You are on page 1of 1

Name: Marsha A.

Requiron Date: November 16, 2023

Course: BSED-FILIPINO 3B

Ang unang pag-ibig ni Maria


Labing-tatlong taong gulang lamang si Maria noong naranasan niya ang kanyang unang pag-ibig.
Sa murang edad ay naranasan na niya ang pagkakaroon ng kasintahan. Natuto na siyang
magpaganda upang mas lalong mabihag niya ang kaniyang kasintahan. Ang kaniyang iniirog
naman ay mas matanda sa kaniya ng dalawang taon.
Kasalukuyan silang nag-aaral sa paaralan malapit sa kanila na malalakad lamang. Papunta sa
paaralan ay magkasama sila hanggang sa pag-uwi ay goon pa rin. Walang araw na hindi sila nag-
uusap dahil gusto ni na palaging makikita ang isa’t isa.
Sa pagdaan ng panahon ay mayos pa rin ang kanilang pagsasama. Nagmamahalan pa rin sila kahit
na hindi pa nila gaanong alam kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Sa kabilang
banda, hindi alam ng kanilang mga magulang na sila ay magkasintaha dahil inilihim lamang nila
ito sa kanila dahil sa mga bata pa sila at tiyak na tutol ito sa kanilang pag-iibigan.
Isang araw, napagdesisyonan nila na mamasyal sa isang tagong pasyalan na hindi gaanong
maraming tao. Marami silang mga bagay na napag-usapan gaya na lamang ng mga plano nila sa
hinaharap ng magkasama. Ipinangako nila na hindi sila maghihiwalay kahit na ano pa man ang
mangyari. Ipaglalaban nila ang kanilang pag-iibigan sa lahat ng tao na gustong tumutol dito.
Sa hindi inaasahan pagkakataon,habang sila ay naglalakad patungo sa sakayan ng jeep ay
nakasalubong nila ang ina ng babae. Silang tatlo ay iba-iba ang naging reaksyon. Hindi naging
maganda ang naging reaksiyon ng ina nito kaya sinabihan sila na mag-usap sila sa bahay. Papunta
sila sa bahay ay kinakabahan sila sa sasabihin ng ina nito. Nang nakarating na silang tatlo sa bahay
ay agad na sinabi ng in ana hindi sila dapat magmahalan bilang magkasintahan. Nagtaka silang
dalawa kung bakit hindi ito pwede kaya nagtanong sila. Ang tugon naman ng ina ay hindi sila
pwede na maging magkasintahan dahil ang lalaki ay pinsan pala niya. Wala silang masabi sa tuon
ng ina at minabuti na lamang na maghiwalay na lang sila. Hindi alam ng baba na magpinsan sila
dahil simula noong nagkasintahan sila ay bagong lipat pa lamang ang pamilya nito sa kanulang
barangay at ang akala niya ay talagang matagal na matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina.

You might also like