Professional Documents
Culture Documents
( Lourdes C.Punzalan )
Ang sariling wika ng isang lahi
Nangangalap ng karanasan,gawi,
Pagsamba,pagmamahal,pagtatangi at pagmithi
Maihahambing sa pinakadakila
2. Doon ka, am-ama. Makiisa ka sa amin.”Babalik din sila riyo...”“Ibig mo bang ngumata
ng tabako habang naghihintay?”Dumukot si Lifu-o sa nakasuklob na tinuod at iniabot na
tuyong dahon ng tabako.“Salamat... Ngunit bumalik ka na roon.” Itinaboy siya ng
matanda.BumaliknangasiLifu-o sabahay. Kailangang roon siya sa pagdaraos ng ritwal.
Hinahanap na nga siya.“NasaansiLifu-o?”“Si Lifu-o?”“Lifu-o...?”Bumalik
pagkaraanngmgasandalianglahatsa labas ng bahay na malapit sa binuhay na mga siga...
bumalik silangmasasaya... at lumalakas ang awiitan... ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng
koongan.Nasiyahan ang mga anito... ang apdo ng baboy ay nakaturong
palabas...”Tuhugin sa patpat...suksok sa bubungan... sa malapit sa
pintuan!”“Magbibigay ng magandang kapalaran ang mga anito sa patnubay ni
Kabunian...!”“Dulatan ng karne ang mga anito: ilagay sa kiyag... paanyayahan muna ng
panalangin!”“Lifu-o,” bahagyang nagulantang ang tinawag. “Idudulot naang tap-
pey,Lifu-o.” Nasa tabi na ni Lifu-o ang asawangsi Napat-a.”Dinulutan din ni Lifu-o ang
matandang kuba. Inilagay sa isang kiyag ang karne at ang kanin. Noon nagsalita
angmatandang kuba sa isang makapangyarihang tinig na naririnig ng lahat. Ang
pagdiriwang ay natigil. Ang tunog ng gangsaay napipi at ang mga katutubo ay bumaling
sa biglang nagsalitang matatanda. Ngayo’y natitiyak na ni Lifu-o na ang tinigng matanda
ang higit na makakatawag pansin.“Ang idinaraos ninyong Canao ay bibiyayaan ng mga
anito. Dininig iyan ni Kabunian. Ngayon ay ibig kongmaghandog sa inyo ng aking alaala.”
Ang tinig niya’y malamig, tila dumarampi sa hubad nilang katawan—pinatitindi
ngmalamig na simoy na itinataboy ng mga puno ng pinto at hindi makabawas ang salab
ng ningas ng siga. Naging lalongmalilikot ang liwanag ng mga sulo; lumikha iyon ng mga
anino sa dingding ng mga nakapaligid na tahanan ng mgaIgorot—lumaki—lumiit—
nagtatanghal wari ng isang mahiwagang sayaw. Samantala, ang tinig ng matanda ay
tilananunuot sa kaibuturan.Takluban ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy
na ninyo ang canao. Huwag ninyong gagalawin angpagkakataob sa akin ng
kawa.”Sumisigaw ang isip ni Lifu-o:“O, Kabunian, kung ito’y palatandaan ng isang
ipagkakaloob na magandang biyaya, tulungan mong mapaayun sakatwiran.”
3. Nagsasalita pa ang matanda “Sa ikatlong araw, isang kahoy ang masusupling. Huwag
ninyong gagalawin ang puno.Ang magiging bunga lamang ang maaari ninyong
pitasin...”Iyon ay isang pagsubok. Dumating ang matandang iyon sa isang pagkakataong
hindi inaasahan. Isa iiyongmatandang kubang pipilay-pilay na lumapit at naupo sa
nakatumbang lusong. Ngayo’y nakakapangyayari na ang kanyangkatauhan.Isang
matipunong Igorot ang kumuha ng kawang hinihiling niya. Ang mga intugtukon, ang mga
matatalinongmatatanda ng ato, ay napapatangay wari sa isang nagaganap na
mahiwagang pangyayari—buong pag-aalang-alang nainakay ang matanda at dinala sa
tabi ni Lifu-o sa gitna ng pinagdarausan ng canao; ang ay-ayeng ay inaawitan ngmuli;ang
mga gangsa ay unti-unting sumisigla sa nalilikhang tugtugin... Naupo na ang matanda,
taglay ang mga plato ngpagkain. Sa hudyat ni Lifu-o dahan-dahang itinaklob ang kawa.
Lumalakas ang awitan, ang ay-yeng; bumibilis angpagtugtog sa mga gangsa. Sa dibdib ni
Lifu-o, makakas din ang pintig ng puso. Iyon din ang pintig ng buhay na naghaharisa
kapaligiran.Sasilanganpumupusyawnaang liwanag at nagkakahugis na ang mga puno sa
pino.Sa magkabilang tabi ni Lifu-o ay walang katinag-tinag si Napat-a at si Sabsabung. Sa
malapit sa nakataob na kawaay nakapaligid ang mga katutubo. Ang hubad nilang
katawang nasisikatan ng araw ay nangingintab sa pawis.Magkahalong damdamin ng
pananabik at pangamba ang nakalarawan sa mukha ng lahat. Samantala, ang mga am-
amana kinabibilangan ng mga intugtugon ay bumubulong ang mga pangamba. Sa itaas,
humuni ang isang ibon.“Ito ang itinakdang araw ngmatanda, ama,”
pagawwariangbahagyangnagkatiniganganak; gumulantangitokayLifu-o.“Hindi ka ba
natatakot, ama...? Ha, ina...?”“Sabsafung...” Halos bulong iyon ng ina. Pinisil nito ang
hinawakang kamay ng anak.; gumulantang iyon kay Lifu-o.Nararamdaman ni Sabsafung
ang lamig niyon.“Bakit kayo matatakot, ha, Sabsafung? Ha, Napat-a?” Pumayapa ang
tinig ng ama ngunit ang kanyang lalamunan.Lumunok si Lifu-o. “Pangako niyang handog
ito.”“Oo nga, Lifu-o...”“Oo nga, Ama...”Kinabig bi Lifu-o ang balikat ni Napat- at
Sabsafung. Ang init ng katawan ay magpapadaloy ng mainit na dugo.Humudyat si Lifu-o.
Itataas na ang kawa. Apat na matitipunong igorot ang lumapit sa kawa. Ngunit...“Apu
Lifu-o...!” Ang bulalas ay sabay-sabay halos na namulas sa bibig ng mga Igorot.“Apu Lifu-
o, nagkalamat ang kawa...!”At nakita ba ninyo... nakikita ba ninyo?”“Lumalaki ang
lamat... Nabasag ang kawa!”“May nag-uusbong na halaman...”“Tugtugin ang mga
gangsa... nang malakas na malakas... nang mabilis na mabilis...”“Awitin ang ay-ayeng...”
4. Manalangin...!”Sila’y nangangayupapa. Nananalangin, nag-aawitan. Sa saliw ng
gangsa. Palakas nang palakas. May nagsisindak—mga lalaki, mga babae, mga bata,
matatanda.Sapagka’t, kadakilaan... o, Kabunian...! Isang halamang ginto ang
tumuutubong ito.Natutop ni Lifu-o ang dibdib. Ang pintig niyon ay napapayanig sa
kaniyang katauhan.“Ginto! Puno ng ginto!” Ang sigawan ay di-magkamayaw-
nangibabaw na sa awitan, sa tum-tum-tum ng mgagangsa; samantala, pataas na nang
pataas, palago na nang palago ang puno. Sa sikat ng araw, ang makikinabang atmakislap
na kataasan ay sumisilaw sa lahat.Biglang-biglang, nahinto ang tugtog... napawi ang
awit... napipi ang mga panalangin.Si Sabsafung ang unang kumilos. Tila sa isang
panaginip lumalakad itong apalapit na puno ng ginto. Ang kinang ngpuno sa paningin ni
Lifu-o ay lalong nagpaningning sa kagandahan ng anak. Ihahabi ni Napat-a si Sabsafung
ng damit ngginto. Sinundan ni Lifu-o si Sabsafung may ligaw na udyok na nanikit sa
kanyang utak. Damit na ginto para kaySabsafung. Hinaplus-haplos ni Sabsafung ang
puno; Hinaplus-haplos ni Lifu-o ang puno.Ang sumusunod ay marami pang sandal ng
pagpanaw ng lahat ng muni, pagkatapos ay pagkalimot, pagkatapos ay pagliwanag ng
isip ng isang katotohanan... at ang pagkaunawa: ginto... kayamanan... kayamanang
ginti...!*TALASALITAANCanao – isang seremonya o ritwal pagalay kayKabunianKabunian
– bathalang mga Igorot ay-yeng – panalanging inaawit sa canaoili – kabayanan gangsa –
instrumenting ginagamitintugtukon – luponngmgamatatalinomgmatatanda;
hinihinganngmgapayoaf-fong – tirahanb ng mga Igorotam-ama – matandang Igorot lufid
– kasuotan ngbabaeng Igorottap-pey at fayas – uri ng alakkalos at koongan – kauri ng –
sisidlan ng pagkainfatek – kauri ng tattootinu-od – sombrero kadangyan–
pinunongpanrelihiyon
Ang alamat ng Bulkang Mayon
Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah.
Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang
Magayon na ang kahuluga’y “Magandang Dalaga.”
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito’y nagsalita, “Magandang Mutya, mula
ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan!”
“Ako’y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito. Bigyan mo ako ng isang bulaklak
at ako’y masisiyahan na!”
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito’y
kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib
“Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?” may alinlangang paliwanag. “Dapat niyang
malaman!
“Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!”
Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at
nakakahalina kung kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan,
matapos ang anihan.
Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang
kasalan. Kakaunin niya ang ama’t ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: “Kung hindi kita
makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya’y
sumagot, “Ako’y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!”
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya.
Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga’y nakaupo sa duruwangawan at
naghihintay
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen.
Nagkaroon ng maringal na handaan – kainan at sayawan.
Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang
pumagitna at sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang siba ay tumama sa dibdib ng
dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa natagutan
ng hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa’y ilagak na
magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas
hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong
Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.