You are on page 1of 2

IBIGIN ANG KAPWA AT MAGING ANG KAPINTASAN

Ang pag-ani ng kapayapaan ay gawa mula sa buto ng kontento. Nang ang panganay na
kapatid ay pumanhik sa kaniyang kwarto, nagulantang siya sa kaniyang nasaksihan, bukas ang
kaniyang aparador ng kaniyang damitan. Inisip niyang nalooban ang kanilang pamamahay ngunit
imposible iyon dahil protektado ang kanilang pinto at bintana. Lumapit siya sa bukas na aparador at
napagkonpirma na may nawawalang bestida at dalawang pares ng bakya sa loob. Katabi ng kanyang
kwarto ay ang silid ng kaniyang bunsong kapatid na babae rin. Naisip niyang mag tanong kung nakita
ba niya ang mga nawawalang gamit sa kaniyang kwarto.

Kumatok siya ng ilang beses at nang di kalauna’y bumukas ito niluwa sa loob ang pawisan at
bilasang mukha ng kaniyang kapatid. Tila may tinatago ito sa loob ng kaniyang kwarto. ‘’Huwag mo
sanang masamain ang aking pagtatanong, Kung nag kataon ba, Hiniram mo ba ang aking bistida at
bakya?” agad nitong tanong sa kapatid ng siyang sinagot naman sa bunso kunot ang noo tila hindi
nagustuhan ang tanong “Pinagbibintangan mo ba ako? Hindi na siya nagulat dahil alam naman niyang
hiniram niya ito at ayaw lang aminin sa ilang beses na nangyari ito sa kaniya. “Ilang beses mo na
akong pinagbintangan niyan at ilang beses na rin akong sumasagot ng may ebidensya ka ba?” sabat
muli ng kapatid niya. ”Hindi kita kaylanman pinagbintangan alam mo yan, maaring palagi kitang
tinatanong kung nakita mo ba ang mga gamit ko pero hindi mo naman kaylangang magalit na para
bang kasalanan na ang mag tanong ngayon”. Mahinahong paliwanag niya dito. Imbes na kamuhian
ang asal ng kaniyang sariling kapatid ay nakaramdam ito ng awa. Naawa siya dahil sa pagpatuloy ng
paggsisinungaling nito at sinasabi ng kilos niya na wala siyang iniidang poot sa puso pero iba ang
ipina-pakita ng mga mata niya. Ngumiti na lamang siya sa kaniyang kapatid na may bahid ng simpatya.
“Walang masama kung manghihiram ka, hindi mo obligadong mag sinungaling at para saan pa ang
pagkakapatid natin at halos pinagbiyak lang tayo sa bunga” Sinubukan niya muling amohin ito pero
hindi man lang na tinag. “Ilang ulet ba akong magsasabi sayong wala akong kinuha sayo! May Inay at
Itay tayong makakabigay ng mga luho kong may gusto ako” Aamba sanang yayakap ang kapatid
ngunit agad itong pinagbagsakan ng pinto.

Wala siyang ideya kung bakit nagkaka-ganon ang kapatid niya, mula mus-mos pa lamang sila at
hanggang namulat ay kasing lamig ng yelo ang trato nito sa kaniya. Wala siyang maisip na paraan
kung papaano matunaw ang kalimigan at katigasan ng puso niya ng may na isip siyang gawin. Kung
hindi man sa ngayon mabibigyan ng kasagutan ang tanong kung bakit ibang-tao kung maki-salamuha
ang kapatid niya, gagawa siya ng paraan kung bakit nakasanayan na niyang kumuha nalang basta-
basta ng gamit niya na walang paalam. Umaasa siya kapag nasagot ang tanong niya ay masasagot na
ren ang isa pa niyang problema kung bakit ganoon maki trato ang kapatid sa panganay.

Nagulat ang bunso ng nahuli ng panganay sa akto, suot-suot nito ang saya habang naka harap sa
salamin. Nang malingunan ng bunsong kapatid ang Ate niya ay napabalikwas ito sa pag-takbo sa
Palikuran ng kanilang bahay, hindi alintana ang paligid basta lamang maka punta papalayo sa
Panganay na kapatid. Agad siyang sumunod sa palikuran at naabutan niyang hubad na ang sayang
sadya na ipinatong sa mesa, walang saplot pang ibaba at agad niya itong tinakpan ng tela. Walang
lumabas na salita sa bunso dahil sa kahihiyan. “Hindi ako galit, Masaya akong na laman ang totoo”
Hindi naka ligtas sa kaniyang pandinig ang mumuntiang hikbi kasabay ang pag yakap niya sa
IBIGIN ANG KAPWA AT MAGING ANG KAPINTASAN

panganay. “TAYO’Y UMIIBIG SAPAGKAT ANG DIYOS ANG UNANG UMIBIG SA ATIN, kung ano ang akin
ay sayo rin Mahal kita”

You might also like