You are on page 1of 6

Kabanata 1 Nag ring ang cellphone ni Olivia. Nagdadalawang isip siya kong sasagutin iyon.

Hindi niya pinansin iyon at nagpatuloy lang sa pag drive, nagulat siya nang muling mag ring iyon pagkatapos ng dalawang minute. Si gary ulit ang tumawag hindi ito titigil sa pag tawag hanggat hindi siya nakaka-usap. Hello! Galit na pag sagot ni Olivia, May friend akong darating sa bahay mo ngayon o bukas. Anon a naman ang pinagsasabi ng peste kong kuya! Bwesit talaga! Kuya hindi puwede, ayokong may kasama sa bahay. Hindi lubos maisip ni Olivia kung bakit ganoon na lamang ang papel ng kuya niya sa kanyang buhay. Gusto niya ang bago niyang buhay, gusto niya ang kalayaan ng pag-iisa pero ang kuya niya ay laging nakikialam.

Kabanata 2 Napabalikwas siya sa kama nang mag ring ang alarm clock; alas seis nang umaga muli siyang bumalik sa kama at nahiga. Hindi niya napansin na unti-unti ay nakakatulog na naman siya . hindi na siya naghanda ng almusal dahil pakiramdam niya ay mahuhuli siya sa pagpasok sa eskwelahan, naglagay siya translucent powder sa mukha at nagpahid nalang ng lipstick pagbaba niya galling kwarto ay tulog pa rin ang binate. Nag luto siya ng sopas para sa kanilang dalawa, nag prito rin siya ng fried chicken, pagkatapos ay kumain at sinamahan ni oli ang lalake sa magiging silid nito. Sumunod nilang pinuntahan ay ang living room. Ipinaalala rin niyang walang airconditioning sa sala. Umakyak siya sa second floor ng bahay at ipinakita niya rito ang munting library.

Kabanata 3 Paalis na si Olivia upang pumasok sa trabaho nang tawagin siya ni travis. Pwede bang sumabay sayo papuntang bayan? Sure! Pwede. Sabin ni Olivia sa binata. Pinaandar niya ang kotse at sabay tanong, anong gagawin mo don? Wala lng, papasyal, maiksing sagot niya. Tatlong oras naghintay si travis sa lobby ng hotel handa siyang maghintay kahit abutin pa siya ng magpakailanman sa lobby ng hotel.

Kabanata 4 Nagising siyang hubad kasama sa iisang kumot si travis. Nakadagan pa rin ang kalahati nitong katawan sa kanya hindi niya akalain na hindi sila gumalaw nang buong gabi dahil ganoon pa rin ang posisyon nila. Pag gising ng dalawa ay hindi sila nagpapansinan sa loob nang bahay. Nag iwasan sila, sa di inaasahang pagkakataon dahil hindi naman kalakihan ang bahay, nagkita sila sa kusina. Nag iwasan sila ng tingin pakiramdam niya ay nakahubad pa rin siya sa harap nito sa tuwing magtatama ang mga paningin nila. Lumipas ang isang buwan may trabaho na si travis sa peace way hotel. Biyernes ng umaga ay may kakaibang naramdaman si oli. Tinatamad siyang bumangon sa kama at tila nahihilo siya at nagsusuka. Kinabahan siya bago lahat ang naramdaman niya sa katawan. Wala siyang pregnancy test kit kailangan niyang bumili. pag-uwi niya galling sa eskwelahan, upang matapos na ang kutob niya. Pagdating niya sa bahay ay kaagad siyang nag-tungo sa banyo upang gawinang pregnancy test, positive ang tumambad sa kanyang paningin.

Kabanata 5 Alas tres nang madaling araw nasa roof deck ng peace way hotel si travis at nakasandal sa kotse habang naninigarilyo parang ayaw muna niyang umuwi sa bahay ni oli. Naiilang siya at parang nandiri sa sarili. Malayo ang tingin ni oli habang nakaupo sa porch ng kanyang bahay. Alas doce nan g hating gabi subalit hindi pa siyamakatulog. Binangungot siya pero di namn siya tulog. Kung mayroon lang sanang magmamahal sa kanya nang tunay at hindi lang pisikal na pangangailagan ang gusto sa kanya. Malakas ang loob ni Olivia matapang siya at kaya niyang harapin ang magiging sitwasyon. Hanggang dumating ang ikatlong araw pagkatapos baliktarin ang utak niya sa dapat niyang gawin, sa wakas nakabuo nang desisyon si oli. Payag na siya na makipag live-in kay travis para lang sa baby nila.

Kabanata 6 Ipinagtapat ni travis kay Ashley ang tungkol sa kanila ni Olivia. Walang imik ang dalaga habang naglalahad siya.magkaibigan na muli sila dahil iyon ang gusto nito kaya naman walang dahilan para hindi makipagkita rito at isa pa walang alam si oli tungkol sa

kanyang nakaraan. Hating gabi nang makauwi si travis tahimik ang buong bahay, bago siya pumasok sa kwarto dumaan muna siya sa silid ni oli. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita niya ang mahimbing ang tulog nang dalaga. Napangiti siya at maingat na isinara ang pinto. Maagang nagising si Olivia dahil maagang pasok niya sa pagtuturo nang mapadaan siya sa kitchen at may napansin siyang sulat akala niya ay binasa ni travis ang note na iniwan niya nang nakaraang gabi. Dinampot niya ang papel at itatapon sana sa basurahan nang mapansin niyang kanyang pangalan, kaya binasa niya ito habang nakangiti.

Kabanata 7 Nalaman nang buong angkan ni Olivia na siya ay nagdadalang tao. Alam na rin ng angkan ni travis na magiging daddy na ito. Mayroong negative, positive at violent reactions mula sa ibat-ibang miyembro ng mga pamilya nila, nalaman na rin ni gar yang kalagayan ng kapatid niya. Sa halip na magalit ay tuwang-tuwa ito dahil alam nito na mabuting tao si travis. Hindi nakapaniwala ang tatay ni oli sa mga narinig. Tumunga rin siya ng beer at nakinig na lamang pero hindi ganyan ang pinangarap kong buhay para sa mga anak kong babae. Ewan ko kung saan kami nagkulang na mag-asawa. Gusto mo silang maging ganito pero nagging ganyan sila. Tumunga ulit ito sa bote ng beer. Maiintindihan mo lamang ako kapag nagging magulang ka na. doon ka mag sisimulang bumuo ng mga pangarap sa anak mo, magsisimula kang mangarap.

Kabanata 8 Ill see you later, two oclock sa clinic ni Dr. Reyes pasigaw na sabi nit okay oli habang pasakay siya ng kotse patungo sa trabaho. Napangiti siya tumama sa kanyang mukha ang sinag ng araw subalit hindi niya iyon alintana. Pagkatapos manggaling sa clinic, nag shopping sila ng mga gamit para sa baby. Pagdating sa bahay ay nag desisyon si travis na lumipat na sa kwarto ni oli upang gawing nursery ang silid na tinutulugan nito.

Kabanata 9 Makinig ka sa akin, seryosong umpisa niya habang natatanaw niya ang lalaki mula sa loob ng kotse. Bigla itong nabalisa, mabilis itong napalinga-linga sa paligid at natanaw nito ang sasakyan niya di-kalayuan sa entrance ng ospital. travis, mukhang malapit nang matapos ang kwento nating dalawa dahil nagging mabilis ang nangyari sa ating dalawa. Nakikinig lang si travis habang nakamasid pa rin sa kanya sa gitna ng ulan. I dare you, travis. I dare you to come here with me beside my car kung gusto mong magkaroon ng pamilya kasama ako at ating magiging anak. Nakatitig lamang ito sa kanya at naguguluhan. Naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa at mukhang walang pagasa, wala siyang narinig mula kay travis. Kailangan na niyang mag desisyon. Naguguluhan ang binate sa sitwasyon pakiramdam niya ay masyado siyang napepressure.

Kabanata 10

Ang pag-ibig na lasing

Ipinasa ni: Calixta Nova M. Salas


IV-Bonifacio

Ipinasa kay: Gng. Maricel P. Sulapas

You might also like