You are on page 1of 12

ROHIKIS ISTRING

Isinulat ni: Velaray

KABANATA I

ANG LAMPARA

§
§
“Sino kaya ‘yon?” pag-uusisa ni Rona sa kanyang isip.

“Namamalik-mata na naman ba ako?” tanong niya sa sarili. “Hay! Kung


ano-ano na naman ang inisip ko”, pagkukumpirma sagot niya sa tanong sa
kaniyang isipan.

“Rona? Nasaan na ang ilaw! Kanina ka pa diyan, ah!” galit na sigaw ng


kaniyang nanay mula sa unang palapag ng kanilang bahay. Agad na bumalik
ang kaniyang kamalayan pero sa lakas nang sigaw. Ngunit, bago pa siya
bumaba ay may narinig itong kalabog ng mga paa na para bang unti-unting
lumalapit sa kaniyang kinatatayuan. Pabilis ito nang pabilis ngunit sa paglingon
nito’y wala naman tao sa kaniyang likuran. Kaya hindi nalang niya ito ininda at
pinansin. Pinilit niyang balewalain ang pangyayaring iyon.

“Nasaan na kaya ang lamparang iyon? Wala naman dito sa kahon eh! Si
nanay talaga! Baka nakalimutan na naman niya at iniwan sa kung saan-saan
iyon,” astang nagdadabog ni Rona.

Biglang nanindig ang balahibo ni Rona habang kinakapa nito ang


lampara sa loob ng mga kahon na parang may kung anong di niya
maipaliwanag. Pilit niyang di dinaramdam ang mga pangyayari, pero di na talaga
siya mapakali. Biglang bumukas ang malaking pinto ng silid na kaniyang
pinasukan. Lumakas ang pintig ng kaniyang puso dahil sa tinding takot.

“Diyos ko! Oh, mga santo tulungan n’yo ako,” daing ni Rona nang paulit-
ulit sa sarili. Biglang may nagsalita sa kaniyang likuran.
“Ate, nakita mo na ba ang lampara?” palambing na sabi ng kapatid nitong
si Berto.

“Hay naman oh! Itong batang ito! Naku, Berto ikaw talagang bata ka!
Kinabahan naman ako sa’yo. Pabigla-bigla ka nalang sumusulpot! Alam mo
namang gabi at walang ilaw! Paano kung maaksidente ka,” panay reklamo ni
Rona sa harap ng kaniyang kapatid. “Diyan ka lang muna at kakapain ko lang
ang lampara,” bilin ni Rona sa kaniyang bunsong kapatid.

“Parang dito na yata sa isang kahon,” pagtatanong ni Rona sa kaniyang


sarili. “Oh, diba? Sabi ko na dito lang talaga nakatago. Tara, balik na tayo sa
kanila sa ibaba,” sabi ni Rona.

Binaling niya ang kaniyang pagtingin sa kinatatayuan ni Berto habang siya


ay nagsasalita at nakita niyang wala na ito. Nagulat siya kaya dali-dali siyang
tumayo at lumabas sa silid nang hindi na ito naisara ang pinto.

“Hay! Talaga ang batang iyon! Pasaway talaga,” himutok niya sa kaniyang
isipan.

Habang tinatahak ni Rona paibaba ang kanilang hagdan ay may dumampi


sa kaniyang pisngi ng malamig na simoy nang hangin na para bang pilit siyang
hinihila pabalik sa itaas. Ang kaniyang mga yapak sa hagdan ay para bang kay
bigat na para bang ayaw gumalaw ng kaniyang mga paa paibaba ng hagdan.
Kinakabahan nang todo si Rona dahil hindi niya ito inaasahan na mangyari.

“Diyos ko por santo! Ano ba itong nagyayari sa akin? Bakit ba ako


kinakabangan pati sa hangin?” tanong uli niya sa kaniyang sarili. “Hahaha…
Rona, ano bang nangyayari sa’yo? Di ka naman dating ganyan,” pakikipag-usap
nito sa kaniyang sarili. Patuloy na bumaba na ito.

“Nay, heto na po ang lampara. Nandoon lang pala sa isang kahon. Akala
ko po kung naiwan mo na naman ito sa kung saan-saan. Makakalimutin ka pa
naman,” salitang-biro ni Rona sa kaniyang nanay.

“Sisindihan ko muna, nay,” sabay na gawa ni Rona.


Dahan-dahan niyang tinahak ang kusina para kumuha ng posporo.
Pagbalik niya ay nakita niya si Berto na nakahilata na sa upuan at tulog na tulog
na. Kitang-kita na pagod ito sa buong araw na paglalaro kasama ang kaniyang
mga barkada.

“Alam mo, nay. Itong si Berto, sinundan pala niya ako sa itaas...”
pagsusumbong ni Rona sa kaniyang nanay.

“Huh! Sinundan?” pagtatakang tugon nito kay Rona. “Anong sinundan?


Kanina pa ito tulog,” agarang sagot nito. “Habang papaakyat ka sa ikalawang
palapag ay tulog na ang kapatid mo. Di mo ba napansin? Ikaw pa nga ang
naghele sa kaniya,” paliwanag ng nanay ni Rona.

“Ikaw, Rona! Ang bata mo pa pero makakalimutin ka na. ‘Yan na ang


bunga ng mga pinagsasabi ko sa’yo noon. Di ka kasi nakikinig. Akala mo, mali
ako. Oh di ba ngayon, ano? Di ba tama ako! Tigilan mo na iyang iba mong
kinaaabalahan nang di iyan lumala habang di pa huli ang lahat,” pagpapaliwanag
ng nanay nito sa kaniya.

Nanlaki ang mata ni Rona habang nakikinig sa paliwanag ng kaniyang


nanay. Nagtataka siya dahil kitang-kitang at dinig na dinig niya ang kaniyang
kapatid.

“Huh! Sigiurado ka, nay? Eh kasi kausap ko pa nga siya kanina sa itaas!
Pinahintay ko pa nga siya at sinabihang ‘wag malikot,” konting-taas ng boses sa
pagpapaliwanag nito.

“Rona, anong pinagsasabi mo? Tulog si Berto kanina pa! Di pa iyan


nagising mula kanina pa nang pinatulog mo ito,” tugon ng nanay nito sa kaniya.

Biglang natulala si Rona habang iniisip ang mga pangyayari. Sigurado


kasi siyang si Berto ang kausap niya kanina sa silid. Napaupo siya at tinitigan si
Berto habang inaalala ang lahat ng pangyayari. Ngunit malinaw talaga sa
kaniyang isipan na si Berto talaga iyong kausap niya. Kinabahan na naman siya
at di mapakali sabay haplos ng malamig na hangin mula sa durungawan ng
kanilang bintanang yari sa bato. Nambigat ang kaniyang katawan at naging
balisa siya sa kaniyang kinatatayuan. Pinipilit niyang maging kalmado kahit
natataranta na ang kaniyang isipan.

Ginising nila si Berto para sabay na maghapunan. Tahimik silang lahat


habang kumain at pasulyap na tinitigan si Berto. Hindi pa rin mawala kaniyang
isipan ang naganap kanina. Tinapos nila ang hapunan, niligpit ang kinainan at
hinugasan ang mga pinggan. Bandang alas otso ng gabi ay natulog na silang
lahat.

Bago matulog at paggising sa umaga, nagdadasal si Rona nang


mataimtim sabay sabing. Ito ang palaging dasal niya sa Panginoon, “Diyos na
makapangyarihan! Sana’y patnubayan mo po ako sa araw na ito pati na ang
aking mga anak, si Hirman at lahat ng mahal ko sa buhay. Patawarin ninyo kami
sa aming mga kasalanan at ilayo n’yo po kami sa kapahamakan.”

Lagi itong ginagawa ni Rona bago siya tumayo sa kaniyang kama.


Dinampot niya ang kaniyang pulang tuwalya na gawa sa balahibo ng tupa at
tinungo ang banyo upang maligo.

Ang pagtitilaok ng manok sa kanilang bakuran ang siyang palatandaan


ng mga tao sa malaki at lumang bahay nila Rona na umaga na. Isa-isang
bumangon ang mga ito.

“Magandang umaga, nay,” wika ni Berting kay nanay Istring sabay hikab
na halatang puyat pa ito dahil kulang ang tulog nito kagabi. Si Berting ay
nakatatandang kapatid ni Kabo.

Marami na ang nangyari sa pamilyang ito na masasabi ng mga tao sa


kanilang baryo na kakaiba maging ang tao sa karatig barangay ay may alam sa
istorya ng pamilya ni Rona.
“Kapag nagtitipon kami ay gawain talaga ito ni nanay,” wika ni Berting.
“Naiinis ako dahil ayoko pa naman ang mga kuwentong katatakutan
sapagkat madadala ko ito hanggang sa pagtulog,” daing ni Berting.
“Ngunit, kinakantyawan naman siya ng mga pinsan niya dahil masyado
raw akong OA,” pagsusumbong niya.
“Hoy, ikaw berting! Ang OA mo naman. Kaylaki mong tao at takot sa
ganyan. Hahaha… Hindi naman ‘yan totoo…” kantyaw ng kaniyang mga pinsan.
“Berting! Bakla ka, ‘ata! Hahaha…” dagdag na kantyaw sa kaniya.
Kaya napilitan nalang itong makinig sa kuwentong nagpapatatak sa
kaniyang isipan hanggang ngayon.
“Kabisadong-kabisado ko na ang kuwento ni mama pero, bakit hanggang
ngayon ay natatakot parin ako kapag naririnig ko ito,” wika ni Berting sa kaniyang
isipan habang takot na takot na nakatingin sa bintana. Tanaw niya ang malaking
buwan mula sa kaniyang kinauupuan.
Nagsimula na ang pagkukuwento…
“Dalawampung taong gulang pa lamang ako noon at kuwento ito ni nanay
Rona sa akin. Murang edad pa lamang daw sila nanay at tatay ay nagpasyang
magpakasal nang sila lang dalawa. Lagi daw pumupunta si tatay sa bahay nila
noon upang bumisita sa kaniyang iniirog na si Rona. Makinis at kayumanggi ang
pagkakalarawan ni tatay sa kaniya, mayroon siyang ngiting nakakahumali na
siyang pinakagusto ko,” iyon ang sabi ni Hirman. “Napapatula ang mga binata
kapag si Rona na ang naglalakad o lumabas sa kanilang malaking bahay.
“Hi! Rona,” sabi ni Hirman sabay tawa nang may lambing.
“Hello,” tugon naman ni Rona sa kaniya.
“Bakit ngayon ka pumunta? Alam mo naman di ba na nandito sila nanay
at tatay. Baka pagalitan ka na naman ‘nun, lalo na si lola. Alam mong ayaw sa’yo
‘nun,” pagpupumillit ni Rona na paalisin si Hirman.
“Di naman ako magtatagal. Ibibigay ko lang sa iyo ito,” sabay tawa ng
napakatamis.
“Uy! Ano ba ‘yan, Hirman? Bilisan mo dahil ayaw kong mapagalitan ka at
ako rin,” pagmamadaling-tugon ni Rona kay Hirman.
Ibinigay ni Herman ang isang piraso ng pulang rosas sa kaniyang
harapan. Parehong nahihiya ang dalawa at lalo na si Rona. Pakiramdam nito ay
namula ang kaniyang pisngi habang nadadalawang-isip na tanggapin ang pulang
rosas.
“Hirman, bulaklak? Para ba talaga sa akin ito?” pagtatanong ni Rona.
“Bakit alam mo ang paborito kong bulaklak?” namumulang sabi ni Rona kay
Hirman habang tinanggap ang paboritong rosas. Hindi maiwasang kiligin si Rona
sa regalo ni Hirman sa kaniya. Makikita ito sa kaniyang mga mata at halos hindi
ito direktang makatitig kay Hirman.
“Rona, mahal na mahal kita,” sabi ni Hirman. “Alam kong hindi ako
tanggap ng pamilya mo, pero paliligayahin kita habambuhay. Ibibigay ko lahat ng
iyong kailangan mapasaya ka lamang basta’t makasama ka lang Rona,”
pakikisuyong sabi ni Hirman. Makikita sa mukha kung gaano kaseryoso ni
Herman kay Ronalalo na sa tono pa lamang ng kaniyang mga sinasabi.
Di nakasagot si Rona kay Hirman dahil walang pasubaling inilahad nito
ang kaniyang naramdaman kay Rona. Natulala ito at dinamdam ang bawat
salitang binibigkas ni Herman sa kaniya. Wala ni isang salitang lumabas sa bibig
ni Rona dahil hindi niya ito inaasahang sambitin ni Hirman ang mga katagang ito.
Naging normal na lamang na umaangal at di pabor ang magulang ng
nanay at lola ni Rona kay Hirman kasi wala pa silang kamuwang-muwang sa
buhay at lalong wala silang hanapbuhay para buhayin ang kanilang magiging
anak.
Pagpasok ni Rona sa kanilang bahay ay nakita niyang nakadungaw si
nanay Istring sa kanilang bintana at agad ding di nagpakita. Kinabahan si Rona
sa susunod na mangyayari.
Isang hakbang mula sa pinto ay nakita na niya ang nanay niyang may
masamang tingin sa kaniya at may hawak-hawak ang pamaypay nitong yari sa
dahon ng anahaw. Pinatingkad lamang nito lalo gamit ang pinturang mamahalin.
Kahit nasa bahay lamang ito ay nakapustura pa rin siya at napagkakamalang
dadalo sa isang engrandeng selebrasyon.
“Hoy, Rona! Nagkikita na naman ba kayo ng lalaking iyon?” galit na
tanong nito sa kaniya.
“Ano ‘yang tinatago mo sa likuran mo? Akin na ‘yan at nang masunog ko!
Di ka talaga nagtatanda! Di ka talaga nakikinig sa mga payo ko,” sabay kurot ni
nanay Istring sa tagiliran ni Rona. Umiyak na lamang si Rona at hindi na umimik.
“Ba’t ka umiiyak-iyak diyan?” sinitang sabi ng kaniyang nanay. “Alam mo
Rona, maraming lalaking mas bagay para sa’yo. Bakit ka nagtiya-tiyaga sa
lalaking di kaya ipagmalaki, di kayang ibigay ang mga pangangailangan mo sa
pang-araw araw. Handa ka na bang magkapamilya at magtiis sa kung anong
meron lamang kayo? Isang kahig, isang tuka lang ang magagawa ng lalaking
iyon sa’yo?” patuloy na panlalait nito. “Maganda ka anak. Gamitin mo naman ang
utak mo,” wika ng nanay nito sa kaniya.
“Nay, mahal ko si Hirman, pinasasaya niya ako…” paliwanag nito Rona.
“Huh! Pinasasaya? Bakit nakakain ba ang kasiyahang iyan? Makabibili ka
ba ng mga gamit ang kasiyang sinasabi mo?” galit na sumbat nit okay Rona.
“Walang perang manggagaling mula sa angkan natin ang masasaiyo kung
siya man lang ang gusto mo!” galit na galit ito habang nagsasalita sa harapan ni
Rona at nanlilisik na ang mga mata sa kaduduro nito sa kaniya.
“Nay, bakit kayo ganyan?” wika ni Rona sabay patak ng mga luha nito
mula sa kaniyang mga mata.
“Basta ayoko sa lalaking iyon at huwag ka nang magpakita sa kaniya!
Kung hindi, may masamang mangyayari sa inyong dalawa,” pinal na sabi nito
kay Rona. Umalis ang kaniyang nanay na galit at hindi na binigyang nang
pagkakataong makapagsalita pa si Rona.
Tumakbo sa itaas si Rona at hindi na lumabas ng kaniyang kuwarto.
Halos kalahating araw siyang nasa silid lamang nito. Di na siya nananghalian at
nagpatuloy sa pag-iyak dahil sa mga pangyayaring naganap.
Pagsapit ng gabi at nakapatay na ang ilaw sa kanilang bahay, mga
bandang alas sais iyon, nagpasya siyang lumabas sa silid para kumain, pero sa
halip ay kinuha nito ang kaniyang sandalyas at dahan-dahan niyang binuksan
ang pinto. Lumabas siya sa kanilang bahay at tumungo sa bakuran.
Dinig na dinig niya ang tunog ng mga kuliglig habang kaniyang tinatahak
ang daang patungo sa bahay ni Hirman. Nanindig ang kaniyang balahibo nang
biglang umungol ang aso sa noon ay di naman ganyan. Gayunpaman,
nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad. Biglang may nakita itong matandang
nakahandusay sa daan. Ngunit nang kaniyang nilapitan ay unti-unti itong nawala
sa kaniyang kinalalagyan. Sinipat niya ito nang maayos pero wala na talaga ang
matanda. Kaya dali-dali na lang itong naglakad papalayo. Ang nasa isipan niya
ang makarating sa bahay ni Hirman.
“Hirman! Hirman! Gising ka pa ba?” sigaw nito mula sa labas ng kubo
habang umiiyak. Naiiyak siya dahil sa kaba at takot sa kaniyang pagtakas sa
bahay nila at sa nakitang matanda sa daan.
“Rona, gabi na ah! Bakit ka naparito nang ganitong oras? Sinong kasama
mo?” nagtatakang tanong ni Hirman. “Mahal ko, bakit ka umiiyak? Anong
nangyari sa’yo?” sunod-sunod ang tanong ni Hirman na unti-unti nang
natataranta. “Halika pasok ka muna.”
“Si nanay kasi galit na galit siya kanina. Di ko na alam ang gagawin ko,”
pagsusumbong ni Rona kay Hirman. “Magsama na tayo, Hirman.
Magpapakalayo-layo na tayo at mamumuhay nang tayo lang,” pagmumungkahi
nito.
“Sigurado ka ba, Rona? Alam kong ayaw ng nanay mo sa akin,” pag-
aalalang-tugon nito.
“Oo alam ko ‘yon. Pero pinaliwanag ko sa kaniya na mahal kita at mahal
mo rin ako,” umiiyak na salita ni Rona. “Di ba kaya mo naman akong buhayin
kapag magsama tayo? Ano pa ba ang kailangan, Hirman?” garalgal na
paliwanag ni Rona kay Hirman.
“Siyempre naman, kaya kitang buhayin at sa magiging mga anak natin,”
pagsisigurong sagot ni Hirman sa mga tanong ni Rona sa kaniya.
Tuluyan nang niyakap ni Hirman si Rona. Palatandaan na nakasundo sila
sa kanilang pinag-usapan.
Nagkataong bumuhos ang malakas na ulan at buong-buo na ang
desisyon nilang dalawa. Nang gabing iyon ay may nangyari rin sa kanila na
pareho nilang ginusto. Kinaumagahan ay nilisan na nila ang kanilang lugar nang
walang pagdadalawang isip. Pumunta sila sa bayan ng Kamangga at namuhay
ng simple.
Pagkaraan ng siyam na buwan, biniyayaan sila ng kambal na mga
lalaking anak at ang panganay ay si Kabo dahil siya ang unang lumabas at si
Berting naman ang bunso. Parehong matalino at responsibleng magkakapatid
ngunit hindi sila magkakasundo sa lahat ng bagay maliban lamang sa pagkain.
Ang pagkain ng lamang-loob na siyang pinakatatagong-lihim nilang magkapatid
maging ang kanilang ama at ina ay di alam ang sekretong ito.
Sa sampung taon nilang pagsasama ni Hirman at Rona ay napuno na ito
ng away at di pagkakaintindihan. Ang pagmamahal na kanilang pundasyon sa
kanilang pag-iibigan ay tuluyan nang naglaho na parang isang bula na sa isang
iglap lang nawala rin lahat.
Dahil sa mga pangyayaring ito, umuwi Rona sa mga magulang niya sa
Siquijor kasa-kasama ang mga anak. Kung tutuusin, kahit anumang suwerte sa
pagsasama nilang mag-asawa ay wala rin itong silbi dahil naghiwalay din sila
kalaonan.
Dumaan ang ilang buwan ang paghihiwalay nina Rona at Hirman.
Nahihirapan si Rona na buhayin ang kaniyang kambal na anak dahil tanging si
Hirman lamang ang naghahanapbuhay sa kanila.
Si Rona ay mapagmahal, maalaga at maparaang ina para mabigay
lamang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi niya masisisi ang
naging buhay niya ngayon dahil pinili niya ito, samantala inaasahan naman ito ng
nanay ni Rona na si nanay Istring sapagkat hindi sila handa na bumuo ng
pamilya.
Isang araw, panahon iyon ng bagyong Ondoy ay nawalan ng kuryente ang
buong bayan. Tumuloy sila sa nanay nito na si nanay Istring kasama si lolo
Istong at lola nito na siyang tanging andoon, siguro mag iisang daan na ang
edad ng lola niya na si lola Puring gayunpaman, nakakatayo parin ng tama at
malakas pa rin ito. Sila lamang ang siyang tanging nakatira sa kanilang malaki
at lumang bahay sa Siquijor, di na rin kagandahan ang labas ng kanilang bahay,
puno na ito ng mga damo, puno ng balite at patay na pung-pung ng mga
bulaklak
Inutusan ni lola Puring si Rona na kunin ang lampara sa pangalawang
palapag ng kanilang bahay.
“Inday Rona, kunin mo nga ang lampara sa itaas.”
“Sige ho, lola.”
Sumunod naman si Rona at kaagad namang umakyat paitaas.
Pagkabukas niya ng pintuan ay nagulat siya dahil may nakita siyang tao.
Nagtatanong ang kaniyang isipan na wala namang tao doon sa itaas dahil lahat
sila ay nasa ibaba.
“Sino kaya iyon?”
Nakatayo ang taong iyon na may pigurang lalaki at nakabarong pa ito.
Kinakabahan siya dahil bumalik sa kaniyang hinuha ang makakita ng kaluluwa
sa hindi inaasahang panahon.
“Diyos ko! Oh! mga santo tulungan n’yo ako” daing ni Rona nang paulit-
ulit.
Inisip na lamang niya na baka si lolo Istong lamang iyon, ang kaniyang
ama, na umakyat lamang pala doon nang di niya nakita. Gayunpaman, hindi na
niya ito pinansin at dali-dali niyang kinuha ang lampara at patakbong pumanaog
sa hagdanan.
Natawa na lamang si Rona sa kaniyang ginawa dahil napatanong siya sa
kaniyang isipan na, “Bakit ako matatakot? Eh, si lolo Istong lang iyong aking
nakikita sa itaas!”
Dahan-dahan na siyang naglakad papuntang sala dala ang lampara.
Nang palapit na siya sa sala, nakita na naman niya ang lalaki sa bandang
pasilyo ng kanilang bahay at naaaninag niya ito dahil sa dala nitong ilaw.
Kinabahan nang todo si Rona ngunit si Hirman na pala ang kaniyang nakita ang
kanyang hiniwalayang kasakasama.
Di na niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman at natatarantang
nangtatanong uli sa kaniyang isipan na, “Bakit nandoon si Hirman at nakabarong
pa ito? Ano ang ibig sabihin nito?” Naglalarong tanong ni Rona sa kaniyang isip.
Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin dahil sa pangyayari.
“Diyos ko! Oh! Mga santo tulungan n’yo ako” daing ni Rona nang paulit-
ulit.
Maya-maya lamang ay biglang may kumalabog sa bubong at may
malakas na ingay na kumatok sa pintuan namin at biglang tinawag si Rona.
“Day Rona, Day Rona, puntahan mo si Hirman sa bahay nila,” sabi ni lola
Puring. Nabigla si Rona sa pagkasabi ni lola Puring dahil may iba itong
ipinahiwatig.
Sa walang pali-paliwanag, agad-agad namang bumaba si Rona at
humihingal na tumungo sa bahay nila Hirman.
Sa bahay ni Hirman, mabilis na tumakbo sa kuwarto si Rona at nakita niya
si Hirman na nahihirapan nang huminga at naghihingalo. Malapit na itong
mawalan ng buhay dahil halos hindi na ito makapagsalita.
Sabi ng lolo, “kung ano man ang nagawang kasalanan ni Hirman sa’yo,
Rona ay magkapatawaran na kayo.”
Nang banggitin ang linyang ito, bumuhos ang luha ni Rona at walang
pagdadalawang-isip na humingi ito ng kapatawaran sa kanilang mga nagawang
kasalanan sa isa’t isa naalala ni Rona ang mahigit sampung taon nilang
pagsasama lalo na ang maliligayang araw na magkasama silang dalawa. Bukal
na tinanggap ang mga ito ni Hirman at bahagyang tumawa, tulad ng tawang
nakita ni Rona noong unang pagkikita nila. Pagkasabi ni Rona noon ay saka na
lamang binawian ng buhay si Hirman.
Bumuhos ang maraming patak ng luha ni Rona sa pagkasawi ng kanyang
asawa sapagkat naghilaway na ang dalawa ay mahal pa rin nila ang isa’t isa
subalit huli na ang lahat.
Nang makita ni Rona ang katawan ni Hirman na nakalatay ay napaisip
agad itong kinulam si Hirman, malakas ang kanyang paniniwala na kinulam ito
dahil hindi normal ang mga sugat na makikita sa buong katawan nito lalo na sa
bandang likoran at tagilirang bahagi.
Mas lalong naniwala si Rona pati ang mga taong nakabalita na kinulam
talaga si Hirman dahil nang ibinurol ito, may pusang itim na parating sumisilip sa
kabaong niya mula sa itaas ng kisame. Hindi ito karaniwan sa amin, pero ang
pusang iyon ay palaging nandoon sa puwesto sa pagsapit ng dapit hapon lalo na
pag kabilugan at maliwanag ang buwan, ito’y palaging nakatutok sa kabaong ni
Hirman. Minsa’y may itim na dugong pumatak mula sa itaas sa kinalalagyan ng
itim na pusa. Kahit tinataboy ito ay babalik at babalik pa rin puwesto nito at
minsa’y muntik niyang nasugatan si Rona dahil sa pagtaboy nito.
Naalala niya noong bata pa siya, ayaw siyang palapitin o ipabisita ng
nanay nito sa kanyang lola.

You might also like