You are on page 1of 142

Crescent Moon

by walangmagawa1210

Magpapakasal na sana si Kat sa boyfriend nya ng hindi inaasahang bawian ng buhay


ang kasintahan sa isang trahedya. Dahil sa lubos na pagdamdam sa pagkawala ng
boyfriend nya ay nagbakasyon sya sa hacienda na pinamamahalaan ng mga lolo at lola
nya. Minsan, sa kanyang pag-iisa sa paborito nyang lugar sa tabi ng maliit na
waterfalls ay nakabasa sya ng isang article sa IPAD tungkol sa kapangyarihan ng
crescent moon, na may kakayanan itong ibalik sa nakaraan ang isang tao kung ma-me-
meet ang requirements nito. Hindi sana nya ito paniniwalaan ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon ay natagpuan na lang nya ang sarili na sa nakaraan at
nakilala nya ang isang lalaki na nagpatibok muli ng kanyang puso, si Juaquin.
Ngunit magkaiba ang panahon nila. Paano kung ibalik na sya ng buwan sa sarili nyang
panahon, kakayanin ba nyang mapahiwalay kay Juaquin? O baka mapakiusapan nyang wag
na lang syang ibalik ng buwan sa kasalukuyan.

=================

Crescent Moon ( Short Story)

AN.

VERY VERY SLOW UPDATES.... depende sa mood.... Wag nyo po munang basahin hanggat
hindi tapos.... 

Dala lang po ito ng malikot kong imahinasyon... i just have to write it down para
hindi mawala yung idea... 

Short story lang po to.. mga 10 chaps.... 

Hindi inaakala ni Kat na totoo pala ang nabasa nya tungkol sa kapangyarihan ng
Crescent moon... hanggang sa sya mismo ang nakaranas nito... 

=================

Chapter 1

CHAPTER 1

Kat
“Hello Lolo! Hello Lola!” Bati ko sa mga grandparents ko na sumalubong sa kin
pagparada ng kotse ko sa tapat ng pintuan ng malaki at antigong bahay...

Nagmano ako sa kanilang dalawa at yumakap ng mahigpit at lola ko sa akin.

“Katrina!!!! Napakatagal mo ng hindi dumalaw sa amin!” Sabi ng lola ko na


nangingilid ang mga luha...

“Tatlong taon lang naman po lola.” Sabi ko at yumakap din ako ng mahigpit sa
kanya...

Maya-maya pa ay binitawan na ako sa pagkakayakap ng lola ko at hinawakan nya ng


kanyang dalawang kamay ang mukha ko...

“Tignan mo nga naman at ang ganda ganda ng apo ko ngayon!” sabi pa nya..

“Lola, ngayon lang ba? Palagi naman diba?!” sabi ko at natawa ako.

“Ang ibig ko lang sabihin ay mas lalo kang gumanda ngayon! “

“Sympre naman po, dahil ako lang naman ang nag-iisa nyong apo.. kaya pinakamaganda
ako sa paningin nyo!”

Tuwang- tuwa sila sa pagkaka dalaw ko...

Oo nga naman, dati ay halos taon taon ay pumupunta at nagbabakasyon ako dito...
pero simula ng nagtrabaho ako ay bihira na akong makadalaw sa kanila.

Caretaker sila ng isang napakalaking hacienda dito sa may Quezon. Pang-ilang


Henerasyon na rin ang mga lolo’t lola sa pagiging caretaker nitong ekta-ektaryang
lupain ng mga Mendez. Simula pa ata sa mga ninuno ng pamilya ko, caretaker na sila
dito. Naputol lang sa Daddy ko na nagdesisyong makipagsapalaran sa Maynila...

Tuwing bakasyon ay hinahatid ako ng Daddy ko para magbakasyon dito. Pero sa ilang
taong pabalik balik dito sa haciendang ito ay kahit isa sa mga Mendez ay hindi ko
man lang nakita...

Isa lang sa bilyo-bilyong asset ng mga Mendez ang Haciendang ito, kaya parang
pinaubaya na kila lolo ang pamamahala ng luaping ito, dahil na rin sa napakaraming
negosyo ng pamilya hindi lang dito sa Pilipinas kundi na rin sa ibang bansa.

Bihira daw dumalaw dito ang mga may ari. Maswerte na daw na makapunta ng minsan sa
isang taon sila dito... Mostly sa telepono lang sila lolo nag-uusap... Para na
ngang sila lolo ang nagmamay-ari nitong Haceindang ito dahil sa sobrang bihira ng
pagdalaw nila dito. Ang nagpapatunay lang na iba ang may-ari nito ay ang
napakalaking painting ng mga ninuno ng Mendez na naka-display sa salas...

Pumasok kami sa salas kasunod ng ibang mga katulong na bitbit-bitbit ang mga maleta
ko...

“Haaaaay! Nakakapagod!!! Ang layo ng byinahe ko!” sabi ko at sabay salampak sa


salas...

Natawa naman ang lolo’t lola ko...

“Dalaga ka na, ganyan ka pa rin makakilos! Kumilos ka naman ng pino... Ano na lang
ang sasabihin ng nobyo mo sa yo!” sabi ni lola.

Sa pagkakabanggit ni lola tungkol sa boyfriend ko ay nakaramdam ako ng lungkot...

“Bakit apo... may nasabi ba akong masama? “ Sabi ni lola na may labis na pag-
aalala...

Napabuntong hininga ako... at nangingilid ang luha ko...

“Lola.... wala kasi sya e... “ at sa pagkakasalita ko ay tumulo na ang luha ko.
Tumingin ako sa taas... baka sakaling mapigil ang mga luha ko sa pagbagsak.

“Anong ibig mong sabihing wala? Nangibang bansa ba? “

“Hindi po lola... wala na sya... as in wala na po... namatay na po sya... “

At dahil don ay hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko... hindi na nagsalita ang
lola ko at niyakap na lang nya ako...

“Tahan na.. apo.. tahan na... “ Sabi nya at hinimas-himas ang buhok ko...

Ayoko na ngang umiyak e... dahil wala na akong ginawa kundi umiyak ng umiyak...
sobra kasing sakit.... Ganon pala ang nararamdaman kapag ang pinakamamahal mo ay
bigla na lang nawala...

Si Richard, boyfriend ko simula pa noong college kami.. pauwi sya galing Singapore.
Ako ang sumundo sa kanya sa airport... excited pa nga ako noon, dahil 2 months din
kaming hindi nagkita... pa-landing na ang eroplano ng magkaroon ng ito ng
diperensya... hindi ito na-control ng piloto kaya nag-crash ito at lumiyab ang
buong eroplano.. walang nakaligtas kahit isa...
Hanggang ngayon ay sariwa pa sa isip ko ang mga pangyayari... kitang-kita ko ang
nagliliyab na eroplano... alam kong nasa loob sya... pero ang masakit... wala akong
magawa... nakatitig lang ako at nanalangin... umaasa na dinggin ako ng Diyos at
makaligtas sya... pero matapos ang ilang oras na pag-iintay... walang Richard na
bumalik....

Isang buwan na rin ang nakakalipas ng mawala si Richard, pero hindi pa rin ako
maka-move on... naapektohan na ang trabaho ko, pero hindi naman nila ako kayang
patalsikin dahil sa napaka-valuable ko daw sa kompanya... kaya nagdesisyon ang
board of directors na pagbakasyonin ako kahit isang buwan...

Kaya eto ako ngayon... umaasa na sa maganda at tahimik na lugar na ito ay


makapagpahinga ang puso at isip ko... 

=================

Chapter 2

Chapter 2

“Haaaay!” humikab ako at nag-stretch.

Mataas na ang araw tinanghali na ako ng gising... sisikat na kasi ang araw ng
datnan ako ng antok... palagi na lang akong hindi makatulog... tuwing ipipikit ang
mga mata ko, wala akong ibang na-iisip kundi ang nagliliyab na apoy ng eroplanong
sinakyan ni Richard...

Pero tama si lolo at lola...

Kailangan kong gawin ang lahat para makalimutan sya. Hindi nga naman dapat tumigil
ang mundo ko noong nawala sya.

Mahirap, pero kailangan kong gawin, kung ayaw kong maging bitter ng buong buhay
ko....

Tumayo na ako at tamang tama naman na nagreklamo na ang tyan ko...

Hala! Ginutom na talaga ako....


Pero bago pa ako bumaba ay naligo muna ako...

At pagkatapos ko ay nagbihis ako ng panlabas... gusto ko kasing mag-explore...

Ganoon pa rin kaya kaganda ang paligid tulad ng huli akong bumisita dito? Sana
naman...

May paborito akong lugar dito.. yung maliit na batis na may maliit ding
waterfalls... tahimik at payapa ang lugar na yon... kahit noong bata ako... iyon na
ang secret place ko,, dahil bibihira ang nakakaalam ng lugar na yon.

Nagmadali na akong bumaba dahil talagang nagugutom na ako... and, as usual ang
palaging sumasalubong sa kin sa pagbaba ko mula sa stairs ay si.. Don Juaquin
Mendez... ang napakalaki at napakagandang painting nito sa salas...

“Good Morning Don Juaquin.... gwapo ka pa rin as usual! Pero sad to say.... maganda
pa rin ako sa napangasawa mo! “ at tinignan ko ang mas maliit na painting kung saan
nandon ang pamilya ni Don Juaquin, kasama ang kanyang asawa at 3 anak. Kung siguro
ngayon nabubuhay ni Don Juaquin... paniguradong CNS yan (Crush ng Sangkatauhan)...
Gwapo talaga as in! Ang wierdo nga lang ng Fashion sense... sympre naman ninteen
kopong kopong pa yan...  pero sana naman sinuklay man lang ng maayos yung buhok...
hindi yung flat na flat at sa gitna pa ang hati! Hahahahaha!!!! So ibig sabihin..
talaga namang ang gwapo nya.. kasi despite the hair ay mukha pa rin syang hunk!

Weirdo ko talaga... hahahaha! Pagbigyan nyo na ko.... Trying to mend a broken heart
nga ang peg ko diba? Well, at least medyo lumalabas na ulit ang sense of humor
ko... matagal din itong nag-hybernate, simula ng nawala si Richard.

Hmmmm... come to think of it... wala pa kong 24 hours dito sa lugar na to ay medyo
nakakarecover na ako??? It really must be the place.... may theraputic ambiance
siguro dito... or is it really the place? Oh well, kahit na ano pa man yung nagpapa
sigla sa kin dito, talagang malapit sa puso ko ang lugar na ito... kahit hindi
talaga sa min ito...

I really should visit more often...

“Gising ka na pala.... “ Nakangiting bumati si lola ng pumasok ako sa napakalaking


kitchen... ito naman ang favorite place ni Lola... napakahilig nyang magluto, at
talaga namang napakasarap...

“hello Lola... “ Sabi ko ng nakangiti... “Sorry tinanghali ako ng gising... “

“Hindi ka naman tinanghali e... hinapon ka na ng gising... “


Tinignan ko ang relo ko... “Hala! 3pm na pala! Hindi pala sumisikat ang araw...
papalubog na pala ito!”

Natawa naman si lola sa kin...

“ mabuti na rin iyon at nakatulog ka ng mahimbing... kumain ka na at uutusan kitang


dalhan ng merienda ang lolo mo sa bukohan... “

“Sure lola... “ sabi ko at inatake ko na ang masarap na sinigang na inihain sa kin


ni Lola...

***

Umupo ako sa ilalim ng napakalaking puno na nagsisilbing shade sa kapaligiran.


Katabi nito ang maliit na waterfalls...  Sinasabi nila na kaya ganyan kalaki na ang
punong ito ay dahil daang daang taon na ang ibinuhay nito. kung tao lang ito,
marami na sigurong itong nasaksihang mga kasaysayan ... sobrang inugat na... ilang
feet under the ground na kaya ito? Hmmmm....

Well anyways.... enough of the old tree....

Binuksan ko yung Bag ko at inilabas yung IPAD.... nakapagtaka talaga... walang


signal pero dito, kahit pa natakpan ng malaking puno ang sky ay may nakakalusot na
signal??! Full bars ba pa! and lakas ng energy dito... Ang WIERD TALAGA!!

Well, kahit na gaano pa sya ka weird at least makakapag-internet ako...

I need to check some of my mails, baka may importante....

Mga 1 oras din ako nag check at nag-email back ng mga importanteng bagay sa
trabaho. Pagkatapos noon ay nagbrowse ako ng mapaglilibangan...

I usually read when I don’t have anything important to do... wala na nga lang akong
naging oras sa pagbabasa simula ng nagtrabaho ako... masyado kasing ito
demanding... kapag nasa advertising ka, yung gabi ginagawa mong araw... on the go
ka palagi kapag may hinahabol na deadline... napaka TOXIC!... well, kahit na toxic
sya... I really enjoy my work. Head na ako ng creative department... mabilis akong
naging manager dahil na rin sa napakalikot at napaka-creative ng utak ko....
mabilis nakakakuha ng client ang company namin dahil sa mga finish products
namin...

Kaya nga, they decided to give me a break, instead of terminating me... I just hope
that after this vacation, I can go back to my normal self...

Nag scan ako ng mga articles and one caught my attention...

“THE POWER OF THE CRESCENT MOON”

Hmmmm.... Ang alam ko, full moon lang ang may powers...

Dahil kapag full moon.. lumalabas ang mga hindi kanais nais na mga creatures..
hehehehe.... like warewolves, aswang at kung ano ano pa....

ME AND MY IMAGINATION... hindi naman totoo ang mga to!

But just the same.... para pamatay oras.. mabasa na nga rin.... what’s with the
crescent moon?

Sumandal ako sa puno at nagsimulang magbasa...

Sinasabi sa article, that the crescent moon can defy time....

Tumaas ang kilay ko.... Tlaga lang a... men and their wild imagination....
tsk..tsk..tsk.... o sige pagbigyan... at least naaliw naman ako sa imagination
nila... malay mo magamit ko ang concept na ito in the future.... it’s weird... but
I’m weirder... hehehehe....

Sabi dito sa article....

the crescent moon can take you back and forth in time... if you are in an energized
place, having an energized object, and if there is something around, it may be an
object or a living thing that exist in the past and is still existing in the
present,  and if you are directly under the crescent moon.. it will take you back
in time... BUT when it takes you back in time... it will definitely bring you back
in the present, whether you like it or not...
hmmm... ang dami namang condition... chances are....

pero ang daming mga accounts.... humigit kumulang sa 20 tao ang nakaranas....

Binasa ko ito isa-isa....

Karamihan sa kanila, hindi sinasadyang na-meet yung mga conditions ng crescent


moon... na-teleport sila back in time... pero hindi pare-parehong oras... yung
iba... they went back a hundred years... yung iba naman... 20 years lang... yung
iba.. panahon pa ng 1800...

Kung iba-ibang panahon sila dinala ng crescent moon.. ibat-ibang length din ang
pag-stay nila... yung iba... 1 week...yung iba... 1 month... 3 months... half
year... pero ang pinakamatagal ay 1 taon...

Yung iba, gustong gusto ng makabalik... pero hindi nakakabalik... until their time
is up... yung iba naman... they did everything not to go back... but unfortunately,
when their time is up... hihigupin na lang sila pabalik sa present time...

Wierd!

Weh... gawa gawa lang ito para ma-benta yung libro! But I have to give it to the
author.. MAS WILD PA ANG IMAGINATION NYA COMPARED SA KIN A!

Still intrigue...

Sinerch ko yung mga tao doon sa article and true... existing silang lahat!

Talaga lang a... well,, you can invent naman anything sa internet.... pwede ka
ngang mambansag na magnanakaw yung isang tao kahit hindi... basta may picture and
everything lang , iyon na yun!

I continued reading....

Binasa ko yung mga accounts ng mga naka-experience ng power ng crescent moon....


iba’t ibang kwento.. pero they have one thing in common... lahat sila na-meet yung
requirement ng crescent moon whether intentionally or unintentionally, and they all
went back in time.... but when they back to the present it’s as if they never
left... they went back at the same time they had left, not a minute later!

Wow it's as if you never went away!

What's more, sabi sa mga accounts that you can only go back once.. hindi na ito
mauulit... kahit na ma-meet mo ulit ang requirement ng crescent moon, at kahit
pagbali-baligtarin mo pa ang mundo... you can only experience it once... 
Sa sobrang na-absorb ako sa binabasa ko,, hindi ko namalayan na nilubugan na pala
ako ng araw at mataas na pala ang bwan!

Lagot! Papatayin ako ni lola nito!!!! baka namumuti na ang mga mata non sa
kakahanap sa kin!

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at napatingala ako langit.

 Lo and Behold!!!!

THE CRESCENT MOON!

Para akong na-hypnatize ng tinitigan ko ang buwan...

Ilang sandali din akong napatulala .... na-mezmerize ako sa kagandahan nito...

I shook my head, at parang nahimasmasan ako... 

Something is definitely weird about this moon...

Why is it unusually big right now?

And why is it’s color keeps on changing from white to blue to violet .. or is it
just my imagination?

natulala na naman ako sa buwan at hindi ko napansin na humahangin sa paligid ko..

noong umpisa ay mahina pa lang.... pero habang tumatagal ay palakas ito ng


palakas...

Hala! Mukhang aabutan ako ng malakas na ulan!!!!!


pero teka... sobrang nakakapagtaka.... clear ang sky at labas na labas nga ang
buwan e!

At bakit yung hangin ay umiikot.... umiikot lang sa kin???? pinalilibutan ako nito
na parang nasa gitna ako ng ipo-ipo!

Ano ba ang nangyayari dito!!!!

Palakas ng palakas ang hangin na pumapalibot sa kin!!!!

“AAAAAAAAAAA! Tulungan nyo ako!!!!!”  sigaw ko! Pero walang nakakarinig sa kin....

Mas lalo pang lumakas ang hangin.... napatingin ulit ako sa buwan.... parang may
nag-illuminate na ilaw mula dito papunta sa kin.... feeling ko na parang hinihigop
ako nito!!!

NOOO!!!!!!!! NOOOOO!!!!!!

Hindi totoo ito!!! Nananaghinip lang ako!!!!!

Sa sobra ng lakas ng hangin na pumapalibot sa kin ay umangat na ang paa ko sa


kinatatayuan ko.

Parang hinihila ang buong katawan ko... para na ako ngayong namamanhid!

Sinubukas kong lumaban pero masyadong malakas ang kapangyarihang namumula sa


buwan....

“AAAAAAAA!!!! Tulungan nyo ko! “  sumigaw ulit ako....

At parang isang kisap matang naglaho ako at ang buong kapaligiran ay nabalot ng
dilim....

***

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko... umaga na pala.... tumatama sa mga mata ko
ang sikat ng araw....

Bakit ang tigas ng kinahihigaan ko... at bakit ang daming dahon sa paligid....
Baglang bumukas ang mga mata ko at sa pagkaka-alala ng mga pangyayari nung
nakaraang gabi....

pero.. mukhang panaghinip lang talaga...

Tumingin tingin ako sa paligid... nasa tabi pa  rin ako ng water falls... Nandito
pa rin ako sa ilalim ng puno.. pero teka... parang lumiit ata itong punong ito....

Tumayo ako sa pagkakahiga ko. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang bag ko.. dali-dali
ko itong pinuntahan at tinignan ang loob...

Kumpleto pa naman.... nandito pa rin yung IPAD ko... wallet ko... cp ko at kung ano
ano pa....

Haaaayyy! Salamat panaghinip lang!!!!!

I yawned and I stretch... pero.. lagot ako sa lola nito!!!!! baka hanap ng hanap sa
kin yun... kakadating ko nga lang, problema kagad ang binigay ko sa kanya!!!!

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa malaking bahay..

Habang tumatakbo ay tinignan ko yung relo ko....

Ang blis ng ikot.... pero ang WIERD!!!! Mag-ca-clockwise sya.. tapos .. mag-ca-
counter clockwise... at ang bilis ng ikot!!!

Ano bang mga pangyayari ito? Naguguluhan na talaga ako!

Kagabi ang sama ng panaghinip ko.. tapos ngayon nagloloko ang relo ko.. kakabili ko
nga lang nito tapos eto, nagloloko na!

Dahil hindi ako nakatingin sa dinadaan ko... nabunggo ako at nawala ang balance
ko...

“SHHHOOOCKKSS!!!! “ ipinikit ko ang mga mata ko at initay ko na lang ang masakit na


pagbagsak ko sa lupa ng may humawak ng mahigpit sa kin, at napigilan ang
pagbagsak....

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko....

Nakatitig sa kin ang isang lalaki...


Napatulala ako.. dahil napaka gwapo nya...

At sya rin ay napatulala sa akin.. It's as if he's trying to figure me out... 

pero.... bakit ganon.... may costume party ba???

Bakit yung pananamit nya ay parang hinugot sa history books.. kahit yung pagkaka
ayos ng buhok nya.. parang nung ninteen kopong kopong pa???

Nakita ko na tong lalaking ito a..... saan ko ba nakita ito??? O sino ang kamukha
nito.... Sobrang pamilyar sya sa kin.... 

Napahugot ako ng hininga at nanlaki ang mga mata....

HINDI PWEDE ITO!!!! TOTOO BA TO?????!!!!!!!!

“DON JUAQUIN????!!!!” 

=================

Chapter 3

Chapter 3

Kat

“ARAY KO NAMAN!!!!!”

Nabali ata ang balakang ko!!! Huhuhuhuhuhu!

Tinignan ko ng masama ang lalakeng nasa harapan ko... Halos magdikit ang dalawang
kilay ko!

PASAWAY TONG LALAKENG TO A!

Matapos akong saluhin.. bibitawan na lang ako ng basta-basta!!!! Wag nyang sabihing
gwapo sya!!!
Hmmmm.... Pero ang gwapo talaga... hihihihihi

“Paumanhin.. Paumanhin... Hindi ko sinasadya!” sabi sa kin ng lalake at lumuhod


para tulungan akong tumayo...

“Hindi sinasadya! E binitawan mo na lang akong bigla... ano ka,, nakuryente!”


Lumalabas na naman ang katarayan ko... e ang sakit kasi e!

Tinulungan nya akong tumayo.. pero pansin ko lang.... bakit halos ayaw nya kong
hawakan?

Ang ganda ko naman??? wala rin naman akong sakit na nakakahawa..  Anong problema
nito....

Pinagpag-pagpag ko yung damit ko at napansin ko na nakatitig lang sya sa kin....

Unti-unti namang nawawala ang pagkainis ko... masyado lang talga ako mabilis mag-
flare up.. pero kung gaanong kabilis uminit ang ulo ko... ganon din naman kabilis
mag-subside ang galit ko...

Tumingin ako sa kanya at ningitian ko na sya...

O sige na... kahit na binitawan nya ko kanina, tinulungan din naman nya akong
tumayo... hmmmm... bati na nga kami...

Inintay ko syang magsalita... pero nakatitig pa rin sa kin...

Ako ng nga unang magsasalita, even though hindi ako sanay ng nauunang
magpakilala... baka naman magtitigan lang kami dito buong maghapon... and I need
some answers.. I want to know kung sino sya... kamukhang kamukha nya yung painting
ni Don Juaquin, younger version lang sya... baka naman sya ang may-ari ng
hacienda?! Ang kasalukuyang CEO ng Mendez Industries?  Sabi ni Lola..

malaki daw ang pagkakahawig ni Rafael Mendez kay Don Juaquin... at ang kaharap ko
ngayon ay kamukhang kamukha ng Painting ni Don Juaquin...

But what’s with the outfit... may costume party ba?

“Hi... Ako nga pala si Kat... short for Katrina.... Ummm.... Apo ako ni Nana Celia
at Tata Florencio... yung caretaker nyo dito sa Hacienda. Hindi ko alam na uuwi
pala kayo.. well, anyway, it’s really nice meeting you, I finally get to meet one
of the Mendez... “  Sympre pa –charming smile... para makabawi naman sa
pagsusuplada ko kanina... sympre.. sya may-ari ng lupaing ito... baka naman
patalsikin na lang ako bigla-bigla nito, madamay pa ang lolo’t lola ko...
hehehehe... inabot ko yung kamay ko for a hand shake ...

Tinitigan nya lang ang kamay kong naka-extend sa kanya... as if he’s trying to
figure out what I am doing... mula sa pagkakatitig nya sa kamay ko ay tumingin sya
sa mukha ko...

Nanliit ang mga mata nya... He seems confused...

Ummm.... Ok.... Nagpapakilala lang ako...

Ang awkward ha... ang tagal ng nakaextend ng kamay ko, at unti-unti ng nawawala ang
ngiti ko....

Babawiin ko na sana ang kamay ko, hiyang-hiya naman na kasi ako diba... isnubin ba
naman ang kamay ko...  Never na nangyari sa kin yun!

Pero hinawakan nya ito, at ang hindi ko inaasahan ay inilapat nya ang kamay ko sa
sa kanyang mga labi!

Napatigil ako... and I caught my breath from the sudden impact of his lips in my
hands....

Sa napaka simpleng gesture, ang feeling ko parang buong katawan ko ay dinaluyan ng


kuryente.... Tumitibok  ng mabilis ang puso ko... at feeling ko, namumula ang mukha
ko.

Unti-unting tumingala sya para tignan ang mga mata ko. pakiramdam ko ay tumigil ang
ikot ng mundo , at kaming dalawa lang ang tao dito...

mahinang umihip ang hangin at patuloy pa rin ang pagkakatitig naming sa isa’t
isa...

Ano itong nararamdaman ko... kahit si Richard ay hindi ganito pinatitibok ang puso
ko....

“Sino ka... anong hiwaga ito??? “ mahinang sabi ng lalake...

Nakita kong naramdaman din nya ang mga naramdaman ko...

Anong klaseng atraksyon ito!!! Hindi namin kilala ang isa’t – isa pero bakit ganito
ang nararamdaman ko...

I don’t believe in love at first sight... pero at this instant, parang binubuwag ng
sitwasyong ito ang matagal ko ng paniniwala!
Ang hindi ko mapaliwanag ay kung gaano kalakas ang atraksyon ay parang may pwersa
din na pumipigil? Hindi ko maintindihan!

“Señorito Juaquin!  Señorito Juaquin! “ may lalakeng paparating at tinatawa sya...

Parang bigla kaming nagising sa realidad...

What the heck was that all about!! Ang Intense! Grabe!

Nginitian nya ako... at ang pakiramdam ko ay matutunaw ako...

“Juaquin.. Juaquin ang aking pangalan...”

Juaquin? Hindi sya si Rafael? May kapatid ba si Rafael? Ang pagkakaalam ko nag-
iisang anak yun...

aaa baka naman kamag-anak... Pinsan? Hmmm... tatanong ko na lang mamaya kay lola.

Nakarating na sa amin yung lalakeng tumatawag kay Juaquin... mukhang kanina pa sya
tumatakbo, dahil pawis na pawis at hiningal yung lalake...

Naka-kamisa chino at parang hinugot din sa history books yung lalake...

Hmmm... baka nga may costume party at Filipiniana ang theme....

Ay!!! Oo nga pala!!! Ang tanga-tanga ko nga naman! Shocks! August nga pala ngayon!
Baka sine-celebrate nila ang lingo ng wika! Hahahhaa! Nasa Quezon nga pala ako!!!!
Why didn’t I think of that!

“Señorito,, Señorito.. kanina ko pa po kayo hinahanap.... Yung Mama nyo po ay may


ipinadalang.... Huh!!!!!“  napahinto sya sa sinasabi nya at nagulat sya sa kin...
sa sobra siguro nyang pagkakagulat ay napaupo ang lalake... at namutla...

Ang OA a... SOBRA! As if naman nakakita sya ng multo!!!! HELLLOOOO!!!!!

“AAA... eee... aaa... “ Sabi nung lalake na parang hindi nya alam ang sasabihin
nya....
Ang OA talaga a!

“Sya si Katrina... at wala kang sasabihin kahit kanino tungkol sa kanya... “


Itinayo ni Juaquin yung lalake habang nanlalaki ang kanyang mga mata at titig na
titig pa rin sya sa kin...

“Bakit ganyan ang kanyang kasuotan? “Tanong nito kay Juaquin habang nakaturo ang
daliri nya sa kin...

Tinignan ko ang sarili ko... naka-maong at T-shirt lang ako with  matching flip-
flops....

“Bakit anong masama sa suot ko? “ Tanong ko.... “AAAAAA! Baka naman may party sa
inyo... sorry a... hindi kasi ako invited kaya hindi ako naka-costume... “
nakangiting sabi ko...

Nagkatinginan silang dalawa...

Ano naman ngayon.. may masama ba akong nasabi?

“Bumalik ka muna sa bahay” Sabi ni Juaquin sa lalake. “humiram ka ng pambabaeng


kasuotan sa iyong ina... Maari lang na walang makakaalam nito... kahit na sino...
Intiendes? “

Tumango lang ang lalake.. ngunit hindi pa rin naaalis ang pagtingin nya sa kin...

“MADALI! “ malakas na sabi ni Juaquin at nagulat yung lalake...

“OPO! OPO! “ natatarantang sabi nito at nagtatatakbo na papalayo...

Tatawa- tawa si Juaquin habang nakatanaw sa lalake... Umiling sya at itinuan ulit
sa kin ang kanyang pansin...

“Binibini... maaari ba tayong mag-usap... “

Tumango ako at ngumiti...

“Sure... “
Doon kami sa waterfalls nagpunta... at naupo kami sa malaking bato katabi nito...

Tinitigan muna nya ako ng matagal bago sya nagsalita...

“Sa itsura ng iyong kasuotan ay marahil na hindi ka nakatira sa lugar na ito?” Sabi
ni Juaquin...

“Taga- Maynila ako.. bumibisita lang ako sa mga lolo at lola ko... “

Sa itsura ng mukha nya ay mukhang mas lalo syang nalito sa sinabi ko...

“Paumanhin.. ngunit, madalas din ako doon at  hindi ganyan ang mga kasuotan ng mga
taga Maynila... “

Baka naman kabilang sa mge elitista ito... kung sa bagay... itsura pa lang nya mkha
na syang bilyonaryo...

“Actually.... Hindi naman ito ang latest fashion trend “ tatawa-tawa ako... “ pero
feeling ko kasi nasa bahay lang ako.. kaya hindi na ako masyado pang napaka bongga
ng suot... “

Tatango-tango sya, it’s as if he’s trying to figure me out... hindi naman ako weird
a. bakit ganyan sya makatingin sa kin...

Ang what’s with that language! Masyado naman nyang feel na feel ang lingo ng wika!
Hahahaha!

“Nabanggit mo kanina na ang pangalan ng iyong Lolo at Lola ay Nana Celia at Tata
Florencio ?“

Tumango ako...

“ Doon sila nakatira sa bahay ng mga Mendez.. sila ang katiwala sa haciendang
ito...“

He’s giving me that odd look again! Parang sinasabi ng mga mata na nababaliw ako...

“Sa pagkakatanda ko... wala kaming katiwala na ang pangalan ay Nana Celia at Tata
Florencio... ang katiwala naming dito ay ang ama at ina ni enrico, ang lalaki na
kanina lamang ay iyong nakilala... sila ay si nanay Conching at Tatay Fermin.. “

Now it’s my turn to look at him na para syang nababaliw...


“Isa ka nga sa mga Mendez? Pero hindi ikaw si Rafael... hmmm .. pinsan ka nya?”

Baka naman ibang hacienda ang tinutukoy nito kung kaya ibang mga katiwala ang
sinasabi nya.

“Ako si Juaquin Mendez, ang tanging tagapagmana ng haciendang ito... at wala akong
kakilalang Rafael, malapit o malayo mang kamag-anak... “

Aaaaaaaaaa.... Ooookkkaayyy..........

“huh! Paanong nangyari yun... sobrang tagal na katiwala ang lolo’t lola ko dito...
pero kahit kalian ay wala man lang akong nakilala kahit isa man sa mga Mendez..
ikaw lang... pero.... Bakit ganon... “

Napatayo ako at umiling-iling....

“Teka... teka.. teka.... There is definitely something wrong in here.... “


nagpabalik-balik ako ng lakad...

Tinignan ko ang paligid ko.... Ang puno na napakataas, ay parang napunggok...


mukhang bata pa ito...

Paanong nangyari na ang puno ay lumiit?????

Nanlaki ang mga mata ko...

PANIC MODE!!!!

Bumabalik ang ala-ala ko sa mga nangyari kagabi....

“Hindi-hindi pwede ito... panaghinip lang yon... “

Naalala ko ang Buwan...

“Ang Crescent moon!”

Ano na nga bang sinabi doon sa nabasa ko?

Ang kapangyarihan ng Crescent Moon

Dapat may bagay na nag-e-exist noon hanggang sa kasalukuyan...


ANG PUNO!

OMG! ANG PUNO!

Mas lalong kumabog ang dibdib ko...

Dapat may energized object....

Tumingin tingin ako sa paligi....

Naalala ko ang bag ko....

“Oh my gosh.... “ binuksa ko ito....

Nanginginig ang mga kamay ko ng unti-unti kong inilabas ang IPAD ko.

“No.. this can’t be!!!! “

Energized object ang IPAD!!!!!

Dapat nasa energized place....

Itong lugar na to... kakaiba ang lugar na ito... humangin ng mahina.... At


naramdaman ko ang kakaibang enerhiya... inilabas ko tinignan ko ang  IPAD at parang
nag-flicker ito...

“Oh my gosh!!!!!“ muntik ko ng mabitawan ang IPAD

At panghuli.... Dapat ay directly under the CRESCENT MOON!!!

“OH MY GOSH!!!!!“
Naalala ko ang napakagandang buwan na tinitigan ko kagabi....

It was unusually big and the color.... Kakaiba sya kagabi!

Napaupo ako sa realization.... “This can’t be... this can’t be true!!! This is not
happening... “

I shook my head.... And I covered my face with both of my hands...

KAILANGAN MAGISING AKO!!!!! PANAGHINIP LANG ITO!!!!!!!!!!!!!

“Katrina.... “ Mahinahong sabi ni Juaquin...

“ sa nakikita ko.. ay marahil nauunawaan mo na ang mga pangyayari?”

Mangilid-ngilid ang luha ko habang tinatango ko ang ulo ko...

Tumingin ako sa kanya.

“Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako... kahit ako hindi ako makapaniwala... pero
totoo... totoo pala!”

Am I trapped??? I can’t be here!!!!

Pero sabi sa article... kapag nag-travel ka ay siguradong ibabalik ka.. iyon nga
lang ay hindi alam kung kelan... at walang formula... basta kung kelan na lang
naisipan ng buwan na ibalik ka....

 Ano yun??? DEPENDE SA MOOD!!

Aaaa,,,, ano ba to!!!!

“Pipilitin kong paniwalaan ang lahat ng iyong sasabihin.... Ang tanging nalalaman
ko lang ay, ikaw ay hindi taga rito... sa PIlipinas man o kahit sa Europa base sa
iyong pananamit... ngunit, alam mo ang aming pananalita, may mga bagay akong hindi
naiintindihan, yung ibang salita ay pawing  inggles? Ngunit ang iba ay pawang
ngayon ko lang narinig... Kilala mo ang aming pamilya.... Ang mga Mendez.. ngunit
hindi ko kilala ang mga taong nabanggit mo... “
Huminga ako ng malalim.... Alam kong mahirap itong intindihin... ako man ay
hanggang ngayon ay naguguluhan.... In denial pa rin ako... pero.. andito na e...

“Anong taon na ba ngayon? I mean... petsa... anong petsa na ba ngayon?”

“Ika – 25 ng Agosto 1895”

Napanganga na lang ako.... “You’re kidding right??? “

Tinitigan lang nya ako.....

”Binibiro mo ba ako???!!!!“

Umiling sya...

This can’t be!!!!

“Oh no.... anong gagawin ko.... Paano ako makakabalik sa pinanggalingan ko! “

“Maaari naman kitang matulungan... sabihin mo lang kung saan. Marami kaming
pagmamay-aring barko na pumupunta sa iba’t ibang bansa... maaari kitang ihatid sa
Maynila at doon ka sasakay... “

Umiling-iling ako...

“Hindi mo ako naiintindihan.... Hindi ako taga rito... I mean.... oo.. totoong taga
maynila ako.. ngunit hindi sa panahong ito... “

Kitang kita sa mukha nya ang sobrang pagkalito...

“ganito kasi yon......Ipinanganak ako ng taong 1991... 22 years old na ako


ngayon... 2013 ang kasalukyang taon na kinabubuhay ko.... “

Tumingin ako sa kanya... walang nareregister sa mga mukha nya.... So I continued...

 “May nabasa ako.. isang article... “ inilabas kong muli ang IPAD ko... at nakita
kong namangha sya dito... “Dito sa IPAD... pero hindi ko na ito mapapabasa sa yo
kahit si-nave ko yon... drained na abg battery nya.... Pero sinasabi doon na ang
kapangyarihan ng crescent moon ay maaring magpabalik  sa panahon sa isang tao.... “

“Hindi ko ito pinaniwalaan... pero ... NANGYARI!... Hindi ko alam kung paano! PERO
TOTOO!”

Nakatitig lang sya at hindi nagsasalita, sa itsura nya ay parang hindi nya ako
pinaniniwalaan. Feeling ko nga, baliw ang tingin nya sa kin!

Excuse me.. sa ganda kong ito... Lukaret ang peg ko???!!!!

“Hindi ako baliw! Nagsasabi ako ng totoo.... HINDI AKO TAGA RITO!!! AT HINDI KO
ALAM KUNG PAANO AKO BABALIK!!!! Sana ay mapaniwalaan mo ako!”

Sa sobrang pagka-frustrate ko ay napaiyak na lang ako...

I buried my face in my hands...

Hindi ako pwedeng magtagal dito... hindi ko alam ang pamumuhay  sa panahong ito...

hindi ako marunong magtagalog ng sobrang lalim...

Saan ako titira? Wala naman akong kakilala dito...

Paano ko masusuportahan ang sarili ko dito? Anong trabaho ang makukuha ko dito?

Wala naman atang advertising firm sa panahong ito...

Hindi pa rin naiimbento ang computer at internet!!!

Computer animation and design lang ang alam kong trabaho...

Naalala ko... huhuhuhuhuhuhu... ang mga babae sa panahong ito.... Sa bahay lang!!!
waaaaaaaaa!!!!!! Kung nagta-trabaho man ay sa nagsasaka o kaya ay katulong!
Waaaaaaaaaa~!!!!! Oh no!!!!!

Ni hindi nga ako marunong magluto!!!! Hotdog, Egg, French fries at ham lang ang
alam kong lutuin! Idagdag ko na rin ang pinakuluang tubig, at least pandagdag sa CV
ko.

LAGOT NA!!!! PAANO NA AKO!!!

Ano ba naman yung buwan na yon!!! Ibabalik na lang ako ng panahon,, hindi pa pinag-
isipan ng mabuti!!!!! Gosh!!!!  

ANONG GAGAWIN KO!!!!!!


Naramdaman kong may umakbay sa kin.... At pinakakalma ako....

Sumandal ako sa kanya at unti-unting tumigil ang iyak ko....

“Pinaniniwalaan kita..... Huminahon ka na.... tutulungan kita.... Mahirap mang


intindihin ang mga sinabi mo ay nakikita kong nagsasabi ka ng totoo.... “

Kumuha sya ng panyo at pinunasan nya ang mga luha ko...

“pipilitin kong unawain ang mga pangyayari upang mahanapan natin ito ng
solusyon.... Wag ka ng mag-alala... ako muna ang mag-aalaga sa yo.... “

Napatitig ako sa kanya....

Mag-aalaga??? Wala pang nagsabi sa kin nyan... kahit si Richard ay kahit kailan ay
hindi man lang nya nasabing aalagaan nya ako... siguro dahil na rin sa napaka-
independent ko...

Pero ang sarap palang pakinggan at isipin na may mag-aalaga sa yo....

Nagsimula na namang tumibok ng mabilis ang puso ko....

Oh my gosh... he’s so gwapo and caring naman kasi!

A perfect knight in shining armor...

Sino ba ang babaeng hindi matutunaw sa intensity na pagtitig nya....

His face is perfect....

Kung sa panahon ko sya nabubuhay.... Pwede syang maging model....

Siguro ang daming babaeng mahuhumaling sa kanya.... AT ISA NA SIGURO AKO DON!!!!

Ngunit, sa tingin ko ay hindi lamang ako ang na-aatract sa kanya.... Maging sya ay
hindi nya maialis ang pagkakatitig nya sa kin... as if mine-memorize nya ang mukha
ko... It’s as if he’s trying to figure me out,, if I’m real....

“Señorito Juaquin!  Señorito Juaquin!  Nandito nap o ang pinakukuha ninyo“

Biglang tinanggal ni Juaquin ang pagkakayakap sa kin at napatayo, hindi sinasadyang


nasagi nya ako at nahulog  ako sa kinauupuan ko!

“AAAAARAY!”

Asar! Ang ganda na ng moment e!!!!

PASAWAY NAMAN KASI YUNG ISTORBONG IYON!!!!!!

Kaya, for the second time.... Himungi na naman ng paumanhin si Jauquin at


tinulungan na naman nya akong tumayo....

This is getting to be a habit....

But I can get use to it... hihihihihihihi.......


=================

Chapter 4

Chapter 4

Kat

"Huy naman.... Sige na please, parang awa mo na.... ... Ibalik ma na ko sa min....
" Para akong tanga na kinakausap at nagmamakaawa na nakatingala sa buwan... kung
may nakakita sa kin nito, sasabihin na baliw ako.

"Kung gusto mo.. luluhod pa ako.... Hindi ka ba naawa sa kin? Hindi talaga ako
pwede dito... masisira ang ulo ko ditto! Promise!!!"

Lumuhod ako at ipinagdikit ko pa ang dalawang kamay ko na parang nananalangin...


with matching paawa epek pa sa mukha... yung tipong mukhang nilapastangan... baka
naman makunsensya si manong buwan... at ibalik na ko agad-agad,, as in, now na!

"Please naman po... nagmamakaawa na talaga ako.... Ibalik mo na ko bago ka pa


maging half moon.... Please, please, please, please, please........... "

Isang buwan na ang nakalipas simula ng mapunta ako sa panahon na ito...

Umikot ang buwan at ngayon ay pangatlong araw na ng crescent moon. At tatlong araw
na rin akong pabalik balik sa lugar na ito at patuloy na nagmamakaawa sa buwan na
ibalik na ako sa pinanggalingan kong panahon...

"I can't take this anymore... hirap na hirap na ako!!!! Huhuhuhuhuhuhuhu! "

Mabait naman si Jauquin at ang kanyang mama na kasama nyang nakatira sa hacienda.

Pero syempre, as conservative as they are, due to their era, hindi maiiwasan na
magalit nung inuwi ako ni Juaquin sa bahay. Kung makatitig sa kin noong una nya
kong nakita,,, parang lalapain ako ng buhay!!!

Nag-sneak-in kami sa malaking bahay at walang ibang nakaalam na si Juaquin ang


nagdala sa kin doon kundi ang anak ng mga katiwala nila na si Enrico, yung lalaking
inutusan ni Juaquin na ihiram ako ng damit.

Idineretso ako sa kwarto ng mama ni Juaquin at doon ay sinalubong kami na parang


nanggagalaiting aso... as in, labas lahat ng ugat sa leeg at mukha... nyiii...
talaga.. katakot to the max...

Ng medyo mahimasmasan ay ipinaliwanag ni Juaquin at sitwasyon , at nagbago ang aura


ang mama nya. Nuong una ay hindi sya makapaniwala.. akala nya nahihibang kaming
lahat at gumagawa lang ng istorya. Nung ipinakita ko sa kanya yung laman ng bag ko
na puro gadgets, doon sya nagtaka at ng lumaon ay niwala na...

Para hindi magsuspetsa ang mga tao sa paligid, Ipinalabas nila na malayo akong
kamag-anak ng mama ni Juaquin at nagbabakasyon. Kung dumating man ang Papa ni
Juaquin, na mas namamalagi sa Maynila o kaya naman ay sa Eurropa, ay hindi rin
magkakaproblema, dahil walang ibang kilalang kamag-anak ang papa nya maliban sa mga
magulang ng kanyang mama.

Ng nakilala ko ng lubos ang Mama ni Juaquin ay nalaman ko na napakabait nito, sobra


nga e, kung ituring ako ay parang anak na rin nya. Purong Pilipino sya na
nakapangasawa ng isang negosyanteng Espanyol na matagal ng namamalagi sa
Pilipinas...

Dahil sa hindi namin alam kung kailan ako babalik sa panahon ko, o kung babalik man
ako.. teka,...... delete, delete, delete... BABALIK AKO, SA AYAW O SA GUSTO MAN NG
LECHENG BUWAN NA YAN... BABALIK AKO!!!!

As I was saying.... Dahil nga sa hindi namin alam kung kelan ako mamamalagi sa
panahong ito, minabuti ni Dona Estelita na turuan akong mamuhay dito... at sinasabi
ko sa inyo... WAG NYO NG PANGARAPIN NA PUMUNTA SA IBANG PANAHON!!!! As in... maawa
kayo sa sarili ninyo.... Wag nyong paglaruan si Crescent Moon... iiyak lang talaga
kayo.. .huhuhuhuhuhuhu.... Katulad ngayon... hindi naman sa awing - awa ako sa
sarili ko... pero parang ganon na nga... huhuhuhuhuhuhuhu!

1 month! As in 1 month akong hindi nakakaharap sa computer!!! 1 buwan na walang


internet, facebook, twitter at instagram!!! 1 month na walang WATTPAD!!!! Hindi ko
na tuloy alam kung anong nangyari kay Sky, Josh, Alex at Chloe sa Falcon
University!!!! Inaabangan-abangan ko pa man din ang update ng pinakamagandang
author sa Wattpad na si Ms. Walang Magawa! Ang bagal kasi mag-update e! kainis...
inabot tuloy ako ng time travelling ek ek na to!!!! Wish ko lang na pagbalik ko sa
panahon ko, tapos na ang book 1 at nagsisimula na rin ang book 2! Haaaaaayyyyy!
Naloloka na talaga ako!

"Huy... please naman po... ibalik nyo na ako..... please.......... Tignan nyo itong
mga daliri ko.... " Itinaas ko yung kamay ko... baka sakaling may mata yung buwan
at Makita yung namamaga kong mga daliri.... E kasi ba naman... ang pastime ng mga
babae dito ay manahi... magburda... kung hindi nananahi... naglilinis...
nagluluto.. hindi ba nila alam na ang grade ko sa HELE ay 70!!! Kainis na Hele
yan... kundi dahil dyan.. valedictorian sana ako!!!

At si Juaquin naman... simula ng ipinaubaya nya ko sa mama nya, bihira ko na syang


Makita! Akala ko ba aalagaan nya ko?? huhuhuhuhuhuhuhuhu.... Tuwing kakain lang
saka kami nagkikita. At kung mag-usap man ay sandaling sandali lang. masyado raw
kasing maraming inaasikaso sa hacienda.

Well, kung sabagay, kasalanan ko rin naman kung bakit hindi kami masyadong
nagkakausap... kasi tinatamaan ako ng hiya sa kanya ngayon... e kasi naman, kung
magtama ang mata namin parang may magnet... kapag nagkatitigan na kami.. parang
ayaw ng maalis ang mata namin sa isa't isa.... Pipilitin mo talagang umiwas ng
tingin.. tuloy... palaging namumula ang mukha ko... feeling ko sobrang naghy-hyper
ventilate ako! At hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit hindi pa ako inaatake
sa puso.. lakas tama! OVER!

Wish ko lang na hindi napapansin ng Mama ni Juaquin.... Kundi, wala na talaga akong
mukhang maihaharap sa kanya kung malaman nyang pinagpapatasyahan ko ang anak
nya.... Grabe naman kasi ang kagwapuhan ng taong yun! Hindi makatotohanan!

STUPID STUPID ATTRACTION!!!!


"Alam kong sooobrang bait nyo po... kaya ibalik nyo na po ako. PIpikit ako a...
sana po pagdilat ko, nakabalik na po ako... "

Ipinikit ko mga mata ko...

"Bibilang ako ng sampu... pagdilat ko a.... nasa amin na ako a... please please
please po... "

"1"

"2"

"3"

"4"

"5"

"6"

"7"

"8"

"9"

"10"

Idinilat ko muna yung 1 mata ko.. tipng sinisilip yung paligid....

Nakabalik na ba ako?

Idinilat ko na rin yung isang mata ko at tumingin tingin sa paligid...

Ng biglang napatalon ako sa gulat!

Napahawak ako sa dibdib ko at sobrang kumakabog ang puso ko...

Hindi ko kasi namalayan na nasa tabi ko na pala ang pinakagwapong nilalang sa buong
sangkatauhan!
At naka ngisi sya sa kin na tipong nang-aasar...

PASAWAY TO A!

"mahilig ka ba talagang manakot!"

Natawa sya....

"Nakaka-aliw lang naman ang iyong itsura... ugali mo bang magsalita ng mag-isa?"

"Hmmmp... may kausap ako no... "

Tumingin sya sa paligid...

"Wala ka namang kasama dito? Sino ang iyong tinutukoy? " parang naging seryoso ang
tono ng boses nya.

Tinuro ko ang buwan....

"Ayun o.... si manong buwan... baka sakaling ibalik na nya ako sa pinanggalingan
ko... "

"A ganon ba... " parang nalungkot ang kanyang mukha....

Napangisi ako... hehehehe.... "Uyyyyy.. ma-mi-miss nya ako... hehehehehehe"

"Ma-mi-miss?" nagtatakang tanong nya...

"Aaaa... hmmmm... ano nga bang miss sa tagalog? Teka paano mo nga naman ako ma-mi-
miss... e halos hindi mo nga ako kausapin! Suplado ka pala!"

Ngumiti lang sya.. hinawakan nya ang braso ko at umupo kami sa malaking bato katabi
ng water falls...

"Masyado lang akong naging abala sa pag-aasikaso sa Hacinda... Ngunit wag mong
isipin na hindi kita nais na makausap. Gusto lang kitang makapagpahinga, dahil
parati kitang nakikitang abala at tipong pagod na pagod... "

Napabuntong hininga ako...

"Hindi kasi talaga ako sanay sa ganitong klase ng buhay.. malayong-malayo sa


kinalakihan ko... ang hirap mag-adjust."

"Nais mo ba talagang bumalik sa iyong panahon? "Tanong nya na parang may halong
kalungkutan ang kanyang mga mata...

"Wala naman din akong choice e... sabi don sa nabasa ko, sa ayaw at sa gusto ko..
babalik pa rin ako... iyon nga lang, hindi ko pa alam kung kelan... kahit ata
maglupasay ako ng bonggang bongga dito, hindi pa rin ako pakikinggan ni manong
buwan!"

Hindi sya nakaimik...

"Ang ibig sabihin ay talagang bumibisita ka lang dito sa panahong ito?"

Tumango ako... "Iyon ang sabi ng article... "

"Kung gayon ay gawin nating hindi malilimutan ang iyong pagbisita sa aming panahon,
ipagpaumanhin mo na hindi kita naasikaso nitong nakaraang buwan... babaguhin kong
lahat ng iyon.. nasa iyo na ngayon ang lahat ng aking atensyon... "

"Hmmmm? As in? "

Hindi ko alam kung naintindihan nya ko.. pero ngumiti sya at tumango...

"Hmmm... ok... "

Tumingala ako ulit sa buwan... "Teka lang manong buwan a.. bigyan mo pa ko ng
konting panahon.... Baka mag-enjoy na ko nito... "

Natawa sya sa sinabi ko....

Pinalo ko ang kanyang braso.

"Bakit mo ko pinagtatawanan? "

"Ganyan na ba sa hinaharap? Madalas nyo na bang kausapin ang buwan?"

"Hindi... medyo lokaret lang talaga ako... mahilig lang talaga akong magsalita mag-
isa... mas lalo kapag stress ako... "

"Kwentohan mo ako tungkol sa iyong panahon... "


***

Hindi ko namalayan na ang tagal nap ala naming nagku-kwentuhan..

Manghang-mangha sya sa mga kinuwento ko tungkol sa 21st century... sa mga nangyari


tungkol sa mga espanol.. sa mga amerikano.. sa hapon .. sa pagiging independent ng
mga Pilipino... grabe buti na lang na kahit antok antok ako sa Philippines history
class naming, may mga pumasok naman pala sa utak ko...

Pero nagdalawang isip ako ng tinanong nya kung may alam ako kung anong nangyari sa
kanya at sa kanyang pamilya...

"Naalala ko nung una kitang nakita ay tinawag mo akong Don Juaquin? "

"Iyon na ang tawag nila sa yo sa panahon ko..."

"Ngunit, paano mo ako nakilala?"

"Actually, mayrron kang napakalaking painting sa may salas, yung lugar na nakaharap
sa hagdanan... ikaw nga ang lagging bumabati sa kin tuwing bumababa ako sa
hagdan... ang galing naman kasi e,, talagang nakatingin yun painting sa tuktok ng
hagdanan! Creepy nga e.. hahahaha! Pero ok lang.. at least, gumaganda ang araw ko
kapag dumadaan ako don palagi.... Oooooppppp!!!! " hala! Nagiging blubber mouth na
naman ako! Hindi ko naman alam mga pinagsasasabi ko!

Tinakpan ko ang bibig ko at napatingin ako sa kanya...

He looks amused...

Nagtama na naman ang mga mata naming at parang magnet na hindi ko na naman mai-alis
ang tingin ko sa kanya....

Kahit na madilim ang paligid ang nasisinagan naman kami ng liwanag ng buwan...

Napakaganda ng kanyang mga mata.. it has the lightest shade of brown...

Napaka-expressive... yung tipong nangungusap... na parang may mga lihim na nakatago


doon na gusting kumawala...

Shocks! I can't take my eyes off him!!! And I really think that the feeling is
mutual...

He really takes my breath away!


Hindi ko namalayan na unti-unti na palang lumalapit ang mga mukha namin....

I'm hyperventilating!

He's sooo gwapo talaga!

Pero bigla akong na-distract...

I think I have to do something about that hair...

Para akong nagising sa isang napakagandang panaghinip...

I shook my head.. at bigla rin syang umiwas ng tingin...

Ok.... So what happened?? I think I have to do something about this attraction..


mahirap na! baka ma-broken hearted na naman ako... hindi pa nga ako nakakrecover
kay Richard... pero come to think of it.. bakit parang sa loon ng 1 buwan... hindi
man lang sumagi sa isip ko si Richard? Ang palaging nasa isip ko ay kung paanong
paraan ako mapapansinin ng katabi ko?

Have I gotten over Richard and moved on ng hindi ko napapansin?

I shrugged na lang and opened my bag... palagi ko itong bitbit kapag nagpupunta ako
dito.. malay mo higupin na ako ni manong buwan pabalik sa kasalukuyan... ayokong
iwanan mga gadgets ko...

HInalungkat ko ang bag ko at nakita ko na ang hinahanap ko...

Ang aking mahiwagang suklay!

=================

Chapter 5

Chapter 5

Malapit ng sumikat ang araw pero paikot ikot pa rin ako sa kama.. pinipilit kong
dapuan ng antok, pero masyado pa ring gumagana ang utak ko! Kung ano anon g
posisyon ang ginawa ko, pero hindi pa rin talaga ako dinadalawan ng antok!

Kapag naalala ko ang mga nangyari kagabi, O kaninang madaling araw na ba yon? Hindi
ko namalayan ang oras, parang unli lang, dahil hindi maubos ubos ang kwentuhan
namin ni Juaquin kagabi. Napakarami nyang gustong malaman tungkol sa hinaharap, sa
panahon ko.

Well, ako lang pala ang salita ng salita, at sya naman ay nakikinig lang at
nagtatanong. makikita mo ang pagkamangha sa mukha nya sa lahat ng mga bagay na
dine-describe ko sa kanya...

HIndi ko alam kung tamang ikinuwento ko sa kanya kung paano natalo ang mga espanyol
sa mga pilipino, dahil isa syang espanol, ay, kalahati lang pala.... pero masyado
sya kasing interesado sa mga detalye non, kaya dire-diretso naman itong walang
tigil kong bibig!

Ang isa sa mga ikinuwento ko na pinaka ikinagulat nya ay ang eroplano... hindi sya
makapaniwalang nagawa ng tao na pumunta sa malayong lugar sa pamamagitan ng
paglipad!

Sayang lang at medyo nag-f-flicker na lang ang IPAD ko, marami sana akong mga
pictures doon na nasa airport at nakasakay sa airplane, sayang! Marami sana akong
pwedeng ipakita sa kanya. Punong puno pa man din ng mga pictures yon... what can I
say, I'm such a selfie person!

Hindi ko lang ma-explain kung bakit tuwing crescent moon at full moon ay fully
charge ang mga gadgets ko!!! Pero dito lang sa lugar na ito... kapag lumayo na
ako.. drained na ulit sya.. ang weird talaga... sobra.. ngayon at malapit ng mag
half moon ay paindap-indap na lang ang power ng mga gadgets...

Ang hindi ko pa rin matanggal - tanggal sa isip ko ay noong pinakialaman ko ang


style ng buhok nya... ginulo gulo ko ng konti ang medyo may kahabaang buhok nya.
Para naman hindi flat na flat. Sayang naman ang kagwapuhan nya kung ang sisira sa
mukha nya ay ang pagka-pangit pangit na hairstyle.. hindi ko alam kung anong
klaseng fashion sense ang meron sa era na to, pero hindi ako natutuwa dito. I must
say that I'm really not a fan. Tignan mo na lang ang suot ko... mas modern pa ang
lola ko dito! Palaging mahaba ang palda, ilang beses na akong napapatid ayaw pa rin
akong payagan ni Dona Estelita na putulin ko ang mga palda ko!

Haaay.. e ganon talaga.... I just have to deal with it!

Masyado akong na-engross sa pag-m-make-over ko kay Juaquin, at hindi ko napansin,


na ang intense na pala ng pagkakatitig nya sa kin. Napansin ko na lang ng natapos
ako at satisfied na ko sa creation ko ng namalayan ko na ang lapit na pala ng mukha
naming sa isa't isa... And his eyes never left my face,,, He didn't even blinked!
It's like he's telling me something but I can't seem to understand... hindi naman
ako bobo, pero hindi ko lang talaga maintindihan ang sinasabi ng kanyang mga mata.

I looked at him, trying to match the intensity of his stare.

I was just so painfully attracted to him! Especially now that he's already way more
handsome because of his new hairstyle!!!! But why am I feeling this way? Is this
even legal??? Am I allowed to fall in love from another era? O baka naman ito na
ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako iniuuwi ng mahiwagang buwan?

Hindi ko maintindihan ang sarili, I don't usually fall easily... nagkandarapa nga
si Richard kakasunod sunod sa kin dati bago ko pa gantihan ang naramdaman nya sa
kin...

Pero kay Juaquin,,, unang beses ko pa lang nakita sya... iba na ang naramdaman ko
para sa kanya...

Is he feeling the same intense way that I do? Does his heart beats faster than
normal like my heart is beating 10 times than it's normal rate?!

Is this for real?

Sa ngayon parang handa na akong maniwala sa mga kababalaghan... handa na akong


maniwala sa mga fairytails... handa na akong maniwala sa mga prinsipe at happily
ever after... as corny as it sounds...

ANO BANG GINAWA MO SA KIN MANONG BUWAN!!! YOU TUNED ME INTO SUCH A MUSHY LITTLE
GIRL THAT HAS BEEN THE OBJECT OF MY DISGUST BEFORE!!!!

He cupped my face with both of his hands.

I was so lost in his eyes, and I caught my breath eagerly anticipating for what is
about to happen...

Unti-until nagtatagpo an aming mukha...

I closed my eyes and waited.... Eagerly waiting... waiting for our lips to touch...

And it happened!

His lips... sooo soft... brushed mine and my whole body trembled...

Parang isang matinding boltahe ng kuyente ang bumalot sa katawan ko!

Ngunit hindi pa man din masyadong nakakalapat ang aming mga labi ay biglang may
nagsalita sa di kalayuan!!!!!

"Senorita Katrina!!!! Senorita Katrina!!!!"

Bigla akong pumiglas... at namalayan ko na lang na nasa lupa na naman ako!!


"GOSH!!!! This is getting to me a habit! A very bad habit!" sabi ko ng padabog.

Pagtingala ko ay kakarating lang ni Enrico na humahangos dahil sa pagtakbo....

I rolled my eyes....

SYA NA NAMAN!!!

Ang dakilang ISTORBO ng buhay ko!!!!

Tinitigan ko sya ng matalim!!!!!

ARRRGGG!!!! Kainis!!!!

Ooooppppssss .. biglang umangat ang katawan ko sa pagkakasalamapak sa lupa...


walang sabi sabi ay binuhat ako ni Jauquin at itinayo nya ako ng maayos... hindi pa
sya nakuntento at pinagpag pa ang ilang bahagi ng damit ko na may bahid ng lupa...

Kinilig na naman ako!!!! Grabe talaga!!! Napaka-gentleman talaga!!!!! Iuuwi ko


talaga to, PROMISE!!!!

Nakangiti syang inayos ang buhok ko, hinawi ang ilang mga hibla na nakaharang sa
mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko...

SHOCKS!!!! Mabuti na lang talaga at madilim kundi mapula pa sa kamatis ang mukha ko
ngayon!!!!!!!!!!

KINIKILIG TALAGA AKO!!!!!!!

Pinipigilan ko lang ang sariki ko para hindi ako magkikikisay sa sobrang


kakiligan!!!! SHOCKKKKKSSSSSS!!!!!

"Ummmmm .....ahem.... ahem.... Ahem!!!! Senorito Juaquin? Senorita Katrina?"

Mabilis akong tumalikod sa may-ari ng boses na yon at tinitigan ko ng pagkasama-


sama sa pinaka malaking hadlang ng love life ko!!!!!!

Napaurong sya at mukhang natakot!

Sige!!!! Matakot ka!!!! Matindi pa ako sa mananaggal nito!!!!!


Kung pwede ko lang syang sakmalin!!!!

GRRR!!! ISTORBO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"Ano ang iyong kailangan Enrico? At bakit mo tinatawag si Katrina?" Mahinahong


tanong ni Juaquin, ngunit makikita mo rin na itinatago nya ang kanyang pagkairita.

Uyyy.. affected din sya... heheheheh..

"Hating gabi na po kasi at napansin ng inyong mama na wala si senorita Katrina sa


kanyang silid, at ipinahanap po sya sa kin. Labis na nag-aalala ang inyong mama,
dahil pangatlong gabi ng napapansin ni Dona Estelita na nawawala tuwing gabi ni
Senorita Katrina... "

Tumingin sa kin si Juaquin...

"Nawawala ka tuwing gabi? Tatlong araw na?" tanong nya na labis ang pag-aalala.
"delekado ang paligid tuwing gabi, hindi mo alam kung may mga estrangherong
naliligaw dito."

"Aaaa... eeee... Hindi ako mananananggal promise!!! Saka isa pa hindi naman bilog
ang buwan! at mukha namang tahimik ang paligid, wala naman akong nakaksalubong
dito, maliban sa yo... " tarantang sabi ko... hindi ko akalain na alam ni Dona
Estelita na umaalis ako ng gabi.. pagkakaalam ko ay mga nasa kwarto at natutulog na
ang lahat... pagkagat pa lang kasi ng dilim ay natutulog na mga madlang people
dito.

nanaliit ang mga mata ni Don Juaquin na tila may mga bagay na bumabagabag sa
kanya...

Ngunit, nagulat ako ng magtanong sya.

"anong Manananggal?" Nalilitong tanong ni Juaquin...

sa lalim ng inisip nya... manananggal ang naalala nya sa mga sinabi ko?

"A wala.. wala... dito lang talaga ako pumupunta... baka sakaling..... "

"Ibalik ka na sa inyong panahon???? " Tinapos nya ang dapat kong sabihin.

Napahinga ng malalim si Juaquin at bigla biglang nagbago ang expression ng mukha


nya...

Anong nangyari don... biglang nagbago ang aura nya. Maya-maya pa ay napangiti na
lang sya, ngting hindi umaabot sa kanyang mga mata...

Bakit parang masyadong malalim ang iniisip nya?

Hindi na sya umimik hanggang sa Inihatid na ako sa mansion, mismo sa tapat ng


kwarto ko.. at hindi ko alam ang tinatakbo ng utak nya? Tumango lang sya at
nagpunta sa kwarto nya...

Sobrang guilty ko naman... may nasabi ba ako... anong ginawa ko???

Is it the kiss??? Sobra naman kung kiss lang.... ay teka... halos dumampi nga lang
yung mga labi naming,,, hindi pa nga considered na kiss yon e! daplis nga lang e...
DAPLIS!!!

Haaayy...

Ang akala ko.. ang mga babae ang moody.. mas malala pa pala ang mga lalake!

At hanggang ngayon na pasikat na ang araw ay palaisipan pa rin sa kin kung anong
kilos at mga iniisip ni Juaquin... ngayon ko lang napagisipan... malalim pala
sya.... Kaya nyang itago sa ngiti ang kanyang mga emosyon...parang may mas malalim
pa syang pagkatao kaysa sa ipinakikita nya sa mga tao... at bakit sya napadpad sa
lugar na yon ng ganong oras, kung ang pagkakaalam ko ay tulog na pagkagat pa lang
ng dilim, at kasali sya don? malamang na hindi naman nya alam na umalis ako ng
mansyon dahil nagulat sya ng malaman nya kay Enrico na ilang gabi na rin ako
lumalabas ng gabi.. O baka naman may katagpo sya? May tinagago yun e... I CAN FEEL
IT!!!

haaaayyyy!!!!! mabaliw baliw sa kakahula kung anong tumatakbo sa isip nya! Hindi ko
na lang namalayan na habang unti-unting sumisikat ang araw ay unti-unti ring
bumababa ang talukap ng mga mata ko hanggang sa lumusan na akong dalawin ng antok
at nakatulog....

=================

Chapter 6

Chapter 6

Kat

Mag-aalos-dose na nang hapon ng lumabas ako ng kwarto. Tinanghali ako ng gising


dahil mataas na rin ang araw ng dapuan ako ng antok.

Ng Idilat ko ang mata ko ay nasa katirikan na ang araw. At nagmadali akong mag-ayos
sa sarili at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

HIyang hiya naman ako kay Dona Estelita at hapon na ako nagising. Alam ko naman na
saksakan ng aga kung gumising ang mga tao dito.. Nakakhiya!

Napaka-hard working ng mga tao dito na kailangan ay sa ganitong oras ay marami ka


ng nagawa, hindi ang ngayon pa lang babangon sa kama! Baka sabihin nila na sobra
akong tamad!

Hindi naman masyado, slight lang diba?!

Sa sobrang pagmamadali ko ay naapakan ko ang laylayan ng pagkahaba haba kong palda


at pabagsak na ako ng hagdanan!

Sinubukan kong balansehin ang sarili ko at humawak sa kapitan sa hagdanan pero huli
na!

"AAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYY!!!!!!" Sigaw ko.

Namalayan ko na lang na nakadikit na ang mukha ko sa sahig. Mabuti na lang at 3


hakbang na lang ng hagdanan ng mahulog ako at hindi na man ganon kasakit ang inabot
ko. Pahamak na palda to! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sanay sa
length ng mga damit dito... sanay lang ako na palaging naka shorts o kaya ay naka
pantaloon. Hindi talaga ako mahilig din na magsulot ng palda, kahit nga sa opisina,
palagi lang din akong naka-slacks...

Ano ba naman tong bukay na to.... Mahal na mahal ba talaga ako ng sahig o lupa o
ano man ang nasa ibaba... bakit ba lagi na lang akong pinupulot sa lupa???

Aray ko naman! Pabangon na ako ng marinig ko ang mga nagmamadaling hakbang na


papunta sa kinalalagyan ko.

"Iha! Iha! Naku! Anong nangyari? Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Dona
Estelita kasunod nya si nanay conching at ang anak nitong si Amelia.

"OK lang po, ok lang po.. masyado lang akong clumsy.. hindi naman ako nasaktan. "
sabi ko na nakahawag na bandang bewang ko na parang napuruhan sa pagkakabagsak.

Hindi pa man ako nakakatayo ay isang pang pares ng paa ang nagmamadaling dumating
sa kinalalagyan ko at naramdaman ko na lang ang sarili ko na umangat sa sahig at
binuhat papuntang salas...

This is really getting to be a habit...

Napatitig ako sa labis na nag-aalalang mukha ni Juaquin. At ang pakiramdam ko ay


para akong inilulutang sa alapaap! At feeling ko rin na ang sakit na naramdaman ko
kanina lamang ay nawala na!

Ang OA ko talaga! Pagbigyan nyo na ko! E hopeless romantic talaga ako e!!!
hihihihihihihi!

Kung ganito ka-gwapo ang bubuhat sa kin araw-araw ay magpapahulog na lang ako
parati sa hagdanan! Kahit na magkabali-bali ang mga buto ko.. OK LANG!

"Base sa iyong ngiti ay masasabi kong hindi ka nasaktan?" sabi ni Juaquin na may
halong pagbibiro.

Am I smiling?

Do I look like an idiot right now? MALAMANG!

Naku.. obvious naman yata ako!

Ilabas mo muna Kat ang acting abilities mo!!!

Kunwaring nagsasakit sakitan ako at kungwaring iniida ko yung pagkakahulog sa


kin....

Ngutnit mukhang mas lalong naaliw sa akin si Juaquin!

Mukhang hindi effective ang pag-iinarte ko!

Pero mukhang bumebenta naman ako kay Dona Estelita at mukhang nagimbal sa
pagkakahulog ko at hindi mapakali!

Inilapag ako ni Juaquin sa salas... at nagpapanic mode naman si Dona Estelita! Kung
ano ano ang mga iniuutos sa mga katulong.

"Tita,, tia.. Ok lang po ako.. wag na po kayong mag-alala.. Hindi naman po ako
nasaktan... Tita Lita!"

"MAMA! "

Napalingon si Dona Estelita sa min at parang natauhan...

"Paumanhin, Paumanhin... masyado akong natakot ng nakita ko si Katrina sa sahig!


Ang Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kanya!"
"Maayos na po ako tita.. Hindi naman po masyadong mataas ang pinagbagsakan ko..
nagulat lang po talaga ako." sabi ko... Nakasanayan ko na syang tawaging Tita Lita
dahil na-ta- tongue twist ako sa pangalan nya. Ang haba na with the title,
nakakalito pang banggitin!

Napahinga sya ng malalim and she looks relieved.

"Aling Conching, paki dalhan mo na lang ng pagkain dito si Katrina."

Tatayo sana ako sa kinahihigaan ko ngunit pinigilan ako ni Dona Estelita.

"Wag ka munang tatayo!"

"Ok na po talaga ako. Promise... Hindi naman po talaga masakit."

"Wag ka ng mag-alala mama, at mukha namang maayos na si Katrina... " Tumayo si


Juaquin " Ako na ang mag-aasikaso ng kanyang pagkain... "

Tumayo si Juaquin at pumunta sa kusina kasama si Nanay Conching at Amelia..

"Juaquin! Ako na lang ang pupunta sa kusina... " patayo na ako ng pigilang muli ako
ni Dona Estelita...

"Maupo ka muna iha... sandaling ipahinga mo muna ang iyong katawan para naman
masigurado natin wala na talagang masakit sa iyo. May pupuntahan pa naman tayong
piging bukas ng gabi at ayokong pipilay pilay ka." Mahinahon sabi ni Dona Estelita.

"Piging? As in PARTY PARTY?"

"Anong Party Party? Hindi ko nauunawaan." Tatawa tawang sabi ni Dona Estelita.

"Aaaaa... hmmmm... Party... siguro nga po piging ang tawag sa inyo dito... Ball?
Gathering? Ummm.. Pagsasalo-salo??? Basta po iyon na po iyon! Mukha naman pong
nagkakaintindihan tayo"

"Niintindihan ko na ang iyong sinasabi." She said with amusement in her voice.
"Dumating kahapon ang mga Del Valle at iniimbitahan tayo sa isang salo-salo sa
kanilang tahana sa bayan."

So it's a ball!

Oh Gosh... I really don't know how to act on those kinds of occasions. Sanay lang
ako sa mga 21st century party's. I don't know the rules, the restrictions... the
dances at kung ano ano pa. Gusto ko rin pumunta, curious din naman ako per baka
naman magkalat lang ako. Kahiya-hiya naman ang labas ko!

"Umm Tita.. kasi ano po... pwede po bang hindi na lang ako sumama?"

Napabuntong hininga si Dona Estelita at naging seryoso. Hinawaka nya ang kamay ko
at tiningnan ako sa mata.

"Iha, kailangan kitang ipakilala sa mga tao. Mukhang maraming nakakita at


nagtatanong kung sino ang magandang binibini na nakatira sa tahanan ng mga Mendez.
At para matigil na rin ang mga usap usapan. Ipapakilala kita bilang kamag-anak."

"Usap-usapan?"

Mukhang hindi maganda yun a... marami na rin palang tsismoso at tsismosa sa panahon
na ito. I'm so allergic with gossips!

Huminga ng malalim si Dona Estelita...

"Paano ko ba ito maipapaliwanag. "

Nag-isip sandali si Dona Estelita...

"Katrina ...napapansin ko na nitong mga nakaraang araw ay tila nagkakahulugan ang


loob ninyo dalawa ni Juaquin,,,, "

Ok, It's time to deny!

"NAKO!!! HINDI PO!!! PROMISE... PROMISE PO TALAGA!!!!"

Deny to death ang beauty ko!!!! Grabe! Nakakahiya!!!!!!!!!!!!!!

Ngunit sa halip na magalit ay tinignan nya ako ng may halong panunukso... pero
matapos ang ilang Segundo ay binawi nya ito at naging seryoso na naman.

"Hindi ako bulag upang hindi ko makita ang namumuong emosyon sa inyong dalawa ni
Juaquin. Kung tutuusin nga ay gusto kita para sa anak ko.. "

"ANO PO??!" gulat na gulat na sabi ko.

"Ngunit..... " seryoso at madiin nyang sabi.


Sinasabi ko na nga ba e.... may ngunit or pero syang sasabihin.... I've anticipated
it already...

"Hindi ka kabilang sa panahong ito. Hindi natin alam kung bukas o sa makalawa o
baka mamayang gabi ay ibalik ka na sa iyong panahon. Masyadong mahiwaga ang iyong
pagkatao at ang mga pangyayari na hindi ko lubos itong maintindihan. "

" Yeah, I know,,, I don't belong here and I do understand your concerns....
Naiintindihan ko po kayo." I tried to smile because, everything that she's saying
makes sense... Hindi talaga ako taga dito... Pero bakit kahit naiintindihan ang
isip ko ay bakit nagrerebelde ang puso ko? Actually kagabi lang ay gusto ko ng
umuwi... pero pagkatapos ng pagtatagpo naming ni Juaquin,, nagbago na ang isip
ko... gusto ko pang tumagal dito.

"Ayokong pareho kayong masaktan ni Juaquin. Isa akong ina at nakikita ko na sa loob
ng isang buwan na pamamalagi mo dito ay tila lumalalim na pagtingin nya sa yo.
Kahit na maraming babaeng nagkakagusto sa kanya, ay kahit isa ay wala syang
pinansin, o nagkainteres man. Pero pagdating sa yo, isang naging palaisipan sa akin
na sa gabing dinala ka nya dito ay naiiba ang pagtingin nya sa yo. Noong mga
nakaraang araw ay nakita ko ring pinipilit nyang pigilan ang kanyang nararamdaman,
ngunit ngayon umaga, base sa kanyang pagtingin sa iyo ay parang nag-iba ang hangin,
tila sumuko na sya sa paglaban sa kanyang emosyon at nag-papaubaya na sya dito.
Ngunit alam ko na alam mo na hindi ito nararapat. Sana ay nauunawaan mo ang mga
sinasabi ko sa yo." Sabi nya " At isa pa, may obligasyon si Juaquin na dapat nyang
tuparin at hindi maaaring ipawalang bahala. "

"Obligasyon po?"

Huminga na naman sya ng malalim.

"Bata pa lamang si Juaquin ay naitakda na ang kanilang kasal sa panganay na anak na


babae ng mga Del Valle, ang kasosyo sa negosyo ng mga Mendez. Sa susunod na taon na
ang kanilang pag-iisang dibdib. "

"Si Juaquin? Ikakasal na? " Parang hindi ako makahinga sa nalaman ko...

"Sa panahong ito, ang kasal ay itinatakda ng mga magulang." Malungkot na sabi sya.
" Isinasantabi ang pag-ibig para sa kapakanan ng pamilya." Huminga na naman sya ng
malalim, na parang may mga naaalala.

"Kung ako lamang ang masusunod, ang gusto ko ay sya ang mamili ng kanyang
makakaisang dibdib at maging masaya ang kanyang buhay. Ngunit.. maraming mga bagay
na mahirap ipaliwanag, at dapat isakatuparan ni Juaquin ang kanyang obligasyon, sa
kapakanan ng kanyang pamilya at ibang mga tao... "

Hinawakan nya ang aking kamay...

"Nauunawaan ni Juaquin ang mga bagay na ito, nawa ay maunawaan mo rin ito... "
Tumango-tango na lang ako.. There's a really big lump in my throat right now, that
I don't think I can trust my voice.

Naiintindihan ko naman e... pero bakit parang tinutusok ang puso ko... bakit
nasasaktan ako? Maisip ko pa lang na mag-aasawa na si Juaquin, at forever na nyang
makakasama ang ibang babae ay parang gusto ko ng maiyak!

Ang anak na panganay ba ng mga Del Valle ang babae na nasa painting kung saan ay
kasama ni Don Juquin ang kanyang buong pamilya?

Makikilala ko pala sya.... Malungkot na sumagi sa isip ko...

Bakit ba ako kailangang bumisita dito? Bakit kailangan ko pang makilala si Juaquin?
Alam ko namang babalik ako sa sarili kong panahon, pero pinabayaan kong ma-attract
ako ng husto sa kanya...

Unang kita ko pa lang kasi sa kanya, iba na ang pagtingin ko sa kanya... this
foolish emotions of mine are making my life soooo miserable right now! Kakatapos ko
pa lang sa sakit ng mamatay si Richard.... Pero eto na naman ako at sasabak na
naman sa panibagong sakit ng dibdib!

"Mayroon din sana akong nais na ipakiusap sa yo... " She said with a lot of concern
in her voice... "Ang panahong ito ay lubhang mapanganib... para sa iyong kapakanan
ay huwag ka ng lalabas ng bahay sa gabi, mas lalo na kung malalim na ito."

Mapanganib? Paanong nangyari yun, hindi pa naman siguro uso ang mga kidnapper o
holdaper dito. At para namang ang babait ng mga tao sa hacienda. Mas delicado nga
sa panahon namin,, kabi kabila ang mga krimen...

"Mapanganib? Ngunit si Juaquin ang nakakita sa kin sa may talon kagabi... at nakita
ko na hindi ako ang pakay nya doon, hindi nga nya alam na nandoon ako, nagkataon
lang. Kung alam nyang delikado ang panahon, bakit sya pumalabas ng ganoong oras?
May iba pa po ba syang katagpo?"

She looks at me with a lot of concern...

"Ano ang iyong nalalaman? May mga nakita ka ba?" mahinang sabi nya na parang nag-
iisip sya ng malalim at nanliit pa ang kanyang mata.

Takang taka naman ako sa biglang pagbago ng ikinikilos nya.

"huh? May dapat po ba akong malaman?" medyo kinakabahang sagot ko...

There is definitely something fishy going on around here.... And I can't put my
finger into it.

Ibinawi nya ang kanyang tingin at nagpa-iling iling...

"Wala.. wala... " At pinilit nyang ngumiti... tumayo na sya at nagmamadaling


lumakad papuntang kusina...

"Nasaan na ba si Juaquin.. alam kong gutom na gutom ka na.... " sabi nya at
nagmamadaling lumakad palayo...

She is definitely troubled ... hindi ko maintindihan ang mga kinilos nya... anong
meron? Ang bilis namang magbago ng ihip ng hangin....

NAGUGULUHAN AKO!

SUMASAKIT ANG ULO KO!!!!

ANO BA ITONG PINASOK KO!!!

=================

Chapter 7

Chapter 7

Kat

In Fairness!!!! I'm feeling kind of glamorosa right now!! Hihihihihihihi!

I Examined myself again in the mirror, admiring my Maria Clara gown. Maraming naka-
stock na gown si Dona Estelita na hindi pa nagagamit at isa ito sa pinakamaganda.
Konting adjustment lang ang ginawa, dahil halos magkasukat kami nito ng katawan.
Hindi ko ine-expect na napaka ganda pala ng mga gowns nila noong unang panahon.
Kapag kasi tinitignan ko sa mga history books, looking lola lahat ng mga babae
noong Spanish era.. As I've said, I'm really not fond of this era... so boaring
kasi, napaka-out of technology! I'm a hundred percent tech girl, kaya nga, napaka
hirap para sa kin ang mag-adjust sa panahong ito.... but as time goes by, I'm
learning to appreciate their ways of living. Yung pangit na pangit na mga damit
nila ay unti-unti ko na ring nakakasanayan. Naapreciate ko rin ang kabaitan ng mga
tao dito sa hacienda. And to top it all, I'm actually looking forward to this gala!
Excited much na nga ako e...

Hindi pa ako nakakapasyal sa bayan and I'm so looking forward to what I'm going to
see there. Naiimagine ko na mala-Vigan or Intramurous ang arrive nito! Iyon lang
ang nagustohan ko sa Spanish era, ang mga structures. They look so grand and a bit
romantic pag gabi! May bahay din sa bayan sila Dona Estelita, at doon kami tutuloy
pagkatapos ng party. Dahil gagabihin kami at ayaw nilang magbyahe pa pauwi ng
Hacienda kahit hindi naman kalayuan ito.

Binigyan naman ako ng crash course ni Dona Estelita kung paano ang tamang kilos ng
babaeng alta sa siyodad... maski papaano ay may idea na ako. Pero ang boring!!!
Napakadaming restrictions! Hindi pwedeng ganito,,, hindi pwedeng ganoon.. etc .etc.
pwede namang magusap ang isang lalake at isang babae ng malapitan pero kailangang
may chaperone... at binigyan pa ako ng pamaypay, ginagamit daw ito sa lihim na
komunikasyon.. pero, dahil sa info overload... wala na akong naintindihan sa mga
sinabi ni Dona Estelita... gagamitin ko na lang itong pamaymay, at napaka init
nitong suot ko,, what do I care about those secret messages...

Ang pinka importante nyang ibinilin sa akin ay huwag akong masyadong maki-assiciate
sa mga pure bred Spanish. They tend to be snobbish and cruel, especially to
Filipinas like me. Pero sabi din nya, na papasa din akong half Spanish, because of
my fair complexion, rosy cheeks and naturally red lips. Meron ding sinabi sa kin si
Dona Estelita na ikinagulat ko. People in this era may seem conservative in looks
but they are secretly doing scandalous things esp. upper class men and even some
women! and I don't think I want to elaborate much about it. Ingat lang sa mga
pervs!

Binuksan ko ang pamaypay at tinignan ko ang sarili ko sa salamin... hihihihihihi...


Feeling ko talaga, na ako si Maria Clara and I'm about to meet my Crisostomo
Ibarra! Excited much!!!

Bumukas ang pinto at pumasok si Dona Estelita.

Masayang Masaya sya ng Makita nya ako, at maluha-luha pa?! Hmmm She seems quite
emotional right now.

"Iha... Napaka ganda mo.... "

"Salamat po... " Sabi ko.

May tumulong luha sa mga mata ni Dona Estelita habang tinitignan nya ako.

"Tita? Bakit po... " Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin si Dona Estelita kung
hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya napapaluha ngayon. "May nagawa po ba akong
hindi nyo nagustuhan? "

Pinahid nya ang mga luha nya at pinilit na ngumiti.

"Pasensya na iha. May naalala lang ako... "

Naglakad sya patungong bintana at tumingin sa malayo.


" Kung nabubuhay sya ay halos magkasing edad kayo ngayon. Napakaganda nya. Kasing
ganda mo rin... "

Huminga sya ng malalim at tumingin sa akin. Nabigla ako sa nakita ko sa kanyang mga
mata... may halong lungkot at poot. Sa tingin ko ay mayadong malalim ang
pinagdaanan nya at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nakakarecover. Bakas na
bakas sa kanyang mukha ang galit!

"Tita... " Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. I want to give her
comfort but I don't know how.

Lumingon sya sa kin at binigyan nya ako ng pilit na ngiti. She's a strong woman, at
alam kong pinaglalabanan nya ngayon ang kanyang emosyon.

She cupped my face... "Naalala ko si Esperanza sa yo..... "

"Esperanza?"

Tumango-tango sya... "Kapatid ni Juaquin."

Namilog ang mga mata ko. This is news!

"May kapatid po si Juaquin?"

Tumango lang sya...

Parang bigla biglang nagbago ang mood nya at ngumiti ng husto, pero ang ngiting
iyon ay pilit at hindi umabot sa kanyang mga mata.

" Nagiintay na si Juaquin sa atin. Gusto kong makarating sa bayan bago pa lumubog
ang araw. Sumunod ka na lang sa baba at may mga ipagbibilin pa ako sa mga
katiwala."

Nagmamadaling lumabas ng pinto si Dona Estelita at wala na akong nagawa kundi


tignan na lang syang palabas.

That was weird.

May kapatid si Juaquin? At base sa sinabi at reaction si Dona Estelita ay wala na


ito...

Patay na si Esperanza?
Bakit kahit saang kwentong mga ninuno ng lola ko ay wala man lang syang nabanggit
na pangalang Esperanza? Anong nangyari sa kanya? Bakit sya namatay? Base sa
reaction ni Dona Estelita, ang hinala ko ay hindi naging maganda ang pagkakamatay
ng anak nya.

Marami pa pala akong hindi nalalaman sa tahanang ito.

Tinignan ko muna ang itsura ko sa salamin bago ako lumabas ng pinto. Mabuti na lang
at may dala akong kikay kit na palaging nakalagay sa bag ko kahit saan ako
magpunta. At least yung basic make-ups nahandoon at na-highlight ang beauty ko.
Meron din namang mga ginagamit silang "make-up" dito, uso na rin sa panahong ito
ang mga pampa-beauty. Pero hindi ko kilala ang mga tinatawag nilang "make up"...
kaya ang mga ginamit ko ay galing lahat sa kikay kit ko...

At least I know that I look pretty tonight!!!! Hihihihihihihihihi!

Kahit na excited ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari sa kwarto
kanina. I just hope that I can learn more, and hopefully, I can be able to help
Dona Estelita, kahit man lang makatulong ako sa pagbuti ng kanyang nararamdaman. Sa
laki ng naitulong nya sa kin, kahit doon man lang ang makabawi ako.

I'm already at the top of the stairs. Tumingin ako sa baba, at nahandoon na ang
mag-ina at nag-uusap.

Napansin ako ni Juaquin at tumingala sa kinatatayuan ko.

I caught my breath on the sight I see.

He looks extremely handsome in his tux.. or do you call that tux? Whatever... ang
mahalaga.. ANG GWAPO NYA TO THE HIGHEST LEVEL!!!

This is waaaaayyy to familiar! He is standing at the spot where Don Jauquin's


portrait is hanging in the future...

Parang ganito din ang eksena kapag bumababa ako palagi sa hagdanang ito. I always
look at the painting and it always brighten up my day, who in return is looking up
at me with those mysterious eyes ... but this time... Hindit portrait ang
nakatinging sa kin,,,, kung hindi, ang totong si Don Juaquin!

We look into each other's eyes at parang nag-vanish lahat ng mga nasa paligid at
kami lang ang tao dito. I felt my legs turned into jell-o when he smiled at me! As
if his whole face lightened up at the sight of me...

Paano baa ko makakababa nito? Parang na-glue na ako sa spot na kinatatayuan ko...
My heart is beating 3 times it's normal rate and I know that I'm blushing like
crazy right now...

As if sensing my dilemma, humakbang papuntang hagdanan si Juaquin without breaking


our eye contact...

And slowly, inakyat nya ako sa kinatatayuan ko. I didn't know that I was holding my
breath until he was already in front of me.

What the heck! As if I'm in a trance!

Without saying a word, he took my hands and slowly place it on his lips....

As if my heart is soaring high on that tender gesture!!!!

It's so simple... and yet sooooo sweet!!!!

I smiled at him and we were like that, looking at each other, as if, both of us are
lost in our very own world.... For how long???? I DON'T KNOW! AND WHO CARES!!!!

Who would doubt the chemistry that we have right now.

As of now, wala akong pakialam sa mga warnings ni Dona Estelita...

And reality struck me like a lightning bolt!

I THINK I'M FALLING FOR JUAQUIN!

Am I the only one who's feeling it?

I searched his eyes...

And it mirrored mine....

"Eres Hermosa, Katrina...Serás mía para siempre?" He said softly....

Huh? Hmmmmm???

Para akong bumagsak sa alapaap.... Nag nag-isip.... ME AND MY LACK OF


COMPREHENSION!!!!!
ANO DAW????

=================

Chapter 8

AN.

Sorry for the delay, masyadong maraming iniisip ang lola nyo.. I'm also not so fond
of what I've written.. pagtyagaan nyo na lang for the meantime..

Bitin pa to

May part 3 pa ito...

So again.... pagpasensyahan nyo na lang ulit lahat ng mga errors...

Chapter 8

Kat

I can't help but be amazed by my surroundings... It's like I'm in a fairy tale land
in a Spanish era setting!

Feeling ko rin na ako si Cinderella na papunta sa ball, riding in an open carriage.


But instead if the prince waiting for me at the castle, he is sitting in front of
me. FYI lang... to date... he is the most gorgeous man I've ever laid my eyes on! I
really can't help but stare at him. Bakit ba kahit likod lang nya gwapo pa rin? O
hibang lang talaga ako? Everything about him is gorgeous, inside and out. Kinikilig
ako ng bonggang bongga kapag tumatalikod sya at tumitingin sa akin! Yung tipong
pailalim ang tingin na parang may gustong sabihin? Aayyyyyy!!!!! PWEDE BANG
TUMILI?!!! MAHUHULOG AKO SA KALESA NITO E!!! I can't contain myself talaga! Kung
hindi lang nakabantay sa min si Tita baka kanina pa ako nagkikikisay sa sobrang
kakiligan! Hihihihihihihi! And his smile is so addicting. Para na lang akong
natutulala kapag nginingitian nya ako. Nawawala ako sa sarili ko!

Huminga na lang ako ng malalim at tumingin tingin na lang ako sa paligid. Baka kung
patuloy ako sa hibang na pantasya ko ay tuluyan na akong ipasok sa mental. Alam
kong hindi ito pwede, pero paano ko tuturuan ang puso ko? Paano ko iaalis ang mas
lalo pang lumalalim na pagtingin ko kay Juaquin.

Bago kami umalis ng bahay ay pinaalalahanan na naman ako ni Dona Estelita. Hindi
naman sya galit, more on the concern side that this feelings will lead to nowhere.
I do agree with her... tama naman sya diba. Bakit ba napaka-stubborn nitong puso
ko! And the attention that Juaquin is giving me makes matters worse!
Ano bang gagawin ko? I have to figure that out soon. Baka makatulong ang pag-iisip
ko na pinsan ko lang si Juaquin katulad ng kung paano kami ipapakilala sa madlang
people mamaya. I have to act the part. Ang problema, hindi naman ako artista! Maybe
I should stay far away from him. Yeah, siguro ganon na nga at dapat na makihalubilo
na lang muna ako. Baka naman may mas gwapo pa kay Juaquin sa party na yon... Lord,
please help me.. tanggalin nyo po itong feelings na to.. ANG HIRAP E!!!

"Malapit-lapit na tayo. " Sabi ni Dona Estelita. Tumignin sya sa kin. "Wag mong
kakalimutan, isa kang De Asis, malayong kamag-anak ko nagbabakasyon sa hacienda na
taga Maynila. "

"Opo tita. " Tumango tango na lang ako.. pero medyo kinakabahan ako. Ang alam ko ay
ang modern day Manila. Wala naman sanang makipagkwentuhan sa kin at magtanong
tungkol sa background ko. Baka maikwento ko na taga Taguig ako, patay na... hindi
ko alam kung anong pangalang ng mga lugar na yun sa ganitong panahon! Bakit na lang
kasi hindi ako ipakilalang pipi, para hindi na lang ako magsalita? Hehehehe....
Well,, wala na akong magagawa. I just have to cross my fingers and hope that I
won't make a stupid mistake.

I can't help but admire the place. Napaka-grand! Ang bongga ng mga bahay. Even
without electricity the place is well lit. Pina-romantic pa ang dating ng mga
kandilang ginamit sa mga lamp post. Kung titingnan mo ang mga gradyosong straktura
ng mga bahay ay masasabi mong madaming mayayaman sa panahong ito.

Pero sabi ni Dona Estelita, karaniwan may-ari nito ay mga espanyol kung may
Pilipino man na nakakaangat sa buhay, paniguradong may halo din itong espanyol,
kung purong Pilipino man ay malakas ang connection nito sa gobyerno, o kaya naman
ay katulad ni Dona Estelita na nakapangasawa ng mayamang Espanol. Karamihan sa mga
purong Pilipino ay pawang mahihirap at pinagmamalupitan. Just like what they say in
the history books. Hindi pa nakikita ang ganitong mga kalupitan dahil ang mga
trabahador nila Juaquin sa hacienda ay maganda ang kalagayan, Maayos ang
pakikitungo nila sa kinasasakupan nila at nakita kong malaki ang respeto ng mga tao
sa mag-ina. Ngunit naririnig ko sa mga nagsilsilbi sa kusina ang mga kwentuhan
tungkol sa ibang hacienda at ang mga kalupitan ng mga amo nito. Parang hindi ako
makapaniwala sa mga kwento nila, ngunit si Dona Estelita na mismo ang nagpapatotoo
sa mga kwentong ito. How sad...

Huminto ang sinasakyan namin sa isang napakalaking bahay... bahay ba ito? Mas
malaki pa ito sa mga bahay sa Intramurous!

"Wow!" Iyon na lang ang nasabi na halos pabulong habang nakatingin sa ala-mansyong
bahay.

Naunangg bumabasa si Juaquin at ang nag-d-drive ng kalesa at tinulungan kaming


bumaba. Naunang inalalayan ni Juaquin ang kanyang ina at pagkatapos non ay inilahad
nya ang kanyang kamay tungo sa akin, iniitay na hawakan ko ito... ay Shocks ang
gentleman talaga! Hihihihihihihihi! Kilig to the max na naman ako!

Napangiti ako ng bonggang bongga pero nahagip ng mata ko si Dona Estelita na may
tingin na nagsasabing tumino ako...
Ahem ahem... PINSAN... PINSAN LANG AKO NGAYON! Pinagalitan ko ang sarili ko... Kasi
naman Kat ang landi mo talaga!

E kung ganito naman kagwapo at ka-gentleman ang umaalalay sa yo? Paanong titino ako
nito!

SELF CONTROL! KAYA MO YAN KAT! Isipin mo na lang PANGIT SYA? Sabi naman nila diba,
mind over matter... Pretend ka na lang na kamukha nya si Shrek...

Tinignan ko ulit si Juquin... GRRRRRR!!!! ANG HIRAP A! Sino ba ang nagpauso nyang
mind over matter na yan! HINDI EFFECTIVE! PROMISE!

Hmmmmpp... bahala na nga!

Iniabot ko ang kamay ko kay Juaquin para alalayan nya akong bumaba...

What the heck is that tingling sensation!!!! At ang titig nya... Oh my gosh
nalulunod na naman ako sa mga mata nya! At unti unti pa syang ngumiti!!!

JUAQUIN!!! You're killing me!!! Alam mo ba yon!!!

This is torture! How can I pretent that nothing is going on between the two of us
when the attraction is sooooo great! It is overwhelming!

"AHEM!"

As if I got out of a trance... Ilang minute na ba kaming nagtititigan!!! Naramdaman


kong nag-iinit ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Tumingin ako sa paligid at
napahinga ng maluwag. Mabuti na lang at walang tao sa paligid.

I saw Dona Estelita looked at Juaquin disapprovingly.

Napatingin ako sa baba habang humahakbang pababa ng sasakyan.

Pagkababang pagkababa ko kinuha ni Dona Estelita ang braso ko at nagmamadali sa


pagpasok ng bahay...

Grabe nahiya naman ako sa kanya.. kaka-warning lang nya.. at eto na naman ako! Ano
ba ang nangyayari sa kin.. I used to be a control freak. Hindi rin ako medaling ma-
in-love.. pero anong nangyayari.. wala akong ka-control control ngayon sa emosyon
ko! It's really frustrating, because I know that at the end of the road, all of
these will lead to another heartbreak.
"Alam kong mahirap, pero kailangang kayanin mo.. " Pabulong na sabi ni Dona
Estelita.

"Sorry po... " Mahinang sabi ko na sya ang ang nakakarinig.

She patted my hand...

"Kailangang turuan mo ang iyong puso, dahil kung hindi... masasaktan ka lang.
Naiintindihan ko ang damdamin mo ngunit habang maaga pa ay kailangan mo nang talian
ito."

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi naman din kailangan ng mahabang explanation.


Totoo naman e. kung itutuloy ko ang kahibangan ng puso ko, kahit anong anggulo ko
ito tignan ay basag pa rin ang puso ko.

She continued patting my hand as if she's trying to console me... As if she's


trying to take away my true feelings. I looked at her... She looks firm and yet
there's this sadness and understanding that I can see in her eyes. Have she gone
thru this? Bakit nya alam ang nararamdaman ko? Have she tried to love and then
broke her heart on the process?

She's like a puzzle.. napaka extreme ng personalities. Sa panahon ng papamamalagi


ko sa panahong ito ay nakilala ko sya na isang mabait ngunit malihim na babae.
She's kind and yet fierce. She's gentle yet determined. At kamag tinitignan mo sya,
she looks like a queen that commands attention because of the way she held her head
up but remained kind hearted and well loved by the people around her. Wala syang
pakialam kung ang ibang tao ay turing sa kanya ay Indio, she just always smiles
charmingly, but deep inside alam mong may tumatakbo sa kanyang isip. There is so
much pain in her eyes, na hindi mo alam kung anong sakit ang mga pinagdaanan nya
and yet she stood her ground.

Huminto kami bago namin akyatin ang isang batong hagdanan kung saan patungo ito sa
pinagdadausan ng piging. Maririnig mo ang musika at halakhakan ng mga bisita.
Mukhang marami ng tao dito.

Napansin kong hindi pala nakasunod sa amin si Juaquin. Saan kaya sya nagpunta?

"Ngumiti ka Iha. Kailangang itago mo sa ngiti ang tunay na nararamdaman mo. Hindi
nila dapat malaman na may pagtingin ka kay Juaquin... Isa pa, Kailangan maging
matapang ka. Kung may mga insulto kang maririnig, wag mo itong papansinin. Isipin
mo na lang na talo sa laro ang umiinit ang ulo. " Then she smiled.

"Napaka ganda mo... " nangingilid ang kanyang mga luha... ngunit bigla nya itong
pnahaid.

"Paumanhin.. may naalala lang ako... " at sabay kaming umakyat sa hagdanan.
Si Esperanza.... Ang kanyang anak. Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon ay
palaisipan pa rin sa kin ang tungkol sa kanya, pero ang alalala nya ay nagdudulot
ng matinding lungkot sa mga mata ni Dona Estelita... at meron pang iba... galit?
Bakit kaya?

She composed herself and I did the same. Inakyat na namin ang stairs ngunit wala pa
rin si Juaquin. Where is he?

Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng isang pamilya. Malamang ito na ang mga
Del Valle. Mga Purong Espanol. Isang matabang lalaki na para bang napabayaan sa
kusina at ang asawa nito na mas matangkad pa sa kanya.. Maganda sya pero mukhang
suplada. Hindi man lang mangiti... Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Katabi
nya ay isang magandang babae, at katulad din ng ina, mukhang suplada. Hmmm...
manang mana... Paki baba nga ang kilay, baka hindi ako makapagpigil at ahitin ko
to!

Bad vibes...

Sinunod ko ang payo ni Dona Estelita at pinilit kong ngumiti kahit parang feeling
ko kakainin ako ng mga taong nasa harapan namin.

Kung makatitig ay para ka talagang lalamunin kami ng buhay.. I think they're trying
to intimidate us... Ok Kat, ilabas ang katarayan... I held my head up but I gave my
most charming smile. Hindi nila ako basta basta pwedeng idikdik sa lupa. Atapang a
tao ata ito. Kung mga bullied napapaluhod at napapahalik ko sa paa ko, eto pa
kayang mga ito? Mailabas na ang pangil. Heheheh.

"buenas noches Estelita... " Sabi ng lalake at hindlikan ang kamay ni Tita. Hmmm
meron bang lihim na pagtingin ito? YUUUCCKKK!!! Hindi sila bagay! He looks like a
pig!

Ano ba tong iniisip ko... I'm sooooo bad!

"Buenas Noches Don Gustavo" Tumingin sya sa babae. " Dona Amelia"

"Buenas Noches. Espero que habéis tenido un buen viaje? " (I hope you had a safe
journey)

"Es sólo un par de minutos desde la hacienda. " (Ilang minute lang naman ito galing
hacienda)

"Muy bien. Muy Bien." (Very Well, Very well). Tumingin sya sa kin. "y quién es esta
muchacha?" (And who is this girl?)

Anong muchacha? Tumaas ang kilay ko! Anong feeling nya katulong ako! Hindi ko
naiintidihan ang mga pinagsasasabi nila! Ang hirap nito.. mabebenta ako nito!
"Os presento mí sobrina Katrinaa." (Gustong kong makilala ninyo ang aking magandang
pamangkin, Katrina."

Show time...

Ngumiti ang ako ng pagkatamis tamis... Yung tipong mauumay sila.. hehehe...

Teka, wait lang. may mga curtsey ba sila dito? Beso beso? Hala, parang hindi ata
kasama to sa orientation ko a...

"Buenas Noches po sa inyong lahat. " tumango na lang ako.

" Pido disculpas por mí sobrina qué no está acostumbrada a conocer tanta gente ."
(Ipagpaumanhin nyo ang aking pamangkin at hindi sya sanay sa ganitong mga
pagtitipon.)

"No me extraña" Mahinang sabi ng mataray na Dona at napahagikgik naman ang mataray
na dalaga...

Hmmmp! Mukhang kailangan kong mag-aral ng Espanool! Ano kayang pinagsasasabi nitong
mag-inang ito.

"Bullshit... " I said with a smile... Hahahaha! Akala nyo kayo lang ang may strange
language a! hahahaha!

"Katrina, si Don Gustavo, Dona Amelia at Amparo."

"Kinagagalak ka naming makilala Katrina." Sabi ni Don Gustavo.

"Kinagagalak ko rin kayong makilala... " Mukha naman syang mabait pero parang may
pagka M... I have to stay away from this man...

Tumingin ako sa mag-ina at binati rin sila

Nakatingin lang ng pailalim ang mag-ina pero walang move para makipag-kilala...
Snobs.. Mas Bitch pa sila sa mga kilala kong Bitches sa panahon ko.

Tinignan ko si Amparo... Sya ba? Sya ba ang pakakasalan ni Juaquin! OMG.. Itatanan
ko na lang sya, kung iyang evil witch lang na yan mapupunta ang Prince Charming ko!

Pero teka.... Tinitigan ko sya ng mabuti.


Pinilit kong maalala ang painting ng pamilya ni Juaquin na nakasabit sa salas.

Hindi ako pwedeng magkamali....

"¿por qué me mire asi?" (Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?) with matching pataas
taas pa ng kilay.

Napangiti na lang ako... tinaasan ko rin sya ng kilay...akala ata nya sya lang
marunong ng ganon...

"Buenas Noches Don Gustavo, Dona Amelia "

Sabay kami ni Amparo na napatingin sa bagong dating... at parang lumukso na naman


ang puso ko ng magtama ang mga mata namin...

Bigla akong umiwas ng tinging... hindi pwedeng Makita ng mga taong ito ang damdamin
namin sa isa't isa.

Tumingin si Juaquin kay Amelia.. " Amelia... "

"Juaquin... Buenas Noches.. " Aba! May pa twinkle twinkle pa ang mga mata nito!

Inabot nya ang kamay nya kay Juaquin. kinuha at hinalikan ito ni Juaquin...

PWEDE NA BANG PUMATAY?

Smile na nga lang! GRRRRRR... ang arte kasi e! obvious naman na nagkakandarapa ito
kay Juaquin...

I was so careful na hindi nila makita ang mata ko dahil sa oras na ito ay gusto ko
ng balatan ng buhay ang babaeng yon!

"Te echo de menosí" (I miss you) sabi ni Amelia kay Juaquin...

"Ummm...yo también" (I miss you too) Sabi ni Juaquin...

I'm Lost.... Could somebody provide me a translator PLEAAAASSSEEE!

"Narito na rin naman ang panauing pangdangal, tayo at at tumungo sa hapag kainan..
" Sabi ni Don Gustavo."
MARUNONG NAMAN PALANG MAGTAGALOG! BINUHOL BUHOL PA ANG UTAK KO! GRRRRR...

Ipinulupot ni Amelia ang kamay nya sa braso ni Juaquin...

" acompañame me a la cena" (Escort me to dinner)

"por supuesto" (of course)

Hi smiled at her... WHAT!!! At mukha namang kinilig ang BRUHA!!!!

I can't watch this.. bigla akong tumalikod at napabunggo ako sa kung ano o kung
sino at nawala ang aking balance...

Oh no! not now! Me and my clumsiness!

Papabagsak na sana ako ng may humawak sa bewang ko...

"Te encuentras bien?" (Are you alright) sabi ng isang lalake...

Napatingin ako sa nagsalita...

Napangiti na lang ako dahil hindi ko naintidihan ang sinabi nya...

"Maraming salamat."

"Creo que está bien Nicolas." (I think she's fine Nicolas) sabi ni Juaquin na sabay
hatak sa kin papalayo sa lalake.

Napangisi naman ang tinatawag nilang Nicolas. "Juaquin, lindo volver a verte."
(Nice to see you again) "y quién es esta hermosa dama?"(At sino itong napakagandang
dilag?)

"Mi primo... " Sabi ni Juaquin ngunit bakit parang makamandag ang kanyang tono?

BIgla na lang kinuha ni Nicolas ang kamay ko at hinalikan ito.

"Un placer conocerla a una mujer hermosa" (Ikinagagalak kong makilala ang isang
napakagandang dilag).

Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko.. pero alam kong bad manners yon... gwapo sya
pero.. there's something sinister in his aura... nakaktakot, parang hindi gagawa ng
matino.
Pagka halik nya sa kamay ko ay hindi na nya ito pinakawalan at inilagay sa kanyang
braso.

"Sería un placer acompañarlos a la cena, ¿no le importaría verdad doña Estelita??


(It's my pleasure to escort you to dinner, you wouldn't mind, Dona Estelita?)

Hindi agad nakapagsalita si Dona Estelita.

"Ningún problema, pero ella esté a mí lado"(Walang Problema. Ngunit ang gusto ko ay
katabi ko sya)

"Eso se arreglará enseguida" (That will be arranged) he smiled at me and he led me


to the dining room.

I don't feel at ease. There's something about this man and I don't intend to find
out.

Bakit ako kinakabahan?

=================

Chapter 9

No edits.. straight from my mind.... saka ko na lang ulit aayusin.. tabi tabi po sa
Spanish ulit dahil gumamit lang ako ng translator.. hehehehe... so sa mga gustong
tumulong sa translation.... I will accept it...

Thank nga pala for Cass dahil tinulungan nya ako and her friend from last chapter's
translation... hehehe... sa uulitin... baka gusto nyong itranslate na rin ito?
totodohin ko na kakapalan ng mukha ko! hahahahahaha!

next update.. medyo matagal pa ulit....

Chapter 9

This is probably the most awkward dinner I've ever had in my entire existence.

First of all, ang dami kong hindi maintindihan na mga sinasabi ng mga tao sa
paligid ko. Puro Espanol ang pagsasalita nila! Kapag tumatawa sila, kulang na lang
ngumiwi ako... grrr... kaasar. Feeling ko tuloy ako ang pinagtatawanan nila. Kung
makatingin naman kasi si Dona Amelia at ang maladi nyang anak ay parang gusto akong
ilublob sa kumukulong ginatan!
Well at least si Juaquin at si Dona Estelita are trying their best to talk in
tagalog para lang maintindihan ko ang mga usapan. Obvious naman na marunong ding
magtagalog ang mga tao dito, dahil naiintindihan nila ang mga sinasabi ni Juaquin
at Dona Estelita. Ayaw gamitin ng mga elitistang ito ang tagalog, at mukhang nade-
degrade sila kapag nakikipagusap sila ng lenguaheng ito. My biggest surprise for
the night is Nicolas. Marunong din pala syang magtagalog at katulad ni Juaquin at
Dona Estelita, wala syang pakialam kung may masasabi ang ibang tao kung gamitin man
nya ang lenguaheng ito kahit na kanina pa sya pinandidilatan ng kanyang Mama. The
arrogance and the dangerous nature is still there, but I give him an A for effort.
He's been quite attentive and gentlemanly enough to me, much to my surprise! Baka
naman mali ang pagkakakilala ko sa kanya. Baka hindi ako kailangang matakot sa
kanya katulad ng naramdaman ko kanina noong una ko syang nakita. But there's
something about him that I can't fugure out.... but I can't put my finger into it.
Parang ang daming inililihim nitong taong ito.They say that the eyes is the window
to your soul but with his case, he seems sooooo confusing. Parang mas lalo ako
naguguluhan kapag nagtatama ang aming mga mata. Nakakatakot? Nakakaawa? Hindi ko
maindindihan!

Sumubo ako ng pagkaing nakahain sa harap ko. Hindi ko alam kung masarap o hindi ang
kinakain ko dahil sa dami ng mata na nakatitig sa kin. I never felt so conscious in
my entire life! Feeling ko talaga mabubulunan ako. Parang hindi sila nakakakita ng
taong kumakain. Why don't they just mind their own food! O baka naman iniintay nila
akong magkamali sa mga utensils na gagamitin ko? Well, sorry na lang sila, well
educated ako sa fine dining! Kahit hindi naman ako kasing yaman nila, nakakakain
naman ako sa mga fancy restaurants dahil sa mga bigating business meetings. Mabuti
na lang at centuries old na pala ang ganitong klaseng table setting.

Ang sama makatitig nitong Amparo na to a! hmmmm... well, kung sabagay, may dahilan
sya kung bakit ganyan ang kinikilos nya... dahil.. MAS MAGANDA AKO NG DI HAMAK SA
KANYA!!! HAHAHAHAHAHAHA! (Evil smile!). Inggit lang sya sa beauty ko!

Huminga ako ng malalim. Wala na akong magagawa sa sitwasyon ko ngayon. E talagang


ganito, wala talaga akong maintindihan kung masama man ang sinasabi nila sa kin
kahit harapan, which is I doubt kung ganon man ang sitwasyon. Hindi naman papayag
si Dona Estelita at Juaquin na lait laitin nila ako. At hindi naman pwedeng mag
crash course ako agad agad ng Spanish language. Ano ako robot or freak na pwedeng
idownload lang ang data tapos master ko na!

Hmmm pero.... Kung tutuusin.. advantage ko pala ito! Hindi ko sila maintindihan, so
hindi dapat ako affected. Ayaw nilang maintindihan ko ang pinagsasasabi nila?

E DI WAG! So what! Paki ko sa kanila! Sino ba sila sa life ko? E DI WALA!

With that thinking I feel renewed. Kung kanina parang nade-depress ako. Ngayon,
parang nabuhayan na ako ng loob. Wala na akong pakialam kung magchismisan pa sila
at pagpyestahan nila ako. Like the saying goes, ' what you don't know won't hurt
you.' So I guess that it's better for me not to know. Isaksak nila sa baga nila
iyang mga salita nila! For all I care!

Nakaramdam ako ng payapa sa dibdib ko. Bakit nga ba ako magpapa-intimidate sa


kanila. Sino ba sila? Wala naman silang kinalaman sa buhay ko. And for all I know,
baka bukas din ay hindi ko na sila makikita kahit kailan kapag ibinalik na ako ni
Manong buwan sa panahon ko.

Nginitian ko sila ng nakakaloka with matching sweetness epek... I held my head


high. Kahit mga elitista sila, wala na akong pakialam. At least I know that I have
ethics. Baka hindi sila tinuruan ng mga teacher nila na wag gumamit ng salitang
hindi naiintindihan ng iba! I am better than them!

"Nasarapan ka ba sa iyong pagkain?" magiliw na tanong ni Nicolas.

I looked at him sweetly. It's not that I have a thing for him. Inaasar ko lang ang
mapanglait nitong mama. Dahil mukhang nagagalit sya kung kinakausap ko ang kanyang
mahal na anak. Hihihihihi... galitin ko pa kaya ng husto itong matandang matapobre
na to.

"Oo Nicolas, masarap ang pagkain, nag-enjoy ako ng husto." Kahit hindi, sa isip
isip ko. Totoong masarap ang pagkain, ang kaso, palagi akong muntik mabulon-bulunan
dahil sa mga titig ng mga tao sa kin. Hindi tuloy ako makakain ng husto. Asar,,
gutom na gutom pa man din ako kanina, pero ngayon ay wala na akong gana!

"Enjoy? " Nagtatakang tanong ni Nicolas. " anong ibig mong sabihin?"

AY! Hmmmm.... Ano nga ba ang enjoy sa tagalog... hmmmm kamote na naman ako nito!
Bakit ba hindi pa nauso ang taglish sa panahong ito?!

"Ummmm... Nagustuhan! Yeah.. nagustuhan ko ang luto ng Chef nyo. "

"Mas lalong kumunot ang noo ni Nicolas, As if he's trying to figure me out...

"Chef?"

Ooooppppssss! Mali lna naman! I really should be more careful in my words!"

"I mean,, tagapagluto... magaling ang tagapagluto ninyo!" I smiled quickly at him.

"Aaaaa... ganon ba. Ngayon ko lang naririnig ang kakaibang mga salita na iyong
sinasabi. Matagal na ako dito sa Pilipinas, at maraming probinsya na rin akong
napuntahan, ngunit, kakaiba ang ibang salita na iyong ginagamit. Saan ka ba
nakatira? O saang bayan ka ba ipinanganak at lumaki?"

OHHH MMMYYY GOOSSSHHh!

Ito na ang mga tanong na iniiwasan ko! This is definitely turning to be a


nightmare!
PANIC MODE!

"Ummmm.... Sa Maynila ako nakatira." Sabi ko at pilit na ngumingiti pa rin ako,


pero sa totoo ay gusto ko ng magteleport!

"Sa Maynila? Saang lugar ka sa Maynila?"

ETO NA NGA BA ANG SINASABI KO E!!!!!!!!!! Bakit ba kailangan pang alamin ang lahat
ng bagay? Anong sasabihin ko? Sa Taguig! Sa 21st century kasi iyon na ang tawag sa
lugar na yon? Hala, mabibisto na ata ako nito! lagot!

"Ummmm... sa...... sa ano... "

"Hindi ba't galing ka sa Espana kama-kailan Nicolas? Kamusta naman ang mga negosyo
natin doon?"

Naagaw ni Juaquin ang attensyon ni Nicolas. Haaaaayyy... nakahinga ako ng maluwag


doon!

Tinignan ako ng makahulugan ni Juaquin and I nodded as a means of saying thanks.

"hindi ka na pala makapag-intay ng kinabukas para sa pag-uusap sa ating negosyo? "


Aroganteng sabi Nocolas kay Juaquin. Nawala na ang pagiging magiliw nito. "O Baka
naman ay nagsususpetsa ka pa rin na dinadaya ka namin?" Sabi nito at nginisian si
Juaquin.

Juaquin matched Nicolas' smirk at matalas ang kanyang pagkakatingin dito. He looks
calm and composed but he's very intimidating. I've never seen him like that before.

"At bakit mo naman naisip ang ganyang mga bagay? Wala naman akong pinahihiwatig na
gayon. O baka naman may mga inililihim ka? "

Nginitian ni Juaquin si Nicolas na parang may nalalaman itong hindi maganda dito.
Mukhang malalim ang hidwaan ng dalawang ito. Siguro kung wala kami sa okasyong ito
ay baka nagsuntukan na itong dalawa.

"Esto no es el momento adecuado para hablar de esas cosas." (Hindi ito ang tamang
panahon para pagusapan ang mga bagay na yan.) Kalmadong sabi ni Don Gustavo na
parang wala lang at patuloy pa rin sa pagkain.

"Bakit papa? Bakit ayaw mong pag-usapan ang mga bagay na ito? " Paghahamong sabi
nito sa kanyang ama.

Huh? Anong meron? Bakit ganon ang pakikitungo nya sa kanyang ama. Dapat sila ang
magkakampi diba? O baka naman napakasama talaga ng ugali nito at lahat na lang
kinakaaway pati ang kanyang ama. Come to think of it, He also loves annoying his
mom. Kaya nga ganon na lang ang pagpapakita ng atensyon nya sa kin?

Wierdo itong taong to! Ang hirap nyang ispelengin!

"NICOLAS!" Malakas na pagsaway ni Dona Amelia.

Ngunit sa halip na magsisi sa ginawa nya, ay mas lalo lang itong ngumisi. Parang
hindi apektado sa mga pagsaway ng kanyang mga magulang. He's a certified rebel,
that I can say. A very dangerous one if I may add. Mukhang wala syang sinasanto at
walang sinisino.

"No voy hacer una escena. No se preocupe." (I will not cause a scene. Don't worry)
Pinagtuunan nya ng pansin ang kanyang pagkain at hiniwa hiwa ang karne na nasa
kanyang plato. "Soy demasiado decente para eso. ¿No crees a que mamá? " (I am too
decent for that. Don't you think so Mama?)

Nagpipigil ng galit si Dona Amelia at pinanliitan nya ng mata ang kanyang anak.
What the heck is going on around here? This family has issues... as in MAJOR
ISSUES!

Nakakabingi ang katahimikan sa hapag kainan. Parang naninimbang ang lahat.

This is waaaaay to awkward for my liking. Mararamdaman mo ang tension sa paligid.


Tensyon sa pagitan ni Juaquin at Nicolas. Tensyon sa pagitan ni Nicolas at ang
kanyang mga magulang. Tensyon na rin sa amin ni Amparo na kanina pa talaga
nakatitig ng masama sa kin! O baka naman gusto lang nyang malaman ang beauty
secrets ko? Hmmmm .. I wonder...

"Ummmm... pagpaumanhin. " Sabi ko para mabasag ang katahimikan sa paligid. Tumayo
ako sa aking upuan. "Ummmm kailangan ko lang pong mag-CR. Saan po ba yon? "

Lahat sila nakatingin sa kin na para akong alien... at lahat sila naka kunot ang
noo.

"Comfort room? " Mas lalong kumunot ang mga noo nila.

"Rest room?"

"A alam ko na! Banyo? "

Ano to, Pinoy Henyo? AAAARRRGGGG! This is getting to be very frustrating!

"Baño de Mujeres" Sabi ni Dona Estelita. Tumayo na rin sya. " Ako na ang sasama sa
iyo iha. " Tumingin sya sa mga kasama namin sa hapag kainan. "Pagpaumanhin ninyo at
sasamahan ko lang ang aking pamangkin. "

Tumayo din si Amparo.

"Acompañará. De todos modos es nuestro invitado" (Ako na ang sasama sa kanya, total
bisita naman namin sya ) .Tumingin sya kay Dona Estelita "No ha terminado todavía
la cena" (Hindi nyo pa natatapos ang iyong kinakain.)

Lumapit sa kin si Amparo. Hindi ko napansin na may dala-dala pala syang isang
kupita ng alak. At ng malapit na sya sa kin ay tipong parang na-out of balance sya
at natapon sa kin ang buong laman ng basong dala nya!

Napanganga na lang ako sa pagkabigla!

OMG!!! Ang napakagandang damit ni Dona Estelita!!!!

Lagot! Magmamantsa ito! Hindi pa man din uso ang Zonrox ngayon. The beautiful dress
is ruined!

Tinignan ko ng matalim si Amparo at kitang kita ang ngiti nya abot magkabilang
tenga!

She did it on purpose!

Pumikit ako.... I counted from 1 to 10. I tried to calm myself. Kailangang hindi
ako magpakita ng pagka-pikon. Iyon naman ang gusto nyang mangyari. Ang mawala ang
poise ko!

Well, sad to say. Hindi ko hahayaang pumangit ako ng dahil sa kanya. Sorry na lang
sya.... It's time to put on my plastic mask.

I Smiled sweetly at her...

" Nasaktan ka ba Amparo? Baka naman natapilok ka or something?" I tried to sound


sympathetic. Yung tipong maiiyak ka! WOW!!!! Best actress!!! Hahahahahaha!

Hinawak hawakan ko sya sa braso.

"No me toques!" (Huwag mo akong hawakan!)

Tinabig nya ako. And this time, ako naman ang nawalan ng balance... Ngunit, bago pa
ako matumba ay dalawang pares ng kamay ang nakahawag sa kin sa magkabilang braso
ko.
Hindi ko namalayan na mabilis na nagpunta sa tabi ko si Juaquin at hawag hawak nya
ang kanang braso ko, at sa kabila naman ay nakahawak naman si Nicolas.

"Saca tus manos de ella." (Get your hands off her) Madiing sabi ni Juaquin na
nakatitig ng masama kay Nicolas.

"Lo haré si haces lo mismo." ( I will if you do the same)

"¿Tengo que recordar que ella es mi primo. Y se va a hacer lo que yo digo o otra
cosa." (Do I have to remind you that she is my cousin. And you will do what I tell
you or else.)

"¿O qué? " (Or else what?)

Juaquin smirked....

Naghamunan sila ng tingin.

This is really a disaster.... at bago pa man sila magkapatayan ay kumawala na ako


sa pagkakahawak nilang dalawa.

"Pwede bang maupo na lang kayong dalawa? Utang na labas! Ako na ang maghahanap sa
CR! "

Hinarap ko si Juaquin. Nginitian ko sya...

"I;m alright... ok lang ako... please.... Calm yourself down... " Bulong ko sa
kanya sa alam kong sya lang ang makakarinig.

He looked at me questioningly...

" I mean... pakalmahim mo ang sarili mo... remember.. talo ang pikon... " I said
teasingly, para naman matanggal tanggal ang tension sa katawan nya.

Maya maya pa ay ngumiti na sya at tumango.

With that, I'm satisfied that he'll be alright.

Dali-dali na akong umalis sa dining room. Bahala na kung saan yung CR ditto,
hahanapin ko na lang, hndi naman siguro mahirap hanapin ito.
Iyon ang akala ko. Sa laki pala ng bahay, para itong maze! kung saan saan ako
napasuot at nagsisisi na ako kung bakit hindi ako nagtanong!

Grabe! Ang galling mo talaga Kat. Kahit kelan ka talaga!. Nabansagan pa man din
akong Kat, nakakahiya sa lahi ng mga pusa!

Haaaayyy!!! Ano ba naman itong gabing ito! Bakit ba hindi pa matapos tapos!!!!

Masyado akong naging engross na mga iniisip ko na hindi ko namalayan na may


kasalubong na pala ako at huli na ng makita kong nabunggo ko na sya!!!

Dahil sa hindi naman sya kataasang katulad ko ay napadapa sya sa sahig.

"NAKUUU!!! Nakuuu!!!! Sorry! Sorry! Sorry!" Sabi ko habang inaalalayan ko sya sa


pagtayo...

"Paumanhin po, puamanhin po.. hindi ko po sinasadya ." Nakayukong sabi nito sa akin
"Hindi ko po tinitignan ang aking dinaraanan. Paumanhin po senorita."

Nagtaka naman ako, dahil sya pa ang nag-so-sorry. E alam naman naming dalawa na ako
ang hindi tumitingin sa dinadaanan ko!

"Wag ka ngang ganyan. Ako nga itong nagkabunggo sa yo... Pasensya na.."

Nakayuko pa rin sya.. Base sa suot nya, parang isa syang katulong dito.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko sa babae na parang takot na takot.."Wag
kang mag-alala, hindi ko pagsasabi ang mga nangyari." My sympathy goes to her,
parang natatakot syang pagalitan dahil sa nangyari. Gaano kaya kalupit ang mga amo
nito para matakit ito ng ganito?

"Wag kang mag-alala.... Hindi talaga ako magsasabi. Ako naman ang talagang may
kasalanan diba. Hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko. Kaya wag ka ng mag-alala..
please... " I assured her...

Nawala ang kanyang pag-aalala sa tumingin na sya sa akin ng nakangiti...

I caught my breath when I saw her face!!!! Nagulat ako ng husto at napahawak ako sa
dibdib ko...

"Ikaw...... "

Sya yun!
Sya yung babae na nasa painting! Nung unang kita ko kay Amparo, alam kong hindi sya
yung babae na nasa family portrait ni Juaquin...

Pero ito.... Itong babaeng ito.....

Ang magiging asawa ni Juaquin!

=================

Chapter 10

Chapter 10

AN.

Ganon pa rin po. no second glance.. no edits. straight from my mind... I'll edit it
later na lang...

Sobrang ikli lang nito dahil siningit ko lang sa hectic schedule ko, kaya, hahati,
hatiin ko ulit into parts...

Napatitig ako ng matagal sa babaeng kaharap ko. Pigil na pigil ang aking paghinga
at hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanyang mukha.

Bakit kailangan ko pa syang makilala? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? O


sadyang mapagbiro lang talaga ang mahiwagang buwan?

Kailangan ba talagang ipamukha sa akin ito? Iukit sa utak ko na hindi kami


nararapat ni Juaquin? Bakit ganito?!

Naninikip ang dibdib ko.

Gusto kong maiyak, gusto kong magalit.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Isa lang ang masasabi ko....

MAS MAGANDA AKO NG DI HAMAK SA KANYA!

Maganda rin naman sya. Nakapusod ang kanyang buhok, so malamang na mahaba ito. Oo
naman, wala naman sigurong hindi mahaba nag buhok sa panahong ito.Makinis ang
kanyang balat at mamula mula pa ang kanyang mga pisngi, hindi sya kasing puti ni
Amparo ngunit hindi naman sya kasing itim ng mga Pilipino na kung tawaging nila sa
panahong ito na Indyo. Kung tutuusin ang itsura nya ay hindi mukhang purong
Pilipino. Ang kanyang mga mata ay hindi katulad ng ordinaryong Pilipino at matangos
ang kanyang ilong.

Pero ang kanyang kasuotan ay katulad ng mga kasuotan ng mga naninilbihan. Bakit?
Sino sya? Wala pa akong nakitang half breed na katulong dito.

Lumapit ako sa kanya. Just to look closely.

I know that I'm not suppose to feel like this but I'm feeling sooooooooo jealous
right now! And this feeling is very new to me that I don't exactly know how to deal
with it.

Gusto kong ilabas ang pagka-BITCH ko! I want to think that I'm better than her.
That I'm more suitable for Juaquin. At hindi itong babaeng ito na nasa harapan ko!

Ngunit.....

Nilisan ako sa matinding damdamin na nararamdaman ko ng makita ko ang maluha-luha


nyang mga mata.

Natatakot ba sya sa kin? Mukha ba akong monster? Hindi naman ako monster, kakainin
ko lang naman sya ng buhay... jowks. Hindi ako cannibal ano.

My heart started to melt when a tear dropped down from her eyes. Para kong
binuhusan ng napakalamig na tubig. How could I think about things like that.
Thinking badly about a person is just not me. Hindi ganito ang pagpapalaki sa akin
ng mga magulang ko. I feel so ashamed on how I reacted a minute ago.

"Hey... hey... please please wag kang umiyak. " Sabi ko at kinuha ko ang panyo ko
at pinahid ko ito sa kanyang pisngi.

"Pakiusap po Senorita. Wag nyo po akong isusumbong. Hindi ko po talaga kayo nakita.
Hindi ko po sinasadya ang pagkabunggo ko sa inyo. Paumanhin po kung nasaktan ko
kayo."

At umiyak na sya ng tuluyan.

OH MY GOSH! She's scarred out of her wits!!! She body is trembling out of fear!

"Naku! Naku.. naku.... Ummmm.... " Hindi ko alam ang gagawin ko. Did I really
scarred her that much? Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko sya tinignan ng
matalas. Me and my stupid jealousy! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapag-
paiyak ng ganito! Oh my gosh.. what am I suppose to do!
"Wag ka ng umiyak please. Ako naman talaga ang dapat mag-sorry sa yo. Ako ang hindi
tumitingin sa dinaraanan ko. Ako ang nakabunggo sa yo. Hindi ikaw. Please naman..
wag ka ng umiyak... Sorry na. Tahan ka na. Pleeeaaseee.... "

Tumingin tingin ako sa paligid. Sana ay walang makakita sa amin. I feel like the
lowest of low right now. Nakapagisip ako ng hindi maganda dahil lang sa nagseselos
ako sa babaeng ito. Which is hindi naman dapat. I have no claim on Juaquin, but she
does.

Masakit man itong isipin pero sya ang lubos na may karapatan sa lalakeng gusto ko.

Sumisikip na naman ang dibdib ko. Parang gusto ko na rin syang sabayan sa pag-iyak
nya. Knowing that Juaquin will never be mine. Mabuti sana kung katulad ni Amparo
ang ugali nitong babaeng ito. Hindi ako magsisisi kung lait laitin ko man ito,
ngunit nararamdaman ko na isa syang mabait na babae. Ngunit bakit ganyan na lang
sya makaiyak na para bang takot na takot? Did something bad happen to her to make
her react like that?

Medyo humupa na ang kanyang pag-iyak. Ng sa tingin ko ay pwede na syang magsalita


ay saka ako nagtanong.

"Anong pangalan mo? "

Medyo hesitant pa sya pero sinabi din.

"Amour."

Napapikit ako... There is no doubt about it.... Sya talaga ang babaeng nasa
painting... Si Dona Amour.

Pero bakit ganito ang kanyang itsura sa painting. Hindi ko lubos maisip na ang
babae sa painting na mukhang reyna ay itong kaharap kong mukhang napakarami ng
pinagdaanan.

"Bakit ka natatakot? May gumawa ba sa iyo na hindi maganda? " labis ang pagkaawa ko
sa kanya. Sa palagay ko ay malalim ang dinadala nito.

"Wala po. Wala po. Pakiusap lang po na huwag nyo pong sasabihin na nasaktan ko
kayo. Kung hindi ay..... "

"Katrina.... "

Nanlaki ang mga mata ko at parang nanlamig ang mga kamay ko.

Si Juaquin... OH MY GOSH! Of all the time na sususlpot sya.. Ngayon pa!!!


Anong gagawin ko?!

Hahayaan ko ba silang magkita?

Ipapakilala ko ba sya? I could just imagine it... like.. 'HI Juaquin,, ito nga pala
ang future bride mo !' magkakatinginan sila... ma-i-in-love sa isat isa!!!!! Habang
ako ay nakatingin na lang at gumuguho ang mundo ko at nagdurugo ang puso!!!!

NOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Hindi pwede ito!!!!!!!!!!

Naiisip ko pa lang ay parang gusto ko ng mamatay! Parang isang milyong palakol ang
tumatama sa puso ko at nagkakalasag-lasag ito!!!!!

Tumalikod ako at hinarap si Juaquin. Tutal, mas malaki ako kaysa kay Amour ay
pinilit ko syang itago sa likuran ko.

I thank God for my height and the humongous garmets and petticoats that I'm wearing
at naitago ko sa paningin ni Juaquin si Amour.

I put on my sweetest smile.

"Juaquin. " I just hope na huwag gumalaw si amour.

A look of relief was evident in his face.

"Labis na akong nag-aalala sa yo. Ilang minuto ka ng nawawala at kung saan saan
kita hinanap. "

Parang tumaba ang puso ko dahil sa narinig ko. He's worried about me!

"Sorry. Naligaw ako kakahanap ng CR. Akala ko kasi madali kong mahahanap ito. Kung
saan saan pala ako lumusot. Actually, hindi ko pa nga nakikita yung CR. Maaari mo
ba akong samahan?"

Ngumiti sya sa akin. At binigyan nya ako ng tingin na kulang na lang ay matunaw
ako! I really love that look. Yung tingin na parang binibiro pero makahulugan, na
punong puno ng concern. Ewan, hindi ko maintindihan!

He offered his arms to me and I wrapped my hands into it. Nagkatinginan kami na
parang kami lang ang tao sa mundo.
Ho can we deny this attraction? Anyone can say that something is really going on
between the two of us. At alam ko na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa.

But deep down inside... Alam kong mali...

Ngunit, pwede bang ipilit ang mali?

Baka naman pwede.

Baka pwede kong pakiusapan si Manong buwan na wag na lang akong ibalik sa sarili
kong panahon. If that is possible then I'll do anything for Juaquin. Kaya kong
talikuran ang mga kinalakihan ko. Kahit na techi girl ako. Kahit mahirapan man
akong maka-adopt sa way of living dito. For the past few months na nilagi ko dito
ay medyo nasasanay na rin ako. I can prove that I can do anything if I can put my
mind into it. Mind over matter.

Pero paano ang sinabi ni Dona Estelita? Paano ang plano nilang ipakasal Si Juaquin
at si Amparo. Obvious na obvious naman na hindi sila bagay. Ang sama ng ugali nung
babaeng iyon! Hindi magiging maligaya si Juaquin sa Amparong yon. He will just be
miserable for the rest of his life!

Kung ipipilit ko naman ang sarili ko kay Juaquin.. paano kung makasal kami tapos
biglang tamaan ng topak si Manong Buwan at ibalik ako sa 21st century, hindi ba
naman magiging miserable din sya?

Napabuntong hininga ako sa mga iniisip ko.

Nalilito ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin!

At paano naman ang babaeng nasa likod ko na pilit kong tinatago?

Would he be happy with her? Would Juaquin be better off with her than Amparo?

MY GOSH! This is just sooo frustrating!

Naiisip ko pa lang ay parang napipiga na ang dibdib ko. Sumasakit pa ang ulo ko.

What am I suppose to do?

"Lo que parece ser preocupante?" (What seems to be troubling you?)

Juaquin interrupted my thoughts. Napatingin ako sa kanya and there is concern in


his eyes.

I blinked twice... ano ulit yung sinabi nya? Espanyol na naman ba yon?

Tinaasan ko sya ng kilay

"Alam mo, kailangan mo akong turuan nyang lenguaheng iyan. Parang kanina nyo pa ako
binebenta!"

Natawa sya...

"Paumanhin magandang binibini. Masyado lang akong nadala. Masyadong malalim ang
iyong iniisip. Mayroon ba akong pwedeng maitulong sa iyo?"

Meron! Marami!!! Baka naman pwedeng ligawan kita at sagutin mo na ako at bukas na
bukas din ay magpakasal tayo. At tutulungan mo na rin ako, baka naman pwedeng
samahan mo akong pakiusapan si Manong buwan na wag na akong ibalik sa panahon ko!

Iyon ang sigaw ng puso ko pero hindi ko naman pwedeng sabihin ito sa kanya, baka
ngayon pa lang ay sipain na ako nito pabalik sa min.

"Ay wala.. wala.. iniisip ko lang kung paanong pumunta sa CR. At nangangamoy alak
na ako."

"Kung gayon ay tayo na sa iyong pupuntahan. " Nakangiti syang inalalayan ako
papunta kung saan ng biglang napahinto kami.

"AMOUR!"

Napapikit ako...OOHHHMMMYYYGGOOOSSHHH!!!! Napaka wrong timing naman! Kung kelan na


maiaalis ko na sa lugar na ito si Juaquin ng hindi napapansin si Amour, at saka
naman nagpakita itong BWISIT na Nicolas na ito!!!!!!!!!

"Te dije que no salir de la cocina!" (I told you not to leave the kitchen!) Nicolas
is addressing Amour.

Nakatalikod pa rin kami ni Juaquin habang pinapagalitan ni Nicolas si Amour.

Kinakabahang tinignan ko si Juaquin...

Papalingon na ito ng hawakan ko ang kanyang mukha para pigilan itong tumingin sa
likod naman...
I know I'm being paranoid right now.. hindi pa naman kasi ako handa na tumingin sa
iba si Juaquin. I want to prolong this feelings that we have for each other...
kahit konting panahon pa. Hindi ko pa sya kayang pakawalan!

Natawa naman si Juaquin sa ginagawa ko....

Ang weird nga naman.

"Ano ang iyong ginagawa?"

Pilit akong ngumiti...

"Ummmmm.... Eeeeeeee..... kasi.......... "

AAAARRRGGGG!!! ISIP KAT! BILIS!!!!! ANONG PWEDE MONG IDAHILAN!!!

"Ummmm... wala... ang gwapo mo kasi sobbbbrrraaaaaa! As in sssssuuuuppppeerrr....


Hindi ko mapigilang hawakan ang iyong mukha?"""

I made a face... how lame!!!! I could just kick myself! Ang corny naman ng alibi
ko!

At dahil maginoo sya.. ay hindi na lang sya kumibo sa sinabi ko.

"Estoy tan triste Senorito Nicolas... " (I'm so sorry Senorito Nicolas)

Narinig kong sabi ni Amour sa likod namin.

Much to my dismay, hindi ko na talaga napigilan si Juaquin na tignan ang mga


naguusap sa likuran namin.

I WANT TO CRY!!!!!!!!

Anong gagawin ni Juaquin kung makita na nya ang babaeng itinadhana para sa kanya?

OH MY GOSH I WANT TO DIE RIGHT NOW! PLEASE LORD KUNIN NYO NA AKO AS IN NOW NA!
MANONG BUWAN... IBALIK NYO NA AKO SA AMIN!!! AS IN, NOW NA!

. AN.

Sorry Cliff hanger muna...... Unitl next U.D.


I'll try to update us much as I can... basta may time at nasa mood ang lola nyo...

Have a nice day everyone! :)

=================

Chapter 11

Date uploaded : July 8, 2014

AN.

HAaaaay salamat after 10 years na-upload ko na din ito!

wag nyo ng masyadong punahin yung spanish ek ek language dito. gumamit lang ako ng
translator.. pero kapag available na magtranslate yung friend ni Cass, titino na
din yan.. hahaha! peace.

hi nga pala kay Joy Camille Maglunsod at sa buong section nya na 9 dalton. I forgot
the name of the school.. heheheh...

Chapter 11

I feel my whole world crumbling down as he glanced at the two people behind me.
Gusto ko ng mawala. I don't want to see them fall madly in love right before my
eyes. ikamamatay ko ito! Napapikit na lang ako, waiting for the inevitable. I don't
want to see this dreaded encounter. Ano ba ang nagawa kong masama at pinaglalaruan
ako ng tadhana! I mean, is this really happening? Why do I have to witness this?
Pwede naman akong ibalik muna sa amin tapos doon sila magkakilala ng mapapangasawa
nya! WHY OH WHY!

"Amour?"

Napatigil ako sa sobrang gulat sa narinig ko.

Huh?

Kilala na nya si Amour?

Bigla akong napadilat.

Nakita kong si Amour ay yumuko, acknowledging Juaquin's presence.


"Mis felicitaciones a una cena muy agradable, exquisita como de costumbre" (My
compliments to a very nice dinner, exquisite as usual). Pormal na sabi ni Juaquin
kay Amour. Ibinulong nya ang translation ng sinabi nya sa tagalog para maintindihan
ko.

Sya ang nagluto ng masarap na hapunan, at alam ito ni Juaquin?!

Huh? What the heck is going on around here? Kilala na pala nila ang isa't isa
pero.. Wala lang? No sparks? No nothing? Nada?

Napasulyak si Amour kay Juaquin.

I take back what I said earlier, hindi ito wala lang. Sa paraan ng pagkakatingin ni
Amour kay Juaquin, mukhang may malalim na paghanga ito sa kanya.

Hmmmmm! Tumingin ako kay Juaquin, ang pagkakatingin naman nya kay Amour ay parang
sa kaibigan lang! HMMMMMMMM!

Aba! Aba! Aba!

Parang gusto kong maglupasay sa sobrang tuwa!!! Oh yes! Oh yes! O yes!

He only have eyes for me!!! Wooohoooo!!!

Tinignan ako ni Juaquin at nakita ko syang nakatitig sa akin na puno ng pag-aalala.


My heart warms at the way he looked at me. Talagang may something e. We have the
same feelings for each other. Both of us can't deny that. At ano yung mga sparks na
nararamdaman ko kahit sa konting dikit lang ng mga daliri? At alam ko na pati si
Juaquin ay nararamdaman din ito. Nakikita ko ito sa mga biglang tingin nya na may
pagtataka kapag hinahawakan nya ako.

But at the back of my mind, I can still feel that this is not right. Bakit
pakiramdam ko na ako ang mang-aagaw dito. Alam ko na si Juaquin ay nakatadhana kay
Amour.

I felt a sudden rush of guilt. Lumingon akong muli kay Amour at parang nandon pa
rin ang pag-aalala at takot sa mata nya. Ano ba ang pinagdaanan nya at bakit sa
simpleng bagay na bagkakabunggo nya sa akin ay labis ang takot nya?

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang braso nya.

"Amour, 'wag ka nang mag-alala. Ok lang talaga ako. Bakit ka ba natatakot?"


"Ella está bien, no tienes que preocuparte por ella " (She's fine, you don't have
to worry about her) Sabi ni Nicolas na sobrang ikinairita ko ikinairita ko.

Tinignan ko sya na halos umabot sa kisame ang taas ng isang kilay ko. Sya ba ang
kinakausap ko?! At sa espanol pa nagsalita!

"Tagalog please. Alam mo naman na hindi kita maintindihan!"

Natawa si Nicolas. ABA! Nagtataray na ako tinatawanan pa ako?! Ilublob ko kaya sa


kumunoy ito!

"Lo siento, eres tan adorable" (I'm sorry, you are just so adorable) at hindi pa
rin nagtagalog! GRRR... "Paumanhin, natututwa lang talaga ako sa yo." Mabuti naman
at trinanslate.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Juaquin sa bewang ko. As if he's putting a


protective arm around me and giving a warning look at Nicolas.

"Katrina, hinahanap na tayo marahil ni Mama. Baka nag-aalala na sya sa 'yo."

Tumango na lang ako. Nginitian ko si Amour na nakatingin naman kay Juaquin. Mas
lalong tumindi ang guilt ko ng makita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Mukhang
mahal nya talaga si Juaquin at labis syang nasasaktan dahil nakita nya ang
pagtingin nya sa akin.

"Marahil ay kailangan mo na ngang samahan ang iyong Pinsan Juaquin at baka nga nag-
aalala na ang iyong mama sa kanya."

Pinagdiinan nya ang salitang pinsan. Hindi kaya sya nakakahalata?

"Mabuti pa nga at bumalik na tayo, pero kailangan kong punasan ang damit ko, para
kahit paano ay matanggal kahit amoy man lang nung natapong alak. Ayoko namang
mapagkamalan akong tumador nito"

"Tumador?" Nalilitong tanong ni Nicolas.

"Don't mind me, I'm not talking to you." Akala mo ikaw lang ang marunong magsalita
ng ibang lengguahe.. Idecipher mo na lang ang sinabi ko.. Hmmmp!

"Tara na Katrina." Sabi ni Juaquin.

"Amour. Sana ay magkita tayong muli. At sana ay maging magkaibigan tayo. "

Napangiti lang sya. It looks like she's not sure of what she's going to say.
"Huwag kang mag-alala katrina, minsan ay dadalawin ka namin minsan." Sabi ni
Nicolas. Dalawin mo mukha mo!

Hindi na ako nakasagot at halos hilahin na ako ni Juaquin papalayo.

Hindi pa kami masyadong malayo ay narinig ko ang pinaguusapan ni Nicolas at Amour.

"Sinabi ko naman sa yo na huwag kang lalabas ng kusina o kaya naman ay magkulong ka


na lang sa iyong silid, mas lalo na kung may pagtitipon." Kahit na pinagsasabihan
ni Nicolas si Amour ay nakakapagtakang hindi ito galit sa kanya. Sa tono ng boses
nya ay parang nag-aalala pa ito.

"Paumanhin. Talagang may kinailangan lang talaga akong kunin sa imbakan ng pagkain.
Nagkulang kasi ng sangkap ang iniluluto sa kusina. Paumanhin at hindi na talaga
mauulit."

Napabuntong hininga so Nicolas.

"Sa susunod ay wag mo na itong gagawin. Mabuti na lang at si Katrina lang ang
nakakita sa yo at hindi si Mama. Baka maparusahan ka na naman.. Hindi ka na kasi
nadala---"

Mapaparusahan dahil lang sa pagalis sa kusina? May kinuha lang naman ng kailangan
nila. Am I missing something here. Hindi naman uso ang slave dito a. Lumingon akong
muli at doon ko nakita na may mga natapon sa sahig at pinupulot ito ni Amour.
Nakakapagtaka din na tinutulungan sya ni Nicolas.

Talagang nalilito ak sa ikinikilos ng lalakeng iyon. Hindi ko talaga malaman kung,


antipatiko sya o tinatago lang nya ang tutoong ugali nya. Dahil parang totoo ang
concern nya kay Amour. And speaking of that. Bakit sya concern sa kanya?

Hindi ko na narinig pa ang iba pa nilang pinaguusapan dahil lumiko na kami.

"Ummmm... Juaquin. Paano mo nakilala si Amour?" kahit ayaw ko man itong tanungin sa
kanya ay mas nangibabaw ang curiosity ko.

Ang tagal hindi sumagot ni Juaquin. Parang nagdadalawang isip sya kung sasagutin
nya ang tanong ko o hindi.

"Ok lang kung hindi mo sagutin ang tanong ko. Nagtaka lang kasi ako sa pagkatao
nya, at kung bakit ganon ang kinilos ni Nicolas sa kanya, na parang hindi sya
hambog kayulad ng inaasal nya kanina sa dining table. Parang sa totoong buhay ay
parang.... Mabait sya?"
Dumilim ang mukha ni Juaquin.

"Kahit kailan ay hindi naging mabait si Nicolas!" Mahina ang boses ni Juaquin pero
mararamdaman mo ang galit sa tono nito. "Ganon lang ang iniasal nya kay Amour dahil
kapatid nya ito."

Huh? Hindi ko pa ata nalilinis ang tanga ko a. Tama ba ang narinig ko?

"KAPATID?!!!"

This is getting more complicated.

"Paanong nangyaring kapatid nya sa Amour? "

"Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa yo ang mga bagay na ito."

Oo nga naman, napaka chismosa ng peg ko. Remember, curiosity killed the cat.
Nginitian ko na lang si Juaquin.

"Hindi mo na kailngan pang sabihin sa akin ang mga bagay na yon. Na-curious lang
naman talaga ako kay Amour. Ok lang kahit hindi ko na ito malaman kung malaking
sekreto ito. Naiintindihan ko. "

Huminto kami sa tapat ng isang pintuan at binuksan nya ito.

Nakarating na pala kami sa CR. Tahimik na akong pumasok at madali kong binasa ng
konti ang portion na natapunan ng alak. Sayang talaga ang napakagandang damit na
ito. Mamamantyahan talaga. Ginawa ko na lang ang lahat para maski paano ay mawala
ang amoy ng alak. Sana naman ay magawa nilang malinis ito ng mga kasama namin sa
bahay.

Lumabas na ako ng CR at nag-iintay pa din si Juaquin sa akin kahit medyo natagalan


ako sa loob.

"Sorry a. Nahirapan akong tanggalin yung mantsya. "

"Walang problema." He offered me his arms and I clinged to it. Nakakatuwa lang
talaga sa era na ito. Naapreciate ko talaga ang pagiging gentleman ng mga lalake.
Palaging silang nakaalalay sa mga babae. Ang sweet pa talaga ng pag-aalala nila.

Walang imik si Juaquin habang naglalakad kami. May iba kaming dinaanan. Baka may
short cut dito papaunta sa party area.

"Magkakakatid sila, pero si Amour ay kapatid nila sa ibang babae."


Napahinto ako sa paglalakad at napatingin ako kay Juaquin.

"Oh.. so that explains it. pero bakit parang mas mabait si Nicolas kay Amour kaysa
sa tunay nyang kapatid?"

"Marahil ay nakikita nyang mas mabait si Amour kaysa sa kanyang tunay na kapatid.
Nakita mo naman ang ugali ni Amparo. "

Tumingin tingin ako sa paligid baka may nakakarinig. Is he in liberty to bad mouth
his fiancé?

Mukha namang walang tao sa paligid at nandon lahat sa lugar kung saan nagaganap ang
pagtitipon.

Pero totoo naman. Napakasama ng ugali nung Amparo na yon. Kulang na lang ay tubuan
ng pagkahaba habang maitim na sungay. Yung katulad kay Malefecent! Ang itim ng
budhi,, pakiramdam ko ay buhay pa sya ay inuuod na ang kaluluwa nya! Ay teka, exage
na yon.. Heheheh.

"Ummm Juaquin... Huwag mong mamasamain a. Sugurado ka ba na gusto mo talagang


pakasalan si Amparo?"

Hindi nakasagot si Juaquin.

I think I'm imposing too much. Baka mainis na sa akin si Juaquin at sabihing bitter
ako. Well... Hindi naman masyadong bitter, slight lang.. Hehehe. Ayoko naman
talagang makasal sya doon sa babaeng malala pa kay medusa kung maka-asta. Mas
tatanggapin ko pa kung kay Amour sya mapunta... Waaaaa!!! HINDI RIN!!! Gusto ko
akin lang sya! Haist.. Habang tumatagal ata nagiging selfish ako sa taong hindi
naman talaga akin. Pwede bang paluin ang puso para hindi umasal ng ganito?

Bumaba kami sa isang hagdanan. Hmmm mukhang hindi sa party area kami pupunta.
Tumingin ako sa paligid. Nasaan na ba kami? Sa laki kasi ng bahay, naliligaw ako.
Uuwi na ba kami? O baka naman itatanan na nya ako dahil nagbago na ang isip nyang
pakasalan si Amparo? HAHAHAHAHA! The thinking of a desperate mind! WISH KO LANG!
Nakarating kami sa isang open space at sa gitna nito ay may fountain. Ang cute ng
lugar. Medyo pamilyar ang structure ng lugar na ito e, parang yung nasa Casa
Manila, sa may Intranurous. Umupo ako sa gilid ng fountain.

"May mga obligasyon akong dapat na tuparin sa pamilya ko. Matagal ng nakatakda ang
kasal namin ni Amparo. Kahit na hindi ko sya mahal at kahit pa napakasama ng ugali
nya, ay hindi ito maaaring dahilan para hindi ituloy ang kasal."

He's heading for his doom. I thought gloomily.


"Ngunit, meron lang isang bagay na maaaring pumigil sa akin..."

Nabuhayan ako ng loob, dahil kahit na anong mangyari, hindi talaga pwedeng silang
dalawa!

"Ano yon? Baka pwede pa nating gawan ito ng paraan."

Tumingin sya sa malayo na may kalungkutan sya sa kanyang mga mata.

"Ikaw lang ang maaaring makapagpigil sa akin."

"Huh? Pero---"

He looked at me with pleading eyes. Kinuha nya ang dalawang kamay ko at hinalikan
nya ito.

"Katrina, sa sandaling panahon ng pananatili mo sa lugar na ito, nahulog na ang


puso ko sa 'yo. Pakiramdam ko na ang buong mundo ko ngayon ay nakasentro na sa 'yo.
Kung sasabihin mo ngayon na magpapakasal ka sa akin, hindi na ako magdadalwang isip
pang ipawalang bisa ang kasunduan namin ni Amparo."

Umiling iling ako. Bakit sa halip na matuwa ako sa sinabi nya ay labis na
kalungkutan ang nararamdaman ko. Parang napaka-imposible kasi mangyari na
magkatuluyan kami. Or is there any way to deny the crescent moon's powers?

"Juaquin--"

"Alam ko Katrina. Walang katiyakan ang pananatili mo sa panahon naming ito. Isa
kang dayo. " Napabuntong hininga sya.

Bakit nga ba isa lamang akong dayo? There has to be a way! Baka naman may paraan
para manatili ako dito. I have to find a way to remain here! Diba kapag mahal mo
ang isang tao dapat ipaglaban mo? I have to defy time in order to be with the one I
love. I have to do something or die trying!

=================

Chapter 12

Date uploaded July 11, 2014

Hallo to yanna! yung ka chat ko kanina. :)


Chapter 12

Kat

Ok. How can I defy time? Wait lang. Mali ata ang iniisip ko. I have already defied
time. Nandito na nga ako sa hindi ko panahon. Ang mas tamang tanong ay paano ko ma-
b-break ang rule ni manong buwan.

Bumangon ako sa higaan at binuksan ang pinto ng balkonahe ng kwarto. Lumabas ako
dito at tinanaw ang madilim na paligid. Tumingin ako sa buwan. As usual,
napakaganda nito.

"Alam mo, akala ko dati palamuti ka lang sa gabi na nagpapaliwanag sa madilim na


paligid. Pero hindi ka lang pala nagsisilbing ilaw. Marunong ka din pala manggulo
ng buhay. I'm such a mess right now and it's all becuase of you!"

Hindi naman ako galit kay manong buwan, sobrang stress kang ako at kailangan kong
mailabas maski paano ang nararamdaman ko.

Kahit mag-aalas tres na ng madaling araw ay hindi pa din ako dalawin ng antok.
Pilit kong hinahanapan ng paraan kung paano ako mananatili sa panahong ito. Willing
si Juaquin na hindi ituloy ang kasal nila ni Amparo para sa akin. Pero dahil sa
walang katiyakan ang pananatili ko dito ay mabuti na daw na isakatuparan na lang
nya ang plano ng kanyang mga magulang.

Masakit para sa akin na ikasal sya, mas lalo na sa babaeng alam ko naman ay
magiging miserable lang ang buhay nya dito. Payag pa ako kung kay Amour, pero hindi
pa rin. Selfish na kung selfish. I WANT JUAQUIN FOR MYSELF! Tamaan na ako ng
kidlat, pero mahal ko na talaga sya.

"Ok.. sige..." I said talking to myself. mabuti na lang at mahimbing na natututlog


ang mga tao dito sa bahay. Nandito kami ngayon sa mansyon ng mga Mendez sa bayan na
hindi kalayuan sa bahay nila Amparo. Mas malaki ito sa bahay nila amparo kaya mas
lalo itong nakakaligaw. Almost the same din ang structure pero mas homey ang
feeling dito, hindi katulad sa mansyon ng del valle, maganda, malaki, pero may
something e, na parang hunted house lang ang peg.

" paano nga ba ako napunta dito? Hmmm."

Syempre, kailangan kong i-trace ang root ng pagkakabalik ko sa panahong ito. I can
still remember what the article said. May isang bagay na nag-exist noong panahon na
ito na nag-e-exist hanggang sa panahon ko. Iyon ang puno. Hmmmm. Kung putulin ko
kaya ang puno? Bka iyon ang link sa panahong ito, sa panahon ko. Kung mawala iyon,
baka maputol ang link. Kaso baka naman ipakulong ako ng DENR. Heheheh. Wala naman
akong magagawa sa lugar. Kakaiba ang enerhiya sa lugar na yon. Meron pang kasama sa
equation e, ang energized object na dala ko non ay ang IPAD ko. E kung wasakin ko
kaya iyon? Kaso naman.. Sa lahat ng gadget ko, iyon ang paborito ko huhuhuhu..
Maaatim ko bang sirain yon?
E ano ba ang mas mahalaga Katrina? Yung IPAD o si Juaquin?

No contest naman yon. Syempre si Juaquin. E kung yung cellphone ko na lang ang
wasakin ko? At least iyon mas mura.. Hehehee... Or kailangan bang sirain ko pareho?
At putulin ko din ang puno?

I'll do anything kung iyon lang ang paraan na mapanatili ako dito.

I was lost in my thoughts when something caught my attention. From across the
street, may naaninag akong tatlong lalake na nag-uusap usap. Hindi mo sya
mapapansin sa una dahil madilim ang paligid. I tried to focus my eyesight on them.
Base sa kanilang kasuotan, mga aristikrata ang mga ito. Pero bakit sa ganitong oras
sila nag-me-meeting at hindi man lang ginawa sa loob ng bahay? Hmmm... anong meron?

Maya-maya pa ay may dumating na limang lalake, na tipong parang magsasaka.

Nag-shoot-up ang curiosity ko. Something is not right here. Sino itong mga ito?
Trouble makers? Nabalitaan ko sa mga katulong sa hacienda na may mga gumagalang
taong ligaw tuwing gabi. Na-alala ko din na sinabihan ako ni Dona Estelita na wag
na wag akong lalabas tuwing gabi. Sila kaya yung tinutukoy nila?

Maya-maya pa ay naglakad papalayo ang mga lalake, pero isa sa kanila ay lumingon. I
gasp as I stepped back. No! this can't be!

Anong ginagawa si Juaquin kasama ang mga lalakeng iyon? I don't know if they are
the good guys or the bad ones. Ang alam ko lang kasama nila si Juaquin. BAKA NAMAN
MAY GAWIN SILANG HINDI MAGANDA SA KANYA!

Oh my gosh!!! Kailangang sundan ko sila!!! Baka mapahamak si Juaquin!

Kumuha lang ako ng balabal sa kwarto at nagmamadali na akong lumabas ng bahay. I


ran as fast as I can hanggang sa maaninag ko na sila na naglalakad patungo sa
bahagi ng siyodad na ang mga nakatira ay mga Indio.

Binagalan ko ang paglalakad ko para hindi nila ako mapansin. I kept my distance.
Maingat na maingat ako na huwag makagawa ng kahit na maliit na ingay. Alam kong
delikado itong ginagawa ko, dahil parang mga sanggano ang ilang mga kasama ni
Juaquin.. Hala lagot! Baka naman kidnap for ransom ito! Hala!!!! Hindi pa naman uso
ang cellphone dito o kahit man lang telepono para makatawag ng mga pulis! I mean,
gwardya sebil ba ang tawag sa mga pulis/sundalo? A ewan! Kahit na ano pang tawag sa
kanila, wala akong pakialam. Basta kailangang malaman ko kung saan nila dadalhin si
Juaquin at tatawag na ako ng pulis!

Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa isang kubo. Parang walang nakatira
doon at abandoned na dahil napakadilim sa loob.
Inantay ko na maisarado nila ang kubo bago ako lumapit. Lumiwanag ng kaunti ang
loob ng kubo, nagsindi siguro sila ng kandila.

"Anong nangyari at pumalpak ang plano?" sabi ng isang lalake na hindi ko kilala ang
boses.

"Hindi lang 'yon. Nadakip pa ang ilan sa mga kasama natin sa kilusan."

"Malamang ay may nag-t-traidor sa atin."

"Nakakapagtaka dahil alam nila ang mga kilos natin. Mayroon ngang nag-t-traidor sa
atin at kailangang mahuli natin kung sino sya. Kung hindi, babagsak ang kilusan. "

What the heck! Anong pinag-uusapan nila?

"mas makakabuti kung mananatili muna kayo sa lugar na ito. Huwag muna kayong
babalik ng Maynila hanggat hindi naming nahuhuli ang tumatraidor sa atin."

Nanahimik sila. If my hunch is correct, mga grupo ng mga rebelled sila.

"Paparating na ang mga armas dala ng mga barko, at dadaong na ito sa maynila sa
susunod na linggo. Ngunit kung ganyan ang sitwasyon sa Maynila, mas mabuti pang
wala munang ibang makaalam nito."

SI JUAQUIN! Hindi ako nagkakamali. Boses ni Juaquin yon! Tama ba ang narinig ko?!
HINDI SYA HOSTAGE! Kabilang din sya sa grupo ng mga rebelde!

OHHMYY GOSH!

May biglang humawak sa braso ko ng sobrang higpit at halos kaladlarin ako.

"Anong ginagawa mo dito! Isa kang espiya!" Marahas na sabi nung lalaking
kumakaladkad sa akin ngayon.

"No! NO! NO! Hindi ako spy! Promise!"

Pero hindi nakinig sa kin yung lalake at tuluyan na akong kinaladkad papasok ng
kubo. At hindi pa sya nasatisfy doon. Ihinagis ba naman ako pagkapasok na
pagkapasok sa kubo, kaya sumalampak sa upuan! Mabuti sana kung kutson iyon.. E
RATAN! Grabe naman!!!! Magkakapasa na nga ako, magkakasugat pa ako! MASAKIT A!

Akala ko ba nasa Spanish Era ako? E kung umasta yung bwisit na lalakeng yon,
masahol pa sa laking squatter! WALANG GALANG SA BABAE!
Tumayo akong bigla at hinarap ko yung lalakeng nanalbahe sa akin! AKALA NYA! Hindi
ako si Maria Clara na iiyak na lang sa isang tabi kapag inapi! Gabriela Silang ata
ang beauty ko!

"ANO BANG PROBLEMA MO! HOY LALAKE! HINDI AKO NATATAKOT SA YO! AT BAGO KA MAMINTANG,
DAPAT INAALAM MO MUNA ANG TOTOO! PASAWAY KA NANANKIT KA KAAGAD!!! "

"Anong ginagawa mo sa labas ng kubo at nakikinig sa usapan. Isa kang Espiya!"

"SA GANDA KONG ITO ESPIYA AKO! EXXXCCCCUUUUSSSEEE MMMEEEE!"

"Katrina?"

Sa sobrang galit ko ay nakalimutan ko ang ibang mga tao na sa loob ng kubo. Lahat
sila ay nagtataka kung anong nangyari at kung ano ang ginagawa ko doon.

Lumapit sa akin si Juaquin at inispeksyon nya ang katawan ko.

"May mga sugat ka. " Pag-aalalang sabi nya.

"E kasi naman, iyang kasama nyong gorilla. Padalos-dalos. Hindi man lang marunong
magtanong!"

"Nakita ko syang nagtatago sa gilid ng kubo at nakikinig sa pinag-uusapan ninyo.


Ano ang ibig sabihin non, hindi ba't kilos ng isang espiya ang kanyang ginagawa?"

Natahimik ang lahat. I looked around. These men means business. Mukhang mga seryoso
sila, and they are all wearing a mean face.

"Kilala ko si Katrina. Ako mismo ang magpapatunay na hindi sya espiya. Isa syang
panauhin at kasalukuyang nakatira sa aming tahanan. "

"Ngunit paano mo malalaman na hindi sya nagbabalatkayo lamang?"

"Alam ko ang kanyang pagkatao at ang kanyang pinanggalingan. Kung isa man syang
espiya, ako mismo ang mananagot sa kilusan."

He drew me closer to him as if protecting me from the mean guys.

"Nasaktan ka ba?" Bulong nya sa akin.


"Medyo. Gaganti ako promise. Ang lagay, ganon na lang yon?"

Napatawa sya ng mahina.

"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ikinilos ni Matias. Mapanganib ang panahong


ito at talagang nakapagtataka at nandito ka sa lugar na ito."

"E kasi naman e-"

"Mabuti pang mamaya na tayo mag-usap."

Pinaupo nya ako sa upuang pinagsalpakan ko kanina.

"Sa susunod na lang natin ituloy ang ating pag-uusap. Bukas ay uuwi na kami sa
Haceinda. Mas ligtas doon. " Tumingin sya sa isa sa mga mukhang katipunero. " Doon
na kayo tumuloy sa kubong malapit sa batis, at doon na rin kami pupunta bukas ng
gabi upang ipagpatuloy ang usapang ito."

"Sige, Senorito Juaquin. Tutuloy na kami." Nauna ng lumabas ang mga katipunero pero
naiwan si Matias.

"Paumanhin Binibini. Hindi ko sinasadyang-"

'Hindi daw sinasadya... "

"Katrina.." Sabi ni Juaquin as if begging me to forgive the monster!

"Hmmmpp.. o sige na nga. Pinapatawad na kita. " Wala sa loob na sinabi ko. E kasi
naman, pumipintig yung braso ko na hinawakan nya na parang vice grip! Sure talaga
ako na magpapasa ito.

Ng makaalis na ang limang lalake ay hinarap ni Juaquin yung dalawang lalakeng


nakita kong kausap nya sa tapat ng bahay.

"Katrina, sila ang mga kaibigan ko. Si Salvador at si Iñigo."

"Kinagagalak ka naming makilala binibini. Ikaw pala ang palaging ikinukwento ni


Juaquin. " Nakangiting sabi ni Salvador. Hindi naman pala sya mukhang sanggano
kapag nakangiti.

"Ikinukuwento? Talaga? " Kinabahan ako sa sinabi nya, hindi kaya alam na nila ang
pagkato ko. " Ano ang mga bagay na naikwento ni Juaquin tungkol sa akin?"
"Na napakaganda mo. At hindi sya nagsisisnungaling."

Wow a! uso na rin pala mga bolero sa panahong ito.

Si Iñigo dedma lang. Ok suplado naman ang peg nito.

"Bukas na lang tayo mag-usap. " Sabi ni Juaquin. " ganoong oras din, sa dating
tagpuan. "

Palabas na kami ng kubo ng magsalita si Iñigo. "Mag-iingat kayo, delikado na ang


panahong ito."

Pinatay na nila ang kandila at umalis na kami ni Juaquin.

Hindi kumikibo ni Juaquin habang naglalakad kami pabalik ng mansiyon.

Ako naman ay napakaraming gustong itanong. Pero kahit isang salita ay walang
lumalabas sa bibig ko.

"Paumanhin sa mga nangyari kanina at nasaktan ka. ngunit, hindi ko alam kung paano
ka napunta sa lugar na iyon?"

Huminto sya sa paglalakad nya at niyakap nya ako ng mahigpit na dahilan ng malakas
na pagkabog ng dibdib ko! Remember the sparks that I have whenever we have physical
contact? Grabe lang, pakiramdam ko nag level-up ang intensity nito!

"Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng makita kitang kinaladkad ni Matias. "

"Juaquin... Ok lang ako promise. Huwag ka ng mag-alala."

Hinawakan nya ng magkabilang kamay nya ang mukha ko.

"Ipangako mo sa akin Katrina na hinding hindi ka na lalabas ng bahay mas lalo na sa


ganitong oras. "

"pero---

"Ipangako mo.. "

Napabuntong hininga ako.

"Ok.. sige.. para sa yo.. hindi na ako lalabas ng gabi. "


Napangiti sya.

"Humihingi na rin ako sa iyo ng paumanhin... dahil hindi ko na kaya pang pigilan
ang sarili ko.."

"Huh? Baki-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at naramdaman ko na lang ang mga labi nya na
dumapi sa mga labi ko!

Oo.. nabigla ako..but in a nice kind of way. Pakiramdam ko na ang puso ko ay


sasabog. Kung kanina ang pakiramdam ko sa mga sparks ay nag-intensify.. ngayon,
pakiramdam ko ay parang bolta-boltahe na ng kuryente ang nararamdaman kong
dumadaloy sa katawan ko!

Nakapikit pa ako ng maghiwalay ang mga labi namin. We are still not ready to let go
of each other. Our foreheads touched as we continue to enjoy this closeness.

"Paumanhin Katrina. Hindi ko sasabihin na hindi ko sinadya ang ginawa ko."

"Please don't say sorry. Dahil.... "

Sasabihin ko ba sa kanya ang nararamdaman ko? What if I say the words and we can no
longer let go of each other?

I'm falling sooo hard that is hurts!

"Dahil?--- " tanong ni Juaquin...

"Dahil... "

Arrrggggg! I can't say it!

"Nothing... I just can't let you go... "

..... and I love you Juaquin.

=================

Chapter 13
Date uploaded: july 19, 2014

AN. Sensya na, ngayon ko lang ako nakapagsulat ulit. Tinamaan ng brown out at nag-
coordinate pa ako ng kasal ng sister ko. I'm currently in Baguio at katatapos lang
ng kasal ng kapatid ko. Congrats to them, hyungtae Ahn and Leah rose.. yesss!
Magkakaroon na ako ng pamangkin na KOREAN! Hahahaha!

Chapter 13

Kat

Kinabukasan ay nag-aayos na kami ng gamit para umuwi na sa hacienda. Si Juaquin ay


inaayos ang karwahe na gagamitin namin mamaya sa biyahe. Hindi pa kami nakakapg-
usap ng masinsinan tungkol sa mga bagay na nangyari kagabi. Napakarami kong gustong
malaman, hindi lang tungkol sa aming dalawa. Gusto ko din malaman ang partisipasyon
nya sa kilusan o sa mga rebelde ng gobyerno. Kabilang ba sya sa tinatawag nilang
katipunan o iba ang grupo nila? Sino yung dalawang lalake na kasama nya kagabi? Oo,
nalaman ko ang pangalan nila, pero ano naman ang role nila sa mga bagay na ito? Si
Inigo ay nakita ko sa party ng mga del valle, pero si Salvador ay sa kubo ko lang
sya nakita.

Maliban sa kilusan, magkaibigan kaya sila ni Juaquin? E yung mga katipunerong


dumating. Sino sila? Mapagkakatiwalaan ba sila? At ano naman yung mga armas? Si
Juaquin ba ang supplier nila? Hindi ba't delikado ang giangawa nilang ganon? Paano
kung mahuli sya? They will not hesitate to execute him, kahit na mataas ang
katayuan nila sa buhay.

si Jose Rizal nga, na-excile na, ginawa pang shooting target. At ano yung narinig
kong may tumatraidor sa kanila? Hindi kaya isuplong sila sa awtoridad? Oh my gosh!
As much as napaka-noble ng ginagawa ni Juaquin para sa bansa, parang hindi ko
maaatim na makita syang mapahamak! Kung pwede ko lang syang kumbinsihin na wag ng
sumali sa laban na iyon. Meron pa namang ibang tao dyan.

Bumaba na ako sa salas at nagulat ako sa nadatnan ko don. Anong ginagawa ng mga Del
Valle dito? At kasama nila si Amour.

"Katrina, nandito ka na pala. Maaari na tayong bumalik sa hacienda." Sabi ni Dona


Estelita.

Sinalubong ako ni Nicolas, and without permission, kinuha nya ang kanang kamay ko
at hinalikan ito.

" Magandang umaga, magandang binibini." I tried not to roll my eyes, instead,
pinilit ko na lang ang sarili kong ngitian sya.

"Magandang umaga din Nicolas."


"Maaari bang ikaw ang maging kasama ko sa karwahe pabalik ng inyong hacienda? "

"Sasama ka sa hacienda?" Tinignan ko sya ng masama. I looked inquiringly at Dona


Estelita.

"Si Amparo, Nicolas, kasama na rin si Amour, ay doon muna sa hacienda tutuloy,
habang nasa Maynila si Don Gustavo at Dona Amelia."

Ha!!!! Bakit???!! Bakit sila doon tutuloy, may sarili naman silang bahay? At balita
ko na ang katabing lupain ng mga mendez ay hacienda naman ng mga Del Valle. Bakit
sa mga mendez pa sila magsasabog ng lagim?!

"Confío en que usted se hará cargo de ellos mientras estamos fuera. Esta será una
oportunidad perfecta para Juaquin y Amparo para conocer más de cerca." (I trust
that you will take care of them while we are away. This will be a perfect
opportunity for Juaquin and Amparo to get closer.) sabi ni dona Amelia kay dona
Estelita na tumango lang sa sinabi nito.

Ano naman kaya ang balak nitong bruhang ito, dahil as usual ay wala na namang balak
ipaintindi ang mga sinabi nya sa akin.

"Bueno, kami ay lilisan na at malayo pa ang aming lalakbayin." DIRETSO NAMAN PALANG
MAGTAGALOG E!

"Amour, ikaw ang bahala sa lahat ng kanilang kailangan. Huwag kang kukupad kupad sa
pagkilos at nakakahiya sa mga Mendez."

Bakit pinababayaan lang ni Don Gustavo na itratong katulong lang ang kanyang anak?
Ang nakakainis pa ay ginagawa si Amour na katulong ng mga kapatid nya!

"Kaya namin ang sarili namin Mama. Hindi na kami kailngan pang pagsil ihqn ni
Amour." Sabi ni Nicolas

"Anong hindi?! Marami akong gamit na kinakailangang may mag-asikaso. " sabi ni
Amparo.

"Matuto kang kumilos mag-isa. Hindi ka na batang paslit para lalayaan sa lahat ng
iyong kinikilos!"

Hmmm. Mukhang papanig ako ngayon kay Nicolas. Mabuti naman at hindi nya
kinukunsinti ang spoiled brat nyang kapatid.

"Nicolas!" Saway ng kanyang ina. "Kay nga nandito si Amour para pagsilbihan si
Amparo."
Wow a! Pagsilbihan talaga! Paki baba nga ang kilay ko! Naiimbyerna na talaga ako!

"Halina kayo, at kanina pa nag-aantay sa atin si Juaquin. " sabi ni Dona Estelita.

"Vamos así." (We are going as well.) sabi ni Don Gustavo.

Sabay sabay na kaming bumaba. Hindi ko na din napigilan si Nicolas na alalayan ako.
As if naman kailangan ko ng alalay, kung makasita sa kapatid, wagas na wagas. Pero
ngayon, kung makakapit sa braso ko ay para naman akong nawawalang paslit!

"Nicolas, kaya kong bumaba sa sarili ko. Kung maaari lang ay paki tanggal ang kamay
mo sa braso ko." I said in a very controlled manner.

"Ikinagigiliw ko lang naman na alalayan ang isang napaka gandang binibini na


katulad mo. "

"Kung hindi mo ako bibitawan ay sisipain kita!"

Natawa si Nicolas na dahilan ng paglingon si Amparo. May sinabi sya sa Espanol na


ayaw ko ng malaman ang translation dahil siguradong insulto na naman ito. Hindi
naman sya pinansin ni Nicolas.

"Iyan ang isa sa nagustuhan ko sa iyo. Hindi ka lang maganda, matapang ka pa."

I rolled my eyes. Haist! Kung sa panahon namin nabuhay itong si Nicolas, siguradong
playboy ito. Halatang halata mo na magaling magpaikot ng babae. Gwapo sya pero
saksakan ng bolero. Kung mahina ang ulo ng babae, siguradong mabobola nya ito.
Well, sorry na lang sya at hindi umuubra sa akin ang mga pambobola nya.

Pinilit kong bawiin ang braso ko pero hindi nya ito pinakawalan. Nginitian pa nya
ako ng nakakaloka. Inulit ko ulit bawiin ang braso ko, this time mas malakas.
Natanggal nga ang pagkakakapit sa akin ni Nicolas pero na-out of balance naman ako!

Muntik na akong magpagulong gulong sa stairs kung hindi ako sinalo ni Nicolas.

"Sinabi ko naman sa 'yo, kailangan mo ako." Nakangising sabi nya sa akin.

Gosssshhh!!!! Ang lapit ng mukha nya sa akin, kung gumalaw ako kahit half an inch
lang ay siguradong magtatama ang mga labi namin!

"NICOLAS! Maaari bang bitawan mo si katrina!" Hindi ko na tinignan kung sino ang
nagsalita dhil baka magkamali ako ng galaw at madisgrasya pa ang labi ko! Anyway, I
know the voice of the one I love.
Itinayo ako ng maayos ni Nicolas at nagulat na lang ako ng ilayo ako ni Juaquin kay
Nicolas. May powers ba syang magteleport? Bakit hindi ko namalayan na nasa tabi ko
na pala sya? Or am I not paying that much attention to my surroundings?

"Esta es mi última advertencia Nicolas. Manténgase alejado de Katrina" (This is my


final warning Nicolas. Stay away from Katrina) madiing sinabi ni Juaquin.

"Y ¿para qué? Me vas a matar me?" (And do what? You're gonna kill me?)

"Si tengo que, entonces, a MI "(If I have to, then I will)

Parehong palaban na nagkatitigan ang dalawa.

"Juaquin, ok na ako, alika na. " pinilit kong paglayuin ang dalawa. Hinatak ko ang
braso ni Juaquin.

"Kayong dalawa, tigilan nyo iyang pag-aaway na yan. Hindi iyan nararapat, mas lalo
na ngayon na magiging isang pamilya na tayo." Sabi ni Dona Estelita. "Maayos naman
si Katrina. Maaari bang umalis na tayo? "

Tahimik na naghiwalay ang dalawa. Matalim ang tingin ni Juaquin pero nakangisi lang
si Nicolas na para bang mas lalo pa itong nag-po-provoke.

What the heck is his problem! Naghahanap bantalaga sya ng gulo, at mismo sa harap
pa ng mga magulang nila!

I really don't quite get him. Ang hirap intindihin ng ugali nya.

Doon ako isinakay ni Juaquin sa karwaheng pandalawahan lang at ang iba ay sa


karwaheng pangmaramihan, na ikinainis ni Amparo.

"Babae, kung maaari lang ay bumaba ka dyan at hindi nababagay sa iyo ang lugar na
yan." Huwaw naman. May pinagbabagayan ba ang mga karwahe? "Hindi ba't dapat ako ang
nakasakay dyan na kasam mo Juaquin? "

"Mas komportable sa mas malaking karwahe kaysa dito. Mas mabuti pa na kila mama ka
na sumabay at hindi maarawan ang iyong mukha."

She considered what Juaquin said. Half open ang carriage na parang yung mga
nakikita sa New York hindi katulad ng isang carriage na sarado. Mukhang vain talaga
si Amparo at ayaw nyang maarawan ang makinis nyang kutis, walang sabi sabi ay
sumakay na sya sa karwahe. Bago pa sumakay si Nicolas ay nginisian nya ako at
tumango. Nyiiii... Katakot talaga itong lalakeng ito, parang hindi gagawa ng
matino!
Nakaalis na ang mga karwahe nila Dona Estelita pati na rin ang karwahe nila don
Gustavo bago pa sumakay si Juaquin sa karwahe namin at pinaandar na nya ito.

Nakahinga ako ng maluwag. At least I will have a moment to regain my wits before I
will face Nicolas again.

"Pakiusap Katrina, kung maaari ay iwasan mo si Nicolas, mas lalo na ngayong


mananatili sya sa aming tahanan ng isang linggo."

"Paano ko gagawin yon? Paano ko sya maiiwasan kung nasa iisang bubong lang kami."

Natahimik si Juaquin. Parang nag-iisip ng paraan.

"Sisikapin kong palagi akong nasa tabi mo para protektahan ka. " may kahapong galit
ang tono nya.

"Juaquin, may kailangan ba akong ipag-alala kay Nicolas?"

Hindi sya kumibo na dahilan para mag-isip ako ng hindi maganda tungkol sa lalakeng
kinaiinisan ko. There's something about the way he treated Nicolas, na para bang
malalim ang galit nya sa kanya, pero kino-control lang nya ito at pinakikitunguhan
na lang nya ito ng maayos.

Napangiti na lang sya sa akin, as if he's assuring me that everything is under


control.

Ilang minuto kaming tahimik na nag-b-byahe. But since kaming dalawa lang ang
magkasama at walang ibang nakakarinig sa amin ay sinamantala ko na ang pagkakataon.

"Juaquin, I hope you don't mind, may mga gusto lang sana akong malaman.."

Tinignan nya ako sandali at tumingin na sya sa dinadaanan namin.

"Alam kong hindi maiiwasan ang iyong pagtataka sa mga nasaksihan kagabi. Magiging
tapat ako sa iyo at sisikapin kong sagutin ang iyong mga katanungan sa abot ng
aking makakaya."

Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil nya ito. Weee... Hala! Na-hy-hyper na naman
ako nito! I just love what I felt whenever we touch. Naadik na ako sa mga sparks na
nararamdaman ko. Parang gusto ko palagi kaming magkawawak ng kamay. Pero sa
kalagayan naming ito ay hindi pwede ang ang mga ikinikilos namin kahit na alam
namin na mahal namin ang isa't -isa.

Pwede ko na bang i-change ang FB status ko na 'it's complicated'? Complicated in a


sense that I am in love with a guy na engage sa isang babae na hindi nakatakda para
sa kanya, at sa ngayon ay wala syang feelings sa babaeng tunay na mapapangasawa
nya. At mutual ang feelings nya sa akin na isang dayo lang sa panahon na ito, at
ano mang oras ay pwede akong ibalik sa tunay kong panahon. IT'S REALLY COMPLICATED!

Haaayyy... Iwanan ko na lang nga muna ang mga isipin na yan. Pwede naman na i-enjoy
ang pagkakataon na ito na kasama ko si Juaquin. Dahil siguradong pag-uwi namin ay
napakarami ng hadlang. Mag-i-stay ang mga Del Valle sa bahay.

Enough of my feelings. May mas malalim na bagay na dapat kong malaman.

"Juaquin, naikwento ko sa iyo ang kasaysayan ng Pilipinas. Alam mo na, na maitataob


ng katipunan ang pamahalaan ng mga Espanyol. Kabilang ka ba ang tinatawag ninyong
kilusan sa Katipunan? "

Pinagisipan nya muna ng mabuti ang sasabihin nya bago sya magsalita.

" Masasabi ko na isa kami sa Katipunan pero ang grupo namin ay isa lamang sa
sumusuporta sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol. "

"Pero half breed ka, ang ibig kong sabihin ay kalahati ng dugo mo ay isa ding
Espanyol?"

"Totoo ang iyong sinabi, matuturing na isa nga akong traidor sa aking lahi. Ngunit
nakita ko ang pamamamaraan ng pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino, kung
tratuhin nila ay parang hindi tao. Kung hindi lamang mas may kaya ang aming pamilya
kaysa sa ibang kastila ay siguradong hindi maganda ang kanilang trato sa amin, mas
lalo na sa aking mama."

"Pero Juaquin, delikado ang ginagawa mo. Nasabi ko ba sa 'yo na bago nabawi ng mga
Pilipino ang bansang ito ay napakaraming nagbuwis ng buhay? Ayaw kong masama ka
doon! May mga narinig pa ako kagabi na may traidor sa mga kasamahan ninyo. Paano
kung ituro ka nila sa mga sumusuporta sa mga rebelde?"

"Bago ako sumali sa kilusan ay pinag-isipan ko na yang mabuti. Totoong delikado ang
pinasok ko, maaari akong mapahamak. Ngunit, may mga pagkakataon na kailangan
isantabi ang mga sarili para sa kapakanan ng nakararami. Ang ginagawa kong ito ay
para sa kinabukasan ng ating bayan."

Nakaramdam ako ng panibagong paghanga kay Juaquin. His views are so noble.
Isinasantabi nya ang kanyang sariling kapakanan para sa kapakanan ng nakararami.

"Natutuwa ako sa mga ikinuwento mo tungkol sa Pilipinas sa iyong panahon. Sa


pagkakarinig ko non ay mas lalong umalab ang pagnanais kong maging kabilang sa mga
taong magpapabagsak sa mga Kastila. Ito ay para sa kinabukasan.. Para sa 'yo
Katrina."
Napabuntong hininga ako. Sobra akong nag-aalala sa kapakanan ni Juaquin, pero sa
tingin ko ay hindi ko dapat syang pigilan sa mga adhikain nya. Tama sya, kung ang
lahat ng Pilipino ay matatakot lumaban, hindi magakakaroon ng rebelde, hindi
maitatatag ang katipunan, at hindi mapapatalsik sa bansa ang mga kastili. Paano
kung hindi mangyari ang pag-aaklas? E di Indio pa rin ako sa panahon ko.. Alipin!
Ayoko ata non a.

"Juaquin, ipangako mo sa akin na mag-iingat ka."

Ngumiti lang sya sa akin.

"Hindi ba't naikwento mo sa akin na hanggang sa iyong panahon ay pagmamay-ari pa


din ng mga Mendez ang aming hacienda?"

Tumango ako. Hindi na sya nagsalita at pinisil na lang nya ang aking kamay ko.
Napangiti at ako at sumaldal na lang sa ako sa balikat nya.

"Juaquin... Paano kung sabihin ko sa 'yo na.... "

Napatigil ako. Sasabihin ko ba sa kanya? Nagdadalwang isip ako. I don't know if I


have the right to say this but, deep inside of me tells me that I owe it to him.

"May nais kang sabihin Katrina? "

"Paano kung..."

Napahinto na naman ako sa sasabihin ko.

"Panno kung ano?"

"Juaquin... Pano kung sabihin ko sa yo na may isang larawan ng iyong pamilya sa


salas, sa aming panahon.. Pero ang iyong kabiyak ay... "

Tumingin ako sa malayo...

"Hindi si ... Amparo."

=================

Chapter 14

Date Uploaded : July 28, 2014


AN. sorry medyo na-late ang pag upload... nabura kasi ang first draft ko and I have
to do it all over again.

Chapter 14

Kat

Sumilip ako sa labas ng kwarto ko. Tumingin tingin ako sa paligid at naniniguradong
walang pwedeng makakita sa akin. I am going to sneak out of the house. Ayoko kasing
makalasubong kahit isa sa mga bisita namin.

Bisita daw namin, parang ako hindi bisita dito a. Feeling ko kasi bahay ko na ito
at ang trato sa akin ng may-ari ay parang tunay na nya akong anak. Well anyway, mas
considered naman akong kapamilya dito kesa sa kanila! Mga sampid lang sila dito at
pinakikitunguhan ng maayos kahit alam kong labag ito sa kalooban ni Donya
Estelita.

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng magbakasyon sila dito. At wala akong
masasabi kundi... NAKAKASTRESS!!!!

Si Amparo, walang ibang ginawa kundi irapan at pagtaasan ako ng kilay. Wish ko lang
na masunog ang dalawang kilay nya at magmukha syang butiki! Kung totopakin lang
ako, dadalawin ko sya habang natutulog sya at paliliyabin ko ang mga kilay nya!
Hungggtaaarrraayyy lang kasi, grabe! Hindi ko alam kung anong manners ang meron
sya, masyadong matapobre! Feeling nya sya na ang pinakamaganda, pinakamayan at may
karapatan sa lahat!

Haist! Oo, maganda talaga sya, pero ibang level ang kagandahan ko kumpara sa kanya!
Na-iinsecure lang sya sa akin dahil hindi nya ako kayang patalbugin.
Si Nicolas naman ay hindi nagsasawa sa pambobola sa akin. Kahit saan ata ako
magpunta, parang aso syang susunod-sunod! Can't he take a hint?! Hindi man lang
mkaramdam na hindi ko sya type! Ang manhid! Oo, gwapo, matikas at mukha ding
matalino. Pero, hindi ko talaga type ang aura nya. Ang weird pa, may split
personality sya. Sobrang hambog, mas lalo na kung kaharap si Juaquin. Obvious na
obvious may rivalry yung dalawa. They are civil with each other, especially kapag
kaharap si Donya Estelita, pero kapag nagtagpo ang mga mata nila, parang nag-gegera
! Hindi ko alam talaga kung pinag-awayan nila, pero hindi ordinaryong away lang
ito.

Kaya napapaisip ako, ito ba ang magiging magbayaw?

Ang nakapagtataka, ay pag dating kay Amour ay lumalambot ang puso nya taliwas na
taliwas sa ipinapakita nya kay Juaquin. He's acting like a protective brother when
it comes to her. Palagi nyang ipinapagtanggol si Amour kay Amparo. Kung tutuusin
nga, ay mas dapat nyang kampihan si Amparo dahil sya ang tunay na kapatid nya.
Nicolas is such a puzzle to me, dahil nakikita kong talagang may tinatago syang
kabaitan. Kung alin sa dalawang ugali nya ang tunay na sya ay hindi ko malaman.

But.. I want a break from all these drama, sumasakit na ang batok ko sa kanila at
baka atakihin pa ako sa puso!

When I was sure that the coast is clear, dali dali akong naglakad patungo sa back
door ng mansyon. Tamang-tama at madadaan ako sa kusina. I'm gonna pack some fruits
and bread, I need some energy at may misyon akong gagawin.

Nag-iwan na lang ako kay Donya Estelita ng sulat na ipinabigay ko sa isa sa mga
katulong, para hindi sya mag-alala. Pag dating kasi sa akin, feeling ko
napaparanoid syang palagi na para bang palagi akong mapapahamak.

Nang naglalakad na ako sa may bukirin, parang nakahinga ako ng malalim. Hindi ko na
nararamdaman ang mabigat na pakiramdam. May sa demonyo ata kasi yung magkapatid na
'yon kaya parang palagaing madilim ang kapaligiran kung saan sila nandoon.
Haaaay!!!! Huminga ulit ako ng malalim. Parang gusto kong singhutin ang lahat ng
sariwang hangin. Ang sarap talaga! Kahit sandali walang mga asingot sa buhay ko!!

Papunta ako ngayon sa falls at may bitbit akong palakol. Yup! PALAKOL TALAGA!
Nagpa-cute pa ako sa mga tauhan ng hacienda para lang pahiramin ako nito. Sasamahan
pa nga nila ako para sila na lang daw ang magpuputol ng kung ano man ang puputulin
ko. Gawain daw ng mga kalalakihan 'yon at hindi ng mga kababaihan. Palusot to the
max na lang ako na pabayaan na lang sa akin ang palakol. Ang hirap nilang
kumbinsihin pero lumaon ay nagpaubaya na rin. Nakahalata din siguro sila na walang
mangyayari sa pakiusap nila at matigas ang desisyon ko.

Buo na ang loob ko sa gagawin ko. Kung ang pagputol ng puno ang paraan para lang
mapanatili ako sa panahong ito ay gagawin ko.Kahit na ikagalit pa ni Donya Estelita
ang gagawin ko dahil sasalbahihin ko ang puno nya. Haharapin ko na lang ang galit
ng donya pagkatapos kong magawa ang misyon ko.

Pagdating ko sa may falls ay nagbigay pugay muna ako sa puno. niyakap ko it at


hinaplos-haplos.

"Hello Mr. Tree. Unang una, nagpapasalamat ako sa 'yo dahil isa ka sa dahilan kung
bakit ako napadpad dito. Salamat talaga, kasi nakilala ko si Juaquin. At dahil
doon, ay hihingi na rin ako ng patawad, dahil sobrang napamahal na ako sa kanya at
hindi ko na kakayanin kung mawalay ako sa kanya. Sana maintindihan mo na dahil
mahal na mahal ko na sya, kaya gagawin ko ito sa 'yo. Dahil kung mawawala ka na sa
mundong ito, mawawala na din ang connection from past to present. Sorry talaga a. "

Eto na, magiging mamamatay puno na ako!

Dahil kahit kailan ay hindi ako nakagamit ng palakol, hit anywhere ang nangyari sa
puno. Sa bawat pagtama ng palakol sa puno ay parang ako ang nasasaktan! Pero dahil
buo ang loob ko na mawala ang punong ito, patuloy kong pinagtatataga ito. Kailangan
e. Para ito sa ikatatahimik ng puso ko!
Ngunit hindi ko inaasanhan na the moment na napuruhan kong saktan ang puno ay
biglang nag-emit ng malakas na ilaw ito mula sa sugat nito at tumama sa akin na
dahilan para tumurpit akong papalayo!

Para akong kinuryente ng ilang boltahe. Not the kind that I felt with Juaquin.
Itong kuryenteng ito ay masakit! Pinilit kong bumangon, nakayanan ko naman kahit na
konti at napansin ko ang mga paa ko na nag-g-glow! Unti-unti kong tinignan ang mga
kamay at katulad ng paa ko, Nag-g-glow din ito! At napansin ko na hinihigop ng puno
ang ilaw na nanggagaling sa akin. Hindi nagtagal ay parang na-d-drain na sa katawan
ko ang energy ko ay bumabagsak na ang katawan ko. Kahit na labanan ko ay hindi ko
magawa. Napahiga na lang akong muli at ipinikit ko ang mga mata ko. I feel so
exhauted.

***

Unti unti akong nagkaroon ng malay, pero hindi ko pa magawang ikilos ang katawa ko.
Parang ang bigat bigat pa rin ng pakiramdam ko.

Narinig kong may nag-uusap. Hindi malakas ang mga boses nila kaya hindi ko
naiintindihan ang mga sinasabi nila. Curious ako kung sino sila kaya pinilit kong
buksan ang mga mata ko. Pero ang unang dilat ko ay blurred ang paningin ko kaya
ipinikit kong muli ang mga mata ko.

Patuloy pa ding nag-uusap ang mga taong nasa paligid ko. Nabosesan ko na si Juaquin
ang isa sa kanila.

He's here! Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin sa may talon pero pumanatag na
ang dibdib ko dahil nandito na sya.

Nasaan na kaya ako? Nasa falls pa rin kaya ako? Pero malambot na ang hinihagaan ko.
Nasa bahay na kaya ako? Kahit mahirap ay pinilit ko ulit buksan ang mga mata ko.
Laking tuwa ko wala na ako sa lugar na kinawalan ko ng malay. Nakahiga na nga ako
sa kama, pero paglibot ko ng paningin ko, hindi pamilyar sa aking ang lugar na ito.
Pawid ang materyales ng bahay.

Tatawagin ko sana si juaquin, pero puro ungol lang ang lumabas sa bibig ko.

"Katrina!" Hinawakan ni Juaquin ang kamay ko at hinalikan ito.

"Salamat sa Diyos at nagising ka na. Labis akong nag-alala sa 'yo!"

Sasabihin ko sanang OK lang ako, pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Para
kasing ang gaspang ng lalamunan ko na parang sand paper. I need water.

"T-tubig...." I said in almost a whisper. Mabuti na lang at malapit si Juaquin sa


akin at naintindihan nya ang sinabi ko.
"Amour, paki kuha ng tubig si Katrina."

Amour? Paanong napunta dito si Amour?

Dali-dali syang lumabas sya ng pinto para kumuha ng tubig.

"Iha.. labis kaming nag-alala sa iyo! Hindi naming alam kung anong gagawin. Hindi
ka naman maaaring makita ng iba sa iyong kalagayan at baka kung ano ang isipin
nila."

Huh? Anong sinasabi ni Dona Estelita? Anong kalagayan? Hinimatay lang naman ako.

Hindi pa rin ako masyadong makapagsalita. I'll just save my questions later kapag
nakarecover na ako.

Dumating na si Amour na may dala-dalang isang basong tubig. Tinulungan naman akong
makabangon ni Juaquin at naglagay sya ng isang unan para masandalan ko. Hindi ko
alam kung bakit hanggang ngayon ay hinang hina pa rin ako.

Inabot ni Juaquin ang bas okay Amour at tinulungan nya akong uminom.

Nahiya naman ako ng bonggang bongga, masyado naman akong bine-baby! Sinubukan kong
abutin ang baso pero nagtataka ako dahil nanginginig ang mga kamay ko at may
kauting glow pa din ito!

What the heck! ANO BA TALAGA ANG NANGYARI SA AKIN!

Tinignan ko ang katawan ko, at katulad din ng mga kamay ko ay may mahinang glow
ito.

"Uminom ka muna Katrina."

Sinunod ko si Juaquin at ng maubos ko ang isang basong tubig ay bahagyang


naginhawaan ko. Napansin ko din na medyo humina ang pag-glow ng katawan ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko, hoping to gather some strength. I need some answers.
Kailangan kong malaman ang mga nangyari noong tulog ako. At paanong nandito si
Amour. Kung may kakaibang nangyayari sa akin ngayon, bakit kailangang malaman nya
ito?

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. May kadiliman na ng muli akong nagising.
At napansin ko na nakasandal ako kay Juaquin.
Bumangon ako ng kaunti at napansin ko na mas malakas na ako ngayon. Tinignan ko ang
mga kamay ko at nakahinga ako

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Nakangiting sabi nya sa akin.

Gusto ko pa sanang manatiling nakasandal sa kanya, kaso syempre, naalala ko na


conservative pa rin ang era na ito, kaya kailangang magpaka conservative din, baka
biglang pumasok si Dona Estelia, lagot kaming dalawa.

"Oo, mas ok na ako kesa kanina."

Napansin ko na papalubog na ang araw.

"Maghapon ba akong natutulog."

"Oo. Maghapon. At isang araw."

"Ano! Halos dalawang araw akong tulog!"

"Oo, at masyado kaming nag-alala sa iyo."

Napasandal akong muli sa kanya.

"Nasaan tayo? "

"Nandito tayo ngayon sa isang kubo na malakpit sa talon. Pagpaumanhin mo at hindi


ka naming dinala sa malaking bahay. Maghihinala sila sa pagkatao mo. Nagliliwanag
ang buong katawan mo mas lalo na noong una kang nakita ni Amour."

"Si Amour ang nakakita sa akin?"

Tumango sya.

"Namamasyal sya sa bahaging iyon ng makita ka nyang walang malay. Pinilit ka nyang
buhatin, ngunit paghawak nya sa ya ay parang nakuyente sya. Agad syang naghagilap
ng taong pwedeng tumulong sa 'yo. At mabuti na lang na sa akin sya lumapit at hindi
sa mga kapatid nya."

Naku! My secret is out!

"Paano kung ipagsabi nya ang pagkatao ko?"


"Hinding-hindi gagawin iyon ni Amour. Kilala ko sya, at mapagkakatiwalaan natin
sya. "

Naku, sana nga.

"Maaari ba na ako naman ang magtanong?"

Tumango ako.

"Paanong nangyari na parang nabalot ka ng kakaibang enerhiya? Noong binuhat kita ay


ramdam na ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa iyong buong katawan. Na kung mahina
ang isang tao ay siguradong hindi ka nito mahahawakan."

"Ganon pala kalagayan ko ng makita nyo ako." Mahinang sabi ko.

"Oo, at labis ko itong ikinatakot. Ang akala ko ay mawawala ka na sa akin."


Malungkit na sabi nya. Niyakap nya ako ng mahigpit na para bang ayaw na nya akong
pakawalan.

"Juaquin... Nandito pa rin ako diba?"

Tumango sya. "Kung maaari ko lang gawan na paraan para hindi ka na bawiin pang muli
ng mahiwagang buwan ay gagawin ko ito."

Napaluha ako sa sinabi nya. Alam ko na mahal din nya ako, pero hindi ko akalain na
pareho ng malalim ang pag-ibig naming sa isa't isa. How can this be? How can our
fate be so cruel. How can you find true love and yet you are not meant to be?

"Sinubukan kong gumawa ng paraan. But I'm sorry, I failed. Hindi ako nagtagumpay. "
I said in frustration.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Diba sinabi ko sa 'yo dati na ang puno ay isa sa mga dahilan kung bakit ako
napadpad sa panahon ninyo? Sabi ko sa sarili ko na kung maaalis ko ang isa man sa
mga bagay na yon ay baka matanggal ko pagkakaugnay na namamagitan sa panahon ko at
hindi na ako makabalik sa amin. Pero nung masugatan ko ang puno, parang
prinotektahan nya ang sarili. Naihagis ako nito. At hindi lang iyon, hinigop nya
ang enerhiya ko. Gusto ko lang makita ang puno kung tama ang hinala ko na ginamit
nya ang lakas ko para pagalingin ang sugat na natamo ko dito."

"Kaya ba may lagari doon na lugar na yon."

Napatango ako.
"Guilty. Sorry a.. tinakas ko ang gamit nyo. Hehehe. "

Napangiti lang sya sa akin, ngunit kitang kita sa mga mata nya na labis syang
nababagabag.

"Ipangako mong wag mo na ulit uuliting saktan ang puno. Hindi ko nais na makita ka
sa kalagayan mo. Hindi naman kami makatawag ng manggagamot, dahil hindi namin
maipapaliwanag ang nangyaring kababalaghan sa katawan mo."

Wala na rin naman akong magagawa. Ayoko na ring maulit yon. Masakit kaya. Baka
talagang hindi na ako tuluyang makauwi sa amin, dahil magiging corpse na ako! Ayoko
naman non. Ayoko pang mamatay!

"Paano si Amour? Anong sinabi nyo sa kanya?"

"Paumahin, ngunit Kailangan naming ipagtapat sa kanya ang iyong pagkatao. "

Speaking of the devil, sabay naman ang pagpasok ni Amour sa kwarto at may dala-
dalang pagkain.

"Ay! Mabuti naman at gising ka na. Paumanhin, para kay Juaquin lang itong dala kong
pagkain sa pag-aakala kong tulog ka pa. Sandali lamang at ipagkukuha kita ng
makakain."

Inilapag nya ang pagkain sa side table at nginitian nya ako, dahilan naman sa
pagsimangot ko. ANG LANDI NAMAN NITO! Ano ba yan! Kagigising ko lang at lumalabas
ang pagka-bitch! E bakit nya kasi nginingitian si Juaquin na ganon! OH MY GOSH! Am
I jealous?!

"Sige, Amour, Ikuha mo na ako ng pagkain. Thank you a." I smiled sweetly at her,
pero pakiramdam ko, napaka-fake nito.

Iniyugyog ko ang ulo ko. Stop it Kat! Hindi bagay sa yo ang pagiging kontra-bida!

"May nararamdaman ka ba?" Concern na tanong ni Juaquin.

"A... e... wala! Wala... nagugutom lang ako. Sige Amour, ikuha mo na ako ng food. "

Ngumiti si Amour sa akin at lumabas na ng pinto.

Mabait sya.. and she doesn't deserve my ill treatment.. Pero bakit ganito ang
inaasal ko.
Ok.. I admit...

NAGSESELOS AKO!

=================

Chapter 15

Chapter 15

Kat

Makalipas ang dalawang araw ay bumalik na sa dating sigla ang katawan ko.No more
glowing, much to my relief. Wala ang mag-ina ngayon dahil inaasikaso nila ang mga
bagong dating nilang mga bisita. Mukhang full house ang mansyon ngayon a.

Nagdesisyon si Juaquin at Donya Estelita na umuwi na ako sa mansyon para matigil na


sa pagtatanong ni Nicolas at parang nagsususpetsya na sya na itinatago nila ako.
Ang naformulate na kwento ni Juaquin ay pinapunta akong muli ni Donya Estelita sa
bayan dahil may mga bagay na ipinagawa sa akin tungkol sa mga bagong ayos ng mga
kasangkapan sa bahay.

Iterior decorator ang peg ko sa panahon na ito. Not bad, at least may kinalaman din
ito sa designs, at kung pangangatawanan ko ito, sigurado akong magagampanan ko ito
ng mahusay. Kung may pagkakataon na makapanatili sa panahon na ito, I really think
that I will survive. I just wish that the moon will agree with me.

Mag-isa ako ngayon sa kubo dahil inaasikaso ni Donya Estelita ang mga bisita sa
mansyon. Sinabi naman ni Juaquin na susunduin na nya ako mamaya. Kung pwede nga
lang ay manatili na lang ako dito para hindi ko na makita ang mababait na
magkapatid! Kung pwede nga lang na hindi ko na sila makita EVER! Lalong lalo na
yung feeling maganda pero mukhang loka-loka!

Well, what can I do? Wala naman akong choice kundi harapin sila ulit. Basta kapag
kinanti ako ng babaeng impakta, makakatikim sya! Hindi ako santang katulad ni Amour
at hinding hindi ko sya uurungan!

Nakarinig ako ng mga taong nag-uusap sa labas ng kubo. Sino kaya ang mga 'yon.
Binalaan ako dati ni Donya Estelita na paminsan -minsan ay may mga taong dayo na
napapadpad sa lupain nila. Hindi pa naman kasi uso ngayon yung matataas na bakod,
kaya pupwedeng maglabas pasok ng hacienda ang mga tao, kahit na hindi manggagawa ng
lupain.

Walang ingay akong gumapang papunta sa bintana. Ano ba naman 'to! Feeling guerilla
naman ako nito! Ano ba naman ang nangyayari sa kagandahan ko? Napadpad lang ako sa
ibang panahon, nasira na ang poise ko!

"Totoo ang lahat ng aking nabanggit. Sa aking palagay ay may inililihim pa sila,
kung ano man iyon ay hindi ko pa nadidiskubre. Kailangan ko pa ng panahon upang
malaman ko ang mga ito. May mga armas na parating sa susunod na linggo. Hindi ko pa
lang nalalaman ang buhong detalye at kung alin sa mga barko ni Juaquin ang
magdadala nito." Pamilyar ang boses ng nagsasalita, pero hindi ko matandaan kung
saan ko narinig ang boses na yon. Isa kaya sya sa mga tauhan sa hacienda? O isa sa
mga nakilala ko sa bayan?

Base sa mga boses nila, hindi sila kalayuan sa kubo. Unti-unti akong dumungaw sa
bintana. Maingat na maingat ako na hindi ako makita ng mga tao sa labas.
Nakatalikod sa akin yung nagmamay-ari ng pamilyar na boses. Sa itsura nya, hindi
sya mukhang trabahador ng hacienda, so malamang na sa bayan ko sya nakilala, sa may
party ng mga Del Valle. Kausap nya ay isang purong kastila. Puti na ang buhok nito
pero hindi naman gaanong katandaan. Marunong syang magtagalog, siguro matagal na
sya dito sa Pilipinas. Nakasuot sya ng uniporme na parang pulis sa panahon na ito
na may mataas na posisyon. Sino kaya sya at anong ginagawa nya dito? At bakit sila
dito nag-uusap? Pero base sa mga nauna kong narinig ay malamang na ito ang
hinahanap na espiya nila Juaquin! At alam nya na kabilang si Juaquin sa mga traidor
ng gobyerno!

Patay tayo nito! Naloko na! Sinasabi ko na nga ba at manganganib ang buhay ni
Juaquin sa mga pinaggagagawa nya. But if they won't turn against the Spanish
government, baka hanggang sa panahon ko ay sakop pa din kami ng mga hinayupak na
mga espanyol na yon!
"Mag-masid-masid ka habang nasa tahanan ka ng mga Mendez. Magpadala ka kaagad ng
liham kung may nalaman ka tungkol sa iba pang mga plano ng kilusan."

"Masusunod. Pero kung maaari ay huwag nyo munang ipaalam kahit kanino kung sino ang
mga nagrerebelde sa gobyerno hanggat wala pa tayong sapat na ebidensya na magdiiin
sa kanila."

"Kung iyan ang iyong nais, ngunit kailangan mong magmadali, nagiging mapusok na ang
mga rebelde at kailangan na natin silang madakip!"

Sobra akong kinabahan sa narinig ko! Hindi pwede ito!

"Naiintindihan ko."

Umalis na yung mukhang opisyal ng gobyerno at naiwan sandali yung lalaking pamilyar
ang boses. Hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko. Importante makita ko kung
sino ang lalakeng iyon. Nanganganib ang buhay ni Juaquin!

Humarap ang lalake sa kubo at ganon na lamang ang pagkagulat ko! Napaurong ako ng
kaunti. Hindi ko namalayan na nasagi ko ang lamesita at bahagyang tumunog ito!
Yumuko akong bigla, natatakot na baka makita nya ako ni Salvador!

Ang stupid mo talaga Kat! Stupid na Clumsy pa! Lagot ako ngayon! Katay!

Narinig kong may mga yabag ng paa na papunta sa kubo. Huminto ito mismo sa tapat
kung saan ako nakaupo. Ihininto ko din ang paghinga ko, natatakot ako baka marinig
nya ako! Deadbol ang labas ko nito kapag nagkataon!
Umalis ka na! Umalis ka na... PLEASE...

Nakahinga ako ng maluwag noong narinig kong naglakad na ng palayo si Salvador.


Pinalipas ko muna ang halos isang oras bago ako kumilos. Exaggerated much ang peg
ko. Sinisigurado ko lang naman na wala na talaga syasa paligid.

Kailangang malaman ni Juaquin ang tungkol kay Salvador. Alam kong hinahanap nila
ang tumatraidor sa samahan nila. Hindi nya alam na malapit pala sa kanya at
itinuturingpa nyang kaibigan ang magdadala sa kanya sa panganib!

***

Ang akala ko ay mismong si Juaquin ang susundo sa akin. Ipinasundo lang ako!
Masyado daw busy sa pag-aasikaso ng mga BWISITA! Sino kaya sa kanila ang
pinagkakaabalahan ni Juaquin? Si Amparo o si Amour? Hmmmmp! Naiisip ko pa lang
parang gusto ko ng maging si Incredible Hulk. Pero 'wag na, sayang naman ang
kagandahan ko.

Halos hindi maipinta ang mukha ko habang nakasakay sa isang karwahe. Alam ko naman
na kayang-kayang lakarin mula kubo hanggang masyon. Pero for show lang naman ito.
Alam ng lahat ng galing ako sa bayan, kaya magtataka sila kapag dumating ako ng
naglalakad.

Alam kong hindi makatotohanan ang pagseselos kong ito. E ano bang magagawa ko? Kaya
bang pigilan ang selos? Ha? HA!

Bago kami makarating sa mansyon ay inayos ko na ang sarili ko. I have to set aside
this feelings. First things first. Kailangan ma-warningan ko si Juaquin tungkol sa
magaling nyang kaibigan.

Pagpasok ko sa salas ay nandoon si Juaquin. Hindi nya ako napansin dahil


nakatalikod sya sa akin. Mag-isa lang sya. Lahat ng mga inaalala ko ay parang
natapon na lang sa bintana. Sa ilang oras pa lang na hindi ko sya nakikita, feeling
ko sobrang na-miss ko na sya. Gusto ko sanang tumakbo sa kanya at yakapin ko sya.
Pero hindi pwede. Alam ng mga tao ay magpinsan kami. Sya naman ay nakatakda na ang
kasal sa bwisit na Amparo na yon! Makukuntento na lang ba ako sa pagtingin sa
kanya? Bakit ba hindi ko pwedeng ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya. Alam ko
naman ang sagot sa lahat ng mga tanong ko, hindi ko lang talaga matanggap!

Napansin nya siguro na may nakatitig sa kanya kaya lumingon sya sa akin. Nang
makita nya ako ay unti-unting umaliwalas ang mukha nya at napangiti sya. That smile
that can melt your heart.

"Katrina... " My heart skipped at beat. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam
ko ay aatakihin na ako sa puso! As much as gusto kong pigilan ang nararamdaman ko,
kapag kaharap ko na si Juaquin, nawawalan na ako ng logic sa katawan ko. Gosh! I
really want to be with that man forever! But how?

Lumapit sya sa akin at kinuha nya ang kamay ko at idinampi nya ang mga labi nya sa
likod ng palad ko. That is probably the sweetest thing any man could ever do ta a
woman. His lips linger longer than usual and I savor every moment of it. Hindi ko
kasi alam kung kelan matatapos itong pantasyang ito. This could be the last time
that I can feel his touch.

"Juaquin."

"Kamusta ay iyong kalagayan?"


"Mabuti naman." Itinaas ko ang isang kamay ko. " Look, no more glowing. Back to
normal na ako."

"Mabuti naman kung sa ganon. Huwag mo na sanang uulitin ang iyong ginawa. Labis
akong nag-alala sa iyong kalagan. "

"Gusto ko pa sanang manatili sa inyong panahon... Alam mo na siguro kung bakit.


Pero hindi ko na alam kung paano. Kung maaari lang sana.... "

"Katrina!" Napalingon kaming dalawa ni Juaquin sa bagong dating. " Nakarating ka na


din sa wakas! "

Gusto ko sanang umismid pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Nginitian ko na
lang sya kahit hindi ko feel. Iisipin ko na lang na ginagawa ko ito para kay Donya
Estelita.

Kinuha nya din ang kamay ko at hinalikan ito. Hindi ko na talaga napigilang hindi
iikot ang mga mata ko. Iba ang feeling kapag si Juaquin ang gumagawa non. Kinikilig
ako! Pero itong lalakeng ito, parang gusto kong ipagpag ang kamay ko pagkatapos!

Ngingisi-ngisi naman si Juaquin sa naging reaksyon ko.

"Natapos mo ba ang iyong mga gawain sa bayan?"

Ibinalik ko na ang ngiti ko at tumango na lang ako.


"Mabuti naman, hindi ko nais na mawalay sa 'yo kahit na sandali lang. "

Hello!!! ANG CORNY? Anong feeling nya boyfriend ko sya? NEVVEEERRR!!!

"Ummmm nagugutom na ako, Hindi pa ba tayo kakain?"

"Maya-maya lamang ay handa na ang hapunan. Nandito na pala ang iba nating mga
panauhin."

Hindi ko sila napansin kaagad dahil nasa likuran ko sila. Nilingon ko sila at halos
mapatalon ako sa pagkabigla! Ang mga bisita pala ay ang mga kaibigan ni Juaquin, si
Inigo at si SALVADOR!

"Ummmm... aaaaaa... "

Ano ka ba Katrina! You should act normal! Baka makahalata yung hinayupak na yon!

" Ummmmm hi. " Pinilik ko silang ngitian. Wish ko lang na hindi ako magmukhang
plastic.

"Katrina, nakilala mo sila sa bayan. Si Inigo at si Salvador. "


"Of course... how can I forget?"

Nagtaka yung dalawa sa sinabi ko at mabilis ko naman itong binawi. " Oo naman,
naaalala ko sila."

"Nagagalak ako at nagkitang muli tayo, magandang binibini. Ikaw ay nagsalita ng


wikang banyaga, anong lengguwahe iyon? " tanong ni Salvador. He's in his usual
charming self na katulad ng una ko syang nakilala. Si Inigo naman ay pormal na
pormal pa din, in other words, suplado pa din. Kasabwat din kaya itong isang ito?

"English... I mean.. Inggles iyon."

"Ikaw ba ay nakarating na sa Englatera?"

"Wish ko lang. Pero hindi pa."

"Katrina!" Masayang tawag ni Donya Estelita na pababa sa hagdan. "Mabuti naman at


nakarating ka ng tiwasay." Kasunod nya ang impakitita na nakataas ang noo sa
pagbaba ng hagdan. Wish ko lang na madapa ka!

Hindi ko alam kung may fairy godmother ako sa paligid dahil pagkatapos kong isipin
ang kalokohang iyon ay naapakan nya ang laylayan ng palda nya at nag-tumblish-
tumbling syang pababa ng hagdan!

Oh my gosh! Gusto kong humagalpak ng kakatawa! Pero syempre kailangan kong pigilan
ang sarili ko. Ayan tuloy, parang mga snort ang lumalabas ng tunog sa akin. ANG
SAKIT SA DIBDIB!

Like the gentleman that he is, mabilis na pumunta kay Amparo si Juaquin kasunod ang
dalawa nyang kaibigan. Pero nagtaka lang ako na pareho kami ng reaction ni Nicolas!
Hindi ba dapat ay sya ang kauna-unahang magpakita ng concern sa kapatid nya? Pero
nandito sya at gustong pagtawanan ito. Pero natauhan din sya at nilapitan si
Amparo.

"Ano ang masakit sa 'yo Iha?" Tanong sa kanya ni Donya Estelita. Nagngangangawa
naman ang babaeng impaktita! Naman! Naputol ba ang paa nya at ganon na lang maka-
react?

"Ang paa ko! Nabali ata! " Binuhat ni Nicolas ang kapatid.

"Iahahatid na kita sa iyong silid. Mabuti pa at doon ka na lang maghapunan."

"Hindi! Si Juaquin ang gusto kong maghatid sa akin sa silid." Hindi pumayag si
Nicolas at dinala na sya sa kwarto nya. Sinundan naman sila ni Donya Estelita.

"Mauna na kayong maghapunan. Aasikasuhin ko lang ang ating mga panauhin. " Bilin
nya sa amin at sumunod na sa kwarto.

I felt relieved. At least dalawa sa mga stressful people ay hindi na naman


makakasamang kumain. Pero kasama ko pa din ang traidor.

Sinadya kong magpahuli ng kaunti para mauna ang dalawang bisita.


"Juaquin... may importante akong sasabihin sa iyo."

"Ano iyon?"

Tinignan ko ang likod ng dalawang nauna. Lumapit ako ng kaunti kay Juaquin para
siya lang ang makarinig ng sasabihin ko.

"May nalaman ako tungkol sa kaibigan mo. Pero.... "

Lumingon bigla si Salvador sa amin kaya umayos ako ng tayo. Bumalik sya sa
kinatatayuan ko.

"Maaari bang ako na ang makatabi ni Katrina sa hapag kainan? " Hindi pa pumapayag
si Juaquin ay kinuha na nya ang kamay ko at inilagay ito sa kanyang braso.

"Salamat kaibigan. Nais kong mas makilala ang iyong pinsan."

Magpo-protesta sana ako pero hindi ko na nagawa. Tinignan ko na lang si Juaquin.


Mamaya na lang.. kailangan kong masabi na sa kanya ang tungkol sa kaibigan nya
dahil nanganganib ang buhay nya!
=================

Chpater 16

Date uploaded : 6-16-15

Chapter 16
Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap si Juaquin. Nawala nga sa eksena si
Nicolas, pumalit naman ng kakaaligid si Salvador sa akin! Kailan ba naman
matatahimik ang buhay ko sa mga bwisita na ito? Hirap na hirap akong magpakaplastic
sa harap ng traidor na ito! Hindi ko alam kung paanong ngiti ang gagawin ko habang
nakikipagkuwentuhan, kung alam ko na itong magaling na lalakeng ito ang
magpapahamak kay Juaquin!

Pinakikiramdaman ko rin ang isa pang kaibigan ni Juaquin, si Inigo. Hindi ko alam
kung ano ang katayuan nya, may sungay ba sya o may halo? Kailangang maging maingit
din ako sa kanya. Kung tutuusin nga, parang mas nakakapanghinala nga ang itsura
nya. Oo, gwapo din sya katulad ng dalawa nyang kaibigan, pero saksakan nman ng
suplado! Napakatipid kung magsalita, saka 1 milyon ata halaga ng ngiti 'nya! Pero
mapapansin mo sa mga kinikilos nya na palagi syang nagmamasid. Hindi ko alam ang
tumatakbo sa isip nya kapag tumatama ang mata nya sa akin. Parang may something e.
Ano ba ang pinakikiramdaman nya?

Natapos at natapos ang hapunan, hindi ko man lang nakausap ng matino si Juaquin.
Dinodominahan kasi ni Salvador ang pag-uusap, as if naman interesado ako sa mga
sasabihin nya! Gusto ko lang naman sana syang makausap mag-isa pagkatapos ng
hapunan. Pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon. May pupuntahan daw silang
importante.

"Juaquin, baka pwede tayong mag-usap kahit na sandali lang? "

Paalis na sila nang pigilan ko si Juaquin.

"Ano ang iyong sabihin?"

"Importante e. Pero secret kasi. Hindi pwedeng may makaalam na iba." Tinignan ko
ang dalawang kaibigan ni Juaquin na nasa pintuan na ng mansyon. Hindi naman kami
kalayuan sa kinatatayuan nila kaya dinig na dinig nila ang pinaguusapan namin.

"Pwede ba tayong pumunta kahit sa bungad lang ng garden? I mean sa hardin?"


Napangiti ng bahagya si Juaquin. Hmmmm. Parang nahuhulaan ko ang takbo ng isip nya
a. Tinaasan ko sya ng kilay.

"It's not what you think!" Mas lalong lumawak ang ngiti nya. As if naman
naintindihan nya ang mga sinabi ko! Hinawakan nya ang braso ko para akayin papunta
sa labas nang pigilan kami ni Inigo.

"Juaquin, maaari nyo bang ipagpaliban ang inyong pag-uusap? Mas mahalaga ang ating
patutunguhan."

Napalingon kami sa dalawang kaibigan ni Juaquin. Inigo looks impatient.


"Nauunawaman mo naman siguro mahal na binibini?" Tinignanako ni Inigo ng
makahuligan.

"Katrina, " hinarap ako ni Juaquin. " paumanhin, ngunit kailangan muna naming
lumisan. May katagpo kaming mga..... "Tumingin sya sa paligid at tinignan kung may
ibang nakakarinig sa sinasabi nya

"Ok, sige, naiintindihan ko. " may meeting siguro sila ng iba pang mga rebelde.
Malamang na nasa meeting place na yung mga katipinerong 'yon kaya nagmamadali na si
Inigo. But what if it's a trap? Paano kung magkasabwat itong dalawang ito at
dadalhin sya doon sa kausap ni Salvador kanina?

"Pero.... Hindi ba delikado? Baka pwedeng hindi ka na lang sumama? Diba naikwento
ko sa 'yo kung anong mga nangyari sa ibang mga bayani? Baka pwedeng huwag ka na
lang magpakatapang. Ipaubaya mo na lang sa kanila yan. Diba marami naman sila?"
Nagtaka sya sa ikinikilos ko. I admit that I sounded paranoid. Sino ba naman ang
hindi mapaparanoid sa mga nangyayari? Ang tunuturing nyang kaibigan, ano mang oras
pwede syang iregalo sa gobyerno, pagkatops ihhihilera sa plaza!

"May mahalaga lang kaming pag-uusapan ng iba naming kasamahan. Huwang kang mag-
alala at tinitiyak kong hindi ako mapapahamak."

Tumingin ulit ako sa mga "kaibigan" nya. Naiinip na sila mas lalo na si Inigo.
Lumapit ako ng kauti pa kay Juaquin para siguradong sya lang lang nakakarinig sa
akin.

"Juaquin, 'wag mong isipin na naninira ako, pero mag-ingat ka sa mga


pinagkakatiwalaan mong mga tao." Kumunot ang noo nya. he looked at me with
questions in his face.

"Juaquin, kailangan na nating lumisan." Sabi ni Salvador.

Gusto pa sanang maiwan ni Juaquin pero mukhang nagmamadali talaga sila.

"Ipaliwanag mo ng mabuti ang iyong sinabi sa aking pagbabalik."

"Pero....."

Hindi na nagpapigil si Juaquin at dali-dali na silang umalis kasma ng traidor.

Hindi ko tuloy alam kung susundan ko o aantayon ko na lang ang pagbalik ni Juaquin.
But this is urgent! Nanganagnib ang buhay nya, hahayaan ko bang mapahamak sya?
Paano kung trap na hung pupuntahan nila?

Ano ba ang dapat kong gawin.

"Tila may bumabagabag sa isyong isipan."

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Nicolas sa likuran ko!


"Anak naman ng pating! Ano ba?!"

He looked at me with amusement in his eyes. At natutuwa pa sya sa ginawa nya? Halos
malagalag ang puso ko sa gulat!

"Mukha ba akong pating sa iyong paningin?"

"It's just an expression you idiot." Mahinang sabi ko. " kamista na si Amparo? Ok
na ba sya?" Inilihis ko na lang ang usapan.

"Maayos naman ang kalagan sa ngayon."

"Ok, sige maiwan na kita at gusto ko munang magpahinga."

"Hindi mo ba ako sasamahan sa aking hapunan?"

"Kumain na ako. Saka malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo."

Aalis na sana ako pero sumeryoso ang mulha nya.

"Nalalaman kong hindi mo kadugo ang mga Mendez."

Nabigla ako sa sinabi nya at nanlaki ang mga mata ko! Paano nya nalaman? Inayos ko
ang sarili ko at pinilit kong tangaalin ang pagkabigla ko.

"Nagpapatawa ka ba Nicolas? Saan mo naman napulot ang theory mo na yan?"

lumapit sya sa akin at hinawakan ang braso ko. Nawala na ang pagiging charming nya,
he looks sinister right now. Pero hindi ako natinag sa pagkakatitig nya sa akin.
Hindi ako basta basta natatakot ng sinoman. Marinong ako ng basic martial arts.
Ayun nga lang, basic na basic pa ito at kahit kailan ay hindi ko pa nasubukan sa
aktual na laban. So, hindi ko pa talaga alam kung effective ang self defense ko.
Pero sa sitwasyong ito, kailangan kong magtapang-tapangan.

"Hindi ko pa niakukumpirma kung saan kagaling, ngunit isa lang ang alam ko, may
itinatago ka. Kung ano man iyon, tiyakin mo na malalaman ko din iyon."

Ang nakikita ko ngayon siguro ang tunay na Nicoloas, hindi yung charming gentleman
na palagi nyang pinoportray.

"Are you threatening me? Binabantaan mo ba ako?"


Ngumiti sya at bumalik na muli ang pagiging charming nya. pero nanatiling
nagbabanta ang mga mata nya.

"Sabihin na natin na sinusubaybayan ko ang iyong mga kilos." Binitawan na nya ang
braso ko. "Ipagpaumanhin mo ang aking mga ikinilos. Kung ikaw man ay may nais
puntahan, hindi na kita pipigilan."

Tumalikod na si Nicolas at ako naman ay nakahinga ng maluwag. Ano ba yan! Bakit ba


ang daming kontrabida! Iuwi ko na lang kaya si Juaquin sa panahon ko. Para we'll
live happily ever after na!

Kung posible nga lang! Anyway, habang nandito ako, kailangang gawin ko ang lahat
para maging safe sa mga hudas si Juaquin. I have to warn him!

Umakyat ako sa kwarto ko at hinalungkat ko ang bag ko. Naghanap ako ng ballpen at
papel. Gumawa ako ng note kay Juaquin. Sinabi ko na iintayin ko sa sa may falls at
importante na makapagusap kami, as in ASAP!

Pumunta ako sa kwarto nya, pero hindi ako nakapasok kahit naka-lock ito. Inilisot
ko na lang ang note sa may pinto. Sana ay makita nya ito kaagad.

Pinalipas ko muna ang isang oras. Noong naramdaman kong tahimik na ang lahat, I
sneaked out of the house.

"Juaquin..... Be safe.... Makikusap ako kay Manong buwan na kung pwede ay isama na
lang kita sa panahon ko. Masyadong delikado ang lagay mo dito!"

***

Halos mag-dadalawang oras na akong nag-iintay dito. Mabuti na lang at wala


masyadong mga blood suckers ngayon at least kahit tumagal ako dito sa pag-iintay ay
hindi ako magkakaroon ng polka dots. 

Saan kaya nagpunta ang mga iyon? Habang tumatagal ay mas lalo akong napaparanoid!
Paano kung ipahuli na ni Salvador si Juaquin? Paano kung hindi ko na sya makita?
Paano kung isabay sya kay Rizal na ipatapon kung saan tapos ihilera sa firing
squad! 

I'm really getting paranoid! I have to calm myself down! Hindi ko matutulungan si
Juaquin kapag ganito ang mga iniisip ko. Kailangan isipin ko na magiging ok sya.
Saka isa pa, diba magagawa pa yung mga portrait? Ibig sabihin non ay hindi sya i-
fa-firing squad. 

Pero bigla akong nalungkot. Ibig din kasi sabihin no'n kay pakakasalan nya si Amour
at sila ang magkakaroon ng pamilya. Pwede kayang mabago ang nakaraan? Ano ang
magiging komplikasyon noon sa hinaharap? 
Nasa pag-iisip pa ako ng ganon ng humawi ang mga ulap at lumitaw ang buwan. Malapit
na pala ulit mag-crescent moon. 

"Manong Buwan, kung pwede 'wag mo muna akong ibalik sa amin. Alam kong magulo akong
kausap dahil noong una nagpupumilit akong ibalik mo na ako pero ngayon nagbago na
ang isip ko. Kung pwede nga lang ay manatili na ako dito. Baka naman pwedeng i-
consider mo naman ang sitwasyon namin ni Juaquin. Ano kasi e... alam nyo na...
ganon na nga yon.... " 

Malabo talaga akong kausap!

"Mahal ko na kasi sya talaga! At hindi ko alam kung kakayanin ko pa ulit na madurog
ang puso ko. Ang sakit e!" 

Maya-maya lang ay napapansin kong may kakaibang nangyayari sa mga kamay ko.
Tinignan ko ito, at may mahinang glow na naman ito! Tumingin ako sa puno, pero wala
namang ilaw na nanggagaling dito. 

"Ano na naman ang nangyayari?" Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi naman ako
nanghihina katulad. Ano na naman kaya ito? Nawa ang glow sa kamay ko at nakahinga
ako ng maluwag. Napansin ko din na medyo nagdilim ang paligid. Tumingala ako sa
buwan. Kaya naman pala medyo dumilim, natakpan na naman si Manong Buwan ng ulap.
Pero teka nga, noong natakpan si Manong Buwan, tumigil din ang mahinang pag-ilaw ng
mga kamay ko. HIndi kaya sa buwan nanggagaling ang pag-ilaw ng mga kamay ko? Pero
bakit? Ano na naman ang meron?

Narinig kong may paparating. Si Juaquin na siguro iyon. Wala namang ibang
nakakaalam na nandito ako kundi sya. Tinignan ko muna ulit ang mga kamay ko bago ko
hinarap ang bagong dating. Mabuti naman at back to normal na ulit ang kamay ko. At
least hindi nakita ni Juaquin dahil alam kong mag-aalala na naman sya. Marami na
nga syang dapat alalahanin, namimiligro na nga ang buhay at ang magpapahamak pa sa
kanya ay naturingang kaibigan nya! How saklap naman is that?! Kaya ayokong dumagdag
pa sa ibang alalahanin nya. 

Ngumiti ako ng bongga dahil masosolo ko na naman si Juaquin! Pero wait lang,
behave. Pinapunta ko sya dito dahil mahalaga ang sasabihin ko sa kanya at hindi
dahil gusto ko syang masolo. Pero part na din naman 'yon. Makanakaw man lang kahit
isang halik... sa pisngi lang! 

Alam kong malapit na sya sa akin at tumalikod ako para salubungin sya. Pero nang
makita ko ang taong dumating, nawala ang ngiti sa mga labi ko at nakaramdam ako ng
takot!

"Magandang gabi binibini." 

ANONG GINAGAWA NYA DITO!


=================

Chapter 17

Date uploaded :6-17-15

Chapter 17

"Anong ginagawa mo dito?"

Nginisian nya ako. "Hindi mo ba ako nais na makasama binibining Katrina?


Nakakasakit ka naman ng damdamin." Lumapit sya sa akin at hinawakan nya ng mahigpit
ang braso ko. Pilit kong binabawi ang braso ko pero masyadong mahigpit ang
pagkakakapit nya.

"Bitawan mo ako! Nasasaktan na ako!"

"Nais kong malaman muna kung ano ang iyong ipaaalam kay Juaquin tungkol sa akin. "
inilapit ni salvador ang bibig nua sa may tenga ko. "Ano ang iyong nalalaman tungko
sa akin?"

"Wala akong alam!"itinulak ko sya, pero hindi pa din natanggal ang pagkakakapit nya
sa akin. May lahing talangka ata ito bakulaw na ito a! "At wnong ginagawa mo dito?"

"Hindi ba't ako ang dapat nagtatanong kung ano ang ginagawa ng isang magandang
binibini sa ganitong sadali, at sa lugar pa na malayo sa mansyon. Hindi ba't
nakakapagtaka ang iyong mga ikinikilos? "

"Ano ba'ng pakialam mo!"

Nanlisik ang mga mata nya. Ang layo ng ipinapakitang nyang ugali kumpara noong una
ko syang nakilala. Itong taong ito ay mapanganib!

"Ano ang iyong nalalaman Katrina! magsalita ka!"

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo! At nasaan si Juaquin?"

"Aaaaa si Juaquin." May kinuha sya sa bulsa nya at ipinakita nya sa akin. "Hindi ka
nya pupuntahan dahil hindi nakarating sa kanya ang iyong liham."

Kinuha ko sa kanya ang ngayon ay lukot-lukot ng papel.


"Paanong napunta ito sa 'yo? Doon konsa kwarto nya inilusot ito! Kalalake mong tao,
pakialamelro ka!,

"Dapat mong malaman na ang mga liham, mas lalo na kung ito ay mahalaga, ay dapat na
personal na iniaabot sa kinauukulan. Kung hindi, sa ibang kamya mapupunta ito. "
hinigpitan na namna nya ang pagkakakapit sa akin. "Ngayon, sabihin mo, ikaw ba ang
nagmamasid sa akin mula kubo kanina?"

Nakita nya ako? But he's not certain. Siguro nanghuhula lang sya. Kailngang hindi
ako magpahalata na ako nga ang nakakita sa kanya.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita pagiinteresan! Feeling mo naman!"

"Huwag ka ng mag-maang-maangan pa. Nakita mo ako kanina kausap ng heneral. At alam


ko ang dahilan kung bakit mo nais na makatagpo si Juaquin ng malayo sa pandinig ng
iba. "

"Bitawan mo na ako! Nasasaktan na ako! " sa halip na bitawan nya ang braso ko ay
mas lalo pa nya itong hinigpitan.

"Gusto mo akong isumbong kay Juaqun diba? Diba!"

"Ewan ko sa yo!"

"Pwes, hindi mo na kailanman maipapaalam kay Juaquin ang tungkol sa akin, dahil
kahit kailan ay hindi mo na sya masisilayan!"

Kinaladkad nya ako. Ako naman ay nagpupumilit pumiglas sa hawak nya. Masyado syang
malakas na halos indi ako makapalag. Pero wait lang, sabi ng instructor ko sa
martial arts na kahit mas malaki at mas malakas ang kalaban ko ay pwede pa din
akong manalo dito. Hindi naman kasi ako expert dito. Pero kailngang maalala ko ang
mga basic self defense para makawala ako sa triador na ito.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Kailngang matyempohan ko sya. I have to stay focus and
be observant. At ang pinakaimportante, I have to distract him. Ang problema, hindi
ako marunong mag-distract! Huhuhuhu! Saan ako pupulutin nito?

"Alam mo, sayang ka. Ang gwapo mo pa man din, crush sana kita. "Teka, a o nga ba
ang crush sa malalim na tagalog?

"Nindi ko nauunawaan ang iyong sinasabi."

"Ang sabi ko, may pagtingin pa man din sana ako sa 'yo, pero ang sama ng uagali
mo!"
"Marami ngang mga mga dalagang naiibigan ako.." Kumagat naman! Ang kapal ng mukha
tong ungas na 'to a! " kabilang na doon si Esperanza."

"Esperanza? You mean, yung anak ni Donya Estelita?"

"Tama. Si Esperanza, ang iyong pinsan."

Teka, wait lang, hindi naman ako masyadong nagtanong dati, pero base sa
pagkakaintindi ko sa mga kwento kwento, si Nicolas ang may kinalaman kay Esperanza.
O iyon lang ba ang haka-haka ko?

"Naging kayo ba ni Esperanza? Naging boyfriend ka ba nya?" Huminto sya dqhil hindi
nya naintindihan ang tinanong ko. Oo nga naman, ano na nga ba ang boufriend sa
malalim na tagalog? Kainis naman talaga! Palagi kasi akong tulog sa mga Filipino
subjects ko! Bopols na nga ako sa espanyol, bopols pa din ako sa sarili kong wika!
Baka kailangan kong bumalik sa pre-school nito a! Kahiya-hiya!

"I mean, naging mag-nobyo ba kayo? Ummmm... Magkalaguyo? " tama ba ang mga
pinagsasasabi ko? Halos mapakamot na lang ako ng ulo. "Nagkaroon ba kayo ng
relasyon?" Haist, siguro naman, sa dami ng sinabi ko, isa man lang do'n ay
naintindihan nya!

"Masyado marami kang itinatanong."

"Syempre, e sa gusto kong malaman e! Kung saan mo lang din naman ako dadalhin, wish
ko lang na sagutin mo ang mga tanong ko!"

"Malalim ang pagtingin sa akin ni Esperanza, ngunit pinatunguhan ko lang sya sa


paraan na nais nya. " napangiwi sya. Nakakatakot! Para syang isang creature na
galing sa underworld! Kulang na lang, ipakita nya ang tinatago nyang sungay!
"Napakadaling pasunurin ang kapatid ni Juaquin. Iba talaga kapag umiibig. Walang
ibang nakaalam tungkol sa aming dalawa, dahil iyon ang pakiusap ko sa kanya. Kahit
na ano ang aking hilingin ay sinusunod nya. Kayang gawin ang lahat para sa akin,
kahit pa ipagkanulo ang sariling kapatid!" He let out a sinister laugh. Galing nga
siguro ng underworld ito. Tawa pa lang, mala-demonyo na! Pero ang ego nya, abot
hanggang langit!

"Ano? Anong sinabi mo?" Parang nagimbal ang mundo ko sa sinabi nya. "Hindi ako
naniniwala. Hindi kayang gawin ni Esperanza ang mga sinasabi mo!" Paano ko ba
nasabi 'yon? Hindi ko naman kakilala si Esperanza, pero mabait at marangal ang
pamilya nya, kaya mahirap paniwalaan ang sinasabi nya. Imposibleng magagawa iyon ni
Esperanza sa kuya nya!

"Hindi ko naman inaasahan ang paniwalaan mo ang aking mga binabanggit. Hindi naman
mahalaga sa akin na ako'y iyong paniwalaan."

Hindi kaya... Itinanong ko na din ang hinala ko.


"May kinalaman ka ba sa pagkamatay nya? "

"Ang pagkamatay ni Esperanza ay hindi maiiwasan. Nakukunsensya na sya sa kanyang


mga ginagawa at anis na nyang magtapat sa kanyang ina."

Nanlaki ang mga mata ko. Sya ang may kasalanan ng pagkawala ni Esperanza! Hindi
pala aksidente o natural causes ang pagkamatay niya! Kaya pala ganon na lang ang
sakit na dinadala ni Donya Estelita!

"At ganon din ang iyong kahihinatnan. Ipinahamak ka ng iyong mga nalalaman. Sayang
at napakaganda mo pa naman. Di hamak na mas angat ang iyong kagandahan kumpara sa
iyong pinsan." Hindi ko gusto ang pagkakatitig nya sa 'kin. I feel so violated!

Humak ang sya patungo sa akin at iyon naman ang nakita kong pagkakataon para
matesting ko ang mga natutunan ko sa gwapo kong instructor.

Noong panahon na hahatakin nya ang kamay ko, inunahan ko sya. Naunahan ko syang
hawakan ang kamay nya at gamit ang force nya para mahila sya ng mabilis papunta sa
akin. Katulad ng itinuro ng instructor ko, ihinampas ko ang siko ko sa gilid ng
mukha nya. Na-out of balance sya, at ginamit ko din ang pagkakataon na 'yon para
tuhurin ang pinakaiingat-ingatang parte ng katawan nya! Bumagsak sya sa lupa at
namimilipit sa sakit!

Nagulat pa ako sa nagawa ko! OH MY GOSH! It's so effective! Kapag nakita ko ang
instructor ko, ililibre ko sya ng bonggang bongga! Pero ngayon, kailangan ko ng
makaalis bago pa makarecover ang bakulaw na 'to!

Patakbo na ako nang mahawakan ni Salvador ang laylayan ng palda kong mahaba! Dahil
dito ay nadapa ako! SINASABI KO NA NGA BA AT HINDI MAGANDA ANG MGA DESIGN NG MGA
DAMIT SA PANAHONG ITO! Ayan tuloy! Dahilan pa ito ng ikapapahamak ko!

Galit na galit si Salvador at halos hindi maipinta ang mukha nya, bakit ko ba
sinabing gwapo ito? Ngayong lumabas ang tunay na ugali nya, mukha syang kontrabida
sa horro movie!

"Nagkamali ka sa iyong ginawa!" Nagpupumiglas ako! Pero hinawakan nya ang


magkabilang kamay ko. He pinned me to the ground! HINDI AKO MAKAKILOS! "Mapangahas
ka mahal na Binibini!" He gave me a sinister smile. Gusto kong kalmutin ang mukha
nya para matanggal ang nakakatakot na ngiti nya! "Iyan ang gusto ko sa mga babae."

Nanlaki ang mga mata ko dahil nababasa ko ang gusto nyang gawin!

"GET AWAY FROM ME YOU FREAKING MONSTER!!!!! Sasabihin ko kay Juaquin kung gaano ka
kasama! Malalaman nya ang lahat ng kasalanan mo sa pamilya nya! Isa kang traidor! "

"Kahit na maghihihiyaw ka dito ay walang makakarinig sa 'iyo. Nakalimutan mo na ba


ang kinalalagyan natin? Nasa gitna tayo ng bukirin. Imposibleng may sumaklolo sa
'iyo." Mas lalo akong nagsumikap na pumiglas sa kanya. Hindi pwedeng mangyari sa
akin 'to!

"Alam mo ba, na sa lugar din na ito, natagpuang walang buhay si Esperanza?"

"Oh my gosh! Dito mo sya pinatay? WALA KANG KUNSENSYA! Buhay ka pa, pero
sinisilaban na ang kaluluwa mo!"

"Sabihin na natin na inunahan ko lang sya. Ipapahamak nya ako, kaya inunahan ko na
syang patahimikin. At ganon din ang gagawin ko sa 'yo! Pero hindi naman ako
sadista. Patutulugin na muna kita para hindi mo na maramdaman ang sakit. Paalam
Katrina. Sayang lang, nais ko pa sanang makilala ka ng lubusan, ngunit mas mahal ko
ang buhay ko at hindi ko hahayaang ipamak mo ako."

"PAKAWALAN MO AKO!" Isang malakas na sampal ang tumama sa akin at umikot ang
paningin ko... No... Hindi pwede ito! MANONG BUWAN! Hindi ako pwedeng mamatay ng
ganito!

Isa pang sampal ang tumama sa akin at doon na nagdilim ang paningin ko.

***

Juaquin

"Kailangan mong sumama sa akin." Malalim na ang gabi nang may kumatok sa aking
pinto. Hindi ko inaasahan ang taong naroon ng buksan ko ang pinto. At hindi lang
iyon, kailan pa nagkapalagayan ng loob si Inigo at si Nicolas?

"Wala akong panahon sa kalokohan mo Nicolas. Mamamahinga na ako. Magandang gabi."


Isasara ko na ang pinto nang ihinarang nya ang paa nya dito.

"Juaquin, makinig ka muna sa amin." Sabi ni Inigo.

"Hindi ko alam kung ano ang inyong kailangan, ngunit hindi ko nais na
makipagpalagayan ng loob sa iyo. " sinabi ko na ng direkta kay Nicolas. Naubos na
ang pagtitimpi ko. Wala na din namang dahilan upang sya ay pakisamahan ko.
Nakapagdesisyon na akong hindi na ituloy ang mga plano ko laban sa mga Del Valle.
Kakalas na ako sa kasunduan ng aming mga magulang. Hindi ko na pakakasalan si
Amparo. At bukas na bukas din ay kakausapin ko sya.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ang pamamalagi dito ni Katrina, ngunit nais ko
nang samantalahin ang mga oras ng kanyang pananatili sa aking panahon. Hindi ko
alam kung kailan sya babawiin ng mahiwagang buwan.

Mahal ko sya at walang sinomang babae ang nakapagpatibok ng aking puso.sa unang
beses ng aming pagtatagbo, may kakaibang damdamin na ako para sa kanya. At gayon
din naman ang nakikita ko sa kanya.

Handa na akong bitawan ang mga plano naming makapaghiganti sa pamilya Del Valle
dahil sa kinahinatnan ni Esperanza. Hindi ko alam kung sasang-ayon ang aking ina,
ngunit buo na ang desisyon ko.

Maagang binawian ng buhay ang aking kapatid. Nakita na lang namin sa gitna ng
bukirin na wala ng buhay ang kaawa-awa kong kapatid. Makikita mo din sa kanyang
ayos na sya ay nilapastangan! Nabali ang kanyang leeg na sanhi ng kanyang
pagkamatay at punong puno ng pasa ang kanyang katawan.

Walang naparusahan sa nangyari sa aking kapatid, dahil walang nahuling salarin.


Ngunit napagtanto namin na si Nicolas ang huling kausap noon ni Esperanza at sya
rin ang unang nakatagpo sa kanyang bangkay, at nagsabi sa amin ng masamang balita.
Kung bakit naroon sya noong panahon na iyon ay hindi namin malaman. Ngunit
maliwanag na may kinalaman sya sa pagkamatay ng aking kapatid.

Dahil sa matagal na kasunduan ng pamilya Del Valle at mga Mendez ay minabuti pa ng


aking ama na hindi na lamang alamin ang pagkakaugnay ni Nicolas sa mga nangyari.
Ngunit hindi namin iyon kinalimutan ng aking ina.

Maypapakasal ako kay Amparo katulad ng matagal ng plano ng aming mga magulang.
Ngunit sisismutin namin ang kayaman ng mga Del Valle hanggang sa maghirap at walang
matirang sa kanila mas lalo na kay Nicolas. Si Amparo ay titiyakin naming magiging
miserable ang buhay nya sa tahanan ng mga Mendez. Ang pagkapabiya sa ka ilang
pamilya ang aming ganti sa nangyari sa aking kapatid. Kung tutuusin ay makatao pa
nga ang aming gagawin, hindi buhay ang aming sisingilin!

Ngunit lahat ay nagbago nang makilala ko si Katrina. Hindi ko na nais magpatuloy pa


sa aming mga plano. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat at hayaan na lang na ang
tadhana ang maningik sa kanila. Nais ko nang maging masaya sa piling ng aking
minamanal. Maikli man o mahaba ang amingpagsasama,tanging ang buwan lang ang
nakakaalam. Ngunit ninanais ko na huwag naman sanang bawiin sa akin si Katrina.
Gagawin ko ang lahat upang sya ay mapanatili sa aking panahon.

"May nakakita kay Katrina na umalis ng mansyon. Gayon din ay nawawala din si
Salvador. " sabi ni Inigo. "Hindi maganda ang aking kutob. Baka mapahamak si
Katrina!"

"Paano ong nasabi 'yan?"

"Matagal na naming minamatyagan si Salvador dahil may kutob kami na sya ang matagal
na nating hinahanap na espiya." Nagtaka ako dahil nasasabi ni Inigo ang mga bagay
na iyon sa harap ni Nicolas!

"Hindi mo dapat sinasabi ang mga bagay na yan sa harap ng ibang tao!"
"Hindi iba si Nicolas. Pagpaumanhin at ngayon ko lang ito sasabihin sa 'yo. Si
Nicolas ay isa sa mga pinuno ng ating kilusan."

Napatinginako kay Nicolas at tumango sya sa akin.

"Mamaya na natin pagusapan ang mga bagay na 'yan. Ang mahalaga ay mahanap natin si
Katrina at baka maulit sa kanya ang nangyari kay Esperanza." Sabi ni Nicolas at
nakaramdam ako ng labis na takot sa maaring mangyari sa babeng pinakamamahal ko!

=================

Chapter 18

Date Uploaded: 6-24-15

Chapter 18

Juaquin

Hindi ko lubos na pinaniniwalaan ang sinabi ni Nicolas, ngunit kung nanganganib ang
buhay ni Katrina ay kailangang matagpuan sya sa lalong madaling panahon!

Binalaan ko na si Katrina na huwag lalabas ng nag-iisa, ngunit may katigasan din


sya ng ulo! Bakit kinakailangan nyang lumisan ng hindi ipanapaalam sa akin?
Maraming mga dayo ang nagagawi dito sa hacienda mas lalo tuwing gabi, at hindi
lahat ay may mabubutong kalooban. May mga gwardya sebil na ding umaaligid dahil
dumarami na ang mga umaanib sa kilusan. Hindi ko nais isipin na mapahamak si
Katrina sa kamay ng mga walang pusong mga kastila!

Napatingala ako at nakita ko ang maliwanag ng buwan. Naalala ko na sa ganitong mga


panahon ay pumupunta si Katrina sa talon at nagbabakasalaking higupin syang muli ng
buwan pabalik sa kanyang panahon. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Ninanais pa
din ba nya na makabalik sa kanyang panahon?. Buong akala ko ay nais na nyang
manatili dito kapiling ko.

"Sa may talon. Doon natin sya puntahan." Halos patakbong tinungo namin ang talon.
Nawa ay nandoon lang si Katrina at payapang nakaupo sa malaking bato. Hindi ko
matatanggap kung may nangyaring masama sa kanya!

"Nicolas, paanong naging isa ka sa pinuno ng kilusan, kung ikaw naman ay isang
pusong Kastila?" Minabuti ko ng ituon muna sa iba ang aking isip dahil hindi ako
makapad-iisip ng tuwid kung labis ang pag-aalala ko kay Katrina.

"Iyon ang nalalaman ng lahat, at hinahayaan kong tumanim iyon sa kanilang isipan,
upang walang maghinala sa totoo kong layunin?"
"At ano nga ba ang totoo Nicolas? Hindi naman kaya ikaw ang may kagagawan ng
pagkawala ngayon ni Katrina at inaakay mo lang kami sa isang patibong?"

Sa halip na magalit ay napataas lang ang isang gilid ng kanyang labi. "Iyan ang
gusto ko sa 'yo Juaquin, hindi ka agad naniniwala at inaalam mo muna ang tunay na
nangyayari."

Sandaling hindi nagsalita si Nicolas. Ang akala ko ay hahayaaan na lang nyang


nakabitin ang aming pinaguusapan. Kahit naman na hindi nya sagutin ang aking
katanungan ay aalamin ko ang tunay nyang dahilan.

"Hindi si Amparo ang tunay kong kapatid...." Natitilan ako at tumingin sa kanya.
"Kundi si Amour."

Isa din syang kagaya ko? Espanyol ang ama at Pilipino naman ang ina? Kung gayon ang
ang kanyang sinasabi, may dahilan sya upang magalit sa pamamalakad ng mga kastila
sa aming bayan!

Ngayon din ay nauunawaan ko kung bakit tila mas malapit ang loob nya kay Amour
kumpara kay Amparo.

Pagdatig namin sa talon ay wala doon si Katrina ngunit may mga bagong bakas ng mga
paa at malamang ma hindi pa ito nagtatagal.

"Dito sila nanggaling. At patungo sila sa bukirin!" Malaki ang aking hinala na doon
dinala ni Salvador si Katrina sa lugar kung saan pinaslang ang aking kapatid.
Nakaramdam ako ng matinding galit! Una nang kinuha si Ezperanza, ngayon naman ay
ang babaeng pinakamamahal ko!

Kailangan kaming magmadali upang makita kaagad si Katrina at masagip sya sa


kapahamakan! At harinawa ay pigilan ako ng Diyos, dahil hindi ko alam ang magagawa
ko kay Salavador sa oras na makaharap ko sya!

Kat

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko dahil ang sakit ng tyan ko. napansin ko na
nakalaylay ang mga kamay at ulo ko at nakapatong ang tiyan sa balikat ng kung sino.
Magsasalita sana ako para malaman kung anong nangyari sa akin nang maalala ko ang
mga nangyari bago ako nawalan ng malay!

SI SALVADOR!

Nakapatong ako sa balikat ni Salvador ay dinadala nya ako kung saan! Hinayaan ko
munang isipin nyang wala pa din akong malay. Kailangang mapag-isipan ko ng husto
ang gagawin ko. HIndi ko kaya ang lakas ng lalaking ito. Kulang pa ang training ko
sa self defense at obvious naman na hindi ko nadepensahan ang sarili ko. Hindi sana
ako parang lantang gulay ng binubuhat ngayon!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may iba pang masakit sa akin maliban sa
magkabilang pisngi ko na sinampal nya. Mukha namang wala ng ibang masakit sa akin.
Mukhang hindi naman ako na-violate. NAKUUUUU! lagot talaga sa kin itong sira ulong
ito! Ipakakagat ko ang ano nya sa maraming pulang langgam! Naiisip ko pa lang kung
ano ang ginawa nya kay Esperanza, gusto ko nang putulin ang kung ano mang dapat na
putulin! NAKAKAINIS!

Patuloy na naglakad si Salvador. Mabuti na lang at nasalikod nya ang ulo ko kaya
nakakadilat ako ng mata. Nasaan na ba kami? Nalibot ko na ang buong hacienda pero
ang hirap matukoy sa gabi kung nasaan na kami.

Alam kong mala-Gabriella Silang ako, pero kung magpapakatapang ako, baka kaluluwa
ko na lang ang makabalik sa 20th century. Ang kailangan ko ngayon ay makatakas.
Kailangang makapag-isip ako ng paraan at makatakas ako sa ungas na 'to.

Medyo na-re-recognize ko na ang lugar na ito. Malapit na ito sa may bangin! TEKA...
ANONG GAGAWIN NYA SA KIN? ITATAPON BA NYA AKO? Kinabahan na ako ng husto.
Kailangang makaisip na ako ng paraan, as in now na! King papalag ako ngayon,
sigurado akong ittatapon nya ako agad -agad sa bangin!

KATRINA MAG-ISIP KA NGA! Pero dahil na din siguro sa takot ay parang naa-blangko
ang utak ko! Patuloy pa din akong nagpanggap nanwalang malay.

Mabuti na lang at inilapag nya ako sa lupa. ito na ang iniitay kong pagkaktaon.
Pinakiramdaman ko sya sa mga kilos nya. Noong alam kong malapit na sya sa akin ay
dumakot ako ng lupa at isinanoy ko iyon sa mukha nya!mabilis na bumangon ako at
sinuntok ko ang mukha nya!

ARAY! Ang sakit ng kamay ko! Sa lakas ng pwersang itinapon ko sa kanya, nagka-
fracture naman ata ang mga daliri ko!Sulit naman dahil napahandusay naman sya sa
lupa habang hawak ang mukha nya. Dali-dali akong nagtatatakbo, bago pa sya
makarecover. Naririnig kong kung ano ano sinasabi nya. Mabuti na lang at hindi ko
maintindihan dahil sa wiking espanyol ito. Sa tono ng boses nya, malamang na puro
mura iyon. Nakarating ako sa mapunong bahagi ng lugar. May kadiliman dito kaya
hindi nya ako kaagad na makikita dito. Kailangan lang na wala kahit katiting na
ingay ay wala akong magawa. Umupo ako sa tabi ng malaking puno kung saan may mga
matataas na damo.

"KATRINA!.... Alam kong nagtatago ka lang dito sa palagid. Matutunton ko din ang
iyong kinalalagya!"

Halos hindi ako humihinga. Natatakot ako na baka matunton nya nga ako. Masyado pa
akong bata para mamatay! Gusto ko pang mag-asawa! Saka sayang naman ang lahi ko
kung hindi ako makakapag-reproduce ng magagandang katulad ko!

Juaquin.... Kung pwede lang makarating ang pag-iisip ko sa 'yo. Sana malaman mo na
nasa panganib ang buhay ko. Sana hanapin mo ako bago pa ako makita ng halimaw na
'yon!

"Katrina..... Katrina!!!" Tinatawag ako si Salvador. Para syang Psychopath na


napapanood ko sa mga horror movies! Halos magtayuan tuloy lahat ng balahibo sa
katawan ko. Ayoko pang mamatay!

Malapit na malapit na sya sa lugar ng pinagtataguan ko. Hindi ko alam kung tatakbo
na lang ako, mahpapakatapang at harapin ko sya, o manatili sa pinagtataguan ko.

Obviously, hindi ko sya kaya, kaya tinanggal ko na sa options ko ang magpakatapang,


baka mas lalong mapadali ang buhay ko. Kabadong kabado na ako ngayon. Palapit ng
palapit si Salvador! Anong gagawin ko?!

Tatakbo na sana ako nang may biglang humawak ng mahigpit sa bewang ko! Sisigaw na
sana ako nang takpan din nya ang bibig ko!

Nahuli nya ako !!!!

Nagpapapalag ako pero napahinto ako nang magsalita ang nakahawak sa akin.

"Shhhhh... Katrina, si Juaquin ito."

Totoo ba ang narinig ko? Nahanap nga ako ni Juaquin? Totoo ba ang esp at nakarating
sa kanya ang mensahe ng utak ko? Alam kong imposible, pero sa mga nangyari sa akin
ay kaya ko ng paniwalaan ang mga imposible.

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Jiaquin. Humarap ako sa kanya at niyakap ko


sya.

"Juaquin.... Akala ko.... Paano.... " napaluha ako out of relief.

"Shhhh.... Ligtas ka na. Salamat sa Diyos at ligtas ka na! Hindi ko hahayaang


mapahamak ka."

"Si Salvador, hindi mo sya tunay na kaibigan."

Humigpit ang pagkakahawak nya sa akin. " nalalaman ko na ang mga bagay na iyon."

Alam na nya? Pati kaya ang tungkol kay Esperanza ay alam na din nya?

Patuloy pa din sa pagtawag sa akin ni Salvador. Hindi pa nya alam na hindi na ako
nag-iisa.
"Dito ka lang. Ako na ang bahala kay Salvador. " lalapitan na nya si Salvador nang
pigilian ko sya.

"Teka lang, may pagkapsychopath 'yang taong 'yan. Baka ikaw naman ang masaktan!"
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinahid nya ang mga luhang hindi ko alam
na tumutulo.

"Huwag kang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko. "

"Hayaan mo na lang sya, umalis na lang tayo!" Sabi ko dahil sa takot na baka si
Juaquin naman ang mapahamak!

"Hindi ko maaaring gawin yon. Marami syang nalalaman tungkol sa kilusan, at kung
ibagbigay alam nya ang lahat ng nalalaman nya sa kinauukulan, maraming mapapahamak
at kabilang na doon ang mama. "

"Pero......." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang dumapo ang labi nya
sa mga labi ko!

Oh my gosh! Parang bolta boltaheng enerhiya ang dumapo sa buong katawan ko! It's
just like before when he first kiss me, but this time it more intense! Dahil siguro
sa napakataas ng mga emosyong nararamdamn namin ngayon. Ngunit hindi rin ito
nagtagal at pinakawalan na nya ako.

"Huwag kang aalis dito, babalikan kita."

At bago ko pa sya mapigilan ay nakalayo na sya.

Pigil na pigil ako sa pagtawag sa kanya dahil baka mapansin sya ni Salvador at
maunahan sya nito! Hindi na kalayuan si Salvador at kitang kita ko ang pagbabago ng
mukha nya nang makita nya si Juaquin.

Nakakahulat dahil kalmado si Juaquin kahit na naguumapaw sya sa galit.

"Juaquin?!"

"Tila ikaw ay naliligaw Salvador? At bakit mo tinatawag si Katrina?" Kalmado ngunit


madiin na sabi ni Juaquin. Nakakatakot ang pagiging kalmado nya. He looks more
dangerous. At ganon nga din ang nakita ni Salvador dahil bigla syang nautal at
naghagilap ng dahilan.

"Ummmm.... Nabalitaan ko na nawawala si Katrina.... "

"Hindi ba dapat ay nauna mo itong ipinaalam sa akin?"


"Hindi... Ang ibig kong sabihin... Hindi ka na dapat pang gambalain...."

"Hindi dapat akong gambalain dahil hindi maganda ang iyong pakay kay Katrina?"
Kalmado pa din ang pagsasalita nya pero parang mas lalong nakaka-intimidate sya
ngayon! Kahit nga ako parang nagtatayuan ang balahibo ko.

"Ano ang iyong sinasabi? Hindi ko maaaring saktan ang babaeng iyong tunuturing na
kapatid?"

"Kung ang aking koatid ay iyong nasaktan, paano pa kaya si Katrina?"

Nanlaki ang mga mata ni Salvador dahil sa hindi nya inaasahang alam na ni Juaquin
ang mga nangyari sa kapatid nya.

"Sinabi na sa akin ni Inigo na ikaw ang pinanghihinalaan nila sa nangyari kay


Esperanza. At ikaw din ang nagsasabi sa gobyerno ng ating mga plano. Ikaw din ang
nagturo sa iba nating kasamahan kaya't sila ay nadakip!"

"Hindi ako ang may kagagawan. Si Inigo ang totoong traidor sa kilusan! At sya din
ang may kagagawan sa nangyari kay Esperanza."

"At nais mo pang si Iñigo ang umako ng mga kasalanan mo? Wala ka talagang dangal
Salvador! Isusuko kita sa ating mga pinuno...."

"Hindi mo maaaring gawin iyon!" Sinugod ni Salvador si Juaquin! "Uunahan ko na


kayo! Ipapaalam ko sa gobernador kung sino-sino kayong mga rebelde upang kayo ay
masuplong!"

Sinuntok ni Salvador si Juaquin ngunit mabilis kumilos si Juaquin at nakaiwas ito.

"Oh my gosh! Salvador itigil mo na yan kundi.... kundi......" Naghanap ako ng kahit
na anong bagay na pwede ko man lang ipamukpok kay Salvador. Kailangang gumawa ako
ng paraan, kundi masasaktan si Juaquin.

"Kayang kaya ni Juaquin ang kanyang sarili." Napatalon ako sa pagkabigla dahil sa
bagong dating. Masyado sigurong natuon ang isip ko kay Juaquin kaya hindi ko
narinig na may katabi na pala ako.

Si Nicolas at si Iñigo!

"'Wag kayong lalapit sa 'kin... kundi... kundi... "

"Kundi ano, mahal na binibini?"


"Mga kasama kayo ni Salvador ano? Kasama din ba kayo sa mga tumatraidor sa
kilusan?!"

"Marami ka nang nalalaman." Ngumisi si Nicolas.

"At ano? Papatayin mo din ako katulad ng gustong gawin sa 'kin ng hinayupak na
'yon?"

Napangisi si Nicolas na para bang aliw-na aliw.

"Huwag mo nang biruin si Katrina, halika na at tulungan na natin si Juaquin." Sabi


ni Iñigo.

"Hindi nyo kakampi si Salvador?"

Nagdilim ang mukha ni Nicolas. "Wala akong simpatya sa mga taong traidor at
mamamatay tao. Kung mapatay man sya ni Juaquin, ay mas ikagagalak ko pa ito. "

Nanindig naman ang balahibo ko sa mga sinabi ni Nicolas. Sa tono nyang iyon ay
mukhang wala syang sinasanto. Seryoso ba talaga ito? Mukha nga dahil nakatitig ng
matalim ito ngayon kay Salvador na halos hindi na makatayo ngayon.

Nasa may bandang malapit na sila ngayon sa bangin at kinabahan ako baka maaksidente
si Juaquin! Ok lang kung si Salvador, kahit pa magtumbling pababa ng bangin yan,
wala akong pakialam. basta't huwag lang si Juaquin!

"Kung ayaw nyo syang tulungan, ako na lang!" Tatakbo na sana ako papunta sa
kinaroroon nila Juaquin nang hawakan ako ni Salvador sa bewang ko para pigilan.

"Ikaw ang mapapahawak sa iyong balak na gawin. " tinignan nya ako na parang hindi
nya mawari kung anong nakain ko at susugod ako ng ganon. " dumito ka na lang, at
kami na ang bahala kay Salvador. Ngunit kung iyo namang makikita, hindi na
kailangan ni Juaquin ang aming tulong."

Tumingin ako sa kinaroroonan ni Juaquin. Nagagulapay na sa lupa si Salvador.

"Patay na? " nagtatatawa naman si Nicolas. "Anong problema mo? Seryoso ako!"

"Pagpaumanhin, ngayon lamang ako nakatagpo ng babaeng knatulad mo. Hindi man lamang
natakot kung may patay!"

Ay nako! Ewan ko dito, ipasok na nga ito sa mental! Iniwalan ko na sya at patakbong
pinuntahan ko si Juaquin.
"Juaquin! " niyakap ko sya ng mahigpit. "Ok ka lang ba?" Tinignan ko sya at may
namumuong pasa sa tabi ng labi nya.

"Nasaktan ka!"

"Walang anuman iyan."

Tinignan ko si Salvador. Nakahiga sya sa lupa at parang hindi makatayo, pero may
malay pa sya.

Lumapit ako sa kanya at sinipa ko ang tagiliran nya.

"Pasaway ka a! Mga babae lang pala ang kaya mo! Lampa ka naman pala! " sinipa sipa
ko sya ulit pero hindi na sya makaganti."

Pinigialn ako ni Juaquin. " tama na Katrina. Makasisigurado ka na hindi na sya


makapananakit ng kahit na sino."

"Pero anong gagawin nyo sa kanya? Hindi nyo naman sya pwedeng ipahuli, baka
mabaligtad kayo at kayo pa ang ipahuli nyang ungas na yan!"

"Ipadadala namin sya sa kuta ng mga kilusan at doon namin pagdedesisyonan kung ano
ang pinakamainam na gaein sa kanya."

Limapit si Inigo at Nicolas kay Salvador para itayo nya. Pero bago pa nila ito
magawa ay isa pang sipa ang ibinigay ko sa kanya. Iyon ang frewell gift ko sa
kanya. Mabuti nga at iyon lang ang natikman nya, mabait na ako nyan a! Naaliw aan
si Nicolas sa ginawa ko. Inilabas nya ang isang lubid na dala nya at itinali ang
mga kamay ni Salvador.

"Ummm Juaquin, sigurado ka ba sa dalawang 'yan?" Bulong ko kay Juaquin. " hindi ba
naman nagpapanggap lang na kakampi mo iyang dalawang 'yan?"

"Para ko ng kapatid si Inigo. Matagal na kaming magakakilala at alam ko na pareho


ang aming layunin. Sya ang naghikayat sa akin na sumanib s akilusan sa hangaring
mapalaya ang ating basa. Naging biktima ang kanyang ina sa pagmamalupit ng isang
Kastila. Alam kong hinding hindi nya tatalikuran ang kanyang mga layunin. "

"E iyang isa naman. Mapagkakatiwalaan ba naman 'yan?"

" sa ngayon ay hindi ko lubusan ang pagtitiwala ko sa kanya. Ngunit, kung si Inigo
ang nagsabi na sya talaga ay isa sa mga pinuno ng kilusan, marahil ito nga ay
totoo."
May narinig kaming mga yabag ng papa na papunta sa kinaroroonan namin. Medyo
natensyon kami dahil baka mga kakampi ni Salvador ang mga paparating. Hinawakan ako
sa bewang ni Juaquin. He held me close protectively.

"Senorito Juaquin! Senorito Juaquin!" Haaaay, nakahinga ako ng maluwag. Ngayon lang
ako natuwa sa pagsulpot ni Enrico. Dati kasi, dakilang istorbo ang papel nya sa
buhay ko!

May mga kasama sya at sa palagay ko ay mga trabahador sila sa hacienda. Lumuwag din
ang pagkakahawak ni Juaquin sa akin, senyales na nawala ng kauti ang tensyon na.

"Enrico, maaari nyo bang samahan si Iñigo dalhin si Salvador sa ating tagpuan." 

Sa itsura ni Enrico ay mukhang gusto nyang magtanong kung anong nangyayari at bakit
nakatali si Salvador. Hindi ko sya masisisi, ang alam nya ay kaibigan ni Juaquin
ang ungas na yon.  Pero tahimik na lang na sinunod ang utos ni Juaquin. 

Umalis na sila Iñigo pero naiwan pa din si Nicolas.

"Nais ko sanang humingi ng paumanhin." Sabi ni Juaquin kay Nicolas. "Buong akala ko
na may kinalaman ka sa pagkakapaslang ni Esperanza." 

"Kailanman ay hindi ko magagawa iyon, sa kadahilanan na........ Minahal ko din


sya." 

Oh my gosh! Natahimik silang pareho. Ayoko naman sumabat at wala ako sa lugar. 

"Ngunit bakit nakita kayong magkasama ni Esperanza noong gabing bago sya pumanaw?" 

"Lumapit sya sa akin at naguguluhan ang kanyang pag-iisip. Sinabi nyang may minahal
syang isang lalake ngunit may nagawa syang hindi maganda at nais na nya sanang
itama ang mga bagay na ito. Hindi nya nasabi sa akin ang mga detalye sapagkat nais
nyang ikaw munang ipagbigay alam sa iyo. Ngunit hindi na nya iyon nagawa. "
Tumingin ng diretso si Nicolas kay Juaquin. "Noong una pa man ay si Salvador na ang
aking pinaghihinalaan, nalaman ko din na may koneksyon sya sa mga general ng bayan.
Pinalipas ko muna ang panahon upang magmasid."

"Hindi ko inakalang si Salvador pala ang matagal na naming hinahanap na traydor."

Tumango na lang si Nicolas.

" Nalalaman ko din na ako ang iyong pinaghihinalaan, at hinayaan ko na lang ang
gayon hanggat hindi ko napapatunayan na si Salvador ang may sala." 

"Ngayong malinaw na ang lahat, nais ko sanang ulitin ang paghingi ng paumanhin. " 
Tumango si Nicolas ng pagtanggap. 

"Wala ka bang nais sabihin sa totoong pagkatao ni Katrina?" 

Napahugot ako ng hininga. Anong nalalaman nitong kumag na ito?

"Wala akong dapat na ipaalam sa iyo." 

Napangisi naman si Nicolas. 

"Aminin mo ng hindi mo sya tunay na kadugo. Magugulat ba ako kung ianunsyo mo na


lang na hindi na matutuloy ang kasal ninyo ni Amparo?" 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Juaquin. Pareho kaming nag-iisip kung safe bang
sabihin namin sa kanya ang totoo?

"Maliban sa hindi kami magkadugo, iyon lang ba ang iyong nalalaman?" 

Tumodo naman ang ngiti ni Nicolas. 

"Nalalaman ko din na may pagtingin kayo sa isa't-isa. "

Patay! Na-obvious na talaga!

"Hindi ko itatanggi ang iyong mga sinabi." 

Napanganga ako sa sinabi ni Juaquin? Parang hindi kapatid ng fiance nya ang kausap
nya a! Anong plano nya? HIndi ba naman sila namang dalawa ang magkarambulan?

"Ikinalulungkot ko, ngunit hindi ko na maaari pang ipagpatuloy ang nalalapit naming
pag-iisang dibdib. " Hinawakan nya ako sa bewang at inilapit nya ako sa kanya. "Sa
iyong nakikita ay may iniibig na akong iba at binabalak ko na kami ay maikasal sa
lalong madaling panahon." 

Halos mapaluwa ang mga mata ko sa sinabi ni Juaquin. 

"W..ww... wait lang.... ummmm.... ikakasal na tayo? Teka... parang hindi ka pa


naman nanligaw a! It's not that I'm complaining or anything.... pero... anong
sasabihin ni Donya Estelita? " 

"Alam kong magiging masaya sya para sa atin." 


Oh my gosh! Naluluha ako!

"I don't know what to say..... " 

"Mahal na mahal kita Katrina. Ayoko nang mag-aksaya pa ng pagkakataon. Hindi ko


matiyak ang hinaharap, ang nais ko lang ay maibahagi ko ang aking buhay sa iyo at
makapiling kita habang buhay. Tinatanggap mo ba ako Katrina? Bilang iyong kabiyak?"
tagos sa puso ko ang lahat ng sinabi nya at hindi ko namamalayan na tumutulo na ang
mga luha. Is it possible that we can have our happily ever after, katulad ng mga
nababasa ko sa mga fairytale books? 

"Pero... pwede kaya? Paano kung bigla na lang........ " 

"Huwag na muna nating isipin ang kung anong maaaring mangyari. Ang mahalaga sa akin
ngayon ay makapiling kita. Mahal mo ba ako Katrina?"

Napangiti ako. Para akong baliw, tumutulo ang mga luha ko habang todo-todo ang mga
ngiti ko! Ok lang na maging baliw! Basta ang alam ko... mahal ko itong taong to!

"Matagal na kitang mahal Juaquin. Unang beses pa lang na nakita kita. "

"Kung gayon ay pumapayag ka?" 

'KAILANGAN PA BANG ITANONG 'YAN?" 

Napangiti si Juaquin at hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. 

"AHEEEM!" Oo nga pala at may kasama pala kaming asungot! Pakialam ko sa kanya...
MOMENT KO TO! 

Sa tingin ko ay wala na ring paki-alam si Juaquin at unti-unti nyang ibinababa ang


kanyang ulo. Ipinulupot ko naman ang mga kamay ko sa leeg nya at inilapit ko ang
sarili ko sa kanya. 

"I love you Juaquin.... with all my heart. " Mahinang sabi ko na alam ko ay sya
lang ang nakakarinig. Ipinikit ko ang mga mata ko at inintay na magdikit ang aming
mga labi. 

I'M GOING TO MARRY THE ONE I LOVE! Punong-puno ng kasiyahan ang puso ko na parang
gusto kong magtatalon at magsisigaw!

Ngunit bago pa man din makalapat ang aming mga bibig. Nakaramdam ako ng
pagmamanhid. Nagsimula ito sa mga kamay ko. Akala ko ay mawawala, pero kumalat ito
ng mabilis sa buong katawan ko! 

"KATRINA!" 

Napadilat ako at tinanggal ko ang mga kamay ko kay Juaquin. Tinignan ko ang mga
kamay ko at nag-g-glow na naman ito! Mahina lang ito ng una.. pero patindi-ng
patindi ang pagkinang nito at kumalat na din ito sa buong katawan ko!

"ANONG NANGYAYARI!" Sigaw ko.

Sobrang namamanhid na ang katawan ko. "JUAQUIN!!!" 

Niyakap ako ng mahigpit ni Juaquin. "Huwag... HINDI MAAARI! HUWAG MUNA!!" 

Nahawi ang mga ulap mula sa pagkakatakip ng buwan. 

"BAKIT? HINDI PA CRESCENT MOON!!!!" Naguguluhan ako sa mga nangyayari! A light came
down from the moon and went striaght to me. Para na akong hinihigop ng buwan at mas
lalo akong kumapit kay Juaquin! Kung hindi man ako mapanatili sa panahon na ito,
baka sakaling madala ko si Juaquin sa panahon ko!

Parang may hangin na humihigop sa akin papalayo kay Juaquin. Katulad din ito noon
unang hinigop ako ng buwan patungo sa panahon na ito. Parang may ipo-iong pumaligid
sa akin na pilit na pinaghiwalay kami ni Juaquin. Pilit namin itong nilabanan, pero
sadyang napakalakas ng pwersa at nakabitaw kaming pareho sa isa't isa!

"JUAQUIN!!!" 

"KATRINA!!!" 

Umangat ang buong katawan ko habang patindi-ng patindi ang lakas ng sinag na
nagmumula sa buwan... 

"NOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!! JUAAAAAQQQQQUUUUIIINNNN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

Wala na akong nagawa dahil naglaho na ang lahat.


=================

Chapter 19

Date uploaded: 6-26-15

Chapter 19

Unti-unti ko iminulat ang mga mata ko. Nakasikat na ang araw. I shaded my eyes and
looked around. Nasa may falls ako. Paano ako nakarating dito?

Masakit ang katawan ko pero pinilit kong bumangon. Di kaya nakatulog lang ako dito?

Sana nga.... sana nga....

Naalala ko ang mga nangyari kagabi. SI SALVADOR! Tinangka nya akong patayin! Hindi
kaya noong nawalan ako ng malay dahil sa pagkakasampal nya, at ngayon lang ako
nagising?

Sana nga.... Pero bakit nakakramdam ako ng kaba?

Hinfi! Think positive!

Pareho pa naman ang damit ko. Naka pang-lola attire pa din ako. Pinagpag ko ang
damit ko para maalis ang mga kumapit na tuyong dahon. May pahid ng putik sa ibang
bahagi ng palda ko, patunay na nagpagulong-gulong ako sa lupa kagabi.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang bag ko. Nilapitan ko ito at dinampot.

Paanong napunta ito dito? Ang pagkakatanda ko ay wala naman akong dala noong
pumunta ako dito. Binitbit kaya ito ni Juaquin kagabi? Pero anong purpose? Tinignan
ko ang loob at nahandoon ang lahat ng gamit ko. Teka wait lang.... there's
something missing. Hinaluhalungkat ko ang bag ko.

Teka nga! Bakit ba ito ang binigbigyan ko ng halaga ngayon? Ang mas importante ay
makita kong muli si Juaquin. Mataas na din ang araw baka hinahanap na ako ni Donya
Estelita!

Pilit kong inaalis sa isip ko na hinigop na ulit ako ni manong buwan sa sarili kong
panahon. Nanaghinip lang ako. Nandito pa din ako sa spanish era. Nakatulog lang ako
at nanaghinip. Ok lang kahit panaghinip din ang pagpropose sa akin ni Juaquin. Ang
importante, nandito pa din ako at hindi kami maghihiwalay. Alam kong mahal nya
ako . At kung talagang panaghinip lang ang pagsabi nyang mahal nya ako, alam ko,
sooner or later, magpapakatoo din sya.

Power of positive thinking nga e! Kailangang lakasan ko ang loob ko.

Nagmamadali akong makabalik sa mansyon. Pero habang lumalapit ako, unti-unting


bumabagsak ang pananalig ko na nasa panahon pa din ako ng mga kastila. Ibang-iba
kasi ang paligid. Mas developed na ang lugar. Mas lalong tumindi ang kaba ko, pero
ayaw ko pa din tanggapin kahit na sa likod ng isip ko ay nangyari na nga ang
ikinakagakot ko.

Napatigil ako sa harap ng bahay at halos bumagsak na ang loob ko.

Hindi! Hindi ko kayang tanggapin! Patakbo kong pinasok ang mansyon. Kapareho pa din
ang structure ng bahay pero makikita mo ang pagkakaiba dahil sa pintura at may mga
bagay na naidagdag na nagpapahiwatig na nasa modern era na ako!

Hindi ko napansin na umaagos na pala ang luha ko at nararamdaman ko na may parang


malaking bara sa lalamunan ko.

Nakarating ako sa paanan ng hagdanan at doon ako inagawan ng lakas ng humarap ako
sa dingding na katapat nito. Sa halip na si Juaquin ang sumalubong sa akin, isang
malaking portrait lamang nya ang nakita ko.

"Bakit?! Bakit!" Lumapit ako sa portrait at parang tinakasan na ako ng husto ng


lakas ko at napaupo na lang ako.

"Juaquin!!! NO!!!! We're suppose to get married. You proposed to me!!!!"

Halos gumuho ang mundo ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit mas masakit pa
ito kumpara noong namatay si Richard. Ibig sabihin ba noon ay mas minahal ko si
Juaquin? Sa sandaling panahon na nakilala ko sya, naging malalim na ang naramdaman
ko sa kanya.

Hinwaian ko ang dibdib ko dahil sobrang sakit. Hindi ko matanggap na parang


pinaglaruan lang ako ng mahiwagang buwan. Bakit ganon? Bakit hindi na lang nya ako
binalik noong panahon na wala pa akong nararamdamn kay Juaquin? Bakit ngayon pa!

Halos umaagos na ang luha ko at hindi ko na ito mapigilan.


Kasalukuyang nasa ganong kalagayan ako ng makita ako ng lola ko.

"Katrina apo! Ano bang nangyayari sa 'yo?" Dali-dali syang lumapit sa akon at
niyakap ako.

"Bakit? May masakit ba sa 'yo?"

"Lola.... lola.... " Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa paghikbi.

Naguguluhan sa akin si loka dahil nasa hysterical mode na ako. Pinipilit kong
pakalmahin ang sarili ko dahil sobrang nag-aalala na sa akin si Lola at hindi nya
alam ang gagawin nya. Pero kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam
kung makakabalik pa ako kay Juaquin at kung paano. Hindi ko matanggap na habang
buhay na lang na ang titingin sa akin ay isa na lamang portrait!

"Kailangang makabalit ako 'la."

"Saan ka babalik? Sa Maynila? Hindi ba't kararating mo lang. "

"Hindi 'La" huminga ako ng malalim para medyo ma-control ko ang paghikbo ko.

"Kay Juaquin! Kailangan kong makabalik kay Juaquin!"

"Juaquin? Sinong Juaquin? Naku apo.. Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Hindi ko kayang i-explain sa kanya. Kahit ako mismo ay hindi ko halos mapaniwalaan
ang mga kababalaghang nangyari sa akin! Pero totoong nakabalik ako sa panahon.
Totoong nanirahan ako doon ng ilang buwan. Totoong nakilala ko si Juaquin at
nahulog ng husto ang damdamin ko sa kanya. Totoo ding minahal nya ako at handa
syang bitawan ang nakatakda nyang pagpapakasal kay Amparo. MAHAL NYA AKO! HINDI KO
ITO NAPANAGHINIPAN LANG! Patunay na dito ang hanggang ngayon ay suot suot ko pang
baro't saya!

"Kailangan kong makabalik 'La."

Hindi na nagsalita si lola at hinagod-hahod na lang nya ang likod ko. Sumandal ako
sa kanya at tinanggap ko ang pag-co-comfort nya.

Nang dumaan ang isang kasama nila sa bahay ay tinawag ni lola at inalalayan nila
ako papunta sa taas. Mas lalo akong umiyak noong sa kwarto ni Juaquin nila ako
dinala. Nakalimutan ko na ang kwartong ginagamit ko dito sa panahong ito ay kwarto
nga pala ni Juaquin.

Inihiga ako ni lola.


"Katrina, gusto mo bang tawagan ang daddy mo?"

Umiling ako. "'Wag po 'La. Itutulog ko na lang po ito. 'Wag na po kayo mag-alala."

Halos ayaw pa akong iwanan ni lola dahil sobrang syang nag-aalala. Pinunasan ko ang
mga luha ko. Huminga ako ng mamalim at pinilit kong ngumiti kahit konti para lang
matanggal lang ang pag-aalala nya.

"Lola, sige na. Ok na po ako. Promise po. Itutulog ko lang po ito. "

Hinaplos ni lola ang buhok ko.

"Sige apo. Iiwan na muna kita para makatulog ka. Sana paggising mo ay magaan na ang
pakiramdam mo."

Hinilikan ni lola ang ulo ko at maya-maya lang ay lumabas na.

Pagakasarado ng pinto ay tumulo na naman ang luha ko. Niyakap ko ang unan ko.

Paano pa ako magiging ok, kahit kailan ay hindi ko na makikita si Juaquin.

***

"Manong buwan.... Maybe you can consider my situation. Kahit one way lang." Palipas
na ang crescent moon at mag-new-new moon na. Ilang araw na akong bumabalik sa lugar
na ito, kung gaano ako nagmamakaawa dati ay mas doble ngayon. "Kahit ano gagawin
ko. Please.... Please..... "

Dala dala ko ang bag ko na naglalaman ng lahat ng bitbit ko noong nag-time travel
ako, pwera lang sa cellhone ko na hindi ko malaman kung bakit wala sa bag ko.
Hinanap ko na din sa paligid, baka nahulog sa bag ko noong nagmadali akong
makabalik sa mansyon, pero hindi ko na ito nakita. Hindi kaya dahil sa nawawalng
cellphone kaya hindi ako makabalik?

"BAKIT KA GANYAN?! PINAGLALARUAN MO BA AKO! IBINALIK MO BA AKO DOON PARA MAS LALONG
MASAKTAN? Ano! Satisfied ka na ba sa ginawa mo?!"

Galit na ang umiiral sa dibdib ko! Hanggang ngayon ay ayaw pa din tanggapin ng isip
ko na hindi ko na makikita ang lalakeng pinakamamahal ko.

Magmamadaling araw na noong bumalik ako sa bahay. Bigo na naman ako, and I'm
getting more and more frustrated. Mas lalong nag-aalala sa aking ang lolo at lola
ko. Sa halip daw na bumuti ang kalagayan ko, mas lalo lang akong na-de-depress.
Gusto na nga akong pabalikin ni daddy sa Maynila. Pero sabi ko sa kanila na ok lang
ako kahit hindi.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, hindi ko na naman napigilang ang pagtulo ng luha ko.
Nagsasawa na nga ako sa kakaiyak. Ewan ko ba kung kelan ako makakarecover. Maybe
never...

I can never get over him.

Isinarado ko ang pinto at napasandal ako dito. I'm really in my fragile stwte right
now. Kung hahawakan siguro ang puso ko baka magkalas-kalas na ito sa sobrang wasak.

What have I done to deserve this?

Crescent moon pa din bukas. Hindi ko pa din tatantanan si Manong buwan. Pupuntahan
ko pa din sya baka sakaling maawa na sya sa 'kin bukas.

Napatigil ako nang marating ko ang grand staircase. May lalakeng nakatingin sa
portrait ni Juaquin!

Napahugot ako ng hininga. Kilala ko sya. Kahit na anong anggulo nya ay kabisado ko,
kahit pa madilim pa!

Hindi ako makapaniwala..... pinagbigyan na ba ako ni Manong Buwan?

"Juaquin?" I intended to call him, pero bulong lang lumabas sa bibig ko. But I
think he sensed my presence. Dahan dahan syang tumingin sa kinatatayuhan ko. Hindi
nga ako nagkamali! He's here! Nandito sya! Kung paanong nangyari yon ay hindi ko
alam. At wala na akong pakiaalam. Ang importante, magkakasama na kami!

"Juaquin!" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit." Hindi ako m
akapaniwala! Nandito ka na! Pero.... Paano?"

Pinakawalan ko sya. Nakakunot ang noo nya na para bang nagtataka.

"Juaquin? Hindi ka ba masaya at nagkita tayong muli?"

"You must have mistaken me for someone else."

HUH? teka parang nagimbal ata ang mundo ko sa narinig ko! Kelan pa natutong mag-
english si Juaquin?

"Juaquin, hindi mo ba ako nakikilala?" Tinitigan nya ako na para bang hinahanap nya
sa isip nya kung saan nya ako nakita. Tinignan ko din sya mula ulo hanggang
paa.ganon pa din naman ang itsura nya, maliban sa mas maganda ang ayos ng buhok nya
at ang suot nya ay nasa latest trend. But there's something off about him and I
can't put my finger into it.

"I'm sorry miss. Hindi ako si Juaquin...."

Ansabe? Anong tawag nya sa 'kin? MISS?

"'Wag mo 'kong binibiro ng ganyan a. Ilang drum ang nailuha ko ng dahil sa 'yo,
tapos ngayong nagkita na tayo, MISS lang ang itatawag mo sa 'kin?"

Mas lalong naguluhan ang mukha nya.

"O baka naman ang ibig mong sabihin sa 'MISS' is, I miss you."

Napangiti si juaquin at doon naman parang nagwala ang puso ko. He look so gwapo
talaga! Pero maya-maya lang ay pumormal na ulit ang mukha nya.

"No, I don't miss you or anything. Hindi talaga kita kilala at ngayon lang kita
nakita."

Huh? Paanong nangyari yon? Nagka-amnesia ba sya? Baka may nangyari sa kanya noong
dinala sya dito ni manong buwan? BAKIT HINDI NYA AKO MAKILALA.

"Pero....."

He extended his hand towards me.

"I'm Rafael... Rafael Mendez."

=================

Epilogue

Date uploaded: 6-26-15Epilogue

Juaquin

Ilang gabi na akong pabalik-balik sa lugar na ito. Nagbabakasakaling makita kong


muli ang babaeng pinakamamahal ko.
Katrina....

Tumingala ako sa langit. Ang mahiwagang buwan. Nauunawaan ko na si Katrina sa


kanyang mga ginagawa noong nakaraan. Natatawa ako sa kanya noon kapag nakikita ko
syang nagsusumamo sa buwan na para bang nasisiraan ng bait.

Nais ko na din masiraan ng bait at magmakaawa upang maibalik lamang si Katrina sa


piling ko.

Pati si mama ay lubos na nalungkot sa pagkakawala nya at katulad ko ay umaasang


isang araw ay magbabalik sya.

Si Nicolas ang nakasaksi sa paghugot ng buwan kay Katrina at nahirapan akong


ipaliwanag ang mga pangyayari. Hindi sya makapaniwala na nagmula sa ibang panahon
si Katrina. Ngunti naliwanagan naman sya kung bakit ganon ang kanyang pagsasalita
at ang kanyang pagkilos.

Pinutol ko na din ng tuluyan ang ugnayan namin ni Amparo. Nagalit ang mga Del Valle
sa aking naging desisyon, at sa unang pagkakataon ay si Nicolas naman ang aking
naging kakampi. Humingi na ako ng paumanhin sa mga bagay na ipinaratang ko sa kanya
at maluwag naman nya itong tinanggap.

Kinalimutan ko na din ang galit ko kay Salvador at ipinaubaya ko na sya sa


maykapal. Hindi nakakatulong na may iniingatang galit sa puso at maghiganti. Muntik
ko ng ibagsak ang mga Del Valle, pakasalan ang babaeng hindi ko minamahal.iyon
naman pala, wala silang kinalaman sa pagkamatay ng aking kapatid. At ang taong
pinaghihinalaan ko ay maari ko palang maging kaibigan.

Mabuti na lang at dumating si Katrina at hindi naituloy ang aking mga hangarin.

Ngunit ang puso ko ngayon ay labis na nangungulila sa pagkawala ng aking minamahal.


Kung may paraan lang na maibalik sya, gagawin ko ang lahat!

Tumingala akong muli sa buwan at labis na nagsumamo.

"Si Katrina ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay. Kung maari lang na
maibalik sya sa akin ay habang buhay na tatanawin ko itong utang na loob."

Ilang araw ko ng pinakikiusapan ang buwan, ngunit pakiramdam ko ay pinagtatawanan


lang ako nito.

Pabalik na ako sa mansyon nang mapansin kong may isang bagay na umiilaw sa may
lupa. Pinuntahan ko ito. Natatabunan ito ng mga patay na dahon. Nagkaroon ako ng
pag-asa noong damputin ko ito.

Napangiti ako sa bagay na hawak ko. Ito ay pag-aaro ni Katrina na ipinakita nya sa
akin noong nandito pa sya. Isa din ito sa mga bagay na pinaghihinalaan nya na sanhi
ng kanyang pagpunta sa ibang panahon.

Mas lalong nagliwanag ang mahiwagang bagay na hawak ko at napangiti ako.

"Katrina.... Naiwanan mo ang cellphone mo...."

----------AN

Yehey!!!! Natapos na din ang crescent moon matapos ang mahabang panahon!
Hahahahhaha I'm soooo happy!

Next Full moon (crescent moon part 2)Tignan nyo na lang sa works ko.

You might also like