You are on page 1of 2

Sagun, Chris John L.

September 28, 2015


9- St. Mark
Ms. Alelie Mangio

Ang Alamat ng Pinya


Noong unang panahon sa isang malayong nayon ay may naninirahang
isang batang babae. Ang pangalan niya ay Filipina at ang kanyang palayaw ay Pina. Bata
pa si Pina nang maulila kaya siya ay kinupkop ng kanyang tiyahing si Marta.
Si Pina ay mabait, masipag, at mapagtiis samantalang ang kanyang tiyahin
ay tamad, masungit, at pabaya sa buhay. Nang bata pa si Pina ay nagkasakit siya ngunit
hindi siya ipinagamot ni Marta bagay na naging dahilan upang manlabo ang kanyang
mga mata. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral dahil hindi na niya
mabasa ang mga aralin sa paaralan. Kuntento na lamang siya na tumulong sa mga
gawaing bahay at makipaglaro sa mga kapwa bata.
Lumipas pa ang maraming araw at mas lumubha ang panlalabo ng kanyang mga
mata. Kadalasan kapag sila ay naglalaro ng taguan ang mga salbaheng bata ay hindi na
nagtatago at sa halip ay nanatiling nakapaligid sa kanya. Sapagkat bahagya niyang
naaaninang ang mga kalaro ang mga salbaheng bata ay kinukurot siya sa iba't-ibang
bahagi ng katawan habang kinukutya ang kanyang kapansanan. Ang lahat ng mga eto
ay kanyang pinagtitiisan.
Isang araw habang siya'y naglalaro sa harapan ng kanilang bahay ay galit
na tinawag siya ni Marta. "Pina, maghugas ka ng mga pinggan at kaldero sa kusina. Ang
tamad- tamad mo!" sigaw si Marta. "Pagkatapos mong maglinis sa kusina ay maglaba
ka."
Agad namang iniwan ni Pina ang paglalaro at nagtungo sa kusina
upang maghugas. Ano ba't dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata ay di
sinasadyang natabig niya ang lalagyan ng mga pinggan at baso, at bumagsak ang mga
gamit sa sahig. Nang makita ni Marta na nabasag ang ilang plato at baso ay labis
siyang nagalit. Kinuha niya ang walis tingting at malakas na pinagpapalo si Pina sa
kanyang mga binti.
"Wala kang silbi! Dapat ang ulo mo'y napaliligiran ng mga mata para nakikita
mo ang lahat ng nasa paligid mo!" malakas na sigaw ni Marta habang pinapalo pa rin si
Pina.

"Tiya, patawarin po ninyo ako. Hindi ko po sinasadya," pagmamakaawang pakiusap


ni Pina. Ngunit lalo pang nilakasan ni Marta ang pagpalo sa kanya.
Nang di na matitiis ni Pina ang sakit ng pagpalo sa kanya ay umiiyak
siyang tumakbo sa labas ng bahay patungo sa kalapit na kagubatan. Lumipas
ang maghapon at hindi bumalik si Pina. "Babalik din siya kapag siya ay nagutom, " sabi
ni Marta sa kanyang sarili.
Lumipas ang maghapon, gumabi, at nag-umaga ngunit hindi bumalik si Pina. Hindi
rin nakatiis si Marta at kasama ang ilang bata ay hinanap nila si Pina. Ngunit siya ay
naglaho na parang bula. May mga nag-isip na si Pina ay kinupkop ng isang diwata sa
kagubatan na naawa sa kanyang kalagayan.
Lumipas pa ang maraming araw. Isang umaga ay nagulat na lamang ang
lahat nang may nakita silang halaman na umusbong sa harapan ng bahay ni Marta. Ang
halaman ay nagbunga ng isang prutas na korteng ulo at may mga mata sa paligid. Bigla
nilang naalala si Pina at ang sinabi ni Marta sa kanya: "Dapat ang
ulo mo'y napaliligiran ng mga mata para nakikita mo ang lahat ng nasa paligid mo."
"Si Pina siya!" biglang nasambit ng isang kapitbahay sa kanyang mga
kasama.Ilang salbaheng bata ang lumapit upang maki-usyoso. Subalit paglapit nila
ay pawang nangatusok sila ng matutulis na tinik sa dulo ng mga dahon ng
halaman. Naalala nila ang ginawang pag-aapi kay Pina. "Si Pina nga siya," anang isang
salbaheng bata.
"Ayaw na ni Pina na nilalapitan natin siya." Sigaw ng isa pang salbaheng
bata. "Ayaw niyang kinukurot natin kaya tayo naman ang tinutusok ng kanyang
mga tinik." "Si Pina nya! Si Pina nya!" magkakasabay na sigaw ng mga bata
habang itinuturo nila si Marta na nasa harapan ng bahay at nakatingin sa kanila.
Mula noon tuwing makikita ng mga tao ang halaman at ang prutas nitong hugis ulo
na maraming mata ay tinatawag nila etong si Pina nya. Nang lumaon ay naging Pinya na
lamang ang naging tawag nila dito.

You might also like