You are on page 1of 2

ANG GINTONG BINHI NI AMA

Ni Floren E. Buted

Tagaktak ang pawis ni mang Antonio sa initang tumutunaw sa kaniyang balat, dumadausdos sa
mahaba niyang manggas ang mga pawis at maalinsangan na pakiramdam dulot ng maghapong
pagbilad sa araw. Ang kaniyang likuran ay nagmistulang kuba na dahil sa mag hapong
pagtatanim ng mga palay sa kaniyang bukirin. Sa murang isipan pa lamang naunawaan na ni
mang Antonio ang kahirapan sa pagsasaka, ang pangarap nito'y karaniwan na sa isang
magsasaka, na maiahon ang pamilya sa kahirapan,ngunit tila ba ito'y isang pangarap na lamang
sapagkat sa kabila ng pagsisikap niya,hindi niya ito makamtan dahil sa mga hindi inaasahang
pangyayari sa kaniyang nga pananim.

Nakagawian na ni mang Antonio na isama ang kaniyang mga anak sa bukirin kung sila'y walang
pasok sa paaralan, ang kaniyang mga anak nama'y handang sundin ang kagustuhan ng kanilang
ama, nakikita nila ang pagod at sakripisyo ng kanilang ama upang sila'y makapag-aral at
magkaroon ng magandang pamumuhay,Kung kaya't kahit sa kaunting paraan ay nais nilang
matulungan ang kanilang ama sa mga gawaing bukid.

Lumipas ang mga araw at buwan panahon nanaman ng anihan,ngunit sa hindi iniaasahang
pangyayari nagkaroon ng pag - ulang nag tagal ng mga ilang buwan,ang mga pananim ni mang
antonio ay unti-unting nabulok sapagkat hindi dumating ang rinatamasa nilang araw. "Saan pa
tayo ngayon kukuha ng puhunan,kung wala na tayong aanihin pa" ika ni mang Antonio sa
kaniyang asawa, "paano na ang pag-aaral ng ating mga anak?"dagdag pa niya. Tumulo ang mga
luha ni aleng susan sa pagdaing ng kaniyang asawa, "Wala tayong magagawa, ang ating trabaho
ay parang sugal" sagot ni aleng susan habang pinupunasan ang kaniyang mga luha, nakita at
narinig ni maria ang usapan ng kaniyang mga magulang, "tay,nay, narinig ko po ang inyong
pinag-usapan"ika ni maria habang lumalapit sa kaniyang mga magulang, "pasensya kana anak,
nagdadalamhati lamang ang iyong ama" sagot naman ni aleng susan, "naiintindihan ko po kayo
inay, kung kaya't nais ko sana mag hanap ng trabaho" sambit nito, masakit man sa isipin ngunit
ito ang iniisip na paraan ni maria upang magkaroon muli ng puhunan mga magulang, "ano ang
iyong sinasabi anak?" Tanong ni mang Antonio, "nais ko sanang huwag na mag-aral at mag tra
trabaho na lamang ako upang makatulong sa inyo ni inay" sagot ni maria, sa pagkakataong ito
ang puso ni mang Antonio at aleng susan ay parang salaming nawasak.

Sa gipit na kusina,sa gitna ng gabi kung saan ang mga insekto ang naririnig sa kapaligiran
maririnig ang mga hikbi ni maria sa harapan ng kaniyang mga magulang, dahan dahang
pinunasan ni mang Antonio ang mga luha ni maria gamit ang kaniyang sugat sugat at kalyo
kalyong mga kamay "anak, kayo ang aming gintong binhi ng inyong inay, kayo ang aming
puhunan sa buhay,kaya kahit anong hirap man ang pagdaanan namin ng inyong inay hindi kami
sumusuko upang kayo ay makapag-aral, kaya't huwag mong isiping isuko ang iyong pag-aaral
para lamang kami'y iyong tulungan" ika ni mang Antonio, ang mga sinabi ni mang Antonio ay
parang espadang tumagos sa puso ni maria.

Sa pagdaan ng panahon ganon parin ang ikot ng buhay ni mang Antonio at aleng susan, patuloy
na kumakayod sa buhay upang maipagpatuloy ng kanilang mga anak ang pag-aaral. Sa kabila
nito ang kanilang anak na si maria at gayundin ang kaniyang mga kapatid na sina juana at isay
ay naging kasabihan ang mga salitang "kami ay gintong binhi ni ama" upang ipagpatuloy at
magsumikap para sa kanilang pag-aaral.

Si mang Antonio ay nakasuot ng amerikana at kulay itim na kurbata,makinang ang suot niyang
itim na sapatos at maayos ang kaniyang mga buhok, si aleng susan ay naka bestida at nakasuot
ng sandalyas na mayroong takong, gayundin sina isay at juana sa kabilang banda si maria ay
nakasuot ng itim, itim na toga. Mangiyakngiyak si mang juan at maria sa paglalakad patungo sa
entablado kung saan nila tatanggapin ang diploma, "ang gwapo ng ating tatay"ika ni isay,
"maganda rin naman ang nanay" dagdag ni juana "tama kayo mga anak kaya't tingnan niyo ang
inyong ate,napakaganda niya at sa wakas nakapagtapos narin siya ng kolehiyo" pagpapatuloy
naman ni aleng susan.

Sa kanilang maliit na tahanan nagkaroon sila ng kaunting salo-salo, selebrasyon sa pagtatapos ni


maria, "tay at inay kayo na po ay pumarito at may sasabihin ang ate" pag-aya ni juana at isay sa
kanilang magulang,masaya namang tumugon sina mang Antonio at aleng susan, pag pasok pa
lamang sa kanilang kusina nasilayan na nila ang matingkad na ngiti ni maria "Nay,tay unang una
po sa lahat kami'y nagpapasalamat sa Dios dahil kayo ang aming naging mga magulang,
maraming salamat sapagkat hindi kayo sumuko upang kami ay inyong mapag-aral, tunay nga na
kami ang inyong mga mumunting gintong binhi, ngayon ang inyong isang gintong binhi na
inalaagaan at minahal ng sobra ay lumago na at magsusumikap pa upang magkaroon ng bunga"
tumutulo ang mga luha ni maria habang binibigkas ito sa harapan ng kaniyang pamilya,
naluluha naman ang buong pamilya sa mensaheng ibinigay ni maria, dahan dahang niyakap ng
buong pamilya ang unang gintong binhi ni mang Antonio na si maria.

You might also like