You are on page 1of 7

Chasing the sun

By: Inksteady

"Announcement mamaya ng result ng battery exam. Sabay-sabay raw nating tingnan." Si troy

Huminga ako nang malalim para alisin ang kaba sa puso ko. The result would define my future.

"Kinakabahan ako..." ani Troy bago umupo sa tabi ni Mitzie. May dala siyang dalawang bote ng alak dahil
magsisimula na ata sila ni Duke.

Kami naman ni Mitzie ay kakain muna.

Baka hindi ako sagutin ni Chin kapag hindi ako nakapasa," dagdag niya pa.”

“Mas matakot ka sa Mama mo," natatawang sagot ni Duke bago magsalin ng alak sa baso niya.

Sasalinan na sana niya ng alak ang baso ni Mitzie ngunit iniilag ito ni Duke.

"Hindi siya iinom," ani ng lalaki bago tumingin kay Mitzie. "May orange juice sa baba. Ikukuha kita

"Akala mo talaga protective jowa ampota," sagot ni Troy bago tumawa.

Tumayo si Duke at nakita niya akong pinanonood sila. Tinapik niya lang ang balikat ko bago ako
lampasan. Ako naman ay naguguluhang bumalik sa upuan ko. What the hell did just happen

"Kayo ba?" tanong ni Troy pagkaupo ko. Kinabahan ako sa tanong niya. "Ha?" tanong ko bago namula.
"Ano… He chuckled. "Hindi ikaw, beb. Si Mitz." Lumingon siya sa katabi niya. "Napapansin ko kayo. Isang
buwan na rin... hay nako.

What was he saying? Anong sila? Kami!

Napakamot sa ulo si Mitz. "I-imbento ka!"

Nang makabalik si Duke ay may dala nga itong juice. Iniabot niya iyon kay Mitzie na tinanggap naman ng
huli

I breathed heavily. Ano na naman 'to?

Sinalinan ako ni Troy sa baso ko.

Nag-hintay ako ng pagtanggi ni Duke ngunit hindi iyon tumanggi

"Pwede akong uminom?" hindi napigilang bulong ko sa kanya.

He gave me a puzzled look. "Oo naman. Bakit hindi?"

Mahina akong tumango at diretsong ininom ang alak na nasa baso ko. Ni hindi ko pinansin ang pagguhit
nito sa lalamunan ko. My mind was bombarding me with yet another set of unwanted thoughts. I had no
idea they'd gotten closer during the month I was gone. Minsan ay may pinagkukwentuhan sila na hindi
ko inaasahang hindi ako makaka-relate
Isang buwan lang akong nawala pero parang ang layo na agad nila.

They talked about the time they went to a bar and a guy harassed Mitzie. Iniligtas din naman iyon ng
dalawa. They thrashed the man and sentenced him to community service. Pinag-usapan din nila ang
namuong romance kina Owa at Aseya. I didn't know that. Maging ang gigs ni Mitzie na pinuntahan nila
ay hindi ko alam.

I gulped as realizations gambled with my mind. Ang tanga ko naman para akalaing tumigil ang buhay nila
no'ng wala ako. I thought they were missing me every day. I thought they didn't have fun while I was
gone

I mentally laughed. Jokes on you, Sol. Don't think highly of yourself.

"Umamin nga kayo sa akin," seryosong saad ni Troy. "Sino bang girlfriend mo sa dalawang 'to, Duke?"

"Shut up, Troy," ani Duke. Ipinatong niya ang kamay sa hita ko kaya napatingin ako sa kanya. He slightly
shook his head. Parang sinisigurado ako.

"No'ng first year tayo, akala ko talaga si Solene." Tumawa siya. Alam kong medyo lasing na si Troy dahil
kung ano-ano na ang sinasabi niya. "Ang sweet niyo tapos siya lang ang pinapansin mong babae sa
school.”

Uminom ako at tinitigan si Troy.

"Pero ngayong third year, parang mas close na kayo ni Mitzie."

"Troy, lasing ka na," ani Mitzie sa lalaki.

He shook his head. "Alam ko namang wala kang karelasyon sa dalawang 'to. Nalilito lang ako, para
kasing meron." Sinabayan niya iyon ng pagtawa.

Muli akong uminom. Totoo, mas close nga silang dalawa ni Mitzie kumpara sa amin. I couldn't even tell
him my problems... and it was not like us. Kahit ang pinakapangit na problemang dumating sa buhay ko
ay alam niya. Pero ngayon, parang may mali. Parang hindi ko kayang magsabi sa kanya. At gano'n din
siya sa akin. He wouldn't tell me his problems. Ni sa iba ko pa nga nalaman na may problema ang
pamilya nila.

May sasabihin pa sana si troy ng biglang sumigaw si Duke na nakapasa raw siya sa battery exam. He was
smiling widely while looking at his phone. Nagkatinginan kami at nakita ko ang pagkislap ng mga mata
niya. He was happy.

At nagulat ako ng sumigaw rin itong si troy, pasa rin siya!

"The College of Engineering was delighted to have you for three consecutive years. However, your
scores did not reach our passing grade. We will show you your scores in the next few days. We were
sorry. We still hope for the best for you. Thank you."

I failed.
Nakarinig ako ng pagbagsak ng baso kaya napaangat ako ng tingin.

Mitzie was crying.

Inilapag niya ang cellphone sa mesa at nakita kong iisa ang mensaheng natanggap namin.

Bagsak din siya.

I sighed and held his hand. "Dito ka lang." I pleaded. "Please, dito ka lang..."

Kita ko ang gulo sa mga mata niya. Nawala ang sayang kanina lang ay nakapinta sa mukha niya. He
looked like he wanted to follow Mitzie, but because of me, he couldn't.

I smiled. "Sige na nga. Gawin mo na lang kung anong gusto mo..." my voice cracked. Dahan-dahan kong
binitawan ang kamay niya.

He looked at me apologetically. Eyes were regretful... as if he was torn.

Alam ko na agad kung anong gusto niya.

Alam ko na agad kung sinong pinili niya.

"She needs me, Sol..." he whispered. "I-I'm sorry..."

Tumango lang ako. Hindi ako makikipagkumpitensiya sa kanya, Duke. I need you, too, but I won't tell you
to choose me.

"Mas hindi niya inasahan 'to..."

Doon ako nadurog. He apologized again before running away from me.

Umiyak ako nang mag-isa sa rooftop nila. No one was there to comfort me. Kahit ang nag-iisang taong
inaasahan ko na yayakap sa akin ay tumakbo palayo para sa iba.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko.

I was so tired of being my own savior.

Umuwi ako sa bahay namin dahil hindi na sila nakabalik matapos ang ilang minuto. Walang bumalik para
sa akin. Walang bumalik para yakapin ako.

Sana ako na lang si Mitzie. Sana kaibigan na lang din ako ni Duke, hindi girlfriend.

Pag kagising ko ay naligo na ako at kumain

Habang kumakain ako ay biglang nag text si troy:

Troy Asungot:

MITZIE IS PLANNING TO TAKE HER LIFE! PUMUNTA KA NGAYON SA ENGINEERING BUILDING!

Isinarado ko ang bahay. Hindi ko na pinansin ang magkaibang pares ng tsinelas ko dahil sa pag-aalala!
Habang papunta ay nangangatal ako sa takot.

Mitzie... please, hold on.


Mabilis kong narating ang department namin. Maraming estudyante ang nakapalibot doon habang
nakatingala. Anim na palapag ang building namin pero tanaw ko si Mitzie na nasa dulo at handang
tumalon.

"Mitz, no!" sigaw ko kahit hindi niya ako rinig. I found that people were looking at me. I was a fucking
mess.

Hinawi ko sila at nagmamadaling umakyat sa taas. Sa pagmamadali at takot ay mabilis kong naakyat ito.

There I saw Mitzie, Duke, and Troy. Hindi makalapit ang dalawang lalaki kay Mitz dahil umiiyak siya.
Kaunting galaw na lang ay mahuhulog talaga siya.

Maraming estudyante ang naroon pero pinapanood lang nila kung paano pigilan nina Duke at Troy si
Mitz.

"Nasaan ang mga teachers?!" sigaw ko dahil sa galit. They should be here!"I-I don't know..." tanging
sagot niya.

Hindi pa ako kita nina Mitzie, Duke at Troy dahil hindi ko magawang lumapit. I couldn't stand this!

"Mitz, please, mag-uusap tayo... halika na," puno ng lambing na saad ni Duke. He was extending his
hand, trying to reach her.

"Shut up, Duke!" galit na galit na sigaw niya. "I don't need you! I don't need any of you!”

Troy didn't know what to do. He's approaching her, but she's just so dismissive. Nakakatakot na baka
kapag nagalit ito ay tuluyan siyang tumalon.

"Kayong lahat... 'wag niyo akong pigilan..." she uttered. A tear fell from her eyes.

"Hindi na ako magiging maayos! Pagod na pagod na akong maging disappointment ni Daddy!" She cried
harder. "I failed the battery exam!"

Nakarinig ako ng singhap mula sa paligid.

"And you know what he did?! He fucking disowned me! He said I'm a disgrace to our family!
Ipapatanggal niya sa family register ang pangalan ko!"

Tumulo ang luha ko sa sinasabi niya. She had a cruel father, and I didn't know that.

"He... kept on telling me na hindi niya ako anak... hindi niya ako tunay na anak dahil produkto ako ng
rape! He isn't my biological father because I'm the daughter of a rapist!"

"Mitzie, please..." pagod na saad ni Duke. "Come on, Mitz..."

"Stop acting like you care for me, Duke! Kay Solene ka lang may pakealam!"

Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pangalan ko.

"I care for you, Mitzie. Alam mo iyan," pang-aalo ni Duke.

"But you love her more!" sigaw niya. "Hindi naman kita gusto pero dahil kang nand'yan para sa 'kin,
hindi ko maiwasang mahalin ka! Dahil lagi mo akong pinipili kumpara sa kanya, nahuhulog ako sa 'yo!"
Habang naririnig ko ang singhap ng mga tao ay tumulo ang luha ko. No, Mitz, please, don't do this...

"Alam mo ba?! Noong binully ako, nakita niya ako pero hindi niya ako tinulungan!" galit na sigaw niya.

Tumubo ang hiya at guilt sa puso ko. She saw me.

"Tapos aarte siya na parang magkaibigan kami?! Now, tell me, Duke, do you love her?! Do you love
Sol?!" tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

"Mitz, 'wag kang ganiyan! 'Wag mong pagsasalitaan nang ganiyan si Sol!" sigaw ni Troy pero hinawakan
lang siya ni Duke.

He shook his head. "N-no, Mitz, I-I don't love her..."

Nakatingin na sa akin ang mga estudyante. Umiiyak lang ako habang pinapanood sila. He was just telling
that to pursue her, right? Sinasabi niya lang iyan para pakalmahin siya, hindi ba?

"Sinungaling! You two are together!"

Kita ko uli ang pag-iling niya. Bawat galaw ng ulo niya ay nadudurog ako. He was denying us... for her...
again.

"Is she better than me?!" tanong niya ulit. Nakatitig sa mukha ni Duke.

"Mitzie!" galit na sigaw ni Troy. "What's wrong with you?!"

Muli siyang pinatigil ni Duke sa pagsasalita. I was just there, watching all of them. Iyong mga kasama ko
kagabi... iyong mga nakatawanan ko sa room at sa canteen...

"You're the best, Mitzie... walang papantay sa 'yo," Duke answered. His voice was shaking.

I cried harder. Walang makalapit sa akin kahit na alam kong gusto nila akong aluin.

Nanatili ang determinadong mukha ni Mitzie. She was looking intently at Duke.

"Am I better?" mahinang tanong niya.

Nahihirapang tumango ang lalaki. "Oo, Mitz. Kahit kanino. You're always better."

"Kahit kay Sol?"

I cried even more. I knew I didn't want to hear this.

"Oo naman... kahit kay S-Sol."

"Tangina mo, Duke!" galit na sigaw ni Troy. "Pre, anong ginagawa mo?!"

Umiyak lang ako nang umiyak. Of course, she was better. She was smarter. She was prettier.

"Halika na, Mitzie," Duke uttered, but Mitzie shook her head.

"Sinong mas mahal mo sa amin ni Sol? Sinong mas importante para sa 'yo? Sinong mas gusto mong
makasama?" sunod-sunod na tanong niya.

Hindi ko makita ang mukha ni Duke kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya.
"Ikaw..." He sighed. "Ikaw lahat..."2

My knees gave up. Natulala lang ako sa kawalan, hindi alintana ang mga nakatingin sa akin. I could feel
my heart slowly tearing apart.

"Sinasabi mo lang iyan para pigilan ako!"

"No! Kung totoong mas gusto ko si Solene, sana noon pa lang, bago ka dumating ay niligawan ko na
siya..." he answered softly. "She isn't as good as you. She's nothing compared to you, Mitz..."

Duke, tama na, durog na durog na ako.

Dahan-dahan akong tumayo at mabagal na lumapit sa kanila. Ramdam ko ang tingin ng mga tao.

"Okay ka na ba, Mitz?" My voice cracked. "Did you get the validation you needed?"

Nagulat si Duke sa paglapit ko. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil alam niyang dinig ko lahat
ng sinabi niya. Bigla niyang tinalikuran si Mitzie at nilapitan ako.

He tried reaching for my hand, but I shoved him away.

Nanatili ang mga mata ko kay Mitzie. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, parang natauhan.

"Putangina, umpisa pa lang... umpisa pa lang alam mo na ang nararamdaman ko para kay Duke!"
nangangatal na saad ko.

Troy held my wrist, but I didn't care.

"Oo! Hindi kita ipinagtanggol dahil putangina, nasaktan ako! May picture kayo ni Duke na naghahalikan
pero hindi ka manlang nagpaliwanag!"

"S-sol..." naiiyak na tawag ni Duke sa akin ngunit itinulak ko lang siya. Nabasa ko ang labis na takot sa
mga mata niya.

"Mitzie, may narinig ka ba sa akin?! Wala!"

She couldn't look at me. Nakayuko lang siya. Bahagyang bumaba sa railings... ngunit wala na akong
pakealam. My heart was breaking...

Humarap ako kay Duke. May luha sa mga mata niya habang umiiling sa akin.

"B-baby, no..." hirap na hirap na saad niya. "S-sinabi ko lang yon..." laughed while tears were streaming
down my face.

"Oo, naiintindihan ko!" sigaw ko. "In order to save her, you have to fucking disrespect me!"

He shook his head. Basang basa ko ang halu-halong emosyon sa kanya. Takot, kaba, pagsisisi.

"Putangina, Duke, girlfriend mo ako eh..." Itinuro ko ang sarili ko. "Girlfriend mo ako pero ilang beses mo
nang ipinaramdam sa akin na mas mahal mo si Mitzie..."

"Sol... hindi..." Umiling siya nang paulit-ulit. "Sol..." nagmakakaawang tawag niya sa akin.
My hands were shaking in pain. Para akong mamamatay sa sakit na nararamdaman ko. Rinig ko ang
gulat sa paligid pero walang nagtanong.Tuluyang lumapit sa pwesto namin si Mitzie.

"S-sol," she called me in a terrified manner.

I laughed. "Ayan!" saad ko. "Napababa mo na! Okay na ba?"

Bumaba ang tingin ko sa magkaiba kong tsinelas... na sa pagmamadali ay hindi ko na nabago. I was
worrying about her tapos eto ang bubungad sa akin? I was worrying about her, and there they are,
making me feel useless.

"Oo, Mitzie. You're better than me. Mas matalino ka, mas maganda ka, mas mayaman ka... lahat ng
hindi ako. Maganda ang reputasyon mo sa school hindi kagaya ko na may mga issue."

I sobbed while looking at them. "P-pero tangina naman... kaibigan ko kayo eh," iyak ko. "B-bakit niyo ako
ginaganito?"

I stared at Mitzie. "Bagsak din ako sa exam pero ikaw ang pinuntahan ni Duke." Sumbat ko. "N-
nagmakaawa akong 'wag siyang umalis sa tabi ko... pero sinundan ka n-niya."

Niyakap ako ni Duke pero dahil sa gigil ko ay malakas ko siyang itinulak. Galit ako! Galit na galit ako! I
didn't need your hugs! I didn't need your comforting words!

"Ang galing mo!" sigaw ko sa kanya. "Para iligtas siya, kailangan mong lunurin ako!"

Iyak nang iyak si Duke, hindi na pinapansin ang mga tao sa paligid. Si Troy ay lumapit sa akin at hinihigit
ako pero hindi ako gumagalaw.

Walang nagsasalita sa kanila. Tanging ang iyak lang naming tatlo ang maririnig sa buong rooftop. Ang
mga tao sa paligid ay nanonood lang.

I composed myself and looked into his eyes. Siya iyong taong mahal na mahal ko simula no'ng nagkaisip
ako. I aligned my dreams for him. I took that program because of him. I was still holding on because I
knew I had him. Siya ang lahat sa akin pero hindi ako magiging sapat sa kanya.

"Sa lahat ng tao, Duke, ikaw ang hindi ko inaasahang sasaktan ako nang ganito..."

"Sol... please..."

I gulped. "Maghiwalay na tayo."

You might also like