You are on page 1of 4

Mamo, Saira L.

Quisera, Angela E.

BSEd- Filipino 3-A3

"PAGBANGON"

Tumunog na ang bell sa loob ng paaralan. Hudyat na upang magsiuwian at


itigil na ang pag-iinsayo namin para sa nalalapit na pagtatapos sa elementarya.
Iba't ibang ekspresyon ng mga estudyante ang makikita habang pauwi sa kanilang
tahanan kasabay ang kani-kanilang kaibigan. Kasabay ko ang aking mga kaibigan
habang pauwi sa kanya-kanyang tahanan, hanggang sa ako na lang mag-isa ang
naglalakad sapagkat nasa dulo pa ang aming bahay. Ngunit bakit tila kakaiba ang
hapong ito? Kakaibang ligaya at lungkot ang aking nararamdaman siguro dahil
nalalapit na ang aming pagtatapos at dahil na rin sa mahihiwalay na ako sa aking
mga ang kaibigan.

"Anita! Anita intay sabay na Tayo umuwi!" Ang aking pag-iisip ay natigil at
napalingon ako sa aking paglalakad dahil sa tumawag sa'kin at ito na naman may
kasama na naman ako paglalakad.

Nagising si Anita at nang makita n'ya sa orasan na 8:30 AM na, mabilis siyang
bumangon sa kanyang higaan upang magtungo sa kusina sapagkat tanghali na s'ya
para pumasok sa paaralan. Pagpasok sa kusina ay naroon ang kanyang Ina. "O
Anita anak, bakit tila nagmamadali ka?". Nagtataka si Anita sa kanyang ina
sapagkat di siya ginising nito. "Nay, bkit di n'yo po ako ginising? Tanghali na po
ako sa paaralan." Pagalit niyang tinig sa kanyang ina. "Anak wala daw pasok
ngayon dahil sa pandemya, dahil sa virus na kumakalat"

Labis na nalungkot si Anita dahil sa balita ng Ina at dahil na din sa di


matutuloy ang kanyang pag-akyat sa entablado. Naging mahigpit ang patakaran at
dumami ang tala ng mga taong may sakit na Covid. Umaga-umaga ay naririnig ni
Anita ang huni ng ambulansya dahil sa mga taong nagkakasakit. Isang umaga dahil
tapos na si Anita sa kanyang mga modyul kaagad siyang nagwalis, naglampaso ng
sahig, naghugas ng pinggan at nagsaing. Nakita ni Anita na lumabas ang kanyang
Ina mula sa kwarto "Nay, ang dami ko na pong nagawa. Para po sa paghuhugas at
pagsasaing ay 20 pesos, samantalang sa paglalampaso po at pagwawalis ay nais
ko po ng cellphone" Ngumiti ang nanay ni Anita at nagwika sa anak, "Anak sa
siyam na buwang dinala kita sa aking sinapupunan ay walang bayad at ang
kabuuang pagpspalaki ko sa'yo ay walang bayad."

Matapos marinig ni Anita ang sabi ng kanyang Ina ay may namuong luha na
nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata. Niyakap niya ang ina at
nagsabing "Nay, mahal na mahal po Kita."

Kinaumagahan ay nagising si Anita sa pagkatok ng kanyang ina mula sa


pintuan ng kanilang silid. "Anita anak, sumama ka sa ate mo, mamimigay ng
modyul sa kanyang mga estudyante".

Matapos mamigay masaya si Anita at ang kanyang ate na umuwi sa kanilang


tahanan. Habang nasa kwarto si Anita pumasok ang kanyang Ina. "Anak kumusta
ang pagsama mo sa ate mo? Mabait ba s'ya sa iyo? Bagama't may halong
pagtataka kay Anita ay sumagot pa rin siya sa kanyang Ina. "Opo nanay, mabait po
si ate kapag kami'y magkasama"

Isang araw nagkasakit ang nanay ni Anita at nilagnat. Dinala ito sa


pagamutan at dumaan ang Isang linggo na di nya ito nakita dahil limitado laang
ang dapat dumalaw sa pagamutan dahil sa pandemya. Dumating ang ate ni Anita
sa tahanan nila at kaagad niya itong sinalubong ng tanong "Ate si Nanay?" Nakita
niyang sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa mga mata Ng kanyang kapatid at
unti-unti itong nagwika "Anita bunso, wala na si nanay at bawal natin s'yang iuwi
dito sa bahay dahil sa pandemya, at iyon ang nasa batas."

Parang gumuho ang mundo ni Anita. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na


ulan ay ang walang tigil na pagtulo ng kanyang luha dahil sa paghihinagpis at
pangungulila sa yumaong ina. Parang walang katapusan ang kanyang sakit na
nararamdaman dahil sa kahit huling pagkakataon ay di manlaang niya nasilayan
ang Ina mula ng ito'y dalhin sa ospital. Paano niya mapapalitan at masusuklian
lahat ng pagmamahal at sakripisyo ng kanyang Ina kung di na n'ya kaylanman ito
makikita at makakasama. Nawalan ng pag-asa sa buhay ngunit biglang pumasok
Ang ate ni Anita sa kanyang kwarto at nagwika.

"Anita bangon na riyan, andito si ate di ka pababayaan." Bumangon si Anita


na namumukto ang mga mata at kaagad yumakap sa ate sabay hagulhol sa pag-
iyak. Alam n'ya na di sya pababayaan ng kanyang kapatid ngunit naiisip nya na iba
pa rin ang pagmamahal at pagkalinga ng isang ina. Ang pagmamahal ng isang ina
na walang kapantay at walang hinihinging kapalit.

"Tumahan ka na Anita, ito pala galing kay nanay ngayon ko laang naibigay
sa'yo" Binuklat ni Anita ang regalo na naglalaman ng cellphone na hinihiling niya
sa kanyang nanay noong minsang naglinis siya ng bahay. Muling naiyak si Anita at
naalala lahat ng sakripisyo ng kanyang Ina. Na kahit sa huling hininga nito ay sila
paring mga anak ang iniisip. Masakit man ang nangyari ngunit naiisip ni Anita na
magpatuloy pa rin sapagkat sa puso at sa isip nya ay nanatilo ang kanyang Ina. Sa
halip na magpalamon sa lungkot ay nagpatuloy silang namuhay ng kanyang
kapatid kasama ang patuloy na tanglaw ng pagmamahal na iniwan at binuo sa
kanila ng kanyang Ina noong nabubuhay pa. Ang pagmamahal na iniwan sa kanils
ng kanyang ina ay magsisilbing tanglaw ng magkapagid habang sila'y nabubuhay.

Pagkalipas ng ilang buwan, unti-unti nang nanumbalik Ang mga ngiti sa


labi ng magkapatid, at nagsilbing inspirasyon ang pagkawala ng kanilang Ina
upang maging matatag sa mga hamon na dumarating sa kanilang buhay,at lalong
naging mas malapit sila sa isa't Isa.

Hindi pinabayaan ni Anita ang kaniyang pag-aaral , bagkus ay naging mahusay siya
sa kaniyang pag-aaral palagi siyang sumasali sa mga patimpalak na ginaganap sa
paaralan at Isa siya sa honor students. Ikinatuwa naman iyon Ng kaniyang ate na
patuloy na gumagawa Ng paraan upang may ma ipangtustos sa pag-aaral ni Anita.

Di naglaon ay nakapagtapos si Anita sa Sikondarya,at siya ang nakatanggap


Ng pinakamataas na karangalan. Naging masaya Ang kaniyang ate Ng mabalitaan
niya Ang Kahusayan Ng kaniyang kapatid na si anita.

Pagkatungtong ni Anita Ng kolehiyo ,ay kumuha siya ng kursong Guro dahil


bata pa lamang si Anita ay ito na Ang kaniyang gustong maging trabaho balang
araw. Hindi naging madali para Kay Anita ang pag-aaral niya sa kolehiyo, dahil sa
mga gastusin sa paaralan subalit Hindi siya sumuko at nagpatuloy parin upang
makamtan ang kanyang hangarin sa buhay. Marami mang mga balakid, Ang
nangyari sa buhay ni Anita ay nagsilbing aral upang hindi sumuko sa mga hamon
ng buhay na kaniyang nararanasan. Anumang mga unos ang dumating sa buhay,
huwag basta-basta susuko upang sa huli ay matuto at magtagumpay. Sakaling
madapa, huwag bumangon kung saan nadapa; bagkus, gumapang patungo sa
lugar kung saan maaaring bumangon nang hindi na muling madapa.

You might also like