You are on page 1of 3

Ang Inang Matapobre

(Maikling Kwento)

Sa Barangay Mahinahon, kilala si Aling Cora bilang isang


mayamang biyuda na may isang anak na si Liza. Dahil sa
kanilang yaman, madalas maging mapagmataas si Aling Cora sa
ibang tao sa kanilang barangay.

Isang araw, habang naglalakad sina Aling Cora at Liza,


nakita nila ang ilang mga bata na naglalaro sa putikan. “Liza,
huwag kang lalapit diyan. Madudumihan ka lang ng mga batang
‘yan,” sabi ni Aling Cora, habang hinila palayo ang anak. “Ngunit
Inay, mukha naman silang masaya,” sagot ni Liza, na may bakas
ng pagtataka.

Sa paaralan, si Liza ay naging kaibigan ng isang mahirap


na batang babae na si Ana. Nalaman ito ni Aling Cora at hindi
siya natuwa. “Liza, hindi mo dapat pinapansin ang mga batang
iyan. Iba ang ating estado sa buhay,” mariing sabi ni Aling Cora.
Ngunit hindi sumang-ayon si Liza. “Inay, mabait po si Ana. Hindi
naman po mahalaga ang yaman para maging magkaibigan.”

Isang gabi, nasunog ang bahay ni Aling Cora dahil sa isang


aksidente. Nawalan sila ng lahat. Ang mga kapitbahay na dating
hinamak ni Aling Cora ang siyang unang tumulong sa kanila.Sa
gitna ng kanilang kahirapan, si Ana at ang kanyang pamilya ang
nag-alok ng tulong at kanlungan kay Aling Cora at Liza. Sa mga
araw na sila’y magkasama, unti-unting naunawaan ni Aling Cora
ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pagiging
mapagpakumbaba. Natutunan niyang pahalagahan hindi lamang
ang yaman kundi ang pagtulong at pagkakaisa ng komunidad.
“Ana, salamat sa inyo. Mali ako sa aking pagmamataas. Ang
tunay na kayamanan pala ay nasa puso at hindi sa bulsa,” sabi ni
Aling Cora, na may luha sa kanyang mga mata.
Ang Alkansya Ni Boyet
(Maikling Kwento)

Mahirap lamang ang pamilya ni Boyet. Ang ama niyang si Mang


Delfin ay isang magsasakasubalit walang sariling lupa. Inuupahan
lamang nito ang tinatamnan ng palay. Ang ina namanniyang si Aling
Pacing ay simpleng maybahay lamang. Sampung taon na si Boyet. Siya
angpanganay sa kanilang apat na magkakapatid. Sa pasukan ay nasa
ika-apat na baitang na siyang mababang paaralan. Kapag ganitong
bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataon. Gumagawa siya
ng alkansiyang kawayan.

Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa kanilang bakuran"


dahi lmaluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong
namumunga. Pinipitas nila ng kanyang inay ang ay mga bunga at
itinitinda iyon sa palengke. Mabili ang kanilang mga tindang prutas.
Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad siyang binibigyan ng pera sa
kanyang inay. ”Salamat po" inay.

Mayroon na naman akong panghulog sa aking alkansiya.#


masayang sabi ni Boyet. Hayaan mo anak" bago siguro maubos ang
mga bunga ng ating mga puno ay mapupuno na ang alkansiya mo. Sabi
ng kanyang inay. Napuno nga ang alkansiya ni Boyet. Masipag kasi
siyang mag-ipon. Nang malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng
malakas na bagyo nasira ang mga tanim napalay ng tatay ni Boyet.
Kakaunti lang ang kanilang inani. Nagkautang ang kanyang itay"
nag-alala naman ang inay ni Boyet. Malapit na ang pasukan at nawala
ang inaasahan nilang pangangailangan ng pera. “Baka hindi ka
makapag-aral ngayong taong ito anak" malungkot na sabi ng kanyang
inay. Nasira ang mga pananim natin dahil sa bagyo at may utang pa
tayo. Makakapagaral po ako" inay. Puno na po ang alkansiya ko ito ang
gagamitin ko sa aking pag-aaral" nakangiting sabi ni Boyet. Nakapag-aral
si Boyet ng pasukang iyon.
Salamat at naisipan niyang mag-impok para sadarating na
pangangailangan.

You might also like