You are on page 1of 5

Ang Alkansya Ni Sonia

Mahirap lamang ang pamilya ni Sonia. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang
magsasaka subalit walang sariling lupa. Inuupahan lamang nito ang tinatamnan ng
palay. Ang ina naman niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang.
Sampung taon na si Sonia. Siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid.
Sa pasukan ay nasa ika-apat na baitang na siya ng mababang paaralan.

Kapag ganitong bakasyon ay sinasamantala ni Sonia ang pagkakataon. Gumagawa


siya ng alkansiyang kawayan. Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa
kanilang bakuran, dahil maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong
namumunga. Pinipitas nila ng kanyang inay ang mga bunga at itinitinda iyon sa
palengke.

Mabili ang kanilang mga tindang prutas. Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad
siyang binibigyan ng pera sa kanyang inay.

“Salamat po, inay. Mayroon na naman akong panghulog sa aking alkansiya.”


masayang sabi ni Sonia

“Hayaan mo anak, bago siguro maubos ang mga bunga ng ating mga puno ay
mapupuno na ang alkansiya mo,” sabi ng kanyang inay.

Napuno nga ang alkansiya ni Sonia. Masipag kasi siyang mag-ipon.

Nang malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang


mga tanim na palay ng tatay ni Sonia. Kakaunti lang ang kanilang inani.
Nagkautang ang kanyang itay. Nag-alala naman ang inay ni Sonia. Malapit na ang
pasukan at nawala ang inaasahan nilang panggagalingan ng pera.

“Baka hindi ka makapag-aral ngayong taong ito, anak,” malungkot na sabi ng


kanyang inay.

“Nasira ang mga pananim natin dahil sa bagyo at may utang pa tayo.”

“Makakapagaral po ako, inay. Puno na po ang alkansiya ko. Ito ang gagamitin ko
sa aking pag-aaral,” nakangiting sabi ni Sonia.

Nakapag-aral si Sonia ng pasukang iyon. Salamat at naisipan niyang mag-impok


para sa darating na pangangailangan
Isang Aral para kay Armando
Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa kanya.
Madalas niyang marinig ang “Huwag mong gawin ito,” “Huwag mong gawin iyan.”
Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito.
May isang bagay na talagang lagi niyang gustong gawin kahit ipinagbabawal ng ina – ang
maligo sa ilog. “Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kaya kang ianod
nito,” laging paalala ng ina.
Ngunit naniniwala si Armando na kaya niya. Marunong naman siyang lumangoy dahil
tinuruan ng Tito Manuel niya. “Matatakutin lang talaga si Nanay,” sabi niya sa sarili. “Ang
sarap siguro talagang lumangoy sa ilog. Mukhang kay la’mig ng tubig.”
Kaya nga, isang araw, kasama ng apat na kalarong bata, nagpunta sila sa ilog. Masaya
silang naghubad ng kamiseta at tumalon sa tubig. Ang sarap maglaro sa tubig. Wiling-wili
ang mga bata. Maya-maya, naisip ni Armando na lumangoy sa banda-bandang unahan.
Unti-unti siyang umusad.
Bigla na lamang bumilis ang agos ng tubig at siya’y tinatangay na palayo, patungo sa
malalim na parte ng ilog. Pinipilit niyang pigilan ang katawan ngunit hindi niya makaya
ang malakas na agos ng tubig.
“Ben!” sigaw niya. “Saklolo!”
Ngunit hindi rin magaling lumangoy ang mga kasama niya. Napamulagat na lang sila sa
di-masaklolohang kababata. Mabuti na lang at may biglang tumalong lalaki mula sa mga
kahuyan. Naroon pala ang isang kanayon nila na may paiinuming baka.
Nasagip si Armando ng lalaki ngunit may ilang sandali bago siya nahulasan. “Salamat po,
Mang Tacio. Akala ko’y katapusan ko na. Nagdasal po ako at kayo ay dumating. Dapat
nga pala akong sumunod sa sinasabi ni Nanay.”

You might also like