Araw ng sabado ngayon kaya walang pasok, Ngkayayaan kami ng
mga dati kung kklasena gumala. Sabik akong makasama sila sapagkat matagal ko na silang hindi nakikita. Masaya kaming nagkwekwentuhan, asaran dito tawanan doon. Ganyan kami pag nagkakasama.pagkatapos naming magkwentuhan ay kumain kami at gumala ulit. Hindi problema samin kung wala kaming pera, basta kami ay sama-sama. Masasabi kung sila ay tunay na mga kaibigan dahil para sakin ang tunay na kaibigan ay tumutulong sa abot ngmakakaya ng hindi humuhingi ng kapalit. Iiwas ka sa mga maling Gawain. Malalapitan mo kung may problema ka at higit sa lahat ay napapatawa ka nila sa bawat asaran at biruan. Ito nag mga kaibigan na pagnadapa ka o nahulog ka imbes na tulungan ka ay pagtatawanan ka pa. hindi rin uso sa kanila ang pagkatok s pintuan ng bahay niyo. Sila yung parang magnanakaw na papasok na lamang at hihiga sa inyong sala na parang sa kanilang bahay. Maraming tao sa mundo na pwede mong ituring o tawagin na kaibigan ngunit kakaunti lang ang magtatagal at matuturing mong “TUNAY NA KAIBIGAN”.