nagkayayaan kami ng mga dati kong kaklase na maglaro ng basketball. Sabik akong makalaro sila sapagkat matagal ko na silang hindi nakikita. Masaya kaming naglaro,asaran dito,tawanan doon. Ganyan kami pag nagkakasamasama.
Pagkatapos ng laro ay kami ay kumain,nagpahinga
saglit,tapos gala naman. Hindi problema sa amin kung wala kaming pera. Basta't kami'y sama sama.
Masasabi kong sila ay tunay na mga kaibigan dahil para
sa akin,ang tunay na kaibigan ay tumutulong sa abot ng makakaya,hindi humihingi ng anumang kapalit,iniiwas ka sa mga maling gawain,malalapitan mo kung may problema ka at higit sa lahat ay napapatawa ka nila sa bawa't asaran at biruan.
Ito yung mga kaibigan na pag nadapa o nahulog
ka,imbes na tulungan ay pagtatawanan ka pa. Hindi rin sa kanila uso ang pagkatok sa pintuan ng bahay niyo, sila yung mga parang magnanakaw na papasok na lamang at hihiga sa inyong sofa na parang sa kanilang bahay. Sila rin yung mga kaibigan na hindi na "tita" o "tito" ang tawag sa mga magulang mo kun'di nakiki "mama" at "papa" na rin.
Maraming tao sa mundo na pwede mong tawagin na
kaibigan ngunit kakaunti lang ang magtatagal at maituturing mong "tunay" na kaibigan. Madaling makahanap ng kaibigan subalit mahirap humanap ng "tunay" na KAIBIGAN Napahigpit ang kapit ni Bea sa kamay ng kasintahan. Bago sa kaniyang pansin ang mga nagtitinginang tao na tila masid na masid sa kaniya at sa kasama. "Huwag mo silang pansinin" bulong ng kasintahan, "Magpatuloy ka lang sa paglalakad." Ngumiti si Bea at hinagkan ang kasintahan. Isinawalang bahala ni Bea ang bulong bulungan ng mga tao. Ipinagtataka niya kung bakit sa dinamita dami ng magkasintahan sa parke ay siya lamang ang pinagtutuunan ng pansin. Agaw pansin nga naman ang suot ng lalaking kasintahan na tuxedo sa init ng panahon ngunit inisip niyang dahil ito sa kaniyang trabaho. Tuwang tuwa ang magkasintahan na patuloy ng namamasyal samantalang hindi maitindihan ng madla ang babaeng tila baliw na kinakausap at niyayapos ang hangin.