You are on page 1of 4

ORADA , ARON JHON C

BSED ENGLISH 2A

CREATIVE WRITING

Si Ding at Ang mahiwagang minokawa

Sa isang mapayapang lugar sa baryo dimakabasag pinggan may isang street sweeper na mas

kilala sa pangalang ding gong sa ilalalim ng tirik na araw sya lamang ang makikita mo sa kalsada

na masinop na nililinis ang bawat kalat sa lansangan sa sobrang metikoloso nya maski ang

itatapon palamang na kalat mga tao dalidali nya itong sasaluhin ng kanyang daspan pagtapos

nyang walisin ng walis tingting ay isusunod nyang pang walis ang walis tambo pang finish dito

hindi sya ordinaryong taga linis lamang dahil sya ay nainiwala na sakanyang aking talento at

kakayahan mababago nya ang takbo sa kanilang baryo.

Pasado alas dose na ng hapon ng matapos sa paglilinis si ding gong ng matagpuan nya ang isang

dalaga sa tabing kalasada sa ilalim ng punong santol napansin ni ding gong na may inaabot ang

babae sa taas ng puno dali dali lumapit si ding sa babae at sinabi.“ bubot pa ang bunga nyan bakit

mo kukuhain kaagad? “ hindi umiimik ang babae at sa pag papatuloy ng pagsasalita ni ding

nagsalita ang dalaga “ ding umuwi ka na lang “ nagulat si ding ng sambitin ng babae ang kanyang

pangalan “ paano mo nalaman ang pangalan ko? Who are u ex choose me? “ ng makuha na ng

babae ang kwintas na nakasabit sa puno ng bayabas lumingon sya kay ding at sinabi “ ikaw ang

napili bilang maging tagapag inggat ng bato” at dali dali na lamang umalis sa pag alis ng babae

may naihulog itong pitaka napansin ito ni ding at ng hahabulin na nya sana ang misteryosang

babae upang maisauli ang pitaka mabilis itong naglaho sa kanyang piling ng pulutin ni ding ang

pitaka at binuksan nya ito. “ ano kayang laman neto .. siguro naman meron, di pako nakakapag

saing “ ng buksan nya ang pitaka nakita nya ang limang daang piso at ang isang kakaibang puting
bato at ilang pirasong snowbear habang sinisipat si ding ang buong limang daang piso sa araw

ngata ngata ang snowbear ibinulsa nya ang kakaibang bato at umuwi na sa kanilang bahay.

“ Lola nakauwi napo ako! “ pagpasok sa pinto ni ding dali daling sumalubong ang kanyang maliit

na aso na walang humpay sa pagwasiwas ng buntot na mas mataba pa sakanyang katawan. “

may pasalubong ako sayo totbun eto snowbear palamig ka muna.“ lola kamusta? andito napo ang

paborito nyong apo paglapag ng bag agad pumunta ng kusina si ding bitbit ang pinamiling bigas

at mamisong sinukli sakanya. “ Lola mag sasaing napo muna ako”.

Dalawa lang sila ng kanyang lola sa bahay at kanyang alagang aso na si totbun isang tagpitagpi

na bahay na puno ng tarpolin ng tumatakbong kandidato ang bubungad sa loob ng kanilang

bahay. “Ding may napanaginipan ako nakita kita sa panaginip ko” sambit ng kanyang lola “ Lola

naman tama naman napo yung panunuod nyo sa Netflix kung ano ano tuloy yung

napapanaginipan nyo “ sagot ng kanyang lola “ Netflix? Ano yun ni wala nga tayong t.v. paano

naman ako makakapanuod aba eh niloloko muko ding .. ngunit nangangamba ako sa aking

panaginip dahil nakita kita na hawak hawak ang kamay ng isang magandang dalaga at nasa

bingit kayo ng kapahamakan “ “ lola naman alam mo naman na wala pa akong kasintahan eh

kahit ako napapagod ng maging gwapo eh kahit anong gawin kong ritwal ni wala pang nag

kakainteres sa gwapo nyong apo “ “pweeee..” biglang naduwal ang kanyang lola at muntikan ng

makuha ng kanilang alagang aso ang kanyang pustisong nahulog sa lapag “.

Ilang taon nading single si ding matapos iwan ng kanyang kasintahan at ipagpalit sa mayamang di

kagwapuhan dahil doon nawalan ng kumpyansa sa sarili ding at isinumpa sa sarili na kahit

makakilala sya ng magandang dalag ay hindi nya babaliking mahulog dahil takot na syang

masaktan pa. ( masakit naman talga  )

“ Nga pala lola may napulot akong pitaka hindi ko na naabutan yung babae na nakahulog nito

kaya ayun ginastos ko na yung laman ng pitaka muka naman syang malaman la. Gusto mob a ng
snowber la? “ habang binubutingting ng kanyang lola ang pitakang puro baryas nakita nya ang

kakaibang bato at nagulat “ “ Ding saan mo nakita itong bato? Sibo sya? Sinong babae ang nakita

mo? “ nagulat ang lola ni ding ng Makita nya ang bato at walang kaalam alam si ding sa mga

nangyayare. “ ehh lola .. yung babae nayun makinis maputi sya pero bakit ganun? Para kasing

wala na sya sa kanyang pagiisip nagulat nga ako ng may sabihin sya sakin “ sagot ng lola. “ ano

ang sinabi nya saiyo? “ “ ang sinabi nya sakin na ako ang napili upang maging tagapa inggat ng

bato “ “ hindi mo ba alam na ang batong ito ay nanggaling pa sa ating mga ninuno, ibininigay

lamang ito sa taong nararapat “ sagot ni ding “ eh lola kalian paba nung huling punta nyo sa

probinsya eh sabi nyo ditto na kayo lumaki” “ basta wag ka ng mag salita .. makakauwi din ako

malapit na ang botohan “ “ ayyy .. sya nga lola “ biglang natapos ang usapan ng maamoy na ni

ding ang nasusunog nyang sinaing.

Pagsapit ng madaling araw gising na agad si ding upang ihanda ang kakainin at maghanda para

sa kanyang trabaho. Normal na lang para kay ding ang kanyang mababait ng kapit bahay na ani

mo’y manok sa umaga na laging pumuputak . isang normal na araw kay ding maliban sa mga

nakikita nya mga barya sa kalsada at mga pitaka na wala ng nagmamayari ..nakatagpo nya ng

landas ang babae na minsan nya ng nakita. “ Miss teka nga lang .. ikaw ba yung nakita ko? Ikaw

ba yung babae na wirdo na bigla na lang nawawala na parang bula?” “ Oo, ako nga ding “ sa

pangalawang pagkakataon tumayo nanaman ang balahibo ni ding at napangiwi sa gulat “ AYAN!

KA NANAMAN EH! Aatakihin ako sa puso bakit alam mo ang pangalan ko? Sino ka nga ba? “

tanong ni ding at sumagot din naman ang babae sinabi nya “ Pasenya at pinakaba kita .. hindi pa

pala ako nakakapag pakilala sayo ako nga pala si Nanna “ “ sakto maputi kapa man din “

pabulong na sinabi ni ding. “ Huh ano? “ sabi ng babae .. “ Wala ang sabi ko .. ang ganda naman

ng pangalan mo bagay sayo” bakas sa mukha ni ding ang pagning ning ng kanyang mata ng

mabighani sya sa kagandahan ni anna na parang bato nakakadik. “ ay nga pala anna bago ka

umalis may gusto sana akong isauli sayo “ inabot ni ding ang pitaka kay ana sabay sabi “ yung

limang daan nabawasan ko na pala pero pinalitan ko naman yung kendi sa loob .. at yung bato ..

yung bato andyan hindi ko alam kung para saan yan pero kinakabahan ako kaya gusto ko
nasana sayong isauli “ sambit ng babae “sayo na ang bato na iyan ipinagkaloob ko nayang bato

upang ikaw ang maging tagapangalaga ingatan mo na mas mahalga pa sa buhay mo dahil kapag

nakuha iyan sayo malaking trahedya ang pwede mangyare. “ so ano to eto ba yung sa mga horror

movie na kakaibang bagay tapos ibibigay sakin para sakin naman mapasa yung sumpa? Sayo

nayan wala akong interes dyan ang gusto ko lang makatulong sa aming baryo, maging simpleng

tao at magpahinga sa pagiging gwapo. “ “ hindi ding hindi muko maiintindihan hanggat hindi ko

nasasabi sayo lahat ng aking nalalaman “ tara sumama ka sakin.

Tanggan ni ding ang kanyang walis ting ting at daspan ng magpunta sila sa masukal na lugar

banda sa abandonadong pagawaan ng pinggan. “ ding mapagkakatiwalaan ba kita? “ sagot ni

ding yakap yakap ang kanyang walis tingting “ Oo naman basta … basta hindi illegal yan “

“ ding ang gusto ko wag kang tatakbo o matatakot kapag nakita mo ako. Tumalikod ka “ sa

pagtalikod ni ding tinanggal ni Nanna ang kanyang suot at nagpalit anyo at nagging isang

malaking ibon .. muntikan na mapasigaw sa gulat at takot si ding dahil sa di inaasahang

pangyayare. “ding ito ang aking tunay na katauhan ako ang inatasang maging bantay mo at ng

bato ipinamana sayo kinailangan ko itago ang aking tunay na katauhan upang maprotektahan ka “

“ saglit .. teka saglit .. bakit napakabilis ng pangyayare simpleng tao lang ako bakit ako ang napili

mo. Kasi gwapo ako? Tska bakit kailangan kong itago ang bato? Hindi naman ako adik at hindi ko

kayang panggalagaan ang bagay na sa una palang wala akong kaalamalam” lumapit si Nanna

kay ding sabay sabi “ wala ka ng magagawa ditto eto ang nakatakdang mangyare dahil kapag

walang nag inggat ng bato maaring malagay sa panganib ang lola mo at lalo na ang alaga mong

aso kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sayo ang lahat ng dapat mong malaman.

You might also like