You are on page 1of 2

Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao ni Simplicio Basa

Dumating ang matandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang
kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Hindi siya gaanong pinansin kung
hindi siya nadagil ng mga katutubong nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy na iaalay sa kanilang
ritwal. Isang tanging piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang pinakadakilang bathala. Sa pagtungo
sa kaingin ng isang lalaking si Lifu-o, nakakita siya ng uwak sa gitna ng daan na isang masamang
pangitain. Ipinasya niyang magdaos ng ritwal kaya ipinatawag niya ang intugtukon at ibig niya itong
ganapin sa kanilang affong. Sa idinaraos na Cañao nakatuon ang pansin ng nakauunawa sa kahulugan
niyon: pagkakasal kaya, pagsilang, pagtatanim, pag-aani kaya, pakikipagdigmaan, paghinging-biyaya,
paghinging-patnubay, pagkamatay kaya ng isang katutubo?
Sa bahaging ito, kailangan mong basahin ang buod ng akdang mula sa Luzon na pinamagatang
“Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao.” Pero bago iyan, kailangan mo munang basahin at unawain
ang kahulugan ng mahihirap na salitang mababasa sa akda.
Ang mga kabataang katutubo ay humahabol sa mga baboy na iaalay sa kanilang bathala. Sa
kanilang paghabol ay napadako sila sa lusong na nandoon ang matandang kuba. Natumba ang matanda at
agad naman itong tinulungan ng mga kabataang Igorot. May nakita silang kakaiba sa katauhan ng
matanda. Nagsalita iyon.
“Bayaan na niyo ako…” at nagpatuloy ang pagdaraos. Dinulutan ni Lifu-o ang matanda. Inilagay
niya sa isang kiyag ang karne at ang kanin. Noong nagsalita ang matandang kuba sa isang
makapangyarihang tinig. Tumigil ang Cañao. “Ang idinaraos ninyong Cañao ay bibiyayaan ng mga anito.
Narinig na iyan ni Kabunian. Ibig kong maghandog sa inyo ng aking alaala.” sabi ng matanda. Sa
malamig na tinig, sinabi niyang “Takluban ninyo ako sa isang malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo ang
Cañao. Huwag ninyong gagalawin ang pagkakataob sa akin ng kawa.” Nagsalita pa ang matanda, “Sa
ikatlong araw, isang kahoy ang masusupling. Huwag ninyong gagalawin ang puno. Ang magiging bunga
lamang ang maaari ninyong pitasin…” Dahan-dahang itinaklob ni Lifu-o ang matanda sa kawa. Sa
silangan, ang liwanag ay pumupusyaw na at ang puno ng pino ay nagkahuhugis na. Humudyat si Lifu-o.
Itataas na ang kawa. Lumapit ang apat na matitipunong katutubo sa kawa ngunit nagkalamat ang kawa at
may napansin silang umuusbong na isang kakaibang halaman. Sila ay nananalangin at nag-aawitan sa
saliw ng gangsa nang palakas. Ang mga lalaki’t babae, bata’t matanda ay nasisindak dahil ang umusbong
ay isang gintong halaman. Ang halamang ginto ay pataas nang pataas at palago nang palago na nagiging
puno na ito. Si Sabsafung na asawa ni Lifu-o at si Napat-a ay kumilos. Ang mga katutubo ay pumunta sa
puno upang pitasin lahat ng ginto. Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga,
tinapyas, at binalibali. Sila ay nag-aagawan, nagtutulakan, nagkasasakitan na, nagsisipaan, at
nagkababalian ng buto.
Bago nagawang dumapo ng isang ibon, tila dagundong na ibinuhos ng ulan, nabuwal ang puno at
bumagsak. Umugoy ang mga sanga ng mga kalapit na puno ng pino. Sa malayo, narinig ang bahaw na
huni ng uwak. “Huhukayin ninyo mula ngayon ang ginto…” Naisip ni Lifu-o ang matandang iyong
dumating sa isang pagkakataong hindi inaasahan, ang matandang kubang papilay-pilay na lumapit at
naupo sa nakatumbang lusong…
Gawain Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Sa anong elemento ng akda napabilang ang pagpapakilala sa mga pangunahing gumaganap sa akdang
“Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao” na sina matandang kuba, Lifu-o, Sabsafung, at Napat-
a. a. Banghay c. Tagpuan b. Panimula d. Tauhan
2. Isinasaad sa akda na ang lugar kung saan nila ipinagdiriwang ang Cañao ay sa affong. Sa anong
elemento ng kuwento napabilang ang paglalahad sa lugar ng pangyayari?
a. Banghay c. Tagpuan b. Panimula d. Tauhan
3. “Dumating ang matandang kuba sa isang pagdiriwang ng Cañao. Habang siya ay nakaupo sa
nakatumbang lusong ay bigla siyang nagsalita at nagbigay ng mga paalala. Ngunit sa kasamaang palad ay
hindi sinunod ng mga tao ang paalala ng matanda kaya ang gantimpala na kanilang natanggap ay naglaho.
Nagunita ng mga tao na sinayang nila ang biyayang dumating sa isang pagkakataon.”
a. Banghay c. Tagpuan b. Panimula d. Tauhan
4. Naniniwala ang mga pamilya ni Lifu-o na sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Cañao ay maaaring
maging masagana ang kanilang pamumuhay. Anong kultura ang masasalamin sa bahaging ito?
a. paniniwala sa mga halaman c. paniniwala sa mga pamahiin b. paniniwala sa mga hayop d. paniniwala
sa mga ritwal
5. Natutunan ng mga tauhan sa kuwento na hindi mabuti ang maging sakim at makasarili. Batay sa bahagi
ng akda, anong katangian mayroon ang mga tauhan sa kuwento?
a. gahaman b. makatao c. makabansa d. mapagbigay

You might also like