You are on page 1of 20

Sa isang maliit na barangay ng Bayog nakatira ang batang si

Buboy na mahilig maglaro ng bola, kaya lagi siyang pinagsasabihan ng


kanyang Nanay. At ito rin ang naging dahilan kung bakit muntik na siyang
masaktan,. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman at
tinanggap niya ang kanyang pagkakamali.

SI BUBOY ANG BATANG MAHILIG SA


BOLA
Sinulat ni: MA. LINA B. YU
Inilarawan ni: NOEL C. ABANTAO JR.
Competencies:

1. Identify the letter of one’s given name (LLKAK-ic-1)


2. Talk about likes and dislikes food, pets, toys, games,
friends, places (LLKOL-Ic-15)
3. Identify one’s basic needs and ways to care for one’s body
(PNEKBS-Ii-8)
4. Natutukoy ang pangangailangan ng pamilya at kung paano
nila to natutugunan (KMKPP-00-7)
Si Buboy ang batang mahilig sa bola.
Sa isang maliit na barangay ng Bayog, may isang batang
lalaki na mahilig maglaro ng bola, siya ay si Buboy.
Walang araw na hindi ito naglalaro ng kanyang bola, wala siyang
kapaguran kahit pinagsasabihan na siya ng kanyang Nanay Berna.
Isang umaga, habang naglalaro si Buboy ng kanyang bola, inutusan
siya ng kanyang Nanay Berna na pumunta sa bukid.
“Anak, puntahan mo ang iyong Tatay sa bukid, humingi ka ng isang
boteng gatas ng baka, sabi ni Nanay Berna.”
“Sige po Nanay! Hihingi rin po ako ng bayabas doon”, sambit ni
Buboy at biglang umalis na dala- dala ang bola.
Habang naglalakad patuloy sa pagpapatalbog ng kanyang bola si
Buboy. Nang biglang nagbagsakan ang mga buko sa kanyang
harapan.
“Ahhh…sabay takbo papalapit sa kanyang tatay Berting. Nag- alalang
sinalubong siya nito. “Anak, ayos ka lang ba?”, tanong ng ama.
“Opo! Ayos lang po ako Tatay, nagulat lang po ako sa naglaglagang
buko.” Ang sagot ni Buboy sa tanong ng ama.
“Nakita mo na anak, dahil sa sobrang paglalaro ng iyong bola
muntik ka nang masaktan kanina. Pangaral ng kanyang ama.”
“Tama nga si Tatay, pabulong na sinabi ni Buboy sa kanyang sarili.
Pwede ko palang ikapahamak ang sobrang paglalaro ng bola.”
“Patawad po Tatay! Ngayon alam ko na po kung bakit palaging nag-
aalala kayo ni Nanay sa akin. Nahihiyang sabi ni Buboy.”
“ Ang mahalaga anak natuto ka sa iyong mali.”Tugon ni Tatay
Berting”Halikanat’ umuwi na tayo sabay yakap sa anak.”
“Mabuti at nandito na kayo at nakahanda na ang pagkain sa mesa,
sambit ni Nanay Berna.”Wow…ang daming pagkain, sabi ni Buboy.”
“Nagluto si Nanay Berna ng inihaw na bangus, bagoong, at sinigang
na baboy.”Bigla akong nagutom sabi ni Tatay Berting.
Masayang nagsalu-salong kumain ang pamilya at nagbiruan, nang
biglang naalala ni Buboy ang basket na dala nila mula sa bukid.
Binigay ni Buboy sa kanyang Nanay Berna ang basket na may
lamang bulaklak at sabay yakap.”Maraming salamat po Nanay sa
lahat.”

You might also like