You are on page 1of 2

Ella Janelle B.

Dela Cruz

Section 14

Ang Mga Nawawalang Bangus

Buod:

May isang babae nangagalang Sonia. Ayon sa istorya ay siya ay isang malusog na babae.
Siya ay malusog na kahit bago pa lang siya ikasal sa isang arkitekto na si Godofredo, pero mas
lalo pa syang lumusog pagkatapos niyang pakasalan ito. Noong una ay nakakapiling pa ni Sonia
ang kaniyang asawa. Nahihintay niya pa ito dahil bago mag-alas otso ay nasa bahay na ito.
Ngunit nang siya ay lumobo ulit, mas naging late na rin ang paguwi ng asawa. Naging alas diyes
na ang uwi hanggang sa inaabot na nang madaling araw ito. Dahil nga hinihintay ni Sonia palagi
ang paguwi ng asawa, minsan ay nakakatulog na siya sa sobrang antok. Sa umaga, maaabutan
nalang nito ang bakas ni Godofredo. Ang mga pinagkainan na pinggan at mga maduduming
damit na nasa banyo. Kapag nakakatulog siya, hindi siya nakakakain ng hapunan at gigising
nang gutom, kaya naisipan niyang bumawi nalang sa agahan at sa tanghalian. Imbes na pumayat
ay mas lalo pa yata siyang lumusog. Noong tumagal, nakasanayan n ani Sonia ang mamuhay
nang mag-isa pero hindi mag-isa. Sa text na lamang sila nagkakausap ng kaniyang asawa. Nang
sinubukan umupo ni Sonia na umupo sa sofa at hindi siya magkasya doon, biglang sumulpot sa
isip niya ang pagtext sa kanya ni Godofredo noong isang araw. Imbis na “baby” ang tawag sa
kanya ng kanyang asawa, ang kanyang natanggap ay “babuy”, na binawi naman nito, sinasabing
dahil bakobako ang daan at “typo” lamang iyon. At hindi lang iyon, isang beses pa ay tinukso
siya nito na hindi na daw niya kailangan ng ksama sa bahay dahil kaya na rin niyang maging
haligi dahil kasinglapad na niya ito. Dahil sa panunuksong iyon galling kay Godofredo, sumama
ang kaniyang loob at pinasyang magpapayat na. Bangus na ang palagi niyang kakainin dahil
pinaglihi daw siya doon at iyon ang kayang niyang kainin nang paulit-ulit nang hindi nagsasawa.
Ngunit dito na nagsimula ang salungatan ng istorya, nagsimula na mawala ang kaniyang
inihahanda na bangus. Noong una ay akala niya ay nakain niya lang nang hindi namamalayan,
pero naulit ito nang ilang beses kaya nagsimula na siya maghinala. Ang una niyang
pinaghinalaan ay ang pusa ni Corazon dahil puti ang balahibo nito, na kung saan may nakita na
ganoon malapit sa bangus. Dinala nito ito sa barangay hall, na kung saan nagtatrabaho ang isang
lalaki na nangagalang Bree. Dahil sa pagbabangayan ni Corazon at Sonia, nangako si Bree na
reresolbahin ang problema nilang dalawa, kaya nagsimula siyang magimbestiga. Pagtapos
tanungin ni Bree ang lahat ng kasangkot, kasama na ang isang lalaki na si Paulo, na nagtatrabaho
sa Too Big For You na nagdedeliver ng tubig. At nalaman na may iisa pa palang pusa ang
kasangkot dito. Ang pusa ni Paulo, na may pangalang Minerva, ay lumaki sa kalsada. Ngunit
pinapakain naman ni Paulo, pag wala ito ay hindi pa rin mapigilan ni Minerva na lumabas at
maggala-gala dahil hindi naman talaga ito lumaking “indoor cat” katulad ng pusa ni Corazon.
Nadiskubre ito ni Bree noong nakita niya ang puti sa kilikili ni Paulo, na noong una ay inakalang
tawas. Iyon pala ay puting balahibo na galing sa kanyang alaga na si Minerva kapag natutulog
niyang katabi ito at sumisiksik pa sa kanyang kilikili. Sa huli ay naresolba rin ang isyu ng
nawawalang bangus dahil kay Bree.

Pagsusuri:

Kung hindi pa nagalok si Bree na aayusin niya ang problema ng dalawang babae ay mukhang
mas patuloy pa itong magbabangayan. Walang patutunguhan ang kanilang pagaaway dahil
masyado silang kumbinsido na magaway. Bubuhusan na dapat agad ni Sonia ng kumukulong
tubig ang alaga ni Corazon kahit na hindi pa naman siya nakakasigurado na ito nga ang
nagnanakaw ng kaniyang inihahandang bangus. Hindi dapat na bibig lamang natin ang pinapairal
kapag may problema tayo. Hindi sapat ang pagbibintang ng kapwa nang basta basta na walang
matibay na ebidensya. Talagang pinuntahan ni Bree ang bawat taong kasangkot at tinanong sila
nang tinanong upang makakuha ng sagot sa kung sino ba talaga ang may sala. At dahil sa
pagtiyatiyaga niya sa pag-alam, nakuha niya rin ang sagot na hinahanap ng lahat, kung sino ba
talaga ang nagnakaw ng bangus.

Interpretasyon:

Minsan sa buhay, kailangan lang natin ng tiyaga upang mahanap ang gusto nating mahanap.
Hindi natin ito makukuha sa simpleng pagrereklamo lamang at walang gawa, dahil wala tayong
mapapala roon. Tingnan nang maigi ang problema at maghanap ng mga katibayan na
makakapagsabi kung ano ang totoo. Kung hindi natin bubuksan ang mata sa “clearer picture” at
patuloy na magbubulagbulagan dahil sa galit, wala tayong makukuhang sagot dahil sigurado na
tayo na kung ano ang nasa harapan natin ay iyon na iyon.

You might also like