You are on page 1of 37

Unit I:

Mga Akdang Pampanitikan sa Luzon

 Maikling Kwento
 Alamat
 Tula
 Awiting Bayan
 Pabula
 Parabula
Ang Alamat ng Kasoy

Ni:

(Alamat)

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito.
Lungkut na lungkotang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy.
Lalo itong nalungkot nangmalamang magdaraos ng isang handaan ang
Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ayipinatawag ng Ada ang lahat ng
hayop at halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga
Alitaptap. Anghuni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa
awit ng mga Maya.Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng
mga Elepante ang mga Tamaraw, ngZibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni
Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita,ni Saging ang Papaya.
Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang
kagubatan. Bukodtanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng


awit at tawananpero hindi naman nakikita ang katuwaan.”
Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.
“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”
“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit
ako sa ibanghayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa
kagubatan. Nakakasama sila sapagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi
nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawakayo, mahal na Ada. Gawan ninyo
ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulongko sa loob ng prutas
na ito.”
Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang
nagniningning napananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na
kulungan ang Buto.”
Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan,
at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.
Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay
sumaliw sa awitng mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito
sa pag-indak. Napapasabaydin sa pagimbay ang mahagway na Kawayan
kasama ang Pagong na nagbababa atnagtataas ng bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang
makinang napananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga
Alitaptap ang parol nila.
Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at
lungkot nangkumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang
mga hayop sa mga kuweba.Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang
mga ugat sa ilalim ng lupa.
Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at
kinakaliglig sa lamigang Buto.
“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi
ka sa ingayng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa
labas.”
Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang
panghabambuhay na parusaay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng
Kasoy ang abuhing Buto nito.
Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.
Ang mga nawawalang sapatos ni Kulas

Ni:

(Maikling kwento)

Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas


Cruz. Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong
gulang na anak nina Julio at Vina Cruz.
Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni
Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.
Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka
ito.
“Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin
ng papa mo ng bago?” tanong ng ina sa bata.
Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na
maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling
tumakbo palabas ng bahay.
“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang
kapatid habang tumatakbo siya palabas.
Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay
sina Kulas at Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may
karton na naglalaman ng bagong sapatos.
“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya.
Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at
mukhang mamahalin yung binili ng mama niya para sa kanya. Kinabukasan,
sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila.
Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio
habang nag-aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa naman ay
nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila.
“Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo
mo. Bakit mukhang luma yata yung nabili mo,” sabi ni Julio.
Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at
mahal iyon kaya humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan.
Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma
na ang sapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak.

“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot
mo?” tanong ni Vina sa anak.
Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang
sapatos. Inutusan siya ng ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang
minuto na naghintay si Vina pero hindi bumalik si Kulas.
Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at
balisa. Tinanong ulit ni Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na
pares ng sapatos na iyon na binili para sa kanya ngayong taon.
“Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang
bagong sapatos na bili niyo para sa akin,” pagtatapat ng bata.
“Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa
pagbibigay anak pero sana, inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para
sa iyo. Nag sinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak.
Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin
niya na mali ang magsinungaling kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin
kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng ama niya
dahil pinaghihirapan nila ito.
Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang
susunod na mga sapatos at mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa
niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling.
Ang Aso at Uwak

Ni:

(Pabula)

Ang ibong si Uwak at lipad nang lipad


Nang biglang makita tapang nakabilad
Agad na tinangay at muling lumipad
Sa dulo ng sanga ng malagong duhat.

Habang kumakain si Uwak na masaya


Nagmakubli-kubli nang huwag makita
Nang iba pang hayop na kasama niya
At nang masarili, kinakaing tapa.

Walang anu-ano narinig ni Uwak


Malakas na boses nitong Asong Gubat
Sa lahat ng ibon ika'y naiiba
Ang kulay mong itim ay walang kapara.

Sa mga papuri nabigla si Uwak


At sa pagkatuwa siya'y humalakhak;
Ang kagat na karne sa lupa'y nalaglag
Kaagad nilundag nitong Asong Gubat.

At ang tusong aso'y tumakbong matulin


Naiwan si Uwak na nagsisi man din
“Isang aral ito na dapat isipin
Ang labis na papuri'y panloloko na rin.”
Bansang Pilipinas

Ni: Anonymous

(Tula)

Bansang Pilipinas
Iyong makikita ang gintong silahis
Sa dakong silangan ng ating daigdig,
Hindi nalalasap ang hapdi ng hibik,
Iyang kalungkutan pilit mawawaglit,
Pag iyong namalas ang kaakit-akit
Na tanawing anong ganda't pagkarikit!
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!

Damhin mo ang dampi ng hanging amihan


May hatid na awit ng kaligayahan;
Masdan mo ang dagat, malawak at bughaw
Maginto't maperlas di mapapantayan;
Tingnan ang kay-ganda niyang kaparangan
Nagbibigay-sigla sa pusong may panglaw.
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!

Dinggin mo ang galak ng kristal na batis


Na lumuluhod na sa lungkot at hapis,
Iyo ring pakinggan ibong umaawit
Do'n sa papawiring malaya ang tinig;

Lupang maligaya't lupang matahimik


Walang makatulad sa silong ng langit!
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!

Ang bayan ko'y bayan ng mga awitin


Matamis pakinggan at napakalambing;
Tulad ng kundiman na nakaaliw,
Maglalahong tunay ang mga panimdim
Pag iyong namasdan; Pandanggo't tinikling
Magbibigay sinag sa pusong hilahil.
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!

Ito ay lupang maganda't mayaman


Sa mga tanawin niyang kalikasan;
Taong masipag ang nananahanan
Di takot masunog sa sikat ng araw;
Handa ring gumawa kahit umuulan
Nang taos sa puso't laging nasa dibdib.
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!
Ang Alibughang anak

Ni: Emerald Ilona

(Parabula)

Ang isang mayamang ama’y may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling
ng batang anak na ang ganang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay
ibigay na sa kanya. Nang makuha na nang bunso ang kanyang mana ay
tumungo sa malayong bayan at nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng
ama.

Naubos na lahat ang kanyang salapi. Namumulubi siya at nang wala nang
makain ay inisip nang bumalik sa dating tahanan upang makain man lamang
niya ang kinakain ng alila ng kanyang ama. Gayon na lamang ang galak ng
kanyang ama, sinalubong ng yakap at halik ang bumalik na anak. Inutusan
ang isang alila na bigyan ang anak ng pinakamagarang kasuotan, ipinasuot
sa daliri ang isang mamahaling singsing at ipinagpatay ng isang matabang
baka.

Namangha ang matandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan.


Nang malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay nagalit nang gayon na
lamang at sinumbatan ang ama. Akong masunurin ninyong anak na buong
katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo naipagpatay kahit isang guya
man lamang. Ngayong dumating ang alibughang anak ninyo ay gugugol
kayo nang malaki at magdiriwang.

Sumagot nang marahan ang ama. Anak ko, ikaw ang lagi kong kapiling.
Ang lahat ng akin ay iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid
mong namatay ay muling nabuhay, nakita nating muli ang nawala.
Ako ay Pilipino

Ni:

(Awiting bayan)

Ako ay Pilipino
Ang dugo’y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari’y natipon ang kayamanan
ng Maykapal

Bigay sa ‘king talino


Sa mabuti lang laan
Sa aki’y katutubo
Ang maging mapagmahal

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino


Isang bansa, ‘sang diwa
ang minimithi ko
Sa bayan ko’t bandila
Laan buhay ko’t diwa
Ako ay Pilipino
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino


Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.
Si Langgam at Tipaklong

Ni:

(Pabula)

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising
na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya
nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya.
Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni Tipaklong. “Kaybigat ng


iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng
pagkain?”

“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni
Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang


maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay
kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko


sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y
aking iipunin para ako ay may makain pagsumama ang panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan
sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat,
kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na
ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang
puntahan ang kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam.


Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si
Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at maupo.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda


siya ng pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang


magkaibigan.

“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa


iyo. Kailangan nga pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang
may makain pagdating ng taggutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda


ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto
siyang gumawa at natuto siyang mag-impok.
Ang Ginintuang aral

Ni: Anonymous

(Parabula)

May isang mag-asawang may anak na batang lalaki. Kasamang naninirahan


ng pamilyang ito ang ama ng Tatay. Noong una, maligayang nakakatulong
ng mag-asawa sa paghahanapbuhay ang ama at masayang nakakasama ng
bata ang kanyang Lolo sa paglalaro. Ngunit dumating ang sandaling tuluyan
nang inagaw ng katandaan at madalas na pagkakaroon ng karamdaman ang
lakas ng matandang lalaki. At dahil dito, hindi na ito napakinabangan sa
bahay.

Sa tuwing kumakain sa hapag-kainan, parating nakakabasag ng pinggan ang


matandang lalaki nang dahil sa panginginig ng kamay. Sa buwisit ng mag-
asawa sa matanda ay ginawan na lang nila ito ng pinggan na gawa sa kahoy,
na animo isang aso.

Ang pinggan nga naman na gawa sa kahoy ay hindi na mababasag nito.


Naging saksi ang batang anak ng mag-asawa sa ginawa nila sa matanda.
Isang araw, nagtungo sa silong ang bata at kumuha ng magandang uri ng
kahoy.

Nang makita siya ng kanyang ama ay kaagad nilapitan at tinanong.


“Ano ang ginagawa mo?”
Tumingin ang bata sa kanyang ama at sinabing, Gumagawa po ako ng pinggan
na gawa sa kahoy. Upang sa inyong pagtanda ni Nanay ay mapagkalooban
ko rin kayo ng ganitong kainan. Biglang natauhan ang ama sa narinig.

Dali-dali niyang kinausap ang kanyang asawa. At magmula noon, nagbago


na ang pakikitungo nila sa matanda.
Alamat ng Bundok Banahaw

Ni:

(Alamat)

Noong ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa


pangalang Banahaw ay meron ng maraming tahanang nakatayo sa paanan ng
bundok na pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog.

Sa maraming mag-aanak na doon nakatira ay kabilang ang mag-asawang


Lukban at Bayabas. Iisang anak nilang lalaki, si Limbas, ang namumukod sa
lakas, sa tapang at sa bilis. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo,
unggoy, at malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya't hindi nagtagal, sa paligid-
ligid, ng malaking bundok ay natanyag ang pangalang Limbas. Siya ang
naging hantungan ng paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay dumating ang
kabayanihan ni Limbas.

Isang araw ay nawala si Limbas at gayon na lamang ang panimdim ng mag-


asawa. Hindi sila makakain at makatulog sa hindi pagdating ng kanilang anak.
Makalipas ang pitong araw ng pagkabalisa ay muling nagbalik si Limbas. Dala
niya ang isang balutan na sari-saring damit at pagkain. Sa buhay ng mag-
asawa ay hindi pa sila nakakalasap at nakakatikim ng gayong nag-iinamang
damit at nagsasarapang pagkain. Pakinggan natin ang balita ni Limbas.

"Isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na isang 'enkantado'. Sa


maharlikang tahanan nito sa tugatok ng bundok ay doon isinama si Limbas.
Doon, ang lahat ng hayop ay puti ang balahibo, di lamang ang mga manok
pati ang mga usa. Ang hardin ay napakalawak at humihitik sa mga bunga ang
mga puno. May sasakyang hinihila ng dalawang kabayong puti, na siyang
ginagamit sa paglalakbay sa buong Luzon. At sumama lamang ako sa pag-
uwi ng bahay ay hindi nawala ang dulot."

Yaong balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni Limbas sa kanyang mga


magulang ay unang dulot ng maginoo. Nguni't ang bilin nito bago iabot ang
dulot ay dapat munang humalik si Limbas sa kanyang mga magulang. Anupa't
ang hindi paghalik sa kamay ay makakapagpabago sa dalang dulot. Hindi
minsan mang nawala si Limbas ng pituhang araw at hindi rin sa kanyang
pagbalik ay sari-saring kasuotan at pagkain ang dala ang nakasisiya sa
kanyang mga magulang.

Minsan pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng maliit na bolang ginto


ang padala ng ginoo. At sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan humalik muna ng
kamay sa kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang balot at
sinabing, "Narito po ang ating kayamanan mga bolang ginto!"

Subali't ng buksan ang balutan ay hindi ginto ang lumabas kundi mga bunga
ng Anahaw.

Kaya't sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas: Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Ba!


Anahaw!"

At buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna


ng Luzon. Gayon din, ang bayan ng Lukban at Tayabas ay nagsimula sa
pangalang Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.
Ang aral ng damo

Ni:

(Maikling kwento)

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang
ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

"G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel.

"Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak."

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw


ba'y maligaya sa iyong paligid?"

"Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang


gardenia sa banda roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na
taboy ng hangin ay kahali-halina!"

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano
ang masasabi mo sa iyong halimuyak?"

"Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon,
siya'y natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!"

Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G.


Saging, kumusta? Ikaw ba'y nasisiyahan sa iyong sarili?"
"Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag
malakas ang hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad
sa narra!"

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong


matibay na puno?"

"Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay
matutulis. Ang mga ito'y nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para


sa iyong sarili?"

"Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta
ang bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi
nananaghili kaninuman pagkat maligaya!"
Unit II:

Mga Akdang Pampanitikan sa Visayas

 Maikling Kwento
 Alamat
 Tula
 Awiting Bayan
 Pabula
 Parabula
Ang Alamat ng Basey

Ni:

(Alamat)

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa


Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa
Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng
panibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag
nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa
marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng
Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan
Katindoy at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na
dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalanan
ang lugar na Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang parangal at sa
alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit. Samantala, ang mga taga-
Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hindi
sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip sila’y nagkaisa at
nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may
kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’ bilang pagbibigay parangal din sa
kagandahan ng kanilang si Bungangsakit.

Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga


tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar
na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang
ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari
sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang
ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin
ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat atupang
mamatyagan ang paparating na mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar
sa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga
Heswita. Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-walo ay dumating at
sinalanta ang buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na
pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas
ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar
na kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.
Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay
na naninirahan sa Baysay ay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap
ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang sa malalakas na
hangin. Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng bayan ng Baysay.
Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol na isa sa mga ito ay
tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw
ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa
mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.
Ang Batik ng Buwan

Ni:

(Maikling Kwento)

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na


bituin.Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig
na ibig niyangyakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan
sapagkat matutunaw angmga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng
araw ang mga anak kapaglumalapit sa kanya.
Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng
marurumingdamit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak
ngunit huwag niyanglalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga
anak. Buong kasiyahanniyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan.
Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga
anak. Bigla niyang niyakap anglipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya
ay biglang natunaw.
Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya
sapagkatmalungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit
hindi nyanakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan.
Hindi niyamatagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa.
"Niyakap mosila? Huwag kang magsisinungaling!
”Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang
punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang
kanyangkasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya
maipagtatanggol angsarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang
dakot na buhangin atinihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay
nagkaroon ng batik angmukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang
makaganti sa ginawa nito sakanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin
ng buwan ang araw.
Si Haring Tamaraw at si Daga

Ni:

(Pabula)

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki,
mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod


na pagad. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si
Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya
ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog
si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi sinasadyang
natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw
at naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.
Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang
parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw.
Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya'y makatulong kay
Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring
Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa


kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na
panghuli ng malalaking hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla
si Haring Tamaraw. Walang magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo
sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain.


Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring
Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya. Nagpasalamat si Haring
Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabuting magkaibigan si Haring
Tamaraw at si Daga.
Ang bagsik ng pera

Ni: Joe Cabrera

(Tula)

Sa buhay ang pera, sobrang mahalaga


Kay dami ng bagay, na nagagawa nya
Una nga lang ang Dios, sya na'ng pangalawa
Na sa buong mundo, ay kinikilala

Maraming milagrong, nagagawa ito


Pang ligtas ng buhay, ay isa na rito
Syang nag-papakilos, dito sa buong mundo
Sadyang kailangan, ng lahat ng tao

Mayron akong kwento, tungkol dyan sa pera


Na kung pano'ng kanyang, bagsik na talaga
Usapan po ito, nang anak at ina
Na pawang "ngo-ngo" po, na sa "phone" po sila

H’wag sanang magalit, mga "ngo-ngo" sa 'kin


Hindi ko po nais, na sila'y biruin
'Yay talaga ng Dios, alam nila't nadn
"All my 'hair-lip* friends know, how deep 1 feel for them"

Itong inang "hair-lip", nasa Pilipinas


Nag "long distanee" siya, dyan sa Encinitas
Sa bunso po niya, na si Felicitas
Ang trabaho po nya, ay bilang isang nurse

"Nunungan mo ‘ami (tulungan mo kami), Mely ang wika nya


Mu'ay namin nito (buhay namin dito), inap na inap na (hirap na hirap na)
La'at ng mili’in (lahat ng bilihin), Somrang ma’al manga (sobrang mahal
baga)
Madala ka naman (padala ka naman), ng ‘ondi ang PERA (ng konti pang
PERA)

Kung ano ang garil, nitong dila niya


Siyang pagka-linaw, pagdating sa PERA
Pagkat baka hindi, ma-intindihan sya
Pilit itinuwid, ang dila sa kwarta

Eto na ang sagot, ni Pelisa Madrid


Ngonting era inay (kaunting pera inay), mimingay ako ngid (bibigay ako gid)
Ang iling ko namang (ang hiling ko lamang), ag ayong mangalit (huwag
kayong magalit)
'Ana naman ‘ayo (sana naman kayo), ay mag TIPID TIPID
Dandansoy

Ni:

(Awiting bayan)

Dandansoy, baya-an ta ikaw,


Pauli ako sa payaw,
Ugaling kong ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon.

Dandansoy, kon imo apason,


Bisan tubig di magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bobon.

Dandansoy, I must leave you


I am going home to payaw,
If perchance you long for me,
Just look towards payaw.

Dandansoy, if you come after me


Don’t even bring water with you,
If perchance you become thirsty,
You can dig well on the way.
Ang Kabayo at ang Kalabaw

Ni:

(Pabula)

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araway
inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagangkabayo at
kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabangpaglalakbay.Makaraan
ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina ang
kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
" Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa
sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng
kalabaw.
" Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisanmo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.
Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag
ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,"
pakiusap pa rin ng kalabaw.
" Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.Makaraan pa ang isang
oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindinagtagal at ang kalabaw ay
iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.Nang makita ng
magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat nggamit na pasan ng
kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namangmakalakad dahil sa naging
napakabigat ng kanyang mga dalahin.
" Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat
ang pasan ko ngayon”
may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.
Ang Alamat ng Ibong Maya

Ni:

(Alamat)

Noong unang panahon, may isang batang ubod ng likot. Ang pangalan niya
ay Rita. Maliban sa pagiging malikot ay may mga bagay ding ginagawa si Rita
na di dapat gawin ng mga batang kasing gulang niya at dahil dito ay naiinis
ang kanyang ina sa kanya.

Isang araw matapos mapagod sa paglalaro ay umuwi si Rita at nakita ang


inang nagbabayo ng palay. Pinanood lamang niya ang kanyang ina sa
ginagawa nito. Nang makapagbayo na ng isang salop ng bigas ang kanyang
ina, kinuha niya ito mula sa lalagyan at kinain sa sobrang gutom mula sa
paglalaro. Ang lalagyan ng napagbayuhang bigas ay malaki at may takip na
bilao. Hindi napansn ng ina ang anak dahil sa natakpan na pala ito ng bilao.
Nang matapos na ang ina sa pagbabayo ng bigas ay tinawag niya si Rita upang
mautusan ito upang maitago na ang mga binayo, ngunit hindi ito sumagot.
Marahil ay naglalaro lamang o hindi gustong mapag-utusan ay hinanap ng ina
ang malikot niyang anak. Hindi niya ito mahanap sa lahat ng madalas nitong
pagtaguan.

Nang bubuhatin na niya ang lalagyan ay nalaglag ang bilaong takip nito at
may nakita siyang maliit na ibon sa loob nito. ang maliit na ibong iyon ay
malikot at kumakain ng bigas. Ang ibong iyon ay si Rita na ngayon ay
tinatawag ng maya.
Tuba

Ni:

(Awiting Bayan)

Condansoy, inom tuba


Laloy, dili co inom, tuba pait aslom
Condanlom
Ang tuba sa baybay.
Patente mo angay,
Talacsan nga diutay,
Pono ang malaway.
Ang tubang malaway.

Condansoy, drink tuba my good boy!


No ‘tis bitter and sour.
I will not drink at all!
Tuba sold on the beach
Ought to pay license high;
Even one little glass
Will make you crazy drunk.
Ang Pilipinas ug ako

Ni: Charliemaigne L Cadiz

(Tula)

Pilipinas, lugar na ako nagdako.


Abunda kaayo sa maayong tao.
Kugihan, buotan, pinoy! kami jud to.
Maong ang mga dayo ganahan namo.

Mga bisita, among pag-atimanon.


Ilang gustohon among pagatumanon.
Di sila magmahay sa among pagkaon.
Mga isda presko, lami jud tulahon.

Among mga prutas asta jud lamia.


Tanan pwede mukaon tiguwang bata.
Kung ikaw mukaon pirti ka sariwa.
Cge na! palit na! basin mahutdan ka!

Dagat, bukid, suba, sapa ug uban pa.


Ginabalik-balikan gayud sa masa.
Tanan imoha na gayud na Makita.
Diri amoang pinakagwapong nasod.
Ang pinoy specialty namo ang adobo.
Ikaw makatilaw mura kag mulobo.
Mao kami mga gwapa ug gwapo.
Tungod sa kalami sa among adobo.

Pinas, mao na ang "Pearl of The Orient Seas"


Mga tao, ngisi japon bisag krisis.
Unya unsa paman inyong gihulat miss?
Dali namo! ayaw nalang gud ug tabis.
Unit III:
Mga Akdang Pampanitikan sa Mindanao

 Maikling Kwento
 Alamat
 Tula
 Awiting Bayan
 Pabula
 Parabula
Ang Alamat ng Bundok Pinto

Ni:

(Alamat)

Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay


pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na
pinaniniwalaang lumitaw nuong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang
magagandang nilikha ng diyos na may napakaraming aria-arian tulad ng
iba’t ibang uri ng mga alahas. Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari
sa tanso tulad ng mga agong (gongs), mga kulintang, mga gandingan at iba
pang mga bagay-bagay na may kaugnayan o kabilang sa kumpletong mga
instrumentong musikal na yari sa tanso.

Ang mga sinaunang nanirahan sa nayon ay maingat na nagmatyag at


malapitang sinaksihan ang mga pambihirang gawi at mga kakatwang gawain
ng mga kakaibang naninirahan sa yungib. Napuna ng mga taga-nayon na
tuwing maaliwalas na mga gabi ay nagkakaroon ng pambihirang kasayahan
sa bundok. Ang malamyos na musikang likha ng mga instrumentong
musikal ay maririnig mula sa bunganga ng yungib. Mapagkikilalang ang
musika ay likha ng kagamitang musikal na yagi sa tanso. Sa katahimikan
ng gabi, ang musikang nagmumula sa bundok Pinto ay nakapagdudulot ng
tunay na kasiyahan at kaligayahan sa mga naninirahan malapit sa bundok.
Ang gayong kakaiba at kamangha-manghang nakaaaliw at masasayang
pangyayari ay nagtagal at nagpatuloy ng maraming mga taon.

May pagkakataon pang ang ilang malalakas ang loob na lalaki ay di pa


nasiyahan sa pakikinig lamang ng nakaaaliw na matamis at masarap
pakinggang tugtuging idinudulot sa mga tao ng mga supernatural na nilikha.
Isang gabi, tatlong mapangahas na lalaki ang sumubok na lumapit sa yungib
ng bundok. Sila’y dahan-dahan at tahimik na gumapang hanggang sa
makarating sa pinakamainam na lugar malapit sa bunganga ng yungib at
doo’y nagkubli ng ilang sandali.

Ano ang kanilang nakita? Sila’y buong kapanabikang nangabigla nang


makita ang mga kaibig-ibig tingnang mga nilalang na tumutugtug gamit ang
mga intrumentong musikal na yari sa magagaang kawayan na makinis ang
pagkayari. Sa pinakaloob na bahagi ng yungib, ang ibang mga reyna ay
buong kasiyahang tumutugtog gamit ang mga kulintang, agong, gandingan
at iba pang mga instrumento. Nang maramdaman nilang may mga tao sa di
kalayuan, kaagad silang napatugil sa pagtugtog. Madali nilang nalamang
may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-amoy.

Ang mayuyumi, magaganda at kabigha-bighaning mga nakababatang diwata


at reyna ay biglang naglaho. Nahintakutan sila sa pagdating ng mga tatlong
kalalakihan. Ang mga nakatatandang mga diwata at reyna lamang ang
nanatili roon ngunit di kumikibo at nakamasid lamang. Naumid naman ang
tatlong lalaki at di malaman ang sasabihin ng makita nang harapan ang mga
mga kabigha-bighaning nilalang.
Reynang Matapat

Ni:

(Maikling kwento)

Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating


kapuluan. Nakilala siya dahil sa katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at
maayos na pamamalakad sa panunungkulan.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay pinagdarayo
na ng mga mangangalakal na Arabe, Intsik at Hindu ang kaharian ng
Kutang-Bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang-Bato ay siya
ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.

Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana


ang mga taga Kutang-Bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas at
ang sinumang lumalabag sa ipinag-uutos ng Reyna ay pinarurusahan.

Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang


paggalang, paggawa, at katapatan ng kanyang mga tauhan.
Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Intsik sa Kaharian
ng Kutang-Bato. Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni
Reyna Sima at sa katapatan ng kanyang mga tauhan. Walang kaguluhan at
walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa
kaharian ng Kutang-Bato.

Minsan, isang negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan sa kaharian ni


Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi
ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit
ng Reyna Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang gagalaw ng
naturang supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kanyang
nasasakupan upang sa ganito ay muling datnan ng may-ari sa lugar na
kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto.

Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan
nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.

You might also like