You are on page 1of 4

“1988”

Nilimbang Ni: Johanna Marie Dino

Taong 1988, ika-14 ng Pebrero, ipinanganak ang tatlong sanggol sa isang klinik sa Sitio Makulay
at kalaunang naging magkakaibigan. Silang tatlo ay napakahirap nang paghiwalayin dahil bukod sa
sabay-sabay silang ipinanganak ay sabay-sabay ring lumaki nang magkakasama. Parang mga kambal
ngunit iba-iba ang mga pinanggalingan.
Nagising si Joy sa sigaw ng kanyang pangalan galing sa labas at sa sigaw mismo ng kanyang Ina.
Pagsilip sa bintana, andoon ang dalawang makulit at matalik niyang mga kaibigan. Bakasyon nila ngayon
dahil kaka-graduate lang ng mga ito sa elementarya at patungong hayskul. Sina Wendy, Irene, at Joy ay
parang mga batong hindi mapagbiyak dahil walang bagay ang makapagpapahiwalay sa kanila.
Pagkatapos maligo at magayos ay nagsikain na muna ang tatlo. Habang kumakain, napatanong
ang Nanay ni Joy kung saan na naman sila pupunta. Sapagka’t tuwing sila ay magkakasama, hindi nila
iniisip kung ano ang gagawin, dahil tatlo silang hirap magdesisyon para sa sarili. Basta’t magkakasama,
kailanman ay hindi sila nagpaplano kung ano ang mga gagawin. Lahat ng mga lakad nila ay wala sa
kanilang mga plano at kung saan sila dalhin ng kanilang mga paa, doon sila pupunta. Tulad nito, ni-hindi
alam ni Joy na pupunta sila dito at walang planong umalis ng kanilang bahay. Pagkatapos kumain,
nagligpit at umalis.
Pupunta ang tatlo sa peryahan dahil ito ay napapabalitang ipapasara. Habang naglalakad,
napagusapan nila ang mga pangarap nila tulad ng pagtatayo ng negosyo, kung saan maibibigay at
maipapakita nila ang mga talentong hindi nila naipapakita sa ibang bagay dahil kahit na magkakaiba sila
ng ugali at gusto sa buhay, nagkakasundo pa rin sila sa ganitong bagay. Plano nilang magtayo ng isang
negosyong na silang tatlo ang mamumuno sa pagbubuo nito. Dahil si Wendy ay kukuha ng kursong Hotel
Management dahil ang hilig niya ay ang magluto at pangarap niyang magtrabaho sa mga hotel at si Irene
ay pangarap ang kursong Computer Engineering, at si Joy naman ang kursong Psychology ang kanyang
pangarap dahil nais din nitong pumuntang ibang bansa at doon magtrabaho. Maaaring hindi
magkakatugma ang mga kursong gusto ng mga ito, ay iisa pa rin ang pangarap nilang magnegosyo ng
magkakasama.
Nang makarating na sa peryahan, dumeretso agad sa ruwedo o mas kilalang ferris wheel sa
ingles, nakailang subok ang tatlong magkakaibigan dahil sa paulit-ulit nilang gustong makita ang langit at
tanawin mula sa itaas. Hindi nagsasawa ang tatlong magmuni-muni sa taas nito, dahil dito sila
nagumpisang mangarap. Napagod na sila’t nagpahinga na at kumain. Minsan kapag sila ay nag-aaway o
nagkakatampuhan, dito sila sa peryahan nagkakatagpo.
Marami ang kanilang pinagsamahan na para bang lahat ng plano nila sa buhay ay dapat
magkakasama silang tatlo, dahil may mga pangarap silang binuo na walang ibang karakter na kasama.
Nagdadamayan sa problema ng isa’t isa at hindi kailanman sumagi sa kanilang mga isip na maaari pala
silang maghiwa-hiwalay.
Sabay-sabay na nakatapos ng Junior Hayskul sina Joy, Wendy, at Irene. Hindi sila nangangako sa
isa’t-isa na dapat lagi nagkakausap o nagkikita sapagka’t, alam nilang may sari-sarili silang mga buhay at
alam nilang magkakaibigan pa rin sila kahit nabawasan ang oras nila nang magkakasama. Sa kabila nito,
magkasama pa rin naman silang magdiriwang ng kanilang kaarawan.
Pagkatungto ng Kolehiyo, mas nahirapan na silang magkita-kita at magkausap-usap. Magkakaiba
na sila ng unibersidad na pina-pasukan, may mga bagong kaibigan na rin na nakikilala. At hindi na
tumutugma ang mga oras nila sa isa’t-isa. Pakiramdam ni Wendy ay nalulunod na sila sa sari-sarili nilang
mga buhay. Si Wendy ay nagsimula nang magtrabaho sa isang hotel at naging manager sa loob ng ilang
taon. Si Irene naman ay naging isang Software Developer at nagsimula ng trabaho sa isang kumpanya sa
teknolohiya. At si Joy naman ay natupad ang pangarap na maging Counselling Psychologist.
Makalipas ang walong taon na pagtatrabaho, nagkaroon ng hindi inaasahang pagkakataon si Joy
na magtrabaho kaugnay sa kanyang kurso na Psychology sa Canada. Isa ito sa mga pangarap ni Joy, at
isang malaking oportunidad ito para sakanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, dahil sa isang
banda ay matutupad na niya ang kanyang pangarap, ngunit sa kabila nito ay maiiwan naman niya ang
kanyang pamilya at dalawang kaibigan na may pangarap na kasama siya. Hindi niya alam kung paano
ipapaliwanag sa kanila ang kanyang desisyon.
Nang masabi ni Joy sa kanyang mga kaibigan ang kanyang oportunidad at desisyon nito, hindi ito
naging magandang balita para kay Wendy at Irene. Nanghihinayang sila na hindi niya naisip na pag-
usapan ito bago siya magdesisyon, dahil nagtiwala silang lagi silang mag-uusap bago mag-desisyon.
Hindi nila maintindihan kung bakit hindi niya naisip na pag-usapan ito at pakiramdam ni Wendy at Irene
ay walang tiwala si Joy sakanilang dalawa.
Nagka-init-an ng ulo ang tatlong magkaibigan at nag-ugat ang mga hidwaan. Hindi maintindihan
ni Joy kung bakit hindi maunawaan ng kanyang mga kaibigan ang kanyang desisyon, pakiramdam niya
ay parang ayaw ni Wendy at Irene na matupad ni Joy ang kanyang mga pangarap. Sa kabilang banda,
hindi naman maintindihan ni Wendy at Irene kung bakit hindi siya nakipag-usap sa kanila. Nag-ugat sa
kanila ang kawalan ng komunikasyon at pagpapahalaga sa isa't isa. Hindi na sila nag-usap nang ilang
buwan at dumating ang araw na kailangan nang umalis ni Joy papuntang Canada. Hindi man lang ito nag-
text o tumawag para magpaalam. At sina Wendy at Irene ay hindi na rin nagparamdam. Nagpatuloy ang
kanilang mga buhay kasama ang pagtupad sa sari-sarili nilang mga pangarap.
Lumipas ang ilang araw, at nais na mapagusapan ni Wendy ang isyu na nangyayari sa kanilang
magkakaibigan. Ngunit nagkaroon din ng hindi pagkakaintindihan si Wendy at Irene dahil pakiramdam ni
Wendy ay hindi kaya ni Joy na pagkatiwalaan silang dalawa, ngunit salungat naman dito ang pakiramdam
ni Irene dahil naiintindihan niya si Joy kahit na siya ay isa ring nagtatampo. Hindi sila magkaintindihan
dahil pakiramdam ni Wendy ay siya ay pinagtutulungan nang dalawa. Nagkahiwalay ang tatlo nang
walang mga pasabi. Hindi sila naaguusap at patuloy na lamang namuhay. Naubos ang kanilang mga oras
mag-iwasan, lalo na sa panahon ngayon na may social media at sobrang dali na ng komunikasyon. Ni-
hindi man lang nila nagawang magkamustahan.
Makalipas ang tatlong taon, napagisipan ni Joy na umuwi ng Pilipinas sapagka’t kinabukasan ay
kaarawan nilang tatlo. Nang siya ay pauwi sa kanilang dating bahay, nakasalubong niya ang may-ari ng
tindahan na lagi nilang pinagbibilhan ng kanilang meryenda. Kinamusta nito si Wendy dahil napapabalita
dito na siya ay may sakit. At hirap na itong makapagsalita. Ikinagulat ni Joy ang narinig nito at biglang
nanghina. Dali-dali itong umuwi at tumawag sa kanyang kaibigan na si Irene. Habang nasa telepono, ay
nanginginig na naghihintay si Joy ng sagot ni Irene. Nang masagot na ni Irene ang tawag, agad sinabi ni
Joy ang balitang kanyang nalaman. Ito ay ikinagulat ni Irene at sinabing hindi niya rin ito alam. Pareho
nilang napagdesisyunang magkita at alamin kung ito nga ba ay totoo.
Agaran silang nagkita at pumunta sa bahay ni Wendy at hindi na napigilan ni Joy at Irene ang
humagugol sa iyak. Hindi nila alam kung ano ang dapat nilang maramdaman sa nakita. Maraming tubo
ang nakasaksak kay Wendy at parang wala na itong lakas kumpara sa dati nitong itsura. Pakiramdam ni
Joy ay maraming araw ang kanilang sinayang at nagsisisi siyang hindi agarang makipagayos at
mangamusta.
Dahil kaarawan nilang tatlo, naisipan ni Irene na magkaroon ng simpleng selebrasyon kahit na
ganito ang sitwasyon nila. Gusto ni Irene at Joy na maranasan ulit nilang tatlo ang makapagdiriwang ng
kaarawan kahit na matatanda na sila. Gumastos ang dalawa para sa selebrasyon na kanilang naisip, nag-
ayos sila ng lamesa at mga upuan sa likod-bahay nila Wendy, sila ay nagpa-catering, at hindi nag
dalawang isip na mag renta ng karaoke, para naman magbigay sigla sa kanilang selebrasyon. At nang
matapos na sila mag-ayos, ay para bang debut ang dating ng magbi-birthday sa araw na iyon. Ang lahat
ay nakahanda na para bang matagal na itong nai-plano. May mga lobo, keyk, disensyo ng mga kurtinang
itinupi, at may mga tent pa. Dumating ang mga bisita at inilabas na rin si Wendy at ito ay naka-wheel
chair
Masayang nagpaparty at kumakain ang mga bisita, at kalaunan ay nagsiuwian na rin ang mga ito
at nagpaalam. Hinayaan na muna ng tatlo ang mga ligpitin at sila ay nagtabi-tabi habang nakatingala sa
langit. Nakadantay ang mga ulo sa isa’t isa na parang domino. Si Joy ang nasa dulo, si Wendy ay
nakadantay kay Joy, at si Irene naman ay nakadantay kay Wendy.
Sa kabila ng hidwaan, hindi nila nakalimutan ang kanilang mga pangarap at ang mga panahon na
masaya silang namamasyal sa peryahan. Hindi pa rin nila maalis sa kanilang isipan ang mga pangarap
nila na magtayo ng negosyo kasama ang bawat isa.
Napansin ni Irene at Joy na hindi na humihinga si Wendy at sila ay humagulgol na sa iyak. Ang
iyak na hindi na napigilan, at may kasamang panghihinayang, at pagsisisi. Kung makakabalik lamang sila
sa taon kung kailan sila ipinanganak at maitama ang kanilang mga pagkakamali, ang taong 1988.

You might also like