso si Lex ng
mabilis sumunod ka na lang!!!!!" hinawakan ako ni Tuck sa jacket at tiningnan ng
diretso.

"Wag mo kong sabihan ng dapat kong gawin!" inaalis ko ang kamay nya pero hindi nya
pa rin binibitawan ang collar ko. Nagmamatigas pa din sya.

"Wag kang makasarili! Hindi lang ikaw ang nag-aalala!!" hinigit nya ko bigla at
iniupo sa upuan sa tabi ng emergency room. Nakita ko si Jezhi na umiiyak habang
yakap-yakap ni Val. Mga seryoso rin ang mga mukha nila Rich, Luke at Trav. Bigla
akong nakalma, tama si Tuck, hindi lang ako ang nag-aalala sa kanya.

"Ngayon lang 'to nangyari sa kanya kaya nagulat ako. Wala naman syang kahit anong
nararamdaman eh. Matagal na kaming magkaibigan at wala naman syang sakit. Regular
naman syang nagpapacheck up kaya alam kong okay lang sya." Umiiyak na sabi ni
Jezhi.

"Tumawag ka kaya sa kanila para malaman kung anong nangyari sa kanya." Suggestion
ni Val.

"No. Kapag tinawagan ko ang mommy nya kukunin nila si Alexa at dadalhin sa France.
Ayaw nya dun kaya kahit anong mga problema nya dito hindi nya sinasabi sa parents
nya." Medyo kumalma si Jezhi.

"Nandito naman ang kuya nya, sya na lang ang tawagan mo." Hindi pa rin ako mapakali
habang nag-uusap silang lahat.

"Si kuya Geoff? Nandito sya?" kinuha nya ang phone nya. "Sige tatawagan ko lang
sya."

Ayoko sanang dumating ang kuya nya dito dahil ayokong magkagulo. Dahil sa oras na
pigilan nya kong lumapit kay aswang hinding-hindi ko talaga sya mapapatawad. Kahit
magalit pa si aswang sa'kin pero mapipilitan talaga akong saktan ang kuya nya.

Narinig naming bumukas ang pintuan ng emergency room kaya naman napatayo ako agad.
Lumabas ang doctor na nagtatanggal ng blouse ni aswang kanina. Gusto ko syang
suntukin pero kinalma ko ang sarili ko.

"Kamag-anak nyo ba ang pasyente?" magsasabi na lang kung anong nangyari kay aswang
ang dami pang paliguy-ligoy.

"Ako po ang asawa nya!" wala na kong choice, dun din naman pupunta yun. Tsaka isa
pa gusto ko ng malaman kung anong nangyari sa kanya. Mukhang confused si doc,
syempre naman ang bata pa namin tapos asawa agad. "Hindi pa totally asawa kasi
hindi pa kami kasal pero naglilive in po kami." Damn! Kelagan ko ba talagang
sabihin yun sa ganitong situation?

"I see." Nagnod si doc, mabuti naman at naniwala sya. "She's fine. Okay naman ang
vitals nya, mababa lang ang dugo nya at one possible cause kung bakit sya nahilo at
nawalan ng malay or pwede rin na may problem sya sa mata. But she'll undergo
several tests para makasigurado tayo, as of now ililipat na sya sa room para
maobserbahan. Pakifill out na lang ng form for the admission of the patient."
Paliwanag ni doc.

"Thank you doc." Napaupo ako at parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig
ko ang sinabi ni doc. Masaya ako she's okay.
"Ako na ang magfifill out ng form. Dyan muna kayo." Sabi ni Jezhi.

"Samahan na kita baby." Umalis silang dalawa ni Val.

"Dude, babalikan lang namin yung mga gamit ni Alexa sa school at aayusin namin yung
mga dapat ayusin." Sabi ni Rich at Trav.

"Bibili na muna kami ng pagkain para paglipat ni Lex may pagkain kayo." Sabi nila
Tuck.

"Salamat mga dudes." Tinap nila ko sa balikat. Alam kong hindi lang ako ang
nagmamahal kay aswang, alam kong sila din.

Naiwan ako mag-isa at hindi ako mapakali kaya naisip kong lumabas para bumili ng
bulaklak. Mabuti na lang may malapit na flower shop dito. Pagkabili na pagkabili ko
ng bulaklak bumalik ako sa emergency room pero wala na ang mga doctor kaya pumasok
ako sa loob. Nagulat ako sa nakita ko. Bakit ganun, akala ko okay sya pero bakit?
Nabitawan ko ang bulaklak na hawak ko.

"Sir dadalhin na po sya sa morge." Nandilim ang paningin ko sa narinig ko.


Napatingin ako sa lalaking nurse na kumakausap sa'kin. Naitulak ko sya sa wall
habang hawak ko sya sa uniform ko.

"ANO MORGE!! ANG SABI NG DOCTOR KANINA OKAY NA SYA!!! TAPOS NGAYON SASABIHIN NYO
SA'KIN DADALHIN NYO SYA SA MORGE!!! KUNG IKAW KAYA ANG DALHIN KO SA MORGE AT
IPAIMBALSAMO KITA NG BUHAY HA!!!!!" hindi ko mapigilan ang galit ko. Pinapaasa ba
nila ako? Akala ko okay na sya!

"Pero sir nagkaron po sya ng seizure kanina. We did our best to revive the patient
pero wala pong nangyari. Bumigay na po ang katawan nya!" nandilim ang paningin ko
na halos mapatay ko na ang nurse na 'to pero biglang nagflash sa isip ko ang
nakangiting mukha ni aswang kaya nabitawan ko sya. Mabilis na tumakbo palabas yung
nurse.

Dahan-dahan naman akong lumapit kay aswang na may talakbong na na puting kumot.
"Ang daya mo naman, bumili lang ako ng bulaklak sandali tapos iniwan mo na ko."
Nakangiti pa ko habang nagsasalita. "Paano kita titingnan ngayon nyan. Ano ako na
lang ang titingin sa'yo pero ikaw hindi mo na ko matitingnan." Hindi ko sya kayang
tingnan na ganito ang kalagayan nya. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako sa mundo.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang ulo nya kahit may taklob pa na puting
kumot. "Kahit ayawin mo ko araw-araw okay lang sa'kin. Kahit sigawan mo ko okay
lang. Kahit iaalay mo pa ko sa mga angkan mong mga aswang papayag ako basta
bumangon ka lang dyan, please." Natawa ako bigla dahil kung naririnig 'to ng buhay
na Alexa malamang nagsisisigaw na sya ngayon. Pero mas naramdaman ko na wala na sya
dahil hindi na sya sumasagot. Hindi nya ko sinisigawan. Bigla ko na lang naramdaman
na pumapatak na pala ang mga luha ko. "HOY ASWANG KA! SOBRA KA NA HA!! BAKIT MO KO
PINAPAIYAK!! ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!! NANG-IWAN KA NA NGA NAGPAPA-IYAK KA
PA!! BUMALIK KA NA NGA DITO!! KUNG HINDI KA BABALIK AKO MISMO ANG SUSUNDO SA'YO
DYAN!!! ALAM KONG NARIRINIG MO KO!! ANG MASAMANG DAMO MATAGAL MAMATAY KAYA ALAM
KONG HINDI MO PA ORAS!!!!" ang tahimik ng paligid. Ingay ng aircon lang ang
naririnig ko. Sa tingin ko, sa tingin ko dapat ko ng tanggapin. Pinipigil kong
umiyak ng todo pero parang ang hirap.

"Alam mo pinaramdam ko naman sa'yo na bawat araw lalo kitang minamahal. Kahit
nakakainis ka at ang sakit sa tenga ng boses mo wala akong pakialam. Mas lalo nga
kitang minamahal dahil dun. Paano na lang ngayon yan, hindi na makukumpleto ang
araw ko kasi wala nang sisigaw sa'kin. Wala nang mang-aasar. Wala nang magpapatawa
sa'kin dahil sa mga nakakahiyang akala." Huminga ako ng malalim. "Gusto ko lang
malaman mo na mahal na mahal kita, at kahit wala ka na dito sa tabi ko nandito ka
naman sa puso ko. Ikaw lang ang huling babaeng mamahalin ko."

"Talaga?"

"Oo. Talagang-talaga." Bigla akong napatigil. "Nagmumulto ka na agad? Alexa naman


eh, alam mo namang ayoko sa multo. Ipagdadasal ko na ang kaluluwa mo. Sana
matahimik ka na kung nasaan ka man."

"HOY SINO BANG MAY SABING NAMATAY NA KO!!" napatingin ako sa likuran ko at nakita
ko si aswang na nakatayo sa pintuan ng emergency room.

"Mu - multo ka ba?" pumikit ako sandali, oo mahal na mahal ko nga sya pero di naman
nya ko kelangang multuhin. Dumilat ako sandali at nakita kong naglalakad sya
papalapit sa'kin. "Please, dyan ka lang."

"HOY FLINT MALIFF ANONG KAARTEHAN YAN!! HINDI AKO PATAY!! HINDI AKO MULTO!! SIRAULO
KA TALAGA!!! SINO BA YANG INIIYAKAN MO DYAN HA!! SINASABI KO NA NGA BA MAY IBANG
BABAE KA WALANGHIYA KA!!!" lumapit sya sa'kin at pinagpapalo ako.

"Ano bang ibang babae!" napatigil ako ng marinig at mahawakan ko si aswang. "Buhay
ka nga." Bigla akong napaisip. "Teka, kung buhay ka si - sino 'tong - ?"
"EH DI BABAE MO!!"

Mabilis kong tinanggal ang taklob sa patay na nasa harapan ko at isang matandang
babae ang bumungad sa'kin.

"Ewwww, yan pala mga type mo ha!" papalabas na sya pero hinigit ko sya bigla at
niyakap.

"Ikaw lang ang type ko no! Yung mas panget at mas mukha pang matanda sa babaeng
'to." Alam kong hahampasin nya ko pero niyakap ko sya ng sobrang higpit. "Akala ko
hindi na kita mayayakap ng ganito."

"Sino kayo? Nasaan ang mommy ko?" may isang lalaki ang sumulpot sa may emergency
room. Napatingin sya sa babaeng nakahiga na napagkamalan kong si aswang. "Mommy!
Mommy!!" habang umiiyak sya kasama ang ilang mga bata eh umexit na kami ni aswang.
Dinampot ako ang flowers na nabitawan ko.

"For you." Nakaakbay pa rin ako sa kanya. Ayoko na syang bitawan.

"Ano yan suhol kasi nahuli kitang may sugar mommy!!" nakakatuwa talaga ang aswang
na 'to. Kaya hindi ko kayang mawala sya eh, kasi sya lang ang nakakapagpasaya
sa'kin ng ganito. Kahit nagagalit sya o naiinis, natutuwa pa rin ako.

"Ano ka ba, ipagpapalit ba kita dun? Unique kaya yang kapangitan mo. Hindi ko nga
kayang tumingin sa iba eh." Inaalis na nya ang kamay ko na nakaakbay sa kanya.
"Kasi kahit kanino ako tumingin mukha mo ang nakikita ko. Tsaka kuntento na ko
sa'yo. Kaya wag ka nang maarte dyan okay!" Naglakad kami papapunta sa room nya.
"Teka ano nga palang ginagawa mo sa baba?"

"Eh kasi nilipat ako ng room, ang sabi nung nurse umiiyak daw yung asawa ko."
Namula naman ako bigla.

"HOY HINDI AKO UMIIYAK NO!" umiyak ba ko? Parang wala naman akong natatandaan.

"Oh bakit ka defensive? Ikaw ba yung asawa ko?" tiningnan ko sya ng masama.
"Syempre ikaw lang yun, at ikaw lang naman ang unang pumasok sa isip ko. Natuwa nga
ako eh." Niyakap nya sa'kin ang dalawa nyang kamay habang naglalakad kami. "Kaya
lang nainip ako. Humiga pa ko tapos wala namang nadating. Naisip kong bumaba at
hanapin ka, malay ko ba kung nambababae ka! Kakalbuhin ko kung sino mang babae
yun."

Hinalikan ko sya sa ulo at napangiti naman ako. "Tapos bumalik ka sa emergency


room?"

"Hindi. Napadaan lang ako dun. Nakita ko yung nurse na namumutla na lumabas sa
emergency room tapos nung lalampas na ko nakarinig naman ako ng sumisigaw.
Nabosesan ko kung sino yun kaya sinilip ko at nakita nga kita dun. Tapos pinanood
muna kita." Natatawa sya habang nagkukwento ng biglang napatakip sa bibig nya.

"SO NARINIG MO LAHAT? HINAYAAN MO KONG UMIYAK DUN DAHIL AKALA KO PATAY KA NA YUN
PALA BUHAY KA PA AT NAKATAYO KA LANG SA LIKURAN KO!!!!" nakakahiya yun. Kung kanina
naiiyak ako dahil akala ko wala na sya. Ngayon naiiyak ulit ako sa inis!!

"Gusto ko lang namang makita kung anong gagawin at sasabihin mo if ever na ako nga
yung namatay." Tumingin sya sa'kin.

"Oh bakit?" bigla syang napaluha. "Hoy bakit ka naiyak? Sabi ko naman sa'yo hindi
ka agad mamamatay kasi masamang damo ka."

"Siraulo ka talaga. Naisip ko lang ang swerte-swerte ko." Pinunasan ko ang luha
nya. "Siguro kung mamamatay ako, mas gusto kong mauna ako kaysa sa'yo. Kasi hindi
mo ako kasing tapang para kayanin yung ganun. At least ikaw nakapagpractice na."
ginulo ko ang buhok nya.

"Ikaw pala siraulo eh. Wala kang kasing kulit. Sinabi ko naman sa'yo hindi ka agad
mamamatay kasi nga masamang damo ka. Isa pa kung mamamatay ka eh di malamang ako
din. Ikaw na kaya ang buhay ko ngayon. Lalo pa ngayong alam ko na ang pakiramdam
kapag nawala ka kahit na alam kong pinagtripan mo lang ako!" gustuhin mo mang
magalit ng todo sa kanya hindi ko talaga magawa.

Pagpasok namin sa kwarto nya nakita namin sila Jezhi at Val. "Sis, I'm glad you're
okay." Sinalubong ni Jezhi si aswang at niyakap.

"I'm fine." At biglang napaiyak si Jezhi. "Oh bakit ka naiyak? Okay lang ako, OA ka
na naman."

"Natutuwa lang ako na okay ka. Natakot kasi ako." Hinaplos ni aswang si Jezhi sa
likuran.
"Kami rin kaya natakot." Napatingin kaming lahat sa may pintuan at nakita namin
sila Tuck na may dalang fruits at pagkain.

"Pero mas natakot si Zak." Kelangan talaga pinapahiya nila ko ng ganito. Wala tuloy
akong masabi.

"Guys thank you so much. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nyo sa'kin. NGayon lang
'to nangyari sa buong buhay ko. Ngayon lang ako sumaya ng ganito. Ngayon ko lang
naramdaman na importante din pala ako, na may silbi din pala ako sa mundo at hindi
lang ipinanganak ni mommy para iwanan sa mga hindi ko kaano-ano." Umiyak na naman
ang girlfriend ko. Pero alam ko namang tears of joy yun. "Group hug tayo guys!"

"Uy group hug ba ang narinig ko?" biglang sulpot nila Luke kasama si Rich. "Sali
kami dyan."

Lumapit silang lahat kay aswang. Ang ganda ng ngiti nya, priceless. May something
unique sa kanya na lahat kami nahulog. "Hoy tama na yan aba!!!" binasag ko ang
group hug nila para maiba lang. "Wag nyong pagsamantalahan ang girlfriend ko
hoy!!!" hinigit ko sila isa-isa papalayo kay aswang.

"Ang selosong boyfriend umatake na naman." Pagbibiro ni Val at nagtawanan sila.

"But seriously guys, thank you so much. Kung hindi pa ko nahilo hindi ko pa
malalaman na may mga nagmamahal pala sa'kin." Nakangiti lang sya at nakatingin
sa'ming lahat.

"Anytime, ikaw pa." at nagwink pa nga si Tuck.

"TUCKER!!!" sigaw ko at nagtawanan ulit sila. May nakakatawa ba sa sinasabi ko?

"At sa seloso kong boyfriend." Bigla syang lumapit sa'kin at yumakap. "Thank you.
Alam ko na ngayon na mahal mo talaga ko."

"NGAYON LANG? ABA ILANG BUWAN NA TAYO TAPOS NGAYON MO LANG NALAMAN!!!" bigla nya
kong hinalikan sa lips pero mabilis lang.
"Uy si Zak nagba-blush." Napahawak ako sa batok ko. She caught me off guard.

"Sweety! Sweety are you okay?" at dumating ang kontrabida. Lumayo tuloy agad si
aswang. Sumenyas naman sina Tuck at ang iba na lalabas na sila at nagnod naman si
aswang.

"Kuya, I'm fine." Biglang nawala ang good vibes ni aswang. Mukhang hindi din sya
masaya sa pag dating ng kuya nya.

"Bakit hindi mo naman sinabing may masakit sa'yo? Magsasabi ka kasi." umirap lang
si aswang at tumingin sa'kin na parang nabubuwisit. Nginitian ko na lang sya
pampaganda ng mood.

"Kuya wala akong sakit. Kulang lang ako sa pahinga. Over fatigue lang. Isa pa,
useless lang din naman kung magsasabi ako sa inyo nila mommy. Ilang taon ko yung
ginagawa pero hindi din naman kayo nakikinig. Thanks to my friends and my boyfriend
kasi nandito sila. Alam nila lahat ng mga nangyayari sa'kin at sila ang mga totoong
concern." Naglakad si aswang papunta sa bed nya. Tinulungan ko syang umakyat at
inayos ko ang kumot nya at kinuha ko ang flowers na hawak nya at nilagay ko sa
table.

"Gusto mong gumawa ako ng Alexa's Boombastic specialty? Gamit lang 'tong mga dala
nila?" nagme-make face ako habang kinakausap ko sya kahit nandun pa ang kuya nya.

"Boombastic specialty?" lumapit ang kuya nya at umupo sa kabilang couch na katabi
namin.

Tumingin sya sa kuya nya. "Yes kuya. Hindi mo alam yun. Wala namag may alam sa
buhay ko eh. Kasi wala naman kayo palagi." Tsaka sya tumingin ulit sa'kin. "Sige
nga gumawa ka."

"Ah hindi, gagawa na lang ako ng Zak's Killer Specialty." Biglang tumawa si aswang.

"No no! Wala namang ganun eh." nakangiting sabi ni aswang.

"Kaya nga ngayon lang ako gagawa. Parusa mo yun kasi pinagtawanan mo ko kanina."
Kumuha ako ng maraming pagkain na galing sa dala-dala nila Tuck. Isang donut,
pizza, spaghetti at fries tapos pinaghalo-halo ko.

"Hindi ba ko mamamatay dyan?" hindi na namin pinapansin ang kuya nya na tahimik na
ding nakaupo.

"Kaya nga killer specialty eh. First time 'to." Isinubo ko. "Wow, yummy. Ang galing
ng Zak's specialty. Tikman mo na." sinusubuan ko sya pero nagtatakip sya ng bibig.

"Parang kahit aso hindi yan makakain." Tumatawa nyang sabi.

"Grabe ka, nakain ko nga eh. Ano ko aso?" umupo ako sa bed nya. "Say ahh baby!"

"Baby your face!!!" tinakpan nya ulit ang bibig nya. "No! No!"

"Sya ako na lang ang kakain." Sumubo ako ng marami ng pinaghalo-halo na food
hanggang puno na ang bibig ko kaya lang bigla akong nachoke.

"Hala ka!" kumuha sya ng tubig at pinainom sa'kin. "Ayan kasi, gusto mo ata
maospital din eh."

"Oo kaya, para magkasama na tayo. Kaya sige na kainin mo na din 'tong specialty ko.
Ang daya mo kumain ako ng specialty mo tapos ikaw hindi mo 'to titikman."
Pinapakita ko sa kanya yung pagkain na sa totoo lang eh hindi ko din gusto ang
lasa.

"Sige na nga. Pero isa lang ha." Natawa ako bigla kasi susubuan ko na sya pero
bigla kong iniwas tsaka ako tumayo.

"Wag na pala, hindi masarap." Kumuha na lang ako ng apple at iniabot ko sa kanya.

"Wooo, pinakaba mo ako dun. Akala ko talaga papakain mo sa'kin yung imbento mo eh."
tumatawa sya. Parang ang saya-saya nya kaya masaya na din ako. "Balatan mo 'to
please." Nagpuppy eyes pa nga sya.

"Eh paano yan wala akong knife?" bigla syang sumimangot. "Ah alam ko na!" kinuha ko
yung apple nya then kinagatan ko ng paikot.

"What are you doing?" habang nakatingin sya sa'kin.

"Tinatanggal ko yung balat." Kinain ko yung balat nung apple then tsaka ko binigay
sa kanya. "Ready na po baby."

Tumawa sya ng tumawa ng di ko alam kung bakit. "Ang amos mo na, mas muka ka pang
baby sa'kin oh." Kumuha sya ng tissue sa table at pinunasan ang bibig ko.

"Ehem!" napatingin kami ni aswang sa kuya nya na nakatingin sa'min. "Zak pwede ba
tayong mag-usap?"

Kinuha ko sa kamay ni aswang yung tissue at pinasan ko ang bibig ko. Magsasalita
sana si aswang pero pinigilan ko sya. Tumingin ako sa kuya nya. "Kung sasabihin
mong layuan ko ang kapatid mo dahil ayaw mo sa'kin wag mo ng gawin dahil masasayang
lang ang laway mo. Pasensya na dude pero di ko yun gagawin, dahil hindi ko yun
kayang gawin. Dito lang ako sa tabi nya at hindi ako aalis, lalo na ngayon."

"Pero - "

"Kuya please, alam mong hindi din ako papayag na lumayo sya sa'kin." Bago pa
makapagsalita ang kuya nya eh inunahan na ni aswang.

"Relax, wala pa kong sinasabi. Hindi ko naman kayo paghihiwalayin." Tumingin ang
kuya ni aswang sa kanya. "I'm sorry sweety. Hindi ko alam na ganun ka kalungkot
dati. Ngayon nga lang kita nakitang tumawa ng ganyan, yung natural na tawa at hindi
pilit. Kitang-kita ko sa mga mata mo na masaya ka."

"Masaya talaga ako kuya. Sobra." Tumingin sa'kin si aswang at kinuha ang kamay ko.
"Sya at ang mga kaibigan ko, nahanap ko sa kanila yung matagal ko ng hinahanap."

"I know. Nakit ako kayo lahat kanina." Tumingin sa'kin ang kuya nya. Yung totoo,
sa'kin lahat kelangang tumingin? "At ikaw! Anong asawa ang sinasabi mo sa doctor
kanina ha!" magsosorry sana ko pero bigla ulit syang nagsalita. "But thank you for
taking good care of my little sis. Hindi ko alam na matigas pala ang ulo ng kapatid
ko. Dati kasi kapag sinabi mo sa kanya kung anong gagawin, sinusunod nya lang.
Akala namin okay lang sa kanya, pero ngayon alam ko na napipilitan lang syang gawin
lahat yun." Iniabot nya ang kamay nya sa'kin. ANo maghoholding hands din kami?
Parang nag-appear lang kami then nilayo ko agad ang kamay ko sa kanya. "Wag mong
sasaktan 'tong baby namin or else ipapahanap kita kahit saan ka pa magpunta.
Sisiguraduhin kong hindi magiging madali ang death mo. Masyadong precious ang
princess namin. Ikaw ang source of happiness nya pero kapag ikaw din ang naging
reason ng sadness nya hindi kita mapapatawad. Sinabisabi ko - "

"Kuya, hindi mo na sya kelangang takutin dahil di nya gagawin yang mga sinasabi
mo." She rolled her eyes.

"Hindi ka na talaga baby. Kaya mo ng ipaglaban ang gusto mo." Nakangiting sabi ng
kuya nya.

"Hindi lang ipaglaban, talagang lumalaban yan." Napatingin sa'kin ang kuya nya.
Wow, parang close na kami kung makapagsalita ako ah.

"I didn't know that." Nakangiting sabi ng kuya nya.

"You don't know anything, just in case you wanna know." Kinagatan ni aswang ang
apple na iniabot ko sa kanya.

"And I wanna know everything." Nagwink sya kay aswang.

"I won't tell you anything." Humiga si aswang at nagtalakbong ng kumot.

"Hindi naman ikaw ang tatanungin ko." Tumingin sa'kin ang kuya nya. "Ipakilala mo
nga sa'kin ang kapatid ko."

"NO!" ang sama ng tingin sa'kin ni aswang kaya nagshrug lang ako.

"Geoff nga pala." Iniabot ulit ng kuya nya ang kamay sa'kin.

"Zak." At nagshake hands kami.

"So simulan mo na ang pagkukwento." Tumatawang sabi ng kuya nya.


"Wag kayo dito mag-usap!! Matutulog ako!!!!!!!!" para syang bata na nagta-tantrums.

"Woah sweety, I didn't know you can shout that loud." At nagtawanan kaming lahat.
Masyadong panget ang simula ng araw na 'to pero maganda pa rin ang naging ending.
Masaya ako, at masaya kaming lahat. Marami akong bagay na narealize, hindi ko
kayang mawala si aswang, at kaya ko syang ipaglaban kahit ano pang mangyari.

*******************************************
49

*******************************************
GEOFF'S POV

Mabuti na rin palang pinapunta ako dito ni mommy para tingnan si Alexa kasi kung
hindi, hindi ko malalaman na ganito pala sya kalungkot dati. Mabuti na lang talaga
may nagpapasaya na sa kanya ngayon. Nandito ako sa labas habang pinapanood ko sila
Zak at Alexa sa loob na naglalabas ng gamit galing sa ibang box na dala-dala ko.
Mga lumang gamit lang din naman yung iba na may mga sentimental values sa kapatid
ko.

Tinawagan ko si mommy para sabihin na babalik na ako since okay naman si Alexa
dito. Alam kong matagal ng iniintay ni mommy ang tawag ko kaya naman dalawang rings
lang eh sinagot na nya.

[How is she?]

"Babalik na ko dyan, baka mamaya umalis na ako."

[Wow Geoff, hindi ako nagkamali na ikaw ang pinapunta ko dyan. Nagawan mo na agad
ng paraan ang pinapagawa ko.]

"No, mom. Hindi ko nagawa at hindi ko kayang gawin."

[What? Hindi ka babalik dito ng hindi mo natatapos ang pinapagawa ko!!!]


"Mom, I can't. Hindi ko pa nakikitang ganun kasaya si Alexa. Hindi ko pa sya
narinig tumawa ng ganun, yung totoong tawa. Masaya sya sa mga kaibigan nya at
masaya sya kay Zak. Hayaan nyo na sya, please."

[No! Hindi ko alam kung anong pinakain sa'yo ng lalaking yan pero hindi pa rin ako
papayag.]

"Mom, pakinggan nyo nga yang sarili nyo. Tinatanggalan nyo ng happiness si Alexa na
kahit minsan hindi nyo nabigyan ng ikakasaya nya."

[You know it's not true. Ginagawa namin 'tong lahat para sa kanya, para sa inyo!]

"You're doing it for yourself not hers. Sana kahit minsan tinanong nyo sya kung
anong gusto nya. Hindi lahat ng inaakala nyong magpapasaya sa kanya eh para talaga
sa kanya." Napatingin ako kay Alexa na tumatawa sa loob ng bahay kasama ni Zak.
"Hindi ko kayang makitang umiyak ang kapatid ko. Bigyan nyo naman sya ng chance na
gawin yung gusto nya. Hindi yung puro gusto nyo na lang ang gagawin nya habang
buhay. Ilang taon syang nagtiis para lang mapansin nyo sya, para maramdaman nyang
importante sya sa inyo pero kahit isa dun hindi nyo nagawa. Sa totoo lang dapat nga
isa na syang rebeldeng anak ngayon, yung nagda-drugs, masama ang ugali, yung
pariwara na ang buhay. Pero iba si Alexa mom, iba sya."

[Mag-usap na lang tayo sa ibang araw.]

"Mom, please." Hindi sya agad sumagot. Habang iniintay ko ang sagot nya pinicturan
ko muna si Alexa then sinend ko ang picture kay mommy. "Nakita nyo na ba syang
tumawa ng ganyan?"

[Bumalik ka na dito.] Bago pa ulit ako makasagot, binabaan na nya ako ng phone.

Sana pumayag si mommy, gagawin ko naman lahat para suportahan ang kapatid ko dahil
ayokong magaya sya sa nangyari sa'kin.

Pumasok ako sa loob at inistorbo ko ang love birds. "Hey, sis." Umupo ako sa gitna
nilang dalawa. "Masyado kayong magkalapit, pwedeng layo-layo ng konti Zak. Hindi
dahil pumayag na ko sa inyong dalawa eh kakainin mo na ng buhay ang kapatid ko."

"Kuya naman." Nahihiyang sabi ni Alexa habang may paghampas pa sa'kin.


"I'm leaving." Biglang napatingin ng diretso sa'kin ang kapatid ko.

"What? Bakit ang bilis naman ata?" kelangan kong magdahilan kung bakit aalis na ako
agad. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na pinapunta lang ako ni mommy dito para
paghiwalayin si Alexa at ang boyfriend nya.

"Tapos na ang meeting ko dito so I'm going home." Naisip kong ito nga pala ang home
ko. "I mean, home with Fran."

"Hindi ka na ba pwedeng magstay pa kahit ilang days na lang?" yumakap ang sister ko
sa'kin kaya niyakap ko din sya. Naisip ko tuloy,kelan ba sya huling niyakap ng mga
parents namin?

"I can't sweety. Alam mo naman dragon si mommy kapag nagalit. Ayaw na ayaw pa
mandin nun ng may nagbabackout na clients. But don't worry, kapag free time babalik
ako dito." I assure her.

"At sana meron na kong cute na pamangkin nun." Gusto na nyang magkaron ng
pamangkin, pero parang mahirap sa part ko. Hindi naman kasi kami magkasundo ng wife
ko. Paano kami magkakasundo eh nagkita lang kami a day before our wedding. Pero
sinusubukan naman naming magwork ang relationship namin, for our families na din.

"I'll try. Kung kasing cute mo din naman ang magiging baby ko okay na okay sa'kin."
Sabi ko sa kanya habang pinipisil ang ilong nya. Tumingin ako kay Zak. "At ikaw,
sana mapanindigan mo yang ginagawa mo. Sana maipaglaban mo talaga 'tong kapatid ko.
Masyado syang precious para sa family. Milyun-milyong lalaki ang nagkakandarapa
para sa kanya."

"Alam ko naman yun, kaya nga gagawin ko ang lahat para maprotektahan sya. Tsaka
hindi ako papayag na may makalapit sa kanya kahit sinong lalaki." Seryoso ang mukha
ni Zak, nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko ang sinabii nya. Pero iba
naman ang sinasabi ko at hindi ko alam kung may magagawa nga sya kapag nangyari
yun.

"Hindi lang basta lalaki ang ibig kong sabihin." Parang naconfuse si Zak. "Wag mo
na lang masyadong isipin, basta ang mahalaga ipaglaban mo 'tong sister ko. Kung
ikaw ang happiness nya approved ka sa'kin, pero kung hindi na, humanda ka."

"Kuya talaga, lagi mo na lang tinatakot si Zak. Hindi naman yan marunong matakot
no." Tinitigan ko lang si Alexa. "Bakit?"

"Wala naman. Babalik na muna ko sa mansion para kunin yung ibang gamit ko. Aalis na
din kasi ako mamayang gabi." Hinalikan ko sya sa ulo.

"Gusto mo ng tulong?" offer ni Zak.

"No need!" TUmalikod ako para lumabas pero bumalik ako at tiningnan ko si Zak.
"Binabalaan ko lang kayo. Wag gagawa ng kahit ano at mga bata pa kayo. Isa pa
masyadong high-tech ang bahay na 'to, kung may gagawin ako mahuhuli at mahuhuli
kayo. At kapag nalaman ko yun - " tumingin ako ng masama kay Zak. "Humanda ka
sa'kin."

Lumayo ng kaunti si Zak kay Alexa at tiningnan sya ng masama ng kapatid ko. "Yan
Zak, tama yan lumayo ka. Sabik sa lalaki yang kapatid ko, baka sunggaban ka nyan na
parang aswang paglabas ko." Hindi ko alam kung anong nasabi ko pero biglang tumawa
ng malakas si Zak. Pulang-pula naman ang mukha ng kapatid ko habang nakatingin
sa'kin.

"AAhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" Magsama kayong dalawa!!! I hate you both!!!" Hindi ko


akalain na marunong syang sumigaw ng ganito katindi. Marami talaga akong dapat
madiscover sa kapatid ko, at sana bigyan din ng chance nila mommy ang sarili nila
na makilala pa sya.

"Bahala ka na dyan Zak. Aalis na ko, mukhang nagta-transform na sya." Tumatawa kong
sabi habang naglalakad palabas. Masaya ako kasi meron kaming family member na
naexperience ang totoong happiness. Kahit hindi ko alam kung magtatagal ba yun,
pero pinapangako ko sa kapatid ko, tutulungan ko sya.

***************************

ALEXA'S POV

Nakakainis 'tong dalawang lalaking 'to. Talagang nagkasundo pa sila ha.

"Wag ka ng magalit." GRrrrrr! Bakit nagpasweet lang ng boses 'tong goon na 'to
parang lumalambot na ko agad.
No Alexa, focus! Galit ka at dapat galit ka lang.

Galit naman talaga ako.

"Hindi ko naman sinasadyang tumawa. Kung di ko lang narinig yung sinabi ng kuya mo
na aswang hindi naman ako tatawa eh." Alam ko naman talagang yun yung reason kung
bakit sya tumawa eh. Pero sana hindi naman ganun kalakas.

Hindi ko sya pinansin at inayos ko na lang ang ibang photoalbums na hawak ko.

"Sige na, bati na tayo." Lumapit sya sa'kin, enough para maamoy ko ang mabango
nyang perfume. Perfume pa lang ang hot na. No, hindi ako bibigay. Try harder Zak.

Honey, Honey

I can see the stars all the way from here

Bigla nya kong hinawakan. Parang may spark bigla. Ano't kinantahan ako.

Can't you see the glow on the window pane?

I can feel the sun whenever you're near

Every time you touch me I just melt away

Nagpapacute pa sya habang kumakanta. Pinipigil ko talaga ang ngiti ko pero ang
hirap lalo na't nagwiwink pa sya with killer smile. As in killer smile, yung tipong
konti na lang mamamatay na ko talaga.

Now everybody ask me why I'm smiling out from ear to ear.

(They say love hurts)

But I know

(It's gonna take the real work) oh

Nothing's perfect, but it's worth it after fighting through my fears

And finally you put me first


I rolled my eyes at umiwas ako ng tingin sa kanya. Woooooo! Bakit parang ang init
bigla, is it the weather or yung kasama ko ngayon?

Papatayo na ko ng bigla nya kong hinigit then pinaikot. Oo, nagsasayaw kami habang
nakanta sya.

Baby it's you.

You're the one I love.

You're the one I need.

You're the only one I see.

Come on baby it's you.

Hindi ko na talaga napigilan matawa. Haha. Okay fine. Hindi talaga matawa kundi
kiligin. Sige, try nyo kaya, palit tayo ng situation, hindi ba kayo kikiligin? At
dahil hindi ko naman sya mapigilan sa pagkanta, hindi ko din naman sya maiwasan
kasi ang kulit-kulit nya. Sa sobrang kulit kinikilig ako, kaya ayan, sinabayan ko
na lang sya sa pagkanta.

You're the one that gives it all.

You're the one I can always call.

Nag-ikutan pa daw kami, parang production number lang ha.

When I need you make everything stop.

Finally you put my love on top.

Sabay higit nya sa'kin papalapit sa kanya. "So hindi ka na galit?"

Napatawa na lang ako sabay hampas sa kanya. "Nakakatawa kasi yang boses mo, ang
panget."

"Panget daw oh, na in love ka nga habang kinakantahan kita." Oh so true goon, pero
hindi ko kayang sabihin.

"Kapal mo." Lumayo ako sa kanya at dinampot ko ang mga photoalbums na hawak ko
kanina para ilagay sa taas ng cabinet.

"Bakit nalayo ka na agad? Halika nga dito!" hinigit nya ko ulit papalapit sa kanya
kaya naman nabitawan ko yung mga photoalbums. "Oh sh*t! Sorry!" napabitaw sya agad
sa'kin at dinampot ang photoalbums. Nakatayo lang ako at inintay kong iabot nya
sa'kin.

Tiningnan ko si goon at nakatingin lang sya sa album na nasa floor. "Hello,


dadamputin mo ba yan or hindi?"

"Ha? - Ah - oo." Dinampot nya yung albums pero nakatingin sya sa isa na bumukas dun
bumagsak.

"Ano bang tinitingnan mo dyan?" hinigit ko sa kanya yung album at nakita kong
family picture namin ang tinitingnan nya. "Ano tatawanan mo na naman ako kasi ang
panget ko sa family picture na 'to, na ang taba ko? Na nagparetoke ako ganun ba?"

"Family picture nyo yan?" seryoso pa din ang mukha nya.

"Oo, bingi ka ba? Kakasabi ko lang kaya." Isinara ko yung album at inilagay ko na
sa loob ng cabinet. Pagharap ko kay goon tulala pa rin sya. "Uy, ano?"

"Ha - a- ano - di lang talaga ako makapaniwalang - ganun ka kapangit dati." Feeling
ko kasi nang-aasar sya pero parang seryoso naman sya.

"Ang importante naman yung ngayon. Maganda na ko ngayon." Papalapit ako sa kanya
para yakapin sya ng bigla nya kong halikan sa cheek.

"May gagawin nga pala kong importante. Aalis na ko ha." Magsasalita palang ako pero
bigla na syang nawala. Ang bilis lang ha. Ano naman kayang gagawin nya? Sana naman
ininform nya ko no. Manghuhula na lang ba ako bigla? Isa pa sabi nya kanina wala
syang gagawin tapos ngayon meron na agad. Ang dami ko pa tuloy aayusin dito.

*************************************
TRAV'S POV

Kakatapos ko lang manood ng barcraft tournament ngayon. Ang dami din talagang
dumadayo para panoorin 'to. Though nasa ibang bansa talaga yung mga totoong
naglalaro at kami eh nandito lang sa bar na nanonood sa big screen okay na din kasi
lahat ng mga kasama mo dito eh players din so nagkakaintindihan kayo kung anong
nangyayari sa laban. Merong matanda, bata, lalaki at babae ang nandito ngayon.
Ganda ng laban, minsan gusto ko ding lumaban ng ganyan kaya lang nawalan ako ng
gana simula ng matalo ako ng babaeng yun.

Naglalakad ako papunta sa counter ng bar ng may makita akong dalawang babae at
dalawang lalaki ang nagtatawanan. Umupo ako sa stool at umorder ng beer. Humarap
ako sa mga tao dun, iba-iba ang facial reactions nila pero lahat sila naguusap-
usap.

"Nakakatawa nga talaga yun." Narinig kong sabi nung isang babae na nadaanan ko.
Malapit lang sila sa counter. MGa babae talaga kahit kelan ang ingay magkwentuhan.

Ininom ko agad yung beer ng straight tsaka ko binayaran.

"Ano bang name nya dun?"

"Foreigner ba?"

"No. He's local. I mean, lokal." Tumatawang sabi nung babae. Kung makatawa akala mo
nanalo sa lotto ng jackpot prize eh.

"Nalaman ba nyang babae ka?"

"Yes. Sinabi ko, eh nayabangan ako." Mabuti pa umalis na ko bago pa ko makichismis


sa kwentuhan ng may kwentuhan. Hindi ako interesado pero sa lakas ng usapan nila
kahit di ka interesado maririnig mo.

Naglakad na ko palabas at nagsuot na ng shades. Tapos na naman ang laban so


kelangan ko ng umalis.

"For sure tameme pa din yung TroCineru na yun until now kung nasaan naman sya."
Napatigil ako ng marinig ko yung sinabi nung babae. Lumingon ako sa direction nila
at nakita ko kung sino ang babaeng nagsasalita. Bumalik ako sa counter at bumili ng
root beer.

"Pagbigyan mo na kasi sa susunod just in case makalaro mo ulit sya." Sabi nung
isang lalaki na kasama nya.

"I can't promise that. Alam mo namang galit ako sa mayayabang. Tsaka iniiwasan kong
malaman nilang babae ako, una dahil baka maliitin lang nila ko and second masyado
silang masasaktan kapag natalo ko sila." Tumayo yung babae. "Anyway, I need to go.
Alam nyo na, I need to work. Thanks sa pagdala nyo sa'kin dito. Ang cool."

"Anytime." Naglakad na yung babae palabas kaya naman sinundan ko sya.

Naglalakad lang sya papunta sa sakayan ng bus kaya naman sumakay na ko agad sa
motor ko. Sinundan ko yung sinakyan nyang bus. Sinigurado ko talagang hindi sya
mawawala sa mata ko.

Hindi din naman kalayuan sa bar yung binabaan nya. Nagpark ako sa harap ng
pinasukan nyang - tumingala ako - teka isa 'tong computer shop. Pero malaki at
morbid ng dating.

Pumasok ako sa loob at hinanap ko agad sya. Ang dami computers at mga naglalaro.

"Wow, gumagaling ka ah. Practice ka pa para matalo mo na ko." Napalingon ako sa


kanan at nakita ko syang kausap ang isang lalaki. Angas nya talaga kahit kelan.

Sinundan ko sya pero pasimple lang ako dahil ayokong mahalata nya.

"Hey Suzie, tapos na ang barcraft?" bati nung nasa counter na lalaki.

"Yes. Kaya pwede ka ng umuwi. Shift ko na ngayon." Tinanggal nung babae yung jacket
na suot nya. May uniform din naman pala sila dito.
"Okay. So aalis na ko. Okay na yang mga nandyan, naayos ko na. Dyan ka na at may
date pa ko." Lumabas ng counter yung lalaki at dumaan pa sa harapan ko.

Tumingin ako sa paligid at busy na lahat sa paglalaro kaya lumapit na ako sa


counter.

"Hi sir, good morning." Mukhang seryoso sya sa trabaho nya ah.

"Marunong ka din palang ngumiti." Bungad ko sa kanya.

"Excuse me?" nakatingin lang sya sa'kin. Tinanggal ko ang shades ko since madilim
dito sa loob.

"Akala ko kasi puro pagtataray lang at pagyayabang ang alam mo." Jeez Trav,
sinasabi mo ba talaga yan? Parang ang bitter mo naman.

"Sir, hindi po ako nagtataray sa customers. Magrerent po ba kayo ng PC or not?"


magaabot na sya ng number sa'kin pero di ko pinansin. Naglean ako sa counter at
tumingin sa kanya.

"Bakit ako magrerent, marami akong PC sa bahay." Naiinis talaga ko kapag naalala ko
kung paano ako yabangan ng babaeng 'to.

"Then ano pong ginagawa nyo dito?" she rolled her eyes at halatang naiinis na sya.

"So hindi mo ako natatandaan?" tiningnan nya lang ako maige then umiling sya.
"Syempre, pa naman tayo nagkikita, ngayon palang." Hindi naman ako ganito pero
dahil ininis nya ako, gusto ko din syang mainis.

"Tatawag na ko ng security!" hahawak na sya sa phone pero pinigilan ko sya.

"Relax DexAssassinate, wala naman akong gagawin." Bigla syang napatingin at parang
nawala ang worries nya.
"So, isa ka pala sa mga nakalaban ko. Nice meeting you. Ano bang name mo para naman
matandaan ko kung anong laban yung sa'tin." Umupo sya at tumingin sa'kin.

"Believe me, hindi mo gustong malaman." Natatawa kong sabi.

"Oh come on. Try me. Lahat naman ng laban naenjoy ko at nagustuhan ko." Nakangiti
nyang sabi ng bigla syang sumimangot. "AH, hindi na pala ngayon. May isang lalaki
na palang nagbreak ng record of enjoyment ko."

"Really?" Gusto kong marinig ang story nya about sa game na yun. Sana lang
maikwento nya talaga.

"Really. Basta natalo ko sya tapos niyayabangan sya nung kakampi ko. Niyabangan din
nya, ayun nainis ako kaya pinatay ko ng pinatay. Natalo sila dahil sa'kin."
Tumingin sya ulit sa'kin. "Wag na nga nating pag-usapan, for sure panget yung
lalaking yun kasi ang panget na maglaro ang panget pa ng ugali."

Wow, confident sya masyado. Feeling nya ikinaganda nya yung pagkapanalo na yun?

"So ano ngang username mo, baka nasa friend's list na kita." Humarap sya sa pc.

"Sa tingin ko hindi mo pa ko friend." Nakisilip ako sa pc nya.

"Eh di iaadd na lang kita para naman makapaglaro tayo minsan." Ang ganda ng ngiti
akala mo mabait. Ganyan siguro ginagawa nya sa mga lalaking nakakalaban nya kaya
nya natatalo.

"That'd be great." Tumingin ako sa kanya habang nakaharap sya sa pc. Natatawa ako
bigla.

"Anong name dali." Maging excited pa kaya sya kapag nalaman nya kung sino ako?

"TroCineru." Sagot ko.


"Tro- Si - ano?"

"TroCineru. Capital T and C."

"Ah, TroCineru." Bigla syang natigilan. Boom! Dahan-dahan syang tumingin sa'kin. "I
- ikaw si TroCineru?"

"The one and only. Surprised?" Nginitian ko sya pero nakatingin lang sya sa'kin.
"Panget pala ha."

"Well panget ka naman talaga. Feeling mo ang gwapo mo? Hoy feeling mo lang yun.
Madalim na nga dito sa shop ang panget mo na, ano pa kaya sa liwanag. Tsaka pwede
ba umalis ka na dito!!!!" Tumalikod sya sa'kin.

"Oh bakit ka nagagalit? Ako dapat ang magalit sa'yo. Sinabihan mo kong bakla dahil
lang natalo mo ko? Chamba mo lang yun!!" talaga namang chamba lang sya nun.

"Tanggapin mo na lang kasi na natalo kita para hindi ka na nahihirapan. Tingnan mo


hinanap mo pa talaga ako kasi hindi ka makatulog." Feeling din 'tong babaeng 'to.
Kaya mas gusto kong maglaro ng dota kesa kumausap ng babae eh.

"Asa ka na lang dude. Hindi ka kahanap-hanap." Isinuot ko ulit ang shades ko.

"Parang kabaligtaran naman yan ng ginawa mo?" Nagulat sya ng bigla akong pumasok sa
counter. "Hoy anong ginagawa mo! Bawal ka dito! Umalis ka hoy!!" tinutulak nya ko
pero nagdiretso ako sa pc at iniaadd ko ang sarili ko sa list nya. "Buburahin ko
yan!!"

"Subukan mo! Ipapasara ko 'tong shop nyo." Parang nagulat sya sa sinabi ko.

"Hindi mo yan kayang gawin!" tinulak nya ko palabas ng counter.

"Bakit di mo subukan?" Papatalikod na ko pero tumigil muna ko. "Suzie, right? IT's
Travis Cai. And trust me, kaya kong ipasara 'tong shop nyo." Then tumalikod na ako.
"Te - teka hoy! Hindi naman kita ireremove sa list ko kaya wag mong gawin yun!
Tsaka wag ka na ding babalik dito!!!" mukhang natakot naman sya. Siguro narinig na
nya ang surname ko sa ibang lugar kaya natakot din sya. Wala naman talaga akong
balak pakialaman ang shop na yun. Nananahimik yung may ari tapos mawawalan ng
business. Hindi naman ako ganun kasama. Nang-aasar lang talaga ko.

Pero medyo gumaan din naman ang pakiramdam ko. Kasi nakita ko na din yung babaeng
nakatalo sa'kin. Kauna-unahang nakatalo sa'kin tapos babae pa. Hindi naman pala sya
panget. Ugali lang talaga siguro. Pero hindi ako titigil hangga't di ulit kami
nagkakalaban. At sisiguraduhin kong matatalo ko na sya. Papatunayan kong chamba
lang talaga yun.

**********************************

ALEXA'S POV

Hapon na pero hindi pa din nagtetext o tumatawag si goon simula ng umalis sya dito
kaninang umaga. Ano naman kayang problema nun? Naka-ilang text na din naman ako
pero hindi nasagot. Ano kayang problema nya?

Naisipan ko na lang tawagan si Tuck baka sakaling alam nya kung nasaan si goon.

[Yo, lady ghost!]

"Tuck, hey. Alam mo ba kung nasaan si goon?"

[Sino?]

"Si Zak!" bingi-bingihan naman 'tong si Tuck. Babatukan ko 'to eh.

[Ah si Zak ba, ano kasi - hindi ako magaling magsinungaling - pero wala daw sya
sabi nya.]

"Ano? Nasaan ka ba?"


[Hindi ko alam Lex pero masarap talagang tumambay sa pub - ]

*toot *toot *toot

Walastik 'to. Binabaan pa ko ng phone. Ano bang nangyayari sa kanya? Parang


nakikipagpatintero bago makasagot eh.

Sinabi nya bang pub? Nasa pub ba si goon o sya ang nasa pub? ANg hirap naman
malaman. Mapuntahan na nga lang siguro para makasigurado.

Lumabas ako ng bahay at sumakay sa kotse ko. Syempre dumiretso na ako sa pub. Isang
motor lang ang nandun. Malamang kay Tuck 'to, so ibig sabihin pala wala din si goon
dito. Bahala na nga. Tatambay na lang muna ko.

Kumatok muna ko pero walang sumasagot kaya naisipan kong pumasok na sa loob.
"Tuck!"

Papasok ako ng makarinig ako ng parang sinusuntok kaya nagmadali ako agad. "Tuck
ikaw ba - "

Nagulat ako ng makita ko si goon na shirtless. *Drool! Joke lang. Haha. Pero totoo,
shirtless nga sya. Napatingin ako sa pandesal nya.

Focus Alexa, hello. Nagpunta ka dito para kay goon at hindi para sa pandesal nya.

I snapped back ng magulat ako sa pagsuntok ni goon. Bakit ang hot nya sa wet look.

"Mukhang busy ka pala sa pagpapractice kaya di ka makareply sa text ko." Mahina


kong sabi pero hindi sya sumagot. "Sana sinabi mo naman para hindi ako nag-aalala."
Hindi pa rin sya sumagot at tuloy pa rin sa pagpapractice. "Okay ka lang ba?"
tanong ko ulit sa kanya.

Medyo naiinis na ko pero hindi ko pwedeng ipakita agad. Imagine nagsasalita kang
mag-isa, sinong matutuwa aber?
"May ginawa ba ko sa'yo? Nagawa o nasabi?" nagulat ako ng bigla nyang sinuntok ng
malakas yung punching bag.

TUmayo ako at tumabi sa kanya pero hindi man lang nya ko tinitingnan. "Ang init,
parang gusto ko ding maghubad tapos dadating sila Tuck- " tiningnan nya ko ng
masama sabay suntok ng dalawa sa punching bag. " - pero joke lang yun. Hindi ko
naman kayang maghubad."

Umupo ulit ako at hindi na ko mapakali. "Ano ba! Hindi mo ba talaga ako kakausapin?
Kapag hindi mo pa ko kinausap yang mukha mo ang gagawin kong punching bag!!!" Hindi
pa rin nya ko pinansin. Siguro dahil alam nyang hindi ko naman talaga kayang gawin.

TUmayo ako at tumingin sa paligid. Sumilip ako sa may papuntang locker room nila.
Tiningnan ko ulit si goon pero seryoso pa rin sya sa pagpapractice. Ganun ba dapat
pag nagpa-practice? Bawal kahit kumausap ng iba? Grabe naman yun, di ko ata
kakayanin yung mga ganun.

"Hindi mo ko talaga kakausapin?" hindi pa din nya ko kinausap. Kahit umiling lang
sya, wala pa din eh.

Ah ganun pala ha. TUmingin ulit ako sa may locker nya. "Ahhhhhhhhhhhhh!! Sunog!
Sunog!!!!!! Sunog!!!!!" Humarap ako sa kanya. "Nasusunog!! Nasusunog!!!" nagpapanic
na ko at hindi ko na alam kung anong gagawin. Nakita kong napatigil si goon sa
pagsuntok at mabilis dumiretso sa fire extinguisher. Sinundok na nya yung salamin
para makuha yung nasa loob tsaka mabilis natumakbo sa loob ng locker.

Dahan-dahan naman akong lumayo sa kanya. SObra syang nagpanic at halatang natakot
din. Kung may makakakita lang sa kanya ngayon malamang hahagalpak na sa tawa.

"Nasan ang sunog!!" tanong nya pagkalabas ng locker.

"Eh di kinausap mo din ako. Kelan pang magkasunog para lang kausapin mo ko. Wow
ha." Hindi ko maexplain yung facial expression nya eh. Kung galit ba na natatawa na
naiinis na hindi ko maipaliwanag.

"Sumigaw ka ng sunog dahil lang hindi kita pinapansin?" sa tono ng pagtatanong nya
parang hindi sya natutuwa.

"Oo. Kasi naman - " umupo ako sa couch at yumuko. " - sorry. Kasi naman ayaw mo
kong pansinin. Ilang oras na tayong hindi nag-uusap. Hindi ka nagpaparamdam. Pero
okay lang naman kung nagpapractice ka, sana lang sinabi mo sa'kin. Sana alam mo na
pwedeng mag-alala ang girlfriend mo no!" hindi ko na din alam kung anong
mararamdaman ko. Kung maiiyak na magagalit na magda-drama. Di ko alam. Nnaghalo-
halo na.

Nakita kong may mga paa na tumigil sa harapan ko. "Sorry. Wala ka naman talagang
kasalanan. May iniisip lang ako. Pero okay na naman." Niyakap nya ko. Nakasandal
ang ulo ko sa mga pandesal nya. Gusto kong kumagat kaso baka masuntok na ko nito ng
di oras.

"Pwede mo naman sabihin sa'kin lahat. Dapat open tayo sa isa't-isa." Woah, akalain
mo nasabi ko yun.

"I know. Sorry again." Napatingin ako sa kamay nya.

"Holy crap! Nagdudugo ang kamay mo!!" nagulat ako ng makita kong kulay red na yung
whilte na nakabalot sa kamay nya.

"Suntukin ko ba naman yung makapal na salamin, talagang magdudugo yan. Galing ng


girlfriend kong magpapansin eh. Sya lang makakaisip gumawa nun." Natatawa nyang
sabi. Tumingin ako sa kanya at gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko syang
nakangiti.

"Kaya dapat hindi mo basta pinapabayaan ang girlfriend mo. Sige ka isusumbong kita
kay kuya." Tumayo ako at inayos ko ang buhok nya na nakalaylay.

"Kahit magsumbong ka pa. Alam naman nyang mahal kita no." Hinakawan ko sya sa kamay
at pinisil ko yun.

"Ikaw talaga kahit kelan."

"Aray! Sana alam mo na may sugat ako dyan no!!" kinuha ko yung kamay nya na may
sugat at tinanggal ko yung white na tela na nakabalot dun.

"Lilinisin ko na. Tsaka ikikiss ko na lang yan mamaya." Hinawakan nya ko sa chin
hanggang magkatinginan ulit kami.
"Bakit mamaya pa? Pwede bang kunin ko na?" sasagot palang ako ng bigla nya kong
hinalikan sa lips. Isang slow and passionate kiss. Naramdaman kong ngumiti sya
habang nagkikiss kami kaya lumayo ako.

"Anong nakakatawa?" nakatingin ako sa mata nya.

"Kasi talo ako. Hindi ko pala kayang hindi ka makita o makausap. Hindi ako tatagal.
Ngayon pa nga lang nanghihina na ko, pero nung dumating ka full charged ako bigla."
Hinawakan nya ko sa waist and he pulled me closer.

"Ewwwww! Puro pawis ka kaya!!!" tinutulak ko sya palayo.

"Ganun! Dahil may pawis ako ayaw mo na sa'kin?" mas lalo nya kong hinawakan.

"Oo naman. Kadiri ka!!!" itinaas nya pa ang kamay nya.

"Amuyin mo na. Ang totoong nagmamahalan kahit ikaw na ang pinakamabahong tao sa
buong mundo mabango ka pa din sa pang-amoy ng tang mahal mo, kaya aamuyin mo na
ko." Nagtakip ako ng ilong ko habang tinutulak ko sya.

"Ahhhhh! Kadiri ka goon! Lumayo ka nga sa'kin!!!"

"Hindi mo ko talaga mahal no!!!!" para na syang bata na nagtatampo.

"Ahhhhhhhhh!!!! Hindi dyan nasusukat ang pagmamahal!!!" tinulak ko sya hanggang


makawala ako.

"ANo ka, dito din nasusukat. Parang aamuyin mo lang naman." Inamoy nya ang underarm
nya. "Oh ang bango pa kaya. Ang arte nito. Paano na lang kapag mag-asawa na tayo?"
Sinundan nya ko pero nanakbo ako.

"Mahiya ka naman sa'kin. Ang ganda-ganda ko tapos gaganyanin mo lang ako?" tumakbo
ako para hindi nya ko maabutan. Para kaming siraulo na naghahabulan sa loob ng pub.
"Pinapakita ko lang sa'yo na ganito ako. Underground fighter ako no! Natural lang
na pawisan ako!!" tumigil sya sa paghabol. "Ngayon alam ko na na hindi mo talaga
ako mahal." Yumuko sya at hindi na tumingin sa'kin.

"Hindi naman talaga dyan nasusukat yan." Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko pa sya
sa balikat pero hindi pa rin sya natingin sa'kin. "Wag ka nang magalit. Mahal naman
talaga kita eh." Sinilip ko ang nakayuko nyang mukha at nakita kong nakangiti sya.
Uh-oh!

Tatakbo na sana ulit ako pero nahawakan nya ko ulit sa waist. "Huli ka!!! Aamuyin
na nya."

"Ahhhhhhhhhhhh!! Ayoko! MMmmmm! Mmmm!" tinakpan ko ang ilong ko pero tinatanggal


nya.

"Grabe ka hoy! Hindi ako mabaho. Wala akong body odor! Bayad mo yan kasi sinugatan
mo ko!!!" nagpumiglas ako ng nagpumiglas. "Wag ka nang malikot. Wala ka ng kawala.
Katapusan mo na 'to."

"Wag kasi!!! AHhhhhhhhhhh!!" dahil sa sobrang likot ko natumba kami sa couch at


nasa ibabaw pa sya.

"Ha - Ha! Huli ka!" seryoso syang nakatingin sa'kin habang itinataas ang kamay nya.
"Isang amoy lang."

"Please no! Please!" nakapikit na ko dahil alam kong wala na kong magagawa. Hindi
na lang ako hihinga.

"HOY ZAK ANONG GINAGAWA MO!!!!" naitulak ko ng malakas si goon ng marinig ko ang
sigaw ni Rich.

"Si Zak nahuli ko - " biglang lumapit si Zak sa kanya at inipit ang ulo ni Rich sa
underarm nya.

"Epal ka pa ha! Sige, savior ka nya. EH di ikaw ang umamoy nyan!!!" pumapalag si
Rich pero too late na. Nakaharap na sa underarm ni goon ang mukha nya.
Natawa naman ako. Ano bang problema nya at gustong-gusto nya yung ipaamoy? Parang
bata lang eh.

"Oh di ba okay lang?" sabi ni goon kay Rich.

"Balahura mo Zak." Tumingin si Rich sa'kin. "Kasalanan 'to ni LEx eh. It's payback
time." Biglang nagpasukan sina Tuck.

"Anong meron?" tanong nya.

"Papaamuyin natin ng drugs si Lex." Sabi ni Rich habang nakaturo sa nakataas na


kamay ni goon.

"Cool!" nakangiting sabi ni Luke.

"No! No!" Pumwesto si Rich, goon, Tuck at Luke sa paligid ko. "Wag kayong lalapit!
Sisigaw ako."

"We'd love to hear you scream." Nakangiting sabi ni goon. "Let's get it on."

"Ahhhhhhhhh!" Bakit pa kasi ako nakapunta-punta dito. AYan tuloy napala ko.
Nakakainis. 1 versus 4. Bakit hindi fair? Bakit kelangan kong magdusa? Help!
Someone please help me!!!

A/N

Hello everybody, #3 sa Humor and #4 sa Teen Fiction ang Perfect Haters. Thank you
sa inyong lahat. :D So what can you say about this chapter? Let me know what you
guys think at wag puro "UPDATE NA" ang mababasa ko. hahaha. Thanks. Please vote,
comment, follow and share this to your friends. :) Like na din ang page natin para
makita kung sino ang mga portrayers. :) And gumawa ako ng new book cover, ano sa
tingin nyo? Okay na yan? :p

<3 you all and you guys rock!

megladiolus

*******************************************
50
*******************************************
TUCK'S POV

Naglalakad ako papuntang locker ng makakita ako ng magagandang babae nanakatingin


sa'kin. Kelan ba ako huling nakipagflirt sa iba't ibang babae sa isang buong araw
lang? Hindi ko na ata matandaan ah. Ibig sabihin lang nun matagal-tagal na din. Ano
bang mga pinaggagawa ko at hindi na ko masyadong nakakapangchix? Tsk! Masubukan nga
ulit.

"Hi Leila!" sabay wink sa isang babaeng nakatitig sa'kin habang naglalakad ako
palampas sa kanila at tumigil sa locker ko na malapit lang din naman sa
kinatatayuan nila.

"Oh my gosh sis kinausap nya ko. Tinawag nya pa ko." Hindi pa rin pala napalya ang
appeal ko sa mga babae. Nagpapanic pa rin sila sa wink ko.

"Duh, your name is Jeline, not Leila! So technically hindi ka nya kinausap!" wow,
sino naman kaya ang babaeng yun. Ang ineexpect ko pa man din sisigaw na din sya at
sasabihing 'kinausap ka nya? Sana ako din!' pero hindi.

"Yeah, but he's looking at me." Yeah right I am looking at her since sya lang naman
ang natamaan ng mata ko.

"Enough Jeline! Para namang mamamatay ka sa tingin ng lalaking yan. For sure
ginagawa nya yan sa lahat ng babae so wake up! Papansin lang yan sa'yo!" Who the
hell she thinks she is? Talagang kontrang-kontra sya sa ginawa ko ah.

"Shut up Vienna. Dapat sinusuportahan mo ko di ba? We're friends right?"

"Whatever! I need to go at may klase pa ko. Kung gusto nyong magpakaengot na naman
sa mga ganyang lalaki go ahead!!!"

Tumingin ako sa kanila. Para kasing narinig ko na dati yung pangalan na yun hindi
ko lang matandaan kung saan at kelan.

"Take care darling! Tatanda ka na talagang dalaga nyan!!"


"So what!" sagot nung babaeng nakatalikod while throwing her hands in the air.

She's weird. Siguro malabo ang mata nya at hindi nya ko makita. For sure yun lang
yun. Akala mo naman kung sinong maganda. Tama ang mga kaibigan nya. Tatanda talaga
syang dalaga dahil sa sungit at itsura nya.

"Hi Tuck! Wala ang parents ko tonight. Wanna come over?" hindi ko napansing
nakalapit na sa'kin ang mga babaeng 'to. Nahawakan pa ko sa balikat.

"I'd love to - " say yes Tuck. Say yes! " - but I can't. May gig kasi ang Sterke
Geest." Inalis ko ang kamay nya sa balikat ko. "Maybe some other time." Then
nagwink ako tsaka ako umalis. As usual nagtilian na naman ang mga babae. Parang
music na sa pandinig ko ang mga sigaw na yun.

Teka, bakit kaya hindi ako nakapagyes eh wala naman talagang gig ang Sterke mamaya?
Tucker ano bang nangyayari sa'yo? Nagbabago na ba ako? Pero bakit? Something's
wrong with me. Wag na lang kaya makapasok maghapon?

Pabalik na sana ako ng makita ko si Alexa na madaming dala-dalang books at


kakalabas palang ng room. Malalaglag na yung mga books nya kaya naman tumakbo ako
agad at mabuti umabot ako.

"Thanks -" tumingin sa'kin si Lex. "Tuck." Kinuha nya sa'kin yung mga books.

"Let me help you." Kinuha ko pa sa kanya yung ibang hawak nya. Nakasimangot lang
sya at parang naiinis. "Are you alright? May problema ba?"

Tiningnan nya ako ng masama na parang any moment sisigaw sya. Well akala ko lang
kasi bigla syang ngumiti. "Wala."

Naglakad kami papunta sa locker nya para ilagay ang mgabooks. Napasin ko ding
tingin sya ng tingin sa phone nya. "LEx, kung may problema ka pwede mo namang
sabihin sa'kin."

Hindi sya nagsalita kaya naman hinigit ko sya papunta sa likod ng gym kung saan
kami laging natambay. Tinext ko din ang Sterke na sumunod sila. Alam naman namin
ang dahilan kung bakit ganito si Lex ngayon.
Kahit na hinigit ko sya papunta dito eh wala pa rin syag imik. Masyado na kong
nagwoworry.

"Anong problema?" tanong ni Rich na kadarating lang. Tinuro si Lex na nakaupo sa


grass at nakayuko habang nakatitig sa phone nya. Dumating na din yung iba at nakita
nila si Lex.

"Yo Lex, may sakit ka ba? Galit ka pa din ba sa'min dahil sa ginawa namin sa'yo
nung nakaraan?" tumabi sa kanya si Rich at inakbayan nya si Lex. "Sorry na. Joke
lang naman yun."

Tumingin lang si Lex kay Rich at ngumiti lang ng konti at halatang pilit lang then
yumuko ulit sya.

"Mukhang wala talaga sya sarili." Bulong ni Luke.

Lumapit si Trav kay Rich at inalis ang kamay nya sa pagkakaakbay kay Lex. "Umalis
ka na dyan dude, ako wala akong ginagawa sa kanya kaya kakausapin ako nyan ni Lex."
Natawa kaming lahat kay Trav pero di naman pinahalata kay Lex. Umupo si Trav sa
tabihan nya, at sa itsura palang nya hindi na nya alam ang gagawin dahilan para mas
lalo kaming matawa lahat. "Pasensya na Lex ha, di talaga kasi ko magaling sa ganito
pero wala naman akong kasalanan sa'yo kaya alam kong kakausapin mo ko."

"Oo nga. Wala naman." Nanlaki lahat ng mga mata namin ng marinig naming kausapin ni
Lex si Trav. Hanep talaga 'tong lalaking 'to. Wala kaming masabi.

"Napakaswerte naman talaga ni Zak kay Lex no?" tumatawang sabi ni Val ng bigla
namin syang binigyan ng killer look. Gag* talaga 'tong lalaking 'to.

Nakita naming hawak-hawak ni Lex ng mahigpit ang phone nya at parang nanginginig
pa. Naramdaman ata ni Trav ang masamang aura na lumalabas kay Lex kaya tumayo sya
agad at lumayo.

"Zak? Sinabi nyo bang Zak? Sinong nagbanggit kay Zak?" tiningnan kami ni Lex ng
isa-isa. Isang tingin na parang ngayon lang namin nakita.

"Hi - hindi ako." Sabi ni Luke.


Umiling lang si Trav ng tingnan sya ni Lex.

"Not me." Sabi ko sa kanya.

Umiling ng sabay si Val at Luke.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" Inihagis nya ang phone nya sa harapan nya. "SO AKO
ANG NAGBANGGIT SA PANGALAN NYA HA? ANO MAY MULTO DITO?!!!!!!" parang sinasapian si
Lex. Nakakatakot. "NAKAKAINIS SYANG GOON SYA!!!!!!!! MAGTETEXT LANG SYA KUNG KELAN
PASAKAY NA SYA NG EROPLANO AT ALAM NYANG HINDI KO SYA MAHAHABOL!!!!! SANA MAN LANG
NAGPAALAM SYA NG AYOS HALIMAW SYA!!!" Biglang tumawa si Lex at nagkatinginan kaming
lahat. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kung nababaliw na ba sya o hindi. Paano
kaya nahahandle ni Zak 'tong ganitong Lex. Palibhasa magkaugali sila kaya madali
para sa kanya.

"Lex intindihin mo si Zak. Kung magpapaalam pa sya sa'yo ng personal, baka hindi na
yun makaalis. Nagsasabi pa nga lang sya sa'min nahihirapan na sya. Ibinilin ka nya
sa'min." paliwanag ko kay Lex.

"At bakit yung biglaang ginawa nya madali lang ba para sa'kin?!!!!! Nakakainis
talaga syang halimaw sya. Humanda sya sa'kin pagbalik nya.

"Isang linggo lang naman sya dun. Alam mo namang kelangan nyang lumaban di ba?"
mahinahong sabi ni Trav.

"Kahit na sana man lang nagpaalam sya sa'kin - NG MAAYOS!!!!!!!!!" para na talaga
syang nababaliw.

"Gusto naman talaga nyang magpaalam sa'yo kaya lang baka nga daw hindi na sya
makaalis kapag nakita ka nya kaya sabi ko itext ka na lang nya kapag pasakay na sya
ng eroplano. Malay ko ba namang wala na pala syang magiging contact sa'yo pagkaalis
nya." Cool at kalmadong sabi ni Rich.

Tiningnan ng masama ni Lex si Rich. "So ikaw, ikaw ang nagsabi nun?" tinanggal ni
Lex ang sapatos nya. "Bwisit ka! Ikaw pala ang salarin!!!! Kasalanan mo pala 'to
lahat!!!!!!"
"Teka lang Lex. Teka! Hindi naman ganun." Naiwas si Rich sa dalawang sapatos ni
Lex. "Hindi ko naman talaga alam na bawal na pala syang kumontak kahit kanino kapag
nandun na sya. Kahit kami bawal." Sa itsura ni Lex parang kumakalma na sya. Siguro
napagod na din. Di naman namin sya masisisi kung bakit sya nagkakaganyan. Kung si
Zak nga nung nakaraan hirap na hirap eh, lalaki pa yun. Ano pa kaya 'tong si Lex.

"So hindi nyo rin alam kung paano sya makokontak?" mahinahon nyang tanong. Umiling
lang ang mga kasama ko.

"May alam ako pero di pa ganun kasure." Nagtinginan silang lahat sa'kin. "Si coach.
Sya lang naman ang way para makontak natin si Zak pero tulad ng sabi ko, di nga
ganun ka sure. Kilala naman nya ko kaya for sure makakarating sa kanya ang message
ko. Kapag ibang number kasi malamang hindi nya yun iintindihin."

"Nakakainis naman kasi. Imagine one week syang mawawala? Eh kagabi nga lang sya
umalis parang isang taon ko na syang hindi nakikita!!" natawa kaming lahat sa
sinabi ni Lex. Ang OA naman nya pero ang nakaktawa kasi pareho sila ni Zak ng
sinabi. Iisa ba talaga sila ng iniisip? Iisa sila ng ugali, parehong matigas pero
pagdating sa kanilang dalawa lumalambot sila. "Sige pagtawanan nyo pa ko makikita
nyo!!!"

"Babasagin mo ang mukha namin?" sabay-sabay na sabi nila Rich, Luke at Val.

"OO!! BUTI ALAM NYO!!!" at naghagalpakan na nga ng tawa ang mga mokong. Paano
nilang hindi malalaman eh si Zak halos bugbugin na kami isa-isa bago sya umalis
dahil lang tinutukso namin sya. Ayaw pa kasing aminin na si Lex ang weakness nya.
"WAG NYO KONG SUBUKAN!" Kinuha nya isa-isa ang mga gamit nya pati sapatos at phone
nya tsaka sya tumayo.

"Need help?" pero inirapan lang ako ni Lex at nagmadali syang umalis. "Hey! If you
need someone to talk to, nandito lang kami okay!!" sigaw ko sa kanya habang
papaalis sya.

Kamusta naman kaya si Zak ngayon. Sana hindi naman sya ganito tulad ni Lex. Sana
hindi nya inaaway ang coach nya. Ngayon lang kasi namin sya nakitang halos ayaw ng
umalis para lumaban. Dati excited sya masyado. Iba talaga ang nagagawa ng love.
Sana mahanap ko na rin yung sa'kin. Kaya siguro bigla akong tumigil sa pagiging
chickboy dahil nakikita ko kung gano kasaya si Zak ngayon kay Lex. Ilang Lex pa
kaya ang meron ngayon?

************************************
ALEXA'S POV

Akala ba nila mapapagaan nila ang pakiramdam ko dahil lang sa mga sinasabi nila?
Naiinis ako at ayokong mapagbuntunan sila ng inis ko sa goon na yun. Grrrrr. Gusto
ko syang suntukin, sipain, bugbugin.

Pagdating ko sa locker ko inilagay ko lahat ng mga gamit ko at gamit din ni goon


kasi absent sya tsaka ako umalis. Hindi ko din naman alam kung bakit inis na inis
ako pero mas wala pa atang mas nakakainis kapag ang makakasalubong mo eh ang isa
mong nakakainis na kaibigan. Oo, isa lang naman ang nakakainis kong kaibigan. Si
Jezhi.

"You look awful! Got any problem?" wala ko sa mood makipag-argue kasi alam kong any
moment sasabog na ko. Hindi ko na lang pinansin si Jezhi at naglakad na lang ako
dire-diretso hanggang mapansin kong nasa labas na ko ng school. Great! Wala talaga
ako sa sarili ko. "Wala ka talaga sa sarili mo!"

"Ay kalabaw!" Tumigil ako at tiningnan si Jezhi. "Gosh Jezhi you scared the sh*t
out of me!"

"Weh? Di nga? Kanina pa kita sinusundan di mo alam? Eh di you're not really okay."
Kelangan ko bas yang kausapin? Of all people sya ba? Wala na bang ibang taong
pwedeng makaintindi sa situation ko? "Look, I can help. Trust me wala akong
sasabihing kahit anong kapalpakan this time. You have to trust me."

"Ginawa ko na yan several times pa pero anong nangyayari? Disaster!" naglakad ulit
ako pero humarang sya sa harapan ko.

"Let's talk. Alam mo ba kung bakit ka nagkakaganyan?" duh syempre alam ko, gawa ni
goon. Walag kwentang tanong nito ni Jezhi. "I bet mali ka ng inaakala."

"Ano bang sinasabi mo? I'm fine! At mas magiging okay ako kung aalis ka sa harapan
ko." I rolled my eyes.

"Okay. But for sure may ibang reason kung bakit ka nagkakaganyan. Sasabihin ko pa
naman sa'yo pero sige. Bahala ka - " humarap ako sa kanya.

"Dahil sa goon na yun kaya ako naiinis. Kasi hindi sya nagpaalam ng ayos sa'kin at
bigla-bigla na lang syang umalis!" tumawa si Jezhi kahit alam kong wala namang
nakakatawa sa sinabi ko.
"Believe me sis hindi yan ang dahilan." Tumatawa nyang sabi. Hindi ko alam pero
hindi ko din maintindihan parang mas masarap sa pakiramdam kung may makakausap nga
ako about dito na tulad ko ding babae. Isa pa madami din namang alam si Jezhi
pagdating sa ganito since marami na syang naging boyfriend.

"Fine. Pero sinasabi ko sa'yo kapag nonsense lang ang mga sasabihin ko sa'yo
tatamaan ka talaga sa'kin." Pananakot ko sa kanya.

"Swear!" ngumiti na lang ako at sumama sa kanya. Nagpunta lang naman kami sa coffee
shop.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Naiinis pa rin kasi ako.

"I heard what happened. Val told me." Syempre naman, imposibleng hindi yun
makarating sa kanya. "But I don't think naiinis ka kay Zak dahil umalis sya ng
walang paalam. It's more of namimiss mo sya kaya ka nagkakaganyan."

Napatingin ako kay Jezhi pero hindi ako nagsalita.

"Ganito kasi yan, ang mga babae tinotopak kapag namimiss nila ang mga boyfriends
nila. Kunyari hindi sila nagkita, mag-iinit na ang ulo ng babae ng bigla-bigla at
aawayin na nila yung boyfriend nila. Pero ang totoo hindi lang nila masabi na
namimiss nila yung taong mahal nila. As simple as that. And in your case ganun ang
nangyayari. Naiinis ka kasi namimiss mo si Zak pero wala kang magawa. Hindi mo sya
makausap, hindi mo sya makita in short wala kayong contacts."

"What the Jezhi. Anong contacts ang sinasabi mo dyan. Hindi kami katulad mo!!!!"

"Duh Alexa! Communication ang sinasabi ko hindi contact na - that contact! Ano bang
nangyayari sa'yo?" Medyo pahiya naman daw ako dun ng konti. Bakit nga ba yun ang
naisip ko?

Ininom ko na lang ang coffee sa harapan ko para hindi masyado makita ni Jezhi na
namula ako sa embarrassment.

"So going back, yun yung mga reasons bakit ka naiinis and you're blaming Zak sa
pagkainis mo dahil hindi sya nakapagpaalam when the truth is hindi mo lang maamin
sa sarili mo na namimiss mo na sya." Tiningnan nya lang ako ng diretso. "Now tell
me, am I right or wrong?"
I can't believe she's this good when it comes to this. "I don't know okay. Syempre
namimiss ko sya. Hindi ko naman sya mamimiss ng ganito kung nakapagpaalam sya ng
maayos at nakapag-usap kami!!"

"Gosh Alexa, para namang hindi na babalik si Zak sa pagpapaalam na gusto mo! One
week lang syang mawawala at hindi forever! Ilang taon ka ngang nabuhay ng wala si
Zak, ano pa yung one week."

"I can't believe you're talking to me that way. And another thing, iba na ngayon,
kilala ko na si goon at di na yun magbabago, okay." Napaisip din naman ako sa mga
sinabi ni Jezhi at talaga nga namang tama sya. "Kasi naman, kapag hindi sya
nagtetext o nagpaparamdam sa'kin bigla na lang syang susulpot sa bahay para
isurprise ako. Pero ngayon feeling ko ang tagal-tagal na ng oras. Para na kong
mababaliw. Alam mo yung feeling na every minute nagchecheck ka ng phone, ng
facebook ng surroundings dahil ineexpect mong magpaparamdam sya. Pero hindi at
wala." Ininom ko ulit ang coffee na hawak ko.

"Then makipagdate ka muna sa iba." Isang batok sa ulo lang ang naibigay ko kay
Jezhi. "Aray naman! Kelangan nambubrutal?"

"EH isa't kalahati ka ba namang baliw eh. Wala pang 24 hours nawawala ang boyfriend
ko pakikipagdate agad sa iba ang suggestion mo! Hindi pa ako ganun kadesperada no!
Hindi ko yun gagawin at hindi ko yun magagawa!" I rolled my eyes.

"I know. I was just joking! Masyado ka namang seryoso! At as if naman talagang
makikinig ka sa suggestion ko. But seriously, kung sobra mong mamiss si Zak, try to
meet some other guys. Kelangan mo ng diversion." At ngumiti pa sya sa'kin. Feeling
ko gawain nya 'to kapag nagbe-break sila ng boyfriend nya eh.

"Alam mo naman nandyan naman ang Sterke Geest para libangin ako sa way na hindi
masama tulad ng mga sinasabi mo. Tsaka kaya ko 'to. Kung kaya ng goon na yan na
tiisin ako pwes kaya ko din!!!!" tumayo ako. "Thanks ha. Medyo gumaan ang
pakiramdam ko. Sana lagi kang ganyan, may mga sense ang sinasabi." Nagbeso ako sa
kanya. "I need to go. Maglilibang lang."

"Okay. Take care. Call me if you need something."

"You'll be the last person to talk to if I need something." Pagbibiro ko sa kanya


bago ako lumabas ng coffee shop.
Gumaan nga yung pakiramdam ko. Salamat kay Jezhi. Kaya ko 'to. Isa akong supportive
girlfriend na susuportahan lahat ng kelangang gawin ng boyfriend ko.

Tama yan Alexa. Think positive. Ginanahan na ko ulit ngayong araw. Hindi na ko
nalulungkot kaya naman naisipan kong bumalik na lang sa klase ng matapos na 'tong
araw na 'to. Mabilis lang ang araw kaya mabilis lang ang one week.

********************************

Five days ng wala si goon. So far so good, nakakasurvive naman ako. Paanong hindi
eh sinusundo ako nila Tuck sa bahay everyday. Hindi nila ko hinahayaang mag-isa
kumain. Nakikisit-in pa nga sila sa klase ko minsan tapos ang kukulit nila. Minsan
nga nakakalimutan ko na si goon. Maalala ko na lang ulit sya kapag mag-isa na ko sa
bahay. Naiyak pa nga ako nung first night na wala sya. Pero ngayon tinatawanan ko
na lang kasi nakakatawa naman talaga. Ano parang nagabroad lang at two years pa
bago umuwi? Baliw lang talaga ako. Naiisip ko tuloy, nababaliw din kaya si goon
ngayon kung nasaan sya? Sana hindi, kasi ayokong maulit yung laban nya dati na
muntik na syang mamatay. Mabuti na lang at nandun ako. Pero sana nandun din ako sa
laban nya para suportahan sya.

Nakakatawa kasi nung nawala sya mas nakilala ko yung mga kaibigan nya. Tulad ni
Trav, nung nakaraan isinama nya ko sa isang computer shop. Medyo ghoulish yung
place pero maganda. Pang sosyalin nga eh. Well naglaro lang naman si Trav dun ng
dota. Sinubukan din nya kong turuan. Pero in the end nadiscover ko na ang reason
lang ng pagpunta nya dun eh asarin yung bantay na babae. Hindi ko nga akalain na
ganun kadaldal si Trav. Feeling ko nga may gusto sya dun sa babae. Sa pagkakarinig
ko sa asaran nila eh natalo nung babae si Trav at itong Trav naman eh hindi
matanggap. Naku I have a strong feeling na magkakadevelopan sila. Feeling ko lang
naman, kaya lang si Trav yung tipo ng lalaki na hindi ata marunong mainlove. Pero
nung lumabas kami sa shop na yun ang ganda ng mood ni Trav, ang ganda ng smile nya.
Nilibre pa nga nya ko eh tapos inihatid pa ko sa bahay.

Same day din nung nagpunta si Luke sa bahay may dalang food. Take note nagluto pa
sya. Di ko alam na masarap palang magluto si Luke. Akala ko puro pacute lang ang
alam. Sabi nya hindi daw sya nagmamadaling maghanap ng babae, kasi ang babae
nandyan lang daw yan. Kung gusto daw nya ng babae marami daw sa paligid, pero ang
hinahanap daw nya eh yung magpapasunod sa kanya pero hindi naman daw yung tulad ng
pagpapsunod ko kay goon. Kahit hindi ko alam kung anong klaseng pagpapasunod yun.
Tsaka isa pa hindi ko naman pinapasunod si goon no.

Tapos meron bang overnight na naganap the following day. Lahat sila nasa bahay
including Jezhi. Ang kukulit nila. Nanood kami ng horror tapos biglang nagblack out
so syempre nagkatakutan. Naalala ko tuloy si goon nung gabi na yun kasi takot yun
sa multo. Underground fighter na walang kinakatakutan takot sa multo. Iiyak na ko
sana nun eh buti nagkakuryente din agad.
Halos hindi na nawawalan ng tao sa bahay dahil sa pagsulpot nila isa-isa. Ang saya
din talaga ng may mga ganitong kaibigan. Mabuti na lang at dumating sila sa buhay
ko. MGa lalaking may kanya-kanyang unique personality. Napansin ko din na hindi na
chickboy si Tuck. Sabi nya napansin din daw nya yun at hindi daw nya alam kung
bakit. Well katulad lang din ng sinabi ni Luke, gusto daw nyang mahanap ang babaeng
magpapatino sa kanya. Duh! Mga pasaway na lalaki. Nakakatawa kasi ang mga sinasabi
nila na sana maraming katulad ko sa mundo, kasi kung nag-iisa lang daw ako eh
aabangan nila na bitawan ako ni goon. Kung wala nga lang akong goon naku kahit sino
sa kanila pwede na. Aba choosy ka pa ba? Gwapo, macho, mabait at mga kwela pa.
Mayaman pa, oha. Pangarap sila ng mga kababaihan kaya napakaswerte ng mga mahahalin
nila at magmamahal sa kanila. Kung hindi nga lang nauna si goon baka kay Tuck ako
napunta kasi naman sya ang anghel ko nun na bumaba sa lupa. Hahaha. Siguro bwisit
na si goon kung naririnig nya ko ngayon.

Si Rich naman may lahi ata talagang magician. Kung ano-ano na lang ang nahahagilap
ng kamay eh. Hahaha. No wonder gusto nya lang magpasaya ng babae. Ano kaya ang
reason nila sa mga personalities nila ngayon? Well si Tuck alam ko na, paano kaya
yung iba. Di bale, baka magkaron sila ng sariling kwento about sa buhay nila. Kasi
'tong story na 'to eh tungkol lang sa buhay ko at ni goon.

Papunta ako ngayon sa pub dahil excited ako sa pagbalik ni goon. Two days na lang
kasi babalik na sya so gusto ko lang makibalita kay Tuck. Papalapit na ko sa pub ng
biglang lumabas si Tuck sa pintuan at nakita ako.

"Oh Lex. Mabuti nandito ka na. Pupuntahan sana kita eh." bungad nya sa'kin.

"Hindi na kasi ako makapaghintay kaya ako na ang pumunta sa'yo." Syempre ang ngiti
ko abot hanggang langit. Sobrang miss ko na kasi si goon as in super. "So babalik
na ba si goon?"

Biglag sumimangot si Tuck at hindi tumingin sa'kin. "Pasok ka muna sa loob. Nandito
yung iba."

Syempre pumasok na lang ako kesa mag-isip ng something negative. Dumiretso kami sa
second floor at nakita ko silang may hawak na mga musical instruments. "So anong
meron?" Umupo ako sa couch habang nakatingin sa kanila.

"Wala naman. Gig lang, may kumuha lang sa'min para magperform kaya tamang practice
kami ngayon." Sabi ni Luke.

"Sayang nga wala pa si Zak eh. Bukas at sa isang araw na pa mandin yung gig." Sabi
ni Val pero bigla syang binatukan ni Rich.
"Sa isang araw? Eh di nandito na sya nun. Di ba one week lang naman syang
mawawala?" ang ganda naman ng pagbalik nya. Tamang gig ang mga kaibigan nya so
sabay kaming manonood. At kung panalo pa sya eh di magsecelebrate kami. Pero
syempre aawayin ko muna sya ng konti para naman lambingin nya ko. Naiisip ko palang
kinikilig na ko."So anong oras ba sya dadating? Susunduin ba natin sya sa airport?"
Nagtinginan lang silang lahat. "Hello?"

"Lex kasi ano - " napalingon ako kay Tuck. " - nagkaproblema daw dun so madedelay
ang uwi nya. Baka abutin daw ng isang buwan." Napatayo ako ng di oras sa narinig
ko.

"What? One month? Papatayin nya ba ko? O baka naman nambababae na sya dun? Well
I've got news for him. Sabihin mo sa kanya kapag hindi sya umuwi dito sa isang araw
break na kami at makikipagdate ako sa iba!!!!!"

"Got it! Makakarating." Nakukuha pang tumawa nito ni Tuck. Nang-aasar lang talaga
sya. "Basta Lex manood ka ng gig namin kahit hindi dumating si Zak. Nandito lang
kami for you. Kakantahan ka namin at hindi ka malulungkot. Kung gusto mo pili ka na
din sa'min ng ipapalit mo kay Zak kasi hindi talaga sya makakauwi."

"AHhhhhhhhh!! You're so unbelievable! Akala mo ba ganun lang kadaling pumili? At


isa pa kung papalitan ko sya wala sa inyo para walang samaan ng loob!!" Kinuha ko
ang gamit ko. "Kung hindi talaga sya makakabalik, pwes seryoso ako sa sinabi ko."
TUmalikod ako at umalis na. Sobrang excited na kong makita sya tapos matatagalan pa
pala yun. Siguro hindi na nya ko mahal. Baka nga hindi na nya ko namimiss. Siguro
magaganda ang mga babae dun, mga imported. Palibhasa kahit sinong babae
nagkakagusto sa kanya at ang tingin nya sa'kin ang panget ko. Bahala sya, basta
makikipagdate ako kahit kanino or makikipagkilala na lang ako kung sinong makita
ko. Wag nya kong subukan dahil hindi talaga ako nagbibiro! Umuwi na lang ako at
nagmukmok at umiyak at nagwala sa bahay. Galit kasi ako, pero hindi naman talaga
ako galit. Di ko lang matanggap na ako lang ang nakakamiss sa'ming dalawa. Ngayon
lang ako nagmahal ng totoo pero ngayon lang din ako masasaktang ng tagos hanggang
kaluluwa.

Eh? OA. Eh sa masakit. Ano kayang ginagawa nya ngayon?

"AHHHHHHHHHHHHHH!! BAHALA KA TALAGANG GOON KA!! KAPAG DI KA PA UMUWI SA ISANG ARAW


PAPALITAN NA KITA!!! HINDI AKO NAGBIBIRO!!!!!!" iyak lang ako ng iyak hanggang
makatulog na ko.

*******************************************
"Tinatamad nga talaga akong manood. Kung hindi ko lang sila mga kaibigan hindi
naman talaga ako pupunta. Kasi naman mas nararamdaman ko lang na may kulang. Na may
taong wala. At nagkataon pang yung taong wala eh yung boyfriend ko!! Bakit hindi na
lang kasi si Val ang umalis!!" papunta kami ni Jezhi ngayon sa hotel and restaurant
na pagpeperforman ng Sterke Geest.

"Grabe ka naman sis, dami namang pwedeng piliing umalis si Val pa talaga. Gusto mo
din ba akong maging katulad mo or mas malala pa?" Sya ang nagda-drive since
dinaanan nya lang ako sa bahay. Nadatnan nya ngang gulo-gulo sa kwarto ko. Akala
nya pinasok ako ng magnanakaw. Dahil nakita nya kung anong itsura ko mas lalo nya
akong niyayang lumabas ng bahay. "Tsaka isa pa maraming tao dun. Maraming gwapo,
malay mo makakilala ka ng kapalit ni Zak."

"What?" dismayado kong sabi.

"Well sabi kasi nila Val papalitan mo na si Zak since 100 percent sure na extended
sya ng 1 month." Ito yung way nya na hindi ako mapilitang sumama sa kanya. Syempre
hindi na ko nakipagtalo. So what kung makipagkilala ako sa iba? Wala naman akong
boyfriend. Hindi man lang sya natakot na magbreak kami kapag di sya umuwi? I mean
pwede naman syang gumawa ng paraan para kausapin ako. Yung sya mismo ang magsabi na
extended sya. Pero bakit ayaw nya? Hindi nya kayang gawin? No! Kung gusto may
paraan, kung ayaw maraming dahilan. At naniniwala ako dun. "And we're here."

Nagpark lang si Jezhi. Ang ganda ng place at ang laki rin. Medyoo nakasemi-formal
kaming dalawa. Pagbaba palang namin ng car nakatingin na sa'min ang mga tao sa
paligid. Dumiretso kami sa event area. Nakita ko sina Tuck sa unahan na may
kinakausap. Medyo madami ngang tao.

"Dun tayo sa may unahan." Naunang maglakad si Jezhi sa'kin. At dahil nahihiya ako
nakayuko akong maglakad at may nabangga akong tao.

"I'm sorry miss. Are you okay?" tiningnan ko yung lalaki. Chinito sya. Ang tangkad
at ang tangos ng ilong.

"Yeah, I'm fine. Hindi kasi ako natingin sa dinadaanan ko." I admit.

"Hindi bagay sa magandang babae ang mag-isip ng kung ano-ano. Nakakapanget yan."
Napatawa naman ako sa sinabi nya. Mga lalaki talaga, alam mo na kung anong mga
sasabihin.
"Okay lang pumanget. Di naman importante ang looks para sa'kin." I rolled my eyes.

"Can I get you a drink? Para naman makabawi ako." Wala naman sigurong masama. Since
nandito naman ako para maglibang.

"Sure."

"Great. I'll be right back." Umalis sya at hindi ko na agad nasundan ng mata ko.
Hindi naman nya ko siguro lalasunin or what. May mga kasama din naman ako dito.

Naupo muna ako habang iniintay ko yung - ay hindi ko pa pala alam ang pangalan nya.

Maya-maya bumalik yung kausap ko na lalaki na may dalang juice. "Thanks."

"I am so sorry but I need to meet someone, my client to be exact. I'd love to stay
longer here with you but I really need to go. So nice meeting you." Sa sobrang
bilis nyang magsalita hindi na ako nakasingit at umalis na lang sya bigla.

"Sis, dun nga kasi tayo sa unahan ano bang ginagawa mo dito?" hinigit ako ni Jezhi
at iniwan ko na din ang juice na iniabot sa'kin ng lalaking yun. Malay ko ba kung
may spit nya yun or what. Mabuti na yung safe.

"Weird nung lalaki, okay sya then biglang nagmadali. Ang weird sobra." Mahina kong
sabi pero enough para marinig ni Jezhi.

"So you met a guy? Is he cute?" yung kinang ng mata nya na gustong makichismis.

"Sort of - pero weird nga kasi." Syempre dun pa rin ako sa goon ko.

"Anyway, mamaya na natin pag-usapan kasi magstart na silang magperform." Hinigit


ako ni Jezhi at umupo kami sa gitna.
"Hindi ba nakakahiya dito umupo. Hindi naman tayo invited or VIPs dito." Bulong ko
sa kanya.

"It's fine, don't worry. Duh, Andrade ka. Kapag nalaman nila yun baka lumuhod pa sa
harapan mo ang may ari ng hotel na 'to." Pagbibiro ni Jezhi.

"Di ko naman sya papayagang gawin yun baliw." Nakitawa na din ako sa kanya.

"Alam ko naman. Ikaw ang mayamang hindi halata. Kaya safe ka sa kidnappers eh." at
nagtawanan na lang kami ng biglang namatay ang ilaw.

"Oh my gosh brownout again." Sabi ni Jezhi.

"Wala ba silang generator dito?" narinig kong sabi ng isa sa mga tao sa loob ng
event area.

Hindi ako nakilos at nag-iintay lang akong magkailaw ulit. Habang tumatagal
tumatahimik din ang paligid. "Uhm, Jezhi nandyan ka pa?"

"Yes." Sagot ni Jezhi pero parang wala na sya sa tabihan ko or mahina lang talaga
ang pagkakasagot nya.

"Wag kang aalis ha." Pero wala ng Jezhi na nagsalita. "Hoy, ano ba? Patay ka sa'kin
mamaya!! Palpak na naman 'tong idea mo!!! KAPAG HINDI KA PA RIN NAGSALITA - "
nagulat ako ng biglang tumutok ang spotlight sa'kin. May electricity naman pala
dito. Magsasalita palang ako ng biglang may tumugtog. "Hindi po ako invited dito,
nagkakamali po kayo." Naglakad ako habang may tinatakpan ang nakakasilaw na liwanag
ng spotlight. Pero kahit saan ako magpunta nakatutok pa rin sa'kin ang spotlight.
"Jezhi! Tuck! Rich! Luke! Trav! Nasaan kayo?"

Dahil nasisilaw ako wala akong makitang tao sa paligid. Wala din namang
nagsasalita. This isn't funny at hindi ko 'to nagugustuhan!

Hahanap na sana talaga ako ng labasan ng biglang nagkadim light sa unahan at nakita
ko ang Sterke Geest then I realized na part pala talaga 'to ng event at wala akong
right mag-inarte. Pero nakakahiya bakit may spotlight pa kasi. Biglang nawala ang
spotlight sa'kin. Mukhang nagkamali lang talaga sila. Nagstart umikot yung
spotlight at tumigil kay Trav.
TRAV:

First rule, never let em change you

Rule two, do you to the fullest (to the fullest)

Ang galing talaga nyang magrap kahit kelan. Ang gwapo nya pang tingnan sa bass
guitar na hawak nya, nasa keyboard si Rich, drums si Tuck, beatbox si Val at lead
guitar si Luke. Kakaibang remix ang pagkanta nila sa Just the way you are.

TRAV:

And never be ashamed to

Your just good at what they can't do

And they hate that, they wanna paint you

In they color, put you on another (oh)

But what they don't accept, and what they don't see

The best thing is what you already be

Napapalakpakan na ang lahat sabay turo ni Trav sa likuran naming lahat.

Oh her eyes, her eyes

Make the stars look like they're not shining

Boses lang ang naririnig namin since medyo madilim nga sa loob so hindi namin
makita kung sino yung nakanta.

Her hair, her hair

Falls perfectly without her trying

She's so beautiful

And I tell her every day


Ang galing ng pagkakakanta nya, smooth at ang sarap pakinggan. Sino kaya 'tong
taong 'to. Tumingin ako sa Sterke Geest at lahat sila nakangiti lang pero hindi
naman sila nakatingin sa'kin. Siguro hindi rin nila ako makita dahil may spotlight
na nakatutok sa kanila.

Yeah I know, I know

When I compliment her

She wont believe me

And its so, its so

Sad to think she don't see what I see

But every time she asks me do I look okay

I say

Biglang nagstop ng konti yung music then biglang bagsak ulit kasabay ng pagtigil ng
spotlight sa taong kumakanta. Ang taong hindi ko inaasahang nandito. Zak.

ZAK:

When I see your face

Napaupo talaga ako bigla ng makita ko sya sabay turo sa'kin.

There's not a thing that I would change

Cause you're amazing

Just the way you are

Yung feeling na gusto kong maiyak dahil sa tuwa, sa inis, sa hiya sa lahat-lahat.

And when you smile,

Oo yung smile ko abot na sa langit habang papalapit ka goon.


The whole world stops and stares for awhile

Talagang nanonood ang buong mundo. Ano bang pakuno 'to! Kainis!

Cause girl you're amazing

Just the way you are

Sa titig nya lang para na kong nanghihina. Hindi ko maitago yung ngiti ko kahit
gusto kong magpakipot. Anong magagawa ko, I'm surprised!

Umikot sya sabay lapit sa'kin at abot ng red rose. Kung mukha akong baliw nung wala
sya, pwes mas mukha akong baliw ngayong nandito na sya.

Her lips, her lips

I could kiss them all day if she'd let me

I wanna kiss you too kung alam mo lang.

Her laugh, her laugh

She hates but I think its so sexy

"I know I'm sexy!" sabi ko sa kanya pero nagwink lang sya.

She's so beautiful

And I tell her every day

"Liar! Di mo kaya sinasabi!" hinampas ko sya ng may halong kilig syempre.

Oh you know, you know, you know

I'd never ask you to change

If perfect is what you're searching for


Then just stay the same

Umikot sya sa'kin na nagsasayaw din. Natatawa lang ako. Ihhhhh. Sige na, kinikilig
lang talaga. Ang hot kaya ng kumakanta ngayon sa harapan ko.

So don't even bother asking

If you look okay

You know I'll say

Bigla syang tumigil sa harapan ko at hinawakan ako sa mukha.

When I see your face

There's not a thing that I would change

Cause you're amazing

Just the way you are

Umayos ka nga Alexa, wag kang masyadong magpahalata. Nagba-blush na ko.

And when you smile,

The whole world stops and stares for awhile

Cause girl you're amazing

Just the way you are

Tiningnan nya ko sa mata at dahan-dahang lumalapit. Naramdaman kong hahalikan nya


ko ng biglang nagpalakpakan ang mga tao.

"Thank you." Sabay turo ulit sa Sterke Geest.

"Nice one Zak and welcome back!" sabi ni Rich at nagpatugtog na sila ng new song
habang hinigit ako ni goon papalayo sa event area.
"Pwede ba bitawan mo nga ako!" sabi ko kay goon. Pero joke lang yun, ayoko talagang
bitawan nya ko. Bwahahahaha.

"Bakit ang sungit mo?" tumigil kami sa may fountain sa gitna ng hotel.

I raised my eyebrow. "Duh! Dapat ba akong matuwa sa biglang pag-alis mo? Para kang
mushroom, mawawala ka na lang at susulpot bigla-bigla! Alam mo bang para na kong
baliw? Para na kong masisiraan ng ulo! Para na kong mamamatay - "

His lips met mine at hindi na ako nakapagsalita pa ulit. For the second time today,
nasurprise ako. Di ko naman kasi yun inaasahan.

"I missed you too." Sabi nya as soon as makalayo sya sa'kin.

"What?" wala naman akong sinabing miss ko sya di ba?

"Miss mo lang ako kaya ang dami mong sinasabi, don't worry ganyan din ako nung
umalis ako. Pero di ko na kelangang isa-isahin sa'yo kasi kaya ko namang sabihing
'I missed you'." Tapos nagwink sya. Tulala lang ako at inaabsorb ko pa lahat.
Feeling ko kasi hindi si goon 'tong kaharap ko. Feeling ko ibang tao sya. Feeling
ko panaginip lang 'to.

"Bakit di ka nagpasabing nandito ka na pala!!!!" hinampas ko sya sa muscular chest


nya. Ihhh. Di naman sya nagrereklamo eh.

"Excuse me, nagsabi ako. Alam nga nila eh. Ikaw lang ang hindi." Biglang pumasok sa
isip ko lahat. So pinlano nila 'to, magkakasabwat sila? Gusto kong magalit kasi
alam nilang mababaliw na ko pero hinayaan pa din nila akong ganun. Pero on the
second thought, dapat matuwa din ako kasi kinilig ako ng bongga sa ginawa nila.

"So plano mo 'to lahat?" nagnod lang sya na parang proud pa.

"Kinilig ka naman aminin mo!" hinawakan nya ko sa waist.

"Asa ka pa! Nagulat lang ako pero di ako kinilig." Lie.


"Ows? Sa ngiti mo kanina na kita pati gums sa sobrang ngiti?" pang-aasar nya.

"A - ano? Kapal mo! Hindi ako ganun ngumiti!!!" tumawa lang sya ng tumawa. Mukhang
hindi sya naniniwala sa sinasabi ko. "Alam mo bang nakipagkilala na ko sa ibang
lalaki dahil ang alam ko hindi ka pa uuwi! And take note, gwapo sya."

Hindi man lang sya nagworry, tingin nya ba sa'kin ganun kapanget? "Sino, yung
chinito boylet mo?"

"Oo nga chinito nga sya at - " bigla akong napaisip, " - teka paano mo nalaman?"
Nagshrug lang sya. "Don't tell me - "

"Yes I am telling you. Binalaan ko lang naman sya at ipinakita ko ang championship
belt ko na kakauwi ko lang. Maganda na yung alam nya kung san sya lulugar. Sa'kin
lang ang aswang ko at wala ng iba! Walang pwedeng makalapit sa'yo kahit na si - " I
cut him off by kissing him passionately. "Very naughty huh, but I like it."

"Would you shut up and kiss me?"

"Granted." And he kissed me back. After ilang seconds tumigil sya at niyakap nya ko
maige. "Hindi na nga 'to panaginip. Ikaw na talaga 'to!"

"Bakit may iba ka pa bang iniimagine?" tanong ko sa kanya habang magkayakap kami.

"Oo, yung aswang na kakagat at bubugbog sa'kin dahil hindi ako nagpaalam ng ayos."
Nagtawanan kami kasi alam din nya kung anong gagawin ko.

Bumitaw sya sa pagkakayakap sa'kin at tiningnan ako sa mata. Hinawakan nya din ako
sa mukha. Seryoso lang yung mukha nya. Ang mukhang hindi ko nakita ng ilang araw.
Mas lalo syang gumwapo pero may konting gasgas sya sa pisngi. "I love you and I
can't lose you. Gusto kong dito ka lang palagi sa tabihan ko.

"FYI lang ha ikaw ang umalis hindi ako!!!!!" siraulo 'tong lalaking 'to. Sya 'tong
umalis sa tabihan ko eh.

"I know, pero ang sinasabi ko next time." Tinitigan nya ako ng matagal. "Parang ang
ganda mo ngayon."

"Shut up! I missed you too!" at nagtawanan kaming dalawa. Niyakap ko sya ng
mahigpit dahil ilang araw ko yung hindi nagawa.

"Ang dami kong sugat. Madami-dami kang ikikiss." Sabi nya sa'kin habang tinuturo
ang mukha nya.

"No problem." Then nagwink ako.

"Uwi na tayo." Pagbibiro nya. Gustuhin ko man syempre pakipot pa ako. Hindi kami
pwedeng maiwan ng kaming dalawa lang. Baka kung anong magawa ko sa kanya! Este baka
kung anong magawa naming dalawa at hindi pa ako ready dun not unless kasal na kami.

"Intayin na natin sila Jezhi, at patay sila sa'kin." Naglakad ako pabalik sa event
area.

"ANO IIWANAN MO NA KO AGAD KAKADATING KO PALANG!!! PAGOD PA AKO ALAM MO BA!!


PAGKABABA KO NG RING DUMIRETSO NA KO SA AIRPORT TAPOS IIWANAN MO LANG AKO!!"
binalikan ko sya at hinawakan sa kamay.

"Parang bata naman 'to. Daming sinabi eh!" bigla nya kong hinigit palapit sa kanya
at inakbayan ako.

"Much better. Tara na."

"Kelangan mo ba talaga akong akbayan ng ganyan?" yung parang nakayakap na, parang
nakaback hug ba.

"Oo naman. Para malaman nilang sa'kin ka na. Ang magkamali tumba!!" yung pakiramdam
nya na binabakuran nya ko eh nagpapatalon na sa puso ko. Gusto kong sumigaw,
gustong magwala. Malalaman mo lang talaga kung gano mo kamahal ang isang tao kapag
matagal mo syang hindi nakasama. Another reason na naman 'to kung bakit mas lalo
kong gustong magstay sa tabi nya. Sa tabi ng goon ko.
A/N

Not edited 'to so pagpasensyahan na kung madaming erros and another thing, hirap
magUD kapag naggawa ng narrative. Wala akong masyadong maisip kaya ganito lang
nagawa ko. :'( So baka matagalan ulit bago ako makapagUD dahil submission ng draft
ng narrative namin on Monday at hindi pa ako tapos so uunahin ko muna yun para
makagraduate. thank you. :)

please vote, comment, follow and share this to your friends, loved ones and all.
Sali na din kayo sa group. Search nyo lang ang Perfect Haters Family sa fb. Dun nyo
makakausap ang mga FC. And syempre like nyo pa rin ang fan page para sa latest
updates. :) Perfect Haters by megladiolus. :) Thanks.

<3 megladiolus

*******************************************
51

*******************************************
ALEXA'S POV

"Tingin ko may nagugustuhan ng babae si Trav." Sabi ko kay goon habang nasa kotse
kami para sunduin si Cia sa school.

"Oh? Sino naman? Ikaw?" hindi man lang sya tumingin sa'kin habang nagsasalita.

"Are you jealous?" I teased him.

He giggled. "Jealous your face. Asa ka pa! Besides di naman ikaw ang type ni Trav
kaya malabo."

I narrowed my eyes and folded my arms over my chest. "And what if I am?" bigla
syang napatingin sa'kin ng seryoso at parang gulat na gulat. "What are you going to
do then?"

Bigla syang pumreno ng walang sabi-sabi. "Are you out of your mind?!!!" sigaw ko sa
kanya.

"Hindi nga? Ikaw ang type ni Trav?" Bigla syang sumeryoso. "Minsan lang yun
magkagusto sa babae at kung gusto ka nya - " tumingin ulit sya ng seryoso sa'kin. "
- ibibigay kita."

Ako naman ang nanlaki ang mga mata sa sinabi nya. "Wha - what? Ibibigay mo ko?" I
shouted to my dismay. Nagnod lang sya habang nagpatuloy sya sa pagda-drive. Seryoso
lang ang mukha nya at hindi ko mabasa kung anong iniisip nya. Ano 'to dose of your
own medicine? Niloloko ko lang naman sya ah. Ang sakit naman nito bigla. Dapat
sabihin ko na sa kanya. I know friends come first kaya siguro gagawin nya yun.
"Well, hindi naman talaga ako ang gusto ni Trav. I was trying to make fun of you.
That's all." Hindi pa rin sya naimik at seryoso pa rin sya. "Hey!" I nudged him.
"Look, I'm sorry pero hindi talaga ako type ni Trav and - " bigla syang tumawa ng
malakas.

"I know. I was making fun of you too. Ka - ka - si a - alam ko namang hi - hindi ka
type ni Trav." He said while laughing. "Akala mo mapapaniwala mo ko no? Pe - pero
mas napaniwala kita. WOoooo! Ang galing ko!!!"

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko pero isa lang ang nagawa ko ngayon,
my jaw dropped. "I can't believed you did that! Sinaktan mo ko at hindi kita
mapapatawad! Ipamimigay mo na lang ako ng ganun-ganun!!!" tumingin na lang ako sa
road at tumahimik.

"Tingnan mo 'to, sya nauna tapos aarte-arte. Niloloko nga lang kita." He poked me
but still I ignored him. "Walastik ka!" Naiinis ako, kasi naman kahit joke lang yun
nasaktan pa din ako kasi ipapamigay nya lang ako ng ganun. "Hindi naman kita
ipapamigay talaga no!! Asa pa! Kahit lahat ng lalaki may gusto sa'yo! Kahit anak pa
sya ng presidente o kaya ng mafia lord wala akong pakialam. Mas gugustuhin ko pang
ibangga 'tong kotse at mamatay tayong magkasama kesa makita kang may kasamang
iba!!!!!" yung way nya ng pagsasalita parang pikon na pero kinikilig ako. Pigil na
pigil ang kilig na nakatingin pa rin sa road. "Hoy! Aba! Hindi na ko nagjojoke,
totoo na nga yung sinabi ko! Kapag di ka pa rin nagsalita dyan ibabangga ko talaga
'tong kotse." Hindi pa rin ako nagsalita dahil alam kong hindi naman nya talaga
gagawin - napahawak ako bigla sa seat ko ng bigla syang nag-increase ng speed.

"Hey slow down!!!" hindi pa rin sya nasagot. "I said slow down!! Kapag hindi ka pa
nagslowdown - "

Bigla syang nagmabagal. "Ano? Hahalikan mo na naman ako? Kelangan ba lagi yan ang
panakot mo sa'kin? Alam mo namang ayokong-ayoko ng - "

"Ah ganun! Pwes simula ngayon maghanap ka ng babaeng hahalikan! Isa pa asa ka
namang yun ang sasabihin ko sa'yo!!" I rolled my eyes.

"ANo? Tapos na ba akong magsalita ha!! Sana kasi pinapatapos mo muna ako!!!"
Tiningnan ko sya at magkasalubong lang ang kilay nya. Nakakatawa ang itsura nya.
Parang bata na inagawan mo ng laruan. Napatingin sya kaya naman umiwas ako bigla.
Kunyari dun ako nakatingin sa kabilang side ng road. "AYOKONG HUMALIK NG IBANG
BABAE!!!!!!!!! HINDING-HINDI KO YUN GAGAWIN!!!!!!!!"
"There's Cia!" sabi ko ng makita ko si Cia sa may waiting shed ng school.
Napatingin din naman si goon sa labas at nakita nya ang kapatid nya na nagwave
sa'min habang papalapit kami. Iniba ko lang talaga ang aura sa'min dahil baka
mahimatay lang ako sa mga susunod na sasabihin ni goon. Sweet namin maglambingan
no! Basagan lang ng trip.

"Tss! Bingi-bingihan pa." narinig kong sabi ni goon bago bumaba ng car. Napangiti
naman ako. Hindi na ako bumaba ng kotse. Nakita kong sinalubong ni Cia ang kuya nya
at hinalikan sya nito sa cheek. Kinuha ni goon ang mga gamit ng kapatid at
pinagbuksan ng door sa backseat.

"Hey ate princess." Napangiti ako with confusion. Princess isn't my name. "Are you
coming over again?" Again?!!!! I got this feeling I am about to explode any minute
from now. Pumasok si goon sa kotse na nakangiti.

"Cia, she's not ate princess." Natatawang sabi ni goon. Napatakip naman ng bibig si
Cia.

"Oh, I am so sorry ate princess. Oops, I am sorry not ate princess." Nakita kong
nagtitinginan ang magkapatid sa mirror and I sense some kind of a joke here.

"This isn't funny! Who's Princess?" nakaharap ako ngayon kay goon then titingin ako
kay Cia.

"Oh kuya you didn't tell her?" artista din ba 'tong si Cia. Ang galing ding umarte
ha.

"Look Cia, I know we haven't seen each other for awhile but I don't think that'd be
a reason for you to not remember me." Ayokong magtaray sa kanya 'cause she's like a
little princess to me. And oh, speaking of Princess, who the hell is she!!! I am
freaking out in here in case this goon wanna know.

"Of course I remember you. It's just that - " tumingin ulit si Cia kay goon. " - I
can't do it kuya. She's an angel and I don't want her to get mad at me. So I'll
tell her now before she freaks out." Naglean si Cia sa may sandalan ng seat namin
ni goon.

"Cia? Are we in this together?" hinampas ko si goon at hindi na sya nagsalita.


"Come on Cia, tell me everything." Hinawakan ko ang ulo ni goon para hindi sya
makalingon sa'min ni Cia.

"Kuya told me he wants to annoy you. And calling you ate Princess is the perfect
way." Tumingin ako ng masama kay goon. Hinawakan nya bigla ako sa kamay pero
hinigit ko agad. "Do you know who's ate Princess?" I shook my head. "She's our
neighbor's maid whot got crush on my handsome brother." Goon cleared his throat.
"But she's totally opposite of you."

"Hey Cia, enough. How was school?" iniiba ni goon ang usapan.

"Go ahead Cia. We'll talk about school later." I smiled.

"Okay." Tumingin sya kay goon na parang nahingi ng permiso at nailing naman si
goon. "She's fat and dark with super curly hair."

"I just can't believe you're my sister." Parang nadismaya si goon sa sinabi ng
kapatid nya.

"Kuya you want her to get jealous with ate princess? How dare you!" sumandal na
ulit si Cia sa upuan nya at nakatingin pa rin sya kay goon.

"He always do that to me. If I don't love him maybe I already fall for some other
guy." Para din naman akong bata na nagsusumbong kay Cia.

"Don't worry ate, he loves you more than you love him. He always say that, to
himself and to me, everyday of our life." Tumatawang sabi ni Cia. Di ko namang
inaasahang ganun yung mangyayari. Napatingin ako kay goon at parang namumula ang
tenga nya.

"We're home! Who wants some ice cream?" nakita kong nasa harap na kami ng bahay
nila goon.

"Me! Me!" naunang bumaba si Cia at nanakbo papasok ng bahay. Nakatingin lang ako
kay goon ng nakangiti.
"What?" naiinis nyang tanong.

"Nothing. Masama bang tingnan ang boyfriend ko?" medyo malambing yung pagsasabi ko.
Tumingin sya sa loob tsaka ulit tumingin sa'kin.

"Kung hinahalikan mo na lang kaya ang boyfriend mo kesa tinitingnan mo lang sya."
Natawa naman ako at umiling lang tsaka bumaba ng kotse.

"No way! Princess pala ha! And besides ayaw mo ng kiss ko di ba?" natatawa kong
sabi.

"HOY WALA AKONG SINASABING GANYAN!" pumasok na ako sa loob. "HOY TEKA - "

"Cia inaaway na naman ako ng kuya mo oh." Feeling ko nakahanap ako ng kakampi.

"Sige lang pagtulungan nyo ko! Tingnan nyo!" napipikon ba sya? Nakakatuwa naman
talaga syang asarin. Asar talo kasi.

*****************************

ZAK'S POV

Grabe 'tong dalawang babae sa harapan ko ngayon, halimaw kumain ng ice cream. Isang
gallon sila lang ang makakaubos.

"Family picture daw sabi ni teacher. But I only got this one." She said while
pointing a picture in one of the albums. "Yung ibang pictures kasi I was still a
baby and kuya's not that attractive yet." Napatawa naman si aswang. Masyado syang
natutuwa.

"Sige, let me help you pick what picture to choose." Kinuha ni aswang ang isa sa
mga albums at binuksan nya para tingnan ang mga pictures.

"Look at this one." Iniabot ni Cia ang album kay aswang at tumatawa sya. Uh-oh
parang alam ko na kung ano yun.

"Cia, not that one!" tumingin sa'kin si aswang. Isang tingin na ang ibig sabihin eh
wala na akong magagawa. "Fine!" I surrendered.

"Oh my gosh! Ikaw ba talaga 'to?" tanong nya sa'kin habang tumatawa. "Bakit ang
cute mo pa dito?"

"At bakit ang hot and gwapo ko na ngayon?" umupo ako sa gitna nilang dalawa at
nakitingin na din ng ibang pictures.

"Whatever!" nakakatawa talaga 'tong si aswang. Kasi naman nagtataray na lang kapag
hindi na nya maamin na totoo ang sinasabi mo sa kanya. Namumula na lang sya. Parang
kamatis. "This one looks great!" tinanggal nya ang picture sa album at pinakita kay
Cia. Ang picture namin ni papa, mommy, ako nung 14 palang ako at 5 palang si Cia.
"Hindi ka na baby dito."

"Wow, I like that one too." Sabi ni Cia while clapping her hands. Napatingin ako
kay aswang at hinalikan ko sya sa forehead. As usual, she just rolled her eyes. Di
man lang ako hinalikan sa cheek.

Idinikit ni aswang ang picture sa folder na may design na. "There you go." Kumuha
si Cia ng pencil at nagsulat. Tinitingnan lang ni aswang kung anong ginagawa ni
Cia. "Oh, Jane Zachary ang name ng mommy nyo? Ang ganda naman." Then tumingin sya
sa'kin. "Kaya ba Zak ang tawag sa'yo, galing sya name ng mommy mo?"

"Yes!" proud ko pang sabi sa kanya.

"That's not true!" napatingin kaming dalawa ni aswang kay Cia. Ayan na naman sya.
Sasabihin na naman nya lahat kay aswang. Parang hindi ko sya kapatid. Tumingin ulit
sa'kin si aswang na may big question mark sa mukha nya.

"Okay! It's not true. Thanks to my ever honest litte sister!!!" I said with
sarcasm. "Hindi talaga galing kay mommy yung Zak." I swallowed. "Well, ano kasi."
Ang hirap naman. Hindi ko din naman alam kung totoo yung kwento ni mommy sa'kin.
"Promise hindi mo ko pagtatawanan?"

"I can't promise that." See, isa pa syang honest at alam kong hindi nya kayang
hindi tumawa. "Okay, I promise - not to laugh hard. Okay na yun!"
"Well" I trailed off. "Nung bata daw kasi ako - " damn this is f**king hard.
Nakakahiya kasi at ang baduy!

"What?" naiinip na sabi ni aswang. Nakatingin na din sa'kin si Cia at nakangiti.


Nang-aasar na din sya ngayon.

"Teka nga! Nag-iisip pa ko. Di ko pa masyadong matandaan!" Kunwari lang, tandang-


tanda ko kaya. Kaya lang kasi ano bang pakialam nya? Dami kasing nagtatanong kung
bakit Zak ang nickname ko! Kelangan ko tuloy ikwento ang isang korni at
nakakahiyang story. Patay sa'kin kapag nalaman ko kung sinong nagtatanong. "Kasi
yun daw yung una kong nasabing word nung bata pa ako."

"Zak? Zak ang un among nasabing word? Paano? Ang weird ha." Hindi pa nga nya alam
natatawa na sya at nawiwirduhan na, nakakahiya talaga 'to. Kung makikita nyo lang
ang itsura ko ngayon sobrang nakakahiya talaga.

"Ang atat mo! Sana kasi pinapatapos mo muna ako no!!! Ikaw na kaya magkwento!!!"
alam na ngang nahihirapan ako dito tapos ganyan pa sya.

"Kung alam ko lang hindi ko na itatanong. Ipapaalam ko na lang sa buong mundo!!!!"


sarcastic nyang sabi sa'kin. "So ano na nga talaga?"

Napahawak ako sa batok ko, sa noo, sa ulo sa lahat na. "Kasi madalas daw akong
manira ng gamit. Mga laruan, gamit sa bahay o kahit ano pang makita ko. As in wasak
lahat ng makita ko. Tapos magsusumbong ako kay mommy. And kapag tinanong ni mommy
sinong nagwasak nun ako agad ang sasagot. Eh dahil bulol pa ko nun, last part lang
ng word ang nasasabi ko." Nakatingin lang si aswang sa'kin. Parang pinaprocess ang
lahat ng sinabi ko. "Duh! Zak from wasak! Tagawasak ng gamit! First word na
natutunan ko kaya pinabaon na sa'kin hanggang tumanda ako! Damn! Sabi na kasing non
sense ang kukulit!!! Isipin nyo na lang kasi galing sa mommy ko yung Zak. Mas
matatanggap ko pa!

"Oh, I get it." Feeling ko pinipilit nya lang tumawa eh. "Taga wasak ka pala ng
lahat. Should I be scared?" hindi ko alam kung nang-aasar ba sya o ano pero parang
nakakaloko yung itsura nya.

"Scared of what?" promise kapag nambuwisit talaga 'tong si aswang magwawalk out
ako.

"Baka kasi wa-Zak-in mo din ang puso ko." Bigla syang tumawa ng malakas. "Ang
korni no?" nag-iinit na ang ulo ko at papaalis na sana ng bigla nya kong hawakan sa
balikan. "Pissed off? Tsk tsk!" tumingin sya sa mata ko then sa lips ko then kay
Cia sabay shrug.

"Cia, sweety. Can you go upstairs and check my room if I left my phone there
please?" kinapa ko ang phone ko sa bulsa making sure na nandun sya.

"Why me? You could go and check it yourself." Oh great, kapatid ko ba 'to o kapatid
ni aswang?

"I'm gonna go and get some drinks." Tumayo si aswang. "I'll be right back." At
nagpunta syang kitchen.

"Oh, tunaw na yung ice cream. Itatago ko muna 'to ha sweety." Kinuha ko ang ice
cream at hindi na sumagot si Cia. Dumiretso ako sa kitchen at nakita kong natingin
si aswang ng drinks sa ref. Ipinatong ko ang ice cream sa table at niyakap ko agad
sya kahit nakatalikod sya sa'kin. Kanina ko pa 'to gustong gawin eh. "Kahit
pinagtawanan mo ang story behind my nickname okay lang, yun eh kung ikikiss mo ko?"
bulong ko sa kanya.

Isinara nya ang ref tsaka humarap sa'kin at ipinatong ang dalawang kamay nya sa
balikat ko. "Who told you that? Hindi ko pinagtawanan. Di ko lang maisip na bata ka
palang pala goon na goon na ang dating mo. Imagine mga kawawang bagay na
nananahimik winawasak mo?" magsasalita pa sana ako pero tinakpan nya ng index
finger ang lips ko. "Alam mo wala naman yan sa pangalan. Kahit ikaw na ang may
pinakakorni at weird na kwento behind your nickname, wala akong pakialam. Zak from
wasak? Sinong makakaisip nun? Very unique, just like you. So unique, so real, so -
" inalis ko ang index finger nya at hinalikan ko sya. Naramdaman kong ngumiti sya
at tsaka ulit nagsalita. " - so naughty, so aggressive - "

"And so in love with you." Napatigil sya then she kissed me back. Naisandal ko sya
sa ref ng biglang bumagsak ang glassware na nakapatong dun at nabasag.

"OMG! It's real! Tagawasak ka nga talaga!" natatawang sabi ni aswang.

"Oh shut up! Lumayo ka na dyan at baka masugatan ka pa. Sisihin mo pa ko. Baka
sabihin mo winasak ko ang porselana mong kutis." Kumuha ako ng broom and dustpan.

"Jeez, you're great. How did you know what I am going to say?" umupo sya sa may
table habang pinapanood ako at tawa ng tawa. Kung di ko lang mahal 'to maiinis ako,
pero ang ganda ng tawa nya. Ang sarap sa pakiramdam.
Nang malagay ko na sa garbage can ang nabasag na glassware sumilip ako sa living
room at nakita kong busy pa rin si Cia kaya naman lumapit ulit ako kay aswang.
Humarap ako sa kanya habang nakaupo pa rin sya sa table. Damn she's so hot. "I
believe you owe me a kiss for cleaning your mess."

"Excuse me?" hinawakan ko sya sa waist at nakahawak naman sya sa chest ko.

"Sino bang sumandal sa ref namin?" I tickled her hanggang magpapalag na sya. I like
the way she giggles.

"Fine! Pero sa cheek lang ha!!" tiningnan nya ako ng seryoso.

"Are you sure? Just admit you're dying to kiss me!" nakangiti lang habang papalapit
ang mukha ko sa kanya.

"Cheek lang at asa ka pa! Who's begging for a kiss now huh?" tinuro ko ang cheek ko
kung saan nya ko hahalikan. Nang papalapit na sya bigla akong humarap ang our lips
met. Hindi na sya nakatanggi. We kissed each other passionately.

"And where's our drinks?"

*TUGSH!

Sa sobrang gulat namin sa pagsasalita ni Cia naitulak ako ng malakas ni aswang at


napasandal ako sa ref, dahilan para lahat ng nakapatong dun eh nalaglag, worse is,
nabasag ulit yung iba.

"Dapat talaga nililinis 'tong chandelier nyo, masyado nang magabok." Nakatingin si
aswang sa chandelier namin habang nakaupo sa table.

"Am I interrupting something?" wow, isang 10 years old na bata ang nagtatanong ng
ganito?

"Oh Cia, nandyan ka pala. Ha - ha - ha" Ih maang-maangan pa 'tong si aswang. Kaya


nya nga ako naitulak ng malakas gawa ni Cia. Ayan dami ko na naman tuloy lilinisin.

"Just five minutes ago when you two are - "

"Ahhhhhhhhhh yung ice cream tunaw na!!!" she cuts Cia off. Kinuha nya yung ice
cream at iniabot sa'kin. "Maglinis ka na." then she smiled at me. Am I the cause of
this? Bakit ako lang ang maglilinis. Kapag mahal mo talaga ang isang tao susunod ka
na lang. Imagine ang dalawang babaeng pinakamahalaga sa'kin nandito, wala ng mas
sasaya pa sa paguutos nila sa'kin. Oh Zak, wag ka nang umangal. Syempre naglinis na
ko ng mga kalat bago pa ko masermonan ng mga bosses ko.

********************

ALEXA'S POV

Papalabas na kami ni Cia ng kitchen ng biglang tumunog ang phone ko. Lumapit ako
agad sa table kung san nakapatong ang phone ko.

"Great! It's my mom!" sigaw ko kay goon habang naglilinis sya.

"Yes?"

[New way to say hello to your mother huh.]

"Mom, may problema ba?"

[Nothing sweety. I just wanna ask you where do you wanna celebrate your 18th
birthday. Here or there.]

"You already know the answer to that question mom. And I don't want to have a big
party. Just a get together, friends and families only."

[You know that's not possible. You're our only daughter and we'd give you the best
birthday ever. No buts, I'll plan everything and we'll see you in a week.]
"Mom you don't have to - "

[Toot...toot...toot.]

"Ugh!" naibato ko ang phone ko sa couch ng maramdaman kong may yumakap sa'kin from
behind. Enough para mawala lahat ng init ng ulo ko from that short conversation
with my mom.

"What was that all about?" mahina nyang bulong sa'kin.

"That was my mom. Magpeprepare sya for my 18th birthday." Humiwalay ako sa kanya at
umupo sa sofa. "Ayoko ng magarbong party pero yun ang gusto nila for me."

Biglang sumeryoso si goon. Umupo lang sya sa tabihan ko at hinawakan ako sa kamay.

"What's wrong?" hinawakan ko din sya sa kamay at sa chin para magmet ang eyes
namin.

"Wala naman. Iniisip ko lang maraming lalaki dun from different families, yung mga
kilala. Makakasama pa kaya ako sa 18 roses." Natawa ako sa sinabi nya. As in tawa
talaga. Ano ba kasing iniisip nya?

"You're my boyfriend. Syempre nandun ka at kung gusto mo ikaw na ang second and
last dance ko. Well syempre si papa ang first dance ko di ba?" mukhang hindi pa rin
sya convinced. "Don't worry, magugustuhan ka ng parents ko. Mabait naman sila. Kaya
smile ka na dyan. Matagal pa naman yun so wag ka munang mag-isip."

"Hindi ko na kasi kayang makipagsabayan sa ganung mga kasososyal na tayo. Nanliliit


na ko. Gusto ko ng isang simpleng party lang. Kaya lang party mo yun eh." sinandal
nya ang ulo nya sa shoulder ko habang hawak nya pa rin ang kamay ko.

"Ay naku ewan ko sa'yo. Ang drama mo." Tumingin ako kay Cia. "Ang drama ni kuya
no?"

"Yes and so baduy." Sagot ni Cia na hindi man lang tumingin sa'min ni goon.
Meya-meya dumating ang papa ni goon. "Good afternoon po." Sabi ko sa kanya.

"Good afternoon din. Kumain na ba kayo?" tumayo si goon at humalik kay Cia.

"We need to go sweety. Take care." Hinawakan ako ni goon sa kamay at hinigit
palabas. Kinuha ko agad ang mga gamit ko.

"Alis na po kami." Nahihiya kong sabi.

"Nandyan na sa drawer yung pera. Bilhin mo lahat ng kelangan ni Cia." Sabi ni goon
sa papa nya. Sumakay kami sa kotse at tahimik lang sya. Hindi ko naman alam kung
anong sasabihin since involve nga ang papa nya dito. Medyo nakakatakot makialam.

Magsasalita na sana ako about sa papa nya pero naunahan nya ko. "Please, not now."
At isinara ko na ulit ang bibig ko. "Ihahatid na kita sa bahay mo. May gagawin pa
kasi ako." Hindi na ko nagtanong since tinamad na din ako magsalita. Di man lang
nya ako sabihan kung anong gagawin nya o kung gusto kong sumama. Naiinis ako.
Pagdating namin sa harap ng bahay ko bumaba na lang ako at hindi na nagsalita.

"I'll call you later." Narinig kong sabi nya pero di na ko sumagot. Narinig ko na
lang na umandar na yung sasakyan.

"Loko-loko yun ah! Di man lang ako sinundan!!" nakakainis talaga! San naman kaya
pupunta yun? Bahala na nga sya. Nakita kong nakabukas ang bahay kaya naisip kong
nandito ang mga maids pero bumungad sa'kin ang butler namin. "Anong meron?"

"Pinapacheck lang po ng mommy nyo kung okay lang kayo dito sa bahay and yung
security na rin. Gusto nya kasing okay kayo dahil malapit na ang debut nyo."
Pumasok ako sa loob at may mga nag-aayos ng buong bahay.

"Bago palang 'tong bahay, bakit pinapaayos agad?" sobrang OA talaga ng mommy ko.
"Bahala kayo dyan. Basta pag-alis nyo isara nyo na lang ang gate at door.
Magpapahinga lang ako." Umakyat na ako sa taas.

"Masusunod po." Narinig kong sagot ng butler namin.


Humiga muna ako at nagmuni-muni. Naisip ko na malapit na ang birthday ko. Ang
birthday ko na pinapakilaman ng parents ko. Hindi naman ako papayag na hindi nila
isasama si goon dun. Hindi nga sya kasing yaman ng iba naming kakilala pero sya
naman ang mahal ko. Mayaman sya sa pagmamahal. Syempre sa pagmamahal ko.
Hahahahaha. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may text si goon pero wala.
Ano naman kayang gagawin nito?

Pumikit ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti na lang ako ng makita
kong galing sa boyfriend ko ang text.

I'm sorry for being so childish. Pero mahal naman kita eh. Darn! I missed you
already! Wag ka nang magalit okay? May kiss ka na lang sa'kin kapag nagkita
tayo. :*

Wow, ako pa talaga ang may kiss? Hahahaha. Okay fine. Excited na ako sa kiss na
sinasabi nya. Syempre magdedeny pa ba ako? Di na. Alam kong maraming nangangarap na
mahalikan ang goon ko pero lahat yun sawi, kasi ako lang ang winner. He's mine and
I'm his.

*****************************

Ito ata ang umagang pinakaayoko sa lahat. Bakit? Wala lang namang sumundo sa'kin.
Dahil may inaasikaso daw ang magaling kong boyfriend eh di pumasok akong mag-isa.
Pagbaba ko ng car nakita kong kakadating lang din ni goon. Nag-usap muna sila nila
Tuck tsaka sya humiwalay. Ano na naman kayang raket nito? Siguro mga illegal ang
ginagawa nila. Ginagamit lang ang itsura para hindi mahalata at makaloko ng mga
tao.

"Missed me?" hindi ko napansing nasa harapan ko na pala si goon. Hindi man lang sya
nagtanong kung pwede nya kong halikan. Talagag hinalikan na lang ako bigla. "Just
like I promised." Niyakap nya ako at hinalikan sa ulo. "Late na tayo. Sorry di kita
nasundo ha. May inaasikaso kasi ako. Medyo importante lang."

"Mas importante sa'kin?" hindi agad sya nakasagot at ayoko din namang marinig kung
anong isasagot nya. "Joke lang. Wag ka nang sumagot." Medyo nakakatampo lang kasi
ayaw nya kong sabihan ng ginagawa nya.

Sa buong klase namin wala syang ginawa kundi magtext. Magexcuse sa klase dahil may
tumatawag sa kanya. Masyado na nga akong nagwoworry eh. Hindi ko alam kung bakit.

"NO!! AKO NA ANG BAHALA!! ENOUGH!! IBABALIK KO DIN NAMAN AGAD!!" narinig kong
sumisigaw na sya sa phone kaya mas lalo akong nagworry. Pagpasok nya ulit sa room
nakakunot ang noo nya.
"Sinong kausap mo?" bulong ko sa kanya.

"Si papa." At hindi na ulit ako nagtanong. Masyado kasing sensitive nausapan kapag
papa na nya ang involve at ayokong magkaconflict kami dahil dun.

"May pupuntahan ako mamayang lunch so hindi kita masasamahang kumain. Hindi ko din
sure kung makakabalik pa ko after lunch." Nang matapos ang class namin hinalikan
nya ko s cheek at umalis na sya agad. Ano kayang problema nya at mukhang
nagkakalabuan pa sila ng papa nya.

Mabuti pa siguro pumunta muna ako sa tambayan namin para makapagpahinga na din at
makamusta ang mga iba ko pang kaibigan. Pag dating ko dun si Jezhi, Val at Trav
lang ang nandun.

"Hey." Bati ko sa kanila.

"Yes, just four of that and two of letter A. Thank you." Narinig kong sabi ni Jezhi
sa kausap nya sa phone. Siguro magpapadeliver ng food.

"So where are the others?" nagshrug lang sila at di na sumagot. Kinuha ko na lang
ang notebook ko at naggawa ng assignment. Tinitingnan ko silang tatlo pero hindi
sila mga nagsasalita. "So Trav, how's the dota girl?" Napatingin sa'kin si Trav.

"Okay lang naman. Di pa rin ako kinakausap. Ayaw pa ring makipaglaro sa'kin. Lagi
ko naman syang aasarin hanggang makulitan sya." Natatawang sabi ni Trav.

"Baka madevelop ka dyan ha." Biglang napatigil sa pagtawa si Trav at sumeryoso ang
mukha.

"Asa pa sya. Di na uy!" humiga sa damuhan si Trav at tumahimik na ulit ang paligid.

"Babe, can you come with me. May pipick up-in lang akong gamit?" tumayo si Jezhi at
tumingin sa'kin. "Sis, I'll talk to you later. May kelangan lang akong kunin pero
babalikan kita."
"Sure?" yeah, patanong. Kasi naman parang hindi din sya sigurado sa sasabihin nya.
Mas lalo tuloy naging awkward since kami na lang ni Trav ang naiwan dito. Mabuti na
lang close kami nito.

"Oh crap!" biglang napabangon si Trav habang nakatingin sa phone nya. "I'm sorry
Lex but I need to go. May tournament nga pala kami ngayon."

"Okay. Best of luck." Nagsmile and wave lang ako sa kanya. Weird talaga 'tong araw
na 'to. Sobrang panget. Daming mga ginagawa ng mga tao. Kapag hindi kaaway, laro
naman o kaya kung anu-ano pa. Nakakatamad.

Wala akong naging choice kundi ang kumain mag-isa. Konting-konti na lang mamamatay
na ko sa sobrang kaboringan ng buhay. Mabuti na lang last class ko na. At nung
natapos ang last subject nakahinga na ako ng maluwag, yun eh bago ko pa makita si
Jezhi sa harapan ng room. Nakasimangot sya at lumapit sa'kin.

"Sis, pwede mo ba akong samahan ngayon?" okay, lalapit lang kapag may kelangan.
Okay din 'tong babaeng 'to.

"Bakit? Ano na namag problema mo?" sabay kaming naglakad papuntang parking lot.

"Kasi nagkatampuhan kami ni Val kanina habang nabili ng gamit tapos nagwalkout na
sya. Kasi naman kung kani-kanino ko sya tinutukso. Nainis ata. Kasalanan ko 'to eh.
So gusto ko sana syang hanapin. Alam mo ba kung san ko sya pwedeng puntahan?"
feeling ko konti na lang iiyak na 'tong si Jezhi eh kaya mabuti pa siguro tulungan
ko na lang.

"Hindi ko alam pero baka nasa pub. Dun lang naman sila natambay. Tatawagan ko si
goon para itanong." Kinuha ko yung phone ko para tawagan si goon at kapag sinuwerte
ka nga naman nakapatay pa ang phone nya. "Hindi ko makontak eh. Siguro puntahan na
lang natin dun. Or wala ka bang alam na place na pinupuntahan nyo?" I can't believe
na ako pa ang tutulong sa kanya eh sya 'tong maraming experiences when it comes to
relationships.

"Galing na kasi ako dun sa mga pinupuntahan namin. Hindi na nga ako umattend ng
classes ko para lang mahanap sya pero wala talaga, di ko sya makita. What if
nagsawa na sya sa'kin?" Ngayon ko lang nakitang nagkaganito sa lalaki 'tong bff ko
kaya siguradong malakas talaga ang tama nya kay Val. Masaya naman ako at hindi na
sya papalit-palit ng boyfriend o desperadang magpalit ng boyfriend.
"Think positive sis. Don't worry kakausapin ko si Val. Maayos nyo 'to. Kung wala
sya sa pub hahanapin natin sya okay?" nagnod lang sya. Sumakay kami sa kotse ko at
wala pa din syang imik. Hawak-hawak nya lang ang phone nya at nagtetext sya ng
nagtetext.

"Hindi sya nagrereply sa lahat ng text messages ko. Natatakot ako sis baka - baka
hindi na nya ko mahal. Baka - baka nagsawa na sya." Ihh ang OA naman nitong
bestfriend ko. Hinawakan ko sya sa kamay habang nakatingin ako sa road.

"Don't worry. Siguro nagpapalipas lang sya ng oras. Hindi ka din nun matitiis kapag
nakita ka nya kaya don't worry okay. Isa pa ayokong magkagalit kayo. Hindi pwedeng
magkaaway kayong pupunta sa debut ko next week." Bigla syang napatingin sa'kin.

"Oh my gosh sis oo nga. Debut mo na next week. Halos nakalimutan ko na dahil sa
kakaisip kay Val. For sure bonggang birthday party yun for sure. Sila tita at tito
pa." pinaalala pa nga nya. Halos ayoko ngang pumunta sa party na yun eh. AYoko
lang. Magpapakaplastik lang ako sa mga taong di ko naman kilala.

"Mukhang nandito naman sila, nasa labas ang mga motor oh." Turo ko kay Jezhi ng
makarating kami sa pub.

"Sis, kinakabahan ako. What if - what if makipagbreak na sya sa'kin. Wag na lang
kaya tayong tumuloy?" nanlalamig ang mga kamay ni Jezhi at parang ayaw bumaba ng
kotse kaya naman umikot pa ako para lang pagbuksan sya ng door at hinigitin pababa.

"Nandito naman ako oh. Susuntukin ko yan Val na yan kapag nakipagbreak sya sa'yo!"
Nasa likuran ko lang si Jezhi at higit-higit ko sya habang papasok kami sa loob.

"Ikaw na lang kaya or wag na lang tayong tumuloy!" hinihigit nya ako pabalik pero
hindi ako nagpadala.

"ANo ka ba! Nandito na tayo oh! Papasok na lang!" nakatingin ako sa kanya habang
binubuksan ko ang pintuan. Wag ka ngang parang bata dyan. Nandito na tayo sa loob
oh - " humarap ako sa loob ng biglang bumukas ang ilaw.

"ADVANCED HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!" nakita kong nakatayo sila Trav, Val, Luke at Rich
sa ring na may mga hawak na instruments. May hawak naman na cake si Tuck at
inabutan naman ako ng rose ni Cia.
Tumingin ako ng masama kay Jezhi. "Not my idea! Don't blame me!" pumasok sya ng
dire-diretso sa loob at lumapit kay Val.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin.

"5, 4, 5, 4, 3, 2, 1! Hit it!" biglang tumugtog ang apat ng happy birthday song.
Pumasok ako sa loob at mas nagulat ako ng biglang may naglalaglagan na lobo.
Napatingin ako sa taas at nakita ko ang ibang members ng The Pilot at Skylar
Vocals. Nakisabay din sila sa pagkanta ng happy birthday. Ang laki ng ngiti ko.

"Smile sis!" nakita kong may hawak na video cam si Jezhi. Oh no, nadala na ko sa
video-video na yan at ayoko ng maulit ulit.

After ng kanta nila nasa harapan ko na si Tuck hawak ang cake. "Make a wish."

Ngumiti ako at tumingin sa lahat ng nandun. Ano nga bang dapat kong iwish? Sana
forever kaming maging masaya, ako, mga kaibigan ko lalo na kami ni goon. Then
hinipan ko ang candle.

Halos nagstart ng magkainan yung iba habang natugtog sila Val. Sinusubuan pa nga ni
JEzhi ang dear boyfriend nya habang natugtog sya. Ang sweet lang. Teka, speaking of
sweet, bakit wala dito ang boyfriend ko? So meaning hindi sya ang nakaisip nito?

"Hey Lex, time to open your present." Tinakpan ni Tuck ang mga mata ko. "Wag kang
madaya ha."

"Madaya pa rin wala na nga akong makita." Hindi ko alam kung anong gift yun at
kelangan pang takpan ang mata ko.

"Ready?" nagnod ako then inalis ni Tuck ang pagkakatakip sa mata ko. Pagopen na
pagopen ng mata ko nakakita ako ng isang sobrang laking box. Nilapitan ko yung box
at nakita kong may nakasulat na "OPEN ME". Tiningnan ko sila Tuck pero patay
malisya sila. So tinanggal ko ang ribbon ng box at iniangat ang cover ng makakita
ako ng bouquet of roses. Kukunin ko na sana yung roses ng biglang tumugtog sila
Trav ng All At Once by The Fray.

Kukunin ko na yung roses ng biglang gumalaw at lumabas ang isang - anghel. "BAKIT
ANG TAGAL MONG BUKSAN? NANGALAY NA KO SA LOOB HA!!!"
"EH SINO BANG MAY SABING IBALOT MO YANG SARILI MO SA LOOB NG BOX!!!!" tiningnan nya
lang ako ng seryoso.

"Na sa'yo na kasi lahat. Mayaman ka na kaya mabibili mo na lahat ng gusto mo.
Maganda at matalino ka na din. Wala ka nang hahangaring iba para makumpleto ka- "
hinawakan nya ko sa kamay. " - kundi ako na lang." Natawa naman ako. "Wala kasi
talaga akong maisip na regalo. Sana okay lang sa'yo kung sarili ko na lang."
Iniabot nya sa'kin yung flowers. "Marunong akong sumayaw." Gumiling sya na parang
macho dancer.

"Ewwwww. Kadiri ka!" Pero hindi, kunyari lang. Nakablack sando lang sya. Kitang-
kita ko ang heaven. Bakat na bakat ang pandesal. Bakit naman kaya ito lang ang
sinuot nya?

"Marunong din ako ng hiphop!" natawa naman ako lalo. Ang likot-likot nya parang
kiti-kiti. "Ano yun?" napalingon ako sa likuran pero wala naman akong nakita.
Pagharap ko may hawak na syang kwintas. Isang kwintas na heart locket. "Buksan mo."
Binuksan ko ang locket at nakita ko ang picture nya at picture ko. Niyakap ko sya
bigla sa sobrang tuwa ko.

"I hate surprises! So in short I hate you!!" sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko
sya.

"And I love you too!" natatawa nyang sabi. Nagpalakpakan naman ang mga nasa likuran
namin. Nakalimutan ko na sila. Akala ko may sarili kaming mundo. Humiwalay ako sa
kanya. Lumabas sya ng box at isinuot sa'kin ang kwintas.

"Naisip kasi ni Zak na baka hindi mo na kami maentertain sa party mo so nagprepare


kami ng party kung san masosolo ka naming lahat." Sabi ni Tuck.

"Thank you so much. Hindi nyo alam kung gano ako kasaya. Ganitong party lang yung
gusto ko. Yung kilala ko lahat. Simple lang pero masaya. At nasurprise talaga ako.
For real, hindi ko ineexpect 'to. Ang arte-arte kasi ni Jezhi eh. May away-away pa
kunyari.

"Happy birthday day ate." Narinig kong sabi ni Cia. "For you." Iniabot nya sa'kin
ang isang card.

"Thank you sweetheart. How thoughtful and sweet of you." Hinalikan ko sya sa
pisngi.

"Teka paano mo nakuha si Cia - " bigla kong naalala yung kausap ni goon ang papa
nya sa phone. " - so hiniram mo si Cia that time kaya ka nasigaw?"

"Yup." Oh my goodness, I so love this goon. "That necklace looks good on you." Then
nagwink pa sya. Pakisambot po ang puso ko, nalaglag na.

"Party-party na!! WOOOOOOOO!!!" sigaw nung mga iba pa naming kasama.

"No alcoholic drinks sa birthday girl. Sasaluhin ko lahat ng sa kanya!!" sabi ni


goon habang nakaakbay sa'kin at kay Cia.

Ganitong buhay lang yung gusto ko. Yung simple, totoo at masaya. Hindi
nagpaplastikan. Sana naiintindihan ng parents ko na masaya na ako sa ganito.
AYokong maranasan kung ano yung gusto nila para sa'kin, kundi yung gusto ko para sa
sarili ko.

"Cia let's go upstairs. May room dun, dun na tayo kumain at magkwentuhan." Niyaya
ko si Cia sa taas since nag-iinuman ang mga tao dito. Hindi maganda para sa bata.

"I'd love that." Tinuro ko kay goon na sa taas lang kami ang nagmouth sya ng 'I
love you'. Buti na lang at nakahawak ako kundi gumulong na ako pababa ng hagdanan.
Ako na ata ang pinakaswerteng nilalang sa buong universe. Dahil alam ko, maraming
naiinggit sa'kin. Mabuti na lang at mayaman ako. Hindi ako pwedeng ipapatay basta-
basta lang ng mga kung sino-sino lang na inggitera. I feel so secured, with my
influence, and my goon beside me I am totally fine. I love my life, I love myself,
I love my family and friends and I love him more than anything else.

A/N

Hello everyone, what can you say about this chapter? Gosh sobrang matatagalan ulit
ang pagUUD ko since kelangan ko na talagang simulan ang totoong narrative. But I
promise na after nun sunud-sunod na ang pagUUD ko. :) Please vote, comment, follow
me and share this story sa mga friends nyo. Also like our FB page, Perfect Haters
by megladiolus and join our FB Group, Perfect Haters Family para makausap ang mga
fictional characters. :) Thank you. Konting push pa 3million reads na tayo. :)

This chapter is dedicated to chillzre! Thanks! <3

<3 megladiolus
*******************************************
52

*******************************************
ALEXA'S POV

Tamang gala muna ako ngayon. Wala ang goon ko kasi busy sya sa pagpapractice pero
magkasama naman kami kanina. Naisipan kong pumuntang supermarket para naman
makapamili ng laman ng ref ko sa bahay. Nakakainis naman kasi yung maid namin, puro
di ko kinakain ang mga nilalagay dun. Tapos kapag inabot na ng three days sa ref
inaalis na nila lahat at itinatapon. Pero ewan ko kung itinatapon nga nila, sayang
kaya yun. Baka sila-sila rin yung nakain. Sa totoo lang ha hindi ako maarte,
makakain pa naman yung mga pagkain na yun at kung hindi yun kakainin ng maids aba
sila ang maarte, tinalo pa nila ko.

Nasa wet section ako para tumingin ng pwedeng iluto mamayang gabi pag-uwi ko.

"Ma'am masarap po itong chicken inasal namin. Bagong deliver lang din po sya. Iba
yung pagkakamarinate and pwede syang ilagay sa ref for 5 days. Pero tingin ko po
hindi na sya aabutin ng 5 days kapag natikman nyo sya." Napatingin ako dun sa babae
na na-assign sa meat section. Hirap siguro ng work nya dito, kinakausap nya lahat
ng bibili. Pero sa tingin ko sa kanya mukha namang bibili lahat sa kanya. Ang
galing nya kayang magbenta, chubby sya pero maganda naman. "Ilang kilo po ang
bibilhin nyo?" I snapped back, I didn't notice I am checking this girl out. Weird,
baka isipin nya pa tomboy ako.

"Siguro 1 kilo lang, mag-isa lang kasi ako sa bahay so baka masayang lang." Then I
smiled. Pumili sya ng ilan at nilagay sa timbangan. Binalot nya then iniabot
sa'kin.

"Thank you." Sabay naming sabi. Tumalikod na ko at naglakad para tumingin pa ng


ibang bibilhin ng parang makita ko si Luke. Parang balisa sya na maglalakad then
aatras at magtatago. Kaya naisipan ko syang lapitan.

"Bulaga!" parang nagulat sya, gulat as in anong ginagawa ko dito hindi dahil sa
bulaga ko. Parang namutla sya at hindi agad nakaimik. "Luke? Are you alright?"

"Ha? Ano - syempre - oo naman." Weh, sa pagsasalita nya parang hindi naman.

"Ma'am nakalimutan ko pong iabot yung free nyong bag." Napalingon ako sa likod at
nakita ko si ateng nagbenta ng chicken inasal sa'kin.
"Thank you." Ngumiti ako at ngumiti din sya ng napatingin sya kay Luke.

"H - hi." Narinig kong sabi ni Luke.

Hindi sya pinansin nung babae. "Thank you ma'am, balik po sila." Tumalikod na sya
at bumalik sa pwesto nya. Tiningnan ko si Luke at nakahawak lang sya sa noo nya na
parang disappointed.

"Luke, what's wrong?" naglakad sya kaya naman sinundan ko sya.

"Wala, palpak lang ako. Nagpractice pa ko ng sasabihin tapos wala din pala."
Tumingin sya ng mga drinks pero mukhang hindi naman sya bibili.

"Ano bang sinasabi mo?" kumuha din ako ng ibang drinks ng mapatingin ulit ako kay
ateng nagbenta ng chicken inasal. Nahuli ko syang nakatingin sa'min tapos parang
galit sya.

"Mukha ba kong manloloko Lex?" tumingin sya sa'kin then I shook my head.
"Nakakainis naman oh, kung alam ko lang ganito kahirap sana hindi na lang ako
naging gwapo at hunk." Bigla akong natawa sa sinabi nya. Naglakad sya at sinundan
ko ulit hanggang medyo malapit na ulit kami sa meat section.

"Alam mo Luke lahat ng babaeng magugustuhan mo eh magkakagusto rin sa'yo. Para ka


ding si goon, marunong magluto at magaling din." Tinap ko sya sa balikat at ngumiti
sya.

"Akala mo nagsasabi ng totoo, babaero naman pala." Napatingin ako dun sa babae.
Para syang galit. Siguro may pinaguusapan sila nung kasama nya. "Mabuti na lang
talaga hindi ako naniniwala."

"Alam mo Lex sana magtagal pa kayo ng kaibigan kong SI ZAK!" nilakasan talaga ni
Luke yung pangalan ni goon. "Ang hirap kasi masyadong makikitid ang utak ng iba
dyan. Kapag nagsasabi ka ng totoo hindi maniniwala, pero may makita lang ng konti
wagas kung magjudge!!" naglakad si Luke at tumitingin ng mga meats kaya sinundan ko
sya. Magsasalita pa sana ako ng bigla ulit nagsalita yung babae.

"Wow, alam mo sino ba namang maniniwala na ang isang katulad nyang lalaki eh
magkakagusto sa isang tulad ko. Hindi ako baliw at hindi ako uto-uto." Nakita kong
umirap yung babae. Ano bang nangyayari dito? Nagpaparinigan ba sila?

"Alam mo kasi Lex, hindi mo naman kelangang maging maganda dahil sa paningin ko
sexy ka na ang ganda mo pa pero sana bawas-bawasan mo yang kasungitan mo dahil baka
kahit kelan wala ng magkagusto sa'yo!" tumingin sa'kin si Luke then dun sa babae.
Para namang nainis yung babae at nagwalk out. "Erine! Erine wait!!" sinundan ni
Luke yung babae. Sabi ko na nagpaparinigan sila eh. Magkakilala pala silang dalawa.

"Girlfriend po ba kayo ni Luke? Bagay na bagay po kayo, kaya lang alam nyo bang
nagpapacute yan kay Erine? Akala ko pa mandin seryoso sya sa kaibigan ko, hindi
pala." So, yun pala ang totoong dahilan ng lahat. Kaya balisa si Luke kanina.

"No, I'm not his girlfriend. Mas hot at mas gwapo ang boyfriend ko sa kanya. And
believe me, kapag sinabi ni Luke na seryoso sya, totoo yun. Seryoso talaga sya.
He's a nice guy." Ngumiti ako at umalis.

"OMG! Ang swerte ng kaibigan ko!!!" yun lang ang narinig ko mula dun sa babae.
Hindi ko na din alam saan napadpad si Luke kaya naman dumiretso ako sa counter para
magbayad ng biglang tumunog yung phone ko. Phone number sa mansion ang nag-appear.

"Hello."

[Young lady, nasaan po kayo ngayon?]

"Raphael, gusto mo bang mawalan ng trabaho? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na
wag mo kong tatawaging young lady!!! Alexa na lang!" nakakainis lang kasi kung anu-
ano pang kaartihan ang tinatawag sa'kin ng mga kasama ko sa mansion eh halos sila
na nga ang pamilya ko. Mas madalas ko pa silang kasama kesa sa totoo kong pamilya.

[Ah - sige po. Pero nasaan po kayo ngayon?]

"Wag mo nga kong pino-po. Mas matanda ka kaya sa'kin!!!" Nakakainis kasi yung pino-
po ka ng taong mas matanda pa sa'yo. "Tsaka nandito ako sa supermarket malapit sa
school, nagbabayad na. Medyo mahaba pa nga lang yung pila."

[Okay po. Salamat.]


At ibinaba na nya ang phone. Hindi man lang sinabi kung bakit sya natawag. Ang
weird talaga. Pero sa totoo lang masyado pa talagang mahaba ang pila pero mabilis
naman ang kilos ng nasa counter.

After 20 minutes na pagtayo, finally ako na ang magbabayad ng biglang may mga
lalaking mala-James Bond ang nagsidatingan. Akala ko nga nandito sa supermarket ang
presidente. Pinagtitinginan kasi sila ng mga tao. Duh, ikaw kaya nakasuot ng black
tuxedo with matching sunglass pa. Nakakatakot - teka parang kilala ko yung barpin
sa may suit nila.

"Young lady, kami na po ang magbabayad nyan." Inabot nung isang lalaki yung card
nya. Kinuha naman naman ng isa pang lalaki yung bag ko. Nakakainis lang kasi
nakatingin sa'kin ang mga tao. "Naghihintay na po ang sasakyan sa labas." At wow,
tawag eksena talaga sila. Naiinis ako.

"Anong meron? Tsaka san nyo ba ako dadalhin?" Sumama na lang ako sa kanila para
wala ng eskandalong mangyari. Nakakahiya kasi kapag umeksena ako dito at nalaman ng
mga tao kung sino ako at ang mga taong 'to. Kasiraan pa yun sa company namin at
malamang patay ako kay mommy.

"Sa mansion po, iniintay po kayo ng parents nyo." Bumungad ang black limo at lantad
lang naman ang logo ng company namin sa unahan. Nakakahiya talaga 'to. Kulang na
lang takpan ko ang mukha ko. Ayoko ng ganitong buhay. Gusto ko simple lang.

Binuksan ng isa sa body guards ang door ng car at pumasok ako sa loob ng walang
imik. Hindi din naman kasi magsasalita 'tong mga 'to kapag kinausap mo. Ang reason
nila? Bawal makipag-usap o makipagkwentuhan sa anak ng boss. Balik mabait mode na
naman ako. Yung dating ako nung hindi ko pa nakikilala si goon. Ang laki na rin
pala ng pinagbago ko. Ah hindi, nailabas ko lang pala yung totoong ako. Pero ngayon
dahil gusto kong maging maayos ang lahat kelangan kong sumunod. AYokong isipin ng
parents ko na bad influence si goon dahil hindi yun totoo.

Pagdating namin sa mansion daig ko pa ang anak ng presidente ng bansa. Ganito lang
naman sa bahay kapag nandito ang parents ko. Pumasok kami sa living room at nandun
ang mga magulang ko na akala mo may party na pupuntahan dahil todo bihis pa. Si
mommy nakaalahas pa at nakaayos pa ang buhok nasa bahay lang naman.

"Lady Ember nandtio na po sya." Narinig kong sabi nung isang body guard kay mommy.
Tumingin sya si mommy sa'kin at tumayo.

"There you are princess." Papalapit sya sa'kin na nakaopen ang two arms para sa
isang hug.
"Mom kelan pa kayo dumating?" nakasimangot kong sabi.

"Aren't you glad to see us here?" pagbibiro ni mommy. But actually tama sya, kung
dati masaya ako na nandito sila ngayon hindi na. Kasi nahanap ko na yung happiness
na matagal ko ng iniintay.

"Of course I am happy. But next time wag nyo naman akong ipasundo ng ganun kasi
daig ko pa ang anak ng presidente." I hug my mom back and humiwalay din ako.

"Anak ka naman talaga ng presidente princess." Nakangiting sabi ni papa.


"Presidente nga lang ng AGC." Namiss ko 'to si papa eh. Di hamak na mas sweet sya
kesa kay mommy kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit. Pero
ayokong tinatawag nila akong princess after nung pang-aasar ni goon sa'kin na
kamukha ko daw yung princess na maid ng kapitbahay nila.

"Si papa talaga. Ayoko ng ganung treatment. Gusto ko yung simple lang. Yung parang
ordinaryong tao." sabi ko kay papa habang nakayakap sa kanya at nakaupo kami sa
sofa.

"But you're not an ordinary one. Special ka not only to us but to our company as
well." Okay kung hindi mo sasakyan ang sinasabi ni mommy malamang magdamag na naman
nyang babanggitin ang business namin. TUmingin ako kay papa at nagnod lang sya.
Ibig sabihin nun umagree na lang ako to avoid discussion.

"I know mom. Kasi hindi ordinaryo ang parents ko especially my papa. He's a
superhero." Niyakap ako ng mahigpit ni papa at nagtawanan lang kami.

"Anyway, you'll be staying here with us habang inaasikaso namin ang debut mo.
According sa planner dadating sila mamaya kasama ang gagawa ng gowns mo. So magdiet
ka, ayokong tumaba ang prinsesa namin sa pinakaspecial day nya." Tumayo si mommy.
"Nasa office lang ako if you need anything. Kelangan ko pang ireview ang ilang
proposals."

"Mom, kadarating nyo palang. Pwede bang magbreak muna kayo from work?" humarap
sa'kin si mommy. Kung hindi ko sya mommy malamang matatakot talaga ako sa kanya. Si
papa nga takot sa kanya yung ibang tao pa kaya. Meron kasi syang aura na
napakaauthoritative, powerful at nakakatakot.

"Nandyan naman ang papa mo. You know time is gold for me and I can't waste any,
right?" tumalikod sya at umakyat na sa taas papunta sa office nya.

"Pa, naging masaya na ba si mommy kahit minsan?" tumingin lang si papa sa'kin ng
diretso.

"Oo naman, nung dumating ka sa buhay namin." Hinalikan ako ni papa sa noo at
tumingin sa malayo. Parang hindi naman ako naniniwala. Parang hindi naman ata sila
masaya ni mommy. Parang may something na dati hindi ko napapansin pero ngayon
nakikita ko na.

"Princess magpapahinga lang si papa ha. Masyado kasi akong napagod sa byahe. But
don't worry makakapagbonding tayo sa ibang araw. Nandito naman kami until your
birthday. Isa pa susunod din ang kuya mo at si Fran." Napangiti naman ako ng
marinig kong magkasamang uuwi si kuya at ate Fran dito. Siguro special nga talaga
yung birthday ko dahil magkakasama-sama ang lahat ng pinakamahalagang tao sa buhay
ko, lalo na ang pinakamahal kong tao - syempre si goon. Wait a minute speaking of
goon hindi pa pala kami nagkakatext. Kamusta na kaya sya?

Kinuha ko ang phone ko at tinext ko sya kahit alam kong nagpa-practice sya.

Hey handsome, you know this gorgeous lady here misses you so much! And oh, she told
me she loves you more than anything! Holler back okay? <3

Minsan lang akong maging mabait kaya okay na yan. Alam nyo naman ang lambingan
namin parang world war 4.

After ng ilang hours ang daming dumating na tao sa bahay. Feeling ko nga debut ko
na. Nag-uusap sila ni mommy at may pinapakitang iba't-ibang cakes, souvenirs, pati
gowns at may mga samples pa ng tela. Feeling ko kasal ang inaayos nila at hindi
debut. Tapos 'to namang nagsusukat sa'kin di na natapos. Pati ba naman shoes at
accessories pinaplano din?

"Sweety, darating na din yung SPA Service ha." Sabi lang ni mommy at tuloy lang
ulit sila ng pag-uusap nung planner.

"Are you excited? Sobrang yaman nyo talaga." Sabi ni Jovanni. Ang pinakakilalang
fashion designer sa France. "Alam mo bang doble ang ibabayad sa'kin ng mommy mo
para lang marush ang gowns mo. Blessing ka talaga sa lahat. Mabuti na lang babae
ang sumunod sa panganay nya."
Ngumiti lang ako. "Ewan ko ba kung bakit lalaki pa ang inampon nila mommy nung una.
Pwedeng babae na naman agad." Tumingin ako kay Jovanni, mukhang may sasabihin pa
sya kaya lang naramdaman ko ang isang malakas na presensya ng mommy ko. Alam nyo
na, bawal makipagkwentuhan sa anak ng boss. Kesa malait pa ang mga kumakausap
sa'kin di na lang ako iimik. Sasabihin pa ni mommy na binabayaran sila para gawin
ang trabaho at hindi makipagkwentuhan. Oh di ba ang sakit lang.

Ilang araw na lang birthday ko na at kung anu-ano na ang pinapagawa ni mommy. Pina-
home spa nya ako. Pinawax ang buong katawan ko. Pinabawasan ang buhok ko at
pinatreatment. Pinakulayan ko na rin. Actually sabay pa kami ni goon na naging
busy. Busy sya sa pagpapractice at ako naman busy sa preparation for my birthday.
Di bale magkikita naman kami sa practice ng cotilion.

Sa dumaang weekend hindi kami nagkita ni goon at miss na miss ko na sya. Tapos
kinausap pa ni mommy ang chancellor na di muna ako makakaattend sa school so ipa-
take home na lang lahat ng lectures. Syempre wala namang magagawa ang chancellor sa
mommy ko. Ang ayoko lang eh baka isipin ng mga taga school na kaya ako
nakapagadvance class eh dahil sa mommy ko, sa influence nya. Actually di naman alam
ni mommy na nagadvance class ako.

Tatawagan ko na sana si goon ng magring ang phone ko at pangalan nya ang nakita ko.
Tumalon lang naman ang puso ko. Kulang na lang tumili ako sa kilig. Mabuti na lang
nandito ako sa room ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako sumagot.

[Nasaan ka? Kanina pa ako dito sa harap ng bahay mo at parang wala namang tao. Ang
aga-aga ko dito dahil miss na miss na kita tapos parang wala ka naman dito!!
Papatayin mo ba talaga ako?]

Pwedeng kiligin? Napahiga ako sa kama at napakagat sa unan. Pagtripan ko kaya 'to?
Hahaha

"Who's this?" iniba ko yung boses ko.

[What the f&ck! Anong who's this? Di mo na ba ko mahal?]

Oh my gosh, yung buong mukha ko ata kulay red na. Nakakatuwang marinig yung boses
nya na ganito. Parang desperado na. Pigil na pigil pa rin ang tawa ko.

"Don't you dare talk to me like that!! Don't you know who I am? I'm Alexa's mom!!!!
Are you his boyfriend?"
Medyo hindi agad nakapagsalita si goon. Siguro nagulat sya.

[So - sorry po. Ka - kasi po miss ko na yung a - anak nyo at hi - hindi ko po a -


alam na kayo yan. Ganito lang po ka - kami mag-usap. At wag nyo pong sabihing
hiwalayan ko sya ka - kasi hindi po ako papayag. Mahal na mahal ko po ang anak
nyo.]

"OMG! Di ko na kaya! I love you too!!" napasigaw ako dahil di ko na kinaya ang mga
sinasabi nya.

[Buwisit ka talagang aswang ka!!! Muntik na kong atakihin sa puso!! Akala ko mommy
mo talaga yun!!!!]

"Ako din kaya muntik na kong atakihin sa puso. Atakihin sa sobrang kilig." Yakap ko
yung unan ko at pinagsisipa ko na yung ibang unan sa bed.

[Leche!! Alam mo bang - na - natakot ako!! Bad shot na ko sa kuya mo nung una at
ayokong pati ngayon!!!]

Ooops! Sobra na ata yung ginawa ko. Mukhang nagalit talaga sya. "Wag ka nang
magalit. Kasi kahit naman gawin ni mommy yun hindi din ako papayag. Sinisigurado ko
sa'yo na hindi ka lalaban mag-isa. Kasama mo ako." Ewan ko ha, pero pakiramdam ko
nakangiti sya. Feeling ko lang. "May practice mamaya kaya magkikita na tayo. At
kapag walang tao bibigyan kita ng power kiss at giant hug!!"

[Kahit may tao pa yan basta kapag gusto ko gusto ko!!]

"Siraulo ka talaga!! Sige na. Pumasok ka na, home study ako ngayon eh. Daming
lectures, pati postures at mga kaartihan pinapagawa sa'kin. Dapat maayos na daw
akong kumilos kasi dalaga na ko."

[So magiging aswang ka na talaga? Di ba ganun daw yun? Kapag 18 na nagbabago na ng


anyo!!] Natatawa sya habang nagsasalita. Medyo nainis ako pero mabuti na lang mas
lamang yung kilig.

"Oo. At ikaw ang una kong kakainin!! Rawr!"


[I'd love that!] at nagtawanan kaming parehas ng biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Nakakainis. I have to go. Mukhang nandito na naman yung magtuturo ng posture


whatever! See ya later and I really miss you!! Wag kang magbabae kundi di kita
isasali sa cotillion ko!!"

[Babae? Kelan ba ko nagkainteres sa babae. Ikaw na lang ang patunay! Lalaki ka di


ba?]

"Mabuti na lang mahal kita dahil kung hindi - "

[Ano? Magpapacute ka sa'kin?] magsasalita na sana ako pero nagsalita ulit sya. [And
I miss you more. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng mamahalin ko ng totoo.]

"So yung iba pwede mong mahalin ng peke?"

[Ang galing mo talaga!]

"FLINT MALIFF!!!"

[Joke lang! Syempre hindi! Suntukin ko pa silang lahat kahit babae sila.]

"Mabuti na yung nagkakalinawan. Sige na."

[I love you, now and forever! Hanggang sa huling hininga ko.]

"Ako din. I love you so much. Hanggang mamatay ako." At ibinaba ko na ang phone ko.
Totoo yun, hanggang mamatay ako si goon na lang ang mamahalin ko. Kung hindi lang
din sya ang makakatuluyan ko mabuting mawala na ko sa mundo.

"Young lady nandito na po ang tutor nyo. Magsisimula na daw po kayo." Narinig kong
sabi ng kumakatok kung sino man sya.
"Sige susunod na ko." Bumangon ako at humarap sa salamin. Inayos ko muna ang sarili
ko. Bakit ngayon ko lang naramdaman na ang hirap pala kapag nandito si mommy? Kasi
naman haharap ka lang sa tao kelangan naka-todo make up at ayos ka pa. Samantalang
dati nagkukusa pa akong mag-ayos para maimpress sila. Iba na kasi ngayon, di ko na
kelangang magpapansin sa kanila kasi meron ng pumapansin sa'kin.

********************************

ZAK'S POV

Kating-kati na 'tong mga paa ko sa paglabas ng klase para magpunta dun sa practice
para sa debut ni aswang. Pero kinakabahan din ako. Kasi paano kung nandun yung
parents nya. Kuya pa nga lang nya di na boto sa'kin nung una palang. Mabuti na nga
lang at nagawan ng paraan pero siguradong sinabi nya yun sa parents nila kaya
malaking problema. Di bale hindi naman ako gagawa ng gulo para hindi kami magkaron
ng problema ni aswang, ng aswang ko. Damn! Nagiging baduy na din ako tulad nung Val
na yun! Kapag namimiss pala ganito. Parang kapag nakita ko si aswang hahablutin ko
na lang sya at hahalikan kahit sobrang daming taong makakita. Kaya lang kelangan
kong magpagood shot. Tandaan mo Zak nandun ang parents nya.

After ng klase nagkita-kita kami ng Sterke Geest plus Jezhi sa parking lot. Sabay-
sabay na kaming pupunta sa location nung practice. Nagkotse kami ngayon kasi yun
ang napag-usapan. Ayaw kasi naming magmukhang goons ang dating at baka palayuin
sa'min si aswang.

"Zak alam mo ba yung exact place?" tanong ni Tuck.

"Sundan nyo na lang ako." Tumango lang sila at pumasok na din sa kotse.

Kinakabahan ako na ewan. Yung pakiramdam nung hindi pa ko naamin kay aswang. Yung
parang aatakihin ako sa puso kapag nakikita ko sya. Nerbyos ba 'to o excitement o
basta! Mahirap magexplain. Di nyo din naman magegets.

Medyo may kalayuan din from school yung place kung san daw magpapractice pero
dumating naman kami on time nga lang. Pagpasok namin sa isang mala-palasyong lugar
nakita ko si aswang na kinakausap ng isang bading. Parang tinuturuan syang bumaba
ng hagdanan. Nakakatawa, parang bata lang? Bababa lang ng hagdanan dapat itinuturo
pa. Teka, parang may nag-iba kay aswang! Bakit parang - para syang anghel ngayon.
Nag-iba ang kulay ng buhok nya at nakamake-up pa sya. Ang ganda ng ayos nya ngayon.
Pakiramdam ko tuloy debut na nya. Paano pa kaya sa birthday na nya mismo? Grabe
gusto ko syang lapitan sa taas at sabihing ang ganda nya. Oo, parang ngayon ko lang
sasabihin yun ng walang halong pang-aasar. Kung titingnan sya ng lahat talagang
mahuhulog sa kanya. Ang amo-amo ng mukha pero kapag ako na ang kausap nagiging
halimaw sya.

"I can't believe na ganito pala kayaman sila Lex. Mas mayaman pa ata 'to kesa kay
Tuck eh." sabi ni Rich habang tinitingnan ang paligid. Well ang mga babae sa
paligid.

"Hindi natin alam na ganito sya kayaman kasi hindi naman sya nag-aayos ng tulad
nyan." Sabay turo ni Luke kay aswang na naglalakad pababa ng hagdanan.

"Ay naku, di nyo pa talaga kilala si sis no? Ganyan sya mag-ayos kapag nandyan ang
parents nya. Pero kapag wala, yung Alexa na kilala natin ang nalabas kasi yun yung
totoong sya. Mabuti nga at medyo lantad na sa iba yung ugali nya at di na nya
kelangan masyadong magtago." Sabi ni Jezhi, naglakad sya para lapitan si aswang.
Grabe pwede naman pala syang lapitan sana nauna na ako.

"Dude ang swerte mo pala kay lady ghost. Wooooooo!" pang-aasar ni Val sa'kin. Hindi
ko sya makutusan dito dahil baka may makakita, sabihin basagulero ako. Well medyo
totoo namang may pagkabasagulero ako. Nung nasa Hemsworth pa nga kami madalas
kaming makipagramble, kasi naman medyo bata pa kami nun. Iba na kasi ngayon, gusto
na namin yung ganitong buhay, tahimik,masaya at pinagkakaguluhan. Dati kasi
pinagkakaguluhan na kami at kinakatakutan at the same time. Sa Stanford naman kasi
walang idea ang mga tao dun na may pagkabasagulero kami.

Nakita kong tumingin si aswang sa'kin at kumaway kaya naman kumaway din ako at
ngumiti. Papalapit sya sa'min at para akong aatakihin sa puso.

"Relax dude, parang kinakabahan ka ah! Si Lex pa din yan, ang nag-iisang lady ghost
ng Sterke Geest." Tinap ako ni Tuck sa balikat. Wala naman akong reaction dahil
tinitingnan ko lang si aswang habang papalapit sa'min.

"Hey." Nakangiti nyang sabi sa'kin. Damn! Ang ganda nya, pakiramdam ko kumukutitap
ang mga mata nya. Iba yung ngiti nya.

"Bakit ganyan ang ayos mo?" tanong ko sa kanya para maiwas lang ang pagtingin nya
sa'kin. Tiningnan nya ang sarili nya at tsaka ulit tumingin sa'kin. Nawala ang
ngiti sa mukha nya.

"Anong mali sa ayos ko? Hindi ba ako maganda? Wow ha, ikaw lang ang nagsasabi
nyan!" umirap pa nga. Naasar na naman sya. Mas okay yung naasar sya, hindi ako
naiilang kesa naman para akong aatakihin sa puso sa kaba.
"Sinabi ko bang may mali? Na panget? Tinatanong ko lang!! Dahil kanina pa
nakatingin yung mga lalaki sa'yo dun!!" sabay turo sa apat na lalaking nag-uusap sa
may tapat namin.

"Siraulo ka talaga! Mga pinsan ko yan, I mean second cousins. Kakauwi lang nila
from France. Kaw talaga selos ka agad. If I know lalo kang na in love sa'kin ng
makita mo kong nakaayos." Tumatawa nyang sabi.

"Nagpaganda ka lang talaga para sa'kin kasi natatakot kang palitan kita." Inaasar
mo ko ha patay ka sa'kin.

"Oh? Ganun? Ako ba ang dapat matakot? Tandaan mo, 18 lalaki ang sasayaw sa'kin, isa
dun si papa at yung apat mga pinsan ko. Paano na yung iba? Gusto mo bang subukan
kung hindi sila magpapacute sa'kin?" She folded her arms over her chest. Buwisit!
Ako pa nga ang naasar.

"Susuntukin ko naman sila isa-isa. Wala na kong pakialam kahit nandyan ang parents
mo!!!" at nagtawanan naman kami.

"Alright everybody position na! Lapit na kayo dito!" sabi nung bading. "Okay
hiwalay ang girls sa boys ha."

Hindi pa nga kami nagkakausap ng matagal ni aswang pinaghiwalay na kaagad kami.


Sana nama magkachance na makapag-usap kami mamaya. Mas lalo ko syang namiss ng
makita kong sobrang ganda nya ngayon.

"Sweetheart sino bang kapartner mo sa mga gwapitong ito?" tanong nung bading kay
aswang.

"Syempre yung pinakagwapo sa kanilang lahat." Tumingin sya sa'kin at nagwink. Bigla
naman akong nahiya.

"Oh meaning si papa Channing?" lumapit yung bading dun sa isang mistisong hilaw.

"Not him!" lumapit sa'kin si aswang at hinigit ako. "Him! My boyfriend." Tumingin
sya ulit sa mga lalaki. "And yes I am taken." Wow, ang sungit ha. Hindi ko na pala
kelangang pataubin 'tong mga 'to dahil kay aswang palang taob na sila.

"I see. Okay dun na kayo sa mga gusto nyong partners kung may iba pang magjojowa
dito. Magpapalit-palit din naman yan mamaya."

Nakatingin lang ako kay aswang habang nagpapractice. Mabuti na lang din at kami ang
magkapartner, nahahawakan ko sya sa kamay at nayayakap ko pa sya.

"What?" parang naiinis nyang sabi.

"Bakit ang sungit mo?" inayos ko ang buhok nya na kasayad na sa cheek nya.

"Kasi naman epal lagi yung Channing na yun! Akala nya ba gwapo sya? Akala nya ba
ipagpapalit kita sa kanya?" Nakakainis, kinikilig din pala ang mga lalaki. Parang
gusto ko ng lumabas dito at kidnapin si aswang para makapagsolo naman kami.

"Relax. Alam mo naman kung sinong pinakagwapo di ba? Nasisira ang beauty mo eh. Ang
ganda-ganda mo pa naman ngayon." Nagwink ako sa kanya.

Sasagot pa lang sya biglang sumigaw yung bading. "Okay switch partners, clockwise
in three, two and one."

Ayokong humawak ng ibang babae bukod kay aswang at ayoko ding may hahawak sa
kanyang iba. Titiisin ko'to para hindi masira ang birthday nya.

After ng mahaba-habang practice na paulit-ulit natapos din kami. Sa isang araw na


pala ang birthday nya. Dapat pa kaya akong magregalo?

Nag-uusap-usap kami nila Tuck ng bigla akong nakaramdam na may yumakap mula sa
likuran ko. "Pwede ko bang mahiram ang handsome guy na 'to?" pagtingin naming lahat
si aswang pala.

"Sige na. Mababaliw na yang si Zak kapag di pa kayo nag-usap." Natatawang sabi ni
Rich.
"Thank you boys! Ang hot nyo talaga." At nagwink pa sya sa kanila.

"Kaw din Lex, ang hot mo ngayon." Nagtawanan pa ang mga ungas. Tiningnan ko sila ng
masama, warning yun na patay sila sa'kin mamaya.

Umupo kami ni aswang sa couch. Nakasandal sya sa balikat ako habang naakbay ako sa
kanya. Ang sarap sa pakiramdam.

"Hay grabe, ang tagal kong hinintay 'to. Sana matapos na yung party para naman
mabalik na sila mommy sa France o kung saan man ang next destination nila." Yumakap
sya sa'kin ng mahigpit at ayoko nang bumitaw sya.

"Kahit ako naman gusto ko na ding umalis sila. Kasi naman di kita makita kapag
gusto kitang makita. Para na nga akong baliw. Yung pakiramdam na addict ka tapos
biglang tumigil sa pagda-drugs." Biglang napatingin sa'kin si aswang.

"Nagda-drugs ka? Paano mo nalaman yung ganung pakiramdam?" gulat na gulat nyang
sabi.

Hinawakan ko sya sa ulo at napatawa ako. "Masyado ka namang seryoso. Hindi no, ikaw
yung drugs. Binabasag mo ang trip ko eh." Napatingin ako dun sa mga lalaking nag-
uusap kasama yung lalaki kanina, ano nga ulit yung pangalan nun? "Bakit tingin ng
tingin dito yun si Taning?"

"Taning? Ano mamamatay lang?" sabi ni aswang sabay tingin sa direction na tinuro
ko. "Ah, Channing! Ano't Taning. Kahit kelan ang engot mo talaga sa names."

"Pangalan mo lang ang kaya kong tandaan no!" niyakap ko sya at yumakap din sya
sa'kin.

"Naiinggit lang yang mga yan. Feeling kasi nila magkakagusto ako sa kanila."
Natatawang sabi ni aswang. Maya-maya may lumapit sa'ming babae.

"Pinapatawag po kayo ni Rishielle." Nagnod lang si aswang at nagsigh.

"Sino daw?" malay ko ba kung lalaki yung nagpapatawag sa kanya.


"Yung nagtuturo ng sayaw sa'tin. Bading yun okay? Babalik ako, wait lang."
hinalikan nya ako sa cheek at tumayo sya agad. Nakita kong kausap sya nung bading
at tinuturo si Taning. Aba't nagpapa-cute pa talaga 'tong lalaking 'to ah. Sasamain
'to sa'kin paglabas kapag di sya tumigil.

Tama pala talaga si aswang, kahit sinong lalaki magpapacute sa kanya. Bakit ganun?
Dati naman wala akong pakialam, I mean wala ako masyadong takot pero ngayon sa
nakikita ko mayayaman lahat ng nandito, ako lang ata ang hindi. Dapat hindi ko na
iniisip yang mga ganyang bagay ngayon. Si aswang lang ang dapat kong isipin, dahil
sya tanggap nya kung ano ako at ipinaglalaban nya ko.

Nakita ko ulit pabalik na si aswang sa'kin. Ang ganda ng ngiti nya. Pagkalapit na
pagkalapit nya sa'kin nagwink sya. "Excuse me handsome, pwede bang makiupo sa
tabihan mo?"

"Sure sexy." Magsasalita pa sana ako ng biglang nagulat ako sa nagsalita mula sa
likuran namin.

"Alexa!" napatayo naman si Alexa bigla at napatingin sa likuran namin.

"Mommy." Parang bigla syang natense. "I thought nasa meeting kayo?"

"Kakatapos lang. Dumaan na ko dito para tingnan ang buong venue at ayusin ang dapat
ayusin. I want your day to be extra special." Mukha naman palang mabait ang mommy
nya eh. Nakita kong lumapit kay aswang ang mommy nya dahil nakatingin ako sa floor.

"Thanks, mommy. And I want you to meet someone." Hinigit ako ni aswang. Damn! Di
ako prepared sa ganitong scene. "Mom, this is my boyfriend, Zak Ma - "

Nagulat ako ng makita ko sa personal ang mommy ni aswang. "Flint." Dugtong ko bago
pa matapos magsalita si aswang. Tumingin si aswang sa'kin at parang naguguluhan
sya.

"Zak Flint? Never heard that name before, so tell me anong business ng family mo?"
ayokong magsinungaling pero alam kong hindi rin maganda kung magsasabi ako ng
totoo.
"Mommy? This is not the right time to talk about business. Kahit minsan naman,
kahit para lang sa birthday ko wag muna kayong maging workaholic." Yung itsura ni
aswang parang nagpapaawa. Parang mabait na hindi ko maintindihan. Hindi sya nasigaw
at kalmado lang sya.

"Okay sweety, but I want to know more about your boyfriend." Papaalis na sya ng
bumalik pa ulit. "And the practice is over, pwede ka ng umuwi. Nasa labas na ang
sasakyan."

"Mom?" parang dismayadong sabi ni aswang.

"Don't mom mom me!" narinig kong sagot ng mommy nya habang kinakausap ang kung
sino-sino mga kasama nya. Ang dami nyang body guards. Para lang syang presidente ng
bansa. Bigla akong nakaramdam ng panliliit.

"Sige na, sundin mo na ang mommy mo. Uuwi na rin naman ako." Naglakad ako papalabas
at pinigilan nya ako.

"Is there something wrong? Bakit bigla kang naging ganyan?" tiningnan ko sya at
parang bigla ko na lang naisip na isa syang bituin na mahirap abutin.

"Wala. Ano ka ba? Siguro pagod lang 'to sa practice. Don't worry, I'm fine."
Pinilit kong ngumiti kahit parang nasasaktan na ko. Hindi ko alam pero parang
pakiramdam ko may darating na problema sa'ming dalawa. Problema na baka maliit lang
yung chance na malampasan namin.

Hinigit ako ni aswang. "5 minutes only. I need to talk to this guy." Sabi nya sa
mga body guards na kasama nya. "Dyan lang kayo at wag kayong susunod. Wag nyo ring
sasabihin kay mommy kung nasaan ako or else ipapatanggal ko kayo sa trabaho." Wow,
ang tapang talaga nya kahit kelan.

Lumabas kami at nagpunta sa garden. Walang tao dun at pumwesto kami sa likod ng
malaking fountain. Hindi naman sya nakabukas so hindi kami mababasa. "I want you to
think positive. Alam ko kung anong inaalala mo. Wag mong maliitin ang sarili mo
dahil hindi ka lang basta-basta." Hinawakan ako sa pisngi ni aswang. Ramdam na
ramdam ko ang init ng palm nya kaya hinawakan ko rin yun.

"Hindi ko maiwasang hindi yun maisip. Hindi ko matanggap na dahil hindi ako mayaman
hindi na ko pwedeng maging masaya." Umiiling lang si aswang habang nag-uusap kami.
"No! It's not true! Lahat pwedeng maging masaya, kahit mahirap ka o mayaman ka.
Ayokong isipin mo yan. Nasasaktan ako! Gusto mo ba kong nasasaktan?" biglang
pumatak ang luha nya. "Kasi - kasi kung ganyan ka paano na lang tayo? Isusuko mo na
lang ba ako ng ganun-ganun lang?"

"Hindi! Hindi yan totoo!" pinasan ko ang luha nya.

"Anong hindi? Bakit nararamdaman ko na kapag nagkaron tayo ng problema susuko ka


kaagad. Wala pa nga tayo dun sa ganung sitwasyon." Umiyak sya a dibdib ko at
niyakap ko lang sya. Para akong pinapatay habang umiiyak sya. Hindi ko kaya, hindi
ko kayang maging ganito kami.

"Shhhh. Ayokong umiiyak ka." Tiningnan ko ang mukha nya at pinasan ko ang mga luha
nya. "Kaya naman kitang ipaglaban kaya lang kung payamanan lang din ang labanan
wala akong panama. Pagwapuhan lang ang kaya ko." At bigla na syang napatawa. "Ayan,
mas maganda ka kapag nakatawa ka."

"Siraulo ka kasi. Mayaman ka din naman ah, mayaman sa pagmamahal. Isa pa hindi ka
naman mahirap, nagkataon lang na mas mayayaman yung mga panget sa paligid." At
nagtawanan na kaming dalawa. Tinitigan ko syang maige. "Pwede ba wag mo nga kong
titigan na parang di na tayo ulit magkikita."

"Namiss kasi kita." Hinigit ko sya papalapit sa'kin. "Hay aswang ka. ANo na lang
ang mangyayari sa'kin kapag nawala ka?"

Umiling sya. "Hindi ako mawawala sa'yo. Pangako ko yan. Hindi ako papayag kaya wag
mo naman akong isuko ng ganun-ganun lang. Kahit dumating tayo sa point na gasinulid
na lang ang chance natin wag ka pa ring susuko. Ngayon lang ako maninindigan ng
ganito sa buong buhay ko, at lahat yun para sa'yo."

Hindi na ko na ko nakapaghintay at hinalikan ko na sya. Ang ilang araw na hinintay


ko na gawin, hindi ko na pinalampas. Ang mga labing 'to na hinahanap-hanap ko,
hindi ko kayang mawala. Hindi ko sya kayang mawala. Lumayo ako sandali sa kanya.
"Pangako, kahit tutukan pa ko ng baril ng pamilya mo lalaban ako. Basta alam kong
hindi ka susuko para sa'kin marami akong dahilan para lumaban."

"Tama na nga yan. Kung mag-usap tayo parang meron na talagang problema. Wala tayong
problema, don't worry ibi-build up kita sa mommy ko." Hinawakan nya ko sa ulo.
"Kaya pwede ba halikan mo na ko ulit bago pa ako humanap ng ibang hahalik sa'kin
dyan sa loob."
I pulled her closer to me. "Yan ang wag na wag mong gagawin. Dahil baka rapin kita
sa harapan ng mga taong yan para di ka na nila gustuhing halikan."

"Ang perv mo!" hinampas nya ko sa cheek. "But I might like the idea." Then I kissed
her. A passionate kiss na nakakapagbaliw sa'kin. Nawala lahat ng nararamdaman kong
worries dahil sa halik na 'to. Hinding-hindi ako matatakot, hinding-hindi ako
susuko. Para sa kanya gagawa ako ng paraan. Kelangan kong manalo ng marami pang
laban. Kelangan ko ng maraming pera. Gagawin ko ang lahat para lang maging
deserving ako para sa aswang na 'to. Para sa kanya lang ako at wala ng iba.
Ihahanda ko na ang sarili ko sa mga susunod na mangyayari. Ngayon pa, ngayong
nakita ko na sa personal kung sino talaga ang mommy ni aswang. Sana kayanin ko,
sana kayanin namin.

A/N

Sa lahat ng nakaintindi sa pagiging busy ko sa paggawa g narrative thank you so


much. :) Malapit na ang graduation pero may review naman so siguro hindi naman
ganun mapapatagal ang paguUD lalo na ngayong malapit na tayo sa mga magagandang
mangyayari. :) So please comment, vote and follow nyo na rin ako. Hahaha. Para
maging updated you can also follow, add and like the following:

FB Page: Perfect Haters by megladiolus


FB Group: Perfect Haters Family
My Facebook account: Mela Brio
FB Accounts of FCs yung mga name lang din nila dito sa PH
My Twitter: @Official_Mela_B
My Instagram: @itsmelabrio

*******************************************
53

*******************************************
18th Birthday Part 1

ALEXA'S POV

This is it! The moment of truth. Oo, ang kaartihan na gusto ng parents ko for me.
Nandito ako ngayon sa room sa isa sa mga hotels namin. Ang pinakamalaki at
pinakakilala naming hotel ang venue ng debut ko. Bakit dito? Para lang naman
ipakita ng parents ko kung bakit dito dapat magcelebrate ang mga business partners
nila ng mga special events. Kakaiba kasi 'tong hotel namin, parang palasyo ang
style. Mahaba na malawak at mataas. Pagpasok mo palang ng lobby para ka ng nasa
isang kaharian. Pero di ko feel dito, lalo naman ang suot ko. Suot ko ngayon ang
isa sa mga gowns ko na pinatahi ni mommy at ang una kong suot ay isang mala ball
gown na color gold. Medyo paballoon style na may mga raffles. Tube sya na halos
kita na ang kaluluwa ko. May mga sequence din sya na parang diamond. Nakaone side
lang yung hair ko tapos kinulot. Meron pa akong parang maliit na crown at ang shoes
ko eh glass mirror na ang style eh parang basag na salamin at hindi ko alam kung
gano 'to kataas pero isa lang ang alam ko, ang mga tinuro sa'king posture at ibang
way ng paglakad ay para sa sapatos na 'to. Para hindi ako gumulong pababa ng
hagdanan. And well nahihirapan lang naman akong kumilos sa gown na 'to. Sino ba
namang hindi mahihirapan eh halos tatlong dipa ang distance ng taong pwedeng
makalapit sa'kin and take note yun na yung pinakamalapit sa'kin. Kapag nanakbo nga
ako lahat ng madadaanan ko tatalsik eh. Buti na lang two door ang pintuan dito sa
room kasi kung hindi, hindi ko din alam paano ako makakalabas ng room na 'to.

"There you are sweety." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni papa. "Look at
you, you're so beautiful. I can't believe you're not my baby anymore." Lumapit sya
para ihug ako sa isang nakakailang na posisyon, ang hindi ko sya maabot ng maayos.

"Pa, I'm still your baby. Wala na naman kayong ibang anak ah." Pagbibiro ko sa
kanya dahil para na syang naiiyak. "OA mo pa, debut ko lang 'to at hindi pa kasal!"
I rolled my eyes.

"Are you ready princess?" napatingin ako kay mommy. Sabi ko na nga ba eh. Hindi sya
magpapatalo sa debutant, makikipagsabayan talaga sya para magpa-impress sa visitors
namin. Isang long black gown ang suot ni mommy at kitang-kita ang mga kumikinang na
diamond. See through ang likuran nya so parang harapan lang ang may cover. Meron
din syang maliit na clip na hat sa ulo nya na akala nya eh ikinabata nyang tingnan.
At wow ang slit ng gown ay malapit na sa kaibuturan ng kanyang kayamanan. Jusmiyo,
tinalo pa nya nga talaga ako.

"Mom, please stop calling me princess." Okay lang naman talaga dati sa'kin ang
tawaging princess, nung hindi ko pa nalalaman kung sino ang Princess na sinasabi ni
goon. Oh wait, speaking of goon, excited na kong makita ko sya.

"But you are our princess. Okay, I won't call you that kung ayaw mo pero get ready.
There are tons of young man waiting for you downstairs, kelangan mo silang makilala
lahat." Yung ngiti ng mommy ko na nagpapainit sa ulo ko. Yung parang nang-aasar.
Sabihin ba 'to sa'kin kahit alam nyang may boyfriend na ko!!

"Honey, may boyfriend na si Alexa and he's here tonight. Hindi naman ata
appropriate na mag-entertain sya ng ibang lalaki while he's around." Thank you
papa. Kung mayayakap lang kita ng maayos ginawa ko na, pero dahil sa gown ko na 'to
hindi ko magawa!

"I didn't say anything. Ang sabi ko lang dapat makilala nya hindi ko sinabing gawin
nyang boyfriend. And isa pa hindi pa sila kasal nung - " tumigil sya sandali, " - I
can't even remember his name, sorry sweety." Fake yung smile nya at hindi ko yun
gusto. Tumingin sa'kin si papa na parang sinasabing wag ko na lang intindihin.
"Hey hey hey!!!!!! Nandito pala kayo hindi nyo man lang ako sinabihan!!" napatingin
lahat kami ng pumasok si Kuya Geoff kasama si ate Fran. Sobrang ganda ng ngiti ko
at excited akong yakapin sya. "Oh my goodness princess, hindi kita nakilala. You're
so beautiful and sexy. Hindi kaya matakot si Zak tonight dahil for sure lahat ng
mga mata ng mga lalaki sa baba eh nakatingin na sa'yo. Wala naman sanang suntukang
mangyari." Tumatawang sabi ni kuya Geoff.

"Excuse me? Suntukan? Don't tell me war freak ang boyfriend mo Alexa." Hindi ko
alam ang sasabihin ko.

"Mom, I was just joking!! Cool guy si Zak. You should give him a chance. Kilalanin
nyo kaya sya, kung minahal sya ni Alexa eh di mas lalo na kayo." Nagwink sa'kin si
kuya at abot sa langit ang ngiti ko. With my papa and kuya sa tabi ko hindi ako
natatakot lumaban for my goon. Si mommy lang talaga ang problema.

"Kuya si mommy gusto pa kong magentertain ng ibang guys." Kumapit ako sa braso ni
kuya na parang nagsusumbong na bata.

Tumingin si kuya kay mommy.

"What? Am I always the bad guy here?" Itinaas nya ang dalawa nyang kamay.
"Unbelievable! Magready na kayo, the party is about to start." Tumalikod sya
palabas ng mapatingin sya kay ate Fran. "I'd be glad kung mabibigyan nyo na ko ng
grandson." At dumiretso na sya palabas. Hindi man lang sya ngumiti or what para
bumati kay ate. That's her own way of saying hello to her daughter-in-law.

"Don't mind her ate. She's always like that, the witch one." Then tumawa ako habang
papalapit sa kanya. "I'm so happy to see you. I can't even remember when was the
last time I saw you." Bata pa 'to si ate Fran, 18 years old ata sya nung nagpakasal
sila ni kuya. I can't imagine myself getting married at that age. Pero syempre
ibang usapan na kung si goon ang mapapangasawa ko. Kahit wala pa kong 18 go na.
Teka, may ikinakasal ba na minor? Hindi pa din yata kami pwedeng ikasal.

"I'm happy to see you too. High school ka pa ata nung last kitang makita but look
at you now. Lumaki kang maganda and I heard from your kuya masaya ka na din daw."
Medyo nagblush naman ako sa sinabi ni ate. Masaya naman talaga ako, lalo na ngayon.
Lahat ng mga importante sa buhay ko eh nandito sa party.

"Pasensya na po sa istorbo, pero kelangan nyo na pong bumaba at nagsisimula na po."


Sabi ng planner sa mga kasama ko sa loob ng room. Feeling ko talaga hindi debut 'to
kundi kasal.
"See you later." Sabi ni papa sa'kin. Tinap lang naman ako sa balikat ni kuya at
nagwave naman sa'kin si ate Fran. Sabay silang lumabas ni kuya pero hindi naman
sila nag-uusap. Kelan ko kaya sila makikitang sweet sa isa't-isa.

Naririnig ko ng nagsasalita ang emcee sa baba. Pinapakilala ata ang mga guests, at
hindi ko naman kilala kung sino sila at bakit sila nasa party ko. Di ba dapat ang
debutant ang nagiinvite sa mga guests nya? May mga tugtog na din at naririnig ko
ding nagtatawanan ang mga tao. For sure yun ang audio-visual presentation ko from
infancy up to now. Kinakabahan ako, hindi dahil sa kung anong itsura ko kundi dahil
sa haharap ako sa mga tao dito bilang isang prinsesa ng aming pamilya at hindi
bilang isang baliw na alam ng iba.

Ayaw naman akong pigilan nitong make up artist. Kada minuto ata nireretouch ako.

"You're turn. Alalayan nyo." Sabi ng planner sa mga kasama namin sa room. May
naalalay sa gown ko pati sa'kin habang naglalakad. Ano disabled person lang
kelangan ng alalay? Ay naku kapag nakita ko talaga si Jiovanni patay sa'kin yun.
Paano ba sya nakakagawa ng ganitong klaseng gown.

"Ladies and gentlemen, the debutant, young lady Alexa Ciesla Andrade!" narinig kong
sabi nung emcee. Hindi ko naman inaasahan na mula dito sa itaas, sa kinatatayuan ko
halos nasa isang libo o mahigit pa ang mga tao dito. Nakita ko si papa sa may side
na naghihintay sa'kin, ang aking escort for tonight. Ayaw nya kasing pumayag na
hindi sya ang escort ko. Sya lang daw dapat ang lalaki sa buhay ko kahit hanggang
ngayong birthday ko na lang. Nasabi ko na din naman 'to kay goon at ayaw nya din
namang maging escort ko dahil ayaw nyang mapagusapan dito ngayon.

"Sige na po, bumaba na kayo. Yung tinuro po sa inyo." Sabi ng planner sa'kin.
Nakatutok sa'kin ang spotlight. Nakita ko rin sa big screen ang sarili ko, close up
pa. Halos lahat ata ng sulok may big screen. Hinanap agad ng mata ko sila goon.
Hindi ko sila makita dahil nasisilaw ako sa spotlight kaya naman bumaba ako ng
hagdanan dahan-dahan tulad ng itinuro sa'kin habang nakawak ako kay papa.
Nangmakarating ako sa gitna umupo ako sa parang couch na pang reyna. Kung ako nga
lang ang tatanungin ayokong umupo dito. Dun ko gustong umupo sa tabihan ng mga
taong kakilala ko. Iniwan ako ni papa at tumabi na kay mommy.

Nakangiti lang ako habang nagpapalakpakan ang mga tao. Sa dami nila naramadaman ko
ang isang tingin na tagos hanggang buto at nang mapatingin ako sa direksyon na yun,
naging tagos hanggang puso. Nakita ko si goon na nakatitig sa'kin. As in titig
talaga na medyo nakaopen pa ang mouth. Nagsmile ako then nagwink sa kanya kaya
naman parang nahiya sya. Ang gwapo nya sa tuxedo na suot nya. As usual black silang
lahat. Ang disente nyang tingnan ngayon, malayo sa goon na kilala ko. Hindi mo nga
mapagkakamalang sya si goon eh, yung goon na nanuntok sa kuya ko. Kahit ata sabihin
kong basagulero sya walang maniniwala kung ganyan ang ayos nya.
Habang nagtititigan kami ni goon hindi ko na namalayan ang mga nangyari. Nakita ko
lang na nakatayo na si mommy sa unahan at may hawak na mic. Teka, naluluha ba sya?
Grabe, ang galing talaga nyang artista. Hindi naman sa sinisiraan ko si mommy,
malay ko din naman kung naiiyak talaga sya o nakasinghot lang sya ng sibuyas sa
kinakain nya bago sya tumayo.

"I can't believe she's now eighteen, our little princess. Ang makulit na bata pero
sweet sa'min. Hindi nyo naitatanong si Alexa po nung bata pa eh masyadong bibo,
palagi nya kaming ginagaya ng papa nya every morning at sinasabi nyang gusto nyang
maging presidente ng bansa. Pinalaki namin syang masahin at masunurin. Maniniwala
ba kayo na ang dati kong anak eh hindi ganyan kaganda?" biglang nagflash sa monitor
ang picture ko nung high school. Isang chubby at boyish ang ayos.

"MOM!!!" sigaw ko sa kanya at napalingon naman sya. Halos lumubog na ko sa


kinatatayuan ko. Napatingin ako kay goon at nakita kong tawa sya ng tawa. Nag-uusap
pa sila ni Tuck. Mga loko-lokong 'to ano kayang pinag-uusapan at kinukulbit pa si
Luke.

"Pero ang batang ito ay isa na ngayong ganap na dalaga." Biglang nagflash ang
pictures ko, yung kanina lang nung inaayusan ako. Paano wala naman silang malalagay
dyan na recent talaga na pictures ko kasi di naman ako palakuha ng pictures kapag
nakaayos. Kapag trip ko lang magselfie, kahit ano pa ang ayos ko. Bagong gising man
o hindi. "Alam ko lahat ng mata ng mga kalalakihan dito nakatingin sa kanya. Isa
lang naman ang gusto ko para sa anak ko. Nasa kanya na ang lahat, ang ganda,
talino, yaman, attitude, isa na lang ang kulang - ang lalaking makakasama nya
habang buhay."

"MOMMY!!!!" hindi ko na talaga gusto ang sinasabi nya.

"Wala naman akong tutol sa gusto ng anak ko, basta kaya syang buhayin kung paano
namin sya binuhay for 18 years. Sya ang susunod na presidente ng AGC at sana may
alam din sa negosyo ang lalaking makakatuluyan nya para matulungan sya in the
future. Lahat naman ng ginagawa ko para sa kanya. Nabigyan ko na ng magandang buhay
ang Kuya Geoff nya at sya naman ang aayusin ko ang buhay."

"MOM MAAYOS ANG BUHAY KO!!!" konting-konti na lang at magwa-walkout na ko talaga.

"Nagagalit na ang princess ko sa'kin. Don't worry sweety, hindi pa naman kita
ipapakasal. Masyado pang maaga." Magsasalita pa sana si mommy ng agawin ni papa ang
mic sa kanya. Mabuti naman dahil konti na lang iiyak na ko. Napatingin ako kay goon
at hindi na sya tumatawa. Seryoso ang mukha nya at parang ang lungkot-lungkot. Sana
isipin nya lang ang mga pinag-usapan namin. Sana wag syang magisip ng masama.
Tatayo na sana ako para lapitan sya pero pinigilan ako ng usherette. Gawin ko kaya
syang ash? Epal masyado ha.
"Ang masasabi ko lang sayo sweety, gawin mo lang kung anong makakapagpasaya sa'yo.
Tulad ng sinabi ng mommy mo na sa'yo na ang lahat, kaya happiness na lang ang
kulang kumpleto ka na. Nandito lang kami lagi for you. Basta masaya ka, masaya na
rin kami. Alam kong hindi madaling lumaki ng wala kami to guide you everyday pero
nakita kong isa ka pa ring mabuting anak, kaya from me and from your mom, happy
happy birthday. We love you and we're always here for you." Nagwink sa'kin si papa.

"I love you too papa." Nagflying kiss naman ako sa kanya. Mukhang hindi masaya si
mommy sa mga sinabi ni papa dahil nakasimangot sya at may ibinubulong pa. Nung
mafocus ang mukha nya sa big screen bigla syang ngumiti. Bakit hindi na lang kaya
sya nag-artista, ang galing nya ding maging plastic.

"Toast in honor of my princess!" sabi ni papa sabay taas ng cocktails. Ganun din
naman ang ginawa ng mga guests.

"Now may we hear what our debutant has to say." Bakit parang hindi ata ako prepared
for this. Tumutok na naman sa'kin ang spotlight kasabay ng palakpakan ng mga tao.
Inalalayan akong tumayo ng usher para lumapit sa gitna. Isang maliit na stage na
parang pavilion style.

"Good evening everyone. Thank you for coming to my birthday. I wasn't really
expecting a huge birthday party like this." I said while glancing to the people
around me.

"She's joking. This is her dream birthday party kaya binigay namin. She's our only
daughter." Narinig kong sabi ni mommy sa katabi nya. Tiningnan ako ni mommy na
parang warning sa mga susunod ko pang sasabihin.

"To be honest, I don't know most of you, or half of you but I wanna welcome you
all. Sana magenjoy kayo sa party ko. This is not only for me, para sa inyo rin
'to." To impress you all, para makita nyo kung gaano kayaman ang mommy ko. Syemre
hindi ko yan masabi kasi hindi naman ako magsasalita ng ikakapahiya nila mommy,
hindi ngayong may boyfriend na ko. "I wanna thank my parents, sa love and support
nila sa'kin - financial support to be exact." Biglang nagtawanan ang mga tao.
Nakita ko si mommy na nakikitawa with matching explanation sa katabi nya.

Di ko na lang sya pinansin at nagsalita ako ulit. "Naiintindihan ko naman kung


bakit once a year lang nila ko nakikita, business. Halos nasa buong mundo na ata
ang business namin though hindi ko pa alam kung anu-ano yun. But for me, wala sa
business na yun ang happiness na kelangan ko. Bakit pa ko pupunta sa malayong lugar
kung nakita ko na dito ang happiness ko." Nakita kong umiiling si mommy, sign na
wag kong ituloy kung ano mang sinasabi ko. "To my beloved school, to our
chancellor, to my professors, to my classmates, thank you all for coming. Thank you
sa pagiging mabait sa'kin sa school." Tumingin ako sa pwesto nila goon. "Sa
bestfriend kong si Jezhi, ever supportive bff, thank you so much kahit na sobrang
dami mong ginawang kahihiyan sa buhay ko, mahal pa rin kita. Ikaw lang ang taong
nakasama ko for so long at ngayon iniisip ko paano ako nakatagal." Nagtawanan ulit
ang mga tao sa sinabi ko, kahit ako napatawa. "Sa mga hunks friends ko, ang Sterke
Geest!" biglang nagsigawan ang ilang mga babae na bisita ko, mostly from our school
at yung iba mga anak-anak na ang din ng mga bisita ni mommy. Sino bang hindi
sisigaw kapag nakita ang mga hunks na nandito. "Salamat sa pagdating sa buhay ko.
Sobrang masaya ako at nakilala ko kayo. You're the best." Nagtaas ng cocktail si
Tuck at tumingin sa'kin, gumaya din naman ang ibang Sterke Geest. " At sa nag-
iisang taong nagpapangiti sa'kin araw-araw, sa taong kalaban ko sa pagiging number
one, sa taong pinagkakaguluhan ng lahat, ang nag-iisang lalaki sa buhay ko. Proud
kong ipinikikilala sa inyo, ang boyfriend kong si Zak."

"Ano daw sabi nya? Hindi ko narinig." Napatingin ako sa mga tao at nagbubulungan.
Anong nangyari?

"Sorry young lady nagkaproblema yung sound system." Sabi ng isa sa mga crew.
Tumingin ako kay papa at nagshrug lang sya. Nawala din naman si mommy sa upuan nya.
Baka pinapaayos ang sound system. Inalalayan ako ng planner paakyat ulit sa taas
para daw magpalit ng panibagong gown.

"Sorry nagkaron lang po tayo ng technical problems pero okay na po sya ngayon.
Habang iniintay natin ang pagbalik ng ating debutant magpapalaro muna tayo." Nakita
ko si mommy na kinakausap ang ilan sa mga bisita nya. Parang may sinasabi sya or
parang sinusubukan nyang iconvince ang mga kausap nya.

Nakabalik na ulit ako sa room. Another dress na naman ang ipinasuot sa'kin. Isang
black-pink dress ang suot ko ngayon. Ito yung gown na nirequest ko kay mommy.
Simpleng gown pero ang ganda, hindi na sya balloon tulad nung first dress ko. May
malaking black ribbon sya sa side, bawat lining nung gown is color black. Again
tube pa rin sya. Pinalitan nila ang necklace ko ng isang black pearl necklace.
Iniayos na rin nila ang buhok ko at pinalitan ang crown sa ulo ko. Nilagyan din ako
ng black gloves at nagpalit din ako ng shoes. Pati make up ko pinalitan din na
kashade ng suot ko ngayon. Mabuti na lang at madami silang nag-aasikaso sa'kin
dahil sa dami ng mga binabago nila. Mga 20 minutes lang ready to go na naman ako.

Pagbaba ko kainan pala muna. Mabuti naman, gutom na gutom na kasi ako. Yun nga lang
hindi ako makaalis sa table namin nila mommy para lapitan ang mga friends ko.
Nakatingin lang ako sa kanila habang nakain at hindi ko iniintindi ang mga sinasabi
ng mga kasama ni mommy. Ayokong makipagplastikan, baka kasi bigla na lang akong
magtransform dito at maging aswang tulad ng sinabi ni goon. Habang nakain ang lahat
pinakita ang audio visual presentation ng well-wishers. Mabuti naman para dun na
mapunta ang attention ng lahat. Tama pala si goon, hindi ko talaga sila
maeentertain sa birthday ko. Mabuti na lang at nagcelebrate na kami in advance.
Namimiss ko tuloy sya. Di bale, mamaya isusuot ko ang necklace na ibinigay nya
sa'kin.
Napatingin sa'kin si goon at sumensyas sya na parang alis. Hindi ko lang alam kung
ako ba ang aalis o sya. Pero teka, bakit naman ako aalis sa sarili kong party. Wait
a minute. Don't tell me sya ang aalis? No way! No! Umiling ako sa kanya pero parang
hindi nya naintindihan. Nagexcuse na lang ako kina mommy kunyari pupunta ako sa
ladies room. Hindi na naman ako nagpasama sa mga hindi ko kilala, sabi ko I'm fine.
Syempre I am fine, with my goon.

Pagpasok ko sa ladies room masyadong tahimik, finally. Ang ingay kaya sa labas at
least dito mag-isa lang ako. Tiningnan ko ang sarili ko at kahit ako hindi ko
makilala. Naginhale exhale pa ko bago ulit lumabas para imeet sa labas si goon.
Papaalis palang ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang anghel -
este isang gwapong nilalang. Mabilis nyang nilock ang pintuan at lumapit sa'kin.

"What are you doing here?" malakas kong sabi ng bigla nyang takpan ng right hand
nya ang bibig ko while nakasupport sa likuran ko ang isa nyang kamay.

"Pwede ba wag ka ng maingay dyan. Aalisin ko ang kamay ko pero wag kang
magsasalita. Baka mahuli pa tayo." Nagnod lang ako. Duh, sisigaw pa ba ako? Siguro
sa kilig. Paano naman nanuot na sa ilong ko ang mabangong amoy ni goon. Parag gusto
ko nga syang kainin ng buhay.

Tinanggal nya ang kamay nya sa bibig ko at nagbuntong hininga sya. "Hindi kasi kita
makausap sa labas. Grabe ang dami mong mga bantay. Alam mo bang hanggang labas
nandun sila. Mabuti na lang at malalakas ang appeal ng mga kaibigan ko!" Bigla
syang napatigil magsalita.

"Oh bakit?" nanlaki ang mga mata nya na hindi ko alam kung bakit.

"F*ck! Ano bang suot yan. Halos kita ko na ang ilalim ng dagat ah!!" napatingin ako
kung saan nakatingin si goon. Oo, sa dibdib ko kaya tinakpan ko agad.

"Ang manyak mo!!!!!" pero okay lang kung sya ang mangmamanyak sa'kin. Di na ko
aangal.

"A - ano? A - ko ma - manyak? Susuot-suot ka ng ganyan tapos kapag tiningnan


sasabihan mo ng manyak?" Lumalapit sya sa'kin pero umaatras ako hanggang mapasandal
ako sa sink. "BINABALAAN KITA ALEXA CIESLA ANDRADE! ORAS NA MAKITA KONG TINITINGNAN
YAN NG IBANG LALAKI MAGKAKAGULO TAYO DITO!!!" At napatingin ulit sya sa dibdib ko.
"Pero kapag ikaw ang titingin hindi magkakagulo ganun?!!!" sabi ko sa kanyang
habang tinutulak sya ng kanang kamay ko palayo at nakatakip sa dibdib ko ang isa.

"Magkakagulo pa rin!" tapos inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko. "Magkakagulo
tayong dalawa kapag di ako nakapagpigil." Yung hininga nya pakiramdam ko nanuot sa
tenga ko at para akong kinikiliti. Kinilabutan ako na parang kinuryente na parang
nanghina na kinilig na konti na lang mahihimatay ako. Itinulak ko sya bigla pero
nahawakan nya ang kamay ko at bigla hinigit papalapit sa kanya. Nakahawak sya sa
waist ko. Halos wala ng gap between us at nakatingin lang ako sa kanya. Kahit
nakaheels ako ang tangkad nya pa rin. "Fake naman pala yan, ano foam lang?" parang
nahiya naman ako sa sinabi nya. Alam ko kung anong tinutukoy nya, yung dibdib ko.

"Manyak ka talaga kahit kelan!!!" pinilit ko namang sumigaw pero nanghihina ako -
sa kilig. Hahaha. Kainis, birthday ko naman kaya okay lang siguro 'to.

"May karapatan ako kahit anong gawin ko sa'yo!!" nagbuntong hininga na naman sya.
"Aswang! Aswang! Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin!! Konting-konti na lang baka kung
ano nang magawa ko sa'yo!!" bigla nya akong niyakap at hinihimas nya ang likuran
ko. Parang naglalambing. "Namiss kita ng sobra. At sa sobrang pagkamiss ko sa'yo
parang gusto kong hubarin yang gown na suot mo."

"Siraulo ka talaga!!!" natatawa kong sabi.

"Akala ko manyak na naman eh. Okay lang siraulo, nakakasira ka naman talaga ng ulo
eh." Bigla nya akong itinaas. Nakahawak ang dalawa nyang kamay sa waist ko at
napatawa naman ako pero parang may naramdaman akong matigas. A - ano yun? Belt?

"Te -teka a - no, ibaba mo muna ako." Nahihiya kong sabi kay goon. Sumunod naman
agad sya pero nakayakap pa rin sya sa'kin. Napalunok ako dahil nararamdaman ko pa
rin na may matigas sa may tummy ko na hindi ko alam kung ano yun. Nung binuhat nya
ako nun ko lang naramdaman yung matigas na yun.

"Anong nangyayari sa'yo? Bakit parang bigla kang pinagpawisan?" hinawi ni goon ang
ilang strands ng buhok ko na nalaglag na sa mukha ko. Mas lalo ko syang
nararamdaman kapag nakilos sya. ANo ba yun? Dahil sa sobrang curious ko itinulak ko
sya at nagulat sya. "Bakit ka ba nanunulak? Mabaho ba ako? Siguro dahil hindi ako
gwapo ngayong gabi no!! Sabi ko na ayokong suotin 'tong suit na 'to eh!!"

"Hi - hindi! Ikaw ka - kaya ang pinakagwapo dito ngayon." Nahihiya kong sabi habang
dahang-dahang bumababa ang tingin ko sa katawan nya para hanapin kung ano yung
matigas na naramdaman ko.
"O eh bakit ka lumalayo sa'kin!!" parang bata yung pagsasalita nya ng mapansin
nyang nababa ang tingin ko.

"Ka - kasi - " napatakip ako sa bibig ko ng may makita akong nakabukol sa may pants
nya. "A - ano yan? Tinutusok ako nyan!!!" napatingin sya sa itinuturo ko.

"Ah - eto ba. Ano kasi 'to - " bigla syang napangiti at tumingin sa'kin na parang
may naisip. "Gusto mo bang makita kung ano 'to?"

"A - yo - ko! Ang - ang bastos mo!!" nagtakip ako ng mata dahil ayokong makita
kung ano man yung sinasabi nya.

"Ayaw mo? Bakit naman? Para sa'yo pa mandin 'to!!" nararamdaman kong lumalapit sya
sa'kin kaya naman tumalikod ako.

"Please, wa - wag naman dito. Wa - wag naman ngayon. Hindi pa ko ready. I mean,
hindi pa ako nakakakita nyan at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
Thanks kung para sa'kin yan pero di ko muna matatanggap. Merong right time para
makita ko yan but wag muna ngayon. Kasi if ever ito ang first time na makakakita
ako nyan." Nahihiya kong sabi habang nakatalikod.

"Ha? First time mong makakakita ng - saging?" biglang may saging na sumulpot sa
side ng mukha ko na hawak ni goon.

"Sa - saging?" dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nawala na yung nakabukol sa may
pants nya at may hawak sya na saging. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Kasi naman kakain ako ng saging eh bigla kang tumayo, hawak ko na yung saging nung
sinundan kita eh hindi ko alam kung san ilalagay kaya nilagay ko sa bulsa ko.
Nakakatuwa nga yung saging masyadong malaki." Parang bigla akong nahiya habang
nagkukwento sya. Mabuti na lang busy sya magkwento. Nakakahiya, kasi - kasi malay
ko ba kung ano yun. Sana hindi na nya maisip. "Bakit mo nga pala sinabing wag muna
ngayon dahil hindi ka pa nakakakita ng saging?" Hindi ako makatingin sa kanya ng
ayos dahil hindi ko alam ang sasabihin. "Ah - akala mo yung ano ko yung - "

"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!! Lalalalalalalala. Ba be bi bo bu!!!! I'm bullet proof nothing


to lose go away go away!!!" nagtakip ako ng tenga para hindi ko sya marinig.
"Fly away! Anong go away! Hindi naman 'to magfa-fly away ngayon, don't worry!!" he
grinned.

"You shoot me down! But I won't fall! I am titaniuuum!!" kunyari hindi ko sya
naririnig pero nakikita kong lumalapit na sya.

"If I shoot you now, I swear you will fall!!" bigla nya akong hinigit palapit sa
kanya. Promise ang init-init na ng mukha ko.

"Happy birthday to me! Yey!" mahina kong sabi sa kanya. Kitang-kita sa mukha nya na
parang naamaze sya na naaaliw.

"Oh my aswang, ikaw lang ang babaeng nakita kong ganyan. Nakakatuwa ang
pagkainosente mo!" Bigla syang tumawa. "AH hindi, ako pala ang inosente. Hinahalay
mo na pala ako sa isip mo hindi ko pa alam. Kawawang saging. Pero alam mo yung
saging na yun - " bigla ko syang hinalikan sabay layo.

"Wag na please. Hindi yun tulad ng iniisip mo." Gusto ko nang makawala sa usapan na
yun pero ayoko pang makawala sa yakap ni goon.

"Ako ba ang may iniisip o ikaw?" gusto kong ipakitang hindi ako guilty. Hindi ako
guilty. Indi ako guilty. Ako guilty - okay fine! Guilty ako!! Malay ko ba di ba?
Akala ko lang ano! Pero hindi ko naman sinasadya.

"Ikaw lang ang iniisip ko wala ng iba!" sinusubukan ko na lang syang lambingin para
tigilan na nya ako.

"Ako at aking - " nagpout na ko at seryoso iiyak talaga ako kapag sinabi nya. " -
at ang aking saging. O bakit iiyak ka na? Dinalhan nga kita ng saging o. At least
ngayon nakakita ka na ng saging. Hindi ako makapaniwala na 18 years old ka na pero
first time mo lang makakita ng saging. Unbelievable." Tumatawa nyang sabi. Alam
kong ginagawa nya lang 'to para hindi na ako mailang. Ang galing talaga ng goon ko.
Niyakap ko sya at hinalikan.

"Happy birthday." He kissed me back, a slow and passionate kiss. Parang first kiss
palang namin na anytime matutunaw ako. Mabuti na lang at hawak-hawak ako ni goon.

*KNOCK *KNOCK
"Kung tapos na kayo dyan pwedeng lumabas na kayo. Hinahanap na si Lex sa labas. At
kapag nalaman nilang lumandi ang bantay nya patay tayong lahat!!" narinig kong sabi
ni Luke, sya yun sigurado ako dahil kaboses nya.

"Bitin naman oh." Sabi nya sa'kin habang binigyan ako ng pahabol na kiss. Lumayo
ako sa kanya at binuksan ang pintuan. "Sweet monster - " tumingin ako sa kanya " -
yung saging ko oh -"

I rolled my eyes. "Screw you goon!!!!"

"I love you." Natatawa nyang sabi habang palabas ako.

"I love you more." Nakangiti kong sabi habang inaayos ang sarili ko. Pagtingin ko
kay Luke na nasa harapan tinanong ko sya kung okay lang ang itsura ko.

"Parang wala namang nangyari eh." siniko ko si Luke.

"Siraulo ka din!!! Anong mangyayari ang sinasabi mo dyan!!!!!" naglakad ako palayo
na naiinis at natutuwa. Feeling ko kasi ako yung naging manyak sa'min ni goon.
Masyado na atang madumi ang isip ko.

"There you are!! Where have you been?" tumingin ako sa likuran ko. Nawala si Luke
at hindi pa din lumalabas si goon.

"Call of nature. Sinama ata ang tyan ko sa food." Napahawak ako sa tyan ko kung
saan naramdaman ko ang saging ni goon. Grabe nakakahiya talaga yun.

"Are you alright?" Tumingin sa planner si mommy. "Sigurado ka bang bagong luto yang
mga pagkain na yan? Kapag may nangyari sa anak ko ipapakulong ko kayong lahat!!!"
hinawakan ko si mommy.

"No mommy. Mukhang nasobrahan lang ako sa pagkain tapos ang sikip nung gown, naipit
lang yung tyan ko." Parang naconvince naman si mommy. Nagsmile naman ako sa planner
at nagwhisper sya ng thank you.
"Mauna ka nang bumalik dun at mage-eighteen roses na." Nagnod ako ng biglang
naglakad si mommy papuntang CR.

"Mom wait!!" hinawakan ko sya sa braso.

"Sweety gagamit ako ng ladies room!" kelangan kong makaisip ng palusot para hindi
sya magpunta dun or else patay ako.

"Ah kasi you can't!!!" tumingin ako sa paligid. Isip ng mabilis Alexa.

"What? Hindi ko na kaya sweety, mauna ka na dun. Ikaw ang kelangan dun not me."
Inalis nya yung kamay ko pero hinawakan ko ulit sya.

"No mommy you can't!" humarang ako sa daanan nya at binigyan nya ako ng get-out-of-
my-way-look. "Kasi mommy may problem yung flush dun. Hindi ko naflush yung - "
tinuro ko yung tyan ko, " - so baka kumapit sa inyo yung amoy. Lalapit pa mandin
kayo sa mga amigas nyo."

"You're so gross. Mabuti na lang sinabi mo! Dun na lang ako sa taas. At wag ka
masyadong lumapit sa'kin!" tumingin sya sa planner. "Pakisprayan si Alexa ng
perfume." Lumapit yung planner at inisprayan nga ako ng perfume. Saan nya kaya
nilalagay yun. Automatic meron agad?

"And I have a surprised for you. Hindi mo napansin pero ngayon mapapansin mo na."
Nakangiting sabi ni mommy habang pabalik kami sa event center. Hindi ko alam kung
anong surprise yun, pero kung nakapagpapasaya yun kay mommy meaning makakapagpainis
yun sa'kin at yun ang hindi ko gusto. Kung ano man yun kelangang ihanda ko ang
sarili ko sa nakakainis na mangyayari. Pero habang naiisip ko kami kanina ni goon
sa loob ng ladies room nawiwindang ako.

"Why are you laughing?" seryosong tanong ni mommy.

"Nothing. Excited lang ako sa surprise mo." Lie. Kahit kelan hindi ako maeexcite
kung hindi lang din naman yan si goon! "Can I have my shawl? I can't dance like
this, I'm sort of conservative." Sabi ko sa planner. Bago kami makarating sa unahan
nakabalik sya na may hawak na black rakuten, feather shawl. Nilagay nya sa'kin and
now comfortable na ko. Kelangan kong itago ang dapat itago at baka magwala nga si
goon dito. Alam kong pag dating sa ganung usapan eh seryoso sya.
Nasa unahan na ulit ako ng makita ko si goon at ibang Sterke Geest na bumalik na sa
upuan nila. Nakatingin ako kay goon at nagwink sya sa'kin. Matutuwa na sana ako ng
bigla nya ulit ilabas ang saging na hawak nya. Grabe hindi ba nya talaga yun
bibitawan?

Biglang tumugtog ang music, music para sa 18 roses. Excited na ulit akong makasayaw
si goon. Second to the last dance sya kasi si papa ang last dance ko at ang
boyfriend ko ang second to the last. Kinakabahan ako, sana wag naman nya akong
lokohin sa saging na yun dahil baka makita ng iba kung paano mamula ang mukha ko.
At kung ano mang surprise ni mommy, hindi ko na lang iintindihin. Si goon lang ang
concern ko at wala ng iba, dahil alam ko, hindi magiging madali sa kanya - sa amin
na makasurvive ngayong gabi.

A/N

HAPPY BIRTHDAY ALEXA!! Birthday nya talaga ngayon, March 18. Batiin nyo sya sa Fb
and twitter. <3

So anong masasabi nyo sa chapter na 'to? Comment, vote and follow. Sa mga hindi pa
naglalike ng page, nasali sa group at nagfafollow sa twitter, not too late.
Makisali na sa kwentuhan at kulitan with the Fictional Characters of Perfect
Haters.

Official FB Page: Perfect Haters by megladiolus


Facebook Group: Perfect Haters Family
Official Twitter Account: @Perfect_Haters
My Facebook Account: Mela Brio
My Twitter Account: @Official_Mela_B
My instagram: itsmelabrio
Official FB of Fictional Characters of PH: (Kung ano yung name nila yun din sa fb)
Official Twitter ng FCs: (Search nyo na lang din ang name nila sa twitter)

*******************************************
54

*******************************************
18th Birthday Part II

ALEXA'S POV

"Let us now proceed to the most important part of this event. 18 gentle bachelors
who will offer her roses that symbolize love. Love which Alexa has for her family
and all the people in her life. Each bachelor after giving Alexa a rose will dance
with her for about 1 or two minutes. Let us start with Geoff Andrade, Alexa's older
brother." Mahabang litanya ng Emcee.
Nagsimula ang eighteen roses ko sa aking pinakamamahal na kuya. Well gusto nya kasi
ng first pero dapat kasama sya ni papa sa last dance ko. Dapat kasi yung first na
lang ang mga special someone para naman makasayaw na kami ni goon. Ay, wag pala
muna kasi naman nahihiya ako sa saging encounter na yun. Grabe ka Alexa, sobrang
kinabahan at natakot ka pa man din sa isang sobrang nakakahiyang moment pa. Sana
lang talaga tigilan ako ni goon.

"Mabuti naman at naglagay ka ng shawl. Akala ko hahayaan mo na lang na


pagpiyestahan ka na lang ng mga lalaking isasayaw ka eh." Pagbibiro ni kuya habang
nagsasayaw kami.

"Hindi naman. Naisip ko din naman 'to." Lie. Si goon lang ang nagsabi nun. Kung di
nya sinabi hindi ko naman gagawin.

"Akala ko si Zak ang nagsabi sa'yo." Nagsigh lang ako. Ayoko na kasi munang mag-
isip.

"Next, Giovanni Andrade." Nagsalita na ulit yung Emcee.

"Happy birthday again, princess." Humalik si kuya sa cheek ko at iniabot ang kamay
ko sa isang cute na bulilit na naghihintay sa tabihan namin. Ang aking pamangkin na
si Giovanni, 9 years old lang sya at sobrang cute.

Pagkaabot nya sa'kin ng rose humawak na sya sa waist ko at ako naman sa shoulder
nya. Maliit pa sya at ang taas pa ng heels ko. Nakangiti lang sya sa'kin at hindi
nagsasalita.

"Sammy Castanarez!" humalik muna ako sa cheek ni Giovanni bago sya bumataw sa'kin.
Kinuha nitong lalaking 'to ang kamay ko at iniabot ang rose. May itsura sya pero di
ko naman sya kilala. I mean, anak sya ng isa sa mga kasama ni mommy sa business
pero di naman yun reason para kilalanin ko sya.

"Happy birthday." Ngumiti lang ako at parang awkward na nakikipagsayaw. Hindi na


din naman sya nagsalita at parang nahihiya rin naman sya.

"Rich Vega!" wooo. Buti na lang natapos na sya at kilala ko naman ang susunod.
Hahalik sana sa cheek ko yung Sammy pero umatras ako at parang napatawa na lang sya
then nagnod sabay tingin kay Rich.
Aabutin ko na yung rose kay Rich ng bigla syang umikot sa kabilang side sabay wink.
Kahit kelan siraulo talaga 'to. Formal na party na't lahat ang kulit pa rin. "Happy
birthday lady ghost! Di ko alam na ganyan ka pala kaganda." Humawak sya sa waist ko
at ako naman sa shoulder nya. Tumingin sya kay Zak na parang nang-aasar. Sabukot
naman ang mukha ng loko. "Alam mo kung hindi ka lang gusto ni Zak, malamang
nililigawan na kita ngayon." Nakatingin sa'kin si Rich ng diretso.

"Rich, sino bang hindi mo niligawan?" bigla na lang syang napasimangot.

"Lex naman eh. Seryoso ako." Natawa naman ako sa reaction nya.

"Alam mo kahit di ako gusto ni Zak, ewan ko lang kung mata-typan kita." Tumatawa
kong sabi.

"Ang hard lang ha. Sana nagpaliguy-ligoy ka muna. Nakakasakit ka na." Tumingin sya
sa kabilang side. "Yung mga babae na nga lang ang liligawan ko dun."

Tumingin ako sa direksyon kung san sya nakatingin. "Oh, goodluck." Then I smiled.
Pinsan ko lang naman yung ibang nasa table na yun.

"Gin Andrade!" nagthank you ako kay Rich at sumunod sa kanya ang aking uncle. Hindi
naman kami ganun ka-close pero kilala ko sya. Katulad nila mommy, bihira ko lang
din silang makita.

******************

RICH'S POV

Ang hard masyadong magsalita nitong si Lex. Akala nya ba sya lang ang babaeng
magugustuhan ng lahat!! Seryoso ako ng sinabi kong isa sa mga babaeng 'to ang
liligawan ko ngayong gabi. May isa kasing table dito na puro chikababes ang
nakaupo. Lumapit ako sa kanila. Nagtinginan naman sila sa'kin, huli kayo. Sabi na't
si Lex lang hindi tinatablan ng charm ko eh. Magsasalita pa lang sana ako ng
biglang tumayo ang isang sizzling babes. Tiningnan nya ako sa mata. Woooo, wala pa
kong ginagawa ganito na sya agad.

"You don't have to say anything. Just one look, I can say and feel you're the one
for me." Lumapit sya sa'kin. "I can't imagine myself waking up in the morning
without you beside me." Tumingin sya sa may collar ko. "Ooops, what's this?"
napatingin din naman ako at nakita kong may hawak na syang flower. "For you
handsome." Then she winked. "You're so hot." Bulong nya sa'kin. "Can I take you
home tonight and be mine forever?" Hindi ako makahinga. Namumutla na ko dahil di ko
inaasahan 'to. Parang ako lang ang gumagawa nito sa babae pero ngayon sa'kin
ginawa. Yung feeling na hindi ako makapagsalita, I can't even say no to her. "Come
on."

"Su - sure. I'd love to and I can't wait." Bigla syang lumayo sa'kin at tumingin sa
mga kasama nya then nagshrug.

"Wow, Maxi you're so good!" sabi nung isang magandang babae.

"Oh man, talo na naman tayo." Naglabas ng pera yung isa at iniabot sa babaeng nasa
harapan ko.

"I told you I'm good." Lumayo sya sa'kin at bumalik sya sa upuan nya.

"What's happening?" tanong ko sa kanya.

"I'm sorry pero nagkaron lang kami ng bet kung kaya kong mapapayag yung hot guy na
tulad mo and I did it. Hurray!" tumawa sya then bumalik sa pakikipag-usap sa mga
kasama nya.

"Hey! Look, wala pang gumagawa nyan sa'kin! Ako ang laging nagawa nyan sa babae!"
para kasing nagmukha akong engot. Yung ginagawa ko sa mga babae ginawa sa'kin at
hindi nga ako nakatanggi.

"Oh really? Then good! At least alam mo na yung pakiramdam ng mga bababeng
ginagawan mo nyan. For sure magpapasalamat sila sa'kin kung makita nila ako." Then
she winked.

Nagtawanan yung mga babae sa table nya. Naiinis ako. Hindi ko 'to matatanggap.

"You can take me home if you want." Sabi ng isang babae na kasama nya na revealing
ang suot. Hinawakan nya ako sa braso pero inalis ko din.
"Hindi pa tayo tapos!!" sabi ko dun sa babaeng yun.

"Wala naman tayong sinimulan in the first place. Sorry sweetheart, it was just a
game. Ginagawa mo nga sa ibang babae, pero ayaw mong gawin sa'yo? Crazy!" she
rolled her eyes habang nailing-iling pa.

Badtrip talaga. Naisahan ako dun ah. Sino ba sya sa tingin nya? Rich Vega 'to lul!
Hindi naman talaga ako nafall sa ginawa nya. Nagulat lang ako. OO NAGULAT LANG!!
Kasi naman ako ang gumagawa nun sa babae pero nung sa'kin ginawa nagulat ako. Yun
lang yun!!!

Bumalik ako sa table namin at hindi ako mapakali. Humanda sa'kin talaga yung
babaeng yun. Magkakagusto ka rin sa'kin tapos papaiyakin kita ng dugo!!

****************

ALEXA'S POV

Mabuti na lang at hindi masyadong matagal ang pagsasayaw namin. Masyado na kasi
akong napagod. After kasi ni uncle sina Yuval Reid, uncle George Andrade, ang cute
and nice guy Austin Wayne, Luke Bretell, my cousin Guss Andrade, Josh Rimer, Travis
Cai, cousin ko ulit na s Gabby Andrade and Gilmer Andrade ang mga nakasayaw ko na
and ngayon ang isa ko pang pinsan ang kasaway ko, si Gio Andrade. Ang gu-gwapo ng
mga pinsan ko. Kung di ko lang sila pinsan baka nagkagusto na ako sa kanila.
Makukulit din kasi. Sana magkakasama kaming lumaki para mas close kami sa isa't-
isa.

"Tucker Fanton!" ngumiti sa'kin si pinsan at tumingin sa papalapit na si Tuck.

"Duh, he's not my boyfriend. Mamaya pa kaya sya." Mahina kong sabi sa kanya.

"Oh, akala ko kasi sya na." nang-aasar na sabi ng Gio.

Lumapit si Tucker at kinuha ang kamay ko sabay abot ng rose. Sya ang pang 16th rose
ko.

"You're as beautiful as always." He said while staring at me.


"I know right. If I know crush mo na ko una palang." Pagbibiro ko sa kanya.

"Sino bang hindi? Halos lahat naman kami nagkacrush agad sa'yo una palang, si Zak
lang ang hindi. Pero sya pa ngayon ang boyfriend mo." He shook his head. "Ako naman
talaga ang una mong nakilala. Bakit hindi mo ko nagustuhan?" Hinampas ko sya sa
balikat habang nakangiti.

"Siraulo ka talaga. Nagustuhan naman kita kaya lang kasi ang chickboy ng dating mo.
Ayoko sa mga chickboy, gusto ko yung mysterious at hindi malapit sa mga babae, like
Zak and Trav. Kung hindi si Zak ang magugustuhan ko for sure si Trav yung possible
one." Tumingin lang sya ng seryoso sa'kin at hindi nagsasalita. "O bakit?"

"Ang tagal ko ng hindi nambababae Lex. Ang pinakahuli nung nasa pub na naginom
tayo. Nakita ko kasing inaasikaso ka ni Zak at para hindi ako madistract sa inyo
tumawag ako ng babaeng alam kong hindi tatanggi sa'kin." Hindi ko alam kung anong
sinasabi ni Tucker at naguguluhan ako.

"Ay naku Tucker ewan ko sa'yo. May gapak ka na sa ulo." Tinap ko ang noo nya at
ngumiti lang sya.

"Siguro nga. Sa tagal-tagal ng panahon ngayon na lang ulit ako nagkagapak ng


ganito, ang malas ko pa." He smirked.

"Alam mo Tuck, you're hot and handsome. Nice guy din at marunong tumingin ng
babaeng dapat respetuhin. Mahahanap mo din yung para sa'yo." Kinagat nya lang ang
lower lip nya na parang nagpipigil ng inis then nagnod sya. Hindi na din naman sya
nagsalita.

"Flint Maliff!" biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan ni
goon. Napatingin ako sa kanya. Nakita kong nakatayo sya at nakatulala. Hindi ko
alam kung bakit pero nang tiningnan ko kung san sya nakatingin nakita kong
nakatingin din si mommy sa kanya. Siguro winawarningan ni mommy si goon. Nakakainis
naman talaga 'to si mommy. Wala syang magagawa dahil si goon ang boyfriend ko. At
sya ang second sa special dance na 'to.

"Mukhang kinakabahan pa ang boyfriend mo." Sabi ni Tuck. Lumapit sya kay goon at
itinuro ako. Nginitian ko sya para naman maexcite syang lumapit sa'kin. Tumungo
lang si goon habang papalapit sa'kin. Kelangan pakalmahin ko sya para hindi na sya
kabahan. Ninenerbyos lang sya for sure.
"Hey!" bati nya sa'kin pagkalapit na pagkalapit nya.

"Are you alright? Alam mo wag kang matakot kay mommy. Hindi yan gagawa ng eskadalo
ngayon dahil masisira ang image nya." Nang maramdaman ko ang kamay sya sa waist ko
kinabahan na ko. Grabe naman ang nararamdaman kong kuryente sa kantawan ko. Tinalo
pa ang meralco.

Nakatitig lang si goon sa'kin at hindi nagsasalita. "Wag kang ganyan. Pinapakaba mo
ako." Kinakabahan naman talaga ako.

"Wala ka namang dapat ikakaba. Ako dapat ang kabahan." I raised my eyebrow. "Kasi
sa dami ng matang nakatingin sa'yo parang ang daming tumutulak sa'kin palayo sa
pila mo."

Napatawa naman ako sa sinabi nya. Seryoso ba sya? "Ano ka ba? Paulit-ulit na lang
ba natin 'tong pag-uusapan?" Hinawakan ko sya sa cheek. "Kahit nandito pa ang
pinakagwapo, pinakasikat at pinakamayamang tao sa buong universe wala akong
pakialam. Ikaw lang ang makikita ko, ikaw lang ang maiisip ko at ikaw lang ang
mararamdaman ng puso ko. Okay? Wag kang matakot, wag kang mag-alala, pinapangako ko
sa'yo na hindi ako titingin sa iba. Kung hindi lang rin ikaw ang para sa'kin mas
gugustuhin ko na lang mawala dito sa mundo." Bigla nya akong niyakap.

"Di ka naman mawawala sa mundo, masamang damo ka nga di ba?" hindi ko makita ang
reaksyon nya kasi nga yakap-yakap nya ko. "Mmmmmm! Kagigil ka eh." Bigla syang
napatawa. "Wala na yung saging ha kaya wag mo na kong itutulak." Kinurot ko sya
kaya naman napabitaw sya. "Aray ko naman!!"

"Nasan na yung saging? Akala ko ba para sa'kin yun?" I narrowed my eyes. Natatawa
naman sya. Mabuti naman at nakangiti na sya ngayon.

"Di ba ayaw mo? Dami kayang nag-aagawan dun sa saging ko kaya ayun binigay ko na
lang sa kanila. Isa pa ang dami nyo namang saging dun sa table, kumuha ka na lang
dun." Nakasimangot pa din ako. "Ihh, gusto yung saging ko. Saging ko ba talaga?"

Nanlaki naman ang mga mata ko at feeling ko nagblush ako sa kahihiyan. "Shut up
goon! Birthday ko 'to! Wag mo naman akong asarin kahit ngayon lang!" I rolled my
eyes.

"Ang cute cute mo talagang magalit. Kaya mahal na mahal kita eh." hinawakan nya ko
sa cheek. Ihhh, kainis po, kinikilig ako ng konti. FINE! Ng medyo medyo lang. OKAY!
Ng todo!!

"I love you. I love you. I love you!" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga
mata nya at nasayaw kami.

"No! I love you! I love you more. I love you most!" idinikit nya ang ilong nya sa
ilong ko.

"I love you forever!" sagot ko sa kanya.

"I love you forever and ever!" natawa naman ako kasi walang gustong magpatalo
sa'min. Feeling ko nga solo na namin ang mundo.

"And now for the last dance of our young lady, the most special person in her life,
as she and her family requested, let us all welcome Channing Gilbuena!" Nagtayuan
pa ang mga tao. Napatigil ako sa pagsasayaw. Napatingin din sa'kin si goon.

"Hindi ko alam 'to! Swear! Alam ko si papa ang last dance ko. At hindi ko nirequest
'to! I don't even know who that Channing is." Naglakad ako papalapit kay mommy,
pero hinawakan ako ni goon.

"Wag na! Magenjoy ka na lang!!" naglakad sya palayo. Susundan ko sana sya pero
pinigilan ako ni mommy.

"Stay here!" hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni mommy. "Wag kang gumawa ng
eksena, sinasabi ko sa'yo kung gusto mo pang makita yang boyfriend mo."

"W - what? Mommy you're so unbelievable. What was this all about? Si papa ang last
dance ko! And who's this Channing huh?" Nakapamewang na ako sa harapan ni mommy
pero inaalis nya yung kamay ko.

"May separate dance kayo ng papa mo. Father and daughter's dance. At pwede ba I'm
your mom! Don't raise your tone! Nakakahiya ka! Ganyan ba ang influence sa'yo ng
boyfriend mo!!" Galit sya pero pinipigilan nyang sumigaw.

"Mom! He has nothing to do with this. This is between you and me!" Hinigit ako ni
mommy papunta sa gitna kung saan naghihintay si Channing hoodlum! "There's no way I
would dance with that guy!"

"Sorry to say dear but you have no choice. He's my surprise to you. Believe me,
magugulat ka. Magugustuhan mo sya." Nakangiti si mommy na fake habang papalapit
kami kay hoodlum!

"Magugulat pwede, pero magugustuhan? Malabo - "

"Sorry to keep you waiting. My daughter needs to calm herself, you know, too
excited to see you." Napapa-WHAT na lang ako habang nagsasalita si mommy.

"No worries tita. She's always like that ever since." Tumatawang sabi ni Channing
bading. Pwe!

"Our final bachelor! Channing Gilbuena!" Fake na din ang ngiti ko. Inabot nya
sa'kin yung rose. Di ko feel 'tong sayaw na 'to kaya hindi ako natingin sa kanya.

"Happy birthday." Nagsmile lang ako ulit ng hindi natingin sa kanya. Sana matapos
na 'tong sayaw na 'to. "So hindi mo talaga ako nakikilala."

"No, sorry!" duh, ngayon ko nga lang sya nakita makikilala agad? So what kung sikat
sya. Hindi ko nga sya kilala so meaning hindi sya sikat. Di ka naman sikat kung may
isang taong hindi ka kinikilalang sikat!! At ako yun!! Sorry ka na lang!!

"Hay naku Ale Ale! Hindi ka pa rin nagbabago ng kasungitan!" tumatawa nyang sabi at
napatingin ako sa kanya.

"Anong tinawag mo sa'kin?" para kasing iba ang tinawag nya sa'kin eh.

"Ale? Oh bakit? Ganyan naman talaga ang tawagan natin dati di ba? Ale kasi mukha
kang matandang ale na nagtitinda sa palengke nung mga bata pa tayo!" then tumawa na
sya ng tumawa.

"Wait, don't tell me you're Tyan?" nagshrug sya. Napatingin ako sa tummy nya. "No
way! You're not Tyan kasi wala ka namang big belly!"
"Kasi may babaeng mahilig mang-asar sa'kin dati na hindi daw ako magkakaasawa dahil
malaki ang tyan ko. Parang lalaki nga yung babaeng yun." Natawa ako bigla, hindi ko
kasi ineexpect na ang kababata ko eh nasa harapan ko ngayon.

"I'm sorry kung naging rude ako kasi - kasi hindi ko lang ineexpect. I mean masyado
nang matagal since last tayong nagkita. We were like 5 or 6 nun, oh ako lang pala.
You're older than me nga pala." Napatawa na naman ako.

"Yes, bata pa nga tayo nun. Natatandaan mo pa ba yung sinabi mong kung liliit ang
tyan ko magpapakasal ka sa'kin paglaki natin?" bigla akong napatigil. Inaalala ko
pero hindi ko maalala ng ayos pero parang may sinabi nga akong ganun noon. "Simula
nung araw na yun nagpapapyat ako, mas lalo nga akong nagpursiging pumayat nung
umalis ka ng France at lumipat dito. Akala ko nga hindi na tayo magkikita. At sino
bang mag-aakala na ang lalaking pumorma kong kaibigan eh magiging ganyan kaganda?"

"Look Tyan, masyado pa tayong bata nun. Hindi pa natin alam kung anong sinasabi
natin. Iba na kasi ngayon." Parang nalungkot naman ang mukha nya.

"I understand. Yun din naman ang sabi ko kay tita pero naginsist pa din sya. Sayang
daw kasi ang effort ko ng ilang taon para sa'yo." Yung init ng ulo ko umakyat sa
utak ko! Si mommy! Si mommy talaga ang may plano nito sa'kin! Akala nya ba
mapaghihiwalay nya kami ni goon!! Hindi!! Hindi ngayon at hindi kahit kelan!!!

"I'm sorry Tyan pero kasi may boyfriend na ko. Actually he's my first, pero gusto
ko sya na ang forever. Siguro kung bumalik ka bago ko sya makilala baka nagkachance
pa, pero iba na kasi ngayon. I hope you understand. We can still be friends, tulad
nung mga bata pa tayo. Pero hanggang dun na lang. Kung ano mang sabihin ni mommy
wag ka nang makinig. I'm willing to give up lahat ng meron ako para sa boyfriend ko
ngayon at hindi ako papayag na pigilan ako ni mommy." Napangiti si Tyan sa sinabi
ko.

"You're still the same Ale. Palaban na matapang. And wow, kelan ka pa lumabas sa
shell mo? Sabi mo nung mga bata tayo isa kang prinsesa at mag-aact ka na tunay na
prinsesa - yun nga lang sa harap ng parents mo." Naalala ko pa talaga nung mga bata
kami. Sandali lang naman kaming naging magkaibigan. Bestfriends kasi ang mommies
namin, so nung nagbakasyon sila sa France hindi na sila umalis. Kaya lang kami
naman ang umalis kaya di rin nagtagal ang friendship namin, but I can say, Tyan is
a good guy. Imagine bata pa kami nun, hindi ko nga alam ang full name nya. Pero
ngayon sobrang laki ng pinagbago nya, mukhang tama si kuya, pinapalibutan ako ng
mga nagga-gwapuhang lalaki.

"Again, I'm sorry." Nagsigh lang sya.


"Fine. Pero dapat bigyan mo ng isang mahigpit na hug ang childhood friend mo."
Hindi na ko tatanggi since yun lang naman ang gusto nya.

"Granted." Niyakap ko sya at bigla naman nya akong binuhat. "Put me down!" natatawa
kong sabi. Nagpalakpakan naman ang mga tao at tumayo pa sila. Nakita ko naman si
goon na nakasimangot at umalis.

Nakangiti lang ako at dahan-dahang naglakad papalayo sa center stage at malayo sa


direction ni mommy para hindi nya ako maabutan.

"Young lady! Young lady kelangan nyo na pong magpalit." Narinig kong sabi nung
planner.

"Babalik ako. Sandali lang. And please kapag tinanong ni mommy kung nasaan ako
sabihin mo nasa taas na, please." Tiningnan ko sa mata si planner at ngumiti lang
sya. "Thank you." Naglakad ako papalabas para hanapin si goon habang hawak-hawak ko
ang mabigat kong gown.

Goon! Nasan ka na ba!! Hindi ko sya makita sa may labas kaya dumiretso ako sa
garden. Nakakainis naman walang tao dito sa may fountain. "Goon!!!" sigaw ko.
Nakarinig ako ng naglalakad at medyo natakot naman ako kasi yung foot steps
naririnig ko sa may maze. "Goon andyan ka ba?" pumikit muna ako. Kapag ako pumasok
dito sa maze garden na 'to at hindi agad nakalabas for sure maghahanap naman silang
lahat, so wala na kong dapat ipagworry. Kaya lang kapag nalaman nilang si goon ang
kasama ko patay na. Nakakainis naman. Bahala na nga!!

Nagsimula akong pumasok sa maze garden. "Goon!" Halos kumapit sa gown ko yung mga
dahon-dahon sa maze. Hindi pa ako nakakalayo ng makita ko si goon sa isang korner
ng maze na nakaupo at parang galit na galit. May hawak pa syang bote ng red wine.
Lumapit ako agad sa kanya at kinuha ko yung red wine.

"PWede ba wag mo nga kong pigilan!!" sigaw nya sa'kin. Umupo ako sa tabihan nya.

"Sino bang may sabi sa'yong pipigilan kita? Makikiinom lang din ako! I'm 18 kaya
pwede na kong uminom!!!" tinungga ko na lang din yung red wine at tulo-tulo na sa
gown ko pero I don't care.

"Akin na nga yan! Kumuha ka nga ng sa'yo!!!" inagaw sa'kin ni goon at sya naman ang
uminom.
"DUH! AKIN NAMAN YAN!! GALING YAN SA BIRTHDAY KO SO TECHNICALLY SA'KIN YAN!!!"
inagaw ko ulit sa kanya at iniinom ko.

"EH DI ISAKSAK MO SA BAGA MO!! MAGPAKASAYA KA!!! DUN KA NA SAKANYA!!! MAY PASABI-
SABI KA PANG SWEAR SWEAR!!" inagaw nya ulit sa'kin yung bote. Wow, isaksak ko sa
baga ko pero kinuha nya ulit. Ayos din 'to ah.

"Oh akala ko ba ayaw mo?" sumandal ako sa maze, medyo nahihilo na ko.

"ABA AKO KUMUHA NITO!! DI BA GALING 'TO SA BIRTHDAY MO EH DI KUMUHA KA NG SA'YO!!


MARAMI KAYA DUN SA LOOB!!! DUN KASAMA NG TANING MO!!" diniretso nya ng inom yung
wine.

"HOY WAG MO KONG UBUSAN!!" pero hindi ko na maagaw yung bote at medyo nahihilo na
rin kasi ako.

Tumahimik ang paligid. Nakasandal na lang din si goon sa maze. Nakatingin naman ako
sa mga stars. "Si Channing, kababata ko sya sa France. Anak sya ng bestfriend ni
mommy. Magkalaro kami nun. Hindi naman kasi ako pinapayagan ni mommy na makipaglaro
sa iba. Nakakatawa nga kasi si Tyan mataba nun kaya nga Tyan ang tawag ko sa kanya
kasi sobrang laki ng tyan nya."

"Pwede ba hindi ko tinatanong kaya wag kang magkwento!! Suntukin kita dyan eh!!"

*TUGSH

"ARAY! BAKIT MO KO SINUNTOK ASWANG KA!!!!" sabi nya kasi susuntukin nya ko. Aba
hindi na ko tinuring na babae nito kaya ayan sya ang sinuntok ko.

"EH KASI EPAL KA!! KINUKWENTO KO NA NGA LAHAT SA'YO ANG ARTE-ARTE MO PA!! GUSTO MO
BA TALAGANG KAY TYAN NA LANG AKO!!! SABIHIN MO LANG!! TATAYO AKO DITO AT PUPUNTAHAN
KO SYA!!!!!!" galit na galit kong sabi at seryoso ako dun. Sabihin nya lang at
iiwanan ko sya dito.

"A - ano - ang bagal mong magkwento!!" bigla na ulit syang tumahimik.
"Makikinig din pala dami pang arte." Nakasimangot kong sabi. Ewan ko kung epekto
'to nung wine pero parang ang lakas ng loob ko ngayon. "Ale ang tawag nya sa'kin
dati kasi mukha akong manang. Yung mga ale na nagtitinda sa palengke. Sabi nya
paglaki namin papakasalan nya ako pero sabi ko mangyayari lang yun kung mawawala
yung malaki nyang tyan!"

"OH EH DI CONGRATULATIONS!! WALA NA SYANG TYAN!! MANANANGGAL NA SYA KAYA


MAGPAPAKASAL NA KAYO!!" isang malakas na batok ang binigay ko sa kanya. "ANG BRUTAL
MO!!"

"EH BAKIT KASI ANG EPAL MO!! TAPOS NA BA KONG MAGSALITA?!!!!!!!!!!!!!" sumigaw ako
ng buong lakas. Pero bigla akong nanghina. Kumalma na din naman si goon. "Tulad ng
sinabi ko kay Tyan kanina, iba noon, iba ngayon. MGa bata pa kami noon - "

"At matanda ka na ngayon!!!" bulong nya.

"ANo ba papatapusin mo ba ko o ikaw ang tatapusin ko dyan?" hindi naman sya


nagsalita. "Sinabi ko sa kanya na hindi na mangyayari yun ngayon, kasi meron na
kong boyfriend. Ang first and last sa buhay ko. Kaya lang kung yung boyfriend ko eh
laging itutulak ako palayo baka ganun na nga lang ang gawin ko. Nakakapagod na lang
din naman kung hindi sya magtitiwala sa'kin!"niyakap ko yung mga tuhod ko at
tumungo.

Silence.

Silence.

Silence.

Silence.

Hindi ko na kaya. "Babalik na ko sa loob. Baka hinahanap na ko." Tumayo ako pero
bigla nya akong hinigit kaya napabagsak ako sa braso nya.

"I'm sorry. I'm such a jerk!" bulong nya sa'kin.


"Buti alam mo." I rolled my eyes kahit di naman nya nakikita.

"Pe - pero sa tingin ko mas marami pang mangyayari. Sa totoo lang natatakot ako."
Hinawakan nya ko sa cheeks. "Minahal kita ng totoo, walang kahit ano. Kung ano mang
nararamdaman ko ngayon totoo yun. Walang ibang dahilan kung bakit kita minahal.
Please maniwala ka." Ang lamig ng mga kamay nya.

"Relax. Naniniwala naman ako at alam ko naman yun." Pero parang hindi sya convinced
sa sinabi ko. Parang may gumugulo sa isip nya. "Alam mo hindi naman ako basta-basta
naniniwala sa mga sabi-sabi lang. Pinapakinggan ko ang both sides, ganun din si
papa and mommy." Bigla akong nalungkot. Para kasing nagiging evil witch na si mommy
sa paningin ko. "Hindi ko pala alam kung anong plano ni mommy. Basta tandaan mo,
kung paghiwalayin nya man tayo hindi ako mawawalan ng pag-asa. Hintayin mo lang
ako. Babalik ako, at ikaw - hindi kita ipagpapalit. Sa'yong- sa'yo lang ako. Buong-
buo." Biglang pumatak ang mga luha ko at pinahid naman nya agad using his thumb.

"Talaga? Buong-buo at lahat-lahat?" Tumango ako then he started kissing my lips.


Down to my neck. He caressed my back as he unzipped my gown.

And that night.

We

Become

One!

"Hoy aswang!!"

(-_-") Joke lang. Wala talagang nangyari. Imagination ko lang.


"Ano bang iniisip mo? Bakit papikit-pikit ka pa?" tanong ni goon.

"Eh sa nahihilo ako bakit ba!" grabe Alexa, kelan ka pa naging ganyan? Mukhang iba
ang epekto ng wine sa'kin. Nag-iinit ang pakiramdam ko. "Binabas ako. Gusto kong
maghubad!"

"HOY TUMIGIL KA NGA DYAN! KABABAENG TAO MO!!!" hinawakan nya yung dalawa kong
kamay. Akala nya ba talaga maghuhubad ako dito? Loko talaga sya, pero nakakatuwa
ha. Hindi nya sinasamantala ang pagkakataong tulad nito, yung kaming dalawa lang.
Kahit na gusto kong samantalahin na nya ko hindi pa rin nya gagawin. Oh my goon,
mas lalo-lalo ko syang minahal. Bigla ko syang niyakap ng mahigpit.

"Dito na lang tayo." Sabi ko sa kanya.

"ANo ka ba, hahanapin ka sa loob. Baka isipin pa nila kinidnap ka nila." Naramdaman
ko din namang niyakap nya ako.

"Ih okay lang yun. ¼ lang naman halos ng tao dun ang kilala ko. Kaya kung makita ko
man yung iba sa kung saan-saan wala akong pakialam." Bigla nya akong kiniliti.
"Wag!"

"Marunong ka na kasi ng ganyan ngayon. Natatawa na lang ako kapag naalala ko nung
una nating pagkikita. Yung ayaw mo pang sumigaw sa harapan ng ibang tao dahil sa
image mo. Samantalang ngayon di ka na natatakot." At kiniliti nya ako ulit.

"Eh mas masarap pala kasi sa pakiramdam yung nagpapakatotoo eh. Malay ko ba!
Kasalanan mo kasi 'to. Patay ka sa mommy ko." Tiningnan ko sya sa mata. Nakasandal
ang chin ko sa chest nya habang nakatingala ako sa kanya.

Idinikit nya ang ilong nya sa ilong ko. "Sya ang patay sa'kin. Kukunin ko ang
precious princess nya." Hahalikan nya ko sa lips kaya naman aabutin ko na din yung
lips nya ng bigla syang lumayo. "AYOKO NGA! MATAPOS MO KONG PAGSELOSIN DUN SA
TANING NA YUN! MANIGAS KA DYAN! HALIKAN MO YANG MGA THORNS NG HALAMAN!!"

"Ano? Hindi naman kita pinagselos eh!" nakatingin pa din sya sa taas. "Grabe isang
kiss lang naman."

"AYOKO! HARD TO GET AKO NO!! MANIGAS KA DYAN! SAKIT SAKIT NG GINAWA MO SA'KIN.
PATAWA-TAWA PA KAYONG DALAWA KAHIT ALAM MONG NANDUN AKO!! DI PA NAKUNTENTO!!
NAGYAKAPAN AT BUHATAN PA!!!" parang nagiging bad mood na naman sya.

"Kaibigan ko lang yun no!! Grabe ka naman! Hindi naman kami naghalikan no! Isa pa
hindi naman ako magpapahalik kung kani-kanino lang!!!" nakakahiya 'to. Kanina lang
nagiimagine ako na may mangyayari sa'min tapos ngayon parang nagmamakaawa akong
halikan nya ko? Sobra na talaga 'to.

"Kahit na! Ayoko pa din!!" aba talagang ang kulit nya ha. Hinawakan ko ang dalawa
nyang cheek. "HOY HARRASSMENT YANG GINAGAWA MO HA!!"

"Wala akong pakialam!! I demand for a kiss! By hook or by crook!!!" hinalikan ko


sya sa lips at ang mokong nagpupumiglas pa. Tinuunan ko ng tuhod ang dalawa nyang
kamay. Oo, ganun ang posisyon namin. Nakaupo sya habang nasa top ako na nakatuon
ang knees sa dalawa nyang kamay para hindi sya makapalag at hawak ko ang mukha nya
para steady lang at hindi makagalaw habang hinahalikan ko sya.

"You're so aggressive." Sabi nya between my kisses. "You get what you want." He
smirked.

"Told ya, wag mo akong subukan. Ayoko ng maarte!" bigla syang kumilos at naout of
balance ako. Next thing na nakita ko is sya na ang nasa top ko.

"Wanna play?" seryoso yung mukha nya kahit di ko masyadong maaninag.

"Ahhhh! May shooting star!!!" tinulak ko sya at itinuro yung star. "Sana po hindi
kami magkahiwalay ni goon."

"Bakit ka nagwiwish? Shooting star naman yun hindi wishing star." Tumabi sya sa'kin
at kinuha ang ulo ko para isandal sa balikat nya. Ang sweet nya no? Grabe sa
kasweetan, halos mabali ang leeg ko.

"Pareho lang din yun! Magwish ka na din dali." Hinampas ko sya sa chest.

"Isang shooting star lang yun tapos dalawang wish? Pwede ba yun?" tiningnan ko sya
sa mata. "Fine. Magwi-wish na."
"Go. Gusto kong marinig yung wish mo." Sumandal ulit ako sa balikat nya.

"Wish ko - " tumahimik sya sandali. " - sana madami pang dumaan na wishing star."

"Ano ba namang wish yan?"

"Para madami kang iwish! Hindi yung naghahati pa tayo sa iisang shooting star! Para
kang bata!" sabay kaming tumingala ng makakita ulit ako ng isa pang shooting star
at sinundan pa ng isa pa at isa pa.

"Wow, tingnan mo! Natupad yung wish mo! Marami ngang wishing star!" tuwang-tuwa
kong sabi sa kanya habang nakatingin sa taas. "Dapat magwish ka pa kasi natupad
agad yung wish mo. Dali na."

"Ano ka ba naman! May meteor shower ngayon, di ka ba nanonood ng balita?" grrrr KJ


talaga nito kahit kelan. Sumimangot na lang ako at hindi na nagsalita. "Oh sya sige
na nga, sa lahat ng wishing star na yan, sana wag nyong hayaang magkahiwalay kami
ng aswang ko. Kahit ano pang mangyari kahit ano pang dumating, kayanin namin lahat
kahit bumagsak pa lahat ng bulalakaw sa universe."

"Sobra naman yan." Natatawa kong sabi.

"Mas gusto ko na namang bagsakan ng bulalakaw ngayong magkasama tayo kesa gumising
ako bukas na wala ka na sa tabi ko." Napahagalpak talaga ako ng tawa. Ang korni nya
kasi. Korni-korni nya, pero kinikilig ako. Grrrrrr. Pigil ng kilig. Pigil. Pi- gil.
Hindi ko kaya. Kinikilig ako. SO what!!

"Ayun! Ang laki nung nandun!" maiba lang yung atmosphere.

"Mas malaki yung nandun!" nakisali na rin sya sa pagturo ng shooting star. Mas
maganda pa 'to sa birthday party ko eh. Ang manood ng meteor shower kasama si goon.

A/N

Ayan dahil nagrereklamo si Rich na walang love life, ayan maghirap ka ngayon.
Nakahanap lang ng katapat. Hahaha. Please vote, comment and follow. You can also
read my other stories Love Disaster 1 and 2, Ramses in NIraseya and Sumpa. I'd love
that. :p At habang nagiintay ng next UD sali na sa group at makipagkwentuhan sa
paborito nyong fictional characters. You can also like our fb page for the latest
updates. :)

Official FB Page: Perfect Haters by megladiolus


Facebook Group: Perfect Haters Family
Official Twitter Account: @Perfect_Haters
My Facebook Account: Mela Brio
My Twitter Account: @Official_Mela_B
My instagram: itsmelabrio
Official FB of Fictional Characters of PH: Zak Maliff
Alexa Ciesla
Andrade
Tuck Fanton
Val Reid
Jezhi Le Blanc
Rich Vega
Trav Cai
Luke Bretell
Official Twitter of PH' Fictional Characters: @HottieNottieLex

@TuckFantonPH

@Val_Reid10

@jezhileblancph

*******************************************
55

*******************************************
ALEXA'S POV

Balik pasok na naman sa school ngayon. Namiss ko na din ang mag-aral. Well, para
kasing tinamad na akong mag-aral simula nung nakilala ko si goon. Ang reason ko
lang naman dati kung bakit ako nag-aaral mabuti eh para makuha ang attention ng
parents ko, para umuwi sila dito kapag may mga awards ako pero in the end, kahit
isa dun hindi nangyari. Ang sarap na kaya ng feeling ko na nagagawa ko na ang mga
gusto ko. Matataas pa rin ang grades ko. Nailalabas ko na din yung tunay na ako at
maganda ako. Ah given na pala yun. Dapat pala 'at masaya pa ako'.

Ang daming magagandang regalo sa'kin nung debut ko. Pero syempre ang best gift ko
eh si goon. Gaano kaya sya katagal sa box? Siguro mga ilang minuto din kasi galit
na sya nung nabuksan ko.

Okay para na akong baliw habang nag-aayos ng sarili dito sa loob ng room ko.
Naalala ko din nung debut ko para kaming mga akyat bahay ni goon. Nalibang kasi
kami sa panunood ng meteor shower at narinig naming naghahanapan na sa loob kaya
nagmadali kami ni goon na humanap ng paraan para hindi kami mahuli. Eh syempre
magaling kaming mag-isip, umakyat ako sa kwarto, yun nga lang sa bintana ako
dumaan. Ang hirap ha, at kawawa naman si goon kasi halos matusuk-tusok na sya ng
shoes ko. Ang ending naman is pinapagalitan ni mommy yung planner at pagpasok nila
sa room nandun ako, nagtutulug-tulugan. Kunyari masama ang pakiramdam at kanina pa
ako dun. Dahil gustong magpagood image ng mommy ko, kunyari nag-aalala sya sa'kin.
Natuloy pa din naman ang cotillion, 18 candles at iba pa after ng drama ko. As
usual wala ako sa sarili, kasi nga dahil sa nangyari sa garden. Best moment kaya
yun ever. Priceless.

Anyway, tama na ang kwento dahil baka ma-late na ako. Lumabas ako ng room at
bumaba. Papalabas na ako ng bahay ng mapansin ko si mommy na may kausap sa living
room. Lumapit ako para sana magpaalam pero hindi muna ako nagsalita dahil nga may
kausap pa sya.

"I just wanna make sure 'cause I can't trust my memory so do your job at babayaran
kita ng tama." Narinig kong sabi ni mommy sa kausap nya.

"Don't worry madam, madali lang naman 'tong pinapagawa mo. I'll make sure mamayang
gabi may result na." sagot nung lalaking nakabrown coat, may shades at nakahat.

"Gawin mo na lang, mas matutuwa pa ako." Nagnod lang yung lalaki at lumabas na.

"Who's that?" parang nagulat naman si mommy nung nagsalita ako. Napaharap sya
sa'kin at nakahawak p sa dibdib nya.

"My goodness Alexa, you scared me!" naglakad ako papalapit sa kanya.

"I didn't mean to, but who's that guy?" parang nag-iisip pa si mommy bago sumagot.

"Investigator, gusto ko kasing bilhin yung company ng kalaban but I wanna make sure
na walang magiging problema." Hinahawakan ni mommy ang buhok nya na akala mo eh
nagulo pero hindi. Masyadong maraming spraynet ata ang nilagay nya dun.

"Seriously? Investigator ang kinuha mo at hindi lawyer?" napatigil sya at


napatingin sa'kin.

"I've done that already sweety at yun nga ang sinabi ng lawyer na gawin ko."
Magsasalita pa sana ako pero di na nya ko hinayaan. "I think you're late for school
and don't worry business is business. This is for our own sake, your future." I
rolled my eyes as soon as nagbeso si mommy sa'kin. The hell I care sa business
namin? Di ko nga alam paano yun papatakbuhin eh. Sana tulad lang yun ng electric
fan na kapag may kuryente tatakbo na. Or parang kabayo na sipain mo lang magwawala
pa.
"Mom?" napatigil sya at tumingin sa'kin.

"Please sweety kung tungkol pa rin yan sa investigator wala na akong ibang masasabi
so drop it." Medyo mataas na yung tono nya.

"No no, not that. I just wanna ask hanggang kelan pa kayo dito?" nagkaron ng
confused look si mommy. "Don't get me wrong pero mukhang nageenjoy kayo sa pagstay
nyo dito. I mean, how about our business abroad, work and - " hindi ko na alam yung
sasabihin ko kasi baka isipin ni mommy pinapaalis ko na sya.

"Don't worry sweety, matatagalan pa kami ng papa mo dito. We wanna spend more time
with our daughter." She smiled at tumalikod sya.

Please bagsakan nyo na ako ng lahat ng pwedeng ibagsak. Parang - parang sinabi
nyang wag na akong maging masaya ever! Gusto ko na kasing bumalik sa bahay ko.
Gusto ko na ulit magkulong kami ni goon dun. Para magsaya ha, hindi para gumawa ng
hindi dapat gawin. Never yan pumasok sa isip ko - well pumasok sya sa isip ko pero
wala naman akong balak gawin. Oo, totoo yun, wala talaga.

"Young lady nakaready na po ang sasakyan sa labas." I snapped back ng marinig ko si


Raphael. Tumingin ako sa watch at konting minutes na lang late na ko. Sana lang
pwede na akong sunduin ng monster goon ko ng nakamotor para hindi ako ma-late.
Bakit ngayon pa 'to nangyayari. Sa bagay, kapag mas namimiss daw ang isa't isa mas
tumitibay ang love. Yieeee! Kainis naman! Kinikilig ako.

"Young lady?"

"Yes. Heto na nga oh." Lumabas ako ng bahay at pinababa ko ang driver sa kotse ko.
"Ako na lang, kaya ko naman." Bumaba naman ang driver at umalis na ako.

After ng ilang minuto late na ako pero umabot naman ako ng safe sa school. Ang saya
palang magdrive ng mabilis, first time ko yun.

Naglalakad na ako papunta sa class ko ng bigla akong nakaramdam ng hindi maganda sa


paligid.
"Hey Alexa." Hindi ko pa man alam kung sino yung tumawag sa'kin pero nararamdaman
kong dapat wag ko na lang syang pansinin - but I can't. I'm still the sweet Alexa
na kilala ng lahat at hindi din naman ako ganun kasama para hindi pansinin kung
sino man ang tumatawag sa'kin so lumingon ako.

And for the second time today, sasabihin kong bagsakan nyo na ako ng kahit anong
bagay na makita nyo. Batuhin nyo ko - kahit ano! Kasusot kasi, makakakita ka lang
ng tao si Zanea pa. Oh wait, sinabi ko bang tao?

"What?" syempre ganyan lang ang tanong ko. Di kaya kami close.

"Hindi ako nakapunta sa birthday mo last time - "

"Di ka naman invited so no worries." I cut her off.

"I - know." Nagnod sya na parang nahihiya. Oh come on! Baka nga kahit spelling ng
'HIYA' hindi nya alam.

"I gotta go." Tatalikod na sana ako ng may iniabot syang box.

"What's this? Alkansya mo?" tiningnan ko yung hawak nya. "Oh, donation box?"

"Pwede ba umayos ka nga! I'm just trying to be nice kaya sana ikaw din." Nakakahiya
naman sa kanya. Ako pa talaga yung kontrabida ngayon ganun?

"No need to be nice. Wag na tayong magplastikan. Matagal ka nang nawala sa story na
'to so bakit bumabalik ka pa?" I folded my arms over my chest.

She sighed. "Look, I'm sorry. Okay na lahat sa'min ni Gene so sana maging okay na
talaga tayo. Promise, kunin mo lang 'tong gift ko hindi na kita guguluhin." Hindi
ko naman talaga alam kung anong gift nya sa'kin but one thing is for sure, hindi ko
yun magugustuhan.

"Fine!" kinuha ko yung gift nya at inilagay sa bag ko. "Happy?"


"Yes. Belated happy birthday." Tumalikod sya at parang mukha naman syang masaya.

Ano kayang sumapi sa babaeng yun at nagregalo? Siguro malapit na syang mamatay.
Natatawa kong sabi. Pumasok na ako sa klase ko kesa mabuwisit pa ako kay Zanea.

*******************************

TUCK'S POV

"Masyado na tayong nagiging good boy dudes. Hindi naman tayo ganito dati." Nandito
kami sa tambayan, cutting as usual. Kanina pa kami nag-uusap ng pagiging goodboys
namin.

"Guluhin kaya natin yung library mamayang gabi?" kung ano-ano talagang pumapasok sa
utak nito ni Rich kanina pa. Di ko nga alam kung may utak pa ba 'to eh.

"Tama, hindi na tayo mapaghihinalaan kasi goodboys nga tayo and this is not
Hemsworth!" tumatawang sabi ni Luke.

"Tsaka Tuck kelan ka ba ulit magpapaiyak ng babae? Nagiging goodboy ka na din


talaga no? Sino bang chikkababes mo ngayon?" tama naman si Rich, hindi na ako
nagpapaiyak ng babae ngayon.

"Wala. Wala ako sa mood na magpaiyak ng babae ngayon mga ungas! Masarap din namang
maging good di ba? Kayo ba hindi kayo natutuwa?" napatahimik naman silang lahat.
Tama rin naman kasi ako, talagang nagbago na kaming lahat.

"O sya sige, wag na muna nating pag-usapan yang pagbabalik badboy natin.
Chikkababes naman pag-usapan natin ngayon!" simula nung debut ni Alexa palagi nang
naiinis 'to si Rich.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kanya.

"Kasi ano - meron akong gustong paiyakin na babae! Hindi ko alam kung sino sya pero
ang angas! Tinalo pa yung charm ko! Imagine pinagpustahan nila ko!!!" habang
nagkukwento naglalakad pa tapos yung facial expression winner. Hindi tuloy namin
napigilang tumawa. "Sige magsitawa kayo! Bakit ha lahat ba ng babae nababaliw sa
inyo? Hoy! Makakahanap din kayo ng katapat nyo mga ungas!!" ayan na nga, nandamay
na ang mokong. "Ikaw Trav! Yung dota girl mo ano na? Nakafirst base ka na ba?"
binato ni Trav si Rich ng batong nahablot nya, mabuti nakaiwas si Rich.

"G*go ka! Kelan ba ko gumanyan sa babae? Gaya mo pa ko sa inyo!!" humiga na lang si


Trav sa damuhan. Naiinis na 'to kapag ganito sya.

"Dapat alam nyo ang pakiramdam ng walang chikkababes mga dudes!" umupo na rin sa
wakas si Rich sa ground.

"Chikkababes ba yang narinig ko?" napalingon kaming lahat kay Val na papalapit.

"Di ka kasali dito dude! May Jezhi ka na kaya chupi!!" may topak na talaga si Rich.
Sino kaya yung babaeng kinaiinisan nya? Mukhang gusto kong makilala ah. Tss!
Naalala ko na naman yung babaeng di pumansin sa gwapo kong mukha! Sterke Geest
kami!! Di sila uubra sa charms namin.

"Grabe ka naman magsalita Rich, dahil lang nakahanap ako ng girlfriend di na ako
pwedeng sumali sa usapan nyo?" tumabi sa'kin si Val.

"Kung gusto mong makisali ngayon, makipagbreak ka muna kay Jezhi!! Tapos
makipagbalikan ka din mamaya!!" suggestion ni Luke. Natawa na lang ako. Mga
kalokohan talaga nitong mga 'to.

"Bakit ko naman gagawin yun?!!!!" kinuha ni Val yung phone nya at may idinial. "I
need some space." At ibinaba na din nya agad yung phone. "OH AYAN!! BILISAN NYO
DAHIL KAPAG 'TO PINAGPALIT AGAD AKO PATAY KAYO SA'KIN!!!"

At nagtawanan na nga kaming lahat. Bakulaw talaga 'tong si Rich at Luke kapag
nagsama. Mga baliw na, konti na lang ipapadala ko na 'to sa mental eh.

"Ganito kasi yan dude, mga chikkababes kasi ngayon dinedeadma na ang charms ng
Sterke Geest!" sabi ni Rich habang nakaakbay kay Val.

"Di ako naniniwala dyan." Kalmadong sabi ni Val.

"Tama na nga yang problema sa babae! Masyadong gay dudes!! Mas mabuti pang matulog
na lang!! Tara Tuck tulog na lang tayo. Masyadong nababakla yang dalawang yan dahil
walang babae. Siraulo naman 'tong si Val nagpauto!!" umakyat ng puno si Trav at dun
nahiga.

"Nakakainis talaga!! KAPAG DI KA NGA NAMAN MAKAKASAPAK NG TAO!!" napalingon kaming


lahat ng marinig namin ang malakas na boses ni Zak. Umupo sya sa tabihan ni Luke.

"Oy Zak di ka pwedeng sumali sa usapan namin!!" sabi ni Val.

"At bakit naman? Leader ka? Leader ka?" sakit na ng tyan ko dito kakatawa. Mga
kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?

"Eh kasi usapang single 'to! May Lex ka na kaya di ka pwedeng sumali!!" tumingin
sa'min si Val. "Pero kung gusto mo makipagbreak ka kay Lex ngayon para makasali ka
sa usapan! Tapos makipagbalikan ka rin mamaya!" nakangiting sabi ni Val.

"ULUL!! BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YUN?!! BALIW LANG ANG GAGAWA NUN!!!" at nagtawanan
na kaming lahat maliban kay Val.

"Te - teka kakausapin ko lang si Jezhi!!" tumayo sya pero hinawakan sya ni Rich.

"Bayaan mo na muna sya. Minsan lang 'to." Ang hirap din siguro talagang pumili kung
kaibigan o girlfriend. Naawa tuloy ako kay Val.

"Hoy Rich tigilan mo na si Val. Kapag yan nawalan ng love life patay ka. Aagawin
nyan lahat ng chicks mo!" binato ko ng cap ng bottled water si Rich at tinamaan
naman sa ulo.

"Uto-uto bro eh. Masyadong loyal sa'tin." Magkakainitan na dito mamaya kapag di pa
tumigil 'tong si Rich.

"Sige na Val, kausapin mo na si Jezhi. Wag kang makinig dyan kay Rich. Palibhasa
nareject ng babae!" natatawa kong sabi.

"Wow Tuck, nakakahiya sa'yo. Hindi ka nareject?" biglang nawala yung ngiti sa mukha
ko.
"Wag ka ngang bakla dyan!" ininom ko na lang ang natitirang tubig na hawak ko.

"PWEDE BA ANG INGAY NYO!!! LAKI KAYA NG PROBLEMA KO DITO!!!" sigaw ni Zak kaya
napatingin kaming lahat maliban kay Val na tinatawagan si Jezhi. Kawawang bro,
manunuyo tuloy ng di oras.

"Kelan ka ba nawalan ng problema dude?" tanong ko kay Zak na mukhang manununtok na


anytime.

"Kasi - kasi hindi ko basta-basta pwedeng makita si aswang. Paano kasi nandun pa
yung mangkukulam!!!!" nakasimangot lang sya. Mukhang wala pa syang matinong tulog.

"Mangkukulam?" sabay-sabay naming tanong.

"Oo. Yung mommy nya!" well sa tingin ko nga may pagkamangkukulam yung mommy ni Lex.
Parang matapobre. "Di pa din ata sila aalis."

"Okay lang yan dude. Para mamiss mo si Lex, para may thrill. Kapag sobrang miss mo
na sya baka kung anong magawa mo sa kanya. Yung tulad ng ginagawa ni Tuck - "

*TOK

" - aray!!" buwisit 'tong si Rich ako na naman ang nakita.

"HOY HINDI KO YUN MAGAGAWA KAY ASWANG NO!! MAY RESPETO AKO SA BABAE!!!" eh di ako
na ang walang respeto sa babae! Yun ba ang ibig sabihin ni Zak? "Tuck, hindi ikaw
yung sinasabi ko ha." Mabuti naman at nilinaw nya.

"Ang sakit sa ulo ng mga babae." Napatingin kaming lahat kay Luke. "Oh bakit? Kayo
lang may problema sa babae? Wow dude, gwapo rin ako!" Sa lahat ng Sterke Geest si
Luke ang kakaiba. Kasi naman kung kami type namin ang mga hot chikkababes, well sya
kabaligtaran. Ayaw nya sa sexy. Kasi mahilig daw syang magluto, so kung sexy daw
ang magiging girlfriend nya, walang kakain ng niluto nya. Mas nagagandahan at mas
attractive para sa kanya kapag chubby. Ang problema nga lang, hirap syang
mapapaniwala ang mga ganung babae na seryoso sya sa kanila. Kawawang Luke.
"Sabi nga kasi sa inyo balik bad image na lang tayo!" tumayo ako. Gusto nyo bang
simulan ngayon?

"Paano?" tanong ni Rich.

"May new student dito sa Stanford. Wow man she's freaking hot. Nakita ko mga
pictures nya sa internet ang ganda. Model ata yun.

"Gusto ko yang makita. Bakit hindi tayo magpustahan kung sinong sa'tin ang
mapapansin nya." Parang kumikinang na pera yung mga mata ni Luke.

"Wala kong pera kaya kayo na lang!!" papansin 'tong si Trav. Di naman sya isinasali
eh.

"HOY BASTA AKO HINDI SASALI DYAN!! KAY ASWANG LANG AKO!! MAGBAGONG BUHAY NA NAMAN
KAYO!!!" sasapukin ko na 'to si Zak eh. Naturingang ang angas ng dating under naman
sa babae.

"Okay lang yan Zak. Hindi ka naman pupusta eh. Sasama ka lang sa'min para makita
yung new student na yun." Tumuro ako papaalis at parang nagdadalawang isip si Zak.
Naramdaman kong tumayo na si Trav. "O si Trav tumayo na oh. Di ka naman
magtataksil! Ang gay mo!! Parang di ka Sterke Geest!"

"HOY WAG MO NGA KONG SABIHANG GAY!!!! PARANG TITINGNAN LANG!! BASTA DI AKO KASALI
DYAN SA PUSTAHAN NYO!!!" tatayo rin naman pala ang arte pa.

Nagpunta kami sa may tapat ng library. Tamang porma lang habang si Zak eh nakaupo
lang sa isang sulok at nakatitig sa phone nya. Para namang magbabago yung unit ng
phone kapag tinitigan nya.

"Dude she's coming!!" sabi ko sa kanila. Sabay-sabay kaming nakatingin sa


paparating na hot babe. "5K cash!"

"Call!" sabay na sabi ni Luke at Rich.

Hindi sya ganun ka-petite pero damn ang curves! Nagba-bounce din - ang hair! Ang
puti at ang kinis! May mga kasama rin syang babae, siguro side kicks nya. Kasi mga
nasa likuran lang nya eh. Pero grabe, nagstandout talaga sya.

"Game!" sabi ko at hinarang ko sila. "Hey sexy, I'm - "

"Tuck, I know." Sabi nung magandang babae.

"I see, and they're my friends." Ituturo ko palang ang dalawang mokong pero
nagsalita na sya agad.

"Luke and Rich." Kalmado nyang sabi. Nag-okay sign si Rich at lumapit sa kausap
namin at nakipagshake hands.

"And you are?" medyo pacute na ako magsalita. Gusto kong patunayan na malakas pa
rin ang appeal ko.

"I'm Mel, and these are my girlfriends Jhelle, Rhej, Lora and twins na sina Nico
and Nica. Say hi to them girls."

"Hi boys!" they said in unison but in an annoying manner. Parang di sila natutuwa.

"Gotta go!" papatalikod na si Mel ng napatingin sya kay Zak. "Oh my gosh!"
nagmadali syang lumapit kay Zak. "You're the underground fighter?"

"OH EH ANO NAMAN SA'YO? SINO KA BA?" ang swerte nitong si Zak. Kita nya kaya ang
langit mula sa kinauupuan nya.

"I'm a fan. Pwedeng papicture?" Damn! Bakit lahat na lang kay Zak!! Ang hot pa
mandin nya.

"AYOKO!!" pero walang nagawa si Zak. Umupo na si Mel at umakbay pa.

"Thanks!" tumayo na sya ulit. "By the way, I'm just a fan. We're not into cool and
hot guys. We're into geeks, so sorry." Tumingin sya kay Trav. "Ikaw pwede ka na rin
aside from Zak." Nagwink sya kay Trav at umalis na habang nakatingin kami sa
mahahaba nyang legs.

"F*ck you dude!!!" kinuha ko ang kamay ni Zak at iniabot namin ang 5 thousand na
pusta.

"A - ANO 'TO?!!!" tumayo sya habang nakatingin sa perang hawak nya.

"Man, iba ka talaga!! Panalo mo yan sa pustahan natin dun sa hot chikkababes na si
Mel. Ikaw ang pinansin. Galing mo sa babae Zak." Sabi ni Rich na sobrang dismayado.

"Sinong babae? Anong pustahan?" Uh-oh! Dahan-dahan akong tumingin sa may tabihan at
nakita ko si Lex na nakatayo at salubong ang kilay.

"Yo, what's up?" Nakangiti kong sabi sa kanya pero hindi sya umimik.

"Tara kain tayo dudes." Inakbayan ako ni Luke pati na rin si Rich. "See ya later
Zak."

"HOY MGA LALAKI!! CARE TO EXPLAIN?!!!" pero nanakbo na kaming tatlo.

"Magdodota lang ako." Nagmadali na ring umalis si Trav. "Hoy mga ungas hintayin nyo
ko!!"

"MGA SIRAULO HOY!! YUNG PERA NYO NAIWAN SA'KIN!!!" Kawawang Zak. Naawa na lang ako
sa kanya. Kasi naman nakakasama ng loob, sya na lang ang gusto ng lahat. Mabuti nga
yang mag-away sila. Pero di namin intensyong mag-away sila ha. Nagkataon lang
lahat. Isa pa di naman talaga hot yung mga chikkababes kanina. Hot nga si Mel pero
mukhang tomboy naman, imagine not into hot guys. Wow.

"Tara dudes punta na lang tayong club. Dala tayong proteksyon." Sabi ko kina Rich.

"Pag-iisipan ko lang." sagot ni Rich. "Sige na nga. Bibili lang ako."

**************
ALEXA'S POV

Nakatingin ako sa isang goon na may hawak na pera na ang huli kong narinig eh babae
at pustahan! "So - "

"Hoy wala akong ginagawa ha! Wag kang maniwala sa kanila!!" sinabi ko bang
naniniwala ako? Defensive masyado 'tong unggoy na 'to!! Kumukulo ang dugo ko.

"Then bakit ka may hawak na pera? At anong pustahan at sinong babae?" I said while
stomping my feet.

"Hindi nga kasi ako kasali. Nakaupo lang kaya ako dito. Tapos - tapos nagpustahan
sila sinong mapapansin nung - sino nga ba yun?" humawak sya sa ulo nya.

"ABA MALAY KO KUNG SINO YUN!! KAYA NGA TINATANONG KITA DI BA!!!!" I folded my arms
over my chest. Hina-highblood ako dito.

"IKAW BA ANG TINATANONG KO HA?!! BAKIT KELANGAN MONG SUMIGAW!!!!" my jaw dropped a
little dahil sa pagsigaw nya.

"So - makikipagbreak ka rin sa'kin tulad ni Val na nakipagbreak kay Jezhi!! Kaya
sumali ka sa pustahan ganun ba?" tumalikod ako while shaking my head. Di lang ako
makapaniwala. I am so excited to see him tapos ganito lang yung aabutan ko.

"NO! IT'S NOT WHAT YOU THINK!!" humarang sya sa harapan ko kaya naman bumalik ako
pero nahawakan nya ako sa braso. "Makinig ka nga muna!! Bubugbugin ko yung mga
ungas na yun kapag nakita ko sila!!" Hindi pa rin ako nagsalita at nakatingin lang
ako sa kanya. Gusto ko pa mandin syang kausapin dahil sa ginawa ng may topak nyang
kaibigan sa bestfriend ko pero anong malalaman ko? Hindi lang talaga ako
makapaniwalang magagawa ni goon sa'kin 'to. "Ayun nga kasi, nagpustahan sila kung
sinong mapapansin ni Belen."

"So Belen ang name nung babae?" hindi pa rin sya makatingin sa'kin.

"Hel ata. Ih wag mo na kasing itanong kasi di ko nga alam!!!!" hinawakan nya ako sa
dalawang braso. "Biktima ako dito. Mababaliw na nga ako kakaisip sa'yo!!"

"MABABALIW KA NA PALA BAKIT NAMBABABAE KA PA HA!!!!!" halos maiyak na ako sa


pagsigaw ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa'kin at naglakad ako ng mabilis
papuntang parking lot pero kasunod ko pa rin sya.

"ANO BA NAMAN ALEXA!! SA'YO PA NGA LANG NASAKIT NA ULO KO!! KUKUHA PA BA AKO NG
BAGONG SAKIT NG ULO!!!" napatigil ako at napalingon sa kanya. Natuwa lang ako kasi
tinawag nya akong Alexa. Medyo nagmabagal ako ng lakad para makahabol sya. "Ay,
mababaliw na ko talaga!! Bakit ba yaw mong maniwalang wala akong kasalanan!!!"
Tumigil ako at sumandal sa kotse ko habang nakatingin sa kanya.

"Go ahead, makikinig ako." I narrowed my eyes.

"NGAYON KA LANG MAKIKINIG KANINA PA AKO NAGSASALITA!!!" I shrugged. "KASALANAN KO


BANG MAGING GWAPO PARA MAGING SELOSA KA NG GANYAN?"

Napahawak ako sa dibdib ko at napatawa bigla. "Wow, ako selosa? Wow." Tiningnan ko
sya ng masama. "HOY FLINT MALIFF!! KAPAG AKO NAPAPALAPIT SA IBANG LALAKI KAHIT
KAIBIGAN MO KUNG MAGWALA KA PARANG KATAPUSAN NA NG MUNDO!! PERO IKAW KAPAG DUMIKIT
SA BABAE OKAY LANG SA'KIN!!" Lumapit ako sa kanya at tinulak-tulak ko sya using my
index finger. "SINASABI KO SA'YO KAPAG NAKITA KO YANG BELEN NA YAN O HEL KUNG SINO
MAN SYA MANGHIHIRAM SYA NG MUKHA SA UNGGOY!!!! NAGKAMALI SYA NG LALANDIIN!!!"
Napangiti si goon. Galit na ko nangiti pa sya. "AT WAG KANG NGUMITI DYAN NA PARANG
WALA KANG KASALANAN!!!! GALIT AKO SA'YONG PLAYBOY KA!!!"

"Sobra ka na! Hindi ako playboy!! Tsaka di ko type yung mga ganung babae no! Ang
mga type ko yung mga mukhang aswang!!"

"Ahhhhhhhhhhh!!! Mababaliw na talaga ako Flint Maliff!!!!!!!" pinagsusuntok ko sya


sa dibdib. "Hindi na nga tayo nakakapagkita ng matagal lolokohin mo pa
ko!!!!!!!!!!!!!!!" tumalikod ako para sumakay sa kotse pero hinigit nya ako
papalapit sa kanya at ngayon ay nakasandal ako sa muscular chest nya.

"Pakinggan mo nga yung tibok ng puso ko, tsaka mo sabihing niloloko kita." Idinikit
ko ang tenga ko sa dibdib nya. Ang bilis ng tibok ng puso nya, parang katulad ng
sa'kin. "Sa'yo lang tumitibok ng ganyan yan. Kapag nasa malapit ka hindi na ko
mapakali. Pakiramdam ko aatakihin na ko sa puso." Inilayo nya ako sa chest nya -
sayang naman - hinawakan nya ako sa chin at tiningnan sa eyes. Pakicheck nga kung
buo pa yung katawan ko o natunaw nya. "Anong nakikita mo sa mga mata ko?" tiningnan
ko ang mga mata nya.
"Muta?" chineck ko din ang mga mata ko baka may muta din, nakakahiya.

"Baliw ka talaga! Hindi yun. Titigan mo ulit." Tinitigan nya ako.

"Sarili ko malamang." Sagot ko sa kanya habang nagtatanggal ako ng muta.

"See. Ikaw lang ang nakikita ko. Kahit pumikit ako ikaw pa rin ang naiimagine ko.
Kapag nga may natingin sa'king babae biglang magfa-flash yung mukha mo na galit na
galit. Hindi naman ako natatakot pero naawa kasi ako dun sa babaeng lalapit sa'kin,
alam ko kasing di mo sila hahayaan pang mabuhay." Natawa naman ako bigla. Ang korni
nya kasi. Gosh Alexa, pahard to get ka naman. "Naniniwala ka na ba sa'kin? Gusto mo
punitin ko 'tong pera?"

"Nah-uh." Nilahad ko ang palm ko. "Ibabalik ko yan kina Tuck. Patay sila sa'kin!!"
Hindi naman sya nagdalawang isip at iniabot nya sa'kin yung pera. "Pero may
kasalanan ka pa rin."

"Ano? Biktima nga kasi ako di ba?" Hindi ako ngumiti. "Fine. Anong dapat kong gawin
mapatawad mo lang ako kahit wala akong kasalanan." Lumapit sya sa may tenga ko.
"Wala akong kasalanan. Sana makonsensya ka." I shook my head.

Nag-isip ako ng gagawin nya. Tumingin ako sa paligid at wala namang ibang tao.
"Spell mo ang name ko using your butt."

"ANO!!! NO WAY!!" I raised my eyebrow. "Wag naman yun. Nakakahiya kapag may
nakakita."

"Wala namang ibang tao, so go ahead." Napakamot sya sa ulo nya at namumula sya. Ang
cute nyang tingnan pero feeling ko mas cute syang magbutt spell. Sumensya ako ng
'turn-around' using my index finger.

Wala naman syang nagawa. Tumalikod na sya sa'kin at hindi ko mapigilang tumawa.
"Wag kang tatawa ha!" lumingon sya sa'kin kaya bigla akong seryoso.

"Hindi." Lie. Kinikilig ako na natatawa. Gagawin nya talaga 'to kahit alam nyang
wala syang kasalanan?
"Okay. Game." Tumingin muna sya sa paligid. "A!" at nagbutt spell sya ng A. Hindi
ko napigilang tumawa. "Ah-ah ka. Sabi mo di ka tatawa?"

"Ha? AKo natawa? Hindi ah! Continue!" nakalip bite na ko sa pagpigil ng tawa.

"S!" natawa ako sa pagwave ng butt nya para sa letter S. Napahampas ako sa kotse sa
pagtawa.

Narinig ko din syang tumatawa.

"Oh bakit ka natawa?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Wala naman. Kasi parang tinanggap mo na aswang ang pangalan mo. A - S na ang
nagagawa ko oh. W na ang next." Nakangiti nyang sabi.

Napatigil naman ako sa pagtawa. Sabi ko kasi name ko ang ibutt spell pero dahil sa
pagtawa ko di ko na napansin.

"W!" magba-butt spell na ulit sya ng makita kong may paparating kaya hinigit ko sya
papalapit sa'kin. "Bakit?"

"Wow, ang sweet talaga nila no?" narinig kong sabi nung nadaan.

"May iba na kasing makakakita - ka - kaya hinigit kita." Nahihiya kong sabi.
Syempre naman kahit na galit ako ayoko naman syang ipahiya sa ibang tao. Bad boy
ang image nya, masculine na masculine tapos nagba-butt spell sa harapan ko. Hindi
naman ako ganun kasama. Nakonsensya tuloy ako bigla. Parang gusto kong umiyak. Kasi
naman mapatawad ko lang sya ginawa nya yun kahit nakakahiya.

"Oh bakit ka naiiyak?" humarap sya sa'kin. Umiling lang ako then nagsmile.
"Nakokonsensya ka na no?" Nagnod lang ako. "Sabi naman sa'yo gagawin ko lahat
maniwala ka lang sa'kin eh. Di kita lolokohin." Hinalikan nya ako sa noo.

"Kasi naman bakit ka nagbutt spell. Sana naman nagka-pride ka naman kahit konti.
Papahiya mo sarili mo para lang di ako magalit." Pumatak ang luha ko kasi sobrang
nakukonsensya ako sa pinagawa ko sa kanya.
"Kasi dun ka sasaya tsaka ayokong pagtalunan pa natin yun. Tsaka may kasalanan din
naman ako kahit paano. Wala din naman ibang nakakakita kaya okay lang." Pinahid nya
yung mga luha ko. "Wag ka nang umiyak okay?"

Niyakap ko sya. "Sorry, masyado na kong sumosobra. Hindi naman kita ina-under eh."
Feeling ko kasi sobra na ako minsan sa kanya. Kasi naman akala ko kasi tatanggi sya
pero hindi. Nakokonsensya talaga ako.

"Kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo na maiisip kung nakakahiya ba ang ginagawa
mo o hindi. Isa lang naman ang gusto ko, ang maging masaya ka, ang maging masaya
tayo." Niyakap nya rin ako.

"Hindi naman isa yun eh, dalawa kaya yun." Natatawa kong sabi habang nakasandal ako
sa chest nya at ramdam ko ang bilis ng heartbeat nya.

"I'm sorry. Sobrang mahal lang talaga kita kaya ayokong nadikit ka sa ibang babae.
Lalo na kung nakikipagpustahan ka pa or what basta ayoko. Wala kasi akong malaking
chest o butt at hindi ako ganun ka-hot kaya natatakot ako!!" naramdaman kong tumawa
sya.

"Oo nga, wala nga akong maramdaman kapag niyayakap kita eh." nanlaki ang mga mata
ko at napalayo ako sa kanya. "Oh ikaw ang nagsimula nyan." Tiningnan nya ko mula
ulo hanggang paa. "Wala namang mali sa'yo. Kahit wala kang malaking hinaharap or
sexy na butt wala akong pakialam. Di naman yan ang nakita at nagustuhan ko sa'yo
kaya don't worry. Walang makakagaya sa pagiging aswang mo! Nag-iisa ka lang."
Lumapit sya sa'kin at hinawakan nya ako sa waist. "Unless magpaparami tayo." Oh my
gosh, kelan kaya yun. "Ih gusto, namumula!"

"Ho - hoy feeling ka! Ma - mainit oh kaya ako namumula. Rosy cheeks ako no."
nahihiya ako. Di ako makatingin ng diretso sa kanya. Inhale, exhale. "Lumayo ka nga
sa'kin."

"Bakit? Nanghihina ka ba?" nakaasar nyang sabi and I rolled my eyes. Yung smile at
laugh nya, grabe irresistible. Hindi na ako nagsalita. Mahalata nya pang
ninenerbyos ako at kinikilig. "Mabuti pa manood na lang tayo ng sine." Ngumiti ako.

"My treat. Pero ikaw sa popcorn ha." Grabe yung smile nya, parang heaven. Labas
yung dimples, nakatitig lang sa'kin, tapos ang bango-bango pa. Oh my.
"Sure, ano bang gusto mong panoorin ngayon?" inakbayan nya ako at naglakad papunta
sa kotse nya.

"Gusto ko yung Sumpa, si Mela Brio daw sumulat nun kaya for sure maganda yun.
Nakakatakot daw yun sobra, nabasa ko yung mga reviews madaming nagandahan."
Napatingin ako sa kanya at hindi sya nagsalita. Takot nga pala 'to sa multo. "Don't
worry, pwede kang magtago sa likuran ko." Tumatawa kong sabi.

"Ikaw na lang ang papanoorin ko." Gusto ko ring panoorin sya. Magsasalita palang
ako ng biglang tumunog ang phone nya. Inalis nya ang pagkakaakbay sa'kin at kinuha
ang phone nya sa bulsa nya. "Unknown number lang."

"Sagutin mo na din baka importante." Baka kasi sa work nya yun, di naman ako
mapaghinala. Joke, oo mapaghinala ako, pero after ng nangyari hindi na muna.

"Hello." Biglang napatingin sa'kin ng seryoso si goon. Namutla sya at hindi agad
nakapagsalita. "Opo." Nagbuntong-hininga pa sya. "O - okay po. Darating po ako."
Pinatay ni goon yung phone. Pero ang higpit ng pagkakahawak nya sa phone na parang
masisira na. Nakatungo lang sya at hindi ko alam kung anong nangyayari.

"What's wrong?" tumingin sya sa'kin na nakangiti. Pero parang ang lungkot naman ng
mga mata nya.

"A - ano - si coach pinapapunta ako ngayon. Importante daw. Sorry sweet monster ha.
Postponed muna ang date natin. Pero promise babawi ako." Hinawakan nya ako sa
dalawang cheeks. "I love you. I love you always." Inilagay nya ang right hand ko sa
chest nya. "Hindi ko na kelangang sabihin, pakiramdaman mo na lang kung gano kita
kamahal. Tandaan mo yan ha." Nagnod lang ako. Bakit ganun? Parang nag-iba sya after
nung tumawag. Parang naiiyak sya na nagwoworry na hindi ko alam. "I gotta go - ano
baka kasi - magalit si coach kapag nalate ako." Hinalikan nya ako sa noo at sumakay
na sa kotse. Hindi na sya ulit tumingin sa'kin.

"I love you too." Sabi ko sa kanya bago nya isara ang kotse pero hindi na sya
tumingin sa'kin. Iba yung reaction ng mukha nya. Sino kaya yung tumawag? Bakit
parang hindi sya mapakali. Bakit sya biglang nagsasalita ng mga ganun? Kinakabahan
ako, sana okay lang ang lahat.

A/N

Don't forget to vote, comment and follow. :) Support PH all the way. I love
y'all. :* You can also read my other works. Thanks. :)
Official FB Page: Perfect Haters by megladiolus
Facebook Group: Perfect Haters Family
Official Twitter Account: @Perfect_Haters
My Facebook Account: Mela Brio
My Twitter Account: @Official_Mela_B
My instagram: itsmelabrio
Official FB of Fictional Characters of PH: Zak Maliff
Alexa Ciesla
Andrade
Tuck Fanton
Val Reid
Jezhi Le Blanc
Rich Vega
Trav Cai
Luke Bretell
Official Twitter of PH' Fictional Characters: @HottieNottieLex

@TuckFantonPH

@Val_Reid10

@jezhileblancph
@hotSIRICHvega
@Real_Trav_Cai

*******************************************
56

*******************************************
ALEXA'S POV

Naglalakad ako sa loob ng campus para hagilapin lang naman ang mga lalaking nantrip
sa goon ko. Mga siraulong yun. Papakain ko sa kanila 'tong pera nila eh.
Nagsasayang ng pera para lang sa babae? Wow, eh di sila na ang mayaman! Nakakainis!
Dahil mayaman kelangang magsayang ng pera? Di ba nila alam kung gaano kahirap
kumita ng pera? Well, di ko din naman alam. Hahaha. Di ko pa kasi nararanasan.

"Ihhhhhh! You're so sweet!!" napatigil lang naman ako ng marinig ko ang isang
malakas na tawa ng isang babaeng mukhang sinasapian na sa saya. Nakita ko sa may
field ang isang Jezhi na kasing laki ng Jupiter ang tawa. Feeling ko kasya na ko sa
bunganga nya sa sobrang laki. Kanina lang inaartihan ako tapos ngayon kinikilig na
kasama si Val. I rolled my eyes at umalis na lang ako. Bahala sila sa buhay nila,
matatanda na sila para sermonan. Isa pa may sarili akong hinahanap. Saan kaya sila
pwedeng magtago? Binibilang ko ang pera na iniabot sa'kin ni goon baka kasi kulang
'to at kinuhanan nya pa. Kapag 'to kulang patay sya sa'kin -

*TUGSH!

"Ouch!" syempre initial reaction yung ganun since nauntog lang naman ako sa ulo ng
kasalubong ko at nabitawan ko ang pera.

"I - I'm sorry, my fault. Hindi kasi ako natingin sa dinadaanan ko." Sabi ng isang
babae sa harapan ko habang pinupulot ang mga nalaglag. Di ko sya kilala so okay
lang magtaray kasi for sure hindi nya din ako kilala. "Hey, Alexa right?" (-_-)
Kilala pala nya ko. Tumayo sya at iniabot sa'kin ang pera. "I heard so many good
things about you."

"Really? Like what?" I asked faking my smile. Kinuha ko ang pera sa kanya.

"Like if I wanna know more about this school I can approach you. By the way, I'm
Mel, new student lang." Iniabot nya sa'kin ang kamay nya. Mukha naman syang mabait
so mukhang di ko kelangang magtaray.

"Yes, you can approach me." Iniabot ko rin yung kamay ko for shakehands. "Nice to
meet you."

"Pwede ba tayong maging magkaibigan? I mean, I saw these girls sa gate then
nilapitan nila ako. Akala ko nice sila yun pala hindi. Iniwanan kaya nila ako bigla
alam naman nilang hindi ko pa saulo 'tong school." Ay kawawa naman pala sya, kaya
ko sya siguro nakabangga kasi natingin sya sa paligid.

"Ganun ba. Kawawa ka naman pala. SYa umuwi ka na lang at matulog sa bahay nyo."

"What?" gulat na gulat nyang tanong.

"Joke lang syempre." Pero sa totoo wala naman akong pakialam kung mawala sya. Di
naman kami close. Tumitingin ako sa paligid kasi baka biglang dumaan ang mga mokong
na sila Tuck.

"May hinahanap ka ba?" so lahat napapansin nya? Galing ha.

"Sort of. Hinahanap ko kasi yung mga kaibigan ko."

"Oh my gosh, may mga friends ka? Akala ko si Jezhi lang ang kaibigan mo." Tumatawa
nyang sabi. Batukan ko kaya 'to. ANong tingin nya sa'kin may ketong at walang
kaibigan? Kapag ganito ba naman ang kausap ko baka maging monster ako bigla. "I'm
sorry." Sabi nya ng mapansin nyang hindi ako tumawa sa sinabi nya.

"That's fine. Nakikipag kaibigan lang naman ako sa mga totoong tao." Tiningnan ko
sya at parang nag-iisip.

"May peke bang tao?" napailing na lang ako. She's unbelievable. Iniwanan ko syang
nakatayo at nag-iisip, kung nag-iisip nga sya.

"Wait Alexa! Ako totoong tao ako! Tao ang mommy at papa ko! Sure ako dun!!" (-_-#)
Pasensya please dalawin mo ako ngayon.

Tumigil ako at humarap sa kanya. At dahil dire-diretso sya ng takbo nagsalpukan na


naman kami.

"So - sorry. Bigla ka kasing tumigil." Nakangiti na lang ako. Mukha naman syang
harmless, yung tipong Jezhi the second.

"Look miss - "

"Mel."

"Yeah, Mel." I sighed. "Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko sa'yo. Pumunta ka
na lang ng office at humingi ng school map - "

"Galing na ko dun and I already got one." Pinakita nya pa sa'kin yung map ng
nakangiti.

"Ow - " napakamot na lang ako sa ulo ko. "So aalis na ko. Dyan ka na kasi may
gagawin pa ko." Tumalikod ako at naglakad ako ng mabilis.

"Ha? Ako din may gagawin." Sumunod sya sa'kin.

"Go gawin mo na." sabi ko habang naglalakad pa rin at hindi ko sya tinitingnan.
"Ginagawa ko na nga oh. Sinusundan na kita. Intayin mo naman ako." Oh my gosh,
sumasakit ang ulo ko. Please tulungan nyo ko.

Dahil naramdaman kong nasunod pa din sya tumakbo na ako ng mabilis at lumiko sa my
likuran ng gym at nagtago sa puno. Hinihingal pa ako pero pinipigil ko kasi baka
marinig nya. Seriously? Maririnig nya yung hininga ko? Mababaliw na din ata ako.

Dahan-dahan akong sumisilip sa likuran ng puno at tinitingnan ko kung kasunod ko pa


rin yung Mel na yun. Nakakatakot, parang stalker.

Mukhang wala na sya. Hindi ko na sya makita sa likuran ko. Sa wakas makakahinga na
ako ng maluwag.

"Nasundan ba nila tayo?"

"Hindi. Wala na sya - " napatingin ako sa tabihan ko at nakita kong may isang babae
na nakatalikod sa'kin at nakatingin din sa likuran ng puno.

"Ayun mabuti hindi tayo nasundan." Humarap sya sa'kin at napaatras ako.

"I - ikaw?" nakangiti lang si Mel. Hindi ba nya alam na sya ang tinataguan ko?
"Bakit di ko naramdaman na nandyan ka na?"

"Kasi napansin kong nagdadahan-dahan ka kanina sa pagtatago kaya nagdahan-dahan din


ako." Napaupo na lang ako at napaatras sa puno. Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko.
Biglang sumakit. "O - okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Teka may tubig ako
dito." Kinuha nya yung tubig sa bag nya at binuksan. "Ang hirap buksan, wait lang
kaya ko 'to."

"Wag na. I'm fine." Tiningnan ko lang sya at binubuksan nya pa din ang bottle water
na hawak nya pero parang hirap na hirap sya. Grabe mukhang mas malala pa 'to kay
Jezhi.

"Ayun nabuksan ko na. Eto na - " nang maramdaman kong may tumulo sa ulo ko. "I - I
am sorry, du - dumulas kasi sa - sa kamay ko." Kumuha sya ng tissue at ipinunas sa
ulo ko. Ang lamig ng tubig, feeling ko nausok ngayon ang ulo ko. Hindi ako
nagsalita kasi baka kung ano lang ang masabi ko. "A - Alexa ga -galit ka ba
sa'kin?" umupo sya sa harapan ko at tiningnan ko lang sya ng bigla syang umiyak.
"So - sorry na. Di ko naman talaga sinasadya. Please wag mo naman akong ipatanggal
sa school nyo. Naghahanap lang naman talaga ako ng totoong kaibigan pero dahil
palpak ako lagi di ko magawa hanggang patalsikin na ko ng mismong school. Please
wag mo akong isumbong, kasi ito na lang ang natitirang elite school na hindi pa
nagpapatalsik sa'kin." OA much, patanggal agad. Mukha ba kong witch at ganun agad
ang tingin nya sa'kin.

Inabutan ko sya ng panyo. "Wag ka nang umiyak. Di ko naman sinabing isusumbong


kita." Napakamot ako sa ulo. "Tsaka okay lang na palpak ka, sanay na ako dun at
hindi ako galit." Para syang bata na lumiwanag ang mukha at bigla akong niyakap.

"Thank you so so much. Sobrang bait mo talaga tulad ng sinabi ng mga taga school."
Napaisip ako sa sinabi nya, kabago-bago nya lang dito pero ang dami na nyang
nalaman.

"Tell me, stalker ba kita?" tanong ko sa kanya at humiwalay ako sa pagkakayakap


nya.

"Nope! Narinig ko lang na pinaguusapan ka kahit san ako magpunta dito sa school, so
naisip ko kung magiging kaibigan kita wala nang mangbubully sa'kin." Ginamit nya
yung panyong binigay ko para pangblow ng nose nya. "Oops. Sorry." Yung ngiti nya
parang nahihiya na ewan. "Thanks sa handkerchief." Inaabot nya ulit sa'kin.

"Keep it." Duh, may sipon na yun tingin nya ba kukunin ko pa?

Nagbuntong hininga na lang ako at tiningnan ko ulit yung perang hawak ko. Paano ko
kaya makikita yung mga gunggong na yun?

"Kulang pa ba yang perang hawak mo? Pwede kitang pahiramin kung gusto mo." Kukuha
na sya ng wallet pero pinigilan ko.

"No!" Mukha ba kong walang pera? "Isasauli ko 'to sa mga loko kong kaibigan!"

"Oh I see. MGa inutangan mo?" isa pa - isa pa talagang masasapok ko na 'to.

"Hindi ako nangungutang! At please, pwede bang wag ka nang magsalita dahil naiinis
na ko." Bigla syang tumahimik na parang iiyak na naman. "Fine! Pero wag masyadong
matanong, pwede kang magsalita!"
"Okay." Tumingin sya sa malayo pero nakangiti pa rin. ANo kayang problema nito? "Ay
may nakita pala akong mga gwapong lalaki sa likod ng library kanina. Nagtatawanan,
parang narinig ko nga yung name mo eh. Actually sila rin yung nakasalubong kong mga
lalaki."

"Gwapo ba kamo? Sa likod ng library?" nagnod sya. "Thanks. Sige pupuntahan ko lang
sila." Tumayo ako at kinuha ko yung gamit ko.

"Wait! Sasama ako sa'yo." I shook my head pero wala na din naman akong nagawa. "Now
kaibigan ko na ang pinakasikat na babae sa school. Yey!!" nagtatalon pa sya.
Feeling ko may saltik 'to sa utak eh.

Hindi ko alam kung may kapalit na si Jezhi since lagi naman nyang kasama si Val.
Pero di ko rin alam kung sino ba 'tong babaeng 'to at bigla naman syang sumulpot
dito. Nakakaawa naman sya dahil wala syang kaibigan, pero kung titingnan ko sya
sobrang hot naman para hindi sya pansinin ng kahit na sino. Well sino nga namang
papansin sa isang hot chick kung palpak naman lagi ang mga ginagawa. Kawawang
babae.

*****************

ZAK'SPOV

"Good morning po." Kahit pakiramdam ko alam ko na kung anong reason bakit nya ako
pinapunta dito gusto ko pa ring itanong sa kanya. "I'm surprised at gusto nyo po
akong makita."

"Don't flatter yourself my dear." Inihagis nya sa harapan ko ang isang brown
envelope. "Maupo ka muna habang tinitingnan mo yan." Sinunod ko naman sya. Uminom
lang sya ng juice habang nakatingin sa'kin.

Binuksan ko ang envelope at nakita ko ang birth certificate ng buong pamilya ko.
May pictures din kaming lahat including yung article sa newspaper 2 years ago.
"Ma'am please makinig po kayo."

"No! You listen! Stay away from my daughter! I know you want revenge kaya hinayaan
mong magkagusto ang anak ko sa'yo then ano? Iiwanan mo sya? Kukunin mo ang
kayamanan namin? Gagamitin mo sya para makuha mo ang lahat ng sa'min, hahayaan mong
kalabanin nya kami in the end?" sabi ko na nga ba mangyayari 'to.
"Hindi po totoo yan!" halos magusot na ang mga papel na hawak ko.

"Hindi? Mukhang hindi ka nga nasurprise na ako ang mommy ni Alexa. Alam mo na bago
ko pa nalaman. Nung marining ko ang full name mo sa debut ng anak ko kinutuban na
ako agad and I'm right. This was all your plan." Uminom ulit sya ng juice habang
nakatingin ng masama sa'kin.

"Mahal ko na po ang anak nyo bago ko pa nalaman ang lahat. Maniwala po kayo wala
akong balak gumanti! Nagmamahalan kaming dalawa kaya please - please wag nyo po
'tong gawin sa'kin." Pero mukhang hindi ko sya mapapapayag agad.

May kinuha syang folder at iniabot sa'kin. "I am returning all your properties kung
yun lang ang gusto mo. Alam kong matagal na kayong naghirap kaya alam kong
tatanggapin mo 'to. Hindi ko ibibigay ang princess ng family ng ganun kadali
lalong-lalo na hindi sa katulad mo!"

Tiningnan ko ang laman ng folder. Lahat ng properties namin binabalik na nya. Yung
business yung bahay at lahat. Kelangan ko 'to para kay Cia. Ito rin ang mga
pinagpaguran ni mommy. Anong gagawin ko? Nahihirapan ako.

"So I guess we're done. I have to go. And I don't wanna see you again lalo na sa
tabi ng anak ko." Tumayo sya pero pinigilan ko sya.

"I'm sorry. Hindi ko po 'to matatanggap." Iniabot ko sa kanya yung folder. Hindi ko
kayang bumalik ang lahat ng yaman namin kapalit ni aswang. Tinanggap nya ako kung
ano ako at hindi yun dahil sa kung anong meron ako. At isa pa, ayoko lalong isipin
nila na pinlano ko lahat ng ito para makaganti dahil hindi yun totoo.

"Oh, kulang pa ba yan? Dear yan lang talaga ang meron kayo. Maliit na business,
wala akong ginalaw dyan." Tiningnan nya lang ako pero hindi ako nagsalita. "Okay.
Magkano pa ba ang dapat kong idagdag?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at
sinuntok ko ang table.

"Hindi ko kelangan ng pera nyo. Pasensya na po, pinipilit ko kayong igalang pero
binibigyan nyo ako ng dahilan para hindi gawin yun!" mukhang nagulat sya sa ginawa
ko at hindi agad nakapagsalita. "Hindi nabibili ang pagmamahal ko para sa anak nyo.
Kahit maghirap kayo mamahalin ko pa rin sya!!"
"Gusto mong maghirap kami? Gusto mong makuha ang anak ko dahil mas malaking pera
ang makukuha mo kesa sa kung anong inooffer ko sa'yo!" tumawa sya na parang
ninenerbyos. "You're so clever."

"Hindi nyo po ba narinig ang sinabi ko? Inyo na yang pera nyo! Hindi ko yan
kelangan. Ang anak nyo ang kelangan ko. Mahal ko sya at nagmamahalan kami. Hindi
nyo alam yan dahil wala kayo sa tabihan nya sa oras na kelangan nya kayo!" I
clenched my fist.

"At ikaw ang nandyan kapag wala kami? Flint Maliff! Hindi ako pinanganak kahapon.
Alam ko kung ano ang gusto ng mga katulad mo. Sabihin mo lang kung anong kelangan
mo ibibigay ko pero wag lang ang anak ko!!" tumayo ako at inihagis ko pabalik ang
mga papel na iniabot nya sa'kin.

"Then wala na tayong dapat pag-usapan. I need to go." Tumalikod ako para sana
umalis ng bigla syang magsalita.

"Ano kayang sasabihin ni Alexa kapag nalaman nya na ang mahal nyang boyfriend ay
ginagamit lang sya para maghiganti." Gusto ko syang suntukin pero marunong pa rin
naman akong gumalang sa matanda kaya I calm myself down at tumingin ako sa kanya.

"Sana maconvince nyo sya sa gusto nyong sabihin. Pero kahit anong mangyayari
hinding-hindi ko sya isusuko. Pasensya na po." Tumalikod ako at naglakad palabas ng
makita ko si Honey kasama ang asawa nya. Hindi ko sya pinansin pero narinig kong
tinawag nya ako at sinundan sa labas.

"Zak wait!" humarang sya sa harapan ko at parang gusto kong umiyak! "Si - sino
yun?"

Nilampasan ko sya pero sumunod pa rin sya. "Sya yun. Sya yung dahilan kung bakit
kami naghirap! Sya ang dahilan kung bakit hindi namin napagamot si mommy! Sya ang
dahilan kung bakit kelangan kong lumaban para sa future ng pamilya ko. Sya yun
Honey! F*ck! Sya yun!!!!" halos napapahawak na ko sa ulo ko dahil gusto kong
sumigaw.

"Calm down Zak!" hinawakan ako ni Honey sa likuran pero inalis ko lang yung kamay
nya at naglakad ako papuntang parking lot. "Ano pang gusto nya? Naghirap na nga
kayo di ba?"

"Binabalik nya lahat ng properties namin." Mahinahon kong sabi kay Honey habang
nasa parking lot na kami.
"Yun naman pala eh. Pe - pero bakit daw?" nakita kong kasunod na din namin ang
asawa nya.

"Kapalit ni Alexa." Nakita kong nagulat si Honey sa narinig nya. Parang sya ang
unang maiiyak sa'ming dalawa.

"Hi - hindi ko maintindihan." Tumingin sya sa asawa nya then sa'kin ulet.

"You heard me. Sya lang naman ang nanay ng babaeng mahal na mahal ko!! Damn!!!
Bakit sya pa! Bakit nangyayari 'to!!" sa sobrang inis ko nasuntok ko ang window ng
kotse ko at nagcrack yung salamin.

"So yung inoofferan ka nya ng mas malaki para yun sa paglayo mo kay Alexa?" nagnod
lang ako. "I'm sorry Zak pero wala akong alam pagdating sa ganyan pero sa tingin ko
dapat sabihin mo na kay Alexa kesa maunahan ka pa nung mother nya. Sa pagtingin ko
palang sa babaeng yun mukhang gagawin nya lahat para magalit sa'yo si Alexa." Tama
sya, dapat kausapin ko na si aswang ngayon.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Slight turn of the head

Kinuha ko ang phone ko at nakita kong si aswang ang natawag.

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

Sinagot ko ang phone at pinilit kong ayusin ang boses ko.


"Hello."

[Where are you? Never mind. I need to - to talk to you - now!] Parang nauutal
syang magsalita.

"Me too. I need to tell you something. Nasan ka? Pupuntahan na lang kita."

[Sa abandoned building na lang. Papunta na ko.] then binaba na nya ang phone.

"Mukhang naunahan na ko." Sabi ko kay Honey.

"Sasamahan ka namin, kaya naming patunayan na wala kang kasalanan." Nagsmile ako at
nagnod kay Honey. "Susundan ka na lang namin." Sumakay ako sa kotse at nilapitan
din nila ang kotse nila para sumakay.

Hindi ko alam kung anong sinabi ng mangkukulam na yun kay aswang pero sana wag muna
syang maniwala. Bakit nangyayari 'to ngayon? Bakit sa'min pa? Kung kelan akala ko
okay na lahat. Mahirap ba talagang maging maayos ang buhay ko? Hindi ba ko talaga
pwedeng maging masaya?

Ilang minuto lang nakarating na ako sa tapat ng abandoned building. Bumaba ako at
nakita kong kakarating lang din nila Honey. Bumaba sya agad at lumapit sa'kin.

"Ako na lang, kaya ko 'to. Salamat sa tulong." Pinigilan ko sila Honey na sumama
sa'kin. "Thanks dude." Sabi ko sa asawa nya. Hindi na naman sila nagpumilit kaya
ako na lang ang pumasok sa loob.

Pagdating ko sa rooftop nakita ko si aswang na nakatalikod. Nagbuntong hininga muna


ako bago ko sya nilapitan. "Hey." Nakangiti ako pero bigla nya akong sinampal
paglapit na paglapit ko.

"Ano? Wala ka man lang reaksyon? Hindi mo man lang itatanong kung para saan yung
sampal ko?" bigla syang umiyak.

"Let me explain." Hinawakan ko sya sa balikat.


"No! Don't touch me!" tinanggal nya ang kamay ko.

"I'm sorry. But believe me hindi ko alam." Hinawakan ko pa rin sya kahit ayaw nyang
hawakan ko sya. "Minahal kita bago ko pa malaman na ikaw ang anak nya."

"Pero bakit? Bakit di mo sinabi agad? Bakit kelangan mo pang gawin 'to!" Lumayo sya
sa'kin at iniabot sa'kin ang phone nya. "Sinend sa'kin yan ng investigator kanina.
Bakit ka nagsinungaling? Sabi mo si coach ang tumawag."

"Sorry pero sabi kasi ng mommy mo wag kong sabihin sa'yo." Tiningnan ko ang mga
pictures sa phone nya. Nakita ko ang pictures namin ng mommy nya at ako nung hawak
ko ang mga documents. Pati yung pagsuntok ko sa table na mukha akong galit at ang
mommy nya eh mukhang takot na takot. Kung titingnan mo 'tong mga pictures makikita
mo na parang tinakot ko pa yung mommy nya.

"Hindi mo naman kelangang takutin si mommy para lang dagdagan yung gusto mong
makuha." Nagpunas sya ng luha nya at napatingin ako.

"What? Hindi yan totoo!" hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.

"Zak sabihin mo nga naging totoo ka ba sa'kin kahit minsan?" para akong sinaksak sa
tanong nya. Ang sakit sakit, ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Inayos nya ang
sarili nya at kinuha nya ang phone nya sa'kin. "Ang hirap lang maniwala. Hindi ko
lang matanggap na naloko na naman ako. Ang tanga-tanga ko lang."

"Hindi kita niloko!!! Lahat ng pinakita at sinabi ko sa'yo lahat yun totoo!!"
nagulat sya sa pagsigaw ko. "Oo mommy mo nga ang reason kung bakit kami naghirap.
Kung bakit namatay si mommy!! Pero hindi ko alam na anak ka nya! Hindi ko yun
naisip!! At kahit ibinabalik na ng mommy mo lahat ng properties namin hindi ko yun
tinanggap!! Alexa hindi ko na kelangan ang mga yun ngayon! Ikaw na ang kelangan
ko!! Ikaw lang!!" bigla syang umiyak na parang tumatawa.

"Hindi ko na alam kung sinong papaniwalaan ko. Hindi ko matanggap na - na ginusto


mo ko para makaganti o para maibalik sa'yo lahat." Kagat-kagat nya yung labi nya
at pinipigilan ulit nyang umiyak. "Baliw na siguro ako kung baliw pero - pero kung
totoo man na kayamanan ko lang yung gusto mo - ayos lang. Okay lang sa'kin - kasi -
kasi parang di ko kayang mawala ka sa'kin. Ayokong - ayokong iwan mo ko." Bigla
syang tumawa habang natulo ang mga luha. "Yun nga lang kapag tinakwil ako ng
parents ko eh di wala ka nang reason para mahalin ako." Papalapit ako sa kanya pero
bigla syang tumakbo palabas. Susundan ko sana sya nang makita kong nakatigil sya.
"Walang kasalanan si Zak, Alexa. Ang kasalanan nya lang eh yung minahal ka nya ng
sobra. Hindi ko alam kung anong sinabi sa'yo ng mommy mo o kung anong problema
nyong lahat pero nandun ako kanina. Nakita ko lahat kung paano nanindigan si Zak
para sa'yo. Kahit malaking halaga na ang inoffer ng mommy mo sa kanya hindi nya
tinanggap." Papalapit si Honey sa kanya at napaatras si Alexa. Akala ko umalis na
sila pero hindi pala. "Alam mo napakaswerte mong babae at ikaw ang minahal ni Zak.
Kung sa ibang lalaki yun, malamang sinamantala na ang offer ng mommy mo at nawala
na lang na parang bula. Pero sa tingin ko hindi ka rin bagay kay Zak. Bakit?
Jinudge mo na sya agad! Alam mo ba yung mga panahon na lagi kaming magkausap? Ikaw
lang ang lagi nyang kinukwento, akala ko ikaw na talaga para sa kanya, akala ko iba
ka pero hindi. Pareho lang kayo ni Natalia. Hindi mo din sya kayang ipaglaban tulad
ng ginagawa nya para sa'yo!!!" tumingin sa'kin si Honey. "Sorry Zak kung narinig ko
lahat ng pag-uusap nyo, pero naramdaman ko kasing ganito ang mangyayari. Pabayaan
mo na sya kung ayaw na nya sa'yo. Nagkamali pala ako ng tingin sa kanya." Tumalikod
si Honey at bumaba na.

Narinig ko na lang na mas lumakas ang iyak ni aswang habang nakatalikod sa'kin.
Hindi ko sya nilapitan kaya nagulat ako ng bigla syang humarap at tumakbo sa'kin at
bigla akong niyakap. "Hindi naman talaga ako galit kung hindi mo talaga ako gusto o
kung pera ko lang ang habol mo. Kaya ako naiiyak kasi akala ko maling tao na naman
ang minahal ko. Kahit kaya lokohin mo ko wala akong pakialam. Kahit mambabae ka sa
harapan ko okay lang din basta hindi ka makikipagbreak sa'kin." Ramdam kong basang-
basa na ang suot ko sa luha nya.

"Alam mo kasi -"

"Sinabi ko bang magsalita ka? Hindi pa nga ako tapos di ba?" niyakap ko lang sya ng
mahigpit para maramdaman nyang hindi lang sya ang nagmamahal. "I'm sorry. I'm sorry
sa ginawa ng mommy ko. Kung di nya yun ginawa baka buhay pa sana ang mommy mo
ngayon. Sa tingin ko nga kulang pa kong bayad sa pagkawala ng mommy mo. At hindi
din nman kita masisisi kung maghiganti ka sa family ko. Sorry talaga." At umiyak na
naman sya.

"Anong kulang ka pa? Di ka nga pwedeng pambayad utang eh. Kelan pa naging valuable
ang isang aswang?" naramdaman kong tumawa na sya. Humiwalay sya ng pagkakayap
sa'kin. Pulang-pula ang mga mata nya at halos singkit na. "Ang panget mo palang
umiyak!"

"Eh di wag mo kong paiyakin!" hinampas nya ko sa braso.

"Hindi kaya kita pinapaiyak. Nadatnan na kita ditong umiiyak no! Emotera mo kasi!"
pinunasan ko ang mga luha nya sa pisngi.

"Masisisi mo ba ko? Ang dami kong iniisip. Na pinagpalit mo ko sa properties nyo,


na deserving akong paglaruan dahil sa nangyari sa mommy mo. Na kahit na ayaw mo
sa'kin hindi ako makikipaghiwalay. Halos mabaliw na nga ako." Tinulak ko ng index
finger ang noo nya.

"Matagal ka na kayang baliw." Nakangiti kong sabi at ngumiti din sya.

"Oo. Ikaw lang naman ang dahilan ng pagkabaliw ko." Humawak sya sa chest ko at
hinawakan ko naman sya sa waist at hinigit papalapit sa'kin.

"Ikaw din ang dahilan ng pagkabaliw ko." Idinikit ko ang ilong ko sa ilong nya. "At
ayokong umiiyak ka, lalo na kung ako ang dahilan ng pag-iyak mo."

"Feeling ka. Hindi ikaw ang dahilan ng pag-iyak ko no! Mommy mo kaya. Kasi naisip
ko close na close kayo at ang bata pa ni Cia - " naramdaman kong iiyak na naman sya
kaya hinalikan ko sya bigla. "You really know how to cheer me up."

"And to shut you up." Niyakap ko sya ulit.

"Pero bakit di mo nga tinanggap yung offer ni mommy?" tanong nya habang nakayakap
sa'kin.

"Syempre naman ang liit nun. Kung magbebenta ako ng aswang malamang mas malaki ang
kikitain ko. Sisikat pa ako sa buong mundo kasi mapapatunayan ko na nageexist ang
mga aswang." Itinulak nya ako bigla at lumayo sa'kin. "Joke lang. Nagagalit kaagad
'to." Nilapitan ko sya at hinawi ko ang stands ng hair nya. "Kasi priceless ka. At
di ba pinangako ko sa'yo na ipaglalaban kita? Ayan sinimulan ko na."

"Hindi ko maimagine ang itsura ni mommy nung tinanggihan mo sya. She gets what she
wants. Hindi sya sanay sa rejection so lagot ka. Lagot tayo." Nakatitig lang sya
sa'kin.

"Tsk! Bad shot na ako sa mommy mo nyan. Paano na lang kung hindi ka nya pamanahan?
Eh di sayang lahat ng effort ko?" tumatawa kong sabi.

"Eh di kidnappin na lang natin si mommy. Tapos takutin natin sya na kung hindi nya
tayo hahayaan kakain sya ng panis at matutulog sa ilalim ng tulay." Natawa ako sa
sinabi nya.
"Seryoso? Kaya mong gawin yun sa mommy mo?" medyo nag-isip pa sya. "Alam ko mommy
mo pa rin sya."

"Basta kaya ko yun kapag pinaglayo nya tayo. Wag nyang subukan ang pagiging aswang
ko. Ipapalapa ko sya sa mga katribo ko." Tiningnan nya ako ng diretso. "Kaya ikaw
mag-iingat ka din, uunahin kitang iaalay sa tribo namin."

"Kung yun ang ikakasaya mo walang problema sa'kin." Tumatawa kong sabi. Ang sarap
sa pakiramdam na marinig ang tawa ni aswang. Yung tawa na masaya sya. "Pero di ba
sabi mo pwede akong mambabae basta wag lang akong makikipagbreak sa'yo?"

"Gagawin mo talaga yun?" sumimangot sya and I shook my head.

"Syempre hindi ano ka ba!" Hinawakan ko ng dalawang kamay ang mukha nya. "Ikaw lang
ang papasayahin ko. Araw-araw kitang papangitiin. Kahit kulamin pa ako ng mommy mo
wala akong pakialam. Hindi ako natatakot." Tinitigan ko sya sa mga mata nya. "Isa
lang naman ang ikinatatakot ko eh." Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. "Yun eh
ang mawala ka sa'kin dahil di ko yun kakayanin."

Hinalikan ako ni aswang. Hindi na nya kelangang magsalita. Ramdam ko na lahat ng


sinabi nya kanina ay totoo. I kissed her back. Kung ano man ang mga susunod na
mangyayari sa'min hindi ako natatakot harapin yun, ang importante muna ngayon sya
at ako. Kahit maliit lang ang chance na malampasan namin lahat hindi ako natatakot
dahil alam ko - alam kong dalawa kaming lalaban.

"Sana umalis na si mommy." Hinawakan ako sa kamay ni aswang.

"Nasan ba kasi yung walis nya? Paano makakaalis yun kung walang walis?" tumawa si
aswang. Nakukuha nyang tawanan ang mga panloloko ko sa mommy nya.

Umupo kami sa ground at nagkwentuhan. Kinwento nya kung anong mga nangyari sa kanya
at ako din. Nakita nya rin yung kamay ko na may sugat. Hindi ko nga napansin na may
nakabaon pang glass sa loob. Naramdaman ko lang nung masaya na kami. Grabe talaga,
akala ko matatapos ang araw na 'to na tatalon ako sa building. Pero sana, sana di
naman yun mangyari. Ang importante, masaya ako at masaya kami. Sapat na yun.

A/N

Sa mga nag-aadd sa facebooks ng fictional characters hindi sila ang author okay.
Sila ang mga characters sa story na 'to. Ang author tio ay ako lang at ako lang
wala ng iba. Masyadong nakakaoffend lang! Chos! At please wag na kayong magpromote
ng story nyo sa comment box, parang ang rude lang at isa pa tatanggalin ko din
naman yan kaya sayang lang din. Sana naiintindihan nyo ko. Salamat ng marami! :)

At invited kayo sa operators' night ng perfect haters. For the complete detials
like our facebook page.
Official FB Page: Perfect Haters by megladiolus
Facebook Group: Perfect Haters Family
Official Twitter Account: @Perfect_Haters
My Facebook Account: Mela Brio
My Twitter Account: @Official_Mela_B
My instagram: itsmelabrio

Please don't foget to vote, comment and follow. Salamat ng sobrang dami sa patuloy
na sumusuporta sa Perfect Haters. Mahal ko kayong lahat. :* <3

megladiolus (Mela Brio)

*******************************************
57

*******************************************
ALEXA'S POV

Wala akong ganang kumain pero wala naman din akong choice. Kundi lang dahil kay
papa kanina pa ako umalis. Bakit kasi pakiramdam ko nagpaplastikan ang parents ko?

"So Alexa, nagkausap na ba kayo ni Flint?" hindi ko tiningnan si mommy habang


nagsasalita sya.

"Yes." Simple lang yung sagot ko.

"I am so sorry sweety. May mga tao lang talagang mapagsamantala tulad nya at mabuti
nasabihan kita agad. Kung hindi ako nagpainvestigate hindi ko pa malalaman." Blah
blah blah, daming alam nito si mommy eh. Tingin nya di ko alam?

"What mommy? Pinainvestigate mo si Zak?" bravo kuya! High pitch lang ang
pagtatanong ha.

"What's wrong with that? Malay ko ba kung anong family background meron ang
lalaking yun. I want the best for your sister kaya nagawa ko yun." I rolled my eyes
at wala pa rin akong tinitingnan ang kahit na sino sa kanila.

"You want the best for yourself mommy - AGAIN!" kuya shook his head.
"And what was that supposed to mean?" tumingin si mommy kay papa. "Ferne, say
something. Sabihin mo sa kanilang tama ako!!!" tumingin kami ni kuya kay papa.
Sumubo sya ng malaking bread. Tinuturo nya yung mouth nya and nag no no sign sya.
Natawa naman ako bigla kasi ayaw magsalita ni papa kaya pinilit nyang isubo ng buo
yung wheat bread.

"Mommy, don't deny it. Sino bang nagdidictate ng buhay natin sa pamilyang 'to?
Please mom, nagawa mo na minsan, wag nyo na sanang ulitin. Wag sa sarili nyong
anak." Tumayo si kuya. "Excuse me, may papers pa akong tatapusin."

"Hey Geoff hindi pa tayo tapos mag-usap!! Bumalik ka dito!!" ang pagkainis ni mommy
ang magpapasaya sa'kin araw-araw bukod kay goon.

"Di naman ako mananalo sa inyo mom." Tumingin sa'kin si kuya at nagthank you ako
tsaka sya umakyat sa room nila ni ate Fran.

"Wag mong intindihin ang kuya mo sweety. Tama lang ang desisyon mong makipagbreak
sa Flint na yun. You deserve someone better - like Channing." Bigla naman akong
nasamid. Mabuti na lang at naabutan ako agad ni papa ng juice.

"Mom! Channing's only a friend." Sabi ko pagkainom ng juice. "At sino namang
nagsabi sa inyo na break na kami ni - " goon sana ang sasabihin ko kaya lang naisip
ko mas lalo lang magko-cause yun ng problema, " - Zak? Wala syang kasalanan mommy.
Mabuti syang tao. Isa pa hindi tama na pinapaimbistigahan nyo sya na parang isang
criminal. Hindi dahil hindi sya mayaman gagawin nyo na yun sa kanya, right papa?"
tumingin ako kay papa.

"Tama ka anak." Ngumiti sa'kin si papa nang tingan sya bigla ni mommy ng witchy
look. "Uhm - pero anak mas okay na din yun alam namin yung - yung personality ng
boyfriend mo."

I folded my arms over my chest. "Papa, personality? Napapainvestigate ba ang


personality ng wala pang isang araw? Come on papa." I furrowed my eyebrows.

"Napakabrilliant talaga ng anak ko." Tinap ako ni papa sa ulo.

"No! Wala akong tiwala sa boyfriend mo! Makipagbreak ka sa kanya or else hindi ka
na lalabas ng bahay!!" nabitawan ko ang fork na hawak ko.
"It's not fair! Paano ang studies ko? Hindi ako papayag!" gusto ba nya talagang
magalit ako sa kanya ng sobra-sobra?

"Home study ka na ngayon! Hindi ka lalabas ng walang bodyguards hangga't di ka


nakikipaghiwalay sa lalaking yun! End of discussion!" napatayo ako at nahampas ko
ang table.

"I am starting to hate you!" tumalikod ako.

"Come back here! Hindi ka pa tapos kumain. Yan ba ang influence ng magaling mong
boyfriend?" humarap ako kay mommy at nangiti-ngiti pa.

"Ang hindi tapusin ang pagkain?" natatawa kong sabi. "No, mom! He's the most
incredible guy I've ever met, aside from you papa of course. You're awesome too."

"Thank you princess." Cool lang talaga 'to si papa eh. Hindi man lang ako
pinapakelaman.

"Enough! You're grounded! Hindi ka lalabas ng bahay ng hindi ko alam!! Hindi na


kita kilala. Hindi na ikaw ang anak namin!" hindi ko mapigilan ang galit ko.

"Wow, sa dinami-dami ng mga ginawa kong mabuti sa inyo. Ang dami kong efforts na
ginagawa para mapansin nyo lang ako, para makuha ang attention nyo pero kahit alin
dun hindi nyo ko napansin tapos isa lang ang ginawa ko natandaan nyo na. And for
sure hindi nyo na yan makakalimutan." Biglang tumulo ang luha ko ng hindi ko
inaasahan. "Sana pala puro kalokohan na lang ang ginawa ko dati para noon palang
napansin nyo na ko! Kahit kelan hindi nyo naappreciate lahat ng mga ginawa ko."

"You know that's not true." Maang-maangan pa 'tong nanay kong 'to.

"It's true mom. Marami lang kayong excuses. Mommy, president ka ng company. Anytime
pwede kang umuwi para puntahan ang anak mo na halos mabaliw na mapansin nyo lang.
Nasaan kayo nung masaya ako? Nung malungkot ako? Nung may sakit ako? Nung mga
nakaraang birthdays ko? Nung recognition sa school?" parang sasabog na yung dibdib
ko. Pero hindi ko na din alam ang mga sinasabi ko. "Mas pamilya pa ang tingin ng
mga kasama ko dito sa bahay kesa sa sarili kong magulang." Naglakad si mommy
papalapit sa'kin at sinampal ako ng malakas na halos makalimutan ko kung sino ako.
"How dare you talk to me like that! Anak lang kita. Kung hindi dahil sa'kin wala
kang mga bagay na meron ka ngayon. Lahat ng ginagamit mo galing sa'kin!" nakahawak
pa rin ako sa pisngi kong namamanhid.

"Oh, thank you sa lahat ng mga gamit na 'to. Sana sila na lang ang mommy ko sila
ang nadating kapag kelangan ko ng nanay!!" sasampalin pa sana nya ko ng biglang
magsalita si papa.

"Tumigil na kayo!" nakita kong hawak ni papa ang kamay ni mommy. "Kelangan mo bang
saktan ang anak natin ng ganyan?"

"Pwede naman nyang gawin lahat ng gusto nya sa'kin. ANAK LANG naman nya ko. Yun nga
lang hindi ko alam kung anong definition nya ng salitang ANAK!!" nakatitig lang ako
ng diretso kay mommy na gulat na gulat sa way ko ng pagsasalita.

"Tama na yan Alexa. Mommy mo pa rin yan kaya matuto kang gumalang!" nagulat ako kay
papa. Galit din sya. Bihirang magalit si papa pero kapag nagalit sya meaning galit
talaga sya.

"Tingnan mo na Ferne ang epekto ng lalaking yan sa anak natin. Sinasagot-sagot na


lang ako. Paano na lang kapag nabalitaan yan ng mga amigas ko." Napatawa na lang
ako. Mas importante pa ang mga amigas nya. Sana sila na lang ang naging magnanay.

"Isa ka pa Ember! Puro ibang tao na lang ang sinisisi mo. Naisip mo ba kung naging
ina ka talaga kay Alexa? ANg hirap sa'yo masyadong mataas ang tingin mo sa sarili
mo! Gusto mo gawing perpekto ang lahat! Tandaan mo walang perpeto sa mundo! Kahit
ang pamilyang 'to hindi perpekto!!" at sila na nga ang nag-away dalawa.

Napatingin si mommy sa mga maids na nakatayo sa dining area. Yung mga nagseserve
kapag kumakain kami. "ANong tinitingin-tingin nyo dyang lahat ha? Magsilayas kayong
lahat mga hampaslupa!! Sisante na kayo!!!!! Lumayas kayo sa pamamahay ko!!"

"Dyan kayo magaling!" sabi ko then tumalikod na ako para umalis.

"Sige, magsialis na kayo at sya na lahat ang magliligpit nyan!" sabi ni papa sa mga
maids. "Ibibigay ko na ang sweldo nyo ng triple, bonus kasi makakaalis na kayo sa
impyernong bahay na 'to."
"No! Baka maubos ang pera natin sa gagawin mo!!" nasa taas na ko rinig ko pa rin
ang sigaw ng mangkukulam. Hindi ko talaga mapigilang umiyak kaya nanakbo ako ng
mabilis sa room ko.

Tinext ko agad si goon, jezhi at ang Sterke Geest na hindi na ako makakapasok agad.
Kakasend ko palang ng biglang magvibrate ang phone ko at nakita ko si goon na
tumatawag. Lalo tuloy akong naiyak. Paano ko na sya makikita ngayon?

"Yo."

[Yo yohin mo yang mukha mo! Ano yung sinasabi mo sa text? Hindi magandang joke.
April fools yun no?]

Tumawa ako habang naiiyak. Naalala ko April na nga pala.

[Wag mo kong tawanan! Nasan ka ba? Male-late ka na oh!]

"Sira. Hindi yun April fools. At hindi na nga ako papasok. Nagtalo kasi kami ni
mommy."

[ANo na namang pakuno ng mangkukulam mong nanay?] hindi ako agad nagsalita. [Sorry,
nanay mo pa nga rin pala sya.]

"Well sabi lang naman ng demonyita kong mommy na hindi na ko lalabas ng bahay ng
walang body guards at ng hindi nya alam. Dito na lang ako sa bahay mag-aaral. Hindi
daw ako makakalabas hangga't di ako nakikipaghiwalay sa'yo." Bigla akong naiyak.
"Don't worry, sumagot naman ako. Ayan nasampal tuloy ako. Hindi ko na kasi
napigilan. Bakit nya ba sasabihing bad influence ka sa'kin? Hindi naman eh, kasi
ikaw ang worst!"

[Eh loko pa lang yang nanay mo! Ikaw ang bad influence sa'kin no!] natawa kami
parehas. [Kamusta naman yung - ]

"Pisngi ko? Masakit pa rin."

[Hindi, yung kamay ng mommy mo. Baka kasi namamaga na yun ngayon sa pagsampal
sa'yo.]

"GOOOOOOON!!!!!!!!"

[Joke lang. Pinapatawa lang kita. Kasi di ba ayaw nga kitang umiiyak.] Mas lalo
naman akong naiyak.

"Siraulo ka talaga. Paano ba naman akong hindi iiyak kung hindi kita makikita. Alam
mo namang hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko nakikita yang panget mong mukha."

[Baka naman ang gwapo kong mukha at maskulado kong katawan.]

Napatawa ako at mas lalo ko syang namiss. "Paano na lang kapag kinuha na din nya
yung phone ko? Paano na lang tayo?"

[Eh di sulatan na lang.]

"Duh, paano naman yun makakarating sa'yo? Alam mo ba gaano kalayo sa gate 'tong
mansion? Alam mo ba ilang guards ang dadaanan mo?"

[Bakit sinabi ko bang ako ang kukuha dyan? Magpapadala ako ng kalapati tapos itali
mo dun yung sulat.]

"Ano? Seryoso ka ba? Baliw lang ang gagawa nun."

[Alam ko.]

"Goooooon!! Maging seryoso ka naman oh!! Please!!"

[SA TINGIN MO BA HINDI AKO SERYOSO? SA TINGIN MO BA HINDI AKO NAIINIS? PINIPILIT
KONG KUMALMA PARA HINDI KO NA MADAGDAGAN PA ANG ISIPIN MO!! SA SOBRANG TULIRO KO
NGA - Holy sh*t so - sorry - ]

[ ..... ah bastos!!!] Narinig kong sigaw ng mga babae sa background.


"Goon? Goon sino yun? Bakit boses babae?"

[Nakakahiya yun! Sa ladies room ako pumasok! Grabe, ang papanget nung mga babae.]

Nawala yung luha ko at halos hindi na ako makahinga sa kakatawa. Imagine si goon
hindi namalayang pumasok sya sa ladies room. Ano kayang reaction nung mga babae. Te
-teka, bakit sumigaw ng bastos eh kung ibang babae yun for sure matutuwa pa sila at
may gwapong napadpad sa loob ng CR.

[Sana hindi ako matandaan nung matandang hukluban, baka sabihin nangmamanyak pa ako
sa oldies.]

"Oldies?"

[Wag ka na ngang magtanong dyan. Nagtatago na nga ako dito eh.] Oh, kaya pala
sumigaw ng bastos. Matanda na pala ang nasa loob.

Biglang tumahimik at wala na akong masabi kasi napapaisip na lang ako.

[Aswang?]

"Hmmmmm."

[Gagawa ako ng way promise. Hindi ko din naman kasi hahayaang hindi tayo magkita at
lalong hindi ako papayag na saktan ka pa ng mangkukulam na yan. Oras na malaman ko
na sinaktan ka nya ulit naku ipaparape ko yan sa mga hoodlums.]

"Buwisit ka talaga! Nanay ko pa rin yan kahit paano! Tsaka gagawa din ako ng paraan
kahit hindi ko alam kung paano pero please please tulungan mo ako. AYoko na dito."

*Toktok

"Young lady."
"For sure kukunin na nila ang phone ko. Wag kang mambababae ha. ORAS LANG NA
MALAMAN KO FLINT MALIFF TANDAAN MO!! IPAPALIBING KITA NG BUHAY!!!"

[Ngayon mo pa talaga naisip yan? Kung mambababae ako sana noon pa!!]

"Pinapakuha po ng mommy nyo lahat ng gadgets nyo dito sa kwarto." Biglang bumukas
ang pintuan at nagpasukan ang ilang mga helpers. "Including your phone."

"Sandali lang." pinigilan ko si Raphael. "Goon - goon ko. I love you and please
please do something."

[Oo. Gagawa ako ng paraan. I love you too.]

Hinigit na ni Raphael yung phone ko at inoff. "Pasensya na po, ayoko lang pong
mawalan ng trabaho. Apat po ang pinag-aaral ko sa college at - "

"No need to explain. ALam ko kung anong gagawin ni mommy sa inyo kapag hindi kayo
sumunod. Pasensya na ha. Witch kasi yun." Natawa si Raphael bigla.

"Sorry po." At tumawa din ako.

"Sorry for what? PWede natin syang tawagin ng kahit ano basta wala sya sa paligid."
At nagtawanan na kami ng nagtawanan ng mapatingin ako sa labas. Nakita ko ang ilang
maids na may mga dala-dalang bags. Nanakbo ako agad papalapit sa kanila. "Ngayon na
ba talaga kayo aalis? Hindi ba pwedeng bukas or sa isang araw na lang?"

"Ngayon na po kami pinapaalis ng mommy nyo." Matagal na sila dito sa'min at ngayon
lang sila aalis. Halos sila nga ang kasama ko magcelebrate kapag may magandang
nangyayari sa buhay ko. Sila yung mga nagbibigay ng regalo tuwing birthday ko. Sila
na parang mga kapatid ko na. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko sila.

"Sorry ha. Wala akong magawa." Niyakap ko silang lime isa-isa. "But don't worry
kapag nakaalis si mommy tatawagan ko kayo ulit."
"Bakit nandito pa rin kayo at bakit nyo niyayakap ang anak ko? Ang lalakas ng loob
nyo!" papalapit si mommy at nagmake face na ko pero nagsmile pa rin ako sa mga
maids. "At ikaw Alexa - "

"Don't worry mom, malinis sila. Wala silang sakit, I'm safe. And oh - " humarap ako
sa kanya, " - wala na lahat ng gadgets ko so wala na ring reason para kausapin nyo
ko. Gusto ko ng privacy at hindi kayo pwedeng pumasok sa room ko basta-basta!!"
tumalikod ako at pumasok ulit sa kwarto. Humiga ako at umiyak. Pinagsisipa ko ang
mga unan sa bed ko. AYoko ng ganitong buhay! Sino ba sya sa tingin nya? Pare-
parehas lang naman lahat ng tao na anak ni God, bakit kung makaasta sya parang sya
na ang gumawa sa lahat ng tao? Sana anak na lang ako ng isa sa mga maids, kahit
mahirap pero masaya naman. Kapag honor natutuwa na at kahit pansit lang ang handa
masaya na. Sana hindi na lang ako naging anak nila mommy. Umiyak lang ako ng umiyak
hanggang hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

*********************************

ZAK'S POV

"Dude sige na naman, ngayon lang oh." Kausap ko si Rich, nandito kaming lahat sa
likod ng gym. Pinapunta ko talaga silang lahat dahil may emergency. Alam na din
naman nila kung ano yung problema.

"Dude pasensya na talaga, kasi tingnan mo naman 'tong ayos ko. Kung ikaw nga ganyan
ka di ka na pasado sa mommy nya ako pa kaya." Shine-shake nya pa yung both hands
nya para lang sabihing no.

"Trav, promise sasamahan na kitang magdota tulungan mo lang ako. Sa'kin lang naman
galit yung mangkukulam. Maganda naman ang backgrounds mo so for sure walang
magiging problema." Inakbayan ko si Trav pero inalis din nya agad.

"Paano kung tanungin ako ng kung anu-ano nun? Alam mo naman ako, kapag ayokong
sumagot, hindi talaga ako sasagot. Baka ipalapa ako nun sa mga aso nila. Tsaka isa
pa baka madulas pa ko at masabi ko kung bakit nandun ako." Naglagay ng headset si
Trav at nagpatugtog na kahit ako eh nasa tabihan nya rinig na rinig ko.

"Baby ano na!!!!!! Yung mga instructional materials ko kelangan ko na ngayon!!!"


napatingin kami kay Jezhi na halos hindi na makahinga sa sobrang hingal.

"Oo baby eto na nga." Ang aking mapagmahal na kaibigan, naiintindihan ko sya, alam
kong nagmamahal din ang ungas na 'to.
"Zak, sorry ha. Pinangako ko kasi kay baby na sa kanya ko until matapos ang reports
nya." Napakamot pa sa ulo si Val. Alam ko nahihirapan na naman 'tong magdesisyon
kung kami o ang babaeng mahal nya. Syempre hindi ko na sya papahirapan pa.

"Okay lang dude, nandito pa naman si Luke at Tuck." Tumingin ako kay - sa kaibigan
ni aswang. "Hoy wag mong pagurin yang kaibigan ko ha."

"Whatever!" wow parang si aswang lang din ha. "Come on baby!" hinigit nya si Val at
umalis na sila.

Dalawa na lang sila. Sana naman may pumayag.

"Hello everyone!!" ang tinis ng boses at alam kong hindi si aswang yun. "Where's my
new bff?" nakatingin lang kaming lahat sa kanya. "Duh, si Alexa hello!" tapos
tumawa sya na parang krung-krung.

"Oh, bff pero di mo alam kung nasaan?" tanong ni Rich. Tumayo sya at naglakad
papalapit sa babaeng 'to kung sino man sya. "May malaki kaming problema Mel, ah
hindi si Zak lang pala." Tumingin sa'kin si Rich. "Pasok lang ako." Di pa ko
nasagot umalis na sya agad.

"Problem? I can help." Tumingin ang babaeng 'to sa'kin. "Hi Zak. You're so
handsome." Alam ko na yan di na nya kelangang sabihin. "Upo lang ako dito ha. I
need to study my lessons kasi, promise di ako mag-iingay." Ngumiti lang sya. Kinuha
nya ang pink notebook nya and pink ballpen na may feather pa sa dulo.

Napahawak na lang ako sa noo ko. Hindi ito ang write time para uminit ang ulo ko.
Hindi ko na lang sya pinansin at lumapit ako kay Tuck. "Hey dude, mas gwapo ka
sa'kin ngayon ah."

"Hindi, walang tatalo sa kagwapuhan mo." Binuksan nya ang soda in can tsaka
inistraight ng inom. After nyang maubos pinisa nya gamit ang isang kamay. "May date
kasi ako mamaya, may hot chikkababe akong nakilala sa bar and tonight is my night."

"Bukas na lang, pwede bukas." Kung hindi sya pwede ngayon, bukas pwede. Sana pwede.
"Sorry dude, iba na lang ang hingin mong tulong. Marami din kasi akong iniisip
ngayon. Sabi kasi ni Mr. President wag muna akong gumawa ng mga bagay na ikakasira
ng pangalan namin kaya magpaparty muna ako. Kung lalapit ako sa mommy ni Lex baka
kung ano pang gawin nun sa erpat ko." Tumayo sya at nag-unat pa. "Uwi na ko. Kaya
mo yan, tutulungan na lang kita sa ibang bagay, wag lang muna dyan." Tinap nya ako
sa balikat at tsaka umalis.

"Bye Tuck." Kumakaway-kaway pa 'tong babaeng 'to.

"Holy cr*p! Gusto ko 'to!" biglang tumayo si Trav na nakatitig pa sa cellphone nya.
"Dude malaking pustahan 'to. Lalaro ako ngayon, wish me luck." Basta dota ang
usapan ang daldal nito ni Trav.

"Matalo ka sana ng malaki at sana matalo ka ulit ng babae sa laro!! Tss!" tumalikod
ako sa kanya at umupo. Lalapita ko na sana si Luke na ngayon ay busy sa pagbabasa
ng cook book. Tahimik lang sya at hindi ko alam kung naririnig nya ba ang mga
sinabi ko sa mga kaibigan namin. "Ahhhhhhhhhhhhh!!! ANo na lang ang gagawin
ko!!!!!!!!!!" napahiga na lang ako sa damuhan. "Paano ko mabibigay ang sulat ko kay
aswang? Paano na lang kaming maguusap!!! Mababaliw na ko!!!!!!!!!!!"

"I can give it to her." Biglang may sumulpot na impakta sa mukha ko. Nagulat ako at
biglang napabangon kaya nagkauntugan kami.

"ANO BA!!! BAKIT KA BA BIGLA-BIGLANG NASULPOT DYAN!!!!!!" nakita kong nakahawak sya
sa noo nya at parang gulat na gulat sa pagsigaw ko. Parang bata naman syang iiyak
na agad. Tss! Bahala nga sya.

Humiga ulit ako at naramdaman kong may tumabi sa'kin. "Alam mo kung kelangan ng
tulong ni Alexa, pwede ko syang tulungan. Free naman ako, just tell me what to do."
Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang nakangiti. Sino ba 'tong babaeng 'to?
Teka parang nakita ko na sya eh pero hindi ko matandaan kung saan. "Believe me
kilala ako ni Alexa, kilala nga ako ng mga kaibigan nya oh. Magkakasama kasi kami
kahapon sa may library. Ang saya kaya namin kahapon ng biglang natahimik si Alexa,
parang tinawagan ka nya nga bago sya umalis. Di ko na sya sinundan kasi mukhang
personal at sa tingin ko sobrang seryoso nga."

Magsalita ka dyan ng magsalita wala akong pakialam. Parang nakakwentuhan lang


kahapon feeling close na agad.

"Hoy Zak!" bigla na lang nyang niyugyog ang braso ko.


"WAG MO NGA AKONG HAWAKAN!!!" inalis ko ang kamay nya.

"Ang arte-arte. Paano kayo magkikita ni Alexa kung nakahiga ka lang dyan! Wala ka
palang kwentang boyfriend!!!" muntik ko na syang masuntok. Di ko gusto ang tabas ng
dila nito eh. Ano bang alam nya. Ngayon nga lang kami nagkita. "Ako tunay na
kaibiga ni Alexa kaya pupuntahan ko sya sa bahay nya para dalawin!! Dyan ka na
nga!!!" tumayo sya at naalarma naman ako. Pupuntahan daw nya si aswang? Paano kung
- paano kung matutulungan nya nga kami?

"Teka!" tumigil naman sya at humarap sa'kin nang nakapamewang pa. "Pupunta ka ba
talaga sa kanila?"

"Duh! Kakasabi ko lang di ba? So baboo!!!" tumalikod sya ulit kaya bigla naman
akong bumangon at humarang sa kanya.

"Sandali lang. Bakit ba masyado kang nagmamadali? Hindi pa nga ko tapos kausapin ka
ah!!!" tinaasan lang ako ng kilay ha. Kinuha ko ang sulat ko para kay aswang. "Kung
ano - kung pupunta ka sa kanila pwedeng ano - pakibigay 'to."

"OMG love letter ba yan?" kukunin nya ng bigla kong itinaas.

"ANo ba mag-ingat ka nga!! Puso ko ang nasa sulat na 'to kaya hindi 'to pwedeng
basta-basta hawakan lang!!! Isa pa hindi pa ako tapos magsalita! Nakikinig ka ba?"
nagnod lang sya na parang nagbi-blink pa ang mga mata. Para syang bata na hindi ko
maintindihan. "Wag mo 'tong babasahin! Kapag 'to binasa mo patay ka sa'kin!
Ipapahanap kita at sisiguraduhin kong hindi ka na makikilala ng mga kamag-anak
mo!!!"

"Eh di okay lang na basahin ko yan!" nakangiti nyang sabi na parang nakakaloko.

"Kakasabi ko lang di ba? Hindi ka na makikilala ng mga kamag-anak mo kapag binasa


mo 'to!!!!!" itinaas ko ulit ang sulat.

"Okay nga lang. Di ko din naman sila kilala." A - ano daw? Grabe 'tong babaeng 'to.
May saltik ata. Napatitig na lang ako sa sinabi nya. "Balewala lang din kung hindi
nila ko makilala, kasi di naman talaga kami magkakilala." Tapos bigla syang tumawa
ng malakas. Parang bigla akong natakot, pakiramdam ko may possibility na bigla na
lang nya kong saksakin ng kahit ano. Yung mga psycho pa mandin malalakas. Kahit si
incredible hulk hindi sila kayang pigilan. Napatingin ako kay Luke at parang wala
pa rin syang malay sa mga nangyayari. "So ano na? Kung hindi mo naman ipapadala
sa'kin aalis na ko. Bye." Nilampasan nya ko ulit.
"Hoy babae! Teka lang hoy!!" hinabol ko sya kahit ang bagal nya lang maglakad.

"Excuse me, may pangalan ako no! It's Mel."

"Okay fine, Belle." Inilapit ko na ulit ang sulat sa kanya.

"Mel not Belle!! Stupid!!" sabi nya.

"Ano? Belle Stupid? Ano ba namang pangalan yan? May ganyan ba talaga?" Napatawa ako
ng slight sa inis. "Grabe ang panget naman ng pangalan mo." Bigla nya akong
hinampas ng malakas. "HOY HINDI TAYO CLOSE PARA HAMPASIN AKO!! KUNG SUNTUKIN KAYA
KITA DYAN HANGGANG GUSTO KO!!!"

"Ay katakot ka. Todo na yan? Bahala ka na nga. Aalis na ko! Pupuntahan ko na si
Alexa." Kinuha nya yung sulat sa kamay. "Yiiiieee merong love letter si Alexa. Ang
swerte nya naman." Itinaas nya yung letter at sinisilip.

"Hoy wag mo nang silipin yan. Sulat yan hindi pera!!!" papalapit ako sa kanya ng
bigla nya kong pinigilan.

"Ops, dyan ka lang. Wag kang lalapit kundi pupunitin ko 'tong L-O-V-E letter mo!"
syempre napatigil naman ako. "Good boy. Hindi ko 'to babasahin don't worry basta
sabihin mo lang ang name ko ng tama."

"Sus, yun lang? Belle, Belle Stupid!" bigla nyang aktong pupunitin yung letter.
"Hoy sabi mo sabihin ko lang!!!"

"Oo, ng tama!! Engot!! I'm Mel. M-E-L!" irap-irap pa, akala mo naman maganda.

"Bingi ka lang. Mel nga sabi ko! Sinisipon lang ako kaya akala mo Belle ang nasabi
ko!! Bingi ka!!" tumingin ako sa sulat. "Sige na umalis ka na. Yung sulat ko ha.
Sabihin mo sumagot sya agad. Hihintayin kita ulit dito." Tumalikod ako at umupo sa
damuhan.
"Okie dokie. Bye." Nakangiti syang tumalikod at naglakad na palayo. Humiga ulit ako
sa damuhan. Sana makarating ang sulat ko kay Alexa. Sana makabalik sya ng mabilis.

"Hi." Sumulpot na naman bigla ang mukha ni Belle (may sipon nga ako di ba?) Te -
teka nandito sya agad? Sobrang bilis naman.

"Bakit nandito ka pa? Akala ko ba aalis ka na?" napaupo ako bigla. "Hoy yung sulat
ko? Kapag yun nawala patay ka sa'kin!!"

"Ito oh! Buong-buo pa!! Ikaw na kaya ang magbigay!!" iniaabot nya ulit sa'kin.

"SINISIGURADO KO LANG!!! WAG MO NGA KONG SIGAWAN!! DI TAYO CLOSE!!" nagme-make face
na naman sya. "Umalis ka na nga bilis!"

"Umalis na nga ako di ba?" she rolled her eyes.

"Oh eh bakit ka bumalik?" ngumiti lang sya. "HOY!!"

"Kasi ano - kasi - " napakamot sya sa ulo. " - san ba nakatira si Alexa?" lord
patawad, patawad po kung hindi nyo na makilala ang babaeng 'to pag-akyat nya dyan.
Tutal wala naman po syang mga kamag-anak, wala na pong maghahanap dito kapag nawala
sya bigla.

"Ang lakas ng loob MONG MAGSABING PUPUNTAHAN MO SYA PERO DI MO PALA ALAM KUNG SAAN
SYA NAKATIRA!! GALING KA BANG MENTAL HOSPITAL?!!!!!!!!!!!!!!!!" yung galit ko abot
na ata sa kabilang mundo. Napaatras nga sya sa sobrang gulat at mukhang natakot
din.

"Zak bakit ka ba nasigaw?" wow, may pakialam pala sa mundo 'tong si Luke. Akala ko
may sarili na syang mundo.

"Ilayo mo nga sa'kin 'tong babaeng 'to Luke. Kapag hindi ko 'to natantsa baka
samain 'to sa'kin." Tinuro ko ang bwusit na babaeng 'to.

"Uy Mel, anong ginagawa mo dito?" nawala bigla ang takot nung babae at tumingin kay
Luke.
"Pupunta sana ako kay Alexa kaya lang di ko alam tapos 'tong si Zak bigla-bigla na
lang nagagalit!" tumayo sya at lumapit kay Luke.

"Ah ganun ba? Sya samahan na kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Luke.

"Dude, di nga? Pupunta ka kina aswang?" napatayo na din sayo sa tuwa. Ang laki ng
ngiti ko.

"Bakit hindi? May masama ba?" sabihin ko kaya sa kanya? O wag na lang kasi
magbackout? Pero sigurado namang alam nya kung anong klaseng mangkukulam ang nanay
ni aswang.

"Wala naman dude. Kaya lang kasi di ba ano - " kelangan ko ata syang balaan. Baka
sisihin pa ko nito kapag may hindi magandang mangyari.

"Don't worry dude, hindi naman ako ang boyfriend ni Lex. Okay lang yun." Tumingin
sya kay babaeng galing mental. "Let's go."

"Okay." Grabe, kumapit pa talaga sya sa braso ni Luke. Kelan ba sya dumating sa
buhay nila at parang close nya lahat? Mukhang taong mental naman. Naku sana lang
wag mapahamak ang letter ko kundi di ko na talaga sya papatawarin!!!

********************************

ALEXA'S POV

*TOK TOK

*TOK TOK

"Young lady."
Napadilat ako at nakita ko ang magulo kong kwarto. Tss! Eh ano, sirain ko pa lahat
ng makita ko eh.

*TOK TOK

Deadma.

*TOK TOK

Deadma.

*TOK TOK

Kinuha ko ang unan ko at ininakip ko sa tenga ko.

"Maybe she's dead? No!!!!!!" sino yung maingay na yun?

*TUGSH!

Biglang bumukas ang pintuan ko at next na naramdaman ko is may nag-alis ng unan sa


mukha ko. "No Alexa, di ka dapat nagpakamatay - "

"Mel?"

"Hey, you're not dead." Tumingin sya kay Raphael. "She's fine." Tumawa nyang sabi.
Napaupo naman ako at napatingin sa kanya.

"What are you doing here? Paano ka nakapasok?" -_- ang tagal sumagot. Parang
nagpapacute pa na autistic.

"Syemre sumakay ako sa kotse tapos bumaba. Tapos naglakad at kinausap yung mga
guards tapos ayaw nilang magpapasok tapos wala silang nagawa sa'kin. TUmakbo ako
tapos nakita ko yung lola mo tapos kinausap nya ko tapos tumawa lang sya pero
parang plastic tapos pinapasok kami sa bahay nyo." Bigla syang tumalon sa bed ko.
"Grabe Alexa ang laki ng bahay mo! Hindi ko nga mahanap ang kwarto mo buti
tinulungan ako ni Pluto."

"Raphael." Sabi ko pero hindi sya nakinig.

"Tapos ayaw mong buksan ang pintuan kaya naisip ko - " tinakpan ko ang bibig nya.

"Grabe, ang hirap mong tanungin ng isang tanong. Nobela ang sagot mo! Okay na okay?
Wag nang magsalita." Nagnod sya kaya inalis ko na yung kamay ko. "Isa pa mommy ko
yun, hindi lola. Kung narinig ka nya for sure pinakain ka na nya sa mga aso namin."
TUmingin ako kay Raphael. "Sige na, iwan mo na kami."

"Okay po." Lumabas si Raphael at parang may kausap pa sya. Nagulat ako ng biglang
pumasok si Luke. Napatakbo ako agad nung pumasok sya at isinara ko agad ang
pintuan. Napayakap ako sa kanya sa sobrang tuwa ko.

"Luke what are you doing here? Nakapasok ka rin?" tanong ko sa kanya.

"Ako alam ko kung paano sya nakapasok!" napatingin ako kay Mel na nakataas pa ang
kamay.

"Wag na. Si Luke na lang ang tatanungin ko." Then tumingin ulit ako kay Luke.

"Well names lang naman namin ang tinatanong ng mommy mo. Sinabi lang namin and
kilala nya naman yung parents namin so pinapasok nya kami. Mukha din kasing busy
sya. At yun nga lang kelangan naming ideny na kilala namin si - alam mo na." he
explained.

"Shhhh! Dun tayo baka may makarinig dyan." Umupo kami sa couch. "So pinapunta ka ba
ni goon?" Excited na ako. Tumupad talaga sya sa promise nya.

"Ah hindi eh. Sinamahan ko lang talaga si Mel." Bakit naman si Mel ang pupunta
sa'kin eh di naman kami close?

"AKo pinapunta ni Zak!!" tinakpan ko ang bibig nya.


"Wag kang maingay!!!" nagnod ulit sya at ramdam kong ngumiti sya habang nakatakip
ang kamay ko sa bibig nya.

"May pinabibigay sya sa'yo. Teka nasaan nga ba - " nagiisip sya. At nagiisip sya.
At nagiisip sya. Napansin kong wala silang bag.

"Wala ba kayong dalang mga gamit?" tanong ko.

"Bawal daw kung gusto naming makapasok. Baka daw kung anong ibigay namin sa'yo."
Sagot ni Luke. Grabe talaga, feeling ko nakahouse arrest ako. Daig ko pa ang
prisoner. Wala pang one day parang hindi na ko tatagal.

"So meaning di nyo din mabibigay yung pinapabigay ni goon?" I am so disappointed.


Parang gusto ko na lang magpakamatay.

"Nandito pa din!!" dumukot si Mel sa loob ng blouse nya. Ano bang ginagawa nya?
"Denen!" ah, may kinuha lang palang sulat.

O.O

SULAT?

Kinuha ko agad sa kanya. "Galing ba 'to kay goon?"

"Hindi." Bigla akong nadisappoint. Nakatawa pa talaga 'tong Mel na 'to. Binitawan
ko na lang bigla yung sulat.

"Hala ka! Bakit mo binitawan? Ayaw mo ba nito?" I shook my head. Bakit ko naman
gugustuhing basahin ang hindi naman galing kay goon. Umupo ako sa couch katabi ni
Luke.

"Okay. Ako na lang ang magbabasa." Nakita kong dinampot nya yung letter at
binuksan. " Ah hindi nga para sa'yo 'to. Hindi mo naman name eh. Basahin ko na ha.
Di ko kayang hindi ka makita lalong-lalo na sa pagmulat ng aking mga mata.
IHhhhhhhh! Ang sweet naman nya." Duh, ang korni kaya, masyadong tagalong. "Korni
pala nung unang sentence. Pero grabe pagkababa mo ng phone kumuha na ako agad ng
pen and paper. Itatype ko na lang sana pero mas gusto ko yung handwritten. Bakit ba
nangyayari 'to sa'tin ngayon? Alam mo ba kung ano na lang ang dahilan kung bakit
hindi ako sumusuko? Kasi alam kong sulit naman ang pinaglalaban ko. Alam ko naman
na patay na patay ka sa kagwapuhan ko at kahit di mo sinasabi nararamdaman ko yun.
AHHHHHHHHHHHH!"

Napaupo ako bigla habang naririnig kong binabasa ni Mel ang letter. Parang natuwa
ako, pero bakit? Hindi naman para sa'kin yung sulat ah.

"Hala, binasa ko. Di na ko makikilala ng mga kamag-anak ko kasi - bakit nga daw
hindi ako makikilala?" -_- baliw nga ata 'to. Nagsasalita na mag-isa. Bigla nyang
nabitawan yung letter at nalaglag sa floor.

To my one and only aswang,

Napabalikwas ako, yung napadive ako bigla sa floor para kunin yung letter. Parang
may ise-save na nalulunod lang ang peg ko. Solid ang bagsak ko sa floor. As soon as
makita ko yung letter bigla akong nainis kay Mel. "Sabi mo hindi 'to galing kay
goon!!!"

"Hindi nga. Kay Zak galing yan no! Duh! Oh wait so may iba ka pang boyfriend? Hala
ka." Oo nga pala, hindi nga pala nya alam? Hindi ba nya alam? O wala talaga syang
alam kahit saan. Dahil excited ako hindi na ko naghintay pa, binasa ko na agad ang
sulat ng mahal kong goon.

To my one and only aswang,

Di ko kayang hindi ka makita lalong-lalo na sa pagmulat ng aking mga mata. Korni


pala nung unang sentence. Pero grabe pagkababa mo ng phone kumuha na ako agad ng
pen and paper. Itatype ko na lang sana pero mas gusto ko yung handwritten. Bakit ba
nangyayari 'to sa'tin ngayon? Alam mo ba kung ano na lang ang dahilan kung bakit
hindi ako sumusuko? Kasi alam kong sulit naman ang pinaglalaban ko. Alam ko naman
na patay na patay ka sa kagwapuhan ko at kahit di mo aminin nararamdaman ko naman
yun.

Ilang oras na ba tayong hindi nagkikita? Pakiramdam ko isang taon na. Nga pala,
bibili ako ng walis mamaya, yung Nimbus 2014 para mabilis ang lipad nyang nanay mo.

Di ko napigilang matawa. Nakukuha nya pa talagang magjoke?


Hoy ikiss mo 'tong kamay ko ha. Ang sakit na kaya. Di nga ko nagawa ng ganito nung
bata pa ko. Special ka kasi sa'kin kaya sa'yo ko lang 'to ginawa!

Sobra ko na syang namimiss. Napapaluha na lang ako bigla.

Di ko na kayang magsulat ang sakit na ng kamay ko kaya tatapusin ko na ang sulat


pero ang pagmamahal ko sa'yo walang katapusan. Pinahihirapan ka ba dyan ng nanay
mo? Okay ka lang ba dyan? Wag kang malungkot ha, kasi gagawa ako ng paraan para
maayos natin 'to. Magbebenta ako ng kidney para instant money. Tapos kukunin ko din
ang mga kidneys ng Sterke Geest, magkano na din yun.

Sorry ha, wala akong pera, wala akong pera para magustuhan ako ng magulang mo. PERO
WALA SILANG MAGAGAWA! WALA AKONG PAKIALAM!!

At hindi ko na naman napigilang tumawa.

Gusto ko mang akyatin ka dyan sa bahay nyo di ko magawa. Pagod na ko bago pa


marating sa bahay nyo, umakyat pa kaya?

Aswang ko. <3 sabi ko ayoko na magsulat pero sulat pa rin ako ng sulat. Dami ko
kasing gustong sabihin. Pero sige tatapusin ko na. Tandaan mo na kahit anong
mangyari hindi nila tayo mapaghihiwalay, na sa'yo na ako at na sa'kin ka na din.
Ooperahan muna nila ko para mukha ka nila sa puso ko.

Mamayang gabi sabay tayong tumingin sa pinakamaliwanag na star sa langit. Iintayin


kita ha, hindi ako mapapagod kaya ikaw din. Wag kang magpakamatay, di ka
tatanggapin sa langit kahit sa hell kaya wag mo nang tangkain okay?

I love you, yan lang ang meron ako na kahit pera ng mommy mo hindi kayang bilhin.
Paulit-ulit ko yang papatunayan. I miss you a lot.

Your sexy and hot boyfriend,

Goon (sige na tanggap ko na ako si goon, mahal mo naman ako eh)

Hindi ko na napigilang umiyak habang tumatawa. Niyakap ko yung sulat. Pakiramdam ko


si goon din ang yakap ko. Ang haba ng sulat nya, sobrang haba na kahit kalokohan
lang at kabaduyan kinikilig pa rin ako. Di na ko makapaghintay mamayang gabi. Sabay
kaming titingin sa brightest star. Sya na talaga ang lalaki para sa'kin.
Nararamdaman ko. Syang-sya na. Di na ko titingin sa iba. Sana ikaw din goon.
Kakayanin ko ang house arrest na 'to para sa'yo. Para sa'tin. Grabe, kinikilig ako.
Paano OA kasi ni goon, ilang oras pa lang kaming di nagkikita sumulat agad. Kawawa
naman sya. Makagawa na nga rin ng sulat.

A/N

Thank you so much sa inyong lahat. #1 tayo sa Teen Fiction and #2 sa Humor. Thank
you sa walang sawang support and love. At dahil nyan dapat tayong magcelebrate.
Sali na kayo sa Operators' Day/Night this Saturday April 5. Pwede kayong magtanong
ng kahit ano sa operators at sa'kin din, sasagutin namnin lahat yan. For more
details like our official facebook page.

please vote, comment and follow.

love lots,
megladiolus (Mela Brio)

Official FB Page: Perfect Haters by megladiolus


Facebook Group: Perfect Haters Family
Official Twitter Account: @Perfect_Haters
My Facebook Account: Mela Brio
My Twitter Account: @Official_Mela_B
My instagram: itsmelabrio

*******************************************
59

*******************************************
Sa lahat ng hindi makakita ng Chapter 58, nakaprivate po sya so you need to follow
me first., then refresh nyo lang and dapat daw ata nakalogin. Try nyo ring iclick
yung external link. Restricted kasi ang rating ni Watty sa kanya so tinanggal ko
yung unang lagay at ginawa kong private. :) Thanks.

ALEXA'S POV

"Manood na nga lang kasi tayo ng sine. Treat ko na pati pagkain, sagot ko na
lahat!" nandito kami sa likod ng gym. Kumpleto kami ngayon. Si Jezhi na nakaupo sa
ground habang nakahiga sa lap nya si Val. Si Rich naman nakahiga sa ground at may
kagat-kagat na damo, as usual. Si Trav naman nasa taas ng puno nakahiga. Si Luke at
Tuck naman naglalaro ng cards at syempre ako at si goon. Nakaupo si goon sa may
bato habang nasa harapan nya ako na nakaupo sa ground. Nakayapos lang naman sa'kin
ang dalawa nyang muscular arms. "Nakikinig ba kayo?"

"Lucky girl, kahit hindi ka lucky ngayon tutulungan ka pa din naman namin. Di mo na
kami kailangang ilibre pa." sabi ni Tuck sabay tapon ng isang card sa harap ni
Luke. "Dude talo ka na."
"Ganun? Dahil sa nangyayari sa'kin ngayon hindi na ko lucky girl?" I folded my arms
over my chest. "Fine, hindi na nga ako lucky kaya tulungan nyo na ako. You just
need to cover up para makalabas kami ni goon."

Naramdaman kong hinalikan ako sa ulo ni goon. "Tutulong naman yang mga yan.
Tatamaan sila sa'kin kapag hindi sila tumulong." He assured.

"Gusto mo Zak bigyan ka namin ng tig-2 million tapos magpatayo ka ng business. Kasi
kung yun lang naman ang problema ng mommy ni Lex kayang-kaya naming solusyonan
yan." Sabi ni Rich na kakadilat lang at nakatingin sa'min ngayon.

Nakadampot ng maliit na bato si goon at ibinato nya kay Rich pero nasambot naman
nya agad. "Siraulo ka din. Ayoko ng ganun, gusto ko matanggap nila ako kung ano
ako." Tumingin ako kay goon at nakita kong nakatingin din sya sa'kin. "Isa pa,
hindi lang naman yun ang dahilan kung bakit ayaw nya sa'kin." Hinawakan nya ako sa
mukha.

"Sya tama na, magda-drama ka lang eh. We're trying to solve things out kaya wag
kang magdrama dyan okay."I rolled my eyes.

"Sis, yung friend mo - si Mel, di ko sya feel." Napatingin ako kay Jezhi.

"Selos ka lang babe kasi may iba ng kaibigan si Lex." Pang-aasar ni Val, ayan
nabatukan tuloy sya.

"Hindi naman sa nagseselos ako, oo part yun pero kasi parang masyado syang
magaling. I mean ang galing ng mga suggestions nya tapos hindi pa sya natatakot
magbigay ng opinion or ng gusto nyang sabihin. Parang hindi nag-iisip." Malungkot
na sabi ni Jezhi. Halatang nalulungkot talaga sya, pero hindi ko naman sya
masisisi.

"Wow Jezhi, sa'yo pa talaga nanggaling yan ha - na parang hindi nag-iisip."


Tumatawang sabi ni Rich kaya naman tiningnan ko sya ng masama. Para naman kasing
wala pinagkaiba si Jezhi at Mel, yun nga lang ang mga sinasabi ni Mel helpful kesa
sa palpak na sinasabi ni Jezhi.

"Hay naku mabuti pa magpunta na lang tayo sa amusement park." Sabi ko sa kanila.
"Hindi naman masama kung lalabas tayo as a group. Nandyan naman si Jezhi, so may
idadahilan na ko." Tumayo ako at hinigit ko din si goon patayo pero bigla nya kong
hinigit pabalik kaya natumba ako at napayakap sa kanya.

"Dito na lang tayo. Kapag sa maraming tao kasi di kita masosolo." Gusto ko din
naman sana kaya lang kasi alangan namang magyakapan na lang kami maghapon di ba?
But why not?

Napatitig ako sa kanya at nakatitig din sya sa'kin. Nakahawak sya sa waist ko
habang nasa shoulders nya ang dalawa kong kamay.

"Ehem! Akala ko ba amusement park? Parang naamuse na kayo sa isa't isa eh." sabi ni
Tuck. Napatingin kaming lahat sa kanila at mga nakatayo na silang lahat. Medyo
nahiya naman ako.

"Pakialam nyo ba?!! Nakita nyo na ngang busy kami dito!!!! Eh di umalis kayo kung
gusto nyo!!" sigaw ni goon. Napangiti na lang ako habang tumatayo ng ayos at nalayo
sa pagkakahawak ni goon.

"Tara na. Arte mo dyan eh. Magenjoy naman tayo ng ibang bagay." Hinigit ko si goon
para makatayo pero parang tinatamad pa rin sya. "Oh wag mo na kong higitin sisipain
na kita dyan."

"Paano mo nalaman yun?" ngumiti sya at tumayo at umakbay sa'kin sabay halik sa ulo
ko. "Nakakagigil ka kahit kelan." Mas nakakagigil kaya sya. Ikaw ba naman malaki
muscles hindi mo panggigigilan samantala ako buto-buto lang.

Papalabas na kaming lahat ng makasalubong namin si Mel na nakasimangot at parang


wala sa sarili. "Mel?" biglang nagbago ang expression nya nang makita kami. Naging
maaliwalas. "Are you okay?"

"Ha? Yes! Medyo ano - may problema lang pero okay naman ako. Syempre hindi naman
dapat pinapatagal ang problema tsaka dapat ang problema ang namomroblema sa'yo. Ha
- ha - ha. Nakakatawa ang buhay no?" tapos tumingin sya sa'ming lahat. Para syang
ninenerbyos na hindi ko maintindihan. "Woah, anong meron bakit kumpleto kayo?"

"Pupunta kasi kaming amusement park. Gusto mo bang sumama?" tanong ko kay Mel.
Napatingin naman ako kay Jezhi na nasenyas ng no. Pero too late kasi nayaya ko na
si Mel.

"Naku baka kasi hindi okay sa inyo. Wag na lang - " bigla syag sumimangot habang
nakatingin sa phone nya.

"Pwede kang sumama at okay lang sa'min. Para makapaglibang ka din, mukha kasing may
malaki kang problema." Hindi maganda yung facial expression ni Mel habang nagtetext
sya. Di ko nga alam kung nakikinig nga sya sa sinasabi ko.

"Uhm sure." Ngumiti lang sya pero parang malungkot pa rin ang mga mata nya. Ano
kayang problema ni Mel? Feeling ko dapat ko syang tulungan since tinulungan nya
kami ni goon. "Let's go?" nauna syang maglakad at tahimik pa din. Di tulad ng Mel
na kilala namin.

"Feeling ko hindi sya okay." Sabi ni goon habang naglalakad kami papuntang parking
lot.

"Tingin mo din?" nagnod sya. "Ako nga rin eh."

"Kasi hindi sya baliw ngayon. Parang ibang katauhan ang nasa katawan nya." Tama si
goon. Kakausapin ko na lang sya siguro mamaya kung anong problema nya.

Pagdating namin sa parking lot nagpasukan na sa mga kanya-kanyang kotse ang SG.
Huli kami ni goon na nakarating sa parking lot at nakita naming nakatayo si Mel.
"Kanino ako sasakay?" tanong nya.

"Wala kang kotse?" malakas na tanong ni goon kaya naman siniko ko sya.

"Sige sa'min na lang." papasakay na sana sya ng biglang tumunog ang cellphone nya.
"Mauna na kami." Nauna kaming pumasok ni goon sa loob ng kotse habang naiwan sa
labas si Mel at sinagot nya ang phone nya.

Nakita kong parang galit sya na di ko maintindihan kaya naman naisipan ko sanang
bumaba ulit. Pagbukas ko ng door narinig ko syang nasigaw.

"Hayaan nyo na ko. Ayoko na at wala na kayong magagawa." Bigla syang napatingin
sa'kin na gulat na gulat. "Kanina ka pa ba dyan?" itinago nya ang phone nya sa bag.

"Hindi. Papalabas palang ako." Nagnod lang sya at binuksan nya yung door sa
backseat. Hindi na lang ako nagsalita at umalis na lang kami.
Dumating kami sa amusement park. Syempre kanya-kanyang trip ang gusto naming gawin.
"Gusto ko sa roller coaster baby!!" sabi ni Jezhi kay Val habang si Val eh
napapakamot na lang sa ulo nya. "At sa ferris wheel din ha."

"Dude alam ko na, paramihan tayo ng babaeng makukuha ang number. Kung sinong
pinakamarami manlilibre." Heto na naman po si Rich sa pakulo nyang pustahan. Kahit
kelan talaga sugarol 'to.

"Number lang? Pati cellphone na kaya." Luke said. Para namang may laban sya sa mga
kausap nya. Ganito talaga sila maglibang, ang magpustahan. Buti na lang nailayo ko
ang goon ko sa mga kalokohan nitong mga 'to.

"Sasali lahat ha - " nagtinginan silang lahat kay Trav.

"Hoy - " nag-isip sandali si Trav. " - sige. Sasali ako." Lahat kami nagulat sa
sinabi nya. Nagbabago na ba sya? Gusto na nyang sumali sa mga pustahan ngayon ha. I
mean pustahan sa babae na hindi naman nya madalas ginagawa.

"Wow dude yan ang gusto namin sa'yo." Inakbayan ni Rich si Trav at tuwang-tuwa sya.

"Basta kami ni baby maglilibot ha. Bye." Sabi ni Val sa mga kasama nya.

"Sis text text na lang okay?" nagwave lang si Jezhi at umalis na din.

"So, anong gusto mong unang sakyan?" tanong ko kay goon na walang imik. "Woah,
don't tell me takot ka?"

"Asa ka pa!" nauna sya maglakad. "Maglaro na lang muna tayo." Natawa ako. Natatakot
siguro sya. Grabe dami naman nyang kinakatakutan.

"Sige na nga." Kumapit ako sa braso nya. "Gusto ko manalo ka ng bear, yung
malaki!!!" ina-act ko pa kung gaano kalaking bear ang gusto ko.

"Kaya naman kitang ibili nun no!!!" inakbayan nya ko na parang sinasakal sa leeg
tsaka nya ginulo ang buhok ko.

"Ayoko ng bili. Gusto ko yung pinaghirapan mo!!" nagpuppy eyes ako sa kanya at
tinitigan nya ako.

"O sya sige na nga. Kung yun ang gusto ng mahal ko gagawin ko!" abot langit ang
ngiti ko nung pumayag sya. Una naming nadaanan ang shooting booth. May malaking
bear kaming nakita kaya naman naglaro agad si goon.

"Go monster goon!" sabi ko sa kanya habang hawak nya yung bola.

"Wala bang pampabwenas na kiss dyan?" sabi nya sa'kin habang nakaturo sa pisngi
nya. Nahiya naman ako. Tumingin ako sa paligid tsaka ko sya hinalikan ng mabilis.
"Wooooo!" sabi nya after ng kiss.

Unang tira ng bola shoot agad kaya naman napapalakpak ako. Nararamdaman kong
makukuha namin yung bear. "You can do it." Kinuha nya ang next ball, may pagdi-
dribble pa syang nalalaman ha pero ang hot nya habang ginagawa yun. Nagulat ako ng
habang nagdi-dribble sya bigla nyang ishinoot ang bola, parang fade away shot at
take note ang smooth ng pasok ng bola. Ang galing. Napapalakpak ako. Sisigaw sana
ako ng biglang may nagtiliang babae.

"Oh my gosh he's so hot!!!"

"Ang gwapo mo!!"

"Ang galing mo magshoot!!"

Biglang dumagsa ang mga tao tapos natatakpan pa ko ng di oras. Aba, mga siraulo
'tong mga babaeng 'to ah.

"Go go go!! Kunin mo yung bear!!" sigaw ko kay goon habang nakataas ang dalawa kong
kamay at pinipilit kong sumingit sa mga babaeng nasa unahan ko na.

"ANO BA MISS!! WAG KA NGANG MAKISINGIT!! PARE-PAREHO LANG TAYONG NAKIKITINGIN AT


NAKIKINABANG SA MAGANDANG VIEW KAYA PWEDE DYAN KA NA LANG!!" sabay tulak sa'kin
pabalik.
Wow, ako? Ako daw nakikisingit? "Grabe! Eh kung suntukin ko kaya kayo isa - " bago
pa ko matapos magsalita nagdagsa na naman ang mga babaeng sumisigaw para kay goon
at natabunan na ko hanggang napunta na ko sa likuran. Ang iingay nila! Ito namang
goon na 'to hindi man lang napansin na nawala na ko sa tabihan nya!! Nageenjoy
naman sa mga panget na babaeng 'to.

"HOY! PARA SABIHIN KO SA INYO HANGGANG TINGIN LANG KAYO!!!!!!!" sigaw ko sa mga
babae pero di naman ata nila ko naririnig kasi ang iingay nila. Mga desperada.
Nakakainit ng ulo.

"Wow, maputi lang naman sya di naman maganda. Akala mo papatulan sya nung lalaki."
Narinig kong bulong nung isang babae sa likuran na nakatingin sa'kin.

"ANo? Maputi lang? Yan ang sinasabi ng mga insecure!!!!!! Mga hindi matanggap na
panget sila!!!!!" halos pumutok na yung litid ko sa pagsigaw marinig lang nila ko.
Ako daw maputi lang? Nakakapikon 'tong mga 'to. At least ako may puti, sila kahit
budhi maitim!! Pati gums nila itim na rin!! Hindi daw ako papatulan ni goon ha!!!
"HOY PARA SABIHIN KO SA INYONG LAHAT PATAY NA PATAY SA'KIN YANG LALAKING YAN!!!!!"
tumalikod ako dahil pagod na kong sumigaw. Bahala na sya sa buhay nya. Magsama sila
ng mga babaeng maiitim ang budhi. Papaalis na ko ng maramdaman kong may yumakap
sa'kin from behind.

"We're do you think you're going?" bulong ni goon sa tenga ko. Muntik na akong
matunaw sa lambing ng boses nya.

Humarap ako sa kanya at itinulak ko sya. "Excuse me. Do I know you?" tumingin ako
sa mga babae sa paligid.

Tumingin din si goon sa paligid then sa'kin. "Na-love at first sight ata ko sa'yo.
Kasi sa lahat ng babae dito ikaw lang ang pinakamaganda." Narinig kong nagbulungan
ang mga babae na nakatingin sa'kin.

"Ako lang ang maganda? Eh sila?" sabay turo ko sa babaeng nagsabing maputi lang ako
at sa babaeng nagpaalis sa'kin sa unahan kanina.

"Sila? Tao ba yang mga yan? Parang hindi naman. Kelan pa nagpapasok ng mga aliens
sa earth?" tumalikod si goon sa kanila. Napatawa naman ako kasi parang sinaksak sa
puso yung mga babae. Gulat na gulat sila with matching hawak pa sa dibdib.
Lumapit si goon sa'kin hawak ang isang bear. "For you my one and only."

Nanlaki ang mga mata ko sa isang pink bear na nasa harapan ko. "Wow ang ganda!"
niyakap ko ng mahigpit ang bear at hinalikan ko pa. "Thank you so much. Yayakapin
ko 'to palagi - " biglang hinigit ni goon yung bear at hinatak hangga't masira yung
ulo at mabutas yung katawan tsaka inihagis sa kung saan lang. Nagsigawan naman yung
mga babae na nakasalo nung bear. "ANONG GINAWA MO!!! BAKIT MO SINIRA!!!!!!"
Nakatingin ako sa kawawang bear. Hindi man lang sya nagtagal sa mundo. Nabiktima
sya ng walang awa na goon.

"Panira kasi yun. Kung di ko sisirain yun eh di yun na lang ang niyakap at
hinalikan mo maghapon!! Sunugin ko pa yun makita mo!!!" naglakad sya at sinundan ko
naman sya agad.

"Parang yun lang!!! Kumuha ka ulit ng bear!!!!" sigaw ko sa kanya.

"AYOKO!! Ako na lang ang yakapin mo!!!! PALAGI!!!!" napatigil ako sa paglakad.

"Sinira mo yung bear dahil lang dyan?" Hindi sumagot si goon pero yung facial
expression nya ng pagkainis ang nagsasabing 'oo'. "Siraulo ka talaga kahit kelan!"
Umupo ako sa bench. "Gusto ko ng bear."

Umupo din si goon sa tabihan ko. "Fine. Pero maliit na lang ha. Yung kayang hawakan
ng isa mo lang kamay!"

"Bakit isang kamay lang?" nakasimangot kong tanong sa kanya.

"BALIW KA BA TALAGA?!!! SYEMPRE PARA MAHAWAKAN KO PA YUNG ISANG KAMAY MO!!!" so


kelangang sumisigaw sya ng ganun? "Tanong pa ng tanong. Parang di alam ang sagot."

"Hindi ko naman talaga alam no! Sana kasi sinasabi mo tsaka hindi ka nasigaw!!!"
tumingin ako sa malayo habang naka-pout.

"Sinasabi ko na nga kaya. Di kasi nakikinig." Mahina nyang sabi. "Tara na nga,
humanap na tayo ng bagong lalaruin." Hinigit nya ako patayo kaya naman sumunod na
lang ako. "ANg papanget naman ng tao dito. Mga baliw pa. Nangiti na lang bigla."
Narinig kong sabi ni goon habang naglalakad kami. Paanong hindi titingin sa kanya,
bakat kaya ang muscular chest nya sa suot nya. Nakakainis, kelangang pinapakita
talaga yan sa iba? Bulagin ko kaya lahat 'tong mga ambisyosang babaeng makita kong
nakatingin sa kanya. "Ayun dun tayo." Tinuro nya ang isang booth na parang may fish
pond.

"Dito? Seryoso ka?" nakangiti lang si goon habang nakatingin sa mga fishes sa pond.
Maliliit lang sila. "Marunong ka ba nyan?"

"Hindi! Bakit ba ang dami mong tanong!" kumuha sya ng pera at iniabot kay kuyang
bantay. "Watch and learn." Binigyan sya ng maliit na net pero parang paper lang
naman. Sinalok nya ang fish, "see that!" nakangiti nyang sabi ng biglang nabutas
ang panalok nya.

"Yeah, I saw that one slipped." Natatawa kong sabi.

"Practice palang yun. Chill ka lang dyan." Pumwesto pa sya ng bago tsaka tumingin
sa mga isda. Dinakma nya agad ang isang isda pero nasira agad yung panalok nya.
Tawa na ko ng tawa kasi naman nakakatawa yung itsura nya. Seryoso na biglang
ngingiti na biglang kukunot ang noo. "Wow, nakakahiya sa pagtawa mo. Marunong ka
nito? Sige nga humuli ka ng isa!!" napatigil ako sa pagtawa.

"Kapag tumatawa marunong agad?" nakapamewang kong sabi. Gusto ko rin namang itry
yung ginagawa ni goon. So kumuha rin ako ng panalok kay kuya at sinubukan ko ding
humuli ng fish. Mahirap nga 'to tulad nang nakikita ko kay goon.

"Wahahaha. Mas malala ka pala sa'kin eh." at ako naman ngayon ang pinagtatawanan ni
goon. Maya-maya pa eh nakahuli na sya ng isa. "See that."

"Sus, parang yun lang ih." Sumampa na ko sa side nung pond at naghanap ng target.
Nang makakita ako ng target di na ko nag-aksaya ng oras. Huhulihin ko na agad ng
ma-out of balance ako dahil may kalayuan yung target kong isda so ang ending
nalaglag ako.

"Feeling isda ka na din? Bakit dyan mo naisipang maligo?" tumatawang sabi ni goon
habang nakaturo sa'kin at nakahawak sa tyan ang isa nyang kamay. Habang ako eh
nakadapa sa pond at dahan-dahan tumatayo. Ang ganda ng view, ang isang goon na
tumatawa. Ang sarap sunugin ng mukha.

"Aray - napilayan ata ako." Nakahawak ako sa braso ko at hindi ako agad umahon.
Napatigil naman sa pagtawa si goon at napatingin sa'kin.
"Okay ka lang?" inabot nya ang kamay ko at umiling lang ako. "Kaya mo bang tumayo?"

"Hindi ako makakilos." Nakasimangot kong sabi kaya naman sumampa din sya sa side ng
pond at tsaka nya ako iniabot. HULI KA! Bigla ko syang hinigit nung hawak ko na ang
dalawa nyang kamay kaya naman sabay ulit kaming bumagsak sa tubig. Yun nga lang
palpak kasi nasa ilalim ako. "ARAY!!!" kunyari na lang may masakit sa'kin para
umalis sya agad.

"BAKIT MO KO HINIGIT?" sigaw nya sa'kin habang natayo.

"HINDI KITA HINIGIT NO!! HINDI KO LANG TALAGA KO BINUHAT NG AYOS!!!" tinulak ko sya
pataas.

"Ang bigat mo kasi kaya di kita mabuhat!!" nakatingin sya sa basa nyang damit at
wow lumantad lang naman ang paradise. Bakat na bakat ang katawan nya. ANg malaking
chest at arms pati ang abs.

"Ba - bahala ka na nga dyan!!" tumayo ako mag-isa at umalis sa pond at nagbayad kay
kuya. "Sorry po sa nangyari." At umalis na ko.

"Akala ko ba may masakit sa'yo?" narinig kong sigaw ni goon. Oo nga no. May masakit
nga sa'kin. "Sabi ko na nga ba sinadya mo kong malaglag!!!!! Humanda ka sa'kin!!!"
pagkarinig ko nung humanda ako sa kanya isa lang ang naisip kong gawin, ang tumakbo
ko. Hindi ko alam kung bakit ako tumaktakbo pero yun talaga ang kusang ginawa ng
katawan ko.

"Sige lang, tumakbo ka hanggang kaya mo!! Maabutan kita!!" at mas lalo ko pang
binilisan ang pagtakbo. Pero hindi ako natatakot, ang nararamdaman ko excitement.
Parang natutuwa pa ko at naghahabulan kami. Umikot ako sa kabilang daan para malito
si goon tsaka ako tumigil. Hinihingal na ako at pinagpapawisan plus basa pa ako.
Kamusta naman yun? Nasaan na kaya yung iba? Habang natingin ako sa paligid nakita
ko ang isang tree house at na-spotan ng mga mata ko ang mga gwapong lalaking
nagbibilangan ng pera. Tinuloy ba talaga nila yung pustahan? Syempre para malaman
ko umakyat ako pero sinigurado ko munang wala si goon sa paligid.

"Kasi sabi sa'yo magpalit ka na ng ideal girl mo!" nakaakbay si Rich kay Luke.

"Nakita nyo naman gaano kaarte ang mga babae. Pakitaan mo lang ng nakakatabang
pagkain umaayaw na. Ayoko ng ganun!!!" sumandal si Luke at napatingin sa'kin. "Oh
Lex anong nangyari sa'yo?" Napatingin silang lahat sa'kin at nagwave lang ako.
"Hey, nalaglag kasi ako sa pond." Nahihiya kong sabi.

"Magpalit ka kaya ng damit. Dun sa department store sa loob bumili ka." Sabi ni
Rich sa'kin.

"Oo nga. Magpapalit naman talaga ako. Kaya lang - " tumingin ako sa baba " -
tinataguan ko kasi si goon."

"Wag kang mag-alala hindi namin sasabihin kung nasan ka." Sabi ni Tuck.

"Thank you Tuck." Lumapit ako kay Tuck at yumakap ng konti kasi tinulak nya ko.

"Woah, basa ka wag kang masyadong lumapit." Arte lang ha. Di naman sya mababasa ng
sobra.

"Aalis na nga ako." Pababa na ko sa kabilang side ng makita ko si goon kaya napaupo
ako. "Oh my gosh nandyan si goon sa baba." Bulong ko sa kanila kaya naman tumayo
sila at tumingin sabay nagtawanan.

"Ano sya basang sisiw?" sabi ni Luke.

"Itago nyo ko." Tumayo silang lahat at nagtago ako sa likuran nila para sana bumaba
sa likuran ng bigla kong narinig si goon na nagsalita.

"HOY KAYO DYAN WAG KAYONG AALIS!!" naku patay aakyat pa nga sya dito. Mabuti na
lang sa harapan sya dumaan.

"Wag kayong gagalaw." Bulong ko kina Rich na nagdikit-dikit para hindi ako makita.

"Di namin mapapangako yan. Nakakatawa kasi itsura ni Zak eh." natawang sabi ni
Tuck.
"Hoy nakita nyo ba si aswang?" narinig kong tanong ni goon.

"Bakit ka basa?" tanong ni Trav.

"Bakit ka tuyo?" sagot ni goon. "O sige nga sagutin mo."

Wala talaga syang kwenta kahit kelan. Eto namang mga lalaking 'to nagtawanan pa.

"Hindi namin alam kung nasaan si Lex no. Nagtatagu-taguan ba kayo?" tanong ni Rich.
Hindi ako nagalaw at nakasandal lang ako sa kanila. Mabuti na lang at matatangkad
sila.

"Hindi! Sigurado ba kayong hindi nyo sya nakita?" tanong ni goon. Wala din akong
narinig na sumagot siguro nagnod lang sila. "Eh ano yang basa sa side ng damit
nyo?" napatingin ako sa likuran ni Rich at Luke. Nasandalan ko sila at yung basa ng
shirt nila eh gumapang na papunta sa harapan. "Nandyan ka aswang!" biglang nag-
alisan sila Rich at bumungad ang ganda ko kay goon.

"Hi! Kanina ka pa dyan? Ako ngayon lang. Sige bye." Papaalis na ko ng bigla nya
kong nahagip at isinabit sa balikat nya tsaka kami pumwesto sa side ng tree house.
Nalulula ako sa taas at sa magkakahawak nya sa'kin. "Kapag ako namatay susunduin
kita!!!"

"Hindi ka mamamatay kahit malaglag ka dyan!!" bigla nya akong inikot para ilagay sa
kabila nyang balikat. Grabe yung puso ko halos malaglag sa takot.

"Siraulo ka talagang goon ka! Wala naman akong ginagawa sa'yo!! Sana pumayag na
lang ako sa offer ni Rich!!" napatingin si goon kay Rich.

"Anong offer?" ano kayang magandang sabihin para hindi na ko pag-initan nito.
Tumingin ako kay Rich at nagsorry ako.

"Sasamahan daw nya kong bumili ng damit - " medyo nakangiti pa si Rich, " - at
tutulungan daw nya kong magbihis." Biglang napasimangot si Rich.

"Oy Lex wala kong sinasabing ganyan ha." Effective, ibinaba ako ni goon at sinugod
nya si Rich na ngayo ay pababa na ng hagdanan. Sumunod naman kaming lahat sa kanila
sa baba.

"Kahit kelan talaga perv kang lalaki ka!!" sabi ni goon kay Rich. Parang bata naman
'tong mga 'to kung maghabulan.

"Hoy Zak hindi ako. Si Tuck nga sabi nya ang hot ni Lex sa wet look nya." Hala
nandamay pa nga si Rich.

"Hoy ungas ka wala kong sinasabing ganyan!" ngayon si Tuck naman ang hinahabol ni
Zak habang si Tuck ang humahabol kay Rich.

"Tingnan mo ngang si Luke ang nagsabing si Lex lang ang type nyang hindi chubby."
Biglang napatingin ang kawawang Luke. Hala at naghabulan na nga sila. Kung sino na
lang ang mahablot na tao sa daan ginagawa nilang pangharang.

"Hoy Trav umamin ka na din dyan!! Sabi mo kapag nagkagulo kaming lahat itatanan mo
si Lex. Go na, chance mo na 'to." At eto pa ang isang kawawa. Nananahimik sa isang
sulok nadamay pa. Kahit nagbibiruan lang sila ang ganda nilang panuorin. Yung
asaran pero nagsasakitan. Walastik magsakalan 'tong mga 'to halos di na makahinga
ang isa eh. Mga namumula na.

Pinapanood ko lang sila ng biglang may nagsalita sa tabihan ko. "Ang saya-saya nyo
talaga no?" pagtingin ko si Mel pala ang nagsalita. Ay oo nga pala, nakalimutan ko
na sya kanina nung bumaba kami ng kotse. Saan kaya sya nagputan?

"Oo, masaya talaga ang mga yan." Sagot ko sa kanya sabay tingin sa Sterke Geest na
naghahabulan.

"Hindi naman sila." Napatingin ulit ako sa kanya. "I mean kayo ni Zak. Ang saya nyo
pa rin talaga. Parang wala kayong problema." Napaisip naman ako, halos nakalimutan
ko na din pala na may problema kami. Okay din talaga ang nalabas tulad nito,
nakakalimot.

"Kasi kung iintindihin namin lahat walang mangyayari. Ienjoy na lang namin ang
bawat minutong meron kami. Kasi kung masasayang lang yun sa kakaisip ng problema
kung hindi din naman namin masosolusyonan balewala lang din." Ngumiti ako tsaka ako
tumingin ulit kina goon. "Saan ka nga pala nagpunta? Di ko na kasi namalayan eh."

"Kasunod nyo lang naman ako kanina pa. Pinagmamasdan ko kayo ni Zak at natutuwa ako
kasi parang mga bata kayo na naglalaro at ineenjoy lang lahat. Parang walang
pinagdadaanan. Nilalampasan nyo lahat, basta magkasama kayong dalawa nakakaya nyo.
Nakakatuwa lang." sa tono ng pagsasalita ni Mel parang may pinagdadaanan sya.
Imagine hindi sya natawa ngayon or makalokohan or kahit ano.

Papalapit na si goon sa direction namin at mukhang pagod na pagod sya. Tatakbo pa


kaya ako? Siguro wag na kasi baka may madamay na naman. "Woooo! Napagod ako dun
ah!!" lumapit sya sa'kin sabay yakap sa'kin at halik sa ulo ko." Ang baho mo na.
Lika na bili na tayo ng damit." Inakbayan nya ako at naglakad kami paalis.

"Uhm boys kayo muna ang bahala kay Mel ha." Tinuturo ko si Mel sa kanila at di nila
ko pinapansin. Syempre sino bang papansin sa'kin eh pinahamak ko silang lahat.

"Grabe yung exercise na ginawa namin no? Nabanat ang mga muscles ko." Nakaakbay
lang si goon sa'kin at ang ganda ng ngiti nya. Napatingin sya sa'kin ulet. "Gwapo
ko alam ko."

"Anong sinasabi mo dyan?" alam naman nyang gwapo sya eh. Bakit sinasabi pa nya?

"Alam ko na! Sinabi na sa'kin nila Tuck." Napatigil ako sa sinabi nya. Parang
namumula si goon na nahihiya.

"Anong sinabi nila?" gusto kong malaman. Dahil kapag sila ang nagsabi for sure
kalokohan lang yun.

"Na ano - na ako ang gusto mong magbihis sa'yo. Tsaka na ang hot ko sa wet look ko
na kulang na lang itanan mo ko dahil you can't resist me." Yung mukha nya namumula
habang nagsasalita, parang sa'kin lang, namumula sa galit.

"Hoy wala akong sinasabing ganyan!" bigla syang tumawa. "Anong nakakatawa?"

"Ang galing lang nila. Sinabi na din nilang yan ang sasabihin mo, syempre para di
ka daw mapahiya. Okay lang naman yun." So bandang huli ako pala ang biktima ng
kalokohan ko? So yun yung way nila ng pagganti sa'kin at para tigilan sila ni goon?
Wow, wow lang ang masasabi ko sa kanila. Very good!

After ng isang oras ng pamimili kung anong susuotin ko natapos din kami at
nakapagpalit. Parang lutang pa rin si goon at paniwalang-paniwala sa mga sinabi ng
mga kaibigan nya. Kahit sinabi ko na ngang hindi yun totoo ayaw pa ring maniwala.
Bahala sya sa buhay nya. Totoo namang hot sya sa wet look nya at may chance din na
itanan ko sya, pero yung sya ang magbihis sa'kin? Nah-ah, malabo yun. Baka kung ano
pang gawin nya sa maganda kong katawan at baka di pa ako makatanggi.

"Bahala ka sa buhay mo basta ako wala akong sinasabi!!!" nahuhuli akong lumabas kay
goon habang sya naglalakad paatras. "Mabangga ka sana."

"I'm hot and I know it." Then nagwink sya sa'kin, oh my he's so irresistible.

"You wish!!" then I rolled my eyes. "Sana mabangga ka talaga!"

*TUGSH!!

There you go!!! Nabangga nga sya ng - teka - teka anong ginagawa nila dito?

"Anong ginagawa nyo?" hinawakan nila si goon sa braso - ang mga body guards namin.
"Bitawan nyo sya!!" inaalis ko ang kamay nila sa pagkakahawak kay goon. "Kapag
hindi nyo sya binitawan kakasuhan ko kayo!!!" binitawan naman nila si goon at
yumakap ako sa kanya. "Anong ginagawa nyo dito?"

"Pinapasundo po kayo ng mommy nyo." Sagot ng isang guard.

"Paano naman nya nalamang nandito ako?" hindi sumagot ang guard. "Hindi ako
sasama!! Uuwi ako mag-isa!!!" hinawakan ako ng guard sa kamay. "Sinabi na ngang
hindi ako sasama!!"

"Bitawan mo ang girlfriend ko!!" sinuntok ni Zak ang guard na humawak sa'kin at
humarang ako sa gitna.

"Tama na Zak." Tumingin ako sa guard. "Sige na sasama na ko." Tumingin ako kay goon
at hinalikan ko sya.

"Pero - pero paano kung - " tinakpan ko ang bibig ni goon bago pa sya magsalita.
Alam kong nagwowowrry na sya ngayong nalaman ni mommy kung nasaan kami.
"Don't worry - mommy ko sya kaya hindi nya ako ipapahamak. Basta mag-iingat ka lang
palagi." Tumalikod ako sa kanya at humarap ako sa mga guards. "Let's go." Binuksan
nila ang pintuan nang mapatingin ako kay goon. Hawak-hawak sya sa braso ng dalawang
guards. "Uuwi na nga ako di ba? Bitawan nyo na sya!!!! Ano bang ginagawa nyo!!!"
nakasigaw na ko ng hawak pa rin nila si goon sa braso at binuksan ang kabilang door
ng backseat at ipinasok sa loob si goon. Gulat na gulat naman ako sa ginawa nya.

"Pinapasama po ng mommy nyo ang lalaking yan. Gusto nya po kayong makausap ngayon
na." Hindi na ako nagtanong at pumasok na rin ako sa loob ng kotse. Magkatabi kami
ni goon at naguguluhan ako.

"Bakit kasama ako?" bulong ni goon sa'kin.

"Hindi ko rin alam. Pero sabi nila si mommy daw gusto tayong makausap." Bulong ko
rin sa kanya. Hinawakan nya ako sa kamay ng mahigpit kaya humawak din ako.

"Don't worry, everything will be fine." Sabi nya sabay halik sa kamay ko.

"Hindi ko alam pero iba kasi ang kutob ko. Bakit tayo kakausapin ni mommy?"
kinakabahan talaga ako. Hindi ako mapakali. Ano na namang plano mo mommy? Hindi ka
ba napapagod? Hindi ka ba nagsasawa?

"Malay mo narealize nya na hindi nya talaga tayo kayang paghiwalayin kaya
tatanggapin na nya ako. Think positive. Wag kang matakot. Hinding-hindi ako
bibitaw." Hindi ako mapakali talaga. Parang bawat minutong papalapit kami sa bahay
naninikip ang dibdib ko.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

Sabay naming kinuha ni goon ang phone namin.

You were here just yesterday

Slight turn of the head

Eyes down when you said


"Hindi sa'kin." Sabi ko kay goon.

"Si papa." Sinagot ni goon ang tawag habang balisa pa rin ako at hindi mapakali.
"What? Pero paano? Uuwi agad ako as soon as possible pero wag nyo muna yang
galawin!" Narinig kong sabi ni goon tsaka na ibinaba ang phone. Mahigpit ang hawak
nya sa phone bago sya tumingin sa'kin. "Meron ngang nangyayari."

"What do you mean?" mas lalo akong kinabahan sa facial expression ni goon.

"Si papa yung tumawag at sinabi nyang may pumuntang lawyer sa bahay at ibinigay
lahat ng properties namin. Nakapangalan na ulit kay papa ang lahat tulad ng dati."
Tumingin si goon sa'kin ng diretso. "Pinabalik mo ba yun sa mommy mo? Sabihin mo!"
hinawakan nya ako sa balikat.

"What? NO!!! Bakit ko naman gagawin yun!!!!" nagulat ako sa kanya at sa


pagkakahawak nya sa balikat ko.

"Hindi ko yun kayang tanggapin kung ikaw lang din ang kapalit. Hindi ko yun
matatanggap!!" bigla nya akong niyakap ng mahigpit. SObrang higpit na halos hindi
na ako makahinga pero masarap sa pakiramdam.

"Alam ko naman kaya imposibleng ipabalik ko yun kay mommy." Niyakap ko din sya ng
mahigpit. Naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo.

"Mahal na mahal kita, mas mahal pa kita kesa sa buhay ko." Bumitaw sya sa
pagkakayakap sa'kin at hinawakan nya ako sa mukha. "Kung ano man ang mangyari
pagdating natin sa bahay nyo wag kang bibitaw. Hindi tayo susuko kahit paghiwalayin
nila tayong dalawa. Ito na yung time para ipakita nating hindi kayang bilhin ng
pera ang pagmamahalan natin. Na pagdating sa pag-ibig walang mahirap walang
mayaman, lahat tayo pantay-pantay." Hinawakan nya ng dalawang kamay ang mukha ko.
"Sabihin mo, mahal mo rin ako di ba? Lalaban ka kasama ko di ba?" sa itsura nya
parang takot syang marinig ang sagot ko kaya naman hinawakan ko rin sya sa mukha at
tinitigan sa mga mata.

"Oo, mahal na mahal din kita at kaya kitang ipaglaban kahit sa sarili ko pang mga
magulang. Hindi ka masamang tao at hindi dahilan ang status mo sa buhay para
paglayuin nila tayo. Kasama mo akong lalaban, ngayon." Nakita kong ngumiti sya na
parang nakahinga ng maluwag. Nagnod sya at pumikit sabay halik sa noo ko.

Dahil busy kami sa pag-uusap hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami. Bumukas
ang pintuan ng kotse kaya bumaba kami ni goon. Lumapit sya agad sa'kin at hinawakan
nya ako sa kamay. Nanlalamig ang mga kamay namin pero hindi ako natatakot hangga't
hindi kami nagbibitaw. "Kaya natin 'to." Sabi sa'kin ni goon at nagnod lang ako.
Kinakabahan akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso kami sa office ni mommy.
Pagpasok na pagpasok namin nandun si papa at mommy kasama ang isang di ko kilalang
tao. Nakatingin sa'min si mommy at sa magkahawak naming kamay.

"Hindi ko alam kung bakit nyo kami pinapunta dito mommy o kung bakit binalik nyo
ang properties nila Zak. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi nyo kami
mapaghihiwalay so please - please hayaan nyo na kami." Walang reaction si mommy,
hindi man lang sya nagalit sa sinabi ko. Parang wala lang. "Sabi ko mommy hindi ako
papayag na paghiwalayin nyo kami ni Zak."

"Mahal na mahal ko po ang anak nyo. Mas mahal ko pa sya sa sarili kong buhay,
pinapangako ko po na mamahalin ko sya tulad ng pagmamahal nyo sa kanya." Napatayo
naman si papa at napayakap kay Zak.

"Mommy! Sana matanggap nyo na din si Zak para sa'kin. Sya ang nagpapasaya sa'kin
wala ng iba. Sinasabi ko sa inyo, hindi nyo kami kayang paghiwalayin." Hindi pa rin
nagsalita si mommy at kalmado pa rin ang mukha nya.

"Narinig kita." Yun lang ang nasabi ni mommy after ng mahaba kong sinabi. Nagbabasa
lang sya ng papers na hawak nya. Nakangiti naman si papa at kinakamayan si goon.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero alam ko may mali dito at mukhang hindi yun
maganda. Tanggap na ba nila si goon? Ganun-ganun lang? O may iba pang nangyari?
Sana tanggap na lang nila dahil di ko kakayanin kung may iba pang dahilan.

A/N

Salamat sa patuloy na pagsuporta sa PH. Next week bibilisan ko na ang


paguupdate. :)Sana patuloy nyo pa rin syang ishare. Don't forget to vote, comment
and follow. Thanks. :)

Please like the official Facebook page of PH: Perfect Haters by megladiolus

Follow our official Twitter account: @Perfect_Haters

Join our facebook group: Perfect Haters Family

Follow me on Twitter: @Official_Mela_B

Follow me on Instagram: itsmelabrio

Follow my facebook personal account: Mela Brio


Add my facebook public account: Megladiolus Watty

*******************************************
60

*******************************************
Warning! Ang mga susunod na pangyayari ay masyadong masakit. Ihanda ang mga sarili.
Hahaha. Kapag nakaabot agad ng 500 votes ilalagay ko agad ang chapter 61. :)

ALEXA'S POV

"Maupo muna kayong dalawa." Kalmadong sabi ni mommy. Nagkatinginan lang kami ni
goon at sabay kaming umupo. "Kunin mo 'to." May iniabot na envelope si mommy sa'kin
at kinuha ko naman agad.

"What's this?" tanong ko habang nakatingin kay mommy at papa. Hindi naman sila
sumagot kaya tiningnan ko na ang laman ng picture. "Oh, baby pictures." Nakangiti
kong sabi. Tiningnan ko isa-isa yung pictures. "Si kuya ba 'to?"

"Kuya mo nga ata yan. Tingnan mo 'tong isang picture." Kinuha ni goon ang isang
picture at ipinakita sa'kin. "Ito din yung nasa album mo di ba? Nung sabi mo ang
alam mo kuya mo lahat yung nasa picture." Nagtawanan pa kami ni goon.

"Yeah, I remember." Nagtatawanan kaming dalawa ng may iniabot na naman si mommy na


bagong envelope - but this time hindi sa'kin kundi kay goon.

"A - ano po ito?" Kinuha ni goon ang envelope. "Pero kahit ano pa po ang laman nito
hindi ko na 'to matatanggap."

"Don't worry, it's nothing." Hindi na din naman nakipagtalo si goon kaya tiningnan
nya kung anong laman ng envelope.

Nagulat kaming dalawa nang makita namin ang isang picture ng mommy ni goon karga
ang isang baby - baby na nasa unang mga pictures.

"Hi - hindi ko po naiintindihan." Naguguluhang tanong ni goon.

Lumapit ulit si papa sa'min at nakatingin sya kay goon. "Patawarin mo ko. Naghanap
ako talaga - noon pero hindi ko kayo nakita."
"A - anong sinasabi nyo? Hindi ko maintindihan." Tumingin sa'kin si goon pero wala
akong naisagot dahil kahit ako mismo walang alam.

Hinawakan ko si papa sa braso. "Pa, pa ano bang sinasabi nyo?" iniupo ko ulit si
papa sa upuan.

"Patawarin mo ko." Biglang umiyak si papa at napayakap sa'kin. Hindi ko


naiintindihan kung anong nangyayari. Tumingin ako kay mommy.

"Mommy ano na naman 'to?" tiningnan lang ako ni mommy at kinausap ang nasa harapan
nya.

"Maraming salamat sa tulong mo. Makakaalis ka na." tumayo ang kausap nya at lumabas
na sa office. Tumingin sa'kin si mommy pero parang may galit sa mukha nya. "Bakit
hindi mo sabihin sa kanila kung anong nangyayari Ferne?"

Lahat kami ay tumingin kay papa. Bumitaw sya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan
ako sa mga kamay. "Bago kami ipakasal ng mommy mo meron akong nobya. Alam kong
hindi naman kami magtatagal dahil sa arranged marriage kahit na mahal na mahal
namin ang isa't isa."

"Papa anong kinalaman namin dito? Kahit ano naman ang past nyo tatanggapin ko yun."
Hinawakan ni papa ng mahigpit ang mga kamay ko at tumingin sa'kin ng diretso.

"Sorry princess. I really do. Hindi ko naman alam. Para kasing pinaglaruan tayo ng
tadhana." Naiyak si papa sa harapan ko at hindi ko yun matagalan.

Pumatak na rin ang luha ko. "Papa - papa parang hindi ko gusto yan. Bakit kayo
nagsosorry kung wala naman kayong ginagawa sa'kin." Lumayo ako sa kanya at lumapit
ako kay goon. Naghawak kami ng kamay. "Aalis na kami kung wala kayong sasabihin."
Papatalikod na kami ng pigilan kami ni mommy.

"Hindi! Walang lalabas!" pagharap namin sa kanya nakatayo na sya at nakatingin sya
kay papa. "Kung hindi mo kayang sabihin sa kanila ako na lang ang magsasabi!"
Tumingin sa'min si mommy. "Kelangan nyo nang maghiwalay ngayon palang."

"NO!!" narinig ko palang yung sinabi ni mommy para nang hinahati yung puso ko.
Sumasakit ang ulo ko at di ko maabsorb ang mga nangyayari. "Narinig nyo ba ang
sinabi ko kanina? Ang sinabi namin? Hindi kami papayag na maghiwalay kami kahit
anong mangyari!! Kaya aalis na kami." Hinigit ko si goon papalabas ng biglang
nagsalita si papa.

"MAGKAPATID KAYO!!!!" pakiramdam ko nabingi ako. Tumigil ang paligid at parang


namanhind ang pakiramdam ko. Parang sasabog ang ulo ko at hindi ako makahinga.
Napabitaw ako kay goon at nakita kong gulat na gulat din sya.

"A - anong sinabi nyo? Pa naman, pa naman hindi magandang bi - biro yan." Pinipigil
kong umiyak habang nakatingin ako kay papa. Pinipilit ko pa ngang ngumiti kasi alam
ko isa lang 'tong joke. "Pa akala ko kakampi ko kayo. Akala ko susuportahan nyo ko,
bakit kinakampihan nyo pa si mommy." Tumingin ako ng masama kay mommy at lumapit
ako sa kanya. "Talaga namang gagawin nyo lahat para lang maghiwalay kami ni Zak no?
Sorry mommy pero hindi kami maniniwala sa palabas nyo."

"Sweety hindi ko rin alam. Kahit ako nagulat pero wala akong magawa. Hindi ko
ginusto 'to at hindi ko 'to pinlano." Kalmado lang si mommy. Wow, muntik na kong
maniwalang wala talaga syang kasalanan.

"Wala kayong ginawa? Paano mauungat ang pagiging mag-ama ni papa at ni Zak? Ano yun
kusa na lang lumabas pagising nyo naisip nyo na anak ni papa si Zak tapos
pinainvestigate nyo? NA NAMAN! Syempre mahilig kayong makialam sa buhay ng may
buhay - "

*SLAP

Sa lakas ng sampal ni mommy hindi agad ako nakapagsalita.

"Alam kong marami akong ginawa sa'yo pero hindi ko pinaimbistigahan yang anak sa
labas ng papa mo!!! Hindi mo na ko ginalang!! Mommy mo pa rin ako kahit anong gawin
mo at hindi na yan magbabago!!!!" kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko na wala
akong narinig. Tumingin ako kay goon at tulala lang sya kaya naman nilapitan ko sya
agad at hinawakan ko sya sa mukha.

"Hindi 'to totoo. Pakana lang 'to ni mommy para paghiwalayin tayo. Tingnan mo ko -
" ibinaling ko ang mukha nya sa mukha ko, " - yung pinag-usapan natin kanina. Hindi
tayo bibitaw di ba? Di ba?" Nagnod lang si goon at niyakap nya ako ng mahigpit na
mahigpit kaya naman niyakap ko rin sya nang maramdaman kong may humigit sa'kin.

"Hindi kayo pwedeng dalawa dahil pareho ko kayong anak!!!" napabitaw ako kay goon
at napatingin ako kay papa. "Ako - ako ang nagpahanap sa kanya hindi ang mommy mo.
Kahit ako nagulat nung malaman kong sya ang anak namin ni Zachary at nung malaman
ko yun sinabi ko agad sa mommy mo dahil kung magtatagal pa 'to baka hindi na namin
kayo mapigilang dalawa." Umiiling-iling ako habang nagpapaliwanag si papa. Bakit?
Paano? Okay na kami di ba? Ang tatag na namin ni goon, pero bakit biglang nangyari
'to?

"No papa. Hindi pa rin ako naniniwala." Napapahawak ako sa ulo ko dahil sobrang
sakit. Hindi ko na alam kung anong maiisip ko.

"Baka nagkakamali lang po kayo. Hindi po kayo ang papa ko kundi si Keshner -
Keshner Maliff. Hindi ako ang nawawala nyong anak kaya pabayaan nyo na kami ng anak
nyo!!" hinigit ako ni goon pero hinawakan sya ni papa.

"Pasensya ka na pero wala kang magagawa kundi ang tanggapin na ako ang tatay mo at
kapatid mo si Alexa kaya hindi kayo pwedeng dalawa!!!" buo ang pagkakasabi ni papa
at walang alinlangan na lalong nagpasakit sa nararamdaman ko.

"NOOOO!!! NOOO!!!!!!! Hindi yan totoo!! Papa you're lying!!!!" nagpupumiglas ako ng
hawakan ako ni papa. Tulala lang si goon at nakatingin lang sya sa'kin. "Wag kang
maniwala sa kanila. Hindi yun totoo!!!"

ZAK'S POV

Anong nangyayari? Bakit kung kelan nahanap ko na ang taong kaya akong ipaglaban
hindi naman kami pwede. Kapatid ko ba talaga sya? Bakit hindi ko maramdaman? Bakit
ibang pagmamahal ang nararamdaman ko? Pagmamahal lang ba 'to ng isang kapatid?
Tinitingnan ko lang si aswang na pinipilit na hindi totoo ang lahat. Kahit parents
na nya ang nagsabi hindi pa rin sya naniniwala. Lumalaban pa rin sya. Wala akong
magawa. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

"Nung aksindente - dahil lang ba yun sa nabangga ni papa ang anak nyo? O dahil alam
nyo na matagal na kaya hinayaan nyong maghirap kami?" gusto kong malaman ang lahat.
Kung alam na ba nila lahat noon palang kaya hinayaan nila kaming maghirap at hindi
maipagamot si mommy.

"Hindi ko alam. Kung natatandaan mo ako lang ang humarap sa inyo noon at hindi ang
asawa ko. Ikaw lang at si Keshner ang nakita ko kaya wala akong idea tungkol sa
mommy mo. Dahil kung noon ko pa nalaman lahat ng 'to hindi na kayo magkakakilala ng
anak ko. Dahil baka noon palang may pinagawa na ko na hindi mo magugustuhan."
Napakasama nya talaga. Wala syang puso.
Bakit sobrang liit ng mundo? Sa dinami-dami ba naman ng tao bakit kami pa ang
napunta sa ganitong sitwasyon?

"Wag kang maniwala sa kanya Zak. Wag tayong magpadalos-dalos." Naiyak pa rin si
aswang at hawak pa rin sya ng papa nya. Anong gagawin ko? Gusto kong malaman kung
anong totoo.

"Hindi ako basta maniniwala, pasensya na po. At kapag napatunayan kong hindi totoo
ang lahat ng 'to hindi ko na po lalong bibitawan ang anak nyo. Papakasalan ko sya
sa ayaw at gusto nyo." Tumingin ako kay aswang tsaka ako tumalikod paalis.

"Where are you going? Wait!!" naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko at
pagharap ko nakita ko ang mga luha ni aswang na walang tigil sa pagpatak. "Please
wag kang umalis. Wag mo kong iwan." Ilang beses kong sinabi na hindi ko sya
papaiyakin pero ngayon nandito sya sa harapan ko umiiyak at wala akong magawa.
Pinahid ko mga luha nya at hinawakan ko sya sa mukha.

"Aalamin ko lang ang totoo. Hindi kita iiwan. Hindi ko kaya." Pinagmasdan ko ang
mukha nya, ang mukhang nahumaling ako at minahal ko. "Pipilitin ko 'tong ayusin.
Itatanong ko kay papa lahat. Kung may makakasagot ng mga tanong ko ngayon si papa
lang yun." Tumango sya at hinawakan din nya ang kamay ko.

"Natatakot ako." At nagsimula na naman syang umiyak. "Paano kung - paano kung
totoo? Totoong magkapatid nga tayo?" Biglang nablanko ang isip ko. Paano kung totoo
nga? Ang gusto lang kasi naming gawin ngayon ay patunayan na hindi totoo ang
nalaman namin, pero paano kung nagsasabi sila ng totoo?

"Wag kang matakot. Hindi naman ako mawawala." Kasi hindi naman ako lalayo sa
tabihan nya kahit na - kahit na magkapatid nga kami.

"Anong gagawin natin kung totoo nga?" natataranta sya magsalita. Hindi sya mapakali
at halatang alalang-alala sya tulad ko.

Nagbuntong-hininga ako. "Kung totoo ang lahat - wala tayong magagawa kundi
tanggapin na magkapatid tayo." Inalis ko ang pagkakahawak ko sa mukha nya at
tumalikod pero nakakapit pa rin sya sa'kin.

"Ayoko! Ayoko! Hindi ko kaya!! Ayoko!!!" hindi ko sya magawang tingnan dahil mas
lalo lang akong nasasaktan. Gusto ko nang malaman ang totoo. Gusto ko na ulit
mapangiti si aswang.
"Alexa! Alexa stop!!!" narinig kong sigaw ng mommy nya pero nakakapit pa rin sya
sa'kin. Kelangan kong magmatigas para sa kanya. Kung makikita nyang panghihinaan
din ako mas lalo syang mag-aalalala.

Humarap ako sa kanya at inialis ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa braso ko. "Kung
totoo ang lahat wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan kahit masakit
sa'kin at sa'yo." Tinitigan ko sya sa mga mata at nailing lang sya habang patuloy
sa pag-iyak.

"Hi - hi - hindi - " at bigla syang nawalan ng malay. Mabuti na lang at nasalo ko
agad sya. Binuhat ko sya agad.

"Nasan po ang sasakyan? Dalhin na natin sya sa ospital." Natataranta na din ako
lalo na ngayon. Hindi na naman nagaksaya ng oras ang parents ni aswang at pinahanda
na agad nila ang kotse. Paglabas ko ng pintuan nandun na ang sasakyan at ipinasok
ko si aswang sa loob. Sa kabilang sasakyan naman sumakay ang parents nya.

Pagdating namin sa ospital ay diniretso na sya sa emergency room. Kinakabahan ako


kasi hindi naman 'to nangyayari sa kanya. Siguro dahil nabigla sya sa mga nangyari.
Hindi ako mapakali sa labas ng emergency room ng dumating ang parents nya.

"Mas makakabuting lumayo na kayo sa isa't-isa. Kung hindi kaya ng anak ko sana ikaw
na lang ang gumawa. Hindi mabuti sa kanya ang magkalapit kayo pero hindi na kayo
pwedeng dalawa." Sabi ng mommy ni aswang. Tiningnan ko lang sya at hindi sumagot.
Gusto ko munang malaman na okay si aswang tsaka ako mag-iisip. Hindi ako mapakali
at gusto ko na syang pasukin sa loob ng emergency room.

"Anak kumalma ka lang." Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at nakita ko ang
papa ni aswang.

"Hindi nyo ako anak!" hinawakan ko ang kamay nya at iniaalis sa balikat ko ng
biglang lumabas ang doctor.

"How's my daughter?" tanong ng mommy nya.

"She's fine. Masyado lang syang nastress. Masyadong mabilis ang heart rate nya pero
mababa naman ang blood pressure nya but she'll be okay. She needs to rest and
kailangan nyang magtake ng vitamins. Irereview ko lang ang medical records nya to
make sure na walang kahit ano syang problema kung bakit nangyari 'to ngayon so as
of now ita-transfer na namin sya sa private room." Explanation ng doctor. Gumaan
naman ang pakiramdam ko ng malaman kong okay lang sya.

Tulog pa rin sya ng nilipat sya sa private room. May dextrose at may oxygen din
sya. Parang wala syang problema. Ang ganda nyang tingnan habang natutulog sya.
Nilapitan ko sya at hinawakan ko ang kamay nya. "Maayos din ang lahat. Kahit anong
mangyari hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa'yo." Hinalikan ko ang kamay
nya. "Kailangan ko nang umalis. Pipilitin kong ayusin lahat." Inilapit ko ang mukha
ko sa mukha nya. "I will always love you." At hinalikan ko sya sa noo bago ako
lumabas ng room. Nakasalubong ko din ang parents nya paglabas ko ng room. "Aalis na
po ako. Kayo na po muna ang bahala sa kanya." Hindi ko na sila inintay pang
makasagot at nagmadali na akong umuwi.

Halos manakbo ako palabas ng ospital nang makita ko sila Jezhi at ang kuya ni
aswang na nagmamadali. Kasama ni Jezhi si Val. Mabuti na lang at nakita ko sila.

"Kamusta si Alexa?" tanong ni Jezhi sa'kin.

"Okay na sya." At dumiretso ako ng lapit kay Val. "Pahihiramin mo ako ng sasakyan o
ihahatid mo na lang ako?" Nasa amusement park pa ang sasakyan ko at motor lang ang
nasa bahay.

"Pinauwi na namin yung kotse mo. Pero sige ihahatid na kita. Mukhang hindi ka kasi
okay." Sagot ni Val. Nagpaalam lang sya kay Jezhi tsaka kami dumiretso sa sasakyan
nya. Hindi na din naman sya nagtanong. Siguro may sinabi na rin si Jezhi sa kanya.
"Kuya ni Lex ang tumawag kay baby kaya nalaman namin. Tsaka isa pa bigla kayong
nawala kaya nag-alala kami." Hindi ako sumagot kahit nagsalita si Val. Nanginginig
ang mga laman ko sa galit dahil sa mga nalaman ko at dahil sa nangyari kay aswang.
"Kung anuman ang iniisip mo ngayon maayos din ang lahat." Tiningnan ko lang si Val
at tumango lang ako. As soon as makarating kami sa bahay pumasok na ako agad sa
loob at hinanap ko si papa. Dumiretso ako sa mini-office nya at nakita ko syang
tumitingin ng photo albums ni mommy. May mga papel din sa harapan nya.

"Sabihin nyong sa'king hindi totoo ang nalaman ko!! Kayo ang papa ko di ba?"
nahampas ko ang table ng dalawang kong kamay. Tumingin sa'kin si papa tsaka ulit
tumingin sa mga pictures.

"Ako naman ang papa mo at hindi naman ako nagkulang sa pagiging tatay para sa'yo."
Kinuha nya ang picture nila ni mommy. Medyo malaki na ang tyan ni mommy sa picture.
"Pinakasalan ko ang mommy mo dahil kelangan nya ng magiging tatay ng anak nya.
Hindi na naman ako nagtanong kung sinong tunay na ama ng batang dinadala nya.
Naisip ko kasi bakit kailangan ko pang malaman kung ako na mismo ang tatayong tatay
para sa kanya." Ibinalik nya ang picture sa photo album. "Ilang taon rin akong
nagtiis bago nya ako natutunang mahalin." Sunod nyang kinuha ang baby pictures ko
kasama sila ni mommy. "Hindi ko alam ang lahat hanggang sa nung namatay ang mommy
mo. Nakita ko lang ang ilang sulat sa mga gamit nya. Sulat na nagpapasalamat sa mga
baby pictures na ipinapadala ng mommy mo sa isang taong hindi ko kilala. Pero isang
araw tumigil na sya sa pagpapadala ng pictures hanggang lumipat na kami ng bahay.
Yun yung araw na naging masaya na kaming dalawa, ang araw na nagbunga ang aming
pagmamahalan at iyon ay si Cia." Isinara nya ang album at nakikinig lang ako sa
kanya. "Sa totoo lang ayokong tanggapin ang mga properties natin lalo na kung ikaw
lang ang magiging kapalit." Napansin kong pumatak ang luha ni papa. "Pasasalamat
daw 'to sa pagkupkop ko sa'yo ng ilang taon. Hindi naman ako nagpapabayad sa pag-
aalagang ginawa ko sa'yo dahil itinuring kitang sarili kong anak. Hindi ko
ipinaramdam sa'yo na ibang tao ka."

"Hindi nyo ako anak? Hindi kayo ang tunay kong tatay?" tumango sya at nasuntok ko
ang table sa sobrang galit. "Wala kayong balak sabihin sa'kin kahit nasa right age
na ko?"

"Naisip ko kasing hindi mo na kailangang malaman dahil wala namang problema. Maayos
naman ang lahat." Tumayo si papa para lumapit sa'kin pero lumayo ako.

"MAAYOS ANG LAHAT? Pa alam nyo ba kung anong nangyayari ngayon? Ang babaeng
pinakamamahal ko nalaman ko na kapatid ko pala!! Siguro kung sinabi nyo sa'kin dati
pa na hindi kayo ang tunay kong tatay baka naiwasan ko pang magkagusto sa kanya,
baka hindi ko sya minahal ng ganito at baka hindi kami nahihirapan ng tulad ng
nararamdaman namin ngayon!!!!" galit na galit ako. Hindi dahil sa mga nalaman namin
kundi dahil sa'min pa nangyari ang mga ganitong bagay.

"Anak I'm sorry. Hindi ko din alam na ganito ang mangyayari. At kahit sabihin ko
sa'yo na hindi kita tunay na anak hindi ko din alam kung sino ang tunay mong tatay.
Kanina ko lang din nalaman na ang may-ari pala ng AGC ang tunay mong tatay at
nakaramdam ako ng takot. Wala akong laban sa kanya. Wala akong kahit ano para
maipaglaban ka, para hindi ka nila kunin sa'min ni Cia." At lalo na akong natulala
ng maconfirm ko na ang tatay ni aswang at tatay ko ay iisa.

"Bakit? Bakit kailangang sya pa? Bakit sya pa ang naging tatay ko?" sa sobrang
galit ko nasuntok ko ang glass cabinet namin at nabasag yun. Iniwan ko si papa at
lumabas ako ng makita ko si Val na nakatayo at nakatingin sa'min.

"I - I'm so - sorry. Hi - hindi ko sina- sadyang ma - rinig lahat." Hindi ko na


lang sya pinansin at dumiretso ako sa labas at sumakay sa motor ko. Paano na ko
haharap kay aswang nito? Sabi ko aayusin ko lahat pero kahit ako walang magawa.
Hindi ko matanggap na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay sya pa ang
imposible kong makasama. Dahil sa sobrang sama ng loob ko nagdrive ako ng sobrang
bilis na halos hindi ko na makita ang mga nadadaanan ko. Hindi ko rin alam kung
saan ako pupunta ang sunod ko na lang na napansin ay nakatigil ako sa harap ng
abandoned building kung saan naging kami ni aswang. Bumaba ako ng motor at umakyat
ako sa taas. Parang biglang nagflashback sa isip ko nung gabing naging kami. Yung
reaction nya gulat na gulat. Ang gabing naging masaya ako dahil pumayag syang
maging girlfriend ko. Napapangiti ako kapag naalala ko ang itsura nya ng gabing
yun.

Bigla na lang akong napaiyak ng maisip kong ang gabing yun ay panaginip na lang
ngayon. Hindi ko matanggap. Pakiramdam ko mababaliw ako. Sinusuntok ko ang dibdib
ko para lang mawala ang sakit na nararamdaman ko pero balewala lang. Hindi ko na
napigilang umiyak. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!! Bakit!!! Bakit ako pa!!!!!!!!!!!!!!"
sumigaw na lang ako ng sumigaw para gumaan ang pakiramdam ko hanggang sa mapaluhod
na lang ako sa ground dahil wala na akong magawa. Hanggang dito na lang ba talaga?
Wala na ba talagang pag-asa?

Pumatak ang mga luha ko sa ground at natutuyo din naman agad. Sana ganun na lang
din ang nararamdaman ko, nawawala din lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kailangan
kong magpakatatag para kay aswang - para sa kapatid ko. "Hindi!!!" halos natatawa
na ako habang naiyak. Hindi ko kayang sabihing kapatid ko sya. Hindi pero yun ang
katotohanang dapat naming tanggapin simula sa araw na 'to.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Slight turn of the head

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

Kinuha ko agad ang phone ko at sinagot ko ng di ko tinitingnan kung sinong


tumatawag.

[Nasan ka? Gising na si Alexa at hinahanap ka nya.] Nabosesan ko na si Jezhi ang


natawag.

"Sige. Pupunta na ko dyan." At ibinaba ko ang phone. Inayos ko ang sarili ko dahil
ayokong humarap sa kanya ng ganito ang itsura ko. Kailangang ipakita ko na kahit
masakit para sa'min kailangan na naming tanggapin lahat.

Tumayo ako at tiningnan ko ang paligid. Memories na lang lahat ng mga pinagdaanan
namin. Wala na akong magagawa. Bumaba ako ng building at nagpunta na sa hospital.
Ayoko syang makita dahil mas lalo lang akong masasaktan, pero mas masakit yung
bigla na lang akong mawawala habang umaasa syang magiging maayos pa ang lahat.

Dumating ako sa ospital at nadatnan kong nakaupo na si aswang kasama si Jezhi.


Pagpasok ko ng room tumayo si Jezhi at lumabas. Ngumiti lang ako na parang walang
nangyari.

"So okay na ba ang lahat? Magpapakasal na ba tayo ngayon? Alam mo excited na nga
ako. Kahit dito na lang sa ospital okay lang basta maikasal lang tayo. Nasa right
age na naman ako so wala ng problema." Ang saya-saya nyang magsalita. Nahihirapan
akong magsalita dahil naiiyak ako kaya nakangiti lang ako ngayon at umupo sa
tabihan nya.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan. Hindi naman tayo pwedeng ikasal little sister."
Biglang nawala ang ngiti sa mukha nya at napatulala sya sa'kin. Nakagat ko na ang
mga labi ko sa pagpipigil ng iyak.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi ako natutuwa no!! Ayoko ngang magkaron ng
kapatid na goon!!" Mabuti na lang at nakukuha nya pang magbiro.

"Mas lalo naman ayokong magkaron ng kapatid na aswang. Tsaka dapat nagpapahinga ka
lang. Matulog ka na nga ulit!" itinulak ko ang ulo nya pahiga sa bed pero umupo sya
ulit.

"AYokong matulog. Kakagising ko lang matutulog na naman. Tsaka okay na ko. Hindi na
masakit ang ulo ko! Kaya magpakasal na tayo ngayon!!" Kung pwede ko lang talaga
syang pakasalan ngayon ginawa ko na. Hindi na ko mag-aakasaya ng oras dahil ayoko
na syang mawala sa'kin pero dahil hindi pwede, wala akong magagawa.

"Makakahanap ka rin ng lalaking mapapakasalan! Hindi nga kasi tayo pwedeng


magpakasal! Hindi ka talaga nakikinig sa sinasabi ko kahit kelan!!" sabi ko sa
kanya habang kumukuha ng apple sa table. Ayoko kasing makita ang itsura nya dahil
baka hindi ko na mapigilang umiyak.

"Ikaw lang ang gusto ko ih! Naririnig mo ba ko?" hinawakan nya ako sa braso. "Ayaw
mo na ba sa'kin? Nagsawa ka na ba?" Ugh! Mas lalo akong nahihirapan ng ganito.
Kailangang magmatigas ako.

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko. "Hindi na tayo tulad ng dati.
Magkapatid tayo at yan ang totoo. Iisa ang tatay natin at kung anuman ang
nararamdaman natin para sa isa't isa pagmamahal lang yun ng isang kapatid! Wag na
nating pahirapan ang mga sarili natin dahil kahit anong gawin natin - sa mata
nilang lahat MAGKAPATID tayo!" tumayo ako at tumalikod sa kanya.

Narinig ko na lang syang tumawa. "Nakakatawa no? Ang galing naman ng tadhana. Sana
pala hindi na lang ako nagising. Sana pala namatay na lang ako kasi yung
nararamdaman kong sakit ngayon unti-unti akong pinapatay." Narinig ko ulit syang
tumawa. "Ang masakit lang bakit parang ang dali mong tanggapin lahat? Bakit parang
walang nangyari sa pagitan natin? Paano tayo naging magkapatid kung ang
nararamdaman ko sa'yo ay higit pa sa isang kapatid." Tumigil sya sa pagtawa. "Pero
tama ka din naman, hindi tayo pwede dahil magkapatid tayo. Salamat na lang sa
lahat, dahil simula sa araw na 'to ikaw na ang kuya ko." At narinig ko na naman
syang umiyak. Hindi ko na matagalang marinig ang mga sasabihin nya kaya lumabas na
ako at iniwan ko syang mag-isa.

ALEXA'S POV

Sana hindi na lang ako nagising. Sana namatay na lang ako. Sana may gamot silang
iturok sa'kin para mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Sweety are you alright?" narinig ko ang boses ni papa kaya tumingin ako sa kanya
at niyakap ko sya agad as soon as makalapit sya sa'kin.

"Papa, papa ang sakit sakit papa. Kailangan ko ng pain reliever. Ihingi mo ko ng
gamot sa doctor. Yung sobrang malakas. Para hindi ko na maramdaman ang sakit."
Niyakap ko si papa ng mahigpit at tsaka ako lumayo sa kanya. "Bakit kasi ang landi
nyo! Sana nung nakabuntis kayo nagpakasal na kayo agad para walang namomroblema
ngayon."

Hinawakan ako ni papa sa kamay. "Kung ginawa ko yun wala ang pinakamagandang
prinsesa sa harapan ko ngayon." Napaiyak naman ako. Bakit kasi pinanganak pa ko
kung puro kamalasan lang din naman ang mararanasan ko sa mundo?

"Sana pinaagas na lang ako ni mommy dati." Tinakpan ni papa ng index finger nya ang
lips ko.

"Blessings ka sa'min ng mommy mo. Wag kang magsalita ng ganyan." Hinalikan nya ako
sa noo.

"Kaya ba kayo nag-ampon ng anak na lalaki? Kasi naaalala nyo ang una nyong anak?"
hindi ko pa rin masabi na anak nya si goon. Hindi ko pa rin matanggap na magkapatid
kaming dalawa.
Nagnod si papa at umupo sa tabihan ko. "Dahil hindi ko maalagaan ang anak namin ni
Zachary kaya nag-ampon ako ng batang lalaki at sa kanya ko ibinuhos lahat ng
pagmamahal na dapat ay kay Zak." Biglang natawa si papa. "Hindi ko lang akalain na
gagawin nyang nickname ng anak namin ang binaligtad kong pangalan. From Kaz to
Zak." Bigla akong napaisip, dun pala talaga nanggaling yun at hindi sa kwento ni
goon. Mas lalo ko lang napapatunayan na talagang magkapatid kami. Lalo ko lang
nararamdaman na ang lupit ng tadhana sa'min. "I'm sorry princess kung nangyari 'to
sa'yo. Gusto kitang lumigaya pero sa tamang tao at hindi sa sarili mong kapatid."
Naiyak na naman ako ng biglang pumasok si mommy kasama si - teka si Tyan?

"May bisita ka sweety." Lumapit si mommy kay papa at tumayo naman si papa mula sa
pagkakaupo sa bed. "Nung mabalitaan nya ang nangyari nagmadali syang pumunta dito."

"O pinagmadali nyo talaga." I rolled my eyes. "Kayo lang naman ang magsasabi sa
kanya ng mga nangyayari sa'kin."

"Look sweety, hindi ko rin inaasahan ang mga nangyari. I was about to accept Zak as
your boyfriend ng biglang nangyari 'tong lahat. In fact, ipapacancel ko na sana ang
arranged marriage nyo ni Channing dahil alam kong hindi mo naman sya talaga mahal
pero hindi natuloy dahil - sa mga nangyari." Ang sama ng tingin ko kay mommy. Anong
arranged marriage ang pinagsasabi nya?

"Hindi dahil magkapatid kami ni Zak magpapakasal na ako sa kahit na sino. Sa totoo
lang mas gusto ko na ang magpakasal sa sarili kong kapatid kesa sa hind ko
mahal!!!!" nashock naman si mommy sa reaction ko.

"You can't do that. Pinagbabawal yan at alam kong alam mo yan." Syempre alam ko
naman yun. Gusto ko lang talaga syang galitin.

"Alam mo mommy, kung hindi lang talaga napatunayan na magkapatid kami ni Zak,
iisipin ko pinlano mo pa 'to lahat. Part 'to ng plano mo dahil ayaw mo sya para
sa'kin." Maswerte lang talaga si mommy dahil wala syang kinalaman dito. Dahil lahat
ng nangyayari ngayon ay totoo at hindi pinlano ng kahit na sino.

"Don't talk to me like that. Lalo na sa harapan ng fiancé mo." Tumingin ako kay
Channing at tsaka ako humiga.

"I'm tired. Gusto ko nang magpahinga." Nagtalakbong ako ng kumot.


"Kahit kelan talaga Ale masyado ka pa ring moody. Alam kong kakagising mo lang. Wag
ka ngang mag-inarte dyan. Tsaka isa pa nagjojoke lang yan si tita. Hindi naman
talaga tayo magpapakasal. Ayoko kayang magpakasal sa'yo!"naramdaman kong may umupo
sa tabihan ko at inalis ang kumot sa mukha ko. "Ang panget mo na nga mas lalo ka
pang pumanget."

"Pwede ba Tyan tigilan mo ko!!" magtatalakbong na sana ako ulit ng bigla nyang
nahawakan ang mga kamay ko.

"Sorry sa nangyari. I really am. I am still your friend at pwede mo akong sabihan
ng kahit ano." Tinap nya ang balikat nya. "You can still use my shoulder." Umupo
ako at tumingin sa may bintana. Siguro kailangan ko nga ng makakausap.

"Itatanong lang namin sa doctor kung pwede ka nang lumabas." Sabi ni papa. Lumabas
sila ng room ni papa.

"Narinig ko kung anong nangyari." Sabi ni Tyan.

"Sino bang hindi nakakaalam?" I folded my arms over my chest. Bigla naman nya akong
hinampas sa ulo. "Wow, close na tayo ulit?" nakasimangot kong sabi.

Kumuha sya ng ponkan sa table at pinasa-pasa nya sa left and right hands nya. "Ang
swerte mo nga naranasan mong mahalin ng taong mahal mo." Wow, ang alam ko kasi ako
ang may problema. Bakit sya ata ang magkukwento? "Ako kasi simula bata isang babae
lang ang minahal ko. Hindi na ako nagmahal ng iba. At least alam ko may chance
kaming magkatuluyan dahil sa family tradition."

"What tradition? At sino yung babae?" Inagaw ko yung ponkan sa kamay nya dahil
nahihilo ako sa paglipat-lipat nun sa kamay nya.

"Wala ka talagang alam?" I shook my head. "Well di uso sa family natin ang
pakasalan ang taong mahal nila. Like my parents and your parents. May kanya-kanya
silang love life noon pero pinakasal pa rin sila. Pati si kuya Geoff, kaya ganyan
sila ni ate Fran." Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Tyan pero nalilinawan na
ako ngayon kung bakit hindi ganun kasweet si mommy at papa at kung bakit wala pa
ring baby si ate Fran at kuya Geoff.

"Well sorry sila dahil iibahin ko ang tradition na yan. I will make a difference!"
ayokong mabuhay ng hindi masaya. Ilang taon na nga akong nabuhay sa lungkot tapos
habang buhay ko palang mararanasan, di na uy.
"So ibig sabihin yung taong ipapakasal sa'yo mahal mo na or mamahalin mo?"
napatingin ako kay Tyan.

"Magpapakasal lang ako sa taong mahal ko at mahal ako!!!" bigla na naman akong
nalungkot. Kasi ang taong gusto kong pakasalan ay ang taong hindi ko pwedeng
makasama. "May alam ka ba sa kasalanang sinasabi ni mommy?"

"Expected na dapat yun. Pero ako kasi hindi naman talaga ako magpapakasal sa'yo
dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang boyfriend mo. Pero after ng nangyari naisip
ko baka tayo talaga ang para sa isa't-isa." Hinawakan nya ako sa kamay.
"Matututunan mo rin akong mahalin at ipapakita ko sa'yo na ikaw lang ang babaeng
minahal ko sa buong buhay ko." Hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.

"Hindi kita mapapakasalan kasi hindi naman kita mahal. Isa pa - isa pa masyado pa
akong bata. Ayoko." Parang nalungkot ang mukha ni Tyan at parang nakonsensya naman
ako.

"18 ka na. Mukhang wala ka talagang alam. Kung bakit nandito pa rin ang parents mo
at kung bakit bigla akong bumalik." Sumasakit na naman ang ulo ko. Hindi ko na
naman maprocess ang mga nangyayari.

"Kelangan ba sabay-sabay kong malaman sa loob ng isang araw? Hindi ba pwede next
year na lang yung iba? Kapag nakamove on na ko. Hindi ko pa nga natatanggap na
kapatid ko ang taong pinakamamahal ko tapos heto ka ngayon sinasabing magpapakasal
tayo. Wow, so pati tao ngayon robot na rin? Alam mo hindi pa rin ako naniniwala na
kapatid ko si Zak. May mali dito at aalamin ko yun!!!" parang na-amaze naman si
Tyan sa sinabi ko. Ngumiti sya at nailing-iling pa.

"And what if wala kang nagawa? What if magkapatid talaga kayo at magkadugo? Anong
gagawin mo?" natahimik ako. Parang may milyung-milyong needle ang natusok sa puso
ko.

"Then I guess - I guess mapipilitan akong magpakasal sa'yo. Para makalimot at para
sundin ang gusto nila mommy." Ang laki ng ngiti nya na akala mo sigurado na sya na
magpapakasal kami. "Hoy wag kang kampante dahil hangga't hindi ako nawawalan ng
pag-asa hindi tayo magpapakasal."

"I didn't say anything. Masyado lang akong natutuwa sa'yo." Buti pa sya natutuwa.
Samantalang ako nasasaktan at nahihirapan. Pero gumagaan din naman ang pakiramdam
ko dahil may kumakausap sa'kin. Pero kapag natatahimik kami naiisip ko na naman si
goon. Ano kayang ginagawa nya? Paano nya kaya tinanggap na magkapatid kami?
Nakalimutan na nya kaya ako? Hindi ba sya gagawa ng paraan para malaman kung
totoong magkapatid kami o hindi? Ang hirap. Ang hirap-hirap ng kalagayan namin.
Sumasakit ang ulo ko at ayoko munang mag-isip. "Are you alright? Namumutla ka ata.
Tatawag lang ako ng nurse."

"No need. Matutulog lang ako mawawala din 'to." Ngumiti ako sandali at humiga.

"Dito lang ako. Babantayan kita." Hindi ko na sya pinansin at ngumiti na ko. Sana
panaginip lang 'to lahat at paggising ko balik na sa dati ang lahat. Ako, si goon
at ang pagmamahalan namin. Alam ko bangungot lang 'to at kailangan ko nang
magising.

A/N

Don't forget to vote and comment para mailagay ko agad ang chapter 61. Share nyo na
rin sa fb and twitter. :)

Please like the official Facebook page of PH: Perfect Haters by megladiolus

Follow our official Twitter account: @Perfect_Haters

Join our facebook group: Perfect Haters Family

Follow me on Twitter: @Official_Mela_B

Follow me on Instagram: itsmelabrio

Follow my facebook personal account: Mela Brio

Add my facebook public account: Megladiolus Watty

*******************************************
61

*******************************************
ALEXA'S POV

Ilang araw akong hindi nakapasok at ilang araw din kaming hindi nagkita ni goon
after ng mga nangyari. Akala ko nga panaginip lang lahat kaya paulit-ulit kong
pinilit matulog. Pero walang pinagbago, kahit matulog pa ako ng ilang araw,
paggising ko hindi pa rin nababago ang katotohanang magkapatid kami ni goon.

Ito yung unang araw na haharap ako sa kanilang lahat, haharap kami ni goon sa
kanila bilang magkapatid. Ang totoo nagpalipat na ako ng subjects na hindi kami
magkaklase ni goon. Gusto nga ni mommy mag home school na lang ulit ako pero sabi
ko susubukan ko muna ulit bumalik. At kapag hindi ko talaga kinaya baka pumayag na
ako sa suggestion ni mommy.

Pagdating ko sa likod ng gym nandun na silang lahat. Syempre ni-ready ko ang isang
magandang ngiti. Inhale, exhale. I can do this. Naglakad ako papalapit sa kanila.
"Hi guys!" ang ganda ng ngiti ko habang silang lahat eh natigilan sa pagsasalita at
nakatulala sa'kin. "Anong nangyayari? Bakit ganyan kayo makatingin?" Nagtinginan
silang lahat.

"Wa - wala naman. Ang tagal ka kasi naming hindi nakita." Sabi ni Rich pero hindi
sya nakatingin sa'kin.

"Nagkasakit nga kasi ako di ba?" pabiro kong sabi. Lumapit ako kay goon. "Pwedeng
umupo sa tabihan mo?" nakangiti kong tanong. Tumingin sya sa'kin sandali. Namiss ko
ang mga mata nya, ang mukha nya at ang lips nya. Gusto ko syang halikan pero alam
kong hindi pwede. Gusto ko lang maramdaman na kaya nya pa rin akong ituring na
special sa kanya at hindi isang kapatid. Yun na lang ang panghahawakan ko para
hindi sumuko.

"Sure." Ngumiti sya. "Little sister kita syempre pwedeng-pwede." Nawala ang ngiti
ko sa mukha ng sinabi nya yun. Hinigit nya pa ako sa tabihan nya tsaka ako
inakbayan. "Ang cute ng sister ko no? Imagine pareho sila ni Cia na cute." Ang
ganda ng ngiti nya na parang nakalimutan na nya lahat sa'min.

"Uhm - Zak - " itatanong ko sana sa kanya kung wala na ba syang nararamdaman para
sa'kin.

"Kuya - kuya Zak. I'm older than you, remember sister?" ginulo nya pa ang buhok ko
at nagtawanan pa silang lahat. Ako naman nakitawa ng peke.

"Zak hinahanap ka nga pala ni Natalia kanina. Bigla ka daw nawala kagabi eh."
Napatingin ako kay goon at napatingin din sya sa'kin. Nakukuha na nyang makipag
kita ngayon sa babaeng yun? Bumalik ba sya dun dahil magkapatid na kami ngayon?

"Ah oo. Tumawag kasi si Cia pinapauwi ako kaya umalis na ako agad. Tulog na naman
sya nung iniwan ko sya. Ang tagal nga nun patulugin kesa kay Cia eh." tapos tumawa
sya ng tumawa pero inalis na nya yung pagkakaakbay sa'kin.

"Magka - magkasama kayo kagabi?" kahit ang sakit para sa'kin itanong ginawa ko pa
rin.
"Yup. May sakit kasi sya ng ilang araw kaya binantayan ko." Nakangiti pa sya sa'kin
habang nagkukwento.

"Pe - pero nagkasakit din ako. Bakit - bakit hindi mo din ako binantayan?" konting-
konti na lang iiyak na talaga ako pero hindi ko magawa.

"Ano ka ba? Ang dami dami namang mag-aalaga sa'yo dun. Hindi mo na ko kelangan.
Hindi ka naman papabayaan nila papa. Wag ka nang magselos. Iba ka kay Natalia."
Napangiti naman ako kahit paano. Akala ko kasi nawala na agad lahat. "Ikaw kasi
kapatid ko. Sya kasi espesyal sa'kin pero hindi bilang isang kapatid." At hindi ko
na talaga kinaya ang sinabi nya. Isang confirmation ba yun na nakamove on na sya?
Na wala na talaga kaming pag-asa? Kung kinaya nya dapat ipakita ko rin na kaya ko.

Ngumiti lang ako at tumingin sa kanilang lahat kahit na nangingilid na ang mga luha
ko. Nakatitig lang sila sa'kin at parang nagwoworry. "Yey! Mukhang okay na pala ang
lahat. Si k - ku - kuya Zak may love life na ulit." Ang sakit sakit sa pakiramdam
pero dapat na talaga akong magmove on. Di ko namalayang pumatak na ang luha ko.

"Lex." Narinig kong sabi ni Tuck.

"No no. I'm fine. Tears of joy lang 'to." Pinunasan ko ang luha ko. "I just came
here to tell you that - " pinilit kong ngumiti ng maayos. Ngiti para ipakitang
masaya ako at tears of joy talaga ang lumalabas sa mga mata ko, " - I'm getting
married. Yey!" pumalakpak pa ako.

"What?" sabay-sabay nilang sabi at halatang gulat na gulat sila. Tumingin ako kay
goon pero hindi sya nakatingin sa'kin. Nakatingin lang sya sa ground.

"You heard me right. Yung childhood friend ko, si Channing, sa kanya ako
magpapakasal. Actually arranged marriage talaga sya but then recently narealize ko
na - na - " bakit hindi ko masabi. Bakit ang hirap sabihin? " - na kaming dalawa
lang din pala ang magkakatuluyan. Ang swerte ko nga kasi ako lang ang babaeng
minahal nya mula noon until now." Dahil hindi ko kayang sabihin na mahal ko si
Channing kaya sinabi ko na lang na kami din sa huli. "Ang galing no? Invited kayong
lahat." Tumayo ako. "So yun lang. Uuwi na din ako at hindi na ako papasok."
Papaalis na ako nang hawakan ako ni goon sa kamay. Napapikit ako dahil umaasa akong
pipigilan nya pa ako, sana pigilan nya pa ako. Sana -

"Congratulations. Sana maging masaya kayo. Kapag sinaktan ka ng lalaking yun


sabihin mo lang kay kuya ha. Ako na ang bahala." Hindi ko na talaga napigilan ang
sarili ko sa pag-iyak. Pagkabitaw na pagkabitaw nya sa braso ko nanakbo na ako agad
paalis na umiiyak. Wala na talagang pag-asa. Sumuko na sya kaya dapat sumuko na din
ako. Papayag na ako sa gusto ni mommy. Papayag na ako na magpakasal kami ni Tyan
dahil yun naman talaga ang nakaplano matagal na.

Nagmadali akong puntahan si mommy para sabihin ang isang balita na magpapaganda ng
mood nya. Tama na rin siguro 'tong gagawin ko. Kung si goon nga gumagawa na ng
paraan para makapagmove on, dapat ako rin. Dapat hindi ko hayaan ang sarili ko na
umasa sa wala.

Dumiretso ako sa company namin para kausapin si mommy. Alam kong nandun sya ngayon
dahil may aayusin daw sya para sa foundation namin. Well syempre hindi mawawala ang
foundation para sa kawang-gawa. Pakitang-tao masabi lang na nakakatulong sa iba.
Hindi ko na kinausap ang secretary nya pagdating ko at nagdire-diretso na ako sa
office nya ng hindi kumakatok.

"Mommy I wanna tell you something!!!" nakita kong may kausap sya at nagulat ako ng
humarap ang babaeng kausap ni mommy. "Mel? What are you doing here? Wait -
magkakilala kayo ni mommy?"

Tumayo sya at lumapit sa'kin. "Let me explain Lex. Mali ka ng iniisip." Hinawakan
nya ko pero tinulak ko ang kamay nya.

"At anong tama? I thought you're different." Hindi ako makapaniwala na kasabwat ni
mommy ni Mel.

"I tried to ruin your relationship with Zak dahil yun ang gusto ng mommy mo but
believed me hindi ko nagawa. Dahil nakita ko kung paano kayo nagmamahalang dalawa
at nung araw na nagpunta tayo sa amusement park yun yung araw na nagback out na ako
sa pinapagawa ng mommy mo dahil hindi ko kayang sirain ang happiness na meron ka."
Napayuko sya at hindi makatingin sa'kin.

"Bravo Mel! Ang galing mo. Halos nakuha mo ang tiwala ko lalo na ni Zak. But
haven't you heard the good news? Magkapatid kami so in short wala ka ng
relationship na sisirain!!! Hindi ko alam kung anong ginawa ni mommy sa'yo at
napasunod ka nya! For sure mayaman ka naman kaya ka nga nasa Stanford di ba? Akala
naming lahat mabuti kang tao - pero hindi pala!!! I don't wanna see your face ever
again!!" tumingin ako sa bintana dahil ayoko syang makita.

"Hindi ako mayaman. Isa lang ako sa pinag-aaral ng foundation nyo. I need money to
support my studies and family kaya ng mag-offer si madam President hindi ako
nagdalawang isip." Hinawakan nya ako. "Pero yun is before kitang makilala. Bago ko
pa malaman ang ibig sabihin ng mga tunay na kaibigan. Maniwala ka sa'kin, hindi ko
sinasadya." Magsasalita pa sana sya ng biglang nagsalita si mommy.
"You may leave! And don't forget to pay me before this month ends or else
ipapakulong kita." Napatingin ako kay mommy.

"Opo madam. Salamat po sa lahat." Papaalis na si Mel pero hinawakan ko sya.

"Anong babayaran mo sa kanya? Akala ko ba ikaw ang babayaran nya?" tanong k okay
Mel.

"Hindi nya nagawa ang pinapagawa ko sa kanya. May kasunduan kami, babayaran nya
lahat ng pinang-aral ko sa kanya plus yung advance na bayad ko kapag hindi nya
nagawa. Nagback out sya, so meaning hindi sya sumunod. End of discussion." Hindi
ako makapaniwala sa sama ng ugali ng mommy ko. Buti na lang kahit isa sa mga ugali
nya hindi ko namana.

"You're not leaving this room." Sabi ko kay Mel. "Mommy ganyan na ba kayo kasama?
Alam ba ng mga business partners nyo na sa foundation nyo ay nagpapabayad kayo sa
mga scholars? Ano na lang ang sasabihin nila? So hindi pala kawang-gawa lahat dahil
babayaran din naman nila kayo. So kahit sabihin ko sa kanila na ganito ang ginagawa
nyo okay lang?" parang nagulat si mommy sa sinabi at napatitig sa'kin. "Besides,
wala na talagang dapat tapusin si Mel sa pinapagawa nyo dahil tapos na naman
talaga. Wala na kami ni Zak. Hindi na pwedeng maging kami dahil magkapatid kami.
Yun lang naman ang gusto nyo di ba?" tumingin ako kay Mel na nakatingin din sa'kin.
"No need to pay my mom. Pagpatuloy mo ang pag-aaral mo at ang foundation ang
bahalang magbayad. Pwede kang magreklamo sa directors about this, dahil for sure
wala silang alam. Pwede ka nang umalis."

Ngumiti si Mel sa'kin at lalapit sya ulit pero pinigilan ko sya. "Ginagawa ko lang
ang tama, hindi dahil kakilala kita. Kahit sinong nasa posisyon mo ganun pa rin ang
gagawin ko. Pero hindi ko makakalimutan kung anong ginawa mo sa'min. Nakatulong ka
naman kahit paano." Nagnod lang si Mel at nagthank you ulit bago lumabas ng office
ni mommy.

"Masyado na talagang matigas ang ulo mo. Anong ugali yang nakikita ko sa'yo? Parang
hindi na ikaw ang anak ko." Umupo ako sa chair sa harap ng table ni mommy.

"Tinuruan nyo akong maging matigas. But don't worry, wala pa ring tatalo sa ugaling
meron kayo." Tumatawa kong sabi.

"Excuse me? What was that supposed to mean?" napahawak sya sa dibdib nya na akala
mo inosente at walang alam sa sinasabi ko.
"Never mind. Nagpunta ako dito to inform you na ready na akong magpakasal kay
Channing." Ang ngiti ni mommy abot tenga. Lampas milky way galaxy. Sana lang kasama
na sya ng ngiti nya palabas ng universe para mabawasan ang masasamang tao sa mundo.

"That's wonderful. I knew it, kayo talaga ang bagay sa isa't- isa. Kayo rin ang
magkakatuluyan." Tumayo si mommy para yakapin ako. Masyadong fake.

"Mommy, wag ka na ngang umarte na parang hindi mo alam. Matagal ng naka-arrange ang
kasal namin kaya nga ayaw na ayaw mo kay Zak eh. So now pwede mo nang ipagkalat na
ikakasal na ang unica hija mo." Tumalikod ako at lumabas ng office. Pakiramdam ko
manhid na ko. Parang natuyo na rin ang mga luha ko. Parang wala na talaga akong
pakiramdam. Tuloy na 'to at wala ng atrasan. Ikakasal na kami ni Channing. Para 'to
sa'kin at para na rin makalimot ako. Sana tama ang desisyon ko.

At dahil atat na atat ang mommy ko na magpakasal ako inasikaso na nya agad ang
kasal namin. Yung ibang magulang ayaw pag-asawahin ang anak nila lalo na kung 18
palang. Samantalang ang nanay ko excited na mag18 ako para mag-asawa. Gumawa ba sya
ng anak para pagkakitaan? Sana dinamihan na nya. Kung dun sya yayaman bakit hindi?

Hindi na din ako pumasok sa school. Nagkulong na lang ako sa bahay. Nadalaw naman
sila Jezhi dito at Sterke Geest kaya walang problema. Syempre hindi kasama si goon.
Tulad ngayon nandito sila sa bahay.

"I knew it. Tama talaga ang kutob ko sa babaeng yun. Isa pala syang spy." Sabi ni
Jezhi.

"Pero nakatulong naman sya sa inyo ni Zak di ba?" sabi ni Rich sabay tingin sa mga
kasama. " - dati. I mean nung pwede pa kayo at wala pa kayong alam."

"I know. Kaya nga itinama ko pa rin yung gustong gawin ni mommy. Wala na atang mas
e-evil pa sa kanya." Isinara ko ang book na binabasa ko. "Uhm - kamusta naman si -
si Zak?" nagtinginan silang lahat. Si Rich kumain ng marami para mapuno ang bibig
nya. Si Trav naman pumikit. Si Tuck naka-headset at nakataas pa ang paa. Kumakanta-
kanta pa sya na parang walang naririnig. Si Val naman kinausap si Jezhi ng hindi ko
maintindihan kung anong pinaguusapan nila. So huli kong tiningnan si Luke.

"Ano - ma - madalas silang magkita ni Natalia." Mahina nyang sabi. Medyo may kirot
pa rin sa puso ko. Okay, sobrang kirot pa rin sa puso ko. Hindi ko naman kayo
maloloko lalo naman ang sarili ko.
Tumawa na lang ako na kunyari masaya para sa kanya. "Wow, mukhang going strong
silang dalawa. Mabuti naman at pareho na kaming nagiging okay." Lie. Sya lang ata
ang okay at hindi ako.

"Wow, all your friends are here." Biglang nag-ayusan ng upo ang mga kaibigan ko ng
pumasok si mommy.

"Mommy, sana marunong kayong kumatok." Nakangiti lang si mommy at parang hindi man
lang nabadtrip sa pagsagot ko sa kanya.

"I'm sorry sweety. Masyado lang kasi akong excited ipamigay ang invitation card for
your wedding." Pumasok ang isang babae na may hawak na mga cards. "Bigyan mo sila
isa-isa. Kids don't forget to bring your parents. Pwede kaming magdiscuss ng
business after the wedding. I'd love to meet your parents."

"What? Sa isang araw na agad? Bakit ang bilis naman ata sis? Paano na yung isusuot
kong gown?" nakasimangot na tanong ni Jezhi. Napatayo ako at napakuha ng isang
invitation sa babaeng kasama ni mommy.

"Mommy bakit ang bilis naman ata? Alam ba ni Tyan 'to?" napapalakpak lang si mommy
na tuwang-tuwa.

"Of course. Kaming dalawa ang nagplano ng lahat. Ayaw ka na kasi naming mai-
stress." Tiningnan ko si mommy ng diretso.

"Kayo bang dalawa ang magpapakasal? Bakit hindi nyo man lang ako sinabihan?"
sobrang bilis naman, sa isang araw na agad. Bigla akong kinabahan. Bakit parang
natatakot ako?

"Sweety, tinanong kita the other day about the wedding pero sabi mo ako na ang
bahala." Umupo si mommy sa couch sa harapan naming lahat. "Besides, matagal kong
inintay 'to so bakit hindi pa mamadaliin. And you can't back out. Napadala ko na
lahat ng invitations at nakaayos na lahat." Tumingin sya kay Jezhi. "And don't
worry about your gown, napatahi ko na, pumili ka na lang. At kayo din boys. Sagot
ko lahat ng susuotin nyo." Tumayo si mommy na malaki ang ngiti. "So dyan na muna
kayo at ipapadala ko pa ang ilang invitations sa mga bisita."

Pagkaalis na pagkaalis ni mommy napahiga ako sa couch. "Grabe naman sya, gusto nya
na talaga kong bitayin."
"Ang layo din pala ng venue. Sa Rether Greenville, pero maganda dun ha." Sabi ni
Luke. "And for sure makakasama si papa dun kasi malapit lang yung isang company
namin dun."

"Sigurado ka na ba talaga dito Lex?" mahinahong tanong ni Tuck. "Pwede ka naman


sa'kin magpakasal, mayaman din naman ako."

Magsasalita palang sana ako ng bigla syang pinagbabato ng unan ng mga kaibigan nya.

"Ungas ka talaga Tuck! Bakit mayaman din naman kami ah! Pwede din sa'min magpakasal
si Lex. Selfish mo talaga!!" sabi ni Rich at nagtawanan kaming lahat. Namiss kong
tumawa ng ganito. Sana kahit may asawa na ako makatawa pa rin ako ng ganito.

"Iinvite mo ba si Zak sa wedding mo sis?" tanong ni Jezhi.

"ANak sya ni papa at kapatid ko sya so for sure iinvite yun ni mommy. Pero sana wag
na lang syang pumunta kung kasama nya lang din si Natalia - " napatingin ako sa
kanilang lahat, " - kasi di ba baka mainggit lang sila sa'min at magpakasal din
agad. Sukob yun kasi magkapatid kami di ba?" at tumawa ako para hindi halatang may
iba akong ibig sabihin.

Iniabot ko kay Tuck ang isang invitation na hawak ko. "Pakibigay na lang sa kanya
kapag nagkita kayo." Pero mas okay talaga kung hindi na sya pupunta. Baka kasi
magbago pa ang isip ko kahit na alam kong nakakamove on na sya at ako hindi pa.
Kailangan ko na din talaga syang kalimutan dahil nga magkapatid kami hindi malayong
magkita kami madalas lalo na sa family gatherings.

*********************

TUCK'S POV

"Pinabibigay ni Lex." Nadatnan ko si Zak na nagpa-practice dito sa pub. Palagi na


syang nagpapractice after nilang magkita ni Natalia. Halos lumaki nga lalo ang
katawan nya dahil sa nabanat ang muscles lalo. Araw-araw ba naman tapos ilang oras
pa. Naawa na nga ako sa makakalaban nito eh.

"Ano yan?" tumigil sya sa pagpa-practice at inalis ang gloves sa kamay nya. Kumuha
sya ng tubig sa ref at tsaka umupo sa sofa. After nyang uminom ng tubig binuksan na
nya ang invitation na iniabot ko. "Asa namang pumunta ko dito. Hindi pa ko
nababaliw. Oo nga sabihin nating magkapatid kami, pero hindi ko pa kayang makita
syang ikasal. Dahil dati nakikita ko lang syang ikinakasal sa'kin at hindi sa ibang
lalaki." Halos mapunit na ang bottle ng water na hawak nya sa sobrang paghawak nya
dun. "At ano? Sa isang araw na? Ganyan ba sya kaatat magpakasal? Tss." Inihagis nya
sa basurahan ang invitation. "Hindi ako pupunta. Kayo na lang." tumayo sya ulit at
sinuot ang gloves.

"Hindi naman si Lex ang nagplano nyan eh. Yung mommy nya. Pati nga parents namin
invited. Naawa nga ako kay Lex eh pero wala na din naman tayong magagawa. Kahit sya
nagulat na sa isang araw na ang kasal nya. Mukhang pinapaspasan na talaga ng mommy
nya." Hindi ko alam kung nakikinig sa'kin si Zak dahil puro suntok lang nya sa
punching bag ang naririnig ko. Alam kong masakit pa rin para sa kanya ang ikasal si
Lex pero hindi na din naman sila pwedeng dalawa. Kung may magagawa lang ako
tutulungan ko 'tong mokong na 'to eh. "Sasabihin ko na lang kay Lex na pinapasabi
mo sa kanya best wishes."

"Siraulo wala akong pinapasabi!! Best wishes best wishes!" at hindi ko na narinig
ang ibang ibinulong nya. Suntok lang sya ng suntok. Kawawa nga yung punching bag.
Mukhang kailangan nang palitan.

"Magpahinga ka din kaya muna. Masyado mong pinapagod yang sarili mo. Wala namang
mangyayari kung ganyan ka lang ng ganyan." Simula ng mangyari yung sa kanila ni Lex
hindi na namin makausap ng matino si Zak. I mean hindi na sya nagsasabi ng kahit na
ano. Tahimik na lang sya, makikipaglokohan pero tipid lang yung tawa. Nagpapasuntok
na nga kami sa kanya minsan pero wala, ayaw nya. Kung sumuntok naman sya walang
lakas. Minsan nga nakikita namin sya tulala lang eh tapos ngingiti mag-isa tapos
maluluha. Naawa ako sa kanya - sa kanila ni Lex. Ang malas naman kasi bakit naging
magkapatid pa sila. Saklap! Kaya ayoko munang magmahal eh lalo na kung ganyan ang
makikita ko. Hindi ko sasayangin ang mukha ko para lang mapuyat at mastress. "Dyan
ka na nga. Uuwi na ko. Parang wala din naman akong kausap." Umalis na ako at
iniwanan ko na sya. Alam kong mas lalo pang madadagdagan ang isipin nya dahil sa
isang araw lang ikakasal na ang babaeng mahal nya. Kung ako siguro ang nasa
kalagayan nya baka nabaliw na ko ngayon. Mabuti na lang at hindi ko pa nararanasan
ang nararanasan ni Zak ngayon. Nakakapanget kasi. Hindi ata ako tatagal.

*********************************

ALEXA'S POV

This is the day. Pero hindi ako excited. Nakikita ko ang sarili ko ngayon sa harap
ng malaking salamin. Ang ganda ng gown ko, napakasimple lang naman. Tube sya,
Taffeta Strapless wedding dress. Isang beses ko lang pangarap magsuot nito at yun
ang araw na ikakasal ako sa taong mahal ko pero hindi din naman nangyari.
Magpapakasal ako para makalimutan ang taong minahal ko.
"Are you ready?" narinig kong tanong ng wedding planner.

"Kanina nyo pa ako inaayusan at hindi pa ko tapos so tingin ko ready na ko." Sagot
ko sa kanya na walang kahit ano na expression.

"You should be happy. It's your day." Feeling ko nga bibitayin ako eh tapos it's my
day. Wala na 'tong alisan. Kapag naikasal na kami matutulad na ako kay kuya at kina
mommy. Siguro naman matututunan ko ding mahalin si Tyan. Maswerte na nga lang ako
at mahal nya ako kaya maaalagaan nya ako ng ayos. Yun na lang yung chance ko na
sumaya.

"OMG sis ang ganda mo!!!" napatingin ako sa kakapasok palang na kaibigan ko. Ang
ganda din nya sa suot nyang dress.

"Ang ganda naman ng maid of honor ko. Baka naman yayain ka na din ni Val magpakasal
nyan." Pangloloko ko sa kanya habang yumayakap ako sa kanya. Pagkabalik ko sa upuan
nakita kong nakasimangot si Jezhi. "Oh anong problema?"

"Niyaya ko na kasing magpakasal si Val pero ayaw nya pa daw." Natawa naman ako as
in totoong tawa. 'tong kaibigan ko kasi patay na patay kay Val. Mabuti na lang at
mabuting tao si Val at hindi sinasamantala 'tong kaibigan ko. Maswerte sila sa
isa't-isa.

"Hala baka magkapatid din kayo ni Val sis." Pang-aasar ko sa kanya.

"Ay sorry sis, nagpabackground check na ako and we're clear. Hindi kami magkamag-
anak." May mga tao talagang swerte sa love at malas sa love. At mukhang dun kami
nagkaiba ni Jezhi. Sana nag-iba na lang ako ng katauhan. "And nandito nga pala ang
parents namin pati ng Sterke Geest. Big event pala talaga yung wedding mo sis.
Gusto ko din ng ganitong wedding."

"Alam mo sis basta ikakasal ka sa taong mahal mo kahit sa garden lang kayo at wala
kang magandang wedding dress o magandang venue magiging masaya ka na." Naalala ko
lang nung nagising ako sa ospital. Kung hindi kami magkapatid ni goon malamang
nagpakasal na kami nun sa mismong ospital. Eh ano kung hindi enggrande yung kasal,
ang importante nagmamahalan ang nagpapakasal. "Pupunta ba si Zak?"

"Ang alam ko hindi eh. Sabi nya may gagawin daw sila ni Natalia, pero di ko din
alam." Ikakasal na nga lang ako't lahat Natalia pa din na yun ang naririnig ko.
Magsama nga silang dalawa. Sana man lang kahit kaplastikan na maging masaya sya
para sa'kin ginawa nya. Hindi yung inuna nya pang makipaglandian sa babae nya. Pero
ang galing din talaga, sila pa din sa huli. ANong purpose ko? Ang subukin ang love
nilang dalawa. Bwisit na yan. Ang panget ng role ko.

"Sis, lalabas na ko ha. Hanapin ko pa si baby." Nagbeso sya sa'kin. "Don't worry,
hindi ka man masaya ngayon, magiging masaya ka rin balang araw." Nagsmile lang ako
sa kanya bago sya lumabas. Sana totoo ang sinabi nya. Sana bukas maging masaya na
ako.

*******************

LUKE'S POV

"Dude wala ba talagang balak pumunta si Zak dito?" tanong ko sa mga Sterke Geest.
Kahit kami hindi natutuwa sa mga nangyayari sa mga kaibigan namin. Masaya kami pero
minsan kailangan naming magpanggap na masaya para may reason pa rin silang tumawa
kahit na ang totoo nahihirapan sila.

"Hindi talaga yun pupunta." Sagot ni Rich na tingin ng tingin sa relo nya.

"Ayoko talaga sa mga ganitong event. Napaplastikan ako sa mga tao." Tama naman
'tong si Trav, mga nakangiti kunyari sila pero mamaya pagchichismisan din nila ang
isa't isa.

"Wait lang mga dude, ipapakilala ko lang si papa kay tita ha. Nandyan na sya eh."
humiwalay muna ako sa kanila at sinalubong ko si papa sa may pintuan.

"Ganito bang kasal anak ang gusto mo? Talagang pinagkagastusan ah." Loko din 'to si
papa. Pinaghahanap na din ako ng mapapangasawa ang bata-bata ko pa. Ang pinagkaiba
nya lang ang gusto nyang pakasalan ko eh yung babaeng mahal ko talaga.

"Pa wala pa kong balak magpakasal no. Tsaka ayoko ng ganito masyadong maraming tao.
Di naman talaga lahat magkakakilala." Isinama ko si papa sa loob para ipakilala kay
tita. Natatandaan ko kasi nung dinalaw namin sya ni Mel sa bahay nila nabanggit nya
si papa. "For sure papa kilala nyo talaga si tita kasi sabi nya younger version mo
daw ako."

"Baka nga. Alam mo naman si papa maraming kakilalang big time at kung ganito sila
kayaman malamang kilala ko nga sya." Sabi ni papa habang natingin sa paligid.
"Ayun papa si tita." Nakita ko si tita na nakatalikod at may kausap pa na ibang mga
tao. Yung isa sa kausap nya is mommy ni Jezhi. Nilapitan namin sya ni papa habang
nagtetext pa si papa. For sure business pa din 'to. Grabe talaga ang buhay nila,
umiikot na lang sa negosyo. "Tita excuse me po."

"Hey Luke." Nagbeso sa'kin si tita. "How are you? Ang gwapo mo dyan sa suot mo."
Medyo namula naman ako sa sinabi ni tita. Nakakahiya kasi hindi ako sanay sabihan
ng gwapo ng mga taong mas matanda sa'kin.

"Thanks tita. Oh by the way I want you to meet my father kahit na sa tingin ko
magkakilala talaga kayo." Lumingon ako kay papa na nakahawak pa rin sa phone nya.
"Ehem!" Hinawakan ko ang phone ni papa at napatingin si papa sa'kin. "Pa this is
tita Ember, Alexa's mom. And tita this is my father Lucas Miguel." Mukhang
magkakilala nga silang dalawa dahil nagtitigan pa sila bago nagshake hands. Parang
dalawang magkaibigan na matagal na hindi nakita. "Uhm iwanan ko muna kayo sandali,
may tatawagan lang akong kaibigan. Pero babalik ako agad." Iniwan ko silang dalawa
para naman makapag-usap sila. Mga less than an hour na lang magsisimula na yung
wedding at gusto kong kamustahin si Zak kung okay lang sya. Kaya lang sa kasamaang
palad hindi ko sya makontak. Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Nasaan na kaya ang
mga kaibigan kong mokong. Baka mga nambababae na naman. Sana naman wag nila ngayong
maisipang mangflirt lalo na kung hindi okay ang mga kaibigan namin.

Pupuntahan ko na sana ulit ang Sterke Geest ng magvibrate ang phone ko. Si Zak ang
unang pumasok sa isip ko pero nang tingnan ko ang phone ko si mommy pala ang
natawag.

"Hey mom."

[Are you with your papa?]

"Yes, awhile ago. Nandito kami sa wedding ng friend ko. I told you dapat sumama
ka."

[You know I can't. Let me talk to your father. I can't call him right now. He's out
of reach.]

"Mahina yata ang signal dun sa pwesto nya. I'll call you back. Sasabihin kong
tumawag ka."
[I need to talk to him now.]

"Okay. Hahanapin ko na nga sya. Tawagan kita agad kapag nakita ko na sya. Ang dami
kasing tao dito."

[Okay. 5 minutes.]

"Roger!" at ibinaba ko na ang phone. Hindi ko na alam kung sinong hahanapin kong
una. Pero tulad ng sinabi ni mommy si papa muna. Takot ko na lang dun kapag
nagalit. Siguro si mommy ang katext ni papa kanina.

Binalikan ko si papa kung saan ko sya huling iniwan pero wala na sya dun. Sinubukan
ko din syang tawagin pero hindi ko sya makontak. Saang lupalop naman kaya sya
nagpunta? Siguro dapat si tita ang tanungin ko kung saan nagsuot si papa. Pero
hindi ko rin makita si tita. Lumapit ako sa isa sa mga guards na nandun para
magtanong. "Nakita nyo ba kung saan nagpunta si tita Ember?"

"Nasa taas po." Sagot nung guard.

"Thanks." At umakyat na ako sa taas. Medyo tahimik dito compared sa baba. For sure
nandito din si Lex. Sana makita ko kung saang kwarto sya. Naglakad lang ako at
sumilip sa mga kwarto pero wala akong makitang Lex at wala rin akong makitang tita.
Asan na ba yun? Patay yan si papa kay mommy kapag hindi sya nakontak. Away na naman
yan paguwi. Magtatanong na sana ulit ako sa taong susunod kong makikita ng
makarating ako sa last na room bago ang main room sa floor na 'to. Siguro nandito
si Lex. Kakatok sana ako ng makita kong medyo bukas naman yung door kaya naisipan
ko na lang sanang gulatin sya. Hindi naman ako ang groom so okay lang na makita ko
sya sa dress nya. Pwede ko din syang picturan tapos ipadala ko kay Zak. Iyak siguro
yun. Pero syempre di ko yun gagawin sa kaibigan ko.

"You looked exactly the same." Narinig kong sabi ng isang boses ng babae. Sino
namang kausap ni Lex at bakit parang tumanda ang boses - teka si tita yun. Nandito
lang pala sya. Makapagexcuse na nga lang. Papasok na ako ng may nagsalita ulit.

"Ikaw rin. You're beautiful as ever." Natatakpan ng vase ang mukha nung lalaking
kausap ni tita pero parang kaboses ni papa.

"Nung makita ko si Luke alam kong ikaw ang father nya. Ganun na ganun ang itsura mo
nung bata-bata ka pa." napapatawa pa si tita. Wow, maruno pala syang tumawa ng
ganyan. Videohan ko kaya tapos ipakita ko kay Lex.
"AKo nga ang naging kamukha. Malakas kasi ang dugo ko." Konti na lang iisipin ko
nagfi-flirt silang dalawa.

"Hindi rin ganun kalakas ang dugo mo." Biglang naging seryoso si tita. Tama ba
'tong ginagawa ko? Makaalis na lang kaya. Baka kasi may pagusapan sila o gawin na
hindi para sa bata. Pero bawal din pala kasi pareho na silang may asawa. So pwedeng
hindi ako umalis para mapigilan ko sila sa dapat nilang gawin.

"I'm sorry Ember sa nagawa ko that night pero yun na yung pinakamagandang araw sa
buhay ko. Lahat ng nangyari nun totoo. Kung hindi lang talaga tayo nagkaproblema
dahil sa parents mo eh di sana masaya na tayo ngayon. Baka may anak na din tayo."
Explanation ni papa. Halos matumba ako sa narinig ko. Mag-ex ba sila? Or sila ba
dati? Naguguluhan ako at the same time kinakabahan. Baka kasi may madiscover ako na
hindi ko dapat malaman.

"Kahit hindi naman tayo nagkatuluyan may anak naman tayo." Mas lalo ko ngayon
gustong makinig nang marinig ko ang sinabi ni tita kay papa. Nagkaanak sila? Siguro
naagasan si tita at namatay ang bata.

"Nagkaanak tayo? Nasaan? Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Nakita kong hinawakan ni
papa si tita sa dalawang balikat.

"Nawalan ako nglakas ng loob. May asawa ka at ako rin. Inisip ko ang sasabihin ng
mga tao. Oo, alam kong nagawa natin yun dahil mahal natin ang isa't-isa pero hindi
yun dahilan para magkasala tayo. Isa yung pagkakamali na kahit kelan hindi ko
pinagsisihan." Naiyak ba si tita? Siguro nga namatay talaga ang baby nila. Sayang
may kapatid na sana ako. Grabe naman ang gulo ng pamilya ni Alexa. Nakakaawa talaga
sya. Dami nyang kapatid.

"So anong nangyari sa bata? Ipinalaglag mo ba sya?" gusto ko nang marinig yung
sagot ni tita. Hindi na ko makapaghintay. Inaalala ko na baka bigla akong tawagan
ni mommy kaya chineck ko ang phone ko. Mabuti na lang at wala talagang signal dito
kaya hindi nya ko matatawagan.

"Lumaki syang maganda at parang prinsesa. Nandito sya ngayon at ikakasal na sya but
please wag kang gumawa ng eksena. Walang ibang nakakaalam kundi ako lang. Tsaka mo
na sya kausapin kapag tapos na ang kasal. Kapag okay na ang lahat." Nakahawak si
tita sa kamay ni papa.

"What? Si - si Alexa ay anak ko? Anak natin?" oo kahit ako muntik nang atakihin sa
puso sa nalaman ko. Sobrang nakakagulat ang mga narinig ko. "Bakit Ember bakit?
Bakit mo sya pinipilit ipakasal sa taong ayaw nya? Alam mo ang pakiramdam ng ikasal
sa taong hindi nya mahal dahil naranasan mo yun. Naranasan natin yun." Bumitaw si
papa kay tita. "Gusto ko syang kausapin."

"No! Please wag ngayon!!"Nang nakita kong papalabas si papa nagmadali akong lumabas
at nagtago sa isa sa mga rooms.

Hindi pa masyadong nagpaprocess sa utak ko lahat eh. Mag-ex si papa at si tita. May
nangyari sa kanila kahit may mga asawa na sila. Meaning nangcheat sila? Tapos
nagkaanak sila at ikakasal ngayon ang anak nilang dalawa. Oo, ikakasal ngayon si
Alexa at si Alexa ang anak nila. Ayun, malinaw na nga. Okay, makalabas na nga. Te -
teka!! Wait!!!! Parang tinagalog ko lang pero sandali!! Kung anak ni papa si Alexa
ibig sabihin hindi magkapatid si Zak at Alexa. Holy sh*T!!!!

Nagmadali akong lumabas ng room para tawagan si Zak. Sinubukan kong hanapin sa
bawat room si Alexa pero hindi ko sya nakita. Pero dahil hindi ko sya nakita naisip
kong tawagan agad si Zak sana naman sagutin nya!!!

Mabuti naman after ng dalawang ring sinagot na din nya.

"Zak nasaan ka?"

[Papunta na ko dyan kaya lang nasira yung break ng kotse ko. Pinapaayos ko pa.]

"Bilisan mong pumunta dito. Kailangan mong ipatigil ang kasal!!"

[G*g* ka ba talaga? Kahit ipatigil ko yung kasal hindi naman kami pwedeng ikasal!!]

"Eh mas g*g* ka pala. Papupuntahin ba kita dito kung alam kong hindi kayo pwedeng
ikasal!!"

[Ano bang sinasabi mo?]

"Zak hindi kayo magkapatid ni Lex."


[Nakadrugs ka ba? Ano bang pinagsasabi mo?]

"Makinig ka nga!!! Narinig ko si tita at si papa na nag-uusap! Mag-ex silang dalawa


at si papa ang biological father ni Lex. Kami ni Lex ang magkapatid at hindi
kayo!!!"

[Totoo ba yan?]

"Hindi joke lang. Inaasar lang kita. Bye."

[Gag* ka Luke!!]

"EH mas gag* ka! Sinabi na nga itatanong mo pa kung totoo. Bilisan mo na dito at
malapit ng magstart ang wedding. Kakausapin ko si Lex hangga't kaya ko kaya bilisan
mo okay?"

[I love you man! Thank you! Thank you!!]

"Bilisan mo na. Ipaayos mo na yang kotse mo."

[Sige sige. Malapit na din naman ako.]

"Si - si - ge - sino kayo! Hoy! San nyo ko dadalhin?" may mga lalaking kumuha sa
phone ko at sinira tsaka ako hinawakan sa dalawang kamay. Hinigit nila ako papasok
sa isa sa mga kwarto. "Bitawan nyo ko! Hindi nyo ba kilala kung sino ako?
Ipapakulong ko kayong lahat!!" bago pa isara ang pinto nakita ko si tita Ember.
"Tita wag nyong gawin kay Lex 'to."

"I'm sorry Luke." At biglang sumara ang pintuan. Nilock nila ko sa room na yun.

"Palabasin nyo ko dito!! Papa!! Lex!!! Kahit sino dyan palabasin nyo ko!!!!!!!"
sinusuntok ko ang pintuan at gumagawa ng ingay baka sakaling may makarinig! "LEX
HINDI KAYO MAGKAPATID NI ZAK!!!!!!!!!!! PAKISABI KAY LEX WAG MAGPAPAKASAL!! HINDI
SILA MAGKAPATID NI ZAK!!!!!" Please papa sana sabihin nya kay Lex ang lahat. Hindi
pwede, hindi pwedeng mangyari sa kanila ni Zak 'to. Masyado na silang nahirapan.
"Buksan nyo 'tong pintuan!! Nakulong ako dito!!!!" lahat na ng ingay na magagawa ko
ginawa ko na. Sana may makarinig sa'kin. Sana marinig nila ko at sana umabot si Zak
sa kasal. May pag-asa pa sila. Bilisan mo lang Zak!

*******************************************
62

*******************************************
Congratulations to Maricar, ang winner kanina sa twitter party namin. So ayan na,
kasali ka sa story. And dedicated to AJDujale one of the winners kanina. Sa mga
gustong magpadedicate or mamention ang name nila sa story sali lang kayo kapag
nagpagames ako. Ibang winners dedicated sa kanila ang previous chapters. :)

Anyway, same rule tayo. Double update kapag naka-500 votes. And another warning!
mas matindi ngayon kesa last chapters. :)

**********************************

TUCK'S POV

Malapit ng magsimula yung wedding ceremony pero ang magaling naming kaibigan nawala
na. Kaya umikot kami dito sa baba para hanapin si Luke pero hindi namin sya makita.
Naghiwa-hiwalay na nga kaming lahat.

"San naman kay pupunta yun?" tanong ni Val nang magkita-kita ulit kami dito sa may
lobby.

"Ang sabi nya kanina ipapakilala nya lang si tito kay tita pero hindi na sya
bumalik." Tumingin ako sa paligid. "Malabo namang malapitan natin si tita ngayon.

"Baka naman nasa taas sya?" napatingin kaming lahat sa hagdanan papunta sa taas.
"Pero baka wala din."

Papaakyat na kami ng marinig namin ang tugtog na nanggagaling sa garden sa labas.


"Cr*p nagsisimula na!" lahat kami sumilip sa labas at nakita naming nakatayo na si
Lex at sa dulo.

"Hindi pa ba tayo pupunta dun? Baka magalit si Lex sa'tin?" tanong ni Rich at nag-
isip naman kami.

"Ganito na lang, Val at Trav bumalik kayo dun para makita lang kayo ni Lex. Susunod
kami as soon as makita namin si Luke." Hindi na naman nakipagtalo pa si Val at Trav
at pumunta na sila sa garden. "Ngayon hanapin natin sa taas si Luke." Umakyat kami
ni Rich sa taas at ang tahimik dun. Puro pintuan ng rooms lang ang nakikita namin
at wala ng iba. Isang mahabang hallway papunta sa main room.
"Baka naman nambabae pa si Luke at pumasok sa isa sa mga rooms dito." Sabi ni Rich
habang sinusubukang buksan ang mga pintuan.

"Ano naman si Luke katulad mo? Tingin mo ba maakit yun basta-basta lang?" nag-
aalala kasi ako kung anong nangyari sa kanya. Baka kasi nagkaron ng problema o ano
kaya bigla syang nawala. Halos mabuksan na namin lahat ng pintuan pero wala pa ring
Luke na lumalabas.

"Mukhang wala din dito si Luke dude." Sabi ni Rich ng mabuksan nya ang huling room
kaya naman naglakad kami pabalik sa may hagdanan ng bigla akong may natapakan at
muntik na akong madulas.

"D*mn! Ano ba namang klaseng lugar 'to pakalat-kalat na lang ang - " pagtingin ko
sa natapakan ko isang sirang cellphone ang nakita ko kaya dinampot ko agad.

"Dude kay Luke na phone yan." Sabi ni Rich habang nakatingin ako sa phone. Bigla
akong kinabahan at hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"Hindi maganda ang kutob ko. Merong hindi magandang nangyari kay Luke." Pababa na
ulit kami ng bigla kaming nakarinig ng malakas na tunog kaya napatigil kami. "Ano
yun?" bumalik kami sa itaas para pakinggan kung saan nanggagaling yung tunog.

"Mukhang dun sa kabilang dulo nanggagaling." Naunang maglakad si Rich at


tinitingnan ang ilang rooms sa kabilang side ng hall.

"Mukhang storage room na ata yan." Pinakinggan namin ang isang kwarto kung saan
namin naririnig ang malakas ang tunog. Idinikit namin ang tenga namin sa pintuan ng
biglang -

*TUGSH!

Naapaatras kaming dalawa ni Rich sa sobrang gulat. "Hi - hindi kaya multo lang ang
nandyan?" nakatulalang tanong ni Rich.

"Ngayon ka pa talaga nakaisip ng multo kung kelan nawawala ang kaibigan natin."
Kinatok ko ang pintuan ng malakas. Mukhang makapal yung pinto at hindi basta-basta
maririnig ang kahit anong ingay sa loob. "Luke!! Luke nandyan ka ba?" wala namang
sumasagot. Nag-intay kami ng ilang segundo pero walang sumasagot.

"Mukhang multo nga lang. Mabuti pa umalis na tayo." Tumalikod si Rich habang
kasunod ako pero hindi pa rin naalis ang tingin ko sa room na yun. Hindi namin alam
kung saan hahanapin si Luke nang pumasok sa isip ko kung saan ko nadampot ang sira
nyang phone.

"Alam ko na!" bumalik kami sa pwesto kung saan namin nakita ang phone ni Luke at
isa-isa naming binuksan ang pintuan. Isang pintuan lang ang hindi mabuksan kaya
kinatok namin yun. "Luke! Luke nandyan ka ba!!!"

"Tuck? Tuck ikaw ba yan?" narinig kong may nagsalita sa loob at mukhang si Luke
nga.

"Hindi ako si Tuck. Ikaw si Luke ka ba?" Kinatok ko ulit ang pintuan. "Ungas ka
talaga. Ngayon mo pa naisipang magtago. Lumabas ka na nga dyan!!"

"Ulul! Kung merong may pagtataguan dito ikaw yun!!" aalis na sana ako para iwanan
sya dahil mukhang hindi naman nya talaga kailangan ng tulong. "Hoy wag nyo kong
iwanan dito! Kailangan nating pigilan ang kasal ni Lex."

"Ayun! Kaya ka naman pala ikinulong dyan kasi gusto mong sulutin si Lex." Panloloko
ni Rich. "Dude naman, pantay-pantay lang dapat. Walang lamangan!"

"Mga ungas talaga kayo!! Makinig nga kayo sa'kin! Importante 'to. Hindi kapatid ni
Zak si Lex kaya dapat pigilan nyo yung kasal." Nagtinginan kaming dalawa ni Rich.

"Hindi magandang biro yan Luke. Alam mo bang nagsisimula na ang kasal ni Lex
ngayon!" medyo nakaramdam ako ng pagkainis.

"G*g* ba kayo! Gumawa kayo ng paraan ngayon na!! Hindi sila magkapatid kaya pigilan
nyo na ang kasal." Hindi namin alam ni Rich ang gagawin.

"Pero anong idadahilan namin? Ikaw lang ang makakapagsabi ng dahilan kay Lex."
Pinilit naming buksan ang pintuan pero nakalock sya sa labas at card lang ang
makakapagbukas sa kanya. "Ilalabas ka muna namin dyan."

Tumingin ako sa paligid para maghanap ng crew ng place pero wala akong nakita agad
kaya naisipan kong bumaba. "Rich wag kang aalis dyan." Pababa na ako ng hagdanan ng
may makasalubong akong isang babae, mukhang crew sya dito. "Excuse me - " tiningnan
ko ang name plate nya. Alam kong hindi ako basta-basta makakahiram ng key card ng
ganun kadali kaya idadaanan ko sa paraan ni Tucker Fanton. " - Maricar, what a
beautiful name. Bagay na bagay sa'yo." Medyo ngumiti naman sya. Effective talaga
kahit kailan ang charms ko. "Uhm, pwede mo ba akong tulungan. Yung friend ko kasi
nalock sa room at wala yung key card - " biglang nawala ang ngiti nya. Ang hirap
naman, mukhang hindi ko pa sya makukumbinsi. Tumingin pa sya sa likuran nya at sa
baba bago ulit tumingin sa'kin.

"No problem. Just tell me your name." Abot langit ang ngiti nya. Kinabahan din ako
dun, akala ko hindi na sya papayag.

"I'm Tuck and thanks in advance. Tsaka sana pwedeng pakidalian kasi nagsisimula na
ang kasal nung kaibigan namin." Bigla naman syang nagmadali nung marinig nya yung
sinabi ko. Papaakyat na ulit kami ng tinawag ako ni Val.

"Tuck!" napalingon ako at nakita ko sila ni Trav kaya tumigil ako sandali.

"Oh bakit umalis kayo dun?" lumapit sa'kin si Val at bumulong.

"Wala din dun ang papa ni Luke. Hindi kaya magkasama silang umalis?" hinihingal na
sabi ni Val.

"Imposible, nandito si Luke at - " tumingin ako kay Maricar tsaka tumingin sa mga
kaibigan ko. Lumapit ako sa kanila para hindi ko mailakas ang boses ko, " - may
nagkulong sa kanya sa taas."

"ANO?!!" sabay na tanong ni Trav at Val.

"Excuse me, anong room ba yung friend mo?" nakangiting tanong nitong babaeng 'to
with matching paghawak pa sa balikat ko. Pasalamat sya kailangan ko ng tulong.
Tinuro ko kaagad kung saang room si Luke.

"Salamat dude." Sabi ni Luke sa'kin sabay tingin kay ateng crew. "Salamat ate." At
nahalikan nya pa sa noo. "Kailangan na nating magmadali." Naglakad na kami pababa.

"Luke sandali lang! Nawawala din ang papa mo!!" napatigil sya at napatingin sa'min.
"Napakasama talaga ni tita Ember, gagawin nya lahat para matuloy ang kasal ni
Lex!!" kitang-kita namin sa mukha ni Luke na galit sya kahit hindi pa namin alam
kung ano talagang dahilan.

"Sige na, pigilan nyo na ang kasal ni Lex at kami na ang hahanap kay tito."
Napangiti naman ni Luke kay Rich.

"Te -teka, bakit natin pipigilan ang kasal ni Lex?" naguguluhang tanong ni Val.

Inakbayan sya ni Rich. "Kasi hindi sila magkapatid ni Zak. Kaya hanapin na natin si
tito." Kami lang ni Luke ang magkasama para pigilan ang kasal ni Lex. Sana hindi pa
kami huli. Kinakabahan ako.

"Kami ni Lex ang magkapatid at hindi sila ni Zak." Nagulat naman ako sa sinabi ni
Luke habang nananakbo kami papunta sa garden. "Sana hindi pa huli ang lahat."

Sa may unahan na kami dumaan ni Luke para diretso na mismo kina Lex pero nagulat
kami nang wala sila dun. Hinanap agad namin ang papa ni Lex pero wala din sila sa
unahan. Kahit si Jezhi wala din.

"Sh*T! Nahuli na ata tayo dude!" Napahawak si Luke sa ulo nya. "Sorry Zak wala
akong nagawa! F*ck man!!!" kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Luke. Tumingin ako
sa paligid, kokonti na lang ang tao dun. Hindi naman matatapos agad ang kasal ni
Lex kaya pakiramdam ko may mali dito.

Nakita ko yung ibang tao na nagtatakbuhan kaya naman sumunod ako sa kanila. "Dude
dito!" hinigit ko si Luke kahit parang wala na sya sa sarili. Nakita ko si Lex at
ang mommy nya na naglalakad papunta sa mobile ng police habang ang papa nya eh may
kausap na police? Bakit may police dito?

Lumapit kami kaagad sa kanila. "Lex! Lex!" pero mukhang may seryoso silang usapan
kaya hindi nya ako napapansin. Tapos na kaya ang kasal? Nahuli ba kami?

***************

ALEXA'S POV
Nasa kalagitnaan kami ng kasal pero wala ako sa sarili. Naiisip ko si goon at bigla
akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla kong gustong umatras sa
kasal. Napatingin ako kay Tyan at nakangiti lang sya. Alam kong gusto nyang matuloy
ang kasal na 'to. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko 'to sa huli pero isang way na
rin 'to para kalimutan si goon at sundin ang gusto ng parents ko for me. Halos wala
na nga akong naririnig sa sinasabi ni father. Parang lumulutang ako at wala sa
sarili. Pakiramdam ko ang laki ng ulo ko. Siguro dahil kulang ako sa tulog.

"Alexa, inaantay ni father yung sagot mo." Parang bumalik ako sa sarili ng bumulong
si Tyan sa tabi ko. Nakita kong nakatingin sa'kin si father. Tumingin ako kay papa
at nagnod lang sya. Tumingin ako kay mommy at ngumiti lang sya pero kita sa mga
mata nya na hindi nya gusto ang matagal kong pagsagot. Wala na kong choice,
hanggang sa huli si goon pa rin ang naiisip ko.

Sasagot na sana ako ng may makita akong mga police na papalapit kay papa habang
pinipigilan sila ng mga guards. Hindi maganda ang kutob ko kaya bumaba ako sa mini
altar. "Alexa where are you going?" narinig kong tanong ni Tyan.

"Papa, anong nangyayari?" tanong ko habang papalapit ako kay papa. Kita ko sa mukha
ni papa na gulat na gulat sya at halos gusto nang umiyak. "Papa?"

"Nasa sasakyan po ang ilang gamit na narecover." Bigla akong kinabahan ng sinabi
ang salitang narecover.

"Officer, ano pong sinasabi nyo?" napatingin sa'kin ang officer at tumingin kay
papa na parang nahingi ng permission na sabihin sa'kin kung anong nangyayari.

"Sweety mabuti pa ituloy na muna natin ang kasal tsaka natin ayusin kung anuman ang
problema." Hinawakan ako ni mommy sa braso pero tinanggal ko din agad.

"Sabihin nyo sa'kin anong nangyayari?" tumingin ako kay papa. "Papa anong meron? Is
everything alright?"

"Ituloy mo na muna ang wedding anak, ako na ang bahala dito." Naglakad si papa
kasabay ng officer at namumula na ang mga mata nya.

"Tinawagan na din po namin ang family nya at papunta na rin po sila. Ang father nya
po ang nagsabing kontakin namin kayo dahil kayo ang biological father nya." Halos
bumagsak ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi ni officer. Kahit na pinipigilan ako
ni mommy sa pagsunod kina papa wala syang nagawa. Nanakbo pa rin ako para sundan
sila.

"No! Sabihin mo sa'kin papa na hindi si Zak ang pinag-uusapan nyo." Pinipigilan ko
pa ang umiyak. Hindi nagsalita si papa at tumingin lang sa officer.

"Lumalabas po sir na nawalan ng break ang kotseng minamaneho ng biktima. Nalaglag


sa bangin ang sasakyan at nasunog ang unahang bahagi nito. Sunog din ang upper body
ng biktima kaya hindi namin makilala kung sino sya. Pero nakuha namin ang wallet at
phone nya. Medyo damage na dahil sa sunog pero narecover namin ang sim card at
tsaka lumalabas din na Flint Maliff ang pangalan ng taong nagmamaneho ng kotse."
Nabitawan ko ang hawak kong bulalak ng marinig ko ang sinabi ni officer. Hindi ako
makapagsalita dahil - dahil mas masakit pa 'to kesa sa malaman naming magkapatid
kami.

"Hindi po yan totoo. Nagkakamali lang po kayo. Hindi po sya pupunta sa kasal ko
kaya imposibleng sya po ang nakita nyo." Ngumiti lang ako at hinawakan ko si papa.
"Ituloy na natin ang wedding papa."

"Ito po ang plate number ng kotse." Napatigil ako at napalingon ulit kay officer.
"Nandito rin ang ilan nyang mga gamit."

Nakita ko ang plate number na hawak ni officer ay ang plate number ng kay goon.
"Hindi - baka malapit lang yang plate number sa plate number ng kotse nya."
Nakangiti pa ko talaga dahil alam kong hindi si goon ang sinasabi ng officer na
'to.

"Lex! Lex!" napansin kong dumating sila Tuck at Luke pero hindi ko sila pinansin.
Mas gusto kong maconfirm na mali si officer. Alam kong hindi si goon ang
nakaasidente.

"Nakikilala nyo ba ang gamit na 'to?" itinaas nya ang isang plastic na may laman na
wallet at cellphone na sunog. Pwedeng hindi talaga kay goon yun. "Parang cellphone
at wallet lang? Marami namang katulad yan kaya for sure - " napatingin ako sa isa
pang plastic na hawak nung kasama nung officer. "Pwede ko po bang makita yan?"
iniabot nung police yung plastic. Kusang pumatak ang mga luha ko ng makita ko ang
bonnet na ginawa ko para kay goon nung monthsary namin. Sunog ang kalahati nung
bonnet.

"Hindi naman suot yan ng biktiman. Nakita lang namin yan kasama ng mga gamit nya."
Habang naguusap ang mga pulis na nandun napatingin ako kay papa.
"Hindi 'to pwede." Hindi na tumigil ang pagpatak ng mga luha ko. "Buhay pa po ba
sya? Nasan na po sya? Puntahan na natin ngayon na." nakahawak ako sa braso ni
officer habang may kausap sya sa radio na hawak nya.

"Kadadala lang po sa kanya sa morge sa bayan. Dun nyo na po sya pupuntahan."


Tumalikod ang officer at lumapit sa iba nya pang mga kasama.

"No!! No!!!!!!" napaluhod ako bigla habang unti-unting pumapasok sa isip ko ang mga
narinig ko. "Hindi ka pwedeng mamatay! Bakit?"

"Ah sir may isang anggulo pa po kaming tinitingnan na dahilan ng pagkamatay nya."
Napatingin ulit ako kay officer habang nakaupo sa ground. "Pwedeng sinadya po ng
biktima na magpakahulog sa bangin. Sinadya nyang tanggalan ng preno ang kotse nya
at kinitil nya ang sarili nyang buhay."

"Hindi yan totoo!! Hindi nya yan magagawa!! Hindi nya yan magagawa." Tinanggal ko
ang belo ko at tumayo ako tsaka lumapit kay papa. "Pa puntahan natin sya. Kadugo
natin sya pa kaya dapat puntahan na natin sya ngayon." Tumango lang si papa.
Papaalis na kami ng hawakan ako ni mommy sa braso.

"How about the wedding? You can't just leave like that! Mahiya ka naman kay
Channing." Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon pero nahawakan ko
ang kamay ni mommy na nakahawak sa braso ko ngayon. Hinawakan ko sya ng buong
galit. "Nasasaktan ako Alexa!"

"At ako hindi? Atat na atat kayo sa kasal na 'to! Bakit hindi kayo ang magpakasal!
Mommy namatay ang kapatid ko, ang anak ni papa tapos gusto nyong ituloy ko ang
kasal na 'to?" sa sobrang galit ko halos walang pumapatak na luha sa mga mata ko.

"Nakakahiya sa mga bisita. Anong iisipin nila? Na nagkakaganyan ka dahil mahal mo


ang sarili mong kapatid?" magsasalita pa lang ako ng biglang may sumingit sa'min.
Isang lalaking hindi ko kilala.

"Ember enough!!" biglang nabalot ng takot ang mukha ni mommy. Para syang nakakita
ng multo.

"Pa - paano kang nakalabas?" nakita ko rin sila Rich, Val at Trav na parang hingal
na hingal. Tumingin din ako sa likuran at nakita kong kausap ni Tuck at Luke ang
iba pang pulis. Napapasuntok na si Tuck sa mobile ng pulis habang tumutulo ang
luha.
Ang gulo ng paligid, bakit ngayon nangyari lahat? Ako na ba ang pinakamalas na tao
sa buong mundo? Bakit sunud-sunod ang mga nangyayari na hindi maganda?

"Pa let's go!" hinawakan ko si papa para umalis since nawala na ang attention ni
mommy sa'kin.

"Alexa you can't go!" napatigil ulit ako ng tawagin ako ng lalaking halos ka-age
lang ni mommy.

"I'm sorry but I need to go. I need to see my brother. Pasensya na po." Unti-unti
na namang gustong pumatak ng mga luha ko kapag naiisip kong wala na si goon.

"He's not your brother." Papalapit ang lalaki sa'kin. Napatingin ako kay papa at sa
lalaki.

"Sorry mister pero anak ko ang lalaking yun kaya kapatid sya ni Alexa. So excuse
us." Hinawakan ako ni papa pero nahawakan din ako ng lalaking kausap ni mommy.

"Please Lucas, not here. Don't do this to me." Naiyak si mommy habang nakahawak sa
braso nung lalaki. Magkakilala sila?

"ANO BANG NANGYAYARI DITO? KUNG HINDI IMPORTANTE YANG SASABIHIN NYO AALIS NA KO
DAHIL NAGIINTAY NA ANG KAPATID KO!! NAG-IINTAY NA SI ZAK!!!!!!" napasigaw na ko sa
sobrang galit. Bakit kasi kailangan pang tumagal ang pagkikita namin? Kahit sa
ganun paraan na nga lang kami magkikita pinagkakait pa sa'kin.

"Hindi kayo magkapatid ni Zak, Lex!" lahat kami napalingon sa likuran kung saan
nakatayo ni Luke.

"Not a good joke Luke. Alam mo - alam nyong lahat kung anong nangyari. Please naman
oh, wala na sya kaya sana patahimikin na natin sya kung nasaan man sya ngayon."
Tinanggal ko ang pagkakahawak ng lalaki sa'kin.

"Wala na si - si Zak?" gulat na gulat na tanong ni Rich. Nagnod lang ako. Tumingin
sya kina Tuck pero nag-iwasan sila ng tingin. "Ahhhhhhh!! Hindi yan totoo!! Sabihin
nyo hindi yan totoo!!!!" halos magwala na si Rich, mas matindi pa syang magwala
kesa sa'kin. Nilapitan agad sya nila Tuck at Val para hawakan. "Kasalanan 'to ng
mommy mo Lex!! Kung sinabi nya sa'yo agad na hindi kayo magkapatid eh di sana hindi
sya nagmadaling pumunta dito. Eh di sana wala kayong problema, sana buhay pa sya
ngayon!!! AHhhhhh!!" halos hindi makaya ni Tuck at Val ang nagwawalang si Rich kaya
tumulong na rin si Trav. Nakita ko si Jezhi na iyak lang ng iyak sa may likuran
nila Val.

"Excuse me, kung nandito lang kayo para guluhin kami makakaalis na kayo. Anak ko si
Zak at anak ko si Alexa kaya magkapatid sila. End of discussion. Let's go sweety.
Puntahan na natin ang kapatid mo." Hinawakan ako ni papa at sumunod ako sa kanya.

"I'm your real father Alexa." Naunang mapatigil si papa sa'kin ng marinig nya ang
sinabi ng lalaking pumipigil sa'min kanina. Hindi napigilan ni papa ang sarili nya
at nalapitan nya ang lalaki at nahawakan sa collar ng polo.

"Pa!" sabay naming sigaw ni Luke at napatingin ako sa kanya. Papa nya pala ang
kanina pa napigil sa'min.

"Who are you? What do you want? Sino ka para sabihin sa'kin na ikaw ang ama ni
Alexa? Nandun ako nung pinanganak sya!!! Ako ang totoong tatay nya hindi ikaw!!!"
galit na galit si papa habang nakangisi lang ang papa ni Luke.

"Nandun ka nang pinanganak sya, pero wala ka dun nung ginawa namin sya." At bigla
syang nasuntok ni papa.

"Bastos kang lalaki ka!!" hinawakan ni Luke ang papa nya habang humarang naman ako
sa gitna. "Umalis ka na dito kung ayaw mong may mangyaring masama sa'yo."

"Luke please ialis mo na ang papa mo dito. Masyado nang magulo ang lahat kaya sana
naman wag nyo ng dagdagan pa!!" pinipigilan ko pa rin si papa sa pagsugod sa papa
ni Luke.

"Lex hindi nagsisinungaling si papa. Totoong sya ang tatay mo. Tayo ang magkapatid
at hindi kayo ni Zak!!!!" inalalayan nya ang papa nya na may dugo ngayon sa ilong.

Sumasakit na naman ang ulo ko. Kung eksena lang 'to sa isang pelikula sana icut na
ng director. Ayoko nang malaman pa kung anong mga susunod.

"Bakit hindi mo itanong sa magaling mong asawa kung anong totoo?" sabi ng papa ni
Luke habang pinupunasan ang dugo sa ilong nya.

Lumapit si papa kay mommy na halatang galit na galit.

"No Ferne! It's not true! Ikaw ang totoong father ni Alexa and you know that." Sino
bang nagsasabi ng totoo? Hindi na nagpa-process sa utak ko kung anong mga
nangyayari.

"Tita rinig na rinig kong sinabi nyo kay papa na anak nyong dalawa si Lex. Alam
nyong narinig ko kaya ipinakulong nyo ako sa kwarto. Pati si papa ikinulong nyo rin
para hindi namin mapigilan ang kasal!" Naalala ko kanina nung bago kami magstart,
wala ang Sterke Geest pero nung naglalakad na ako nakita kong dumating si Trav at
Val. Pero hindi ko nga nakita sila Luke. "Mabuti na lang at nahanap ako nila Tuck.
Pero wala rin kaming nagawa. Si Zak din ang nakapagpatigil ng kasal ni Lex kaya
lang sa ganitong paraan pa. Tita sana naman makonsensya na kayo sa ginawa nyo. Wala
na si Zak kaya wala ng dahilan pa para magsinungaling kayo. Gusto kong makasama ang
kapatid ko at karapatan nyang malaman kung anong totoo!!" kitang-kita ko sa mukha
ni mommy na wala na syang lusot. Wala na syang choice kundi ang sumagot.

"Totoo ba yun mommy? Totoo bang hindi si papa ang biological father ko?" tumingin
sa'kin si mommy and for the first time nakita kong may pumatak na luha sa mga mata
nya.

"I'm sorry sweety. Inisip ko lang naman ang - "

*SLAP

Mabuti na lang at nasampal sya ni papa dahil kung hindi ako ang gagawa nun. "I'm
sorry Ferne. I'm sorry Alexa. Hindi ko naman alam na aabot sa ganito."

"Anong hindi nyo alam? Kayo nga lang ang nakakaalam ng lahat! How dare you mommy!
Kaya nyong maging miserable ang buhay ng sarili nyong anak para lang sa kagustuhan
nyo! Anong klase kayong ina! Siguro kahit minsan hindi nyo naranasang maging
masaya!!" tumawa ako bigla. "Ah hindi, baka ngayon nyo lang naranasang maging
masaya. Bakit? Kasi patay na ang lalaking ayaw na ayaw nyo para sa'kin. Masaya na
kayo? Masaya na kayo at nakikita nyo kong nahihirapan? Wag kayong magtaka kung
isang araw sumunod na lang ako kay Zak! Mas gusto ko pa yung gawin kesa makasama
ang tulad nyo!!! Kayo ang pumatay kay Zak! Kasalanan nyo ang lahat!!" hindi ko
napigilan ang sarili ko sa pag-iyak kaya nanakbo na ako palayo sa kanila.
"Alexa! Alexa come back here!!!" narinig kong sigaw ni papa pero hindi man lang ako
lumingon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta tumakbo lang ako ng tumakbo.
Gusto kong makita si goon. Gusto ko syang mayakap. Gusto kong makita yung
nakakainis nyang mukha. Pero paano pa mangyayari yung kung wala na sya dito sa
mundo. Bakit nya ako iniwan? Bakit? Ang daya nya. Ang daya-daya nya.

Please like the official Facebook page of PH: Perfect Haters by megladiolus

Follow our official Twitter account: @Perfect_Haters

Join our facebook group: Perfect Haters Family

Follow me on Twitter: @Official_Mela_B

Follow me on Instagram: itsmelabrio

Follow my facebook personal account: Mela Brio

Add my facebook public account: Megladiolus Watty

*******************************************
63

*******************************************
This chapter is dedicated to dais28, one of the winners yesterday.

ZAK'S POV

Hindi na ko makapaghintay na makita si aswang. Ang gaan ng pakiramdam ko. Badtrip


naman ngayon pa nasira 'tong kotse ko. Ang tagal naman nung gagawa. Sabi kukunin
daw 'to dito ngayon tsaka ako ihahatid sa pupuntahan ko. Grabe naman, sa sobrang
kaba ko naji-jingle tuloy ako. Kung kelan naman puro puno lang ang nandito at
walang CR tsaka pa ko nakaramdam.

Tumingin ako sa paligid. Okay lang naman siguro kung dito na lang ako jumingle,
jungle naman 'to, ka-rhyme ng jingle. Wala na sigurong makakahalata. Isa pa wala
namang makakakita.

Bumaba ako ng kotse at nagpunta sa kabilang side ng road. "Tabi-tabi po. Wag sanang
manuno. Mahirap ng lumaki ang di dapat lumaki." Bulong ko para hindi ako
maengkanto. Nasa bundok pa mandin ako. Papatapos na kong jumingle ng may marinig
akong tumigil na motor. Yun na ata yung susundo sa'kin. Mabuti na lang at motor
para mabilis akong makarating sa kasal ni aswang. Sana naman gumawa ng paraan sila
Luke. Patay sila sa'kin kapag natuloy yun.

Pabalik na ko sa kotse ko ng makita ko ang isang lalaki na pumasok sa loob. "HOY


ANONG GINAGAWA NYO - " bigla akong tinutukan ng lalaking nakasakay sa motor ng
baril.
"Ganda kasi ng kotse mo. Nagustuhan ng kapatid ko." Papalapit ako pero nakatutok pa
rin sa'kin ang baril. "Sige lang lapit lang kung gusto mo nang mamatay dito.
Tamang-tama walang ebidensyang kami ang pumatay sa'yo.

"Wala pa kong balak mamatay no! Ikakasal pa ko kaya sige sa inyo na yang kotse ko!"
ngumiti yung lalaking nakasakay sa motor.

"Good." Itinabi nya ang baril sa may pants nya. "Tol kita tayo sa kampo. Ienjoy mo
yang bagong sasakyan mo." Ngumiti naman ang nasa loob ng kotse.

"Teka lang - " lumingon ulit sa'kin yung lalaki at tumingin ng masama. "Sige lang
sabi ko. Galit ka agad eh."

Naunang umalis yung nakamotor at pinaandar na nung lalaki sa loob yung kotse ko.
"Dahan-dahan lang ha! Sira ang - preno nyan." Nakalayo na sya agad bago ko pa
masabi. Kasi naman sasabihin ko na nga nananakot pa. "Bahala kayo!!!! Mabangga sana
kayo!!!!!" buwisiti na buhay 'to. Matawagan na nga lang sila - what the f*ck! Yung
cellphone ko. "HOY!! HOY YUNG MGA GAMIT KO!!!!" tumakbo ako pero syempre imposible
ko na silang maabutan. "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" ang malas ko!! Ang malas ko!!
Sign na ba talaga 'to na hindi kami ni aswang para sa isa't-isa? Anong gagawin ko?
Kung maglalakad ako papunta dun for sure bukas na ko makakarating. At kung bukas
ako makakarating ibig sabihin wala na kong aabutan. Eh di maglalakad din ako pauwi?

Umupo ako sandali sa kalsada. Napangiti na lang ako sa sobrang inis. Ako nandito
ngayon at alam kong hindi kami magkapatid ng babaeng mahal ko habang sya nandun
nagpapakasal sa paniniwalang magkapatid kami. Siguro nga hindi talaga kami para sa
isa't isa kasi kung kami talaga hindi mangyayari 'to. Tumayo ako at naglakad
pabalik. Hindi na ko pupunta sa kasal nya. Baka hindi ko lang kayanin ang makitang
kasal na sya sa iba habang ako mukhang pulubi dahil sa sobrang layo ng nilakad ko.
Kalmado lang akong naglakad pabalik. Walastik naman sa daanang 'to walang kahit
anong sasakyan ang nadaan. Kung meron man carnapper pa. Kapag minamalas ka nga
talaga. Teka - teka yung bonnet ko na gawa ni aswang nandun. "AHHHHHHHH!! Wag
kayong magpapakita sa'king mga ungas kayo kundi babalatan ko kayo ng buhay!!
Matapang lang dahil may baril!!" Yun na nga lang ang meron ako na bigay ni aswang
tapos nawala pa. Kinuha na nila lahat sa'kin pati ang aking mahal. We hang korni,
dinadaan ko na lang sa ganito kasi ang layo pa ng lalakarin ko. Baka pagbalik ko
sa'min mukha na kong ermitanyo ah.

Sana man lang may kasabay akong maglakad. Kahit sana man lang pusa o kaya daga para
hindi nakakalungkot. Hindi naman ako madaling mapagod. Parang lakad lang naman - sa
init ng araw. Buwisit na init 'to. Dun na nga lang ako sa loob ng mga puno
maglalakad para hindi mainit. Kapag dito sa kalsada baka makidnap pa ko at kunin pa
lahat sa'kin, aba hindi na ko papayag.
"Bright cold silver moon, tonight alone in my room." Kumanta na lang ako habang
naglalakad. Naalala ko tuloy nung naligaw kami ni aswang. Yung nagpanggap kami na
mag-asawa. Parang baliw pa sya nun. Teka - lagi naman syang baliw. Baliw na baliw
sa'kin.

Ako ata ang baliw kasi nangiti na ako mag-isa at kinakausap ko pa ang sarili ko.
"Hoy!!!!"

Hoyyyyyyyyyyyy!!

Wow nageecho ang saya naman nito.

"Aswang!!"

Aswang wang wang wang wang wang!!

"Ang pangit ng echo - " minamalas talaga ako. Ngayon pa umulan matapos kong
maglakad ng malayo. Nabilad ako sa init ng araw tapos ngayon heto nabasa ako ng
ulan. Ang putik pa. Medyo madilim na rin at papalubog na ang araw. Hala baka - baka
may - hindi Zak, walang multo sa gubat.

Pero paano kung may mga tinapon dito tapos mga nagmumulto sila?

Hindi naman nakakamatay ang multo.

Pero ang atake sa puso nakakamatay.

Wag kang feeling wala kang sakit sa puso.

"AHhhhhhhhhh! Grabe kinakausap ko na ang sarili ko!!" naglakad na lang ako ulit ng
makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Nakita kong may papadaan na sasakyan.
"Sandali!! Sandali lang may tao dito!!" nanakbo ako agad para maabutan ko yung
dadaang kotse sa kalsada kaya lang bigla akong nadulas at gumulong pa-opposite sa
may road. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagulong dahil madulas ang lupa at
ang ending bumagsak ako sa putik. At dahil malas ako, una pa ang mukha.
Buwisit talaga. Nakalampas na ang kotse. Anong petsa pa ko makakauwi nito? Bakit
kasi dito pa ko dumaan? Arte-arte ko kasi eh ayan tuloy nangyari sa'kin. No choice
ako kundi bumangon kahit basang-basa na ako at puro putik sa katawan naglakad pa
rin ako. Dun na ko naglakad sa may road para in case na may dumaan ulit na
sasakyan. Kaya lang sino namang magpapasakay sa'kin sa ganitong itsura ko? "FLINT
MALIFF ANG PINAKAMALAS NA TAYO SA MUNDO!!!!!!!!!!!!" sumigaw ako sa may cliff.
Gumaan ang pakiramdam ko. Okay na ko bago ko sinimulang tumakbo. Jogging na lang
'to para dumating ako sa'min ng papasikat na ang araw.

*************************

RICH'S POV

"Hindi ko matanggap. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na sya. Masamang damo yun
eh." napapatawa na lang ako habang nandito kami sa pub ngayon at nag-iinom. Oo, ito
lang ang way para makalimot kahit paano sa pagkawala ng pundasyon ng Sterke Geest.

"Dapat hindi ko na sya pinagmadali eh. Tayo yung nandun kaya sana tayo na lang ang
gumawa ng paraan at sya na lang ang huling nakaalam." Sabi ni Luke na nagsisisi pa
rin hanggang ngayon.

"Dude wala kang kasalanan. Isa pa papunta din naman si Zak dun kaya malalaman at
malalaman din nya." Inakbayan ni Tuck si Luke tsaka uminom ng beer.

"Pero hindi pa rin ako naniniwalang nagpakamatay si Zak. Kasi alam na nyang hindi
sila magkapatid ni Lex bakit pa sya magpapakamatay?" Luke continued.

"Alam nating lahat na hinding-hindi gagawin ni Zak ang magpakamatay. Kailangan sya
ni Cia. Kaya imposible talaga yun." Kahit si Trav na hindi masalita ang daming
sinasabi simula kagabi pa.

Pinuntahan namin ang bangkay ni Zak pero hindi namin sya nakilala. Wala naman
talagang makakakilala sa kanya kasi sunog ang katawan nya. Nakakaawa naman sya at
sa ganung paraan pa sya namatay. Pinacremate na nga sya agad ng papa ni Lex.
Ibibigay na lang daw nila yung abo kina tito Keshner.

"Hindi natin pababayaan si Lex! Kailangan nya tayo lalo na ngayong pakiramdam nya
nag-iisa sya!" tumayo si Val. "Para sa isang mabuting kaibigan!" itinaas nya ang
beer nya. "You will always be remembered Zak!" lahat kami tumayo at nagcheers.
Hindi pa rin namin mapigilan ang hindi umiyak. Mga bata palang kami magkakasama na
kami kaya masyadong masakit sa'min kung anong nangyari ngayon.

"Kung nasaan ka man Zak sana matahimik ka na." sabi ni Val sabay upo ng biglang may
lumitaw na lalaki sa likuran nya. Sa sobrang gulat ko napabuga ang beer na nasa
bibig ko.

Pumikit ako sandali. "Zak wag na wag kang magmumulto. Kami na ang bahala kay Cia."
Naramdaman kong may kumukulbit sa'kin at nakita kong nakahawak sa'kin si Luke.

"Na - nakikita mo ba ang nakikita ko? La - lasing na ata a - ako." Nauutal na sabi
ni Luke.

Nakatitig kami sa isang lalaking nakaitim at madungis. "Ga - ganyan ba ang itsura
ng kaluluwang namatay dahil sa pagkasunog?" bulong ko na halos walang nalabas na
boses sa bibig ko.

"Anong meron?" tanong ni Val. Sabay-sabay kaming tumuro sa likuran nya at dahan-
dahan naman syang tumingin. "Inay ko po!" mabilis napaatras si Val palapit sa'min
at nabitawan nya ang beer na hawak nya. "Zak mahal na mahal ka namin. Pero wag ka
namang ganyan."

"Ano bang problema nyo? Para kayong nakakita ng multo?" mas lalo kaming natakot ng
magsalita ang kaluluwa ni Zak.

Pinabilog kami ni Tuck tsaka sya bumulong. "Mga dude, ang namatay daw inaabot ng
tatlong araw bago nya malaman na patay na sya." Tumingin sya sandali sa kaluluwa ni
Zak. "Sa tingin ko hindi nya pa alam na patay na sya kaya nakikita natin sya
ngayon."

"Pero wala naman akong third eye bakit ko sya nakikita?" bulong ni Val.

"Aga-aga kasi mga nag-iinom kaya ayan napapraning na kayo." Dumaan si Zak sa
tabihan namin at papunta sa ref.

"Anong gagawin nya?" tanong ni Trav. Nakita naming nagbukas ng ref si Zak at kumuha
ng tubig.
"Hala. Iinom ba sya? Tatagas lang yun kasi kaluluwa na sya - naku malalaman na
nyang patay na sya!!!" biglang nagpanic si Luke at hindi alam ang gagawin. Halos
nasa isang sulok kami ng couch habang tinitingnan namin ang kaluluwa ni Zak.

Tumayo si Tuck. "Kahit kaluluwa na lang yan, kaibigan pa rin natin yan. Dapat nyang
malaman na hindi na sya nabibilang sa mundo natin."

"So sasabihin mo sa kanya?" tanong ko kay Tuck habang nakatitig kami sa kanya.

"Aba - aba hindi. Kayo magsabi." Bigla sya ulit umupo at tumabi sa'min. "Hoy Luke
sabihin mo na sa kanya."

"Ayoko nga. Si Val na lang." tinulak nya si Val.

"Ayoko baka isama pa ko nyan. Hoy di ko iiwan si baby no. Ikaw na lang Trav."
Umatras si Val at hinigit si Trav.

"Tinatamad ako. Kayo na lang." nagtutulakan kami ng biglang tumingin si Zak.

"Ahhhh!" sabay-sabay naming sigaw.

"Ano bang problema nyo? Kelan pa kayo natutong magdrugs?" umupo ang kaluluwa ni Zak
sa sofa. "Hay - ang sarap mahiga. Ang sakit ng katawan ko dahil sa nangyari. Ikaw
ba naman gumulong at malaglag ng ganun kataas at wala kang magawa, ewan ko lang
kung hindi ka masaktan." Nakapikit si Zak at nagtinginan kaming lahat.

"Dapat nyang malaman kung anong nangyari sa kanya. Baka akala nya nabuhay sya sa
pagkakalaglag nya." Ako na mismo ang tumayo pero natatakot pa rin akong lumapit sa
kanya. "Di ba may rosary tayo dito?" bulong ko sa kanila. Tumayo agad si Luke at
kinuha ang rosary sa may cabinet at iniabot nya agad sa'kin.

Dahan-dahan akong lumapit sa nakapikit na kaluluwa ni Zak. Tumingin ako sa likuran


ko at sumenyas ako sa kanila na tumayo rin sila at samahan ako. Ang mga duwag
naghigitan pa. Itinapat ko ang rosay kay Zak. "Pinananalangin namin na matahimik na
ang kaluluwa ng aming kaibigan. Na - na matanggap na nya na hindi na sya nabibilang
sa mundong ito. Lord sana ingatan at tanggapin nyo ang kaibigan namin sa inyong
kaharian. Naway maging mapayapa ang kanyang paghimlay."
"Amen!" sabay sabay na sabi ng mga mokong sa likuran ko.

"Zak dapat mong matanggap na patay ka na." biglang dumilat ang kaluluwa ni Zak at
sabay-sabay kaming napaatras.

"Eh kung kayo kaya ang patayin ko dyan? Bakit nyo ba ko dinadasalan? Anong tingin
nyo sa'kin patay na?" bigla syang umupo.

"Zak - Zak patay ka na at dapat mong tanggapin yun. Alam namin mahirap dahil marami
ka pang hindi natapos dito sa mundo pero kami na ang bahala." Hindi na ako natakot
dahil alam kong para sa ikakatahimik naman 'to ng kaibigan namin.

"Ano bang drugs ang tinira mo?" matigas talaga ang ulo nya. Hindi nya matanggap ang
katotohanan at alam kong wala kaming alam sa mga ganitong bagay at hindi namin alam
kung anong gagawin. Iniabot ko sa kanya ang rosary.

"Kung may huling habilin ka sabihin mo na sa'min ngayon." Halos lahat kami tahimik
lang at walang nagsasalita. Naririnig ko pa sila sa likuran ko na nagpe-pray pa
rin.

"Kung isa-isa ko kaya kayong pagsusuntukin ngayon ng kayo ang magkaroon ng huling
habilin! Gusto nyo? Magda-drugs lang kayo sagad-sagad pa!" Tumayo sya bigla sabay
tulak sa'kin ng mga mokong sa likuran kaya natumba ako pabagsak kay Zak. "ANO BA
RICH!!"

Gulat na gulat ako. "Na - nahawakan kita." Tumingin ako kina Tuck. "Nahawakan ko
sya! Nahawakan ko sya!!"

*TUGSH!

Nabatukan pa nga.

"Malamang mahahawakan mo ko bagsakan mo ba naman ako! Tumayo ka nga. Umayos nga


kayong lahat. Konti na lang talaga masasaktan ko na kayo!" tumayo ako at tumayo din
si Zak.
"Nahawakan ko sya mga dude." Bulong ko kina Tuck.

"Bubusargahin na kita dyan Rich! Ano bang tingin mo sa'kin multo para hindi
mahawakan?" sabi ni Zak.

"Oo." Sabay-sabay naming sagot.

"Eh mga siraulo pala kayo. Kung multo ako eh di sana wala ako dito o kaya sana
hindi nyo ko nahahawakan. Tsaka kung multo ako eh di sana kanina pa damusak dito
dahil sa ininom kong tubig!" nagtinginan kaming lahat matapos magsalita ni Zak.

"Sabi ko na nga ba wala akong third eye." Nakangiting sabi ni Val.

"Ang duduwag nyong lahat kahit kelan!" tumayo si Tuck na akala mo hindi natakot
kanina.

"San nyo ba nakuha yang multo-multo na yan?" kumuha ulit si Zak ng tubig sa ref.

Umupo na kami ng ayos sa couch dahil wala ng dahilan para magkumpulan kami. "Kung
buhay ka - sino yung kinremate kahapon at iniyakan naming lahat?"

"Aba malay ko sa inyo! Pinapatay nyo ko eh buhay na buhay pa ko! Ang sasama nyo
talagang kaibigan!!" itinapon nya ang empty bottle sa bin tsaka nagstretching ng
konti.

"Pero kotse mo yung nakita tsaka may lalaki sa loob. Pati nga yung mga gamit mo
nakita din eh. Dead on the spot pa nga yung lalaki - " hindi pa tapos magpaliwanag
si Luke ng biglang tumawa si Zak.

"Namatay yung lalaki?" tanong nya at tumango kaming lahat. "Buti nga sa kanya. Mga
walanghiya yun! Jumingle lang ako sandali kinuha na yung kotse ko! Ayan ang napala
nya!" tumatawang sabi ni Zak.

"Eh bakit sabi mo kanina nahulog ka tapos gumulong-gulong tapos - " nag-isip
sandali si Tuck.
"Oo nga. Sa paghabol ko sa paparating na kotse para makisakay nadulas ako at
gumulong at bumagsak sa putik. Kaya ganito itsura ko oh!" ina-act pa nya kung paano
sya nalalag sabay turo sa suot nya.

"So hindi nga ikaw yung lalaki?" gulat na gulat na tanong ni Val.

"Bingi ka ba? Kakasabi ko lang di ba? Iniintay ko yung hihigit nung kotse ko na sya
ding maghahatid sa'kin sa venue kaya lang biglang sumulpot yung carnappers. Kinuha
ba naman yung kotse ko. Mga atat umalis hindi ko tuloy nasabing sira yung preno
nun. Nakakainis nga eh. Nandun yung phone ko tsaka yung - yung bonnet na bigay ni -
" hindi na sya nagsalita.

"Oh cr*p! Ang alam ni Lex patay ka na!" nagwoworry na sabi ni Trav.

"Bayaan nyo na. Para hindi na sya mahirapan lalo na ngayong kasal na sya." Umupo si
Zak at halatang nasasaktan pa rin sya. So chance ko na 'to para makaganti.
Binatukan ko din sya. "BAKIT MO KO BINATUKAN?!!"

"Sino bang may sabing natuloy ang kasal?" biglang napatayo si Zak ang bilis.

"Hindi natuloy ang kasal?" gulat na gulat nyang tanong.

"Bingi ka ba?" sabay-sabay naming lahat na tanong sa kanya.

"Hindi natuloy ang kasal kasi may sumulpot na pulis at sinabing naaksidente ka daw.
Iyak nga ng iyak si Lex habang yakap-yakap yung bonnet mo. Sabi nya nga sa mommy
nya wag magugulat kung sumunod na sya sa'yo sa kabilang - oh no Zak dapat mahanap
mo si Lex. Baka magpakamatay yun!!!!!" bigla akong nataranta kaya naman nataranta
din si Zak.

"Mahal na mahal ko talaga kayong lahat kahit mga nakadrugs kayo!" niyakap nya kami
isa-isa kahit na basa sya at puro putik.

"Bilisan mo na kaya. Baka mauna pang mamatay si Lex sa'yo!" tinap ni Tuck si Zak sa
balikat.
"Salamat!!" ang laki ng ngiti nya.

"Ah Zak - " tawag ko sa kanya at lumingon naman sya. " - hindi kami naka-drugs."
Ngumiti lang sya at lumabas na ng pub. Nakahinga naman kaming lahat at gumaan ang
pakiramdam namin.

"Grabe ang love story nilang dalawa no? Nakakabaliw na nakakaiyak na nakaka-
inspire. Kelan ko kaya mahahanap yung para sa'kin." Humiga si Tuck habang
nakatingin sa kisame kaya naisipan namin syang batuhin ng unan isa-isa.

"Ang baduy mo dude!!!!" at nagtawanan na kaming lahat. Tsaka kami nakaramdam lahat
ng pagod. Sana maging okay na ang lahat kina Zak at Lex. Kapag nahihirapan sila,
nahihirapan din kami.

**************

ALEXA'S POV

"Ang daya-daya mo goon ka!!!!! Bakit ka nauna!!! Sigurado ako nandyan ka sa ilalim
ngayon dahil masama ang ugali mo!!!!" isinigaw ko na lahat dito sa taas ng
abandoned building para gumaan ang pakiramdam ko. "Ang daya-daya mo naman." Mahina
kong sabi kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. "Bakit mo ko iniwan? I hate you! I
hate you!!!!!"

Para na kong baliw dito. Kapag tinitingnan ko ang paligid naalala ko sya - sa lahat
ng sulok dito sa taas. Ang dami nang nangyari sa'min. Ang tatag naming dalawa,
hindi kami sumuko kahit wala ng pag-asa pero - pero bakit kelangan nyang mawala?
Kapag naiisip kong wala na sya hindi ako makahinga. Parang wala na ding dahilan
para mabuhay pa ko.

Humakbang ako sa side ng abandoned building. "Iniintay mo na ba ako dyan sa


kabilang buhay?" kitang-kita ko ang ibaba mula dito at kung malalaglag ako na una
ang ulo for sure mamamatay ako agad. "Gusto kitang makita goon kahit sa huling
pagkakataon. Gusto kong makita ang mga ngiti mo." Pumikit ako sandali hanggang sa
maisipan ko ulit na tingnan ang paligid. Nakita ko yung time na sinagot ko sya. Ang
ganda ng arrangement dito at sobrang saya naming dalawa nun. "Sana - sana naman
magparamdam ka sa'kin ngayon!!!!" iyak ako ng iyak ng mapatingin ako sa may
pintuan. Hindi ko makita masyado dahil sa puro luha ang mga mata ko. Ang alam ko
lang papalapit sya ng papalapit kaya naman pinunasan ko agad ang mga luha ko tsaka
ulit ako tumingin sa nakita kong image ng tao.
Nang tiningnan ko ulit parang kamukha ni goon ang nakita ko kaya pumikit ako ulit.
"Goon naman eh. Nagjojoke lang naman ako na magpakita ka. Wag mo naman akong
takutin." Dumilat ulit ako at nakita ko pa rin sya kaya nag-inhale exhale ako bago
ulit pumikit.

"Mahal na mahal kita pero - pero ang aga-aga mo namang magmulto." Bulong ko na
parang ako lang ang nakakakita. Dumilat ako at nagulat ako nang makita ko sya sa
harapan ko kaya napaatras ako. Nakalimutan kong nasa pinakagilid na ko ng building
kaya na-out of balance ako. "Magkikita na tayo." Tanggap ko na ang pagkalaglag ko
sa building na yun. Iniintay ko na lang ang sakit nang pagtama ko sa ground - pero
ilang seconds na parang wala namang nangyayari.

Naisipan kong dahan-dahang buksan ang mga mata ko at nakita ko ang isang madungis
na lalaki na nakahawak sa waist ko. Kamukhang-kamukha nya si goon. Dahan-dahan nya
akong ibinaba habang nakatitig pa rin ako sa kanya.

"SIRAULO KA BA TALAGA? BAKIT KA MAGPAPAKAMATAY? TINGIN MO BA MAMAMATAY KA NG GANYAN


LANG KABABA? HINDI! ANG KATULAD MONG MASAMANG DAMO HINDI AGAD MAMAMATAY!! MAS NAAWA
NGA AKO DUN SA BABAGSAKAN MO KASI SIGURADO MADUDUROG YUN!!! EH PAANO KUNG HINDI AKO
DUMATING? ANO NA LANG ANG MANGYAYARI SA'YO? BANDANG HULI IKAW PA ANG NANG-IWAN!!!"
galit na galit sya at hindi ko alam kung bakit. Ramdam na ramdam ko si goon sa
kanya. Ang pagsigaw nya, ang boses nya at mga nakakainis nyang sinasabi.

Dahan-dahan akong lumalapit sa kanya. Nakatitig lang ako habang hindi ko mapigilang
umiyak. Nakatitig lang din sya sa'kin at tumigil sa pagsasalita. Parang tumigil din
ang oras. Kitang-kita ko sya sa harapan ko at halos abot kamay ko na sya.

*PAK

"ARAY!! BAKIT MO BA KO SINAMPAL!!!!!" natawa ako kasi nagalit sya at nasaktan sa


sampal ko.

"Gusto ko kasing makasiguradong hindi ako nananaginip." Nakangiti kong sabi pero
natulo pa rin ang mga luha ko.

"BALIW KA TALAGA KAHIT KELAN! BAKIT AKO ANG SINAMPAL MO? DAPAT SINAMPAL MO YANG
SARILI MO KASI - " hindi ko na sya pinatapos magsalita at hinalikan ko na sya agad.
Gulat na gulat sya sa ginawa ko pero naramdaman kong ngumiti sya sa pagitan ng mga
kisses ko sa kanya.

Bigla akong humiwalay sa kanya at pinagsusuntok ko sya. "BUWISIT KANG GOON KA!!
PINAIYAK MO KAMING LAHAT!!!! NAKAKAINIS KA TALAGA KAHIT KELAN!! HINDI NA KITA
MAPAPATAWAD!!!!" bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako makagalaw kaya
naman niyakap ko din sya. Namiss ko ang mga yakap na 'to. Namiss ko ang muscular
chest nya, namiss ko ang lahat sa kanya.

"Buhay ka ba talaga o nananaginip lang ako?" bulong ko sa kanya.

"Gusto mong sampalin din kita para malaman mo?" itutulak ko sya palayo pero hindi
nya ako pinakawalan. "Oo buhay ako. Pinangako ko sa'yo na hindi kita iiwan di ba?"

Naiyak ako bigla kasi akala ko talaga iniwan na nya ako. Umiiyak ako ngayon kasi
sobrang saya ko at nandito talaga sya sa harapan ko ngayon. "Sabi ko na nga ba ikaw
ang masamang damo sa'ting dalawa." Tumatawa kong sabi.

"Mas masamang damo ka pa rin sa'kin." Niyakap nya ako ng mahigpit at halos hindi na
ako makahinga.

"Uhm goon - " ano ba kasi 'tong itsura nya at ang dumi-dumi nya?

"Hmmmm?" sagot nya habang nakayakap pa rin sa'kin.

"Bakit ang baho mo?" naramdaman kong lumuwag ang pagkakayap nya sa'kin at ilang
seconds pa bigla nya kong tinulak.

"Alam mo ba ang pinagdaanan ko? Alam mo ba kung gaano kalayo ang nilakad ko? Halos
mamamatay ako tapos dahil lang mabaho ako ayaw mo na sa'kin? Sige dun ka na sa
Taning mo!! Naligo lang yun sa pabango pero lamang pa rin ako dun - " bigla ko
syang hinalikan sa lips at napatigil naman sya.

"Isa lang ang tanong ko ang dami mong sinabi." I folded my arms over my chest.

"At marami pa kong sasabihin kaya ihanda mo na yang mga kisses mo!!" I furrowed my
eyebrows. "Kung ano - kung makakalusot lang naman."

"Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ka sa harapan ko ngayon. Sino yung lalaki
sa kotse mo?" sumimangot sya.
"Nandito na ko sa harapan mo ibang lalaki pa rin ang tinatanong mo!!!!!" parang
hindi naman sya napagod sa lakas ng boses.

"Siraulo ka! Tinatanong ko lang dahil ang ashes nya eh nasa bahay nyo! Tapos hindi
naman pala ikaw yun. Kawawa naman yung tunay na pamilya nya!" sabi ko sa kanya.

"Bayaan mo sya. Ipakulong ko pa yung abo nya makita mo!! Kinuha nya ang kotse ko!
Pati gamit ko nandun at yung bonnet mo!! Hindi ko sya mapapatawad. Kapag nakita ko
ang abo nun pupulbusin ko pa ng todo!!!!!" hindi ko na napigilang tumawa. Baliw na
ata talaga ako kasi kanina lang umiiyak ako ngayon naman natawa ako.

Lumapit ako kay goon at nilagay ko ang dalawa kong kamay sa shoulders nya. "Brutal
mo talaga kahit kelan."

Naramdaman kong hinawakan nya ako sa waist. "Mabaho ako di ba? Bakit ka lumapit?"

"And so? Hindi ko na kayang tumagal ng malayo sa'yo kaya kahit ikaw na ang
pinakamabahong tao sa buong mundo - " bigla ko syang tinitigan.

" - hindi ka pa rin lalayo sa'kin?" seryoso nyang tanong.

"Pag-iisipan ko yan." Bigla nya akong binitawan. "Syempre hindi no! Pwede ka namag
maligo eh."

"Kasabay mo?" at hinigit nya ako palapit sa kanya.

Tinulak ko ang mukha nya papalayo. "Asa ka pa! Di na uy! Di baling mabaho ka wag
lang kitang makasabay maligo.

"Sinabi mo yan ha. Talaga lang ha. Sige. Makikita natin." Parang nanghinayang naman
ako sa sinabi ko. Ang totoo di ko din naman talaga alam.

"Gusto kitang yakapin pa kaya lang kasi ang baho ko nga. Nakakahiya naman sa'yo."
Mahina nyang sabi. Hindi ko alam kung patay na ko ngayon dahil natuluyan akong
malaglag sa building at pareho na kaming multo ni goon at pakiramdam ko nasa heaven
na ko. Pero kung totoo man 'to ayoko na talagang humiwalay sa kanya kahit mabaho pa
sya.

"Pwede mo naman akong yakapin. Hindi ako hihinga." Pinigil ko ang hininga.

"Talaga lang ha." At bigla nya akong kiniliti kaya naman hindi ko napigilang
tumawa.

"Ahhhh! Wag na. Sige na hihinga na nga ako. Kasi naman goon!! Ahhhhh!!" halos
matumba na ko sa pag-iwas, mabuti na lang at hawak-hawak nya ako.

Bigla syang tumigil. Hinawakan nya ko sa mukha at inayos ang buhok ko. "Akala ko
hindi na 'to mangyayari."

"Akala ko rin eh." naiiyak na naman ako.

"Mas lalo lang kitang minahal after ng lahat ng nangyari sa'tin. Mas lalo kong
narealize na hindi ko pala kayang mawala ka sa'kin lalo na ang makita kang may
kasamang ibang lalaki." Nararamdaman ko ang hininga nya. Masyadong magkalapit ang
mga mukha namin.

"Ako rin naman. Isa pa natuto akong manindigan dahil sa'yo. Kahit sarili kong mommy
kinalaban ko na din. Hindi naman kasi talaga makatarungan ang ginawa nya sa'tin,
lalo na kay papa. Sobrang bait ni papa pero nagawa nya yun." Isinandal ko ang ulo
ko sa dibdib ni goon at rinig na rinig ko ang mabilis nyang heartbeat.

"Hindi ka naman mabubuo kung walang pagmamahalan. Oo masama nga yung ginawa ng
mommy mo, pero alam mo ba ang totoong dahilan kaya nya nagawa yun?" napatingin ako
sa kanya. Kung magsalita kasi sya parang wala syang galit kay mommy. Samantalang
ako yung anak ako yung galit na galit sa kanya.

"Sarili nya lang yung inisip nya. Gusto nya tayong paghiwalayin dahil gusto nya
kong igaya sa buhay na meron sya." Hinawakan ako ni goon sa chin at iniharap ang
mukha ko sa mukha nya.

"Walang hinahangad ang magulang na masama para sa anak nya. Siguro nga may iba
syang intensyon pero lahat yun para sa'yo." Nagsisimula na talaga akong magduda.
Baka kasi si mommy na ang mahal nya ngayon at hindi na ako.
"So kapag pinaghiwalay nya tayo ulit papayag ka?" biglang nagbago ang expression ng
mukha nya.

"ABA HINDI NA KO PAPAYAG!! HINDI NA KO PAPAYAG NA PAGHIWALAYIN NYA TAYO. KAHIT


MAGKATOTOO PANG MAGKAPATID TAYO WALA NA KONG PAKIALAM!! DAHIL SA SUSUNOD NA MAY
GAWIN YANG MOMMY MO NAKU HINDI KO TALAGA SYA MAPAPATAWAD!!" feeling ko dalawa ang
katauhan ng kausap ko ngayon.

Nagtawanan na lang kami kasi hindi na namin alam ang gagawin kay mommy.

"Basta hindi na rin ako papayag na maghiwalay pa tayo. Sasama ako sa'yo kahit saan
mo ko dalhin kapag sinubukan nya pa tayong paghiwalayin." Ngumiti sya bago nya ako
halikan. I kissed him back and we cherished that exact moment. Walang precise word
ang makakapagdescribe kung anong nararamdaman ko ngayon. Naiiyak ako sa sobrang
saya dahil nalampasan namin lahat. Nakaya namin at ngayon nandito pa rin kaming
dalawa, magkasama at hinding-hindi maghihiwalay kahit kailan.

Naitulak ko sya ng maalala ko sila Cia. "Teka dapat magpakita ka muna sa papa mo at
kay Cia. Ang alam nila wala ka na."

"Pwede bang maligo muna? Kasi kanina pa ko napagkakamalang multo sa itsura ko eh."
sabay turo nya sa katawan nya. "Isa pa sinabihan akong babaeng aswang na mabaho
ako. Kaya ang parusa sya ang magpapaligo sa'kin."

"A - ano?" feeling ko namula ako bigla.

"Uy gusto nga nya. Sabi ko na nga ba pinagnanasahan mo ako." Nakahawak sya sa kamay
ko habang pababa kami ng building.

"Wow lakas ng tiwala sa sarili. Mangarap ka na lang. Hinding-hindi kita


pinagnanasahan." Tumingin sya sa'kin ng diretso.

"Kahit konti?" nag-isip ako sandali.

"Yes." Sure ba ko sa sagot ko? Hindi nga ba?

"Ramdam ko naman kahit hindi mo sabihin." Bigla nya akong inakbayan. "Pwede mo
naman talaga kong paliguan. Second life ko 'to kaya dapat icherish."

"Ano ka baby?"

"Oo. Kunyari ka pa gusto mo naman makita ang buo kong katawan."

"Kadiri ka."

Yan ang pinagtatalunan namin at pinaguusapan hanggang makabalik kami ng pub. Parang
walang nangyari kasi kulitan na naman kami ng kulitan. Ang pinagkaiba nga lang
hindi na kami nagbitaw. Kahit nga sa pagpasok nya ng shower room gusto pa kong
isama. Oh well kung pwede lang ba why not. Hello I'm 18, pero syempre ayoko pa rin.
Hindi naman ako ganung klaseng babae no. Darating din kami dun at alam kong hindi
pa 'to yung tamang time. Ang alam ko lang handa na kong gawin ang lahat para
sa'min. Sorry mommy pero hinding-hindi mo na kami masisira at hinding-hindi na kami
magtitiwala sa'yo. Panibagong simula 'to ng masaya naming buhay ni goon na
magkasama. Wala nang makakasira kahit sino pa.

A/N

Bumoto naman kayong lahat para ganahan ako palaging magupdate ng mabilis. Gawin
nating 100K ang total votes ng PH. Hahaha. Kaya naman yan, dami kasing di
nagvovote. Haha. Anyways, vote, comment and follow. Sa comments and votes
nakasalalay lahat kung kelan ako ulit magUUD. And please do share this story sa fb,
twitter at sa lahat ng friends nyo, sa mga fb groups at kahit saan. Salamat. :)
Happy 8 million reads and we're still at #1 in Teen Fiction and #2 in Humor. Thank
you so so much. :)

For latest news and updates please follow and like the following.

Please like the official Facebook page of PH: Perfect Haters by megladiolus

Follow our official Twitter account: @Perfect_Haters

Join our facebook group: Perfect Haters Family

Follow me on Twitter: @Official_Mela_B

Follow me on Instagram: itsmelabrio

Follow my facebook personal account: Mela Brio

Add my facebook public account: Megladiolus Watty

*******************************************
64
*******************************************
ALEXA'S POV

"Wag ka nang umiyak Cia. Dapat magcelebrate tayo kasi buhay si kuya Zak mo." Yakap-
yakap ko ngayon si Cia at nandito kami sa bahay nila. Simula kasi ng dumating kami
dito hindi makapaniwala si Cia na buhay ang kuya nya.

"Kasi - kasi ate baka evil na yung nasa katawan ni kuya. Kasi yung nasa horror
movie ibang soul na yung pumasok sa katawan. I'm scared." Mas lalong humigpit ang
yakap nya sa'kin.

"Don't worry, hindi evil ang nasa katawan ng kuya mo. Walang evil na magtatangkang
sumanib dun kasi kuya mo ang king ng mga evils." Sana naman maconvince ko ang
batang 'to.

"Really? He's the king?" ay jusmiyo, naniwala pa nga.

"Sort of, but he's the good evil." May good evil ba. Kung anu-ano na ang sinabi ko
mapatigil lang sa pag-iyak 'tong batang 'to.

"Hoy anong tinuturo mo dyan kay Cia?" napalingon kami ni Cia sa isang goon na
topless at wet look, bagsak na bagsak ang buhok nya. "Ano loving the view
sweetheart?" then he winked.

Wow, masyado ba akong halata? Parang hindi naman.

Tumakbo si Cia papalapit kay goon. "Ate Alexa said you're the king of evil."
Niyakap nya si goon. Iwas naman ako ng tingin kasi biglang sama ng tingin ni goon
sa'kin. "She said you can't die daw kasi other evils are scared of you. But you're
the good evil according to her." Ang daldal naman nitong batang 'to.

"Cia kuya's not an evil nor a king. She's just making fun of you." Umupo si goon sa
harapan ni Cia at pinunasan ang luha nya. "Don't cry. I'm alive and I won't leave
you again, I promise." Nakita kong ngumiti na si Cia at niyakap nya si goon. "Go
upstairs and study your homeworks. Sa weekend na lang tayo magbonding. Okay?"
Nagnod lang si Cia at nakangiti na sya.

"Bye ate Alexa." Hinalikan pa nya ako sa cheek. Napakasweet na bata. Mabuti na lang
at hindi sya nagmana sa kuya nya.
"At anong ngini-nginiti mo dyan?" Hindi napansin na nasa harapan ko na pala si
goon.

"Pakialam mo ba?" I rolled my eyes at habang nagpipigil ng kilig. Oh my goodness.


Define hotness. Ito yun, ang nasa harapan ko ngayon.

"May pakialam ako. Bakit mo ko sinisiraan sa sarili kong kapatid ha?" naatras ako
habang lumalapit sya sa'kin. Nakakatakot syang tumingin, parang may hindi sya
magandang gagawin sa'kin. But on the second thought pwedeng maganda na rin.

Ay grabe Alexa ano bang iniisip mo?

I tried to push him pero hindi ko nagawa kaya no choice kundi umatras pa rin.
"Hindi kita sinisiraan no! Sinabi ko lang yun para tumigil sya sa pag-iyak. Akala
mo naiyak sya sa sobrang tuwa? Well you're wrong!!" hindi pa rin sya natigil sa
pag-atras. "Akala nya evil na ang nasa katawan mo kasi patay ka na nabuhay lang."
Parang hindi sya nakikinig sa'kin. "That's the truth!!!" bigla akong napansandal
ako sa wall.

"Scared?" he smirked.

"No!!!!" I swallowed. Tiningnan ko ang broad shoulders nya down to his chest and
abs. "Wala namang nakakatakot sa'yo no!"

"Hello! Ako kaya ang natatakot sa'yo! Baka kung ano pang gawin mo sa musmos kong
katawan!!" itinulak ko sya ng malakas at medyo napaatras naman sya. Grabe, todong
lakas ko na yun pero hindi man lang sya tumalsik. "Uy nagagalit. Disappointed."

"Anong sinasabi mo dyan?" tumalikod ako at bumalik sa sofa.

"Na akala mo may gagawin ako sa'yo pero wala pala." Umupo sya sa tabihan ko.
Patalon pa kaya nagalaw-galaw yung sofa. "Sabihin mo lang kung disappointed ka.
Pwede naman akong pumayag sa gusto mo." Bigla nyang nilapit ang mukha nya sa mukha
ko.

"Mangarap ka na lang goon!!!" itinulak ko ng right hand ko ang mukha nya palayo
sa'kin. "Magt-shirt ka nga! Nakakadiri ka!!"

Tinanggal nya ang kamay ko na nakalagay sa mukha nya tsaka nya hinawakan. "Kadiri
talaga?" ipinakita nya pa ang muscle sa arm nya. "Ito ba ang nakakadiri?" Kinuha
nya ang kamay ko at ilalagay sana nya sa abs nya.

"Kadiri ka talaga! Sasapakin na kita makita mo." Hinigit ko ang kamay ko. Well
nanghinayang ako pero okay lang. Nakakahiya naman kas. Isipin nya pa pinagnanasahan
ko sya. Konti lang naman no.

"Ang arte. Lahat ng babae sumisigaw kapag dumadaan ako. At kapag lalaban na ko sa
arena lahat sila nagwawala! Tapos ikaw pagbibigyan na kita ayaw mo pa!!" biglang
nagsungit? Ano meron lang sya?

"Bakit si Alexa ba sila? May abs din ako no! Magbihis ka na nga. Baka kung ano pang
sabihin ni tito Keshner kapag nakita nya tayo." Kinuha ko ang phone ko. Kunyari
busy para hindi halata na kinakabahan ako.

"Fine!" tumayo sya at umalis. Pagbalik nya nagsusuot na sya ng shirt. "Pero kung
ayaw mong makita tayo ni papa, pwede naman tayo sa room ko." Umupo sya ulit sa
tabihan ko at lumapit sa may tenga ko. "Gusto mo?"

Oh my gosh. Ano ba yung naramdaman ko? Parang lahat na ata ng voltage ng kuryente
dumaloy na sa katawan ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw.

"Hoy joke lang! Bakit bigla kang namutla dyan." Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag
nung sinabi nya yun. "Halika nga dito." Bigla nya akong niyakap. Yung paakbay na
yakap. Yung ulo ko nasa may chest nya at isang arm nasa may back neck ko.
"Nakakatuwa ka talaga kahit kelan. Napakainosente mo. Kaya mahal na mahal kita.
Hindi mo ko pinagnanasahan." Naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo.

"Sa'kin ka na kasi kaya bakit pa kita pagnanasahan? Ang mga pinagnanasahan lang
yung mga hindi pwedeng mapunta sa'yo." Biglang pumasok sa isip ko si Natalia kaya
naitulak ko sya. "Si Natalia ba pinagnasahan ka? May nangyari ba sa inyo habang
break tayo? Anong mga ginawa nyo? Ikaw ba ang nauna o sya?"

"Woah woah! San galing yang mga yan?" napaatras sya sa mga hampas ko.

"Saan? Saan? Natulog kayong magkatabi so ano pang maiisip ko!! Nakakadiri ka!!"
naiinis ako pero tumatawa lang sya.

"Tingin mo ba talaga nagkita kami?" mas lalo akong nainis. Kasi sya na nga mismo
yung nagsabi dati. Huling-huli na sya pero nagdedeny pa rin. Anong klaseng tao 'to?
Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kanya ng masama. "Hindi naman talaga
kami nagkita." Seryoso nyang sabi.

"Liar!" sumandal ako sa sofa at hindi tumingin sa kanya.

"Swear! Isang way ko lang yun para lumayo ka na sa'kin. Alam ko kasing matigas ang
ulo mo at alam din ng Sterke Geest yun kaya ayun, napagkasunduan naming lahat na
ipaalam sa'yo na nagkikita kami ni Natalia." Umakbay sya sa'kin.

"Pati si Jezhi kasabwat nyo?" tumingin ako sa kanya.

"No! Naniwala lang sya sa palabas namin. Alam mo naman yung kaibigan mo
mapagpaniwala." Kinurot ko sya sa tagiliran. "Ano ka ba!! Ano na namang sinabi ko?"

"Kaibigan ko pa rin yung sinasabihan mo ng ganun no!! Grabe pa nga yun makaiyak
nung nalaman naming lahat na patay ka na!" nakatingin lang sya sa'kin habang
nagsasalita ako.

"Baka naman may gusto sa'kin si Jezhi?" bigla naman akong napatawa. "Anong
nakakatawa dun? Mas gwapo naman ako kay Val no! Hindi malabo yun!"

"Malabo yun! Ka - kasi wala ka namang kabuti na hair. Si - si Val lang ang meron
nun." Sagot ko sa kanya habang tumatawa.

"Paanong mushroom? Ganito?" bigla nyang ginulo ang buhok nya at inilagay sa unahan.
"Ganyan ba?" He cleared his throat. "Baby, hello baby." Ginagaya nya ang boses ni
Val kaya naman mas lalo akong natawa.

"Ang panget. Mukha kang mushroom!" kasi naman bakit nya ba kelangang gawin yun?
Mukha syang ewan. "Tsaka isa pa - ahhhhhhhhhhh!!" bigla nya kong binuhat. "Put me
down!!"

"No! Say please." Inihahagis-hagis nya pa ako tapos bigla akong sasambutin.
"Buwisit ka ibaba mo ko!!" ayaw nya talagang makinig. "Kapag binaba mo ko agad
meron kang kiss sa'kin!" pagkasambot na pagkasambot nya sa'kin bigla nya akong
binaba.

"Ayan na ha. Game." Nakatingin sya sa'kin.

"Dapat may ganung condition talaga bago ka pumayag? Tibay mo eh. Ang sakit ng
katawan ko dahil sa ginawa mo tapos gusto mo agad-agad na lang - " bigla akong
napatigil sa pagsasalita ng bigla nya kong hinalikan.

"Ang daldal. Parang kiss lang. Alam na ngang mainipin ako!" ako naman tulala pa rin
kasi nga hindi pa ako tapos magsalita. Papatalikod na sya ng hablutin ko sya
pabalik sa'kin.

"So ganun na lang yun? Ikaw lang? Nah-ah-ah." I wrapped my arms around his neck and
kiss him and I think I caught him off guard. Tulala lang sya sa ginawa ko. Titig na
titig lang sya sa'kin.

"Naught monster." He whispered in between our kisses.

"I know right?" then I hugged him ng may marinig kaming sasakyan na tumigil sa
harapan nila. Napahiwalay ako sa kanya. "Are you expecting someone?"

"No!" tiningnan ko sya ng diretso.

"Kapag nakita kong si Natalia yan sinasabi ko sa'yo Flint Maliff. Wag mo kong
subukan!" nainis ako bigla kasi kakasabi nya lang na palabas nya lang ang pagkikita
nila "kuno" ng Nata de coco na yun tapos ngayon may dadating sa bahay nila.

"Ano ka ba naman? Ikaw pa ba ang lolokohin ko." He grabbed my waist and pulled me
closer to him.

"Don't touch me!" I rolled my eyes at inalis ko ang kamay nya sa pagkakahawak
sa'kin.
"Ahh sobra talaga. Ang sakit na sa ulo ha. Wala pa kong tulog." Sumunod lang sa'kin
si goon habang palabas kami. Binuksan ko ang pintuan nila ang nakita ko ang isang
familiar na sasakyan. "Bakit bigla kang tumigil?"

Napatingin sya sa direction na tinitingnan ko at nakita naming dalawa si mommy na


naglalakad. Naramdaman kong hinawakan ni goon ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya
at nagnod lang sya.

Sabay kaming naglakad papalapit kay mommy na magkahawak ang kamay. Kitang-kita sa
mukha ni mommy ang pagkagulat ng makita si goon na kasama ko.

"Oh - oh my goodness. You're alive!" hindi maitago sa expression nya ang pagka-
shocked.

"Yes. He's alive." Sagot ko sa kanya. "What are you doing here?" babawiin nyo lahat
ng properties dahil alam nyong patay na si Zak?

"No. Why would I do that?" papalapit sya sa'min ni goon pero itanago ako ni goon sa
likuran nya.

"Bakit nga ba?" tanong ni goon.

"Mommy tama na sana. Hindi ba kayo napapagod sa pagiisip kung paano nyo ko
pahihirapan? Kung paano nyo ko ilalayo sa taong mahal ko? Sorry mommy pero hinding-
hindi na ako papayag sa gusto nyo. At kapag sinubukan nyo pa kong pigilan aalis ako
ng bahay!" kumapit ako sa braso ni goon ng mahigpit.

"I made a mistake, I know." Mahinahon nyang sabi. I wanna rephrase that. Hindi ba
dapat "mistakes" kasi marami syang nagawa. "I didn't know Zak is alive. Nagpunta ko
dito para humingi ng sorry kay Keshner. Sa lahat-lahat at para kamustahin na rin
sila after ng nangyari."

"Tingin nyo ba maniniwala ako sa sinasabi nyo? Mabuti na lang at buhay pa ko dahil
kung hindi baka kung ano nang ginawa nyo sa pamilya ko." Nararamdaman ko sa hawak
ni goon na galit sya dahil nanginginig sya.

"I'm sorry! I'm sorry! Ano bang gusto nyong gawin ko?!!!" biglang umiyak si mommy.
"I know this is all my fault and I'm so so sorry!" tumingin si mommy sa'kin. "I'm
sorry sweety. Alam ko hindi mo ko mapapatawad pero gusto ko talagang magsorry
sa'yo. And I promise hinding-hindi na kita pipigilan sa gusto mo. Hindi ko na kayo
hahadlangan ni Zak." Nagkatinginan kami ni goon. Hindi ko alam kung gusto kong
maniwala or hindi. Baka kasi palabas na naman nya 'to. "Mahirap maniwala, I know."
Bigla syang napangiti. "Nakikita ko kasi sa'yo ang sarili ko dati. Nagmahal lang
din ako pero pinakasal pa rin ako ng parents ko sa iba. Pero alam mo ang pinagkaiba
natin anak - hindi ko pinaglaban ang papa mo. Hindi ko pinaglaban ang taong mahal
ko." Naramdaman ko bigla ang sincerity ni mommy. Pero bakit parang natatakot pa rin
akong maniwala sa kanya?

"Hindi nyo na kami makukuha sa kahit anong palabas. Sorry Mrs. Andrade pero hindi
ko na ulit isusuko ang anak nyo. At kukunin ko sya sa inyo oras na paghiwalayin nyo
kami." Mas humigpit ang kapit ni goon sa'kin.

"Sige." Pinunasan ni mommy ang mga luha. "Kunin mo na sya sa'kin kapag hinadlangan
ko pa kayo. Pero maniwala kayo sa'kin nagsisisi na ko at sana mapatawad nyo ko.
Hahayaan ko na kayong dalawa sa gusto. Basta makita ko lang masaya ang anak ko,
sasaya na rin ako. Kahit hindi ko naranasang sumaya hindi tama na pigilan ko rin
ang happiness ng nag-iisa kong anak." Lumapit pa lalo si mommy sa'kin pero hindi pa
rin kami nagbibitaw ni goon. "Anong gusto nyong gawin ko? Lumuhod? Sige gagawin
ko." Biglang lumuhod si mommy sa harapan namin. Bagay na kahit minsan hindi pumasok
sa isip ko na gagawin nyo.

Bumitaw ako kay goon at tumakbo papalapit kay mommy. "You don't have to do that
mom. Tumayo nga kayo! Bakit kayo lumuluhod!!!" naiinis ako kahit paano kasi kung
pinaniwalaan ko na sya agad hindi na nya yun gagawin. Ang mommy ko na ginagalang at
kinakatakutan ng lahat lumuhod sa harapan namin. Sobrang hirap sa kanyang gawin yun
pero ginawa nya.

"Pinapatawad mo na ba ko ha anak?" nagnod ako at bigla naman nya akong niyakap.


Inalalayan ko syang tumayo at tiningnan ko sya. Parang hindi sya ang mommy ko. Wala
syang ayos ngayon at ang lalim pa ng eyebags nya. Parang hindi sya nakatulog.

Tumingin ako kay goon at iniabot ko ang kamay ko sa kanya. Humawak naman sya agad
sa'kin. "Sinasabi lang namin sa inyo mommy na mahal namin ang isa't-isa. Mas
gugustuhin pa naming mamatay ng magkasama kesa paghiwalayin nyo kami.

"Uy, may pinagusapan pa tayong ganun?" bulong ni goon sa'kin. Siniko ko naman sya
agad. "Opo kahit mamatay pa kaming dalawa."

Ngumiti si mommy at hinawakan ang kamay namin ni goon na magkahawak. "Ayoko naman
talaga sa'yo para sa anak ko."
"Mommy!!" tiningnan ko sya ng masama. Babalik na naman sya sa dati.

"Pero dahil ikaw ang mahal dapat mahalin na rin kita." Ang sarap sa pakiramdam na
marinig yun mula kay mommy. Na tanggap na nya si goon. Tanggap na nya na
nagmamahalan kami. Ito na ata ang pinakamagandang araw sa buhay ko. "Hindi ko
kukunin o ilalayo sa'yo ang anak ko hangga't ikaw ang pinipili nya. Hanggang ikaw
ang gusto nyang makasama at hanggang hindi sya lumalayo sa'yo. Dahil kapag dumating
ang araw na ayaw na sa'yo ng anak ko at hindi na sya kusang sasama sa'yo, sinasabi
ko na, hindi ko sya pipilitin at hindi ko na sya bibigyan ng chance na makabalik."
Seryoso lang si mommy sa pagsasalita kahit hindi ko alam kung anong gusto nyang
mangyari.

"Mommy hindi yan mangyayari. Walang reason para mapalayo ako sa kanya at hinding-
hindi ko gugustuhing malayo sa kanya." Niyakap ko si goon. "Sya na ang gusto kong
makasama habang buhay at masaya ako dahil may basbas nyo na kami."

"Alexa! Pumayag lang ako sa relasyon nyo hindi sa kasal! Anong basbas ang sinasabi
mo dyan!!" nagulat kami sa biglang pagsigaw ni mommy. Inakbayan ko naman sya para
makalma.

"Oo nga po. Sinasabi ko lang naman na dun din yun pupunta. Kayo talaga, masyado
kayong high blood." At nagtawanan kami. Niyakap ko si mommy at tumingin sya kay
goon. Ngumiti naman si goon at yumakap din kay mommy.

"Di ko akalaing dalaga na talaga ang baby girl ko." Bulong ni mommy sa'min.

"Akala nyo lang po yun Mrs. Andrade." Kinurot ko si goon at nagulat ako dahil
kinurot din sya ni mommy. "Bakit nyo ko pinagtutulungan?"

"Stop calling me Mrs. Andrade, call me tita Ember." Mas lalo kong niyakap si mommy
ng mahigpit dahil sa sinabi nya. Iniisip ko nga kelan ko ba sya huling nayakap ng
ganito eh. Hindi ko na matandaan so meaning sobrang tagal na din pala.

"So mommy I can go back to my house?" excited na sabi ko. Babalik na rin naman ako
sa school so wala na akong problema.

"No! That depends. Aalis na kasi ako sa isang araw at ayokong maiwan ka mag-isa sa
boyfriend mo so iniwan ko ang kuya Geoff mo." Bigla akong nadisappoint. "Pwede ka
lang magstay sa bahay mo kapag may kasama kang helpers. Dahil kung hindi ka papayag
body guards ang ipapadala ko dun para bantayan ka."
"Helpers will do!" niyakap ko ulit si mommy. Naglakad kami papunta sa sasakyan nya.

"May nakiusap nga pala sa'kin. Gust ka daw nyang makita at makausap." Hinawakan ako
ni mommy sa dalawang kamay. "Sana mapagbigyan mo sya. He's a good person." Niyakap
ako ni mommy tsaka binuksan ng body guard nya ang sasakyan. "Basa Bequisterito sya
ngayon at iniintay ka. Puntahan mo na sya ngayon." Tumingin sya kay goon. "Ingatan
mo ang anak ko dahil kung hindi - " tumingin sya sa mga body guards na kasama nya.

"Ipapagulpi nyo po ako sa mga body guards nyo. Got it ma'am - I mean tita Ember."
Inakbayan ako ni goon at halatang ninenerbyos sya. Nakakatawa yung itsura nya.
Parang namumutla na hindi mo maintindihan.

"Mauna na ako at may aasikasuhin pa ko." Ngumiti lang si mommy tsaka pumasok sa
kotse. Nakangiti lang ako habang tinitingnan kong papalayo ang sasakyan ni mommy.
May part ng utak ko ang nagsasabing dapat wag akong maniwala, pero nararamdaman ng
puso ko na nagsasabi sya ng totoo. Pakiramdam ko sobrang lungkot ni mommy ngayon at
hindi ko alam kung bakit.

"So sinong pupuntahan natin sa Bequisterito?" tanong ni goon sa'kin.

"Di ko alam. Puntahan na lang natin para malaman." Naglakad kami papunta sa
sasakyan ko. Umakyat lang sandali si goon para magpaalam at bumaba din agad.

"Where's the key?" inihagis ko agad sa kanya bago pa sya matapos magsalita. "Good
girl." Ang ganda ng ngiti nya. Syempre ako din naman at magaan naman ang pakiramdam
ko. "Magdate na din kaya tayo dun after mong kausapin kung sino man ang nandun."

"Paano kung si Channing?" biglang nawala yung ngiti nya at parang nagdadalawang
isip na paandarin ang sasakyan. "Joke lang. Kasama naman kita no!"

"Wag syang magkakamali! Legal na ko no! Wala na kong problema. Aangkinin na kita
kahit saan at kahit kelan." Bigla naman akong namula sa sinabi nya. Parang bigla
akong hindi naging comfortable. "Bakit ka namumula dyan? ANong bang iniisip mo? Hoy
hoy hoy aswang kung may iba kang naiisip - "

"Wala akong naiisip no!" I cut him off. "Mag-drive ka na nga lang dyan. Masyado
kang masaya dahil payag na si mommy. Pero narinig mo kapag di mo ko inalagaan
ipapabugbog ka nya sa mga body guards namin." Bigla syang napatawa.
"Kahit sumama ka pa di ako natatakot." Hinampas ko sya sa shoulder. Napaka nitong
lalaking 'to. Ang yabang. "Tsaka aalagaan naman kita, pati ang magiging baby
natin." Napangiti ako habang nakatingin ako sa kanya. Salita lang sya ng salita
habang nagda-drive. Dami nyang plano sa magiging baby namin, sa magiging bahay
namin, sa magiging buhay namin.

"Teka lang! Baby agad ang plano mo hindi pa nga tayo kasal!! Siraulo ka talaga!!!"
napakamot sya sa ulo at napatigil sa pagsasalita.

"Akala ko lang makakalusot. Papakasalan syempre muna kita. Excited ka na no?"

"Hindi no! Nag-aaral pa kaya ako. Bakit naman ako maeexcite." Kunyari hindi ako
naeexcite pero ang totoo excited na ko. PWede na naman akong magpakasal pero
syempre di ko yun sasabihin sa kanya.

"Ah ganun? Ako kasi excited na. Kaya lang wala pa kong madaming pera. Di ko kaya
yung malakihang kasal eh. Kaya sorry pero matagal ka pang maghihintay." Sa sobrang
tuwa ko nahalikan ko sya bigla sa cheek sabay tingin sa road.

"Bilisan mo na lang dyan at baka makaalis na yung taong gusto akong makita."
Pinipigilan ko lang ang saya na nararamdaman ko ngayon. Nakahinga na kasi ako ng
maluwag. Lahat ng sakit na dumaan napalitan ng saya.

"Aye aye commander." At nagdrive na lang si goon papunta sa aming destination. Sino
kaya ang sinasabi ni mommy na naghihintay sa'kin? Sana naman hindi 'to isa sa mga
plano nya. Baka kasi kung ano na naman ang pinaplano nya at ang pagkuha sa trust
namin ni goon ang first step. Wag syang magkakamali dahil sinisigurado ko hindi ko
na sya mapapatawad, and this time totoo na.

A/N

Please read my new completed short story "O Pare Ko!". Thank you.

And dahil #1 tayo sa Teen Fiction and Humor plus magbi-birthday ako we will be
having a twitter party this Friday at 12 noon. Get a chance to be the next
fictional character. Kapag nanalo kayo pwedeng mapasama ang name nyo sa story ng
PH, dedication sa next chapters, follow back sa twitter at fan signs from fictional
characters. You can even talk to them. Yes tatawagan namin ang winner. Lahat yan
this Friday. Like our official Facebook Page "Perfect Haters by megladiolus" for
more details. Thank you.

*******************************************
65
*******************************************
ALEXA'S POV

Dumating kami dito sa Bequisterito. Parang Italian restaurant sya. Pagbaba namin
may mga crew pa na nagda-direct sa'min papasok sa loob.

"Do you have any reservations ma'am?" tanong nung sumalubong sa'min sa loob.

"Uhm - " tumingin ako sa paligid at wala akong makitang pamilyar na mukha. " - I'm
here to meet someone but not sure who that person is. But my mom told me he's here
already."

"May I know your mother's name?"

"Ember Ciesleila Andrade." I answered.

"Wow dun pala galing yung Ciesla mo." Bulong ni goon sa'kin at ngumiti lang ako.

May tiningnan yung crew sa hawak nyang tablet. "Table 15 ma'am, this way."

"So hindi pala ako ang may ka-meet kundi si mommy. Kapag talaga 'to set up patay
sya sa'kin." Sabi ko kay goon habang sinusundan namin yung crew. Humawak naman ako
sa kamay ni goon.

Tumigil yung crew at nakaturo sya sa table kung saan may lalaking nakaupo at
nakatalikod sa'min. "Thank you." Sabi ko sa crew. Dahan-dahan kaming humarap dun sa
lalaki at nagulat ako ng makita ko ang papa ni luke na technically papa ko rin.

"Oh my - Alexa." Gulat na gulat yung lalaki na parang hindi ineexpect na makikita
ako dito. Bigla syang napatingin kay goon at napanganga na parang nakakita ng
multo.

"Tito I'm real. Alive and kicking!" yumakap pa si goon kay tito.
"This is a surprise. I thought si Ember ang makikita ko but here you are. Sit
down." Ang gentleman ng goon ko, pinagusod pa nya ko ng chair.

"Sa labas lang ako ha." Sabi ni goon sa'kin at napatingin ako sa papa ni Luke.

"No no need Zak. Hindi ka na din naman bago sa'kin. You can stay." Napangiti naman
ako. Hindi na naman nakipagtalo si goon at umupo na rin sya. Hinawakan nya agad ang
kamay ko sa ilalim ng table. I need it lalo na ngayong kinakabahan ako.

Tahimik lang kami at walang nagsasalita. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong
sasabihin eh. "Pumili na muna tayo ng food." Sabi ng papa ni Luke habang napili ng
food. Pumili na din naman kami ni goon. After kunin ng waiter ang order namin balik
awkward mode kami. Hindi ulit makapagsalita.

"Let me properly introduce myself. I'm Lucas Miguel Brettell, Luke's father."
Iniabot nya ang kamay nya sa'kin. "Alam ko na nakakagulat ang nalaman mo. Ako rin
nagulat eh. Hindi ko inaasahan na magkakaanak ako sa babaeng mahal ko. Actually
hindi ko inaasahang magkikita pa kami." Bigla syang napaisip sandali. "Kinukwento
na sya sa'kin ni Luke at nagulat talaga ko ng malaman kong sya ang tinutukoy nya.
Hindi ako makapaniwala. Hindi naman kasi sya ganyan dati." Parang bumabalik sa
kanya ang mga nangyari ng past at naaalala nya ang lahat. "High school palang kami
ng mommy mahal na namin ang isa't-isa. Pero mahina ang loob nya. Nung sinabi ng
parents nya na ipapakasal sya kapag nag18 years old sya wala syang nagawa kundi ang
umiyak ng umiyak. Sinubukan nyang kausapin ang parents nya pero wala syang nagawa.
Kinulong sya sa bahay at hindi pinalabas hanggang sa araw ng wedding nya. Dahil
kilalang pamilya ang mga Ronthy at Andrade, balita sa buong lugar ang kasal nila.
Magandang business partnership ang simula ng kasalan na yun. Akala ko masaya na si
Ember nang magkita ulit kaming dalawa. Dun ko nalaman na may kasintahan ding
naiwanan ang napangasawa nya. Halos hindi nila ituring na mag-asawa ang isa't-isa.
Dahil sa gusto ko na rin makalimot nagpakasal na rin ako sa ibang babae. Mayaman
din at mabuting tao pero hindi ko pa rin makalimutan ang mommy mo kahit anak ko na
si Luke nun kaya humiling ako na magkita kami kahit sa huling pagkakataon. At ang
huling pagkakataon na yun hindi ko akalaing magbubunga ng isang magandang
nilalang." Napatawa naman ako kasi seryoso syang magkwento tapos biglang ngingiti.
Di ko alam kung nagda-drama ba sya or ano.

Dumating ang orders namin at hindi pa rin kami nagsasalita ni goon. Biglang
napatingin ang papa ni Luke sa'kin. "Teka - ikaw ang anak namin ng mommy mo. Ikaw
ang bunga ng pagmamahalan namin tapos ikaw Zak di ba ikaw din ang anak ng papa ni
Alexa? Ang bunga din ng pagmamahalan nila ng mommy mo?" napaisip din ako bigla. Oo
nga no? Ang liit talaga ng mundo at kami pa yung nagkakilala. "Kayong dalawa ay
bunga ng mga totoong pagmamahalan, kaya siguro ganyan nyo na lang mahalin ang isa't
isa."

"Siguro nga po sir." Sagot ko sa kanya. Nakatingin lang ako kay goon at nakatingin
lang din sya sa'kin.
"Sir? Pwede bang papa na lang?" tumingin ako ng diretso sa kanya. "Joke lang. Di mo
naman kelangan gawin kung ayaw mo." Tapos tumawa sya ng tumawa. Hala, may
pagkabaliw din ata 'tong papa ni Luke. Natawa kahit wala namang nakakatawa.

"Wala naman po sa'kin yun papa." Bigla syang tumayo sa inuupuan nya at yumakap
sa'kin. "Okay lang po ba kayo?"

"Masyado lang akong masaya. Kasi naman may anak na kong babae. Ang ganda pa."
humiwalay naman sya agad at bumalik sa upuan nya. "Pinapunta ko din dito si Luke.
Ang tagal nga eh, kasama ata yung mga kaibigan nya kaya matagal.

"Naku mga lasing po kasi." sabi ni goon at napatawa naman ang papa ko - oo ang papa
namin ni kuya Luke. Grabe hindi ako sanay pero masasanay din siguro ako.

Kakatapos lang naming kumain ng biglang sumulpot si Luke. "Pa!" yumakap si Luke sa
papa namin. "Yo dude nandito ka rin." Humarap sya kay goon.

"Oo dude." Yumakap si Luke kay goon.

"Yo sis nandito ka din." Yayakap sa'kin si Luke ng humarang si goon.

"Oo dude nandito nga sya." Nagtataka ang itsura ni Luke pero yumakap na rin sya kay
goon.

"Hi kuya." Bati ko sa kanya ng yayakapin na nya ko at yayakapin ko na sya ulit pero
bigla ulit yumakap si goon sa kanya.

"Namiss kita talaga Luke. Grabe dude." Nakatingin ako ng masama kay goon. "Bakit?
Gusto ko syang yakapin bakit ba?"

"Si Lex naman pwede?" inakbayan ako ni goon.

"Masakit ang braso nyan. Hindi makakayakap. Ako na lang ang yayakap para sa kanya."
Nakangiting sabi ni goon.
"Naku may meeting pa pala akong pupuntahan. Masyado akong nalibang sa oras. I need
to go mga anak." Nagbeso sa'kin si papa at yumakap naman kay kuya Luke. "Bantayan
mo ang kapatid mo ha." Sabi nya kay kuya Luke.

"Aye aye pa." ang laki ng ngiti ni kuya Luke bago tumingin sa'min. "Narinig mo yun
dude? Babantayan ko ang little sister ko. Kaya usod!" hinawakan nya ang kamay ni
goon na nakaakbay sa'kin. "Alisin mo yan! Harrassment yan eh."

"Grabe ka dude! Akbay lang harassment na!!" mukhang naiinis na si goon. Natatawa
naman ako. Nagkaron ako ng bagong protective na kuya.

"At Lex kapag may hindi magandang ginawa sa'yo si Zak tawagan mo lang ako. Walang
kai-kaibigan kapag sinaktan ka nito." Nagnod lang ako habang nakangiti at
pinapanood sila ni goon. "You can call me kuya kapag gusto mo or kapag ayaw mo
pwede na rin."

"Kuya - sige kuya Luke. Parang di ako sanay." Naiilang ako sa tawag ko sa kanya
kapag ganun.

"Alam ko kung bakit - kasi kapag tinawag mo kong kuya para mo na ring tinawag na
kuya si Zak." Tumatawang sabi ni Luke na may paghampas pa sa table.

"Ah ganun pala ha!!" binatukan ni goon si Luke at muntik nang tumama ang noo nya sa
table sa lakas ng impact.

"Ay dude namimisikal ka ha. Dun tayo sa labas." Tumayo si Luke at sumunod naman si
goon. Hala naku magkakaron ba ng away? Naman 'tong dalawang 'to eh. Syempre tumayo
ako agad at sumunod sa kanila.

"Hoy pwede ba tumigil na kayong dalawa. Tatamaan kayo sa'kin!!" sabi ko bago kami
makalabas ng restaurant.

"Mga dude!" biglang sumalubong sa'min ang ibang Sterke Geest. "Si Zak oh ayaw
ipayakap sa'kin ang sarili kong kapatid." -_- akala ko naman mag-aaway na sila.
Magsusumbong lang pala sya.

"Ano ka ba naman Zak, magkapatid naman sila. Walang masama sa pagyakap." Sabi ni
Rich na nakasandal sa kotse nya at nilalaro ang car keys.

"Pakialam nyo ba!! Eh sa - ano - sa hindi pa ko sanay!" Nagtinginan ang mga Sterke
Geest. Oh no, hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

Tiningnan ko sila with a confusing look pero di nila ko pinansin.

"Ang arte mo naman dude!" sabi ni Tuck. "Eh nung akala nga naming patay ka na lahat
kami niyakap si Lex. Isa-isa pa kami." Eto na nga sila. Alam naman nilang pikunin
'tong isa inaasar pa din nila.

"A - ano?!!!!!!!" hala naniwala na nga si goon.

"Hinalikan pa kaya namin si Lex. Syempre nakikiramay kami. Iyak sya ng iyak. We
need to comfort her. You should thank us dude." Dinugtungan pa nga ni Rich.

"Mga ungas talaga kayo! Bakit kelangang may halik pa!! Nakikiramay lang kayo ah!!"
tumingin sa'kin si goon pero di sya nagsalita.

"Sorry dude. Nung akala ko ngang nawala ka balak kong tawagin ka na din na goon
para lagi kitang maalala." Rich continued.

"Kapag pinulbos ko yang mukha mo ngayon maalala ka din ng pamilya mo!!!" tumakbo si
goon papalapit kay Rich. Kahit kelan uto-uto talaga 'tong si Zak.

"Dali na Luke yakapin mo na si Lex. Malayo na si Zak!" nagulat ako biglang sumulpot
si kuya Luke sa tabihan ko at niyakap ako.

"Yehey! Ang bango ng sister ko!!!" hinalikan pa ako sa ulo ni kuya Luke. Di talaga
ko sanay. Pero alam kong wala namang ibang meaning ang hug nya kasi nga magkapatid
kami.

"Hoy Luko ka! Alisin mo yang madumi mong kamay sa girlfriend ko!!" Nahawakan ni
Rich at Tuck si goon sa dalawang braso. "Anong ginagawa nyo?"
"Lex aminin mo na kay Zak, na nung nawala sya sabi mo ako na ang ipapalit mo sa
kanya." Nakangiting sabi ni Tuck.

"Hoy ang kapal mo wala akong sinasabing ganyan Tuck!" sigaw ko sa kanya. Siraulo
talaga 'to kahit kelan.

"Ay hindi ba ikaw ang nagsabi nun?" Parang nag-isip sandali si Tuck. "Ah ikaw pala
nagsabi nun Zak. Nagpakita kaya ang kaluluwa mo sa'min."

"Mga ungas talaga kayo! Buhay nga ko paano ko magkakaron ng kaluluwa." Nakawala si
goon sa pagkakakapit ni Tuck at Rich at tumakbo agad papalapit sa'min. Syempre
umiwas naman agad si kuya Luke. Nanakbo sya papalayo sa'min at papalapit kay Trav.

"Pero ang totoo dude, si Trav talaga ang may plano kay Lex. Nagulat nga kami eh,
kasi tatahi-tahimik sya pero tataluhin ka pala." Kahit si Trav gulat na gulat sa
sinabi ni kuya Luke.

Umakbay lang sa'kin si goon at ang ganda ng ngiti nya. "Namiss nyo talaga ako no?
Namiss nyo kong pagtripan." Hinalikan ako ni goon sa noo. "Pero sorry mga dudes,
nagbago na ko. Hindi nyo na ko mauuto."

Biglang nagtawanan ang mga Sterke Geest. "Kahit nagawa mo na kanina - mga five
minutes ago." Sabi ni Val. Nandito pala sya, di ko agad napansin. Busy kasi sya sa
pagtetext.

"Syempre joke ko lang yun para sumaya ako. Alam ko namang hindi totoo ang mga
sinabi nyo. May tiwala pati ako sa mahal ko no." tumingin sa'kin si goon. "Di ba?"

Ako medyo tulala ng konti. Ang gwapo kasi pero di ko pinahalata masyado na di ko
kayang tagalan ang gwapo nyang mukha. "Uhm goon my loves - " syempre di ko alam
paano sasabihin, " - kasi totoong niyakap nila ako nung akala namin patay ka na."
nawala bigla yung magandang ngiti ni goon. Parang anytime manununtok sya.

"Dude uwi na ko sakit ng ulo ko eh." sumakay ng kotse si Tuck.

"Ako din, may hangover pa ko." Sumunod si Rich. Di na nagsalita si Trav at Val.
Pumasok na din sila sa kanya-kanya nilang kotse.
"Bye little sister. Pasyal ka sa bahay minsan ha." Nagflying kiss lang sya at di na
tumingin kay goon. Mabilis syang sumakay sa kotse at naguna-unahan silang umalis.

"Mga siraulo kayo!!! Wag kayong papakita sa'kin!!!!!" sigaw ni goon sa mga
papalayong kotse ng Sterke Geest. Tumingin sa'kin si goon na magkasalubong ang
kilay pero nakangiti lang ako. "Anong ngini-ngiti mo dyan? Kinikilig ka sa mga
yakap nila no!!"

Mabilis akong lumapit sa kanya at binatukan ko sya. "Kinikilig? Halos sumunod na


nga ko sa kabilang buhay sa'yo tapos sasabihin mo kinikilig ako?"

"Hindi ka kinilig?" bulong nya pero sa ground sya nakatingin at hindi sa'kin.

"Hindi nga!!!!! Bahala ka nga dyan!" tumalikod ako pero bigla nya kong hinigit.

"Naninigurado lang. Ang sa'kin ay sa'kin lang. Walang pwedeng umagaw kahit kaibigan
ko pa." Hinawakan nya ko sa waist at sa cheek. "Kung lahat ng anghel kamukha mo - "

"Gugustuhin mo nang mapunta sa langit?" wow ang sweet naman ng goon ko.

" - hindi. Ayoko nang maranansan pang mamatay. Isang ikaw nga lang ang sakit na sa
ulo, marami pa kaya." Bigla akong sumingot. "Pero syempre, nag-iisa lang ang
katulad mo. Kahit sa hell pa ko mapunta kung nandun ka okay lang."

"Aba ikaw nalang pumuntang hell. Pupunta ka lang dun idadamay mo pa ko." Bigla ko
syang tinulak.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Tumingin ako kay goon. "Hindi sa'kin yun. Wala na ngang kong phone di ba?" oo nga
naman. Bigla syang lumapit sa'kin.

Slight turn of the head


Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

"Tingnan mo na dali. Sino ba yang natawag sa'yo?" syempre kinuha ko na agad ang
phone ko at nakita kong si kuya Geoff ang natawag.

"Kuya bakit?"

[Where are you? You need to come home. Si papa aalis na. Nakikipaghiwalay na sya
kay mommy.]

"What? Kuya pigilan mo si papa. Pauwi na ko." Then ibinaba ko na ang phone.

Nagkatinginan lang kami ni goon at tsaka kami sumakay sa kotse. Walang sabi-sabi
nagdiretso kami sa mansion. Mabilis akong bumaba at nakita ko ang kotse ni papa.
Nilalabas din ng mga maids ang iba nyang gamit.

"Bitawan nyo yan." Utos ko sa mga maids. Pumasok ako agad sa loob at nakita ko si
papa kausap si kuya. "Pa!" napalingon sya agad sa'kin at niyakap ko sya. "Pa bakit
kayo aalis? Dahil ba hindi nyo ko anak iiwanan nyo na ko?"

"Sweety don't say that. Ikaw pa rin ang little princess ko kahit anong mangyari."
Pinunasan ni papa ang luhang tumulo sa mata ko.

"Bakit kayo aalis?" niyakap ko sya ulit.

"Dahil niloko ko sya." Bigla akong napatingin sa likuran namin at nakita ko si


mommy.

"I need to go sweety." Hinalikan ako ni papa sa noo pero pinigilan ko sya.

"Wait pa, mag-usap muna kayo ni mommy." Tumingin si papa kay mommy pero parang wala
syang nakita.

"I'm sorry Ferne! You can't blame me. Ganun ka rin naman. Buong oras mo nauubos sa
kakatingin ng litrato ng isang bata. Alam kong may kasalanan ako pero may kasalanan
ka rin." Minsan ko lang talagang makita si mommy na magsalita na hindi galit, na
walang kahit anong pride.

"Kaya nga tinatapos ko na ang lahat ng mga kasalanan natin! Para wala ka ng
problema!!" tumalikod si papa at nilampasan ako ng bigla nyang masalubong si Zak.
Nagkatinginan silang dalawa at parang nagkakailangan pa.

"Sa - sana naman po wag nyong sirain ang pamilya nyo. Para po kay Alexa." Sabi ni
goon. Lumapit ako sa kanya at humarang kami kay papa.

"Pa please, lahat naman nagkakasala. Lahat nagkakamali pero hindi maitatama ng
isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Kalimutan nyo na ang nangyari at
magsimula ulit kayo ni mommy." Hinawakan ko sa kamay si papa. "Kahit minsan ba
hindi nyo natutunang mahalin si mommy ha pa? Kahit konti lang?"

Hinawakan ni papa ang dalawa kong kamay. "Nung araw na dumating ka sa buhay namin
sweety dun ko naramdaman na kumpleto na ako, na kumpleto na ang pamilya natin. Ang
mommy mo, ako, ang kuya mo at ikaw."

"Alam ko papa hindi tayo isang masayang pamilya pero wag mo naman akong iwan. Wag
mo kaming iwan nila mommy." Biglang sumulpot sa tabihan ni papa si mommy.

"I'm sorry kung hindi ako naging mabuting ina at mabuting asawa pero maniwala kayo
sa'kin mahal ko ang pamilya natin. Kaya please Ferne magsimula tayo ulit." Tumingin
si papa kay mommy then sa'kin.

"Papa, please naman." Lumapit na rin si kuya sa'min. "Alam kong hindi ako part ng
family na 'to pero ayokong masira 'to dahil lang mga nangyari."

"Don't say that Geoff! Anak ka namin at mahal ka namin!!!" niyakap ni mommy si
papa. Ngayon ko lang nakitang ganito ang family ko. Kailangan ba laging may
mangyari munang hindi maganda para marealize ng isang tao kung gaano kahalaga ang
mga tao sa paligid nya?

"Maswerte po kayo may chance pa kayong itama ang mga mali dahil kumpleto pa kayo.
Pwede pa kayong maging masaya. Kami po hindi na dahil wala na si mommy." Nalungkot
ako para kay goon dahil naalala ko na family ko ang may kasalanan kung bakit nawala
ang mommy nya. Kinuha ko ang kamay nya at hinawakan ko.

"I'm sorry Zak. I'm sorry. Masyado lang talaga kaming natakot that time muntik ng
mawala ang anak namin sa'min. Sana mapatawad mo ko." Sabi ni mommy kay goon.

"Nangyari na po yun. Hindi na din naman maibabalik kahit habang buhay po kayong
magsorry. Hindi na po mabubuhay si mommy. Sana lang po wag nyong ipagkait kay Alexa
ang isang kumpletong pamilya." Naiiyak ako kasi naman kahit saan at kahit anong
gawin ko sinusuportahan ako ni goon. Lagi lang syang nandyan sa tabi ko.

"Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng tatlong mababait na anak." Sabi ni papa.


Tumingin sya kay mommy. "I'm sorry Ember kung nabalewala kita dati. Alam mo naman
kung anong naging sitwasyon natin pero simula ng dumating ang Alexa natin sa
pamilyang 'to natutunan kitang mahalin." Ngumiti si mommy at niyakap nya si papa.

"Kaya ko nagawang ilihim sa'yo ang lahat dahil natatakot akong iwanan mo ko. Mahal
na kita noon Ferne, kaya I'm sorry." Yumakap si kuya sa kina mommy at papa kaya
nakiyakap na din ako. Hinigit din ni kuya si goon para makiyakap din sa'min.

Ang gaan ng pakiramdam ko. Sobrang nawala lahat ng worries. Feeling ko nga ending
na ng kwento ng buhay namin kasi masaya na kaming lahat. Kami ni goon, ang family
ko ang lahat-lahat. Wala na kaming problema at ang sarap sa pakiramdam.

"Zak, kung gusto mong tumigil na rin dito welcome ka. Alam mo namang part ka ng
family namin." Sabi ni papa kay goon. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila ganun
din si kuya Geoff. Kumapit lang ako kay goon at nakangiti. Imagine kung dito na sya
titira hindi na ko babalik sa bahay ko. Syempre umaga hanggang gabi magkasama kami.

"Thanks po pero hindi ko po maiiwan sila papa at Cia. Dadalaw na lang po ako dito."
Tumingin sa'kin si goon at nakita nyang medyo nakasimangot ako. "Isa pa hindi po
magandang tingnan na magkasama kami ni Alexa sa iisang bahay." Oh wow, sobrang
gentleman talaga nya.

"Well, in that case lumalabas na magstep brother and sister kayong dalawa."
Napatingin ako kay papa as in with gulat effect sa mukha ko.

"Pa okay lang naman yun dito sa country natin. Di tulad sa ibang bansa. As long as
hindi kami magkadugo. Pa naman ih!!" ngumiti si papa sa'kin pati na rin si mommy.
"Wala naman akong sinabing hindi kayo pwede sweety ah. Mas okay pa nga sa'kin na
dalawang anak ko ang mag-aalaga sa isa't isa." Bigla syang sumeryoso at tumingin
kay goon. "Pero kung ako ang tatanungin nyo ngayon, ayoko. Pareho ko kasi kayong
anak. Kaya kung magkakaron ng chance na isa sa inyo ang umayaw, hindi ko na
pipiliting magkabalikan pa kayo."

"Yan din ang sinabi ko sa kanila." Sabi ni mommy. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Wala na namang ibang reason para maghiwalay kami di ba?

"Mommy, papa, wala na pong reason para umayaw pa kami sa isa't isa. Kaya hindi na
po mangyayari yang gusto nyo. Maging masaya na lang po kayo para sa'min." Sabi ko
sa kanila. Humawak ako kay goon at halata sa mukha nya na nagworry din sya. "Umayos
ka nga. Pinaglalaban na nga kita sa parents natin oh. Hindi mo naman ako papalitan
di ba?"

"Syempre hindi. Ang inaalala ko ikaw. Baka umayaw ka sa'kin." Seryoso nyang sabi.

"Ayan kasi pa binigyan nyo pa ng isipin ang dalawa kong kapatid. Ipapasok nyo na
nga lang ulit yang mga gamit nyo." Sabi ni kuya kay papa.

"No need Geoff. Aalis na din naman ako bukas at kasama ang papa nyo syempre." Sabi
ni mommy at tumingin sya kay papa habang nakahawak sa waist ni papa. Dito pa daw
maglambingan.

"Well wala na naman tayong gagawin, tara na lang muna sa room." Bulong ni papa kay
mommy habang si mommy ang landi ng tawa.

"Pwede ba mommy nakakahiya kayo. Kung kelan kayo nagsitanda tsaka naman." Sabi ko
sa kanilang dalawa. "Dun na nga kayo sa taas."

"Anak kapag tumatanda mas lalong - "

"Ahhhhhhhhhhhh!!" Pinutol ko ang sasabihin ni papa. "Tama na kasi. Umakyat na lang


kayo sa taas kung aakyat kayo."

"Uy ang princess ko nahihiya sa boyfriend nya." Pang-aasar ni papa habang umaakyat
sila ni mommy sa itaas.
"Dyan muna kayo ha. Susunduin ko pa ang ate Fran mo." Napangiti naman ako sa sinabi
ni kuya Geoff.

"Parang meron na din ditong isa pang naiinlove." Umiling lang si kuya habang
nakangiti.

"Pwede mo namang matutunang mahalin ang isang tao kung gugustuhin mo lang." sabi ni
kuya sabay pasok sa loob ng kotse nya.

Nagkatinginan kami ni goon at napatawa na lang kami pareho. "Ang drama ng buhay
natin no?" sabi ko sa kanya.

"Sinabi mo pa. Sobrang complicated pa. Mabuti na lang at naayos din." Bigla nya
kong hinigit papalapit sa kanya.

"Hoy ano bang ginagawa mo. May CCTV sa bahay namin." Bulong ko kay goon.

"Oh eh ano? Wala naman tayong ginagawang masama." Tumingin sya sa paligid. "Pero
kung gusto mo sabihin mo sa'kin kung saan walang cctv at dun tayo gumawa ng
masama."

"Siraulo ka talaga kahit kelan!" tinulak ko sya. Alam ko namang inaasar lang ako
nito dahil alam nyang he's so irresistible.

"Uwi na muna ko. Anong oras na din kasi." kainis talaga sya. Paasa. Ituturo ko na
nga kung saan walang cctv eh tapos aalis naman sya agad. "Wag ka nang madisappoint
dyan. Pwede namang sa ibang araw na lang."

"Anong sinasabi mo dyan?" naku hindi maitatago ng namumula kong mukha ang
nakakahiyang scene na 'to.

"You're so predictable." Nakangiti nyang sabi. "I need to go. Tatawagan kita as
soon as makabili ako ng phone."
Ngumiti ako. "Wait may extra phone ako. Gamitin mo muna habang wala ka pang phone."
Kinuha ko ang phone sa bag ko at iniabot ko sa kanya. "Hindi ko yan ginagamit.
Kapag nalolobat lang yung isa kong phone. Ingatan mo yan ha."

Nakatitig sya sa cellphone na ibinigay ko. "He - hello kitty na phone? Ano bang
tingin mo sa'kin? Baka pagtawanan ako ni Cia nito."

"Grabe ikaw na nga ang tinutulungan dyan ang arte mo! Di wag kung ayaw mo!! Akin na
nga!!" kukunin ko na pero itinago na nya sa bulsa nya.

"Kelangan ko na talagang makabili ng new phone bago pa may makadiscover nito."


Napangiti naman ako at nahalikan ko sya sa cheek.

"Call me kapag nakauwi ka na ha." Wala na din naman syang magawa. Kinuha na din nya
yung phone. Humalik sya sa lips ko sandali. "Gusto mo ihatid na kita?"

"No need. Magtataxi na lang ako." Nagnod lang ako then nagwave na sya.

"Ihatid kita sa gate gusto mo?" naglakad sya paatras habang nakatingin sa'kin.

"Wag na. Gusto kong mamiss mo naman ako kahit sandali." Sigaw nya tsaka ulit
humarap sa nilalakaran nya. Pinanood ko na lang sya habang naglalakad hanggang
hindi ko na sya makita tsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Grabe bigla kong
naramdaman lahat ng pagod. Antok na antok na ko. Feeling ko mapasandal lang ako sa
kahit saan makakatulog na ko.

***************

ZAK'S POV

Mukhang wala atang nadaang taxi dito sa loob. Pagod na nga ko sa kakalakad kahapon
tapos lakad pa rin ngayon. Ang arte ko kasi bakit hindi pa ko nagpahatid? Alam ko
din kasing pagod pa si aswang. Gusto ko na din syang makapagpahinga muna. Ang sarap
kayang magpahinga ngayon lalo na't wala na kaming dapat problemahin. Ang gaan ng
pakiramdam ko. Sobrang saya ko dahil hanggang huli nakuha nya kong ipaglaban. Hindi
ako nagkamali ng babaeng minahal. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na poprotektahan
ko sya hangga't kaya ko. Papasayahin ko sya.
After ng mahabang lakarin finally nakalabas na rin ako at malapit na ko sa highway.
Makakapag-abang na din ng taxi. Nanghihina na ako at inaantok.

Umupo muna ako sa may bench habang nag-aabang ng dadaang taxi. Habang nagiintay ako
may naramdaman akong papalapit. Napatingin ako sa mga sapatos ng lalaking tumigil
sa harapan ko. Nakakaramdam ako ng ramble ah. Badtrip naman, kung kelan pagod ako.

"Flint Maliff A.K.A. Zak." Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ng nakangiti.

"Alam kong popular ako." Kalmado kong sabi. Inilagay ko pa ang dalawang kamay ko sa
sandalan ng bench na nakastretch.

"Mabuti naman at buhay ka pa dahil gusto pa kitang pulbusin!" ngumiti lang ako sa
sinabi ng mokong na 'to.

"Ngayon na ba yan?" tumayo ako sa bench at nagstretching ng konti. Nakita kong may
mga kasama pa syang paparating. Ang dami nila, hindi ko mabilang. Bwisit. Mukhang
ngayon ako matutuluyang mamatay ah.

"Kuya sya nga yun. Yung lalaking sumakal sa'kin sa park. Maangas yan kuya.
Pinapatabi ko yung motor nya dahil magpapark ako pero ayaw nya. Pati sila Elyas
pinatumba din nya." Tinitigan ko ang lalaking nagsasalita. Sinakal ko daw sya.
Mukhang pamilyar ang mukha nya kaya nag-isip ako ng mabuti.

"Ah natatandaan na kita. Malas mo kasi badtrip ako nun. Isa pa ikaw ang maangas - "
hindi pa ko tapos magsalita ng bigla akong suntukin ng lalaking tinawag nyang kuya.
Dahil nanghihinga ako natumba ako agad pero nasalo ako ng dalawa nyang kasama.
Nahawakan nila ako sa magkabilang braso. "Matapang dahil nag-iisa lang ako."

"Pero matapang ka din nung sinuntok mo kami kahit nag-iisa ka lang!!" sigaw nung
mokong na sinakal ko. Sana pala tinuluyan ko nay un. "Sinabi ko sa'yong babalikan
kita at ito na yung araw na yun!"

"Sya eh di tapusin nyo na ko ngayon palang. Dahil kapag ako ang nabuhay uubusin ko
ka - " bigla akong tinadyakan ulit nung lalaki. Hindi ko na alam kung sinong
sumusuntok sa'kin. Ang alam ko lang ang daming tumatama sa'kin at hindi ako
makakaiwas dahil hawak nila ako. Nakakagalaw ako at naiharang ko pa nga yung isang
nakahawak sa'kin para hindi ako mataaman pero sadyang marami sila. Sobrang
nanghihina naman ako ngayon. Napaluhod na lang ako sa lupa na tumutulo na ang dugo
sa bibig ko ng bigla akong sipain sa ulo ng lalaking kumag na yun kaya napahiga ako
sa kalsada. Mukhang ngayon ako mamamatay ah. Binigyan lang pala ako ng chance na
makita si aswang, kukunin din pala ako agad. Masaya naman ako at mamamatay ako na
alam kong nagmamahalan kami. Sorry aswang ha, hindi na pala kita mapapasaya.
Papaiyakin na naman kita.

A/N

Thank you so much dahil #1 pa rin tayo sa Teen Fiction. <3 At dahil dyan bukas
magkakaron kami ng Twitter Party, April 25 12noon. I'm inviting you all to join.
Prizes para sa mga mapipiling magtweet or pinakamaraming natweet are the following:

Fansigns from our Fictional Characters (Sterke Geest, Alexa,Jezhi and pati galing
sa'kin kapag may nagrequest. Hahaha)
Followback sa twitter
Dedication sa PH Chapter
Mapapasama ang name ng lucky winner sa next UD ng PH, so kung gusto mong ikaw na
yun, sali ka na bukas
If ever maging successful ang party tomorrow may chance nyong marinig ang boses ng
mga operators. Pwede din namin kayong kantahan, mga songers kaya mga yan. Haha

Kaya para sa mga gustong manalo, sali na. Follow nyo sa twitter @Official_Mela_B
@Perfect_Haters. I-like na ang official page for more details: Perfect Haters by
megladiolus

Pa-birthday nyo na 'to sa'kin. Sana sumali lahat. Gusto kong makita ang sumusuporta
sa PH. Thank you so much at mahal ko kayong lahat. <3

For the meantime, vote and comment muna kayo. :p And please do read my new story O
Pare Ko! Thanks :)

<3 megladiolus

*******************************************
66

*******************************************
This chapter is dedicated to PrincessLovelyFaith, the grand winner last twitter
party. Ang prizes nya ay dedication and kasama ang name nyang "Love Claire" sa
chapter na 'to plus FS from fictional characters. Thanks for joining our party.
****************************************

ZAK'S POV

Naramdaman kong may tumapak sa tyan ko kaya naman napadilat ako. "Lampa ka naman
pala. Alam naming hindi ka agad mamamatay. Ano na lang ang mangyayari kapag namatay
ka? Eh di pinadali lang namin ang paghihirap mo." Hindi naman talaga masakit ang
mga tama nila. Pagod lang talaga ako kaya hindi ako agad makaganti. Isa pa sobrang
dami nila, kung nandito lang ang Sterke Geest ubos 'tong mga 'to. Bakit kasi mga
nagsipag-inom sila eh.

"Oopps. Ano 'to?" napatingin ako sa hawak nung lalaki. "Hello kitty?" at nagtawanan
silang lahat. "Sa'yo ba 'to? Kaya pala lampa ka kasi - Bading pala." At lalo silang
nagtawanan.

Nahawakan ko ang paa nung nakatapak sa tyan ko at naibalibag ko sya. Mabilis akong
tumayo para kunin yung phone ni aswang pero nailayo nya agad. "Ibalik nyo sa'kin
yan."

Parang nagulat ang mukha nung may hawak ng phone. "Sino kaya ang magandang babaeng
'to." Nakita kong tinitingnan nila ang mga pictures ni aswang.

"Wala ka ng pakialam kung sino yan!!" kukunin ko na yung phone pero biglang
inihagis nung lalaki sa kasama nya.

"Nah -ah -ah. Bantayan mo syang maige. Dahil uubusin namin lahat ng malalapit sa'yo
- at sisimulan namin sa babaeng yan." Tumalikod sya sa'kin. "Tara na. Sa ibang araw
na lang natin 'to ituloy. Walang kwenta, hindi naman sya lumalaban." Nag-alisan na
silang lahat habang ako nakaupo lang sa ground. Sh*T ang phone ni aswang. Dapat
masabihan ko sya agad pero paano? Nahihilo na ko - umiikot ang paningin -

******************

ALEXA'S POV

"I know sis, kaya nga sobrang saya ko. Imagine okay na ang lahat. Perfect!"
nakangiti kong sabi habang nandito kami ni Jezhi sa cafeteria sa school at
kumakain.

"Naku sana naman sa'min ni baby ganyan din. Hindi ko pa kasi sya napapakilala kina
mommy. Natatakot pa kasi ako." Uminom sya ng juice at mukha talagang nagwoworry
sya. "Hindi pa din naman nya ko pinapakilala sa kanila."

"Don't worry sis, masyado pa namang maaga. Ienjoy nyo muna lahat. For sure naman
hindi kasing hirap ng situation namin ang situation nyo ni Val. Hindi naman kayo
magkapatid. Siguro naghahanap lang ng magandang timing yan si Val para ipakilala ka
sa kanila." Hinawakan ko ang kamay nya. "Kaya if I were you magpakasaya ka na
muna."

"Basta! Basta kukulitin ko sya na ipakilala na nya ko sa parents nya. I mean HELLO!
Una pa kaya kami sa inyo pero kayo okay na sa both sides." Ay naku nag-iisip bata
na naman ang babaeng 'to at kapag ganito hindi ka na nya pakikinggan kahit ano pang
sabihin mo.

"Alam mo naman ang mga pinagdaanan namin no! Kayo nga yan lang problema nyo tapos
sobrang nagwoworry ka? Sana nagpalit na lang pala tayo ng situation, kayo ang
complicated at kami ang okay." I rolled my eyes bago sumubo ng Caezar salad.

"Ayoko nga. Hindi naman ako brave na tulad mo. Kung sa'kin nangyari yun naku baka
uminom na ako ng maraming zonrox at natulog forever and ever para tapos na ang
painful feeling." Sabi nya sa'kin na akala mo eh napakadali lang magpakamatay.
"Hindi mo ba naisip na magpakamatay na lang?"

"Siguro, pero kasi kung magpapakamatay na ko eh di para na kong double dead nun.
Imagine para na kong pinatay nung nawala si goon. Pakiramdam ko kaluluwa na lang
ako na nasa hell na forever maghihirap." Napaisip ako at naalala ko yung mga
panahon na sobrang nasasaktan ako. Pero ngayon lahat yun nawala at pinalitan na ng
saya. "Pero alam mo kapag nalalampasan namin lahat ng problema, mas lalo naming
minamahal ang isa't isa. Alam mo yung pakiramdam na ginawa mo lahat para maayos at
hindi sumuko tapos malalaman mo sya din pala. Ang sarap sa feeling sis, hindi
normal ang relationship na walang problema. Dun mo kasi makikita kung gaano katatag
yung love nyo sa isa't-isa." Napatingin ako kay Jezhi at konti na lang parang iiyak
na sya. "O anong nangyayari sa'yo?"

"Pakiramdam ko kasi hindi kami ni Val para sa isa't isa. Una kasi hindi namin
nararanasan ang ganyang problema. Wala kaming mabigat na problema kaya hindi ko
maramdaman kung anong nararamdaman mo. Pero ayokong maranasan kasi - kasi
pakiramdam ko iiwanan nya ko sa ere." Umiwas ng tingin sa'kin si Jezhi at
nagpatuloy na lang sa pagkain. "Pero di naman ako nun iiwan. Tiwala lang." Ngumiti
sya ng malaki pero alam ko na fake ang smile nya na yun.

"Sis, kahit anong mangyari, kahit may problema kami ni goon pwede mo akong lapitan
at sabihan ng problema mo." Hinawakan ko sya sa kamay. "Okay? Kahit anong ginagawa
ko ititigil ko kapag kelangan mo ko."

Ngumiti lang sya at tinuloy ang pagkain.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Kinuha ko ang phone sa bag ko without looking kung sinong tumatawag dahil nga kay
Jezhi ako nakatingin.
"Hello?"

[Hi. Miss me?] Chineck ko kung sinong tumatawag at number lang ang nakalagay.

"Who's this?"

[Ouch! Ang bilis mo naman akong nakalimutan. Siguro hindi mo na ko talaga mahal
no?] Hindi ako nagsalita dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi kasi parang may
noise sa background. [Si Zak 'to!]

"Oh sorry. Hindi ko agad napansin. So nakabili ka na pala ng new phone."

[Yes at ikaw ang una kong tinawagan. Pero hindi 'to para ipalam sa'yo ang number
ko.]

"What do you mean?"

[Listen, may nangyari sa'kin kagabing masama. Nabugbog ako. I need you now.]

Bigla akong tumawa. "Ikaw nabugbog? Oh come on Zak! Don't fool me. Yan ata ang
pinakahuling bagay na paniniwalaan ko sa buhay ko." Kasi naman imposible naman
talagang mabugbog sya, hello underground champion tapos mabubugbog.

[Hindi mo naiintindihan. Masyado silang marami at hindi ko kinaya. Pinagtulungan


nila ako. Please puntahan mo ko.]

Napatayo ako ng marinig ang sinabi nya. "Hindi yan nakakatuwa goon ha!! Nasaan ka
ba?"

[Itetext ko sa'yo kung nasaan ako but please wag mong sabihin kahit kanino. Ayokong
masundan ka nila.]

"Okay okay. Itext mo na sa'kin agad at pupuntahan na kita."


[Sige.] At ibinaba na nya ang phone.

"Who's that? Anong meron at parang sobrang worried ka?" kinuha ko ang mga gamit ko
bago ko sagutin si Jezhi.

"Si goon yun. Nabugbog daw sya kagabi. Pupuntahan ko lang sya. He needs me now.
Please wag mong sabihin kahit kanino kasi baka balikan sya nung mga bumugbog sa
kanya." Nagbeso ako kay Jezhi at nagpunta na sa parking lot.

Nareceive ko ang place kung saan ko imi-meet si goon. Kelangan kong magmadali kasi
masyado akong nagwoworry sa kanya. Kasi kung isa syang fighter tapos nabugbog sya,
ibig sabihin sobrang delikado ang mga gumawa sa kanya nun.

*************

ZAK'S POV

Nasilaw agad ako sa sikat ng araw na galing sa bintana pagdilat na pagdilat ko.
Medyo masakit ang katawan ko. Ano nga bang nangyari sa'kin?

Bigla akong napabangon ng maalala ko kung anong nangyari kagabi. Nagulat ako ng
makitang meron na kong dextrose at nasa loob ako ng isang ospital. Paano ako
napunta sa ospital? Naalala ko si aswang. Dapat masabihan ko agad sya. Baka kung
anong mangyari sa kanya.

Tinanggal ko ang dextrose ko at nagmadali akong lumabas ng biglang bumukas ang


pintuan ng kwarto.

"Mabuti at gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ng isang babae.
Hindi ko naman sya kilala. Pakialam nya ba kung mabuti o masama ang pakiramdam ko.

Hindi ko sya pinansin at lalampasan ko na sana sya ng bigla nyang isara ang pinto.
"Umalis ka dyan!" sabi ko sa kanya.

"Mukhang okay ka naman kesa nang makita kita kagabi sa daan!" napaisip ako. Mukhang
sya ang nagdala sa'kin sa ospital.
"Salamat sa pagdala mo sa'kin dito. Babayaran kita pero sa ngayon I need to go."
Nakatingin lang sya sa'kin at parang hindi naniniwala. "Alam mo - ano bang pangalan
mo?"

"Love - Love Claire." Medyo ngumiti sya.

"Thank you sa pagtulong mo sa'kin Claire pero may importante pa kong bagay na dapat
gawin." Bigla kong naisip kung paano ko tatawagan si aswang. Wala nga akong kahit
ano. "Pwedeng - pwede mo ba kong pahiramin ng phone? Babayaran ko lahat sa'yo
promise." Parang hindi naman sya naniniwala kaya tumingin ako sa room at nakita ko
ang sticky note and pen sa may table. Lumapit ako agad dun at kinuha ko. "Here's my
name and my home number and home address. Kapag hindi kita nabayaran dyan mo lang
ako puntahan." Iniabot ko sa kanya at binasa nya lang. "Or pumunta ka sa AGC, papa
ko ang may ari nun." Biglang kuminang ang mga mata nya. Naku pangalan ko hindi nya
kilala, pero dahil alam nya kung ano yung AGC mukhang naniwala na sya.

"Sige. Kapag wala akong narinig from you after 24 hours pupunta ako sa AGC at
itatanong ko kung kakilala ka nila at hindi mo ko niloloko." Nagnod lang ako habang
natingin sa oras. Kinuha nya ang phone nya sa bag nya. "Nandyan sa phone ang full
name and address ko. Kung maisipan mong ipadala na lang ang bayad mo sa'kin kasama
an phone ko ng kusa para hindi na ko mahirapang manghunting sa'yo." Grabe naman
'tong babaeng 'to. Mukhang kopong-kopong yung phone nya at kulay pink na puro roses
pa tapos hindi makatulog kapag hindi ko nabayaran. "Ayoko ng ibang phone okay! May
sentimental value yan sa'kin at kapag yan nawala latest phone ang ibabayad mo
sa'kin."

"Oo na. Babayaran talaga kita." Kinuha ko yung phone at binukasan ko ang pintuan
pero humarap ulit ako sa kanya. "Salamat Love Claire." Ngumiti ako at nagmadaling
lumabas. Number lang sa bahay ang saulo ko kaya tumawag ako agad kahit hindi ko
sure kung nandun si papa at si Cia.

[Hello?] Sumagot si papa sa pangalawang tawag ko.

"Pa si Zak 'to. Umalis na kayo ni Cia ngayon dyan. Dumiretso na kayo dun sa dati
nating bahay."

[Bakit?]

"Ieexplain ko na lang sa inyo pero kelangan nyo na agad makalipat ni Cia. Ingatan
nyo si Cia papa at sumunod na lang kayo sa'kin!"
[Sige-sige. Pero paano ang iba nating mga gamit?]

"Ako na ang bahala dyan. Pumunta na kayo dun ni Cia okay?"

[Hindi ko alam ang nangyayari pero sana okay ka lang anak.]

"I'm fine pa. And another thing, pwede nyo bang isend sa number na 'to ang numbers
ng Sterke Geest?"

[Sige pero di ko alam kung kumpleto ang numbers nila sa phone ko ha.]

"Okay lang kahit isa lang sa kanila. I'll wait at pakibilisan. Thank you." Ibinaba
ko na ang phone at dumiretso na ko sa labas. Nagtaxi na lang ako at sa school ko
naisipang puntahan si aswang. After a minute nareceive ko na ang number na
hinihingi ko kay papa at syempre number ni Tuck ang una nyang binigay. Hindi na ko
nag-aksaya ng oras at tinawagan ko na sya agad pero hindi nya sinasagot. Iniisip
nya siguro na isa ako sa mga babae nya. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to.
Tinawagan ko ulit sya pero hindi nasagot kaya naisipan kong itext.

Hoy gunggong ka sagutin mo. Ako 'to si Zak! Emergency!!

Tatawagan ko na sya ulit ng biglang -

You do not have enough load to make a call. Please reload immediately.

"What the f*ck!! Hindi nakaline! Buwisit naman!" halos maibato ko na yung phone ng
maalala kong hindi nga pala yun sa'kin. Ano nang gagawin ko? "Manong pakibilisan sa
Standford!"

This one is for the boys with the boomin' system

Top down, AC with the coolin' system

"Ano ba naman manong yang sounds nyo!" baduy nito ni manong. Hindi naman sya
sumagot at parang kumunot ang noo nya.

When he come up in the club, he be blazin' up

Got stacks on deck like he savin' up

Nakita kong patay naman ang stereo ni manong kaya kinuha ko agad ang phone sa bulsa
ko.

And he ill, he real, he might got a deal

He pop bottles and he got the right kind of build

Number ata ni Tuck 'to kaya sinagot ko na agad pero nauna syang magsalita.

[Anong problema?]

"Isend mo dito ang number ni aswang. Tawagan nyo sya. Hanapin nyo sya. Bantayan nyo
at pupuntahan ko kayo."

[Hephephep, dahan-dahan lang. Ano bang nangyayari?]

"Natatandaan nyo yung lalaking sinakal ko sa park nung akala ko boyfriend ni aswang
si kuya Geoff? May tropa pala yun at pinagtulungan nila ko kagabi. Kinuha nila ang
phone ni aswang at sinabing uunahin nila sya."

[Sige-sige. Hahanapin namin sya dito sa school at susubukan kong tawagan. Dumiretso
ka na dito. Magkita tayo sa tambayan.]

"Salamat dude." Ibinaba na nya ang phone. Sana makita nya agad si aswang. Medyo
nabawasan ang kaba ko dahil may humahanap na sa kanya. Sh*t naman. Pinapasend ko
yung number ni aswang, wala nga palang load 'tong cellphone na 'to. Ito na lang
kaya ang ipangbato ko dun sa mga nambugbog sa'kin baka masaktan pa sila. Sobrang
bigat nito at parang hindi nasisira.

"Sir nandito na po tayo." Napatingin ako sa labas at nakita ko yung school.


Binayaran ko si manong at bumaba ako ng kotse. "Sir kulang pa po kayo." Hindi pa
nga pala ko nakakapagwithdraw at hindi ko pa narereport na nawawala ang cards ko.
Hindi ko alam ang gagawin at unang tinamaan ng mata ko ang isang grupo ng mga
babae.

"Wait lang kuya." Tumakbo ako agad sa kanila. "Hi girls."

"AHhhhhhhhhhhh!!!" wow ang lalandin lang ha. Sabay-sabay pang sumigaw.

"OMG si Zak yan." Hindi hindi, picture ko lang. Grabe 'tong mga 'to.

"Can you do me a favour please? Nakakahiya 'to pero kasi - " binulong ko sa kanila
kung anong kelangan ko at mga nagsipag-ngitian naman sila.

"No problem. Yun lang ba? Gusto mo bilhin na namin yung buong cab?" eh di sila na
mayaman.

"No need. Thank you girls. Ang babait nyo." Then I winked.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!" bago pa matapos ang sigaw nila tumakbo na ko papasok ng


school. Sana makita ko si aswang. Pinuntahan ko ang mga kalimitan nyang
pinupuntahan sa school pero wala sya dun. Sana makita ko si Jezhi. Tumatakbo ako
papunta na sana sa tambayan ng may bigla akong nakabangga. "I - I'm sorry - " at
kapag sinuswerte nga naman si Jezhi ang nakita ko.

"Zak? Bakit nandito ka? I thought may nangyari sa'yo? Hindi ba kayo nagpang-abot ni
sis?" kinabahan ako sa sinabi ni Jezhi.

"What do you mean nagpang-abot? Paano nyo nalaman na may nangyari sa'kin?" hawak-
hawak ko sya sa balikat na parang kinakalog ko na sya.

"Zak! Anong ginagawa mo kay baby?" paglingon ko sa likuran ko nakita ko si Val at


ang iba pero hindi ko sila pinansin.

"Sabihin mo sa'kin nasaan si aswang!!" inalis ni Val ang kamay ko sa balikat ng


girlfriend nya.
"What do you mean nasaan? Hello, ikaw kaya ang tumawag sa kanya kanina. Sabi mo
puntahan ka nya kasi nga may nangyari sa'yo. So dapat ikaw ang tanungin ko kung
nasaan ang bestfriend ko?" sagot ni Jezhi sa'kin.

Sa sobrang galit ko sinipa ko ang trashbin sa may tabihan namin. "Tuck - tawagan mo
si aswang! Tawagan mo sya!!!" Nakita kong tumatawag naman agad si Tuck.

"Ano bang nangyayari?" tanong Luke. "Bakit puro pasa ka? Nasaan ang kapatid ko?"

"Kinuha nila sya! Ang mga walanghiyang yun!!! Hindi ko sila mapapatawad!!" halos
gusto ko na talagang manakit ng tao.

"Sino ka? Nasaan si Alexa?" narinig kong sabi ni Tuck kaya naman lumapit ako sa
kanya at kinuha ko agad ang phone.

"Nasaan sya?" galit kong tanong.

[Oh alam mo na pala agad. Mabuti naman at ikaw na ang kumontak sa'min. Di kasi
namin alam paano ka makokontak eh.]

"Nasaan sya!!"

[Safe and sound..... goon! Goon!! Narinig mo yun? Pumunta ka dito sa park ng mag-
isa kung ayaw mong may mangyari sa girlfriend mo.]

"Makinig kang mabuti - pakawalan mo ang babaeng yan dahil - " bigla akong nag-isip
ng plano, " - dahil hindi ko sya girlfriend. Ex ko na lang yan. At kung may gagawin
kayo sa kanya, you're doing me a favor."

[Zak hindi ako pinanganak kahapon!! Pumunta ka dito kung ayaw mong may mangyaring
masama sa kanya!!] at naputol na ang linya. Ibabato ko na sana ang phone pero
nahawakan agad ni Tuck.

"Dude naman phone ko yang ibabato mo eh." tumingin ako sa kanila.


"Sa park tayo." Naglakad ako ng diretso at sumunod sila.

"Sasama ako!" narinig kong sabi ni Jezhi.

"No baby masyadong delikado." Sagot ni Val pero makulit pa rin ang girlfriend nya
kaya nilapitan ko na sila.

"Kung gusto mong mabuhay kaming lahat kasama ang boyfriend mo wag ka ng sumama!
Magiging intindihin ka lang!!" nagnod si Val sa kanya at nagbitaw na sila ng kamay.
Dumiretso kami sa parking lot at sumakay sa motor. Mabuti na lang at mga nakamotor
ang mokong, mas mabilis kaming makakarating sa lugar na yun pero sa malayo kami
nagpark para hindi nila alam na dumating kami. Naglakad na lang kami papunta sa
park pero patago hanggang makarating kami sa mismong park.

"Sobrang dami nila." Bulong ni Rich. Halos buong park puno ng mga kasama nya.
"Hindi natin kaya yang mga yan. May mga dala pang tubo."

"Ayun si Lex!" napatingin kaming lahat sa direction na tinuro ni Trav. Ang linaw
talaga ng mata nya. Nakita namin si aswang na nakatali at nakaupo sa may mini-stage
sa unahan.

"Dito tayo dumaan para mas makapalit. Isilent nyo ang mga phones nyo." Sinundan
namin si Val sa nakita nyang daan para mas makalapit kina aswang. Napadpad kami sa
likuran ng parang maliit na room. Kita namin sila mula sa magkabilaang bintana ng
room na nakabukas.

"Ano na ang plano natin?" tanong ni Tuck ng bigla nyang sagutin ang phone nya.
"Hello." Hindi sya nagsalita at iniabot nya ang phone sa'kin.

"G*go ka! Bakit tumatawag ka pa! Saktan mo na yan kung sasaktan mo! Hindi ako
pupunta!!" tumawa lang ang nasa kabilang line.

[Until 2:30 lang Zak. Kapag hindi ka dumating goodbye na lang sa babaeng 'to. Ang
sexy, ang ganda, ang puti at ang kinis. Kawawa naman sya kapag pinaglaruan namin
syang lahat!!]

Bigla akong napatayo at gusto ko na syang sugurin pero nahawakan ako ni Luke at
umiling sya kaya umupo ako agad.
"Bahala ka." At ibinaba ko ang phone. Kinuha naman agad ni Tuck.

"Paano kung hindi sila maniwala sa'yo? Paano kung may gawin nga sila kay Lex?" nag-
aalalang tanong ni Rich.

"Kapag nakita kong may gagawin sila, hindi ako magdadalawang isip na sumugod. Kahit
anong mangyari ilalayo ko sya dito!!" kelangan kong kalmahin ang sarili ko. "Kinuha
nila si aswang dahil malapit sya sa'kin. Dahil alam nilang hindi ko sya matitiis.
Pero kapag nalaman nilang hindi sya mahalaga sa'kin baka pakawalan na lang din nila
sya."

"At paano kung hindi? Zak kapatid ko yan. Itatawag ko na yan agad kay papa!" kinuha
ni Luke ang phone nya pero pinigilan ko sya.

"Kakasabi ko lang di ba? Lahat ng malapit sa'kin. Hindi ko alam kung anong samahan
nila, pero hindi lalakas ng ganyan ang loob nila kung hindi bigatin ang boss ng mga
yan. Dahil kung pipitsugin lang sila, sana magulang na lang ni aswang ang tinawagan
nila para sa ransom at hindi ako." Napaisip naman si Luke at itinago nya ang phone
nya.

"Kung may gagawin sila sa kapatid ko, hindi ko sila mapapatawad. Sasamahan kita Zak
sa pagsugod sa mga yun!" Pansin kong nag-iinit na din ang mga kamao ni Luke.

"Thanks dude." Tinap ko sya sa balikat.

"Teka teka, ano kayo lang? AKala nyo ba wala kaming balak tumulong? Si LEx yan kaya
tutulong kami sa ayaw at gusto mo Zak!" sabi ni Rich. Tumingin ako kina Tuck, Trav
at Val at nagnod din sila.

"Salamat sa inyo. Pero for the meantime, hintayin muna natin mag2:30. Yun yung oras
na binigay nya sa'kin. Kapag lumampas dun tsaka sila gagawa ng aksyon." Tumango
sila at umupo lang kami dun. Paminsan-minsan nasilip kami para makita kung okay pa
si aswang. Kelangan 'tong planuhin dahil kung magpapadalos-dalos ako alam kong
mapapahamak lang si aswang. Hindi pwede, dahil pinangako ko sa kanya na
ipagtatanggol ko sya at sinabi ko sa parents nya na po-protektahan ko sya. Hindi ko
mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya dahil sa kalampahan ko
kagabi. Kung hindi lang ako nanghihina, makakaubos ako kahit mga kalahati nila at
hindi nila makukuha ang phone ni aswang. Wag kang mag-alala aswang, alam kong
natatakot ka. Kaya mo yan. Magtiwala ka sa'kin. Magiging okay din ang lahat.

A/N

Hey thank you for waiting. Sobrang dami ko lang ginawa this past few days but
anyway, here's chapter 66. Same rule tayo 500 votes before 24 hours magUD ako. So
keep on voting. Follow me as well. :)

Please do read my other stories if you have time, I'd greatly appreciate it.
O Pare Ko! (Short story- Completed na 'to)
Love Disaster Book 1 (Completed) Book 2 (On-going)
One Cold Summer (One Shot)
SUMPA (COmpleted)
Ramses in Niraseya (On-going)

Sana mabasa nyo sila while waiting for PH updates. Thanks.

Like my official page: Megladiolus - Mela Brio


Like the fficial PH Page: Perfect Haters by megladiolus
Join our FB Group: Perfect Haters Family
Follow my personal FB account: Mela Brio
Add my public account: Megladiolus Watty (Inaaccept ko dito lahat ng friend
requests)
Follow me on twitter: @Official_Mela_B (Mas active ako dun recently)
Instagram: @itsmelabrio

*******************************************
67

*******************************************
This chapter is dedicated to ShenBarcelona! One of the winners last twitter
party. :)

ALEXA'S POV

"Ano ba kasing kelangan nyo sa'kin?" kanina pa ko daldal ng daldal dito pero hindi
naman lahat ng tanong ko sinasagot nila. "Kelangan nyo ba ng pera ha?"

Bigla silang tumingin ng masama sa'kin. "Mukha ba kaming mahirap?"

"Nagse-survey lang naman. Eh saging kelangan nyo?" tumawa ako ng konti. "Survey
ulit, random question para sa thesis ko." I laughed nervously kahit ang hirap kasi
nakatali ako.

"Mukha ba kaming unggoy?" lumapit yung lalaking mukha talagang unggoy sa'kin.

"Uy di ako ang nagsabi nyan, ikaw." Tumingin ako sa iba nyang kasama. "Mukha daw
syang unggoy? Tanong ba yun?" tapos tumawa ako at nagtawanan din ang iba nyang mga
kasama.

"Eh kung magpalit kaya tayo ng mukha. Babalatan ko yang mukha mo at ipapalpit ko
'tong mukha ko, gusto mo?" napalunok ako ng maglabas sya ng kutsilyo. Natakot ako
bigla - hindi sa kutsilyo kundi sa sinabi nyang pagpapalit ng mukha namin. Imagine
ang ganda at sexy ko tapos magiging ganito ang mukha ko. Yung oily na maraming
holes parang moon plus may whiteheads and blackheads pa, ewwww. Isama mo pa ang
makapal nyang kilay. Oh no, hindi ko kakayanin.

"Tatahimik na nga ako." Ngumiti lang sya at itinago na ulit ang knife. Wooooo.
Kinabahan talaga ako dun ah. Akala ko talaga tutuklapin nya ang maganda kong mukha.
"Gusto nyong kumanta ako?" bigla ulit silang tumingin sa'kin. Alam mo yung madilim
ang buong paligid tapos mga red wild eyes lang ang nakatingin sa'yo? Ganun ang
pakiramdam ko kapag natingin sila. "Well baka kasi naiinip na kayo at gusto nyo ng
entertainment."

"Boss ang daldal naman nyan. Tapusin na din kaya natin." Narinig kong sabi nung isa
pang lalaking mukhang sindikato.

"Hala kuya, tapusin ako? Alam ba ng mga magulang mo yan? Kayong lahat!!" sumigaw
ako ng malakas at nagharapan ang marami sa'kin. "Alam ba ng mga nanay nyo na ganyan
ang ginagawa nyo? Ang kumidnap ng isang inosenteng babae na tulad ko - marami pa
kong pangarap sa buhay tapos ganito lang ang gagawin nyo? Inalagaan kayo ng nanay
nyo ng ilang taon, minahal kayo para maging isang mabuting tao pero ganito lang ang
gagawin nyo? Kapag ako nakawala dito isusumbong ko kayo sa mga nanay nyo!!!!"

"Wala na kong nanay kaya wala kang mapagsusumbungan!!!" sigaw nung isang lalaki.

"Bakit kuya ikaw ang kausap ko? May mga nanay lang ang kinakausap ko oh. Feeling
close?" bigla nyang hinawakan ng mahigpit ang tubo na parang susugurin ako pero
pinigilan sya ng mga kasama nya. "O yung iba pang wala ng nanay dyan hindi kayo
kasali sa mga kinakausap ko. Agaw eksena kayo eh naglelecture ako."

"Takpan mo nga ang bibig nyan. Masyadong madaldal!!" utos ng lalaking feeling close
di naman kasali sa usapan.

"So mabalik tayo - anong mararamdaman nyo kapag nakita at nalaman ng mother nyo na
ang minahal at pinalaki nyang anak ay naging myembo ng sindikato?" yung tono ng
boses ko parang nakakaawa at paiyak. Syempre para mas makonsensya sila at tumagos
sa loob nila.
"Eh siraulo ka pala! Kung gulpihin nga ako ng nanay ko nun halos mamatay na ko
tapos sasabihin mo sa'kin kung anong mararamdaman nya kapag nalaman nyang naging
ganito ako? Baka sya na ang gulpihin ko ngayon eh!!" sigaw nung isang lalaki sa di
kalayuan sa'kin.

"Eh mas siraulo ka pala kuya! Galit ka pala sa nanay mo eh, bakit hindi na lang sya
ang kinidnap mo tapos tsaka mo gantihan? Di nga kita kilala dyan tapos kinukuha nyo
ko!! Wow ha." Nagtawanan naman ang ibang nandun kahit di ko alam kung anong
nakakatawa. Pero nakita ko ang ilan na parang nakokonsensya na. Mukhang effective.
Ituloy ko na kaya ang pagsasalita?

"Subukan mo pang ibukas yang bibig mo itatarak ko 'to sa leeg mo." Naramdaman ko
ang isang malamig na bagay sa leeg ko. Nakita ko sa gilid ng mata ako ang isang
kamay na may hawak na kutsilyo at sa kabila naman ay mukha ng isang lalaki.

Ngumit ako. "Mmmmmmm. Mmmmmmmm. Mmmmmmm. Mmmmmmmm." Nailing ako tapos nagnanod.
"Mmmmmmmm. Mmmmmmm. Mmmmmmmm."

"Anong sinasabi mo?" tanong nya ulit.

"Mmmmmmmm. Mmmmmmmmm. Mmmmmmm." Sagot ko sa kanya.

"Hindi ka ba magsasalita o tutuluyan na kita?" mas naramdaman ko yung kutsilyo.


Parang nasugatan na nga ako eh.

"Ay kuya ang gulo mo. Sabi mo itatarak mo yan sa'kin kapag ibinukas ko pa ang bibig
ko. Tapos ngayon naman tutuluyan mo ko kapag hindi ako nagsalita. Pwede bang hindi
ibukas ang bibig kapag nagsasalita? Kapag pwede sige ipakita kita mo sa'kin!!" I
rolled my eyes.

"Ang tapang mo din no? Kaya pala ganun na lang mag-aalala si Zak kahit hindi nya
ipahalata. Ikaw pala ang nagpaamo sa kanya." Bigla akong napaisip. So hindi pala
'to talaga about sa'kin. About pala 'to kay goon. Akala ko tumawag lang sila sa
phone ko yun pala talagang silang dalawa ang magkakilala.

"Sabihin nyo - myembro nyo ba ang goon na yun!!!" naramdaman kong inalis na nung
lalaki ang kutsilyo sa leeg ko. Hindi naman nila ako pinansin at nagkanya-kanya na
ulit sila ng usap. Anong kelangan nila kay goon? Bakit ako pa ang kelangan nilang
kunin?
Tiningnan ko kung gaano sila kadami - kahit ata ang buong Sterke Geest hindi sila
kayang talunin. Paano kung pumunta sya tapos mapahamak lang sya dahil sa'kin? Hindi
ko ata kayang mamatay sya dahil lang sa pagliligtas sa'kin.

"Basta kapag dumating sya pupulbusin natin sya hanggang sa huling hininga nya."
Narinig kong sabi nung boss nila. Oh no hindi pwede. Talagang balak nilang patayin
si goon. Kelangan kong makagawa ng paraan.

"Eh paano 'tong babaeng 'to kapag napatay natin si Zak?" tumingin sa'kin ang boss
nila. Naku wag nya kong tingnan ng ganyan. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa
gahasain ng kingkong na yan. Ewwwww!

"Depende. Kung sya ang magiging dahilan para mahuli tayo then isusunod natin sya.
Pero dahil wala din naman syang magagawa kahit ipahuli nya tayo baka iwanan na lang
natin sya dito." At nagkwentuhan na ulit sila.

Hindi pwedeng pumunta si goon dito. Wag kang pupunta goon. Please wag, hindi ko
talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya. Hindi ko kakayanin
makita syang nahihirapan at ginugulpi ng mga unggoy na 'to. "Darating ba sya?"
sigaw ko sa kanila.

"Sino?" tanong nung boss.

"Yung nanay mo darating ba? Grabe parang may iba naman kayong iniintay na dumating
kung makapagtanong ka ng sino!!" Lumapit ulit sa'kin yung kingkong na boss.

"Umayos ka ng mga sagot mo kung ayaw mong maputulan ng dila." Nilabas na naman nya
yung kutsilyo.

"Umayos ka din kasi ng tanong!" seryoso pa din yung mukha nya. Pero feeling ko
natural na nyang mukha yun kahit ngumit, magalit o malungkot sya - nakakatakot pa
rin. "Joke lang. Kasi tinatanong ko kung darating si Zak."

"Nandito ka kaya darating yun. Hanggang 2:30 ang ibinigay kong oras sa kanya."
Bigla akong tumawa ng malakas as in sobrang tawa pero ang totoo palabas ko lang yun
kaya nagtaka silang lahat.
"Sa tingin nyo ba pupunta yun ng dahil lang nandito ako? Eh mga siraulo pala talaga
kayo!" tapos tumawa pa din ako ng tumawa.

"Anong ibig mong sabihin?" naku kelangan kong mag-isip ng magandang reason or else
mapupunta sa waste ang lahat.

"Nagkamali ata kayo ng kinidnap na tao. Kasi kung sinabi nyo sa kanya na ako ang
hawak nun naku baka natulog lang yun kung saan man sya nandun ngayon." Parang
confused yung mukha nung boss at nagkatinginan pa sila nung isang kamukha nya.
Parang kapatid nya ata.

"Di ba ikaw ang girlfriend nya?" kunyari nagulat ako na parang bad trip.

"Ex! Hindi na ako ang girlfriend ng manlolokong yun kundi si - " bigla akong nag-
isip. "Natalia!" oops sorry Nata de coco, ikaw ang unang pumasok sa isip ko.

"Wag mo kaming niloloko. Nakuha namin 'to sa kanya. Di ba sa'yo 'to?" nilabas nya
ang hello kitty kong phone na pinahiram ko kay goon. So may ginawa nga sila kay
goon at ginagamit nila ako para magantihan sya.

"Oh my gosh nabawi nyo yan sa kanya? Thank you so much kuya. ALam mo bang ninakaw
nya pa yan sa'kin para lang ibigay dun sa syota nyang kasing laki ng ulo ni hello
kitty ang ulo. Grabe kuya salamat talaga." Nakita kong binatukan ni kingkong boss
si kingkong baby. Parang nagtatalo sila. "And wait - tama ba yung narinig ko?
Pupulbusin nyo sya?"

"Oo bakit? Papahirapan namin sya. Sasakalin sya ng kuya ko tulad ng pagsakal nya
sa'kin!!" explain nung kingkong liit.

Tumawa ako ulit na kunyari tuwang-tuwa ako. "Galingan nyo ha. Gusto ko yung kalas-
kalas ang katawan. Labas ang bituka, dukutin nyo yung puso at basagin nyo yung
bungo. Habang nagsasalita ako parang nandidiri yung expressions ng mga mukha nila.

"Ang brutal mo naman." Sabi ulit nung kingkong liit. Parang sa kanilang lahat sya
ang pinakauhugin.

"Dapat lang yun sa kanya no. Sinaktan nya ko at kulang pa ang buhay nya kapalit sa
ginawa nya. Kaya PWEDE BANG SIGURADUHIN NYONG PUPUNTA SYA DAHIL GUSTO KONG MAKITA
KUNG PAANO SYA MAMATAY!! Mabuti na lang at nandyan kayo. Hindi ko na kelangang
dungisan ang aking mga kamay." Tapos tumawa ulit ako. "Isa pa pwede bang kalagan
nyo na ko. Hindi naman ako tatakas, kakampi nyo ako at hindi ako aalis hangga't
hindi dumadating ang lalaking yun."

Nagtinginan ang magkapatid na kingkong at parang nagdududa sa sinabi ko.

"Hello, nakita nyo ba kung gaano kayo kadami? Kung tatakas ako makakalabas ba ko ng
buhay? At tulad nga ng sinabi ko sa inyo gusto ko ding mahirapan ang goon na yun.
Kaya sige na, pakawalan nyo na ako. Baka bigyan ko pa kayo ng bonus cash kapag
napulbos nyo sya." Sana talaga maniwala sila. Hindi ko alam kung anong gagawin nila
sa'kin kapag nalaman nilang naarte lang ako.

"Sige." Lumapit ang kingking liit at pinutol ang lubid na nakatali sa'kin.

"Woooo ang sarap gumalaw." Tumayo ako at nagstretching ng biglang tinutukan nila
akong lahat ng kutsilyo. "Woah woah parang nagstretching lang ako. Relax." Nakita
ko si kuyang isa na kumakain ng fries. Inagaw ko yung fries nya tsaka ulit ako
umupo sa upuan ko. "Gutom na ko. Wala ba kayong balak pakainin ako? Hindi ako
nakakain ng ayos kanina dahil pinagmadali nyo ko! Kapag ako nagkaulcer at namatay
mumultuhin ko kayo isa-isa." Kinain ko yung fries na kinuha ko kay kuya. Ang totoo
hindi naman talaga ako gutom. Sige nga makukuha mo pa bang kumain sa ganitong
situation aber?

"Boss malapit ng mag 2:30 pero wala pa rin kaming nakikitang taong dumadating."
Sabi nung bagong dating na kasama nila.

"Oy oy oy ano yan? Hindi pa kayo siguradong darating sya? Ano ba naman yan mga tol,
inaasahan ko pa naman ang isang magandang eksena ngayon." Paano ko nasasabi yung
mga ganung bagay na parang natural na natural lang? Oh my goodness, sana talaga
hindi nila ko mabuking dahil baka mauna pa akong mamatay kesa kay goon.

"Mukhang totoong hindi nga sya darating. Yun ang sabi nya sa'kin kanina." Parang
nanggigil yung kingkong laki at napahigpit ang kapit sa hawak nyang tubo. "Kahit
kelan talaga palpak ka!!!" binatukan nya si kingkong liit. Kawawa naman, mukhang
uhuging bata. Kinuha ni kingkong boss yung phone nya. Naku baka si goon ang
tatawagan nya ah. "Boss mukhang palpak. Hindi daw 'to yung girlfriend. Ex na daw
'to. Opo. Sige po." Yun lang ang mga narinig kong sinabi nya bago ibaba ang phone.

"So ano na ngayon? Ready na ba kayo?" tiningnan ko silang lahat. Grabe, nakakatakot
sila. Kahit wala pa silang ginagawa para na kong aatakihin sa puso.

"Boss 2:34 na po." Pinakita pa nung isang lalaki yung watch nya.
"Ungas ka alam ko!!!" at binatukan ulit ni boss kingkong yung lalaking nagsabi ng
oras. "Totoo bang hindi ka nya talaga girlfriend?"

"So hindi ka naniniwala? Bakit hindi mo kaya sya hanapin ngayon at bugbugin sa
harapan ko!! Mas matutuwa pa ako kapag ginawa nyo yun!!" I folded my arms over my
chest.

"Don't worry, nabugbog na namin sya kagabi. Kaso di namin tinuluyan." Napatayo ako
bigla ng marinig ko ang sinabi nya.

"ANO? BINUGBOG NYO NA SYA KAGABI!!!!!!!" malakas kong sabi.

"Oo bakit? Teka nag-aalala ka? Itali yan ulit!!" hahawakan ulit ako ng mga kasama
nya ng lumapit ako kay boss kingkong at binatukan ko sya. "Sino ka para batukan
ako!!!!"

"May toyo ka kasi! Bakit mo sasabihing nag-aalala ako?!!! Kaya ako napasigaw kasi
naman binugbug nyo na hindi nyo pa tinuluyan!! Ang hihina nyo naman!!" tumalikod
ako at bumalik sa upuan ko. "Maghintay pa tayo. Malay nyo naman dumating kahit
sobrang imposibe. Baka kasama nya pa ngayon yung syota nyang si Natalia." Hindi na
ako tumitingin sa kanila kasi baka mabuko pa ko.

"Tara na! Nagtext si boss. Pumunta daw tayo sa base." Sigaw ni kingkong boss sa mga
kasama nya. Nagbabaan na ng mini stage yung mga nasa likuran ko at nag-aalisan na
sila.

Tumayo ako. "HOY TEKA!! SAAN KAYO PUPUNTA?!!" sige lang umalis na kayo. Actually
yun yung kadugtong ng sasabihin ko pero di ko na sinabi.

"Aalis na. Nasayang lang ang oras namin dito. Sa ibang araw na lang namin
pagaaksayahan ng oras yung Zak na yun." Tumalikod ulit si kingkong boss.

"Pe - pero igaganti nyo pa ako sa kanya ah." Hala paano kung magbago isip nila.
Baka mas lalo ko lang ipinahamak si goon.

Tumigil ulit si kingkong boss. "Hindi ikaw ang bossing namin para utusan kami.
Maghire ka na lang ng gagawa nun - pero wag mong tuluyan. Papahirapan pa namin
sya." Tapos umalis na talaga sila. Napaluhod ako at napaiyak na lang bigla. Parang
naramdaman ko lahat ng takot at hindi ako makatayo sa sobrang panginginig ng
katawan ko. Iyak lang ako ng iyak.

"MGA PAASA KAYO!!!!! SIGE MGA DUWAG LA - Layas!" at mas lalo akong napaiyak. Hindi
ko alam na mga engot din pala sila. Pero - pero sobra akong natakot. Sobra-sobra,
mabuti na lang at engot sila. Nasaan naman kaya si goon? Mabuti na lang at hindi
talaga sya dumating. Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko sasabog na sya. Para akong
nahihilo.

*********

ZAK'S POV

"Te - teka anong ginagawa nila kay Lex?" narinig kong sabi ni Trav. Mabuti na lang
may walking binoculars kami dito. Sumilip naman kaming lahat. Nakita namin na may
nakatutok na kutsilyo sa leeg ni aswang.

"Baka kung anong gawin nila kay aswang!!" papatayo na ako pero pinigilan nila ako.

"Tingin ko hindi. Kanina kasi parang ang daming sinasabi ni Lex. Nakita ko pa ngang
tumatawa yung ibang nandun." Hindi ako mapakali. Paano kung bigla na lang nilang
gilitan ng leeg si aswang na parang isang manok na walang kamalay-malay? Di bale
sana kung pwede ko syang gawing inasal pero hindi sya manok, hindi manok si aswang.

"Paano kung maraming sinasabi si Lex na nakakapagpainit ng ulo nila? Kilala nyo si
Lex, sinasabi nya ang gusto nyang sabihin." Sabi ni Tuck.

"Basta kapag may ginawa silang masama susugod tayo dun." Nakita kong mahigpit na
din ang hawak ni Luke sa bakal ng window at alam kong nagiintay lang sya ng timing
pero hindi ko na kayang maghintay.

"Paano kung huli na tayo? Mas mabuti na yung maaga!!!" hindi nila ako pinansin at
nakatingin pa rin sila kay aswang.

"Kung susugod tayo dyan ngayon baka si kamatayan ang mapaaga sa pagsundo sa'tin. Di
bale sana kung ikaw ang uunahin nila." Sabi ni Rich. Nakukuha nya pang magbiro sa
ganitong sitwasyon na hindi na namin alam ang gagawin.
"Tingnan nyo pinakawalan si aswang!" sabi ni Trav. Kumalma ako ng makit akong
nagstretching pa si aswang at nang-agaw pa ng fries. Ano bang plano nya? Bakit
parang napapasunod nya yung mga mokong na yun? Hindi kaya kasabwat nya sila at sya
ang boss? Pero imposible, bakit nya 'to gagawin?

Hindi namin marinig kung anong pinaguusapan nila pero nakikita naming kalmado lang
sya at nakukuha pang tumawa. Sana kung ano mang ginagawa nya maging successful.
Lalapit lang ako dun kapag may ginawa sila sa kanya. Tumingin ako sa watch ko at
nakita kong 2:34 na. Lampas na sa oras na ibinigay nila sa'kin. "Dude alerto tayo.
Tapos na yung oras na ibinigay nila sa'kin kaya baka kung ano na ang gawin nila kay
aswang."

"Bakit sila nag-aalisan?" nakita naming nag-aalisan na ang mga lalaking yun at
iniwanan nila si aswang pero parang may mga pahabol pang sinasabi si aswang.

"Mukhang wala silang ginawa. Pero bakit? Paano?" tanong ni Tuck.

"Intayin na lang natin silang makaalis lahat bago natin lapitan si Lex." Sabi ni
Luke.

Biglang umiyak si aswang at napaluhod sya. Gusto ko na syang lapitan pero hindi ko
pa magawa dahil hindi pa sila nakakaalis lahat.

"Paano kung may pinakain silang bomba kay Lex? Kaya sila umalis kasi ayaw nilang
madamay sa pagsabog ng bomaba at dahil hindi na matatanggal sa katawan ni Lex yung
bomba kaya umiyak na lang sya!" sabi ni Rich na halos mukha nya ang gusto kong
pasabugin.

"Shut up dude. Hindi ka nakakatulong!!!" sabi ni Luke.

Dahil napraning ako sa sinabi ni Rich hindi ko napigilan ang sarili kong umalis at
tumakbo para lapitan si aswang.

"Zak wag muna! Zak!!" narinig kong sigaw ni Tuck pero hindi na ko bumalik. Patago
akong naglakad papalapit kay aswang. Sana mali si Rich. Dahil kung tama sya, mas
gugustuhin ko na lang na sumabog kaming dalawa.
"Zak nandyan pa sila! Zak!!" hindi ko alam kung sino yung sumisigaw. Pero parang
mas mapapansin nilang nandito ako dahil sa lakas ng sigaw nila ng pangalan ko. Mga
ungas talaga 'to. Kelangan ako ni aswang at kung makita nila ako, bahala na. Basta
lalapitan ko sya dahil kelangan nya ko.

A/N

Happy 10 million reads sa PH. :) Salamat sa mga patuloy na nasuporta. :) Sana lagi
kayong naboto. :) Please read my other stories habang wala pang UD ang PH. Sana
iboto nyo rin at suportahan tulad ng pagsuporta nyo sa PH.

My stories are: Love Disaster Book 1 and 2


O Pare Ko! (Completed)
One Cold Summer
Ramses in Niraseya
Sumpa

Thank you so much. :) And kung nagustuhan nyo ang chapter na 'to please like our FB
Page.
Official PH FB page: Perfect Haters by megladiolus
My official fb page: Megladiolus - Mela Brio
My twitter: @Official_Mela_B
My instagram: @itsmelabrio

*megladiolus <3

*******************************************
68

*******************************************
TUCK'S POV

Ang kulit ni Zak, tumuloy pa rin sya.

Sh*t tumigil sila." Bigla kaming nagtago ng makita ni Trav na tumigil maglakad ang
mga lalaking yun.

"Lumingon sila kay Lex, baka makita nila si Zak." Nag-aalalang sabi ni Val habang
nakasilip sa may side ng tinataguan namin.

"Mabuti pa gumapang tayo papunta sa malapit para in case na makita nila si Zak
makakalapit agad tayo." Suggestion ni Luke na nauna nang gumapang papunta sa
unahan.

Tumigil kami ng wala ng pwedeng taguan at narinig namin ang ingay ng mga motor ng
mga lokong yun. Dahan- dahan kong sinilip kung may bumalik ba kay Lex at baka kunin
sya, pero wala namang kahit sinong lumapit sa kanya.
"Nakaalis na sila," bulong ko kaya naman nagmadali kaming lumapit kay Lex. Nakita
namin syang nakaupo at naiyak pa din.

"Lex!!" sigaw ni Luke.

"Kuya!" napatayo si Lex at napayakap agad sa kuya nya. "Kuya natakot ako, akala ko
talaga dadating si goon. Mabuti na lang at hindi sya nagpunta. Kundi napahamak lang
sya. Hindi ko mapapatawad ag sarili ko kung masamang nangyari sa kanya." Umiiyak
nyang sabi.

Biglang lumapit si Rich at hinigit si Lex. Tiningnan nya ang ulo nito at binuklat
din ang dalawang mata. Pati bibig at tenga ni Lex hindi pinalampas, sinilip nya
din.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!!" naiinis na tanong ni Lex sabay alis ng mga
kamay ni Rich na nakahawak sa kanya.

"Chine-check ko kung may bomb ka sa katawan. Kasi iniwanan ka nila dito ng hindi
nakatali tapos umiiyak ka pa." Nagpapanic na sagot ni Rich na pati hibla ng buhok
ni Lex ini-inspect. Loko talaga 'tong mokong na 'to. Pati strand ng buhok hindi
pinaligtas.

"Wala akong bomba sa katawan no!! Tigilan mo nga yan!!" sabi ni Lex ng naiinis
habang umiiyak.

"Teka ano bang nangyari? Paanong iniwan ka nila dito? May ginawa ba sila sa'yo?"
nag-aalalang tanong ni Luke habang natingin kami sa paligid at nagbabakasaling may
makuhang kahit ano para malaman kung sino ang grupong yun.

"Wala silang ginawa sa'kin." Kalmadong sabi ni Lex habang pinupunasan ang mga luha
nya. "Sinabi ko lang na hindi na kami ni goon at mali sila ng taong nakidnap."

"Naniwala sila dun?" gulat na gulat na tanong ni Rich.

Umiling si Lex na medyo nakangiti. Mukhang okay naman talaga sya. "Sabi ko pilitin
nilang papuntahin si goon dito at bubugbugin nila hanggang mawalan ng buhay.
Natakot ako kasi baka unahin nila kong patayin." Naramdaman namin ang takot sa
kanya habang nagkukwento sya. "Eh kaso mga engot naman sila. Ang lalaki ng katawan
mga wala namang laman ang ulo."

"Yun din ang sabi ni Zak." Sabi ko kay Lex.

"Na malaki ang katawan pero walang laman ang ulo?" seryosong tanong ni Lex.

-_-'

"Hindi. Sinabi nya na tapos na kayo at hindi sya pupunta pero ang totoo nandun lang
kami sa likod ng room at nag-aabang ng mga mangyayari. Kaya nga nagulat kami nung
makita ka naming tumatawa tapos kinalagan ka pa nila. Hindi kaya ikaw ang boss ng
mga yun?" paliwanag ko kay Lex.

*TUGSH

"Aray! Bakit mo ko binatukan?" kasi naman wala naman akong sinasabing masama tapos
mambabatok sya bigla.

"Sira ka kasi. Anong ako ang boss ng mga yun? Ipapakidnap ko ang sarili ko? Duh!"
mukhang okay na sya at hindi na naiyak.

"Mabuti hindi nakita ng mga yun si Zak nung lumapit sa'yo."sabi ni Val. Tumingin
ako sa'ming lahat pero hindi ko makita si Zak.

"Nandito si goon?" tanong ni Lex at nagkatinginan kaming lahat. Kasi ang alam
talaga namin nauna syang umalis. Nagtago kami nung tumigil yung mga lalaki tapos
pagsilip namin wala na si Zak. "Nasaan sya?"

"Pero paano nangyari yun? Nauna talaga syang lumapit sa'yo!" pagpupumilit ni Rich.
Tumingin kami sa paligid pero wala kaming Zak na nakita.

"Baka naman nakuha sya nung mga lalaking yun." Grabe naman 'tong si Trav
napakasupportive sa kalaban.

"Eh di sana napansin kong bumalik sila o kaya nakita ko si goon. For sure kasi
sisigaw yun at maririnig nating lahat." Nagsimula na kaming mag-alala ngayon lalo
na si Lex at hindi sya mapakali na parang pinipilit alalahanin ang mga nangyari.

"AYOS KA LANG BA?!!" nagulat kaming lahat sa isang sigaw galing sa likuran namin
kaya napalingon kaming lahat at nakita namin si Zak na nakatayo.

"I - ikaw ata ang hindi mukhang ayos. Anong nangyari sa - sa'yo?" hindi alam ni Lex
kung lalapitan nya si Zak o hindi. Well kahit naman kami hindi namin sya kayang
lapitan.

"Mga ugok kasi 'tong mga 'to. Tawag ng tawag sa pangalan ko habang papalapit ako
sa'yo. Lumingon ako sa kanila para sana sumenyas na tumahimik kaya lang - " parang
nahihiya syang magsalita, " - kaya lang nahulog ako sa man hole."

At syempre ano pang inaasahan nyong reactiong ng Sterke Geest? Oo, tama, hindi
mapigilan ang pagtawa naming lahat.

"Man hole ba talaga Zak? Bakit amoy imburnal ka? Tsaka tingnan mo yang itsura mo,
puro burak!!" tumatawang sabi ni Rich with matching hawak sa tyan.

"A - aba - man hole yun no!!" syempre hindi magpapatalo ang napapahiyang Zak.

"Oo dude man hole yun. Kaya ka nga nahulog eh, kasi you're the man!" korning sabi
ni Val. Wala lang masabi.

"Sige kapag hindi kayo tumigil sa pagtawa - " hindi pa rin kami tumigil syempre, "
- yayakapin ko kayo isa-isa." Pagkasabing-pagkasabi nya nun sabay-sabay kaming
tumigil sa pagtawa. Ang galing nga kasi biglang seryoso ng mga mukha namin. "Ayan,
marunong din pala kayong matakot."

At dahil lahat kami biglang tumahimik nangibabaw ang pagtawa ni Lex kaya napatingin
kaming lahat sa kanya.

"Grabe, kahit ata nandito pa yung mga lalaking yun hindi ka na nila susugurin."
Tumatawang sabi ni Lex. "Hi - hindi ko ma-imagine paano ka nalaglag dun." Parang
kanina lang naiyak sya tapos ngayon ganyan na sya. "Paano ba? Yung tipong
naglalakad ka ng ganito - " naglakad sya na parang slow motion, " - tapos biglang
ahhhhh" kunyari lumuhod sya, "tapos nagdisappear ka na? Grabe, baka nakalunok ka pa
ng tubig. Ewwwww! Sobrang epic mo talaga!!" hala nabaliw na ata 'tong si Lex. Hindi
na mapigilan. Parang hindi nakidnap ah.

"TUMIGIL KA NGA SA PAGTAWA DYAN!! KASALANAN MO NAMAN KUNG BAKIT AKO NAHULOG NO!!!
GRABE MAKATAWA!! ALAM MO BA GAANO KO NAG-ALALA SA'YO HA TAPOS TATAWANAN MO LANG
AKO!!!!" ayan nagalit na nga ang halimaw. Labas na kami dyan syempre, away na
nilang dalawa yan.

"Grabe ang drama lang ha! Eengot-engot ka tapos ayaw mong mapagtawanan. ANo iiyakan
kita? Huhuhu goon ang baho mo nakakaiyak ka." Nag-iyak-iyakan sya in a sarcastic
way. "Sabagay nakakaiyak naman talaga ang amoy mo."

Naglakad si goon papalapit kay Lex habang kami ay naatras ng konti. "Gagawin ko
kasi lahat para sa'yo. Kahit anong mangyari sa'kin okay lang basta sigurado akong
ligtas ka." Napatigil naman si Lex sa pagtawa. "Ganun kita kamahal. Ako ba mahal mo
talaga?" Dito pa daw magda-dramahan ang dalawang 'to.

"Ma - mahal naman kita kaya nga gumawa ako ng way para mauto yung mga lokong yun
kasi ayaw kitang mapahamak. Sorry kung tumawa ako pero mahal talaga kita at alam mo
naman yan di ba? Kaya please patawarin mo na ko sa pagtawa ko." Pa-cute naman 'tong
si Lex. Lagi nya bang ginagawa yan? Kasi kahit sinong hingan nya ng sorry ng ganyan
hindi makakatanggi sa kanya.

"Talaga?" tanong ni Zak at nagnod naman si Lex. "Kung totoo yan - " Lumapit pa ng
konti si Zak kay Lex. "Yakapin mo ko - " biglang umact ng payakap si Zak na sobrang
laki ng ngiti. Mabilis naman nakaiwas si Lex. "Bakit ka lumalayo? Akala ko ba mahal
mo ko?" tapos hinabol nya si Lex.

"Hoy goon umayos ka nga! Alam mo na ngang ang baho mo gusto mo pang yakapin kita!!
Baliw ka na talaga!!!" dapat umalis na kami dito baka kasi madamay pa kami.

"Hindi mo pala ko mahal eh kasi kung mahal mo ko tatanggapin mo ko kahit mabaho


ako!!!!" tumigil sandali si Zak sa paghabol kay Lex. Parang paawa effect pero hindi
kakagatin yan ni Lex for sure. "Kaya yakapin mo na ko dali!!!!" at naghabulan na
ulit kita. Mabuti naman okay na ang lahat. Kanina kasi halos hindi na kami
makahinga lahat sa kaba nab aka kung anong mangyari kay Lex. Hindi ko mapapatawad
ang sarili ko kung may nangyari sa kanya, at alam kong ganun din ang ibang Sterke
Geest.

"Wag ka ngang lumapit sa'kin!! Hindi naman dyan nasusukat ang pagmamahal!!" paikot-
ikot na nga sila. Nakakatuwa silang tingnang dalawa, parang mga bata.
"Sige wag na! Pero hindi na kita yayakapin kahit kelan! Bahala ka na sa buhay mo!!
MAARTENG ASWANG!!" ay sinumpong na nga ang matandang Zak at nagwalk out na.

"Hala ka Lex nagalit na si Zak." Pang-aasar ni Val.

Tumigil si Lex sa harapan ni Luke at mukhang nakokonsensya na sya. "Sige na nga


goon! Yumakap ka na! Basta mabilis lang ha!!" grabe, ganyan ba nagagawa ng pag-
ibig? Papayag ka sa ganyan kahit katuwaan lang? Eto namag mokong ang laki ng ngiti.
Parang batang nabigyan ng candy.

"Talaga?" naglakad sya pabalik at papalapit kay Lex na nakaopen ang dalawang kamay
para sa isang malaking hug. "Nandyan na ko!" at nanakbo pa nga si mokong.

"What the F*CK Zak!!!!!!!!" sigaw ni Luke ng sya ang mayakap ni Zak.

"Sorry kuya." Bigla kasing umupo si Lex at tumabi ng papalapit si Zak kaya kay Luke
sya napayakap.

"Sorry dude, kapatid mo may kasalanan nyan." Naka-surrender na sabi ni Zak. Syempre
lahat naman kami nagtawanan. Paano napakagaling talaga nito ni Lex mag-isip. Kada
segundo gumagana ang utak.

"Ah tatawa pa kayo ha." At ito na nga ang pinagsisihan ko kung bakit hindi pa kami
umalis kanina. Nanghabol na rin si Luke.

"Hoy wag sa'kin Luke. P*cha naman!" hindi na nakaangal si Rich dahil nayakap na sya
ni Luke.

Nagtinginan sila Luke, Rich at Zak kaya naman kami nila Val at Trav eh umaatras na.
"Dude wag ako, may date pa ako mamaya ha." Papatakbo na si Val at yun ang dahilan
kung bakit sya ang naunang habulin nung tatlo.

"Tara na, tumakas na tayo habang may oras pa." sabi ko kay Trav. Nakita ko syang
kumukuha ng panyo. "Anong ginagawa mo?" itinali nya ang panyo sa mukha nya.

"Ang tunay na kaibigan walang iwanan, kaya kesa tiisin ko yung amoy eh di takpan ko
na lang ang ilong ko." Kalmadong sabi ni Trav.
"Wow ang galing mo Trav ah!" nakangiting sabi ni Lex sabay tap sa balikat ni Trav.
Ang mokong nagblush pa nga.

"Nandyan na kami!!!!" parang mga zombies lang sila na kapag nadumihan zombie na din
at maghahanap na ng hindi pa nadudumihan. Pero syempre ako tumakbo na agad, at yun
pala ang mali dito. Kasi kung sinong tumatakbo sya ang inuuna.

"Buwisit talaga mga trip nyo kahit kelan!!" badtrip kong sabi. "Putek ang amoy,
uhmmmm, parang ilang araw hindi nagflush ng sh*t sa restroom!!" grabe dapat ginaya
ko na lang si Trav. Baka hindi ko pa 'to naamoy. Ang mga mokong niyakap lang si
Trav na parang wala lang.

"So alam nyo na?" nagtinginan kaming lahat ng magsalita si Luke.

"Group tayo Sterke Geest!!" sigaw ko kaya nagkumpulan kami at biglang - "ngayon
na!" at dahil nakita kami ni Lex papalapit sa kanya tumakbo sya ng mabilis.

"Ahhhhhhhhhhhhhh!! Wag kayong lalapit sa'kin!!!!!!!!" nakahagip sya ng emty soda


can at ibinato sa'min pero nakailag kami.

"Ang tunay na magkakaibigan nagdadamayan Lex!!!" sigaw ni Rich.

"Sino ba kayo? Di ko naman kayo kilala eh!!!!!" Pero dahil marami kami kahit anong
takbo nya maabutan namin sya at maabutan at nahuli nga sya ni Zak. Binuhat sya
pataas.

"Okay na dudes! Handa na ang hapunan!" lumapit kami agad at niyakap naming lahat si
Lex. "HOY BAKIT ANG TAGAL!!! UMALIS NA NGA KAYO!!!"

"Group hug nga dude eh. May group hug bang dalawa lang kayo?" syempre niyakap namin
si Lex na nagpaasar kay Zak kaya mas lalo kaming natawa.

"Kadiri kayong mga Sterke Geest!! Ipagkakalat kong mababaho kayo para mawalan na
kayo ng fans!!!!!" bumitaw kami kay Lex at naglakad na palabas. "Ano takot?"
Hindi kami lumingon. Yung lalaki kasi sa likuran nya parang papatay na ng tao ang
itsura. Ayokong masira ang mukha ko kaya uuwi na lang ako para maligo. Bahala na
silang dalawa. Kelangan malaman namin sinong grupo ang mga yun dahil sigurado hindi
nila titigilan si Zak.

***************

ALEXA'S POV

"Tara na!" hinawakan ko ni goon sa kamay.

"Saan naman tayo pupunta? Uuwi na ko!! Ang baho ko na nga tapos ang dumi ko pa!!
Ang panget ko na tuloy." Makapagtakip na lang ng mukha. Ayokong may makakita sa'kin
na ganito ang itsura ko at worst eh maamoy ako.

"Arte. Okay na yung ganyan ka para ako lang ang makakalapit sa'yo." Akala naman nya
makukuha nya ko sa mga paganyan-ganyan nya. Naiinis ako sa kaengotan nya tapos
nandamay pa. "Wag mo na kong isumpa dyan sa utak mo. Hindi yan tatalab."

"Whatever! Basta uuwi na ko!!" tumigil kami sa nakapark na kotse ko at hindi ko


maisip na mangangamoy sa loob ng paborito kong kotse.

"Sige na buksan mo na. Wala ka na din naman choice eh. Magbibihis lang tayo tapos
aalis na din." Binitawan ko si goon at tiningnan ko sya ng diretso sa mata.

"Magbibihis? Ikaw lang! Maliligo ako! Kadiri ka talaga! Imagine maiiwan ang amoy mo
sa makakasalubong natin - " at bigla akong napaisip, " - aalis tayo?"

"Oo. Lalabas tayo. Date. Kahit saan. Basta buong araw." Natuwa nama ako. Eh lalabas
naman pala, okay lang na magbihis na lang kahit na ang baho ko talaga. -_-

"Maligo naman tayo. Kahit dun na lang sa bahay ko. Malapit lang naman dito yun.
Hiramin mo na lang yung ibang damit ni kuya Geoff na naiwan dun nung dun sya
nagstay." Nagnod lang si goon at ako naman excited. Oh no Lex, stay away from
temptation ha. Teka parang dapat kay goon ko yan sinasabi?

"Ikaw na ba ang magda-drive?" tanong ni goon.


"Oo ikaw na." Ang galing ng sagot ko no. "Napagod ako sa acting ko kanina eh. Tsaka
mukhang iniwan na tayo ng mga kaibigan mo." Pumasok kami sa kotse at sya na ang
nagdrive paalis sa lugar na ayoko nang balikan kahit kelan.

"Makapagsalita ka parang hindi mo din sila kaibigan. Kapatid mo pa nga yung isa
eh." wow makapangaral naman 'tong goon na 'to akala mo kung sino.

"Fine! Kaibigan natin." Tumingin ako sa labas at gusto kong buksan ang window pero
bigla akong pinigilan ni goon.

"Yan ang wag na wag mong gagawin! Kapag nakita tayo ng kahit sino sa kanila
malamang sabay na tayong mamamatay ngayong araw." Natakot naman ako sa sinabi ni
goon kaya hindi ko na tinangkang buksan ang window. "Pero kung mamamatay naman ako
kasama ka, why not?"

"Shut up! Ayoko pang mamatay no! Hindi sa brutal way!" tumahimik na lang ako at sya
din. Tatanungin ko sana sya kung saan kami pupunta mamaya ng may marinig ko ang
Superbass ni Nicki Minaj. "What's that?"

"Sh*t! Nabasa na lahat natunog pa din! Astig!" narining kong bulong ni goon.

"I said what's that? Kelan ka pa nahilig sa ganyang song?" I folded my arms over my
chest.

"Yung phone yun. Nandito sa bulsa ko." Ako na mismo ang kumuha sa bulsa nya. "Hoy
magdahan-dahan ka naman sa pagdukot, baka may madali ka dyan sige ka."

"Bakit may bomba ba dyan na sasabog kapag nadali ko?" I raised my eyebrow habang
dinudukot ang phone sa bulsa nya.

"Probably. Bakit di mo subukan." Tumatawa nyang sagot.

"Whatever goon. Akala mo naman naniniwala ako!!" nakuha ko yung phone at nagulat
ako dahil pambabae yung phone. Bago ako magreact sinagot ko muna ang phone kahit
walang number na nagregister. "Hello."
[Oh my gosh Flint, you're so rich pala talaga. Pero kahit anong yaman mo please
pakibalik ng phone ko ha. Kahit idaan mo na lang sa bahay ko. Iintayin kita. Or
kung gusto mong palitan pakilagyan ng pictures mo ha.] Alam mo yung hindi ba nya
napansin na babae ang naghello at tuluy-tuloy ang pagsasalita na nagpainit sa ulo
ko.

"Wow, ang taas naman ng pangarap mo na padaanin ang BOYFRIEND ko sa bahay mo!!
Pinagpapantasyahan mo pa! Sino ka ba? Kung makapagsalita ka parang close na close
kayo ha!!"

[Hi. Hindi ko alam na may girlfriend na sya.]

"Pwes ngayon alam mo na!! So wag ka nang tatawag sa boyfriend ko okay?"

[Pero kasi phone ko yan. Tsaka may utang pa sya sa'kin na dapat bayaran. Pakisabi
naman sa kanyang wag akong takbuhan - ]

Hindi pa sya tapos magsalita binuksan ko ang window at tinapon ko ang phone sa
labas.

"Hoy bakit mo tinapon?" biglang tumigil si goon.

"Sige kunin mo yun at iiwanan kita dito! Lakad kunin mo!! Magsama kayo ng babae mo!
Mga manloloko!!" parang badtrip pa ang mukha ni goon. Wow, sige lang. Sana pala
hindi na lang ako umarte kanina para natuluyan na sya.

Hindi na kinuha ni goon yung phone kahit alam ko sa itsura nya na gusto nyang
kunin. "Ang tibay pa mandin ng phone na yun." Bulong nya.

"Mas matibay pa rin yang mukha mo! Umusod ka nga ng konti kasi dumidikit na sa'kin
ang makapal mong mukha!!" nakakainis talaga. Nagmomoment ako para sa date 'SANA'
namin tapos biglang may sisingit na babae!!! Nakakabuwisit!!!

"Hindi mo naman kelangang magselos sa babaeng yun." Hindi ko sya pinansin. "Kasi
kung hindi dahil sa kanya baka patay na ko ngayon dahil nga nabugbog ako kagabi."
"Wow, patay agad? Bakit naghihingalo ka na ba kagabi at sya ang nagligtas ng buhay
mo? Inagaw ka nya sa kamay ni kamatayan kasi pinupugutan ka na ng ulo! Sinabi mo sa
kanyang 'help me! Iligtas mo ang buhay ko at magsasama tayo forever!' Kaya ang loka
niligtas ka!! Ganun ba ginawa nya sa'yo? Wow, ang galing nya ha!!!" ayoko nang
makarinig ng kahit anong sasabihin ni goon. Ewan lang ha, pero nauuna talaga selos
ko. Natural lang naman yun di ba? Sige nga kayo magkaron ng boyfriend na hot,
sweet, protective at siraulo hindi ba kayo magseselos kapag may babaeng tumawag sa
phone nya tapos parang close na close sila. Ang masama pa hindi nya nabanggit
sa'yo! Oh di ba nakakainis!

"Sira ka talaga. Hindi naman ganun. Dami mo na agad naisip eh." nakangiti pa sya
ha. Masaya pa sya sa nangyayari! "Hindi ko naman sinabing tulungan nya ko. Nagising
na lang ako nasa ospital na ko. Eh naalala ko yung mga ungas na yun na baka may
gawin sila sa'yo kaya hiniram ko yung phone nya."

"So what's her name? May utang na loob ka di ba? So dapat alam mo yung pangalan
nya." Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla syang pumreno.

"Sh*T nandun sa phone yung pangalan nya! Paano ko na sya mababayaran nyan. Baka
isipin nun tinakbuhan ko na sya. Tsk!" tumingin sya sa'kin. "Bayaan mo na. Tinapon
mo eh. Ikaw magbayad nun bahala ka. Ikaw huli nyang kausap sa phone."

"Hindi daw maalala. Aysus, acting mo ha." Pero medyo napangiti naman ako kasi hindi
nya tanda yung name nung babae. Teka, kelan ba sya nakantanda? Nakakatanda naman
sya yung mga katunog nung name pero hindi yung exact name.

"Tumawag naman ata yun sa papa natin. Sila na bahala." Napatawa sya bigla. "Kapal
ng mukha ko eh. Hindi pa nga kami close pinagbabayad ko na sya ng utang ko." Kahit
ako naman napatawa pero tumigil din ako nung tumingin sya sa'kin. "Kasi ikaw wag
kang masyadong selosa. Ikaw lang naman ang nag-iisa sa buhay ko."

"Well nabasa ko "A jealous girl is a faithful girl." Hindi ko na matandaan san ko
nabasa yan pero nabasa ko yan. At dapat matuwa ka dahil ako faithful!!" nakita kong
ngumiti sya.

"Eh di ako din. A jealous boy is a faithful boy." Proud nyang sabi.

"Bakit mo binabago? Imbento ka na eh." ayaw nya talagang magpatalo ha.

"Oh anong masama dun? Pwede namang baguhin yun. Kahit gawin kong dog o cat o
monster kapag gusto ko wala kang magagawa!!" nonsense, wala ako sa mood makipagtalo
sa kanya.

"Basta ako faithful pa rin!!!" talaga naman eh at alam kong sya rin.

"And monster and nagger and mataray and maarte and mabaho." Tapos tumawa ulit sya.
Kahit ako napatawa na din kasi parang kinakanta nya yan habang sinasabi. "Pero
mahal ko pa rin kahit na amoy alien."

"Ikaw kaya naunang maging amoy alien dyan!" hinampas ko sya sa shoulder.

"Kahit na. Kung magpalit man tayo ng situation hindi ko gagawin yung ginawa mo
sa'kin! Grabe sinaktan mo ko!!" nakatingin lang sya sa road.

"Saktan kita ng physical gusto mo?" nakaamba ako ng suntok sa kanya pero hinawakan
nya lang ang kamay ko.

"Ang brutal mo talaga. Hindi mo alam kung kelan ko gusto ng lambing at kelan hindi.
Nakakainis ka eh!" aba malay ko naman di ba? Mukha bang nanghihingi ng lambing yung
ganun? Parang hindi naman. Tsaka ano namang alam ko dyan di ba?"

"Basta galit ako! Hinayaan mo pati yung phone ko sa mga kingkong brothers!!
Hinayaan mong mabahiran yun ng dungis at baho ng mga tulad nila." Pero okay lang na
phone ko ang mapunta sa kanila at hindi ang goon ko. Tiningnan ko sya habang nagda-
drive. Kahit na mabaho at madumi sya gwapo pa rin sya. Bigla ko syang niyakap. "I
love you. Natatakot ako baka kung anong gawin nila sa'yo."

Inakbayan nya ako. "Wala kang dapat ikatakot. Mahina lang ako kagabi pero di na yun
mauulit." Mas lalo ko syang niyakap. "Pero kung yayakapin mo pa ko ng ganyan baka
may iba talagang mangyari." Bigla naman akong napabitaw sa kanya.

"Anong mangyayari?" ano kayang sinasabi nya. Seryoso kong iniintay ang sagot nya.
Baka kasi - baka kasi iba ang isipin ko tapos iba pala ibig nyang sabihin or what
di ba? Maganda na yung sa kanya manggaling.

"Mababangga tayo. Ano bang iniisip mo dyan?" at nagsimula na syang mang-asar buong
byahe. Wala naman talaga akong iniisip ang problema ayaw nyang maniwala. Sabihin
nyo nga sa kanya. Ang feeling kasi akala mo laging pinagnanasahan. Minsan-minsan
lang kaya. Sana lagi na lang kaming ganito at sana maging maganda ang date namin.
Alam ko magiging magandan yun at masaya syempre. Think positive Alexa. Hindi
mawawala si Zak at walang mangyayaring masama sa kanya.

"Siguro sa isip mo naka-trunks lang ako no!" tawa sya ng tawa habang hinahampas ko
sya.

"Oo, trunk ng puno! Never kitang pinagnasahan no!!!!" todo hampas pa din ako sa
kanya pero hindi naman malakas.

"Talaga? Kahit minsan?" humarap na ko sa road at hindi na ko tumingin sa kanya.


"See! Got ya! That face is a confirmation na pinagnasahan mo ako kahit minsan."

"Ingay mo! Baho na nga dito sa car nagsasalita ka pa! Mas lalong bumabaho." Maiba
lang kasi nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nya.

"Iniiba ang topic kasi guilty. Patay na patay sa'kin ang girlfriend ko. Ayaw pang
aminin oh oh." Yes kinakanta nya yan sa tonong sya lang ang nakakaalam. Alam mo
yung pinapapangit nya yung boses nya kaya ako naman tawa ng tawa. Isang masaya at
mabahong byahe pero the best. Bawing-bawi sa mga nangyari.

A/N

A/N

Heavy ang mga previous chapters so pagaanin muna natin ngayon. Good vibes always
lang tayo. :) Please vote, comment and follow. At wag kalimutang basahin din yung
iba kong stories. Thank you.
For latest news and update follow and like the following:
Official FB Page: Perfect Haters by megladiolus
Official Twitter: @Perfect_Haters
My official FB Page: Megladiolus - Mela Brio
Follow my personal account: Mela Brio
Add my public account: Megladiolus Watty
Follow me on twitter: @Official_Mela_B
Instagram: @itsmelabrio

thank you.
<3 mela

*******************************************
69

*******************************************
ALEXA'S POV
After naming maligo sa bahay ko umalis na din kami ni goon. Nagwithdraw muna sya at
bumili ng new phone tsaka kami pumunta sa amusement park.

"Bakit dito mo gustong pumunta?" tanong ni goon sa'kin, holding hands while walking
pasway-sway pa kami.

"Kasi naman hindi ako masyadong nagenjoy last time na nandito tayo. Alam mo na, yun
yung pinakamasamang balitang natanggap ko sa buong buhay ko. Tsaka isa pa patago
tayo nun, eh ngayon free na tayo!!!" itinaas ko ang dalawa kong kamay na parang
isang malayang ibon. "So anong una nating gagawin?"

"Kumain?" tanong ni goon. Umikot naman agad ang mga mata ko para humanap ng pwedeng
kainan.

"There! Yung hotdog na yun ang gusto ko!" hinigit ko sya at lumapit kami sa stand
nung tindahan ng hotdog. Habang naorder si goon napatingin ako sa kabilang side.
"Oh no." bulong ko sabay higit sa sleeve nya.

"Oo na nga. Niluluto na. Masyado ka naman dyan." Nakatingin pa rin ako sa nakita ko
at hinigit ko si goon ulit with matching kulbit. "Ah, alam ko yang mga ganyan mo.
Ano ka ba naman, wag dito oh. Mamaya na. Pagbibigyan naman kita."

*TUGSH

"Grabe parang nagbibiro lang ako may pambabatok agad!" kinuha nya ang hotdog at
drinks tsaka binayaran.

"Bilisan mo dali!!" nananakbo kami habang nakain.

"Pwede bang maupo tayo? Ngayon mo pa talaga naisipang magjogging." Tumigil sya at
kumain ng hotdog.

"Halika na!!" kinain ko ng mabilis ang hotdog na binili namin tsaka ko hinigit si
goon.

"Ang duga nito. Pagkakatapos mong kumain hihilahin mo na lang ako. Pwedeng pakainin
mo naman muna ako?" pero hindi ko na sya hinayaang tumigil para lang kumain.

"May nakita kasi ako kaya bago pa sila mawala sa paningin ko bilisan mo na dyan."
Bigla akong tumigil at nagtago sa likuran ng pintuan. "Uy dito!" hinigit ko din si
goon dahil dire-diretso lang sya sa paglakad.

"Ih gustong mapadikit sa'kin." Pang-aasar ni goon.

"Sira ka ba! Kahit anong oras gusto kong dumikit sa'yo pwede at kaya kong gawin!!!"
I rolled my eyes.

"Yan ang gusto ko sa'yo eh!" magsasalita pa sana sya pero tinakpan ko ang bibig
nya.

"Kahit na!! Sinasaktan mo lang ako!!" OMG! Naiyak ba si Jezhi? Oo, sila ni Val ang
sinusundan namin.

"No baby! Kahit kailan hindi ko ginustong saktan ka, believe me!" narinig kong
sagot ni Val.

Inalis ni goon ang kamay ko sa bibig nya. "Si Val ba yun?" bigla syang humarap. "Va
- " bigla akong dumamba sa kanya at natumba kami. Mabuti na lang at may halaman na
nakaharang at hindi kami agad nakita.

"Siraulo ka talaga kahit kelan!! Ngayon ko pa nga lang sila makikitang mag-away at
kung bakit sila nag-aaway." Sabi ko kay goon. Nakatitig lang sya sa'kin at
nakangiti. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Tulog na tayo." Sabi nya at biglang pumasok sa isip ko na nasa amusement park nga
pala kami. Tumayo agad at napansin kong wala na sila Jezhi.

"Ayan nawala na sila. Kahit kailan talaga palpak ka!" Bumangon na rin si goon at
sumunod sa'kin.

"Ano yang mga yan?" isinuot ko sa kanya ang isang wig tsaka shades na pangbata.
Yung malaki. "Ano ba naman 'to?" tatanggalin nya sana pero hindi ako pumayag. "Ang
panget ko naman dito!"
"Ang gwapo mo pa rin naman sa paningin ko." Hinalikan ko sya sa cheek. Isinuot ko
naman ang isang cap tsaka ang salamin sa mata, yung ginagamit kapag manonood ng 3D.
Yung ganung style.

"Bakit ikaw ang ganda ng sa'yo? Yan na lang ang sa'kin." Aagawin nya pero tinapik
ko ang kamay nya.

"Wag ka na kasing magreklamo. Mahal pa din naman kita kahit ganyan ang itsura mo.
Tsaka kasalanan mo naman yan eh. Ang daldal mo kasi. Tara na!" hinigit ko sya para
hanapin ang lovers na yun. Hindi naman pala-kwento yung si sis about sa kanila ni
Val. Pero sya alam nya lahat ng nangyayari sa love life ko. This time dapat
makasigurado ako na hindi si Val ang may kasalanan dahil kung hindi, patay sya
sa'kin.

"Bakit ayaw mo na lang bang hayaan yung dalawa? Magdate na lang tayo ng sa'tin."
Higit-higit ko pa rin sya at tumitingin pa din ako sa paligid.

"Kapal talaga ng mukha mo. Ikaw todo support si Val sa'yo kapag may problema tayo,
tapos ikaw ayaw mo silang tulungan." Tumigil ako. "Pwes kung ayaw mong tumulong
sa'kin ako na lang!" binitawan ko sya at naglakad ako papalayo pero hinabol nya ko.
"What?"

"Paano kung makita ko sila?" hindi ko mabasa kung anong gustong sabihin ni goon
dahil nga naka-shades kami.

"Eh di good. So nasaan sila?" I folded my arms over my chest. Feel na feel ko ang
disguise namin. Hindi kami makikilala ng kahit na sino. Natatawa pa ko sa itsura ni
goon. Naka-green na wig tapos malaki na shades. Grabe ang gwapo pa rin.

"Wala ba kong benefit kapag nakita ko sila?" so gusto nyang may kapalit? Ano ba
namang klaseng kaibigan 'to?

"Fine sige na. Nasaan na sila?" tumuro si goon sa tapat ng ferris wheel at nandun
nakatayo sila Val at Jezhi na mukhang hindi pa rin tapos mag-away.

Nagmadali kaming nagtago at dahan-dahang lumapit sa kanila.


"I hate you na. Hindi mo naman talaga ako love eh." sabi ni Jezhi.

"Ano ka ba baby, hindi na nga ako nambobola ng ibang babae eh." sabi ni Val.
Naririnig lang namin sila dahil nga nagtatago kami.

"Kahit na. Bakit ganyan ka ngayon? Parang wala kang natatandaan? I hate you."
Ganito pala toyoin si Jezhi.

"Look baby, ikaw lang ang mahal ko sa totoong buhay." Sabi ni Val.

"So sa pekeng buhay may iba kang mahal? Manloloko ka!"

*PAK

Naku mukhang may nasampal pa.

"I mean sa kabilang buhay. Hanggang sa kabilang buhay ikaw pa rin ang mamahalin
ko." Biglang napatawa si goon.

"Ang korni ni Val. Hindi ko akalaing ganyan sya kakorni." Nakatawang sabi ni goon.

"Wow, mas korni ka pa kaya dyan. Makapagsalita ka ha. Next time irerecord ko mga
sasabihin mo para naman malaman mo kung gaano ka kakorni." Biglang sumeryoso ang
mukha nya. "Ganito pala sila mag-away, parang mga bata. Samantalang tayo kung mag-
away sigawan, parang matatanda na." Naramdaman ko ang kamay ni goon sa waist ko.

"Gusto mo gawin din natin ang ginagawa ng ng matatanda?" bulong nya sa tenga ko na
halos magcollapse sa narinig ko. Hindi naman sa gusto ko pero yung katawan ko
parang kinukuryente na hindi ko maintindihan. "Ih gusto, namumula."

Tinulak ko ang mukha nya palayo sa'kin at hindi ko sya pinansin. Sumilip ako kina
Jezhi at Val para lang mawala yung kaba ko ngayon. Buwisit talaga 'to si goon kahit
kailan. "Oh no, umalis sila." Tumayo ako at pasimpleng sumunod sa kanila. Walang
mapagtaguan kaya naglakad na lang kami na parang normal na tao. "Wag kang
pahalata." Bulong ko kay goon.
"Ayoko na, babalik na lang ako." Naku po patay, tumigil si Jezhi at tumingin
sa'min.

"Ang ganda nung butterfly sa taas sweetheart." Sabay turo ko sa baba. Ewan ko ba
bakit sa baba ako napaturo.

"Sweetheart hindi butterfly yan, feeling butterfly lang. Ipis yang nakikita mo."
Parang nagpalit din ng boses si goon.

"Ang weird ng mga tao ngayon." Narinig naming sabi ni Jezhi.

"Come on baby. Para makabawi ako sa'yo." Sabi ni Val. Please sumama ka na Jezhi at
wag mo na kaming titigan. Pati tuloy halaman sa tabihan nasira na namin.

Nakita naming naglakad na silang dalawa kaya naman sumunod na ulit kami. Papunta
sila sa lugar na walang tao. Masama 'to. Baka kung anong gawin ni Val sa kaibigan
ko. Pero bakit dito naman?

"Oh my gosh!" napayakap si Jezhi kay Val. Kahit ako natulala. May nakaset na table
sa gitna tapos puro flowers ang paligid tapos may bouquet of red roses sa may
table. "Para sa'kin yan?"

"Hindi ah. Malay ko ba kung kanino yan." Cool na sagot ni Val. Lumayo naman agad si
Jezhi sa kanya pero napigilan sya agad ni Val. "Joke lang. Para sa'yo talaga yan.
Hindi ko nakalimutan ang monsthsary natin." Hinawakan nya sa mukha si Jezhi.
"Simula ng dumating ka sa buhay ko - wala lang."

"I hate you!" paarte pa 'to si Jezhi kinikilig naman.

"Oh baby baby baby, my baby baby baby. Ikaw na ang babaeng papakasalan ko at naisip
kong ipakilala ka na din kina mommy - " hindi pa tapos magsalita si Val eh
sinunggaban na ng halik ni Jezhi. Ang sweet nilang dalawa. Naiiyak ako sa sobrang
saya para sa bestfriend ko kaya tumalikod na ako at naglakad paalis.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni goon. Tinanggal ko na yung suot kong salamin at cap
at itinapon ko sa basurahan. Sumunod lang si goon hanggang makakita ako ng bench.
Naupo ako dun na parang naiiyak pa din. "Anong nangyayari sa'yo?"
Tumingin ako kay goon at natawa ako sa itsura nya. Para kasi syang bading na gwapo.
Ngumiti ako. "I love you."

"Ito na ba yung scene na hahalikan mo ko tapos magugulat ako at sasampalin kita?"


nawala yung ngiti sa mukha ko at nagulat sa sinabi nya. "Joke lang. Never naman
kitang sasampalin ever. Hindi kaya kita kayang saktan."

Tinanggal na din nya ang suot nya at itinapon sa malapit na basurahan at umakbay
sa'kin. Hinilig ko naman ang ulo ko sa shoulder nya. "Kahit ganito lang tayo
maghapon masaya na ko." Nagbuntong hininga ako. "Alam mo masaya na s Jezhi ngayon.
Masaya ako para sa kanila."

"Sa'kin ba hindi ka masaya?" tiningnan ko sya.

"Hindi." Nakakatawa yung itsura nya. Nanlaki yung mga mata tapos naiwan pang
nakabukas yung bibig na parang hindi makapagsalita. "Kasi masayang-masaya ako
sa'yo. Mahal na mahal kaya kita." Tapos hinalikan ko sya sa lips pero mabilis lang.

"My naughty monster." Bigla nya kong hinawakan sa waist. "Wanna play with me?"

"Baliw! Umayos ka nga." Nilagay ko ulit ang ulo ko sa chest nya para matigil na sya
sa kung anong gusto nyang gawin.

Nilalaro nya lang yung buhok ko. Alam mo yung napaka-peaceful ng pakiramdam ko.
Parang anytime nga makakatulog ako eh.

"Ang bango ng buhok mo." Napangiti naman ako sa sinabi ni goon. Sunod nyang kinuha
nya ang chin ko at iniharap sa kanya. Tiningnan nya ang buo kong mukha then he
traced it using his index finger. "Ang ganda ng kilay mo." Sabay turo sa kilay ko.
"Ang tangos ng nose mo." Sabay turo sa ilong ko. Seryoso yung mukha nya habang
pinagmamasdan maigi yung mukha ko. "Kahit nakapikit ako mukha mo lang ang nakikita
ko. Kahit nga mabulag ako ikaw lang ang nasa puso at isip ko."

"Ano bang nangyayari sa'yo? May problema ba?" tinitigan ko sya at nagpacute pa ang
loko.
"Wala naman. Dami kasing nangyari sa'tin so sinusulit ko lang 'tong moment na 'to.
Para sabihin sa'yo na mahal namahal kita. Lahat gagawin ko para protektahan ka."
Bigla nya kong niyakap.

"Ako din naman. Kahit pa buhay ko ang kapalit. Kaya nga umarte ako sa mga
kidnappers eh. Pero kung hindi yun naging effective, ay naku ewan ko na." Niyakap
ko din sya. "Tara magdate na tayo. Masyado ka kasing emo dyan." Tumayo ako pero sya
parang ayaw tumayo. Nagpapahigit pa. "Tara na." hinigit ko sya pero ako ang natumba
pabagsak sa kanya.

"Tara na sa ano?" I rolled my eyes as he grinned. "Ang ganda mo talaga. Pero mas
maganda ako sa'yo kung naging babae ako." Napatawa na lang ako at hindi na
nakipagtalo. Tumayo na lang ako at hinigit ko sya. "San na ba tayo pupunta? Dapat
kasi dun na lang tayo sa bahay mo eh. Tayo lang ang tao dun tapos makakapagluto pa
ko at makakapagrelax pa tayo."

"At kung ano pa ang magagawa mo sa'kin." Hinawakan ko ang kamay nyang nakaakbay
sa'kin.

"Wow, nakakahiya naman sa'yo. Parang ikaw dyan ang may gustong gawin sa'kin."
Siniko ko sya sa sikmura habang naglalakad kami. "Ano ayaw mo talaga? Kahit
minsan?"

"Ihhh buwisit ka. Gusto pang malaman." Nakakahiya naman 'to. Mga mapupusok pa
mandin ang teenagers na tulad namin.

"Ang ganda mo kapag nahihiya. Nagmumukha kang kamatis." Mas lalo naman akong nahiya
kaya nagturo na lang ako ng rides para mawala ang attention nya sa namumula kong
mukha.

"Roller coaster!!!!" hindi agad nagsalita si goon.

"Dun kaya tayo sa ice skating rink? Masyado kasing mainit dito sa labas, lumalabas
ang pagka-hot ko." Ako naman ang hindi nakapagsalita. Hindi naman kasi ako ganun
kagaling mag-ice skating.

"O sige jack en poy tayo. Sinong manalo syang masusunod." Sabi ko kay goon habang
nakaready na yung kamay ko.
"Sige." Nagready na din sya. "Jack en poy. Hale-hale hoy." Sya yung nakanta. "Si
aswang mukhang unggoy." Napatigil ako at napatingin sa kanya kaya naiwang nakaclose
yung kamay ko. "O talo ka, bato ka papel ako. Yes."

"Sinong mukhang unggoy? Sinong mukhang unggoy?" inakbayan nya ako ulit.

"Sabi ko sinong matalo syang unggoy." Tapos bigla syang tumawa. "Sinong unggoy?"

"Mag-ice skating ka mag-isa!" tawa pa rin sya ng tawa. Ano bang nakakatawa?

"Sige umarte ka ng ganyan nagmumukha kang unggoy." Sumimangot ako lalo dahil sa
sinabi nya. "Unggoy, gusto mo ng saging?" tiningnan ko sya ng masama as in yung
pamatay. "Oh grabe hindi ko naman sinabing saging ko. Ayan o may madadaanan tayong
nagtitinda. Makatingin ka dyan eh."

"Puro ka kasi kalokohan. Hindi na nakakatuwa." I rolled my eyes for the nth time
today.

"Ma'am! Ma'am!" napalingon kami sa nasa likuran at hinanap kung saan yung natawag.

"Makatigil ka naman akala mo ikaw yung ma'am. Sir ka di ba?" Mga banat ni goon
nakakainis no? Kung itrato ko para akong isang lalaki.

"Ma'am!" nagulat ako ng biglang may humawak sa'kin. Pero mas nagulat ako ng biglang
tumalsik yung humawak sa'kin.

"Bakit mo sya hinawakan?!!!" kawawang lalaki. Mukang bata pa naman sya at - teka
san ko nga ba sya nakita?

"Grabe naman yang kamay mo. Automatic gumagalaw kapag may humahawak sa'kin."
Lumapit ako dun sa bata at tinulungan kong tumayo. Hindi nama totally bata sya.
Siguro same age ko lang. "Pagpasensyahan mo na 'tong lolo ko ha."

"Lolo nyo po sya?" Bigla syang tumingin kay goon. Tiningnan sya ng masama ni goon
kaya hindi na sya nagtanong ulit.
"Bakit mo ba ko tinatawag?" hinigit ako ni goon papalayo dun sa bata.

"Kasi po - " kumamot muna sya sa ulo nya na parang nahihiya. " - hindi pa po kasi
kayo nagbayad dun sa kinuha nyo kanina. Yung wig na green, cap at shades. Hinabol
ko po kayo at sinundan kanina. Matatanggal kasi ako sa trabaho kapag di yun
nabayaran."

Nagkatinginan kami ni goon. "Bayaran mo na." sabi ko kay goon.

"Hala bakit ako? Sino bang nagsuot sa'kin nun? Pinapanget mo na nga ako tapos ako
pa ang magbabayad. Nakakahiya ka. Ang ganda-gandang babae shop lifter pala."
Tumalikod sya at hindi ko na sya pinilit.

"Hoy kapal mo! Nakalimutan ko lang magbayad kasi nga nagmamadali tayo!!" sigaw ko
kay goon tsaka ako humarap ulit sa totoy na humabol sa'min. "Magkano ba lahat?"
Kumuha ako ng pera sa wallet ko. "Kasya na ba 'tong 1 thousand?"

"May sukli pa po kayo." Nakangiti na yung bata sa'kin. Kawawa naman 'tong bata
kapag nawalan ng trabaho.

"Pwede din po bang magpapicture sa inyo. Ang ganda nyo kasi, para kayong anghel."
Sabi nung bata pagkakuha nung pera.

"Sure. No Problem." Kinuha nung bata yung phone nya. Magpipicture na sana kami nang
kunin ni goon yung cam.

"Ako na. Oh dali. 1 2 - " tapos iniabot nya yung cam sa bata. "Magrereklamo ka pa?"

Umiling lang yung bata. "Salamat a - ate." Bigla syang lumapit at bumulong. "Ang
sungit ng lolo mo." Sabay takbo ng mabilis.

"HOY ANONG SINABI MO!!! BUMALIK KA DITO!!!" tumatawa lang ako dahil sa sinabi nung
bata. "Anong sinabi nya at kinikilig ka?"

"Ang OA mo. Kinikilig eh." itinago ko na ulit ang wallet ko pero natawa pa rin ako.
"KINIKILIG KA NAMAN TALAGA!! Kinilig ka sa uhugin na yun? Tuwang-tuwa ka pa at
nagpapapicture. Wow feeling artista ka naman!! Mabuti na lang at zinoom ko yung cam
at mukha nya lang ang kita. Akala nya ata may pagpapantasyahan sya sa gabi ha.
Mukha nya!" natawa ako lalo sa sinabi nya. Ang monster goon ko nagselos na naman.

"You know what, I think I should talk to strangers more often. You're cute when
you're jealous." Sabi ko sa kanya sabay kiss sa cheek. Parang nagulat naman sya sa
ginawa ko. "Isa pa, ikaw lang ang nakakapagpakilig sa'kin no. Wala ng iba." Then
nagwink ako sa kanya. Ayun tulala ang loko. Tumalikod ako at naglakad papunta sa
ice skating rink.

Naramdaman ko na lang na may umakbay sa'kin. Ang ganda na ng ngiti ni goon. Gusto
lang pala nilalambing. Sobrang arte, dinaig pa ko sa pagseselos.

Sya ang nagbayad at kumuha ng shoes. Sya din ang nagsuot sa'kin. Umalis lang sya
sandali para daw kumuha ng knee pad in case na bumagsak ako. Habang iniintay ko sya
biglang may lumapit na lalaki. Mukhang dun naman sya nagwowork dahil nakauniform
sya.

"Hi ma'am. Baka gusto nyo pong kumuha ng coach. Pwedeng 30 minutes or 1 hour na
tuturuan kayo ng coaches namin then hahayaan na kayo." Mukhang nagpapacute si kuya.
Naku sana makuha nya pang magpacute kapag basag na yung mukha nya. "Pwede po kayong
mamili ng coach na gusto nyo. Marami po kaming gwapong coaches at for sure maswerte
ang mapipili nyo."

"Suswertihin ka pa kaya kapag binasag ko yang mukha mo ngayon? O gusto mo ring


humanap ng coach para makapagpractice ka muna?" ayan na nga ba ang sinasabi ko.
Hindi ko naman kinausap yung lalaki. Nakatingin lang ako. "Hi honey my love so
sweet. Namiss mo ko alam ko. Yung iba dyan nakakita lang ng maganda sunggab agad,
akala naman nila papatulan sila." Natawa ako kay goon. Sobrang cute nyang magselos,
at tuwing nagseselos sya lalo ko syang minamahal.

"Ano ka ba honey my love so sweet, wala namang ibang makakatalo sa'yo. Kahit sino
pa yang mga yan wala akong pakialam. Sayang lang laway nila." Nilagyan ako ng knee
pad ni goon at elbow pad pati helmet. Oha, sobrang safe na ko nito.

"Mabuti pa magskating na tayo bago ko pa maitesting ang blade nitong shoes sa mukha
ng mga nakakainis sa paligid." Hinawakan ako ni goon sa dalawang kamay at
inalalayan papunta sa rink.

Hindi na din naman nakaimik si kuyang coach. Sorry na lang sya. Oo nga at may
itsura sya pero duh, sobrang laki ng lamang ng goon ko.

"Sige na mauna ka na dun aswang." Nakakapit lang si goon sa side at hindi nagalaw.

"Anong mauna? Tara na sa gitna dali." Pero hindi ko sya mahigit kaya naman umikot
muna ako ng isa. Medyo marunong pa pala akong magskating kahit paano. "Ikaw naman."
Binalikan ko si goon at nakakapit pa rin sya sa side. "Aha, hindi ka marunong no?"

"A - anong hindi? Marunong ako no!" Bumitaw sya tsaka naglakad.

"Bakit ka naglalakad? Hindi ganyan." Hinigit ko sya bigla at nagulat sya.

"HOY ASWANG UMAYOS KA NGA! WAG MABILIS OY MATUTUMBA AKO OY TEKA BUBWELO LANG AKO OY
SINABI NA NGANG DI PA KO READY OYYYYYYYY!!!" inikot ko sya ng madami sabay
binitawan ko.

*TUGSH

Hala tumama si goon sa side ng rink. Malay ko bang hindi nya kayang kontrolin?

Pinunatahan ko agad sya. "Ayos ka lang ba?" Tinulunga ko syang tumayo.

"Anong ayos? Sinabi ko na ngang wag muna di ka nakinig!!!!" naku magkasalubong na


ang kilay nya. Galit na 'to.

"Malay ko bang sobrang lampa mo? Lakas ng loob mong magyaya dito di ka naman pala
marunong. Nakakahiya ka naman." Tumalikod ako at nagskate na ulit.

Nakita kong nagskate na rin si goon. Marunong naman sya kaya lang hindi sya
masyadong kumikilos. Pinaikutan ko sya habang naglalakad sya. "Si goon takot. Si
goon lampa. Si goon si goon." Bigla syang nagskate ng mabilis at sinabayan ang ikot
ko tsaka ako hinigit at inikot then binitawan. Mabuti na lang at nakabwelo ako agad
kundi sapul din ako sa wall. "Ah ganyan pala ang gusto mo ha."

Sinugod ko sya para itulak pero nakaiwas sya. Magaling din pala ang mokong. Pinaasa
nya lang ako. Humanda sya sa'kin. Sinundan ko sya ng sinundan pero ang bilis nyang
kumilos.

"Ano pagod na? Uwi ka na lola." Pang-aasar nya sa'kin pero hindi ako naasar. Ayaw
nyang magpahuli ha. Sisiguraduhin ko ngayong sya ang lalapit sa'kin.

Tumigil ako sandali sa may side. Kunyari may masakit sa paa ko. "Mamaya na. Masakit
ang paa ko."

"Mukha mo! Sakit ng paa. Lampa si aswang. Takot si aswang. Si aswang si aswang." At
binaligtad nya ang kanta ko sa kanya ha. Pwes tingnan natin.

"Kuya pwede mo ba kong alalayan palabas? Papapalit lang ako ng shoes." Isang
nagiice skating yung kinausap ko. Take note parang artista sya ha. Ang ganda ng
kutis, ang puti ng mukha, parang si Trav at Tuck lang.

"Sure miss." Hinawakan nya ako sa kamay at inalalayan palabas. Nginitian ko si goon
at nagwave pa ako. Nung nasa may labas na ako ng rink nakita kong papalapit na si
goon. "Do you need anything?"

"Nah, I'm fine. Thank you. And I think you need to go, my boyfriend's coming."
Parang disappointed naman si kuya na gwapo. Sayang hindi ko naitanong ang name at
number, naihanap ko pa sana sya ng girlfriend.

"Sino yun? Anong arte mo?" Nakatayo si goon sa harapan ko. Nakatapak pa sya sa rink
ako naman nakatapak na sa labas ng rink.

Hindi ko sya sinagot kaya mas lalo syang naasar pero bago pa sya makapagsalita ulit
itinulak ko na sya ng malakas at parang naout of balance sya kaya dahan-dahan-
dahan-dahan-dahan - kaming natumba. Buwisit na yan hinawakan ako habang pabagsak
sya.

"Akala mo ha. Mas gugustuhin kong bumagsak kasama mo dahil alam ko sa huli sa'kin
lang din ang bagsak mo." Boom! Galing mambola no. "Pero sana tumatayo ka na dyan
kasi pupulmunyahin na ko dito kapag di ka pa tumayo."

Bumangon kaming dalawa at hindi na kami nag-asaran. Ang smooth nyang gumalaw, pwede
na nga kaming sumali sa mga contests eh. Ang galing namin, oo namin. Kaya pala
gusto nya dito. Hindi nya nabanggit sa'kin na marunong syang magskate ha. Cool.
After naming mapagod sa paga-ice skating lumabas na kami at kumain ng kung anu-ano
lang na makita namin. Minsan kasi mas masarap kumain ng kung ano lang makita mo
kesa sa resto. Hindi nakakasawa at madami ka pang magagawa. Kumain kami ng cotton
candy at nagbigay pa ng cotton candy si goon sa isang batang umiiyak dahil nalaglag
ang ice cream nya. Sa sobrang tuwa ko nga kay goon hinalikan ko sya kahit maraming
tao. Aba ang loko nawili, bumili ng cotton candy at pinagbibigyan ang mga batang
nakita namin.

"Asan na ulit yung kiss ko?" hindi ko sya pinansin at umalis na ko. Loko 'to ah.
Akala nya ata makakaisa sya. Pero nakakatuwa din kasi mahilig sya sa bata. "Sobra
naman 'to. Bakit ka nang-iiwan?"

"Kasi OA ka na." hinawakan nya ako sa kamay at naglakad ulit kami.

"Gusto ko ng maraming anak para masaya. Yung anak lang nating dalawa ha. Ang hirap
ng may anak sa iba, kawawa kapag nagkagustuhan tapos malalaman nilang magkapatid
pala sila. Ang mas masaklap dun eh yung malalaman nilang hindi sila magkapatid kaya
lang mapagkakamalang patay naman yung isa." Nakatingin sya sa kamay ko habang
nagsasalita then tsaka sya tumingin sa'kin at ngumiti. Ngumiti na lang din naman
ako. Alam ko naman kasi ang gusto nyang sabihin. "Uwi na tayo." Nagnod lang ako
kaya umuwi na kami.

Bakit kaya kapag kasama mo yung taong mahal mo ang bilis ng oras? Nandito na agad
kami sa bahay. Bumaba kami ng kotse. Nandito lang kami sa tapat ng gate at hindi
pumasok. "Nag-enjoy ka ba?" tanong nya sa'kin.

"Sobra. Bitin pa nga ako eh." lumapit ako sa kanya at tiningnan ko sya sa mata.
"Ikaw ba, nag-enjoy ka?"

Kinuha nya yung dalawang kamay ko at hinalikan. "Lahat naman ng ginagawa ko basta
kasama ka lagi akong nage-enjoy." Hinawakan nya ako sa mukha. "Basta lagi mong
tatandaan mahal na mahal kita." Inilagay nya ang right hand ko sa chest nya. "Ikaw
lang ang tinitibok ng puso ko at ikaw lang ang nandito. Kapag nagda-doubt ka,
pakinggan mo lang ang heart ko, dun mo malalaman na kahit hindi ako magsalita
mararamdaman mo kung gaano kita kamahal." Seryoso lang syang nakatingin sa'kin.

"Ikaw din naman. Ikaw lang ang nasa puso ko. Ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko
ng ganito kabilis." Ngumiti ako.

"Weh? Paramdam din. Bakit di mo nilalagay ang kamay ko dyan?" nawala yung seryoso
nyang mukha. Hindi ko din naman alam kung anong sasabihin. "Ano? Wala ka, hindi
totoo yang sinasabi mo."

"A - ano kasi - ang - ang panget naman kung - kung ano - " bigla nya kong niyakap
ng mahigpit na mahigpit.

"Ganito na lang. Mararamdaman ko pa din naman ang puso mo sa ganito kahigpit na


yakap." Alam mo yung yakap nya parang nakakalungkot. Ewan ko ba. Siguro dahil
nagiging honest kami sa mga nararamdaman namin kaya ganun. "Lagi kong tatandaan
yang heartbeat mo. Tug tug tug tug tugtugtug." Sinasabayan nya ng salita yung
heartbeat ko. "Kahit nakapikit ako naamoy ko ang buhok mo. Nakikita ko ang mukha mo
at nararamdaman ko ang pagmamahal mo."

"Goon ano bang problema mo? Kanina ka pa ganyan. Masaya naman tayo di ba?"
humiwalay sya sa pagkakayakap sa'kin.

"Masaya naman tayo. Naglalambing lang. Gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na
mahal kita. Yun lang. Gagawin ko lahat for you, tandaan mo yan." Hinalikan nya ako
sa lips medyo matagal din tsaka sya lumayo at bumitaw. "Sige na, pumasok ka na sa
loob. I love you."

"I love you too. Tumawag ka agad pagkauwi mo ha." Nagnod lang sya at nagwave
sa'kin. "Ah teka, natakot na ko eh." Inihagis ko ang susi ng car ko sa kanya.
"Dalhin mo na yan. Baka mabugbog ka na naman dahil sa paglalakad mo. Don't worry di
naman magagalit si papa." Ngumiti lang sya at pumasok sa kotse.

Pinagmasdan kong umalis ang kotse. Masaya ako ngayong araw. SObrang saya ko. Kaya
lang pakiramdam ko nalulungkot din ako dahil sa sobrang saya. Hindi ko maexplain
pero may weird akong nararamdaman at hindi ko alam kung ano yun.

A/N

Sabi ko naman sa inyo di ako agad magUUD kapag di nalike yung page ko. Haha. Kasi
nandun lahat ng updates about sa lahat ng stories ko. And also check out my new
story "The Playboy's Curse", story yan ni Tucker Fanton at Trav Cai. :) Sana
basahin nyo din yung iba ko pag stories. Thank you.

For more updates like my facebook page: Megladiolus - Mela Brio


Like our Official PH Page: Perfect Haters by megladiolus
Follow our Official twitter: @Perfect_Haters
Follow my PERSONAL FB account: Mela Brio
Follow me on twitter: @Official_Mela_B
Add my PUBLIC FB account: Megladiolus Watty
Instagram: @itsmelabrio
Thank you for your everlasting love and support. <3 Love y'all. Don't forget to
vote, comment and follow.

<3 megladiolus

*******************************************
70

*******************************************
ALEXA'S POV

"Maganda ba 'tong ring ko sis? Bigay 'to ni Val. Ang ganda no?" Sobrang saya lang
ni Jezhi. Kanina nya pa tinitingnan 'tong singsing na bigay ng boyfriend nya.
"Nakikinig ka ba sa'kin?"

"Oo nakikinig ako. Tinatanong mo kung maganda ba yang ring ba bigay ni Val na ikaw
na din naman ang sumasagot. Tsaka paulit-ulit mo na din naman yang sinasabi." Kasi
simula magkita kami yun at yun din naman ang sinasabi nya. Mabuti na lang at nasa
mall lang kami ngayon. Tamang shopping lang.

"Ikaw nga dyan kanina mo pa chinecheck yang phone mo. Yung totoo anong problema mo?
I know you, nagrerelax ka kaya ka nagsa-shopping. Tapos lahat naman ng puntahan
natin hindi ka masyadong napili. Alam mo bang lahat ng binili mo eh ako ang pumili
at hindi ikaw?" napatingin ako sa dala namin at hindi ko matandaan na bumili na
pala ako. "So ano nga kasing problema?"

I sighed. "Kasi - kasi hindi pa nagtetext or tumatawag si goon. I tried to call him
pero out of reach. Dumaan din ako sa pub pero wala sya dun. Tapos - tapos lumipat
na pala sila ng bahay hindi man lang nya ko sinabihan." Tumigil ako then humarap
kay Jezhi. "Sobrang hindi normal. Kasi kilala ko yun. Hindi yun makakatulog ng
hindi ako kinakausap kaya nag-aalala ako."

"Tinawagan mo na ba sila Tuck? Gusto mo kausapin ko si baby?" napansin kong naging


worried din si Jezhi.

"Nakausap ko na sila at wala din silang alam kasi pati sa kanila hindi
nagpaparamdam si goon. What if binalikan sya ng mga syndicate member na yun. Hindi
ko na alam ang gagawin ko." Nag-aalala naman talaga ako kasi this is not so him.

"Relax sis. For sure kokontakin ka din ni Zak. Ikaw na nga ang nagsabi na hindi nya
kayang hindi ka makausap di ba?" Mabuti naman at okay kausapin si Jezhi ngayon.
Gumagaan ang pakiramdam ko.
"Pero 2 days na simula ng last kaming magkita. Nakaya nyang hindi ako kausapin for
two days." Nagsimula na ulit akong maglakad. "Uwi na tayo."

"Okay ba yung last nyong pag-uusap? Hindi ba kayo nagkaron ng problem?" sumabay na
rin sa paglakad ko si Jezhi palabas ng mall.

I shook my head. "Okay naman kami. Sinundan pa nga namin kayo ni Val - "

"What?" gulat na gulat na tanong ni Jezhi. Hindi nga pala nya alam na sinundan
namin sila. "Kaya pala parang may weird na nasunod sa'min. Kayo pala yun."

"Well hindi naman yun yung issue dito. So ayun nga, medyo weird na sya nun kasi
naman sinasabi nya na ako lang yung mahal nya, na gagawin nyang lahat for me. Basta
yung mga ganun - " bigla akong napatigil. " - hindi kaya." Hindi ko na tinuloy yung
gusto kong sabihin dahil bigla akong nasaktan. Posible kayang sinadya nyang hindi
magparamdam? Pero bakit? Siguradong hindi nya 'to magagawa sa'kin. Alam kong mahal
nya ko.

"Sis, are you okay? Parang namumutla ka." Hinipo ako ni Jezhi na parang may lagyan
ako pero wala naman akong sakit. "Mabuti pa umuwi na tayo."

Nasa parking lot na kaming dalawa ng may mareceive akong text. Yung new number ni
goon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Natuwa na naexcite at the same time gusto ko
syang sigawan dahil sa ilang araw na nya akong pinag-isip pero parang mas gusto ko
munang malaman na okay lang sya. Sa sobrang tuwa ko binasa ko agad ang message.

From: my monster goon <3

I am breaking up with you. Goodbye.

Halos mabitawan ko yung phone nung mabasa ko yung text. Nabitawan ko lahat ng iba
kong dala-dala at tinawagan ko sya agad. Mukhang inaasahan naman nya ang pagtawag
ko kasi unang ring palang sinagot na nya agad.

"This is not funny goon! Wag kang magbiro ng ganyan." Halos maiyak na ko pero hindi
ko tinutuloy dahil alam kong nagbibiro lang sya. Nagpapamiss lang sya alam ko.

[Hindi ako nagbibiro. Nakikipagbreak na ko sa'yo.] Ang cold lang ng boses nya.
Parang kahit anong emotion.
"Pero bakit? Anong ginawa ko? Sorry kung may ginawa ako or ano pero - pero wag mo
namang gawin 'to oh. Please." Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa mga narinig
ko.

[Narealize ko kasi na hindi pala talaga kita mahal. Isa pa napapagod na ko sa ugali
mo.]

"Yun lang ba? Babaguhin ko yun for you. Kaya yung gawin wag mo lang gawin 'to."
Pinipigil ko pa ring hindi umiyak ng tuluyan kahit sobrang nasasaktan na ako.

[Matalino ka kaya alam kong naiintindihan mo ang sinabi ko. Tapos na tayo - ]

"May iba ka na ba?" biglang nagbago ang tono ng pagsasalita ko. Dahil oras na
sinabi nyang may iba na sya galit na ang mararamdaman ko.

[Hindi naman ako ganun kadaling magpalit. Papalipasin ko muna 'to. Wala akong iba.]

"Hindi mo na ba talaga ako mahal? I know may problema, sabihin mo lang. Si mommy na
naman ba? Kakausapin ko sya. Please don't do this to me. Please, nagmamakaawa na ko
sa'yo." At hindi ko na talaga napigilang umiyak ng todo.

[I need to go.] tumahimik muna sya sandali. [Goodbye.] At ibinaba na nya ang phone.

"Zak! Zak no!! No!!!" sinubukan ko ulit syang tawagan pero nakapatay na yung phone
nya. "Hindi! Hindi 'to totoo."

"Sis, anong nangyari?" kitang-kita ko sa mukha ni Jezhi na nag-aalala sya para


sa'kin.

"Nakipagbreak na sya sa'kin." Niyakap ko agad si Jezhi at tsaka ako umiyak ng


umiyak. "Bakit nya ko sinaktan? Sabi nya poprotektahan nya ko, papasayahin at hindi
iiwanan. Bakit nya ko iniwan? Wala naman akong ginagawang kahit ano. Bakit?" ang
higpit ng yakap ko kay Jezhi. Ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako makahinga sa
sobrang sakit. Ganito ba ang pakiramdam ng masaktan. Oo alam ko part ng pagmamahal
ang masaktan pero hindi naman sa ganitong paraan. Yung walang dahilan. "After ng
ginawa ko. Pinaglaban ko sya at sya din alam ko. Bakit sya sumuko?" tumingin si
Jezhi sa'kin at pinunasan ang luha ko.

"Baka naman may ibang dahilan si Zak. Alam naming lahat kung gaano ka nya kamahal."
Mas lalo naman akong naiyak sa sinabi ni Jezhi. Oo nga sinabi nyang mahal nya ko
pero sinasaktan naman nya ko ngayon.

"Sabi nya narealize nya na hindi na nya ako mahal. Ang sakit - sobrang sakit. Wala
namang kaming problema. Kahit anong pilit kong isip hindi ko talaga maalala na nag-
away kami." Parang sasabog na yung dibdib ko. Parang hindi na ako makahinga.

Nakita kong dinampot ni Jezhi ang mga gamit na nabitawan ko. "Mabuti pa dun ka muna
sa bahay. Tatawagan ko na lang sila tito at tita." Binuksan ni Jezhi ang kotse nya
at inalalayan ako pagpasok sa loob. Umiiyak pa rin ako. Parang gusto ko ng manakit
ng tao. "Tinext ko na si baby. Tinatanong ko kung alam nya kung saan makikita si
Zak." Hindi ako nagsalita. Iyak lang ako ng iyak.

Dumating kami sa bahay nila Jezhi. Hindi pa rin ako nagsasalita at dumiretso lang
ako sa kwarto nya. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit ng dibdib ko. Humiga ako sa kama
nya. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod na ako.

"Sis, gusto mo bang kumain?" halata sa mukha ni Jezhi na nag-aalala sya sa'kin.
Nginitian ko sya tsaka ako umupo.

"Naisip ko hindi makakatagal yun si goon. Tatawag sya ulit at magmamakaawang


bumalik sa'kin. Mag-iintay ako. Hindi naman matatapos lahat ng ganito kabilis, di
ba?" Gusto ko ulit umiyak pero hindi ko na ginawa. Hindi alam ni Jezhi kung
ngingiti ba sya or hindi. "Ano ka ba! Wag mo nga kong tingnan ng ganyan na parang
sobrang nakakaawa ako."

"Eh kasi naman sis sa tinagal-tagal nating magkaibigan ngayon lang kita nakitang
ganyan." Umupo sya sa tabihan ko. "Pero naniniwala pa rin ako sa inyong dalawa ni
Zak. Na malalampasan nyo lahat."

"Sana tama ka. Grabe, mas masakit pa 'to sa ginawa ni Gene eh. Mas okay yung alam
mong niloko ka at least yung sakit napapalitan ng galit. Pero 'tong ngayon, sobrang
hirap. Ang hirap tanggapin na natapos ang lahat ng walang dahilan." Naiiyak na
naman ako pero pinigilan ko na lang. "Manood tayo ng drama. Gusto kong manood ng
drama ngayon."

Nagnod si Jezhi at pumili ng story. Isinalang na nya kahit hindi ko naman alam kung
anong movie yun. Nagdala rin sya ng pagkain. So kumain na lang ako habang tulala.
Hindi naman talaga ako nanonood. Naiisp ko pa rin si goon at kung bakit nya 'to
ginagawa sa'kin. Kung may problema naman kasi sya pwede nya akong sabihan. Hindi ko
naman sya iiwan eh. Ang dami na naming pinagdaanan pero lahat nalampasan namin.
Lahat kinaya namin. Kung kailan okay na lahat tsaka naman biglang magkakaganito?
Hindi ko makuhang magalit dahil lang sinabi nyang hindi na nya ako mahal. Hindi
kasi ako naniniwala. Gusto ko sabihin nya muna mismo sa harapan ko. Gusto kong
makita yung reaction nya. Gusto kong makita sa mga mata nya na hindi na talaga nya
ko mahal.

Naalala ko pa yung mga masasaya naming ginawa last na nagkita kami. Ang sweet pa
nga nya eh. Pero kung gusto nya talagang makipaghiwalay sana nun nya sinabi at
hindi ngayon. Alam ko - alam kong mahal nya pa ko. Hindi ako susuko. Hindi kahit
nasasaktan ako ngayon.

"Sis okay ka lang?" narinig kong tanong ni Jezhi.

"Okay lang ako. Sobrang nakakaiyak kasi yang movie na pinapanood natin. Sobrang
nadadala ako." Tiningnan ako ni Jezhi ng seryoso habang ako todo sa pag-iyak. Gusto
ko 'tong ilabas lahat. Gusto kong gumaan ang pakiramdam ko.

"You're not okay." Sabi ni Jezhi.

"I'm fine, really. Madali lang talaga akong maiyak sa mga dramatic movies. Parang
hindi mo naman ako kilala." Umiiyak pa rin ako habang nagsasalita. Yung iyak na
parang nauubusan na ko ng hininga.

"Comedy na kasi 'tong pinapanood natin. Kanina ko pa pinalitan dahil sira yung
unang dvd." Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko napansin na pinalitan
nya yung movie. Gusto ko pa mandin ng drama para may reason ako para umiyak. "Well,
pinalitan ko kasi naisip ko kailangan mong tumawa pero I guess hindi mo naman
napansin." Pinatay nya na yung tv at player. "Siguro mas okay kung kumain ka muna
tsaka ka magpahinga. Dito ka na muna kasi kapag umuwi ka ng ganyan ang itsura mo
for sure sesermonan ka lang ni tita. Sasabihin nya sa'yo na tama sya na
makipaghiwalay ka kay Zak." May point naman si Jezhi kaya naman bumalik na ako sa
bed pero hindi ako kumain. Itutulog ko na lang 'to. Sana panaginip lang lahat at
bukas pag gising ko nandito na si goon. Nandito na sya ulit sa tabihan ko.

***************

JEZHI'S POV

One week na naming hindi nakikita si Zak. Hindi rin alam nila Val kung nasaan sya.
One week ko na ring hindi iniiwan si Alexa. Walang araw na hindi nya tinititigan
ang phone nya. Kapag may nagtext or tumawag bigla syang mabubuhayan ng loob. Pero
kapag nalaman nyang hindi yun si Zak malulungkot na naman sya. Minsan nakita ko
syang iyak na lang ulit ng iyak sa ladies room pero nung pumasok ako bigla syang
naghilamos. Niyaya ko na nga lang syag magshopping at maglibang para kahit ilang
minuto lang makalimutan nya si Zak.

Halos lahat ng Sterke Geest naghahanap kay Zak pero wala pa rin silang magawa.
Masyado din kaming nalulungkot lahat sa nangyayari ngayon kay sis. Isang linggo
lang pero sobrang payat na nya lalo. Hindi sya nagkakakain at namumutla na sya.

"Sis, mabuti pa siguro wag ka na lang munang pumasok. Kasi - sa tingin ko you need
to rest." Ang laki na ng eyebags nya at parang pumanget na sya.

"I'm okay. Kaya ko pa naman." Mahina na syang magsalita ngayon at alam kong hindi
sya talaga okay.

"Ihahatid na lang kita sa - " bigla syang natumba. Mabuti na lang at nasalo ko sya
agad at dahan-dahan ang pagbagsak nya sa ground. "Sis! Sis!! Tulong! Tulungan nyo
kami!!" kinuha ko agad ang phone ko at tinwagan ko si Val. Nasa parking lot kasi
kami kaya walang ibang masyadong nakakita. Mabuti na lang at merong isang mabait na
lalaking tumulong sa'king buhatin kay sis. Ipinasok nya sa kotse ko si Alexa at
nagdrive na ko papuntang hospital. Pinasunod ko na lang dun sila Val. Tinawagan ko
din sila tito at tita.

Pagdating namin sa hospital diniretso sa emergency room si Alexa.

"Anong nangyari sa kanya?" nakita kong dumating na rin sila Tuck.

"Bigla na lang syang natumba. Hindi ko alam." Yumakap ako agad kay Val nang makita
ko sya.

"Hindi kasi sya nagkakakain masyado!" sabi ni Tuck.

"Dahil 'to kay Zak eh!! Nasaan ba sya? Bakit iniwan na lang nya ng ganyan ang
kapatid ko!! Pati tayo hindi na nya inalala!!" galit na sabi ni Luke. "Hindi ko sya
mapapatawad kapag may hindi magandang nangyari sa kapatid ko. Kahit kaibigan ko pa
sya hindi ko sya pagbibigyan."

"Where is she? Where's my princess?" dumating na rin sina tito at tita. Mabuti
naman at nakarating agad sila. Dati kasi tumatawag na lang sila at inaalam kung
kamusta na ang condition ni sis pero ngayon nandito sila at halatang worried. "Ano
ba kasing problema nya? Ilang araw na yang hindi kumakain. Nakikita na lang namin
syang umiiyak at minsan sumisigaw at nakahawak sa ulo nya." Naiiyak na sabi ni
tito.

"Nasaan si Zak? Bakit hindi namin sya masyadong nakikita?" tanong ni tita.
Nagkatinginan kaming lahat at hindi namin alam kung anong sasabihin. Magsasalita na
sana ako ng biglang bumukas ng pinto ng emergency room at lumabas ang doctor.
"Kamusta po ang anak namin?"

"This is something serious. Pero hindi ko pa ma-confirm as of now. Kailangan ko


munang makita yung test results but as of now we need to observe her." Bigla akong
nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang sinabi ng doctor. "May history ba sya ng
accident or something like that?" natigilan ang parents ni Alexa.

"Yes pero hindi naman sya malala. May problema po ba dun doc?" tanong ng papa ni
Alexa habang nakahawak sa kanya ng mahigpit ang mommy ni sis.

"I see. Hindi ba sya nakakaramdam ng pagsakit ng ulo or kakaiba after ng accident?"
hindi naman makasagot ang parents ni sis. Alam kong hindi sila sigurado kaya ako na
ang sumagot.

"Nasakit po ang ulo nya pero sabi nya migraine lang daw po yun. May iniinom syang
gamot. Pain reliever daw yun at iniinom nya everytime nasakit ang ulo nya." I
explained.

"Doc last time na naospital sya sabi over fatigue lang at mababa ang dugo pero okay
naman ang mga results sa kanya." Kinakabahan kaming lahat sa sasabihin ng doctor
pero gusto naming makasiguradong walang problema si sis.

"Babalikan ko po kayo mamaya once na lumabas na ang test results. Kailangan nating
i-scan ang ulo nya at icheck ang dugo nya. Mahirap po kasing magconclude ngayon.
Excuse me." Tumalikod na ang doctor at lumapit dun sa isang nurse. Hindi naman kami
mapakali lahat at tinitingnan naming lahat si Alexa mula sa pintuan ng emergency
room.

"Pwede nyo bang sabihin sa'kin kung anong problema ng anak ko?" hindi ko alam kung
sino ang gustong sumagot sa'min lahat ng tanong ni tito. Alam ko naman din kasing
ayaw ni sis na malaman ng parents nya.
"Siguro po tito mas makakabuti pong si Alexa na mismo ang tanungin nyo sa bagay na
yan. Wala din po kasi kaming masasabi." Sagot ko kay tito.

Nag-intay kaming lahat sa pagbalik nung doctor at sa pag gising ni sis. Hindi kami
mapakali lahat. Inilabas nila at ibinalik si sis sa emergency room pero hindi pa
rin sya nagigising. Sinusubukan din nilang tawagan si Zak pero hindi nila makontak.
Kapag gusto naming pag-usapan si Zak, lalayo muna kami para hindi marinig nila tito
at tita.

"Nandito na yung doctor." Napatayo kaming lahat ng pumasok ang doctor sa loob ng
emergency room at chineck si Alexa. After ilang minuto lumabas na rin ang doctor.

"Dun tayo sa office ko." Sumunod kaming lahat kay doc. Oo lahat kami. May kalakihan
naman yung office nung doctor kaya pumasok kaming lahat. "Okay lang bang nandito
sila Mr. and Mrs. Andrade?" tumingin sa'min sila tito.

"Okay lang po. MGa kaibigan po yan ng anak ko." Sagot ni tito.

"Well hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Lumabas na ang results ng ilang test na
may bukol sa isang part ng brain nya." Tumayo si doc at may pinakita sa'kin sa
screen. "This is her brain at itong circle na 'to is yung reason kung bakit
sumasakit ang ulo nya." Itinuro nya ang isang maliit na bilog sa brain daw ni
Alexa. "Maybe nung naaksidente sya malakas ang impact kasi usually yung ganitong
bukol is hindi agad lumilitaw. So habang lumalaki sya sumasakit ang ulo ng
pasyente."

"Ano pong dapat gawin? Matatanggal pa ba yan?" nag-aalalang tanong ni tito.

"Yes. Matatanggal natin yan by means of surgical operation. Kung papaoperahan nyo
po sya as soon as possible dapat dahil gumagalaw na po yung bukol. Once na gumalaw
sya at pumasok sa ilang parts ng brain masyado na pong delikado. So bago pa sya
umalis sa pwesto nya dapat maalis na po natin." Umupo ulit ang doctor. "But sa
condition po ng anak nyo ngayon parang hindi natin yan magagawa. Sa ibang test na
ginawa namin sa kanya masyadong mababa ang dugo nya. Kulang na rin sa vitamins ang
katawan nya. As of now binigyan ko sya ng gamot para maging okay sya. Pero sana pag
gising nya maconvince nyo syang magpa-opera." The doctor continued.

"Kung maooperahan po ba sya magiging okay na ang lahat?" tanong ng mommy ni Alexa.
Hindi na kami makapagsalita dahil natulala na lang kami sa sinabi ng doctor.

"Yes mabubuhay sya. Malaki ang chance na mabubuhay sya but the only problem is - "
pabitin pa 'tong si doc. Nakakaasar lang. Kabado na kaming lahat mas lalo pa kaming
pinapakaba. " - yung particular part ng brain nya is maapektuhan. So probably
magkakaroon sya ng memory lost. Kung anong klaseng memory lost yun hindi pa natin
alam hangga't hindi pa sya naooperahan. Pwedeng hindi nya kayo maalala lahat. Pwede
namang ilan lang ang makalimutan nya."

"At paano kung hindi magpaopera si Alexa? Ano pong pwedeng mangyari sa kanya?"
nakisabad na rin ako dahil sa nararamdaman kong takot.

"May chance na pumasok sa loob ng brain nya yung bukol na yun at kapag nangyari yun
hindi na sya makukuha ng operation at wala na tayong magagawa kundi magkaroon ng
miracle." Lahat kami iisa ang reaction sa sinabi ng doctor. Lahat kami sobrang
natatakot at nag-aalala para sa kanya.

"Please doc do everything para sa anak namin. Kumpleto ba kayo sa facilities dito?"
Halatang kay tito na sobra na syang nag-aalala na halos paiyak na.

"Magagaling po ang doctors dito at kumpleto po kami sa facilities. Pero kailangan


nyo pong i-condition ang pasyente para sa operation. Dahil kahit ano pong laki ng
chance nyang mabuhay kung sya po ang mismong susuko wala po tayong magagawa."
Nakikinig kami ng biglang may kumatok at pumasok ang isang nurse.

"Doc gising na po ang pasente." Tumayo ang doctor at sumunod naman kaming lahat.
Hindi pa rin kami pwedeng pumasok sa loob kaya inintay namin ulit lumabas ang
doctor. Nakita naman namin mula sa labas na ngumingiti si sis. Mukhang okay na
naman sya.

"Kamusta na ang kapatid ko?" nakita naming dumating si kuya Geoff. Inexplain naman
lahat ni tito kay kuya Geoff ang lahat at kitang-kita ang galit sa mukha ni kuya
Geoff. "Kasalanan nyo 'to. Hindi nyo kasi inaalam kung anong condition nya! Eh di
sana naagapan natin 'to agad."

"Pwede na syang itransfer sa private room. Siguro kapag naging okay na yung ibang
test results pwede na syang makalabas. Okay na sya ngayon dahil sa binigay naming
gamot pero kapag nawala yung effect nun pwedeng makaramdam sya ng sobrang pananakit
ng ulo. Pilitin nyo rin syang kumain ng masusustansyang pagkain. Ibalik nyo na lang
sya siguro dito for check up before the operation." Nagnod lang sila tito at tita
at tsaka umalis yung doctor.

Nakaway pa sa'min si Alexa mula sa loob. Pero kahit anong ngiti nya hindi mo
maitatanggi na sobra pa rin syang nalulungkot. Sobra pa rin syang nahihirapan. Sana
maging okay lang ang lahat. Sana bumalik na si Zak. Sana alam nya ang nangyayari
kay Alexa ngayon.

A/N

Gusto nyo na ba agad malaman ang susunod na mangyayari? Vote na agad. 600 votes
para sa next chapter. Ipopost ko agad-agad once nareach ang 600 votes today din. :)
At pwede wala munang violent reaction? Bumoto na lang para malaman agad ang next na
mangyayari.

THank you. :)

*megladiolus

*******************************************
71

*******************************************
As promised, heto na agad ang chapter 71. Don't forget to vote and comment ha. :)
And Happy 13 million reads. Thank you so so much.

***********************************

ZAK'S POV

Ilang linggo na kong hindi nagpapakita sa lahat ng tanong malapit sa'kin. Ginagawa
ko naman 'to para sa kanila. Hindi para sa sarili ko. May mga narereceive din kasi
akong death threats. Tingin ko yung mga dumukot kay aswang merong connection sa mga
nangyayari ngayon. May tumawag kasi sa'kin nung nakaraan na dapat ipatalo ko ang
susunod kong laban kung gusto ko pang mabuhay ang mga taong malalapit sa'kin. Ang
plano ko pa mandin ito na yung magiging huli kong laban dahil titigil na ako. Wala
na kasing reason para lumaban pa. Naibalik na naman sa'min ang properties namin
kaya secured na ang future ni Cia. Wala na akong ibang iisipin kundi kung paano
mageexplain kay aswang after ng laban ko. Pero ilang linggo ko pa lang syang hindi
nakikita sobrang hirap na hirap na ako. Sigurado din akong sobra na kong sinusumpa
ng mga kaibigan ko dahil sa ginawa ko. Pero wala akong magagawa. Yun talaga ang
tama para hindi sila mapahamak. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag sa
kanila naman may nangyari. Kaso ang hirap din pala kasi wala din akong balita sa
kanila. Siguro naman okay lang silang lahat. Matapos lang talaga 'tong laban ko
hindi ko na bibitawan kahit kailan si aswang. Kung papayag sya papakasalan ko na
sya agad. Ganun ko sya kamahal. Kung nasasaktan ko man sya ngayon handa kong gawin
ang lahat para makabawi sa kanya. Konting tiis na lang mahal ko, konting-konti na
lang. Inabot na nga kami ng sembreak, mabuti na lang nagawan ko ng paraan ang
school para hindi ako bumagsak.

"Zak?" napatigil ako ng makita ko ang isang pamilyar na mukha. "It's Mel. Yung sa
school." Hindi ko sya pinansin kaya naman nagdiretso lang ako ng lakad. Mahirap na
baka may maikwento pa 'to kina aswang. "Kamusta naman?" at sinundan pa nga ako.
Hindi ko pa rin sya pinansin at naglakad ako ng naglakad hanggang hindi ko na alam
kung saan ako napadpad. "Are you okay? Bakit parang ang haggard mo ngayon?"

"Hindi ka ba talaga marunong tumahimik?" nagulat ata sya sa reaction ko kaya hindi
agad sya nakapagsalita. Napansin ko din namang nasa playground kami. Parang malapit
na 'to sa dati naming bahay ah. Tsk! Delikado! Bakit kasi dito pa ko dinala ng mga
paa ko.

"I was just wondering kamusta na si Alexa? Pumayag na ba ang mommy nya sa
relationship nyo?" ang daldal nya talaga kahit kelan.

"Wala ka ng pakialam dun okay?" hinawakan nya ko sa braso nung patalikod na ko kaya
naman nag-init ang ulo ko. Mabilis kong inialis ang kamay nya sa braso ko at
hinawakan kong maige. "Sa susunod matuto kang - "

"Sya ba? Sya ba ang dahilan?" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang bumilis ang
tibok ng puso ko sa isang pamilyar na boses. Ayokong tumingin, ayoko dahil
natatakot ako. "Bakit hindi ka makasagot? Bakit hindi mo ko tingnan?"

Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko sya - nakita


ko si aswang. Sobrang payat na nya ngayon at parang ang laki ng ipinagbago. "Anong
nangyari sa'yo? Bakit - bakit pumayat ka?" hindi ko mapigilang mag-alala.

"Sagutin mo ang tanong ko. Sya ba? Sya ba ang ipinalit mo sa'kin?" halos ang lamig
ng reaction nya. Pero para maprotektahan sya gagawin ko 'to. Konting panahon na
lang din naman at sisiguraduhin kong makakabawi ako sa kanya.

"Naku Alexa let me explain. Kasi si - " bigla kong inakbayan yung babaeng kausap
ko.

"Oo sya nga." Nakita ko na nasaktan talaga sya sa sinabi ko pero ako din naman.
Nasasaktan ako kapag nasasaktan sya pero para sa kanya 'to.

"Wow, congrats." Biglang tumulo ang luha nya pero pinunasan naman nya agad.
"Congrats Mel. I guess wala na kong dapat intayin pa. Dapat wag na din akong umasa.
Salamat - salamat sa pagsasabi ng totoo." Ngumiti sya tsaka tumalikod. Pinapanood
ko lang syang maglakad palayo - palayo sa'kin.

Gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Gusto kong sabihin kung gano ko sya kamahal
pero natatakot ako - natatakot ako na isang maling galaw lang tuluyan syang mawala
sa'kin ng permanente.

"Bakit mo sinabi yun?" inalis ko ang pagkakaakbay ko sa babaeng 'to. "Sinaktan mo


sya! Bakit mo ginawa yun?"

"Dahil gusto kitang mapahamak at gusto ko syang protektahan!!!! Pwede ba wag ka na


ulit magpapakita sa'kin dahil magkatotoo ang sinabi kong mapapahamak ka!" iniwanan
ko syang nakatayo dun at umalis na ko. Naglakad ako sa opposite na direction kung
saan naglakad si aswang. Kung kalimutan na nya ako ng tuluyan hindi ko sya
sisisihin. Kung magalit sya sa'kin hindi ako magagalit sa kanya. Mamahalin ko sya
hanggang nabubuhay ako - kahit na masaya na sya sa iba. Gagawin ko ang lahat para
sa kanya kahit ganito ang maging kapalit ng lahat.

"ZAK!"

*TUGSH

"Sang lupalop ka galing!!!" nagulat ako sa suntok ni Luke. Hindi ako nakaiwas.

"Hoy bakit mo kami pinagtataguan!" napatingin ako kay Tuck.

"Hindi mo ba alam kung anong mga nangyari sa kapatid ko ha!!" hinawakan ako sa
kwelyo ni Luke. "Kasalanan mo 'tong lahat!!"

"Dude tama na! Kaibigan pa rin naman natin si Zak." Umawat na sa'min si Val at
Rich. Inilayo ni Val si Luke sa'kin.

Hinawakan ko yung labi ko at nakita kong may dugo. Hindi naman ako lalaban kasi
alam ko namang may kasalanan din ako.

"Hindi ka ba magsasalita Zak?" napatingin ako kay Trav. Hindi sya nakangiti at
hindi rin naman sya nakasimangot. Nag-iintay lang talaga sya ng sagot.

"Ano bang sasabihin ko? Ginagawa ko 'to para sa inyo." Papasugod na ulit sa'kin si
Luke pero naawat na sya ng iba.

"Gag* ka dude! Ayos lang kung para sa'min! Kung kami lang ang ginaganyan mo! Pero
hindi eh! Pati ang kapatid ko!! Iniintay ka nya kaya ayaw nyang magpaopera!! Kapag
may nangyari sa kanya hindi kita mapapatawad kahit magkaibigan tayo!!" para akong
nawalan ng pakiramdam na parang gusto kong matumba sa nalaman ko. Hindi ko alam
kung nagkamali lang ako ng dinig sa sinabi ni Luke.
"Mag - magpaopera? Ba - bakit sya magpapaopera?" tahimik silang lahat at nakatingin
sila kay Luke. "Anong nangyari kay aswang? Sabihin nyo!!"

"Tingnan mo, wala kang alam!! Wala kang kwenta!! Iniwanan mo sya sa oras na
kailangan ka nya! Ikaw ang inaasahan nung tao pero iniwan mo sya. Hindi ko akalaing
ganyan ka!!" halos nagpanting ang pandinig ko sa sinabi ni Tuck kaya nasugod ko sya
at hinawakan ko sya sa collar.

"Wala kayong alam!! Pinoprotektahan ko kayong lahat kaya ako lumayo!! Akala nyo ba
madali 'to para sa'kin?!! Akala nyo ba nagpapakasaya ako habang hindi ko kayo
nakikita? Habang hindi ko nakakasama ang pamilya ko at habang nasasaktan ang
babaeng mahal na mahal ko!! Akala nyo ba hindi ako nahihirapan? May pakiramdam din
ako at lahat yun tinitiis ko para sa inyo dahil oras na may mangyari sa inyong
masama hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko!! Tapos sasabihan nyo ako ng
walang kwenta!! WALA AKONG KWENTA DAHIL SA GUSTO KO KAYONG PROTEKTAHAN?!! SALAMAT!!
SALAMAT!!" naitulak ko sya at halos maiyak na ko sag alit. Lahat ng ginagawa ko
para sa kanila pero ako pa yung masama.

"Dude - dude hindi naman namin alam. Sana kasi sinabihan mo man lang kami para alam
namin." Mahinahon na sabi ni Trav.

"Useless din kapag sinabi ko sa inyo." Huminga ako ng malalim. "Ang gusto kong
malaman ngayon kung anong nangyari kay aswang?" lumapit ako kay Luke. "Dude sorry.
Sinaktan ko ang kapatid mo pero nasaktan din ako. ALam mo yan." Sinusuntok ko yung
dibdib ko habang kinakausap ko sya. "Yung pakiramdam na araw-araw akong nag-iisip,
nasasaktan na halos hindi ko na kaya na hindi sya makita pero maniwala ka ayoko
lang syang madamay sa problema ko."

Tinap ni Rich sa balikat si Luke. "Sana kahit isa sa'min sinabihan mo para hindi
kami nag-aalala." Medyo kalmado na ngayon si Luke. "Nung naghiwalay kayo ni Lex,
masyado syang nasaktan. Hindi na halos kumakain hanggang bumigay ang katawan nya.
Isinugod sya sa ospital ni Jezhi at dun namin nalaman lahat na may bukol na namuo
sa brain nya dahil sa aksidente." Halos gumuho ang mundo ko ng malaman ko ang mga
nangyari kay aswang. Hindi ko alam na sobra ko na syang napapahirapan. Dahil sa'kin
nagkasakit sya at dahil din kay papa kaya sya naaksidente. Ako na lang ang dahilan
ng paghihirap. Hindi ko man lang sya mapasaya. "May chance pa syang mabuhay kung
magpapaopera sya agad dahil kapag natagalan pa pwede nyang ikamatay."

"Pilitin nyo syang magpaopera. Babalik din naman ako after ng laban ko. Malapit na
malapit na. Please sabihin nyong magpaopera sya." Halos nagmakaawa ako sa kanilang
lahat para lang maconvince nilang magpaopera si aswag.

"Sorry dude pero nagawa na namin lahat. Iniintay ka daw nya. Kapag bumalik ka tsaka
lang sya magpapaopera. Kasi kung hindi ka daw babalik sa kanya wala na daw dahilan
para mabuhay." Bigla kong naalala kanina yung sinabi ko sa kanyang girlfriend ko
yung babae sa park. "Araw-araw syang naghahanap at naghihintay Zak. Araw-araw."

"Sh*T I need to see her! I need to talk to her!! I need her!! I missed her so
much!!" bigla na lang pumatak yung luha ko. Sobrang sakit ng mga nalaman ko na wala
na akong pakialam sa pwedeng mangyari. Para saan pa ang pagprotekta ko sa kanya
kung mawawala din sya sa'kin. "Nakita ko sya kanina sa park pero hindi ko na alam
kung nasaan sya."

"Hindi din namin alam dude. Dumaan lang kami sa luma nyong bahay kasama sya pero
bigla syang nawala kaya hinanap namin sya. Siguro kung may pupuntahan yun ngayon,
ikaw lang ang nakakaalam kung saan." Sabi ni Tuck.

"Salamat dude!" mabuti na lang motor ang dala ko ngayon. "Sumakay ako sa motor at
nagsuot ng helmet."

"Dude!" tawag ni Luke kaya lumingon ako sa kanya. "Sorry sa suntok! Hindi ko naman
kasi alam. Salamat sa sakripisyo mo para sa'ming lahat. Tsaka iconvince mo si Lex
na magpaopera ha. Sa'yo lang makikinig yun eh." Ngumiti sya at sila ding lahat.

"Hindi ko mapapangako. May nagawa kasi ako na mukhang mapapatay nya ko kapag
nagkita kami. Baka mauna pa nya kong operahan ng gising kesa sa sarili nyang
operation eh." Hindi na ako nag-aksaya ng oras at umalis na ako agad. Hindi ko
talaga alam kung saan sya hahanapin. Lahat ng mga pwede nyang daanan pinuntahan ko
na pero wala talaga sya.

Hindi ako mapakali at sobrang bilis kong magpatakbo. Gusto ko na syang makita!
Gusto ko ng magsorry sa mga katangahang ginawa ko. Siraulo talaga yung babaeng yun.
Sobrang tigas ng ulo! Saan ko ba sya makikita?

Sa kakaisinip ko hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa abandoned building.


Nakita ko ang kotse ni aswang kaya alam kong nandito sya. Tumigil ako at bumaba ng
motor. Hinayaan ko na lang matumba yung motor. Inihagis ko na lang din sa ground
yung helmet ko tsaka ako umakyat sa taas.

"WALANGHIYA KANG GOON KA!! SINUNGALING KA!! SABI MO MAHAL MO KO!! SABI MO HINDI MO
KO PAPAIYAKIN!! EH BAKIT NGAYON WALANG ARAW NA HINDI AKO UMIIYAK!! SINUNGALING KA
TALAGA!! SABI MO HINDI MO KO IIWANAN!! SABI MO AKO ANG MUNDO MO AT HINDI MO KAYA
KAPAG NAWALA AKO!! EH BAKIT HANGGANG NGAYON BUHAY KA PA!!! MAUUNAPA NGA AKONG
MAMAMATAY SA'YO EH!!!" nakita ko syang nakatalikod at sumisigaw ng buo nyang lakas.
Kitang-kita ko na ibang-iba sya ngayon. Na sobra syang nanghihina at habang
pinagmamasdan ko sya hindi ko mapigilang umiyak. "SANA MAUNA KA NALANG MAMATAY
SA'KIN DAHIL KAPAG AKO ANG NAUNA MUMULTUHIN KITA!!! ALAM KONG DUWAG KA!! ALAM KONG
TAKOT KA SA MULTO!! GAGANTIHAN KITA!!!!"

"Paano mo ko gagantihan kung hindi ka magpapagaling?" bigla syang napatigil sa pag-


iyak at napaharap sa'kin. "At kahit takot ako sa multo - ikaw ang kauna-unahang
multong yayakapin ko at gugustuhin kong makita araw-araw." Walang reaction yung
mukha nya pero punong-puno ng luha ang mga mata nya. Dahan-dahan ko syang
nilapitan. "Sorry! I'm so sorry! Hindi ko alam na magiging ganito ka. Akala ko kasi
- akala ko kasi malakas ka, matapang pero - " hindi ko na napigilan ang mga luha
ko. Nilapitan ko sya at hinawakan ko sya sa mukha. "Walang araw na hindi kita
inisip. Walang araw na hindi kita naisip. Walang araw na hindi ako nasasaktan."

*TUGSH

"Ang kapal ng mukha mong sabihina sa'kin yan." Sa itsura nyang yan may lakas pa
syang manuntok? Pareho talaga sila ng kapatid nya. "Kanina lang kung makipaglandian
ka kay Mel wagas tapos sasabihin mo sa'kin yan. ANo dahil naawa ka sa'kin dahil
nalaman mo na may sakit ako? Wow Zak hindi ako charity na pwede mong bigyan ng
limos mo at awa kung kelan mo gusto. Kailangan kita nung mga panahong iniwan mo
ako. Umaasa ako Zak, umaasa ako na babalik ka sa'kin pero kahit minsan hindi yun
nangyari."

"Pero nandito na ako. Bumabalik na ako sa'yo." Lalapitan ko na sya pero lumayo sya.

"Para ano pa? Para saktan ulit ako? Ah alam ko na. Umaasa silang lahat na kapag
sinabi mong magpaopera ako magpapaoepra ako! Sorry ha, kasi kahit ikaw ang magsabi
nyan hindi ko gagawin. Hindi ako papayag na magpaopera at wala kang magagawa."
Kitang-kita ko yung galit sa mukha nya. Na parang hindi na sya yung aswang na
minahal ko. Kasalanan ko naman lahat pero mas hindi ko matatanggap na hindi sya
magpaopera dahil sa galit nya sa'kin.

"Please - please maniwala ka sa'kin. May dahilan ako kaya ako lumayo. Please
makinig ka sa'kin." Lumuhod ako sa harapan nya.

"Gusto kong malaman ang dahilan." Buo yung pagkasabi nya. Walang bahid ng
alinlangan. Wala na kong choice kundi sabihin ang totoo.

"May mga natatanggap kasi akong death threats lalo na ngayong malapit na akong
lumaban. Gusto nilang ipatalo ko ang laban. Gagawin ko naman pero binantaan pa nila
ko na may gagawin silang masama sa mga taong malalapit sa'kin." Tumingin ako sa
kanya at parang hindi sya naniniwala. "Pinalipat ko ng bahay sila papa at Cia para
hindi sila madamay. Hindi ko din sila kinokontak. Nakipagbreak ako sa'yo at
tinanggal ko lahat ng connections ko sa Sterke Geest dahil ayokong may mangyari sa
inyong masama."

"At habang nagtatago ka nakikipaglandia ka kay Mel." Hindi na sya umiiyak ngayon at
parang kahit anong sabihin ko hindi na sya maniniwala.

"No! Kahit magunaw pa ang mundo hinding-hindi ko sya papatulan. Nakita ko lang sya
dun at dahil naaasar ako sasaktan ko na sana sya pero bigla kang dumating. Sinabi
ko lang yung nasabi ko dahil - dahil gusto kong wag mo muna akong hanapin. Pero
hindi ibig sabihin nun hindi na ako babalik. Iniintay ko lang matapos yung huling
laban ko tapos babalik na ako sa'yo at hindi na ulit ako lalaban kahit kailan."
Yumayakap ako sa kanya habang nakaluhod pero inaalis nya yung mga kamay ko.

"Hindi ko alam pero parang hindi sapat yang mga yan para mabura lahat ng sakit na
binigay mo sa'kin." Ang lamig na nya sa'kin. Parang kinain na sya ng galit nya.

"BAKIT AKALA MO BA IKAW LANG ANG NAHIHIRAPAN? HOY PARA SABIHIN KO SA'YO IKAW ANG
DAHILAN KUNG BAKIT ANG PANGET KO NA NGAYON!!! GINAGAWA KO 'TO PARA SA'YO DAHIL
GUSTO KITANG MAKASAMA HABANG BUHAY AT KUNG MAY MANGYAYARI SA'YONG MASAMA NG DAHIL
LANG SA'KIN ANO PANG SENSE NG BUHAY KO?!!! KONTING PAGTITIIS LANG KUNG ANG KAPALIT
EH ANG PAGSASASAMA NATIN NG MATAGAL GAGAWIN KO!! PERO DAHIL SA ISIP BATA KA MAS
LALO MONG PINAHIRAP ANG SITWASYON!!" parang nagulat naman sya sa pagsigaw ko.

"At ako pa ngayon ang may kasalanan -" tinakpan ko ng kamay ko ang bibig nya.

"Sinabi ko bang magsalita ka na?" hindi ko inalis ang kamay ko sa bibig nya at
hindi naman sya nagpumilit pa. "Hindi ko alam na may sakit ka. Pero sana naisip mo
na magpaopera agad para mahanap mo ako at mapatay o magantihan kaso hindi mo
naisip. Tinanggalan mo ko ng option! Mas mahirap yun sa side ko. Balikan kita o
hindi may mangyayari sa'yo! Iiwanan mo ko ng ganun-ganun lang? Gaano ka kasama!!"
magsasalita pa sana ako kaya lang bigla nya kong binatukan. "Akala ko ba may sakit
ka? Bakit ang lakas mo pa rin?"

"Buwisit ka kasi! Bakit hindi ka nagtitiwala sa'kin! Alam mo namang best actress
ako. Kung sinabi mo sa'kin yang drama mo eh di sana okay lang na hindi tayo magkita
pero alam kong mahal mo pa rin ako. Hindi ako mababaliw sa kakaisip kung bakit mo
ko iniwan!" hinigit nya ko. "Tumayo ka na nga dyan."

"Ayoko! Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ko pinapatawad!" Nakaluhod pa rin ako sa
harapan nya. Hindi na kami naiyak ngayon. Parang nabawasan na din yung mga sakit
dahil magkasama na kami. "Sige lang, bugbugin mo lang ako kung gusto mo.
Tatanggapin ko kung yun ang magpapagaan sa loob mo."
"Balat kalabaw ka no! Binubugbog ka nga sa ring buhay ka pa din. Anong mangyayari
sa mga suntok ko? Baka makiliti ka lang. Tumayo ka na dyan! Kahit patawarin kita
kung hindi mo na ako mahal useless din naman - "

Hindi ko na sya pinatapos magsalita. "AT SINONG MAY SABING HINDI NA KITA MAHAL
SUSUNTUKIN KO?!!!"

*TUGSH

At nasuntok ako ulit. "Siraulo ka pala eh. Ikaw ang nagsabi sa'king hindi mo na ko
mahal! Sya sige suntukin mo yang mukha mo!!"

"Hindi ka ba talaga nakikinig sa'kin? Sinabi ko na di ba kung bakit ko yun ginawa?"


hinawakan ko sya sa dalawa nyang kamay. "Please magpaopera ka naman oh. Promise
matapos lang ang laban ko pwedeng-pwede na tayong magpakasal. Sa'yong-sa'yo na ko.
Hindi na kita iiwanan o sasaktan. Kahit underin mo ko okay lang. Please tanggapin
mo na ko."

"Pag-iisipan ko." Nakatingin lang sya sa'kin.

"Sige lang. Mag-iintay ako. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi ka nakakapag-isip
- " bigla nya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"Sino ba ang patay sa'king dalawa? Ikaw o ako? Kasi kung isa sa'tin ang nagmumulto
hindi ako matatakot." Mas lalong humigpit ang yakap nya kaya niyakap ko rin sya ng
mahigpit. "Gabi-gabi kong iniintay yung araw na mayakap ka ulit ng ganito. Kung
panaginip lang 'to sana - sana hindi na matapos."

"Hindi 'to panaginip kaya hindi 'to matatapos at kung may patay dito ako yun - kasi
patay na patay ako sa'yo." At nabatukan ulit ako. "Sobra ka na ha! Hindi mo lang
ako sinaktan emotionally, gusto mo pati physically. Hindi ka na talaga naawa
sa'kin."

"Ang korni mo kasi. Nagda-drama ko tapos babanat ka dyan." Bumitaw sya sa


pagkakayakap at tinitigan ko sya sa mga mata. Nakangiti na sya ngayon. Ibang-iba sa
nadatnan kong aswang kanina. Pinunasan ko ang ilang naiwang luha sa mga mata nya
gamit ang thumb ko.
"Ayoko na talagang magpromise na hindi kita papaiyakin. Gagawin ko na lang. Dobleng
hirap kasi ang nararamdaman ko kapag nasasaktan ka at the same time nahihirapan at
nasasaktan din ako." Hinaplos ako ang mga buhok nya.

"Gusto kong sabihing hindi mo ako iiwanan kahit anong mangyari." Hindi ako agad
sumagot. "See hindi ka makasagot. Bahala ka na dyan!" papaaalis na sya at bigla ko
syang hinigit. Tumayo din ako at hinalikan ko sya. Grabe yung pakiramdam ko, para
akong lumulutang. Sobrang tagal kong hinintay 'tong araw na 'to. Ramdam na ramdam
ko kung gaano namin namiss ang isa't-isa. Para akong nabunutan ng tinik.

"Ayokong sabihin lang, gusto kong iparamdam sa'yo na hindi kita iiwanan. Kaya sana
ikaw din. Wag kang madaya dyan! Gusto mo hindi kita iiwanan tapos ako iiwanan mo!
Grabe kang gumanti." Tinitigan nya ako at tinaasan pa ng kilay.

"Sinabi ko bang tumayo ka na?" napaisip ako sandali. Napatayo kasi ako bigla eh.
Pabalik na ko sa pagluhod pero pinigilan nya ko. "Kapal ng mukha mong sabihin
sa'king hindi mo ko iiwanan! Hoy Flint Maliff hindi pa tayo magboyfriend lumalayo
ka na ng lumalayo sa'kin tapos ako naman lapit ng lapit. Mahiya ka naman kahit
minsan!!!"

"Sorry na. Hindi ko na nga uulitin eh. Don't worry babawi ako sa'yo. Kapag ikaw
naman yung lumayo ako naman ang hahabol ng hahabol sa'yo. Gagawin ko yan. Kahit
ipagtulakan mo pa ko palayo hindi ako susuko. Hindi kita susukuan." At hinalikan ko
sya ulit pero bigla nya kong itinulak. Hindi naman malakas, parang pinigilan nya
lang yung paghahalikan namin. "Oh bakit?"

"May isa kasing problema." Kinabahan na naman ako. Nakarinig kasi ako ng salitang
problema kaya parang hinahanda ko na yung sarili ko.

"Grabe kakasabi ko lang na ako yung lalapit kapag lumayo ka tapos ngayon lalayo ka
na agad? Sana naman pinatagal mo ng konti. Miss na miss na miss na pa mandin kita."
She rolled her eyes. Mabuti naman at bumabalik na ang katarayan nya.

"Hindi naman ako katulad mo na nang-iiwan na lang dahil takot. Masyadong duwag."
Bigla syang tumahimik at tinitigan ako. Hinawakan nya pa ang mukha ko. "Kapag kasi
nagpaopera ako may chance na magkaron ako ng amnesia. Hindi pa alam kung anong
klaseng memory lost pero sigurado na may makakalimutan ako at - " hinawakan ko ang
kamay nya at inilagay ko sa dibdib ko.

"Isip mo lang ang makakalimot hindi ang puso mo." Inilagay ko ang isa nyang kamay
sa sarili nyang dibdib. "Pakinggan mo ang puso ko at puso mo - sabay ang bilis ng
beat nila. Kahit makalimutan mo ko mararamdaman ako ng puso mo kapag nasa malapit
na ako."
"Paano kung maisip ko lang na may sakit lang ako sa puso? Isa pa kung ikaw lang din
ang makikita ko for sure hindi kita magugustuhan." Kung pwede lang manakit ng
babae.

"Wag kang magalala, ipapabugbog kita hanggang makalog yang utak mo at maalala mo
ko!" biglang naging dragon yung mukha nya kaya naman bumawi na ko bago pa sya
magalit. "Joke lang. Hindi ko yun kayang gawin sa'yo." I pulled her closer to me.
"Kapag nakalimutan mo ko gagawin ko ang lahat para magkagusto ka ulit sa'kin. Alam
ko namang patay na patay ka sa'kin. Wala ka ngang amnesia minahal mo ko eh paano pa
kung puso mo na ang magsasabing ako ang lalaking para sa'yo. Tandaan mo hindi ako
titigil hanggang hindi nararamdaman ng puso mo na ako lang ang lalaking magpapasaya
sa'yo. Ako lang ang lalaking makakasama mo habang buhay. Kaya wag kang matakot.
Dahil hindi ako magsasawang iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal."

She wrapped her arms around my neck the she kissed me. "Hindi ako matatakot. Ikaw
ang matakot dahil baka ipagpalit kita."

"Hindi rin. Ang dapat matakot yung lalaking ipapalit mo sa'kin. Baka hindi na sya
makapagparami ng lahi kapag kinuha ka nya sa'kin." Tinitigan ko lang sya. "Sobrang
namayat ka ah. Di bale papalobohin naman kita."

"What?" gulat na gulat nyang tanong.

"Hindi pa naman ngayon. Ihhh excited." Bigla syang namula at hindi makatingin
sa'kin ng diretso. "Pero miss na miss kita eh. Pwede bang ngayon na?"

"Buwisit ka! May sakit nga ako eh!" napangiti naman ako.

"So pwede after mong magpaopera?" hindi sya sumagot at parang nahihiya na sya.
"Don't worry papakasalanan naman kita muna. Masyado ka talaga dyan." Ginulo ko ang
buhok nya. "Yang utak mo talaga kahit kelan!!"

"Stop it. Masakit nga ulo ko di ba?" napatigil naman ako tsaka ko sya biglang
niyakap at idinikit sa chest ko then hinalikan ko sya sa ulo. "Ang sarap pakinggan
ng heartbeat mo."

"Sa'yo lang ganyan yan. Maisip palang kita bumibilis na yan." Nakangiti kong sabi.
Well totoo naman yun at hindi ako nagsisinungaling.
"Goon."

"Hmmmm?" Nakayakap ako sa kanya at nakadikit pa rin ang ulo nya sa chest ko.

"Magpapaopera ako kapag nanalo ka sa laban mo. Alam kong hindi ka pa natatalo at
importante sa'yo yung laban. Gusto ko yung huling laban mo para sa'kin at yung
laban ko para sa operation is for you. Pwede mo ba yung gawin?" hindi ako agad
makasagot. Kasi wala namang options sa sinabi nya. Kapag nagpatalo ako hindi sya
magpapaopera so kapag may nangyari sa kanya kasalanan ko. Kapag naman ipinanalo ko
yung laban baka mabalikan sya ng mga nagbabanta sa'kin at kapag may nangyari sa
kanya kasalanan ko pa rin. Anong pipiliin ko? "Please."

"Gagawin ko yun para sa'yo kasi mahal na mahal kita." Mas pinili ko na lang manalo.
Para sa babaeng pinakamamahal ko at para sa paggaling nya.

"Salamat. Hindi na ako natatakot ngayon dahil alam kong nandyan ka at hindi mo ko
susukuan." Ito yung moment na mas lalong tumindin yung pagmamahal ko sa kanya. Ang
babata pa namin pero ang tindi na ng mga pinagdaanan namin. Pero in the end, mas
lalo lang kaming nagiging strong. Mas lalo ko lang nararamdaman kung gaano ko mahal
ang aswang na 'to. Mas lalo kong naiisip lumaban, magsakripisyo at magpakatatag
para sa kanya. Hindi ko na gugustuhin pang magmahal ulit, ang gusto ko sya lang at
wala ng iba.

"I will never ever forget you. I will love you always and forever. Hanggang
nabubuhay ako mamahalin kita." And I kissed her and she kissed me back. Kung ano
mang mga nagawa ko lahat para sa kanya yun at kung ano pang mga dapat kong gawin
lahat yun para sa kanya. Alam kong konting tiis na lang at matatapos din ang lahat.
Nararamdaman ko na kami rin ang ikakasal sa huli dahil pinapangako ko sa sarili ko
na matapos lang lahat ng problema papakasalan ko na sya sa ayaw at sa gusto nya,
wala syang choice. Sya lang ang gusto kong maging Mrs. Maliff wala ng iba.

A/N

For latest news and updates follow and like the following:
Official FB Page: Megladiolus - Mela Brio
Official PH Page: Perfect Hater by megladiolus
Official Twitter: @Perfect_Haters
Official PH Group: Perfect Haters Family
My FB accounts: Mela Brio and Megladiolus Watty
My twitter account: @Official_Mela_B
Instagram: @itsmelabrio

Please read my other stories The Playboy's Curse, O Pare Ko!, Love Disaster, One
Cold Summer, Sumpa and Ramses in Niraseya. I'd appreciate it. Thank you so so much.
Love y'all to the moon and back!

hugs and kisses


megladiolus

*******************************************
72

*******************************************
ZAK'S POV
Ngayon ang araw ng laban ko at hindi ako mapakali. Gusto kong manalo dahil yun ang
naipangako ko kay aswang pero gusto ko ding ipatalo 'to para rin sa kanya. Hindi ko
na alam ang gagawin ko.
"Zak be ready in five." Sabi ni coach kaya naman tumayo na ko. Kanina pa ako
nagwawarm up. Hindi kasi ako makapagconcentrate. Bahala na nga. Lalaban ako dahil
dito nakasalalay ang pagpapaopera ni aswang. "Let's go." Lumabas si coach kasunod
ako at ang ilang mga bantay namin.
"Maliff!!!!!" napatigil ako at napalingon sa isang grupo ng mga ungas. "Ang
usapan." Tapos ngumiti ang mukhang unggoy na lalaki. Hindi ako nagkamali, kasabwat
talaga dito ang mga dumukot kay aswang. Hindi ko sila pinansin at nilampasan ko
lang sila.
"Tandaan mo, importante ang laban na 'to sa'yo. Ikaw na ang number one kapag natalo
mo yan. Ikaw ang challenger kaya mag-iingat ka." Madaming bilin si coach sa'kin
ngayon dahil alam nyang hindi madali ang magiging laban namin. Ang daming tao
ngayon at mga bigatin pa ang iba. "Wala ka na naman sa sarili. Kaya mo yan!!" tinap
ako ni coach sa balikat.
"The youngest underground fighter!! The challenger! Flint 'Zak' Maliff!!!!" itinaas
ko ang mga kamay ko ng tawagin ako ng referee. May mga nagsigawan din naman at
halos mayanig ang buong center. "And our defending champion - Brutus 'Metal'
Teno!!!" ang dami ding nagsigawan at halos yumanig na talaga na parang may lindol
sa loob. Sobrang laki nung makakalaban ko. Parang beterano na sya samantalang ako
ang bata ko pa. Ang laki ng katawan nya at ang dami na din nyang scars.
Lumabas na ang referee at isinara na rin ang ring. Kaming dalawa na lang sa loob.
Tumingin ako sa labas at nakita ko ang mga lalaking nakatingin sa'kin. Nag-okay
sign sila sabay baligtad ng thumb at sinasabing patay ako sa kanila kapag di ako
tumupad. Mas gugustuhin ko nang mamatay na tumupad sa pangako sa babaeng mahal ko
kesa sa mga mokong na 'to. Mamatay na lang ako mukha pa nila ang huli kong
makikita.
Tumunog ang bell at nagulat na lang ako na nasa harapan ko na ang champion at
sinuntok ako ng malakas. Sa sobrang lakas ng suntok nya diretso ako sa harang at
humampas ang katawan ko. "Kung saan-saan ka kasi natingin bata." Papasugod na ulit
sya pero nakaiwas ako agad. "Mabilis ka din namang kumilos pero wala ka din namang
matatakbuhan." Sumugod ulit sya pero tumalon ako at kumapit sa bakal na harang.
"Wag ka nang tumakas!" Naabot nya ang paa ko at bumagsak ako sa ring. Kinaladkad
nya ko at iniikot na parang isang magaan na bagay tsaka ako binitawan. Tumama ulit
ang katawan ko sa bakal at bumagsak ako sa mat. "Sabihin mo nang sumusuko ka para
hindi ka na mahirapan." Sumugod sya ulit sa'kin at bigla syang tumalon pero mabilis
ulit akong nakaiwas.
"Muntik na ko dun ah." Bulong ko sa sarili ko. Nahihirapan pa rin akong mag-isip
kung ano bang gagawin ko? Magpatalo na lang kaya ako tapos sabihin ko kay aswang na
nanalo ako. Pero hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanya. Isa pa hindi naman
yun bata na basta na lang maniniwala. For sure hahanapin nya ang championship belt
ko.
"Wala ka na naman sa sarili!!" at tinamaan na naman ako ng suntok nya. Hinawakan
nya ako sa leeg at dahan-dahang itinaas. Parang nangyari na 'to dati ah, kaya lang
ngayon walang aswang na sisigaw. "Magpapatalo ka naman alam ko pero mas maganda
yung makatotohanan. Hindi ko nga alam bakit sinabihan ka pa nila na magpatalo eh
wala ka naman talagang laban sa'kin. Wala silang tiwala sa'kin, pwes ipapakita ko
sa kanila na kayang-kaya kitang tapusin kasama ang mga taong mahalaga sa'yo!! Sino
kaya ang maswerteng babaeng makakasama mo sa kabilang buhay?"
"Wag na wag mo syang gagalawin!!" nahihirapan akong magsalita dahil sa sakal-sakal
nya ko.
"O so meron nga. Napakasaya naman pala. Sana makita nya kung paano kita tapusin
tapos isusunod ko sya. Pero hindi ko sya papahirapan, papaligayahin ko muna sya."
Nagpanting ang tenga kaya naman bumwelo ako at ikinapit ko ang dawala kong paa sa
braso nyang nakasakal sa'kin tsaka ako umikot sa ibabaw na parang nakasakay sa
braso nya tsaka ako nagpagulong paibaba at isinama ko sya sa pagikot ko.
"Hindi kita mapapatawad sa pagbastos mo sa kanya!!!" sinuntok ko sya sa katawan
pero parang wala syang naramdaman. Ang tigas ng katawan nya na parang hindi
masasaktan sa kahit anong pagsugod ko.
"Yan lang ba ang kaya mo!!!" sumugod sya ulit at binuhat ako tsaka ako inihagis
paitaas. May harang din na bakal ang itaas kaya tumama ulit ang katawan ko pero
nakakapit ako kaya hindi ako bumagsak. "Bumaba ka dito!!!" tiningnan ko syang maige
at pinagmasdan ko kung paano ko sya susugurin. "Dyan ka na lang ba habang buhay?!!"
nakita kong napangiti yung champion at nakatingin sya sa itaas kaya tiningnan ko
kung saan sya nakatingin. Nakita ko ang isang pababang live wire na kumikislap pa.
Sh*t alam ko na ang plano nila. Gusto talaga nila kong patumbahin!!
Bago pa man makadikit yung live wire sa bakal ay tumalon na ako pababa, sa mismong
harapan ng kalaban ko. Sinugod nya ako ulit pero nakaiwas ako agad. Hindi na sya
tumatama sa'kin at habang patagal ng patagal nakikita kong hinihingal at bumabagal
sya. Yun lang ang lamang ko dito, dahil bata pa ko hindi ako agad napapagod.
"ANO BA YAN!! HINDI NA BA YAN MAGLALABAN?!! IBALIK NYO ANG BAYAD NAMIN!!!" narinig
kong sigaw ng ilang nanonood.
"Naiinip na ang mga taga-hanga mo." Sabi ko sa kalaban ko tsaka ako ngumiti.
"Sumuko ka na kasi!" at sinugod nya ako ng isang suntok pero nahawakan ko ang braso
nya at ginamit ko yun para makatalon papasakay sa likuran nya.
"Magpapatalo na sana ako pero binastos mo ang babaeng pinakamamahal ko!!!"
hinawakan nya ko sa binti pero nakakapit ako agad sa ulo nya. "Sa sobrang laki mo
lumiit na yang utak mo!!" sinuntok ko ng malakas ang dalawang tenga nya. Parang
nasaktan naman sya dahil nabitawan nya ang dalawa kong binti. "Kahit anong laki ng
katawan mo hindi mo maiitago ang weakness mo!!" sinuntok ko sya sa may leeg tsaka
ako tumalon paharap nang nakahawak sa ulo nya at ang mukha nya ang unang bumagsak
sa mat. Bago ma sya makakilos ay iniangat ko na ang ulo nya tsaka ko itinusok ang
tatlo kong dalari sa may leeg nya at parang nahirapan naman syang huminga. Sunod
kong tinusok ng daliri ang dalawa nyang mata at napaatras naman sya.
"Hindi ka mananalo sa'kin!!" Sumuntok lang sya ng sumuntok habang nakapikit.
Hinawakan ko ulit ang ulo nya at iniuntok ko sa tuhod ko. Sobrang sakit pero tiniis
ko na lang. Malay ko bang ganito kakapal ang mukha nito. Pagkauntog ko ng ulo nya
sa tuhod ko hindi ko pa binitawan. Hinawakan ko sya sa leeg.
"Hindi ako masamang tao kaya hindi kita papatayin. Pero kaya kong maging masama
kapag mga taong importante na sa'kin ang dinamay nyo!!" itinusok ko ang daliri ko
sa leeg nya at parang nahihirapan syang huminga tsaka ko sya sinuntok sa panga.
Nakabwelo pa sya pero hindi naman ako natamaan at nagpunta lang ako sa likuran nya
tsaka ko tinusok ng daliri ko sa back side of his neck. Bigla syang natigilan kaya
naman sinamantala ko na. Sinuntok ko na sya sa tip ng spine at sinipa ko na sya sa
back upper thigh kaya naman napaluhod sya. "Ang laki mo nga kung hindi mo naman
kayang protektahan ang pressure points ng katawan mo!" Siniko ko ang top head nya
at tinuhod ko ang front head nya tsaka ko sinuntok ang temple nya. Pabagsak na sya
pero nahawakan ko pa sya sa ulo. Bibigyan ko pa sana sya ng isang matinding suntok
ng maramdaman kong may humawak na sa'kin at inilayo na sa champion. Parang wala na
kong marinig kahit nakikita kong nagsasalita ang mga tao at nagpapalakpakan sila.
Parang slow motion lahat. Pawis na pawis ako at parang madaming lakas ang nawala
sa'kin. Hindi ko na marinig ang sinasabi ni coach. Parang nabibingi ako. Nakita ko
na lang na isinuot sa'kin ang belt at itinaas ang kamay ko ng referee at sa kabila
naman si coach. Napatingin ako sa mga lalaking nakatingin ng masama sa'kin kanina
at sumenyas sila sa'kin na 'I'm dead' tsaka sila sabay-sabay na tumayo at umalis.
Inalalayan na ko ni coach pabalik sa locker.
"Zak ayos ka lang ba?" hindi ako nakasagot pero medyo narinig ko sya. "Mukhang
kailangan mo nito ah." Bigla akong binuhusan ni coach ng malamig na malamig na
tubig. Ang sarap sa pakiramdam! "Okay ka na?"
"Okay na coach. Pero pwede na ba akong umalis?" pumasok agad ako sa shower room at
nagswhoer habang inintay ko ang sagot ni coach.
"Pero mag-iingat ka Zak. Maraming natalo sa pusta nila at malaking halaga yun kaya
baka may nag-aabang na sa'yo ngayon sa labas." Alam ko naman kung anong sinasabi ni
coach pero hindi na ko makapaghintay na ibalita kay aswang na panalo ako para naman
makapagpaschedule na sya ng operation. "Dun ka sa bodega dumaan pero di mo madadala
ang sasakyan mo para hindi nila mapansin na umalis ka na.
Kinuha ko ang bag ko at inilagay ko dun yung belt. Nagcap na rin ako at nagshades
tsaka ako lumabas. "Salamat coach." Sabi ko kay coach bago ako magpunta sa may
bodega. Medyo makalat dito at walang pintuan kundi bintana lang. Inihagis ko sa
labas ang bag ko tsaka ako sumuot sa binatana. Umakyat ako sa bakod tsaka tumalon
ng walang nakakakita sa'kin. Sa likod na part 'to ng ground kaya naman hindi sila
makakapunta dito dahil medyo malayo 'to sa harapan. Naglakad lang ako at ng medyo
malayo na ko tsaka ako tumawag kay aswang. Unang ring palang sinagot na nya agad.
"Halatang namiss mo ko ah." Pang-aasar ko sa kanya.
[Nag-aalala ako no. Ano ng nangyari? Nasan ka na?]
Halata sa boses nya na nag-aalala sya. Para kasing nanghihina na sya magsalita.
"Ikaw ang nasaan? Pupuntahan na lang kita."
[No. Magkita na lang tayo. Gusto kitang makita. Di naman kasi kita malalambing kung
nandito tayo sa bahay.]
Napangiti naman ako sa sinabi nya. "Yan ang gusto ko sa'yo eh. Sige sa park na lang
ba tayo magkita?"
[Sige dun na lang malapit sa lake ha. Papunta na ko.]
"Agad?"
[Kanina pa kasi ako nagiintay ng tawag mo. O sige na. Pumunta ka na din dun. Bye.]
"Wait - " at hindi pa nga ko nagsasabi ng I love you pinatay na nya agad. Mabuti na
lang at medyo malapit lang yung park na yun dito. Bibili na lang din ako ng pagkain
para sa'ming dalawa. Medyo alerto pa nga ako kasi baka may sumusunod sa'kin pero so
far wala naman dahil na din siguro sa naka-cap and nakashades ako at hindi nila ko
makilala agad.
Mabilis akong nakarating sa park pero mas mabilis si aswang. Nandun na agad sya.
Ano kayang klaseng pagda-drive ang ginawa nito. Nakatalikod sya kaya hindi nya
nakitang paparating na ko. "Hey." Sabi ko kahit ang plano ko eh gulatin sya. Medyo
nagulat ako ng makita ko sya. Parang stressed sya na hindi ko mapaliwanag. "Are you
okay?"
"Yeah. I'm fine." Ang tipid din ng ngiti nya. "Para sa'kin ba yang sundae and
burger?"
"Syempre naman." Iniabot ko sa kanya yung sundae and burger.
"Nasaan yung drinks and fries and ketchup?" nakasimangot sya na parang bata.
"Relax. Nandito pa sa kabila. Nakasimangot ka na agad dyan." Inakbayan ko sya. "Dun
tayo sa bench."
Naglakad kami papuntsa sa bench at ibinigay ko yung fries and drinks nya. Nilagyan
nya ng fries and ketchup yung burger then yung sundae inilagay nya lahat sa drinks.
Tahimik lang syang kumakain. "Ang sarap talaga nito kahit kelan." Sabi nya habang
kumakagat ng burger.
Kinuha ko yung bag ko. "I have a surprise for you." Inilabas ko yung championship
belt. Napangiti naman sya pero tinapos nya muna ang pagkain tsaka ako hinalikan sa
cheek. "Grabe ang tagal ha."
"Gutom kasi ako. Tsaka okay na yung natagalan kesa wala." Hinawakan nya yung belt
ko. "Tunay ba 'to? Baka pinagawa mo lang 'to sa kanto ha."
"Hoy tunay kaya yan. Tingnan mo kasing maige." Tinitigan ko sya. "Tinupad ko yung
sinabi ko, sana ikaw din."
Ibinalik nya sa'kin yung belt. "Magpapagamot naman talaga ko kasi gusto pa kitang
makasama ng matagal. Kasi naawa ako sa ibang babae na papatulan mo kapag nawala
ako. Sigurado hindi ka nila matatagalan."
"Aba - tsaka na kita aawayin kapag magaling ka na. Naku - " ngumiti naman sya
sa'kin. "Kelan ka ba magpapaschedule. Gusto ko bukas na. Alam mo bang hindi na ko
makatulog kakaisip dyan kaya pwede bang asikasuhin mo na yan!!"
"Oo na po boss. Pero gusto ko munang magcharge!" tumingin sya sa'kin.
"Ano ba naman yan! Usapang ospital tayo tapos charge ang iniisip mo!! Wala kong
dalang charger no!" lumapit sya sa'kin tsaka nya ko binatukan. "Aba't sumosobra ka
na! Tingin ko wala ka naman talagang sakit. Lakas mo pang mambatok eh!"
"May toyo ka kasi. Iba naman kasing charge ang sinasabi ko!!" bigla nya kong
niyakap ng mahigpit. "Ganitong charge. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap pakinggan
ng puso mo. Gusto ko lang na masaulo ng puso ko ang beat ng puso mo."
"Ano ka ba wag kang masyadong magworry kasi kasing tigas ng diamond yang utak mo.
Kahit dukutin pa yan dyan at ibalik hindi ka magkakaron ng memory lost okay?"
niyakap ko din sya ng mahigpit na mahigpit. "Wala kang dapat ipag-alala, hindi kita
iiwan. Nandito lang ako."
"A - aray!" nakita ko syang nakahawak sa ulo nya.
"Masakita ba? Kaya mo ba? Alam mo mabuti pa ngayon na tayo pumuntang ospital at
please wag ka ng makipagtalo. Aatakihin na ko sa puso sa sobrang kaba ha."
Hinawakan nya ko sa mukha at ngumiti sya. "Hoy Alexa Ciesla Andrade wag mo kong
ngiti-ngitian dyan ha."
"Oo na po. Tatayo na nga eh." nauna syang tumayo sa'kin pero bigla din syang
napaupo.
"Kaya mo ba? Bubuhatin na kita ha. Natatakot na talaga ako. Baka ako pa ang dalhin
mo sa ospital sa sobrang takot." Bubuhatin ko n asana sya pero hindi sya pumayag.
"OA mo. Nakapagdrive pa nga ako papunta dito no. Kaya ko pa hanggang nandyan ka.
Ikaw ang nagbibigay ng lakas sa'kin." Naglakad sya ng hindi nahawak sa'kin kaya
naman sinundan ko sya agad.
"At ikaw naman ang papatay sa'kin sa sobrang katigasan ng ulo mo." Naglakad kami
palabas ng park at papunta sa kotse nya. "Ako na ang magda-drive ha."
Bubuksan ko na ang pintuan ng kotse ng may biglag tumawag sa'kin.
"MALIFF!!" pagkalingon na pagkalingon ko isang malakas na suntok ang tumama sa
mukha ko. "HINDI KA TUMUPAD SA USAPAN!!" sinipa pa nya ako sa sikmura. Pakiramdam
ko lalabas lahat ng kinain ko.
"Bitawan nyo ko!! Ano ba!!" napatingin agad ako kay aswang na hawak ng dalawang
kasama nilang lalaki.
"Bitawan nyo sya!!" sinuntok ko yung dalawang lalaki at itinago ko sa likuran ko si
aswang. "Babayaran ko na lang kayo. Sa inyo na 'tong belt." Inihagis ko sa kanila
yung belt.
"Hindi namin kailangan!!" lumapit sa'kin ang dalawang lalaki at hinawaan ako sa
dalawang braso. "Akin na yan!!"
Nakita kong kinuha nung lalaki yung phone ni aswang at ibinato sa malayo.
"Ipapakulong ko kayong lahat! Hindi kayo makakatakas!!" tumawa yung kumag na
kaharap ni aswang.
"Kung makakapagsumbong ka pa. At kung magsumbong ka man hindi ako natatakot.
Kayang-kayang ayusin yan ng boss ko!!" tumingin sa'kin yung kumag. "Sige na. Alam
nyo na ang gagawin."
Hinawakan ng dalawang lalaki si aswang habang ako eh sinusuntok ng sinusuntok ng
kahit na sinong kasama nila. "AHhhhhhhhhhhh!! Tigilan nyo yan!! Tigilan nyo
yan!!!!!!"
"Tumahimik ka!" nakita kong sinampal nung isang lalaki si aswang.
"SINONG MAY SABI SA INYONG SAKTAN NYO SYA!!!!!" nakawala ako sa pagkakahawak nung
dalawa at sinuntok ko lahat ng humarang sa harapan ko. Pati yung lalaking sumampal
kay aswang hindi ko pinalampas. Halos pulbusin ko na yung mukha nya.
"Ang tigas mo ha!" naramdaman ko na lang na may tumamang matigas sa likuran ko at
napadapa ako. Hahampasin pa sana nya ko ulit pero nasangga ko.
"Wag sya. Wag nyo syang idamay. May sakit yang babaeng yan. Ako na lang - ako na
lang ang saktan no." biglang tumakbo si aswang sa tabihan ko at niyakap ako.
"Ang sweet. Wag kang mag-alala sabay ko naman kayong papatayin kaya magkakasama pa
rin kayo sa kabilang buhay." Sinipa ako nung lalaki sa sikmura. Sobrang naiinis
ako sa sarili ko. Wala akong magawa para ipagtanggol si aswang. Bakit kailangan nya
pang madamay? Bakit ngayon pa? Alam kong mangyayari 'to pero hindi ganito kabilis.
Pinangako kong po-protektahan ko sya pero anong nangyari? Wala akong magawa.
A/N
Medyo di pa masyadong okay yung next chapter pero ginagawa ko na so 1000 votes para
sa next update. Kapag naging 1000 votes before midnight ilalagay ko na yung chapter
73. :)
Please read my new stories The Playboy's Curs and O Pare Ko! Para sa mahilig sa
horror please read my story SUMPA.
Like my facebook page: Megladiolus - Watty
Add me on FB: Megladiolus Watty
Thank you!

*******************************************
73

*******************************************
ZAK'S POV

"TAMA NA!!!" sigaw ko ng malakas. Dahan-dahan akong tumayo. Hinang-hina na ko pero


hindi pwedeng ipakita ko kay aswang na nanghihina na ko. "Kung may utang ako sa
inyo babayaran ko yan kahit buhay ko pa. Isa lang ang gusto ko ngayon - ibalato nyo
na 'tong araw na 'to sa'kin. Sa'kin kayo galit kaya sa'kin kayo gumanti pero sa
ibang araw na lang. Pinapangako ko sa inyo na sa susunod na magkita tayo kahit
pagtulungan nyo ko hinding-hindi ako gaganti. Bahala kayo kung bugbugin nyo ko
hindi ako lalaban." Dahan-dahan akong lumapit sa lalaking humambas ng bat sa'kin at
lumuhod ako. "Parang awa mo na, nagmamakaawa ako wag ngayon. Kailangan kong dalhin
sa ospital ang babaeng yan. Hindi kami magsusumbong sa mga pulis basta hayaan nyo
lang kaming makaalis. Hayaan nyong madala ko sya sa ospital."

"Zak!" narinig kong sigaw ni aswang.

Nagtawanan lang yung mga lalaki. Sinipa ako ng malakas nung lalaking kausap ko at
napahiga ako. Hindi naman sya nagsalita pero nakita kong umalis na sila. "Goon!
Ayos ka lang ba?" lumapit sa'kin si aswang. Tumayo ako at tiningnan ko sya. May
dugo sya sa ilong. Hindi ko napigilan pero kusang pumatak ang mga luha ko.

"Sorry. Sorry hindi kita naipagtanggol. Sorry!" niyakap ko sya ng mahigpit.

"Anong sorry! Lumuhod ka sa harapan nila para sa'kin! Bakit mo yun ginawa?!! Bakit
mo ibinaba yung sarili mo para sa'kin!! Bakit!!" sinusuntok nya ko sa dibdib.

"Dahil gagawin ko lahat para sa'yo. Lahat-lahat kasi mahal na mahal kita."
Pinunasan ko ang mga luha nya pati na rin ang dugo sa may lips nya.

"Isumbong natin sila sa mga pulis." Halatang natatakot pa rin sya at nanginginig.
"Da - dapat si - silang mahuli."
"No. Hindi natin sila kilala at kung sinong boss nila. Paano kung kasabwat pa nila
ang mga pulis. Baka madamay ka pa at ang pamilya mo. Ako na ang bahala okay?" alam
kong natatakot sya at ayaw nyang pumayag pero nagnod sya.

"Pero sa - sa - na - " bigla syang natumba. Mabuti na lang at nasalo ko sya.

"Aswang! Aswang!" nawalan sya ng malay kaya naman binuhat ko sya at isinakay sa
kotse. Hindi ko alam ang gagawin. Mabilis akong nagdrive papunta sa ospital.
Pagkadating namin sa ospital mabilis naman kumilos ang mga nandun at inilagay agad
sya sa stretcher. Hawak-hawak ko ang kamay nya. "Wag kang bibitaw ha. Wag kang
bibitaw please."

"Sir hindi na po kayo pwedeng pumasok sa loob." Sabi nung nurse. Nagpasukan sila sa
loob kasama yung doctor. Tinawagan ko naman sila papa namin at ang iba pa para
sabihin kung anong nangyari. Hindi ako umalis sa ospital. Hindi ko inalis ang
paningin ko sa emergency room. Alam kong magiging okay ang lahat.

"Anong nangyari sa'yo?" nakita kong dumating na ang papa namin ni aswang. "Bakit
puro sugat at dugo ka? Anong nangyari sa anak ko?"

"Ayos lang po ako. Ang importante po si Alexa." Hindi na ko masyadong nagsalita


dahil kahit anong oras papatak ang mga luha ko.

"Doc - doc pakiasikaso ng anak ko!!" nakita kong itinuturo ako ng papa namin ni
aswang sa isang doctor.

"Hindi ako aalis dito! Dito lang ako!!" ayokong sumama sa nurse dahil mas kailangan
ako ni aswang.

"Sir dito lang po tayo sa kabilang room. Kita nyo pa rin naman po ang pasensyente
sa loob." Tumingin ako sa papa namin ni aswang at tumango lang sya.

"Sige na anak." Alam kong nag-aalala din sya kaya pumayag na ko.

"Bilisan mo lang nurse dahil kapag nagising yan ng wala ako sa tabihan nya
susuntukin ko yang mukha mo para wala ka ng ibang gamutin kundi yang sarili mo."
Hindi man lang ako ngumiti at halatang natakot din yung nurse. Minadali din naman
nya ang paglilinis ng sugat ko kaya nakabalik ako sa labas.

"Dude anong nangyari sa'yo?!!" dumating na din ang Sterke Geest.

"Ano na pong nangyari kay Alexa?" naiiyak na din si Jezhi na lumapit sa parents ni
aswang.

Medyo lumayo ako sa family ni aswang at sumunod naman ang mga kaibigan ko.
"Ipinanalo ko yung laban."

"What?" sabay-sabay nilang sabi.

"Hinaan nyo yang boses nyo." Tumingin ako sa parents ni aswang at busy pa sila sa
pakikipagusap kay Jezhi. "Wala akong choice. Hindi magpapaopera si aswang kung
hindi ako mananalo."

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Luke.

"Naabutan kaming dalawa nung mga ungas sa park. Sinaktan din nila si aswang."
Nagulat kami ng suntukin ni Luke ang pintuan ng isang room.

"Dude relax." Pag-awat ni Val.

"Dude kapatid ko yun! Babae yun dude at may sakit pa!! Anong ginawa mo!! Hindi mo
man lang sya pinagtanggol?" galit na galit si Luke. Kahit naman sino magagalit.

"Madami sila dude. Sobrang dami nila at wala akong magawa. Pinabalato ko na lang
'tong araw na 'to sa'min para makaligtas kami. Lumuhod ako at nagmakaawa sa harapan
nila para lang hindi madamay si aswang." Gusto kong suntukin ang mukha nilang lahat
kapag naalala ko.

"Anong kapalit Zak? Anong kapalit ang sinabi mo para pagbigyan ka nila?" seryosong
tanong ni Tuck.
"Na sa susunod na makita nila ko hindi ako lalaban. Hahayaan ko sila sa gusto
nilang gawin sa'kin." Kahit si Tuck napasuntok din sa narinig.

"Siraulo ka din talaga!! Gusto mo na ba talagang mamatay? Ipapahanap ko yan kay


papa!" tatawag na si Tuck pero hinawakan ko ang phone nya at ibinalik ko sa bulsa
nya.

"Malakas ang pakiramdam ko na malakas ang kapit nila dahil hindi sila natatakot na
ipakulong namin sila. Malakas daw ang boss nila kaya makakalabas pa rin sila kahit
anong gawin namin. Baka madamay lang ang family mo dito at ayokong mangyari yun."
Tahimik lang silang lahat pero kitang-kita ko sa mukha nila na galit na galit sila.

"Kamusta na po ang anak ko?" napalingon kami ng makita naming lumabas na ang doctor
kaya lumapit kami lahat.

"Kailangan na natin syang maoperahan agad. Mabilis ang paggalaw ng bukol sa utak
nya. Kung mahuhuli pa tayo baka hindi na natin yun matanggal." Sabi ng doctor.

"Gawin nyo po ang lahat para mailigtas ang anak ko." Sabi ng mommy ni aswang.

"I need you to sign some papers." Sumunod ang parents ni aswang sa doctor habang
tinitingnan ko lang sya mula sa labas.

"Kaya mo yan. Lalaban ka di ba? Hihintayin kita." Tinap ako sa balikat ng mga
kaibigan ko.

"Hindi ka din namin iiwan basta-basta. Lalaban kami kasama mo." Sabi ni Tuck.

Pagbalik ng doctor may mga kasama na sya. "Dadalhin na po namin sya sa operating
room." Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na natatakot. Alam kong magiging okay
lang ang lahat.

Dumaan sa harapan ko si aswang. "Pwedeng sandali lang po." Tumigil naman sila.
Nilapitan ko si aswang. "Magpakatatag ka. Kaya mo yan. Nandito lang ako. Hindi kita
iiwan." Hinalikan ko sya sa lips.

Sumunod kami sa kanya pero hanggang labas lang kami ng operating room. "Zak
magpahinga ka kaya muna. Galing ka pang laban." Bulong ni Tuck sa'kin.

"Hindi. Iintayin kong matapos ang operation." Palakad-lakad lang ako sa harapan ng
operation room. Hindi ako mapakali. Hindi ko man lang maramdaman ang mga sakit ng
sugat at pasa ko sa katawan. Ang nararamdaman ko lang ngayon eh kaba sa kung anong
nangyayari sa operation ni aswang.

"Bibili lang kami ng pagkain." Sabi ni Val and Jezhi.

Magtatatlong oras na ang operation pero wala pa ring lumalabas galing sa loob. Ang
parents ni aswang ay nagpunta muna sa chapel ng hospital at nagpray. Dumating din
ang papa nila ni Luke pero umalis din agad dahil may meeting pa daw sa company.
Ibinilin na lang nya kay Luke na balitaan sya sa mangyayari.

"Wala pa rin bang balita?" napalingon kami ng magsalita ang mommy ni aswang.
Mukhang tapos na silang magdasal.

Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor at ganun din ang iba nyang kasama kaya naman
nagtayuan kaming lahat.

"Kamusta po ang anak ko? Kamusta po ang operation?" naiiyak na tanong ng mommy ni
aswang.

"Successful po ang operation. Napakastrong po ng anak nyo. Kahit minsan hindi po


sya bumitaw and that's a good thing." Nakahinga kaming lahat ng maluwag sa sinabi
ng doctor. Halos ngayon ko naramdaman lahat ng sakit ng katawan ko ng marinig kong
successful ang operation kay aswang.

"So okay na po sya?" tanong ng papa namin.

"As of now okay lahat ng vitals nya pero kailangan pa din nating intayin syang
magising para malaman natin kung anong effect ng operation. But so far wala na po
kayong dapat problemahin. Ita-transfer na rin po sya sa room mamaya." Lahat kami
nakahinga ng ayos.

Pagkalipat ni aswang sa room nya umuwi muna ang parents nya para kumuha ng ilang
gamit. Nagpaiwan naman ako para bantayan sya pero hindi rin naman ako iniwan nila
Tuck. Kung gising ako, gising din sila pero kung tulog ako tulog din sila.
Dinadalhan na lang din ako nila Val ng damit at pagkain dito since hindi naman ako
naalis. Kahit nandito parents ni aswang wala akong pakialam. Gusto ko ako ang una
nyang makikita kapag nagising sya.

"Hindi ka ba hahanapin ng family mo?" hinawakan ako sa balikat ng papa namin ni


aswang.

"Hindi po. Hindi din naman nila alam ang nangyari kay Alexa. Mas okay naman po na
malayo sila dito." Hindi na ko nagsalita ulit baka kung ano pa ang masabi ko.
Hinawakan ko sa kamay si aswang. Tulog pa rin sya hanggang ngayon.

TUCK'S POV

Magdadalawang linggo na kami dito sa ospital pero hindi pa rin nagigising si Lex.
Hindi namin iniwan si Zak mag-isa baka kasi sumalisi yung mga nambugbog sa kanya.
Kung may aalis man sa'min paisa-isa lang. Tulad ngayon, ako ang umuwi kagabi at
maaga akong dumating sa ospital. Pagbukas ko ng kwarto ni Lex bumungad sa'kin ang
mga mokong kong kaibigan na tulog na tulog. Hinanap naman agad ng mata ko si Zak.
Wala sya sa tabi nitong mga 'to at wala rin sya sa tabihan ni Lex. "Zak, gising ka
na ba?" May dala akong mga pagkain tsaka damit. Maligo ka na rin." Ibinaba ko ang
mga gamit sa table. Siguro nasa restroom sya. Lumapit ako kay Lex. "Good morning,
Lex. Ang tagal mong gumising ha. Ang tamad mo na ngayon. Bilisan mo na dyan
gumising kasi miss na miss ka na namin lalo na ni Zak."

"Oh dude nandito ka na pala." Nakita kong bumangon si Luke. "Nasaan si Zak?"
nagdiretso sya ng restroom at nagulat ako ng walang tao dun.

"Nasaan si Zak?" tanong ko kay Luke. "Hoy magsigising nga kayo dyan!" pinaghahampas
ko ng unan ang mga kaibigan kong tulog na tulog.

"Ano ba!! Natutulog pa ang tao!! Ipapasisante kita makita mo!!" at dumapa pa nga si
Rich.

"Magsigising kayo!! Nawawala si Zak!!" hinigit ko si Rich at nalaglag sya sa floor.

"Ano? Nawawala si Zak?" napatayo ng mabilis si Rich at tumingin sa paligid.


Bumangon din si Trav at pumasok sa restroom pagkalabas ni Luke.

"Lalabas ako at hahanapin ko sya." Sabi ni Luke.


"Sasama ko sa'yo." Tumayo na rin si Rich.

"Sige. Val, kayo na lang ni Trav ang tumingin muna kay Lex ha." Hindi pa man kami
tapos mag-usap bigla naming narinig ang electrocardiogram na tumunog ng mabilis.
Lumapit kami agad kay Lex at nakita naming nagi-increase ang heart rate nya.
Pinress ko agad ang button sa may ulunan para tumawag ng doctor. "Bilisan nyo!!
Yung kaibigan namin!!!!"

Biglang nanginig ang buong katawan ni Lex at halos magflat na ang line. Pinalabas
kami ng doctor at sumunod naman kaming lahat.

"Nasaan ba kasi si Zak. Baka naramdaman ni Lex na umalis si Zak!!!" galit na sigaw
ni Luke. "Hahanapin ko si Zak!! Tawagan nyo ang parents ni Lex!" umalis si Luke
pero sumunod naman kami agad ni Rich.

"Bakit hindi sya nagsabing aalis sya. Hindi naman umaalis yun sa tabi ni Lex. Hindi
nga yun nalabas ng room!" nag-aalala na talaga ako sa biglang pagkawala ni Zak.
"Bakit kasi hindi kayo magsalitan sa pagtulog."

"Hindi na din namin kinaya eh." sagot ni Rich na medyo pungay pa ang mga mata.

Kakalabas palang namin ng hospital ng makasalubong namin ang family ni Lex.


"Pakibilisan nyo po. Nagka-seizure po si Lex." Sabi ko sa papa nya. "Hahanapin lang
po namin si Zak."

"Mag-iingat kayo." Pumasok naman agad sila sa loob.

Nag-iisip kami kung saan hahanapin s Zak nang sumunod sila Trav at Val. "Nandun na
ang family nya kaya sumunod kami. Iba ang pakiramdam ko. Baka naramdaman din ni Lex
yun." Sabi ni Val.

"Kung maghiwa-hiwalay kaya tayo?" halos hindi kami pumayag sa suggestion ni Trav.

"Hindi naman lalayo si Zak. Kung aalis yun siguradong magsasabi sya." Nag-iisip ako
ng pwede nyang puntahan na malapit lang sa hospital.
"Hindi kaya sa flower shop? Baka naisipan nyang bilhan si Lex ng bulaklak.
Monthsary ata nila ngayon." Sabi ni Luke habang naglalakad sa kabilang direction.
Sinundan naman namin sya habang natingin sa mga establishments sa paligid.

"Ayun si Zak!!!" sigaw ni Rich. Nakita namin si Zak na papalabas sa isang flower
shop. Gumaan ang pakiramdam namin ng makita namin si Zak na okay naman. Nakangiti
pa nga sya eh. "Pinakaba tayo nun ah. Kukutusan ko yan eh."

"Intayin na lang natin sya dito. Kukutusan ko din yan." Sabi ni Luke. Papatalikod
na sila habang ako nakatingin kay Zak.

Pagkalabas ni Zak ng shop ang ganda ng ngiti nya at nakatingin pa sya sa bulaklak.
In love na in love ang loko. Ipapakasal ko 'tong dalawang 'to kapag nagising si Lex
eh. "Nabaliw na talaga si Zak." Sabi ko sa kanila habang nakatingin sa ngayong
naglalakad na Zak pabalik ng hospital. "Siguro naman - " bigla akong natigilan ng
hampasin ng may lalaking lumapit kay Zak at hinampas sya ng baseball bat sa binti.
"Si ZAK!!!"

Mabilis kaming tumakbo papalapit kay Zak. Biglang dumami yung mga lalaking
sumusugod kay Zak. "Buwisit bakit hindi pa kasi tayo lumapit kanina!!" galit na
sabi ni Trav habang mabilis syang natakbo.

"Itigil nyo yan!! Hoy!!"malapit na kami ng biglang may humarang sa'ming mas
maraming lalaki.

"Tumawag kayo ng tulong!!!" sigaw ni Val sa mga nasa loob ng establishments pero
nakatingin lang sila. "Tumawag kayo ng pu - " nasuntok na sya bago pa sya
makapagsalita.

Kanya-kanya na kami ng suntok kahit marami sila. "Zak!! Zak!!" tinatawag namin sya
habang pinupulbos sya ng mga lokong yun. "Lumaban kayo ng patas!! Hindi patas yan!!
Zak lumaban ka!! Tumayo ka dyan!!!" sa sobrang galit binuhos ko na ang lahat ng
lakas ko sa pagsuntok sa mga 'to para makalapit sa kanya.

Napatumba na rin namin ang mga humarang sa'min pero hindi sila nauubos. Dumadami pa
rin sila. "Anong klase kayong pulis!! Wala ba kayong nakikita?!!!" napatingin ako
kay Luke na kinakausap yung pulis. Hindi sya tumitingin sa mga nangyayari at parang
wala talaga syang nakikita o naririnig. Mukhang maimpluwensya talaga ang may
pasimuno ng lahat ng 'to.

Nakalapit kami sa mga nagulpi kay Zak at napagsusuntok namin sila. Inalalayan ko si
Zak tumayo habang nakikipagsuntukan ang iba. "Bakit hindi ka lumaban? Si Lex,
iniintay ka nya. ALam mo bang naramdaman nyang wala ka sa tabi nya. Nagkaron sya ng
- " at biglang may humigit sa'kin at sinuntok ako. "P*cha! Suntukin nyo na lahat
wag lang mukha ko!!" nahagip ko yung lalaking sumuntok sa'kin at pinagsusuntok ko
sya sa mukha. "Wala ka namang lugi dito pare. Sira na talaga yang mukha mo!!"

"Sige na, ituloy nyo na." narinig kong sabi ni Zak. Akala ko kami ang kausap nya
kaya humarap kami sa kanya.

"Zak?" pipigilan namin sana sya pero nahawakan na ulit kami ng mga bagong dating na
lalaki. Hindi namin malapitan si Zak dahil hindi nauubos ang mga sinusuntok namin.

Hindi lumalaban si Zak kahit paghahampasin na sya ng bat sa kahit saang part ng
katawan. Sinusuntok at sinisipa pa rin sya ng iba. Tinatadyakan sya kahit nakahiga
na lang sya sa ground. "Tama na!! Tama na yan!!!!"

*BANG

Napatigil ang lahat ng may magpaputok ng baril. "Sige lang ituloy nyo yan o
pasasabugin ko ang utak nitong lalaking 'to!" napalingon kami sa nagsalita at
nakita namin dun yung lalaking kaibigan ni Lex, yung Channing ata yun. Basta yung
lalaking dapat pakakasalan nya. May hawak syang baril at may hawak syang lalaki.
Nakatutok ang baril sa ulo nung lalaki habang sakal-sakal nya.

Tumigil naman agad ang mga lalaking nabugbog kay Zak kaya nilapitan namin agad sya.
"Zak! Zak!" puro dugo na sa kalsada at puro dugo na rin ang mukha ni Zak. "Mga
walang hiya kayo!!!!" hindi ko napigilan ang sarili ko at pinulbos ko ang mukha
nung pinakaunang nambugbog kay Zak. Gaganti pa sana sya pero nagsalita ulit si
Channing.

"Sige, ituloy nyo yan hindi ako natatakot na patayin 'tong boss nyong duwag na
nagtatago lang sa sasakyan habang pinapanood kayong pumatay ng tao!! Kung ako sa
inyo umalis na kayo! Alis!!!!" nagsipagatrasan yung mga lalaki.

"Magbabayad ka!" sabi nung lalaki kay Channing.

"Marami akong pambayad!!" tumingin si Channing sa police na kakadating lang. "Hoy


kayo! Ipatanggal nyo yang police na yan!!" itinuro nya yung pulis na kausap ni Luke
kanina. "Mga wala kayong kwenta! Walang kikilos sa inyo kung walang maglalakas ang
loob! O dalhin nyo na yan!!" itinulak ni Channing yung boss papalapit sa mga pulis.
Pinosasan naman ng pulis at ipinasok sa kotse.
Maya-maya dumating na sila Trav kasama ang ambulance. Binuhat agad nila si Zak at
dinala din sa ospital na pinagdalhan kay Alexa. "Marami ng dugo ang nawala sa
kanya." Sabi ng kasama nilang doctor sa ambulance. Pagkababa ay idiniretso na si
Zak sa emergency room.

"Salamat." Lahat kami nagpasalamat kay Channing dahil baka kung hindi sya dumating
hindi na namin naabutang buhay si Zak.

"Wala yun. Dadalawin ko lang sana si Ale kaya lang hindi kami makadaan kasi nga may
nagkakagulo kaya bumaba ako ng kotse. Dun ko nakita lahat at pinuntirya ko yung
lalaking nagtatago lang sa kotse. Sana maging okay ang kaibigan nyo." Tinap nya
kami sa balikat.

"Baby! Baby anong nangyari sa'yo!!" dumating si Jezhi galing sya sa direction kung
nasaan ang room ni Lex. "Where's Zak? Where's Zak?" napatingin sya sa emergency
room. "Tell me hindi si Zak yun."

"Baby calm down." Kinalma ni Val ang girlfriend.

"Kamusta na si Lex?" tanong ko kay Jezhi.

"Dumilat na sya kanina pero sandali lang. Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa."
Ang mga babae talaga madaling umiyak.

"Rich, Trav, Luke dito muna kayo. Sasabihin ko lang kina tito kung anong nangyari
kay Zak." Sumama naman sa'kin si Jezhi at Val pati na rin si Channing.

Pagpasok na pagpasok namin sa loob nandun ang doctor at chinecheck si Lex. "Tito
pwede po ba kayong makausap?"

"Sige - " biglang napahawak sa kamay ni tito ang asawa nya.

"Ferne." Nakatingin sya kay Lex kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya. Nakita
naming dumilat si Lex. "Thank you Lord, thank you at nagising na ang anak namin."
"Princess, princess." Hinawakan ni tito si Lex sa kamay.

"Mommy! Papa!" nakangiting sabi ni Lex. "Ikaw din kuya Geoff?"

"Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ni kuya Geoff.

"Ang sakit ng ulo ko pati likod ko pero okay naman." Nakangiti na sya. Okay na si
Lex at si Zak naman ang hindi.

"Sis! Sis!" lumapit si Jezhi kay Lex at umiiyak pa.

"Hi." Nakangiting sabi ni Lex at nakatingin sya kay Jezhi. Tumingin din sya sa'kin,
kay Val at kay Channing. "Mommy, sino sila?"

*******************************************
74

*******************************************
Halatang hindi nagbabasa ng author's note yung iba. Kasi naipost ko na dun
itatanong pa din. Tandaan kapag di ko sinagot ang tanong nyo meaning mababasa nyo
dito yung sagot. Basahin kasi lahat. Salamat.

************************************

FERNE'S POV

"Sinabi ko na minsan yan. Kung hindi sasama sa anak mo si Alexa hindi ko na sya
ibabalik."

"Pero pareho silang nasa hindi magandang condition. You have to be considerate."
Iniintay namin ang doctor dito sa office nya para sa results ng tests ni Alexa. She
undergone several tests ng ilang araw para makita kung okay na ba sya or kung may
problema pa.

"Hindi pa ba pagiging considerate yung pinagbigyan ko silang dalawa? Hindi mo ba


nakikita na sign 'to na hindi talaga sila para sa isa't isa. My daughter deserves
someone better." Galit na sabi ng asawa ko.
Pumasok na ang doctor sa loob at kumalma muna kaming dalawa. "Your daughter is
fine. Mabilis ang pagrecover ng katawan nya. Pero like what I've said magkakaroon
ng memory lost ang anak nyo at based sa mga tests na ginawa namin naalala nya lahat
ng nangyari sa kanya from childhood. Nasasagot nya lahat ng itinatanong namin sa
kanya at ang mga pictures na hiniram namin sa inyo ay narerecognize nya. Pero
lumabas sa test na lahat ng nangyari sa kanya two years ago ay hindi nya maalala.
Sa pagkakaroon naman ng memory lost, memories lang ang nawawala but the skills are
still there. She might not remember it pero magagawa nya. She can remember new
things at yun ang papalit sa nawala nyang memories." Hindi ko gusto ang reaction ng
mukha ng asawa ko sa explanation ng doctor na 'to.

"Pwede pa bang bumalik ang memories nya?" see, sa tanong palang ni Ember may plano
na naman sya.

"That, I can't tell. May mga cases kasi na hindi na talaga bumalik yung memories
since short period lang naman ang covered ng memory lost. Pero may mga cases din na
dahil sa accident bumalik lahat ng memories or pwede ring may mangyari sa kanya
ulit na ayaw nya dating kalimutan, pwedeng maging one reason para may maalala sya
pero hindi lahat. For the meantime we need to observe her kung sasakit pa ba yung
ulo nya. Kailangan nyo pa rin syang painumin ng mga nireseta ko." Iniabot nya
sa'min ang reseta at kinuha naman ni Ember.

"Pwede pa ba syang bumalik sa school? Kasi doc she's incoming third year student -
" tumingin sa'kin si Ember, " - ano bang year ng anak natin?" kahit ako hindi ko
din masagot. Sobrang dami talaga naming pagkukulang bilang mga magulang ni Alexa.
"Basta ang alam ko nagaadvance class sya. So paano po yun?"

"Tulad ng sinabi ko Mrs. Andrade, she's fine. Pwede syang bumalik sa school, pero
school na ang makakapagdecide kung anong level nya. Kung may advanced classes ang
anak nyo then probably she's bright, sa tingin ko hindi na kayo magkakaproblema
dyan. Pero mas mabuti sa pasyente ang magstay sa place na kinasanayan nya two years
ago. Makakatulong yun para maiwasan ang pagsakit ng ulo nya." Malinaw naman lahat
ang sinabi ng doctor sa'min. Ngayon din kasi ang labas ni Alexa sa hospital.

"Thank you very much doc. We'll go ahead na po." Tumayo kami at nagpaalam sa doctor
ganun din naman sya sa'min.

"Hindi ko gusto yang nginingiti mo Ember." Tumigil kami sandali pagkalabas ng


office ni doc.

"Masama bang ngumiti? Masaya ako dahil okay si Alexa. Nothing to worry about."
Papalabas na kami pero naisipan kong bisitahin si Zak.
"Mauna ka na sa bahay." Hindi na naman sya nakipagtalo dahil alam na nya kung anong
gagawin ko.

Hindi din kasi maganda ang tama ni Zak. Masyadong nabugbog ang katawan nya at
maraming dugo ang nawala sa kanya nung sinugod sya dito sa hospital. Pero ilang
araw na din naman ang dumaan at nasa private room na sya. Kinailangan ko pang
magsalin ng dugo sa kanya. Sa totoo lang naaawa ako sa dalawang bata. Nakita ko
kung paano nila ipaglaban ang pagmamahalan nila pero ganito pa din ang nangyari.
Hindi pa alam ni Zak na pag gising nya, hindi na sya makikilala ng babaeng
pinakamamahal nya.

*TOKTOK

Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Nadatnan ko dun ang mga kaibigan nya na
kahit minsan hindi ko nakitang umalis sa tabihan nya. Iniisip daw kasi nila na baka
balikan si Zak ng mga lalaking gumulpi sa kanya. Ipapahanap ko na sana kung sino
yung mga yun pero pinagbilin daw ni Zak na wag nang gawin yun. "Kamusta na sya?"
Nilapitan ko ang anak ko.

"Okay naman po. Nagising na po sya kanina. Maloko na nga ulit eh." sabi nung
kaibigan nyang si Tuck ata yung pagkakarinig ko sa pangalan nya nung nakaraan.

"Mabuti naman kung ganun. Hindi ba sya nagtanong ng tungkol kay Alexa?" nagtinginan
silang lahat tsaka tumingin sa'kin.

"Hindi po eh. Kahit nga anong tungkol kay Lex hindi nya nabanggit." Sya ata yung
kapatid ni Alexa, kuya ni Alexa sa dating nobyo ng asawa ko. "Hindi kaya may
amnesia rin si Zak?"

"Ano ka ba! Wala yang amnesia. Natatandaan nga tayong lahat no!!" tumatawang sabi
nung isang lalaking maraming bling-bling.

"Ganun yung case ng anak ko. Lahat natatandaan nya except sa mga nangyari sa kanya
2 years ago. Wala syang memories simula nung nagcollege sya." Mas lalo silang
natahimik sa sinabi ko. "Pero hindi naman siguro sila pareho ni Alexa ng
condition."

"Okay na po ba si Lex?" tanong ng kuya ni Alexa.


"She's fine. Lalabas na sya ngayon. Malakas na malakas na sya. In fact babalik pa
nga sya ng school." Tiningnan ko na lang ulit ang anak ko at masaya ako dahil okay
na sya ngayon. Masaya ako dahil okay na ulit ang mga anak ko. " I'll go ahead.
Balitaan nyo na lang ako ng condition ni Zak okay boys?"

"Sige po tito." Sabay-sabay nilang sabi. Lumabas ako ng kwarto at sumunod na rin
kina Alexa pag-uwi.

*************

ALEXA'S POV

Oh my gosh! I am so excited today. First day of school. College life is coming!


Excited ako kasi wala naman akong naalala nung first day ko dito sa school. Wala
din namang maikwento ang parents ko sa'kin. Ang alam ko lang nagkaroon ako ng sakit
then naoperahan then nagkaroon ng memory lost. Third year na nga pala ako ngayon.
Very familiar na yung place sa'kin. Alam mo yung feeling na alam ng katawan ko kung
saan ako pupunta. This is becoming weird.

"Hi!" tinitigan ko yung babaeng bumati sa'kin. Sya din yung nasa hospital. After
kasi nun hindi ko na sya ulit nakita. "Wag mo na kong titigan, alam kong maganda
ko." Wow, ang kapal ha. Maganda ang image ko and I won't let her see my violent
reaction. "By the way I'm Jezhi, your bestfriend."

"Wait my what?" meron kasi akong allergy sa word na bestfriend. "Bestfriend? Since
when?"

"Since first year college duh!" she rolled her eyes. "And don't worry, I'm not like
Zanea. I won't steal your boyfriend Zak."

"Excuse me! Who's Zak? Is that even a name? My boyfriend's name is Channing and not
Zak!" bigla syang natulala at hindi nakapagsalita. "And paano mo nakilala si Zanea?
How'd you know about that stealing boyfriend thing na yan?" hindi pa rin sya
nagsalita at tulala pa rin sya. "Hello?"

"Ha - kasi nga we're bestfriends at sinabi mo sa'kin ang lahat." Nawala yung energy
nya sa pagkukwento. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang reaction nya.

"Nakalabas na nga pala si Zak ng hospital last week pa at okay na rin sya." I'm
trying to be good since that day happened so hindi ko ipapakita sa babaeng 'to na
may ibang side ako. "Wag ka nang umarte na parang mabait. I know you for three
years now so don't bother."

I sighed. "Fine and good. I don't need to worry. And what was that you're saying
awhile ago - "

*BUGSH

" - ouch! Look where you're going!" nalaglag ang mga gamit ko dahil may bumangga
sa'kin.

"HINDI KA KASI TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!!" napatingin ako sa kung sinong


nakabangga ko.

"Don't shout at me! I'm not your girlfriend!!!" I pushed him away then kinuha ko
yung things ko sa ground.

"Well I'm glad you're not!! Hindi ka man lang papasa sa taste ko!" hindi ko talaga
gusto ang tabas ng dila ng lalaking 'to.

"Don't you know who I am?" lumapit ako sa kanya pero tinitigan nya lang ako at
hindi sya agad makapagsalita. "Ohhhh ano na-love at first sight?"

"Ikaw sa'kin? Wow sugar baby love napakabilis naman ata." Bigla akong kinabahan ng
mabilis. Hindi ko alam kung bakit. Siguro natatakot ako sa lalaking 'to. Mukha kasi
syang goon.

"Hoy lalaking mukhang goon ang taas naman ata ng pangarap mo!!! Over my dead sexy
body - " bigla syang tumawa ng malakas na nakahawak pa sya tyan. " - aba't takas ka
pa ata sa mental. Dun ang palabas ng gate."

"Bakit di mo kaya ako samahan! Tutal baliw ka din naman. Baliw na baliw sa'kin."
tumigil sya sa pagtawa at tumingin ulit sa'kin. Kinakabahan ako kapag tinitingnan
nya ko. Nakakatakot sya.

"ZAK!!!" napalingon ako sa mga lalaking tumatakbo papalapit sa kanya. "ANO KA BA


NAMAN!! HINDI KA TALAGA NAKIKINIG!!"
"Sya ba yung Zak na sinasabi mo?" tanong k okay Jezhi na mukhang tulala na naman.
May sakit ba 'tong babaeng 'to.

"Ah - oo - sya nga." Tipid nyang sagot.

"Okay lang ako mga dudes. Meron lang isang aswang na bumangga sa'kin. Ang yabang
nga eh, akala mo kung sinong maganda!!" ngumiti sya sa mga kasama nya.

Tumawa ako ng malakas. Yung tawang pangkontrabida. "Hindi kita masisisi kung sarili
mo ang huli mong nakita sa salamin at yang mukha mo eh nakikita mo din sa iba."
Tinap ko sya sa balikat. "Kawawa ka naman." At nilampasan ko na sila.

"Ikaw ang kawawa kasi hindi ako mapupunta sa'yo!!" nagulat ako ng bigla syang
sumulpot sa tabihan ko. Naglalakad sya ng paatras habang kasabay ko. "Pustahan tayo
bukas lang may gusto ka na sa'kin."

"Isa lang ang lalaki sa buhay ko." Tumingin ako sa malayo. "At ang boyfriend ko
yun."

"So natatandaan mo ko?" hinawakan nya ako sa braso at nakatitig na naman sya
sa'kin.

"Hello!!!! Ang taas din ng pangarap mo no! Ang sabi ko nga boyfriend ko di ba?
Hindi nga kita kilala paano naman kita magiging boyfriend. Lakas tama ka talaga no.
Wag ka kasing magkakatol!!" tumawa ako while shaking may head. Iniwanan ko syag
nakatayo, tulala, speechless pero parang nabadtrip kaya nung medyo nakakailang
steps na ko palayo sa kanya eh tumakbo na ko ng mabilis. Baka mamaya kung ano pag
gawin sa'kin nun. Sabi pa mandin sa'kin ni mommy don't talk to strangers at yung
lalaking yun ay kaduda-duda. Mukhang member ng sindikato. Tama nga sila mommy.
Mabuti na lang talaga nandito na sila. Hindi ko din alam kung ano ba talagang
nangyari at hindi na ulit nila ako iniiwan, pero kung ano man yun masaya na ako.
Ang importante ngayon ay pumasok ako sa klase.

**************

ZAK'S POV

"Dude anong nangyari?" yung malaman palang sa kanila na wala ng matandaan si aswang
para na kong mamamatay. Pero tuwing maaalala ko ang sinabi ko sa kanya na hindi ko
sya susukuan at hindi ako titigil hangga't hindi nya ko matandaan nabubuhayaan ako
ng loob na may pag-asa pa. Pero kanina - kanina nung binangga ko sya talagang hindi
nya ako naalala. Ang sakit tanggapin pero hindi ko sya kailangang piliting tandaan
ako dahil alam kong lalayo lang sya sa'kin. Ayokong katakutan nya ako at ayokong
magkaron pa ng reason para hindi ko magawa ang ipinangako ko sa kanya.

"May boyfriend na daw sya. Gusto kong malaman kung sino yun!" gusto kong manuntok!
Gusto kong manakit. "Ito na yung pagkakataon ng witch nyang nanay. Ang makalimutan
ako ng anak nya!" nasuntok ko ang puno sa tabihan namin.

"Gawin mo lang ang dapat mong gawin. Maaalala ka naman nun ni Lex. Masakit din
sa'min ang hindi nya maalala pero alam naming mas masakit yun para sa'yo." Sabi ni
Val habang tinatap ako sa balikat.

"Lahat ng bagay may tamang oras, matuto ka lang maghintay." Sabi ni Tuck na alam
kong karamay ko simula palang nung una. "Mabuti pa pumasok na lang muna tayo."

Naglakad kami papunta sa klase namin. Hindi ko titigilan si aswang hanggang maalala
ako ng puso nya. Alam kong mararamdaman nya ko. Alam ko at hindi ako susuko.

***********

ALEXA'S POV

Todo ang ngiti ko sa mga classmates ko. Lahat kasi sila nakatingin sa'kin. Feeling
ko first day of school sa college. Hindi ko sila kilala eh so todo hi and hello
lang ako. Para iwas sa kahihiyan nagbasa na lang ako ng notes. Nagadvance study na
naman ako nung nakaraan at pumasa din naman ako dun sa binigay sa'king test kaya
hinayaan nila akong magproceed sa third year. Tumingin ako sa paligid para tingnan
kung classmates ko si Zanea at Gene. Medyo large class 'to kaya medyo mahirap
makita.

"Don't worry, last sem pa sila umalis." Bigla-bigla namang nagsasalita 'tong si
Jezhi. Hindi ko man lang napansin na classmates pala kami at nandito lang sya sa
likuran ko. "Nagadvance class ka kasi last year. Iniwan mo ako kaya wala kang alam
sa mga nangyayari."

"Really? At ikaw ang maraming alam?" tiningnan ko na lang ulit ang notes ko.

"Sad to say but yes. Mas marami akong alam ngayon kesa sa'yo. Two years ng memories
mo ang nawala so yey!" yung totoo? Bestfriend ko ba talaga sya? Bakit parang
natutuwa pa sya at wala akong matandaan.

"As you were saying wala na sila Zanea?" nagnod sya. "Mabuti naman." Hindi ko na
sila makikita. Makakapagmove on na ko.

"Don't ya worry sis, matagal ka ng nakamove on. Nagsorry na nga sila Gene at Zanea
sa'yo. Okay na ang lahat." At naniniwala na nga ako na bestfriend ko sya. Dami
nyang alam, kahit parang iniisip ko palang nababasa na nya agad. "I'm better than
Zanea. Hindi ako boyfriend stealer." Nagsmile lang sya sa'kin nang dumating ang
professor namin.

Ang haba naman ng lectures nitong si prof. Puro examples naman ang binibigay.
Nakakatamad. Bakit sabi nila mommy magaling daw at masipag akong student? Pero
ngayon ang gusto ko lang eh matulog, magcutting dahil sa boring na subject.
Tumingin ako sa paligid at nakita kong tulog na nga ang iba kong classmates. Great.
Hindi lang ako ang nakaisip na gawin yun - dahil sila ginawa na nila.

"That's all for today. Reader chapter 3. We will have a short quiz tomorrow.
Goodbye." Nagtayuan na din naman lahat sila.

"Sis, I know you really need a friend right now pero hindi kita masasamahan.
Boyfriend thing ya know." Gusto ko na lang matawa. Pakialam ko naman sa gagawin
nya. Well the fact na magkaibigan talaga kami parang wala din naman akong pakialam
kahit may natatandaan ako. Ganun ba talaga ako kasama? O dapat lang talaga sa kanya
yung ganun?

Nagsmile lang ako then nauna na syang lumabas. Niligpit ko ang gamit ko tsaka ako
lumabas. Parang ako na nga lang ang last na lalabas eh.

"Hey there baby!" napatingin ako sa right side ko at nakita ko yung lalaking
mukhang goon. Hindi ko sya pinansin at naglakad ako ng mabilis. "Scared?" sumunod
pa talaga sya sa'kin pero hindi ko pa rin sya kinakausap. "You can't run away from
me witch." Bigla akong napatigil. Alam mo yung pakiramdam na nage-echo sa tenga ko
yung sinabi nya.

You can't run away from me witch.

You can't run away from me witch.


You can't run away from me witch.

You can't run away from me witch.

Ahhhhhh!! Parang narinig ko na yun dati. "How dare you call me witch!!!!!" hinampas
ko sya ng book ko.

"I can call you whatever I want. You're my toy now." Mas lalong nagpanting ang
tenga ko. I need to calm myself and stay away from this guy.

"I pity you. Wala sigurong kumakausap sa'yo dito kaya todo ang papansin mo sa'kin."
Naglakad ulit ako ng mabilis pero sumunod pa rin sya kaya mas binilisan ko ang
lakad ko and this time nanakbo na ko. Lumiko ako agad sa may hallway para magtago.
Hindi ko rin naman nakitang lumampas yung lalaking mukhang goon. Siguro nailigaw ko
na sya.

"Nailigaw mo ba?"

"Oo feeling ko. Mabuti na - " at bumungad sa'kin yung lalaking pinagtataguan ko na
nakasandal sa poste at nakatingin sa'kin. " - paano ka napunta dyan?" tinuturo ko
yung pinanggalingan nya tapos yung kinatatayuan nya.

"Naglakad ako. Naramdaman ko kasing dito ka liliko eh." masyado na 'tong weird.
Masyado na 'tong nakakatakot.

"Oh, okay. Bye." At tumakbo na ko ulit but this time mas mabilis na takbo. Bahala
na si batman kung saan ako mapadpad basta mapagtaguan ko lang 'tong' goon na
lalaking 'to.

Sa sobrang pagtakbo ko hindi ko na alam kung saan part na ng school ako napadpad.
Basta ang nakikita ko lang ay yung likod ng gym. Wala na rin masyadong tao, I mean
wala na talagang tao. Ang peaceful dito at ang ganda pa ng pwesto. For sure hindi
na nya ko dito masusundan. Masarap dito mag-aral.

Ibinaba ko ang mga gamit ko sa ground at umupo din ako. Nagsimula akong magbasa.
Ang sarap sa pakiramdam. Dito na lang ako laging tatambay.
"Ah, yan pala ang pinag-aaralan nyo ngayon. May notes ako nyan pwede kong ipahiram
sa'yo." Napatigil ako. Pati ata paghinga ko tumigil. Parang - parang narinig ko
yung boses nung lalaking mukhang goon. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko naman
sya makita. "Kung gusto mo pati na rin yung mga perfect tests ko ipapahiram ko
sa'yo. For sure kasi mahihirapan kang maperfect yan."

Pumikit ako sandali at naginhale exhale. Paano kung isa pala syang galang multo na
nagpapakita sa'kin? Kasi - kasi kahit saan nasusundan nya ko tapos this time hindi
ko sya makita pero naririnig ko sya.

"Ano hindi ka na magsasalita? Nakakatawa yang itsura mo. Para kang nakakita ng
multo ah." Narinig kong tumatawa yung boses. Sobrang kinakabahan na talaga ako.
Baka nakakakita na ko at nakakakausap ng multo simula nung maoperahan ako. Sana
naman ininform nila ko para nakapagprepare. Wala pa mandin akong dalang rosary.

"Nasaan ka? Bakit hindi ka magpakita?" hinawakan ko maigi yung book ko. Hahampasin
ko sya oras na bigla syang lumitaw.

"Hindi mo ba ko nararamdaman? Hindi ako matahimik at hindi kita papatahimikin.


Sinaktan mo ko kaya nagpakamatay ako. Wala kang awa!" narinig ko ulit na sabi nung
boses.

"Weh? Sinaktan agad? Pakialam ko naman sa'yo? Idouble dead pa kita dyan kita mo."
Biglang nawala yung boses. Mukhang effective naman.

"BOOM!!!!!"

"AHHHHHHHHHH!!" nagulat ako ng may biglang bumagsak sa tabihan ko at napaatras


talaga ako with matching sipa ng marami habang nakapikit.

Nakarinig ako ng malakas na tawa kaya dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko.
Nakita ko yung lalaking goon na nakahiga sa grass at nakahawak sa tyan nya
kakatawa. San 'to galing?

"Na - nakita mo ba - yung - yung itsura - mo?" sabi nya in between his laughs.

"Malamang hindi ko makikita. Wala namang salamin dito no!!" inayos ko yung sarili
ko tsaka ko inaayos yung mga gamit ko. Tawa pa rin sya ng tawa kaya hinampas ko sya
ng mga books ko. "Makatawa ka wagas. Sana maubusan ka ng hangin at mamatay ka na
ngayon!!"

Bigla syang tumigil sa pagtawa tsaka lumapit sa'kin. Seryoso yung mukha nya.
Natakot ako kasi walang tao dito at baka kung anong gawin nya sa'kin.
"Wahahahahahaha! Ang panget mo talaga!!!" at bigla ulit syang tumawa.

"Buwisit ka talaga kahit kelan!! Maubusan ka sana ng hangin!!!" daming pagti-tripan


ako pa. Nakakabuwisit talaga 'tong lalaking 'to. AKala mo gwapo po - well - pwede
na rin.

"Done checking me out?" he said then he winked.

"Wow, at wow ang kapal." Lumapit sya ng mabilis at umupo sa tabihan ko.

"Madali naman akong kausap. Sabihin mo lang na type mo ko." Hinawakan nya ko sa
kamay at biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya kinuha ko agad ang kamay ko sa
kanya. "Ihhhh sabi ko na nga ba. I am so irresistible."

Itinulak ko ang mukha nya gamit ang kamay ko. "Asa ka pa."

"Ih tsansing ka na ha!" bigla naman akong natawa. Sobrang papansin kasi nitong
lalaking 'to na halos hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Ano? Matsing ka?" lumayo ako sa tabihan nya. "Hoy sinusundan mo ba ko?"

"Eh ikaw pala 'tong makapal eh. Hoy tambayan namin 'to no!! Dadayo-dayo ka dito
kaya kahit anong gawin ko sa'yo wala kang magagawa. Walang makakarinig sa'yo!!"
dahan-dahan ulit syang lumalapit. Oh no, sobrang kinakabahan na ko. Feeling ko
aatakihin na ko sa puso. "Kaso asa ka namang may gagawin ako sa'yo!! Hahahaha"
tumawa na sya ulit ng tumawa.

"Yung totoo? May lahi ka bang baliw?" tapos tumigil ulit sya sa pagtawa.
"AHhhhhhhhhh!! Tama na! Ako ata ang mababaliw dito eh! Sabihin mo kilala ba kita
dati?" nawala yung pagtawa nya at sumeryoso sya. "O tapos tatawa ka na naman
bigla!!" pero seryoso pa rin sya. "Hoy ano - "

"WAG MO NA NGA KONG KAUSAPIN!! WAG KA NA NGANG MAGTANONG NG MGA BAGAY NA


NAKAKASAKIT!!!!! HINDI KA NA NAKAKATUWA!!!!" tapos sumandal na lang sya sa puno.

"Eh bakit kelangan mo pa kong sigawan?!! Parang nagtatanong lang naman! Anong
masakit dun sa tanong ko?!!" Labo nitong lalaking 'to. Baliw na nga, bipolar pa.
Jusmiyo. Ilayo nyo po ako sa kapahamakan.

"Yun lang ang sasabihin mo? Hindi mo talaga kayang magalit sa'kin no?" sabi nya
sa'kin. Lumapit ako sa kanya then I folded my arms over my chest.

"Sabihin mo nga kilala ba kita? Kasi feeling close ka eh." Hindi sya nagsalita at
lumapit lang sya sakin at nakipagtitigan.

Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko na halos nararamdaman ko na yung hininga
nya. "Ngayon sabihin mo kung kilala mo ba ako. Pakiramdaman mo." Kinakabahan ako.
Pero bakit? Siguro dahil feeling ko nagkakasala ako sa boyfriend ko. Oh no baka may
makakita. Oh no! Umiiwas ako ng tingin sa kanya at tumitingin lang ako sa paligid.
Help! I need help para makaalis sa scene na 'to.

"Ale!!!" napalingon kaming dalawa at nakita ko ang mga kaibigan ata nitong lalaking
'to kasama si - oh my goodness. Kasama si Tyan.

"Tyan!" tumayo ako agad at lumapit sa kanya. "Hey, honey what are you doing here?"
kinakabahan ako. Nakatingin lang sya ng masama dun sa lalaking goon. "Look napuwing
lang ako so nagpatulong ako sa kanya. Wala naman kaming ginagawang masama."

"Takot ka pare?" napalingon ako at nakita kong nasa likuran ko na yung lalaking
goon.

"Not this time." Inakbayan ako ni Tyan at hinalikan sa noo. "I came to see you kasi
namimiss na kita."

"Tss!" narinig ko lang na sabi nung goon na lalaki.

"Kain tayo?" yaya ni Tyan sa'kin. Ngumiti lang ako. Naggoodbye lang ako dun sa
kausap kong lalaki. Pero ang weird ng pakiramdam ko. Parang feeling ko may
nasasaktan akong tao at the same time nasasaktan din ako. Pero hindi ko alam kung
sino at bakit? Siguro hindi ko na dapat muna isipin yung mga bagay na yun. "Anong
sinabi sa'yo ni Zak?"
"Kilala mo sya?" tanong ko kay Tyan. Kung kilala sya ni Tyan at ni Jezhi ibig
sabihin magkakilala talaga kami. Pero bakit hindi nya sinasabi?

"Umiwas ka na lang sa kanya. Masamang tao yun. Magagalit ang mommy mo kapag nalaman
nyang lumalapit ka sa lalaking yun. Underground fighter sya kaya masyadong delikado
kung malapit ka sa kanya. Tsaka masyado kayong close, nagseselos ako!!" niyakap ko
na lang si Tyan. Hindi ko alam kung anong mga nangyari dati pero siguro dapat na
lang akong maniwala kina mommy. Never din naman kasi akong naging close sa lalaki.
Masaya na nga ako at si TYan din pala ang naging boyfriend ko.

Masaya? Ano bang pakiramdam ng maging masaya?

A/N

Happy 14 million reads. Show your support to PH. Vote, comment and share this to
your friends anywhere. :) Like our official facebook page Perfect Haters by
megladiolus and follow our official twitter @Perfect_Haters.

You can also read my other works The Playboy's Curse, O Pare Ko!, Love Disaster and
a lot more. Fore more updates follow me:
FB PAGE: Megladiolus - Mela Brio
FB Account: Megladiolus Watty
Twitter Account: @Official_Mela_B
Instagram: @itsmelabrio

Thank you. ^_^ <3 <3

megladiolus

*******************************************
75

*******************************************
ALEXA'S POV

Lagi kaming magkasama ni Channing. Sinusundo nya ako at hinahatid minsan sa school.
Minsan nga kulang na lang sa bahay na sya matulog. Naalala ko pa noong mga bata pa
kami hindi ganyan ang itsura nyan. Pero sabi nya dati gusto na nya ako at gusto nya
kong pakasalan. Nakakatawa kasi hindi ko sya pinansin noon. Sabi ko papakasalan ko
lang sya kapag wala na syang tyan. Kaya nga tyan ang tawag ko sa kanya kasi naman
mataba talaga sya. Pero hindi ko naman naalala na nagkagusto ako sa kanya kahit
minsan. Siguro nagbago lang lahat two years ago. Sayang hindi ko maalala, siguro
masaya ako nun. Pero kapag magkasama kami parang hindi ko alam kung masaya ba ko.
Para naman kasing hindi ko sya naiisip kapag nasa bahay na ko. Tatawag na lang yun
para sabihing sana daw marunong akong magtext or magreply. Naghahanap nga ko ng mga
natatabi kong gamit two years ago pero wala akong makita. Parang tulad pa din ng
dati. Sana naalala ko rin kung paano kami nagkaayos nila Zanea. Hindi ko kasi alam
na okay na pala ako. Bago kasi magcollege sobrang nasasaktan pa ko kaya ko nga
naisipang magbago ng image.

"I'm sorry honey but I need to go. I'll call you later." Then nagbeso sa'kin si
Channing. Ganyan yan madalas. May tatawag sa phone tapos iiwanan na lang ako bigla.
Sana man lang ihatid ako or what no? Hindi yung iiwanan na lang ako kahit saan
tapos hindi man lang sinisiguradong nakauwi ako ng ayos. Minsan nga nag-iisip ako
kung ano bang nagustuhan ko dito sa lalaking 'to. Kasi kapag tinitingnan ko sya
parang itsura nya lang ang nagustuhan ko.

Tingnan nyo nga hindi na nya ko inintay sumagot bago umalis. Ako naman parang
walang pakialam. Tutal nasa labas na din naman ako saan na lang kaya makapunta?
Habang nag-iisip naglakad lang ako ng naglakad. Masarap din palang maglakad mag-
isa. Minsan kasi kapag kasama ko si Channing hindi ko din naman naiintindihan ang
mga sinasabi nya so hindi na lang ako makikinig.

"Wow ang ganda ng lake!" napatakip ako sa bibig ko at tumingin sa paligid. Baka
kasi may makarinig sa'kin na nagsasalita ako mag-isa. Tumakbo ako papalapit sa
lake. Ang fresh ng hangin. Naghubad ako ng sandals at ibinaba ko ang gamit ko sa
grass tsaka ako nagbasa ng paa. Ang lamig ng tubig. Nakakatuwa. Ang ganda ng view
tapos kitang-kita din yung sunset. Nakakarelax talaga. "Woooooooooooo!!" ang sarap
pang sumigaw. Pakiramdam ko nakapunta na ko dito. "Wohooooooo!!!" sige ako na ang
baliw, so what? Wala namang tao dito. Ang saya-saya. Ang sarap sa pakiradam. Wow,
may dragonfly. Huhulihihin ko 'to so dapat dahan-dahan lang. Nakakaexcite. Feeling
ko nagbalik ako sa pagkabata.

Naglakad ako dahan-dahan habang nasa tubig pa ko papunta sa grass na may nakadapong
dragonfly. Iniangat ko na sa tubig ang isa kong paa. Dahan-dahan lang dahil kapag
naout of balance ako for sure matutumba ako. Ayan na konti na lang -

"Ano bang ginagawa mo dyan?"

"Ahhh!"

*SPLASH

Natumba ako sa tubig at - at - at nabasa ako!!!!!

"Dito mo pa talaga naisipang maligo? Wala bang tubig sa bahay nyo?" parang may
familiar voice akong narinig at tumatawa sya.
Tumayo ako agad para tingnan kung sino yung tumatawa at nakita ko yung lalaking
mukhang goon. "Hoy bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ko?!!!!" nakapamewang pa ko.

"Asa ka pa! Kanina pa ko nandito no!! Nandun lang ako sa ilalim ng puno! Ang
tahimik dito kanina tapos nagsisigaw ka dyan! Hindi mo ba alam na natutulog ako!!!"
aba't sumasagot pa talaga 'tong lalaking 'to. Pero sabagay nagtanong ako so sasagot
talaga sya.

"Well wala naman akong nakikitang sign na bawal mag-ingay dito!" Naglakad ako
paahon at papunta sa gamit ko.

"Siguro iniwanan ka ng boyfriend mo no?" napatigil ako at napatingin ako sa kanya.

"Lagi naman nya yung ginagawa. Ewan ko nga paano ko sya naging boyfriend." At ang
laki ng ngiti sa mukha nung lalaki. "Bakit ka natutuwa? Siguro may gusto ka sa'kin
no? Well sorry hindi kita type!" kinuha ko yung panyo ko at ipinunas ko sa mukha
ko.

"Don't worry. Hindi din naman kita type kaya kahit maging close tayo hindi kita
magugustuhan." Inabutan nya ko ng panyo tapos umupo sya sa tabihan ko. Kinuha ko
yung panyo nya at inilagay ko sa ulo ko para naman sa buhok ko. Tahimik lang sya at
nakatingin sya sa malayo.

"Anong iniisip mo?" nahihiya kong tanong. Pakialam ko ba sa iniisip nya? Kelan pa
ko naging pakialamera?

"Bakit gusto mong malaman?" sagot nya pero hindi pa rin sya nakatingin sa'kin.

"Never mind." Nagfocus na lang ako sa pagpunas sa basa kong katawan.

"Yung girlfriend ko." Oh, may girlfriend sya? Akalain mo yun. "Hindi ko na kasi sya
maabot. Sobrang layo na nya sa'kin."

"Eh di sundan mo." Tiningnan ko yung lalaki pero halatang malungkot nga talaga sya.
Hala, bakit kasi nagtanong pa ko. Ano kayang magawa? "Alam mo kung mahal mo sya at
mahal ka nya walang problema kung gaano sya kalayo. Walang pwedeng humadlang sa
dalawang taong nagmamahalan ng totoo." Tumingin sya sa'kin at ngumiti sya.
"Tingin mo totoo yan? Hindi na kasi sya nagpaparamdam sa'kin. Parang kinalimutan na
nya ko." Bakit pakiramdam ko sobrang bigat ng pinagdadaanan nitong lalaking 'to.

"Uhm well, alamin mo kung nakalimutan ka na nya talaga. Tanungin mo sya kung bakit
ka nya kinalimutan o kaya naman iparamdam mo ulit sa kanya yung mga dahilan kung
bakit ka nya minahal. Kasi kapag naalala nya at naramdaman nya lahat yun mare-
realize nya eventually na hindi pala nawala yung pagmamahal nya sa'yo. Siguro
nakatulog lang. Mag-effort ka kasi hindi yung nagmumukmok ka lang dito!!" Kung
makapagsalita ako wagas. Akala mo naman naranasan ko na lahat ng sinasabi ko. Saan
ko kaya nakuha yun? At kelan pa ko natutong magadvice pagdating sa love?

"Salamat ha. Pero gagawin ko yang sinabi mo." Ngumiti sya sa'kin at iniabot nya ang
kamay nya. "Hindi na kita aawayin. Start na 'to ng friendship natin." Nakipagshake
hands naman ako. Bakit ganun? Nagshake hands lang kami pero parang ayoko nang
bumitaw?

Hinigit ko yung kamay ko agad. "Uhm okay. So we're friends now. Yeah. Cool." Parang
ang awkward. Ewan ko kung bakit. Relax Alexa, hindi ka nagtataksil. "Ang ganda ng
sunset!" tinitingnan ko ang sunset. Panibagong araw na naman ang natapos. Bagong
memories na naman ang dumagdag sa'kin.

"Oo nga, ang ganda. Ang sarap titigan." Malumanay na sabi nitong katabi ko kaya
naman tumingin ako sa kanya pero nagulat ako ng makita ko syang nakatingin sa'kin.
"HOY KAKATINGIN KO LANG SA'YO NO!! BAKA ISIPIN MO TINITINGNAN KITA. KAPAL MO!"

"Aba't!! Hoy masyado kang defensive! May sinabi ba ko? Masyado kang nagpapahalata!"
hindi na ulit ako tumingin sa kanya. Niyakap ko na lang ang mga tuhod ko.

*SNEEZE

"Okay ka lang?" tanong nya sa'kin. Nagnod lang ako. Medyo giniginaw na ko. "Halika
nga dito." Bigla nya kong niyakap. Hindi ako makagalaw. Parang nanigas ako bigla.
Kinakabahan ako. Para kong nanghihina na nakukuryente. Nararamdaman ko din ang
tibok ng puso nya. "Ayan, giniginaw ka pa ba?" hindi rin ako makasagot.
Pinapakiramdaman ko lang ang puso nya. Relaxing at ang sarap pakinggan. Kasabay sya
ng tibok ng puso ko.

"Uhm Zak?" mahina kong tawag sa kanya.


"Hmmmm." Nakayakap pa rin sya sa'kin. Nakapatong sa ulo ko ang ulo nya.

"Matagal na ba tayong magkakilala?" gusto ko lang malaman kaya tinanong ko na sya.

"Oo." Parang natuwa ako nung sinabi nyang matagal na kaming magkakilala.
"Classmates tayo last year. Nagadvance class ka kasi. Ikaw kaya ang kalaban ko sa
pagiging number 1. Bakit mo naman naitanong?" Kalmado lang sya magsalita.

"Wala naman. Para kasing comfortable na ko sa'yo na kahit para kang babae sumigaw
natatagalan pa rin kita." Pumikit ako para mas maramdaman ko yung yakap nya. Mabuti
na lang hindi nya ko nakikita at hindi nya mapapansin na naeenjoy ko ang scene na
'to. Grabe, ang landi ko. May boyfriend na ko pero nagpapayakap pa ko sa iba.

"Gusto mo na bang magpalit?" napatingin ako bigla sa kanya.

"Magpalit? Agad? Hala sobra naman ata yan. Masyadong mabilis. Parang hindi pa ko
ready. I need to think things over." Hindi ako mapakali. Bakit nya baa gad naisip
na magpapalit ako dahil lang nagpayakap ako sa kanya.

"Ano bang sinabi mo dyan?" Tiningnan ko sya habang iniisip ko kung ano bang dapat
kong gawin ng bigla nya kong pinitik ng mahina sa noo. "Magpalit ng damit ang
sinasabi ko. Kung anu-ano na namang tumatakbo sa utak mo."

Napaatras ako sa kanya at tinakpan ko ng mga kamay ko ang katawan ko.

"Baliw ka na talaga! Hindi ko naman sinabing dito. Alam mo kinalimutan mo nga lahat
pero yung kalokohan mo nandyan pa rin." Tumatawa sya. Tumatawa sya. Ang sarap nyang
pagmasdan habang tumatawa sya. Kahit ako napangiti din.

"Masyado bang halata ang mga iniisip ko?" napakamot na lang ako sa ulo.

"Kilala lang talaga kita kaya alam ko ang tumatakbo sa isip mo - " at bigla syang
sumeryoso tsaka tumingin sa'kin. " - pati sa - never mind." Tumayo sya at iniabot
nya ang kamay nya sa'kin. "Malapit lang ang bahay ko dito. May extra kong damit
dun. Don't worry wala akong gagawin sa'yong masama." Kahit hindi ko alam kung may
gagawin nga syang masama sa'kin o wala hindi ko na naisip yun. Iniabot ko na lang
ang kamay ko sa kanya at sumama ako sa bahay nila.
"Nakapunta na ba ako dito dati?" tanong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok namin
sa bahay nya.

"Bakit ka naman pupunta dito dati?" bigla syang naghagis ng towel.

"Kung alam ko lang eh di sana hindi na ko nagtanong." Tiningnan ko ang bahay nya.
Maliit lang compared sa bahay namin. "Para kasing nakapunta na ko dito."

"Dun sa dulo yung shower room." Lumapit sya sa'kin at may dala syang damit.

"Bakit may damit ka ng babae? Siguro nagdadala ka ng babae dito no?!!!" gulat na
gulat kong tanong sa kanya.

"Bakit selos ka?" namula naman ako sa sinabi nya kaya tumungo na lang ako para
hindi nya makita yung mukha ko. "Ikaw lang ang babaeng dinala ko dito kaya
magshower ka na dun bilis." Hinawakan nya ako sa balikat at tinulak papunta sa
shower room. Napangiti ako nung sinabi nyang ako lang daw ang babaeng dinala nya
dito. Bakit ako napapangiti? Baliw na nga ata ako.

"Bright cold silver moon tonight alone in my room you were here just yesterday."
Napapakanta ako habang nagsa-shower. Ano kayang kanta yun? Maisearch nga mamaya
pag-uwi.

Mabilis akong nagshower at yung damit na iniabot nya sa'kin eh saktong-sakto lang.
Parang sinukat. Kanino kaya 'tong damit? Sabi nya ako lang daw ang babaeng dinala
nya dito pero may damit ng babae. Mga lalaki talaga sinungaling.

Lumabas ako ng shower room at hinanap ko sya. Nakita ko sya sa kusina na naka-
apron. Ang cute din pala nya. Oh no! Sinabi ko bang cute sya? Baliw na ko talaga.

"Sandali na lang 'to. Kakain na tayo." Umupo ako sa stool habang tinitingnan ko
sya.

"Anong niluluto mo?" mukhang mabango yung pagkain at nagwawala na ang stomach ko.

"Ginawan kita ng special burger at nagluto ako ng fries. Meron ng sundae sa


fridge." Halos magstar ang mga mata ko. Mga favourites ko yung mga sinabi nya. Mas
lalo akong nagutom.

"Bilisan mo naman dyan. Nagutom na ko." Nilapitan ko sya at sinilip ko yung


nakasalang na patty. "Matagal pa ba yan?" nakasilip ako sa may shoulder nya at
bigla syang lumingon. Halos magkadikit lang yung mukha namin. Sobrang close at
kahit sya nagulat. Parang hindi na maalis yung mata ko sa mata nya at ganun din
sya. "A - amoy sunog?" napatingin ako sa patty. "Ahhhhhhhhhhh!! Sinunog mo yung
patty!!!"

Nagmadali naman syang patayin yung apoy at baligtarin yung patty. "KASI BAKIT KA
BIGLANG SUMUSULPOT SA TABIHAN KO!!! NAKAKAWALA KA NG CONCENTRATION!!!!" natawa ako
kasi namumula sya.

At para mas lalo syang asarin mas lumapit ako sa kanya. "Yung ganito ba kalapit?"
Nakangiti ako at mas lalo akong lumapit.

"Naku wag mo kong subukan sinasabi ko sa'yo!" tumalikod sya at itinapon na nya ang
nasunog na patty. "Ayan wala ng patty. Panibagong luto na ulit. Bakit kasi ang
kulit mo!!" paglingon nya nakatuntong ako sa stool at magkalapit na naman ang mukha
namin. "INAASAR MO BA TALAGA KO!!!"

Tumawa lang ako ng tumawa. "Nakakatuwa kasi yang mukha mo. Namumula agad." Pinisil
ko sya sa pisngi bago ako bumaba. Binuksan ko ang fridge nila. "Gagawa na lang ako
ng Alexa's boombastic specialty. For sure hindi ka pa nakakatikim ng tulad nun kasi
ako lang ang may alam ng secret recipe." Kinuha ko lahat ng sweets sa fridge nya.

"Wow, talaga lang ha. Masarap ba yan?" nilagay nya sa towel paper yung fries na
naluto nya tsaka sya nagprepare ng dip.

"Oo. Masarap 'to no!" nagstart na kong gumawa. Super dali lang kaya nito. Ganito
lagi ang ginagawa ko sa bahay dati.

"Sino na bang nakatikim nyan? Baka naman mamatay ako ha." Hindi ko sya pinansin at
tinuloy ko na lang ang ginagawa ko. "Natikman na ba yan ng boyfriend mo?"

"Hindi ko kasi naalala lahat two years ago. Kung natikman man nya 'to or not hindi
ko alam. So maupo ka na lang dyan at intayin mo 'to. You'll thank me kapag natikman
mo." I winked at him at napatulala naman sya. Masyadong nerbyoso 'tong lalaking
'to. Nakakatuwang pagtripan.
"Ang tagal naman nyan. Gutom na ko." Naglean sya sa table habang nakatingin sa'kin.

"Malapit na 'to sir. Almost done!" kumuha ako ng glass at nilagyan ko ng specialty
at iniabot ko sa kanya. "Sprinkles sprinkles and jarraaaaaaaa! There you go.
Alexa's boombastic specialty. Tikman mo na dali!!!!!!" excited ako with matching
clap pa.

Sumubo naman sya at walang reaction. Sumubo sya ulit at wala pa ring reaction.
Unti-unting nawawala yung smile sa mukha ko. Sumubo sya ulit at tumingin sa'kin.
"BAKIT ANG DAYA MO!!! GALING LAHAT SA FRIDGE KO YANG INGRIDIENTS MO TAPOS KONTI
LANG ANG SA'KIN!!" tumayo sya at lumapit sa bowl ng specialty ko. "PENGE PA KO!!"

"HOY TAMA NA ABA! PINATIKIM LANG KITA!!" nakuha nya yung specialty ko.
"NOOOO!!!!!!" nakita kong dun na sya kumukuha. "ANG BASTOS MO NAMAN!! WAG KA DYANG
KUMAIN!!"

"ABA GUTOM NA KO!! ANG TAGAL MO KASI!! KASALANAN MO DIN BAKIT NASUNOG YUNG PATTY!!"
umupo sya sa table at di pa rin nagpaawat sa pagkain.

"Bahala ka nga! Ang kapal neto!!" umupo na lang ako sa stool at kumain ng fries.
Favorite ko din naman 'tong fries kaya okay lang.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Slight turn of the head

"Ang sarap ng food na ginawa mo." Ibinaba nya yung bowl sa table.

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?


Napatayo ako bigla. "That's the song!!"

"Alin?" nakita kong pinatugtog nya pala yung phone nya. "Tongue Tied?"

"Oo. Yan nga. Yan yung song na parang lagi kong naririnig sa isip ko pero di ko
matandaan." Kinuha ko yung phone ko. "Pasa mo naman sa'kin."

I need a little more luck than a little bit

Cuz every time I get stuck the words won't fit

And every time that I try I get tongue tied

I'll need a little good luck to get me by

"Kapal mo din. May bayad pagda-download dyan tapos gusto mo ipapasa ko lang sa'yo."
Nagpuppy eyes ako sa kanya. I know effective 'to. "Fine!"

"Yay! Thank you!!" niyakap ko sya sa sobrang tuwa ko.

"Uhm - ipapasa ko ba o yayakapin mo na lang ako?" medyo napahiya naman ako ng konti
kaya bumitaw ako.

"Sorry. Game." Habang pinapasa nya yung song biglang nagbrownout. "Hala."

"Wait kukuha lang ako ng flashlight." Tapos umalis sya. Grabe wala akong makita.
Nilalaro ko yung kamay ko habang ginugulo ko ang isip ko sa mga katatakutan sa
paligid. Baka naman dito lang brownout tapos sa labas hindi. Baka isa 'to sa mga
movies na napanood ko. Kunyari kukuha sya ng ilaw pero - pero knife pala ang
kukunin nya.

Shunga ka Alexa. Nasa kusina na kayo malamang nandito na lahat ng knives.

Ay oo nga. Baka kumukuha sya ng baril. Oh no! Anong gagawin ko? Sa sobrang kaba ko
natanggal yung singsing ko. At kapag minamalas gumulong pa sa floor. Ngayon pa
nawala kung kelan walang ilaw. Dahan-dahan akong umupo at kinapa ko yung singsing
sa floor. Baka kung anong makapa ko dito ah. Baka may patay na tao dito. Naku wag
naman po. Marami na nga akong hindi maalala sa buhay ko. Wag nyo naman akong kunin
agad. Masyadong malupit naman na kapalaran yun.

*TUGSH

Aray. Nauntog pa nga ako. Nakakainis naman mga tables dito nakaharang ata sa daan.

"Dyan ka lang. Wa - wag kang lalapit!" si Zak ba yun? Sino namang kausap nya?
"Pupukpukin kita kapag lumapit ka sa'kin."

Tumingin ako sa taas para hanapin si Zak pero hindi ko sya maaninag kaya gumapang
na lang ako ulit para hanapin yung singsing ko. Baka may kausap syang multo. Wait -
nakakakita sya ng multo? Nakakatakot naman sya. Mabuti pa hanapin ko na lang ulit
yung singsing ko.

Kapa lang ako ng kapa at may nahawakan ako.

"Ahhhhhhhhhh!!" napaatras ako agad ng sumigaw ng malakas si Zak. Baliw na ba talaga


'to. Bigla nya kong inilawan ng flash light. "Dyan ka lang!! Dyan ka lang sinabi!!"

"Ayoko!" tinakpan ko yung mukha ko dahil nasisilaw ako nung flashlight. Teka -
natatakot ba sya? *light bulb* "May hinahanap ako. Woooooooo." Medyo iniba ko yung
boses ko at dahan-dahan akong gumapang papalapit sa kanya at yung buhok ko
nakaharang sa mukha ko.

"Wa - wala di - dito yung hinahanap mo!!" nakakatawa sya magsalita. Parang nauutal
pa. Bigla ko syang dinamba at hinawakan sa leeg. "Ahhhhhhh!!"

Tatakutin ko pa sana sya ng biglang nagka-kuryente ulit. Tumawa ako ng tumawa


habang nasa top nya ako at nakahawak ako sa leeg nya. "BUWISIT KANG ASWANG KA!!
TALAGANG TINAKOT MO PA KO!!!" galit na galit sya pero wala akong pakialam.
Nakakatawa sya eh.

"G - grabe ang - ang sakit mo - sa - sa tyan." Nakahawak ako sa tyan ko sa sobrang
pagtawa. "I - imagine - underground fighter ka - tapos - tapos takot ka sa multo."
Bigla syang napabalikwas at hinawakan nya ko sa dalawang balikat. Nakatitig lang
sya ng diretso sa'kin. Napatigil naman ako sa pagtawa. "Relax. Nagjojoke lang ako."
Natakot ako kasi baka kung anong gawin nya sa'kin.
"Sinabi mo bang underground fighter ako?" nagnod lang ako. "Naalala mo na? Naalala
mo na lahat?" yung expression ng mukha nya parang iiyak na parang natutuwa. Hindi
ko maintindihan alin dun ang totoo.

"Naalala ang alin?" wala naman akong maalala at hindi ko sya maintindihan.

"Paano mo nalaman na underground fighter ako?" nakahawak pa rin sya sa shoulders ko


at hindi sya umiiwas ng tingin.

"Sinabi ni Channing sa'kin." Biglang lumungkot ang mukha nya. Parang disappointed.
Binitawan na rin nya ako pero nakatingin pa rin sya sa'kin. Hinaplos nya ang buhok
ko at lumapit sya sa'kin. Nakatingin lang din ako sa kanya. Hinawakan nya ko sa
cheek. Hindi ako makagalaw o makatanggi ma lang.

"Alexa - " bigla nya kong hinalikan. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pero
bigla akong napaluha. Yung halik nya - parang - parang matagal kong inintay pero
hindi ko alam kung bakit. At bago ko pa maisip ang dahilan I kissed him back.

A/N

Drum roll!!! I just want to inform everyone na malapit ng matapos ang PH. So nasa
inyo ang desisyon para sa magandang ending. :) I need your votes and comments. Mas
maraming votes, comments and reads mas maganda ang ending. I'm so excited! So what
are you waiting for? Vote now! Ishare nyo na rin sa mga hindi pa nakakabasa! Sa
patuloy na pagsuporta maraming salamat. Part kayo ng success ng PH kahit hindi pa
sya tapos. At sa nalalapit na pagtatapos alam kong magiging part pa rin kayo. <3

Please do read some of my works din dito sa wattpad. Thank you. :)

*megladiolus

*******************************************
76

*******************************************
ALEXA'S POV

Simula nung araw na hinalikan ako ni Zak para na kong nababaliw - nababaliw sa
kanya. Potek kinikilig ako kapag nakikita ko sya at kapag ngumiti sya oh my gosh
feeling ko nagslow motion ang lahat. Hindi kaya in love na ko sa kanya? Pero - pero
bakit ang bilis naman ata?

"Are you thinking of something or someone?" ay nandito nga pala si Channing ngayon
sa bahay. Mas madalas na syang sumulpot sa tabihan ko ngayon. Hindi tuloy kami
makalabas ni Zak. Well nagkakatext naman kami at mas madalas ko pa syang katext
kesa dito sa boyfriend ko.

"Wala naman. Iniisip ko ba kung nagkaboyfriend ako ng iba bukod sa'yo." Nag-isip
sandali si Channing tsaka sya lumapit sa'kin at hinawakan ako sa dalawang kamay.

"Listen honey, ako lang ang boyfriend mo. First and last boyfriend mo." Hinawakan
nya ko sa chin. "Ako lang ang lalaking minahal mo at mamahalin mo habang buhay."

Weh? Parang di ko naman maramdaman. Gusto ko yang sabihin sa kanya kaya lang baka
naman masaktan ko sya. "Gaano tayo kasaya dati?" hinawakan nya ko sa kamay tsaka
kami naglakad sa garden.

"Sobrang saya. Umiiyak ka nga kapag umuuwi ako sa France ng hindi ka kasama. Sabi
mo hindi mo kayang mabuhay ng wala ako sa tabihan mo." Ngumiti sya at nagwink. Wala
man lang epekto sa'kin. Parang kahit mawala sya ng isang taon wala naman akong
pakialam. "May problema ka ba? May naalala ka na ba?" bigla syang nagworry.

"Wala. At kung may maalala man ako wala namang masama dun di ba?" para syang
namutla bigla.

"Hey there love birds." Biglang sumulpot si mommy na may dalang flowers. "Pumitas
ako ng fresh flowers sa garden para sa office ko. Kamusta naman kayong dalawa? You
really looked good together."

Pati yung biglang pagiging sweet ni mommy hindi ko matandaan at yung reason bakit
nandito sila at hindi na umaalis nabura rin sa isip ko.

"Kasi po tita si honey masyadong madaming tanong. Pero sinabi ko naman sa kanya na
dati nya pa sinasabi sa inyo na ako lang ang lalaking gusto nyang pakasalan."
Nagtawanan naman silang dalawa. Yung totoo? Silang dalawa lang yung masaya?

"Oh stop calling me tita. Call me mommy dahil anytime naman pwede na kayong
magpakasal ng princess ko." Parang ako ang nahihiya sa conversation na 'to ah. "And
you my princess, napakaswerte mo na dito kay Channing. He's a very nice guy at
malaki ang business nila ha. Bestfriend ko pa ang mommy nyan so I know you're in
good hands."

Tumawa ulit silang dalawa. Tanong lang, anong nakakatawa? Para kasi sa'kin wala.
"Naku tita - I mean mommy go signal na lang naman ni honey ang iniintay ko anytime
anywhere kaya ko syang pakasalan." Hinalikan nya ang kamay ko.

"No problem with me hijo. ALam ko namang kaya mo ang mga biglaang weddings."
Lumapit si mommy sa'kin at hinawakan ako sa shoulder. "Hindi ko nga alam ano bang
pumipigil sa anak ko na 'to na magpakasal sa'yo eh di ba nga bago sya operahan
nakaplano na ang kasal nyo."

"Mommy!" parang ang dali namang magpakasal. AKala ba nila joke yun.

"What? I'm just telling the truth. Alam mo naawa nga ako dito kay Channing. Sobrang
tagal nyang naghanda para sa wedding nyo tapos dahil nakalimutan mo lang lahat
nabalewala din ang efforts nya."

"Mom wag na po muna nating pilitin si honey about our wedding. Darating din po kami
dyan. Alam kong ako lang ang lalaking mahal nya at mamahalin forever." Hinalikan
ako sa noo ni Channing.

"O sya maiwan ko na muna kayong dalawa dyan." Lumapit si mommy kay Channing. "Yung
request ko sa mommy mo ha. Please kindly remind her." Nagnod si Channing then
nagtawanan silang dalawa.

"I didn't know ganyan na kayo ka-close ni mommy." Sabi ko kay Channing then umupo
ako sa swing. Umupo din naman sya sa kabila.

"We've been together for two years now. Hindi mo kasi maalala pero matagal na
kaming close." Natahimik sya at nakatingin lang sya sa ground. "Ang laki nga ng
pinagbago mo pero naiintindihan ko naman. Alam ko na kahit hindi mo matandaan lahat
ako pa rin ang mahal mo at alam kong nararamdaman yan ng puso mo."

Kahit hindi ko naman nararamdaman. "Alam mo Channing masyado pa din naman tayong
bata. Kung ano man yung mga nasabi ko dati siguro nabigla lang ako. I still have
plans at hindi ko muna gustong mag-asawa. Ayoko kasing magaya sa kuya ko. Masyadong
ni-rush ni mommy lahat kaya natagalan bago sya naging masaya."

"Pero honey masaya na tayo and we don't need to wait para maging masaya pa."
Hinawakan nya ko sa kamay pero inalis ko din agad. "Tell me, nagbabago na ba ang
isip mo?"
"No! Paano naman magbabago ang isip ko kung wala naman akong maalala. Hindi ko nga
alam kung sino talaga yung mga taong pinapahalagahan ko. After nung operation
school and bahay na lang ako tapos lagi ka pang nandyan. Thanks for taking good
care of me pero kasi - kasi nahihirapan pa kong magdesisyon ngayon."

"Dahil ba 'to kay Zak?" napatingin ako sa kanya at gulat na gulat ako.

"Ano namang kinalaman ni Zak dito? Paano sya napasok sa usapan?" Hindi ko alam
bakit sa dami ng mababanggit nya si Zak pa. "Now tell me, anong meron kay Zak?
Anong meron sa'min dati ni Zak?" tumayo ako sa harapan nya. "I remember the first
day we talked at nakita ka nya sinabihan ka nyang 'scared pare?' or something like
that. May dapat ba kong malaman?"

Nakatungo lang sya at hindi sya nagsalita.

"Tell me!!!!" hinampas ko sya sa balikat. Hahampasin ko pa sana sya pero bigla nyag
hinawakan yung kamay ko.

"Don't you ever do that again!" ang higpit ng pagkakahawak nya sa'kin.

"Aray Channing nasasaktan ako!!!!" parang natauhan sya at bigla nya kong binitawan.

"I - I'm sorry honey. I didn't mean to hurt you." Bigla nya kong niyakap pero
tinulak ko sya. "I am really sorry. Please - please honey."

"Sagutin mo yung tanong ko." Hindi ko lang akalain nakatagal akong makisama sa
lalaking nananakit ng babae.

"Fine." Tumigil sya sandali. "May gusto sa'yo si Zak. Gusto ka nyang agawin sa'kin
noon palang pero ayaw mo sa kanya. Lahat na ginawa nya para mapunta ka sa kanya
pero kahit minsan hindi ka sumama sa kanya dahil ako yung mahal mo. Alam mo bang
ikakasal na tayo pero dahil nagtangka syang magpakamatay hindi yun natuloy dahil
nakonsensya ka. Ganun sya kadesperado kaya ngayon ginagawa nya lahat para makuha ka
dahil alam nyang wala kang maalala."

"Wow, Tyan. Alam mo bang sa lahat ng pag-uusap namin ni Zak never ka nyang
nabanggit. Never syang nagsabi ng against sa'yo. Pero ikaw ang dating ng sinasabi
mo masama syang tao - "

"DAHIL MASAMA TALAGA SYA!!! AT ORAS NA LUMAPIT KA PA SA KANYA MAPAPAHAMAK KA!!


SINASABI KO SA'YO ALEXA MAPAPAHAMAK KA LANG KAYA WAG KA NANG LUMAPIT SA LALAKING
YUN!!!!! SA'KIN KA LANG!! SA'KIN KA LANG!! TANDAAN MO YAN!!!" Halos hindi ako
nakagalaw dahil sa pagsigaw ni Channing. Nakakatakot sya. Nanginig yung mga tuhod
ko at parang gusto kong mahimatay.

"Channing!! Bakit mo sinisigawan ang kapatid ko?!!" napatakbo ako kay kuya at
napayakap ako.

"Tss!" tumalikod lang si Channing at umalis na.

"Bastos ka talaga kahit kelan!!" sigaw ni kuya. Niyakap din ako ni kuya. Hindi ko
din naman napigilang umiyak sa takot. "Okay na princess, okay na." Inalalayan nya
ako papaupo sa upuan sa mini dining table sa garden.

"Kuya sabihin mo sa'kin paano ko nakatagal kasama si Channing kung ganyan sya?"
tiningnan ko si kuya at nakita kong tumingin sya sa taas. Sinundan ko ang tingin
nya at nakita kong nakatingin sa'min si mommy mula sa taas.

Inayos ni kuya ang buhok ko at pinunasan ang mga luha ko. "Princess, nawala lahat
sa isip mo pero kahit kelan hindi mawawala kung anong nasa puso mo. Tandaan mo -
kung anong nararamdaman mo ngayon hindi yan nagkataon lang. Kilala lang talaga ng
puso mo kung sino ang tunay na nagmamahal sa'yo."

"Pero bakit sinasabi nila mommy na gusto kong magpakasal kay Channing pero sinasabi
ng puso ko na ayoko. Hindi ko maramdaman na gusto ko syang makasama habang buhay."
Napaiyak ulit ako. "Gusto kitang tulungan princess pero - pero - "

"Geoff! Pumunta ka sa office ko ngayon na!!" sigaw ni mommy mula sa taas.

"Tandaan mo, wag mong pilitin ang isip mong alalahanin ang lahat. Puso mo ang
gamitin mo sa paghanap ng totoo mong gusto." Hinalikan ako ni kuya sa noo at
pumasok na sya sa loob.

Mag-isa ako sa garden at nag-iisip ng biglang nagvibrate ang phone ko.


Zak: Hi there pretty. How are you?

Syempre nagreply naman ako agad.

Me: I'm not okay. Pwede mo ba kong pasayahin? Kaya mo ba kong pasayahin?

Sobrang bilis nyang magreply.

Zak: Kung bibigyan mo ako ng chance, kaya ko yan. :)

Napatawa naman ako - as in yung may tunog pa.

Me: Sure. Sa lake ulit?

Zak: I'm here. Iniisip ka.

Me: Whatever goon.

Zak: Damn! I missed that. You should call me goon starting today.

Me: Your wish is my command.

Zak: Pupunta ka ba o magtetext na lang tayo?

Me: Coming!

Tumayo ako at kinuha ko lang ang pouch ko then nagdrive na ko papunta sa lake.
Gumaan ang pakiramdam ko nung magtext si goon. I don't know kung bakit ko sya
natawag na goon. Buti na lang hindi sya nagalit. Take note nagustuhan pa nya ha.
Ilang minutes lang nasa lake na ko. Excited akong bumaba at nanakbo papunta sa lake
pero pagdating ko dun wala naman si goon. Sobrang disappointed na ko. Sobrang
nalungkot ako. Umupo na lang ako sa damuhan tsaka kumuha ng bato at inihagis ko sa
lake. "Paasa nga naman. Uto-uto naman ako. Nakakainis. Ginagantihan nya ko siguro
ngayon kasi dati pinahirapan ko sya."

"Sinong pinahirapan mo?" napatayo ako bigla at nakita kong nakatayo na si goon.
Parang nanakbo pa sya kasi medyo hinihingal pa. "Bakit naman ang bilis mo? Ang
bilis mong magdrive no!! Umayos ka nga! Kung may mangyari sa'yo sinasabi ko
sa'yo!!" Napatawa lang ako. Ang weird sa pakiramdam pero parang gusto ko syang
yakapin at halikan. Syempre hindi ko naman yan pwedeng gawin.

"Eh san ka ba galing? Lakas ng loob mong papuntahin ako dito tapos wala ka naman!!"
I folded my arms over my chest.

"Sabi mo pasayahin kita. Bakit ka ba nagrereklamo dyan!!" lumapit sya sa'kin at


inabutan ako ng bouquet of red roses. Speechless ako. Wala akong masabi talaga sa
sobrang pagkashocked. "So tititigan mo lang? SABIHIN MO KUNG AYAW MO!! ITATAPON KO
NA LANG!!" ihahagis na nya sana sa lake pero hinawakan ko agad.

"Masyado kang hot! Inaabsorb ko pa yung moment no." Inamoy ko pa yung flowers.
"Thank you." Hinalikan ko sya sa cheek at namula sya bigla. "Cute mo kapag ganyan
ang itsura mo."

Napakamot sya sa ulo at hindi agad makapagsalita. Ang cute nya talaga. "Ah - eh -
wala yun."

Umupo ako sa grass at tumabi naman sya sa'kin. Nakangiti lang ako ng bigla nyang
hawakan ang braso ko. "Napano yan? Bakit may pasa?" hindi ako agad nakatingin at
hinigit ko ang kamay ko. "Si Channing ba?!! Sinasaktan ka ba ni Channing?!!!" galit
na galit yung itsura nya na parang kapag sinabi kong si Channing ang may kasalanan
eh susugurin nya agad at susuntukin sya mukha. Masaya sana yun kaya lang ayokong
dungisan ni Zak ang kamay nya para lang sa walang kwentang Channing na yun.

"Hindi. Naipit yan sa pintuan. Nakaautomatic na pala yung pintuan sa kitchen ayun
biglang sumara. Okay lang ako." Kinuha nya yung kamay ko at hinawakan then
minassage nya. Nakakarelax. Halos lahat ng pain ko nawawala. "May talent ka pala
ha." Ngumiti lang sya. "May itatanong pala ko."

"Ano yun?" tuloy pa rin sya sa pagmassage ng kamay ko.


"Totoo bang - totoo bang gusto mo kong agawin kay Channing dati?" napatigil sya sa
pagmamassage at tumingin sa'kin. "Kasi - kasi tinanong nya ko kung nagbabago na daw
ba ang isip ko sa pagpapakasal sa kanya at kung ikaw daw ba ang dahilan kaya - kaya
naitanong ko kung paano ka napasok sa usapan at sinabi nyang matagal ka na daw may
gusto sa'kin."

Tinuloy nya ulit ang pagmamassage sa kamay ko. "Oo. Matagal na kitang gusto. Ah
hindi - matagal na kitang mahal." Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi pero
parang ang saya ko nung marinig ko yun. "Pero kahit minsan hindi kita inagaw kay
Channing dahil kahit minsan - " hindi nya itinuloy ang pagsasalita. "Mahal mo ba
sya?"

"Siguro. Hindi ko naman sya magiging boyfriend kung hindi ko sya mahal. Mahal ko
sya siguro dati." Yan pa rin ang iniisip ko hanggang ngayon. Nagsmirk lang sya.
Nagulat na lang ako ng bigla syang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa mukha.

(Play the music Your Call by second hand serenade)

"Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Ikaw lang ang dahilan ng pagkabaliw
ko. Ikaw lang ang babaeng nakakapagpasunod sa'kin sa isang tingin lang." Kinuha nya
ang kamay ko. "Hindi ko kailangang ipaalala ang lahat ng nawala sa isip mo dahil
alam kong mahihirapan ka lang." Inilagay nya ang kamay ko sa dibdib nya. "Pero kaya
kong iparamdam sa'yo kung anong nasa puso ko. Kayang maramdaman ng puso mo ang
hindi maalala ng isip mo. Hindi ko kailangang magsinungaling o gumawa ng kwento
Alexa dahil ang tibok ng puso ko ay sapat na para masabi sa'yo ang lahat-lahat ng
dapat mong malaman. Mahal na mahal kita, simula noon hanggang sa huling hininga
ko."

Napaiyak na lang ako sa mga sinabi nya. Hindi ko man maalala lahat pero ramdam na
ramdam ko na totoo ang mga binitawan nyang salita. Kasabay ng tibok ng puso nya ang
tibok ng puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko kapag sya ang kasama ko. Meron man
akong hindi maalala pero nararamdaman ko naman. "Paano nangyaring - paano
nangyaring ikaw ang tinitibok ng puso ko pero nasa ibang lalaki ako ngayon?"

"Hindi ko kailangang magsalita laban sa ibang tao. Wala akong sasabihing kahit ano
dahil ang mahalaga lang sa'kin maiparamdam ko sa'yo na kahit mawala lahat sa isip
mo - mawala lahat ng tao sa paligid mo - hinding-hindi ako mawawala sa tabihan mo
at lalong hinding-hindi ka mawawala sa puso ko." Hinawakan nya ulit ako sa cheek
habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa kamay ko na nasa dibdib nya. "Mahirap
paniwalaan ang mga sinasabi ko. Pero hindi nagsisinungaling ang gagawin ko sa'yo."
Hinalikan nya ko. Soft and passionate kiss. Ramdam na ramdam ko yung sincerity at
everlasting love.

Nabitawan ko ang flowers and I wrapped my arms around her neck. I kissed him back.
Wala na kong pakialam kung nagkakasala ako. Ito yung nararamdaman ko at ito yung
gagawin ko.

"I was born to tell you I love you. I am torn to do what I have to. To make you
mine and stay with me tonight." Napatawa naman ako kasikinakanta nya pa yan sa'kin
ngayon. Talagang naiiyak na ko sa sobrang saya. "I will love you - only you for the
rest of my life." He said in between our kisses.

Itinulak ko sya. "I need to go."

"But why?" halata kong nag-aalala sya pero nginitian ko lang sya.

"Because I need to confirm something although I already know the answer. I'm gonna
do the right thing. Will you wait for me?" medyo nag-isip pa sya na nakapagpaasar
sa'kin. "Hey!"

"Of course!! Hindi ako mapapagod maghintay basta alam kong babalik ka sa'kin."
Inilalayan nya kong tumayo.

"Kung dati na kong sa'yo babalik at babalik ako." Hinalikan ko sya sa cheek tsaka
ako umalis.

"Hindi na ko makapaghintay." Nagwave lang sya sa'kin at naiwang nakatayo. Excited


na kong makipagusap kay Channing. I need to know kung sino talaga ang totoo kong
mahal.

Medyo may hang over pa ko sa kiss na yun at medyo napapangiti pa ko habang nagda-
drive with matching hawak sa lips ko. Ang talandi ko lang daw. Bago ko pa
makalimutan ang dapat kong gawin I texted Channing to meet me somewhere at may
importante akong sasabihin. Mabilis naman syang nagreply at nagkita na lang kami sa
park.

"Honey if this is not really important make it very quick kasi nasa business
meeting ako." I'm his girlfriend pero hindi nya ko mabigyan ng oras.

"This will be very quick." Lumapit ako sa kanya. "Can you kiss me?"
"Do what?" biglang umaliwalas yung mukha nya.

"I said kiss me." Hindi naman sya nagdalawang isip. Hinawakan nya ko sa cheek at
hinalikan nya ko. I closed my eyes para mas maramdaman ko pero - pero wala talaga.
I stopped him. "Okay na." Hindi pa rin sya tumigil. "I said okay na." Pero ayaw pa
rin nyang tumigil so I pushed him. "Channing stop!!!!" pinunasan ko ang lips ko. "I
asked you to kiss me to confirm my feelings and surprisingly I'm right." Hinubad ko
ang ring na bigay nya sa'kin. "I can't do this anymore. I don't even know bakit
kita pinatulan in the first place. Hindi ka man lang papasa sa taste ko." Iniabot
ko sa kanya yung ring.

"I'm sorry. You asked me to kiss you and I just did. Sorry kung nadala ako. Please
honey don't do this to me." Hindi nya kinukuha yung ring.

"It's not about the kiss. Hindi ako masaya kapag kasama kita Tyan. Wala ka man lang
pagpapahalaga sa'kin. Nakuha mo pa kong saktan. Wala man lang akong naramdamang
kahit ano habang hinahalikan mo ko. I'm sorry. Kung sinabi ko sayong mahal kita
dati - dati yun. Siguro yun yung mga panahong baliw pa ko at sobrang nasasaktan
dahil sa nangyari sa'min nila Zanea." Kinuha ko ang kamay nya at iniabot ko yung
ring. "Goodbye Tyan. We're not really meant for each other. At hindi ikaw ang taong
magpapasaya sa'kin."

"Babalik ka rin sa'kin. Babalik ka rin sa'kin at wag kang iiyak." Hindi ako
nagreact sa sinabi nya. "Pero kapag bumalik ka tatanggapin pa rin kita. Ganyan kita
kamahal."

"I doubt it." Ngumiti lang ako at sumakay na ko sa kotse. Tinext ko agad si Zak. I
can't wait to tell him the good news.

Me: I broke up with him. I finally made up my mind - heart rather - whatever. But
my heart keeps on telling me you're all I need. Please call me.

Hindi na ko makapaghintay sa reply nya. Sobrang gusto ko na syang makita. Alam kong
magiging maganda na ang lahat. Sana wala na kaming maging problema.

Bumalik ako sa lake pero wala na sya dun. Pinuntahan ko din sya sa bahay nya pero
walang tao. Mga ilang oras din akong naghanap sa kanya pero hindi pa rin sya
nagrereply. Nag-aalala na ko baka tinaguan na ko nung lokong yun. Hindi ko sya
mapapatawad. Ngayon pa - ngayon pang alam ko ng may nararamdaman ako para sa kanya.
Gusto kong malaman kung anong meron sa'min dati. I wanna know everything.
After ng ilang oras at kung kelan pauwi na ko dahil gabi na din biglang nagvibrate
ang phone ko.

Zak: Nasa pub Ground45 ako.

Me: What's pub and where's that?

Zak: Yung gym malapit sa Olari Cosian

Me: Aye aye! I'll be there in 5. See ya.

At hindi na naman sya sumagot. Medyo matamlay ang replies nya pero okay lang.
Magbabago din yan mamaya pag nagkita kami. Finally my life will now be completed.
Wala na kong pakialam kahit magalit si mommy sa'kin. Sya ang nagpapatibok ng puso
ko ng ganun kabilis at sya lang ang nagpapasaya sa'kin. He's the one.

A/N
Malapit na malapit nang matapos ang PH at sana itodo nyo na ang suporta nyo.
Magvote na ng magvote at ishare nyo na din 'to sa mga hindi pa nakakabasa. Sana
bago tayo magtapos marami na ang nasharan nyo nitong story. Salamat ng marami sa
inyo. Ang next UD ko ay depende sa dami ng votes and reades ng PH so vote vote na.

<3 megladiolus

*******************************************
77

*******************************************
I was just wondering, 12K reads ang last chapter pero 1K+ votes lang. Hmmmm. Hindi
nyo ko masisisi kung bakit matagal ang UD. Hahaha Well kung gusto nyo nang malaman
ang mga mangyayari up to the last chapter, vote now. 5000 votes sa chapter na 'to
at ipopost ko na agad ang next UD. Mahirap ba? Ganyan ko din pinaghihirapan ang mga
susunod na mangyayari. So vote, comment, follow and share.

Love lots,
megladiolus
*******************************

ALEXA'S POV

Medyo natagalan din bago ko nahanap ang sinasabi nyang pub. Kumatok at tumawag pa
ko pero wala namang sumasagot. Tinext ko din si Zak pero hindi na sya nagrereply.
Sinubukan ko syang tawagan pero hindi naman nya sinasagot at dahil bukas naman yung
door pumasok na ko sa loob.
"Zak! Zak are you here?" parang familiar na yung place sa'kin. May isang ring sa
loob pero wala namang tao. Meron din dalawang pintuan, restroom pala yung isa at
parang locker naman yung isa. "Where are you?" nakita kong may stairs kaya umakyat
ako. "I hate hide and seek kaya lumabas ka na." Parang may mini bar din sa taas at
meron ding mga doors. Ang cool nitong place. Parang boxing gym na may bar. Oh well
hindi naman yun yung ipinunta ko dito. Sinubukan kong sumilip sa ilang doors at
nakita kong rooms pala yun nga lang wala dito si Zak. Naiinis na ko kasi wala sya
dito pero parang natakot din ako kasi baka mali yung napasukan ko tapos makasuhan
pa ko ng trespassing.

Bago pa ko mahuli ng kung sinong may ari nung place na yun dapat na kong makalabas.
Pero bago pa ko makalayo may narinig akong parang kaluskos sa dulong door. Hindi
ko pa sya nasisilip at hindi ko alam kung tao ba yung nasa loob or kung ano man.
Imbis na matakot ako eh nilapitan ko pa. Good thing at nakita kong hinndi nakasara
maigi yung door. Sumilip ako at nakita ko si Zak na natutulog. Kaya pala hindi nya
sinasagot yung mga tawag at texts ko kasi tulog sya. Sobrang excited akong gisingin
sya. Kinakabahan ako ng sobra-sobra. Kasi naman nakatopless sya tapos natatakluban
ng blanket ang half ng body nya. But I need to talk to him kaya gigisingin ko sya.

Binuksan ko agad ang pintuan para lapitan si Zak pero nagulat ako sa nakita ko. May
isang babae sa room at nagsusuot palang sya ng underwears. Hindi ako nakapagsalita.
Hindi ako makagalaw. Sobrang sikip ng dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Bakit
- bakit ganito yung makikita ko? Akala ko okay na kami. Akala ko - akala ko gusto
nya ko.

"Excuse me miss but who are you?" tanong nung babae habang nagbibihis pa rin. Hindi
ako agad sumagot. Gusto kong magalit pero wala naman akong karapatan. Pero bakit
ako nasasaktan! Ang kapal naman ng mukha nya para saktan ako ng ganito. "Oh maybe
you're Zak's friend. He's expecting you pero nainip sya so naglibang muna kami.
Don't worry, tulog lang yan. Gusto mo bang gisingin ko sya?"

Tiningnan ko yung babae at tiningnan ko si Zak. Pinapunta nya ko dito para lang -
para lang ipakita sa'kin 'to? Ang kapal nya talaga! Sobrang kapal nya!! Hindi ko na
sinagot yung babae kung sino man sya at nagmadali akong lumbas ng room. Nanakbo ako
pababa ng hagdanan ng makasalubong ko ang mga kaibigan ni Zak.

"Lex? What are you doing in here?" tanong nung lalaking gwapo din. Yung - yung -
hindi ko matandan yung pangalan nya.

"Bakit ka umiiyak?!!" parang galit yung isang lalaki at the same nag-aalala.

Pinunasan ko yung tumulo kong luha. "Excuse me." At nilampasan ko lang sila.
Tambayan ba talaga nila 'to? Dalahan ng mga babae? Sobra kong nasasaktan ngayon.
Masyado kasi akong nagpadala sa damdamin ko. Hindi ko na naisip na sobrang bilis
naman para mahalin ko yung Zak na yun. Ginantihan nya lang ako dahil matagal na
syang may gusto sa'kin. Bakit sabi nya at sabi ni kuya sundin ko lang kung anong
natatandaan ng puso ko pero hindi nila sinabi na masasaktan ako. Sana nakakalimot
din ang puso.

Lumabas ako at sumakay ng kotse at nagmadaling umuwi. Wala akong ginawa kundi
umiyak ng umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

********

ZAK'S POV

"Gag* ka anong ginawa mo!!" papamulat palang ako ng mata biglang may tumama na sa
mukha ko na kamao. "Anong ginawa mo kay Lex?!!" napaupo ako agad nang marinig kong
binanggit nila si aswang.

"Nandito sya?" excited kong tanong habang nakahawak ako sa mukha kong kakasuntok
lang ni Luke. Lahat sila nakatingin lang sa'kin kaya tiningnan ko din sila isa-isa.
"Sino naman 'tong babaeng 'to?" Pababa ako ng kama ng makita kong nakaboxer na lang
ako. "Cr*p! Nasaan ang damit ko!!!"

"Baby hindi mo ba naalala? Ikaw talaga!!" nag-init ang ulo ko sa babaeng 'to na
mukha namang bading. "I need to go!" nagmadaling lumabas ng kwarto yung babae.

"Sino ba yun at bakit kayo nagpapasok ng babae sa kwarto?" kinuha ko yung pants ko
sa floor. "Nasaan na ba si aswang? At paano nya nalaman san 'tong pub?" tumingin
ako sa kanila habang nagpapantalon pero lahat sila masama ang tingin sa'kin. "Anong
problema nyo?"

"Hindi ba dapat ikaw ang tanungin namin kung bakit nandito si Lex at bakit sya
umiiyak?" napatigil ako bigla at kinuha ko ang phone ko. May ilang missed calls
from her pero malinis ang inbox ko.

"Hindi ko alam kung bakit sya nandito. Nagkita kami nung hapon pero sandali lang
after nun wala na ulit." Inisip ko kung ano bang nangyari. "May delivery girl na
lumapit sa'kin pagdating ko dito sa pub. May free taste daw ng energy drink at
umorder ako ng 2 boxes at after nun - " nag-isip ako sandali kung anong nangyari
after nun, " - nagising ako nandito na kayo at yung - teka sya ba yung delivery
girl?" Napasuntok ako sa wall. "Nakita ba ni aswang?"
"Hindi sya iiyak ng ganun kung hindi nya nakita. Alam mo Zak pakiramdam ko
nararamdaman ni Lex na ikaw ang mahal nya pero sinaktan mo sya. Ano na lang ang
mangyayari ngayon kung hindi ka na nga nya maalala tapos sinaktan mo pa sya ng
sobra." Tumalikod si Tuck pagkasabi nun tsaka lumabas ng room.

"Pe - pero wala akong alam. Hindi ko nga kilala yung babaeng yun! Maniwala kayo
wala akong ginagawa!!!" hindi sila sumagot at isa-isa silang lumabas ng room.
"Kilala nyo ko! Hindi ko magagawang lokohin si aswang!!" pero hindi sila nakinig.
Hindi ko alam kung sino yung babaeng yun at kung anong dahilan para gawin nya yun
sa'kin - sa'min ni aswang.

Nagbihis ako agad at tinawagan ko si aswang pero out of reach na yung phone nya.
Sinubukan ko din syang puntahan sa mansion nila pero hindi ako pinapasok ng guard
kahit sabihin ko pang nagpunta ako dun para sa papa ko.

Halos hindi ako makatulog magdamag dahil nga sa kakaisip sa nangyari. Paano kung
narealize nya na mahal na nya ko ulit tapos bigla nya kong makikita sa ganung
situation. Ano na lang ang mararamdaman nya? Hindi ko nga sya kayang saktan noon
ano pa kaya ngayon?

Sinubukan ko syang hanapin sa school pero hindi ko sya matyempuhan. Hindi ko na


talaga alam ang gagawin ko. Mababaliw na ata ako. Si Jezhi na lang ang pag-asa ko
para magkausap kami ni aswang kaya naman pinakiusapan ko si Val para makausap ko
ang girlfriend nya. Pinapunta ko sya sa tambayan namin sa likod ng gym at hindi
naman sya tumanggi. Nagpunta naman sya at parang nagmamadali pa sya.

"Zak." Medyo malungkot yung mukha nya.

"Jezhi, pwede mo ba kong tulungan. I need to talk to aswang." Lumapit ako sa kanya
pero medyo umiwas sya ng tingin. "Sana matulungan mo ko. Magpapaliwanag ako sa
kanya. Alam kong nasaktan ko sya pero believe me wala akong alam."

"Zak - kasi ayaw ka ng makita ni Alexa." Mahinang sabi ni Jezhi. "Kinausap ko na


sya pero ayaw ka na nyang makita."

"Pero bakit?" hinawakan ko sya sa mga balikat. "Nasaan sya? Pupuntahan ko sya
ngayon dito sa school! Hindi ko sya makita pero alam kong alam mo kung nasaan sya."
Inalis ni Jezhi yung pagkakahawak ko sa shoulders nya. "Sorry."
"Kasi Zak nagdropped na si Alexa." Sobrang gulat na gulat ako sa narinig ko. Di ko
'to inaasahan at hindi ako prepared sa ganitong situation. "Masyadong mahigpit
ngayon ang parents nya sa pagpapalapit ng kahit na sino sa kanya. Kahit ako
nahihirapan at yung pag-uusap namin about sa'yo ang pinakalast na usapan namin."
Hinawakan ako sa kamay ni Jezhi. "I'm so sorry Zak pero sa tingin ko kung ano man
ang nagawa mo sa bestfriend ko nasaktan mo sya ng sobra." Hindi na ako
nakapagsalita. Hindi ko matanggap kung anong nangyayari at bakit hanggang sa huli
hindi pa rin kami pwedeng magsamang dalawa. Tadhana na ba talaga ang talagang
naglalayo sa'min? Pero bakit? Sana hindi ko na lang sya nakilala kung ganito lang
din naman magtatapos lahat.

Kasalanan 'to nung babaeng yun. Dapat mahanap ko sya at pagbabayarin ko sya sa
lahat ng ginawa nya sa'kin! Sya ang dahilan kung bakit nagkaproblema kami ni
aswang! Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya lalo na kung hindi ko na din
mapupunta si aswang sa'kin!!!

*****************

ALEXA'S POV

Nagdropped na ko sa school. Naisip ko kasi na sa France ko na ituloy ang pag-aaral


ko. Masyado na kasing madaming nangyari dito at sa sobrang dami hindi ko na maalala
lahat ang bago at naiwang memory na lang ay ang sakit na iniwan ng Zak na yun.
Iniintay ko na lang sila mommy sa pagtapos ng business nila dito bago kami umalis
kaya lang parang hindi na ko makapaghintay. Hindi na rin nila ko pinapayagang
lumabas ng bahay at hindi na rin nila ko pinapakausap sa ibang para daw maiwasan ko
ang masyadong pag-iisip at problema. Kaya heto ngayon, nandito lang ako sa may pool
nag-iikot-ikot. Magpakalunod na lang kaya ko dito? Kaso hindi rin ako mamamatay.
Daming CCTV dito sa bahay. Tsaka daming nagbabantay sa'kin kahit saan ako magpunta.
Akala ba nila hindi ko sila napapansin? Ang weird nga pero hindi ko rin alam kung
bakit ba nila ako pinababantayan pa.

"I told you to call me when you're alone." Bigla na lang sumulpot si Tyan. Hindi ko
pa nga pala nasasabi, nagkabalikan na kami. Simula nung nakita ko si Zak at yung
babae nya narealize ko how stupid I am para magpauto sa lalaking tulad nya kaya
tinanggap ko ulit si Tyan. Alam kong mabuti syang tao at nagawa nya lang akong
saktan dati dahil sa sobrang pagmamahal nya sa'kin. Tama sila mommy kaya sumusunod
na lang ako sa gusto nila.

"Ayaw kasi kitang istorbohin. I know marami kang ginagawa sa work." Lumapit ako sa
kanya at niyakap ko sya. Hinakan naman nya ko sa kamay.

"Kahit ano pang ginagawa ko ititigil ko for you. Narealize ko lahat yan nung
nakipaghiwalay ka sa'kin. Pinangako ko sa sarili ko na kapag bumalik ka magbabago
na ko at papahalagahan na kita." Hinawakan nya ko sa mukha. Hahalikan na sana nya
ko pero niyakap ko na lang sya ng mahigpit na mahigpit. "Honey, let's get married."
Napabitaw ako at napatingin sa kanya. "Not now pero I hope as soon as possible.
Promise, wedding lang muna at hindi honeymoon. I just wanna make sure na sa'kin ka
na talaga." May kinuha sya sa bulsa nya at lumuhod sa harapan ko. "Will you marry
me?"

Napangiti ako dahil hindi ko akalaing magbabago sya dahil lang sa nakipagbreak ako
sa kanya. Siguro talagang yun lang ang purpose ni Zak, ang umeksena sa'min ni Tyan
para marealize namin kung gaano kami kahalaga para sa isa't isa. "Yes. Yes I'll
marry you." Isinuot nya sa kamay ko yung ring at tumayo sya para halikan ako.

"I love you always and forever." Sabi ni Tyan sa'kin. Biglang sumakit ang ulo ko at
parang may naalala akong same line tulad ng sinabi nya. "Are you alright?"

"I'm fine. Kumirot lang yung ulo ko." Inalalayan nya ako papasok sa loob ng bahay
at iniupo sa sofa. Nakita kong nagbago na talaga si Tyan at natutuwa ako kasi kahit
iniwan ko sya bumalik pa rin sya sa'kin. "Tyan magpakasal na tayo bukas or sa isang
araw basta gusto ko agad-agad."

"What? Bukas na agad?" gulat na gulat sya sa sinabi ko. Kahit ako nagulat din pero
yun na yung gusto kong gawin ngayon. Ito yung gusto ng family ko para sa'kin kaya
alam kong dun din naman pupunta kaya bakit ko pa patatagalin. Mabuting tao naman si
Tyan at alam kong hindi ako magsisisi sa pagpili sa kanya.

"A - ayaw mo ba? Okay lang naman. Wag na lang kung ayaw mo." Tumayo ako pero bigla
nya kong hinawakan.

"Pack your things. We're leaving tomorrow morning." Ang ganda ng ngiti nya at
halata kong tuwang-tuwa na sya. Niyakap nya ulit ako at ramdam na ramdam ko na
excited na syang magpakasal sa'kin.

"What is going on here?" napatingin kami kina mommy na kakadating lang. Hinawakan
ako sa kamay ni Tyan at lumapit kami kina mommy.

"Mom, we're getting married. Pumayag na po si honey." Excited na sabi ni Tyan kina
mommy.

"Wow that's great! I am so happy for both of you." Yumakap sa'kin si mommy.
"I am so happy too mom." Sagot ni Tyan kay mommy.

"Congrats Channing." Kumamay si papa kay Tyan pati na rin si kuya. Sa kanilang
tatlo si kuya lang ang hindi nakangiti at nakatingin lang sya sa'kin.

"Kuya aren't you happy for me? I'm getting married." Ngumiti lang si kuya at
yumakap sa'kin.

"Congratulations princess." Ang cold ng boses ni kuya at ramdam ko na hindi naman


sya masaya for me.

"So when are we going to plan the wedding?" naglakad kami papunta sa living room at
umupo.

Katabi ko si Tyan. Nakaupo sya sa arm ng sofa na inuupuan ko samantalang nasa


harapan namin sila mommy at papa at nasa isang side naman si kuya. Magkahawak kami
ni Tyan ng kamay. "Sabi ko naman po sa inyo anytime pero ang gusto ng honey ko
bukas na daw."

"What? May meeting kami with the board bukas at hindi yung pwedeng mapostponed."
Tumingin sa'kin si mommy. "Alexa sweety ipamove mo na ang wedding. Kahit next week
para wala na talaga kaming aasikasuhin."

"Mommy simpleng wedding palang naman ang gagawin namin. Sa Winslont kami
magpapakasal para mabilis lang then next week pwedeng engradeng kasalan na talaga."
Umakbay si Tyan sa'kin.

"Mom pabigyan nyo na po si honey. Gustong-gusto na nya kong maitali sa kanya eh.
Promise naman po kapag nakasal kami sa Winslont magpapakasal pa kami sa iba't ibang
bansa kahit gaano pa yan kaengrande ibibigay ko. Ganun ko po kamahal ang anak nyo."
Hinalikan ako ni Tyan sa ulo. Tuwang-tuwa naman si mommy sa mga pinagsasabi ni Tyan
pero hindi ko talaga maisip kung bakit hindi masaya si kuya.

"Excuse me. Aakyat lang ako. Meron lang akong hahanapin." Tumayo si kuya at umakyat
na sa taas.

"I think you need to pack your things na rin sweety. Magpapabook na muna ako or
private plane na lang?" hindi naman halatang excited ang mommy ko no? Imagine only
daughter ako pero ganyan sya kaexcited na makasal ako.
"No need mom. Magcu-cruise kami ni honey. Para may bonding moment na rin together."
Sana talaga tama yung desisyon ko. Alam kong sasaya naman ako kay Tyan. Kung hindi
ko pa sya ganung kamahal ngayon alam kong babalik din ang pagmamahal ko sa kanya na
nawala nung nawala ang memories ko. Iiwanan ko na lahat ng dapat iwanan.
Kakalimutan ko na ang dapat kalimutan. Bubuo ako ng new memories, yung hindi ako
masasaktan at sasaya ako dahil yun ang pinakaimportante, ang sumaya ako, ang family
ko at ang lalaking makakasama ko habang buhay.

******************

TUCK'S POV

"Sobra naman yung parents nya. Hindi ko din naman kasi masisisi si Lex, nakita nya
kasing ganun ang itsura si Zak tapos may babae pang nagbibihis. Sobrang sakit
talaga nun." Kakababa lang namin ng kotse. Kakadating lang namin dito sa school.
Kasama ko si Jezhi at Val.

"Naku kung sa'kin ginawa yun ni baby ay naku hindi ako iiyak. Kukuha ako ng
gunting." Natawa ako sa sinabi ni Jezhi habang nakatingin sya ng masama kay Val.

"Baby, hindi yun kaya ng gunting lang. Mabubungi lang ang gunting mo." Loko 'to si
Val sa girlfriend nya.

"Really baby? Gunting ng yero ang ipanggugunting ko dyan hindi pa rin mapuputol?
Gunting ng damo kaya? Ah alam ko na, chain saw na lang for sure putol yan!"
sinuntok nya si Val sa may tyan habang parang namutla sya sa narinig sa girlfriend.

"Ano ka ba naman baby, hindi ko yun magagawa sa'yo no!!" ngumiti si Jezhi. "Syempre
bakit pa kita papapuntahin kung may kasama akong babae? Engot lang yun si Zak hindi
marunong magtago." Parang nangangamoy ayaw dito ah. Dapat makaalis na kaya.

"Magbreak na lang kaya tayo ngayon tutal tayo pa lang eh ibang babae na agad yang
sinasabi mo. Pati plano mo pinapaalam mo na rin sa'kin!!!!" ayan na nga ba.
Itinulak na ni Jezhi si Val.

"Baby naman ikaw ang nagsimula. Sinakyan ko lang naman ang sinabi mo tapos ako pa
ang masama." Kadiri nitong si Val. Talagang nilalambing nya pa yang jowa nya. Never
ko yang gagawin kapag nagkaroon ako ng serious girlfriend.
"Oh no!" napasigaw na sabi ni Jezhi habang nakatingin sya sa phone nya. "Where's
Zak? Kailangan nya 'tong malaman."

"Anong problema?" tanong ko kay Jezhi.

"Papaalis na si Alexa ngayon. Magcu-cruise sila ni Channing at magpapakasal sa


Winslont." Ipinakita nya sa'min ang text ni Alexa na nagpapaalam at nagpapasalamat.

"ANO!!" sabay naming tanong ni Val.

"Sh*T! Dapat malaman ni Zak yan!" nagmadali kong tinawagan si Zak pero bago pa ny
masagot nakita ko ang kotse nya sa parking lot na kakadating palang. "Ayun si Zak!"
Lumapit kami agad sa kanya. Hindi pa sya nakakababa kinatok ko na agad ang bintana
ng kotse nya.

"ANO BA TUCK!! AGANG-AGA!! SISIRAIN MO BA YANG KOTSE KO!!!" agang-aga badtrip sya
pero baka mas mabadtrip 'to kung hindi sya makakagawa ng paraan para pigilan si
Lex.

"Siraulo ka talaga! Alam mo bang paalis na si Lex ngayon para magpakasal sa


Channing na yun!!" napalabas ng kotse si Zak.

"HINDI MAGANDANG BIRO YAN!!" hinawakan nya pa ko sa collar.

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa'kin. "Gag* ka ba! Bakit naman kita bibiruin?
Nagtext si Lex kay Jezhi at kung wala ka pang gagawin dyan baka hindi mo na sila
abutan!!"

Pumasok si Zak sa kotse. "HOY SAMAHAN NYO KO!! MALAY KO BA KUNG SAAN SYA
MAKIKITA!!"

Papasakay na kami nila Val sa kotse ni Zak ng dumating sila Rich at dahil nakita
nilang nagmamadali kami hindi na sila bumaba ng kotse at sumunod na sila sa'min.
"Saan ba sya papunta? Saan sya nakasakay? Anong oras ang alis nya!!" ang bilis
magpatakbo ni Zak pero yun naman talaga ang dapat.

"Uhm - sabi lang ni Lex cruise daw papunta Winslont kasi dun sila magpapakasal."
Biglang napapreno si Zak.

"ANO!!! Ang daming cruise papunta dun! Paano natin yun mahahanap!!! Tawagan mo nga
sya!!" sigaw ni Zak na nakakasakit ng ulo sa sobrang lakas. Nagdrive naman ulit sya
at nakita kong kasunod namin sila Rich.

"Out of reach na yung phone nya. Hindi ko na sya macontact." Paulit ulit na
tinatawagan ni Jezhi si Lex pero hindi pa rin nya macontact.

"Kung hindi sasagot si Lex hindi mo na sya mahahabol!" sabi ni Val.

"Shut the f*ck up Val!! Hindi ka nakakatulong!!" kasi naman magsasalita na lang
'tong si Val hindi pa nakakatulong. Mas lalong kakabahan nyan si Zak.

"Si kuya Geoff. Sigurado akong alam nya kung saan pupunta si sis." Nakaloud speaker
ang phone ni Jezhi at mabuti na lang nagriring ang phone ni kuya Geoff.

[Hello.]

"Hello kuya - " biglang inagaw ni Zak ang phone kay Jezhi.

"Saan papunta si Alexa? Saan sya nakasakay? Saan ko sya makikita? Please - please I
need to know. Hindi ako papayag na mapunta lang sya sa Tanning na yun!! Hindi
maganda ang pakiramdam ko sa kanya!!" hindi na nagpaliguy-ligoy si Zak sa
pagtatanong kay kuya Geoff.

[At bakit ko naman sasabihin sa'yo?]

"Dahil sa'kin nakasalalaylay ang happiness ng kapatid mo! Unless gusto mong maging
miserable ang buhay nya. Alam mo ang pakiramdam ng taong nakikisama sa hindi naman
nya mahal at alam kong gusto mong sumaya ang kapatid mo kaya sasabihin mo sa'kin
kung nasaan sya!" desidido si Zak na malaman kung nasaan si Lex at kahit kami.
[Sa Gusbiz Cruise, 10am ang alis nun kaya bilisan mo na. And please pakikuha ng
kapatid ko.]

"Masusunod kuya!" ibinalik ni Zak ang phone kay Jezhi at nag-U turn para pumunta
kung nasaan si Lex.

"9:12 na. Malayo pa tayo. Baka hindi na tayo makaabot!" sabi ni Val. Lahat kami
kinakabahan pero lagi syang dumadagdag sa kaba namin imbis na tumahimik na lang.

"Aabot tayo dun. Alam kong aabot tayo." Mabilis magdrive si Zak. Kahit sobrang liit
na lang ng daanan nakakaya nya pa rin.

Maghintay ka lang Lex. Darating na si Zak para bawiin ka sa lalaking yan. Hindi
namin sya gusto para sa'yo at alam naming ayaw mo rin sa kanya pero wala ka lang
magawa. Sana hindi pa kami huli. Sana maabutan ka namin. Darating kami, darating si
Zak kahit anong mangyari.

*******************************************
78

*******************************************
ALEXA'S POV

Ang ganda ng dagat. Ang lamig ng hangin. Nandito na kami sa cruise ship ngayon at
naghihintay na lang umalis. This is it. Wala ng atrasan. Nakatingin ako sa mga
paparating na passengers na parang may hinihintay. Pero alam kong malabo naman na
mangyari yun kasi hindi naman nya alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na rin sya
bibigyan ng chance na saktan pa ulit ako. "Honey maglibot muna tayo!" sabi ko kay
Tyan.

"Honey may kausap pa ko sa phone. Importante 'to. Maglibot ka na hahanapin na lang


kita mamaya." Sagot nya at lumayo pa sya ng konti at nakipag-usap ulit sa phone.
Ikakasal na kami pero parang may itinatago pa rin sya sa'kin. Bahala na nga sya.
Mag-iikot na lang ako. Ayokong panoorin kung sinong mga umaakyat dito dahil alam
kong hindi naman sya dadating. Lalo ko lang sinasaktan yung sarili ko. Sinaktan na
nga ako pero gusto ko pa rin syang makita. Mabuti na lang at sinusunod ko na ang
puso ko kesa sa isip ko.

Dahil masyadong mahangin dito sa taas kinuha ko yung pantali ko sa buhok sa bag ko.
Para walang sagabal sa pamamasyal ko. Konting oras na lang kasi hindi na ko single.
Ilang oras na lang matatapos na din ang lahat.
Habang kinukuha ko ang panali sa buhok nakita ko ang maliit na box na iniabot
sa'kin ni kuya Geoff. Sobrang importante daw yung sa'kin at buksan ko daw yung
kapag naguguluhan ako. Since hindi pa naman ako naguguluhan hindi ko na lang sya
bubuksan.

Malapit nang umalis ang ship. Paalam sa inyong lahat. Paalam sa mga memories na
nakalimutan ko. Paalam sa mga taong naging part ng buhay ko. Paalam sa lahat -
paalam sa'yo.

**************

ZAK'S POV

"Bilisan nyo na!" pumasok kami sa loob. Medyo mahaba pa nga ang pila dun sa bilihan
ng entrance ticket para makapasok, mabuti na lang at gwapo kami. "Paano ba tayo
makakasakay?"

"Kung nagpabook ka na ng trip few days before." Sagot ni Val. Mas lalo naman akong
nawalan ng pag-asa.

"Pero pwede ka pa ring makaalis ngayon." Sabi ni Tuck na parang may hinahanap.
"Ayun!" lumapit kami sa parang information counter.

"Miss, gusto kong magcruise ngayon." Sabi ko dun sa babae.

"Sir may reservation po ba sila?" I need to calm myself. Relax lang Zak.

"Wala pa. Ngayon ko lang naisipang umalis kaya pakibilisan dahil hinahabol ko ang
10am trip." Tinatap ko na yung desk yung babae dahil hindi na ko mapakali.

"Maswerte kayo sir may customer na nagcancel ng trip kahapon lang." Mabuti naman at
umaayon pa rin sa'kin ang swerte. "VIP first class po sir, 115,000 pesos po."

"F*ck! Konti na lang eh prize ko na yan sa laban eh!!" sobrang mahal naman! Wala
naman akong credit card o kahit cash! Tumingin ako kay Val.

"Dude sorry pero may limit ang credit card ko, hanggang 100,000 lang." sabi ni Val
then tumingin ako kay Jezhi.

"Naiwan ko sa car ang wallet ko, wala akong dalang kahit ano except my phone." Tss
wala talagang kwenta 'tong mga 'to. Lumapit ako kay Tuck.

"Mahal na mahal talaga kita. Ikaw ang pangalawang taong mahal ko sa mundo at
sobrang matalik kitang kaibigan. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan at alam
kong ayaw mo rin akong nasasaktan. Kaya Tuck ipahiram mo na sa'kin ang credit card
mo." Nakahawak pa ko sa balikat nya.

"Dami mo pang sinabi dude. Hindi naman kita matitiis!" kinuha nya yung wallet nya
at iniabot ang dalawang credit cards sa babae. "50,000 dito sa isa then 50,000 sa
isa. Icacash ko yung 15,000 and please pakibilis." At kinindatan pa nya nga yung
babae. Akala ko ba pinapabilis nya, para namang mas lalo nya pang pinapatagal dahil
kikiligin pa yan.

"Sa'kin na yung isang 50,000 para naman may maitulong ako sa'yo." Kinuha ni Val
yung isang credit card sa teller at iniabot yung sa kanya.

"Sir ito na po yung pass and ito po yung cover ng package and since VIP po kayo ito
po yung card na gagamitin nyo - " hinablot ko sa kanya lahat ng hawak nya.

"Miss nagmamadali ako. Babasahin ko na lang yan." Hinawakan ko ang mga binigay ni
ateng counter at humarap ako sa mga kasama ko. "Salamat sa inyo. Babayaran ko na
lang kayo sa next laban ko." Yumakap ako kay Tuck at Val at nakita kong paparating
din sila Rich kaya umalis na ko.

"Teka - susunod na laban? Wala ka na namang susunod na laban ah. Di ba last na yung
nakaraan?" Sabi ni Val at natawa naman ako. "Oh man, bakit kasi nagoffer pa ko."
Natatawa na lang ako sa reaction nya. Tsaka ko na lang sila iintindihin. Ang
importante maabutan ko si aswang.

"Bawiin mo si Lex at wag mo kaming kalimutang tawagan ha!" sabi ni Tuck habang
nananakbo ako.

"HOY ZAK! MAGKU-CRUISE KA PALA HINDI KA MAN LANG NAGYAYAYA!!!" lumingon ako kay
Rich na akala eh magpapakasaya lang ako. Mabuti nga at nabatukan sya ni Tuck. Sila
na ang bahalang magpaliwanag. Kailangan ko agad mahanap si aswang - sa malaking
ship na 'to.

*************

ALEXA'S POV

Nakakaexcite! Umaandar na ang ship. "GOODBYEEEE!!!!" sumigaw ako ng malakas. "I


WILL MISS YOU!!!!!!!!" para yun sa kanya - sa taong nanakit sa'kin. Ang sarap ng
pakiramdam ng sumisigaw. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakakainis naman kasi hanggang
sa huli sya pa rin ang naiisip ko. Nakakagutom naman, nasaan ba si Tyan?

Bumalik ako sa pinanggalingan ko kanina, nagbabakasakaling nandun pa si Tyan at


hindi naman ako nagkamali. Nandun pa rin sya at may kausap sya sa phone. Nilapitan
ko sya at yumakap ako sa braso nya. "Honey, nagugutom na ko. Magbreakfast tayo."

"Honey mauna ka nang kumain okay?" then tinuloy nya ang conversation sa phone.

"But I wanna eat with you." Bulong ko sa tenga nya pero tinulak nya lang ako palayo
sa kanya tsaka sya lumayo sa'kin. "Wow, wala kang time sa'kin ngayon?!!"

Tumingin sya sa'kin. "Sandali lang honey tatapusin ko lang 'to dahil importante
'tong pinaguusapan namin. I'll get whatever you want okay?"

"Gusto ko ng flowers!" para kong bata na nagta-tantrums.

"Later honey! Later." Lumapit ako sa kanya at kinuha ko yung phone nya tsaka ko
kinancel yung call. "WHAT THE F*CK ALEXA!!! Importante yung tawag na yun! Mas
importante pa yun sa'yo at mas importante pa yun sa buhay ko!!" I was taken aback
by his words. Ibinalik ko sa kanya yung phone nya at tumakbo ako. Gusto kong
umiyak. "Oh come on honey! I didn't mean to say that. It's not what you think!"
hinabol ako ni Tyan. Tumigil ako sa unahang part ng ship at pinipigilan kong
umiyak. Hindi ako naharap sa kanya at hindi rin ako nagsasalita. Naramdaman ko na
lang na may yumakap sa'kin from behind. "I'm sorry if I yelled at you. I know
that's not right pero kasi inaayos ko ang business para sa maayos na wedding. Gusto
kong ibigay sa'yo ang isang wedding na gusto mo."
"I'm fine. Tapusin mo na yung dapat mong tapusin." Inalis ko ang kamay nya na
nakayakap sa'kin.

"Mamaya na lang. Kumain na lang muna tayo. Gutom na din kasi ako." Hinalikan nya ko
sa ulo at hinawakan sa kamay. Pumasok kami sa loob para kumain. Tahimik lang sya
pero nagte-text pa din. Hindi ko na lang pinansin kasi baka mag-away pa kami.

"Anong ginagawa ko dati kapag mas inuuna mo pa ang business kesa sa'kin?" tanong ko
kay Tyan habang kumakain ng steak.

"Mmm wala lang. Nilalambing mo ko, minamasahe at pinagluluto." Hindi man lang sya
tumingin sa'kin habang nagsasalita.

"Pinagluluto kita? Ako nagluluto? Alam ko nagkaamnesia ako two years ago pero -
pero hindi ako marunong magluto aside sa specialty ko." Napatingin si Tyan sa'kin.

"That's what I meant - yung specialty mo." He smiled at tinuloy ang pagtetext.

Hindi na kami nagusap after nun. Sino kayang katext nya. "Hindi naman siguro babae
yan no?" tumawa sya ng malakas sa tanong ko then ibinaba nya yung phone sa table
tsaka lang sya kumain. "So?"

"Honey hindi yan babae. Masyado kang selosa. Ikaw na nga ang papakasalan ko di ba?"
nakangiti sya habang kumakain. Tapos na kong kumain habang ngayon palang sya
nagstart. Mabuti na lang talaga gutom ako kung hindi baka nawalan na ko ng gana.

Sumandal ako at tumingin sa paligid. Naisipan kong icheck ang phone ko sa bag ng
mapansin ko ang maliit na box na ibinigay ni kuya Geoff. Dahil naguguluhan ako sa
mga nangyayari sa'min ni Tyan naisipan kong kunin yung box. Dahan-dahan ko syang
binuksan para silipin kung anong laman at sobrang nagulat ako sa nakita ko. Isang
necklace na may heart locket. "Wow Tyan it's beautiful." Yung mga inis ko kanina
dahil sa pagsigaw nya sa'kin at yung pagignore nya sa'kin lahat nawala nung makita
ko yung necklace. "I love it."

"What?" gulat naman nyang tanong sa'kin na parang nagwa-wonder anong sinasabi ko.

"This necklace, it's beautiful." Tiningnan nya lang yung hawak ko. "Ibinigay 'to ni
kuya sa'kin pero hindi naman nya sinabing galing sa kanya."
"Ah oo, ngayon nya lang ibinigay?" nagnod ako at tinuloy naman nya ang pagkain.

Dahil sobrang excited ako naisipan kong isuot na yung necklace pero naisip ko muna
syang buksan para makita kung anong nasa loob. I mean for sure picture namin ni
Tyan yun syempre, pero baka sakaling mafeel ko ulit yung love ko para sa kanya dati
nung wala pa kong amnesia. Pagkopen na pagkaopen ko nakita ko agad ang picture ko,
wala pa ring pinagbago. Pero pagtingin ko sa kabilang picture napatayo tayo and I
covered my mouth to my surprised.

"Hey I know that thing is so beautiful pero you don't need to react like that."
Hindi ko napigilang umiyak. Sa sobrang gulat ko nasampal ko si Tyan. "What was that
for?"

"Para sa'kin ba talaga 'tong necklace?" pumatak ang luha ko habang hawak-hawak ko
ang necklace.

"Of course!" alam kong gusto nya kong gantihan sa pagsampal ko sa kanya. Hindi nya
lang magawa dahil maraming tao.

"Sabihin mo nga sa'kin Tyan, ikaw ba talaga ang boyfriend ko at si Zak ang habol ng
habol sa'kin o si Zak talaga ang boyfriend ko at ikaw ang humahabol sa'kin?" buong
loob kong tanong sa kanya. Biglang nagbago ang facial expression nya.

"Where are these coming from?" he lowered his voice.

"Just answer my question." Nakatitig lang ako sa kanya at iniintay ko kung anong
isasagot nya.

"Do we need to talk about this in here?" tumingin sya sa paligid pero hindi ako
sumagot. "Fine. Tulad ng sinabi ko sa'yo nung una palang hindi ko yun babaguhin. I
am consistent with my words."

"And you will be responsible for that." Ipinakita ko sa kanya yung picture sa
locket. "At bakit picture namin ni Zak ang nandito? Oh now I know. Ito yung
sinasabi ni kuya Geoff. Tingnan ko raw 'to kung naguguluhan na ko. Thanks to him
dahil nalaman ko kung gaano ka kasinungaling." Isinuot ko yung necklace at iniwan
ko syang nakaupo.
Habang papalabas ako naramdaman kong may kumapit ng mahigpit sa braso ko at
kinaladkad ako papunta sa part ng ship na konti ang tao. "Oo sige, naging kayo ni
Zak pero ako pa rin yung pinili mo! Ako yung mahal mo at ako yung gusto ng family
mo for you!!"

"Bitawan mo ko!! Nasasaktan ako!!" hinigit ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya.


"Kung akala mo maloloko mo pa ang isip ko well you're wrong! Hindi kita mahal Tyan!
Si Zak ang mahal ko! Kahit nakalimutan sya ng isip ko sya pa rin ang nasa puso
ko!!" Hindi ko napigilang umiyak. "Akala nila mommy mabuti kang tao kaya gusto ka
nila para sa'kin. Pero kapag nalaman nilang sinasaktan mo ko siguradong sila na
mismo ang aayaw sa'yo! Si Zak ang mabuting tao at hindi ikaw!!"

"Mabuting tao ba yung pinagpalit ka sa ibang babae? He had s*x with a random girl.
Yan ba ang tinatawag mong mabuting tao? Well then I guess I can have s*x with
anyone!!" sinampal ko ulit sya pero sinampal nya rin ako agad pabalik. "Hindi mo ba
alam na wala pang nanaakit sa'kin!! Pasalamat ka mahal kita dahil kung hindi kanina
pa kita binaril!"

Nagulat ako sa sinabi nya na halos ayoko na syang lapitan. Natakot ako ng sinabi
nyang kaya nya kong barilin. Pero hindi ako nagpadaig sa takot ko. "Paano mo
nalaman na pumatol si Zak sa ibang babae? I never told anyone about it. Paano mo
nalaman!!" nagulat sya sa tanong ko pero halatang hindi sya susuko sa kung anong
gusto nyang mangyari. "Don't tell me pinlano mo lahat! Sinet-up mo si Zak!!"
pinagsusuntok ko ang chest nya pero nahawakan nya ang dalawa kong kamay.

"Oo! Sinet up ko sya nung nakipagbreak ka sa'kin!! Dahil hindi ko kaya! Gusto ko
lang makita kung papatulan nya yung babae pero dahil lalaki lang sya hindi sya
nakapagtiis. Ginawa ko yun para sa'yo! Para makita mo na kayang matukso sa ibang
babae yang Zak na yan!" Ang higpit ng pagkakahawak nya sa'kin pero hindi ko na
nararamdaman ang sakit.

"Hindi na ko magpapakasal sa'yo!!" hinawakan nya ko sa chin ng mahigpit na


mahigpit.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko. Hindi mo alam ang kaya kong gawin! Kaya kong
ipapatay ang buong pamilya mo kasama na si Zak! Ako ang nandito ngayon! Hindi ka na
mapupuntahan ng Zak mo!" hindi maitatago sa mukha ko ang takot dahil sa sinabi
nyang kaya nyang pumatak. Yung itsura nya parang takas sa mental. "Pero don't
worry. Hindi ko naman talaga kayang pumatay. Nasasabi ko lang lahat 'to dahil mahal
na mahal kita. Ginawa ko lahat para mahalin mo rin ako." Hinalikan nya ko sa ulo.
"May gagawin lang ako ha. Ipapa-page na lang kita kapag nawala ka sa paningin ko."

Napaupo ako nang bitawan nya ko. Parang naging jelly yung mga tuhod ko sa sobrang
takot. Bakit ibang Channing yung nakikita ko? Bakit bigla syang nagiging
nakakatakot? Gusto kong umalis. Gusto kong bumalik pero hindi ko na magagawa. Mag-
isa lang ako at napapaligiran kami ng dagat. Naisipan kong tawagan sila papa kaya
kinuha ko ang phone ko. Pero bago pa ko makapagdial bigla na lang may nang-agaw ng
phone ko at pagtingin ko si Channing pala.

"This is our vacation. Phone's not allowed." Inihagis nya sa tubig yung phone ko.
"I'll be right back honey. I love you so much." Umiyak ako ng umiyak dahil sa
takot. Bakit ipinagkatiwala ako ng mga magulang ko sa ganitong klase ng tao? Hindi
ako makapagsumbong sa iba dahil natatakot ako sa pwede nyang gawin kina mommy.
Hindi pa alam nila mommy kung anong klaseng tao si Channing at kung magsusumbong
ako baka kung anong gawin nya. Nagawa nya ngang paikutin kaming lahat ng walang
nakakapansin kaya alam kong magaling sya.

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko. Wala na kong magagawa. Kailangan kong
magsakripisyo para sa mga taong mahal ko. Masaya akong malaman na hindi talaga ako
niloko ni Zak at alam kong hindi nya ko kayang lokohin. Hindi nagkamali ang puso
ko. Alam nyang si Zak talaga ang mahal ko at wala ng iba.

Tumingin ako sa dagat at hinawakan ko ang necklace ko. Gusto kong bumalik. Gusto ko
syang makita pero hindi ko na magagawa. It's too late. Sana kapag pwede ring
operahan ang puso para makalimutan ko din lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Sobrang hirap - sobrang sakit.

"Calling the attention of Miss Alexa Ciesla Andrade, please proceed to the event
center third floor now. Miss Alexa Ciesla Andrade, to event center. Thank you."

Hindi ko alam kung pupunta ba ako or not. Isa na naman 'to sa kaartihan ni
Channing. Wala na kong magagawa. Sa kanya pa din naman ako ikakasal so wala na kong
choice. This is his game at wrong move lang pwede ng may hindi magandang mangyari
sa'kin at sa family ko.

Inayos ko ang sarili ko at nagpunta ako sa third floor. Event center daw at
madaming tao dun. Parang mini resto din kasi may mga kumakain kaya lang sa unahan
may stage at medyo malawak. Pumasok ako sa loob para hanapin si Channing pero hindi
ko naman sya makita kaya lumapit ako dun sa crew na nag-aayos sa stage. "Excuse me,
I'm Alexa Ciesla. Pinapunta po ako dito. Bakit po kaya?"

Ngumiti lang yung crew tsaka umalis. Hala, ano naman kayang nangyayari? Tinakot din
ba sya ni Channing?

Tumingin ako sa paligid at nasa unahan ako ng event center. Bago pa ko maging
center of attraction aalis na ko. Yumuko ako ng biglang bumukas ang mga ilaw.
Napatigil ako sa gulat. Nasilaw ako sa ilaw na nakatapat sa'kin at hindi ko makita
yung mga tao kaya naman nagmadali akong naglakad paalis sa gitna ng biglang may
tumugtog.

What would I do without your smart mouth?

Drawing me in, and you kicking me out

You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

Napatigil ako sa paglakad at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit
pero parang kilala ko yung kumakanta. Sino kayang singer nitong song na 'to?
Biglang nawala yung ibang ilaw at umikot sya sa buong event center pero may naiwan
pa rin na nakatapat sa'kin. Naisip ko baka ito yung way ni Channing para magsorry.
Pag sya talaga ang kumakanta nito papatawarin ko na sya.

My head's under water

But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind

Gusto kong makita kung sinong kumakanta. Gusto kong malaman kung anong kanta yun.
Habang natingin ako sa paligid nakita kong kakadating lang ni Channing kaya naman
nagulat ako kasi kung nandun sya sino yung kumakanta?

May nakita akong shadow ng lalaking nakatayo sa may tapat ko, sa dulo ng event
center pero hindi ko masyadong makita dahil nasisilaw ako.

'Cause all of me

Loves all of you

Nawala sa'kin yung spotlight at tumapat bigla dun sa nakanta. Halos mapaluha ako
nung makita ko kung sino sya - si Zak.

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections


Give your all to me

I'll give my all to you

You're my end and my beginning

Even when I lose I'm winning

'Cause I give you all of me

And you give me all of you, oh

Naglakad na sya papunta sa direction ko habang kumakanta. Kumaway sya sa'kin at


ngumiti at hindi ko malamang dahilan napaluha ako, alam kong tears of joy 'to.
Nasundan nya ko dito? Hindi ko maexplain yung feeling. Gusto ko na syang yakapin at
halikan pero nagsign sya na wag akong aalis sa pwesto ko. This guy is torturing me.
I'm so dying to be with him now.

How many times do I have to tell you

Even when you're crying you're beautiful too

The world is beating you down, I'm around through every mood

You're my downfall, you're my muse

My worst distraction, my rhythm and blues

I can't stop singing, it's ringing, in my head for you

My head's under water

But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind

Malapit na sya sa'kin at hindi na ko makapaghintay. Nanginginig ang mga tuhod ko at


nanlalamig ang pawis ko. Ang gwapo nya kahit na parang kulang pa sya sa tulog.
"Faster please!" sigaw ko sa kanya. He winked at me nang marinig nya yung sigaw ko
at medyo tumigil pa sya sa paglakad. Nang-aasar talaga 'tong lalaking 'to.

Nang makarating sya sa harapan ko bigla syang lumuhod. What is he doing? I wanna
hug him now tapos luluhod sya. "What's wrong with you?" I raised my eyebrow.
Ngumiti lang sya. Isang ngiti lang and everything's okay.

Give me all of you


Cards on the table, we're both showing hearts

Risking it all, though it's hard

Kinuha nya yung kamay ko at hinalikan. Please I need oxygen. I can't breathe. Sulit
naman pala lahat ng iniiyak ko. Hinawakan ko sya sa mukha. Sobrang gwapo nya. Hindi
ko masisisi ang puso ko ngayon kung bakit nagwawala sya sa loob at nagtatalon sa
tuwa. Kapag tumagal pa 'to feeling ko dadalhin na ko sa hospital.

'Cause all of me

Loves all of you

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections

Give your all to me

I'll give my all to you

You're my end and my beginning

Even when I lose I'm winning

'Cause I give you all of me

And you give me all of you

I give you all of me

And you give me all of you, oh

Niyakap ko sya agad after nyang kumanta. Hinalikan ko rin sya dahil hindi na ko
makapaghintay. "Tumayo ka na dyan oh. Paano mo nalaman? I mean akala ko hindi na
kita makikita. Akala ko - akala ko - " hindi ko na ulit napigilang umiyak.

Pinunasan nya ang luha ko. "Pwede ba naman yun? Nagpromise ako sa'yo na gagawin ko
lahat para maalala mo ko at para bumalik ka sa'kin. Gusto na nga kitang iuntog sa
pader o kaya paluin ng baseball bat sa ulo para maalala mo ko."

"Gagawin mo talaga yun?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.

"Syempre hindi. Alam kong naalala ako ng puso mo." Napatingin sya sa necklace ko.
"Itinago mo pala yan."

Nagnod ako. "I'm sorry kung akala ko niloko mo ko. I'm sorry. Kasalanan lahat 'to
ni Channing." Yumakap ulit ako sa kanya. "Pwede bang tumayo ka na dyan?"

"Sandali lang." may kinuha sya sa bulsa nya - isang maliit na box. Inopen nya yung
box at nakita kong may ring. "I know this is not the right time. Marami na tayong
pinagdaanan at sa sobrang dami wala ka nang matandaan." Napatawa sya but he
continued. "I don't know if this is too early nor too late but the hell I care. I
want to be with you for the rest of my life. I wanna grow old with you at hindi ko
na kakayanin kung mawawala ka pa sa'kin." Tumigil sya sandali at tumitig sa mga
mata ko. "Alexa Ciesla Andrade, will you marry me?" Nagsigawan yung mga tao kaya
medyo nahiya ako kasi naman nasa gitna kami ng event center. Hindi ko alam kung
anong magiging reaction ko. Sobrang saya ko na gusto ko ngayon na mismo kami
magpakasal. Ito yung moment na hindi ko inaakalang mangyayari pa. Ang lalaking
pinakamamahal ko nandito ngayon sa harapan ko at niyaya akong magpakasal. Sya lang
- sya lang ang gusto kong makasama wala ng iba.

"Sasagot ka ba or maghihintay na lang ako dito?" napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Yes Flint Maliff! Yes!!!!!!" iniabot ko naman agad ang kamay ko.

"Hmmmm. May singsing ka na pala so I guess hindi mo na 'to kailangan?" Tinanggal ko


agad ang ring na binigay ni Channing.

"Ayan okay na! Game!" excited kong sabi. Kinuha nya ang kamay ko at isinuot yung
ring. "Oh my gosh it's beautiful! Tumayo ka na dyan!" hinigit ko sya patayo sabay
yakap.

Tinitigan nya ko at hinawakan nya ko sa cheek. "You're so irresistible. Hindi ko


akalaing magiging sa'kin ka na talaga." Kinuha nya yung kamay ko at inilagay nya sa
dibdib nya. "Natatandaan mo ba ang beat na 'to?"

Nagnod ako at di maiwasang tumulo ng luha ko. "Yan din ang beat ng puso ko. Para
silang nag-uusap. Sobrang saya nila."

"At ganyan din ang gagawin ko sa'yo. Papasayahin kita at hindi kita papaiyakin."
Hinampas ko sya sa dibdib. "O bakit?"
"Pinapaiyak mo na nga ako ngayon." Pinunasan ko ang luha ako. Inayos nya ang buhok
ko ang tinitigan nya ang buong mukha ko.

"Pinapaiyak kita sa kilig. Alam ko namang kanina ka pa nagpipigil kasi nakita mo


kung gaano ako ka-hot. Don't worry, dadating tayo dyan. Sa'yo lang 'tong maskulado
kong katawan. Intayin mo lang at gagawin din natin ang gusto mong gawin or kung
gusto mo iadvance na natin?" Nakakahiya naman mga pinagsasabi nitong lalaking 'to.
Namumula na ko sa sobrang kahihiyan.

"Hoy ang kapal mo ha. Hot din kaya ako no. If I know kung walang tao dito ngayon -
"

"- inangkin ko na ang lahat sa'yo." He cuts me off. Natawa ako, kasi totoo naman
lahat ng sinabi nya. Hindi ko na maitatago pa - ang kilig at saya.

Nagseryoso ako ng tingin sa kanya at inayos-ayos ko pa ang buhok nya. "Sa'yong-sayo


lang ako at wala ng iba kaya kahit matagalan pa wala kang dapat ipagalala. Lahat
sa'kin ay sa'yo lang."

"Pwede ko na bang kunin ngayon?" binatukan ko sya ng malakas. "WALA NAMANG MASAMANG
MAGTANONG AH! PWEDE KA NAMANG SUMAGOT NG AYOS HINDI YUNG NANANAKIT KA PA! Tsaka -
sinusubukan ko lang naman kung makakalusot." Hindi sya makatingin ng diretso
sa'kin. Namumula sya at ang gwapo nya lalo.

Tumawa ako at nagtitigan kami. Kahit hindi kami magsalita nagkakaintindihan ang mga
mata namin. "So I guess ito na yung part na hahalikan mo ko?" I wrapped my arms
around his neck.

"I thought it's the other way around. Ikaw yung hahalik sa'kin di ba?" He smirked
and I frowned. "I can't say no to those lips." And his lips met mine. We kissed
like there's no tomorrow, like we owned the world. This moment will lasts forever.
This feeling won't fade - until the end of time.

*******************************************
79

*******************************************
IMPORTANT!

Three chapters to go na lang. Di ba marami kayong mga unanswered questions so sa


remaining chapters masasagot yan and i-feel nyo na lang yung mga huling chapters.
Wag na magviolent reactions about sa UD at kung gustong malaman agad ang mangyayari
sa next chapter 2K votes lang.
Thanks.

*******************************

ALEXA'S POV

"Ehem!" napatigil kami ni Zak at nakita ko si Channing na nakatayo sa tabihan


namin. Hinawakan ako ni Zak at itinago sa likuran nya. "Look, I just want to
congratulate you. I guess that's much it." Iniabot ni Channing ang kamay nya kay
Zak.

"Zak don't!" alam mo bang sinet-up ka nya. Yung babaeng maharot na tumabi sa'yo sa
kama na inunahan pa ko sa sobrang kalandian na makati pa sa dahon ng gabi at parang
higad na mukhang sugpo - "

"Sasabihin mo ba sa'kin o idedescribe mo pa yung babaeng yun?" napatigil ako nang


magsalita si Zak at medyo nahiya naman ako.

"Sabi ko nga. As I was saying sya ang may pakana kung bakit kita nahuli with that -
whore." You can't blame me. Nagagalit ako tuwing maalala ko yung panget na babaeng
yun.

"I just did that because - "

Bago pa sya matapos magsalita nasuntok na sya ni Zak. "That's for ruining our
love." Natakot naman ako kasi dugo agad yung mukha ni Channing. Iniisip ko kung ano
pang magagawa ni Zak sa kanya kapag nalaman nyang hindi lang ako sinigawan nitong
kumag na 'to kundi sinaktan din nya ko. Sa tingin ko hindi ko na kailangang sabihin
pa kasi baka makapatay lang si Zak at hindi ko hahayaang dumihan nya ang mga kamay
nya para sa maduming taong tulad ni Channing.

"I deserve that." Nakangiting sabi ni Channing. Tumalikod sya at lumabas ng event
center. Nakita kong may kausap sya sa phone. Grabe, hiwalay na nga kami hindi pa
rin nya mabitawan yung phone nya.

"Wag ka nang matakot hindi na ako mawawala sa tabi mo." Hinawakan ni goon ang
dalawang kamay ko. "What are you holding?" naalala kong nasa kabilang kamay ko pa
pala yung singsing ni Channing.
"I'm gonna return this ring to him." Papalapit ako kay Channing. Hinawakan ni Zak
ng mahigpit ang kamay ko.

"Sasama ako." Nagnod lang ako at lumapit kami kay Channing. Ibinaba nya agad ang
phone ng makita nyang papalapit kami sa kanya.

"Channing I am really sorry it has to end this way. You're my friend and nothing
can change that. I know who I want to marry and it's not you." Kinuha ko yung kamay
nya at iniabot ko yung singsing. "I am not the right girl."

Ngumiti si Channing at kinuha ang ring. "Alexa can I talk to you?" tumingin sya kay
Zak. "Just the two of us."

"Aba't - " susuntukin na sana ulit ni Zak si Channing pero napigilan ko sya agad.

"Zak I can handle this. Could get me something to drink, please?" ngumiti sya at
hinalikan nya ko sa lips.

"Okay pero dito ka lang at wag kang aalis. Babalik ako agad." Nagnod at tiningnan
ko sya habang papasok sya sa event center.

"So what do you wanna talk about Channing?" I folded my arms over my chest.

"Wow, bigla kang tumapang ah. He is really your strength I must say." He said while
touching the back of his neck.

"He is." I agreed.

"I just want you to know that I am letting you go. No worries." Ibinato nya ang
ring sa tubig. "I don't wanna say this but I have to say goodbye. I am sorry sa
lahat ng ginawa ko. I didn't win your heart before at hanggang ngayon ganun pa rin.
I am such a loser." Nakita kong naluluha si Channing at parang naawa namana ko.

"Alam ko namang ginawa mo lang yun because you love me and you don't wanna lose me
but you also have to accept na me and Zak are doing the same because we love each
other. We don't wanna lose each other." Hindi ako sanay na kausapin sya ng ganito
after ng mga ginawa nya sa'kin.

"I understand. One sided lang kasi yung sa'tin." Tumitig sa'kin si Channing. "Ito
na yung huli nating pagkikita. I won't bother you again at hindi ako pupunta sa
kasal nyo ni Zak. It's a suicide." Napatawa sya ng konti.

"You're always welcome to visit me anytime you want Tyan. You're still my childhood
friend. I know things change pero magkaibigan pa rin tayo." Tinap ko sya sa
balikat.

"Thanks. Napabait mo talaga. Swerte ni Zak sa'yo." Nakatitig sya sa may likuran ko.
Titingnan ko na sana kung saan sya nakatingin ng bigla nyag hinawakan ang mga
balikat ko. "Can I hug you, please? This will be the last and consider this as my
farewell hug." Hindi na din naman ako nakatanggi. Tumingin muna ako sa loob ng
event center at nakita ko si Zak na nakatalikod at nakuha ng drinks namin.

"Okay." Niyakap ko sya at yumakap din naman sya sa'kin.

"Thank you Alexa - " Bigla syang tumahimik at may naradaman akong matigas na bagay
sa may side ko, " - but I can't lose you." Sinubukan kong bumitaw sa kanya pero
hindi nya ko binitawan. "Don't try to shout nor make any unnecessary movements or
else I won't hesitate to pull the trigger." Natakot ako bigla ng sinabi nyang
trigger.

"Channing please. I know you're a good person at hindi mo kayang pumatay ng tao."
Sinusubukan ko syag kausapin at iconvince.

"Nah ah Alexa. I'd rather kill you kesa mapunta ka sa iba." Bumitaw sya sa
pagkakayakap sa'kin at inakbayan ako but still ramdam ko pa rin yung baril sa side
ko.

"Makukulong ka sa ginagawa mo Channing. Hindi kita ako magsusumbong sa mga pulis


just let me go." Mahinahon ang ako magsalita at hindi ako gumagawa ng reason para
maginit ang ulo nya.

"Don't you get it? I'm the law." Naglakad sya at hinigit ako pero hindi ako
kumilos. "Susunod ako if I were you. Kapag ipinutok ko 'tong baril walang
makakarinig. Ihahagis na lang kita sa dagat after."
Hinawakan ko ang necklace na suot ko at hinigit ko sya tsaka ko binitawan. Wala na
kasi akong choice kundi lumakad kasabay ni Channing. Kung kaya akong patayin ni
Channing alam kong kaya nya ring patayin si Zak. Papunta kami sa may likuran ng
ship at hindi nya pa rin inaalis ang baril na nakatutok sa'kin. Sana mapansin ni
Zak na nawala na ko at sana humingi sya ng tulong. Sana makita nya yung necklace
para malaman nyang hindi ako okay.

**********************

ZAK'S POV

Ang tagal naman nung order ko. Umorder na din kasi ako ng sundae, fries at burger
para kay aswang. Gusto kong kumain kami sa taas habang nakatingin sa ocean. Sumilip
ako sa likuran at nandun pa naman silang dalawa nag-uusap pero tumalikod na lang
ako dahil naiinis akong makita silang ganyan. Umupo ako sa stool habang nakatingin
sa kabilang door ng event center. Kita dun dagat at ang ganda nyang pagmasdan. Kaya
lang nakakainis dahil may mga taong daan ng daan. Tapos 'tong mga lalaking mukhang
sindikato akala mo kung sinong mga siga na umaakyat na lang sa side ng ship. San ba
sila galing? Ano sila mga pirata?

Napatayo ako bigla nang mamukaan ko yung mga lalaking bumugbog sa'kin. Lumapit ako
sa kabilang pintuan at dahan-dahang sumilip. Nakita kong sila rin yung mga lalaking
dumukot kay aswang. Pero anong ginagawa nila dito? Akala ko ba nakulong na sila?
Paano nila nalaman na nandito ako? Oh crap! Si aswang!

Nagmadali akong puntahan si aswang kung saan ko sila huling iniwang nag-uusap ni
Channing. Kailangan naming magtago dahil alam kong may hindi magandang mangyayari.
"Aswang!" pero paglabas ko wala na sila dung dalawa. Tumingin ako sa paligid pero
hindi ko sila makita ng may matapakan ako. "Nooooo!" ang necklace na ibinigay ko
kay aswang. "ALEXA!! ALEXA!!" tumakbo ako sa kabilang side pero wala pa rin sya
dun. Pumunta ako sa part kung saan ko nakita yung mga lalaking dumukot sa kanya.
Nakita kong bumaba yung mga lalaki kaya bumaba din ako.

Habang nababa ako nakita ko si Alexa na hawak ni Channing. Mukhang inilalayo sya ni
Channing sa mga lalaking yun. "ALEXA!!" mabilis naman syang napatingin sa'kin.

"ZAK!!!" parang pelikula lang yung pagtatawagan namin. Syempre hindi ko na sya ulit
tatawagin dahil para na kaming mga siraulo nun. Sinundan ko na lang kung saan sila
papunta. Tinalon ko na yung hagdanan para maabutan ko sila.

Tumigil sila sa unahang part ng ship kaya nanakbo ako agad ng biglang humarang ang
mga loko. "Anong kailangan nyo? Bakit kayo nandito?" nakatingin ako kay Channing at
Alexa. "Alexa ayos ka lang ba?" hindi sya sumasagot at nakatingin lang sya sa'kin.
Tumingin ako sa mga lalaking nakaharang sa'kin. "Umalis kayo dyan kung ayaw nyong
masaktan."

"Ooooooooooooooh!! Nakakatakot!" sabi nung lalaking mukhang kingkong.

"Channing tumawag ka ng tulong! Baka kung anong gawin nila kay Alexa!" sigaw ko kay
Channing. Nagkatinginan naman ang mga lalaki at lumingon kay Channing. "Wag nyo
silang lalapitan."

"At paano kung gusto ko silang lapitan?" isa-isa silang tumalikod sa'kin at
papalapit sila kay Channing.

Hindi nagsasalita si aswang at umiiyak na sya. Hindi ko alam kung anong nangyayari
pero papasugod ako sa mga lalaki ng bigla nila kong tutukan ng baril.

"Subukan mong gumalaw at papasabugin ko ang bungo mo. Matagal na kong gigil na
gigil sa'yong kumag ka!!" sa tono ng pagsasalita nya halatang galit na galit sya
sa'kin.

"Boss okay na po ang lahat." Sabi nung isa nyang kasama. Ano kaya ang sinabi nitong
okay na ang lahat? "Wag kang susunod." Pero bago pa makakilos yung lalaki sinipa ko
yung kamay nya na may hawak na baril. Tumalsik ang baril sa malayo.

"CHANNGING ILAYO MO NA SI ALEXA DITO!!" sumugod ang mga kumag sa'kin pero wala
silang magawa. Hindi ako pagod ngayon kaya lalaban ako. Galit ako dahil sinisira
nila ang moment namin ni Alexa.

Biglang tumigil sa pagsugod ang mga kumag sa'kin at lumapit kina Alexa. "Anong
gagawin nyo sa kanya! Wag nyo syang sasaktan!!" sinuntok ni Channing yung isang
lalaki pero hindi naman sya ginantihan at tumawa lang ang mga kasama nya. Papalapit
na ko sa lalaking may hawak kay Alexa ng bigla syang tumuntong sa dulo ng ship.

"Wag kang gagalaw!" sigaw nung lalaki sa'kin. May nakatutok na baril kay aswang at
nakahawak yung lalaki sa bibig ni aswang. "Kapag sinubukan mong lumapit tatalon ako
at isasama ko 'tong syota mo!!"

Hindi ako makakilos at tumitingin ako sa paligid. "Ano bang gusto nyo? Bakit nyo
'to ginagawa?"
"Anong gusto namin? Pera syempre. At bakit namin ginagawa? Kasi ang boss namin ang
nagbibigay sa'min ng malaking pera. Sya ang nag-uutos sa'min ng mga dapat naming
gawin!" tapos tumawa ulit yung lalaki. Nakakapagtaka lang at wala man lang gustong
lumapit o humingi ng tulong at parang patay malisya pa ang mga tao.

"Anong gusto ng boss nyo?" hindi na nakasagot yung lalaki dahil bigla na lang syang
tumalon kasunod ng mga kasama nyang kumag.

"HOY! INGATAN NYO ANG BABAENG YAN! HUMANDA KAYONG LAHAT SA'KIN KAPAG NAABUTAN KO
KAYO!!" lumapit ako kay Channing.

"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

"Anong gagawin natin?" humawak sya sa mukha nya. "Ako ito!!" sabay suntok ng
malakas sa mukha ko. "Fvck! Ang tigas ng mukha mo! Ganti ko yan sa'yo dahil nakaisa
ka sa mukha ko kanina!! Alam mo sawang-sawa na ko sa pagmumukha mo. Gusto na kitang
durugin pero ayokong kamuhian ako ni Alexa habang buhay!"

Tumayo ako at hinawakan ko ang dugo sa mukha ko. "Pare hindi 'to ang oras para
magaway. Ang importante si Alexa."

"Importante talaga sya lalo na sa'kin!!" Parang baliw na adik ang itsura ni
Channing. Ibang-iba sa nakikita namin.

"Boss tayo na po." Sabi nung isang lalaking naiwan pa sa ship. Pumila ang apat na
lalaki at sabay-sabay na yumuko na parang hagdanan.

"Anong ibigsabihin nito?" naguguluhan kong tanong. Tinuntungan ni Channing yung mga
lalaki hanggang makarating sya sa pinakadulo.

Humarap sya sa'kin. "Ciao Zak." Sa sobrang galit ko nanakbo ako papalapit sa kanya
pero bago ko pa sya maabutan naharang ako nung ibang lalaki. Hindi ako nagpaawat si
sinuntok ko sila isa-isa. Pero huli na. Nakatalon na si Channing kaya sumilip ako
agad kung saan sila bumagsak.

May nakareadi na maliit na parang yacht ang nasa may side ng ship. "ZAK!! ZAK
TULUNGAN MO KO!!" narinig kong sigaw ni Alexa. Inakbayan sya ni Channing at
tinutukan ng baril sa ulo.

"HAYOP KA CHANNING!!" Plano ko na ring tumalon pero nahawakan ako sa kamay ng


dalawang lalaking naiwan.

"Sorry Zak, you lose!!" sigaw ni Channing sa'kin. Nagsisunuran na rin ang mga
lalaking naiwan sa ship. Bago pa makatalon ang pinahuli sa kanila nahagilap ko sya
at sinuntok ko. "Sige Zak sa'yo na yan!"

Parang motorboat ang bilis ng takbo nung sinasakyan nila kaya mabilis silang
nakalayo. "Boss! Boss wag nyo kong iwanan dito!!" sigaw nitong lalaking kasama
nila. Sa sobrang galit ko pinagsusuntok ko ang lalaking 'to hanggang lumabas na ang
dugo sa bibig nya.

"Sabihin mo sa'kin saan pupunta si Channing?" ngumiti lang 'tong kumag na 'to kaya
sinikmuraan ko. "Siguro naman may pamilya ka pa?"

"Oo kaya nga hindi ako magsasalita dahil hindi mo alam kung anong kayang gawin ni
boss. Kapag nagsalita ako ipapaubos nya ang buong pamilya ko." Hindi ko alam kung
maniniwala ako sa sinasabi nitong lalaking 'to pero dahil galit nga ako sinuntok ko
ulit sya ng malakas sa mukha.

"Anong ibig mong sabihin? Sino ba si Channing?" Pero hindi sya sumagot. Matigas
'tong lalaking 'to. Tumayo ako at tinapakan ko sya sa dibdib para hindi sya
makagalaw. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Tuck.

[How was the trip lover boy?]

"Nandito sila. Pakibigay sa'kin ang number ng papa namin ni aswang."

[Zak anong nangyayari at parang hindi ka okay? Nasaan si Lex? Sinong nandyan?]

"Yung mga bumugbog sa'kin at mga kumidnap kay aswang."

[Ano?!!]
"Look Tuck wala akong oras magpaliwanag! Tinangay nila si aswang. Kinuha sya ni
Channing!"

[Si Channing? Paanong kinuha?]

"Si Channing ang boss ng mga ungas na yun!"

[Sinasabi ko na nga ba hindi nya talaga tayo iniligtas nung rambol eh. Kaya pala
bigla na lang syag sumulpot dun.]

"Pwede bang alamin mo kung sino si Channing at I need back ups. Tatawagan na lang
ulit kita para sabihin kung saan dinala ng hayop na yun si aswang."

[Sige. Isesend ko na lang sa'yo ang number ni tito."

Pagkababa ko ng phone sinipa ko ulit sa mukha 'tong lalaking nakahiga. "Makinig ka,
kaya naming protektahan ang pamilya mo. Papalitan natin ang pangalan nyo at
bibigyan namin kayo ng pera para makalayo. Makakatakas ka na kay Channing. Kaya
kung ako sa'yo magsasalita na ko!!"

Susuntukin ko na sana sya ulit ng bigla nya kong pinigilan. "Sandali!!" Umupo sya
dahan-dahan. "Totoo bang mailalayo nyo ako at ang pamilya ko?"

"Eksakto!" kahit hindi ko alam kung magagawa nga yun ng papa namin ni aswang.

"Sa Umero Island, dun dadalhin ni boss yung babae. May darating na helicopter dun
mamaya para sunduin sila." Hindi na ko makapaghintay. Tumayo ako agad at naghanap
ng pwedeng sakyan. Nareceive ko ang text ni Tucker kaya mabilis kong tinawagan ang
papa namin ni aswang.

"Teka! Yung pangako mo! Sabi mo tutulungan mo kong makabitaw kay boss!!" habol-
habol ako nung lalaki.

"Oo! Wag kang atat!" Iniintay kong sagutin yung phone ng papa namin. After ng
mahabang ring sinagot din. "Si Zak po 'to. Makinig po kayong mabuti. Si Alexa
tinangay ni Channing."
[Zak, I know this is really hard for you but you have to accept the fact na kay
Channing magpapakasal si Alexa.]

D*mn it! Ano bang sinasabi nitong matandang 'to. "Kami na po ni Alexa ang ikakasal.
Masamang tao si Channing!"

[Hindi sya masamang tao Zak. Galit ka lang kaya mo nasasabi yan.]

"Makinig kayong mabuti!!! Si Channing ang nagpabugbog sa'kin at nagpakidnap kay


Alexa. Wala na sila dito sa cruise dahil tinangay sya ni Channing papunta sa Umero
Island! Wag kayong maniwala kung ayaw nyo! Pero oras na may mangyaring masama kay
Alexa hinding-hindi ko kayo mapapatawad!!!" hindi ko na sya inintay na
makapagsalita dahil ibinaba ko na agad ang phone.

Sumilip ako sa dagat at hindi ko alam ang gagawin ng may makita akong nakasabit na
parang salbabida sa side ng ship. Aalis n asana ako ng mapansin kong may motor yung
parang salbabida na yun. Tumingin ako sa paligid tsaka ko kinalas sa pagkakatali
yung nakita ko. Hindi ko alam kung magiging effective 'to pero mas okay na rin yung
subukan. Tinext ko muna si Tucker na mauna na ko sa Umero Island bago ko ibaba sa
tubig yung sea motorboat na 'to. Tumalon ako sa tubig tsaka ako sumakay dahil kung
tatalunan ko 'to baka mabutas.

Hintayin mo lang ako aswang papunta na ko. GPS lang sa phone ko ang tanging way
para makita ko kung saan ang Umero Island na yan.

*******************************************
80

*******************************************
Last chapter before the FINAL WAVE. Prepare yourselves, at syempre dahil hindi
naman naka-2k ang last chapters matatagalan ang paglagay ng final wave chapter. :)
May mga pasok kasi kaya hindi pa nababasa nung iba. But I am hoping tomorrow mabasa
na ng lahat at ivote ang last chapter pati 'to. :)

Thanks,
<3 megladiolus
***************************

ALEXA'S POV
"Screw you Channing! Akala mo ba after ng mga ginawa mo gugustuhin pa kitang
makasama habang buhay? Mas gusto ko pang mamatay!!" hawak-hawak ako ni Channing sa
braso at kakababa lang namin sa isang island.

"Wag kang mag-alala honey, kung yan ang gusto mo I will give it to you. Mararanasan
mo kung paano mabuhay na parang patay." Kinaladkad nya ako papasok sa island.
Maliit lang naman sya at halos kaya mong ikutin. Meron lang parang flatform sa
taas.

"Ang kapal ng mukha mong gawin sa'kin 'to! Pinagkatiwalaan kita!!" bigla nya kong
tinutukan ng baril.

"Tatahimik ka ba o gagamitan pa kita ng dahas?" hindi na ko nagsalita dahil ayoko


pa naman talagang mamatay.

"Darating si Zak at ililigtas nya ko!!" tumawa lang si Channing sa sinabi ko.

"Oh like a knight in shining armor? Ikaw ang prinsesa and I'm the bad guy? Wow,
fairytale ha." Hinawakan nya ko sa leeg. "Wala ka sa fairytale Alexa. Nandito ka sa
mundo ko at sa mundo ko ako ang masusunod!!" Hinahaplos nya ang buhok ko at para na
syang nababaliw. "Magandang place din 'to para paglibingan kay Zak kung darating
sya." At bigla nya kong sinampal ng malakas tsaka sya tumawa at pinakaladkad ako sa
mga alaga nyang unggoy.

Sana naman may magligtas sa'kin dito. At sana gumamit ng utak si Zak. Wag naman
sana syang sumugod mag-isa. Naglakad kami papaakyat sa taas. Hindi naman sya
kataasan pero nakakamatay kapal nalaglag ka. Nakakatakot din ang mga bato sa ibaba.

"Anong oras daw ba sila darating?" tanong ni Channing sa kasama nya.

"Sabi kanina boss papunta na daw sila." Sagot nung isang lalaking mukhang kingkong.
"HOY ANONG TINITINGIN-TINGIN MO DYAN!! KUNYARI KA PANG HINDI MO BOYFRIEND YUNG ZAK
NA YUN HA!! SINUNGALING!!" sabi nya sa'kin.

"HOY WALA KANG KARAPATANG TAWAGIN AKONG SINUNGALING!! ANO BANG SINASABI MO EH
NGAYON NGA LANG TAYO NAGKITA - AT DITO PA TALAGA SA LUNGGA MO - KINGKONG!!"
papalapit sa'kin yung lalaki at napaatras naman ako.

"TAMA NA YAN!" pagpigil ni Channing. "May amnesia yan kaya hindi nya natatandaan
yang mga panget nyong mukha." Lumapit sa'kin si Channing at hinawakan ako sa braso.
"Dito ka lang sa tabihan ko. Ikaw ang magiging reyna ng aking organisasyon."

I spit on his face at isang mabilis na sampal naman ang ibinigay nya sa'kin. "Kahit
patayin mo ko ngayon hinding-hindi ako sasama sa'yo."

"As if you have a choice honey! Your parents trust me with all their heart at
mahihirapan kang siraan ako sa kanila." Tumawa sya lang sya. Hinawakan nya ko sa
leeg. "Kaya kahit saktan kita kapag hindi ka sumunod sa'kin gagawin ko. Pwede kong
sabihing ginagawa mo yan sa sarili mo dahil si Zak pa rin ang mahal mo. Kanino kaya
sila maniniwala?"

"Wala ka talagang kasing sama!! Kahit sa impyerno hindi tatanggapin yang kaluluwa
mo!!" inalis ko ang kamay nya na nakahawak sa mukha ko. "Hindi ganun kababaw ang
mga magulang ko para hindi sila maniwala sa'kin!"

"Oh yeah? Kaya ba nandito ngayon kasama ko?" he shook his head at tumingin lang sa
taas. "Malilintikan sa'kin ang mga yun kapag hindi pa sila dumating."

Napatingin ako sa may dagat at may nakita akong isang motorboat na papalapit. Sana
naman hindi si goon yan at hindi sya nagpunta dito mag-isa dahil kapag nagkataon
sabay lang kaming mamamatay dito.

"Boss may paparating po. Isa lang naman." Report nung isang alagad na kingkong ni
Channing. Isang malakas na suntok ang isinagot ni Channing sa kanya.

"Kailangan sinasabi nyo pa sa'kin yan? Iisa-isa lang yan poproblemahin ko pa ba?
Isang dosena tayo dito mga ungas!!!" hindi na nagsalita yung lalaking nagreport sa
kanya at bumaba na lang kasama ng apat pa na lalaki.

"Ganyan ka ba sa lahat ng tao? Kung ituring mo para silang mga hayop?" tinitigan
nya ko na nanlilisik ang mga mata.

"I am the boss honey. Binabayaran ko sila para sundin ako. Don't worry, gagawin din
kitang animal. Gagamitin kita hanggang gusto ko." Kinilabutan ako sa narinig ko
from him na halos gusto ko na syang itulak pero hindi ko magawa dahil hawak-hawak
na nya ako ulit.

Ilang minuto pa lang after bumaba nung apat na alagad ni Channing may nakita kaming
helicopter na paparating. Nabuhayan ako dahil alam kong may makakakita sa'min kaya
lang biglang tumawa si Channing. "We can finally leave honey." Kumaway si Channing
sa helicopter na paparating.

"No!! No!! Hindi ako sasama sa'yo!!" higit-higit nya ako sa may bukana para mas
kita yung helicopter.

Nagtatawanan silang lahat ng biglang sumabog yung helicopter na kinakawayan nya


kaya napaupo kaming lahat. "Anong nangyari?" tumingin kami sa helicopter at nakita
naming nalaglag 'to sa dagat. "Cr*p!" kinuha nya ang phone nya at may tinawagan.
"Magpadala kayo ng back up in 5 minutes!!"

May nakita akong tatlo pang helicopter. Nabuhayan ako ng loob dahil alam kong yun
ang tutulong sa'kin para makaalis dito. "Wala ka ng pupuntahan Channing! Sumuko ka
na lang!!"

Balisa na ang itsura ni Channing at halatang galit na galit na sya. Hinigit nya ako
pabalik ulit sa may gubat di kalayuan sa flatform at nagtago kami. Pinagmasdan
naman yung mga helicopters na tumigil sa baba at may mga lumabas sa sundalo. Alam
kong nandito sila to rescue me. "Harangan nyo sila. Wag nyo silang hahayaang
makarating sa pwesto ko. Gawin nyo lahat habang iniintay ko ang isa pang
helicopter. Kung kailangan nyong mamatay gawin nyo!!"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Channing. Wala talaga syang awa at hindi ko
inaasahan na mas masama pa sya sa inaasahan ko. "Channing hindi pa huli ang lahat.
Pwede ka pang sumuko para tapos na 'to. Wag mong sayangin ang buhay mo ng dahil
lang sa'kin!"

"Shut up! I worked hard for this! Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko!!" Hinawakan
nya ang baril nya tsaka nya ko hinigit. "Mabuti na yung may shield ko in case of
emergency."

"Ipanghaharang mo ko?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.

"Why not? Sinabi mo kanina you'd rather die that to be with me? I'm granting your
wish honey." Tumawa sya ng tumawa na parang baliw. Natatakot na ko. Sana dumating
na ang mga tutulong sa'kin. Sana dumating na si Zak.

************

ZAK'S POV
Dumating ako sa Umero Island. Mabuti na lang at halos kasabay ko lang ang mga
pinadalang rescuers ni Tuck, ng papa namin ni aswang at ng papa nila ni Luke. Akala
ko makakatakas na sila mabuti nalang sumabog yung helicopter ni Channing habang
nasa may tubig palang dahil kung hindi malamang nabagsakan pa ko ngayon.

Bumaba yung mga sundalo sa helicopters. Inikutan ng iba yung island habang yung iba
eh kasama ko sa paghahanap kay aswang.

"Dude!" napalingon ako at nakita ko ang mga Sterke Geest.

"Bakit nagpunta pa kayo dito?" nag-aalala kong tanong sa kanila.

"Ano ba namang tanong yan? One for all, all for one tayo! Isa pa para kay Lex 'to."
Sabi ni Tuck.

"Salamat mga dude pero mag-iingat kayo." Ngumiti sila at naglakad na ko papunta sa
loob ng gubat. Syempre hindi ganun kadaling makapasok basta-basta dahil papasok
palang kami pinaulanan na kami ng bala. Mabuti na lang may malaking bato at
nakapagtago na kami agad.

Natamaan din naman agad ng bala yung mga ungas na nagpaputok sa'min. "Clear!!"
narinig kong sigaw nung isang sundalo kaya sumunod ako sa kanila. "Sir, mabuti pang
dito na lang po kayo. Wala kayong baril or protection. Masyadong delikado sa inyo.
Kami na lang ang maghahanap."

Hindi ako nakasunod sa kanila. Hindi naman ako mapapanatag na dito lang ako. Dapat
meron akong gawin. "Zak!" napalingon ako sa tawag ni Tuck. Lumapit sya sa'kin. "Si
Channing pala at si Lamor ay iisa."

"Lamor?" tanong ko.

"Oo. Ang head ng Domerc Syndicate na kilala sa buong mundo. Marami na syang napatay
at pagpatay ng tao ang isa sa mga libangan nya. Sya din ang nakapatay sa half
brother nya ng malaman nyang may kapatid sya sa labas." Mas lalo akong kinabahan sa
sinabi ni Tuck.
"Si aswang!" itinulak ko sya at nagiba ako ng daan.

"Zak mag-iingat ka!!" narinig kong sigaw ni Tuck. Nag-aabang sila sa palibot ng
island just in case makita nila si Channing at mga kasama nito.

Nag-iba ako ng daan kaya hindi agad ako nakita ng ibang mga ulupong ni Channing.
Natakot ako sa sinabi ni Tuck na libangan ni Channing ang pumatay. Bakit kailangan
naming mainvolve sa ganitong violence? Simple at masaya naman kami dati.

Nakaiwas ako sa barilan sa kabilang daan at papunta ako sa flatform sa taas para
makita ko ang paligid. Dahan-dahan akong naglakad ng makita ko si Channing at
aswang. Napansin ni aswang na papalapit ako kaya sinenyasan ko sya na wag maingay.
Galing ako sa likuran ni Channing.

Papasugod na ko sa kanya ng bigla nya kong tutukan ng baril pero dahil mabilis ang
reflexes ko nasipa ko agad ang baril kaya tumalsik sya. Mabilis din kumilos si
Channing. Nasuntok nya ko agad at nasipa. Marunong syag mag-taekwando. "Ano Maliff
hanggang dyan ka lang? Isa ka lang pipitsuging underground fighter. Hindi mo
mapapantayan ang isang tulad ko!"

"Alam ko - Lamor!" parang nagulat si Channing ng banggitin ko ang alias nya.


Mukhang hindi alam ng pamilya ni Alexa ang tungkol dyan." Tumayo ako ako mula sa
pagkakasipa nya.

"Well I guess ito na ang last day mo sa mundo Flint Maliff dahil alam mo na ang
tungkol dyan!" sinugod nya ulit ako pero hindi na ko nagpatalo. Nagpalitan kami ng
suntok at sipa. Magaling sya kumpara sa mga nakakalaban ko sa arean. "I'm impressed
Maliff, nakakasabay ka sa'kin! Pero I doubt kung hanggang saan!" susuntukin ko sya
ng bigla nyang hinawakan ang braso ko at inikot tsaka ako ibinalibag. Bumagsak ako
sa batuhan at parang nabali ang braso ko.

Nakita kong kukunin ni Channing ang baril pero nakipagunahan si aswang sa kanya.
"Hayop ka talaga Channing!!" sigaw ni aswang sa kanya pero isang malakas na sampal
lang ang ibinigay nya kay aswang.

"HAYOP KA CHANNING!! SINONG MAY SABI SA'YONG MANAKIT NG BABAE! BAKLA KA!!" napatayo
ako ng biglaan tsaka napalapit sa kanya at nasuntok ko sya ng matagal. Duguan na
ang mukha nya pero ngumingiti pa rin.

"Zak!" narinig kong sigaw ni aswang. Lilingon ako sa kanya ng bigla akong may
naramdamang bagay na nakatutok sa'kin.
"Subukan mong kumilos kundi sabog yang utak mo!" nakita ko ang isang ulupong ni
Channing na may hawak na baril at nakatutok sa'kin.

Tumawa si Channging tsaka ako sinuntok ng malakas sa mukha. Sinipa nya rin ako at
hindi ako makakilos dahil may nakatutok na baril sa'kin. Tumayo ako at nakatingin
ako kay Channing. "Sige na, tapusin mo na yang Maliff na yan!"

"Wag!!!"

*BANG

Tiningnan ko agad si aswang kung ayos lang sya ng biglang natumba ang ulupong ni
Channing. Nakita ko ang mga sundalong kasama namin.

Nagpanic naman agad si Channing at paglingon ko ulit kay Alexa wala na sya sa
pwesto nya. "Zak!!" Nakita kong hawak na sya ni Channing at may nakatutok na baril
sa ulo nya.

"Channing wag mong saktan si Alexa!!" dahan-dahan akong sumunod sa kanila.

"Walang susunod kung ayaw nyong pasabugin ko ang ulo ng babaeng 'to. I'm Lamor and
you know I can kill her!" dahan-dahan syang umaatras.

"Channing stop!!" nag-aalala kasi ako na baka malaglag sila ni aswang sa ibaba.

"Walang lalapit hanggang hindi dumadating ang helicopter ko. Unfair naman kung si
Alexa lang ang may escorts." Tumawa sya ng tumawa na parang baliw.

"Channing please tama na! Wala ka ng pupuntahan. Kahit patayin mo ko mamamatay ka


rin." Umiiyak na sabi ni aswang.

"The hell I care honey! There's no turning back." Hinalikan nya pa si aswang na
lalong nagpainis sa'kin. Nagpupumiglas si aswang pero wala syang magawa.
Nakita kong naglalakad ang mga sundalo papalapit kina Channing. "No! Wag kayong
lumapit! Walang lalapit!! Hindi ko kayo mapapatawad kapag may nangyari sa
mapapangasawa ko!!" Tumigil naman sila sa paglakad pero nakatututok pa rin ang
baril nila kay Channing.

"Mas okay siguro kung ibaba nyo lahat ng baril na yan no?" hindi kumilos ang mga
sundalo ng itinutok ni Channing ng ayos ang baril na hawak nya sa ulo ni aswang.

"Boys!" ibinaba nila ang baril na hawak nila ng biglang nagpaputok ng baril si
Channing at natumba ang katabi kong sundalo. Nilapitan naman agad sya ng mga kasama
nya at nakita naming sa ulo sya tinamaan.

"Oh, didn't you know I'm a sharp shooter?" tumawa sya ng tumawa. Baliw na talaga
'tong Channing na 'to. "At ikaw na ang susunod Maliff!" hindi ko alam ang gagawin
ko. Ayokong makita ng babaeng mahal ko kung paano ko mamamatay. "Walang lalapit
kundi babarilin ko talaga 'tong Maliff na 'to -"

*BANG

*******************************************
81

*******************************************
ZAK'S POV

*BANG

Bumagsak ang baril na hawak ni Channing at may lumabas na dugo sa bibig nya.
Napatingin ako sa ibaba at nakita kong may bumaril sa kanya na sundalo using magnum
sniper rifle. Inalis naman agad ni aswang ang pagkakahawak ni Channing sa kanya
kaya nalaglag si Channing.

"Zak!" tawag ni aswang. Papalapit ako sa kanya ng bigla syang mapaatras at nakita
kong nakahawak si Channing sa paa nya. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya
pero hindi ko sya naabutan.

"ALEXA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" nakita kong naunang bumagsak si Channing at sa batuhan


sya tumama habang dumiretso naman sa tubig ang bagsak ni aswang. Nakita kong
mabilis ang rescue ng ibang sundalo sa baba. Nagmadali naman akong bumaba para
hanapin si aswang.

Hindi pwede! Hindi sya pwedeng mawala! Ang dami na naming pinagdaanan eh. Ang dami
na pero bakit hindi nauubos! Hindi ba talaga kami pwedeng maging masaya? Wala akong
nagawa! Wala akong nagawa para iligtas sya! Ako - ako ang huling tinawag nya bago
sya mahulog at nakita ko pa kung paano sya bumagsak sa tubig. Hindi ko matatanggap
'to habang buhay kung may mangyaring hindi maganda sa kanya.

"Nasaan sya!! Nasaan sya!!!" tanong ko agad kina Tuck na nasa baba kung saan
nahulog si aswang.

"Zak! Zak relax! Hinahanap na namin sya." Kinakalma ako ng mga kaibigan ko pero
hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Wala akong nagawa. Pinanood ko lang syang malaglag. Wala akong kwenta!!" hindi ko
na napigilang umiyak habang hindi ko alam kung anong gagawin. "Wala akong silbi!!
Lagi na lang syang napapahamak ng wala akong nagagawa para matulungan sya!!!"

"Dude ginawa mo na lahat para sa kanya at alam nya yun!" sabi ni Rich pero bigla ko
syang nilapitan at hinawakan sa collar.

"Pero wala pa rin akong nagawa!!!!!! Alam nyo ba ang pakiramdam na makita ang
babaeng mahal mo na nawawala sa harapan mo ng wala kang ginagawa!!" itinulak ko
sya. "Fvck dude! Hindi ko kaya!!"

"We found her!!" narinig kong sabi ng rescuer. Nakasakay na sa stretcher si aswang.
"Clear the way!" nilapitan ko agad si aswang. May dugo sya sa ulo at wala syang
malay.

"Is she okay?" nag-aalala kong tanong.

"She's still breathing pero dapat madala na sya agad sa ospital." Isinakay nila si
aswang sa helicopter at sumama naman ako.

Habang papataas yung helicopter nakita kong kinukuhanan ng picture si Channing


habang nakahiga sa batuhan. Halos hati ang ulo nya. Binuhat sya at binalot tsaka
tinalian. Kulang pa yan sa ginawa nya. Hindi sya tatanggapin sa impyerno dahil sa
sobrang sama nya. Alam ko - alam ko na inaabangan na sya ng mga taong pinatay nya
sa kabilang buhay. Wala syang pera o baril dun kaya wala syang way para masaktan
ulit sila ng isa pang beses.

Nilagyan nila ng oxygen si aswang habang hawak-hawak ko ang kamay nya. "Sir,
linisin po natin ang braso nyo." Sabi nung medic.

Nakalimutan ko na na may bali nga pala ang braso ko. Mas masakit ang maisip na
mawawala si aswang sa'kin kesa sa sakit ng bali kong braso.

Dahil nakahelicopter kami mabilis kaming nakarating sa ospital. Ipinasok agad sya
sa emergency room. Hindi ako makapaniwalang suki si aswang ng mga ospital.
Pinigilan akong pumasok sa loob kaya nandito na naman ako sa labas at halos mabaliw
sa kahihintay. Sa sobrang tagal hindi ko namalayang nakatulog na ko.

Nagising ako at nakita ko ang Sterke Geest. Dumating daw ang parents ni aswang at
inilipat sya ng ospital. "Bakit hindi nyo ko ginising?"

"Dude sinabi ng parents nya sa ibang bansa na nila dadalhin si Lex. Hindi ka na
namin ginising dahil alam namin kung anong gagawin mo. Gusto nilang lumayo na tayo
kay Lex." Nasuntok ko ang pader ng marinig ko ang sinabi nila.

"Pero ligtas ba sya? Wala bang problema?" nag-aalala kong tanong sa kanila.

"She's fine." Sagot ni Tuck.

Okay lang na mapalayo sya sa'kin basta alam kong ligtas sya. Kung ligtas sya may
chance pa na magkita kami. Dahil kung namatay sya sa kabilang buhay na lang kami
magkikita at hindi ko yun kakayanin.

Bumalik na ako sa bahay at nagpapagaling ng braso. Madalas dumadalaw ang Sterke


Geest sa'kin dahil natatakot daw sila na baka nagpakamatay na ko. Ang kukulit nga
nila eh. Nalilibang ako kasi nandito sila para pasayahin ako kaya lang minsan
naiinis din ako - kay Val. Paano kung makapanginggit tungkol sa kanila ni Jezhi
wagas. Sinasabihan ko na nga sya na wag nang dadalaw kung puro yun lang ang
sasabihin.

After a month magaling na ang braso ko pero ang sugat sa puso ko sa pag-alis ni
aswang hindi pa rin naghi-heal kahit konti. Malakas pa rin ang tiwala ko na
magkikita kaming dalawa, kung hindi man ngayon alam ko balang araw.
Balak ko lang humiga buong araw ng may mareceive akong text mula sa papa namin ni
aswang kaya napaupo ako bigla.

I need to talk to you now. Magkita tayo sa Solvera Sichel, 9am sharp.

So nandito na pala sya. Alam kong hindi nya kasama si aswang pero hindi ko
mapapangakong hindi ko sya masasaktan dahil inilayo nya sa'kin ang babaeng mahal
ko. Galit ako. Galit na galit ako sa mga taong naglalayo sa'ming dalawa! Pipilitin
ko syang sabihin sa'kin kung nasaan si aswang at pupuntahan ko sya. Kung tungkol
lang sa ipapamana nya sa'kin ang paguusapan namin para tigilan ko si aswang pwes
magsasayang lang sya ng oras. Hindi nabibili ang pagmamahal ko kay aswang.

Dumating ako sa Solvera Sichel pero wala namang ibang sasakyang nakapark dun aside
sa kotse ko. Iniisip ko tuloy kung dito ba talaga ang place or hindi. First time ko
rin kasing makakapunta dito.

Pumasok ako sa loob at wala pang tao. Siguro kakabukas lang nila. "Good morning
sir. May reservation po ba kayo?"

"Yes." Tipid kong sagot.

"Ano pong name nyo?"

"Flint Maliff."

"This way po sir." Sumunod ako sa babae at itinuro nya ang center table na malapit
sa mini stage. Iniabot nya yung menu sa'kin.

"Mamaya na ko oorder pagdating nung kausap ko." Nagnod yung babae tsaka umalis.

Sabi 9am daw eh 9:03 na. Walang isang salita. Habang nagiintay ako bigla naman
silang nagpatugtog tapos ang korni pa ng intro parang ang lungkot. "Miss! Miss
pakipalitan nga ng song!!" lumingon ako sa paligid pero biglang nawala ang mga tao.

There's a place we know


What's cold enough won't grow

We have seen the dark

And the darkness took it's toll

And the journey waits for no one

If no one breaks the mould

And our hearts are stronger than we know

Oooh

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hinahanap ko kung sinong kumakanta.

That you and I could learn to love again

After all this time

Maybe that is how I knew you were the one

That you could still believe in me again

After all our trials

Maybe that is how I knew you were the one-

Kahit hindi ko sya makita alam kong sya ang kumakanta. Napangiti ako dahil gusto ko
nang makita kung nasan sya kaya tumayo ako at inikot ko ang tingin ko sa paligid.

To awake and know we made it through the storm

And someone saves their sweet embrace

For you and you alone

Oooh

Naramdaman kong may humawak sa shoulder ko kaya bigla akong lumingon pero nakaikot
agad sya papunta sa kabilang side ko kaya hindi ko sya nakita. "Oh don't play with
me, you'd regret it." Nakangiti kong sabi sa kanya. Iikot na ko ulit at bigla ko
syang nahawakan but she pushed me. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sya
nga - nandito na sya.
That you and I could learn to love again

After all this time

Maybe that is how I knew you were the one

That you could still believe in me again

After all our trials

Maybe that is how I knew you were the one.

"Come here!" sabi ko sa kanya pero lumayo sya.

"Di pa tapos." She smiled at me. Akala nya ba gusto kong kumanta pa sya kesa
yakapin sya? Ano ba naman 'tong babaeng 'to. "HINDI MO BA KO NAMISS!! KANTA KA PA
NG KANTA DYAN!!"

Tumawa lang sya then umakyat sya sa stage at tinanggal nya ang ponytail nya. Para
namang rakista bigla ang start nya. May tumugtog ulit at wala akong choice kundi
ang maghintay.

I know your insides are feeling so hollow

And it's a hard pill for you to swallow, yeah

But if I fall for you, I'll never recover

If I fall for you, I'll never be the same

Nagwink pa sya sa'kin tsaka sya ulit bumaba ng stage with matching pagclap pa ng
hands.

I really wanna love somebody

"HOY ANO BANG KANTA YAN!!" sigaw ko sa kanya at tumawa lang sya.

I really wanna dance the night away

I know we're only half way there


But you can take me all the way, you can take me all the way

"I wanna take you all the way din kaya lumapit ka na sa'kin!!!! Ang tagal naman
ih!!" nabubugnot na ko talaga.

I really wanna touch somebody

"BAKIT BA SOMEBODY KA DYAN NG SOMEBODY!! PWEDE NAMANG AKO NA LANG ANG MAGTOUCH
SA'YO AH!!" dahil hindi na ko makapigil hinablot ko na sya palapit sa'kin.

I'll think about you every single day

I know we're only half way there

But you can take me all the way, you can take me all the way

"I'd love to take you all the way, as in express way." Ang ganda ng ngiti nya.
Nakahawak ako sa waist nya habang nakalagay naman ang arms nya sa shoulder ko. "ANO
BA TITITIGAN MO NA LANG BA KO?!!! MATAPOS MO KONG IWAN!! TSAKA BAKIT HINDI MO
SINABING UUWI KA NA PARA NAMAN SANA NAKAPAGHANDA AKO NG RED CARPET!!!"

"Weh? Red carpet talaga?" natatawa nyang sabi.

"Red roses na lang pala mas madali." Medyo nahiya kong sabi at tumawa naman sya.

"Namiss ko yang pagba-blush mo." Tinitigan nya ko ng medyo matagal.

"YUN LANG? PAGBABLUSH KO LANG!! GRABE!! SAMANTALANG AKO NAMISS KO LAHAT SA'YO TAPOS
IKAW YUN LANG!! ANO BA NAMAN YAN!!! SIGURO NAKAHANAP KA NA NG IBA NO!!!!!!"
nasasaktan na ko agad dahil sa mga sinabi ko. "MAY PAKANTA-KANTA KA PA DYAN!!"

Tumawa sya ng malakas. D*mn I missed her laughs. "Syempre no! Sa'yo ko kaya 'to
natutunan. Naisip ko kasi palaging ikaw na lang ang may surprise, ikaw na lang ang
laging kumakanta. Nung umalis ka kaya galing ibang bansa ganito din naman ang
ginawa mo ah!!" She poked me.
Natulala ako sa sinabi nya at parang hindi ako makapaniwala. "Naalala mo yun? Yung
umuwi ako galing laban? Yung mga ginawa kong surprises? Naalala mo na ba lahat?"

She twirled here hair. "Nope. Hindi ko naaalala na sa abandoned building naging
tayo. Hindi ko naalala na na kinantahan mo ko nung umuwi ka galing laban. Hindi ko
naalala nung first monthsary natin sa cemetery. Hindi ko - " I cut her off by
kissing her lips.

"Ito ba naaalala mo?" she kissed me back and I loved it. Nabitawan na nya ang mic
at bumagsak sya sa floor. I grabbed her butt at iniupo ko sya sa table. I kissed
her neck. "I missed you so much and I can't lose you ever again." She took off my
shirt and kissed my neck down to my chest. "D*mn! You're so hot! Where did you
learn that!!"

"Kusang gumagalaw ang katawan ko." Then our lips met once again.

"Then I guess I should take your clothes off too." She giggled as I whisper those
words to her ears. I hugged her tightly cause I wanna cherish this moment. My hands
ran down at her back caressing it. Para kaming mga wild animals waiting to mate. Oh
wait, did I just say mate? No no! Too early for that.

"So that's your breakfast?" narinig kong sabi ng isang lalaki.

Sobrang bilis ng pangyayari. Kanina lang me and aswang are making out and now
nakatihaya na ko sa floor dahil tinulak ako ni aswang.

"Papa!!" halatang kinakabahan si aswang. Nakakatawa yung itsura nya. "Hi!!


Nageexercise kami. Look oh, nagsisit ups si Zak. Pinapakita nya sa'kin yung abs
nya." Natawa ako sa sinabi nya. So ako naman sit ups bigla. "See."

"And how about you? Anong ginagawa mo?" nakatingin ang papa namin sa kanya.

"Me?" she laughed nervously. "I was done with my curl ups dito sa table. I am
reaching my toes naman, you know, for my tummy." Inilagay ni aswang yung dalawang
paa nya sa table at inaabot nya. "See I'm still fit papa."

"You!" tinuro ako ng papa namin ni aswang. "Stand up! You got some explaining to
do." Oh uh, hindi naniwala kay aswang. Patay na. Tumalikod sya sandali at parang
may hinahanap. "Kung papakin mo na ang anak ko parang candy lang ah."
"Opo papa. Grabe talaga yang si Alexa kung papakin ako." Tiningnan ako ng masama ng
papa namin.

"I'm talking to you, not her. Ikaw ang pumapapak sa kanya. Anong tingin mo dyan
panghimagas?" Main course po. Yan sana ang gusto kong isagot kaya lang ayokong
masira ang magandang moment ngayon. Akala ko pa mandin cool ang papa namin. Terror
pala.

Tumayo ako. "Sorry. Sabi nyo kasi anak. Malay ko ba kung sino sa'min ang kausap
nyo. Anak nyo rin ako remember?" Natigilan naman sya sa sinabi ko. Tumingin ako kay
aswang at nagwink ako. Iniabot naman nya ang shirt ko while mouthing 'I love you.'

Isinuot ko yung shirt at nagulat ako ng pumasok ang mommy ni aswang. Bumaba sa
table si aswang at kumapit sya sa braso ko. "Good morning po." Bati ko sa mommy
nya.

"Good morning." Ngumiti sya sa'kin. Come on. Patay na ba ako? Parang ito yung mga
pinapangarap kong mangyari 1 month ago.

"Mabuti pa umorder na tayo." Sabi ng papa ni aswang.

Umupo na sila at inalalayan ko naman si aswang sa pagupo. "You looked shocked."


Bulong ni aswang sa'kin.

"I am shocked." Mahina kong sagot sa kanya. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko
din naman alam ang sasabihin.

"Zak pinapunta ka namin para magsorry. Alam kong naging selfish ako for the sake of
my princess." Sabi ng mommy ni Alexa. Feeling ko mamamatay na sya kasi nagsosorry
na sya sa'kin. "Nung nalaman ko lahat-lahat ng mga ginawa mo para sa anak ko
sobrang nagsisi ako. Hindi mo sya binitawan kahit hindi ka na nya maalala."

"Pero naalala ko na sya ngayon mommy!" nakangiting sabi ni aswang.

"Princess I am still talking." She warned her.


"Oops, sorry." Kumuha sya ng apple at kinagat nya yun.

"Akala ko kasi mabuting tao si Channing. Her mom's my bestfriend pero kahit sila
hindi nila alam na syndicate lord pala ang anak nila. Alam kong ginawa mo lahat for
her pero sinubukan ko pa rin syang ilayo sa'yo." Hinawakan ako sa kamay ng mommy
nya. "Hindi kita masisisi kung hindi mo ako agad mapatawad but believe me I'm
sincere. Totoo na lahat ng sinasabi ko ngayon."

Tumingin ako kay aswang at nagnod sya. "Oh yes." Bulong nya sa'kin.

"Anak sobrang bilib ako sa inyong dalawa nitong princess namin." Sabi ng papa namin
ni aswang. Bumitaw na din sa pagkakahawak sa kamay ko ng asawa nya at sa kanya
naman kumapit. "Yung ginawa mo para sa anak namin yan ang hindi ko nagawa kahit
minsan para sa mommy mo."

"At ganyan ka din Alexa. Pinaglaban mo rin si Zak at hindi ka sumunod sa gusto ko
for you. I wished na ganyan din ako katapang dati." Nakikita ko sa mukha ng parents
ni aswang na sincere sila sa mga sinasabi nila.

"Hindi naman po ako mapagtanim ng galit. Ang importante lang naman po sa'kin eh
makita ang makasama ulit ang anak nyo." Yumakap sa'kin si aswang.

"He's so sweet." Nakangiting sabi ni aswang.

"Alexa! Babae ka pa mandin!" warning number 2 from her mom.

"What? Mom we're engaged remember?" ipinakita nya ang singsing na bigay ko sa kanya
sa mommy nya.

"I know pero hindi pa rin kayo kasal!"

"As of now! But I can kiss him whenever I want." At nagulat ako ng bigla nya kong
hinalikan sa harap ng parents nya then hinawakan nya ko sa kamay. "Don't worry,
they'll get used to it."
"Pagpasensyahan mo na Zak itong si Alexa. Masyado ka daw nya kasing namiss. Nung
nalaman nga naming bumalik lahat ng memories nya dahil sa pagkakahulog nya nun sa
tubig nagworry kami na baka pilitin nya agad makabalik kahit hindi pa sya magaling.
Pero sabi nya alam naman daw nyang maghihintay ka for her." Hindi inaalis ni aswang
ang tingin nya sa'kin. Ako ang nahihiya sa parents nya ih. Pero kung wala ang
parents nya dito kanina ko pa sya pinapak. Well actually nasimulan ko na pala.

"Pa, mom may meeting pa kayo ng 10am right? I think you should go. Kasi sabi kanina
sa news traffic daw. Baka ma-late kayo sa flight nyo." Then she winked at me. Oh I
love her when she does things like these.

"Oh Ferne we're late." Tumayo ang mommy ni aswang.

"Hindi ba po muna kayo kakain?" tanong ko sa kanila ng bigla akong siniko ni


aswang.

"Sa byahe na kami kakain." Tinitigan ako ng mommy ni aswang. "Take care of my
daughter Zak."

"Makakaasa po kayo." Inakbayan ko si aswang.

"But no s*x hangga't hindi kayo nakakasal ha!" our papa warned us.

"Pa!" natawa ako kay aswang. Seryoso ba sya sa reaction nya na parang disappointed?

"ALEXA CIESLA ANDRADE!!!!" sigaw ng papa namin.

"I was just teasing papa. Masyado kang hot. Masunurin 'tong monster goon ko no!"
sobrang awkward talaga kapag kaharap mo ang parents ng babae. Hindi ko alam paano
magrereact.

"Good. We have to go." Nagbeso sa'min ni aswang ang parents nya at umalis na sila.

"Wooo! Hindi ko alam paano magsasalita. Tsaka grabe sobrang daming nagbago. Parang
ang sarap sa pakiramdam." Tiningnan ko sya.
"Marami na talagang nagbago. Ayoko na kayang bumalik sa hospital kaya bago ako
umuwi sinigurado kong totally fit na ko and healthy." I frowned. "O bakit?"

"Pababalikin pa kasi kita sa hospital - every year." Yung mukha nya parang shocked.

"How dare you! Healthy na ko no kaya hindi mo na ko mapapabalik dun!!!" she pushed
me.

"Oh yes I can. Every year pa nga." I pulled her closer. "Kaya lang hindi na sa
emergency room." I bit her earlobe. "Sa delivery room na."

Napatawa sya then we started to kiss again. I just can't believe everything is okay
now. Wala ng Channing at okay na ko sa parents ni aswang. I couldn't ask for more.
Sya lang ang kailangan ko at wala ng iba.

"I think we should find a place." I whispered to her ears.

"Don't you forget what papa said." She answered while wrapping her arms around my
neck.

"Pero hindi naman ako nagpromise di ba?" nag-isip ako sandali then napatawa kaming
dalawa.

"I'm a good daughter, susunod ako kay papa." Sagot nya at napasimangot naman ako.
"Don't worry, hindi natin gagawin yun but we can still do something else." She
teases me.

I grabbed and kiss her but this time more intense and aggressive. I really love her
and I am so happy na nandito na sya. Sana lang talaga makasal na kami. But that can
wait, all I want now is her and only her. "I love you my one and only sweet
monster, forever and ever."

"Til death do us part." We said in unison.

"I love you too my monster goon always and forever." Niyakap ko sya at niyakap din
nya ko. Wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam na kasama mo ang taong mahal mo at
nagmamahal sa'yo. Sa sobrang dami ng pinagdaanan namin sa wakas natapos na din
lahat.

Final Author's Note

That's it! Yung unang kinanta ni Alexa ay Learn To Love Again by Lawson and yung
second one ay Love Somebody by Maroon 5.

Sa lahat ng loyal PH lovers salamat ng marami. This is not the end of their
journey but the beginning of their new life. :) I am planning to make a special
chapter para sa nangyari sa stories ng ibang characters so may aabangan pa kayo.

*******************************************
SPECIAL CHAPTER

*******************************************
SPECIAL CHAPTER

THIRD PERSON

"So anong plan nyo ni Val pagkagraduate?" naglalakad sa mall ang magkaibigang Jezhi
at Alexa dala-dala ang mga napamili nila.

"I don't know. Siguro sya magmanage ng company nila tapos ako magtatayo ng sariling
company." Tumigil sya at humarap kay Alexa. "But one thing's for sure -
magpapakasal kami at magpaparami ng lahi." Ang laki ng ngiti nya habang pinapakita
ang magandang singsing sa kaibigan. "I checked this ring and guess what - it's so
expensive." At nagsisigaw sya sa sobrang saya. Isang kumikinang na diamond ring ni
Jezhi na halos kitang-kita ang kinang sa buong mall.

Tiningnan ni Alexa ang singsing na bigay sa kanya ni Zak at itinago na lang nya yun
sa bulsa nya. "Parang medyo nagugutom ata ako." Nakatingin sya sa restaurant at
naglakad papunta dun. "Basta wag mo kong kalimutang iinvite sa wedding. Baka mauna
ka pang ikasal sa'kin." Hindi nya ipinakita na medyo nailang sya sa usapang
pagandahan at pamahalan ng singsing.

Habang kumakain sila dumating naman si Val. "Hi baby!" he greeted sabay lapit kay
Jezhi at hinalikan 'to. Umupo sya sa tabihan ng girlfriend.

"Baby I told Alexa about my ring and she was speechless." Hindi naman umimik si
Alexa sa sinabi ni Jezhi at kumain na lang 'to.

"May pupuntahan pa ba kayo after this?" tanong ni Val.

"Wala na. Pwede mo ng dalhin yang girlfriend mo. Papunta na rin naman si goon so
I'll be fine." Itinulak na talaga ni Alexa ang dalawa para makaiwas sa pagkainggit
dahil sa magandang singsing.

"Okay sis. Ingat ka na lang dito." Nagbeso si Jezhi sa kaibigan. Kinuha naman ni
Val ang mga pinamili ng girlfriend at umalis na sila.

Naiwan mag-isa si Alexa habang hinihintay ang pagdating ni Zak. "Miss, pwede bang
makipagkilala?" isang boses ng lalaki ang narinig ni Alexa galing sa likuran nya.
Ngumiti sya at tumingin sa lalaki.

"No. I'm already taken." She giggled.

"Oh ang swerte mo siguro sa boyfriend mo no?" sagot ng lalaki at umupo sya sa
tabihan ni Alexa.

"No! Sya ang swerte sa'kin - on the second thought parang mas hot ka!" she grabbed
the guy and kissed him. "What took you so long goon? And what's with this stranger
move?"

"Wala lang. Kasi naman padating palang ako nakasimangot ka na so I tried to change
your mood." Hinawakan nya sa cheek ang girlfriend. "At mukha namang effective."

Hinawakan ni Zak ang kamay ni Alexa at hinalikan 'to pero wala pa ring reaction ang
dalaga. Tiningnan sya ni Zak at hinawakan nya ng dalawang kamay ang cheek ng
girlfriend. "What's bothering you? No - teka nagbago na ba ang isip mo? Ayaw mo ng
magpakasal sa'kin? No no no!!! Sinasabi ko sa'yo aswang magpapakamatay talaga ko!!
Tatalon ako sa building o kaya - o kaya magpapakabangga ako or - or maglalason or -
" kinuha nya yung knife sa table, " - maglalaslas ako!" Nilagay nya ang knife sa
may pulso nya. "Teka - stainless ba 'to? Baka matetano ako dito ah."
Bigla namang napatawa si Alexa. Tuwang-tuwa syang pagmasdan ang hindi maipaliwanag
na reaction ni Zak. "Magpapakamatay ka di ba? So what kung matetano ka? Mas
mapapabilis ang pagsu-suicide mo."

"ABA TALAGANG GUSTO MO KONG MAMATAY NO!! SIGURO PINAGPALIT MO NA KO!! GRABE KA!!
ILANG MINUTO LANG TAYONG HINDI NAGKITA NAKAHANAP KA NA AGAD NG KAPALIT!! HOY
SINASABI KO SA'YO!!! IDADAMAY KITA PAG NAGPAKAMATAY AKO!! AKALA MO BA - MMMMM"
tinakpan ni Alexa ng kamay nya ang bibig ni Zak.

"Ano bang sinasabi mo? Hoy listen very carefully, never ever akong magbabackout sa
kasal natin. Second, hindi ako nanlalalaki dahil hindi ko yun gawain." Sumeryoso
ang mukha nya at tsaka tumingin ng diretso kay Zak. "Goon - nambababae ako."

"OH CR*P!" nasuntok ni Zak ang table at parang hindi sya makahinga sa narinig.

"WAHAHAHAHHAHA!" napatawa na lang ng malakas si Alexa na nakahawak pa sa kanyang


tyan. "Kung - kung makikita mo lang yang mukha mo - g - gra - grabe - priceless."
She said in between her laughs.

"Ah, so now you're making fun of me huh!" he tickled her girlfriend at mas lalong
hindi na sya makahinga. "Ngayon - magsasabi ka ba ng totoo o hindi kita titigilan!"

"Okay na! Okay na sasabihin ko na!!" hinahabol nya pa ang hininga nya at tumigil
naman si Zak sa ginagawa nya sa girlfriend. Ipinakita ni Alexa ang suot na singsing
sa boyfriend nya. "Kasi naman nakakainggit si Jezhi ang ganda nung ring nya. Well
alam ko namang the best yung proposal mo sa'kin kaya lang kasi - kasi - " she
frowned. "Never mind."

"Ganun?" kinuha ni Zak yung kamay ni Alexa at hinubad ang singsing. "So 'to pala
ang problem mo ha."

"What are you doing?" sinubukang agawin ni Alexa ang ring kay Zak pero ibinato nya
lang sa malayo. "Why did you do that!!" patayo na si Alexa pero hinawakan sya ni
Zak.

"Ayaw mo naman nun di ba?" kalmadong tanong ni Zak.

"Siraulo ka talaga kahit kelan!! Hindi ko naman sinabing ayoko nun!!!!!!" sinuntok
nya sa balikat si Zak.

"So gusto mo nun?" kitang-kita sa mukha ni Alexa na inis na inis sya. Umupo na lang
sya at hindi nagsalita. "Fine! Hahanapin ko! Kung yun yung gusto mong singsing!"
may kinuha si Zak sa bulsa. "Papalitan ko pa mandin sana sya ng - BAGO!!" bulong
nya sa left ear ni Alexa.

Parang nawala naman ang galit ni Alexa ng marinig ang sinabi ng boyfriend at makita
ang hawak na box. " Ng bago?" tumingin sya kay Zak.

"Yup." Binuksan ni Zak ang box at bumungad ang isang magandang ring na maraming
diamonds. "Pero kung gusto mo talaga yung ring na yun sige kukunin ko - "

"No! No! Ayoko na nun." Nakangiti na sya at excited na isuot ni Zak ang singsing sa
kamay nya.

Ngumiti si Zak at kinuha ang kamay ni Alexa tsaka dahan-dahang isinuot ang ring.
"Sorry kung natagalan ang isa sa pinakamahal na ring for you. Medyo kinapos yung
budget ko. Mabuti na nga lang malakas na ulit yung business namin - "

Hindi na pinatapos ni Alexa sa pagsasalita si Zak at hinalikan nya na 'to sa lips.


"When can you stop surprising me?"

"I guess when I stopped loving you - unfortunately that's impossible kaya dapat
masanay ka na sa marami ko pang surprises." And he kissed her back.

"I love you for that. You're the best." She hugged her boyfriend.

"I love you more. I'm the best - and you're the boss." And they both laughed.

"I hate to break our sweet moment but I think we need to go. May gagawin pa kasi
ako." Nagnod lang si Zak. Kinuha nya yung mga pinamili ng girlfriend tsaka sila
lumabas. "May nakita ako dung shirt na bagay sa'yo. For sure fit na fit yung sa
sculpted body mo. Oooh lala - "

*BUMP
" - ooops I'm sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa - Zanea?" gulat na gulat si Alexa
ng mabangga nya ang dating kaibigan.

"Hey." Nahihiya nyang bati.

Hindi naman agad makapagsalita si Alexa dahil gulat na gulat syang makita ang
dating kaibigan na malaki ang tyan. "I'm sorry. I just didn't expect to see you
here. I thought - never mind. Uhm - " tinuro nya ang tyan ni Zanea.

"Yeah, kay Gene." Sa itsura ni Zanea mukhang masaya naman sya sa buhay nya. "Nung
time na nasettle natin lahat naisip naming lumayo na and nagpakasal kami since
nabuntis ako agad."

"Agad? You mean recently?" hindi makapaniwala si Alexa sa sinabi ni Zanea at


naguguluhan sya.

"Mommy! Mommy look! Daddy bought me a gun." Napatingin si Alexa sa likuran at may
isang batang lalaking nanakbo papalapit kay Zanea, parang 2 years old lang sya.

"Pinilit nyo na naman ang daddy sa mga toys na yan ha." Hinalikan ni Zanea sa cheek
ang anak.

"Minsan lang naman - " napatigil si Gene ng makita si Alexa. Hinawakan naman ni Zak
ang girlfriend sa kamay. "Hey - long time no see."

Mas lalong nagulat si Alexa ng makitang may karga pang bata si Gene. "Uhm - sorry
pero masyado akong shocked dito."

"I told you Alexa - nabuntis ako agad - dito sa kambal." Napatawa si Alexa sa
sinabi ni Zanea.

"Mukhang magaling talaga 'tong si Gene - at masipag pa." pagbibiro ni Zak at siniko
naman sya ni Alexa.

"So far masaya naman kami. Bumisita lang kami para makita nila mommy ang mga apo
nila." Explain ni Gene.

"Mommy is she your friend? She's pretty. I wanna be like her." Sabi nung batang
karga ni Gene.

"Hi sweety, what's your name?" hinawakan ni Alexa ang kamay nung bata.

"I'm Zelexene and I'm two years old." Napatingin si Alexa sa dating kaibigan ng
marinig ang sinabi nung bata.

"Yes, name nating tatlo. My handsome boy, he's Zelexe." Napangiti na lang si Alexa.
Masaya sya para sa mag-asawa at ang lahat ng nangyari sa kanila noon ay nakalimutan
na nya.

"Mommy I'm hungry!" Zelexene said.

"We need to go. Mahirap magtantrums ang kambal. It's so nice to see both of you
again." Sabi ni Zanea. "Say bye to them sweethearts."

"Goodbye." Sabay na sabi ng kambal at natawa naman si Alexa. Pinagmasdan nyang


naglalakad ang family ni Zanea habang papasok sa kinainan nilang restaurant.

"Naiinggit ka na ba? Gusto mo iadvance na natin agad?" bigla syang kinilabutan sa


tuwa ng maramdaman nya si Zak sa likuran nya. "I told ya, babalik ka sa hospital
every year tapos puro twins pa. Cr&p!!"

"Bakit?" gulat na tanong ni Alexa kaya humarap agad sya kay Zak.

"Hindi ko naitanong kay Gene kung anong pwesto yung para sa kambal na anak."
Hinampas ng malakas ni Alexa si Zak dahil sa sinabi nito.

"Siraulo ka talaga! Di bale sana kung ikaw ang manganganak no!! Baliw!" she wrapped
her arms around her boyfriend's neck. "Ang ganda ng pakiramdam ko ngayon. Feeling
ko I'm a new person - matured enough at wala ng problema. Ikaw - ikaw lang naman
yung magandang nangyari sa buhay ko - " napatigil sya ng makita nya sa likuran ni
Zak na nanakbo si Rich. "Teka si Rich ba yun?" lumingon si Zak para tingnan kung si
Rich nga yung nananakbo.
"Si mokong nga. Bakit naman sya tumatakbo?" tanong ni Zak then inakbayan nya si
Alexa. "Rich!!!!!" tawag nya sa kaibigan. Nilapitan nila si Rich. "Bakit parang may
tinataguan ka?"

"Dude - dude itago mo ko. Nasa panganib ang buhay ko! Pakiramdam ko last day ko na
'to sa mundo." Hinihingal na sabi ni Rich habang nakahawak sya sa shirt ni Zak na
halos takot na takot.

"There you are! You really like playing hide and seek huh." Napalingon si Alexa sa
likuran nya at nakita nya ang babaeng nagsalita.

"Oh my gosh Maxi!" nilapitan nya ang pinsan at nagbeso sila. "What are you doing
here?"

"Uhm let's say I'm hunting a jerk." Tinuro nya si Rich.

"Oh, is there something going on between you and Rich?" tanong ni Alexa kay Maxi.

"NO!! NO!!!! ILAYO NYO SA'KIN YANG BABAENG YAN!!!! PAPATAYIN AKO NYAN!" sigaw ni
Rich habang nagtatago sa likuran ni Zak.

"Come on Rich! I told ya, don't mess with me." Tumingin si Maxi kay Alexa.
"Papatayin ko sya sa kilig. Masyado kasing mayabang. Aba ginamitan ako ng style -
kaso nung sya ang ginamitan ko ng moves nahulog na sa'kin. Sinabi ko lang naman sa
kanya na I like him."

"Baliw na yang babaeng yan. Kung anu-ano ng sinasabi." Tumakbo si Rich palabas.

"Ooops. I gotta ko. Tumatakbo na ang jerk. Don't worry couz, binabalik ko lang sa
kanya yung mga ginagawa nya sa mga babae." Nagwink sya then tumakbo kasunod ni
Rich. "Yohoooo baby Rich!!!"

"What's wrong with those people? Ayoko na. Umuwi na tayo at hindi ko na kakayanin
kung may makita pa tayong iba." Nagmamadaling sabi ni Alexa. Lumabas sila agad sa
mall at habang papunta sila sa parking lot nakita nila si Luke. "Ugh! Ngayon naman
si Luke!" Madadaanan nila si Luke at si Erine dahil nasa papuntang parking lot sila
nakatayo.

"Bakit ba hindi na ka naniniwala sa'kin? Kulang pa ba lahat ng mga ginawa ko? Erine
I like you!!!! Alin ba dun ang hindi mo maintindihan! Sana sabihin mo na lang na
ayaw mo sa'kin hindi yung lagi mo na lang akong ginaganito!!!" sigaw ni Luke tsaka
sya umalis. Nakasalubong nya sila Alexa pero hindi nya 'to pinansin.

Nilapitan ni Alexa si Erine. "I remember you, ikaw yung nasa supermarket." Nagnod
lang si Erine. "I'm Luke's sister." Parang gulat na gulat naman si Erine sa sinabi
ni Alexa. "Listen, kung sinabi ng kapatid ko na he likes you, believe him because
he really likes you. The way he sees you, looks at you hindi sya ganyan sa lahat ng
babae. Sana bigyan mo sya ng chance. Wag kang matakot na lolokohin ka nya dahil
hindi nya yun gagawin. At kung gawin man nya yun ako ang una nyang makakalaban."
Hinawakan nya ang kamay ni Erine. "Nararamdaman kong gusto mo rin naman sya
natatakot ka lang na masaktan. Bigyan mo yung sarili mo ng chance sumaya. Hindi ka
magsisisi. Alalagaan ka ng kapatid ko, hindi ka nya sasaktan." Napaluha naman si
Erine sa sinabi ni Alexa.

"Thank you. Thank you." Pinunasan nya ang luha nya. "Luke!!! Luke wait!!!" at
nanakbo rin si Erine para habulin si Luke.

"Please tell me hindi ka tatakbo at magpapahabol sa'kin?" sabi ni Alexa kay Zak.
"Kasi sobrang aarte ng mga lalaki ngayon. Mga pahabol!! At kapag pinahabol mo ko
humanda ka sa'kin!!!" naglakad sila papunta sa kotse. Ipinasok ni Zak ang mga
pinamili nila sa compartment tsaka lumapit kay Alexa.

"Aswang walang reason para magpahabol ako sa'yo." Bigla syang tumigil sandali. "Ah
meron pala - pero hindi sa public place kasi sa private lang tayo gagawa ng mga
habulan."

"Hindi ka na talaga makausap ng matino!" sinikmuraan nya si Zak.

"Joke lang naman. Gusto kasi kita laging ginagalit. Ako kasi ayaw mong galitin -
natatakot ka - "

"GOOOOOOON!!!! Siraulo ka talaga!!!!!!"

Napatawa ng malakas si Zak dahil sa reaction ng girlfriend nya. "Masisisi mo ba ko?


Ikaw naman ang dahilan ng pagkasira ng ulo ko?" then he kissed her. "Everything is
so perfect at ang susunod na nating aayusin - our wedding."
"Ohhhh I just can't wait." Then she kissed him back as if the own the world.

*******************************************
Frequently Asked Questions

*******************************************
FAQs

1. May story po bang separate ng SG?

Si Tucker Fanton and Travis Cai palang at The Playboy's Curse ang title, nasa my
works ko na so check nyo na lang.

2. Magkakabook 2 po ba ang PH?

Maybe yes maybe no. Depende sa gusto ng readers syempre. :) Kung susuportahan nyo
ulit why not.

3. Mapa-publish po ba ang PH?

I can't answer this right now pero kayo ang unang makakaalam kung mapapublish
sya. :)

4. Ano po ang mga names ng characters and their portrayers?

Kung nakaweb kayo makikita nyo ang mga full names ng characters pati ang portrayers
nila. Join our group "Perfect Haters Family" para makilala sila. :)

5. Bakit hindi ko po makita ang chapter 58?

Lagi ko namang sinasabi na magbasa ng author's note dahil dun nakasulat kung paano
mababasa ang chapter 58, paulit-ulit ko na lang kasing sinasagot 'to. Haha.

6. Bakit po blank lang ang PH sa mobile? Nabalik po sya sa home page kapag
binabasa ko.

Sa ibang mobiles po kasi free ang wattpad at yun yung kalimitang nagkakaproblema.
Lahat po ng may ganyang problem na nagtatanong mostly free wattpad ang gamit and
hindi app so wala po sa PH yung problem. :)

7. Saan po kayo nageedit ng Book Cover?

Sa CS6 adobe photoshop. Pero hindi ako ang gumawa ng chibis, kinuha ko lang yan sa
net. Credits sa owner. Di ko kasi makita sino gumawa. :p

8. Tatanggalin nyo po ba ang Perfect Haters sa wattpad?

Hindi naman.

9. Ano pa po ang iba nyong story bukod sa Perfect Haters?

The Playboy's Curse, Love Disaster 1 and 2, O Pare Ko!, One Cold Summer, SUMPA, and
Ramses in Niraseya
10. Gagawa pa po ba kayo ng maraming stories?

Depende sa schedule ko. Kung hindi pa ako makakapagwork, makakagawa pa ko pero


kapag busy na hindi ko na sure.

11. Bakit po yung mga unang chapters ng PH katulad ng TBBCM?

As I mentioned sa author's note sa chapter 11, pwede nyong balikan para makita nyo.
Yung video na ginawa nila kay Alexa was inspired by TBBCM. Sa TBBCM kasi nakadrugs
yung girl then nilista nya yung mga gusto nyang gawin. :) I mentioned the story and
the author sa note ko na yun. Again, those previous chapters were inspired by
TBBCM. Iba pa rin ang PH dun kahit basahin nyo sya. I love Slim_Shady.

12. Totoong tao po ba yung characters nyo kasi meron po silang FB?

Nope. May mga operators sila. Lahat ng names and places ay galing lang sa
imagination ko.

So ito yung mga kadalasang tinatanong. The rest nasa author's note ko na yung
answers kaya importanteng magbasa ng author's note.

Thank you so much sa lahat ng sumuporta sa Perfect Haters, sa loyal readers, sa FCs
and their operators, sa members ng group, sa mga friends ko na very supportive at
sa lahat-lahat. Hindi ko 'to matatapos, hindi ko 'to magagawa at hindi 'to magiging
successful kung hindi dahil sa inyo. Maraming salamat. :)

For the latest news and updates kung magkakaroon ng book 2 or kelan magkakaroon ng
book 2 ang PH, like my page Megladiolus - Mela Brio. Follow me on twitter
@Official_Mela_B and instagram @itsmelabrio. Join our group Perfect Haters Family.

For the meantime, habang naghihintay kung magkakabook 2 sana basahin nyo rin ang
iba ko pang story lalo na yung side story ni Tucker Fanton The Playboy's Curse.
Medyo iba sya sa PH kaya basahin nyo na at syempre yung Love Disaster 2.

Again, thank you so much for making PH one of your favourites.

I love you all and I mean it.

Love lots,

megladiolus

You might also like