Professional Documents
Culture Documents
by Kuyajen
COMPLETED
Soon to be published in Elf King Publishing House
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Third Series
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Prologue
"Hoy Desiree ano na naman ang ginagawa mo dito?" Nakangising tanong ni boss ng
makapasok ako. Ang Uncle kong Heneral pero kung umasta ay parang tambay lamang sa
kanto.
Nandito ako ngayon sa opisina niya upang ituloy ang naudlot kong pakay na
humingi ng leave.
"Yow, Uncle." Bati ko sabay fist bumb namin. Ang cool!
"Bakit nandito ka? Sana nagpakamatay ka nalang sa New York."
Napanguso ako. "Uncle naman imbes na congratulation ang isalubong mo sa'kin
parang hindi ka masayang nakabalik ako ng ligtas."
Humalakhak siya na parang may nakakatawa sa mga sinabi ko kahit alam kong wala
naman. "Hindi talaga ako masaya dahil sa sobrang katigasan ng ulo mo ay palaging
problema ang hatid mo sa'kin kapag nandito ka sa Pilipinas." Iginalaw niya pa ang
dalawang kilay. "If I know si Santez lang gumalaw sa inyong dalawa para matapos ang
mission." Kantiyaw niya pa.
Hindi ako naasar sa mga pinagsasasabi niya dahil alam ko sa sarili ko na malaki
ang naambag ko sa naging misyon namin ng isa ring agent na kapareha ko ng magtungo
kami sa New York n'ong isang linggo at ngayon kadarating ko lang.
Prente siyang nakaupo sa swivel chair niya habang suot suot ang kanyang
uniporme. Batang bata pa ang mukha ni Uncle dahil ito ang pinakabata sa mga kapatid
ni mommy. Ang nanay kong hindi ko alam kung saan na nagsuot at hindi magawang
magpakita sa'kin.
Oh well, wala naman akong paki sa kanya tulad ng palagi niyang ginagawa sa'kin,
ang iwan sa kung saan saan.
"Ewan ko sa'yo boss, kaya nagpunta ako rito para hingin na ang approval sa
leave ko, mawawala ako ng mga dalawang buwan."
Doon lamang nagseryoso ang kanyang mukha. Uncle mood talaga siya sa ganitong
bagay. Kahit naman kasi panay ang asar niya sa'kin at sinasabing mas masaya siya na
wala ako ay alam kong mahal niya rin ako. Siya ang tumayong ama at ina ko ng iwan
ako ng mga magulang ko.
Isa pa, sa halos sampung taon kong serbisyo sa kanya ay ngayon lang ako humingi
ng leave. Kilala ako bilang isa sa mga magaling na agent sa departamento namin
kahit na kalog at saksakan ako ng daldal dahil pagdating sa trabaho ay seryoso pa
ako sa salitang seryoso. Mahal ko ang trabaho ko dahil ito nalang ang meron ako na
maaari kong paglibangan para mailayo ang sarili ko sa kadramahan ng buhay ko.
"Bakit ba gusto mong magleave, and the heck Desiree Gale Ancho Park dalawang
buwan talaga?" Seryoso niyang tanong na ikinangiwi ko.
"Drop the Desiree, Ancho and Park boss pwede mo naman akong tawaging Gale,
nakakabakla ang pangalan ko at lalo naman ang middle at surename ko."
Hindi siya natinag, seryoso pa rin ang ipinupukol na tingin sa'kin na animo
binabasa ang laman ng kinakalawang kong utak.
"Bakit gusto mong magleave?" Ulit niya, napakamot nalang ako sa ulo.
"Personal matter boss."
Alam kong mas magpupumilit siya pero ayoko talagang sabihin ang dahilan. "Ano
nga? Hindi ko pipirmahan 'to kapag hindi mo sinabi sa'kin ang totoong rason." Tukoy
niya sa letter na hawak na niya ngayon, noong isang linggo ko pa iyon ipinasa pero
hanggang ngayon wala pa ring pirma.
"Ang daya mo naman boss ang usapan kapag natapos namin ang mission sa New York
na maayos at matiwasay ay papayagan mo akong magleave." Angal ko. Napag-usapan na
namin ito bago ako umalis pero sadyang makulit talaga siya.
"Not until you answer my question."
Nagtitigan kami ng ilang sandali at napabunting hininga nalang ako ng mapansing
hindi talaga niya ako papayagan kapag hindi ko sinabi sa kanya ang totoong rason.
"Cut!"
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko ng saktong pagpark ko ng motor ay
narinig ko ang sigaw na 'cut', meaning break muna. Pinagtitinginan ako ng mga taong
nakakita sa pagbaba ko sa motor ko, Ducatti!
Nginingitian ko sila habang taas noong naglalakad papalapit sa pinakalokasyon
kung saan natatanaw ko na si Anton na seryosong nagpupunas ng pawis ni Second.
Aba nga naman, ipinanganak talagang swerte ang mga Castillion, mga habulin na
nga ng mga babae dahil sa yaman, kagwapuhan at kapangyarihan dikitin rin ng maalaga
at mapagmahal na mga tulad namin ni Anton.
"Yow Anton, natututo ka na talagang lumandi a." Biro ko ng nakalapit sa kanila.
Sabay silang napalingon sa'kin, ang maamong mukha ni Second ay napalitan ng
pagkaseryoso bago ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Taas noo pa rin ako dahil alam kong pasado ako kung ganda ang pinag-uusapan.
Kung hindi ka naman maganda kapalan mo lang mukha mo para mahatak, at dahil maganda
na ako at makapal pa ang mukha dahil sa nag-uumapaw na confidence kaya naging dyosa
na ako.
"Sino ka?" Kunot noong tanong ni Second syaka umakbay sa walang emosyong
babaeng nasa tabi niya.
Astig talaga itong si Anton, mas makunat pa ata sa balat ng kalabaw ang puso
dahil hindi manlang nakaramdam ng kahit anong kilig.
Matamis akong ngumiti. "Bayaw, ako ang mapapangasawa ng kapatid mo."
Mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin, kay gwapong bata pero mas gwapo sa'king
mga mata ang aking Third.
"Sinong kapatid? May asawa na ang Kuya First ko, at ang iba ko pang mga kapatid
ay walang balak mag-asawa." Seryosong tugon niya.
Tinamaan ako ng panghihinayang dahil sa sinabi niya. Walang balak magsipag-
asawa e' napakaganda ng kanilang lahi.
"Ow, sige magpapalahi nalang ako."
"Sino ba ang babaeng 'yan King, kilala mo?" Napipikon na siguro kaya si Anton
na ang tinanong at ang isa ay simpleng tango lang ang sagot.
"Yeah, my friend." Labas sa ilong na tugon niya. Napakasama talaga ng babaeng
'to. Hindi ko nalang pinansin.
Inilahad ko ang kamay ko kay Second. "Desiree Gale Gotez Mendes Ancho Park-
Castillion, gan'on na rin ang magiging apelyido ko kapag nakasal na kami ni Third
my hubby."
Medyo napasinghap pa ako ng magliwanag ang mukha niya ng marinig ang huli kong
sinabi. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mailap sa babae ang dalawang
magkapatid na ito at mas close kaysa sa iba pang mga kapatid kaya talagang nagtaka
ako ng magliwanag ang kanyang mukha.
Usap-usapan sa showbiz industry na hindi marunong ngumiti ang isang 'to kapag
nasa harap ng ibang babae samantalang ang kanyang kapatid na si Third ay mabait sa
lahat 'yon nga lang mailap talaga.
"Si Third ang tinutukoy mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sabay silay ng
magandang ngiti sa mga labi niya.
Tumikhim ako bago sumagot. "Yup, so pwede tayong maging magkaibigan?" Sabat ko
agad. Aba, ayoko ng magpatumpik tumpik pa dapat daanin agad sa paspasan.
"Kakaibiganin mo ako para sumipsip at tulungan kitang mapalapit sa kapatid ko?"
Napatalon ako sa tuwa. "Nadali mo bayaw, so pwede tayong maging magkaibigan?"
Napawi ang pag-asa ko ng para itong batang yumakap kay Anton mula sa likod at
ilang ulit na umiling. "Ayoko, buhay niya 'yon kaya ayokong makialam pero ayos lang
naman na ligawan mo siya."
Napatulala nalang ako sa pagtanggi niya dahil ang buong akala ko talaga ay
ngumiti siya tanda na tutulungan niya ako 'yon pala balak lang chumansing kay Anton
habang ang babaeng harot naman na ito ay tinapik tapik lang ng malamyos ang braso
ni Second na nasa bewang niya.
"Kapag ako hindi sinagot ng kapatid mo dahil hindi mo ako tinulungan ilalayo ko
sa'yo si Anton at sisiguraduhin kong hindi mo na siya makikita ulit." Banta ko pero
birong lang naman 'yon gusto ko lang siyang inisin.
Muling sumeryoso ang mukha niya at bago pa siya makasagot ay tumalikod na ako
at muling bumalik sa motor ko. Nagwave ako ng kamay ko na parang miss universe
finalist sa mga taong nakasunod pa rin ang tingin sa'kin.
Sumampa ako sa motor ko at pinaharurot palayo sa lugar. Nak nang! Wala akong
napala ngayong araw, may jetlag pa ako galing sa biyahe pero mas pinili kong gawin
'to para mapalapit agad kay Third. Kapag talaga naging asawa ko na ang lalaking
'yon mata niya lang ang walang kissmark.
Magtatalik talaga kami na ihi lang ang pahinga para naman mabawi ko lahat ng
pagod at paghihirap na dinanas ko ngayon at sa mga susunod pang araw at linggo.
"Tsk. Tsk. Dapat talaga magkaroon ako ng trabaho sa loob ng kompanya niya para
mas lalong mapadali ang paglalapit namin." Suhestyon ko sa sarili.
Napagpasyahan kong dumaan na muna sa isang fast food chain para bumili ng
pagkain dahil simula ng umalis kami sa New York ay hindi na ulit ako nakakain.
"Excuse me."
Awtomatiko ang pag-arko ng aking kilay dahil sa pagbaba ko ng motor at papasok
na ako sa loob ng fast food ay may lalaking basta basta nalang bumangga sa balikat
ko dahil sa pagmamadali nitong pumasok.
"Fuck you!" Bulong ko, lumingon ito sa gawi ko dahil siguro sa pagkarinig ng
sinabi ko.
Please vote and comment. I hope magustuhan niyo ang story ni Gale and Third.
Thank you nga pala kay Desiree Gale Park sa pagpapahiram ng name. This story is
for you.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 1
"Fuck you!" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng babaeng hindi ko sinasadyang
mabangga ng papasok na ako dito sa pinakamalapit na fast food sa main building ng
CBE building.
Alam kong kasalanan ko dahil sa pagmamadali ko ay hindi ako naging maingat pero
hindi tama ang mga salitang narinig kong sinabi niya.
"What did you say Miss?" Kalmado kong tanong ng malingunan ko ang babae.
Nakatulala lamang ito at hindi nagawang sagutin ang tanong ko. Nagkaroon ako ng
pagkakataon na pasadahan ng tingin ang kabuohan niya dahil sa pagkatulala nito sa
kinatatayuan.
Nakasuot ito ng isang black silky fitted jeans na hapit na hapit sa slinder na
hita, sandong puti na hapit din sa perpektong hubog ng katawan. May itim na glove
itong suot na halatang gumagamit ng motor at isang killer high heeled leather
boots.
She's fucking hot with her innocent yet fierce get up.
Maamo rin ang mukha pero ang mga mata ay matapang kung tumitig. May kaliitan
ang hugis ng napakaganda nitong mukha. Sa isang tingin ay mapapasabi kang
napakainosente nito.
Black round eyes, cute pointed nose, long and seductive eyelashes. Bahagya ring
nakataas ang kanyang kilay kaya nagmukha siyang mataray sa likod ng inosenteng
mukha.
And her pouty lips na pulang pula na ngayon ay bahagyang napaawang. Napalunok
ako dahil sa sandaling pagtitig sa kanyang tila nang-iimbetang mga labi.
Yeah, fuck you Third!
Tumikhim ako dahil ang balak kong pagsungitan siya ay biglang naglaho ng makita
na parang anghel ang nakabangga ko.
Shit! Kailan pa ako bumase sa hitsura ng isang babae kung paano ako
makikitungo? Asik ko sa sarili.
Imbes na magsayang ng oras ay muli na akong tumalikod. Naalala kong kailangan
kong bumili ng makakain dahil kanina pa ako nagugutom.
Natigilan ako mula sa tatlong hakbang na nagawa ko dahil sa kamay na pumigil sa
braso ko. Nilingon ko ang may-ari n'on at hindi ako nagkamali ng makita ko ang itim
na glove sa kamay nito. Ang babaeng nakabangga ko, para siyang nahimasmasan mula sa
napakalalim na pag-iisip.
"Hubby!" Sabi niya na parang bulong lamang sa sarili ko nabasa ko sa konting
awang ng kanyang labi.
"Are you okay Miss?"
Napakurap kurap ito at nanlaki ang mga mata. "Putangina! Ikaw nga asawa ko."
Napaatras ako dahil sa biglaang pagdamba niya sa'kin ng yakap. Kinilabutan ang
buong katawan ko dahil ramdam na ramdam ko ang malulusog niyang mga dibdib na
dumidiin at sumasayad sa dibdib ko.
Sa pagkataranta ay mabilis ko siyang naitulak dahilan para mawalan ito ng
balanse at matumba sa sahig.
"My ass." Sigaw nito. "Ouch."
Doon lamang ako natauhan sa ginawa kong pagtulak sa kanya. Mabilis akong
lumapit lalo ng mapangiwi ito ng akmang susubukang tumayo.
"Hey, are you okay?"
"Buhatin mo ako." Utos niya.
Binuhat ko siya tulad ng gusto niya dahil alam kong mali ang ginawa kong
pagtulak sa kanya. Nagulat ako pero dahil babae siya dapat hindi gan'on ang naging
reaction ko.
Ibinaba ko siya sa isang bakanteng umupaan na pinakamalapit sa kinaroroonan
namin.
"Saan ang masakit?"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 2
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 3
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 4
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 5
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 6
Third POV
ABALA ako sa pagbabasa ng mga papeles na kailangang pirmahan base sa nagustuhan
ko at sa hindi. Napangiwi pa ako ng maramdamang may pawis sa noo ko.
Tss. This is Gaga's fault.
Nang dahil sa kanya ay may scarf ako sa leeg para takpan ang mga marka ng mga
kagat niya kahapon. Kung pumapatol lang talaga ako sa babae ay matagal ko na siyang
sinakal.
Napailing ako sa iniisip ko. I know I can't do that, kahit gaano ako kagalit o
kairita kapag babae ay hindi ko kayang saktan. I love my mom, my sister in law and
my niece so that's why.
Hindi nakakagwapo at nakakadagdag sa pagkalalaki ang pananakit ng babae.
"Yow, Kuya kong tigang." Bumaling ako sa pintuan ng opisina ko at doon nakita
ang nakangising si Fifth.
Tsk. One of my brother, the malibog.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
Naglakad siya papalapit sa'kin habang may yakap yakap na libro. Hindi iyon
ordinaryong libro dahil as usual ay konektado sa kalibugan niya. Hubo't hubad na
babae ang nasa cover n'on at mukhang proud na proud siyang iharap iyon sa kung sino
mang madadaanan niya.
"Well, nabored kasi ako kaya dinalaw kita. You know naman na madali kitang
mamiss, di ba." Sagot niya habang ginagaya ang boses ni Kris Aquino at sinundan
niya iyon ng halakhak.
Napapailing ako. "You're hopeless 'bro."
"Hopeless? Ako? Oh come on, araw araw akong nadidiligan kaya palagi akong
namumukadkad."
"Whatever you say just fucking shut up, as you can see I'm busy." Asik ko.
Natatawa lang siyang umupo sa visitor's chair na nasa harap ko. Napamura ako ng
bigla niyang hilahin ang scarf na nasa leeg ko.
"Puta, Kuya what with this black scarf? Sumali ka na ba sa pederasyon ng mga
bakla at bumaliktad ka na ng tuluyan? Walang Castillion na mahilig sa saging, puro
mani ang mga hilig natin." Dada niya pero napaawang rin ang labi at nanlaki ang mga
mata ng mapatigin sa leeg ko. "Oh oh, chikinene."
"Tsk. Gago, kiss mark hindi chikinene." Ang dumi ng bibig niya kapag gumagamit
ng mga salita.
"Tarantado, chikinene 'yan Kuya." Humagalpak pa siya ng tawa. "Akala ko talaga
saging na ang gusto mo mabuti naman at mani pa rin, sino may gawa niyan sa'yo?"
Umiling ako. "None of your business, ano bang ginagawa mo rito?"
Mas lalong lumapad ang ngisi niya at itinaas baba pa ang mga kilay habang
nakatingin sa'kin.
"Iyon nga, sabi ko kanina nabored ako kaya nandito ako para magbasa."
"Pumunta ka dito para magbasa bakit hindi ka nalang umuwi sa bahay at tumulong
kay mommy?" Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagpirma dahil kapag siya ang kaharap
alam kong puro kalokohan lang ang dulot niya.
"245 different sex position." Pagbabasa niya na agad ko ring ikinatingin sa
kanya. Hawak na niya ngayon ang dala niyang libro at nakaharap pa sa'kin ang cover
kung nasa ang babaeng walang itinago sa katawan.
Gale POV
KINABUKASAN ay nakascarf ako ng pumasok. Balot na balot ang leeg ko para itago
ang napakaraming marka na iniwan ni Intoy ko. Tangna! 'Yong lalaking 'yon mukhang
bampira hindi talaga ako tinigilan hanggat hindi ako umiiyak dahil dumudugo na ang
leeg ko.
"Ma'am bakit po kayo nakascarf mainit po ang panahon, ha." Pagkausap sa'kin ni
Kuyang guard.
"Walang basagan ng trip Kuya, kanya kanyang buhay kaya kanya kanyang trip."
Pagsusungit ko.
"Pasensya na ma'am." Napapakamot sa batok na sagot niya.
"Pasensya tapos uulitin niyo na naman dahil akala niyo lahat ng bagay pasensya
ang solusyon, aba kung pasensya lahat ng sasabihin kapag nagkamali ide sana hindi
na nag-alsa ng digmaan noong unang panahon." Asik ko.
"Si ma'am talaga mapagbiro."
Lalong umusok ang ilong ko dahil sa sinabi niya. "Mapagbiro? Iyon rin ang
tingin niya sa lahat ng effort ko. Akala niya lahat biro hindi niya alam na mahal
na mahal ko talaga siya at handa akong gawin lahat para sa kanya pero hindi niya
ako sineseryoso dahil akala niya mapagbiro ako." Naluluha na ako at bago pa
mangyari 'yon ay nagmartsa na ako papasok sa building.
Natigilan ako ng makita kung sino ang makakasalubong ko. Kapag sinuswerte ka
nga naman, makakasalubong ko ang kabit ng aking Intoy. Taas noong naglakad ako with
poise dahil hindi ako papatalo.
Chin up. Breast out. Stomach in. And tsunami walk with ipo ipo and high tide.
Maganda siya pero ako half beautiful, one fourth pretty and pure dyosa kaya
wala siyang say sa'kin.
Napatingin din siya sa direction ko kaya tumaas agad ang kilay ko. Nakangiti
siya sa'kin at parang kandidatong politiko ang pagiging mabait ng mukha niya. If I
know recycable 'yang ngiti niya parang 'yong mukha niya plastic din, galing kasi sa
plastic surgery.
"Hi Gale." Bati niya sa'kin with all smile kita na ang gilagid. Nakasuot siya
ng corporate attire at mukhang kagalang galang samantalang ako para g
magtatrabahong stripper. Keber!
"Anong Hi? Tsk. Wag mo akong simulan, duh I am a legal wife and you are just a
jumper." Inirapan ko pa siya.
"Jumper?" Takang tanong niya.
Ngumisi ako. "Oo jumper, as in 'yong nakikikabit ng kuryente ng walang paalam
sa tunay na may-ri in short kabit, nakikikabit, kumakabit, nakakabit at kakabit."
Umawang ang bibig niya at hindi alam ang sasabihin. "See? Natulala ka kasi alam
mong ako ang legal at illegal ka." Dugtong ko pa.
"Hindi mo pag-aari si Third." Aniya sa mabait pa ring paraan na lalo kong
ikinagigil.
"Anong hindi, ineng nadilaan ko na at nakagat at nasipsip na rin hindi ka naman
siguro sumasalo ng nilawayan na at kung sumasalo ka man goodluck kasi hindi ko siya
ihuhulog sa'yo."
Doon na tumaas ang kilay niya na ikinatawa ko. Sabi ko na nga ba nasa bumbunan
niya ang sama ng ugali, unang kita ko palang sa kanya sa office ni Intoy ko ay
hindi ko na gusto ang presensya na.
"Are you insulting me?" Mataray niyang tanong.
"Oh, hindi pa ba halata? Gusto mo inform kita?" Tinignan ko siya mula paa
hanggang mukha gamit ang nakakainsultong tingin. "Iinsultuhin kita ha?" Pagpapaalam
ko sa kanya at ng hindi siya makasagot ay nagpatuloy ako. "Mukha kang tunog ng
martilyo."
"What? Tunog ng martilyo? Are you kidding me?" Ginawa niya rin ang tingin na
ginawa ko sa kanya kanina.
"That's how I say pokpok in a nice way." I smirk at iniwan siyang nakanganga.
Ang slow.
Tumuloy ako sa opisina ng Intoy ko habang may dala akong breakfast na ako mismo
ang nagluto. Ika nga,a way to a man's heart is through masturbation. Pero joke
lang, napahagikhik ako hanggang sa makarating ako sa pinto ng opisina niya.
"Pasok nalang po kayo ma'am, malakas kayo sa'kin e." Napangiti ako lalo ng
makita si Rico na nasa cubicle niya meaning hindi siya nasesante.
"I know, I know." Natatawang sagot ko at tuluyan ng pumasok.
"Pangatlong posisyon, woman on top. Ang sarap nito." Tuwang tuwang sabi ni
Fifth ng maabutan kong nababasa siya habang si Intoy ko ay halatang inis na.
"Woman on top looks impressive. From time to time, men like to stay passive
while sexual intercourse: now they can relax and observe their female partners,
taking a paramount pleasure of everything that is happening over here. Also it is
quite important for women to be on top, at least because now they are able to set a
pace, control the deepness of entry and other technical details of sexual
intercourse." Napatingin ako sa cover ng libro ni Fifth at napangisi.
"Good mornig Intoy ko and bayaw." Sigaw ko habang nakadipa kaya nagulat sila.
Napahagikhik ako.
"Stop shouting!" Sigaw sa'kin pabalik ni Intoy ko kaya napasimangot ako.
"Intoy naman." Ungot ko habang naglalakad palapit sa kanya.
"What the! Intoy? Ang bantot ng endearment na 'yon." Natatawang sabat ni Fifth.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mabantot 'yon, nakuha ko 'yon sa isang kanta.
Siya ang Intoy ko at ako ang Inday niya."
"Saang kanta?" Takang tanong ni bayaw.
"Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na
Umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita
Makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin
At sabihinIpaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na Inday sa'yo at Intoy akin lamang."
Nagkatinginan kami ni bayaw at sabay na humagalpak ng tawa samantalang si Intoy
ko ay masamang masama ang tingin sa'kin.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 7
Gale POV
NAGLALARO kami ni Fifth sa cellphone namin ng mini miletia dito sa loob ng
opisina ni Intoy ko. Pagkatapos naming kumain ng agahan ay hindi muna ako umalis
dahil mamaya pa naman ang ere ko sa trabaho.
Samantalang si Intoy ko ay bumalik sa pagtatrabaho, actually kanina niya pa
kami nataboy ni Fifth pero parehong matigas ang ulo namin kaya hindi kami umalis.
"Mamamatay na ako!" Natatawang sigaw ni Fifth. Napangisi ako habang tinatadtad
ng bala ang character niya. Magkalaban kami at ikalawang round na 'to hindi siya
manalonalo sa'kin.
"Puro ka lang bayag bayaw mahina ka." Kantyaw ko.
"Talo talo na 'to bayaw." Sinipa niya ang kamay ko na nagkokontrol sa pagbaril
kaya muntik ko ng mabitawan ang cellphone.
"Shit ka maduga ka." Tawa ako ng tawa habang binabaril niya ako pabalik,
nakatama lang siya dahil sa nawala ako sa focus.
Sinabunutan ko siya dahil sa ginawa niya at napahagalpak ako ng tawa ng mamatay
ang character niya. Para siyang nalugi dahil talo na naman siya.
"Ano ba naman 'yan hindi manlang ako pinagpawisan." Umiiling iling pa ako para
mas lalo siyang maasar.
"Isa pa at sa pagkakataong ito tatalunin na kita." Pagyayabang niya pa rin
kahit kanina niya pa 'yon sinasabi sa'kin.
Tumango ako. "Sige ba ng malampaso ulit kita."
"Yabang mo." Asik niya kaya binigyan ko siya ng ngising mapang-asar.
Magkaharap kaming nakaindian sit sa couch na nasa gilid ng office medyo malayo
kay Intoy ko.
Nagsimula ulit kaming maglaro. Kalmado lang ako dahil kitang kita ko na ang
pagngigigil ni Fifth, hindi ako magaling sa larong ito pero mas hindi siya marunong
kaysa sa'kin kaya lagi siyang talo.
"Barilin mo, barilin." Sabi niya habang panay pindot sa screen ng cellphone
niya.
Iniiwas ko ang character ko at nagtago sa bato habang siya panay ang sugod. At
nang makita kong wala na iyong tataguan ay inilabas ko ulit at sinalubong sa siya
ng pakikipagbarilan.
Natawa ako ng makita nanlaki ang mata niya sa strategy ko.
"Waaaaaah! Hindi ako pwedeng mamatay." Sigaw niya. Bigla niya akong dinamba
para kunin ang cellphone ko pero iniwas ko 'yon kaya bumagsak siya sa sahig. Halos
mamilipit na ako kakatawa dahil ang isip bata niya.
Ipinagpatuloy ko ang pagbaril sa kanya para mamatay ang character pero dinamba
na naman niya ako. Dinaganan niya ako habang tutok siya sa cellphone niya at
gumagante ng pagbaril. Hinihila niya ang braso ko pero nagmatigas ako.
"Madaya ka." Sigaw ko sa kanya.
"Walang madaya kapag gustong manalo." Nakangising sagot niya at pilit na
hinihila ang braso ko para makuha ang cellphone. Umiwas ako kaya sabay kaming
nahulog sa couch, nadaganan niya ako pero mas inuna ko ang pagbabantay sa cellphone
ko at gumapang palayo sa kanya.
Gumugulong na ako kakatawa pero itinuloy ko ang pagbaril sa kanya hanggang sa
mamatay ang character.
"Woaaaah! Boom sabog." Kantiyaw ko.
"Bakit hindi ako namalo sa'yo?" Inis niyang sabi at napatili ako ng hinila niya
ang paa ko. Sinipa sipa ko siya.
"Panalo ako kaya akin na 'yong libro." Tugon ko, pustahan namin na kung ako ang
manalo sa laro ay ibibigay niya sa'kin ang libro na binabasa niya kanina pero kapag
siya ay nanalo ililibre ko siya ng lunch sa loob ng isang linggo.
"Ayoko nga baby ko kaya 'yon." Angal niya. Hila hila niya
pa rin ang paa ko. Sinabunutan ko siya dahil sa inis.
"Maduga ka." Sabi ko. "Hoy hoy 'yong panty ko nakikita na." Natataranta kong
hinila ang dress ko pababa dahil ang ungas ng bubuso.
"Wala naman akong makita." Pang-aasar niya.
Dahil sa inis ko ay kinagat ko siya sa pisngi. Sumigaw siya at nabitawan ako
kaya mabilis akong tumayo. Nang makita ko ang mukha niyang namumula ay napahagalpak
ako ng tawa.
Natigil kami sa ginagawa ng makarinig kami ng pagkabasag. Napalingon kami sa
pwesto ni Intoy ko, masamang masama ang tingin nito at nakakatakot ang anyo habang
pinupulot ang bubog ng name plate nito na nakapatong kanina sa mesa.
Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ako papalapit sa kanya at nawala bigla ang
atensyon ko sa cellphone ko na mabilis na naagaw ni Fifth.
"Ako na." Sabi ko at akmang aagawin ang mga bubog sa kamy niya ng bigla niya
akong itulak.
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdamang may tumusok sa kamay na naitukod ko para
hindi ako tuluyang mapatumba. Napangiwi ako ng makitang may bumaon na bubog doon.
Mabilis ko iyong ikimuyom para pigilan ang pagdurugo at para hindi na rin niya
makita.
"Get out of here!" Biglang sigaw niya. Hindi ako natinag kahit pa para siyang
papatay sa sobrang sama ng tingin sa'kin. "Bullshit! Aalis ka o ipapakaladkad kita
sa mga guard? Wag na wag ka ng aapak dito sa opisina ko. Konting respeto naman sa
may-ari hindi 'yong dito ka pa tumambay para makipaglandian."
Doon na ako natigilan dahil sa mga sinabi niya. Hindi ako nagpahalatang
nasaktan sa mga sinabi niya, walang wala ang pagbaon ng bubog sa kamay ko sa mga
salitang sinabi niya.
Mariin kong kinagat ang dila ko habang pinagmamasdan siyang padabog na inipon
ang bubog. Pariin ng pariin ang pagkakakagat ko para pigilan ang emosyon na
lumulukob sa'kin. Aba, hindi ako dapat umiyak sa harap niya kahit para akong
sinaksak sa huli niyang salita.
"Ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na or I'll fire you." Asik nito.
Kahit ayaw ko ay tumayo ako at humakbang palabas ng walang lingon sa kanya.
Ayokong makita ang sakit na ibinubuga ng mga mata ko. Wala akong ideya kung bakit
galit na galit siya sa'kin gayong wala naman akong ginawang mali.
"Ma'am, d-dumudugo po ang kamay niyo." Hindi ko nilingon si Rico, nagtuloy
tuloy lang ako sa paglabas. Kinuha ko ang scarf na nasa leeg ko at itinali iyon sa
sugat ko para hindi na ako makagawa ng eskandalo.
Tumuloy ako sa parking lot kung nasaan ang motor ko. Bago sumampa doon ay muli
kong binaklas ang scarf ko sa kamay, napangiw ako ng biglaan kong hinugot mula doon
ang bubog. Mas lalong rumasa ang dugo lalo at may kalakihan ang babasagin na bumaon
doon.
"Bayaw." Napatingin ako sa entrance ng CBE at doon nakita kong tumatakbo
palapit sa'kin si Fifth. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Samantalang ako ay
mabilis na ibinalik ang pagkakatali ng scarf sa kamay ko, wala na akong pakialam
kahit makita ng ibang tao ang hikey ko.
"Wazzup bayaw?" Ngumisi ako ng makalapit siya. Tinitigan niya ako ng ilang
minuto bago humugot ng malalim na buntong hininga.
"Cellphone mo." Iniabot niya sa'kin ang cellphone ko.
Agad ko naman iyong kinuha sa kanya. "Oo nga pala nandito pa naman ang mga
picture ni Intoy ko." Tumawa pa ako.
"Are you okay---"
"Next time don't ever ask me that kind of question, kalaban ko sa buhay ang
ganyang tanong." Tinapik ko ang balikat niya bago tuluyang sumampa sa motor ko at
binuhay ang makina n'on. "Ge, una na ako. See you when I see you bayaw." Tuluyan ko
ng pinaharurot ang motor ko na hindi hinihintay ang sagot niya.
Chapter 8
Twenty comments before the first update. :) kapag hindi umabot sa kota ititigil ko
muna 'to.
-kuyajen
Gale POV
"DALIAN mo Inday ikaw na ang susunod." Tawag sa'kin ng manager ng mga dancer dito
sa bar.
Yes, pumasok ako bilang stripper dahil doon ko sisimulan ang plano ko. Madali
lang akong nakapasok dahil nasa akin lahat ng qualification nila. Maganda.
Nakakaakit. Sexy. Magaling sumayaw. Matangkad. At higit sa lahat dyosa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa ganito trabaho dahil hindi
rin ito ang unang pagkakataon na humawak ako ng ganitong kaso. Kapag kasi ganito
ang trabaho ay malaya kong malilibot at mamamanmanan ang mga tao sa paligid at
buong lugar.
"Susunod na madame." Sagot ko.
Inayos ko ang sarili ko. Sinigurado kong makapal at nakakaakit ang nilagay kong
make up. Pulang pula ang lipstick ko tulad ng kulay ng suot ko. Kulay pulang lacy
bra at panty ang suot na napapalibutan ng mga kumikintab na pala muti, pinatungan
ko iyon ng black see through robe habang seven inches black stiletto ang ipinares
ko.
"Naku Inday napakaganda mo naman, siguradong pagkakaguluhan ka ng mga costumer
lalo at bago ka at mukhang sariwa." Tuwang tuwang puri sa'kin ng kasamahan ko na
nagngangalang Theria. Siya agad ang nakipagkilala sa'kin ng malamang dito na ako
magtatrabaho.
Iday ang ipinakilala kong pangalan dahil ang alam ng lahat ay isa akong
probinsyana na nagipit dito sa kamaynilaan kaya napilitang kumapit sa patalim at
tulad sa lagi kong ginagawa ay naniwala sila.
"Ako pa ba, dyosa 'to kaya dikit ka palagi sa'kin para mahawaan ka." Biro ko,
magtawanan kami habang abala ako sa pag-aayos ng curly kong buhok na kinulayan ko
ng silver. Lalo tuloy akong gumanda.
"Ikaw na Inday." Tawag ulit sa'kin kaya tumayo na ako, umakto pa akong nahihiya
at napipilitan para on character.
"Umayos ka nga." Iritang tugon sa'kin ng manager dahil mukha akong teenager na
hindi kilala kong ano ang porn. In short innocent kuno.
Hinila niya ako at pinagtulakan palabas ng stage. Sumalubong sa'kin ang
nakakasilaw na ilaw at ang hiyawan ng mga tao, lalo ng mga kalalakihan.
Puta! Ang swerte nila makikita nila ang ganda ng katawan ng tulad kong dyosa.
Nahiya nga si Aphrodite sa taglay kong alindog, balak ko na sana siyang palitan sa
pwesto niya bilang goddess of love and beuaty kaso busy ako kaya hindi naituloy ang
impeachment niya.
"Woah! Ang hot!"
"Wow pre bago mukhang sariwa."
"Akin 'yan, magwawaldas ako ng pera para ikama 'yan."
Iba iba ang komento ng iba ng makita ako. Parang mga tigang kung pumuri.
Napangisi lang ako sa loob loob ko.
Nagsimulang pumailanlang ang maharot na musika. Versace on the floor ni Bruno
Mars na may sexy and erotic rendition. Sinabayan ko 'yon, kung gaano kalandi ang
lyrics ay gan'on ko rin kalanding sinayaw. Dahan dahan kong iginigiling ang
balakang ko habang ang mga mata ko ay pasimpleng nakamasid sa paligid dahil
kailangan kong masimulan kung ano talaga ang pakay ko sa pagpasok dito.
Let’s take our time tonight, girl
Above us all the stars are watchin�?
There’s no place
I’d rather be in this world
Your eyes are where
I’m lost inUnderneath the chandelier
Oooh take it off for me,for me, for me, for me now, girl
It’s warmin�? up
Can you feel it?
It’s warmin�? up
Can you feel it?
It’s warmin�? up
Can you feel it, baby?
It’s warmin�? up
Oh, seems like you’re ready for more, more, more
Let’s just kiss ’til we’re naked
Versace on the floor
Ibinaba ko ang strap ng bra ko hanggang na parang hinuhubad pero hindi ko
hinayaang mahulog iyon. Aba, stripper lang ang tawag sa'kin pero hindi ako
nagpapakita ng mga pribadong parte ng katawan ko. Duh, kahit bayaran ako ng milyon
ay hinding hindi ko tatangkaing gawin 'yon. Well, in a second thought pwede naman
kung si Intoy ko ang kaharap, kahit walang bayad para akong globe. Go lang ng go.
Biglang tumayo ang isa sa kanila, nakabusiness suit iyon at malaki ang
pangangatawan. Nakangisi siyang naglalakad papalapit sa'kin. Akmang hahawakan niya
ang hita ko ng pasimple akong humakbang paatras, hindi halatang umiwas ako dahil
parang parte iyon ng step ko.
"You are so hot darling." Puno ng pagnanasang sabi nito. Ngumiti lang ako dahil
bakas na bakas sa mga mata niya ang pagnanasa. "Later baby I will take you in my
bed." Sabi pa nito at kagat labi akong tinitigan mula ulo hanggang paa at tumigil
ang tingin niya sa boobs ko.
Lihim akong napatiim bagang dahil sa sinabi niya kung nasa ibang sitwasyon lang
ay mawawala ng wala sa oras ang pinakaiingatan niya. Pinaalalahanan ko ang sarili
ko na kumalma dahil baka mabulilyaso ang plano ko.
Bumalik ito sa pagkakaupo sa kinaroroonan kanina pero hindi inalis sa'kin ang
puno ng libog na mga tingin.
Fuck boy ang gago!
Hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin ulit sa gawi nila Intoy ko
dahil ramdam ko ang talim ng mga mata niya. Kahapon nga nasabihan ako ng
nakikipaglandian kahit wala naman akong ginagawa ngayon pa kayang halos maghubad na
ako sa harap ng mga lalaki.
Siguradong nasa isip na niya ang imahe ko bilang babaeng bayaran at kahit gusto
ko mang itama ang marumi niyang iisipin sa'kin ay hindi na muna ngayon. Nasaktan
ako sa naging paratang niya sa'kin so why not prove to him that he's right.
Dalawang achievement sa iisang plano.
Hey baby
Take it off for me, for me,for me, for me now, girl
Versace on the floor
Oooh take it off for me, for me,for me, for me now, girl
Versace on the floor
Floor,
Floor
Nang matapos ang musikang sinasabayan ko ay agad na akong umalis sa stage at
bumalik sa back stage. Hindi na ako nag-abalang pulutin ang mga papel na perang
ibinabato sa'kin ng mga costume habang nagsasayaw ako. I don't need their money
dahil marami ako n'on. Though this is the high end bar ay may gan'ong eksina rin.
"Gosh, ang hot mong sumayaw Inday for sure maraming magkakandarapang mga
costumer sa'yo." Bungad sa'kin ni Theria na nakasabayan ko sa pagpasok sa dressing
room.
"Bayaan mo sila hindi naman ako mag-eentertain." Kalmadong sagot ko kahit ang
totoo ay hindi ako mapakali dahil sa sobrang kaba ko. Ito talaga ang epekto sa'kin
ng Intoy ko.
"Mabuti nga at hindi ka pinaghuhubad dahil alam ni madame
na hindi mo pa kaya 'yon." Aniya, hindi tulad ko halos lahat ng mga dancer dito ay
naghuhubad kapag sumasayaw. Ang mga baguhan lang ang may consideration dahil ang
rason hindi pa sanay.
"Kahit naman kaya ko hindi ako maghuhubad." Sagot ko.
Kumuha ako ng short at sando sa bag na dala ko at mabilis iyong isinuot dahil
nilalag na ako. Fully aircon ang buong lugar kapag hindi pa ako nagdamit ay
maninigas ako.
"Tama na 'yang chika niyo, ikaw Theria sa table four ka at ikaw naman Inday may
gustong magtable sa'yo, siya 'yong anak ng may-ari ng bar na 'to kaya kapag
nagkataon ay tiba tiba ka." Litanya ni Madame na siyang kakapasok lang.
Agad namang tumalima si Theria kaya naiwan kaming dalawa.
"Madame ang usapan po natin ay sasayaw lang ako at hindi mag-eentertain ng
kahit sinong lalaki." Rason ko. "Duh, virgin pa ako manang kaya ayoko.".
Kumumpas siya sa harap ng mukha ko gamit ang namimilantik na mga daliri.
"I know, ngayon lang naman dahil nakakahiya naman sa anak ng amo natin." Pilit
niya pero umiling ako.
"Wala po akong pakialam kahit siya pa ang presidente ng Pilipinas basta ayoko
tapos."
Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip. "Gusto mo bang mawalan ng trabaho?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Mariin akong napapikit, kapag natanggal ako sa
trabaho ay hindi ko maisasakatuparan ang plano ko. Wala ng ibang paraan na
makapasok ako dito dahil hindi naman ako pwedeng maging bouncer at lalong hindi ako
pasado sa pagbabarista dahil hindi ako marunong maghalo ng alak. Syaka kapag
natanggal ako tyak na hindi na ulit ako matatanggap.
Muli akong dumilat at sinalubong ang tingin ni Madame na nakamasid lang sa'kin
habang mataray pa rin ang tabas ng mukha.
"Okay, sige na nga pero ngayon lang ha?" Paninigurado ko.
Napapalakpak pa siya. "Sure sure, sadyang gustong gusto ka lang talaga ni boss.
Nakuha mo sa paversace mo." Aniya na tuwang tuwa na.
Naiiling akong sumunod sa kanya palabas. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos
dahil wala naman akong paki sa costumer ko. Napairap ako.
Nakakainis! Ayoko na nga sanang lumabas sa dressing room dahil nandito si Intoy
ko baka tuluyan akong mabusted sa panliligaw ko.
"Boss nandito na po siya." Masiglang tugon ni madame ng tumapat kami sa isang
table sa pinakasulok na parte, medyo madilim dito.
Napataas nalang ang kilay ko ng makitang ang tinutukoy ni madame ay 'yong
lalaking nakasuit kanina na lumapit sa'kin habang nagsasayaw ako. Kaya pala malakas
ang loob dahil anak ng may-ari.
"Good evening sir." Labas sa ilong na bati ko kaya siniko ako ni madame,
pangiwi akong ngumiti.
"Good evening to you too young lady." Nakangising balik bata niya habang ang
mga mata ay nasa hita ko.
"Sige po boss maiwan ko na kayo."
Hanggang sa makaalis si madame ay nakatayo lang ako sa pinag-iwanan niya
sa'kin. Pinagmasdan ko ang lalaki.
Tsk. Walang wala sa kakisigan at kagwapohan ng Intoy ko.
"What's your name?" Tanong nito.
Medyo pasigaw ang pagtatanong niya dahil sa malakas na disco music na
sinasabayan ng mga tao. Naipon na sila sa dance floor at parang mga hayop na
nakawala sa kulungan dahil kulang nalang magwala. Mga lasing na.
"Inday." Yamot na sagot ko.
"Inday?"
"Inday Dyosa, may asawa at isang dosenang anak. At ngayon na naman at buntis,
naglilihi." Sagot ko. Lihim akong mapangisi ng hindi siya makapagsalita ay halatang
natigilan. Kailangan kong magsinungaling at supalpalin siya para tantanan ako.
"Mahal na mahal ko ang asawa ko at hindi ako nagbebenta ng katawan." Dugtong ko pa.
"Kung gan'on ay bakit ka nagtatrabaho dito?" Tanong niya ng makabawi.
"Para may ipakain sa mga anak."
Akala ko ay titigilan na niya ako pero tahimik akong napamura ng tumayo ito at
bigla akong hinapit sa pamamagitan ng pagpulupot ng braso sa bewang ko.
"Hindi naman virginity mo ang habol ko, mukha ka namang parang walang anak so I
still want to fuck you babayaran kita ng malaki. I hope magaling ka sa kama dahil
nakadose ka ng anak." Arogante niyang tugon.
Para akong sasabog sa inis dahil sa mga sinabi niya. Hindi naman ako nainsulto
dahil wala namang katotohanan ang mga sinabi niya pero naiinis ako sa lalaking
tulad niya na walang galang sa babae.
Ngumisi ako at mahigpit na hinawakan ang mga braso niya na nasa bewang ko.
Kahit malaki siya ay nakita ko ang pagngiwi niya sa higpit ng hawak ko para
mabaklas iyon. I'm am agent kaya kahit gaano siya kalaki hindi siya uubra sa'kin.
"Magaling ako sa kama pero ang performance ko ay para lang sa Intoy ko." Nang
tuluyan kong matanggal ang kamay niya sa'kin ay binigyan ko siya ng matamis na
ngiti. "Magsarili ka nalang ng mailabas mo 'yang libog mo."
Tinalikuran ko na siya. Sa pagtalikod ko ay nakita ko namang nakatingin sa gawi
ko si Intoy ko, nakita ko ang disappointment sa mukha niya na umiling at naglakas
palabas ng lugat.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 9
"Loving someone who can't love you back is like stabbing a knife on your chest with
your own hands. Para ka na rin kasing nagpakamatay, para mo na ring pinatay sa
sakit ang puso mo. Sobra kang masasaktan, sobra kang magseselos, at sobra sobra
kang aasa kahit wala kang karapatan.
Lihim na mawawasak ang puso mo pero wala kang karapatang dumaing dahil ikaw ang
nagmamahal samantalang siya hindi ikaw ang mahal.
That is the most painful reality about one sided love. Hihintayin mo nalang na
mapagod ang puso mo at ikaw na mismo ang sumuko pero hanggat hindi nangyayari 'yon
ay lulunurin ka ng sarili mong luha at wawasakin ka ng iyong pagkabigo.
Thank you for listening, I am DJ Inday ang pinakamagandang inday sa balat ng
lupa. Nagsasabing, hindi katangahan ang ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hind ka
mahal dahil ang katangahan ay 'yong may nararamdaman ka pero hindi mo ipinapakita.
Oh, right!
The next song requested by one of our listeners, titled Dive by Ed Sheeran."
Nang matapos ang ere ko ay agad akong tumayo at naglakad papunta sa rest room
dahil para akong nahahapo. Nakakainis naman kasi, isang linggo na akong lutang
dahil isang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Intoy ko. Simula ng encounter
sa bar ay hindi ko na siya nakita ulit doon.
Dito naman sa company niya ay nakikita ko lang siyang papasok sa elevator na
madalas hindi ko maabutan. Sinubukan ko rin siyang puntahan sa office niya pero
pinagbabawalan akong pumasok doon. Kahit si Rico ay hindi ko napakiusapan dahil
talagang magagalit daw ito at tatanggalan siya ng trabaho. Ayoko namang mandamay
kaya hindi na ako nagpumilit.
Ang tangi ko lang nagagawa ay padalhan siya ng pagkain na nabalitaan ko pang
itinatapon lang sa basurahan kundi naman ay ibinibigay kay Rico.
"Argh, bakit mo ako pinapahirapan?" Inis akong napasabunot ng buhok dahil sa
frustration. Nakatitig lang ako sa reflection ko sa salamin.
"Intoy ko, Intoy ko, Intoy ko anong dapat kong gawin?" Tanong ko sa sarili,
naghilamos ako dahil bakas na bakas na sa mukha ko ang labis na pagod.
Sa umaga dito ako sa CBE kapag naman gabi nasa bar ako at madalas at madaling
araw na kung umuwi dahil iniinspection ko muna ang buong lugar bago umuwi.
At isang linggo na pero wala pa rin akong nakikitang kakaiba sa bar na 'yon.
Wala akong nakikitang nagbebentahan ng droga.
Bumukas ang pinto ng rest room at nakita ko sa pamamagitan ng salamin ang
babaeng pumasok. Mas lalo akong nadismaya ng makitang si Miss reporter 'yon. Siya
palagi ang kasama ni Intoy ko at naiinis ako dahil nauungusan na niya ako.
"Oh, look who's here the great stripper." Pasaring agad nito makita ako. Hindi
ko iyon pinansin dahil may mas mahalaga akong bagay na dapat intindihin at hindi
siya kasali sa mga bagay na 'yon. "Lakas makapanghusga na pokpok ako siya naman
pala 'yong nagbebenta ng laman sa mga lalaki para magkapera lang." Sabi niya pa.
Inignora ko ulit.
"Ang kapal ng mukha na akitin si Third bayaran naman pala siya." Tumayo siya sa
tabi ko at inilabas ang lipstick mula sa pouch. Inignora ko ulit.
"Ang mga desperada nga naman gagawin ang lahat mapabingwit lang ng malaking
isda." Nagtimpi lang ako, kuyom ko na ang kamao ko at isa nalang game ball na 'to.
"Hindi siya mahal ni Third at pati si Fifth ay nilalandi niya rin mabuti nalang
ay hindi pumapatol sa kanya. Duh, Castillion brothers pa talaga ang gustong
ibiktima. What a whore---"
"Nakakapagod ang?"
"Ang maging maganda dahil madala akong habol habulin ng mga lalaki."
Natawa na naman kami dahil sa sarili kong kalokohan. Masarap kausap itong si
Rico dahil kahit medyo nerdy ay may sense of humor.
"Sya nga pala ma'am naghihintay na po sa'yo si Mr. President." Pagkuay sabi
niya. Tumango ako at nakipagfist bumb sa kanya bago tuluyang binalingan ang pintuan
ng opisina ng Intoy ko.
Ihinanda ko ang masayang masaya kong ngiti at walang katok na binuksan ko ang
pintuan.
"Good afternoon everyone I am Inday the Dyosa, twenty eight na nagmula sa Mt.
Olympus bumaba sa lupa at naghasik ng kagandagan. Naniniwala sa kasabihang, hindi
lahat ng ahas ay nasa gubat ang iba ay nasa harap ko lamang. And I thank you."
Pasigaw kong sabi habang nakapamewang na parang beauty queen na sasabak sa Ms.
Universe.
Confident akong naglakad papalapit sa kanila habang kumakaway wearing my close
up smile. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang naabutan kong eksina.
Magkayakap silang dalawa sa visitor's chair habang umiiyak si Ms. Reporter.
Mamaya ko nalang iindahin ang sakit.
"What is it this time Ms. Park?" May pagtitimping bungad ni Intoy ko.
Ms. Park? Puta! Mas gugustuhin ko pang tawagin niya akong gaga kaysa ganyan
siya kapormal.
Naglakad ako papalapit sa kanya para bigyan siya ng halik sa pisngi pero bago
ko pa man 'yon may itinulak niya ako. Malakas ang pagkakatulak niya kaya natapilok
ang isa kong paa dahil na rin aa taas ng heels ko. Pinagsawalang bahala ko 'yon
kahit ramda kong parang nabali ang sakong ko.
"I miss you." Nakangiti kong bati sa kanya, itinago ko sa ngiti ko ang pagkirot
ng paa ko.
"Stop that nonsense! You may sit." Lumayo siya sa'kin at pormal na umupo sa
swivel chair. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa umiiyak na
babae sa harap niya.
Hindi ko sinunod ang sinabi niya dahil kapag iginalaw ko ang paa ko ay
siguradong matutumba ako sa sakit.
Pero mas masakit pa rin talaga ang puso ko.
"Sabi ko maupo ka." Madiin niyang tugon, kung ang tingin niya kay Ms. Reporter
ay may pag-aalala sa'kin naman ay puno ng galit, kulang nalang masugatan ako sa
talim ng tinging ipinupukol niya sa'kin.
"Hindi na tatayo nalang ako dahil may pupuntahan pa akong trabaho pagkatapos
nito." Nakangiti pa rin ako.
Aba, kailangan kong maging maganda kahit nasasaktan ako dahil iyon nalang ang
maipagmamayabang ko sa lahat.
"Trabaho? Trabaho ang tawag mo sa paghuhubad sa harap ng mga lalaki?" Nang-
uuyam niyang tanong bakas ang pandidiri sa boses.
Nilunok ko lahat ng iyon dahil nakatitig lang ang sa gwapo niyang mukha. Miss
na miss ko na siya sa totoo lang at kahit gusto ko siyang yakapin at pupugin ng
halik ay hindi ko magawa dahil bukod sa galit siya sa'kin ay napinsala ang paa ko.
"Paki sabi nalang kung anong kailangan mo sa pagpapatawag sa'kin dito." Wala
akong lakas na makipagsupalpalan dahil sobra sobra na ang natamo ko ngayong araw.
"Nagsumbong sa'kin si Natalie tungkol sa ginawa mo sa rest room." Panimula
niya.
Natalie? First name basis samantalang sa'kin ay Ms. Park ang tawag. Adultery
'to.
"Wala akong ginawa sa kanya." Sagot ko.
"Anong wala, tinutukan mo ako ng baril tapos ay nilait lait mo ako. Wala naman
akong ginawa sa'yo, nagreretouch lang ako sa restroom na 'yon." Sigaw sa'kin ni Ms.
Reporter, hindi ako nagpatinag sa sigaw niya. Humalukipkip lang ako at ibinaling
ang tingin kay Intoy ko.
"Bakit hindi natin tingnan ang CCTV footage ng rest room na tinutukoy niya."
Hamon ko kay Intoy ko.
Nagtagisam muna kami ng tingin, masamang tingin niya laban sa malambing kong
tingin. Binuhay niya ang intercom at may kinausap.
"Pakihingi ng CCTV footage sa restroom ng firt floor." Pagkatapos n'on ay
bumaling ito kay Ms. Reporter na lakas makaVilma Santos ng acting.
Napairap nalang ako, hindi ko naman nanaising magmukhang damsel in distress sa
harap ni Intoy ko para lang makuha ang atensyon niya. I am s strong woman at wala
akong hindi kinakaya. Hindi ako ang tipo ng babae na kailangan ng knight in shining
armor.
Para sa mga maarte lang ang mga gan'ong galawan.
"Are you okay Natalie?" Tanong ni Intoy ko. Nakatingin lang ako sa kanila,
kulang nalang popcorn at siguradong para na akong nasa sine at nanonood ng
nakakaumay na romantic movie.
"Natatakot pa rin ako sa maaaring gawin sa'kin ng babaeng 'yan." Sagot naman
niya.
Ang corny!
"Don't worry hindi na siya makakalapit sa'yo kapag napatunayan na may ginawa
nga siyang mali." Maamo na parang tupa ang Intoy ko.
Samantalang ako ito parang binubugbog ang puso ko dahil sa sakit ng mga
nakikita ko. Gusto kong umiyak pero hindi ito ang tamang lugar para sa bagay na
'yon.
Naagaw ang atensyon namin dahil sa mga katok at kasunod ang pagpasok ni Rico,
may dala itong USB at agad iyong ibinigay kay Intoy ko at muli ring nagpaalam na
aalis.
Nakatayo pa rin ako sa kung saan ako kanina habang piniplay niya sa laptop ang
laman ng USB. Kumunot ang kanyang noo habang pinapanood 'yon at sandaling tumingin
sa'kin samantalang ako ay kalmado lang dahil given na sa'kin na lumalakas ang tibok
ng puso ko kapag nakakasalubong ang mga tingin namin.
Ilang sandali pa ay inikot niya paharap sa'min ang laptop na parang sinasabi
niyang panoorin namin.
Kulang nalang ay pumalakpak ako ng makita ang laman ng video. Akala ko binura
lahat ni Anton pero may itinira pala siya, iyong pangyayari na nilalait lait ako ni
Ms. Reporter.
Mahahalikan ko mamaya si Anton dahil sa ginawa niya, kaya magkasundo kami n'on
dahil pareho ang likaw ng bituka namin.
"Siguro naman absuwelto na ako?" Singit ko habang si Ms. Reporter ay nanlalaki
ang mga mata.
"Hindi totoo 'yan." Sigaw niya, nagkibit balikat lang ako.
"Aalis na ako, nasayang lang ang oras ko dito." Mariin akong napapikit ng
ihakbang ko ang paa ko. Mas lalong sumidhi ang kirot niyon na parang may mga
karayom na tumutusok pero ginawa ko ang kaya ko para hindi mahalata.
Para akong maiiyak sa bawat hakbang ko. Laking pasalamat ko ng makalabas ako ng
opisina na hindi natutumba.
Pagkasara ko ng pinto ay doon ako napahikbi dahil sa sobrang sakit. Mabilis
kong pinahid ang mga luha ko at sa muli kong paghakbang ay tuluyan na akong
bumigay.
"Ma'am!" Dinig kong sigaw ni Rico na siyang mabilis na dumalo sa'kin.
Pinilit kong tumayo pero parang mas dumagdag lang kaya muli akong napaupo.
Puta! Ang malas ko naman.
"Ma'am tulungan ko na po kayo." Sabi niya.
Dahil alam kong hindi ko na kayang maglakad pa ay tumango na ako.
"Dadalhin po kita sa hospital kasi namamaga po ang paa niyo."
Tinanggal niya ang heels na suot ko at pinangko ako. Napaigik ako ng magalaw
ang paa ko, pakiramdam ko ay bali na ang buto ko doon.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 10
"NASPRAIN ang ankle mo, nabigla ito kaya namaga. Kailangan mo munang ipahinga at
lagyan ng cold compress para mabawasan ang pamamaga." Sabi ng doctor na tumingin sa
paa ko.
"Hanggang kailan ko po kailangang ipahinga?" Tanong ko. Nakatayo lang sa tabi
ko si Rico na siya ring nagdala sa'kin dito.
"Mga tatlong araw at iwasan mo muna ang pagsusuot ng footwear na may takong
para hindi lumala."
"Pero may trabaho ako."
"In your case kailangang wag masyadong igalaw ang paa mo kaya maipapayo ko na
lumiban ka muna sa trabaho." Nakangiting tugon niya pa. "At gamitin mo muna 'to
pansamantala para hindi mapwersa ang paa mo sa paglalakad." Inilahad niya sa'kin
ang dalawang saklay.
"Magmumukha akong baldado." Komento ko.
"Tatlong araw lang naman Ms. Park dahil kung mabibigla na naman ang paa mo sa
ganyang lalagayan ay mas lalala."
Parang nakakadiring bagay ang tinging ipinukol ko sa saklay pero wala rin akong
nagawa dahil kailan kong gumaling agad. Marami akong trabahong dapat atupagin isama
pa ang panliligaw ko kay Intoy ko.
"Lumiban ka muna sa trabaho kung maaari." Ulit niya pa.
Parang gulay na nalanta ang mga balikat ko dahil bumagsak iyon sa mga nalaman
ko kay doc. Kailangan kong pumasok sa bar pero hindi rin ako makakasayaw dahil
hindi ko maitapak ang paa ko na walang kirot na mararamdaman.
"Ayos ka na ba?" Tanong ni Rico ng magpaalam ang doctor.
"Ayoko sa tanong mo." Nakangiwing tugon ko sa kanya na ikinataka niya. "Ayokong
tinatanong ako kung ayos ako, kung okay ako, o kung kumasta ako dahil nasasaktan
ako." Alam kong para akong tanga pero hindi ko lang kasi mapigilan.
Napapakamot siya sa batok. "Sorry po, ahm, magpapaalam na rin sana ako kasi
baka hinahanap na ako ni Boss."
Tinitigan ko siya syaka ako napabuntong hininga. Napatingin ako sa paa kong
namamaga at bumalik ulit sa kanya at sa saklay na hindi ako sanay na gamitin.
"Pwede bang ihatid mo muna ako sa sakayan ng taxi?" Pakiusap ko.
Agad naman siyang tumango. "Oo naman po tutal doon rin naman ako pupunta."
Tulad kanina ay inalalayan niya rin ako hanggang sa makarating kami sa labas
kung saan makakapara ng taxi. Laking pasalamat ko talaga sa kanya at tinulungan
niya ako dahil kung hindi nandoon pa rin ako sa harap ng opisina ni Intoy ko at
nagmumukhang kawawa.
"Uuwi na po ba kayo ma'am?" Tanong niya pa ng makapara siya ng taxi na para
sa'kin.
"Hindi, may kaibigan lang akong pupuntahan."
"Mag-iingat po kayo."
"Sila ang mag-ingat sa'kin dahil kahit pilay ako ngayon hindi sila uubra."
Pagmamayabang ko. Tumawa siya at syaka binuksan ang pinto ng taxi. Una niya akong
pinasakay bago niya iabot sa'kin ang saklay. "Maraming salamat nga pala." Sabi ko
bago pa man niya maisara.
"Walang ano man po, basta kung kailangan niyo po ako ay wag kayong mahiyang
tumawag."
Nang magsimulang umandar ang taxi ay nahahapong napasandal ako sa upuan niyon
at mariing napapikit. Ang malas ko naman talaga, sa dami ng araw na mapipilayan ako
ngayon pa na may kaso ako.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Kuyajen's Warriors
Good day my Warriors! (Tawag ko sa mga nagbabasa ng akda ko dahil kaya nilang
suungin ang mga scene na patayan at nakakaubos luha. Hahaha)
Please... Please... Please read this. Don't scape it guys, kapag binasa
niyo 'to ay talagang maaappreciate ko.
I'm really sorry kung matagal akong makaupdate ngayon. I'm really busy po para
sa pag'aayos ng mga papers ko sa pagpasok sa college kaya pasensya na po.
Ang purpose talaga ng message ko ay paghingi ng tulong sa inyo. :) Balak ko po
sanang isali ang kwento nina King Second and Queen Antonia, ang Castillion Brother
Series 2 sa Wattys2018. Humihingi po ako ng tulong sa inyo sana po ay suportahan
niyo. Pretty please.
At sa kwento naman ni Inday Dyosa at ng kanyang Intoy, don't worry hahanap ako
ng oras na makapag-update.
Maraming salamat po sa pagbabasa. :) Mahal ko kayo.
Kung gusto niya po please like my facebook page.
Kuyajen's Warrios
And add my account.
Kuyajen Wp (Official)
Kung tutulungan niyo po ako kindly comment po your suggestions. Salamat ng
marami. Salamat talaga.
Hemwe! Hemwe! Hemwe!
Thank you for reading.
PS: Wag po madisappoint na hindi ito update kasi lagpas 5 chapters ang sunod
kong UD kapag nagkatime na. ;)
Nagmamahal,
Kuyajen.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 11
Gale POV
"KAILAN ka ulit dadalaw dito Ate bayaw?" Tanong ni Seven, nandito pa rin kami
ngayon sa room ni W. Pinagbabalat ko siya ng orange na ipinabili ko kay Seven
kanina ng matapos niyang tingnan ang lagay ni W.
Tulad ng dati ay hindi pa rin talaga ito nagsasalita at lagi lang nakatulala.
Ako mismo ang nagbubuka ng bibig niya para kumain siya ng prutas para maging
malakas siya.
Napapangiti ako kapag nakikita siyang lumulunok kahit papa'no. Ang bawat galaw
na ginagawa niya ay malaking development na tulad ng sabi ni Seven dahil sa madalas
na pagiging tulala nito.
Para siyang buhay na patay. Buhay ang katawan pero hindi ang puso dahil
nababalot iyon ng sakit at pangungulila.
"Kapag literal na akong baliw." Pabirong sagot ko sa tanong ni Seven pero ika
nga nila minsan kalahati sa biro ay totoo.
"Matagal ka ng baliw, baliw sa kakulitan." Tinawanan niya pa ako.
"Baliw kamo sa kuya mo, teka nga, speaking of Intoy ko. Bakit gan'on sa'kin
'yang kunya mong tuod, napakasungit." Napasimangot ako ng maalala ang mga sinabi
niya sa'kin na talagang tumagos sa puso ko. "Kapag sa iba mabait naman."
"I don't know dahil una hindi ako siya, pangalawa hindi nga ako siya at
pangatlo hindi talaga ako siya."
Dahil sa nakakabobo niyang sagot ay pumulot ako ng mansanas at ibinato iyon sa
gawi niya. Agad niya iyong nasalo habang tawa ng tawa at kinagatan pa iyon bago
kumindat sa'kin.
"Landi mo." Asik ko.
"Nagsalita ang hindi." Bwelta niya.
"Atleast ako naglalandi lang sa Intoy ko."
"Ang bantot ng tawag mo kay kuya." Ngumiwi siya na parang nandidiri. Tinaasan
ko siya ng kilay, nakaupo siya sa maliit na couch na nasa harap ng kama habang kami
ni W ay sa kama mismo nakaupo.
"Duh, hindi mabantot 'yon. Tsk. Ganyan rin ang sinabi ni Fifth pero iyon ang
gusto kong itawag sa kanya kaya wala kayong paki." Tumawa lang siya, dahil sa
ramdam kong pinagkakatuwaan niya ako ay may naisip akong kapilyahan.
"Ikaw kumusta ang pag-ibig mo sa asawa ng kuya mo?" Mas lalong lumapad ang
ngisi ko dahil natigilan ito at sunod sunod na kumagat sa apples na hawak niya.
"Why not sa bahay ka na magdinner?" Pag-iiba niya sa usapan, parang bulang
biglang naglaho ang pang-aalaska na dapat ay gagawin ko sa kanya dahil sa sinabi
niya.
"Talaga? Sige payag ako." Agad na sagot ko at wala akong balak na magpapilit.
Minsan lang akong mapadpad sa bahay nila at hindi rin naman ako nagtatagal dahil
panira ng trip palagi si Anton.
Ngumiti siya. "Hintayin mo lang akong matapos sa duty ko, may family dinner
ngayon dahil kauuwi lang nina mommy galing honeymoon."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa huling salitang mga sinabi niya. "Honeymoon?
Di ba matatanda na sila?"
"They're maybe old pero hindi naman hadlang 'yon para taon taon nilang
i'celebrate ang anniversary nila at ang tawag nila d'on ay honeymoon. It is not
about having sex, it is about having a good time together na kayong dalawa lang,
travel and such." Paliwanag niya.
Napangiti ako dahil habang nagsasalita siya ay bakas na bakas sa maganda niyang
mga mata ang paghanga sa tatag ng pagmamahalan ng mga magulang niya. Halatang
nakita nila ang pagiging pure ng pagmamahalan ng mga ito na kahit matanda na ay may
heartbeat at sweetness pa rin.
Ako kaya mararansan ko 'yong sa piling ni Intoy ko? Maybe, kapag hindi napagod
ang puso ko na masaktan.
Hindi tulad ng mga magulang na kinalakihan ko. Ay, wala nga pala akong magulang
na kinalakihan maliban kay Uncle. Ang nanay ko kasi ay tinalo pa ang kubute sa
biglang pag-alis ng walang paalam at pagsulpot. Tinalo niya rin ang mga OFW sa
pagpunta punta sa iba't ibang bansa na inaabot ng lagpas dalawang taon.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 12
Gale POV
MAINGAY ang hapag dahil sa dami namin pero ang saya saya, hindi ko mapigilang
mapangiti at makitawa sa kalokohan ng magkakapatid. Habang nakikisalo sa kanila ay
napagtanto ko na iba sila kapag nasa labas. Kapag nasa meeting o nasa business ay
kinatatakutan ang mga aura nila, niyuyukuan at sobra sobrang ginagalang pero dito
ngayon sa hapag ay walang kaarte arte isa man sa kanila na tumatawa ng malakas at
nakikisabay sa usapan.
Wala ring gumagamit ng kubyetos dahil ang ulama ay malalaking ginataang
alimango, lahat kami nakakamay at napakasaya sa pakiramdam dahil parang kasali ako
sa pamilya nila.
Pero sa kabila ng saya ko ay may kulang pa rin. Wala si Intoy ko dahil may
inaasikaso pa daw itong papeles pero ang dinig ko kanina ay hahabol ito dahil
hinding hindi daw ito papansin ng ina kapag hindi umuwi.
"Iha, kumusta naman ang love life mo?" May pangangantyaw na mababakas sa boses
ng ina nina Seven.
Bagama't matanda na ay magandang maganda pa rin. Gwapong gwapo at matikas pa
rin ang asawa na hindi halata ang mga edad. Hindi na ako nagtataka dahil ang bunga
ng pagmamahalan nila ay niluluhuran ngayon ng mga babae at sinasamba.
"Busted po ako Tita pero hindi naman ako gan'on kabilis sumuko." Natatawang
sagot ko.
"Sa kapal ba naman ng balat niyan di 'yan tatablan ng busted." Gatong ni Anton
kaya tiwanan ako ng lahat.
"Si Fifth nalang gawi mong jowa para kapag nambabae putulan mo." Si Six.
"Ang kapal mo! Di ako pumapatol sa kapwa ko lalaki." Nang-aasar na sagot niya
at kinindatan ako.
"Kapal mo! Hindi ako pumapatol sa lalaking sagad hanggang buto ang libog."
Sagot ko at nginisihan siya.
"Malibog ka anak?" Pabirong pinalaki ng matandang Castillion ang mga mata na
parang gulat.
"Dy, hindi ako malibog talagang maganda lang ang lahi natin kaya nagkakandarapa
sa'kin ang mga babae." Pagyayabang niya, nagtatawanan lang naman ang iba.
"Yan ang anak ko." Proud na sabi ng ama.
"Proud ka pa, naku lahat ng anak mo mana sa pagiging mahilig mo sa babae, kahit
punong kahoy basta suotan ng saya pinapatos mo." Sabat ng asawa nito. Malakas akog
natawa dahil ang tarau ng dating niya tapos ang mga salitang ginagamit ay
pangkalye.
"Makakapito ba tayo kung hindi." Hirit ng matandang lalaki.
"Don't worry dad hahabol kami." Sabat ni Princess Mimi, para siyang batang
kinikilig kaya sa kanya lahat natuon ang atensyon namin. "Di ba First ko sabi mo
twelve ang gusto mong anak?"
"Tsk. Baby, wag mong idetalye okay?" Malambing na bilin ng asawa niya.
Napa'O nalang ang bibig ko dahil sa dami ng gusto nilang anak.
"Kami ni Queen hanggat may sperm cell ako at may egg cell siya ay gagawa kami
ng anak." Banat ni Second.
Mas lalong umingay ang hapag dahil sa usapang anak. Ang dalawang mas
nakakatanda sa magkakapatid lang ang tuwang tuwa sa topic habang ang mga nakababata
ay lukot na lukot na ang mga mukha.
"Nyenye...wala akong naririnig." Si Fifth.
"Hindi ko alam kung ano ang topic." Maang maangan ni Six.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 13
Hello po to Ate Antopina Marie and Ate Richell Vinteres. Para po sa inyo ito sana
po magustuhan niyo. Enjoy reading! :)
(Pasensya na po nagloloko si watty)
Third POV
BUMALIK ako sa pool side kung nasaan ang mga kapatid ko, ang mga babae naman ay
nasa sala. Nakagawian na naming magkakapatid na tumambay dito pagkatapos kumain,
nagpapababa kami bago maghanda sa pagtulog.
"Nakakatawa siya, kababaeng tao hindi ko matalo talo sa video game." Dinig na
dinig ko ang masayang halakhak ni Fifth. Pinagsasaluhan nila ay ang paborito namin
black forest cake at soda.
"Ayain nga nating maglaro ng dota kung talagang magaling, astigin talaga si
bayaw." Dagdag ni Six.
Pagkarinig ko sa salitang bayaw ay biglang uminit ang ulo ko. Hindi man nila
pangalanan ay alam ko na kung sino ang pinag-uusapan nila. Palagi namang ganito,
hindi manlang sila magsawa sa kakapuri sa babaeng 'yon. Tsk. Wala namang espisyal
sa kanya.
Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Kuya First, nasa circle table kami na
gawa sa kawayan at katapat namin ang pool. This is my favorite spot here in our
mansion, so relaxing and solemn.
"Bakit nga ba may saklay ang isang 'yon?" Si Second.
Nakikinig lang ako sa usapan nila dahil wala naman akong interes doon. Mabait
akong tao pero iba akong makisama sa mga babaeng ipinagpipilitan ang sarili nila
sa'kin. I really hate it.
"Sabi niya natapilok o natisod siya pero malala ang lagay ng paa niya kaya
siguradong nagsisinungaling lang 'yon." Paliwanag ni Seven.
Nagslice ako ng cake matapos kong ilagay ang bottled of water na kinuha ko sa
kusina. Uhaw na uhaw ako pero nawalan na ako ng ganang uminom dahil sa nakita ko
doon.
"Hindi naman kasi niya ugali ang magsumbong ng bagay na alam niyang simpe lang,
bala nga hindi niya natatakot na saluhin 'yon pa kaya." Puno ng paghangang sabat ni
Fifth.
Kumunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi nila. Mukhang gusto pa rin nila si
Gale kahit na alam nilang stripper ito. Nagtagis ang mga bagang ko ng maalala na
naman ang tagpong nagsasayaw siya sa harap ng mga lalaking hayok sa laman na halos
wala ng itinago sa katawan.
Tila sanay na sanay siya sa gan'ong trabaho. Noong gabi ko lang siya nakita
doon sa bar na dinatambayan namin at simula n'on ay nawalan na ako ng gana na
pumunta doon. Ang sakit sa mata ng mga nagsasayaw sa stage.
May marangal siyang trabaho sa kompanya ko at isa siyang magaling na agent pero
bakit pumasok siya bilang stripper? Gan'on na ba siya kagipit para pati ang
paghuhubad ay patusin na niya. What a disgrace!
Tapos lalapit sa'kin at aastang naaapi. Hindi nga ako naniniwala sa sinabi noon
ni Second na never been kiss never been touch ito dahil sa galaw palang ay mukhang
sanay sa gan'ong gawain. Sasabihin niyang judgemental ang mga tao sa lipunan pero
sinasabi ko lang naman ang mga nakikita ko.
"Right 'bro?" Napabaling ako kay Fourth ng tapikin niya ako sa balikat.
"Ha?"
Nagtawanan sila na para bang may nakakatawa. "Sabi ko ang hot ni bayaw magstrip
dance." Aniya.
Nagkibit balikat ako. "Para siyang tuod walang epekto." Sagot ko.
"Nagsalita ang hindi tuod, tangna kung hindi lang ikaw ang
trip ni bayaw liligawan ko siya." Singit ni Fifth. "Ang ganda na sexy pa at partida
sa pisikal palang 'yon paano pa ang kalooban? Magalang kahit makulit, matalino
kahit madaldal, maalaga at marunong makisama, masayahin at maalalahanin. Mapagmahal
pa." Puri niya.
"Ide ligawan mo wala naman akong paki." Natahimik sila sa sagot ko. I just
shrugged. Sinasabi ko lang ang totoo.
"Ikaw ba talaga 'yan Tres?" Tatawa tawang tanong ni Second at umakbay pa siya
sa'kin. "Nasaan na ang mabait naming kapatid? Bakit mukhang tinubuan ka na ng
sungay?"
"Walang nagbago sa'kin sinasabi ko lang ang dapat kong sabihin. She's nothing
to me kaya walang kaso." Binuksan ko ang isang soda at inisang inom iyon.
Lahat ng mga mata nila ay nasa akin at pare parehong mga seryoso na para bang
may nasabi akong mali. I know malapit sila kay Gale at nagiging kaibigan na rin
nila ito pero hindi naman porke't magkakapatid kami ay kailangan kong makibagay sa
kinakaibigan nila.
Naramdaman ko ang kamay ni Kuya First sa balikat ko kaya nabaling ang atensyon
ko sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa cake na nasa hapag.
"Are you sure 'bro? Kahit katiting wala kang nararamdaman sa kanya?" Walang
pag-aalinlangan akong tumango. Ngumisi siya.
"Been there done that." Simpleng sagot niya at binitawan na ako.
"Hala ka Tres, alam mo bang 'yan din ang binitawang salita ni Kuya noong
nagkausap kami at sinabi kong hindi ako mahuhulog kay Queen? And look at me now,
happily married with her at hindi lang 'yon siya ang reyna ng buhay ko." Proud na
proud na gatong ni Second. Napangiwi ako.
"Ang corny mo. Tsk. Kung iniisip niyo na matutulad ako kay Kuya at Princess
Mimi, I'm telling you brothers hindi mangyayari 'yon. In fact, I'm courting Natalie
now." Muli na naman silang natahimik na ipinagkibit balikat ko lang.
It's true, kanina lang ay tinanong ko si Natalie kung pwede ko ba siyang
ligawan at pumayag siya. Matanda na ako at kahit anong pag-iwas ko ay alam kong
dadating ako sa puntong gugustuhin kong magsettle down kaya ngayon sisimulan ko na.
Tama si Mommy, hindi na ako pabata kaya ngayon pa lang gusto ko ng kilalanin si
Natalie. Her parents is my family's friend kaya hindi mahirap ang bagay na 'yon.
Para na rin tigilan ako ni Gale dahil wala siyang makukuha sa'kin. Naiirita na
ako sa pagpapakita niya ng motibo sa'kin kaya siguro naman titigil na siya kapag
nalamab niyang may gusto na ako.
"Then good luck 'bro, maganda rin naman si Natalie at sexy isa pa malapit na
kaibigan na rin natin ang angkan nila." Sabi ni Fourth na siyang unang nagsalita.
"Naks, kailangan ko na palang isabak sa blind date si bayaw para hindi na
matigang." Natatawang sabi ni Fifth.
Napapailing nalang ako at humangad sa kalangitan. Napakaraming bituin sa langit
at napakaliwanag ng buwan kaya gumagaan ang pakiramdam ko. Nakakapagod rin ang
trabaho ko at minsan lang akong makapagstar gazing.
Nang ibababa ko na ang tingin ko ay nahagip ng mata ko si Gale, nasa veranda
ito ng kwarto ni mommy at nakatayo sila doon at nag-uusap habang may hawak na tasa
ng kape.
Nagkatinginan kami at kahit gabi na ay kita ko ang masaya at maluwang niyang
ngiti habang nakatingin sa'kin. Naikuyom ko ang mga kamao ko syaka nag-iwas ng
tingin.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 14
Gale POV
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 15
Wag po kayong mag-alala lahat po ng comments niyo ay binabasa ko. Kahit hindi ako
makapagreply dahil busy rin ako ay naaappreciate ko po talaga ang mga komento niyo.
Salamat.
-kuyajen
Gale POV
"HINDI na kami magtatanong kung ayos ka lang o okay ka dahil ayaw mo ng tanong
na 'yon pero umupo ka muna." Tugon ni Fifth. "Sigurado ka bang hindi ka na
magpapadala sa hospital?"
Inalalayan nilang akong makaupo ng couch. Kanina ng matapos akong magsalita ay
agad na umalis si Intoy ko para ihatid si Natalie. Napairap nalang ako dahil sa
kaartihan ng babaeng 'yon. Ayoko na nga ang inapi niya siya pa ang nagmukha kawawa,
well gan'on talaga ang style ng mga babaeng pabebe. Nakakainis!
"Hindi na, hindi naman doctor ang kailan ko sa sakit na nararamdaman ko. Alak
nalang ng makalimot naman ako kahit sandali." Natatawang sagot ko.
"Okay sige kukuha ako, mag-iinoman tayo sasamahan ka namin." Nag-aalalang tugon
ni Six. Ngiti lang ang isinagot ko.
Sumandal ako sa couch at mariin na pumikit, pinapakiramdaman ko ang bawat
pintig ng puso ko na may kasamang kirot. Hindi ko na iniinda ang sakit sa paa at
balakang ko dahil sanay na ako sa pisikal na sakit, sa klase ba naman ng trabaho
ko. Pero 'yong sa puso ko? Ewan, sa araw araw na ginawa ng diyos nasanay nalang ito
na kumikirot lalo kapag binabalewala ako ni Intoy ko.
Still, kahit nasasaktan ako ay Intoy ko pa rin siya. I love him really, walang
rason basta mahal ko siya ng sobra.
"Tsk. Dapat kasi hindi mo lang sinampal at sinabunutan dapat pinaputukan mo ng
baril ang bungo ng babaeng 'yon." Nagpupuyos sa galit si Anton na tumabi sa'kin ng
upo habang ang magkakapatid ay naupo sa mahabang couch na kaharap namin.
Halata ang pag-aalala sa mukha nila pero nginingitian ko lang sila para
sabihing ayos lang ako. Kaya ko pa naman.
"Wag niyo akong tignan ng ganyan na parang may nakakaawang sakit." Biro ko.
"Nagbibiro ka pa talaga gayog nasasaktan ka na." Inis na sabat ni Seven.
"Nasasaktan? Sos, sanay na ako. Hindi ako 'yong tipo ng babae na kapag
nasasaktan magmumukmok, hindi ako 'yon. Mas gusto ko pang makipagbarilan kaysa ang
umiyak sa sulok." Nagkibit balikat pa ako at ngumisi sa kanila.
Ang galing ko talagang magpanggap, sobra ko atang namaster ang pagiging agent
ko na magaling magbalat kayo lalo kapag nasa kaso. Pati sa personal kong buhay
nadala ko na ang pagpapanggap.
"Ang lakas mo talagang babae ka, kaya saludo ako sa'yo e." Tugon ni Fifth.
"May kapatid ka pa bang tulad mo lakad mo naman ako para maganda lahi."
Tumatawang sabat ni Seven.
"Pasensya na nag-iisa lang ang tulad ko sa mundo." Pagyayabang ko dahil totoo
naman.
"Enough the drama guys, here mag-inuman tayo hanggat kaya natin." Naglapag si
Six ng dalawang bote ng tequilla, lemon at pulutan. Naglapag din ang kasama niyang
katulong ng shot glass.
Walang sabi sabing agad kong kinuha ang isang bote at binuksan iyon. Lahat sila
napatingin sa'kin at napamura ng tunggain ko ang laman niyon. Napangiwi ako ng
malasahan ang pait at pagsayad ng init sa lalamunan ko dulot ng alak pero
ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-inom.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 16
Gale POV
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 17
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 18
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 19
Chapter 20
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 21
Hello 'to @iam_euhannbee. Salamat sa pagiging maingay na
reader ko. Haha kulit e.
-kuyajen
Gale POV
PILIT ko pa ring inaagaw kay Intoy ko ang two piece kong hinubad niya. Pulang pula
na ang mukha ko dahil tinablan ako ng hiya. Mabuti nalang at kahit papaano ay
madalim ang paligid dahil gabi kaya hindi alam ng iba na wala akong saplot sa
ilalim ng tubig.
"Akin na nga kasi." Pamimilit ko at inaabot sa likod niya 'yong saplot ko.
Nakatago ang mga kamay niya at nakangising nakatitig sa'kin.
"Tsk. Hindi ko ibibigay sa'yo kasi nga di ba maglalandian pa tayo." Pang-aasar
niya. Kanina niya pa ako inaasar sa landian na 'yan. Sinasabi niyang malakas ang
loob kong landiin siya noon dahil alam ko daw na hindi niya ako papatulan at
ngayong pumapayag na siyang maglandian ay hindi ko daw kaya.
Kung noon siya pumayag sa landian na sinasabi niya baka nakahome run na kami
pero ngayon kailangan ko ng iwasan siya dahil may mga responsibilidad ako na kapag
pinabayaan ko siya ang mapapahamak.
"Nilalamig na ako." Angal ko.
Impokrita ako kung sasabihin kong hindi ako natutuwa sa sitwasyon namin ngayon,
masayang masaya ako sa totoo lang dahil kahit alam kong hiram lang ang sandaling
ito na kapiling siya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na yakapin siya.
Pero 'yong sakit na 'yon ay may kaakibat na kirot dahil alam ko na hanggang
ganito nalang ako sa kanya. Hanggang landi lang dahil hindi ko siya pag-aari.
"Ide painitin natin----"
"HELLO EVERYONE!" Natigil siya sa sanay sasabihin niya ng makarinig kami ng
matinis na sigaw. Familiar iyon at hindi nga ako nagkamali ng mapatingin sa bukana
ng pinto papunta dito sa pool, nandoon nakadipa si Natalie at mukhang tuwang tuwa.
May dala pa itong regalo para kay Seven.
Mapait akong napangiti ng mabilis na humiwalay sa'kin ng yakap si Intoy ko na
parang napaso ng makita ang girlfriend niya.
Para akong nasa magandang panaginip na bigla bigla nalang maririnig ang malakas
na alarm clock na gigising sa'kin sa katotohanan na lahat pala ng naramdaman ko ay
panaginip lang at hindi totoo. Ang tanging totoo lang ay 'yong sakit na
nararamdaman ngayon ng puso ko.
"I need to go." Iyon lang ang sinabi niya at ibinalik na sa'kin ang saplot ko
na kanina ay ayaw na ayaw niyang ibigay dahil remembrance daw.
Natawa nalang ako sa sarili ko habang tinatanaw siyang umaahon sa tubig para
lapitan ang babaeng totoong nagmamay-ari sa kanya.
"Honey!" Malambing na tawag ni Natalie habang masaya siyang sinasalubong. Bago
pa man maglapat ang mga labi nila ay nag-iwas na ako ng tingin dahil alam ko na ang
susunod na mangyayari at papatayin ko ang sarili ko sa sakit kong papanoorin ko
iyon.
Mabilis kong isinuot ang two piece ko habang mabigat na mabigat ang dibdib ko
na simisid sa ilalim ng tubig. Doon ko hinayaang humalon ang mga luha ko sa kulay
asul na tubig ng pool.
Kulang ang sabihing labis labis akong nasasaktan ngayon. Kanina ang saya saya
ko dahil nasa akin ang atensyon niya, sandali kong nakalimutan na iba pala ang
talagang nagmamay-ari sa kanya at isa lang akong babaeng ipinagsisiksikan ang
sarili ko para malimusan ng pagmamahal niya.
Pakiramdam ko nakahanap ako ng kutsilyong itatarak sa sugatan ko ng puso ng
muli akong sampalin ng katotohanan. Sa loob ng isang buwan ay pinilit kong buohin
ang sarili ko kaya hindi ako nagpakita sa kanya at akala ko buo na ako ng tuluyan
nafake news lang pala ako ng sarili kong puso dahil sa puntong ito bumalik lahat
lahat ng pagkabigo at pagkawasak ko simula ng mahalin ko siya.
Ang tanga tanga ko lang kasi sa simpleng mga paglalambing
at haplos niya sa'kin lagi kong nakakalimutan na hindi niya pala ako mahal. Na
lumalapit lang siya sa'kin kapag wala ang girlfriend niya, nakalimutan ko na
libangan niya lang pala ako.
Akala ko ang isang dyosang tulad ko ay matalino 'yon pala mas tanga pa sa
salitang tanga.
Umangon ako sa tubig na hindi lumilingon kahit isa man sa kanila. Pinunasan ko
ang mukha ko at siniguradong walang makakahalata na umiiyak ako. Sanay na sanay
naman akong lihim na nasasaktan, lihim na iniinda ang sakit at lihim na nawawasak.
"Ahm. Tita I need to go home na po may trabaho pa ako bukas." Pinilit kong
maging normal ang boses ko habang humaharap sa kanila.
Magkakasalo na silang lahat sa mesa at nandoon na rin si Natalie at sinusubuan
ng cake si Intoy ko.
Gustong gusto kong pagtawanan ang sarili ko at kantyawan na napakatanga kong
tao dahil kahit nasasaktan na ako Intoy ko pa rin ang tawag ko sa kanya. Kaya
siguro sobra akong nasasaktan ngayon dahil palagi kong sinasabi sa sarili ko na
pag-aari ko siya kahit ang totoo ay ninanakaw ko lang siya kapag may pagkakataon
ako.
"Bayaw naman nagsisimula palang ang party ko." Angal ni Seven, nginitian ko
siya.
Ngiti? Iyon ang palagi kong armas kapag nilalamukos ng sakit ang dibdib ko.
Iyon ang sandata ko na nagsasabing matapang ako kahit mahinang ako sa loob ko. The
pain is too much at kapag nagtagal pa ako ay sasabog ako na parang bulkan.
Manunumbat ako ng iba dahil gusto kong alisin ang lumulukob sa'king sakit kahit ang
totoo wala akong dapat na sisihin dahil kusa ko siyang minahal.
"We're going Tita tutal sabay naman kaming pumunta ni Gale dito ay ako na ang
maghahatid sa kanya." Lihim akong nagpasalamat ng sumabat si Tarinio, agad niyang
tinapos ang pagkain at lumapit sa'kin.
Ramdam na ramdam ko na may pares ng mata na nakatingin sa'kin pero kinumbinse
ko ang sarili kong wag na wag babaling doon. Lalo akong masasaktan kapag sinunod ko
ang sinisigaw ng puso ko.
"Okay if that's what you want pero bumalik kayo kapag may free time, okay?"
Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Tita ng makipagbeso siya sa'kin. "I
understand." Bulong niya na parang alam niya talaga ang totoong rason kung bakit
gusto ko ng umalis, hindi dahil sa trabaho ko kundi para umiwas sa pagkawasak.
"Thank you Tita."
Nagpaalam kami sa lahat bago kami sabay na naglakad ni Tarinio papasok ng
kabahayan.
"Magbibihis lang ako bago tayo umalis." Pagbasag ko sa katahimikan, seryoso
lang siyang sumasabay sa bawat hakbang ko. Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya
ako binibiro o inaasar ngayon.
"Sige, hintayin kita sa labas kukunin ko lang 'yong kotse." Aniya. Tango lang
ang isinagot ko at nagtuloy tuloy na sa pag-akyat papunta sa kung nasaan ang
paperbag na naglalaman ng damit ko.
Nang tumalikod ako sa kanya ay doon nagsimulang tumulo ang mga luha kong hindi
ko na napigilan. Naninikip ang dibdib ko, kinakapos ako ng hininga at parang may
napakabigat na bagay na nakadagan doon na tanging nagawa ko lang ay ang umiyak.
Hindi na bago sa'kin ang ganitong pakiramdam pero iba ngayon dahil tilang
punong puno na ang didbib ko sa lihim na pag-inda ng sakit. Gusto ng sumabog dahil
nag-uumapaw na. Napahawal ako sa pader habang tinatahak ang hallway papunta sa
kwarto nina Princess Mimi dahil para akong matutumba sa sobrang emosyon na dinadala
ng puso ko.
Ito ang napapala ko sa pag-asa na mamahalin niya rin ako pabalik.
Ang sakit isipin na para siyang tukong nakakapit sa'kin kanina at naglalambing
na parang may kahulugan ang bawat tingin pero ng marinig ang boses ng kasintahan
niya ay biglang naglaho ang lahat.
Para akong may nakakadiring sakit na agad niyang nilayuan
para hindi siya mahawa. Hindi na niya ako naalala at ang mararamdaman ko ng
dumating ang girlfriend niya.
Bakit nga naman niya ako uunahin kung nandoon naman ang babaeng mahal niya para
punan ang kalandian niya.
Sapo sapo ko ang dibdib ko ng tuluyan kong marating ang kwarto. Agad kong
pinulot ang paperbag na nakapatong sa kama at lumuluha pa ring pumasok sa C.R.
Humahagulhol ako habang nagbibihis at tinititigan ang reflection ng babaeng
wasak na wasak na masagananng lumuluha sa harap ng salamin.
Matapang at masayahin ako, iyon ang alam ng lahat pero hindi nila batid na sa
likod ng mga ngiti kong iyon ay isa akong babaeng nakikiamot ng pagmamahal. Isa
akong babaeng nabubuhay para nalang sa mga taong umaasa sa'kin pero hindi para sa
sarili ko. Dahil ang lalaking ginawa kong buhay ay umiikot ang mundo sa iba.
Ang saklap! Nadudurog ako. Nasasaktan. Lumuluha. Naghahanap ng masasandalan.
Naghahanap ng mayayakap para kahit konti ay mabawasan ang sakit.
"Ito ka Inday Dyosa, bigong bigo aa pag-ibig na ipinagpilitan mo." Sabi ko sa
sarili ko habang humihikbi. Ilang ulit ko mang pumasan ang mga luha ko ay 'sing
kulit sila ng puso ko na ayaw tumigil kahit sobra na.
Lumabas na ako ng C.R matapos kong magbihis at natigilan ako ng makita ang
lalaking nakaupo sa kama at tila may hinihintay. Huli na para punasan at itago ko
ang mga luha ko dahil nakita na niya.
"Gale." Tawag niya sa pangalan ko.
Mas lalo akong napaiyak ng maramdamang walang sawang tumibok ang puso ko ng
mabilis ng marinig ang boses niya na tinawag ang pangalan ko.
Ngayon masasabi kong wala ng natira sa sarili ko. Narealize ko na lahat ng
galaw at pakiramdam ko ay kontrolado na niya, siya ang dahilan kung bakit ako
nasasaktan pero siya rin ang dahilan kung bakit ako nagiging masaya. Siya na ang
mundo ko, siya na ang hangin na kailangan ko para makahinga at siya ang dahilan ko
para mabuhay kaya ngayon ay unti unti akong namamatay dahil nagising na ako sa
katotohanan na landian niya lang ako kapag wala ang nagmamay-ari sa kanya.
"Aalis na ako." Sabi ko at hindi ko na pinansin ang pagpiyok ng boses ko.
Nakita na niya akong wasak at wala ng dahilan para magpanggap akong matapang.
Nakikita na niya ngayon ang tunay na Desiree Gale 'Inday Dyosa' Ancho Park.
Mariing kung nakagat ang mga labi ko ng mahigpit niyang hawakan ang palad ko.
"Iiwan mo ako?" Tanong niya.
"May trabaho pa ako bukas." Pagdadahilan ko.
"At sa bar iyon?" Bakas ang diin sa boses niya na parang nagagalit siya dahil
magsasayaw na naman akong halos wala ng saplot sa harap ng ibang tao. Sa boses niya
parang may pakialam siya.
"Anong pakialam mo?"
Mas lalong dumiin ang pagkakahawak niya sa palad ko ng iharap niya ako sa
kanya. "Puta naman Gale! Ibabalandra mo na naman 'yang katawan mo sa mga lalaking
hayok sa laman. Gustong gusto mo talaga na lahat nalilibog sa'yo, 'yon ba?" Galit
niyang sigaw.
Lahat ng pagpipigil na kinakapitan ko kanina ay humilagpos na. Umigkas ang
malaya kong palad at sinampal ko siya ng paglalakas lakas.
"Gago! Napakagago mo! Alam mong ikaw lang ang gusto kong malibog sa katawan ko.
Alam mo na mahal na mahal kita. Alam mo na patay na patay na patay ako sa'yo. Alam
mo na baliw na baliw ako sa'yo tapos sasabihin mo 'yan? Kung ako walang karapatan
sa'yo, anong karapatan mo sa'kin?" Sigaw ko pabalik habang humihikbing nakatitig sa
gwapo niyang mukha.
"Alam mo na ikaw ang buhay ko kaya malakas ang loob mo na gawin ang lahat ng
ito. Kaya malakas ang loob mo na gawin akong reserba dahil alam mong mahal na mahal
kita. Puta! Sarili mo lang ang iniiisip mo, paano naman ako? Paano naman ako na
araw araw nawawasak dahil hindi mo ako magawang mahalin? Palagi mong ipinaparamdam
sa'kin na may pag-asa ako pero ang totoo wala."
Mas lalo siyang nagalit. "Palagi mong sinasabing mahal mo ako pero gustong
gusto mong sumasayaw sa harap ng mga kalalakiha para kunin ang atensyon nila. May
marapatan ako dahil mahal mo 'ko." Sigaw niya.
"Bakit ako ba mahal mo?" Bigla siyang natameme sa naging tanong ko. Sarkastiko
akong natawa habang dinadamdam ang panibagong sugat na gumihit sa puso ko ng makita
ang reaction niya. "Third Castillion, isang tanong isang sagot mahal mo ba ako?"
Pag-uulit ko sa tanong ko kahit alam kong sasalakay na naman ang nakakamatay na
sakit sa puso ko.
Hindi pa rin siya nakaimik at alam ko kung bakit. Hindi siya makasagot dahil
obvious na ang answer.
"Ano?" Marahas kong pinunasan ang mga luha ko.
"N-No, b-but--"
Hindi ko na hinayaang matapos ang mga sasabihin niya at muli ko siyang malakas
na sinampal. "But? Walang but sa pag-ibig Third, ako ba nakarinig ka sa'kin ng
gan'ong salita?" Mariin kong nakuyom ang mga kamao ko dahil walang wala na akong
lakas.
Ang sakit sakit sakit sakit sakit sakit ng sobra.
Yumuko siya at nag-iwas ng tingin dahilan para mas lalo akong mapaluha.
Napaluhod ako sa harap niya dahil sa sobrang panghihina ng tuhod ko. Nanginginig
ang mga kalamnan ko dahil sa pag-iyak. Para akong natutuyuan ng tubig sa katawan
dahil sa pag-inda ng sakit.
Para akong kandila na lumapit sa apoy at ngayon ay upos na upos na. Tunaw na
tunaw na at wala ng lakas.
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita. I love you Third Castillion." Paulit
ulit kong tugon habang tinititigan ang mga luha kong bumabagsak sa sahig.
"Mahal na mahal na mahal kita pero pagod na pagod na pagod na ako. Ayoko na,
ayoko na kaya ngayon bumibitaw na ako." May bikig sa lalamunan ko ng sabihin ang
huling mga salita.
Wala na akong itinira sa sarili ko. Ayoko na.
"I am agent Inday Dyosa, I am now officially quiting the case of making Third
Castillion fall inlove with me. The case is unsolved and now closed." Tugon ko pa
bago pinilit ang sarili kong tumayo at lisanin ang lugar kasama ang durog kong
puso.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 22
-kuyajen
Gale POV
Ang pinakamasakit na parte sa pagkatao ko ngayon ay ang puso ko, ayaw sumuko ng
puso ko pero iyon ang gusto ng isip ko at for the first time simula ng mahalin ko
si Third ay ang utak ko ang nasunod this time.
Sa lahat ng laban na sinuong ko ngayon lang ako sumuko, hindi ako umaatras sa
kahit anong uri ng baril at patalim. Nakikipagpatayan ako dahil ayokong matalo ng
kahit na sino pero ngayong bigong bigo ako sa pag-ibig ay tinatanggap ko ng talo
ako. Napatunayan ko na ang pinakamakapangyarihan talagang pakiramdam sa mundo ay
ang pag-ibig.
Kahit gaano ka kalakas ay magagawa ka nitong maging mahina. Kahit gaano ka
katapang nagagawa ka nitong maging duwag. Kahit gaano ka katalino ay nagagawa ka
nitong maging tanga.
That's love.
Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para agad na makalabas sa malaki nilang
bahay. Ayokong makita ako ng iba na nasa ganitong kalagayan.
Pinunas ko ang mga luha ko ng nasa labas na ako ng gate at lumingon lingon sa
paligid para hanapin kung nasaan ang kotse ni Tarinio.
"Gale!" Natulos ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sigaw ni Third.
Hindi ako lumingon at nagpatuloy nalang sa paglalakad para hindi niya ako
maabutan ngunit dahil na rin siguro sa panghihina ko ay nahablot niya ang kamay ko.
"Bitawan mo ako." Walang lakas kong tugon habang pilit na binabawi sa
pagkakahawak niya ang kamay ko.
"No, hindi kita bibitawan." Hinawakan niya ang sa magkabilang balikat at pilit
ipinaharap sa kanya. Yumuko ako dahil ayokong salubungin ang tingin niya. Wala pa
ring kapaguran ang mga luha ko na patuloy sa pag-agos.
"Ayoko na. Ayoko na." Paulit ulit kong tugon. "Bumibitaw na ako."
"Pwes ako naman ang hahawak sa'ting dalawa." Doon ako napatingin sa kanya dahil
sa mga sinabi niya. "I'm sorry kung nasaktan kita, hindi ko sinasadya ang lahat ng
'yon. I'm sorry kung palagi ka nalang umiiyak ng dahil sa'kin but please wag mo
naman akong sukuan. Patawarin mo ako sa naging pagtataboy ko sa'yo at sa mga
masasakit na salita na sinabi ko. I know sorry is not enough but please don't give
up." Hindi ko alam kung aware siya sa reaction ng mga mata niya ngayon.
Punong puno iyon ng sakit at pagsisisi habang hindi kumukurap na nakatitig
sa'kin. Gusto kong maniwala, gustong gusto na namang magpakatanga ng puso ko pero
nandito na ako. Totoong sumusuko na ako, hindi dahil sa naging kabit ng nanay ko
ang tatay niya at hindi dahil sa ayokong madamay siya sa pagresulba sa napakalaking
kasong hawak ko kundi dahil talagang pagod na pagod na ako. Walang wala ng natira
sa sarili ko dahil ibinigay ko lahat sa kanya.
Umiling ako. "Pinapatawad na kita, wala akong dapat na sisihin dahil ginusto ko
lahat ng sakit na 'to. Simula palang inihanda ko na ang sarili ko sa mga ganitong
pangyayari bago pa kita makabunggo noon sa fast food chain. Alam ko ng masasaktan
ako simula ng ipakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal. I really love you pero may
pagkakataon talaga sa buhay natin na kailangan nating sumuko hindi dahil naduduwag
tayo kundi dahil wala na tayong maibigay pa. Naibigay ko na lahat sa'yo at wala na
akong itinira para sa sarili ko." Pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi ang
mga katagang 'yon at muli akong napahikbi.
Hinawakan ko ang dibdib ko para kahit papa'no ay masalo ang mga nadudurog na
parte nito. Parang binibiyak, dinudurog, nababasag at naghihiwahiwalay ito dahil sa
sakit na nasa pagkatao ko ngayon.
"Anong ginagawa natin dito sa bookstore?" Yamot kong tanong kay Anton,
pagkatapos naming matanggap ang kaso sa pagdakip sa isang kurakot na congressman ay
bigla bigla niya akong hinila papunta dito sa mall.
"Tsk. Ang target ay pupunta mamaya sa isang orphanage at magpapanggap tayong
volunteer para makapasok." Sabi niya habang nagsisimula ng pumili ng mga coloring
books.
Dahil yamot ako ay pumulot ako ng isang libro na nasa harap ko. Napatitig ako
sa cover nito at doon ko napagtanto na magazine pala ang nakuha ko. Napatitig ako
sa gwapong gwapong mukha ng lalaking nasa cover ng best seller bachelor magazine,
hindi ako kumurap at kulang nalang ay tunawin ko ng tingin.
"Puta! Chicks 'to." Nausal ko at mabilis na binuklat. Pinagsawa ko ang mga mata
ko sa bawat pahina na mukha niya ang nakalagay.
Napapamura pa ako kapag nakikita ko kung gaano siya kahot wearing his corporate
attire. Seryosong seryosong ang mukha pero may mga kuha rin siyang nakangiti at
mukhang mabait.
Agad akong lumapit sa cashier para bayaran ang magazine na iyon at isinuksok ko
sa bulsa ng leather jacket ko.
Third Castillion.
Itinatak ko sa kaibuturan ng kaluluwa ko ang pangalan at mukha niya. Pangiti
ngiti ako habang hinihintay na matapos si Anton sa ginagawa niya habang
kinakabisado sa isip ko ang gwapong gwapong mukha ni Third.
Ngayon lang ako nagwapohan sa isang lalaki kaya nga akala ko tibo ako pero
ngayon napatunayan kong hindi.
"Tara." Ilang sandali ay yaya ni Anton, may dala na siyang school supplies.
Balita ko iyon din ang ipamimigay ng target namin sa pupuntahan naming orphanage.
Props naman kumbaga.
Kanya kanya kaming sakay ng motor namin at pinaharurot iyon papunta sa bahay
niya. At dahil hindi mawala wala ang traffic sa Pinas ay napahinto kami at hintay
na umusad iyon.
"Kumain kayo ng marami ha?" May narinig akong boses na napakalambing, hindi ko
alam pero may kung anong humihila sa'kin na hanapin kung saan nanggagaling 'yon.
At iyon ang ginawa ko, lumingon lingon ako sa paligid at natigilan ako ng
makita ang lalaking basa magazine na tinititigan ko kanina.
Nasa side walk ito sa harap ng isang magarang sasakyan na nakahinto rin at
nandoon siya nakaupo sa semento katabi ang mga batang pulubi. May napakaraming
supot ng pagkain na mula sa isang fast food chain ang nakalatag doon at pinapakain
niya iyon sa mga batang madudumi.
Masaya siyang nakangiti habang sinusubuan ang ilan. May kung anong humaplos sa
puso ko dahil sa tanawin na 'yon. Hindi lang pala maganda ang panglabas na anyo
niya kundi ang kalooban na rin. Ang perpekto niya.
Siguro'y naramdaman nito na may nakatingin sa kanya kaya nag-awat ito ng tingin
at saktong sa gawi ko siya nakaharap. Nagkasalubong ang tingin namin at ngumiti
siya, napamura ako ng tahimik dahil biglang lumakas ang tibok ng puso ko na para
akong nabibingi.
Napakurap kurap ako dahil para akong naengkanto sa kakaibang pakiramdam na
lumukob sa'kin. Muli akong tumingin sa kanya at bumilik na ang atensyon nito sa mga
bata.
Wala itong kaarte arteng nakaupo sa semento suot at siguradong mamahaling
slacks at white long sleeve na tinupi hanggang siko at ang napakakintab nitong
sapatos. Siguro ay pansamantala muna nitong inalis ang coat.
"Tara na." Dinig kong sabi ni Anton, hindi ko namalayang umuusad na pala.
Napatingin ulit ako sa gawi ni Third. "Maghintay ka lang aasawahin kita." Usal
ko bago pinaharurot muli ang motor ko.
Simula ng araw na iyon ay hindi na siya nawala sa sisteme ko. Hindi ko alam
kung love at first sight iyon o secong sight.
Alam kong minahal ko na siya ng araw na iyon at sa bawat araw na lumipas lalo
ng magsimula akong kulitin siya ay mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa
kanya.
Isang taon na ang lumipas simula ng unang makita ko siya sa isang magazine at
hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon.
"Wag mo na akong mahalin, ayoko na." Sambit ko at ilang ulit na napalunok.
Mahal na mahal ko siya pero kailangan kong gawin 'to.
"No, please Inday Dyosa ko. Di ba nga ikaw ang dyosa ko?" Umiiyak pa rin kami
at hindi natinag kahit nagsimula ng lumakas ang ulan. Nasa gitna pa rin kami ng
daan.
"Kahit anong mangyari ikaw pa rin ang Intoy ko." Bulong ko at gumanti ng
mahigpit na yakap sa kanya hanggang sa mapaigtad kami dahil sa malakas na putok ng
baril na umalingawngaw sa paligid.
Naramdaman kong may mainit na bagay ang tumama sa ulo ko at may mainit na
likidong dumaloy sa mukha ko. Pula iyon at alam kong dugo.
"Gale!" Dinig kong sigaw ni Third at bumagsak ako sa balikat niya. "No, no, no
Gale. Gale wake up. Gale." Narinig ko ang desperado niyang sigaw pero wala na akong
maramdaman sa buong katawan ko. Namanhid kahit na ang puso ko.
"I love---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tuluyan na akong
napabitaw.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 23
Third POV
TILA pinagkaitan ako ng paghinga ng makita ang pagbagsak niya sa katawan ko.
Puno ng dugo ang buong mukha at hindi ko na makilala. Nanginginig ako at hindi
makagalaw dahil sa sobrang takot na lumukob sa sistema ko.
Nagsisigaw ako at pinipilit siyang padilatin ang mga mata niya pero wala
hanggang sa nagsidatingan na ang mga taong nasa loob ng bahay.
"Putangina! Tarinio secure the premises hanapin mo ang sniper!" Dinig ko sigaw
ni Anton, may hawak itong baril at tila handang pumatay ng makitang nakahandusay
ang katawan ni Gale.
"Kumuha kayo ng sasakyan!" Sigaw muli niya habang ang ay nanginginig ang buong
katawan na niyakap ng mahigpit ang duguang si Gale. Sarado ang isip ko at hindi ko
alam ang gagawin. Mas lalong dumagsa ang luha ko habang nakikita ang kalagayan
niya.
My heart ached. Parang dinukot ang puso ko at hindi na kailanman ibinalik
sa'kin, iyon ang pakiramdam ko sa isiping baka mawala siya.
"Wag mong gagalawin ang ulo upang hindi magalaw ang bala." Puno ng diing utos
ni Anton, maingat niyang hinawakan ang ulo ng kaibigan at seryosong tumingin
sa'kin. May laman ang tinging iyon pero hindi ko maintindihan. "Buhatin mo at
dadalhin natin siya sa hospital."
Naging mabilis ang kilos ko kahit na nanghihina ang mga tuhod ko. Gusto kong
gisingin siya pero wala na siyang malay at lupaypay na ang katawan.
"Dali!" Pumarada sa harap namin ang kotse ni Second. Mabilis kong binuhat ang
katawan ni Gale papuntang backseat habang nakaalalay ang mga kamay ni Anton sa ulo
niya.
"Seven, sumama ka at patigilin mo pansamantala ang pagdudugo." Utos ni Anton.
"Hindi na ako sasama kailangan kong hanapin ang may gawa nito." Pagkatapos niyang
sabihin iyon ay mabilis niyang inutusan si Second na paandarin.
Wala akong maapuhap na salita habang hindi kumukurap na nakatingin sa mukha ni
Gale. Natatakot ako. Sobrang takot ako ngayon sa maaaring mangyari sa kanya.
Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil naisip ko, kung hindi ko na
sana siya sinundan ay hindi na siya magtatagal sa lugar na 'to at agad siyang
makakauwi ng ligtas.
I'm a selfish bastard! Sarili ko lang ang iniisip ko pero hindi siya, simula ng
dumating siya sa buhay ko puro sakit nalang ang naibigay ko sa kanya at hanggang
ngayon ay gan'on pa rin. Wala pa rin akong magawa para hindi siya masaktan.
Basang basa ang mga katawan namin dahil sa malakas na buhos ng ulan habang nasa
labas kami. Hindi nakatulong ang pakikisabay ng langit sa bigat at sakit ng
kalooban ko.
"P-Please wag naman ganito." Sa wakas ay nasabi ko habang hinahaplos ang mukha
niya.
Inaasikaso siya ni Seven habang siya ay nasa bisig ko. Rinig na rinig ko ang
malakas na tibok ng puso ko habang pilit na inaamapat ang dugong maaaring mawala sa
kanya.
"K-Kuya Third kumalma ka, hindi pwedeng alugin ang katawan niya para masiguro
na hindi babaon sa vital part ng utak niya." Tugon ni Seven pero kahit siyang isang
doctor ay ramdam ko ang kaba niya at hindi mapakali.
Kinumbensi ko ang sarili ko na hindi humikbi upang maiwasan ang paggalaw ng
katawan ko pero hindi ko mapigilan ang emosyon ko.
"Nandito na tayo." Anunsyo ni Second, mabilis kaming bumaba sa sasakyan at
itinakbo siya sa hospital.
"EMERGENCY!" Sigaw ni Seven. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ko sa
katawan ni Gale pero puno ng ingat namin siyang dinadala.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 24
Third POV
SABAY sabay kaming napatingin sa pagbukas ng emergency room at lumabas doon ang
isang doctor makalipas ang ilang sandali. Halos mag-uumaga na at hindi ko alam kung
gaano kami katagal naghintay sa labas ng ER.
"Pamilya ng pasyente?" Bungad nito. Agad akong napaalis sa pagkakasandal sa
pader at lumapit sa kanya gan'on din ang mga kapatid ko at si Anton.
"Kami ho ang pamilya." Sagot ko.
Tumango ito at pinagmasdan kami sandali bago tumikhim at nagsalita. Samantalang
ako ay hindi alam kung saan isisilid ang kabang namamayani sa dibdib ko.
Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin, baka hindi ko kayanin.
Damn! This is so gay!
"Gunshot in head is really critical, napakadelikado kapag ang tama ng bala ay
sa ulo." Panimula niya habang kami ay tahimik na nakikinig, dinig na dinig ko ang
tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Kung ang iba ay gustong madaliin ang paliwanag ng doctor ako ay hindi dahil
hindi ko pa naihahanda ang sarili ko kung sakaling may masamang balita.
"Multiple factors determine the extent of damage caused by a gunshot in head.
Kasama na doon ang kalibre ng baril na ginamit, the size and speed of the bullet,
the trajectory and site of the injury." Ngumiti siya. "And luckily, hindi gan'on
kalalim ang naging baon ng bala sa ulo niya. A bullet goes through the right
frontal lobe tip towards her forehead and well above the base of her skull that is
likely cause mild clinical damage because it passes through no vital brain tissue
or vascular structures. In short, hindi na gan'on kasama ang lagay niya. At
natanggal na namin ang bala kaya masasabi ko sa ngayon na malayo na siya sa
kamatayan."
Kuyom ko pa rin ang kamao ko at kahit good news para sa'kin 'yon ay hindi ko
magawang magdiwang dahil pakiramdam ko may kasunod pa. Napakabigat ng loob ko!
"But." Muling sumeryoso ang mukha nito. "Kahit hindi sa mismong utak niya
pumasok ang bala ay may mga epektong nakuha ang ulo niya dahil sa bala. Though,
she's lucky becuase the bleeding stopped habang dinadala niyo siya dito."
"We conducted a CT-scan and we found out that the gunshot destroys her optic
nerve that can cause blindness. Maaaring mabulag ang pasyente kahit na hindi
gaanong naapektuhan ang kanyang utak."
Parang nanigas ang kalamnan ko ng marinig ang huling salita na sinabi niya.
Napakurap kurap ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.
"B-Blindness?" Utal kong tanong.
Tumango siya dahilan para gumuho ang mundo ko. "Maaaring mabulag ang pasyente
at malalaman natin ang pwedeng maging treatment kapag nagising na siya. And the
patient is considered to be in come within a month or even a years pero kung hindi
magiging maganda ang reponse ng katawan niya sa mga treatment na gagawin namin para
humilom ang sugat niya sa ulo ay malaki ang posibilidad na hindi na siya magising.
Hindi natin masasabi iyon sa ngayon, she needs to undergo observation para malaman
kung may iba pa bang naging epekto sa kanya ang nangyari but she's safe from death
sa ngayon." Pinagdiinan niya pa ang salitang sa ngayon na para bang sinasabing
hindi dapat kami makampante. "Bawat araw ay maaaring magbago ang kondisyon niya.
But don't worry gagawin namin ang lahat para mailigtas siya sa mga complications."
Hindi nakatulong ang mga pampalubag loob na sinabi niya mas tumatak sa isip ko
ang posibilidad na mabulag siya. No, hindi iyon posibilidad lang dahil kung totoong
nadamage ang optic nerve niya ay siguradong maaapektuhan ang paningin niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 25
Third POV
ISANG linggo ang matulin na lumipas simula ng mailipat si Gale sa observation
room. At kahit isang linggo na ang lumipas ay nasa dibdib ko pa rin ang takot kapag
pumapasok ako sa silid niya para bisitahin siya. Tulad ngayon.
Nakasuot ako ng green hospital gown, gloves at mask at nilagyan rin ako ng
sanitizer bago ako payagang pumasok.
Nangangatog ang mga tuhod ko habang humahakbang papalapit sa kanyang nakaratay
na katawan. Walang malay at may kung ano anong aparato ang nakakabit sa katawan
niya, sa bibig, sa mga braso, sa leeg at ulo. May benda rin ang kanyang mga mata.
At parang mga patalim na minu-minutong sumasaksak sa puso ko ang bawat pagtunog ng
mga aparato sa paligid niya.
Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap niya at wala akong kakurap kurap na
tumitig sa ICU monitor, nangangamba ako na baka pagkurap ko ay bigla iyong tumunog
at maging flat line ang mga wavy lines na nakikita ko ngayon.
Dahan dahan akong bumaling sa kanya. Naninikip ang dibdib ko habang nakatitig
sa kalagayan niya.
"I-I'm sorry." Nanginginig ang boses kong tugon, ilang ulit ko na iyong sinabi
sa kanya sa loob ng isang linggo pero alam kong hindi sapat ang paghingi lang ng
tawad.
"I-I'm sorry kung ng dahil sa'kin nahihirapan ka, patawad kung ng dahil sa'kin
ay hindi ka makakakita pero gagawin ko ang lahat para maibalik ang paningin mo.
Handa akong gamitin lahat ng yaman at kapangyarihan na meron ako para makahanap ng
isang magaling na doctor na gagamot sa'yo. Just... just hold on please wag mo akong
iiwan." Masuyo kong hinawakan ang mga daliri niya habang pinipigil kong wag umiyak
pero kahit anong pigil ko wala pa rin akong nagawa ng masaganang nagsilabasan ang
mga luha ko. Mabigat na mabigat ang loob ko at araw araw akong nasasaktan kapag
nakikitang nasa ganito siyang kalagayan.
Nagiging iyakin na ako dahil hindi ko na alam kung paano dadalhin ang emosyon
sa kalooban ko.
"I-Ibibigay ko ang lahat basta ipangako mo na lalaban ka at hindi mo ako
iiwan." Tugon ko at hinalikan ang mga daliri niya, iyon lang ang parte ng katawan
niyang maaaring hawakan upang masigurong hindi magagalaw ang ulo niya. "I know
sobra sobra itong hihilingin ko sa'yo dahil sa dami ng kasalanan ko pero kakapalan
ko na ang mukha ko sa'yo." Ilang ulit akong lumunok upang alisin ang bikig sa aking
lalamunan dahil sa pag-iyak.
"Please lumaban ka para sa'kin, wag kang susuko dahil kapag nawala ka para mo
na ring isinama ang paghinga ko." Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya hinaplos ko
ang pisngi niyang namumutla na.
"Babawi ako sa lahat ng sakit na naibigay ko sa'yo. Kahit magalit ka sa'kin
tatanggapin ko basta gumising ka lang at maging maayos ang lagay mo." Patuloy ako
sa pagmamakaawa.
Yumuko ako habang hinahayaan ang paglakas ng hikbi ko. Wala sa hinuha ko na
iiyak ako ng ganito sa isang babae. Hindi pumasok ni sa panaginip ko hindi ko
mapipigilan ang sakit dahil sa nakikita kong kalagayan niya. At lalong hindi ko
naisip na darating ang araw na posible palang maging depende sa isang babae ang
magiging takbo ng buhay ko.
"I love you. I love you. I really love you at sana hindi pa huli ang lahat para
maipakita ko kung gaano kita kamahal." Paulit ulit kong hinalikan ang mga daliri
niya, doon ko araw araw na ibinubuhos ang mga paglalambing ko na hindi ko maipakita
sa kanya ngayon. Gustong gusto kong hinahawakan siya para kahit tulog siya ay
makasama niya ako sa panaginip.
"Lumaban ka, okay?" Pinatatag ko ang boses ko kahit ang hirap. "Di ba nga dyosa
ka? At ang isang dyosa ay hindi lang maganda at mapagmahal dahil matapang rin.
Lumaban ka para kapag gising ka na maipagmamayabang mo na ulit sa'kin kung gaano ka
kaganda tapos sasang-ayon ako kasi totoo naman." Inilagay ko ang mga daliri niya sa
space ng mga daliri ko at kahit papaano napangiti ako ng makita kung gaano ito
kasakto doon at parang ginawa talaga para sa'kin. Bagay na bagay ang daliri niya
habang nakapaloob iyon sa palad ko.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 26
Third POV
NAGTATAGIS ang mga bagang ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa monobela.
Nakapark kami ilang metro ang layo sa bar na palagi kong pinupuntahan at siyang bar
rin kung saan nagsayaw si Gale.
Gustong makipagkita sa'kin ni Natalie at ito ang nakitang pagkakataon ng pinsan
kong si Tarinio na simulan ang plano.
"Ang plano sana namin ni Gale ay ipagpapatuloy niya ang pagsasayaw habang ako
ay hahanapin ang taong nakabantay palagi sa kanya habang nakatutok ang baril para
magkaroon kami ng lead sa head ng sindikato." Paliwanag niya. Nasa backseat siya
habang patuloy sa pagsasalita kasabay ng paglalatag nito ng mga baril.
"Bakit ba strip dancing ang pinili niyang pasukin?" Mas lalong nadagdagan ang
galit ko dahil naalala kong muli kung paano malibugan ang mga tao sa bar na 'yon
kapag si Gale na ang sumasayaw.
Tsk. Kahit ako naman aminado na malaki ang epekto sa'kin kapag nakikita siyang
halos wala ng saplot. Kahit nga siguro bakla ay titigasan kapag nakita kung gaano
siya kasexy. Pero napapamura nalang ako, gusto ko ako lang ang makakita n'on kaya
galit na galit ako ng makitang nagsasayaw siya hindi na pumasok sa isip ko na parte
iyon ng pagiging agent niya.
"Ang order sa kanya dati ay alamin lang kung sino ang dealer ng droga sa bar at
madali niya iyong magagawa kung stripper siya dahil malilibot niya ang buong bar ng
walang naghihinala pero dahil lumalala ang sitwasyon ay ibinigay sa kanya ang buong
kaso which is kasama na ang pagtimbog sa pinakaulo ng sindikato." Seryosong sagot
niya.
"Gaga kasi ang babaeng 'yon, sa dami ng trabahong pwedeng pasukin 'yon pang
palaging hinahabol ni kamatayan. Tsk. Maganda siya at matalino kaya pwede siyang
maghanap ng mas magaan na trabaho. Isa pa may resto rin siya sana doon siya
nagfocus." Himutok ko kahit alam ko namang wala ng magbabago at wala akong
karapatan na pigilan siya sa mga ginagawa niya.
"Patunay lang 'yon na may mga babaeng mas matapang kaysa sa mga lalaki. At
patunay rin 'yon na hindi lahat ng babae ay para lang sa mga magagaang trabaho."
Natatawang sagot niya.
"Kapag asawa ko na ang gagang 'yon hinding hindi ko na siya papayagang maging
agent, ikukulong ko sa kwarto ko para hindi makalabas." Napangisi ako sa isiping
magiging asawa ko siya. Kapag natapos ang lahat ng 'to iyon ang sunod kong gagawin.
"Makagaga naman 'to pero kung iyakan kulang nalang magpakamatay." Kantyaw niya
I raised my middle finger.
"Kahit gaga 'yon sobrang mahal ko 'yon."
"Fuck you insan, ang corny mo hindi ka naman dating ganyan. Ikaw nga itong
halos isumpa ang kasal at ayaw na ayaw mo sa ideyang matatali ka sa isang babae."
Ngumiwi pa siya.
"Fuck you too. Wag mo akong kausapin sa gan'ong bagay ngayon dahil hindi mo pa
ako naiintindihan." Tinawanan niya lang ako at iiling iling na lumipat sa tabi ko.
"Sayang talaga dahil hindi pa man namin nasisimulan ang plano ay naunahan na si
Gale. Tsk. Naniniwala na ako ngayon na kahinaan talaga ang magmahal dahil kung
hindi naman inlove sa'yo 'yon sana siya ngayon ang nagsasalaysay sa'kin ng plano."
May panghihinayang sa boses niya at ramdam kong hindi niya rin gusto ang
kinahantungan ng lahat.
Hindi ako kumibo dahil sa pagkirot ng parte ng dibdib ko sa isiping ako nga ang
kahinaan ng babaeng mahal ko kaya ng dahil din sa'kin ay napahamak siya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 27
Sorry for the late update guys. Wala po akong kitang tao dahil minor pa ako kaya
pahirapan ang pagkaroon ng pang-update. So kapag matagal akong walang update isa
lang ang ibig sabihin n'on, wala akong wifi/load. Sana maintindihan niyo.
-
kuyajen
Gale POV
SA PAG-IBIG hindi mo panghihinayangan ang mga bagay na isinakripisyo mo para
taong mahal mo. Hindi mo iisipin na nasayang ang buhay mo lalo kung ginawa mo iyon
para sa kaligtasan niya. Kahit sabihin ng iba na hindi siya karapat dapat ng mga
sakripisyo at pagmamahal mo.
Mula sa masamang bangungot ay nagawa kong magising. Wala akong ideya kung ilang
araw, linggo, buwan o baka umabot na ang taon akong natutulog. Nagawa kong maigalaw
ang mga kamay ko na akala ko hindi ko na kailanman magagawa. Nagawa kong igalaw ang
mga paa ko na akala ko hindi ko na mararamdaman pang muli simula ng tamaan ako ng
bala sa ulo. Naigalaw ko lahat ng parte ng katawan ko at ramdam ko na rin ang
normal na tibok ng puso ko.
Iisang bagay lang ang hindi ko nagawa. Ang makakita ng liwanag, hindi ko
magawang idilat ang mga mata ko dahil may nakatakip doon. Nababalot ng dilim ang
buong paligid ko dahilan para lukubin ako ng labis labis na kaba.
Ibinuka ko ang mga labi ko para sana magsalita pero hindi ko alam kung sino ang
dapat kong tawagin. Wala akong ama na hihingan ko ng saklulo, wala akong ina na
aasahan kong tutulong sa'kin para makakita ng liwanag. May kaibigan ako pero hindi
ko alam kung nandito siya at lalong hindi ko alam kung nandito rin ang lalaking
mahal na mahal ko.
Wala akong ibang nagawa kundi ang humikbi habang kinakapa ang ulo ko na may
kaunting kirot. Hindi ko man makita ay ramdam kong may benda iyon. Nahihilo ako at
parang hinihila pa rin ako ng antok pero pilit ko iyong nilalabanan.
"T-Tulong." Hirap na hirap iyong lumabas sa bibig ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Ma'am gising na po kayo?" Dinig kong tugon
ng isang boses babae at kahit hirap ay iginalaw ko ang ulo ko para tumango. Rinig
na rinig ang hikbi ko sa kung saang lugar man ako. Siguro nasa hospital basi sa
amoy ng pinaghalong gamot. "May gosh, wag po kayong gagalaw lalo na po ang ulo niyo
tatawagin ko lang si doc." Bakas na bakas sa boses niya ang pagkataranta.
Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa pagsidhi ng kirot sa ulo ko. Gusto kong
humingi ng saklulo pero nanghihina ako.
"P-Please." Pagmamakaawa ko kahit na walang nakakarinig sa'kin. Gusto kong
mawala ang kirot sa ulo ko at tanggalin ang nakabenda sa mga mata ko para makakita
ng liwanag.
Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mga yabag na nagtatakbuhan at siya
namang pagbukas ng pinto. Mas lalo akong napaiyak. Hindi ako iyaking tao pero sa
sakit na nararamdaman ko ngayon at sa takot na nasa loob ko ay hindi ko mapigilan.
"G-Gale." Dinig ko ang pamilyar na boses ni Intoy ko.
Biglang naalarma ang sistema ko. Pinilit kong maupo pero hindi ko nagawa dahil
sa sakit, gusto kong siguraduhin kung ayos lang ba siya at hindi siya sinaktan ng
taong bumaril sa'kin.
"Don't move, nurse hold her. Hindi mo pwedeng biglain ang katawan mo lalo na
ang ulo mo." Tugon ng lalaking siguro ay doctor.
May mga umalalay sa'kin habang patuloy ako sa pag-inda ng ulo ko.
"T-Tanggalin niyo ang sakit." Tanging nasambit ko.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 28
Gale POV
HINDI madali ang lahat dahil walang madali sa mundo pero kung puro pagluha lang
ang gagawin ay mas lalong bibigat ang problema. Ang lahat ng pighati ay hindi dapat
idinadaan sa mga iyak at paglukuksa.
Iyon ang paniniwala ko sa buhay. Kahit masakit na masakit na ang mga pagsubok
sa buhay ko ngayon ay kinukumbinse ko pa rin ang sarili ko na wag umiyak. Tila may
mga patalim na paulit ulit na tumatarak sa puso ko ng muli akong magising.
Akala ko masamang panaginip lamang ang lahat pero nang maidilat ko ang aking
mga mata na balot pa rin ng kadiliman ang bumungad sa'kin ay doon ko napatunayanag
totoo ngang wala na akong paningin.
Mapait akong napangiti lalo ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko at
nilalaro ang mga daliri ko. Iginalaw ko ang malaya kong kamay at kinapa ang tabi
ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng may mahawakan akong malambot na buhok. Hindi
ko man makita ang may-ari niyon ay sapat na ang malakas na tibok ng puso ko para
makilala siya.
Si Intoy ko.
Naalala ko ang mga pinag-usapan namin bago ako mabaril. Nagmamakaawa siya na
hindi ko siya sukuan dahil maaari niya akong matutunang mahalin kahit alam kong
malabo. Simula pa lang kasi ay pinagpilitan ko na ang nararamdaman ko kaya baka
napepressure lang siya. Walang wala na akong maibibigay sa kanya pero hindi ko pala
kayang panindigan ang pagbitaw ko dahil ang puso ko kahit durog na durog na ng
pinong pino ay siya pa rin ang isinisigaw at hinahanap.
"Gising ka na." Puno ng emosyon niyang tugon ng siguro'y maramdaman ang kamay
ko. Hinalikan niya ako sa noo at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Nagugutom ka na? Anong gusto mong kainin? May masakit ba sa'yo? Gusto mo tawagin
ko ang doctor?" Hindi magkamayaw niyang sunod sunod na tanong kaya napangiti ako
lalo.
Nagbabadya na naman ang luha ko pero pinigilan ko iyon. Masaya ako na nasa tabi
ko pa rin siya ng magising ako. Siguro naman ay makakaya kong manatili sa pagkapit
sa kanya hanggat nabubuhay ako. Sobrang mahal na mahal ko talaga siya at kahit wala
na akong maitira sa sarili ko ay ayos lang lulubus lubusin ko na hanggat humihinga
pa ako..
Siguro nga napakadesperada ko na talaga dahil may parte sa puso ko na
nagpapasalamat dahil nangyari sa'kin 'to dahil doon ko naramdaman ang pag-aalala
niya. Kahit hindi iyon pagmamahal ay ayos na sa'kin.
Alam ko ang katotohanan na may mahal siyang iba kaya naguguluhan at nandito
lang siya ngayon dahil naaawa siya at para na rin siguro sa kabayaran ng pagligtas
ko sa buhay niya. Gan'on kalalim ang pagmamahal ko sa kanya dahil kaya kong balutin
ng kasinungalingan ang puso ko maramdaman lang na mahal niya rin ako kahit walang
kasiguraduhan.
Kaya kong paniwalaan ang mali basta nasa tabi ko lang siya.
"A-Ayos lang ako, medyo nauuhaw lang." Sagot ko.
"Sigurado ka?" Tumango ako. "Sige magpapabili lang ako ng tubig." Aniya at muli
kong naramdaman ang labi niya sa noo ko.
Akmang aalisin niya ang pagkakahawak sa kamay ko ng pigilan ko siya. "W-Wag mo
akong iwan." Hindi naitago ang pangamba sa boses ko.
Mabilis siyang muling humawak sa kamay ko. "Okay, okay. Hindi kita iiwan,
hinding hindi."
Nabalot ng saya ang puso ko dahil sa naging sagot niya. Baliwala ang bahagyang
pagkirot ng sugat ko sa ulo dahil sa sinabi niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 29
Gale POV
NAPANGIWI ako matapos ang maraming tanong ng doctor. Sumailalim ako sa check up
at theraphy para malaman kung may iba pang damage ang naging tama ko sa ulo at
laking pasalamat ko na bukod sa pagkabulag ay wala na akong ibang naging
komplikasyon tulad ng pagkawala ng memorya o pagkabingi.
Ilang araw na rin ang lumipas simula ng magkausap kami ng nanay ko at hindi na
iyon nasundan pa. Medyo maayos ko ng naigagalaw ang katawan ko pero doble pa rin
ang pag-iingat sa ulo dahil hindi pa magaling ang sugat ko doon. Sa bawat araw na
lumipas ay hindi umalis sa tabi ko si Intoy ko, mula sa pagtulog ko hanggang sa
paggising ay na tabi ko siya.
Masaya ako kahit papaano at dahil sa sayang nararamdaman ko ay natatakot akong
itanong sa kanya kung ano na ang nangyari sa relasyon nila ni Natalie. Sinabi
niyang handa siyang hiwalayan ito para sa'kin pero alam kong hindi madali ang bagay
na iyon lalo kung may nararamdaman siya para dito.
"Ahm. Ayos na naman ako kaya hindi mo na ako kailangang alalayan." Pigil ko ng
akmang bubuhatin niya ako pabalik sa kama. Nasa wheelchair ako dahil nanggaling
kami sa office ng doctor para sa CT-scan na ginawa.
"Tsk. Kahit kaya mo na aalalayan pa rin kita kasi kapag hindi ko ginawa
pakiramdam ko hindi mo na ako kailangan." Tugon niya na seryosong seryoso ang
boses.
"Alam mong palagi kitang kailangan kahit wala kang gawin."
"Gusto kitang pagsilbihan, aking dyosa." Natawa ako dahil sa sinabi niya.
"What? Wag mo akong tawanan ikaw na ang nagsabing dyosa ka at dahil mahal kita
papatunayan kong dyosa ka nga."
Nanigas ako ng sa wakas ay makaupo sa kami. Akala ko bulag lang ako pero para
akong nabingi dahil sa isang salitang nabanggit niya. Maraming salita ang sinabi
niya pero may isa doon na talagang nakapagpakabog ng puso ko. Siguro hindi niya
sinasadyang sabihin 'yon. Napabuntong hininga ako, para akong aatakihin sa puso.
"May masakit ba?"
Umiling ako. "W-Wala parang may narinig lang akong kakaiba." Nag-iinit ang
magkabila kong pisngi dahil nahihiya ako sa sarili ko. Nasobrahan ako sa pagiging
assuming kaya kung ano ano na ang naririnig ko.
"Bakit anong kakaiba sa pagsasabi kong mahal kita?" Baliwalang tanong niya
habang inaalalayan ako sa pagtaas ng mga paa papuntang kama.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya dahil nanginig ang tuhod ko.
Nagrarambolan ang mga daga sa puso ko dahil sa malalakas at mabibilis na kalabog
nito.
Ang lakas ng epekto niya. Mariin kong kinagat ang labi ko.
"H-Ha? O-Oo nga mahal na siguro ang bayarin ko dito sa hospital dahil ang tagal
ko na." Nagkandautal utal pa ako. Alam kong para na akong tanga ngayon dahil sa mga
pinagsasasabi ko na malayong malayo sa usapan namin.
"Alam mo bang hindi ko nagugustuhan ang reaksyon mo ngayon?" Mas humigpit ang
hawak ko sa kanya. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at ipinulupot ang mga
braso sa bewang ko. "Parang iniiba mo ang usapan." Hinapit niya ako papalapit sa
kanya at kung hindi ako nagkakamali dahil sa pagsagi ng hita niya sa hita ko ay
nakapagitna ako doon.
"A-Ano bang usapan?" Anak ng tinolang manok! Kailan pa ako naduwag?
Ngayon lang.
Naduduwag ako dahil baka pinaglalaruan niya lang ako dahil nasa ganito akong
kalagayan.
Bakit hindi mo siya paniwalaan? Handa ka ngang paniwalaan ang kasinungalingan
ano pa kaya 'yong sa kanya na mismo galing? Sermon ko sa sarili ko.
"Sinasabi ko sa'yong mahal kita." Hinalikan niya ang gilid ng leeg ko. "Marami
ng nangyari at alam kong may posibilidad na hindi mo ako paniwalaan o isipin mong
sinasabi ko ang mga ito dahil nagsisisi ako sa nangyari sa'yo pero totoong mahal na
mahal kita." Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko at ang pagpatong ng
baba niya sa balikat ko. "I'm a jerk, asshole, fucker, coward...lahat lahat na
dahil sa sakit na naibigay ko sa'yo pero sana paniwalaan mong mahal kita."
Chapter 30
Gale POV
"Dahil sa naging damage sa optic nerve mo ay naapektuhan ang iyong paningin. At
sa ngayon ay hinihintay na muna nating bumalik ang iyong lakas at ang paggaling ng
sugat mo para masimulan ang proseso upang maibalik ang paningin mo." Tahimik lang
akong nakikinig sa doctor. Ilang ulit akong napapabuntong hininga dahil kahit pala
tanggap ko na ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot.
"Pero maliit lamang ang tyansa na manumbalik ang lahat kaya didiretsohin na
kita. Ihanda mo ang sarili mo dahil kung sasalang ka sa operasyon ay may
posibilidad na hindi maging maganda ang kalalabasan nito." Dugtong niya.
"Sinasabi mo ba doc na baka hindi na bumalik ang paningin ko kahit na
magpaopera ako?" Pilit kong nilunok ang bikig na namuo sa aking lalamunan.
Hindi ako emosyonal na tao pero sa pagkakataong ganito ay nagiging mahina ako.
Gusto kong ngitian lang lahat ng problema tulad ng nakasanayan ko na para sabihing
malakad ako pero ngayong nilalamon na ako ng katotohanan ay nasasaktan ako.
"I'm sorry pero bilang ophthalmologist mo ay iyon ang nakikita ko."
Kuyom na kuyom ko ang mga kamao ko upang pigilan ang mga luhang nagbabadya.
Tango na lamang ang naisagot ko sa kanya at hindi na ako nakaimik hanggang sa
magpaalam siyang umalis. Nilukob ako ng katahimikan dahilan para maramdaman ko kung
gaano kabigat ang problema ko.
Isa na akong bulag. Walang paningin at nananatili sa dilim at kapag nagkataon
na hindi maging successful ang operation ay hindi na kailanman ako makakakita. At
kapag nangyari ang bagay na iyon ay magiging pabigat ako sa mga taong nasa paligid
ko.
Noon akala ko mapapanatag ako at magiging masaya kapag nagawa akong mahalin ng
lalaking pinakamamahal ko pero sa isiping magiging pabigat ako sa kanya dahil bulag
ako ay nasasaktan ako ng sobra. Mahal niya ako ramdam ko 'yon kaya wala akong duda
pero nangangamba ako na baka pati kalayaan niya ay mawala ng dahil sa'kin.
Kahit gusto kong sa'kin umikot ang mundo niya ay hindi sa paraang aalagaan niya
ako dahil bulag ako.
Napahikbi ako at pinilit na tumayo mula sa kinauupuang kama. Hindi ko gusto ang
pakiramdam na wala akong kwenta. Ayokong maramdaman na wala akong magawa para sa
mga taong nasa paligid ko.
Hindi ko ininda ang sakit ng tuhod ko ng tumama iyon sa paanan ng kama. Pinilit
ko pa ring makakababa kahit nangangapa ako sa dilim.
Kailangan kong itayo ang sarili ko. Hindi dapat ako maging pabigat kahit na
wala akong paningin. Pauliy ulit kong tugon sa sarili ko.
Ang paghikbi ko ay naging hagulhol ng mahulog ako. Mariin akong napakagat labi
dahil sa pagsakit ng balakang ko habang ang masayang imahe ni Intoy ko ay naglalaro
sa isip ko.
"Bakit ba nangyayari sa'kin 'to?" Hindi ko mapigilang itanong.
Pinunasan ko ang mga luha ko habang pinipilit bumangon pero muli akong natumba
dahil wala akong makapitan. Nakasadlak ako sa malamig na semento habang yakap yakap
ang sarili ko.
Ang tahimik na silid ay hindi nagbigay sa'kin ng kapayapaan kundi pighati. Wala
akong kasama ngayon dito dahil may kanya kanya silang mga ginagawa, si Intoy ko ay
sandaling nagpaalam dahil may kakausapin daw itong mahalagang tao.
Ayaw ko man siyang malayo sa'kin ay alam kong may sarili siyang buhay at
maraming tao ang umaasa sa bawat galaw niya.
"Gale." Narinig ko ang pamilyar na boses ni Uncle, bakas doon ang pag-aalala.
Narinig ko ang mabibilis niyang paghakbang papalapit sa'kin at agad akong niyakap
ng mahigpit.
Simula ng mahospital at magising ay ngayon ko lang siya
narinig na nagpunta dito. Namiss ko siya ng sobra dahil simula ng iwan ako ng
sarili kong ina ay siya na ang tumayong magulang ko at nag-aruga sa'kin.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Hinaplos haplos niya ang buhok. Napagante
ako sa kanya ng yakap.
"Uncle, gusto ko pa pong makakita." Bulong ako na tila batang nawalan ng laruan
at nagsumbong sa magulang.
"I heard what happened to you and yes gagawin ni Uncle ang lahat para makakita
ka ulit. Lahat gagawin ko, okay? Now, stop crying." Pag-alo niya.
Umiling ako. "Pero gusto ko 'yong sigurado, sabi ng doctor ay baka hindi maging
successful ang operation."
Naramdaman kong binuhat niya ako pabalik sa kama. "No, wag mong isipin ang
bagay na iyon. Kakausapin ko ang doctor mo at kung hindi nila kaya ang magiging
operasyon sa mata mo pupunta tayo ng States para humanap ng magaling na
opthamologist. Kahit lang ng pera ni Uncle maubos basta makakita ka lang ulit."
Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. "Natatakot ako baka iwan ako ni
Third."
Walang kaso sa'kin ang kalagayan ko pero kapag naiisip ko na baka magsawa sa
pag-aalaga sa'kin si Intoy ko ay binabalot ako ng pangamba. Hindi ko kakayaning
iwan niya ako gayong hulog na hulog na ako sa kanya.
"Hindi ka niya iiwan, ako ang gagawa ng para at ikaw ang kailangan mo lang
gawin ay tumahan at hintayin ang operasyon mo. I'm always here not only as your
Uncle but also your dad and mom." Tumango ako at tahimik na nagpasalamat na may
isang taong tulad niya na kahit kailan ay hindi ako iniwan sa lahat ng laban ko sa
buhay.
Simula ng iwan ako ng nanay ko ay siya na ang umako ng lahat para palakihin
ako. Siya ang nasasandalan ko. Siya ang palaging nag-aalala sa'kin at nagpapaalala
na alagaan ko ang sarili ko. At kahit ngayong malaki na ako ay sya pa rin ang nasa
tabi ko kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya at alam kong kahit anong gawin ko
ay hindi ko iyon masusuklian dahil sa sobrang laki.
"Ayokong malaman ni Third ang lagay ng mga mata ko. Ayokong sisihin na naman
niya ang sarili niya." Sabi ko ng humiwalay ako ng yakap pero patuloy pa rin ako sa
pag-iyak dahil hindi ko mapigilan. Siguro'y epekto ng nangyari sa'kin.
"Don't worry about it alam ko na ang gagawin. Kakausapin ko ang doctor mo."
Sandali kaming binalot ng katahimilan habang pinapakalma ko ang sarili ko.
Pinipigilan ko ang mga luha ko dahil sa dami ng pag-agos.
"Here, may dala akong prutas." Naramdaman kong may isinubo siya sa'kin na agad
kong tinaggap, nalasahan ko ang orange. "Wag mong dibdibin ang lahat. Nakalimutan
mo na bang ikaw ang pinakamaganda at matapang kong pamangkin? Laban lang, ang mga
tulad natin ay hindi basta basta sumusuko sa laban."
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa mga sinasabi niya. Iyon ang
kailangan ko ngayon para patuloy na lumaban.
Narinig ko ang pagtikhim niya. "Seriously, gusto kong magalit sa'yo dahil sa
ginawa mong pagsalag ng bala kung pwede namang si Third Castillion nalang ang
tamaan." Seryoso niyang tugon, alam kong alam na niya ang nangyari sa'kin kaya ako
nabulag kaya ganyan siya magsalita. "Pero hindi kita masisisi dahil alam ko kung
gaano mo siya kamahal, naiintindihan ko."
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Naiintindihan mo ako? Ibig sabihin
ba nagmahal ka na rin tulad ng nararamdaman kong pagmamahal ngayon kay Intoy ko?"
May pang-aasar sa boses ko. Gusto ko kasing pagaanin ang atmosphere dahil
nakakabigat ng didbib.
NAGISING ako dahil naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Nang makaalis si Uncle
kanina ay nagpahinga ako at pansamantalang inalis ang mga isipin ko. At kung hindi
ako nagkakamali sa tantya ko ay nasa kalagitnaan na ng gabi.
Mabilis kong kinapa ang bawat sulok ng kama at binundol ako ng matinding kaba
ng wala akong makapa at maramdamang presensya ni Intoy ko. Inalis ko ang swero na
nasa pulsohan ko at naupo habang hinihintay na marinig ang mga yabang ng pumasok.
Kumunot ang noo ko at mas lalo akong kinabahan ng ilang sandali na ay wala pa
ring naglalakad. Hindi ako pwedeng magkamali na may nagbukas at pumasok sa pinto.
Sa tagal ko na bilang agent ay may kakayahan na akong maramdaman ang nangyayari sa
palagid sa pamamagitan lang ng mga tunog at halinghing. Kahit walang paningin ay
nakakaramdam ako ng presensya ng tao.
"Sino ka?" Tanong ko.
Walang sumagot pero narinig ko ang hakbang nito. Kung ang magkakapatid ang
dumalaw sa'kin ay siguradong sa labas palang ay rinig ko na ang ingay nila at kung
si Anton man ay agad iyong magsasalita para ipaalam na siya 'yon, kaya sigurado
akong hindi ko siya kilala.
Walang dumadalaw sa'kin kapag ganitong oras maliban kay Intoy ko pero agad niya
akong tinatawag o hindi naman kaya ay magigising nalang ako sa yakap niya, isa pa
ay wala siya ngayon dito. Siguro'y busy sa kompanya niya.
Ihinanda ko ang sarili ko sakaling may maging maling galaw siya. "Anong
kailangan mo?" Tanong ko ulit, gusto kong marinig ang boses niya para makilala ko
pero wala pa ring sagot.
Hanggang sa maramdaman ko ang presensya niya ilang dipa malapit sa'kin ay hindi
siya nagsalita.
"Shit!" Nausal ko ng bigla niyang mahaklit ang leeg ko at sinakal ko.
Napakabilis ng galaw niya kaya hindi ako nakaiwas. Hinawakan ko ang kamay niya
at masasabi kong lalaki siya basi sa laki ng kamay niya. Mas lalong humigpit ang
pagkakasakal niya sa'kin kaya halos panawan ako ng ulirat dahil sa kakapusan ng
hangin.
Sa kabila ng hirap kung paghinga ay nagawa kong iigkas ang mga paa ko at
natamaan ko siya sa tiyan. Hinding hindi ako papayag na mapatay niya akong hindi
lumalaban.
Napahiga ako pabalik sa kama ng sampalin niya ako ng sobrang lakas. Para akong
nabingi dahil sa impact n'on at nalasahan ko rin ang dugo sa sulok ng labi ko.
"Tsk. Weak. Bulag na nga ginaganito mo pa." Puno ng panunuya kong tugon.
Ang kabang nararamdaman ko kanina ay agad na nawala at napalitan ng tapang.
Hindi ako makaramdam ng takot dahil kung mamamatay man ako ngayon ay ayos lang
atleast naramdaman at nalaman kong mahal ako ng Intoy ko.
Kung talagang balak niya akong kitilan ng buhay ay magagawa niya iyon dahil
kahil kahit manlaban ako hindi pa rin mababago na wala akong paningin kaya dehado
ako.
Napangiwi ako ng hablutin niya ang mahaba kong buhok at mahigpit na
sinabunutan. Parang matatanggal pati ang anit ko dahil sa higpit ng pagkakahawak
niya.
"Putangina mo!" Mura ko at dinuraan ko siya.
Namilipit ako ng sikmuraan niya ako. Tahimik na tahimik ang buong paligid dahil
na rin sa lalim ng gabi at dahil hindi siya nagsasalita ay boses ko lamang ang
pumapailanlang.
"Ilabas mo na lahat ng lakas ko dahil mamamatay ka na rin naman." Sa wakas ay
nagsalita ito, boses ng lalaki pero hindifamiliar sa'kin. Hindi ko kilala.
"Go on, mamatay man ako may hahunting sa'yo." Ngumisi pa ako para mas lalo
siyang mainis. Lihim kong pinupunit ang laylayan ng damit ko para kung sakaling
dalhin ako ng kumag na 'to ay malalaman nilang sapilitan akong nakuha.
Ramdam kong hindi niya ako papatayin dito dahil kung iyon ang balak niya ay
hindi na siya mag-aaksaya ng lakas. Sasaksakin na niya agad ako o babarilin.
"Bulag ka na at lahat lahat mayabang ka pa rin." Nakatanggap ako ng tatlong
sampal at ramdam na ramdam ko ang hapdi sa magkabila kong pisngi dahil sa lakas.
"Gago, si Inday Dyosa 'to. Mamamatay akong maganda." Itinaas ko pa ang kamay ko
at ipinakita ang middle finger ko. "Fuck you."
Nagpumiglas ako para makawala sa hawak niya at sumigaw ng sumigaw para may
makarinig sa'kin. Nahulog ako sa kama dahil sa sobrang pagmamadali. Nagsisimula na
namang kumirot ang ulo ko, kahit na ayos na ang pakiramdam ko ay hindi pa rin hilom
ang sugat ko at nagsisimula na naman iyong sumakit.
"Sigaw pa." Tumawa siya na tila demonyo.
"Aaaah!" Sigaw ko ng malakas niyang sipain ang sikmura ko habang nakahandusay
ako sa sahig.
Muli niya akong sinabunutan at halos maiyak ako dahil parang binibiyak ang ulo
ko kung nasaan ang sugat.
Napakasakit! Sobrang sakit!
"Magsadal ka na Agent Park." Bulong niya sa nakakakilabot na boses.
Sisigaw na sana akong muli ng makulong ang boses ko sa panyong itinakip niya sa
bibig ko.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 31
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 32
Sorry for the very very late update. Nasira po kasi ang cp
ko na siyang tanging ginagamit ko sa pag-uupdate kaya natagalan. Nanghiram lang
muna ako para kahit papaano ay unti unting matapos ang kwentong 'to.
Please vote and comment po. <3
-kuyajen
Gale POV
NAGISING ako na masakit ang ulo dahil sa hindi alam na dahilan. Akmang
tatawagin ko ang pangalan ni Intoy ko ng maalala ang nangyari sa'kin bago ako
mawalan ng malay. May pumasok sa hospital room ko at nakipaglaban ako hanggang sa
mawalan ako ng malay at alam kong dinala niya ako.
Sinubukan kong igalaw ang kamay ko at laking pasalamat ko ng wala iyong tali
pati na rin ang mga paa ko. Napangisi nalang ako sa sarili dahil bakit nga ba sila
mag-aaksaya ng panahon na talian ako gayong hindi na kailangan dahil bulag ako at
hindi ako makakalaban. Maybe makakagante ako kahit konte pero sa huli ay talo pa
rin ako. Hindi na rin kailangan ng piring dahil binabalot na rin naman ng dilim ang
mga mata ko.
Gusto kong maiyak sa kalagayan ko ngayon pero hindi dapat ako maging mahina.
Ako si Desiree Gale 'Inday Dyosa' Ancho Park at wala sa bokabularyo ko ang
panghinaan ng loob. Hinding hindi ako mawawalan ng pag-asa. Hanggat alam kong mahal
ako ni Intoy ko ay mananatili akong buhay.
Naalerto ang sistema ko ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Hindi ako
gumalaw sa kinahihigaan kong malamig na sahig habang pinapakiramdaman kung sino ang
pumasok.
"Gising ka na pala." Tugon ng boses ng lalaki. Sa pagkakaalala ko ay siya rin
ang lalaking nakaharap ko sa hospital at sigurado rin akong siya ang nagdala sa'kin
sa lugar na 'to.
Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman lamang ang mga hakbang niya papalapit
sa'kin.
"Mukhang hindi ka manlang kinakabahan." Natatawang tugon pa nito.
"Bakit naman ako dapat kabahan?" Matapang kong tanong pabalik.
"Well, well dapat kang kabahan dahil baka ito na ang huling araw mo sa mundo."
Matamis akong ngumiti sa kanya at pinilit kong itago ang kabang lumulukob
sa'kin. Hindi ako takot mamatay kung ako lang pero sa isiping iiwan ko si Intoy ko
ng walang paalam ay nangangamba na ako.
"Araw araw akong nakahanda sa pagsundo sa'kin ni kamatayan."
Totoo iyon, sa klase ng trabaho ko baeat araw ay palagi kong ihinahanda ang
sarili ko sa pagharap kay kamatayan. Simula ng maging agent ako ay tanggap ko na
ang isang paa ko ay nasa hukay na at sa pagkakataong ito ay baka buong katawan ko
na ang maibaon sa lupa.
"Matapang ka bata." Humalakhak pa ito at hinila ang buhok ko. Nandoon na naman
ang kirot dahil sa injury ko sa ulo at ang natamo ko bago niya ako madala.
"Alam ko, kung hindi ako matapang ay hindi ko sana sinubukang buwagin ang grupo
niya." Wala man akong paningin alam kong nasa ganito akong sitwasyon dahil sa
hinawakan kong kaso. Gusto nila akong mapatay dahil banta ako sa pagkabuwag ng
grupo nila.
"At dahil sa ginawa mo ay katapusan mo na." Mas lalo niyang diniinan ang
pagkakasabunot sa buhok ko. Napangiwi ako.
"Bakit hindi mo nalang ako tapusin? Ang dami mo pang sinasabi." Panunuya ko
dahilan para pabalang niyang bitawan ang ulo ko.
"Kahit gusto kong ako ang tumapos sa'yo ay hindi pwede. Mas
maganda kong mamamatay sa kamay mismo ng kakilala mo."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muling bumukas ang pinto. Kumunot ang noo ko
dahil sa sinabi niya. Mamamatay ako sa kamay mismo ng kakilala? Sino? Wala akong
kakilalang may galit sa'kin.
"Is she ready?"
Para akong binanlian ng mainit ma tubig ng marinig ko ang pamilyar na boses ng
babae na siyang naging kasagutan sa tanong ko. Kilalang kilala ko ang boses na iyon
kahit na minsan ko lamang siyang makita at makausap.
Natulala lamang ako habang unti unting kumukuyom ang mga kamao ko. Siya? Siya
ang nasa likod nito?
"Yes Madame." Magalang na sagot ng lalaki.
Madame? Wow, siya ang boss na siyang hinahanap namin para maisakatuparan ang
paglutas sa kaso? Pero paano niya pamumunuan ang malaking sindikato kung tama ang
nasa isip ko? Gulong gulo ang utak ko dahil sa dami ng tao sa mundo hindi ko
inaasahang nasa ganito siyang gawain. May kirot rin akong naramdaman sa puso ko
dahil kahit hindi pa ako sigurado dahil baka nagkamali lang ako ng dinig sa boses
ay naiiyak na ako sa sobrang disspointment. Binigo niya na naman ako.
"Kumusta?" Tanong nito ng maramdaman ko ang tunog ng kanyang sapatos sa harap
ko.
"B-Bakit?" Tanging salitang lumabas sa bibig ko. Sana hindi nalang ulit siya
nagsalita para hindi ko nakumpirma na tama nga ang pagkakakilala ko sa boses niya.
Magdalena Ancho Park. Ang aking ina.
Wala akong makapang dahilan para maging rason niya para ilagay ako sa ganitong
sitwasyon. Noong nakaraan lang ay nagkausap kami at humihingi siya ng tawad pero
bakit nandito ako ngayon. Bakit nagawa nya akong ipakidnap at pasaktan sa tauhan
niya? At paano niya ako natitiis?
"Hindi pa ba sinabi sa'yo ng ama mo?" Malamig na malamig ang kanyang boses
habang nagsasalita siya. Hindi makikitaan ng awa at konsensya.
Putangina! Anak niya ako bukod sa katotohanang naghihirap ako ngayon dahil wala
akong paningin. Nababalot ako ng dilim pero hindi niya pinalagpas ang ganitong
pagkakataon.
"A-Ama? May ama ba ako?" Puno ng panunuya kong tanong rin sa kanya.
Bakit bigla bigla nalang niyang babanggitin ang isang taong ni minsan ay hindi
ko nakilala? Sa napakatagal na panahon bakit ngayon niya ba uungkatin ang bagay na
matagal ko ng tinanggap na hindi ko makikilala.
"Bakit hindi niya ba sinabi sa'yo?"
Napatiim bagang ako at hindi ko mapagilan ang galit na umaalpas sa kalooban ko.
Para niya akong pinaglalaruan sa pagbabalik ng mga tanong na hindi ko alam ang
sagot.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at kung balak mo akong patayin gawin mo
na! Hindi na ako magtataka kung kaya mong gawin 'yon dahil simula palang naman wala
ka na talagang kwentang ina!" Galit na galit na sigaw ko.
Lahat ng hinanakit na inipon ko ay mukhang maipapamukha ko na sa kanya ngayon.
Bago manlang ako mawala ay gusto kong wala ng mabigat na bagay na nakadagan sa
dibdib ko dahil sa pagdadala ng sama ng loob sa kanya.
"Wala akong kwentang ina dahil wala ring kwentang tao ang ama mo." Sigaw niya
rin na punong puno ng poot na tila pinakawalan lahat ng pagtitimpi na inipon niya.
Napahikbi ako dahil sa sinabi niya. Kuyom na kuyom ang kamao ko para pigilan ang
emosyon.
"Hinding hindi kita ituturing na anak dahil kahit galing ka sa sinapupunan ko
ay hindi ko mahal ang ama mong hayop!"
Hindi ko nagawang magsalita dahil gustong gusto kong malaman ang dahilan niya
kung bakit siya galit na galit sa ama ko basi sa pagkamuhi na mababakas sa boses
niyang napakalamig.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 33
Third POV
"MAGSALITA ka na!" Sigaw ko habang kuyom kuyom ko ang mga kamao ko dahil sa
sobrang galit.
"W-Wala akong alam." Tanggi niya kaya mas lalong sumidhi ang galit ko.
Sinugod ko siya sa silyang kinauupuan niya at sinakal. Kanina ko pa siya
tinatanong kung saan nila dinala ang Indat Dyosa ko pero iyon lang palagi ang sagot
niya. Hindi ako naniniwalang wala siyang alam.
"Papatayin kita kapag nasaktan siya. Papatayin kita." Sigaw ko sa mukha niyang
duguan. Hindi ako nananakit ng babae dahil wala iyon sa bokabularyo ko pero sa
pagkakataong ito ay kaya kong baliin lahat ng paniniwala ko malaman lang kung saan
ang Inday Dyosa ko.
Laha na ng CCTV na malapit sa hospital at sa loob niyon ay hinack na ni Tarinio
pero wala pa rin kaming makihang lead kung saan siya dinala. Naghintay rin kami ng
tawag dahil baka pera lang ang habol ng kumuha sa kanya pero magtatanghali na wala
pa rin.
Lahat ng pera at kayamanan ko handa kong ibigay sa kanila ibalik lang nila
sa'kin ang Inday Dyosa ko na ligtas at walang galos.
"Insan, kalma baka mapatay mo siya." Awat sa'kin ng pinsan ko dahil namumutla
na ang mukha ni Natalie na halos hindi na makilala.
Handa akong pumatay sa ganitong pagkakataon. Wala akong paki sa batas dahil
kapag nasaktan ang Indat Dyosa ko ang batas ko ang masusunod.
"Papatayin ko talaga siya." Sigaw ko sa pinsan ko.
"Hindi mo siya pwedeng patayin hanggat hindi siya nagsasalita dahil kapag
nawala siya hindi na natin mahahanap si Gale." Doon ako napilitang bitawan siya,
tama si Tarinio ang babae nalang na ito ang pag-asa para mahanap namin ang Inday
Dyosa ko.
Nasa interrogation room kami ngayon ng headquarters ng pinsan ko at ilang oras
na naming pinapahirapan ang babaeng 'to pero ayaw pa rin magsalita. Mababaliw na
ako sa pag-aalala dahil baka napa'no na siya.
Lahat ng connection ko ay pinagalaw ko na, mga kapulisan at iba't ibang ahensya
ng gobyerno na maaaring makatulong sa pahahanap sa kanya ay inutusan ko na pero
wala pa rin ni isa ang tumatawag at nagsasabing nakita na nila.
Hindi ko kayang manahimik nalang sa isang tabi at umiyak habang wala akong
kasiguraduhan kong nasa ligtas ba siyang lugar. Konti nalang ay bibigay na ako.
Mawawala ako sa katinuan kapag hindi ko siya nakita.
"Kanina niyo pa pinapahirapan 'yan at walang patutunguhan kung ganyan lang."
Napalingo ako kay Fourth ng magsalita siya. Kasama ko ang mga kapatid ko ngayon
dahil kailangan ko ng tulong nila.
"Anong pwede nating gawin? May naisip ka?" Maagap kong tanong.
Umiling siya. "I'm not sure kung effective." Nagkibit balikat siya habang
nakasandal sa pader kasama ang iba pa naming mga kapatid habang si Tarinio ay
nakatayo sa tabi ko. "Lahat ng tao may kahinaan so why not gamitin natin sakanya
'yon?"
"At ano naman ang kahinaan niya?" Tanong ni Fifth bago pa ako makapagsalita.
"Her father? Her mother? Pero pwedeng silang dalawa nalang para----"
"NO!" Agad akong napalingon dahil sa biglaang pagsigaw ni Natalie na hindi
nagpatapos sa pagsasalita ni Fourth. Umiiyak na naman ito at nagpupumiglas sa
pagkakaposas sa bakal na silyang kinauupuan niya.
"See? Tayong mga anak madalas ang kahinaan natin ay ang mga
magulang." Tila proud na nagtaas ng noo si Fourth habang nakatingin kay Natalie.
Kung nagmamatigas ito kanina ngayon ay bakas sa mga mata ang pangamba ng
marinig ang suggestion ng kapatid ko.
"Mga hayop kayo! Wala kayong kalukuwa." Sigaw niya.
Mapang-uyam akong ngumisi at muling humarap sa kanya. "Ngayon mo lang nalaman?
Pwede rin akong maging demonyo kong para sa Inday Dyosa ko." Tugon ko. Ipinaling ko
ang ulo ko sa gawi ni Tarinio. "Kunin mo ang mga magulang niya, sabihin mong
iniimbeta ko sila ng lunch. Hindi la mahihirapang pasunurin sila dahil ang alam
nila ay ako ang napakabait na boyfriend ng nag-iisa nilang anak."
Agad naman siyang tumango at tumalikod. "Ako na ang bahala."
"No! Please wag niyong idamay ang mga magulang ko! Magsasalita na ako,
sasabihin ko na lahat ng alam ko tungkol sa grupo. Please parang awa niyo na wag
niyong sasaktan ang mga magulang ko. Not my mom and dad please." Pagmamakaawa niya
ng malapit ng lumabas ng pinto ang pinsan ko.
Mas lalo akong napangisi at humalukipkip. Hindi naman ako gan'on kasama para
totoong idamay ang mga magulang niya pero kung talagang kailangan ay gagawin ko.
Mabuti nalang at mabilis siyang kumagat sa pananakot na sangkot ang mga magulang
niya.
"So, lets start. Just talk." Madiin kong utos sa kanya.
Mariin niyang kinagat ang putok niyang mga labi habang patuloy sa pagluha. Wala
akong makapang-awa kahit na babae pa siya dahil aa kong sa loob ng mahina niyang
pisikal na anyo nagtatago ang halimaw na kayang pumatay ng tao.
"Siguradohin mo lang na tama ang lahat ng salitang lalabas sa bibig mo dahil
kung hindi ako mismo ang papatay sa mga magulang mo." Muli kong banta. Tumango siya
ng ilang ulit at kahit na bakas pa rin ang pag-aalinlangan.
Yumuko siya at mas lalong lumakas ang paghikbi. "Ipangako niyo munang tutupad
kayo sa usapang hindi niyo sasaktan ang mga magulang ko." Paos na ang boses niya
dahil sa pag-iyak.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "May isang salita ako." Tugon ko.
Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa'kin. "Hindi ko talaga alam kung saan
siya dinala." Napatiim bagang ako dahil sa mga sinabi niya at akmang lalapitan ko
siya para tuluyang patayin ng matigilan ako sa sunod niyang sinabi. "Pero sigurado
akong ang nanay niya ang kumuha sa kanya."
Si Tita Magdalena? Bakit niya gagawin 'yon sa sarili niyang anak? Yes, kilala
namin siya dahil minsan niyang ipinangalandakan sa pamilya namin na kabit siya ng
daddy pero ni isa sa'min ay walang naniwala dahil alam naming hindi magagawa ni
daddy ang mangaliwa. At tama nga kami dahil siya lang ang nag-aasume na kabit siya
ni daddy kahit ang totoo ay hindi siya nito pinapansin.
We're Castillion at stick to one kami kapag nagmahal.
"Bakit siya kukunin ng sarili niyang ina?" Kuryuso kong tanong dahil hindi ko
mapigilan. Gusto kong malaman lahat.
"Magdalena Ancho Park is the head mistress of the Black Stone, ang sindikatong
dapat ay bubuwagin ni Agent Gale Park and Agent Tarinio Castillion. Patay na ang
head master ng grupo kaya siya na ang namamahala ng lahat." Natulala lamang ako
dahil sa rebelasyon niya.
Patuloy siya sa pag-iyak habang pilit na nililinaw ang mga salitang sinasabi
niya. "H-Hindi nagkataon na si Gale ang humawak ng kaso dahil sinadya iyon ng
Madame, si Madame Magdalena. Inutusan niyang magsumbong ang may-ari ng bar na isa
rin sa myembro ng grupo sa departamento ni Agent Park dahil alam na alam niyang
kapag ganitong mga kaso ay si Gale ang hahawak."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 34
Mas bet ko talaga ang tragidy kaya pasensya na talaga. (Sakit sa dibdib, naaawa
ako kay Intoy ko este Intoy ni Inday Dyosa.)
Please vote and comment.
-kuyajen
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 35
Third POV
THE most painful reality is there's no permanent in this world. Everyone come
and go! We don't know who will stay and leave. We don't know when they leave and
why. Pero sa pinakamasakit na katotohanan na 'yon ay ang realidad na umalis na siya
at iniwan na niya ako ng hindi ko alam kung bakit napakaaga siyang pinahiram sa'kin
at kinuha.
Isa ako sa mga taong nabibilang noon na hindi naniniwala sa pag-ibig dahil
takot ako sa mga consequences na maaaring maging kapalit ng pagmamahal. Hindi ko
magawang maniwala na dadating ang panahon na iikot ang mundo mo sa iisang tao.
Hindi ako naniniwala na kayang dumepende ng kasiyahan mo sa ibang tao. Hindi ako
naniniwala na masasaktan ang puso dahil lamang sa nararamdaman na 'yon.
Pero lahat ng 'yon ay pinatunayan sa'king totoo ng makilala ko ang isang
babaeng nagngangalang Desiree Gale Park, a cool and hot agent. Ang bestfriend ng
asawa ng kapatid kong si Second. Ang babaeng sa kabila ng pagiging makulit ay
napakabait. Ang babaeng napakatapang. Ang babaeng nagtiis na mahalin ako kahit na
lubos ko siyang nasaktan. Ang babaeng handang ialay ang buhay niya para sa'kin.
My Inday Dyosa, ang babaeng nagturo sa'kin kung paano maniwala sa pagmamahal.
Ang babaeng nag-alis ng takot at pag-aalinlangan ko para sumubok na magmahal. Ang
babaeng minahal at minamahal ko higit pa sa pagkatao ko.
My cool agent. My Inday Dyosa. Ang dyosa ni Intoy. Para sa iba ay nakakaumay at
nakakasuka ang gan'ong tawagan pero kung ang babaeng pinakamamal ko ang tatawagin
ko ng gan'on ay ipagmamalaki ko sa buong mundo na pag-aari ko siya. She's
everything to me and I know she'll be the first and last goddess of my heart.
At sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay pinilit kong lakasan ang loob na
bumangon mula sa pagkakasalampak ko sa malamig na sahig.
Gusto niyang maging masaya ako at kahit mahirap ay gagawin ko kahit sa kaunting
sandali. Kaunti dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis na malayo sa
kanya. Gusto ko ng sumunod.
Sa huling pagkakataon ay magpapaalam ako sa kanya ng personal kahit ang kapalit
n'on ay ang patuloy na pagkawasak ng puso ko. Ang patuloy na pagkabasag ko na
walang kahit sino mang makakabuo maliban sa kanya.
Dahil sa biglaang pagtayo ay nakaramdam ako ng hilo pero walang wala iyon sa
lungkot na nasa puso ko. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ko at wala akong
magawa para pigilan iyon. Hinang hina ako dahil ilang araw na rin akong walang kain
dahil hindi kayang tumanggap ng kahit ako ang katawan ko.
"Bumalik ka sa'kin, Inday Dyosa ko." Usal ko habang dahan dahang naglalakad sa
walk in closet ko para kumuha ng shade. Agad ko iyong isinuot para takpan ang
namamaga kong mga mata.
Ang damit na suot ko ng araw na isinugod siya sa hospital ay siyang damit pa
rin sa suot ko ngayon pero wala akong paki kung ano ang amoy at hitsura ko. Wala na
naman akong rason para magpabango at pomorma. Wala na ang Inday Dyosa ko na aamoy
sa'kin at makikipagcuddle buong araw.
She's gond but not dead. For me, she's still here. Here at my heart.
Ilang minuto siguro ang itinagal ko bago makababa mula sa silid ko. Nanlaki ang
mata ni mommy ng makita ako, nakabihis na sila ni daddy at papalabas na ng bahay.
"Oh my God, son." Naiiyak siyang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
Walang paki kung madumi ang suot ko.
Imbes na gumaan ang loob ko ay mas lalo kong naramdaman ang pagkadurog n'on,
mas lalo akong naiyak. Isang linggo mahigit akong hindi lumabas ng kwarto ko,
walang kinakausap, hindi kumakain at tanging pag-iyak lamang ang ginawa ko.
WOAH! Iyak ako ng iyak habang sinusulat 'to. Kahit ilang beses kong sabihin na
malapit ng matapos hindi ko magawang bitawan ang kwento ni Intoy.
Anyway, please keep on voting and dropping your comments. Enjoy reading guys.
-kuyajen
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 36
"CUT! GOOD TAKE TRES!" Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga sa damuhan at
nakangiwing pinahid ang mga luha ko ng marinig ang sigaw ni Anton.
Pinapagpag ko ang buhok ko habang naglalakad papalapit sa kanila na
nagsisipalakpakan at nakatutok ang mga mata sa camera.
"Grabe boss ang galing niyo palang umarte, bakit hindi kayo nag-artista?"
Salubong sa'kin ni Rico at mabilis akong inabutan ng tubig at panyo.
Natatawang umiling ako. "Hindi ko gustong maging hassle ang bawat araw ko, isa
pa wala akong hilig doon napilitan lang ako kasi kailangan."
"Mas magaling kayo kay boss Second." Sabi niya pa kaya tuluyan akong natawa.
"Hoy, anong sabi mo? Huh, maa magaling ako dyan ako nga sana ang gaganap kaso
ayaw ni Queen." Sabat ni Second na nakalingkis na naman sa asawa na abala sa
pakikipag-usap sa mga cameraman.
Wetwew! Oh, ayan na sinunod ko na ang gusto niya. Hahaha next Epilogue and
special chapter.
Please drop your reaction about the whole story. Aasahan ko po 'yan. Salamat sa
pagbabasa.
-kuyajen
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Epilogue
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Special Chapter
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -