Taduran Jackie Dagli Araw NG Kasal

You might also like

You are on page 1of 1

“Araw ng Kasal”

"Maligayang Pagsasama"
"Binabati ko kayo"
"Napakaganda mo"
"Maging tanyag at maligayang pagbubukas ng panibagong buhay sainyo"
Yan ang tanging naririnig ko sa araw na ito gumuhit ang isang malaking ngiti sa aking labi kapag
binabalikan ang araw nung una kaming nagkakilala,kay dali ng panahon at ito na,natupad na ang
pangako namin sa isa't -isa ang magkasamang tatanda,bubuo ng masayang pamilya kasama ang
aming munting mga supling "nakakakaba" ganito talaga siguro pakiramdam ng isang babae kapag
makakasama mo ang lalaking bubuo sayo,halo-halong emosyun ang nararamdaman ko ng biglang
may humawak sa kamay ko.
"Ayos kalang" tanong ng besprend ko
"Oo naman" aniya ko
Sabay tingin sa harap kong asan ang mahal ko nagkatitigan kami pati ang lahat ng taong dumalo
may bahid na ngiti,gulat,at pagkamangha siguro ang ganda ko,ngumiti ako ng napakatamis sabay
lapit sa taong mapapangasawa ko para yakapin siya...ito na,naiiyak ako pero pinipigilan ko para
hindi masira ang araw na ito dahil ito ang panibagong araw saaming dalawa.
Ang ihaharap sa altar at susumpa kung gaano namin kamahal ang bawat isa,masaya akong
tinitingnan ang mahal ko na sobrang saya habang binibigkas ang salitang MAHAL KITA at
natupad ang pangako namin sa iba...
Hindi man ako ang babaeng makakasama niya sa pagtanda,masaya parin ako dahil natupad niya
ang pangakong minsan naging parti ako.
Parti at naging modelo para buohin ang kanyang pagkatao.

You might also like